PSLIS - Ang Bandilyo 2022-2023

Page 1

Ang Bandilyo Para sa malayang pagbabando ng balita

SILID ARALAN, KULANG NA Mahigit 30 hanggang 40 silid-aralan pa ang kinakailangan upang pagkasyahin ang lahat ng mga mag-aaral sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School.

PSLIS, balik shifting scheme

Enrolment rates, lumobo nang 44% P

umalo na ng karagdagang 44% ang bilang ng mga estudyanteng nagpatala nagyong S.Y. 2023-2023 kumpara sa nakaraang taong panuruan, kaya’t kapos na ang bilang ng mga silid-aralan sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS). Mula sa 2, 174 na bilang ng mga estudyante nang nakaraang taong panuruan, dumami na sa 3, 593 ang bilang ng mga estudyanteng pumasok sa kasalukuyang taong panuruan at bagama’t bahagi ito ng tagumpay ng paaralan sa pagkamit ng level 3 klasipikasyon, ay nagdulot din ito ng ilang negatibong epekto sa buhay-paaralan ng mga estudyante. Direct quotation Ayon sa tanggapan ng guidance counselor ng paaralan, 47 lamang ang nagagamit na silid-aralan sa paaralan, kapos ng 30-40 silid-aralan upang pagkasyahin ang lahat ng mga mag-aaral sa pagsisimula ng face-to-face na klase para sa taong panuruang 2022-2023.

Bilang tugon ng tanggapan ng paaralan sa nagbabadyang suliranin, ibinalik ang shifting system ng mga mag-aaral kung saan ang ibang baitang ay papasok nang umaga habang ang natitira ay sa hapon magklaklase. Matatandaang sa nagdaang taong panuruang 2019-2020 ay whole day class na ang pinaiiral mula sa double-shifting system noong 2016 hanggang 2019, ngunit ngayon ay balik muli sa shifting scheme bunsod ng nabanggit na kinahaharap na kakulangan sa silid-aralan. Sa isinaayos na schedule ng mga mag-aaral, papasok para sa pang-umagang klase mula 6:20 hanggang 11:40 ng umaga ang baitang 7, 8, at 11; habang nakatakda naman mula 11:20 hanggang 5:00 ng hapon ang klase ng mga baitang 9, 10, at 12. Isa sa mga nakikitang dahilan ng pagdami ng mga estudyanteng nagpatala para sa kasalukuyang taong panuruan ay ang paglipat ng mga estudyante mula sa mga private school tungo sa PSLIS na isang private

OPINYON

LATHALAIN

Kiping the

school. Mahihinuhang ito ay dulot ng epektong pang-ekonomiko ng pandemya sa kakayahang pinansyal ng mga pamilya na gastusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak; datapwat dahil isang pampublikong paaralan ang PSLIS ay obligado itong tanggapin ang lahat ng estudyante nang walang diskriminasyon. Isinagawa ang pagpapatala ng Baitang 7 at 12 nitong Hulyo 18, sumunod ang Baitang 8 nitong Hulyo 19, Hulyo 20 naman sa Baitang 9, Hulyo 21 sa Baitang 10 na sinundan ng Baitang 11 at transferees nitong Hulyo 22. Kinakailangan ng mga magpapatala sa Baitang 7, Baitang 11, at mga transferee na magdala ng SF 9 (Report Card), Birth Certificate (mas mabuti kung mula sa PSA), Certificate of Good Moral Character, at sedula ng magulang o guardian. Samantala, tanging SF 9 (Report Card) at sedula ng magulang o guardian lamang ang kailangang dalhin ng mga

Tradition

magpapatala sa Baitang 8, 9, 10, at 12. Magkakaroon ng pagbasa ang mga mag-aaral sa Baitang 7 at Baitang 11 bago makapagpatala, at sa mga nais naman mapasama sa Special Science Program (SSP) ay nagkaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral nitong Hulyo 18, gayon din ang mga mag-aaral na nais makapasok sa STEM strand. Pinangunahan ng mga Punong Tagapayo ng iba’t ibang baitang ang pagpapatala na sina Gng. Maricel R. Villamayor (Baitang 7), Gng. Maribeth A. De Asis (Baitang 8), Gng. Ma. Teresa D. De Guzman (Baitang 9), Gng. Mariza M. Hernandez (Baitang 10), Dr. Norminda B. Racelis (Baitang 11) at Dr. Patricio B. Abuel sa (Baitang 12). Bagama’t wala pa muling opisyal na pahayag ang tanggapan ng paaralan, inaasahang ibalik na muli sa whole day class system ang mga klase sa pamamagitan ng pagtataas ng bilang ng mga estudyante sa loob ng bawat classroom.

ISPORTS

Palines, Llarenas humiklat ng ginto sa 1500m run Palines, hinimatay sa finish line

P

inamunuan ni Maureen Palines at Ian Llarenas ng PSLIS Lucban Athletics Team ang 1500m run sa isinagawang 1st Congressional Meet na idinaos sa PEL Oval, Pebrero 11.

Tila walang halaga ang dalawa pang taon na pag-aaral ng mga mag-aaral kung sa huli’y mag-aaral pa sila ng apat na taon sa kolehiyo.

State of the School Address:

PSLIS PASOK NA SA KLASIPIKASYON BILANG OUTSTANDING O ADVANCED SCHOOL Dannah Mae Abuan

Binigyang karangalan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) bilang kabahagi sa level 3 na klasipikasyon o “Outstanding or Advanced School” matapos magkamit ng markang 2.85/3.0, ikalawa sa pinakamataas. sundan sa pahina 02

Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School. Dibisyon ng Quezon, Rehiyon IV-A (CALABARZON) TOMO II - BILANG I | AGOSTO 2022-MAYO 2023


balita

2

PSLIS pasok na sa klasipikasyon bilang Outstanding o Advanced School B

Dannah Abuan

inigyang karangalan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) bilang kabahagi sa level 3 na klasipikasyon o “Outstanding or Advanced School” matapos magkamit ng markang 2.85/3.0, ikalawa sa pinakamataas.

Ang BANDILYO

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

Ipinahayag ni Dr. Reynaldo V. Nanong, Punongguro III ngPSLIS, ang magandang balitang ito sa kanyang State of the School Address (SOSA), Agosto 3-12, at pinaglaanan din ng pansin ang mga katangi-tanging tagumpay na nakamit ng paaralan sa nakalipas na taong panuruan sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya. Kinilala ang mga guro, organisasyon at stakeholders na kabahagi at tumulong upang maging posible ang pagkamit ng karangalang ibinigay ng DepEd sa paaralan. Inilatag din ni Dr. Nanong ang mga naging sanhi ng tagumpay na ito at kabilang dito ang pagtaas ng bilang ng nagpatala sa paaralan nang 44% na kung saan dati’y may kabuuang bilang na 2174 estudyante lamang na naging 3593 estudyante na ngayon. Kabilang din dito ang pagkakaroon ng ‘massive campaign for child mapping’ ng paaralan na syang rason ng pagkakaroon ng pinakamalaking bilang ng mga nagsipagbalik-aral nitong nakaraang taong panuruan na may bilang na 140 estudyante. Kaugnay nito, sa kabuuang populasyon na 3593 ng mga estudyante sa paaralan ay walang naitalang nagdropout o bumagsak dahil sa mga ‘interventions’ na inihanda ng paaralan sa mga estudyante na kabilang sa struggling learners. Dagdag pa rito, may 100% passing learners sa Senior High School (SHS) kung saan pinakanapansin ang katangi-tanging tagumpay na nakamit ng isa sa estudyanteng nagtapos nitong nakaraan dahil sa natamo niyang limang gintong medalya sa Poland. Ikatlo ang paaralan sa may pinakamataas na MPS ng SHS sa buong Quezon na may porsyentong 88.803 na mayroon ding porsyentong 99.56 sa literacy at 99.84 sa numeracy at itong kagawarang ito ay kinabibilangan na ng pitong Dalubguro II. Binigyang-diin din ang paglalahad ng school internal efficiency indicators kasama ang schoolbased management level of practice na higit nagbigay pagkilala sa paaralan katulad ng drop-out rate, completion rate, cohort-survival rate, graduation rate at iba pang kauri nito. Idinagdag sa pag-uulat ang mga programa, proyekto at mga aktibidad (PPAs) na naisakatuparan ng paaralan sa gitna na kinakaharap na pandemya. Samantala, isinantabi muna ni Dr. Nanong ang pagkakataon na maging isang Punongguro IV sa ibang paaralan sapagkat nais pa niyang manatili sa paaralan at patuloy na maglunsad ng mga programang makapagpapaunlad pa lalo rito. Matapos ipahayag ang mga nasabing karangalan, isinagawa rin ang oryentasyon ng bawat baiting kung saan ang mga magulang, ilang estudyante at mga kaguruan ay kabilang sa nasabing pagpupulong.

HUSAY AT GALING, MAGNININGNING. Pagbibigay pahayag ni Dr. Nanong, punongguro III ng PSLIS, ukol sa mga karangalang natanggap ng paaralan at mga bagay na dapat pang paghandaan ng paaralan ngayong taong panuruan.

SSP at STEM STUDENTS, muling sinala sa qualification exam

P

Leiane Gutierrez

inanumbalik ang pagkakaroon ng pagsusulit sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) nitong Hulyo 18 para sa mga estudyanteng nais mapabilang sa Grade 7 Special Science Program (SSP) at Grade 11 Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand sa taong panuruang 2022-2023 makalipas ang dalawang taon ng pandemya.

Naglalayon ang SSP at STEM Qualification Exam na suriin ang kakayahan at potensyal ng mga estudyanteng umaasang makapasok sa mga nasabing programa. Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya, taong panuruang 2020-2021, ay hindi nagkaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral na naglalayong pumasok sa mga nasabing seksyon dulot na rin ng lockdown at quarantine protocols kung saan hindi maaaring lumabas ang mga menor de edad. Tanging ang card lamang ng mga estudyante ang naging batayan sa pagtataya ng kwalipikasyon ng mga estudyante sa SSP at STEM. Inaasahang 40 estudyante lamang ang kukunin para sa makapasok sa SSP mula sa kabuuang bilang na 119 na

mga aplikanteng mag-aaral na dumaan sa admission at screening sa pamamagitan ng pagbasa at pagsusulit. Samantala, tinatayang 63 na mag-aaral na ang nagsulit para sa may nais pumasok sa STEM strand at nadagdagan pa ang bilang nito sa ikalawang iskedyul ng pagsusulit, Hulyo 21. Kaugnay nito ay hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga estudyanteng nagtapos mula sa Grade 10 - SSP na hindi na kailangang mag-exam para makapasok sa STEM strand. Kinailangan ng mga estudyanteng nais magsulit para sa nasabing strand na magdala ng mga rekwayrment tulad ng card, ballpen, vaccination card, at nararapat din na hindi bababa sa 85 ang kanilang grado sa mga

asignaturang English, Science, at Mathematics. Ipinaskil sa PSLIS gate ang resulta ng exam para sa SSP nitong Hulyo 25 habang Hulyo 22 ang sa STEM. Agad na isinunod dito ang pagpapatala ng mga estudyanteng nakapasa para sa SSP at STEM upang masiguro ang kanilang puwesto at bahagi sa programang papasukan. Nakabuo ng dalawang seksyon ng STEM, na parehong mayroong 40 mag-aaral, mula sa mga nakapasa sa pagsusulit at sa mga Grade 10 – SSP, kumpara sa dati’y iisa lamang na seksyon ng STEM sa paaralan.

