AD GENTES - VOL I / NO. 1 - Oct. 15, 2023

Page 1

© Franz Salazar

SRCP, IDINAOS ANG FIESTA SEASON 2023 Naging maringal ang pagdiriwang ng pamayanan ng San Roque Cathedral Parish at Lungsod ng Caloocan ang SRCP Fiesta Season 2023, na may temang “Sama-samang paglalakbay sa Pananampalataya”. Ito ay nagsimula nitong Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon, bilang paggunita sa dakilang kapistahan ng dalawang pintakasi ng bayan — San Roque de Kalookan at Nuestra Señora dela Soterraña de Nieva. Sa pagtutulong-tulong ng mga servers at volunteers ng mga ministries at organizations ng katedral, katuwang ang Parish Pastoral Council (PPC), Parish Finance Council (PFC), at ng

Cathedral Clergy, matagumpay na naisagawa ang mga liturhikal na pagdiriwang alay sa dalawang patron. Binuksan ang Fiesta Season sa taunang Dalaw Patron, kung saan naglakbay ang imahen ng San Roque El Peregino patungo sa iba’t ibang Basic Ecclesial Communities (BEC) and Mission Stations. Dinaos din ang tradisyunal na Traslacion, kung saan ginunita ang paglipat ng sambayanang kristiyano ng Kalookan mula sa orihinal na pook ng simbahan (Libis Aromahan Sitio de Espinas o mas kilala ngayon bilang Libis Espina) tungo sa Simbahan sa Paltok o ang kasalukuyang kinatatayuan

ng katedral; ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng Dalaw Patron at simula ng misa nobenaryo sa karangalan ni San Roque. Kasabay ng mga liturhikal na pagdiriwang ay nagsagawa rin ang Caloocan Local Government Unit (LGU) sa katedral ng Libreng Serbisyo para sa mga Mamamayan sa pangunguna ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, nakapagpaabot ng tulong serbisyo ang simbahan sa mga parishioners. Kabilang na rito ang Medical-Dental Mission, libreng bakuna para sa mga alagang aso, livelihood training patungkol sa baking at solid waste management, at marami pang iba.

BALITA | Page 3

Pamamalakaya Program, pumalaot na Isinulat ni: Jessie Joy Estorba

Ad Gentes, inilunsad.

Isinulat ni: Russel John Velasquez

LATHALAIN | Page 6

Bakit may Araw (sa) Fiesta? Isinulat ni: MI Batar

PANITIKAN | Page 9

Sinagot Niya ang dasal ko sa Nobenaryo Isinulat ni: Malou Recente

FIESTA 2023 | Page 3

Page 2

Page 5

Page 6

Bayan ng Kalookan, ipinagbunyi ang Birhen ng Nieva

Bowls of Hope, adhika ng tunay na paglilingkod

Mr. and Ms. BEC 2023: Koronang may responsibilidad


2

AD GENTES • Oktubre 15, 2023

BALITA

Editor: Gabriel Louis Guaño

Bayan ng Kalookan, ipinagbunyi ang Birhen ng Nieva Isinulat ni: Czarina Mae Osuyos Hindi alintana ng mga deboto ang biglaang buhos ng ulan nang ipagdiwang ng Katedral ng San Roque ang kapistahan ng Ina at Reyna ng Lungsod ng Caloocan, Nuestra Señora de la Soterraña de Nieva, o Birhen ng Nieva nitong ika-8 ng Setyembre kasabay ng kanyang kaarawan. Ito’y sinimulan sa Maringal na Pagluluklok ng Mahal na Ina, na ginanap nitong ika-4 ng Setyembre, sa pangunguna ni Reb. Pd. Jeronimo Ma. Cruz, Rektor ng Katedral. Pinasimulan naman nitong ika-5 ng Setyembre ang Triduo o tatlong

araw na Misa Nobenaryo na pinamunuan nina Reb. Pd. Napoleon Sipalay, JR, OP ng University of Sto. Tomas (UST) Central Seminary, Reb. Pd. Eduardo Vasquez, JR, OMI ng Diocesan Shrine of Our Lady of Grace Parish, at Reb. Msgr. Rolando Dela Cruz ng Minor Basilica of the Immaculate Conception (The Manila Cathedral). Ang nasabing Triduo ay sinimulan sa pagdarasal ng rosaryo at nobena alay sa Mahal na Birhen, sa pangunguna ng iba’t ibang ministries and organizations ng katedral. Nitong ika-8 ng Setyembre naman ay ipinagdiwang ang Mar-

ingal na Kapistahan ng Birhen ng Nieva. Ipinagdiwang ng Lub. Kgg. Pablo Virgilio S. David, D.D., Obispo ng Kalookan at pangulo ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) kasama ang kaparian ng Katedral. Agad itong sinundan ng Maringal na Prusisyon sa kahabaan ng A. Mabini Street. Matapos ang mga pagdiriwang, nagdaos ng Kids Camp nang sumunod na araw ang Caloocan LGU sa compound ng Katedral, at Fellowship Night kinagabihan para sa mga servers at volunteers na naglingkod mula noong simula ng Fiesta Season.

LATHALAIN | Page 4

LATHALAIN | Page 7

PANITIKAN | Page 8

Birhen ng Nieva, saan kaya nagmula?

