gintong bagwis ang
MOGCHS JHS SSLG, nagpasaya sa Students Day
Nakaamba
AdvenTour:

Posas ng Kabataan
MOGCHS JHS SSLG, nagpasaya sa Students Day
Nakaamba
AdvenTour:
Posas ng Kabataan
Sinimulan ng School Parents Teacher
Association ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS-SPTA) ang School Uniform Policy sa paaralan para sa kaligtasan ng mga magaaral, nitong Ika-walo ng Enero, 2024.
Nilagdaan at Inaprubahan ito ng SPTA Officers at Punong guro, Abdon R. Bacayana noong Ika-apat ng Disyembre, 2023 kasunod sa DepEd order No.13 series 2022.
“The adoption of school uniform policy has been proven to enhance school safety by easily identifying students, preventing, unauthorized individuals from entering the premises and fostering a sense of unity among the learners,” isinaad sa Resolution No.008 series 2023, na ipinatupad ng MOGCHS-SPTA.
NA IWASAN ANG DISKRIMINASYON
Kamakailan lang dahil sa pagpapairal ng School Uniform Policy mas naiiwasan na ng mga estudyante ang Diskriminasyon ukol sa kasoutan at socioeconomic disparities o mas tinatawag na pagkukumpara ng mga kasoutan.
Naitalang nasa 41 sa 50 na estudyante ang umamin na sila ay nakakaranas ng diskriminasyon sa kanilang kasoutan.
“Yes, I have experienced discrimination. Sometimes I wear outfits that express myself, but people often point it out and tell me I’m overdressing and pretending. It affects me because there have been times when I lost confidence in expressing who I truly am,” panayam ni Arianna Awitin, isang mag-aaral sa MOGCHS.
“It does help lessen discrimination, especially in this period of socioeconomic disparities. Some might disagree, but sometimes, what you wear can lead to different assumptions about you as a person. These types of policies alone may not entirely solve safety concerns, but they can really contribute to the security and safety of the school,” saad ni Awitin.
Sa kabilang banda, may mga mag-aaral parin ang nakakapasok sa paaralan kahit na hindi sumusunod sa batas.
BALITA P2
Mag-aaral, drayber tutol sa jeepney modernization - sarbey
46 50 out of mga estudyante ang nagmungkahi na nakakatulong ang pagpapatupad ng School Uniform Policy
Panagsal-aw: MOGCHS Drum and Lyre, wagi sa kompetisyon
Kaugnay nito, kahit hindi ipinapairal ng Department of Education(DepEd) ang School Uniform Policy, nakadepende parin ito sa paaralan kung magpapatupad ng batas para sa kaligtasan ng mga estudyante.
“I would like the respected security department to not only check the uniform but also verify the student’s face by their ID. I have seen people wearing someone’s ID that clearly does not belong to them, possibly outsiders wearing the MOGCHS uniform with someone else’s ID,” banggit ni Awitin.
Dagdag pa niya ang pagpapatupad ng batas na ito ay malinaw na nakakatulong dahil nakita rin niya kung gaano kalinis ang mga estudyante ay nakasuot ng kanilang uniporme.
Masayang kompetisyon ang inihayag ng ilang mga band members ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa ginanap na Panagsal-aw festival ng Baranggay Kauswagan, Bongbongon Elementary School.
Pinaunlakan ito ng MOGCHS Drum and Lyre Corps (MDLC) nitong Mayo 14, 2024 matapos nilang matanggap ang imbitasyon sa kompetisyon sa nasabing kaganapan
“Actually first time namo sa Panagsal-aw competition and we received an invitation from them, and goal namo is madevelop pa ang among skill” ayon kay Aquinna Rubio, ‘G’ logo carrier ng ‘MOGCHS’ sa MDLC.
Naitalang nasa 117 ang bilang ng mga sumaling magaaral sa panagsal-aw sa ilalim ng pangunguna ni Roldan Magsacay, band moderator ng MDLC na naghatid sa kasalukuyang tagumpay ng koponan.
Suportado dito si Cong. Rufus Rodriguez at si Mayor Klarex Uy ng Cagayan de Oro City sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa transportasyon.
Pinaunlakan naman ng Parents President na si Mrs. Cindee Rubio ang pagkalap ng mga pinansiyal na kontribusyon mula sa mga magulang ng MDLC.
Pinarangalan ang koponan bilang Best in Choreography, Best in Band Mother, Best in Costume, at kampeon sa Kauswagan Drum and Lyre Competition sa Panagsal-aw Festival 2024. Malihis na pagsasanay ang inihanda ng MDLC sa paglalayon na iuwi ang kampeonato at pagbibigay halaga sa dignidad ng paaralang MOGCHS.
NI ALEXA MAANDIG
Isinagawa ang Fire Prevention Month Symposium sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) na may temang “Sa Pag-iwas Sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa!” na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) personnel ng Cagayan De Oro City at dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ika-11 at ika-12 na baitang ng MOGCHS nitong ika-22 ng Marso, 2024. Ang programa ay pinangunahan ng MOGCHS School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM) coordinator na si Wenchito Teopiz, resource speakers naman ang ilan sa mga personnel ng BFP Cagayan de Oro na sina SFO3 Adonis Llenas, FO3 Godwin Tenestrante, FO2 Kirk Delos Arcos, at FO1 John Paul Amiscaray. Tinalakay din nila ang mga karaniwang dahilan ng sunog at ano ang mga dapat at hindi dapat gawin upang makaligtas sa mga ganitong sitwasyon. Nagsagawa rin ng practical application at demonstration sa hulihan ng programa ang BFP upang
sinabing April-Mayo break.
“Kung mas bilisan kasi natin yung pag shift macocompromise kasi yung school days ng ating mga learners at mahihirapan din yung ating mga teachers na maituro yung lahat ng competencies so magiging gradual yung shift ng ating school calendar back to the April-May break,” ani Poa.
Kasabay nito, binigyang-priyoridad din ng nasabing DO ang mga guro sa loob ng transition period sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na walang kahit anong boluntaryong gawain ang ibibigay sa kanila mula Hunyo 1 hanggang 30, 2024, kung kaya’y ibinahagi ng ilang mga guro ang kanilang pagsang-ayon.
Dagdag pa rito, maagang ibinahagi ng mga guro ng MOGCHS sa kanilang mga mag-aaral na mahalagang makuha na nila ang kanilang mga report card at certificate of good moral sa araw pagkatapos ng kanilang moving up ceremony noong Mayo 30, dahil pagkatapos ng Mayo 31 ay opisyal na magsisimula na ang kanilang bakasyon.
“After the moving up, May 31 you will get your report cards and good morals, since after this day we won’t be attending duties sa school anymore and will only be back by July 1,” ani Merly V. Pandan, Phd. MOGCHS Math Teacher
maranasan at mabigyang kaalaman ang mga guro at estudyante sa tamang paggamit sa mga fire protection devices katulad ng fire extinguisher.
Ayon sa isang mag-aaral na dumalo sa nasabing symposium na si Cj Apao “Grabe gyud kaayo ka important sa mga students ilang natun-an sa gihigayon nga fire prevention event, after pag-isturya, nagpahigayon dayon ug demonstration kung unsaon paggamit sa fire extinguisher.”
“Nalingaw ang uban mga estudyante tungod sa pagdemo, syempre kauban ang mga fireman nagtabang kung unsaon gyud
paggamit sa kagamitan. Dako kaayo nga pasalamat sa mga nag-hold sa event and to our teachers.” dagdag pa niya. Layunin ng programang ito na bigyang gabay at karagdagang kaalaman ang mga estudyante tungkol sa pag-iwas sa sunog. Alinsunod na rin sa Presidential Proclamation No. 115-A na nagsasaad na ang buwan ng Marso ay idineklara bilang Fire Prevention Month dahil sa nakakabahalang pagtaas ng insidente ng sunog na nangyayari sa bansa tuwing buwan na ito.
Umalma ang mahigit 100 mag-aaral sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa umiinit na isyu ng pagpapatupad ng pamahalaan sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ayon sa sarbey nitong January 29, 2024.
Ayon kay Christian Salic, mag-aaral sa ikapitong baitang, hindi siya sang-ayon sa modernisasyon dahil ito ay ang tangi niyang sinasakyan upang makauwi sa bahay mula sa paaralan.
“Lisod kaayo kung mahitabo ning modernization kay jeep baya jud akong ginasakyan kung muoli. Mas barato pa jud labaw na igo ra ang ginahatag sa akoa nga balon, kapoy mag-two rides. Unta dili nila idayon oy,” aniya
PAGMAMAHAL SA NAKASANAYAN
Tutol ang isa sa mag-aaral ng MOGCHS kung saan ang kabuhayan ng kanilang pamilya ay nasa pagmamaneho ng dyip.
Naaapektuhan ang mga estudyanteng papasok sa Senior High School (SHS) ngayong pasukan sa iniatas ng Philippine Commission on Higher Education (CHED) na ang lahat ng state universities and colleges (SUCs) gayundin ang local universities and colleges (LUCs) na ihinto na ang paghahatid ng senior high school program simula SY 2024-2025. Nilinaw naman ng CHED na hindi inalis ang K to 12 program sa kabila ng pagtanggal ng senior high school sa mga public universities at colleges. Ani CHED chairman Prospero De Vera III ay pinapaalalahanan lamang ng CHED ang mga SUCs at LUCs na ihinto ang
Ayon kay Kent Velarde, dismayado ito sa isasagawang jeepney modernization dahil nakasanayan na niya ito at nag-aalala sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang ama.
“Jeepney transportation is my father’s work since I was young. It has been a part of our lives and it is the source of our daily basis and income. I am worried for my father and for us. My father would be unemployed,” saad ng nakababatang Velarde.
“I am against the modernization because of how it’ll displace thousands of workers, adding more workers to an already declining economy. Plus, just discarding the old jeepneys will then create more clutter,” pahayag ni Johann Cahayag, isa sa mga sumagot sa sarbey.
HALIGI NG TAHANAN, SAAN HAHALIGI?
Kamakailan lamang ay kumasa ng tatlong araw na malawakang tigil-pasada ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) upang
programa dahil wala na silang legal na basehan para ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga estudyante ng SHS dahil natapos na ang K-12 transition period.
Ayon naman sa isa sa mga estudyanteng papasok sa senior high school ngayong paparating na pasukan na si Faith Cago “Ga-struggle nako karon as to where ko mueskwela nga dili kaayo dako ang gasto. It also discouraged me because there are schools and courses that I wanted to try but now I can’t because nawala ang program. Gasto na siya and I have no choice but to choose a practical option.”
ibasura ang Disyembre 31 na deadline ng PUVMP.
“Wala po tayong problema sa modernization, pero dapat suportahan ng gubyerno ang mga driver,” sabi ng PISTON national president Mody Floranda.
Samantala, nitong January 24 ay kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagpapataw ng extension hanggang Abril 30, 2024 bilang deadline ng PUV consolidation, ito ay pagkatapos ng rekomendasyon ni Transport Secretary Jaime Bautista na bigyan pa ng tatlong buwang palugit ang consolidation.
Ani Jomel Velarde, isang tsuper at ama ni Kent Velarde, hindi pa rin niya mapigilan kundi mangamba sa posibleng pagkawala ng kaniyang 15-anyos na dyip kung saan napagtapos niya ang kaniyang panganay sa kolehiyo sa kursong criminology.
“Kini usa ka dakong pagbag-o dili lang alang kanato apan sa ubang mga drayber sa jeep. Kailangan ta mangita’g laing paagi kay gutumon man ta ani nga kahimtang,” pahayag ng amang Velarde.
Programa upang sulosyonan ang ‘Learning Poverty’, ibinida MOGCHS aktibong nakilahok sa programa
NI MIKHAELA CARONIA
Pinagbibigyang pansin ng Department of Education(DepEd) ang patuloy napagtaas ng bilang ng mga batang hindi marunong magbasa at mababa ang kaalaman sa pagkatutu o tinatawag na ‘Learning Poverty’.
Ayon sa World Bank, kasalukuyang naitalang nasa 91 porsyento sa mga batang Pilipino na may edad na sampung taon ay hindi pa marunong magbasa.
Dahil dito, nagsagawa ang DepEd ng mga programang tiyak na makakatulong sa mga mag-aaral na mapababa ang ‘Learning Poverty’ ng bansa, katulad na lamang nitong mga programang nilahokan ng Misamis Oriental General Comprehensive High School(MOGCHS) ang National Learning Camp at ang Catch Up Fridays.
NLC, LET US SEE
Isinagawa ng MOGCHS ang kaunaunahang National Learning Camp(NLC) na sinalihan ng 173 mag-aaral nitong Hulyo 24 hanggang Agosto 25, 2023.
Ayon kay Helen Salmasan, NLC coordinator ng MOGCHS, nahahati sa tatlong learning camps ang ikapito at ikawalong baitang, ito ay ang Enhancement Camp, Consolidation Camp at Intervention Camp, na may kabuuang anim na kampo at nakapangalan ayon sa pagpapahalaga na dapat isabuhay ng mga kabataan.
Magtatagal ng Limang linggo ang Consolidation Camp at Intervention Camp samantalang tatlong linggo naman ang Enhancement Camp.
“Dahil ang programa ay boluntaryo, ang mga gurong nakilahok sa programa ay walang school break ngunit sila ay may kagustuhan at handang makibahahi sa camp. May badyet na ibinigay ang DepEd at isa na rito ay ang aming meal allowance na ₱250 a day.” pahayag ni Salmasan.
Dagdag pa niya, masaya siya dahil ang mga kagamitan sa NLC ay naihanda na ng DepEd at ang mga guro ay magpapakita lamang ng kung ano ang materyales at aralin na nakabatay sa mga kakayahan mula sa inilahad ng DepEd na kurikulum.
Goal namo is to have a stress free day sa mga students and also to have a day where ma-express sa students ilang selves as well as ma-show pud nila ilang passion.
HAWARION MACA-AYAN JHS SSLG Grade 9 Representative
Matagumpay na idinaos ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) ang kanilang Students Day celebration nitong ika-8 ng Mayo, 2024 kasama ang temang “Recharge, Reconnect, and Empower”.
Ang kaganapang ito ay pinangunahan ng MOGCHS Supreme Secondary Learner Government (SSLG) kasama ang kanilang SSLG adviser na si Eunie Dela Peña.
Sa nangyaring kaganapan nagkaroon ng iba’t ibang mga aktibidad katulad ng live band, singing contest, K-Pop random dance, at iba pa. Nagtayo rin ng mga booths ang iba’t ibang mga organisasyon ng paaralan.
“Goal namo is to have a stress free day sa mga students and also to have a day where ma-express sa students ilang selves as well as ma-show pud nila ilang passion.”
Ani Hawarion Maca-ayan, SSLG Grade 9 Representative.
“We also prepared a month before, nag meeting mi and nag scheduling and assigning mi beforehand, nag-prepare pud mig mga approval para ma signan na ang program.”
Dagdag ni Maca-ayan ukol sa preparasyon ng nasabing kaganapan.
Malaking tulong naman ang naibigay ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng kaganapan na ito sa pamamagitan ng kanilang donasyon ng mga barya at sa pagsuporta sa mga aktibidad na inilunsad.
Ipinakita rin ng ilang mga guro ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng kalayaan na magsaya sa kaganapang ito sa pagdeklara na walang klase sa araw ng kaganapan.
NI ARIANNA AWITIN, AKIERA RODRIGUEZ
Umani ng samu’t saring parangal ang mga estudyanteng-mamamahayag sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa nagdaang Division Schools Press Conference (DSPC) at Regional Schools Press Conference (RSPC) 2024. Ginanap ang DSPC nitong ika-13 ng Enero, 2024 sa Laguindingan National High School, nakamit ng MOGCHS ang tagumpay sa pinagsamang mga panalo ng Ang Gintong Bagwis at MisOr Torch.
PAMAMAYAGPAG NG MGA BAGWIS
Nakamit ng Ang Gintong Bagwis ang ikalawang puwesto sa pangkalahatang kategorya ng pahayagan.
Panalo rin sa unang puwesto ang mga indibidwal na kategorya na sina Regie Limbaga sa Balitang Isports at Esha Morales sa Agham at Teknolohiya, ikalimang puwesto naman si Allyna Ceballos sa Pagkuha ng Larawan.
Wagi naman sa pangkatang kategorya ang Kolaboratibong Paglalathala at Onlayn na Paglalathala na nasa unang puwesto, Pantelebisyong Pagbabalita sa ikalawa, at Panradyong Pagbabalita sa ikatlo.
