Ang Aghamanon Tomo XVI, Blg. 1

Page 1

Panulat ang mabisang sandata.

REMEDYO SA PANDEMYA 8 sa 10 RiScian, Guro Suportado sa Academic Ease trisha faye larracas

P

abor sa ipinatupad na academic ease ang walo sa 10 mag-aaral ng Rizal National Science High School (RNSHS) gayundin ang mga guro, sa kadahilanang naisakatuparan nito ang layuning pagaanin ang kasalukuyang distance learning sa kalagitnaan ng pandemya.

Wika ni Bb. Alyssa Balleta, guro sa RiSci, tinulungan ng ipinatupad ng Department of Education (DepEd) na academic ease ang mga

estudyante, guro, pati na rin ang mga magulang na pagaanin ang pagtuturo, paggabay at pag-aaral kahit mayroong pandemya, mga bagyo at iba pang kalamidad. " I'm good with academic ease kasi natutulungan natin yung mga students, teachers and parents specially dahil sa bahay lang nagtuturo o nag-aaral, tapos we are in the middle of pandemic din at sumasabay pa yung mga bagyo and different calamities," ani Bb. Balleta. PAHINA 3

NASA LARAWAN Dumadalo si Amleth Vianne P. Sta. Maria, mag-aaral ng Rizal National Science High School, sa kanyang klase sa pamamagitan ng Google Meet noong ika-5 ng Enero ng taong 2021 sa kaniyang tirahan sa Calumpang, Binangonan, Rizal. Kuha ni Rose Lenhie Tangonan

OPINYON

P17

P14

P9

P5

AGTEK

LATHALAIN

ISPORTS

RiSci naglunsad ng kakaibang BR-B4 Para sa Non-Readers ng Komunidad trisha faye larracas pinagtibay ng Rizal National Science Ipagkakaroon High School (RiSci), sa kabila ng hindi ng non-readers, ang

pagtanggap sa “ Blue Rizal: Barangayan para sa Bawat Bata Bumabasa (BR-B4) Program” gamit ang pagbigay ng tulong sa iba't-ibang mag-aaral sa Rizal na matutong bumasa't sumulat. Mula sa interbyu kay Gng. Arlene Paralejas, tagapag-ugnay ng BR-B4 sa RiSci, ipinatupad ang programang ito batay sa mga prinsipyo ng bolunterismo at maraming pakikipagsosyo ng mga RiScian. “ The RiSci-Adopt-BR-B4 Program (RABRB4) provides teachers, stakeholders and students an opportunity to become strong associates towards the noble goal of Barangayan para sa Bawat Bata Bumabasa (BR-B4) Program

in promoting literacy among Rizaleño children,” bigay-linaw ng guro. Gayon din, kaniyang ipinaliwanag na layunin ng programang ito ang patuloy na pagsakatuparan ng pagkatuto ng mga batang Rizaleño na magbasa’ t magsulat. Inihayag pa ni Ma’am Paralejas na malaking tulong para sa programa ang pag boluntaryo ng mga guro, mag-aaral at mga magulang nito dahil sa kanilang pag-alok ng tulong sa ibang paaralan. Maaaring pumili mula sa online o harapan na mga tutorial ang mga boluntaryo ng RABRB4. Gayunpaman, kung ang mga boluntaryo ay pumili ng harapan na programa, makakatanggap sila ng parehong English at Filipino Modules at kailangan nilang manumpa sa mga proteksyong pangkaligtasan at pangkalusugan ng gobyerno laban COVID-19.

Dumalo sa pagpupulong nilang mga guro ng Ingles, Agham at Sipnayan na ginanap noong Marso 3, 2021 si Gng. Eufemia Pura, 64, at naging parte upang pag-usapan ang kanilang gagawin na interview sa darating na RiSci Admission Test para sa mga papasok na mag-aaral na ika-7 at ika-11 baitang. SOURCE: Mrs. Arlene Paralejas

Edukasyon sa pandemya, mahirap pero kaya beteranong guro nicaela dela cruz ilinaw ng ilang mga guro na matagal na N sa kanilang propesyon na ang pagiging guro at mag-aaral sa gitna ng pandemya ay

isang malaking pagsubok, at kinakailangan ng matinding pasensya sa mga kalagayan ng mga kapwa kaguruan. Wika nina Gng. Dulce Calces at Gng. Eufemia Pura, kinikilalang mga beterana na sa pagtuturo, ikinalungkot at ikinabahala nila na kung paano matututo ang mga mag-aaral at paano sila magtuturo sa ganitong sitwasyon. Subalit binanggit naman ni Ma'am Calces na, “Natuwa ako dahil may mga kasama tayong teachers na, sabihin na nating expert talaga pagdating sa teknolohiya at hindi sila naging madamot na ibahagi ang kanilang kaalaman ukol dito para sa lahat ng guro.” Dagdag pa niya, nahirapang mag-adjust ang lahat, lalo na ang ating mga gurong may edad na at hindi masyadong gamay ang ilang makabagong mga paraan at teknolohiya na gagamitin sa kanilang pagtuturo.

16

PAHINA 4

PAHINA 4

Kawastuhan sa datos, agapay sa tao tuon ng Binangonan LGU sa pagtugon sa pandemya nicaela dela cruz

I

Iniabot ng tindera ang pinamili ng isang Opisyal ng bayan upang malaman kung ito ba ay ligtas ang kaniyang binebenta. File Photo: Regieco Batarra

minungkahi ng lokal na pamahalaan ng Binangonan ang kalagayan, progreso at badyet ng buong lokalidad ukol sa kaligtasan, gastos, mga detalye ngayong panahon ng pandemya at ilang mga plano para sa susunod na taon. Binigyang detalye ng opisina ng naturang munisipyo na kumukuha sila ng matimbang na datos kaugnay sa

pandemya at hindi lamang ito para sa kaligtasan ng isa, ngunit ng lahat ng mamamayan na prayoridad sa panahon ngayon. “ We see to it that we limit our upward and downward link to reliable persons and organizations that can provide accurate data regarding the pandemic,” ayon sa kanilang pahayag. Naglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan para sa pagbili ng testing kits at nakikipag-ugnayan sa

Ang Aghamanon. Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School. Tomo XVI, Blg. 1 Nobyembre 2020 - Abril 2021

nasyonal na pamahalaan at iba pang organisasyon sa paglulunsad ng mass testing. Nakapagsagawa ng Aggressive Community Testing RT-PCR Test noong Nobyembre 27, 2020 sa Brgy. San Carlos na programa ng National Task Force Against COVID-19 kaisa ng Metropolitan Manila Development Authority, Rizal Provincial Government at Pamahalaang Bayan ng Binangonan. PAHINA 3


2 balita

Umaatikabong Balita sa pandemya

Nobyembre 2020 - Abril 2021

‘PANGAMBA SA NAKARARAMI’

RISCIAN: WALANG KALIGTASAN SA MAAARING F2F NGAYONG SY

NASA LARAWAN Tinutulungan ni Angel Napiza (una mula sa kanan), mag-aaral sa ikapitong baitang, ang mag-aaral mula sa elementarya na magbasa ng libro sa kanilang tahanan sa Brookside, Cainta noong ika-labing-isa ng Setyembre upang makapanghikayat ng iba pang mga estudyante na magbasa at turuan ang kanilang kapatid. FILE PHOTO: ANGEL NAPIZA

K

Bryan roy raagas

inak atak utan pa rin ng mga RiScian ang pagk ak aroon ng face -to -face (F2F) clas ses ngayong school year dahil sa malak ing epek to ng COVID-19 na bumabalot sa ating bansa. Wik a ng ibang mga es tudyante ng Riz al National Science High School, k alatk alat ang mga Iskolar ng Bayan sa ating probinsiya k aya’ t maituturing itong isang peligro sa ganitong uri ng clas sroom setup. “ Kung magk aroon ng face -to -face clas ses ngayong school year ay maaaring mahawa ang mga es tudyante na nak atira sa bayan na may mataas na k aso lalo na ang mga nag-cocommute at maaaring mak ahawa pa sila sa ibang es tudyante pagdating sa RiSci, ” ani K arl Lacanilao, mag-aaral mula sa Baitang 12 . Dagdag pa ni Juliecca Reyes mula sa ik a-siyam na baitang, k awawa naman ang mga commuters sa malalayong

lugar, dahil bukod sa mas malak ing gas tusin ng pamasahe, marami rin silang mak ak asalamuha sa daan. Bukod pa rito, ikinababahala ng mga Riscian ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa Pilipinas kahit mayroon ng bakuna. “ K ahit mapabagal mo pa (bak una) y ung pagdami ng c as es , or k ahit wala ng c as es s a lugar ninyo, t hat is n’ t a guar antee, unles s wala na t alaga ang vir us in gener al , ” s abi ni Phoemela Razon, es t udyante galing s a B ait ang 11 . Tu m a a s n a s a h i g i t 6 0 0 , 0 0 0 k a s o n g C OV I D -1 9 s a b a n s a , b a s e s a t a l a ng Deparment of Health sa ikatlong linggo ng Marso. Sa k abilang banda , may iilang RiS cian na gus tong -gus to na mag F2F clas s es dahil s a mga iilang pags ubok na nar ar anas an nila s a loob ng unang s emes ter. Tugon ng Gr ade 8 s t udent na s i B eaumont Sis on, maaaring hadlang s a online dis t ance lear ning (ODL) ang

pagloloko ng inter net connec t ion o biglaang pagk awala ng s ignal s a pag iint indi niya s a mga lek s iyon s a paar alan . “ Teaching also with your s tudents physically present makes it a lot more ef f icient and ef fective, ” sambit naman ni RiSci SSG Peace Of f icer Jovee Gardoce. Subalit , binigay naman niya na kung magk aroon naman ay magingat pa rin at sumunod sa minimum health standards na ipinatupad ng p a m a h a l a a n k o n t r a COV I D -1 9 . B as e s a 6 0 mag -aar al ng R iz al Nat i o nal S c i e nc e HS na nak ap anayam mul a s a i b a ’ t-i b ang b ai t ang at b ayan , 9 6 . 6 7 % ang hi ndi p ab o r s a F2 F c l as s e s . Wika ni Grade 11 SSG Governor Gerierhoy Villaluz, sa ganitong desisyon sa classroom setup, nangangailangan pa rin ng masusing pagdedesisyon at pagpapasiya, dahil kung padalos-dalos at walang aral dito ay maaari itong ipakapamahak ng lahat.

ROSE LENHIE TANGONAN

ESTUDYANTE SA TALIM AMINADONG PAGSUBOK ANG PAG-AARAL NGAYONG TAON

P

Laureen DELA CRUZ

ahirapan ang pag-aaral para sa ilang mag-aaral mula sa isla ng Talim dala ng pagsubok na k inahaharap nila ngayong panahon ng pandemya. Anila, bigatin sa kanilang ulo ang k abi-k abilang problema sa bahay at sa k a n i l a n g o nl i n e d i s t a n c e l e a r ni n g (ODL) . “ S o b r a n g h i r a p m a g -a d j u s t s a d i s t a nc e l e a r ni ng . K u n g h i n d i k a p r i v i l e g e d e n o u g h t o h av e t h o s e m a t e r i a l s n a e s s e n t i a l p a r a d i t o s a o l/mo d ul a r c l a s s ay m a p a g i i w a n a n k a t a l a g a , ” p a h ay a g n i L o u r d e s Tr i n i d a d , R i S c i a n m u l a s a B a i t a n g 1 1 . Dagdag pa niya, k ak apusan sa pera, kakulangan sa oras at anxiet y na dala n g m a r a m i n g b a g ay ay i l a n l a m a n g s a n a i b i g ay n g m g a m a g -a a r a l n a n a k a p a n ay a m n a k a n i l a n g n a k i k i t a n g mga problema na nakaapek to sa kanilang p a g -a a r a l s a n g ay o n . Base sa mga mamamayan sa isla, karaniwang nasa P50 hanggang P300

ang sahod ng mangingisda roon. Pangingisda ang pinak ainaasahan ng k aramihan na hanapbuhay sa Talim, ngunit dahil nga rin sa mga nagdaang bagyo ay naapek tuhan ang mga pamamanti at ang ilang f ishpond ng mga mangingisda. I s a n a n g a r i t o a n g B a g y o n g Ul y s s e s na naganap noong Nobyembre 2020, a t , a n i Tr i n i d a d , s u m i r a s a i l a n g b a h ay sa isla at pagkakaroon din ng malak ing dahilan sa pagkakaroon ng mahinang c o n n e c t i o n s a k a n i l a n g l u g a r. Kaugnay pa rito, problemado pa ang karamihan dahil sa kabi-kabilang mga sakuna, idagdag pa ang kabi-kabilang mga problema. Tugon pa niya, ”Ang kakulangan sa gadgets ng ilang mag-aaral dito kung saan nahihirapan din ang mga itong matuto.” Karamihan din daw sa isla aniya, ay modular ang ginagawa ngunit may pagkakataon ding kailangan ng internet upang maging mas mainam na pagkatuto, ngunit nakalulungkot na hindi ito nangyayari. Base rin sa ulat ng DOST-PAGASA, samu’ t-saring bagyong dumaan habang

patuloy ang paglaganap ng pandemya, na nagiging dahilan pa ng kawalan ng trabaho ng ilang mga magulang kung kaya’ t ang ibang estudyante ay nahihirapan sa pag-aaral. N a g b i g ay n g i b a ’ t- i b a n g p a h ay a g a n g mga estudyante tungkol sa kanilang m g a k a l a g ay a n s a i s l a n g Ta l i m a t k a ny a - k a ny a r i n s i l a n g n a g s a l i t a t u n g k o l s a k a n i l a n g k a l a g ay a n s a p a g -a a r a l n g ay o n g p a n a h o n n g p a n d e my a . Wik a ng mag-aaral ng Janos a National High School na ayaw magbigay ng ngalan, s a una mahirap, pero nak apag-adjust na rin naman siya. Sa kabila ng kanyang sinabi, hindi pa rin maikakaila na ramdam talaga ang pagsubok na meron sa kanyang kinikilos sa pag-aaral. “ Hindi lahat ng t ao ay may k ak ayahang t us t us an ang pag -aar al s a ganitong s it was yon, ” s ambit pa niya . Sa k as uluk uyan, mat at apos ang pas uk an par a s a mga pampublikong paar alan hanggang s a ik alawang quar ter ng t aon, mapa-modular man o online dis t ance lear ning .

‘KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN’

PAGGUNITA NG PFYA — APRUBADO SA MGA RISCIAN

S

nieriza kate vibandor

Herbert gabriel pan

inang-ayunan ng mga Riscian ang annual na paggunita ng Philippine Youth Action Festival kung s aan nak atutulong umano ito s a pagiging ak tibo ng mga k abataan s a mga gawaing panlipunan. Ayon sa ilang mga Riscian na bagama’ t may pinagdaraanan tayong pandemya, nararapat pa ring ipagpatuloy ang mga ganitong ak tibidad sapagk at nagigising nito ang k amalayan ng mga k abataan sa mga isyung may kinalaman sa pamahalaan at lipunan. “ For me I would agree in letting the event be continued but only through online because of the pandemic if it will be done f a c e t o f a c e I w o u l d n’ t a g r e e t o t h a t s i n c e i t w i l l p u t l i v e s a t r i s k ”, a n i S o y o n C i n c o , m a g -a a r a l n g R i s c i . S i na b i na ma n n i B i na n g o na n May o r C e s a r Yna r e s , na t u l a d n ga n g k as a b i ha n , k a b at aa n a n g p a g -as a n g b ay a n. Dagdag pa ni Ynares , mak atutulong ang programang ito upang maging k atuwang ang mga k abataan at mapas aayos ang Sustainable Development Goals ng pamahalaan.

Ani ya, s a pamamagi t an ni to ay mas magk ak aro on ng mas ep ek t ib ong s olus y on ang pamahalaan upang malabanan ang k ahirapang nararanas an ng bans a lalo na no ong nags imula ang pandemya. Samantala, inihayag din niya na sa k atunayan, k aramihan sa mga contact tracers sa Bayan ng Binangonan ay mga k abataan na nanggaling sa iba’ t-ibang m g a b a r a n g a y. Ay on s a dato s , naglaan ang pamahalaan ng Binangonan ng mahigi t 1 0 0 mil y ong pis o upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ngay ong pandemya. Base rito, k abilang na riyan ang mga relief goods , facemask s at face shields , a l c o h o l , S o c i a l A m e l i o r a t i o n Pr o g r a m , pagk ain ng mga frontliners , atbp. Sa k abuuan, isinaad din ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan na mahalaga ito, dahil nagsisilbing ” roadmap” ito tungkol s a magandang at maunlad na k inabuk as an. Bukod pa rito, nasabi rin nila na bagay i t o p a r a s a m g a ” p a g -a s a n g b a y a n”, l a l o n a sa pagbigay ng ideya ukol sa Sustainable De v e l o p m e n t G o a l s .

PAGTULONG SA MGA ESTUDYANTE SA ODL TUON NG SSG SA BAGONG NORMAL GIELA crisamel ROMEROSO

P

a t u l o y a n g p a g -a g a p ay n g S u p r e m e S t u d e n t G o v e r n m e n t (S S G) n g R i z a l N a t i o n a l S c i e n c e Hi g h S c h o o l (R i S c i ) sa mga k apwa RiScian na nangangailangan n g t u l o n g s a k a b i l a n g p a n d e my a s a O n l i n e D i s t a n c e L e a r n i n g (O D L) . B i nang gi t ni Mi ne l i Ci nc o , S S G Pr e s i d e nt ng R i S c i , t u t ul o ng s i l a s a nang ang ai l ang an s a ab o t ng k ani l ang mak ak aya . “ As a council, we k now that pos ting a call for donations is one of the leas t things we can do to help those in need especially during these times , we need to really utilize the use of social media, ” dagdag pa ni Cinco. Isa na rito ang Iskamiseta, isang online shopping project nila na maaari silang magbenta ng ilang mga gamit sa mga estudyante ng paaralan, at mabibili sa garantisadong presyo. Sa isang panayam, ipinaliwanag ng SSG President, na ang layunin ng Iskamiseta na makapagbigay tulong sa pag-aaral ng mga Riscians bunsod ng kawalan ng internet at load. “ Iskamiseta was launched with the sole purpose of providing suppor t and load as sistance to our fellow Riscians during the Online Distance Learning.” ani Cinco. Dagdag pa niya, umabot na sa mahigit P20K ang k inita ng Iskamiseta dahil sa daming bilang ng Riscians na tumatangk ilik sa kanilang plataporma. K augnay nito, ang k anilang adminis trasyon ay patuloy sa pagbibigay ng P10 0 load sa mga taong nangangailangan ng tulong-pinansiyal sa ODL at ngayo’ y patuloy pa rin na ginagawa. Upang mapatunayan pa na sila ay makakapagbigay ng tulong sa nahihirapan sa ODL, nagiging basehan pa nila ang maraming surveys bilang datos nila sa pagpili ng natutulungan. “ I b elieve t he s malles t ac t s c an create big impac t s to t he lives of many. . . As much as we c an help as a s t udent council , we will always b e willing to do s o.” ani Cinco. Sa kabuuan, pati na rin ang bumubuo ng SSG ay kontento at namamangha rin sa kanilang proyek to. Pa r a k ay G r a d e 7 R e p r e s e n t a t i v e M i k o Dela Cruz, nak ik ita niya bilang isang lider din ang paghihirap at pagsusumisikap ng buong student council lalo na sa kanilang pangulo para sa mga plataporma nila. S a n g ay o n , p a t u l o y n a n a g s a s a g aw a n g kanilang mga agenda ang kasulukuyang administrasyon bilang par te ng kanilang g aw a i n s a t a o n g p a n u r u a n .


ansamantalang sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng Metrobank-MTAP-DepEd Math Challenge at Athletic Meets sa taong ito para sa kaligtasan ng bawat magaaral ngayong pandemya. Base sa DepEd Order No. 07 S. 2020, k anselado ang lahat ng mga ak tibidad na nagsasagawa ng pagtitipon ng maraming magaaral para sa taong panuruan 2020 – 2021 upang mabawasan ang pagk alat ng COVID-19. “ Conduct of curricular and co-curricular activities involving gatherings such as science fairs, showcase of portfolios, trade fairs, school sports, campus journalism, festival of talents, job fairs, and other similar activities is cancelled, except those conducted online,” ayon sa opisyal na pahayag ni Sec. Leonor Briones mula sa DepEd Facebook page. Sa isang panayam mula kay Kim Goco, isang volleyball player na dating kinatawan ng One Cainta

at estudyante mula sa ikapitong baitang, nakakapanibago at nakakalungkot ang mga nangyayari ngayon dahil nagbigay ito ng madaming karanasan para sa kanya. “ Nakakapanibago at first kasi walang Municipal Meets, CAMPRISA, Provincal Meets and other spor t events, of course nakakalungkot because in spor ts I learned a lot like team work and hardwork , and nakakamiss rin especially ever yday trainings,” ani Goco. Banggit niya na bilang isang student-athlete, nahihirapan man ngunit sinusubukan ni Goco ang pagkakaroon ng selftraining sa loob ng bahay upang matugunan ang mga problemang maaari niyang kaharapin at para makapaghanda sa pagbabalik ng mga kompetisyong ito pagkatapos ng pandemya. Samantalang sa pamamagitan naman ng official facebook page ng MTAP DepEd Challenge, nagbibigay ito ng mga tips at live sessions ukol sa mga iba’t ibang paksa ng matematika. Para kay Frances Ramos, mag-

3

aaral mula sa ikapitong baitang at kalahok ng MTAP, sa tingin niya ay makakatulong ang pagsuspinde sa mga aktibidad na ito sa paghahanda sa susunod na taon para sa mga tulad niyang kalahok. “Makakapaghanda pa rin po kung magprapractice sa bahay tulad ng mga math or MTAP activities sa susunod na school year (kung magkakaroon man) pero syempre unahin po yung health natin,” ani niya. Gayunpaman, sumasang-ayon ang mga estudyanteng ito na tama ang desisyong ginawa ng DepEd at ng paaralan na ipagpaliban muna ang mga programang ito para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral na tulad nilang lumalahok sa ganitong mga kompetisyon. Kaugnay nito, nagpapaalala pa rin ang dating Regional MTAP qualifier at kasalukuyang magaaral sa ika-11 Baitang na si Hamidah Salem na hindi dapat matigil sa pag-aaral ng Matematika ang mga mag-aaral. “ I’m sure na interested kayo sa Math competitions, dahil you find the subject entertaining or even thrilling,” aniya.

BALITA

P

Marielle gallego

ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School

MTAP, ATHLETIC MEETS KANSELADO DALA NG COVID

CHRISTIANNE jaye SUMANG

DEPED ANG MAGTATAMA, HINDI SOCIAL MEDIA — OIC DIRECTOR NASA LARAWAN Nakikisalamuha’t nakikipag-usap sa ibang mga bata si Chief Executive Director at OIC Director III of Bureau of Learning Delivery Lito Palomar bilang isa sa gawain ng Make A Difference (MAD) Camp sa Junob Elementary School sa Dumaguete City noong Oktubre 19-21, 2021. FACEBOOK PHOTO: Lito Antolines Palomar

alyssa de villa

I

TRISHA FAYE LARRACAS

minungkahi ng isang Chief Education Supervisor na huwag basta basta mag post sa social media ng mga nakikitang pagkakamali sa modules bagkus nararapat itong i-ulat agad sa tamang awtoridad upang masolusyonan. Inihayag ni Chief Education Supervisor, OIC Director III of Bureau of Learning Delivery (BLD) Lito Palomar, hindi social media ang magtatama sa pagkakamali ng modules kundi ang Department of Education (DepEd) at magkakaroon lamang ng mga negatibong reaksiyon ang pag po-post. “ We wish or suggest na kapag nakakita ang lahat ng mali ay ibigay sa tamang authority at huwag mag post sa social media upang

REMEDYO SA PANDEMYA Nilinaw din ni Balleta na pabor siya sa academic ease ng distance learning sapagkat ito ay patunay na hindi kailangang matigil ang pag-aaral ng isang bata kahit ano man ang mangyari. Idinagdag pa niya na harapin at tanggapin na lamang ng lahat na ang taon ng pag-aaral ngayon ay hindi normal upang mas maging matagumpay at maayos ang edukasyon sa Pilipinas. Suportahan na lang ng lahat kung sino ang may posisyon, gawin ang makakaya, at magdasal na bumalik na sa dati o normal ang lahat.