Fiesta: Ganda at Halaga

Kahangahangang Babae

Isinulat ni: Czarina Osuyos

Isinulat ni: KN Marcelo

Isinulat ni: Samantha Bautista

Mga Nieva Replica, tampok sa Inang Mapagmahal Exhibit Isinulat ni: Gabriel Louis Guaño Pinangunahan nina Parochial Vicar Rev. Fr. Jesus Wenceslao, Mrs. Amalia Santos, Camarera ng Birhen ng Nieva, at mga deboto ng Mahal na Birhen, ang pagbubukas ng Inang Mapagmahal: Isang Pagtatanghal ng mga Replica ng Nuestra Señora de Nieva, nitong ika-27 ng Agosto sa Perpetual Eucharistic Adoration Chapel ng Katedral. Nakatampok sa exhibit ang Replica Mayor

© Mico Pacheco

na nasa pangangalaga ng Camarera ng Birhen, ang Vicaria Image na nasa pangangalaga ng Knights of Columbus Our Lady of Nieva Council, mga replica mula sa Basic Ecclesial Communities (BEC), at mga personal na replica mula sa ilang mga deboto. Ito ay sa pangunguna ng Commission on Worship and Liturgy (COWL), katuwang ang Committee on Liturgical Arts at iba pang mga organisasyon

at youth volunteers. Higit sa sampung imahen ng Mahal na Birhen ng Nieva ang lumahok sa replica exhibit, mula ika-27 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyembre, 2023. Ayon sa ilang mga deboto, lubos silang nagagalak sa lumalawak na debosyon sa Mahal na Birhen ng Nieva hanggang sa umaabot na ito sa iba pang mga karatig bayan.

© Russel John Velasquez

Ad Gentes, inilunsad Isinulat ni: Russel John Velasquez Inilunsad nitong Ika-10 ng Setyembre, 2023, ang opisyal na publikasyon ng Katedral ng San Roque — ang Ad Gentes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta Season ng katedral. Ang pangalang Ad Gentes ay salitang Latin na nangangahulugang “To the Nations”. Layunin ng publikasyon na maging medium ng simbahan sa paglalathala ng mga bago at natatanging balita, pati ang mga anunsyo tungkol sa mga gawain sa katedral. Kabilang na rin dito ang mga inspirational reflections na makatutulong sa buhay-pananampalataya ng bawat mambabasa.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng Commission on Education and Lay Formation (CELF), magiging daan ang publikasyon sa pagpapalaganap ng mensahe ng Diyos at ng Simbahan sa mga hindi naaabot nito. Inilunsad ang publikasyon sa ika-9 ng umaga, sa pagdiriwang ng Banal na Misa na pinamunuan ni Reb. Pd. Jeronimo Ma. J. Cruz, Rektor ng Katedral. “Napapanahon lang din ang paglulunsad ng publikasyon sa ating katedral. Napakahalaga na ang ating mga kabataan ngayon, are able to articulate their observations about the church.” ani Bishop Ambo.


AD GENTES • Oktubre 15, 2023

3

BALITA FIESTA 2023

© Jessie Joy Estorba

Pamamalakaya Program, pumalaot na Isinulat ni: Jessie Joy Estorba Inilunsad ng Commission on Education and Lay Formation (CELF), katuwang ang Parish Pastoral Council (PPC) ang Pamamalakaya Program nitong Ika-30 ng Hulyo, 2023, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Patrong San Roque. Idinaos ang pormal na paglulunsad ng programa sa pamamagitan ng isang send-off

mass na pinangunahan ni Reb. Pd. Jeronimo Ma. J. Cruz, Rektor ng Katedral. Layunin ng programang ito na maipalaganap ang debosyon sa butihing patron na sina San Roque at Mahal na Birhen ng Nieva, at makalakbay ang lahat ngating mga ka-parokya patungo sa pananampalataya. Pangarap ng mga miyembro ng programang ito na dalhin

ang mga aral ng buhay ni San Roque sa bawat isa, at patuloy na iangat ang antas ng pagtulong, pagkakaisa at pagmamalasakit. Palalawigin pa ang programang ito upang makahikayat pa ng mga tao upang patuloy na maniwala sa pagibig at pag-asa na bigay ng Panginoon. Nagtungo ang mga Peregrino at Peregrina sa iba’t ibang chapel communities at mis-

sion stations kung saan humigit kumulang 350 katao ang dumalo. Mas naipakilala nila si San Roque para sa kaniyang kapistahan, pati na rin ang halimbawa ng pagmamalasakit na ipinakita niya noong panahong siya ay nabubuhay pa. Sabay na nakisaya ang mga bata at matatanda at natuto sa aral ng buhay ng mga patron ng Katedral.

Matapos ang mga pagdiriwang sa karangalan ni San Roque, kaagad rin itong sinundan ng paghahanda sa kapistahan ng Mahal na Ina, Birhen dela Nieva. Ito ay sinimulan sa Maringal na Pagluluklok noong ika4 ng Setyembre, na sinundan ng Triduo sa pamumuno ng mga pari mula sa iba’tibang mga Simbahan sa Metro Manila. Nagdaos ng prusisyon sa kahabaan ng A. Mabini St., kasama ang imahen nina San Roque at ng kanyang esposong si San Jose, sa araw ng kapistahan ng birhen nitong ika-8 ng Setyembre, kasabay ng paggunita sa kanyang kaarawan. Ngayong araw, Setyembre 30, 2023, ay ang pormal na pagsasara ng taunang pagdiriwang ng mga kapistahan ng ating mga pintakasi sa katedral.

CFC, ipinagpatuloy ang Christian Life Program Isinulat ni: Princess Joy Eusebio

CALLING ALL CREATIVES

Express your talents in design and graphics in service with Christ

Join the Creatives Team of Ad Gentes Official Publicaton of San Roque Cathedral Parish

SIGN UP

Ngayong buwan ay muling nagdaos ang Couples for Christ (CFC) ng ikalawang batch ng Christian Life Program (CLP), na nagsimula nitong ika-23 ng Setyembre na dinaluhan ng labing-apat (14) na kalahok. Ang CLP ay isang komprehensibong programa na idinisenyo upang tulungan ang mga mag-asawa o magkasintahan na tuklasing muli ang tawag ng Diyos para sa kanila bilang mga Kristiyanong indibidwal. Ang programa ay mayroong kabuuang 8 sessions na mayroong talakayan patungkol sa pagpapaunlad ng kanil-

ang buhay espiritwal. Ito ay ang entry point sa mga mag-asawang malapit nang magpakasal. Kasama ang misyon nito — ‘Building the Church of the Home and the Church of the Poor And Vision’ at ‘Families in the Holy Spirit renewing the face of the Earth.’ Ang mga miyembro ng CFC San Roque Chapter ay nagsanay bilang paghahanda sa programang ito. Buo ang loob na nananalangin at umaasa na sa pamamagitan ng pagiging inspiration nila ay makamtan ng mga kalahon ang mga biyaya ng Diyos at magbalik loob sa kanya.