...It was all hard work and having faith in your own ability. Have faith in yourself and in your timing
EMYR CANOY 2nd Place Editorial Writing English
Sa kabilang banda, sa nangyaring
RSPC nitong ikalawa ng Mayo sa Xavier University Sports Center, Cagayan de Oro ay matagumpay na naiuwi ng grupo ng Onlayn na Paglalathala ang ikalawang pwesto, at nasa ikalimang pwesto si Esha Morales sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya.
MISOR TORCH, NAGLILIYAB SA GALING
“I’m actually happy to be one of the
students to perform on stage pero at the same time hadlok, mixed emotions jud kaayo kay syempre daghan students nga mag watch sa akoa while naa ko sa stage pero I was be able to show my talents, although I felt nervous during the performance It felt nice man sad because it just means that I’m doing well sa pag show sa akong talent. “ Pahayag ni Lezlie Kate na isa mga sumabak sa entablado sa nangyaring Students Day.
Maraming mga mag-aaral ang natuwa at naaliw sa iba’t ibang klaseng aktibidad na inihandog ng kaganapan katulad na lamang ng jail booth, marriage booth, at photo booth na labis nilang ikinatutuwa sapagkat nagkaroon sila ng interaksyon kasama ang ibang mga mag-aaral. Layunin ng kaganapan ay bigyang saya at pahinga ang mga estudyante ng paaralan.
7 mag-aaral lumahok sa 2024 HKIMO Heat Round, nag-uwi ng karangalan
NI JANE AGURA
Umaalab sa determinasyon ang MisOr Torch matapos makuha ang Best in Layout and Page Design, unang puwesto sa Editorial Section, ikalawang puwesto sa News, Feature, Sports, at Science Section sa nangyaring DSPC 2024.
Samantala, sa indibidwal na kategorya naman ay nasa ikalawang puwesto sina Emyr Canoy sa Editorial Writing at Anica Cuenca sa Sports Writing at nasa ikalimang pwesto naman si Faith Cago sa Column Writing, hindi rin pahuhuli ang pangkat ng Online Publishing na nasa ikalawang puwesto at Collaborative Desktop Publishing na nasa ikatlong puwesto.
“Hard work and faith gyud. My training wasn’t easy, it was tiring and you need to have an open mind to accept criticisms. It was all hard work and having faith in your own ability. Have faith in yourself and in your timing,” pahayag ni Emyr Canoy sa kaniyang karanasan sa nasabing kompetisyon. Ayon sa mga tagapagsanay, inaasahang magpapatuloy pa ang mga estudyantengmamamahayag ng MOGCHS sa kanilang landas ng kahusayan at magdadala ng mas maraming karangalan sa kanilang pahayagan, ang kanilang mga tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga mamamahayag na patuloy na magsusumikap at magbuhos ng kanilang galing para sa ikauunlad ng kanilang paaralan.
Nakilahok ang pitong magaaral ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa 2024 Hong Kong International Mathematics Olympiad (HKIMO) Heat Round noong ika-26 ng Mayo at napanalunan ang dalawang Bronze Medals at tatlong Merit Awards, isa itong online-based competition, isinagawa sa pamamagitan ng pagsagot ngmga kalahok sa isang cheating detector programmed website. Cheerdance performances, inaabangan ng mga estudyante
NI ALEXA MAANDIG
Tinututukan ng mga magaaral ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) ang mga nakakamanghang mga performance ng mga ika-10 baitang na mga klase sa kanilang cheerdance competition bilang isa sa kanilang mga requirements para sa kanilang 3rd quarter performance task sa MAPEH.
MIKHAELA CARONIA
NI
Kwalipikado ang 27 ka mag-aaral ng Misamis Oriental General Comprehensive High School(MOGCHS) sa 20th National Science Quest na pinangunahan ng The Association of Science Educators in the Philippines(ASEP) at gaganapin sa Teachers Camp Baguio City and Skyrise Hotel sa Pebrero 23-25, 2024.
Nakiisa ang mahigit 130 estudyante at mga guro ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) kasama ang mga panauhin sa iba’t ibang dibisyon ng Department of Education (DepEd) na sakop ng Region X para sa International Holocaust Remembrance Day na ginanap sa Event Center ng paaralan nitong ika-21 ng Marso, 2024.
Sa ilalim ng temang “Recognizing the Extraordinary Courage of Victims and Survivors of the Holocaust”, ang kaganapan ay magsisilbing pagkilala sa mga taong lumaban para sa humanismo at mga biktima sa malawakang pagkitil ng buhay ng mahigit anim na milyong Hudyo.
“The Holocaust saw the systemic oppression and persecution of six million Jewish victims and millions of others. The atrocity committed by the Nazi regime and their collaborators is beyond comprehension. Still, we must remember, and we must not forget, the names and the faces of the victims, the families torn apart, and the communities destroyed,” ani Bise Presidente at Kalihim sa Edukasyon na si Sara Z. Duterte sa kaniyang mensahe.
Binigyang-diin ng bise ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tanggapan ng DepEd, habang muling pinagtibay ang kanilang pangako sa paghikayat sa mga guro at mag-aaral na maging tagapagtaguyod ng katarungang panlipunan at paggalang.
“We must ensure that these stories are not lost so we can learn from them and prevent other atrocities from happening again,” dagdag niya.
Ayon nga sa Ayon sa DepEd Memorandum
bagwisrspc
Dulot ng pagbabago ng school calendar
MIKHAELA CARONIA
NI
Muling naibalik ang pagsasagawa ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) ng 9th Junior High School Completion 2024 nitong Mayo 30, 2024 sa Misamis Oriental Integrated Sports Complex (MOISC) pagkatapos ng ilang taon ang nakalipas, dulot ito ng napa-agang pagtatapos ng School Year 2023-2024 ukol sa pagbabago ng school calendar.
No. 004, s. 2024 na nilagdaan ni Undersecretary Michael Poa, ang nagbabalik-tanaw ay magsisilbing plataporma upang mabigyan ang publiko, partikular na ang mga mag-aaral, ng pagkakataong magkaroon ng kamalayan sa kahalagahan ng pagkakaiba-iba sa isang pluralistikong lipunan.
“This commemoration will guide us towards greater compassion, understanding, and above all, respect for all humanity,” pahayag ni Dr. Abdon Bacayana, punongguro ng MOGCHS.
Naghatid din ng mensahe ang regional
Recognizing the dark side of humanity is crucial for unifying us and fostering a better future
director na si Dr. Arturo Bayocot, na nagpapakita ng kontribusyon ng mga Pilipino sa panahon ng holocaust sa ilalim ng Open Door Policy ni dating Pangulong Manuel Quezon, at upang hikayatin ang mga mag-aaral na isulong ang mga pagiging makatao.
“Ang trabaho namin ay upang mahubog kayong
mga mag-aaral, mapalakas ang iyong hinaharap. Try to bring these lessons from the history to your present life, whether the values of understanding, international cooperation and relationship, empathy, there’s a lot of values in it because by doing so then I think we are just able to give the real lesson that the holocaust is trying to teach us–and that is to better our current lives,” aniya.
Ang mga panauhin ay nagsagawa ng film screening ukol sa holocaust at open forum para sa mga mag-aaral upang higit pang maipahayag ang kani-kanilang katanungan at kaalaman.
Pahayag ng estudyanteng si Johann Cahayag, naniniwala siyang hindi lamang sa akademiko dapat matuto ang mga mag-aaral, kundi matuto rin sa mga isyu ng nakaraan.
“It is important to learn about events like genocide and other tragic occurrences because we can take lessons from them and avoid repeating them. By understanding these types of events, we can work towards creating a more peaceful and loving community. Recognizing the dark side of humanity is crucial for unifying us and fostering a better future,” ani Cahayag.
Ang mga nakilahok sa paggunita sa iba’t ibang dibisyon ay kasunod sa patakaran ng DepEd na “no disruption-of-classes” sa ilalim ng DepEd Order No. 9, s. 2005.
Matapos ang talakayan ay nagsagawa ang dibisyon ng eksibisyon ng mga larawan ukol sa holocaust, mga larawang kuha noong digmaan, kuwento ng mga nakaligtas, at salaysay ng mga kinilala bilang “Righteous Among the Nations.”
Patuloy pa rin ang tagumpay ng Misamis Oriental General Comprehensive High School sa naganap na Regional Schools Press Conference 2024 nitong ika-2 ng Mayo sa Xavier University Sports Center, Cagayan de Oro kung saan nakamit ng grupong Onlayn na Paglalathala ang puwesto na binubuo nina Trisha Laid, Nichole Sultan, Arianne Bantolio, Jane Agura, at Kent Velarde. Habang nasa ikalimang puwesto naman si Esha Morales sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya.
‘Suporta ng masa’ para sa inklusibong edukasyon
NI ARIANNA AWITIN
Itinampok ng Special Needs Education (SNED) ang mga pangangailangan at hakbang sa pagtataguyod ng inklusibo at kalidad na edukasyon ng mga mag-aaral sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) kasunod sa pagdiriwang ng National Children’s Month nitong Nobyembre.
Alinsunod ang programang ito sa DepEd Order no. 044 s. 2021 o ang “Policy Guidelines on the Provision of Educational Programs and Services for Learners with Disabilities in the K to 12 Basic Education Program.”
Kalakip sa programa ng SNED ang self-contained kung saan ang mga mag-aaral ay nasa loob ng klase kung saan ang mga guro ay nakatuon sa kanilang mga pangangailangan, habang ang mainstreaming ay isinagawa upang isama ang mga mag-aaral na may special needs sa pangkalahatang sistema ng edukasyon.
“Our classroom is located at the Moreno Building. For the meantime, we have ten students in our self-contained classes. Monday to Wednesday, they are having functional academics, normally Science, Mathematics, AP, and PE,” ayon kay Gng. Niva Castaños, coordinator ng SNED sa paaralan.
Tuwing Huwebes, nagkakaroon ang programa ng enrichment classes tulad ng life skills, kasama na rito ang personal hygiene, survival, housekeeping, at pagluluto.
May itinayong silid sa likod ng Diel Building para sa Individualized Educational Plan (IEP) ng mga estudyante, ito ay nasa pribadong lugar sapagkat ito ay para lamang sa mga magulang at ang disciplinary team: mga doktor at lahat ng mga guro sa selfcontained at mainstream classes.
“Most of the students in this education have garnered first honor and even championed in other specializations. That’s why I’ve talked with the principal that we are going to join all school activities,” ani Gng. Castaños.
Dagdag niya, sumusunod sila sa competency ng Kagawaran sa Edukasyon (DepEd), ngunit kailangan nilang ayusin ang sitwasyon ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Isinusulong umano ng paaralan ang inklusibong edukasyon, sa kasalukuyan ang MOGCHS ay nagsasagawa ng enrollment para sa Alternative Learning System (ALS) na pinangungunahan ng guro na si Niña Alberastine.
I believe the reason behind winning was speaking sincerely from the heart and using that spotlight to share my voice. My main focus was on expressing myself, and winning just happened along the way, and I am truly beyond grateful for it.
ARIANNA AWITIN Champion, Sulat-Bigkas Talumpati
Upang masungkit ang kampeonato
Kamangha-manghang talento ang ipinakita ng mga mag-aaral ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa nangyaring Division Festival of Talents nitong ikalawa at ikatlo ng Marso, 2024 na isinagawa rin sa mismong paaralan kasama ang temang “Ignite and Inspire: Showcasing Talents and Excellence.”
Ibinida ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento sa iba’t ibang kategorya katulad na lamang ng ReadA-Thon, SNED Expo, PopDev at marami pang iba.
Nanaig din ang galing ng mga
pambato ng MOGCHS sa ilang mga kategorya katulad ng “Sulat-Bigkas Talumpati” na kinatawan ni Arianna Awitin at siyang nagrepresenta sa
dibisyon ng Misamis Oriental sa Regional Festival of Talents (RFOT) 2024. Nakuha rin ni Faith Cago ang ikalawang pwesto sa “Oratorical Composition and Presentation” sa ReadA-Thon English.
Sa Population Development contests naman ay naabot ni Mabe Akiatan ang ikalawang pwesto sa “On the Spot Oratorical Speech” at ika-apat na pwesto si Strawberry Tampos sa “Pop Quiz”.
Samantala, sa Technolympics ay nasungkit ni Luisa Escobido ang ikalawang pwesto sa “Dressmaking” at Juan Trego sa “Technical Drafting.” Namayagpag din ang galing ng kabataan mula sa Special Need Education ng MOGCHS sa SNED Expo ng patimpalak kung saan nakuha ni
Daisy Monceda ang unang pwesto sa “Vocal Solo” at Prince Calicdan na nasa ikalawang pwesto sa “Poster Making.”
Sa Sining Tanghalan naman ay nakuha ng paaralan ang ikalawang pwesto sa “Direk Ko, Ganap Mo”, “Likhawitan”, at “Sayaw ng Kabataan Pinoy.” Nasa ikatlong pwesto ang “Sineliksik” at ikalimang pwesto ang “Sulatanghal.”
Ayon kay Mabe Akiatan, isa sa mga nanalo sa nasabing kompetisyon, “Kulbaan ko and excited at the same time kay it was my first time joining DFOT, pressured kaayo ko especially nga home court ra. Proud ko nga akong gi represent and MOGCHS sa DFOT and happy pud ko na I was able to rank 2nd despite it being my first time.”
Nakakapukaw mata ang kasalukuyang usapin ng Jeepney Phase out o modernization sa mga Pilipino, nagagawa nitong mapatunayan ang bayanihan na kailanman ay di-mawawari. Ang dyip, bilang isang simbolo ng kultura at sandatang ginamit para mahubog ang kompyansa ng mga Pilipino patungo sa pangarap nila sapagkat gamit ang dyip nakarating sila sa paaralan, trabaho at rurok ng buhay. Ngunit ang biglaang transisyon sa makabagong teknolohiya ay magiging dahilan kung bakit malilimot ng bagong henerasyon ang sasakyang hinabi ng panahon. Bilang tugon sa Public Utility vehicles modernization program (PUVMP)ay inumpisahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-consolidate ang mga dyip na pampasada ngunit umani ito ng pagsalungat ng mga dyip drivers dahil sa pinaglalabang karapatan sa pangkabuhayan. Ayon sa LTFRB ang dyip ay isa sa pangunahing pangkabuhayan ng mga Pilipino, sa katunayan nasa 222,617 ang registered jeepney sa buong Pilipinas. Dumedepende rito ang milyong commuters na umaasa sa mura at pinadaling sakayan, sa katunayan halos 40% ng mga Pilipino ang sumasakay sa dyip araw-araw.
UGONG NG MGA MAG-AARAL AT MAGULANG
Samantala, para naman sa mga mag-aaral ng Misamis Oriental General Comprehensive High School ( MOGCHS) isa ang dyip sa mga ginagamit nilang transportasyon patungo at pag-uwi mula sa paaralan. Halos araw-araw nakikita ang agawan at siksikan sa dyip para lamang maka-uwi, ang iba nilalakad pa ang Cogon market o Gaisano mall para makasakay lamang. Ang sitwasyong ito ay lubos na nakakabahala sapagkat kung magsisimula na ang Phase-out ay mas mahihirapan ang mga mag-aaral na maghanap ng sakayan, at baka mauwi pa ito sa paglalakad na lamang. Dagdag pa nito, ay ang sakaling pagtaas ng presyo sa transportasyon kung sakaling modernong dyip na lamang ang matitira. Kung ikukumpara ang pamasahe sa tradisyonal na dyip at modernong dyip napakalaki ng pagkakaiba nito, sa tradisyonal dyip 10 peso lamang
ang pamasahe para sa mga mag-aaral ngunit ang modernong dyip nasa 15 peso na ito.
Kaugnay nito, ay ang mga magulang ng mag-aaral na ang pangtubos sa pang-araw-araw ay kinukuha gamit ang pagpasada ng dyip. Para kay Jomel Velarde, isang jeepney driver, at magulang ng isang mag-aaral sa MOGCHS, lubos na nakakadismaya ang maaaring pagphase out ng kanyang 15-anyos na jeep, na tumulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Dagdag pa niya na ang dyip lamang ang gamit niya upang matubos ang pang-araw-araw, aniya pa niya naging malaking tulong ang dyip para makapag tapos ang isa niyang anak sa kolehiyo sa kursong criminology.
Hindi lamang si Jomel ang maapektuhan ng malawakang phase out na ito. Pati narin ang iba pang tsuper na wala ng ibang mapupuntahan kundi ang pagmamaneho lamang ng dyip.
...mas mahihirapan ang mga mag-aaral na maghanap ng sakayan, at baka mauwi pa ito sa paglalakad na lamang...
