More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Paunang Salita Ang script na ito ay isa sa mga una kong naisulat. Kakaiba ito sa mga pocketbook na format na karaniwan nating nababasa. Dahil nakasulat bilang isang script, direktang sinasabi ang lokasyon at oras na pinagyayarihan ng bawat eksena. Ang sequence ay tulad ng sa isang pelikulang pinapanood sa halip na isang nobelang binabasa. Marami akong nakitang kapintasan sa script na ito nang basahin kong muli pagkatapos ng ilang panahon. Una na rito ay ang tila boring na simula. Aaminin kong sinadya ko ang style na ganoon para ipakita ang boring na buhay ng main character ng istorya. Pero bakit pa nga ba gagawan ng kuwento ang isang boring na buhay? Paano nga ba magkakainteres ang mga nagbabasa kung boring na sa simula pa lang? Ang dapat lang na maging boring ay ang paningin ng bida sa buhay niya. Pero sa totoo lang, wala naman talagang boring na buhay. Marami tayong hindi nakikita sa sarili nating perspective, at ito ang nais kong ipahatid sa mga nagbabasa. Ikalawa, may pagkatragic ang kuwentong ito. Sa synopsis pa lang ay tila hindi ganun kagaang o ka-optimistic. Hidden, o medyo tago ang lesson, na maaaring hind ma-appreciate ng More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
marami. Sa katunayan, ang unang titulo ng script na ito ay hindi “In Your Eyes”, kundi “Batingaw”. Iyon nga ang tagalog na salita para sa kampana na gumigising ng marami dahil sa malakas niyang tunog. Pero sa kabila ng lahat, naniniwala akong may saysay ang kuwentong ito. Maaring kailangan lang irepackage para mas maging epektibo, tulad ng isang mapait na gamot na kailangan lamang lagyan ng asukal para tumamis at matanggap ng isang taong may sakit. Ito ang challenge ko ngayon. Kung paano ito gawing higit na epektibo at maganda. Nais kong gawin itong isang nobela na mag-iiwan ng tatak sa mga magbabasa nito.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Synopsis Iikot ang kuwento sa mundo ni Miriam. Isang babaeng nasa late 20s, simple ngunit may kakaibang ganda, lalo na ang mga mata nitong tila laging may ibig ipakahulugan. Isang babaeng maaaring nakakasalubong natin sa araw-araw bagaman hindi natin napapansin. Wala tayong napapansin sapagkat tayo man ay nabubuhay sa isang nakababagot na mundo, paulit-ulit, tila walang katapusan ngunit wala ring kahulugan. Tila gumigising bawat araw ngunit sa katotohanan ay unti-unti nang namamatay. Bulag tayo at walang anumang makatawag ng ating pansin. Isang araw ay mapalad ang sinumang katulad ni Miriam kung mabasag man ang panlabas na katahimikan ng kanyang mundo. Kung sa pamamagitan ng anino ng kamatayan ay magising at matutunang harapin ang kanyang mga takot. Tunay ngang minsan, sa pamamagitan lamang ng kamatayan natin nakikita ang buhay. Sa pagbilis ng takbo ng orasan natin natututunang pahalagahan ang bawat saglit at ang bawat hininga. Nasa gayong pakikipagtunggali si Miriam sa kanyang mga anino nang magsanga ang kanilang landas ni Eric. Isa pa ring More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
taong nag-aakalang siya’y gising ngunit sa katotohana’y walang malay, animo’y tiyak sa daang tinatahak ngunit walang patutunguhan. Isang walang katapusang pagsisikap ang kanyang buhay upang patunayan ang kanyang sarili sa mga taong wala namang pakialam sa kanya; nag-iipon ng kayamanang wala namang kasiyahang dulot sa kanyang pagkatao. Batingaw si Miriam na gigising sa kanya upang matagpuan ang tunay na kaligayahan. Walang pagaalinlangan niyang isasakripisyo ang lahat ng kanyang pinagsikapan para kay Miriam. Sa huli ay hahantong pa rin sa tiyak na kamatayan si Miriam, habang si Eric ay magsisimula muli sa wala. Tila kabiguan ang dulot ng pagkamulat ng mga mata, ngunit para lamang doon sa mga taong hindi pa nagigising.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
“IN YOUR EYES” FADE IN OPENING CREDITS 1.INT/EXT.VARIOUS.DAY/NIGHT Ipapakita nang salitan ang putul-putol at samu’t saring eksena. At random ang pagpapalitan ng maiikling shots. Iba-ibang anggulo ng pagkuha ang gagamitin; minsan ay patabingi, minsan ay paikut-ikot, lumalabo, nanginginig. Pabilis nang pabilis ang pagsasalitan ng eksena, patindi nang patindi ang intensity at palakas nang palakas ang sound hanggang sa humantong sa isang climax at biglang paghinto. 1A.INT.HOUSE.NIGHT Isang lalaking nanonood ng isang tv show na katatawanan. Mataba ang lalaking ito at kumakain ng popcorn habang nanonood. Habang lumalaon ay lalong tumitindi ang kanyang pagtawa, isang pagtawang malakas ngunit hungkag. 1B.EXT.LRT.DAY Iba’t ibang taong abala sa pakikipag-usap gamit ang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
cellphone. Wala silang pakialam sa isa’t isa. Ang iba ay tsismis ang sinasabi, ang iba ay waring nakikipag-away, ang iba ay hindi maintindihan ng kausap sa cellphone. Di nila alintana ang pagsisiksikan o ang tumatagaktak na pawis nila. IC.INT.HOUSE.NIGHT Isang binatilyong mukhang adik na adik sa playstation. Bayolente ang laro niya. Halos mapisa na ang mga daliri sa pagpindot sa game controller. Habang lumalaon ay lalong tumitindi ang talim ng kanyang mga mata na animo’y handa na syang pumatay sa totoong buhay. ID.EXT.JEEP.DAY Isang dalagitang aliw na aliw sa pakikinig ng walkman niya. Di niya alintana ang mga taong nakikisuyo sa kanyang makiabot ng kanilang bayad sa jeep. Di rin niya pansin kung halos mahulog na sa upuan ang ilan dahil sa kanyang pagkakaupo. Halos magsayaw na siya sa tugtog na naririnig. IE.INT.DISCO HOUSE.NIGHT Mga kabataang tila lango sa ipinagbabawal na gamot. Aliw na aliw sa pagsasayaw. Dikit dikit silang parang mga sardinas na nagsasayaw ngunit wala silang pakialam sa kanilang kalaswaan. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
2A.INT.MIRIAM’S BEDROOM.DAY Biglang magigising si Miriam. Takut na takot sa bangungot na kanyang nasaksihan. Isang dalagang nasa late 20s si Miriam. Simple ang hitsura ngunit may kakaibang ganda, lalo na ang mga mata nitong tila laging may ibig ipakahulugan. 2B.INT.MIRIAM’S BEDROOM.DAY Close up shot ng alarmclock sa kuwarto ni Miriam. Eksakto alas-singko y medya ang oras nito. Biglang bibilis ang pagikot hanggang sa maging alas-sais y medya. 3A.EXT.KALYE.DAY Mag-aabang ng tricycle si Miriam. Naka-uniporme sya, simple ito, kupasin, at marami nang tastas; hindi nakadaragdag ng kahit anumang kagandahan sa nagsusuot nito. Mga ilang tricycle rin ang makakalagpas bago makasakay si Miriam. 3B.EXT.TRICYCLE.DAY Ang eksena ay mula sa mga mata ni Miriam. Makikita sa More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
kalyeng dinaraanan ng tricyle ang mga basura, nagkalat na mga bata, mga lalaking nag-iinuman nang napakaaga. Heavy rin ang pollution, di miminsang mabubugahan ng maiitim at mabahong usok ang tricyle na sinasakyan ni Miriam. 3C.EXT.LRT.DAY Nagmamadaling aakyat ng hagdanan ng lrt si Miriam. Habang umaakyat ito ay kinukuha na niya ang stored value ticket sa lrt. Mahaba ang pila sa bilihan ng tiket kung kaya makakahinga si Miriam kapag nakita niya ang tiket na nakahalo sa magulo niyang mga gamit sa loob ng shoulder bag. Dadaan siya sa usual inspection ng mga bag for security reasons, ipapasok ang tiket at maghihintay ng train. Marami nang mga tao sa platform. Pagdating ng train ay dadagsa agad ang mga tao sa pintuan nito, halos maitulak na at mawalan ng balanse si Miriam sa pagpasok pa lang. Sa loob ng lrt ay point of view na uli ni Miriam ang gagamitin. Kitang kita ang mga taong nagsisiksikan sa kanyang paligid habang hindi na halos sya makakita ng handrail na mahahawakan. Sa labas ng lrt ay makikita ang usual landmarks ng mga dinadaanang istasyon, particularly ang sementeryo sa pagitan ng R.Papa at Abad Santos Station ng lrt. Magtatagal nang kaunti ang eksenang pinagmamasdan ni Miriam ang paligid sa labas ng lrt. Sadyang nakakabagot.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
4.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang wallclock sa office. Eksaktong alas otso ng umaga. Magbabandiclock si Miriam. MIRIAM Good morning Ma’am! Babatiin ni Miriam ang boss niya na isang matandang dalaga, ngunit di man lang ito malilingat mula sa pagbabasa ng kung anong dokumento sa mesa niya. Dahan-dahang uupo si Miriam sa kanyang mesa. Di rin siya papansinin ng mga ka-opisinang nagtsitsismisan lang. Makapal ang salansan ng mga dokumentong nasa mesa ni Miriam. Isa isa nya itong titingnan at aasikasuhin. 5.INT.OFFICE.DAY Isang babaeng nasa late 40’s ang lalapit kay Miriam. Sa kanyang pananamit pa lang ay mahahalatang hindi siya nagtatrabaho sa opisina nina Miriam. Wala siyang uniporme at tanging daster na kupasin ang kanyang suot. Maglalabas ito ng notebook at ballpen. TINDERA More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ma’am ano po ang order natin ngayon? Waring pagod at hilo na sa trabaho si Miriam ngunit hihinto sandali at sasagutin ang tindera. MIRIAM Ano po ba’ng meron ngayon? (Kukunin ang listahang iniaabot ng tindera. Mahihirapang maghanap ng ulam dahil wala namang naiiba sa dati.) TINDERA Ma’am nagluto po ako ng adobo. MIRIAM Masarap nga ‘yun. (Biglang matitigilan at waring may naalala.) Pero di ba, adobo rin ang kinuha ko kahapon? TINDERA (Mapapakamot ng ulo) Ay, oo nga po! MIRIAM (Disappointed) O, sige. Di bale na rin. Adobo na lang uli. Mangingiti ang tindera at ililista ang order ni Miriam. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
6.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang mabagal na pagpatak ng huling limang segundo ng wallclock sa office hanggang sa makaabot din sa alas singko. 7.INT.OFFICE.DAY Ililigpit na ni Miriam ang mga gamit niya. Makikitang ubos na rin ang mataas na salansan ng mga dokumento sa mesa niya. Magpapaalam si Miriam sa boss niya pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit. MIRIAM Ma’am, mauna na po ako. Hindi siya nito papansinin at bagkus ay patuloy ito sa pagkocomputer. 8.EXT.CARINDERIA.NIGHT Makikitang iniaabot na ng tindera ang take out na ulam ni Miriam para sa hapunan. May mangilan-ngilan ding More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
kumakain sa carinderia na waring sarap na sarap sa pagkukwentuhan habang kumakain. 9.INT.HOUSE.NIGHT Matamlay na papasok ng bahay si Miriam. Ngunit bago pa man niya gawin ito, ilalabas niya ang flashlight mula sa bag at bubuksan ito para mahanap ang switch ng ilaw na nasa bungad lang naman. Pupunta siya sa kusina at ihahanda ang pagkaing binili sa carinderia. Di pa man ito nangangalahati ay ililigpit na niya ito at huhugasan ang mga kubyertos. 10.INT.BEDROOM.NIGHT Matapos makapag-shower ay mananalamin si Miriam sa tokador sa tabi ng kanyang higaan, waring gustong kausapin ang sarili, bagaman walang mga salitang mamumutawi sa kanyang mga labi. Bigo siyang mahihiga at tuluyan na ring makakatulog. 11.INT.MIRIAM’S BEDROOM.DAY Close up shot ng wallclock sa kuwarto ni Miriam. Eksakto alas-singko y medya ang oras nito. Biglang bibilis ang pagikot hanggang sa maging alas-sais y medya. 12A.EXT.KALYE.DAY More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Mag-aabang ng tricycle si Miriam. Naka-uniporme pa rin siya. Kagaya ng dati ay simple ito, kupasin, at marami nang tastas. Mga ilang tricycle rin ang makakalagpas bago makasakay si Miriam. 12B.EXT.TRICYCLE.DAY Ang eksena ay mula sa mga mata ni Miriam. Makikita sa kalyeng dinaraanan ng tricyle ang mga basura, nagkalat na bata, mga lalaking nag-iinuman nang napakaaga. Heavy pa rin ang pollution, di miminsang mabubugahan ng maiitim at mabahong usok ang tricyle na sinasakyan ni Miriam. 12C.EXT.LRT.DAY Nagmamadaling aakyat ng hagdanan ng lrt si Miriam. Habang umaakyat ito ay kinukuha na niya ang stored value ticket sa lrt. Mahaba pa rin ang pila sa bilihan ng tiket kung kaya muling makakahinga si Miriam kapag nakita niya ang tiket na nakahalo sa magulo niyang mga gamit sa loob ng shoulder bag. Dadaan siya sa usual inspection ng mga bag for security reasons, ipapasok ang tiket at maghihintay ng train. Marami nang mga tao sa platform. Pagdating ng train ay dadagsa agad ang mga tao sa pintuan nito, halos maitutulak na at mawawalan ng balanse si Miriam sa pagpasok pa lang. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Sa loob ng lrt ay point of view na uli ni Miriam ang gagamitin. Kitang kita ang mga taong nagsisiksikan sa kanyang paligid habang hindi na halos sya makakita ng handrail na mahahawakan. Sa labas ng lrt ay makikita ang usual landmarks ng mga dinadaanang istasyon particularly ang sementeryo sa pagitan ng R.Papa at Abad Santos Station ng lrt. Magtatagal nang kaunti ang eksenang pinagmamasdan ni Miriam ang paligid sa labas ng lrt. Sadyang nakakabagot. 13.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang wallclock sa office. Eksaktong alas otso ng umaga. Magbabandiclock si Miriam. MIRIAM Good morning Ma’am! Babatiin ni Miriam ang boss niya, ngunit di man lang ito malilingat mula sa pagbabasa ng kung anong dokumento sa mesa niya. Dahan-dahang uupo si Miriam sa kanyang mesa. Di rin siya papansinin ng mga ka-opisinang nagtsitsismisan lang. Makapal ang salansan ng mga dokumentong nasa mesa ni Miriam. Isa isa nya itong titingnan at aasikasuhin.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
14.INT.OFFICE.DAY Muling lalapit ang tindera ng ulam kay Miriam. TINDERA Ma’am ano po ang order natin ngayon? Waring pagod at hilo na sa trabaho ngunit hihinto sandali at sasagutin ang tindera. MIRIAM Ano po ba’ng meron ngayon? Kukunin ang listahang iniaabot ng tindera. Mahihirapang maghanap ng ulam dahil wala namang naiiba sa dati. TINDERA Ma’am nagluto po ako ng adobo. MIRIAM Wala na bang bago? Mapapakamot ng ulo ang tindera. TINDERA E, Ma’am wala na po. Baka gusto niyong subukan ang mga nakalista. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Manang, alam niyo namang ayoko ng paksiw na isda. Hindi ko rin makain ang ampalaya, okra at iba pang gulay na luto n’yo. Mapapakamot uli ng ulo ang tindera. MIRIAM Sige po, adobo na lang uli. 15.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang mabagal na pagpatak ng huling limang segundo ng wallclock sa office hanggang sa makaabot din sa alas singko. 16.INT.OFFICE.DAY Ililigpit na ni Miriam ang mga gamit niya. Makikitang ubos na rin ang mataas na salansan ng mga dokumento sa mesa niya. Magpapaalam si Miriam sa boss niya pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit. MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ma’am, mauna na po ako. Hindi siya nito papansinin at bagkus ay patuloy ito sa pagkocomputer. 17.EXT.CARINDERIA.NIGHT Makikitang iniaabot na ng tindera ang take out na ulam ni Miriam para sa hapunan. May mangilan-ngilan ding kumakain sa carinderia na waring sarap na sarap sa pagkukwentuhan habang kumakain. 18.INT.HOUSE.NIGHT Matamlay na papasok ng bahay si Miriam. Ngunit bago pa man niya gawin ito ay ilalabas niya muna ang flashlight mula sa bag. Bubuksan niya ito para ilawan at mahanap ang switch na nasa bungad lang naman. Pupunta siya sa kusina at ihahanda ang pagkaing binili sa carinderia. Di pa man ito nangangalahati ay ililigpit na niya ito at huhugasan ang mga kubyertos. 19.INT.BEDROOM.NIGHT Matapos makapag-shower ay mananalamin si Miriam sa tokador sa tabi ng kanyang higaan, waring gustong kausapin More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ang sarili, bagaman walang mga salitang mamumutawi sa kanyang mga labi. Bigo siyang mahihiga at tuluyan na ring makakatulog. 20.INT.MIRIAM’S BEDROOM.DAY Close up shot ng wallclock sa kuwarto ni Miriam. Eksakto alas-singko y medya ang oras nito. Biglang bibilis ang pagikot hanggang sa maging alas-sais y medya. 21A.EXT.KALYE.DAY Mag-aabang ng tricycle si Miriam. Naka-uniporme pa rin sya, simple ito, kupasin, at marami nang tastas. Dahil sa lubak sa daan, sadyang mapuputikan si Miriam bunga ng biglang pagkakalubak ng isang tricycle sa isang maputik na bahagi ng daan. Nais pa sanang pagsabihan ni Miriam ang walang pasintabing driver ng tricycle, ngunit may isa pang tricycle na papara sa kanyang harapan. Mapipilitan nang sumakay si Miriam habang pinupunasan ng tissue ang nadumihang damit. MIRIAM Kung mamalasin ka naman talaga, oo. (Pabulong) 21B.EXT.TRICYCLE.DAY
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ang eksena ay mula sa mga mata ni Miriam. Makikita sa kalyeng dinaraanan ng tricyle ang mga basura, nagkalat na bata, mga lalaking nag-iinuman nang napakaaga. Heavy rin ang pollution, di miminsang mabubugahan ng maiitim at mabahong usok ang tricyle na sinasakyan ni Miriam. 21C.EXT.LRT.DAY Nagmamadaling aakyat ng hagdanan ng lrt si Miriam. Habang umaakyat ito ay kinukuha na niya ang stored value ticket sa lrt. Mahaba ang pila sa bilihan ng tiket kung kaya makakahinga si Miriam kapag nakita niya ang tiket na nakahalo sa magulo niyang mga gamit sa loob ng shoulder bag. Dadaan siya sa usual inspection ng mga bag for security reasons, ipapasok ang tiket at maghihintay ng train. Marami nang mga tao sa platform. Pagdating ng train ay dadagsa agad ang mga tao sa pintuan nito, halos maitulak na at mawalan ng balanse si Miriam sa pagpasok pa lang. Sa loob naman ng lrt ay mag-aagawan ng upuan ang mga tao. Sa pagkakataong ito ay makakaupo naman si Miriam. MIRIAM (To herself) Ewan ko ba sa panahon ngayon. Ni wala sa hinagap ko na makikipaglaro ako ng �trip to Jerusalem� araw-araw. Sa loob ng lrt ay point of view na uli ni Miriam ang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
gagamitin. Siksikan ang mga taong nakahawak sa handrail sa tapat ng kinauupuan ni Miriam. Marami pa rito ay masama ang tingin sa kanya dahil naunahan sila sa upuan. Pagdungaw naman ni Miriam sa labas ng lrt ay makikita ang usual landmarks ng mga dinadaanang istasyon particularly ang sementeryo sa pagitan ng R.Papa at Abad Santos Station ng lrt. Magtatagal nang kaunti ang eksenang pinagmamasdan ni Miriam ang paligid sa labas ng lrt. Sadyang nakakabagot. 22.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang wallclock sa office. Eksaktong alas otso ng umaga. Magbabandiclock si Miriam. MIRIAM Good morning po Ma’am! Babatiin ni Miriam ang boss niya, ngunit di man lang ito malilingat mula sa pagbabasa ng kung anong dokumento sa mesa niya Dahan-dahang uupo si Miriam sa kanyang mesa. Di rin siya papansinin ng mga ka-opisinang nagtsitsismisan lang. Makapal ang salansan ng mga dokumentong nasa mesa ni Miriam. Isa isa nya itong titingnan at aasikasuhin. 23.INT.OFFICE.DAY More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Lalapit ang tindera ng ulam kay Miriam. TINDERA Ma’am ano po ang order natin ngayon? Waring pagod at hilo na sa trabaho si Miriam ngunit hihinto sandali at sasagutin ang tindera. MIRIAM May bago po ba tayo? Hindi makakasagot ang tindera. MIRIAM (With a hopeless sigh). Sige po, adobo na lang. 24.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang mabagal na pagpatak ng huling limang segundo ng wallclock sa office hanggang sa makaabot din sa alas singko. 25.INT.OFFICE.DAY Ililigpit na ni Miriam ang mga gamit niya. Makikitang ubos More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
