Corrosion (Tagalog)

Page 1

Tungkol sa Pipelines

Kaligtasan | Kapaligiran | Teknolohiya | Pagkaunawa sa Industriya | Integridad Muna

Korosyon No. 10

Ang Tungkol sa Pipelines ay isang serye, na nakatuon sa pagpapalaganap ng katotohanan tungkol sa transmission pipelines sa Canada at ang papel nito sa buhay ng mga Canadian. Ang impormasyong ito ay ibinibigay ng Canadian Energy Pipeline Association (CEPA).

Paano pinipigilan ng mga pipeline operator ang korosyon? Gawagawa GAWA-GAWA VS. KATOTOHANAN

Lahat ng pipeline ay nagko-corrode.

Korosyon ng pipeline

KATOTOHANAN: Sa tamang pagmimintina at pagsubaybay, ang isang pipeline ay maaaring ligtas na mag-operate para sa maraming dekada.

Ang transmission pipelines ay sumasaklaw sa mahigit 115,000 kilometro ng Canada, tumatawid sa iba’t ibang uri ng mga kalupaan (bukirin, ilog, sapa, bundok at kalunsuran). Ang trabaho ng pipeline operator ay mai-deliver nang ligtas ang mga produktong langis at gas na inaasahan ng mga Canadian, at nangangahulugan na kailangan protektahang mabuti ang pipelines mula sa mga potensyal na panganib tulad ng korosyon. Ang korosyon ay natural na nangyayaring penomena kapag ang metal ay nakalantad sa hangin at kapaligiran na kinalalagyan nito, tulad ng tubig o lupa. Ito ay isang unti-unting proseso - isa sa mga karaniwang halimbawa ng korosyon ng metal ay ang kalawang. Kapag hindi naagapan, ang korosyon ay nakakaapekto sa tibay at itsura ng metal. Subali’t ang korosyon ay napipigilan, at ang mga pipeline operator ay nakatuon sa pangangalaga ng pipelines mula sa korosyon gamit ang iba’t ibang paraan, kabilang ang tinatawag na cathodic protection.

Isang layer ng proteksyon Ang pipelines ay yari sa mataas na kalidad na

Gawagawa Ang diluted bitumen ay dahilan ng kalawang sa pipeline. KATOTOHANAN: Wala

sa katangian ng diluted bitumen na maging sanhi ng mas maraming korosyon - ito ay halos kapareho ng pangkaraniwang krudong langis.

Gawagawa Ang mga di na magagamit na pipelines ay iniiwan na lang para kalawangin. KATOTOHANAN: Ang

mga di na magagamit na transmission pipelines ay sumasailalim sa mga ispesipikong regulasyon upang tiyakin na

manatiling ligtas ang mga ito.

SMART PIGS

Ang in-line na aparatong panginspeksyon na ito ay tinutulungan ang mga operator na tukuyin ang mga problemang mahirap na makita sa labas ng pipeline. 1 Pipeline 2 Smart Pig

bakal, at isa sa pinakamabisang paraan para mapigilan ang korosyon ng pipelines ay iwasan ang direktang kontak nito sa tubig o lupa na nagiging sanhi ng korosyon. Kaya ang mga pipeline operator ay nilalagyan ng “protective coating” ang pipes habang ito ay minamanupaktura o sa panahon ng konstruksyon. Ang pinakakaraniwang uri ng coating ay ang epoxy coating, na tulad ng pintura na nagproprotekta sa ibabaw ng tubo. Pinipigilan ng epoxy ang metal pipe na direktang malantad sa kapaligiran. Dahil sa ang pipelines ay tumatawid sa iba’t ibang uri ng kalupaan (terrain), ang mga operator ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng coating para

Alam niyo ba na? Ginagamit din ang cathodic protection upang mapigilan ang korosyon sa rebulto ng Christ the Redeemer sa Rio de Janeiro, Brazil at sa Eiffel Tower sa Paris, France!


Tungkol sa Pipelines

Korosyon PAANO ITO GUMAGANA

Cathodic protection Rectifier

(Pinagmumulan ng Kuryente)

(-)

Ang isang espesyal na piraso ng metal (anode) ay inilalagay sa tabi ng pipeline (cathode) na nasa lupa o sa katubigan. Kapwa ang pipeline at ang anode ay nakakunekta sa pinagmumulan ng kuryente na tinatawag na rectifier.