4

AD GENTES • Oktubre 15, 2023

LATHALAIN

Isinulat ni: Czarina Mae Osuyos

BIRHEN NG NIEVA,

saan kaya nagmula?

Nuestra Señora dela Soterrana de Nieva — kay ganda at kay habang pangalan. Marahil isa rin ba kayo sa mga nagtataka kung bakit ganito kahaba ang pangalang idinikit sa Mahal na Birheng patron ng katedral. Totoo bang Our Lady of Snows ang birheng ito kaya binansagang Birhen ng Nieva? Ano naman kaya itong Soterraña? Samu’t saring kuwento ang maririnig natin patungkol sa kanya, pero alin kaya dito ang totoo? Oras na para balikan natin ang kanyang pinagmulan. Nagsimula ang debosyon sa imaheng ito sa Nieva, isang maliit na bayan sa Segovia, Spain, taong 1392. Kaya, bagamat may nyebe sa bansang ito, hindi naman dito ipinangalan ang Mahal na Birhen! Sabi sa mga kwento, may naririnig na boses ang pastol na si Pedro Amador. Ayon sa kanya, sinabihan daw siya ng Mahal na Ina na puntahan ang Obispo ng Nieva at humingi ng tulong para makuha nila muli ang kanyang nakabaong imahe. Hindi agad naniwala ng Obispo, ngunit ipinagdasal niya sa Ina na bigyan siya nito ng senyales. Nagpadala hindi umano ang Birhen ng bato na may simbolo ng krus ng mga Dominikano. Pinakita agad ni Pedro ang

bato, na sinubukan kuhain ng mga kasama ng Obispo ngunit ayaw nito matanggal sa kanyang kamay. Saka lamang ito natanggal nang ang Obispo na mismo ang kumuha rito. Dito na siya nakumbinsi at isinama ang taong-bayan para makuha muli ang imahe ng Birhen Ng Nieva. Nang ito ay nahukay na, agad itong dinala sa simbahan ng bayan. Dito na nakilala ang imahe bilang Nuestra Señora de la Soterraña de la Nieva, na mas kilala ng mga parokyano bilang Birhen Ng Nieva. Ang salitang Soterraña naman ay isang salitang Kastila na nangangahulugang, “nagmula sa ilalim ng lupa”. Siya naman itong sa wikang Latin na “sub” o “ilalim”, at “terrae” na ang kahulugan ay “lupa”. Kaya naman ang buong titulo ng birheng ito ay “Nuestra Señora dela Soterraña de Nieva” o kung isasalin sa wikang Ingles ay “Our Lady of the Subterranean of Nieva”. Nakarating ang imahen ng Mahal na Birhen sa Maynila noong 1762 dahil sa debosyon ng mestizong Tsino na si Don Antonio Tuason, na siyang nagdala nito sa Minor Basilica and National Shrine of Saint Lorenzo Ruiz and Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, o mas kilala bilang Binondo Church.

Ngunit noong sumiklab ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, itinago ang imahen na ito upang maprotektahan, ngunit magpahanggang ngayon, wala pa rin nakakaalam kung nasaan venerada. Pinaniniwalaan na nakarating sa lungsod ng Kalookan ang debosyon sa Mahal na Ina noong 1765. Ito rin ang taon kung kailan ipinatayo ni Rev. Fr. Manuel Vanquero ang kapilya para kay San Roque ng Montpelier sa Libis Aromahan o *Sitio de Espinas*, na siya na ngayong Katedral ng Diyosesis ng Kalookan. Mula nang maitalaga ang dalawang patron bilang mga pintakasi ng bayan, marami nang milagro ang naganap sa lungsod at sa mga deboto nito. Mahaba ang istorya ng Katedral, at kasabay nito ang debosyon para sa mga patron. Mula noong pananakop ng nga dayuhan hanggang sa makabagong panahon, marami na itong pinagdaanan kahit noong ito’y kapilya pa lamang. Nananatiling buhay ang paniniwala ng mga taga-Kalookan sa mga pintakasi nito sa pagdaan ng panahon. Isa itong patunay na patuloy na pagyayamanin ng mga deboto ang mga alaala’t tradisyon sa lungsod ng Kalookan.


AD GENTES • Oktubre 15, 2023

Isinulat ni: Paul Lindaya

BOWLS OF HOPE:

Adhika ng Paglilingkod Sa pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal, ang paglalakbay ng Team San Pedro Calungsod ay nag-umpisa tungo sa paglalayag sa puso ng bawat kabataang naghahangad ng kalinga. Noong taong 2012, kasabay ng anunsyo ni Papa Benito XVI hinggil sa pagiging ganap na santo ni Pedro Calungsod, umusbong ang hangarin ng mga kabataan ng Katedral ng San Roque na noo’y nagnanais na maipakilala ang ikalawang pilipinong santo sa pamamagitan ng kanyang mga gawaing banal. Mula sa pagpapakain ng mga batang lansangan, unti-unting dumami ang mga miyembro ng Team SPC na tumutulong sa kapwa Pilipino. Dahil dito, nabuo ang misyon ng Bowls of Hope, sa pamamagitan ng mga kabataang naghangad na makatulong sa kanilang kapwa. Nagsimula ito sa pamamahagi ng isang mangkok ng sopas para sa mga batang lansangan. Nagpatuloy ang mga gawain ng Team San Pedro Calungsod mula sa simpleng pagpapakain ay naglayag sa mas malawak na pagbibigay-tulong : narito ang pamamahagi ng school supplies, medical missions

