Safe Pipeline Operations (Tagalog)

Page 1

Kaligtasan | Kapaligiran | Teknolohiya | Pagkaunawa sa Industriya | Integridad

Tungkol sa Pipelines

Mga Operasyon ng Pipeline

Ano ang ginagawa ng mga kompanya ng pipeline upang panatilihing ligtas ang kanilang operasyon? 3

metro bawat segundo TINGNAN ANG MGA NUMERO

Mga Operasyon ng Pipeline

Ang pangkaraniwang bilis ng isang “smart pig” (isang in-line na kagamitang pang inspeksyon ) ay umaandar sa loob ng pipeline upang subaybayan ang mga kondisyon.

Ang Canada ang pangalawa sa pinakamalaking bansa sa daigdig at isa sa mga nangunguna sa limang pinakamalaking lumilikha ng enerhiya (energy producers). Sa katunayan, ang sistema ng Canadian transmission pipeline ay sumasaklaw ng 115,000 kilometro! Kaya hindi kataka-taka na ang mga pipeline operator sa Canada ay gumagamit ng iba’t ibang mga sistema at teknolohiya upang mapanatili itong tumatakbo nang ligtas at episyente. Ang mga pipeline operator ang responsable para matugunan ang karamihan ng mga pangangailangan sa enerhiya ng mga Canadian, at nangangako ng ligtas na pagpapadala (shipping) ng natural gas at mga produkto ng langis sa pamamagitan ng mahusay na pagmimintina ng mga pipes. Ito ang dahilan kung bakit ang industriya ay maingat na pinaplano ang bawat detalye ng buhay ng pipeline - mga materyales hanggang sa pagsubaybay, inspeksyon at pagmimintina.Ang prosesong ito ay tinatawag na pamamahala ng integridad ng pipeline (pipeline integrity management) at nagtitiyak na ang pipelines ay dinidisenyo at ginagawang ligtas ang operasyon at napapanatiling maaasahan.

Ang teknolohiyang kaakibat ng kaligtasan

Ang pangako ng industriya na pamahalaan ang integridad ng pipeline ang siyang humihimok sa amin na gamitin ang pinaka-makabagong teknolohiya.

26 Noong 2013, ang karaniwang bilang ng mga paghuhukay sa pipeline (integrity digs) ay kada 1,000 kilometro ng pipeline, upang magsuri para sa mga depekto at gumawa ng mga pagkukumpuni.

No. 05 Ang Tungkol sa Pipelines ay isang serye, na nakatuon sa pagpapalaganap ng katotohanan tungkol sa transmission pipelines sa Canada at ang papel nito sa buhay ng mga Canadian. Ang impormasyong ito ay ibinibigay ng Canadian Energy Pipeline Association (CEPA).

$1.4 bilyon Ang inilagak ng industriya ng pipeline noong 2013 para sa kaligtasan.

Ang teknolohiya ay may mahalagang papel sa ligtas na operasyon ng pipelines, lalo na sa: • Pagpigil sa korosyon at kalawang • Pag-iinspeksyon • Paghanap sa mga butas o pagtagas • Pagpigil sa pinsala

Pagprotekta at Pag-iinspeksyon

Ang korosyon ay likas na kaaway ng pipelines. Ito ay dulot ng isang kemikal na reaksyon sa pagitan ng metal ng pipeline at isang elemento sa kapaligiran kung saan ito nakabaon - tulad ng tubig o oxygen. Madalas ang korosyon ay nagreresulta sa kalawang, na nagpapahina sa pipeline. Upang mapigilan ang korosyon, ang industriya ay gumagamit ng espesyal na pintura para sa pipes upang mapigilan ang oxygen at tubig na makapasok sa metal na nagreresulta ng korosyon. Ang mga kompanya ng pipeline ay ina-apply din ang isang mababang boltahe ng electrostatic na kuryente sa mga pipe upang hadlangan ang kemikal na reaksyon na nagiging sanhi ng korosyon. Ito ay tinatawag na “cathodic protection”. Ang pagpigil sa korosyon ay lubhang mahalaga gayundin ang pagmimintina, na siyang dahilan kung bakit ang pipelines ay palaging siniyasat. Mula sa simpleng paglalakad sa kahabaan ng ruta ng pipeline hanggang sa paggamit ng eroplanong pampatrulya – ang pag-iinspeksyon ay pinapanatiling ligtas ang pipelines.

PAGSISIYASAT KUNG MAY KOROSYON

Sinusubaybayan at sinusuri ng mga pipeline operator kung may korosyon para maiwasanang anumang mga potensyal na isyu bago ito mangyari..


Tungkol sa Pipelines

Mga Operasyon ng Pipeline

Mga teknolohiyang dumadaloy sa pipe Ang mga mananaliksik at engineers sa buong mundo ay nakatuon sa pagdedebelop ng mga bagong teknolohiya upang itaguyod ang kaligtasan ng pipelines.