“ Let ’s just face na this school year 2020-2021 is not normal. So ang gawin na lang natin is acceptance. Let ’s just support and trust kung sino man ang may position and wish them to have wisdom as decision makings nila. Let ’s hope and pray that this pandemic would end,” paliwanag ni Balleta. Sa kabilang banda, isinaad ng isang mag-aaral mula sa ika-11 baitang na si Eunice Membrebe na wala namang masama sa academic ease ngunit kahit pa nagpapagaan ito sa pag-aaral, tila dumaragdag pa rin ang distance

learning, kahit na may academic ease, sa problema ng iba. “Mayroong mag-aaral na mas pinaprayoridad ang kakainin nila sa susunod na araw kaysa sa pagsagot sa mga modules at nagkaka-depression dahil nahihirapan pa rin mag-adjust sa new normal,” bigay-linaw niya. Ipinaunawa rin ni Membrebe na hindi niya sinasabing ihinto na ang pag-aaral at huwag na pagyamanin ang sarili, gayunpaman wala ring masama kung ipagpapaliban muna ito at bigyang pansin ang k abutihang panlahat . MULA SA PAHINA 1

hindi kumalat at mag throw ng negative reactions. Hindi social media ang magkocorrect kundi ang DepEd,” ani ni Palomar. Nilinaw niya na walang mangyayari kung puro react lang at walang pagtugon ang mga tao kaya ninanais niya na magkaroon ng pangkalahatang pag-aaral tungkol sa tamang pag-ulat. “ Mag respond ka, kaysa mag react. Kapag react ka lang ng react wala kang ginagawang iba, walang mangyayari. My suggestion is to really have general public education para masabi na mag respond instead of mag react,” saad ni Palomar. Inamin din ni Palomar na nanghinayang siya sa mga pagkakamali ng modules ngunit natuwa siya, maliban sa mga posts sa social media, na makita kung gaano ka aktibo ang lahat

sa pagtawag ng pansin ng DepEd at pag -ulat ng mga ito gaya ng pagiging aktibo din ng DepEd sa pagresponde sa kanila. Bukod dito, dinagdag ni Palomar na kapag mayroong pagkakamaling naulat, magbibigay ang DepEd ng press release upang matama ang modules at hihingi din ito ng tawad sa madla kapag tuluy ang napatunayan na DepEd nga ang pinagmulan ng module. “ Kung may mali, may press release tayo. I cocorrect natin yung mali and then release apology to the public kapag DepEd nga yung source ng error. Kapag naman hindi sya error, we provide public education para malaman na mag search muna bago mag post sa social media,” pagbibigay linaw ni Palomar.

TUGON SA PANDEMYA Tinatayang umabot ng P75, 115, 270 ang Relief Goods, P14, 545, 968.30 ang Protective Supplies , P8, 615, 327 ang Vitamins, P1, 714, 100 ang Provision of meals, P3, 489, 837.44 ang Provision for Isolation Facilities, P499, 060.43 ang Fuel Expenses for Frontliners at P538, 856.13 ang para sa SAP Forms at testing kits. Suma total, P104, 518, 419.30 ang kabuuang nagastos ng buong lokalidad ng Binangonan priyor sa pagharap sa COVID-19 taong 2020, as per December 2, 2020. Bumibilis ang contract tracing at pagkuha ng data at tuloy lang ang projects, mprovement at pagkuha ng resources hinggil sa pagharap sa virus sa 2021. Patuloy din ang pagbibigay

ng tulong sa lahat ng mamamayan ng lokalidad. Tinatayang umabot ng P75 milyon ang Relief Goods (Rice/Canned Goods), P14 milyon ang Protective Supplies (Disinfectant/ Scanner/ PPE/ Alcohol/ Facemask), P8 ang Vitamins, P1 milyon ang Provision of meals (Frontliners, COVID-19 Patients), P3 milyon ang Provision for Isolation Facilities, P499,060.43 ang Fuel Expenses for Frontliners at P538K ang para sa SAP Forms at testing kits. Maraming pinaplano ang lokal na pamahalaan ngunit ang prayoridad at pokus ay ang pagrekober ng mga tao, mga nawalan ng trabaho, reliefs at ipagpapatuloy lang ang mga naging proyekto noong taong 2020. MULA SA PAHINA 1


MAS MAGANDA SISTEMA SA BAGONG JOURN BILL - DATING SPA

Ipinaliwanag pa ni Gng. Paralejas na halos 16 magaaral sa elementarya at tatlo sa sekondarya ang tumanggap ng tulong mula sa paaralan, ngunit napagkasunduang itago ang impormasyon ng mga ito dahil sa Data Privacy Act of 2012. Dagdag pa rito, ibinahagi ni Ma’am Paralejas na ikinabahala niya noong una kung paano lalahok ang paaralan sa nasabing programa sapagkat ang lahat ng estudyante ng RiSci ay marunong bumasa. “Noong una ay nalungkot ako sapagkat paano makakasali ang RiSci, nguti sinabi ni Ma’am Edna Villamayor na mag-adopt ang school kaya nag create na din

rose lenhie tangonan

ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School

BALITA

4

KAKAIBANG BRB4

NASA LARAWAN Iginagawad ng dating Gurong Tagapayo ng Ang Aghamanon na si Gng. Lorna Acain ang sertipiko ng pagkilala para sa guest speaker ng School-based Press Conference (SPC) noong Agosto 2010, sa Rizal National Science High School (RiSci) Conference Hall. PHOTO SOURCE: Gng. Lorna Acain

S

ako ng RABRB4 PROGRAM na allowed naman kasi wala tayo non-readers,” aniya. Sinabi rin ng guro na hangga’t nais at bukas ang puso ng RiScians na makatulong sa mga nagpapaampon sa BR-B4 program, magpapatuloy ang paaralan na alalayan ang mga ito sapagkat suportado naman ang lahat ng punongguro. Bukod doon, binanggit din ni Gng. Paralejas na tuloytuloy ang pag-aksyon ng RiSci sa programa na ito. “Continuous ang programa at if may modifications man, sa division manggagaling kasi this pushes us to continuously try the realization of making every child a literate individual,” pahayag niya.

MARIELLE GALLEGO

inang-ayunan ng dating gurong tagapayo ng isang pahayagan ang isang journalist bill na maglalayong magsulong ng mga ‘karagdagang probisyon’ na hindi isinasaad sa Republic Act 7079 o Campus Journalism Act of 1991. Wika ni Gng. Lorna Acain, dating school paper adviser ng Aghamanon hanggang 2018, magandang maipasa ang House Bill 7780, lalo na at may mga kailangang palitan sa dating bill gayundin ang pagbibigay ng suportang pinansiyal sa publikasyon ng bawat pampublikong paaralan. “Actually, sang-ayon ako sa pagkakaroon ng bill na ito dahil matagal na kasi ito at may kailangan nang palitan,” ani Acain. Dagdag pa niya, isang kagandahan ng bill ang dagdag na suportangpinansiyal na maaaring tumaas dahil nilalayon nitong magmumula ang pondo ng publikasyon mula sa maintenance at operating expenses ng paaralan, hindi tulad sa RA 7079 kung saan makukuha lamang ito sa ipon ng publikasyon. “Actually, hindi ako obliged sumagot sa budget dahil si madam principal and school ang mas nakakaalam,” aniya. Gayunpaman, sinabi niya na base sa takbo ng Aghamanon noon, kinakapos ang pondo ng pahayagan noon at sa

katunayan, nanghihingi ng tulong mula sa General Parents-Teachers Association ng paaralan. Banggit din niya, dahil sa mababang populasyon ng paaralan, ang 90 piso bawat estudyante ay kulang pa hindi tulad ng ibang paaralan kung kaya ang maiipon dito ay nagiging badyet para sa mga dinadaluhang press conference. Ayon naman sa paliwanag ni Agusan Del Norte First District Rep. Lawrence Fortun, ang naghain ng bill na ito, kinikilala rin ng panukalang batas ang pagpunan ng pangkaraniwan at kakulangang pagpapahayag na taliwas sa RA 7079. Isinusulong din sa bill na ito ang paggamit ng iba’t ibang multimedia at internet platforms sa pagpapahayag tulad ng mga websites o social media applications, at pagkakaroon ng Collaborative and Desktop Publishing na hindi isinasaad sa dating bill. Nakalimbag din sa HB 7780 na maglalaan din ito ng aklat na magsisilbing gabay o manwal para sa pagpapatupad ng responsableng pamamahayag ng mga estudyante. “Our students and youth form a vital role in the tapestry of our democratic society,” wika ni Fortun. Bukod pa rito, binanggit rin niya na ang pagsulong ng ganitong uri ng bill ay nakakatulong na mas gawin pa ng mga kabataan na maging boses ng ating bayan, lalo na sa panahon ngayon.

MULA SA PAHINA 1

Kaugnay nito, maraming mamahayag at representante rin ang gusto rin gumawa ng paraan para maiangat ang press at campus freedom sa bansa. “Hindi exempted ‘yung mga campus journos sa pagdanas ng iba’t-ibang mga banta dahil sa mga content na kanilang inilalathala,” ani Kabataan Representative Sarah Elago Sabi rin ni Bea Panlaqui, isa sa tumataguyod ng Science and Technology Editors League of the Philippines (SENTINEL PH) sa kanyang talks, mahalaga ang press freedom dahil maipapakita ng bawat estudyante na mayroon silang karapatan na magkaroon ng tinig sa sitwasyon na kinakaharap ng Pilipinas. Dagdag din ni Raff y Tima, GMA anchor at news reporter, “Campus journalism is the backbone and foundation of the kind of journalist I am today.” Dinugtungan niya pa na kritikal ang gampanin ng mga campus ngayon lalo na’t may pandemya, kaya’t dapat lang na magkaroon sila ng kalayaan na maihayag ang nararapat, oara sa kanilang mga kapwa estudyante. K atulad din ng iba na may puso sa pamamahayag, inaasahan din ni Gng. Acain na sa pamamagitan ng panuk alang batas na ito ay mas mak apagbibigay daan para sa mas malayang pamamahayag o freedom of information ang bawat estudyanteng mamamahayag.

BETERANONG GURO “ Walang pinipiling edad, ‘Learning is a continuous process’ kailangan din naming mag-aral at makasabay para maipagpatuloy yung pagtuturo sa ating mga mag-aaral lalo na ngayon sa ating paaralan” saad pa niya. Nagbigay din ng k anilang mensahe ang ating ilang guro na nak apanayam ukol sa mga mag-aaral na nahihirapang mag-adjust sa bagong paraan ng pag-aaral ngayong taong panuruan 2020-2021. “ There is no shor tcut to learning, talagang mahaba ang proseso. Tulad ng naexperience natin though bago siya, estudyante man o guro k ailangan na nasusunod ng proseso ng pagak atuto” pahayag naman ni Pura, isang English Teacher at Chairman ng

English Depar tment . “Dapat wala ding expectation ang mga estudyante sa amin na hindi naman bata sa larangan ng teknolohiya. Dapat ang mga estudyante ay tinutulungan din ang mga teacher,” dagdag pa niya. K augnay rito, binanggit pa ni Pura na hindi lamang ang mga estudyante, kundi pati na rin ang mga k aguruan ay nag-aadjust sa ganitong k alagayan sa panahon ngayon. “Bigyan natin ng sampat na atensyon ang teachers dahil nag-effort itong na maghanda ng lesson. Hindi naming nakikita lahat ng estudyante, kaya sana ay makinig at maglaan ng oras para doon sa isang subject kase sayang yung schedule na binigay kung iba lang ang gagawin ng estudyante,” ani Calces MULA SA PAHINA 1

ILANG RISCIANS DUMADAAN SA ILANG PROBLEMA SA KLASE NGAYONG SY

N

GIELLA CRISAMEL ROMEROSO

akararanas umano ang ilang mga mag-aaral ng Rizal National Science High School (RNSHS) ng ilang mga suliranin sa kanilang pagaaral ngayong taong pampanuruan bunsod sa kanilang kasulukuyang hinaharap sa bugso ng pandemya. Base sa pahayag ng ilang mga estudyante, malaking kalaban ng mag-aaral ngayong online distance learning (ODL) ang mahinang internet connection sa kanikanilang lugar. “ May pagkakataong hindi kinakaya ng equipment ang bilis ng internet namin dahil parang may bottleneck , at the same time nagkakaroon ng connection error randomly tuwing nagbubukas ako ng panibagong tab, minsan

din nagkakaroon ng maintenance ang aming service provider na nagreresulta ng matagalang kawalan ng koneksyon, ani Grade 11 student Jovic Gutierrez. Bukod pa rito, marami rin ang nagkakaroon ng problema sa paghaharap sa kanilang gadget, kahit nasa dalawa hanggang apat lang na oras ang nagaganap sa synchronous classes. Banggit naman ng mag-aaral mula ikawalong baitang na si John Daniel Mariscotes, may mga pagkakataon din minsan na sumasakit ang kanyang ulo dahil sa mga gadgets at hindi rin siya sanay sa ganitong pamamaraan. Ayon sa datos ng pahayagan ukol sa screentime ng mga RiScian, nasa walo hanggang siyam na oras nakababad ang mga mag-aaral sa kani-kanilang screen sa gadget sa

loob ng isang araw. Sa kabilang banda, may mga estudyante pa rin na para sa kanila ay nakakayanan naman ang takbo ng klase ngayong taon. “ Sa totoo lang, hindi naman ako gaanong nahihirapan sa online class. Dahil kung hindi man ako nakakasunod, sarili kong kasalanan iyon. Ang tanging struggles ko lang ngayon ay pagsasabay ng school works, at iba pang mga responsibilidad ko at distraction,” wika ni Supreme Student Government Grade 8 Governor Anjalique Rendon. Sa kabuuan, inaasahang matatapos ang klase hanggang sa Hunyo 2021 base sa memorandum na ibinigay ng Department of Education (DepEd) noong unang linggo ng Marso para sa taong pampanuruang ito.

alyssa de villa

NASA LARAWAN SA LIKOD NG SCREEN. Kahit nahihilo at mahapdi ang mga mata ay pilit pa ring sinusubukan ni Jovic Gutierrez (17), isang Grade 11 STEM student, na sumabay sa kanilang klase sa Pagbasa at Pagsulat upang hindi mapag-iwanan. PHOTO SOURCE: John Jerick Gutierrez


5 opinyon ANG HUDYAT NG MAPANURING KRITISISMO. sulyap siyasat Sulyap Siyasat

DEPEKTIBONG SOLUSYON JOHN ROLLY DIOQUINO

B

MAKATAONG S

PAGPAPATULOY

inasabing edukasyon ang daan para sa isang matagumpay at masaganang kinabukasan, ngunit dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari, ito pa pala ang sisira sa diwa ng mga magaaral lalo na ngayong panahon ng pandemya at sunodsunod ang mga kalamidad. Isang malaking hamon ang taong pampanuruan ito para sa mga estudyante, guro, at sa mismong kagawarang nangangasiwa nito, kaya’t isang makataong desisyon ang pagpapagaan sa mga gawain ng mga estudyante at magpatuloy ng may konsiderasyon sa kapakanan ng bawat mag-aaral at sa mga Pilipinong mawawalan ng kabuhayan. Muling umusbong ang panibagong hamon sa mga buhay ng mag-aaral, ang Remote Learning. Hindi matatawag na tagumpay ang isang bagay na bago pa lamang papasukin ng bawat mag-aaral, pagsambit ng salitang “ tagumpay” ay isang malaking sampal sa mga estudyanteng isang kahig, isang tuka makapasok lamang sa kanilang mga klase taliwas sa pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones sa Facebook post ng DepEd para sa pagbubukas ng unang araw ng pasukan, “In spite of the pandemic— with the outpouring support from our learners, teachers, stakeholders, and supporters, victory is assured for education. Today we claim victory.” Ito ay kinuwestiyon ng isang organisasyon makalipas lamang ang ilang araw, "Sa kabila ng milyonmilyong mga mag-aaral na lumiban muna sa pag-aaral dahil hindi sila makasabay sa makabagong paraan ng edukasyon at mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga paaralan, tagumpay nga ba talaga itong matatawag? May isa pa ngang studyanteng nagpakamatay mula sa Cotabato dahil sa dinadaing nitong kahirapan ng modyul. Matatawag ba talagang tagumpay kung sila’y binabawian ng buhay?" pahayag ni College Editors Guild of the Philippines Deputy Secretary-General Regina Tolentino. Dahil sa kabi-kabilang pambabatikos na natatanggap ng Kagawaran ng Edukasyon, naglabas ng pahayag si Diosdado San Antonio, Undersecretary for Curriculum and Instruction, na isang magandang balita para sa mga estudyanteng patuloy na pumapasok sa kanilang mga klase gaano man kahirap ang bagong sistema. Sinabi niya na kung ano lang yung kaya ng bata, iyon lang muna raw ang ipa-sumite at hindi ito ang panahon para maghigpit. Bagamat nagkaroon ng pagpapaluwag sa mga gawaing pampaaralan, mas naging mahirap ang naging sitwasyon ng karamihan ng mga mag-aaral noong naminsala ang mga bagyong Rolly at Ulysses. Noong Nobyembre, sa kasagsagan ng bagyong Rolly, lima ang naitalang patay dahil sa pananalasa nito sa

Catanduanes. Kwento ng naulilang ina na si Liwayway Jacob, ang kanyang mag-ama ay bumalik sa kanilang tahanan upang kunin ang naiwang modyul at laptop ng kanilang anak na isa sana sa mga tatakbong Cum Laude sa kanyang unibersidad. Natagpuan ang bangkay ng anak na hawak ang mga gamit niya pangeskwela, bagay na ikinaawa at isinisi ng taong bayan sa Kagawaran ng Edukasyon sa pagpapatuloy ng klase at gawain sa kasagsagan ng bagyo. Sa kabila nito, isa namang malaking buntonghininga ang pinakawalan ng mga estudyante noong pumutok ang balitang napagdesisyunan ng Kagawarang magkaroon muna ng ‘ Technology Break’ sa iba’t-ibang parte ng bansa, isa sa mga lugar na ito ay ang CALABARZON. Alinsunod sa DepEd Regional Memorandum na naitala sa ika-15 ng Nobyembre, ang pagsuspinde sa lahat ng Distance Learning Activities sa mga lugar na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at iba pang mga suliranin ay magiging tuloy-tuloy mula Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 21 upang makaraos at makaagapay ang bawat estudyante sa bansa dulot ng mga pinsalang iniwan ng bagyo. Marami problemang kinakaharap ang bansa sa kasalukuyan, ngunit desidido na ang Kagawaran ng Edukasyon na hindi maaaring ipatigil ang taong pampanuruan. May mga estudyanteng pilit na hinahangad na magkaroon ng Academic Freeze, lingid sa kanilang kaalaman na ito ay makakaapekto rin sa pangkabuhayan ng ibang mamamayan. “ When we say Academic Ease, tinutulungan natin ang students and teachers na mapagaan ang pag-aaral lalo na ngayon. And I also agree with DepEd na no matter what happens, hindi kailangang matigil ang pagaaral,” pahayag ni Bb. Alyssa Balleta, isang guro sa RiSci, patungkol sa Academic Ease na ipinag-iibayo pa ng Kagawaran ng Edukasyon. Pagpapatigil sa taong pampanuruan 20202021 ay hindi lamang magpapahinto sa mga klase kundi pati na rin ang pag-ikot at takbo ng buhay ng karamihan sa mga mamamayan ng bansa. Mahalaga ang karunungan at kaalaman ngunit kasinghalaga nito ang kalusugang sikolohikal ng bawat mag-aaral sa bansa. Pagbibigay ng konsiderasyon sa bawat magaaral ay isang susi upang unti-unti silang makaagapay sa mga hamon ng taong pampanuruang ito. Ito’y isang makataong aksyon sapagkat isinasaalang-alang nito hindi lamang ang kapakanan ng mga estudyante kundi ng buong sambayanan. Pagsusumikap sa paglaban sa mga hamong ito ay hindi lamang dapat magmula sa Kagawaran, ang suporta at tiyaga ng mga estudyante ay siya ring pinakakinakailangan.

Mahalaga ang karunungan at kaalaman ngunit kasinghalaga nito ang kalusugang sikolohikal ng bawat mag-aaral sa bansa.

