Ang kwentong “Ang Krayola ni Kringkring “ ay isang kwentong binuo gamit ang klaster na “kr”. Ito ay tungkol sa kakaibang karanasan ng isang bata at ang paghahanap ng solusyon sa problema. Itinuturo dito ang pagpapasalamat sa ating kakayahan at talento gayundin ang pagpapahalaga at pag-iingat sa lahat ng anumang mayroon tayo.