Dekalidad na edukasyon, layong patatagin ng Literacy Week

P

Kassandra Eleazar

inanumbalik ang pagkakaroon ng pagsusulit sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) nitong Hulyo 18 para sa mga estudyanteng nais mapabilang sa Grade 7 Special Science Program (SSP) at Grade 11 Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand sa taong panuruang 2022-2023 makalipas ang dalawang taon ng pandemya.

Pinakay ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) nitong buwan ng Setyembre ang pagpapanumbalik ng matibay na literature at malalim na karunungan ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga patimpalak. Aktibong sinalihan ang mga paligsahang inihanda ng Kagawaran ng Ingles at Filipino bilang paggunita sa Literacy Week nitong Setyembre 9 at 16 na may temang “Transforming the Future of Literacy Education for Effective Learning Recovery.” Pinalala ng pandemya ang pagbaba ng antas ng literature na kung saan natigil ang paghasa sa kaalaman at tatas ng isipan ng mga estudyante na nagresulta sa paghina sa pagbasa at mababaw na bokabularyo kaya’t tinatrabaho ng PSLIS na mas patatagin ang literasiya ng mga estudyante. Makikita sa Literacy Rate na mayroong 98.18% ang literasiya ng mga Pilipino noong 2015 ngunit ito’y bumaba sa 96.28% noong 2019 hanggang sa kasalukuyan. Mas pinakulay at mas pinasaya ang pagpapatibay

ng literasiya upang makuha ang atensyon ng mga estudyante at iprinisenta ng Baitang-7 ang kanilang “Vocabulary Hat” kung saan nilagyan nila ng mga palamuting letra ang kanilang mga sombrero na mayroong kaugnayan sa bokabularyo. Base naman sa mga edukasyonal na kasuotan katulad ng digestive system costume at nature costume ang “Vocabulary Costume” ng Baitang-8 na kanilang ipinarada sa PSLIS court. Samantala, hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng “off-site” na iskedyul ng paaralan sa paglahok ng Baitang-9 kung saan nagpasa na lamang sila ng kanikanilang entry ng infographics na mayroong temang “Do’s and Don’ts on New Normal Classroom Set-up” na pinanalunan ni Bon Jervy De Chavez ng Pangkat Narra ang Unang Puwesto. “Literacy is the Bridge From Misery to Hope” naman ang tema ng Digitized Poster na isinumite ng Baitang-10 kung saan nakamit ng Pangkat Newton ang Unang Puwesto. Kaugnay nito, hinanap nitong Setyembre 16 ang

Culminating Activity kung saan isinagawa ang mga Programang inihanda ng Kagwaran ng Ingles at Kagawaran ng Filipino sa PSLIS court. Inilapag dito ang mga programa, proyekto, at aktibidad na isinagawa noong Literacy Week at mga isasagawa pa lamang na makatutulong sa pagpapalawak at pagpapalalim ng kaalaman sa literature. Direct Quotation kung paano makatulong sa mag-aaral Inilunsad ang E-GABAY na pinangunahan ng kagawaran ng Filipino, KIT v2.0 na pinangunahan ng Kagawaran ng Ingles at I READ (Intensive Reading Exercises and Activities toward Students Reading Development) sa pangunguna ng School Reading Program. Pinasinayaan ni G. Jonald P. Seño ang I READ Symposium na dinaluhan ng 30 magulang at hinikayat na pagbasahin ang mga mag-aaral sa kani-kanilang bahay. Nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Dr. Reynaldo V. Nanong bago bigyan ng parangal ang mga nanalo sa mga paligsahan bilang pagtatapos ng programa.


ZumBarkada, inilunsad ng BKD sa pandistritong lebel Leiane Gutierrez

Unang F2F event matapos ang pandemya

Buwan ng Wika,

3

pagsaksi

balita

Upang isulong ang kampanya vs drug abuse

ipinagdiwang nang may limitadong Dannah Abuan

N

Kuhang larawan ni Daisy Manalo.

I

nilunsad ang ZumBarkada bilang isang pandistritong proyekto ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS)-Barkada Kontra Droga (BKD), Paaralang Elementarya ng Lucban (PEL) Barkada Kontra Droga Junior Advocates (BKDJA) at Nagsinamo National Highschool (NNHS)-BKD, bilang isang paraan upang paigtingin ang kampanya laban sa paggamit ng ilegal na droga at makatulong sa mga kabataan sa bayan ng Lucban na magkaroon ng aktibong pamumuhay sa pamamagitan ng pagsayaw. Sinimulang gawin ang ZumBarkada nitong taong panuruan 2021-2022 subalit isang beses lamang itong naisakatuparan bunsod ng pandemya. Muli itong pinagpatuloy ngayong taong panuruan 2022-2023 sa pangunguna ng Dance Committee ng PSLIS-BKD sa pamumuno ni Krizzia De Lumban, Dance Committee Leader, ng tagapangulo ng organisasyon, Dannah Mae Abuan, at kanilang tagapayo, G. Caren Maguyon. “Bilang adviser, pinush ko talaga na maipagpatuloy itong activity na ito kasi bukod sa nakakapagsagawa kami ng campaign against drugs, nagkakaroon din ng bonding and physical activity yung mga estudyante,” ani Maguyon sa isang panayam ukol sa layunin ng gawain. Isang beses sa isang linggo lamang kung gawin ang ZUMBARKADA upang hindi makaabala sa klase ng mga estudyante at ginagawa lamang ito tuwing Sabado na nagsimula noong Oktubre 15 hanggang Nobyembre 12. Nakapagpatala ng tinatayang 220 estudyante mula sa tatlong paaralan ang dumalo sa aktibidad na ito sa unang Sabado, mahigit kumulang 190 estudyante naman sa pangalawang Sabado at halos 180 estudyante sa huling Sabado ng ZumBarkada. Kinakailangang magbayad ng 25 pesos ang mga estudyante ng PSLIS na “non-BKD member”, 20 pesos para sa BKD members at 10 pesos naman para sa BKDJA bilang registration fee dahil ito ang magiging Income Generating Project (IGP) ng organisasyong BKD. Ayon naman kay Dr. Sarah Mendoza, Lucban Youth Formation Division Coordinator, “Maliban doon sa magandang adhikain ng activity ng BKD, mainam na nagsilbi rin itong IGP ng organization dahil makakatulong ito sa pagpapalago pa ng grupo at pagpapalawak ng kanilang laban kontra ilegal na droga.” Ipinahayag naman ni Abuan, presidente ng organisasyon, na nagagalak siya sa naging tagumpay ng ZumBarkada subalit simula pa lamang umano ito ng marami pang gawaing nais isakatuparan ng BKD. Samantala, pinaghahandaan na ng PSLIS-BKD ang susunod nilang pandistritong proyekto na siyang makatutulong din sa pagkakaroon ng aktibong pamumuhay ng mga estudyante hindi lamang sa iisang paaralan kundi pati na rin sana sa buong pamayanan.

Gender Equality, Climate Change

binigyang diin sa pagdiriwang ng UN Month Kassandra Eleazar

P

inagtuunan ng pansin sa pagdiriwang ng United Nations (UN) Month ang gender equality at climate change sa temang “Gender Equality in the Context of Climate Change and Environmental Disaster Risk Reduction”, na ginanap sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS), Oktubre 24. Isa sa mga pinakamalaking hamon at diskurso ngayon sa buong mundo ang usapin ukol sa pagkakapantay-pantay at climate change. Makalipas ang dalawang taong hindi pagkakaroon ng pagdiriwang dahil sa pandemyang ating kinaharap na nagresulta ng paghihigpit sa buong mundo, ngayon na lamang muli nakapagsagawa ng harapang pagdiriwang. Bilang pakikiisa sa UN Month, nag-inisyatiba ang Araling Panlipunan Club ng PSLIS ng ilang mga programa, aktibidad, at paligsahan na maaaring lahukan ng mga estudyante sa paaralan. Kabilang sa pagdiriwang ang pagkakaroon ng pangkalahatang eleksyon ng Araling Panlipunan (AP) Club nitong Setyembre 19 sa pangunguna ng mga guro sa Kagawaran ng AP. Samantala, nagkaroon ng United Nations Mini Doll Contest nitong Oktubre 3-7 na nilahukan ng mga estudyante mula sa ikawalong baitang. Dagdag pa rito, nagwagi ang Grade 8 Cattleya bilang Most Unique, Grade 8 Dahlia bilang Pinaka-Makulay, nagkasya naman sa ikatlong puwesto ang Grade 8 Sunflower, habang mula rin sa parehong seksyon ang ikalawang puwesto, at itinanghal naman na kampyeon ang Grade 8 Jasmine. Bukod dito, nagkaroon din ng dalawang kategorya ng Quiz Bee nitong Oktubre 6 upang hatiin ang Baitang 7 at 8,

at Baitang 9 at 10. Nanguna sa tagisan ng talino si Mary Pauleen Pagaddu sa Quiz Bee Category A, pumangalawa naman sa kanya si John Paul San Juan, habang nakakuha ng ikatlong puwesto si Mark Zairus Merie. Pinangunahan naman ni Gng. Marilou C. De los Reyes ang Quiz Bee ng Baitang 9 at 10 na kasama sa kategorya B nitong Oktubre 13. Nanaig sa kategoryang ito si Ara Mae Lhyn Hugo, na sinundan ni Jair Uel Seño sa ikalawang puwesto, at nagkasya naman sa tanso si Maria Angelica Regaspe. Isinagawa naman nitong Oktubre 7 ang Slogan Making Contest ng Baitang 7 at 8 kung saan nagwagi si Alliah Nicolie Ella ng unang pwesto at si Jazzrael Ann Codog naman ang nagtagumpay sa Poster Making Contest ang Baitang 9 at 10 nitong Oktubre 12. Ginawaran naman ng ikalawang puwesto si Cheska Nicole Atienza sa Slogan Making Contest habang ikatlong puwesto naman si Matt Migzeff Veloso. Samantala, nagtala naman ng pilak sa Poster Making Contest si Jhazmine Marjalino habang nagkamit ng tanso si Eugene Adrian Ceribo. Bilang pagtatapos sa pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan, nagkaroon ang PSLIS ng Culminating Activity kung saan ibinida ng mga piling estudyante ang iba’t ibang bansa sa pagsasagawa ng Mr. and Ms. United Nations.