PUNONG PATNUGOT Bryan Roy Raagas IKALAWANG PATNUGOT Rafael Sam Olivo, Angello Louise Salvador TAGAPAMAHALANG PATNUGOT Jan Rennie Abat, Alyssa Ysabelle De Villa PUNONG TAGADISENYO NG PAHINA Leigh Francene Paredes, Val Allen Eltagonde TAGADISENYO NG PAHINA Cassandra Reyes, Alynna Rei Medina, Claire Gem Campillos TAGAGAWA NG INFOGRAPHICS Christianne Jaye Sumang, Maria Jessica Buma-at PUNONG TAGAKUHA NG LARAWAN Regieco Clark Batarra, Alyssa Ysabelle De Villa TAGAKUHA NG LARAWAN Rose Lenhie Tangonan, Julia Alyssa Robles, Juliana Mariz Aquino, Christianne Jaya Sumang PUNONG TAGAGUHIT NG KARTUN Princess Nica Godinez, Angel Christelle Napay TAGAGUHIT NG KARTUN Joshua Miguel Aran, Liana Althea Butel, Robynn Ysabelle Garcia, Eliza Nicole Dimaano PUNONG TAGAPANURI Franchesca Mae Almoete TAGAPANURI Rigel Kate Reginio, Kirsten Aereen Allado, Welch Allyn Vocal, Shanelle Caisa Ochate PATNUGOT NG BALITA Trisha Faye Larracas, Laureen Nicaela Dela Cruz PATNUGOT NG OPINYON Aina Jame Marcelino, John Rolly Dioquino PATNUGOT NG LATHALAIN John Rey Idos, Jan Rennie Abat PATNUGOT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA Alynna Rei Medina, Val Allen Eltagonde PATNUGOT NG ISPORTS Rafael Sam Olivo, Bryan Roy Raagas TAGAULAT NG BALITA Herbert Gabriel Pan, Marielle Gallego, Giela Crisamel Romeroso KOLUMNISTA Mary Antonette Agapito, Yumi Maog, Emman Noelle Celajes, Jame Euan Imperial, Prince Arthur Bustria, Karl Cyril Malabriga TAGAULAT NG LATHALAIN Genesis Tamio, Iris Desiree Oliveros, Ayan Hill Amores, Jana Denise Pineda TAGAULAT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA Maui Francisco, Julianne Robles, Cid Lanbert Campos TAGAULAT NG ISPORTS Jinan Aeryn Cortez, Elijah Dan Sinquenco, Himaya Vasquez GURONG TAGAPAYO Gng. Jecelyn Cerda PUNONGGURO Gng. Edna Villamayor

ago pa man magsimula ang klase noong ika-lima ng Oktubre, nakababahala ang bilang ng netizens na tumututol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa taong ito. Lagpas na sa 300,000 ang pumirma sa petisyong “Cancel School Year 2020-2021 #YESTOACADEMICFREEZE” sa website na Change.org at patuloy ang pagtaas nito kahit na nagsisimula na ang mga klase sa pampubliko’t pampribadong paaralan. Maraming mamamayan ang nagnanais ng ‘academic freeze’ sapagkat dito nila nakikita ang pagkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad upang makapag-aral ang lahat. Pero bakit nga ba hindi gusto ng karamihan ang sistema ng edukasyon ngayon? Pangunahing kinakailangan kasi ng ating mga estudyante at guro ang maayos na pwesto sa kanilang tahanan, maaasahang laptop o cellphone, at matatag na internet connection. Ngunit hindi naman natin kayang asahan na makakamit ng lahat ang pribilehiyong ito at patunay rito ang ibinalita ng PhilStar na limang milyong estudyante ang hindi makapag-aaral sa taong ito dahil sa mga sanhi na nabanggit. Sa kabila ng mga ito, mas makabubuti pa rin sa ating bansa na hindi pahihintulutan ang ‘academic freeze’ palibhasa’y kapag ititigil ang trabaho ng mga guro, malaki ang posibilidad na tuluyang magsasara ang mga pribadong paaralan at mawawalan ng trabaho ang mga naglilingkod dito. Sa oras na mawalan ng trabaho ang libo-libong mga guro at mga tauhan ng paaralan, malaki ang magiging kawalan nito sa ating ekonomiya. Dagdag pa rito, maaaring mawalan ng ‘scholarships’ ang mga mag-aaral na umaasa dito at patuloy pang maaantala ang oportunidad ng mga estudyanteng malapit nang magtapos sa pag-aaral. Magiging malaking kawalan ito sa mga ospital na nangangailangan

ng mga bagong doktor at nars na makatutulong sa paggamot ng mga pasyenteng nagkaroon ng COVID-19. Panghuli, mabibigyan nga natin ng oras ang pamahalaan upang maghanap ng mas mainam na alternatibo kaysa sa ‘online’ at ‘modular learning’, pero hindi naman natin masisiguro na gagawin nga nila ito. Masasabi ko na maaaring maging solusyon ang “Academic freeze” sa suliranin ng mga mag-aaral, ngunit hindi ito ang pinakamabisang paraan kung maaprubahan ito. Imbis na makamit ang kanilang hangarin na “ walang maiiwan,” magiging dahilan pa ito ng pagkaiwan sa mga guro at mga nagtatrabaho sa paaralan. Mabuting bago tayo humiling ng mga bagay na makabubuti sa atin, kailangan din nating timbangin kung makabubuti rin ito sa iba sapagkat imbis na mamulat ang ating mga mata, baka tumirik lang ang mga ito, dahil ngayong pinoproblema ang tila ba kakulangan ng aksyon ng gobyerno sa pandemya, masisiguro ba nating gagawin talaga nila ang kanilang nararapat na gawin? O bibigyan lamang natin sila ng mas maraming oras para hintayin ang bakuna? Imbis na humingi ng solusyong makapagpapabuti nga sa karamihan ngunit mapagbibigyan naman ang katamaran ng iba, mas mainam kung magpopokus nalang sa paraang maitutulak ang ating pamahalaan na lumikha ng mas makabubuti sa ating bansa. Tulad ng petisyong #LigtasNaBalikEskwela na ipinoprotesta ang pagkakaroon ng pantay na oportunidad ang lahat sa ligtas, abot-kaya, at dekalidad na edukasyon. Hinihiling rin nito na magkaroon ang gobyerno ng mas konkretong paggawa ng plano at pag-aksyon upang tunay na magkaroon ng ligtas na balik eskwela dahil kung ito ang pagtutuunan ng pansin, totoong walang maiiwan, guro man o mag-aaral.

KUMPLIKADONG PAGBABAGO prince arthur bustria

M

araming nagbago nang nagsimula ang pandemya. Isa na ang pagbabago ng sistema ng edukasyon. Noong iminungkahi ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na palawigin ang oras ng ‘online classes’ ng hanggang walong oras noong ika-17 ng Agosto 2020, naging kumplikado at nakakapanibago ito para sa mga guro’t mag-aaral. Malaking hamon na idinulot ng pinalawig na oras ng klase ang pangangailangan ng mabilis at maayos na 'internet connection'. Masakit sa bulsa ang babayarang ‘internet connection’, lalo na para sa mga magulang na walang trabaho o mapagkakakitaan ngayong pandemya. Sa pahayag ni Raymond Basilio, Secretary General ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), sinabi niya na, “Not only will an eighthour class be extremely exhausting for both teachers and learners, thus directly impacting education quality—not to mention detrimental to their health.” Dahil dito, mataas ang tsansang magkaroon ang mga guro’t mag-aaral ng mga komplikasyon sa mata. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng “Computer Vision

princess nica godinez

Syndrome” o CVS, na nagdudulot ng paglabo ng mata at pagkahilo. Madali itong makukuha ng mga guro’t mag-aaral dahil mas matagal na silang nakatutok sa kompyuter. Sabi ni Soyon Cinco, magaaral ng Rizal National Science High School na siya’y nadismaya dahil ang walong oras na ‘screen time’ ay nakakapagod at masama sa kalusugan. Kahit pa raw apat o anim na oras ang ‘screen time’ ay nakakapagod pa din. Mapapatunayan na masama ang matagal na pagtutok ng mata sa ‘gadgets’. Nakakalungkot isipin na dahil dito ay madami na ang nagsusuot ng ‘eyeglasses’ dulot ng paglabo ng mata. Sa pagbabago ng edukasyon, marami ang may iba’t ibang opinyon. Makabubuti para sa lahat ang desisyong malayo sa panganib at mga batikos. Hindi pa tayo nasasanay sa edukasyon sa bagong normal, kaya handa ba talaga tayo sa mga pagbabago sa panahon ngayon?


ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School

opinyon

6

UMALOHOKAN Umalohokan S

a kabila ng kinakaharap nating pandemya ngayon, itinuloy pa rin ng Department of Education (DepEd) ang opisyal na pagbubukas ng klase noong Oktubre 5 2020, sa pamamagitan ng ‘Online Class’ ngayong taong pampanuruang 2020-2021. Para sa karamihan, ito’y dagdag gastusin dahil sa bunsod ng hirap sa buhay ngayon. Mas mainam unahin ang mga pangangailangan kaysa ipambili ng gadyet para sa makabagong paraan ng pag-aaral. Sa kabilang banda, marami pa rin ang nais tumulong sa mga nangangailangan o tulad ng iba’t ibang mga fund raising projects. Isa sa mga nasabing proyekto ang #PisoParaSaLaptop na inilunsad upang makatulong sa mga estudyanteng nais makapag-aral ngunit walang kakayahang makabili ng gadyet. Maraming estudyante ang nawalan ng pag-

Jame euan imperial

asa dahil sa kakapusan sa pera ngunit sila’y nabuhayan ng loob dahil sa proyektong ito. Nakakabilib na kahit nasa pandemya tayo ay madami pa rin ang nais tumulong sa mga higit na nangangailangan. Isa lamang itong patunay na handa pa rin tayong mga Pilipino na tumulong sa ating kapwa sa kahit ano mang pangyayari. Dagdag sa mga fund raising projects and Rotary Club of Taytay na layuning makatulong sa mga nangangailangan lalo na ngayon may krisis na hinaharap ang buong mundo. Ilan sa mga tinutulungan nila ang mga estudyante mula sa Rizal National Science High School (RNSHS) na nakararanas ng kagipitan. Sa aking palagay, nararapat na may gawing hakbang ang ating gobyerno sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan sa new normal ng DepEd. Bawat estudyanteng naapektuhan

ang pangunahin nilang asikasuhin at bigyan ng nararapat na aksyon. Kung nais ipagpatuloy ng DepEd ang ganitong sistema, kailangang handa silang tugunan ang mga problemang nararanasan ng bawat estudyante, gayundin sa mga guro at magulang na naaapektuhan ng nasabing suliranin. Sa tulong ng social media gaya ng Facebook at Twitter, natugunan ang hinaing ng mga estudyante sa dulot ng online class. Naging daan ito upang mailahad ang kanilang mga suliranin at magbigay motibasyon sakanila upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Nabigyang tulong din ang mga nangangailangan ng tulong. Nang dahil sa platapormang ito, maraming estudyante ang natulungan at madaming tao ang handang mag abot ng tulong ng walang hinihinging kapalit.

PANANAGUTAN

M

aingay at malakas ang sigaw ng taong bayan, “Nasaan ang pangulo?” Hindi sa paghahangad ng pisikal na presensya ng Presidente, kundi ang pagpuna sa kanyang kakulangan ng mga komprehensibong plano sa panahong pinakanangangailangan ang kanyang mga nasasakupan. Pagtingala sa pagbabayanihan at katatagan ng mga Pilipino ay nagwakas na, ngayo’y hangad nila’y pakinggan ang kanilang mga panawagan. Bawat sulok ng bansa ay nag-ingay ngunit pakatandaan na hindi mag-iingay ang taong bayan kung sila ay pinakikinggan. Kamakailan lamang ay naglipana ang mga pahayag ng taong bayan patungkol sa #NasaanAngPangulo at #DemandAccountability sa kanilang mga pang-sosyal na plataporma sa kasagsagan ng bagyong Ulysses. Maraming nagbato ng mga maaanghang na salita sa administrasyon ng Pangulo, patuloy na hinahanap ang kanyang pagtugon sa paghingi ng saklolo ng mamamayan. May karapatan ang taong bayang hanapin ang taong kanilang ibinoto at pinagkatiwalaang mangasiwa sa bawat pangangailangan nila. May hangganan ang bawat pagpuna sa

administrasyon ng Pangulo subalit sa panahong sila’y nasa matinding delubyo, hindi maiiwasang umasa sa mga pangakong binitawan ng Pangulo mula noong una siyang nailuklok sa pwesto. Kaya’t ganoon na lamang ang inis ng mga netizens noong nailabas ang pahayag na, “Hindi po dapat tanungin kung nasaan ang Pangulo, yan po ay kalokohan lang ng oposisyon. Ang Presidente po ay hindi nawawala, lagi natin siyang kapiling,” ani ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang nation address. Sa kabila nito, may sinabi rin ang Pangulo na umani ng samu’tsaring reaksyon sa platapormang Twitter, sinasabing nakuha pang magbiro ng Presidente gayong may mga taong nakikipagsapalaran sa lamig at sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga probinsya ng Isabela at Cagayan. Depensa naman niya, "It's not that I am at a distance from you. Gusto kong pumunta doon, makipaglangoy sa inyo. Ang problema pinipigilan ako kasi daw pag namatay ako isa lang ang Presidente. Sabi ko may Vice President naman. Wala silang sinasagot." Tapat ring binigyang kasagutan ng Pangulo ang mga nagkalat na hinaing ng taong bayan at ang hastag na #NasaanAngPangulo, sinabi niyang patawarin nawa ng Diyos

balaraw Balaraw

U

nemployment rate ang isa sa mga mabibigat na isyu ng bansa na hindi pa rin nabibigyang solusyon. Nagsimulang makita ang pagtaas nito noon pang dekada 70’ ngunit sa tagal at dami nang naupo sa termino, wala pa ring kongkretong plano patungkol dito. Hindi rin masyadong naibabalita ang isyung ito kung kaya’t nasasapawan at lalo pang pinalala ito dulot ng pandemya. Dahil sa banta ng COVID-19, maraming nagsarang mga negosyo at establisyimento kaya’t maraming mga naapektuhang lokal na mga manggagawa. Hindi rin nakaligtas ang mga propesyonal tulad ng mga guro dahil nga sa pansamantalang paghinto ng face-to-face classes. Karagdagan pa, naging malaking dagok rin ang pandemyang ito sa mga nagtatrabaho sa paaralan tulad ng mga dyanitor, sekyu at mga tindera. Kabilang ang 32-taong gulang na si Gene Barretto sa mga naapektuhan ng

CHRISTIANNE JAYE SUMANG

MANGARAP

NAKAKUBLING aina jame marcelino

DATOS: Gaano pinagkakatiwalaan tanong: ng RiScians si Pangulong Duterte?

LIBRE LANG

ang mga patuloy na humahanap sa kanya pagkat sila’y naririyan lamang, ginagawa ang kani-kanilang mga trabaho. Nagkaroon din daw diumano ng isang ASEAN summit sa kasagsagan ng bagyo kaya’t sila’y naging abala ngunit hindi niya raw kinalimutan ang tungkulun niya sa bayan, “Ako ay tapat pa ring naglilingkod sa gobyerno at sa buong Pilipinas”, ani niya sa kanyang televised address. Hindi rin nakaligtas ang usapin tungkol sa Nationwide Operational Aassessment of Hazards (Project NOAH) na dapat tugon ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya para sa isang mas tiyak, buo, at mabilis na sistema ng pag-iwas at pagpapagaan ng epekto ng sakuna lalong-lalo na sa mga lugar na napakadaling maapektuhan ng kalamidad sa buong Pilipinas. Ipinatigil ang programang ito dahil sa kakulangan ng pondo noong taong 2017. Ito’y muling pinag-usapan sa mga social media sites, kwinestyon ang malaking pagbabago sa pondong pang-kalamidad ng gobyerno na noo’y 38.9 bilyong piso sa taong 2016 at ngayo’y 16 bilyong piso na lamang. Mahalaga ang boses ng bawat mamamayan, kabataan man o mga nakatatanda. Gayunpaman, ang bawat karapatan at kalayaan na mayroon ang bawat isa ay dapat

perspektibo: tanong: May karapatan ang bawat isa

na magreklamo at manawagan sa gobyerno pagkat sila’y patuloy na nadedehado.

gamitin sa paraang hindi nakasisira ng reputasyon ng iba. May karapatan ang bawat isa na magreklamo at manawagan sa gobyerno pagkat sila’y patuloy na nadedehado. Hindi mareresolba ang bawat krisis kung tanging pagbabayanihan at pagdadamayan lamang ng taong bayan ang papairalin. Pagtingala sa pagiging positibo ng mga Pilipino sa panahon ng mga sakuna ang dahilan kung bakit patuloy na natatakasan ng gobyerno ang mga pananagutan nila sa taong bayan, pananagutang tila yata pinanindigan lamang noong mga sariwa pa ang tagumpay sa eleksyon. Paglalaan ng pondo sa mga armas ng kapulisan ay tunay na kasinghalaga ng pondo na dapat ay nakapagsasalba sa buhay ng bawat mamamayan. Hindi kahiya-hiyang gawain na makinig sa mga hinaing at reklamo ng taong bayan, ito’y mga suhestyon at hinaing na nararapat lamang isabuhay at hindi isang bagay na pinapatahimik at pilit na binabaon sa hukay. Kawalan ng disiplina ng mga Pilipino ang sinisisi sa mga kakulangang dapat sila ang sumasalo. Karapatan pa rin ng bawat Pilipinong mabigyan ng atensyon ng kanilang gobyerno pagkat mahalagang malaman kung saan napupunta ang buwis na mula sa dugo’t pawis nila.

KAWALANG TRABAHO NI JUAN; SOLUSYONAN emman noelle celajes

pandemya, ang dating tindera sa Rizal National Science High School (RNSHS) na nahinto ang hanapbuhay noong magsimula ang pandemya kaya’t sumadsad ang kanyang kita nang pansamantalang magsara ang eskwelahang pinagtatrabahuhan. Minsan na din niyang nasubukan ang nauusong “online selling” ngunit hindi rin sumapat ang kinikita lalo pa’t wala ring hanapbuhay ang kaniyang asawa at mayroon pa siyang mga anak na pinapaaral. Aniya, “Hindi po sapat minsan kulang pa nga dahil tatlo ang anak ko - isang grade seven, kinder at nursery.” Ayon sa tala ng Social Weather Station (SWS), dalawa sa kada limang Pilipino ang nawalan ng trabaho ngayong taon. Bago pa magkapandemya, 5.7% na ang naitalang jobless rate at sumipa ito sa 8.7% nitong nakaraang buwan kaya’t humigit kumulang 4.6 na milyong Pilipino ang walang trabaho ngayon. Isa lang si Gng. Gene sa libo-libong dumadanas

nito ngayong pandemya at kung hindi magagawang magbukas ng mga istablisyimento sa susunod na taon, baka lalong dumami ang mga katulad niyang isang kahig, isang tuka. Ngayong nasa gitna tayo ng pandaigdigang krisis, tiyak na hindi ito ang uunahin ng pamahalaan dahil nga sumasabay pa ito sa suliranin sa COVID, at lalong lulugmok ang ekonomiya ng bansa. Kung kakayanin, maaaring magbigay ang mga lokal na pamahalaan ng alternatibong pagkakakitaan, gaya ng pamamahagi ng maliit na puhunan upang magkapagsimula ng negosyo kahit “online” ang ilan. Nangangailangan itong mabigyan ng pansin sa lalong madaling panahon dahil kung tutuusin ay napakatagal na ng suliraning ito sa bansa. Sana lamang ay hindi isantabi ng gobyerno ang ganitong usapin lalo pa’t patuloy ang paglaki ng populasyon sa bansa at mukhang tatagal parin ang krisis na ating kinahaharap.

joshua miguel aran


N

agsagawa ng “Orientation Day for Parents and Guardians” ang ating paaralan noong Oktubre 3, 2021 kung saan isa sa mga naging paksa ay ang Revised Student’s Handbook. Maraming nabago at nadagdag na alituntunin at patakaran dito, ngunit napanatili pa rin ng paaralan ang pinakaprayoridad nito – ang Riscians. Nagsimula ang klase kahit may pandemya at ito ang dahilan kung bakit kalagayan ng Riscians ang pinaka-prayoridad ng paaralan. Ika ni JHS Pre f e c t

of Discipline and School Activities Coordinator, Bb. Dahlia C. Ramos, para sa kanila, “disicipline is secondary” dahil ang pinakamahalaga sa ngayon ay kung saan at paano tayo magiging komportable sa pag-aaral. Isa sa mga binago ay ang 7.6 Haircut sa ilalim ng III. Code of Discipline, kung saan isinasaad na dapat sundin ng kalalakihan ang nakaatas na estilo ng buhok. Nakapagtataka nga na epektibo lamang ito sa taong 2021 at hindi para sa buong taong panuruan. Ipinaliwanag naman ni Bb. Ramos, na batid ng paaralan na hindi pwedeng lumabas ang Riscians dahil saklaw ng quarantine rules ang edad ng mga mag-aaral nito. Dagdag pa niya na sa panahon ngayon, mas mahalaga para sa kanila (Office of Student Affairs) ang pagiging well-informed natin “kaysa yung petty things like haircut.” Sinabi niya rin na kahit online classes at nasa bahay lang, inaasahan pa rin na ang lahat ng estudyante, mahaba o may kulay man ang buhok, ay maging presentable sa oras ng klase.

Takap Sakwil

Nalipat rin sa Category 4 (Grave Offense) mula Category 3 (Major Offense) ang 4.3 Bullying in any form at 4.12 “Using of abusive, obscene, or profane language to defame the name of the school, its administrators, teachers, staffs, and students may it be oral or written.” Dinagdag rin sa Category 4 ang mga tukoy na akto ng cyberbullying. Mayroon rin na pinahaba o mas nilinaw lamang tulad ng 5.11 Assaulting, threatening, intimidating, provoking, or coercing any member of the school community na kinabibilangan na ngayon ng “posting, commenting and/or sharing in social media.” Nabanggit rin ng naturang guro na ang pinakamalaking hamon ngayon ng OSA ay ang 4.1 “Cheating in any form”, dahil mahirap itong mamonitor gawa ng bagong learning modality. Sa katunayan, hindi sa OSA nakasalalay ngayon ang polisiya tungkol rito, kundi sa mga guro mismo. Sariling diskarte nalang raw ng guro kung paano maiiwasan ang pandaraya sa kaniyang

asignatura. Gayunpaman, ang OSA ay lagi pa ring nariyan upang magbigay paalala na “ we are all scholars of our province and we are expected to display the highest standard of discipline”. Ani pa ni G. Ramos, “ we (the OSA) may not be able to monitor you closely” pero “ we will be very vigilant against any form of academic dishonesty.” Para sa kaalaman ng lahat, may planong maglabas ng kopya ng Revised Student’s Handbook ang ating paaralan. Gayunpaman, nananatili pa rin itong plano sa ngayon dahil pinagaaralan pa ang pag-release nito sa paraan na hindi makokopya. Isa pa, maaari pa raw itong mabago dahil ang ibang polisiya rito ay pansamantala o naaangkop lamang sa online class. “Disicipline is secondary” dahil ang pinakamahalaga sa ngayon ay kung saan at paano tayo magiging komportable sa pag-aaral. Maraming nabago at nadagdag na alituntunin at patakaran, ngunit napanatili pa rin ng paaralan ang pinakaprayoridad nito – ang Riscians.

7

ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School

MARY ANTONETTE AGAPITO

takap sakw

opinyon

PANGALAWA KA LANG, DISIPLINA

angel christelle napay

severino Ritmo Severino

BALIK SA DATI prince arthur bustria

I

pinatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong ika-15 ng Oktubre, 2020 ang Resolution No. 79. Ipinalalawig nito ang edad ng maaaring lumabas mula sa orihinal na 21 hanggang 60 na ngayo’y 15 hanggang 65 taong gulang na. Ito’y isang desisyong magpapalala lamang ng kaso ng COVID-19. Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, “Global experience has shown that the case fatality rate and severity of sickness between 15 and 20 years old is low.” Kahit mababa ang bilang ng mga namamatay sa sakit sa mga edad 15 hanggang 20, posible pa rin silang kapitan ng sakit at makahawa. Pagdating naman sa mga senior citizen na edad 60 hanggang 65, mas madali silang makakapitan ng sakit at mas mataas ang tiyansa nilang mamatay kaya hindi magandang ganito kataas ang edad ng maaring lumabas ng kanilang mga tirahan. “Pwede na pong lumabas ang mga minors from 15 to 65 years of age, pero ang mga local government units po ay pwede magtakda ng mas mataas o mas matandang edad para po sa mga menor de edad.” dagdag ni Roque. Dapat taasan ng mga LGU ang edad ng mga minor na maaring lumabas at babaan naman sa mga senior. Dapat isipin ang kanilang kapakanan dahil kung sila’y mahawa ng sakit, lalong mahihirapan ang mga medical frontliners na asikasuhin sila.

Kung alam nga ito ng mga Pilipino, bakit may ilan pa ring hindi sumusunod? Huwag sana tayong maging kampante, dahil hindi pa tapos ang laban natin sa pandemyang ito. Ani Iris Desiree Oliveros, mag-aaral ng Rizal National Science High School, hindi siya pabor sa pagbaba ng quarantine age-restrictions dahil darami lamang ang mga taong nasa labas na may tiyansang mahawa ng COVID-19. Isa itong patunay na hindi maganda ang maidudulot ng pinahinang age-restrictions dahil pati ang mga mag-aaral ay nangangamba sa epekto nito. Nakapaloob din sa IATF Resolution No. 79 na simula Oktubre 21 ay papayagan na ang mga nonessential travel palabas ng bansa. Delikado ito lalo na’t mayroong bagong variant ng COVID-19 na unang kumalat sa United Kingdom na tinawag na SARS-CoV-2 (B117). Binanggit ni Roque na hindi na tataas ang kaso ng COVID-19 dahil sa desisyong ito sapagkat alam na raw ng mga Pilipino ang ibig sabihin ng health protocols, ngunit bakit ang ibang mga Pilipino, bata man o matanda, ay nakalilimutang magsuot ng facemask o faceshield? O 'di kaya’y simpleng pagpapatupad lang ng physical o social distancing? Kung alam nga ito ng mga Pilipino, bakit may ilan pa ring hindi nakasusunod? Huwag sana tayong pakampante dahil hindi pa tapos ang ating laban sa pandemyang ito.

