EDITORYAL PAGBASA: DAAN TUNGO SA DEKALIDAD NA EDUKASYON
LATHALAIN KWENTO SA LIKOD NG MGA PAHINA
AGHAM AT TEKNOLOHIYA PINAGPAGURANG PIGURA; ANG RESULTA NG ISANG TAONG QUARANTINE
ISPORTS DISIPLINA SA LARONG PANTEKNOLOHIYA
Nagpatala sa Tibag HS, tumaas ng 8.2 porsyento CRISSA ANTONIO
Tumaas ng 8.2% ang mga nagpatala sa Tibag High School (THS) kumpara sa nakaraang taon ayon sa nakalap na datos sa panuruan 2020-2021 base sa datos na ibinigay nina Gng. Cherry Suagart at Gng. Cecille Lopez, tagapagtala ng Junior High School at Senior High School. Lumalabas na tumaas ng 201 estudyante ang nadagdag na nagpatala sa taong ito. Noong panuruang taong 20192020 mayroong 2,446 ang nagpatala samantalang 2,647 naman ang nagpatala sa taong ito. Tumaas ng 26.71% o 78 na estudyante ang nagpatala sa Grade 12 at 10.87% o 36 naman sa Grade 11 ang nadagdag sa taong ito. Nadagdagan ng 46 na mag-aaral sa departamento ng Senior High School kumpara sa nakaraang taon. Marami rin ang nadagdag na estudyante sa Junior High School kung saan 13.88 % o 64 ang nadagdag na naitala sa Grade 10 samantalang 13.01% o 64 naman ang nadagdag sa Grade 9 at nadagdagan naman ng 0.91% o lima ang Grade 8 ngunit bumaba naman ang bilang ng nagpatala sa Grade 7 kung saan bumaba ito ng 11.61% o 54 na estudyante kumpara sa nakaraang taon. Ang isinagawang pagpapatala ay sa pamamagitan ng online at pagtawag sa mga magaaral sa telepono ng dahil sa pandemyang dinaranas ng lahat.
Si Angela E. Day, isang mag-aaral sa Grade 8 ng THS ang ginagabayang magbasa ng kanyang ina, si Gng. Jean E. Day. Tutok na tutok sa pag-antabay si Gng. Day sa pag-unlad ng kasanayang pagbasa ni Angela. Ito ay bahagi ng Proyektong EMPOWER at REAL ng THS, layuning matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na may kahirapan sa pagbasa at pagkaunawa.
‘EMPOWER’, ‘REAL’
proyektong tugon ng THS sa programang SULONG EDUKALIDAD CRISSA ANTONIO AT KIANNE SUBA
Isinusulong ng Tibag High School (THS) ang proyektong Empowering the Mind toward a Positive Outlook despite the World pandemic through Effective Reading (EMPOWER) at Reading Enhancement and Activities for Learners (REAL) bilang tugon sa programang Sulong Edukalidad ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatibay ng mga programang pagbasa. Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang programang Sulong Edukalidad noong ika-2 ng Disyembre, 2019 upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Isa sa naging basehan ng
Kagawaran ang lumabas na mababang resulta o ranggo ng mga Pilipinong mag-aaral sa Programme for International Student Assessment (PISA) taong 2018 sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa, base sa resulta ng isang assessment na isinagawa ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD). Bilang tugon, isinusulong ng DepEd ang repormang “KITE” sa ilalim nito ang “(1) K to 12 Curriculum review and update; (2) Improvement of learning environment (3) Teachers’ upskilling and reskilling; and (4) Engagement of stakeholders for support and collaboration.” Kaugnay nito ang DepEd
Sadumiano, kauna-unahang THSian napasok sa Pataasandiwa 2021: Lockdown ANGELO MALLARI
Nagtagisan ng galing ang mga lumahok na mag-aaral sa katatapos lang na Pataasandiwa 2021: Lockdown nitong ika-6 hanggang ika-7 ng Marso. Mula sa mga lumahok, ang pambato ng Tibag High School (THS) sa kategoryang Poster Making Digital na si Vonne Orly Sadumiano ay nagwagi at nasungkit ang ikalawang gantimpala. Sa taong ito, online ang naging pamamaraan ng kompetisyon. "Sobrang saya nang malaman ko na nasungkit ko ang ikalawang gantimpala. Ang karangalang ito ay maituturing kong tagumpay sa akin at sa
aking paaralan," ani Sadumiano nang nakapanayam ng Ang Kanlungan. Naging mahirap ang pagsabak nito sa ganitong uri ng patimpalak dahil nga online ang pamamaraan ng kompetisyon. Ayon kay Vonne on-the-spot ang kompetisyon, kaya naman puspusan ang kanilang pagsasanay at bilin ng kanyang tagapagsanay na maging maingat at manatili sa oras. “Maganda ang obra, malalalim ang mensaheng nilalaman nito, hindi ko mapigilang matuwa at magpasalamat sa kanyang talento” wwwwika ni Gng. Marianne N. Wage, tagapayo at tagapagsanay ni Sadumiano.
Memorandum No. 173, s. 2019 na “Hamon: Bawat Bata Bumabasa” bilang bahagi ng Sulong Edukalidad na may layuning bawat bata ay nakakabasa at upang paigtingin ang adbokasiya sa pagbabasa sa bawat paaralan. Ang proyektong EMPOWER at REAL ay nasa ilalim ng Project GOALS in Reading o Gaining Outstanding Achievements in Learning through Socially Distanced Reading Activities na proyektong isinusulong ng Tarlac City Schools Division sa pangunguna ni Dr. Reymar Paguio, Education Program Supervisor ng English. Nilalayon ng proyektong
EMPOWER na matugunan ang pangangailangan ng mga estudyanteng nasa ilalim ng non-reader upang matulungan silang makabasa mula sa pagkilala sa mga letra at tunog ng mga ito hanggang sa makabasa ng talata. Samantalang ang proyektong REAL naman ay tutugunan ang mga mag-aaral na hirap bumasa sa ilalim ng frustration level. “Napakahalaga ng mga reading programs tulad ng EMPOWER at REAL kasi ito ang tutugon sa pangangailangan ng estudyanteng kailangan matutong magbasa upang matutunan rin nila ang ibang bagay.” Pahayag ni Dr. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng Tibag High School.
Kahirapan sa gitna ng pandemya: THS, inilapit ang modyuls sa mag-aaral ANGELO MALLARI
Inilunsad ng Tibag High School (THS) ang barangay scheme na distribusyon ng modyul sa mga bata sa pakikipagtulungan sa mga opisyales ng mga barangay na nasasakupan nito at sa pamumuno nina Gng. Velvet Alva at G. Michael Ocoma na inumpisahan noong ika-20 ng Oktubre taong 2020. Pitong barangay ang kasama sa naturang iskema ng distribusyon, ito ay ang Tibag, Tibagan, Care, Sapang Maragul, Balanti, San Isidro at Balanti. Nagkaroon ng kasunduan ang paaralan at barangay ukol sa proyektong ito upang matulungan ang mga estudyante na sakop ng proyekto. Dulot ng pandemya at marami ang nawalan ng trabaho, marami sa mag-aaral ng THS ang apektado nito. Bilang tugon ng paaralan sa layunin ng Education For All (EFA) 2015 na mabawasan ang drop-out sa mga paaralan inilapit ng THS ang mga modyul sa mga mag-aaral nito upang makatulong sa pagbawas ng gastusin ng magulang sa pagkuha ng modyul at masigurong lahat ng nakatalang mag-aaral ng THS ay regular na makatatanggap ng modyul at hindi titigil sa pag-aaral. SUNDAN SA PAH. 3
2
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
Dr. Esteban, muling sinalubong; Kalidad
na Edukasyon sa Bagong Normal, prayoridad ng bagong punongguro KIANNE SUBA LIGTAS NA EDUKASYON Si G. Ronaldo Gaerlan, isa sa mga guwardiya ng THS ang nagche-check ng temperatura ng isang magulang, alinsunod sa health protocol ng paaralan.
Preventive Measures laban sa COVID-19:
Pinaigting pa; THS kaisa sa mahigpit na pagpapatupad ng IATF protocols ANNE CLAIRE M. DELA CRUZ
Hinigpitan ng Tarlac City ang pagpapatupad ng mga preventive measures ayon sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles sa kanilang pagpupulong na ginanap noong ika-7 ng Abril taong 2021 ayon sa Tarlac City Information Office. Ilan sa mga pinaiigting na ipapatupad ay ang pagkakaroong muli ng checkpoints sa 76 na barangay upang kanilang mabantayan ang pagpapatupad ng curfew hours, pagpayag na paglabas ng mga tao na otorisado lamang, pagbantay sa paglabas ng mga may edad na 18 pababa at 65 pataas at gayundin ang pagbabantay sa mga nagbebenta at bumibili ng alak sa pagpapatupad ng liquor ban sa siyudad. Mahigpit din ang pagpapatupad sa tamang pagsuot ng face mask at face shield na may kaukulang multa ang mga lalabag. Pinapaalala rin ang pagpapanatili ng physical at social distancing sa lahat ng lugar. Mapapatawan din ng multa ang lumabag dito sa ilalim ng City Ordinance # 020-2020 o Penalty for Failure to Observe Physical Distancing kung saan magbabayad ang mahuhuli ng P500 sa unang opensa, at P1000 naman sa susunod na paglabag at P3000 sa ikatlong paglabag or 6
months na pagkakulong. Kaugnay nito, pinapaalalahanan din ng pamunuan ng Tibag High School (THS) ang mga mag-aaral at magulang ukol sa Inter-Agency Task Force (IATF) Health Protocols na sumunod ang mga ito sa tuwing pupunta sa paaralan sa tuwing kukunin ang kanilang mga modyul. Bilang pagtupad na rin sa ordinansa ng siyudad, hinigpitan ng paaralan ang pagsusuot ng face mask at face shield, at ang pagpapanatili ng physical distancing sa loob ng campus. Hindi rin pinapayagan ang mga estudyanteng may edad 18 pababa na kumuha ng kanilang mga modyul gayon din ang mga magulang o guardian na may edad 65 pataas. Lahat ay hinihingan ng ¼ na papel kung saan nakasaad ang kanilang impormasyon para sa contact tracing. Pinapaalala rin ng mga guro ang pagdala ng sariling ballpen na kanilang gagamitin sa pagpirma sa tuwing tatanggapin ang modyul. “We need to follow and double our efforts to strictly implement this IATF protocol policies” ani Dr. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng THS. Mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19.
Muling sinalubong at tinanggap ng Tibag High School (THS) sa pamamagitan ng Google Meet si Dr. Juvelyn L. Esteban bilang bagong punongguro na ginanap noong ika-1 ng Setyembre, 2020. Pinangunahan ng dating punongguro ng THS na si Dr. Ruby Ana T. Pineda ang pagpapasinaya sa bagong punongguro, at ipinasa ang responsibilidad ng pamumuno sa THS kay Dr. Esteban, na siya namang ikalawang termino na niya sa THS. Ang pagpapalit-palit ng mga punongguro sa bawat paaralan ay nakasaad sa DepEd Order 7, s.1999 o ‘Policies on Selection/Appointment and Transfer/Reassignment of DECS Regional Officials’, kung saan pinagpapalit-palit ang bawat punongguro sa Elementary at Sekondarya sa alinmang district sa paaralan, at ang paglipat ng District Supervisor at Principal
renewed management in schools, and to expand the management and experiences of school leaders.” Pahayag ni Ma'am Juanita Salvatierra, isa sa head teacher ng THS. Samantala, prayoridad ni Dr. Esteban ang pagpapatuloy ng pagsulong ng dekalidad na edukasyon sa THS. Ang patuloy na pagtuklas ng iba’t ibang kaparaanan ng pagkatuto ng mga mag-aaral tulad ng RBI, Online Distance Learning, Modular Distance Learning at Recorded Video Lesson ay isinasagawa sa THS, ito ay ayon kay Dr. Esteban. ay isinasagawa tuwing pagkatapos ng limang taon. Layunin nito na lalo pang mapaunlad ang kalidad ng mga outputs ng paaralan. "Rotation of Principals is to continuously improve and attain quality in school management, also, to ensure a
“Ang aking mensahe sa bawat mag-aaral ay huwag bibitaw anomang pagsubok na darating sa buhay natin bagkus maging masigasig sa pag-aaral upang maabot ang mga pangarap sa buhay.” Pahayag ni Dr. Esteban sa THSians sa kanilang pag-aaral ngayong bagong normal.
‘Puspusang paghahanda’
- Sadumiano sa pagkakatatag ng ‘The Fortress’ Tibag High School - Itinatag ang “The Fortress: Excellence Beyond Words”, bagong pahayagan ng Tibag High School (THS) sa kategoryang Ingles sa kalagitnaan ng pandemya upang makapaghatid ng balita sa pamamagitan ng digital school publication noong ika1 ng Marso taong 2021. Ayon sa Republic Act No. 7079 o kilala sa “Campus Journalism Act of 1991” nakasaad dito na dapat magkaroon ng proteksiyon ang kalayaan sa pamamahayag kahit ito ay sa pam-
paaralan. Bilang tugon dito, itinatag ang “The Fortress” sa pamumuno ng mga guro sa THS na sina Bb. Rose Ann Gonzales at Bb. Mariechris M. David at kasama nito ang orihinal na opisyal na pahayagan ng THS na “Ang Kanlungan”. Nakalatag na rin ang kanilang Editorial Board Staff sa taong 20202021 na pinangungunahan ni Vonne Orly Sadumiano ng Grade 12 (Editor-in-chief), Arvi Estrada ng Grade 11 (Associate Editor-in-chief), at iba pang
mga mahuhusay na tagapagsulat mula sa iba’t ibang antas. Katulong ang mga magsisilbing kasangguni ng pahayagan sa dalawang kategorya ay sina Dr. John John Flores, Ma’am Clariza Mae Guiang, Sir. Eugene S. Yango, at Sir Glenn S. Soriano. Nang makapanayam ng Ang Kanlungan ang kauna-unahang Editor-in- Chief ng School Publication sa kategorya ng Ingles na si Vonne Orly Sadumiano, ayon sa kanya, mabusisi ang kanilang paghahanda.
BALITANG LATHALAIN LIGTAS NA PAGPAPATALA
Si Felix Jan Soria, magaaral sa Grade 6 ng Tibag Elementary School ang nagpapatala sa Tibag High School ng Grade 7 sa pamamagitan ng Online. Ito ang madali at ligtas na paraan ng paaralan upang agarang malaman at makolekta ang mga nakapagtala sa THS.
‘Calling for the battle of truth’
-Dr. Esteban sa Campus Journalists ng THS ALLYSA DELA CRUZ
Ipinahayag ni Dr. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng Tibag High School (THS) sa isinagawang Online Writeshop sa mga mamamahayag ng THS na mahalaga ang boses ng mga tulad nila, mga mag-aaral na inaasahan lalo na sa panahon ngayon ‘calling for the battle of truth’. Ang Republic Act 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 ay isang batas na binigyang halaga ng Department of Education (DepEd) para sa pagsulong at pagpapaunlad ng Campus Journalism. Layunin din nito na mapagtibay ang paglaganap at pagbibigay ng katotohanan hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati rin sa komunidad. Ang Schools-Based Press Conference patungong National Schools Press Conference (NSPS) ay ginagawa taon-taon ayon sa naturang batas RA 7079. Ito nagsisilbing pagsasanay
ng mga mag-aaral na may mga talento at kakayahan sa communication arts, pagsusulat at broadcasting. Sa pagdating ng pandemya taong 2020, inanunsyo na ipagpaliban muna ang National Schools Press Conference dahil sa Coronavirus. Wala ring ibinababang memorandum sa taong panuruan 2020-2021 sa pagkakaroon ng Press Conference at paglalathala ng mga pahayagan. Sa kabila nito, hinikayat ng Tarlac City Schools Division ang bawat paaralan sa elementarya at sekondarya na makilahok sa paglalathala ng publikasyon ngayong taong panuruan. Ang Tibag High School (THS) ay tumugon sa panghihikayat na ito at nagsagawa ng Online Writeshop sa Campus Journalists ng paaralan o mga batang mamamahayag. Tunay ngang ang Campus Journalist ay may malaking gampanin sa panahon ng pandemya sa
PANININDIGAN SA PAGSULAT Si Harley Ancheta, isa sa mamamahayag ng The Fortress ang sumusulat ng isang artikulo para sa kanilang pahayagan. Nahahasa ang kasanayan sa pagsulat maging sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng Pamahayagang Pangkampus.
paglaganap ng katotohanan at pagkitil sa mga maling balita kaya higit na kailangan ang mga mamamahayag sa mga ganitong sitwasyon, at maipagpatuloy ang pamahayagang pangkampus. Isa ang THS sa naniniwala at naninindigang ang pahayagan ay nagsisilbing mata at tainga ng mambabasa. Hindi naman kailangang magkaroon pa ng mga kompetisyon upang maipagpatuloy ang pamamahayag, kundi sa tuwing hinihingi ng sitwasyon na manindigan sa katotohanan. Ang malayang pamamahayag sa loob ng mga paaralan na nakakamtan ng mga magaaral ay isang daan tungo sa mas malawak na pagtuklas at pagsiwalat ng mga katotohanan sa mga isyung panlipunan sa paglabas nila ng kampus.
Bilang Paghahanda: Early Registration, maagang sinimulan KIANNE SUBA
Maagang isinagawa ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatala para sa taong panuruan 2021-2022. Sinimulan ang early registration noong ika-26 ng Marso, 2021 sa pamamagitan ng remote registration at tumagal ang gawain noong ika-30 ng Abril. Ayon sa Deped Memo No. 008 s, 2021 o kilala sa ”Deferment of the Conduct of Early Registration for School Year 2021-2021” kung saan nakatakda ang orihinal na maagang pagpapatala noong buwan ng Hunyo hanggang Oktubre taong 2020 ngunit ito ay nailipat ng ika-26 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril taong 2021 dahil sa pandemyang ating dinaranas at sa kaligtasan na rin ng lahat. Ang mga naparehistro sa naturang early registration ay ang mga incoming kindergarten, grade 1, 7 at 11 sa pampublikong paaralan ang nagpatala sa isinagawang early registration, opsyonal naman sa mga pampribadong paaralan, ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo. Sa agarang paglulunsad ng naturang gawain, layunin ng DepEd na makapagpatala agad ang mga mag-aaral at malaman ang posibleng bilang ng mga estudyante na mag-eenroll upang mapaghandaan ang pasukan lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19. Ang pagpapatala sa THS ay sa pamamagitan ng online registration kung saan mayroong soft copy ng registration form ang inilathala sa Facebook page ng Tibag High School at lahat ng mag-aaral ay maaaring idownload ang form at kanila itong punan. Ang napunan na registration form ay isusumite sa kanilang tagapagpayo at ang tagapagpayo naman ay isusumite ito sa registrar o LIS coordinator ng paaralan.
