10C Pangkat4 ebook

Page 1

EL FILIBUSTERISMO Isang Pagsusuri na iniharap kay

Gng. Rossete M. Banez Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 10

Pangkat 4: Balibat, Mary Bea Patricia S. Baluyot, Wence Kenobi S. Buen, Blue Enoch O. Escobar, Prince Arnold D. Lorenzana, Joaquin A. Loyola, Jasmine B. Maure, Eujanefaith T. Navoa, Christian Carl O.

Petsa: ika- 6 ng Mayo. 2021


TALAAN NG NILALAMAN ARALIN 1:

PAHINA:

Talambuhay ni Rizal ………………………………….…..................... 1 Kasaysayan ng El Filibusterismo.………………..…………………….. 2 Mga Tauhan ……………..…………………………………………..……......... 3

ARALIN 2: PAGLALANTAD NG KATOTOHANAN

Mga Pagsusuri (buod )…………..………………………………………..... Kabanata 1: Sa Kubyerta ……………………….……………………….... 4-5 Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta…...….………………………….. 6-7 Kabanata 3: Mga Alamat ……………….…….……………………........ 8-9 Kabanata 4: Kabesang Tales ……………….…….……………………... 10-12 Kabanata 5: Noche Buena ng Isang Kutsero ……………………. 13-15 Kabanata 6: Si Basilio ……………….…….……………………………..... 16-18 Kabanata 7: Si Simoun ……………….…….…………….………………... 19-20 Kabanata 8: Maligayang Pasko ……………….…….…………………. 21-22 Kabanata 9: Si Pilato ……………….…….……………………………….... 23-24 Kabanata 10: Kayamanan at Kagustuhan ………………………... 25-26

ARALIN 3: PAGKAMULAT NG ISIPAN AT PAGLULUNSAD NG PAGBABAGO

Kabanata 11: Los Baños…………………………………………………….. 27-28 Kabanata 12: Si Placido Pinetente………………………………….... 29-30 Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika…………………………………….. 31 Kabanata 14: Ang Tirahan ng Mag-aaral………………………….. 32 Kabanata 15: Si Ginoong Pasta…………………….…………………... 33 Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik………………… 34 Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo…………………….…………..... 35 Kabanata 18: Ang Kadayaan…………………….……………………..... 36

ARALIN 4: ANG PAIT NG KATOTOHANAN Kabanata 19: Mga Kapighatian ng Isang Intsik……………….... 37 Kabanata 20: Ang Nagpapasiya…………………….……….………...... 38 Kabanata 21: Mga Ayos ng Maynila………………………………….... 39 Kabanata 22: Ang Palabas…………………….………………………....... 40 Kabanata 23: Isang Bangkay…………………….……………………...... 41-42 Kabanata 24: Mga Pangarap…………………….……………………...... 43 Kabanata 25: Tawanan at Iyakan……………………………………..... 44-45


TALAAN NG NILALAMAN ARALIN 5: ANG MGA PAGTUTUOS AT PAGKAMIT NG PAGBABAGO Kabanata 26: Mga Paskin…………………………………………..... 46-47 Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino……………………... 48-49 Kabanata 28: Pagkatakot………………………………………….…. 50 Kabanata 29: Ang Huling Salita Tungkolkay Kapitan Tiago 51 Kabanata 30: Juli……………………….………………………………... 52 Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani………………………….. 53 Kabanata 32: Mga Ibinunga ng Paskin …………………………54

ARALIN 6: ANG KAHINAAN NG MGA PAGPAPAKASAKIT Kabanata 33: Ang Huling Matuwid …………………………….... 55 Kabanata 34: Ang Kasal……………………….……………………….. 56 Kabanata 35: Ang Piging ………………………………………………. 57 Kabanata 36: Mga Kagipitan ……………….……………………….. 58 Kabanata 37: Mga Hiwaga…………………………………………….. 59 Kabanata 38: Kasawian …………………………….……………….... 60 Kabanata 39: Katapusan …………………………………………….... 61 Talasanggunian Online https://www.wattpad.com/223194758-el-filibusterismo-buod-pahiwatigng-bawat-kabanata https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-elfilibusterismo/ https://www.google.com/amp/s/www.wattpad.com/amp/687039990 https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/ https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-tauhan/ http://www.joserizal.ph/fi02.html https://www.panitikan.com.ph/ Aklat Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma Aklat 02 (Pahina 473-481)



TALAMBUHAY NI RIZAL Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pagaaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago. Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

1


KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

2


MGA TAUHAN Simoun – Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal Moreno Isagani – Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez Paulita Gomez – Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina Basilio – Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap Juli – Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama Pari Camorra – Paring mukhang artilyero Pari Salvi – Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw Pari Sibyla – Vice Rector ng Unibersidad Pari Irene – Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastilang Pari Fernandez – May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari Pari Florentino – Amain ni Isagani Kabesang Tales – Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan Don Custodio – Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta Ginoong Pasta – Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya Ben Zayb – Manunulat at mamamahayag Donya Victorina – Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa Quiroga – Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni Juanito Mataas na Kawani – Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio Kapitan Heneral – Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun Hermana Penchang –Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia Placido Penitente – Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin, pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi naagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral Makaraig – Mayaman at isa sa pinakamasigasig na isang magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez – Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba Sandoval – Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas Pecson – Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa hinaharap

3



KABANATA 1: SA KUBYERTA Buod: Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun. Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral. Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila. Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya.

Mensahe: Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong nasa taas ay ang gumagawa ng kanilang mga intindihin.

Pagsusuri: 1. Sinu-sino ang mga pasahero sa itaas ng kubyerta? Ilarawan ang bawat isa. ·Simoun- Siya ay si Crisostomo Ibarra sa Noli me Tangere na nagbabalatkayong magaalahas sa kanyang pagbabalik sa bayan ng San Diego. ·Don Custodio- Siya ang tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Nasa kanyang kamay ang desisyon tungkol sa Akademya ng wikang kastila. ·Ben Zayb- Isang kastilang mamamahayag sa pahayagan na sumusulat ng mga artikulong laban sa mga Pilipino. ·Padre Irene- Siya ang prayleng kastila na nakikiisa sa mga kabataan sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila. ·Padre Salvi- Siya ay isang paring Pransiskanong dating kura ng bayan ng San Diego. Kurang pumalit kay Padre Damaso. ·Donya Victorina- Isang babaeng Pilipina na mapagpanggap na mestisang kastila. Makapal ang kolorete sa mukha at tinutuligsa dahil sa kanyang maling pangangastila. ·Kapitan Heneral- Pinakamakapangyarrihan sa Pilipinas. Siya ay kaibigan ni Simoun kaya't pinangingilagan ng mga prayle si Simoun. ·Padre Camorra- Ang paring mukhang artilyero ·Padre Sibyla- Agustinong pari na laging sumusubaybay sa kilos ni Crisostomo sa Noli.

4


KABANATA 1: SA KUBYERTA 2. Ano ang kanilang pinagtatalunan?pinag-uusapan? Napag-usapan nila ang pagpapalalim at pag papatuwid sa ilog pasig. Ngunit bawat sa kanila ay hindi nagkasundo at nagtatalo dahil iba-iba sila ng nais at minimithi.

3. Bakit kakaiba ang ang Bapor Tabo sa ibang barko? Ang Bapor Tabo ay kakaiba sa ibang barko dahil ang Bapor Tabo ay isang barko na halos tabo ang hugis. Ang hugis nito ay bilog, ito rin ay sumusunod lamang sa direksyon ng alon. Hindi ito tulad ng ibang barko na mabilis ang pag-usad at gawa sa bakal. Ang Bapor Tabo ay nahahati sa dalawa, ang mga mayayaman at makapangyarihan ang nasa itaas na kubyerta, sapagkat ang mahihirap ay nasa ibabang kubyerta.

4. Sang-ayon ka ba sa mga mungkahi ni Simoun upang mapalawak ang ilog at mapabilis ang paglalakbay ng bapor? Katwiranan. Maraming kagandahan ang maidudulot sa kanilang iminungkahi, ngunit hindi ako sang-ayon sa plano nila. Marami ang pwede masira at wala silang salapi na pang bayad sa mga magtatrabaho na pipilitin lamang nila at ang mga bilanggo. Ito rin ay magdudulot lamang ng hidwaan at kamatayan.

5. Ibigay ang katangian ng Bapor Tabo at ng pamahalaang Kastila batay sa kabanatang tinalakay. Sundan ang pormat na makikita sa ibaba. BAPOR TABO Mabagal Nakapinturang puti

PAMAHALAAN Sakim Abusado

6. Saan inihalintulad ni Rizal ang Bapor Tabo? Ano ang sinisimbolismo nito sa atin? Inihalintulad ni Dr. Jose Rizal ang Bapor Tabo sa Isang pamahalaan sa pamamalakad ng mga kastila sa ating bansa sa kanilang pananakop. Sinisimbolo nito sa mabagal na pagunlad ng ating bansa dahil natatakot ang mga nasa puwesto na mawala ang kapangyarihan nila sa oras na umunlad ang bansa. Mababaw rin ang tingin nila sa mga Pilipino. Ang mga tao na nasa itaas ng kubyerta ay kinabibilangan ng mga mayayaman at kilala sa lipunan mga prayle na karamiha’y mag dugong Kastila. Samantala, ang mga Pinoy naman ay nasa ibaba ng Kubyerta at nagtitiis sa init ng singaw ng makina ng barko.

5


KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA Buod: Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto. Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay. Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña. Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas. Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.

Mensahe: Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at kapakipakinabang.

Pagsusuri: 1. Ilarawan ang ilalim ng kubyerta? Malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga pasahero sa itaas at sa ilalim ng bapor. Ang kalagayan ng mga pasahero sa ilalim ng bapor ay mainit, masikip at maingay. Ang iba namang pasahero ay nanonood ng tanawain sa kapaligiran at ang iba ay natutulog dahil sa pagod sa paglalakbay. Maiisip natin na may mga tao ring masisipag at napupuyat sa kanilang ginagawa kaya tahimik na nagpapahinga ito sa tabi-tabi at may karamihang taong nagpupulong.

2. Ano-ano ang mga balak ng kabataang mag-aaral sakaling mapahintulutan ang pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila? Plano nilang turuan ang mga Pilipino na maunawaan kung paano magsalita ng Espanyol sapagkat naniniwala silang makakabuti para sa lahat upang sila ay magkasya at matanggap sa lipunang Espanyol.

6


KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA

3.Bakit kaya nasabi ni Kapitan Basilio na hindi magtatagumpay ang plano ng dalawang magkaibigan na sina Basilio at Isagani? Dahil di papayag si Padre Sibyla, at sa kung makuha nila ang permiso ay nagtataka siya kung saan sila kukuha ng pera para magastos.

4. Paano mo ilalarawan ang pagkikita nina Simoun, Basilio at Isagani? Ano ang masasabi mo sa katauhan ng tatlo batay sa kanilang ipinahayag sa kabanata? Dahil sa pagpapakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani mabilis na nagkamabutihan at naging magkaibigan ang tatlo. Ang masasabi ko sa kanila ay sa tingin ko ay may pare-pareho silang katangian at hilig gaya ng sumusoporta yung dalawa sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas at matatalino sila kaya naging mabubuting magkakaibigan ang tatlo.

5. Sino sa kanila ang masasabi mong pinaniniwalaan mo o yaong may katulad mong katangian Si basilio ang aking pinaniniwalaan at kaugali dahil alam kong kaya at kakayanin nila magpatayo ng paaralan upang makapagaral ang mga tao sakanila

6. Ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng ilalim ng kubyerta sa uri ng lipunang Pilipino. Ang ipinahiwatig ng ilalim ng kubyerta ay kung gaano kahalaga ang katayuan sa lipunan ng mga tao noon at nagmumungkahi din ito ng diskriminasyon dahil ang mayaman ay nasa tuktok ng kubyerta habang ang mahirap ay nasa ilalim. Ang paghihiwalay sa mayaman mula sa mahirap ay nagpapakita sa atin na mas maganda ang pamumuhay ng mayaman at anng pagkakaiba ng katayuan sa pagitan ng mayaman at mahirap.

7. Masasabi kayang may kinabukasan ang bayan sa mga kabataang magaaral noon? Bakit? Ayon nga sa kasabihan ni Dr. Jose Rizal na 'nasa kabataan ang pagasa ng baya' kaya ang mga kabataan ay tinuturing natin pagasa sila ng ating bayan dahil mga kabataan noon sa murang edad ay natuto na silang humarap sa hamon ng buhay

7


KABANATA 3: MGA ALAMAT Buod: Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga espiritu. Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao. Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig. Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo. Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.

Mensahe: Mahilig ang mga Pilipino sa mga alamat. Sa mga kuwentong ganito ay nababatid ang malikhaing dahilan ng pagkakabuo ng isang bagay na lubhang nakaaaliw at kapupulutan din ng aral.

Pagsusuri:

1. Alin sa mga alamat ng Ilog Pasig na naikuwento ang iyong nagustuhan at bakit? Para sa akin ang aking nagustuhan ay ang Alamat ni Donya Geronima dahil tungkol ito sa magkasintahang pinangakuang pakakasalan ng kasintahan ni Donya Geronima at biglang naglaho. Nagustuhan ko ito dahil naipapakita nito na hindi lahat ng pangako ay natutupad, lalo na at hindi pa sapat ang kanilang pag-iisip tungkol sa pag-ibig. 2. Bakit nayanig si Padre Salvi pagkatapos magkuwento ni Padre Forentino tungkol sa kuweba at nang tanungin siya ni Simoun kung mas mabuti bang itinago sa beateryo ng Sta Clara si Donya Geronima sa halip na inilagay sa isang yungib sa ilog? Dahil may malinis na imahe ang mga prayle at dahil dito ay pwede masira ang kanilang imahe kaya binago agad ni Padre Salvi ang kanilang usapan at nagkuwento nalamang ukol sa Ang milagro ni San Nicolas.

8


KABANATA 3: MGA ALAMAT 3. Ano ang nais bigyang-diin ni Simoun sa kanyang mga pag-uusisa kay Padre Salvi nang sandaling iyong tungkol sa beateryo? Nagtagumpay ba si Simoun na mausig ang kanyang konsensiya? Bakit? Nagkwentuhan ang mga prayle at si Simoun para mabigyan ng diin ang alinmang pook sa Ilog, dito magsisimula ang kanilang kwentuhan.

4. Paano inilihis at pilit itinago ni Padre Salvi ang kabyang pagkabigla nang maungkat ang tungkol sa pangalan ng beateryo ng Sta Clara? May tinanong si Simoun kay Padre Salvi tungkol sa pagninirahan kay Sta. Maria. Sa isang beateryo. At sumasang-ayon naman si Padre Salvi. Nagbabangit naman ng ibang alamat para magbabago ang paksa si Padre Silva at isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng Intsik ang santo.

5. Bakit biglang natahimik at sumama ang pakiramdam ni Simoun nang mapunta ang usapan sa pagkasawi ni Ibarra nang mapasok ang usapan sa Lawa ng Laguna? Ano-anong mga alaala at damdamin kaya ang ibinabalik ng usapan sa lugar na ito sa kanya? Si Simoun ay biglang natahimik nung pumasok na sa lawa kung saan napagusapan ang pakasawi ni Ibarra dahil naalala niya ang kanyang mga paghihirap sa lawang iyon. Ang lawing iyon ay naging daan sa kanyang pagtakas ngunit bago niya iyon nagawa ay maraming paghihirap ang kanyang nadaanan, kagaya ng pagtakas niya kasama si Elias na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang kaibigan.

9


KABANATA 4: KABESANG TALES Buod:

Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria. Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan. Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya. Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara. Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.

Mensahe May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng : kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga prayle.

Pagsusuri : 1. Ilarawan si Kabesang Tales bilang:

a. anak ni Tata Selo - Siya ay nag-iisang anak ni tata Selo. Kilala ang kanyang anak nilang isang masipag, mabuti at mapayapa. Ngunit sa usapin tungkol sakanyang lupa, hindi siya nakinig sa payo ng kanyang tata Selo. b. bilang magulang nina Juli at Tano - Bilang magulang nina Juli at Tano, napansin ko na siya ay mas nagkaroon pa ng pagpapahalaga sa kanyang lupa kaysa sa kanyang anak na si Tano na pinili maging sundalo at malayo sakanila. c. bilang kabesa ng barangay - Bilang kabesa ng barangay, siya ay napakabait at nagaabono pa tuwing may mga tao pa na hindi nakakabayad sa buwis.