na rin ang mataas na salansan ng mga dokumento sa mesa niya. Magpapaalam si Miriam sa boss niya pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit. MIRIAM Ma’am, mauna na po ako. Hindi siya nito papansinin at bagkus ay patuloy ito sa pagkocomputer. 26.EXT.CARINDERIA.NIGHT Makikitang iniaabot na ng tindera ang take out na ulam ni Miriam para sa hapunan. May mangilan-ngilan ding kumakain sa carinderia na waring sarap na sarap sa pagkukwentuhan habang kumakain. 27.INT.HOUSE.NIGHT Matamlay na papasok ng bahay si Miriam. Ilalabas niya ang flashlight na muli niyang gagamitin upang ilawan ang switch na nasa bungad lang naman. Pupunta siya sa kusina at ihahanda ang pagkaing binili sa carinderia. Tititigan nito ang pagkain. Hindi na niya ito titikman at bagkus ay agad nang ililigpit. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
28.INT.BEDROOM.NIGHT Matapos makapag-shower ay mananalamin si Miriam sa tokador sa tabi ng kanyang higaan, waring gustong kausapin ang sarili, bagaman walang mga salitang mamumutawi sa kanyang mga labi. Bigo siyang mahihiga at tuluyan na ring makakatulog. 29.INT.MIRIAM’S BEDROOM.DAY Close up shot ng wallclock sa kuwarto ni Miriam. Eksakto alas-singko y medya ang oras nito. Ipapakita naman si Miriam. Pagkakita niya sa orasan ay waring maiinis ito at muling pipiliting makatulog. Tatakpan pa niya ng unan ang kanyang mukha. Pagmulat ng kanyang mata ay alas-otso na. Bagaman alam niyang late na siya ay hindi siya magmamadali. 30A.EXT.KALYE.DAY Mag-aabang ng tricycle si Miriam. Naka-uniporme pa rin sya. Mga ilang tricycle rin ang makakalagpas bago makasakay si Miriam ngunit tila wala na siyang pakialam.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
30B.EXT.TRICYCLE.DAY Ang eksena ay mula sa mga mata ni Miriam. Makikita sa kalyeng dinaraanan ng tricyle ang mga basura, nagkalat na bata, mga lalaking nag-iinuman nang napakaaga. Heavy rin ang pollution, di miminsang mabubugahan ng maiitim at mabahong usok ang tricyle na sinasakyan ni Miriam. Sa pagkakataong ito ay di na maiiwasan ni Miriam na maubo. 30C.EXT.LRT.DAY Aakyat ng hagdanan ng lrt si Miriam, ngunit di na ito nagmamadali. Habang umaakyat ito ay hinahanap na niya ang stored value ticket ngunit naubos na pala ito kahapon. Mapipilitan siyang pumila sa mahabang pila ng bilihan ng tiket matapos niyang dumaan sa sa usual inspection ng mga bag. Ipapasok niya ang nabiling tiket at maghihintay ng train. Marami nang mga tao sa platform. Pagdating ng train ay dadagsa agad ang mga tao sa pintuan nito, halos maitulak na at mawalan ng balanse si Miriam sa pagpasok pa lang. Sa loob ng lrt ay muling mag-uunahang umupo ng mga tao ngunit hindi na sila papansinin ni Miriam. Sa loob ng lrt ay point of view na uli ni Miriam ang gagamitin. Kitang kita ang mga taong nagsisiksikan sa kanyang paligid. Sa labas ng lrt ay makikita ang usual landmarks ng mga dinadaanang istasyon particularly ang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
sementeryo sa pagitan ng R.Papa at Abad Santos Station ng lrt. Magtatagal nang kaunti ang eksenang pinagmamasdan ni Miriam ang paligid sa labas ng lrt. Sadyang nakakabagot. 31.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang wallclock sa office. Alas diyes y medya na ng umaga. Magbabandiclock si Miriam. Di pa man siya natatapos ay sesermonan na siya ng kanyang boss. BOSS Tila maaga ka pa para bukas. (Sabay taas ng kilay) Maghahagikgikan ang mga tsismosa sa office. MIRIAM Sorry po, Ma’am. Natraffic lang. BOSS Ang sabihin mo, may pagkabatugan ka talaga. Tingnan mo nga ang mesa mo. Kahit kelan ko tingnan, laging gabundok pa ang trabaho mo, wala kang natatapos! Susubukan sanang mangatwiran ni Miriam ngunit parang alam na rin niyang wala rin itong patutunguhan. Uupo na siya sa kanyang mesa at aasikasuhin ang mga papeles. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
32.INT.OFFICE.DAY Pagkakita pa lang ni Miriam sa tindera ay magsasalita na ito. MIRIAM Adobo! Hindi na makakaimik pa ang tindera. 33.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang mabagal na pagpatak ng huling limang segundo ng wallclock sa office hanggang sa makaabot din sa alas singko. 34.INT.OFFICE.DAY Ililigpit na ni Miriam ang mga gamit niya. Makikitang ubos na rin ang mataas na salansan ng mga dokumento sa mesa niya. Magpapaalam si Miriam sa boss niya pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit. MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ma’am, mauna na po ako. Hindi siya nito papansinin at bagkus ay patuloy ito sa pagkocomputer. 35.INT.HOUSE.NIGHT Matamlay na papasok ng bahay si Miriam. Kagaya ng dati ay gagamitin niya ang flashlight upang makita ang switch ng ilaw. Wala siyang dalang pagkain. Diretso siya sa bathroom at waring nais maipatangay sa agos ng tubig ang lahat ng kanyang mga alalahanin. 36.INT.BEDROOM.NIGHT Matapos makapag-shower ay mananalamin si Miriam, waring gustong kausapin ang sarili, bagaman walang mga salitang mamumutawi sa kanyang mga labi. Mga piping luha ang aagos sa kanyang mga mata. Bigo siyang mahihiga at tuluyan na ring makakatulog. 37.INT.MIRIAM’S BEDROOM.DAY Close up shot ng wallclock sa kuwarto ni Miriam. Eksakto alas-singko y medya ang oras nito. Biglang bibilis ang pag-ikot ng orasan hanggang sa maging More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ala-sais y medya na. 38A.EXT.KALYE.DAY Mag-aabang ng tricycle si Miriam. Hindi siya nakauniporme ngayon dahil wash day nila sa office, bagaman simple pa rin ang kanyang pananamit. Mga ilang tricycle rin ang makakalagpas bago makasakay si Miriam ngunit tila wala na siyang pakialam. 38B.EXT.TRICYCLE.DAY Ang eksena ay mula sa mga mata ni Miriam. Makikita sa kalyeng dinaraanan ng tricyle ang mga basura, nagkalat na bata, mga lalaking nag-iinuman nang napakaaga. Heavy rin ang pollution, di miminsang mabubugahan ng maiitim at mabahong usok ang tricyle na sinasakyan ni Miriam. Sa pagkakataong ito ay di pa rin maiiwasan ni Miriam na maubo. 38C.EXT.LRT.DAY Aakyat ng hagdanan ng lrt si Miriam, ngunit di na ito nagmamadali. Habang umaakyat ito ay kinukuha na niya ang stored value ticket. Dadaan siya sa usual inspection ng mga bag for security reasons, ipapasok ang tiket at maghihintay ng train. Marami nang mga tao sa platform. Pagdating ng train ay dadagsa agad ang mga tao sa pintuan nito, halos maitulak More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
na at mawalan ng balanse si Miriam sa pagpasok pa lang. Sa loob ng lrt ay point of view na uli ni Miriam ang gagamitin. Kitang kita ang mga taong nagsisiksikan sa kanyang paligid habang hindi na halos sya makakita ng handrail na mahahawakan. Sa labas ng lrt ay makikita ang usual landmarks ng mga dinadaanang istasyon particularly ang sementeryo sa pagitan ng R.Papa at Abad Santos Station ng lrt. Magtatagal nang kaunti ang eksenang pinagmamasdan ni Miriam ang paligid sa labas ng lrt. Sadyang nakakabagot. 39.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang wallclock sa office. umaga.
Eksakto alas otso ng
MIRIAM Good morning po Ma’am! Babatiin ni Miriam ang boss niya, ngunit di man lang ito malilingat mula sa pagbabasa ng kung anong dokumento sa mesa niya Dahan-dahang uupo si Miriam sa kanyang mesa. Di rin siya papansinin ng mga ka-opisinang nagtsitsismisan lang. Makapal ang salansan ng mga dokumentong nasa mesa ni Miriam. Isa isa nya itong titingnan at aasikasuhin. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
40.INT.OFFICE.DAY Pagkakita pa lang ni Miriam sa tindera ay magsasalita na ito. MIRIAM Okra, ampalaya, sitaw, bataw, patani! Basta wag lang adobo! Halos masindak ang tindera sa asal ni Miriam, ngunit maglalakas loob pa ring magsalita. TINDERA Ma’am, sigurado po kayo? Hindi na kailangan pang sumagot ni Miriam, makukuha na sa tingin ang tindera. Pati ang mga tsismosa sa office ay matitigilan. 41.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang mabagal na pagpatak ng huling limang segundo ng wallclock sa office hanggang sa makaabot din sa alas singko. 42.INT.OFFICE.DAY More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ililigpit na ni Miriam ang mga gamit niya. Makikitang ubos na rin ang mataas na salansan ng mga dokumento sa mesa niya. Magpapaalam si Miriam sa boss niya pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit. MIRIAM Ma’am, mauna na po ako. Hindi siya nito papansinin at bagkus ay patuloy ito sa pagkocomputer. 43.EXT.SKY/KALYE.LATE AFTERNOON Biglang ipapakita ang gumuguhit na kidlat sa langit, kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ipapakita ang mga taong biglang magtatakbuhang parang mga daga para maiwasan ang ulan. Ang ilan ay magbubukas ng payong ngunit bakas pa rin sa mga mukha ang pagkadismaya. Siya namang paglabas ni Miriam mula sa building. Subalit sa halip na magpakita ng pagkainis tulad ng ibang tao, kakaibang mga ngiti ang makikita sa kanya sa pagtataka ng mga tao. MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Umuulan! (Sambit na parang di makapaniwala habang sinasahod sa kanyang mga palad ang patak ng ulan) Umuulan! (Sambit niyang muli habang waring batang nagpapakasaya sa ulan.) 44.INT.HOUSE.NIGHT Masiglang papasok ng bahay si Miriam. Kagaya ng dati ay gagamitin niya ang flashlight para hanapin ang switch ng ilaw. Wala siyang dalang pagkain. Basang basa siya, ngunit di kaagad magbibihis, bagkus ay dire-diretsong uupo sa sofa. Close up kay Miriam. Unti-unting maglalaho ang kanyang mga ngiti at mapapalitan ng isang bitter expression. 45.INT.BEDROOM.NIGHT Close up kay Miriam. Nanalamin ito sa tokador sa tabi ng higaan, waring gustong kausapin ang sarili, bagaman walang mga salitang mamumutawi sa kanyang mga labi. Hungkag ang kanyang mga mata. Bigo siyang mahihiga at tuluyan na ring makakatulog. 46.INT.BEDROOM.DAY Close up sa wallclock. Sabado.
Eksaktong alas-otso ng umaga.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
47.EXT.KALYE/PARK.DAY Parang wala sa sariling maglalakad si Miriam sa daan hanggang sa makarating siya sa park. Doon ay uupo siya sa isang bangko hanggang mapukaw ng isang bata ang kanyang atensyon. Likod lamang ng bata ang ipapakita habang kausap niya si Miriam. BATA Ale, bakit po kayo malungkot? MIRIAM Ha? A, e, ‌pano mo naman nasabing malungkot ako? (Tries to hide her feelings from the child) BATA Basta lang po, alam ko malungkot kayo. Hindi na makakasagot si Miriam, bagkus ay ilalagay ang kamay sa balikat ng bata. Ilang saglit pa’y biglang maririnig ang tunog ng kampana. May simbahan sa tapat ng park. Waring mapupukaw nito ang atensyon ni Miriam at tutungo siya sa simbahan.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
48.INT.CHURCH.DAY Makikitang nakaluhod si Miriam habang nagdadasal. Malayang umaagos ang kanyang mga luha. Pamaya-maya pa’y mawawalan ito ng malay at magkakagulo ang mga tao sa pagtulong sa kanya.
49.INT.HOSPITAL.NIGHT Nakaupo si Miriam sa opisina ng doktor. May iaabot ang doktor kay Miriam na isang papel, resulta ito ng mga tests na ginawa sa kanya. Walang maririnig na mga salita, ngunit makikitang umiiling ang doktor. Samantalang si Miriam naman ay tulala habang binabasa ang resulta. 50.EXT.PARK.DAY Nagkalat ang mga lantang dahon sa lupa. Marami pang mga lantang dahon ang malalaglag mula sa mga puno. Pamayamaya pa’y makikita natin si Miriam. Nakaupo ito sa isang bench sa ilalim ng isa sa mga puno sa park. Humahagulgol na ito. MIRIAM Bakit ako? Bakit? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
BATA Sabi ko na nga ba, malungkot ka,e. Mapapatingin sa bata si Miriam. Tanging si Miriam lamang ang makakakita ng mukha ng batang ito. Likod lamang ng bata ang ipapakita sa camera. BATA Malungkot ka, no? Bakit ka malungkot? Ang sabi ng Lola, nalulungkot lang daw tayo pag may namamatay. May namatay ba? Iiling lang si Miriam. BATA Wag ka na malungkot, gusto mo ng kendi? Mapapangiti si Miriam ngunit hindi niya kukunin ang candy. MIRIAM Thank you, pero sa iyo yan. BATA Basta wag ka na iyak. Sabi ng Lola, habang may buhay daw may pag-asa.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Miriam forces a smile. 51.INT/EXT.VARIOUS.DAY/NIGHT Muling ipapakita nang salitan ang putul-putol at samu’t saring eksena. At random ang pagpapalitan ng maiikling shots. Iba-ibang anggulo ng pagkuha ang gagamitin; minsan ay patabingi, minsan ay paikut-ikot, lumalabo, nanginginig. Pabilis nang pabilis ang pagsasalitan ng eksena, patindi nang patindi ang intensity at palakas nang palakas ang sound hanggang sa humantong sa isang climax at biglang paghinto. Sa pagkakataong ito, may isang eksenang nadagdag (51.F). Hayaan itong maging mas prominent. 51A.INT.HOUSE.NIGHT Isang lalaking nanonood ng isang tv show na katatawanan. Mataba ang lalaking ito at kumakain ng popcorn habang nanonood. Habang lumalaon ay lalong tumitindi ang kanyang pagtawa, isang pagtawang malakas ngunit hungkag. 51B.EXT.LRT.DAY Iba’t ibang taong abala sa pakikipag-usap gamit ang cellphone. Wala silang pakialam sa isa’t isa. Ang iba ay tsismis ang sinasabi, ang iba ay waring nakikipag-away, ang iba ay hindi maintindihan ng kausap sa cellphone. Di nila More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
alintana ang pagsisiksikan o ang tumatagaktak na pawis nila. 51C.INT.HOUSE.NIGHT Isang binatilyong mukhang adik na adik sa playstation. Bayolente ang laro niya. Halos mapisa na ang mga daliri sa pagpindot sa game controller. Habang lumalaon ay lalong tumitindi ang talim ng kanyang mga mata na animo’y handa na syang pumatay sa totoong buhay. 51D.EXT.JEEP.DAY Isang dalagitang aliw na aliw sa pakikinig ng walkman niya. Di niya alintana ang mga taong nakikisuyo sa kanyang makiabot ng kanilang bayad sa jeep. Di rin niya pansin kung halos mahulog na sa upuan ang ilan dahil sa kanyang pagkakaupo. Halos magsayaw na siya sa tugtog na naririnig. 51E.INT.DISCO HOUSE.NIGHT Mga kabataang tila lango sa ipinagbabawal na gamot. Aliw na aliw sa pagsasayaw. Dikit dikit silang parang mga sardinas na nagsasayaw ngunit wala silang pakialam sa kanilang kalaswaan. 51F.INT.BEDROOM.NIGHT
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Isang anino ng babaeng umaakyat sa isang silya habang inaayos ang lubid na pambigti. Unti-unti nitong ikakabit ang lubid sa leeg hanggang sa tuluyan na niyang itulak ang upuan at magbigti. 52.INT.MIRIAM’S BEDROOM.DAY Pasigaw na babangon si Miriam mula sa kanyang bangungot. MIRIAM Ayoko naaaa!! Hindi pa ako patay! Hindi pa ako pataaayyyy!! Close up shot ng wallclock sa kuwarto ni Miriam. Eksakto alas-singko y medya ang oras nito. Biglang bibilis ang pagikot hanggang sa maging alas-sais y medya. 53A.EXT.KALYE.DAY Fastforward o sadyang pinabilis ang treatment ngayon sa eksenang ito. Mag-aabang ng tricycle si Miriam. Hindi na naka-uniporme si Miriam, simple pa rin ang suot niya ngunit higit na mukhang ismarte. Mga ilang tricycle rin ang makakalagpas bago makasakay si Miriam.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
53B.EXT.TRICYCLE.DAY Fastforward o sadyang pinabilis ang treatment ngayon sa eksenang ito. Ang eksena ay mula sa mga mata ni Miriam. Makikita sa kalyeng dinaraanan ng tricyle ang mga basura, nagkalat na bata, mga lalaking nag-iinuman nang napakaaga. Heavy rin ang pollution, di miminsang mabubugahan ng maiitim at mabahong usok ang tricyle na sinasakyan ni Miriam. 53C.EXT.LRT.DAY Fastforward o sadyang pinabilis ang treatment ngayon sa eksenang ito. Nagmamadaling aakyat ng hagdanan ng lrt si Miriam. Habang umaakyat ito ay kinukuha na niya ang stored value ticket sa lrt. Mahaba ang pila sa bilihan ng tiket kung kaya makakahinga si Miriam kapag nakita niya ang tiket na nakahalo sa magulo niyang mga gamit sa loob ng shoulder bag. Dadaan siya sa usual inspection ng mga bag for security reasons, ipapasok ang tiket at maghihintay ng train. Marami nang mga tao sa platform. Pagdating ng train ay dadagsa agad ang mga tao sa pintuan nito, halos maitulak na at mawalan ng balanse si Miriam sa pagpasok pa lang.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Sa loob ng lrt ay point of view na uli ni Miriam ang gagamitin. Kitang kita ang mga taong nagsisiksikan sa kanyang paligid habang hindi na halos sya makakita ng handrail na mahahawakan. Sa labas ng lrt ay makikita ang usual landmarks ng mga dinadaanang istasyon. 54.INT.OFFICE.DAY Ipapakita ang wallclock sa office. Eksaktong alas otso ng umaga. Hindi magbabandiclock si Miriam, bagkus ay ibibigay nito ang resignation letter sa kanyang boss na labis na magtataka. 55.EXT.PARK.LATE AFTERNOON Ipapakitang patakbong nililibot ni Miriam ang park. Nakangiti siya, halos lumipad ang kanyang mga paa. Waring may hinahanap siya sa park. Pamaya-maya’y may ilang batang maghahabulan. Pagmamasdan niya ang mga ito, umaasang makita ang batang madalas siyang kausapin. Nang hindi niya ito matagpuan, tutungo na lang siya sa may fountain at lalaruin ang tubig nito na parang isang batang walang anumang alalahanin. 56.EXT.PARK.LATE AFTERNOON Makikitang naghuhulog ng barya sa payphone si Miriam. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Hello! Puwede hong makausap si Grace? GRACE (v.o.) Hello! Si Grace nga ito. MIRIAM Grace, si Miriam ito. GRACE (v.o.) Miriam? Ikaw nga ba? Buti tinawagan mo ako. Ano na’ng nangyari sa ‘yo? MIRIAM A, e… puwede mo ba akong samahang mag-dinner? GRACE (v.o.) Totoo ba itong naririnig ko? Si Miriam, nag-aayaya? MIRIAM ‘wag mo na ‘kong biruin. Basta samahan mo na lang ako, ha? GRACE (v.o.) Oo naman. Ikaw lang naman itong laging ayaw gumimik. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
57.EXT.FASTFOOD.NIGHT Kumakain ang magkaibigang Miriam at Grace sa isang fastfood. GRACE O, kumusta? Ano na’ng nangyayari sa ‘yo? MIRIAM Wala…wala naman. GRACE Wala? E, kung ilang buwan din tayong di nagkita, sasabihin mong wala? MIRIAM Alam mo naman, di ba? nangyaring maganda sa ‘kin?