ASAR-TALO MARY ANTONETTE AGAPITO

K

asabay ng ura-uradang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terrorism Law (ATL) ay ang pag-usbong ng takot sa mga alagad ng midyang pangkampus. Hindi limitado sa pagbabanta at pananakot ang kinakaharap ng kabataang mamamahayag lalo pa’t naisabatas ang Anti-Terrorism Act of 2020 o R.A. 11479, kung saan kalayaan sa pamamahayag ang asintado na tila ba ito ang makapagpapatahimik sa boses ng mga alagad ng midya. Ayon sa mga tagasuporta ng panukalang-batas, ang hangarin lamang ng ATL ay wakasan ang terorismo sa bansa at wala raw dapat ikatakot rito, “ terrorists or their supporters are the only ones who will be afraid of the bill", ani Senate President Vicente Sotto III. Pinanatag rin nila ang mga tutol rito at binanggit na sa ilalim ng batas, ang aktibismo ay hindi terorismo. Sa kadahilanang hindi na nakatutugon sa terorismong kinakaharap ng bansa ang Human Security Act of 2007, ang pinalitan ng ATL, mabuti lang raw na magkaroon ng bagong batas na talagang makatutugon rito. Sinegundahan naman ito ni Q.C. 4th District Rep. Jesus Suntay, " there should really be a law to protect our government from acts of terrorism." Gayunpaman, kung mahigit isa ang kinokontra nitong karapatang pantao, partikular ang kalayaan sa pamamahayag, hindi ito karapat-dapat tukuyin bilang 'proteksyon ng gobyerno sa terorismo'. Sa halip, mas bagay pang tukuyin ito bilang 'proteksyon ng gobyerno sa mga kritiko'. Malawak ang depinisyon ng terorismo sa ATL. Kahit nga pagaaway sa mga pampublikong lugar tulad ng bar ay maituturing na terorismo sa mata nito. Delikado rin ito dahil nabibigyang kalayaan ang gobyerno na husgahan at tukuyin bilang isang terorista ang sinumang pagsuspetsyahan nito. Isinasaad sa Seksyon 4 ng ATL na ang terorismo ay maisasagawa ng kahit sino basta’t kaisa siya sa aktibidad na magdudulot ng pagkamatay o malubhang pinsala sa katawan ninuman, at pagsali sa mga kilusan na magdudulot ng pagkasira sa pasilidad ng gobyerno at mga pampubliko o pribadong imprastraktura kung saan

angel christelle napay

ang pangunahing layunin ay takutin ang gobyerno.Kumokontra naman sa nakasaad sa Artikulo III, Seksyon 4 at 18 ng Konstitusyon ang Seksyon 9 na nagsasabing ang sinumang makapaguudyok sa depinisyon ng terorismo “by means of speeches, proclamations, writings, emblems, banners or other representations” ay mapapatawan ng labing-dalawang taong pagkakakulong. Bukod dito, kaduda-duda rin ang magiging paraan ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa pagkilala ng mga terorista. Hindi kasi malayong abusihin din nito ang probisyon lalo pa’t hindi naging maganda ang human rights record ng administrasyon. Ayon sa UN Report noong Hunyo, mahigit kumulang 8,600 mga Pilipino ang namatay sa ‘Kampanya Kontra Droga’. Bukod rito, dati nang napabalita ang atake ng rehimen sa mga kilalang kritiko nito, tulad ng beteranong mamamahayag at CEO ng Rappler na si Maria Ressa, ang pagpapasara sa pinakamalaking istasyon sa bansa, ang ABS-CBN, at ang hindi makataong pag-aresto sa mga aktibistang sina Carlo Bautista, Alma Estrada Moran, at Reina Mae Asis Nasino. Kung ang mga kilalang kritiko, aktibista, mamamahayag, o istasyong ito ay nakararanas ng pananakot at pagbabanta mula sa gobyerno, hindi malayo na pati ang mga alagad ng midyang pangkampus ay maging biktima rin nito. “ We see that whatever is happening in the university is also happening in the nation or outside because universities are microcosms of the nation,” ani Hannah Cartagena, tagapagsalita ng Youth Act Now Against Tyranny (YANAT). Noong Marso, lantarang tinuligsa ng gobernador ng Cebu ang pabli-kasyong ‘ Today’s Carolonian’ ng

University of San Carlos dahil sa editoryal nito na bumabatikos sa paglikha niya ng yunit na tumutuligsa sa mga netizen na bumabatikos sa pagresponda niya sa COVID-19. Sa halip na makipagtalo sa mga kritiko, tulad ng sinabi ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, “government should simply build confidence that this law will not be abused.” Bukod rito, sana’y muling rebisahin ang R.A. 11479 upang mapalitan ang dapat palitan, at linawin ang dapat linawin dahil, “ang kailangan natin ay demokratiko at makataong mga batas” at hindi batas na tumatapak sa karapatang pantao. Sa mga alagad ng midyang pangkampus, ang umuusbong na takot ay mananatiling pagkatakot lamang. Anuman ang mangyari’y mananatiling mulat at kritikal sa nangyayari sa bayan ang kabataang mamamahayag, at patutunayan na hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan maipaparinig ang boses na hindi maipagkakait ninuman. Kailan ma'y hindi magpapadaig sa ingay ng pasista ang boses ng katotohanan.

perspektibo:

Hindi maipagkakait ninuman ang boses ng kabataan. Higit sa lahat, hindi magpapadaig sa ingay ng pasista ang boses ng katotohanan.


ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School

opinyon

8

BIKTIMA,

SAPANTAHA Sapantaha

MANANATILING BIKTIMA YUMI MAOG

H

indi maikakaila na ang pambabastos ay nagmumula sa masamang pag-iisip ng isang mahalay na tao, hindi sa paraan ng pagkilos, pananalita, at pananamit ng isang indibidwal. Taon-taon, umaabot sa 7 milyong kabataang Pilipino mula 10 hanggang 18 taong gulang ang humaharap sa seksuwal na pang-aabuso, kung saan ang karamihan sa bilang na ito ay ang kababaihan. “Naalala ko pa noong bata ako, ang inosente kong pag-iisip ay nalilito kung bakit may isang lalaki na bigla na lang ako hinipuan sa aking hita”, pahayag ni Jen Denise Reyes, isang mag-aaral sa Rizal National Science High School (RNSHS) ukol sa kanyang

karanasan sa seksuwal na panliligalig. Kabilang ito sa milyon-milyong menor de edad na nakararanas ng pambabastos sa publiko. Kailanman ay hindi karapat-dapat na makatanggap ng malalaswang sulyap at mahahalay na salita ang isang indibidwal nang dahil lamang sa paraan ng kanyang pananamit. Nakalulungkot isipin na sa kasalukuyan ay talamak pa rin ang ganitong kaisipan sa loob ng isang lipunan. Gayundin, nakababahala na nakatatak sa kultura ng mga Pilipino ang paninisi sa biktima sa halip na panagutin ang may sala. Hindi na bago ang makarinig ng mga pahayag na “Ano ba ang sinuot mo?” o kaya naman ay “Kababaeng tao...”, na kung saan ay ito ang nag-uudyok sa kaisipan na may kasalanan ang biktima sa pambabastos sa kanyang katawan. Hindi pinalampas ang kaawaawang sanggol mula sa Cebu na maging biktima sa isang karumal-dumal na panghahalay. Baga-mat ang bata ay nakasuot lamang ng lampin, hindi nagdalawang isip ang may sala na dalhin ito sa niyugan at

molestiyahin ito. Natagpuang duguan ang biktima at kinumpirmang ito ay ginahasa. Hindi nakapaguudyok ng libido ang lampin, kaya naman pagpapatunay ito na walang pinipili sa pagiging biktima ng mahahalay na gawain. Baliktarin man ang sitwasyon at sabihing ang isang inang nagpapadede ay binastos ng ilang kalalakihan, walang kwenta ang argumento patungkol sa pananamit. Itinuturing na normal ang pagpapakita ng balat ngunit ang nararamdamang pagnanasa mula rito ay hindi. Kahit ano pa man ang sirkumstansiyang kinabibilangan ng mga kababaihan ay mataas pa rin ang posibilidad na mabastos ito – may damit man o wala. Walang kakayahang magbigay pahintulot sa pakikipagtalik ang kasuotan ng isang indibidwal. Delikado ang pahayag na “ang babaeng ayaw mabastos, nag-dadamit nang maayos”, sapagkat nagpapatibay lamang ito sa kaisipan na ang kababaihan ay nabubuhay lamang para sa sekswal na kaligayahan ng lipunan. Pahayag ng Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, “Kung anuman ang mga expression ng mga kababaihan sa kanilang pananamit at pang-ayos, ito po ay ating igalang at irespeto dahil po ang mga kababaihan ay bigay ng Diyos sa atin”. Hindi dapat magpapatuloy ang makalumang kaisipan na sa pananamit nakabatay ang dignidad ng kababaihan. Maisasawalang bahala

nito ang hustisya ng mga biktimang walang kakayahang gamitin ang kanilang boses laban sa sekswal na panliligalig. Bagamat ito ay isang pamamaraan lamang upang manatiling ligtas laban sa masasamang loob, ito rin ang nagbibigay kapangyarihan sa kanila upang ipagpatuloy ang mahahalay na gawain. May sapat na kaparusahan ukol sa sekswal na panliligalig. Layunin ng Batas Republika 7877, kilala bilang Anti-Harassment Act of 1995, na managot sa batas ang sinumang magsagawa ng akto ng sekswal na pang-aabuso. Sa halip na pintasan ang kasuotan ng mga kababaihan, mahalagang ituro sa kalalakihan ang pagpapamalas ng respeto. Sapat na edukasyon ang kinakailangan upang sugpuin ang panghuhusga, paninisi, at pambabastos sa kababaihan. Samakatuwid, nararapat lamang na ugaliin ng bawat isa ang kahalagahan ng konsepto ng pahintulot na magsisilbing liwanag laban sa bulag na paniniwala ng lipunan.

Hindi dapat magpatuloy ang makalumang kaisipan na sa pananamit nakabatay ang dignidad ng kababaihan.

LIANA ALTHEA BUTEL

EGUL SA MODYUL JOHN ROLLY DIOQUINO

N

ang magsimula ang klase noong ika-5 ng Oktubre taong 2020, pinili ng 1142 mag-aaral o ang lahat ng estudyanteng nag-enrol sa paaralang Rizal National Science High School ang “online learning modality” bilang alternatibo sa kanilang pag-aaral ngayong pampanuruan 2020-2021. Lubos na nakatutuwa ang bilang ng kumuha ng “online learning” dahil kitang-kita naman ang kalamangan ng ‘modality’ na ito kung ikukumpara sa ‘modular learning’. Bilang tugon sa new normal na hatid ng pandemyang ito, naghandog ang Risci ng ‘modular’ at ‘online learning’ sa kanilang mga mag-aaral. Kung ‘online learning’ ang iyong pinili, ‘blended learning’ ang iyong pagdadaanan o ang pinagsamang ‘modules’ at ‘online classes’ na parehong kinakailangang gawin ng mga estudyante. Noong malaman ko ito, nawasak ang plano kong kumuha ng ‘modular learning’ sapagkat tila ba mas may matututunan ako sa ‘blended

learning’ dahil may direktang tulong akong makukuha sa aking guro kumpara sa sariling pagsusunog ng kilay kapag modyul lang ang magiging katuwang ko. Sa kabilang dako, mayroon din mga kumplikasyon ang ‘online classes’ at mahinang koneksyon sa ‘internet’ ang tanging dahilan na aking nakikita. Dulot ng minsang mahinang sagap ng koneksyon sa internet, may mga araw talaga na hindi ako makapasok o kaya nahuhuli ng pagpasa ng mga gawain. Sa kabila nito, naniniwala pa rin ako na mas mainam ang klase sa online sapagkat marami rin akong nakikitang kamalian o hindi kaya kakulangan sa modyul na pinasasagutan. Halimbawa nito ang nakikita kong posts ng mga nababahalang netizens sa iba’t-ibang social media sites tulad ng Facebook at Twitter. Isa na rito ang hindi maikakailang mga pagkakamali o mas malala, masasamang sagot o halimbawa na nakalagay sa mga modyul ng mas mabababang baitang tulad sa mga tanong na ginagawang halimbawa ng isang ‘obese’ na tao ang aktres na si Angel Locsin, at pagsasalarawan ng mga magsasaka bilang mga taong tila ba isang pulubi. Gayundin ang sitwasyon sa mga tanong na kung iisipin ay tila nagpapakita ng ‘stereotyping’ tulad ng pagiging simbolo ng pagiging isang kriminal ang pagkakaroon ng tatu, at pagiging simbolo ng “kabadingan” ang pagyayakapan ng mga lalake. Kung tutuusin, wala namang masama kung simpleng ‘typographical error’ ang mga pagkakamaling ito ngunit base sa mga halimbawang naibigay, parang sinasamantala ang mga modyul upang magtanim ng mga lumang paniniwalang naitatama na ng kasalukuyan dahil kung ano ang nakalagay na sagot sa modyul, wala ng iba pang tama bukod doon dahil hindi naman ito maipapaliwanag ng mabuti kaya maitatanim ito

PRINCESS NICA GODINEZ

sa isipan ng mga bata, lalo na ng mga mas mabababang baitang na walang patnubay ng magulang. Dagdag pa rito, hindi sapat ang mga impormasyon na nakapaloob sa modyul at kailangan mo talagang magtanong o hindi kaya gumamit ng internet upang maghanap ng tamang maisasagot kahit na ang paglilimita ng paggamit ng internet ng mga estudyanteng kapus-palad ang prayoridad ng mga modyul na ito. Sa aking palagay, iba pa rin ang karunungang nakukuha ng isang mag-aaral mula sa mga gurong nagtuturo, dahil kung puro paggawa lamang ng modyul ang aatupagin ng isang mag-aaral, mauunang masunog ang kanilang utak imbis na kilay lamang. Totoo namang parehong makatutulong ang modyular at ‘online classes’ sa mga mag-aaral ngunit hindi maikakaila na lamang ang karunungang natututunan ng mga mag-aaral na nasa ‘online classes’ kumpara sa mga estudyanteng sariling nagsusunog-kilay sa kanilang mga modyul. Dapat ding mas pagbutihin ng mga kompanya ng telekomunikasyon ang kanilang serbisyo upang mas maging epektibo ang ‘online classes’ dahil kung magpapabagalan ang Globe Telecommunications, Philippine Long-Distance Telephone (PLDT), Converge ICT Solutions Inc., at iba pang kompanya ng telekomonikasyon, walang mararating ang taong ito kung edukasyon ng kabataaan ang pag-uusapan. Marapat lang din na ayusin ng Department of Education ang kanilang mga modyul at suriing mabuti ito bago ipamigay upang kahit papaano, maaayos ang mga matututunan natin. Kung magpapatuloy ang ganitong problema sa mga modyul, talagang hindi sila matututo. Bukod sa hindi sapat ang kanilang natutunan, maling impormasyon pa ang napag-aaralan.

ISIPANG wag Isipang Wagas

PANDARAYA O KAPAKANAN KARL CYRIL MALABRIGA

C

OVID-19 ang naging dahilan upang hindi nga matupad ang nakasanayang paraan ng pag aaral o ang face-to-face na klase. Upang hindi mahinto sa pag-aaral ang karamihan, gumawa ng paraan ang Department of Education (DepEd), ito nga ang Online Distance Learning (ODL). Ngunit sa proseso na ito ay maaari talagang magkaroon ng pandaraya, kagaya ng pagkuha ng sagot mula sa iba’tibang mga site. Bagaman wala pa namang nahuhuli, hindi malayo sa realidad na ginagawa ito ng iilan para mapadali at maging tama ang kanilang mga sagot. Kung ako ang tatanungin, dapat nilang itigil and kanilang pandadaya at isipin ang kanilang kapakanan dahil kung hihintayin pa nilang mahuli sila, dadalhin nila ang kahihiyang iyon hanggang sa kanilang paglaki. Hindi mapigilang isipin ito lalo na’t kung face-to-face nga ay may pandadaya pa rin na nagaganap, mas pinadali itong gawin ngayong ODL. Isang pindot lamang ay maaari nang makita ang mga kasagutan sa mga tanong na naibigay ng guro. Ngunit bilang mga iskolar ng bayan, marapat lang na ipairal ang katapatan ngayong ODL sapagkat marami pa rin kasi ang hindi sumusunod sa kasabihang ‘Honesty is the best policy’. Hindi man nakikita ng mga guro ang ginagawa ng mag-aaral, nandiyan ang Panginoon na nanonood sa mga kilos ng bawat tao. Sabi ni Sir Rommel Legaspi, isang guro sa Rizal National Science High School, “ To be honest, 'di ko

talaga masisiguro o ng mga guro na ang mga mag-aaral ay hindi gagawa ng mga bagay gaya ng pandaraya, pangongopiya o pangongodigo, lalo na ngayong Online Distance learning tayo, nung wala pa ngang pandemya at face to face ang klase marami nga nangongopiya edi lalo na ngayon di namin nakikita kung paano ginagawa ng mga mag aaral ang kanilang mga gawain.” Ayon sa isang pag-aaral ng Online Schools Center, 73.8% ng estudyanteng tinanong ay iniisip na madaling mandaya sa online class. Dahil sa sobrang layo ng kanilang mga guro, iniisip ng mga ito na wala namang makakaalam kung hanapin lang nila ang sagot sa iba’t-ibang sites. Maraming bagay ang maaaring mangyari kung ikaw ay gagawa ng pandaraya. Kung ikaw man ay mahuli, may mga karampatang parusa para dito. Pwede rin na maging dahilan ito upang ikaw ay walang matutunan sa mga aralin, at higit sa lahat, ito ay isang kahihiyan. Hindi katanggap-tanggap na tayong mga iskolar ng bayan ang siya pang talamak sa pandaraya. Maraming naniniwala o maraming bumibilib sa atin, sapagkat tayo nga ay nakapasok sa paaralang ito. Pero kapag napag-alaman nila ang naging daan upang makuha ang mataas na marka ay maaaring madismaya lamang sila. Mas mabuti pa nga na mababa ang iyong mga nakuhang marka, kung talaga namang pinaghirapan at pinagsikapan ang mga ito. Mas masarap ipagmalaki kung nasa wasto ang ginagawa.


ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School

Pagtutulungan sa Iisang Kalaban

lathalain

Tatlong bayani:

9

JANA DENISE PINEDA rontliners ang tawag sa mga ika ngang bayani ng ating bansa ngayong panahon ng pandemya. Hirap at sak ripisyo, paninilbi sa bayan ang siyang panunungkulan.

F

PAGLIPAD NG SUPERGIRL SA NANGANGAILANGAN

ELIZA DIMAANO

PAGKILOS NG ISANG SANITARY INSPECTHOR Isa si Gng. Felicitation Macapinlac sa mga dakilang frontliners. Hindi siya isang pangkaraniwang frontliner, hindi nars, hindi doktor, kundi isang rural sanitary inspector. Hindi biro ang trabahong ito sapagkat sila ang nagtataguyod sa pangunahing kalusugan ng mga mamamayan sa kanilang komunidad. Siya ay dating trainer, responder, at staff ng Municipal Disaster Risk Management Office at Philippine Red Cross kaya hindi nakakapagtakang mayroon siyang ganoong trabaho. Aniya, “ Masaya na mahirap ang maging isang rural sanitary inspector. Nararanasan ko ngayon harapin ang kalaban namin na hindi namin nakikita, mapanatilli lamang ang kalinisan.” Bagama’t mas mainam na sa lalaki lamang ang trabahong ito, hindi ito naging hadlang sa kanya upang paglingkuran ang kanilang bayan.

JULIANNA AQUINO BACKGROUND PHOTO

w w w.ab c ne w s .g o.c om

RESPONDE NI KAPITAN ‘CHICKBOY’ NG MORONG ‘Captain Iron Hands’ naman ang magiting na DRRM Officer na si G. Jerome Mateo. Sila ang mga opisyales na palaging nakabantay at kumikilos sa iba’t ibang lugar upang mapigilan ang paglaganap ng COVID. Bukod dito, tumutulong pa sa iba’t ibang aksyon para makabangon ang ating bansa sa pandemya at tuluyang itong mapuksa.

Para sa kanya, masarap mabigyan ng pagkakataon na makatulong upang maging ligtas ang bawat mamamayan. “ Maging CHICKBOY. C para sa commitment, H para sa humble, I para sa Initiative, C para sa coordination and communication, K para sa Knowledge. B para sa bold, O para sa on the go at nasa oras, at Y para sa yes para sa Banal na Guro,” payo niya.

Siyempre, hindi mawawala ang isang Supergirl na tulad ni Gng. Elinor Balasta na isang dakilang nars. Para sa kanya, ang pagiging nars ay may malaking kontribusyon noon at ngayon at iisa lamang ito bukod sa pag-aalaga ng kalusugan ng lahat, ang maging mabuting ehemplo. “ Marami akong naranasan sa pagiging nars dahil hindi lamang kami tumutulong sa doktor, sapagkat mga paperworks na kailangang asikasuhin. Isang malaking hamon ang pagiging nars sa panahon ngayon. Ikaw ang mamumuno sa pagpapanatiling malusog ng iyong sarili,” dagdag niya. Gayunpaman, kahit mahirap ay pinilit niyang lumaban. Tiniis niya ang mawalay sa pamilya, ang buong araw na nakasuot ng mainit na PPE, ang banta ng sakit sa loob at labas ng kanyang kinikilusan, at ang takot na nakapalibot sa kanya ang isa sa mga posibleng positibo sa sakit. Wala mang mga armas, ang mga butihing matatapang at dakilang mga frontliners na ito ay isang bayani. Isang bayani na kahit imposibleng makita ang kalaban ay patuloy na lumalaban at pinoprotektahan hindi lamang hari at ang kaharian, ngunit ang sanlibutan at ang mundo.

JULLIANA AQUINO

KUMUSTAHAN:

Pakikipag-usap Starter Pack JAN RENNIE ABAT raw-araw mayroong mabibigat na balitang nalalaman ng mga Pilipino dulot ng pandemya, tila mahika ang epek to ng pangungumusta. Madali mang isipin, ngunit para sa iba’ y hindi ito madaling gawin. Batay sa survey, 43.9% ng mga RiScian ang madalas nahihiya kapag nangungumusta ng kaibigan, samantalang 81.4% naman ang nagkakaroon ng pagkakataong walang ideya kung paano kumustahin ito. Narito ngayon ang ilan sa mga nilalaman ng nagviral na post noong Suicide Prevention Month “ 50 Ways To Reach Out Someone Without Asking ‘How Are You?’” ni Carolyn Rivkees.

A

FILE PHOTO

Jo hn K o b e B alod

PAG-ASA SA PUSO NG BUONG MAG-ANAK : Pagharap ng Isang RiScian sa Dagok ng Pandemya

ELIZA DIMAANO

Halaga ng Mahalaga Ka Maliban sa pagbibigay tawa sa usapan, kasama ang pagpapaalala na sila’y mahalaga at mayroong nagmamahal sa kanila. Sabi nga sa hiyarkiya ni Maslow, ang pagmamahal na siyang nasa ikatlong antas ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Dito makikita ang halaga ng isang taos-pusong “mahalaga ka”.

