Ang Bakas

Page 1

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG

TOMO 1 I BILANG 1 I AGOSTO 2023-PEBRERO 2024

Natatakot ako sa aking pagbubuntis dahil parang hindi ko pa po kayang mag-asikaso ng anak, pero dahil nandito na po ito ay paninindigan ko na ang maging isang ina. Kahit na ako ay may anak at alam kong ako ay mahihirapan ay sisikapin ko pa rin pong makatapos ng aking pag-aaral kahit na dahil dito ay sobrang dami ko ng absent at madalas ay hindi ako makapasok dahil kailangan ko rin pong magtrabaho para sa aming pagkain. Ang ama naman po nito ay kaklase ko rin, sabi niya ay papakasalan naman daw po ako 'pag pwede na.

MENSAHE

Mag-aaral ng Baitang 8 na nabuntis sa edad na 14

Kaso ng Rape sa Mindoro, nanguna sa buong MIMAROPA

aalarma ang mga mamamayang Mindoreño

matapos manguna ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa may pinakamaraming kaso ng rape sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

Batay sa pinakahuling ulat ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA noong nakaraang taon 2023, umabot sa mahigit na 152 na kaso ang naitala sa lalawigan na dahilan ng pagiging numero uno nito sa rehiyon.

Sa pahayag ni Police Brigadier General Roger Laroza Quezada, Regional Director ng PRO MIMAROPA, “Ang patuloy na pag-usbong ng krimen na ito ay isang malaking hamon na dapat harapin at labanan ng buong rehiyon, lalo na sa nangungunang lalawigan ng Oriental Mindoro.”

Kaugnay nito, umakyat naman sa anim na kaso ng rape ang naitala sa bayan ng San Teodoro noong nakaraang taong 2023, mas mataas ng apat na kaso mula sa dalawang kaso noong 2022 ayon sa huling ulat ng San Teodoro Municipal Police Station (MPS).

Matatandaan din sa bayan na ito, ang huling insidente ng panggagahasa sa isang menor de edad na babae na hinalay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na siyang nagbigayalarma sa mga kababaihan lalo na ang mga mag-aaral.

“Nakakatakot po talaga ang mga ganitong pangyayari lalo na sa aming mga estudyante dahil minsan po ay hapon na rin kami nakakauwi at delikado po iyon sa panahon ngayon,” ani ng isang babaeng mag-aaral na nasa ika-pitong baitang ng San Teodoro National High School.

Matatandaan na ang gobyerno ay mayroong Republic Act 8353 o Anti-Rape Law na nagbabawal at nagpapataw sa anumang uri ng panghahalay ngunit kahit na may mga ganitong batas ay hindi pa rin mapigilan ang paggawa ng krimen na ito sa bansa.

Ayon kay San Teodoro Police Community Precinct 1 (PCP1) Kamille Gay V. Pascasio, “Kinokondena dapat lagi ng lokal na pamahalaan ang ganitong uri ng karahasan upang mapanagot ang mga may sala.

PAGBUBUNTIS: BANTA SA PAG-AARAL

Teodoro RHU, Paaralan nangangamba pa rin sa kaso ng TEENAGE PREGNANCY

ula sa pinakamataas na kaso na 69 noong 2020, bumaba na sa 36 ang naitalang karo ng teenage pregnancy sa bayan ng san Teodoro batay sa huling tala ng Commission on Population(POPCOM) nitong nakaraang Disyembre 2023.

Ayon pa sa mga datos ng naturang ahensiya, sa nakaraang limang taon, nakapagtala ng 38 kaso noong 2018, 59 na kaso noong 2019, 39 na kaso noong 2021 at parehong 36 na kaso naman noong 2022 at 2023.

Kaugnay nito, nakapagtala naman ng anim na kumpirmadong kaso ang san Teodoro National High school na siyang ikinababahala pa rin ng mga magulang at kaguruan.

“Sana ay hindi na madagdagan pa ang mga kaso ng maagang pagbubuntis kasi hindi lang sila ang mahihirapan ngunit pati na rin ang kanilang mga magulang”, ani Luningning Axalan, Guidance Counselor ng naturang paaralan.

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng naturang isyu, hindi pa rin mapigilang maalarma ng Department of Health (DOH) at ilang organisasyong pangkalusugan lalong lalo na sa mga katutubo.

“Though bumababa na ang mga cases, medyo. alarming pa rin lalo na para sa mga kapatid nating katutubo”,ani Mayvelyn Aldaba, Nurse 1, Coordinator of Adolescent Health at Population. Officer Designate of San Teodoro.

Tinatayang mahigit 20 mula sa 36 kabuuang kaso ng teenage pregnancy sa kasalukuyan ay mula sa mga Indigenous People (IP’s) sa San Teodoro.

“Siguro dahil na rin sa kanilang kultural na paniniwala at nakagawiang paraan ng pamumuhay. malaking factor ito kaya sila nagiging prone sa maagang pagbubuntis.” ani pa ni Aldaba.

Bilang tugon sa naturang isyu, taon taong nagsasagawa ng symposium awareness ang Department of Health (DOH) katuwang ang Rural Health Unit (RHU) at Local Government Unit (LGU) ukol sa family planning at population campaign sa bawat barangay.

Samantala, sa pangunguna rin ng DOH, matagumpay na nailunsad ang pagtuturok ng Human papilloma Vaccine (HPV) para sa mga babaeng edad nasa 9-14 sa bayan ng San Teodoro nitong nakaraan ding taon ng 2023.

Mula sa tinatayang humigit kumulang 30 kababaihan sa iba’t ibang barangay sa naturang bayan ang naturukan ng HPV. 15 dito ang mula sa San Teodoro Central School at 11 naman sa Tacligan Elementary School. Layon ng proyektong ito na sugpuin ang unti- unting pagtaas ng bilang ng mga babaeng tinatamaan ng cervical cancer sa buong bansa. Target umano nito ang mga kababaihang wala pang sexual attachment kaya nagsimula sila sa mga elementarya.

“Nagsasagawa po kami ng mga ganitong activities dahil naniniwala po kaming prevention. is better than cure, ani Justine Leonil soriano, Maternal and Child Coordinator at Field Health Information ng RHU San Teodoro.

Pinagpaplanuhan ng kinauukulan ang muling paglulunsad ng HPV bago matapos ang kasalukuyang taon.

child labor dahilan ng sardo BAHAGDAN NG PUMAPASOK na mag-aaral araw-araw umaabot lamang ng 87.3 K

aalinsabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Students At Risk Of Dropping Out (SARDO), umabot lamang ng 87.3% ang kabuuang bahagdan ng pumapasok na mag-aaral o average daily students attendance sa San Teodoro National High School (STNHS) nitong taong panuruan 20232024.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, isa sa mga itinuturing na pangunahing dahilan ng paglobo ng naturang kaso ay ang Child Labor o yaong nasa"peligroso" (hazardous) na trabaho para sa mga bata. Tinatayang 4.3% o 1.37 milyong bata,edad 5-17 taon ang nagtrabaho noong nakaraang taon,mas mataas kumpara sa 872,333 noong 2022. 69% naman ang kabuuang kaso nito sa bansa.

Batay naman sa sarbey na isinagawa sa naturang paaralan, tinatayang 67.3% ng mga batang nagtatrabaho ay mula regular students na nasa baitang 7-10, 29% mula sa mga Senior High School at 4.7% naman mula sa Science Technology and

Engineering (STE) students. Ang patuloy na paglobo ng naturang kaso ang syang ikinababahala ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education) at ng mga kaguruan sa iba't ibang panig ng bansa.

"Syempre nakakaalarma kasi medyo dumarami na ang bilang ng mga kabataang nasasangkot sa mga ganitong isyu.

SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL SANGAY NG ORIENTAL MINDORO REHIYON MIMAROPA
bakas
ang
N
Nelbert John R. Medina
84.10 % 13.33% 2.03 % 0.54% 0-19 20-39 40-59 60-95 EDAD NG MGA KARANIWANG BIKTIMA NG PANGGAGAHASA Ayon sa PRO MIMAROPA 2019-2023
sundan sa pahina 04
San
Nakakalungkot din kasi talagang naapektuhan nito ang kanilang pagaaral",ani Kimberly Dianne Macutong, guro sa STNHS. Bilang tugon sa naturang isyu,patuloy na isinasagawa ang Alternative Learning System sa bawat paaralan at inaasahang matutugunan nito ang naturang isyu. "Hindi naman ito maiiwasan lalo na sa estado nila sa buhay kaya inuunawa rin namin ang kanilang sitwasyon, mayroong ALS para matugunan ang isyu sa child labor na ilang beses lang silang pumapasok", dagdag pa ni Macutong
M
Rochelle P. Magboo
stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat.
SAKRIPISYO. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng pamilya ng mag-aaral mula sa baitang 9, sisinasama siya ang kaniyang ama sa pangingisda kahit sa sa araw na may pasok, dahil ito rin ang pinagkukunan niya ang pambaon araw-araw. Hindi maaalis sa batang-mag-aaral na mag-alala gayong sa dami ng kaniyang nailiban sa klase ay ganoon na rin karami ang mga nakabinbin niyang gawain upang makasabay pa sa kaniyang mga kamag-aral. Sa kabila nito, mariin pa ring kinokondena ng paaralan ang pagtatrabaho ng mga mag-aaral dahil sa karaniwang ito ang dahilan kung bakit napipilitang huminto ang mag-aaral sa pag-aaral dahil nakatikim nang kumita ng pera. MAY KALALIMANG BALITA MAY KALALIMANG BALITA Larawang kuha ni Zschun Evangelista
Rochelle P. Magboo
Magmulat. Manindigan

ang bakas

Ika-31 ng Enero taong

kasalukuyan, ipinaalam ng CNN Philippines ang kanilang pagsasara dahil sa malubhang kawalan sa pinansiyal na nakaaapekto sa halos 300 kawani ng nasabing network. Nagbukas ng masusing pagsusuri sa kalagayan ng industriya ng pamamahayag sa Pilipinas ang pangyayaring ito, kasabay ng iba pang mga kaganapan tulad ng pagpapasara sa mga ahensya ng ABS-CBN, SMNI, at Rappler. Nagdulot ng agam-agam hinggil sa kalagayan at kalayaan ng pamamahayag sa bansa ang kamakailang isyu ng mga pagsasara ng midya sa Pilipinas. Binibigyang-diin

ang malalim na pag-unawa sa mga isyu tulad ng pinansiyal na krisis na kinaharap ng network at ang implikasyon nito sa iba pang mga tanggapan ng midya tulad ng ABS-CBN, SMNI, at Rappler. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kaganapan at pagbabahagi ng impormasyon, layon ng analisis na ito na magkaroon ng masusing pagsusuri sa kalagayan ng pamamahayag sa bansa at ang mga hamon na kinahaharap nito.

Hindi direktang konektado ang pagsasara ng ABS-CBN at SMNI sa pagsasara ng CNN Philippines dahil may mga kaniya-kaniyang silang dahilan at konteksto. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng mga pagkakatulad sa implikasyon, gaya ng mas mababang access sa balita at impormasyon para sa mamamayan, pati na rin ang epekto nito sa kalayaan

pektado ang allowance ng mga mag-aaral sa buong Pilipinas matapos lumobo ng 6.0% ang inflation rate batay sa huling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong nakaraang Disyembre 2023.

Ayon pa sa PSA, noong buong taon ng 2023 ay bumaba sa 3.9 percent mula

inflation rate ng Pilipinas na naging 3.22

ngayong taon ngunit hindi pa rin maramdaman ng mga estudyante ang pagbabagong ito.

Samantala, hindi rin naiwasan ng mga mag-aaral ng San Teodoro National High School (STNHS) na umalma patungkol sa naturang isyu.

"Sobrang laking impact po lalo na sa gaya kong estudyante,siguro kailangan na maging mas masinop, matipid, at higit sa lahat, maging wais sa kung ano ang kailangang pagkakagastusan sa pang araw araw. " ani Christian Delumpa, mag-aaral ng STNHS.

Ayon sa sarbey na isinagawa noong nakaraang Pebrero 3, 2024 sa paaralan ng San Teodoro National High School, 40% sa mga mag-aaral ang lubhang naapektuhan sa naturang isyu na naging dahilan ng pagbawas ng kanilang allowance.

Kaugnay pa nito, naging mahirap din para sa mga magulang ang pagharap ng naturang isyu at ang pagkakaroon ng budget shortage.

"Ang hirap po kasi ang dating 500 pesos na marami nang nabibili ay kulang na sa pang-araw-araw na pagkain lalo na sa pambaon ng aking mga anak," ani ng isang magulang ng isang mag-aaral. Bilang tugon sa naturang isyu, pinahayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos sa isang social media posting na pagsusumikapang palakasin pa ang ekonomiya ng bansa lalo na sa aspeto ng agrikultura.

“Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para mapaganda ang kalagayan ng ating ekonomiya. Para sa bagong taon, lalo na nating palalakasin ang mga programa para sa agrikultura, at tinutukan ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin."

PAMPAARALAN

Libreng konsulta at salamin handog sa miyembro ng 4P's

Paul Justin B. Apolinar | Lindzel Allianah D. Ramento

atuwang ang isang pribadong ahensya at Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P's, nagsagawa ng libreng konsulta sa mata at pagpapasalamin sa mga mag-aaral na miyembro ng 4P's sa San Teodoro National High School, Enero 6. Kabilang sa ilan pang programa at proyekto ng gobyerno ng Pilipinas at Kagawaran ng Edukasyon, ninanais din ng ahensya ng 4P's na makapagbigay tulong sa mga mag-aaral na may malabong paningin at nangangailangan ng salamin. Sa tulong ng mga doktor mula sa pribadong sektor, anim na mag-aaral ang nabigyan ng libreng salamin at ilang kaguruan naman ang sumailalim sa libreng konsulta sa mata.

"Nagpapasalamat ako sa naging proyektong ito dahil bilang isang mag-aaral na may malabong mata, hindi ko na kailangan pang gamitin ang pinaglumaan kong salamin. Dahil mataas ang grado ko at medyo may kamahalan, natutuwa akong nakapagpa-eye check-up ako sa libreng halaga", saad ni Mark Arthur Gutierrez, isang mag-aaral na benepisyaryo ng programa.

Ang naging hakbang na ito ay naglalayong makatulong sa mga mag-aaral na miyembro ng ahensya ng 4P'S na magkaroon ng solusyon sa suliranin sa malabong paningin. Ito rin ay binigyanglinaw ng DepEd at ng gobyerno upang itaas ang kamalayan ng publiko sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral lalo na ng may mga malabong paningin.

sa pamamahayag at sa pagkakaroon ng iba’t ibang pananaw sa lipunan. Maaaring magdulot ng mas mababang antas at kalidad ng impormasyon na naipaparating sa publiko tungkol sa pagwawakas ng mga news platforms.

Ayon sa ulat, ang malubhang kawalan ng pinansiyal ang dahilan ng desisyong itigil ang operasyon ng CNN Philippines, na nagbunsod ng krisis sa organisasyon. Hindi lamang nakaaapekto sa kabuhayan ng mga 300 kawani ang pagsasara, kundi nagbibigay din ng tanong hinggil sa mas malalim na mga hamon na kinakaharap ng mga midya alinsabay sa umuunlad na digital na kapaligiran.

Magbibigay-liwanag sa mga salik na nagdala sa kritikal na desisyon na ito ang pagsusuri sa pinansiyal na aspeto at mga dynamics ng industriya.

Samantala, nilabanan ng

ABS-CBN ang mga paratang ng ilegal na operasyon ng cable channel at ang paggamit ng “corporate veil” para payagan ang dayuhang mamumuhunan. Nagtakda ng pagbabago na nagresulta sa paghinto ng TV at radyo ang pagwawakas ng kanilang prangkisa noong Mayo 2020. Nagpapakita ng kumplikadong kalagayan ang pag-ugma ng mga isyu sa batas at korporasyon sa operasyon ng midya kung saan nila kinaharap ang kanilang mga gawain.

Sa kabilang banda, pinagbabawal na sa mga YouTube channel ang SMNI at Laban Kasama ang Bayan dahil sa alegasyon ng malupit na bias at red-tagging na nagdagdag ng komplikasyon sa lumalabas na krisis ng midya. Nagbibigay ng alalahanin hinggil sa kalayaan ng

pagsasalita sa larangan ng midya ang paglahok ng mga digital na plataporma laban sa pangaabuso sa midya.

Kilala ang Rappler sa kanilang kritikal na posisyon na naghanda para sa kanilang sariling pagsasara matapos na sila’y utusan ng pamahalaan. Naging matindi ang kanilang pagsubok dahil sa mga akusasyon ng paglabag sa batas na nagbabawal sa dayuhang pagaari, tax evasion, at cyberlibel. Nangyari ang naturang pagsasara habang ang dating Pangulong Duterte ay paalis na sa kanyang pwesto, kung saan ay patuloy na nagbibigay dimensiyon sa kumplikadong kalagayan sa midya.

Nagdudulot ng kritikal na yugto para sa mga pahayagan ng Pilipinas ang sabayang pagsasara ng CNN Philippines,

ABS-CBN, SMNI, at Rappler dahil ang mga ito ay nagpapakita ng pangangailangan at masusing pagsusuri sa mga hamon na kinakaharap ng mga midya sa bansa. Habang ang industriya ay may kasalukuyang problema pagdating sa pinansiyal, legal na laban, at mga akusasyon, ang kolektibong epekto nito sa kalayaan ng pamamahayag at ang takbo ng pamamahayag sa Pilipinas ay nananatiling hindi sigurado.

Tiyak na mag-uugma ang mga susunod na buwan sa hinaharap ng midya, na naglalagay sa mga stakeholders sa posisyon na magmasid sa mahalagang papel ng malaya at matibay na pamamahayag sa isang demokratikong lipunan.

Lubos akong nababahala sa ganitong sitwasyon, dati 20 pesos lang ang pabaon sa akin, ngayon 50 pesos na kulang pa. Sobrang mahal na ng mga bilihin sa kantina ng paaralan, dati nakabibili pa ng 5 piso na sinulbot ngayon sampung piso at hindi na ganoon kalakihan, kulang pa upang mabusog.

Jency Angelo A. Apostol Protocol Officer, SSLG Mag-aaral ng Baitang 12, STEM

WALANG PRENO. Patuloy lang ang pagsusulputang presyo ng mga bilihin kung kaya't unti- unti nang nawawalan ng halaga ang bawat barya sa panahon ngayon.

Larawang kuha ni Zschun Evangelista

Sa pagrepaso ng DSWD sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), 269 ng mga mag-aaral ng San Teodoro National High School mula sa 859 na kasapi Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa bayan ng San Teodoro ang ibinalik matapos tanggalin noong Agosto 2023.

Umakyat sa 6.0% ang Inflation rate sa buong bansa ayon sa huling ulat nitong nakaraang taon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagresulta ng malawakang epekto sa mga gastusin o baon ng mga mag-aaral.

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa isang social media posting na, “Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para mapaganda ang kalagayan ng ating ekonomiya. Para sa bagong taon, lalo na nating palalakasin ang mga programa para sa agrikultura, at tinutukan ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.”

Ayon sa PSA, noong buong taon ng 2023 ay bumaba sa 3.9 percent mula sa 4.1 percent ang inflation rate ng Pilipinas na naging 3.22 percent ngayong taon ngunit hindi pa rin maramdaman ng mga estudyante ang pagbabagong ito. Ayon sa sarbey na isinagawa noong nakaraang Pebrero 3, 2024 sa paaralan ng San Teodoro National High School, 40% sa mga mag-aaral ang lubhang naapektuhan sa naturang isyu na naging dahilan ng pagbawas ng kanilang allowance.

Saad pa ng isang magaaral mula sa San Teodoro National High School na nakararanas ng matinding epekto ng inflation rate, “Kailangan na maging masinop, matipid, at higit sa lahat, maging wais sa kung ano ang kailangang pagkakagastusan sa pang araw araw dahil sa pagtaas ng Inflation rate.”

Samantala, naging mahirap din para sa mga magulang ang pagharap ng naturang isyu at ang pagkakaroon ng budget shortage. “Ang hirap po kasi ang dating 500 pesos na marami nang nabibili ay kulang na sa pang-araw-araw na pagkain lalo na sa pambaon ng aking mga anak,” isang reaksyon na kumakatawan sa hinaing ng maraming magulang na naapektuhan ng pagtaas ng inflation rate.

Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pagtaas ng key policy interest rate ay isang hakbang na maaaring makatulong sa pagkontrol ng inflation sa hinaharap. Ito ay makapipigil sa pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na maaaring magbigay ginhawa sa mga mamamayan partikular sa mga mag-aaral na nahihirapan sa kasalukuyang sitwasyon.

'Boyet' R. Py, punong-bayan ng San Teodoro ng tahanan na maaaring tuluyan ng mga mamamayan niyang kapos at nangangailangan.

Larawang kuha ni Zschun Evangelista

Sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng San Teodoro, planong itatag ang isang crocodile farm na magbubukas ng mga oportunidad para sa lokal na ekonomiya at industriya ng turismo ang pagtatayo ng crocodile farm ay inaasahang magbubukas ng mga trabaho para sa mga lokal na mamayan at magbibigay ng karagdagang serbisyo sa turismo. Bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad, naglaan ang lokal na pamahalaan ng San Teodoro ng mga pabahay para sa 33 pamilyang naninirahan sa Sitio Calabugao. Ang proyektong ito ay bahagi ng pangakong magkaroon ng mas maayos at ligtas na pamumuhay para sa mga mamamayan ng naturang sitio. Isa rin itong hakbang upang maisakatuparan ang pinaplanong pagtatayo ng tourist spot sa lugar. Limang hektarya ng lupa ang inilaan ng naturang Munisipalidad para sa relocation ng informal settlers sa Calabugao. Noong nakaraang dalawang taon ay matagumpay nang nakalipat

ang unang bulto sa pabahay na may 14 na pamilya, kabilang ang walong mag-aaral ng STNHS sa tulong ni Governor Humerlito Bonz Dolor na kaagapay ng munisipalidad sa pagsasakatuparan sa isinagawang paglipat.

Noong Enero 29, 2024, opisyal nang sinimulan ang pagsasagawa ng pangalawang yugto ng pabahay na may kabuuang 19 na pamilya at apat na mag-aaral ng STNHS ang kabilang dito. May tinatayang humigit kumulang na isang daang libong piso ang nakalaang badyet sa bawat yunit, ito ay may sukat na 80 square meters kada lote at 4 by 5 meters kada bahay, pareho sa sukat na mayroon ang unang pabahay, na may pareho ring disenyo at proseso ng paggawa.

“Malaking kaibahan doon dahil hindi nalubog sa baha, di gaya dito na talagang lubog at saka isa pa matatawag mo na sariling iyo ibang-iba kumpara dito na sinasabi

LOKAL

Ordinansa

Johnsen

L.
Paderagao
sa
ng
ikinasa sa
No Segregation, No Collection, iyan ang polisiyang isinasabuhay ngayon sa bayan ng San Teodoro sa inilabas noon ni Allan A. Arguelles, Kalihim ng Sangguniang Bayan ng San Teodoro, na Ordinansang Pangmunisipalidad No. 04-2019 para maiwasan ang iresponsableng pagtatapon ng basura sa bawat barangay. Nakasaad sa naturang ordinansa ang mga listahan ng iba’t ibang basura at kung saan ito nararapat na itapon lalo’t higit na hindi dapat ito iniiwan na nakatiwangwang. Ang pinakamalalang parusa sa mga hindi susunod dito ay pagmumultahin ng P1000 at hindi bababa sa 15 na araw na community service. Kaalinsabay nito, pinalakas ulit ang pagtatatag ng Municipal Ordinance 01-2018 na sinulat noon ng dating Konsehal ng bayan na si G. Hector T. Arenillo na tungkol sa pagbabawal ng paggamit ng plastic bags bilang lalagyanan ng mga binili sa tindahan. Kabilang dito ang pagbabawal ng pagtitinda at pagbili ng anumang uri ng plastic bags sa bawat barangay. Ang anumang tindahan na hindi susunod sa ikatlong opensa ay inaasahan na kakanselahin ang business permit at magmumulta ng P2500 piso. Ang indibidwal naman na lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P500 at pagkakulong ng isang buwan kapag napatunayan sa korte.
ng midya sa Pilipinas; CNN PHILIPPINES nag-abisa ng PAGSASARA Dianne Mae V. Aclan 269 Mag-aaral balik miyembro ng 4P's, suporta sa pag-aaraL, balik na rin 33 pamilyang INFORMAL SETTLERS, benepisyaryo ng pabahay ng LGU Glayzel C. Magnase PAGSUSURING NG BALITANG PAMBANSA YUGTO NG BUHAY Pinapakinabangan na ang ilan sa ipinatayong bahay sa Brgy. Lumangbayan, Sitio Agbiray ng higit 30 pamilya na apektado ng relokasyon upang maisagawa ang nasabing pagkakaroon ng Crocodile Farm. Larawang kuha ni Zschun Evangelista PAMBANSA
tamang pagtatapon
Basura,
San Teodoro
Kritikal na kalagayan
LOKAL PANDAIGDIG MAY MALASAKIT Walang pagdadalwang isip at buong pusong hinandugan ni Hon. Salvador
Gee Russel F. Garcia
abingdalawa sa mga mag-aaral ng San Teodoro National High School ang kabilang sa 33 pamilyang benepisyaryo ng pabahay na magsisilbing tugon para sa paglipat ng mga nakatira sa Sitio Calabugao tungo sa sitio Agbiray. Ito ay upang maisakatuparan ang pinaplanong paglalagay ng tourist spot ng lokal na pamahalaan, tampok ang pag-aalaga ng buwaya na sa kasalukuyan ay itinatayo na ang magiging imprastraktura. Jan Leenard Patulan PANDAIGDIG Seguridad sa West PH Sea, mas pinaigting Ginanap ang kasunduan ng Pilipinas at Vietnam na pinirmahan nina President Ferdinand Marcos Jr. at President Vo Vhan Thoung ukol sa mas pinaigting na seguridad sa South China Sea at pagpapalawak ng mga coast guard na isinagawa sa Hanoi,Vietnam, Enero 30 Matatandaan noong 2012, tumindi ang hidwaan sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa pagangkin sa teritoryo at mga karapatan sa West Philippine Sea. Sa kabila ng mga internasyunal na desisyon ng pagpili na pumapabor sa Pilipinas, patuloy na tumaas ang tensyon sa bansa at ang mga kagila-gilalas na aksyon ng China, kabilang na rito ang pagtatayo ng mga artipisyal na isla at instolasyong pang militar. Bilang aksyon sa nasabing isyu, sumangayon na palakasin ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig bilang aksyon sa nasabing isyu, gayundin ay pinirmahan ang isang kasunduan para sa Vietnam na magbigay sa Pilipinas ng 1.5 milyon hanggang 2 milyong metrikong tonelada ng bigas bawat taon sa abotkayang presyo. Naitala ni Vietnamese Minister of Industry and Trade Nguyen Hong Dien na ang bigas mula sa Vietnam ang bumubuo ng 85% imported rice sa Pilipinas.
L
K
PAMPAARALAN Inflation sumipa sa 6.0% baon ng mag-aaral, apektado na A
Alyza Clel Villanueva | Dairies C. Carpacio
sa 4.1 percent
ang
percent
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 02 “

Johnsen L. Paderagao

Hinirang si Glen Israel M. Gauran, mula sa ikalabindalawang baitang bilang pangalawa sa pinakamagaling sa pagsulat ng malayang tula sa buong Pilipinas. Ito ay kanyang nakuha sa kompetisyon na inorganisa ng Bureau of Curriculum Development kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, batay sa inilabas na Memorandum

DM-DUCT-2023-354 na mula kay Alma Ruby C. Torio, Kawaksing Kalihim ng Kurikulum at Pagtuturo, Oktubre 18.

Pinatunayan muli ng mga mag-aaral ng San Teodoro National High School na kapag “TATAK TEODOREAN, TATAK KAMPEON” matapos umani ng karangalan sa iba’t ibang patimpalak sa pangdibisyon, rehiyon at nasyonal.

Nagkamit ng ikasiyam na pwesto si Lindzel Allianah D. Ramento sa isang Civil Service Exam-National Math Challenge na inorganisa ng Philippine Eligibility for Mathematics sa buong bansa. Dagdag pa rito, nakatanggap naman ng Merit Award sina Fiona Kate Y. Pentinio at Lorraine P. Magboo matapos makakuha ng pasadong marka sa parehong kompetisyon.

Sa larangan naman ng inobasyon, itinanghal bilang pambato ng buong Oriental Mindoro sa naganap na Regional Science and Technology Fair ang research project ni Rosalinda O. Cusi na isang STEM student, matapos manalo sa buong probinsya sa Science Innovation Expo (SIE) Individual Category. Kasabay nito, nakuha naman ng mga STEM student din na sina Johnsen L. Paderagao, Jairus H. Bata at Rylla L. Espino sa SIE Group Category, at Jency Angelo A. Apostol sa Physical Science Individual Category ang pangalawang pwesto.

Nagpakitang gilas din ang mga estudyante ng Technical Vocational Livelihood (TVL) ng San Teodoro National High School sa larangan ng pagluluto. Ito ay matapos nilang makuha ang parangal na Best in Banana Product sa ginanap na Lutong Mindoreño: Food Innovation Festival bilang bahagi sa selebrasyon ng Mahaltana Festival 2024. Dahil dito, nakamit nila ang ikaapat na pwesto sa patimpalak sa buong Oriental Mindoro.

Hindi naman nagpatalo ang Teodoreans na sina Jairus H. Bata at Cinderella Ruby A. Almirol matapos maiuwi ang una at ikalawang pwesto sa ginanap na District Information and Technology Communication (ICT) Quiz Bee. Umabante si Bata sa dibisyonal na patimpalak at nakamit ang ikatlong pwesto.

“Mas pagbubutihin pa ng paaralan ang pagtuturo sa mga estudyante upang makita namin ulit na manalo sila sa mga nasyonal na kompetisyon”, ani Dr. Victorino B. Agellon sa paniniguro ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

Tala Youth Festival, pinalakas ang kabataan bagong talaang obispo cuevas, nanguna

Justo I Mary Vernadeane Q. Rance

LUNGSOD CALAPAN—Sa pangunguna ni Bishop Moises M. Cuevas, D.D, ang bagong talagang Obispo ng Apostoliko Bikaryato, matagumpay na inilunsad ng Commision on Youth ang Tala Youth na nilahukan ng humigit kumulang 2,000 na mga kabataan mula sa iba’t ibang bayan sa Oriental Mindoro, Enero 6. Kabilang dito, labindalawa sa mga mag-aaral ng San Teodoro National High School ang dumalo at nakiisa sa nasabing programa para sa kanilang mga makabagong sibol ng Hapag.

“Bilang Kabataan ng Hapag, mahalaga sa’kin na maging bahagi ng Youth Festival sapagkat ito ang paraan upang mahubog ang aking kalooban sa Diyos, maraming makikilalang kabataan, at maipahahayag mo ang iyong sarili. Sa mga nagdaang Youth Festival formation, natutunan ko na mahalaga si Lord sa aking buhay, kaya naman ibinabalik ko ang mga biyayang ibinigay Niya sa’kin, sa pamilya ko, sa paraan ng paglilingkod ko sa Kaniya. Kaya super happy heart talaga ang pag-join sa Youth Festival,” ani ni Haneah Julyn Limbo, isang mag-aaral mula sa baitang 9-STE Chelonia mydas.

Alinsunod dito, ang paaralan ay bumuo ng isang choir na pinangungunahan ni G. Joe Elen na umaawit at tumutugtog tuwing nagdiriwang ng dalawang misa kada buwan ang Kura Paroko ng Imacculate Conception Parish-San Teodoro na si Rev. Fr. Romeo J. Villavicencio sa paaralan at naatasan na maging sponsor ng misa sa simbahan.

Ayon kay Rev. Fr. Villavicencio, “Bilang mga Katolikong mag-aaral, ang buwanang pagdadaos ng misa ay napakahalaga dahil ito ay konkretong pagtanggap kay Hesus sa pamamagitan ng sakramento. Katulad ng ibang relasyon, ang pakikipag - uganyan sa Diyos ay mapalalalim sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon, atensyon, at presensya. Kaya naman ang dalawang beses na misa kada buwan sa STNHS ay napakahalaga upang mapalalim pa ang presensya ng Panginoon sa bawat magaaral kahit pa ito’y isang pampublikong paraalan.” Samantala, ang layunin ng naturang programa ay palakasin ang pwersa ng mga makabagong sibol na kabataan upang mas mapalago at mahubog ang kanilang espiritwal na buhay bilang mga Kabataang Katoliko.

Hinggil dito, naglalayon din ang Tala Youth Festival na maihanda ang mga kabataan ng kasalukuyan tungo sa hinaharap nang sa gayon ay maitaguyod ang ebanghelisasyon o pagpapahayag ng mga Salita ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng digital space o iba’t ibang social media platforms.

Isinaad din ng programang ito ang patungkol sa kahalagahan ng isang kabataan sa kanilang parokya o komunidad na naglalayon upang matuklasan nila ang kahulugan ng kanilang pag-iral sa mundo at malaman ang dapat nilang tahaking bokasyon sa hinaharap.