para sa mga kabataan, at pagtugon sa oras ng kalamidad. Dahil sa matagumpay na mga gawain ng organisasyon, lumaganap pa ang pagkilala sa pangalan ni San Pedro Calungsod. Ang kanyang mga gawain tungo sa kabanalan, tulad ng pagtugon at pagtulong sa mga nangangailangan, ang naging gabay ng Bowls of Hope Mission upang magpatuloy at magtungo pa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ipinakita rin ng mga kabataang miyembro ng Team SPC ang katangian ng pagiging tunay na kaibigan ni San Pedro Calungsod. Kung paano niya inaakay ang mga kabataan, at kung paano nya ipinakilala si Kristo. Isang patunay na hindi hadlang ang edad ng tao para tumulong sa kapwa at magbukas ng pinto tungo sa kabanalan. Taong 2014, ang misyon ng Bowls of Hope ang siyang naging susi upang maging ganap na mandatong organisasyon ang Team San Pedro Calungsod, na napasailalim sa Commission on Social Services and Development ng Katedral ng San Roque; buhat noon, lumaki pa ang pagmimisyong ginagawa ng organisasyon. Naabot na nito ang tuktok ng Luzon, pati na rin ang probinsya ng Cebu, at mga kabundukang tinitirhan

ng mga kapatid nating katutubo. Sa mga nagdaang taon, ang Bowls of Hope Mission at Team SPC ang nagsilbing tanglaw upang ang mga kabataang kanilang natulungan ay makapaglingkod din sa simbahan. Isa na dito si Sis. Princess Joy Eusebio — “Iba talaga Team San Pedro Calungsod, pang-malakasan. Parang fate tuloy, kung sa perspective ninyo po, what are the odds na itong mga batang na-encounter niyo once magiging servant din in the future.” Sa loob ng 11 taon, naipamalas ng oragnisayon ang kanilang adhikaing tumugon sa bawat kabataang nangangailangan. Ang pananampalataya na kanilang naging gabay sa paglilingkod; pag-asa na nagsilbing liwanag ng mga kabataan; at ang pagmamahal na kanilang taglay kung bakit sila umabot ng may higit isang dekada. Ito ang Misyon ng Team San Pedro Calungsod, patuloy na tumatahak sa landas ng kabanalan.

5

LATHALAIN


6

AD GENTES • Oktubre 15, 2023

LATHALAIN

Editor: Czarina Osuyos

MR. and MS. BEC 2023:

Koronang may responsibilidad Isinulat ni: Princess Joy Eusebio

Kasabay ng matagumpay na pagtatapos ng koronasyon ng Mr. & Ms. BEC 2023 ay ang pagsisimula din ng pagkilala sa mga itinanghal na panalo. Sa edad na 15 taong gulang, si Stephen James Ferriol ang kinoronahan bilang Mr. BEC 2023. Siya ang pinangalanang pambato ng Kapilya ng P. Zamora, at siya rin ay kasalukuyang naglilingkod bilang altar server sa Katedral ng San Roque. Siya’y isang simpleng estudyante lamang, na kung hindi naglalaro ng online games ay tumutulong naman sa mga gawaing bahay. Nang tanungin si Ferriol sa kanyang nararamdaman nang nalaman niyang siya ang magiging pambato sa patimpalak, kanyang naikwento: ”Kinabahan po talaga ako ng sobra. Una po kasi, natutulog lang talaga ako noong

araw na ‘yon, tapos tinawagan ako [ni ninang Yolly] at pinapunta sa San Roque, magpo-photoshoot lang daw. Iyon pala ay orientation na ng mga candidates para sa pageant.” Kung labis na kaba at pagkabigla ang naramdaman ni Ferriol, kabaligtaran naman ang naramdaman ng kanyang katambal na nanalo. Si Jherlyn Fuentes, 15 taong gulang, ang itinanghal na Ms. BEC 2023. Siya ay isang youth leader na pambato ng ABES Community Chapel. Mahilig siya maglaro ng online games at manood ng K-Drama. ”Sa totoo lang noong sinabihan po ako na ako na nga ang lalaban sa Mr. & Ms. BEC, hindi na po talaga ako kinabahan kasi mayroon din po akong on-going preparations para sa pageant ko naman po sa school,” ani Jherlyn.

Sa araw ng koronasyon, ika-2 ng Setyembre 2023, mas napaaga ang call time ng mga kasali dahil sa pabago-bagong panahon. Dahil dito, nakaramdam ng kaba si Fuentes. “Nalaman ko po na mas maaga na po [yung call time] at magkukulang na sa po ako sa oras kung uuwi pa ako para magpa-ayos. Kaya na-cancel po iyong mag-aayos dapat sa akin. Buti na lang po nagawan pa rin po ng paraan para maayusan ako.” ”Ako po, first time ko po kasi talaga sumali sa ganito kaya talagang kinakabahan po ako pero, at the same time, masaya din po ako kasi maganda po ang naging bonding naming mga contestants backstage. Natutuwa din po ako na nakikitang masaya yung mga audience tuwing rarampa kami,” ani Ferriol.

Bakit may Araw (sa) Fiesta? Isinulat ni: MI Batar

Agosto 16, 2023 ang unang taon pagkatapos ng nakapanlulumong pandemya, kung saan muling ipinagdiwang ng aming katedral ang kapistahan ng Mahal na Patrong San Roque de Kalookan. Ito din ang natatanging araw sa buong linggo na hindi umulan sa lungsod. Mag-iisang taon na mula nang tinanggal ang mga COVID-19 protocols sa bansa kaya’t

malayang umikot muli ang mapaghimalang imahen ni San Roque sa “Dalaw Patron”. Ang mga miyembro ng programang “Serbisyo para sa Mamamayan” ng Caloocan City Government ay dinala sa patio ng katedral; libo-libo na rin ang napakain ng Community Feeding Program sa labing-siyam na barangay. Bagamat wala

nang face mask na nagkukubli sa nakangiting batian ng “Happy Fiesta!”, pagkatapos ng lagim na dulot ng nagdaang pandemya, makabuluhan pa ba ang pagdiriwang ng magarbong kapistahan? Ano ba ang mensaheng na nais nitong iparating sa atin? Noong aking pagkabata, alam ko nang simula na ng pista kapag may mga banda nang

