Ang Pahayagang Plaridel - June Issue

Page 1

PlarideL

EDITORYAL: Sambayanang Pilipino, handa na nga ba sa repormang pang-edukasyon? - Pahina 4

Ang Pahayagang

Mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.

TOMO XXVI BLG. 1

Ang Opisyal

Pahayagan

Mag-aaral

Pamantasang De L a S alle

HUNYO 22, 2010

Countdown para sa ika-100 taon ng Pamantasan, sinimulan na na

ng mga

ng

nina Henri Frederic Reforeal at Jai Rich Tiquio Mga Kasapi

NANGIBABAW ang berde at puti sa Pamantasang De La Salle (DLSU) noong Hunyo 16 sa pagsalubong ng pamayanang Lasalyano sa ginanap na countdown para sa selebrasyon ng ika-100 taong anibersaryo nito sa 2011. “Remembering the Past, Living the Present and Creating the Future” ang naging tema ng naturang countdown na magpapatuloy hanggang sa selebrasyon ng sentenaryo ng Pamantasan. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng paghukay sa time capsule na ibinaon noong 2001. Naglalaman ito ng mga mensahe ng mga Lasalyano para sa ika-100 taong anibersaryo ng Pamantasan. Sinundan ito ng misa sa Most Blessed Sacrament Chapel na pinangunahan ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo. Sa naturang misa, ibinida ang mga iskolar ng Pamantasan bilang inspirasyon sa adhikain nitong One La Salle Scholarship Fund. Ayon kay Oca, “These scholars represent the aspiration of DLSU to make quality education accessible to all.” Binanggit din ni Oca na ang One La Salle Scholarship Fund ang magiging sentro ng selebrasyon ng sentenaryo dahil ito ang nagbubuklod sa 17 La Salle School sa bansa.

ISANDAAN. Binigyang kulay ng isang sayaw ng mga mag-aaral ang Centennial Countdown Kick-Off Celebration. APP/Gregory Mark del Carmen

Resulta ng Housing Accreditation, inilabas na nina Justin Kenneth Carandang, John Mark Carino at Jai Rich Tiquio Patnugot ng Balita at mga Kasapi

INILABAS ngayong Hunyo ng Housing Accreditation Committee ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang resulta ng isinagawang akreditasyon sa mga dormitoryong malapit sa DLSU. Ginawa ang nasabing akreditasyon noong ikatlong termino nang nakaraang pang-akademikong taon sa pangunguna ng Dean of Student Affairs, Faculty Association, Student Council (SC) at DLSU-Parents of University Student Organization. Isinagawa ang akreditasyon bunsod ng rekomendasyon ng Phillippine Association of Accreditation for Schools, Colleges, and Universities sa Pamantasan tungkol sa kawalan ng in-house facility nito. Ayon kay

Aimee Chua, Pangulo ng SC noong pang-akademikong taon 2009-2010, ginawa ng administrasyon at ng SC ang akreditasyon upang matulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng maayos na matitirhan at masiguro ang kaligtasan ng mga ito. Pinangunahan ng Office of the President ng SC ang pangangalap ng datos sa mga dormitoryong gustong sumailalim sa Housing Accreditation ng DLSU noong una at ikalawang termino ng nakaraang pang-akademikong taon. Ayon kay Chua, humingi muna ang komite ng pahintulot sa mga may-ari at tagapangasiwa ng mga dormitoryo kung nais ng mga itong mapabilang sa listahan ng mga dormitoryong

irerekomenda ng Pamantasan sa mga mag-aaral nito. Samantala, ginawa naman noong ikatlong termino ang akreditasyon sa mga dormitoryo sa pangunguna ng iba’t ibang miyembro ng komite. Naging batayan ang sapat na bentilasyon, patubig, pailaw at iba pang pasilidad ng mga dormitoryo. Kabilang ang Tahilan Residence and Study Center, Anne Francis Condominium, Cara Celine Dormtel, Mervin Terraces Condominium, Homelike Ladies Dormitory, @ Home Dormitel, Residencia de Dios sa Malate, Maynila at Viverde Lofts sa Sandejas St., Pasay City sa mga nakapasang dormitoryo sa naturang akreditasyon.

Pagkatapos ng misa, sumunod ang Centennial Countdown Program sa Central Plaza. Tumambad sa mga Lasalyano ang mga mag-aaral at ibang kawani ng Pamantasan na sumasayaw sa saliw ng masiglang musika. Pansamantalang sinuspinde ang mga klase mula 9:40 ng umaga hanggang 12:50 ng hapon upang makadalo ang mga mag-aaral sa naturang programa. Nagtanghal ang Harlequin Theatre Guild, La Salle Youth Orchestra, Innersoul, La Salle Dance Company, at DLSU Pep Squad ng mga awit at sayaw na kaugnay sa selebrasyon ng sentenaryo ng DLSU. Nagtapos ang programa sa isang salusalo sa Yuchengco Lobby na dinaluhan ng mga mag-aaral, pakultad, alumni, at mga bisitang nakisaya sa pagdiriwang. Ayon kay Luistro, isang pasasalamat ang selebrasyon ng sentenaryo ng DLSU para sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa loob ng 100 taon. Dagdag pa niya, “I think we approach the centennial with a spirit of gratitude and much hope, recognizing what is happening to us not just in history but also to us as individual persons.”

Electronic-Purse, ipinatupad na nina Christian Jay Patron at Henri Frederic Reforeal Mga Kasapi

SINIMULAN nang ipatupad ang paggamit ng Electronic-Purse (e-Purse) ngayong unang termino ng kasalukuyang pang-akademikong taon. Isang eksklusibong serbisyo para sa mga mag-aaral ang e-Purse. Sa pamamagitan nito, magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang identification card upang magbayad sa mga serbisyong inihahatid ng ilang opisina ng Pamantasang De La Salle. Ayon kay Austin Uy, Executive Treasurer ng Student Government (SG), taong 2002 pa lamang nang simulang pag-aralan ng Office of the University Registrar (OUR) ang pagpapatupad ng e-Purse sa buong Pamantasan. Gayunpaman, tanging ang OUR at University Library ang mga opisinang handa upang gamitin ang e-Purse sa mga serbisyong hatid nila sa mga mag-aaral ng DLSU kagaya ng pagbabayad reprinting ng Enrollment Assessment Form at Library Fine at pagkuha ng Transcript of Records. Dagdag pa rito, pinag-aaralan na rin ng OUR ang posibilidad na

magamit ang e-Purse sa iba pang serbisyo sa loob ng Pamantasan kagaya ng pagbili ng pagkain sa mga kantina. Limang libong piso ang pinakamataas na halagang maaaring ilagay ng mga mag-aaral sa kanilang e-Purse. Para sa mga mag-aaral na nasa unang taon, kasama sa binayarang miscellaneous fees ang e-Purse. Hindi naman sapilitan ang paggamit ng naturang serbisyo para sa mga mag-aaral na nasa ibang antas. Kinakailangan lamang magbayad ng mga ito sa Accounting Office ng halagang nais nilang ilagay sa kanilang e-Purse. Kabilang ang OUR, Vice Chancellor for Administration, Information Technology Center at SG sa mga nangangasiwa sa e-Purse. “Once mailabas ng OUR ‘yung guidelines, we’ll (SG) work with that and disseminate that [guidelines] to the students,” pagtatapos ni Uy. Inaasahang mailalabas ng OUR ang pamantayan sa paggamit ng e-Purse bago matapos ang buwan ng Hunyo.

BALITA

BAYAN

BUHAY AT KULTURA

Café@theLibrary, binuksan

Kalayaan ng kahapon, pinapahalagahan hanggang sa ngayon

Hamon na hinamak ang talinong tinamasa

Sundan sa pahina 2

Sundan sa pahina 6

Sundan sa pahina 9


BalitA

PlarideL Ang PahayaganG

2

HUNYO 22, 2010

Maikling Balita Mula sa dating cybernook sa UL:

Café@theLibrary, binuksan nina Amanda Fernandez at Henri Frederic Reforeal Senyor na Kasapi at Kasapi

MODERNISADO. Sa pakikisabay ng DLSU sa modernong panahon, binuksan ang bagong mukha ng Cybernook sa pamayanang Lasalyano noong Hunyo 15. APP/Karlene Sy

SA PAGLULUNSAD NG COB-SOE:

Mga suliranin sa ekonomiya ng bansa, tinalakay

MULING nakisabay sa daloy ng makabagong panahon ang Pamantasang De La Salle sa pamamagitan ng pagbabago at pagsasaayos ng Cybernook sa University Library (UL) na pormal na binuksan noong Hunyo 15 sa pangalang Café@theLibrary. Sa bagong cybernook na ito, mas komportable nang makakapagaral ang mga mag-aaral dahil bukod sa bagong ayos ng pasilidad, may itinayo na ring coffee shop na puwedeng pagbilhan ng iba’t ibang pagkain at inumin. Bukas ang Café@theLibrary mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi, Lunes hanggang Sabado. Kaungay nito, magkakaroon ng hiwalay na pasukan ang nasabing café kung kaya’t maaaring

nina Joselle Mariano at Jan Molech Racelis Mga Kasapi

BILANG bahagi ng paglulunsad sa College of Business (COB) at School of Economics (SOE), nagsagawa ng isang kumperensya na pinamagatang Mobilizing a Decade of Development ang Angelo King Institute for Economic and Business Studies at Center of Business and Economic Research Development sa Teresa Yuchengco Auditorium noong Hunyo 11. Layunin nitong mapagusapan ang mga hinaharap na suliranin sa ekonomiya ng bansa at mga paraan upang mabigyang solusyon ang mga ito. Nahati sa tatlong sesyon ang nasabing kumperensya. Layunin ng unang sesyong ipakita ang estado at mga problemang kinahaharap ng sektor ng pangangalakal at pamumuhunan sa bansa at ang

mga posibleng solusyon sa mga ito. Naging tagapagsalita rito sina Usec. Thomas Aquino ng Department of Trade and Industry, Dr. Myrna Austria, Vice Chancellor for Academic and Research, at Dr. Giovanni Capannelli, ekonomista mula sa Office of Regional Economic Integration. Napagusapan naman sa ikalawang sesyon ang mga positibong epekto ng teknolohiya sa industriya at pamilihan. Tinalakay ang mga ito nina Arthur Young, Chairman and CEO ng PSI Technologies Inc., Usec. Fortunato Dela Pena ng Department of Science and Technology, at Raymund Habaradas, Assistant Professor ng Departmento ng Business Management ng DLSU. Naging paksa naman sa huling sesyon ang kahirapan sa bansa

at ang kahalagahan ng corporate social responsibility para untiunting maibsan ito. Pinangunahan ito nina Dr. Benito L. Teehankee, Associate Professor ng Ramon V. Del Rosario-Graduate School of Business, Dr. Michael Alba, Assistant Professor ng School of Economics, at Gerardo Cabochan Jr., Managing Director ng Pandayan Bookshop, Inc. Nagkaroon din ng malayang talakayan sa pagitan ng mga tagapagsalita at manonood tungkol sa mahahalagang isyung tinalakay sa pagtatapos ng bawat sesyon. Pinangunahan ito ni Dr. Tereso Tullao, Jr., Full Professor mula sa School of Economics at Direktor ng Angelo King Institute for Economics and Business Studies.

isinagawang paghihiwalay ng College of Business and Economics (CBE) sa ginawang malayang talakayan. Dumalo sa naturang porum sina Dr. Brian Gozu at Atty. Christopher Cruz, dekano at pangalawang dekano ng COB ayon sa pagkasunudsunod, at Dr. Winfred Villamil at Dr. Lawrence Dacuycuy naman para sa SOE, upang sagutin ang ilang mga katungan mula mag-aaral sa unang taon ng dalawang kolehiyo.

Sa nasabing porum, ibinhagi ng dalawang dekano na ang pangunahing layunin ng naturang paghihiwalay ang lubos pang pagpapabuti at pagpapaunlad sa COB at masiguro ang pangunguna SOE pagdating sa larangan ng ekonomiks. Dagdag pa ng mga ito, mas mabibigyang pokus ang mga programa sa ilalim ng dalawang kolehiyo.

COB-SOE 360 Forum, idinaos ni Joselle Mariano Kasapi

ISANG paglulunsad para sa mga mag-aaral ang isinigawa ng College Government of Business and Economics ara sa paghihiwalay ng College of Business (COB) at School of Economics (SOE), noong Hunyo 18 sa Yuchengo Conference Rooms 507-509. Naglalayon itong bigyang pagkakataon ang mga mag-aaral ng COB at SOE na makapagtanong sa kani-kanilang mga dekano at pangalawang dekano tungkol sa

pumasok dito kahit sarado na ang UL. Maliban sa café, nadagdagan din ang bilang ng computer terminals sa Cybernook. Nagkaroon din ng lugar para sa mga gumagamit ng laptop computers at ng lounging area kung saan maaaring magdiskusyon ang mga mag-aaral. Matatandaang sinimulan ang pagsasaayos ng Cybernook noong Enero at kinuha ang pondong ginamit para sa renobasyon ng Cybernook mula sa Library Development Fund. Pinangasiwaan ng Physical Facilities Office ang nasabing pagsasaayos samantalang ang Information Technology Center naman ang nagbigay ng mga panibagong kompyuter. Hawak naman ng Coffee Bean and Tea Leaf ang pagtitinda ng mga inuming kape sa bagong pasilidad na ito.

Automated Elections at ang unang 100 araw ni Aquino, tampok sa Kamalayan ni Henri Frederic Reforeal Kasapi

GINANAP noong Hunyo 18 sa Br. Andrew Gonzales Hall ang unang Kapihan ng Malalayang Lasalyano (Kamalayan) para sa kasalukuyang pang-akademikong taon. Tinalakay sa naturang porum ang mga kapalpakan ng nagdaang kauna-unahang automated election sa bansa at mga plano ng bagong proklamang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Simeon Aquino III. Nagbigay ng paunang talumpati si Emmanuel Garcia, Direktor ng Committee on National Issues and Concern, upang opisyal na simulan ang porum. Unang naging tagapagsalita si Dr. Giovanni Tapang, convener ng Kontra Daya, isang election watchdog. Ipinaliwanag niya ang mga naging kapalpakan ng SmartmaticTIM, ang nangasiwa sa automated election sa bansa, sa teknikal na aspekto ng naganap na halalan kagaya ng maling compact flash cards, at mga problema sa transmisyon ng mga resulta ng bilangan. Sumunod na nagsalita si Alan Bora, pakultad ng College of Computer Studies (CCS). Binanggit

niya ang ulat na kasalukuyang ginagawa ng mga pakultad ng CCS ukol sa mga rekomendasyon sa nakaraang automated election. Matapos ang talakayan tungkol sa halalan, sumunod namang tinalakay nina Roneo Clamor, Deputy Secretary-General ng Karapatan, isang human rights group at Renato Reyes Jr., Secretary-General ng Bagong Alyansang Makabayan, organisasyong tumutugon sa isyu ng kahirapan ng mamamayan at ng mga kababaihan, ang mga plano ng administrasyong Aquino para sa unang 100 araw nito. Ipinaliwanag din ng dalawa ang kani-kanilang mga rekomendasyon kay Aquino upang masolusyonan ang problema ng edukasyon, kahirapan, at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa. Nagkaroon ng maikling diskusyon sa pagitan ng mga tagapakinig at tagapagsalita pagkatapos ng mga talumpati. Pagkatapos ng diskusyon, nag-iwan ng isang paalala ang mga tagapagsalita na manatiling bukas ang ating isipan sa lahat ng mga nangyayari dahil masusukat lamang ang tagumpay ng nakaraang halalan at ng pamahalaang Aquino pagkatapos ng kanyang anim na taong termino bilang Pangulo.