ALYANSA LABAN SA TRANSISYON
Sa kabilang dako, hatid ng modernisasyon ang panibago at mas komportableng paraan ng transportasyon. Para maisakatuparan ay itinutulak ng pamahalaan ang mga tsuper na magpa-consolidate. Para naman kay Pangulong Bongbong Marcos, isinasagawa ang modernisasyon at transisyon ng dyip upang makipagsabayan sa ibang bansa na moderno at adelantado na ang mga transportasyon.
Ngunit hindi lamang ito ang dahilan kung bakit tinutulak ang transisyon, napag-alaman na ang mga
dyip ay may kontribusyon sa emisyon kabilang ang carbon monoxide at carbon dioxide, na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kapaligiran at kalusugan ng mga commuter. Ngunit, walang kasiguraduhan na sagot ang pag-alis ng mga dyip ang sagot dito. Trahedya lamang ang hatid ng teknolohiya kung makakasama ito sa pinagkikitaan ng mga Pilipino.
PINAHABANG PANAHON NG KONSOLIDASYON
Sa kabilang banda, nagpa-alerto naman ng mga drayber at commuters nang inilabas ng LTFRB ang Memorandum Circular 2023-052 na nagsasaad na sa nalalapit na pagtatapos ng taong 2023, ay siya ring araw na tutuldok sa mga tradisyunal na dyip dahil sa PUVMP. Ngunit, dahil sa mga malawakang alyansang isinagawa ng mga drayber napilitan ang pamahalaan na pahabain ang deadline ng konsolidasyon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga dyip drayber na gustong pang humabol, mula sa orihinal nitong deadline na Disyembre 31 ay naging ika-30 na ito ng Abril.
Ngunit, kung tutuusin hindi pinahabang panahon ng konsolidasyon ang kinakailangan ngunit isang alternatibong paraan na kung saan ay hindi maapakan ang pamayanan, bagong porma na hindi lilisanin ang sasakyang masa na humulma at pumuno sa kalsada ng halos pitong dekada.
Gayunpaman, ang jeepney modernization ay malaking pasanin para sa mga operator dahil sa mataas na presyo ng mga modernong dyip. Sapagkat sakto lamang ang kanilang kinikita upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang modernisasyong ito ay magiging dahilan ng pagkalulong sa utang ng mga jeepney operators. Upang matugunan ang suliraning ito, mahalagang magkaroon ng mga alternatibong mekanismo upang masigurong hindi mapag-iwanan ang isa sa mga diwa ng kultura at kasaysayang Pinoy. Sa huli, hindi lamang aspeto ng kultura ang jeepney ngunit isang kabuhayan ng mga Pilipinong tinataguyod ang pamilya gamit ang pasada.
huwag isapubliko!
NI KENT VELARDE
"Ilugar sa tamang lugar", isang katagang naglalahad ng kahalagahan ng pagsasagawa ng mga kilos ng pag-ibig sa angkop na mga sitwasyon at lugar. Sa mata ng iilan, ang pag-ibig ay parang isang palabas na kailangang ipakita sa publiko, ngunit may mga tanong ukol dito, lalo na sa pananaw ng mga mag-aaral at guro kung tama ba gawin ito sa publiko o sakto ba gawin ito sa paaralan?
PAGPAPALIWANAG KUNG ANO NGA BA ANG PDA
Maraming mga kabataan ngayon ay meron ng boyfriend o girlfriend ang ilan ay may ka-fling o nasa talking stage ma ginagawa ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Wala bang mali doon o baka meron? Normal lang ba ito? Iniisip ng mga estudyante na ang pag-ibig ay para sa pagpapakita o pelikula o baka iba na?
Pagpapakita ng pag-ibig sa iba’t ibang mga bagay tulad ng nabanggit ko sa itaas ay normal lamang ngunit ang iba ay sobrasobra na at lumampas na sa dapat magsilbing limitasyon sa publiko.
Mga menor de edad na naghahalikan, nagyayakapan, at nakaupo sa kandungan na ginagawa nila sa loob ng paaralan. Diyan papasok ang tinatawag na PDA o Public
serbisyo o trabaho?
Display of Affection— isang kontrobersyalna paksa bagama't iniuugma ito ng ilan sa romantikong pagpapakita ng pagmamahal.
MAG-ÁARAL O MAG-AARÁL?
May mga hindi sumasang-ayon at nakakakita nito bilang di-kaukulan at hindi kailangan. Ang ilang mag-aaral katulad ko na nasa highschool, kung saan nagsisimula ang pagganap ng pag-ibig, ay nakakakita ng iba't ibang uri ng PDA sa loob ng campus tulad ng paghawak ng kamay, pagyakap, at halik sa publiko— ilan iyan sa mga halimbawa ng paraan ng kanilang pagbibigay kahulugan o pagpapakita ng pagmamahal kailangan ba natin itong yakapin o may ilang aspeto na dapat nating tuunan ng pansin? Normal na sa ating mga teenager na magkaroon ng crush sa loob ng campus at may iba't ibang paraan kung paano ini-express ng mga tao ang kanilang nararamdaman.
May mga nagre-reciprocate ng nararamdaman sa pamamagitan ng pagsusuot ng iba't ibang paraan ng pagmamahal, tulad ng paghawak ng kamay, yakapin, at kahit na pag-upo sa kandungan ngunit kung minsan ay nasusuklian nila iyon nang labis at ginagawa ito sa mga maling lugar tulad ng eskwelahan kung saan tayo ay lugar upang matuto at mag aaral.
NI YTHAN MERCADER, ASSOCIATE EDITOR-IN-CHIEF
Hindi isang madaling gawain ang pagbalanse sa sandamakmak na responsibilidad na kaakibat ng pagiging bahagi ng school clubs. Ang pakikilahok sa mga gawain na ito ay nakapagbibigay ng kaluguran. Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng karamihan ay nag-iiba ang lahat kapag pumapasok na ang matinding pagod at “academic pressure.” Kilala ako bilang responsable at kayang gampanan ang mga tungkulin nang sabay-sabay, ngunit ang tunay na tanong ay “kaya ko ba?” Ang pakikilahok sa mga club ay naging sangkap sa aking personal na pag-unlad, lalo na sa larangan ng studentleadership.
Datapwat ang desisyon ko na sumali sa maraming club ay hindi lamang para maging bantog sa paaralan. Sa halip, ang aking pangunahing layunin ay upang mapakinabangan ang huling taon ko sa
Ang sobrang pagpapakita ng affection, lalo na sa loob ng paaralan, ay maaring magdulot ng hindi pagkakasundo. Halimbawa, pag bumibili ka ng pagkain at biglang dumating ang iyong boyfriend na bigla kang yayakapin at halikan sa noo at idadampi ang kanyang mga kamay sa iyong baywang, habang nakatingin ang nagbebenta at ang mga tao sa paligid ay nakatutok sa inyo at sa aking pananaw ito ay napakahiya at hindi komportable lalo na na ang dalawang gumagawa nito ay menorde edad at na sa paaralan.
PANANAW NG KINABUKASAN AT KABATAAN
Sa loob ng MOGCHS campus, maraming kabataan ang sangkot sa PDA, mga mag-aaral na nasa baitang 7, 8, 9, at 10. Walang masama sa pagpapakita ng pagmamahal kundi ang pagpapakita nito sa publiko at sa loob ng paaralan na kung saan dapat tayong mag-aral ay sobra at napakamali. Bilang isang nag-iisa at mapagmasid na mag-aaral at maaaring makaapekto sa isang studyante at ang kaniyang pag aaral. Hindi dapat maging normal ang PDA at hindi dapat normal ang ganitong kagawian lalo na’t ang paaralan ay isang intitusyon ng
paaralang MOGCHS sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa pagkakaibigan, pagpapalawig ng kapaligiran at paglilingkod para sa kapwa mag-aaral. Bagama’t buong puso kong itinutok ang aking sarili sa mga ekstrakurikular na gawain, napagtanto ko na ang pakikilahok sa maraming club ay maaaring magdulot ng epekto sa aking emosyonal at pisikal na kalusugan; naging mahirap para sa akin upang makayanan ko ang lahat ng akademikong gawain. Hindi ko kayang hatiin ang aking katawan upang gampanan ang mga Hindi na ako nasisiyahan kundi nag-aalala na ako sa kadahilanang palagi na akong excused sa klase. Walang laman ang record ko at itlog ang marka ko sa mga pangkatang gawain. Sa pagmumuni-muni sa aking nakaraan, kung saan ang oras para sa pahinga at pakikisalamuha ay sagana, ngayon ay nasusumpungan ko ang aking sarili na nag-aalala sa kakulangan ng oras ng tulog buhat ng tiba-tibang responsibilidad. Bilang isang taong lubusang nasasangkot
Naglalakad at nakakapagsalita na ang basura. Ito ang sasagi sa isip tuwing oras ng meryenda sa paaralan ng MOGCHS. Tila ba't napapabayaan na ang disiplina at kaayusan ng mga mag-aaral dahil sa pagkalimot na hindi nakakalakad at nakakapagsalita ang basura para itapon ang sarili nito.
huwag iguhit sa tubig
NI NICHOLE SULTAN
Sa una aakalain mong matiwasay ang paaralan dahil sa magandang anyo nito sa labas ngunit habang lumalayo sa tarangkahan ay mapapansin ang lugmok at di-kaayaayang tumpok ng basura na kung minsan ay umaabot pa sa daluyan ng tubig o kanal na nagiging dahilan kung bakit hindi nakakaagos ang tubig ng maayos kung kaya't kung umuulan ay bumabaha. Sa harapan ng Diel Building kung saan malapit ang kantina ng paaralan nakikita na tuwing meryenda dumadami ang basura, dahil ginagawang itong tambayan ng mga mag-aaral dahil sa may silong ito. Ang basurang iniiwan ng mga mag-aaral ay tinatapakan lamang at naghihintay na lamang ng maintenance para walisin ito. Kaakibat nito ay ang buwanang pagbayad ng mga mag-aaral ng ₱12 para sa maintenance . Dala nito ay ang pagpapalibot
ng basurahan sa bawat sulok ng paaralan ngunit tila ba't hindi ito nakikita ng mga mag-aaral at patuloy parin ang pagiging pabaya sa sarili nilang basura. Si Franzyne Mikaela Jayoma,
Walang dalawang paa at kamay ang basura at higit sa lahat wala rin itong bibig upang sabihing ‘papulot naman po!’ Kaya mas maiging magkaroon ng sapat na pagiisip at gumawa ng inisyatiba na pulutin ito.
isang mag-aaral sa MOGCHS, sinasabi na kawalan ng disiplina ang problema ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya, nasanay na ang mga ito na may tagasunod sa kanila kaya't nagiging tamad na sila. Para kay Alexa Baguio, hindi lahat ng mga mag-aaral ay ganito ang gawain. Mayroong mga nabubukod dito at nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga mag-aaral. Samantala, may sariling
edukasyon na naglalayong magtaguyod ng disiplina at pag-unlad. Karaniwang pananaw ng mga kabataan sa PDA ay nagbago at masasabi nga natin na ito’y isang resulta ng pag evolve ng kultura at pananaw ng kabataan sa pag ibig? Maaaring ituring na isang bahagi ng modernisasyon, ngunit mahalaga ring pagtuunan ng atensyon kung paano ito nakakaapekto sa pang-arawaraw na buhay sa paaralan.
PUBLIKO AT AKADEMIKO
Ang di-pagkakasundo at hindi kasiyasiyang komportableng sitwasyon ay maaaring maging sagabal sa proseso ng pag-aaral. Pagpapakita ng labis na pagmamahal sa loob ng campus ay hindi dapat isipin na mabuti, ito ay maaaring dahilan at mas nakakagambala sa paaralan hindi lamang mula sa taong gumagawa nito kundi pati na rin sa mga tao sa paligid nito, karamihan sa mga taong tulad ng mga tinedyer ay normalisasyon nito na nagsasabing “It’s normal in this generation” o “Couple things” na naging tradisyon ng Gen Z na hindi tama at hindi dapat tiisin. Dapat itong pagtuunan ng seryosong pansin.
‘‘
Huwag kalimutan ang pangunahing dahilan sa pagpasok ng school clubs, at iyon ay ang maglingkod para sa mga estudyante
sa mga gawain ng school clubs, kinikilala ko na ang pagpapabuti ng kalidad ng mga kasanayan sa pagtutukoy ng oras bago lumubog sa mga pangakong ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang. Hindi ko pinagsisihan ang pakikisali sa mga organisasyong ito kundi sa hindi paggamit ng tamang pamamahala ng oras at mga estratehiya sa organisasyon nang maaga. Bunga ng walang tamang pamamahala ng oras ay lumitaw sa pagiging huli, “distress”, at kawalan ng pokus sa akademiko, na nagresulta sa mas mababang ranggo sa aking seksyon at umani ng duda sa aking kakayahan bilang studentleader. Ang pagiging balanse sa pagitan ng akademiko at ekstrakurikular na responsibilidad ay lubhang mahirap. Samakatuwid, ang paglalakbay ko sa hayskul at paglipat sa isang bagong yugto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng emosyonal na intelihensya at mga kasanayan sa pamamahala ng oras. Tunay na isang “rollercoaster ride” ang pagpasok ng school clubs, dapat tayong magkaroon ng kamalayan at sapat na kaalaman hinggil sa mga pangakong ating tinatanggap. Huwag kalimutan ang pangunahing dahilan sa pagpasok ng school clubs, at iyon ay ang maglingkod para sa mga estudyante. Bagamat maaaring mabigat ang daan, mahalagang suriin nang makatotohanan ang ating kakayahan bilang isang student-leader upang masasabi natin na kahit mahirap, kakayanin at bubuhatin ang bigat.
Material Recovery Facility (MRF) ang paaralan ngunit dahil sa sopistikadong espasyo nito ay hindi nito kinakaya ang toneladang basura ng paaralan dahil na din sa malaking populasyon nito ay maraming basura ang nagtatampok araw-araw. Kapansin-pansin din ang mga silid aralan na hindi nagsasagawa ng tamang paghihiwalay ng mga basura kung kaya't nagiging mahirap ang pagtatapon nito. Ang pagkakaroon ng matiwasay, maaliwalas at malinis na kapaligiran ay lubos na kinakailangan para mas maging epektibo ang pag-aaral. Ayon sa World Health Organization, ang pagpapanatili ng kalinisan sa mga paaralan ay isang paraan upang mapahusay ang pagaaral para sa mga mag-aaral. Sa kabilang banda, kinakailangan ang disiplina upang maging tama ang paglalagay ng
basura. Kung kaya't mas maaring magsagawa ng mga patakaran ang paaralan kung saan ay mas maiingganyo ang mga mag-aaral na magtapon ng basura sa tamang kalagayan. Walang dalawang Paa at kamay ang basura at higit sa lahat wala rin itong bibig upang sabihing 'papulot naman po! Kaya mas maiging magkaroon ng sapat na pag-iisip at gumawa ng inisyatiba na pulutin ito.
siksik sa kritik
NI XYRAH DELA CRUZ
Nakasanayan na ang pagbibigay ng marka ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral, ngunit ano ang mangyayari kung ito’y ibabaliktad?
Ang mahalagang pagbabago na ito ay may dalang pangako at panganib, na dumadaan sa balanseng namamagitan ng pag-unlad at potensyal na pangaabuso.
Bilang araw-araw na saksi sa dinamika ng pagtuturo, ang mga mag-aaral ay gumaganap bilang mga tunay na tagapagsuri at iba sa itinatakdang pagsusuri ng administrasyon, ang tanging nag-aalok ng hindi maimpluwensiyahang puna’t kritika.
Sa kabila ng mga hamon sa pagkuwantiya ng kahusayan sa pagtuturo, ang epekto ng bukas na pakikipag-usap sa pagitan ng guro at mag-aaral ay nangingibabaw.
Ang pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga guro ay nagtataglay ng kahalagahan para sa isang masiglang edukasyon
Kakaiba sa ideya ng kumplikadong numerikal na marka, ang simpleng pagsusuri ni Annie Emerson ng Pinewoods Elementary School sa “The Philippine Basic Education”, ay nagbibigay-diwang simple’t mabisang tanong para sa magaaral: “Talagang gumagana ba ang pagtuturo ko?” At sa tila munting edad na limang taong gulang, dala na nila ang susi sa edukasyon.
Ang pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga guro ay nagtataglay ng kahalagahan para sa isang masiglang edukasyon, na nagpapalalim sa edukasyon ng mundo.