ANG K
3
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
THS, sinariwa ang ’Victory at Mactan’ MAECEL JEAN ALMARIO
Ipinagdiwang noong Abril 2021 ang ika-500 anibersaryo ng unang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pakikipaglaban ni Lapu-Lapu kay Magellan at bilang paggunita sa pagkapanalo ni Lapu-Lapu laban kay Magellan na nilikha ng National Quincentennial Community (NQC) sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 55, s. 2018. Ito ay isang taong selebrasyon, kung saan ilan sa mga pangunahing pagdaraos ay ang ika-500 anibersaryo ng pagtatagumpay sa Labanan sa Mactan at ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa unang sirkumnabigasyon ng mundo. Nito lamang ika-27 ng Abril, 2021 ay nakiisa ang Tibag High School (THS) sa pagsasagawa ng Virtual Flag Raising Ceremony. Pinangunahan ng punongguro na si Dr. Juvelyn Esteban ang nasabing seremonya na isinagawa sa pamamagitan ng Google Meet. Dito ay muling binalikan ang mga pangyayaring naganap
noong 1521 at muling sinariwa ang mga kulturang Pilipino at katapangan ng ating mga bayani. Mula sa layon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103, s. 2020 na ipagbunyi ang unang paglalakbay palibot ng mundo na nakasentro sa pananaw ng mga Pilipino; ang kabutihang-loob ng mga katutubong Pilipino na tumulong sa manlalayag na si Ferdinand Magellan at sa mga tauhan nito; at ang kagitingan ng mga mandirigma ng Mactan na nagsilbing inspirasyon sa mga bayani at mga martir na nagsakripisyo upang maitatag ang isang malayang Pilipinas. “Tayo talagang mga Pilipino ay may dugong bayani, kaya naman inspirasyon natin ang ating mga bayani sa kanilang katapangan na ipagtanggol ang ating Inang Bayan”, saad ni Dr. Juvelyn Esteban, punongguro ng THS. Sa mga maliliit na bagay tayo ay maaaring maging isang bayani rin. Maging inspirasyon para sa lahat sa paggawa ng mabuti.
DepEd USEC Pascua, sorpresang bumisita;
Layong makapaghatid ng tulong teknikal sa RBI KIANNE SUBA
Binisita ni DepEd Central Office Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua ang THS noong ika-9 ng Pebrero, 2021 upang makapaghatid ng technical assistance sa mas lalong epektibong paggamit ng Radio Based Instruction (RBI) bilang paraan ng pagkatuto ng THSians. Isa ang RBI sa alternatibong paraan na inilunsad ng Tibag High School (THS) sa pagtuturo at pagkatuto. Ito ay kaagapay ng distance learning sa pagpapaabot sa mga mag-aaral ng kanilang aralin. Katuwang din ang direktor ng Information and Communication Technologies (ICTs) na si Abraham Abanil at Radio Broadcaster na si Francis Flores sa pagbisita at pagsiyasat sa mga istasyon ng radyo at istudyo ng telebisyon na dating
silid-aralan mula sa iba’t ibang paaralan sa Tarlac City, kabilang na ang THS. Ayon kay Dr. Velvet Alva, head teacher ng THS at focal person ng RBI, wala umanong nakakaalam sa araw at oras ng pagdating at pag-inspeksyon nina USEC Alain Pascua. Bilang tugon naman sa hiling ni USEC Pascua, nagkaroon ng ‘on the spot’ na pagsasagawa ng RBI sa loob ng booth si Bb. Mariecris M. David, guro sa Senior High School, na inere sa THS facebook page at sa 88.00 FM. "As one of the teacher-radio broadcasters of the SHS Department, I was grateful for the opportunity to teach on air. I gained learnings on how to improve my RBI experience”, pahayag ni Bb. David.
Kahirapan sa gitna ng pandemya: THS, inilapit ang modyuls sa mag-aaral RBI, alternatibong gabay sa edukasyon;
ANGELO MALLARI
Katuwang ang mga guro na inihahanda ang mga modyul at listahan ng mga estudyante na hahatiran sa kanilang mga barangay, inihahatid naman ito nina G. Ocoma at Gng. Alva ang mga modyul sa barangay hall. Ang mga opisyales ng barangay naman ang maglalatag ng mga ito sa kanilang hall upang ang mga magulang ng nasasakupang barangay ay pupunta na lamang at kukunin ang modyul ng kanilang mga anak. Ganito rin ang magiging proseso ng pagbalik ng mga sinagutang modyul. Ihahatid ng mga magulang ang modyul sa barangay upang kuhanin ng paaralan sa barangay. Ayon sa mga tagapagpatupad ng proyekto, hindi naging madali ang pagpapatupad dahil sa maraming kinakaharap na pagsubok sa pagsasagawa ng programa. Kabilang dito ang mga ilang mag-aaral ay hindi lehitimong residente ng barangay na kinakailangan pang hanapin ang tirahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagtawag o pagmemensahe. "Sa kabila ng oras at pagsisikap na bumuo ng iba pang mga paraan upang mapalawak ang serbisyo sa aming mga mag-aaral, dapat kong sabihin na ang pamamaraan ng barangayan sa paghahatid ng mga module ay hindi matagumpay dahil sa nabanggit na mga kadahilanan. Gayunpaman, ipinakilala ng aming paaralan ang mga tagubilin sa pag-broadcast ng radyo upang maipasok ang agwat ng pag-aaral sa aming mga nag-aaral kung saan ang mga guro ay nagsisilbing tagapagbalita. Hindi dapat tumigil ang edukasyon dahil sa pandemya." ani Dr. Alva. Sa kasalukuyan, tuloy pa rin ang barangay scheme na distribusyon ng modyul upang matiyak ang pagkatuto at magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante ng THS.
Sumahimpapawid na ANGELO MALLARI
Tarlac City - Binuksan noong ika-7 ng Disyembre 2020, ang isa sa mga learning supplementary modality ng Department of Education (DepEd), ang Radio-Based Instruction (RBI) sa Tibag high School (THS). Ito ay naglalayong bigyan ng gabay ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral, sa ilalim ng modular distance learning upang matugunan ang kalituhan sa mga Learning Activity Sheet (LAS). Sa ilalim ng memorandum na inilabas ng DepEd, nakasaad dito ang iba't ibang modalities sa pag-aaral ngayon. Isa na rito ang RBI na isinasagawa na rin ng iba't ibang eskwelahan sa Tarlac City Schools Division. Sa mahigit dalawang buwan nitong pagsahimpapawid, maraming kaalaman na ang naihatid nito sa mga magulang at mag-aaral ng THS na sumusubaybay dito. Mula sa istasyong THS Numero Uno: Doble Otso (88.0) radyong totoo maging sa Facebook live streaming sa opisyal na page ng THS na kung saan iba't ibang guro ang nagtatalakay ng mga aralin mula sa LAS ng mga mag-aaral. Ito ay naging posible dahil na rin sa maagap na pagpaplano at pagbili ng mga kagamitan upang mapasimulan ang RBI. Sa pagtutulungan ng mga masisipag na guro ng THS sa pangunguna ng pinuno ng paaralan Dr. Juvelyn L. Esteban (Chairman), Velvet C.
Alva (Assistant Chairman), Dr. John-John J. Flores (Script Director) at ilan pang mga guro na namamahala sa teknikal. Sila ang mga nagtulungan upang maitaguyod ang RBI na nagtuturo ng modalidad sa mga nag-aaral sa loob ng limang kilometrong radius ng THS. Gabay rin ito na nagbibigay ng isang panuto na nakabatay sa radyo para sa mga mag-aaral ng THS at mga mag-aaral mula sa iba't ibang kalapit na mga barangay bilang isang paraan upang suportahan at mapagbuti ang modular modality ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito napapaunlad ang kakayahang panteknikal ng mga guro sa pamamagitan ng radyo. Ilang guro at mag-aaral ng THS ang sumagot sa ilang katanungan ukol sa naitutulong ng programa. Sa pamamagitan ng pagkomento ng mga mag-aaral sa FB live streaming, nagagawang mabatid ng mga guro ang mga katanungan ng mag-aaral sa tinatalakay na aralin. Ani Gng. Marriane Wage "Naniniwala ako na malaking tulong ang naihahatid ng RBI at live streaming na isinasagawa ng paaralan sapagkat mas nabibigyang linaw ang mga aralin sa pamamagitan ng paggabay ng guro at pagbibigay ng karagdagang kaalaman at mga aktibidad." Ang mga mag-aaral ang nakikinabang sa mga ganitong uri ng hakbang ng DepEd, upang masiguro na ang edukasyon ay hindi matitigil.
4
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
Virtual na Kompetisyon: 10 THSians, nagpamalas ng kakayahan sa Pataasandiwa 2021
ANGELO MALLARI
Nakiisa at nakipagtagisan ng galing ang mga mag-aaral na Tarlaqueños kabilang ang Tibag High School (THS) sa kanilang kakayahan sa pagsulat, pagsasalita at pagguhit sa Pataasandiwa 2021: Lockdown nitong ika-6 at 7 ng Marso. Ang UP Sandiwa ay opisyal na organisasyon ng Unibersidad ng Pilipinas, ito ang namumuno sa naturang patimpalak. Layunin nito na magsilbi sa mga komunidad para sa mga Tarlaqueos at sambayanang Pilipino. Ang Pataasandiwa ay may dalawang aktibidad, ito ay ang webinar na ginanap noong ika-26 at 27 ng Pebrero na sinundan ng kompetisyon noong ika-5 at 6 ng Marso. Ang mga kompetisyon na nilahukan ng mga estudyante ay ang mga sumusunod: Extemporaneous speech (English), Dagliang Talumpati (Filipino), Essay Writing (English), Malikhaing pagsulat (Filipino), Poster Making (traditional at digital) at Competitive Debate na nahahati sa dalawang lebel, ang Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) ngunit ang competitive debate ay para lamang sa JHS. Ito ay
VIRTUAL NA PAGSABAK Ang pakikipagtagisan ni Trisha Mae C. Lanuza sa Pataasaandiwa 2021 sa kategoryang Dagliang Pananalumpati. Ito ang kauna-unahang pagsabak ni Lanuza sa naturang kompetisyon.
taunang kompetisyon sa pampanitikan-akademiko na para sa mga JHS at SHS. Sa taong ito online ang naging pamamaraan ng kompetisyon. Ang mga lumahok ay nagmula sa iba’t ibang munisipalidad ng Tarlac.
Sampu sa mga ito ay mga mag-aaral ng THS na nagpamalas ng kakayahan sa naturang patimpalak sa iba’t ibang kategorya. Kinilala na ang mga ito ay sina Angelica Romero at Jean Elisha Mesa sa Pagsulat ng Sanaysay/Essay Writing ng
Junior High School, sina Fiona Ramirez at Paul Joseph De Jesus sa Senior High School. Sa kategoryang Dagliang Talumpati/Extemporaneous Speech ay sina Michael Cedrick San Miguel at Trisha Mae Lanuza sa JHS, sina Arvi Estrada at Faulin Shane Samson naman sa SHS. Sa Poster Making Traditional naman ay si Cristel Catchuela at Vonne Orly O. Sadumiano sa Poster Making Digital. Sila ay pinili ng mga kani-kanilang mga tagapagsanay ayon sa kanilang kakayahan at pagkakakilala. Sila ang nagdala sa pangalan ng THS at sa Tarlac City Schools Division sa nasabing patimpalak. Ayon kay Dr. Reymar D. Paguio, EPSvr sa Ingles, ang paglahok sa kompetisyon tulad ng UP Pataasandiwa ay hindi lamang upang makipagtagisan kung hindi ito ay ang pagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na magkaroon ng karanasan sa paglahok sa mga aktibidad. Layunin ng Patasaandiwa 2021 na imbitahan ang mga kabataang Tarlaqueños na mahasa ang kakayahan sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral at makipagtagisan sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyan.
INVESTIGATIVE REPORT
Hamon ng buhay: Ilang THSians, kumakayod habang nag-aaral Tarlac City – Maraming kabataan ang nakikibaka upang masolusyunan ang kahirapan habang inaabot ang kanilang pangarap. Ayon sa Philippine Statistics Authority, mayroong apat na milyong Pilipinong kabataan na may edad 15 pataas ang walang trabaho na naitala noong Enero taong 2021 kumpara sa 2.4 milyong Pilipinong kabataan ang walang trabaho noong Enero ng taong 2020. Maraming kabataan din ang naapektuhan ng pandemya mula ng lumaganap ang COVID-19 sa ating bansa. Maraming nawalan na trabaho sa mga kabataang dating mayroong part-time job habang nag-aaral o kilala bilang working students. Biglang lobo ang unemployment record ng ating bansa sa mga kabataan mula sa 2.4 milyon lamang hanggang sa naging apat na milyon. Sa kabila nito marami rin mga kabataan tulad ng mga nasa Senior High School (SHS) ang gumawa ng paraan upang masolusyunan ang kahirapan habang sinusuong nila ang laban sa kanilang pag-aaral. Sa ginawang sarbey sa Tibag High School (THS) sa mga Senior High School nito upang malaman ang bilang ng mga working-students, lumalabas na mayroong 71.9% o 46 sa 64 na rumesponde sa sarbey ang nag-woworking
students ngayong panahon ng pandemya at halos sa mga ito ay nasa ika-12 baitang. 17 sa mga nag-woworking students ay mga construction worker at binubuo ito ng 26.56 porsyento ng lahat ng nagwo-working students. Ang iba ay nagtitinda, saleslady, factory worker, gasoline crew at online seller. Lumalabas na 39.1% ang kumikita ng nasa 1,000 hanggang 5,000 kada buwan at 21.9% naman ang kumikita na ng 6,000 hanggang 10,000 kada buwan sa kanilang part-time job. Bagaman maliit ngunit malaking tulong na ito para sa pagsuporta sa kanilang pag-aaral at makakatulong na rin sa kanilang pamilya. Ayon kay Jossel Baldago, 12-Bernardos, “6:00 am hanggang 7:00pm ang pasok ko sa trabaho pagdating ng bahay ng gabi ay ginagawa ko ang aking module. Pag minsan pinagsasabay ko kung kinakailangan ng gawin. Ginagawa ko po ito upang makatulong sa gastusin sa bahay lalo na po sa aking mga kapatid.” Sa resulta ng sarbey na ginawa, isang patunay na malaki ang kakayahan ng mga SHS students na makapasok sa mga kumpanya at magamit nila ang kanilang skills na natutunan sa pag-aaral upang sila ay kumita ng pera. Ginamit ng mga SHS students ang pagkakataon ng pandemya upang makapagtrabaho habang nag-aaral.
KAYOD PARA SA PANGARAP Sina Randel Kenneth Rivera at Arvin Cruz, mag-aaral sa Grade 12 ng THS ang sabay na kumakayod habang ipinapagpapatuloy ang kanilang pag-aaral. Ito ay malaking hamon sa mga mag-aaral na napagsasabay ang pagtatrabaho habang sila ay nag-aaral pa lamang.
Estrada, sumampa sa ikatlong pwesto; Sasabak sa Pataasanlahi 2021 KIANNE SUBA
Matapos makamit ang ikaapat na puwesto sa Pataasandiwa 2021: Lockdown nabigyan ng pagkakataon si Arvi Estrada upang lumahok sa Pataasanlahi 2021 noong ika-27 ng Marso sa kategoryang Dagliang Talumpati (SHS). Nilahukan ng mga magaaral mula sa pribado at pampublikong paaralan mula sa probinsya ng Tarlak ang mga lumahok sa Pataasandiwa na nagtagisan sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon. Ang mga tatlong pinakamagaling ang napiling umakyat upang lumaban sa pambansang tagisan ng galing na Pataasanlahi. Pinangunahan ng Unibersidad ng Pilipinas ang naturang kompetisyon sa pakikiisa ng DZTC Radyo Pilipino ng Tarlak ay naging matagumpay na kompetisyon kahit ito ay isinagawa sa pamamagitan ng virtual o online. Isang linggo bago ang kompetisyon sa inihayag ng pamunuan ng kompetisyon na pasok si Arvi P. Estrada ng Tibag High School sa Pataasanlahi sa kategoryang Dagliang Talumpati. Ayon kay Arvi, “I prepared a lot for this competition and so blessed that I have made this far. The support of Tibag High School made this dream come true”. Ani G. Regina Sajonia, tagasanay ni Estrada sa Dagliang Talumpati “The excitement and pressure are there, but we will accompany him in his preparation and practices for the upcoming competition this weekend”. Makakasama ni Estrada si Vonne Orly O. Sadumiano na nakamit ang ikalawang puwesto sa Digital Poster Making Contest (SHS) na lalaban sa pambansang kompetisyon – Pataasanlahi 2021 na may temang “Tinig ng Kabataan sa Pandemya, Lakasan.” Kasama nilang makikipagtagisan ang mga nanalong mag-aaral mula sa probinsya ng Tarlak na nanalo sa Pataasandiwa 2021.
OAC, malaking tulong sa THSians KIANNE SUBA
Ipinatupad ang Online Advance Class o OAC sa Tibag High School (THS) sa pamamagitan ng Google Meet na nagsimula noong ika-1 ng Hunyo hanggang ika-10 ng Hulyo, 2020 sa mga magaaral ng Senior High School (SHS). Layunin nitong mabawasan ang mga
TUTOK SA OAC Si Gng. Mary Jane Lagrazon, isa sa guro ng Senior High ang nagtuturo bilang bahagi ng OAC.
asignatura nila sa unang semestre ng taon sa pamumuno ng ulong-guro at focal person ng SHS Department na si G. John John J. Flores. Nilahukan ng mga boluntaryong mag-aaral ng SHS ang naturang OAC mula sa ika-11 at 12 baitang na may kakayahang lumahok dahil nangangailangan ito ng gadyet, laptop at internet upang makapasok sa naturang online class. May anim na asignatura ang binuksan at ito ay ang mga Philosophy of Human Person, Media and Information Literacy, Filipino sa Piling Larang, Practical Research, Empowerment Technologies, at Creative Non Fiction na inaalok tuwing unang semestre ng taon. Ayon kay Lucky E. Tabamo, isa sa mga estudyanteng nagpatala sa OAC, “Naging malaking tulong ng OAC sa amin dahil sa una kinuha namin ang asignatura sa maikling panahon lamang, pangalawa, naging maginhawa ang pag-aaral
dahil online ang klase.” Ayon sa DepEd Order No. 13 s, 2018 o kilala bilang “Implementing Guidelines on the Conduct of Remedial and Advancement Classes During Summer for the K to 12 Basic Education Program” at sa pagbago ng DepEd Memorandum No. 51, s. 2020 o kilala bilang “Guidelines On The Conduct Of Remedial, Advancement And Enrichment Classes During Summer 2020,”. Ang OAC ay para sa mga asignaturang inaalok tuwing summer class na maaaring ienrol ng mga SHS na may work immersion sa susunod na taon. Ayon kay G. Flores, “Online Advancement Classes became easier for Senior high School Students because their subjects for the S.Y. 2020-2021 will be lessened and the advanced subjects are those that are left together with he work immersion and to give the learners time to focus on the learners’ work immersion during the semester”.