Frosh Convocation, idinaos ng mga kolehiyo nina Maria Camille Katrina Ozaeta at Graziella Valerio Mga Kasapi

MALIGAYANG PAGDATING. Kasabay ng CSO Annual Recruitment Week, sinalubong ang mga bagong mag-aaral ng DLSU noong Hunyo 11 sa Amphitheatre. APP/Harlene Ilagan

BILANG pagsalubong at pagbati sa mga bagong kasapi ng pamayanang Lasalyano, pinaghandaan ng bawat kolehiyo ang kani-kanilang frosh convocation sa pagsisimula ng panibagong pang-akademikong taon. Noong Hunyo 4, ginanap ang kombokasyon ng College of Education sa Natividad FajardoRosario Gonzales Auditorium. Sa Teresa Yuchengco Auditorium (TYA) noong Hunyo 11 naman idinaos ang kombokasyon ng College of Computer Studies kasabay ng College of Science sa William Shaw Little Theater. Samantala, idadaos naman ang kombokasyon ng College of Liberal

Arts sa Hunyo 23 habang sa Hulyo 16 naman ang sa College of Business at School of Economics. Para naman sa College of Engineering, ang bawat departamento nito ang magdadaos ng kombokasyon para sa kani-kanilang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga frosh convocation, nagkakaroon ng mas matibay na ugnayan ang mga magaaral, magulang, pakultad, at ang administrasyon ng Pamantasang De La Salle. Tinatalakay dito ang mga mahahalagang impormasyong kailangan malaman ng bawat mag-aaral pati na rin ng kanilang magulang sa kanilang pananatili sa Pamantasang De La Salle


BalitA

PlarideL Ang PahayaganG

HUNYO 22, 2010

3

Punto por Punto

cso:

Pagkilatis sa mga layunin at proyektong hatid nila sa mga Lasalyano nina John Mark Cariño, Diana Marie Encinas at Amanda Fernandez Kasapi, Senyor na Patnugot at Senyor na Kasapi

KAHUSAYAN. Ito marahil ang salitang nais makamit ng karamihan sa atin. Bilang isang indibidwal, hangad ng bawat taong magkaroon ng maituturing na tatak o simbolo sa pagdaan ng panahon lalo na kung magiging daan ito sa kagalingan ng nakararami. Ganito rin marahil ang layunin ng mga organisasyong pang-mag-aaral sa ilalim ng Council of Student Organizations (CSO) para sa bawat Lasalyano. Bukod dito, umaasa rin ang CSO na sa tulong ng kanilang mga proyekto, makalilikha sila ng mga pinunong mag-aaral na makakatulong sa mas lalo pang pag-angat ng kalidad ng pagkatao ng mga Lasalyano. Sa paglabas ng resulta ng CSO Accreditation ngayong buwan, ilang organisasyon ang muling nagtagumpay upang mapanatili at maiangat ang kanilang antas bilang isa sa mga pinakamahuhusay na organisasyong pangmag-aaral sa Pamantasan. Kasabay ng paglabas ng resultang ito, ang Annual Recruitment Week ng 39 kasaping sabihing repleksyon ito hindi lamang ng husay ng kanilang organisasyon sa naging ebalwasyon kundi tanda rin ng husay at dedikasyon ng kanilang serbisyo? Siyasatin at kilatisin mo sila, Lasalyano! Pulso ng mga Lasalyano Mula sa sarbey na isinagawa ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) sa 300 mag-aaral mula sa mga Lasalyanong nasa ikalawang taon pataas (ID 109 pataas), 130 ang nagsabing aktibo sila sa kani-kanilang organisasyon habang 145 mag-aaral naman ang umaming hindi, habang 25 naman ang hindi kabilang sa kahit anumang organisasyon sa Pamantasan. Sa nasabing sarbey, makikitang marami pa ring Lasalyano ang naniniwalang makatutulong ang mga kasaping organisasyon ng CSO sa kanilang pananatili sa Pamantasan. Ayon kay Sharmina Ganchua, Chairperson ng CSO, nakasalalay sa mga mag-aaral ang pagiging aktibo at mabisa ng isang organisasyon. Lubos na hinihikayat ng CSO ang mga mag-aaral na maging aktibo sa kani-kanilang organisasyon ngunit binibigyan nila ang mga ito ng kalayaang pumili kung magiging aktibo nga ba ang mga ito. Aniya, “There are a lot of fun and exciting experiences na mararanasan at matututunan

[nila] being active sa org[anisasyon] at sayang lang na hindi nila ‘yun mararanasan kung hindi sila [magiging] active.” Sa pagpili ng organisasyon, isinasaalangalang ng mga Lasalyano ang ilang salik tulad na lamang ng tulong na maibibigay nito sa kanilang pang-akademikong gawain o di kaya naman sa pagpapaunlad ng kanilang mga interes. Base sa ginawang sarbey, makikitang naging epektibo sa pagpapakita at pagpaparamdam ng mga proyekto sa kanilang mga miyembro ang mga kasaping organisasyon ng CSO. Lubos namang pinupuri ni Ganchua ang mga organisasyon sa tagumpay ng mga itong magkaroon ng malakas na pundasyon ng kanilang layunin at adhikain. Aniya, “Iba’ng saya at fullfilment na mararamdaman mo kung naabot mo iyon.” Naniniwala rin ang ilang mga mag-aaral na lubos na nakatutulong ang kanilang mga organisasyon sa kanilang sarili sapagkat nahahasa nila ang kanilang kakayahang mamuno at makisama sa iba’t ibang uri ng mga tao. Ngunit sa kabila nito, naniniwala rin ang mga Lasalyanong maaari pang maiangat ang antas ng kalidad ng mga proyekto ng bawat organisasyon sa ilalim ng CSO upang mas maging epektibo at matagumpay ang mga ito. Ayon kay Ganchua, hinihikayat ng CSO ang mga organisasyon na pataasin pa lalo ang kalidad ng serbisyo na maaari nilang ibigay sa mga Lasalyano. Gayunpaman, may ilang mag-aaral na naniniwalang hindi natutugunan ng kanilang organisasyon ang kanilang inaasahan mula sa mga ito sapagkat kulang at hindi mabisa ang mga proyektong ibinibigay ng mga ito dahilan upang piliin na lang nilang hindi maging aktibo rito. Kakulangan naman sa oras ang kadalasang sagot ng mga hindi aktibo sa kanilang organisasyon. Naniniwala rin ang ilan na magiging sagabal sa kanilang pagiging mabuting mag-aaral ang pagiging miyembro ng isang organisasyon, kung ang pang-akademikong estado ang pag-uusapan. Mayroon namang pumiling maglaan ng oras at dedikasyon sa ilang organisasyon sa labas ng CSO.

Serbisyo para sa mga Lasalyano Bukod sa mga organisasyong may kinalaman sa mga kursong ibinibigay ng Pamantasan, mayroon ding Socio-Civic Organizations at Special Interest Organizations ang CSO. Layunin ng dalawang organisasyong ito na mapalawak pa ang kakayahan at kaalaman ng mga Lasalyano bukod pa sa mga organisasyong may kinalaman sa kanilang kurso. Kasama naman sa mga taunang aktibidad ng CSO ang Frosh Welcoming, Annual Recruitment Week, Lasallian Excellence Award at Lasallian Enrichment Alternative Program. Upang mapanatili ang kalidad ng mga kasaping organisasyon, nagsasagawa ang CSO ng isang ebalwasyon o accreditation para sa mga ito. Sa ebalwasyong ito, sinusukat kung nakakamit ba ng kanilang mga kasaping organisasyon ang kabuuang layunin ng CSO. Ani Ganchua, “To ensure that we have quality student organizations, mayroon kaming reaccreditation ng mga organization twice a year.” Kasama sa kanilang sinusukat ang kaayusan ng kanilang dokumentasyon at kanilang estadong pampinansyal. Bukod dito, binibigyan din ng grado ang mga proyektong kanilang naipapatupad. Mahalagang salik din

sa ebalwasyon ang bilang ng mga kasaping mag-aaral na sumali sa bawat organisasyon. Sa pamamagitan ng ebalwasyong ito, nalalaman kung mananatili pa o tatanggalin na ang isang kasaping organisasyon matapos na makuha ang kabuuang grado. Mithiin para sa lahat ng Lasalyano Masasabing isang malaking hamon para sa bawat Lasalyano ang maging isang “holistic Lasallian”. Bilang isang mag-aaral, umaasa kang makakamit mo ito sa tulong ng iyong kurso at lalong higit ng iyong organisasyong sasalihan. Kaya naman, bilang isang organisasyong pang-mag-aaral, malaki ang inaasahan sa 39 organisasyon sa ilalim ng CSO upang matulungan ang bawat Lasalyanong makamit ang mithiing ito. Magsilbi sanang gabay ang mga organisasyong ito sa bawat Lasalyano sa kanilang pagtahak sa landas ng kahusayan. Ngunit sa huli, pakatandaan lamang na tanging tulong at gabay lamang ang maibibigay ng mga organisasyong ito sapagkat nasa kamay pa rin ng bawat isa sa atin ang katuparan ng pagiging isang “holistic Lasallian,” hindi lamang para sa ating sarili kundi lalong higit para sa ating Pamantasan at sa ating bansa.

SANDAAN. LUNTIAN. PAMANTASAN. Mula Lasallista patungong Lasalyano, tatak ng tunay na Pilipino nina Diana Marie Encinas, Joselle Mariano, at Henri Frederic Reforeal Senyor na Patnugot at mga Kasapi

LASALLISTA–ito ang karaniwang bansag sa mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle (DLSU). Elitista, matapobre at apatetiko–mga salitang karaniwang iniuugnay sa pagiging Lasallista. Bago ang dekada ‘80, Lasallista o Lasallite sa Ingles ang tawag sa mga mag-aaral ng DLSU ngunit nagsimula itong maging Lasalyano bago pa man magtapos ang naturang dekada na hindi natpuhan ng ilang mag-aaral ng una itong ginamit. Sa artikulong nailimbag sa Viriditas, isang ispesyal na isyu ng Green and White noong 2004, nabanggit ni Br. Manuel Pajarillo, miyembro ng Board of Trustee ng DLSU, ang dalawang pangunahing dahilan ng pagbabagong nabanggit. Isa sa mga dahilan ang pagkadiskubre na walang salitang

Lasallite sa wikang Ingles. Dagdag pa rito, tunog-elitista umano ang nasabing taguri. Ipinaliwanag naman ni Pajarillo ang pagkakaiba ang Lasalyano sa isang Lasallista. Elitista umano ang mga Lasallista samantalang Lasalyano naman ang mga mag-aaral na nagsasabuhay ng mga kaugaliang Lasalyano tulad ng pananampalataya sa Diyos, pagmamahal at pagtulong sa kapwa, at pangangalaga sa kalikasan. Pinatotohanan naman ni Br. Bernardo Oca FSC, Vice Chancellor for Lasallian Mission and External Relations ang mga naging pahayag ni Pajarillo sa Viriditas. Aniya, “Ito (mga Lasalyano) ang mga estudyante, mga guro, graduates, administrador at lahat ng nagtatarabaho o nag-aalay ng kanilang buhay para sa serbisyo

base sa mga pangaral ni St. John Baptist de la Salle.” Anuman ang maging bansag sa atin, hindi maikakailang wala sa pangalan ang pagiging isang tunay na Lasalyano. Dahil kung mag-aaral ka man ng DLSU at hindi mo naman naisasabuhay ang mga kaugaliang Lasalyano, hindi ka rin nararapat sa bansag na ito. *** Sandaan. Tiyak na maraming nangyari sa loob ng isandaang taon ng DLSU. Anu-ano nga ba ang mga pagsubok na nalampasan at tagumpay na nakamit nitong mga nakalipas na taon? Pero ang mas mahalagang tanong, paano ba nito hinubog ang DLSU sa kung ano ito sa kasalukuyan? Luntian. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging isang

Lasalyano? Elitista? Matapobre? Apatetiko? Anuman ang bansag sa iyo, nasa iyong mga kamay pa rin upang patunayang mali ang mga ito. Pamantasan. Sa nalalapit na pagdiriwang ng sentenaryo ng DLSU, sabay-sabay nating talakayin ang mga paksang magpapaalala sa iyo ng legasiyang binuo ng Pamantasang iyong kinabibilangan. Ipagmalaki at ipagdiwang mo ang mga hindi malilimutang yugto sa 100 taong pamamayagpag ng DLSU bilang isang institusyon. Higit sa lahat, taas-noo mong isigaw ang iyong pagiging tunay na Lasalyano. Sanggunian: Viriditas, ispesyal na isyu ng Green and White taong 2004


PlarideL Ang PahayaganG

4

HUNYO 22, 2010

EDITORYAL

OpinyoN

Sambayanang Pilipino: Handa nga ba sa repormang pang-edukasyon? Lulubog-lilitaw-ito ang ang katagang maglalarawan sa mga proyektong pang-edukasyon sa bansa. Kasabay ng pagpapalit ng administrasyon ang nagbabadyang pagsasabuhay muli ng reporma pang-edukasyon sa bansa dahil sa “12 Year Basic Education Cycle” na isinisulong ng bagong halal na si Pangulong Benigno Simeon Aquino. Layunin nitong mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tig-isang taong pag-aaral sa elementarya at sekundarya. Dagdag pa rito, mabilang-bilang na rin ang mga bansang may 10-taong basic education. Sa katunayan pa nga, may ilang bansa pang katulad ng South Korea at Japan na 14 taon ang kabuuang bilang ng taon para sa elemntarya at sekundarya. Sa layuning mapabuti ang kalidad ng mga Pilipinong nagsisipagtapos sa bansa, nararapat lamang ang pagpapatupad ng mga reporma upang matugunan ang iba’t ibang problema sa kasalukuyang sistema. Isang magandang hakbangin ang gagawin ni Aquino upang masolusyunan ang problemang pang-edukasyon sa bansa. Magiging malaking tulong ang naturang reporma para sa mga mag-aaral, upang ihanda sila sa kanilang pagpasok sa kolehiyo. Kung ating mapapansin, sadyang kulang ang panahon sa pag-aaral upang maipaliwanag at matutunan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang asignaturang kinakailangan sa pag-aaral sa kolehiyo. Sa idaragdag na taon, maaari nang maituro sa isang mag-aaral na nasa ikalimang taon sa sekundarya ang ilang mga asignatura para sa unang taon ng kolehiyo. Kapag nangyari ito, makakapagpokus na ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa mga asignaturang kailangan para sa kanilang kinukuhang kurso. Ayon din sa isang pahayag ni Aquino, ihahanda ng bagong reporma ang emosyonal at mental na estado ng mga mag-aaral para sa kanilang pagsabak sa trabaho. Maganda ang nakahaing plano ng bagong administrasyon para sa sistema ng edukasyon sa bansa. Gayunpaman, isang malaking katanungan ang kahandaan ng mga Pilipino o ng gobyerno mismo sa pagbabagong ito? Isang napakalaking pagbabago nito at pihadong hindi magiging madali para sa pamahalaan ang pagpapatupad nito lalo na’t marami pang problemang kinakaharap ang sistema ng edukasyon sa bansa. Isa sa mga posibleng problema ang magiging pagtutol ng iba’t ibang sektor ng lipunan dito. Maraming pamilya na ang hirap sa pagpapaaral ng kanilang mga anak, at sa bagong panukala, isang dagdag sakripisyo muli para sa mga magulang ang karagdagang dalawang taong pag-aaral ng kanilang mga

Mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.

May nais ka bang iparating o ibahagi sa Ang Pahayagang Plaridel? Magpadala lamang ng liham sa APP@dlsu.edu.ph at sisikapin naming matugunan agad ito.

PlarideL Ang Pahayagang

Lupong Patnugutan Adrian Joseph Garcia

Punong Patnugot

Julie Ann Nealega

Pangalawang Patnugot Patnugot ng Balita Patnugot ng Bayan Patnugot ng Buhay at Kultura OIC ng Isports OIC ng Retrato Patnugot ng Sining Tagapamahalang Panloob Tagapamahalang Panlabas

Maveric Mallari

Tagapamahalang Patnugot-OIC Justin Kenneth Carandang Cathleen Mae Manamtam Adrian Paul Tudayan Hosanna David Natasha Juan Kenwin Francisco Henri Frederic Reforeal Joselle Mariano

BALITA: John Mark Cariňo, Christian Jay Patron, Jan Molech Racelis, Jai Rich Tiquio BAYAN: Jeremiah Adriano, Yvette Mangunay, Rochelle Anne Relevo, Felichie Valeriano, Sid Venzon BUHAY AT KULTURA: Kim Jerome Alcantara, Patrick Dimaranan, Reyann Lapuz, Renato Rebellon Jr., Daphne Salazar ISPORTS: Rae Marie Africa, Luciene Diezmos, Quino James Legaspi, Precious Que, Karen Tan RETRATO: Harlene Ilagan, Nadine Leoncio, Johanne Negre, Michelle Paliza, Aldrin Sta. Maria, Karlene Sy SINING: Jill Gotauco, Lee Macapugay, Rigel Napa, Douglas Ng, Bryan Patiag SENYOR NA KASAPI: Charmaine Andal, Kris Angeles, Gregory Del Carmen, Amanda Fernandez, Mack Filio, Margee Generoso, Joan Jao, Leo Angelo Larcia, Edward Allen Lim, Julius Ramje Ng, Therese Heather Ong, Andrea Paliza, Amity Ruaro SENYOR NA PATNUGOT: Diana Marie Encinas, John Raymund Ramos, Fortunato Sta. Rita Jr., Earl Geneel Villanueva

Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor ng SPO: Randy Torrecampo Koordineytor: Rosanna Luz Valerio Sekretarya: Virginia Pastor Para sa anumang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang ng liham sa Silid 502-B Br. Connon Hall Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph. Kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

Dibuho ni Rigel Napa Dibuho ni Rigel Napa

anak. Sa halip na mapabuti ang kalidad ng edukasyon na kanilang matamasa, baka mas maraming kabataan ang hindi makapagtapos dahil sa kamahalan ng gastos sa pag-aaral. Ikalawa, nangangailangan ang naturang reporma ng malaking pondo upang ihanda ang mga guro at isaayos ang mga kagamitan at mismong paaralan nang maging akma ang mga ito sa bagong kurikulum na hatid ng bagong sistemang ito. Sa madaling salita, kaya ba ng gobyernong tustusan ang mga Pilipinong hindi makakayanan ang dagdag na pasakit hatid ng pagbabagong maaaring maganap? Benepisyo man ang hatid ng magiging repormang ito, kinakailangan pa rin nitong dumaan sa masusing pag-

aaral ng mga taong may sapat na kaalaman sa edukasyon. Mahalaga ring pag-isipang mabuti ng Kagawaran ng Edukasyon, kasama ang ilang kinatawan mula sa mga sektor ng lipunan na lubos na maaapektuhan nito, ang prosesong pagdaraan ng kasalukuyang sistema upang maitupad ang naturang reporma. Isa sa mga karapatan ng kabataang Pilipino ang “mabigyan ng sapat na edukasyon,” at responsibilidad ng pamahalaan na ibigay ang oportunidad na ito sa mamamayang Pilipino. Sa pagpasok ng bagong administrasyon, maging makatotohanan nawa ang mga repormang sinsabing makakatulong sa pagpapayabong ng buhay ng mga Pilipino.