Sa pagtanggap sa pangunahing papel ng ugnayan ng guro at mag-aaral, naging pangangailangan ang isang masusing diyalogo.
Sa larangan ng edukasyon, ang boses ng mag-aaral ay ang pangunahing nota, nangangailangan lamang ng ating maingat na pandinig.
sangkot ang lahat
NI ARIANNE BANTOLIO, EDITOR-IN-CHIEF
Nakagagalak ang unti-unting pagsulong ng ‘Inclusive Education’ sa bansa. Bagama’t may mga tao ring nababahala at isinasaalang alang ang posibleng kahinatnan, at kinekwestyon kung gaano nga ba tayo ka handa? Taong 1997 noong opisyal na tinanggap ng Kagawaran ng Edukasyon ang inklusibong edukasyon sa Pilipinas.
Ito ay isang paraan upang matiyak na ang lahat ng ay may pagkakataong matuto at makilahok sa buhay ng komunidad ng kanilang paaralan.
Nakapaloob sa DepEd No. 21, na mas kilala bilang ‘Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program’, Ang ‘policy framework on inclusive education’–Ang balangkas na ito ay nagtataguyod ng karapatan ng bawat Pilipino sa kalidad, pantay, nakabatay sa kultura, at kompletong batayang edukasyon.
Patagal nang patagal, napapansin ang pagsisikap sa patuloy na pagsulong ng inclusive education ngunit hindi rin maaaring ibalewala ang mabigat na responsibilidad na
mainit na usapin
Kalbaryo na Kalendaryo
NI NICHOLE SULTAN
pagod at serbisyo
NI CHRISTINE COJETIA
SA MGA NUMERO
inaasa ang akuin ng bawat isa sa atin. Oo, kabilang ka, kabilang tayo sa pagsulong nito. Hindi tayo mangmang na maaaring sumulong sa isang giyera nang walang dalang
‘‘
Hindi tayo mangmang na maaaring sumulong sa isang giyera nang walang dalang sandata
sandata.
Ang pagtaguyod ng inklusibong edukasyon sa bansa ay isang bagay na nararapat paghandaan. Mahalaga na ang lahat ay kabilang: Mga mag-aaral, pamilya,
Matapos ang isang taong pakikilaban ng mga mag-aaral sa mainit na panahon tuwing pasukan, plano ng Department of Education na ibalik sa dating kalendaryo ang school year 2024-25. Ito ay matapos inanunsyo ng DepEd na sa Mayo 31 ang pagtatapos ng kasalukuyang school year 2023. Ito ay tugon sa DepEd order 003 s.2024, sa parehong anunsyo idineklara din nito na ang simula ng SY 2024- 2025 ay sa Hulyo 29, at magtatapos sa Mayo 16, 2025. Nakakatuwa ito para sa mga mag-aaral galing
sa bansa sapagkat hindi nila kakayanin ang init na dala kung magpapatuloy pa rin ang kasalukuyang kalendaryo na ginagamit ngayon. Ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia, noong Hulyo 2023, 80 porsyento sa 1,200 bilang ng mga sumali sa survey ang sumang-ayon na ibalik ang dating summer break na Abril at Mayo. Matagal ng hinihiling ng mga mag-aaral na bumalik na sa dati ang buwan ng bakasyon at simula ng klase. Ayon sa PAGASA, Abril at Mayo ang pinakamainit na buwan sa bansa kaya ay kailangan ng buwagin ang kasalukuyang iskedyul. Itinampok
Nakakalungkot na ang mga guro ay madalas na nabibigatan sa mga gawain na hindi nauugnay sa kanilang mga pangunahing responsibilidad, na humahantong sa pagkapagod na sa huli ay nakakaapekto sa kalidad ng kanilang pagtuturo.
Upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng edukasyon at mapangalagaan ang kalusugang pangkaisipan ng mga guro, mahalaga para sa mga institusyong pang-edukasyon at awtoridad na regular na suriin at ayusin ang mga responsibilidad na hindi pagtuturo ng mga guro. Titiyakin nito ang isang mas epektibo at nakatutok na diskarte sa pagtuturo.
Ang mga guro ay nakaranas ng pagkabigo sa trabaho, emosyonal na dissonance at panlipunang pagbubukod sa mababang kalidad ng pagtulog. At isang pangkalahatang ideya noong 2022 ang nagulat na sa pagitan ng 36 hanggang 61 porsiyento ng
36 - 61
suntok ng araw
SULTAN
NI NICHOLE
Bahagyang napakalaking tulong para sa mga mag-aaral ang plano ng Kagawaran Ng Edukasyon (DepEd) na ibalik sa dating kalendaryo ang school year 2024-25. Isinasaad sa DepEd order 003 s.2024 na sa Mayo 31 ang pagtatapos ng kasalukuyang school year 2023, itinalaga rin ang Hulyo 29 bilang simula ng SY 2024- 2025. Damang-dama na ng mga mag-aaral ngayon ang init na dulot ng El Niño, kaya kadalasan sa kanila ay nagpapaabot ng reklamo dahil bahagyang hindi nila nakakayanan ang init na pumapatok sa 33° celsius. Mistulang nasa loob ng oven ang mga estudyante dahil sa init na ito at kahit may electricfan ay hindi
nakakatulong. Sakit sa ulo ang dala nito dahil maraming mga estudyante ang magkakasakit kung magpapatuloy ang walang-likat na init. Itinampok sa Philippine inquirer noong nakaraang taon na hindi bababa sa 120 estudyante galing sa Bulacan ang nasugod sa hospital dahil sa mainit na panahon . Seguradong madadagdagan pa ito kung hindi babaguhin ang eskedyul ng pasakan. Samantala, ayon naman sa Tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na si Vladimer Quetua. Hindi na kayang manatili sa kasalukuyang iskedyul na mayroon ngayon dahil ito ay nakakaapekto sa kalusugan at kapakanan ng mga guro at mag-aaral, dahil ito ay negatibong nakakaapekto sa resulta ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, hindi nakadisenyo ang mga salid aralan sa
tagapagturo, at miyembro ng komunidad ay nagtutulungan tungo sa iisang layunin.
Bawat isa ay may kaakibat na gampanin, bawat isa ay may sandata–sandata upang masugpo ang diskriminasyon, pangungutya, at makamit ang kaisahan lalong lalo na sa paaralan. Hindi madali ang pagpapatupad ng inklusibong edukasyon sa bansa lalo na’t marami sa mamamayan ang makitid ang utak, ginagawang katatawanan ang hindi dapat. Hindi rin nawawala sa usapan ang kakulangan ng saktong kagamitan at komportableng istraktura na kinakailangan. Kahit pa man, nararapat na ang lahat ay magkaroon ng pantay pantay na pribiliheyo sa edukasyon. Ang pagkakaiba ay hindi hadlang upang hindi mailaban ang karapatan ng bawat isa, at makakamit lamang ito kung mapapatibay ang suporta at matinding paghahanda, hindi lamang sa kataas-taasang tagapamahala, kabilang na ang ordinaryong mamamayan, at mas lalong kabilang ka rin.
sa Philippine inquirer noong nakaraang taon na hindi bababa sa 120 mag-aaral galing sa Bulacan ang nasugod sa hospital dala ng mainit na panahon . Samantala, ayon naman sa Tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na si Vladimer Quetua, hindi na kayang manatili sa kasalukuyang iskedyul na mayroon ngayon dahil ito ay nakakaapekto sa kalusugan at kapakanan ng aming mga guro at mag-aaral, dahil dito ay negatibong nakakaapekto pati na rin sa mga resulta ng pag-aaral. Dagdag pa rito, hindi nakadisenyo
ang mga silid aralan sa Pilipinas upang labanan ang init ng panahon dahil wala itong maayos na bentilasyon. Sa kabilang banda, hindi malaking tulong ang pagbabalik ng dating kalendaryo sapagkat hindi nito matutugunan ang learning recovery ng mga mag-aaral dulot ng pandemya. Ito ay dahil nababawasan ang araw ng pasukan at hahabulin nalang ng mga magaaral ang dapat aralin sa mga araw na iyon. Nakakalungkot naman isipin kung madadaliin ang pasukan para sa kaayusan ng kalusugan ngunit walang natutunan ang mga mag-aaral.
mga guro ay nag-ulat ng mga sintomas ng insomnia. Ang mga guro ay dumaranas ng mga paghihirap sa pisikal at mental na kalusugan mula sa hindi pagsunod sa isang regular na iskedyul ng pagtulog. Ang mga guro ay naging problemado sa pisikal at emosyonal na aspeto.
Bilang pansamantalang panukala, inaatasan ng patakaran ang mga School Division Office (SDO) na agad na magpatupad ng mga diskarte sa clustering at magtalaga ng mga tauhan ng suportang pangadministratibo sa mga clustered na paaralan.
Ang paglalaan ng 10,000 administratibong mga posisyon ng kawani sa buong bansa ay tila labis sa potensyal nito upang maibsan ang mga guro ng mga tungkuling administratibo. Maaaring kailanganin ang isang mas makatotohanang pagsusuri at naka-target na pamamahagi upang magbigay ng epektibong suporta sa mga institusyong pang-edukasyon.
porsiyento ng mga guro ay nag-ulat ng mga sintomas ng insomnia
Ang mga guro ay dumaranas ng mga paghihirap sa pisikal at mental na kalusugan mula sa hindi pagsunod sa isang regular na iskedyul ng pagtulog.
Mistulang nasa loob ng oven ang mga estudyante dahil sa init na ito at kahit may electric fan ay hindi nakakatulong
Pilipinas upang labanan ang init ng panahon dahil wala itong maayos na bentilasyon. Kaya ang plano ng DepEd na ibalik ang dating kalendaryo ng pasukan ay malaking
tulong sa kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro dahil pinupuntirya ng init ang kalusugan ng mga estudyante na nagdadala sa kanila ng sakit. Bahagyang napakainit ngayon at damang-dama ang hagupit ng araw, ngunit, hindi lamang ang pagbalik sa dating kalendaryo ang dapat isaisip ng kagawaran dahil kung tutuusin palagi namang mainit sa Pilipinas at mistulang panakip butas ang pagbalik ng dating kalendaryo sa tunay na problema, ang imprastaktura at desinyo ng mga silid aralan na tila ay nagmamakaawa na dahil nakukulong ang init dito at 'hinahatak' ang init papalapit sa mga estudyante na kadalasan ay parang sardinas na dahil sa sikip ng mga silid. Mapapasigaw ka nalang ng "kalbaryo" dahil sa init na ito.
“Wala mo sa akong lolo nakadaog atong gubat sa Makahambus”
Marahil narinig na ninyo ang istorya tungkol sa Battle of Makahambus Hill, isang makasaysayang labanan na naganap noong ika-19 na siglo sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano, pero sa likod ng kanilang pagka-panalo si Velez ang naging tanyag sa napakarami. Marami sa mga nag-aral sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa unang pasok pa lamang ay nagtataka kung sino at ano ang ginawa ng lalaking nakasakay sa kabayo, at bakit siya naging tanyag sa paaralan. Palaisipan sa mga estudyante lalo na ang mga mag aaral sa unang antas kung sino itong nakasakay sa kabayo, talaga namang mapapasabi ka nalang ng “Kinsa diay ni siya, unsa kaha iyang nabuhat nganong naa siyay estatwa?”.
Siya lang naman si Don Apolinar Velez y Ramos, ipinanganak noong Enero 23, 1865, naging puno ng lungsod dito sa Cagayan de Misamis na ngayo’y Cagayan de Oro noong 1928 hanggang 1931, at isa ring puno ng lalawigan noong 1906 natapos hanggang 1909. Sa hindi nakakaalam, si Don Velez ay naging lider at komandante sa nagdaang labanan sa Makahambus Hill taong Hunyo 4, 1900—isa sa mga tagumpay na napanalunan ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano noong Philippine–American War.
Tulad ni Apolinar Velez marami ang mga estudyanteng napatanong kung sino at bakit siya ang unang bubungad sa loob ng MOGCHS, “Dai, ngano kaya naa siyay estatwa diri” tanong ng isa “Luh wabalo” biro pa ng isa.
Ang bawat paaralan ay tila ba parang mayroong serye, iba’t-ibang klase ng ingay ang naririto na para bang isang kalye, taliwalas naman nito ay ang kapayapaang hatid ng mga parkeng itinayo para sa mga estudyante.
Karaniwang nakikita lamang ang mga parke sa labas ng isang establisyemento subalit ibahin niyo ang Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) dahil may sarili itong parke, tatlong parke—math park, peace park, at ang bagong science park. Hali na’t
tunghayan ang parke ng siyensiya na hindi lamang nagbibigay kasiyahan kundi pati na rin kaalaman.
...nagpapatunay lang ito na hindi lamang sa mga malls o sa iba’t-ibang lugar pwede makakuha ng kasiyahan dahil maski sa mga parke posible ka na ring makakuha nito ‘‘
Kahit nasa ika-pitong baitang ka palang ipapakilala na ng mga guro sa mga mag-aaral kung sino si Velez, siya ang nagtatag sa pamamagitan ng inisyatiba ng yumaong si Don Apolinar Velez y Ramos, ang unang nahalal na Gobernador ng lalawigan ng Misamis.
...sa likod ng kanilang pagka-panalo si Velez ang naging tanyag sa napakarami. ‘‘
Tunay na nakakabilib ang kanilang katapangan na nagmarka bilang makasaysayang digmaan sa lugar ng Cagayan de Oro, ang kanilang pagiging matapang ay nag-iwan ng bakas sa lahat lalo na si Velez na naging HISTORYa para sa mga mag-aaral ng MOGCHS.
itong matunton ng kung sino mang gustong pumunta rito.
Subalit, nararapat lang ba sa mga eskwelahan na gawing parte ang mga parke?
Katulad ng Math Park, makulay at maaliwalas Science Park, tambayan ng mga estudyante at tiyaka punong-puno rin ito ng mga halaman gaya ng hindi gaanong mataas na puno at makukulay na bulaklak na siyang nagbibigay buhay sa nasabing parke, at mayroon pa itong isang mini fish pond na mayroong mga koi fish, at dahil nga isa ito sa unang bubungad sa iyo kung papasok ka sa paaralan kasama na rin ang tatak MOGCHS na estatwa ni Don Apolinar sakay ang kabayo ay kinakailangan talagang maging nakakabighani ito.
Sa katunayan, ang paaralang
MOGCHS ay isa lamang sa mga malalaking paaralan sa buong Pilipinas, dito sa Mindanao ay itinuturing ito na pinakamalaking paaralan sa buong Misamis Oriental, kung kaya ay kinakailangang maging malikhain ang mga tagapangasiwa ng paaralan upang mas maging kapakipakinabang ang bawat sulok ng paaralan, ang Math Park na makikita sa sulok pa ng
paaralang kasalungat
naman sa Science Park
sapagkat madali lang
Higit pa rito, ang minsa’y lugar ng tambayan ng mga estudyante ay ang lugar din kung saan pwede kang makakakuha ng kaalaman na may kinalaman sa siyensiya, sa totoo pa nga’y may life size na istraktura ng Deoxyribonucleic Acid (DNA) ang nakatayo sa parke na siyang pinakatumatatak kapag Science Park ang lugar na pinag uusapan, ang mural naman ng parkeng ito ay nakabalot sa iba’t-ibang science equations at marami pang iba na mayroong kaugnayan sa siyensiya.
Sa lahat ng ito, nagpapatunay lang ito na hindi
lamang sa mga malls
o sa iba’t-ibang lugar pwede makakuha ng kasiyahan dahil maski sa mga parke posible ka na ring makakuha nito, malaking tulong ang parkeng ito sapagkat nagbibigay ito ng kapanatagan sa iyong kalooban at kaalaman.
Isa ka rin ba sa mga estudyante na napagiiwanan, sa oras na matematika na ang pinaguusapan?
Marahil ay kortang-korta na ang iyong isipan, kakabalangkas ng mga numerong humahamon sa iyong katalinuhan.
Mukhang kailangan mo na yatang mag salimisim, dahil ang katiwasayan ng iyong isipan, ay baka sa Math Park mo lang makakamit.
Marahuyo sa kagandahan, sa liwasan ng sipnayan, dahil ang mga problemang pilit hinahanap ng kasagutan, ay baka dito mo na matatagpuan.
Isa ang Math Park sa mga liwasan na matatagpuan dito sa paaralan ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS).
Ito ay isa sa mga proyektong isinagawa sa kasagsagan ng kadiliman, na sa tulong ng matang gabay ng
kasalukuyang punong-guro na si Abdon R. Bacayana, PhD, ay ito’y napagtagumpayan.