“It is not an accident that you are here. You are chosen by the Lord,”

Pagtaas ng Lebel ng FRUSTRATION SA PAGBASA, Ikinaaalarma ng mga guro at administrasyon

PAMPAARALAN Nabahala ang Departamento ng Edukasyon matapos maging ika-sampu sa may pinakamababang reading comprehension ang Pilipinas mula sa 81 na bansa, batay sa inilabas na resulta sa isinagawang ebalwasyon ng Program for International Student Assessment (PISA) noong taon 2022.

“The PISA results may bear uncomfortable truth. It has shown that a significant majority of our boys and girls fall below the proficiency level required for full participation in society and contributing to nation-building,” ani ng nangangambang Bise Presidente at Kalihim ng DepEd na si Sara Duterte.

Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng San Teodoro, bumaba ng 0.13% ang frustration level ng mga mag-aaral mula sa dating 9.33% sa panuruang 20232024. Ngunit, nanatili pa ring 9.2% ang lebel ng frustration sa bawat mag-aaral ngayong taon na ikinababahala ng mga guro sa paaralan.

Kaya naman inilunsad ng naturang paaralan ang iba’t ibang programa upang paunlarin ang

Ipagpapatuloy

sa abot ng aking makakaya. Jemuel De Leon Pangulo, Pederasyon ng SK- San Teodoro

kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.

Isa na dito ang Project GABAY-ARAL na naglalayong tutukan at bigyang pansin ang mga mag-aaral na nasa baitang pito at walo na may mababang lebel ng komprehensyon sa pagbabasa. Kaakibat din nito ang Project SAMAKABASA o Samasamang Kaagapay Sa Pagbasa at English Festival na binuo ng iba’t ibang patimpalak at aktibidades upang mahikayat ang mga magaaral na matuto sa pagbabasa ng Filipino at Ingles.

Ayon kay Meynard Gutierrez, isang guro sa Filipino at koordineytor ng Departamento ng Senior High School, “Ang lebel ng pagbasa sa kasalukuyang panahon ay mababa ito ay dahil sakakulangan sa kamalayan ng mga mag-aaral kung gaano

kahalaga ang pagbasa, kaya’t mapalad ang mga mag-aaral sapagkat ang mga guro ay gumagawa ng kaparaanan sa kabila ng kaabalahan sa trabaho upang malinang ang kasanayang ito. Ika nga “Today a reader, tomorrow a leader.”

Kamakailan din lang, sa bisa ng Department Memorandum Order 041, sinimulan ang programang Catch-Up Fridays nitong ika-12 ng Enero na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon sa buong Pilipinas na kung saan ilalaan ng paaralan ang araw ng Biyernes bilang araw ng pagbabasa para hasain ang komprehensyon ng mga mag-aaral.

“Ito ang strategy natin sa paghahabol sa part ng ating Learning Recovery Program dahil

nakitang ginagawa naman natin ang lahat noon pero hindi pa rin nag-iimprove ang performance ng learners, partikular sa International Assessments,” ani ng Bise Presidente at Kalihim ng DepEd na si Gng. Sara Duterte.

Samantala, ani naman ng isang mag-aaral na nasa ika-12 baitang na si Glen Israel M. Gauran, “Maganda rin na nagkaroon ng ganitong mga programa dahil kahit pa sabihin na tayo ay high school na, ang lahat naman ng nakatungtong sa high school ay kayang magbasa pero hindi lahat ay may reading comprehension na tinatawag at iyon ang kailangang mahasa pagdating sa secondary o high school.”

7 sa 8 bagong halal na SK Chairperson: Dating mag-aaral ng STNHS, nagsisabak sa politika

Pitong bagong halal na Sangguniang Kabataan Chairperson mula sa walong barangay ng San Teodoro ay mga dating magaaral ng San Teodoro National High School. Napagtagumpayan nila ang unang sabak sa politika sa katatapos lamang na eleksyon 2023.

Kamakailan lamang ay naupo ang mga bagong naitalagang SK Officials ng bayan ng San Teodoro. Dito ay umani ng papuri ang pampublikong paaralan ng San Teodoro sapagkat ang pito sa walong naitalaga ay nakapagtapos sa nasabing paaralan. Binigyang hanga rin ang mga guro ng STNHS sapagkat isa sila sa naghubog ng isipan at kakayahan ng mga kabataang lider ngayon.

Samantala, nahalal si Jemuel De Leon, SK Chairperson ng Poblacion bilang Pangulo ng pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan at uupong ex-officio member ng sangguniang bayan ng San Teodoro at kinatawan ng mga kabataang Teodorean.

YOUTH

Sa kanyang mensahe ng pagkapanalo, binanggit ni De Leon ang ilan sa kanyang mga plataporma at plano tulad ng educational program, social inclusion, equity and active citizenship, global mobility, health programs and governance.

Sa kabilang banda, agad na nakapaglunsad si SK EJ Bae ng Barangay Lumangbayan ng isang proyekto para sa mga mag-aaral, ito ay ang pagbibigay ng Libreng College Reviewer na naglalayong tulungan ang mga magtatapos na mag-aaral upang makapagaral sa mga unibersidad at kolehiyong pang-estado.

Ayon sa sarbey, 87% ng mag-aaral ng STNHS ang naniniwala na magiging maganda ang pamamalakad ng mga nakaupong lider. Malaki ang kumpyansa ng mga kabataan na ito ang magiging simula upang mas maging aktibo ang mga kabataan.

“Naging malaking parte ang pagiging lider estudyante ko bilang maging ganap na mabuting lider ng kabataan ngayon kasi doon ako nagsimula

sa pamamagitan ng paggabay ng aking mga guro. Naging malaking tulong talaga iyon mga nakapaligid sakin lalo’t higit nandoon yong team work mula sa kaguruan at sa mga kapwa ko mag-aaral” ayon sa isa sa mga hinahangaang lider ng kabataan na si Ma. Rhoda Xahara Puras na kasalukuyang Sk Chairman ng Barangay Calsapa.

“Kung may pagkakataon kayo upang mamuno huwag ninyo sayangin ito,” saad naman ni Gng. Luningning R. Axalan na isang batikang guro sa paaralan.

Sa layong mas paigtingin pa ang pwersa ng kabataan, iba’t ibang programang pang-kabataan ang nilunsad sa Oriental Mindoro na aktibong nilahukan ng mga boluntaryong kabataan.

Pagpasok pa lamang ng taong 2024 ay nagpamalas na ng matibay na suporta sa pagsusulong ng Youth Empowerment sa lalawigan ng Oriental Mindoro sa pamamagitan paglulunsad ng Mindoro Convergence 2024 at Project Yey:Youthled Program.

Nito lamang ika-27 at ika-28 ng Enero ay isinagawa ang Project Yey na nilahukan ng STNHS Youth for Environment and School Organization (Yes-O) kasama ang SSLG , GSP at iba’t ibang organisasyon ng San Teodoro at Baco na ginanap sa D’ Captains Cabin Private Resort sa Tacligan, kung saan nagkaroon ng mga aktibidad na naglalayong palakasin ang liderato ng kabataan at makamit ang pagbabago sa komunidad.

“Marami ang dumalo sa naturang programa, lahat sila ay may sari-sariling adbokasyon at organisasyon na iniuulat kung saan dito mo matututunan na mayroon pang maaring gawin para sa kalikasan at sa kapwa kabataan” ani Ma. Rechelle

Caidoy, isang guro sa San Teodoro National High School na lumahok sa naturang programa.

Bukod dito, nitong ika-24 hanggang ika-28 ng Enero naman ay ginanap ang Mindoro Convergence (MinCon) 2024 na may temang “��Synergy in Diversity: Uniting Mind and Empowering Futures Ang programang ito ay nilahukan ng mahigit 100 na pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) mula sa iba't ibang paaralan sa buong Mindoro.

“Masaya po ako sapagkat isa po ako sa mga kabataang nabigyan ng opportunity upang magkaroon leadership training .Natutunan ko rin po ang kahalagahan ng pagiging isang kabataang pinuno ay ang pakikisalamuha sa mga kapwa pinuno, at pagiging isang epektibong leader.” ani Glen Israel Gauran, SSLG President na dumalo sa naturang programa.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga magulang at kaguruan ang pag-usbong ng mga programang pang-kabataan at umaasang magpapatuloy ito sa mga susunod pang panahon. Inaasahan nila na ito ay magbubunga nang higit na pagunlad ng sektor ng kabataan.

NG PAGBUBUKLOD Buong galak na nagkaisda ang mga lider- kabataan sa inihandang gawain

balita OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1
Ayrand Ivonne R. Raña Alfie
Most
banal
misa noong
saad ni
Rev. Moises Cuevas, D.D, sa kaniyang homiliya sa pagdiriwang ng
na
Youth Festival.
Wenzly D. Florida I Princess Jane A. Acbang
natin ipatupad ang mga programa at proyektong higit na magbubuklod at magpapaunlad sa kabataan ng Bayan ng San Teodoro. Ipinapangako kong magiging kinatawan ng kabataan
Mayor Salvador R. Py ng San Teodoro at Kevin Lloyd G. Cruzat, dating Pangulo ng pederasyon sa kanilang larawan pagkatapo ng Eleksyon, LOKAL AKTIBO, GANADO, YEY ITODO Pinangunahan ng YouthLed Philippines ang pagkakaisa ng mga liderkabataan na may layong mapatatag ang boses ng bawat kabataan tungo sa mas maliwanag na bukas– Enero 27 larawang mula sa ADHIKA PH LOKAL
TINDIG PARA SA KABATAAN. Sina Kgg. Jemuel De Leon, Bagong pangulo ng Pederasyon,
PAMPAARALAN PANLALAWIGAN
SIMULA
ng YouthLed Philippines na syang magbubuklod sa bawat isa–Enero 27 larawang mula sa ADHIKA PH 87% naniniwala
EMPOWERMENT mas pinaigting; KABATAANG MINDOREÑO, naging aktibo
Teodorean, umani ng parangal, gauran, pumangalawa sa buong pilipinas
03 stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat. Magmulat. Manindigan
Larawang kuha ni Zschun Evangelista

ang bakas

WORLD WIDE SCOUTING, SUPORTADO NG DEPED

Kauna-unahang BSP-GSP CAMP, isinakatuparan

Eugene E. Epil I Rochelle P. Magboo

Sinusuportahan ng Department of Education (DepEd) ang patuloy na pagpapalawig ng Boy Scout of the Philippines (BSP) at Girl Scout of the Philippines (GSP) kabilang ang iba't ibang panig ng buong mundo batay sa DepEd Order no. 76, s.2012.

Ayon sa World Organization of the Scout Movement (WOSM), 216 bansa ang nagsusulong ng pagpapalago ng scouting at tinatayang mahigit 38 milyon na ang miyembro nito sa kasalukuyan.

Layunin ng programang ito na mas palakasin ang pwersa ng mga kabataang Pilipino upang maging responsable at matatag na mamamayan at mas paigtingin pa ang mga values tulad ng pagiging matapat, mapagpakumbaba, at mapagmahal sa kapwa.

PAMPAARALAN

Kaugnay nito, nagkaroon ng School Based Camp ang San Teodoro National High School noong November 25-26, 2023, bilang pagtugon sa Council Office Memorandum No. 019 s. 2023, na may temang "Youth Engagement: Sustaining Relevance and Strengthening Resilience" na nilahukan ng humigit na dalawang daang kabataan sa pinagsamang bilang ng BSP at GSP.

Nagkaroon ng iba't ibang aktibidad tulad ng pagluluto, pagbibigay ng paunang lunas, at iba pang gawain upang mapalawak ang kaalaman sa mga pangunahing pangangailangan na makatutulong upang mahubog ang kakayahang pakikip at abilidad ng mga miyembro sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Bukod dito, nagsagawa rin ng

PAMBANSA

BAGONG DISENYO ng PE uniform, nagpataas ng INTERES SA PAG-AARAL

Johnsen L. Paderagao

Nabalot ng kulay berde at pula ang buong San Teodoro National High School matapos mailunsad ang pinakabagong disenyo ng PE uniform bilang alternatibong uniporme tuwing Miyerkules at Biyernes sa taong panuruan 2023-2024.

Sa layunin paigtingin ang seguridad at maiwasan ang pagpasok ng mga hindi awtorisadong tao sa loob ng paaralan, napagkasunduan ng STNHS-Parent Teacher Association (PTA) kasama ang mga kaguruan sa pamumuno ni Dr. Victorino B. Agellon, Punogguro III, ang paglulunsad ng bagong PE uniform sa mga mag-aaral. Mahigit kumulang 823 mula sa kabuuang 1332 populasyon ng mag-aaral sa paaralan ang nakapagpatahi na.

“Sa pamamagitan ng bagong PE uniform, magkakaroon ng pagkakilanlan ang mga estudyante at maiiwasan ang mga intruders,” ani ni Agellon.

“Magkakaroon din ng tyansa ang mga magaaral na hindi sapat ang orihinal na uniporme na makapaglaba nito sa araw ng Miyerkules at Biyernes,” dagdag pa niya.

Samantala, umani naman ng ilang positibong reaksyon ang paaralan para sa bagong uniporme.

“Maganda po ang disenyo tapos madali rin po siyang makapag-absorb ng pawis. Parang nakakagalak po na mag-aral nang mabuti,” sambit ng isang mag-aaral na nasa ika-pitong baitang.

Makaraan naman ang isang buwan, sumunod na rin ang mga guro ng STNHS sa pagpapatahi ng kanilang asul na bagong PE uniform.

PAMPAARALAN

coastal clean-up na ginanap sa Tabunan, Sitio Sais, San Teodoro na dinaluhan ng lahat ng miyembro ng BSP, GSP, at ilang kaguruan ng paaralan.

Ayon sa isang panayam kay Alfie Justo, isa sa mga miyembro ng BSP, siya ay masaya dahil naging parte siya ng mga nabanggit na organisasyon at para sa kaniya, isa itong magandang oportunidad upang mahasa pa ang kanilang mga kakayahan at pakikipagkapwa-tao.

"Bilang bahagi ng mga ganitong programang pangkabataan, syempre ako'y nagagalak dahil isa ako sa mga naging instrumento para mas palakasin ang youth empowerment dito sa ating bansa," saad ni Kenn Reymond N. Hermosa, Unit Leader ng BSP.

MATIRA-MATIBAY

Nagkaisa ang mga senior scouts ng GSP-San Teodoro NHS sa pagpaplano ng isasagawang survival cooking na bahagi ng isinasagawang BSP-GSP Camp 2023, Disyembre 2-3.

Kuha ni Haneah Julyn Limbo

LIGTAS ANG MAY ALAM

Pinangunahan ni Scout Baquero ang kanilang crew sa pagluluto ng bigas sa kawayan na parte ng Survival Cooking Activity ng kauna-unahang BSP-GSP Camp.

Kuha ni Zschun Jharette Evangelista

TAGAPANGALAGA

Bilang bahagi ng gampanin ng isang Scout, nagbalikatan ang BSP-San Teodoro NHS sa paglilinis ng baybay -dagat kaugnay ng BSP-GSP Camp 2023.

Kuha ni Jency Angelo A. Apostol

KULTURA NG PAGKAKAWANG-GAWA, isinabuhay; GURO, MAG-AARAL, STAKEHOLDERS naglunsad ng OUTREACH PROGRAMS

John Cyrus Melendrez

Pinangunahan ng mga guro at mag-aaral, mga magulang, at lokal na pamahalaan ang matagumpay na paglulunsad ng dalawang outreach program na naghatid sa 60 mag-aaral ng espesyal na pagkain at 50 pamilya mula sa Brgy. Caagutayan ng ayuda na nagpakita ng diwa ng tunay na pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa ilalim ng pamumuno ni Jessel V. Mendoza, Presidente ng Faculty Association, at ng suporta ni Dr. Victorino B. Agellon, Punonguro tatlo ng San Teodoro National High School, isinagawa ang pamamahagi at pagpapakain ng food packs mula sa Jollibee sa mahigit 60 na mag-aaral ng STNHS noong Disyembre 13. Sa pamamagitan ng mga gurong tagapayo mula sa 39 na seksyon ng paaralan, nakapamili ng mga

benepisyaryo ng programa para sa mga mag-aaral na hindi pa nakakaranas makatikim ng pagkain mula sa Jollibee. Sa pamamagitan din ng mga guro, nakapangalap ng pondo para maisagawa ang gawain.

Samantala, noong Disyembre 17, 2023, ang diwa ng pagkakawanggawa ay muling umalab sa Sitio Kamatis, Barangay Caagutayan, kung saan ang mga katutubo ay pinagkalooban ng mga pangunahing pangangailangan. Ang outreach program na ito ay pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) San Teodoro District Federation, sa kooperasyon ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan kabilang ang Tacligan High School, Ecological Public Secondary School, at ang masigasig na suporta ng mga

konsehal ng bayan, Kgg. Karl Justo at Kgg. Steve Atayde na kasalukuyan ding pangulo ng SGC ng paaralan.

Mahigit kumulang 50 na pamilyang katutubo ang nakatanggap ng relief goods, kasuotan, at nasiyahan sa pagkakaroon ng mga palaro at feeding program na inorganisa para sa kanila at ang pagbibigay ng buwanang libreng gatas mula kay Dr. Agellon sa isang katutubong ina.

Ang naturang hakbang na ito ay hindi lamang nagpapakita ng pagmamalasakit kundi nagbibigay rin ng inspirasyon sa lahat na naging bahagi ng solusyon sa mga hamon na kinakaharap ng ating lipunan.

Pasasalamat ang ipinaabot ng alkalde, Kgg. Boyet R. Py sa naisagawang programa ng

San Teodoro Public Secondary Schools para sa mga piling mag-aaral at mga mamamayan ng San Teodoro. Aniya ang pagkakaroon ng mga ganitong gawain na nakasentro para sa mga mamamayan lalong higit ang pagtulong para sa mga kapos sa buhay ay isa sa kanyang mga hinahangaang programa.

Ang kahanga-hangang hakbang na ito ay nagpapatunay lamang na hindi napapawi sa kultura ng mga Pilipino ang bayanihan. Sa huli, tiniyak ng mga pamunuan ng bawat ahensya ang pagpapatuloy ng mga naturang programa na nagbibigay malasakit para sa kapakanan ng mga ordinaryong mamamayan

CONG. PANALIGAN, nagkaloob ng WATER TANK: Suliranin sa tubig, nasolusyunan na TATLONG TAON NANG MATATAG NA PAGLILINGKOD

Malugod na tinanggap ng San Teodoro National High School ang 2,500 liters na water tank mula kay 1st District Congressman Arnan Panaligan bilang donasyon sa water system na proyekto ng paaralan, January 16.

Matatandaan ang unang pagbisita ni Cong. Arnan upang usisain ang panukalang proyektong tutugon sa kakulangan ng tubig at hindi maayos na pamamahala nito sa buong paaralan, noong Agosto 18, 2023.

Isinakatuparan ang kanyang ipinangakong pagtulong sa nasabing suliranin sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa water tank sa STNHS noong January 16.

Kasalukuyang nasa proseso pa ng konstraksyon ang water tank system sa tabing bahagi ng Balay Lakol, bilang solusyon sa problema ng suplay ng tubig sa ikalawa’t ikatlong palapag ng mga istraktura. Tinatayang Php 22,000 ang karagdagang badyet na ginastos sa pagtatayo ng bagong tangke. Ayon pa kay Dr. Victorino B. Agellon, ang Principal III ng naturang paaralan, “Malaking tulong ito sa amin lalo na sa mga estudyanteng nasa second at third floor dahil hindi na sila mahihirapan pang pumanhik panaog sa hagdan para mag-impok ng tubig at labis din aking pasasalamat kay Cong. Arnan.”

Hindi tayo titigil na isaayos, pagandahin, at paunlarin pa ang kung anong meron ang ating paaralan. Pagsusumikapan natin maisakaturapan ang lahat ng ating mga adhikain lalong higit ang maghatid ng MATATAG na edukasyon

Matagumpay na ipinamalas ni Dr. Victorino B. Agellon, punong guro ng San Teodoro National High School ang kanyang dedikasyon at liderato sa pagpapanday at pagpapaunlad ng isang de-kalidad na paggamit ng edukasyon para sa paaralan sa mga proyektong naitaguyod para sa kaunlaran ng mga mag-aaral.

Isang mahalagang bahagi ng preparasyon ng isang paaralan ang pagpapagawa at pagpapanatili ng kanilang kaayusan para sa magandang edukasyon. Sa ilalim ng pamumuno ng punongguro at suporta mula sa umuusad na programa ng paaralan, kabilang ang Project SAFE ( safe and child friendly environment ), isinagawa ang paglalaan ng 80,000 na pondo para maitaguyod sa patuloy na pagpapabuti at pagaayos ng mga pasilidad.Tauntaon binibigyan ng pamamahala at naglalaan ng sapat na pondo para sa pangangailangang puhunan. Isinasagawa ang regular na inspeksyon sa mga gusali at pasilidad upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kaginhawaan. Pagkatapos ng pag-aayos at pag-unlad ng mga gusaling ito, kasalukuyan nang ginagamit ng mga bagong henerasyon ng mag-aaral.

Kamakailan naman ay napakinabangan na ang hakbang tungo sa modernisasyon ng STNHS sa pagtatayo ng konektadong tulay na naguugma sa STEM building papuntang HUMSS building na umabot ng 150,000 sa pagpapagawa

Hindi nawala sa adhikahin ni Dr. Agellon ang isang mahalagang hakbang na nagpapakita ng pagbibigaypansin sa pangangailangan at kultura ng mga kapatid na IP sa pagpapanday ng BalayLakol, isang kubo na maaaring gawing pansamantalang tahanan hindi lamang ng mga IP estudyante kundi ganun din ng mga mamamayang katutubo nagnanais na makituloy ng matutulugan. Ang pangunguna ng punong guro sa Balay-Lakol ay naglalayong mapanatili ang maayos at ligtas na pamumuhay ng mga ito sa loob ng pasilidad at ngayon ay patuloy pa ring nagagamit sa kanilang epektibong edukasyon.

Inilunsad naman ang malaking pagsusulong ng covered court ng paaralan sa tulong ng 3M halaga ng pondong mula sa pangunguna

ng pamunuang bayan Salvador R. Py na nagdulot ng epektibong pakikilahok ng bawat kabataan sa iba’t ibang klase ng patimpalak. Nagagamit din ito bilang pagtitipon sa mga nagaganap na pagpupulong na patatagin ang kalidad ng pag-aaral.

Nabigyan ng puwang para sa mga extracurricular na gawain at kaganapan sa paaralan ang pagkakaroon ng bagong sound system. Lubos itong nagagamit para sa iba’t ibang pagganap at nagkaroon ng bukas na oportunidad ang mga mag-aaral upang maipakita ang kanilang husay at talento.

Mahigit 64, 500 para sa Electrifications ang ipinagkaloob sa pagpapaunlad pa ng sistema ng mga pangunahing serbisyo para sa paaralan. Sa pagpapabuti ng suplay ng elektrisidad, nagbukas ito ng pagkakataon upang higit na mapabuti ang kalidad ng pagtuturo na gumagamit ng teknolohiya at visual audio.

Bilang tugon sa pangangailangan para sa malinis at ligtas na kapaligiran, itinayo rin ang mga handwashing facilities at nilaan naman ang halagang 64,000 bilang pagtugon sa

pagsasagawa nito.

Kabilang din ang pagbuo ng School Based Management ( SBM ) room na gumastos ng 35,000 kasama ang mga kagamitan dito. Sa loob nito nagaganap ang paglikha ng iba’t ibang implementasyon ng mga pakataran at sistema upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon. Naitaguyod din ang espiritwal na aspeto sa pagpapatayo ng groto sa ilalim ng mga kaguruan kasama ang punong guro na nagbigay ng 5 libong pinansyal sa pagtutuloy nito. Ang nasabing rebulto ay umabot ng 18,000 bilang kabuuan. Ito ay naging lugar ng katahimikan at nagsilbing pagpapalago ng moral sa mga kabataan maging ng guro.

Samantala, ilan lamang ito sa mga napatunayan bilang isang Punongguro ang kanyang nagawa na siyang humubog pa ng matatag na kalidad ng panuruan at nagdulot ng progreso sa larangan ng edukasyon at pangkalahatang kagandahan ng paaralan.

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 04
PANDAIGDIG
BALITANG LATHALAIN Zianel Grea Q, Aldovino Fiona Kate Y. Pentinio
AGELLON, sinisiguro ang de-kalidad na edukasyon
INSPIRASYON. Nakagawian na ni Dr. Victorino B. Agellon na magbigay ng mensahe upang iparating sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang ulat hinggil sa takbo ng pag-unlad ng paaralan. Bilang tugon sa naturang isyu, nagpatupad ang pulisya sa lalawigan, ng “Proyektong Spare” (SPECIAL PROTECTION AGAINST RAPE AND EXPLOITATION) na naglalayong pigilan ang pagtaas ng kaso ng rape sa pamamagitan ng ilang serye ng mga lectures tungkol sa mga prebensyon dito at pamamahagi ng impormatibong flyers at tarpaulins sa bawat barangay sa probinsya. Naglunsad din ang Municipal Department of Social Welfare (MDSWD) ng Oriental Mindoro, ng isang shelter para sa mga biktima ng rape o tinatawag nilang Bahay Kanlungan na nagsasagawa ng mga counseling, medical assistance, at libreng psychologist treatment para maibsan ang mga dinadalang trauma ng mga biktima. Saad ni Social Welfare Officer II, Annabelle H. Medina, “Dapat maging prayoridad ang pagpapanatili ng mataas na antas ng kamulatan sa pang-aabusong seksuwal sa komunidad. Hindi sapat ang edukasyon lamang, kundi mahalaga rin ang malakas na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan, paaralan, at pribadong sektor para sa epektibong pagpapatupad ng mga hakbang laban sa panggagahasa.” Umaasa naman ang mga kaguruan na magiging epektibo ang mga programang ito para sa tuluyang pagpuksa ng kaso ng rape para sa ikabubuti na rin ng kanilang mga estudyante. “Sana nga ay wala ng maging biktima ng panggagahasa. Nakakatakot ito para sa kaligtasan ng mga bata sa kanilang pagpasok. Dahil sa bawat biktima, ay isang buhay ng bata ang nabibigyan ng trauma. Nakakahabag ang kanilang kalalagayan,” ani ni Michelle Magboo, isang guro sa STNHS. Kaso ng rape sa Mindoro... mula pahina 1
PARA SA BATA AT PARA SA BAYAN. Ang lahat ng ito ay upang humubog ng BATANG MAKABANSA, BANSANG MAKABATA.

KAPATIRAN AT KAMATAYAN

IMBESTIGADOR

Jillian Rose A. Santiago

Paksang patuloy na pinag-uusapan dahil sa patuloy na pagdami ng insidente ng karahasan at paglabag sa batas. Bagama’t may mga ilang magandang gawain ang mga fraternity sa ating komunidad tulad ng kanilang pagkakaisa at pakikipagkapwa-tao. Hindi pa rin nito mabubura ang mga inosenteng dugong napaslang ng kanilang paraan upang masubok lumahok kung sila ba ay karapat-dapat. Kaya naman hindi dapat bigyan ng kalayaan ang mga menor de edad na sumali sa fraternity.

Sa kabila ng mga negatibong aspeto ng fraternity, hindi naman maikakaila na mayroon ding mga positibong kontribusyon ang mga ito sa komunidad. Ang ilan sa mga fraternity ay aktibo sa mga proyektong pangkalikasan tulad ng paglilinis sa tabing dagat at tree planting. Mayroon din silang mga programa tulad ng libreng pagupit para sa mga mahihirap. Subalit, hindi sapat na dahilan ang mga ito upang tanggapin ang pagkakaroon ng mga menor de edad sa loob ng fraternity dahil hindi ito sapat upang bawiin ang mga negatibong epekto ng fraternity culture sa kabataan. Kailangan pa rin ng mas malawak at mas epektibong suporta mula sa pamilya at komunidad upang maprotektahan at maalagaan ang kabataan laban sa mga mapanganib na impluwensya.

Ang mga kaso ng pagpaslang sa mga menor de edad na kaugnay ng fraternity hazing sa Pilipinas ay nagdulot ng malalim na pagkabahala at pagpapalakas ng batas laban sa kahalayan ng fraternity. Isa sa mga kilalang kaso ay ang pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III, isang mag-aaral ng University of Santo Tomas (UST) na namatay noong 2017 matapos ang hazing ritual sa isang fraternity. Ang medico legal report ay nagpakita ng maraming mga pasa at traumatismo sa kaniyang katawan na naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Ang mga miyembro ng fraternity ay nakagawa ng krimen na may kaugnayan sa kaniyang kamatayan. Pangalawa si Guillo Cesar Servando, namatay siya noong 2014 matapos ang hazing sa isang fraternity sa La Salle-College of St. Benilde. Ang kaniyang kamatayan ay nagdulot ng pagpapalakas ng mga batas laban sa hazing sa Pilipinas. Si Marc Andre Marcos, isa ring estudyante na namatay matapos ang isang hazing incident sa San Beda College noong 2001.

Nagkakaroon ng rason ang ilang mga kabataan na sumali sa fraternity upang maghanap lamang ng gulo at lakas ng loob na makipagbakbakan. At ito ay maaaring magdulot ng mga hindi pagkakaunawaan, kaguluhan, at masamang implikasyon, hindi lamang sa mga miyembro ng fraternity kundi pati na rin sa iba pang mga indibidwal at sa lipunan. Kasabay nito ay maraming kabataan ang nagiging miyembro ng fraternity na hindi makasabay sa loob ng paaralan, kadalasan ay bumababa ang grado o di kaya naman ay hindi pumapasok sa paaralan.

Handa nga bang itaya ng kabataan ang buhay mapabilang lamang sa isang grupo? Tunay na marami rin naman ang may layunin na matuwid at nangangalaga sa kapakanan ng mga kasapi, subalit marami ang nalilihis. Ayon sa batas ng Pilipinas, bawal ang anumang uri ng hazing (Republic Act No. 8049 - Anti-Hazing Law). Kaya dapat lang na bigyan ng parusa ang mga fraternity na lumalabag sa batas o masasabing kumikitil nang buhay.

Maraming rason kung bakit hindi dapat hayaan ang mga kabataan na masangkot sa mga fraternity. Mahalagang maipaalam sa kanila ang mga bagay na mas mahalaga maliban sa pagsali sa mga ganitong organisasyon na maaari lamang magdulot ng kapahamakan. Kung nais nating sugpuin ang problemang ito, mahalaga ang papel ng pamilya at komunidad sa pagbibigay ng tamang paggabay at edukasyon sa mga kabataan. Dapat silang bigyan ng kaalaman at pag-unawa sa mga banta at panganib ng pagsali sa fraternity, pati na rin sa ibang organisasyon na kanilang maaaring salihan na nagbibigay ng positibo at pag-unlad sa kanilang personalidad.

Ang pagpapalalim sa kanilang kamalayan hinggil sa mga halaga ng katarungan at pagpapahalaga sa buhay ay makatutulong sa paglikha ng mas maayos at maunlad na lipunan

NAKAKUBLING TINIG

Hindi maikakaila ang mga pagbabago na nagaganap sa mundo ngayon lalo’t higit sa aspeto ng mental na abilidad ng isang kabataan. Ngunit sa mga pagbabagong ito, mayroon pa ring pagitan tungkol sa mga opinyon ng dati at makabagong henerasyon o mas tinatawag na Gen Z, na nagsasaalang-alang sa pamamahala ng wasto sa mental health ng mga kabataan. Sa mundong makabago, ang anxiety at depresyon ay isang kontrobersyal na usapin sapagkat isa ito sa mga nagsisilbing kalaban ng mga kabataan dahil kung titingnan, nahihirapan ang mga ito na ipahayag ang kanilang mga saloobin dahil sila ay nasasakal sa mga makalumang tradisyon o paniniwala ng kanilang mga magulang. Lingid pa rito ay nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa dalawang panig.

Ayon sa isang pag-aaral nina McCurdy (2022), ang anxiety at depresyon ay isa sa mga nagiging hadlang sa pagkatuto at pagkamit ng karangalan ng mga estudyante dahil ito ay nagsisilbing rason upang ang isang kabataan ay makaramdam ng pagkabahala tungkol sa kanilang pag-aaral. Isinaad pa nila na ang mga ito ay nagsisilbing sanhi upang mawalan ng atensyon at kahirapan sa pagkatutok sa pag-aaral ang isang kabataan at nagdudulot upang ang magaaral ay makaranas ng negatibong pag-uugali, pagliban sa klase, at mahinang komprehensyon sa paaralan.

Ito ay nagpapatunay na ang dalawang nabanggit na psychiatric disabilities ay may matinding epekto sa pag-aaral ng isang kabataan sapagkat ito ay nagdudulot sa pagkawala ng gana upang matuto sa larangan ng pangakademiko at sa tunay na buhay.