Kelan pa ba may
GRACE Miriam… Okey, so bakit mo naman naisipang maginvite for dinner? MIRIAM Wala naman. Gusto ko lang may makausap.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
GRACE Miriam, I hope everything’s okey. MIRIAM Ya, everything’s okey. Kumusta na nga pala yung inaanak ko? GRACE Hay, naku. Napakalikot. Nagrereklamo na nga yung yaya niya,e. I hope you can drop by some time para makita mo naman si Hans. Im sure, mai-inspire kang magkaron na rin ng baby! MIRIAM Hayaan mo, one of these days. Focus sa mukha ni Miriam. Natutuwa siyang makarinig ng ganitong mga balita from her friend pero deep inside, alam niyang hindi na siya magkakaron pa ng pamilya gaya ni Grace. Marami nang mga bagay ang hindi niya puwedeng gawin, bagaman marami pa ring bagay ang magagawa niya kung hindi niya sasayangin ang bawat oras na nasa kanyang mga kamay. 58.INT.BEDROOM.NIGHT Abala sa pagsusulat si Miriam sa kanyang desk. Waring mga More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
things to do ang sinusulat niya pero sadyang kakaiba ang ilang mga nakalista sa kanyang talaan: … • Eat balut. • Play badminton • Bake a cake. • Ride a bike. • Go to Baguio despite the zigzags. • Learn to paint. • Learn to drive. • Explore a cave. Matapos niyang isulat ang “Explore a cave”, iko-cross out niya ito. May makikitang pag-aalala sa kanyang mukha. Pero mapapalitan ito ng isang mukha ng determinasyon at muli niya itong ililista. Pagkatapos niyang magsulat ay maingat niyang ititiklop ang kanyang listahan at kakawala muli ang mga ngiti mula sa kanyang mga labi. Sa gabing ito ay hindi siya bigo. 59.INT.BADMINTON COURT.DAY Makikitang naka-badminton outfit si Miriam. Jogging pants na grey at sleeveless na sports shirt na white. Meron pa siyang wrist band. It’s a big improvement from the way she dresses bagaman kita pa rin ang kakulangan niya ng More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
confidence sa pagdadala sa sarili. INSTRUCTOR O, ready ka na Miriam? Natatandaan mo pa ba yung lesson natin kahapon? MIRIAM (Excitedly) Yes, sir. Ready na po! INSTRUCTOR O, sige. Ako na muna ang magse-serve. Masasalo ni Miriam ang serve ng badminton instructor, bagaman sa pangalawang tira ay taranta itong iiwas sa shuttle cock. INSTRUCTOR (Magtataka) Bakit mo iniwasan? Hindi naman ito volleyball na malaking bola ang tatama sa iyo. MIRIAM (Nahihiya) Sorry po, sir. Nalito lang po ako. INSTRUCTOR (Patiently) Okey, let’s try again. Fastforward na ngayon ang eksena. Ipapakita ang clumsiness More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ni Miriam habang pinagsisikapan niyang tumira. Ipapakita rin kung paano niya sinusubukang paglabanan ang takot na matamaan ng shuttle cock. Kung anu-anong kalokohan ang makikita natin kay Miriam. Minsan, sa sobrang trying hard niya ay raketa na ang lilipad mula sa kanya imbis na shuttle cock. Bunga nito ay tatamaan na niya ang ISANG LALAKING naglalaro sa kabilang court, bagaman hindi ipapakita sa camera ang mukha nito. Pabilis nang pabilis ang mga tirang dapat niyang saluhin hanggang sa magkandarapa na siya at mapahiga sa court. Tuliro namang tutulungan siyang bumangon ng kanyang instructor. 60.EXT.SWIMMING POOL. DAY Dream sequence: Sa daydream ni Miriam ay kasama siya sa isang swimming contest. Close up kay Miriam habang nilalagay niya ang goggles. Pagkabigay ng signal shot ay slow motion na ipapakitang nag-dive na ang mga contestants at buong galing na lumalangoy si Miriam. Nanguguna si Miriam at maraming nag-chi-cheer sa kanya. MIRIAM! MIRIAM! End of dream sequence. Biglang magigising sa kanyang daydream si Miriam. Ang naririnig pala niya ay hindi cheer kundi tawag ng kanyang swimming instructor. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
INSTRUCTOR Miriam, okey ka lang ba? MIRIAM A, okey lang sir. Okey lang po. INSTRUCTOR Sige, halika na rito sa tubig. MIRIAM E, sir. (Tila natatakot lumublob sa tubig) INSTRUCTOR Any problem, Miriam? MIRIAM Wa – wala po. (Unti-unting ilulubog ang paa sa tubig. Pag naramdamang malamig ang tubig ay agad na iaalis uli ang paa sa pool.) INSTRUCTOR Miriam, we don’t have all day, you know. Naiinip na rin itong mga kaklase mo. Ipapakitang pulos bata pala ang mga kaklase ni Miriam kaya mahihiya na rin siya sa kanyang sarili at susunod na sa More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
kanyang instructor. Hirap na hirap pa rin siyang lumublob sa tubig, di malaman kung paano kaya nadulas at natilamsikan ang lahat. MIRIAM Ay, aaaayyyy! (Splash!) Fastforward na uli ang mga shots. Ipapakita ang iba’t ibang lessons sa swimming. Mula sa pagba-bubbles sa ilalim ng tubig, hanggang sa pagpa-praktis sumikad habang nakahawak sa gutter, pag-floating at finally, pag-dive. Sa lahat ng ito, kitang kita ang pagiging awkward ni Miriam. Tawa nang tawa ang mga batang kasama niya. 61.EXT.PARK.EARLY MORNING Makikita nating nagba-bike si Miriam. Hirap na hirap itong magbalanse at di miminsang makakabangga o di kaya’y babagsak sa kawalan ng balanse. Minsan ay mapapasabak siya sa isang mahirap na daan, tila pababa ito kung kaya pabulusok niyang mababangga ang isang lalaking nagba-bike rin. Si Eric ang lalaking ito, matipuno ang katawan, kayumanggi at simpatiko. Halos kasing-edad niya si Miriam. Babagsak ang dalawa, magpapagulung-gulong hanggang sa malagay sa isang nakatutuwang posisyon. Nakapangibabaw si Eric at di niya maiwasang makita ang kakaibang ganda ni Miriam bagaman natural na natural ang ayos nito, at More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
pinagpapawisan pa. Magkakatitigan sila for a moment bago mabasag ang katahimikang ito. MIRIAM S – sorry. Di ko kasi ma-control yung bike. (Habang bumabangon) ERIC It’s okey. I just hope walang anumang masakit sa katawan mo. (Habang hindi pa rin maalis-alis ang tingin kay Miriam) Mapapatingin si Miriam sa siko niya na may gasgas. Dito lamang waring maaalimpungatan si Eric. Kukuha siya ng panyo at lilinisin ang siko ni Miriam. Tutulungan niya rin itong tumayo. MIRIAM Salamat, pasensya ka na talaga nadamay pa kita. ERIC Huwag mong intindihin ‘yon. Ako ang nakaharang kaya nawalan ka ng balanse. (Nakaka-conscious na talaga ang mga titig ni Eric habang inaalalayan niyang maglakad si Miriam) Madalas ka ba dito? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Medyo…pero ngayon lang ako nag-bike. ERIC Ah, dapat siguro medyo mag-ingat ka pa. Delikado rin kasi. MIRIAM Oo nga, e. ERIC Sana magkita pa tayo uli. Sige, baka kailangan mo nang umalis. MIRIAM Sige, bye! And thank you dito! (Referring to the white handkerchief of Eric which served as bandage sa gasgas ni Miriam. ERIC Walang anuman! Ingat ka! MIRIAM Ya, ikaw rin! Sa puntong ito ay papaalis na si Miriam yakag-yakag ang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
kanyang bike. Si Eric naman ay nakasakay na sa bike niya ngunit sinusundan pa rin ng tanaw si Miriam. Kahit nagsisimula nang pumadyak si Eric, di pa rin maalis ang isip niya kay Miriam kung kaya pamaya-maya’y muntik na siyang mabangga sa isang puno. Makakaiwas naman siya, bagaman muli siyang mawawalan ng balanse, babagsak at matatawa sa kanyang sarili. 62A.EXT.SCHOOL GROUNDS.DAY Abalang abala ang mga estudyante sa kanya-kanyang canvas. Kung saan saan sila nakapuwesto sa kung anu-anong posisyon upang ipinta ang nais nilang subject. Kasama rito si Miriam na nag-decide kumuha ng art lessons. Naroon si Miriam sa ilalim ng isang puno, titig na titig sa canvas na waring tumatagos na ang tingin mula rito. Lalapit ang kanyang art teacher mula sa likuran upang kamustahin ang progress ng kanyang work. ART TEACHER Kumusta na? MIRIAM A, e. (Tangkang tatakpan ang canvas ngunit huli na ang lahat. Kitang kita ng art teacher na isang maliit na ibong lumilipad pa lang ang naiguguhit ni Miriam.) More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ART TEACHER (Waring di alam kung ano ang sasabihin. Mapapakunot ng noo, hihinga ng malalim at titingin sa langit) Hmmm… as I can see it, hindi lang naman isang ibon ang lumilipad sa langit. Any intention of painting yung iba pang kasama niya? MIRIAM K-kasi po… ART TEACHER When you enrolled here, Miriam, I knew you have talent. Kailangan mo lang i-express. Kailangan mo lang na huwag matakot magkamali. Tingnan mo ‘to. (Magmi-mix ng kulay at biglang iba-brush sa canvass nang walang direksyon.) Ano sa tingin mo? (Hindi makakasagot si Miriam dahil waring wala namang nabuong drawing sa canvas). Sa una, parang isang pagkakamali…(Patuloy ang pag-paint sa canvas) Parang walang sense… pero sa huli… (Makikitang ang mga waring walang saysay na brushstrokes ay naging mga ulap, puno, lupa, isang buong tanawing hindi mo akalaing mabubuo. Hindi na magsasalita pa ang art teacher, bagkus ay iiwan niya ng isang panibagong canvass si Miriam, tatango at ngingiti bago umalis). More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Pagkaalis na pagkaalis ng art teacher ay biglang may darating na isang lalaking hangos na hangos. Marami itong dalang gamit like brushes, oil paint, canvas making it appear as though isa rin siyang art student na na-late ng dating. Mabubunggo niya si Miriam at matatapon lahat ng dala niyang gamit. Kakalat ang ilang natapong poster color sa kanilang dalawa ni Miriam. Tuluyan silang babagsak at makikilala natin na ang lalaking ito ay si Eric. Magkakatitigan sila ni Miriam. MIRIAM Eric? ERIC Miram! 62B.EXT.SCHOOL GROUNDS.DAY Nakaupo na sa isang bench sina Miriam at Eric. Nililinis nila ang kanilang mga kasuotan bagaman mahirap tanggalin ang mga kulay na kumalat sa kanilang mga damit. ERIC Kumusta na? Nag-enroll ka rin pala rito. What a coincidence, ha.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Ikaw nga rin, e. Parang di ako makapaniwala. ERIC Sorry nga pala sa‌ MIRIAM Hayaan mo na. Wala pa naman akong nabubuo,e. At least, may abstract painting na tayo ngayon! (Magtatawanan sila habang tinitingnan ang mga damit nilang punung-puno ng pintura) ERIC Oo, nga. masterpiece!
Kahit late ako, meron pa rin akong
63A.INT.KITCHEN/CORRIDOR.DAY Lessons sa baking ang pinagkakaabalahan ngayon ng mga trainees. As usual, nandito na naman si Miriam, ang ating bida. Kuntodo costume pa na parang isang chef. Hirap na hirap naman sa pagmasa. Pero mas OA ang lalaking katabi niya. Meron pang mask na animo’y doktor sa halip na chef. Pero sa clumsiness ni Miriam, makakatapon siya ng isang ingredient na kung saan ay mababahing ang lahat, including yung lalaking katabi niya. Hindi na ito makakatiis at maaalis ang maskara niya. Muli, ang lalaking ito ay si Eric! More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Ikaw na naman! ERIC Ikaw din? (Pa-cute pa ito, pero this time ay buking na talaga siya. Agad na lalabas ng kitchen si Miriam at susundan niya ito.) 63B.INT.CORRIDOR.DAY MIRIAM Sino ka ba talaga? Bakit mo ako sinusundan? ERIC Hindi kita sinusundan. nagkataong…
Nagkataon lang na…
MIRIAM Nagkataong ano? Nag-enroll ka rin sa cooking class? Please lang Eric, ‘wag mo akong gawing tanga. (Tangkang lalayo ngunit pipigilan siya ni Eric.) 64.INT.BADMINTON COURT.DAY.FLASHBACK I-rewind natin ang seq. kung saan nag-aaral magbadminton si Miriam, pero mula tayo sa ibang anggulo ngayon. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ipapakita nang buo ang lalaking tinamaan ng lumipad na raketa ni Miriam‌ si Eric! Ipapakita rin mula sa malayo habang pinapanood ni Eric ang mga kabalbalang ginagawa ni Miriam. Aliw na aliw si Eric. Ipapakitang magtatanongtanong siya sa mga tao tungkol sa babaeng ito. Ipapakita ang clumsiness ni Miriam habang pinagsisikapan niyang tumira. Ipapakita rin kung paano niya sinusubukang paglabanan ang takot na matamaan ng shuttle cock. Kung anu-anong kalokohan ang makikita natin kay Miriam. Minsan, sa sobrang trying hard niya ay raketa na ang lilipad mula sa kanya imbis na shuttle cock. Bunga nito ay tatamaan na niya ang ISANG LALAKING naglalaro sa kabilang court. Pabilis nang pabilis ang mga tirang dapat niyang saluhin hanggang sa magkandarapa na siya at mapahiga sa court. Tuliro namang tutulungan siyang bumangon ng kanyang instructor. 65.INT.CORRIDOR.DAY.CONT. MIRIAM Let go, Eric. ERIC Hindi. MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ang sabi ko, let go. (Susubukan uli siyang pigilan ni Eric, pero this time, hindi na papipigil pa si Miriam.) Walang magawa si Eric kundi ang maupo na lang sa corridor at manghinayang. Maya-maya’y may lalabas mula sa kitchen, hinahanap si Miriam. STUDENT Nasan na siya? Yung babae? ERIC Umalis na siya. STUDENT Kilala mo ba siya? Pakibigay na lang ito. (Iaabot kay Eric ang isang notebook). Naiwan yata niya. ERIC (Biglang mabubuhayan ng loob). Sige, ako na’ng bahala rito. (Bubuksan niya ang notebook at mahuhulog mula rito ang kakaibang listahan ni Miriam. Babasahin ni Eric ang listahan, at labis na pagtataka ang makikita sa mukha nito.) 66.EXT.DRIVING SCHOOL.DAY Makikitang naghihintay na sa loob ng kotse si Miriam. Ilang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
saglit lang ay papasok na rin ang isang lalaki sa kotse, si Eric! Tangkang aalis na uli si Miriam pero pipigilan siya ni Eric. ERIC Please, bago ka umalis‌ (Ibibigay nito ang listahan ni Miriam sa laking gulat nito.) MIRIAM (Hindi mapakali, waring nais magsalita ngunit di alam ang sasabihin.) ERIC Alam ko dapat wala akong pakialam dito. Sino ba ako, di ba? Pero Miriam, sa maikling panahong nakilala kita, nagkaron na ako ng concern sa iyo. In fact, gusto kitang maging kaibigan. Hindi ko lang kasi maisip kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na ginagawa mo. MIRIAM Ano ba sa tingin mo? ERIC Hindi ko alam, kaya ko nga tinatanong sa iyo. Ano ba, kasali ka ba sa gameshow? (Sa tinurang ito ni Eric ay mawawala ang seriousness at tension nilang dalawa. Sabay silang matatawa) More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM (Magbibiro sa pagitan ng mga tawa). Tama ka, hayaan mo, blow out kita pag nakuha ko na ang isang milyon ko! ERIC Talaga lang, ha? (Sabay tawa pa rin.) 67.(Montage)EXT/INT.BAGUIO.DAY/NIGHT Habang kinakanta ang background song (suggestion: “Colour Everywhere” by Christian Bautista, or any song with similar message), ipapakita ang iba’t ibang sweet moments nina Miriam at Eric sa Baguio. …used to seeing black and white never really in between waiting on the love of my life to come into my dreams… …you, you put the blue back in the sky you put the rainbow in my eyes a silver lining in my prayers and now there’s colour everywhere …coz baby its all so clear to see the beauty that is waiting there for me…
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
1. Pagsakay sa kabayo nina Miriam at Eric sa Wright Park. Siyempre pa, kung ilang beses mahuhulog si Miriam bago siya tuluyang makasakay sa kabayo. Matiyaga naman siyang tutulungan ni Eric. 2. Pag-boat ride sa Burnham Park. What else can we expect but Miriam’s clumsiness na halos tumaob na ang boat nila ni Eric. Pero makakasakay din sila ng maayos at sulit naman ang magiging sweet moment nila rito. 3. Sightseeing sa Mines View Park. Okey na sana, masayang nakukuhanan ng litrato sina Miriam at Eric. Pero pagdating sa huling shot, matatapilok si Miriam na labis na ikakakaba ni Eric. 4. Pagsisimba sa Cathedral. Seryoso naman ang dalawa rito at pakiramdam nila, sila na ang itinadhana ng langit para sa isa’t isa. 5. Having coffee sa isang coffee shop i.e. Starbucks at SMBaguio Seryoso na naman sana uli ang dalawa kung hindi lang sana matatapunan ni Miriam si Eric ng kape! 6. Quiet evening by the fireplace. Super romantic ang dalawa while in each other’s arms. SOUND OVER TO 68.EXT.ROXAS BLVD.SUNSET
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Buhay na buhay ang langit sa ipinintang sunset. Silhouette ng dalawang taong nakaupo sa bench ang pumapagitna sa napakagandang tanawin. Tahimik, liban sa alon ng dagat at ihip ng hangin. Makikita natin ngayon ang dalawang taong kanina’y mga anino lamang. Mula sa tagiliran ang shot. Nakaupo sa bench sina Miriam at Eric. Miriam is in an upright sitting position, damang dama ang kanyang kapaligiran, bagaman nakapikit ito. Eric is leaning infront, tinitingnan ang paglubog ng araw. Ilang saglit pa’y ibabaling na niya ang paningin kay Miriam. Matutuwa siya rito for her childlike innocence and her happiness which couldn’t help but overflow. Pero ilang saglit lang ay babasagin na rin ni Eric ang katahimikan, waring nagseselos na sa paglubog ng araw na umaagaw ng atensyon ni Miriam. ERIC Okey ka lang? MIRIAM Okey…Okey naman. Bakit mo naman naitanong? (opens her eyes and attends to Eric) ERIC Wala lang. Kanina ka pa kasi tahimik diyan. Di ko na alam ang tumatakbo sa isip mo. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Tahimik ba ako? ERIC Ano’ng ibig mong sabihin? MIRIAM Tinatanong mo kung tahimik ba ako? Wala ka bang narinig? ERIC Narinig? (Nagtataka pero tatangkaing sakyan ang drama ni Miriam) Well, parang‌ parang nagsasalita yung alon. MIRIAM Aha? (Mahahalatang binibiro siya ni Eric) Tapos? ERIC Ano pa nga ba? MIRIAM Ano naman ang sinasabi ng alon? ERIC Ewan ko, di ko gaanong napansin. Nakatitig kasi More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ako sa iyo. MIRIAM Hay, puro biro ka talaga! (Muling ibabaling ang tingin sa sunset)
ERIC Anong biro? Ikaw nga ang nagsimula diyan. Ang tahi-tahimik, ano’ng gusto mong marinig ko? MIRIAM Alam mo, matuto ka kasing makinig. Tumahimik ka muna para marinig mo. ERIC Ang ano? MIRIAM Pag hindi ka nakinig, hindi mo malalaman kung ano. ERIC Okey,sige. Turuan mo nga ako. MIRIAM Basta i-feel mo lang ang paligid mo. Ipikit mo ang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
mga mata mo at makinig ka. (Pipikit muli) I-feel mo ang paglubog ng araw. I-memorize mo para hindi mo makalimutan. I-feel mo ang kasama mo, yung presence niya. Kahit wala siyang sinasabi, ang mahalaga, nandiyan siya. Sa umpisa ay waring susunod si Eric sa mga sinasabi ni Miriam. Ipipikit niya ang mga mata niya at dadamhin ang paligid. Pero maya-maya lamang ay ididilat nito ang isang mata at sisilipin si Miriam. Ibubukas pa niya ang isa pang mata at mapapako na ang tingin sa dalaga. Ilang saglit pa ay hindi na ito makakatiis pa at dahan dahan siyang lalapit at hahagkan ang pisngi ni Miriam. Mararamdaman ito ni Miriam. Mangingiti siya ngunit hindi siya agad didilat. Pagdilat niya ay diretso pa rin ang tingin niya sa sunset. Samantala, nakaantabay si Eric sa magiging reaksiyon niya, umaasang ang sandaling iyon ay patutungo pa sa higit na malalim na pagtitinginan. Pero unti unting mawawala ang ngiti ni Miriam. Magiging seryoso ang mukha nito habang nakatingin pa rin sa sunset. MIRIAM Eric, kalimutan na lang kaya natin ang sunset na ito. ERIC (Hindi makakibo. Puno ng pagtataka) More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Mag-abang na lang tayo ng ibang sunset. ERIC Ayoko nang mag-abang ng iba. Ito na ang pinakamagandang sunset na nakita ko. MIRIAM Paano mo nasabi? E, ngayon ka lang yata nakakita ng sunset. ERIC Kailangan mo pa bang makakita ng iba para malaman mong maganda ang isang bagay? Basta ang alam ko, ito ang sunset na gusto ko. Ito ang para sa akin. 69.INT.BANK.DAY Kausap ni Eric ang manager ng bangko. Waring may importanteng transaksyon sila ngunit hindi natin ito alam. Maglalabas ng mga papeles si Eric at ibibigay ito sa manager. May papel na ibibigay kay Eric and he will fill out the needed information. Matapos nito ay tatayo na si Eric at magpapasalamat sa manager. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
On his way out of the bank, makakabangga niya si Miriam. Gulat si Eric, di niya inaasahang makikita niya rito si Miriam. ERIC Miriam? Anong ginagawa mo rito? MIRIAM A, wala naman. Dadalawin ko lang si Grace. Dito kasi siya nagtatrabaho. Ikaw? ERIC W-wala naman. May transaction lang. MIRIAM Ahh‌(Tatango). Siyanga pala, ipakilala kita kay Grace. ERIC Gusto ko sana, kaya lang, may rush lang kasi akong kailangang asikasuhin. MIRIAM Sandali lang. Ipakilala lang kita sa kanya. (Hahanapin ng tingin si Grace among the bank personnel)
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Pasensya na talaga Miriam. Late na kasi ako, e. Next time, promise! MIRIAM O, sige. I hope wala namang problema. (Medyo nahalata ang pagiging tensed ni Eric) ERIC W-Wala naman! Ok lang. Daanan kita mamaya for dinner. MIRIAM Okey, ingat ka! ERIC Thanks! Ingat din! 70.INT/EXT.RESTAURANT.NIGHT Nag-uusap ang magkaibigang Miriam at Grace sa isang corner ng restaurant. GRACE So, nasan na ba ang date mo? MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Male-late daw, e. (Habang nakatingin sa cellphone) GRACE Kumusta na kayo? MIRIAM Ano’ng ibig mong sabihin? GRACE E, di kumusta? invitation?