ANG K
5
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
‘CONNECT’ layuning marinig ang boses ng THSians KIANNE SUBA
Inilunsad ng Tibag High School (THS) Supreme Student Government (SSG) ang Project CONNECT o “CONtact ‘N EffeCT” noong ika-21, 2021 sa gabay ni G. Michael Ocoma, tagapayo ng SSG. Nilalayon ng Project CONNECT na marinig ang boses ng bawat mag-aaral sa THS sa pamamagitan ng paglabas ng saloobin ng mga estudyante sa mga opisyales ng SSG. Maaaring maghatid ng suhestiyon at komento ang bawat mag-aaral sa mga opisyales ukol sa paaralan o guro sa pamamagitan ng google form. Ipapaabot naman ng mga opisyales ng SSG ang mensahe sa pamunuan ng paaralan upang ito ay mabigyan ng solusyon o maaksyunan. Noon pa man, bago pa mag-
PAGPUPUGAY SA KABABAIHAN:
THS, inilunsad ang NWMC gamit ang RBI, FB Live Streaming
karoon ng pandemya ay naging proyekto na ito ng SSG sa pamamagitan ng paglalagay ng suggestion box sa paaralan kung saan maaaring sumulat ang mag-aaral at ihulog ito sa box. Ito naman ay kokolektahin ng SSG at ipapaabot ang suhestiyon sa pamunuan ng paaralan at ito ay pag-aaralan kung maaaring ipatupad para sa ikabubuti ng paaralan at ng mga estudyante. Nilalayong itaguyod ng SSG ang “Freedom of Speech or Expression” na nakasaad sa Article 10 of the Human Rights Act at Section 4 ng 1987 Constitution of the Republic of the Philippines na nakasaad dito na “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceable to assemble and petition the government for redress of grievances”
Ayon kay G. Arvi Estrada, SSG Vice President, ang CONNECT ay hango sa dalawang ekspresyon. Una, CONNECT sa Filipino ay “kumonekta” o “dumugtong”. Ito ay magsisilbing tulay sa mga boses ng mga estudyante upang pakinggan ng administrasyon o punongguro ng paaralan. Pangalawa, mula titulo mismo na CONNECT na Contact o ipaabot at Effect o Epekto nito o aksyon na gagawin ng SSG at ng punongguro ukol sa panawagan o suhestiyon na ipinabatid ng mga estudyante. “This will greatly help students who are voiceless to protect their rights, now they can be able to speak, but of course with limitation, they must take accountability and be responsible in using this privilege brought by the Project Connect” ani Estrada, pangalawang pangulo ng SSG.
Tibag HS inuna ang palikuran ng PWD KIANNE SUBA
Itinayo ang dalawang bagong cubicle ng palikuran para sa mga Persons With Disabilities (PWD) ng Tibag High School (THS) bilang bahagi ng proyekto ng Gender and Development upang matugunan ang pangangailangan ng mag-aaral, magulang, at guro na PWD sa pangunguna nina G. Joel Madayag at Norlan Agdeppa, GAD focal persons at sa pamumuno ni Dr. Juvelyn Esteban, punongguro ng THS. Bilang bahagi ng programa ng
GAD ng THS, nagpatayo ito ng palikuran para sa mga PWD kung saan naglaan ng P70,000.00 na badyet bilang tugon na rin sa Batas Pambansa Bilang 344 o kilala sa “An Act to Enhance Mobility of Disabled Persons by Requiring Certain Building, Institutions, Establishments and Public Utilities to Install Facilities and Other Devices”. Ang naturang palikuran ay inilaan sa mga PWD upang magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral
kasama na rin ang mga guro at magulang na bahagi ng PWD na dumadalaw sa paaralan. Ayon kay G. Norlan Agdeppa, “Napakahalaga na bigyang pansin ng paaralan ang pangangailangan ng mga PWD na estudyante, isang pangangailangan ang comfort room sa mga PWD kaya napakahalaga ng proyektong ito.” Inaasahan na magagamit na ito pagpasok ng Hunyo ng taong ito at nakahanda na rin sa panahong magbabalik na sa paaralan ang mga mag-aaral at sa normal ang lahat.
BAGONG NORMAL NA PAGPUPUGAY Si G. Norlan Agdeppa, focal peron ng Gender and Development, naging gurong-tagapagbalita sa kick off ng National Women’s Month Celebration sa pamamagitan ng radyo at livestreaming sa FB.
CRISSA ANTONIO
Inilunsad ng Tibag High School (THS) ang National Women’s Month Celebration (NWMC) noong ika-1 ng Marso taong 2021 sa pamamamagitan ng Radio-Based Instruction at live streaming ng Facebook ng paaralan sa pangunguna ng mga guro mula sa Junior High School na si G. Joel Madayag at G. Norlan Agdeppa ng Senior High School. Kinikilala ang buwan ng Marso bilang buwan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng Proclamation No. 227 s. 1988 bilang pagkilala sa papel ng mga kababaihan. Binigyang-halaga ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang larangan sa pag-awit ng Lupang Hinirang na kung saan kinilala ang mga tanyag na Pilipinong kababaihan na nagbigay ng malaking kontribusyon sa ating bansa. Ipinaliwanag din ng gurong-tagapagbalita na si G. Norlan Agdeppa ang layunin ng pagdiriwang ng NWMC at ang mga batas na nasasakop dito. Binigyang-diin ang tema ng pagdiriwang at ang kampanya nitong “Juana Laban sa Pandemya, Kaya!” sa naturang programa. Naging malaking bahagi ang pagpapalabas ng mga puppet web series na mula sa Philippine Commission on Women o PCW kung saan nagbigay ng kaalaman ukol sa mga batas na pumoprotekta sa mga kababaihan mula sa pang-aabuso, panliligalig at pambubugaw sa mga kababaihan.
Naging tulay ang THS 88.00 khz Radyong Totoo upang maipaabot at mailahok sa programa ang mga mag-aaral at mga magulang na higit na mamulat sa mga karapatang dapat nilang malaman. Gamit ang istasyon ng radyo ng THS at ang FB live streaming naipaabot nito sa lahat ng mag-aaral at magulang na kung saan hindi lamang ang mga may gadyet ang maaaring makarinig ng mga impormasyon kundi pati na rin ang mga pamilyang hindi kayang makabili ng gadyet para sa kanilang mga anak. “Ito ay ukol sa pagpapaabot ng impormasyon sa mas malawakang paraan at ito ang pinakamagandang paraan upang ipagdiwang ang NWMC na ang lahat ay ligtas sa gitna ng pandemya, priyoridad ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa habang pinatutupad ng mga guro ang kanilang tungkulin ngayong New Normal”, ani Gng. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng THS. Naging matagumpay naman ang pagdiriwang ng kick-off ceremony ng NWMC kung saan maraming mga mag-aaral, magulang at guro ang tumutok sa naturang selebrasyon. Naging magandang paraan ang THS 88.00 khz Radyong Totoo at live streaming ng Tibag High School FB page upang maipaabot ang mga impormasyon ukol sa karapatan ng mga kababaihan sa selebrasyon ng National Women’s Month.
WALANG PINIPILI Isa sa mga trabahador ng ipinapatayong palikuran para sa PWD ang naglalagay ng hallow block sa ilalim ng sikat ng araw. Ito ay bahagi ng proyekto ng Gender and Development upang matugunan ang pangangailangan ng mag-aaral, magulang, at guro na PWD.
SARBEY: THS, hindi pa handa sa online class ANGELO MALLARI
Nagsagawa ng pagsisiyasat ang Tibag High School (THS) sa mga mag-aaral nito ukol sa pagkakaroon ng gadget at internet upang maging basehan sa pagpapatupad ng online class na ginanap noong ika-9 ng Pebrero taong 2021. Sa sitwasyon ng THS, lumalabas sa ginawang pagsisiyasat na 21.54% o 572 estudyante lamang ang may internet sa kanilang pamamahay, samantalang 78.44% o
2082 estudyante ang walang internet. Pagdating naman sa pagkakaroon ng gadyet, lumalabas na 3.16% o 84 lamang ang mayroong laptop na napakahalaga na mayroon ang isang estudyante sa isang online class samantalang 1.24% o 33 lamang ang mayroong desktop computer sa kanilang pamamahay. Lumilitaw sa ginawang sarbey na marami sa mga mag-aaral ng THS ay mayroong cellphone sa bilang 2002 o 75.43% samantalang 52 lamang ang magaaral na mayroong tablet o 1.96%
sa kabuuang 2,654 na tumugon sa naturang pagsisiyasat. Ayon kay Gng. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng THS, “Online classes is still possible for those who have the resources like internet and gadget but only 21.5% or 572 learners only out of 2,654.” Ang naturang pagsisiyasat ay magagamit pa sa mga susunod na taon upang maging basehan kung maaaring magpatupad ng online class sa THS.
6
ANG K
Mayor Cristy Angeles pinalakas ang suporta sa edukasyon; namahagi ng 2,384 expandable plastic envelopes KIANNE SUBA
Nakatanggap ang Tibag High School (THS) ng 2, 384 expandable plastic envelopes mula kay Mayor Cristy Angeles noong ika-16 ng Oktubre, 2020. Ang mga ito ay naipamigay sa mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12. Ang mga expandable plastic envelopes ay pinapa-
kinabangan ng mga mag-aaral upang maging organisado at komportable sa pagkuha at pagbabalik ng kanilang modyuls o Learning Activity Sheets (LAS). Batay sa Tarlac City Information Office, ang pagpapalawig ng mga programang pang-edukasyon ang isa sa mga prayoridad ng alkalde. Sa kabila man ng pandemya, patuloy ang pamamahagi ng school supplies upang masiguro ang kahandaan ng bagong pamamaraan ng pagtuturo. “Malaking tulong ang mga plastic envelopes na ito upang sa ganitong paraan ay maayos
at organisadong maipapasa ng mga bata ang kanilang mga modyuls.” Ayon kay G. Michael Ocoma, Ayon naman kay Romeo Suba, isang magulang ng Grade 12 na mag-aaral sa THS, “Malaking tulong ito sa paraang hindi na napapariwara o nababasa kung may ulan man ang mga modyuls na ipapasa ng aking anak.” Base naman sa serbisyong pampublikong administrasyon ng Tarlac City Government, Bago pa man ang pandemya, patuloy na ang suporta ng administrasyon ni Mayor Angeles sa mga proyekto at kahilingan ng Tarlac City Division School Office, ito ay bilang pagsuporta sa mga guro at sa edukasyon ng mga mag-aaral.
400 Estudyanteng taga-Tibag, benepisyaryo ng School Kit CRISSA ANTONIO
Tibag, Tarlac City - Namigay ng school kit ang Barangay Council at SK Council ng Tibag sa mga estudyanteng nakatira sa barangay Tibag noong ika5 at 6 ng Nobyembre, 2020 sa pamumuno ni G. Dave R. Basilio, Sangguniang Kabataan chairman at G. Tito Mallari, punong-barangay. Bilang tulong sa mga magaaral na taga-Tibag sa gitna ng pandemya at masuportahan ang kanilang pag-aaral at tulong na rin sa mga magulang ng mga ito, namigay ng school kit ang Barangay Council at SK Council na naglalaman ng papel, earphones, tripod, ballpen at notebooks na kanilang gagamitin sa kanilang pag-aaral. 400 na estudyante ang napagkalooban ng naturang
Kalituhan sa pagbibigay ng grado:
THS, naglunsad ng oryentasyon sa magulang, mag-aaral, guro
Sa pagnanais ng Kagawaran ng Edukasyon na maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna man ng pandemya, naglunsad at naghanda ang kagawaran ng iba’t ibang pamamaraan o learning modality. Isa na rito ang Modular Distance Learning (MDL) na piniling pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ng Tibag High School (THS). Hinikayat ng punongguro ng THS ang kaguruan na magsagawa ng “Online Kumustahan” sa mga mag-aaral upang makapagbigay ng oportunidad na magkakilanlan at magabayan sa mga aralin at sinasagutang modyuls, sa kabila man ng MDL na pamamaraan.
KALINAWAN NG GRADO Isa sa magulang ng mag-aaral ng THS ang nakikilahok sa oryentasyon tungkol sa pagbibigay ng grado. Isang kalinawan sa mga guro, mag-aaral at magulang ang isinagawang oryentasyon ukol sa pagbabago ng pagkalkula ng grado.
Nagsagawa ang Tibag High School (THS) ng oryentasyon ukol sa pagkalkula ng grado para sa panuruang 2021-2022 noong ika-6 ng Nobyembre, 2020 sa pamamagitan ng Google meet at FB Live ng Tibag High School FB page sa pamumuno ni Dr. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng THS. Ipinaliwanag ni G. John John J. Flores, ulong guro at focal person ng SHS ang sakop, katwiran at mga tuntunin ng DepEd Order No. 31, s. 2020 o kilala bilang Interim Guidelines for Assessment and Grading in Light of the Basic Education Learning Continuity Plan na ipatutupad sa kasalukuyang panuruan. Inilatag naman ni Gng. Velvet Alva, ulong guro ng THS ang iba’t ibang assessment tulad ng formative at summative assessment na pwedeng ipatupad sa panahon ng pandemya. Inilahad naman ni Gng. Juanita Salvatierra, ulong guro ng THS ang pagbibigay ng grado at pagpapasa ng mga magaaral, dagdag pa rito ang kahalaga-
han ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ngayong panahon ng pandemya. Binigyan din niya ng pansin ang mga paraan kung paano susubaybayan at susuriin ang mga estudyante sa kanilang mga output. Ipinahayag naman ni Gng. Zandra Berenguer, Teacher In-charge ng ESP ang iba’t ibang estratehiya sa pagbibigay ng formative assessment sa parehong synchronous at asynchronous sa mga estudyante. Binigyang diin naman ni G. Eugene Yango, Master Teacher I ng THS kung paano kakalkulahin ang grado ng mga estudyante. Ipinaliwanag naman ni G. Arnel Ibaňez, Master Teacher I ng THS ang paggagrado ng performance task ayon sa rubrics. Nagdagdag naman ng kaalaman si Gng. Merlina De Jesus, Master Teacher II ng THS ukol sa paggamit ng self monitoring tool ng mga guro, magulang at estudyante. Itinuro naman ni Gng. Analyn Galope, Master Teacher II ng THS ang kahalagahan ng feedback na ibinibigay ng guro sa mga estudyante at magulang upang malaman ang progreso ng mag-
aaral. Ipinaliwanag naman ni Gng. Alicia Fajardo, Master Teacher I ng THS ang Assessment for Remote Learning. Nagdagdag kaalaman din sina Gng. Clariza Mae Guiang, Gng Evangeline Espiritu, G. Glenn Soriano ukol sa pagpapatupad ng bagong pamamaraan sa pagkalkula ng grado sa panahon ng pandemya. Nagkaroon din ng pagpapaliwanag ang DepEd Order no. 30, s.2020 (Amendment To DepEd Order No. 007,s.2020) patungkol sa pagbabago ng School Calendar sa panuruang Ayon kay Gng. Juanita Soriano gurong tagapagsalita “May mga nabago at napalitang batas mula sa Section 3, Republic Act No. 7797, na nagsasabing pahabain ang School Calendar na dati ay 200 na araw na gagawing 220 na araw ngayong taon dulot ng pandemya”. Nilahukan ng mga guro, mag-aaral at magulang ang naturang oryentasyon upang maipaliwanag ang pagbabago sa pagkalkula ng grado.
school kit na nagmula sa SK Fund. Ani G Basilio, SK chairman “Napakahalaga nito sa ating mag-aaral dito sa ating barangay. Ito ang naisip ko at ng aking mga SK Kagawad dahil alam natin ngayon kung gaano kahirap dahil sa pandemic na ito, dahil alam naming makakatulong ito sa ating mga estudyante sa kanilang pag-aaral maliit man ito para sa iba pero malaking tulong na ito sa mga magulang na walang permanenteng trabaho. Hindi na nila iisipin pa ang kaunting pangangailangan ng kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.” Ipinagpatuloy naman ng pamunuan ng barangay at SK ang mga proyektong kanilang maaaring maitulong sa mga kabataan ng Tibag.
‘Online Kumustahan’, pantawid sa ugnayang guro-mag-aaral MAECEL JEAN ALMARIO
CRISSA B. ANTONIO
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
Ang pamamaraang ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng group chats (GCs) o pagpapadala ng private message patungkol sa partikular na paksang nais malinawan. Pinakamabisang paraan ang paghingi ng tulong o payo sa mga guro upang sa gayon ay mapagaan ang gawain ng estudyante. Sa pamamagitan ng Online Kamustahan ay nabibigyan ng tulong ang mga mag-aaral, at napapanatili ang ugnayan sa kanilang mga guro, kung saan nakadaragdag sa magandang kalidad ng pag-aaral kahit nasa gitna ng pandemya. Nilalayon ng pagpupulong na ito na paigtingin ang komunikasyon sa pamamag-
itan ng teknolohiya, kung saan malaking tulong ang maidudulot nito para sa mga estudyante na masuportahan ang kanilang soyal at mental na pangangailangan, at para na rin sa pagkokonsulta nila sa kanilang mga modyuls. “Malaking bagay na ang pagkakaroon ng Online Kumustahan dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa ating mga kaklase at guro at gayon din na makatulong sa pagbibigay ng kaliwanagan sa kung paano ang dapat gawin sa mga ibang gawain sa modyuls”, wika ni Clarisse L. Manzano, mag-aaral ng Grade 12. Kaugnay pa nito, hindi naman sapilitin o kahingian sa asignatura ang pakikilahok sa online kumustahan dahil isinasaalang-alang pa rin ng mga guro ang mga mag-aaral na walang gadget, internet connection at nahihirapan sa teknolohiya, lalo na ang pangunahing modalidad ng THS ay modular. Ito ay itinakda bilang pandagdag na kaalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro sa THS. Ayon naman kay G. Eric Natividad isang guro mula sa Senior High Department, “Ang Online Kamustahan ay nagbibigay tulay sa guro at mga mag-aaral para sa mga possibleng solusyon sa kanilang mga kinakaharap na pagsubok lalo na sa pagsagot ng mga gawain sa modyuls.”
OK sa THS Ang pangungumusta ni Bb. Lynneth Mariz Libued sa kanyang mga mag-aaral sa Grade 10, isa sa pamamaraan ng THS sa pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral.