Sa larangan ng akademiko, mapapansin na ang mga nakakaranas nito ay hindi nakakapagpokus sa kanilang mga gawain dahil sa dami ng mga isipin ay naguguluhan at hindi makapag-isip nang maayos kung alin sa mga gawain ang uunahin. Dagdag pa rito, mayroon pa rin silang dapat na gawin sa kanilang bahay na nagiging sanhi upang ang pokus na dapat mailaan nila sa kanilang mga takdang-aralin ay hindi nila kayang tapusin dahil sa kakulangan ng oras.

Alinsunod nito, nawawalan sila ng motibasyon upang magpatuloy sa pagtupad ng kanilang mga mithiin sa buhay sapagkat nababahala sila sa

opinyon ng kanilang mga magulang dahil sa pagtaliwas sa gusto nilang mangyari. Maaari itong makita sa sitwasyon na ang isang kabataan ay may nais na kuhaning kurso sa kolehiyo subalit kumokontra sila dahil iginigiit nila na hindi ito makapagpapayaman o makatutulong sa pag-unlad nila pagkatapos na makapagaral sa kolehiyo.

Tama nga ba na sundin ng mga kabataan ang kanilang mga magulang para sa pagpili ng kukuhanin nilang kurso sa kolehiyo o paninindigan ang itinitibok ng kanilang mga puso?

Kung ito ay ikokonekta sa tunay na bahay, makikita ng sambayanan na ito ay may malaking epekto sa mga pansariling desisyon ng isang

kabataan, lalo't higit sa kanilang buhay na tatahakin sa hinaharap sapagkat ang paggawa ng isang desisyon ay may kaakibat na responsibilidad. Nagiging dagok ang pagpili sa isang bagay dahil kung minsan, nakagabay pa rin sa mga kabataan ang kanilang mga magulang dahil sa takot nila na baka magkamali ang mga ito sa mga bagay na kanilang gagampanan at sa magiging resulta nito.

Sa kabilang punto, madalas na sinasabi ng mga dating henerasyon na kaya nahihirapan ang isang kabataan ay dahil mahina lamang ang mga ito sa pagharap ng problema. Walang lakas upang harapin at solusyunan ang mga suliranin na dinaranas dahil kahit sa maliliit at simpleng bagay ay hindi nila magawang ayusin at pinipili munang magreklamo bago

Hustisya para kay Dok. Ting!” Iyan ang mga katagang umalingawngaw sa iba’t ibang social media noong buwan ng Enero. Ikinagulantang ng lahat ang pagpanaw ng animnapu’t tatlong taong gulang na dentista at kasalukuyang kagawad sa San Antonio, Central sa Calapan City na si Doktor Augustin M. Bolor na higit na kilala sa tawag na “Dok. Ting”. Minsan ng naging tanyag ang kaniyang pangalan dahil sa pagsusuot niya ng mga gintong alahas sa arawaraw at sa pagdadala ng malaking halaga ng pera sa kaniyang bulsa, maging saan man siya magpunta kahit sa kaniya pa mismong trabaho, ito na ang kaniyang naging self-projected identity. Enero 14, 2024 ganap ng 8:30 ng umaga, natagpuang walang buhay at naliligo sa sarili niyang dugo sa loob ng kaniyang silid ang nasabing dentista na nagtamo ng mahigit na limampung saksak at putol ang ilang bahagi ng daliri. Malinaw na ang naging motibo ng pagpatay sa naturang biktima ay pagnanakaw, tinatayang nasa 5 milyong pisong halaga ang natangay ng mga suspek.

Gabi ng Enero 20, kasalukuyang taon ay napasakamay na ng pulisya sa Calapan City ang tatlong suspek, dalawa sa mga suspek ay menor de edad na nasa labing-anim na taong gulang na isinuko rin sa DSWD at ang ikatlo’y nasa dalawapu’t isang taong gulang na nasa pangangalaga na mismo ng nasabing pulisya. Higit na ikinagulat ng mga tao ang pagkasangkot ng mga kabataang wala pang sapat na gulang sa ganitong karumaldumal na krimen. Sila ang mga tinatawag na CICL na tumutukoy sa “Children in Conflict with the Law,” na nangangahulugang mga menor de edad na nahaharap sa legal na isyu o paglabag sa batas. Isinasaalang-alang ng batas ang iba’t ibang antas patungkol sa mga bata lalong higit ang kanilang emosyonal at mental na kalagayan upang

pangalagaan ang kanilang paglago bilang isang indibidwal. Paano nga ba kung ang mga kabataang inaasahang pag-asa ng bayan sa musmos na edad ay may kakayahan nang kumitil ng buhay? Dahil ba nakatanikala sila sa lason na kaisipan ng kalayaang kanilang tinatamasa na kahit makagawa sila ng krimen ay mananatiling normal ang kanilang buhay? O baka naman hindi naayong kasagutan ang batas na sa kanila’y inilaan? Sa Hustisya’y edad nga ba ang dapat na batayan ng kaparusahan?

Sa ganitong edad, sila sana’y matatagpuan sa loob ng paaralan. Ang kanilang isipan ay nararapat na nakatuon sa mabuting gawa. Nararapat na sandatang hawak ng kanilang mga kamay ay lapis at karunungan, subalit paano kung ang inosenteng isipan ay napalitan ng katakot-takot na dunong kasabay ng pagnanasang sumasalungat sa kagustuhan ng konsensya na kaya ng magpadanak ng dugo at maglagay sa kapwa sa kapahamakan? Tuluyan ba nating hahayaang malason ang kanilang murang isipan sa maling kamalayan, na sa kanilang edad, mali at tama’y hindi pa nila lubusang nalalaman? Paanong sila’y magkakaroon ng dunong patungkol dito kung hindi sila mapapatawan ng nararapat na leksyon. Karapat-dapat nga ba silang bigyan ng proteksyon at hindi parusa ang ituon? Kung pinoprotekhan ang mga kabataang nakagawa ng krimen gayon din dapat protektahan ang sambayanan mula sa kanilang mapang-abusong gawa.

Sa paglalahad ng kaganapan sa pagpatay kay Doktor Augustin M. Bolor, lumalabas na ang mga suspek, na karamihan ay menor de edad, ay nasangkot sa isang karumal-dumal na krimen na may layuning pagnanakaw. Ang pangyayaring ito ay nagbibigay daan sa masusing pagsusuri hinggil

Iginigiit din nila na ang mga kabataan ngayon ay nagiging oa o overacting sa pagkilos at pag-iisip. Nangyayari ito sa mga sitwasyon na ginagawang normal ng mga kabataan ang salitang "anxiety" at "depresyon" sapagkat kahit hindi naman mabigat ang kanilang pinagdadaanan ay kanilang sinasabi na kanila itong nararamdaman. Kung minsan pa nga ay nagkakaroon ng selfdiagnosis na hindi naman dapat gawin dahil tanging mga Psychologist o Psychiatrist ang may karapatan upang kilalanin ang tunay na kondisyon ng mental health ng isang tao.

Gayunpaman, hindi pa rin nito matatawaran na ang dating henerasyon ay may ibang paniniwala sa ngayon dahil ang kanilang mga paratang ay malayo sa sitwasyon na kinahaharap ng mundo ngayon. Kung titingnan ay isa rin sila sa mga nagiging rason upang ang isang kabataan ay makaranas ng anxiety at depresyon sapagkat kung hindi nila pinapadama sa mga kabataan ang pressure, disappointment, at toxic na pag-uugali, magkakaroon ng pagkakataon na malaman nila ang kahulugan ng kanilang buhay at maisasakatapuran nila ang kanilang mga mithiin at nais na tuparin sa hinaharap.

Sa kabuuan, mahalaga na palakasin ang boses ng mga kabataan dahil sila ang magiging sandigan at pag-asa ng bayan sa darating na panahon. Lalo't higit na maging boses para sa iba pang mga kabataan na naghahangad para sila ay dinggin ng sambayanan hinggil sa usaping anxiety at depresyon.

sa tamang pamamahala at pagprotekta sa mga kabataan, partikular na sa mga tinatawag na Children in Conflict with the Law (CICL).

Upang mapigilan ang paglaganap ng ganitong karumal-dumal na krimen, mahalaga ang pagsusuri sa sistema ng edukasyon at rehabilitasyon para sa mga kabataang nahaharap sa legal na isyu. Ang pagtutok sa kanilang emosyonal at mental na kalagayan, kasabay ng pagbibigay ng tamang edukasyon at paggabay, ay makatutulong sa kanilang pag-unlad bilang responsableng indibidwal. Dapat ding amyendahan ang mga batas na may kinalaman sa mga kabataang sangkot sa krimen. Ang pagbibigay nang tamang parusa at rehabilitasyon ay dapat na isinasaalang-alang, na naglalayong itaguyod ang kanilang pagbabago at hindi lamang ang simpleng pagpaparusa kapalit ng paglabag nila sa batas. Dapat nilang matamasa ang tunay na karanasan sa likod ng tanikalang rehas.

Higit sa lahat, ang sambayanan ay may papel din sa pagbibigay suporta at pagpapahalaga sa edukasyon at paghubog ng mga kabataan. Ang pagpapalalim sa kanilang kamalayan hinggil sa mga halaga ng katarungan at pagpapahalaga sa buhay ay makatutulong sa paglikha nang mas maayos at maunlad na lipunan.

Sa pagtataguyod nang tamang edukasyon, rehabilitasyon, at pagpapahalaga sa mga kabataan, maaaring mabawasan ang posibilidad ng kanilang paglahok sa krimen, na naglalayong mapanatili ang katarungan at seguridad sa ating lipunan. Sa mata ng batas walang edad na dapat maging bantas sa pagkamit ng hustisyang sigaw ng maraming mamamayan.

opinyon OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 05
stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS
MAPAGKANDILI
WALANG EDAD SA MATA NG BATAS

Ang hindi mabuting pagkakaunawaan lalo na sa konteksto ng labanan sa pagitan nina Duterte at Marcos, ay nagbibigay ng hamon at pagkakataon sa ating mga mamamayan na manindigan at magtulungan upang itaguyod ang tunay na pagbabago at pagkakaisa sa ating bansa.

UniTeam: lamat o alamat

Aatapos mailantad ang kalabnawan ng pagkakaisa ng UniTeam at ang bumubulusok na suporta mula sa taumbayan, pilit pa ring pinaninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nanatiling buo ang partidong UniTeam. Nagpapatuloy umano ang alyansang Marcos-Duterte tandem sa pagsugpo ng mga suliraning pambansa bilang mga pangunahing lider sa kabila ng pambabatikos ng dating pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang panunungkulan.

Matatandaan na tumakbo noong 2022 sa pambansang halalan si Pangulong Marcos at VP Duterte at nanalo sa ilalim ng UniTeam. Naging matunog ang kanilang mga pangalan at pumatok sa mga mamamayan ang kanilang pinagsamang plataporma at mga adhikain na magtataguyod ng pagbabago at mga solusyon sa mga suliraning panlipunan ng bansa.

Subalit sa kabila nito, hindi pa rin natutuldukan ang isyu ng pagkabuwag ng nasabing partido sapagkat patuloy ang nangyayaring hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dating pangulo at pangulong Marcos. Tila ang layunin ng UniTeam na magdulot ng pagbabago at pagkakaisa sa mga Pilipino ay unti-unting nagkakaroon ng lamat kung kaya’t isang hamon ngayon sa mga taga-suporta ng magkabilang panig ang pagkakabaha-bahagi ng kanilang pinapangarap na bagong Pilipinas.

Ang bangayan at labanan sa pagitan nina Duterte at Marcos, at ang papel na ginagampanan ng Uniteam ay isang malaking dagok sa maraming Pilipino. Ito ay nagpapakita

ng komplikadong sitwasyon sa larangan ng pulitika sa ating bansa. Ang mga pagkakaiba sa pananaw, prinsipyo, at hangarin ng bawat panig ay nagiging sagabal sa pagkakaisa at kooperasyon para sa kapakanan ng bansa.

Sa kabilang dako, ang bangayan sa pagitan ng mga politiko at ang pagkabuwag ng mga samahang kagaya ng Uniteam ay nagpapakita ng kakulangan sa liderato, pagsasawalang bahala sa kapakanan ng nakararami at hindi pantay na pagtingin para sa mas mataas na layunin na naglalayon sa ikabubuti ng buong bansa. Sa halip na magtulungan at magkaisa upang harapin at malutas ang mga hamon ng lipunan, ang mga politiko ay mas nagsisikap sa kanilang mga personal na interes at ambisyon.

Sa gitna ng mga hamon at kaguluhan, mahalaga na ang ating mga lider ay magbigaypansin sa pangangailangan ng bayan at magtakda ng mas mataas na antas ng liderato at pagkakaisa. Dapat nilang isaalang-alang ang mga pangunahing interes ng mamamayan at magsikap para sa kapayapaan, kaunlaran, at katarungan para sa lahat.

Sa huli, ang hindi mabuting pagkakaunawaan lalo na sa konteksto ng labanan sa pagitan nina Duterte at Marcos, ay nagbibigay ng hamon at pagkakataon sa ating mga mamamayan na manindigan at magtulungan upang itaguyod ang tunay na pagbabago at pagkakaisa sa ating bansa. Dapat nating ipakita sa ating mga lider na ang kapakanan ng bayan ay higit na mahalaga kaysa sa anomang personal na ambisyon o interes.

agong Pilipinas bagong mukha" ito ang naging tatak na salita ng kasalukuyang pangulo noong kasagsagan ng kanyang pangangampanya. Matapos maupo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pwesto, inilatag niya ang bagong pilipinas campaign na may layunin diumano na patatagin at mapabuti ang bansa sa iba't ibang aspeto tulad ng ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at kapayapaan. Ngunit sa kasalukuyan, tila magiging literal na ang ibig-sabihin ng kumpanyang "Bagong Pilipinas Bagong Mukha" ng pangulo dahil sa planong paghihiwalay ng dating presidente na si Rodrigo “Digong” Roa Duterte ng Mindanao sa Pilipinas. Ayon kay Duterte sa kaniyang talumpati na binanggit sa Rizal Park, Davao noong Enero 31, 2024, plano niyang ihiwalay at gawing independente ang Mindanao. Ang panukalang ito ni Duterte ay mahihinuhang nag-ugat dahil sa kaniyang pagtutol sa planong pag-amyenda ng kasalukuyang pangulo sa konstitusyon. Mariing tinutulan ni Duterte ang charter change na isinusulong ng kasalukuyang pangulo, pinangangambahan na ang dahilan ng pagtaliwas nito ay sa tyansang maaaring maungkat muli ang kaso niya na Extra Judicial Killing. Bilang depensa sa kaniyang pagtutol, lumabas ang panukala niyang pagbubukod ng Mindanao sa kapuluan. Matatawag na isang kahibangan at walang matibay na basehan ang ganitong pahayag, masasabing ito ay para

lamang sa pansariling kapakanan. Ngunit ang panukalang ito ng dating pangulo ay mahahatulang malayo sa realidad at may kaakibat na masamang bunga. Una, tinutulan ng maraming mga mambabatas ang panukalang ito dahil tila isang insulto sa ating saligang batas. Ayon kay Bangsamoro Government Chief Administer Ahod Ebrahim, patuloy nilang susuportahan ang pangulong Marcos Jr. sa kabila ng pagtutol ni Duterte sa kaniya at hahayaang manatiling parte ang Mindanao sa bansa Pilipinas dahil ang panukalang ito ni Duterte ay walang posibilidad na mangyari. Ayon pa sa Political Analyst na si Profesor Dennis Coronacion, ang panukala ni Duterte ay para lamang sa sarili niyang interes at wala itong tinitingnang konsiderasyon sa malaking aspeto ng Mindanao na maaaring maapektuhan ng kaniyang panukala. Ayon sa pag-aaral, magdudulot lamang ito ng lalong pagkakawatak-watak ng mga mamamayang Pilipino. Pagdating naman sa usapang pangekonomiya, malaki ang magiging dagok nito sa Mindanao. Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), mas malaki ang mawawala sa Mindanao kung ito man ay sakaling humiwalay sa kapuluan. Kahit na 16% ng Gross Domestic Product (GDP) at mahigit na 30% ang ambag ng Mindanao sa bansa, kinakailangan parin nito ang pinansyal at teknikal na tulong na magmumula sa National Government, lalo pa't pito sa

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Batas Republika 11479 kilala bilang Anti-Terrorism Law na nagpapawalang-bisa sa Batas Republika 9372 na tinatawag na Human Security Act of 2007 noong July 22, 2019

SIKLOT pati INOSENTE

MAKUTINO I Jency Angelo A. Apostol

alawang taon bago bumaba sa pwesto ang dating pangulo na si Rodrigo "Digong" Roa Duterte, nilagdaan nito ang Anti-Terrorism Law sa kabila ng malawakang oposisyon mula sa publiko. Sa batas na ito, mas pinalawak ang pagkakahulugan ng salitang "Terorismo," gaya ng pag-iintimida ng publiko, paglalagay sa panganib ng buhay ng iba, pananakot at iba pa.

Ang ganitong batas ay nakababahala at nakakaalarma sapagkat maging ang pasisiwalat ng katotohanan ay maaaring tawaging terorismo. Kapangyarihan nga ba ito na poprotektahan ang bawat mamamayang Pilipino o kapangyarihang inaabuso? Paano tatawaging bayani ng bayan kung sa mata ng karamihan ay siya namang kinamumuhian?

Sa pag-aprub ng ganitong batas, maaaring maglagay ito sa kapahamakan ng maraming Pilipino maging ang mga inosenteng tao. Ani ng karamihan, mayuyurakan nito ang kanilang karapatang pantao dahil napipigilin nito ang kalayaan ng bawat isa na magpahayag ng sariling saloobin. Maging ang mga mamamahayag na ang layunin ay ang katotohanan lamang ay maaaring makulong kung ito ay tataliwas sa nais iparating ng pamahalaan.

Sinasabing ito ay isa lamang repormasyon ng naunang batas, ang Republic Act No. 9372 na kilala rin sa

Ssampung pinaka mahirap na probinsya ng Pilipinas ang nasa Mindanao. Nakasaad naman sa tala ng Department of Finance, 56 mula sa halos 200 na proyektong tulad ng imprastraktura na magpapalago ng transportasyon at turismo na para sa Pilipinas ay nakalaan sa Mindanao, kung tuluyang bubukod at magiging malaya ang Mindanao, mahihirapang makahanap ito ng suporta sa pagsulong at pag-usad ng sariling ekonomiya. Dagdag naman ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., kailangang manatiling parte ang Mindanao ng Pilipinas upang masiguro ang kapayapaan at kaunlaran sa buong kapuluan. Kung titingnan sa malaking anggulo, ang panukalang ito ng dating pangulo ay isang inutil at pagmamalabis para lamang hindi maapektuhan sa mga pagbabagong mangyayari sa pamumuno ng kasalukuyang pangulong Marcos Jr. Malaki ang naka-umang negatibong epekto ng panukalang ito sa bansa pagdating sa ekonomiya at iba pang aspeto. Ang Mindanao ay matagal nang parte ng kapuluan bago pa isilang ang dating Presidente na si Rodrigo Roa Duterte, malaking tanong sa masa kung ano ang kaniyang katanggap-tanggap na rason gayong tapos na ang kaniyang termino. Sabi nga ng kasalukuyang pangulo tungkol sa isyung ito: "hindi ito ang bagong Pilipinas na ating hinuhubog, bagkus ito'y pagwasak ng mismo sa ating bansang Pilipinas."

tawag na Human Security Act of 2007. Layunin nito na protektahan ang buhay at kalayaan ng bawat mamamayang Pilipino kontra sa terorismo, ang kaibahan nito ay tanging malawakang pananakot lamang ang maaaring maging dahilan upang matawag ang isang indibidwal o pangkat na terorista.

Dito pa lamang ay nakikita na ang pinagkaiba ng naunang batas sa bagong pinirmahan, tila isang pagmamalabis ang paghuli sa kung sinuman ang paghihinalaang "terorista" nang walang warrant of arrest at ikukulong sa loob nang hindi bababa sa tatlong araw at hindi hihigit sa isang Linggo. Ang iba'y maaaring makulong nang panghabangbuhay kahit na hindi dumaraan sa tamang proseso. Kung hahayaan ang ganitong pamamalakad, ito'y magsisilbing sampal sa bawat mamamayan, ang demokratikong bansa na nakasalalay sa bawat mamamayan kung sino ang nais nilang mamuno ay kanilang pagsisisihan sa oras na mahalal ito. Maaaring balang araw, tanging ang mga taong may alam ng katotohanan at inosente na ang makikita natin sa loob ng rehas habang ang mga patuloy na gumagawa ng masama ay siyang malaya at patuloy na gumagala. Totoo ngang ang kapangyarihan ay nakakatakot, kaya nitong gawing bayani ang kahit sino habang ginagawa namang masama ang tatataliwas dito.

Hindi na Kailangang Sumayaw ng Inang Bayan ng Cha-Cha

a gitna ng usapin tungkol sa Charter Change o Cha-cha, hindi maikakaila na kasama sa diskusyon ang mga potensyal na panganib at negatibong epekto nito sa ating lipunan. Sa halip na maging instrumento ng pag-unlad at pagbabago, maaaring magdulot ito ng hindi inaasahang kaguluhan at pagpapabaya sa mga mahahalagang prinsipyo ng ating demokrasya.Isa sa mga pangunahing alalahanin sa Chacha ay ang panganib ng pag-abuso sa kapangyarihan. Sa pagbubukas ng Saligang Batas para sa pagbabago, mayroong potensyal na gamitin ito ng mga nasa kapangyarihan upang mapalawig ang kanilang kontrol at impluwensya sa pamahalaan.

Nitong Enero ay hindi na napigilan ang muling pagtunog ng alingawngaw ng isyung pagbabago ng ating 1987 Constitution o Charter Change (ChaCha). Tila napapatanong na lamang tayo, kailangan ba talaga ito para sa kapakanan ng mga Pilipinong mamamayan? o isa lamang itong hakbang na pumapabor sa mga opisyales na gahaman sa kapangyarihan?

Ang Cha-cha ay maaaring maging daan para sa pagtatatag ng mga batas at polisiya na naglalayong paboran lamang ang iilang indibidwal o pangkat, na nagdudulot ng hindi pantay na pagkakataon sa mga mamamayan lalo na sa mga taong nasa laylayan ng lipunan.

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang ating bansa ay nagsisimula pa lamang bumangon mula sa pagkalugmok na dulot ng pandemya kung kaya’t marapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ang mga mas mahahalagang aspeto na lubhang naapektuhan kesa sa pagpapalit ng Konstitusyon na syang pilit sinusulong ng Kongreso. Marapat lamang na ibasura ang sinusulong na ChaCha.

Ayon sa NEDA, gagastos ang pamahalaan ng P13.8 bilyon para sa plebisito upang maipatupad ang naturang rebisyon.Saan kukuha ng ganitong halaga? Uutang? Gabundok na ang utang ng Pilipinas. Kung tutuusin ay napakalaking halaga nito at mas marami ang makikinabang kung ibubuhos ang badyet para sa kapakanan ng mga mamamayan na dinadayukdok ng gutom, walang pinagkakakitaan at walang maituturing na tahanan.

Ngunit sa kabila ng mga suliraning na dinaranas ng mga mamamayan ay tila pikit matang binabalewala ito ng mga mambabatas at puspusan pa rin ang ginagawang paraan upang igiit ang ChaCha sa publiko. Dahil sa kagustuhan na maaprubahan ang ChaCha, ay hindi sila nag-atubiling

gumamit na ng salapi sa pangungumbinsi. Taktiks nilang silawin ang mga mamamayan gamit ang pamimigay ng salapi kapalit ang kanilang lagda na magmimistulang People’s initiative kahit na ang katotohanan ay lumagda lamang sila dahil sa pera.

Sabi ni Sen. Imee Marcos, P20 milyon ang inio-offer sa bawat distrito para makapangalap ng lagda. Ayon kay Imee, sa mga malalaking siyudad, P20,000 ang iniaalok kapag nakakuha ng 20,000 lagda bago sumapit ang Enero 13, 2024. Manggagaling umano ang pera sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon naman kay Sen. Jinggoy Estrada, P100 ang ibinibigay kapalit ng paglagda para suportahan ang Cha-cha. Mga mayor umano ang nagsasagawa para mangalap ng lagda. Sabi ni Jinggoy, unethical ito at maliwanag na binabalewala at nilalabag ang democratic process ng bansa. Nag-umpisa ang pagbuhay sa Cha-cha makaraang sabihin ni House Speaker Martin Romualdez noong Disyembre 2023 na dapat talakaying muli ang 1987 Constitution. Dagdag naman ni Senate Minority leader Aquilino Pimentel III, open siya na pag-usapan muli ang federalism sa ilalim ng Cha-cha. Patuloy ang mababang kapulungan ng Kongreso sa pagsusulong na mapalitan ang 1987 Constitution. Samantala,inaprubahan naman ng House of Representatives panel ang isang resolusyon na tumatawag sa pagkakaroon ng constitutional convention (con-con). Sabi ni Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez, chairman ng House committee on constitutional amendments, makakaasa ang publiko na magkakaroon ng mga kunsultasyon bago magpatawag ng con-con.

Ayon pa kay Rodriguez marami ang pumapabor sa pagkakaroon ng con-con. Ninety three percent umano ay pabor na amyendahan ang 1987 Constitution at pinaniniwalaan nila na may mga kwestyonableng economic provisions sa ating Saligang Batas na hindi na akma sa modernong panahon.Gayunpaman, hindi ito sapat na dahilan para palitan ng Cha-Cha ang umiiral na Saligang Batas ng Pilipinas.

Ayon sa mga historyador ng Pilipinas, ilang beses nang nagtangka ang mga nakaraang administrasyon sa planong amyendahan ang ating Konstitusyon, subalit bigo sila na mahikayat ang sambayanang Pilipino upang umpisahan na ito.Noon pa man ay marami na ang tumututol sa Cha-cha at sa kabila nito, marami pa ring mambabatas ang patuloy na isinusulong ito. Kahit na malamig ang pagtanggap, paulit-ulit pa ring ipinipilit na palitan ang Constitution.

B
MAPAGPASUBALI I Rochelle P. Magboo
MAPANINDIGAN
D
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 06 Sa BAGONG PILIPINAS wala ang MINDANAO MAPAGMATYAG I Nelbert John R. Medina
ang bakas

Walang BOBO sa PILIPINAS

ula sa datos na inilabas ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2022, napag-alamang ang ranggo ng mga mag-aaral na Pilipino ay nasa ika-anim sa pinakamababa sa matematika at pagbasa, at ikatlo naman sa pinakamababa sa agham kumpara sa 81 bansang lumahok dito.

Samantala, ang mga estudyante sa Singapore ang nananatiling mataas ang iskor sa Math, Science at pagbasa. Bukod sa kanila, mataas din ang iskor ng Macau, Taiwan, Japan, South Korea, Hong Kong, Estonia, Canada, Ireland at Switzerland sa mga asignaturang nabanggit.

Matatandaan na unang lumahok ang Pilipinas sa PISA noong 2018 at batay rin sa naging resulta nito, mababa ang nakuhang iskor ng mga mag-aaral. Ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd) noong 2018 na kaya sumali ang Pilipinas sa PISA ay para matukoy umano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa bansa. Nag-udyok din umano sa kagawaran ang paglahok sa nasabing pagsusulit upang masukat ang antas ng kaalaman ng mga magaaral dahil sa mababa at mahinang akademikong pagganap ng mga ito sa National Achievement Test.

Ngayong alam na ng DepEd ang kahinaan ng mga mag-aaral hinggil sa mga asignaturang nabanggit, gagawa na kaya sila ng hakbang para mapaunlad ang performance ng mga mag-aaral? Sapat kaya ang sistema na kanilang ilulunsad para mabago ang nakukuhang marka at iskor ng mga mag-aaral na talaga naming nakakadismaya?

Sa aking palagay, isa sa mga dahilan

kung bakit mababa ang iskor ng mga mag-aaral na lumahok sa PISA ay dahil isa sila sa nakikipagsiksikan sa humigit – kumulang na 50 na mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Bunga nito, hindi nila lubos na nauunawaan ang mga paksang tinatalakay sa loob ng klase dahil hindi sila napagtutuunan ng pansin ng guro lalo na’t iba’t iba ang kanilang concern.

Mahalaga ring malaman kung may kakayahan ba ang guro na nagtuturo ng Math, Science at reading comprehension sapagkat kung hindi sapat ang kanilang kakayahan at kasanayan, hindi magiging matagumpay ang paglilipat ng kaalaman sa mga mag-aaral.

Mas mabuti ring maiwasto ang mga maling impormasyon at grammar na nasa mga batayang aklat na ginagamit ng mga mag-aaral upang maiwasan ang mga maling konsepto ng pagkatuto. Noong kasagsagan ng pandemya, napag-alaman ng kamara kung gaano kalaki ang nasasayang na pondo ng DepEd para sa pag-iimprinta at pagbili ng mga modyul na hindi natitiyak ang kalidad ng nilalaman ng bawat materyales.

Matindi ang aking paniniwala na walang mahina o bobong mag-aaral sa Pilipinas. Ang malaking pagkakamali na dapat ituwid ay nasa sistema ng edukasyon sa ating bansa kaya naman panahon na upang mabago ang nakakahiyang iskor na nakukuha ng mga mag-aaral taon-taon sa PISA. Naniniwala rin ako na sa pamamagitan ng mga inilahad kong mga sitwasyon, makatutulong ito upang hakbangan ng kagawaran ang dilemma ng Pilipinas sa usaping pang-edukasyon.

a bisa ng DepEd Memorandum No. 001, s. 2024 na inilabas noong Enero 10, inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang programang Catchup Friday sa ilalim pa rin ng DepEd MATATAG curriculum. Nakasaad sa programa na ilalaan ang araw ng Biyernes sa buong taong panuruan upang gamiting oras sa pagbabasa ng mga mag-aaral. Nakapaloob din sa programa ang pagpapaunlad umano ng peace, value, at health education. Ngunit ang pinakasentro ng programa diumano ay ang paglinang at paglutas sa problema sa pagbabasa ng mga mag-aaral dahil pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamababang reading comprehension at skills ayon sa resulta ng Programmae for International Student Assessment (PISA). Bagama’t kapuri-puri ang layunin ng programa, isang malaking tanong sa kagawaran kung ito ba ay solusyon o isang inutil na programa lamang.

Kapansin-pansin sa mga paaralan sa ilang araw ng Biyernes na paglulunsad ng Catch-up Friday ang tila kawalan ng interes sa paglahok sa programa. Ayon sa pahayag ng isang guro sa San Teodoro National High School, tuwing umaga raw pagsapit ng Biyernes, sa 42 na kaniyang mga estudyante ay dalawa hanggang apat lamang ang liban dahil sa katanggap-tanggap na dahilan, ngunit pagdating ng hapon ay umaabot na lamang sa kalahati ang mga estudyante sa kaniyang silid-aralan dahil sa mga liban. Ito ay dahil inaakala raw ng mga estudyante na wala silang gagawin sa buong maghapon kundi ang bumasa nang bumasa lamang. Ayon naman sa isang estudyante ng nasabing paaralan, mula raw Lunes hanggang Huwebes ay sangkaterba na ang kanilang school activities mula sa iba’t ibang asignatura, dahilan upang maging pabago-bago

ang kanilang pokus. Kung isasama pa raw nila ang pagbabasa tuwing Biyernes, mapupunta sa mga babasahin ang kanilang atensyon sa halip na sa akademiks lamang. Dagdag pa niya, nakikita rin daw niya ang kaniyang sarili pati ang mga kaklase na walang ganang magbasa. Patunay ang mga ganitong pahayag na walang naging positibong epekto ang nasabing programa sa unang hakbang ng paglulunsad nito.

Bukod dito, hindi man derekta ngunit masasabi parin na ang Catchup Friday ay isang paraan ng force learning. Ang mga guro sa silid paaralan ay obligadong i-monitor ang mga mag-aaral kung sila ba ay talagang nagbabasa, dahilan upang mapilitan ang ilang mga mag-aaral na magbasa kahit hindi naman talaga nila gusto. Ayon sa pag-aaral ng isang unibersidad sa Nanjing China, ang force learning ay isang maling paraan ng pagkatuto dahil maaari itong makaapekto sa mental health ng mga mag-aaral na kung minsan ay long-term pa.

Ang programang Catch-up Friday ay magandang layunin upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa, ngunit nakaangkla pa rin ang malaking tanong kung ito ba ay talagang epektibo o inutil lamang. Ang dapat mabago ay ang pananaw ng mga mag-aaral sa edukasyon, at nagsisimula ito sa tahanan at paghubog ng magulang. Isa pa, ang programang ito’y panakip butas lamang sa mas malaking butas sa sistema ng edukasyon sapagkat sa dinami-rami nang programang idinilig ng kagawaran, malaking tanong pa rin kung mayroon bang paglago at pag-unlad. Si Vice President at DepEd Secretary na rin ang may sabi: ”Hindi pwedeng paulitulit tayo sa ating ginagawa pero wala naman tayong nakikitang pagbabago."

SUMMER VACATION SA PAARALAN?

