Paghinga’t Pahinga sa Agos ng Tagumpay
sundan sa pahina 4
Daan Patungong EduKALIDAD
sundan sa pahina 12
BALIK-SILID | KUHA NI ALYSSA DE VILLA Matiyagang nakikinig ang mga mag-aaral ng ika-11 baitang sa kanilang klase sa Disaster Readiness and Risk Reduction (DRRR) sa kanilang silid-aralan noong ika-6 ng Abril, matapos muling buksan ng Rizal National Science High School ang kanilang mga pasilidad para sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Pagbabalik sa Dating Normal: 64% Riscian, pabor sa limited F2F
S
Project AKAP, tugon sa hamong kinakaharap ng mga mag-aaral ngayong pandemya FAye Laracas
ang-ayon ang mahigit kumulang 576 estudyante ng Rizal National Science High School (RiSci) na makatutulong ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga kaguruan at kapwa mag-aaral, sapagkat mas pinadali nito ang edukasyon para sa lahat.
Ayon sa survey na isinagawa ng Ang Aghamanon noong Pebrero 2022, 64% estudyante ang tumala na makabubuti ang f2f classes. 3.4% naman ang sumagot na hindi ito makabubuti, habang 32.6% ang hindi sigurado. “Marami po kasing mga estudyante na mas hamak na natututo kapag f2f classes dahil mas nasusubaybayan sila ng kanilang mga guro at nakikipag tulungan sila sa kanilang mga kaklase,” saad ni Joana Villarias, mag-aaral mula RiSci at isa sa sumagot na makabubuti ang face-to-face. Sa kabilang banda, ayon naman kay Nica Velasquez, hindi siya sigurado kung makabubuti ito sapagkat may posibilidad pa rin ng panganib. “Mabuti ito kapag siguradong ayos na ang lahat dahil mas natututo ako at may tsansa na makihalubilo sa mga kapwa estudyante ko. Ngunit ngayon na walang kasiguraduhan kung ayos na ang lahat, mas mahirap ito,” aniya ni Velasquez. Bilang karagdagan, mula kay
Eunice Membrebe na mag-aaral din ng RiSci, nakakakaba raw ang faceto-face dahil sa tagal ng panahong pananatili sa tahanan, na nagdulot ng hindi pagkasanay sa pakikihalubilo. Idinagdag pa niya na kahit ganoon pa man, nakakaramdam pa rin siya ng pagkasabik na makita at makausap ang mga bagong kaibigan na kanyang nakilala nang magsimula ang online distance learning (ODL). Bukod dito, sinimulan na ng paaralan noong Ika-21 ng Marso ang pagbabalik sa face-to-face classes, na may 157 kalahok, dulot ng pag apruba ng lokal na pamahalaan ng Binangonan sa pagsasagawa nito. Mula sa mga dokumentong inilabas ng RiSci sa kanilang Facebook page, naglalaman ito ng resolusyon na nagapruba sa pagsasagawa ng pinalawak na face-to-face classes sa paaralan. Ito ay isinaalang alang sa mga alituntuning itinakda ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).
Isinaad ni Christian Joseff Bolivar, parte ng estudyanteng lumahok sa faceto-face classes, na epektibo ang faceto-face classes dahil mas na-eenganyo siyang matuto ng mga aralin lalo na’t mahirap ang mga paksa sa ikatlong markahan at maigi niyang naiintindihan ang mga itinuturo kumpara sa ODL. “Napag-isip ko rin na ito na ang aking huling taon bilang senior high school sa RiSci at hindi pa ako nakakaranas ng Face-to-Face classes dahil isa akong new student last year, noong grade 11. Bukod pa rito, wala ring mga abala o istorbo sa Faceto-Face classes kaya’t nahikayat ako na piliin ito kaysa sa Online Class,” ani Bolivar. Nilinaw rin niya na dapat isaalang alang ang pagkakaroon ng sapat na mga bitamina at pagkain para sa lahat ng mga estudyante upang hindi bumaba ang immune system at magkaroon ng panlaban sa mga sakit. Ang pagiging bakunado rin ng bawat estudyante ang tutulong sa implementasyon ng Face-toFace classes.
Emotional distress, hindi maiiwasan sa mga estudyante ngayong pandemya – kasalukuyang G8 student
I
pinahayag ng kasalukuyang Grade 8 student ng Rizal National Science High School (RNSHS) na hindi maiiwasan ang emotional breakdowns sa mga mag-aaral lalo na ngayong panahon ng pandemya. Isinaad ni Arannelle Faye Alas na bagaman ang patong-patong na school requirements ang madalas na nagiging dahilan ng emotional distress ng mga mag-aaral, mismong ang pandemya din ang nagdudulot nito para sa kanya. Thinking whether this will ever end or how this will affect my life further are just some of the reasons why it can trigger emotional problems Aranelle Faye Alas RNSHS Student
Base sa isinagawang pagsusuri ng Philippine Health System, laganap na 16% ng mental health disorders sa mga kabataang Pilipino ang naiulat at pangatlo din ito sa pinakakaraniwang sakit ng mga Pilipino sa datos ng National Statistics Office (NSO). Matatandaang naiulat ng Department of Health (DOH) noong nakaraang taon na hindi bababa sa halos 3.6 milyong Pilipino ang nakararanas ng mental health issues ngayong pandemya. Saad ni Frances Prescilla Cuevas, chief health program officer ng DOH’s Disease Prevention and Control Bureau, humigitkumulang 1.14 milyong Pilipino ang may depresyon, 847,000 na nakakaranas ng alcohol-use disorders, habang 520,000 ang nasuring may bipolar disorder. Ayon naman kay Gng. Dulce Calces, guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Guidance Counselor ng RNSHS, dahil sa hindi normal na sitwasyon, hindi maiiwasan ng mga estudyante ang makaramdam ng kalungkutan na nakakabahala sa kanilang kalusugan kung magtatagal.
“Napakahalaga pa naman sa kanilang pag-unlad ang physical at social contact sa mga kaibigan at iba pang kapamilya,” aniya. Sa kabila nito, ipinahayag niyang wala pa namang nagpapasangguni sa kanyang matinding suliranin o kakaibang isyu dahil na rin sa mabilisang pagtugon ng mga class adviser sa kanilang homeroom teacher duties. Bago pa man ang pandemya, sumailalim din ang mga guro sa mga training, tulad ng Mental Health First Aid, upang magkaroon ng malalim na kaalaman sa isyung ito, at maagaran ang mental health problems na nangangailangan ng aksyon, katuwang ang magulang ng mga mag-aaral. Sinisimulan na din ng paaralan ang bagong proyektong pinangalanang “Kaagapay Project” na naglalayong mabigyang-tugon ang mental health needs ng mga estudyante.
MARIELLE GALLEGO
MARIELLE GALLEGO
N
agsilbing tugon ang pagpapatupad ng Project AKAP (Anak, Kamusta ang Pagaaral) upang mapanatiling konektado ang mga RiSician na humaharap sa mga hamong hatid ng new normal na edukasyon. Base sa Division Memo no. 55, s. of 2021 ng Department of Education (DepEd), makakatulong ang proyektong ito sa pagpapabuti ng kakayahan ng mag-aaral gayundin ang pakikilahok ng magulang sa proseso ng pag-aaral. “Ang pangunahing layunin ng AKAP ay akapin, kamustahin ang mga estudyante na nagkakaroon ng difficulties, at sabihin na nating struggles sa pagharap sa new normal,“ ani G. Angelo Venus, gurong taga-patnubay sa ikapitong baitang at AKAP Coordinator ng Rizal National Science High School. Nakapaloob sa gawain ng proyektong ito ang home visitation upang diretsahang makausap o makamusta at matugunan ang mga hamon sa pag-aaral ng mga estudyante. “Actually, may mga pagsusuri na, na ang home visitation ay makakatulong talaga sa pag-aaral,” aniya Venus. Sa unang taong pampanuruan na ipinatupad ang online distance learning (ODL) modality, binigyang-tuon ng AKAP team ng paaralan ang mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang lalo na’t maituturing itong transitional period para sa kanila. Sa isang panayam kay Bb. Dahlia Ramos, gurong tagapatnubay sa ikawalong baitang at Prefect of Discipline para sa baitang pito at walo, isinaad niya ang mga dahilang kanilang naobserbahan at natuklasan sa mga estudyanteng nahihirapan sa pagtugon at binigyang-diin ang distractions na kinakaharap nila habang nag-aaral. “Umamin sila na they are distracted, example ng distractions nila, number 1 yung gaming, kahit during class hours naglalaro sila, then yung iba naman social media, [tulad ng] YouTube, Facebook,” saad ni Ramos.
sundan sa pahina 2 dahilan ng
DISTRACTIONS SA ODL GAMING SOCIAL MEDIA Psychological/ mental Health Problems impormasyon mula kay Bb. Ramos | gawa ni Jelen Corpuz
ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School
BALITA
2
52% ng mga aplikante para sa RSET 2022-2023, pasado winona cruz
H
igit 52% ng mga sumubok sa Rizal National Science High school para sa taong pampanuruang 2022-2023 ang pumasa sa isinagawang in-person Rizal Science Entrance Test (RSET). Nahati sa dalawang kategorya ang mga nakapasa sa una sa dalawang screenings ng in-person entrance exams ng Rizal National Science High school: ang mga aplikanteng kwalipikado para ang ikalawa’t huling screening at ang mga kwalipikadong dumiretso sa pag-eenroll. Base sa inilabas na resulta ng paaralan sa kanilang Facebook Page noong ika-11 ng Abril, 262 na aplikante ang nakapasa kung saan 128 ang kwalipikado nang dumiretso ng enrollment sa Junior High school habang 157 naman ang nakapasa sa ikaunang screening sa Senior High school kung saan maaari nang makapag-enroll ang 44 sa kanila. Sinundan ito ng pangalawang pag-aanunsyo ng mga nakapasang aplikante para sa isinagawang interview kung saan kabuuan ng 200 na bagong baitang 7 at 91 na bagong estudyante
Ashley Agbulos
Project AKAP Marielle Gallego
Binigyang-tuon din niya ang kadahilanang mayroong psychological o mental health problems ang estudyante, kasama na ang pakiramdam ng depression o kalungkutan, lalo’t humahalo dito ang mga problema nila sa loob ng bahay.
Gayunpaman, nakitaan ng malaking pagpapabuti o improvement sa sitwasyon kung saan nabigyang-solusyon ang mga hamong kinakaharap ng mga estudyante matapos na mapasailalim sa proyektong ito. Bukod pa sa Project AKAP, mayroon ding ibang inihandang proyekto ang paaralan upang makatulong at makatugon sa hamong hinaharap ng mga mag-aaral, kabilang na ang “Positive Education,” na sinimulan noong unang markahan ng taong pampanuruang 2022-2023 para sa mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 8 kung saan pinaplano itong dalhin at ipagpatuloy mula Grade 9 tungong Grade 12— hakbang para sa ikabubuti ng buong Rizal National Science High School.
| Mula sa Pahina 1
para sa baitang 11 ang nakapasa sa RSET 2022-2023. Tumutotal naman sa higit pa sa 500 na aplikanteng sumubok at nagpasa ng kinakailangang papel para makakuha ng pwesto sa unang screening kung saan 52.23% ang tinaguriang passing rate o 291 lamang ang kabuuan ng sasalubunging bagong RiScians. Kaugnay nito, mainit namang isinalubong ng mga guro at kapwa RiScians ang mga bagong talagang RiScians sa pamamagitan ng pagbahagi ng aasahan nito sa tambak na gawain, mga guro, buhay sa RiSci at sa mga estudyante mismo. “Just always remember to not force yourself, don’t compare yourself to others, and work at your own pace. Just remember to make the most sa RiSci life niyo! Make new friends, socialize!” mainit na mensahe ni Arianneheart Quiñones, isang kasalukuyang RiScian ng baitang 10. Sa kabuuan ng 291 na pumasang mga aplikante sa Rizal National Science High school para sa taong pampanuruang 2022-2023, maitatala itong isa sa pinakamalaking porsyento ng nakapasang mga aplikante sa RSET sa buong kasaysayan ng paaralan.
Stereotype ng babae sa Matematika, hadlang ngunit unti-unting nababasag — guro sa Matematika ng RNSHS Winona Cruz
Katlene MAriscotes
A
yon sa isang pag-aaral ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong Abril 27, isa ang Pilipinas sa tatlong bansa sa Southeast Asia kung saan kinikilalang mas mahusay ang mga babae kaysa sa mga lalaki pagdating sa Matematika. Mula rito, may data mula sa mga middle at high-income na bansa na nagpapakita na bagamat mas mataas ang mga batang babae sa marka ng mga siyentipikong pag-aaral, mas maliit pa rin ang posibilidad na piliin nila ang
mga karera sa Agham, Teknolohiya, Engineering at Matematika. Bagamat higit pang datos ang kailangan, sinabi ni Manos Antoninis, direktor ng Global Education Monitoring Report ng UNESCO, na nakatulong sa pagpinta ng halos pandaigdigang larawan ng mga gaps o inequality sa kasarian ang mga kamakailang ulat kumpara sa mga resulta ng pag-aaral bago pa man ang pandemya. “Girls are doing better than boys in reading and in Science, and are catching up in Mathematics. But they are still far less likely to be top performers in Mathematics because of continuing biases and stereotypes. We need gender equality in learning
and ensure that every learner fulfills their potential.” ani Antonisis. Kaugnay nito, ipinahayag naman ng isang guro sa Matematika ng Rizal National Science Highschool na si Bb. Dahlia Ramos, sumasangayon ito sa biases at stereotypes sa mga kababaihan sa mga larangang pinupuno ng mga kalalakihan ngunit unti-unti itong nababasag. “Before, women were discouraged to pursue careers that are “for men only,” however, as the years go by, the standards of the world are greatly shifting, and more and more women are proving themselves to succeed in the areas that were once perceived, only men can improve.” dagdag nito.
ASHLEY AGBULOS
B
inahagi ng isang RiScian ang tingin nitong tungkulin at layunin ng kapwa nitong rehistradong RiScians sa pagboto sa Halalan 2022, maging dahilan ng pagsuporta sa pinapaburang kandidato sa RiSci-conducted survey na isinagawa noong Pebrero 21 hanggang Marso 5. Base sa naturang survey, lumikom ng 100 o higit 95% na mga boto si Vice President Leni Robredo sa mula sa mga botanteng RiScians habang naglikom naman ng tig-dalawang (1.9%) boto sina Manila Mayor Isko Moreno at Ex-senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, at isang boto (1%) si Leodegario “Ka Leody” De Guzman. Ani ng karamihan sa tugon, ang taglay na kakayahang mamuno, malinis na track record, kompetensya’t mga nagawa sa kasagsagan ng pandemya ang naging pangunahing personal na rason sa pagpili sa Vice President Leni Robredo— dahilan ng pangunguna nito na isinagawang survey. Kaugnay nito, naipakita rin sa survey na ang pinakamalaking impluwensya sa pagpili ng kani-kanilang kandidato ay kanilang sariling pananaliksik na umookupa ng 89.5%
ng kabuuang bilang ng tugon kung saan sinusundan ito ng pangangampanya ng mga kandidato na mayroong 36.20%. Samantala, nakaapekto rin ang social media posts and tweets sa pagpili ng kandidato ng higit 32% RiScians, 31% rito ay mayroong impluwensya ng mga kaibigan, 23.50% ay galing sa pamilya, at 13% ay iba pang mga rason at salik. Ilan na lamang sa mga personal na rason ay ang first impressions, sinseridad ng kandidato, tiwala sa kandidato,maging at ang muling pagpapatuloy ng mga naudlot na proyekto ng mga nakaraang administrasyon. Subalit sa kabila ng pagkakaiba ng napiling kandidato, ipinahayag ng isang nagsisilbing kinatawan ng mga botanteng RiScians ang layunin ng pagpili ng kanilang pinuno para sa hinaharap ng bansa ay para kalagayan ng mamamayan nito mismo. “Sa tulong [ng pagboto], lahat ng suliraning pambansa sa ekonomiya at anumang hidwaan ay mabigyan ng tuon at mas lalong maiahon ang mga Pilipino mula sa kahirapan. Nakikiisa ako sa pagboto dahil karapatan ko ito, at ninanais ko lamang ang pinakamabuting interes ng nakararami.” ani Carl Jacob Mateo ng baitang 12, isang registered RiScian voter tungod sa layunin ng pagboto ng natitipuang kandidato.
3
Balita
Winona Cruz
ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School
‘Pinakamabuting interes ng nakararami’ para sa Halalan 2022 — RiScian Voters
‘Less lethal but highly transmissible’ Omicron variant, ikinababahala ng mga Riscian Herbert Gabriel Pan
N
angangamba ngayon ang ilan sa mga estudyante ng Rizal National Science High School (RNSHS) sa unti-unting pagbabalik ng mga estudyante sa paaralan sa kabila nang pagkakadiskubre ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron. Ayon kay David John Gabriel Deuna, mag-aaral mula sa ika-11 baitang, dahil sa pagkakadiskubre nito, maaaring hindi pa magtuloy-tuloy ang pagpapasok ng lahat ng mga mag-aaral sa paaralan dahil na rin sa pangamba na mahawaan ng sakit. “Dahil sa bantang ito ay maaaring hindi pa
lubus-lubusin ang pagsasagawa ng face-toface classes ngayong school year, at online pa rin ang karamihan ng mga gawain”, ani Deuna. Dagdag pa niya, bagamat halos online pa rin ang setup ng pag-aaral sa kasalukuyan, nananatiling hirap ang mga estudyante sa pagsasagawa ng mga proyektong pampaaralan tulad ng research, performance tasks, atbp, bunsod na rin ng limitadong pagkilos kumpara sa face-to-face class setup. Samantala, nagpahayag din ng pagkadismaya ang ilang mag-aaral ukol sa pagkakadiskubre ng bagong variant sa kabila ng unti-unting pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Fake News, Malaki ang Epekto sa Halalan 2022 Winona Cruz
S
a muling pagkalat ng fake news sa social media, nagbahagi ng payo ang Media and Information Literacy Officer ng Rizal National Science High School sa mga RiScians upang mapangilagan maging biktima ng misinformation sa panahon ng Eleksyon 2022. Base sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre ng 2021, madalas mabiktima ang mga high school students ng fake news sa social media sa porsyento ng 58%. “Noong face-to-face classes pa ang modality ng pag-aaral, may nagpakalat na wala nang pasok para sa buong lalawigan ng Rizal sa araw na iyon. Agad itong kumalat sa social media hanggang sa aming mga group chat. Ilang minuto ang lumipas at saka nalang sinabi na hindi pala opisyal ang announcement na ‘yon,” pagbabahagi ni Alphonse Manda, isang RiScian sa baitang 10 na nabiktima ng fake news online. Wika ni G. Marc Gian Cloza, kinakailangang isaalang-alang ang mga sumusunod upang makaiwas sa maling impormasyon: ang intensyon, sanggunian, at petsa ng natanggap na balita. “Maglaan ng oras upang matutunan ang mga dapat gawin upang maging media and information literate individual tulad ng pagsali sa mga seminar/webinar, pagbabasa ng mga libro, pagsali sa
trainings,” aniya. Maliban dito, muling nagiging tanyag ang misinformation sa larangan ng pulitika ngayong nalalapit na ang Halalan 2022, at ang mga kandidato bilang biktima. “We already have since January curated more than 200 fact checks. Unfortunately, the trend [of fake news] persists despite efforts into stemming disinformation,” saad ni Yvonne Chua, University of the Philippines journalism associate professor, noong ika-26 ng Enero 2022. Karamihan sa mga fake news na naipapakalat online ay direktang kumokontra kay Presidential Candidate at Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo, samantalang nakadirekta naman ang iba pabor kay Ex-senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, na tumatakbo rin sa pagkapangulo. “Fake news greatly misleads people, especially the voters, which would have a great impact on this coming election. Right now, the basis for everyone’s votes are facts and information, if these turn out to be fake, then the integrity of one’s decision would fail.” pahayag ni Kendra Anne Cloei Marquez, RiScian mula sa baitang 10. Bukod pa rito, naipakita rin sa RiSciconducted survey noong Marso na nakasalalay sa social media posts and tweets ang 32% ng mga RiScians kung kaya’t tumataas lamang ang posibilidad na mabiktima at makabiktima.
Sinabi ni Dorothy Anne Macapinig, mag-aaral mula sa ika-9 na baitang, na nakakalungkot na mayroon na namang bagong variant ng nasabing sakit dahil maaari na naman itong humantong umano sa muling pagbabalik ng mga community lockdowns. Aniya, bagamat mataas pa rin ang efficacy ng vaccine kontra sa mga naunang variant ng COVID, nakakababahala pa rin ang pagkakadiskubre nito sapagkat unti-unti pa lamang itong pinag-aaralan ng mga siyentipiko. Matatandaang kinumpirma ng World Health Organization ang pagkakadiskubre ng Omicron variant na unang naitala sa mga bansang South
Africa at Botswana. Dagdag pa rito, itinuturing na ‘variant of concern’ ang Omicron dahil na rin sa taas ng transmissibility rate nito bagamat kinumpirma rin na mas mababa ang tyansa ng hospitalization at mortality rate sa tulong na rin ng immunization na hatid ng bakuna. Sa kabilang banda, pinaalalahanan naman ng Department of Education (DepEd) ang mga Pilipino na patuloy pa ring mag-ingat at isagawa ang mga minimum health standards sa mga pampubliko o pampribadong mga establisyemento upang maiwasan ang hawaan at lalong paglaganap ng sakit.
Partipasyon ng RiScians, Hamon sa Clubs Ngayong ODL Lyra Masilang
P
atuloy na inilulunsad ang mga aktibidad at programa ng mga officers at mentors ng bawat RiScian club sa kani-kanilang facebook page sa kabila ng hamon na nababawasan ang interes ng mga estudyante na makilahok ngayong nasa online distance learning (ODL) set-up. Ani nila, malaki ang naging epekto ng pandemya sa clubbing tulad ng hindi maiiwasang kaunting partipasyon ng mga estudyante sapagkat para sa kanila ay maganda gawin sa face-to-face ang mga ito at hamon ang pag-isip ng mga programa o aktibidad sa limitadong plataporma. Abala rin ang mga estudyante sa paggawa ng mga gawain sa paaralan. “But then again, at least hindi na umaalis ng bahay para mag organize in school grounds, may pros and cons din, hindi na kailangan umalis ng bahay to set up for programs sa school, mas nakakatipid rin since hindi na bibili ng materials for decorations and all that, everything is done online, but for some cons, it’s a hassle to organize since not everything is bound to go the way we want, kailangan ready rin for instances like poor connection and malfunctions sa gamit,” ayon sa mag-aaral mula sa ika-10 baitang, Louise Santos. Ayon sa TLE Student Coordinator na si Mary Sison, nakakasiya ang mga aktibidad ng mga club at nagkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na ilabas ang kanilang potensyal pagdating sa pagtugon sa suliranin, paggawa ng kagamitan sa publikasyon, talento, paggawa ng poster, atbp. “So far, may mga difficulties pa rin kaming kinahaharap sa pag handle ng club, pero sa tulong din ng teachers and officers mas napapadali ‘yung mga gawain, nagagawa namin ‘yung mga activities kahit paunti-unti, nakakapag bigay knowledge and tips kami through our Facebook Page related sa Club namin, sa simpleng paraan na iyon, we are
hoping na nakakatulong kami sa mga students na nahihirapan online distance learning, sana bago matapos ‘yung school year ma- accomplish namin ‘yung goals sa club and makapag enjoy yung mga students,” pahayag ni Sison. “Nasa panahon naman na tayo na unti-unti na nating nasasanay ‘yung sarili natin sa online set up, syempre sa pagsasagawa ng mga activities eh mas iaangkop natin sa sitwasyon, sa tulong din ng makabagong teknolohiya,” wika ni Bb. Norma Cabael, MAPEH Club mentor. Isinaad pa ni Bb. Cabael na napansin niyang hindi inoobliga sa mga mag-aaral ang pagsali sa mga aktibidad sapagkat mas binibigyan ng importansya ang kasiyahan ng mga estudyante at ma malinang ang mga taglay na mga talento. Nagsisilbing pahinga rin ang mga aktibidad. “Para sa akin, masasabi kong half-satisfied ako sa mga nagawa ng club namin. Kaming mga club officers ay marami pang gustong maisagawang proyekto noong club month namin, ngunit hindi siya inaprubahan ng aming mga mentors. Sa kabilang dulo, natuwa ako noong marami ang nakilahok sa mga paligsahan na aming nilabas, at naging successful ang mga ito” ani ni Future Scientist Club (FSC) Student Coordinator, Kirsten Aereen Allado. Gayunpaman, idinagdag niya na hindi siya manghihinayang dahil ang taon ng pag-aaral ay hindi pa tapos, at ang FSC club ay nagpaplano pa rin ng mga aktibidad na maaaring gawin para sa kasiyahan ng mga estudyante. “I’m very satisfied sa mga performance ng bawat club at organization, they’re doing their best kahit na face to face man or online, hindi man mawawala ang mga problems and struggles pero they handle it well, lahat ng admins, teachers, officers and members are doing their best to provide and organize fun programs and activities for Riscians, all of the people involved are hard working and smart that gives good results and quality, ayos na siya the way it is,” isinaad ni Louise Santos.