Kelan mo ba kami bibigyan ng
MIRIAM Invitation? Saan, sa libing ko? GRACE Huwag ka ngang masyadong pessimistic! Bakit ba kung anu-ano ang iniisip mo? MIRIAM Nagiging realistic lang ako, Grace. Wala kaming future ni Eric. GRACE Alam mo Miriam, hindi naman masamang umasa tayo di ba?
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Masama Grace. Kung dahil sa pag-asa nating ‘yun, walang ibang mangyayari kundi makakasakit lang tayo ng iba. GRACE Sa tingin ko, anuman ang mangyari, masasaktan at masasaktan pa rin si Eric. Samantala, sa labas ng restaurant, ipapakitang parating na si Eric. Bigla siyang matitigilan pag nakita niyang nag-uusap sina Miriam at Grace. Hindi muna siya papasok sa restaurant. Pagkatapos ng ilang saglit, makikitang palabas na ng restaurant si Grace. Tatalikod si Eric para hindi siya makita nito. May kung anong kaba ang bumabagabag sa kanya. Pagkaalis ni Grace, papasok na rin sa restaurant si Eric. 71.EXT. SA MAY RILES.DAY Nagkalat ang mga batang riles. May pinagkakaguluhan ang mga ito. Naroon pala sina Miriam at Eric. Namimigay sila ng pagkain at art tools sa mga bata. May mga naka-set up na ring canvas, handa na sa isang mini art lesson na isasagawa nina Miriam at Eric. ERIC O, sandali lang. Isa-isa lang. ‘Wag kayong magMore manuscripts at www.itakeoffthemask.com
alala, lahat kayo mabibigyan. pinagkakaguluhan ng mga bata.)
(Habang
MIRIAM (Tatanawin si Eric. Matutuwa sa eksenang nakikita niya habang namimigay rin ng mga art tools at pagkain) O, eto ang para sa iyo. (Ibibigay sa isang gusgusing batang babaeng waring pinakamaliit sa lahat.) Alam mo na bang gumamit nito? (Iiling ang bata) ‘Wag kang mag-alala, mamaya lang, tuturuan namin kayo ni Kuya Eric (muling ibabaling ang tingin kay Eric na kanina pa pala nakatingin din sa kanya). Sa darating ang isang kotse sa kinaroroonan nina Miriam at Eric. Isang babae ang bababa mula rito, si Grace! MIRIAM Grace! Buti nakapunta ka. Ipapakilala ko nga pala sa ‘yo si Eric. Huli na ang lahat para makaiwas pa si Eric kay Grace. GRACE Hello! Nice to meet you‌ Eric? (Matitigilan the moment na makilala niya ang Eric na pinapakilala ni Miriam.) Mr. Eric Dela Cruz! (Magkakamay ang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
dalawa. Walang imik si Eric, di alam ang dapat gawin) MIRIAM (Magtataka) Magkakilala na kayo? Sa tinurang ito ni Miriam ay wala nang makakaimik pa. 72.INT/EXT.CHURCH/PARK.DAY Nakaluhod at mataimtim na nagdarasal si Miriam. Papasok si Eric sa simbahan at tatabi kay Miriam. Magaantanda ito ng krus at luluhod din sa tabi ni Miriam. Sa puntong ito ay agad na wawakasan ni Miriam ang kanyang dasal at lalabas ng simbahan. Susundan siya ni Eric hanggang sa makarating sila sa park. ERIC (Habang naglalakad at sinusundan si Miriam) Miriam, Miriam sandali lang. Hayaan mo akong magpaliwanag. MIRIAM Hayaan mo muna ako, Eric. Pabayaan mo muna ako. (Lalong minamadali ang paglalakad).
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Hindi Miriam. Hindi kita puwedeng basta-basta igive up. MIRIAM Huwag mo nang dagdagan ang mga paghihirap ko. Hindi ko kayang dalhin ang pinadadala mo sa akin. ERIC (Tangkang pipigilin sa paglalakad si Miriam sa paghawak nito sa braso ng dalaga). Wala kang dapat dalhin. Wala kang dapat alalahanin. Wala namang halaga ang mga materyal na bagay. Ikaw ang mahalaga! Ikaw lang, Miriam! MIRIAM (Mapipilitang harapin si Eric). Anong wala, Eric? Anong wala? Alam mo bang ang laki-laki na ng guilt na dinadala ng konsensya ko dahil sa ‘yo? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit ano’ng gawin ko, masasaktan lang kita! Ngayon…ngayon malalaman ko, inuubos mo sa akin ang kabuhayan mo. Ang lahat ng pinagsikapan mo sa buhay. Inuubos mo sa mga lakad natin, sa mga gamot ko, sa lahat ng kalokohan ko… Pati ang kabuhayang ipinundar mo, isasangla mo para sa akin! At para sa ano? Para sa wala? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Hindi para sa wala, Miriam. Hindi para sa wala! Dahil hindi ka balewala para sa ‘kin. MIRIAM Huwag na tayong mangarap, Eric. Alam natin ang totoo. Alam mong wala akong maibibigay sa ‘yo. ERIC Wala naman akong hinihingi kundi ang pabayaan mo akong mahalin kita.
MIRIAM Kung mahal mo ako Eric, pabayaan mo na lang ako. (Tangkang lalayo ngunit pipigiling muli ni Eric) ERIC Miriam, Miriam nakikiusap ako sa ‘yo. Pabayaan mo lang akong… MIRIAM Ako ang nakikiusap sa ‘yo, Eric. Huwag mong hayaang masira ang buhay mo dahil lang sa akin. (Tuluyan nang lalayo) More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC (Hindi na mapipigilan pa ni Eric si Miriam.) Matagal nang sira ang buhay ko, Miriam. Matagal nang sira. (Bulong ni Eric sa sarili) 73.INT.BEDROOM.DAY Ipapakita ang mabilis na paggalaw ng orasan ni Miriam. Pagtapat sa alas otso ng mga kamay ng orasan ay magri-ring na ang alarm clock at magigising si Miriam. Unti-unti itong babangon at titingnan ang orasan. Tititigan niya ito, waring iniisip ang nauubos na panahon sa kanyang buhay. Magri-ring ang cellphone niya, si Eric ang tumatawag. Irereject niya ang tawag nito. Paulit-ulit na tatawag si Eric ngunit patuloy itong irereject ni Miriam. Sa ikaapat na pagtawag nito ay mapipilitang sumagot ni Miriam. ERIC (v.o) Hello, Miriam! Puwede ba tayong mag-usap? MIRIAM Hayaan mo na lang ako, Eric. (Mababaling ang tingin sa picture nila ni Eric sa tabi ng alarm clock) ERIC (v.o) More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Hindi ko kaya, Miriam. Hindi ko kayang basta na lang lumayo sa ‘yo…bigyan mo ako ng pagkakataon. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Miriam…Miriam nandiyan ka pa ba? Miriam… MIRIAM (Matagal na hindi makakapangusap si Miriam. Nang may mamumutawi na sanang mga salita sa kanyang mga labi, biglang tutunog ang cellphone bilang tanda na na-empty battery ito. Makikita ni Miriam ang charger sa side table, kukunin niya ito ngunit magpapasyang huwag nang i-charge ang cellphone. Itatabi na muna niya ang cellphone at charger. Matapos na muling sulyapan ang picture nila ni Eric, pupunta si Miriam sa may bintana at lalanghapin ang hangin. Mag-iisip ng malalim, mapapabuntunghininga at tutungo sa aparador. Mag-aayos siya ng mga gamit na waring may pupuntahan.) 74.EXT.ROXAS BLVD.SUNSET Ipapakita uli ang isang magandang sunset. Pero this time, isang silhouette lang na nakaupo sa bench ang makikita natin, si Miriam. Maraming gumugulo sa kanyang isipan. Tila hindi nakakatulong ang mangilan-ngilang magkasintahang dumadaan sa harapan niya. Unti-unting papatak ang kanyang mga luha. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC (v.o.) Ayoko nang mag-abang ng iba. Ito na ang pinakamagandang sunset na nakita ko. ERIC (v.o.) Kailangan mo pa bang makakita ng iba para malaman mong maganda ang isang bagay? Basta ang alam ko, ito ang sunset na gusto ko. Ito ang para sa akin. GRACE (v.o.) Sa tingin ko, anuman ang mangyari, masasaktan at masasaktan pa rin si Eric. MIRIAM Sana maintindihan mo ako, Eric. Sana maintindihan mo ako. 75.EXT.ROXAS BLVD.EARLY MORNING Makikitang tumatakbo si Eric sa kahabaan ng Roxas Boulevard. ERIC Miriaaammm!! Mirriiiiaaaaammm!
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Walang tigil ang pagsigaw ni Eric. Halos walang katapusan ang kanyang pagtakbo. Wala syang pakialam sa paligid niya. Isang mukha lang ang gusto niyang makita… kay Miriam. Matapos ang tila walang kapagurang pagtakbo, mapapaluhod si Eric sa tapat ng isang bench. Titingnan niya ang dagat. Hahagulgol ito habang sinasambit pa rin ang pangalan ni Miriam. 76.INT.HOUSE(Eric’s Uncle).NIGHT.FLASHBACK Nagtatalo sa salas ang tatay at tiyuhin ni Eric. Nakasilip sa likod ng kurtina ang batang si Eric, naririnig ang pagtatalo ng dalawa. ERIC’S UNCLE ‘Yan ang hirap sa ‘yo, Ben. Magpapakaloko ka, tapos kaming lahat ang peperhuwisyuhin mo! ERIC’S DAD Hindi naman sa ganun Kuya. Alam kong nakakahiya, pero wala na kaming ibang matatakbuhan. Papaalisin na kami ng kasera namin pag hindi pa kami nakapagbayad ngayon. ERIC’S UNCLE More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Sagot ko pa ba ‘yon? Ako ba ang umuupa? ERIC’S DAD Pakiusap lang sana, Kuya. akong malalapitan…
Kung may iba lang
ERIC’S UNCLE Kung may iba! Narinig ko na ‘yan. O siya, heto’ng maitutulong ko. Kung kulang ‘yan, wala na akong magagawa (Ihahagis ang pera sa sahig na pupulutin naman ng tatay ni Eric) Ipapakita muli ang batang si Eric. Mga hikbi at malalim na sugat ang naging bunga ng ganitong eksena sa mura niyang isipan. 77.INT.HOUSE (Eric’s Dad).DAY.FLASHBACK Masinsinang nag-uusap si Eric at ang kanyang ama. Binatilyo na rito si Eric. ERIC Itay, hindi ako puwedeng pumunta kina Mar. ERIC’S DAD Bakit, may hindi pagkakaunawaan na naman ba kayo ng pinsan mo? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Wala naman ho, Itay. Kaya lang… ERIC’S DAD Anak, alam kong mahirap ito sa ‘yo. Pero ERIC E, alam n’yo naman pala, ‘tay, e! Bakit pinipilit n’yo pa akong gawin ang ayaw ko. ERIC’S DAD Makinig ka sa akin, Eric. Hindi ako makapapayag na umakyat ka ng entabladong ito ang suot mong sapatos. ERIC Kung lalapit din lang ako kina Tito Nato, mabuti pang umakyat ako ng entablado nang nakapaa! ERIC’S DAD (Sasampalin ang anak pagsisisihan ang nagawa.)
manapa’y
biglang
78.INT.HOUSE(Eric’s Uncle).NIGHT.FLASHBACK ERIC More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Sige na ‘insan. Isang araw lang naman. MAR Sabihin mo nga sa ‘kin, anong gamit pa ba ang hindi mo nahihiram sa akin? ERIC Dyahe nga, pero… MAR Pareho lang kayo ng tatay mo, inutil! Sa tinurang ito ng pinsan ay matitigilan si Eric. Malaki man ang pangangailangan, bigla itong mababalewala. Sasabog ang galit na matagal nang tinitimpi at susuntukin ang pinsan. ERIC Sabihin mo na’ng lahat ng gusto mong sabihin sa akin. Pero wag na wag mong idadamay ang tatay ko. Hindi siya inutil! Kayo ang inutil. Kung hindi dahil sa tatay mo, nakatapos sana ng pag-aaral ang itay. Wala sana kami dito, at wala rin kayo sa kinalalagyan n’yo! Darating ang iba pang pinsan ni Eric at makikita ang panununtok na ginawa ni Eric sa kapatid nila. Hindi makakapagpigil ang mga ito at uupakan nila si Eric. Halos More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
hindi nila maigupo si Eric bunga ng nag-uumapoy na galit nito, ngunit sa huli ay mapagtutulungan din nila ito. Tuluyan na nilang bubugbugin si Eric. LITO ‘Yan ang dapat sa ‘yo. Siguro naman ay magtatanda ka na! 79.INT.HOUSE (Eric’s Dad).DAY.FLASHBACK ERIC’S DAD Kung bakit naman kasi nagsimula ka na naman ng gulo. ERIC Itay ako pa ba? Ako pa ba ang nagsimula ng gulo? ERIC’S DAD Tayo ang nagmomolestiya. Tayo ang dapat na may pagpapakumbaba. Hindi mo dapat dinadaan sa yabang ang lahat. ERIC Alam n’yo Itay, minsan hindi ko na kayo maintindihan, e. Dadalawa na lang tayo, kakampihan mo pa ba ang ibang tao? Ang mga taong iyon na wala nang ginawa kundi ang hamakin More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
tayo? ERIC’S DAD Sarili mong dugo ang mga taong ‘yun! ERIC Hindi Itay, hindi ko kadugo ang mga halimaw na ‘yun! ERIC’S DAD (Sasampalin si Eric) ERIC Sige, Itay. Ulitin mo pa. Hindi pa sapat ang mga suntok at tadyak na inabot ko sa mga halimaw na ‘yun, e. Sige pa, dagdagan mo pa ang sakit ng katawan ko. Tutal, kahit kelan, hindi mo naman maiaalis ang sakit dito sa loob ko! Akala mo ba, akala mo ba madali sa akin yung lumaking walang tiwala sa sarili ko? Sa pamilya ko? Pag naglalakad ako sa kalye, parati na lang akong nakatungo. Dahil – dahil ni hindi ko alam kung kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko alam kung kelan ko masasabi ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko gagantihan ang mga taong araw-araw na dumudura sa mukha ng taong pinakamahalaga sa akin! More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
80.INT.HOUSE (Eric’s Dad).MIDNIGHT.FLASHBACK Abalang abala sa pag-iimpake ng gamit si Eric. Pamayamaya’y may iiwang isang sulat sa kanyang higaan bago tuluyang umalis. 81.INT.HOUSE (Eric’s Dad).DAY.FLASHBACK Sa papasok ang tatay ni Eric sa kuwarto nito. ERIC’S DAD Eric, Eric, bangon na! programa sa eskwela.
