Watercourse Crossings (Tagalog)

Page 1

Tungkol sa Pipelines

Kaligtasan | Kapaligiran | Teknolohiya | Pagkaunawa sa Industriya | Integridad

Paano pinoprotektahan ng industriya ang mga ilog, batis at lawa sa Canada sa panahon ng pagtawid ng isang pipeline?

1 MGA MAHALAGANG DAHILAN

Isang ekosistema na dapat protektahan

ANG TAHANAN (HABITAT) ••

tubig

••

isda

••

mga hayop

••

mga halaman

2

ANG LUGAR

••

••

••

at kalidad nito

Ang Canada ay tahanan ng mahigit sa 8,500 na mga ilog at dalawang milyong lawa, at nasasaklawan ng mga ito ang humigit-kumulang sa siyam na porsyento ng tánawin sa ating bansa*. Sa ganoong karaming lugar ng katubigan, maaaring kailangan ng pipelines na tawirin ang mga ito para mai-transport ang langis at gas na ginagamit ng mga Canadian sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang panatilihin na ang ating mga lawa at ilog ay protektado sa panahon ng mga pagtawid ay mahalaga sa mga Canadian, at ito ang prayoridad para sa mga pipeline operator. Kapag ang mga pipeline ay tumatawid ng mga ilog, batis, lawa at iba pang mga lugar ng katubigan (tinatawag na watercourses), ang mga operator ay nag-iingat na mabuti para protektahan ang lugar sa buong yugto na naroon ang pipeline - mula sa pagpaplano, konstruksiyon at operasyon hanggang sa pagmimintina at katapusan ng serbisyo. Ang bawat yugto ay mahigpit na sinusubaybayan sa pamamagitan ng regulators, at gumagamit ang industriya ng matatag na mga kalakaran at pamamaraan para sa pagtawid sa tubig upang mapangalagaan ang mga hayop, mga puno, halaman at kalidad ng tubig.

No. 06 Ang Tungkol sa Pipelines ay isang serye, na nakatuon sa pagpapalaganap ng katotohanan tungkol sa transmission pipelines sa Canada at ang papel nito sa buhay ng mga Canadian. Ang impormasyong ito ay ibinibigay ng Canadian Energy Pipeline Association (CEPA).

3

ANG KAPALIGIRAN

kalupaan at lupa •• katubigan (surface water) •• tubig sa ilalim lupa (ground water) •• paggalaw ng tubig, saan ito ginagamit

Pagtawid sa mga Lugar ng Katubigan

kalidad ng hangin at ingay •• paggamit ng lupa, kabilang ang tradisyunal na paggamit ng lupa •• makasaysayan o heritage site

DINISENYO PARA SA KAPALIGIRAN

Ang pipelines na nakalagay sa lugar na may tubig ay dinisenyo na may mas makapal na materyales at espesyal na pintura.

Bago tumawid Ang mga kompanya ng pipeline ay nagpapatupad ng mga dalubhasang pagtatasa sa kapaligiran at teknikal bago maipinal ang isang ruta ng pipeline o simulan ang konstruksyon. Isa sa mga pinakamahalagang isinasaalangalang ay ang pagpili ng pinakamahusay na lokasyon para sa pagtawid ng pipeline. Mahalaga na ang mga napiling ruta ay magpapanatili ng estabilidad at kalidad ng pipeline upang maprotektahan ang kapaligiran. Ang erosion o pagguho ng lupa, estabilidad ng libis at baybáy ng ilog, at maging ang direksyon ng agos sa isang ilog o batis, ay ilan lamang sa mga salik na sinusuri ng mga pipeline operator kapag pumipili ng ruta. Ang pagpapahintulot sa mga operator na magsagawa ng pagmimintina at pag-iinspeksyon sa pipeline ay mahalaga din.

* Environment Canada, Pinag-uusapan ng Lahat ang Tubig bit.ly/1sm57K5

Hinahayaang magpasya ang kalikasan Maraming mga hayop at isda ang nabubuhay sa mga lugar ng katubigan para sa kanilang tahanan at pagkain, ito ang dahilan kung bakit ang mga pipeline operator ay mahigpit na sinusunod ang mga kalakaran upang maiwasan ang paggam bala sa mga hayop at halaman, kabilang ang mga panahon kung saan: •• Ang mga isda at/o kanilang mga itlog ay naroroon sa katubigan •• Ang migratoryong mga ibon ay nagpaparami at nangingitlog •• Ang lupa ay basa dahil sa panapanahong mga kondisyon, tulad ng “muskeg” o sapa


Tungkol sa Pipelines

Pagtawid sa mga Lugar ng Katubigan DEPENDE SA DISENYO

Mga Makabagong Pagdi-drill (Walang Trentsera)

Upang pumili ng pinakamabisa, di gaanong nakakagambalang ruta, maaaring pag-aralan ng mga pipeline operator ang lokasyon ng ruta sa ilang mga panahon (seasons) bago magsimula ng konstruksiyon, lalo na kung ang katubigan ay may pana-panahong daloy o may mga potensyal na maging epekto sa kapaligiran.