Sa haplos ng mga magulang at tagapangalaga ng mga mag-aaral na nagbigay ng donasyon, ay mas naging puspusan ang pagsagawa ng liwasan na ito.
Subalit, tila’y hindi lang tanawin ang dito’y kapansinpansin, ito din ay ang mga kaakit-akit na sining na nagbibigay ng mala-paraisong damdamin sa mga magaaral upang ito ay pabalikin.
Hindi lang ito naging isang palamuti, kinonsedara na rin ito bilang pangatlong tahanan ng mga estudyante kung saan sila ay maaaring makapag salimisim.
Ito ay ang obra maestra ni Daniel Medina Tenio Jr. Mural artist, nang mabigyan ng oportunidad na maipamalas ang kaniyang angking talento sa pagguhit.
Ang sining ay paalala na hindi na tayo muling luludag pa sa anomang putikan upang makarating sa ating paroroonan.
Nagtataguyod din ito ng produktibong estilo ng pagaaral, kung saan mas nagiging kawili-wili ang karanasan ng mga mag-aaral sa labas ng kanilang silid-aralan.
Dahil pinaniniwalaan nito ang kasabihang isinambit ni Susan Brooks na “It’s the learning environment that determines the success and motivation of the students to achieve”.
Hindi uusbong ang mga isda kung ito ay nasa nakakalasong kapaligiran, kaya’t mahalaga na may lugar silang matatakbuhan.
Nang sagayon, ito ay magbigay ng kalinawan sa kanilang mga isipan, at magpatuloy sa karerang kanilang nilalahukan.
Hindi lang ito naging isang palamuti, kinonsedara na rin ito bilang pangatlong tahanan ng mga estudyante kung saan sila ay maaaring makapag salimisim.
Kinikilala ito bilang isa sa takbuhan ng mga mag-aaral upang makipagkaibigan, at makipagsapalaran, lalung-lalu na sa mga taong gustong mapag-isa at may pinagdadaanan.
Hindi rin maiiwasan makakita dito ng mga magkasintahan na nagpapalipas-oras, na nauuwi sa pagiging pampalipas-oras na lang.
Kaya’t tinagurian din itong “Cornelia Street”, dahil sa kanta ni Taylor Alison Swift, ay inilalagay din nila ang kanilang sitawasyon sa katagang “I’d never walk cornelia street again”.
Isama mo pa ang mga gawaing pagganap na iniatas ng mga guro kung saan kinakailangan gumanap ng mga mag-aaral mapasayaw man, at mapakanta.
Ngunit, kahit na ganoon pa man, marami pa ring magagandang alaala ang nabuo sa liwasan na ito na kailanman ay hindi matutumbasan ng kahit anong salapi.
Hindi lang ito nagsilbing tambayan ng mga estudyante sa paaralan, ito din ang kanilang makakapitan upang patatagin ang relasyon sa sarili, at sa kaniyang mga kaibigan.
Tila’y eto na lang ang mga numerong hindi kinatatakutan ng mga mag-aaral, dahil saksi ang math park sa tunay na diwa ng pag-aaral, at ito ay maglibang at gumawa ng masasayang ala-ala.
NI JAYSEL RAYON
Kung ang hanap mo ay katahimikan at kaligayahan at ikaw ay nabuburyo dahil libre ang oras ng klase niyo, halina’t pumunta sa malapit na parke sa iyong paaralan.
Makikita ang Peace Park sa loob ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa tapat ng Diel Building, kaharap naman nito ang Jaraula Building at canteen na paborito mong puntahan at ng iyong kamag-aral.
Kasama ang iyong mga kaibigan pwedeng manatili muna saglit dito, malaya kayo kahit anong gawin niyo—sumayaw, maglaro, at mag tawanan sumainyo ang kapayapaan.
Kagaya nila Ashiemarie at kaniyang kaibigan naging masaya at napatatag ang kanilang pagsasamahan bilang magkakaibigan, nasusulit nila ang mga magagandang alaala ng kanilang ‘high school life’. Mamangha kayo nang mamangha dahil makikita ninyo kung gaano kagaling sumayaw ang iyong mga kamag-aral, nakaugalian na rito magsanay ng mga iba’t-ibang aktibidad kagaya ng festival dance, hiphop, at marami pang iba.
Buhay ay walang saysay kung walang saya ang nagsasalaysay—sa parke minsan naipakita ang saya na dinadama, payapang sinusulit ang mga sandali na kailanman ay hindi malilimutan.
“Feel free ra mi sa akong friends nga mag tambay kunohay sa Peace Park, lahi ra gyud kay makabuhat mo ug memories kauban ang imong mga amiga.” pagsisiwalat ni Ashiemarie Pader isang mag-aaral mula sa ika9 na baitang, tungkol sa kanilang karanasan magkakaibigan kung anong mga alaala ang ginagawa nila rito.
Nasa kanila na magkaibigan ang mag bonding sa araw ng klase kaya pati na sa pagpunta sa canteen o magpapasama sa cr parang kapit-tuko na sila kung tawagin.
“Sa akong nakita pag-labay nako sa peace park, daghan kaayo ga dula parehas anang badminton, ug lipay sila nga ilang high school moments kay na-enjoy.” pagsasalaysay ni Aleyah Katrina isa ring mag-aaral sa ikasiyam na baitang, na inilalarawan ang mga estudyanteng naglalaro sa Peace Park. Tulad ng paglaro naipapakita ang pagiging galak na magpatuloy sa pag-aaral, hindi naman lahat ay puro aral na lang, pwedeng magpahinga at sulitin ang mga libreng oras kasama ang iyong mga kaibigan. Ang kapayapaan ay madadama sa kahit anong paraan, nagiging malaya ang mga mamamayan sa pagkakaroon ng katahimikan, katiwasayan, at walang nagkokontrol sa kanilang kalayaan na sila’y maging mapayapa.hit anong gawin niyo— sumayaw, maglaro, at mag tawanan sumainyo ang kapayapaan.
NI REGIE LIMBAGA
Isang hapon, para bang dinalaw ako ng inip na tinimplahan ng kaunting kalungkutan kung kaya’t pumasok sa aking isipan ang ideyang magmumuni’t libotin ang kabuoan ng paaralan— siguro’y para na rin matakasan nang saglit ang mga problemang hindi pumapalya sa pagbagabag.
Habang naglalakad, may umakit sa aking paningin sa isang liblib na bahagi ng eskwelahan— para bang nambubuyo ang taglay nitong ganda na animo’y binubulungan kang puntahan iyon at busugin ang iyong mga mata.
Habang kinakain ng aking mga hakbang ang distansyang namamagitan, animo’y biglang umalunig ang sikat na Philippine folk song na bahay kubo at binalot ang aking pandinig ng panandaliang kapayapaan.
paaralan sapagkat siksik at liglig na liglig sa lusog ang mga tanim na gulay.
Bawat liriko ng nasabing kanta’y ‘di hamak na inilalarawan ang pook na aking nasilayan. Tugmang-tugma sa aking nakikita ang bawat binabanggit sa kanta.
Sa aking pagtapak sa entrada ng gulayan, bumungad sa akin ang mga nagtitingkarang palamuti na dumaragdag sa taglay na rikit nito. Bukod dito, bakas sa lugar ang magandang pangangalaga ng
Hindi tulad ng mga tipikal na gulayan na purong halaman lamang ang iyong makikita kahit saan mang dako pumaroon ang iyong mga mata, ang gulayan sa MOGCHS ay may palaisdaan sa gawing sentro nito. Dito’y bumubukal ang mga iba’t-ibang uri ng mga isda— isang patunay na mananaig talaga ito kung ihahambing sa ibang gulayan. Bukod sa agaw-pansin na tanawin, hindi maipagkakailang malinis at organisado ang gulayan tanda na pinpahalagahan ng paaralan ang naturang gulayan at ewan ko ba, sadyang natatangi rin ang samyo ng lugar.
Kumalat naman sa buong campus ang mga bulung-bulungan na dadagdagan ng manok ang gulayan— at ito ay binigyang katotohanan ng punong guro ng paaralan na si G. Abdon Bacayana at di umano para mapakinabangan ito sa mga feeding program.
Ilang oras din siguro akong nagpakasasa sa ‘Hardin ng Eden’ na aking nakita, nagpalutang-lutang sa balintataw na gawa ng aking mapaglarong isipan. Sa ilang oras kung naroon ay napalitan ng abot-kaparangang ligaya ang kaninang lungkot na aking nadarama.
Sa paglipas ng mga taon, lumalago ang ating ekonomiya kasabay nito ay patuloy din na paglago ng mga problema. Hindi sa mga matatanda kundi sa mga bagets na animo'y pasan-pasan ang problema ng mundo.
Pang-aabuso, rape, pagkalulong sa droga, at ang maagang pagkabuntis ay ilan lamang sa pangunahing problemang bumabagabag sa buhay ng mga bagets ngayon. Sa katunayan, ang problemang ito ay siya ring sakit sa ulo ng mga estudyante ng Misamis
Kabataan ang pagasa ng bayan, ngunit makakaasa ba ang kabataan sa bayan?
Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS), nakakaepekto na rin kasi ito sa pag-aaral nila. Isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit may mga ganitong pangyayari ay ang
pagkakaroon ng problema sa pamilya o sa bahay, kakulangan sa kaalaman at gabay ng magulang, at hindi pagkakaintindihan na kung saan nagiging dahilan ito upang itulak ang isang bata na gawin ang hindi kaaya-ayang gawain. Nang dahil doon natututo ang isang inosente sanang bata na gumawa ng masama, kagaya na lamang ng pambubully at higit sa lahat ay ang pagkitil sa sarili nitong buhay, marahil marami ang maaagrabyado rito, masasaktan at magagalit. Kabataan ang pag-asa ng
Bukod sa mga istorya tungkol sa ‘jeepney phase-out’ isa ring dahilan ang usok ng mga dyip ang sinusolusyonan ng mga lokal na pamahalaan sa Cagayan de Oro.
Inilunsad ng City Local Environment and Natural Resources Office (Clenro) ang ‘ANTI-SMOKE BELCHING’ para sa pagtanaw ng Clean Air Act of 1999 at City Ordinance 13102-2016.
Kinumpiska ang mga tambutso ng pampublikong sasakyan upang makakasiguro na hindi bumubuga ng maitim na usok ang kanilang sasakyan.
Isang dahilan sa polusyon ang mga sasakyang dumadaan sa paligid na nagbubuga ng maitim na usok.
“Kahit saan man tumingin kanan o kaliwa may sasakyan talagang itim ang lumalabas sa tambutso nila.” sabi ng isang ina na takip-bibig silang mag-ina tuwing dumadaan ang bumubulusok na sasakyan.
Sa bawat usok na bumubuga mas nasisira ang kalikasan at nagdadala ng polusyon sa paligid.
Gayunpaman, dahilan ang kakulangan ng timbang pagdating sa pinaghalong gasolina sa hangin ng sasakyan, na nagreresulta sa makapal na itim na usok.
Kaya sa paggawa ng aksyon ng mga lokal na
bayan, ngunit makakaasa ba ang kabataan sa bayan? Para maibsan ang sakit at tinik sa puso ng mga bagets nararapat lamang na sila ay bigyang importansya at pansin, kinakailangan din nila ng gabay ng isang magulang, sapat na kaalaman, at disiplina at ang pagiging responsable. Problema sa kabataan o problema ng kabataan, alin ang mas matimbang?
pamahalaan sa paglala ng polusyon dito sa Pilipinas naglunsad sila ng anti-smoke belching para hindi na mabahala ang mga residente.
“Tama ang ginawa nila, dahil ang mga operator at driver ay nagsisikap na sumunod sa mga patakaran at regulasyon pero ang iba ay walang pakialam.” Komento
Sa bawat usok na bumubuga mas nasisira ang kalikasan at nagdadala ng polusyon sa paligid
ni Loremae tungkol sa pagsagawa ng anti-smoke belching. Ang paggawa ng ganitong aksyon sa polusyon ay napapabuti ang lahat, hindi lang ang pagwala ng isang bagay ang isa sa kalutasan kundi may iba pang bagay ang may sagot.
Tatak na sa ating mga Pinoy ang pagiging makulit na kahit sa pinakamaliit na kompetensya ay nagkakaroon tayo ng kanya-kanyang bet na panigurado naman na malupit. Ano pa kaya kapag ang labanan ay pasiklaban na ng kagandahan at kahusayan sa gabing pinakahihintay ng iilan?
Normal na nga ba sa atin mga Pinoy na kapag hindi yung bet natin ang nakauwi ng ginto ay agad aatakihin ang nakaabot nito? Iyan ang nangyari sa nagdaang MUPH Cagayan De Oro nitong taon ng Enero.
Sa naganap na Miss Universe CDO kamakailan, inulan ng samutsaring batikos at reaksyon ang naging kinalabasan sa resultang hindi ikinatuwa ng karamihan.
Ngunit sa paanong paraan nga ba nagkulang ang kandidatang itatanghal na sana ang kanilang lungsod sa susunod?
“Di man sa way lami iyang tubag, gakatambunan lang jud kay Ms. Tablon,” wika ng isang audience sa onlayn na si Cassandra Chiva, isang mag-aaral na kasali sa sports class ng MOGCHS.
Naging usapin ang pagkapanalo ni Ms. Lomongo dahil mas maraming naligalig sa sagot ni Ms. Paayas sa bawat tanong na kanilang naingkwentro. Pati mga hurado nakatanggap na ng kaliwa’t kanan na batikos dahil sa resultang hindi matanggap-tanggap ng halos, gaya nalang ng komento ng isang netizen
sa peysbuk, “The Judges make her win! Ayaw mog bash niya sa judges ta mag blame! ” Marami man ang nadismaya sa kinalabasan ay hindi naman mawawala ang mga taga suporta ni Ms. Iponan sa nagdaang laban, “
Kahit marami man ang kumalaban sa nagdaang resulta, nanatiling kalmado ang pagsagot ni Ms. Lomongo sa mga binatong batikos sa kaniya— ang mapanakit na ‘bet’
Dawat2 mo oy gidawat gani sa iyang mga co-candidates nga siya ni daog, kamo pa kaha nga way ambag sa iyang life,” komento pa ni Bartosis Venna sa isang post ng fb page ng Miss Universe Philippines CDO. Isinisi ng iba ang kaniyang
“Naa na kay botaran? Kani na lang sila o kay dako ilang hatag”
Nalimutan na ba natin ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno upang makuha lang ang karapatang bumoto? Inialay nila ang kanilang buhay upang makawala sa pang-aapi. Inialay nila ang kanilang buhay upang makapagtayo tayo ng sariling pamahalaan, pamahalaang para sa masa, subalit kahit moderno na ang panahon at masasabing isa na tayong malayang bansa, hindi pa rin ito nangangahulugang tayo ay tunay na ngang malaya dahil sa pagkakakulong natin sa mga bagong mang-aapi, ang korapsyon ng ating kapwa Pilipino, ang pakikipaglaban ngayo’y hindi na sa pamamagitan ng dahas, kung hindi sa pagiging matalinong mamamayang ginagamit ng wasto ang kanyang karapatan.
Isa ka rin ba sa mga bagong botante o ‘di kaya ay magiging botante pa lamang? Kung gayon, masasabi mo ba sa iyong sarili na naninindigan ka sa tama at sa makatarungang pagboto?
Kinabukasan para sa bayan, simulat sapul tayo’y minulat sa katagang ‘’Ang kabataan ay pag asa ng bayan’’ subalit bakit sa simpleng pag boto na para sa ikauunlad natin at ng ating bansa ay hindi pa rin magawa ng wasto at makatarungan.
mga sagot na sana ay may mas ikabubuga pa, dito lamang naging patagilid ang bet ng madla dahil binonggahan ni Paayas ang sagot sa bawat tanong. Ngunit, dahil sa mala-lalunang awrahan at atake ni Lomongo, sinamahan pa ng pantay na performance sa gabing iyon, marami rin ang nahumaling sa kaniyang kakaibang ganda at galing. Sa edad na 18, nakamit na ni Lynn Lomongo ang ganitong karangalan na siya namang ibinunga ng kaniyang sipag sa pagsasali ng ganitong karera, mga paligsahan sa pag-uwi ng korona. Kahit marami man ang kumalaban sa nagdaang resulta, nanatiling kalmado ang pagsagot ni Ms. Lomongo sa mga binatong batikos sa kaniya— ang mapanakit na ‘bet’. May pagkakataon pa naman para magpakitang gilas at patunayan ang kaniyang sarili sa papalapit na laban kung kaya’t abangan at tutokan ng malapitan ang malupitang laban na ipapakita pa ni Ms. Lomongo, at baka sa susunod na pagrampa niya sa entablado ay siya na ang magiging bet mo.