Masayang Usapan

Lakas Sa Panahon ng Kahinaan

Batay sa nasabing post, isa sa mga nakakaaliw na panimula sa usapan ay ang pagsesend ng meme. Ayon sa Effectiviology, ang pagkakaroon ng humor sa isang pag-uusap ay nagpapaalis ng bad vibes at negatibong emosyon.

Giit ni Dr. Gia Sison ng Philippines’ Youth for Mental Health, “ When life throws you a million ways of giving up, show it a billion ways for you to not.” Wika rin ni Carolyn Rivkees ang paalalang, “ Never underestimate the power you have to make a positive impact on someone else’s life”

IRIS OLIVEROS nakalang hindi malalampasan, ngayo’ y binabalikan na lamang dahil isa nang pagsubok na nakayanan. Marami ang naganap nang dumating ang pandemya sa buhay ng pamilya ni John Kobe Balod, 16, mula sa Batch 19 ng RiSci, lalo pa’t isang frontliner ang ina niyang si Leticia Balod. Isinailalim sa swab testing ang kaniyang ina noong Hulyo 27, at lumabas na nagpositibo nga ito sa COVID-19, at kasabay nagpositibo ang kaniyang ate. Inamin ni Kobe na hindi biro ang kanilang naranasan. Sumisikip din ang dibdib niya sa tuwing nakikitang nanghihina’t nahihirapan ang ina at kapatid dahil sa sakit. Kung minsa’y hindi niya mapigilan ang pagluha at panghinaan ng loob sa naging sitwasyon nila lalo na’t may hindi sila pagkakaunawaan sa tahanan. Gayunpaman, hindi niya itinanggi ang katotohanan. Patuloy nilang binuhay ang pag-asa at pinanghawakan na gagaling ang kapamilya. Nagmilagro ang kanilang sinapit noong Setyembre nang magnegatibo na sila sa COVID-19. Malaki ang pasasalamat niya nang mabatid ang resulta, dahil maaari na silang “maging pamilya” ulit. Sa kapwa dumaraan sa ganitong pagsubok, “ Kung kailangan mo umiyak ay umiyak ka. Kung nagagalit ka ay magalit ka. ‘ Wag mo subukan na itago ang damdamin mo dahil mas lalala lang ang nararamdaman mo,” payo ni Kobe. Aniya, alalahanin natin ang mga nagmamahal sa atin na anumang hamon ang ating harapin, nandiyan sila upang palakasin ang ating loob.

I

MUst-SEE-O de Filipino: Pagkamulat sa Karanasan JON REY IDOS sa ang museo sa pinadapa ng pandemya dulot ng tila masamang hangin na umihip sa bansa. Ngunit hindi ito hadlang sa patuloy na paggalugad sa ating kasaysayan. Sa pagkamalikhaing taglay ng mga Pilipino, pumalo na sa 37.8M views ang #museodefilipino sa Tiktok na itinatampok ang mga bayani, karakter sa panitikan, at maging mga karaniwang Pilipino na nagdusa mula sa human rights injustices. Si Chynna Trinidad, Grade 9 student, ang isa sa mga nagpamalas ng pagkamalikhain sa paggawa ng Museo de Filipino video sa Tiktok. “ Naisipan ko pong gumawa ng isang Museo de Filipino video dahil gusto ko na magbahagi ng kahit kaunting kaalaman sa paraan na nakakaya ko,” kuwento ni Trinidad. Dagdag niya pa, hindi lamang ito simpleng ‘trend’ sapagkat nag-uumapaw na kaalaman ang maaaring magpa-wow sa mga manonood nito

I

Naisipan ko pong gumawa ng isang Museo de Filipino video dahil gusto ko na magbahagi ng kahit kaunting kaalaman sa paraan na nakakaya ko. - Chynna Trinidad.

ANGEL NAPAY




ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School

lathalain

12

KWENTONG TALENTO: Bugang Risayan sa Larangan ng Sining

JAN RENNIE ABAT

R

iSci Stage Warriors at Team Sheline Visuals— iilan lamang sila sa mga nagpapatunay na ang mga mag-aaral ng Rizal National Science High School ay hindi lang magaling sa Agham at Sipnayan. Sa larangan ng sining, may maibubuga rin ang mga Risayan.

ALAALA SA LIKOD AT HARAP NG KAMERA Tuwing mayroong kaganapan sa Risay katulad na lamang ng MMR at intrams, isa sa mga pinaka-inaabangan ang bidyong ilalabas na may tatak Team Sheline Visuals. Sa likod ng nakakapukaw-atensyong produksyon, nakakamanghang transition, at astig na background music, ay sina Inigo Lacson at Ralph Villafuerte. Mahigit 10 proyektong kanilang natapos para sa eskwelahan at sa kanilang huling taon bilang mag-aaral ng Risay, mauuwi na sa pagtatapos ang mga bidyo na siyang minsan nang naging inspirasyon sa iba.

JULIA ROBLES

Gayunpaman, nag-iwan ng mensahe si Inigo. “Huwag kayong matakot matuto and i-chase yung dreams niyo!”, sapagkat aniya’y ang pag-abot sa pangarap ay wala sa kagamitan kundi nasa sariling determinasyon at kakayahan. Mikropono o kamera man ang hawak, pinatunayan ng TSV at RSW ang pagiging malikhain ng mga Risayan sa eskwelahang talino ang labanan. Wika nga ni Charm, “All RiScians are unique in their own ways, so don’t be shy to show yourself to the world.”

BACKGROUND PHOTO

w w w.alz ira rad io.c om

ROBYNN GARCIA

PAMILYANG MUSIKA: HIGIT SA IDINIDIKTA

ROBYNN GARCIA

Pitik sa bawat hataw. Himig sa bawat awit. Binubuo ng mga Risayan na mayroong pagmamahal sa musika, mananayaw man o mang-aawit ang RiSci Stage Warriors. Sa kabila nito, mayroon mang bulung-bulungan at tukso sa tuwing sila’y tatapak ng entablado, hindi ito naging hadlang upang ipakita sa iba ang talentong mayroon sila. Kwento ni Charm Olinares na presidente ng RSW 20192020, “Matagal na napercieve ang RSW na ‘weird.’ Madami na kong narinig, madami na kong nabasa”. Nasasaktan man, hindi niya hinayaang ikadena sila ng mga salitang idinidikta ng iba. Adhikain ng RSW magbigay ng mga magagandang pagtatanghal sa entablado: ang magpa-indak at magpa-awit. Sa kanilang pag-eensayo, unti-unti’y hindi na lamang sila isang samahan-- sila’y isang pamilya.

TRAVELOGUE

CHRISTIANNE SUMANG

ArtSector Gallery & Chimney Café 360°: Busog sa Sining at Magagandang Tanawin GENESIS TAMIO alang mas sasarap pa sa pag-inom ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang magagandang tanawin at sining ng Pilipinas . Sa ArtSector Gallery & Chimney Café 360°, hindi lamang masasarap na putahe ang matatagpuan, mayroon ding mga magagandang tanawin at local contemporary art na sakto sa pang-Instagram mo! Hatid nito ang tanawin ng Laguna Lake, Sierra Madre, Pililla Windmills, sunset at city lights ng Metro Manila. Ayon sa wewander.ph, ang 5-storey café na ito ay disenyo ng isang multi-awarded artist, Antonio “ Tony” Leanos; siya rin ang nagdisenyo ng Pinto Art Museum, Antipolo. Agaw-pansin ang 360° glass windows nito at sa loob, matatagpuan ang koleksyon ng mga artworks ng iba’t ibang local contemporary artists. Kung gusto mong mag-patanggal ng stress at malibang pagkatapos ng mahabang pagka-quarantine, maaari mong bisitahin ang galeryang ito sa Eastridge

W

Executive Village, Binangonan, Rizal. Striktong inoobserbahan ang iyong kaligtasan dito para sa mas memorableng karanasan, at maaari mong bisitahin ang kanilang FB page upang alamin ang COVID-19 health protocols ng lugar. Kapag bumisita ka dito, ang iba’t ibang negatibong pakiramdam ay mawawala, kapalit nito ang mensaheng matatanggap mo mula sa magagandang tanawin dito: kalikasan at sining ng Pilipinas ay pahalagahan dahil ito ang sumasalamin sa ating mayamang kultura.

FILE PHOTO

Umuusbong na Pangarap:

JULIANNA AQUINO FILE PHOTO

P hilippine S ta r

W e W a nd e r P H

Inspirasyon ng mga Riscians

Misteryong Nakabalot sa Isla: PInaniniwalaang HAunted na MaNsyon AYAN AMORES ahigit pitong libong isla ang mayroon sa Pililpinas . Bawat isa ay may kaniya-kaniyang katangiang taglay. Halina’ t alamin natin ang mister yong bumabalot sa isang isla sa Binangonan, Rizal —Ang Isla ng Pihan. Matatagpuan sa isla ang isang abandonadong mansyon ni Don Silverio. Maraming kuwentong kababalaghan ang nangyayari dito, mga nakikitang iba’t ibang uri ng nilalang. “ White lady, duwende, tikbalang, may pugot na ulo pa nga,” ani ng tagapag-alaga ng mansyon Joseph Despabiladeras. Ayon kay Jun Marcos, may narinig siyang kakaibang tunog na nanggagaling sa loob ng mansyon. Nagmumula sa isang cabinet ang tunog, ngunit nang binuksan niya ito ay wala namang laman. Samu’t-saring kuwentong kababalaghan ang umiikot sa lugar. Mga misteryong bumabalot sa isla na hindi pa maipaliwanag ng siyensya. Kaya sa ngayon ay pinaniniwalaan pa ring haunted ang abandonadong mansyon.

M

JULIANNA AQUINO

FILE PHOTO

w w w.bad lad z .c om

JOHN REY IDOS LIANA BUTEL ung kalidad ng edukasyon ang pag-uusapan, isa ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa nangunguna kaya’t walang duda kung bakit maraming nangangarap na makatungtong sa unibersidad. Kabilang sa mga nangangarap na mag-aaral ang mga Riscians bunsod na rin ng nag-aalab na pusong nais ipagpatuloy ang pagiging Iskolar ng Bayan hanggang makamit ang pangarap na inaasam. Ayon sa sarbey, 9 sa 10 Riscian senior high school students ang nangangarap makipagsapalaran sa tamis at pait ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT). Isa si Valerie Musni, Grade 11 student, sa mga nais makapasok at makapag-aral sa piling ng UP. “Gusto kong mag-aral sa UP dahil gusto kong ma-challenge yung sarili ko while exploring my passions and falling in love with the knowledge to be gained there.” ani Musni. Nito lamang Setyembre, naungusan ng UP ang mga ‘top universities’ sa buong mundo pagdating sa clinical, pre-clinical, at health disciplines citations ayon sa Times Higher Education World University Rankings (THE-WUR). “ These accomplishments act as a motivation for me to learn more, to understand more, (and) to come up with more ways to innovate science and research for serving the country better.” abot taingang nakangiting lahad ni Musni.

K


13 agham agham at teknolohiya para sa masa.

75.3% RiScian 75.3%

COVID-19, NAKAAAPEKTO

SA MENTAL HEALTH NG RISCIAN

N

cid lanbert campos

akaaapekto sa mental health ng mga mag-aaral ng Rizal National Science High School at mga kaguruan nito ang COVID-19, ayon sa isang sarbey ukol sa Online Distance Learning (ODL). Ayon sa survey, ang average screen time ng isang RiScian kasama ang klase online ay 9.11 oras sa isang araw, mas mataas sa pangkaraniwang sagot na walong oras sa isang araw. Kadalasang ginagamit ng mga Riscian ang iba’t ibang social media apps dahil ito ay isa sa ilang mga paraan upang makausap ang kanilang mga kaibigan o kamag-anak, pangalawa ang games, pangatlo ang mga apps

para sa mga klase online, at pang-apat ang mga manga, anime, at Wattpad. Tatlo sa sampung RiScians ang nakaranas o nakasaksi ng cyberbullying ngayong online class, at nakaapekto ang pandemya sa mental health ng 75.3% Riscian. Base rin sa sarbey, ang kadalasang emosyon na nararamdaman ng RiScians ngayong panahon ng pandemya ay pagkabahala, lungkot, takot, at pag-aalala. Wika ni Cerah Peñaranda, isang mag-aaral, ang COVID-19 ay nakaapekto sa kanila sa maraming paraan tulad ng klase na ginaganap online. Dahil sanay silang mag-aral sa paaralan, banggit niya pa na naaapektuhan din ang

kapatid niya dahil sa bahay na sila nagtatrabaho at hindi niya mabisita ang kaniyang mga kamag-anak. Giit naman ni Gng. Arlene Paralejas, guro ng paaralan, na marami ring mga epekto ang pandemya sa mga guro tulad ng dagdag na mga gawain, mga transakyong isinasagawa online, at mas mahirap na pagtuturo ng mga estudyante dahil sa mahina na koneksiyon sa internet. Sa kabuuang resulta ng survey, makikita na maraming epekto ang pandemya sa mga estudyante tulad ng kanilang screen time, paraan ng pakikipag-usap sa isa’ t isa, ang mga emosyon na kanilang mararanasan, at iba pa.

MAria jessica buma-at

PGC palalawakin ang pag-aaral sa COVID-19 Strain ALYNNA REI MEDINA

P

aiigtingin ng Philippine Genome Center (PGC) ang pag-aaral sa bagong strain ng SARS-CoV-2 dito sa Pilipinas matapos makakita ng D614G variant sa siyam na pasyenteng positibo sa COVID-19 sa Quezon City noong Hulyo 2020. Wika ni Dr. Cynthia Saloma, tagapangasiwa ng PGC, nakatakda silang magsimula ng malawakang pag-aaral sa bagong strain ng SARS-CoV-2 mula Marso hanggang Oktubre sa buong bansa. Aprubado na ng Department of Science and Technology (DOST) ang malawakang pananaliksik na nagnanais na makakuha ng 900 na sample mula sa buong bansa.

PH G614 Variant Natagpuan ang D614G o mas k ilala bilang G614 strain sa spike region ng virus na siyang kumakapit sa cells para mak apanghawa. Ayon sa Meedan COVID-19 Expert Database, mas malaki ang tiyansang makapasok ang virus sa katawan ng isang tao dahil mas lumakas ito dahil sa strain. Sa is ang panayam s a Manila Bullet in s inabi ni Saloma na , “ We c an detec t t he mut at ion in t he Philippines but whet her it is als o t he prevalent s t r ain here, we don’ t k now t hat yet b ec aus e t he res earch we conduc ted is f rom a ver y s mall s ample s ize .”

PAG-AARAL, PAGTUTURO NG STEM SA BAGONG NORMAL, HATID NG STEM+PH SA KANILANG PODCAST alynna rei medina

N

agsagawa ang STEM+PH, sa ilalim ng UNILAB Foundation, ng #STEMTalks podcast kung saan tinatalakay nila ang mga maiinit na usapin sa larangan ng pag-aaral at pagtuturo ng STEM strand na nagsimula noong Nobyembre 4, 2020. Sa Teacher’s Table, isang episode na kanilang inilabas noong Enero 15, 2020, nakasama ang ilan sa mga piling guro na sina Melvin Magsayo, Sabs Ongkiko, kabilang na si G. Robert Dela Cruz, guro sa Rizal National Science High School. Ilan sa mga tinalakay nila ay ang mga problemang kanilang kinakaharap ngayong pandemya, mga bagay na nagtutulak

sa kanila upang gawin ang kanilang trabaho sa kabila ng krisis na ating kinakaharap at gampanin nila sa pag-unlad ng kabataang Pilipino. “Natutunan ko na malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa lalo na sa larangan ng STEM,” ani G. Dela Cruz. Dagdag pa niya, tungkulin ng mga guro na ipagpatuloy ang pagbibigay-serbisyo sa ating bayan sa gitna ng krisis na ating nararanasan, maraming pagsubok man na kinakaharap ang bawat isa, ngunit sa kabila nito ay patuloy tayong mangangarap at magiging STEM champions para sa ating mga mag-aaral sa Rizal National Science High School. Idinagdag pa niya na masaya siya na

AGGRESSIVE COMMUNITY TESTING, IPINATUPAD SA IBA’T IBANG BAYAN NG RIZAL JULIA ALYSSA ROBLES

Epekto ng G614 Agad na nilinaw ni Saloma na wala pang direktang ebidensya na makapagpapatunay na mas nakahahawa ang COVID-19 dahil sa G614 strain. “Based on the in vitro data, it seems to be more infectious… but in vivo or personto-person data, we don’t have direct evidence that it is so,” aniya. Dagdag pa niya, hindi makokompromiso ang mga bakuna na ginawa laban sa COVID-19. Sa kabila ng pagbase ng mga siyentipiko sa spike region ng virus sa pagdisenyo ng bakuna. “ It is very important that all of us will continue to be vigilant, we follow the advice of the health department while at the same time we should also protect the more vulnerable population, particularly those with comorbidities,” paalala ni Doctor Saloma.

maging bahagi ng #STEMTalks podcast lalo na nang nakasalamuha niya ang ilan sa mga kilala at magagaling na gurong sina Sabs Ongkiko at Melvin Magsayo. Kinikilala rin ni G. Dela Cruz bilang magaling na guro ng Agham si G. Ongkiko at hindi niya sukat-akalain na makakasama niya ang isang tanyag na motivational speaker sa mismong palatuntunan. “Sa aking palagay ang pakikinig ng mga podcasts ay makakatulong upang palawakin ang ating kaalaman tungkol sa isang paksa.” Binanggit niya pa na ang kahalagahan ng mga ganitong podcasts na ang mga gawaing tulad nito ay isa rin pagkakataon upang mapaunlad ang sariling kakayahan ngayong panahon ng pandemya.

NASA LARAWAN Isinasagawa ang libreng expanded at targeted RT-PCR TEST (swab test) para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Rizal sa Ynares Center Grounds, ika-30 ng Nobyembre 2020. Isa ito sa mga naging hakbang ng lalawigan upang labanan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Corona Virus Disease ( COVID-19 ). Kuha ni Julia Alyssa Robles

S

JULIANNE ALTHEA ROBLES

a lalawigan ng Rizal ginaganap ang libreng swab testing, ang ACT o Aggressive Communit y Testing, na serbisyong pumpublliko programa ng NTF (National Task Forces) laban sa COVID-19 at Rizal Province Government at Municipal Government of Tay tay. Inuna ang Evacuation Centers sa Montalban at San Mateo sa RT-PCR test (swab test). Kabilang rin ang mga bayan ng Cainta at Tay tay, kung saan mahigit 400 na residente ang sumailalim sa libreng swab testing. Sa mga bayan naman ng Morong, Baras, Cardona, Pilillia at Teresa naman ay 500 na mahigit na residente ang nabigyan ng test. Nagsimula ang ACT nang tumama ang bagyong Ulys ses na nagdulot ng malak ing pinsala sa iba’ tibang bahagi ng Luzon, k abilang na ang Rizal. Ito ay isinagawa upang masigurado na walang hawaan ang mangyayari habang nak a tigil sa evacuation center ang mga nasalanta. K a t u w a n g n g L o c a l G o v e r n m e n t Un i t (LG U) a n g M e t r o p o l i t a n M a n i l a D e v e l o p m e n t A u t h o r i t y (M M DA) , B a s e s C o nv e r s i o n a n d D e v e l o p m e n t A u t h o r i t y (B C DA) , D e p a r t m e n t o f H e a l t h (D O H) a t N a t i o n a l Ta s k F o r c e u p a n g m a i s a g aw a a n g t e s t i n g a t m a s i g u r o n a w a l a n g h aw a a n n g C OV I D -1 9 s a m g a e v a c u a t i o n c e n t e r. Sa pagpapat uloy ng AC T s a B ar as , Cardona , Pililia , Morong at Ter as a humigit 5 0 0 naman ang s umailalim s a swab tes t ing . Sa Morong Nat ional High S chool ginanap ang R T-PCR tes t , na dinaluhan ni V ice Gover nor Junrey San Juan Jr. , M . D. at mayor Olive De Leon . Ang Binangonan naman ay muling binalik an upang mais agawa muli ang r apid tes t ing . M a l i b a n s a m g a n a s a b i n g l u g a r, n a g s a g a w a pa ng communit y testing sa iba’ t-ibang bayan, kabilang na ang Rodriguez at San Mateo na labis na naapek tuhan ng bagyo.


| Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School ANG AGHAMANON

agham

14

K

BAKUNA

MUNA

ritikal na agarang maisaayos pa ng pamahalaan ang kasalukuyang programang pagpapabakuna laban COVID-19 na maging mas malinaw at ganap na integradong programa para sa lahat ng Pilipino – ang bawat segundong pagkaantala dahilan sa inkompetensya at kawalang pananagutan ng kasalukuyang administrasyon ay magdudulot ng walang katapusang pagkitil ng mga inosenteng buhay. Labis nang nahuhuli ang Pilipinas sa karerang makakuha ng bakuna kontra COVID-19, kung ikukumpara sa kalagayan ng mga karatig bansa. Tinatayang nasa ika79 na pwesto ang Pilipinas mula sa 98 bansa ayon sa Lowy Institute COVID Performance

DAMBUHALANG

PINSALA ALYNNA REI MEDINA

N

akababahala ang pagpapatuloy ng proyektong P12-bilyon Kaliwa Dam Project sa Sierra Madre kabila ng mga pinsalang maaari nitong maidulot; hindi lamang sa mga mamamayan, kundi pati na rin sa kalikasan at ekonomiya. Tinaguriang “Backbone of Luzon” ang Sierra Madre na may habang 540 km na matatagpuan sa silangang parte ng bansa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit humihina ang mga bagyong dumadaan sa silangang bahagi ng bansa. Naging kapansin-pansin ang pagharang ng bulubundukin sa iba pang mga posibleng epekto ng mga bagyo. Sa isang panayam ni Gerry Arances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), aniya, “ The impacts Typhoon Ulysses left in its wake is catastrophic, yet it would have been worse if not for the protective barrier provided by the Sierra Madre which slightly weakened it.” Sa kabilang banda, patuloy pa ring inilulunsad ang proyektong ito sapagkat 60 milyong litrong suplay ng tubig ang mabibigay sa Maynila pagkatapos ng pagpapagawa. Ayon naman kay Mary Racelis, isang propesor sa Ateneo de Manila University, ang pagkasira ng Sierra Madre ay lubos na makakaapekto sa libo-libong mga nagtatrabaho sa Infanta at Laguna de Bay lowlands. Maaring mas tumaas ang singil sa tubig ng mga taga-Maynila dahil hindi kayang tustusan ng gobyerno ang proyektong ito. Dagdag pa niya na maaaring may iba pang alternatibo kaysa doon. “ It is very destructive of the ecosystem and the lives and culture of the indigenous peoples. It is not necessary. It would be far better and more efficient to fix the leaking pipes in the water system of Manila.” Ani Father John Leydon, na isang pari at environmental advocate. Sa kabuuan, kahit marami mang magandang dulot sa mga taga-Maynila at karatig nitong lugar ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam, hindi pa rin natin maitatanggi ang mga masasamang epekto nito. Mga epektong hindi lamang sa ekonomiya ng bansa at sa mga taong nakatira dito, kundi pati na rin sa ating mahalagang kalikasan.