Globalisayon sa makabagong panahon Ano kaya ang magiging hitsura ng Maynila ngayon kung hindi ito nawasak ng giyera noon? Nadiskubre ng isang direktor sa telebisyon na si Uro de la Cruz ang ilang mga retrato ng Maynila, 60 taon na ang nakakalipas. Maliban sa mga sirang gusali, kapansin-pansin ang mga retratong nagpapakita ng magagandang impastruktura noong nagpapakita ng masidhing pagpapahalaga sa kultura ng mga Pilipino noong mga panahong iyon. Base sa mga nakita kong larawan, isang tanong ang naiwan sa aking isipan. Bakit kaya unti-unting nawawala ang pagka-Pilipino natin kasabay ng pagbabago ng panahon? Globalisayon – isa ito sa mga salitang madalas nating marinig sa ating pang-araw-araw na gawain. Iba’t iba man ang pananaw ng mga tao rito, tila isang rekisito ang pagiging globalisado ypang makasabay ang isang bansa sa agos ng modernong panahon. Ngunit tulad ng lahat ng bagay, mayroong mga positibo at negatibong epekto ito sa pagkakakilalan at kultura ng isang bansa. Para sa mga mayayamang bansa, masasabing nakatutulong ang globalisasyon upang mas lalo pang mapalawig ang kulturang mayroon ang mga ito. Para naman sa mga mahihirap na bansa, pagkasira ng kultura ang hatid nito. Hindi natin maikakailang isa ang Pilipinas mga bansang

pinakaglobalisadong bansa sa Asya. Kapansin-pansin ang patuloy nating pagyakap sa kultura ng iba – material na bagay man ang mga ito o hindi. At dahil sa tuluy-tuloy nating pagtanggap sa kultura ng iba, untiunti na tayong nakalilimot sa ating mga kinagisnan. Ang mga kantang kinakanta natin noong tayo’y mga bata pa tulad ng Bahay Kubo ay napalitan na ng mga kantang Ingles kagaya ng Baby ni Justin Bieber.

Mga Lasalyano, hindi masamang makisabay sa agos ng panahon. Ako mismo ay naniniwalang kailangan natin ito upang mabuhay. Ngunit sa pagtahak natin sa kinabukasan, huwag nating kalimutang lumingon sa ating pinanggalingan dahil ang mga sulyap natin sa nakaraan ay isa ring sulyap sa kinabukasan. Ipagdiriwang ang Araw ng Maynila sa darating na Hunyo 24. Isa itong pagkakataon upang gunitain natin ang ating pinanggalingan. Ngunit umaasa akong hindi lamang sana sa mga ganitong selebrasyon natin inaala ang ating pagiging Pinoy. Sana, sa bawat araw ng pang-akademikong taong ito, taas noo nating alalahaning mga Pilipino tayo.

“Mga Lasalyano, hindi masamang makisabay sa agos ng panahon. Ngunit, sa pagtahak natin sa kinabukasan, huwag nating kalimutang lumingon sa ating pinanggalingan dahil ang mga sulyap natin sa nakaraan ay isa ring sulyap sa kinabukasan.”

Mga mapanuring Pilipino ang kailangan Lasalyano, buksan ang ating mga mata sa taong ito. Ito ang taong sinsaabing abot-kamay na natin ang pagbabago. Gayunpaman, huwag tayong maging kampante na magkakaroon ng pagbabago dahil lamang sa mga sinasabi ng mga tao. Maging mapagmasid. Antabayanan ang bawat galaw ng gobyerno. Makialam. Bigyang diin ang mga isyung panlipunan Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa natasha_juan@dlsu.edu. ph

Dakilang Layunin Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito unti-unting pagpapalaya sa kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pagiging mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sarilign wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.


OpinyoN

Pakikisabay sa ibang panahon

sa asignaturang nasa flowchart, kinakailangang ipa-course credit ito. Sa kabilang banda, hindi madali ang pagkuha ng course credit na ito sapagkat hindi ito nakasaad sa academic policies ng kasalukuyang Student Handbook. Mabanggit man ito, mas pinapaboran ng polisiyang ito ang mga transferee na kinakailangang makahabol sa programa ng Pamantasan mula sa kanyang kurso sa pinaggalingang paaralan. Hindi siguro inaasahan ng Pamantasan na maraming magaaral ang magkakaroon ng maraming back subjects kung kaya’t hindi rin sapat ang pagpapalaganap nila ng impormasyon tungkol dito. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pinapayagan ang ilang kumuha ng asignaturang wala sa kanilang flowchart habang ang iba ay hindi. Kung madali lang sanang kumuha ng special class para sa mga asignaturang naiwan mo, hindi siguro magiging problema ang ganitong pangyayari sa buhay ng mga irregular na magaaral. Sana naman, linawin man lang ng mga kinauukulan ang probisyon para sa course crediting system (kung meron man) ng Pamantasan upang hindi na mangapa pa sa dilim ang ilang mga mag-aaral.

Maraming mag-aaral sa kolehiyo ang nakakaranas ng pagka-delay at hindi maikakailang may mga ganito ring senaryo sa Pamantasang De La Salle. May mga mag-aaral na nahihirapang makisabay sa bilis ng trimestral system ng Pamantasan kung kaya’t sila ay bumabagsak. Ang ilan naman ay sadyang nahihirapan lang sa kanilang mga asignatura lalo na kung hindi nila gusto ang kanilang mga napiling kurso. Ang iba naman ay sadyang tamad lamang at hindi pa nakikita ang importansya ng pagaaral. May ilang mga mag-aaral na bumabagsak ng ilang units at nagagawa pang makahabol sa kanyang mga batchmate. Mayroon din namang, nahuhuli na ng isang taon at sumasabay na sa mga mas mababang batch. Ngunit paano kung sa inabutan ka na pala ng curriculum revisions at wala na ang mga asignaturang dapat mo kunin alinsunod sa iyong flowchart? Madalas magkaroon ng curriculum revisions dahil sa hangarin ng Pamantasang umunlad sa pang-akademikong aspekto nito. Dinadagdagan o binabago ang nilalaman ng isang asignatura dahil sa mga bagong pag-aaral hinggil sa paksa ng araling ito. Minsan nama’y simpleng pinapalitan lang ang course code ng isang asignatura upang magkaroon ng pagkakaisa ang mga course code sa isang kurso o

programa. Kaya naman, hindi lingid sa kaalaman ng marami na may ilang asignaturang burado na sa curriculum ng Pamantasan. Sa pagkakataong labis nang nahuhuli ang isang mag-aaral sa kanyang flowchart at naabutan na siya ng curriculum revisions, kinakailangan niya nang kunin ang mga bagong rebisang asignatura. Halimbawa na lamang ang asignaturang FEECONT ng ID

108 na FEEDCON ang katumbas sa mga ID 107 pataas. Sa ganitong sitwasyon, mapipilitan nang kumuha ng FEECONT ang mga nahuling mag-aaral na mayroong FEEDCON sa kanilang flowchart. Dahil sa hindi pagtutugma ng kinuhang asignatura

Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa maveric_mallari@dlsu.edu.ph

Naalala ko pa noong buong pagmamalaking sinabi noong aming Lasallian Personal Effectiveness Program na ang Pamantasang De La Salle (DLSU) ang nangunguna sa mga pribadong pamantasan sa Pilipinas base sa Times Higher EducationQuacquarelli Symonds (THE-QS) Asian University Rankings. Bilang baguhan sa DLSU noon, nagalak akong ang pamantasang aking pinili ang pinakamagaling sa Pilipinas. Nakagugulat lamang na paglipas ng isang taon dahil base sa pinakahuling resulta ng THE-QS ngayong Mayo, nahuhuli na ang ating Pamantasan sa itinuturing na apat na pinakamahuhusay na pamantasan sa bansa. Bumaba sa ika-106 na puwesto mula sa dating posisyon nitong ika-76 ang DLSU kasabay ng halos tatlong porsyentong pagbaba ng marka nito mula noong 2009. Naniniwala akong pasok naman ang DLSU sa mga pamantayan ng THE-QS. Siguro, nagkataon lamang na sa panahong isinasagawa ang THEQS para sa taong ito, nalampasan tayo ng ibang pamantasan sa bansa. Ang sa akin lang, sana panatilihin ng Pamantasan, ng administrasyon, pakultad, at mag-aaral nito, ang nakilala na nitong kahusayan, sa Asya man o sa daigdig. Hindi man opisyal na batayan ng pagiging world-class ng isang pamantasan ang THE-QS, itinuturing itong isang nirerespetong publikasyon kung gaanong kalayo na ang narating ng isang pamantasan.

malaman ang kanilang opinyon tungkol sa naturang katanungan. Madalas nilang sagot–magagaling na mga guro, magagandang pasilidad, at mahuhusay na mga mag-aaral. Gusto kong bigyang pansin ang sagot tungkol sa kahusayan ng mga mag-aaral. Bagaman hindi maipagkakailang tama ang sagot tungkol sa mga guro at pasilidad, naniniwala akong sa mag-aaral

nga talaga masusukat ang pagiging world-class ng isang pamantasan dahil sila ang mga pangunahing produkto nito. Ang mga mag-aaral ang nagdadala ng pangalan ng isang pamantasan sa kanilang mga piniling larangan. Kung naging matagumpay sila rito, at naipakita nila ito sa buong daigdig, saka natin masasabing world-class nga ang pamantasang pinanggalingan nito.

“Sana naman, linawin man lang ng mga kinauukulan ang probisyon para sa course crediting system (kung meron man) ng Pamantasan...”

World-class pa nga rin ba?

“Matagal nang problema ng ating bansa ang edukasyon ngunit sa pulitika pa rin nakasentro ang ating mga atensyon.” Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa cathleen_manamtam@dlsu.edu.ph

“Bagaman hindi maipagkakailang tama ang sagot tungkol sa mga guro at pasilidad, naniniwala akong sa mag-aaral nga talaga masusukat ang pagiging world-class ng isang pamantasan dahil sila ang mga pangunahing produkto nito.”

Balawis 1.0 Para sa akin, world-class pa rin naman talaga ang DLSU. Dahil dito, humahanga ako sa patuloy na paghahangad ng administrasyon ng Pamantasan na mas mapaunlad pa ito. Matapos ang 100 taon, hindi pa rin nagbabago sa nasimulan ng tradisyon ng teaching minds, touching hearts, transforming lives, ang bawat isang Lasalyano. Kaya naman dapat natin itong ipagmalaki. *** Sa paglalantad ng katotohanan, kailangan ng lakas ng loob at tapang upang masabi ang mga ito. Bilang mamamahayag, kailangang maging mabangis sa paglalahad ng mga isyung nakakaapekto rito. Ganito ang isang Balawis – mabangis, at ganito ang isang mamamahayag – MATAPANG. Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa justin_carandang@dlsu.edu.ph

PlarideL Ang PahayaganG

HUNYO 22, 2010

Pagwawakas.Pagsismula.

.”..asahan mong lagi akong narito para magmatyag sa mga ikinikilos mo.” HUNYO 30, 2010 – Bukod sa idineklara itong special non-working holiday ng Malacañang, isang napakahalagang araw din ito para sa ating mga PILIPINO dahil sa dalawang kaganapang mangyayari sa araw na ito. Una, ang pinananabikang pagtatapos ng siyam na taong panunungkulan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA). Ikalawa, ang pinakahihintay na panunumpa ng ika-15 pangulo ng Republika na si President-elect Benigno Simeon Aquino III. Alam na marahil nating lahat ang kuwento sa naging pag-upo ni PGMA bilang Pangulo ng ating bayan. Naniniwala rin akong alam nang lahat ang mga kontrobersiya at problemang kanyang kinaharap habang naka-upo bilang Pangilo ng ating bayan. Sa pagkakataong ito, gusto ko sanang sa halip na batikos ay pagpapahalaga at pagpapasalamat sana sa mga nagawa ng papaalis nating Pangulo ang mamutawi sa ating lahat. Mula sa paglalapit ng iba’t ibang isla sa bansa sa pamamagitan ng programang Strong Republic Nautical Highway, pagpapataas ng bilang ng Pilipinong may trabaho, pagpapatayo ng mga 15,000 Botika ng Barangay, pagpapatayo ng humigit-kumulang 100,000 bagong mga silid-aralan, pamamamahagi ng humigit-kumulang 300,000 na pabahay at pagpapataas ng ekonomiya ng bansa ng 7.3 porsyento. Masasabi kong naging matagumpay si Arroyo sa kanyang tungkuling maisaayos ang buhay ng mga mamamayan ng bansa. Kagaya ng ilan, naniniwala akong nagawa at naisabuhay ni PGMA ang kanyang mga tungkulin bilang Pangulo ng ating bansa. Marami man siyang mga kinaharap na problema, balakid, at alegasyon ng pangungurakot ay nanatili siyang matatag sa bawat desisyong kanyang ipinapatupad. Marahil, dahil sa kanyang katayuan bilang Pangulo ng Pilipinas, kaya minamata si Arroyo ng nakararaming Pilipino kahit sa mga simpleng kautusang makakatulong naman sa bansa ang kanyang ipatutupad. *** Ngayon, pag-usapan naman natin ang bagong halal na Pangulo ng ating bansa. Sa umpisa pa lamang ng mga partial at unofficial na resulta ng bilangan, naungusan na kaagad ni Aquino ang kanyang mga katunggali at nanatiling matatag sa unang puwesto. Hanggang noong Hunyo 15, pagkatapos ng mahigit isang buwan, ipinroklama na bilang ika-15 Pangulo ng bansa at tulad nga ng aking nabanggit, gaganapin naman sa Hunyo 30 ang kanyang panunumpa bilang bagong Pangulo ng ating bayan, Marami siguro ang nananabik kagaya ko sa magiging unang talumpati ni Aquino bilang bagong Pangulo ng Pilipinas. Marahil, gagawin itong oportunidad ni Aquino para lubusang pasalamatan ang taumbayang nagtiwala sa kanya, mga kaibigan at sa kapamilyang buo ang suporta sa kanya. Syempre, hindi rin niya kalilimutang ilahad ang kanyang mga plano para sa ating bansa. Hindi man si Aquino ang ibinoto ko noong nakaraang halalan, masasabi kong buo pa rin ang aking suporta sa kanya. Naniniwala akong magagampanan niya ang kanyang mga tungkulin bilang Pangulo ng ating bansa. Ang sa akin lang, ‘wag sana siyang mabulag sa mga kapangyarihan. Huwag sana siyang magpaimpluwensya sa mga pulitikong ganid sa kayamanan at walang iniisip kundi ang personal na interes lamang. Higit sa lahat, patunayan niya sanang tama ang naging pagpili sa kanya ng taumbayan at hindi siya nahalal dahil sa mahikang dulot ng kanyang mga magulang *** Sa ikalawang pagkakataon, hayaan niyong magsilbi ang pitak kong ito upang patuloy na mailapit ang inyong mga puso sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating Pamantasan. Sa pamamagitan nito, muli sanang mabuksan ang ating isipan tungkol sa mga isyung nakaaapekto sa atin bilang mga Pilipino at mga mag-aaral. Sa nalalapit na pagbubukas ng administrasyong Aquino, patuloy tayong maging mapagmasid sa ikinikilos ng mga bagong hanay na pinuno ng ating bayan. Masusing tingnan ang kanilang bawat galaw. Ipahayag ang nararamdaman, hinaing man o pagpapasalamat sa tamang paraan. Isipin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa halip na puros pamumuna. Para kay Aquino, siguruhin mong matutupad mo ang lahat ng mga ipinangako mo. Narito kaming mga kapwa mo Pilipino para tulungan kang ituloy ang laban na sinasabi mong tatapusin mo. Hindi ko man ibinigay sa’yo ang aking boto, asahan mong lagi akong narito para magmatyag sa mga ikinikilos mo. Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa adrian_garcia@dlsu.edu.ph

Tama na ang pulitika, edukasyon muna

Isang maulang hapon nang napagpasyahan namin ng aking mga magulang na dumaan na lamang sa isang tagong eskinita sa Binondo upang mas mabilis na makarating sa paradahan ng sasakyan. Malayo pa kami sa eskinitang ito ay tumawag agad sa aking pansin ang isang grupo ng mga kabataang nanonood ng telebisyon sa gitna ng daan. Habang papalapit kami sa kanila ay unti-unting naging malinaw sa aking mga paningin ang kanilang pinapanood na isa pa lang edukasyonal na programa. Kitang-kita sa mga mata ng mga batang ito ang kanilang pagkauhaw sa karunungan dahil sinisikap nilang matuto kahit sa ganoong paraan lamang. Sa patuloy na pagmamasid sa kapiligiran ay aking nasilayan ang van na nakaparada sa tapat ng mga kabataang ito at nabasa ko ang mga katagang “moving classroom.” Aking

napag-alamanang isa pala itong kawang-gawa ng isang grupo ng mga ordinaryong Pilipino. Nakatutuwang isiping may mga Pilipinong ‘di nakakalimot na tumulong sa kapwa sa kabila ng paghihikahos sa buhay. Matagal nang problema ng ating mga kababayang naghihirap ang edukasyon ngunit kahit ganito ang sitwasyon, sa ibang bagay kagaya ng pulitika pa rin nakasentro ang ating mga atensyon. Marahil nga ay nakagisnan na nating mula sa pagkamulat ng ating mga mata ay pulitika na agad ang bumubungad, hanggang sa ating pagtulog. Oo, mahalaga ang papel na ginagampan ng pulitika sa ating buhay dahil apektado tayong lahat sa mga nangyayari rito ngunit sa mga nagdaang taon, ano nga ba ang ating napala sa patuloy na pangungutya sa mga nangyayari sa bulok nitong sistema? Naniniwala akong dapat

5

munang ayusin ang sektor ng edukasyon bago natin lubusang pagtuunan ng pansin ang pulitika sa ating bansa. Madalas nagiging isang kahabaghabag na senaryo ang tumatambad tuwing unang araw ng pasukan lalo na sa mga pampublikong paaralan. Taun-taon maraming mga bata ang lumilipat mula sa pribadong paaralan tungo sa mga pampublikong paraalan dahil sa mataas na matrikula. Sa sobrang dami ng mga mag-aaral sa isang klase sa isang pampublikong paaralan, nagmimistulang sardinas sapagkat lagpas pa sa inaasahang dami ng estudyante ang nasa isang klase. Ilang taon pa nga ba ang dapat nating hintayin upang matigil na ang mga ganitong pangyayari? Kailan balak solusyunan ng gobyerno itong lumalalang problema ng edukasyon sa bansa? Para sa susunod na maitatalagang

mamuno sa Kagawaran ng Edukasyon, sana’y gumawa siya ng paraan upang mabigyang solusyon ang problema sa edukasyon ng bansa. Hindi man niya tuluyang mawaksian ang mga problemang ito, sana’y siya ang magsimula nang unti-unting pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. **Hatol** Sa pagsisimula ng panibagong pamahalaan at pag-upo ng bagong hanay ng mamumuno sa ating bansa, hayaan niyo ako ang magsilbing tagahatol sa bawat kilos ng mga Pilipino at pangyayari sa loob at labas ng bansa. Hayaan niyo akong imulat ang inyong mga mata sa mga pangyayaring lingid sa inyong mga kaalaman ay nagaganap o hindi kaya naman ay mga pangyayaring inyong nakikita ngunit hindi napagtuunan ng pansin ng iyong mga mata.