Kauna-unahang face-to-face activity ang pagdiriwang na ito mula nang magkaroon ng pandemya kung kaya’t mahigpit pa rin ang pagpapatupad sa mga health protocols na nagbunsod upang limitahan ang mga manonood sa selebrasyon. Nahahati sa pito ang paligsahang inihanda ng kagawaran na may temang “Filipino at Mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha” kung saan may nakalaan na kategorya para sa bawat baitang at kaguruan. “Ang iba’t ibang wika na mayroon tayo ngayon, maging ito ma’y wika na pangkalye o balbal, ay talagang tunay na nagpapakita na ito’y isang kasangkapan upang matuklasan natin ang bawat talino at kakayahan ng bawat kabataan.” ani Dr. Reynaldo V. Nanong, punongguro III ng paaralan. Isinagawa ang karamihan sa paligsahan nang recorded ang bidyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sapagkat patapos na ng Agosto nang magsimula ang pasukan sa paaralan. Nakuha ni Crystalyn O. Cademia ng 7-Einstein ang unang pwesto sa Pinoy Pick-Up Lines, Marczella Heart D. Amandy ng 8-Aristotle para sa kategoryang Istoryahi!, Katherine Mae V. Laqueo ng 9-Dalton para sa Tiktokan sa PSLIS at sina Leiane Andrea R. Gutierrez, Cyrille Dhane D. Balon, Eryn Joie S. Millares at Kenth Georenze O. Placino ng 10-Newton sa kategoryang Vlog Pa More!. Samantala, nagkamit din ng unang pwesto sina Rosalyn S. Lleno ng 11-HUMSS sa kategoryang Awit-Deklamasyon at Neill Patrick C. Pasta ng 12 STEM-B sa kategoryang Dagliang Talumpati. Hindi rin nagpahuli ang mga kaguruan sa bawat kagawaran at nilahukan ang kategoryang Pinoy Hugot Lines na kung saan nagwagi ng unang pwesto ang Kagawaran ng Music, Arts, P.E. and Health (MAPEH), ikalawang pwesto ang Kagawaran ng Agham, at ikatlong pwesto ang Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP). Iginawad kay G. Carlo N. Ellaga ang gantimpalang Pinakamahusay na Aktor at kay Gng. Clemencia A. Luces sa Pinakamahusay na Aktres para sa kategoryang Pinoy Hugot Lines. Lubos ang pasasalamat ni Gng. Marty A. Abuyan, Ulongguro III ng Kagawaran ng Filipino, sa mga mag-aaral at kaguruan na naging bahagi ng palatuntunan at pagdiriwang, lalo na sa Tagapangulo, Gng. Melchie Ann A. Mercadal at Katuwang na Tagapangulo, G. Billy Joel E. Añola. Bagama’t limitado ang naging pagsaksi, masasabing naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralan matapos ang mga naging paligsahan. Inaasahang maibalik na nang tuluyan ang mas magarbo at malawakang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa susunod na taong panuruan.

Mahalaga ang ating wika sapagkat sa pamamagitan nito natin naipahahayag ang ating mga saloobin. Patuloy natin itong gamitin upang makilahok sa mga diskurso sa lipunan, ihayag ang ating boses, at ibando ang mga mahahalagang pangyayari sa bayan. Neill Patrick Pasta

Ang BANDILYO Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

airaos nang ligtas ng Kagawaran ng Filipino sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong Agosto sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong madla sa araw ng paggagawad ng sertipiko at mga ginanap na paligsahan.


Ang BANDILYO

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

balita

4

HINUBOG NG PAGLUBOG

Suplay ng tubig sa paaralan, taon-taon pinupuna

Hindi tayo tumanggi sa ating tungkulin, responsibilidad bilang teacher na [nagmumulat] sa mga kabataan.

Kassandra Eleazar

U

mani ng negatibong reaksyon mula sa mga mag-aaral at kaguruan ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) ang kawalan ng tubig kung saan bawat taon ay nasabing paunti nang paunti ang pumapatak na tubig mula sa mga gripo. “Talagang hindi sapat ang tubig dito sa ating paaralan dahil marami ang sinusuplayan. Kapag mayroong tubig sa taas ay walang tubig sa parteng baba, tubig lang talaga ang kailangan,” Gng. Shiela Oblea, guro sa departamento ng Science. Dagdag pa rito, ang kawalan ng tubig ay isa sa mga pinakasuliraning kinakaharap ng paaralan na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng hindi kaaya-ayang amoy ng mga palikuran na mayroon sa paaralan. Patuloy pa rin itong binibigyan ng agarang aksiyon lalo’t higit ng punong guro III na si G. Reynaldo V. Nanong ngunit sadyang hindi ito sumasapat para sa lahat. “Dati nung grade 7 pa kami’y may tumutulo pang tubig sa mga gripo na mayroon dito pero ngayong dalawang taon na ang nakakalipas ay walang-wala na talagang lumalabas na tubig mula sa mga gripo,” ani Cyrille Balon, mag-aaral mula sa baitang 10-Newton. Ayon pa sa kanya, hindi na raw sila makapaglinis ng ngipin, kamay at kung ano pa man dahil sa kakulangan ng tubig na talagang problema ng halos lahat ng kamag-aaral niya rito. Bunga rin ng suliraning ito, naging mahirap para sa mga utility and maintenance personnel na malinis ang kapaligiran ng paaralan lalo na ang palikuran. Gayundin sa mga miyembro ng pinakamataas na organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan, ang Supreme Student Government (SSG) na paminsa’y sila ang naglilinis ng mga palikuran. “Mahirap na makita yung ka-officer ko na akyat-baba sa pagbubuhat ng isang timba ng tubig para malinis ang lahat ng palikuran sa paaralang ito sa kadahilanang walang tumutulong tubig sa mga gripo nito,” ani Marco Saludes, pangulo ng SSG. Dagdag pa niya, kinailangan pang tiisin ang masukal na banyo dulot ng kawalan ng tubig para lamang malinis ito. Inaasahan ang pagtulong at pakikisama ng mga mag-aaral dito upang masolusyunan agad ang pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng paaralan.

Dagdag palikuran, solusyon sa kapaligiran -estudyante

B

Dannah Abuan

inigyang-pansin ni Dr. Reynaldo V. Nanong, punongguro ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS), ang mga reaksyon ng mga mag-aaral patungkol sa bilang ng palikurang nagagamit na isa pa rin sa mga suliraninig kinakaharap ng paaralan at kinakailangan ng solusyon. Bukod sa lumalaking populasyon ng paaralan ay taliwas naman ito sa kakulangan ng mga paaralan dahil ang ilan sa mga ito ay hindi na maaaring pakinabangan dahil sa sirang bowl at dala karumihan. “Hindi proportion yung dami ng mag-aaral sa dami ng cr na nandito na functional kaya pag minsan tinitiis lang nung iba na hindi umihi kas inga mabaho na madumi pa,” ani Angelica Veluya, mag-aaral mula sa baiting 9-Dalton. Dagdag pa niya, kahiti may mga palikurang nakatayo buhat ng mga bagong gusali ay hindi naman ito nagagamit dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig kaya mahirap din ang sitwasyon lalo na’t kundi naman lahat ng estudyante ay responsable at may disiplina. Kaugnay ng pagrereklamo ng mga magaaral ukol sa mga palikurang nagagamit

Doc Pat, hinirang na natatanging guro sa kauna-unahang Gawad Kinang

P

Leiane Gutierrez

inarangalan si Dr. Patricio B. Abuel, kilala sa tawag na “Doc Pat” at guro ng Baitang-12, bilang ‘natatanging guro’ ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) sa halos 20 guro na nominado mula sa paaralan na iginawad sa kaniya ng distrito matapos niyang iugnay ang pakikipamuhay sa kaniyang pagtuturo sa paaralan. Tinatayang nasa mahigit kumulang 50 na guro ang napabilang sa kinilala ng Department of Education (DepEd), Division of Quezon, na mga katangitanging guro mula sa iba’t ibang paaralan na nominado sa pagtanggap ng parangal sa ‘Unang Gawad Kinang’ na ginanap sa Paaralang Elementarya ng Lucban (PEL) Museum nitong Setyembre 28, 2022. “Lahat ng guro ay nagpamalas ng kani-kanilang angking galing sa iba’t ibang aspeto ngunit di natin maikakaila na maraming guro ang mas nagpursigi pa sa kanilang trabaho at naging instrumento nila ito upang makapagbigay ng higit pa sa kinakailangan ng mga estudyante’t mag-aaral natin’’, ani Dr. Jessie E. Quesea, Public School District Supervisor (PSDS). Binibigyang konsiderasyon ang

“Performance Rating”, “Significant Rating”, “Impact of Accomplishment”, “Innovation” at “Awards and Membership” ng bawat nominadong guro sa paaralan upang makatanggap sila ng nasabing parangal.

“Nagtratrabaho tayo dahil bahagi ito nung responsibilidad natin bilang isang teacher pero yun palang kinatrabaho nung una ay nagbibigay sa atin ng karangalan dahil ginagawa natin nang tama at mabuti ang ating trabaho” Doc Pat, Natatanging Guro

Dagdag pa niya, hindi niya inaasahan na ang pagsali sa mga organisasyon ay nakatutulong upang may maibahagi na mabuti at maayos na kaalaman sa mga estudyante sa loob ng klase at iginiit niya na ang edukasyon ay isang ‘continuing process’. Kaugnay nito, napabilang sina G. Jonald P. Seño, Gng. Maricel R. Villamayor, Gng. Ferica C. Aloner at Gng. Heidi S. Racoma, mga nominadong guro ng PSLIS, sa pagiging finalists sa pagkilala’ng ito. Dinaluhan nina Dr. Quesea (PSDS), Vice Mayor Arnel ‘Kaka’ C. Abcede, Sangguniang Bayan at ang punongguro ng mga paaralan sa “Gawad Kinang” upang masaksihan at magbigay ng pagkilala sa mga gurong nagpamalas ng kanilang dunong at galing sa mga estudyante, sa loob man o labas ng paaralan.