Baka mahuli tayo sa
Pagpasok nito sa kuwarto ni Eric ay labis na magtataka at wala rito ang anak. Muli siyang lalabas ng kuwarto at hahanapin sa buong kabahayan si Eric. Hindi niya ito matatagpuan. Muli siyang papasok sa kuwarto ni Eric at makikita ang sulat na iniwan ng anak. Babasahin niya ito. ERIC (v.o.) Itay, patawarin po ninyo ako. Babalik ako muli ‘pag kaya ko nang ipaglaban ang pamilya natin. Labis na kalungkutan ang madarama ng tatay ni Eric.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
82.INT.ARCADE.NIGHT Focus sa screen ng video machine. Bang! Patay ang isang zombie sa game na “House of the Dead”. Bang! Patay uli ang isa pa. Focus sa taong naglalaro. Waring gigil na gigil si Eric na muling patayin ang mga zombies na ito. Nanlilisik ang kanyang mga mata. 83.INT.CARGO SHIP.NIGHT.FLASHBACK Nagsusumiksik si Eric sa pagitan ng iba’t ibang cargo ng bapor, waring takot na takot na baka mahuli siya. Sa darating ang ilang kargador, dala-dala ang ilan pang kahong hahanapan nila ng puwesto. Lalong magsusumiksik si Eric sa kinalalagyan, kulang na lang ay huwag na syang huminga. Tangkang lalapit sa puwesto niya ang ilang kargador para tingnan ang pagkakaayos ng mga kahon pero tatawagin din ang mga ito ng kanilang kasamahan. Makakahinga nang maluwag si Eric. 84.INT.ARCADE.NIGHT.CONT. Bang! Isa na namang zombie ang mapapatay ni Eric. 85.EXT.KALYE.DAY.FLASHBACK More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Kakaibang kasiyahan ang mababanaag sa mukha ni Eric. Sa wakas ay nasa Maynila na siya! Ngunit hindi magtatagal ang kasiyahang ito. Walang anu-ano’y may aagaw sa backpack na dala niya. Gulat si Eric bagaman agad siyang makababawi at dagli niyang hahabulin ang mga magnanakaw. Hahabulin niya ito sa masisikip na iskinita. Sa isa ng dead end, animo’y mako-corner na niya ang magnanakaw. Ngunit agad na lalabas ang mga kasamahan nito. Manlalaban pa rin si Eric bagaman alam niyang dehado pa rin siya. Sa huli ay maigugupo rin siya ng grupo ng kalalakihan. Ngunit bago sya tuluyang mabugbog, aaawatin ng lider ng mga kawatan ang mga kasamahan niya. Magkakatitigan sila ni Eric. 86.INT.ARCADE.NIGHT.CONT. Engrossed na engrossed na si Eric sa kanyang laro. May ilang tao na rin sa arcade ang nasa likuran ni Eric at nanonood ng exciting na laro. Dati na ang game pero ngayon lang siguro sila nakakita ng manlalarong tulad ni Eric. 87.EXT.KALYE.NIGHT.FLASHBACK Kabilang na ngayon si Eric sa grupo ng mga kalalakihang nakasagupa niya. May pinagbubulungan sila, waring may hinihintay. May magdadaang kotse. Pagbubuksan sila ng bintana ng driver nito ngunit hindi sila magkakasundo. May More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
dadaan uling kotse. Matrona ang makakausap nila. Bagaman nag-aalinlangan, sasama sa kanya si Eric. 88.INT.MOTEL.NIGHT.FLASHBACK Magkatabi sa kama sina Eric at ang matronang customer nito. Sarap na sarap sa pagkakatulog ang matrona samantalang nakasandig sa headboard ng kama si Eric. Waring tulala ito. Kayraming bagay ang sumasagi sa kanyang isipan bagaman lahat ay nais niyang isantabi, lalong lalo na ang gabing ito! 89.INT.ARCADE.NIGHT.CONT. Bagaman marami na ring zombie ang napapatay ni Eric, hindi sila maubos ubos, bagkus ay parami pa ng parami. Di na rin makayanan ni Eric na tapusin ang lahat ng zombie na sumusugod sa kanya. Kaliwa’t kanan ay may umaatake sa kanya. Sa huli ay isang tama ang tuluyang makakapagpabagsak sa kanya. “GAME OVER” ang madidisplay sa screen. Halos itapon ni Eric ang control gun sa sobrang frustration sa game. 90.EXT.SCHOOL GROUNDS.EARLY MORNING Focus sa canvas. Isang belltower ang kasalukuyang pinipinta. Maganda ang tanawin. Banayad na sikat ng araw ang lumulukob sa belltower. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ART TEACHER I must say I’m seeing your first masterpiece. (Habang lumalapit kay Miriam mula sa likuran nito.) Ngingiti lamang si Miriam, tuloy pa rin sa pagpipinta. ART TEACHER Pero curious lang ako. Whatever happened dun sa nag-iisang ibong nakita ko noon? Hindi pa rin makakasagot si Miriam. Malalim ang iniisip nito. ART TEACHER (Hihinga nang malalim. Will pause for a while bago muling magsalita) Syanga pala, nasaan na ang simbahan dito? Hindi ba dapat ‘pag may belltower, meron ding simbahan? MIRIAM (Magsasalita na rin sa wakas) Parang.. parang mas nakuha lang siguro nitong belltower ang atensiyon ko. Kung ipapakita ko pa rin pati ang simbahan kahit wala naman sa loob ko, baka hindi rin lumabas na maganda. Sayang lang.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ART TEACHER You have a point there. Parang nalulungkot lang siguro akong pagmasdan ang kampanilya na walang simbahan. But anyways, it’s a really good work. Good work, Miriam! MIRIAM Thank you. (Sambit ni Miriam bagaman waring nasa isang malayong belltower ang kanyang pagiisip) 91.INT.LRT.DAY Papasok sa loob ng lrt train si Eric, lilinga at maghahanap ng mapupuwestuhan. Makakahanap siya ng puwesto sa may kalagitnaan bagaman hindi pa rin ito mapapakali. Sa loob niya, umaasa si Eric na makita si Miriam sa loob ng tren. Pagdating ng susunod na istasyon ay lalapitan si Eric ng guard. GUARD Pare, bawal ang lalaki dito. Dun ka sa kabilang tren!
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Ganun ba? May hinahanap lang kasi ako,e. GUARD Hindi talaga puwede. ERIC Kahit sandali lang, pare. GUARD Bawal pare. Kung gusto mo, ipa-page mo na lang ang hinahanap mo. Matapos siyang sabihan nito ay aalis na ang guard. Habang papunta sila sa susunod na istasyon, babantad sa paningin ni Eric ang sementeryong halos araw-araw ay nadaraanan ni Miriam noon papuntang opisina. 92.INT.BANK.SAME DAY Pagpasok ni Eric sa bangko, dire-diretso ito sa opisina ni Grace. GRACE (Magugulat sa pagdating ni Eric.) Mr. Dela Cruz! A‌ we‌ we have already processed -
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Salamat, pero may iba sana akong sadya. Tungkol kay Miriam. GRACE I’m sorry pero – ERIC Alam kong kaibigan mo siya. Itatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan sya. GRACE Sorry pero hindi ko alam. ERIC Please, Grace. Hirap na hirap na ako. Kailangan kong makausap si Miriam. GRACE Mr. Dela Cruz, kagaya ng unang sinabi ko. I’m sorry pero hindi ko alam. ERIC Nakikiusap ako, Grace! Kailangan kong makausap si Miriam. Kailangan ko syang makita. Mababaliw ako kapag hindi ko nalaman kung ano na’ng nangyayari ngayon sa kanya. Utang na loob, Grace! More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
GRACE I’m sorry Eric. Pero wala akong maitutulong sa ‘yo. And I think you really have to excuse me for now. Marami pa akong kailangang asikasuhin. Walang magagawa si Eric kundi tanggapin ang pagkatalo at umalis ng opisina ni Grace. Pagkaalis ni Eric, kita sa mukha ni Grace ang simpatiya at labis na pag-aalala. 93.INT/EXT.TRICYCLE/KALYE.SAME DAY Nasa loob ng tricyle si Eric. Binabagtas niya ang daang arawaraw na dinaraanan ni Miriam. Walang pinagbago ang mga tanawin. Kabi-kabila pa rin ang mga basura. Marami pa ring nagkalat na mga bata. Labis pa rin ang mga ibinubugang usok ng iba’t ibang sasakyan. Matatanaw ni Eric ang mga tambay na walang ginawa kundi ang mag-inuman araw at gabi. Sesenyasan ni Eric ang tricycle driver na pumara. Lalapitan niya ang mga ito. ERIC Mga pare, kumusta na? Puwede bang maki-join sa inyo? LASING 1 More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Of cors, pare! Maupo ka dyan. Uupo si Eric sa gilid ng bangko. LASING 2 Ano ba’ng atin, pre! Hik! ERIC Wala naman, napadaan lang. LASING 3 Eto’ng sa ‘yo. (Aabutan si Eric ng isang baso at isang bote ng beer) ERIC Salamat. (Tatanggapin ni Eric ang iniabot sa kanya at magsasalin ng beer sa baso.) LASING 1 Bago ka ba dito? ERIC Hindi naman, matagal lang akong nawala. LASING 2 Nawala? Bakit ka naman nawala? A, teka, hulaan ko. Nabilibid ka ba? (Tatawa) Kakosa pala ito, e. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
(Sabi sa kasama) ERIC (Iiling). Hindi, hindi naman. LASING Hindi? A, alam ko na! Esteytsayd siguro ito! Nagabroad-abroad! ERIC Hindi naman, pero ganun na nga. Matagal din ako sa ibang bansa, sa Saudi. LASING 1 Ayun! Bigtime ka na pala. Blow out naman dyan. ERIC Walang problema, mga pare. Sagot ko ang susunod na case! LASING 2 Syanga pala, pare.. Hik! Ano ba’ng problema mo? ERIC Problema? Wa… wala naman. nasabing may problema ako?
Ba’t mo naman
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
LASING 3 Wag mo na kaming lokohin pare. Maaaring lasing kami, pero hindi kami tanga. May naglalasing bang walang problema? ERIC Ibig sabihin may problema kayo? LASING 1 E, kulang kulang pala ito, e! Syempre naman. Kaya nga naglalasing para malimutan problema. ERIC Hindi ko lang alam gagawin ko, mga pare. (Lalagok ng beer). Hindi ko alam. LASING 2 (Hihimasin ang likod ni Eric). Kaya mo yan, pare. Kaya mo yan. ERIC Ewan ko, pare. Parang masisiraan na ako. (Lalagok uli ng beer at titingin sa malayo) LASING 1 More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Bakit, sa tingin mo ba alam namin ang gagawin namin? Magtatawanan ang grupo. ERIC Ang dami nang hirap ang pinagdaanan ko. Ang dami-dami pero parang di matapos tapos. LASING 1 Wag mong sabihin yan, pre. Masuwerte ka nga kesa sa ‘min. Malayo na’ng narating mo. ERIC Hindi madali yun, pare. Kelangan mo munang dumaan sa impiyerno. (Kukunin ang bote at uubusin ang beer). 94.INT.SHOP (Saudi).DAY.FLASHBACK Nasa ilalim ng kotse si Eric, nagkukumpuni ng nasabing kotse. Madungis ito, pawis na pawis. Pamaya-maya’y lalapitan siya ng isang Arabo. ARABO Finished?
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Not yet Sir. ARABO Why taking so long? You better finish that today. ERIC (Asar pero magtitimpi). Yes, sir. 95.INT.SHOP (Saudi).DAY.FLASHBACK Breaktime. Titigil muna sumandali sina Eric at ang mga kasamahan nito sa kanilang ginagawa. ERIC Dumating na ba payroll natin? REY Wala pa, e. ERIC E, lintik naman palang mga Arabong ‘yan, e. Nagkakandakuba tayo sa katatrabaho. Kung ituring tayo parang mga alipin, tapos mga balasubas! REY Relaks ka lang, pare. Baka may makarinig sa ‘yo. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Bakit, nakakaintindi ba ng mga Tagalog ‘yan? REY Alam mo na, pare. magsumbong.
Baka may kapwa-Pilipinong
ERIC Yan naman ang hirap sa’tin pare. Kapwa Pilipino tumatalo sa ‘yo. REY Wala tayong magagawa. Nandito na tayo. mong ibalewala ang mga paghihirap mo.
Wag
96.INT.SHOP (Saudi).DAY.FLASHBACK Biglang susugurin ni Eric ang isang kasamahan. Susuntukin niya ito. ERIC Walang hiya ka! Hudas! TERRY Teka lang, teka pare.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Anong teka teka? Nagpasintabi ka ba nang nagsipsip ka sa boss natin? (Muling susuntukin si Terrry) TERRY Wala akong ginagawa, Eric. ERIC Ako, meron akong gagawin. (Uundayan ni Eric ng walang tigil na suntok si Terry). 97.INT.PRISON (Saudi).NIGHT.FLASHBACK Nakaupo si Eric sa isang sulok ng madilim na bilangguan. Gulung-gulo ito, halos wala ng pag-asa. Sa kabila ng angking tapang, hindi pa rin nito napigilan ang umiyak at maawa sa sarili. ERIC (v.o.) Nakulong ako ng ilang araw dahil sa pambubugbog ko sa hudas na ‘yon. Wala ring nauwi sa suweldo ko. Malaking halaga ang hiningi sa akin bilang danyos. Malakas siya sa employer namin. Wala akong nagawa. Pero masuwerte pa rin ako. Nakahanap ako ng ibang employer. Matapos ang ilang taon, nakaipon din kahit papano. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
98.EXT.KALYE.DAY.CONT. Tahimik na ang mga lasing, parang mga batang nakikinig sa isang fairytale. Tanging si Eric ang nagsasalita. ERIC Pawis at dugo ang pinuhunan ko para marating lang ang kinalalagyan ko ngayon. Pawis, dugo at dignidad ang pinuhunan ko bago pa man ako makaalis ng Pinas. Sinamantala ko ang matronang nahumaling sa akin. Nag-aral ako ng automotive. Walang tigil akong nagtrabaho makaipon lang ng pera papuntang ibang bansa. Nung hindi pa sumapat ang naipon ko, hinuthutan ko pa ng pera yung matrona. Ang sabi ko, para sa aming dalawa. Pero mula nang makatuntong ako ng Saudi, wala na siyang narinig sa akin. Ganun ako kagago! Pati ang tatay ko wala na ring narinig sa akin mula ng naglayas ako sa amin. Hindi ko alam kung dahil sa kawalan ng panahon, hiya, o hinanakit na rin sa mga nangyari sa akin. Ang alam ko, nabubuhay ako para maghiganti sa lahat ng tumapak sa ‘kin. Nabubuhay ako para pakainin ng salapi ang mga walang kuwentang tao sa buhay ko!
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
99.EXT.KALYE.NIGHT Flash of lightning na susundan ng nakabibinging kulog. Pagkatapos ay bubuhos ang malalaking patak ng ulan. Halos walang katao-tao sa daan. Tanging si Eric na walang pakialam sa ngitngit ng panahon ang bumabagtas sa kalyeng patungong simbahan. Wala itong payong o kapote man lang, subalit balewala sa kanya ang matinding hagupit ng hangin at ulan. Waring hindi kayang daigin ng panahon ang apoy na nagliliyab sa pagkatao ni Eric. Sa di kalayuan ay may mag-lolang tulak tulak ang kanilang kariton. Halatang hinahabol na ng matanda ang kanyang hininga. Suko na ang katawan nito sa walang tigil na pagbayo ng panahon. Unti-unting babagsak ang matanda sa gitna ng daan at tuluyang mawawalan ng hininga. Samantala, papailanlang ang hagulgol ng batang walang malay sa dapat na gawin. Meanwhile, a fast-moving vehicle approaches. Just in time, mapupukaw ng eksenang ito ang atensyon ni Eric. Sumandali niyang makakalimutan ang sariling problema. Walang pag-aalinlangan niyang itutulak ang bata More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
palayo, habang siya naman ang malalagay sa tiyak na kapahamakan. 100.INT.BEDROOM.DAY Biglang magigising si Miriam as though from a bad dream. She will soon realize na gising na siya pero hindi kaagad maaalis ang takot sa dibdib niya. Suddenly, the phone will ring. Magdadalawang isip siyang sagutin ito pero matapos ang tatlong ring ay iaangat din niya ang handset nito. MIRIAM Hello? Sino ‘to? GRACE (v.o.) Miriam, si Grace ito. MIRIAM O, Grace! Kumusta na? GRACE (v.o.) Ok naman. Ok lang ako‌ MIRIAM Mabuti naman. Bakit ka napatawag? Matagal-tagal na katahimikan mula sa kabilang linya bago More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
makapagsalita si Grace. GRACE (v.o.) Wa – wala naman. MIRIAM Grace, may problema ba? GRACE (v.o.) Miriam, hindi ko alam kung dapat ko pa itong sabihin sa ‘yo. MIRIAM (Labis na mag-aalala). Ang ano? Grace, tinatakot mo na ako niyan. Sabihin mo sa akin, ano ba’ng nangyayari? GRACE (v.o.) Paano ko ba ito sasabihin? MIRIAM Basta sabihin mo lang, Grace. GRACE (v.o.) Miriam, tungkol kay…tungkol kay Eric. MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
(Lalong kakabahan). Ano’ng tungkol kay Eric? May.. may nangyari ba kay Eric? GRACE (v.o.) Miriam, huwag ka sanang mabibigla pero‌pero naaksidente si Eric. Nabangga siya kagabi, critical ang lagay niya. Sa tinurang ito ni Grace, halos mabitiwan ni Miriam ang telepono. 101.INT.HOSPITAL.DAY Papasok si Miriam sa hospital lobby. She will find Grace already seated and waiting for her. Pagkakita ng dalawa, agad silang magyayakap. Pagkatapos ay muli silang uupo. GRACE Nasa ICU pa rin daw si Eric. nagigising.
Hindi pa siya
MIRIAM Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari, Grace. Hindi ko alam. GRACE Lakasan mo lang ang loob mo. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Huwag kang
mawawalan ng pag-asa. 102.INT.HOSPITAL CHAPEL.SAME DAY Kapwa nagdarasal sa chapel sina Miriam at Grace. MIRIAM’S PRAYER: Panginoon, tulungan N’yo po ako. Tulungan N’yo po kami ni Eric. Kayo na lang po ang pag-asa namin. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Natatakot po ako. Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko po alam kung kaya kong maging matatag para kay Eric. Hindi ko rin po alam kung ano’ng gagawin ko sakaling una N’yo po siyang kunin kaysa sa akin. 103.INT.HOUSE Family).NIGHT.FLASHBACK
(Miriam’s
Walang tigil sa pag-iyak ang batang si Miriam na napakahigpit ng pagkakapit sa kanyang ina. MIRIAM’S MOM Pakiusap, Ramon. Huwag mo kaming iwan ng anak mo. MIRIAM’S DAD More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Wala na akong magagawa, Elena. nating gawin ito. MIRIAM’S MOM Maawa ka sa amin, Ramon. iwan.