BayaN

PlarideL Ang PahayaganG

6

HUNYO 22, 2010

Kalayaan nang kahapon, pinapahalagahan hanggang sa ngayon Jeremiah Adriano at Ma. Ericka Felichie Valeriano Dibuho ni juan Kristopier Angeles

“ MAMAMATAY akong hindi ko man lamang nasisilayan ang maningning na pagsikat ng araw sa aking bayan.” – Gat. Jose Rizal Isang siglo’t isang dekada na ang nakakaraan matapos magbunga ang pagbubuwis ng buhay ng maraming Pilipino upang maibigay sa ating bansa ang kalayaang matagal na nitong inaasam. Ngayon, matapos ang mahabang panahon, makabuluhan pa bang maituturing ang lahat ng sakripisyo ng ating mga bayani para sa ating bayan? Pagkilos laban sa unos Sa pamumuno ng ilang magigiting na bayani, nagliyab sa puso ng bawat Pilipino ang adhikaing maipamana sa mga susunod na henerasyon ang kalayaang ipinagkait sa kanila. Isang magiting na ilustrado ang naghangad na imulat ang mata ng mga Pilipino mula sa pang-aapi ng mga Kastila sa pamamagitan ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Pinarusahan at hinatulan man ng kamatayan ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal dahil sa kanyang mga nobela, hindi nasayang ang kanyang pagpanaw sapagkat nagbigaydaan ito upang magkabuklod-buklod ang mga Pilipino laban sa mananakop. Isa sa mga matatapang na nakipaglaban para sa bayan si Andres Bonifacio. Kasama ang

Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, kanyang pinamunuan ang isang rebolusyon tungo sa kasarinlan mula sa Espanya.

“Ang ipinaglaban ng ating bayaning si Bonifacio at lahat ng kasapi ng Katipunan ang siyang nagbuklod sa atin upang maging isang bansang nagkakaisa.” -Atty.GregorioBonifacio Lalaki man ang karamihan sa mga miyembro ng Katipunang itinatag ni Bonifacio, hindi ito naging hadlang para sa ilang mga kababaihan upang tumulong sa himagsikan laban sa mga mananakop na Kastila. Isa sa mga babaeng ito si Melchora “Tandang Sora” Aquino na tinaguriang “Ina ng Katipunan.” Sa kabila ng kanyang katandaan at kasarian, ininda niya ang hirap at pasakit ng pag-aalaga ng mga Katipunerong sugatan na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong at pagpapatapon sa Marianas Islands. Kasunod ng pagkalupig sa mga mananakop na Kastila ang pagpapatibay sa Unang Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Hindi naging balakid para sa Utak ng Himagsikang si Apolinario Mabini ang pagkakaroon ng kapansanan upang ipagpatuloy ang paglilingkod sa bayan. Bilang tagapayo ng unang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo, kanyang nilabanan ang korapsyon at kinondena ang pakikipag-alyansa sa mga Amerikano upang pangalagaan ang kalayaan ng bansa. Kamatayan para sa bayan, nasayang lang ba? Marami nang nagbago matapos ang makasaysayang pagwagayway ng bandila ng bansa sa Cavite. Mayroon nang sariling pamahalaan ang Pilipinas na pinapatakbo ng diwa ng

demokrasya at malayo sa pakikialam ng mga dayuhan. Sa kabila nitong mga magagandang pamana sa atin, hindi maikakailang hindi pa rin ganap na malaya ang bansa mula sa mga dayuhan. Mula sa pagkain hanggang sa mga kagamitan, kitang-kita ang pangingibabaw ng dayuhang kulturang malayo sa pinaglaban ng ating mga bayani. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Atty. Gregorio Bonifacio, 36, apo ni Bonifacio, sinabi niyang sa kabila ng lahat ng nangyayari sa kasalukyan, naniniwala siyang hindi kailanman nasayang ang mga ipinaglaban ng mga bayani. Aniya, “Ang ipinaglaban ng ating bayaning si Bonifacio at lahat ng kasapi ng Katipunan ang

kumpiyansa si Panlaque na mananatiling isang magandang ehemplo sa bawat Pilipino ang mga ipinakita ng kanyang lolang si Tandang Sora.

“Nakadepende sa atin kung mabibigyang hustisya ang bawat patak ng dugo’t pawis na inalay ng mga bayani” siyang nagbuklod sa atin upang maging isang bansang nagkakaisa.” Naniniwala ang apo ni Bonifacio na ang mga nagawa ng kanyang lolo ang siyang nagbigay-daan upang mamulat ang sambayanan at magkaisa ang mga Pilipino. Sa pananaw naman ni Al Mabini, 17, magaaral sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Baños at apo ni Mabini, utang na loob natin ang kalayaang ating tinatamasa sa mga bayani. Aniya, “Because of people like [Apolinario Mabini] who fought for us, we get to do what we thought we couldn’t do.” Dagdag pa niya, taas noo niyang ipinagmamalaking kadugo niya ang isa sa mga bayaning nakatulong sa bayan. Sumasangayon naman si Charmaine Panlaque, 21, magaaral ng Master of Law sa Unibersidad ng Santo Tomas at apo ni Aquino, na hindi kailanman nasayang ang ginawa ng mga bayani para sa bayan. Dagdag pa niya, “Over the years, a lot of new heroes emerged who seemed to emulate the very core of what she fought for.” Buong

Ilan lamang sina Aquino, Bonifacio at Mabini sa mga bayaning nagsakripisyo upang mapalaya ang ating bayan mula sa kamay ng mga dayuhan. Kung titignan, naging makabuluhan ang sakripisyo ng ating mga bayani dahil tuluyang nakalaya ang ating bayan mula sa kamay ng mga dayuhan. Sa kabila nito, hindi rito natatapos ang laban para tunay na kalayaan dahil bilang mga mamamayang malaya sa pang-aalipin at pang-aalipusta, nakadepende sa atin kung mabibigyang hustisya ang bawat patak ng dugo’t pawis na inalay ng mga bayani upang makamtan ng Pilipinas ang kasarinlan tungo sa ikauunlad ng buong bayan. Sanggunian: http://www.famouspeoplebiography411. com/Politician/Biography-Melchora-Aquino. html http://www.bookrags.com/biography/ apolinario-mabini/

Tobacco Regulation Act: Reporma tungo sa makabagong lipunan Natasha Juan

HITHIT-BUGA. Sa bawat paghithit ng sigarilyo, humigit-kumulang 20 libong mga Pilipino ang namamatay sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Sa bawat usok na nagmumula sa sigarilyo, 200 libong mga Pilipino ang nagkakaroon ng iba’t ibang sakit. Bakit nga ba sa kabila ng mga paalalang “Cigarette smoking is dangerous to your

health,” patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa produktong ito? Isinibatas noong 2003 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Tobacco Regulation Act o Republic Act 9211 upang matugunan ang problema ng paninigarilyo sa bansa. Nilalayon ng naturang batas na itaguyod ang isang malinis na kapaligiran, ipakita sa ang masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan, bigyang restriksyon ang mga palatastas tungkol sa pagtangkilik sa sigarilyo, at ilayo sa kapahamakang dulot ng paninigarilyo ang kabataan. Ayon sa Tobacco Regulation Act, kinakailangang 100 metro ang layo ng mga tindero ng sigarilyo sa mga paaralan o sa mga pasilidad na tinatangkilik ng kabataan. May probisyon din ang Tobacco Regulation Act tungkol sa limitasyon ng pag-aanunsyo ng sigarilyo at tabako sa telebisyon, dyaryo, o radyo kagaya ng paglalagay ng mga katagang nagpapaalala sa mga mamimili ng masasamang epekto ng naturang produkto sa bawat pakete nito. Nakasaad din sa naturang batas ang ilang mga lugar kung saan hindi maaring manigarilyo tulad ng mga paaralan, ospital, gasolinahan, at

Dibuho ni Douglas Ng

kantina. Sa bisa rin ng nasabing batas, itinayo ang Inter-Agency Committee on Tobacco upang ipatupad ang lahat ng probisyon ng RA 9211. Gayunpaman, sa kabila ng mga probisyong ito, 99.8 porsyento pa rin ng mga Pilipinong naninigarilyo ang nagsabi sa isang sarbey ng World Health Organization noong Mayo 2003 na ang mga patalastas ang isa sa mga pangunahing dahilang nagbubunsod sa kanila upang manigarilyo. Anu-ano nga ba ang pagkukulang ng Tobacco Regulation Act at ang mga probisyon nitong dapat baguhin upang maging mas epektibong batas?

sigarilyo sa mga kalsada. Dagdag pa rito, hindi muna inaalam ng mga tindera ng mga maliliit na establisyamento kung nasa tamang edad ba ang mga bumibili ng mga tinda nilang sigarilyo. Ani Sanchez, maaaring ang kakulangan sa paghihigpit ng mga awtoridad sa mga nagbebenta ng tabako at mga produktong gawa rito kagaya ng sigarilyo ang isa sa

TOBACCO/sundan sa pAHINA 7

Batas para sa Pilipino, may epektibo nga bang probisyon? Ayon kay Audrey Sanchez, pakultad ng Political Science Department, maraming probisyon sa Tobacco Regulation Act ang dapat baguhin alinsunod sa mga problemang nararanasan kaugnay nito. Isa na rito ang probisyon tungkol sa paglalako ng sigarilyo o tabako ng mga menor de edad. Aniya, kitang-kita ang pagiging inepektibo ng probisyong ito dahil mismong mga batang 12 taong gulang pababa ang naglalako ng Kuha ni Johanne Negre


BayaN

PlarideL Ang PahayaganG

HUNYO 22, 2010

7

Makabagong musikang may lumang tugtugin Komentaryo ni Rochelle Anne Relevo MAGDULOT ng kaunlaran at mapagaan ang buhay ng mga mamamayang Pilipino ang dapat isinasaalang-alang ng mga miyembro ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa pagpapasa ng batas. Climate Change Act, Cheaper Medicines Act, at Magna Carta for Women ang ilan lamang sa

batas na tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng Pilipino na naaprubahan sa ilalim ng ika-14 na Kongreso. Maganda sana kung tulad ng mga nabanggit na batas ang ipinapatupad ng Kongreso dahil kung susuriin napakaraming batas ang hindi naman talaga dapat pinagtutuunan ng pansin,

ilan lamang sa mga ito ang batas na patungkol sa pagpapagawa ng mga bagong opisina ng pamahalaan at sa pagpapalit ng pangalan ng mga kalsada.

“Tila ginamit lamang ng mga mambabatas na ito ang kanilang kasikatan upang maging palamuti sa Mababa at Mataas na Kapulungan.” Napakarami pang problema ng Pilipinas na dapat pang mas bigyang pansin katulad na lamang ng lumalalang problema sa kahirapan at edukasyon. Buong tiwalang ibinigay ng mga Pilipino ang kanilang mga boto sa ika14 na Kongreso at dahil dito umasa silang masusuklian ang tiwala nila ng mga batas na tutulong sa taumbayan na magkaroon ng mabuting buhay. Ngayong magsisimula na ang ika-15 na Kongreso, makakapagpatupad na kaya ito ng mga batas na magpapabuti sa kasulukuyang sitwasyon ng ating bansa o mananatili na lang sa kasalukuyan nitong estado?

Dibuho ni Ralph Patrick Ocampo

tulad ng mga artista at pagbabalik ng ilang tradisyunal na pulitiko. Isa pa ring bagay na mapapansin ang pagiging mayorya ng Lakas-KampiChristian Muslim Democrats (CMD)

Bagsik ng pulitika Noong nakaraang Mayo naganap ang kauna-unahang automated elections sa bansa at ‘di pa man natatapos ang buwan, nakapagdeklara na kaagad ang Commission on Elections ng mga taong bubuo sa ika15 Kongreso ng Pilipinas. Kapansin-pansin sa bagong hanay ng Kongreso ang mga kilalang tao

na hindi kapartido ng nanalong pangulo. Sa lumabas na resulta nitong nakaraang eleksyon, mukhang magmimistulang isang malaking entablado ang Kongreso dahil sa dami ng mga kilalang personalidad na nahalal. Matagal na silang namamayagpag hindi lamang sa larangan ng pulitika kundi pati na rin sa industriya ng showbiz, ilan sa mga ito ang magasawang Ramon at Lani Revilla, at Vicente Sotto III. Ayon kay Rizal Buendia, pakultad ng Political Science Department ng Pamantasang De La Salle (DLSU), marami nang mga kilalang tao ang naging miyembro ng mga nakaraang hanay ng Kongreso at base sa mga nangyari, lumabas na maliit lang ang nagagampanan ng mga ito sa paggawa ng batas. Tila ginamit lamang ng mga mambabatas na ito ang kanilang kasikatan upang maging palamuti sa

Mababa at Mataas na Kapulungan. Ayon kay Buendia, isa sa mga nakikitang dahilan nang pagiging inepektibo ng mga part-time artista’t mambabatas ang hindi pagbitiw ng mga ito sa kanilang trabaho bago pumasok sa Kongreso. Maraming mga nahalal na artista ang tuluy-tuloy pa rin sa pag-arte kahit nakaupo na ang mga ito sa Kongreso kagaya na lamang ni Revilla na gumanap pang bida sa isang pelikula noong Metro Manila Film Festival at Sotto na madalas pa ring nakikita sa isang sikat na noontime show. Sa kabilang banda naman kahit na abala pa rin sila sa pag-arte at pulitika, hindi naman nila nakalimutan ang kanilang tungkulin bilang isang senador. Nakapagpasa ng 19 batas si Revilla, samantalang pitong batas naman ang naipasa ni Sotto. Tunay ngang kahit papano, may ilang mga bituwing nanatiling maningning hindi lamang sa larangan ng pag-arte kundi pati na rin sa Kongreso. Bukod pa sa mga artista, matunog din ang mga pangalan ng mga tradisyunal na pulitiko sa Kongreso. Marami sa mga ito ang naiihalintulad sa husay ng kani-kanilang mga magulang o kamag-anak. Katulad ng kanilang magulang, kuhang-kuha ng mga ito ang tiwala ng nakararami. Ani Buendia, “Hindi naman necessary na ‘pag anak ka ng bayani or ‘pag anak ka ng magnanakaw

MAKABAGO/sundan sa pAHINA 8

TOBACCO/Mula sa pahina 6 mga sanhi ng mga inepektibo ng naturang probisyon. Ayon pa sa kanya, “Dapat bumuo ng isang probisyon tungkol sa third person handlers ng mga tobacco tulad na lamang ng mga nagtitinda sa mga maliliit na tindahan o establisyamento dahil walang probisyon sa Tobacco Regulation Act tungkol dito.” Isa pa sa nakikitang butas ni Sanchez sa Tobacco Regulation Act ang probisyon nito tungkol sa pagkakaroon ng restriksyon sa mga patalastas ng mga produktong gawa sa tabako. Hanggang ngayon, may ilang patalastas pa rin ng sigarilyo na mismong mga kabataan ang nanghihikayat na bumili. Dagdag pa niya, maaaring makita ng lahat na nasa anumang edad ang mga patalastas lalo na sa mga telebisyon dahil wala namang kakayahan ang mga ito upang malaman kung may nanonood bang menor de edad. Ayon pa kay Sanchez, nagkulang din sa ekonomikal na aspekto ang mga probisyon ng batas na ito. Aniya, “Nagpokus ito[ng] [probisyon] sa kampanya ng mainstream media ukol sa problema at nagtiwala sa konsensya ng mga tao na maniniwala sa kamalian ng paninigarilyo.