2. Ano-anong kasawian ang sinapit ni Kabesang Tales gayong isa siyang mabuti at marangal na tao ng Tiani? Ang mga kasawian na sinapit ni Kabesang Tales ay, una, siya’y siningil ng mga prayle ng 20 hanggang 30 pisong buwis. Pangalawa, siya’y kinasuhan dahil sa usapin tungkol sa kanyang karapatan sa lupa. Pangatlo, ang kanyang anak na si Tano ay napili bilang isang sundalo at hinayaan niya ito upang hindi na magbayad kapalit para sa lupa. Panghuli, siya’y dinukot ng mga tulisan at ipinatutubos sa halagang 500 na piso. 10


KABANATA 4: KABESANG TALES 3. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong sariling nilinang na lupa? Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban sa may kapangyarihan? Sa sitwasyon noon, mas pipiliin ko na lamang na sumunod sa payo ng aking ama na huwag lumaban sa mga mayroong kapangyarihan. Napakahirap lumaban noon kahit gaano man karapat dapat na ipaglaban ang iyong tama. Ang sistema noon ay umiikot lamang para sa mga tulisan.

4. Kung sa una pa lamang ay hindi na nagbayad ng buwis si Kabesang Tales sa mga prayle, ano kaya ang nangyari sa kanyang buhay? Maghinuha. Sa aking palagay ay mas mapapaaga ang pagpapahirap sa kanya ng mga prayle sapagkat hindi sapat o kulang ang buwis na ibibigay niya. Dahil kilala ang mga prayle sa ugali ng pagiging mapagmataas at mapagsamantala sa kanilang kapangyarihan at posisyon at gusto nilang nakukuha ang kanilang mga ninanais. Kung kaya’t mas maaga ang pagpapahirap at pagaalipusta kay Kabesang Tales.

5. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupa tungo sa pagiging mabangis na nilalang? Ano ang kinalaman ng panggigipit na pinagdaanan niya sa kamay ng mga prayle sa malaking pagbabagong ito? Dahil napagtanto niya na karapat-dapat niyang ilaban ang kanyang karapatan dahil siya at ang kanyang pamilya ang naghirap sa lupain na yun at mahalaga sa kanya ito sapagkat dito niya inilibing ang kanyang anak at asawa. Napagtanto niya na ang mga prayle ay labis labis mang alipusta sa kanya kahit wala naman siyang ginawang mali at hindi niya hahayaan ang mga ito na kuhain sa kanya lahat ng pinaghirapan niya.

11


KABANATA 4: KABESANG TALES 6. Ano ang ipinahihiwatig ni Rizal na .... " siya ay lumalaban sa isang makapangyarihang korporasyon na pinagyuyukaran ng ulo ng katarunag, kung saan pinabayaan ng hukom na hindi magpantay ang timbangan at isinuko espada.?" Ang pinahihiwatig ng sipi iyan ay mahirap kalabanin ang isang makapangyarihan na gobyerno na kung saan karaniwan na ang korupsyon. Hindi nila binibigyan ng hustisya ang lahat ng tao kung kaya’t ‘hindi magpantay ang timbangan’ dahil hindi sila patas at laging may pinapaburan. Ang espada ay sinisimbolismo ang respeto at ang pagpapatupad ng parusa, ‘isnuko ang espada’ ay nangangahulugan na kawalan ng respeto at di pagpapataw ng parusa sa taong may sala.

7. Batay sa iyong oberbasyon, nangyayari pa ba ang ganito sa kasalukuyan? Magbanggit ng mga patunay. Para po sa akin ay hanggang ngayon ay nangyayari pa rin ang mga eksenang ito sa kasalukuyan. May mga pagkakataon na ang mga mahihirap ay pinapaalis mismo sa sarili nilang lupain at tinatannggap bilhin ang kanilang lupa ng sapilitan. Mayroon naman ay pinipikot o inaalipusta ang mga taong walang natapos o pinag-aral at pinagsasamantalahan ang pagiging ignorante nito. Hindi pa rin gaano nabibigyan ang mga mahihirap ng katarungan na kailangan nila.

12


KABANATA 5: ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO Buod:

Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay pa siya sa prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang kaniyang sedula. Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay Haring Melchor. Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila. Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na lamang. Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.

Mensahe : Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang

nararanasan. Likas sa mga Pilipino na maniwalang darating din ang liwanag sa kabila ng tinatahak nilang malubak at madilim na landas.

Pagsusuri : 1.Ilarawan ang kutsero bilang isang mamamayan at bilang isang Katoliko. Bakit makalawang beses hinuli ng mga guwardiya sibil si Sinong? Ano-anong mga pagmamalabis ang ginawa ng mga guwardiya sibil sa kanya? Si sinong ay isang kutsero na mayaman, mabait at maka diyos. Siya ay nahuli sa kadahilanan na walang ilaw ang kanyang karwahe at nagkataon pa na nalimutan niya ang kanyang sedula. Halos binugbog na nila si Sinong, kinulata ng dulo ng baril at dinala sa kuwartel.

2. Bakit walang mga sibil noong panahon ng mga santo ayon kay Sinong? Base sa sinabi ni Sinong, walang mga guwardiya sibil noong panahon ng mga santo dahil hindi mabubuhay ng maayos ang mga tao at paniguradong hindi sila magtatagal sa mudong ito kung mayroon nangungulata.

3. Ano ang paniniwala ng mga Indiyo ukol sa sa alamat ni Bernardo Carpio? Ang alamat na pinanghahawakan ng mga Indiyo ang paniniwalang nakakulong at nakakadena ang kanilang hari sa San Mateo at tuwing ikasandaang taon naiaalis niya ang isang kadena. Darating ang panahon na ililigtas niya ang mga tao laban sa mga mananakop.

13


KABANATA 5: ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO 4. Bakit ibig ni Kapitan Basilio na makasundo niyang mabuti ang alperes at kura? Nais ni Kapitan Basilio na magkasundo sila ng alperes at kura upang hindi nila guluhin ang kanyang mga manggagawa sa bukid. Upang makasigurado na mabuti ito, tinanggihan niya ang perang pinaghihirapang hagilapin sa bulsa.

5. Ayon kay Basilio, anu-ano ang mga dahilan at may kalungkutan ang notse Buena? Nang naglakad si Basilio. napansin niya na wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit magno-Notse Buena na dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at sinabi niya kung ano ang nangyari kay Kabesang Tales at Juli kay Basilio.

6. Ano-ano ang masamang balita ang narinig/nalaman ni Basilio? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan paano mo haharapin ang mga ito? Ang masamang balita na nalaman ni Basilio ay yung namatay ang mga pagkamatay ng mga kalabaw, pagdukot ng mga tulisan kay kabesang tales at ang pagkamatay ng matandang tanod na nagbabantay dapat sa gubat. Kapag ako ay nasa kalagayan ni Basilio, satingin ko masmagandang kanselahin ang okasyon dahil mas hindi nararapat magbigay ng pekeng ngiti.

7. Paano mo maihahambing ang prusisyon noon sa kasalukuyan? Ang mga prusisyon noon ay makaluma pa ang mga kasuotan. Mga baro’t saya at barong tagalog ang mga kasuotan ng bawat isa. Ngunit sa kasalukuyan ay ganon pa rin naman ang iba at mas lalong napaganda ang kasuotan dahil sa pag usad at ganda ng teknolohiya.

8. Ihambing ang paraan ng pagbibigay-parusa ng makapangyarihan sa mga kutsero noon at sa mga tsuper ngayon. Ang paraan ng pagbibigay ng parusa noon ay sobrang mabigat at umaabot pa sa punto na mayroon pang nawawalan ng buhay. Kahit gaano kaliit ang atraso noon ay sobra sobra ang parusa na ihahatol saknila. Sa kasalukuyan naman, ay hindi nila basta basta masasaktan ang mga tsuper dahil may kanya kanyang batas ang nakaatang dito. Lahat ay dadaan sa legal na usapan kahit pa man ay puro kurapsyon ang gobyerno.

14


KABANATA 5: ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO 9. Noon, kailangang magpalakas ka sa mga may kapangyarihan upang makapangalakal ka ng malaya. Gayon pa rin ba sa kasalukuyan? Ipaliwanag Sa murang edad nang siya ay maulila ay naranasan niyang magpalaboy laboy at matulog sa kalye, hindi makakain, at alipustahin ng mga tao.

10. Anong kamangmangan ang ng mga Pilipino ang tinuligsa ni Rizal sa kabanatang ito? Ilahad. Sa kabanatang ito masasalamin na ang bawat kakulangan at pagkakamali ay may katapat na parusa. Inilahad din ang alamat ni Haring Bernardo at ang kamangmangan ng mga Pilipino ay ang paniniwala dito na may isang hari na magliligtas sakanila. Isinulat ito ni Rizal upang imulat ang mga mata nating mga Pilipino na ang tanging magliligtas saatin ay ang pananampalataya sa iisang Diyos na lumikha saatin..

15


KABANATA 6: SI BASILIO Buod:

Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina. Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa Maynila. Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran. Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o “narito” ang kaniyang nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay Basilio na mag-aral. Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro. Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng laban sa sable at baston. Naging sobresaliente din siya o may may pinakamataas na marka. Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral sa Ateneo Municipal kung saan siya kumuha ng medisina.

Mensahe Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging mahusay. Sabi nga, huwag husgahan ang : aklat ayon lamang sa pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa tamang pagkakataon.

Pagsusuri 1.Ano-anoong mga kasawian ang naranasan ni Basilio nang maulila? Paano niya : naharap ang mga ito?

Sa murang edad nang siya ay maulila ay naranasan niyang magpalaboy laboy at matulog sa kalye, hindi makakain, at alipustahin ng mga tao. Siya ay natagpuan ni Kapitan Tiago at siya’y kinupukop at tinulungan nito.

2.Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong buhay? Si Basilio ay natulungan ni Kapitan Tiago sa pamamagitan ng pagbigay dito ng bahay na matutuluyan at pagkakataon upang makapag-aral.

3. Alin bahagi ng buhay ni Basilio ang nakapnlulumo o nakapagbabagabag ng iyong loob at bakit? Aling bahagi naman ng kanyang buhay ang nais mong siya ay batiin at gayahin? Ilahad. Ang nakapagbabagabag sa aking luob ay noong siya’y lumuwas ng Maynila ng may sakit at gulanit ang kaniyang damit. At dahil sa lagay nya ninais na nitong mag pasagasa sa mga kurwahe dahil sa hirap at gutom ang kaniyang naranasan, At ang nais kong gayahin o batiin ay kung saan siya ay nakapag-aral, nakapag aral ng mabuti at nakapagtapos, sawakas ay pinakasalan ang kaniyang mahal sa buhay.

16


KABANATA 6: SI BASILIO 4. Anong uri ng mga mag-aaral ang kinikilala sa San Juan de Letran? Ang mga mag-aaral sa San Juan de Letran, ay mga walang pake sa edukasyon. Sila ay pumapasok lamang upang matapos ang gawain at hindi matuto. Sila rin ay walang respeto sakanilang kamag-aral at guro.

5. Anong uri naman ng pagtuturo ang pinalilitaw ni Rizal sa paaralan ni Basilio? Ang mga guro ay hindi seryoso sa kanilang pagtuturo. Sila rin ay namamahiya ng mga estudyante na hindi kasing yaman ng iba. Ang mga guro ay puro patawa lamang.

6. Paano siya nakilala sa San Juan de Letran? Si Basilio ay nakilala sa San Juan de Letran dahil sa kanyang talino. Siya rin ay pumasa sa kaniyang kurso na medisina. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na maipakita ang katalinuhan dahil sa isang propesor na tumanggap ng hamon sa mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani ni Basilio sa labanan. Dahil dito ay natamo ang notang Sobresaliente at mga medalya.

7. Anu-anong pagbabago ang nakita niya sa Ateneo Municipal? Nang siya ay ilipat ni Kapitan Basilio sa Ateneo Municipal, kanyang napansin ang ganda ng ng Sistema ng pagtuturo dito at ang pantay pantay na trato sakanila. Dito ay hindi na siya nakararanas na maapi at laging maluha sa tuwing siya’y kinukutya gaya noon nag-aaral siya sa San Juan de Letran.

8. Paano napapayag ni Basilio si Kapitan Tiago na medisina ang kanyang nais pagaralan? Noon una nais ni Kapitan Tiyago na kumuha si Basilio ng kursong abogasiya ngunit dahil hindi pa ganon kaganda ang Sistema at kakaunti lamang ang alam sa mga batas ay hinayaan na lamang ni Kapitan Tiago na kuhain ni Basilio ang kursong medisina. Kaniya rin naisip na makatutulong pa si Basilio sa mga nangangailangan at may sakit.

17


KABANATA 6: SI BASILIO 9. Paghahambing: a.Paraan ng pagtuturo noon sa kasalukuyan Ang edukasyon noon ay limitado lamang. Ito ay para lamang sa mga may kaya. Hindi rin lahat ng guro at estudyante ay mabait noon. Sila ay mga namimili ng kakaibiganin o pagiging mabait. Sa kasalukuyan naman, lahat ay pwede makapagaral sa iba’t ibang paraan dahil sa teknolohiya. Mayroong mga pagpipilian depende ito sa makakakaya ng pinansyal na meron ang mga tao.

b.Mga gurong nagtuturo Sa panahon ng mga kastila, ang ibang guro ay hindi ganon kaseryoso sa pagtuturo. Ang iba rin ay ang mga estudyante ang pinagtatalakay ng mga aralin. Madalas rin pananakit sa estudyante mapa pisikal o emosyonal. Sa kasalukuyan naman, maraming batas ang isinigawa. Bawal manakit ng mga estudyante at dapat din na ituro ang mga kailangan ng bawat estudyante.

10. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapili ng isang paaralang papasukan, saan mo nanaisin at bakit? Ano-anong mga katangian ng isang paaralan ang iyong hahanapin? ipaliwanag. Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na makapili ng paaralan, aking pipiliin ang nilipatan ni Basilio. Ateneo, ang paaralan na ito ay may magandang Sistema ng edukasyon. Hindi lamang pang edukasyon na natutunan sa libro ang tinuturo, kundi pati ang pagrerespeto sa ibang tao. Tinuturo rin nila ang dapat natin inaasal.

18


KABANATA 7: SI SIMOUN Buod:

Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio. Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong magaalahas na si Simoun. Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan. Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli. Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay. Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.

Mensahe Ang : bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-kanyang pamamaran kung paano nila makamtam ang mga layunin at adhikain nila sa buhay.

Pagsusuri 1. Bakit : nagtungo si Simoun sa gubat nang hatinggabi?

Siya’y nagtungo sa kinahihimlayan ng kanyang ina, sa paanan ng malaking puno ng balete. Taon-taon ay palihim siyang dumadalaw sa kinahihimlayan ng kanyang ina. Ika-labintatlong taon na ng pagkamatay ng kanyang ina.

2. Paano nakilala at natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun? Nakilala ni Basilio si Simoun, dahil silang dalawa lamang ni Crisostomo Ibarra ang may alam sa lugar na yon, kung saan ay doon din ang kinahihimlayan ng kanyang ina na si Sisa. Si Ibarra rin ang tumulong kay Basilio, noong nakalipas na labintatlong taon.

3. Ipaliwanag ang hangarin ng mag-aalahas sa kanyang pagbabalatkayo at pagbabalik sa San Diego? Nang makilala na ni Basilio si Simoun, isinalaysay na ni Simoun ang kanyang buhay sa nagdaang labintatlong taon. Siya’y nagbalik upang maipabagsak ang masamang pamahalaan ng ating bansa na nasa kamay ng mga Kastila. Nais niyang gisingin ang bawat Pilipino sa kalupitan at kasakiman ng mga Kastila na ginagawa sa mga Pilipino.

19


KABANATA 7: SI SIMOUN 4. Makatwiran bang harapin na lamang ni Basilio ang kanyang pag-aaral sa halip na makiisa kay Simoun? katwiranan. Para sa akin, makatwiran na harapin na lamang ni Basilio ang kanyang pag-aaral sa halip na makiisi kay Simoun. Gaya nga ng sabi ni Basilio, na nais niyang matulungan at gamutin ang ating mga kababayan na mga may karamdaman.

5. Sa iyong palagay, bakit hindi pinaslang ni Simoun si Basilio? Sa aking palagay, hindi pinaslang ni Simoun si Basilio dahil maaring malihis ni Basilio ang mga opinyon ng mga kabataan at makiisa sa isinasagawang plano ni Simoun na pabagsakin ang pamahalaan ng Kastila.

6. Ang kalayaan nga kaya ng isang bansa ay sa dahas o labanan lamang makakamit? Patunayan. Ang kalayaan ay hindi lamang sa labanan o dahas nakakamit, gaya ng ating pambansang bayani, siya ay lumaban gamit lamang ang panulat. Nakamit natin ang kalayaan ngunit napaslang siya sa huli.

7. Ipaliwanag ang pahayag na ang sariling wika ang kaluluwa ng isang bansa. Ang pahayag na “Ang sariling wika ang kaluluwa ng isa bansa”, para sa akin ang ating sariling wika ang rason kung bakit tayo ay kakaiba. Ito’y nagiging dahilan kung bakit tayo namumukod tangi. Ang lenggwahe ang nagbibigay simbolo sa ating bansa.