Kailangan na
Huwag mo kaming
MIRIAM’S DAD Hindi ko na kaya, Elena. Nasasakal na ‘ko. Kailangan kong magkaro’n ng sarili kong buhay. MIRIAM’S MOM At kami? Pa’no naman ang buhay namin ng anak mo? MIRIAM’S DAD Buo na ang desisyon ko. MIRIAM’S MOM Kaya ba sasama ka sa babaeng ‘yun? Kaya ipagpapalit mo kami ng anak mo sa mga pangarap mo? Ganun ba ang desisyon mo? MIRIAM’S DAD Oo! Buo na ang desisyon ko dahil sawang sawa na ako sa buhay na ito. Masyado pa akong bata para pasanin ang ganito kalaking responsibilidad. At More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
huwag mong ipagsangkalan sa akin si Miriam. Ni hindi ko alam kung ako ang tunay niyang ama! Tuluyan ng bibitbitin ni Ramon ang kanyang mga bagahe at iiwang luhaan ang mag-ina. 104.INT.HOSPITAL CHAPEL.SAME DAY.CONT. Umaagos ang luha ni Miriam habang nagdarasal at bumabalik ang kanyang mapapait na alaala. 105.INT.HOUSE(Miriam’s Family).DAY.FLASHBACK Maraming dalang bagahe ang Nanay ni Miriam. Paalis na sana ito nang makita siya ng batang si Miriam. MIRIAM Inay, ‘wag na po kayong umalis. (Magsusumiksik sa ina at kakapit ng mahigpit dito) MIRIAM’S MOM Sandali lang mawawala ang Inay. Magtatrabaho lang ako para sa baby Miriam. Wala na kasi ang Tatay. MIRIAM Ayoko, ayoko kayong umalis! Sama n’yo na lang po More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ako sa trabaho, ‘Nay. (Nagpupumadyak) MIRIAM’S MOM Hindi puwedeng isakay ang bata sa eroplano, anak. Nandito naman si Tita habang wala ako. (Ihahabilin ng tingin si Miriam sa kapatid) MIRIAM Ikaw ang gusto ko, ‘Nay. Wag ka na umalis. MIRIAM’S MOM Bibili kita maraming laruan saka kendi. Maraming marami! (Forces a smile while hiding the pain of leaving her child) MIRIAM Ayoko ng laruan tsaka kendi! Gusto ko Nanay ko. (lalong hihigpit and kapit sa ina) Magpupumilit makawala sa hawak ng anak si Elena. Tutulungan siya ng kapatid. MIRIAM Inay! Inay!! (Patuloy ang hagulgol ng batang si Miriam habang papaalis ang ina). 106.INT.HOSPITAL CHAPEL.SAME DAY.CONT. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Kapwa nakaupo na sina Miriam at Grace habang nakatingin sa altar. MIRIAM Hindi ko na nakita uling buhay ang Inay. Bangkay na siyang dumating ng Pilipinas. Nagkasakit daw sa ibang bansa. Hahaplusin ni Grace ang likod ni Miriam as she tries to comfort her. MIRIAM Lumaki akong walang tunay na pamilya, Grace. Walang pamilya at wala ring kaibigan. Kapag may problema ako, hindi ko alam kung saan ako tatakbo, kung may makikinig sa sasabihin ko. GRACE (Hahawakan ang kamay ni Miriam). I’m just here for you, Miriam. May mga tao pa ring nagpapahalaga sa yo. Si Eric, ako. Minsan lang, parang ikaw na rin ang kusang lumalayo. MIRIAM Gustuhin ko mang makasama si Eric habang buhay, More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
wala na akong magagawa. buhay ko.
Hindi ko hawak ang
GRACE Pero puwede mo pa ring ilaan ang oras na mayroon ka para sa kanya. MIRIAM Siguro nga, Grace. Siguro nga. Pero sa ngayon, hindi ko alam kung gaano na lang kakonti ang oras namin ni Eric. Natatakot ako. Paano kung…pa’no kung isang araw, wala na siya? (leans her head on Grace’s shoulder) 107.INT.HOSPITAL.DAY Eric still lies unconscious on hospital bed. Maraming instrumento and nakakabit sa kanya, may benda ang kanyang ulo at may cast and kaliwang braso niya. Uupo si Miriam sa tabi ni Eric. Hahawakan niya ang kamay nito. MIRIAM Eric, Eric nandito na ako. Hanggang kakayanin ko, hindi na ako aalis sa tabi mo. Lumaban ka, Eric. Ipaglaban mo tayong dalawa. Ang daya-daya mo More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
nga,e. Gusto mo pa akong unahan. Hindi mo pa oras, Eric. Hindi ako ang dapat na magpabaon ng mga luha ko sa ‘yo. 108.EXT.ROXAS BLVD.SUNRISE Nakaupo si Miriam sa bench na tambayan nila ni Eric. Bumabalik sa kanya ang alaala ng kanilang pag-iibigan. 109.EXT.ROXAS BLVD.SUNSET.FLASHBACK MIRIAM Eric, kalimutan na lang kaya natin ang sunset na ito. ERIC (Hindi makakibo. Puno ng pagtataka) MIRIAM Mag-abang na lang tayo ng ibang sunset. ERIC Ayoko nang mag-abang ng iba. Ito na ang pinakamagandang sunset na nakita ko. MIRIAM Paano mo nasabi? E, ngayon ka lang yata nakakita ng sunset. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Kailangan mo pa bang makakita ng iba para malaman mong maganda ang isang bagay? Basta ang alam ko, ito ang sunset na gusto ko. Ito ang para sa akin. 110.EXT.PARK.EARLY MORNING.FLASHBACK MIRIAM S – sorry. Di ko kasi ma-control yung bike. (Habang bumabangon) ERIC It’s okey. I just hope walang anumang masakit sa katawan mo. (Habang hindi pa rin maalis-alis ang tingin kay Miriam) Mapapatingin si Miriam sa siko niya na may gasgas. Dito lamang waring maaalimpungatan si Eric. Kukuha siya ng panyo at lilinisin ang siko ni Miriam. Tutulungan niya rin itong tumayo. MIRIAM Salamat, pasensya ka na talaga nadamay pa kita. ERIC More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Huwag mong intindihin ‘yon. Ako ang nakaharang kaya nawalan ka ng balanse. (Nakaka-conscious na talaga ang mga titig ni Eric habang inaalalayan niyang maglakad si Miriam) 111.EXT.SCHOOL GROUNDS.DAY.FLASHBACK Nakaupo na sa isang bench sina Miriam at Eric. Nililinis nila ang kanilang mga kasuotan bagaman mahirap tanggalin ang mga kulay na kumalat sa kanilang mga damit. ERIC Kumusta na? Nag-enroll ka rin pala rito. What a coincidence, ha. MIRIAM Ikaw nga rin, e. Parang di ako makapaniwala. ERIC Sorry nga pala sa‌ MIRIAM Hayaan mo na. Wala pa naman akong nabubuo,e. At least, may abstract painting na tayo ngayon! (Magtatawanan sila habang tinitingnan ang mga damit nilang punung-puno ng pintura)
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Oo, nga. masterpiece!
Kahit late ako, meron pa rin akong
112.EXT.SCHOOL GROUNDS. EARLY MORNING Masayang nagpipinta si Miriam nang bigla siyang yayakapin ni Eric. May cast pa rin ang braso nito. Sabay nilang pagmamasdan ang ipinipinta ni Miriam. Sa buong panahong nag-uusap sila, Eric will not let go of his embrace. ERIC Akala ko ako ang pinipinta mo. MIRIAM Ikaw nga. Nandyan ka sa tuktok ng tower. ERIC At ikaw, kasama ba kita dun? MIRIAM Nandito lang ako, Eric. Nandito lang ako palagi sa tabi mo. (Lilingunin si Eric.) 113.EXT.PARK.EARLY MORNING Masayang nagba-bike ang dalawa. This time, marunong na More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ring mag-bike si Miriam. Walang kapantay ang kaligayahang nadarama ng dalawa. Hindi nila akalaing magkakaroon pa sila ng pagkakataong damhin ang ganitong mga sandali. Alam din nilang ang kasalukuyang mga sandali lamang ang hawak nila sa kanilang mga kamay. 114.EXT.ROXAS BLVD.SUNSET Dalawang tao na ang nakaupo sa bench – sina Miriam at Eric. ERIC Akala ko, tuluyan ka nang mawawala sa akin. MIRIAM Ikaw nga ang halos tuluyan nang nawala. ERIC (Eric’s hand reaches out for Miriam’s and kisses her hand gently.) Mawala na ang lahat sa akin, Miriam. Mawala na ang lahat ‘wag lang ikaw. The moment is perfect. Pagkatapos ng lahat ng kanilang pinagdaanan, they finally find a home in each other. They kiss as though nothing in the past nor in the future really matters anymore. 115.(Montage).INT/EXT.VARIOUS.DAY/NIGHT More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Habang kinakanta ang background song (“In Your Eyes”), ipapakita ang iba’t ibang sweet moments nina Miriam at Eric. I think I’ve finally known you I can see beyond your smile… In your eyes I can see my dream’s reflection In your eyes, are found the answer to my questions In your eyes… 1. Pamamasyal nina Eric at Miriam sa tabing dagat. 2. Pagpapa-check up ni Miriam at paglaban sa karamdaman. 3. Pagdalaw sa batang iniligtas ni Eric. (shot will not show the child’s face) 4. Patuloy na pagtuturo ng pagpinta sa mga batang riles. 5. Paglilinis ng basura sa tulong ng mga tambay sa riles. SOUND OVER TO 116.EXT.CAVE.DAY Naglalakad ang grupo nina Eric at Miriam papunta sa isang kuweba. Medyo matataas na ang talahib sa paligid kung kaya kinakailangang hawiin nila ito habang naglalakad. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Nakaalalay si Eric kay Miriam na waring hindi naman mapalagay at hirap na hirap ilakad ang kanyang mga paa. Bunga nito’y nahuhuli ang dalawa sa iba pang kasamahan. MIRIAM Sandali lang. ERIC Ha? Bakit? Mahuhuli na tayo sa kanila. MIRIAM Kasi…kasi… ERIC May problema ba? MIRIAM Wala naman. ERIC O, sige. Halika na. (Tries to lead Miriam by the hand but still, Miriam hesitates). Ano? MIRIAM Eric, huwag na lang kaya.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Huwag na lang? Nandito na tayo, e. Ayun na yung kuweba, o. (Points to the cave). At saka ‘di ba isa ito sa mga gusto mong gawin? MIRIAM Oo nga, pero… pero parang nag-aalangan na kasi akong gawin. ERIC A, alam ko na! Napapagod ka na siguro, ano? (Kakargahin bigla si Miriam) Halika na! 117.INT.CAVE.SAME DAY Ibababa na ni Eric ang nagpupumiglas na si Miriam. MIRIAM Ano ba? Bakit mo ‘ko kinarga? ERIC E, di ba napapagod ka na. Yan ang problema mo kaya di ka na makapaglakad. MIRIAM Hindi ako napapagod!
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC E, ano? Matitigil ang pagtatalo ng dalawa sa sandaling mamalas nila ang kagandahan ng loob ng cave. Ang iba’t ibang stalagmite at stalactite formations ay nagsilbing disenyo to form an altar sa bungad pa lang halos ng kuweba. The leader of the group starts to light an artificial torch light. Miriam starts to walk out of the cave at the sight of this. ERIC Miram, sa’n ka pupunta? MIRIAM Uuwi na. ERIC Bakit? Hindi pa tayo tapos dito. MIRIAM Nakarating na tayo sa cave ‘di ba? Okey na ako. Halika na, uwi na tayo. ERIC Sayang naman. Hindi pa tayo nakakalibot. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Mas sayang naman kung madididisgrasya tayo sa loob. ERIC Disgrasya? Hindi naman siguro. Wag ka na magisip ng kung anu-ano. MIRIAM Hindi mo ba nakikita kung ga’no kadilim sa loob? ERIC (Tatanawin ang tinuturan ni Miriam). Siguro nga, pero may ilaw naman tayo. (Ituturo ang torch ng leader at ang kanilang mga flashlight) MIRIAM Kahit na! Pa’no kung mamatay ang mga ilaw natin? Pa’no kung ‘di tayo makalabas? ERIC Alam mo, OA ka rin, e. (Nang-aasar na pero pa-cute pa rin kay Miriam). Kung anu-ano’ng iniisip mo. Halika na. (Starts to walk towards the group) Miriam tries to stand her ground, but realizing that she will be More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
left all alone soon makes her way towards Eric. Upon reaching him, she reaches for his arm and clings on him like a child. ERIC Sabi ko na nga ba, susunod ka rin, e. MIRIAM Eric, hindi ba talaga delikado? Natatakot ako. ERIC Wala kang dapat ikatakot. Nandito ako, di ba? Walang mangyayaring masama sa ‘yo hanggang kasama mo’ng pinakamatapang na lalaki sa mundo! Upon saying this, napakaraming ipis ang biglang bumungad sa kanila. Lahat ay nagsigawan sa gulat pati na si Eric. MIRIAM Pinakamatapang, ha! (Kukurutin sa tagiliran si Eric.) ERIC Araaay! Nagulat lang po, ano? MIRIAM (To herself). Nagulat daw.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Suddenly, daan daan namang mga paniki ang biglang lumipad sa ibabaw nila. Again, they all scream in fright including Eric. MIRIAM Nagulat ka uli? (sarcastically) Eric merely scratches his head in reply. 118.INT.CAVE.SAME DAY.CONT. Patuloy ng pag-eexplore ng cave sina Eric at Miriam. Along the way, the path is becoming narrower and steeper. MIRIAM Eric, parang hindi ako makahinga. Masyado na yatang dumidilim at kumikitid ang daan. (Now serious with her fears) ERIC Ha? (Gets worried). Konting tiis na lang.
Nasa kalagitnaan tayo, e.
Main light of the group suddenly dims and malfunctions. Only the faint light of their flashlights remain to guide them. MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Eric!! (She holds on to Eric tightly, almost in panic). Eric!! ERIC Kasama mo ako, Miriam. Makakalabas din tayo. Okey lang ito. GROUP LEADER (Throws a rope the group) Malapit na ang exit. Gamitin natin ito para di tayo magkawalaan. Walang hihiwalay. Everybody follow me! Each one grabs a part of the rope and starts following the leader. ERIC (v.o.) Sorry, Miriam. Hindi na tayo dapat tumuloy pa. Miriam finds it harder to breathe. ERIC Malapit na, Miriam. Huwag kang mag-alala. Miriam tries to nod despite her difficulty in coping with the situation. Her fear is now so great that she couldn’t say anything at all.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
119.EXT.PROVINCE NINA ERIC.EARLY MORNING Pagbaba ng bus nina Eric at Miriam, matatanaw nila sa di kalayuan ang isang matandang nagpapakain ng mga manok. With unsure steps, Eric approaches his father. Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit, mapapalingon ang kanyang ama at magkakatitigan sila. Matapos syang makilala ng kanyang ama, magmamadali itong lalapit kay Eric. Magyayakap ang mag-ama at tuluyang aagos ang kanilang mga luha, lalong lalo na ang kay Eric. Miriam watches from a distance but is deeply affected by what’s happening. ERIC Patawarin po ninyo ako. Patawarin n’yo ko, ‘tay. ERIC’S DAD Kalimutan na natin ang mga nangyari, anak. ERIC Hindi ko alam…hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang mga nagawa ko. Gusto ko lang kayong ipaglaban Itay pero…pero binulag ako ng sobrang galit sa dibdib ko. Sobra sobra, hindi ko nakayanan. Ni hindi ko alam kung may mukha pa ‘kong bumalik. Walang nangyari sa akin, Itay. Wala akong maipagmamalaki sa inyo.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC’S DAD Ikaw lang ang mahalaga, anak. Ngayong nandito ka na, puwede na akong mamatay. 120.INT.NIPA HUT (Province).DAY Abalang naghahanda ng almusal ang ama ni Eric habang magkatabing nakaupo sina Miriam at Eric sa may hapag. ERIC’S DAD Akala ko hindi ko na makikita ang batang ito, e. (Habang nagpiprito ng itlog) Akalain mo ba namang lumayas papunta Maynila. ERIC Itay, good boy na po ito ngayon. MIRIAM Sa palagay ko nga ho, good boy na ang big boy na ‘to. (Guguluhin ang buhok ni Eric) ERIC’S DAD Kunsabagay, mabait naman ‘yan. Mainitin lang ang ulo. Padalus-dalos. E…hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko naman maibigay sa kanya ang…
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Itay… ERIC’S DAD (Sesenyasan si Eric by raising his hand, as though saying it’s alright and Eric shoud let him continue with what he is saying). Marami akong pagkukulang Miriam, at natutuwa ako dahil kung ano man iyon, alam kong ikaw ang nagpupuno. Miriam is flattered and speechless. Isang ngiti lamang ang nakayanan niyang isukli. 121.EXT.PROVINCE (Front yard).AFTERNOON Nakaupo ang mag-ama sa isang bangko sa labas ng bahay. Masinsinan ang kanilang pag-uusap. ERIC Natatakot ako ‘tay. Miriam.
Hindi ko kayang mawala si
ERIC’S DAD Huwag kang mabahala. Ipagkatiwala mong lahat sa Maykapal.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Pero paano kung…paano kung gusto na niyang kunin si Miriam? Itay, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng takot sa buong buhay ko. ERIC’S DAD Tibayan mo ang loob mo, anak. ERIC Dati – dati akala ko, hindi na ‘ko puwedeng maging masaya. Akala ko noon, kailangan kong maging bato para manalo ako…para mawala sa landas ko ang lahat ng taong kinamumuhian ko. Kinaya ko ang lahat. Kinaya ko kahit ang maging marumi para makalaban ng patas. Ang sabi ko, hinding hindi ako magpapadaig sa kanila. Pero wala ring nangyari. Wala naman akong napala. Pero nung nakilala ko si Miriam, parang nag-iba ang lahat. Saglit kong nakalimutan ang madilim na mundong ginagalawan ko. Parang ang gaan gaan lang ng lahat. Pag may bumabagabag sa akin, titingnan ko lang ang mga mata niya, parang lumuluwag agad ang dibdib ko. Itay, ayokong makitang naghihirap sya. Sana nga ako na lang. Tatanggapin ko dahil dapat lang yun sa More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
akin. Pero hindi si Miriam, hindi siya. Magyayakap ang mag-ama and Eric will find comfort in his despair. Meanwhile, naulinigan pala ni Miriam ang paguusap ng mag-ama. Patago siyang nakikinig sa likod ng dingding ng bahay nina Eric. Now, she leans against the wall and sheds quiet tears for the one she loves the most. 122.EXT.FARM.DAY Masayang nagkukulitan sina Eric at Miriam habang tinuturuan ng una ang huli na sumakay ng kalabaw. ERIC O, dahan dahan lang. Dahan dahan. (Habang inaalalayan si Miriam na sumakay sa kalabaw). MIRIAM Sandali lang. Ikaw nga itong nagmamadali, e. (Nadudulas-dulas pa habang umaakyat ng kalabaw) ERIC Hindi ako nagmamadali. Inaalalayan ka nga lang, e. O, humawak ka sa tali. MIRIAM Eto, na nga, hahawak na More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ngunit bago pa makahawak sa tali si Miriam ay tuluyan na itong madudulas. Mabuti na lang at masasalo siya ni Eric. Eric glances once more into Miriam’s eyes. No words are enough anymore for the two. Slowly, after a most welcome pause, Eric is able to help Miriam na makasakay sa kalabaw. Maging si Eric ay sasakay rin sa kalabaw and the two will savor the sweetness of the moment. ERIC Sana lagi na lang ganito, ano? Parang simple lang ang lahat. MIRIAM Simple lang naman talaga ang buhay ‘di ba? ERIC Siguro, kaya lang minsan, parang ang hirap gawing simple ang lahat. ERIC (voice over habang dinadama ang presence ni Miriam at ang kagandahan ng sandali) Wala na akong ibang gusto pang mangyari Miriam More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
kundi ang makasama ka habang buhay. Tama na sa akin ang buhay na ganito, simple, walang kung anuanong kumplikasyon. Tama na sa aking katabi kita palagi. Masaya na akong pagmasdan ang mga mata mong parang laging may magandang bagay na tinatanaw. Eric closes his eyes and leans on Miriam like a child leans over sweetly and helplessly to his mother. 123.EXT.FARM.EARLY MORNING Sumisikat pa lamang ang araw. Napakaganda ng papawirin. Eric is savoring both the beauty of the scenery and the aroma of the cup of coffee he holds in his hand. Once in a while he glances at Miriam who is currently sweeping the dry leaves scattered on the ground. Eric smiles each time he takes a glance at Miriam as though he could never be more content in his life. He finally takes a sip of his coffee before he starts to tease Miriam. ERIC Ang sipag sipag naman ng bata. MIRIAM Sus! Nagwawalis lang, e. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Ang aga pa kasi nagpapakapagod ka na diyan. MIRIAM Hindi naman, konting exercise lang. ERIC Ako naman ang asikasuhin mo. (approaches Miriam) MIRIAM Ano naman ang aasikasuhin ko sa ‘yo? ERIC E…eh… MIRIAM Eh?…. ERIC Eto naman di na mabiro. Maupo nga muna tayo. The two will sit on a nearby bench. ERIC Syanga pala, ininom mo na ba ang medicines mo?