Sa pangunguna ni Vice President at DepEd Secretary Inday Sara Duterte, inilunsad ang National Learning Recovery Program (NLRP) sa bisa ng DepEd Order No. 013, s. 2023 bilang bahagi pa rin ng DepEd MATATAG curriculum. Sa ilalim ng NLPR, nakapaloob dito ang National Learning Camp (NLC), isang programa na may mga layuning diumanong tugunan ang learning loss ng mga mag-aaral dahil sa nagdaang pandemya, para ihanda ang mga magaaral sa bawat susunod na school year, at malinang ang kakayahan ng mga guro sa kanilang propesyon.

Tugon din ito sa antas ng edukasyon ng mga Pilipinong mag-aaral dahil sa naging mababang resulta ng Pilipinas sa ginanap na International Student Assessment, kung saan pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamababang reading comprehension at science and mathematics skills Ang programang ito ay ekstensiyon ng pagaaral sa eskwelahan na isasagawa tuwing matatapos ang school year, at tatagal ng tatlo hanggang limang linggo. Ito ay nahahati sa iba’t-ibang camps: intervention camp, consolidation camp, at enhancement camp, kung saan nakadepende sa pangakademikong antas ng mga mag-aaral ang kanilang mapupuntahang camp. Bagaman boluntaryo ang pagsali sa parehong panig ng mga guro at mag-aaral, may mga nakaumang na negatibong bunga ang ganitong programa.

Una rito ang kawalan ng sapat na pahinga ng mga guro. Ang mga guro ay maaaring harapin ang dagdag na trabaho at stress mula sa pagpaplano, pagpapatupad, at pagsusuri ng NLC program, lalo na kung sila ay may iba pang responsibilidad sa loob at labas ng sistema ng paaralan. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT); “Ang mga guro ay dumaranas ng mahigit sampung buwang walang tigil na trabaho na walang sick leave o vacation leave benefits,” kaya karapatan ng mga guro ang sapat na pahinga at bakasyon. Ayon pa sa kanilang chairperson na si Vladimer Quetua, hindi sagot ang learning camps para sa learning recovery ng bansa at matinding eksploytasyon ito sa mga kasalukuyan nang pagod na guro dahil maaaring makasama ito sa kanilang kalusugan. Isama pa rito ang pagsagasa sa kanilang mga personal na oras na maaari sanang maigugol nila kasama ang pamilya at mahal sa buhay. Ayon naman sa Teacher’s Dignity Coalition (TDC), napakahalaga ng school break sapagkat ito ang oras kung saan maaaring makapagpahinga at

makapaghanda ang mga guro at mag-aaral para sa susunod na school year matapos ang sampung buwan sa paaralan.

Sa panig naman ng mga mag-aaral, ang programang ito ay hahadlang sa kanilang pamamahinga na dapat sana’y nakalaan kasama ang mga kaibigan, pamilya, at mahal sa buhay matapos ang mahabang buwang iginugol sa paaralan. Isa pa, ang ganitong programa ay nakapokus lamang sa akademiks at wala sa ibang aktibidad na labas sa kurikulum, dahilan upang malimitahan ang kanilang pangkalahatangpag-unlad. Maaari ring bumaba ang selfesteem ng mga nasa Intervention Camp kung nakikita nila ang sarili bilang itinuturing na may mga akademikong hamon. Bukod dito, ayon pa rin sa TDC, maaaring magbigay ng masamang epekto sa kalusugan ng mga estudyante ang matinding init ng panahon kung sakaling ang programa ay magtuloytuloy.

Bilang karagdagan, hindi lamang mga estudyante at kaguruan ang maapektuhan ng ganitong programa. Kasama rin sa mga ito ang mga magulang ng mga mag-aaral. Ang programang ito ay dagdag bigat pa sa bulsa at pag-aasikaso ng mga magulang sa kanilang mga anak na dapat sana’y natapos na kasabay ng school year.

Kung susumahin, ang National Learning Camp ng DepEd ay may mabuting layunin upang lalong mapaunlad ang kakayahan ng mga guro at mag-aaral, ngunit ang ganitong programa ay hindi papatok sa panig ng guro, mag-aaral at magulang dahil sa pagsagasa nito sa oras na dapat gamitin nila sa pamamahinga. Nawa’y maalala ng kagawaran na ang mga guro at mag-aaral ay hindi mga makinang di-susi na halos walang kapaguran. Ang ganitong programa ay isang haplos-lunas lamang sa sakit ng edukasyon ng bansa. Ang mas dapat pagtuunan ng pansin ng kagawaran at pamahalaan ay ang kabuoang problema sa sistema ng edukasyon. Huwag nawang pati ang panahong nakaukol sa pamamahinga at gawaing personal ng kaguruan at mga magaaral ay madamay sa programang mapangabuso ng kagawaran; sapagkat karapatan ng bawat isa ang muling matapakan ang malambot na buhangin, damhin ang simoy ng hangin at mabasa ng preskong tubig sa dagat tuwing tag-init, at hindi ang magbakasyon kasama ang mga aralin sa eskwelahan.

M
S
MATILAMSIK ANG DILA I Alyza Clel Villanueva Catch-UP o Catch-DOWN? MAUSISA I Jairus H. Bata PATNUGUTAN ROCHELLE P. MAGBOO Ulong Patnugot ROSALINDA O. CUSI Kawaksing Patnugot LINDZEL ALLIANAH RAMENTO Tagapamanihalang Patnugot MARY VERNADEANE Q. RANCE Patnugot ng Balita JOHNSEN L. PADERAGAO Patnugot ng Lathalain JAIRUS H. BATA Patnugot ng pahinang Agham at Teknolohiya KIM JEHAN ACLAN Tagapamanihalang Pahinang Pampalakasan ZSCHUN JHARETTE EVANGELISTA Senior Photojournalist ALEAH MAE E. FALAMIG ALFIE KENZIE M. JUSTO ALYZA CLEL VILLANUEVA AYRAND IVONNE R. RAÑA AZHLIE DIANNE M. AQUINO CARL JOSHUA E. GUTIERREZ DAIRIES C. CARPACIO DIANNE MAE V. ACLAN EUGENE E. EPIL FIONA KATE Y. PENTINIO GEE RUSSEL F. GARCIA GLAYZEL C. MAGNASE JAN LEENARD P. PATULAN JANE ANGELA M. TANO JENINAH CARLE C. ALDABA JILLIAN ROSE A.SANTIAGO JOHN CYRUS A. MELENDREZ JOHN LLOYD E. GOROSPE KATE ZOSANE M. ABUTAN KATLYN R. SOLOMON LORRAINE P. MAGBOO NELBERT JOHN R. MEDINA PAUL JUSTIN B. APOLINAR PRINCESS JANE ACBANG QUENSHANE JANARAH A. RELOX REGIEMICH A. PALCO SAM A. PARAS SAMANTHA MAE E. EPIL WENZLY FLORIDA ZIANEL GREA Q. ALDOVINO Mga Manunulat ALYSSA GIAN ALMEDILLA BEN MICO CARIDO DEXTER N. CASAPAO KEN HANSLEE Q. CASTILLO QUINN DENN C. FIETAS TRISTAN AEOHN D. MANALO Mga Kartunista RENALD M. DELOS REYES TRIXIE FEIGH C. SANCHEZ Mga Taga-anyo HANEAH JULYN S. LIMBO JENCY ANGELO F. APOSTOL Junior Photojournalist KENN REYMOND N. HERMOSA KIMBERLY DIANNE G. MACUTONG MEYNARD R. GUTIERREZ DEO F. GAVERIA CRISTY A. ILAGAN ROSEMARIE N. GONZALES BUENAFE T. ATAYDE DENNIS L. AKOL LUNINGNING R. AXALAN Mga Gurong Tagapayo MERCEDITA A. DELA ROSA Ulong Guro III Tagapag-ugnay, Pahayagan Pangkampus DR. VICTORINO B. AGELLON Punongguro IV Bahagdan ng mga mag-aaral na umabot sa pasadong marka sa PISA 2022 sa mga sumusunod na asignatura: bakas ang 07 16% 23% 24% MATH PAGBASA AGHAM stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat. Magmulat. Manindigan Ayon sa DepEd Order 013, s. 2023 na Adoption of the National Learning Recovery Program (NLRP), kinakailangang palakasin ang Values, Health, at Peace Education. Ang Values Education ay nananatiling prayoridad bilang pagtugon sa Republic Act (RA) No. 11476, Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education Act, na kinikilala ang kahalagahan ng kabataan sa pagbuo ng isang bansa. Mula sa DepED Memorandum No. 001, s. 2024

ang bagong bakas

SAME SEX UNION

Napakaraming paninibasib ang nangyayari sa mga mamamahayag. Inihayag ng International Federation of Journalists (IFJ) ang bilang ng mga mamamahayag na pinaslang noong nakaraang taon noong Disyembre 31, taong 2023. Sumampa sa 119 ang kabuuang bilang ng mga mamamahayag na naitalang namatay.

Isa sa mga kumalat na balita sa social media at sa mga Istasyon ng balita ang malawakang pagpatay ng mga sibilyan, ito rin ang kinikilalang pinaka-madugo at malalang pag-atake sa mga mamamahayag, kinikilalang suspek sa pagpatay na naganap na ito ay ang Maguindanao Ampatuan Massacre. Umabot sa 32 ang bilang ng mga napaslang na mamamahayag na pinagbabaril ng mga armadong tauhan ng nasabing samahan. 107 na katao ang sumailalim sa paglilitis ukol sa kaso ng masaker, ngunit sa kasamaang palad 28 lamang ang hinatulang may sala sa pamamaslang at ang natitirang nasa 80 indibidwal ay nabigong pagbayarin.

pag-atake sa mga mamahayag. Tunay nga na kaawa-awa ang mga naiwang pamilya ng mga mamamahayag na kalunos-lunos ang sinapit. Karapat-dapat lamang na mabigyan ng hustisya ang mga walang salang mamamahayag na inaatake ng iba’t ibang tao.

Dahil sa mga insidenteng ito maraming mamamahayag ang natatakot, maging ang mga bago pa lamang umuusbong na, maging ako na nais maging isang mamamahayag ay natatakot na agad, baka ‘pag ako ay naging isang ganap nang mamamahayag ay may mangyari rin saaking masama. Base sa mga taong nakapanayam, lahat ay nagagalit at nadidismaya sa Gobyerno dahil hindi nito natugunan ang pag papa-sunod sa karapatang pantao para sa mga mamamahayag na hindi nabigyan ng hustisya sa kanilang pagkamatay at sa lahat ng mga nangyaring pag-atake sa mga ito. Makikita din ang mahinang katangian ng pagtatanggol sa karapatang pantao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga duma-raming bilang ng pagpatay sa mga mamamahayag nang walang pagpapatupad sa pananagutan, sangayon sa Human Rights Watch.

Ang bawat isa ay nabibigyan ng pantay na pagtingin at hindi na kinakailangan ng espesyal na pagturing.

Bendisyon ng SANTO PAPA: isang PAG-ASA

indi pa man nagsisimula ang taong 2024, inaprubahan ng Vatican at ng Santo Papa ang pagkilala sa Same-Sex Union na siyang unang itinanggi noong 2021. Sinasabing ang Same-sex couple ay maaaring tumanggap ng basbas mula sa simbahan ngunit hindi ito dapat maging bahagi ng regular na ritwal o liturhiya ng Simbahan.

Gayun pa man, ang nasabing pahayag ay nagdulot ng positibong reaksiyon sa hanay ng mga kabataang bahagi ng Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE). Ang pag sang-ayon ng Santo Papa ay itinuturing na malaking hakbang sa pagtanggap at pag-unawa sa mga miyembro ng LGBTQ+ community hindi lamang sa lipunan maging na rin sa simbahan. Hindi pa rin nawawala ang pag-asa ng mga magkasintahang may iisang kasarian na maging legal sa bansa ang pagkakasal sa kanila.

Subalit sa kabilang banda, kailangan pa nga ba ang ganoong bagay sa ngayon? Karamihan pa rin ng relihiyon ay hindi tanggap o hindi tumatanggap ng pag-iisang dibdib ng magkasintahang may iisang kasarian. Kung pagtanggap lang din naman ang nais, bakit hindi na lamang hintayin ang panahon?

Natatanging kaloob ng Panginoon ang buhay na tinatamasa ng tao ngayon, subalit ito ay limitado lamang, kung kaya’t nararapat na ito ay pahalagahan. Ang paraan na naglalayong tanggalin ang embryo o fetus sa loob ng matres ng babae ay tinatawag na abortion o pagpapalaglag.

Bilang isa sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan, namumutawi ang katanungang “Ang aborsyon ba ay dapat gawing legal?” Dinig na dinig ang lakas ng nagngangalit na batas laban dito.

Sa henerasyong kinabibilangan natin ngayon, talamak ang mga kaso ng aborsyon sa Pilipinas ayon sa National Demographic and Health Survey (NDHS), na halos umabot sa 40%. Mayroong dalawang panig sa usaping ito, Pro-choice kung saan sumasang-ayon ang mga tao sa pagkitil ng buhay at Pro-life naman sa mga taliwas dito. Kaya bago pa lumubha ang mga kaugaliang pilit i-normalize ng lipunan, ay napapanahon na upang bigyang diin ang pagbabawal sa aborsyon.

Una sa lahat, isinasabatas

Ayon sa simbahan, ang pagbasbas sa magkasintahan ay senyales na tinatanggap ng Diyos ang lahat at hindi dapat ikalito ng sakramento ng kasal sa pagitan ng isang babae at ng isang lalaki. Hanggang basbas lamang ang maaaring maipahintulot sa kanila ng simbahang Katolika sapagkat ang kasagraduhan ng seremonya ng kasal ay mananatili at hindi kailanman magbabago.

Sa henerasyon ngayon, unti unting natatanggap na sa lipunan ang mga ganitong pag-iibigan kaya’t hindi na nararapat pa na maging legal ang pagkakasal sa mga same sex couples. Ang pagtanggap at pagrespeto ay walang kinalaman sa batas bagkus ito ay nasa tao kung paano nila kikilalanin ang isa’t-isa.

Nakasaad sa Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women Act of 2009 na naglalayong protektahan at itaguyod ang mga karapatan ng kababaihan, binibigyang prayoridad ang pagbibigay ng oportunidad sa kababaihan na magkaroon ng pantay na pag-access sa edukasyon, trabaho, at iba pang serbisyong pangkalusugan. Bukod dito, naglalaman din ang Magna Carta of Women Act ng mga probisyon na naglalayong labanan ang karahasan laban sa mga kababaihan at itaguyod ang kanilang kapakanan sa loob ng pamilya at komunidad.

Gayun din ang Republic Act No. 10627, o ang Anti-Bullying Act of 2013, ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang mga mag-aaral mula sa anumang uri ng pang-aapi o pang-aabuso sa loob ng mga paaralan. Bilang bahagi ng mga probisyon ng batas, itinataguyod din nito ang konsepto ng “Child Protection Committees” sa bawat paaralan, na siyang responsable sa pagsusuri at pagsusuri sa mga insidente ng bullying.

Dahil sa mga batas na ito, nasisiguro pa rin ang prokteksyon at pagkilala ng lipunan sa mga miyembro ng LGBTQ+ community. Ang bawat isa ay nabibigyan ng pantay na pagtingin at hindi na kinakailangan ng espesyal na pagturing. Sa ganitong paraan, hindi na iisipin ng mamamayan na mas pinipili nating ipagtanggol ang kasarian kaysa sa moralidad ng bawat mamamayan.

Sa pagtagal ng panahon ay natatanggap na ng bawat isa na hindi lamang lalaki at babae ang natatanging pagkakakilanlan, maging ang mga bata ay nagkakaron na rin ng malalim na ugnayan sa kanila, ang iba ay hinahangaan at ang iba naman ay iniidolo. Gaya na lamang nina Vice Ganda, Boy Abunda, Raymond Gutierrez, at iba pang mga kilalang personalidad na patuloy pa rin na nakakatanggap ng papugay hindi gaya noon na madalas mahusgahan ng ibang tao sa tuwing nakikita sila. Ang pagtanggap sa kanila ay nagmumula sa tahanan, ang pagtuturo ng magandang asal sa mga anak ang siyang susi sa nagkakaisang bansa.

Hinding hindi rin makakalimutan ang pagkamatay ni Percy Lapid na isang kilalang mamamahayag sa Pilipinas na pinatay ng kinikilalang “middleman” ng pangkat. Subalit nang mahuli na ang sinasabing middleman, namatay naman ito sa loob ng bilibid. Posibleng sakit sa puso ang sanhi ng kamatayan ng nasabing ‘middleman’ na kinilalang si Jun Globa Villamor, na pumatay kay Lapid, ayon iyan sa resulta ng isinagawang awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labi nito.

Ang mga kasong ito ang magpapatunay na dapat na talagang matigil ang mga pag-atakeng nangyayari sa mga mamamahayag Napakaraming tao ang humihiling na mabigyan ng hustisya ang pagpaslang at pag-atake sa mga mamamahayag, kabilang na ang pamilya ng mga namatay na mamamahayag na humihingi rin ng katarungan para sa mga mahal nila sa buhay. Naging sanhi rin ang nangyaring pag-atakeng ito sa kakulangan ng mga mamamahayag sa ating bansa sa maikling panahon. Iba-iba ang naging paraan ng

Subalit sa gitna ng lahat ng ito napakaraming tapat na mamamahayag ang ginagawa pa rin ng maayos ang kanilang trabaho kahit na alam nilang delikado. Nananatiling responsable ang mga mamamahayag sa masa na matapang na ibalita ang mga tunay na nangyayari sa bansa at maging sa buong mundo. Kaya nararapat lang na sumaludo tayo sa kanila at dapat lamang nating ipagmalaki ang mga ito, sapagkat kahit alam nila na ito ay delikado, handa pa rin silang gawin ng maayos at tapat ang kanilang mga trabaho.

Gayunpaman, paano ba natin mareresolba ang suliraning ito? Kung kahit ang pamahalaan ay may problema sa pagpapatupad ng mga batas pagdating sa karapatang pantao. Maaaring makatulong tayong mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga taong humihingi ng hustisya at katarungan para sa mga napaslang na mga mamamahayag. Kaya naman, marapat lamang na mas mapaigting at maipatupad ang mga batas na may kinalaman sa karapatang pantao nang sa gayon ay mabigyan ng hustisya at pagrespeto na rin sa mga mahal nating mamamahayag.

PINAKAMASAMANG BANSA PARA SA MGA MAMAMAHAYAG

BATAS sa ABORSYON

ay ilegal sa Pilipinas. Walang ibang eksepsyon na nakasulat dito, maliban na lamang sa Article II.4; na walang liyabilidad pang-kriminal ang sinumang mananakit ng iba upang makaiwas sa mas malalang sakuna o disgrasya. Halimbawang nasa bingit ng kamatayan ang nanganganak, ang pagpapalaglag ay maituturing na moral na paraan upang mas mapabuti ang sitwasyon. Upang pag-igihin ang batayang ito, ayon sa maka-agham na pag-aaral, ang fetus ay namumuong sanggol o isisilang na anak ng isang tao. Sa kadahilanang ito, nararapat lamang na bigyang halaga ang pagbubuntis at gamitan ng makatuwirang pagdedesisyon sapagkat may buhay na dapat isaalang-alang sa sinapupunan ng babae. Hindi katanggap-tanggap ang opinyong walang nararamdaman ang fetus, dahil ito ang pinagmulan ng buhay ng tao. Ayon pa sa Child Rights, sila ay may karapatang mabuhay at ang gobyerno ay dapat siguruhin ang kapakanan nila. Kung kaya’t alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Artikulo 2 Seksyon 12, kinikilala ang pamilya bilang isang saligang institusyon ng lipunan. Dapat pangalagaan ng estado ang buhay ng ina at ng sanggol sa sinapupunan mula sa pagdadalangtao nito.

Pangalawa, ang aborsyon ang syang nagiging takbuhan ng mga kaso ng unwanted pregnancy. Ang gawaing ito ay imoral at ilegal na hatol ng mundo. Nakapaloob sa mga unwanted pregnancy ang (1) early pregnancy sa mga kabataan, (2) walang sapat na pinansyal na suporta, at (3) mga hindi planadong pagbubuntis ng mga ina na may binubuhay na malaking pamilya. Ang mga datos na nabanggit ay batay sa World Health Organization (WHO) 2005. Bilang karagdagan pa, 70% ng mga hindi pinlanong pagbubuntis sa Pilipinas ay napupunta sa aborsyon. Sa madali’t sabi, ang pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan ay pangungunsinti sa mga maling kagawian at iresponsableng desisyon ng mga

Pilipino. Ito ang nagsisilbing solusyon ng mga taong napapahamak dahil sa pag-ayon sa uso at pagkatalo sa silakbo ng damdamin. Ayon sa kapanayam ni Baldridge (2019), ang ugat ng kanyang desisyong kitilin ang buhay sa sinapupunan ay dahil hindi niya ito kayang buhayin ng sagana, sapagkat hindi nya ito inaasahan.

Bagaman, sinasabi ng mga Pro-choice na isa sa mga karapatan ng bata ang makaramdam ng tamang pangangalaga at pagmamahal, at kung hindi ito posible ay tama lang na magpalaglag ng walang malay na buhay. Ang mundo ay lumulobo na sa populasyon kung kaya’t bakit pa ito daragdagan kung pwede naman ang aborsyon. At panghuli, ipinaglalaban nila na ang babaeng ginahasa ay may karapatang patayin ang bata sa sinapupunan, para hindi nila masariwa sa kanilang isipan ang masalimuot na karanasan.

Kung sasagutin ang mga argumentong ito, lalabas ang napakaraming rason kung bakit nananatiling hindi katanggap-tanggap ang aborsyon. Isa sa mga kasunduan ng mga doktor at nars na mas piliin ang iligtas ang buhay ng isang tao, maliban na lamang sa mga nabanggit na eksepsyon sa batas. Kaya naman mahigpit na ipinagbabawal na makisangkot sila sa pagpapalaglag ng bata. Nasasaad ito sa Midwifery Act, Medical Act and Pharmaceutical Act, na maaaring mawalan ng bisa o masuspinde ang lisensya ng mga propesyonal na gaganap sa aktong ito. Sumunod, kung pag bubulay-bulayan ang mga karapatan ng bata, tama lamang na dapat sila ay may kasiguraduhang makakatanggap ng pagkalinga sa sandaling sila’y isilang. Ngunit, kung hindi ito posible ay hindi aborsyon ang sagot sa problemang ito. Sa bawat relasyon, mahalagang batid ng bawat isa ang kaakibat na responsibilidad sa pagtugon sa tawag ng laman, at mapag-usapan ang kanilang

kakayahang magtaguyod ng pamilya. Nang sa gayon, ay maiiwasan ang early pregnancy ng mga kabataan, at kasabay nito’y mabantayan din ang paglago ng mga pamilya at populasyon ng bansa. Sa isa pang banda, para naman sa mga kababaihang ang pagbubuntis ay bunga ng panggagahasa, muling papasok sa usaping ito ang mga batas. Kaugnay nito ang Republic Act No. 9262 (2004) ang Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) ay batas na pinasa para mabigyang proteksyon ang mga kababaihan at kanilang mga anak na nakararanas ng pang-aabuso at karahasan. Bilang karagdagan, ayon sa balita ng World Health Organization noong January 25, 2022 - lumalabas na halos 68,000 kababaihan ang namamatay kada taon sa Pilipinas, bunga ng mga komplikasyong nakukuha sa aboryson. Bukod sa labis na pagdurugo, ang mga septic shock, perforated bladder o bowel at mataas na tyansa ng ectopic na pagbubuntis, ay ilan lamang sa mga komplikasyon na maaaring mangyari sa pasyente. Sa huli, ang buhay ay buhay - dapat na pahalagahan at ingatan sapagkat isang pagkakataon lamang ang ipinagkaloob sa atin.

Bilang paglalahat, dapat lamang na manatiling ilegal ang aborsyon sa Pilipinas, sapagkat nilalabag nito ang mga karapatang pantao at moral na etika. Panahon na upang kumilos ayon sa kung ano ang tama at mabuti. Bigyang wakas na ang mga maling kagawian at persepsyon.

Buhay sa buhay. Buhay ng ina o buhay ng anak? Parehong nakataya ngunit ang aborsyon ay hindi kailanman magiging tugon sa ganitong isyu. Walang kailangang isakripisyo, kung tamang desisyon ang pipiliin ng tao. Pagsumikapang mabuhay, huwag pumatay. Ano ang mas ipaglalaban? Katarungan o kalapastanganan?

Dapat lamang na manatiling ilegal ang aborsyon sa Pilipinas, sapagkat nilalabag nito ang mga karapatang pantao at moral na etika.

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 08 BANTA sa mga PERYODISTA MANANANGGOL I Jeninah Aldaba
H Nanggagalaiting
MAKATARUNGAN I Fiona Kate Y. Pentinio MAY PAKIALAM
I Jency Angelo F. Apostol
ng Article 256-259 ng Act No. 3815 (1930) o The Revised Penal Code, na ang aborsyon
Ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ) Report 2023
N

Rosalinda O. Cusi

MA, PA, anak niyo ako!

Rosalinda O. Cusi

Ma, Pa. Anak n'yo ako!

"Kapag ako nawala, kawawa talaga kayo!" tila may mahika ang mga salitang ito, wala pa ang bilang sa tatlo ay hawak mo na ang tambo at maghuhugas ka nang kaagad ng plato. Marahil, ito ang tinig awitin at siguro'y orasang mamarapatin sa pandinig ng bawat supling. Kadalasang mapapakinggan kay Ina at daragdagan pa ng sermon mula kay ama. Ikaw na anak ay manatiling nakapinid ang saloobin, bawal kang sumagot sapagkat lapastangan kang maituturing. Subalit, hindi na matiis nitong pusong nagpupumiglas, ang bawat saloobing nais ng magwakas. ANAK, apat na titik ng dadamdaming sinisimbuyo, kumakatawan sa bawat ating "AKO" sa loob ng tahanang masayang binuo.

A-ko'y May Dunong na Akin Dunong na inaakala ninyong wala dahil sa musmos kong gulang. Palagiang paghahalintulad sa akin sa ngayon at inyong buhay sa nakaraan na nagdudulot sa akin ng hindi mapaliwanag na nararamdaman. "At kahit na kailan pa ma'y 'di mawawala, 'pagkat dala ko ang mapa, Sa'n man mapunta alam kung sa'n nagmula" ika nga sa awiting inahandog para sa inyo, mapa ng karunungang naging gabay ko upang matamo ang sariling dunong na aking taglay, mapang nagmula sa pag-akay ng inyong mga kamay. Kung sana lamang ay inyong mapapakinggan at pansi'y pagtutunan, kung paanong ako sa iba'y nakikipagtalastasan, maging sa daang aking nilalakaran, mababatid n'yong na mayroon na akong tunay na kamalayan. Sa marahang paraan, nagkaroon ako ng sariling kaisipan.

N-ilikhang hindi balik-puhunan

Alkansiyang animo'y sa pamilya'y pauulit-ulit na hinuhulugan, tila pinupuno ng sinsilyong ginto ang butas na sisidlan. Inaabangang mahasi sa tamang panahon. Hindi ako kapara ng negosyong pinupuhananan at hihintaying

tumubo para maibalik ang perang inilaan. Ma, Pa, hindi pagsukli ang aking binigay kundi pagmamahal ng isang anak sa isang magulang. Parusang isinadlak sa inyo noong nakaraan, huwag na sanang sa aki'y ipapasan. Aruga na hinahanap ng katulad kong supling ay madama ang init ng pagmamahal sa inyong piling, putulin na sana ang kinasanayang ikot ng pamilya natin. Nilikha akong hindi balik- puhunan, hayaan n'yong sundin ko ang sarili kong kalooban, tagtagin na natin ang kaisipang kayamanan ang batayan.

A-ngking pangarap

"Mga bagay na buhay ang may dala, Dala ko ang 'yong bawat payo, At hanggang sa dulo, magkalayo man tayo, Ako'y tatayo" mga payong utay-utay ninyong nilalayong maging hantungan ko sa dulo. Nakakapagod abutin ang hindi ko sariling naisin. Hangaring sana'y malaya kong inaabot, subalit ang pangaral na sana'y gabay ay nagiging baging na sakal, tila tanikalang nakakapagal. Kaya ko namang tumayo, pundasyon ang aking angking pangarap, naisin na sarili kong sinsayin. Huwag sanang maging dikta ang bawat tinta na sa sarili'y nilalathala. Akyatin at kamtin ang karangalan at entabladong nagniningning tungo sa pangarap ng isang anak na tinatangi kong matawag na akin.

K-asama sa Buhay

Nanatili ang pasasalamat at pagmamahal nang palagi. 'Wag mag-alala, Ipikit ang 'yong mata, ta'na, Pahinga muna, ako na'ng bahala, Labis pa sa labis ang 'yong nagawa, Ma, Pa, pahinga muna. Tahana't kanlungan ng nadarama, pinipilit man na kumawala ng aking mga hinaing higit pa ring lamang ang MAHAL KITA oh aking Ina at Ama. Ma, Pa, ihalintulad n'yo man ako sa panahong mayroon kayo o maging sa ibang tao, kahit paulit-ulit man akong magtampo, ako pa rin ang anak n'yo. Mananatili akong bukas na pinto, kayo ang aking naging kanlungan kaya't ngayon sa akin kayo magpahinga, ako ang sa

LATHALAING KOMIKS ni Quinn Denn C. Fietas

Marahil ang liriko na ito ay minsan nang dumaan sa mga newsfeed ninyo. Kamakailan lang, ay naging tanyag na kantang “Ere” ni Juan Karlos na pumatok sa maraming Pilipino. Matatandaan na nag-trending ito ng ilang buwan sa iba’t ibang social media platforms at ni-lypsinc pa ito ng ilang artista. Mapabata man o matanda, mahirap man o mayaman, ay napamura sa himig at ritmo ng kanta. Ngunit, kasabay ng pagiging tanyag ng awiting ito ay ang nakakabahalang patuloy na pagbaba ng moralidad at dignidad ng bawat kabataan. Pagmumura nang walang pakundangan at lantaran na parang hindi pinag-iisipan ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.

“Tayo’y lumilipad, bat ako’y iniwan mo”

Taludtod kataga mula sa musika na sagisag ng naiwanang tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino na napaglipasan na ng panahon. Naiwan sa ERE at animo’y hangin na mabilis na naglaho.

Sa kasalukuyang panahon, may nagmamano pa kaya? Hindi ‘yung pagmamano tuwing pasko lamang ha, kundi iyong pagbibigay-galang sa mga magulang mo ng may pagmamahal. ‘Yung tipong magmamano ka sa tuwing aalis at babalik ka sa inyong tahanan. Ngayon, ang kabataan ay masyado nang nalamon ng teknolohiya. Lilisan at babalik ka na lamang nang nakalugmok at nakatutok sa selpon. Malinaw na nagpapakita ng pagsasawalang bahala sa mga nakatatanda at etiko ng kulturang

Eh, ang pagsasabi ng po at opo? Naituturo pa rin kaya sa mga bata? Ngayon, kung hindi pabalang ang sagot ay walang modo at respeto na ang pangangatwiran ng mga kabataan. May tumatangkilik pa rin kaya sa mga larong Pinoy? Tumbang preso, piko, patintero, luksong baka, at tagu-taguan,

ilang mga laro na naging malaking bahagi na ng ating pagkabata. Subalit, may kamalayan ka ba sa mga ito? Tila nakubli ang mga larong ito at tuluyan na ring nasama sa pagtupok ng iba’t ibang e-games na nagkalat sa internet.

Paano naman kaya ang kalesa bilang pangunahing transportasyon sa tuwing may pupuntahan na lugar? Tila ang naging tanyag na sasakyang ito dati ay nakikita at mararanasan mo na lamang na masakyan sa tuwing pupunta ka ng Ilocos Norte, partikular na sa Vigan City. Kauna-unahang kayamanan na nagsilbing transportasyon ng dating lipunan. Hindi na ba talaga ito maibabalik kahit sa mga lugar na malalapit lamang? Upang sa ganoo’y mabawasan din ang polusyon sa ating kapaligiran.

Mayroon pa rin kayang gumagamit ng mano-manong lutuan? Kalan o tungko na kahit nakaluluha sa tuwing ito’y uusok ng inam kapag tayo’y magdidikit. Wari ko’y iilan na lamang ang gumagamit ng mga ganitong uri ng lutuan dahil nauso na ang mga rice cooker, air fryer, electric stove, at marami pang iba.

09
stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat. Magmulat. Manindigan ERE JUAN
Iniwan sa ERE! 02
KARLOS Tradisyong
01

“Ahhhhhhhhhhhh!” irit ng maharot kong kaibigan na animo’ y parang kinurit sa singit at tinggil. Kung makasigaw ay akala mo nama’y reyna ng mga pandit. Hindi magkamayaw sa kilig dahil nag-chat na naman ang kaniyang boyfie kuno na nakilala raw niya sa social media. Hindi ko alam kung bakit dalang-dala siya sa kaniyang mga patutsada. Kesyo pogi raw ang typings at boses. May magandang katawan at nakahahalinang pagmumukha. Syempre, paanong ‘di popogi ay dala-dalawa ang filter sa mukha. Naku, alam ko naman na sa likod nang mabubulaklak na salita niyan ay manloloko at balahura rin ‘yan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aming henerasyon. Pati ako AY nagtataka na rin kung bakit nabuhay ako sa ganitong panahon. Hindi ko kasi feel ‘yung kanilang pakikipagrelasyon. Naks, rhyming, pero tunay. Daig pa nga ata ako ng mga batang babaeng nasa elementarya pa lamang. May mga jowa na raw at lahat sila ay niligawan sa pamamagitan ng social media.