8. Kung ikaw ang masusunod, ano ang pagbabago sa bansa na hangad mo at bakit? Kung ako ang masusunod, ang pagbabago na nais ko sa ating bansa ay ang gobyerno. Napakaraming korupsyon ang naganap at nailantad lalo na ngayong pandemya. Nais ko na gamitin nila ang pera sa tamang paraan.

20


KABANATA 8: MALIGAYANG PASKO Buod:

Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga panalangin ay masasagot ng isang himala. Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala. Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili habang siya ay abalang nag-gagayak. Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang kanyang lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis. Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Mensahe : buhay ay parang isang gulong. Ang mga pangarap sa buhay ang gawing inspirasyon Ang upang mabilis ang pag-ikot ng mga gulong tungo sa tagumpay.

Pagsusuri : kaya umaasa sa milagro si Juli? 1. Bakit

Ang mga Pilipino noong sinaunang panahon ay malakas ang papanampalataya at talagang naniniwala sa mga milagro. SI juli ay taimtim na nagdasal at naniniwalang matutulungan niya ang kanyang ama.

2. Patunayang ang mag-anak na Pilipino ay may matibay na pagbubuklod. Ang mga Pilipino ay kilala bilang matyaga at lagging nagbabayanihan. Kahit anong mangyari sila ay lumalaban at walang sinusukuan.

3. Dapat nga kayang ikalungkot ang kawalang kakayahang magbigay ng aguinaldo kung Pasko? Bakit? Para sa akin, hindi dapat ikalungkot kung walang kakayahan magbigay tuwing pasko. Ang kompletong pamilya ay sapat na tuwing pasko. Ang tunay na saya ay hindi nababatay sa Aguinaldo.

4. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang pagkapipi ng isang taong tumatanggap ng matinding kalungkutan o pagkasiphayo? Katwiranan. Sa palagay ko ay oo, ngunit kahit gaano man iyon kahirap lagging tatandaan na isa laman itong pagsubok na magpapatibay sayo. Hindi dapat basta basta sumuko.

21


KABANATA 8: MALIGAYANG PASKO 5. Ipaliwanag ang pagiging mapaniwalain ng mga Pilipino sa milagro o himala. Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga milagro o himala dahil yun ay talagang uso noong unang panahon. Sila ay naniniwala na ang panalangin ay matutupad din kahit gaano man ito katagal.

6. Patunayan ang kawalan ng kalayaan sa pagpapahayag ay hindi natamasa ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila. Ang kawalaan ng kalayaan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila ay hindi natamasa noon dahil sa kanilang masamang pamamahala at pagaalipusta o ginagawa lamang nilang alipin ang mga Pilipino. Wala rin silang pantay pantay na trato sa mga Pilipino.

7. Bigyang liwanag ang kasabihang, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". Ang kasabihan na ito’y nagsasabi na kahit anong dasal man yan ngunit hindi ka gumagawa ng paraan para maikasatuparan ito ay hindi mo makakamit ang yong mga dasal sa Diyos.

22


KABANATA 9: SI PILATO Buod:

Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle. Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat. Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas. Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong manalangin sa langit. Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.

Mensahe : Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay hindi dapat inilalagay sa puso at isipan. Labanan ito at huwag hayaang maging lason na sisira sa iyong pagkatao.

Pagsusuri : pinamagatang Pilato ang kabanatang tinalakay? Ilarawan si Pilato batay sa 1. Bakit bibliya. Sapagakat sa kabanatang ito ang mga prayle ay sumasagisag sa mga pinuno ng mga Hudyo na nagparatang ng rebelyon at sedisyon kay Jesus. Tulad ni Jesus si Kabesang Tales, kasama na ang pamilya nito ay pinaratangang makasalanan.

2. Bakit nagsa-Pilato sina Padre Clemente, Hermana Penchang at tinyente ng mga sibil? Dahil isang araw ay naging usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo, pinagusapan din nila kung sino ay may gawa non sa kanya. Agad silang naghugaskamay katulad na lang sa ginawang paghukas-kamay ni Pilato na ang pinapahiwatig na sila’y inosente at hindi sila ang may kagagawan na iyon.

3. Makatwiran ba ang pagsusuplong na ginawa ni Padre Clemente sa pamahalaan? Bakit? Hindi, ipinakilala dito si Padre Clemente bilang isang prayle na nagpupumilit na kunin ang lupain nina Kabesang Tales. Nang matalo sa usaping kalupaan ang pamilya ni Tales, nagdiwang ang kura at tuluyang kinamkam ang lupaing noo'y masukal na pinagyaman ng pamilya ni Kabesang Tales.

23


KABANATA 9: SI PILATO 4. Ipaliwanag ang tunay na dahilan ng damdamin ni Hermana Penchang sa pagkilos ni Basilio na matubos si Juli? Hindi talaga nais ipatubos ni Hermana Penchang si Juli, ito’y kanyang pinaalis dahil ayaw niyang magalit sakanya ang mga Prayle.

5. Sakaling sa iyo mangyari ang mgma naranasan ni Tales paano mo ito haharapin? Haharapin ko ito sa legal at maayos na usapan. Batid ko na lupa niya iyon, ngunit hindi kaulangan humantong sa paraan na papatayin ang mga pangalawang may-ari ng knayang lupain.

6. Bakit malaking kapintasan sa isang tao ang pagiging mapanghatol sakapwa? Ang taong mapanghatol sa kapwa ay napakalaking kapintasan sa isang tao, dahil sila ay mga nagkakalat ng istorya na hindi naman nila alam ang buong nangyari. Karapat-dapat din silang layuan sapagkat, sila ay gumagawa lamang ng gulo sa lipunan.

7. Bigyan ng reaksyon ang pagiging madasaling Kristyano ni Hermana Penchang Ang pagiging isang madasaling Kristyano ay maganda ngunit hindi dito nasusukat ang kamalasan o mga pagpapala na nabibigay sa mga tao. Hindi dapat ito gawing kahinaan at rason para hatulan ang isang tao.

8. Ipaliwanag ang kaibahan ng paghawak ng pamahalaan sa mga taong pinagbibintangan noong panahon ng Kastila at ngayon. Ang paghawak ng pamahalaan noon ay halos parehas lamang, ngunit ang kaibahan ngayon ay may mga batas na ipinatutupad sa bawat kaso. Marami ang naapi ngunit mayroon ding pumoprotekta sa mga naapi dahil sa mga batas na ipinatutupad sa kasalukuyan.

24


Buod:

KABANATA 10: KAYAMANAN AT KAGUSTUHAN

Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang pagkain at ang kanyang ibang kailangan, at dalawang kaban ng mga alahas. Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa birhen ng Antipolo. Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni Simoun. Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales. Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang naging kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may halagang limang daang piso.

Mensahe : Maging makatao sa iyong mga kakilala at kababayan. Nasa taong namamahala ang isinasama ng mga mamayanan. Ugali din ng Pilipino ang magbuwi buhay alang-alang sa kanilang karapatan.

Pagsusuri : 1.Bakit mas pinili ni Simoun na manuluyan sa tahanan ni Tales? Dahil iyon daw ang pinakamalaki at pinakamasinop na bahay sa lugar na iyon. Ang tunay na layunin ni simoun ay upan makilala niya si Kabesang Tales ng lubusan dahil balita niya sa mga nangyari rito ay maaring

2. Paano inakit ni Simoun ang mga mamimili niya? naakit ni simoun ang kanyang mamimili dahil sa mga pambihirang kalidad na alahas ang kanyang binebenta.

3. Napakahalaga ba ang agnos upang palitan ni Simoun ng mga pambihirang hiyas? Bakit? Mahalaga ito kay simoun dahil ito ay pagmamayari ng kanyang kasintahan. walang halaga ang halaga kay simoun ang pambihirang hiyas kung ang kapalit naman nito ay ang agnos ng kanyang kasintahan.

4. Ipaliwanag ang tunay na layunin ni Simoun kaya ipinakikita kay Tales ang lakas ng kanyang baril. Ipinakita ni Simoun ang kanyang baril kay Tales, dahil alam niya na mayroon itong planong maghiganti at batid natin na ang paghihiganti ay ang plano rin ni Simoun. 25


KABANATA 10: KAYAMANAN AT KAGUSTUHAN 5. Makatwiran ba ang ginawa ni Tales sa mga pinagbigyan ng lupain at kay Padre Clemente? Panindigan. Para sa akin, hindi makatwiran ang pagpaslang ni Tales sa mga pinagbigyan ng lupa at kay Padre Clemente. Hindi dapat siya nagpadalos-dalos at nagpadala sa sama ng loob upang maging dahilan ng kanyang pagpatay sa mga ito.

6. Iugnay kay Tales ang ksabihang, " ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit". Ang kahulugan nitong kasabihan na ito kay Tales ay taong nahuhulog sa bangin at para makaahon ay kailangang kumapit sa tulis ng isang patalim. Napilitan siyang gumawa ng isang mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang siya ay lalo lamang magipit.

7. Bakit sinabi ng mag-aalahas na ang mga hiyas ay sapat nang lumunod sa buong Pilipinas? Sapagkat ang isang perlas lamang ay napakalaki na ng halaga at maraming tao ang nasasabik para rito. Dahil mraming tao ang gusto makakuha o magkaroon nito ay lalo lamang nadaragdagan ang mga taong maibigin sa salapi at lalo lamang lumalala ang kanilang pagkasabik sa pera.

8. Bigyan ng sariling pagkukuro ang pagkuha ni Telesforo sa baril ni Simoun at paganib sa mga tulisan. Para sa akin, maaaring mayroong personal na dahilan si Telesforo kung bakit niya ito nagawa. Maaaring dahil ito sa kanyang pinansyal na suliranin kaya nakagawa siya ng ganitong bagay.

26



KABANATA 11: LOS BAÑOS Buod:

Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos. Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa. Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan. Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako. Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.

Mensahe Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at : gusto ng isang makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang taong iyon.

Pagsusuri 1. Paano mo ilalarawan ang Kapitan-heneral bilang isang pinuno? :

Ang kapitan heneral bilang isang pinuno ay responsible ngunit kulang parin sapagkat may mga bagay syang hindi nagagampanan na mahalaga sa kanyang nasasakupan dahil sya ang namumuno.

2. Isa-isahin ang mga paksang pinag-usapan sa Los Baῆos. ang pagtuturo ng wikang español sa mga magaaral na Pilipino panukala ukol sa armas panukalang gawing eskuwelahan ang mga sabungan tuwing lunes hanggang byernes

3. Ipaliwanag ang pagiging marangal ng mga tulisang bundok kaysa sa mga tulisang-bayan. Sapagkat ang mga tulisang bundok ay may ipinaglalaban na batay sa kanilang pangangailangan at maaaring makabuti pa ito sa nakakarami, samantalang ang mga tulisang-bayan ay mga ganid at sakim sa pagkamkam ng mga kayamanang para lamang sa kanilang mga sarili. 27


KABANATA 11: LOS BAÑOS 4. Makatotohanan ba sa kasaysayan ang di-pagnanais ng Pamahalaang Kastila na manatiling mangmang ang mga indiyo? Bakit? Hindi, sapagkat nais lamang ng mga kastila noong unang panahon na pakinabangan at pagkakitaan ang mga indyo sa pamamagitan ng pamumuno nila sa mga nasasakupan

5. Ano ang opinyon at reaksiyon ng mga sumusunod hinggil sa hiling ng mga magaaral na pagbubukas sa pagtuturo ng wikang Kastila? Padre Sibyla- hindi sangayon. Padres Camorrab- hindi rin sang ayon Simoun- sangayon. Padre Irene -sangayon. Padre Fernandez -hindi sangayon Mataas na Kawani -hindi sangayon.

6. Paano kaya sa iyong palagay maiiwasan ang panunuyo o paninipsip ng mga Pilipino sa mga may katungkulan? sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga ito ng wikang kastila upang mamulat ang kanilang mga mata sa pangaabusong ginagawa at nangyayari sa kanila at sa mga kapwa nilang pilipino

7. Dapat nga kayang magsikap ang mga kabataan para sa kanilang pagkatuto? Bakit? Oo, sapagkat ang pagsisikap na kanilang gagawin ay hakbang para makamit ang kanilang sariling tagumpay at upang makita rin ang karumal dumal na kalagayan ng kanilang lupang tahanan sa kamay at pamamalakad ng mga kastila

28


KABANATA 12: SI PLACIDO PINETENTE Buod:

Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pagaaral. Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon. Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila. Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata. Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.

Mensahe Ang pamahaalan ay minsang abusado at sakim sa kapangyarihan dahil sa pagtuttol nila : ang pagtututo ng mga tao.

Pagsusuri 1. Bakit : kaya nais ni Placido na tumigil sa kanyang pag-aaral?

sa kadahilanang malungkot ang binata, at dahil na din sa ideyang itinanim sa kanya ng mga nagging kasamahan nya sa tanawan.

2. Paghambingin ang mga katangian ng mga mag-aaral sa iba-ibang paaralan. magkakaiba ang mga katangian ng bawat estudyante sa magkakaibang paaralan, merong masipag gaya ni placido, mayroon rin namang mga tamad mag aral at pumasok kagaya ni Paelez.

3. Makatwiran ba ng paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa guro noon upang makapasa sa pag-aaral? Bakit? hindi, subalit ang estudyante ay hindi naman pumapasok sa klase bagkus ay nakapasa lamang dahil sa awa ng kanilang guro. Isa rin ito kung bakit hindi natututo ang mga mag-aaral.

4. Kung ikaw si Placido, gagawin mo bang kunin ang atensiyon ng iyong guro sa paglikha ng ingay sa klase para mapansin? Katwiranan. Hindi, subalit ay kukunin ko nalang ang atensyon ng aking guro sa pamamagitan ng pagiging masipag at matalino sa klase dahil sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng interes sa akin ang naturang guro na magdudulot ng madaling pagkuha ko sa atensyon nito.

29


KABANATA 12: SI PLACIDO PINETENTE 5. Bigyang-liwanag ang paniniwalang ang guro ay may malaking kinalaman sa paghubog sa kabataan. malaki ang parte na ginagampanan ng mga guro sa paghubog sa mga kabataan dahil ang mga guro ang nagmumulat sa kamalayan ng mga kabataan at nagtuturo sa kanila patungkol sa reyalidad at mga kailangan nilang matutunan upang makapag patuloy sa buhay.

6. Bakit kailangang harapin ng isang mag-aaral ang kanyang pag-aaral? Upang matuto, at sa pamamamagitan nito ay makamit ang tagumpay na bunga ng kanilang mga pagsisikap at pagpupunyagi, at para rin may malaman sa mga kaganapan sa kanilang paligid.

7. Ipaliwanag ang kahinaan ng pagtuturo noon kaysa sa ngayon? Isa sa kahinaan ng pagtuturo noon ay wala pang kakayanan ang mga guro na ma akses ang mga kagamitang mayroon tayo ngayon at limitado lang ang mga pinagbabasehan ng pagtuturo, hindi rin lahat ng estudyante ay kayang magkaroon ng mga materyales na kakailanganin para sa kanilang pagaaral. Samantalang ngayon ay napakadali na lamang dahil halos lahat ay madali na lamang makuha.

30


KABANATA 13: ANG KLASE SA PISIKA Buod:

Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido. Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado. Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isaisa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.

Mensahe Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang intension, : kung hindi maganda ang pamamaraan ay wala rin itong bisa.

Pagsusuri 1.Ilarawan ang silid sa akda :

Nabanggit sa kabanata na ito na ang silid ng klase ay taluhaba.

2.Paano mo ilalarawan si Padre Milon bilang isang guro? Sa kadahilanang hindi bihasa si Padre Millon sa kanyang tinuturong asigutura ay ang pagtuturo neto ay nauuwi sa leksyon ukol sa makamandag na kasarian ng isang guro. 3.Matatawag ba syang mahusay na guro? ipaliwanag ang sagot. Hindi gaanong natalakay sa kabanata ang paraan na pagtuturo ng guro, ngunit sa kabanata nabanggit na minumura mura niya ang kanyang estudyante at pinapahiya, sa ganong rason tingin ko ay hindi sya mahusay na guro. 4.Mayroon pabang mga guro na tulad ni Padreng Millon sa panahong ito? magbahagi ng halimbawa na nagpapatunay dito. Sa panahong ito, masasabing mayroon paring mga ganoong klase ng guro na mahilig mamahiya ng kanyang estudyante matutunan lang niya at mapagsisihan ang kasalanan na nagawa nito, ngunit ang ibang guro ay hindi na makatwiran ang pamamahiya. 5.Magbigay ng reaksyon ukol sa pagtatalo ni Placido at guro ukol sa pagtatala ng liban sa akda. Ang pagkagalit ng isang guro sa estudyanteng lumiban sa isang akda ay dapat lamang, ngunit ang ginawa ng guro ay hindi makatwiran.