Sa panahon ng pagtawid May dalawang pangunahing pamamaraan na ginagamit para sa pagkakabit ng pipeline sa katubigan: paghuhukay o paggamit ng trentsera o di paggamit ng trentsera. Kung ang nakapalibot na libis at lupa sa tabi ng katubigan ay matatag, susubukang gamitin ng mga pipeline operator ang mga paraan na walang trentsera. Alinmang paraan ang piliin, maingat na susuriin ng mga operator ang potensyal na epekto sa mga hayop, puno, halaman at kalupaan at susubukang iwasan ang anumang paggambala sa mga ito sa panahon ng konstruksyon. Kabilang dito ang pagsusuri ng panganib sa kapaligiran, pagsasaalang-alang ng alternatibong paraan ng pagtawid at pakikipag-usap sa mga may-ari ng lupain at lokal na negosyo upang maunawaan ang anumang karagdagang mga panganib. Ang pagkakabit ng pipeline sa isang lugar ng katubigan ay maingat na sinusubaybayan upang mapanatili ang kapaligiran. Halimbawa, ang mga operator ay dapat na iwasan ang paggamit ng mga kagamitan sa paligid ng tawiran upang maiwasan ang pagkalat ng mapaminsalang mga uri ng damo o halaman sa lugar.

Pagprotekta sa tawiran Para sa pipelines na tumatawid sa mga lugar ng katubigan, gumagamit ang operators ng mas makapal na tubo, mga espesyal na pintura sa pipeline, at sa ilang pagkakataon, espesyal na kable, tornilyo at mga suporta upang gawing matibay ang pipeline.

ANG PAHALANG (HORIZONTAL) NA DIREKSYON NG PAGDI-DRILL

ay isang walang trentserang paraan na ginagamit ng industriya. Ito ang pagdi-drill ng isang landas sa ilalim ng ilog o iba pang mga balakid (tulad ng kalye) at sa esensya ay pinararaan ang pipeline sa dakong ilalim. Ang paraang ito ay inaalis ang pangangailangan na dumaan

sa tubig ang mga kagamitan (equipment), di tulad ng de-trentserang paraan ng instalasyon. Nangangahulugan ito na ang mga tirahan ng isda ay hindi magagalaw at walang epekto sa katatagan ng lupa sa baybáy ng ilog. Basahin ang blog post: bit.ly/1v9THKs

Para sa malawak na katubigan, tulad ng lawa, ang mga operator ay gumagamit din ng “block valves” (balbula na pumipigil sa daloy ng produkto sa loob ng pipeline) sa magkabilang baybáy ng tubig na tinatawiran upang mabawasan ang panganib ng isang aksidenteng pagtagas o pagligwak. Tulad ng lahat ng mga pipeline sa Canada, ang mga pipeline na tumatawid sa tubig ay patuloy na sinusubaybayan, at kung mayroong mga pagbabago sa pressure sa loob ng pipeline, isang espesyal na sistema ng paghanap sa pagtagas ay kaagad na umaalarma o nagbibigay ng babala sa operator. Upang maging handa para sa mga di pangkaraniwang insidente, may ganap na ipinatutupad na Emergency Management Plans (Mga Plano sa Pamamahala para sa Emerhensya) ang pipeline operator. Kabilang sa mga ito ang pagtitiyak na may emergency response personnel at kagamitan na nasa lokasyon ng ruta ng pipeline. At ang mga lokal emergency response personnel ay nakatanggap ng mga espesyal na pagsasanay sa pagtugon sa mga pagtagas sa katubigan o sa paligid nito. Ang pagprotekta sa mga tawiran ay nangangahulugan din na dapat ibalik sa dati ang itsura sa kapaligiran ng lugar na kinabitan ng pipeline. Ang mga pipeline operator ay gumagamit ng iba’t ibang paraan upang bawasan at alisin ang bakas ng pipeline sa mga lugar na ito, at ibalik ang itsura ng lugar sa likás na kalagayan nito - mula sa paggamit ng mga espesyal na kasanayan sa reklamasyon upang maiwasan ang pagguho ng lupa sa baybáy, hanggang sa muling pagtatanim at pagpaparami ng populasyon ng mga isda.

Inilimbag sa ini-recycle at environmentally-friendly na papel. Ang impormasyong nakalagay dito ay nagbibigay ng mga halimbawa ng mga hakbang na ipinatutupad ng ilang mga miyembro ng CEPA. Ito ay hindi isang rekisito sa industriya o ang pinakamahusay na pagsasagawa.

Mga katanungan ukol sa katubigan? Alamin ang mga sagot. The Life Cycle of Watercourse Crossings in Canada (Ang Siklo ng Buhay ng Mga Pagtawid sa Katubigan sa Canada), ay isang publikasyon na inilalathala sa pamamagitan ng ilang mga kinatawan ng pamahalaan at mga samahan sa industriya, kabilang ang CEPA, upang sagutin ang maraming mga katanungan tungkol sa mga pipeline na tumatawid sa mga lugar ng katubigan. Tingnan ang publikasyon: bit.ly/1DakIzR

ALAMIN ANG IMPORMASYON

CEPA aboutpipelines@cepa.com @aboutpipelines facebook.com/aboutpipelines aboutpipelines.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.