Balita
4
ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School
Riscian student leaders, dapat maging creative at innovative ngayong pandemya - Former SSG Pres Herbert Gabriel Pan
Regieco Clark Batarra
P
inayuhan ni dating RiSci Supreme Student Government (SSG) President Mineli Cinco ang mga Riscian student leaders na maging mapamaraan at laging isaalang-alang ang mga makabubuti para sa kapwa nila Riscians sa kabila ng mga kinakaharap na hamon ngayong pandemya.
Nasa Larawan Nagiiwan ng mga ngiti sa kanilang labi ang mga iba’t-ibang presidente ng kanilang bayan at isa na dito si Malena Ballon, ang kasalukuyang presidente ng Binangonan at siya ang pangatlong naihalal na Riscian ng Rizal Federation SSG President, dito pinapakitana ang mga mag-aaral ng RNSHS ay maaaring maglingkod sa dibisyon ng Rizal at napapakita ang kanilang kahusayang maging isang pinuno at Iskolar ng Bayan.
Health Crisis, Isa sa mga Hamon Para Maisagawa ang mga Proyekto sa Risci
Online Kopyahan, Ipinagbabawal na Teknik sa ODL katrina Piñon
I
binahagi ni Ysabelle Denise Kish Andres na isang kasalukuyang estudyante sa ikapitong baitang ng Rizal National Science High School (RNSHS), ang pandaraya o online kopyahan bilang isang isyung naging bunga ng pandemyang kinakaharap natin ngayon. Wika niya, maaaring dahilan ng isyung ito ang desperasyon ng ibang mag-aaral na makapasa, kung kaya’t malaking problema din ito sa mga gurong nagtuturo sa pamamagitan ng Online Distance Learning (ODL). “However, this reason is not valid, even if we say that you’re just desperate to pass, because others are working very hard just to have a passing grade, while you passed without encountering any hardships or hesitations since you took advantage and cheated,” aniya. Dagdag pa niya, matagal na niyang naririnig ang isyu na ito kahit noong wala pang pandemya kung kaya sigurado siyang bibigyang-aksyon at hindi papalampasin ng Department of Education (DepEd) ang mga isyung kaugnay ng academic dishonesty. “Isa sa mga natutunan natin sa paaralan ay ang pagiging tapat, kaya sa abot ng ating makakaya, hindi natin dapat gawin ‘yung pangongopya. Responsibilidad na rin kasi natin yung pag-aaral ng mabuti,” saad niya. Banggit din niya, kapag ipinagpatuloy ito, malaki ang tyansang bumaba ang grado ng mga mag-aaral kapag nahuli sila ng kanilang mga guro na ginagawa ang “ipinagbabawal na teknik” kahit hindi ito tama. “Maaari rin sigurong magkaroon ng awareness program na kung saan maipapakita ang mga disadvantages ng pangongopya at mga rason para itigil na ito, upang maimpluwensiyahan na rin ang mga estudyante na gawin ang tama,” mungkahi niya. Tugon pa niya, ang pagkakaroon ng mga monitoring apps para siguradong nakatutok lamang ang mga estudyante sa pagsasagot ng mga pagsusulit, atbp. ay isang paraan upang mapigilan ang gawing pangongopya ng mga estudyante. “Tandaan na ayos lang kung bumagsak ka basta mas pagbubutihin mo sa susunod. Part kasi ng success ang failure. Ang mahalaga ay patas ka at hindi nandaya. Laging isaisip ang katagang; if you cheat, you’ll never get ahead,” ani niya. Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang DepEd nitong Setyembre 22, 2021 upang tuligsain ang lumaganap na Facebook Groups na binansagan bilang ‘Online Kopyahan’ kung saan naka-post ang mga self-learning modules ng mga estudyante upang makakuha ng sagot.
Ayon kay Cinco, hindi maikakaila na naharap sila sa iba’t-ibang hamon sa pagsasagawa ng kanilang mga plano at proyekto sa paaralan na naglalayong makatutulong sana sa kapwa nila mag-aaral lalo na ngayong pandemya. “The past years had brought unanticipated challenges; yet these have created new opportunities for student leaders to lead in creative and innovative ways”, ani Cinco. Dagdag pa niya, nararapat lamang na magkaroon ng komunikasyon at pagkakaisa ang mga student leaders at kanilang tagapayo upang mapagplanuhang mabuti at matiyak na magiging mabisa at kapaki-pakinabang ang mga proyekto at programang isasagawa upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Samantala, inamin din niya na ‘lack of funding’ ang isa sa patuloy na nagiging problema ng
nasabing organisasyon kung kaya’t mas mainam na magsagawa ng mga fundraising activities na tiyak na makatutulong upang makakuha ng pondo na maaari nilang gamitin sa kanilang mga proyekto. Matatandaang ni-launch ng Risci SSG noong nakaraang taon ang kauna-unahang merch store ng paaralan na Iskamiseta sa isang shopping platform na kung saan ay maaaring bumili ng mga kagamitan tulad ng t-shirt na may iba’tibang disenyo na may kinalaman sa paaralan, ID lace, atbp. Bukod pa rito, naglabas din ng iba pang mga proyekto at programa ang organisasyon tulad ng Mobile load distribution para sa mga piling mag-aaral, Tugon Riscian, mga webinars atbp, na naglalayong makatulong at makaagapay sa mga Riscian sa kabila ng mga balakid na kinakaharap bunsod ng pandemya. “As part of Risci’s highest-governing student organization, we aim to cultivate proactive scholars in serving the community with excellence and this can be achieved through fostering a culture of collaboration and volunteerism”, pahayag ni Cinco. Bilang konklusyon, mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang mga layunin na siyang makatutulong upang magkaroon ng kasiyahan sa loob ng paaralan.
katrina Piñon
I
nihayag sa nagdaang State of the School Address ni Gng. Edna H. Villamayor, punong-guro ng Rizal National Science High School (RiSci), ang lahat ng mga naging tagumpay ng paaralan bago ganap na pumasok ang bagong taong panuruan nitong ika-3 ng Setyembre 2021. Wika ni Former RNSHS SSG President, Mineli Cinco, ang mga nagdaang taon ay naghatid ng mga hindi inaasahang pagsubok, ngunit nakapagbigay ito ng mga bagong oportunidad sa mga student leader upang pamunuan ang mga proyekto sa malikhain at kakaibang paraan. “As I’ve been a part of the RiSci SSG for the past years, I believe one of the challenges that we faced in terms of implementing programs and projects was the lack of funding. The funds needed for projects vary and with this, we created fundraising projects (Risci Merch, Iskamiseta and more, etc.) in order for us to execute our general plan of action for the academic year,” aniya. Ayon sa kaniya isa rin ang health crisis sa mga problema na kanilang kinaharap, sapagkat kailangan nilang i-recalibrate at i-adjust ang kanilang mga plano at proyekto upang matugunan pa rin ang kapakanan at pangangailangan ng mga mag-aaral. “Some of the projects we implemented during the 1st year of online learning were Mobile Load Distribution, Tugon Riscian,
webinars, etc.” dagdag niya. Saad naman ng estudyante mula sa ikalabindalawang baitang na si Aaron John Pacis, marami nang nakamit ang RiSci na mga tagumpay at gantimpala, at mula dito, siya ay tunay na nagagalak sapagkat kasapi siya sa institusyong ito. “Hindi lamang nakakatanggap ang paaralan ng tagumpay mula sa larangan ng akademiks, bagaman nakakatanggap din ito ng tagumpay sa pagiging leader, pagiging atleta, at iba pang extrakurikular” pahayag ni Pacis. Dagdag pa niya na nararapat ipagpatuloy ang mga proyekto sa RiSci sapagkat dito na kinikilala ang Rizal Science; sa paggiging mahusay sa iba’t ibang larangan ‘tulad nga ng moto ng paaralan na “Excellence is a way of life.” Nagbigay rin si Mineli Cinco ng kanyang payo na makakatulong sa current RiScians lalong lalo na sa ating leaders tungkol sa pagsasagawa ng mga proyekto. “When it comes to project implementation, one advice I can provide is to ensure that the projects address and cater the needs of the student body. As part of Risci’s highest-governing student organization, we aim to cultivate pro-active scholars in serving the community with excellence and this can be achieved through fostering a culture of collaboration and volunteerism. Moreover, we can also integrate data in executing projects in order to improve the project outcome. Lastly, collaborate with your council adviser and officers in determining the aim of your project, developing a proposal, and devising an efficient method of implementation” saad niya.
Nasa Larawan Ibinabahagi ni Edna H. Villamayor, Punong Guro ng Rizal National Science High School, ang mga napagtagumpayan ng institusyon sa loob ng taong panuruan 2020-2021, sa State of the School Address 2021 (SOSA) via Facebook Live.
Ann azela varias
Fam Day: Pamilyang Risay Nagkakaisa kahit Pandemya Lyra Masilang
I
binalik ng Rizal National Science High School (RNSHS) Supreme Student Government (SSG) ang tradisyunal na family day ng RiScian community upang mabuklod ang pamilyang RiScian ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng isang online program.
habang nakatingin lamang sa iisang screen. Bukod pa rito, kinailangan din nilang maghanap ng mga mapagkukunang pondo para sa mga premyo at outreach program. “Ngunit sa tulong ng mga magulang at estudyante, ang lahat ng ito’y naging matagumpay” aniya.
Wika ni RNSHS SSG President, Malena Ballon, na ang mga ganitong programa ay isang oportunidad upang lalong mapagtibay ang koneksyon ng mga guro, estudyante, magulang, at ng buong RiScian community sa gitna ng panahong ito. “Mahalagang patatagin natin ang ating pagsasama, pagkakaisa at tiwala sa isa’tisa dahil sa huli, pamilyang Risay pa rin ang magkakasama sa anumang problemang ating haharapin,” saad niya. Banggit niya, naging hamon ang pagpili ng plataporma kung saan isasagawa ang mga programa dahil ang pamilyang Risay ay binubuo ng higit 1000 tao gayundin ang pag-iisip ng mga pamamaraan kung paano mapupukaw ang atensyon ng mga tao na manatiling manood at makilahok sa isang buong araw ng aktibidades
Dagdag ni Ballon, napatibay ng kaganapang ito ang pamilyang Risay dahil sa interaksyon sa pagitan ng mga guro, estudyante, magulang at ang kagustuhan nilang tumulong at makilahok upang maging matagumpay ang programa. “Huwag din dapat tayong mahiya ipakita
o sabihin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, sa huli, ang pamilya natin ang una nating malalapitan kung tayo’y nangangailangan kaya’t bago ang lahat, huwag natin kakalimutan ipakita ang ating pagmamahal sa kanila,” mensahe niya. Mula naman sa pahayag ng Good Knights Club student coordinator, Achilles Jesuitas, batid niyang maraming pamilya ang naaapektuhan ng pandemya, lalo’t maraming magulang ang nahihirapang i-balanse ang pamilya at trabaho, gayunpaman, tatagan lang daw ang ating puso at isiping pagkakataon ito upang palalimin ang ugnayan ng pamilya. Naging masaya ang selebrasyon ng family day para sa mag-aaral mula sa ikawalong baiting na si Jien Atalie Cagaoan, sa kadahilanang nakuha ng mga presentasyon ang kaniyang atensyon at masarap sa pakiramdam na makita na natutuwa ang mga pamilya habang nakikilahok sa mga palaro. “Hindi lamang ako nasiyahan na makita ang pagsisikap at pagkamalikhain ng mga ito ngunit naramdaman ko rin ang [pagiging] sentimental ng aking relasyon sa pamilya at pagmamahal sa pamilya,” dagdag niya.
05
OPINYON
ANG HUDYAT NG MAPANURING KRITISISMO
BAYANIHANG BINAHIRAN
Dibuho ni ANGEL NAPAY
ZYAN MACARAEG
W
ala pang ilang buwan nang sumikat ang community pantries sa bansa, inakusahan agad ito bilang isang communist propaganda. Binahiran na ng maruming pulitika ang isang mapagkawanggawa na pangunahing layon lamang ay matulungan ang sanlibutan. Bukod sa Maginhawa Community Pantry, marami ang apektado sa pangyayaring ito kasama na ang mga Community Pantries sa Binangonan. Nagbabagang emosyon ang naramdaman ng mga boluntaryo ukol dito, katulad ni Ms. Pondoc, isang RiSci Alumni at volunteer, “Galit at takot. Takot dahil nakakatakot mamuhay sa isang lipunan na hinuhuli ang mabubuti.” Kaakibat ng isyu na ito ay ang pinaghihinalaang profiling na maaaring nagbigay ng mapanganib na epekto sa mental na kalagayan ng mga boluntaryo. Gaya ng sabi ni Ms. Suba, isa ding dating Riscian at volunteer sa Sulong Binangonan, “Ako mismo ay natakot kasi alam ko ring talamak ang red-tagging nung mga panahong ‘yon. Dagdag pa na may mga kilala akong nakakatanggap ng death threats online.” Bunga nito, maraming community pantries ang tumigil sa operasyon dahil sa pangamba ng mga volunteers, saad pa ni Ms. Pondoc, “Nakakagalit na kahit gustong gusto mong makahikayat sa mga iba na magkaroon din ng ganitong initiative, laging apprehensive sila kasi may risk. And it’s frustrating how we’ve come to a point where doing some good to people might bring you harm. Hindi dapat ganito.” Bagaman humingi ng dispensa ang Quezon City Police District (QCPD) sa nasabing isyu, hindi maitatangging sa isang araw lamang na pagtigil ng mga community pantries, marami ang nagdusa. Apektado hindi lang ang mga volunteers, kundi pati ang mga mamamayang nagtatamasa ng kagandahang loob na’to. Tulad ni Julie De Leon, walang tirahan at trabaho na naglakad ng tatlong milya at pumila ng apat na oras upang may mailaman sa tiyan ang kanyang apat na supling, “Magpapasalamat ako sa anumang ibinigay. Kung ang pagkain ay sapat lang para sa isang araw, napakalaking tulong pa rin iyon para sa’min”. Umasa ang mamamayan na mayroon silang makakakain sa kinabukasan, ngunit sa pagmulat ng mata, bahid ng pulitika ang kanilang nadatnan. Gayunpaman, hindi mapapatigil ng redtagging ang pusong Pilipino na may lakas para manindigan ngunit sa isang maduming sistema, ang paninindigan ay hindi para sa lahat. Kapahamakan ang maaaring dulot nito, kaya’t nararapat lamang na pumili tayo ng lider na kaagapay ng madla sa laban at hindi ang lider na duwag sa mga marunong manindigan.
DAAN PATUNGONG
EduKALIDAD
N
agkakulay muli ang bawat sulok ng Rizal National Science High School nang buksan ito para salubungin ang mahigit 100 mga guro, estudyante, at kawani noong ika-21 ng Marso, dalawang taon matapos magsara dahil sa pandemya. Bagamat sinubok ng iba’t-ibang hamon, muling nagbabalik nang mas malakas sa tulong ng Kagawaran ng Edukasyon at mga taong nasa likod nito. Makikita na ulit ang kislap sa mga mata ng bawat estudyante – muling sasakay sa umuusad na dyip patungo sa dekalidad na edukasyon. Ngayo’y makakahabol na sila sa pagkakaiwan dulot ng pandemyang sumupil sa nasyon.
Unang sinuspinde ang mga klase noong Marso 15, 2020 sa pag-aakala ng mga estudyanteng tatagal lamang ito ng ilang linggo. Lingid sa kanilang kaalaman na ito’y aabutin ng dalawang taon at pilit silang pupukpukin upang makaagapay sa bagong sistema ng edukasyon. Dulot nga ng taas-babang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nanatiling blended learning ang sistema ng mga paaralan. Nakakasabay man ang ibang mga estudyante ay hindi maikukubli ang katotohanang ang iba ay naiwang ngarag at lupaypay. Dahil sa kalagayan ng bansa, naalarma ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) dahil isa na lang ang Pilipinas sa limang bansang hindi pa nagbubukas ng kanilang mga paaralan noong Agosto 2021. Dagdag pa rito, nakokompromisa rin ang lebel ng pagkakatuto ng 27 milyong mga estudyante sa bansa. Isinaad ng UNICEF sa kanilang inilabas na pahayag na dapat ay unti-unti nang buksan ang mga paaralan at simulan ito sa mga low-risk na lugar. Walang pag-aalinlangang pinakinggan ng Kagawaran ng Edukasyon ang UNICEF subalit, depensa ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ginagawa ng Kagawaran ang lahat upang matulungang makaagapay ang mga estudyante, kasama na ang nilulutong pilot testing ng face-to-face classes na siya ring ginanap makalipas ang ilang buwan. Isa ang Malakaban Elementary School sa Binangonan, sa mga low-risk na lugar sa lalawigan ng Rizal ang nagdaos ng kanilang unang araw ng limitadong face-to-face noong Disyembre 1, 2021. Gayunpaman, hindi maiiwasang magkaroon ng kumplikasyon dulot ng paninibago. Ayon kay Bb. Jenielyn Ison, punongguro ng Malakaban ES, “Sa umpisa ay nakakalimot ang mga bata sa protocols na pinatutupad sa loob at labas ng paaralan.” Dipensa naman niya’y agad rin itong naresulba sa tulong ng LGU at ng mga magulang.
Kung tatanungin naman ang karanasan ng mga magaaral na nakiisa sa pilot run ng RNSHS, inilarawan nila itong nakakapanibago dahil sa health protocols ngunit nagmistulang ‘blast from the past’ ang mga diskusyong nagaganap, eksaktong paglalarawang ginamit ni Aljean De Guzman mula sa ika-12 baitang. Dagdag pa rito, naging positibo rin ang reaksyon ni Juliana Guevarra mula sa parehong baitang. Ayon sa kanya, lubos ang kanyang saya dahil matagal na niyang inaasam na magkaroon ng face-to-face na klase. Naniniwala si Gueverra na ito ang magkokondisyon sa bawat estudyante na makabalik sa kanilang nakasanayan at hindi lamang sa harap ng kanyakanyang monitor. Sa bawat testimonyang narinig ng pahayagan mula sa mga guro at mag-aaral na nakiisa sa limited face-to-face classes, isang salita lamang ang pumasok sa isipan ng lahat: Pag-asa. Nagsisilbing pag-asa sa buong paaralan ng RiSci at maging buong bansa ang muling pagbubukas ng mga paaralan. Naiintindihan na muli ng mga estudyante ang mga leksyong natutulugan lamang nila sa harap ng kanilang gadyet. Gayunpaman, dapat pa ring pairalin ang mahigpit na mga protokol para sa kaligtasan ng lahat. Maaaring natututo ngunit, nagiging malapit naman sa kamatayan. Kung maayos na naisagawa noong una, dapat itong magpatuloy hanggang dulo lalo na’t buhay at pagkatuto ang nakasalalay. Samakatuwid, ang pagbubukas muli ng pinto ng bawat paaralan ay tila nagsisilbing pinto ng pag-asa– na para bang may puting ilaw na nakaabang sa loob pero hindi kamatayan ang nag-aabang kundi ang hiwaga ng dekalidad na edukasyon. Sa muling pagpasok sa pinto ng mga estudyante, isusugal nila ang kanilang kaligtasan para sa edukasyong hindi mapapantayan.
SAYANG REVIEW CENTER
B
anta ng COVID-19 ang nag-udyok sa Ateneo, De La Salle, Unibersidad ng Santo Tomas, at Unibersidad ng Pilipinas na baguhin ang tradisyunal na proseso ng college applications sa online admissions. Dahil dito, nararamdaman na ng SHS Batch 5 ang pinaghalong pangangamba at kapanatagan para sa 2022 college applications. Kapanatagan dahil karamihan sa mga unibersidad ay wala nang entrance test, at pangangamba dahil ang kurso at unibersidad na magdidikta sa takbo ng buhay namin ay nakasalalay lamang sa grado at sa isang pindot sa website.
Kaugnay dito ang paglalapat ng mga unibersidad ng bagong sistema sa pagsusuri ng mga aplikante. Ikalawang sabak na ang Batch 5 sa ganitong proseso kung saan ang magiging basehan ng mga paaralan ay ang marka ng estudyante mula Grade 7 hanggang senior high school. Kung iisipin, magkakaiba ang pamantayan ng bawat
ANG AGHAMANON
PATNUGUTAN ‘21-‘22
nararapat lamang na gumawa ang mga unibersidad ng panibagong sistema kung saan may pagkakataon pa ang mga mag-aaral na patunayan ang kanilang mga sarili...
KALI
MAOG, YUMI
paaralan sa pagbibigay ng grado, duda akong masisiguro ng mga unibersidad ang pantay-pantay na pagsusuri sa mga mag-aaral na karapat-dapat para sa kanilang programa. Gayunpaman, malala ang pangangamba na naramdaman ng mga naunang sumubok sa nasabing proseso dahil wala
silang ideya sa magiging takbo nito. Ani Loren Hernandez, isang alumnus ng Rizal National Science High School, “Minsan lang naiisip ko lang bigla na sobrang unfair nito para sa lahat. Hindi lang sa akin. Madaming naapektuhan. Maraming pangarap rin yung naudlot, yung iba nga nasira pa. Nakakapanlumo lang talaga.” Mahirap tanggapin na sa tagal ng inilaang paghahanda ng mga estudyante para sa kolehiyo, tanging grado lang pala ang makapagdidikta kung makakapasa ito. Sa problemang ito, nararapat lamang na gumawa ang mga unibersidad ng panibagong sistema kung saan may pagkakataon pa ang mga magaaral na patunayan ang kanilang mga sarili habang pinapanatili ang kaligtasan ng lahat. Lilipas din ang pandemya, ngunit habang buhay dadalhin ng mga mag-aaral ang dangal na makapag-aral sa kanilang pinapangarap na unibersidad.