Ang AKUSTIKONG TEKNOLOHIYA ay

ginagamit upang masubaybayan ang pipelines Isang bagong ideya, ang SmartBallTM, ay mayroong akustikong sistema ng mga datos na nadidinig kung may butas sa pipeline habang umaandar ito sa loob. Ito ay ginagamit upang matukoy ang maliliit na butas kahit na ang butas ay kasing laki ng aspili. Basahin ang tungkol sa SmartBall sa aming blog: bit.ly/ZrC24L

Habang ang ilang mga pag-iinspeksyon ay nangyayari sa labas ng pipeline, mahalagang suriin ang loob ng pipe upang matukoy ang kondisyon nito. Dito ginagamit ang ‘smart pigs’. Ito ang mga pinaka-nagungunang kagamitan sa pag-iinspeksyon na mayroong sensors para hanapin at tukuyin ang anumang hindi pangkaraniwang bagay sa loob ng pipe. Sa pamamagitan ng paggamit ng smart pigs, nakikita ng mga operator ang mga problemang mahirap makita sa labas ng pipeline. Kapag sa isang in-line na inspeksyon ay may nakitang problema, ang operator ay magsagawa ng isang “integrity dig” upang suriin ang pipe, gawin ang pagkukumpuni, muling pintahan at ibaon ito uli. Minsan ay maaaring kinakailangang palitan ang bahaging iyon ng pipe.

Pagsubaybay at pagpigil

Ang pagsubaybay sa pipeline ay hindi laging kailangang malapit at personal – isa sa mga paraang ginagamit ng industriya sa pagtukoy ng mga pagtagas ay ang control rooms na malayo ang distansya. Ang mga control rooms na ito ay aktibo 24 oras araw-araw, pitong araw sa isang linggo, at may mga kagamitan na nangongolekta ng impormasyon tungkol sa temperatura, flow rate at pressure ng produkto sa pipeline, gamit ang mga sensor sa kahabaan ng pipeline. Mga alarma na awtomatikong nagbababala kapag may nakitang pagtagas o problema, at ang mga bahagi ng pipeline ay maaaring isara kaagad gamit ang mga balbula. Ang mga ito ay maaaring

Inilimbag sa ini-recycle at environmentally-friendly na papel.

Ang DIGITAL SENSORS

ay isinasaalang-alang na potensyal na gamitin para sa pagtukoy ng mga butas sa pipeline. Ang mga mananaliksik sa University of Alberta ay tinutuklas ang paggamit nito para sa lahat ng bagay mula sa pagsubaybay sa istraktura ng pipeline hanggang sa pagtukoy ng tumatagas na likido. Basahin ang tungkol sa digital sensors sa aming blog: bit.ly/1u3P59g

gawin ilan daang kilometro man ang layo. Ang pinaka karaniwang dahilan ng pinsala sa pipelines sa panahon ng operasyon ay mula sa mga paghuhukay na kaugnay ng konstruksyon. Ngunit ang mga pinsalang ito ay maaaring madaling mapigilan kung ang mga kontratista, kompanya ng konstruksyon at mga may-ari ng bahay ay magtanong muna kung may mga utilities sa ilalim ng lupa bago simulan ang isang proyekto, tulad ng pagtatanim ng puno o paggawa ng bakod. Ang bawat probinsiya ay may mga line-locating service na kailangang kontakin ng mga Canadian bago sila magsimula ng isang proyekto, upang ang mga nakabaong utilities ay matukoy at mamarkahan bago magsimulang maghukay. Sa isang simpleng pagtawag o pag-click ay maiiwasan ang pagkaantala ng proyekto, pagkaputol ng mahahalagang serbisyo, pinsala sa ari-arian, kontaminasyon ng kapaligiran at malubhang kapahamakan. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang clickbeforeyoudig. com. Ang mga miyembro ng CEPA ay nakatuon sa ligtas na operasyon, sa katunayan ay gumasta sila ng $1.4 bilyon noong 2013 para sa kaligtasan ng pipeline. Ang teknolohiya ay gumaganap ng mahalagang papel sa bawat yugto ng proseso ng pipeline - tinitiyak na ang industriya ay nagtataguyod ng mas ligtas na pagsagawa ng mga operasyon ng pipeline at napapanatili ito sa bawat araw.

Ang mga lider ng pandaigdig na teknolohiya ay hayagang nagsasabi na ang Canada ang pipeline capital ng mundo. Bilang kinatawan ng industriya ng pipeline sa Canada, hindi lamang kami mananagot para sa mataas na uri ng serbisyo, ngunit kailangan ring magdibelop, itaguyod ang makabagong teknolohiya at kasanayan na maaring makatulong upang mas bumuti ang mundo.” BRENDA KENNY, PRESIDENT + CEO

ALAMIN ANG IMPORMASYON

CEPA aboutpipelines@cepa.com @aboutpipelines facebook.com/aboutpipelines aboutpipelines.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.