Hazing sa paaralan, mga mag-aaral naaalarma Dannah Abuan

H

inimok ng administrasyon ang mga mag-aaral na itigil ang anumang nabubuong grupo na tumutukoy sa mga fraternity at sorority sa loob ng paaralan dahil sa mga lumalabas na balita patungkolsa pagkamatay ng ilang mga estudyanteng kabilang sa grupo ng nasangkot sa hazing. Lumabas ang sunod-sunod na balita patungkol sa hazing na nagaganap sa loob ng paaralan katulad na lamang ng pagkamatay ng isang military student sa Philippine Military Academy. Bunsod ditto, pinaaalalahanan ng

pamunuan na ang mga samahang nabubuo sa loob ay dapat na hindi gumawa ng anumang ikasasama ng kanilang imahe at dapat na mas makatulong sa ikauunlad ng paaralan. “groups that are formed inside the school should serve as model to others,” saad ni Dr. Reynaldo V. Nanong, punongguro. Sinabi ng isang lider na samahan na nagsisilbing takbuhan ang miyembrosa tuwing may away na nagaganap sa pagitan ng dalawang grupo at upang walang maagrabyadong estudyante sa loob at labas ng paaralan.

kahit marumi, ang pagtugon ng paaralan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga utility and maintenance personnel ang nakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng paaralan lalo’t higit sa mga palikuran. Isa na rin sa mga naaapektuhan ng suliraning ito ay ang mga kaguruan sapagkat sa kanila nagsasabi ang mga mag-aaral kung sakali ang mang kinakailangan na talaga nilang pumunta sa banyo. “Kailangang mapagtuunan ito ng pansin ng paaralan dahil nahihirapan ang mga bata lalo na ngayong maghaponna ang klase ng lahat,”wika ni Gng.Marites D. Abuan, guro mula sa departamento ng TLE. Ayon din sa kaniyang panayam, pumupunta minsan ang ibang bata sa learning center upang makiusap na makigamit ng palikuran sa tuwing may di maiiwasang pangyayari tulad ng pagdumi at pag-ihi. Humigit-kumulang anim na banyo lamang ang nagagamit sa paaralang ito, tatlo para sa babae at tatlo para sa lalaki. Sa kabuuan nito, madaming mag-aaral gayundin ang mga guro ang nagrereklamo dahil hindi nila natatamo ang karapatan nila sa paggamit ng mga palikuran sa paaralang ito.

Sa kabilang banda, ipinahayag ng isang mag-aaral ng PSLIS na Malaki ang negatibong epekto nito sa isang tao sapagat napapalaki ang isyu at awy na dapat ay sa kanila lamangat itinuturing ang mga fraternity bilang kasangga sa lahat ng problema ng mga nasasakupan nito. Ayon sa alituntunin ng paaralan, dapat na hindi sumali sa anumang iligal na mga samahan ang mga mag-aaral bagkus ay sa mga organisasyon na makatutulong upang sila’y mahubog bilang isang indibidwal na makatutulong para sa kinabukasan.

Pag-iigib ng tubig ng mga estudyante ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School sa labas pa ng palikuran.


Gamitin ang kalayaan

Pandistritong Leadership Training, pinamunuan ng PSLIS-SSG, layong hulmahin ang kabataan maiaambag hindi lang para sa ating students kundi para na rin sa ating future,” wika ni Gng. Sally O. Cias, PSLIS-SSG Adviser. Sinabi pa niya na makatutulong ang gawaing ito upang matutunan ang iba’t ibang aspeto ng pagiging mabuting pinuno at maayos na pamumuno. Nag-uwi ng aral at katuruan ang mga batang lider matapos magbahagi ng kaalaman sina Dr. Reynaldo V. Nanong, punongguro III ng PSLIS, Kon. Lois Conrad, Dr. Patricio B. Abuel, Dalubguro II ng PSLIS, Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) at ni G. Alfredo Oblefias. “A great leader doesn’t just command. Marunong silang makinig, sumunod at makiramdam sa kapwa nya nasasakupan”, ani Dr. Nanong. Kaugnay nito ay nabanggit din ni Kon. Lois na mahalaga na matutunan din ng mga kabataan kung paano ang sistemang nangyayari sa Sangguniang Bayan kung saan pwedeng maglahad at magtaas ng reklamo, suhestyon at kung ano pa man ang mga kabahagi nito at dito ipinakikita ang kahalagahan

ng pagdinig at pagsabi sa bawat opinyon ng isa’t isa. “Ako siguro ay natuto na maging isang lider dahil sa mga experience ko sa buhay at sa dunong na aking nakukuha mula sa mga taong nakapaligid sa akin”, pahayag ni Dr. Pat Ibinahagi ng MDRRMC at G. Oblefias ang kahalagahan ng may kasanayan sa bawat sakuna na maaaring mangyari at ang pagkakaroon ng tulungan sa tuwing may mga bagay na kailangan ng pagtutulungan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang bandaging at pagkakaroon ng group activity. “Masaya po na experience yung ganito dahil bukod sa nacchallenge kami sa bawat game and activities ay nammold po kami into someone na hindi namin aakalain na meron ang isang mabuti at tinitingalang lider”, wika ni Jervy De Chavez, isang student leader sa PSLIS-SSG. Natapos ang aktibidad na ito na dala-dala ng bawat isa ang kasanayan, bagong kaalaman, at bagong pag-uugali na tumatak sa kanilang puso’t isipan matapos ang buong maghapon.

N

Leiane Gutierrez

akibahagi ang mga opisyales ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School - Supreme Student Government (PSLIS-SSG) sa isinagawang “Satellite Voter Registration” sa Bahay Pamahalaan ng Barangay 4 nitong Enero 26 bilang pagtulong sa mga mamamayan ng Lucban, partikular sa mga kabataan, na makamit ang karapatan nilang makaboto ng kanilang ninanais na mamuno hindi lamang sa lokal na pamayanan kundi pati na rin sa buong bansa. Inisyatiba ng PROJECT BARKADAHAN at Commission on Election (COMELEC) ng Lucban ang nasabing gawain na may layuning anyayahan ang mga mamamayan, lalo’t higit ang mga kabataan, na magparehistro bilang maging botante. “Bukal sa puso namin, lalo ko, ang makiisa sa mga ganitong gawain dahil gaya ko na isang kabataan ay hinahangad ko na magkaroon ng tinitingalang lider at ito ang pagkakataon na syang tutulong satin na maging malaya sa pagpili ng ating napupusuan na lider,” ani Margaux C. Saludes, pangulo ng PSLIS-SSG. Ayon pa sa kaniya, masayang maglingkod sa bayan lalo na kung ang layunin nito ay hindi lamang para sa pagbabago sa indibidwal lamang kundi pagbabago sa buong bansa. Sinamahan din ng ilang opisyales ng Lucban Academy Student Government (LA-SG) ang nasabing gawain at matagumpay na nakapagparehistro ang mahigit kumulang 200 na mamamayan ng Lucban.

Kakulangan ng traysikel, pinangambahan; daing ng mga estudyante, pinakinggan

I

kinababahala ng mga kaguruan at magulang ang kaligtasan ng mga estudyante ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) ngayong nagsimula na ulit ang face-to-face classes para sa taong panuruang ito sapagkat madalas kulangin ang bilang ng mga traysikel na bumabyahe para ihatid pauwi ang mga estudyante. Nahahati sa dalawang schedule ang oras ng klase ng mga estudyante bunsod ng shifting scheme kung saan ang mga estudyante sa baitang 7, 8 at 11 ay sa umaga pumapasok, ika-6 hanggang 11:30 ng umaga, habang ang mga nasa

baitang 9, 10 at 12 naman ay sa hapon pumapasok, ika-12 hanggang 5:30 ng hapon. “Nag-aalala kami para sa ating estudyante dahil sa tuwing uuwi rin kami sa hapon, lalo’t higit kapag umuulan, ay nakikita ko ang mga estudyanteng nagsisiksikan at nababasa sa waiting shed para mag-antay ng may masasakyan pauwi,” ani Gng. Marites D. Abuan, guro mula sa departamento ng Technology and Livelihood Education (TLE). Dagdag pa niya, inaabot pa madalas ng dilim ang mga estudyante kung kaya’t ang karamihan ay mas pinipili na lamang na maglakad pauwi kahit na delikado sa dinaraanan dahil katabi lamang nito ang

Linggo ng Kabataan, silbing A instrumento para matuto

national road. Tinatayang 3593 ang kabuuang bilang ng mga estudyante sa paaralan habang may humigit kumulang 60 na traysikel lamang ang bumabyahe mula sa dalawang Tricycle O DA – PSL TODA at MAKA TODA. “Kami ay naiinis na paminsan-minsan dahil madilim na halos ang paligid kapag labasan na namin, tapos makikita namin na wala kaming masasakyan pauwi,” ani Daisy L. Manalo, estudyante mula sa baitang 12 pangkat STEM-C. Daing pa niya, hirap na hirap sila lalo na kung maulan at maraming gamit silang dala na may kinalaman sa pag-aaral kung kaya’t napipilitan silang makipagsiksikan

ktibong nilahukan ng apat na opisyales ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School-Supreme Student Government (PSLIS-SSG) na sina Margaux C. Saludes, Alfred Mari V. Oblefias, Neill Patrick C. Pasta at Dannah Mae Abuan ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2022 na may temang “Intergenerational Solidarity: Creating A World for All Ages” kung saan may layunin itong ipamulat sa mga kabataang lider ang mga bagay na may kinalaman sa pagpapalakad ng ating bayan. Isinagawa ito kasama ang ilan ding mga kabataang lider mula sa iba’t ibang paaralan pati na rin mga organisasyon sa bayan ng Lucban nitong Agosto 22-26, 2022 kung saan tinatayang nasa humigit-kumulang 60 na kabataan ang dumalo at nakisali sa pagdiriwang na ito. “Hindi simple ang naging pagdiriwang namin ng youth week. Kagaya pa rin ito ng mga nangyari dati noong ako ay napasama rin sa event na ganto ngunit ngayon na isa kami sa seniors na andun ay mas ramdam ko ang responsibilidad ko na maging isang modelo sa kapwa ko rin kabataang lider”, ani Margaux, pangulo ng PSLIS-SSG. Ayon din sa kaniyang kasamahan na si Alfred, pangalawang pangulo ng PSLIS-SSG, isang makabuluhan na namang pangyayari ang kaniyang dinaluhan na hindi niya malilimutang ibahagi sa kapwa nya kabataan sapagkat ang ganitong gawain ay isa sa naghulma sa kaniya upang mamulat sa gawain ng mga lider ng ating bayan, ang mabuti at maayos na pamamahala sa bawat aspeto ng kanilang trabaho. Nagkaroon ng kani-kaniyang responsibilidad ang bawat kabataang lider na nakilahok dito at humalili sa iba’t ibang namumuno sa ehekutibo at lehislatibong sangay ng lokal na pamahalaan sa loob ng tatlong araw, Agosto 22-24. “First time ko na mapabilang sa ganitong klaseng

sa isang traysikel na kung saan kahit pitong estudyante lang ang dapat isakay ay pinagkakasya ang siyam. Pinakinggan naman ito ni Dr. Reynaldo V. Nanong, punongguro III ng paaralan, at sinikap na bigyang aksyon agad hindi lamang kasama ang mga pangulo ng TODA kundi pati na rin ang mga traffic enforcer na syang tumutulong sa paggabay at pagtingin sa kaligtasan ng mga estudyante. Matagumpay na nabawasan ang pag-aalala ng mga kaguruan, lalo’t higit ng mga magulang, sa kaligtasan ng mga estudyante sa pag-uwi at sa kasalukuyan ay wala nang estudyante ang nag-aakyat ng reklamo ukol sa suliraning ito.

