Tungkol sa Pipelines
Kaligtasan | Kapaligiran | Teknolohiya | Pagkaunawa sa Industriya | Integridad
Pagtugon sa Emerhensiya
Paano ko mapagtitiwalaan na ang mga kompanya ng pipeline ay ganap na nakahanda para sa isang emerhensiya? Gawagawa Ang mga pipeline sa Canada ay luma at hindi ligtas.
Ang mga pipeline operator Ang industriya ay hindi ay hindi naglilinis ng handa para sa isang kanilang mga kalat (spills). malaking insidente.
KATOTOHANAN: Mahigpit na sinusubaybayan ng industriya ang lahat ng pipelines upang mapanatili nito ang record na 99.999 porsyentong kaligtasan.
KATOTOHANAN: Ang mga kompanya ay 100 porsyentong responsable para sa pagtugon, paglilinis at pagbabalik sa dating itsura.
Dahil nakabaon ang mga ito sa ilalim ng lupa, maaaring madaling magkaroon ng pagtanaw na ang transmission pipelines ay isang delikadong imprastraktura sa Canada. Ngunit bawat araw (maliban sa elektrisidad), halos lahat ng enerhiya ng Canada ay itina-transport sa pamamagitan ng underground transmission pipelines, naghahatid ng 97 porsyento ng ating onshore na produksyon ng krudong langis at natural gas. Ang tila di nakikitang mga ‘energy highways’ (‘daanan ng enerhiya’) ay direktang resulta ng pagsusumikap ng mga operator para sa ligtas na operasyon ng bawat aspeto ng pipeline. Isa sa mga pinakamahalagang salik sa kaligtasan ng industriya ay ang kahandaan para isang emerhensiya.
Nagpaplano para sa mga di nakaplano Ang mga emerhensiya ay bihirang mga pangyayari sa pipelines sa Canada. Sa katunayan, mula 2002 hanggang 2013, napanatili ng mga miyembro ng CEPA ang 99.999 porsyentong record sa kaligtasan. Subali’t ang pipelines ay hindi ganap na ligtas sa panganib, at ang industriya ay nakatutok sa pagiging handa upang mabilis at epektibong tumugon sa isang emerhensiya, na may layuning protektahan ang publiko at ang kapaligiran,
KATOTOHANAN: Ang mga kompanya ng pipeline ay mahigpit na ino-audit at pinangangasiwaan upang matiyak na handa sa emerhensiya.
bawasan ang anumang mga panganib, at linisin at mapanumbalik ang itsura ng lugar. At nasa sentro ng epektibong paghahanda sa emerhensiya ay isang Emergency Plan Response (ERP). Ang komprehensibong planong ito ay ibinabalangkas ang lahat ng mga kailangan, mga ispesipikong hakbang at desisyong kinakailangan upang pamahalaan ang isang emerhensiyang sitwasyon sa pipeline at makontrol ang insidente. Nagbibigay ng direksyon ang ERP sa mga pipeline operator at emergency responders upang matulungan silang gumawa ng mabisa at maalam na pagpapasya upang makontrol ang sitwasyon. Ang bawat emerhensiya ay naiiba, at ang mga pipeline operator ay dapat na isaalang-alang ang maraming bagay bago gumawa ng isang desisyon.
99. 99 9%
Ano ang nakasaad sa isang ERP? Ang ilan sa mga mahalagang impormasyon na nakasaad sa isang Emergency Response Plan ay ang: •• ••
••
••
Record sa kaligtasan*
••
••
3
Pagtugon sa Emerhensiya
Ang Tungkol sa Pipelines ay isang serye, na nakatuon sa pagpapalaganap ng katotohanan tungkol sa transmission pipelines sa Canada at ang papel nito sa buhay ng mga Canadian. Ang impormasyong ito ay ibinibigay ng Canadian Energy Pipeline Association (CEPA).
