Kaligtasan | Kapaligiran | Teknolohiya | Pagkaunawa sa Industriya | Integridad Muna
Tungkol sa Pipelines
Pagbabago sa Klima No. 07
Ano ang ginagawa ng mga kompanya ng pipeline tungkol sa pagbabago ng klima?
1
ALAM MO BA NA?
Mula noong 1990, ang mga miyembro ng CEPA ay binawasan ang emisyon sa pamamagitan ng:
Pagpapalit ng mga lumang kagamitan ng bago, mas marami’t mabisàng mga unit ng enerhiya.
Ayon sa isang pagsisiyasat noong 2014, ang paboritong paksa ng pag-uusap ng mga Canadian ay ang panahon. Kung sa bagay, maraming mapag-uusapan sa ngayon - ang pagbabago sa ating klima, lumilikha ng ilang mga hindi pangkaraniwanat matinding kondisyon. Kapag nakakaranas tayo ng pang-matagalang pagbabago sa lagay ng panahon, ito ay itinuturing na pagbabago ng klima. Ang mga pagbabagong ito ay dulot kapwa ng natural na salik at dahil sa tao, kabilang ang: ● Pagsunog ng mga fossil fuels o produktong petrolyos ● Aktibidad ng bulkan ● Mga emisyon ng carbon dioxide at nitrous oxide mula sa mga industriya at agrikultura ● Mga emisyon ng methane mula sa pag-digest ng mga baka at alagang hayop Ang atmospera ng mundo ay binubuo ng gas, singaw ng tubig at mikroskopikong mga likido at solido. Ang ilang mga gas, gaya ng carbon dioxide, nitrous oxide at methane, ay tinatawag na greenhouse gases (dulot ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis). Pinapanatili nitong mainit ang ating atmospera upang maging posible ang mabuhay sa mundo. Mga nagdudulot ng pagbabago Ang greenhouse gases ay natural na nangyayari at resulta rin ng aktibidad ng tao, kabilang ang pang-industriyang proseso. Ang mga ito ay
2
Paggamit ng bagong teknolohiya upang mahanap at ayusin ang maliliit na mga pagtagas (leaks) ng pipeline.
Ang Tungkol sa Pipelines ay isang serye, na nakatuon sa pagpapalaganap ng katotohanan tungkol sa transmission pipelines sa Canada at ang papel nito sa buhay ng mga Canadian. Ang impormasyong ito ay ibinibigay ng Canadian Energy Pipeline Association (CEPA).
3
Pagbabago ng mga operasyon toupang bawasan ang emisyon ng methane sa panahon ng pagmimintina. .
tinatawag na kagagawan ng tao o anthropogenic greenhouse gases. Ang rebolusyong industriyal ay lumikha at nagpabilis ng enerhiya, transportasyon at sektor ng pagmamanupaktura. Mula noon, ang mga sektor na ito ay nag-ambag sa pagtaas ng greenhouse gases sa ating kapaligiran o atmospera. Ito ay nakakaapekto sa ating mundo sa maraming paraan - mula sa temperatura ng mga karagatan pati na ang dami ng pag-ulan at pag-snow na nakukuha natin. Ang Canada ay nag-aambag lamang ng mas mababa sa dalawang porsyento ng greenhouse gas emissions sa mundo; ang mga miyembro ng CEPA na nago-operate ng transmission pipelines sa Canada ay responsable para sa isang porsyento ng kabuuang emissions ng bansa. Ang pipelines ang nagta-transport ng natural gas at likidong hydrocarbons, tulad ng langis, mula sa supply basins sa iba’t-ibang mga lugar kung saan ang mga ito ay ginagamit upang magpainit ng mga bahay at negosyo, lagyan ng gasolina ang ating mga kotse at magmanupaktura ng mga bagay para sa ating mga pang araw-araw na pamumuhay. Ang greenhouse gas emissions mula sa mga pipelines na pang-likido ay napakaliit kumpara sa pang natural gas na pipelines. Mayroong dalawang pangunahing paraan kung paano ang natural gas pipelines ay lumilikha ng greenhouse gases: mula sa pagsunog ng mga produktong petrolyo (fossil fuels) na galing sa mga compressor station at methane na mula sa