Ang pag halal ng lider sa pamayanan, komunidad at bansa ay binibigay kapangyarihan sa ating mga taga pagboto tuwing eleksyon, subalit lumipas man ang ilang panahon, kapag usapang eleksyon, salapi laban sa mapayapa at matiwasay na bansa pa rin ang kalaban.
Halimbawa na dito ang nangyaring kasong vote buying sa lugar ng Baranggay Carmen, Cagayan de Oro City ayon pa sa pahayag ng head of the National Movement for Free Elections(NAMFREL) na 6,000 pesos ang pinamigay ng dalawa sa mga local na politikong pamilya para sa pagbili ng mga boto sa eleksyon, binigyang pahayag rin ng The Philippine National Police (PNP) na kasalukuyan nilang ginagawan ng imbestigasyon ang naturang mga botanteng nakakuha ng pera galing sa mga kandidato.
Naka pahayam din natin ang isa sa mga BSK voters na si alyas Dodong na taga Carmen, CDO kanyang isinaad na “Oo naka dawat kos ulan-ulan ato P700, pero I was reluctant to accept it at first pero ga frown man akong aunt so I have no choice to accept the cash, but even so wala nako gibutaran tung nag hatag sa money.”
Kaya naman tatanungin kita, kapag ba ikaw ang nasa posisyong iyon, tatanggapin mo ba ang pera o makakarandam ka ng konsensya?
Salapi laban konsensya, ano nga ba ang mas aangat, ang katotohan o ang kasilawan sa pera?
Bilang isang mamamayan na may kapangyarihan para baguhin ang na lulugmok na ekonomiya, isiping mabuti ang bawat botong ginagawa dahil hindi ito kagaya sa balota ng lotto tickets na basta-basta na lang iitiman, sa pagboto ang bawat tintang itatatak sa balota ay katumbas ng pagbabago sa kinabukasan ng ating bansa kaya ito’y dapat pinag-iisipan nang mabuti.
NI ESHA MORALES
Nanginginig. Hindi mapakali. Nababalisa.
Parang isang sirang palaka kung maka-isip ng mga negatibo at masama ang ating utak, paulit-ulit at mahirap ihinto. Minsan nga nalilito na ang nakakaranas nito, kung ito ba ay boses lamang na parang sirang palaka, o unti-unting nasisirang plakaisipan.
Posas para sa mga kabataan ngayon ang sakit sa kalusugang pangkaisipan. Sa taong 2022 ang Crisis Hotline ay nakatanggap ng kabuuang 1,895 na tawag na naghihingi ng tulong, sabi ng The National Center for Mental Health (NCMH) Medical Center Chief II na si Dr. Noel Reyes.
Ang pinakabatang kaso na tinukoy sa NCMH ay isang apat na taong gulang. Habang, 794 sa mga kaso ay halos 17 taong gulang, ayon sa datos na ibinigay ng government-run mental health facility. Nangungunang limang dahilan ng pagtawag sa hotline ayon sa NCMH ang mga problema sa pamilya, mga sintomas ng pagkabalisa o depresyon, ang pangangailangang makipagusap sa tao, mga problema sa akademiko, at pag-ibig o mga relasyon.
KAUNA-UNAHANG KALABAN NG KAISIPAN
Tunay na malawak ang isipan ng tao, biniyayaan tayo ng may kapal na may isip na maraming nakakaya at maraming nalalaman. Alam ng tao ang kaniyang makakaya at hindi makakaya kaya sa kaniyang isip at kung pinipilit nito ang isip na gawin ang hindi niya kayang gawin ito ay magbubunga ng mga negatibong pag-iisip sa isang tao. Sabi ng mga mananaliksik ang ating kalusugang pangkaisipan ay nagsisimula sa emosyon na binibigay sa atin ng mga tao sa paligid o kung ano ang sa tingin natin sa sarili na makabigay ba ng lakas ng loob o makakababa, ito ay ayon sa SciTechDaily. Pwedeng maging kahinaan ng ating sariling pag-iisip ang sinasabi ng ibang tao.
Sakit sa isip (mental health) o tinatawag ding mga sakit sa kalusugan ng isip (mental illness), ay tumutukoy sa isang malawak na hanay ng mga masamang kondisyon sa kalusugan ng isip — mga karamdaman na nakakaapekto sa iyong kalooban, pag-iisip at pag-uugali. Kabilang sa mga halimbawa ng sakit sa isip ang depresyon, mga karamdaman sa pagkabalisa, schizophrenia, at mga hindi pagkakaintindi sa sariling pag-uugali, ayon sa Mayo Clinic.
Ilan sa mga sintomas na maaaring dahil sa pagkakaroon ng mental health problems or problema sa mental health ayon sa RiteMEd ay una hindi kumakain o kumakain ng sobra
Ilan sa mga sintomas na maaaring dahil sa pagkakaroon ng mental health problems or problema sa mental health ayon sa RiteMEd ay una hindi kumakain o kumakain ng sobra, hindi nagagampanan ang pang-araw-araw na mga gawain katulad ng; pagaalaga sa mga anak o pagpunta sa trabaho o sa paaralan, pag-iisip ng pananakit sa sarili o pananakit sa iba, mga naririnig na boses o paniniwala sa mga bagay na hindi naman totoo, at marami pang iba.
MGA BIKTIMA SA PROBLEMA
Ano man ang iyong edad o sitwasyon, ay walang pinipilian ang nagsasanhi ng depresyon at sakit sa ating pag-iisip. Depresyon, ito ay ang pinaka-karaniwang problema sa kalusugang kaisipan sa buong mundo. May humigit kumulang 300 milyong katao na naghihirap mula rito na naging sanhi ng pagpatay nila sa sarili (suicide) at halos edad ng mga ito ay 15 to 29. Ayon NCMH Crisis Hotline ay natala nila
na 1,367 ang natanggap nila na tawag noong Enero, 1,498 noong Pebrero, at 1,462 noong Marso, na may kabuuang 4,327. Karamihan sa mga tumawag sa panahong ito ay babae. Sa unang tatlong buwan ng taong ito, ang hotline ay tumugon sa mas mataas kaysa sa karaniwang dami ng mga tawag, dagdag ni Reyes ng NCMH. Dagdag rin ni NCMH Reyes na pinakanababahala sila sa mga kabataang nage-edad 10 pababa, dahil nakatanggap sila ng tawag sa batang pitong taong gulang pa lamang.
Isa ang mga mag-aaral sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) na hindi makaiwas sa matinding dulot ng depresyon lalo na kapag kanilang marka na ang pinag-uusapan. Sa dami ba naman ng kanilang performance task sa bawat asignatura siguradong pagod sa kanila'y sasalubong.
Samantala, pagsasaliksik ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) at Department of Health (DOH) na sa taong 2013 may 574,000 o tatlong porsyento ang tinapos ang sariling buhay at tumaas pa ito ng maigi sa taong 2021 na may bahagdang 7.5%. At ang ibig sabihin nito ay umabot ng 1.5 million ang mga kabataan na dumaranas nito mula sa nagdaang taon.
Ayon sa World Health Organization (WHO) na isa sa walo ka tao sa buong mundo ay may sakit sa kalusugang pangkaisipan.
KINAKAHARAP NA PROBLEMA NG
BANSA
Subalit mahirap isipin na sa buong mundo maliit lamang ang bahagdan ng mga mental health workers at na kahit ang mga bansa na malalaki ang mga ospital ay nakukulangan pa rin sa mga nagtatrabaho para sa kalusugang mental. Sa Pilipinas, mahirap pa rin ang sitwasyon kaunti lang ang mga ospital na mayroong psychiatric unit/ward na makakatulong sa pagpapagaling sa may mga problema sa kanilang kalusugang pangkaisipan, meron lang tayong pitong porsyento na psychiatric
ward o unit na mayroon dito sa pribado man o sa pampublikong ospital.
Ayon sa sarbey ng Global School-
Based Student Health Survey na ang mga mag-aaral na nasa high school ay 17% sa kanila ang nagsabing nagtangka na silang magpakamatay ng isang beses, 12% naman ang seryosong isinasaalang-alang ang pagtatangka sa pagpapakamatay.
At may mga tao pa rin sa mundo na tinitingan ang sakit sa pag-iisip na ito lamang ay kaartehan ng mga kabataan pero hindi nila alam ang katotohan na mayroong seryosong problema ito at kailangang pagtuunan ng pansin.
SAMA-SAMA SA PAGSALBA
Lahat ng kabataan na may ganitong problema ay kailangan talaga na may sandigan, hindi sa iba kung hindi, sandigan sa sarili. At sana ay may mahingian, makausap, at may makasama sila para hindi nila ito gawin.
Sa buwan ng Oktubre ay idinidiwang ang World Mental Health Day, isang kaganapan ng World Health Organization (WHO) upang ipamulat ang buong mundo sa mga isyu sa kalusugan ng isip at upang pakilusin ang lahat na magsikap sa pagsuporta sa na may solusyon pa para sa may sakit sa kalusugan ng isip. Sa kasalukuyan, kapag magsasaliksik ka sa Google tungkol sa ‘suicide’ ay may lalabas na numerong 0966-351-4518 na maaari mong tawagan. Ito ay ang hotline o numero ng National Center for Mental Health Crisis Hotline, maari mo itong matawag sa kahit anong oras, panahon, at lugar kapag kailangan mo ng karamay o kausap tungkol sa mga bumabagabag sa iyo. Mahirap man ihinto ng mag-isa ang untiunting nasisirang isipan, na kung paulit-ulit ay parang sirang plaka, hindi pa rin nawawala ang katotohanang maaari itong malutasan na problema kapag sama-sama.
Benepisyong
Makukuha sa Makahiya
Lumahok ang Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa Division Science and Technology (DSTF) na kung saan maaaring makasali ang mga kabataang elementarya hanggang sekundarya na ginanap sa Salay National High School.
May limang kategorya ang puwedeng pasukan ang sasali sa Science Investigatory Project na kompetisyon at ito ay ang Life Science Category, Physical Science Category, Robotics and Intelligent Machines Category, Mathematics and Computational Category, at National Science Innovation.
Sa magugubat na mga lugar naiisip kaagad ng tao ang berde nitong anyo ngunit sa mga kalupaan pala nito ay may halaman. Ito ay ang makahiya kung malapitan subalit may mahika pala itong tinataglay sa katawan.
Tinatawag na Mimosa Pudica sa siyensiya ang halaman na makahiya. Ang halamang makahiya ay literal na nangangahulugang mahiyain dahil sa lumiliit ito o natitiklop kapag hinawakan. May iba pang mga pangalan nito gaya ng lumiliit na halaman o ang “touch-me-not”. Maraming benepisyo ang makukuha sa makahiya lalong lalo na sa kalusugan.
Sa tradisyunal na gamot, naniniwala ang mga practitioner na ang halaman ay nagbibigay ng lunas para sa hika. Kapag naman may high blood pressure ang isang pasyente kapag makakainim ng juice na gawa sa makiya ay makatutulong ito sa pahinain ang sintomas ng high blood. Mayroon ding antibacterial, analgesic, antidepressant, antispasmodic, at diuretic na katangian ang halaman. Ngunit paaala ng doktor ay huwag itong gamitin o gawin kung walang pahintulot ng isang doktor o siyentista.
Kaya huwag maliitin ang mga nahihiya at nagtatago sapagkat sa hindi inaasahan ay may tinatago pala itong mga yaman na makatutulong sa iba’t ibang paraan kabilang na dito ang sa kapaligiran, sa ating katawan, at sa ating mundo.
Alinsunod ito sa Division Memorandum No. 600 s. 2023 ng Department of Education (DepEd) sa Division of Misamis Oriental.
Bukod pa rito, maaring sumali ang mga kabataan na nasa ika-tatlo hanggang ikasampung baitang sa kompetisyon Quiz Bee.
Nasungkit ang ikalawang pwesto sa Robotics and Intelligent Machines ng grupo ng MOGCHS na nilahukan nila Ruzel Labarosa, Michaela Aventurado, at Arianne Bantolio. Habang nakuha naman ni Jess Emmanuel Rudinas ang ikatatlong pwesto sa indibidwal na kategorya sa Life and Science. Layunin ng aktibidad na ito na mahasa ang talino ng mga kabataan sa siyensa at agham na madadala nila hanggang sa kinabuksan na hinangad.
Naranasan niyo na ba na habang yumayanig at nanginginig ang lupa, ito rin ay kapareho ng nararamdaman natin kapag mayroong lindol?
Bumalisa ang lahat ng mga estudyante sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa sunod-sunod na lindol na naramdaman sa kanilang lugar. Simula sa araw ng Disyembre 3, 2023 imbes na magandang regalo ang hatid ng buwan na ito sa mga estudyante dahil malapit na ang bakasyon o pagpapahinga dahil sa malapit na pasko, nabigyan ang lahat ng matinding nginig ng damdamin at nginig sa lupa.
Nagambala naman ang Davao del Norte na kung saan naapektuhan ng matindi nang makaramdam sila ng 7.4 na lindol, na nagsanhi ng madaming taong nakitil ang buhay. Isa na dito ang ina na nakuhanan ng buhay dahil bumagsak ang pader ng isang bahay at nadaganan ito, habang nag mag-ama naman nito ay lubhang nasugatan dahil sa nangyari.
Inenspeksyon ng Tagum City Municipal Disaster Risk reduction and Management Office (MDRRMO) at lahat ng DRRMO sa Mindanao ang nangyari, habang nagpapatuloy pa rin sila sa pagtulong sa mga nasalanta ng lindol.
PUNO’T DULO NG PELIGRO
Isa ang Pilipinas sa mga lugar na nasa kahabaan ng Pacific Ring of Fire. Humigit kumulang 90% ng lahat ng lindol ay nangyari sa lugar ng Pacific Ring of Fire. At 75% naman ang kabuuan ng lahat ng aktibong bulkan sa mundo, ayon sa National Geographic Society. Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa
ilalim ng lupa na dulot ng pagbibiyak ng lupa. Dahil rin sa malapit ang Surigao sa Philippine trench kung saan ang dalawang plates o lupa sa ilalim ng karagatan ay gumagalaw at ginagas ang isa’t isa na nagbunga ng matinding lindol.
Pilipinas, bilang isa sa mga bansa na nasa Pacific Ring of Fire, ito madalas ang nakakaranas ng paglindol at pagputok ng bulkan, kaya hindi na bago sa bansang ito nag lindol.
DALANG PINSALA NG MAY SALA
Humigit kumulang 1,583 aftershocks o muling pagyanig ng lupa nag naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) pagkatapos ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Norte, simula Disyembre 2, 2023. Maraming mamamayan ang natakot dahil hindi inaasaha ang ipinakita ng indi na makatuog dahil sa takot na may pagguho ng lupa na naman ang kanilang maramdaman habang sila ay nakahiga at baka madaganan pa ng gusali sa posibleng muling paglindol.
Dahil walang pampublikong transportasyon maraming mga residente ang pinili na lamang na maglakad ng ilang kilometro patungo sa kanilang kabahayan o samkalapit na evacuation center na inihanda ng lugar.
ATAKENG TSUNAMI, BABALA SA MADLA
Kasagsagan ng matinding yanig ng lupa at takot ang naabala ang lahat dahil sa babala ng PHIVOLCS na pinakamataas na alon sa karagatan na inilikha ng pagyanig ay 64 na
metro o 25 na pulgada ang taas na nag-ibig sabihin ay lampas sa nakasanayan nitong alon sa Mawes Island, Hinatuan. May iba na mga residente rin ang napilitang maglapakad na lamang gamit ang mga sariling paa papunta sa evacuation centers para maisalba ang sarili. May iba rin na residente na hindi na makatulog dahil sa takot na may pagyanig na naman ng lupa ang kanilang maramdaman o baka may aftershock na naman habang nakahiga sila.
SOLUAKSYON
Halos buong sa Mindanao ay sinuspinde ang klase gaya ng MOGCHS. Ginawa ito para masuri kung mayroong giba at pagguho ng lupa sa paaralan dahil naapektuhan rin ito sa napamatinding pagyanig ng lupa. Gayunpaman, dapat na maging handa tayo sa peligtong ito at dapat na maging matibay ang puso ng bawat isa para malampasan ang suliraning kinakaharap. Kung paano maging handa, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) ay una, dapat alamin ang mga ligtas na lugar sa loob ng bahay ay nakatayo sa isang fault line. Kung lumindol, gawin ang Drop, Cover, and Hold, at maghintay na humupa muna ang lindol bago lumabas ng bahay pero hindi magpapadalos-dalos. Maghintay sa mga bagong balita tungkol sa sakuna. Gaya ng pagsubok ng buhay nakakaramdam tayo ng pagkabalisa at panginginig sa kung ano man ang mangyari sa hinaharap, kaya tanging pagiging alisto lamang ang ating magagawa para hindi mabiyak ng naturang suliranain ang ating loob gaya ng paggiba nito sa ating mga silungan.