31


KABANATA 14: ANG TIRAHAN NG MAG-AARAL Buod:

Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila. Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari.Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.

Mensahe:

Isang magandang gawi ang pagpaplano ang pag-uusap tungkol sa mga adhikain. Kung kikilos nang sabay-sabay at iisa ang pangkat, tiyak na makakamit ang mithiin.

Pagsusuri:

1.Ilarawan ang tahanan ni Macaraig? Maganda ang tahanan ni Macaraig sapagkat marangya ang kaniyang buhay ay siya ay nagaaral ng abugasya. 2.Sino ang pinaguusapan sa bahay ni Macaraig? Sino sino ang mga dumalo sa pulong? Pinaguusapan ng mga estudyante sa bahay ni Macaraig ang ukol sa isyu tungkol sa Akedemiya ng wikang kastila.Ang mga dumalo sa pulong ay sina Isagani, Pecson, Sandoval, at Pelaez. 3.Ano ang damdamin ng mga estudyanteng sina Isagani, Sandoval, at Pecson ukol sa kanilang hiling? Sila ay nananalig na pagbigyan ang kanilang hiling na mapatayo ang akedemiya. 4.Sa iyong palagay totoong kayang maka-Pilipino at pusong Pilipino si Sandoval na isang tunay na Espanyol? Patunayan ang sagot. Hindi, si Sandoval ay makabayan sa bansang Espanya at hindi sa Pilipinas. Pinaniniwalaan nya na hindi pumapaibabaw ang Pilipinas sa bansang Espanya. 5.Ano-anong paraan ang kanilang nais upang mapagbigyan at makapasa ang kanilang hinling sa inauukulan? Noong pinresenta nila ang kanilang ideya sa mga guro ay napagtanto ng mga estudyante na lapitan si Ginoong Pasta. 6.Makatwiran ba sa mga kabataan na humanap ng paraan upang mapasulong ang kaalaman? bakit? Oo, ang paghanap ng paraan upang mapasulong ang kaalaman ay makatwiran sa kadahilanang ito ay ang paraan natin para patunayan sa mga nanakop na kaya nagin ipagtanggol ang kalayaan ng ating bansa.

32


KABANATA 15: SI GINOONG PASTA Buod:

Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon. Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais niyang kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito.Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.

Mensahe:

Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na lamang ding manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo.

Pagsusuri:

1. Sino si Ginoong Pasta? Paano mo siya ilalarawan bilang isanng abogado? Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol ng Maynila.Si Ginoong Pasta ay ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 2. Ano ang hangarin ng mga mag-aaral sa paglapit ni Isagani sa abogado? Si Isagani ay lumapit sa abogado upang pakiusapan si Ginoon Pasta kung maaari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. 3. Bakit hindi sang-ayon si Ginoong Pasta sa isinusulong ng mga mag-aaral? Si Ginoong Pasta ay nakinig nang mabuti sa sinasabi ni Isagani, ngunit ito ay nagkunwaring walang alam sapagkat ito ay walang pakielam sa gawain ng mga kabataan. 4. Sa iyong palagay, nararapat pa bang humingi ang mga mamamayan sa pamahalaan ukol sa kanilang mga pangangilangan? Ipaliwanag. Sa aking palagay, dapat nararapat lamang na humingi ang mga mamayan sa pamahalaan ukol sa kanilang pangangailangan, dahil mayroong pamahalaan para tulungan ang mga tao, para paunladin ang bansa, at mapabuti ito. 6. Totoo kaya ang sinasabi ni Isagani na dapat ikahiya ang putting buhok kung ikaw ay hindi nag-uukol ng sarili sa bayan? Katwiranan. Para sa akin ay depende ito sa nagawa o sinubok na gawin ng isang tao. Kung ang tao ay sinubukang tumulong sa bayan at hindi ito nagkaroon ng magandang kalalabasan ay dapat lamang ipagmalaki ang ginawa, dahil ito ay sumubok parin. 7. Bakit kailangang samantalahin at pagsikapan ng kabataan ang pagtuklas ng katarungan? Para sa akin, ang katarungan ay nararapat na mabigay sa isang tao kung ito ay makatwiran sa sitwasyon.

33


KABANATA 16: MGA KAPIGHATIAN NG ISANG INTSIK Buod:

Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papayagang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds

Mensahe:

Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na lamang ding manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo.

Pagsusuri:

1. Sino si Quiroga? Ano ang kanyang hangad sa Pilipinas? Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. 2. Bakit dumaraing ang mga mangangalakal kay Simoun? Sila ay sinisiningil ni Simoun, sapagkat sila ay may utang kay Simoun. 3. Paano nagkaroon ng malaking utang si Quiroga kay Simoun? Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki. 4. Anu-ano ang kapighatian ng isang Intsik?Bakit kaya nangyari ang mga ganitong kalungkutan sa kanyang buhay? Makatotohana nga ba ito? Maghinuha. Hindi nakapag bayad ng utang ang intsik sapagkat ito day ay nalugi. Ang kanyang sitwasyon ay makatotohanan sapagkat lahat tayo ay nakakaranas ng ganitong mga sitwasyon. 5. Ano ang pagkakaiba ng pangangalakal ng mga Pilipino sa mga Intsik? Alin ang mas Mabuti? Bakit? Ang pangangalakal sa Pilipinas sa makabagong panahon ay kung saan nagkakasunod ang mga mangangalakal or negosyante sa isang pangkalahatang pamalit or pamamaraan ng palitan. Ang salapi ang siyang ginagamit na paraan ng palitan sa pamimili o pagtitinda. 6. Ano ang tunay na layunin ni Simoun sa paglalagay ng mga armas sa bahay-bahay? Ibig nga lang ba niyang pagkakitaan ito? Ipaliwanag. Hindi lamang iyon ang intensyon ni Simoun, ang intensyon ni Simoun ay ang makilala ng lubusan si Kabesang Tales dahil sa nangyari rito. 7. Paano maaaring ibagsak ng panunuhol ang ekonomiya ng isang bansa? Uunlad lamang ang bansa kung ito ay hindi na dumedepende sa panunuhol sa ibang bansa. Masasabing maunlad ang ekonomoiya kung kaya na ng isang bansa mamuhay galing sa sariling kayamanan.

34


KABANATA 17: ANG PERYA SA QUIAPO Buod:

Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds. Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita. Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari. Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.

Mensahe:

Ang pagnanasa at makamundong gawain ay walang pinipiling anyo o antas sa buhay. Basta hindi bukas sa pagbabago, iikot sa mga masasamang pagnanasa ang isang tao.

Pagsusuri:

1. Paano mo ilalarawan ang perya sa Quiapo? Ang perya sa Quiapo ay hindi lamang isang lugar kung saan may mga luruan na pwedeng bilhin, ang perya sa quiapo ito ay fair o kubol ng siriko na maraming nasisiyahan. 2. Bakit galak na galak si Padre Camorra nanng gabing iyon? Marami pa bang katulad si Padre Camorra sa ngayon? Si Padre Camorra ay galak na galak noong gabing iyon dahil sa rami ng babae n pumunta sa perya noong gabing iyon. 3. Ano ang dahilan ng pagkayamot ni Isagani? Ano ang iyong masasabi ukol rito? Si Isagani ay naiinis noong gabing iyon sa perya dahil marami ang tumititig sa kanyang kasintahan na si Paulita. Dapat lamang syang mainis o magalit lalo na kung ang pangtitig ng iba ay may kasamang masamang intensyon. 4. Ano ang nais isagawa o patunayan ni Ben Zayb at ng iba pang prayle kaya gusting makipagkita kay Mr. Leeds bago ang palabas? Si Ben Zayb ay gustong makipagsiyasat upang malaman kung may daya ang palabas na kanilang pinapanood noong gabi na iyon sa perya. 5. Ano ang iyong masasabi ukol kay Ben Zayb bilang mamamahayag? Para sa akin si Ben Zayb ay isang mamamahayag na mataas ang tingin sa sarili. 6. Bakit biglang Nawala si Simoun? Ano ang sinbi ni Don Custodio ukol dito? Nawala bigla si Simoun noong gabing iyon sa perya dahil sya ay nagyaya upang manood sa espinghe ni Mr. Leeds 7. Anu-anong mga kaugalliang Pilipino ang makikita sa pagdaraos ng Pista?Ilahad. Ang mga ugali ng Pilipino na makikita sa pagdadaos ng pista ay ang pagdalo ng maraming tao sa isang lugar upang magsaya kasama ang mga kaibigan.

35


KABANATA 18: ANG KADAYAN Buod:

Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang karakter na sina Simoun at Mr. Leeds. Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin niya pinalampas. Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas. Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha. Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng tulong. Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle at saserdote noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi.

Mensahe:

Ang mga taong mababaw ang pag-iisip at pang-unawa ang siyang kadalasang nagiging biktima ng mga mapaglinlang. Maging mapagmatiyag at mapanuri sa lahat ng oras.

Pagsusuri:

1. Paano mo ilalarawan si Mr. Leeds Bakit nais ipakita o ibunyag ni Ben Zayb ang sikreto sa likod ng kanyang palabas? Si Mr.Leeds ay isang magikero, nais ibunyag ni Ben Zayb si Mr.Leeds dahil mandaraya si Mr.Leeds. Dahil sa kanyang pagtatanghal hindi nya alam na may ulo pala at humihingi ito ng tulong. 2. Ano ang kakaiba sa kanyang palabas at nais itong panoorin ng pangkat nina Ben Zayb? May nakita na lumang kaha si Mr.Leeds at natagpuan nya iyon sa lumang libingan. 3. Anong kadayaan ang makikita sa palabas? Natuklasan bai to ni Ben Zayb? Gumamit ng salamin si Mr.Leeds at ginamit nya ito sa kanyang pagtatanghal. Natuklasan ito ni Ben Zayb dahil sya mismo ang tumulong kay Mr.Leeds. 4. Ano isinalaysay ni Imuthis kaugnay sa kanyang buhay? Siya ang tumatangis at humihingi ng tulong. Si Imuthis ay ang ulong bida sa palabas ni Mr. Leeds. Ipinanganak siya noong panahon ni Amasis at sa kasamaang palad ay napatay sa ilalim ng pamumuno ni Cambyses. Nag aral siya sa Gresya, Assyria, at Persya. Malapit na sana siya na makatapos ng pag aaral ng bigla siyang pinaharap sa hukuman ni Thot. 5. Kaninong buhay mo kaya maaaring maihambing ang buhay ni Imuthis Ipaliwanag ang iyong sagot. Maihahambing ko ang buhay ni Imuthis sa buhay ng mga taong walang kalaban laban na sinaktan at pinarusahan hanggat sa manghina at mawalan ng buhay. 6. Balit labis na naapektuhan si Padre Salvi sa isinalaysay ni Imuthis? Kung ikaw si Padre Salvi, ano ang mararamdaman mo pagkatapos ng paglalahad ni Imuthis? Ako ay maaawa dahil kung ako ang nasa sitwasyon ni Imuthis ako’y mahihirapan. 7. Naniniwala ka bang, walang lihim ang hindi nabubunyag? Patunayan ang iyong sagot. Naniniwala ako na walang lihim ang hindi mabubunyag dahil patagal ng patagal ay malalaman din nila kung ano ang totoo. Dahil ang mga tao ngayon gagawa at gagawa ng paraan malaman lng ang katotohan.

36



KABANATA 19: ANG MITSA Buod:

Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa magandang kinabukasan. Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos ng abogasya. Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa kanya. Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng magaalahas. Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at kalooban ni Placido. Mensahe: Hanggang mayroong pagkakataon samantalahin ito upang makapagtapos sa pag-aaral. Ang oras kapag lumipas ay hindi na maibabalik pa.

Pagsusuri:

1. Bakit nagngingitngit ang kalooban ni Placido? -Dahil labis ang hinagpis sakanya ni Kabesang Tales. 2. Paano isasagaw ni Placido ang kanyang mga balak laban sa mgaprayle? Ang kanyang pag papasya tungkol sa kanyang pag aaral. 3. Isalaysay ang mga natuklasan ni Placido sa Kalye Iris? Natuklasan nya ito at namulat sya sa katotohanan. 4. May katwiran kaya si Simoun na maghimagsik sa paggamit ng mga kanyon at paputok? Bakit? Nag paliwanag si Simoun kay Placido kaya ito namulat. 5. Kung ikaw si Placido, aanib ka bas a balak ni Simoun? Katwiranan. Kung ako si Placido ako ay aanin kay Simoun dahil may maidudulot ito na maganda. 6. Paano mo maiuugnay ang pamagat ng kabanata sa mga pangyayari? Huwag tayong mag dedesisyon ng basta basta dapat isipin naten muna bago tayo mag salita ng tapos. 7. Anu-anong kauglian ni Placido ang maiuugnay ninyo sa mga kabataan ngayon? Ang mga kabataan ngayon ang nag didisisyon ng basta basta na hindi man lang pinag iisipan. 8. Ano-ano ang tinalakay sa kabanata na nagpapakilala ng kamangmangan ng mga Pilipino? Ang kaugalian ni Placido. 9. Sa paanong paraan hinimok ni Simoun sa kabanatang ito na maghimagsik ang mga kabataan? Sa maayos na paraan, sa paraan na maintindihan ng mga kabataan ngayon.

37


KABANATA 20: ANG NAGPAPASIYA Buod:

Ang usaping ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa kamayni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y de Monteredondo ay kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang " Buena Tinta". Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyo siya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag. Nang bumallik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya wala pang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid. Lumagay siya parang amo't tagapagtanggol, ngunit siya'y naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba'y upang sumunod. Ang Pilipino'y ipinanganak upang maging utusan, kaya't kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito'y sa gayon lamang ukol. Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na nya itong ipaalam sa lahat. Mensahe:

Inyong pakatatandaan na walang saysay ang mataas na katungkulan kung hindi ito nagagamit sa isang magandang layunin. Gamitin niyo ang inyong kapangyarihan upang makatulong sa kapwa. Pagsusuri:

1. Sino si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo? Paghambingin ang ang kanyang buhay sa Pilipinas at kanyang mga karanasan sa Espanya.Paano niya nagamit ang mga karanasang iyon sa pagbabalik bansa? Si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo siya ay nag aral sa espanya at naging ustusan. 2. Sinu-sino ang nais bigyan ng kasiyahan ni Don Custodio sa kanyang pagpapasiya? Tayong pilipino dahil alam nya na mas kakayanin nya ito. 3. Bakit hindi nasiyahan si Don Custodio sa kanyang pag-uwi sa Espanya nang magpagaling ng sakit sa atay? Dahil hindi maganda ang naging kalagayan nya sa Espanya. 4. Sa iyong palagay, nararapat bang tuluran si Don Custodio sa pag-asenso niya sa buhay?Bakit? Nararapat na tularam si Don Custodio dahil sa kanyang pag tyatyaga. 5. May kakilala ka ba o masasabing katulad ni Don Custodio ang nabubuhay sa kasalukuyang panahon? Patunayan ang iyong sagot. Wala akong kakilala na tulad ni Don Custodio. 6. Ano ang ibig ipakita sa mambabasa ni Rizal ukol sa kabanatang ito? Ang ibig ipakita ni Rizal sa mambabasa ay wag tayong mag papakababa matuto din tayong lumaban kung nararapat. 7. Anu-ano ang nais palitawin ni Don Custodio sa kanyang panunuligsa sa rellihiyon? Bakit Huwag tayong mag huhuga basta basta. 8. Ipaliwanag ang iyong pananaw:“ ang iba’y ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang maglingkod”. Ibat iba ang estado ng ating buhay dapat matuto tayong kumilos. 9. Sa iyong palagay, may mga tao ba na nasa tungkulin na hindi naman karapat-dapat? Patunayan. Mayroon pang ganitong tao ang alam lang ay mag utas at hindi kumikilos. 10. Madali bang makilala o kilalanin kung sino ang taong marunong sa/o hindi.Ipaliwanag. Madali lang ito sa mga taong mabilis makakilala at mahirap nmn sa mga hindi.

38


KABANATA 21: MGA AYOS NG MAYNILA Buod:

Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay nagdulot ng salungat na opinyon. Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa pagtatanghal ng dulaan, habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na pagtatanghal ng nasabing palabas Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating ang mga panuhin at mga manonood, isa na rito si Camaroncocido.Siya ay buhat sa isang kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila hampaslupa dahil sa kanyang pananamit. Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging matanda na hinahangaan sa kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang paa. Sila ni Camaroncocido ay parehong nabubuhay sa pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga dulaan. Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng moralidad at kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit sa huli ay pumayag din sila dahil sa panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan ng bilyete.