Dibuho ni Rigel Napa

Nakaligtaan nitong talakayin ang mga taong nakikitang naninigarilyo kung saan-saan. Halimbawa na lamang nito ang tatay na nakikita ng bata na naninigarilyo at ang tambay na nakakabuga sa lahat ng namimili sa tindahan.” Aniya, nagsisilbi rin itong isang paraan upang makilala ang iba’t ibang tatak ng sigarilyo at hikayatin ang mga taong manigarilyo. Mahigpit na batas, maunlad na Pilipinas. Nilalayon ng Tobacco Regulation Act na makontrol ang patuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa tabako na nagbibigay ng masasamang epekto sa katawan. Ani Sanchez, “Upang mapagbuti [ng pamahalaan] ang implementasyon ng Tobacco Regulation Act, nararapat lamang na aralin nila ang political economy ng mga bisyo tulad na lamang ng paninigarilyo.” Nararapat din lamang na tumulong ang lahat sa pagpapabuti ng Tobacco Regulation Act. Manguna sa pagsasabuhay ng mga probisyon nito dahil ipinatupad ito para sa ikabubuti ng bawat isa.

Sanggunian: http://fcap.globalink.org/RA9211_b.htm


PlarideL Ang PahayaganG

8

HUNYO 22, 2010

MAKABAGO/Mula sa pahina10 pareho na kayo. These are completely different people.” Kakayahan at mga nagawa ang nararapat na maging basehan ng pagpili sa isang kandidato at hindi ang mga pagkakamali o ang kagalingan ng mga kamag-anak nito. Dagdag pa rito, may ilang mga kandidatong nagmula sa pamilya ng mga tradisyunal na pulitiko ang pinipilit na kumawala sa anino ng kanilang mga kamag-anak at gumagawa ng kanilang sariling pagkakakilanlan bilang opisyal ng pamahalaan. Mayroon ding ilan na nakilala dahil sa kanilang mga nagawa sa kanilang mga pinagsilbihang lugar nang una silang pumasok sa mundo ng pulitika. Isang halimbawa nito si Ferdinand Marcos Jr., na naging bisegobernador, gobernador, at kinatawan ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte. May ilan namang naunang pumasok at nagtagumpay sa ibang larangan bago tuluyang pumasok sa mundo ng pulitika kagaya ni Pia Cayetano na naunanng sumikat bilang runner, cyclist at tri-athlete. Isa pa sa mga posibleng maging suliranin ngayon ng bagong Kongreso ang pangingibabaw ng oposisyon sa administrasyon. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Ramon Casiple, Executive Director ng Institue of Political and Electoral Reform, sinabi niyang may katangiang balimbing ang mga pulitiko. Aniya, “Ang usaping survival (pagiging balimbing) ay usapin na naroon ka sa tabi ng kung sinong may pera at kung sinong may kapangyarihan.” Pareho ang naging opinyon nina Buendia at Casiple na maaaring marami

BayaN

ang lilipat sa partido ng nanalong pangulong si Benigno “Noynoy” Aquino. Ayon kay Buendia, “Political parties who come from the opposition would simply shift their political affiliation to the winning party; well of course that action has a lot of benefits.” Kung tutuusin, hindi dapat ikabahala ng mga tao ang usapin ng pagiging mayorya ng LakasKampi-CMD dahil ayon nga kay Casiple, hindi ang paglipat ng partido ang dapat ikabahala, bagkus ang mga hihinging benepisyo ng mga lilipat sa partido ng bagong halal na pangulo ang dapat bantayan. Dito natin tunay na makikita kung maipapatupad ni Aquino ang kanyang adhikaing magkaroon ng isang gobyernong hindi sangkot sa kahit anong anomalya o iskandalo. Dito rin natin makikita kung hanggang saan ang kayang gawin o ibigay ng isang tao upang makuha ang suporta ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Lagi nating pakatatandaang nasa kalikasan ng isang tao ang pagiging gahaman at hayok sa kapangyarihan kung kaya huwag nating kalilimutang bantayan ang mga taong ito. Ngayong nagsisimula pa lamang ang termino ng mga ito, simulan nang tutukan ang mga ginagawa ng mga ito. Huwag nang hintayin ang puntong nawalan na ng saysay

ang iyong pagboto sa mga taong ito bago ka kumilos. Huwag sana nating wakasan ang ating pagiging makabayan sa pagboto. Dapat matuto tayong magmasid, magbantay at makialam hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapakanan ng inang bayan.

Makialam para sa Inang Bayan Tulad ng mga nakalipas na halalan, kapansinpansing ginawa pa ring batayan ng mga Pilipino ang popularidad sa pagboto. Pangatwiran nga ni Buendia, “I don’t think that [15th Congress] would make any much difference to the present congress.” Kung tutuusin, wala naman talagang nagbago sa Kongreso, napalitan lang ang mga taong nakaupo rito ngunit ganoon pa rin ang sistemang umiiral dito. Maiiba lamang ang kahihinatnan ng Kongresong ito kung hindi sila tutulad sa mga nakaraang hanay ng mga mambabatas inuna ang pansariling interes bago ang kapakanan ng bayan.

Larawang halaw sa Internet

Marahas na pagkamulat sa realidad ng buhay Gregory Mark Del Carmen at Cathleen Manamtam

SA MUNDONG maraming idealismong pananaw ang tao, madalas maihambing ang mga kabataan sa isang ibong mahilig maglaro at magpakasaya. Madalas ding maiuugnay ang mga ito sa salitang kasiyahan dahil sila ang mga indibidwal na tila isang makulay na kawalan ang ginagalawan. Walang inaalintana kundi ang paglalaro sa mundong tila isang paraiso sa kanilang mga mata. Gayunpaman, sa nakakapanlumong realidad ng buhay, nariyan ang mga batang nakabilad sa araw hindi para maglaro ng habulan o taguan, kundi para magbanat ng buto upang may panustos sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Tila ninakawan sila ng konsepto ng pagiging bata dahil sa maagang pagkamulat sa hirap ng buhay. Nariyan din naman ang mga kabataang nasadlak sa gitna ng mga paputok ng baril at mga pagsabog sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Namulat sa kanilang murang kaisipan kung paano humawak ng sandata, ipagtanggol ang kanilang lahi at manindigan sa kanilang pinaniniwalaan. Ang paglaganap ng kabataang sundalo Ang paggamit ng kahit anong rebeldeng grupo sa mga batang nasa edad na 19 pababa bilang sundalo, tagapagluto, tagabuhat, tagapagdala ng mensahe at tapagmasid, ang tinatawag na child terrorism. Matagal na ang konsepto ng mga kabataang sundalo hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa buong mundo ngunit noong 2005 lamang bumuo ng isang komite ang gobyernong susubaybay sa iba’t ibang rebeldeng grupo sa bansa na tinawag na Joint Monitoring Committee. Naglalayon ang komiteng itong alamin kung talagang tumatalima ang mga rebeldeng grupo sa Pilipinas sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights & International Humanitarian Law o mas kilala sa tawag na Humanitarian Law. Ipinatupad ang Humanitarian Law upang matugunan ang iba’t ibang problemang may kaugnayan sa paglabag sa karapatang pantao. Bagama’t may ganitong klase ng batas at may komiteng umaantabay sa iba’t ibang rebeldeng grupo sa bansa, kamakailan lamang, ipinihayag ng United Nations (UN) na tatlong rebeldeng grupong nagmula sa Pilipinas ang patuloy na lumalabag sa batas na ito. Ayon sa UN, patuloy na ginagawang sundalo ng mga rebeldeng grupong Abu Sayaff, New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front ang mga batang 18 pababa. Sa pahayag ng UN, lumabas na ‘di gaanong epektibo ang batas sa Pilipinas ukol sa pagkakaroon ng mga batang sundalo sa isang armado o rebeldeng grupo. Gayunpaman, sa nakaraang halalan, isang party-list group ang naglalayong ipaglaban ang mga karapatan ng mga kabataan ang pinalad na makakuha ng isang upuan sa Mababang Kapulungan. Ngayong nailuklok na sila sa Kongreso, ano nga ba ang mga plano ng Kabataan Partylist (KBL) upang matugunan ang problema ng bansa patungkol sa mga batang sundalo? Ang paglaban sa terorismo Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Paul Villegas, National Capital Region Coordinator ng KBL, ipinaliwanag niyang, nakikipag-ugnayan sila sa mga pangunahing grupong National Democratic Front of the Philippines at

Government of the Republic of Philippines na mayroon ding parehong adhikain para sa mga kabataan. Nagkakaroon sila ng pagpupulong upang magbigay ng iba’t ibang suhestiyon kung paano masusugpo ang mga problemang lumilitaw tulad na lamang ng kawalan ng pagkakataong makapag-aral ng mga batang nakatira sa loob ng mga kampo ng rebelde. Isa sa mga hakbang na isinasagawa ng KBL para sa usapin ng child terrorism ang pag-alam sa kalagayan ng mga batang nakatira sa loob ng kampo. Dagdag pa niya, ninanais din nilang magsagawa ng rebisyon sa mga batas tungkol sa child terrorism kasabay ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga ito. Aniya, matagal nang mayroong plano ang UN pati ang pamahalaan upang sugpuin ang pagkakaroon ng mga batang sundalo sa bansa. Bukod sa Humanitarian Law na ipinatupad, nariyan din ang Mindanao National Initiative ng National Youth Commission na ipinatupad naman noong 2005. Sa kasamaang palad, hindi naging epektibo ang nasabing inisyatibo sa pagsugpo sa tinatawag na child soldiers sa bansa. Gayunpaman, positibo ang naging sagot ni Villegas, nang tanungin siya ng APP tungkol sa posibilidad na mapigilan pa ang paglaganap ng child terrorism sa bansa. “Possible pa itong mapigilan kung maipapatupad lamang ng maayos ang batas na ito at maaayos ang pagbibigay kahulugan sa katagang child terrorism,” pagtatapos niya. Kinabukasan sa gitna ng bakbakan Nakalulungkot isiping may mga kabataang nasasangkot sa terorismo o mararahas na gawain. Sa halip na libro o laruan ang kanilang hawak, nagiging kahulugan ng kanilang buhay ang paghawak ng baril at pagsabak sa giyerang kung minsan, hindi naman talaga nila alam ang dahilan. Maituturing na isang mahalagang aral ang kanilang maaaring makuha sa ganitong klase ng buhay – ang ipaglaban ang kanilang paninindigan. Hindi tamang gamitin at abusuhin ang mga bata para lamang maipaglaban ang pinaniniwalaang adhikain. Sa mura nilang isipan mas nararapat lamang na sa ibang paraan nila matutunan ang pakikipaglaban para sa kanilang pinaniniwalaan at hindi sa paraang marahas o maaaring maging sanhi ng pagkasawi ng kanilang buhay.

Dibuho ni Bryan Patiag


1

Buhay at Kultura

PlarideL Ang PahayaganG

HUNYO 22, 2010

9

Patrick Dimaranan, Renato Rebellon Jr. at Daphne Salazar

Kuha ni Harlene Ilagan at mga dibuho nina Douglas Ng at Gem Myka Sy

KAPAG sinabi sa’yo ng iyong guro na kailangan mong masaulo ang table of elements sa loob ng ilang minuto, ilan kaya ang matatandaan mo? Paano kung natipuhan ng iyong guro na magbigay ng biglaang pagsusulit na maglalaman ng 25% ng iyong pangkalahatang marka, kakayanin mo kaya? Sa mga ganitong pagkakataon, marahil naisip mong maging napakatalino upang mabilis mong masaulo at masagutan ang mga nabanggit. Marahil, pinangarap mo ring maging isang henyong hindi nakararamdam ng anumang hirap pagdating sa pag-aaral. Ngunit sa katotohanan, hindi saya ang laging dala ng pagiging isang “gifted” na bata, marami sa kanila ang napagkakakitan ng kaibigan at lumalaking mag-isa. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging henyo, makakayanan mo kayang tanggapin ang mga pasakit na kaakibat nito? Mabubuhat mo ba ang kabigatan ng katalinuhan? Henyo ng kanilang panahon “Junior anatomist” ang turing sa kanya noong bata pa lamang siya. Sa murang edad, madali nang natutunan ni Shaira Luna, 23 at isang freelance photographer, ang mga leksyon sa Biology na tinuturo ng kanyang ina. Noong una, inakala ng mga ilan na baliw siya dahil sa angking katalinuhan ngunit sa tulong ng Department of Education, Culture, and Sports, napag-alamang mataas sa normal pala ang kanyang Intelligence Quotient (IQ). Isa rin si Kristoffer Robin Resurreccion, 27 at business processing outsourcer sa Aegis People Support, sa mga biniyayaan ng pambihirang talino. Aniya, “Bata pa lang kasi ako, mas marami na akong alam kesa sa mga ka-age ko. Lumabas din sa evaluations ng guidance counselors ko noon [na mataas ang IQ ko].” Dagdag pa niya, magaling din siyang tumugtog ng piano at mag-gitara. Para kina Luna at Resurreccion, hindi nila nararamdamang “gifted” sila dahil mula mababa hanggang mataas na paaralan, normal lamang ang pakikitungo sa kanila ng kanilang mga kamag-aral. Ginagawa rin nila ang ginagawa ng isang tipikal na estudyante, nagre-recite sa klase, nakikipagdaldalan sa katabi at minsan, nangongopya ng takdang aralin at pagsusulit. Naging masaya ang kanilang buhay elementarya at hayskul ngunit biglang nag-iba ang takbo ng kanilang buhay sa pagtungtong nila ng kolehiyo dahil sa mas kakaibang paligid sa nakasanayan. Kakaibang pagtingin sa talinong angkin Hindi naging madali para kina Luna at Resurreccion ang buhay sa kolehiyo. Naging

sentro sila ng iba’t ibang panunukso mula sa mga taong nakapaligid sa kanila–mga taong humanga at humusga sa kanilang kakayahan. Kumuha ng kursong Bachelor of Science in Human Biology (HUM-BIO) si Luna, sa Pamantasang De La Salle (DLSU) noong 2000 sa edad na 13. Lumahok siya sa Student Council Freshmen Elections (FE) sa ilalim ng partidong Iisang Tugon Sa Tawag ng Panahon ngunit naging mailap pa rin siya sa ibang tao sa kabila nito. Aniya, palagi siyang mag-isa tuwing libre ang

“Bata pa lang kasi ako, mas marami na akong alam kesa sa mga ka-age ko.” - Resurreccion oras at madalas niyang puntahan noon ang University Mall. Nahirapan din siyang makibagay sa ibang mag-aaral dahil sa laki ng agwat ng edad nito sa kanya. Dalawang taon ang ginugol ni Luna sa kursong HUM-BIO bago niya napagtantong hindi ito ang kurso para sa kanya. Pumayag ang kanyang magulang na lumipat siya ng ibang kurso ngunit humarap pa rin si Luna sa iba’tibang pagsubok at nagkaroon ng pagdududa sa kanyang kinukuhang kurso. Papalit-palit si Luna ng kurso hanggang nagtagal ito sa AB - Philippine Studies, major in Filipino in Mass Media. Umabot na siya sa thesis ng kursong ito ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon, natagpuan niya ang mundo ng potograpiya na nagtulak sa kanya upang itigil ang kanyang pag-aaral. Hindi ito ikinatuwa ng mga magulang ni Luna, kaya pinagbawalan siyang gumamit ng telepono at lumabas ng bahay, dahilan nang madalas niyang pagtakas sa mga ito sa edad na 15 para sundin ang kanyang nais gawin. Problema rin ang sumalubong sa buhay kolehiyo ni Resurreccion. ‘Di tulad ni Luna, nagustuhan ni Resurreccion ang una niyang kurso na AB-Music Production sa De La SalleCollege of Saint Benilde, ngunit naranasan din niya ang mga suliranin ng pakikitungo sa ibang tao. Dahil lumaki siyang mas pinagtutuunan ng pansin ang pagpapayabong ng kanyang talento

sa pagtugtog ng piano at gitara, nakalimutan na niyang makisalamuha sa ibang tao. Aniya, “Nahirapan [talaga] ako sa social skills ko. Napabayaan ko siya (social skill), [kaya] hindi ako nakikipagkaibigan.” Bukod pa rito, hindi rin inaakala ni Resurreccion na mahirap maging isang mag-aaral sa kolehiyo dahil nasanay siyang nakakakuha ng mataas na marka kahit hindi nag-aaral noong nasa mataas na paaralan pa lamang siya. Dahil dito, hindi rin niya lubusang nagamit ang angking talinong ipinagkaloob sa kanya at nahirapan siyang abutin ang matagumpay na pamumuhay. Nakapagtapos man siya ng pag-aaral hindi naman siya naging masaya sa kanyang naging trabaho. Tinanggap lamang niya ang trabaho sa business processing outsourcing dahil ito ang pinakamadaling pasukang trabaho sa kanyang kapanahunan. Pagharap sa katotohanan Sa kabila ng kanilang pambihirang talino, makikitang dumaan pa rin sa hirap ng buhay sina Luna at Resurreccion. Para sa kanila, hindi batayan ang pagiging matalino upang matukoy kung ano ang dapat nilang abutin sa buhay. Ayon kay Luna, aminado siyang nakukuha pa rin niyang magbulakbol sa kabila ng kanyang katalinuhan. Ganito rin ang hinarap na pagsubok ni Resurreccion at marahil pati ng iba pang Pilipinong may angking sobrang katalinuhan. Para sa kanila, mahalagang gamitin ang regalong talino sa tama at samahan ng pagsisikap at dedikasyon upang magtagumpay. Tulad ng mga ordinaryong tao, nagkakamali din ang mga taong may regalong talino. Kagaya na lamang Luna at Resurreccion, nadapa man sila sa takbo ng buhay, nagsumikap naman silang bumangon muli at ipagpatuloy ang kanilang buhay. Isang patunay sina Luna at Resurreccion na hindi mahalaga ang katalinuhan upang magtagumpay sa buhay. Kinakailangan lamang na alamin ang tatahakin, pairalin ang tiwala sa sarili, patuloy na pagyabungin ang kaalaman at hayaan ang mga kamaliang dagdagan ang iyong kaalaman.