pagdiriwang at talaga ngang iba ang nagagawa ng experience upang mahubog tayo sa kung sino at ano tayo, at ang mga gusto nating mangyari sa future hindi lang para sa sarili natin ngunit para sa buong bayan at bansa”, ani Dannah, isa sa PSLIS-SSG representative. Kaugnay nito ay binanggit din ni Patrick na mabuti at ang pangyayaring ito ay ginaganap taon-taon sapagkat bilang isang kabataang lider ay marami ka ngang matututunan at maging ang pagtukoy at paglutas sa suliranin ng bayan ay iyong nakikita at nauunawaan. Samantala, nagsilbing araw ng pakikipagkilala ang nalalabing dalawang araw sa mga kabataang lider at itinuloy ang pagdiriwang sa Pagbabago at Pag-asa Rehabilitation Center (PPRC) Barangay Palola, Lucban upang magsagawa ng iba’t ibang aktibidad na huhulma pa lalo sa bawat isa upang maging katangi-tanging lider. Dinaluhan ni Dr. Reynaldo V. Nanong, punongguro III ng PSLIS, ang pangyayari nitong Agosto 25, 2022 upang magbigay ng dunong at kaalaman sa mga kabataan kung ano ang kaniyang mga nalalaman din sa pagiging isang tinitingalang lider. Matapos nito ay nagsagawa ng team-building activity ang mga kalahok dito at nakinig din sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council upang matuto sa kanila kung sakali mang may maganap na sakuna ay maaari kaming makatulong. Tinapos ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ‘social gathering’ na nagsilbing isang pagtitipon na hindi malilimutan ng lahat sapagkat hindi lamang ito naging puro pagsasaya, ngunit dito rin mas nakilala ng isa’t isa ang hangarin ng bawat isa hindi lamang sa sarili pero pati na rin sa ating bayan.

Ang BANDILYO Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

P

inasinayaan ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School Supreme Student Government (PSLIS-SSG) ang pagkakaroon ng pandistritong Leadership Training na may temang “Empowering Students as Nation’s Future Leaders” nitong Disyembre 3, 2022 na naganap sa Pagbabago at Pag-asa Rehabilitation Center (PPRC) Lucban, Quezon na may layuning hubugin ang mga kabataan na maging isang tinitingalang lider. Dinaluhan ito ng mga student leaders ng Youth Formation Division (YFD) na binubuo ng tatlong organisasyon – SSG, Barkada Kontra Droga (BKD) at Youth for Environment Schools Organization (YES-O), kasama ang Overall Grade 12 Officers mula sa PSLIS at Nagsinamo Integrated National Highschool (NINH). “This is such a great opportunity lalo sa mga kabataan dahil after pandemic ay ito yung unang district event na masasabi kong napakabuluhan at may malaking

5 balita

Karapatan sa pagboto, binigyang diin sa satellite voter registration; PSLIS-SSG, nakiisa


Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

editoryal

6 WALANG KAPARARAKAN

U

mani ng samu't saring reaksyon ang sinimulang pagsusuri ng Philippine Senate Panel kamakailan lamang ukol sa bisa ng Kindergarten to Grade 12 (K-12) curriculum ng bansa. Umagaw-pansin sa marami ang balitang ito lalo’t higit sa mga kasalukuyang mag-aaral sa Senior High School, kabilang ang mga mag-aaral sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS). Lubos na pinaniniwalaang magaganda ang dulot ng dalawa pang taon na pag-aaral subalit malinaw na taliwas dito ang naging dulot sa mga mag-aaral kung pagbabatayan ang kanilang kalagayan sa kasalukuyan. Ayon sa Department of Education (DepEd), 97.8% ang naging passing rate ng mga mag-aaral sa Senior High School na sumailalim sa National Certification Test, subalit 10% lamang nito ang mga mag-aaral na may kakayahang makakuha ng agarang trabaho. Bagama’t mataas ang naging passing rate ng mga mag-aaral, malinaw na babahagya

lamang ang mga mag-aaral na tila may kakayahang makakuha ng maayos at agarang trabaho, 10%. Kung tutuusin, higit na mababa ito kumpara sa inaasahan, nangangahulugang hindi naging maganda ang dulot ng dalawa pang taon na pag-aaral. Ani Senator Sherwin Gatchalian, nirerepresenta lamang ng kinalabasang passing rate ang 127,000 na mag-aaral na kumuha ng National Certification Test. Di-hamak na babahagya ang bilang na ito kumpara sa bilang ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit. Ipinahihiwatig lamang nito na hindi lubhang natulungan ng K-12 curriculum ang kahigtan ng mga mag-aaral. Dagdag pa niya, isa pang problema ay ang pagkakaroon ng disgusto ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit. Inamin naman ng mga magaaral na hindi nila ninais kumuha ng pagsusulit sa kadahilanang wala silang kakayahang pampinansyal upang maipanggastos sa kabayaran ng pagsusulit. Bunga nito ang hindi pagkakaroon ng tiyak na porsyento ng passing rate yamang hindi lahat ng mga mag-aaral sa Senior High School ay sumailalim sa

ang

Liham sa

Bandilyo

Ang BANDILYO

Para sa malayang pagbabando ng balita

Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

PATNUGUTAN Neill Patrick Pasta Punong Patnugot

Dannah Mae Abuan Katuwang na Patnugot Leiane Andrea Gutierrez Tagapamahalang Patnugot

PATNUGOT SA BALITA

PATNUGOT SA ISPORTS

PATNUGOT SA EDITORYAL

TAGA-ANYO Neill Patrick Pasta | Bon Jervy De Chavez | Eryn Joie Millares

Dannah Mae Abuan

Neill Patrick Pasta

Maria Regaspe

PATNUGOT SA LATHALAIN

DIBUHISTA

Angela Grace Tan

Eugene Adrian Ceribo

PATNUGOT SA AGHAM

TAGAKUHA NG LARAWAN

Ken Ashley Roxas

Khing Pardilla

TAGA-AMBAG

Charisse Mae Sales | Kassandra Eleazar | Neill Andrew Pasta | Aldrin Ibarrola | Lorraine Rada | Dessa Mae Morales | Alliah Nicole Elio | Avien Alvarez | Ayohnie Rodriguez | Bianca Lheanne Galeos | Cheska Nicole Atienza | Chrisha Maledeo | Crystalyn Cademia | Dashiell Meagan | Jemima Bojelador | Johnpatrick Pola | Kana Dashee | Leneah Calauod | Maezel Anne Babista | Mayumi Nicole Abuel | Rayanna May Imperial | Santino Celis

Billy Joel Anola Tagapayo

Marty Abuyan Ulongguro

pagsusulit. Ito ang sanhi ng hindi malinaw na epekto ng K-12; kung sa ilan ito’y nakatulong, sa karamihan naman ito’y walang kapararakan. Bukod sa nabanggit, isa pang bunga ng hindi pagkakaroon ng kakayahang pampinansyal ang pagtatrabaho ng kahigtan sa mga mag-aaral sa Senior High School. Samantala, ang kanilang mga trabaho’y “elementary occupation” lamang ayon kay Gatchalian, nangangahulugang hindi ito nangangailangan ng kakayahan at kaalaman ng isang mag-aaral sa Senior High School. Kung gayon, malinaw na walang saysay ang dalawa pang taon na pag-aaral ng mga magaaral gayong hindi naman kinakailangan ng kanilang trabaho ang kanilang mga natutuhan bilang isang mag-aaral sa Senior High School. Ayon kay Supervising Labor and Employment Officer Jerome Lucas, sa pananaw ng mga tagapagempleyo’y higit na ganap at matalas ang mga magaaral sa kolehiyo kaysa mag-aaral sa Senior High School, samakatuwid tila walang halaga ang dalawa pang taon na pag-aaral ng mga mag-aaral kung sa huli’y mag-aaral pa sila ng apat na taon sa kolehiyo.

Reynaldo V. Nanong, EdD Punongguro

Patnugot Mahal na Patnugot, Batid ko na ang mga estudyante o ang mga kabataan ay nabibigyan ng kalayaan upang gawin ang kanilang ninanais ngunit tila ba ang kalayaan na ito ay nagturo sa karamihan na tumahak sa maling landas. Sila ang mga kabataan na lulong sa masasamang bisyo na dulot din ng kalayaan kung saan di na makontrol ang ganitong gawain. Ako ay nababahala sa maaaring maging epekto nito hindi lamang sa kanila ngunit pati na rin sa mga ibang kabataang makakakita sa kanila. Bilang mas nakatatanda sa kapwa ko mga kabataan ay dapat na maging huwaran tayo nang sa gayon ay hindi tayo makadulot ng masama sa ibang tao at hindi rin madungisan ang imahe ng paaralan. Humihiling ako na sana ay matugunan at maibsan ang ganitong suliranin sapagkat isa ako sa mga kabataan na nakaranas ng epekto ng masamang bisyo ng ilang kabataan na gaya ko. Taos-pusong sumasainyo, DLM


Kahalagahan ng Kasuotang Pampaaralan

M

M

agsisimula na ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa darating sa Agosto,kabilang dito ang Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School. Ito ay ayon sa mandato ni Vice President Sara Duterte gayong isinasagawa na ito sa buong mundo.Tiyak na makatutulong ito para sa unti-unti nating pagbalik sa normal bagamat may mga bagay na kinakailangan pa ng pagpapaunlad para matagumpay itong maisagawa. Ayon sa public school teachers,20 estudyante lamang sa isang klase ang babalik sa kanilang sa face-to-face classes samantalang ang iba naman ay mananatili sa kanilang tahanan dahil limitado lamang ang bilang ng mga estudyante na maaaring pumasok sa paaralan .Isa ito sa mga problema na kinakaharap ng mga guro hindi lamang sa PSLIS kundi maging sa buong bansa sapagkat kinakailangan nilang maghanda ng dalawang klase ng pagtuturo para sa mga mag-aaral. Ayon din kay Prof.Lizamarie CampoamorOlegario(Research Head,SEQuRE's Education Movement),marami siyang nakikitang problema sa pagsasakatuparan ng faceto-face classes dahil kung ang napiling 20 estudyante lamang ang papasok sa face-toface ay hindi ito magiging patas para sa mga mag-aaral.Gayundin,mas mahihirapan ang mga guro sa paghahatid ng kaalaman sa mga estudyante. Sa taas ng presyo ng mga bilihin,problema rin natin ang pinansyal dahil kung ang estudyante ay nasa online learning,kailangan ay mayroon siyang maayos na computer at malakas na internet.Ngunit karamihan sa mga mag-aaral ng PSLIS ay walang internet at hindi lahat ay mayroong gadgets na magagamit sa pag-aaral. Isa pa,anong matututunan ng mag-aaral sa isang guro kung pumapalya ang internet nito. Subalit kung ang mag-aaral naman ay nasa face-to-face classes,proproblemahin nila ang pamasahe papuntang paaralan dahil sa layo nito lalo na't mahal pa rin ang pamasahe bunsod ng mataas na presyo ng gasolina. Gayunpaman,mas mabuti pa rin kung nasa loob ka ng paaralan at nakakasalamuha mo ang iyong mga kamag-aral,gayundin mas matuturuan sila nang maayos ng kanilang guro. Kaya't upang maisagawa nang maayos ang pagbabalik eskwela ay kinakailangan ang blended learning, kinakailangang hatiin ang bilang ng mga estudyante kung saan ang iba ay papasok sa paaralan at ang iba naman ay mananatili sa kanilang tahanan sa alternatibong paraan.Nang sa ganon ay mas matutukan ng mga guro ang mga mag-aaral lalo na't may mga estudyanteng hindi pa marunong magbasa. Sa paraang ito,mas matutugunan nila ang mga problema at pangangailangan ng mga mag-aaral at gayundin ay magiging matagumpay ang pagbabalik ng face-to-face classes sa pamamagitan ng blended learning.