Kahit sa mga kabataan, ang dali nang magkajowa ng karamihan, dahil kapag magaling kang mambola sa chats or texts, tiyak na may instant jowa ka agad. Isang linggo lang ang panliligaw at maya-maya pa’y may ka-aylabyuhan na. Sobrang lambing sa internet, pero sa personal ay hindi naman kayang magpansinan? Hindi sa pagiging bitter na babae ha, pero mas gusto ko kasi ‘yung dating tradisyon. ‘Yung tipong haharanahin ka sa harap ng bahay niyo, kasabay ng pagtutog ng awitin na kasingganda ng musika ng Sugarcane na Leonora. “Itong alay kong harana, para sa dalagang, walang kasingganda, amoy rosas ang halimuyak.”

Aawitan at haharanahin ka sa tanaw ng iyong mga mata at hindi sa likod ng kamera. May pagkalinga sa bawat pantig at pagmamahal sa bawat parirala. “Handang gawin lahat, kahit pamilya’y liligawan.”

Maraming araw ang gugugulin para lamang makuha ang loob mo pati ng iyong pamilya. Gabi-gabi ay bibigyan ka ng pasalubong na pagkain at kaayaayang mga regalo. Baon ang mga mahahalimuyak na bulaklak at nakakakilig na mga biro. “Tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa.”

NALIGAW NA PANLILIGAW

LEONORA SUGARCANE

Carl Joshua Gutierrez / Johnsen L. Paderagao

Hindi pa man magkasintahan ay araw-araw ipaparanas sa iyo ang wagas niyang pagmamahal. Laging ipaparamdam na ikaw lamang at wala ng iba pa. Matagal na panahon ang gugugulin sa ganitong paraan ng paniningalang-pugad. Nangangailangan ito ng tiyak na sakripisyo at dedikasyon. Mahirap man ngunit, ito ang susukat ng katatagan mo sa pakikipagrelasyon. Uri ng panliligaw na patuloy nang naligaw sa makabagong henerasyon. Nakakubling tradisyon sa patuloy na pag-inog at pagbabago ng pahanon.

lathalain

TITIBO-TIBO

Rosalinda O. Cusi

"M. F." Dalawang titik na animo'y nagdudulot ng kalituhan. Letrang pantukoy ng kasarian, madalas nakakasagupa sa papel at mga detalyeng dapat na punan, maging sa trabaho man o sa paaralan. Alin nga ba ang dapat lagyan ng markang maglalahatla kung anong pagtrato ang dapat mo "raw" makamtan?

Babae o lalaki? Sa iyo ba'y may tandang pananong na nabuksan?

"Kahit ako'y titibo-tibo, puso ko ay titibok pa rin sa'yo" taludtod-katagang minsan ng sumikat at kinagiliwan ng maraming mamamayan, hindi lang sa bansang Pilipinas maging sa buong mundo man. Awiting pumatungkol sa isang dalagang umibig at sa kasariang kaniyang kinamulatan, kung sino nga ba siya sa iba't ibang aspetong kaniyang nilalakaran. Sa totoong buhay, may batayan nga ba ang kasarian upang mahinuha ang "SINO ka?" sa mundong ginagalawan.

Sanay Ako rito

Laruan, kagamitan at mga gawaing kinasanayan. Tila ba pinapahiwatig kung alin ang naangkop mong gawin. Chinese garter ay sa babae lamang, teks at jolen ay para sa lalaki lamang. Sa babae'y kinasanayang makita ang pagdadala ng iba't ibang kolorete at makukulay na pulbos pangmukha maging pagbabawas ng kilay upang sa anyo'y bumagay, sa lalaki nama'y karaniwang makikita ang paglapat ng mga daliri sa kwerdas ng gitara at paghimig ng mga awiting pangharana. Maging sa trabaho'y may umuusbong na ring pagtatalagang hatian, babae'y hindi malayang mamuno, lalaki'y hindi naaayon sa magagaan na gawaing simuno.

Laruan at kagamitang may pagtutukoy at limitasyon, gawaing nahahati sa dalawang linyang tuon. Marahil ito ang nagtatakda, dahil ito ang sanay mong ginagawa. Subalit, agam-agam ang hinuha, paano kung lalaki ka naman subalit sanay ka sa pambabaeng gawa at gayon din kung babae ka ngunit sanay ka sa panlalaking gawain? Matutukoy mo ba ang sino sa katagang "Sanay ako rito?”

Inlove Ako sa Kaniya

"Sino mag-aakalang lalaki pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala", sa larangan ng pag-ibig may kasarian nga bang nagtatakda? Kasalungat ng iyong katauhan ang nararapat mong mahalin, babae ka kaya't lalaki ang nababagay sa iyo. Magulo at malito, sa henerasyon ng kasalukuyan kasaria'y hindi na pinag-uukulan, sa larangan ng pag-ibig kahit ano'y gagawin upang ipaglaban ang hindi mapigilang

Johnssen L. Paderagao

nagsasayawan na tao. Halos mga kabataan na katulad ko rin ang kasuotan. Mga kulang sa tela at animo’y hindi nararapat para sa isang musmos na ituring na katulad ko. Kami na nawala ang sariling kamalayan at tuluyan ng naimpluwensyahan nang makabagong panahon at tradisyon. Tila nakasinghot ng mga usok na binubuga ng bagong henerasyon.

Biglang tumigil ang nakakapanayaw at maingay na tugtog at napalitan ito ng malumanay na bagong kanta na nagpatigil sa karamihan.

“Di ba nga ito ang iyong gusto?” Liriko ng tugtog na talagang inakma sa nararamdaman at naiisip ko ngayon. Tuluyan na tayong nagpakasasa sa ating kagustuhan. Nakalimutan ang mga tradisyon at nararapat na kasuotan. Dahil lamang sa makabagong henerasyon, nasira ang dangal nating kabataan sa ating kasuotan. Bakit nga ba umabot na kami sa ganitong kalagayan? Sobra na nga ba talaga kaming naimpluwensyahan o amin nga ba talaga itong kagustuhan?

“O, ito’y lilisan na ako” Tuluyan nang naglaho ang mga

tradisyonal na kasuotan. Barong at saya na bumabalot sa ating mga balat. Noon, hindi pa masilayan kahit tuhod lang ng isang babae, ngunit bakit ngayon ang pagpapakita ng iniingatan na katawan ay naging lantaran?

“Mga alaala’y ibabaon, kalakip ng tamis ng kahapon”

Mananatili na nga lamang ba itong nakabaon sa kahapon? Nakalilok na lamang sa nakaraan at naging bahagi na lamang ito ng kultura nating mga Pilipino. Nakaimprinta sa mga lumang libro at ilang taon pa’y tuluyan ding maaabo dahil sa panahon. Ilang minuto pa’y kumanta na rin ako. “Pasensya ka na sa mga kathangisip kong ito.” Sana nga, kagaya ninyo Ben&Ben, sa kanta na “Kathang-isip” ay kathang-isip din lamang ang mga ito, para may pagkakataon pang magising at magbago. Ngunit, hindi. Ito na ang reyalidad at ganito na ang mga gawi ng kabataan ngayon.

“Ako’y gigising na, sa panaginip kong ito.” Sana nga ang bawat kabataan ay magising na sa bangungot na panaginip na ito, upang masabi rin namin na, “At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo.”

KATHANG ISIP Dangal ng Manipis na Tela Ben&Ben
SINO ako? 03 04
ang

lathalain

It’s been raining, vloggers?

ITS BEEN RAINING IN MANILA Lola Amour

Johnsen L. Paderagao

It’s been raining in Manila, hindi Isa ka rin ba sa mga nawiling kantahin ang lirikong ito? Kung oo, tiyak pamilyar sa iyo ang mensahe at himig ng musikang ito. Ngunit, kung sa Maynila ay literal na pumapatak ng malamig na ulan, sa Oriental Mindoro, hindi tubig ang lumalagasgas, kundi vloggers. “It’s been raining vloggers in OrMin!” Alam kong naramdaman mo na rin ang malaking pagbabago sa kaunlaran ng ating teknolohiya. Noong panahon ng pandemya, mas pinalawak pa nito ang kamalayan ng mga tao sa paggamit ng internet partikular na sa social media. Mas higit ng nakatuon ang mga mata ng tao sa digital na mundo. Mula sa maliliit hanggang sa malalaking isyu ay talaga namang ang bawat isang tao ay may kaalamang detalyado. Panahon na mas napadali ang pakikipagkapwa-tao ng bawat isa. Ngunit sino ang mag-aakala na sa patuloy na pagdaan ng araw, bibigyang pansin ng mga Mindorenos ang nananahimik na mundo ng vlogging na kung saan

Gunita ng Kahapon

Sa Susunod na Habang Buhay

Rosalinda O. Cusi / Azhlie Aquino

Mababalikan pa kaya ang kahapon? Mga alaala sa buhay na sapilitang natapon, mga sinayang na panahon at mga maling desisyon. Pilit na umahon sa madilim na kahapon. Maari mong gunitain ang nakaraan ngunit hindi na ito mababalikan. Iyan ang katotohanan, walang rewind sa mundong ating ginagalawan.

Nasungkit ng pelikulang

“Rewind” na pinagbibidahan ni Marian Rivera na kilala bilang si Mary at si Dingdong Dantes bilang si John, ang pinakamataas na grossing Filipino Film of All Time dito sa Pilipinas. Ito ay ipinalabas sa mga sinehan noong Disyembre 25, 2023. Dahil sa pagtangkilik ng maraming Pilipino, dinagsa ang sinehan ng napakaraming tao. Ito ay umani ng malaking kita na umabot sa P845

Matalino ang naging diskarte ng direktor upang hatakin ang atensiyon

ng manonood. Ang mga karakter ay may sariling bersyon na naglantad sa kanilang pagkakakilanlan. Sa bawat salita na kanilang binibitawan kasama ng boses na iyong mapapakinggan, mapagtatanto mong ideya ay maglalantaran.

Higit na tumingkad at lumutang ang emosyon ng kwento dahil sa musikang ginamit. Ang musika ay tila isang gulong na nagpaikot sa istorya. Bawat linya sa kanta ay may nakatagong mensahe na sasagi sa mumunti mong diwa na nagpalawak sa kaisipan at kumokonekta sa realisasyon. Kung iyong papakinggan, mga kaisipa'y magsisingkaran at buhay ay mo'y magkakaroon ng kabuluhan. Makakahanap ka rin ng pahinga sa bawat taludturan.

“Kahit lungkot, dumaraan ‘pag natuyo na ang luha. Parang nahipan ang ‘yong kandila. Init ay wala,” Tila ba parang isang mahika ang

nangyari na kung saan ang isa sa mga dating iniingatan at minamahal ay pawang isang hangin na lamang. Mahihinuha rito na kapag ang isang tao ay nakaramdam ng kakulangan sa isang tao, parang lahat ng inyong pinagsamahan ay wala lang para sa kaniya. Ni hindi na niya maramdaman ang dating tamis ng pagsasama at nabalewala na lamang ang lahat. Ngunit kung ating titingnan, kaya nakararamdam ng pagkukulang ay dahil siya na mismo ang nagkukulang.

“Hindi talaga inaasahan, magkagulo't magkagulatan, sa'n na napunta?” Ito ang isa sa taludtodkataga ng kanta na nagpatingkad at pumukaw sa damdamin ng mga manonood. May mga bagay na nangyayari nang hindi natin inaasahan. Hindi natin mawari kung kailan, paano, at saan nag-uugat ang lahat ng bagay. Paano nga ba na ang isang kaganapan ay nagiging sanhi upang magkagulo

Hinaing ng Kabataang tulad ko!

Johnsen L. Paderagao

Paano ka mapapakinggan kung hindi ka naman pinagsasalita?

Palaisipan sa mga kabataan ang hinaing na ito para sa lipunan. Tinitingnan bilang musmos at walang kamalayan sa kadahilanang kami’y mga “kabataan” pa lamang daw. Bubot pa raw ang isipan, kaya’t kailangang sumunod na lamang sa nakatatanda.

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” wika ng pambansang bayani na si Jose Rizal, subalit paano kami uunlad kung kami’y naaabuso sa sarili naming karapatan. Paano maipaglalaban kung wala kaming kapangyarihan? Nakakandado ang bibig dahil mas alam daw nila ang aming kapakanan?

“Awit ng Kabataan” isang awitin na isinulat ng Rivermaya na nagsilbing sandalan ng maraming kabataan ngayong panahon. Sagisag ng mga hinaing na lagi naming nararanasan.

“Wala na raw tayong mga kabataan sa ating mga ulo,” Siguro, nasasabi nila ang mga katagang ito dahil sa ilang kabataan na nasasangkot sa iba’t ibang bisyo. Ngunit, alam ba nila kung bakit sila nagkakaganito? Hindi ba dahil sa kawalan din ng

nagbigay ito ng panibagong pintuan sa kanila bilang isang kasiyahan at pagkakakitaan.

Sinong mag-aakala na ang simpleng pagkuha ng video ng mga nangyayari sa buong araw mo ay kikita ng libo-libo depende sa dami ng nakapanood sa iyo? Ito ang naging hangarin noon ng ilang matagumpay na mga vloggers na nagkaroon na ng milyon-milyong followers at viewers.

Isa na rito si mhakelTV na ang tanging ginagawang content ay ang kaniyang araw-araw na pamumuhay. Gayon din si Ka-Mangyan Vlog at Mindorenang Mangyan na samu’t saring content ang ginagawa na naging dahilan upang mailathala sila sa mga ilang programa sa telebisyon.

Tila ang mundo ng vlogging ay kinagiliwan na ng nakararami. Bukod sa benepisyo na maaari kang sumikat, isa rin itong magandang trabaho na kung saan maaari kang magkamit ng malaking pera. Ngunit, sapat ba ang mga ito upang isugal mo ang

trabahong mayroon ka? Vlogging na nga ba ang nakikita ngayon ng mga tao na bagong trabaho sa hinaharap? Bagama’t simple ang pagkuha ng mga video, hindi simple ang mga responsibilidad na nakaatang sa’yo sa ganitong larangan ng trabaho. Kailangan mong

at magbago ang lahat? Talagang walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay. Hindi mo alam kung kailan mauupos ang sindi ng kandila. Napakaraming bagay na hindi inaasahan ngunit itinakdang mangyari, tila isang hampas ng alon sa gitna ng karagatan, bawal ka magpadala dahil kailangan mong lumaban.

“At kahit nabago na ng oras, ang puso mo’y nabutas. Ikaw pa rin sa susunod na habang buhay.” Kahit ano man ang mangyari, kung mahal mo talaga ang isang tao, siya pa rin talaga ang iyong pipiliin sa susunod na habang buhay. Kahit walang kasiguraduhan na may kasunod pa nga ang pag-inog natin sa mundo, patuloy pa rin nating hinihiling na nawa kung may susunod pa ay muli natin silang makapiling at magkaroon nang pag-asa na ang lahat ay pangmatagalan na. Ngunit, hangga’t may panahon pa tayo

upang makasama sila, ibuhos na natin ang lahat ng ating makakaya upang sa gayon ay makapiling natin sila bago pa mahuli ang lahat, bago pa maubos ang apoy ng kandila at ang iyong mga mata na ang lumuha.

Ano pang hinihintay mo? Sundan mo ang indayog ng sariling karanasan, ihip ng hangin ay patuloy na pakinggan. Hindi sa susunod na habang buhay, kundi ngayon habang nabubuhay. Lagyan mo ng kulay ang sariling mundo, hayaan mong ikaw ay matuto at makuntento sa mga bagay na hindi mo kontrolado. Ipagpatuloy ang buhay na nasimulan at mapayapang magbalik sa pinagmulan, alalahanin mo na lamang at magsilbing kalakasan ang gunita ng kahapon, buksan mo ang pintuan at mamuhay ka sa kasalukuyan.

paghimasukan. Kontrolin ang aming mga buhay at balewalain yaring

“Kung gusto mo akong subukan, bakit hindi mo subukan” Sarili ninyong anak hindi n’yo makayang mapagkatiwalaan. Mistulang alagang hayop na nakakulong sa apat na kwadradong tahanan. Walang kalayaan na lumabas at maengganyo sa tunay na saya ng mundo. Ano nga po pala ang dahilan ninyo? Baka maimpluwensyahan ng mga masasamang gawi at bisyo. Ngunit, wala sa inyong kamalayan na sa patuloy ko na pagkakandado sa likod ng pintuan ay ang pagngitngit ng galit sa aking kalooban. Bakit hindi ninyo subukan? Kahit isang beses ay ako nama’y inyong pagkatiwalaan. Malay ninyo, sa aksyong ito’y magkaroon ng kaibahan sa ating inaasam na

Patuloy na maghihintay ng pagkakataon na pakinggan ang tinig naming mga kabataan. Patuloy na magkukumahog hanggang sa marinig ang awit ng kabataan. Awit ng panahon, awit para sa kinabukasan.

08
AWIT NG KABATAAN RIVERMAYA
maging karapat-dapat sa lahat ng nilalaman ng iyong vlog at handa kang tumanggap ng kritisismo mula sa mga tao. Gayon din ay dapat taglay ng video mo ang kawili-wili at hindi nakakasawang laman na papanoorin ng maraming tao. Kaya’t ngayon pinapaalalahanan na kita, hindi ito isang madaling trabaho. Ngunit, sa nangyayari ngayon sa ating henerasyon. Mistulang lahat ng bagay ay umiikot at nakatuon na sa social media. Hindi malabo na umulan muli ng mga vloggers ang ating bansa. Ngunit akin lamang paalala. Kung nakakaya nating sabihin ang katagang, “Just Like, Share, and Subscribe!” dapat lagi rin nating isaisip ang katagang, “Think Before You Click.”
07
Ben&Ben
akas

ang bakas

09 PADABA TAKA, ORIENTAL MINDORO

Johnssen L. Paderagao

“Kumusta ang byahe kuya?” Tanong sa akin ng kapatid kong bunso. Hindi kaagad ako sumagot at inilagay ko na ang aking gamit sa may lamesa ng salas at umupo. Ramdam ko ang pagod at sakit ng kasukasuan ko sa mahabang byahe sa aming probinsya. Isa akong Tour Guide, at masasabi kong hindi madali ang trabahong ito. Ngunit sa kabila ng masakit na katawan, nangingibabaw pa rin sa akin ang kasiyahan na mapagmasdan ang iba’t ibang ganda ng kalikasan. Hindi ko pa rin sinasagot ang kapatid ko, at maya-maya lang napakinggan ko ang paborito kong kanta. “Pinatugtog ko kasi alam kong yan ang magpapagaan ng loob mo,” ika ng kapatid ko.

“Kumusta ang byahe, napagal daw, marina pinagluto ta ka na….” (Kamusta ang byahe, napagod ka ba, halika pinagluto ka na…) mga Bikolanong liriko na kaysarap pakinggan. Hindi ko alam ngunit may kakaiba sa kantang ito kahit hango ito sa ibang wika. Habang marahan kong dinaramdam ang kanta ay hindi ko na napigilan pang tumayo at sumabay sa awitin. “Kamusta ang aldaw ko?” (Kamusta ang araw ko?) tanong ko sa kapatid ko at patuloy na kumanta. “Ibahan mo ako, lilibuton niyatong duwa an KaMindoro”. (Samahan mo ako, lilibutin natin ang buong Mindoro)

PAraisong tanawin Kilala sa mga likas na yaman at tanawin ang Oriental Mindoro ay. At hindi natin maikakaila, na katangi-tangi ang naturang ganda ng probinsya at pinupuntahan pa ng libo-libong turista sa buong mundo. Isa na rito ang tinaguriang The Heart of Asia o ang Puerto Galera. Simula sa malamig at sikat na Tamarraw Falls hanggang sa mapipinong puting buhangin ng White Beach Resort, ay hindi maitatanggi ang kagandahan ng munisipalidad na ito. Kilala rin ito sa iba’t ibang pasyalan kagaya ng Muelle, Mangyan Village, Aplayang Munti, at iba’t ibang viewing deck. Sa ibabang bayan nito, matatagpuan ang The land of Cascading Water of Oriental Mindoro, ang bayan ng San Teodoro. Likas dito ang mga natatanging tagong talon kagaya ng Tukuran Falls, Bot-olan at Aras Falls. Sa bandang katimugan naman, sisirin at lalanguyin ang mga malilinis

na tubig ng Bagong Sikat Falls, Balatasan Long Beach, at Suguicay Island sa bayan ng Bulalacao. Maaari ka ring mamasyal sa mga museo ng Bansud, Calapan City Museum at Clarendon Cultural Center sa Roxas. Ilan lamangi`yan sa mga nakabibighaning lugar ng Oriental Mindoro na tanyag sa mga turista. Probinsyang pinagpala sa mga paraisong tanawin.

DAngal ng Mindoreño Ika nga ng nakararami “Wala sa masasarap na pagkain at magagandang pasyalan ang dangal ng isang bayan, kundi ito ay nasa mamamayan.” Mindoreños ang tawag sa mga magigiliw na mamamayan ng probinsya, at bahagi nito ang mga katutubong Mangyan. Sila ay may iba’t ibang tribo kagaya ng Iraya, Alangan, Tadyawan, Hanunuo at iba pa. Mga Mangyan na nagpanatili ng mga tradisyon at kultura. Mangyan na dangal nitong probinsya.

BAntog na putahe Kilala rin ang Oriental Mindoro sa mga masasarap na lutong ulam at kakanin. Ngunit ang mas tanyag at bida sa lugar na ito ay ang Suman sa Lihiya ng Naujan. Ang sumang ito ng Naujan ay gawa sa malagkit, na swak na swak ipartner sa latik na gawa sa gata ng niyog. Karaniwan din sa mga pagkain dito ay perfect na pang-meryenda kagaya ng Banana Chips, Buko Pie, Cassava Chips, at iba pa. Isa rin sa mga patok na pagkain dito ay ang Ginataang kuhol.. Marahil sa ibang lugar ang kuhol ay isang peste, ngunit sa mga Mindoreños isa itong kayamanang sangkap sa isang masarap na ulam. Sulit na sulit ang putahe na ito lalo na kapag may kapartner na kanin. Ilan pa sa mga ulam na mapapatakam ka sa sarap ay ang Ginataang labong, Tinapa, Kinilaw, at Ginataang manok sa Luyang dilaw. Mapapataob mo kaya ang kaldero ng kanin sa Oriental Mindoro?

TAnging pamana Kung iisa-isahin man ang mga natatanging pamana na ipinasa sa bawat henerasyon ng mga Mindoreños, syempre hindi mawawala rito ang mga makukulay at masasayang fiesta. Isa na rito ang MAHALTANA Festival na

ipinagdiriwang tuwing buwan ng Nobyembre sa buong Mindoro. Binibigyang pansin dito ang kahalagahan ng MAngyan, HALcon, TAmaraw, at lawa ng NAujan bilang mga kayamanan ng lalawigan. Tampok din sa probinsya na ito ang Basudani Festival sa Bansud, Bahaghari Festival sa Pinamalayan, Coco Festival sa San Teodoro at Kaaldawan-Iraya Festival sa Puerto Galera. Hindi lang basta ordinaryong kasiyahan ang bawat fiesta sa munisipalidad, dahil ito ang nagkubli sa mga kultura at tradisyon na pamana ng nakaraan.

KAbigha-bighaning Handcrafts Syempre magpapatalo ba ang mga Mindoreños sa mga kagamitang gawa sa kamay o handcrafts? Hephephep! Isa rin yan sa ipinagmamalaki ng probinsya ng Oriental Mindoro! Ang mga Mangyan ang pinagmumulan ng mga magagandang handcrafts na gawa sa beads, abaka, palapa ng niyog, kawayan at iba pa. Mula sa mga pamaypay, bag, damit, wallet, tela, banig at iba’t iba pang kagamitan sa bahay, hindi `yan imposible sa mga talentadong kamay ng Mangyan. Isa sa mga sikat na bilihan ng mga handcrafts na gawa ng mga katutubong Mangyan ay sa lugar ng Barangay Pagturian, Puerto Galera kung saan mayroon silang nakahilerang iba’t ibang produkto na pangunahin din nilang kabuhayan. Mga produkto na sagisag ng kanilang talento.

Mula sa mga magagandang lugar, pagkain, mamamayan, fiesta, at handcrafts talaga namang hitik na hitik ang probinsya ng Oriental Mindoro sa mga kultura. Kultura na buhay at kaluluwa ng lalawigan. Tradisyon na kinagisnan, natutunan at umakto bilang tahanan. Oriental Mindoro na paraiso sa timog katagalugan. Iilan lamang ang mga nabanggit sa mga nakabibighaning katangian ng probinsya. Marami pa itong nakatago at tiyak na may mga uusbong pa. Hindi sapat ang mga salita upang mailarawan ka. Ngunit isa lang ang masasabi ko, Oriental Mindoro, Padaba Taka; Mahal Kita!

10

BANDa rito, BANDa roon

Johnsen L. Paderagao / Kate Zosane M. Abutan

“Bogsh!” Tunog ng tambol, mga tao'y sumisigaw at kumpol-kumpol. Kaliwa't kanan ang pagpapakuha ng litrato, palirit ang maririnig kapag nagsimula ng umawit at tumugtog ang iniidolo. Sa kasalukuyang panahon, hindi na lamang sa telebisyon makapapanood ng kantahang kinaaliwan ng marami. Kasabay ng pag-usbong ay ang paglaki ng pagkakataon na makalamuha at makita mo ng harapan ang iyong hinahangaan, sila na mismo ang dadayo sa iyo. Maraming kabataan ang matindi ang pagnanais na makarating sa ganitong ganapan o mas kilala sa tawag na "concert" ng iba't ibang banda. Samahan o grupo ng taong may galing at talento sa musika na patok na patok sa kahit anong edad. Gagawin ang lahat, makadalo lamang sa ganitong pagdiriwang. Subalit nakapagtataka bakit ganito na lamang ang liyab ng kanilang mga hangarin? Ligaya at aliw nga lamang ba ang nais nilang matamasa o may kwento ng nabubuo sa likod ng pagyakap ng mga tao sa kanilang musika?

BANDa rito, BANDa roon na kakatawan sa iba't ibang pangkat at manganganta pati na rin sa damdamin at opinyon ng masa.

B-Batikang Ben&Ben

“All will be all alright in time” Isang sikat na linya mula sa kanta ng Ben&Ben na naging sandigan na ng marami, tila ba ito'y naging salawikain na ng iba. Higit ay ang mga sawi sa pag-ibig na nagmistulang pinagkaitan ng pagkakataong mahalin, na naniniwalang darating din ang tamang panahon para sa kanila. Gaano man kahirap, kabigat, at kasakit ang nararamdaman ay nasilbi itong inspirasyon ng ilan na tumayo at maniwalang magiging maayos din ang lahat sa tamang oras. Batikang banda at tanyag sa masa ang pangkat nilang ito, higit ay ang kambal na manganganta. Araw-araw, Courage, Pagtingin, Kathang-isip, Maybe the Night, Sa Susunod na Habang Buhay, at Paninindigan Kita, ilan pa sa kanilang mga awitin na patuloy na tinatangkilik ng mamamayan.Lahat ng kanilang komposisyon ay hindi lamang basta, bagkos ay may na malalim ang pinaghuhugutang istorya kaya naman nakakaugnay rin ang masa.

A-Angas mo Flow G! “Teka,Rapstar 'to ah.” “Tara na't magrap! Kay Flow G. ito.” Mga lirikong kay bilis bigkasin. Tila ba

kapara ng estudyanteng mahuhuli na sa paaraalan sa tindi ng pagmamadali. Nakakapahanga ang angas at bawat lagaslas ng salita, dahil kahit sa tulin ng pagbikas nanatiling malinaw ang nais iparating ng bawat linya hanggang wakas. “Di ko namalayan na malayo na malayo na pala,na yung narating.” Liriko ng kaniyang komposisyon na nagbigay motibasyon sa mga tao na patuloy na maniwala sa sarili, na kahit wala pa sa dulo ng karera ang nararating ay mahigpit na kumakapit sa “malayo pa, subalit malayo na”. Tila ba nagiging dedikasyon upang umusad at huwag sumuko sa mga pangarap. Mabilis man ang dila subalit banayad ang bawat dampi ng musika sa kaluluwa, astig ni Flow G!

N-Nakamamanghang Mayonnaise

“Save your smile” Kung ikaw ay nalulungkot, nababagot, dumaraan sa karanasang masalimuot ang bandang Mayonaise ang sagot. “Itawa mo 'yan,” taludtod katagang mula sa isang awit ng bandang Mayonnaise. Na naglalayon ng pag-iingat sa sariling ginto, ang gintong kurba na hindi maagaw ng kahit sino man. Synesthesia, Jopay, Kapag Lasing Malambing, Ipagpatawad Mo, Tayo na Lang Dalawa at Elisi. Ilan sa mga awiting tinutugtog ng bandang ito na may kani-kaniyang kahulugan. Paghihintay,pagpapatawad,pangangamusta at paghahangad. Nakamamangha na sa pagitan ng pinagsama-samang sangkap ng awitin ay nakakabuo ng indayog pang kasiyahan na habang dinarama ay mapagtatanto may natatagong kahulugan. Amazing Mayonnaise!

D-Distinktibong Cup of Joe

“Bawat ngiti sa aki'y tumatak,kapalit ay luha na pumapatak.” Linyahang mula sa bandang Cup of Joe. Sa bawat ngiti, kasunod nga ba nito'y pagluha? Kung gaanong katangi-tangi ang bawat lirikong taglay ng awiting mayroon sila gayon din ang katangiang tinataglay ng kanilang banda. Mga awiting may kurot puso at tila nag-iiwan ng tandang pananong at reyalisasyong sa iyo'y magpapabuntong hininga at magpapahinto.

Tingin, Estranghero, Mananatili at Bukod-tangi, ang ilan sa kanilang komposisyong inawit. Magkahalong emosyon ang mararamdaman kapag narinig mo ang dampi ng bawat kantang ito. Kakaibang atake na sa atensyon ng mga tao'y swak at ang dating ay grabe! Sa bawat notang tumutugma, may kwentong nahuhulma. Liriko, instrumento, tinig, at mensahe, sa henerasyon ng Gen-Z hindi lang kanta ang kanta, hindi lang banda ang banda, hindi lang ito balewala. Ito ay may malalim na kahulugan at koneksyon sa buhay ng bawat isa, nagbibigay puwang sa bawat damdamin na damhin ang kanta hindi lamang sa tenga pati na rin sa kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit patuloy na marami ang naghahangad na makapunta sa concert. BANDa rito, BANDa roon na hindi basta-basta, ito'y dugong nananalaytay sa puso ng masa at bumubuhay sa musika.

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 12
PADABA TAKA dwta (Jasmin Villanueva)

Simbayotikong Ugnayan

Isang karaniwang katangian ng mga clownfish ay ang kanilang pakikipagtulungan sa mga sea anemones. Sa palitan, ang clownfish ay nakakakuha ng proteksyon laban sa mga predator habang ang anemone ay nakakakuha ng pagkain mula sa mga labi ng clownfish na natitirang kinakain nito. Ito ay isang halimbawa ng symbiotic na ugnayan sa ilalim ng dagat.

Talaang Aghamazing

Marine Protected Areas sa Mindoro, napinsala ng malawakang

OIL SPILL

Apektado ang 34 na Marine Protected Areas(MPAs) mula sa bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, at Mansalay dahil sa nakakalasong kemikal ng tumagas na langis mula sa barkong MT Princess noong February 28 ng nakaraang taon. Kabilang sa apektadong MPA ang Verde Island na tinaguriang "center of the center of marine biodiversity" kung saan maraming mga uri ng marine organisms ang nananahan. Ayon kay Doktor Aireen Rodriguez ng University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI), mamamatay ang lahat ng sperm at egg na mula sa

“Ang proyektong ito ay isang regalo mula sa kagawaran ng edukasyon upang matiyak ang isang malinis at luntiang kapaligiran para sa mga batang Pilipino at mga susunod na henerasyon.

DR. MARIA LUISA D. SERVANDO, CESO VI Tagapamanihala ng mga Paaralan

The Immortal Jellyfish Ang Immortal Jellyfish(Turritopsis dohrnii) ay ang nag-iisang organismong imortal. Ito ay may kakayahang bumalik sa pagkabata kapag narating ang katandaan. Sa pamamagitan ng prosesong transdifferentiation, maari itong mabuhay ng walang hanggan.

mga marine organism sa lahat ng apektadong MPAs kahit ano mang uri ng langis ang tumagas sa MT Princess. Ayon sa mga eksperto, inaasahang tatagal ng ilan pang taon ang epekto ng tumagas na langis sa ecosystem.