Kalahati ng criteria for judging ay kinuha sa Q&A portion at parehong tingin nina James at Jherlyn na ito ang naging dahilan upang makita ng mga hurado ang kakakayahan nila na wala sa iba. Ayon kay Ferriol, tila pinagkatuwaan ng ibang kasali ang pagsagot sa tanong, ”Sineryoso ko talaga para makita ng judges yung sincerity ko sa mga sinagot ko.” Kabaligtaran naman si Fuentes na pinaghandaan ang bawat parte ng patimpalak, ”Nag-practice at pinag-isipan ko na po yung mga posibleng itatanong sa akin. Tinanggal ko po talaga yung hiya ko at sumagot ng confidently.” Nang tanungin kung ano ang naging sikretong dalawa sa kanilang pagkapanalo, ang naging sagot ni Ferriol ay ang pagsimba bago ang

araw ng koronasyon. Dagdag pa niya, ”Humingi po ako ng gabay sa Panginoon para huwag akong kabahan at manginig sa pageant.” Si Fuentes naman ay hindi nag-iisa sa kanyang pagdasal, dahil kasama niya ang mga taga-ABES bago nagsimula ang patimpalak. Ang Mr. & Ms. BEC 2023 ay isang fundraising pageant, kung kaya’t ang mga nanalo ay walang natanggap na anumang papremyo bukod sa sash, korona, at titulo. Higit pa rito ay ang responsibilidad na sila’y maging mabuting ehemplo sa mga kabataan ng BEC. Sa kasalukuyan, nasa proseso na ng pagpaplano ang dalawa sa pagbuo ng programa na magpapakilala ng BEC sa mga kabataan.

tumatapat sa mga bahay na halatang may handaan. Wala kasing pasok kapag pista, kaya dapat magsimba ang buong pamilya; sa gabi naman ay may nagdaraos ng prusisyon para sa pintakasi ng bayan. Ano nga ba ang dahilan at bakit natin kailangan ipagdiwang ang pista? Pagsasama-sama. Dati’y kanya-kanya at takot magkahawaan ang mga tao. Nagtatago sa sari-sariling silid-tulugan, na naging silid-aralan at silid-li-

bangan din. Ngunit sa araw na ito, naglabasan ang mga higante’t maliliit, gayak at payak, at mananampalataya’t nag-aalinlangan, sabay sa musiko ang indayog sa karakol. Ang huling panalangin ay nasundan ng ugong ng palakpakan; doon ko naramdamang hindi na ako mag-isang nagdarasal habang nanonood ng live-streamed na misa. Bakit may Araw (sa) Fiesta | Page 7


AD GENTES • Oktubre 15, 2023

7

LATHALAIN FIESTA: Ganda at Halaga Isinulat ni: KN Marcelo

© Franz Salazar

Bakit may Araw (sa) Fiesta

Pag-asa. Ang takot sa kamatayan ay napalitan ng makatotohanang pananaw. Marami na ang nagpabakuna. May trabaho na muli ang mga namamasukan sa tiangge, parlor at bookstore. Nakapag-pasko na muli sa Pilipinas ang mga OFW. Face-to-face na ang mga paaralan at bumper-to-bumper na

Ilang linggo pa lamang ang nakararaan nang ipagdiwang natin ang kapistahan ng ating pinipintakasing patron na si San Roque at ang Birhen ng Nieva. Matapos ang halos tatlong taon ng pandemya, sa wakas ay muli tayong nagsama-sama upang gunitain ang mga banal na araw na ito sa pamamagitan ng misa at pagpuprusisyon. Tunay na masaya ang pagdiriwang ng mga tradisyunal na fiesta sa Pilipinas. Sa mga plaza, karaniwan tayong makakikita ng mga nagtitinda ng kakanin at samu’t saring pagkain. Hindi rin mawawala ang makukulay na banderitas at prusisyon ng mga banal na imahen sa bawat lansangan, habang ang mosiko ay tumutugtog ng mga awiting parangal sa mga santong patron. Dagdag pa rito ang masasarap na handa ng mga tahanan na tanda ng pasasalamat

sa mga biyayang natanggap ng kanilang pami-pamilya. Bilang isang deboto, ako ay madalas na dumarayo sa iba’t ibang lugar upang makiisa sa pagdiriwang ng kanilang mga kapistahan. Nitong nakaraang Setyembre lang, kasama ang aking mga kaibigan, ay nagtungo ako sa Pakil, Laguna, upang makisaya sa kanila. Sa maliit na bayang ito ay matatagpuan ang imahen ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba o ang Birheng Maria na nagdadalamhati. Siya ay tinagurian bilang Ina ng Lawa ng Laguna sapagkat ang naturang imahen ay nakitang palutang lutang sa lawang ito noon pang 1788. Bagamat ang titulo ay tumutukoy sa pitong hapis ng Mahal na Birheng Maria, tila kabaliktaran naman ang makikita mong emosyon ng mga taong nakikiisa sa prusisyon. Sa saliw ng tugtog ng mosiko,

ang lahat ay sumasayaw at masayang sumisigaw ng “Sa Birhen!” bilang pagpaparangal sa kanya. Makasaysayan din ang kapistahan ngayong taon sapagkat ang imahen ng Mahal na Birhen ng Turumba ay ginawaran ng Koronasyong Pontipikal. Ito ay pagkilala ng Santo Papa Francisco at ng buong simbahan sa natatanging debosyon ng mga taga Pakil sa nasabing titulo ni Maria. Ito ang kauna-unahang coronada sa kanilang diyosesis, at sa buong probinsya ng Laguna. Sa Diyosesis ng Kalookan ay mayroon ding isang imahen na nakatanggap ng parehong pagkilala. Ito ay ang Inmaculada Concepcion ng Malabon na nakoronahan noong ika-7 ng Disyembre, 1986. Kung minsan ay napapatanong ako kung may saysay pa ba ang mga ganitong pagdiriwang o baka naman mababaw na

ang mga sasakyan sa daan. Sa saliw ng “Dakila ka, San Roque” ay nagbahagi ang mga bagong peregrino ng katedral ng aral ukol sa malasakit bilang pagtugon sa tawag ng misyon. Nagsanib ang simbahan at ang pamahalaan sa pagtulong sa mga mamamayan ng Caloocan; tila ba nawala ang “separation of Church and State” para sa serbisyo sa bayan.