ANG K
7
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
Bilang ng hirap makabasa sa THS, mataas;
Proyekto sa pagbasa, lalo pang pinaigting CRISSA ANTONIO
Mataas pa rin ang bilang ng mga batang hirap magbasa ayon sa ginanap na Reading Verification activity ng Tibag High School (THS) na nagsimula noong ika-24 ng Pebrero hanggang ika-5 ng Marso taong 2021 sa pamumuno ni G. Norlan D. Agdeppa at G. Jay G. Sanchez. Resulta ng Datos Lumalabas na mayroon pa ring mga mag-aaral na hindi makabasa kahit ito ay nasa Junior High School na. Mayroong 0.009% o 25 na estudyante ang mga hindi pa makabasa na nakatala sa THS, 17 dito ay galing sa ika-8 baitang. 0.047% o 124 na estudyante ng populasyon ng paaralan ang nasa ilalim ng frustration level. Ito ay mga estudyanteng nakakabasa ngunit may kahirapan pa rin sa pagbabasa at mababa ang kakayahang makaintindi sa mga binabasa. Halos nasa ika-8 at ika-9 na baitang ang mga nasa ilalim ng ganitong level ng pagbabasa kung saang mayroong 49 at 48 na estudyante mula sa naturang baitang ang hirap magbasa at hirap umintindi ng binabasa. Sa kabuuang 2,656 na populasyon ng paaralan, lumalabas na may mga mag-aaral pa rin ang kailangang mahasa ang pagbabasa kung saan sila ay kinilala upang ipaloob sa programa ng pagbabasa ng paaralan. Pagpili ng paraan ng Reading Intervention Pagkatapos ng pagkilala sa mga mag-aaral na nasa
Non-Reader at Frustration, sila ay sasailalim sa reading intervention sa ilalim ng Project EMPOWER (Empowering the Mind toward a Positive Outlook despite the World pandemic through Effective Reading) at REAL (Reading Enhancement and Activities for Learners). Bago umpisahan ang reading intervention, tinanong muna ang mga ito kung anong pamamaraan ng intervention ang kanilang gusto upang matulun-
gan sa pagbabasa. Sa pamamagitan ng pagtanong ng mga guro sa mga ito kung gusto ba nilang online, radio-based instruction o modyul na tumagal mula ika-5 ng Abril hanggang ika-16 ng Abril ng taong 2021. Inisa-isa ng mga guro ang 124 na estudyanteng nasa ilalim ng Frustration Level at 25 na Non-Reader Level. Lumabas sa ginawang pagtatanong na silang lahat ay pinili ang modyul na pamamaraan sa pagtuturo sa
kanilang pagbabasa. Ngunit hindi pa rin inaalis ng paaralan ang RBI upang maging plataporma sa pagturo sa pagbabasa. Maglalaan ang mga teacher-broadcaster sa Ingles ng kaunting minuto upang magturo ng pagbabasa sa kanilang oras ng RBI na ipapasok sa kanilang ituturong aralin. Naglaan naman ng badyet ang paaralan sa pamumuno ni Gng. Juvelyn L. Esteban, punongguro ng THS para sa pag-photocopy ng
gagamiting materyales sa reading intervention ng mga mag-aaral. Implementasyon ng Programa Ibinigay sa mga tagapayo ang mga modyul na gagamitin ng mga estudyante at iniabot naman ng mga ito sa mga magulang ng estudyante at binigyan ng tagubilin kung paano ito ituturo sa kanilang mga anak at paano sila masusuri sa bawat matatapos na pagsasanay. Naibigay ang mga modyul sa mga mag-aaral ng unang linggo ng Mayo na tatagal sa kanila hanggang ikatlong linggo ng Hunyo. Pagkatapos ng pagtuturo sa mga bata ng pagbabasa, isasaalang-alang ng guro sa resultang ipinasa ng magulang kung mayroong pagbabago o pagkatuto ang bata sa pagbabasa. Sa kasalukuyan, ang mga estudyante ay nag-aaral ng pagbasa sa gabay ng kanilang magulang at pakikipagtulungan sa mga tagapayo at guro sa Ingles. Ang resulta ng kanilang pakikialam sa pagbabasa ay malalaman sa katapusan ng Hunyo. “Hindi naging madali ang pagpapatupad ng Reading Intervention sa taong ito dahil maraming balakid ang naranasan sa pagpapatupad nito ng dahil sa pandemya. Ang pakikiisa ng mga estudyante, magulang sa mga gurong tagapayo at tagapagpatupad ng programa upang matulungang makabasa ang mga mag-aaral ay isang malaking bagay upang maging matagumpay ang programa.” ani G. Norlan Agdeppa, isa sa tagapag-ugnay ng reading program.
Simulation on Module Distribution: THS bilang modelo ANGELO MALLARI
Nagsagawa ng simulation on LAS/Modules distribution ang Tibag High School (THS) bago paman maumpisahan ang taong panuruang akademiko 2020 hanggang 2021. Ang simulation ay naka-video upang maging gabay ng mga magulang at mag-aaral sa magiging takbo ng kasalukuyang pag-aaral. Nilalayon nito ang pag-abot sa mga mag-aaral na nasa liblib na lugar. Ang naturang simulation ay isinagawa noong Hulyo taong 2020.
ISKEMA SA PAGPAPATULOY NG EDUKASYON Isang magulang ng mag-aaral ng Grade 9 ang nag-aayos ng Learning Activity Sheets (LAS) upang ilagay sa crates na naaayon sa bawat asignatura. Ito ay ang School-Based na iskema na ginagamit ng THS sa kasalukuyan alinsunod sa learning modality ng paaralan, ang modular distance learning.
May tatlong iskema ang isinagawa sa naturang aktibidad, ang una ay ang house-to-house na iskema na direktang pagtungo ng mga guro sa tahanan upang maipamahagi ang modyul. Pangalawa, ang Barangayan na iskema na naglalayong makipagtulungan sa mga opisyal ng barangay sa paghahatid ng modyul sa mag-
aaral. Panghuli, ang School-Based na iskema, ito ang mas ginagamit ng THS sa kasalukuyan, ang mga magulang o mag-aaral ang direktang pumupunta sa eskwelahan upang kunin ang modyul at ibalik. Sa pamamagitan ng mga iskema, naibigay ang sapat na alituntunin sa pagkuha ng mga LASs/ Modules, ang bawat hakbangin ay may angkop na larawan at paglalarawan kung paano ito gagawin. Ito ang naging pamamaraan ng THS upang mapadali ang distribusyon ng modyul. Sa pagtutulungan ng Department Heads, Subject Area Leader, Coordinator, mga tagapayo, guro, magulang, at mga opisyales ng bawat barangay na nasasakupan ng paaralan, naisagawa ang simulation ng distribusyon ng modyul. Sila ang naging katuwang ng paaralan para maipagpatuloy ang
pag-aaral sa gitna ng pandemya. Ani Dr. John John J. Flores, Senior High Focal Person, "Marami talaga ang naging hamon mula sa pagpaplano ng simulation hanggang sa mismo at pagkatapos ng simulation. Di natin talaga maiiwasan ang mga hamon o pagsubok na yan pero sa pagtutulungan, koordinasyon at pagkakaintindihan napagtatagumpayan naman ito." Ang modular distance learning ay siyang pinakamainam sa learning modalities ng DepEd. Kung kaya't ito ang napili ng THS na gamitin sa taong pampanuruan. Samantala, malawakang implementasyon ng minimum standard health protocol ng Inter-Agency Task Force Tarlac City ang ipinatupad ng THS upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isang papasok sa loob ng paaralan.
Patnugutan ng ‘The Fortress’, ‘Ang Kanlungan’, sumabak sa Online Writeshop;
Induction of Editorial Board and Staff, naisakatuparan Sumabak ang Patnugutan ng The Fortress at Ang Kanlungan sa Online Writeshop noong ika-12 ng Abril at nagtapos noong ika-13 ng Abril sa pangunguna ng School Paper Advisers ng dalawang pahayagan ng Tibag High School (THS) na sina Bb. Mariechris David, Bb. Rose Anne Gonzales, Bb. Tristine Peach R. Navarro at G. Norlan Agdeppa, at sa suporta ng punongguro ng THS na si Gng. Juvelyn L. Esteban at isa sa mga pinuno ng paaralan na si G. John-John Flores. Malugod ding tinanggap ang paanyaya na magbigay ng inspirasyon na mensahe
ang EPSvr ng English na si G. Reymar D. Paguio. “Thank you for giving emphasis and emphasis to campus journalism especially in this time of pandemic. I hope that this campus journalism in new normal set up will give us a new dimension and a new landscape on how to deal with information that could help us stay away from fake news that could help us enlighten ourselves with truth and that could help us to at least overcome our situation in this time of pandemic. Campus Journalists you have the most significant roles in making those
ways and in making those possible,” saad ni G. Paguio Nilahukan ng mga kasapi sa Patnugutan at ilang mag-aaral ng Humanities and Social Sciences strand ang nasabing programa na may temang “The Digital Journey of The Fortress and Ang Kanlungan: Exploring and Learning Campus Journalism in the New Normal” sa pamamagitan ng online platform na Google Meet. Nilayon ng Online Writeshop na ito na mahasa nang husto at lumawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, agham at
teknolohiya. Ang mga naging tagapagsalita sa naturang gawain ay sina Gng. Marianne Quitalig para sa pagsulat ng editoryal; G. Eugene Yango sa pagsulat ng balita; at G. Benjamin Gaspar sa pagsulat ng lathalain, agham at teknolohiya at pagsulat ng ulo ng balita. Sa huling araw ng gawain, nagsagawa rin ng Induction of Editorial Board and Staff. Sabay-sabay na nanumpa ang mga kasapi sa Patnugutan sa pamamagitan ng pagbigkas ng “The Journalist’s Creed”.
8
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
HINDI TAO ANG KALABAN
Paglaban sa pandemya o sa kanser? ANGELICA ROMERO
ang pumutok ang ang frontliners maging ang mga balitang isang pande- taong gumaling na sa sakit na mya ang nararanasan COVID-19. Ang pamamahiya, ng buong mundo, tila pambabatikos at hindi pantay na isa pang sakit ang muling lumapagtingin ba ay makatutulong ganap – ang DISKRIMINASYON. upang labanan ang pandemya? Isa sa mga sakit ng lipunan Ang mga taong may COVID-19 na hanggang ngayon ay hirap ay walang mali kung kaya dapat hanapan ng lunas. Isang salinatin silang pakitunguhan ng tang ginagamit upang ilarawan tama. Ang pagkakaroon ng isang ang hindi pantay na pagtrato sa indibidwal ng COVID-19 ay hindi isang indibidwal na maaaring nangangahulugang nabawasan lumitaw sa maraming iba’t ibang na ang kanyang halaga, huwag konteksto, sana nathindi na bago ing ipara“Sa kinakaharap nating sa ating pandmdam ito pandemya, hindi solusyon inig ang isang sa kanila. ang diskriminasyon. salitang ito na maituturing na Magbahagi ng tamang impormasyon sapagkat ito kanser. Bukod ang makakatulong laban dito, ang Hindi lingid sa COVID-19. Huwag na pagpapasa kaalaman ng nating bigyang puwang ang kalat ng lahat na ang mga malpagsisisihan sa COVID-19 ay ing balita pagkalat ng COVID-19 nakahahawang o imporbagkus pag-iingat, sakit. Marami masyon na pagsunod sa health proang natatakot, ang isang tocols, pagtutulungan at nangangamba tao ay may panalangin ang pinakamaat nawawalan dalang buting gawin upang tayo ay COVID-19. ng pag-asa sa makatulong.” pagsubok na Wala tayo kinakaharap ng sa lugar buong mundo. upang Naging laganap ang kaso ng ipaalam sa social media ang COVID-19, lahat ay naaapektuganitong usapin. Ito’y isang han at posibleng magkahawaan. paninirang-puri, ang anumang hindi totoong pahayag na naIsa sa mga madaling kapitan kakasira sa reputasyon ng isang ng sakit na ito ay ang nagsisiltao o nagdudulot sa pag-iwas sa bing frontliners, kabilang ang isang tao. health workers, nurses, doctors, mga pulis at iba pa. Isang ma Sa kinakaharap nating bigat na tungkulin ang nakaapandemya, hindi solusyon ang tang sa kanilang balikat upang diskriminasyon. Magbahagi ng maglingkod sa mga kababayan. tamang impormasyon sapagkat Ngunit nakalulungkot isipin na ito ang makakatulong laban sa ang mga kababayan ding ito ang COVID-19. Huwag na nating bignagdaragdag ng bigat at pasanyang puwang ang pagsisisihan pasan ng frontliners sapagkat sa pagkalat ng COVID-19 bagkus inaakala ng iba na may dala pag-iingat, pagsunod sa health silang sakit na maaaaring makprotocols, pagtutulungan at ahawa sa kanila. Hindi lamang panalangin ang pinakamabuting ang frontliners, maging ang gawin upang tayo ay makatuloibang taong gumaling na sa sakit ng. na COVID-19 at ang inaakalang nahawa nito dahil sa nakitang Sa panahon ngayon, huwag ilang sintomas. na nating dagdagan pa ang bigat na dala-dala ng bawat isa. Sa Nauunawaan ng lahat na halip, tulong-tulong naman natbawat isa ay nag-iingat ngunit ing labanan ang pandemya. hindi dapat layuan o iwasan
N
EDITORYAL
Pagbasa: Daan Tungo sa Dekalidad na Edukasyon sa ang pagbasa sa makrong kasanayang nililinang sa paaralan. Marami nang programang isinusulong ang Department of Education (DepEd) sa pagpapaunlad ng pagbasa. Malaki ang gampanin ng kagawaran, mga guro at magulang sa patuloy na pag-angat ng kasanayang ito sa bawat mag-aaral. Ang pakikipagbalikatan ng bawat sangkot sa pag-unlad ng kasanayang pagbasa ng isang mag-aaral ay ang kailangan upang matamo ang naising kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
I
Noong 2018, sa kauna-unang pagkakataon lumahok ang Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA). Sa lumabas na datos, sa lahat ng 79 na bansang lumahok, pinakamababa ang nakuhang marka ng mga Pilipinong mag-aaral sa Reading Comprehension o pag-intindi sa binabasa base sa resulta ng isang assessment na isinagawa ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD). Mula sa 79 na bansa, 600,000 mag-aaral na may edad 15 ang sumailalim sa pagsusulit ng PISA. Karamihan sa mga mag-aaral na nasa edad 15 sa Pilipinas ay nasa Baitang 9. Batay sa lumabas na resulta, 1 sa 4 na mag-aaral ang nahihirapan sa iba’t ibang aspeto ng pagbabasa, katulad ng pagkuha sa pangunahing ideya ng binabasa, maging ang pagdudugtong sa mga impormasyong kanilang nakukuha mula sa kanilang binabasa. 1 naman sa 10 mag-aaral ang may kakayahang malaman kung alin ang katotohanan (fact) at opinyon kapag nagbabasa tungkol sa mga paksang hindi pamilyar sa kanila, batay sa isang ulat. Nakakaalarma ang ganitong sitwasyon, ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga batang hindi marunong magbasa o makaunawa ay hindi dapat ipagsawalang bahala. Marami ngang programang ipinatutupad ang DepEd, subalit tila hindi lahat ay naisasakatuaparan. Kung sa kasanayang pagbasa pa lamang ng mga mag-aaral ay mababa na ang marka, hindi ba’t ito ay masasalamin din sa magiging kalidad ng edukasyon?
Sa kabilang banda, ang kasalatan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay patuloy na tinutugunan ng DepEd. Ipinatupad ang Deped memorandum No.173, s 2019 o kilala bilang Hamon: Bawat Bata Bumabasa (3Bs) noong Nobyembre 2019 bilang kampanya sa pagpapaigting ng mga programang pagbasa sa bawat paaralan sa lalo pang ikauunlad ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral. Binigyang-tugon din ng Tarlac City Schools Division ang kampanyang ito sa pamamagitan ng pagsulong ng Project GOALS sa bawat paaralan ng Tarlac City. Kabilang din ang Tibag High School sa mga paaralan na may mataas na bilang ng mga batang hirap sa pagbasa at pag-unawa, kaya nagsusulong din ang paaralan ng mga proyektong ikauunlad ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral at matamo ang target na 0% non-reader. Kung titignan, pinaglalaanan ng oras at panahon ng kagawaran at mga guro ang pagtuklas ng mga solusyon sa pagtugon sa suliraning ito. Kaya dapat na magkaroon din ng kooperasyon ang bawat mag-aaral sa pag-unlad hindi lamang ng kanilang kasanayang pagbasa kundi sa lahat ng makrong kasanayan at ang paggabay din ng bawat magulang sa pagkakaroon ng progresong pagkatuto ang kanilang mga anak lalo na ngayong panahon ng pandemya. Hindi na magiging mahirap pa ang pagtupad sa mga programang isinusulong kung magbabalikatan at makikiisa sa pagtamo ng dekalidad na edukasyon sa bansa.
PUNONG PATNUGOT: Crissa B. Antonio PANGALAWANG PATNUGOT: Angelo S. Mallari PATNUGOT SA BALITA: Kianne E. Suba PATNUGOT SA EDITORYAL: Maurriel B. De Leon PATNUGOT SA LATHALAIN: Leiryl R. Cariño PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA: Maecel Jean A. Almario PATNUGOT SA ISPORTS: Jean Elisha Z. Mesa TAGALARAWAN: Anwell Viera E. Prestoza DIBUHISTA: Erwin Postrero Vonne Orly O. Sadumiano Alyssa Ashley Mandap Marky Jelo Salcedo TAGA-AMBAG: Angelica A. Romero, Tricxy A. Gonzales, Princess Dian C. Simbulas, Angel T. Almiñe, Maygiene Katrice C. Delos Reyes, Audrey Marian R. Zita, Maria Kassandra D. De Leon, Anne Claire M. Dela Cruz, Allysa A. Dela Cruz, Jhenuary Dizon, Rosameya Ferrer MGA TAGAPAYO Tristine Peach R. Navarro, Norlan D. Agdeppa
MGA TAGASURI: Dr. John-John J. Flores, Eugene S. Yango, Glenn S. Soriano, Clariza Mae M. Guiang
PUNONGGURO: Dr. Juvelyn L. Esteban Principal III
ANG K
9
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
PASA-SAAN PA?
Magpapasa para makapasa KIANNE SUBA
atututo pa nga ba o ginagawa na lang para makapagpasa? Lahat tayo ay tunay ngang pinahihirapan ng pandemya. Maraming nagsarang mga negosyo na dahilan ng pagkawala ng trabaho, liban sa mga ito ay labis ding naapektuhan ang pag-aaral ng mga kabataan. Maraming huminto para maghanap-buhay at marami rin ang nagpatuloy para sa mas magandang kinabukasan.
N
Ang Modular Distance Learning ay isa sa modalidad na inilitag ng Department of Education (DepEd) upang makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga kabataan na walang internet connection at gadyet. Sa Tibag High School (THS), ito ang nagsilbing pamamaraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral dahil maraming bilang ng mag-aaral dito ay walang internet connection at gadget. Ang pagbibigay ng Self Learning Modules o (SLM) o Learning Activity Sheets (LAS) ang nagsisilbing basehan sa pagkatuto at pagbibigay ng marka ng mga guro. Bilang karagdagan, nagsasagawa rin ang THS ng Radio-Based Instruction (RBI)
at Online Kumustahan bilang paglilinaw sa ilang aralin at tulong sa mag-aaral upang mas maunawaan ang bawat aralin na nasa LAS. Sa kabila ng mga paraan na ito, marami pa rin ang nahihirapan sa kanilang mga modyuls, lalo na sa petsa ng pasahan nito. Maraming mag-aaral ang napipilitan na lamang magpasa para lamang maipasa ang bawat asignatura. Hindi na batid kung may kaalaman nga bang tumatak o karunungan na naiwan. Bukod sa maraming mag-aaral din ang nahahati ang katawan sa pag-aaral, paggawa ng gawaing bahay, pagtatrabaho at pagsagot sa tambak na modyuls, hindi rin naman maikakalang marami ang nagiging tamad na mag-aaral o nawawalan ng gana dahil sa malaking pagbabago sa sistema ng edukasyon. Lahat ay apektado sa pagdating ng pandemya, lahat ay nahihirapan at naninibago sa bagong normal na pamumuhay at pag-aaral ngayon ngunit hindi ito dapat magsilbing hadlang sa patuloy na pagsusumikap at paghahangad na matuto.