na maiisuot ang bata at kung mayroong uniporme, kahit na paulit-ulit itong isuot ay ayos lamang sapagkat tulad-tulad ng suot ang mga mag-aaral sa isang paaralan. Kabilang ang mga bendor at patahian ng uniporme sa mga umalma sa patakarang ito sapagkat bababa o mas masama, mawalan ng kita. Maraming tao ang lubhang nahirapan dahil sa pandemya tulad na lamang ng mga bendor, at lalo silang mahihirapan kapag hindi na kinakailangan ang kanilang mga produktong binebenta. Kung kinakailangan pa ring magsuot ng uniporme ng mga mag-aaral, hindi lamng mga mag-aaral at pamilya nila ang matutulungan, pati na rin ang mga taong nagsusumikap magbenta at magtahi ng uniporme. Bukod sa mga bendor at patahian ng uniporme, maaari ring ibenta ng mga mag-aaral ang napaglumaan o hindi na gamit na uniporme upang kumita at hindi masayang, saka para makatulong na rin sa mag-aaral na bibili at gagamit ng uniporme. Dahil doon, pareho kayong makikinabang, walang dehado. Sa kabuuan, marami ang “disadvantage” ng hindi pagsusuot ng uniporme. Ang pagsusuot ng uniporme ay napatunayan na nakatutulong upang mapahusay ang 'sense of school pride' ng mga estudyante, upang pairalin ang pagkakapantay-pantay sa mga mag-aaral, at pinapatunayan din nito na malaki ang respeto ng mga mag-aaral sa awtoridad. Sa halip na gumastos ang mga magulang ng magaaral, maaaring magkaloob ang pamahalaan maging ang paaralan ng libreng uniporme sa mga mag-aaral na walang kakayahang gumastos ang magulang. Sa mga 'may kaya' naman ay hindi na problema ang paggastos sa uniporme, at mas maayos kung uniporme ang kanilang bibilhin at hindi damit na gagamitin lamang sa pagpasok sa paaralan. Bilang pangwakas na punto, mas nararapat pa ring magsuot ng uniporme sapagkat nagdudulot ito ng kabutihan hindi lamang sa mga mag-aaral at kanilang pamilya, pati na rin sa mga tao sa lipunan. Dapat nakatuon ang pansin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at hindi sa kasuotan, nararapat lang din pati na alamin nating mga estudyante ang halaga ng uniporme.

Nararapat Ibalik Maria Regaspe

L

ubhang ikinagalak ng marami ang inanunsyong pagbabalik ng face-to-face examinations sa mga pampublikong paaralan, kabilang rito ang Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) kung saan sinimulan na ang Unang Markahang Pagsusulit ng mga mag-aaral noong ika-27 ng Oktubre 2023. Nararapat lamang na ibalik ito dahil sa mga dulot nitong kapaki-pakinabang, hindi lang sa mga mag-aaral, bagkus pati sa mga guro, sa paaralan, at sa komunidad. Sa pagbabalik nito, angking katalinuhan at katapatan ng mga estudyante'y uusbong, maging ang mga estudyanteng tahasang nag-aaral nang mabuti at hindi ay matutuklasan. Isang masamang dulot ng pandemya ang pagbagal ng matalas na pag-iisip ng mga estudyante kung kaya't sa pamamagitan ng harapang pagsasagot ng pagsusulit, muling mahahasa't masusubok ang kaalaman at pag-iisip nila. Lubhang makatutulong ito sa mga estudyante kaya't sa halip na sumama ang loob, dapat lamang na ikagalak nila ang pagbabalik nito. Bukod sa nakakatulong ito sa pagpapabuti ng kaalaman nating mga mag-aaral, mas magandang magsagot ng pagsusulit sa loob ng paaralan sapagkat madaling makapagtatanong ang mga estudyante sa mga guro na nagbabantay tungkol sa parte sa pagsusulit na hindi lubos na maunawaan. Malaking tulong ito lalo’t higit sa mga mag-aaral nahihirapang unawain nang lubusan ang pagsusulit na kailangang sagutan, at mabuti na lamang na maasikaso ang mga guro at madaling malapitan sa oras na sila'y kailangan. Sa pagbabalik ng harapang pagsusulit, pati ang mga guro ay lubos na matutulungan nito sapagkat mas nalalaman nila kung sino-sino ang mga estudyanteng tapat at tunay na nakikinig tuwing tinatalakay ang mga aralin. Nakatutulong ang mga estudyante sa pagpapadali ng mga gawain ng mga guro katulad ng pagsusuri o pagtsetsek ng mga pagsusulit ng mga mag-aaral na ilang oras ginagawa ng mga guro.

Kabilang ang mga magulang o pamilya ng mga estudyante sa matutulungan ng pagbabalik ng harapang pagsusulit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oras upang magtrabaho sapagkat nasa paaralan ang mga estudyante. Kung noong mahigpit pa ang mga patakaran dulot ng pandemya'y nasa kani-kanilang mga tahanan lamang ang mga magulang upang magbantay sa mga anak nilang estudyante, ngayo'y maaari na silang magtrabaho upang madagdagan ang kanilang panggastos habang nasa paaralan ang kanilang mga anak. Kabilang ang mga nagmamaneho ng tricycle sa mga lubhang matutulungan ng pagbabalik nito. Tataas ang kita nila sapagkat maraming mag-aaral pati mga guro ang sumasakay ng tricycle papunta sa paaralan at pabalik sa kanilang tahanan. Malaki ang mabuting dulot nito sa pamilya ng mga tricycle drivers, lalo higit ang mga lubhang nahirapan dahil sa pandemya. Tiyak na marami at malaki ang tulong ng pagbabalik nito sa mga tricycle drivers at iba pang mga tao sa ating lipunan. Marami ang mga nakagawian sa paaralan na hinadlangan ng pandemya, kabilang ang pagsasagot ng mga pagsusulit sa loob ng paaralan kaya't nang magkaroon ng pandemya'y maraming mag-aaral ang nasanay na sumulyap o tuwirang gayahin ang mga nasa aralin habang nagsasagot ng pagsusulit kahit malinaw na ito'y mali. Ngayong harapan na muli ang pagsasagot ng pagsusulit, mawawakasan na ang masamang gawain na ito ng mga estudyante. Noong sa kani-kanilang tahanan pa nagsasagot ng mga pagsusulit ang mga estudyante, madalas nilang ipagpaliban ang pagsasagot sapagkat wala namang guro na nagbabantay sa kanila at matagal pa naman ang pasahan kaya't marami ang naiistress na bata at magulang kapag kinabukasan na ang pasahan. Sa ganitong paraan — pagsasagot ng pagsusulit nang harapan — mababawasan ang stress ng mga magulang at mas mahihimok na magsagot ng mga mag-aaral sapagkat marami na silang kasabay magsagot. Bukod sa pagpapaliban ng pagsasagot at pagkakaroon ng stress,

isa rin ang pagiging "distracted" ng mga mag-aaral sa mga epekto ng pagsasagot ng pagsusulit sa tahanan. Kapag sa paaralan nagsasagot ang mga estudyante, nagiging mas mahusay sila sapagkat may guro na nagbabantay sa kanila at kasabay nila ang kanilang mga kaklase na magsagot dahilan upang mahimok sila na magsagot nang mabuti. Sa kadahilanang ito, kadalasang nagiging maganda ang resulta ng kanilang mga pagsusulit. Hindi naman maitatanggi na kasama sa mga epekto ng harapang pagsusulit ang pagkakaroon ng mababang puntos ng mga estudyante na humahantong sa pagkakaroon nila ng mababang pagpapahalaga sa sarili ngunit hindi ito mangyayari kung magsisipag mag-aral ang mga estudyante. Kung tutuusin, nakatutulong pa ang mga pagsusulit sa pagkakaroon ng karagdagang kaalaman at napapabuti nito ang memorya ng mga mag-aaral kung kaya't tataas pa ang pagpapahalaga nila sa sarili kapag nagkaroon sila ng mataas o pasadong marka dulot ng pag-aaral ng mabuti. Bagama't malaya na tayong makapasok muli sa paaralan, umiiral pa rin ang banta ng Coronavirus disease (COVID-19) kaya’t kinakailangan pa rin nating mag-ingat. Posible pa rin tayong mahawaan ng virus mabuti na lamang at may kamalayaan ang mga paaralan tungkol dito kaya’t patuloy silang sumusunod sa mga patakaran upang maiwasan ang pagkakaroon at pagkalat ng virus. Samakatuwid, walang makahahadlang sa pagpasok ng mga mag-aaral upang magsagot ng pagsusulit. Sa kabuuan, pawang mabubuti lamang ang dulot ng pagbabalik ng harapang pagsusulit. Lahat ng dulot nito ay nakabubuti hindi lamang sa mga nasa loob ng paaralan, gayundin ang mga nasa labas. Walang dehado sa desisyon na ibalik ito, sa katunayan, lahat ng tao sa lipuna'y makikinabang dito sa iba’t ibang paraan. Marami at malaki ang mabuting dulot nito sa lipunan kaya’t nararapat lamang na ibalik ito sapagkat maraming tao ang lubhang nangangailangan ng benepisyong makukuha sa pagbabalik nito.