Biyaya. May mga hiling na ipinagpasalamat na, ngunit may mga hiling rin na iniiyak pa. Tanong nga ng pari sa isang homiliyang napanood ko, “Hindi mo ba nakikita? Ang tunay na kailangan mo’y ibinigay na.” Mahigit limang libong pamilya sa Kalookan ay nakatira pa rin sa mga danger zones, karamiha’y daluyan ng tubig at baha. Tumaas ang bilang ng

mga naabandonang senior citizen at bumaba naman ang bilang ng mga naaampon sa mga naulila. Hindi ako kabilang duon. Ang biyaya ng pusong-mapagpasalamat ang aking hiling sa susunod na nobena. Sa gitna ng galak, may malalim na pakahulugan ang mga nakaraang pista ni San Roque. Dahil sa tirik na araw nang ika16 ng Agosto, naipa-

kaligayahan na lamang ang hatid nito sa mga mananampalataya at deboto. Ngunit sa aking pakikiisa sa mga fiesta, muli’t muli ay napaaalalahanan ako sa ganda at halaga nito. Hindi lang tayo nakikiisa sa pagdiriwang ng mga kapistahan para lamang makikain o makaramdam ng kasiyahan. Bagkus, sa pamamagitan nito ay napananatili nating buhay ang alaala ng ating mga santong patron. Sila ay huwaran natin sa pananampalataya. Tinatawag tayo upang tularan ang kanilang mga kilos at gawa. Wala nang mas magandang pabaon ang mga pagdiriwang na ito kundi ang maging kaugali natin ang ating mga pinipintakasing patron; upang balang araw, katulad nila, ay marating din natin ang langit at matamo ang buhay na walang hanggan. Hanggang sa susunod na fiesta!

hiwatig na ng Diyos na ang dilim na dulot ng anumang salot ay maaaring mawaksi ng Kanyang pag-ibig. Bakit nga ba may araw sa fiesta? Marahil dahil ngayon nga manunumbalik ang pagpapahalaga sa pagsasama-sama, pag-asa, at biyaya dahil sa patron. Totoo nga, sumikat nga muli ang araw ngayong pista.


8

AD GENTES • Oktubre 15, 2023

PANITIKAN

Editor: Samantha Bautista

Sakit sa Katawan at Kaluluwa Isinulat ni: Samantha Bautista

Sa isang barangay sa Kalookan ay makikilala si Liza, isang anim na pu’t anim na taong gulang na ginang na isang tapat na deboto ni San Roque mula sa kanyang pagkadalaga. Ayon sa kanya, mula noong maliliit pa lamang ang kanyang mga anak at sa tuwing sila’y magkakasakit ay kay San Roque na niya dinaraan ang kanyang mga panalangin para sa paggaling ng mga ito. Hindi maka-Diyos o relihiyosang tao noon si Liza, siya’y naging sakit noon sa ulo ng kanyang mga magulang. Mahilig siyang sumama sa barkada, tumakas sa mga klase, at gumawa ng kalokohan. Hindi niya kailanman inisip na magsimba o manalangin man lang. Ginugol ni Liza ang kanyang kabataan sa pagpapakasaya at nalimutan niyang magpasalamat sa lahat ng biyayang kanyang natatanggap. Ngunit tulad ng lahat ng bagay, may hangganan lang din ang mga bagay na natamo ng dalaga. Magmula nang magkasakit ang kanyang ama at natigil ito sa trabaho, naging abala ang ina ni Liza sa pag-aalaga rito. Nadagdagan pa ang suliranin ng pamilya nang kinailangan nang magpabalik-balik sa ospital ng ama ni Liza na naging sanhi ng unti-unting pagkaubos ng kanil-

ang mga naipong salapi. Hindi na nakatanggap ng oras, atensyon, at sustento si Liza mula sa kanyang mga magulang dahil sa kanilang sitwasyon. Ang matinding balakid na iyon sa buhay ang tanging bagay na nakapag-udyok sa isang taong tulad ni Liza na manalangin. Hindi niya alam kung paano ang tamang paraan ng pagdarasal kaya naman nagpaturo siya sa isang matandang ale sa simbahan. Hindi lamang pagdarasal ang natutunan si Liza sa mga panahong iyon, natutunan niya ring magpasalamat, papurihan ang Panginoon, humiling, at humingi ng kapatawaran ng kasalanan. Nang malaman ng matandang ale ang dahilan sa likod ng taus-puso’t desperadong pananalangin ni Liza, ipinakilala niya si San Roque, ang patron ng mga may sakit. Dala ng lubos na pagmamahal sa kanyang ama, natutong manalangin si Liza at nagalay ng mga debosyon kay San Roque. Hindi rin nagtagal ay unti-unti ring bumuti ang kalagayan ng kanyang ama, ngunit lingid sa kaalaman ni Liza, pati ang kanyang puso’t pagkatao’y unti-unti nang gumagaling. Nang tuluyan nang bumalik sa mabuting kalusugan ang kanyang ama, halos di na nito makilala

ang anak dahil sa laki ng mga pinagbago ni Liza sa pag-uugali at pag-iisip sa loob ng ilang napakasakit at lungkot ng mga buwan. Magmula noon ay naging tapat na deboto na si Liza ni San Roque. Sakit man sa katawan o sa kaluluwa, batid ni Liza na tanging ang Panginoon lamang ang makapagpagagaling nito at alam din niya na palagi siyang mauunawaan ng pintakasi niyang si San Roque. Isa nang ina at lola si aling Liza ngayon. Palagi niyang sinasama sa pagsisimba ang kanyang mga anak at apo at palagi rin naman niyang ipinananalangin ang mga ito. Hindi niya kailanman pinagtakpan o sinubukang burahin ang kanyang nakaraan, sa katunayan, ginawa niya pa itong inspirasyon upang maging mas mabuting alagad ng Panginoon. Para sa kanya, malaki ang naging parte ni San Roque sa kanyang buhay mula sa kabataan hanggang sa pagtanda niya kaya naman pinili niyang mamuhay bilang isang tapat na deboto ng patron. Anuman ang maaaring maging dahilan sa debosyon ng mga tao kay San Roque, iisa lang ang pagkakatulad nila – humihiling sila ng kaginhawaan para sa kanilang pisikal at espiritwal na kalusugan.