Index. Sinabi rin sa report ng London-based Capital Economics ang labis na kakulangang bakunang dosis na nakuha ng Pilipinas, dagdag pasanin pa ang patong-patong na “ logistical challenges” na hinaharap ng bansa. Sa kabilang banda, tinuturing naman ni Senate President Vicente Sotto III ang nakaaalarmang sitwasyon ng bansa bilang “ blessing in disguise” dahil natututo na raw tayo sa kamalian ng ibang bansa. Subalit patuloy pa rin ang pagkamatay ng mga Pilipino arawaraw, kaakibat nito ang magiging mabagal na paghilom ng sugat ng ekonomiya. Ayon sa Johns Hopkins University, kasalukuyang nasa ika-32 pwesto tayo mula sa 192 bansang may pinakamaraming nasawi sa virus, tuluyang

PAGSISIYASAT Pagsisiyasat

julianne althea robles

P

agandahin at gawing aesthetically pleasing ang layunin ng Department of Natural Resources (DENR) sa Manila Bay, kaya ang paglatag ng dolomite na ginamit bilang artificial sand ang kanilang naging hakbang. Sa ginawang pag-aaral ng Department of Health (DOH), ang dolomite ay masama sa ating kalusugan kapag ito ay nalanghap. Lumabas naman sa pag-aaral ng Lehigh Hanson, Inc. at ni Diovanie de Jesus, isang marine scientist, na hindi rin makakabuti ito sa yamang tubig. Dahil sa lumabas na research, ang paggamit ng dolomite bilang artificial sand ay naging isang malaking isyu. Para sa akin, hindi sapat ang maganda sa paningin, dapat ito rin ay may magandang nadudulot sa tao at kalikasan. Dinurog na dolomite ang ginamit bilang artifical sand upang pagandahin ang

robynn garcia

tumutulak sa bansa na magkaroon ng 2.10% fatality rate – pinakamataas na porsyento mula noong Agosto 2020. Dagdag pa rito ang lubhang pagkawala ng tiwala ng taong bayan sa pagpapabakuna. Lumalabas sa pinakabagong sarbey mula Pulse Asia noong Marso na 61 porsyento o lampas kalahati na ng mga Pilipino ang mas pinipiling hindi magpabakuna, nililista ang kaligtasan bilang pangunahing rason. Kabilang din dito ang mga frontline health workers, na naglabas ng kanilang hinaing ukol sa kaligtasan. Nais lamang nila ang kasiguruhan ng gobyerno na matatanggap nila ang pinakaepektibong bakuna, hindi iyong puno ng isyu at pagkaatubili sa bisa.

Partisang politika at kawalan ng kalinawan sa parte ng gobyerno ang sumisira sa tiwala ng masa. Kinakailangang masolusyunan agad nila ito, lalo na’t nakapaglaan na ng pagkalaki-laking P82.5 bilyong pondo ang Department of Finance (DOF) para sa malawakang pagpapabakuna ng 50-70 milyong Pilipino ngayong taon. Hindi na dapat hayaan pa ang mga walang kabuluhang burukratikong hadlang at inkompetensyang pinaiiral ng pamahalaan na maging antala sa programang ito. Hangga’t hindi pa ligtas ang lahat, ang bawat interaksyon ay may dalang panganib, bawat araw mas maraming kamatayan, at patuloy ang mahapding pagbagsak ng ekonomiya.

SANDAMAKMAK

NA HAMAK Manila Bay. Ang dolimite ay ginagamit sa pagmamanipaktura ng iba’t ibang construction materials. Sa minahan ng Alcoy Cebu nakuha ang ginamit na dolomite na ginamit bilang artificial sand. Sa pag-aaral ng DOH, lumalabas na ang dinurog na dolomite ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan ng tao. Ang posibleng epekto nito ay problema sa paghinga na maaaring maging dahilan ng cancer kapag ito ay nalanghap at pwede rin ito maging sanhi ng pangangati ng balat at mata dahil ito ay may iba’t ibang antas ng crystalline silica, mineral na kadalasang ginagamit sa construction. Lumabas sa pag-aaral ni de Jesus at ng Lehigh Hanson, Inc. na ang dolomite ay masama sa kapaligiran at sa mga isda dahil ang artipisyal na buhangin ay nagpapataas ng Total Suspended Particle(TSP) level ng tubig

EDUKALIDAD

SA NEW NORMAL

at nahahaluan ng sediments ang tubig kaya ito ay maaaring maging sanhi ng peligro sa mga isda. Ngunit iginiit ng DENR na ang dolomite ay hindi makasisira ng ecosystem ng Manila Bay. Malinaw sa akin na ang bawat ahensya ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kapaligiran at kalusugan at parehong may malinis na intensyong proteksyunan ang bawat isa. Ngunit dahil mas marami ang pagaaral na ito ay walang ambag sa pagpapabuti ng ating kalusugan at sa ating kapaligiran, sa aking palagay ay maaari nating pagandahin ang ating kapaligiran sa natural na pamamaraan, katulad ng pagtatanim ng mga mangrove. Mas mabuti rin kung ang malaking puhunang ginamit upang pagandahin ang Manila Bay ay ginamit na lamang sa mas makabuluhang bagay at sa paraang mas makatutulong sa ating bansa.

mapanuring siy Mapanuring Siyentipiko

val allen eltagonde

K

inakailangan ang patuloy na pagkilatis at paglinang sa mga hadlang ng ating sistemang pang-edukasyon ngayong new normal – isang usaping hindi na natin maaaring isawalambahala pa. Bagaman kahanga-hanga nga ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at pagkakaroon ng virtual classes upang matuto, ibang istorya pa rin ang patas na pagkamit at oportunidad ng bawat mag-aaral sa teknolohiyang ito. Tunay ngang hindi matatawaran ang pagpupunyaging nilaan ng mga haligi ng edukasyon upang makapagturo sa pandemya: ang labis na pag-sasanay sa bagong paraan ng edukasyon, subalit hindi pa rin maaalis sa hangaring ito ang

mga balakid na hinaharap ng mga estudyante at guro. Internet connection ang isa sa mga pangunahing sagabal. Ayon sa Speedtest Globa Index, 18.49 Mbps (megabits/second) ang average mobile internet speed sa bansa napakalaki na diperensya kung ikukumpara sa 45.69 mbps na global average. Hindi maiiwasang biglang mawawalan ng koneksyon habang nagkaklase, bagay na aking harap-harapang nasaksihan. Hindi rin natin maitatanggi na hindi lahat ay may sapat na kaalamang teknikal sa aspetong ito. Sa kabilang banda, ang modular learning, na kung saan walang gurong gagabay sa mga mag-aaral at self-study na lamang

ang gagawin, suliranin naman dito ang pag-unawa at intindi ng mag-aaral sa mga aralin. Batay sa istatistika mula sa Michigan State University, 65% sa mga mag-aaral ang nabibilang sa ‘visual leaners’ o iyong mas natututo kung may oral na talakayang magaganap, samantalang 10% lamang ang ‘Read/Write learners’ o iyong natututo sa mga learning modules. Bilang karagdagan, ayon sa nakalap na datos, dalawa sa limang RiScian ang mahigit apat beses nawawalan ng konektibidad sa internet bawat linggo. Nakita rin na apat sa limang RiScian ang mas pinipili pa rin ang traditional na sistema ng pag-aaral kaysa sa blended learning.

Maganda nga ang hangaring ipagpatuloy ang klase sa gitna ng pandemya, ‘di naman natatamasa ng bawat mag-aaral ang karapatan nila sa kalidad na edukasyon. Kung ako ang tatanungin, tunay na kinakailangan ang patuloy na panawagan at pakikipaglaban sa komprehensibong pagkilala sa mga pangangailangan ng mga magaaral, magulang, guro, at kawani sa sector sa modernong edukasyon. Gayunman, sa pamamagitan lamang ng pagbuo ng epektibo at inklusibong solusyon ng Department of Education (DepEd) ay mabibigyan ang lahat ng oportunidad at makasabay sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya.


MALINIS NA TUBIG BAHA: SA LAGUNA NAGMULA Ayon sa mga residente, galing ang bughaw at malinaw na tubig sa mga bukal ng Sierra Madre. Nagsisilbing catch basin ang Malaking Ilog ng mga karatig bayan nito dahil sa mababa ang lugar ng Brgy. Burgos Poblacion. “Despite na very clear ng tubig, always assume that your water is contaminated,” paalala ni Dr. Zharlah Gulmatico-Flores. Idinagdag niya pa na posible ang pagkakaroon ng leptospirosis sa kabila ng malinaw na tubig. NAKAGIGIMBAL NA PANGYAYARI SA RIZAL “Ramdam na ramdam namin yung malakas na hangin tapos may mga lumilipad na yero or bubong siguro ng kapitbahay namin siguro kaya mas ramdam namin yung hangin kasi yung built nung kwarto namin is kahoy kaya mas yumayanig,” ani Frances Celine Sison, mag-aaral ng Baitang 11 mula sa Binangonan, Rizal, nang tanungin sa karanasan nila noong bagyong Ulysses. Ayon naman kay Ma. Lourdes Trinidad,

mag-aaral ng Baitang 11 mula sa Cardona, Rizal, habang nananalanta ang bagyong Ulysses ay nawalan sila ng kuryente at signal. Naririnig ang lakas ng bawat hampas ng hangin sa mga kabahayan sa kanilang lugar maging ang pagkakakalas ng mga yero sa bahay ng kanilang mga kapitbahay.

agham

S

a hagupit na dala ng bagyong Ulysses, halos lahat ng mga probinsyang apektado ay naiwang lubog sa maitim na tubig at makapal na putik. Ngunit hindi lamang basta malinaw ang tubig sa Malaking Ilog sa Barangay Burgos Poblacion kundi kulay bughaw pa ito matapos masalanta ng bagyo noong Nobyembre 13, 2020, isang pangitaing ibang-iba sa sitwasyong makikita sa probinsya ng Rizal noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

USAPING PANGKALIKASAN SA RISCI Bago pa man magsimula ang pandemya ay marami nang nakalatag na programa ang Supreme Student Government (SSG) sa usaping pangkalikasan. Ilan sa mga ito ay ang tree planting activity, pagpapanatili ng plant box sa loob ng paaralan, garbage points sa loob ng paaralan, seminars, at pakikiisa sa Brigada Eskwela kaagapay ang eskuwelahan. “Conducting environmental programs in our community is of vital importance because these programs play a huge role on sustainable development,” ani Mineli Cinco, SSG President, nang tanungin kung bakit mahalaga ang ganitong klaseng mga programa sa paaralan. Dahil na rin sa kinahaharap na pandemya ay gumawa ang SSG ng paraan upang mas mapaigting ang pagiging makakalikasan ng mga magaaral ng Rizal National Science High School (RiSci). Naging malaking tulong sa kanila ang paggamit ng social media at nagsagawa rin sila ng Klimaksyon Webinar para mabuksan ang mga mata ng bawat mag-aaral. “As learners, we have the responsibility to take initiative, raise environmental awareness, and lead the green scene,” iginiit pa ni Cinco.

Mask-ara: Proteksyon sa pandemiya maureen AICELLE FRANCISCO

alyssa YSABELLE de villa SOURCE: KMJS https://youtu.be/kQNn_eNP6AI

BAKUNA LABAN CORONA:

KARERANG BUMAGO SA PLANETA val allen eltagonde

B

MASS PRODUCTION: Balakid Pagkatapos ng Lubak

akuna laban sa nakamamatay na sakit: maituturing isa sa pinakamahalagang imbensyon ng tao – mula Polio, Measles, Chickenpox at napakarami pang karamdaman. Dumadaan ang bawat bakuna sa iba’t ibang proseso na umaabot ng maraming taon, minsan deka-dekada pa bago makarating sa masa. Bagaman nagwagi na ang Pfizer, Moderna, at ibang kumpanya sa paggawa ng gamot, patuloy ang matinik na karera ng mga siyentista sa iba’t ibang panig ng mundo na makagawa ng mabisang bakuna laban COVID-19, at ang dulo ng karerang ito ay maaabot lamang sa pamamagitan ng pagdaan sa bawat proseso nang napakabilis — bilis na tuluyan na ngang bumago sa planeta. CLINICAL TRIALS: Hindi Maiiwasang Lubak sa Karera

Binubuo ang unang parte ng karera ng tatlong hiwa-hiwalay na yugto: pagsubok ng bakuna sa maliit na katao (Phase I), sa ilangdaang tao (Phase II) at sa libo-libong tao (Phase III), upang makita ang mga posibleng epekto nito. Hindi lamang mga may COVID-19 ang kabilang, pati ang mga malulusog na indibidwal – rason kung bakit pinakamahalaga’ t pinakasinisiyasat ang bahaging ito. Bagama’t karaniwang umaabot sa apat na taon ang prosesong ito, nauuna na ang ilang kandidato dahil sabay-sabay nilang isinagawa ang mga phases.

Kung matagumpay ngang makalalampas sa tatlong lubak, malayongmalayo pa ito sa dulo ng karera. Tinatayang apat na bilyong katao ang dapat maging immune upang magwagi. “ We’ve never produced a billion doses of a vaccine before in the history of the world.” ani Dr. Rebecca Weintraub, isang Harvard Professor. Kung malalampasan ang balakid ng malawakang produksyon, kailangan pang ipamahagi ang bakuna sa buong mundo – bagay na maaaring hadlangan ng pulitika. GLOBAL ACCESS: Huling Susi sa Tagumpay “ Vaccine nationalism, that is real.” ani Weintraub. Magkano ang isang bakuna? Dapat bang mas malaki ang bayad ng mayayamang bansa? Dapat bang mas magaan sa bansang mahihirap? Tuluyang nagpulong ang world leaders at nanawagan para sa pandaigdigang kooperasyon. “ The commitment to ensuring equal access is key.” ani Paul Kagame, pangulo ng Rwanda. TAO LABAN VIRUS: Tunay na Karera Sa pagitan talaga ng sangkatauhan at ng virus– virus na pumaralisa sa mga ekonomiya at tumapos ng maraming buhay and karerang ito. Matatalo lamang natin ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na hindi pa natin nagagawa noon: paglikha ng bakuna nang may lintik na bilis.

DOST Robotics: Makabagong Stratehiya sa

Makabagong Panahon ng Kompetisyon cid lanbert campos

N

aging virtual ang Robotics Contest ng DOST noong 2020 dahil sa pandemya, na humantong naman sa maraming pagbabago para sa mga lumahok sa kompetisyon. Dahil nga sa pandemya, maraming pagkakaiba ang naranasan ng mga sumabak sa robotics competition kaya para sa karamihan ng lumahok, mas mahirap ngayon.

| Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School

15

ALYNNA REI MEDINA

ANG AGHAMANON

Bagyong Ulysses: paalala at Paghahanda sa SakunA

Ayon sa interview kasama si Enzo Salvador, isa sa miyembro ng Utak Berde, “Ang naging problema namin ay ‘yung hindi kami makalabas ng bahay dahil pandemic kaya nahirapan kami sa paggawa ng video at hindi kami magkakasama ng -mga kagrupo ko.” Ani pa niya, mas nahihirapan sila sa pagbili ng kagamitan na kakailanganin nila upang magbuo ng robot dahil narin sa pagbabawal sa

kabataang lumabas sa panahon ng COVID-19. Idinagdag pa niya, “Isa sa mga set-up na nag-iba ay ang pag-uusap namin. Kung dati ay harap-harapan kami nagmemeeting, ngayon ay nagse-set kami ng time sa google meet kung kelan kami mag-uusap. Pa-video call na din kami nag-uusap tungkol sa mga gagawin namin.” Ayon sa interview, nakita kung paano naapektuhan ang mga lumahok sa contest, ang pagkakaiba nito sa mga nakaraan nilang kompetisyon, at kung paano ito naiba dahil sa pandemya. Ipinakita rin na ang DOST ay gagawa ng paraan upang ituloy ang interes ng mga Pilipino sa robotics at ang pagsulong ng agham at teknolohiya sa Pilipinas. Kanya ring sinabi na, “Para saken ay mas mahirap ‘yung ngayon kasi mas madaming problema ang nangyare, nahirapan kami sa mga gamit at kailangan pa namin videohan ang aming device. Dati ay ipepresent ko lang siya sa mga judges at mas madali kong naipaparating sa kanila ang purpose ng aming device.”

Robynn garcia

56.5% 35.9% 4.3% Anong face mask ang gamit ng RiScians?

H

indi inaasahan ang pagkalat ng isang virus na kung tawagin ay COVID-19 na galing sa Tsina. Simula nang ilabas ng gobyerno ang mga panuntunan laban sa virus, marami ang nag simulang gumamit at gumawa ng iba’t-ibang klase ng face masks at face shields. Dahil sa COVID-19 na kumitil ng maraming buhay at nagdulot ng kahirapan sa mga mamamayan sa buong mundo, nagbigay ang gobyerno ng mga panuntunan na dapat sundin upang maiwasan na kumalat pa ang virus. Maraming uri ng face masks ang epektibong nalikha ng mga tao upang maprotektahan ang kanilang sarili simula nang magsimula ang pandemya. Ayon sa isang pag-aaral noong 2013, na inilabas ng Aerosol Science and Technology na naisasala ng mga surgical masks ang nasa 60% na inhaled particles. Naipakita ng mga pagaaral na ang pagsuot ng surgical masks sa mga pampublikong lugar ay makatutulong upang mabawasan ang pagkalat ng virus o malanghap ang masamang hangin na maaaring may dalang virus. Isa pang uri ng face masks ang N95 masks na sinasabing pinakamabisang proteksyon laban sa COVID-19 kumpara sa iba’t-ibang masks na nilikha. Pinaniniwalaang ito ay nakapapagsala ng 95% ng inhaled particles sa paligid. Ito ay mas makakabuti at inirerekomenda rin sa mga medical practitioners at mga trabaho na may kinalaman sa kalusugan. Masasabihing mabisa ang mga cloth mask depende kung paano ginawa at kung anuano ang mga materyales na ginamit upang ito ay mabuo. Para sa mas epektibong klase, humanap ng mask na may tatlong patong ng tela. Inirerekomenda din ang mga masks na gawa sa 100% tight weave na cotton cloth. Nagkakasya sa bibig at ilong ang mga masks na may hugis kono. Kadalasan na may strip metal sa taas ipang maprotektahan ang nose bridge ng gumagamit, gayundin na maiwasan na makalanghap ng hangin na may dalang virus. Ayon sa isang pag-aaral ng mga mananaliksik ng Arizona State University, hindi ito gaanong epektibo sa paghawak ng mga patak at talsik na galling sa bibig kumpara sa mga cloth face masks na gawa sa quilting cotton na mas epektibo sa unang nasabi. Pinagtatalunan sa ngayon kung ang mask na ito ay epektibo o hindi.


ANG AGHAMANON

agham

16

| Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School

LUPIT GUMUPIT

Genetic ‘Scissors’ CRISPR/Cas9, Wagi sa Chemistry Nobel Prize

D

val allen eltagonde

Bagama’t nanalo ang CRISPR/Cas9, may pagkabahala pa rin ang iba sa maaaring maling paggamit nito, halimbawa na lamang ang paggawa ng made-toorder “designer babies” o iyong pag-edit sa genetic information ng sanggol bago pa ito maisilang sa mundo. Nagmula ang teknolohiyang ito sa pagdiskubre ni Charpentier sa natural defense mechanism ng ancient bacteria laban sa mga virus. Tinawag itong CRISPR o Clustered Regularly Interspaced Short Palindromic Repeats. Parte ng mekanismong ito ay ang protinang Cas9 na may kakayahang gumupit ng spesipikong viral DNA na may labis na presisyon. Sa tulong ni Doudna, sinamantala nila ang mekanismong ito upang magbura o magdagdag ng kahit anong piraso ng DNA sa anumang organismo. “CRISPR/Cas9 gives a burst of new openings for fields of science in biology and chemistry especially genetics,” ani Grade 11 RiScian, Allen Añis na may malalim na interes sa agham. Dagdag pa niya, napakaraming inobasyon ang maisusulong sa hinaharap dahil sa imbensyon. Sa kasalukuyan, ang CRISPR/ Cas9 ay isa nang ganap na karaniwang instrumento ng mga siyensista sa larangan ng biochemistry at molecular biology sa buong daigdig – ginagamit mula sa pagsulong ng bagong teknolohiya laban sa hereditary diseases hanggang sa pagpapahusay ng agrikulturang pananim.

alawang babaeng siyentista ang nagawaran ng 2020 Nobel Prize in Chemistry matapos makagawa ng “genetic scissors” na maaaring maggupit at mag-edit ng genetic information ng kahit anong organismo – isang malaking hakbang sa larangan ng genetic engineering technology. Inuwi ng French Microbiologist, Emmanuelle Charpentier at American Biochemist na si Jennifer Doudna ang 10M Swedish Crowns o 56 milyong pisong premyo para sa natuklasan nilang CRISPR/ Cas9, bilang editing tool ng DNA ng hayop, halaman at mikroorgaismo na may napakataas na presisyon. “ The ability to cut the DNA where you want has revolutionized the life sciences” aniya Pernilla Wittung Stafshede ng Swedish Academy of Sciences sa paggawad nito. Sina Charpentier, 51, at Doudna, 56, ang magiging ika-anim at ikapitong babae na makatatanggap ng prestihiyosong patimpalak. Ito ang unang beses na may kababaihang nanalo muli, makalipas ang 56 taon ng pagkapanalo ni Dorothy Hodgkin noong 1964. Ginagamit ngayon ni Doudna at mga mananaliksik sa University of California ang teknolohiyang ito upang makagawa ng isang mura at mabilis na COVID-19 test na maaaring magbigay resulta sa loob lamang ng 30 minuto.

juliana aquino

NASA LARAWAN

TULOY-TULOY LANG:

RiSci isusulong ang Research sa gitna ng COVID-19 ALYNNA REI MEDINA

S

a gitna ng pandemya, isusulong ng Rizal National Science High School (RiSci) ang research para sa mga Junior High School na magkakaroon ng mga pagbabago upang ito’y maging epektibo para sa mga estudyante. Ayon kay Gng. Camille Rodrigueza, JHS Research Mentor, ipagpapatuloy pa rin ng mga estudyante ang paggawa ng kanikanilang mga research study kahit na may kinakaharap na pandemya. Binigyang linaw rin niya na hanggang Chapter 5 pa rin ang research na isasagawa na sinisimulan na sa ika-pitong baitang pa lamang. “Sa pag-conduct naman ng research, lalo sa experimentation stage, dahil hindi makakapagconduct ng laboratory testing sa mga laboratories, walang data or results... yung iba na nakapagconduct ng experiment before lockdown, may data or

results sila na magagamit para ipagpatuloy hanggang Chapter 5,” aniya. Dagdag pa niya, ang mga nasa ika-siyam na baitang ay hanggang Chapter 3 at 4, kasama na ang research statistics na kanilang inaaral, hypothetical data naman ang gagamitin para sa ituturong statistical tests. Kaugnay nito, nasabi pa ng guro sa Agham na makatutulong ang online consultation sa pagbibigay suhestiyon at magkakaroon pa ng mas malalaim na pagkakaintindi ang mga estudyante. Gayunpaman, mas maganda pa rin ang face-to-face consultation. “Nakatulong ang mga webinars na hosted ng DepEd at ng iba pang mga institusyon para sa mga dagdag na teaching strategies through online distance learning. Hanggang ngayon, naghahanap [pa] din ako ng mga relevant webinars para dagdag na kaalaman sa pag-implement online distance classes.” dagdag pa ni Gng. Rodrigueza.