Punong Patnugot Winona Cruz | Pangalawang Patnugot Rafael Olivo | Tagapamahalang Patnugot Alynna Medina, Gello Salvador | Punong Taga-disenyo ng Pahina Claire Campillos, Cassandra Reyes | Tagadisenyo ng Pahina Jelen Corpuz, Ashley Agbulos, Gello Salvador | Patnugot ng Balita Marielle Gallego, Faye Larracas | Patnugot ng Editoryal Aina Marcelino, Yumi Maog | Patnugot ng Lathalain Rennie Abat, Iris Oliveros | Patnugot ng Isports Rafael Olivo | Patnugot ng Agham Cid Campos, Daniel Mariscotes | Punong Tagakuha ng Larawan Batarra Regieco, Alyssa De Villa | Tagakuha ng Larawan Rose Tangonan, Franchesca De Leon, Ann Varias | Punong Kartunist Angel Napay, Jelen Corpuz | Kartunist Emman Celajes, Eunice Aragon, Francesca Sanvictores, Joshua Aran, Mika Dela Cruz, Samantha Lucos | Tagawasto ng Balita Rigel Reginio, Ella Cornelia, Jessa Julian, Evangellyn Ferrer, Bea Calderon, Ann Tolentino | Tagasaliksik at Tagaulat Winona Cruz, Herbert Pan, Lyra Masilang, Zyan Macaraeg, Angelica Cabansag, Anjalique Rendon, Karl Malabriga, Jame Imperial, Jan Abat, Iris Oliveros, Rey Idos, Johnny Jr. Marquez, Genesis Tamio, Althea De Guzman, Alynna Medina, Val Eltagonde, Aicelle Francisco, Noah Roa, Yushen Lopez, Dan Sinquenco, Himaya Vasquez | Tagapayo, Ang Aghamanon Jecelyn Cerda | Punongguro, RNSHS Edna Villamayor
WALANG
ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School
opinyon
6
NEUTRAL
SA KINABUKASAN
N
Dibuho ni JELEN CORPUZ
akadidismayang pinipilit ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na maging ‘neutral’ ang mga guro sa anumang usaping pampulitika, sapagkat hindi lamang nito hinahadlangan ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag kundi pati ang kanilang tungkulin na imulat ang kabataan sa lipunang kinabibilangan nila.
Upang linawin, ipinagbabawal ng DepEd na makilahok ang mga guro sa anumang pangangampanya at mga partisang aktibidad – tulad ng pagpapahayag, pagkokomentaryo, pagaanunsyo, o pagsasagawa ng interbyu para o kontra sa isang kandidato, – batay sa DepEd Order No. 48, Series of 2018. Sinumang lumabag dito ay makatatanggap ng sanksyon ayon sa kagawaran. Ngunit kahit isinasaad sa Commission on Elections at Civil Service Commission’s Joint Circular No. 1, series of 2016, na “expressing one’s views on current political problems or issues” ay hindi maaaring ituring na isang partisang aktibidad, ay iba naman ang pinapahiwatig ni DepEd Secretary Leonor Briones sa isang panayam niya noong 2019. Wika niya, “It is very, very clear in the Constitution that employees belonging to the civil service like us must behave and exhibit what is described as political neutrality. We are insisting on political neutrality on the part of our employees.”. Ayon din kay Sir John King C. Antiporda, isang guro ng Araling Panlipunan sa Rizal National Science High School
(RNSHS) – tungkol sa kahalagahan ng katungkulan ng mga guro sa paparating na eleksyon ,-- “Mostly teachers ang umuupo sa eleksyon… kaya hindi namin (mga guro) puwedeng hayagang sabihin (ang sinusuportahan naming kandidato) kasi pwede kaming magsimula ng pagdududa, dahil baka sabihin nila (mga botante) na “ano bang karapatan mong (guro) umupo diyan?”. Ayaw din naman ng mga teachers na sirain ang tiwala na ibinigay sa kanila sa matagal at mahaba nang panahon.”. Ngunit kung iisipin, ang pagiging ‘neutral’ ay hindi naman nangangahulugan ng pagiging ‘non-partisan’, – maaaring pumanig ang tao sa isang partido tungkol sa isang partikular na isyu kahit hindi niya ineendorso ang nasabing partido, – at ganito dapat ang itinutulak ng kagawaran imbis ang “political neutrality”, sapagkat maling diktahan ng kagawaran kung ano dapat ang panindigan ng mga empleyado nito ayon sa karapatan ng bawat isa sa malayang pagpapahayag. Bukod pa rito, kung hindi magsasalita ang kaguruan sa mga isyung panlipunan partikular ang may kinalaman sa mga
kandidato ay hinahayaan lamang nitong lumaganap ang mga maling impormasyon at krimeng kinasasangkutan ng mga kandidato – dahil pinagbabawalan silang magsalita pabor o kontra sa mga isyung may kinalaman sa mga tumatakbong politiko – na kung tutuusin ay hindi dapat isawalangbahala sapagkat kinabukasan din ng mga mag-aaral ang nakataya sa mga kandidatong mahahalal sa eleksyon. “When we don’t speak against the rampant social injustices, including the proliferation of fake news [about the Marcoses, martial law and the like], we allow them to prosper,”. Ika nga ng isang guro ng Pilosopiya sa Laguna, sa isang panayam ng Inquirer. Sa huli, naniniwala ang pahayagan na tamang hindi dapat iginigiit ng kaguruan sa mga estudyante o kaninuman kung sino ang tamang iboto, ngunit hindi sa paraan ng pagiging apolitikal sa mga isyung may kaugnayan sa mga kandidato, sapagkat walang posisyong ‘neutral’ kung kinabukasan na ng lahat ang nakataya sa laban.
KALEDAD
T
aong 2021 noong unang pinuna ng mga iskolar at academicians mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang mga nagkalat na maling impormasyon ukol sa Martial Law. Gayunpaman, nakakabahala ang pagkalat ng mga disimpormasyong ito lalo na sa mga kapwa kabataan ko. Hindi lingid sa aking kaalamang ang mga kamaliang ito’y maaring makabulag sa mga bata ng kapwa ko Pilipino– uto-uto ng mga pinagandang kwento.
Sa kabila nito, hindi maikakailang may ilang kabataang lumalaban mismo sa mapanlinlang na disimpormasyon sa usaping ito. Bagamat minamaliit at sinasabihang mangmang, pilit nilang inaaral ang kasaysayan para ibahagi rin ito sa kapwa nila kabataan. Ngunit, ang paninisi sa kabataan ay hindi magiging paraan upang matago ang walang epekto na sinasabing kalayaan nating Pilipino. Walang diktador na aamin na isa siyang diktador, ilalayo niya ang publiko sa mga impormasyon na magtuturo nang pagmanipula niya sa kapangyarihan.
MGA KASO NG PAG-ATAKE AT PANANAKOT SA PRESS June 30, 2016 - April 30, 2020
by medium
63 radio 45 print 37 19 television 1 photo 6 multimedia
online
by region
109 LUZON 18 VISAYAS 44 MINDANAO impormasyon mula sa pcij.org | gawa ni Jelen Corpuz
H
walang diktador na aamin na
isa siyang diktador, ilalayo niya ang publiko sa mga impormasyon na magtuturo nang pagmanipula niya sa kapangyarihan...
KISLAP
CABANSAG, ANGELICA
Bukod sa mga school textbooks at ang kurikulum na pilit pinapaganda ang mga naganap noong martial law upang burahin ang pang-aabuso sa ating kaalaman madami na ding lumalaganap na fake news sa social media at halos lahat dito ay nagmumula sa mga matatanda na bastabasta nagpapalaganap ng impormasyon mula sa hindi
mapagkakatiwalang sources. Ayon sa isang alumni mula sa Batch 17 ng RiSci o si alias “Jaggy”, maraming beses na siyang sumita ng mas nakatatanda ukol sa paniniwala nila sa Martial Law at ang kadalasan nilang reaksiyon ay paninira sa oposisyon ng kanilang pinaglalaban katulad ng kamaliaan ng mga Aquino. Ngunit tandaan kahit Marcos, Aquino o sino pa yan kung may kamaliang ginawa ay kailangan kondenahin. Hindi basehan ang edad para sa kaalaman. Kahit bata o matanda kung tatanungin mo tungkol sa isang krimen at mayroong ebidensiya ay malalaman nila kung sino ang kriminal. Madaming magagandang nangyari noong Martial Law ngunit sana’y huwag tayo mabulag at tignan din ang kadiliman ng pangyayari. “Imulat ang kabataan” madalas na komento sa social media ng mga matatanda pero lahat tayo maging sila ay kailangan ding mamulat. Ayon nga kay George Santayana, “Those who do not learn history are doomed to repeat it”.
SAMPAL NG KATOTOHANAN
YUMI MAOG
abang patuloy ang pagpapatahimik ng gobyerno sa boses ng masa, pinaulanan ng batikos ng pamahalaan ang CEO at manunulat ng Rappler na si Maria Ressa, sa halip na taos-pusong puri sa pagkapanalo nito ng Nobel Peace Prize. Bagamat ito ay isang marangal na pagkilala para sa isang manunulat, lubos na nakababahala na ang rason kung bakit ang paggawad nito sa isang kapwa Pilipino, ay dahil sa “kataka-takang” press freedom na mayroon ang bansa.
Nagbitiw ng salita ang presidential spokesperson na si Harry Roque na ang pagkapanalo ni Maria Ressa ay hindi sampal sa gobyerno dahil wala namang press censorship sa bansa, subalit kabaligtaran naman ang sinasabi ng mga ulat. Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), umabot sa 171 na kaso ang pag-atake at pananakot sa press simula 2016 hanggang 2020. Kahit sabihin na hindi kontrolado ng kasalukuyang gobyerno ang mga pahayagan, ang pagpatay, pagbabanta, at pag aresto sa mga alagad ng media ay nagpapakita ng intensyong magpatahimik sa boses ng masa. Walang ring duda na ang naging reaksyon ng kasalukuyang administrasyon sa parangal na ito ay siyang patunay na hindi ito marunong tumanggap ng kritisismo. Harap-harapan nitong ipinakita ang pagkadismaya sa pamamagitan ng pagpapasara ng ABS-CBN at pagsasampa ng kaso laban sa Rappler at iba pang mga institusyon. Sa pangyayaring ito, kontradiksyon sa pagiging demokratiko ng isang bansa ang pagbubuwis buhay ng mga manunulat para lamang maghayag ng balita at opinyon para sa taong-bayan.
Gayunpaman, ang Nobel Peace Prize ang siyang naging simbolo na may pag-asa para sa mga manunulat at taga-balita sa gitna ng mapag bintang na administrasyon. “We hope this award will shine more light on those who put the spotlight on the truth at a time when basic freedoms and democracy are under attack,” pagbibigay diin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa kahalagahan ng malayang pamamahayag. Maraming mukha ang opresyon sa media, ngunit mananaig pa rin ang karapatang pantao na magsalita para sa ikabubuti ng lipunan. Nararapat lamang maging mapagmatyag sa mga mapagbantang aksyon ng pamahalaan sa pahayagan dahil hindi ito makatarungan para sa isang demokratikong bansa. Para sa midyang pangkampus, hindi lamang isang inspirasyon ang pagkapanalo ni Maria Ressa , kundi ito’y patunay na may pag-asa pa para dinggin ang boses ng masa kahit na nasusubukan ang kalayaan sa pagpapahayag. Mananatiling isang karapatan na kailanma’y hindi maipagkakait ng sinuman ang boses ng katotohanan.
Sa isang news briefing noong Enero 18, isinapubliko ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na target nilang mabakunahan ang 77 milyong indibidwal sa unang kwarter ng taon. Malabo itong mangyari sapagkat 65.5 milyon pa lamang ang ‘fully vaccinated’ noong Marso 24 – pitong araw bago matapos ang unang kwarter, ayon sa Our World in Data ng Oxford University. Kaugnay nito ang hindi patas na distribusyon ng bakuna sa mga probinsya sa labas ng National Capital Region (NCR). Simula Marso hanggang Oktubre 2021, 75.8 milyong bakuna na ang naipamahagi sa buong bansa: 18.4 milyon ang ipinadala sa NCR, 11.2 milyon sa Calabarzon, 9 milyon sa Region 3 at ang natirang 37 milyon lamang ang pinaghati-hatian sa mga natirang rehiyon sa bansa. Dagdag pa rito, nakadepende pa sa kapasidad ng mga Local Government Units (LGUs) na magimbak ng bakuna kung gaano kabilis nilang mapapangasiwaan ang bakunahan – na hindi pabor para sa mga dehadong probinsyang matagal nang nahihirapan sa pagpapatupad ng mga malawakang programang pangkalusugan. Nagtaas din ang World Health Organization (WHO) ng pangamba sa pangyayaring ito, “WHO has raised previously several times its concern 22 -20 21 0 2
PH VAC
that we do not see equity … especially for the most vulnerable, the A2 and A3 groups where coverage ranges from about 30 to 40 percent in many of the regions and provinces,” sabi ni WHO Philippines’ Representative, Dr. Rabindra Abeyasinghe sa isang panayam. Nakalulungkot ding isipin na pasakit rin ang kakulangan ng ‘manpower’ o mga tauhan sa mga ‘isolated’ na lugar sa bansa. Dito, ang mga bulnerableng health workers ang mismong gumaganap sa lahat ng mga tungkulin na kinakailangan dahil sa kakulangan ng suporta mula sa pamahalaang nasyonal. Katulad ni Joy Allorder, isang rural health worker sa Barangay Dikapinisan – isang coastal village na mayroong 2,500 na populasyon. Sinabi niya sa isang panayam ng Rappler na higit pa sa sapat ang bakunang mayroon sila, ngunit ang pag-aayos ng dalawa hanggang tatlong oras na biyahe sa bangka papunta sa bayan, ang pagkuha ng mga karagdagang health personnel, ang pagsigurado ng stable power supply, at ang pagfafacilitate ng ‘documentation’ kasama ang mga barangay officials, regional offices, at community members ay kumakain ng mas maraming oras kaysa sa mismong bakunahan – at ang lahat ng ito ay kailangan niyang gawin ng mag-isa.
CIN ATI
58%
gawa ni Jelen Corpuz
ON STA
CS TISTI
S
Gayunpaman, dati nang pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang isyung ito, sa isang virtual press conference, sinabi niyang “hindi inequality ang nangyayari kundi it is based on science na talaga pong kung saan iyong quota”. Ngunit makikita sa National COVID-19 Vaccination Dashboard ng Department of Health (DOH) ang napakalaking diperensya ng bilang ng mga nabakunahan sa NCR at mga labas na rehiyon. Nangunguna ang NCR na may 9.6 milyong ‘fully-vaccinated’ sa NCR – lagpas-lagpas na sa target nitong 70% ‘herd immunity’ – ngunit ang mga rehiyon gaya ng Mimaropa at CARAGA ay hindi pa aabot sa isang milyon ang mga ‘fullyvaccinated’ na indibidwal – wala pa sa 31% ng kanilang populasyon. Kung susumahin, walang problema sa mataas na target ng population coverage ng pamahalaan, ngunit kung magpapatuloy ang sentralisadong vaccine roll-out na namamayani sa bansa ay hindi kataka-takang hindi naisasakatuparan ang mga ambisyong ito. Kailangang magkaroon ng sense of urgency ang pamahalaan sa pagresolba ng mga isyung ito, dahil kung hindi ay malalagay sa matinding panganib ang mga pinaka-bulnerable sa labang ito.
ted
ng populasyon ang “fully-vaccina
LIMITADONG PAGBABAGO
(as of March 202
2)
Upang malaman ang tugon ng bawat mag aaral ng Risci ay nagsagawa ng “survey” ang mamamahayag ng Aghamanon ukol dito. Lumalabas na humigit kumulang 444 na estudyante ang sang ayon at nais makilahok sa “limited face to face classes, ito ay katumbas ng 49.3% ng estudyante ng Risci. 348 sa mga ito ay nagsaad na mas natututo sila sa paraang Face to Face at mas epektibo ito kaysa sa screen to screen. Sa aking opinyon, maraming kabataan ang mas natututo sa paraang F2F dahil sa saya na dulot nito sa mga mag aaral. Nakakapagpadali ito sa pagkatuto sa kadahilanang mas malinaw at mas maayos na interaksyon sa mga guro hindi katulad ng online class. Sa kabila ng mataas na bilang ng mga sumasang ayon, hindi pa rin maikakaila na mas makakatipid ang online class para sa ibang mag aaral ng Risci. Hindi lahat ng mag aaral ng Risci ay malapit sa mismong paaralan
nabakunahan mula Marso-Oktubre 2021
National Target sa 1st Quarter:
18.4M 11.2M 9M 37M
77M Bilang sa Marso 24
65.5M
a kabila ng sunod sunod na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa iba’t ibang panig ng bansa noong nakaraang mga buwan, hindi pa rin maikakaila ang magagandang nangyari gaya ng pag baba o pag konti ng mga ito.
Isa sa naapektuhan ng mga nagdaang lockdown ay ang mga paaralan. Pansamantala munang ipinasara ang mga ito dahil sa patuloy na pagdami at mabilis na pagkalat ng mga kaso. Hindi naglaon ay nauwi din ang pag aaral sa modular at online distance learning o ODL. Ngunit kamakailan lamang ay inumpisahan na ang “limited face to face classes” sa ilang paaralan sa pilipinas. Ito ay inumpisahan sa mga piling lugar sa Visayas at Mindanao at ngayon ay inaasahan na ang posibilidad ng unti unting pagbubukas ng Rizal National Science High School. Kung ako ang tatanungin, isa itong malaking hakbang para sa mga guro at mag aaral ng nasabing paaralan dahil sa pisikal na interaksyon na napatunayang mas epektibo kaysa sa online class. Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ang takot at pangamba na mahawa ng virus lalo na ngayong nababalita ang pagka diskubre ng iba’t ibang variant nito.
REGIONAL DISTRIBUTION:
2022 Bilang kumpara sa target:
JAME IMPERIAL
- sila ay kalat sa iba’t ibang panig ng lalawigan ng Rizal gaya ng Angono, Cainta, Antipolo at iba pa. Malaking gastos kung kailangan bumiyahe araw araw lalo na ngayon na tumaas ang presyo ng gasolina. Pero ang mas malalim na problema ay ang negatibong epekto ng online learning sa mga bata. Isa na rito ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon. Mas madali ang pagkatuto sa loob ng classroom kung saan may teacher na nagtuturo. Bumababa rin ang motibasyon ng mga bata na mag-aral sapagkat iba ang atmosphere sa bahay at wala silang mga kaklase na nagdadagdag sa pagkasabik nila pumasok. Mas epektibo talaga ang tradisyunal na paraan ng pag-aaral dahil mas natututukan ng mga guro ang mga mag aaral na kailangan ng atensyon. Mas nakaka enganyo din matuto kung nagkakaroon ng magandang komunikasyon sa loob ng classroom.
7
opinyon
N
akadidismayang isang linggo bago matapos ang Marso 2022 ay nasa 59.8% pa lamang ng populasyon ang ‘fully-vaccinated’ para sa COVID-19, kulang na kulang ito upang maabot ang target ng pamahalaan na 70% ‘population coverage’ sa katapusan ng buwan. Ito na ang pangalawang beses na hindi naisakatuparan ang vaccination target ng Pilipinas upang maabot ang ‘herd immunity’ kontra COVID-19.
ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School
Hindi Patas na Bakunahan
National Capital Region
CALABARZON
Central Luzon
distributed between the rest
LIMITED F2F
PULSO NG RISCIANS Nais mo bang makilahok sa “limited face-to face classes” kung ito ay maiimplimenta?
398 estudyante ang nagsaad na mas natututo sila sa paraang Face to Face at mas epektibo ito kaysa sa screen to screen.
49.3% o humigit kumulang 444 na estudyante ang sang ayon at nais makilahok
impormasyon mula sa sarbey gawa ni Jelen Corpuz
BIKTIMA NG PANDARAYA’Y IKAW ... masaya matuto nang walang halong daya, maaari pang magbago, marami pang oras at hindi pa huli ang lahat ISIPANG WAGAS
MALABRIGA , KARL
H
indi madaling maging isang estudyante bago pa man magsimula ang pandemya. Dulot nito ang kabikabilang mga taktika ng estudyante sa loob ng paaralan. Matatandaang noong Setyembre 2021 ay pumutok ang balita tungkol sa Facebook group na ‘Online Kopyahan’. Tunay na nakakabahala dahil lingid pa rin sa kaalaman ng mga mag-aaral na katumbas ng isang pandaraya ay isang panloloko sa kanilang mga sarili.
Ilang buwan pa lamang noong una itong ginawa ay pumalo na sa 600,000 ang miyembro ng ‘Online Kopyahan’ Facebook group na siya namang agad pinuna ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon kay Secretary Leonor Briones, “ Yung question ng cheating in schools ay lingering issue ‘yan. Hindi ko jina-justify. I’m saying it is there and we will not tolerate it,” ani Briones. Sa panahon kasi ngayon, usong-uso ang mga application o site na nagbibigay ng mga sagot at sa isang pindot lamang ay makikita na ang mga sagot na hinahanap. Kapag nakopya na ang sagot ay ipapasa na ng walang kahirap-hirap, magkakaroon na ng grado dahil sa akalang sariling gawa ito. Bagamat wala pa namang naitalang kaso ng ‘Online Kopyahan’ groups sa Rizal National Science High School, hindi na rin naman ikinagulat ng mga guro ang pandaraya ng ibang estudyante sa bansa
ngayong Online Distance Learning. Ayon kay Maam Dahlia Ramos, JHS Prefect of Discipline ng RNSHS, “Even before bago tayo magkaroon ng ODL, expected na namin na mayroon talaga kasi diba sa face-to-face nga meron ng kopyahan, pano pa kaya dito sa Online Distance Learning.” Gayunpaman, nadagdag ni Bb. Ramos na nasa mga estudyante ang desisyon kung patuloy ba nilang dadayain ang kanilang mga sarili. Sa bawat pag kopya na kanilang ginagawa, isang leksyon ang hindi nila natutunan. Kaya kung isa ka sa mga gumagawa nito, itigil mo na ang ganitong gawain. Ikaw ang totoong biktima sa iyong sariling ginagawa. Masaya matuto nang walang halong daya, maaari pang magbago, marami pang oras at hindi pa huli ang lahat. Huwag tayong magpademonyo sa mga bagay na walang maidudulot na maganda sa dulo.
ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School
opinyon
8
N
Dibuho ni MIKA DELA CRUZ
BABAE KA
ANGELICA CABANSAg
agbitiw ng salita si Pangulong Rodrigo Duterte noong January 14, 2021 na “Presidency is no job for Women”. Ukol sa kanya, hindi siya papayag sa pagtakbo ng kaniyang anak na si Sarah Duterte sa posisyon na presidente dahil magkaiba daw ang emotional setup ng lalaki at babae. Hindi ako sang-ayon sa komento ni Pangulong Duterte dahil hindi kailanman naging basehan ang kasarian sa kakayahang mamuno- lalo’t nagkaroon na ng dalawang naunang babaeng presidente bago sa kanya. Ito ay sina Gloria Macapagal Arroyo na kilalang kaalyado ni Pangulong Duterte at Corazon Aquino na nagbigay ng unang major government post kay Duterte. Ayon sa pag-aaral nila Schein noong Morgan. Ayon sa kaniya, hindi madali maging leader sa 2013, naipakita na sa pagdaan ng panahon panahon natin ngayon ngunit dahil nagtiwala siya sa nagkaroon ng pananaw ang mga tao na kakayahan niya at sa tulong ng mga taong nakapaligid mas maganda mamuno ang mga kalalakihan sa kaniya, naging matagumpay ang kanyang negosyo. kaysa kababaihan. May ekspektasyon na Gayunpaman, isa na ring halimbawa ng isang dapat ipakita ang mascunality ng isang mahusay na babaeng namumuno ay si Mallena Ballon political leader lalo na sa presidency. - SSG President sa RNSHS. Bilang isang mag-aaral sa Madalas na nais ng nakararami RNSHS, naranasan ko ang magandang pamamahala magkaroon ng matipunong at plataporma ni Mallena noong siya’y namumuno leader upang may kakayahang na nagpapakita na kayang mamuno ng kababaihan. ipagtanggol ang mga miyembro na Ayon sa kaniya, ang mga taong nakapaligid sa kaniya kaniyang pinamumunuan ngunit ang nag-udyok upang siya’y tumakbo sa posisyon kaya din naman maging matipuno na ito dahil sa kaniyang mga abilidad. “I believe that ng kababaihan, kaya din nilang leadership has no gender, and gender is not a factor in mapagtanggol ang nakararami sa delivering a job well done. It is the skills, capabilities, sarili nilang paraan at mahusay competencies, and values you have.Nothing can na pagdedesisyon kaya’t ever stop a heart that wants to serve. Not your age, mayroon pading pabor sa mga gender, and not even a misogynistic society” dagdag babaeng namumuno. ni Mallena Ballon. Katulad ng research nina Jack Para sa akin dapat ay huwag agad tayo manghusga Zenger at Joseph Folkman ng sa kakayahan ng mga kababaihan, iangat natin sila Harvard Business Review noong kahit sa mailit na bagay gaya ng pagpost sa social December 20, 2020 “Women are media ng magagandang mensahe para sa kababaihan better leaders by those who worked o kaya’y pag rereport sa mga post na nagpromote by them compared to men” naisulat ng misogyny. Isa ding maaring solusyon ang pagbuo yan ayon sa resulta ng leadership ng ligtas na space para sa kababaihan katulad ng competency assessment ng “Beyond The Ghetto” isang webinar na naghahangad 60,000 na leaders. Base sa aking ng women empowerment kung saan nagsalita ang obserbasyon madalas na ang Ateneo women philosopers tungkol sa maling trato mga babaeng leader ay magaling ng mga kalalakihan sa babaeng leaders sa pagsasabi gumawa ng mga desisyon at less- ng “babae ka lang” o “nakakalalaki ka.” Dapat tayong authorative sa kanilang working magtulungan upang maalis ang hindi pantay na tingin space. Pinaghirapan din nilang makuha sa mga babaeng nais mamuno. ang pwesto ng isang leader dahil sa Layunin natin na magkaroon ng educated male di pantay na tingin ng iba sa kanilang leaders upang balang araw ay wala nang mainsulto, kakayahan na mamuno kaya’t naipapakita maharass na babaeng namumuno dahil sa pagpuna sa ang kanilang hard-work at determinasyon, isa ginagawa nila. Madaming kayang gawin at magagawa sa halimbawa ang kilalang transportation company ang mga kababaihan lalo na sa pamumuno, hayaang na ANGKAS na pinamumunuan ng isang babae - si marinig ang tinig ng kababaihan dahil “Babae ka at Angeline Tham na noon ay isa lamang banker sa JP hindi babae lang.”
HUWAG BOBOTANTE
M
asalimuot kung ituturing, ngunit dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Sa darating na ika-siyam ng Mayo 2022, idaraos ang isa sa mga pinakamainit na eleksyon sa kasaysayan ng Pilipinas; eleksyong magpapasya sa sasapitin ng bansa sa susunod na anim na taon. Hindi biro ang bigat ng pagpapasyang ito, subalit hindi ko mapigilang maawa sa bayan – tila pinutakte na ng mga taong bulag sa katotohanan.
...kung sa salitang “pangulo” nga ay may ULO, bakit ka boboto ng walang detalyadong plano? ASINTADO
MARCELINO, AINA
Ayon sa tala ng Commission on Elections, pumalo na sa halos apat na milyon ang bilang ng mga bagong botante sa buong bansa noong Disyembre 2021. Dagdag pa rito, 33 porsyento sa 65.7 milyong botante ay mga kabataang nasa edad 18 hanggang 30. Isang indikasyong tunay ngang malaki ang magiging tungkulin ng mga kabataan sa halalan. Sa kabila nito, kalunos-lunos pa rin ang kalagayan ng ilan sa mga kapwa nating kabataan pagdating sa pagsusuri ng opinyon, katotohanan, at misimpormasyon. Nakasaad sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng Programme for International Student Assessment (PISA)
B
noong 2019 na Pilipinas ang lumabas na pinakakulelat sa 79 na bansa pagdating sa komprehensyon sa pagbasa. Hindi maikakailang maaari itong magdulot ng pagiging lapitin nila sa maling impormasyon lalo na’t papalapit na ang halalan. Bagamat laging nangangamote ang bansa sa mga international ranking, naniniwala akong hindi pa huli ang lahat para sa mga kabataan. Ayon sa datos na isinagawa ng Ang Aghamanon nitong Pebrero 2022, 768 sa 900 RiScians ang bumabase sa mga naggawa ng isang kandidato ngayong pandemya sa pagsuporta sa kanila. Magandang resulta ito dahil napatunayang hindi basta-basta nagpapadala sa mabubulaklak na salita ang kabataan. Tinitingnan rin nila kung tunay nga bang may nagagawa ang sunod na pangulo. Sinundan ito ng iba pang salik gaya ng mga batas na naipasa, edukasyon ng nasabing kandidato, at mga parangal o kredesiyales nito. Sa totoo lang, matik na dapat ang pag-ayaw natin sa kanila: yun bang mga may kriminal na rekord, rekord ng kurapsyon o pagnanakaw, yung mga nananahimik lang noong pandemya pero bibiglang susulpot kapag eleksyon, at syempre, yung sinungaling. Dapat nga’y nakatatak na ito sa ating kokote subalit bato-bato sa langit, ang tamaan
ay huwag magalit. Kung sa salitang “pangulo” nga ay may ULO, bakit ka boboto ng walang detalyadong plano? Gayunpaman, kahit patuloy na namumulat ang mga RiScians, ito’y maliit na parte lamang ng populasyon ng mga kabataan. Iangat pa rin natin ang ating kapwa kabataan sa pamamagitan ng masubstansya at mapayapang diskurso. Kailanma’y hindi dapat tayong matakot magpabatid at magsiwalat ng katotohanan. Kailangan ito ng ating bayan at ng bawat mamamayan para sa darating na halalan.
BY THE NUMBERS
kabaTaan sa Eleksyon
33%
sa 65.7M botante ay kabataang edad 18-30
ayon sa PISA results, huli (79th place) ang Pilipinas pagdating sa reading comprehension
768
79th
sa 900 RiScians ang bumabase sa mga aksyon kandidato ukol sa pandemya sa pagsuporta
MANGGAGAWANG KALUSUGONE
inigo ang pakiramdam ng mga manggagawang pangkalusugan na patuloy lumalaban sa gitna ng pandemya. Naglalaho na ang mga nasa frontline ng pangkalusugang giyera. Sa pagbukas ng isang repleksyon ng diwata, makikitang bilyon bilyong budget ng DOH ang hindi napapakinabangan ng mga manggagawang araw-araw na pagod, puyat, at walang kain. Sideline ang inaatupag himbis na magpahinga, ”Kailangan talaga na humanap ng pandagdag na pagkakakitaan upang matustusan ang mga pambayad sa bills, lalo na kung marami ang kasapi sa miyembro ng isang tahanan.” pahayag ni Ms. Buenaventura, isang nars ng DepEd Region IV-A. Pawis na tumatagaktak at kulubot na kamay ang tinatago sa loob ng napakainit na PPE kapalit ng ilang sentimo na kulang pa pambili ng gatas o kaya’y isang kilong bigas at sardinas.
. ..nakakapagod nang lumaban para sa isang bansang hindi kayang lumaban para sa kanila. MAHIKERA
MACARAEG, ZYAN
Sa kabila ng kanilang iniinda, nagawa pang unahin ang puting buhangin na kala mo’y gagamutin ang mga pasa na dulot ng pandemya. Nagbitiw na sa kanilang serbisyo ang karamihan sa health workers, tulad sa St. Lukes Medical Center na dati’y mayroong 66 nurses
na ngayo’y 44 na lamang. “Maraming pumunta na sa ibang bansa” saad ni St. Lukes’ Executive VP Benjamin Campomanes Jr.. Sapagkat sa ibang bansa, hindi nila kinakailangang bumato ng kamatis para sa kanilang karapatan. Bilang futuristic na diwata, maaaring 5-10 taon mula ngayon, wala nang gustong kumuha ng kursong medisina. Kaya’t sa bawat kumpas ng magic wand na hawak, nasyong bumabagsak ang nakikita. Sa pagtanaw ni feelingerang fairy Godmother sa kinabukasan, makikitang hirap ang bansa kung magpapatuloy pa ang ganito katinding mahika. Wala nang mga pusong handang magsakripisyo para sa masa, at ang tugong matatanggap ay “dasurb” dahil kahit anong magic spell pa ang ipang kontra, hindi nila kakayanin ang pwersa sapagkat nakakapagod nang lumaban para sa isang bansang hindi kayang lumaban para sa kanila.
LaBAng COVID sa KUmunidad ng BiNAngonan ALTHEA DE GUZMAN
Pbansa, at kung ipagpapatuloy ng publiko ang pagsunod atuloy pa rin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa
1.2 M
5-11 Taong Gulang na Bakunado
9.7 M
12-17 Taong Gulang na Bakunado
sa public health standards at ang pagtanggap ng bakuna, makikitang mas lalo pang bababa ang bilang ng kaso ayon sa Department of Health (DOH). Sa 140 milyong na-administerang bakuna sa Pilipinas, mahigit 1.2 milyong mga batang 5-11 taong gulang at 9.7 milyong 12-17 menor de edad, ang na-bakunahan mula noong sinimulan ng Department of Health ang ‘pediatric vaccination’ noong Pebrero 7. Sa munisipalidad ng Binangonan, isinagawa ang ‘pediatric vaccination’ para sa mga batang 5-11 sa isang “children-themed site”, na pinalamutian ng mga laruan at lobo. Ang mga magulang o guardian ng mga bata ay kina-kailangang magdala ng valid ID at proof of filiation or guardianship, tulad ng birth certificate o baptismal certificate.
Samantalang ang mga batang may comoridibities ay kinakailangan naman ng medical certificate. “Hindi nga ako nakaramdam ng kahit anong takot bago o pagkatapos kong ma-turukan eh.”, pahayag ng isang bata. Bina-bakunahan naman ang mga menor de edad sa Binangonan Recreation and Conference Center, kung saan kina-kailangan lamang ng birth certificate at school ID para sa babakunahan, at valid ID para sa kanilang magulang o guardian. “After ko magpa-vaccine mas confident na ako na makipag-interact sa tao kasi alam ko na protected na ako and yung ibang tao.”, saad ng isang vaccinated RiScian. Hindi man tuluyang mawawaksi ng mga bakuna ang laban sa COVID-19, tumatayo itong pag-asa upang magkaroon ng tiyansang malagpasan ang mga hamon na kalakip ng impeksiyon na ito.
JOHN sa JAPAN: Pakikipagsapalaran sa Land of the Rising Sun John rey idos
Panimula ng Paglalakbay
“Full Scholarship” katagang tumambad sa aking mga mata nang magbakasakali akong may mahanap na bubuo ng aking mga pangarap. Hindi naging madali ang proseso at hakbang na kinailangan kong gawin para mapabilang sa scholarship na ‘to. Kinailangan kong ilihim lahat mula sa mga magulang ko dahil alam kong sasabihing suntok sa buwan lamang ang ninanais ko. Matapos ang ilang buwan, ako’y may mapanaginipan. Naglalakad daw ako patungong klase habang pinapalakpakan ng mga kapwa ko mag-aaral. “Anong meron?” tanong ko sa mga taong bumabati sa akin ng Congratulations. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla akong nagising ng madaling araw. Pagmulat ko ng aking mga mata, isang group chat sa selpon ang aking nakita – ‘AKP Batch 4’ na nangangahulugang finalist ako sa Asia Kakehashi Program. Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama noong mga oras na iyon ngunit alam ko sa sarili ko na may namumuong luha sa mga mata ko. Abot tenga ang ngiti ko nang makita ko ang pangalan ko sa isang anunsyong may nakasulat na “Congratulations!” at isang liham na maghahatid sa akin sa panibagong landas.
Pagtuklas sa Realidad
Unang tapak sa Japan, malamig agad. Sinalubong ako ng magagarang gusali ng Japan at mababait na manggagawa rito. Ilan talaga sa mga hinahangaan ko sa Japan ay ang kalidad ng kanilang edukasyon, ganda ng kanilang bansa, at disiplina nila sa bawat bagay na kanilang ginagawa. Gayunpaman,
alam nating lahat na walang bansang perpekto, kahit na ang Japan. Siguro nga’y karamihan sa atin ay nagagandahan at pinapantasya ang buhay dito sa Japan dahil sa mga nakikita sa anime. Walang masama rito ngunit sana’y alam natin na hindi lang sa anime umiikot ang Japan. Marami ring isyung panlipunan ang talamak sa Japan gaya ng respeto sa mga kababaihan, pantay na pagtrato sa bawat tao at ‘toxic working culture’. ‘Language barrier, cultural difference, unwritten rules...’ ilan lamang ito sa mga balakid na kinaharap ko sa ibang bansa nang mag-isa. Naging malubak man ang landas ko, nagbunga ito ng tuwa at saya sa aking puso dahil sa mga aral na dulot nito hindi lamang sa akin ngunit pati na rin sa mga taong nakapaligid sa akin.
Pansamantalang Paglisan
Nais ko mang manatili sa lugar kung saan panibagong pamilya at pagkakaibigan ang pinagtibay ng mga alaala’t pinagsamahan, darating at darating ang panahon na kailangan kong bumalik sa bansang aking pinanggalingan. Hindi paalam ang aking iniwan ngunit pangakong muling babalik sa bansang humubog ng aking pagkatao, nagbukas ng puso’t isipan, at nagpalawak sa aking kaalaman. Noon, kada araw na lumilipas, kinabukasan ko ang isa sa mga gumugulo sa aking isipan. Nang dahil sa karanasang ito, sa wakas ay aking napagtanto ang daang tatahakin upang abutin ang mga bituin. Kaya naman sa kolehiyo, pagdating ko’y iyong abangan, Japan! Ako si John Rey Idos, John na isa sa mga pinalad na makapunta ng Japan at muling babalik para sa kinabukasan.
ROSE LENHIE TANGONAN
Franchesca paz de leon
genesis tamio
A NEW ERA: Gabay PARA sa Bagong Henerasyon ng Manunulat K
aniyang nabatid ang kakulangan ng mga student writers, kaya naman isinulat ni Gng. Arlene Paralejas ang Campus Journalism: A New Era, librong gabay sa bagong henerasyon ng mga manunulat. Nagsimula ang unang pahina noong 2019 na may inspirasyon mula sa The Isotopes, Ang Aghamanon, kapwa niya SPAs, pamilya at syempre, sa hiwaga ng pamamahayag. Kuwento niya, marami siyang hinarap na pagsubok, subalit ‘di nito naisara ang librong pangarap; suporta ng mga taong nagmamahal sa kaniya ang naging sandata.
“It’s unique as far as I know, kasi lahat halos ng example articles ay naging winning piece ng mga writers from The Isotopes, na naipanalo nila sa division, regional, and even national press conferences.” Pagbabahagi niya. Ngayon, siya rin ay may Module on Campus Journalism na under validation ng SDO Rizal Learning Resources Management and Development System. Laman nito ay mga gawain na may layuning mahasa ang mga magaaral sa iba’t ibang kategorya ng campus journalism. Saad rin niya, “‘Di naman
nasikil ng pandemya ang journalism or media, tuloy tuloy pa rin”. Dumating man sa buhay ng mga Pilipino ang banta ng COVID-19, hindi nito na-lockdown ang pagsusulat. Hindi naging balakid ang pagdating ng new era sa paglawig ng campus journalism. Patuloy man ang banta sa pamamahayag, maging inspirasyon sana ng maraming mag-aaral ang Campus Journalism: A New Era upang pulutin ang sandatang panulat. Pabatid ni Gng. Arlene, “Never stop writing, continue believing and dreaming.”
ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan Rizal National Science High
lathalain
10
PUsong maestRA: Leksyon sa Buhay ang Pamana John rey idos
I
lang taon man ang lumipas, kumupas man ang mga alaala sa bawat pag-ikot ng orasan, subukin man ng pandemya, mga guro bilang ating dakilang bayani’y hindi matinag ang adhikaing makapagturo ng aral hindi lamang sa paaralan kundi pati sa buhay kung saan kinabukasan ang nakasalalay. Isa si Ginang Eufemia Pura, Guro sa Pananaliksik, sa mga ipinagmamalaking guro ng Rizal National Science High School (RiSci) dahil sa kanyang dedikasyon at karunungang hindi matatawaran. Sa pagbabalik-tanaw sa ilang taong pagtuturo ni Gng. Pura, isang pangako ang hindi napako mula umpisa hanggang dulo. “Naipangako ko sa sarili ko na pag ako naging guro, laging may dapat matutunan ang estudyante ko” salaysay na binitawan ni Gng. Pura bago pa man niya pasukin ang mundo ng pagtuturo. Gaya lamang ng isang estudyanteng uhaw
na matuto noon si Gng. Pura ngunit hindi naging madali ang tinahak niyang landas sapagkat aminado siyang minsa’y hindi napapawi ang kanyang pagka-uhaw na may matutunan dahil ilan sa mga guro at propesor niya noon ay hindi nagtuturo. Sa mundong may iilang taong katulad ng ibang guro ni Gng. Pura, maraming Gng. Pura ang mangingibabaw at titindig sa kung ano ang tama — ang turuan ang mga bata. “Naniniwala ako na ‘pag ang bata pumasok sa school, nais niyang matuto...Unfair kasi sa estudyante pag walang matututuhan.” sambit ni Gng. Pura. Hindi man mabilang kung ilang magaaral na ang kanyang naturuan, hinding-hindi naman malilimutan ang mga nakakubling istorya’t karanasan sa kanyang isipan na tiyak ay sandamakmak na aral ang natutunan. Hindi maikakaila na may malaking puso si Gng. Pura sa kapwa niya guro, magulang, at sa kanyang mga estudyante.
Panibagong taon, panibagong mukha ang makikita, panibagong tao ang makakasalamuha, panibagong karanasan ang naghihintay. Kaya naman si Gng. Pura, ibinahagi ang kanyang natutunang aral, “Natutunan kong mag-adjust o bigyan ng malaking pasensya ang bawat isa para smooth ang relationships.” Hanggang sa dulo ng serbisyo ni Gng. Pura, pinatunayan niya kung paano maging isang dakilang guro at ang kahalagahan ng edukasyon sa ating lipunan. “Oo! Teaching is my passion.” Iyan ang ipinagmamalaking tugon ni Gng. Pura sa katanungan tungkol sa isa pang pagkakataon na muli pang makapagturo ngayong siya’y retiro na. Kasalukuyan mang sinusubok ng hamon ng pandemya ang mga kabataan at tila nais nang sumuko sa takbo ng buhay, “Hindi dapat mawalan ng pag-asa” ang payo ni Gng. Pura.
Dibuho ni
FRANCESCA SANVICTORES
PAGHINGA’T PAHINGA
SA AGOS NG TAGUMPAY Johnny jr. marquez
Dito sa mga pundasyong umaalalay
eterminasyon at pagsisikap. Ilan lamang
sa mga mag-aaral upang makamit ang inaasam na tamis ng tagumpay. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kanais-nais ito sapagkat kung minsan, labis na paggawa mismo ang nakakalaban. “Extreme obsession with productivity, which is never ending”, pagpapakahulugan ng The Quint sa isang artikulong pinamagatang “What is Toxic Productivity? And How Can We Avoid It?”. Sa madaling salita, ang Toxic Productivity ay ang kasanayan ng isang indibidwal na maging produktibo subalit isinasawalang bahala ang kasiyahan at pahinga. Ang kasanayang ito ay lubhang sensitibo sapagkat tulad ng sakit, mayroon ding mga senyales na nararapat bigyang atensyon upang hindi manuluyan sa isipan ng mag-aaral. Una ay ang hindi pagbibigay pansin sa oras ng pagkain at paglilibang. Binabawasan nito ang abilidad ng estudyanteng makipaghalubilo sapagkat mas nakatuon ang atensyon sa mga gawain kaysa pampersonal na relasyon. Sunod ay ang hindi makatotohanang ekspektasyon para sa sarili. Ito ay ang walang limitasyong kagustuhang tumapos ng mga gawain sa itinakdang oras na kadalasan ay nauuwi sa pagkadismaya at pagbaba ng tiwala sa kakayahan.
“
Gayunpaman, maaari pa ring maiwasan and Toxic Productivity sa pamamagitan ng paglalatag ng makabuluhan at makatotohanang layunin, pagpapahinga sa pagitan ng mga gawain, paghahain ng oras upang maglibang, at pagiging responsable sa lahat ng desisyong isasabuhay. “Treat yourself, like you would a friend, and remind yourself that your goals and your work can shift and it would actually help the quality of what you are doing, and not just the quantity”, saad ng artikulo. Sangkap man ng tagumpay ang pagiging produktibo, ay hindi ito makukumpleto kung walang paghinga’t pahinga dahil gaya ng kasabihan, lahat ng sobra ay nakasasama.
“
Dibuho ni EMMAN CELAJES
“Chasing goals are important, but sense of self-worth cannot be define by that alone”
“Makita ko lang naman na maayos ang buhay niyo masaya na ako. Kahit hindi ako makasakay sa sarili kong kotse o eroplano”
REGIECO CLARK BATARRA
IRIS DESIREE OLIVEROS
PAGTUTURO: Panghabang Buhay na Misyon ng mga Guro Sestudyante at guro sa bagong sistema at hindi nakaligtas dito ang mga gurong hindi gaanong imula pa lamang ng online class, hamon na ito para sa lahat. Lubos ang paghihirap ng mga
gamay ang teknolohiya dahil sa kanilang edad. Subalit, hindi kailanman naging hadlang ang edad sa kanilang misyon kahit pa may pandemya, ang misyong kanilang sinumpaan, ang misyong kanilang minamahal - ang pagtuturo. Pakikiisa sa online trainings ang ginawa ni Gng. Leovigilda Gutierrez, 55, upang magkaroon ng kaalaman hinggil sa pagtuturo online. Aniya ninais niyang matuto kahit sabihing may sapat na gulang na sapagkat dapat na gumawa ng paraan maipagpatuloy lamang ang kaniyang misyon. Sa edad naman na 61, nakadepende si G. Angelito Usi sa
suportang teknikal ng kaniyang anak para makapagpatuloy sa pagtuturo. Bagaman sinusubok ng mga problema, buong-buo pa rin ang loob ng mga guro na ipagpatuloy ang pagtuturo. “Mahal ko ang trabaho ko, that keeps me going,” ani G. Usi. Para naman kay Gng. Gutierrez, ang pagtuturo ay isang misyon at sa mahigit 30 taon niyang pagtuturo, talagang minahal niya na rin ito. “Makita lang namin kayo [mga estudyante] na maayos ang buhay niyo masaya na ako. Kahit hindi ako makasakay sa sarili kong kotse o
eroplano,” ani Gng. Gutierrez. Nais niyang makatulong sa pagkakaroon ng isang mag-aaral nang maayos na buhay kaya kahit sumakit ang ulo niya, o ano pa man, magpapatuloy siya sa pagtuturo. Maipapayo rin ni Gng. Gutierrez sa mga mag-aaral na maging matatag dahil marami pang maaaring mangyayari habang dalawang salita lamang ang maiiwan ni G. Usi sa lahat “hang on” o kapit lang at magpatuloy sapagkat aniya malalampasan din natin ang mga paghihirap na ito.