Ang BANDILYO Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

Magkasamang Hirap

arami ang umalma sa inanunsyo ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na hindi na kinakailangang magsuot ng uniporme ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan, kabilang na nga sa maapektuhan ng pasyang ito ang Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS). May magandang maiidulot ito ngunit mas marami pa rin ang masamang maiidulot sa mga estudyante, sa kanilang pamilya, pati na rin sa komunidad at paaralan. Nakatala sa DepEd Order (DO) No. 65, s. 2010, na hindi kinakailangan ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan at dahil sa patakarang ito na nilinaw ngayon, lalong darami ang mga estudyanteng maglalakwatsa at hindi malabong mayroong magkompetensyahan, sinabi ding ang mga estudyanteng mayroon pang uniporme ay maaari itong gamitin, kung gusto nila, para maiwasan ang karagdagang gastos. Bagama't mayroon pang mag-aaral na may uniporme, hindi nila ito nanaising isuot kung ang iba niyang kamag-aaral ay hindi naka-uniporme na siyang makadadagdag din sa kagastusan ng bawat magulang ang pagbili ng damit ng kanilang mga anak. Maraming tao ang lubos na naniniwala na ang mga uniporme sa paaralan ay nakatutulong upang magdala ng higit na disiplina sa mga mag-aaral. Kapag nagsuot ng uniporme ang mga bata, sila ay nahihimok na sundin ang mga alituntunin at patakaran ng paaralan. Mas nahihikayat ang bata na mag-aral kapag siya ay naka-uniporme sapagkat lubos na nararamdaman niya ang pagiging estudyante. Dagdag pa rito, uniporme ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat mag-aaral bilang isang estudyante gayundin ang kung saang paaralan sila pumapasok kung kaya't mahihirapan na makilala ang bawat mag-aaral kung hindi naka-uniporme. Nang magkaroon ng pandemya, dumami ang mga taong naghirap at ani ni Duterte, dagdag gastusin lamang ang pagbili o pagpapatahi ng uniporme kaya't sa pasukan ay hindi na ito kinakailangan. Ngunit kung iisiping mabuti, ang hindi pagsusuot ng uniporme ang mas mahirap at magastos sapagkat mag-iisip pa ng susuutin sa araw-araw ang mga mag-aaral at dagdag gastos pa ito kung walang maayos

editoryal

Billy Joel Anola

7


Ang BANDILYO

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

editoryal

8

PAGSASAAYOS O PAGTITIPID?

I

kinagalit ng mga mamamayan ng Lucban,Quezon ang kawalan ng supply ng tubig sa ilang lugar ng bayan na dati rati nama’y hindi nararanasan ng mga Lucbanin sapagkat alam ng lahat na sagana ang Lucban sa tubig dahil sa Bundok Banahaw na siyang pangunahing pinagmumulan ng tubig na isinu-supply hindi lamang sa bayan ng lucban pati na rin ng ibang kalapit bayan. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Lucban tatlong lamang ang itatagal ng kawalan ng tubug sa kadahilanang aayusin ang Sindiko water reservoir para hindi na mas lumaki pa ang butas ng tubo doon na maaring magdulot ng mas malala pang problema subalit inabot na ng tatlong linggo ang sinasabing tatlong araw kaya samu’t-saring batikos ang tinanggap ng punongbayan ng Lucban na sinasabing may kagagawan ng problema ng mga Lucbanin. Sa kabila ng mga pangbabatikos ng mga apektadong mamamayan ng Lucban mayroon pa ring sumsang-ayon sa ginawang aksiyon ng lokal na pamahalaan dahil para sa kanila hindi ang mga may pwesto sa pamahalaan ang may kasalanan sa pagkawala ng supply ng tubig sa ilang barangay sa bayan kundi ito ay dahil sa pag-unti ng tubig na inilalabas ng bundok banahaw. Subalit kung titingnang mabuti ang sitwasyon ng mga taga SLV o mas kilala sa tawag na CCF ng mga lucbanin,makikita ang kanilang lubusang paghihirap dahil ang kanilang lugar ang pinaka-apektado sa kawalan ng supply ng tubig at tila pinili lamang ng mga nasa pwesto ang mga lugar na tatanggalan ng supply ng tubig dahil ang ilang barangay sa bayan ay walang nararanasang problema sa tubig kumpara sa CCF, Luwal, Maderal, Pineda, at Palengke na tila wala na ni maliit na patak ng tubig sa kanilang gripo.

Kakulangang Kontra Mag-aaral

Lubos-lubos na nga ang problemang kinakaharap ng mga Lucbanin sa supply ng tubig sa kani-kanilang bahay idinagdag pa ang buwanang bill ng tubig na dumadating sa kanila gayong wala naman silang ginagamit na tubig lalo na kung lagpas pa sa minimum ang kanilang binabayaran kung kaya’t nagtataka ang mga tao kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad sa munisipyo at hindi man lamang nila magawang makapuno ng isang timba ng tubig. Ayon sa ilang mamamayan ng Lucban,mayroong mga bumberong nagrarasyon ng tubig sa ilang barangay subalit ang ikinatataka ng iba ay kung bakit walang dumadating na rasyon sa mga lugar kung saan mas madaming pamilya ang apektado at ang mga lugar kung saan wala talagang pumapatak na tubig sa kanilang gripo at mas inuuna pa ang mga lugar kung saan iilan lamang ang apektado at higit sa lahat ay ang mga lugar kung saan iilang oras lamang nawawalan ng tubig. Upang magkaroon ng kapayapaan at kaginhawaan sa buong Lucban,mas maganda kung mas paiigtingin ang pagbabantay sa mga gumagawa sa sindiko water reservoir nang sa gayon ay hindi na tumagal pa ang kawalan ng tubig at kung pahihintulutan ay mas mainam na gumawa ng rotation sa mga lugar na mawawalan ng tubig upang ang lahat ng tahanan sa Lucban ay makapag-ipon ng tubig na kanilang gagamitin hangga’t wala pang tubig na dumarating sa kanila.

Sa pagsasabuhay ng malayang pagbabando, kinakailangang may pakialam tayo sa mga isyu sa lipunan

Neill Patrick Pasta

Punto ng Punongguro

Katungkulang Pangkaligtasan Reynaldo V. Nanong, EdD, SSP III

T

T

Leiane Andrea Gutierrez

ubig ang pangunahing pangangailangan ng isang tao lalo na ng paaralan na pinapasukan ng daan-daang estudyante subalit isa ito sa napakahirap hagilapin sa loob ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School o PSLIS. Hindi dapat ito nararanasan ng mga estudyante dahil napakalaki ng maaaring maging epekto nito sa kanilang kalusugan kaya’t dapat na gawan na ito ng aksiyon ng pumunuan ng paaralan. Bilang isang pampublikong paaralan ang PSLIS nararapat lamang na bigyan ito ng karampatang aksiyon ng mga namumuno sa paaralan na kung kinakailangan ay lumapit na sa lokal na pamahalaan ng Lucban sapagkat ang PSLIS ang may pinakamalaking bilang ng mga estudyante sa buong Lucban kaya’t kung hindi ito mabibigyan ng agarang aksiyon ay maaaring magdulot ito ng mas malaki pang problema na kakaharapin hindi lamang ng mga estudyante kundi pati na rin ng paaralan. Ayon sa isang mag-aaral ng Senior Highschool ng PSLIS, tubig ang higit na kailangan ng isang estudyante sapagkat tinuturing ang tubig bilang kanilang sandata sa mga sakit na maaari nilang makuha sa maduming kapaligiran lalo na’t nasa liblib na lugar ang paaralan at hindi pa sementado ang lahat ng daanan. Sa usaping ito, hindi lamang ang paaralan ang lumulutas sapagkat ang problema sa tubig ay ang lokal na pamahalaan lamang ang makakapagbigay ng solusyon dahil nasa kanila ang kapangyarihan na makapagpapasok ng tubig sa paaralan. Kung kaya’t dapat na ilapit ng pamunuan ng paaralan ang problemang ito sa pamahalaan dahil kung walang magsasalita hindi gagalaw ang lokal na pamahalaan ng Lucban. Malaking katanungan sa mga estudyante ng paaralan ang dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig sa pampublikong paaralan dahil kung alam naman ng lahat na ang paaralan ay dapat higit na bigyang prayoridad sa pagbibigay ng mga pangangailangan partikular sa dami ng kabataang nag-aaral na naghahangad ng kaginhawahan sa buhay sa hinaharap, kaya’t nawa ay huwag itong ipagsawalang bahala.

ungkulin ng paaralan na magbigay ng kalidad na edukasyoon sa mga mag-aaral at bukod pa ditto kailangan din nilang linangin ang kakayahan at talent ng mga ito,isama pa ang pagtuturo ng pakikipagkapwa at kagandahang asal upang sa ggayo makalikha ng estudyanteng kayang makipagsabayan sa buong mundo kaya naman sa dami ng gawain ng paaralan tila nakakaligtaan na nila ang tungkulin nila sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang kaligtasan ng mag-aaral sapagkat may pananagutan pa rin ang paaralan at guro kapag may mangyaring masama sa bata dahil nakatakda sa Executive Order No. 209 Article 21, na nagsasabing ang paaralan, administrasyon at mga guro nito ay mayroong “special parental authority and responsibility” sa mag-aaral sa ilalim ng kanilang pangangasiwa, pagtuturo o pag-iingat. Ang awtoridad at responsibilidad ay dapat mailapat sa lahat ng awtorisadong aktibidad kung sa loob man o labas ng lugar ng paaraln, entidad o institusyon. Nakatayo ang Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) sa tapat lamang ng national highway kaya dapat hindi pinagsasawalang bahala ang kaligtasan ng mga mag-aaral kahit na wala pa mang naitatala na aksidente, malaki pa rin ang posibilidad na may mangyaring aksidente sapagkat mula sa 6,869 noong 2006 lumobo sa 10,012 noong 2015 ang naitala na nasawing buhay dahil sa aksidente sa kalsada habang mayroon naming 8,706,607 registradong behikulo ang bansa. Ayon kay Konsehal Arnel “Kaka” Abcede, Head Committee of Education ng Lucban , magtatalaga siya ng isang traffic enforcer na magmamando sa mga daraang sasakyansapagkat ang paaralan ay katapat lamang ng national highway kaya mapeligro ito para sa mga mag-aaral kahit pa na mayroong nakabalandrang harang, inasahan ito ng paaralan kaya itinuon na lamang ang paglalaan ng pondo sa ibang mga bagay. Tinupad ng konsehal ang kaniyang pahayag, pagkalipas ng ilang araw ay mayroon nang nagmamando ng trapiko sa tapat ng paaralan ngunit ito ay kada umaga lamang namamataan kaya hindi na umaabot sa uwian ng mga estudyante, ito pa naman ang pinakamapanganib na oras sapagkat maraming estudyante ang naglalakad sa tabi ng kalsada upang salubungin ang mga traysikel na kanilang sasakyan,kung kailan mas kinakailangan ang karunungan at kakayahan ng traffic enforcer ay nawawala na ito.