Ang ecosystem ay isang sistema ng interaskyon sa pagitan ng mga organismo sa isang partikular na lugar. Ang epekto ng oilspill sa mga organismo sa ilalim ng dagat ay isang 'domino effect' kung tawagin, sapagkat kung maapektuhan ang isang uri ng organismo, apektado rin ang isa pang organismo na nakasalalay dito sa pamamagitan

ng relasyong predation. Isang halimbawa nito ang maliliit na isda na pagkain ng mga pating. Kung ang mga maliliit na isda ay malason ng langis, apektado ang mga predators nitong pating.

Maaapektuhan din ang symbiotic relationship na isang uri ng relasyon sa pagitan ng dalawang organismo kung saan nakikinabang ang isa't isa. Halimbawa nito ang Clownfish at Sea Anemones kung saan ang Clownfish ay pinoprotektahan ng makamandag na mga galamay ng Sea Anemones habang nagbibigay naman ng mga nutrients ang Clownfish para sa Sea Anemones mula sa kanilang dumi. Kung ang isa sa dalawang

stnhs.angbakas@gmail.com

Echolocation ng mga Dolohins

Ang kakayahang komunikasyon ng mga dolphin, na tinatawag na echolocation, ay isang mahalagang proseso kung saan sila ay nagpapadala ng mga tunog at sinusuri ang mga echo na bumabalik mula sa kanilang paligid. Ito ay ginagamit nila hindi lamang para sa paghahanap ng pagkain kundi pati na rin sa navigasyon at komunikasyon sa kanilang kapwa.

organismong ito'y maapektuhan, apektado rin ang kanilang symbiotic relationship.

Ang negatibong epekto ng oilspill sa ecosystem ay umaabot din sa labas ng karagatan. Ayon sa Gobernador ng Oriental Mindoro na si Bonz Dolor, apektado ang humigit 740 hectares ng karagatan na katumbas ng 7 MPAs ng Pola, 7 MPAs ng Naujan, at 19 MPAs pa sa iba't ibang bayan. Ito ay may malaking epekto sa market chain ng lalawigan sapagkat apektado ang pinagkukunang source ng isda. Bunga nito ang pagtaas ng presyo sapagkat kailangan pang mag-angkat ng lalawigan ng mga isda mula sa ibang bayan.

Mahigit 100 puno, ambag ng San Teodoro sa proyektong

236k Tree Planting ng DepEd

Aktibong nakiisa ang mga guro, mag-aaral, stakeholder at volunteer mula sa distrito ng San Teodoro sa pagtatanim ng mahigit sa 100 puno bilang pakikiisa sa DepEd’s 236, 000 Tree Planting na isinagawa sa Agsambalilo, Calsapa noong, Disyembre 6.

Sa pangunguna ng Department of Agriculture sa bayan ng San Teodoro, mahigit 100 na puno ng narra ang naitanim bilang pagtugon sa DepEd Memorandum No. 069 na inilabas noong ika-17 ng Nobyembre. Ayon sa Department of Education,“Ang pagtatanim ng mga puno ay hindi lamang naglalayong mapunan ang mga espasyo ng kapaligiran, kundi

State of Calamity, idineklara sa Oriental Mindoro dahil sa ASF

Idineklara ni Gov. Humerlito

“Bonz” Dolor ang state of calamity sa Oriental Mindoro dahil sa patuloy na paglaganap ng African Swine Fever o ASF sa walong bayan ng lalawigan.

8 sa 14 NA BAYAN sa Oriental Mindoro

isinailalin sa STATE OF CALAMITY dahil sa AFRICAN SWINE FEVER

100 bahagdan ng MORTALITY RATE

sa mga dosmestic at maging sa mga ligaw na baboy sa lalawigan

nagsisilbi rin ito bilang isang plataporma sa edukasyon para sa mga mag-aaral”.

Kaalinsabay sa takbo ng mga isyung pangkapaligiran, isa na rito ang pagkaubos ng mga puno sa kalikasan. Batay sa isang pananaliksik mula 2001 hanggang 2022, ang Pilipinas ay nagbawas ng humigit-kumulang na 1.42 milyong ektarya ng takippuno, na katumbas ng 7.6% na pagbaba sa takip-puno mula noong 2000, at 848 milyong metriko toneladang halaga ng mga emisyon ng Carbon dioxide (CO).

Ang mga puno ay gumaganap bilang tagasuplay ng oxygen. Tulad ng mga halaman

Ang African

Swine Fever ay sakit dala ng mikrobyo na kabilang sa pamilya ng Asfarviridae virus na lubhang nakahahawa at nakamamatay sa mga baboy. Ito ay isang uri ng virus na umaatake sa resistensya ng naturang hayop. Pagsusuka, pamumula ng balat, ilong, at mata, at panghihina ang mga senyales na ang isang baboy ay mayroong ASF. Subalit ang mga senyales na ito ay makikita rin sa ibang sakit gaya ng Classical Swine Fever, Porcine Dermatitis, at Neopathy Syndrome.

Maaaring maipasa ang mikrobyo sa pamamagitan ng kontaminasyon, kontak sa mayroon nito at gayundin sa mga likido mula sa ilong, mata, ihi, dumi, at maging sa semilya ng baboy. Mayroon namang apat na uri ng ASF at ang mga ito ay may iba’t iba ring lubhang dulot. Ang

peracute at

at lumot, ang mga puno rin ay nagtataglay ng chlorophyll sa kanilang mga dahon na nagsisilbing “receiver” o tagatanggap ng sinag ng araw sa pamamaraan ng photosynthesis,

Ang sinag ng araw at CO₂ ay dumaraan sa proseso upang makabuo ng “glucose molecules”, para sa mga halaman at sa prosesong ito, nakakabuo ng oxygen bilang produkto.

Gampanin din ng mga puno ang pagpigil sa pagguho ng lupa dahil sa mga ugat nito, pamamahala sa biodiversity at pagpapatatag ng klima at pagiging tahanan sa mga hayop.

acute na uri nito ay maaaring magdulot ng pagdurugo na magresulta sa pagkamatay ng hayop. Ang subacute at chronic ASF naman ay maaaring magdulot ng mas malalang epekto.

Sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAgO), nananatili pa ring ASF free ang bayan ng San Teodoro. Mahigpit na binabantayan ng bayan ang paglabas at pagpasok ng baboy. Kaugnay nito, kinakailangan munang magbigay ng mga kaukulang dokumento tulad ng Barangay Certificate bilang patunay na ang presyo ng baboy ay hindi bababa sa P150.00. Ilan pa dito ay ang Recognition on Active Surveillance (RAS), Certification of Health, Animal Inspection Certificate (AIC), at Hog Transport Route Plan.

Bagaman walang banta sa kalusugan ng tao ang naturang mikrobyo, maaari namang maging ‘carrier’ ang mga nagaangkat ng naturang hayop.

Binigyang diin naman ni Maria Luisa Servando, School Division Superintendent (SDS) ng Oriental Mindoro ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagpili ng pinakamagandang lokasyon para sa pagtatanim. Hinihikayat ang mga tagapamahala ng bawat paaralan na kumunsulta sa kanilang nasasakupan na Community/ Municipal Environment and Natural Resources Office (CENRO/MENRO) upang tukuyin ang mga angkop na lugar para sa pagtatanim ng puno sa kanilang nasasakupan.

“Ang proyektong ito ay isang regalo mula sa kagawaran ng edukasyon upang matiyak ang isang malinis at luntiang

“Ipinagmamalaki natin sa buong probinsya na tayo ay isa sa natatanging bayan na hindi apektado ng ASF, ibig sabihin tayo ay equipped with knowledge at sumusunod sa mga protocol. Sana ay patuloy tayong sumunod sa mgaprecautionary measures” saad ni Sarah Alma A. Relox, ang Municipal Agriculturist ng San Teodoro.

Ang naturang usapin ay nagdulot ng malaking epekto sa mga mag-aaral ng San Teodoro National High School na ang pangunahing pinagkakakitaan ng pamilya ay pagbababoy.

“Nakakalungkot kung magkakaroon ng case ng ASF dito sa San Teodoro, baka matulad po sa ibang lugar na pinapatay lahat ng baboy. Kapag nangyari iyon dito, maaapektuhan po kami pati yung budget namin araw-araw", ani Leenard Patulan, magaaral mula sa STNHS na may babuyan ang pamilya.

Apektado rin ang nasa 21,000 na mangingisda mula sa 77 Barangay sa nasabing lalawigan

Patuloy paring inaasahan ng mga apektadong mamayan ang unti-unti paghupa ng epekto mula sa tumagas na langis ng MT. Princess sa susunod pang mga taon, gayundin ang unti-unting recovery ng apektadong ecosystem mula sa iba't ibang MPAs sa lalawigan. Ang pagsasagawa ng pag-aaral ng mga eksperto ay patuloy na pinalalawig upang mas lalong masukat at malaman ang mga apektadong marine life at upang makagawa ng hakbang kung paano ito mareresolba.

kapaligiran para sa mga batang Pilipino at mga susunod na henerasyon,” pahayag ni Servando.

Samantala, saad naman ni David Ducusin, guro sa MAPEH, “Ang pagtatanim na ito ay magsisilbing reforestation upang mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.”

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain para sa kapaligiran, inaasahan na magkakaroon ang mga mag-aaral ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyung pangkapaligiran. Kaugnay nito ay maaaring magbunga ng isang layuning maging responsable para sa kalikasan.

Ayon sa tanggapan ng MAgO, bumababa ang presyo ng baboy kapag tumataas ang suplay kung kaya’t bumababa rin ang demand nito.

Sa kabila nito, patuloy pa rin na pinaiigting ng MAgO kasama ang ilang kapulisan sa pagbabantay ng checkpoint na nag-iisang entry point sa Brgy. Calangatan. Masusi ang ginagawang checkpoint upang masiguro na hindi tuluyang makapasok at makapaglabas ng baboy na apektado ng ASF sa mga bayang hindi pa naaapektuhan.

ag-tek

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 13
PAMBANSA
facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat. Magmulat. Manindigan
Jairus H. Bata PANLALAWIGAN

ang bakas

Tuklas Aghamazing

Alam mo ba na kapag tinitigan natin ang mga bituin, tunay na tinitingnan natin ang nakaraan? Ang mga liwanag ng bituin ay kailangan maglakbay ng milyon-milyong light years upang marating ang retina ng ating mga mata.

Ayon sa bagong pananaliksik, ang buwan ay nabuo noong 4.5 billion years ago mula sa mga debris dahil sa bumanggang planetang singlaki ng Mars sa planetang Earth. Dahil sa gravitational pull, unti-unting naging hugis bilog ang ng debris na ito at kalauna'y naging buwan

Ang unang nilalang na ipinadala sa kalawakan ay hindi tao kundi fruit flies(Drosophila melanogaster). Noong Pebrero 20, 1947, ipinadala ang mga fruit flies sa isang raketa V-2 ng Estados Unidos. Layunin ng eksperimentong ito na pag-aralan ang epekto ng pagkalantad sa radiation sa mataas na altitud, na nagbukas ng daan para sa hinaharap na pananaliksik sa epekto ng paglalakbay sa kalawakan sa mga buhay na organismo.

STNHS inatake ng Cyber Scams; Guro, mag-aaral lubhang naapektuhan

Ayrand Raña

STNHS, Biktima ng Matinding Cyber Scams. Identity Theft, pumipinsala sa mga indibidwal.

Kasabay nang pagsibol ng teknolohiya ang pagdami ng mga cyber scammers na naglalabasan at nagdudulot ng takot sa mga tao. Sa kamakailang pangyayari, nagulat ang mga guro at estudyante ng STNHS dahil sa matinding atake ng mga cyber scams sa kanilang paaralan. Isa sa mga pamamaraan na ginagamit ng mga ito ay ang Identity Theft kung saan ninanakaw ang pagkakakilanlan ng isang tao at ginagamit ang personal na impormasyon nang walang pahintulot.

Nito lamang pagpasok ng taong 2024, nagulantang ang mga guro at estudyante ng STNHS sa pag atake ng cyber scams sa paaralan. Isa sa paraan ng mga ito ay ang “Identity Theft” ito ay ang pagnanakaw ng pagkakakinlanlan ng isang indibidwal at paggamit ng personal na impormasyon nang walang pahintulot.

“Mga walang hiya sila, bwisit sila sa buhay namin”, saad ni Aireen Aycardo, guro mula

baitang 7 baitang 8 baitang 9

baitang 10 baitang 11 baitang 12 BILANG NG MGA MAG-AARAL NG STNHS

PAMPAARALAN

Pananaliksik Pang-Agham, Ibibida sa Elevate 6

Rochelle P. Magboo

Upang mas palawigin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa Pananaliksik, muling magsasagawa ng Project Elevate sa ikaanim na taon (Elevate 6) ang San Teodoro National High School sa darating na Abril.

Ang Elevate 6 ay isang proyekto na unang isinulong ni Markus Antonius C. Leido, guro ng pananaliksik ng STNHS na kung saan ay nakuha na rin nga iba’t ibang paaralan. Ito ay isang aktibidades na taon-taong sinasagawa at nilalahukan ng mga Grade 10 na mag-aaral na kabilang sa programang STE na dating SSC.

Tinatalakay ng mga Grade 10 na mananaliksik sa naturang proyekto ang iba’t ibang kategorya ng Pananaliksik gaya ng Life Science, Robotics, Agriculture, Technology, Food Technology, Physical Science,Pharmaculture at marami pang iba.

Bilang bahagi ng preparasyon para sa naturang proyekto,sinasabak na agad ang mga grade 7 students sa Science Tricks and Magic Show, Research Proposal naman sa mga grade 8 at submission of research paper naman sa mga grade 9. Ito ang nagsisilbing paglalahat ng kanilang natutunan sa Research sa buong Junior High School.

Matatandaang ang naturang proyekto ay natigil noong taong 2020 buhat ng pagiral ng pandemya kaya’t ikinatuwa ng mga kaguruan ang patuloy na pagsasagawa nito. Umaasa rin sila na magpapatuloy ang ganitong programa hanggang sa kasalukuyang panahon.

“Nakakatuwa dahil talagang nakikita namin yung improvement ng mga researchers every year. Sana ay maiapply nila ito on their personal lives and I’m hoping na they will take their learnings with them to provide solution sa mga existing problems sa ating community and syempre sana magamit din nila ito sa kanilang future.” ani Leido,.

sa Departamento ng Sipnayan, matapos maabuso ang kanyang pagkakakilanlan upang lokohin ang mga kapwa guro na sina John Carl M. Laclac at Rona R. Lozano, pati na rin ang estudyante niyang si Maria Luisita Lovedioro.

Naglaan ng panahon si Aycardo para aksyunan ang isyung kinakaharap. Naisaad din ng guro na may iba’t ibang paaran kung paano nakukuha ang mga personal na datos. Ibinahagi rin nito na maaaring lapitan ang Cyber Crime Unit na naglalayong pangalagaan ang seguridad at integridad ng online na espasyo sa pamamagitan ng pagtugon sa mga krimen na nagaganap sa internet tulad ng hacking, cyberbullying, online fraud, at iba pa.

Bilang tugon sa naturang isyu, pinagiingat ang lahat sa paggamit ng social media. Sa pamamagitan ng identity theft, nagagawa nilang manakaw ang mga impormasyon ng mga tao at gamitin ito para sa kanilang pansariling interes. Ang mga guro at estudyante ng STNHS ay naging mga biktima ng mapanlinlang na mga hakbang na ito.

“Mag double check muna dapat tayo bago magsend ng pera sa kung sino man kase hindi po madaling kitain ang pera” saad naman ni Maria Luisita Lovedioro isa sa mga nabiktima ng cyber scam.

Kasalukuyan pa ring gumagawa ng paraan ang pamahalaan kung paano maiiwasan ang ganitong klase ng insidente. Sa ngayon, mayroong Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na nagbibigay parusa sa mga gumagawa ng ganitong kilos. Lubos na nakababahala ang mabiktima ng cyber scam sapagkat ang ano man na makuha sa atin ay maaaring hindi na muling maibalik.

Kinakailangang maging mapanuri ang bawat isa pagdating sa cyberspace, hindi lahat ng kakilala ay sila pa rin sa totoong buhay, walang katiyakan kung sino ang ating nakakasalamuha dito kaya’t nararapat lang na maging alerto ang bawat isa upang hindi mabiktima ng cybercrime.

VAPE BANNING inorganisa; DOH at PNP,

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa e-cigarettes o vape sa mga menor de edad sa Pilipinas.

Layunin nitong tuldukan ang patuloy na paglobo ng mga naiimpluwensyahan nito sa bansa lalo na ang mga kabataang nalululong dito.

Ayon sa pagsasaliksik, ang paggamit ng vape ay nakakapinsala ng puso at baga. Ang nikotina ang pangunahing

BALITANG LATHALAIN

TANGing iLAW;

sangkap nito ay nagdudulot ng pagtaas ng presyon at adrenaline na nagpapabilis ng puso na maaaring maging dahilan ng atake sa puso.

Ayon pa sa datos ng National Tobacco Youth Survey, humigit kumulang 20% ng mga high school students ay gumagamit ng vape at ang ilan pa nga ay nasa elementarya pa lamang. Ito ang siyang ikinaalarma ng mga ahensya ng pamahalaan. Kaugnay nito, tinatayang humigit kumulang 70 ang kabuuang kaso ng mga mag-aaral ng San Teodoro National High

School na gumagamit ng vape. Pito rito ay mula sa ikapitong baitang, labing-isa mula sa ikawalong baitang, siyam naman sa ika-siyam na baitang, 14 sa ikalabing-isang baitang at 18 sa ikalabindalawang baitang. Bilang tugon sa naturang isyu, bantay-sarado na ng PNP ang mga paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang Local Government Unit (LGU) at mga paaralan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na dapat nang iwasan o ihinto ang paggamit na vape dahil

Suliranin sa Agrikultura, tinugunan ng pananaliksik

O. Cusi

Gamugamo, Lampara at Apoy

“Huwag na huwag kang lalapit sa apoy ng lampara para hindi ka mapahamak at baka ang iyong mga pakpak ay masunog,” sambit ng inang gamugamo sa kaniyang anak. Isang makasaysayang salaysay pambata na kinapulutan ng maraming aral. Sinong mag-aakala na ang kwentong ito ay magliliyab ng isang kaisipang tutupok at magiging solusyon sa suliraning kinakaharap ng mga bayani ng palayan?

Insekto, peste, kulisap, isa marahil ang mga ito sa nagpapaingay ng usapin sa ngalan ng Agrikultura. Maraming magsasaka ang banas na banas na sa maalinsangang pagsalakay ng maraming kulisap at insekto na ito. Maging ang Mindoro na kilala sa pagsasaka at pagtatanim na ikinabubuhay ng maraming mamamayan ay hindi rin nakaligtas sa pangpepeste ng ganitong isyu.

Siyensya at pananaliksik ang naging daan upang magkaroon ng solusyon sa lumalaking banta sa agrikultura, nagkaroon ng TANGing iLAW na tila naging kandilang liliwanag sa madilim na kinahihinatnan ng maraming magsasaka. TANGLAW na sisilaw at tutupok sa pakpak ng mga mapaminsalang insekto na unti-unting nagpapakupas sa bawat sinsilyong sa mamamaya’y bumubuhay.

Sinubok ang tatlong magkakaibang kulay ng bombilya upang mapagtanto kung alin ang higit na mabisang panghalina sa maliliit na nilalang sa palayan na gumawagawa ng malaking problema. Puti, berde, at pula na kapag nilapitan ng mga insekto’y sila’y maaring mahumaling at mahulog sa patibong na sa kanila’y inihaing Katulong ang pilak na lapad na bakal, nakakahilo at nakakapagpapabagal, hinulmang tila apa ng sorbetes subalit butas at pakudrado ang dulo at bunganga, hantungan ay supot na titipon sa makukulit na nakikihati pa sa dapat na pagkakikitaang perang baon.

Liwanag at dilim sila’y umaatake, walang takot kung sino mang kaharapin, maliwanag ang mata subalit lahat nga ba’y nakikita? Sa mga siyentipikong pag-aaral na binanggit sa Biological Red Selux (2023), maraming uri ng insekto ang kulang sa mga receptor para sa pulang ilaw, sanhi upang sa kanilang mga mata’y maging hindi ito kahalihalina, kumpara sa berde at puti na ninanais nila sa tuwina. Ipinaliwanag naman ng NC STATE Agriculture and Life Sciences, na hindi makakakita ng pula ang mga insekto dahil sa kanilang limitadong pananaw sa kulay, na katulad sa mga taong may deperensya sa paningin sa maririlag na pinta, na sumusuporta sa ideya na hindi epektibo sa paghuhuli ng mga peste ang ilaw na pula. Nagngangalit na hitsura, marahil panganib ang tingin nila kaya hindi gaanong kaayaaya sa nilalang na mapamuksa.

Sa dalisay at kalmadong anyo, nagkukubli ang dayang mapantukso. Itong mga munting manlilipad ay nabibighani pala sa kaniningningan ng puti, maging sa mausisang pag-aaral ay ito ang resultang naging kandili. Kung ihahalintulad sa pula at berde mabigat na bilang ang natipon nitong insekto at peste, tila sila’y bumigay sa inaakala nilang kaibigan at walang nakalibre. Siyensiyang pag-aaral ito rin ay suportado katulad na lamang ng pag-aaral nila Muhammad Ashik-E-Rabbani, Md. Samiul Basir, Md. Aliuzzaman, at Anisur Rahman noong 2022, na nagsasaad at nagpapakita na ang mga puting bombilya ay lubhang epektibo sa paghuli ng mga insekto, kabilang ang mga mapaminsalang pesteng tulad ng Rice Black Bugs na sakit sa ulo.

may masamang epekto ito sa kalusugan tulad ng tradisyunal na sigarilyo.

"Huwag nang subukan, hangga't maaari ay iwasan natin ang paggamit ng vape dahil maraming masamang maidudulot ito lalo na sa mga kabataan na nasasanay na sa paggamit nito", ani Dr. Esperanza Cabral, Health Expert.

Patuloy na isusulong ang naturang batas at inaasahang maisasagawa o maipapatupad ito sa lalong madaling panahon.

Enerhiyang nagpapagana rito’y mula sa araw, mabisa at madaling gamitin, kalikasa’y paniguradong maiisaalang-alang, payak subalit napatunayang sa pangkontrol sa mga peste ay epektibong tiyak. Katangiang taglay ng TANGLAW na nagbunsod sa aking pagkapanalo bilang mananaliksik na indibidwal noong labanang pandibisyon sa larangan ng Science Innovation Expo-ikalabintatlo ng Nobyembre nakaraang taon. Subalit dahil sa naging aking kondisyon ay si Cindy Almirol ang nagpatuloy ng arangkada ng laban sa Regional Science Investigatory Fair noong Disyembre at nagkamit ng ika-5 pwesto.

Nagsimula sa kaispan ang kwento at ngayo’y malalathala na sa pahayagang libro, TANGing iLAW na aakit at lilinlang sa mga mata upang maglagay ng tuldok bilang bantas sa insektong maliliit subalit mapamuksa. Proyektong tanglaw na hatid ay liwanag ilaw sa nangangapang mga bayaning magsasaka sa solusyon sa problemang nagpapahirap sa kanila. TANGLAW na bagama’t payak ay naguumapaw ang kapakinabangang tiyak!

nagsanib
BALITANG LATHALAIN
lOKAL SARBEY
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 14
NA GUMAGAMIT NG VAPE
Rochelle P. Magboo Rosalinda

NSalang Panala

akatakda ngayong ipatupad ang STEM entrance examination sa iba’t-ibang paaralan ng bansa sa susunod na pasukan. Bukod sa 85-pataas na general average sa iba’t-ibang mga subjects ng mga mag-aaral na nasa ika-10 baitang, magiging batayan narin ang isasagawang pagsusulit bago makapasok sa nasabing strand. Ang mga mag-aaral na kukuha ng entrance exam ay kailangang makakuha ng pasadong iskor upang maging kuwalipikado. Layunin daw nitong salain ang mga estudyante kung pasok sila sa hinihiging pamantayan sa STEM strand. Ngunit paano ang mga estudyanteng nais kumuha ng STEM related courses na hindi naka pasa? Kaawa-awa.

Una, kailangan nating tandaan na hindi masusukat sa isang test lamang kung hanggang saan ang tunay na kakayahan at husay ng isang estudyante. Hindi dahil sa mababa ang skor ng isang exam ay maituturing na mahina na ang utak ng mga magaaral. Ang entrance exam sa STEM strand ay isang pagkakataon lamang upang suriin ang kanilang kaalaman ukol sa isang partikular na larangan at hindi nangangahulugan na kung sila ay bagsak ay hindi na karapat-dapat sa nasabing strand.

Pangalawa, may iba’t ibang mga salik ang maaring makaapekto sa magiging resulta ng exam. Una ay maaring may pinagdadaanan ang ilang mga magaaral na mental health issues bago kumuha ng exam. Pangalawa ay ang pressure o stress na maaring maidulot sa mga estudyante ng limitadong oras sa pagsasagot ng exam. Ang dalawang salik na ito ay ilan lamang sa hindi mabilang na paktor na maaring makaapekto sa resulta ng kanilang test. Nang dahil lamang sa hindi nila pagkakapasa sa isang beses at isang oras na test, pangarap nila’y isa na lamang guni-guni.

Pangatlo, may mga estudyante na kung tawagi’y “late bloomer”, kung saan pagtungtong pa lamang nila ng senior highschool o maturity lumalabas ang tunay na galing at talino. Ito ay dahil sa paghubog ng mga guro sa kanila sa pagtagal ng panahon. Aminin man o hindi, alam nating mahuhusay at academic achievers ang mga karamihan sa STEM students. Kung ang mga estudyanteng Grade-10 ay hindi magiging kuwalipikado sa STEM strand dahil sa bagsak na skor, paano makikita ang kanilang mga potensyal at galing na maaring mamukadkad pa lamang kung sila’y maging STEM student?

Pang-apat, inaasahan na karamihan sa magiging laman ng exam ay patungkol sa Science at Mathematics. Ito ay hindi magiging patas para sa mga Grade-10 regular students na hindi masyadong hasa sa Science and Mathematics na gaya ng Science Technology Engineering (STE) students. Maaring sabihin na dapat pagtungtong pa lamang ng mga estudyante noong grade 7 ay nakapagdesisyon na silang piliin ang STE at dapat naging malinaw na sa kanila na ang pipiliin nilang kurso ay angkop sa STEM strand. Ngunit paano sila makapag-dedesisyon sa murang isipan? Kailangan din nating isa-alang na ang kagustuhan ng isang tao ay nag-iiba-iba habang siya ay tumatanda.

Sa kabuuan, marapat tandaan na ang isang oras na test na ito ay malaki ang epekto sa hinaharap ng mga mag-aaral. Maaring ang isang oras na exam ay pumatay ng kanilang mga pangarap na maging doktor, enhinyero, nars, o arkitekto at iba pang STEM related courses. Hayaan sanang panatilihing ang 85 pataas na grado ang maging batayan sa STEM qualification. Wala ba tayong tiwala sa mga guro na nagbigay ng kanilang mga grado upang salain pang maigi ang mga mag-aaral sa pagkuha ng STEM strand? Ang pagsasala kung sino ang karapat-dapat sa isang larangan ay may mabuting layunin, ngunit kung ang pansalang ito’y papatay sa pangarap ng mag-aaral, marapat hatulan itong pansalang sala sa tama.

Sa E-LOTTO talo ang PILIPINO

Naging libangan na ng ilan sa mga Pilipino ang pagbabakasakaling makuha ang milyon-milyong jackpot sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Karaniwan, ang mga tumataya ay personal na pumupunta sa mga lotto outlet upang itaya ang mga numerong kanilang inaalagaan. Nitong Oktubre ng taong 2023, inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Automated na Philippine Lotto System (PLS). Sa ilalim ng bagong PLS, inumpisahan na ang paggamit ng E-lotto nitong ika-20 ng Disyembre, 2023. Ang E-lotto ay isang digital version ng pagtaya sa lotto kung saan maaaring tumaya ang mga manlalaro online sa pamamagitan ng isang app. Layunin diumano nitong padaliin ang paglalaro at maabot ang mga manlalaro saan mang panig ng bansa o maging sa labas nito. Bagama’t maganda ang hangarin, isang malaking dagok at pahirap ang pag-usbong ng E-lotto para sa mga lotto outlet agents at tellers na mawawalan ng pinagkakakitaan at trabaho.

“Nagta-trial and error sila, "Kapag pumalpak, kami ‘yung naapektuhan nang malaki,” ito ang naging emosyonal na pahayag ng isang lotto agent na si Clarissa Imperia habang nagsusumbong sa senado. Dahil sa E-Lotto, ipinasara ng PCSO ang nasa 2,000 lotto outlets sa bansa, bunga nito ang paghihimutok ng mga lotto outlet agents at tellers na apektado. Dagdag pa ni Imperia: “marami ang magugutom na teller ko; sana man lang ay nagbigay sila ng due process para sa amin.” Ito ay dahil hindi man lamang sila kinunsulta ng PCSO tungkol sa kanilang naging desisyong pagsasara.

Ayon naman kay Astrid Bana na tagapagsalita ng Misamis Oriental-CDO Lotto Agents’ Association: “We oppose E-Lotto Mr. Chair, because that will eventually wipe us out from business, and lotto outlets will become useless and irrelevant.”

Patunay ang pahayag ni Bana na malaking banta sa katulad niyang lotto agents ang paglulunsad ng E-Lotto.

Dahilan naman ng PCSO, mayroon silang 8,500 lotto outlets ngunit 6,500 sa mga ito ang kanilang hindi ipinasara. Ang 2,000 na lotto outlets na apektado ay may mababang sales performance raw kaya ipinahinto. Ngunit hindi ito sapat na dahilan upang alisan ng trabaho ang mga lotto agents at tellers nang wala man lamang pasubali at hakbang kung paano sila matutulungan upang makaahon mula sa pagkawala ng kanilang hanapbuhay. Isa pa, ang natirang 6,500 na mga lotto outlets ay tiyak na hihina ang kita dahil sa E-Lotto.

Bukod sa mga ito, maaaring magkaroon ng masamang epekto ang E-Lotto sa mga hindi sanay sa paggamit ng mobile app o internet gayundin sa kanilang seguridad. Ang dapat sana’y itinayang halaga ng mga manlalaro ay maaaring masayang dahil lamang sa isang maling pagpindot sa mga nais na itayang numero. Dahil online ang sistema, maaaring maging banta rin sa kanilang seguridad ang E-Lotto sa pamamagitan ng mga scams at pagnanakaw ng

Sa paghinto

JEEPNEY PHASEOUT

“Barya lang po sa umaga,” ito ang madalas na karatulang nakasabit sa loob ng pampaseherong jeep upang ipaalala sa mga pasahero na mas mainam na barya ang kanilang ibayad dahil kadalasang walang panukli ang mga jeepney drayber tuwing umaga. Ngunit paano kung hanggang barya na lamang talaga ang kitaan sa buong maghapon, o ang masaklap ay mawalan na sila ng pagkakakitaan dahil sa epekto ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program? Sa nasabing programa, pumapailalim ang pagpapalit o ang modernisasyon ng pampaseherong jeep sa makabagong e-jeep o minibus. Ito ay magbubunga ng jeepney phase-out sa bansa kung saan lahat ng mga tradisyunal na pampaseherong jeep na labinlimang taon ang tanda pataas ay hindi papayagang bumyahe sa lahat ng lugar. Layunin diumano ng programa na mabawasan ang polusyon, gawing epektibo at mapadali ang transportasyon ng mga pasahero. Ang programang ito’y matagal ng usapin sa senado simula pa noong 2017 at muli na namang sumiklab nang maupo na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkapangulo. Sa kabila ng magandang layunin ng programa, tila taliwas ito sa epekto sa iba’t ibang aspeto ng lipunan lalo na sa mga jeepney draybers ng bansa.

kanilang personal at pinansyal na impormasyon.

Sa kabuuan, maituturing na maganda ang layunin ng E-Lotto kung pagbabasehan ang pagpapabilis, pagpapalawak, at pagpapadali ng transaksyon sa mga manlalaro. Ngunit sa kabila ng pakinabang na hatid nito sa mga nasa itaas, bangungot naman kung ituring ito ng mga nasa mababa, maliliit, at kaawa-awang tulad ng mga lotto agents at tellers na ito ang tagapagbigay ng laman sa hapag para sa kanilang pamilya. Nakasanayan at humubog na ng kultura ang karaniwang pagtaya sa mga lotto outlets. Ito ang nag-uugnay sa pagitan ng mga personal na tumataya at sa mga lotto agents o tellers, na isang tanda ng pagkakaisa at pagpapaunlad ng relasyong sosyal sa mga Pilipino. Nawa’y sumagi sa isip ng mga nasa itaas ang mga nasa ibaba na apektado ng kanilang padalosdalos na desisyon. Sapagkat sa maliit na pagbabago ng sistema, kabuhayan ng marami ang nawawala.