TULOY ANG PAMAMAHAYAG
Tulay sa katotohanan: Papel sa Bagong Normal ANGELO MALLARI
alang makalulupig sa hanggang Nasyonal bunsod ng malayang pamamapandemya. Sa iba ay inakalang hayag kahit sa gitna ito na ang pagtatapos para sa ng kawalan ng katiestudyanteng manunulat ngunit yakan manatiling boses para sa di nila batid na ito ang daan sa mundong inobasyon at nagbabamas pinatat“Hindi ang go. Ang ag na anyo pamamang pamamamadilim na hayag hayag. panahong ito ang pipangkampigil sa pus ay hindi Ang layunin ng bawat matatapos Campus paaralan na sa medalya Journalism at sertipiko, Act o RA mahubog ang kakayamay kom7079 ay inhan ng mga magpetisyon ihain ni Kaaaral sa pagsulat at man o wala bataan Party pamamahayag. Ito patuloy list-Repreang papel pa rin sa sentative paglimbag Terry L. ng kabataan sa gitna ng katotoRidon sa ng pandemya at hanan. kamara. Ang bilang manunulat sa batas ay bagong normal.” Sa kabinaglalayong la ng banta protektahan ng pandeang mga myang COVID- 19 ipinagpatuloy mag-aaral sa malayang pamamapa rin ang edukasyon sa Pilipinas hayag. Samantala, naisabatas ito at binuksan ang taong pampanoong July 5, 1991. Sa kinakanuruan 2020-2021. Sanhi ng harap sa krisis, umiikot ang bagong normal sa Edukasyon atensyon ng bawat isa. Ang mga kinansela ang lahat ng patimpacampus journalist ay nagpapatlak ng mga paaralan sa dibisyon uloy sa kanilang pagsulat dahil
W
Liham sa PATNUGOT
Mahal na Punong Patnugot,
Ngayong panahon ng pandemya, maraming pagbabago ang nangyari sa atin, at inaasahan ng mga magulang at mag-aaral na pansamantalang mahinto ang pag-aaral, ngunit taliwas dito nagkaroon pa rin ng edukasyon na kung saan nagkaroon ng online classes at modular na siyang ginagamit sa ating paaralan. Bilang estudyante napakahirap ng ganitong sitwasyon, may mga oras na hindi namin maintindihan ang mga modules kasi hindi naman na-discuss nang maayos at hindi namin gaanong naiintindihan kaya minsan hindi nakakapagpasa sa tamang oras at madalas hindi kami sigurado sa mga sinasagot namin, ano ang maaari naming gawin upang mapagtagumpayan ang mga ganitong klaseng problema? Ano rin ang mga payo ninyo sa amin upang mapagtagumpayan namin ang taong ito? At Ano ang maaaring gawin ng paaralan upang mas mapadali ang pag-aaral ng mga mag-aaral at maiwasan ang paghinto nila sa pag-aaral ngayong panahon ng pandemya? Nagmamalasakit, Claire Manzano
TUGON NG PATNUGOT Mahal kong Claire Manzano,
Hindi maikakaila na napakahirap talaga ng taong ito, kung saan ang daming nabago lalo na sa edukasyon at bilang estudyante pare-pareho tayo ng nararamdaman. Sa ating paaralan, modular learning ang pangunahing ginagamit, ang bawat estudyante ay binibigyan ng printed materials na kanilang sasagutan at ipapasa sa itinakdang araw at oras ng paaralan. Sa ganitong sitwasyon na papel lang ang ating basehan, mainam na magkaroon tayo ng sari-sariling paraan ng pagkatuto. At ang mga halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng “time management”, dahil nga distance learning at nasa bahay lang ang mga estudyante may mga pagkakataon na kailangan nilang kumilos sa loob ng bahay, sa tamang paggamit ng oras nagkakaroon pa rin ng pagkakataon ang mga bata na balansehin ang kanilang ginagawa. Isa sa pinakamabisang solusyon upang mapagtagumpayan ang ganitong klaseng problema ay ang pagkakaroon ng tiwala at disiplina sa sarili. Tiwalang hindi lang nanggagaling sa’yo ngunit sa mga taong nakapaligid sa’yo at sa pagkakaroon natin ng disiplina sa sarili, maiiwasan natin ang mga bagay na hindi naman dapat gawin. Tambak na gawain, kabuuang pagsusuri, gawaing pagganap at ang iilang mga guro ay nagpapagawa ng mga karagdagang gawain upang may mapagkuhanan sila ng dagdag marka ng mga estudyante, ito ay nagiging dahilan ng mas lalong paghihirap ng mga estudyante dahil mas lalong nadadagdagan ang kanilang mga ginagawa. Upang matugunan ang paghihirap, inilabas ng DepEd ang Memorandum OUCI-2020-307 na noong October 30, 2020, bilang katugunan sa hinaing ng mga guro at mag-aaral na mabawasan ang mga gawain sa pagtupad ng distance learning. Naniniwala ang mga Campus Journalists na kayang-kaya nating mapagtagumpayan ang taong ito, nang may bitbit na aral ang bawat isa. Sabay-sabay nating naramdaman ang hagupit ng pandemya, sama-sama rin nating makakamit ang saya at paglaya na matagal na nating tinatamasa.
kailanman hindi nawala ang platapormang ito. Isang papel ang ginagampanan nila sa gitna ng pandemya, ang magsiwalat ng katotohanan at ilabas ang mga naikubling usaping panlipunan. Ang Department of Education (DepEd) ay hindi tumitigil sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon. Gayon din naman ang mga isyung kinakaharap ng bayan. Ang mga naglipanang maling balita (fake news) at mga sari-saring komento sa bawat nagaganap sa mundo na walang matibay na basehan. Mula sa mga ganitong problema, dito nagbubuklod ang campus na maging tulay sa katotohanan para sa bawat isa. Ang gampanin ng mga mamamahayag ay mas pinalawak pa dahil ang dyornalismo ay binuhay sa pamamagitan ng digital na uri ng pahayagang pangkampus. Lubos naman ang kagalakan na sa gitna ng pandemya muling kumasa ang mga mag-aaral na maghanda sa paglimbag ng katotohanan at maging produktibong mandirigma ng pluma na sumasabay sa pagsubok ng krisis. Sa panahong higit na kailangan ang katotohanan, ang mga manunulat ng kampus ang magiging sandigan sa anumang laban at hamon ng buhay. Magpapatuloy ang nasimulan hanggang wakas, dahil ang panulat ang simbolo sa pag-asa at katotohanang para sa masa.
Nagmamahal, Punong Patnugot SIzzSTAMA NGA BA?
Pahirapang Edukasyon sa Pandemya, Academic Freeze Nga Ba ang Solusyon? PRINCESS DIAN SIMBULAS
a panahon natin ngayon, marami ang nagbago sa pamumuhay ng bawat mamamayan dahil sa pandemya, isa na rito ang pagbago sa sistema ng edukasyon ng mga mag-aaral kung saan dito nasusubok ang bagong pamamaraan ng Department of Education (DepEd) sa pagtuturo, na kung dati ay pasok sa eskwela upo't harap sa pisara ang nakagawian, ngayon naman ay upo't harap sa laptop, hanap ng signal ang bagong paraan, maipagpatuloy lamang ang pagaaral. Ayon sa DepEd, masasayang lamang ang panahon kung ikokonsidera nila ang academic freeze sa Pilipinas. Subalit, hindi naman nito pinipilit ang iba na mag-aral sa gitna ng pandemya. Ang daling sabihin, ngunit nakakatakot gawin, para itong panakot, panakot para sa mga estudyanteng ayaw mapag-iwanan, na sa takot ng iba sa atin na mapag-iwanan ng mga kasabayan nila sa pag-aaral, pinilit pa rin nilang pumasok, kahit na mahirap. Sa ilang buwan na lumipas mula ng magbukas ang klase sa
S
pamamagitan ng online classes at ng distance learning modality, kaliwa't kanan pa rin ang mga mababasa't maririnig na hinaing ng bawat mamamayan. Ang iba ay hirap na, ngunit ang iba ay ayos lang sa ganitong sistema. Pero, paano ang iba? Paano ang ibang nahihirapan?
“Subalit, sapat na nga bang academic freeze ang solusyon sa ganitong problema? Alam nating lahat na hindi lamang mga estudyante ang nahihirapan, maging ang mga guro't magulang din” Isa pa, iisa lang din naman ang gusto nating lahat, hindi ba? Ang makapag-aral, ang may matututunan, at makapagtapos na hindi napag-iiwanan ng panahon. Kung kaya't ating unawain ang isa't isa lalo na ngayon na ang lahat ay nahihirapan dahil sa pandemya.
10
ANG K
KOMENTARYO Face-to-face classes, dapat na bang ibalik? MAURRIEL DE LEON
feel that we can’t educate children who are not healthy, and we can’t keep them healthy if they’re not educated. There has to be a marriage between health and education. You can’t learn if your mind is full of unhealthy images from daily life and confusion about right and wrong.” Ayon kay Joycelyn Elders—isang American physician at government official. Napakaraming naa-
I
pektuhan ng pandemya, isa na riyan ang edukasyon. Ang pag-aaral na dati ay harapan ay naging modyular, online, TV at Radio-Based na. Sinabi ng Pangulong Duterte noong panlimang SONA niya na papayagan lang niya ang pagbabalik ng face-to-face classes kapag may available ng bakuna na laban sa Covid-19 maliban na lang kung matatanggal ang panganib na mahawa ng sakit dahil hindi niya magagawang ilagay sa peligro ang kalusugan at buhay
PARUSA O DISIPLINA?
Positibong Disiplina ang Kailangan LEIRYL CARIÑO
ba-iba ang pananaw parusa sa corporal ay higit na ng mga magulang sa ipinagbawal. tamang pagdidisipliAng pananakit bilang paraan na sa kanilang mga ng pagdidisiplina ay maaari anak. Kinakailangan ngang maging sanhi ng pagng disiplina ka-trauma para sa mga ng isang bata o kabatbata kung aan, tamang nasobrapakikipagkohan, ito munikasyon rin ay “Huwag kang upang maaaring ipaunawa ang humanmagpapabaya sa tama at mali, tong pa pagdidisiplina sa ang pananaksa lalong iyong anak. Ang it ay hindi pagreresolusyon sa belde tamang pagpapagtuwid ng ng mga lo ay hindi niya isang batang kabataan nakagawa ng at magikamamatay kasalanan. dulot ng kundi hindi mamakapagliligtas Maraming gandang mga bata ang epekto sa pa sa kanya sa nagdanas at pag-uugali kamatayan”, ang patuloy na ng bata. nagdaranas Kaya mga katagang ito ng parusang kinikilala ay mula sa Banal corporal o ng Famcorporal ily Code na Aklat. punishment. 1987 ang Tamang Ito ay ang karapatan pagdidisiplina pagkilos na at tungkunagdudulot lin ng mga at positibong ng sakit sa may awpagpaparusa katawan toridad sa at ginamit magulang ang kailangan bilang isang sa mga sa pagtulong na "disiplina" na bata na matuwid ang pamamaraan magpataw upang iwasto ng disiplipamumuhay ng ang ugali ng na sa mga kabataan. isang bata. kanila na Ang parumaaaring sang corporal hiniling ay umiiral sa sa ilalim iba't ibang ng mga antas ng pangyayari kalubhaan, at kinikilmula sa ala rin ng pamamalo, na madalas na ginaChild and Youth Welfare Code gamit sa mga bata at mag-aaral, 1974 ang karapatan ng mga hanggang sa pamalo o caning. magulang na disiplinahin ang Sa kasalukuyan, ang malubhang anak na maaaring kailanganin
I
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
ng mga mag-aaral at guro. Sa gitna ng pandemya ngayong may bakuna na, kinakailangan na bang ibalik ang tradisyunal na harapang pagtuturo? Ang pagigiging produktibo ng pagkatuto ay bumaba. Isinalaysay ng isang guro na nagtuturo sa mababang paaralan na karamihan sa mga estudyante ay kumokopya na lang sa mga answer key na nakalagay sa likod ng mga module at hindi nila sinasagutan ang mga walang answer key, ang iba naman ay sinasagutan naman ang mga pagsasanay na nasa module pero hindi nila inaayos na para bang sinasabi na ‘ganyan na lang basta may maipasa ako’ o ‘di naman kaya ay kumokopya lamang ng sagot sa internet. Higit na natututo ang mga estudyante sa face-to-face learning kaya hinihiling ng mga guro na sana ay magkaroon
para sa pagbuo ng kanyang mabuting pagkatao. May mga panukalang batas na inihain hinggil sa usaping ito, tulad ng Senate Bill No. 1477/ House Bill No. 8239 “An Act Promoting Positive and Nonviolent Discipline, Protecting Children From Physical, Humiliating or Degrading Acts as a Form of Punishment and Appropriating Funds Therefor”. Sa ilalim ng panukalang ito ay tinatanggal ang karapatan ng mga magulang na gamitin ang pamamalo, na sa palagay nila ay nararapat sa pagdisiplina sa kanilang mga anak. Ilan sa nais nitong ipagbawal ay ang: pananabunot, pagalog, pamimilipit, panunugat, pamamalibag, pagpapa-"squat," pagpapatayo o pagpapaupo sa 'di karaniwang posisyon, pagpapahawak ng mabigat na bagay sa mahabang panahon, pagpapaluhod sa bato o asin, kasama na rin ang pananakot, pamamahiya at pagmumura sa bata sa publiko. Subalit hindi ito sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paniniwalang maaari namang maisagawa ang pamamalo nang hindi humahantong sa pang-aabuso. Maging ang Kagawaran ng Edukasyon ay nakikiisa na wakasan na ang corporal punishment kaya naglabas ang kagawaran ng DepEd Order No. 40 na pinamagatang “Child Protection Policy”, layunin ng kautusang ito na bigyang proteksyon ang mga mag-aaral sa paaralan laban sa kahit anong pang-aabuso tulad ng diskriminasyon, pambu-bully at iba pa. Tunay na kinamulatan natin sa ating lipunan ang pamamaraan ng pagdidisiplina ng mga guro at magulang sa pagpaparusang pamamalo, pagkurot, pagluhod sa bigas o munggo habang may patong na libro sa mga bisig, at iba pa. Ang mga ito ang nagpatibay at nagpatuwid sa baluktot na pag-uugali ng mga naunang henerasyon sa atin. Subalit sa panahon ngayon, ito’y nagiging abuso na at hindi nalilimitahan ang pagpaparusa kaya nagiging negatibo na.
na ng tradisyunal na harapang pagtuturo pero sa paraang ligtas para sa mga estudyante at mga guro. Natututo pero hindi sapat. Para sa isang estudyante ng Tibag High School ay mas mainam pa rin ang face-to-face classes dahil mapapadali ang pag-unawa sa mga talakayan kahit na natutulungan tayo sa pagiging independent sa pagsagot sa mga modules hindi lahat ay nagiging produktibo. Sinabi ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan dahil may lakas tayong mga kabataan para patuloy na mahubog ng edukasyon at mga karanasan na tutulong sa atin para mapabuti natin ang ating Inang Bayan sa hinaharap. Gayundin ang mga college students, nahihirapan na. Ayon sa ilang medical students,
iba pa rin daw ang skill na matututunan nila kapag may face-to-face classes kung saan pumapasok sa ospital at marahil mahirapan sila sa hinaharap kung wala pa rin ito dahil hindi sila sanay humawak at mag-examine ng pisikal sapagkat ipinapaliwanag ang mga lessons virtually. Kaya naman, nananawagan ang CHED na makasama ang mga estudyante sa mga prayoridad sa pagbabakuna dahil may mga kursong kinakailangan ng magbalik sa face-to-face classes. Maibalik man o hindi ang tradisyunal na harapang pagtuturo, patuloy pa rin sanang maging uhaw sa pagkatuto ang bawat kabataan at hukayin nila ang mga natatagong karunungan at kaalaman upang mas lumawak pa ang kanilang pag-iisip at lumalim ang pang-unawa.
Boses ng THSians
ANG K
11
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
READING GOALS
Hiwagang Hatid ng
PAGBABASA AUDREY MARIAN ZITA
Sa patuloy na pag-iiba ng ihip ng pamilyar na hangin, kasabay ng pagbabago ng nakasanayang panahon, katulad ng dambuhalang mga gusali na may natatanging nakaraan, mga nakabibighaning nilalang na sa kasalukuyan pa lamang natuklasan, pati ang mga mahiwagang salita na kay sarap banggitin ngunit ngayon lamang nauwanan ang ibig nitong sabihin. Ang lahat ng impormasyong ito ay mababasa at matatagpuan sa mga libro. Diksyonaryong naglalaman ng pinagmulan at kahulugan ng mga salita o etimolohiya. Encyclopedia kung saan matutuklasan ang malawak at makatotohanang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa, at marami pang akda na maaaring pamuhatan ng kaalaman katulad ng atlas, almanac, sanggunian, at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay may angking impormasyon na maglilimbag ng karunungan sa ating pamumuhay lalo na dahil sabik ang isang tao sa bagong pagkatuto. Ang sabi ng karamihan, katulad ng pakain ay hindi mabubuhay ang tao kung walang nalilikom na panibagong impormasyon. Ang pagbabasa ay ang pagkain at bumubuhay sa ating isip (mental food) ang sabi ni
James Dee Valentine. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay nagkakaroon tayo ng pagkakataong maunawaan ang diwa ng mga akdang nais ibahagi sa atin ng mga tanyag na manunulat. Natutuklasan natin ang nakalulunod na kahulugan ng isang salita, kwento, tula, at makasaysayang kwento ng kilalang lugar, tao, bagay o hayop. Hatid din ng pagbabasa ang kakaibang damdamin sa tuwing nabibigyang sagot ang mga tanong na hindi natin mawari matapos ang matagal na panahon. Pinapaunlad ng pagbabasa ang paglalakbay ng ating isip kung kaya’t nagiging malawak ang ating imahinasyon na dahilan ng ating pagiging malikhain.
nobelang inilimbag ni Gat. Jose Rizal. Ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at El FIlibusterismo ay may malaking gampanin sa kalayaang tinatamasa natin ngayon, sapagkat ang dalwang akdang ito ay ang gumising na nag-aalab na rebolusyunaryong damdamin ng mga Pilipino na naging dahilan ng kanilang pag-alsa laban sa sakim na pamamahala ng mga kastila. Isa pang halimbawa ng malawak na impluwensiya ng pagbabasa ay ang mga inilathalang sulatin ng mamahayag, estudyante man o
Bukod sa pang-akademikong ideyang hatid ng pagbabasa, hindi maitatangging may kakayahan itong magbigay ng mga leksyong maihahambing sa payo ng isang mapagmahal na ina. Tunay na maimpluwensiya ang mga akda, halimbawa nito ay ang dalawang
propesyunal ay may hatid itong mensahe na may layuning mapabuti at baguhin ang pananaw ng mga mambabasa ukol sa isang opinyon o balita. Ang pagbabasa ay isang magandang gawain, kadalasan ay itinuturing itong libangan lamang subalit ito ay mayroong mas malalim na dulot sa kung paano natin lingunin ang iba’t ibang bagay. Nagbabahagi ng panibagong pananaw na maaaring makaapekto sa ating pagdedesisyon o pakikipag-usap ngunit tayo ay may responsabilidad sa ating mga nababasa at kung paano natin ito paiiralin. Katulad na lamang ng mga estudyanteng hilig ang pagbabasa at nagsisikap na kumuha ng inspirasyon mula sa mga akdang naipon mula sa tinitingalang manunulat upang gamitin ang mga natutuhan dito at simulan ang pagsusulat ng mga kwentong mag-iiwan ng bakas sa makababasa. Ang mga libro ay katulad ng mga guro na may layuning mag-iwan ng natatanging leksyon sa kanilang estudyante sapagkat ang mga nababasa at naririnig ay nauukit at nahuhubog sa sa ating isip. Ang pagtuklas ng panibagong karunungan sa pamamagitan ng pagbabasa ay simbolo ng pagnanais na matuto.