Kapag malapit na ang pasko, hindi mabubuo ang loob ng bahay kapag walang mga palamuti na magbibigay liwanag sa nalalapit na kaganapan at hindi na mawawala sa mga palamuting ito ang punong pampasko (christmas tree).
Kaya pinakilala ng Department of Education (DepEd) ang bago nilang proyekto na DepEd 236,000 Trees— A Christmas Tree for all our Children, at tinuturing itong pamasko para sa mga kabataan. Layunin din nito na ang mga kabataan ay makalanghap ng sariwang hangin at malinis na kapaligiran.
Simula sa ikaanim ng Disyembre, 2023 ay magtatanim na ang iba’t ibang pampublikong paaralan sa buong bansa na humigit kumulang 47,678 na pampublikong paaralan ay magtatanim ng limang puno isa-isa para mabuo ang 236,000 na puno na kailangan sa programang ito. Ang agtatanim ng puno sa iba’t ibang parte ng bansa ay lumilikha ng pagkakaisa sa komunidad mula s amga paaralan hanggang sa mga kababayan nito.
Naaayon ang koordinasyon na ito sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Office of the Vice President, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at DepEd para sa programang pinamagatang Pagbabago:
A Million Trees Campaign. Ang pamamahagi ng ang mga buto sa bawat
Layunin din nito na ang mga kabataan ay makalanghap ng sariwang hangin at malinis na kapaligiran ‘‘
paaralan ay dapat makumpleto bago ang Nobyembre 29, 2023. Pinangunahan ng DepEd Regional Office (RO) at nakipag-ugnayan rin sa DENR ng rehiyon sa pagbibigay ng mga buto na itatanim ng bawat paaralan. Ninanais rin ng DepEd na ang gagamiting mga buto sa pagtatanim ay mga punong
namumunga o mga puno na ang uri ay galing sa katutubong ng Pilipinas, habang bakawan naman o tinatawag din na mangroves kung ang napili ng paaralan ay ang baybaying lugar para sa pagtatanim ng puno.
Sinalihan ng paaralan ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) ang aktibidad na ito na dinaluhan ng iba’t ibang importanteng tao sa paaralan, dibisyon na opisina, at mga kabataan na nasa loob ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O).
Pinapakita ng aktibidad na ito na may pag-asa pa para masolusyonan ang mga problema sa ating kapaligiran na gamit ang proseso ng katuwaan at may bago pang kaalaman na natutunan. Kaya sa pasko na ito na nakakagalak na may puno tayong naitayo para pang regalo sa mga bata ngayon sa pasko, at para sa mga bata sa susunod na henerasyon na may nalalanghap silang sariwang hangin na pinagsamahang binuo ng buong bansa sa taong ito.
Kapag nasa labas ka sa napakainit na panahon habang may hawak na sorbetes, talagang matataranta ka kapag napansin mo na natutunaw na ito. Paano kaya kapag ang nakasanayang lawa na yelo ay natunaw rin sa init ng panahon, matataranta rin ba tayo? Nagulat ang Great Lakes Environmental Research Laboratory dahil sa natala nila sa araw ng Bagong Taon, dahil sa pag-aakalang ito ay dapat na puno ng kasiyahan ay natala nila na tumaas ng 0.04% ang temperatura na tinatawag nilang Great Lakes o mga lawa na yelo na malaki ang epekto sa lahat. Mula sa mga agrikultura ng mga kalapit na bansa ay maaaring maapektuhan dahil sa pagtaas ng tubig ay magsasanhi ng pagkasira ng mga ani, at mga posibilidad na maging isla na sa kinabukasan ang mga nagtataasang mga bundok sa kasalukuyan.
PAGBABAGONG HINDI KABAGOBAGO
Hindi na mawala-wala sa listahan ng mga matindi at malaking problema sa mundo ang pagbabago ng klima o panahon na tinatawag din na Climate Change sa lenggwaheng Ingles.
Ang Pagbabago ng Klima o Climate Change ay sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Ang pagbabagong ito ay puwedeng maging natural, tulad ng sa pamamagitan ng mga pagkakaiba-iba sa siklo ng araw at maari rin na hindi. Ito ay nakakaapekto sa lahat ng mga elemento na nasa ating mundo, mula sa kagubatan, katubigan, at kalangitan. Walang pinipiling winawasak at kinakalaban ang pagbabago na ito.
Nag-aambag sa rin sa pagbabago ng klima ang mga aktibidad ng tao, una na dito ang paglalabas ng bilyun-bilyong tonelada ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide, at ibang mga gas bawat taon sa iba’t iabng panig ng mundo.
Ayon kay James Kessler, isang siyentista
Epekto ng La Niña sa Agrikultura
NI ESHA MORALES
Hulog ng langit para sa mga magsasaka kapag may mga patak ng ulan na dadating sa kanilang lugar sapagkat makatutulong ito sa paglago ng mga pananim. Subalit, ang ulan pala na sobrang-sobra na dala ng La Niña ay maaaring makapahamak sa kanila. Masama para sa mga magsasaka ang magiging epekto ng pagbuhos ng ulan sa napakatagal na panahon na tinatawag din
ng National Oceanic and Atmospheric Administration, ito raw ay isa sa mga indikasyon na lumalala ang Climate Change o Pagbabago ng Klima. Dagdag din niya na dahil sa pinoprodus na mainit na hangin sa panahon ngayon ang sanhi ng pagbagal ng pagbuo ng yelo sa lawa.
NAAPEKTUHAN
Pero nabahala ang mga tao na nakita kung paanong ang yelo galing sa Duluth Harbor ay mabilis ang pagtunaw nito sa lawa ng Duluth Minn. Nalungkot din sila dahil ang lawa na nagsisilbing libangan o hindi sa pagkuha nila ng isda sa yelo na lawa o ice fishing at dahilan ng maginaw na temperatura ay unti-unting nalulusaw.
Mula sa pagtutunaw ng yelo na dahilan ng pagtaas ng tubig, magiging mainit ang panahon at matutuyo ang mga halamang gulay, at may mga ibang sakit pa na makukuha gaya ng heat stroke, ubo, sipon, at marami pang iba.
Inaasam ng mga tao dito na may gagawing aksyon sa problemang ito. Ngunit hindi ito magagawa kung patuloy na nagbabago ang panahon at klima na unti-unting nakakasama ng malaki sa ating kapaligiran Nagreresulta rin ito ng pagtaas ng tubig na maaring makakasira sa mga ari-arian
Imbes na magsilbi bilang komportableng silid upang mailabas ang toxins sa katawan, ito na mismo ang nagiging sanhi ng pananakit na nararamdaman.
Nakasaad sa DepEd Order No. 10 s. 2016 na mahalaga ang malinis na tubig, banyo, at tamang sanitasyon sa mga paaralan upang maabot ang mga inaasahang learning outcomes.
Subalit karamihan sa mga paaralan, hindi nawawala ang mga maruruming banyo, mga duming hindi na-flush at mga sanitary napkin na nakalatag sa sahig.
Maitatayang mahigit 24 milyong Pilipinong mag-aaral ang kulang sa kaalaman tungkol sa kalinisan, kahit na ang Department of Health (DOH) ay gumawa na ng hakbang sa pagpapabuti ng kalinisan sa loob ng nakaraang dalawang dekada, marami pa rin ang walang
na La Niña. Nagiging sanhi ng pagkawasak ng mga taniman ng mga magsasaka na makakaapekto rin sa ekonomiya dahil sa kakulangan ng ani. Ayon sa PhilRice mataas din ang posibilidad ng pagdapa ng palay kung may malalakas na hangin sanhi ng malalambot na puno dahil laging babad sa tubig. Dagdag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
gaya ng gulay, prutas, at marami pang iba sa karatig bansa ng mga naapektuhan nito. Magdadahilan ito ng pagbaba ng ekonomiya ng sunod-sunod at mahirap huminga sa kapag nalunod ka sa napakalalim na tubig o problema.
Ang mga yelo sa Great Lakes— Lake Superior, Lake Michigan, Lake Huron, Lake Erie, at Lake Ontario— ay mga lawa na may tumitirang isda na naapektuhan dahil sa nalulusaw na yelo gaya ng bangus na kung saan kinakailangan nila ang yelo bilang protekta sa kanilang mga itlog. Dagdag din ni Kessler na sa natala nila may maaring bababa ng limang porsyento kada taon ang posibilidad na may mabubuong lawa sa mga tinatawag nilang Great Lakes.
TANGING PARAAN AY ALAGAAN
Hindi maiiwasan ang pangamba sa posibleng mangyari sa hinaharap dahil hindi natin ito hawak at mahirap pigilan ang pagbabago, kaya ang tanging magagwa na lamang natin ay mag-alaga. Mag-alaga sa ating kapaligiran at kalusugan. Kailangan nating magtanim ng puno, palawakin ang nalalaman tungkol sa mundo, gumamamit lamang ng maliit na kuryente o enerhiya, sumali sa mga aktibidad na makatutulong sa kapaligiran, at magtapon ng basura sa tama nitong lalagyan. Mahirap na at dadating ang panahon na wala na tayong magagawa sa pagkaubos ng pinagkukunang yaman sa dagat at sa lugar na may taniman dahil dito. Mula sa pagtutunaw ng yelo na dahilan ng pagtaas ng tubig, magiging mainit ang panahon at matutuyo ang mga halamang gulay, at may mga ibang sakit pa na makukuha gaya ng heat stroke, ubo, sipon, at marami pang iba. Tuwiran na dapat bigyang pansin ang yelo na unting natutunaw dahil baka tayo pa ang manganganib na pumanaw.
maayos na sistema ng kalinisan.
Bukod sa umaapaw na basura sa basurahan, walang sapat na sabon, saad din ng World Economic Forum na ang kakulangan ng mga banyo sa paaralan ay isa sa mga pangunahing kadahilanan sa problema ng kalusugan at edukasyon ng mahigit 620 milyong bata sa buong mundo. 15 taon nang lumilitaw ang problemang ito, sabi nga ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) National President Antonio Tinio na mahalaga ring tugunan ang kakulangan ng palikuran, maraming mga banyo ngunit hindi nagagamit ng mga bata. Ang Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) na napapabilang sa kategoryang Mega School, ay nasa ratio ng 23:8,000 kung saan ikinumpara ang dami ng mga accessible na mga banyo sa bilang ng mga mag-aaral.
Administration (PAGASA) ay magtatagal ang panahon ng La Niña. Ngunit nais sabihin ng PhilRice na huwag magalala dahil walang maagang senyales ng masamang epekto ng La Niña, mabuti pa rin na maging handa at alerto. Kaya pinapayuhan ang mga magsasaka na kahit sa ano man na panahon kailangan na ang mga uma ay alagaan para hindi ma-umay sa kasamaang dulot ng La Niña.
Ayon sa serbisyong water, sanitation and hygiene o WASH, lahat ng paaralan ay dapat magkaroon ng malinis, ligtas, at accessible na mga pasilidad ng palikuran na sumusunod sa ratio na itinakda ng Philippine Sanitation Code.
Batay sa Three Star Approach ng WASH, mareresolba ang maruming banyo sa pamamagitan ng pagtuturo ng regular na paglilinis sa mga banyo. Bagaman napatunayan na epektibo ito, ang maling pagpaplano, koordinasyon, at kakulangan sa pondo ay naitalang mga hadlang sa pagtatamasa ng inaasahang layunin.
Disiplina ang kinakailangan upang mabigyan ng hustisya ang pangalang “comfort room” kaysa ipagpatuloy ang hindi pagiging komportable sa silid na dapat komportable. Kung tutuusin, tayo rin naman ang nakikinabang.
Masakit para sa lahat na ang pinaghirapang gawin ay iba ang makikinabang. Ito ang sitwasyon ng mga magsasaka na naghirap na yumuko para magtanim ngunit ang mga maninirang kuhol ang nakabenepisyo.
Pinoproblema ngayon ang dami ng populasyon sa mundo, para naman sa mga magsasaka ang pagdami ng populasyon ng apple snail eggs ang makakaubos ng kanilang palay. Itinuturing na isang seryosong mananalakay sa mga palayan at isang kilalangkilalang invasive species ang kuhol na ito.
Maaaring humantong sa pinsala sa mga halaman ng palay at mga damo, na nakakaapekto sa agrikultura. Sa pamamagitan
Mas mainam na pigilan ang paglitaw ng isang sakit kaysa sa paggamot nito pagkatapos na mangyari ito
ng pagkain nila mga kauusbong pa lamang na halaman ng mga palay. Pinutol nila ang tangkay ng palay sa base, sinisira ang buong taniman.
Ayon sa Rice Knowledge Bank kung walang ginawang control measure o pagkontrol sa mga ito, maaari silang makasira ng buong taniman. Ang pinsalang ito ay maaaring humantong sa higit sa 50% na pagkawala ng mga ani. Mas mainam na pigilan ang paglitaw ng isang sakit kaysa sa paggamot nito pagkatapos na mangyari ito.
Dagdag ng Rice Knowledge bank na magsagawa ng manwal na pagkuha ng mga kuhol na ito at puksain ang mga itlog nito. Maaari rin na gumawa ng kampanyang pangongolekta ng itlog, kung saan magkakaisa ang komunidad. Kaya kontrolin ang mga itlog ng apple snail at pisain ito sa tamang paraan para ang ating buhay ay hindi magkabuhol-buhol dahil sa ma-perwisyong kuhol.
Pinagharian ng dalawang Kagayanon ang kabuuan ng 2023 Philippine National Games Archery matapos magtala ng 1-2 kartafa sa Rizal Memorial Baseball Stadium, Manila, December 21. Bagama’t nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang kapatid nitong Disyembre 12— hindi ito naging hadlang para sa 51-yearold bagkus ito ang kaniyang pinaghugutan ng lakas upang mamayagpag sa bakbakan. Nakapaglikom ng 581 sumatotal na puntos ang kagay-anon protege Kenneth Tan sa barebow male open qualifying
Sa malupit na kalikasan ng Cagayan de Oro, umusbong ang bagong anyo ng kaginhawahan - ang paragliding.
Sa paglipad sa itaas ng siyudad, nadarama ang kakaibang kalmado at masalimuot na karanasan, na itinuturing na bagong uri ng wellness. Ang paglipad ay hindi lamang pang-adrenaline, kundi isang pagsasanay sa pagsanay ng isip at katawan.
Medina, Magsaysay nagningning sa Baseball, Softball; ginto, trinangkuhan
NI REGIE LIMBAGA
Magkaibang larangan, iisang kapalaran
Tinapos ng Unit 1 Medina at Unit 1 Magsaysay ang kanilang kampanya sa isang good note matapos angklahan ang ginto sa baseball at softball match ng 2024 Misamis Oriental Palarong Panlalawigan sa Napaliran, Balingasag, Enero 24.
Binokya ng Unit 1 Medina ang pambato ng Unit 2 Jasaan, 1-0, matapos bumalandra ng isang match-clinching home run ang kanilang team captain upang mangibabaw sa kabuuan ng bakbakan at masungkit ang ginto sa Baseball championship match ng Palarong Panlalawigan 2024.
“Actually, Jasaan is a great baseball team lisod kayo scoran, grabe ka krusyal ang dula, imagine 1-0 ra ang score pagdaog, ang mga bata og mga coachee walana grabe na ang pangulba, “ Ani Medina Coach Espiridion Biado.
Sa kabilang banda, tagumpay na napabagsak ng Unit 1 Magsaysay ang defending champs MOGCHS, 4-0, upang masilat ang ginto sa softball championship contention sa Palarong Panlalawigan 2024. Nakapagtala ng 6-0 kartada ang powerhouse Magsaysay sa kabuuan ng torneyo.
Bunsod ng pagkapanalo, pasok na para sa NMRAA 2024 ang Medina at Magsaysay sa Camiguin ngayong Pebrero.
Ang pag-ikot sa hangin ay tila isang sayaw sa kalangitan, isang makabagong anyo ng meditation na nagbibigay-daan sa pagtanggal ng stress at pagaalay ng kapayapaan.
Sa pagitan ng paragliding, nakakamtan ang kahulugan ng kalayaan, isang paglaya mula sa araw-araw na mga alalahanin at pagod ng buhay.