Reyann Jhorel Lapuz Kuha ni Karlene Sy at dibuho ni Juan Kristoper Angeles

MAIHAHALINTULAD sa isang tatsulok ang estado ng buhay sa bansa – may mangilan-ngilang mayayamang nasa itaas habang may libu-libong mahihirap na nagsisiksikan sa ibaba. Bilang isang bata, maituturing kong payak lamang ang aking pamumuhay. Hindi ako mayaman at lalong hindi rin ako mahirap tulad ng mga taong pinagdamutan ng kapalaran. Paano ba makakasilip ng pag-asa sa butas ng karayom? Paano ba magiging matatag kahit kumakalam na ang sikmura? Paano ba maging mahirap? Paano ba maging sila? Ito ang mga katanungang bumabagabag sa akin tuwing nakakakita ako ng mga Pilipinong hindi nabigyan ng magandang kapalaran. Hindi ko mawari kung bakit nakangingiti at nabubuhay pa rin sila sa kabila ng hirap na kanilang dinaranas. Naisip ko tuloy, paano kaya kung isa akong ama na may anak na nais kong maibili man lang ng Kiddie Meal sa Jollibee, gayong isa lamang akong tindero ng sampaguita? Pagsabak sa kahirapan Araw ng Biyernes, unang linggo sa buwan ng Hunyo, narinig ko na naman ang alarm ng aking orasan. Muli ko na namang haharapin ang panibagong araw ngunit hindi na bilang isang batang payak ang pamumuhay. Nais kong mabuhay sa isang panaginip

na tila ba isa akong ama na naghahangad na mapasaya ang aking anak kahit sa loob lamang ng isang araw. Agad akong nagbihis ng damit at tumungo sa Quiapo upang magbenta ng sampaguita. Kailangan kong tuparin ang pangako kong ibili ang aking anak ng Kiddie Meal. Ikawalo ng umaga nang dumating ako sa Simbahan ng Poong Nazareno at nasilayan ko roon ang pagdagsa ng mga deboto ng nasabing poon. Sa kapal ng tao, kitang-kita ko kung paano napuno nang mabilis ang mga upuan sa simbahan. Sa puntong iyon, nais ko nang magsimula upang samantalahin ang pagkakataong magtinda ngunit nauunahan ako ng takot at hiya. Makalipas ang ilang sandali, hindi na ako nagpaapekto sa takot na aking nararamdaman, agad akong tumayo upang madaling maipagbili ang mga tinda kong sampaguita. Nakakapagod, nakakabagot, at nakakagutom–ito ang mga salitang pumasok sa isip ko habang nakatayo at naghihintay ng unang bibili. Magiisa’t kalahating oras na akong nakatayo subalit wala pa ring bumibili sa akin. Hinihintay na kaya ng aking anak ang pangakong binitiwan ko sa kanya? Habang nasa hanay ako ng aking pag-iisip, bigla na lamang may lumapit sa akin at nagsabing “Pabili nga! Bigyan mo ako ng bente pesos n’yan!” Nataranta ako sa aking kinatatayuan at hindi magkamayaw sa kung ano’ng dapat kong gawin. Nilapitan ako ng isang kapwa ko tindero at agad niya akong tinulungan sa pagbebenta. Inabot sa akin ng mamimili ang kanyang bayad at ngiti naman ang tanging naisukli ko sa kanya. Pagpuri at pag-alipusta Sumapit na ang tanghalian subalit Php 100 pa lamang ang aking kinikita. Kailangan ko sigurong mag-isip ng magandang plano upang maging epektibo ang aking pagbebenta. Kaya naman kahit nasa gitna ng misa, lumapit ako sa mga taong nasa labas ng simbahan at inalok ko sa kanila ang

Sampaguita/Sundan sa pahina 10


PlarideL Ang PahayaganG

10

HUNYO 22, 2010

Buhay at Kultura

Kim Jerome Alcantara, Margee Generoso at Adrian Paul Tudayan Dibuho ni Rigel Napa at mga larawang halaw mula sa Internet

Noon pa man, hindi na maitatangging may iba’t ibang mga katangian na rin ang mga kasuotan ng mga tao. May pormal na kasuotan para sa mga pagtitipon, may mga damit na pangkaswalan at pang-araw-araw, mayroong ding agaw-atensyon at ilang tila pinaglumaan na ng panahon. Ayon sa karamihan ngayon, tinatawag nila ito bilang fashion. Tinatawag na fashion ang uri ng pananamit ng isang tao na nagbabago ayon sa uso. Mayroong mga “uso” ngayon na maaaring “laos” na sa hinaharap. Sa bawat pagtuklas ng tao ng mga bagong bagay, nagbabago rin ang pananaw ng mga ito pagdating sa larangan ng fashion. Sa Pilipinas, kilala ang ilang sikat na personalidad dahil sa kanilang pananamit. Makabago, kakaiba at talagang malayo sa panlasa ng ilan, dahilan kung bakit tanyag ang kanilang mga pangalan sa industriya. Hindi man artista ang iba, naging sikat naman sila sa larangang pinasok nila. Tim Yap: Elegante’t mayaman Kolumnista, modelo at artista. Ilan lamang sa mga bagay na maaaring ikabit sa pangalang “Tim Yap”. Isa siya sa mga taong kinikilala sa industriya dahil sa paraan ng kanyang pananamit. Sa halos lahat ng mga pagtitipong kanyang pinupuntahan, hindi mawawala ang kakaibang impresyon ng mga tao sa kanyang pananamit. Tinagurian siyang isang “fashion icon” at isa rin sa mga nagdidikta ng nauusong pananamit sa bansa. Mula sa mga makukulay na pang-itaas at iba’t ibang alahas, mayroon siyang sariling uri ng pananamit at hindi natatakot sa sabihin ng mga tao rito. Mula sa mga mumurahing damit sa Bambang, hanggang sa mga mamahaling damit, kaya itong gawing ispesyal ni Yap sa kanyang pagdadala. Nagmula ang ilan sa mga kinahihiligang bagay ni Yap, sa iba’t ibang sikat na clothing line kagaya ng Anonymous, Comme Des Garcons, Costume National, Dolce & Gabbana, Hennes & Mauritz, Human, Sari Sari, at Zara. (Rissa, 2001). Tessa Prieto–Valdez: Kakaiba ngunit kilala Nagmula naman sa isang prominenteng pamilya at madalas makita sa iba’t ibang pagtitipon ng mga sikat na personalidad si Tessa Prieto-Valdez. Hindi natin maikakailang isa Valdez sa mga taong kilala sa mundo ng fashion sa bansa. Iba’t ibang uri ng pananamit, mula sa malalaking blusa at bulaklaking damit, na pinaganda pa ng makukulay na mga alahas.

Dahil dito, nagmimistulang isang buhay na bulaklak si Valdez sa lahat ng oras na tunay namang nagpapakita ng personalidad ni Valdez. Likha ang karamihan ng kanyang mga pananamit ng mga sikat na designers sa bansa gaya nina Rajo Laurel, Pepsi Herrera at Edwin Tan. Ayon sa panayam ni Ricky Lo sa kanyang pitak sa The Philippine Star kay Valdez, nabanggit niyang nagbago ang uri ng kanyang pananamit matapos ang isang malagim pangyayari sa kaniyang pamilya. “I started dressing 'that way' after my

long as you are in the boundaries of good moral standards or something,” dagdag pa ni Valdez sa panayam ni Lo.

Ariel and Maverick: Tambalang pinag-uusapan Ariel with a capital ‘A’, ‘Maverick only’ at A&M duo – ilan lamang sa mga sikat na linya na pinasikat ng tambalang Ariel at Maverick. “Fashion Scientists” kung tawagin nila ang tambalang ito nina Ariel Villasanta at Anthony Relova sa totoong buhay. Kakabit nila ang retro-looks na mas kapansin-pansin pa dahil sa kanilang malalaking alahas. Sa panayam nina Carlos dela Pasion at “It’s about being odd, with a sense of style Apryl Rose Galang, ng Manila Bulletin sa A&M and class. Kasi ‘yung pagiging weird may duo, napagalamang dalawang klase, papansin lang and ‘yung matagal nang kaakibat ng buhay ng dalawa may art. Kami, papansin na may art pa.” ang paraan ng kanilang pananamit. Ayon kay -Relova Relova, “It’s brother Louie Prieto died in a motorcycle accident at the South Superhighway. I was deeply affected by his death. I couldn't accept it. Dressing 'that way' has become my outlet, instead of taking drugs or alcohol,” ani Valdez. Naging daan ang pananamit ni Valdez upang libangin niya ang kanyang sarili at kalimutan ang mapait na pangyayari sa kanyang kapatid. Hindi naman naging hadlang para kay Vakdez ang sinasabi ng ibang tao sa kanyang pananamit. “You have a right to live it (life) and enjoy it any way you want to, as

a n inborn thing. Ever since, ma-porma na talaga ako. Kaya nga marami akong barkada na girls and they also love hanging out with me because I love to play with Sanrio stuffs.” Ayon naman kay Villasanta, itinuturing siyang candy man noong nasa kolehiyo pa siya dahil madalas niyang pinaghahalo sa kanyang mga pananamit ang mga matitingkad na kulay kagaya

ng pink, violet, at berde. Naniniwala ang dalawa na kaakibat ng kanilang personalidad ang pananamit na kanilang ipinapakita sa mga tao. Iniuugnay ni Villasanta sa kanyang pagkahilig sa pangongolekta ng mga makalumang sasakyan ang kanyang retrolook na pananamit. Ayon pa sa panayam nina Galang at Pasion kay Relova, “It’s about being odd, with a sense of style and class. Kasi ‘yung pagiging weird may dalawang klase, papansin lang and ‘yung may art. Kami, papansin na may art pa.” Tao at damit, magkaugnay sa bawat saglit Hindi maikakailang may mga taong nagbibigay ng pagpapahalaga sa uri ng damit na kanilang isinusuot. Nagiging daan ang pananamit ng magarbo upang mabigyan ang isang tao ng magandang pagkakakilanlan sa unang tingin pa lamang. Hindi kailanman dapat maging isyu ang uri at klase ng pananamit ng isang tao. Bagkus, nararapat lamang na igalang natin sila, maging ang pananamit na mayroon sila. Sanggunian:

Lo, Ricky. (2007). Tessa Prieto – Valdez: A Solo Act. Kinuha noong Hunyo 10, 2010 sa, http://telebisyon.net/ balita/TESSA-PRIETOVALDES-A-Solo-Act/artikulo/5051/ Rissa, Genie. (2001). More on Tim Yap. Kinuha noong Hunyo 10, 2010 sa, http://telebisyon.net/balita/More-onTim-Yap/artikulo/127591/

Sampaguita/Mula sa pahina 9 aking paninda. Hindi ko na malaman ang aking gagawin at nagkasabay-sabay na naman ang pagod, uhaw, at gutom na nagpapahina ng aking kalooban. Gusto ko nang sumuko ngunit kailangan kong magpatuloy para sa aking anak. Habang nakikinig ako sa sermon ng pari na halos paulit-ulit ko nang narinig, biglang may lumapit sa aking isang matanda at bumili ng sampaguita sa halagang Php 40. Bigla akong nagising lalo pa’t pinuri niya ang aking mga paninda. Gusto kong isiping ang papuring iyon ang ipinagkaloob ng Diyos sa akin upang mapawi ang aking kapaguran. Tila ba may pumalo sa akin upang magising sa katotohanang may pag-asa pa rin akong matapos ang aking gawain at maiuwi sa aking anak ang ipinangakong Kiddie Meal. Naramdaman ko pa ang kaginhawaan nang magsalita ang ale at sinabing, “Alam mo hindi ka mukhang tindero. Kinahapunan, nakaramdam ako ng gutom. Humigitkumulang Php 250 na ang aking nabebenta. Matindi na ang sikat ng araw na tumatama sa aking batok at mukha. Malakas na rin ang pintig ng aking puso dahil sa pagod na dinaraing ng aking katawan. Damang-dama ko na ang pawis na gumuguhit sa aking mukha patungo sa sampaguitang tangan ko, subalit kailangan kong ipagpatuloy ang aking nasimulan para sa aking anak. “Anak kaunting tiis na lang, nariyan na ako at dadalhin ko na ang Kiddie Meal mo,” wika ko. Habang naghihintay muli ng bibili sa akin, naulinigan ko ang isang panghuhusga

sa akin – mukha raw akong snatcher. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Para bang may galit sa aking loob na gusto kong ilabas. Lumisan ako sa aking puwesto at nagpalipas muna ng sama ng loob. Karanasan, kahirapan at kinabukasan Bumalik ako sa simbahan nang magaan ang kalooban at tumayo muli sa aking puwesto upang maubos na ang aking binebentang sampaguita. Kakaunti na lang din ang mga tao kumpara sa dami ng mga dumagsa noong umaga. Upang maibsan ang aking pagka-inip, sinadya kong makipag-usap sa isang tinderong matagal nang nakatayo sa isang pinto ng simbahan at sa kanya ko napagtanto ang hirap sa likod ng pagtitinda para kumita lamang ng kakaunting barya. Nakilala ko si Mang Ruben at ibinihagi niya sa akin ang halos 15 taon niyang karanasan sa pagtitinda ng sampaguita. Aniya, dugo, pawis, at oras ang dapat isakripisyo sa pagtitinda ng nasabing produkto. Araw-araw, mayroon siyang inuuwiang pamilya na kanyang pinakakain sa pamamagitan ng sampaguita. Aniya, “Alam mo kapatid, hindi ka nagkamali sa sinubukan mong trabaho. Hindi ka man tumubo sa paninda mo, tumubo ka naman sa karanasang hinahanap mo.” Ika-apat ng hapon nang matapos ko ang aking pagbebenta. Agad kong naisipang umuwi upang makapagpahinga na rin ako para sa mga gawain kinabukasan. Habang nasa daan ako pauwi, sinubukan kong titigan ang dala kong pera at sa puntong iyon, naramdaman ko ang matinding kagalakan. Tunay ngang masasabi kong masuwerte ako sa buhay ko ngayon. Tulad ng mga nagsisimba sa Quiapo, mapalad akong nakatayo sa simbahan upang magdasal at hindi upang magtinda sa harap ng madla. Subalit sa pagkakataong ito, mapalad pa rin ako sapagkat naranasan kong magkaroon ng isang mahal sa buhay na pinag-alayan ko ng aking hirap at sakripisyo. Tama si Mang Ruben, hindi man ako tumubo sa pera, tumubo naman ako sa isang karanasang nagbigay ng puwang sa akin upang matutunan ang isang napakahalagang aral sa aking buhay.


1

Buhay at Kultura

PlarideL Ang PahayaganG

HUNYO 22, 2010

11

Social networking sites: Makabagong lugar ng pakikipag-ugnayan

Gregory Mark del Carmen, Reyann Jhorel Lapuz at Amity Ruaro Mga kuha ni Natasha Juan at dibuho ni Ralph Patrick Ocampo

Dali-daling papasok sa kuwarto pagdating mula sa paaralan. Haharap sa computer, bubuksan ito at hindi mapakaling maghihintay para magamit ito. Matapos ang ilang sandali, bubuksan ang Internet browser na para bang gagawa ng pananaliksik para sa takdang-aralin. Simbilis ng kisap-mata, makikita na lamang sa bandang itaas ng Internet browser ang isang linyang pamilyar ang lahat – nag-aaral man o hindi, bata man o matanda – “www.facebook.com.” Sa kasalukuyan, hindi maitatangging pamilyar na sa atin ang sitwasyong nabanggit. Kung madalas mo itong gawin, siguradong gamay mo na ang iba’t ibang social networking sites (SNS) na maaari mong magamit bilang makabagong paraan ng komunikasyon at libangan. Hindi maikakailang kasama na ito sa pang-araw-araw na gawain ng ilang mga Pilipino at nagiging bahagi ng kulturang patuloy na pinauusbong at pinagyayaman. Paraan ng pagpapaikli ng distansya Sa unang mga taon ng ika-20 dekada, lumabas ang Friendster na talaga namang tinangkilik ng kabataang Pilipino. Taong 2004, isa si John Jake Gregory Bustos, 18, kasalukuyang kumukuha ng AB Sociology sa University of the Philippines – Los Banos (UPLB), sa madalas gumamit ng Friendster noong nasa unang taon pa lamang siya sa mataas na paaralan. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Bustos, inamin niyang naging isa sa mga dahilan ang kanyang mga kapatid kung bakit siya gumamit ng SNS. “It’s a good way raw to connect with my friends at naniwala ako sa kanila,” pagbabahagi ni Bustos. Sa ngayon, sa dami ng kanyang accounts sa iba’t ibang SNS, hindi na niya maikakaila ang madalas niyang paggamit ng mga ito. Para rin kay Bustos, malaki ang epekto ng SNS lalung-lalo na sa mga kabataan para mas maging malapit sa kanilang mga pinahahalagahan sa buhay. Aniya, naging instrumento ito para sa mas madaling pakikipagugnayan sa iba’t ibang tao. Sa pamamagitan ng SNS, nalalaman niya ang mga nangyayari sa buhay ng kanyang mga minamahal. “SNS also served as a significant element of our modernized culture of convenient communication,” dagdag pa ni Bustos. Noong nakaraang taon, naging makulay ang mundo ni Jicel Mae Alparito, 16, mula sa Holy Infant Academy, nang magsimula

siyang pumasok sa mundo ng Facebook. Sa bawat araw ng kanyang paggamit ng Facebook, nakararanas si Alparito ng isang mundong mas kaaya-aya dahil nagustuhan niya ang disenyo, mga laro, at mga taong gumagamit nito. Dagdag pa niya, “Friendly [ang mga tao at] walang bastos, nakakausap mo ang mga relative mo sa malayo, [at] nakakapag-communicate ka pa sa mga friend mo kahit na ‘di kayo magkaharap.” Sadyang marami na nga ang tumatangkilik sa SNS bilang isang midyum sa pakikipag-ugnayan sa kapwa tao. Ayon sa panayam ng APP kay Rowell Madula, pakultad ng Departmento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle, madaling nakakuha ng atensyon ang SNS dahil

ugnayan ng mga tao. Ani Madula, “Pagdating sa real world [naman], okay na lang sa kanila na hindi na [ganoong] magkita. Para bang nawawala ‘yung tinatawag na personal attachment.” Bukod dito, pumapasok din ang konsepto ng komersyalismo dahil narin sa perang kinakailangang gastusin upang magamit ang iba’t ibang SNS. Aminado naman si Bustos sa mga negatibong bagay na naidudulot ng SNS sa mga tumatangkilik nito. Aniya, naniniwala siyang nakasasama ang madalas na paggamit ng mga ito sa kalusugan dahil na rin sa matagal na pagtutok ng mga mata sa harap ng computer “[It has] harmful effects to health: eyes, body posture, and body clock,” wika ni Bustos. Dagdag pa niya, nauubos at nasasayang ang oras ng mga