Mensahe:

Hindi balakid ang kahirapan sa buhay upang maging maayos, malinis at katangi-tangi ang kaanyuan. Hindi masama ang magbihis at gumalaw na mistulang mayaman basta kaya itong dalhin at panindigan.

Pagsusuri:

1. Anong malaking palabas sa Teatro de Variedades ang hinihintay ng mga manonood? Ano ang pananaw ng mga tao sa palabas na ito? Ito ay tungkol sa maynila. Sila ay naudlot sa opinyon nag kasalungat ito. 2. Sino-sino ang mga pabor at salungat sa pagpapalabas nito? Bakit sila pabor o bakit sila salungat? Sina Camaroncocido sila ay pabor dahil naitidihan nila ang pag tatanghal. 3. Bakit marami pa ring taong ang nanood nito gayong ipinagbabawal nina Camaroncocido at Tiyo Kiko? Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? Maraming manonood sila dahil kahit hindi nag kakasalungat ang kanilang opinyon ay nandun paden sila para manood. 4. Paano mo ilalarawan ang pisikal at panloob na katangian nina Camaroncocido at Tiyo Kiko?Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? Si Camaroncocido siya ay namumuhay na para bang hampas lupa dahil sakanyang pananamit. At si Tiyo Kiko naman ay isang kayumangging matanda na hinahangaan sa kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang paa. 5. Sino naman kina Tadeo at anong ugali mayroon siya? Batay sa iyong obeserbasyon, mayroon bang Camaroncocido, Tiyo Kiko at Tadeo na nabubuhay sa kasalukuyan? Patunayan ang iyong sagot. May roong namumuhay na Camaroncocido na namumuhay gaya ng mga bata sa lansangan ang kanilang damit ay butas at madumi. Si Tiyo Kiko naman madaming kagaya ni Tiyo kiko na maayos manamit ang malinis mula ulo hanggang paa. 6. Anu-ano ang napuna ninyo sa lipunang tinalakay ni Rizal dito? Katulad pa rin bai to ng lipunan sa ating ngayon? May kakaonting hawig ito sa lipunan ngayon kumpara sa noon dahil sa ngayong panahon ang mga tao ay ang hindi pag pansin sa mga taong nasa lansangan. 7. Ugali nga kaya ng mga Pilipino na higit na tangkilikin ang mga panooring dayuhan kaysa sa loka? Patunayan. Mga may ganitong kaugalian ang mga pilipino. Ngunit mas nangingimbabaw ang kanina lang pag supporta sa lokal na mga palabas.

39


KABANATA 22: ANG PALABAS Buod:

Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi mawaring kahulugan ng wikang Pranses. Maatagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na nakalaan sa mag-aalahas na si Simoun. Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang naman nitong depensa ay inutusan siya ng mga kinauukulan upang magsilbing ispiya. Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit habang ito ay tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng wikang Pranses. Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga taga-salin ay pawang mga nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses. Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral sa kalagitnaan ng dula.

Mensahe:

Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng isang ganap na kalayaan. Hindi lamang ito karapatan bilang isang tao bagkus ay para rin sa kalayaan ng pang-unawa at kaisipan.

Pagsusuri:

1. Ilarawan:Alin sa mga ito ang iyong nagustuhan at hindi nagustuhan at bakit? a. dulaan- Nagustuhan ako ang dulaan nila dahil nakuha nilang pasayahin ang mga manonood. b.manonood - Hindi ko nagustuhan ang mga manonood dahil umalis sila habang nagpapatuloy ang dula sila ay umalis. k. eksena sa teatro - Hindi ko nagustuhan ang eksena sa teatro dahil nagmamagaling lamang ang mga taga salin ng Pranses ngunit ang totoo ay hindi nila kaya dahil ito ay malalaim na salita. 2. Bakit nagkaloob ng palko si Makaraig para kay Don Custodio? Dahil si Don Custodio ay mayaman at nanduon sya sa teatro nanonood. 3. Ipaliwanag ang mga damdamih nina Isagani at Paulita habang nasa dulaan? - Sila ay masaya nung una dahil nasisiyahan ang mga manonood sakanila. Ngunit nung nag tagal sila ay nalungkot dahil may umalis sa kanilang pag tatanghal. 4. Makatwiran ba para sa mga mag-aaral ang pasiya tungkol sa akademya? BAkit? - Makatwiran ito dahil malaki ang maitutulong nito sa ating bansa. 5. Anong kaugaliang Pilipino ang makikita sa kabanatang ito?Ipaliwanag. Kawalan ng respeto dahil umalis sila habang nag papatuloy pa ang pag tatanghal. 7. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan ang mga kaugaliang ito? Ilahad ang iyong sagot. Ang pag kawalang respeto, ito ay nararanasan paden ng pilipino sa ngayonng panahon dahil din ito minsan sa mga nakikita ng mga bata sa “social media”. 7. Ano ang ipig palitawin ng may-akda sa pagkakalapit ni Makaraig kay Pepay? Siya ay naging mabait dahil nagkakalapit sila ni pepay. 8. Sino sa mga mag-aaral ang iyong naibigan? Bakit Sina Simoun dahil sila ay nandun at nanood sila.

40


KABANATA 23: ISANG BANGKAY Buod:

Naging palaisipan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago. Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan ng maysakit pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binata Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang maghasik ng kaguluhan sa kalathang Maynila. Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si Maria Clara. Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay pumanaw na. Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salvi na labis na tinangisan ng amang si Tiyago. Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa noo’y nanlulumo na si Simoun.

Mensahe:

Ang pagtalikod sa pakikipaglaban na walang katiyakan ay hindi isang kaduwagan o kahinaan. Matalino at matapang ang mga tao na mayroong ganitong pananaw sa buhay.

Pagsusuri:

1. Anong uri ng tagapag-alaga si Basilio? Ilarawan ang kanyang kalagayan sa pag-aalaga kay Kapitan Tiago? Mapagmahal siya sa kaniyang ama amahan sapagkat malaki ang utang na loob niya sakaniyang ama amahal sapagkat pinag aral siya ng medisina, ikalawa matiisin si Basilio sa kaniyang ama amahan dahil kahit na palagi siya nitong minumura ay nakakaniya itong tiisin at higit sa lahat ang ikatatlo ay ang maintindihin hindi niya na gawang iwan ang kaniyang ama amahan kahit na malapit na itong pumanaw mas nanaig pa din yung pagmamahal niya. 2. Bakit patuloy na lumalala ang kalagayan ng kalusugan ni Kapitan Tiago? Saan kaya itonakakakuha ng apyan gayong mahigpit sa pag-aalaga si Basilio? Maghinuha. Habang inaalagaan ni Basilio si Kapitan Tiyago ay bigla na lang sinumpong dahil sa sobrang paghithit ng opyo. Ang apyan ay maaaring galing sa mga kura na madalas na dumadalaw sa kanya 3. Anu-anong bagay sa pamahalaan ang inihambing ni Simoun kay Kapitan Tiago? Tulad ni Kapitan TIyago na ang lason ng apyan na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap sa kabulukan sa bayan, ay malapit nang maglagot ang bayang Pilipinas. 4. Bakit hindi binasa ni Basilio ang maliit na aklat ni ipinadala ni Simoun? Anu-ano ang kanyang malalaman sa aklat na iyon? Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamaabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Mga pahayagan na ipinagbabawal ng pamahalaan na galing sa ibang bansa. 5. Anong uri ng himagsikan ang inihanda ni Simoun? Sang-ayunan kaya ni Elias ang himagsikang ito? Bakit. Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila. Ang hindi raw kasi kakampi sa kanila ay ituturing nilang kaaway na dapat patayin. Hindi sasang-ayon si Elias sa himagsikan ni Simoun dahil isinakripisyo niya ang kanyang buhay para mabigyan si Simoun ng pagkakataon para ang mga ingat-yaman at tumakas ng bansa.

41


KABANATA 23: ISANG BANGKAY 5. Anong uri ng himagsikan ang inihanda ni Simoun? Sang-ayunan kaya ni Elias ang himagsikang ito? Bakit. Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila. Ang hindi raw kasi kakampi sa kanila ay ituturing nilang kaaway na dapat patayin. Hindi sasangayon si Elias sa himagsikan ni Simoun dahil isinakripisyo niya ang kanyang buhay para mabigyan si Simoun ng pagkakataon para ang mga ingat-yaman at tumakas ng bansa. 6. Ano ang sadya ni Simoun kay Basilio?Anong tungkulin ang ibinigay sa kanya? Bakit. Inalok o hinikayat ni Simoun si Basilio kung sasama ba siya sa kanila ni Kabesang Tales. Ang kanyang tungkulin ay siya ay mamamahala para magbukas ng pinto sa Monasterio at papatakasin niya si Maria Clara. 7. Ano ang naging damdamin ni Simoun ukol sa balita kay Maria Clara? Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig na balita. Nang hindi na naituloy ang sinasabi ni Basilio ay tila mas lalo siyang nabalisa , natorete, at mas lalong ‘di niya alam ang kanyang gagawin. 8. Ipaliwanag. Ang tapat bang pag-ibig ay dapat na hanggang kamatayan? Bakit oo? Bakit hindi? Pangatwiran ang iyong sagot. Ang tapat na pag-ibig ay dapat na hanggang kamatayan dahil kung alam mong mahal mo siya at alam mong mamahalin mo siya hanggang dulo o kamatayan, ang nararamdaman ay walang magbabago. Kaya nga ibinabanggit sa mga ikinakasal kung sila ba ay magmamahalan hanggang dulo o kamatayan dahil sigurado sila ay nagmamahalan ng totoo. 9. Sa inyong palagay, may mga binata pa bas a kasalukuyan na gagawin ang lahat dahil sa isang pag-ibig na naharang ng masamang kapalaran? Patunayan. Sa aking palagay, may mga binata pang nasa kasalukuyan na gagawin ang lahat dahil sa isang pag-ibig na naharang ng masamang kapalaran dahil ang henerasyon ng pagmamahalan ay hindi nagbabago. Pero sa ngayong panahon ay ang mga iilang binata ay kayang magpaubaya o sumuko sa isang pag-ibig na naharang ng masamang kapalaran dahil alam nila kung ano ang makakabuti sa bawat isa.

42


KABANATA 24: MGA PANGARAP Buod:

Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang kanyang nawawalang asawa na si Don Tiburcio ay nasa pangangalaga ng tiyuhin ni Isagani. Kumalat sa bayan ang usapin ng biglaang pagkakasakit ng alaherong si Simoun. Naging mailap siya sa tao at hindi halos tumatanggap ng sinumang panauhin sa loob ng kanyang tahanan. Sa kabilang dako naman ay matiyagang hinihintay ni Isagani ang kaniyang kasintahan na si Paulita. Habang naghihintay ay sumagi sa kanyang isipan ang mga pangarap niya para Inang Bayan. Dahil sa matagal na paghihintay ay naisipan na niyang umuwi nang biglang dumating ang isang karwahe lulan sina Juanito, Paulita at si Donya Victorina. Magiliw siyang tinanong ng matanda kung mayroon na ba siyang balita kay Don Tiburcio. Sinagot naman ito ni Isagani na kunwari ay walang alam. Ipinagtapat ni Paulita sa kasintahan na ang nililigawan ni Juanito ay ang kanyang Ale. Dahil dito ay naging lubos ang kagalakan ng binata kaya sinabi rin niya sa dalaga ang totoong kalagayan ni Don Tiburcio.

Mensahe:

Ang lihim ay lihim. Kapag masyadong masaya, huwag magpapadala sa emosyon upang isiwalat ang mga nakatagong lihim.

Pagsusuri:

1. Bakit magkikita sina Isagani at Paulita? Dahilan bakit sila magkikita at maguusap sina Isagani at Paulita ay para linawin ang lahat ng bagay sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila. Mga hindi pagkakaunawaan ay ang mga sitwasyon na hindi magkaintindihan sa mga magkarelasyon. 2. Paano ipinahiwatig ni Donya Victorina kay Isagani na may damdamin siya kay Juanito? Ipinahiwatig ni Donya Victorina kay Isagani na may damdamin siya kay Juanito sa paraan na nakiusap siya kay Isagani na sabihin kay Don Tiburcio na asawa ni Donya Victorina ay siya ay mag-aasawa. Mapapangasawa naman ni Donya Victorina ay si Juanito Palaez. 3. Ilarawan ang bayang pinapangarap ni Isagani. Nagkapalitan sila sa mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon marinahan . Pinakaiibig raw niya ang kanyan bayang iyon. Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita. 4. Masasabi nga kayang higit ang pag-ibig ni Isagani kay sakay Paulita sa pagiging magkasintahan nila? Ipaliwanag. Masasabing higit ang pag-ibig ni Isagani kay sakay Paulita sa pagiging kasintahan nila ay dahil siya din ang nag-ayos o nagpaliwanag sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa at siya lamang ay tumitig kay Paulita na kung gaano hinahangaan at para sa kanya ay siya ay napakaganda at mahalin at igalang. Ito ang totoong masasabi mo na ang isang lalaki ay higit ang pagmamahal sa babae. 5. Ano-anong pangunahing kaisipan o aral ang iyong nakuha sa kabanatang ito particular sa pag-ibig? Paano mo magagamit ang mga ito sa iyong buhay? Ang pangunahing kaisipan o aral ang akin nakuha sa kabanatang ito particular sa pag-ibig ay kung may hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan sa isa’t isa ay kailangan pagusapan nyo at baka kayo ay nagkakamali. Gagawin mo ang lahat para mahulog ang loob niya sayo. Magagamit ko ito sa aking buhay sa paraan na kahit hindi man sa relasyon ay magagamit ito sa lahat kagaya ng iyong pamilya at kaibigan. Magsalita ka at ipaliwanag mo sa kaniya o sa kanila na ang totoong pangyayari.

43


KABANATA 25: TAWANAN AT IYAKAN Buod: Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa upang sila ay usigin ng pamahalaan. Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtututro ng wikang Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval ang kahihinatnan nito. Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga Indiyo. Wala daw karapatan ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang magiging kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan. Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang pansiterya upang ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio at si Juanito ang hindi nakarating sa nasabing pagtitipon. Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili. Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila sibubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni Simoun.

Mensahe: Walang kagandahang maidudulot ang pagiging mapusok lalo na sa mga kabataan. Laging tatandaan ang pagsisisi ay laging nasa huli.

Pagsusuri: 1. Anu-ano ang mga bagong karanasan ni Placido nang lumisan sa klase ni Padre Millon? Ang mga bagong karanasan ni Placido nang lumisan sa klase ni Padre Millon ay dahil nga halos hindi na siya makapagtimpi at nais na gumawa ng isang libo’t isang paghihiganti. 2. Anong pasiya kaya ang nabuo sa isip ni Placido pagkatapos niyang makadaupang-paladang mag-aalahas? Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunwa’y payag na siya sapagka’t batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kaya’t wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan. 3. May mga opisyal ba tayo sa ngayon ang katulad ni Don Custodio pagdating sa larangan ng pagpapasya? Patotohanan o pasinungalingan ang iyong sagot. Masasabi kong may mga opisyal sa ngayon ang katulad ni Don Custodio pagdating sa larangan ng pagpapasya dahil makikita talaga natin na may mga opisyal na mukhang pera. Nang dahil nga pera lamang ang iniisip lagi, ang Pilipinas ay isa sa mga korap na bansa. 4. May mga dayuhang palabas o panoorin na dumarating sa bansa.Ihambing ang suporta ngmga Pilipino sa mga dayuhan at lokal na palabas. Ano ang iyong konklusyon ukol rito? Ang aking konklusyon ukol sa pagsuporta ng mga Pilipino sa mga dayuhan at lokal na palabas ay nakakabuti din saatin dahil malalaman natin ang mga pagkakaiba at mga kanilang kakaibang paggawa ng mga nakamamanghang palabas.

44


KABANATA 25: TAWANAN AT IYAKAN 5. Bakit kaya binigo ni Rizal si Simoun na mailigtas si Maria Clara?Ano ang ipinahihiwatig niya sa mga mambabasa? Binigo ni Rizal si Simoun na mailigtas si Maria Clara dahil sabi nga na hindi lahat ng kuwento sa buhay man o nobela ay mayroong magandang wakas. Ipagpapatuloy pa din ang kuwento kahit may nawala sa iyong buhay dahil hindi lamang si Maria Clara ang kaniyang layunin. 6. Ano o sino kaya ang sinisimbolo ni Paulita na kaakit-akit subalit taliwas ang pangarap sa kapwa Pilipino? Ang sinisimbolo ni Paulita na kaakit-akit subalit taliwas ang pangarap sa kapwa Pilipino ay sa palagay ko ay ang kayamanan. Dahil nga nakakaakit-akit ito ay unti-unti mong mararanasan ang kasamaan na kakakayahan nito. Tayong mga Pilipino ay mas pinapahalagahan natin ang kung ano mang meron sa buhay at kasama sa buhay. 7. Nakita ng mga mag-aaral na may isang binatang nagmamadaling sumakay sa karwahe niSimoun. Sino kaya ito at bakit hindi lantarang inihayag ng may-akda ang katauhan nito? Maghinuha. Ang binatang nagmamadaling sumakay sa karwahe ni Simoun ay walang iba kundi ang utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagmamanman ito sa mga estudyante. 8. Anu-anong mga aral at mahalagang kaisipan ang iyong natutuhan sa kabuoan sa kabanatang ito? Ang aral sa kabanatang ito ay ang pagiging mapusok ay walang mabuting maidudulot lalo na sa mga kabataan. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Ang pagiging mapusok ng mga kabataan ay makikita sa kung papaano ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin ukol sa akademiya na nais nilang magkaroon.