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Uminom na po ako kanina. Daig mo pa ang Nanay, ha. ERIC Good! Mahirap na. Tingnan mo nga, parang namumutla ka na naman. MIRIAM Wala ito,wag mo akong intindihin. Magsasalita pa sana si Eric but Miriam starts to faint. ERIC Miriam, Miriam okey ka lang ba? Miriam! Eric is greatly alarmed and carries Miriam’s unconscious body. 124.INT.HOSPITAL.DAY Sinusugod sa Emergency Room ng ospital si Miriam. Eric is with her. ERIC Dok, dok gawin n’yo po ang lahat.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
DOCTOR Kami na ang bahala sa kanya. 125.INT.HOSPITAL.DAY Masinsinang nag-uusap si Eric at ang doktor ni Miriam. DOCTOR I must tell you this, Miriam’s condition is not getting any better. ERIC Ano’ng gagawin natin doc? DOCTOR We must continue with the chemotheraphy. I hope her body responds positively. 126.INT.ERIC’S HOUSE.NIGHT Nakakalat ang maraming papeles sa desk ni Eric. Eric is busy sa pagko-compute ng mga gastusin para kay Miriam. Eric is greatly troubled because he can’t seem to make both ends meet. 127.INT.BANK.DAY
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Eric is talking with a bank officer. Dala dala niya ang ilang importanteng papeles pero he can’t seem to make the deal he desires. 128.EXT.KALYE.NIGHT Mag-isang naglalakad sa kalye si Eric. Gulung-gulo ang isip, waring walang patutunguhan. Suddenly, may mapapansin siyang mga lalaking waring may inaabangan. Mapapansin din siya ng mga ito. Eric tries to avoid them but the men approach him. NESTOR Eric? Eric ikaw ba ‘yan? Long time no see. Ano na ba’ng nangyari sa ‘yo? ERIC Wala naman, pare. Medyo may inasikaso lang. NESTOR Mukhang malayo na’ng narating mo, ha. ‘Di mo man lang kami inaambunan ng grasya. ERIC Sa totoo nyan pare, walang wala ako ngayon. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
NESTOR Ganun ba? Ikaw lang, e. Humiwalay ka agad sa amin. ERIC Pare, ayoko na sana ng ganung buhay. NESTOR Tumatanda na yata tayo, pare. Nagiging mahina na ang tuhod natin. ERIC Hindi naman sa ganun. Sabihin na lang natin na mas gusto ko na ang tahimik na buhay. NESTOR Tahimik pero kumakalam naman ang sikmura? Ikaw na rin ang nagsabi, walang wala ka ngayon. ERIC Mayro’n naman sigurong ibang paraan. NESTOR Nasa iyo, yan. Pero kung ako sa ‘yo, gamitin mo ang utak mo. Ang daming nagkakandarapa dyan para sa ‘yo. Kung gusto mo lang, sabihin mo sa More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
‘kin. ERIC Sige pare, may gagawin pa ako. 129.INT.CHAPEL.DAY Eric is deep in thought. He prays like he has never prayed in his life. ERIC (v.o.) Panginoon, hindi ko na po alam ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang makitang naghihirap si Miriam. Alam n’yo pong ginawa ko na ang lahat. Lahat lahat. Pero parang hindi pa rin sapat. Natutukso po akong bumalik sa dati kong gawain. Hindi na baleng masira akong muli mailigtas lang si Miriam. Pero alam, kapag ginawa ko ‘yon, wala akong ibang mas sasaktan kundi si Miriam. Hindi ko po alam ang dapat kong gawin. Alam ko pong hindi ako mabuting tao. Hindi ako ang taong dapat N’yong pakinggan. Pero alang alang po kay Miriam, Panginoon. Alang-alang po sa kanya, hinihingi ko ang awa Nyo. Suddenly, a hand rests upon Eric’s shoulder, and there was a man standing behind him who seems to understand. It was More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Miriam’s father. 130.EXT.HOSPITAL GARDEN.DAY Eric helps Miriam in her wheel chair, still weak from the medical treatment she received. ERIC O, bakit nakasimangot ka na naman dyan? MIRIAM E, pa’no si Grace, ang aga aga akong ginising. Pinilit pa akong lagyan ng make up. Ang arte talaga ng babaeng yun. (Sabay tawa sa sarili nyang biro) ERIC Ikaw naman, kinawawa mo na naman yung tao. Dapat nga akong magpasalamat sa kanya, you look very beautiful today. MIRIAM Bakit, hindi ba ako beautiful? ERIC Hindi naman ganun. Kumbaga, kakaiba ang ganda mo ngayon.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Sus! Binola mo na naman ako. ERIC E, kelan pa kita binola? Basta ako, may kakaiba talaga akong nararamdaman. Parang napakaganda ng araw na ito. MIRIAM Teka, parang may kakaiba nga. Kelan ka pa naging sensitive sa ganyang mga bagay? At ano naman ang kaibahan ng araw na ito sa ‘yo? ERIC Hindi mo ba nararamdaman? (Pipikit na parang as though trying to feel something in the air). Magtatanong pa sana si Miriam when sweet music from a violin suddenly captures her attention. Violin player gets into view playing instrumental of “In Your Eyes.” Miriam wants to say something but remains speechless. ERIC Miriam, today is a very special day. Today, hindi More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
lang kami ni Grace ang bisita mo. Enter ang mga batang taga-riles na tinuturuan nina Eric at Miriam mag-drawing. Bawat isa ay may dalang drawing na nakatakip ng white cloth. Miriam remains ecstatically speechless. First child approaches Miriam. CHILD 1 Ate Miriam, thank you po sa pagtuturo n’yo sa amin mag-drowing. (Removes white cloth from drawing. Her drawing is one of a bouquet of flowers.) MIRIAM Wow, thank you. Ang ganda naman! Second child approaches. CHILD 2 Ate Miriam, eto naman po gawa ko. (Removes cover of drawing and shows a drawing of a shoe.) MIRIAM Salamat! Pero sapatos? Bakit naman sapatos and drawing mo? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Child will not answer. Third child approaches. CHILD 3 Pasensya na po, medyo hindi maganda. MIRIAM Syempre naman maganda basta gawa mo. Child unwraps drawing of gloves. Fourth child approaches. CHILD 4 Ate Miriam, candle naman po drawing ko. (Unwraps drawing.) Fifth child approaches. CHILD 5 Ate Miriam, gown po para sa inyo. (Shows her work) MIRIAM Ang gagaling naman talaga ng mga alaga ko! More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Sixth child approaches and unwraps paper with no drawing. MIRIAM Ang ganda naman. (Still deciphering where the drawing is. After a short while, finally gives up and asks child). E…pasensya na, ha. Malabo na yata mata ni Ate Miriam. Sabihin mo naman sa akin kung tungkol saan drawing mo. CHILD 6 Ate Miriam, white dove po. MIRIAM A, white dove. Pero…pero para kasing hindi ko makita rito yung dove. CHILD 6 Kasi po Ate Miriam, masyado pong mailap yung ibon. Ayaw pa-drawing, lumipad na sya. MIRIAM Aaahh…may pagkapilosopo rin pala itong batang ito.(Pabulong) Seventh child approaches and unwraps drawing on what appears to be a mere circle. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Ang ganda naman ng circle. Alam ko na, buwan ba ito? CHILD 7 Hindi po. (Sabay iling) MIRIAM Hindi? A, alam ko na. Siguro mundo ito. Di ba bilog ang mundo? CHILD 7 Hindi rin po. MIRIAM Hindi rin? Sige, siret na Ate Miriam. Ano drawing mo kay Ate Miriam? CHILD 7 Ate Miriam, singsing po. singsing?
Di po ba, bilog yung
MIRIAM A, singsing! Sinasabi ko na nga ba, e. Binibiro lang kita.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Eighth child approaches and reveals a drawing of a heart. CHILD 8 We love you, Ate Miriam! MIRIAM Touch naman ako. (Medyo magpupunas pa kuno ng luha). Parang‌parang hindi ko yata alam ang dapat kong sabihin. Salamat sa inyong lahat. Pinaligaya n’yo talaga ako. Eric approaches with his own work of art. He carries a canvass, also with a white cloth covering the painting. ERIC Ako naman po, may drawing din para kay Ate Miriam. (Removes cloth and reveals a painting of a church) Miriam suddenly felt there is something more than meets the eye. ERIC Tama si Che-Che, Miriam. We love you. I love you, Miriam! (Luluhod sa harap ni Miriam. Itatabi ang painting at kukunin ang engagement ring to offer to Miriam.) Miriam, sana hindi manatiling walang More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
laman ang simbahang ito. Sana lahat kami ng mga bata, makarating din sa loob nya. Miriam, Miriam, wala na akong ibang mahihiling pa. Ikaw lang ang buhay ko. Miriam, will you marry me? The violinist plays with more intensity. Miriam is filled with so much joy she couldn’t easily compose the words to say. ERIC Wala akong ibang maipapangako kundi ang lahat lahat ng kaya kong maibigay. Miriam, will you marry me? MIRIAM Hindi‌hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang kaya kong maibigay para sa iyo. Pero ito na yata ang pinakamasayang sandali sa buhay ko. I love you, Eric! Yes, I will marry you. ERIC Yes!! (Sa sobrang tuwa ni Eric, he lifts Miriam from her wheelchair and swings her like a dear child). Palakpakan ang mga bata.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
The man whom Eric met, Miriam’s father witness the joyous event from a distance. 131.INT.CHURCH.EARLY MORNING Light streams from the church windows. Flowers girls at ring bearer ang mga cute kids na kailan lang ay kakuntsaba ni Eric sa marriage proposal niya kay Miriam. Isa-isa nang pumasok ang entourage. Eric awaits Miriam sa altar, his eyes almost shedding tears of inexplicable joy. Miriam enters alone. Miriam’s father watches from a distance, filled with both joy and of sadness and a yearning to escort his daughter on the most special day of her life. A tear escapes from Miriam’s eye as she meets Eric at the altar. Wedding ceremonies follow – veil, cords, etc. Eric and Miriam say their marriage vows. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Miriam, tanggapin mo ang singsing na ito bilang tanda ng tapat at walang katapusang pagmamahal ko sa iyo. Hindi ko alam kung papaano ko ito mapapatunayan o kung papaano ko maipaparamdam sa iyo, ngunit kung anuman ang maaari kong gawin ay buong puso kong gagawin. Anuman ang aking maipagkakaloob, maging ang buhay ko pa ay walang pag-aalinlangan kong ipagkakaloob sa iyo Miriam. Walang halaga ang lahat ng bagay kung wala ka sa akin. Walang halaga maging ang buhay ko kung hindi ko ito maaaring ialay sa iyo. (Isusuot ang singsing kay Miriam) MIRIAM Eric, tanggapin mo ang singsing na ito bilang tanda ng walang hanggang pagmamahal ko sa iyo. Ikaw ang nagbigay liwanag at saya sa buhay ko. At sa iyo ko iaalay ang lahat ng araw ng buhay ko, maging ang mga araw na maaari ko pang hiramin upang manatili sa tabi mo. Maraming salamat, Eric. Basbasan nawa tayo ng Diyos upang maging daan ng kanyang walang hanggang awa at pagmamahal. (Isusuot ang singsing kay Eric.) Priest blesses the newly wed. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Finally, the wedding kiss. 132.INT.HOUSE.EARLY MORNING Miriam and Eric lay asleep in each others arms. Light streams from the nearby window, a promise of hope from a day just beginning. Miriam wakes up first, realizes she is no longer alone for Eric is by her side and always will be from this day on. Miriam smiles and slowly gets up. Dudungaw siya sa bintana and will take in the fresh morning air. After which, she approaches the canvas opposite the window and decides to paint Eric. While painting however, she experiences blurred vision. She tries to shake it off but it continues to bother her. She struggles to paint despite this condition. Reaching out for another paint brush, matatabig nya ang ilang kagamitan. To this, Eric is awakened and immediately assists Miriam. ERIC Miriam! Okey ka lang ba? MIRIAM Ok lang. Huwag mo akong alalahanin. Natabig ko lang yung mga paint brush. Habang tinutulungan niyang bumangon si Miriam, makikita More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ni Eric ang pinipinta nito. Mangingiti siya. ERIC Ako ba ito? MIRIAM Hindi ‘no! (Miriam teases him) ERIC Ako ‘yan, simpatiko, e. MIRIAM O, sya. Simpatiko! E, wala pa nga halos itsura. (Miriam continues to paint) ERIC Yan wala pa, pero ang katabi mo ngayon, meron. (Eric lovingly embraces Miriam) MIRIAM Eric, ang aga aga, ha. ERIC Oo nga, e. Ang aga aga, di mo matiis na titigan ako. MIRIAM (Miriam stops painting and attends to Eric for a More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
while). Tinititigan? ERIC Ano pa nga ba ang ginagawa mo. Pine-painting mo ako, e di tinititigan mo ako. MIRIAM Ang kapal! ERIC Wag kang mag-alala. Flattered naman ako, e. Okey lang sa akin na parati akong tingnan ng number one fan ko! MIRIAM (Suddenly becomes serious). Pero paano kung, kung hindi ko na kaya? ERIC Ano’ng ibig mong sabihin? MIRIAM Paano kung hindi ko na kayang magpinta? O kung‌ kung hindi na kita makita tuwing umaga? ERIC More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Hindi ko yata maintindihan, Miriam. MIRIAM Eric, gusto kong lagi kang nakikita ng mga mata ko. ERIC Ako rin, Miriam. Mas lalo na ako. Gusto kong laging pagmasdan ang mga mata mo. Dahil pag ginagawa ko ‘yon, nakikita ko ang liwanag sa buhay ko. 133.INT.COFFEE SHOP.DAY Masinsinang nag-uusap sina ERIC at ang tatay ni MIRIAM sa isang coffee shop. Muling naninigarilyo si Eric, halos walang tigil ang paghitit. ERIC Hindi ko yata kayang gawin. MIRIAM’S DAD Pero iyon ang gusto ni Miriam. ERIC Pero ‘Tay, hindi ko yata kakayaning – isipin ko pa lang – hindi talaga, e. Hindi dapat mapunta sa dilim si Miriam. Ayoko siyang makita sa dilim. Hindi More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
iyon ang para sa kanya. Hindi ko nga maintindihan kung paano nya naisip ito, e. MIRIAM’S DAD Hindi pangkaraniwang babae si Miriam. Sa palagay ko, ibibigay niya ang lahat para sa iyo. ERIC Pero hindi ko naman iyon hinihingi. At hindi ko kailanman hihingin sa kanya ang isang bagay na katulad nito. Pa’no na’ng mararamdaman niya ‘pag hindi na siya nakakakita? Gaano kalaking takot ang kailangan niyang harapin? Alam naman natin ‘Tay di ba? Hindi puwede, e. MIRIAM’S DAD Kailangan siguro nating magtiwala. Kahit ngayong tayo ang may mas malaking takot para kay Miriam. Laban niya ito. Kailangan natin siyang suportahan. ERIC Hindi ko alam. At saka paano kayo? Hindi pa kayo nakikita ni Miriam. MIRIAM’S DAD Kuntento na akong nakakabawi ako kahit papa’no kay Miriam. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Ayaw n’yo po bang magkita kayong muli? MIRIAM’S DAD Eric, ako naman siguro ang walang lakas ng loob gawin ang bagay na ‘yan. Mas mabuti sigurong ibaon na lang n’ya ako sa limot kaysa muli n’ya akong kamuhian. ERIC Sa pagkakakilala ko kay Miriam, marunong siyang magpatawad. MIRIAM’S DAD Wala na siguro akong mukhang ihaharap sa anak ko. 134.EXT.PARK.DAY Paikut-ikot na nagba-bike si Eric habang nagpipinta si Miriam. Eric smiles and waves at Miriam. Miriam continues to paint. Miriam’s vision becomes blurred. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Eric makes bike tricks and shows them off to Miriam. Miriam tries to smile but her vision becomes even more clouded. Miriam tries to look for a seat but knocks off her things and almost trips over. Eric notices and immediately attends to Miriam. ERIC Miriam! Ano’ng nangyari? MIRIAM Nanlalabo na naman ang mga mata ko. Dumadalas na ito. ERIC Magpatingin tayo ng salamin, baka malabo lang‌ MIRIAM Eric, hindi ito tungkol sa salamin! Tungkol ito sa sakit ko. Eric, Eric kailangan na nating ituloy ang operasyon. ERIC More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ang sabi ng doktor, makabubuti raw na idaan muna natin sa gamot, chemotherapy – MIRIAM Hindi ang operasyon sa utak, Eric! Operasyon sa mga mata ko! Hindi magtatagal, mawawalan na rin ng silbi ang mga mata ko. Wala na akong makikita. ERIC Hindi mangyayari ‘yan, gagaling ka, Miriam! Huwag ka munang sumuko. MIRIAM Sinubukan natin, Eric. Alam mo ‘yan. Pero wala tayong nakikitang liwanag. Dapat nating harapin ang katotohanan! ERIC Hindi ko kayang harapin, Miriam! Hindi ko kayang basta na lang tanggapin na wala na tayong pag-asa. At saka paano kung… kung gumaling ka nga pero wala na ang iyong mga mata? MIRIAM Kung mangyari ‘yun, hindi ka ba matutuwa? Mata lang ang mawawala, pero sa iyo lang ang kabuuan ko. At kung hindi man ako gumaling, maiwan ko More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
man lang sa iyo ang mga mata ko. ERIC Hindi ko kaya, Miriam! MIRIAM Kayanin mo, Eric! Para sa akin… dahil hindi ko kaya…hindi ko kaya ito ng mag-isa. Magyayakap ang dalawa. 135.EXT.LAGUNA.EARLY MORNING The scene is shot from Miriam’s point of view. Mist shrouded mountains at Pagsanjan. As the boat makes its way through the river leading to the falls, sunlight slowly peaks from the eastern side of the mountain. Tahimik ang lahat. Walang maririnig kundi ang tubig at ang mangilan-ngilang ibon na paroo’t parito. Mukha ni Eric na makikita mula sa kanang bahagi ni Miriam as he leans his head from behind and gets a closer look at Miriam. He smiles a most peaceful smile, kisses Miriam and looks back at the beautiful scenery.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Miriam stares at Eric for a moment, and then feasts upon a small water fall at her left. Manipis na lamang ang daloy ng tubig ngunit sadyang kaakit tanawin lalo pa’t nasisinagan ito ng malamyos na araw.