NASA LARAWAN Sinusubukang alamin ng isang siyentista ang mga uri ng produkto upang magkaroon ng malaking hakbang tungo sa kanilang proyektong Genetic Scissors CRISPR/Cas9. SOURCE: https://youtu.be/Cx8kOvAPiYU. Kuha ni Regieco Clark Batarra

Phosphine Natagpuan sa Venus na Posibleng Senyales ng Buhay

I

Inoobserbahan ang planetang Venus gamit ang satellite na tinatawag na Venus Express sa pamamahala ng European Space Agency upang pag-aralan ang atmospera ng planeta. Kuha ni Juliana Aquino

REGIECO CLARK BATARRA

JULIANNE ALTHEA ROBLES

kinagulat ang pagkatuklas ng phospine, isang kemikal, na nakapukaw sa mga siyentipiko na mas pagtuunanan ng pansin ang planetang Venus. Maraming mga dalubhasa kabilang ang mga space agencies ang nagsasagawa ng pag-iimestiga kung nakadiskubre nga ba ng isang senyales ng buhay sa planeta. Isang Terrestrial na planeta at pangalawang planeta mula sa araw, ang Venus na tinatawag ding sister planet ng Earth. Noong September 14, nakuha ng Venus ang atensyon ng mga siyentipiko dahil lumabas sa pag aaral ng Nature Astronomy na posibleng may nabubuhay sa Venus dahil may natuklasan ditong sign of life. Ikinagulat din ito ng mga siyentipiko dahil ang phosphine ay hindi maaaring mabuo sa rocky o sa terrestrial na planeta. Isang toxic compound ng hydrogen at phosphorous ang Phosphine. Posible itong senyales ng buhay dahil ito ay nagagawa ng iba’t ibang organismo na may buhay. Natagpuan ang Phosphine sa atmosphere ng Venus, gamit ang Atacama Large Millimeter/submillimeter Array

in Chile at James Clerk Maxwell Telescope. Ang phosphine ay matatagpuan din sa Earth, isa itong toxic na chemical na ginamit sa chemical warfare noong World War 1. Kakaunti pa lamang ang impormasyon tungkol sa phosphine sa planetang Venus at nais pa nilang makakuha ng iba pang impormasyon, katulad ng kung saan ito mismong matatagpuan at kung paano ito nagiiba sa paglipas ng mga araw at mga linggo. Umaasa ang team ni Dittmann na obserbahan ang Venus sa Hulyo ngayong taon, ngunit nausod ang kanilang plano na obserbahan ito dahil sa global pandemic. Sa 2026 ay nakatala na ang pag papadala ng NASA ng spacecraft sa planetang Venus. Samakatuwid, kahit na ang Venus ay may mga katangiang nagpapakita na hindi ito posibleng pagmulan ng buhay; katulad ng mainit na temperatura, mayroon pa ring malaking posibilidad na ito ay mabago dahil sa mga taon na lilipas, at sa pamamagitan ng pag aaral ng ilang antas sa planetang ito, maaaring makatuklas ang mga siyentipiko ng iba pang posibilidad na maaari itong pagmulan ng buhay.

Pagtutulungan sikreto sa Pananaliksik - G11 Students maureen AICELLE FRANCISCO

I

nihayag ng mga manlalahok sa nak araang Division Science Fair na ang isang sangk ap sa matagumpay na pananalik sik ay ang pagtutulong tulong dahil mas maraming ideya ang mak ak alap. Binanggit ng mga manlalahok na sina Franchesca Talavera at Harriet te De Leon, mga nasa ik a-labingisang baitang, na normal lamang ang magk amali dahil hindi lamang sa papel at pagkuha ng resulta ang pagsasaliksik . Wik a ni Talavera, impor tante na alamin at isapuso ang impor tansya ng Agham at Tek nolohiya upang mak agawa ng isang salik sik . Dumaan sa maraming rebisyon o pagbabago sa mga mali ang grupo upang masunod lamang ang mga k ailangan sa pagsasalik sik at fair na ito, dagdag pa ni De Leon. Sila ay isang grupo ng tatlo sa nak araang Division Science and Technology Fair at ginawa ang k anilang research na pinamagatang “ DR . HE ART: Databased Rate of Hear t Electrocardiograph Analy zer Real-time Tracker.” Nabubuo ang pagsasalik sik k apag maraming tao ang gumawa nito, hindi k ayanin

ng isang tao na gumawa ng salik sik ng walang tulong na hinihingi sa k anyang mga k asama ani De Leon. Mahalaga ang pagiging kooperatiba, pagiging matiyaga, at ang pagtutulungan ng isang grupo sa paggawa ng isang salik sik . Ang k anilang grupo ay humarap sa mga problema na hindi inaasahan, ngunit nalagpasan nila ito dahil sa pagtutulungan bilang isang grupo wik a ni Talavera. “ Huwag niyong hapitin yung research niyo, tapusin niyo na agad if k aya naman, ” banggit pa niya. “ To aspiring researchers , never be af raid of being curious , ” sambit naman ni De Leon. Anila, k inak ailangang gumas tos k ung ang pananalik sik ay tungkol sa robotics o k ung ano mang tema na k ailangan ng mga mamahaling mga gamit at depende sa inyong pak sa ang inyong gagas tusin sa pananalik sik . Pahiwatig ni Talavera, hindi lamang ang paghahanap ng mga resulta at pag gamit ng papel ang pagsasalik sik , k ung hindi k inak ailangan nito ng maraming oras , pagsisik ap at dedik asiyon maaaring hindi maging matagumpay ang inyong pagsasalik sik k ung hindi niyo ito pagsisik apan o paglalaanan ng oras .


17 ISPORTS

Nobyembre 2020 - Abril 2021

Maaksyong Balitang Pampalakasan

KOBE BILANG MOTIBASYON SA SPARTANS:

Determinasyon ang Pundasyon ng Inspirasyon BRYAN RAAGAS alang tigil sa pagsasanay, buong pusong naglalaro at laging binibigay ang lahat ng makakaya sa anumang laban. Ganyan kung ilarawan ng piling manlalaro ng basketball team sa Rizal National Science High School ang tinaguriang five-time champion at dating Los Angeles Lakers guard Kobe Br yant . Tila bawat k ilos niya sa court, k inahahangaan ito ng nakararami at naging isang simbolo ng kagalingan para sa kanila. Bagama’ t siya’ y sumakabilang-buhay noong nakaraang taon dahil sa plane crash na ik inagulat ng nakararami, hindi naman nito natabunan ang milya-milya niyang paghihirap para sa larangan ng basketball sa loob ng 20 taong karera.

W

PAGHULMA SA BLACK MAMBA Mula nang mawalay sa kanyang katambal na si Shaquille O’Neal, mas naging kapansinpansin ang mamaw na training schedule niya at nabalitaan pang umaabot siya sa halos 16 oras kada araw na pagsasanay. Dito umusbong ang bansag sa kaniyang “Black Mamba” dahil sa kanyang ginagawang pokus sa loob at labas ng court bunsod ng pagiging seryoso sa practice pa lamang. Wika nga ni Simon Puyot, isa sa mga big man varsity player, “Bilang isang manlalaro ng paaralan, nakikita ko si Kobe bilang isang inspirasyon sa bawat manlalaro, yung kombinasyon ng husay at determinasyon sa laro ay talagang nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga basketbolistang iniidolo siya.” Dagdag pa ng kanyang teammate na si Dan Taño, ang ganitong uri ng “Mamba Mentality” ay dapat ugaliin ng bawat hoopers. Kaakibat din ng mentalidad niya ang hindi pagsuko at pagiging determinado sa laro. BACKGROUND PHOTO

w w w.pinte re s t .c om , w w w.fav png .c om

BANGIS NG MAMBA SA COURT Dahil kilala siya ng nakararami, maraming sumusubaybay sa kanya’t nakikita ang kaniyang ugali sa laro. “Naalala ko nung 2013, kung saan 11th spot ang LA Lakers and eight games nalang magpe-playoffs na. Sobrang binigay niya lahat para lang makahabol ang Lakers sa playoffs. Almost 48 minutes a game siya noon and kahit na naiinjured na siya nung game kalaban (Golden State) Warriors, pinilit pa rin niya and nakadalawang clutch 3’s siya nung 4th quarter kaso bago matapos yung game, bumigay na yung achilles niya,” ani five-year Spartan baller Enzo Salvador. Yumao man si Kobe ngayon, marami pa rin ang nakaaalala sa kaniyang kagalingan. Kagalingang naging inspirasyon para sa mga manlalarong nangangarap para sa susunod na henerasyon.

JOSHUA ARAN

JOSHUA ARAN

Umaatikabong Libangan ng MadLa RAFAEL OLIVO akakaaliw, nakapupukaw, at nakaka-engganyo - ilang salitang makapaglalarawan sa isang pinakapatok na eSports ngayon ang Mobile Legends: Bang Bang o MLBB. Isang MOBA (multiplayer online battle arena) game kung saan kinabibilangan ng dalawang koponan (tig-limang manlalaro) na naglalaban upang sirain ang base ng kalaban habang prinoprotektahan ang sariling teritoryo. Tulad ng ibang MOBA games, binubuo ito ng tatlong lanes - top, middle, at bottom, na nag-uugnay sa base. Sinusubok din nito ang istratehiya at pagtutulungan ng iyong mga kakampi upang magwagi. Unang inilabas ang nasabing laro noong ika-16 ng Hulyo 2016 (Android) na mayroong sampung bayani at simpleng

N

Pambatang Halaw sa Pambansang Kamao

Sipag at Tiyaga para sa Pangarap ELIJAH SINQUENCO a paglago ng kapangyarihan at kadiliman ng Abyss, itinulak nito ang buong Land of Dawn sa makapal na ulap na walang katapusang digmaan. Labis na nagdusa ang hangganan ng Imperyong Moniyan, patong-patong na banta ng pagkasira at katiwalian. Sa imperyong laganap ang pagdurusa’t kahirapan, nangarap si Paquito na maging pinakamalakas sa buong mundo. Maiging pag-eensayo ang kaniyang pinagdaanan upang makamit ang hinahangad at binansagang ‘Heavenly fist’ sa lugar na ang pagiging malakas ang tanging paraan upang mailigtas at mabuhay. Maihahalintulad kay Heavenly fist ang pambansang kamao ng Pilipinas na si Manny ‘Pacman’ Paquiao. Tulad niya, naglaan ng oras si Pacman sa pag-eensayo sa pag-aasam na maihaon ang kaniyang pamilya mula sa kahirapan. Marami ang namangha at tumulad sa kaniya, at nagsilbing inspirasyon sa mga kagaya ni Simon Dayandayan, mag-aaral mula ikapitong baitang ng Rizal National Science High School. Ani Dayandayan, inspirasyon si Pacman dahil sa kaniyang pagsisikap at effort na ibinubuhos sa bawat laban, at sa kaniyang mindset na hindi pagsuko kahit pa ma-knock out. Dagdag pa niya, “ Hinde siya mado-down, instead he will take that to make his own strength.” Mayroong tatlong kakayahan si Paquito at isang pasibo, tinatawag na champ stance ang pasibo kung saan siya ay nagiistack at sa kada stack nito ay nadaragdagan ang damage sa kalaban. Unang skill niya ang Heavy Left Punch kung saan ang mga suntok niya ay iisang direksyon lang at ito ay nagbibigay sa kaniya ng shield na tumatagal ng dalawa’t kalahating egundo. Tumatagos naman at naglalabas ng apat na suntok sa kalaban ang pangalawang skill ni Paquito. Humihinto lamang ito kapag siya ay dumaraan sa creeps at sa kalaban, at ang kaniyang ultimate skill ay ang knock out strike na

S

grapiko lamang hanggang lumago sa 104 heroes (Enero 2020). Sa likod ng matagumpay na larong ito ay ang kinikilalang “ Moonton” o Shanghai Moonton Technology Co. Ltd. na patuloy na nagpapayabong ng video games. Naging bahagi ng kanilang proyekto ang pakikipagtulungan sa mga bansa upang bumuo ng mga bayaning inspirasyon tulad ni Kadita (Indonesia), Minsitthar (Myanmar), Badang (Malaysia), Lapu lapu (Pilipinas), at ang ika-104 nilang hero na si Paquito na naglalathala kay Manny Pacquiao, isang tanyag na boksingero. Hindi rin magpapahuli ang nakakaakit nitong grapiko (3D) na may iba’t ibang lebel at mga pangkontrol na madaling gamitin at may kakaibang katangian. Nakaaaliw din ang iba’t ibang pamamaraan ng mga labanan nito tulad ng Classic, Brawl, Rank, at Arcade. Ani Don Gabriel Cruz, mag-aaral sa

ikalabindalawang baitang, “ Nakakalibang at nakakapagbigay ito ng kasiyahan sa akin, dagdag pa na nagkakaroon ako ng oras para makipagbonding sa aking kaibigan at pamilya.” “ Yung effects ng laro like ung sounds, lights. Syempre, maraming naglalaro non kaya mas lumalawak din ang aking social interaction,” dagdag pa ni Ralph Ellis Vasquez, estudyente sa ikalabing-isang baitang. Bunga ng nakapupukaw nitong kalidad at serbisyo, hindi na nakakapagtaka pa kung bakit umabot sa milyon-milyong tao ang naglalaro nito. Marami pang dapat asahan dahil kasalukuyang nasa ikalawang bahagi na sila ng kanilang proyekto na layuning payabungin pa at ibalik sa pagkakakilanlan ang mga lumang heroes.

TIYAGA AT DISIPLINA:

ROSE TANGONAN

Sikreto sa Bawat Sipa ni Villegas RAFAEL OLIVO

ag-aaral mula Lunes hanggang Biyernes, maninipa naman tuwing Sabado’ t Linggo—ito ang mga kasanayan patungo tagumpay ng beteranong karetista, Jaime Villegas . Isa lang siya sa mga kilalang karateka mula RiSci, dulot ng kaniyang kagalingan sa pagsipa na nagdala sa kaniyang sarili sa ibang bansa. Bata pa lamang ay dedikado na siya sakaniyang mga ginagawa. Ensayo rito, laban doon. Bunga ng kaniyang mga paghihirap, napabilang siya sa koponan ng Pilipinas, taong 2015. Hinubog nito ang kaniyang kakayahan at personalidad na nagdala sa kaniyang sarili sa iba’t ibang bansa tulad ng Thailand at Vietnam, at nagkamit ng limang medalya sa internasyonal na kompetisyon: tig-dadalawang ginto’t pilak at isang tanso. Sa kabila ng pagtanggap niya ng medalya, namaalam na siya sa kaniyang mga kasamahan ngunit hindi ito ang naging katapusan ng kaniyang pagsipa. “ Nung di na ako nat’l (national), I’m a bit relieved kase wala ng expectations. Kakapagod din kahit three years lang, pero it was enjoyable,” ani Villegas. Dagdag pa niya, nagpatuloy ang kaniyang pakikipagkumpetensya sa ibang bansa. Hindi man niya nakamtan ang oportunidad na makapaglaro sa SEA games,

M

ngunit nasisiyahan siya sa kaniyang mga natatanggap na medalya. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa ikalawang antas ng kolehiyo, at kumukuha ng kursong Associate in Arts in Sports Studies na may dalawang taong programa. Kahit may pandemya, patuloy ang kaniyang pag-eensayo upang panatilihing malusog at nasa maayos na kondisyon ang mental at pisikal na kalusugan. Nilalaan niya ang kaniyang umaga ng Martes at Huwebes upang dumalo ng pagsasanay mula sa kaniyang punungguro sa United States. “ In a way na nakatutulong, karate trains you na magkaroon ng mindset na wag bibigay agad. Nagpapahinga lang ako for a day ganon, pero to stop karate never,” ayon kay Villegas. Nagtuturo din ang 20-taong gulang sa mga batang nangangarap na maging isang magaling na karetista, at nais niyang magkaroon ng lisensya bilang tagapagturo.


isports

18

ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School

PARAANAN ANG

PAGSASANAY

M

alaking paghihirap sa mga atleta ang magsanay mula nang ideklara ang lockdown noong Marso 2020 sa maraming lugar dahil sa COVID-19. Sa kasalukuyan, may mga kaganapan na hinikayat na gawin sa sari-sariling bahay, kabilang ang mga klase dahil sa pandemya. Subalit hindi dapat sila magtigil sila na maging kondisyon sa ganitong sitwasyon. Para sa ikabubuti ng mga manlalaro, dapat lamang na mag-ensayo sila nang regular at mahalaga talagang mapanatili ang kanilang katawan sa maayos na kondisyon. Dagdag pa rito, nakakapag-ehersisyo na rin sila upang makaiwas sa sakit.

LARO LANG WALANG CANCER

balintataw

Gayunpaman, hindi pa rin namumulat ang iilan sa mga nangyayari sa paligid. Dapat na isipin ang ibang walang pribilehiyo lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Dapat sumusunod pa rin ang tao sa itinakdang batas kahit gusto nilang magpalakas ngayong pandemya. Dahil nasa bahay pa rin naman, mayroong mga aktibidad na maaaring gawin bilang mga manlalaro. Ayon sa Everyone Active, ang simpleng pag-uunat ay sapat na upang mahasa ang iyong kakayahan at maiwasan ang mga pinsala. Bukod dito, hindi rin ito ganoon kumakain ng oras; tamang-tama upang ma-balanse ang oras sa pagitan ng klase at ensayo. Ayon kay Bb. Norma Cabael, isa sa mga guro sa ating paaralan sa MAPEH, wala pa ring maayos na plano hanggang sa kasalukuyan tungkol dito. Ipinagpaliban muna ang mga laban at pinagdedesisyunan kung paano ito isasagawa nang walang mapapahamak at wala ring maaapektuhan sa sitwasyon ngayon.

Atiwatigan Atiwatigan

Balintataw

Rafael sam olivo Bryan roy raagas

N

akakasira hindi lang ng sarili, kundi pati ng buong koponan ang sobra-sobrang trashtalk sa laro sa anumang uri ng isport. Akala ng karamihan ay astig ito kapag ginagawa, ngunit nagiging dahilan lamang ito upang ayawin ka ng mga tao. Kung sa tingin niyo ay ikakasikat niyo iyan, baka mas lalo ninyong ikabagsak iyan. Halimbawa na lang ang interview kay Ribo mula sa BREN ESports sa nakaraang MPL Season 6 kontra Blacklist International, na hindi sila ang paghahandaan kundi NXP lang. Aminado namang magaling sila at kampeon pa sa season na iyon, pero hindi sapat na rason iyon upang lumaki ang ulo nila at maliitin na lang ang sinuman. Tingnan ninyo na lang ang mga pinakasikat na atleta ng bansa na sina Efren “Bata” Reyes at Senator Manny Pacquiao na narating na ang tugatog ng tagumpay. Sa kabila ng galing nila, tikom pa rin ang bibig nila at marunong silang ngumiti, manalo o matalo, at wala na silang kung anu-anong patutsada sa mga kalaban. Kung usaping eSports lang din naman, kilala naman siguro ng lahat si Lee “Faker” Sanghyeok ng South Korean Telecom Team 1 (SKTT1) sa League of Legends (LOL). Kinikilala siya bilang ‘greatest of all time’ sa LOL ng karamihan, pero tahimik lang siya at astig pa ang pagkatao kaya pati ang laro ay sumikat ng dahil sa kaniya. Dahil din sa pinagsamang galing niya at kagandahan ng ugali sa laro, nakilala pa nga ang LOL sa buong mundo. Saksi na rin ang mga atletang RiScian na hindi ito maganda. Ani Lance Albis, alumni at dating captain ng basketball, “Ang trashtalking ay maaaring magdulot ng gulo o away lalo na sa mga manlalaro na mainitin ang ulo at maikli ang pasensya.” Dagdag pa niya, magagalit ang mga coach kung ganito ang iaasal nila. Huwag nang mang-trash talk dahil makakasira talaga iyan ng laro. Dadami lang ang cancer sa game play at malaki ang epekto nito sa tao. Isipin niyo na lang na kayo rin ang sisira sa magandang dahilan at hangarin ng pagkakaroon ng mga palakasan at eSports sa inyong lugar. Mas maganda na maging mapagpakumbaba, dahil ang tunay na diwa ng laro ay para matuto hindi lang sa mismong isport, pati rin sa kaugalian. Kikilalanin ka pang malakas at hahangaan ka pa ng ibang manonood. Bukod pa doon, kung magaling ka na, tikom mo na lang yung bunganga mo at maglaro ka na lang. Kung alam mo rin naman na mahina siya, pwede mo namang turuan siya, o hayaan mo siyang maglaro, dahil napagdaanan mo rin naman yung panahon na iyan na may pagka-bano ka sa nilalaro mo.

K

alusugan muna bago kasiyahan — katagang lagi nating dapat isaalangalang. Aanhin mo nga naman ang kagalakan kung nalalapit na pala ang buhay mo sa kapahamakan. Isang halimbawa na diyan ang Intramurals kung saan nagsagawa ng mapanuring pasya ang paaralan. Sa paglaon ng 2020, isang sakit ang kumalat. Handa na nga ang lahat ng kagamitan para sa Intrams at naisulong na rin noong Agosto hanggang Oktubre ang mga paunang laro tulad ng volleyball at basketball, sapagkat sa pagdaan ng mga buwan kinakailangang ipagpaliban ito. Isa sa mga dahilan ang pagkakaroon ng maraming gawain na nakaapekto sa araw ng

joshua aran Sa kabila ng pananatili sa loob ng bahay ay marami pang ibang pwedeng gawin upang hindi mawala sa kondisyon. Maaaring mag-ensayo sa labas, ngunit dapat lamang na sundin ang mga protokol. Siguraduhin din na hindi makakaapekto ang pag-eensayo sa ginagawa ng ibang tao. Bilang mga manlalaro, dapat ginagawa pa rin ang mga responsibilidad kahit saang sitwasyon pa man tayo malagay. Bukod pa doon, maaaring hikayatin ang mga kapwang atleta na magkaroon ng online practice sa kani-kanilang bahay at manatiling disiplina sa pangangatawan. Malaking tulong din ang pagiging hydrated at may wastong oras ng tulog. Mahirapan mang mag-ayos sa sitwasyon natin ngayon, nararapat na hamunin pa rin ang kakayahan upang ito ay mahasa. Kung ito ang magiging papel na gagampanan nila, hindi malayo na masanay tayo at mahati ng tama lamang ang oras para sa hirap ng online class at sa paghahasa ng sarili.

MAKATUWIRANG

DESISYON mga aralin. Sa dami ba naman ng programang isinasagawa kada taon, mahalaga talagang maihabol muli ang mga leksyon. Ani Bb. Nicka Makayan, house parent ng Blue Vikings, “Napakadaming activities last school year. Nagsabay-sabay siya and siyempre dahil doon kailangan munang unahin ng teachers ang mga lessons na naiwan.” Dagdag pa niya ang sumabay na pandemya. Usaping pandemya lang naman, di talaga natin ito inaasahan. Isang sakit na nagdulot ng pag-aalala sa ating lahat. Subalit kung ating titignan, makatuwiran at tama ang naging desisyon ng departamento ng MAPEH na ikansela ito. Kaligtasan muna bago ang paligsahan, mahirap na kapag kumalat ang sakit sa paaralan. Wika nga ni Bb. Ira Violeta Bendaña, house parent ng Red Archers, kinakailangan

IBALIK MULI

SA EKSENA Bryan roy raagas

M

ahigit dalawang taon nang wala ang esensiya ng football sa RiSci, ngunit kung titingnan ninyo ay dapat silang ibalik. Sa susunod na athletic meet ay sinisiguro ko na kaabang-abang sila at handang magbigay ng medalya sa paaralan. Halata at sa mga nakakasubaybay noon sa team, alam niyo naman ang magandang takbo ng Spartans sa loob ng field mula sa taong 2016-2017. Sa unang kampanya nito, kahit wala man lang naipanalo, nagawa pa nilang makipagsabayan sa Don Jose Ynares Memorial NHS na kampeon sa team, at hindi man lang natambakan. Mas lumakas sila noong sumunod na taon, at mas nanalo na sila sa magandang opensa nila, sa pamumuno ng kanilang kapitan na si Jude Pascual. Gayunpaman, may dahilan kung bakit ito tinanggal at pinangambahan. Bilang parte ng RiSci FC noong 2016, nakapanayam ko noon ang dating coach na si G. Marc Cloza tungkol sa dahilan ng pagkakabuwag nito sa iskwelahan. Kinikilala nga raw kasi ito na isa sa mga pinakadelikadong isport sa buong mundo, at mas malaki nga naman ang peligro ng injuries.