(+)

Daloy ng Kuryente

Pipeline (+)

Anode Ions

1

(-) Anode Bed

sa magkakaibang kapaligiran. Halimbawa, kapag ang isang pipeline ay tatawid ng isang ilog, maaaring gumamit ang pipeline operator ng cement coating na pipigil sa korosyon, na nagpapabigat din ng timbang ng pipe at nagproprotekta laban sa mekanikal na pinsala sa panahon ng pagkakabit nito.

Paggamit ng kuryente

Pinipigilan din ng mga pipeline operator ang korosyon gamit ang isang paraang tinatawag na cathodic protection. Ang korosyon ay isang elektro-kemikal na proseso, at sa esensya ang cathodic protection ay kinukonsumo ang electrons sa metal upang pigilan ang potensyal na korosyon.

Isang mabuting bentahe

Mas malamang na mangyari ang korosyon sa labas ng pipeline kaysa sa loob ng pipeline dahil ang labas ng pipe ay nakalantad sa kapaligiran na pinagmumulan ng korosyon, tulad ng lupa o tubig. Ang pagkasira ng pipeline na sanhi ng korosyon ay lubhang bihirang mangyari dahil ang mga pipeline operator ay sinusubaybayan at minimintina ang kanilang pipelines, gamit ang mga kasangkapan at pamamaraan tulad ng:

Inilimbag sa ini-recycle at environmentally-friendly na papel..

2

Ang rectifier ang nagcha-charge sa pipeline (cathode) na may inilalabas na electrons mula sa anode.

3

Ang tungkol sa diluted bitumen

Ang kuryenteng dini-discharge sa anode ay mas mataas kaysa sa kuryenteng dini-discharge sa pipeline, at kung gayon ang electrons ay pumupunta sa pipeline upang mabalanse ang daloy ng kuryente. Sa esensya ay kinukonsumo nito ang electrons mula sa pipeline at ito ang pumipigil sa korosyon.

••

••

••

••

••

Scrapers - Malalaking wire brushes na umiikot sa loob ng pipeline, naglilinis ng pipe at pumipigil ng build-up ng produkto. Bilang karagdagang proteksyon, isang materyal na tinatawag na corrosion inhibitor ay panapanahong ginagamit sa prosesong ito. In-line na aparatong pang-inspeksyon (smart pigs) – Ipinapasok sa loob ng pipeline, ang tila mga malalaking “plunger” na aparato na mayroong digital sensors. Habang umaandar sa loob ng pipe, hinahanap nito ang mga butas, mga sira at pagkagasgas ng metal sa pipe. Kapag may nakitang mga hindi tama, ang operator ay kumikilos upang ayusin o palitan ang seksyon ng pipe. Biswal na pagmamatyag – Ang mga pipeline operator ay may mga empleyadong naglalakad sa kahabaan ng ruta ng pipeline, naghahanap ng mga palatandaan ng potensyal na problema, tulad ng mga pagbabago sa kapaligiran o pagtagas ng produkto. Ang aerial inspections ay nagbibigay din sa mga operator ng malawak na pagmamatyag sa pipeline. Kung may anumang mga palatandaan ng panganib mula sa pipeline, ang operator ay agad na iniimbestigahan ang sitwasyon at inaayos ang apektadong pipe.

Itina-transport na sa Canada ang diluted bitumen mula ng nakaraang 30 taon Ito ay isang malagkit na produkto ng langis na may halong pampalabnaw (diluent) upang mabawasan ang lagkit sa gayon ay maaari itong mas madaling dumaloy sa pipeline Ang pampalabnaw ay produkto ng natural gas na tulad ng naphtha Wala sa katangian ng diluted bitumen ang pagiging sanhi ng korosyon tulad ng ibang produkto ng krudong langis. Maraming mga siyentipikong pagaaral ay may konklusyon na ang diluted bitumen ay di nagiging sanhi ng korosyon tulad ng ibang produkto ng krudong langis. Basahin ang ulat ukol sa diluted bitumen sa: bit.ly/WCSBcV

ALAMIN ANG IMPORMASYON

CEPA aboutpipelines@cepa.com @aboutpipelines facebook.com/aboutpipelines aboutpipelines.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.