KWEnTO SA LIKOD NG MGA PAHINA LEIRYL CARIÑO
Sa pagbukas ng unang pahina, ihanda na ang sariling tenga at alertong pagtatama sa mga salitang binabanggit. Isang hamon sa bawat bata na dapat hagkan nang buong kaya upang maging maganda ang kinabukasan at malayo sa kamangmangan. Ang hamon ng pagbasa. Ang isang hamong ito ay buong kakayahan at pagmamahal ding niyakap ng isa sa matiyagang guro sa Tibag High School (THS), si Gng. Rainniel E. Marcos na tinaguriang “Reading Teacher”. Tunay ngang mayroon pa ring mga mag-aaral na hirap sa pagbasa o mabagal makaunawa kaya ginagawa ni Gng. Marcos ang makakaya upang walang batang mapag-iwanan. Sa walong taong pagtuturo ng gurong ito, walang ibang hangad kundi ang makitang nagtatagumpay ang kanyang mga minamahal na mag-aaral. Kasalukuyang nagtuturo si Gng. Marcos sa Grade 11 sa asignaturang 21st Century Literature from the Philippines and the World: Reading and Writing Skills. Napalaking epekto sa pagkatuto ng kanyang mag-aaral kung ito
ay hindi pa marunong bumasa o makaunawa. Kaya isa sa estratehiya ng gurong ito sa pagtuturo ng asignatura, bawat mag-aaral ay magbabasa ng isang linya ng maikling kwento. Dito nasusuri ang mga batang mahina ang kakayahan sa pagbasa at kakausapin naman ni Gng. Marcos ang mga mag-aaral na nangangailangan nang higit pang pagsasanay sa pagbasa at bibigyan ng mga babasahin na makatutulong sa kanila. Batid ni Gng. Marcos na may mga mag-aaral talagang kinakailangang pagtuunan nang pansin at gabayan sa progreso ng kanyang pagbasa. At, handa niyang abutin ang mga magaaral na ito, sa simpleng “thank you” mula sa mga mag-aaral napakalaking kapalit na sa lahat ng pagtitiyaga niyang maturuan ang mga batang ito. “Noong nagturo ako sa Grade 8-Phytagoras taong 2017-2018, pagkatapos ng klase tinuturuan kong magbasa ang mga estudyante ko. Pagkatapos ng 2 taon, may isang batang lalaki na tumatakbo papalapit sa akin at bigla niyang sinabi,
“Hello Ma’am Rain, student ninyo po ako two years ago, marunong na po akong magbasa ngayon dahil sa inyo, salamat po.” Isa lamang ito sa istoryang nakakapag-antig ng damdamin dahil may isang gurong handang magsakripisyo at magtiyaga. Marahil ang pandemya ay isang pahina ng buhay ng bawat isa na nais nang malampasan at tumungo na sa sumunod na pahina, tulad sa mga binabasang libro. Subalit, kailangang tanggapin at harapin ang katotohanan ng buhay kahit gaano kahirap. Walang gurong nais magkaroon ng mga mag-aaral na hindi marunong bumasa at umunawa. Wala rin na-
mang mag-aaral o batang nais lumaking mangmang at walang alam. Bawat mag-aaral ay magkakaiba at handang matutong bumasa, may iilan lamang na walang kumpiyansa at ayaw sumubok dahil natatakot magkamali. Kailangan lamang ng mga makakaunawa sa kalagayan nila, pagtitiyaga, pagmamalasakit, aabot at maniniwala sa kanila na mayroon pang pagasa.
12
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
LEIRYL CARIÑO
Tila isang bangungot sa sangkatauhan ang nararanasang pandemya. Marami ang naapektuhan, lahat ng aspeto ng buhay ng tao ay lubhang nayanig ng Corona Virus Disease. Noong ika-30 ng Enero, 2020 naitala ang unang kaso ng Novel Coronavirus (2019-nCov) o mas kilala bilang COVID-19 sa Pilipinas. Unang nagdulot ng malalang Pneumonia ang 2019-nCov sa ilang tao sa Tsina at kumalat na rin sa iba pang siyudad at bansa noong Disyembre 2019. Ang Coronavirus ay karaniwang sa hayop lamang matatagpuan at hindi pa nakikita sa mga tao noon. Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) noong ika-24 ng Enero, 2020 na ang nCov o COVID-19 ay naipapasa tao sa tao. Ang buong mundo ay nilukuban ng takot at pangamba, araw-araw nadaragdagan ang kaso ng mga nahahawaan at namamatay. Hindi naging biro ang pandemyang kinakaharap ng buong sangkatauhan. Tila ang makinang nagpapaikot sa bawat tao ay biglang huminto, maraming nagsarang kumpanya, nahintong edukasyon, nawalan ng trabaho at negosyo. Namayani ang takot sa pag-aakalang baka ito na nga ang katapusan ng mundo o baka pinaparusahan na tayo ng Maylikha. Nawalan na nang katiyakan sa magiging bukas, ang mga pangarap ng iilan ay unti-unting nagiging malabo, nawawalan na nang saysay sa mga ginagawa. Naging tahimik at hungkag ang mga kalsada’t establisyemento, walang mga transportasyong maiingay, mga pasaherong nag-uunahan sa pagsakay, mga mamimili at nagbebenta ng samu’t sari.
Nagkaroon din ng pahinga ang kalikasan mula sa polusyon at kalat na dulot ng mga turistang walang pakialam sa kalinisan. Ang mga negosyante at trabahador na araw-araw ay kayod-kalabaw at walang pahinga ay nagkaroon ng pagkakataong mamahinga mula sa mga gabundok na trabaho. Ang mga pamilyang hindi nagkikibuan noon dahil nakalaan sa ibaibang bagay ang atensyon ay naging matibay ang relasyon sa isa’t isa, higit na nagkakilala dahil sa pananatili lamang sa loob ng bahay. Tumingin ka sa paligid, maraming nagbago at nagbabago. Ang normal na pamumuhay ay napalitan ng bagong normal na dapat nating makasanayan. Ang pagsusuot ng face mask at face shield na bahagi na ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao, social distancing, ang alcohol ay isang ganap na essential, ang pag-iwas sa matataong lugar at mabuting manatili na lamang sa bahay. Sa kabila man ng negatibong kahulugan ng Covid-19, maaari pa rin tayong tumingin sa positibong pananaw ng mga pangyayaring hindi natin inaasahan sa ating buhay. Pagakatapos ng dilim, laging may liwanag.
ANG PAG-USBONG NG PAGKAKATAON SA GITNA NG PANDEMYA PRINCESS DIAN SIMBULAS Kung babalikan nang nagdaang taon, maraming naging uso at umusbong na mga bagong terminolohiya na naisilang sa gitna ng pandemya.
ang pandemya.
Simula Marso 2020, may mga lugar sa Pilipinas ang napasailalim na sa community quarantine dala ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Dahil sa pagkabagot ng mga Pilipino sa ilang buwan na pananatili sa kani-kanilang mga bahay, ang iba ay naghanap ng makapagbibigay-aliw sa kanila sa araw-araw. Isa na rito ang pagtatanim o paghahalaman sa loob ng kanilang bahay o ang iba naman ay sa labas kung saan naroon ang kanilang hardin. Bukod sa libangin, marami ring Pilipino ang nabuksan ang kamalayan na makita rin ito bilang isang pagkakataon sa pagsisimula ng negosyo lalo na’t marami rin ang pansamantalang tumigil sa pagtatrabaho buhat nang magsimula
Sa pagsisimula ng pag-usbong ng paghahalaman o pagtatanim sa tahanan ng mga Pilipino, dito na rin nagsimulang sumibol ang bansag na Plantito/Plantita. Ang mga terminolohiyang ito ay resulta ng paghahalo at pagtatambal ng salitang Ingles na plant at mga salitang Tagalog na tito at tita. Ito ang mga salita na madalas nating nakikita at naririnig lalon-lalo na sa mga social media. Sa katunayan, bago pa man dumating ang pandemya, marami ng mga Pilipino ang matagal ng nawiwili sa paghahalaman. Ngunit sa naging sitwasyon ng bansa, nagbukas ito bilang pagkakataon sa maraming Pilipino upang mabuhayan o magising ang kanilang mga inner plantito/ plantita. Isa sa mga guro ng Tibag High
School (THS), si Ma’am Shinette Botio ay certified plantita. Nakatulong din ito sa kanyang mental health at nagbigay daan para makapaglagay ng frontyard at backyard garden, saad pa niya. Simula nang dumami ang suplay ng mga buto ng halaman ni Ma’am Botio at naranasang makapagpatubo ng mga punla ay naging pagkakataon ito upang maisipang gawing negosyo ang paghahalaman. Marahil karamihan sa mga Plantito/Plantita ay talagang libangan lamang ang paghahalaman, ngunit hindi kay Angelo Mallari, isa sa mga mag-aaral ng THS. Sa kanyang pagsasalaysay, buhat nang dumating ang pandemya, hindi na naging sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang at hindi na natutustusan ang iba pang pangangailangan. Nagkaroon ng
ideya ang kanyang ina na ibenta ang mga nakolektang halaman bago pa man ang pandemya. Ang kinikita ng mag-ina ay ipinapaikot para madagdagan pa ang mga halaman at para tumaas ang halaga ng mga ito. Dahil sa pagbebenta ng mga halaman, nagkaroon ng extra income ang pamilya ni Angelo. Sa kanila, ang paghahalaman ay hindi lamang libangan, ito’y pantustos din sa gastusin nila sa araw-araw. Maraming naidulot na pagbabago ang pandemya sa mga Pilipino. May mga namatay na pagkakataon, marami rin naman ang umusbong. Tulad ng kuwento nina Ma’am Shinette Botio at Angelo Mallari ng THS, ang pag-usbong ng pagkakataon sa gitna ng pandemya na magbubukas sa kamalayan ng nakararami ang pakinabang na hatid ng pagiging plantita at plantito.
PAMILYANG MALAPIT, REGALONG DAPAT MAKAMIT JEAN ELISHA MESA Dala ng kasalukuyang kinahaharap na pandemya ay ang mga rumaragasang problema. Lahat tayo’y nalagay sa isang madilim na lugar, hindi maiiwasang dumating sa punto ng kapaguran at wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ang magkaroon ng pamilyang iyong masasandalan at makakapitan.
Ang pamilya ang makikinig sa mga problemang matagal mo ng iniinda nang tahimik. Sila ang magiging ilaw mo sa madilim na daang hinahakbangan. Tunay ngang napakalaking biyaya ang kulturang ito para sa ating mga Pilipino. Ang pandemyang ito ay naging daan din sa mga Pilipino upang makita ang kahalagahan ng pamilya.
Ang pamilya mo ang gagabay sa’yo mula sa pagmulat ng iyong munting mga mata kaya naman napakaimportante ang pagkakaroon ng malalapit na relasyon ng pamilya o close family ties. Ang close family ties ay nagreresulta ng mas malaking samahan ng pamilya, madalas maoobserbahan ang kaugaliang ito sa pamilyang Pilipino.
Lumabas ngayong pandemya ang tunay na kahalagahan ng pamilya at sana hindi ito makaligtaan ng lahat. Nawa’y mas paigtingin pa natin ang relasyon at pagmamahalan sa ating mga pamilya lalo na sa panahon ng pandemya. Panatilihin natin ang pagkakalapit at ipasa natin ang regalo ng pamilyang malapit hanggang sa mga susunod na henerasyon.
ANG K
13
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
KUMPUNI NG MABUTING KAMAY ROSEMEYA FERRER
ers’
Simulan natin sa mabuting balita. ‘Lalaki nag-aalok ng libreng repair sa Laptops, Comput-
‘Paying it Forward: Programmer, repair students’ Laptops for free in Tarlac’ ‘Libreng Laptop Repair Para sa mga Estudyante, Adbokasiya Ngayon ng Isang Programmer’ Sa bilyon-bilyong tao sa mundo, marahil hindi na maibibilang ang mga kamay na uhaw sa paggawa ng mga bagay para sa pansariling interes at mga kamay na napipilitang gamitin sa pagkapit sa patalim. Walang sinuman ang nagnanais na maging pambungad sa magandang umaga ay ang pagsisiwalat ng mga negatibong balita, mga karahasan at kasamaan ng sangkatauhan. Taong 2020, tila lalong naging malupit ang mundo, kahit saang istasyon ang COVID-19 ay nagsimulang tumatak na sa lahat. Takbo ng buhay ng bawat tao saanmang panig ng mundo ay unti-unting nabago. Walang pinipiling tamaan ang COVID-19, lahat ay maaaring maging biktima. Ang pagbabagong dulot ng pandemya ay hindi sa lahat ay takot at pagkalugmok. Sa gitna ng pandemya, may nalantad na kabutihan at may sumibol na pag-asa. ‘Tarlac’s Mark Anthony Perez repairs students’ laptops for free’ Agosto 2020, pansamantalang naging pipi ang mga telebisyon sa balita tungkol sa COVID-19. “FREE REPAIR OF PC AND LAPTOP FOR STUDENTS”, ang simpleng post na ito na may hangaring makatulong sa simpleng pamamaraan ay naging tulay sa pag-abot pa ng maraming estudyante. Ito ang naging adbokasiya ng 22 taong gulang na binata mula sa Sitio Pag-asa, Tibag, Tarlac City, si G. Mark Anthony Perez o Mr. Kapanalig. Si G. Perez ay naging estudyante sa Tibag High School (THS) taong 2010-2014 at nagtapos sa kolehiyo sa Tarlac State University (TSU) sa kursong Bachelor of Science in Information Technology, kasalukuyang kumukuha ng Master’s Degree at nagtatrabaho sa TSU bilang isang Full Stack Web Developer. “PISO PARA SA LAPTOP”, isang post sa social media
ang nag-udyok at naging inspirasyon ni G. Perez upang magsimulang manghikayat sa pamamagitan din ng pagpost sa social media para sa mga estudyanteng nangangailangan ng laptop o computer pero walang sapat na pera para magpagawa at hinihikayat din ang publiko na magbigay ng donasyon ng kanilang sirang laptop na kaya pa niyang ayusin upang maibigay rin sa mga nangangailangan. Hindi inaasahan na ang post niyang ito ay magiging bantog at maraming magiging interesado. Sa kabila man ng pandemya, buong kaya at puso niyang sinimulan ang adbokasiya. Ang mga ipinapagawa at ibinibigay sa kaniyang mga PC at Laptop ay ginagawa niya tuwing gabi at kapag wala siyang pasok sa trabaho. Libre lamang kay G. Perez ang pagsasaayos ng mga luma o sirang laptop dahil alam niya ang hirap ng mga estudyante lalo na higit na kailangan ang computer o laptop sa pag-aaral ngayong distance learning. “Naaawa ako ‘dun. Sabi ko, why not mag-create ako ng ganitong campaign. Hihingin ko ‘yung mga sirang computers o laptop na hindi na ginagamit nung mga tao. Then, ita-try kong ayusin. Kapag maayos, ipamimigay ko sa kanila ng libre…” Hindi nagmula sa gintong kutsarang pamilya si G. Perez, sa katunayan siya ay naging iskolar ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s). Sa kagustuhan na makatulong sa kapwa, ang pag-aayos ng sirang laptop ang nakita niyang paraan upang maibalik ang tulong na ipinagkaloob sa kaniya ng gobyerno. May mga kamay pa rin na handa at buo ang pusong maging bukas sa pag-abot sa mga nasa ibaba, mga kamay na pwede palang maging uhaw sa paggawa ng kabutihan, magamit upang maging simbolo ng kabayanihan at maging tulay sa iba upang makita na laging may bukangliwayway na darating. Walang pinipiling panahon at katayuan sa buhay ang pagtulong. “Minsan ka lang mabubuhay dito sa mundo, lagi mong piliin na maging mabuti sa iba.”