Kahanga-hangang Babae Isinulat ni: Samantha Bautista

“Bilang assignment, gumawa kayo ng maikling sanaysay patungkol sa isa sa mga kahanga-hangang kababaihan sa kasaysayan,” ani propesor ni Marie. Lumabas siya ng silid-aralan, nag-iisip kung sinong gagamitin niya sa kanyang paksa. Buong araw niya itong pinag-isipan hanggang sa magkita na sila ng kanyang nobyo kinahapunan. “Parang ang lalim naman niyang iniisip mo?” sabi ni Joey sa nakatulalang si Marie. “Kanina ko pa kasi iniisip, sino bang subject ang gagamitin ko sa assignment ko,” sagot niya. Ipinaliwanag ni Marie ang kabuuan ng kanyang takdang-aralin. “Alam mo, hindi naman kailangang nakibaka o naglingkod sa bayan ang subject mo eh. Pwede rin naman itong idol ko, si Maria!” ani Joey. Laking pagtataka ni Marie, dahil hindi naman niya nakitang relihiyoso itong nobyo niya, at hindi niya rin naman maunawaan kung paano naging kahanga-hanga ang isang simpleng maybahay at ina. Ipinakilala ni Joey si Maria bilang isang dalagang namuhay sa lumang panahon. Siya’y ligaya sa kanyang mga magulang at isang ehemplo sa mga kababaihan. Hindi siya nagmula sa mayamang pamilya, ngunit katumbas naman ng ginto ang kanyang puso. Kung mayroon mang lubos na pinagpalang babae rito sa lupa, si Maria na iyon. Siya ang nakatayo sa rurok ng kababaihan, taglay ang mga birtud na dapat isabuhay ng bawat Kristiyano. Nabanggit pa ni Joey na itinakdang ikasal si Maria noon kay Jose, isang simple ngunit mabuting ginoo. Si Jose, tulad ni Maria, ay isa ring tapat na lingkod ng Panginoon; namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Bagamat Kahanga-hangang Babae | Page 9


AD GENTES • Oktubre 15, 2023

9

PANITIKAN Sinagot Niya ang dasal ko sa Nobenaryo Isinulat ni: Malou Recente

Tuwing ika-16 ng Agosto, ipinagdiriwang ng aming Katedral ang kapistahan ni San Roque dito sa Diyosesis ng Kalookan. Mahal at lubos na ginagalang ng sambayanan ang mahal na patron. Maraming milagro ng paggaling ang nakamit sa pamamagitan ng pamimintuho sa kanya. Sa unang araw ng nobenaryo noong ika-7 ng Agosto ay siya ring pang-28 araw ng pagkaka-ospital ni Erlie, ang kaklase ko noong high school sa La Consolacion College ng Caloocan. Kilala siya bilang mahilig magpatawa at maraming kalokohan. Minsan, inutusan siya na magwalis sa quadrangle. Marahil ay pagod na siya noong araw na iyon, pinatunog niya ang bell na naghu-hudyat ng

uwian na ng mga klase. Naglabasan na ang mga bata para umuwi. Pero alastres palang ng hapon at maaga pa! Nagalit ang madre superyora ngunit hindi niya nahuli kung sino ang gumawa kasi nagtago na ang maloko kong kaklase sa ilalim ng hagdan. Walang nag-akala sa amin na sa dami ng kalokohan ni Erlie noong high school ay magiging pastora siya sa isang Pentecostal Church sa Baguio. Madasalin kasi siya at may malalim na pananampalataya. At kahit pastora na siya, ugali niya pa rin bumisita sa Pink Sisters Chapel upang magdasal sa Mahal na Ina kung siya ay may mabigat na dinadamdam. Nang pangatlong atake na ni Erlie ito ng brain aneurysm o pamamaga ng da-

luyan ng dugo patungo sa utak. Matapos ang halos isang buwan sa ICU na dahil na-comatose, may mga pahiwatig na lumalaban ulit ang aking kaklase. Gumaganda ang vital signs niya, naging klaro ang baga, at inalis na ang ventilator na tumutulong sa kanyang pag-hinga. Ngunit sabi ng doktor sa pamilya, huwag umasa dahil gamot at makina na lamang ang bumubuhay kay Erlie. Nararapat na kayang humiling ng milagro para sa kanya? Sa unang araw ng nobenaryo, maaga akong nagpunta sa simbahan upang magdasal bago mag-umpisa ang misa. Ang kagalingan ni Erlie, ayon sa nais Niya, ay isa sa mga intensyon na idinulog ko sa umpisa ng pa-siyam na misa.

“Diyos ko, sa pamamagitan ng patnubay ni San Roque at Birhen ng Niyeba, idinadalangin ko po ang kalagayan ni Erlie. Biyayaan Niyo po siya ng kagalingan sa kanyang sakit at kaginhawahan ng katawan.” Malakas ang pananampalataya ko at nqniniwala ako na sasamahan ako ni San Roque at ng Mahal na Birhen sa aking dasal. Pararatingin nila sa Panginoon ang aking dulog kasi ganoon talaga sila sa bawat lumalapit sa kanila. Maraming magpapatotoo nito lalo na sa mga taga-parokya. Sabi nga ng awit kay San Roque, lahat ng may sakit ng katawan at kaluluwa ay inaanyayahan na lumapit sa Kanya. At sa gitna ng dusa, siya at pati na din ang Mahal na Birhen,

ang siyang ating mahal na pintakasi. Makalipas ang ilang araw na pagno-nobena at misa, napagtanto ko na isang milagro pala ang ang ipinagkaloob Niya. Salamat sa Diyos! Sapagkat binigyan Niya ng lubos na kagalingan at kaginhawahan si Erlie mula sa lahat ng sakit ng kanyang katawan. Natapos na ang paghihirap ng butihing pastora. Bumalik na siya sa Maykapal sa araw ng kapistahan ng pagakyat sa langit ng Birhen, sa ikawalong araw ng siyam na araw na nobena para kay San Roque, habang nagbubukang liwayway, na hudyat ng isang bagong buhay. Sinagot Niya ang aking panalangin.