ONLINE CLUBBINGS:
T
awanan. Chikahan. Pagpulot ng bagong kaalaman. Ito ang madalas na eksena tuwing may programa o paligsahan ang isang club sa Risay bago pa magkaroon ng pandemya. Buwanbuwan ay nagtitipon-tipon ang mga Risayan upang hasain ang talento at kaalaman sa mga bagay na sila ay interesado. Sa pagdating ng COVID-19, natigil ang face-to-face classes at hindi na nagkaroon pa ng clubbings noong nakaraang taon. Gayunpaman, nakahanap ng paraan ang mga Risayan upang maibalik ito. “Riscians, baba na sa quad...” Hindi lang tuwing flag ceremony ng Risay naririnig ang mga katagang iyan dahil madalas ito rin ang bungad tuwing opening Dibuho ni
JOSHUA ARAN
ng isang club. Matindi man ang sikat ng araw, sa pagbaba sa kulay asul na parihaba, ang saya ay magsisimula— noong face-to-face. Ngayong ikalawang taon ng online classes, sa pagbabalik ng clubbings ay kakaibang pakulo naman ang hatid ng mga events ng iba’t-ibang club katulad ng MAPEH, Literati, Future Scientists’, at marami pang iba. Kakaibang saya para sa panibagong simula nitong tradisyong Risayan. Sa isang panayam kasama si SSG President Malena Ballon, aniya’y adhikain ng pagbabalik ng clubs ang pagkakaroon muli ng interaksyon sa pagitan ng bawat estudyante tungo sa pakikipagkaibigan, pagtutulungan at pagkakaisa sapagkat ito anf mga bagay na siyang naging madalang noong nakaraang taon. “Hindi lang nito mailalabas ang kanilang mga personal na interes sa iba’t-ibang larangan, kung hindi mas lalo ring malilinang ang kanilang mga kakayahan sa pamumuno at pakikipaghalubilo,” sambit ni Ballon.
Sa kasalukuyan ay iba’t-ibang mga events na ang naibahagi sa mga Risayan ngayon ng iba’t-ibang clubs. Sa kabilang banda, kilala ang MAPEH Club sa kanilang malalaking proyekto noong face-to-face. Ngayon ay nagawa nilang ibalik ang RGT (RiSci Got Talent) at Entrams kung saan maraming mga Risayan ang nakilahok. Tagumpay man kung maituturing ang kanilang mga programa, hindi maiiwasan ang mga problemang kanilang hinarap. Technical difficulties, internet difficulties, pagbalewala sa mga post at pag-iisip ng panibagong paraan sa pagsusulong ng mga programa, ayon sa MAPEH Club President na si Lei Teodosio, iilan lamang ito sa mga maliliit at malalaking suliraning kanilang nararanasan ng club officers. Pagsubok man ng pandemya o ng online clubbings ang harapin, hindi ito sapat upang hindi paglapitin muli ang mga Risayan. Naibalik ang tawanan, chikahan, at pagpulot ng bagong kaalaman. Ika nga ni Ballon, “Hindi hadlang ang isang pandemya sa pagkakaroon ng oportunidad na mahasa ang mga talento’t kakayahan ng bawat estudyante.”
11
lathalain
Jan rennie abat
ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan Rizal National Science High
Pagbalik ng tradisyong Risayan
HALINA’T SUMAKAY SA BIYAHENG RISCI Johnny jr. marquez
A
minado sina Nica Marfil ng 11-Galilei at Kim Audrey Magan ng 11-Einstein sa mga pinagdaanang hirap at kaba upang makapasok sa Rizal National Science High School. Bagaman nangangapa sa direksyong tinahak ang mga bagong RiScian, ay itinuturing pa rin nila itong isang malaking hakbang tungo sa pagpapalawig ng kaalaman at kakayahan bilang mga mag-aaral. Iba-iba ang kanilang mga paraan upang makibagay at makipagkaibigan. Nariyan ang pagiging “approachable” sa chat, madaling makisama sa mga gawain, at pakikipag-usap sa mga dati nang kaibigan. May-iilang hindi nahihirapan sa ganitong mga galawan dala na rin marahil ng likas na pagkamagiliw at pagiging madaldal.
franchesca paz de leon
Ngunit sa likod nito’y nagtatago ang dalang balakid ng pandemya na humahadlang sa nararapat sanang “bonding”. May mga pagkakataon ding wala sila sa huwisyong makisama dahil nahihiya, kinakabahan, natatakot, o hindi nama’y introvert. Ayon sa mga mag-aaral, isa sa ikinabibigla nila ay ang mga tambak na gawain at ang advanced na pagtuturo. Bagaman inasahan na nila ang ganitong kalakaran, ay hindi pa rin maitatangging dito nasusubok nang husto ang kanilang sipag at determinasyon pagdating sa larangan ng akademiks. Dagdag pa nila ay nariyan din naman ang mga gurong madaling makausap kung kinakailangan. Gayunpaman, batay kay Marfil ay sulit pa rin ang kaniyang pagpasok dahil nahuhubog ang kaniyang mga kakayahan at kaalaman. Dinagdagan naman ito ni Magan sa pagsabing “Worth it kasi alam kong lalawig pa ang kaalaman ko sa asignaturang sipnayan, agham, at pagsusulat” Tila butas man ng karayom ang bago nilang direksyon, handa naman silang sumuong sa hamon — hamon ng pagbabago’t paninibago. Sa labang ito’y walang nagiisa, bagkus, lahat ay kasangga sa hirap at ginhawa. Kaya ano pang hinihintay? Halina’t sumakay sa biyaheng RiSci.
Himig ng Pagmamahalan:
RISCI FAMILY GOT TALENT CHAMPION althea de guzman
Tpinalampas ang patimpalak at nakamit pa
alento at sining na sila ay biniyayaan, hindi
pagiging kampyeon sa tunggalian. Taon-taon ay naghahanda ang Rizal National Science High School ng isang araw na selebrasyon upang ipagdiwang ang “Togetherness, Unity and Love as a Family!”– Family Day. Bagama’t hindi maisasagawa ang pangkaraniwang kaganapan sa paaralan dulot ng pandemya, hindi bigong mapasaya ang bawat pamilyang Risay tulad ng pagbabalik ng RNSHS Family Got Talent, virtually.
Sa labing-limang kalahok, nagwagi ang Canilang Family– mag-asawang pinagpala ng tres marias, pare-parehong hilig at libangang kumanta, lalo na sa kanilang parokya. Bukod sa pagre-representa ni Kacy Canilang, isa sa tres marias, sa Supreme Student Government, naging inspirasyon sa pagsali ng kaniyang pamilya sa nasabing patimpalak ay ang layunin nilang magbahagi ng talento, ganoon din ang magsaya at patuloy na maging aktibo tuwing sasapit ang Family Day. Lingid naman sa ating kaalaman na sa likod ng kanilang kawili-wiling presentasyong “Christmas Medley”, inabot
sila ng mahigit alas tres ng umaga para matapos ito. Ngunit ayon kay Kacy, “Sa kabila ng aming pagod at pagpupuyat, hindinghindi ko rin makakalimutan ang saya na aming naramdaman, at dahil dito, kami ay nadagdagan ng masayang alaala na hindi kayang palitan nino man.” Nais ng kaniyang pamilya na mapabatid sa lahat kung gaano kahalaga ang pamilya at talento. “Huwag nating ikahiya at ipagmalaki natin ang mga angking talento na siyang nagbibigay ng karagdagang kulay sa ating pamilya at nakapagbabahagi rin ng saya sa ibang tao.” mensahe niya.
alyssa de villa
ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School
lathalain
12
Sa PAGgsubok ng Edukasyon, KaBAlikat ang SAmbayanang Nagtutulungan genesis tamio
S
a pagdating ng pandemya, lalong nasubok ang edukasyon ng bawat estudyante, kaya naman layunin ng Project KABALIKAT, proyekto ng Brigada ‘21: bigyan ng balikat na masasandalan ang pangarap ng mga bata. Kaugnay sa diwa ng Bayanihan sa Paaralan, DepEd Rizal’s AKAP (Anak Kamusta Ang Pag-aaral), BR-B4 (Barangayan para sa Bawat Bata Bumabasa), at programa ng RNSHS, “TUGON RISAYAN”, layunin ng proyektong ito na mahasa ang literacy at numeracy skills ng mga estudyante. Sa 10-day session nito, nagka-ugnay ang Risci Reading Warriors at mga estudyante mula Libis Elementary School sa isang paglalakbay ng palitan ng kaalaman. Sa pagtatapos ng Brigada ‘21, live sa FB page ng Risci, inihayag ni Gng. Lorna Acain ang mga detalye ng proyekto. Kapansin-pansin ang mataas na rate para sa sessions, Warriors (student tutors), at mga Kabalikat pupils na nasalamin sa isang Google Forms survey. Bukod diyan, naibahagi rin ang saloobin ng mga lumahok. “The explanation of the teacher (Warriors) to my child was good, and precisely explained. I heard every conversation of the two.” Sagot ng isang magulang.
Noong pasukan ng taon 2020, ibinahagi ng DepEd na nasa higit 3 milyong bata ang ‘di nakapag-enroll. Sa isang press release naman noong Abril 24, 2021, inilahad ng isang Pulse Asia survey na may 1,600 adult respondents nationwide: 46% ang sumagot na natututo ang kanilang mga anak sa distance learning, 25% (isa sa apat) ang nagsabing hindi, at 30% ang hindi sigurado. Ilan lamang sa aksyon ng ating paaralan at ng ating partner school ang Project KABALIKAT upang sanib-pwersang tugunan ang problema sa kalidad ng edukasyon, at tulungan maging functionally literate ang mga bata sa elementarya. “Ang edukasyon ay mahalagang paghahanda sa pakikibahagi sa lipunan. Ito rin ang siyang magiging sandata mo laban sa kahirapan at kalupitan ng mundo.” Pagbabahagi ni Franchesca Danelle C. Talavera, isang Risci Reading Warrior. Sa sampung araw, nakita ang pagtutulungan ng sambayanang Pilipino upang ang edukasyon ay hindi maging isang balakid, kung ‘di isang matamis na pangarap na abot-kamay ng bawat bata. Isang hakbang ang Project KABALIKAT upang itaas ang kalidad ng edukasyon, at palawigin pa ang pagbabasa. Alinsunod sa kasabihan, “Kabataan ang pag-asa ng bayan”, dahil edukasyon ang kanilang sandata.
BAWAS STRESS TIPS SA COLLEGE APPLICATIONS IRIS DESIREE OLIVEROS
“S
tressful”, salitang hindi mawawala kapag napag-uusapan ang college applications. Para sa ilan, marahil ay ito ang isa sa pinakastressful na pagkakataon sa buhay ng isang mag-aaral sa sekondarya. Para maibsan ang pananakit ng ulo ng mga estudyante, narito ang ilang tips mula kay Andrei Robert Saberdo, SHS Batch 4
ang muling pagsusuri ng mga ito para sa entrance exams. Binigyang diin din ni Saberdo na huwag magpakampante. Kahit malayo pa ang huling araw ng pasahan ng aplikasyon dapat simulan na ang paglikom ng dokumentong kakailanganin upang maibsan ang stress sa pag-aayos.
Kaagapan at Kasipagan
Maraming pinagpasahan, maraming pagpipilian
Para sa mga mag-aaral, kailangan magsikap at magpursigi na matutunan ang mga aralin bilang pundasyon ng magandang academic record at upang mapadali rin
Hindi rin naaayon aniya na tanging sa pangarap na unibersidad lamang magpapasa ng aplikasyon.
“Mahalaga try and try lang mas maigi na ‘yung maraming choices kaysa wala,” ani Saberdo.
Handa at laging alerto
Hindi natin batid ang mga mangyayari kaya mahalagang maging handa, emosyonal man o mental na aspeto. Dapat na tatagan ang loob at maging preparado hindi lang sa pagpapasa ng dokumento, pati na rin sa magiging resulta ng aplikasyon. Makatutulong din aniya ang pagkakaroon ng “support group” upang mailabas ang bigat ng loob at makahinga
mula sa pressure na dulot ng aplikasyon. Karagdagan, dapat maging alisto sa mga maaring pagbabago sa pagpapasa ng aplikasyon lalo na’t nasa gitna pa rin ng pandemya. Bagaman stressful at kung sa ilan ay nakapagdudulot ng anxiety ang pagsusumite ng aplikasyon sa kolehiyo, ang paalala ni Saberdo “You should always remain hopeful.” Aniya rin, tandaan na hindi maididikta ng college application ang hinaharap ng mag-aaral dahil hawak pa rin ng estudyante ang desisyon sa daang tatahakin niya sa kaniyang buhay.
ANN AZELAH VARIAS
RAMPA NG PAGSISIKAP:
Jan rennie abat
Tungo sa tagumpay ng Risayang runway model at pageant kontesera
Hkamera at tao. Para kay Girulami Evite na isang pageant kontesera at Ann Macutay indi biro pagsabayin ang pag-aaral at pagrampa sa entablado sa harap ng mga
na isang runway model, pagsisikap ang kanilang naging daan upang magpatuloy sa pagrampa at makamit ang tagumpay. Gayunpaman, higit sa mga titulo, tropeo, at korona– ang tunay na gantimpalang nakamit ng dalawa ay ang nauwi at natutunang mga gintong aral. “Walking on the runway in front of the cameras, meeting new people, wearing clothes from creative designers, and working with brands are the most memorable experiences of my life.” Iyan ang sinabi ni Macutay sa isang panayam. Noong bago pa lamang siya sa Fashion industry, wala sa kanyang isip ang pagiging model. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti ay nahahanap niya ang saya rito. Aniya pa’y sinubukan mang sumali sa mga beauty pageant, iba ang saya bilang isang runway model. Sa industriya naman ng beauty pageantry, nagsimula si Evite sa pagsali sa mga school-based pageants. Bilang dating First-Runner Up sa Little Miss Siena at dating kandidata ng Mr. and Ms. RiSci, ito ang kanyang naging motibasyon upang magpatuloy sa
industriya at sumali sa local-based pageants. Lubos siyang nahirapang pagsabay-sabayin ang mga responsibilidad bilang isang estudyante, pangulo ng Literati Club, at kandidata. Gayunpaman, hindi na siya nagsayang pa ng isang segundo at gumawa ng iskedyul upang malutasan ito. Pagmamahal at suporta ng mga kaibigan at pamilya ang kanyang naging sandigan. “More than just the awards, I consider my greatest achievement ay ang maging bahagi ng ganitong programa kung saan I can explore my passion and become an inspiration for the youth at the same time. Ang local pageants kasi ay very community involved. Kumbaga hindi lang siya basta pagpapaganda o pagrampa,” kwento ni Evite. Tila sulit ang lahat ng pagod sa mga bagay na kanilang natutunan– mula sa pagkakaroon kamalayang sosyal hanggang sa pagbuo ng kumpiyansa sa sarili. Sa kwento ng rampa ng pagsisikap, ito ang tunay na tagumpay. Para naman sa mga estudyanteng nais tuklasin ang mundo ng pageantry, nag-iwan ng payo si Ann Macutay. “Things don’t happen overnight, you have to start from the bottom and work hard. You’ll have to make a lot of sacrifices, but everything will be worth it... If doing this is what makes you feel most like yourself, then why stop?”
AG H A M
13
AGHAM AT TEKNOLOHIYA PARA SA MASA
Bakuna Para Sa Edad 12-17 Aprubado na ng DOH
M
nasa larawan | KUHA NI lenhie tangonan Mahinahong naghihintay si Reign Valerie C. Musni, labingpitong taong gulang, na matapos na ibakuna ang kanyang pangalawang bakuna ng Moderna noong Disyembre 22, 2021 sa San Isidro Elementary School, Taytay, Rizal.
alaking pagbabago rin ang bumukas sa bansa nang simulan na ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna sa mga batang nasa edad 12-17 noong ika-15 ng Oktubre. Ayon sa panayam kay DOH undersecretary Eric Domingo, pinayagan na ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit sa bakunang Pfizer para sa edad 16 pataas at nasa ilalim pa ng emergency use authorization (EUA) ang paggamit nito para sa edad 12-15. “ Today’s action allows for a younger population to be protected from COVID-19, bringing us closer to returning to a sense of normalcy and to ending the pandemic,” wika ni Acting US FDA Commissioner Janet Woodcock, M.D. Sinubok ang kakayahan ng bakuna kung paano ito makakapagbigay ng immune response sa katawan ng tao sa tulong ng 190 kalahok mula edad, 12 - 15 taon at sa 170 katao, mula 16 - 25 taong gulang. “In this analysis, among participants without evidence of prior infection with SARS-CoV-2, no cases of COVID-19
RISALIKSIK, NG RISCIANS PARA SA RISCIANS B
Maureen aicelle francisco
inuo ng SHS Batch 4 mula sa RNSHS ang Risaliksik bilang kanilang proyekto sa kanilang Research Capstone at itinuloy ito ng RNSHS SSG Officers 2021-2022. Mula sa SHS Batch 4, kasama sa ika-12 na baitang ng Rizal National Science High School (RNSHS) sina Felyn Bundoc, Beatriz Cabelinga, Edgar Certeza, Andrei Ramirez, at Andrei Saberdo ay sa kalikuran ng pagbuo ng Risaliksik na naglalayong makatulong sa mga Riscian sa iba’t ibang paraan, lalo na sa pagsasaliksik. Ipinaliwanag ni Malena Ballon, kasalukuyang presidente ng Supreme Student Government (SSG) sa RNSHS, ang dahilan kung bakit nabuo ang Risaliksik at paano ito naging isang proyekto rin ng SSG sa pamamagitan ng isang panayam. “Ang Risaliksik ay magiging isang inobasyon at kahusayang pang-agham para sa mga RiScian para sa hinaharap sa mga darating na taon”, saad ni Ballon sa panayam na naganap. Eksklusibo lamang sa mga estudyante ng RiSci itong proyekto at ang nilalaman nito ay ang mga sarili at orihinal na pagsasaliksik ng mga RiScians mula sa iba’t ibang seksyon ng mga baitang.
Nagpakita ang SSG ng teaser o pagpapakilala ng proyektong ito sa kanilang FaceBook page para makita ng mga mag-aaral at upang ipaalam kung ano nga ba ang mayroon dito. “Bilang isang organisasyon na naglalayong mapatatag ang Agham at Teknolohiya sa paaralan, ito ay ipinagpatuloy ng SSG ‘21-’22” dagdag ni Ballon. Isa sa mga layunin ng SSG ay tulungan ang mga RiScian na magkaroon ng mapagkukunan ng mga mapag aasahang sources online para sa mga siyentipikong journal, manuscript, at literatura dahil sa kawalan sa kasalukuyan ng silid-aklatan bilang isang epekto ng pandemya. Nagbahagi rin si Ballon ng kanyang mga plano kapag natapos na ang kanyang termino bilang presidente ng SSG. “Kapag natapos na aking termino bilang SSG President, maaaring magdagdag pa ng mga iba’t-ibang features sa Risaliksik na hindi lamang magagamit para sa mga research ngunit pati sa iba pa” aniya. Mayroon rin siyang nabanggit na isang “continuation plan” kung saan ay matutuloy pa rin ang pagbuti ng proyektong Risaliksik sa pag-aalaga ng susunod na presidente ng SSG. Kung saan makakakuha ng sariling tab ang faculty ng Risci. Gawa ni Claire Campillos
occurred among 1,005 vaccine recipients and 16 cases of COVID-19 occurred among 978 placebo recipients; the vaccine was 100% effective in preventing COVID-19,” base sa pahayag ng US FDA sa kanilang page. Kasabay na rito, naging susi na nga ang ganitong uri ng pagpapabakuna upang magkaroon ng limited face-to-face (F2F) classes sa bansa, at kabilang na nga rito ang Rizal National Science High School na sumama sa ikalawang quarter ng 2022. Sinabi rin ng FDA commissioner na makakasiguro ang mga magulang na masusing pinag-aralan ng mga eksperto ang ganitong klaseng bakuna para maibigay nang mainam sa mga kabataang sakop ng nasabing edad. Kaugnay din dito, nag-apply na ng full approval ang Moderna para sa US FDA. Batay din sa pahayag ni Health Secretary Maria Rose Vergeire, Pfizer at Moderna ang gagamiting bakuna para sa mga naturang edad.
John Daniel Mariscotes
FACE SHIELDS KONTRA COVID-19 BAGONG PERWISYO SA KAPALIGIRAN SINOLUSYONAN
N
agpahayag ng pagkabahala ang mga awtoridad at mga environmental groups tungkol sa tiyak na pinsalang naidudulot ng maling pagtatapon ng face mask at face shields na siyang ginagamit kontra COVID-19. Patuloy ang pagsusuot ng face shields sa mga lugar na itinuturing na closed space. Kabilang na rito ang groceries , supermarket , restaurant, opisina, ospital, at iba pang mga lugar na itinuturing na kulob at walang pagtatapunan o paglalagyan ng kanilang waste o pinaggamitan. Sa kabila nito, bumagsak pa rin ang presyo ng face shields dulot ng bagong patakarang inilabas ng pamahalaan: itinatapon ang isang face shield pagkaraan ng ilang gamit. Dahil dito, inaasahan tataas ang dagdag nito sa polusyon sa kapaligiran. Umaabot sa 150 kilo ang mga basurang nakalap sa Legazpi City, Albay kung saan makikita ang dami ng face masks at face shields na natagpuan sa mga dalampasigan ng Subic Bay Freeport Zone. Lagpas kalahati ng kabuuan ang mga face mask at face shield sa mga basurang nakalap sa karagatan ng Pilipinas sa katatapos na World Cleanup Day event. Ayon kay Diwa Partylist Representative Michael Edgar Aglipay, ang pagtaas ng paggamit ng mga face mask at face shield ng publiko ay dumudulot ng napakasamang epekto sa kapaligiran. Dahil dito ay inihain niya sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang House Resolution 1244. Pangunahing layon ng batas na ito ay ang pagpapatupad ng mahigpit na mga alituntunin para sa wastong pagtatapon ng mga face mask, face shield, at iba pang mga basurang ginagamit sa mga sitwasyong medikal o may kaugnayan sa COVID-19. Sa kabilang banda, inaasahan ang maayos na pagtatapon ng ganitong mga kagamitan upang maiwasan ang anumang pinsala sa kapaligiran kahit pa sa pag-iimplementa ng IATF sa naturang resolusyon.
Alynna rei Medina
NEEDLE FREE VACCINE PATCHES KONTRA COVID-19, Val allen eltagonde AARANGKADA NA SA CLINICAL TRIALS
M
nasa larawan | KUHA NI regieco batarra Inilalagay ni Researcher David Howell ang “Vaxxas” na isa sa mga needle free vaccine patches na inimbento ng kanilang kompanya. Upang magkaroon ng alternatibo ang mga bakuna na dati nating kinagawian at ito ay may 121 na-spikes per patch na gawa sa protein polymer.
atapos ang mahigit dalawang taon ng pandemya, sasabak na sa clinical trials ang HexaPro COVID-19 vaccine matapos aprubahan ng University of Texas (UT) Austin at US National Institute of Health (NIH). Layunin ng bakuna mula sa Massachusettsbased biotechnology company, Vax xas, na maging kauna-unahang needle -free at temperature-stable COVID-19 vaccine patch. “Just as the virus has changed and evolved, our vaccines need to keep up with the latest challenges too,” ani Dr. Jason S. McLellan at Professor Robert A. Welch mula UT Austin. Laman ng mga bakuna ang HexaPro, isang highlystabilized protein na dinisenyo upang maging singhugis ng SARS-COV-2 spike protein. Tuturuan nito ang katawan na humanap at pumuksa ng coronavirus. Sa kasalukuyan, ito ang pinakabagong inobasyon ng UT Austin vaccine development team. Sa likod ng HexaPro ay ang teknolohiyang HD-MAP ng Vaxxas. Gumagamit ito ng ultra-high-density projection arrays na dinidikit lamang sa balat upang makapasok ang bakuna sa katawan. Dahil sa HD-MAP, hindi na kailangang iturok o palamigin pa ang bakuna bago ito ay magagamit.