“Not only that it is more convenient to use. But, the advantages that a letter can have are all present in Social Networking Site. Handwriting can be computerized, too.” - Bustos sa angkin nitong mga katangian tulad ng mga larong mapaglilibangan, disenyong kinagigiliwan at iba pang serbisyong kinahuhumalingan ng mga tao. Aniya pa, ang konsepto nating mga Pilipino tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya at relasyon ang isa sa mga naging susi upang madali itong tangkilikin sa bansa. “In terms of family relation, alam naman nating buklud-buklod ang mga ‘yan (mga Pilipino), kumbaga kamaganak system. [Kaya] napagtitibay ng sites [ang relasyon ng dalawang tao] kasi pwedeng silang laging mag-usap sa cyber world.” ani Madula. Ang anumang labis, nakasasama Pagpapatibay man ng relasyon ang isa sa magandang naidudulot ng SNS sa mga gumagamit nito, hindi pa rin maitatanging may masasamang epekto ang SNS sa

gumagamit ng SNS dahil sa kawalan ng disiplina sa paggamit nito. “[Those are] sort of distraction to my priorities,” pagbabahagi ni Bustos. Nagbigay din ng panibagong suliranin kay Alparito ang lubusang paggamit ng iba’t ibang SNS tulad na lamang ng Facebook. Bagama’t napaglalapit ng Facebook ang kanyang pakikipagugnayan sa kanyang mga kamaganak at mga kaibigan, nagdulot pa rin ito ng negatibong epekto sa kanyang buhay. Dahil sa kanyang labis na pagkahilig sa Facebook, nakakalimutan niyang maglaan ng oras sa mga bagay na mas dapat niyang bigyang prayoridad. Nagresulta ito sa pag-aaway sa loob ng kanilang tahanan at pagtaas ng kanilang gastusin sa kuryente.

Pagkalimot sa nakaraan Telegrama, telepono, pager, at pagsusulat ng liham – ilan lamang ito sa mga nakagawiang paraan ng mga Pilipino sa aspekto ng komunikasyon. Subalit sa paglipas ng panahon, unti-unting bumaba ang demand sa paggamit ng mga ito, at dahil sa makabagong teknolohiya tulad ng SNS, nawala ang atensyon ng karamihan sa mga Pilipino sa mga tradisyunal na paraang nabanggit. Kung ihahambing sa nakaraan, matumal nang makikita ang mga kartero na nagpupunta sa mga bahaybahay. Sa katunayan, pagpapadala na lamang ng mga sulat ukol sa bill ng kuryente, tubig, at telepono ang kadalasang nagiging gawain ng ilan sa kanila. Sa bisa ng SNS, napapabilis ang proseso sa pagpapadala ng sulat nang walang iniindang distansya na siyang tinatangkilik ng nakararami. Ani nga ni Madula, “Sa maraming pagkakataon kasi na you have to communicate [or] you have to relay a message sa mabilis na paraan, It (SNS) is more efficient to use.” Tanong sa pagiging epektibo Masasabing malaking tulong ang SNS lalo na sa mga Pilipinong nagpapahalaga ng relasyon, bilang bagong paraan ng pakikipag-ugnayan at komunikasyon. Wika nga nina Bustos at Alparito, kung papipiliin sila sa pagitan ng luma at bagong paraan ng komunikasyon, mas pipiliin nila ang isang makabagong paraan gaya ng SNS sa pakikipag-ugnayan. Dagdag pa ni Bustos, “Not only that it is more convenient to use. But, the advantages that a letter can have are all present in SNS. Handwriting can be computerized, too. But, what majority of what SNS have can’t be found in a letter.” Bagama’t ginawa ang SNS para sa isang magandang serbisyo, nagiging bukas pa rin ito sa masasamang epekto. Tulad ng ilang makabagong teknolohiya, maaari ring abusuhin ang paggamit ng SNS kaya ipinayo ni Madula ang responsableng paggamit nito sa pakikipag-ugnayan.

Aniya, “Mahalagang maging totoo ka sa sarili [mo]. Kahit dun sa paglalagay ng pictures, comments, [at] iba pa, maging totoo ka.” Malaking tulong ang mga SNS sa ating mga Pilipino upang maging malapit pa rin sa mga taong ating minamahal at pinahahalagahan. Tila isang salamangka ang bumabalot sa mga SNS na ito upang pag-ugnayin ang mga tao. Bagama’t ibinibigay na nito ang mga kinakailangan sa pakikipagugnayan, may kaakibat pa rin itong responsibilidad sa lahat ng gumagamit nito.


PlarideL Ang PahayaganG

12

HUNYO 22, 2010

RetratO


SininG TAMBAYAN

PIDEL SA UNANG ARAW

Douglas Ng

PlarideL Ang PahayaganG

13

HUNYO 22, 2010

Juan Kristopier Angeles

Bryan Patiag

SINANGAG EXPRESS

Juan Kristopier Angeles

CAPITAN J

RECRUITMENT

Rigel Napa

Munting alaala

Douglas Ng


PlarideL Ang PahayaganG

14

HUNYO 22, 2010

Paghamon sa isang legasiya

IsportS

“...maaring mapatunayan ni Bryant ang kanyang sarili sa mga manonood, ngunit hindi pa ngayon ang panahong iyon.” Isang makasaysayang season na naman ang nagdaan sa National Basketball Association (NBA) matapos maglaban ang dalawang namumukod-tanging koponan sa mundo ng basketball. Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang kampeonato matapos umarangkada sa huling yugto ng Finals Game 7 laban sa Boston Celtics na nagresulta sa iskor na 83-79. Dahilan sa tagumpay na ito, nadagdagan na naman ang record ng LA Lakers star player Kobe Bryant at umuugong na naman ang isyu ng paghahambing sa kanya sa all-time legend na si Michael Jordan. Itinuturing ng marami si Jordan bilang pinakamagaling na manlalaro sa buong kasaysayan ng basketball kung kaya’t hindi maiiwasang ihambing sa kanya ang mga pinakamagagaling na manlalaro sa kasalukuyan. Sinasabing si Bryant na ang susunod na Jordan dahil sa lapit ng agwat sa bilang ng mga tagumpay na natamo ng dalawang manlalaro. Lubos na ipinagmamalaki ni Bryant ang kanyang limang kampeonato, dalawang Finals MVP, isang season MVP at ang pangalawang pinakamataas na scoring output sa kasaysayan ng NBA. Hawak naman ni Jordan ang anim na kampeonato, anim na Finals MVP at limang regular season MVP. Posible, kung tutuusin, na mahabol pa ni Bryant ang tagumpay na natamo ni Jordan upang hinaranging pinakamagaling sa larangan ng basketball. Itinuturing ni Marv Albert si Bryant bilang “The Best Laker Player of All Time” at lumagpas na sa galing ni Magic Johnson na kilala rin bilang isa sa pinakamagaling na manlalaro. Lubos naman akong humahanga sa tagumpay na natamo ni Bryant. Gayunpaman, hindi pa rin niya mapapantayan sa ngayon ang legasiyang nagawa ni Jordan sa mundo ng basketball. Kung sa best player sa koponan ang pag-uusapan, Jordan. Kung sa best statistics, Jordan pa rin. Kung sa pinakamaraming nakuha na MVP Title lang ang pag-uusapan, Jordan pa rin talaga. Gayunpaman, naniniwala akong hindi pa sarado ang pinto para kay Bryant. Mahaba pa ang panahon upang mapatunayan ni Bryant ang kanyang sarili sa mga manonood. Hindi na bata si Bryant, 31 taong gulang na siya. Sa kabila ng kanyang kabawasan sa gilas at liksi dahil sa edad, lubos namang nadagdagan ang kanyang karanasan at kakayahang mamuno. Limang taon o higit pa ang ilalabi ni Bryant bilang manlalaro ng basketball at marami pa siyang maaaring makamit at mapagtagumpayan. Marahil, ilang kampeonato at MVPs pa para kay Bryant at lalo pang uugong ang usapan sa pinakamahusay na manlalaro ng basketball. Sa kabila nito, kinakailangang hindi malimutan ni Bryant na isang team sport ang basketball at hindi niya ito magagawa ng mag-isa. Ganoon din ang kaso sa lahat ng kanyang mga napagtagumpayan na sa kasalukuyan, hindi niya ito makakamtan ng wala ang kanyang mga kakampi. Sa mga taga-suporta ng LA Lakers, binabati ko kayo sa pagkapanalo ng inyong pambato (at sa bragging rights na inyong nakamtan) at sa mga tagasuporta ng Boston Celtics naman, may panahon pang bumawi. Hawak pa naman ng Celtics ang titulo ng pinakamaraming napanalunan sa NBA. Kung kaya nating maghiyawan sa mga banyagang manlalaro, kung kaya nating pumusta para sa mga taong wala tayong pakinabang, kung kaya nating ipagmayabang ang hindi sariling atin, paano pa aya namas lalo nating suportahan ang ating mga manlalaro? Bakit hindi pa tayo pumunta kung saan abot-kamay na natin ang ‘where it happens?’ Mas lumalapit na ang araw ng pagsisimula ng University Athletic Association of the Philippines, mas lalong nagiging kapana-panabik ang araw na makita ang sarili nating koponan na naglalaro. Animo Green and White!

Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa hosanna_david@dlsu.edu.ph

Green Archers (Mula Pahina 16) sa laro. Lumakas ang pagpupursigi ng Green Archers lalo pa’t nabawasan sila ng isang bigman. Kapwa matindi at malakas ang naging depensa ng magkabilang koponan ngunit mas nangibabaw ang ibinigay na opensa ng San Sebastian na naging sanhi ng pagkontrol nila sa kalamangan sa huling minuto ng laro. Hindi naman matawaran ang opensa ng Golden Stags sa ikatlong yugto matapos ang sunud-sunod na fast break na nagpalaki ng husto sa lamang ng Stags na nagresulta sa iskor na 64-45. Tila humina ang depensa ng Green Archers pati na rin ang pagkuha ng mga rebound. Nagtapos ang nasabing yugto sa iskor na 68-54 pabor sa San Sebastian. Sa ikalawang yugto, dikit ang naging labanan ng magkabilang koponan sa iskor na 37-40 bago mag-halftime, pabor sa Green Archers. Naging maganda ang laro nina Green Archers Maui Villanueva at Vosotros na nagbigay ng pinagsamang 11 puntos sa sunud-sunod na jumpshots. Sa lakas ng pag-rebound na ipinakita nina Ronald Pascual at Abueva ng San Sebastian, nagawa nilang maidikit ang iskor sa buong yugto ng laro. Tinapatan naman agad ng Green Archers sa unang yugto ng laro ang San Sebastian sa pagkakaroon ng 22-20 na iskor pabor sa San Sebastian, sa tulong nina Webb at Joel Tolentino. Hindi naman nagpahuli si Yutien Andrada matapos niyang bigyan ng hindi malilimutang block ang kabilang koponan sa unang limang minuto ng laro. Ayon kay Green Archers Head Coach Dindo Pumaren, “We learned something every game, win or lose. This game against San Sebastian, it helped us gain more experience going up bigger teams.” Dagdag pa rito, maayos na umano ang kalagayan ngayon ni Mendoza pagkatapos ng nangyaring injury sa huling yugto ng laro.

Green at Lady Archers handa ng sumabak sa UAAP Season 73 nina Lorenz Jay Domingo at Quino James Legaspi

PANIBAGONG laban at pagsubok na naman ang muling haharapin ng De La Salle University (DLSU) Green at Lady Archers sa darating na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 73. Iba’t ibang atletang mula sa iba’t ibang pamantasan ang muling magpapasiklab at magpapakitang-gilas upang patunayan ang kanilang mga kakayahan. Isa sa pinakaaabangang laban sa lahat ang muling pagsabak ng DLSU Green “Hopefully this time at Lady Archers makuha natin yung final sa loob ng hard four para tuloy-tuloy na court. Hindi man tayo [sa championship]. “ naging maganda - Coach Dindo Pumaren ang pagtatapos ng Green at Lady Archers noong nakaraang taon, inaasahan namang mas magiging kapanapanabik ang magiging laro nila sa darating na UAAP Season. Maraming mahuhusay at malalakas na rookies ang pumasok sa parehong koponan na maaaring maging sanhi ng kanilang dramatikong pagbabalik. Hindi rin naman magpapahuli ang kanilang coaches na magpapakitanggilas gamit ang kanilang malulupit na plays sa mga mahahalagang yugto ng laro. Sa ikalawang pagkakataon gagabayan ni Coach Tyrone Bautista ang Lady Archers at tatahakin naman ni Coach Dindo Pumaren ang kanyang unang taon bilang head coach ng mga Arkero sa UAAP. Green Archers: Pagbalik sa landas ng tagumpay Handa nang sumabak muli sa hard court ang Green Archers matapos ang kanilang masalimuot na 6th place finish noong nakaraang season. Ayon kay Pumaren, puntirya nilang makapasok sa Final Four sa taong ito matapos pumang-anim noong nakaraang taon. Pinaghandaan nila ng husto ang season na ito sa pamamagitan ng isang summer training camp na ginanap sa Chicago, Estados Unidos kung saan sumailalim sila sa conditional at fundamental training. Sa tulong ng nasabing summer training camp, malaki ang naging pag-unlad ng laro nina Ferdinand at Simon Atkins sa opensa ng Green Archers. Nadagdagan din ang dedikasyon at motibasyon ni Pumaren sa pagharap sa iba’t ibang koponan sa UAAP, sa kabila ng kabiguang na natamo ng mga Arkero noong nakaraang taon. Dahil sa pagnanais na makabangong muli, tinanggihan nina Atkins, Jovet Mendoza, at Maui Villanueva ang paglahok sa Philippine Basketball League upang mas mabigyang pansin ang koponan. Dagdag pa ni Pumaren, maasahan din ang mga manlalarong sina Yutien Andrada at Mendoza na magbibigay ng dagdag na puwersa sa depensa ng Green Archers. Makakatulong din ang mga rookie na sina Nico Elorde, Almond Vosotros, at Luigi De La Paz na inaasahang makagagawa ng puntos at magbibigay ng kakaibang opensa sa koponan. Inaasahan ding mapupunan ng nasabing mga rookie ang naiwang trabaho ni LA Revilla, bilang point guard ng Taft-based squad. “I like what’s happening, I know they’re trying to [be familiarized] sa system natin, but

one thing na maganda ay yung energy na nakikita ko sa practice, ‘yun ‘yung kulang natin last year,” pagtatapos ni Pumaren. Lady Archers: Patuloy sa pagningning Abot kamay na ng Lady Archers ang kampeonato sa UAAP matapos nilang pumangatlo noong nakaraang season. Sa taong ito, magiging malaki ang kontribusyon ng mga rookie ng Lady Archers lalo pa’t naglaro para sa Republic of the Philipines Youth Team ang ilan sa kanila. Mas naging maigting din ang pag-eensayo ng Lady Archers pagdating ng kanilang mga recruit. Ayon kay Baustista, “Actually, we started preparing for UAAP. Una, we worked on the individual [difficulties of the] players. Kung ano ‘yung mga weakness [nila]. Nagtraining kami not really as a team but nag-focus kami doon sa every weaknesses ng bawat player.” Ngayong taon, muling lumahok ang Lady Archers sa Fr. Martin’s Summer Cup (Tingnan ang kaugnay na artikulo sa pahina 16) upang mas lalong mapagtibay ang pagkakaisa ng mga rookie at mga beteranong manlalaro. Siniguro naman ni Bautsita na ibibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya upang harapin ang hamon ng UAAP. Nais din ng Lady Archers na makarating sa Final Four, kaya naman sisikapin nilang ipanalo ang bawat laro sa pagkakaroon ng lakas ng loob at kumpiyansa sa kanilang mga sarili. Sa pagtahak ng mga Arkero sa UAAP, hindi maikakailang malaki ang epekto ng suporta ng kapwa nila Lasalyano sa kanilang mga laro. “Especially now, we have very young and talented players. We need your (pamayanang Lasalyano) support. Last year, we struggled. Hindi tayo nakapasok ng Final Four. Hopefully this time makuha natin ‘yung Final Four para tuluy-tuloy na tayo [sa championship]. We need your support, pray for us [and] sana nandoon kayo palagi,” salaysay ni Pumaren. Nais naman ni Bautista na mas lalong pagsikapan ng mga atleta ang pagpapanalo sa kanilang mga laro kapalit ng mainit na suporta na ibinibigay ng mga Lasalyano sa mga ito. “Para sa athletes, I just want them to always give their best efforts and to really work hard, and from there, the results will follow. To the Lasallian community, expect niyo lang na, always, in “...expect niyo lang na, every game, always, in every game, the the Lady Archers will Lady Archers will give their give their best, to make everybody best, to make e v e r y b o d y proud.” p r o u d , ” - Coach Tyrone Bautista pagtatapos ni Bautista. Sa darating na UAAP Season 73, inaasahan ng Green at Lady Archers ang buong suporta ng bawat Lasalyano. Isang malaking pagsubok ang kanilang haharapin na siyang magpapamalas at magpapalabas ng kanilang mga galing. Isang matinding pagsubok na mapagtatagumpayan lamang sa tulong ng pagkakaisa ng mga Lasalyano at pagpapalaya sa Animo Spirit sa kanilang mga puso.