Tumpak nga naman siya, subalit lahat naman ay delikado sa mundo ng palakasan, at nasa kilos at gawi naman ng manlalaro kung ano ang ikikilos nila. Sinuportahan ito ni Gng. Tamina Miranda, coach ng futsal at iginiit na kung matuturuan naman sila ng maayos ay bakit hindi. Bukod pa roon ay nakikita naman niya sa mga nakaraang Intramurals na maayos ang laro ng ibang mga RiScian. Tungkol sa usaping RiScian varsity, marami pa namang beteranong natitira sa roster at interesadong maglaro upang mabuo ang 11man lineup ng team. Kasama na rito ang twotime Provincial Meet Player Jacob Mateo at Forward Aaron Pacis. Bukod pa rito ay marami pang may masidhing pagnanais na maglaro sa Batch 20, lalo na sa pangunguna nina Gab Felarca, Enzo Lazaro at Rafael Maitim. Siyempre, kung marami ang maglalaro, marami rin ang magkakainteres. Hindi rin mawawala ang mga Grade 7 at bagong mag-aaral sa Grade 11 na sa malamang, magkakaroon ng magandang tingin sa sport na ito, at pursigihing makasali rito. Sa kabila ng takot at pangamba, nakikita ko na magiging successful ang team na ito sa loob ng ilang taon. Sambit nga ni Ginang Miranda, “Kung pwede nga lang mag-coach ng dalawang team gagawin ko.” Patunay lang

pa rin natin magpasalamat kasi hindi natuloy at naging ligtas ang lahat sa COVID. Mabuti na napagdesisyunan ito na hindi ituloy, dahil kung iisipin ay malaki pala ang naging epekto ng health crisis sa atin. Naghain din ng batas at mga protokol ang pamahalaan na ipinagbabawal ang pagtitipontipon upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19. Banggit pa ni Bb. Bendaña, “Ang batas ng ating gobyerno bawal lumabas, ang pagiging ligtas ang isinaalang-alang ng ating paaralan at ng mga namamahala o namumuno ng Intrams.” Hindi nga talaga natin inaasam na mangyayari ang ganitong sitwasyon, ngunit sa paglaon nito, siguradong paghahandaan ng paaralan ang darating na Intrams at nakatitiyak na maibabalik mula ang bakas na ngiti sa ating mukha.

balintataw Balintataw

ito na may tiwala siya na kayang manalo ng Spartans sa mundo ng football. Mas maganda nga kung mayroon silang maayos na program, giit pa ni Ma’am Tamina na tulad nga sa panahon ng pandemya ay magkaroon ng mga virtual trainings. Bukod pa roon, dapat maging maaasahan ang susunod na kapitan nito, para mas maganda ang pamamalakad ng football sa RiSci at umabot pa ito sa mas bagitong batch ng paaralan. Mas maganda kung pulido talaga ang mga bagay na kailangan nila para sa ganyang hakbangin. Kung maaari, suportahan sila ng paaralan kung magkaroon ulit ng face to face classes at Municipal Meet. Kaugnay nito, kung magkakaroon ng matinong programa ang football club para sa kanilang mga laban, naniniwala akong malayo ang mararating ng Risci sa ganitong uri ng palakasan. Sa loob ng panahong iyon, nakita ko kung gaano kadedikado ang bawat manlalaro ng football at nakasama ko sila, at kapag nakakalaro ko sila ay halata na gusto nila ibigay ang pinakamakakayanan nila. Dapat talaga ay maibalik sila kung maganap man ang Athletic Meets na may sapat na pagsasanay para mabigyan din ng hustisya ang pagsalita doon at lumaki rin ang estado ng mismong sports para sa mga mag-aaral.


H

amon kung ituturing ng isa sa mga guro ng MAPEH sa Rizal National Science High School ang pagtuturo ng Physical Education ngayong klase bunsod ng kakaibang magiging pamamaraan nito sa online distance learning (ODL). Wika ni Ma’am Tamina Miranda, guro ng MAPEH sa junior high school, magiging pagsubok ang kanyang pagtuturo, dahil sa internet connection at hindi kaharap mga bata for instruction.” Aniya, “Upang mapadali ang online distance learning ay nagkaroon kami ng Google Classroom, kung saan doon kami nagpo-post ng mga lesson at google forms naman para sa quizzes and learning task at sa google meet naman kami nag-conduct ng online lessons namin.” Dagdag pa niya, kadalasang nagkakaroon siya ng problema sa koneksyon at ito ang nagiging sanhi ng kanyang pagiging lag, minsan ang matagal na pagpapalit ng larawan sa screen ng kanyang mga estudyante pati na rin mismo ang kanyang boses. Upang maipakita niya nang maayos ang mga gagawin ng kanyang mga estudyante, binanggit niya na nagpapadala siya ng mga bidyo at panuto

NASA LARAWAN I(P)AGPATULOY ANG (E)HERSISYO. Isinasagawa ni Irvin Manaeg, 16, ang isang uri ng ‘chest workout’ gamit ang horizontal chest press sa kanilang tahanan sa Mambog, Binangonan, Rizal, bilang parte ng kaniyang ‘requirement’ sa Physical Education, at para na rin mapanatili ang pisikal niyang pangangatawan. PHOTO SOURCE: Lloyd Libuna

Alyssa de Villa

kung paano gagawin ang mga pisikal na gawain. Para mapaniwalaan pa niya na ginagawa nila ang mga pisikal na gawain, nagpapapasa siya ng mga larawan at bidyo na ginagawa nila ang mga ito base sa itinakdang iskedyul. Kahit maayos naman ang kanyang sistema ng pagtuturo, may mga hindi siya maaaring gawin na noon ay nagagawa niya, isa rito ang pag-aayos ng mga maling estudyante habang gumagawa ng mga physical fitness test activities o isports. Nasanay na nga raw siya sa mga araw-araw na hamon na bigay ng ODL kaya hindi na ito nakagugulat at mahirap solusyonan. “Nais ko pa ring bumalik sa dati at mas madali pa rin ang face to face classes, dahil mas marami akong maaaring maituro at magiging mas masayang makita ang masasayang ngiti ng mga bata tuwing naglalaro,” banggit ni Gng. Miranda. Dagdag niya pa na kung sakaling nakaODL pa rin, katulad pa rin ng ginagawa niyang pagpapadala ng mga bidyo at larawan mula sa mga estudyante, at gagabayan sila kung tama ba o mali ang kanilang mga ginagawa. Sa kasalukuyan, nasa sakop ng dalawa hanggang apat na oras ang klase ng PE sa lahat ng baitang ng RiSci sa loob ng isang araw, at pinagsama na rito ang synchronous at asynchronous classes.

19

isports

himaya vasquez

ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School

PE ISANG MAPAGHAMONG LEKSIYON SA ODL – GURO SA MAPEH

GREEN KNIGHTS, TATARGETING MAGKAMPEON SA SUSUNOD NA INTRAMS jinan aeryn cortez

N

agbanta na ang Green Knights na kung sakaling maging normal na ang lahat at magkaroon na ng Intramurals, sisiguraduhin nila na sila na ang magiging overall champion para sa taong iyon. Wika ni Bb. Ariane Kaye Banat, house parent at isa sa tagapamahala ng GK, itinakda nila ang pagiging “uhaw sa kampeonato” bilang motibasyon at tumutulak sa kanila para marating at makamit ang tagumpay. “Ganun pa rin naman dapat yung dapat na asahan,” ani Ma’am Ariane. Dagdag pa niya, walang ibang kahinaan ang grupo at kung meron man, ito rin ay ginagawang kalakasan at daan upang mas mapabuti ang kondisyon ng bawat manlalaro. Ipinamalas ng Green Knights ang kanilang galing sa iba’t-ibang larangan ng isports sa mga nakalipas na tatlong taong intramurals na kung saan ay patuloy nilang pinanghawakan ang pangalawang pwesto sa

loob ng tatlong magkakasunod na taon. Sa loob ng panahon na pag-eensayo at paglaban ng mga ito ay hindi pa nila nasusungkit ang kampeonato. “Ilan rin sa mga miyembro sa loob ng kampong ito ay nakapasok at nakasali na sa iba’t-ibang kompetisyon kaya hindi rin sila maaaring matawag na ‘mahinang house’,” ayon sa tagapamahala. Bukod doon, mayroon rin silang mga guro na matatawag na kooperatiba na namamahala sa kanila upang tulungan ang bawat isa na maghanda. Wika niya, hindi naging hadlang ang pagkabigo nila upang mawalan ng pag-asa sa tagumpay, at talagang kitang-kita pa ang kanilang determinasyon. Wala silang ibang dapat ipagpabuti upang mas umangat sa iba kundi ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip at tiyaga. Bilang karagdagan, ang pagiging

determinadong mga manlalaro, estudyante, at guro ang kailangan nila upang bumalik bilang mas malalakas na kalaban. Subalit ngayong panahon ng pandemya, halos lahat ng mga pangyayari ay ipinagpaliban muna katulad na lamang ng ensayo para sa intrams upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Wala pa ring kongkretong plano tungkol dito hanggang sa kasalukuyan dahil ang bawat detalye ng mga mangyayari ay pinagiisipan pa lamang at ang tanging sigurado lamang ay babalik sila na mas malalakas, garantiya nila. Naudlot ang nakaraang Intramurals noon, na dapat ay pambawing taon ng Green Knights, dala ng epekto ng COVID-19 na nagsimulang magpasuspinde ng klase noong Marso 2020. Bukod pa roon ang pagkakaroon ng malawakang ashfall sa Bulkang Taal noong Enero 2020.

PAGLALARO NG ESPORTS MAY NEGATIBO; POSITIBONG EPEKTO SA MGA RISCIAN himaya vasquez

ALYSSA YSABELLE DE VILLA

NASA LARAWAN STRESS ALIS! Ginagawang kaugalian ng isang Grade 11 STEM student na si Aaron John Pacis (16), ang paglalaro ng Mobile Legends tatlompung (30) minuto kada araw bilang kaniyang “stress reliever” sa gitna ng inilulunsad na Online Distance Learning (ODL). PHOTO FILE: AARON PACIS

N

agkakaroon ng samu’t-saring epekto sa mga RiSican ang paglalaro ng iba’t ibang eSports base sa kanilang karanasan ngayong pandemya dala rin ng kanilang personal na kadahilanan. Wika ni Michael Lawrence Estido mula 12- Edison, isa sa mga negatibong epekto nito sa kanya ay mabilis mairita sa ibang manlalaro at nauubos ang kanyang pasensya sa mga mababagal mag-isip sa naturang laro. Banggit naman ni Jonan Adrian Garcia mula 11- Rutherford, may pagkakataong nakakalimutan niya ang kanyang mga gawain tulad ng takdang aralin o mga bilin mula sa kanyang mga magulang. Gayunpaman, ipinahayag niya na nagkaroon ito ng mabuting epekto sa kanya dahil nakakapagpasaya ito at nakakapagtanggal ng stress. Dagdag pa rito, nagawa naman ng RiScian streamer na DC Gaming na makabuo ng ganitong platform para magkaroon ng pagtulong sa mga nangangailan noong panahon ng Bagyong Ulysses. Saad ni EJ Cabatian, isa sa mga estudyante ng Grade 12 at parte ng mismong streaming team, “Naisipan namin na why not magstream ulit

kami, pero with a cause, tapos doon naisip na mag-organize ng threeday event para doon sa nasalanta since naeenjoy namin yung maglaro habang mag-stream.” Dagdag pa niya, naging masaya ka pa sa kakalaro mo, nakatulong ka pa. Sa kabila ng mga epektong ito, maraming mga magulang pa rin ang patuloy na sumusporta sa kanilang anak na naglalaro sa eSports. Ayon sa survey na ginawa sa mga RiScian, karamihan sa kanila ay naniniwalang ang paglalaro ng eSports ay isang positibong impuwensya sapagkat nakakasiya ito at nagbibigay ng oras para makapahinga ang ating kaisipan mula sa mahabang oras ng pag-aaral sa ODL. Ayon din sa iilang eksperto, nakapagbibigay ginhawa man sa atin ito pagkatapos ng sabay-sabay na hamon ng trabaho at pag-aaral, kailangan ng bawat isa na alamin ang tamang paraan ng paglalaan ng oras dito upang makasagot pa rin sa mga pangangailangan ng trabaho, pamilya at ng ating sarili.. Sa ngayon, kinahuhumalingan na eSports ng mga RiScian ang Mobile Legends at sinundan naman ito ng Call of Duty base sa datos ng pahayagan.

Malugod na binabati ni Edward John Cabatiran, 18, kasama pa ang ibang miyembro ng DC Gaming, ang kanilang mga manonood sa unang araw ng kanilang charity stream, ika-18 ng Nobyembre, bilang parte ng Tugon Riscian na layuning maghatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. SCREENSHOT: Alyssa De Villa

STREAMING SANDALAN NG G12 RISCIANS SA NAAPEKTUHAN NG ULYSSES elijah dan sinquenco

U

mayuda ang mga mag-aaral mula sa ika-12 na baitang ng Rizal National Science High School (RNSHS) sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa buong Binangonan sa paraang kanilang naisip na gumawa ng isang page sa Facebook at doon mag live stream ng kanilang lalaruing online games, ika-8 ng Nobyembre. Nagsikap ang mga mag-aaral upang makapagbigay ng ngiti sa mga nasalanta ng sakuna sa Binangonan kahit sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga relief goods na mula sa kanilang ibinahaging pera. Naisipan ni Ej Cabatian, mag-aaral sa Rizal National Science High School, na matagal na rin siyang hindi nakapagstream kaya ito ang ginawa niyang paraan para tumulong sa mga apektado ng bagyo. Aniya, sinimulan nila ito sa pagsasagawa ng three days event para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, inuna nila ang paghanda ng mga kanilang mga gagamitin para sa kanilang streaming, naghanap din siya ng kaniyang makakasama sa paglalaro. Dagdag pa niya sa panayam , “Since makakapagenjoy naman habang naka stream at the same time nakatulong pa kami” Nahirapan ang grupo sa pagsisimula ng kanilang plano, mahigit isang araw lang ang itinagal ng kanilang pagde-desisyon, kinailangan rin nilang maghanap ng mga players na maaaring sumali at tumulong sa kanila. Inisip rin nila kung paano nila ise-setup ang kanilang stream, bukod sa mahirap itong simulan kailangan din nilang hatiin ang oras nila sa pag aaral at paghanda ng kanilang setup. Nakiisa din ang mga mag-aaral mula ika-12 na baitang na magbahagi ng tulong mula sa makukuha nilang pera galing sa kanilang pag streaming. Mapupunta ang perang malilikom nila mula sa kanilang streaming sa Bangon Binangonan page, na naglalayong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa naturang lugar. Kinaya ng grupo na tapusin ang three day - event na kanilang ginawa para gawing pantulong sa mga apektado ng sakuna sa buong Binangonan at naisagawa ng maayos ang lahat base sa kanilang mga plano.


Panulat ang mabisang sandata.

isports NASA LARAWAN

Tinutukan ni Mark Joseph Barbosa, 15, isang manlalaro ng chess, ang kaniyang susunod na hakbang upang mapatalsik ang kaniyang kalaban para maipanalo ang bandera ng Blue Vikings noong nakaraang 2019 Intramurals. Kuha ni Regieco Clark Batarra

SA KANYANG IKAAPAT NA PAGTATANGKA,

RiSci Woodpusher Target Pasukuin ang ex-RiScian sa Susunod na Municipals RAFAEL SAM OLIVO

W

alang humpay pa ring nag-eensayo sa gitna ng pandemya ang beteranong manlalaro ng chess na si Mark Joseph Barbosa upang magkaroon ng tiket papuntang Palarong Panlalawigan sa darating na Municipal Meet sa susunod na taon. Nagkaroon man ng mga pagbabago sa kaniyang pag-eensayo, patuloy pa rin ang paghahasa ng kaniyang kaisipan at pagkukundisyon sa chess sa pagkakaroon ng mga palaisipan na aralin tuwing Miyerkules at Huwebes, mula ika-4 hanggang 5:30 ng umaga. Aniya, ginagawa niya ito dahil malaki ang kanyang tiyansa at determinadong makaharap muli ang dating RiScian, Raniel Wayne Geronimo matapos kapusin noong 2018. “Syempre looking forward ako sa kaniya, pwede niyong abangan the match result between saming dalawa,” ani mag-aaral mula sa ika-siyam na baitang.

Sa kanyang panimulang laban bilang RiScian woodpusher, matatandaan ang kanilang dikit na laban noong Setyembre 5, 2018 na nagresulta sa isang tabla. Subalit, kinapos siya sa kaniyang huling laban sa mismong torneong ito matapos siyang pasukuin ni John Martin Tiama ng Don Jose M. Ynares NHS, at nawala siya sa kontensyon para sa Provincials. Banggit niya dalawang taon ang nakalipas, ayos lang na hindi nasungkit ang Provincial Meet dahil marami pang pagkakataon ang paparating sapagkat siya’y nasa ikapitong baitang pa lamang. Naglista siya ng 1.5 sa ikatlong pwesto, sumunod kay Tiama at Geronimo, 2 at 2.5, ayon sa pagkakabanggit. Bigo man noong 2018, patuloy pa rin siyang sumali sa iba’t ibang paligsahan tulad ng MCC Youth Standard Open Chess Tournament, at 6th Bluewave Marquinton Chess Championship.

Ganadong nakikipaglaro ang isang Senior High School student na si Amar Jacob Pajarito, 16, A.K.A PrimiBoy sa isa sa kaniyang libo-libong viewers bilang bahagi ng kaniyang 1v1 content sa sinimulan niyang gaming stream. CAPTIONED BY: Alyssa De Villa SOURCE: PrimiBoy

ML patok sa mga RiScian ngayong quarantine period elijah dan sinquenco

P

https://facebook.com/gaming/ PrimiBoyGaming/videos/ 321807069192983/

Pagtulong, Libangan Pundasyon ng umuusbong RiScian streamers bryan roy raagas

S

a dami ng bilang ng mga naglalarong Risayan, nadadala na ito ng karamihan sa mundo ng streaming. Maraming sumusubok na mga RiScian na pasukin ang paggamit ng streaming upang makatulong, makapagpalibang o magpatawa, lalo na sa kanilang viewers at followers. Sabi nga ni Amar Pajarito a.k.a. ‘Primiboy’, nagsimula siyang sumabak dito noong 2019, dahil masaya ang ganitong uri ng platform at karaniwang nilalaro niya ang Mobile Legends dahil ito ay may pinakamalaking fanbase rate sa Pilipinas. “Nagsimula ako sa mundo ng game streaming nung nakita ko may isang bata na nags-stream rin at pangalan ng page niya ay ‘ Totoy’ nainspire ako mag-stream dahil masaya niyang ginagawa ito at nag-eenjoy siya sa nilalaro niya,” aniya. Pagbibigay naman ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses ang naging pundasyon ng mga iilang gamers ng Grade 12 na ‘DC Gaming’

Bigkas niya, kahit daw nabibigo siya, hindi siya sumusuko sapagkat ginagawa niya itong inspirasyon at aral. “ We learn a little from victory but much from defeat,” dagdag pa niya. Ipinagpapaliban pa rin sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng mga isports na kompetisyon, bunga ng COVID-19, bilang pag-iingat sa kalusugan ng bawat tao. Sa kaniyang ikatlong taon sa RiSci, nasasabik siyang lumaban at katawanin muli ang paaralan upang masungkit ang ginto. Wika niya, pananatilihin niya pa rin ang pagiging kalmado, hindi nakakaramdam ng presyon, at pagiging masaya lamang sa ginagawa niya. Dagdag pa niya, mas nakakapukaw ng atensiyon ang kaniyang mga darating na laban, dahil mas bihasa at mas mahusay na MJ Barbosa ang aabangan.

para mabuo ang kanilang grupo bilang video creators. Wika ni EJ Cabatian, miyembro ng mismong gaming group, matagal silang nawala sa streaming pero bumalik at gumawa silang muli nito upang makatulong sa mga nasalanta habang nawiwiling gawin ito. Anila, nagiging malaking parte ang streaming sa pagkakaroon ng inspirasyon sa mga ibang mag-aaral na pasukin ito. Banggit ni Pajarito, “Siguro nakikita ko ang aking sarili five years from now ay isang simpleng streamer na tutulong sa mga nangangailangan dahil isa rin sa mga idol ko pagdating dito ay si ‘GHOST Wrecker' dahil hindi niya nakakalimot kung saan siya nagsimula.” Dagdag pa niya para sa mga aspiring streamers, "Grind ka lang ng grind sa pag-stream dahil alam ko na marami rin dadating na problema sa buhay mo na minsan wala ka ng viewers, minsan naman ay wala ka ng motivation, kaya grind ka lang ng grind."

inakatanyag na online game sa RiSci ang Mobile Legends at nakatanggap ito ng iba’t ibang komento mula sa mga RiScians kung bakit nila ito nagustuhan. Base sa pagsusuri na isinagawa, lumabas na 20.11% ng mga boto ng mga estudyante sa RiSci ay nakuha ng Mobile Legends, karamihan sa mga sagot ng mga ito ay halos pare-pareho lang ang saloobin. Base sa ilang magaaral na naglalaro ng ML, nagustuhan nila ito dahil pwede mong makalaro ang iyong mga kaibigan kahit malayo kayo sa isa’t isa. Ani Reyson Darwin Macapinig, isang mag-aaral sa RiSci baitang pito "Ang gusto ko sa mga laro na ito ay puro tactical at labanan."

Dagdag pa sa ibang komento sa naturang datos, pwede rin makagawa ng mga istratehiya upang maipanalo ang match, medyo mapaghamon ang larong ito kaya kailangan ng tulungan. Wika ni Juliana Marie Estillomo, “Mas nae-enhance ang pag iisip ko kapag naglalaro dahil minsan kailangan ng mga strategy at patience para manalo sa isang laro, kasama rin mga kaibigan ko." Iba't ibang klase ng hero at sa iba't-ibang pagkakataon ay may mga kaibigang nabubuo ang karamihan sa kanila kahit sa online games lang. Meron ring nagsabi na ito ay madali, mabilis lang matutunan at ani Angel Christelle Napay, mag-aaral sa ika-11 baitang, maganda

Mobile Legends: Bang Bang

20.11%

Call of Duty League of Legends PlayerUnknown's Battlegrounds Among Us

Ang Aghamanon. Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School. Tomo XVI, Blg. 1 Nobyembre 2020 - Abril 2021

ang animation at disenyo ng mga heroes, ito rin ay masayang laruin. Sumunod naman sa ML ay ang Call of Duty o COD, na nagkaroon ng ikalawang pinakamataas na resulta ng survey at ito ay merong 17.30% na boto ng mga RiScians. Ayon naman sa ilang mga estudyante maganda ang graphics ng larong ito, naeenjoy rin nila ang maglaro kasama ang kanilang mga kaibigan. Wika ni Cjan Andrei Quilnet, nagustuhan niya ang mga epikong senaryo sa kaniyang nilalaro. Meron ring ilang mga estudyante na hindi naglalaro ng mga online games sa kadahilanang mayroon silang ibang libangan at binubuo ito ng 15.85%.

17.30% 12.63% 9.13% 5.28%

20.11 % RISCIAN ML PLAYERS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.