“Vaxxas’ HD-MAP technology can enable cost-effective distribution without the need for extensive refrigeration, and our easy-to-use device offers the potential for selfadministration,” ani Vaxxas CEO David Hoey. Kamakailan lang pinakita ng HexaPro gamit ang HDMAP ang epektibong neutralizing antibody at T-cell response nito laban sa lahat ng kasalukuyang variants of concern kabilang na rin ang delta at omicron nang ikumpara sa mga kasalukuyang bakuna. “ The compelling preclinical results published in Science Advances established the potential superiority of the HD-MAP/HexaPro COVID-19 vaccine compared to delivery using the traditional needle and syringe.” Para kay Future Scientists’ Club co-student coordinator, Alecsandra Diorge Ortula, malaking tulong ang mabibigay ng HexaPro kung magtagumpay ito. “Nakaka-excite kasi maraming oportunidad ang pwedeng buksan ng HexaPro gaya ng mas malawak na access at mas madaling pagprotekta sa mga batang takot sa turok,” dagdag pa niya. Plano ng Vaxxas na matapos ang Phase 1 ng kanilang clinical trials ngayong taon.
O Y U K R A E STIG R B
M A S P A Y N O DEM A TUL YA
202
AGTEK
14
1C
AGHAM AT TEKNOLOHIYA PARA SA MASA Heny Banta
K
asabay sa patuloy na paglobo na kaso ng COVID-19, patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga nai-report na kaso ng mental health problem sa Pilipinas. Marami ang nakararanas ng stress, depresyon, anxiety, at iba pang problema sa kalusugang pang-kaisipan. Sa kasalukuyang panahon, lalong lumala ang stigma rito, marami ang nakararanas ng diskriminasyon at maling persepsyon. Para sa mga nakakaranas nito ay mas pinipili nilang iwasan ang usaping mental health sapagkat sila ay natatakot sa magiging pananaw ng iba. Kaya ito ang dahilan ng cosmetic at wellness brand na BYS PH (Be Yourself ) upang bumuo at magtatag ng isang mental health support website, ‘Break Your Stigma’. Ang site ay mayroong sariling directory kung saan binubuo ng iba’t-ibang organisasyon at mahigit na 100 mental health professionals, therapists, at komunidad tulad ng Healing Minds na pinamumunuan ni Dra. Gisa Paredes bilang psychologist, Mindfulness, Love, and Compassion Institute
MGA PARAAN NA MAKAKATULONG SA PAG-AARAL
M
Dibuho ni ANGEL NAPAY
for Psychosocial Services Inc. ni Dr. Honey Carandang, at ang team ng “Where To Next” sa pagbuo ng website. Binibigyang halaga at tulong ng website na ito ang mga taong nais malampasan at magkaroon ng sapat na kaalaman kung paano pamamahalaan ng wasto ang kanilang kalusugang pangkaisipan. Ito rin ay nagsisilbing instrumento upang mabasag ang mga maling kaisipan, haka-haka, streotypes, at stigma pagdating sa mental health. Mahalagang mabigyan ng pansin at aksyon ang maling pananaw tungkol sa kalusugang pang-kaisipan upang maiwasan ang mga negatibong impluwensya nito na maaaring magresulta sa emosyonal na pagkabalisa at higit sa lahat ang pag-abuso sa sarili. Sa pagkakataon na ito, malaki
KUMPIYANSA PUMILIT HANGGANG F2F
araming mag-aaral ang naglabas ng kanilang saloobin at kahirapan tungkol sa panibagong sistema ng ating pagaaral. Maging ako rin ay nahihirapan. Dulot ng iba’t-ibang mga kadahilanan tulad ng maingay at magulong paligid, utos ni nanay at distraksyon sa social media. Dahil sa mga nasabing kadahilanan, naaapektuhan ang aking atensyon sa pag-aaral, at sa paggawa ng mga akademikong gawain.
Ang paggamit ng flashcards at review notes ay nagsisilbing pamamaraan na makakatulong kabisaduhin ang mga itinuturo. Nakatutulong ito upang mapabuti ang iyong memorya sapagkat epektibong nagagamit at nahahasa ang iyong active recall. Pinakamabisa gumamit ng papel o kaya mga applications tulad ng quizlet at memorizer tool.
”
...isa sa nakaranas ng pinakamalaking pagbabago [ng pandemya], at naipapakita ito sa kalagayan ng kanilang kalusugang mental, ang mga estudyante.
Mahalaga para sa akin ang magkaroon ng maayos at matinding pokus upang maunawaan at matandaan ko ang isang impormasyon o paksa mula sa aking pinag-aaralan. Kaya naman, nais kong ibahagi ang ilan sa mga paraan sa pag-aaral na aking ginagamit para sa mabisang pag-aaral.
PAGSULAT
ang maitutulong ng isang mental health support webiste upang magkaroon ng direct-access sa pagpapakunsulta sa mga propesyonal, at pagkikipag-usap sa mga komunidad. Ang ‘Break Your Stigma’ ay isang public digital advocacy platform na malaki ang maitutulong sa mga taong nakakaranas ng problema sa kalusugang pangkaisipan at sa mga nais magkaroon ng kaukulang kaalaman upang matigil ang stigma at streotypes tungkol sa rito. Ang kahalagahan ng pagtugon sa mental health ay kasinghalaga nang paglaban sa COVID-19 pandemic. Kailangan nating alagaan ang ating katawan, kung saan ito ay isa sa mga dapat nating pahalagahan at pangalagaan—ang ating kalusugang pangkaisipan.
Voltaire CAMPOS, CID
A
lam na sanhi ng lubos na pagkakaiba sa pamumuhay ng lahat ang pandemya, ngunit isa sa nakaranas ng pinakamalaking pagbabago at naipapakita ito sa kalagayan ng kanilang kalusugang mental ang mga estudyante.
Ayon sa isang survey na kinabilangan ng 900 na estudyante ng RiSci, kumpara sa panahong sila ay nagaaral ng F2F, lumubog ang kalagayan ng kanilang mental health sapagkat kasama nito ang pagtaas ng stress at mas madalas na pagkalungkot. Ilan rin ay nakaranas ng pagbaba sa kanilang pagka-produktibo. May ilang dahilan na ibinigay para rito ngunit karaniwang dahilan ay kawalan sa pakikisalamuha sa iba, tukso na hindi gumawa ng mga takdang-aralin, at paminsan-minsang pagkawala ng internet connection na nagdudulot sa huling pagdalo o pagpasa, base sa datos. Iniuulat rin na ang 30.6% ng respondents ay nakakaranas ng mas mababa sa limang oras ng pagtulog bilang posibleng salik. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga komplikasyon, may tiwala pa rin ang 82.9% na makakasunod sa mga hamon ng ODL bago mag umpisa ang F2F classes. Importanteng kilalanin ang kahalagahan ng ating kalusugang mental sapagkat nakakadulot ang mahinang mental health sa pagbaba ng grado, tunggalian sa pamilya at indirekta ring nakaaapekto sa pisikal na kalusugan, at iba pa.
ISKEDYUL Paggamit ng time management program katulad ng Pomodoro Technique, Parkinson’s Law, at Time Blocking Method. Ang paggawa ng iskedyul o plano para sa iyong mga gawain ay makakatulong na iwasan ang distraksyon at pagpapaliban ng mga gawain. Magtakda ka ng mga partikular na layunin sa bawat sesyon ng iyong pag-aaral. Tulad ng kung gaano karaming mga paksa o aralin ang dapat matapos sa loob ng itinakdang oras.
KALUSUGAN Panatilihing malusog ang iyong katawan. Masustansyang pagkain at sapat na tulog ay isa lamang sa nagpapalakas ng ating immune system o resistensya laban sa mga sakit. Mahalaga ang pisikal at emosyonal na kalusugan sa iyong tungkulin bilang isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagaalaga sa iyong sarili, nagkakaroon ng maayos na pundasyon ang iyong katawan upang makapag-aral ng mabuti. Isang paalala sa aking mga kamag-aral, ang paggamit ng mga nailahad na paraan para sa mabisang pag-aaral ay kinakailangan ng sikap at tiyaga. Ang mga paraan na ito ay maaaring makatulong upang ikaw ay maging aktibo sa pag-aaral. Kahit na minsan ikaw ay tinatamad, patuloy na magsumikap sa pag-aaral upang maihanda mo ang iyong sarili sa pagkamit ng iyong mga pangarap.
”
“Kahit na minsan ikaw ay tinatamad, patuloy na magsumikap sa pag-aaral upang maihanda mo ang iyong sarili sa pagkamit ng iyong mga pangarap.”
Dakila
BANTA, HENY
KALAMANSI KONTRA-COVID John Daniel Mariscostes EPEKTIBO NGA BA?
K
ilala ang kalamansi dahil sa taglay nitong ascorbic acid o mas kilala sa tawag na Vitamin C. Ang Vitamin C ay makakatulong din sa pagpapalakas ng ating resistensya at pag-iwas sa mga sakit. Sa panahon ng pandemya, ang kalidad na ito ay tila mas kaakit-akit. Bagaman bumaba na ang mga kaso ng COVID-19, maraming Pilipino pa rin ang nakaramdam ng naturang sakit. Ayon sa tala ng Kagawaran ng Kalusugan, higit tatlong milyon na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ngunit marami pang paraan ang pwedeng gawin ng ating pamahalaan. Isa na rito ang paggamit sa kalamansi na makakatulong sa paglaban ng mga ating sakit. Ayon sa ilang mga pag-aaral, pinapaiksi ng mga citrus fruits gaya ng kalamansi ang pagkakaroon ng sipon. Ginagamit din ang kalamansi at iba pang citrus fruits bilang halo sa mga ilang gamot o medisina na matatagpuan sa mga botika. Ito ay ilan lamang sa mga patunay kung paano nilalabanan ng kalamansi ang ilan sa mga sintomas ng COVID-19.
Ngunit may mga ilang pag-aaral na nagsasabi hindi pa gaanong napapatunayan ang kalamansi kontra sa COVID-19. Ayon sa isang artikulo na inilunsad ng Philippine Star noong nakaraang taon, may isang kumalat na post na nagsasabing nagpapagaling COVID-19 ang kalamansi juice kahit hindi ito makatotohanan. Sa kabila nito, makakatulong pa rin ang mga kalamansi upang maiwasan ang mga sintomas na dulot ng COVID-19. Upang mapigilan ang patuloy na pagkalat nito, kailangan ng gobyerno na mag diskubre ng iba’t-ibang pamamaraan para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Makahanap din sana ang administrasyon ng natural na paraan ng pagpapagaling sa pandemyang ito upang makatipid ang mga tao at maiwasan ang sobrang pag-inom ng ilang mga gamot. Kung ito man ay mapapatunayan balang araw, ang mga siyentista at ang gobyerno ay dapat maglabas sa publiko ng isang uri ng gamot na gawa sa kalamansi upang gawing pangontra sa COVID-19. Nang sa gayon ay ito ay magiging mura at magagamit ng masa.
A N A N S i M S i M A L A L A A K K
UBO SIPON G NAGPAPA N GALING G NG N I L NAGPAPAGA
HINDI NAGPAPAGALING NG COVID
gawa ni Jelen Corpuz
Siyensikula
KUHA NI Alyssa De villa
Ch
Halaw sa Scilympics ng Regional Science and Technology Fair 2021 (RSTF) ang Siyensikula na pinangunahan ng mga miyembro ng RNSHS Future Scientist’s Club upang ipakita ang talento ng mga Riscians sa paggawa ng video na maaaring makatulong sa mga estudyante ukol sa iba’t ibang paksa. Ang layunin ng contest na ito ay hikayatin ang mga estudyante mula baitang 10-12 na ibahagi ang kanilang kaalaman sa ibinigay na paksa sa iba’t ibang paksa sa malikhaing paraan. Oktubre 21, 2021 nag-umpisa ang pagrehistro sa paraan ng pagsagot ng online form. Binigyan ng isang linggong palugit ang mga kalahok na magrehistro at 3 linggo naman upang isumite ang kanilang entry. Matapos ang paligsahan, naganap ang pag-aanunsyo ng mga nanalo noong Nobyembre 13, 2021. Kung saan ang 3rd place ay nakamit ng entry #5, 2nd place para sa entry #9, at sa huli nanalo ang entry #10 na kinalikuran nina Asedillo, Roger Anne mula sa 12 - Dalton; Garcia, Jonan Adrian SJ. mula sa 12 - Faraday; Gomez, Charles Gabriel mula sa 12 - Faraday; Lacostales, Lorin Marabel mula sa 12 – Dalton; at Talavera, Franchesca Danelle mula sa 12 - Edison gamit ang kanilang paksa ukol sa epekto ng bakuna laban sa Coronavirus. Naibahagi ni Jonan Garcia, isang miyembro na gumawa ng Entry #10, na nakaranas ng malalang sintomas ng COVID-19. “Kami lang ng father ko ang nakaranas ng malalang symptoms ng Covid 19. Yung nanay ko hindi dahil fully vaccinated na siya”, aniya. Kinuwento niya rin kung ano ang mga karanasan niya sa pakikipaglaban sa virus na ito. Inilarawan niya ito na mahirap, masakit at nakakasakal. Tinalakay sa presentasyon ang tatlong uri ng bakuna. Una ang bakuna na naglalaman ng S proteins na gumagawa ng mga antibodies na layuning kalabanin ang virus pagkapasok nito sa katawan. Pangalawa ay ang bakuna na mayroong mRNA na pagkatapos makilala ng katawan, ito ay kokopya ng S proteins
a
mp
ion
ENTRY
#1
0
gamit ang impormasyon ng mRNA upang palakasin ang immune system ng katawan. Huli ay ang Vector Vaccine, na naglalaman ng mahinang bersyon ng sakit ngunit ito ay naglalaman ng tinatawag na viral vector at na kung saan nag-uutos sa katawan na gumawa ng kopya ng S proteins upang lumaban sa virus. Binanggit rin sa kanilang video ang ilan sa mga posibleng dahilan ng mga tao na hindi kumbinsido na magpabakuna. Ilan sa mga ito ay ang bakuna ay mukhang nagsilbing dahilan sa pagkamatay ng kanilang kilala. Ilan rin ay ibinabalita na hindi naging maganda ang epekto ng bakuna sa kanilang katawan. Iba’t iba ang magiging epekto nito sa bawat tao at nagdedepende ito sa kung paano tatanggapin ng iyong immune system ang nilalaman ng bakuna. Maaari rin maging epekto nito ay lagnat, pananakit ng katawan (lalo na ng braso na tinurukan), sakit ng ulo at panlalamig. Ngunit ang mga ito ay karaniwan lamang na reaksyon ng katawan sa pag-adapt ng mga bagong antibody sa loob nito. Ngunit pinapaalala kung nakakaranas ng malalang sakit o iba pang epekto ng bakuna, dumeresto sa ospital upang makita kung ano ang nagkamali. Sumunod ay ang pagiging zombie matapos bakunahan. Ito ay isang kathang isip lamang dahil sa nauusong pelikula ukol sa mga zombies. At ang huli ay ang bakuna daw ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang klase ng Coronavirus. Dahilan ng pagdami ng uri ng virus ay ang pagmutate nito mula sa orihinal na klase. Kagaya na lamang ng Delta variant na sinasabing pinaka mabilis kumalat at mahirap makita ang pagkakaiba mula sa simpleng sakit na flu dahil sa mga posibleng maranasan kapag dinapuan ng sakit na ito. Isa sa mga layunin ng presentasyon ay anyayahan at kumbinsihin ang ilang tao na hangga’t may magagawa para sa sariling kaligtasan ay gawin na habang may oras pa. Ang video ay isang presentasyon na maaaring magbago sa kaisipan ng marami na ayaw magpabakuna. Ito ay magsisilbing dagdag proteksyon laban sa COVID, kaya hangga’t may oras pa, Magpabakuna ka!
Maureen aicelle francisco
15
Agham
I
pinamalas ng mga Riscians ang kanilang talento sa paggawa ng impormatibong video sa iba’t ibang paksa ukol sa Physical Sciences, Life Sciences, Mathematics o Engineering.
ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Rizal National Science High School
Tuloy sa Pandemya
Gawa ni Angello Salvador
DOKUMENTARYO LABAN SA MISIMPORMASYON
RNSHS AGAM AGHAM PANGALAWA SA PANALO
M
ula sa pinagsamang pagsisikap ng kanilang pangkat, nangalawa sa DOST-SEI Indie Siyensya ang video na “Agam-Agham” ng Rizal National Science High School. Subalit ang kanilang layunin ay abot-tanaw pa rin at umaagos ang presensiya nito sa kahalagahan sa komunidad.
Limang estudyante ng Risci ang nagsisilbing nasa kinalikuran ng Agam-Agham. Kasama na rito sina SSG President Malena Ballon, Val Eltagonde, Juliana Guevarra, Mary Antonette Agapito at ang kanilang editor na si Divine Manadong. Kanilang layuning lumaban sa misimpormasyon tungkol sa COVID-19 at nitong bakuna na sawa nilang nakikita sa social media at naipakikita, kahit sa mga residente ng Batingan, na “huwag magagam-agam sa Agham”. Ayon sa interview ng Agam-Agham Team, may tatlong pangunahing bagay silang natutunan habang ito’y ginagawa. Kulang ng maaasahang impormasyon ang pangunahing salik sa pangamba
ng mga Pilipino na magpabakuna, sari-sari ang opinyon ng mga Pilipino, ngunit ang opinyon ng eksperto ay dapat pahalagahan at ang kahalagahan ng pakikiusap sa komunidad. Gayunpaman, makakatulong ang mga eksperto, dokumentaryo, at iba pa sa paglaban ng impormasyon, kaunti lamang ang kanilang magagawa kung hindi hahanapin ang kanilang tulong. Kaya mahalaga na ang impormasyon na itinuturo ng mga eksperto ay ipalaganap ng iba. Hindi lang para sa atin, kundi para sa lahat.
CId Lanbert campos
PaGhinga: Mentalidad
H A L I NA ’ T
G
PA N G A L A G A A N
MENTALIDAD MATTERS “Ang dami ko pang gagawin...” Madalas na sambit ng isang estudyante na may kasama pang malalim buntong-hininga. Hindi maiiwasan na madagdagan ang to-do list sa araw-araw– maging sa labas ng paaralan. Nagtala ang UNICEF ng mga epekto ng mahinang mentalidad sa isang teenager, kabilang na rito ang pagkakaroon ng anxiety at depression. Ayon sa datos na nakalap, tinatayang 27% ng mga kabataan ay nakakaranas ng anxiety. Maaari rin makadulot ang mahinang mentalidad ng madalas na pagkapagod, kawalan ng motibasyon sa mga gawain, at maging pag-abuso sa sarili at droga.
LAGUNDI
NA MULI MAGKAKA-COVID Alynna rei Medina
“Hindi mo lang alam hindi mo pa nararanasan, kahapon sana natin di mo na pinahirapan.” Parang pagmamahal sa maling tao ang COVID-19. Mapanlinlang. Mapanakit. Malupit. Lahat ay naapektuhan nito—nagkasakit ka man, o hindi. Dapat na masambit na ang katagang “’Di na muli” sa lalong madaling panahon. Nadiskubre ng University of the Philippines - Manila (UPM) kasama ang Department of Science and Technology - Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) na ang pag-inom ng Lagundi ay may positibong epekto sa mayroong mild symptoms ng COVID-19.
LAGUNDI KA NALANG
NA
Alynna rei Medina
awaing bahay. School works. Club responsibilities. Kabi-kabila ang pinagkakaabalahan ng isang estudyante sa RiSci. Dagdag pa rito ang pagbabago sa nakasanayang paraan ng pamumuhay na nagdudulot ng pagkabagot, kalungkutan, at panghihina.
KUHA NI REGIECO BATTARA
MENTALIDAD MASTERS “Pahinga? Ano ‘yon? Nakakain ba ‘yon?” Malimit na kaakibat ng salitang pahinga ay ang pagtulog o ang hindi paggawa ng kahit ano sa loob ng ilang oras o araw. Dahil dito ay nagkakaroon ng negatibong pagtingin sa tuwing mababanggit ang salitang “pahinga”. Tulad ng isang makina, kailangan natin ng enerhiya upang magawa ang ating makakaya. Ito lamang ang isa sa mga dahilan na ang pahinga ay pwede maging produktibo. Ayon sa isang artikulo mula sa Ritemed, nakakatulong sa mentalidad ng isang tao ang paggagawa ng routine, pagsisimula ng isang bagay na pagkakalibangan, pakikipagkumustahan sa pamilya at mga kaibigan, at maging ang pag-eehersisyo. Mahalagang tandaan na sa bawat paghinga nararapat din ang magpahinga – magpahinga ng walang pangamba. Maging isang mentalidad master.
“Lagundi ka na lang, Lagundi ka nalang, iingatan nya ang kalusugan mo.” Sikat na sikat ang Lagundi sa Pilipinas bilang gamot sa ubo at hika. Inaprubahan ng Kagawaran ng Kalusugan ang Lagundi bilang isang panggamot sa ilang mga karamdaman dahil sa anti-inflammatory effects at mast cell stabilization nito. Ayon sa molecular docking, nagpapakita ang Lagundi ng paglaban sa papain-like protease ng SARS-CoV-2 na siyang responsible sa pagkalat ng virus sa katawan. Ipinapahiwatig nito na maaari itong magamit bilang isang antiviral laban sa COVID-19.
PENGE NAMAN AKO N’YAN, LAGUNDI VERSION “Kung ano man ‘yang iniinom mo, ipasa mo, naiinggit ako.” “Lagundi ‘to, pare.” Upang maiwasan ang posibleng paglala ng sintomas ng COVID-19 sa mga mayroong mild symptoms, inabisuhan ang mga pag-inom ng Lagundi tatlong beses sa isang araw. 600mg para sa mga labing-dalawang taong gulang pataas, at 300 mg sa mga mas nakababata. “Following the prescribed dosages is vital to ensure that the treatment using Lagundi will render positive results,” ani Dr. Cecilia MarambaLazarte, and project leader ng Lagundi clinical trials.
GUSTO KO LAMANG SA BUHAY AY… LAGUNDI? “Ayokong maghintay pa sa imposible… Ayoko nang umasa pa sa walang silbi.” Sa kabila ng lahat, nasa ilalim pa rin ang Lagundi sa ilan pang mga clinical trials. Pinapaalalahanan ang lahat na komunsulta sa doctor para sa tamang dosis. Madali man makuha ang Lagundi sa mga lokal na tindahan, hindi ito dapat “ibuhos sa inyong lalamunan”.