14
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
PAGSASAHIMPAPAWID NG KARUNUNGAN
Simula sa pagsasaayos ng live streaming sa facebook at pagsasaulo ng mga aralin at sa kung paano bibigkasin, hanggang sa pagtipa ng pambungad na musika at sa pagpapakilala sa pamamagitan ng teknolohiya na Radyo, ang istasyong THS Numero Uno: Doble Otso (88.0) Radyong Totoo ay nakapagbabahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral na naaabot nito. Isa sa bagong mukha ng edukasyon, isang modalidad para sa karagdagang pagkatuto sa gitna ng pandemya. Kaya sa bawat salitang binabanggit sa harapan ng Radyo ng bawat guro, naroon ang alon ng aral patungo sa bata na kahit hirap, kahit may pandemya, kahit walang pera, matatarik at malayo man ang daan, para sa kabataan, sasahimpapawid ang alon ng aral para sa kinabukasan ng bayan, sa pagbigkas ng mga guro sa Tibag High School na may halong tuwa at kaba sa pagsambit ng intro na ”THS Numero Uno Doble Otso Radyong Totoo” sumasahimpapawid kasama ng alon ng kaalaman upang mapuksa ang kamangmangan. -Leirl Cariño
ETUlay ang EDUKASYON
Sa bawat paghakbang ng mga mag-aaral sa landas ng kinabukasan, hindi napatid ang edukasyon sa pandemyang dumating. Ang ETUlay na mula mismo sa salitang “itulay” ay tunay na nagsilbing tulay sa edukasyon ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng online tutorial para sa mga magulang at mag-aaral na nilalayong makatulong sa mga sinasagutang aralin ng mga mag-aaral ay isa sa naging mukha ng edukasyon ngayong pandemya. Ipinapalabas mula Lunes hanggang Sabado sa Facebook Live ng DepEd Philippines page ang mga serye ng ETUlay, mapapanood din sa DepEd Tayo at DepEd EdTech Unit. Naglalaman ang mga serye ng educational videos na maaaring makatulong sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12. -Anne Claire M. Dela Cruz
MODYULAR NA PAGKATUTO
Pagsapit ng itinakdang araw ng pagbibigay ng Learning Activity Sheets o Modyuls, mga magulang na itinataguyod ang kinabukasan ng mga anak ay tatahakin ang landas patungong paaralan. Niyakap ang katotohanang ito na ang bagong mukha ng edukasyon, isang pamamaraan upang patuloy pa rin ang pagkatuto ng mga magaaral sa gitna man ng kinakaharap na pandemya ng ating bayan. Ibubuklat ang bawat modyuls sa asignatura, pilit uunawain ang nilalaman ng mga paksa. Aaralin hanggang kaya nang masagutan ang bawat katanungan, ilalapat ang mga sagot nang walang katiyakin kung tama o mali ba. Hangad na mawakasan na itong pandemya, dahil mahirap pala ang mag-aral sa sarili lamang pang-unawa. Higit na mainam pa rin na may mga gurong tagapanday ng karunungan. -Crissa Antonio
ONLINE KUMUSTAHAN CLASS
“Kumusta kayo, mga anak?” “Naririnig ba ko?” Madalas itong marinig sa mga guro sa kanilang klase. Ngayong bagong normal, binago ng sitwasyon ang mga nakasanayan nating makita at marinig. Noon, sa loob ng mga silid-aralan, mauulinigan ang mga maiingay na daldalan at pagsigaw ng mga gurong nagbabawal sa kanilang mga mag-aaral. Ngayon, sa “Online Kumustahan” maaari mo ng imute o alisin ang mga mag-aaral na naglilikha ng ingay sa gamit na uri ng pakikipagkomunikasyon. Isa sa bagong mukha ng edukasyon ang Online Kumustahan sa Tibag High School, hindi sapilitan ngunit may dagdag na suporta at tulong sa mga mag-aaral na nais pang unawain ang mga aralin sa modyuls. Isa ring pamamaraan upang paigtingin pa ang ugnayang guro-mag-aaral sa kabila man ng hadlang na dulot ng pandemya. -Maecel Jean Almario
PAG-ABOT SA ABOT NG MAKAKAYA
Wala sa layo ng tatahakin, kabundukan ay siyang aakyatin, bitbit ang pag-asang makapag-aral sa kabila ng hirap ng buhay. Baranggayan ang naging tugon upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Inabot ng Tibag High School ang bawat mag-aaral sa kani-kanilang barangay na hindi nakakapunta sa paaralan dulot ng kalayuan, walang magulang/guardian at wala ring panggastos papunta sa eskwelahan. Ito ang bagong mukha ng edukasyon sa likod ng pandemya. Inilunsad ng Tibag High School ang barangay scheme na distribusyon ng modyul sa mga bata sa pakikipagtulungan sa mga opisyales ng mga barangay na nasasakupan nito at sa pamumuno nina Gng. Velvet Alva at G. Michael Ocoma na inumpisahan noong ika-20 ng Oktubre taong 2020. -Angelo Mallari
ANG K
15
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
BALIK TANAW SA IKALAWANG TAHANAN; Pagsilip sa Bagong Mukha ng Edukasyon ANGELO MALLARI
Tanda mo pa ba ang iyong silid-aralan? Sa dulong bahagi ng gusali na sa umaga’y tinatagusan ng sinag ng araw. Naalala mo ba ang kuwadradong silid, dito maghapong nakaupo at nakikinig sa mga araling ibinabahagi ng iyong guro. Madali na lamang ikwento at ilahad ang karanasan ito bago pa man ang pandemya. Ngunit ano nga ba ang kakaiba? Na minsan ika’y lubos na sumaya sa bisig ng ikalawang tahanan. Mahigit isang taon na ang lumipas, ang kanlungang Pampublikong Paaralan ng Tibag ay nakakubli sa alikabok, waring hinihintay ang mga haplos ng mag-aaral sa bintana’t sahig ng mga gusali. Ilang buwan na rin ang walang lumalagi rito, bunsod na rin ng pakikibaka sa mga batas at alituntunin ng pandemya, marahil ilan sa mga lugar at silid nito ay nabago na. Mga sandaling hindi pa limot ng isipan, sa umagang pagpasok, bubungad si Manong Ronaldo ipagbubukas ka ng tarangkahan sabay bati ng magandang umaga at mag-iiwan ng ngiti bago tunguhin ang tambayan. Saksi ang mga pader ng silid sa mga tawanan, kulitan at mga gawaing bumubuhay sa dugo ng mga mag-aaral. Aliw ang dala ng mga kamag-aral na nagpapatawa at minsan tikom ang bibig ng lahat dahil sa sermon ng gurong paos na sa kababawal. Sa isip na lamang muling maririnig ang alingawngaw ng batingaw na hudyat ng pagtatapos ng araw sa eskwelahan. Sandaling natigil ang pintig ng edukasyon subalit nanumbalik din
yaring operasyon. Sinubok ang kakayahan ng mga mag-aaral at kaguruan sa pag-usbong ng bagong mukha ng edukasyon. Tahanan ang nagsilbing paaralang kanlungan at magulang ang siyang gabay sa pagtama ng karunungan. Virtual ang naging tugon ng kagawaran, mga mag-aaral ay nakaharap sa iskrin, nakikinig sa mga aralin, hindi alintana ang ingay ng mga batang naglalaro sa lansangan. Modyul ang tangan ng mga mag-aaral na babad ang isipan sa maghapong pagbabasa at pagsagot. Marami mang balakid ang dumaan pilit na itinataguyod ang edukasyon upang walang maiwan sa laylayan. Sa kabila ng pangugulila, isa lamang ang tiyak naming mag-aaral, lumikha man ito ng pagbabago batid namin ang mga memoryang iniwan sa mga pasilyo nito ay mananatili. Laksa-laksang lungkot man ang nararamdaman sa mga oras na ito, higit sa mga kapwa kamag-aral, mga naging kaibigan, at minamahal na kaguruan. Natitiyak na ang tanging hiling ng lahat ay ipagpatuloy ang laban kahit sa sarili na nating mga tahanan, at iparamdam ang edukasyon nang ligtas, na may diwa, umiiral na dangal, at dunong. Umaasa sa muling pagbisita sa kanlungan ng THS, ang pasasalamat bilang pagbabalik-tanaw sa mga naiwang memorya sa ating ikalawang tahanan. Pasasaan pa’t hindi rin natin mamamalayan ay nakauwi na tayong muli sa kaniyang kandungan. Muling pagbubuksan ang tarangkahan, nakatindig at buong tapang na aalisin ang telang nakatikip sa mukha, hudyat na nagwagi na tayo sa pandemya na ating kalaban.
16
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
BAYANIHAN SA GITNA NG
PANDEMYA ANGELO MALLARI
Hindi kailanman naluluma ang konsepto ng bayanihan sa Pilipinas. Ang bayanihan ay bahagi ng kultura ng bansa at isa sa mga pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pagbubuhat nang sama-sama sa bahay kubo ay larawang sumasalamin sa makalumang tradisyon ng pagtutulungan. Likas na sa mga Pilipino ang bayanihan, ang literal na konsepto ng bayanihan ay orihinal na sinusunod sa mga lugar sa kananuyan. Ang mga kalalakihan ay pinapakiusapan na tumulong buhatin ang isang tradisyunal na bahay na tinatawag na “bahay kubo” ng isang pamilya na lilipat sa ibang lugar. Sama-samang binubuhat ng 15-30 na kalalakihan ang buong bahay gamit ang kawayan na nakatali sa ilalim ng patayo at pahalang. Ang konsepto ng bayanihan ay orihinal na mula sa mga Pilipino, hindi ambag ng sinumang dayuhang nanakop sa bansa. Sinasalamin nito ang pagbubuklod-buklod at sistema ng pagtutulungan ng isang pamayanan anuman ang antas ng pamumuhay. Sa paglipas ng panahon, bagamat ang literal na bayanihan ay nananatili na lamang bahagi ng kasaysayan, patuloy pa rin buhay ang diwa nito sa bawat mamamayan. Ito ay napatunayan sa mga nagdaang sakuna at kalamidad na naranasan ng mga kababayang Pilipino, kaliwa’t kanan ang nag-aabot ng tulong upang maiparamdam ang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino. Ang diwa ng bayanihan ay mas lalong umiral ngayong pandemya, mula sa klasikong bayanihan ng mga Pilipino na pagbubuhat ng bahay kubo na kahit mabigat ay nagiging magaan kung may tulungan, hanggang ngayong pandemya na kahit mahirap man ang dalang mga suliranin nakakayanan at napapagaan dahil sa pagkakapit-bisig ng bawat isa. Sa panahon ngayon makikita natin ang mga taong sumusunod sa batas ng pamahalaan para sa kalusugan, ang mga taong namamahagi ng libreng kagamitan na maaari tayong protektahan sa kalabang hindi nakikita. Hindi ba’t pagtutulungan at kooperasyon na rin iyon? Kung uunawain ng bawat isa ang kalagayan ngayong pandemya, tiyak na maiisip ang kahalagahan ng bayanihan. Mga taong ginugugol ang oras sa pag-alaga sa kanilang pasyente, itinuturing na bayani sa panahon ngayon ang mga doktor at nars, ngunit hindi makakayanan ng bayani ang lumaban kung walang bayanihan na aalalay sa kanila, kaya bawat isa sa atin ay kailangang makiisa para makabangon sa dagok ng pandemya. Naging patok din ang community pantry na unang isinagawa sa Maginhawa, Quezon City, tila isang domino ang epekto at virus na mabilis ding nakahawa. Sa kabila man pinagdadaanan ng bawat isa, sa abot ng makakaya at pagmamalasakit sa kababayan ay patuloy na binubuhay ang diwa ng bayanihan.
ANG K
17
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
Iwas COVID-19:
THSians, binigyang kaalaman sa tamang paghuhugas ng kamay CRISSA ANTONIO
Nilahukan ng mga magaaral ang isinagawang Proper Handwashing ng Tibag High School (THS) bilang tugon sa proyekto ng Department of Education na “OK sa DepEd” na ginanap noong ika-8 ng Pebrero, 2021 sa pamamagitan ng virtual program gamit ang FB live sa pangunguna ng mga guro sa MAPEH at TLE department at sa pamumuno ni Gng. Juvelyn L. Esteban, punong-guro ng THS. Ayon sa DepEd Order No. 28, s. 2018 o kilala bilang “Policy and Guidelines on Oplan Kalusugan sa Department of Education” na ang layunin ay mabigyan ng medical at dental care ang mga mag-aaral. Nilalayon nito na magkaroon ng programa ukol sa kalusugan at nutrisyon para sa mga estudyante. Ayon sa Department of Health (DOH),
naghuhugas tayo ng kamay upang mapanatiling malusog ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay, lalo na sa mga panahong maaaring makakuha at maikalat ang COVID-19 virus. Ang oryentasyon ay binigyang buhay ng mga mahuhusay na tagapagsalita na Sina Dr. Eliseo M. Bungay Jr. (Medical officer III), Mr. Dave Lemuel A. Saavedra (Nurse III /NDEP Division Focal Person), at Hazen S. Bognoy (Nurse II/ WINS Division Focal Person). Binigyang punto ng Virtual orientation ang tamang paghuhugas ng kamay at kahalagahan nito lalo na ngayon na mayroong pandemya. "Ang layunin ng Handwashing Webinar ay bigyang aral ang mga tao sa kung papaano ang tamang paghuhugas ng kamay, at ang kahalagahan nito upang mapangalagaan ang ating
sarili, at kalusugan Lalo na ngayong panahon ng pandemya" -ani ni Gng. Kristine V. Casareno, punong namamahala. Ang FDA ay nagsagawa ng karagdagang aksyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan nailunsad ang alcohol-based rub sa lahat ng pampublikong lugar. Sa pagtaas ng kahingian at kakulangan ng suplay, maraming mga pasilidad ang walang Alcohol-Based Rub. Kaakibat ng kakulangan ang paghuhugas ng kamay ay isang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng Covid-19 Virus, at iba pang mga sakit.
15
"Pwede nating gawin pareho (alcohol based rub, proper handwashing), gawin lang natin sa tamang pamamaraan", dagdag pa ni Gng. Casareno.
Pinagpagurang Pigura: Ang Resulta ng Isang Taong Quarantine ANGELO MALLARI
Hindi mundo ang magdidikta, hindi ang komento ng iba ang magdadala, tuklasin ang importansya sapagkat sarili’y mahalaga. Sentro ng usapin ang pagbabagong naidulot ng malawakang lockdown sa buong bansa, nariyan ang mga inobasyon sa sarili na kung tawagin ng nakararami ay “Glow up” na tila ito na nga ang naging laman ng social media sa makalipas na buwan. Naglipanagnila
na ang mga litrato na papakita kung paano hinarap ang diskriminasyon at mental health kasunod ng mga pagbabagong naganap sa kanila sa pisikal na kaanyuan at sa pag-iisip. Isa marahil na maituturing ang taong 2020 bilang taon na nagawang mapanatili ang karamihan sa kani-kanilang kabahayan, ngunit sa likod ng mga problema hindi nagpapigil ang kabutihang dala ng agham at teknolohiya. Kabi-kabilang online zumba fitness at healthy lifestyle application ang naglipana upang gawing pampalipas oras ng iba ngunit ang iilan ay naging pamamaraan ito upang kunin ang pagkakataon na magbawas ng timbang at maisakatuparan ang
pagbabago sa sarili. Isa si Alyssa Ashley M. Mandap, mag-aaral ng Tibag High School (THS) na nakaranas ng diskriminasyon at pinagdaanan ang madilim na mundo sa tuwing napapansin ang kanyang pangangatawan, naapektuhan maging ang kanyang mental health na nagtulak upang makaramdam ng anxiety at depression. Kaya naman, pinagtuunan niya ng pansin ang sarili, nanonood ng mga video sa YouTube tungkol sa pagiging positibo sa panahon ng pandemya. Dahil sa pagmamata ng iba, ito ang nag-udyok sa kanya upang simulan ang pag-eehersisyo, pagkain ng masusustansyang pagkain at maayos na pag-iisip tungo sa inaasam na pagbabago. Makapilas ang ilang buwan, nagawa na nitong maabot ang tinatawag na “Plateau” na ibig sabihin ay pagtigil ng pagbabawas ng timbang dahil sapat o pantay na ang calories na natatanggap ng inyong katawan. Sa pagkakataong iyon, mas pinalakas naman niya ang intensity ng kanyang ehersisyo na tumatagal na ng isang oras at kalahati sa maghapon. Sa pagkain panay lamang ang gulay at white meat at malimit na umiiwas sa matatamis na pagkain. Sa mahabang paghihintay, nagbunga ang resulta ng ilang buwang disiplina, nakamit niya ang kanyang inaasam na hubog ng katawan at ipinagpapatuloy na lamang ang ganitong sistema. Sa kabila ng natamong pagbabago, hindi na nito napansin ang kanyang mental health, nakaranas ito ng Body Dysmorphic Disorder (BDD,) ito ay ang hindi mapigilang madismaya na nagpapaba ng kumpiyansa sa sarili bunsod ng hindi matanggap ang pisikal na kaanyuan at Eating Disorder (ED) dahil may gustong mapatunayan na hindi batid na ito ay mali na sa ilang pamamaraan. I know mahirap sa una but I know you can do it. Sa mga nagpaplano ng kanilang weightloss journey if ever man na mawalan kayo ng gana always remember your goal, ask yourself “Bakit ko nga ba ito ginagawa?” And if you believe in yourself makakayanan mo yan. Patience and Discipline is the key,” wika ni Alyssa na nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang pinagdaanan.
18
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
AGHAM EDITORYAL
Kinabukasan LABAN SA KALUSUGAN
CRISSA ANTONIO
uloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya. Hindi hadlang ang COVID-19 upang maantala ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Naisaalang-alang at dapat patuloy na isasaalang-alang ang kalusugan ng mga mag-aaral nang hindi naipagsasawalang bahala ang kanilang kinabukasan. Subalit, isang malaking tanong ngayon sa mga mag-aaral at magulang kung ligtas bang ibalik ang face-to-face ngayong mayroon ng bakuna.
T
Matatandaang noong nagdaang taon, marami ang umalma at naglabas ng kanya-kanyang opinyon sa pagpapatuloy ng klase sa kabila ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa. Karamihan ay mga magulang na hindi isasapalaran ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga anak.
nasa digital format. Ang online distance learning ay ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access. Ang mga self-learning module ay maaaring maituro at maipalabas sa pamamagitan ng telebisyon at mapakinggan sa radyo. Ang blended learning ay kombinasyon ng iba pang delivery mode o pinagsamang online distance learning, modular distance learning, at TV/ Radio-based Instruction. At, Ang homeschooling ay pagbibigay pribilehiyo sa mga magulang at magaaral na magkaroon ng home-based learning environment na pangangasiwaan ng mga kwalipikadong magulang, guardian, o tutors na sumailalim sa training.
Naging maugong din ang panawagan ng mga mag-aaral na magkaroon ng academic freeze. Sa kabila nito, hindi sinang-ayunan ng Department of Education (DepEd) at ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, “the moment we stopped the education of student, their capacity to earn is affected.” At, “hindi maaaring maantala ang edukasyon ng mga bata dahil mahuhuli sila sa mga estudyante sa ibang parte ng mundo”, dagdag pa niya.
Kung susuriin, naging handa ang DepEd sa pagnanais na maipagpatuloy ang edukasyon sa Pilipinas. Hindi biro ang maglaan ng malaking pondo at panahon upang maisakatuparan ang hangaring maisalba ang kinabukasan ng mga kabataan. Sa kabilang dako, iba pa rin talaga ang pagkakaroon ng physical classes na pangunahing pamamaraan ng pag-aaral sa Pilipinas. Higit na natututo at natututukan ang mga mag-aaral lalo na mayroon talagang mga asignaturang kailangang ituro ng face-to-face.
Kaugnay nito, inihanda ng DepEd ang iba’t ibang paraan ng pag-aaral na aakma sa lahat ng uri ng pamumuhay sa komunidad sa pagpapatuloy ng edukasyon sa Pilipinas. Ang distance learning ay isang alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral. Nahahati ito sa tatlong uri ng edukasyon sa Pilipinas. Ang Modular Distance Learning (MDL), na maaaring gumamit ng mga printed module o mga module na
Ayon sa isang eksperto, bago pa man ang COVID-19 pandemic, may mga estudyante nang hirap matuto sa eskuwela, at dumoble pa ito sa distance learning. Sa mga ibinibigay naman na modyuls/ Self Learning Modules, halos sinasagutan na lamang upang makapasa at hindi tiyak kung may natututunan ba talaga. Panahon na nga ba upang dapat ng ibalik ang face-to-face classes tutal may bakuna na?
“No vaccine, no physical classes.” Ito ang inilabas na pahayag ng Malacañang noong Disyembre 2020. Ikinatuwa ito ng mga mamamayan, partikular ang mga magulang na nais protektahan ang kanilang ang mga anak. “Unless I am sure that they are really safe, it’s useless to be talking about opening of classes. Para sa akin bakuna muna. Pag nandiyan ang bakuna, okay na”, pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong may dumating na ngang bakuna sa bansa, nagiging hati naman ang mamamayan sa pagsang-ayon na mabakunahan. Hindi natin sila masisisi dahil hindi pa gaanong subok ang bakuna at mayroon pang pangamba na maaaring mauwi rin ito sa nangyaring kontrobersya sa Dengvaxia noong 2016. Kung iisipin, ang pagharap sa hamon ng malaking pagbabagong naganap sa larangan ng edukasyon ay hindi masasabing tiyak ang tagumpay nito. Maraming pondo ang inilabas ng DepEd, maraming guro ang sinasabing dapat na manguna sa pagsulong nito, mga mag-aaral na walang magawa kundi sumunod sa sistemang hindi alam kung maghahatid ba ng ito ng pag-asa sa bayan. Walang katiyakan sa maaaring mangyari, pero dapat ay magkaroon ng malinaw na paliwanag ang pamahalaan para mapalitan ng pag-asa ang pangamba at pagdududa ng mga mamamayan sa bakuna laban sa COVID-19 at mabigyan ng sapat na impormasyon ang lahat. Marahil magiging kampante ang mga magulang na maipagpatuloy ang edukasyon ng kanilang mga anak kung may sandatang sakbit sa paglusong sa digmaan na hindi nakikita kung sino ang kalaban.
GAMPANIN NG TEKNOLOHIYA SA GITNA NG PANDEMYA LEIRYL CARIÑO
Noon pa man ay malaki na ang nagiging gampanin ng teknolohiya sa buhay natin. Sa paglingon mo sa iyong paligid, kapansin-pansin na ang teknolohiya ay bahagi na nang pang-araw-araw na buhay ng bawat tao. Higit na nakita ang kapakinabangan nito sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. PAKIKIPAGKOMUNIKASYON Maraming nabahala nang marinig ang balitang magkakaroon ng lockdown sa iba’t ibang panig ng Pilipinas dulot ng kumakalat na pandemyang Covid 19. Lahat ay labis na naapektuhan, tulad ng pampubliko at pampribadong kumpanya, mga paaralan, mga kabuhayan. Ngunit, sa tulong teknolohiya, ito ang ginamit na sandata upang maipagpatuloy ang mga biglaang pagpapasara sa mga establisyemento. Napakalaki ng gampanin ng teknolohiya lalo na sa gitna ng pandemya, dahil sa pag-iwas sa face-to-face at pagtupad sa social distancing ng mga tao, malaya at ligtas na nakakapag-usap ang mga tao sa pamamagitan ng internet, kompyuter o cellphone.