Sa kabila ng pakinabang na hatid nito sa mga nasa itaas, bangungot naman kung ituring ito ng mga nasa mababa, maliliit, at kaawa-awang tulad ng mga lotto agents at tellers na ito ang tagapagbigay ng laman sa hapag para sa kanilang pamilya.

ng gulong, Apektado si Manong

Tinaguriang “hari ng kalsada,” ang jeepney ay matagal ng umiiral sa Pilipinas simula pa noong 1940s at naging pinakadominanteng uri ng pampublikong transportasyon. Ayon sa LTFRB, sa kasalukuyan ay may 180,000 jeepneys pa ang naghahari sa kalsada ng bansa, at siyamnapung porsyento sa mga ito ay nasa edad labinlima pataas. Bawat isang jeepney ay nakasakay ang mga draybers na patuloy na kumakayod at nakikipagsapalaran sa kalsada upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya araw-araw. Ang transisyon mula sa tradisyonal na jeepneys papunta sa makabagong minibus ay nagkakahalaga ng aabot 2.5 milyong piso kada unit, presyong ginto kung ituring ng maraming jeepney drayber at operators na hindi nila alam kung saan at paano kukuha ng pambili sa mga sasakyang imported. Kung sila ay uutang ng pera, halos imposible nila itong mabayaran sa liit lamang ng kinikita sa pamamasada. Idagdag pa rito na tila ang kanilang kikitain ay mapupunta lamang bilang pambayad sa unit na bibilhin.

Dahil nga sa siyamnapung porsyento mula sa 180,000 ang mga jeepney na nasa edad labinlima pataas, nanganganib mawalan ng trabaho ang mahigit 160,000 na jeepney drayber sa bansa dahil sa programang ito.

Malaking dagok hindi lamang sa mga jeepney drayber , kundi pati na rin sa kanilang pamilya. Ayon sa latest population census, mayroong humigitkumulang apat na miyembro ang isang pamilya sa bansa. Kung mawawala ang kanilang nagiisang kabuhayan, mahihirapang humanap ang mga namamasada ng maiilalagay sa plato upang maihain sa kanilang pamilya.

Bukod pa rito, kaawa-awa rin ang ilang mga jeepney drayber at operators na bumili kamakailan lamang ng mga jeepneys ngunit inabutan ng paglalatag ng PUV modernization program. Daing nila, matagal daw nilang pinagipunan at pinaghirapan ang paghahanap ng pera makabili lamang ng jeepney para sa kanilang kabuhayan, ngunit babagsak lamang pala sa junk shop. Bilang bunga ng sakit, pagsisi tuloy ng ilan na iniluklok nila sa pwesto ang nasa itaas.

Sa panig naman ng mga pasahero, apektado rin ang kanilang mga bulsa. Inaasahan ang pagtaas ng pasahe sa mga minibus dahil sa serbisyong ibinibigay nito. Sa Metro Manila pa lamang, tinatayang siyam na milyon ang maapektuhang commuters na sumasakay sa jeep bukod pa rito ang bilang ng lahat ng commuters sa buong bansa. Kasama rin sa mga commuters na ito ang mga estudyante na mas pinipiling sumakay ng jeep papuntang

paaralan dahil sa mababa ngunit epektibong transportasyon.

Kung titingnan sa kabuuan, mabuti ang layunin ng nasa itaas sa pagpapaunlad ng transportasyon sa ilalim ng PUV modernization program, ngunit nawa’y huwag nilang makalimutan ang nasa laylayan ng lipunan na maaring maapektuhan ng kanilang programa. Sa hirap kumita at makahanap ng trabaho sa Pilipinas ay gantimpalang hanapbuhay buhay na kung ituring ng mga tsuper ang pamamasada, ngunit dahil sa kapangyarihan ng mga nasa itaas, sa isang iglap lamang ay hihinto ang gulong na nagpapausad at bumubuhay sa kanilang pamilya. Muling sumariwa nawa sa kanilang isip na ang mga nasa baba ang dahilan ng kanilang pagkaluklok sa itaas, at minsang nagtiwala ang lahat na matutugunan ang kanilang problema at hindi ang magdaragdag dito. Ang pagtakbo ng gulong ng jeepney ang isa sa mga nagpapausad ng ekonomiya ng bansa at ang bumubuhay sa pamilya ng maraming Pilipino, huwag hayaang gulong nito’y tumigil. layuning maging responsable para sa kalikasan. Layunin din nitong buksan ang isipan ng mga mag-aaral at iba pang kalahok upang maging responsable sa kalikasan.

“ "Syempre hindi ako pabor sa Jeepney Phaseout, sino ba namang may gustong mawalan ng hanapbuhay? At tyaka saan kami hahanap ng trabaho eh isang malaking kayamanan na sa amin ang pamamasada. Maliit na nga ang kitaan tapos tatagtagin pa?" ALEX MEDINA Jeepney Drayber ng 30 taon

MAKAMASA I Jairus H. Bata
15 stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat. Magmulat. Manindigan
32% PABOR 68% DI PABOR KOLUM EDITORYAL EDITORYAL

ang bakas

BANGUngot Sa DAGAT MICROPLASTICS, malaking banta sa kalikasan

Rochelle P. Magboo

Umabot sa 60 na bahagdan ang extracted particles ang kompirmadong kinakitaan ng microplastics sa isinuring 30 na mga isda mula sa ilang palaisdaan sa Mindanao batay sa inilabas na pagsusuri ng Department of Science and Technology (DOST) noong buwan ng Pebrero, 2024.

Nakasaad sa datos, karamihan sa mga isda na may presensya ng microplastics sa tiyan ay ang mga bangus. Naging isang banta ito sa mga mangingisdang Pilipino lalo na sa may mga palaisdaan at nagbigay alarma sa kawani ng DENR.

Ayon kay Sec. Maria Antonia YuloLoyzaga, Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), isang panganib umano ang mga pagkain ng microplastics para sa mga isda. Kasunod nito ang pagkalugi ng mga mangingisdang may mga palaisdaan.

“Nilalason po ng mga plastic na ito ang mga palaisdaan at tsino-choke po nila ang mga coral reefs natin. Ang mga isda po natin ay kumakain ng mga microplastics. Dito po nanggagaling ang livelihood ng mga mangingisda natin at ang mga isda na kinakain po natin arawaraw," saad ng Kalihim.

Samantala, isinusulong naman ng kawani ang patuloy na pangongolekta ng mga basura sa anumang anyong tubig ng bansa na sanhi ng isyung ito.

Ekta-ektaryang sakahan sa Oriental Mindoro, apektado ng El Niño

Jairus H. Bata

Umabot na sa 1,649 ektaryang taniman ng palay, melon, mais, at sibuyas ang apektado sa Mindoro dahil sa matinding init na hatid ng El Niño. Katumbas nito ang 1,669 na magsasakang apektado ang kabuhayan. Ayon sa Bulalacao Municipal Agriculture Office, tinatayang umabot na sa P60 Milyon sa sibuyas at P25 Milyon naman sa Palay ang pinsala ng El Niño sa kanilang bayan. Ikinadismaya naman ng Gobernador ng nasabing lalawigan na si Bonz Dolor ang malaking dagok nito sa ekonomiya at mga magsasakang apektado. Pahayag ng Gobernador, ang mga apktadong bayan bago ang El Niño ay kilalang malaking suplayer ng sibuyas at melon sa Kamaynilaan, Kabisayaan, at sa Mindanao, ngunit ngayon ay naantala dahil sa pagbaba ng suplay.

Ang El Niño ay isang klimatikong pangyayari kung saan ang karaniwang pampatuyo at mainit na temperatura ng karagatan sa kanlurang bahagi ng Pasipiko ay nagiging mas mainit kaysa sa karaniwan. Ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang epekto sa klima sa iba't ibang bahagi ng mundo, tulad ng tag-init na panahon na mas mainit at tag-ulan na mas tuyo sa ilang lugar, at iba pang mga kahalintulad na pagbabago sa klima.

Ang tagal ng El Niño ay maaaring mag-iba-iba. Maaari itong magtagal mula sa ilang buwan hanggang ilang taon. Ang tagal ng El Niño ay nakadepende sa kung gaano katagal ang pag-init ng temperatura ng karagatan sa Pasipiko at kung gaano katagal ito nananatili sa mataas na antas. Sa ilang mga kaso, ang epekto ng El Niño ay maaaring mapansin mula sa ilang buwan hanggang isang taon. Subalit, may mga pagkakataon din na nagtatagal ito ng mas mahabang panahon.

Samantala, pinangagambahan naman ng ilang mga mag-sasaka sa bayan ng Santeodoro ang posibilidad na pati sila ay maapektuhan din. Ayon sa isang mag-sasaka ng nasabing bayan, unti-unti na silang nag-iipon ng maraming suplay ng tubig at patuloy na nakikipag-ugnayan sa pamahalaang lokal upang mapaghandaan ang El Niño kung sakaling dumating sa kanila.

Puspusan parin ang aksyon ng pamahalaang panlalawigan upang matulungan ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng financial assistantance at paghuhukay ng tamang lugar upang gawing suplay ng tubig para sa irrigasyon. Dagdag pa rito, nakahanda narin ang mga Provincial Health Office sa posibleng mga sakit na maaring idulot ng init na nararanasan.

Brilyante sa Agrikultura

MODERNONG ESTILO NG PAGSASAKA

“Uuuuuwe, uuuuuwe, uuuuuwe” panay na kanta ko habang naglalaro sa balkon ng aming kubo. Katulad ng ibang bata, lumaki ako habang iniidolo ang karakter sa isang sikat na palabas na “Encatandia. Nakakatawang isipin kung paano ko isisigaw ang pangalan ni Danaya at sabihin na ako ay may brilyante ng lupa. Nagsilbi ko itong kasiyahan sa tuwing pagod ako sa pagtulong sa aking ama sa aming bukid. Hiniling ko pa nga noon na sana ay magkatotoo ang kapangyarihan ko upang mapayabong ko ang aming taniman. Ang mga magulang ko kasi ay parehas na magsasaka at nakasanayan ko na damo at putik ang kaharap ko tuwing umaga.

“Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko, di man lang makaupo, di man lang makatayo.” Saksi ang taludtod at kataga na ito kung gaano kahirap ang nararanasan namin sa pagtatanim. Tanim dito, dilig doon, gamas dito, tanim ulit doon. Paulit-ulit na gawain namin hanggang magdapit-hapon.

Ngunit sa paglipas ng panahon, marami nang nagsulpotang solusyon at imbensyon. Nalaman ko na hindi lang pala brilyante ng lupa ang maaari kong gamitin sa pagtatanim. Dahil may brilyante pa ng hangin, lupa, at apoy na pwede kong pagpilian. Mga brilyante na sa tulong ng siyensya’y maari kong mapakinabangan. Mga brilyante na sa iba’t ibang paraan ng pagsasaka’y kumakatawan.

BRILYANTE NG TUBIG

Isa sa pinakamabisang paraan ng pagtatanim ay sa pamamagitan ng tubig o Hydrophonic Farming. Ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), ito ang uri ng pagpapalaki ng halaman gamit ang mga nutrients na nanggagaling sa tubig at hindi sa lupa. Kadalasan ay ginagamitan lamang ito ng bunot ng niyog, vermaculite at perlite bilang suporta sa ugat ng halaman. Sa katunayan, ayon sa Philippine Hydroponics Development Corporation (PHDC), halos 120 sakahan na ang may 800 tonelada kada-taong produksiyon ng mga gulay at prutas gamit ang Hydrophonic Farming sa buong Pilipinas. Mas mainam kasi ang paraan na ito kumpara sa tradisyonal na pagtatanim sa lupa. Bagama’t nangangailangan ito ng maraming tubig, mas marami pa rin ang nasasayang na tubig sa tradisyonal na paraan ng pagtatanim. Isa pa, hindi mo na kailangan maggamas, magpantay at mag-araro pa ng lupa. Eco-friendly din ito dahil hindi na nangangailangan pang gumamit sa Hydrophonic Farming ng anomang klaseng kemikal na masama sa ating kapaligiran. Ayon rin sa pag-aaral ng National Institute of Health, mas mabilis na tumutubo ang mga halaman na nasa tubig kumpara sa lupa. Dagdag pa rito, hindi nangangailangan ng malawak na espasyo

nito sa ating bansa na mayaman sa anyong tubig.

BRILYANTE NG APOY

Init ng apoy sa anyo ng elektrisidad. Paano gagamitin ang mainit na temperatura sa pagpapatubo ng halaman? Wag maguluhan dahil nasa siyensya ang kasagutan! Hindi na bago sa mundo ng agrikultura ang pagkuryente sa isang halaman o tinatawag na Electro-farming. Una itong ginamit na paraan sa pagtatanim ng isang French scientist na si Jean Baptiste De la Tour noong 1746. Ayon sa kanyang pag-aaral, ang mga halaman ay mas mabilis na tumutubo kapag ito ay malapit sa isang kuryente. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkuryente sa ugat ng halaman. Kagaya ng ibang paraan, ang mga potensyal din nito ay kamangha-mangha. Bagama’t ang paraan na ito ay nakatanim din sa lupa, hindi na ito nangangailangan pa ng anomang kemikal, pataba, insecticides at pesticides sa halaman. Mas kakaunti rin ang nakokonsumo nitong tubig at trabaho. Mas epektibo sa mabilisang pagpapatubo. Ika nga, sa pagkuryente ng ugat, halaman ay aangat.

Nakakatuwang isipin na ang mga brilyante na pinapantasya lang natin noong tayo’y mga bata, ay pwede pa lang ikonekta sa larangan ng agrikultura. Dahil sa kagandahan ng siyensya, hirap na tinatamasa noon sa pagtatanim ay naresolba. Ngunit kahit na ibinigay sa atin ang mga iba’t ibang mga kaginhawaan sa pagsasaka, hindi ibig sabihin na doon na tayo lubusang aasa. Dahil ang malusog na halaman, ay bubunga lamang kapag mayroon tayong sipag, tiyaga at malasakit sa pagsasaka.

LITTLE BAGUIO 6.5 ektarya

Tibonbon, Caagutayan, San Teodoro

MGA KARANIWANG TANIM

Carrot, Pechay Baguio, Broccoli, Baguio Beans, Cauliflower, Repolyo, Sayote at strawberry

"Like mother, like daughter."

Tanyag na kataga sa lahat ng mga nanay na tila kopyang-kopya ng kanilang mga anak. Gayang-gaya ang pustura at ugali, sabi pa ng ilan ay tila nakahanap sila ng salamin na nakaharap sa kanila araw-araw.

Taong 2023 sinimulang buksan ang bagong proyektong pang-Agrikultura at Turismo sa bayan ng San Teodoro. Tinagurian itong "Little Baguio" ng mga mamamayan dahil sa taglay nitong katangian na bihira at tila sa Baguio lamang masusumpungan. Para bang iniluwal ang mistulang anak ng "Summer Capital of the Philippines" sa bayang ito. Siguro kung masisilayan mo ito ng mukhaan ay mapapasambit ka na lamang ng "Mama mo Baguio!" dahil sa kahawig ito ng kaniyang ina. Mama mo Baguio na maglalathala sa kaniyang supling sa lalawigan ng Mindoro.

MAsaganang Sakahan

Sa bulubundukin ng Sitio Tibonbon sinubukan at kinalingang patubuin ang mga pananim na sa lungsod lamang ng Baguio matatagpuan. Inilaan ang 6.5 ektarya ng lupa upang doon ay buhayin ang karot, petsay Baguio, brokoli, Baguio beans, cauliflower, repolyo, sayote at ang tatak ng lungsod, ang strawberry. Mula sa malambot na puso ng dalawang pamilya galing Benguet, itunuro nila sa mamamayan ang proseso ng pagtatanim sa lugar upang masubukan kung nais ng strawberry ang lugar. Temperatura at iba't ibang

BRILYANTE NG HANGIN

Marahil nagugulumihanan ka ngayon kung paano magiging posible ang pagtatanim ng halaman gamit ang ere. Pero dahil sa siyensya, posible iyang mangyari! Taong 2004 ng simulang tuklasin ng isang guro na si Ed Hardwood ang pagtatanim gamit ang hangin o tinatawag na Aerofarming. Ayon sa Global Discover and Business for Good (GDBG), isa ito sa mga pinakamabisang paraan ng pagtatanim dahil ang benepisyo nito ay nakamamangha. Mas maliit ang konsumo nito sa paggamit ng tubig at mga kemikal kumpara sa ibang paraan. Sa katunayan, ayon muli sa GDBG, halos 95% ang natitipid nitong tubig kumpara sa tradisyonal na pagtatanim. Hindi mo na rin kailangan mabahala pa sa kalagayan ng panahon at lupa, dahil ito ay isang indoor farming. Walang peste, init, tubig, at insekto na maaaring manira ng halaman. Kalidad na bunga, mas malinis at mabilis na pagtubo ang tiyak na iyong matatamasa.

pamamaraang may sangkap ng siyensya, ito ang naging pataba at tubig ng panibagong pag-asa sa pagpapatubo ng magkahalong tamis-asim ng mapulang strawberry. Katulad ng temperaturang namumutawi sa lugar ng Baguio, nakaposisyon din sa angkop na lugar ang lupang pinagpatubuan ng strawberry, lugar na may malamig na temperatura, swak upang tumakbo ang proseso ng pagsibol nito. MAlusog na Mamamayan Dahil sa iba't-ibang gulay at prutas ang maaring patubuin sa lugar, hatid nito ang sustansyang kailangan sa pagpapaunlad ng kasulugan ng mamamayan. Ang carrots ay kilalang gulay na mayaman sa Vitamin A (betacarotene), Vitamin K, Potassium at Fiber. Ang Petsay Baguio naman na inangkat mula sa Baguio ay maaari naring pasibulin sa nasabing lugar. Ito ay kilalang petsay na mayaman sa Vitamin C, Vitamin A, Calcium, at Iron. Ang Broccoli naman, Baguio Beans, Repollo at ang ang Cauliflower na isang uri ng bulaklak na nakakakin ay pareparehong mayayaman sa Vitamin C, Vitamin K, Folate, at Fiber. Ang sayote naman na isang masarap ihalo sa ginisa ay mayaman sa Vitamin B6. Higit sa lahat, hindi papatalo ang ipinagmamaki sa little Baguio ng San Teodoro, ang strawberry. Bukod sa mayaman sa Manganese na kilalang nagpapababa ng cholesterol, bukod tangi ito sa lahat ng nabanggit sapagkat taglay nito ang antioxidants na kilalang nagpapabagal ng ating pagtanda.

Maunlad na Bayan 'tO Ang Little Baguio ay tinitingnan ng marami bilang isang ginto ng bayan, sapagkat malaki ang potensyal nito pagdating sa pagsusulong ng ekonomiya. Ang may ari ay nakapitas na ng humigit 3 kilong strawberry at inaasahang sa kalauna'y makatungtong ng merkado. Bukod pa dito ang kilo-kilong mga nasabing gulay at prutas na pinipitas kada buwan. Isa itong ningning para sa mga turista at biyaya para sa mga mamamayan. Ito ang nagpapabilis ng pag-ikot ng ekonomiya ng bayan at nagsisilbing tagapagbigay-sustansya sa katawan at aliw sa mata.

Nagsimula sa pagsubok kung kaya bang lumago, mabuhay, at bumunga ng mga pananim sa Baguio. Napatunayang siyensiya ay malaking tulong sa pag-buo. Gumawa ng sakahang tila inianyo sa hinahangad ng maraming puntahan, magbibigay daan sa pagunlad ng turismo kasabay ng agrikultura sa bayan ng San Teodoro. Iaangat ang ideya mula sa nanay na lugar, nawa kung gaano katanyag ang Baguio ay ganon din maging kakilala ang mistulang supling nito. Tara na at sabay-sabay na managumpay sa bukas na oportunidad na naghihintay, MAMA MO BAGUIO!

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 16
sa ganitong uri ng pagtatanim dahil pwede mo itong gawin sa inyong bakuran at makapagtanim ng iba’t ibang uri ng halaman. Marami ang benepisyo at potensyal
MaMa MO Baguio!
BALITANG AGHAM BALITANG
LATHALAIN LATHALAIN
AGHAM
Ayrand Raña Carl Joshua Gutierrez Rosalinda O. Cusi

Nakakalungkot lamang isipin na ang dati-rating bansa na umuukupa sa unahan ng talaan ay bigo pa ring makapagpatapak ng ni-isang manlalaro sa pinapangarap na liga ng NBA.

Ngunit, nabuhayan ng dugo ang sambayanang Pilipino matapos makatanggap ng alok ang kasalukuyang naghahari sa UAAP mula sa de la Salle na si Kevin Quiambao. Napangunahan ito ng New York Knicks, na nais itong mapabilang sa kanilang koponang lumalaro sa NBA G-League. Napasundan pa ito ng alok ng iba't ibang bansa ngunit nangibabaw ang isang Division I na paaralan sa US na nais siyang palaruin sa NCAA ng naturang bansa.

Dagdag pa rito, ang huling pagpapasiklab ng pangnasyonal na koponan ng Pinas sa internasyonal na lebel ay maaari ring nakatulong sa pagpapatibay ng pundasyon na nakasuporta kay Quiambao.  Sa tunggalian sa Dubai ay lumitaw ang pangalan ng naturang manlalaro dahil sa ipinamalas nitong husay sa buong torneyo. Ito ay nakatulong sa pagpapabango ng kaniyang pangalan bilang isa sa mga nangungunang prospek sa Asya.

Sa kabilang dako,

ang noo'y batang Letran at MVP ng NCAA Season 98 na si Andy Gemao ay pareho ang puntirya. Kasalukuyan siyang umaariba sa Veritas Academy National Prep sa California. At naimbitahan din ito sa Basketball Without Borders na tanyag na laruan para sa mga batang prospek ng liga.

Nagpalutang sa kaganapang ito ang katangungang, " sila na nga ba ang magtutuldok sa pagkabigo ng maraming naunang sumubok o ito ba'y magreresulta sa isang pagkabigo na muling dudurog sa puso ng mga atletang ito?" Sa aking palagay, kung mapapanatili ang ipinapakitang perpormans ng dalawang nabanggit na manlalaro ay napakalaki ng tyansa nilang makaabot sa pinakamalaking liga at matupad ang mithiin ng sambayanang Pilipino.

Isa sa armas nila na magsesemento sa kanilang kasalukuyang imahe ay ang kanilang mga abilidad na malayo sa mga naunang basketbolista ng Pinas. Si Gemao ay isang undersized na gwardya ngunit may tira sa labas at napakataas na lipad. Samantalang si Quiambao naman ay isang sentro na kayang lumaro mula uno hanggang singko.

Masasalamin ang laro ng dalawang manlalaro sa naunang sumubok sa pagpasok sa liga na sina Kai Sotto at Kobe Paras. Parehong bigating sentro sina Quiambao at Sotto na kayang magdala ng bola at umiskor sa lahat ng pwesto sa hardkort. Pero hindi maipagkakaila ang pagkaangat ng laro ni Quiambao sa laruan ni Sotto. Gayundin naman si Gemao na lubhang angat sa laruan at naabot ni Paras. Kapansin-pansin ang pagkakapareho nila sa pagsalampak sa buslo. Ngunit mas malaki ang gampanin ni Gemao na nagiging komander ng opensa at pumupukol pa sa tres kaysa sa naging laruan ni Paras noon.

Makatutulong din sa kanilang kampanya ang patuloy na pagtaas ng ranggo ng Gilas sa internasyonal na talaan. Nakaabante na ang koponan sa ika-36  mula sa matagal na pagkakabaon sa 41 na puwesto at kasalukuyang nakaupo bilang ikatlo sa Asya.

Dahil sa napakalaking fanbase ng Pilipinas na lahat ay nakatutok sa numero unong liga, ang sinumang koponan na makakakuha sa mga batang atletang ito ay hindi lamang mapapalakas ang kanilang lineup kundi ganun na rin ang ekonomikal na estado nito. Hindi lamang isang manlalaro

ang kanilang makukuha kundi makakabatak din ito ng milyonmilyong tagasuporta mula sa mga Pinoy.

Sa kabila ng mga ito, marami pa rin ang nangangambaa na maaari silang mabigo dahil sa hindi pa rin kalat na pagkuha ng liga ng mga manlalaro mula sa ibang bansa at tanging nakatutok lamang sa America at Europa. Ngunit ang paglapit ng mga iskawt at mismong koponan sa mga batang ito ay napakagandang senyales na sila ay nangingibabaw sa kanilang kompetisyon.

Hindi magiging kalabisan kung sasabihing ang dalawang ito ay repleksyon ng mga naunang sumubok ngunit higit na mas pinalakas at may mas mataas na potensyal na makalusot patungong NBA. Pagpapanatili ng kanilang kartada sa bawat ligang kanilang nilalahukan ang may malaking epekto sa kanilang karera. Sa patuloy na pagpapatalas ng kanilang galing at walang kamatayang suporta ng mga Pilipino, hindi malayo na ating nang masisilayan ang ating sariling atleta na nakikipagtagisan sa kanilang mga iniidolong manlalaro sa pinakatanyag na liga ng mundo. Ang dating pinapangarap ay ngayo'y magiging abot kamay na.

portsmanship.

Iyan ang numero unong prinsipyo na nararapat taglayin ng isang atletang kabilang sa anumang larangan na tumutukoy sa disiplina at pagtanggap ng anumang resulta ng palaro.

Nakapanlulumo lamang na ang mga tinitingalang manlalaro at miyembro pa ng pangnasyonal na koponan ang madalas na nasasangkot sa mga gulo, sa labas o loob man ng kort. Dagdag pa rito, pati ang coach ng katunggaling koponan ay nasasabit din sa hindi pagrespeto ng mga ito.

Nararapat nga ba na mawala na ang pagpapakumbaba kapag nalasap na ang minimithing pangarap? Ganitong ideolohiya ang lumalason sa imahe ng mga propesyunal na manlalaro na ginagawa pa namang molde ng mga batang atleta na umiidolo sa kanila.

Sa tuwing nagkakaroon ng Intramurals at iba pang palaro, parating nanunumpa ang mga kalahok ngunit ito'y mistulang tradisyon na lamang. Hindi na ito isinasapuso ng mga atletang at tanging bigsakin na lamang.

Kahit sa maliliit na patimpalak ay hindi na mabilang ang senaryong nagkakaroon ng girian sa loob ng kort. Nakalulungkot lamang isipin na kahit ang mga bagong sibol na atleta ay nagpapakita na kaagad ng mga ganitong pag-uugali.

Paano pa ang magiging kahihinatnan ng mga ito kapag umabot na sa mas mataas na lebel ng kompetisyon?

Hindi lang sarili ang dala ng mga ito sa bawat pagsalang sa mga patimpalak ngunit pati na rin ang koponan at paaralang kanilang nirerepresenta. Hindi rin maaaring mapanghawakan ang ganitong pag-uugali at hayaan na lamang na palaging magresulta sa pagkadiskwalipika.

Palaging tandaan na sa anumang laro, may nananalo at natatalo. Nararapat na tanggapin ang anumang resulta at pairalin ang pagiging isports. Ang mga ganitong patimpalak ay isang lugar para sa pagpapatibay ng samahan, kaibigan ang nararapat na pinararami at hindi ang kaaway.

Palaging tandaan na sa anumang laro, may nananalo at natatalo. Nararapat na tanggapin ang anumang resulta at pairalin ang pagiging isports. Ang mga ganitong patimpalak ay isang lugar para sa pagpapatibay ng samahan, kaibigan ang nararapat na pinararami at hindi ang kaaway.

sang katagang pumukaw ng ating pag-iisip, posible nga ba? sino bang walang pangarap? Ngunit sa wakas, may sagot na, pinatunayan na nila! Naangkin na nila! Naangkin na nila Sheirus Magpantay, Kurt Lemor Ramos, Daniella Rodrigo at Ayra Michelle Aldaba mula San Teodoro National High School ang dilaw na tela, sumisimbolo na handa na sila na pangalawang lebel ng pag-eensayo sa larangan ng taekwondo. Isang sining na maituturing ang taekwondo sa larangan ng isports sa Pilipinas. Nagmula ito sa Japan kung saan pinopokus ang mga kamay at paa para sa mga laban. Isa ito sa pinakamatandang Martial Arts sa ating bansa. Siguro kahit ikaw mapapaisip, napaka "weird" ng mga taong naglalaro ng taekwondo, para san ba nila yon gagamitin? Sa holdap? Pano kung may baril yong holdaper? nakakatawa diba? pero tama, tunay na kakaiba ang larangang ito. Maituturing silang mga ASTIG!

ABILIDAD

Natatanging kapasidad ng bawat manlalaro sa Taekwondo na patuloy na pinahuhusay at pinapalakas sa pamamagitan ng matimyas na pag-uugnayan ng katawan at isipan, na humuhubog sa kanilang kakayahan na magpakita ng kahusayan sa bawat aspeto ng larong ito.

SIPAG

Di-matitinag na determinasyon at dedikasyon ng bawat manlalaro sa pamamagitan ng pag-aalay ng walang-kapantay na oras at pagsisikap sa patuloy na pagpapabuti at pagsasanay upang mapagtagumpayan ang baway laban.

TAKTIKA

Maingat na pagpaplano at estratehiya na isinasagawa ng bawat manlalaro upang maunawaan at maipatupad ng maayos ang kanilang mga kilos at galaw sa loob ng laban, nagbibigay-daan sa kanila na maipanalo ang laban sa kabila ng mga hamon at pagsubok.

INTENSYON

Buong-pusong layunin at determinasyon ng bawat manlalaro na maipakita ang kanilang kahusayan sa bawat galaw at kilos, na naglalayong makamtan ang tagumpay sa bawat laban sa pamamagitan ng malinaw na direksyon at pokus.

GALAW

Mahusay na pagpapakita ng kasanayan at kontrol sa katawan ng bawat manlalaro, kung saan ang bawat kilos ay nagpapakita ng kahusayan, balanse, at kaalaman sa paggamit ng lakas at bilis sa bawat aspeto ng larong Taekwondo.

Sa pagkakaroon ng ASTIG na mga manlalaro, ang larong Taekwondo ay patuloy na nagiging simbolo ng determinasyon, galing, at kagitingan sa buong mundo. Ang kanilang husay at dedikasyon ay nagbibigay-inspirasyon sa mga manlalaro at tagahanga sa kanilang landas tungo sa tagumpay.

isports OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 17
stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat. Magmulat. Manindigan
NA sanang
ABOT-KAMAY
PANGARAP
SIPA NG
BAGONG
SA
DETERMINASYON,
TAKTIKA
PANGARAP
TAGA-USIG I Kim Jehan Aclan S PIKON-TALO 1ST 3RD 2ND FIBA ASIA CUP 2025 QUALIFIERS SMART POWER RANKINGS
Eugene Epil Regiemich A. Palco

ang bakas

RED DRAGONS bumuga ng apoy,

pinulbos ang

YELLOW PHOENIX

NEugene Epil

agpakawala ng nakakagulat na mga sidechops at matinik na palo sa bola ang pambato ng Red Dragons na si Jeninah Aldaba sa ginanap na kampeonatong laro ng table tennis, Nobyembre 8. Naging kagila-gilalas ang sagupaan sa Intramurals ng pambato ng Dragons at beterano ng Yellow Phoenix na si Shanillla Ramos. Sa unang set, naging kontrolado ni Aldaba ang sagutan ng mga tira upang makaagwat. Ngunit, hindi nagpadaig si Ramos na pilit na sumasagot sa mga tirada nito. Pumantay ang iskor na nagresulta sa dalawang deuce. Nakawala si Aldaba gamit ang kaniyang side chop upang maibulsa ang unang set, 13-11.

Tangan pa rin ni Aldaba ang momentum hanggang ikalawang set at maagang

nakalayo, 4-0. Isang service ace ang nagpakawala sa pagkakaangkla ni Ramos na tuluyang nakahabol at nakipagpalitan ng bira kay Aldaba. Sa huli ay napanghawakan nito ang kalamangan na hindi na niya pinakawalan, 11-9.

Makalaglag panga ang naging palitan ng mga serbis at smash ng magkabilang partido sa decision match. Parehong hindi magpaungos ang dalawang magkatapat na nagresulta sa palitan ng puntos. Umabot sa deadlock, 8-8, ang tagisan na naputol nang makapagpalusot ng dalawang smash sa backhand ng katunggali ni Aldaba, 10-8. Isang mintis sa tantya ng tira ang naging katapusan ng tunggalian, 11-8, pabor sa Dragons.

Sa huli, nailusot ni Aldaba ang mahigpitang laban na nakadagdag sa kartada ng mga Dragons.

INTRAMURALS

Epil

DTeodorean Kickers, nasungkit ang ginto sa sepak takraw

Hindi nagpadaig ang manlalaro ng San Teodoro National High School sa larangan ng sepak takraw matapos nitong basagin ng maiinit at nagbibilisang ispayk ang depensa ng mga manlalaro ng Northern Mindoro Academy sa katatapos lang na District Meet ’23, Disyembre 2.