ANG AGHAMANON | Ang Opisyal na Pahayagan Rizal National Science High School
Agham
16
Pag-ehersisyo, nakabubuti sa katawan, kaisipan — Saliksik K inikilala na ang pag-ehersisyo ay nagpapagaan, hindi ng katawan, kundi pati rin sa depression, anxiety at stress, habang nagpapalakas rin ng memorya at pag-iisip, base sa mga pag-aaral. Ayon rin sa pananaliksik ng Harvard T.H. hormones at endorphins, na nagpapabuti sa Chan School of Public Health, nakakabawas sa iyong kalooban, ay nagbabago habang nag pangamba ng depresyon ang pagtakbo ng 15 eehersisyo dahil sa stress na nararamdaman minuto o paglakad ng isang oras na aabot sa 26%. ng iyong katawan. Gayunpaman, upang makuha ang mga Madalas na pag-ehersisyo ay maaari benepisyo, inirerekomenda ng Victoria State ring mak atulong sa iyong pag-iisip sa Government na mag-ehersisyo ng hindi bababa inderek tang paraan tulad ng pagbu ti ng sa dalawa’t kalahating oras kada linggo. iyong k alooban at pagtulog. Dagdag pa sa mismong aral, habang ang Pati rin sa direktang paraan gamit ang hindi pag-eehersisyo ay maaaring maging endorphins at nagtataguyod sa paglaki ng sanhi at bunga ng mahinang mental health. bagong brain cells. Kadalasan, para sa mga taong madalas nagDagdag din sa pag-aaral ng HelpGuide. eehersisyo, dahilan lamang nila para rito na org, mas makakatulong rin ang paggawa ng mapagaan ang kanilang pakiramdam at bigyan iskedyul para rito upang masagawa ito nang sila ng mas positibong tingin sa buhay habang maayos at matiwasay. binubuo ang kanilang kumpiyansa. May dahilan para rito, ang antas ng mga Cid Lanbert Campos kemikal sa katawan, tulad ng serotonin, stress
PAGLUBOG NG MGA ISLA SA IBA’TIBANG PANIG NG MUNDO, DULOT NG CLIMATE CHANGE– UN REPORT val Allen Eltagonde
I
nanunsyo ng Intergovernmental Panel on Climate Change ang patuloy na paglapit ng mundo sa lubos na kapahamakang pangkalikasan– hamak na maaaring hindi na natin maisasaayos pa. Nilabas ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ang ik a-anim na assessment repor t nito noong Pebrero 28. Binigyang diin ng halos 4,000-pahina na pag-aaral ang delik adong paglapit ng mundo sa pagtaas ng lebel ng dagat , paglubog ng mga isla at pagtaas ng global na temperatura. Mula sa masusing pagsusuri ng taun-taong pananaliksik at libo-libong siyentipikong pag-aaral, klaro ang mensahe ng IPCC report : mas mabilis na sa inaasahan ang paglala ng climate change na tuluyang nagtutulak sa planeta sa mas malalang kondisyon. “This report is a dire warning about the consequences of inaction,” ani IPCC Chairman Hoesung Lee sa isang pahayag. Kitang-kita ang epekto nito mula sa iba’t-ibang panig ng mundo gaya ng Hawaii hanggang Maldives, kung saan kinakain ng tumataas na tubig-dagat ang mga isla at lubusang umaapekto sa kabuhayan at tirahan ng mga tao. Naging kombinasyon ng climate change at storm surges ang dahilan sa k ak aibang bilis ng erosyon sa baybayin ng Hawaii. Ayon sa repor t ng non-profit newsroom ProPublica, tatlo sa pangunahing isla ng Hawaii ang nawalan ng halos 25% ng k anilang tabing-dagat . Dahilan din ang pagtaas ng tubig kung bakit apek tado ang 70% na baybayin ng estado. Bilang responde sa kondisyon ng Hawaii at nakangangambang report ng IPCC– na tinawag ding “Code Red for Humanity” report– itinalaga na ang Hawaii bilang kauna-unahang estado sa US na nasa state of “climate emergency”. “Unless we take action today, we will lose all the beauty, many of our beaches throughout not only this state, throughout the world” ani Maui, Hawaii mayor Mike Victorino. Hindi rin naiiba ang sitwasyon sa Maldives. Kilala man ang bansa bilang tanyag na destinasyon ng mga turista sa iba’tibang panig ng mundo, malaking posibilidad na ngayon ang pagkawala ng 2,500 na paninirahan ng mga katutubo nito. Binubuo ang Maldives ng mahigit 1,100 coral islands sa gitna ng Indian Ocean, at maituturing na “lowest lying nation” sa buong mundo. Dulot nito, Maldives ang unang apektado sa global climate change. Ito ang dahilan bakit tinataya ng mga eksperto mula NASA at US Geological Survey na hindi na maaaring matirhan ang halos 80% ng bansa pagsapit ng taong 2050. “ The difference between 1.5 degrees and 2 degrees (Celsius) is a death sentence for the Maldives.” ani Maldives President Ibrahim Mohamed Solih. Wala ring takas ang sarili nating bansa sa mga epekto ng climate change. Tuluyan nang napipilitang lumikas ang mahigit dalawang libong pamilya na naninirahan malapit sa Manila Bay dahil sa kawalan ng ani mula pangingisda. Pasanpasan pa nila ang karaniwan na pagpapataas ng kanilang mga sahig dulot ng patuloy na pagtaas ng tubig-dagat. Luma la b as na tumata gintin g na 1 2 .13 m illim e tro an g nara ranas a n g p a gt aas n g tu b ig- da gat s a Pi l i p i nas tau n-tao n– mas mataas na n g a p at na b e s e s s a 3 . 3 m illime tron g g l ob a l ave ra g e . “Nakakatakot isipin na ang daming isla na ang nawawala ngayon. Lahat tayo apektado na, kaya kailangan kaagad ng masusing aksyon”, aniya grade 12 RiScian Aaron John Pacis bilang reaksyon. Gayunpaman, banta rin ng IPCC report na mas lalong lalala ang kasalukuyang sitwasyon kung ito ay ating pababayaan. Ani nila, pag-intindi sa problema at lumalaking panganib ang unang hakbang upang matugunan at mabawasan ang epekto ng climate change. “ We n e e d n e w e l i g i b ili t y s y ste ms to de a l wi th th is n e w reali t y. De lay me a ns de ath.” a n i U.N. S e c re ta r y- G e n e ral
nasa larawan | KUHA NI Alyssa De villa Nag-eehersisyo si Hamidah Salem, estudyante ng Rizal National Science High School (RNSHS) Baitang 12 sa kanyang libreng oras upang mapabuti ang lagay ng kaniyang pisikal at mental na kalusugan.
Bawasan Ang Stress SA PAMAMAGITAN NG PAG-EEHERSISYO
LAYUNIN NG FSC, IBINAHAGI
I
binunyag ng mga opisyal ng Future Scientists’ Club (FSC) ang kanilang mga plano na isinagawa Nobyembre 2021, ang buwan na itinakda para sa kanilang club.
Ipinahayag ng student coordinator ng FSC na si Kirsten Aereen Allado at ang treasurer ng club na si Jem Micah De Guzman ang kanilang layunin ng FSC Month’s Agenda upang malaman ng mga riscian ang mga nais magawa ng club na ito noong nakaraang taon. Ayon kay Allado, isa sa mga layuning ng FSC ay ipalawak ang kaalaman sa agham sa lahat ng estudyante ng Risci. “Sa aking palagay, ito ay natupad ng aming club sapagkat maraming mag-aaral katulad na lamang ng mga grade 7 at iba pang grade levels ang nakikilahok sa aming mga paligsahan at aktibidad”, dagdag ni De Guzman sa pahayag ni Allado. Naiba ang mga layunin ng FSC officers sa kasalukuyan dahil sa pag-iba ng paraan ng pag-aaral sa ngayon kaysa noon na face-to-face classes pa ang clubbing na nagaganap sa paaralan. “Dati, nakaka-attend pa ng kung anu anong event sa labas ng paaralan ang mga miyembro ng FSC, gaya ng NSTW o National Science and Technology Week noong 2019”, banggit ni Allado ukol sa pag-iiba ng mga layunin sa FSC. Nagpopost kada Lunes ang mga moderator at facilitator ng FaceBook page ng FSC ng mga trivia habang sumasagot naman ang mga estudyante sa pamamagitan ng mga reacts, comments at iba pa, tinatawag itong Sci-Interactive. “Mula doon, napapansin ko na sila’y talagang gumagawa ng pagsasaliklik tungkol sa mga trivia at mga scientists na pinopost sa aming FB page”, ani Allado.
“Malaki ang natutulong nito dahil ang aming mga post tulad ng Sci-interactive ay higit na kinaaliwan ng mga Riscians at nakikipaginteract din dito”, dagdag ni De Guzman. Isa ps ds mga layunin ng FSC ay magbigay inspirasyon sa ibang mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang na mamahagi ng kanilang kaalaman sa agham kahit ito’y mahirap. “Sa ating kasalukuyang sitwasyon ngayon, ang sanang epekto ng FSC ay maging isang mahusay na representasyon ng kahusayan ng RiSci sa larangan ng agham” saad ni Allado. Nais mabigyan ng FSC ng pokus at mapaunlad ang mga kakayahan at katalinuhan pagdating sa larangan ng Agham sapagkat ito ang kinakatawan ng Rizal National Science High School (RNSHS). Iba’t ibang larangan ng mga pagpapahayag ng impormasyon tungkol sa Agham ang nilalaman ng mga aktibidad sa FSC at ito ang naging kanilang paraan upang mahubog ang kakayahan ng mga RiScian pagdating sa larangan na ito. “Sa tingin ko, oo, bibigyan ito ng advantage ang mga RiScian. Dahil sila’y nagkakaroon ng karagdagang kaalaman base sa aming mga pinopost sa FB page, maaaring makakatulong ito sa kanilang pag-aaral”, sagot ni Allado sa isang tanong. “Ang FSC ay nagppost ng karagdagang kaalaman sa fb na may pakinabang sa mga Riscian dahil mas lalawak ang kanilang matutuklasang impormasyon ukol sa agham na lubos na makakatulong sa kanilang pagaaral”, ayon kay De Guzman.
Maureen francisco
RISAYAN, BIDA SA KAALAMAN: Andrea Cervo, panalo sa Division Science and Technology Fair 2021
nasa larawan | KUHA NI Franchesca Paz de Leon Pinarangalan si Andrea Cervo (ikatlo sa kaliwa) mula sa Baitang 12 bilang unang pwesto sa 2021 Division Science Fair Individual Life Science Research Contest, kasama ang punonggurong (mula sa kaliwa) si Gng. Edna H. Villamayor, coach Nanette Sta. Catalina, at kawani ng Department of Science and Technology (DOST) noong Disyembre 10, 2021.
N
agkamit ng unang pwesto si Andrea Cervo ng 12-Archimedes mula Batch Singko sa Division Science and Technology Fair - Individual Life Science Research Contest na ginanap noong Disyembre 2021. Pinamagatan ang kanyang saliksik na “Analysis of Blended Eco-Fabric From Snake Plant and Pandan Leaf Fiber Utilizing Philippine Tropical Fiber Standard (PTFS)” na pangunahing layon ay solusyunan ang problema sa polusyong dala ng garment industry. “Since lockdown, naging prominent part of everyday living ‘yung online shopping and isa sa mga top products ang clothing/garments. However, hindi ganoon ka wellknown ang severe pollution na nadudulot ng garments industry from generations of using synthetic materials. Dahil dito, investing on solutions is imperative.” ani Cervo nang tanungin tungkol sa dahilan ng kanyang saliksik.
Idinagdag rin ni Cervo na malaki ang maitutulong nito sa pamayanan dahil sa hindi mawawala ang pananamit sa pangangailangan ng isang tao. Kung masisimulan ng maaga ang pagbibigay ng alternatibo ay mas mababawasan ang pinsalang dulot nito sa hinaharap. “Choose a topic you’re passionate about ,” payo ni Cervo sa nais sumubok gumawa ng saliksik . Idinagdag pa niya, “Sometimes, even if you’re not interested at first , for sure through the process of research you will become invested in the topic.” Aminado naman si Cervo na marami sa kanyang oras ay napupunta sa pananaliksik. Sa kabila nito, iminungkahi niya na huwag lamang gumawa ng saliksik dahil sa kailangan ito sa pampaaralan na gawain kundi ay humanap ng anggulo kung saan magiging enjoyable ito.
Alynna MEdina
Himaya haz vasquez
ABANTE BABAE: LAKAS NG KAKABAIHAN SA MUNDO NG PALAKASAN
M
araming bagay na ang napapatunayan sa mundo ng palakasan. Kasama na rito ang tinig ng kababaihan at nagkaroon ito ng makasaysayang takbo sa kasalukuyan. Gayundin, naipakita rin ito ng ilang mga RiScian kung paano sila tumindig sa katagang “Women Empowerment”. Tumitibay at tumatatag nga, wika ng gymnast at ex-RiScian Jesela Agas, ang mga babaeng sinusubok sa ganitong laban. “Gymnastics teaches its athletes to appreciate failure, making gymnasts stronger every time we had to try new unfamiliar skills. Hindi naman agad agad magegets namin kung paano yun gawin, there will be a process,” aniya sa kanyang propesyon. Pinatunayan na niya rito mismo sa kanyang karera bilang atleta. Humakot na siya ng higit sa 80 medalya, at galing pa
karamihan nito sa isa sa pinamalaking kompetisyon ng mga paaralan sa bansa – Palarong Pambansa. Dagdag pa ang kanyang pagiging lider sa mga nakaraan niyang kompetisyon Mismong pagsali pa lang sa palakasan ay isang paraan na ng women empowerment, ani former Spartans’ tennis varsity Gia Agbayani. Banggit niya, naantiga siyang maglaro ng tennis mula kay Billie Jean King, isang babaeng tennis player na nananalo sa mga
kalalakihan sa maraming laban na kung tawagin ay “Battle of the Sexes”. Kasabay nito, nakikita rin ng karamihan na ang mga katulad nila ay nagiging inspirasyon sa kapwa nila kababaihan sa mga palakasan. Tiwala sa sarili, aral sa buhay, at pagbuo ng sarili ang naging malaking aral nina former swimmers Anele Gascon and Nicette Canilang sa kanilang karera. “Following my footsteps might not be ideal, because I believe everyone should find their own unique
passion or something that they love because it builds their own character and improves one’s self,” saad ni Gascon. Dagdag pa ni Bb. Canilang, malaki ang epekto ng tiwala sa sarili sa pag-unlad ng kakayahan, at ito rin ang susi ng paglahok niya, hindi lang sa swimming kundi sa dance sports. Masasabing suki na rin ang dalawang produkto ng Rizal Science sa pagwawagi, dahil pamilyar na teritoryo sa kanila ang Municipal at rurok ng tagumpay sa paglalangoy. Sa loob ng kanilang paghihirap, hindi lamang panalo o medalya ang dinadala, kundi ang aral na natutunan nito na nagsisilbing bagay na tinitingala nang marami. Wika nga ni Gascon, “Always remember that success doesn’t come with gender. Do not be afraid no matter what and always show them the best that you’ve got.”
Rose lenhie TANGONAN
REGIECO CLARK BATARRA
REGIECO CLARK BATARRA
ANN AZELA SHILOH VARIAS
rafael sam olivo
Himaya haz vasquez
ITAAS ANG Stamina KASAMA NI Ma’am Tamina
GENSHIN, Malakas ang IMPACT sa Mundo ng E-sports I
sa sa patuloy na umuusbong na esports ngayong panahon ng pandemya ang Genshin Impact. Na-enganyong maglaro ang mga kabataan at mag-aaral ng larong ito dahil sa magandang features mula sa itsura, mga tunog, animation, disenyo ng mga karakter at parang mamahaling laro ngunit ito ay libreng libre sa mga gadyets Hindi lamang ang mga simpleng features ang nagustuhan ng mga mag-aaral dito, pati na rin ang kakaibang storyline nito. Bawat rehiyon ng mundo sa larong ito ay mayroong kwentong kaugnay sa mga mahiwagang nilalang katulad ng diyos at diyosa. Mayroong kaugnayan din ang kapangyarihan ng bawat karakter nito sa mga elemento tulad ng hangin, apoy, tubig, yelo, at kidlat Dagdag pa rito ang pagiging open ng larong ito para sa lahat, dahil ito ay binubuo ng isang malaking mundo kung saan ang mga manlalaro ay maaaring mag-ikot at siyasatin ang kagandahan nito. Sa paglalakbay, mayroong mga chest at quest na kailangang gawin upang makakuha ng gantimpala. Bonus din sa larong ito ang multiplayer mode kung saan maaari mong makalaro ang iyong mga kaibigan, kaklase, kamag-anak, at iba pang tao. Maaari ka rin makakilala ng mga bagong kaibigan dahil sa pagiging bukas na mundo ng laro na ito. “Genshin is even more interesting since outside of the game’s main narrative, its coop feature allows players to interact and farm together. I usually spend more time with my friends in Genshin and get to meet new
ones along the way. It’s fun to just casually do domain runs together at 2 am, help each other explore and collect chests, and pre-farm for characters me and my friends wish to pull for, without the guarantee of getting them — which makes the experience a whole lot better!” anya ni Aisha Darnayla, mag-aaral sa ika-10 na baitang. Maliban sa kagandahan ng mismong laro, nakakatulong din ito para sa mental health ng mga estudyante. Malaki ang naitutulong nito sa kanila sapagkat nakakalimutan nila pansamantala ang mga requirements at nakakapagpasaya kasama ang kanilang mga kaibigan at kaklase. Na-eenjoy nila ang laro dahil maganda ang ambiance at visual graphics ng larong ito. Ani Alphonse Manda, Baitang 10, ang paglalaro ng Genshin Impact ay naging malaking parte na ng kanyang buhay. Bilang isang mag-aaral sa Science High School, siya raw ay nakakaranas ng paghihirap minsan sa mga gawain kaya naman ang paglalaro na lang ang kanyang nagiging libangan at coping mechanism para sa stress. Para sa kanya, ang larong ito ay parang pagkatakas sa realidad. Tunay ngang malakas ang impact ng Genshin Impact sa mga kabataan at magaaral, dahil ito ay nakatutulong sa kanila upang magsaya sa gitna ng pandemya at mga gawain sa paaralan. Bonus na lamang sa larong ito ang maganda nitong itsura, graphics, tunog, mga karakter, at iba pa. Hindi ka lamang naglaro, kundi mayroon ka ring makikilala ang mga kaibigan.
H
indi mabuti na nakaupo at nakatitig sa ating mga monitor ng matagal, nagpapalipas ng oras sa walang tigil na pag browse at scroll sa internet. Para sa mga tao ngayon hindi talaga ito mapipigilan dahil sa pandemya, kahit marami na ay nag-aaral at nagtatrabaho na sa labas, may iba pa rin na ginagawa ang mga ito sa loob ng kanilang mga bahay. Paggalaw at pisikal na aktibidad ay importanteng aspeto ng ating buhay, ang mga iba’t-ibang klase ng pisikal na aktibidad katulad ng pagsayaw at pag ehersisyo ay nakakatulong maka bawas ng stress. Bangit ng Michigan Medicine ang pag galaw ng kahit dalawa o isang beses na mahigit 30 hanggang 90 na segundo ay nakaka taas ng self esteem, konsentrasyon, nakakatulong sa pampasaya at sa pagtulog. Sa ating katawan, mayroong malaking tungkulin ang stress, mula sa isang artikulo galing WebMD, ang stress ay maaaring magdulot ng mga sakit tulad ng, gastrointestinal, skin and hair problems at maaaring makahina ng ating resistensya. Banggit ng isang mag-aaral mula sa ika-walong baitang, dahil sa maraming responsibilidad, hindi madaling makahanap ng oras para sa pisikal na aktibidad. Sa tulong ng mga nakakapanabik at simpleng
zumba activities mula kay Ma’am Tamina, isang guro na nagtuturo sa mga baitang na 7 at 8 naenganyo ang mga estudyante na makilahok. Mula sa personal na naranasan ng ilang mag-aaral, ito daw ay masaya at nakabawas ng kanilang stress. Sabi ni Hannah mula grade 8 na “nakakapagod pero nakaka-energize ang effect”. Ang zumba activity ni Ma’am Tamina ay nagkaroon ng mabuting epekto sa mga mag-aaral, may ilang nais ibahagi rin ito sa iba, wika ni Jamaica na, “Irerekomenda ko po ang pagzumba dahil sa tingin ko marami itong matutulungan”. Sumpit din ni Sophrina mula rin sa grade 8 na nagkaroon ng magandang epekto sa kanya ang gawain, sabi niya, “Dahil sa mga magagandang epekto naibigay nitong gawain ito sa akin ay mairerekomeda ko ang Zumba sa ibang tao upang maganahan at masiyahan din ang kanilang pakiramdam.” Ang epekto ng paggalaw ay tunay na makapangyarihan, ang zumba ay isa sa mga maaaring gawin upang umangkop sa sitwasyon ngayon, sa tulong ng pagbibigay ni Ma’am Tamina ng kanyang alam tungkol sa zumba, napasigla niya ang mga mag-aaral.
Walang Lugar
Ang Diskrimasyon 18
Dibuho ni EUNICE ARAGON
t r o isp
Sa
Kamakailan lamang noong ika-16 ng Agosto 2021, pinatawan ng MPL Philippines si Duane “Kelra” Pillas ng dalawang linggong suspensyon at pinagbabayad ng hindi matukoy na halaga bilang paglabag nito sa mga alutuntunin sa ng liga tulad ng sexual harrasment, diskriminasyon at paninirang-puri sa Blacklist International players na sina OhMyV33NUS at Wise. Hindi pinahihintulutan ng MPL ang ganitong uri ng gawain dahil ito ay pagbababa sa pagkatao ng isang manlalaro dahil sa kaniyang kasarian. Hindi lamang sila OhMyV33NUS ang maaaring maapektuhan, pati na rin ang ibang parte ng LGBTQ. Dapat iwasan ang pagkakaroon ng
ESPORTS SAGABAL SA PAG AARAL?
A
ng Esports ba ay nakakasagabal sa pag-aaral? May negatibong epekto ba sa estudyanteng naglalaro nito? Nakakabawas ba ito sa pagiging produktibo? Marahil yan din ang mga katanungan ng marami sa atin. Sa pagsikat at paglaganap ng Esports sa ating bansa, hindi maikakaila na parami din ng parami ang mga taong tumatangkilik dito, karamihan ay mga estudyante na ginagawang pampalipas oras ang online gaming na sa paglipas ng panahon ay nagiging sagabal sa kanilang edukasyon. Ika nga ni Bryan Maggs “Ang paglalaro ng online games ay maaaring makaapekto ng masama sa isang kabataan na gumagamit nito, mahirap itong tanggihan dahil ito ay nasa paligid lamang, ito ay nakakalibang at maraming makalimot tayo sa mundo na ating ginagalawan, nagkakaroon ito ng masamang epekto kagaya na lamang ng adiksyon”. “Sa Pilipinas isa ang online games sa mga nilalaro ng kabataan ngayon at dahil sa sobra nilang paglalaro dumadami sa kanila ang lumiliban sa klase at ito ay nakakabahala sa mga magulang at paaralan” sabi naman ni Reuel John F. Lumawag. Ang artikulong ito ay naglalayong malaman ang negatibong epekto ng Esports sa pag aaral ng mga kabataan at RiScians at ano naman ang positibong nagagawa nito sa pag-aaral. Base sa survey ng Usapang RiScian: Datos ng Aghamanon Para sa Usapin sa Ating Komunidad, 366 RiScians ang sumagot na higit kumulang 0-50 minutos ang pinakamatagal na minuto na sila ay naglalaro ng online games o Esports. May 156 estudyante ng RiSci naman ang sumagot na sila ay naglalaro ng Esports ng higit sa 2 oras. Ayon sa University of Arkansas ang paglalaro ng Esports ng mahigit isang oras ay makakatulong upang madevelop ang kakayahan ng ating utak na makapag pokus sa isang bagay.
”
Ang pandaraya ay pandaraya, ito ay mayroong hindi magandang kahihinatnan sa atin at sa ibang mga taong nakakasama natin.
MANANALIKSIK
P
“Bawal bading dito,” “Hindi belong mga tomboy rito,” “Uy! Amb*bo ni bayot.” Ilan lamang iyan sa mga masasakit na salitang naririnig natin ngayon sa larangan ng e-sports. Mga panlalait na pangungusap na nagpapababa ng kumpiyansa ng manlalaro. Diskriminasyon at mga pangungutyang hindi katanggap-tanggap sa panahon ngayon.
SINQUENCO, ELIJAH
itong buwan na ang nakaraan ng madisqualified ang Philippine team sa Online Olympiad Division A, matapos madetekta na nandaya ang isang player mula sa team via engine use.