45



KABANATA 26: MGA PASKIN Buod:

Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni Basilio. Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado. Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan. Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan. Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan. Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.

Mensahe:

Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.

Pagsusuri:

1. Bakit maagang lumabas ng tahanan si Basilio? Maagang lumabas ng tahanan si Basilio dahil marami itong gagawin o plano sa araw na iyon. Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. 2. Isalaysay ang natuklasan ni Basilio sa ospital at Pamantasan. Natuklasan ni Basilio na may isang diumano’y paghihimagsik. May mga paskin na masasama ang sinasabi. 3. Ano kaya ang nilalaman ng poster at sino-sino kaya ang nagpaskil ng mga ito? May kinalaman kaya si Simoun dito? Maghinuha. Ang nilalaman ng poster ay puno ng pananakot, pagbitay sa mga makapangyarihan, at pagsalakay sa mga simbahan. Ang nagpaskil ng mga ito ay ang mga kabataang rebolusyonaryo. Walang kinalaman si Simoun dito sapagkat si Simoun ay nagpagaling dahil nasugatan siya nito ng minsan ay misteryoso siyang patayin. 4. Bakit at paanong naubusan ng pera si Basilio? Bakit kay Makaraig pa siya nanghiram at hindi kaya Kapitan Tiago? Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli. Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay pahingi niya ng pauna sa lagi nang ipinangangakong pamana; nahihiya na siya gayon. 5. Ano ang sinisimbolismo ng mga mag-aaral na sina Sandoval, Tadeo, at Juanito? Ano angnakita mo sa kanilang pagkatao nang sila’y pare-parehong maharap sa isang suliranin? Paghambingin. Sinisimbolo ng mga mag-aaral na sina Sandoval, Tadeo, at Juanito ang iba’t iba reaksyon ng mga taong nadadamay o kasangkot sa isang suliranin. Si Sandoval ay iniiwasan si Basilio noong tinatawag niya nito dahil ayaw niyang mahuli o madamay sa kanila siwasyon. Si Tadeo naman ay natutuwa dahil tila mangyayaei ang walang katapusan Cuancha. Si Juanito naman ay takot na takot at namumutla. Noong wala pang kaguluhan, siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng kapisanan. Kinuha si Basilio bilang 46 saksi na wala siyang kinalaman sa paskin.


KABANATA 26: MGA PASKIN

6. Anong uri ng pagkatao ang ibig buhayin ni Rizal sa pagkatao ni Basilio? Bakit? Nais ni rizal na maging huwaran si basilio dahil sa pagkuha nito ng medisina at nagpupursiging mag aral kahit na may diskriminasyon sa pagitan ng propesor at ni basilio na mahirap at di kaaya aya ang suot. 7. Maituturing bang duwag si Basilio nang talikuran niya ang kaibigang si Isagani na noo’y hindi alintana kung maririnig man siya ng mga prayle sa pagsanib sa may kagagawan ng paskin? Ano ang masasabi sa katangiang ito ni Isagani? Masasabi kong duwag si Basilio nang talikuran niya ang kaibigang si Isagani na noo’y hindi alintana kung maririnig man siya ng mga prayle sa may kagagawan ng paskin. Kung si Basilio ay duwag, si Isagani naman ay sa kabila ng kagulohan ay makikitang matapang na nagpapaliwanag sa kaniyang paninindigan at mga prinsipyo ng akademyang kanyang ipinaglalaban, ayon sa kanya hindi daw dapat sila lalo magka watak watak, hindi dapat matakot, ayon sa kanyang talumpati sa harap ng iba pang kabataan, hindi lamang daw ngayon may napipiit na kabataang nagtatanggol sa kalayaan, dapat nating alalahanin na noon pa man ay may mga nabuwal na sa gitna ng dilim. 8. Tama ba ang pagkakahuli kay Basilio sa kabanatang ito? Ano ang ibig palitawin ng may-akda ukol rito? Mali ang pagkakahuli kay Basilio sa kabanatang ito dahil kahit nalamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay wala itong kinalaman sa mga paskil. Pinayuhan nito na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya.

47


KABANATA 27: ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO Buod:

Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba ito sa hapunan. Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari. Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani. Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang. Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging maginhawa lamang. Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang estudyanteng Filipino.

Mensahe:

Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid.

Pagsusuri:

1. Anu-ano ang mga hangarin ng mga mag-aaral na Pilipino sa mga paring nagtuturo sa kanila? Ang mga hangarin ng mga mag-aaral na Pilipino sa mga paring nagtuturo sa kanila ay maayos na pagtuturo. Batid ng mga mag-aaral na hinayaan sila na malugmok sa kadiliman sa halip na akayin sila tungo sa tagumpay, hinahadlangan nila ang lahat ng ito. Maging ang mga propesor na nagtuturo sa kanila ay tinatanggalan ng motibasyon upang hindi na magturo. 2. Bakit naglakas loob si Isagani na makipagtalo kay Padre Fernandez? Kahit isa siya sa hinahangaan ni Padre Fernandez, si Isagani ay naglakas loob na makipagtalo kay Padre Fernandez para ipaglaban ang karapatan ng bawat mag-aaral. Sabi ni Padre Fernandez na karapatan ni isagani ang anumang guston niyang sabihin laban sa mga dominiko. 3. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa tinuran niyang;“ kayo rin ay walang awang lumalait sa mangmang na Indio. Ipinagkakait ninyo sa kanya ang mga karapatan sa dahil lang siya ay mangmang. Hinuhubaran ninyo siya. Pagkatapos,kinukutya at ito’y kanyang ikinakahiya.” Ang ibig sabihin ni Isagani na may karapatan din ang mga mangmang na Indio na matuto. Hindi porke mangmang ito ay lalaitin ninyo at hahayaan lamang. 4. Ano naman ang kahulugan ng sinabi ni Padre Fernandez na“ ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooban” Masasabi bang hindi dapat pagkalooban nito ang mga mag-aaral na Pilipino o sa mga tamad na lamang na mag-aaral? Batid ng pari na ang karunungan ay maaaring gamitin ng tao sa kasamaan. Kadalasan, ang mga taong matalino ay nakakaisip ng paraan upang makalamang sa kanyang kapwa, mang api at manlibak ng tao, at manamantala sa kahinaan ng iba. Tulad na lamang ng peligro ng pagtatayo ng akademya ng wikang kastila. Batid ni Padre Fernandez na kapag natuto na ang mga batang mag aaral ng wikang kastila, maaari na nilang gamitin ang wikang ito upang kalabanin ang mga prayle na siyang pinagmulan ng kanilang karunungan.

48


KABANATA 27: ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO 5. Paano nagtapos ang tunggalian ng kaisipan ng prayle at ng mag-aaral na Pilipino? Bakit sa ganitong paraan nagwakas ang kanilang usapan? Nagtapos ang tunggalian ng kaisipan ng prayle at ng mag-aaral na Pilipino nung pumunta si Isagani sa pamahalaang sibil at makikisama sa mga estudyanteng nahuli. Sa ganitong paraan nagwakas ang kanilang usapan dahil nung simula ibinanggit ni Padre Fernandez ang pamahalaan at nang naglakas loob pumunta si Isagani sa pamahalaang sibil, alam niya kung ano mas lamang kung ang karunungan ba o ang kalayaan. 6. Ipaliwanag ang malaking pananagutan ng mga guro sa mga kabataang nag-aaral. Kagaya ng gustong mangyari ni Isagani ay ang pagtupad sa obligasyon ng simbahan at pamahalaan. Dapat nilang paunlarin ang pisikal, intelekwal, at moral ng mga kabataan. Ang ginagawa lamang ng mga prayle ay pagpapaunlad lang ng moral pero pagdating naman sa intelekwal na pinapangarap ng kabataan ay hindi sakanila binibigay. Ang edukasyon na binibigay ng isang guro ay ganoon din ang asal o aral na makukuha ng mag-aaral. 7. Wala nga ba/kayang pagsulong ang edukasyon sa isang bansa kung hindi ito pagsisikapanng pamahalaan? Katwiranan. Walang pagsulong ang edukasyon sa isang bansa kung hindi ito pagsisikapan ng pamahalaan dahil kahit anong gawin o talino ng mga estudyante ay bale wala lang rin kung walang ginagawa ang pamahalaan. Sila ay dapat makipag tulungan sa mga mag-aaral at guro para matulungan din ang mga bata na makapagaral kahit mangmang man ito.

49


KABANATA 28: MGA KATATAKUTAN Buod:

Ipinanglandakan ni Ben Zayb na tama siya sa madalas niyang pagkasabi na nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Ito'y pinatunayan ng mga paksil. Natakot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Nagtungo si Quiroga kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril. Ngunit ipinasabi lamang na huwag galawin ang anuman sa kinalalagyan. Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang ang mga estudyanten'y kinasabwat ng mga tagabundok ng San Mateo, at di umano, lulusubing bigal ang Maynila sa tulong ng mga bapor na pandigma ng mga Aleman. May pangkat din daw ng kabataan ang nagsadya sa Malacanang upang tumulong sa Kapitan Heneral, at sapagkat natuklasang pawang sandatan ay ikinulong lahat. Kina Kapitan Tiyago, lalong naglubha si Kapitan Tiyago nang hulihin si Basilio at nahaluhogsa kanyang mga aklat. Saka ngayo'y dumating si Padre Irene at nagbalita pa ng kung anu-anong nakakatakot. Naginig sa takot ang matanda. Umungol ng malakas at saka bumagsak na wala nang hinihinga sa higaan na nakadilat ang mga mata. Natakot si Padre Ireene at tumakbo subalit nakakapit sa kanya ang patay kaya ito'y nakaladkad at naiwan sa gitna ng silid. Sa isang tindahan ai si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan. Binaril na raw siya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo kaya sila ay anatahimik nalang. Si Isagani raw ay kusang nagpadakip. Babariln daw malamang. Si Paulita ay baka raw ipakasal sa iba.

Mensahe:

Kahit ang mga nilalang na ipinakikitang mas matapang sila sa kapuwa ay mayroon ding kinatatakutan. Lahat ng katapangan ay may hangganan, at lahat ng matatapang ay may katapat.

Pagsusuri:

1. Bakit tumindi ang pagkabahala ni Quiroga sa pagkatuklas sa mga Paskil? - Hindi na napuntahan ng mga pari ang basar ni Quiroga. Siya ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali may masamang mangyayari. Siya din ay isa sa mga sinisi sa paghimagsikan. 2. Paano lumaki ang paniniwala ni Ben Zayb sa kanyang katalinuhan? - Dahil sa pagtuklas ng mga parsil na patungkol sa pagbabanta, pagtutuligsa at paghihimagsik. Ngunit hindi pa talaga alam kung sino ang naglagay ng Paskin sa pintuan ng unibersidad. 3. Ilahad ang mga kumakalat na balita na nagpatakot sa maraming tao? - Ang balita na ang mga estudyante at tulisan ng San Mateo ay magkasabwat. Niyari daw ang balak na paglusob sa Maynila sa tulong ng mga bapor na pandigma ng mga Aleman. 4. Ipaliwanag ang hindi pagbabalita sa pahayagan tungkol sa dalagitang bangkay na natagpuan ni Ben Zayb? - Natagpuan ang bangkay ng dalaga sa Luneta na halos hubad na. Pero ang unos sa amerika ay ang inathali sa halip ng babae. Diko pa alam kung bakit hindi ito pinansin ni Ben Zayb o bat hindi binalita. Pero baka dahil may koneksyon ito sa mga prayle o si Ben Zayb. 5. Kung ikaw si Padre Irene, ibabalita mo ba kay Kapitan Tiago ang mga kaganapan? Bakit? - Hindi, dahil matanda na si Kapitan Tiyago. Bawal magsabi ng masamang balita sa isang matandang lalaki dahil maaari silang mamatay sa pagkabigla. 6.Makatotohanan ba sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging mapaniwalain sa mga bulongbulungan ?Patunayan. - Oo, mula lamang sa aking kalamaan na galing sa pagtitira dito sa Pilipinas sa labing-anim na taon, ang mga tao ay nais na kumalat ng mga tsismis dito at maraming tao ang madaling mapaniwalain. 7. Sa iyong pagkukuro, bakit higit na nakatatakot ang mga balitang naririnig sa radio kaysa sa mga pangyayaring iniuulat sa telebisyon? - Siguro dahil sa radio, wala kang makikitang larawan at iyon ay nag-aambag sa pagkabahala ng mga tao sa mga pangyayari.

50


KABANATA 29: ANG HULING SALITA UKOL KAY KAPITAN TIYAGO Buod:

Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral. Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot. May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit. Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong. Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.

Mensahe:

Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring aanihin. Dahil naging mabuting tao si Tiago, naging maganda rin ang pag-alala ng mga tao sa kaniya hanggang sa huling sandali.

Pagsusuri: 1. Kani-kanino ipinamahagi ni Kapitan Tiago ang kanyang kayamanan? - Paghahati-hatiin ang kanyang kaymanan sa Sta. Clara, sa Papa, sa arsobispo at sa mga korporasyon ng mga prayle, at halagang 20 piso para sa matrikula ng mga mahirap na nag-aaral. 2. Bakit hindi itinuloy ang pagpapamana kay Basilio? - Inalis ni Kapitan Tiyago ang P25.00 na pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa. 3. Isalaysay ang mga paksa ng usapan nang mamatay si Kapitan Tiago. - May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit. 4. Makatotohanan ba ang usapan nina Don Primitivo at Martin Aristorenas? Bakit? - Hindi, ang kanilang kausapan tungkol kay Kapitan Tiyago at kay San Pedro ay kathang-isip lamang. Ngunit meron parin nagkakahuluhan. 5. Anu-anong matatandang kaugalian ang ipinakita sa kabanatang ito? Mabuti ba ito?Patunayan. - May mabuti at may masama. Mabuti ang pagluluksa ng mga pari para kay Kapitan Tiyago. Sa palagay ko ay taos-puso ang kanilang pagluluksa kaya't mabuti. Ngunit mayroon ding hindi taospuso, pati na rin sa mga taong nagagalit sa kakakalembang para sa namatay. 6. Ano-anong pamamalakad sa simbahan ang tinutukoy dito ni Rizal? Mabuti ba ang mga ito? Bakit. - Nihambing ni RIzal ang tiwaling pamamahala ng simbahan sa pamamagitan ni Padre Irene, sinubukan niyang magnakaw ng pera kay Kapitan Tiyago. Ngunit sa huli ay ibinalik ito, na maaaring nangangahulugan na may pag-asa pa rin para sa katiwalian sa simbahan. 7. Ano ang nais ipakita sa atin ng mau-akda sa pakikipagpalaluan no Donya Patrocinio kay Kapitan Tiago? Punahin. - Na may ilang mga desperado, naninibugho, at loko-lokong tao sa mundo na gagawin ang anupaman upang maging mas mahusay at mas tanyag kaysa sa isang tao. Kahit na kapag namatay ang tao, gugustuhin nilang magkaroon ng isang mas mahusay na libing.

51


KABANATA 30: SI JULI Buod:

Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli dahil sa nangyari sa kasintahan. Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit nag-aalangan ito dahil sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip. Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago. Ayaw man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo. Nagtungo si Juli sa kombento. At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana ng kombento. Hindi kinaya ng lolo ni Juli na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.

Mensahe:

Kapag mahal ang isang tao, gagawin nito ang lahat kahit kapalit nito ay ang kaniyang kaligtasan. May mga tao namang nananamantala ng kagipitan ng iba para maisakatuparan ang mga binabalak.