Tracksters, humakot ng parangal sa Athletics National Open Ni Jannine Karen Tan Kasapi

NAGPAMALAS ng galing ang De La Salle University (DLSU) Green at Lady Tracksters sa 2010 National Open Track and Field Championship sa Rizal Memorial Track and Football Stadium noong Mayo 21-23. Matagumpay na nauwi ng Taft-based squad ang tatlong ginto, dalawang pilak, at limang tansong medalya mula sa 22 kategorya. Pinangunahan ni Patrick Unso ang koponan ng Green Tracksters matapos niyang makamit ang unang puwesto sa 110m High Hurdles at 400m Low Hurdles. Nasungkit din ni Unso ang ikatlong puwesto sa High Jump Juniors sa taas na 1.8 metro. Nakamit naman nina Kevin Sugue at Alex Smith ang una at ikatlong puwesto sa Pole Vault Juniors, ayon sa pagkakasunudsunod. Napanalunan naman ni Brandon Quebral ang ikalawang puwesto sa Decathlon Seniors. Hindi naman nagpahuli si Lawrence Macalino nang makuha niya ang ikalawang puwesto sa 800m Run Seniors. Sa kabilang banda, hindi rin nagpadaig ang koponan ng Lady Tracksters sa pagpapakitang gilas sa naturang patimpalak. Sa 100m Hurdles Juniors, nauwi ni Lea Casilihan ang ikalawang puwesto. Nakamit naman ni Joan Jao ang ikatlong puwesto sa Shot Put Seniors.

APP/ Precious Que


IsportS

PlarideL Ang PahayaganG

HUNYO 22, 2010

15

Kinalap nila Joan Jao, Precious Que at Quino James Legaspi

Franz Robert Grafil Kurso: AB-LIM Koponan: Green Woodpushers High School: Philippine Christian University Greatest achievement: 3rd Place, World Olympiad U-16 Chess Championship 2007 Ano ang goal mo para sa Season 73 ng UAAP lalo na’t DLSU ang host? “Ang goal ko ay maka-gold [medal] at maging champion [kami] sa UAAP.”

Patrick Sacro Unso Kurso: BS-PSYC Koponan: Green Tracksters High School: University of Santo Tomas High School Greatest Achievement: Philippine Junior Record – 110m hurdles Ano ang goal mo para sa season 73 ng UAAP lalo na’t DLSU ang host? “Goal ko maging Rookie of the Year sa aking sport at sana makapagbigay ng points or medals para sa team upang makatulong sa pagiging overall champion ng La Salle.”

Edward Flores Kurso: AB-CAM Koponan: Green Batters High School: De La Salle Zobel Greatest Achievement: MVP, Japan-Philippines Goodwill Games; Team Captain, Asia Pacific Team 2009 Ano ang goal mo para sa Season 73 ng UAAP lalo na’t DLSU ang host? “Greatest goal [ko] is to get the championship.”

Jarelan Tampus Kurso: AB-SPM Koponan: Green Archers High School: Colegio De San Juan De Letran Greatest Achievement: MVP, Rookie of the Year, and Mythical Five Member, NCAA Men’s Basketball Junior Division Madali mo bang nakahalubilo ang iyong bagong koponan? “Madali lang dahil sila ay mababait at matulungin, maging ang mga coaching staffs.”

Brendon Joseph Santos Kurso: AB-SPM Koponan: Green Spikers High School: University of the East Greatest Achievement: Miyembro, 6-peat UAAP Champion Team sa Men’s Volleyball Juniors Division Ano ang maibabahagi mo sa iyong team? “Ibabahagi ko ang aking talento bilang setter ng team para mag-champion kami. Gagawin ko lahat ng aking makakaya.”

Luis Alfonso de la Paz Kurso: AB-SPM Koponan: Green Archers High School: De La Salle Zobel Ano ang pinaka malaking pribilehiyo ng pagiging atleta ng DLSU? “To play for one of the most successful college basketball team is a great privilege. There are a lot of people dying to be one and I’m so privileged to be part of the team.”

Kim Fajardo Kurso: AB-SPM Koponan: Lady Spikers High School: University of Santo Tomas High School Greatest Achievement: Manlalaro, RP Youth Team Ano ang pinakamalaking pribilehiyo ng pagiging atleta ng DLSU? “Makatapos ng pag-aaral sa isa sa pinakamagandang school sa bansa ng libre.”

Ernesto Pantua III Kurso: AB-SPM Koponan: Green Tennisters High School: La Salle Green Hills Greatest Achievement: MVP, NCAA Season 83 Men’s Lawn Tennis Junior Division Ano ang pinakamalaking pribilehiyo ng pagiging atleta ng DLSU? “The greatest privilege is to play for my beloved school.”

Ma. Raisa Carla Opulencia Kurso: BS-BIO Koponan: Lady Tennisters High School: De La Salle Lipa Greatest Achievement: Athlete of the Year, De La Salle Lipa HS Batch 2010 Ano ang pinakamalaking pribilehiyo ng pagiging atleta ng DLSU? “Giving honor to the Lasallian Alma Mater. Showing that Lasallians has their own strengths.”

Aracelie Abaca Kurso: AB-SPM Koponan: Lady Archers High School: Diliman Preparatory School Ano ang maibabahagi mo sa Pamantasang De La Salle bilang isang atleta? “Gagampanan at gagawin ko ng maayos ‘yung role na ibibigay sa ‘kin ng coach ko at pagbubutihan ko ang paglalaro.”

Jethro Reuel Yatco Kurso: BSE-PSC Koponan: Green Paddlers High School: University of Santo Tomas High School Greatest Achievement: MVP, UAAP Season 70 Men’s Table Tennis Juniors Division Anong sakripisyo ang kaya mong ibigay sa iyong team? “I’ll sacrifice my social life, concentrate muna ako sa UAAP, and sa studies ko.”

William Chia Kurso: BS-ENT Koponan: Green Judokas High School: Xavier School Ano ang sakripisyo mong kayang ibigay sa iyong team? “Sweat, time, and blood.”

Kimberly Amisola Kurso: CS-CSE Koponan: Lady Judokas High School: University of Santo Tomas High Scool Ano ang magiging bahagi mo para sa iyong team? “Train and do my best.”

Robby Recto Kurso: AB-ISJ Koponan: Softbelles High School: Holy Spirit School Ano ang goal mo para sa Season 73 ng UAAP lalo na DLSU ang host? “Mapataas ang ranking [ng Softbelles] sa UAAP.”

Trisha Anne Piatos Kurso: AB-SPM Koponan: Lady Archers High School: Ateneo de Davao University Ano ang maibabahagi mo sa Pamantasang De La Salle bilang isang atleta? “Paglalaro nang maayos na basketball ng may puso.”

Carl John Daniel Amisola Kurso: AB-SPM Koponan: Green Booters High School: De La Salle Zobel Ano ang sakripisyo na kaya mong ibigay sa iyong team? “To train hard, play hard, [and listen to suggestions and problems of the team.”

Twinkle Masilang Kurso: AB-SPM Koponan: Lady Tracksters High School: Kalayaan National High School Ano ang goal mo para sa season 73 ng UAAP lalo na’t DLSU ang host? “My goal in the incoming UAAP is to give my best to make DLSU proud.” Mga kuha nina Harlene Ilagan, Hosanna David, Natasha Juan, at Precious Que Mga larawang halaw sa internet


Isp

rtS

Ang Pahayagang Plaridel

TOMO XXVI BLG. 1

UNANG SABAK: mga rookie ng UAAP Season 73

HUNYO 22,2010

15

Sundan sa Pahina

Lady Archers, nagtapos sa ikalawang puwesto sa Fr. Martin’s Cup 26 TAON ng responsableng pamamahayag

nina Maveric Mallari at Rae Marie Africa Tagapamahalang Patnugot at Kasapi

NASUNGKIT ng De La Salle University (DLSU) Lady Archers ang ikalawang puwesto matapos mabigong depensahan ang kampeonato sa Finals round ng Fr. Martin’s Cup laban sa Adamson University ( AdU) Lady Falcons sa iskor na 74-58. Naganap ang sagupaan ng dalawang koponan sa San Beda College Gym noong Hunyo 12.

PURSIGIDO. Pilit sinusubukan ni Lady Archer Bernadin Rose Yamamoto ang depensa ni Lady Falcon Ana Buendia sa Finals ng Fr. Martin’s Cup. APP/ Aziel Ocampo

Animo Squad, humataw sa Fil-oil Competition! ni Lorenz Jay Domingo Korespondente

BIGAY-TODO sa paghataw ang De La Salle University (DLSU) Animo Squad matapos silang manalo ng 1st runner-up sa 2010 Fil-oil Flying V San Marino Cheerleading Competition Finals sa Fil-oil Flying V Arena, San Juan City noong Hunyo 13. Naging maganda at kamangha-mangha ang ginawang presentasyon ng bawat kalahok sa likod ng kanilang ‘di magkamayaw na taga-suporta. Hinirang na kampeon ang University of Perpetual Help System DALTA (UPHS) Altas Pep Squad habang nagtapos sa 2nd runner-up ang Adamson University (AdU) Pep Squad. Naging maganda ang kinalabasan ng pagtatanghal na ginawa ng Green and White squad. Ginamit nila ang kanilang routine na itinanghal noong nakaraang Lasallian Personal Effectiveness Program (LPEP) 2010. Naging pulido ang bawat galaw ng Animo Squad kung kaya’t nangibabaw ang kanilang sayaw mula sa ibang mga kalahok. Ito ang kauna-unahang cheerleading competition sa Fil-oil Flying V Preseason tournament na nagbigay ng pagkakataon sa cheering squads ng iba’t ibang pamantasan na ipakita ang kanilang hindi matatawarang galing at talento. Nilahukan ito ng Top 8 cheering squads ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang nasabing paligsahan. Kabilang sa mga ito ang UPHS, DLSU, AdU, University of the East, National University, Jose Rizal University, Arellano University at Emilio Aguinaldo College na nagpakita ng patikim para sa kani-kanilang cheerdance competition sa UAAP at NCAA. Ayon kay Alvin Poronda, Head Cheerleader ng Animo Squad, “It was very unexpected for us to actually win since we only did the routine two days before the competition itself, editing and making our LPEP routine shorter. I just told them to do their best and winning wouldn’t matter for me since we were not actually prepared.” Nagpapasalamat naman si Poronda sa Panginoon at sa lahat ng miyembro ng Animo Squad dahil sa tagumpay na kanilang nakamit. Matapos ang nasabing kumpetisyon, naging abala ngayon ang Animo Squad sa kanilang naging Centennial Kick-off Performance noong Hunyo 16 at sa gaganaping UAAP Opening sa Hulyo 10 sa Araneta Coliseum. “We started trying new lifts for UAAP Cheerdance and other stunt skills since it’s harder to master all the skills needed than to incorporate it in the Cheerdance Competition routine. We’re going to do our best to make the Lasallian Community proud,” pagtatapos ni Poronda.

Dikit pa ang iskor ng dalawang koponan sa pagpasok ng ika-apat na yugto ng laban. Limang puntos lang ang pagitan ng iskor ng Lady Falcons laban sa Lady Archers, pabor sa una. Unti-unting naging mabilis ang pag-iskor ng Kalawbased squad sa tulong ng mga lay-up at jumpshot ni Lady Falcon Ana Buendia. Hindi naman nagpatalo ang Lady Archers sa pamamagitan ng three-point shot ni Hannah Viterbo, 8:13 pa ang nalalabi sa laro. Nagawa namang maagaw ni Lady Falcon Analyn Almazan ang bola mula kay Lady Archer Kady Wilson para sa isang fastbreak lay-up, 72-57. Tuluyan nang kumawala ang AdU matapos magpasabog ng 14-1 run na nagresulta sa iskor na 74-57, pabor sa Lady Falcons. Sa pagsisimula ng ikatlong yugto, lamang ang Lady Archers sa iskor na 37-40. Kinuha ng DLSU ang limang puntos na lamang matapos ang isang lay-up ni Lady Archer Kady Wilson mula sa isang magandang pasa ni Aracelie Abaca, 37-42. Dinagdagan pa ni Eileen Urieta ang lamang ng Lady Archers matapos ibuslo ang isang jumper na nagresulta sa iskor na 44-48, pabor sa Taft-based squad. Sa kabila nito, nagawang maitabla ni Lady Falcon Katherine Mangahas ang laban, 50-50, gamit ang kanyang sariling paraan ng jumpshot, 3:14 pa ang nalalabi sa nasabing yugto. Tuluy-tuloy nang kumana ang Lady Falcons at tinapos ang huling yugto sa isang three-pointer ni Buendia, 56-53 ang iskor. Nagawang makalamang ng DLSU sa pagtatapos ng ikalawang yugto, 35-40 matapos mag-init ang mga kamay

ni Viterbo sa rainbow country. Gumawa ng apat na threepointers si Viterbo sa nasabing yugto. Tumulong sa atake ng Archers si Urieta na nagpasiklab ng isang 11-2 run para sa Taft-based squad matapos ang kanyang three-pointer. Naging mahigpit ang labanan para sa kampeonato sa simula ng laban. Nagpalitan ang dalawang koponan sa pag-iskor ngunit namayani ang AdU sa pagtatapos ng yugto, 20-17. Naging problema ng Lady Archers ang dami ng offensive rebounds ng Lady Falcons sa kabuuan ng laro. Naging mahusay rin ang double-team defense ng AdU na nagpahirap sa mga gwardiya ng ng DLSU. Aminado si Lady Archer Head Coach Tyrone Bautista sa kakulangan ng karanasan ng kanyang bataan. Aniya, “Late in the game, lumabas talaga yung pagiging inexperienced ng team playing with the UAAP (University Athletic Association of the Philippines) defending champions (AdU Lady Falcons).” Sa kabila nito, nagustuhan naman ni Baustista ang patuloy na pag-unlad ng kanyang koponan. Dagdag pa niya, “I liked what happened because nobody expected us to reach the finals.” “I lost five senior players but we still reached the finals. It (FMC) helped us na malaman ‘yung things na kailangan namin i-work on as a team and improve as a team.” paliwanag ni Bautista. Puntirya ng Lady Archers na makapasok sa Final Four spot sa darating na UAAP Season 73.

Green Archers, bigong makapasok sa Semis ng Fil-Oil ni Lorenz Jay Domingo Korespondente

NABIGONG makapasok sa semifinals ang De La Salle University (DLSU) Green Archers matapos silang talunin ng defending champion ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) Golden Stags sa iskor na 84-76 sa naganap na quarterfinals match ng 2010 Fil-oil Flying V Tanduay First Five Invitational Cup sa Fil-oil Flying V Arena sa San Juan City noong Hunyo 10. Ibinigay ng Green Archers ang lahat ng kanilang makakaya sa buong laro upang matapatan ang matinding depensang ipinapakita ng kabilang koponan. Nanguna sa iskor si Green Archer at Ex-San Sebastian Staglet Almond Vosotros na may 16 puntos na sinundan naman nina Joshua Webb at Ferdinand, na may 15 at 14 puntos ayon sa pagkakasunud-sunod. Pinangunahan naman ni Calvin Abueva ng Golden Stags ang kanyang koponan na may 24 puntos. Sa simula ng huling yugto, pinilit makahabol ng Taftbased squad sa San Sebastian sa tulong nina Webb at Ferdinand ngunit agad naman itong binawian ng kabilang koponan sa tulong ni Abueva. Sa huling tatlong minuto, nagkaroon ng sunud-sunod na lay-ups at jumpshots sina Webb at Ferdinand. Dahil sa magagandang pasang nakukuha ni Abueva sa baseline, nagagawa niyang maipasok ang kanyang mga jumpshot. Isa namang hindi inaasahang injury ang nangyari kay Green Archer Jovet Mendoza, 6:59 minuto pang natitira sa laro, matapos siyang magkaroon ng masamang pagbagsak sa loob ng court dahil sa kanyang matinding depensa sa kalabang koponan. Agad naman siyang inilabas ng court gamit ang stretcher upang mapasuri ang kanyang kalagayan. Naging maganda at kapanapanabik ang laro ng maibaba ng Green Archers ang kalamangan ng Golden Stags sa iskor na 77-73, mahigit isang minutong nalalabi

GREEN ARCHERS/Sundan sa PAHINA14

DETERMINADO. Pinangunahan ni Green Archer rookie Almond Vasotros ang atake laban sa Golden Stags.

APP/ Edward Lim


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.