S T R O P S E-
diskriminasyon at paninirang puri sa mga LGBTQ na manlalaro dahil sila ay tao pa rin na mayroong damdamin. Dapat magkaroon ng ligtas at malinis na liga ang ating bansa dahil napapanood din ito ng mga kabataan. “First of all, malaki ang naging ambag ng mga LGBTQ members sa paglayag ng bandera ng Pilipinas sa larangan ng eSports, tulad nina OhMyV33NUS (ML) at Stormi (CODM). Wala tayong karapatan diktahan ang tao sa kung ano ang dapat nilang gawin based sa gender identity nila. We live in a modern society and let’s excavate all this nonsense beliefs and principles which we know can’t help us build a better society. Let everyone be happy by letting
”
... hindi maikakaila na parami din ng parami ang mga taong tumatangkilik dito, karamihan ay mga estudyante
Mapanglikha
LOPEZ, YUSHEN
Ngunit ayon sa pag-aaral ng The American Academy of Pediatrics ang paglalaro ng Esports at online games ng higit pa sa dalawang oras ay masama sa katawan at maaaring makaapekto sa kanilang mga dapat gampanan na gawaing pampaaralan. Makikita rito ang batayan sa kung gaanong katagal na oras naglalaro ng online games o Esports ang mga Riscians: Maraming Riscians ang nagsabing nakaapekto ang paglalaro nila ng Esports at online games sa kanilang pagiging produktibo sa paaralan, Base sa survey ito ang ilang mga negatibong epekto ng Esports: Ang pagkalimot sa paggawa ng mga asignatura at classwork, Hindi pagka intindi ng lesson sa klase, pagkuwa ng buong atensyon at oras na nagreresulta sa mababang grado ng mga bata. Base rin sa survey na isinagawa ng Aghamanon masasabi na marami mga Riscians ang hindi makalabas ng kanilang bahay hindi lang dahil sa pandemya kundi dahil rin sa pagkahumaling nila sa paglalaro ng Esports sa kanilang tahanan dahilan upang makaligtaan nila ang mga aktibidades sa labas ng tinitirhan. Ayon naman sa ilang mag-aaral ng Risci ang Esports ay masasabing isang distraksyon dahil sa kung minsan minsan ay nasobrahan sila sa paggamit nito. “Masasabing ang bagay ay isang distraksyon kapag ikaw ay walang disiplina sa iyong sarili at nagiging sanhi pa ito ng cramming at procrastination” wika ng isang estudyante na sumagot ng survey Sa kabilang banda may mga RiScians naman na nagsabing nakakatulong ang paglalaro nila ng online games at Esports para maiwasan at maibsan ang stress at mga problema nila sa paaralan. Ito ay reward nila sa kanilang sarili kapag mataas ang kanilang grado at sa huli mas ginaganahan sila sa pagaaral kapag naglalaro ng esports.
them do things that they desire, regardless of them being a member of LGBTQ community. We should practice and maintain a healthy gaming community in every gaming platform,” ani Angel Nicole Lubugin, isang manlalaro ng Call of Duty Mobile at PUBG. Lahat ng manlalaro, lalaki, babae, o LGBTQ man, ay mayroong lugar sa larangan ng eSports. Bukas itong plataporma upang maipakita ang kanilang galing at mairepresenta rin ang ating bansa sa iba’t ibang kompotisyon. Katulad ng BLCK, naiuwi nila ang kampeonato sa M3 World Championship. Ayon naman kay Joaquin Samuel Benito, RiScian fan ng BLCK, dapat itigil ng mga bashers
ang mga pangungutya sa bawat manlalaro dahil mayroon din itong epekto sa kanila. Mapapagod lamang daw sila kaka-bash dahil hindi ito umuubra sa mga manlalaro. Nagsisilbi rin itong kalakasan nila upang patunayan na mali ang mga sinasambit kontra sa kanila. Dapat na respetuhin at suportahan na lamang ang mga manlalaro upang tumaas ang kanilang kumpiyansa. Iwasan ng mga madla ang pambabash at pandadamay ng personal na buhay sa social media, dahil mayroong mga batas para sa ganitong uri ng gawain. Mahalin ng mga Pilipino ang mga manlalaro upang magkaroon ang bansa ng ligtas, matiwasay, at suportadong liga.
ISPORTS SA ISIP AT KATAWAN
N
aging emotional ang 2022 Beijing Olympics matapos masaksihan ang mga kontrobersiya ng mga teenage Russian figure skater na sina Kamila Valieva, Alexandra Trusova at Anna Shcherbakova. Nadawit si Valieva sa isang doping scandal at nagkaroon nervous breakdown si Trusova na nakuhanan ng video. Samantalang, ang American figure skater na si Mikaela Shiffrin ay namataang umiiyak dahil hindi niya raw naabot ang kanyang inaasahang galing sa performance. Inuwi naman nina Trusova at Shcherbakova ang pilak at gintong parangal samantala pumangatlo naman si Shiffin sa patimpalak.
WALANG HELMET PARA SA MENTAL HEALTH Ayon kay Valieva, nakuha ng kanyang katawan ang gamot matapos ma-expose sa medication ng kanyang lolo. Naapektuhan ang pagtatanghal nito na naging sanhi ng kanyang paglapag sa ikaapat na pwesto at ilang beses na pagkatumba na naging mitsa para matanggap ng maanghang na salita mula sa kanyang coach na si Eteri Tutberidze. Sa naganap na insidente, marami ang naniniwala na ang isports ay dapat maging mas ligtas para sa mental health ng mga atleta. Kung nagwa-warm up mga atleta para hindi mainjure, may pwede bang gawin para masuportahan ang mental health ng mga atleta? Tutal, ayon kay Selvanur Akkurt, isang psychologist at dating atleta, ang mental health ay mahalaga para sa tagumpay sa ring at court kung saan kumpara sa pisikal na injury, hindi nakikita ang epekto ng mental health issues sa pisikal na anyo sa halip, nararamdaman ito at maaring makasakit sa halos 20% ng mga edad 18-24 years old na nakakaranas ng problema sa kanilang mental health.
BOLA, LAPIS AT LUHA Nakilala ang mga RiScians sa kasipagang mag-aral, hindi tatantanan ang modules hangga’t makakakuha ng magandang iskor. Mas matinding kasipagan ang kinakailangan ng mga estudyanteng atleta upang pagsabayin
ang pag-aaral at pag-lalaro. Nakumpirma ng isang pag-aaral na nakakaapekto ang academic stress sa performance ng mga ateleta sa loob ng classroom at ring. Mahalagang pag-isipan ng mga guro at coach kung paano babalansihin ang academics at sports upang hindi maapektuhan ang kalidad ng pag-aaral at pagkumpetensya ng mga mag-aaral. Hindi na dapat umabot sa emotional breakdowns ang maranasan ng mga student athlete mapagsabay lamang ang pag-aaral at pagkumpetensya.
ANONG GAME PLAN? Paano ang atake para masuportahan ang mental health ng mga atleta? Sinuportahan ng isang unibersidad sa Estados Unidos ang kanilang mga atleta sa pagtalaga ng isang psychotherapist na magsisilbing gabay ng kanilang mga student athletes. Ayon kay Lenecia Nickwell na psychotherapist ng mga student-athletes mula University of Cincinnati, ang kanyang layunin ay ipaunawa na ang buhay ay hindi naikot sa loob lamang ng eskwelahan at court. Ngunit bago tayo makakita ng pagbuhos ng suporta sa mental health ng ating mga atleta, dapat nating iwagayway ang kahalagahan ng mental health. Sa isang bansang sarado ang isip ukol sa isyung ito, ang mapangahas na paglaban para sa karapatan ng mga atleta sa maayos na mental health ay napakalaking tulong. Hikayatin ang bawat isa na tumulong sa pagpapaunlad ng suporta sa mental health para sa mga atleta man o hindi. Kilala ang mga Spartan bilang mga edukado at disiplinado sa anumang larangang kanyang pinapasok, nasa kamay ng bawat Riscian na makialam sa pagpapabuti ng lagay ng mental health sa loob at labas ng court.
”
...nasa kamay ng bawat Riscian na makialam sa pagpapabuti sa lagay ng mental health sa loob at labas ng court Mambabasa
ROA, NOAH
DAMAY LAHAT PH CHESS TEAM DISQUALIFIED SA FIDE ONLINE OLYMPIADS DIVISION Hindi na pinaalam ang identity ng manlalaro na nakitaan ng paggamit ng engine para mandaya, para maiwasan ang mga masasamang kumento dito. Nasa 2nd place ang Philippine team sa pangunguna ng Indonesia, sa puntong ito ang team ay may 39.5 at makakapaglaro sa top division ngunit, pinagpasyahan ng federation na parusahan ang buong team at tuluyang alisin sa kompetisyon. Dahil rin sa pagka disqualified ng team sa kompetisyon papalitan ng Australia ang
Pilipinas sa Division. Sa letter kay FIDE president Arkady Dvorkovich, ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) nag-apila na i-disqualify ang team. Sa article 6.6 of FIDE laws of chess nila ito binase ang apila ng NCFP na nagsasabing “the disqualified player may be declared lost in one or several games played in the current and previous pool(s) or duel(s). Then, his/ her teams’ results in the respective pool(s) or duel(s) are changed accordingly.”
Ayon sa Isang Riscian na si Mark Joseph Barbosa, 10-Fortitude, “nakakadismaya lang knowing na sa losing side, either malulungkot or magdodoubt na sa sariling skills niya yet sa winning side is may false sense of accomplishment” “I agree, Team event siya so isang grupo sila. Team is team and cheating is cheating so one person cheating is the whole team’s fault but if may reserved player naman which is unusual sa chess, then yung cheating player nalang yung i-ban sa team since nagsumikap yung iba” ani pa nito.
Isports
Alyssa de Villa
19
ANG AGHAMANON | Ang opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School
Spartan Alumni, MLBB Analyst at Caster sa ‘22 SEA Games
Noah Roa
I
sa sa mga analyst at sportscaster para sa lokal na play by play na panonood ang graduate ng Rizal National Science High School na si Caisam “Wolf” Nopueto sa ginanap na 2022 South East Asian Games sa laranagan ng Mobile Legends, Mayo 13 hanggang Mayo 22. Dinakot ng Pilipinas ang pangalawang ginto ng SEA Games matapos pataubin ng SIBOL ang koponan ng Indonesia sa iskor na 3-1. Naging shoutcaster ng larong ito para sa tagalog play-by-play si Caisam “Wolf”.
Unang naging matunong ang boses ni Caisam “Wolf” nang siya ay unang sumabak sa larangan ng shoutcasting, pagcommentate ng laro sa mga esports event, sa larong Deffence of the Ancients 2 o DOTA sa taong 2016. Siya rin ang unang analyst ng Mineski TV. Naging parte si Caisam Wolf ng broadcasting team ng MLBB Philippines. Kasapi siya sa mga broadcaster ng Tagalog at Ingles mula sa unang season hanggang sa kasalukuyan. Nagsilbing team analyst din siya ng ONIC
Philiipines mula season 6 hanggang Offseason 8 sa taong 2020 hanggang 2021. Naging team analyst din siya ng Cignal Ultra kasama ni Coach Bluffzy nuong 2019. Madidinig din ang kanyang shoutcasting at analysis sa pandaig-digang entablo. Isa sa mga bumubuo ng English Broadcasting team si Caisam Wolf sa nakalipas na tatlong World Championships of Mobile Legends. Editor din ang Riscian alumni sa pahayagan ng One Esports Philippines na nagsusulat ng kumento, kuro-kuro at analysis sa laro ng MLBB. Sa kabila ng matayog na karera ni
Caisam Wolf, puno rin ng katatagan ang kanyang buhay matapos niyang umamin na siya ay nakikipaglaban sa sakit na lupus. Inamin niya na ang kanyang in-game name na “Wolf” ay hango sa salitang “lupus” na ibig sabihin ay “wolf” sa wikang Latin. Sa isang interview ng Daily Tribune, inihayag niya na pinili niyang mamuhay nang malaya sa pamamagitan ng video games kaysa magpa-alipin sa kanyang sakit. Isa si Caisam sa Batch ‘15 RiScians na nagtapos sa Rizal National Science High School, pitong taon na ang nakalilipas.
Pagbaba ng Restrictions at Pagbukas ng mga Gym PH ALERT LEVEL RESTRICTIONS ind
Hindi kasing higpit sa mas mataas na alert rv en level ang mga ue ca restrictions pa cit nito y
oo
50% outdoor venue capacity
70%
Himaya Vasquez
Ashley Agbulos
BAWAL lumabas ang edad
18
pababa
r oo
I
a
c ue
n ve
ity
c pa
% 0 3 ind
outdoor venue capacity
70%
ka-28 na araw ng Pebrero 2022 naibaba sa level 2 ang CoVid-19 health restrictions at nagbigay daan para sa mga taong fully vaccinated na maka labas at gumala. Kasama dito ang mga atletang naghihintay ng taimtim sa pagbubukas ng mga local gyms. Sa simula ng lockdown, nasa alert level 3 ang mga CoVid-19 health restrictions, sa alert level 3, ang mga aktibidad na kailangan makisalamuha sa ibang tao ay ipinagbabawal, isa dito ang face-toface classes, funfairs, casinos, residential gatherings at contact sports. Dahil sa mataas na health restrictions, ang mga lugar na dating bukas sa publiko ay nagsara, kasama dito ang mga gym, ang kaisa-isang training ground ng mga atleta. Ang pagsasara ng establishments na katulad ng gym ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga atleta dahil karamihan sa kanila ay hindi suportado ng gobyerno, kaya
kulang ang kanilang pang gastos para sa kanilang mga gamit pang sanay. Mula sa official page ng Department of Health, ang mga establishments na tulad ng fitness studios at gyms ay bukas at maaari nang gamitin sa alert level 2, upang siguradong ligtas ang mga dadayo, kailangan pa rin magsuot ng face mask. Sabi ng isang atleta mula ika-walong ng Risci, nakakapang galak na maluwag na ang restrictions dahil maaari nilang magawa ang kanilang mga pagsasanay at iba pang mga dati nilang nagagawa noong wala pang pandemya. “It did affect me so much, especially to me since volleyball became my fav hobby. I think the light covid restrictions, mas lumuwag ang pagkilos ng mga tao at kasama narin naming athletes na pwede narin mag undergo sa mga trainings and sports events. And I’m really happy that it helped us para magawa ulit yung mga bagay normally, just like before.” ani Kim Goco mula baitang 8.
Pag-usbong muli ng Batch System Binuong muli ng RNSHS MAPEH Club ang batch system sa mismong E-ntrams upang magbigay daan sa parehas na mga kinakaharap ng bawat mag-aaral din sa Online Distance Learning sa panahon ng pandemya. Banggit ni MAPEH Club Student Coordinator Lei Teodosio sa isang panayam, napagdesisyunan nila na bawat baitang na lamang ang hatian dahil sa
mas madaling linyahan ng komunikasyon at mas mahirap kung pagaganahin ang umuusbong na house system ngayong online set-up. “Sila ang mas magkakakilala, kaya mas naging mabilis at madali ang pagbuo ng mga teams,” ani Teodosio. Dagdag pa niya, mas magandang gawin ang umiiral na house system kung face-
to-face kasi iyon ang pangunahing kailangan sa ganung bagay at marami sa mga mag-aaral ang nakadepende lang sa kani-kanilang gadegts sa pakikipag-usap. Nagsimula ang house system noong 2016 sa ilalim ni dating MAPEH Club President Beatriz Arago at nabuo nila ang mga houses na Blue Vikings, Green Knights, Red Archers, at Yellow Gladiators para mas maging maganda ang
Yushen Dandrid Lopez
laban tuwing may ganitong kaganapan. Gayunpaman, sinabi ng kasalukuyang coordinator na, “Sana sa susunod ay bumalik na tayo sa Intramurals na house system. Iba pa rin talaga yung maranasan mong ipaglaban ang iyong house.”
Mula sa Pahina 20 |
S T R ISPO
PASADA BALITA
Dibuho nina
U R M A A L S R T N
JELEN CORPUZ
Alagad ni NJ, nakamit ang kampeonato sa naganap na Valorant
E
SAMANTHA LOCUS
YUSHEN LOPEZ Pagkakaisa ang susi !, Ginulat ng Grade 10 squad Alagad ni NJ ang Grade 9 Team Sikret sa kanilang good team chemistry at solidong pagkakaisa, dahilan para mapasakamay nila ang kampeonato ng Risci E-ntrams Valorant Finals best-of-three-series, 2-0, noong biyernes. Sa unang series ay naging agresibo ang galaw ng ANNJ, Ipinakita ni autumn(Sova) ang kanyang mga clutch plays at flanks, ginamit ni cold winter(chamber) ang kanyang ulti para maheadshot ang mga kalaban, nag-init si Hachi gamit ang Reyna at tinapos ng duong summer(brimstone) at cold winter(chamber) ang last round ng series sa pinagsama na 5 kills. Patuloy na namayagpag ang ANNJ sa 2nd series matapos maoutplay ang Team Sikret sa round 3 sa tulong ni Noh Jungg (sova) at maheadshot ni cold winter(Astra) si Salty Nalaa( Killjoy) sa round 6., mas nangibabaw ang mga ito ng magkaroon sila ng isang flawless round sa round 11 dahilan upang tumaas ang kanilang ekonomiya at magawa nila ang kanilang tactic na hindi magpupush o pagiging passive dahilan upang lumapit sa kanila ang Team Sikret at makagawa na naman sila ng isa pang flawless round, sa pagtatapos ng series nagrotate si cold winter(astra) at summer(killjoy) sa mid at pinatay ang dalawang huling agents para makuha ang victory sa record na 13-6. Nagawa naman ng team Pangkat Isa na pahabain ang game one series at magkaroon pa nga ng overtime sa record na 12-14 sa kabila ng kanilang pagkatalo.
GM, kinoronahang MLBB kings ELIJAH SINQUENCO
G10 pinagharian ang E-ntrams; batch system binuhay muli
B
umida sa eksena ang RiScian Grade 10 students matapos nilang pangunahan ang Virtual E-ntramurals kasabay ng muling pagbabalik ng batch system nito noong Pebrero 17 hanggang Marso 5.
Sinikwat ng kanilang batch ang kampeonato sa Valorant, at sinegundahan nila ang mga natitirang events na Mobile Legends, Chess at Call of Duty Mobile (CODM) sa buong torneo. Naipamalas nila ang kakaibang kakayahan at talento, kasama ang ibang RiScian sa muling pagbabalik ng batch system sa mismong E-ntramurals na sinimulan ng MAPEH Club na nawala noong taong 2015-2016. Sinorpresa ng G10 squad Alagad ni NJ ang Team Sikret ng Grade 9 mula sa kanilang agresibong laro at tamang koordinasyon para mapasakamay ang titulo sa Valorant, 2-0. Ipinasiklab ni Rabonni Opiniano (Autumn) ng 10-Humility ang kanyang clutch plays at flanks, pati rin ni Amir Sarip (Cold Winter) mula sa kanyang ultimate na nagamit niya para makapagbigay ng headshots sa koponan. Lumitaw sa unang laro pa lang ang game style nila sa pangunguna ni Charles Bondoc (Hachi) na may walong na first kill, at isang defuse, kasosyo ang 27/20/4 kill-death-assists (KDA) at 63% eCon rating. Nakadiskarte rin sila sa kanilang laro sa Round 11, nang halos magsawalangkibo sila sa laro dahilan upang lumapit sa kanila ang Team Sikret at makagawa na
naman sila ng isa pang flawless round. Nagbalasa ng rotation sina Cold Winter at ni Adrian “Summer” Carillo ng 10-Fortitude sa gitna para tapusin ang huling dalawang agents sa pagtatapos ng series at kunin ang panalo, 13-6. Samantala, inakay naman ni Eclipse na may 273 average combat score sa 23/20/7 KDA ang Team Sikret. Kasama rin sa Alagad ni NJ si Joseph Benedict Paz at Basty “Noh Junggg” Guadalupe. Pinatunayan naman ni Mark Joseph Barbosa na malakas ang kasanayan niya sa chess matapos siyang makatawid sa championship round ng E-ntrams, ngunit nalusutan siya ni Kurt Dimabuyu ng 12-Lavoisier via time forfeiture. Inuubos na ni Barbosa ang mga galaw ni Dimabuyu sa kalabang hari pero naging mabilis ang kamay ng SHS student dahilan upang malamangan niya ang batikang player sa loob ng gabutil na isang segundo lamang. Sinimulan ng dalawang manlalaro sa Nimzo-Indian Defense (Nimzowitsch Variation) at kalauna’y nabutasan ni dating Municipal Meet player Barbosa ang depensa ni Kurt matapos ang castling sa kingside. Napaisip nang matagal ang G10 woodpusher sa kalagitnaan na naging malaking lamang niya sa kalaban
YUSHEN LOPEZ
pagkatapos, subalit ito rin ang naging advantage ni Dimabuyo na kunin ang oras at hablutin ang ginto. Pumasok din sa finals ang batch representative Blacklist in ur Area, pero pinatahimik sila ng Grade 11 squad Greek Myth sa kanilang mga agresibong galawan at higit 50% team participation, para mapasakamay ang kampeonato sa Risci E-ntrams Mobile Legends Finals, 3-1. Nangibabaw ang tamang paggamit ng posisyon at kamangha-manghang setups sa serye ng tank ng Batch 20 na si Johnrenn “Minari” Olorvida ng 11–Newton. Nagpakawala ng malupitang injectors at conceals si Olorvida sa Game 2 tangan ang 81% partisipasyon, husto upang makabawi sa kalaban. Sinelyuhan nila ang titulo sa Game 4 nang magpakitang gilas ang khufra ni Minari bitbit ang limang kills, no deaths, pitong assists at 86% partisipasyon. Sa kabila ng kanilang pagkabigo, nakaisa ang Batch 21 team BL in ur Area sa unang laro sa pamamagitan ng pagkuha ng objectives at 28-16 kill advantage, sa loob ng lagpas 17 minuto. Nakausad din sa huling round ang Grade 10 squad Lethargics, subalit binulaga sila ng mas batang FTM(Fortissimum) squad mula Grade 8 dala sa isang comeback.
Napatunayan ng Greek Myth na sila ang pinakabigating team sa Mobile Legends, matapos wasakin ang Blacklist in ur Area sa best-of-five series ng tournament, 3-1, sa RiSci E-ntrams, Pebrero 23. Nagsimula ang laban ng maganda dahil rin sa lamang ang GM sa laro, at uminit ito nang dumating ito sa dulo ng bawat laban sa buong serye. Ginamitan ng mala-UBE strat ang laro, hindi bumaba sa 50% ang chance na ‘di sila maghiwahiwalay sa mga teamfight sa buong laro. Pinangunahan ng Kufra ni Johnrenn (Minari) Olorvida ang laro na may five kills, no deaths at seven assists, mula sa mga malupitang set nito. Bagamat malakas na ang kalaban ng Blacklist in ur Area, nagawa naman nitong patagalin ang laban ng 14 minuto dahil sa Yi Sun Shin ni Rian Ashlee Delsocorro. Nagkampeon ang GM at kasama sa squad sina JC Cayanan, Germain Grande, Sean Munzon, Brian Auburn Lanot, at Rica Velasquez.
Dimabuyu, nakaligtas kay veteran Barbosa, sinilo ang kampeonato sa Chess NOAH ROA May milagro sa relo. Oras ang naging kakampi ni Kurt Dimabuyu ng 12-Lavoisier, matapos siyang isalba mula sa time forfeiture ni RiScian varsity at dating Municipal Meet bronze medalist Mark Joseph Barbosa, dahilan upang pagharian ang ginanap na Chess E-ntramurals noong, Pebrero 17. Binigyan lamang ng limang minuto ang dalawang magkatunggali sa kanilang chess clock na naubos ni Barbosa sa end game na nagresulta sa time forteiture. Matapos ang torneo, inuwi ni MJ ang pilak na medalya habang nakamit naman ni Andrei Simon Malbog mula 7-Unity ang tanso nang patalsikin niya ang batchmate niyang si Danica Dolor mula 7-Faith sa pamamagitan din ng time forfeiture.
E-NTRAMURALS CHAMPIONS SUMMARY
VALORANT GREEK MYTH Grade 11 Squad
CHESS
ALAGAD NI NJ Grade 10 Squad
MOBILE LEGENDS KURT DIMABUYU Grade 12