Pinadali ng teknolohiya ang dulot na hirap ng pandemya sa pakikipagkomunikasyon. DIGITAL NA TRANSAKSYON Sa patuloy na pagsugpo ng pandemya at pagsulong ng teknolohiya, hinihimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na palakasin ang digital economy tungo sa mga digital na transaksyon sa pamahalaan upang mabawasan ang pakikisalamuha at mapigilan ang paghahawaan. Naging bahagi na nga ngayong new normal ang pagbabayad sa pamamagitan
ng online transaction, bukod sa napapabilis ang transaksyon ay higit pa itong ligtas. Ayon sa pag-aaral ng kumpanya ng Global Technology na Visa, na ang bilang ng mga Pilipino na gumamit ng cash bilang mode ng pagbabayad ay mas kaunti kumpara sa pre-pandemikong panahon. Ipinakita rin sa pag-aaral na ang mga pagbabayad na walang contact ay may 66-porsyento na pagtaas sa paggamit sa mga kasalukuyang gumagamit dahil sa pandemya. Bilang karagdagan, 88 porsyento ng mga Pilipino na hindi gumamit ng mga pagbabayad na walang contact ay nagsabi ng interes na gamitin ang pamamaraang ito sa pagbabayad sa hinaharap. NEGOSYO Maraming nagsa-
rang kumpanya kaya maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho o pagkakakitaan, ayon nga sa pananaliksik ng GMA network, halos 3,000 negosyo ang nagsara dahil sa pandemya. Pangunahing naapektuhan sa pandemya ay ang mga trabahador na tanging bumubuhay sa kanilang pamilya at walang ibang mapagkukunan ng gastusin sa araw-araw. Sa kabila nito, patuloy na humanap ng paraan ang ilang negosyante at ordinaryong tao upang hindi kumalam ang tiyan ng kanilang pamilya. “Baka mamatay kami sa gutom, hindi sa Covid,” ika nga ng isang residente sa Maynila. Isa sa mga negosyong pumatok ngayong pandemya ay ang Online Selling o pagbebenta sa pamamagitan ng online platforms. Karaniwang ginagamit na Social Media Sites sa pagbebenta ay ang Facebook o FB at Instagram. Samu’t saring pagkain, kagamitan at damit ang pinapa-live selling, sa pamamagitan ng teknolohiya napapadali ang transaksyon nang hindi na kailangang lumabas pa ng bahay. LIBANGAN Ayon sa pananaliksik, sa taong 2020, ang bilang ng active
internet users sa Pilipinas ay nasa 73.91 milyong katao na halos kalahati ng kabuuang populasyon sa bansa. Hindi ito naging kataka-taka dahil walang ibang mapuntahan at mapaglibangan ang karamihan, dahil sa pagpapatupad ng lockdown noong nakaraang taon. Ang naging libangan at pamatay oras ng karamihan ay ang panonood sa Netflix at Youtube, paglalaro ng online games, pagti-Tiktok, pag-scroll sa Facebook, pag-post sa Instagram, at iba pang applications. Sa tulong ng mga ito, hindi maikakailang nabawasan kahit papaano ang pangamba at takot na hatid ng pandemya. Tunay ngang kung gugustuhin ay makahahanap ng paraan, walang sinuman ang nagnais na dumating sa puntong kinakaharap natin ngayon. Ang ambag ng teknolohiya sa kasalukuyang kaganapan sa buhay ng bawat isa ay may malaking gampanin, kahit ang iba ay kusang-palo sa pagkapa dahil hindi ito nakagisnan o nakamulatan, sinikap na makasabay hindi lamang upang makasabay sa uso kundi sa modernisadong panahong kinalalagyan natin, isa na itong pangangailangan.
ANG K
19
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
DEPED, KAISA SA PAGSULONG NG PINASIGLANG MUNDO MAECEL JEAN ALAMARIO
Ang pagdiriwang ng Philippine’s Earth Day ay idineklara tuwing ika-22 ng Abril, alinsunod sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 1481, s. 2008. Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Earth Day na may temang “PINASiglang Mundo” (Restore our Earth). Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa elementarya at sekondarya, maging ang Schools Division Offices at Regional Offices na makiisa sa pagdiriwang ng Earth Day via Online na gaganapin sa ika-20 ng Abril hanggang ika-22, ito ay ayon sa DepEd Memorandum No.018 s. 2021. Bilang pakikiisa ng DepEd, sa tulong ng BLSSYouth Formation Division at Disaster Risk Reduction and Management Service magsasagawa ng tatlong araw na interaktibong programa, sisimulan sa ika-20 ng Abril at magtatapos sa ika-22 ng Abril sa pagtataguyod at panghihikayat na iwasan ang paggamit ng plastik, at mapalaganap at mapabilis ang muling pagpapasigla ng kalikasan. Ang tatlong araw na Earth Day Online Celebration ay may layuning isulong ang pagpapahalagang pangkapaligiran sa mga DepEd stakeholders, hikayatin ang mga guro at mag-aaral na makiisa at makilahok sa mga gawaing pangkalikasan at makapagbigay ng daan sa mga mag-aaral na mahimok sa muling pagpapasigla ng kalikasan. Ang naturang gawain ay maaaring daluhan online, magkakaroon
ng facebook live at maaari rin itong maaccess sa Zoom App. Ang unang araw ng pagdiriwang ay may paksang “Engaging Children and Youth in Climate Action”, sumunod na araw ay ang “Panel Discussion on Eliminating Single Use Plastics in School” at sa huling araw ay ang “Solidarity Messages and Launch of Climate Change Materials”, at iba’t iba pang mga paksa na makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ay pangungunahan ng Rehiyon 4-A Division of Dasmarinas City, katuwang ang World Wildlife Fund, Greenpeace Philippines, Fiber Blaze at ang Local Government of Dasmarinas City. Samantala, nakiisa rin ang Tibag High School (THS) sa naturang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Photo Essay Contest ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12. Ang naging layunin ng patimpalak na lumawak ang kamalayan at makapagbigay kabatiran hindi lamang ng mga mag-aaral maging ang lahat sa “global issue” at magsagawa ng aksyon. Layunin ng DepEd na higit pang pagtuunan ng pansin ang kalikasan kahit nasa kanya-kanyang tahanan lamang at lalo pang palakasin ang “Makakalikasan” na pagpapahalaga ng mga mag-aaral at mga manggagawa ng DepEd.
BAKA PWEDE NAMAN… SA IBABAW NG IBA PANG MUNDO JHENUARY DIZON “Saan ka nakatira?” “Sa Mars.” Kung sasabihin mong “Nakatira ako sa Mars.”, ang iisipin ng mga makadidinig sa iyo ay nababaliw ka na. Pero darating kaya ang panahon, sa tulong ng agham at teknolohiya, posible kayang maging normal na lamang sa pandinig at bibig ng mga tao ang mga katagang iyon? Naging maugong noong ika-18 ng Pebrero ang balitang paglapag ng Perseverance Rover sa planetang Mars o tinaguriang “Red Planet”. Ang Rover ay ang panlimang robotic vehicles ng NASA (National Aeronautics and Space Administration, U.S.A.) na nasa Mars ngayon. Ang Earth o ang ating mundo ay may layong 283.5 milyong kilometro mula sa Mars. Hindi mo ito mararating ng isang linggo o buwan lamang at sa simpleng sasakyang panghimpapawid. Pitong buwang naglakbay ang Perseverance Rover bago tuluyang nakalapag sa lupa ng pulang planeta, pitong buwang paglalakbay sa kalawakan habang pitong buwan ding naglakbay sa diwa ng bawat kasapi ng NASA ang kahahantungan ng misyong ito. Hindi sila o tayo binigo ng Rover para sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa misyon ng NASA. Ang patuloy na pagkuha ng litrato at pangongolekta ng samples ng Martian surface ay ang pangunahing misyon ng Rover sa dalawang taong pananatili nito sa ibabaw ng Mars at ipapadala sa Earth sa taong 2030. Sa loob ng dalawang taong misyong ito, posibleng makatuklas ng mga ebidensya ng sinaunang buhay sa planeta.
HATID NA GABAY NG RBI SA PROYEKTONG PAGBASA ANGELO MALLARI
Wakasan ang tanikala ng kamangmangan. Walang maiiwan, sabay-sabay ang progreso kahit mahaba ang proseso. Gayong mga programa ay gagabay sa mga kabataang hindi pa sapat ang karunungan. Lulusawin ang kamangmangan dahil lamang ang may alam. Ito ang tinig ng libro’t pahina ng kaalaman, hamon sa kinauukulan sumama’t makialam! Paalala sa lahat, “Huwag pagtawanan ang isang taong mali ang pagkakabigkas sa mga salita dahil tiyak na natutuhan niya ito sa pamamagitan ng pagbabasa, mahuhubog ang kamalayan sa tunay na kahulugan ng salitang sa kanila’y nakakubli pa.” Mga batang nangangailangan ng gabay para maging bihasa sa pagbabasa, nilapatan ng programa ng Kagawaran ng Edukasyon at isinasagawa ng Tibag High School (THS) upang maisakatuparan ang paglaban sa kamangmangan sapagkat kalinga ang tunay nilang kailangan. Ang pagsasakatuparan sa Deped Order 173 s. 2019, H.A.M.O.N : BAWAT BATA BUMASA (3Bs) na siyang naglalayong tugunan ang puwang sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagpapaigting ng husay sa pagbabasa ng bawat mag-aaral, malaki ang epekto nito kung ito’y tuluyang maisakatuparan. Ang THS ay progresibong tumugon sa DepEd Order No. 173 s. 2019 at lumikha ng proyekto na E.M.P.O.W.E.R. na ibig sabihin ay Empowering the Mind towards a Positive Outlook despite the World Pandemic through Effective Reading. Ito ay naglalayong madagdagan ang antas ng
pagbasa sa pamamagitan ng Radio-Based Instruction (RBI), maaaring makapag-usap ang bata at guro nang ligtas at malayo sa sakit at ganoon na lamang ang magandang pakinabang ng paraan ng pagpapaigting sa pagbabasa ng bawat bata. Bilang isang mag-aaral na nahihirapan din sa panahon ng may kumakalat na kalabang hindi nakikita, nakatulong nang husto ang teknolohiya at kooperasyon ng mga kayang magpatupad ng proyekto. Marapat lamang na ito ay isakatuparan, sa pagbasa ng mga numero, pormula at iba pa, ay kailangan ng gabay ng mga nakakaalam at may tungkulin na turuan ang mga bata, higit lalo sa asignaturang Ingles at Sipnayan. Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat at papuri ng bawat mag-aaral na kahit may pandemya nagawan ng paraan ng THS na maibahagi ang dekalidad na edukasyon at maisakatuparan ang proyekto sa pagbabasa. Bawat bata ay kailangang makapagbasa upang sila’y mailayo sa pagiging mangmang. Sa likod ng laksa-laksang pagsubok, tiyak na maraming kabataan ang marunong at bihasang magbasa ang makakausad sa Tibag High School kahit may pandemya. Sa bagong normal, kinakailangan magtulungan ang bawat isa. Mga magulang ng mag-aaral at guro na walang kapagurang nagtuturo sa gitna ng pandemya, sa tulong na rin ng teknolohiya na kapaki-pakinabang sa panahon ngayon. Lubos ang tiwala na walang makakahadlang sa pagsawata ng kamangmangan at sa huli’y mabibigyang bunga ang mga proyektong ipinapatupad sa lalong ikauunlad ng kasanayang pagbasa ng bawat mag-aaral
Hindi lamang ebidensya ang maaaring matuklasan ng mga natatanging astronouts, baka maaari ring makatuklas ng bagong pag-asa sa gitna ng kalawakan. Lahat maaari nang maging posible. Dahil din dito mas napatunayan ang husay ng mga tao sa paggawa ng makabagong kagamitan na tumuklas din ng mga bagay na maaari pang magpaangat sa kaalaman sa agham at teknolohiya. Baka pwede naman, sa pagdaan ng maraming dantaon baka pwede na ring maging tirahan ang ibabaw ng iba pang mundo. Samantla, sa likod ng tagumpay ng paglapag ng Perseverance Rover sa planetang Mars ay ang mga siyentistang nagsumikap at naniwalang magiging posible ang misyong ito. Isa sa mga ito ay isang Pilipino, si Gregorio Villar na isang Fil-Am na nagtatrabaho bilang Inhinyero sa NASA. Si Villar ay nakapag-aral sa Saint Louis University sa Baguio at kumuha ng Bachelor’s Degree na Physics sa California State Polytechnic University at Doctoral Degree sa kursong Astronomical Engineering sa USC University of Southern California. Maraming pagbabago at pag-unlad ang nagaganap sa pag-aaral ng kalawakan, kasabay nito ang pagsabay rin ng mga Pilipino na makilahok sa mas malawak na pag-aaral ng agham at teknolohiya hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo hanggang sa ibang planeta. Baka pagdating ng panahon, isa rin sa mga mag-aaral ng Tibag High School ang maging bahagi at makilala sa larangan ng agham at teknolohiya. Baka pwede naman din.
ANG K
NLUNGAN
TOMO XII - HUNYO 2020 - MAYO 2021
ISPORTS
BREN ESPORTS KAMPEON SA MOBILE LEGENDS M2 WORLD CHAMPIONSHIP JEAN ELISHA MESA
Namayani at lumikha ng kasaysayan ang Bren Esports bilang kauna-unahang Filipino team na nakapag-uwi ng kampeonato sa Mobile Legends M2 World Championship matapos kumamada ng apat na panalo,4-3, kontra Burmese Ghouls ng Myanmar sa Best of seven play finals na ginanap sa singapore noong Enero 24,2021.
EHERSISYO SA MALIIT NA ESPASYO
Nakagigimbal na labanan ang naganap sa championship na umabot pa sa pagtatabla ng panalo ng magkabilang koponan, 3-3.. Malubak na daan ang tinahak ng dalawang grupo upang makarating lamang sa finals kaya naman ang determinasyon para makuha ang championship ay kitang-kita ngunit sa huli, ang husay na taglay pa rin ng Bren Esports ang nanaig.
Kasabay ng maiinit na tensyon ng laban ay ang nag-aalab na suporta ng mga tagahanga ng dalawang team. Sa kabila ng pandemya, ang mga fans ay nagpakita ng kani-kanilang paraan ng pagsuporta katulad na lamang ng pagpapa-trending ng hashtag na #Brenlangmalakas. Masayang inuwi ng Bren ang kanilang naipanalo at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan.
ISPORTS EDITORYAL
JEAN ELISHA MESA
Sa pagkalat ng Coronavirus, lalong nabigyang-pansin ang kahalagahan ng kalakasan at kalusugan ng ating pisikal na katawan. Ito ay nagsisilbing panangga sa mga hindi nakikitang kalaban kaya naman importanteng paglaanan ito ng oras at pansin. Bagama't may pandemya, hindi dapat isinasantabi ang pag-aalaga sa katawan at pagiging physically active. Maraming pag-aaral ang nagpapatunay ng mga magaganda nitong epekto sa ating katawan at kung paano ito nakatutulong sa paglaban ng Covid at pagbawas sa posibilidad na magkaroon ng nakamamatay na komplikasyon o severe Covid. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Zhen Yan, isang mananaliksik at propesor, ito ay dahil ang pag-eehersisyo ay naglalabas ng isang enzyme na tinatawag na antioxidant na malaki ang tulong sa pagbawas ng posibilidad ng acute respiratory distress syndrome(ARDS) at pag-iwas ng komplikasyon na dulot ng Covid. Ang pag-eehersisyo ay nakakapagpalakas din ng immune system dahil nakatutulong ito sa mga immune cells sa kanilang gampanin. Ang iba pang benepisyo nito ay ang pag-ayos ng blood flow, pagbawas sa stress at inflammation at pagpapalakas ng antibodies. Noong nagkaroon ng lockdown, obligasyon ng bawat isa ang manatili sa loob lamang ng bahay. Nalimitihan ang mga bagay na ginagawa sa labas ng pamamahay kasama na ang pag-eehersisyo. Buti na lamang ay maaari pa ring makapag-ehersisyo kahit nasa loob lamang ng bahay at kahit sa maliit na espasyo lamang. Isa sa Audrey Marian R. Zita, mag-aaral ng Tibag High School sa mga nagpapanatiling physically active ng katawan sa kabila ng pandemya. "Dahil sa lockdown marami akong mga klase ng exercise na hindi nagagawa tulad na lang ng pag-jogging at paglalaro ng iba't ibang sports pero sinisigurado ko pa rin na physically active ako kaya gumawa ako ng exercise routine na kaya kong gawin kahit sa maliit na spaces lang ng bahay namin." Pahayag ni Zita. Importante rin ang pag-eehersisyo para sa mental health dahil nababawasan nito ang stress at mainam din ito sa pagpapalakas ng immune system, dagdag pa niya. Ang malusog na katawan ay yaman kung maituturing at makakamit ito sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya at pag-eehersisyo. Ang pagpapalakas ng katawan ay mas lalong kailangan ngayong may kumakalat na virus at kahit pa may lockdown kayangkaya.
Disiplina sa Larong PanTeknolohiya MAURRIEL DE LEON
Mas lalong pumatok ang mga online games noong nag-umpisa ang pandemya. Nagiging moderno ang mga bagay-bagay, dating larong kalye at aktuwal na larong pampalakasan ay nalalaro na rin sa mga gadyets at kompyuter. Gaya ng sports, ang mga online gaming din naman ay nangangailangan nang pinagtibay na pag-eensayo at determinasyon para makuha ang goal mo. Sinabi ni Dwayne Johnson, “If something stands between you and your success, move it. Never be denied”. Kaya naman hindi pwedeng sumuko agad, kinakailangang subukan at lumaban dahil hindi mo kailanman malalasap ang tunay na tamis ng tagumpay kapag hindi mo ito pinaghirapan o sinubukan man lang. Isa ang paglalaro ng mga online games sa mga pwede mong magawa sa iisang upuan lamang. Simple kung titignan pero posible ka nitong hamunin sa paraang hindi mo inaasahan at namamalayan kaya mag-ingat dahil hindi lahat ay kontrolado ng mga daliri at kamay natin.
Isa...dalawa...tatlo...sapul! Posi-
ble ka talagang matamaan ng mga sakit o ‘di kaya’y ng tsinelas ng nanay mo kapag naglalaro ka nang sobra-sobra. Ang lahat ng sobra ay hindi maganda. Ganyan din sa paglalaro, kung sobra ay maaari kang maadik dito kung saan naglalaro ka ng mahabang oras at nakakaligtaan na ang pagkain na magdudulot nang hindi magandang epekto sa iyo. Ang lahat ng bagay ay nangangailangan ng disiplina kaya dapat limitado lang ang paglalaro at hindi mo inaabuso ang katawan mo. Panandaliang kasiyahan at kaaliwan ang hatid ng mga online gaming pero huwag mong kalimutang magdahan-dahan at mag-ingat kaya naman haluan ang paglalaro ng napakahalagang sangkap—ang disiplina. Masayang gawin ang isang bagay lalo na kung mahal mo ang ginagawa mo at alam mong may maganda itong maidudulot sa’yo kaya limitahan ang oras ng paglalaro at huwag itong hayaan na kontrolin ka. Lahat tayo ay may hilig at galing sa iba’t ibang bagay. Kapag sumusubok, maaari tayong magkamali, madapa, at masugatan ng maraming beses pero patuloy pa ring babangon para makamit ang tagumpay. “Don’t be afraid of failure. This is the way to succeed.”—Lebron James