her eyes manipis akit ang sikat ng
Another water fall, this time at her right. It’s bigger than the first one, and the current is stronger. BOATMAN 1 Ma’am, Sir, gusto n’yo pong magbasa? ERIC Ha? MIRIAM Sige, gusto kong magbasa! The boat approaches this water fall. Panay ang sigaw ni Miriam habang dumadaan sila sa ilalim nito bagaman siya ang nagyayang pumunta rito. Parang bata siyang tuwang tuwa sa nangyayari. Pansamantalang naisantabi ang lahat ng alalahanin. The boat drifts away from said waterfall and resumes its course.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
For a moment, Miriam’s vision becomes clouded once again, but she tries to shake it off. A moment later, the grand fall comes into view. But because of the strong current, the boat can move no more. Kailangang bumaybay nina Eric at Miriam sa gilid nito, gamit ang isang balsa at hawak hawak ang lubid na sadyang isinaayos upang makarating sa talon. Eric and Miriam slowly approach the grand fall, holding tightly to the rope from one end to another. Soon, Miriam and Eric are right under the waterfall. The current is so strong and cold that Miriam couldn’t stop screaming and laughing at the same time. Very clouded view, sometimes resulting to total blackness as Miriam closes her eyes due to the current. When the two have had enough, they start to move away from the currents. Eric and Miriam stare at each other. Eric and Miriam slowly approaches each other for a kiss.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
136.INT.BEDROOM.NIGHT Eric is looking out of the window, malalim ang iniisip. Miriam gazes at the canvass, her painting of Eric. Not content with this, hihipuin niya ito, dadamhin ang bawat stroke, ang bawat sulok na parang kinakabisa ito. 137.INT.HOUSE.AFTERNOON.FLASHBACK Phone rings. MIRIAM’S AUNT (Picks up phone and answers) Hello?… Ganun ba? …Pero wala akong pag-iiwanan sa bata… Kinakailangan na ba talaga?…O, sige, hindi naman siguro tayo magtatagal. 138.INT.HOUSE.SAME AFTERNOON.FLASHBACK Miriam’s Aunt is already dressed. She carries a handbag and an umbrella. She goes out of the house and locks the door from outside. Close up at wallclock. It’s 3pm.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
139.INT.HOUSE.EVENING.FLASHBACK Close up at wallclock. It’s already 7pm. Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng bahay. Malakas din at malamig ang hanging pumapasok sa bintana ng kuwarto ng batang si Miriam. Unti-unti itong magigising. MIRIAM Tita? Tita, sa’n po kayo? (Lalabas ng kuwarto at maghahanap sa kabuuan ng bahay). Tita? Isang nakabibinging kulog ang maririnig kasabay ng biglang pagka-brownout. MIRIAM Tita! (Gets worried). Tita, nasan ka na? Isa muling kulog ang lalong magpapakaba sa bata. MIRIAM Mommy! Mommy!! (Already very frightened.) Miriam runs about the house now calling her mother. Since its so dark, she stumbles upon some furniture while doing so. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
In a hopeless attempt, she tries to get out of the house but even such is futile since her Aunt had locked the door from the outside. With nowhere to go, Miriam sinks in one corner of the room, crying in despair. 140.INT.BEDROOM.SAME NIGHT.CONT. Miriam opens her eyes and realizes the present moment. Eric approaches her and covers the painting. Matapos nito’y papatayin ni Eric ang ilaw. Ilaw na lamang ng buwan ang maaaninag sa kuwarto. ERIC Tapos na ang pagpipinta. Ako naman ang asikasuhin mo. (Yayakagin si Miriam papuntang kama. Miriam follows his lead.) Mauupo sila sa kama. Eric caresses Miriam’s face, then gives her a peck at the forehead. ERIC Kung ako kaya ang kakapain mo, makikilala mo kaya ako? (Ties a blindfold on Miriam) The two slowly lie down. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Eric leads Miriam’s hand in touching his face. ERIC Kung kailangan mo ng taingang makikinig sa ‘yo, (leads Miriam’s hands upon his ears), ng bisig na magtatanggol sa ‘yo (hands upon Eric’s right arm), ng pusong walang hanggang magmamahal sa ‘yo (hands upon Eric’s chest), nandito lang ang lahat ng kailangan mo. MIRIAM Alam ko, hinding hindi ko makakalimutan. Eric and Miriam kiss and start to make love. Camera moves to focus the moonlight streaming through the open window of the bedroom. 141.(Montage)INT.HOSPITAL.DAY/NIGHT Iba’t ibang eksena sa operasyon ng mga mata ni Miriam. A doctor examines Miriam’s eyes. The eye surgery is performed. Eric awaits Miriam. Miriam’s father joins Eric at the hospital. Eric and Miriam’s father kneeling at the hospital chapel. Eric and Miriam’s father see the unconscious Miriam More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
after the operation. 142.INT.HOSPITAL.DAY Matiyagang nagbabantay ang Daddy ni Miriam sa kanya. Labis ang pag-aalala nito sa anak. Miriam’s Dad tries to touch her head but controls himself. Di na niya mapigilan ang umiyak, bagaman pilit niyang iniwasang marinig siya ni Miriam. When he thinks he can bear no more, he decides to get out of the room, but suddenly, Miriam’s hand touches his. MIRIAM Itay, Itay kayo po ba ‘yan? Miriam’s father tries to let go, but Miriam insists for an answer. MIRIAM Itay, sagutin n’yo ako. MIRIAM’S DAD Hindi, hindi ako ang Itay mo. MIRIAM Itay, alam kong kayo ‘yan. (Hihigpitan ang hawak sa kamay ng tatay niya)
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM’S DAD Hindi ako. MIRIAM Alam kong kayo ‘yan Itay. MIRIAM’S DAD Hindi ako. Nagkakamali ka. MIRIAM Itay, iiwan n’yo na naman ba uli ako? To this, Miriam’s father could no longer refuse. With great shame of the past, he admits he is her father. MIRIAM’S DAD Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako. MIRIAM Itay, lumapit kayo sa akin. Yakapin n’yo ako. Nag-aalangan man, yayakapin niya ang anak. Miriam will also embrace him tightly and start to cry like a little child. MIRIAM I missed you, ‘Tay. I missed you. Ilang beses kong idinasal na sana isang araw balikan n’yo uli kami ni More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Inay. Akala ko, hindi na mangyayari ‘yun. MIRIAM’S DAD I’m sorry, anak. Sarili ko lang ang inisip ko noon. Hindi ako naging mabuting ama. 143.INT.GARDEN.MORNING Masayang kumakain ng agahan sina Miriam, Eric at ang Daddy ni Miriam. Naka-shades na si Miriam. Sinusubuan siya ni Eric. MIRIAM Wow, ang sarap! ERIC Syempre, luto yata yan ni Itay. Miriam’s Dad smiles with a proud smile. MIRIAM Talaga? Thank you, ‘Tay, ha. Magaling ka pala magluto. ERIC Oo nga, e. Bakit kaya di nagmana yung anak? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Kukurutin ni Miriam si Eric sa tagiliran bilang ganti. ERIC Aray! Ang sakit nun, ha. MIRIAM Baka akala mo porke nakasuot ako nito (ituturo ang shades) hindi na ako makakaganti, ha. ERIC Ikaw naman, binibiro ka lang, e. ‘Tay, o! (Kunwa’y magsusumbong sa daddy ni Miriam) MIRIAM’S DAD Mabuti naman nagustuhan mo, anak. Ilang taon ko rin pinraktis yan. Sa tuwing magluluto ako, iniisip ko, ipapatikim ko sa iyo. MIRIAM Touch naman ako, dun. (Tries to reach out for her father’s hand in gratitude). ERIC O, ano pa’ng gusto mong tikman? Gusto mo ng fruits?
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Paabot na muna nung orange juice. Iaabot ni Eric kay Miriam ang baso ng orange juice. MIRIAM Thank you. Eric and Miriam’s father look at each other with a sense of joy as they see Miriam enjoy her breakfast. 144.INT.BEDROOM.MORNING Eric and Miriam lay asleep in each other’s arms. Suddenly, Miriam is startled as if from a dream. In a moment, she seems to be confused but soon, she realizes she had been dreaming and has just woken up from that dream. Kakapain niya ang blindfold sa kanyang mga mata at marerealize niya ang sitwasyon. Slowly, her hand begins to search for Eric. Eric is in a very deep sleep. Miriam soon finds Eric’s face. Kakapain niya ito, following More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
the contour of Eric’s face, every angle, every shape starting from his forehead, his eyebrows, his eyes, his nose, his cheeks, his lips. Miriam’s hand moves on to Eric’s neck, then to his chest. Feeling Eric’s heartbeat, Miriam slowly leans upon Eric’s chest and then listens to his heartbeat. At this, Eric slowly awakens. Eric sees Miriam and embraces her. They kiss. ERIC (In a whisper) Miriam… I love you Miriam. MIRIAM (Softly) I love you, Eric. 145.EXT.BEACH.EARLY MORNING Marahang naglalakad sa tabing-dagat sina Miriam at Eric. Miriam is very weak. Eric tries to support her. MIRIAM Maganda ba ang tanawin, Eric? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Maganda, kasing ganda mo. MIRIAM Mukhang malakas ang mga alon. ERIC Malakas nga. MIRIAM Wala bang ibang tao? ERIC Wala, tayo lang. Mukhang walang gustong sumagupa sa mga alon. MIRIAM Oo, nga. Natatakot siguro sila. ERIC Miriam? MIRIAM Ano yun? ERIC More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Wa – wala. Hindi bale na lang. MIRIAM Ok lang Eric. Sige, tanungin mo ako. ERIC Wala akong itatanong. MIRIAM Sige lang, tanungin mo ako. ERIC Itatanong ko lang sana kung saan mo gustong pumunta bukas? MIRIAM Hindi iyan ang gusto mong itanong. ERIC Wala na akong ibang itatanong. MIRIAM Itatanong mo siguro kung natatakot din ako. ERIC Hindi ka dapat matakot. Hindi ka matatangay ng mga alon, nandito ako. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Alam ko, Eric. Alam ko. Pero‌ pero natatakot pa rin ako. ERIC Wag kang matakot, Miriam. Wag kang matakot (Hihigpitan ang pagkakaakbay kay Miriam) MIRIAM Hindi ako natatakot sa mga alon, pero natatakot ako. (Biglang madadapa) ERIC Miriam! (tries to pick up Miriam but she gestures its okey and they remain seated at the shore) MIRIAM Hindi ko alam kung paano tangayin ng alon, hanggang sa hindi ka na makita pa. ERIC Ano ba’ng mga pinagsasabi mo? Halika na, iuuwi na kita sa cottage. Iiling si Miriam and will signify her desire to stay.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Paano kaya ang… paano kaya’ng…? ERIC Miriam, tumigil ka na! (Nangingilid na ang luha sa mga mata) MIRIAM Kapag tinangay ka ba ng alon, hindi ka na makikita pa? ERIC Hindi ka tatangayin kailanman ng kahit anong alon dahil malulunod muna ako bago mangyari iyon! (Tuluyan nang aagos ang luha) MIRIAM Natatakot ako, Eric. Hawakan mo ako. (Catching her breath) ERIC Huwag kang matakot, nandito lang ako. (Will hold Miriam’s hand firmly but with utmost care and gentleness) Lalo pang mahihirapang huminga ni Miriam. Eric doesn’t know anymore how to comfort her. He gives her an embrace. More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
He kisses her. He rubs her arms for warmth. Suddenly, a smile escapes from Miriam’s. The aura of her face changes from agony to relief, from fear to hope and peace. MIRIAM Nakikita ko na, Eric. Nakikita ko na ang liwanag. Napakaganda ng liwanag. ERIC Miriam…Miriam… MIRIAM Hindi na ako natatakot, Eric. 146.EXT.TRICYCLE.DAY Ang eksena ay mula sa mga mata ni Miriam. Makikita ang kalinisan sa kalyeng dinaraanan ng tricyle na dati ay puno ng mga basura. Ang mga batang dati’y nagkalat lamang ay tahimik na nagdo-drawing habang nagwawalis ang mga kalalakihang dati rati ay nag-iinuman nang napakaaga. BATA (v.o.) Kuya Eric, parang ang saya saya pala dito. Ang linis linis saka parang ambabait ng mga tao. ERIC (v.o.) More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Syempre, aral yata sila sa amin ng Tita Miriam mo. BATA (v.o.) Talaga po? Sayang hindi ko na nakita si Tita Miriam ERIC (v.o.) Ang mahalaga, love ka niya kahit di mo pa siya nakita, di ba? Ipapakita na sa wakas ang mukha ng batang kausap ni Eric. Flashbacks ng mga eksenang kasama ang batang ito. Ngunit sa pagkakataong ito, ang eksena ay mula sa ibang anggulo. Hindi na nakatalikod o natatakpan ang bata. Bagkus ay malinaw na makikita ang kanyang mukha. 147.EXT.KALYE/PARK.DAY.FLASHBACK Parang wala sa sariling maglalakad si Miriam sa daan hanggang makarating siya sa park. Doon ay uupo siya sa isang bangko hanggang mapukaw ng isang bata ang kanyang atensyon. BATA Ale, bakit po kayo malungkot? MIRIAM More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Ha? A, e, …pano mo naman nasabing malungkot ako? BATA Basta lang po, alam ko malungkot kayo. Hindi na makakasagot si Miriam, bagkus ay ilalagay ang kamay sa balikat ng bata. Ilang saglit pa’y biglang maririnig ang tunog ng kampana. May simbahan sa tapat ng park. Waring mapupukaw nito ang atensyon ni Miriam at tutungo siya sa simbahan. 148.EXT.PARK.DAY.FLASHBACK Nagkalat ang mga lantang dahon sa lupa. Marami pang mga lantang dahon ang nalalaglag mula sa mga puno. Pamayamaya pa’y makikita natin si Miriam. Humahagulgol na ito. MIRIAM Bakit ako? Bakit? BATA Sabi ko na nga ba, malungkot ka,e. Mapapatingin sa bata si Miriam BATA More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Malungkot ka, no? Bakit ka malungkot? Ang sabi ng Lola, nalulungkot lang daw tayo pag may namamatay. May namatay ba? Iiling lang si Miriam. BATA Wag ka na malungkot, gusto mo ng kendi? Mapapangiti si Miriam ngunit hindi niya kukunin ang candy. MIRIAM Thank you, pero sa iyo yan. BATA Basta wag ka na iyak. Sabi ng Lola, habang may buhay daw may pag-asa. 149.EXT.KALYE.NIGHT.FLASHBACK Flash of lightning na susundan ng nakabibinging kulog. Pagkatapos ay bubuhos ang malalaking patak ng ulan. Halos walang katao-tao sa daan. Tanging si Eric na walang pakialam sa ngitngit ng panahon ang bumabagtas sa kalyeng patungong simbahan. Wala itong payong o kapote man lang, subalit balewala sa kanya ang matinding hagupit ng hangin at More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ulan. Waring hindi kayang daigin ng panahon ang apoy na nagliliyab sa pagkatao ni Eric. Sa di kalayuan ay may mag-lolang tulak tulak ang kanilang kariton. Halatang hinahabol na ng matanda ang kanyang hininga. Suko na ang katawan nito sa walang tigil na pagbayo ng panahon. Unti-unting babagsak ang matanda sa gitna ng daan at tuluyang mawawalan ng hininga. Samantala, papailanlang ang hagulgol ng batang walang malay sa dapat na gawin. Meanwhile, a fast-moving vehicle approaches. Just in time, mapupukaw ng eksenang ito ang atensyon ni Eric. Sumandali niyang makakalimutan ang sariling problema. Walang pag-aalinlangan niyang itutulak ang bata palayo, habang siya naman ang malalagay sa tiyak na kapahamakan. 150.EXT.ROXAS BLVD.SUNSET Kapwa nakaupo sa bench ang bata at si Eric, pinagmamasdan ang magandang tanawin. BATA Kuya Eric, ang ganda ng sunsent ano? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Oo nga. Napakaganda. BATA Sa tingin ko, ito na yata ang pinakamagandang sunset na nakita ko. ERIC Ows? Talaga? Pero teka, may ibang sunset ka pa bang nakita bago ito? BATA A, e‌ ERIC (Mangingiti at guguluhin ang buhok ng bata). BATA Maganda lang talaga kasi siya, Kuya. Sa tingin mo, hindi ba ito ang pinakamaganda? ERIC Iba iba naman tayo ng tingin. May kanya kanyang sunset para sa atin. Yung sa akin, hinding hindi ko makakalimutan.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
Eric and the child will embrace each other. Shot will show the figure of the two from a distance. Only their silhoutte comfortably sitting on the bench is seen, emphasizing the panoramic view of the sunset.
151.EXT.ROXAS BLVD.SUNSET.FLASHBACK Buhay na buhay ang langit sa ipinintang sunset. Shadows ng dalawang taong nakaupo sa bench ang pumapagitna sa napakagandang tanawin. Tahimik, liban sa alon ng dagat at ihip ng hangin. Makikita natin ngayon ang dalawang taong kanina’y mga anino lamang. Mula sa tagiliran ang shot. Nakaupo sa bench sina Miriam at Eric. Miriam is in an upright sitting position, damang dama ang kanyang kapaligiran, bagaman nakapikit ito. Eric is leaning infront, tinitingnan ang paglubog ng araw. Ilang saglit pa’y ibabaling na niya ang paningin kay Miriam. Matutuwa siya rito for her childlike innocence and her happiness which couldn’t help but overflow. Pero ilang saglit lang ay babasagin na rin ni Eric ang katahimikan, waring nagseselos na sa paglubog ng araw na umaagaw ng atensyon ni Miriam.
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Okey ka lang? MIRIAM Okey…Okey naman. Bakit mo naman naitanong? ERIC Wala lang. Kanina ka pa kasi tahimik diyan. Di ko na alam ang tumatakbo sa isip mo. MIRIAM Tahimik ba ako? ERIC Ano’ng ibig mong sabihin? MIRIAM Tinatanong mo kung tahimik ba ako? Wala ka bang narinig? ERIC Narinig? (Nagtataka pero tatangkaing sakyan ang drama ni Miriam) Well, parang… parang nagsasalita yung alon. MIRIAM Aha? (Mahahalatang binibiro siya ni Eric) Tapos? More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
ERIC Ano pa nga ba? MIRIAM Ano naman ang sinasabi ng alon? ERIC Ewan ko, di ko gaanong napansin. Nakatitig kasi ako sa iyo. MIRIAM Hay, puro biro ka talaga! (Muling ibabaling ang tingin sa sunset) ERIC Anong biro? Ikaw nga ang nagsimula diyan. Ang tahi-tahimik, ano’ng gusto mong marinig ko? MIRIAM Alam mo, matuto ka kasing makinig. Tumahimik ka muna para marinig mo. ERIC Ang ano?
More manuscripts at www.itakeoffthemask.com
MIRIAM Pag hindi ka nakinig, hindi mo malalaman kung ano. ERIC Okey,sige. Turuan mo nga ako. MIRIAM Basta i-feel mo lang ang paligid mo. Ipikit mo ang mga mata mo at makinig ka. (Pipikit muli) I-feel mo ang paglubog ng araw. I-memorize mo para hindi mo makalimutan. I-feel mo ang kasama mo, yung presence niya. Kahit wala siyang sinasabi, ang mahalaga, nandiyan siya. Sa umpisa ay waring susunod si Eric sa mga sinasabi ni Miriam. Ipipikit niya ang mga mata niya at dadamhin ang paligid. Pero maya-maya lamang ay ididilat nito ang isang mata at sisilipin si Miriam. Ibubukas pa niya ang isa pang mata at mapapako na ang tingin sa dalaga. Ilang saglit pa ay hindi na ito makakatiis pa at dahan dahan siyang lalapit at hahagkan ang pisngi ni Miriam. CLOSING CREDITS END FADE OUT More manuscripts at www.itakeoffthemask.com