Gawagawa
01
GAWA-GAWA VS. KATOTOHANAN
Gawagawa
No. 02
*20
02
-2
Mga plano sa paglikas Mga paraan ng pagtugon ng isang emergency worker Mga tungkulin, responsibilidad at chain of command (pagsunod sa utos) Mga lokasyon ng pag-access sa pipeline Mga proseso ng pakikipag-komunika Mga paraan ng pakikipag-koordina sa mga pang-emerhensiyang serbisyo, gobyerno at lokal na awtoridad
Tungkol sa Pipelines
Pagtugon sa Emerhensiya
Ang mga planong ito ay pumapatnubay sa kung paano panghawakan ang emerhensiya, batay sa mga isinasaalang-alang tulad ng distansya ng emerhensiya sa komunidad, katubigan at mga hayop, uri at dami ng produktong tumagas, at oras na kinakailangan upang makarating ang emergency responders sa lugar. Isang rekisito ng mga regulatoryong ahensya ng Canada na ang bawat pipeline operator ay magkaroon ng ERP, at ang mga ito ay regular na ina-update at isinusumite sa regulator para sa pagsusuri at pag-audit. Kapag ang isang pipeline ay tumatawid ng border ng probinsiya, ang National Energy Board ang nangangasiwa at nagsusuri ng mga plano; kung ang pipeline ay nasa loob lamang ng isang probinsiya, ang pangprobinsiyang regulator. Bilang karagdagan, ang mga miyembro ng CEPA ay madalas na naglulunsad ng mga pagsasanay sa pagtugon sa emerhensiya, kumukonsulta sa mga organisasyon at mga ahensyang kasangkot sa pagtugon sa emerhensiya at nakikipag-komunika sa mga empleyado, sa publiko at mga unang tagatugon ukol sa kanilang kalakaran at mga pamamaraan.
Pag-koordina ng isang epektibong pagtugon Sa kaso ng malaking insidente, ang mga miyembro ng CEPA ay gumagamit ng Incident Command System (ICS), isang sistema ng pamamahala na ginagamit para sa pag-utos, kontrol at koordinasyon ng pagtugon sa emerhensiya. Sa pamamagitan ng paggamit ng ICS, ang mga kompanya ng pipeline ay epektibong nakakatugon sa isang emerhensiya habang tinitiyak na ang mga rekurso ay nagagamit nang mahusay at ang publiko at emergency responders ay ligtas.
PARA SA HIGIT NA KAALAMAN
tungkol sa Mutual Emergency Assistance Agreement, bumisita sa cepa.com/meaa
Habang ang ICS ay isang pamantayan na sistemang ginagamit sa buong mundo, ang mga miyembro ng CEPA ay tapat din sa industriya muna - ang Mutual Emergency Assistance Agreement. Pinopormalisa at nilelegalisa ng kasunduang ito ang isang umiiral na kalakaran – nagpapahintulot sa alinmang miyembrong kompanya ng CEPA na humingi ng tulong mula sa isa pang miyembrong kompanya sa kaganapan ng isang malaking insidente. Sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga rekurso tulad ng kagamitan, tauhan o espesyal na mga payo sa pagtugon, ito ay nagpapabilis para sa mga miyembro ng CEPA na mabisang pamahalaan ang insidente.
ICS Ano ito?
Nagsusumikap para sa sero na insidente
••
Ang pipeline ay isa sa mga pinakaligtas at pinaka-maaasahang paraan ng pagta-transport ng malaking bulto ng krudong langis, natural gas at mga produkto ng petrolyo. At nais ng industriya na gawin itong mas ligtas - na may layunin para sa sero na insidente. Upang makamit ito, ang mga miyembro ng CEPA ay lumalahok sa CEPA Integrity First (CEPA Integridad Muna), isang programang nagpapahusay sa paggampan ng industriya para sa ligtas na pipeline, pagprotekta sa kapaligiran at kalakarang panlipunan at pang-ekonomiya. Ang mga emerhensiya ay isang usapin na kung saan ang mga pipeline operator ay laging nakatuon at nakahanda, ngunit nakatutok din sila sa pagtiyak na hindi mangyari ang mga emerhensiya sa simula pa lamang.
••
••
aboutpipelines.com/emergencyresponse
Ang mga PIPELINE OPERATOR ay kinakailangang magsagawa ng regular na mga pagsasanay sa pagtugon sa emerhensiya.
Ito ay isang pamantayan na sistema ng pamamahala sa emerhensiya na dinebelop bilang tugon sa serye ng mga sunog (wildfires) sa southern California noong 1970s. Sa nakaraang 40 taon, ang paggamit nito ay lumaganap sa buong mundo, kabilang ang Canada. Bilang karagdagan sa mga miyembrong kompanya ng CEPA, ang Canadian Coast Guard, Parks Canada at ang Rescue Volunteer Association of Canada ay ilan sa mga organisasyong sumusunod sa pamantayan na sistemang ito. Para sa karagdagang kaalaman bumisita sa: icscanada.ca
ALAMIN ANG IMPORMASYON
CEPA aboutpipelines@cepa.com @aboutpipelines facebook.com/aboutpipelines aboutpipelines.com
Inilimbag sa ini-recycle at environmentally-friendly na papel.