Pagsusuri:

1. Ano-ano ang palagay sa pagkakabilanggo ni Basilio? -Dinamdaman at pinag-usapan ng higit si Basilio. Ngunit si Hermana Penchang ay muling sinisi dahil sa hindi pag sisimba. May ilan pa ang nansisi rin sa binata. 2. Bakit natatakot si Juli sa paglapit kay Padre Camorra? -Dahil si padre Camorra ay kilalang malikot sa babae. At si Padre Camorra daw ay ang tumulong upang mapalaya si Tandang Selo. Hindi lubos na nasiyahan ang prayle, kundi humiling ito ng mga paghahandog. Mula noon ay iniwasan niya na ang mga prayle. 3. Paano napapayag ni Hermana Bali si Juli na magtungo sa kumbento? -Itinakot niya ito sa pagsabing umuwi na lang daw sila at hayaang mabaril si Basilio at pagsisihin niya. Dagdag na rin ito ang balitang nakalaya na ang ibang kasama ni Basilio sa bilangguan at siya na lang ang natitira. 4. Makatwiran ba ang ginawang pagtalon ni Juli mula sa bintana ng kumbento? Katwiranan. -Siya ang gumawa ng sarili niyang decision. Mukhang mataas ang paghawak niya sa kanyang karangalan at sa kanyang dignidad na nagpasya siya pagkatapos na mawala ito. 5. Bigyan ng palagay ang pagpapahalaga ng mga Pilipina sa puri o dangal. -Ang mga tao sa pangkalahatan ay may maraming karangalan at dignidad, kasi marami rin ako. Sa palagay ko natural lamang na ang mga kababaihan kasama ang mga kalalakihan ay may maraming pangangalaga para sa kanilang karangalan. 6. Ihambing ang kadalagahan noon sa ngayon sa pagpapahalaga sa pag-ibig? -Ang mga bagay ay mas romantiko noon kaysa sa mga araw ngayon. Ngunit ganun din naman ay kawalan-walan ng hulugan. Ang bawat pag-ibig noon ay kahit papaano ay laging nakatali sa politika. 7. Patunayang ang kahirapan ay may malaking kinalaman sa kasawian ng mahihirap na bilanggo. -Ito ay dahil lamang sa pag-abuso ng mga prayle sa kanilang kapangyarihan. At ang mga mahihirap ay walang mapoprotektahan ang kanilang sarili 8. Patunayan na kinakatawan ni Juli ang ating bayan sa kasaysayang ito. -Ang aming bansa ay marami ring malaking pagmamataas, padaragdag din sa katotohonan na kami ay isa sa mga third-rate na mga bansa. Masisira din ang ating bansa kung mawala ang kapalaluan at dangal na iyon. 52


KABANATA 31: ANG MATAAS NA KAWANI Buod:

Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Tanging lumabas sa mga sirkulasyon ay ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila. Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang nasa loob ng bilangguan. May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina. Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito. Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral, sa Espanya siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino. Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano sa puwesto at babalik na lamang Espanya.

Mensahe:

May mga taong kahit na alam na mali sila ay paninindigan na lamang ito upang hindi maibaba ang sarili at mapahiya. Ipipilit nila ang gusto kahit mayroong masamang epekto sa kanilang kapuwa

Pagsusuri:

1. Ipakilala ang mataas na kawani. - Ang mataas na Kawani ay ang naglilingkod ng Kastila sa Pilipinas. Siya ang tagapagtanggol ni Basilio. 2. Paano ipinagtanggol ng kawani si Basilio? - Mabuting bata raw siya at matatapos na ng paggagamot. Sinabi rin niya ng si Basilio ay ang may walang kasalanan o ang mas kunting may kasalanan. 3. Bakit nakasama sa halip na nakabuti ang pagtatanggol kay Basilio ng mataas na kawani? - Dahil lahat ng sinasabi ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. Pinagbibintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat si Basilio sa medisina. Sabi ng Kawani na dapat matakot siya sa bayan pero sabi ng Henreal wala daw siyang pakialam sa bayan. 4. Ipaliwanag ang katwiran ng Kapitan Heneral sa kanyang ginawang pasiya kay Basilio? - Dahil kailangan daw magbigay ng halimbawa na di dapat maghimagsik para sa pagbabago. Dahil magiging tulad sila ni Basilio. 5. Bigyan ng reaksyon ang pag-alis sa tungkulin ng mataas na kawani. - Ang Kawani ay kumikilos para sa kung ano sa tingin niya ay tama, lalo akong nirespekto ang kanyang pagkatao. At kahit na anuman ang katotohanan na ang mga Espanyol ang tumulong sa kanya na makarating kung nasaan siya, kumikilos pa rin siya sa hustisya. 6. Paano ipinakita ng may-akda sa kabanatang ito ang kapangyarihan ng salapi? - Ang pera ay maaaring makatulong sa buhay ng bawat isa ngunit sa kabanatang ito, ipinakita na ang pera ay maaari ring pagmulan ng katiwalian at kasamaan. At ang mabubuting tao lamang ang makakalaban dito at posibleng maging isa na baguhin ang katiwalian na iyon. 7. Bakit nagbitiw sa tungkulin ang kawani? May kawani pa bang katulad niya sa ating bayan? - Nagbitiw ang Kawani sapagkat sa palagay niya ay wala nang pag-asa ang bansa para sa pagtubos sa paghuhusga mula sa pag-uusap lamang niya sa heneral. Kasabay ng pagkabigo na protektahan si Basilio mula sa pagkakabilanggo. 8. Sa ngayon, may mga Kapitan Heneral pa kaya sa ating pamahalaan? Patunayan ang sagot. - Garantisado. Palaging may masasamang tao at tiwaling tao lalo na sa gobyerno. Ito ay medyo imposible para sa ganitong uri ng problema upang malutas. 53


KABANATA 32: ANG IBINUNGA NG MGA PASKIL Buod:

Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito. Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa negosyo. Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito. Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio. Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.

Mensahe:

Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon o gawain, nawawala ang kredibilidad nito kahit ang katotohanan ay nais lamang ng mga ito ang mapabuti ang mga kapuwa.

Pagsusuri:

1. Bakit natatakot ang mga magulang ng mga mag-aaral na probinsyano? -Dahil sa mga kamakailang kaganapan na sanhi ng mga paskil. Natatakot ang mga magulang at baka madamay ang kanilang mga anak. 2. Paano tinanggap nina Tadeo at Juanito ang kanilang pagkakatigil sa pag-aaral? -Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Juanito ang tanging hindi matanggap na hindi na siya babalik sa eswlelahan sapagkat ibig sabihin ay tuluyan na siyang tutulong sa pamamhala sa kanyang ama. 3. Paghambingin sina Juanito at Isagani batay sa pasiya ni Paulita na pakasal sa una? -Ayon kay Paulita, si Juanito ay mayaman at dugong-Kastila. Samantalang si Isagani'y probinsiyano at walang pangarap. Walang makahihigit kay Pelaez na simula sa pagkabata ay batid na ang pakaliwa-liwa ng buhay-Maynila. 4. Ilahad ang mga bali-balita tungkol kay Simoun. -Balita daw ay si Simoun ang mag mamamahala at maglalabas ng mga tipak-tipak na brilyantes at magpapamigay ng mga perlas, sa karangalan ng anak ng kasosyo. 5. Sa palagay mo ba ay dapat kainggitan si Don Timoteo Pelaez? Bakit? -Sa kabanata, hindi talaga siya naiinggitan ng mga tao ngunit mas katulad ng pagnanais na samantalahin para lamang masama sila sa piging. 6. Dapat nga kayang ikalungkot o ikatuwa ang di pagpasok sa paaralan? Katwiranan. -Para sa ilang mga tao tulad ni Tadeo na wala talagang mangyayari at mapapala nya, edi oo. Ngunit para sa mga taong tulad ng Isagani o Juanito, mayroon silang mga dahilan upang maging malungkot dahil sa hindi pagpasok sa paaralan dahil nakasalalay dito ang kanilang kinabukasan. 7. Kung kayo ay iibig, ano ang iyong gagamitin? Puso o pag-iisip? -Malinaw na gagamitin ko ang puso ko. Ano ang magiging punto kung ang iyong lohika ay magpapasiya sa halip na iyong damdamin. Ang mga tao na gumagamit ng kanilang isip ay marahil ay hindi sa pag-ibig sa lahat at hinahanap lamang ito para sa iba pang mga kadahilanan. 54



KABANATA 33: ANG HULING MATUWID Buod:

Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata. Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay. Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao. Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang lamparang ‘di karaniwan ang pagkakagawa. Ang katawan nito’y waring isang granada na kasinlaki ng ulo ng tao at ang balat ay gintong nangitim at kamukhang-kamukha ng mga nakakakilabot na bungang-kahoy. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan. Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.

Mensahe:

May mga oras na kahit ang isang tao ay matuwid ang pagkakaisip, ito ay nabubulagan dahil sa suliranin at pinagdadaanan sa buhay nito, kahit paman na alam nito kung ano ang mangyayari sa katapusan ng kanyang pagkakagawa, siya’y natakloban ng paghihiganti.

Pagsusuri:

1. Paano nakalaya si Basilio? Si Basilio na lamang ang nasa loob ng bilangguan. May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina. Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito. 2. Ilarawan si Basilio nang humarap sa mag-aalahas. Nang nagkita si Basilio at ang mag-aalahas, siya ay halos nang hindi makilala sa pagkatagal ng pagkabilanggo niya. 3. Bakit nagtungo si Basilio kay Simoun? Naniniwala ang marami na hindi magpapaiwan si Simoun dahil baka marami ang mga taong galit at maghiganti sa kanya o kaya naman ay pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral. Dumating si Basilio at nagulat ni Simoun sa laki ng ipinagbago ng binata. Payat na payat na ito, humpak ang mga pisngi, gulo ang buhok, walang ayos ang pananamit at wala na ang dating amo ng kanyang mga mata. Si Basilio ay tila isang patay na muling nabuhay. Nasambit ni Basilio kay Simoun na naging masama siyang anak dahil hindi niya ipinaghiganti ang kasawian ng kanyang ina at kapatid. 4. Ilahad ang mga balak ni Simoun sa gabi ng kasal nina Juanito at Paulita? Ang plano ay magtatagpo sina Kabesang Tales at Simoun sa siyudad upang agawin ang mga armas na itinago ni Simoun sa tindahan ni Quiroga. Si Basilio naman ang namumuno sa mga arabal at pag-aagaw ng mga tulay. Magkukuta siya roon upang sumaklolo kina Simoun. Papatayin niya ang lahat ng laban sa paghihimagsik at lahat ng lalaking tatangging sumama at humawak ng sandata. Sinabihan ni Simoun si Basilio na sa ikasampu ng gabi ay magkikita sila sa tapat ng simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin. 5. Makatwiran ba ang pasya ni Basilio na makiisa kay Simoun? Bakit? Sa aking opinyon, kahit anong tingin ko, anggolo man nila Basilio at Simoun o ang Espanya. Ito ay isang makatwiran na pasya, ngunit ang pagpapatay ng kapwa tao ay hindi sakaling kailangan gawin kahit gaano kalaki ang galit sa kanila, dahil ang buhay ng tao ay hindi nababalik, nabibili o nakukuha ng kadalian. 6. Ang poot nga kaya ay nakapanghihina sa katwiran? Patunayan. Oo, dahil kapag ang iyong galit ay namumuno sa iyong kaisipan, ang pagkakadesisyon sa tamang paraan ay lalong pahirap ng pahirap. Ito ay mapupunta sa iyong rason lamang kung paano mo dadalhin ang pagkahiganti sa mga taong kinakagalitan nito, sa mga bilis ng pagkakadesisyon hindi natin naiisip ang epekto pagnaresolusyonan na ang problema. 7.Kung ikaw ay naghahangad ng pagbabag, mamarapatin mo ba ang dahas upang madali ang pagtatagumpay? Katwiranan. Sa aking opinyon, masmagandang hindi humawak ng patalim sa rason ng paghihiganti o pagbabago, dahil sa kahit anong rason, hindi na ito kayang ibalik. Ikagagandang resolusyonan ang problema na makipagusap ng dahan dahan para lahat magkaintindihan, dahil mayroong tyansa na masmadami pang-masasaktan sa 55 kagawain, kahit sa kahirapan ng tagumpay para sa sariling kasiyahan.


KABANATA 34: ANG KASAL Buod:

Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi. Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara. Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani. Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog. Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog. Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.

Mensahe:

Mayroon tayong mga ginagawa at ninanais na hindi para sa ating mga sarili. Maaaring ito ay sa mga kaanak o minamahal sa buhay na gusto nating pasayahin.

Pagsusuri:

1. Abu-ano ang pagbabago sa tahanan ni Kapitan Tiago? Ang mga pagbabago sa tahanan ni Kapitan Tiago ay, ang mga magagarang papel na nilagay ni Don Timoteo at araanya ang mga dingding, may inilagay din na malaking sala, karpet na galing sa ibang bansa, mga artipisyal na bulaklak ng suha, kurtinang may burda ang titik ng pangalan ni Paulita at Juanito, at malalaking paso na gawa ng mga Hapon. 2. Bakit napakalaki ng kapalarang napasakamay ni Don Timoteo Pelaez? Napangasawa ng kanyang anak ay si Paulita Gomez na sa isang magandang babae at mayamanin. Ito din ay pinautang ni Simoun ng pera, kaya nito nabili ang mansyon ni Kapitan Tiyago at isa nadin siyang ninong sa kasal nila Paulita at Juanito. 3. Paano nakilala ang mga dakilang panauhin sa kasal nina Juanito at Paulita? Nakilala ang mga dakilang panuahin sa kasal ni Juanito at Paulita dahil sila ay importanting tao ay nakahiwalay sa mga taong ‘di kilala. Ito din ay nakilala dahil seperado ang nangyaring lugar kung saan nagpadiriwang ng kasal, sila ay naseperado base sa “teir” ng kanilang buhay. 4. Sa palagay mo, bakit naging mauwag si don Timoteo sap ag-aayos si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago? Ang aking opinyon na bakit naging mauwag si Don Timoteo sa pag-aayos si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakikilalang tao at napautaong din siya ni Simoun, kilala si Don Tometeo sa pagiging mapagmataas ang tingin na tao. HIndi din ito sumasalungat sa mga ibang makapangyarihang tao dahil balang araw may posisyon na puwede siyang matulungan 5. Kung ikaw si Basilio mangangarap ka kaya ng pagkilala ng iba sa gawaing iniatas s aiyo ni Simoun? Bakit? Sa aking tingin, hindi ko ito papangarapin sa pagkilala ng iba sa gawaing iniantas saakin ni Simoun dahil masnararapat ang pagpupuri sa gawain Simoun at si Simoun. Pero hindi ko itatanggi ang mga taong nakilala ako sa gawa ni Simoun. 6. Mahalaga nga kaya sa pag-aasawa ang marangyang kasalan? Bakit? Sa tingin ko ito sa buhay ng ibang tao, ay mahalaga dahil, ito ay natuturing pagbibigay ng sumpa sa kamahalan ng isa’t isa. Sa mga ibang taong ayaw o hindi kayang magpakasal hindi ko sila tinatanggi sapagkat bilin lang naman nilang magkalapit ang kanilang pagmamahalan. 7. Hangad mo bang makilala at makasama ng mga kilalang tao kahit ito’y palabas lamang? Katwiranan. HIndi ko hinahangad makilala at makasama ang mga tao kilala kahit pa ito’y pang palabas lamang, dahil hindi ko makikita ang punto ng magiging kilala sa tao, ito ay pampakita ng kaduwagan at nagtatago sa anino ng ibang taong may masmataas na posisyon. 56


KABANATA 35: ANG PIGING / PISTA Buod:

Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si Don Custodio. Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pagalala sa anumang nangyari noong gabing iyon. Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng balita ukol doon. Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob. `May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob nila ang pagputok na nangyari. Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas doon.