Ang mga baka at iba pang mga ngumunguyang hayop ay lumilikha ng tatlong beses na mas maraming greenhouse gases kaysa sa industriya ng pipeline. Bakit? Ang mga hayop na ito ay lumilikha ng methane habang nagda-digest ng kinain; may 1.4 milyon na baka at dumalagang baka sa Canada – sa kabuuan ito ay
18,000 KILOTONNES
na emisyon ng greenhouse gas! Mula sa: Environment Canada, National Inventory Report (Pambansang Ulat sa Imbentaryo) 1990-2012, Part 3 bit.ly/13a0qZS
Tungkol sa Pipelines
Pagbabago sa Klima maliliit na mga pagtagas o mga gawaing pagmimintina. Upang mai-transport ang natural gas sa malayong distansya, gumagamit ang mga operator ng pipeline ng compressor stations na may mga turbina at makina upang itulak ang mga produkto sa pipeline – ang prosesong ito ay lumilikha ng carbon dioxide at nitrous oxide. Gumagamit rin ang mga kompanya ng iba’t ibang mga pamamaraan upang limitahan ang dami ng greenhouse gases na nalilikha, kabilang ang: ● Pag-upgrade ng mga kagamitan upang maging mas episyente sa enerhiya ● Paggamit ng mga teknolohiyang magpapahina o makakapigil sa paglabas ng natural gas sa panahon ng pagmimintina
lumalabas mula sa maliliit na pagtagas sa pipe ay isang paraan ng industriya upang mabawasan ang emisyon. Ang mga miyembro ng CEPA ay gumagamit ng mga teknolohiya sa paghanap ng maliliit na butas, kabilang ang mga portable gas detector at ultrasonic detector, upang ang mga pagtagas ay makumpuni. Bukod sa mga operasyon, maraming mga miyembro ng CEPA ang may sinusunod na mga programa para sa pagbabago ng klima at pagpapanatili ng kapaligiran, hinaharap at pinamamahalaan ang kanilang mga emisyon. Ang mga miyembro ng CEPA ay patuloy na nagsasagawa ng mga pagsasanay, mga programa at mga bagong teknolohiya para limitahan at bawasan ang kanilang greenhouse gas emissions.
Ang pagbawas sa dami ng methane na
Sino ang mga nag-aambag sa greenhouse gas emissions sa Canada? (katumbas na CO2) Mula sa: Environment Canada, National Inventory Report (Pambansang Ulat sa Imbentaryo) 1990-2012, Part 3 bit.ly/13a0qZS
1% Pipelines (kabilang ang stationary combustion at fugitive emissions)
9% Produksyon ng fossil fuel
8% Pang-industriyang mga proseso, tulad ng apog at produksyon ng simento
6% Mga bahay
6% Paggamit ng lupa at pagbabago ng kagubatan (Halimbawa, pag-convert ng kagubatan sa pang agrikultura)
19% Mga sasakyan sa kalsada
8% Agrikultura, kabilang ang emisyon ng mga baka
13%
13% Elektrisidad at pagpapainit (heating)
6%
Ang kapangyarihan ng mga puno Sa paglago nito, inaalis ng puno ang carbon dioxide mula sa kapaligiran. Tinatantya ng Tree Canada na ang karaniwang puno sa Canada ay nag-iimbak ng
220 kg NG CARBON
sa panahon ng kanyang 80 taong buhay, kung saan ay katumbas ng
800 kg NG CARBON DIOXIDE.
Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga miyembro ng CEPA ay lumalahok sa mga programang pagtatanim ng puno bilang bahagi ng kanilang programa sa pagbabago ng klima.
Pagmamanupaktura
3% Pagtatapon ng basura
8% Lokal na aviation (eroplano), mga riles, lokal na pandagat at iba pang hindi pang-kalsadang transportasyon
Iba pa (kasama ang industriya ng konstruksyon at komersyal at institusyonal na pinagmumulan)
Inilimbag sa ini-recycle at environmentally-friendly na papel. Ang impormasyong nakalagay dito ay nagbibigay ng mga halimbawa ng mga hakbang na ipinatutupad ng ilang mga miyembro ng CEPA. Ito ay hindi isang rekisito sa industriya o ang pinakamahusay na pagsasagawa.
ALAMIN ANG IMPORMASYON
CEPA aboutpipelines@cepa.com @aboutpipelines facebook.com/aboutpipelines aboutpipelines.com