Naging dominante ang STNHS sa pamumuno ni John Rey Rosales na nagpakawala ng mga kontroladong inside kicks at lumalagapak na roll spike. Naisakatuparan nilang lusawin ang depensa ng mga

GAMAY NA SIPAT Nagpakawala ng kalkoladong header si Christian Paulo Salavedra na nagsiguro ng kanilang pag-abante sa unang regu.

kuha ni JENCY ANGELO A. APOSTOL

Sa pambabaeng basketbol, Phoenix, nilusaw ang Falcons, 26-12

inagit ng baguhang si Kris Cabantog ng Yellow Phoenix ang game high 18 puntos upang mailipad ang kampeonato mula sa Red Falcons sa pambabaeng dibisyon ng basketbol ng Intramurals, Nobyembre 10. Naging maramot ang ring para sa mga Falcon na walang naipasok na pagbubuslo na sinamantala ng Phoenix. Nagpaulan si Cabantog at ang kakamping si Ayrish Raña mula sa perimeter upang maagang matalian ang Falcons.

Sa ikalawang yugto ay nakakapuntos na ang Falcons ngunit hindi ito naging sapat upang malapitan ang napakalaking agwat na naitara ng pares nina Cabantog at Rana.

“Hindi pa po kasi ako nakakasali ng basketball, ngayong lang po ako nagtry at saka volleyball naman po dapat ang sasalihan ko e.”, wika ni

Cabantog. Sa huli ay nakapagtala si Cabantog ng 18 puntos na pinarisan ng walo ni Raña upang maipinta ang talaan sa iskor na 26-12.

“Hindi namin inaasahan ang magagaling ang mga bagong manlalaro ng Yellow Phoenix.”, saad ng coach ng Falcons.

beteranong manlalaro ng NMA na kanilang nailubog sa walang puntos na kalamangan sa unang regu, 21-13.

Ngunit sa ikalawang yugto, nagbago ang takbo ng laro na pumanig sa NMA na maagang nakadakip ng kalamangan, 11-2. Matinding taktika naman ang inorganisa ni Syber Sara ng STNHS upang unti-unting tibagin ang agwat. Sunodsunod na nag-aalab na sipa ang ibinanat ni Sara upang mapantayan at maungusan ang kalaban, 21-19.

Itataas ng mga atleta ng STNHS ang watawat ng tagumpay para sa Distrito ng San Teodoro sa nalalapit na Unit Meet na gaganapin sa naturang bayan.

an Teodoro — Kagilagilalas

paglalaking

ng badminton,

Teodoreans, nanalanta ng mesa, Baguhang TOLEDO, SIGUE, umariba

an Teodoro — Ginulantang ng dalawang batang manlalaro mula sa San Teodoro National High School na sina Ralph Toledo at Palarong Pambansa Qualifier na si Jhannaven Sigue ang mga manonood matapos nilang magpakitang gilas at angkinin ang kampeonato.

Sa kabila ng kanilang unang pagtapak sa sekondaryang lebel ay nanatiling dominante ang dalawang batang pinagharian ang kanilang buhay sa elementarya, ibinida ng dalawang bata ang kanilang mga natatanging lakas sa kampeyonatong laro ng Table Tennis sa ginanap na Unit Meet, Pebrero 25.

Hindi nagpasindak ang manlalaro na si Ralph Toledo ng ika-pitong baitang na walang awang tinapos ang karera ng kaniyang katunggali na dating Pronvicial Meet Qualifier na si Fernando Herrera ng Puerto Galera sa pamamagitan ng talino at diskarte. Hindi na nito nagawang depensahan ang kaniyang titulo at tuluyang pinataob ng bagitong

manlalaro, 3-1.

Gayundin, nangibabaw ang liksi at determinasyon ni Jhannaven Sigue kumatawan sa Distrito ng San Teodoro, matapos nitong patunayang muli na siya ang reyna ng pingpong. Di umubra sa kaniya ang mga tirada ng kanyang kaharap mula sa Puerto Galera at pinangitlog nya ito sa tatlong sets ng laban, 3-0 bomba.

Sa kabilang ibayo, matagumpay na pinauwing luhaan ni Josh Michael Sigue ng San Teodoro si Cataquiz mula sa Distrito ng Puerto Galera na gustong sumubok angkinin ang kaniyang kampeonato ngunit bigo itong makuha dahil sa paglalaway ni Sigue na sakmalin ang panibagong kampeonato.

Kasabay nito, kinubra naman nina Sabina Rheazel B. Elumba, Angelie B. Tabin, Cindy A. Almirol at Josh Steven R. Negrillo mula pa rin sa Distrito ng San Teodoro ang lahat ng kampeonato sa larangan ng Table Tennis. Inaasahan ng paaralan na muli silang mamamayagpag sa mga susunod pang yugto ng laro.

NMA, ibinalandra ng STNHS, 3-0

Binasag ng San Teodoro National High School ang pangarap ng Northern Mindoro Academy na makamtan ang gintong medalya matapos nila itong ibaon at ipahalik sa putik ng kahihiyan, 3-0, sa naganap na pambabaeng dibisyon ng Volleyball District Meet Championship na rumagasa sa San Teodoro National High School covered court, Disyembre 1.

Sinelyuhan ng STNHS ang kort sa unang set ng laban matapos tadtarin ng umaatipukpok na serbis at ispayk ang katunggali na nakapagtala ng unang panalo sa iskor na 25-14.

Binalot ng nakabibinging sigawan at palakpakan mula sa mga manonood nang muling painitin ng STNHS ang pangalawang set ng laro sa pangunguna ni Cassandra Marquez. Hindi rin nagpahuli ang NMA at pilit nilang pinaikot sa kanilang palad ang laro subalit solidong pagdepensa naman ang pinakawalan ng STNHS kaya’t napanatili ang laro sa huwisyo. Nakahinga ng maluwag ang mga Suhaenyos nang matambakan muli ang kalaban sa iskor na 25-14.

Dahil sa magandang laro na ipinakita ng bawat manlalaro ay tila nabuhayan ang NMA na mas pinag-igihan ang opensa ng bawat isa

ngunit hindi nagpasindak ang STNHS. Naging agresibo ang galaw ng bawat manlalaro ngunit ang pagpupunyaging manalo ng NMA ay hindi rin naging sapat upang tumbasan ang nagbabagang galing at kompiyansang nakapagpatiklop sa katunggali at nagtapos sa iskor na 25-13.

“Pinaghandaan namin ang laban, mga trainings at syempre tulungan lang kami lahat”, wika ni Marquez.

Aabante naman sa susunod na yugto ang koponan ng STNHS na kakatawan sa distrito ng San Teodoro para sa Unit Meet.

Aclan, sinelyuhan ang kaniyang pasaporte patungong Unit Meet

25. Liksi at determinasyon ang naging puhunan ng manlalaro ng San Teodoro National High School na madaliang ibinulsa ang kampeonato sa ginanap na Unit Meet’24 sa kartadang 21-11, 21-12.

SARADONG PASILYO

Maigting ang pagharang ni Ayrish Raña sa katunggaling si Jhillian Garcia upang mailayo ito sa buslo. Isa si Raña sa nagsarado ng pinturadong parte ng kort sa tunggaliang ito. kuha ni HANEAH JULYN LIMBO

Sa unang pagsubok, ALDABA, NANGIBABAW SA TALUNAN

Matagumpay na naisakamay ni Donna Aldaba ang titulo sa pataasan ng talon matapos liparin ang kampeonato at iniwang lugmok ang mga nakakabatang katunggali, ika-9 ng Nobyembre.

Sa unang apat na talunan ay tila hindi man lang pinawisan si Aldaba na madaliang nilampasan ang lebel. Kabaligtaran naman ang lagay ng kaniyang mga katunggali na isa-isang nagsisipagsabit at nanlalagas sa kompetisyon.

Pagtungtong sa pang-anim na lebel ay

dalawa na lang ang kaniyang katunggali at bakas na sa muka ni Aldaba ang kasabikan na muling masungkit ang ginto.

Hindi na baguhan si Aldaba sa larangan ng athletics dahil sa ilang taon nitong paglahok sa pabilisan ng pagtakbo at palayuan ng talon. Kasabay ng pagusad ng laro ay ang patuloy na pag-init ng sikat ng araw. Muling nanguna si Aldaba at madaling natawiran ang mga sunod na lebel. Ang pagkabigong makasunod ni Mariel del Rosario sa

BUONG PUWERSA Mabilisang naghahanda si Shadwyl Gonzales upang magpakawala ng dumadagungong na palo. Madalian niyang nailigpit ang katunggali na hindi nakalapit sa talaan. kuha ni HANEAH JULYN LIMBO

katunggali na hirap na hirap sa pagtabas ng kalamangan. Bakas sa mukha ni Gonzales ang determinasyon na maisubi ang kampeonato na kaniyang nakamit gamit ang isang sliced dropshot na bigong maibalik ni Lopez, 21-12. “Masaya po naman ang naging laban

paglampas sa ika-pitong lebel ang nagselyo ng kampeonato para kay Aldaba.

Muling sumubok si Aldaba na maglimbag ng rekord at matagumpay na nakaangat sa taas na 135 cm.

“Masaya kase kahit sa unang laro ko eh hindi ko inaasahan na manananalo at magpi-first ako kase biglaan lang naman yung pag laro ko. Wala nga akong ginawang mga pag hahanda at practice dahil hindi ko naman inaasahan na pag lalaruin ako sa ganitong patimpalak” saad ni Aldaba.

Disyembre 1 – Makapigil hininga ang naging pasiklab ni Chloe Aclan matapos umalagwa ng sampung puntos na agwat sa parehong set mula sa katunggaling si Jed Reyes, sapat upang mapasakamay ang kampeonato ng pambabaeng badminton sa ginanap na District Meet. Ginulantang ng baguhang manlalaro ng STNHS na si Aclan ang mga manonood matapos nitong magpakawala ng bumubulusok na palo at hindi maabutang hulog upang pulbusin ang pambato ng NMA. Matatandaang noong nakaraang taon ay ito rin ang nagdala kay Aclan patungong Unit Meet sa pang-elementaryang lebel. Matindi ang naging palitan ng dalawang magkatunggali na parehong maingat sa mga tiring pinapakawalan at unti-unting kinakapa ang katapat. Sa kalagitnaan ng set ay nahuli ni Aclan ang kahinaan ni Reyes sa mga backhand shots na kaniyang sinamantala upang makaagwat. Isang drop shot ang tumapos sa unang yugto ng laban kasabay ng malakas na hiyawan ng mga manonood, 21-11. Naging madali na kay Aclan ang ikalawang set na utik-utik na binabasag ang depensa ni Reyes gamit ang mabilisang forehand drives. Sampung puntos muli ang kaniyang abante sa talaan, 21-11, na nagselyo sa kaniyang kamperonato. Makakasama ni Aclan sa pambabaeng dibisyon ng badminton ang batikang pambato ng STNHS na si Princess Thania Sara at ang tambalan ng NMA na sina Jackie Riva at Bianca Alcones. District Meet ’23 –Muling pinagharian ng mga batikang mananakbo ng STNHS ang takbuhan matapos pag-iwanan at pakainin ng alikabok ang mga mananakbo mula sa apat na paaralang katunggali, Disyembre 1. Naging dominante ang mga mananakbo ng STNHS matapos nitong makasilat ng walong medalya sa mga magkakaibang dibisyon. Tatlong ginto, talong pilak, at dalawang tanso ang naiuwi ng mga taga-Suha. Hindi naging hadlang ang pabago-bagong panahon upang mapigilan ang mainit at nag-aalab na pagnanasa na makamkam ang kampeonato. Kagaya sa nakaraang taong takbuhan, hindi pa rin matibag ang lakas ng binti ni Ljay Gutierrez na may kontroladong bilis na naging susi sa kaniyang pag-uwi ng gintong medalya sa tatlong kilometrong takbuhan. Gayundin ang naging taktika ni Carl Barquilla para sa 800 metrong karera na sa pagtunog pa lamang ng hudyat ay tangan-tangan na ang unang puwesto. Naging dikit naman ang 100 metrong sprint na nilahukan ni Adrialyn Arban. Sa pagbitiw pa lang ng unang hakbang ay ibinuhos na agad nito ang kaniyang bilis upang pangunahan ang takbuhan. Pinanghawakan niya ang abante at hindi hinayaang makabwelta ang mga katunggali hanggang sa dulong tali. Aarangkada sina Gutierrez, Barquilla, at Arban sa Unit Meet kasama ang iba pang mananakbong atleta mula sa iba’t ibang paaralan upang irepresenta ang San Teodoro.
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 1 | BILANG 1 | AGOSTO 2023-PEBRERO 2024 18
STNHS, naisubi ang 8 medalya sa track and field
Kim Jehan Aclan Eugene Epil
18 25 SAN TEODORO NATIONAL HIGH SCHOOL BACO NATIONAL HIGH SCHOOL UNIT MEET
Eugene Epil
KAMPEONATONG LARO VOLLEYBALL GILRS 13 19 25 22 25 25
UNIT MEET DISTRICT MEET
Regiemich A. Palco Eugene Epil Eugene
sa Puerto Galera na si
Lopez
ang talaan, 21-11. Hindi maipinta sa mukha ng mga taga-suporta ang kasiyahan nang makaisa si Gonzales. Agaw-pansin naman ang buong pamilya nito na todo suporta sa kaniya. Hindi na pinapormpa pa ni Gonzales si Lopez at pinanghawakan na ang takbo ng laro. Gamit ang kaniyang liksi at kalkuladong mga tira, pinasayaw niya ang kaniyang
ko.
training lang
GONZALES, aatake sa PALARONG PANLALAWIGAN
UNIT MEET
S
ang ipinakitang pasiklab ni Shadwyl Gonzales matapos niyang ilampaso ang manlalaro mula
Jerich Jackey
sa
dibisyon
Pebrero
Makatindig balahibo ang naging pasiklab ni Gonzales na malinis na naitumba ang katunggali. Armado siya ng mabibigat na smash at desiptibong drives, sapat upang tuldukan
ko, naging focus ako sa laro
At
ng training para sa susunod na kompetisyon,” saad ni Gonzales
IKALAWANG PAGTATANGKA; Kim Jehan Aclan
Kim Jehan Aclan
INTRAMURALS UNIT MEET KAMANDAGKAMPEON Walang hintong tirada ang iniratrat ni Josh Negrillo upang maagang maibaon ang kaniyang oposiyon at tuluyang maselyuhan ang kanoyang pasaporte patungong Palarong Panlalawigan. kuha ni JENCY ANGELO A. APOSTOL

"It was tough and tiring, but I've learned so much. As Coach Tim said, it showed today. I'm very confident that we all worked together. We all got better together"

KAI SOTTO Gilas Pilipinas FIBA ASIA CUP 2025 QUALIFIERS

smashers, ginupo ang netters ALISNA, pinadapa ni SELIM, 2-1

District Meet-Matinding taktika ang inilatag ni Emmanuel Selim Jr. ng STNHS Smashers upang mapataob ang beterano ng NMA Netters sa iskor na 2-1, Disyembre 1. Maagang ipinadama ni Austine Alisna ang kaniyang matinding depensa na hindi nahuhulugan ng bola sa kabila ng pagpapaulan ni Selim ng mga malalakas na palo, 21-11.

Sa nakapipigil hiningang tagisan, bumangon si Selim mula sa pagkakabaon sa unang set. Gamit ang kaniyang nakalilitong overhead shots at diseptibong drop shots ay kaniyang

nabutasan ang depensa ni Alisna. Sapat upang mabalanse ang laban, 21-12.

Nag-init ang palitan ng palo at mga drives sa ikatlong sagupaan. Ngunit sa pagtagal ay lumutang ang pagiging agresibo ni Selim na nagbigay sa kaniya ng kontrol sa laban. Bakas sa mukha ng batikang si Alisna ang halo-halong emosyon nang hindi siya makaungos sa kalaban. Isang nakabibinging smash ang tumapos sa tapatan, 21-12.

Itutuloy ni Selim ang kaniyang pagsabak sa kort sa Unit Meet kasama ang kapwa niyang pambato ng Suha na si Shadwyl Gonzales.

BALANQUIT, pinagharian ang hard kort Kampeonato, muling inangkin ng Suha

Muling pinatunayan ng batikang manlalaro na si Javes Balanquit ang pambihira niyang galing at husay sa larangan ng basketbol matapos magsalansan ng impresibong 23 na puntos, sapat upang maisemento ang kaniyang pangalan bilang “Hari ng Hardkort”.

Sa mainit na tagisan sa Lumangbayan Covered Court, nagpakitang gilas si Balanquit

34-9. Pagtungtong sa ikalawang kwarter ay hindi nagpabaya ang mga taga-Suha at pilit pinanghawakan ang abante, 54-31.

Pagkatapos ng half-time ay tila nagbago ang pinta ng mukha ng mga taga-NorMA na pilit hinahabol ang pagkakalayo ng Suha. Ngunit nabaliwala ang kanilang pagpupursigi sa tuloy-tuloy na pag-araro ni Balanquit sa pinturadong

Atlanticus, kinaladkad ang Phoenix, 56-47

BARQUILLA, nagtala ng 11 puntos

Humugot ng lakas ang Glaucus Atlanticus mula sa baguhang

si Adrian Barquilla na nagpakawala ng team-high 11 puntos upang kamkamin ang panalo at pulbusin ang katunggaling Yellow Phoenix sa kampeonatong laro ng basketball boys sa nagdaang Intramurals, Nobyembre 10.

Naging mainit ang panimula ng laban sa pagitan ng dalawang koponan na unang nabutasan nang mabilis na salaksak ni Barquilla na siya rin namang sinagot ng Phoenix upang mapanatiling dikit ang talaan. Ipinamalas ng magkabilang panig ang mahigpit na depensa at organisadong opensa upang maging tabla ang unang kwarter, 15-15.

Sa pangalawa at ikatlong yugto, tila nag-iba na ang ihip ng hangin at ang tablang laban ay kumawala na sa koponan ng Phoenix. Pinangunahan ng pagpukol ng magkasunod na tres mula kay Barquilla at si JayJay Abe naman ang umararo sa pinturadong parte ng kort para tuluyan nang palubuhin ang kalamangan ng Atlanticus sa puntos na 27-23 sa ikalawang kwarter at 40-29 naman sa pagtatapos ng ikatlong kwarter. Pansin ang pananabik

ng Phoenix na makawala sa pagkakabaon na muling nag-alab sa pagputok ng huling kwarter.

Pumukol si Jzmyth Juanane ng sunod-sunod na tres at limang magkakasunod namang libreng pagbubuslo mula kay Renz Mancil ang nagpahupa ng kalamangan ng kalaban hanggang anim na puntos. Ngunit sa huling tatlong minuto ng laro, ang muling pagtungtong sa hardkort ng dalawang naglalakihang sentro na sina Abe at Javes Balanquit, at ni Barquilla ang nagbalik ng takbo ng laro para sa kanilang koponan. Lubhang nagpalakas ng opensa at depensa ng koponan ang pagsalang ng tatlo. Kasabay ng paghupa ng oras ay ang kawalan ng pag-asa ng Phoenix na muling makabawi at tuluyan nang bumitiw sa paghahabol sa kampeonato.

Kasabay ng pagtunog ng final buzzer ay ang tuluyang pagdakma ng Atlanticus sa gintong tropeyo na may 9 na puntos na kalamangan, 56-47.

“Naging kalakasan namin ang mga taong nagtiwala sa amin na maipanalo ang laban. Ang kanilang suporta

LIHIM NA TAKTIKA

Pinatunayan ng batikang manlalaro na si Zyron Jay S. Esquivel ang kaniyang galing nang kaniyang dominahin ang Chess Tilt. kuha ni

INTRAMURALS

STNHS Woodpusher, pinagharian ang Chess tilt Esquivel, puntirya ang Palarong

Puspusan ang preparasyon at patuloy na paglahok sa mga Panlalawigang kompetisyon ni Zyron Esquivel na tinatarget pagkwalipika sa Palarong Pambasa. Naging unang hakbang niya ang pagharian ang Chess tilt sa Distrito ng San Teodoro.

Hindi nagpatinag ang dating Provincial Meet Qualifier na si Esquivel matapos pulbusin ang pambato ng Northern Mindoro Academy sa Board 2 ng Panlalaking Dibisyon sa San Teodoro National High School, Disyembre 1.

Naging matindi at kasinginit ng panahon ang naging bakbakan ng dalawang manlalaro na nagnanasa na

makamit ang gintong medalya. Sa unang minuto ng laban, umabante agad ang pyesa ng kalaban upang hablutin ang reyna at nagtagumpay naman ito sa kaniyang balak ngunit hindi nasindak si Esquivel nang pakawalan niya ang kaniyang organisadong paggalaw ng mga pyesa upang bumawi at pabagsakin ang reyna ng kalaban. Arangkada ng rook ang naging huling alas ni Esquivel upang maubos ang pyesa ng kalaban na tuluyang nabasag ang depensa at naubusan ng taktika upang maprotektahan ang hari na naging hudyat ng pagtatapos ng laro.

“Tiwala lang sa mga naging training at huwag magpapalamon sa kaba”, wika

ni Esquivel.

Kasabay nito, nagpamalas rin ng solidong taktika at diskarte ang isang uunang sabak na manlalaro na si Marianne Bernaldo at kinuha rin ang panalo sa parehong kalaban sa Pambabaeng Dibisyon ng Chess. Naging kapanapanabik ang naging labanan ng dalawang manlalaro ngunit hindi nakayanan ng mga katunggali ang agresibong pagatake ni Bernaldo na naging susi upang maiuwi niya ang gintong medalya. Wagi naman ang pambato ng Tacligan High School na si Princess Cusi na kabilang sa mga manlalarong Teodoreans na kakatawan sa distrito ng San Teodoro para sa Unit Meet.

PUMAPAILANLANG

Tagumpay na nalampasan ni Karl Jastine Isla ang lebel upang makatawid sa sunod na talunan.

kuha ni ZSCHUN JHARETTE EVANGELISTA

KALKULADONG TIRA

Tantyadong depensa ang ipinamalas ni Jimmy Emmanuel Selim, Jr., sapat upang mapaluhod ang kaniyang oposisyon.

kuha ni HANEAH JULYN LIMBO

dahil sa magkakasunod na errors sa pagsalo ng ispayk at serbis ng kalaban. Sa huli, hindi na nila nakayanan pang mapahaba ang laro na nagtapos sa isang nakabibinging ispayk na pinakawalan ni Bocalan, 25-21. “Okay naman po ang naging performance ko sa laro. Isa rin sa naging daan upang mas maimprove ko pa ang aking skills sa larangan na ito.”, saad ni Bocalan.

KAPIT-TUKO

Nagpumilit si Jaymark Hernandez na sapuhin ang bola para mapanghawakan ang posesyon at pangalagaan ang kalamangan.

kuha ni HANEAH JULYN LIMBO

INTRAMURALS Spikers, pinangitlog ang Netters, 3-0 BOCALAN, nagpamalas ng pagkabihasa Binalikat ng nakakabatang si Zein Bocalan ang mithiin ng mga Suhaeños na makatawid patungong Unit Meet matapos nitong pangunahan ang hukbo ng mga Spikers sa matindihang bakbakan kampeonatong laro ng panlalaking dibisyon ng Volleyball. Nakadapa at hirap makabangon ang naghihingalong Northern Mindoro Academy matapos gapihin ng San Teodoro National High School ng District Meet ’23, Disyembre 1. Niratrat ng mga ispayk at serbis ang kort ng Netters upang maagang panghawakan ang abante sa laro at pababain ang kumpyansa ng mga katunggali, 25-17. Nadala ng Spikers ang momentum sa ikalawang set upang maibulsa ang kalamangan. Ngunit, panay ang ratsada ng Netters upang mapalapit ang agwat na sa huli ay nabalewala dahil sa ispayk ni Bocalan na tumuldok sa sagupaan, 25-20. Sumabay sa kapanapanabik na laro ang init ng panahon na lalong nagpaalab sa tunggalian. Nakapapanindig balahibo ang naging palitan sa ikatlong set na maiging tinutukan ng mga manonood. Tila unti-unti nang nanghihina ang mga NMA’ers
Pambansa
19
UNIT MEET Regiemich A. Palco
HULOG
na nautakan ni Jaimee Canubas ng Spikers ang mga katunggaling blockers upang masiguro ang pampanalong puntos para sa koponan. kuha ni HANEAH JULYN LIMBO DISTRICT MEET
Regiemich A. Palco
TANTYADONG
Malinis
Paul Justine Apolinar
Larawang mula sa MANILA BULLETIN Nelbert John R. Medina
106 Gilas
94
stnhs.angbakas@gmail.com facebook.com/AngBakas.STNHS Sumulat. Magmulat. Manindigan
Kim Jehan Aclan
c. taipei 53
Gilas c. taipei 64

Isports

PASURING BALITANG ISPORTS

magkapatid na

aabot pa rin kaya PALARONG PAMBANSA

Puspusan ang pag-eensayo ng magkapatid na sina Josh Michael C. Sigue at Jhannaven C. Sigue para sa darating na Palarong Panlalawigan na gaganapin sa Abril 16-19 para sa hangarin na muling makapasok sa inaabangang Palarong Pambansa sa Cebu City.

Matatandaan na parehas nagtagumpay ang magkapatid na Sigue sa Palarong Pangrehiyon at ibinandera ang Mimaropa para sa table tennis sa nakaraang Palarong Pambansa. Si Josh para sa panlalaking doubles pangsekondarya at si Jhannaven naman para sa pambabaeng doubles ng elementarya. Ngunit ngayon taon ay marami ang nananabik sa kanilang magiging laban at napapaisip kung muli nilang makakayanan na pantayan ang kanilang perpormans nang nakaraang taon. Lalo na’t umakyat na si Jhannaven sa sekondarya na mas mataas ang lebel ng kompetisyon kaysa elementarya.

“Nakakapressure po kasi inaasahan po ako ng lahat na muling makakapasok sa Palarong Pambansa. Mahirap din po dahil hindi ko pa po gamay ang paglalaro sa High School level”, ani Jhannaven.

Galing at talino ang pundasyon sa larangan ng table tennis ngunit mananatiling purol ito kung hindi mahahasa ng karanasan. Kalimitan sa mga nangunguna sa pinakamataas na lebel ng tunggalian ay ilang taon na ang naipuhunan sa pag-eensayo. Ang magkapatid na Sigue ay lumaki sa isang barangay na tagaktak sa manlalaro ng pingpong kaya naman maaga silang naimpluwensyahan ng mga ito. Sumailalim sila sa matindihang pag-eensayo sa suporta ng kanilang mga magulang at guro. Bunga ng suportang ito, lubusang napahusay ni Josh ang kaniyang laro. Ang bawat chop na serve niya ay nakakapagtaranta sa kalaban. Nagiging alas nito ang kakayanan na makontrol ang laro at mapanatili ang pagiging kalmado sa buong laro. Lutang na lutang din ang husay nito sa pagbalik ng bola at katatagan sa mahabang rally. Ang bawat niyang hampas at paggamit ng lob at loop ay talaga namang nakakamangha.

Armado sa mga armas na ito, malinis niyang napapatumba ang lahat ng oposisyon na nagdala na rin sa kaniya sa pangnasyonal na kompetisyon. Bukod sa nakaraang Palarong Pambansa, naimbitahan na rin ito sa Batang Pinoy noong Disyembre 16-22 na nilahukan ng mga atleta mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa. Bagama’t bigo siyang makapuwesto sa naturang patimpalak, ang pagharap sa mga mas bihasang manlalaro ang magpapaalab ng kaniyang pagnanasa na mas pag-igihin pa.

Bilang pagsunod sa legasiyang naipundar ng kaniyang nakatatandang kapatid, maaga ring sumailalim sa puspusang ensayo si Jhannaven. Nagbunga naman ito sa kaniyang pagiging angat kumpara sa kaniyang mga kaedad na naging susi niya upang manatiling nasa ibabaw. Kapuri-puri ang kaniyang pagkontrol sa rally at pagkabihasa sa forehand at backhand. Gayundin, kasama sa kaniyang mga armas ang iba’t ibang ‘di masalong high toss serve at mabilis na galaw ng paa. Sa kaniyang murang edad, armado na agad ito ng pamatay na smash at perpektong depensa. Ayon kay Jhannaven, ang kaniyang natatanging estilo ng paglalaro ang nagpapanalo sa kaniyang mga nagiging laban.

Sa patuloy na pag-eensayo at pagpapahusay, hindi maiikaila na malaki pa rin ang potensyal ng magkapatid na makalusot patungong Palarong Pambansa. Ang pagkabihasa ng magkapatid ay lalo pang tataas sa tagal ng kanilang pagsalang sa mga bigating patimpalak. Sa patuloy na suporta ng kanilang magulang, kaibigan, at paaralan, hindi malabo na muli nilang maiibandera ang rehiyon ng Mimaropa sa nasyonal na lebel.

PLAKADONG ESTILO Makalaglag-panga ang ipinakitang routine nina Munda at Atayde na nagpamangha sa mga manunuod. kuha ni HANEAH JULYN LIMBO

5 8 7 2 1

8 Ginto inangkin ng San Teodoro

STNHS DS Team muling sasabak sa Prov’l Meet

Unit Meet ‘24 - Umindak sa kasiyahan ang San Teodoro National High School matapos humakot ng dalawang ginto at dalawang pilak sa larangan ng sayawan, Pebrero 24.

Makatindig balahibong galawan ang ipinamalas ng Gold Medalist na sina Elyssa Mae R. Dapdap at Rojan Paul D. Delos Reyes matapos nilang makapasok sa huling round ng laban. Hindi na pinalampas pa ng dalawa ang pagkakataon na angkinin muli ang gintong medalya sa kategorya ng Modern Standards at naiuwi rin ang Best in Tango at Best in Samba. Kasabay nito, inangkin naman nina Charmaine Logronio at John Jherick M. Bañarez ang pangalawang pwesto at Best in Quick Step.

Muli namang itinanghal na kampeon, Best in ChaCha at Best in Jive ang pares nina Janna Lizette D. Atayde at Tirvie A. Munda matapos nilang magpamalas ng angking husay at galing sa kategorya ng Latin American, sinundan naman ito ng ikalawang pwesto at Best in Rumba nina Patricia Balita at Ranie Balingbing.

Matatandaan na ang mga manlalarong mananayaw ng STNHS ay miyembro ng San Teodoro Dance Sports Society at lumahok na sa ilang nasyonal na kompetisyon. Kaya’t pinananabikan ng lahat ang kanilang muling pagbabalik sa Palarong Pampaaralan 2024.

Aabante naman sa susunod na yugto ng laban ang mga naturang manlalaro upang magrepresenta sa Unit 1.

ORIENTAL MINDORO, puspusan ang paghahanda sa MIMAROPA RAA MEET

uspusan ang ginagawang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro at ng dibisyon ng Oriental Mindoro na nakatakdang mag-host ng MIMAROPA RAA MEET 2024. Sa paparating na Mayo magaganap ang MIMAROPA RAA MEET ipinagmamalaking Naujan Sports Complex na kasalukuyang pa ring nasa konstruksyon.

Bilang bahagi ng mga paghahanda para sa MRAA, ang mga Pangunahing Opisyal ng MIMAROPA Regional Office na pinamumunuan ni RD Nicolas T. Capulong at ARD Cherrylou Repia ay bumisita sa naturang complex at Billeting Quarters sa Bahay Tuklasan, pati na rin sa mga piling paaralan sa Naujan na magsisilbing tahanan ng mga delegasyon mula sa iba’t-ibang SDOs sa MIMAROPA. Ang mga kawani ng SDO OrMin na pinangungunahan ni SDS Maria Luisa D. Servando ay ipinagmalaki ang Complex sa mga Regional Official.

Nagsimula na ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga pagkukumpuni at pagpapabuti ng mga billeting quarters at playing venues upang masiguro ang maayos na daloy ng laro lalo’t-higit ang kaginhawahan at kaligtasan ng lahat ng mga delegado.

Nagsagawa na rin ng Provincial Board Meeting ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para sa unang kwarter ng taon. Tinalakay dito ang magiging plano at pondong ilalaan para sa palaro.

“Nangako si Gobernador Dolor ng Oriental Mindoro kay SDS Servando na ang pamahalaang panlalawigan

ay magbibigay ng kumpletong suporta upang matiyak ang mabisang pagsasagawa ng MIMAROPA RAA” ayon sa DepEd Oriental Mindoro. Ang mga atleta, coach, at iba pang mga bisita mula sa iba pang SDO sa lugar ay inaasahang makatatanggap ng pinakamainit na pakikitungo mula sa PGOM sa kanilang pananatili sa lalawigan, saad ni Gobernador Dolor. Nagpasa rin ng panukala ang Oriental Mindoro na mag-host ng Palarong Pambansa sa 2027 na balak ding ganapin sa Naujan Sports Complex, dahil sa mga makabago nitong kagamitan at sa patuloy nitong konstruksyon upang mas lalong pagandahin at dagdagan ng mga pasilidad na magagamit ng mga manlalaro. P
Eugene Epil
3
athletics sepak takraw dancesports table tennis badminton chess PROVINCIAL MEET 2024 QUALIFIERS ATHLETES
Regiemich A. Palco
akas ang
Johnsen Paderagao PANLALAWIGAN
19
SILIP PAHINA balita

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.