Mensahe:

May mga kuwento at bali-balitang ginagawa at pinalalala lamang ng mga mananahi ng istorya. May mga taong napapahamak at naniniwala kaya kailangan ay maging mapagmatiyag

Pagsusuri:

1. Anong larawan o kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa nangyaring handaan? Ipaliwanag ang iyong sagot. Ang kaugalian na makikita sa mga Pilipino sa nangyaring handaan ay ang pagiging mainipin ito din ay natatakot dahil sa paparating na pagsabog na sinasabing walang pinuputrektahan, taong galing sa bayan man o mga taong nanggaling sa ibang lupa. 2. Ano-anong mga bagay ang pumasok sa isip ni Basilio nang makita niya ang lamparang naglilinis ng masasama sa bayan? Ano ang damdaming nanaig sa kanya nang makita ito? Ang pumasok sa isip nito ay ang mga taong madadamay sa mga bata, matanda at inosenteng masasaktan sa kagagawan niya at naawa siya sa mga taong walang malay na mamamatay duon, ito naman din ang naglayag ng opurtunidad na mag-bago at baguhin ang mararating na pag-kasala na hindi mababalik. 3. Dapat nga kayang mamutla si Padre Salvi sa lagda ni Ibarra? Bakit? Oo, dahil sa nagbigay ito ng puntong lahat nang nagawang mabibigat o magagaan na kasalanan na nabigay nila Padre Salvi kay Crisostomo Ibarra. 4. Bakit pinigilan ni Basilio si Isagani na magtungo sa kasalan? BAkit hindi matiis ni Isagani na mailigtas ang kanyang kasintahan gayong talusira ito sa kanilang pag-iibigan? Pinigilan ni Basilio si Isagani na magtungo sa kasalan dahil sa pagtapos ng araw, siya parin ay isang kaibigan na tinulungan siya. At ayaw na ayaw nitong madamay pa katulad sa mga ibang taong nakabalibot sa kanya, Hindi natiis ni Isigani na iligtas ang kanyang kasintahan dahil ang pag-ibig ni Isigani ay tapat. 5. Bakit kaya hindi natuloy ang ikalawang hudyat para sa naduging rebolusyon? Ano ang nais ipahiwatig dito ng may-akda? Hindi na natuloy ang pangalawang hudyat para sa naduging rebolusyon dahil sa sakripisyo ni Isigani sa pag-ligtas, Ang nais nitong ipahiwatig ay ang paraan ng pagrebolusyon at pagkahiganting ginagawa nila ay isa lamang pag-kakita ng kaduwagan at pag-lalabas ng galit. 6. Ano ang iyong naramdaman sa bahaging malapit nang magtagumoay si Simoun subalit naapigilan ni Isaganing malipol ang mga sanhi ng pighati at kasawian ng napakaraming Pilipino? Malaking pagkabigo ang naramdaman ko sa plano nila Simoun dahil, kahit ito ay masamang gawain, ang kanyang galit ay hindi tunay at isang pag-kilos ng kamao lamang, napatunayan niya na hindi nararapat ang pag paplanong gawain dahil madaming taong hindi namamalayan na sila ay mamamatay. 7. Paano haharapin ni Simoun ang mga pangkat ng tulisan at mga guwardiya-sibil sa nabigong pagsabog? Maniniwala pa kaya silang muli kay Simoun? Bakit? Sa aking tingin hindi na pagkakatiwalaan si Simoun ng mga pangkat ng tulisan at guwardiya-sibil dahil isa itong simbolismo ng pag-sisimula ng isang rebelde. Maaring mangyari ulit kay Simoun ang nangyari sakanya o masmalala pa. 8. Sino kaya ang madidiin kapag natagpuan ng mga imbestgador na sa bahay ni Don Timoteo ay may mina ng pulbura? Ano kaya ang magiging buhay nina Paulita at Juanto pagkatapos nito? Kung sakaling nakakita sila ng ibedensya, ang madidiinan ng mga imbestigador ay si Simoun dahil siya ang nag-aktong tanggalin ang pag-sabog at iligtas ang mga taong walang malay na ito ang mangyayari. Ang aking palagay kela Paulita at Juanto pagkatapos nito ay aalis ng bayan para maputol ng relasyon sa mga kaibigan na kasama sa pag-plano at ipapagliban ang kanilang kasal. 9. Ang pagmamahal ng aba sa kasintahan ay dapaat pa rin pangibabawin kahit na ito’y tumaliwas na sa inyong pagmamahalan? Ipaliwanag. Ang pagmamahal ay dapat wala ikapapalit, hindi ito nabibitawan ng walang halaga dahil sa sakripisyong magagawa ng isa’t isa ay masmahalaga kesa sa mga ibinibigay na puntos para lamang sa pagpapatalas-tas. Kahit ang isang malaking agwat ay nabubuo sa dalawa, makita lang lamang ang pagsisikap para mabuod ulit ang agwat ay sapat an para sa bawat isa.

57


KABANATA 36: MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB Buod:

Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa dumarating. Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang anyo. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita. Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO IBARRA.” Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa pagkain.Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa nang pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa asotea.

Mensahe:

Namamayani pa rin sa ilan ang kabutihang loob kahit na mayroong pagnanasang gumanti sa kapuwa. Bandang huli, ang paghihiganti ay hindi lunas sa sugat ng kahapon.

Pagsusuri:

1. Bakit hindi na dumalo sa hapunan at sayawan si Ben Zayb? Hindi na dumalo sa hapunan at sayawan si Ben Zayb dahil siya ay pumunta sa kanyang bahay agad para masulat ang nangyayari. Ang kanyang gagawin sa letrang mga naisulat ay ibigay sa Kapitan-heneral bago umalis siya ng Pilipinas. 2. Paano tinaggap ni Zayb ang pagbabawal ng heneral sa mga lathalain tungko sa pista? Nagkaroon ng kasamaan ng loob si Zayb dahil hindi itinanggi at ibinalik ang kanyang sulat sa Heneral sa mga tungko sa pista, dahil ang isinulat niya ay ang kanyang ibibigay sa pagkapatay sa kanyang anak. 3.Ilahad ang pagkabigo ng mga tulisan sa mga pangako ni Simoun. Sila ay hindi nabigayan ng tamang babala at napunta sa kaguluhan, kung bakit nangyari ito kay Simoun, sila din ay mabilis ng nahuli ng mga imbestigador pagkatapos ng nangyari. 4. Matibay ba ang mga ebidensya laban kay Simoun? Patunayan. Matibay ang mga ebidensyang napulot ng imbestigador sa laban kay Simoun dahil, pagpunta sa bahay ni Simoun maaaring nakita nila ang mga bala at pulbura ng mga baril an natututong maging isang marka ng kababalaghan. 5. Kung ikaw si Simoun, magtatago ka rin ba? Bakit? Hinde, dahil ito ang tamang gawain at ang tamang pagkakataon na ilabas lahat ng kasong kagagawan nila kay Simoun. At sa ngayon magkikita-kita ang mga sumusuporta kay Simoun sa pag-laban niya sa batas. 6. Maituturing bang magaling na mamahayag si Zayb? Bakit? Sa aking opinyon, hindi maaring magaling na mamamahayag si Zayb, dahil ito ay palaging nagbabago ng kaisipan at sulat na hindi ang tutugma sa kanyang lathal, base sa mamamahayag, dapat hindi ito namimili ng panig, at palaging tapat sa ibedensyang nabigay. 7. Makatwiran bang tugisin si Simoun ng pamahalaan, tulisan at ng taong bayan? Katwiranan. Oo, kahit anu-amng rason, hindi mawawala ang rason na muntik nang maidamay ni Simoun ang mga inosenteng tao sa kapaligiran, tama lang matakot ang mga taong bayan at pamahalaan sa kanya, kahit man sabihin nya ang paningin niya ay mag-simula ng rebolusyon para maipahiwatig ang mga taong nanira sa kanya at sa mga tao nito. 58


KABANATA 37: ANG HIWAGAAN Buod:

Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita. Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng tinutuluyan ngunit di ito nakinig. Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun. Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat. May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon ding naniniwala na si Quiroga o si Makaraig. Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala ito at pinaghahanap na ng mga sundalo.

Mensahe:

Bahagi na ng kulturang Pilipino ang tsismis o pagpapalitan nang hindi kumpirmadong balita. Nag-uugat ito madalas sa kalituhan at nakadaragdag pa sa suliranin.

Pagsusuri:

1. Anu-anong pagbabago ang napansin sa karaniwang nangyayari sa mag-anak na Orenda? Ang napansing pagbago ay, sila’y nakahanap ng nakasakong pulbura na nakakalat sa bahay, nakwento din ang nangyaring kasalanan nang nakaraang gabi, kaya’t nagulat ang mga mag-anak na Orenda na si Simoun ang naging responsible sa insidenteng nangyari. 2. Bakit maraming naibabalita si Chichoy? Dahil sa kabuhayan niyang isang platero, iba’t ibang bahay ang kanyang napupuntahan na naglilibot ng mga impormasyon sa kung saan-saan. Ito din ang kaso kung bakit siya’y maraming nilalaman na naibabalita. 3. Paano iniligaw ni Isagani ang mga kausap upang hindi siya paghinalaan? Nagtulungan sila Isagani at Chikoy para mapawala ang pagpapahinanlan kay Isagani, sinabi nila na “Si Simoun daw ay nawala”, at “Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nagtatanda sa takot ang lalhat ng matanda at babae.” Habang nagmamatipuno si Isagani. 4. Sa iyong palagay bakit hindi pinasabog ng may-akda ang lampara? Baka naisip niyang hindi kagandahan ang solusyon na nasakanyang kamao sa problemang hinaharap ng mga tao. At walang puntos mag sayang ng impormasyon kung ito din ay mawawala. 5. Makatotohanan ba ang pag-uusap sa mga bayan-bayan tungkol sa isang isyu kahit sa bagong panahon? Patunayan. Oo, at ito ang isang kagandahan ng pag-uusap ng bayan-bayan sa mga isyu nararating sa kanilang tenga dahil duon masmadaling kumalat ang impormasyon at may madaling iwasan ang mga iyon, gayun man kapag ang isyung pinapagusapan ay may kamalian, puwede itong mapanira ng reputasyon ng tao, bagay o lugar. 6. Ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat ng kabanata. Sa aking tingin ang “Ang Hiwagaan” ay nagbibigay ilaw sa mga karaniwang nangyayari sa maganak na Orenda tungkol sa pulburang nakasako sa kung kealng pinagdiwang ng kasal at kung sino man ang taong humablot sa lampara ni Simoun, paano nito alam ang plano at bakit niya ito ginawa. 7. Kung ikaw si Isagani, pagsisisihan mo ba ang pagkuha sa lampara? Bakit? Ito’y papagsisihan ko at hindi dahil, ayaw ko madamay ang mga taong walang kamalayan sa nangyari, at may masmaganda pang gawin na plano na hiindi marahas sa kahit sino. Ito’y mapapagsisihan ko din dahil puwedeng maputol ang relasyon ng mga magkakaibigan at 59 masmadaming taong nakatutok kung sino man ang taong kumuha ng lampara.


KABANATA 38: ANG KASAWIAN Buod:

Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan upang mawala ang kanilang mga kinatatakutan. Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino. Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng tanghali. Ginagawa nila nang walang anumang pananggalang sa init sa tanghali ng Mayo. Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may karapatan silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas naman silang mga Pilipino. Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila ng bala. Nasawi si Mautang at ang ilan pang mga sibil. May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang kaniyang baril ngunit di niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw. Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay niya ang kaniyang lolo.

Mensahe:

Sa paggawa ng karahasan o masasamang bagay, kung minsan ay nadadamay ang ating mga mahal sa buhay. Direkta man o hindi ang epekto nito sa kanila, hindi naman alintana ang kapighatiang naidudulot nito sa kanila. Pagsusuri:

1. Ilarawan ang pamiminsala ni Matanglawin sa bayan-bayan. Pinuntahan nito ang bandang Luzon sa nais niyang ikulong ang gobyerno. Ito din ay kinakatakunan ng mga taong bayan dahil siya ang pinag-himalang tao na nagdadala ng malaking panganib sa bayan. 2. Bakit maraming umanib kay Matanglawin sa kabila ng kanyang paglusob sa Luzon? Maraming umanib kay Matanglawin sa kabila ng kanyang paglusob sa Luzon dahil isa lang ang balak na magkakaparehas, ayun ay lusubin ang kabahayan para mapasaknya ang mga pera o ang mga bagay na kanilang kailangan makuha at salungatin ang mga opisyal sa pamahalaan. 3. Makatwiran ba ang pagmamalupit ng mga sundalo sa mga bihag? Bakit? Hinde, kahit man pinoprutektahan nila ang mga opisyal, ang mga paraan nila sa paghawak ng tao ay hindi karapat-dapat. Sila ay nasasaktan, tinutulak at pinagsasabihan ng mga masasamang lenggwahe. 4. Kung ikaw ay isang bilanggo, nanaisin mo bang mamatay kaysa tumanggap ng mga parusa? Katwiranan. Nais ko ikamatay ng mabilisan kesa sa parusang gagawin nila, hindi ko papag-hirapin ang sarili ko para lumaban sa bayan, nang mamatay ng kabiglaan ay palaging masmaganda kesa sa pagdurusang nabibigayan. 5. Sa iyong palagay, ano ang damdamin ng Tandang Selo sa kanyang apo na si Tano nang magkita sila? Si Tano sa kanyang lelong? Sa aking palagay, ito ay isang malaking kalungkutan sa dalawa dahil sa pag-kakataon na magkita sila, ang nangyari ay hindi inaasahan ng dalawa. Ang kanyang buhay nawala sa kanyang sariling apo. 6. Ang pagsunod ba sa utos ng nakatataas ay dapat sundin kahiit ikamatay ng iyong mahal sa buhay? Katwiranan. HIndi palaging kinakailangan sundin ang utos ng nakatataas kung ito ay hindi makatao sa lahat ng pinaggagawa, ito ay nakaalalay kung gaano katapat ang iyong sarili sa nakatataas. Ang mga taong lumusod din ay inaasahan na may pagkakataon na sila din ay mawawalan ng buhay pero hindi sila takot dahil sa katapatan nila sa hinaharap na bukas at sa kanilang gawa-gawang kinatataas. 7. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata batay sa sinapit ng mag-anak ni Tadang Selo? Ang pamagat na “Kasawian” ay nagninining ng mga kamalasan na ikadadating kahit sa ilan mangpagkakataon, ito ay ang pagkabaril ni Tano kay Tandang Selo, ang kanyang mahal sa buhay namatay sa kamay ng kanyang pagkakagawan, intensyonal man o hinde.

60


KABANATA 39: KATAPUSAN Buod:

Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya. Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun. Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito. Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng hininga.

Mensahe:

Kamatayan ang naiisip na sagot ng ilan sa mga paghihirap na sila din naman ang naging sanhi. Ngunit ang totoo, mas marami pang ibang solusyon sa mga kapighatiang hinaharap

Pagsusuri:

1. Bakit umalis si Don Tuburcio sa tahanan ni Padre Florentino? Umalis si Don Tuborcio sa tahanan ni Padre Florentino dahil akala niya na siya ang pinatutungkulan ng liham. Sinabi na may huhuling kastila at akala niya siya yon. 2. Ipaliwanag ang pagtataka ni Padre Florentino sa pagtungo ni Simoun sa kanyang tahanan. Nung nakita ni Padre Florentino si Simoun na sugatan at inasikaso niya ito nang maayos. Hindi niya matanong si Simoun kung saan galing ang kaniyang mga sugat kung mayroon bang balak magtangka sa buhay niya, o may naghihiganti, o aksidente lamang, at iba pa. Yun ang mga iniisip na posibilidad na dahilan kung bakit ito ay may sugat. 3. Isalaysay ang pangungumpisal ni Simoun. Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan. 4. Sa palagay mo ba ay namatay si Simoun nang walang pananalig sa Diyos? Patunayan. Sa palagay ko ay hindi namatay si Simoun nang walang pananalig sa Diyos. Hindi siya namatay dahil doon kundi dahil siya ay pinagpapahinga na ng Diyos sa mga kaganapan. Kagaya ng sinabi ni Padre Florentino na hindi siya dapat ang magparusa sa mga makasalanan kundi ang Diyos. Gusto lamang ni Simoun ng pagmamahal, kapayapaan at makasama si Maria Clara ngunit dahil walang na nga si Maria Clara, nabigyan naman ng Diyos kay Simoun ng kapayapaan sa kanyang buhay. 5. Kung ikaw si Padre Florentino, ano ang gagawin mo sa kayamanang naiwan ni Simoun? Kung ako si Padre Florentino, ang gagawin ko sa kayamanang naiwan ni Simoun ay gayun din sa ginawa ni Padre Florentino. Gusto ko na wala ng mangyayaring kaguluhan sa mga kayamanan o mga alahas ni Simoun dahil paghawak ng kayamanan ay delikado. 6. Talaga nga kayang ang kayamanang material ay walang puwang sa kabilang buhay?Ipaliwanag. Ang kayamanang material ay walang puwang sa kabilang buhay dahil kahit anong gawin mo, kung ikaw ay mamamatay ay hindi mo din madadala sa kamatayan mo ang iyong kayamanan. Ang madadala mo lang kapag ikaw ay sumakabilang buhay ay ang memorya at alaala sa mahal mo sa buhay. Ang iyong kayamanan ay maiiwan sa lupa o kung saan man ito. Kaya ang sabi ng iba na ang pera ay hindi mabibili ang iyong kasayahan bagkus ang bawat oras na binibigay nito ay kayamanan at ang iyong mga masasayang alaala. 7. Sa iyong palagay, makatwiran ba si Padre Florentino sa kanyang mga payo at paliwanag kay Simoun? Bakit? Makatwiran si Padre Florentino sa kanyang mga payo at paliwanag kay Simoun dahil sabi nga ni Padre Florentino na lahat ay may Diyos. Ang lahat ng ginagawa ng mga tao ay nakatingin o nagmamasid ang Diyos at alam ng Diyos iyan. Hayaan ang Diyos na siya ang magbibigay ng kaparusahan dahil batid 61 naman ng Diyos kung ano ang tunay na kaganapan lalo na sa buhay ni Simoun.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.