Ang magandang tanawin ng Cagayan de Oro mula sa itaas ay nagbibigay ng bagong perspektibo sa kahalagahan ng kalikasan at kapayapaan.
Ang pag-alsa sa himpapawid ay nagiging
ISPORTS LOKAL PVL:
ritwal ng pagsusuri sa sarili at pagpapahalaga sa kapaligiran.
Ito ay hindi lamang isang sport kundi isang paglalakbay sa kaharian ng kaginhawahan, kung saan ang init ng sikat ng araw at kahanginan ng hangin ay naglalaro sa isang magandang sayaw.
Sa pag-unlad ng paragliding bilang bagong uri ng wellness sa Cagayan de Oro, itinatampok nito ang pagsasanay sa pagtanggap ng hamon at pagsulong sa kabila ng takot. Ang bawat paglipad ay isang paglalakbay patungo sa sariling pag-usbong at pagkilala.
Ang pagsasanay na ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa paglinang ng tapang at kumpiyansa, habang kinikilala ang sariling kakayahan. Bukod sa kasiyahan ng paragliding, ang paglalakbay na ito ay isang paglalakbay patungo sa pagsilay ng sariling potensyal at pagsusulong sa landas ng kaharian ng kaginhawahan.
Simula pa noong musmos si Yensie Casero, naglalaro na siya ng badminton, bitbit ang raketa na tila armas, at ang kanyang matang matalim na animo’y agila sa pagmamasid sa court. Sa kanyang pag-unlad, naging kilala si Casero sa kanyang maingat na paghawak ng raketa, anuman ang maging komplikasyon ng laro.
Ang kanyang mga mata ay parang matalim na espada, laging handang sumilayup sa bawat galaw ng kalaban.
Kahit sa murang edad, lumitaw na ang kahusayan ni Casero sa badminton, kung saan ang kanyang raketa ay tila isang kakampi sa laban. Ang kanyang mga kakabit na hawak at matang agila ay nagsisilbing sandata sa bawat pagtatanggol at pagsalakay sa court.
NI REGIE LIMBAGA
Matapos ang mapait na pagkatalo sa kamay ng Nxled, hindi kumalas hanggang dulo ang Akari at nagawang ilampaso ang Gerflor sa tatlong sets, 25-18, 25-15, 25-19, upang muling buhayin ang kanilang tyansa na makasampa sa quarterfinals ng Premier Volleyball League AllFilipino Conference sa Aquilino Pimentel International Convention Center, Cagayan de Oro City. Minanduhan nina Faith
Nisperos at Joy Suyod ang Akari matapos kumikig ng 22 pinagsamang puntos tampok ang 11 blocks, 6 digs, at 5 attacks. Matapos ipaskil ang 8-point lead, nagawang butasan ng Gerflor ang depensa ng Akari at ilatag ang 14-17 sa pedestal. Gayunpaman, 8-1 run ang naging sagot ng Akari uoang barikadahan ang second set. Naging dikdikan naman ang tagpo sa third set na kung saan nauwi ito sa deadlock, 14-all.
Subalit buhat ng kate surge ng Akari na pinangunahan ni St. Mary’s Academy Cagayan de Oro Alumna Erika Raagas at Faith Nisperos— nagawang makalamang ng Akari, 21-16. Tinapos ni libero Joy Suyod ang bakbakan sa pamamagitan ng servicr ace na sinahugan pa ng solidong net defense ng Akari. Umaswat sa 4-4 ang kartada ng Akari at laglag naman sa 0-8 ang baraha ng Gerflor.
Ang kanyang mga mata ay matalimparang na
Sa kanyang masusing pagsasanay, tila isang espada na inuugma sa bawat tira, inaayos ni Casero ang kanyang mga kasanayan sa laro. Hindi lamang siya naglalaro, kundi isang mandirigmang handang harapin ang anumang hamon na dumating sa kanyang landas.
Ang paglaki ni Casero ay nagdala sa kanya ng tagumpay, na nagbukas ng mga pintuan sa mga kompetisyon tulad ng MOGCHS Intramurals, kung saan itinanghal siyang kampeon na kinatawan ang baitang 10 na "Mighty Eagles."
Sa kanyang pag-usbong, si Casero ay patuloy na naglalakbay sa landas ng tagumpay, na puno ng dedikasyon at pangarap. Ang kanyang raketang espada, isang sagisag ng kahusayan sa badminton, ay palaging handa para sa mas mataas pang laban sa hinaharap.
Papausbong na Dinastiya ng mga Atleta ng Misamis Oriental
NI
Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang Misamis Oriental ay pinamumugaran ng mga atletang may taglay na galing sa ibaʼt-ibang larangan.
Isa sa mga tinitingalang atleta ng Misamis Oriental ay ang labinganim na taong gulang Alethea Paige O. Gaccion na kamakailan lang ay nagwagi sa Junior Golf Foundation of the Philippines 15-18 division. Bukod diyan, siya rin
Pagpupugay para kay ‘Table Tennis Queen’ Ian Lariba NI
Sinong mag-aakalang ang patpating dalaga ay isa pala sa magbibigay karangalan sa ating bansa.
Unang naglaro si Ian Laruba sa palarong pampook at palarong panlalawigan sa edad na dose para sa Corpus Christi. Bagama’t ito ang kaniyang unang pagsabak sa naturang larangan, nagawang makalusot ng 25-year-old paddler sa palarong pambansa na kung saan kinakitaan siya ni Noel Gonzales ng potensyal at ini-scout.
Kalaunan, naging varsity player si Lariba ng Dela Salle University na kung saan umani siya ng ’sangkatutak na parangal— itinanghal siya bilang Rookie of the Year sa kaniyang freshmen season sa UAAP table tennis tournameny at nanalo ng tatlong magkakasunod na Most Valuable Player (MVP) awards.
Mas naging matunog ang pangalang ‘Ian Lariba’ sa larangan ng Table Tennis nang pangunahan niya ang Philippine Team upang makuha ang kampeonato sa 2014 Table Tennis Team Championship sa Tokyo, Japan. Makailang beses nang inirepresenta ng tubong Misamis Oriental ang Pilipinas sa SouthEast Asian Games na kung saan nagawa niyang pagharian ang Asian Qualification Tournament taong 2016 na nagbigay-daan upang siya’y maging ang kauna-unahang Pilipina na makalusot patungong Summer Olympics.
Gayunpaman, naglaho lahat ng ito ng siya ay magkasakit at binawian ng buhay sa edad na 25.
Sa kabila nito, hindi kailanman mabubura ang mga naabot ni Lariba sa kasaysayan ng bansa at patuloy na kikilalanin ang nag-iisang ‘Ian Lariba’.
Basta batang Pasig, asahan mong hindi ‘yan magpapadaig.
Nasukbit ng tubong Pasig City Olympia Ducanes ang gintong medalya sa Batang Pinoy table tennis tournament matapos pataobin si Christian Elep ng Camarines Norte sa bisa ng 11-4,11-7, 11-8 birada sa mini cadet girls division sa Ayala Malls Manila Bay, Paranaque City.
Bago nito, dumaan muna sa butas ng karayom ang dalaga na kung saan muntikan na itong masilat ni Maria Mikaela Jopillo
ang itinanghal na kampeon sa 14th Faldo Series Asian Grand Finals 16u Girl’s Division sa Vietnam nitong April 19-21, 2023 na naging daan upang siya ay maoasali sa European Grand Finals na kung saan nalagak siya sa ikalawang puwesto. Bukod kay Gaccion, may isa pang atleta ang Cagayan de Oro na may angking talento sa larangan ng Mix Martial Arts. Sa katunayan, matagumpay
niyang napabagsak ang kaniyang katunggali sa kaniyang MMA Debut via third round technical knockout sa Bangkok, Thailand at panatilihin ang kaniyang kartada na imakulada.
Inirepresenta niya rin ang Pilipinas sa 32nd SouthEast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia na kung saan nasilay niya ang tanso. Mayroon din siyang impresibong 37-3 Muay Thai record.
sa isang seesaw battle, 3-2, sa semifinal match.
Tinapos ng 12-year old at reigning UAAP High School Rookie of the Year ang torneyo na may 6-0 imakuladang kartada.
Bukod kay Ducanes, pinagharian din ni Liam Zion Cabalin ang Mini Cadet Boys, Joanna Isabella Esguerra naman ang nagreyna sa Cadet Girls ag Andre John Onh ang namayagpag sa Cadet Boys.
NI CEDRICK MORAN
Ginanap ang Scholarship Cup sa Misamis Oriental Integrated Sports Complex (MOISC) upang ipagdiwang ang mga magigiting na Scholar sa ibat-ibang Paaralan. Naging isang masayang selebrasyon ang naganap, dahil sa mga palaro, 8 paaralan ang sumali sa event na ito, at gumawa sila ng kanilang mga team name.
Una ay ang cluster A-Red Dragon, cluster E-Blue Raven, cluster G-Green Werewolves, cluster H-Maroon Phoenix, cluster D-Black Serpent, cluster B-Pink Hydra,cluster F-Yellow at ang White Sirens ang cluster C. Para sa mga parangal na nakuha ng iba’t ibang clusters para sa Red Dragons-Mind G, Blue Ravens-E Sprots G, Green werewolves, larong pinoy at ang overall award 1 RU para sa Maroon Phoenix ay wala silang nakuha kahit isa, Black Serpent-CP cheerleading, Pink Hydra-2 RU at over all award CP, Yellow Falcon-1 RU cheerleading at hindi magpapahuli ang White Sirens-2 RU overall award.
Natapos ang programa sa maayos na tema kahit panalo o talo, ayon kay Theo Calunggo na isang kasama sa White Sirens na, “So this is my first time to join Scholar’s Cup and we are making history. So this Scholar’s Cup is a great avenue and a pleasure for us to showcase our talents and skill.”
sa mga numero
Hindi magpapahuli ang table tennis protege na tubong Cagayan de Oro Francine Madeleine Wong— iilan sa kaniyang mga nakamit ay ang tatlong kampeonato sa 10-under United States Tennis Association Tournament na ginanap sa Southern California.
Naging finalist din siya sa 12u
Senko Cup sa Saitama, Japan at kasalukuyang rank no. 2 sa 12-under group sa Pilipinas.
Nasungkit ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) ang ikatlong puwesto sa pangkalahatan ng Palarong Panlalawigan 2023 sa Balingasag Sports Complex.
Bukas ang pinto para sa lahat na gustong sumabak sa pampalakasan, isang hakbang patungo sa mas malalim na kahulugan ng sports sa lipunan.
Ang paaralan ay hindi lamang nagbibigay-diin sa pagbuo ng mga natural na atleta kundi nagtataguyod din ng pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat na mangarap at magtagumpay. Hindi limitado sa kahusayan sa laro, ang kultura ng pampalakasan sa MOGCHS ay naglalaman ng mga aral na nagpapalakas ng pagkatao, tulad ng pagtibay ng loob at pagkakaisa. Bukod sa makulay na
pagsasanay, ang pampalakasan ay nagsisilbing pundasyon para sa mga pangarap at nagtuturo ng mga halaga tulad ng respeto sa sarili at sa kapwa.
Ang oportunidad sa MOGCHS ay hindi lamang nasa kampo ng pampalakasan kundi naglalaman din ng mga aspeto ng pagsusulong, pagbuo ng kasanayan, at makabuluhang paggamit ng oras. Sa bawat pagkilos, ang kahulugan ng pagkakaisa, pasensya, at liderato ay nabubuo, nagbibigay buhay sa isang makulay na komunidad ng mga mag-aaral. Ang MOGCHS, sa pamamagitan ng pantay-pantay na oportunidad, ay
nagpapakita na ang sports ay hindi lamang tungkol sa tagumpay ng isa kundi sa kolektibong pagsusulong ng mga layunin.
...ang kahulugan ng pagkakaisa, pasensya, at liderato ay nabubuo, nagbibigay buhay sa isang makulay na komunidad ng mga mag-aaral
punto de vista
Sa kakaibang pagsasanib ng kultura at kasaysayan, bumubuo ang "Larong Pinoy" ng masigla at makulay na kuwento, hindi lamang ng kasayahan, kundi pati na rin ng pambansang pagkakakilanlan ng ating watawat.
Sipa, sungka, at patintero ay ilan lamang sa mga tradisyunal na laro na hindi lamang pampalipasoras, kundi naglalarawan rin ng mga elementong bumubuo sa ating pambansang watawat.
Tulad ng asul sa watawat na nagpapahayag ng katahimikan at pagiging tapat, ang mga laro ay nagdudulot ng sining at katahimikan sa gitna ng mainit na laban sa patintero o sungka.
Ang puti, na sumisimbolo ng dangal at kabutihan, ay sumasalamin sa kabuuang ganda ng “Larong Pinoy” na nagbibigay-ginhawa at saya sa bawat naglalaro.
Ang pula, na nagdudulot ng sigla at lakas, ay nagpapahayag ng determinasyon ng bawat isang manlalaro na tapusin ang laro nang may pagmamahal at dedikasyon.
Sa pagsasama-sama ng mga kulay ng watawat at mga palaro, nabubuo ang masalimuot na alamat ng "Larong Pinoy" isang kwento ng pagkakaisa, determinasyon, at pagmamahal sa bayan, hindi lamang sa mga malalaking pagdiriwang kundi pati na rin sa simpleng tuwa ng mga bata sa kanilang laro.
ISPORTS P15
FACEBOOK PAGE NG
gintong bagwis ang
I-SCAN LAMANG ANG QR CODE
UPANG MAGING
UPDATED SA MGA EVENTS NG MOGCHS!
Papausbong na Dinastiya ng mga
Atleta ng Misamis Oriental
TAPAT NA PAMAMAHAYAG. SERBISYONG DEKALIDAD BILANG MAMAMAHAYAG.
Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang Misamis Oriental ay pinamumugaran ng mga Atletang may taglay na galing sa ibaʼt-ibang larangan.
Sindak, Indak, Sabak sa Patimpalak
NI KENT VELARDE
Sa gitna ng masusing pagsasanay at pagpaplano, ang Cheer Royale Team mula sa Misamis Oriental General Comprehensive Highschool ay naglalaan ng oras at husay upang maging handa sa kanilang paparating na kompetisyon. Bilang isang opisyal na grupo ng mga Cheerleaders, binubuo ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang, na may layuning ipakita ang kanilang kahusayan at kahandaan sa larangan ng cheerdance. Isa sa kanilang pangunahing prayoridad ay ang pagbuo ng "beginning stance" at "cheer stance," mga hakbang na nagbibigay daan sa maayos at impresibong simula ng kanilang performance. Hindi lamang kilala sa kanilang magaling na talon at sayaw, ang grupo ay nagtagumpay din sa nakaraang MOGCHS Intramural 2023, kung saan ipinamalas nila ang kanilang husay sa tumbling, split, at iba pang
mga eksibisyon na tila sila'y lumilipad sa ere.
Sa kasalukuyan, ang Cheer Royale Team ay naglalaan ng panahon araw-araw upang magpraktis at mapanatili ang kanilang kahusayan. Sa pangunguna ng kanilang mga tagapagsanay, tinututukan nila ang bawat aspeto ng kanilang performance, mula sa tamang hakbang hanggang sa koordinasyon ng grupo. Layunin ng bawat pagsasanay na maging handa sila at mapanatili ang mataas na kalidad ng kanilang pagtatanghal. Sa isang panayam kay Ashanti Louise Galpo, isa sa mga miyembro ng grupo, ipinahayag niya ang kanilang determinasyon na maging matagumpay. "Nag-practice jud mi ug ayo para kung time na sa competition, settled na ang tanan and nice ang outcome," pahayag niya, naglalahad ng kanilang dedikasyon sa pagsasanay.
Bago magsimula ang kanilang pagsasanay, nagsisimula sila sa stretching upang ihanda ang kanilang mga katawan sa mga masusing hakbang at sayaw na kanilang isasalang. Ang bawat hakbang, galaw, at tamang pagpapakita ng emosyon ay hinuhubog nila upang maging kahanga-hanga sa harap ng audience.
Ang Cheer Royale Team ay lubos na naghihintay at nagtutulungan para sa magandang kinalabasan. Sa kabila ng mga pagsubok at panganib, ito'y isang pagkakataon para sa kanila na ipakita ang kanilang galing at magbigay karangalan sa kanilang paaralan. Sa huli, sa bawat pagtalon at sayaw, ang Cheer Royale Team ay nagtataglay ng hangaring maging hindi lamang inspirasyon kundi maging tagapagdala ng karangalan para sa Misamis Oriental General Comprehensive High School.