ria. Biruin mo na sa murang edad niya ay inatasan siya ng Diyos ng isang malaking gampanin, at buong puso niya itong tinanggap — walang takot, pag-iimbot, o pagdadalawang-isip. Pinalaki niya si Hesus sa isang payak ngunit makabuluhang pamumuhay,” sagot ni Joey. “At kahanga-hanga rin ang tapang niya Marie, dahil sinamahan niya si Hesus sa kanyang misyon. Mula sa pamamal-

akaya ni Hesus ng mga tao, hanggang si paghihirap niya sa Kalbaryo, naroon si Maria. Naramdaman niya ang tuwa at hapis ng isang ina. Sino ba namang hindi hahanga sa babaeng ito, na sa dami ng kanyang pinagdaanan ay nanatiling tapat at nananalig sa plano ng Diyos?” Napagtanto ni Marie na hindi lahat ng tagumpay ay nagmumula sa mga parangal na nakakamit ng isang tao. Kahit

ang isang simpleng Kristiyano, maybahay, at ina, ay maaari ring hangaan, tularan, ay maging depinisyon ng tagumpay. Naunawaan na ni Marie kung bakit tapat na deboto ni Maria ang kanyang nobyo, dahil sa walang takot niyang pagganap sa isang dakilang tungkulin. “Bilang nakatanggap ng pinakamataas na marka — Marie, ibahagi mo nga ang iyong sanaysay sa klase.” Napat-

alon si Marie sa gulat, at masaya siyang tumayo sa harapan upang basahin ang kanyang sanaysay. Bago pa man siya makalimot sa sobrang saya, mahigpit niyang yinakap ang kanyang nobyong si Joey at pinasalamatan niya ito matapos ang kanyang klase. Inihalintulad niya si Joey kay Jose na palaging nakasuporta sa tabi ng isang kahanga-hangang babae.

Kahanga-hangang Babae

dalaga pa si Maria at kailanma’y ‘di hinawakan ni Jose, nagdalang-tao pa rin siya lalang ng Espiritu Santo. Tinanggap ni Maria at Jose ang iniatas na tungkulin sa ng Diyos sa kanila, kahit may pangambang hindi nila nito magmpanan ayon sa plano Niya. “Pero Joey, hindi ko pa rin lubos maunawaan bakit siya iniidolo ng nakararami,” ani Marie. “Hindi kasi biro ang pinagdaanan ni Ma-


10 AD GENTES • Oktubre 15, 2023

SI JOSE MARI CHAN

ba ang star ng ‘ber months?

Pagpatak ng alas-dose sa unang araw ng Setyembre, kabi-kabilang naglipana sa social media ang mga memes tungkol kay Jose Mari Chan — ang tinaguriang Father of Philippine Christmas. Subalit, siya nga ba dapat ang ipinagdiriwang natin tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan? Siguro para sa akin, may ibang kahulugan si Jose Mari Chan, ang susmaryosep. Sa ating mga Pilipino tuwing nagugulat, minsa’y napabubulyaw tayo ng ‘susmaryosep.’ Sa kolokyal na wika, ang susmaryosep ay isang salitang binubuo ng tatlong pangalan: sina Hesus, Maria, at Jose (Josep sa latin). Aba! Tuwing nagugulat pala tayo, tinatawag pala natin ang Sagrada Familia.

Ngunit tuwing sumasapit ang Setyembre, nagbabago ang sinisigaw ko — nagiging Jose Mari Chan! Dahil ang ibig sabihin nito para sa akin ay sina Jose at ang TIYAN ni Maria. Bakit nga ba tiyan? Dahil dito nagsimula ang kasaysayan ng ating kaligtasan. Sa ating buhay, kadalasa’y nalilimutan natin ang mahahalagang mga bagay; mga bagay na minsa’y akala natin hindi natin deserve, pero hindi natin nalalalaman na ito pala’y bahagi ng plano ng Diyos. Sa panahong tayo ay naghihirap, sa panahon ng kawalan ng pag-asa at kahinahaan, isipin natin si Jose Mari Chan — sina Jose, Maria, at ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Sa mga naihahatid na tuwa ng pamaskong awitin ni JMC, nawa ay maging daan ito upang alalahanin ang biyaya ng Diyos sa atin. Sa pagninilay na ito, nais kong ipaalala sa ang dalawang bagay: Kultura at Pamilya. Bahagi ng kultura ng pamilyang pilipino ang Pasko; ito ang panahon ng pag-ibig at pagbibigayan.

Isinulat ni: Gabriel Louis Guaño

Ngayong ber months, sa kabila ng mga hamon ng buhay, nawa’y patuloy nating ipadama sa ating kapwa ang diwa ng kapaskuhan — pakainin ang mga nagugutom, painumin ang mga nauuhaw, damitan ang mga hubad, tulad ng turo ni Hesus sa atin. Pangalawa, ang pamilya — isabuhay natin ang kultura ng extended family, hindi lamang sa ating mga kadugo kundi pati na rin sa normal na taong nakakasalamuha natin sa arawaraw. Sila ri’y kapatid natin kay Kristo, at wala nang mas hihigit pa rito kundi ang pagmamalasakit sa iba. Kapag nagawa na natin ito kahit hindi panahon ng ber months, inihahanda na natin ang ating mga sarili sa pagdating ng nasa sinapupunan ni Maria. Ang lahat ng ito ay nag-uugat sa pag-ibig; anuman ang ating gawin, gawin natin ito nang may kalakip na pag-ibig. Lahat ng ito ay paalala sa atin ni JMC: nina Jose Mari Chan, (sa pamamagitan ng kanyang mga awitin) Jose, Maria, at ang sanggol na nasa kaniyang tiyan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.