Pampublikong Balakid Eryn Joie Millares

K

ilala ang bayan ng Lucban dahil sa mga produkto nitong ipinagmamalaki,idagdag pa rito ang Pahiyas Festival na talaga namang dinarayo ng mga turista tuwing Mayo at tiyak na mas dadayuhin pa ng mga turista dahil sa ginagawang pagsasaayos ng Kalye Mabini na tatawagin ng Calle Hermano Pule subalit mapapaganda nga ang kalsada, makakadagdag naman ito sa traffic lalo na at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kotang-kota ang Pilipinas sa traffic at hindi ditto nakaligtas ang Lucban kung kaya ang ginagawa sa Calle Hermano Pule ay isa na namang balakid sa mga namamasada. Para sa mga mamamasyal at naglalakad-lakad lamang, maganda ang ginagawang pagsasaayos sa Calle Hermano Pulesa kadahilanang tila silaay nasa panahon ng mga Espanyol o di kaya naman tila sila ay nasa Vigan na kilala sa magagandang disenyo ng kanilang imprastraktura subalit kung susuriin ng mabuti, makikita ang laki ng maiidulot nito sa trapiko na tiyak na makakapinsala sa lahat ng Lucbanin lalong-lalo na sa mga tindahan na nakapalibot sa Calle HermanoPule dahil ang mga bumabiyahe ang madalas na pumapakyawsa mga produkto ng mga tindahan doon at dahil sa pagbabawal sa mga sasakyag dumaan dito pati ang mga kabuhayan ng maliliit na negosyante ay apektado. Ayon sa konsehal ng bayan ng Lucban, madadaanan pa rin ang

Calle Hermano Pule subalit hindi ng mga tricycle at iba pang sasakyan kundi ng mga kutsero ng kalesa na hindi sinang-ayunan at mahigpit na tinutulan ng mga Lucbanin, mapa-driver man o pasahero sa kadahilanang mahaba-haba rin ang sakop ng Calle kaya mabagal din ang inaasahang daloy ng trapiko lalo pa at ang kalyeng iyon ay ang daanan ngmga dyip na papunta sa Sta.Cruz, Sampaloc at Lucena. Talaga namang nakakapanghinayang kung tuluyang ipasasara sa iba pang mga sasakyan ang Calle Hermano Pule sapagkat sisikip ang ilang kalsada sa bayan ng Lucban na maaari pang magresulta sa ilang mga aksidente. Ang pagpapagarbo ng kalsada sa Calle Hermano Pule ay pinaniniwalaang makakatulong upang higit na makilala ang bayan ng

Lucban at dadagsain ng mga turista na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bayan subalit masasabi bang maunlad ang isang bayan batay lamang sa bilang ng mga pumapasok na turista kung ang mga naninirahang mamamayan ng Lucbanin ay kapos sa kabuhayan at nahihirapan sa transportasyon. Kung nais ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Lucban na mas makilala at dumami ang turista mas mainam kung uunahin ang mga problema ng mga mamamayan nito bago isipin ang mga turista sapagkat wala ring maiidulot na maganda ang isang proyekto kung ang mismong nasasakupan nito ay hirap at para naman sa trapiko na dapat mas paigtinginang pagmamando ng mga traffic enforcer ng sa gayon ay maiwasan ang matinding trapiko.


Walang Hahadlang

Palikurang Palagian

I

Tulong Tungo sa Karunungan Marty Abuyan

N

akakatuwa na sa kabila ng lumalaking populasyon ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School at bunsod sa pagkakadagdag ng senior high ay unti-unti nang napupunan ang kagamitang kinakailangan ng bawat strand ng Senior High School ng paaralan. Kung dati ay kanya-kanyang dala ng gamit ang mga mag-aaral, ngayon ay kitang-kita sa bawat laboratory na marami nang gamit. Dati ay hirapan maghagilap ng gamit ang mga ito lalo na kung wala naming ganoong kagamitan sa kanilang tahanan. Higit na apektado ay ang mga mag-aaral na kabilang sa Technical Vocational Livelihood (TVL) kung saan karamihan sa kanilang ginagawa ay aplikasyon ng kanilang natutunan katulad ng Cookery, Automotive, at Electrical. Ngunit ngayong naambunan ng

mga bagong kagamitan ang SHS site ay nakatulong ito nang Malaki sa mga mag-aaral. Bawas na ang problema ng mga mag-aaral dahil hindi na nila kailangang halughugin ang pinakasulok ng kanilang lugar makahanap lamang ng kinakailangang gamit. Ang mga estudyante ng cookery na dati ay hirapan sa pagluluto ay may sariling lutuan at kagamitan. Maging ang Electrical at Automotive ay may sapat na ring kagamitan upang mahasa ang kanilang kaalaman sa applied subjects. Bawas isipin rin ito sa kaguruan sapagkat hindi nila kailangang maghanda ng alternatibong solusyon sakaling walang mahagilap na kagamitan ang kanilang estudyante. Mas natututukan pa nila kung paano mas mahuhubog ang kasanayan ng mga ito dahilan sa kasapatan ng kagamitan na noo’y walang-wala sa

paaralan. Napakalaking tulong ito sa pagaaral ng mga estudyante dahil mas napapataas ng paaralan ang antas at kalidad ng matutunan ng sa panig ng mga guro at mag-aaral. Nabawasan nito ang bigat ng kanilang dalahin at natugunan pa ang bagay na kinakailangan nila. Hindi ito magiging possible kung hindi dahil sa pagpapagod at dedikasyon ng pamunuan ng paaralan na mapagsilbihan ang mga mag-aaral at mabigyan ang mga ito ng kalidad na edukasyon. Karapat-dapat silang pasalamatan at saluduhan dahil hindi madali ang prosesong pinagdaanan ng mga ito matugunan lamang ang pangangailangan ng kaguruan at lalong higit ng mag-aaral. Bilang ganti, ang mga kagamitang ito ay nararapat lamang ingatan, gamitan ng mahusay at pahalagahan.

Angela Grace Tan

K

umalat at naging usap-usapan ang post ng isang guro sa Facebook na ginawang faculty xang mga palikuran na umani ng mga batikos. Sa pagkalat naman nito ay sunodsunod na nagsilabasan eskwelahang ganoon din ang gawain. Bagamat laganap ito sa mga pampublikong paaralan, hindi naman masisisi ang mga guro sapagkat nagawa lamang nila ito dahil sa kakulangan ng mga pasilidad. Isa ang mga kulang na silid-aralan sa iniinda mg mga pampublikong paaralan kahit noong nakaraang taon pa lamang. Dahilan nito ay ang patuloy na konstruksiyon ng mga gusali ng eskuwelahan kung kaya’t wala nang iba pang magawa ang mga guro kundi mamalagi sa mga CR kahit na labag ito sa kanilang kalooban. Karaniwan sa mga nilipatan ay mga hindi ginagamit na palikuran kung kaya’t madali na lang itong naayos at nagawang faculty. Hinggil naman sa gurong nag-viral at balak na sampahan ng kaso, ipinagtanggol ito ng Alliance of Concerned Teachers na hindi na dapat kasuhan ang nasabing guro sapagkat wala itong ibang ginawa kundi naglahad lamang ng katotohanan sa sambayanang Pilipino na ang mga katulad nila ay mas pinipili na lamang mamalagi sa mga palikuran dahil nga sa kakulangan ng mga silid-aralan kahit na napipilitan lamang ang mga ito. Nagpapatunay lamang ito na hindi kasalanan ng mga guro kung ang mga palikuran sa kanilang paaralan ay nagiging faculty na ng mga ito. Patuloy pa rin ang ganitong kagawian kung ang kakulangan sa mga gusali sa mga pampublikong paaralan ay magpapatuloy din. Sana nama’y magkaroon ng aksyon ang pamahalaan patungkol sa suliranin na kinakaharap ng bawat pampublikong eskuwelahan. Isa pa, hindi maaaring sa mga palikuran manatili nang matagal ang mga guro sapagkat nangangailangan din ang mga mag-aaral ng sapat na bilang ng mga palikuran. Isang malaking saludo sa mga gurong nagtitiyagang magtrabaho sa kabila ng hindi pagkakaroon ng maayos na palagian. Hindi ito biro sapagkat ang mga katulad nila ay nangangailangan ng maayos na lugar upang makapagtrabaho sila nang hindi nahihirapan. Kahit na ganoon ang sitwasyon nila ay mas pinipili nilang magtrabaho nang maayos at tapat para sa kabataan, para sa bayan.

Kahilingan Para sa Mag-aaral

Pandayin natin ang ating kritikal na pagiisip nang sa gayon ay maipahayag natin nang maayos ang ating opinyon at paninindigan. Dannah Mae Abuan

K

apuna-puna ang mga putaheng naglalangoy sa langis sa kantina ng Junior High School sa lubhang ikinabahala ng mga mag-aaral dahil posibleng epekto nito sa kalusugan ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Intergrated School.

Naglabas ng saloobin ang mga mag-aaral na kumakain sa kantina hinggil sa ulam na itinitinda doon. Ayon sa mga ito, tila naparami ang langis ng ilang putahe sa kantina. Hindi maiiwasang maglabas ng sama ng loob ang mga mag-aaral sapagkat ang kantina ang pangunahing takbuhin nila tuwing naghahanap sila ng panlamang tiyan at tuwing tanghalian. Umaasa ang mga ito sa magandang serbisyo na makukuha nila sa kantina. Bukod sa hindi makakabuti sa kalusuga, nag-aalis rin ito ng gana sa mga kumakain. Ayon sa isang mag-aaral, halos hindi na niya maipaliwanag kung ano ang lasa ng kaniyang kinakain. Imbes na magbigay ito ng kaaliwan sa mukha ng mga kumakain, tila kumukunot pa ang kanilang mga mukha. Hindi ito magdudulot ng mabuti sa pamunuan ng kantina kung masamang imahe ang tumatatak sa isipan ng mga mag-aarl. Nagtatanim sila ng masamang punla na tiyak na kakalat kung hindi gagapasin. Kung pag-uusapan naman ang epekto nito sa kalusugan, kahit saang anggulo, wala itong maidudulot na Mabuti sa mga mag-aaral. Ayon sa isang pag-aaral, maaaring magdulot ng pagkapal ng dugo ang sobrang langis na pwedeng mauwi ng pagbara sa mga ugat at sakit sa puso ang maaaring maging resulta nito. Maaaring hindi pa makita ang resulta sapagkat mga bata ang apektado. Ngunit maaari itong maging pasimula kung magpapatuloy lalo’t halos sampung buwang nasa paaralan ang mga ito. Ngunit hindi rin naman masisisi ang kantina sapagkat bumabalik-balik pa rin naman ang mga mag-aaral dito upang kumain. Bukod kase sa malayo sa kabayanan ang paaralan, dagdag gastos pa kung mamamasahe sila. Kaya ang kantina lamang ang kanilang naging takbuhan upang mapunan ang kanilang pangangailangan. Ang magkaroon na pagbabago sa kantina ang tanging solusyon sa isyu. Hindi maaaring mawala ito sapagkat mahalaga ang papel nito sa paaralan. Kung kinakailangan ng pagsasaayos sa Sistema, gawin. Para rin ito sa ikakabuti ng parehong panig. Sa pamamagitan nito, unti-unting mawawala ang hindi mabuting imahe ng kantina sa mga mag-aaral. Magdudulot pa ito ng kaginhawahan sa mga mag-aaral, Kung maisasagawa rin ito, hindi imposible na mawawala sa isipan ng mga mag-aaral ang mga “putaheng naglalangoy sa langis”.

Ang BANDILYO Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

nanunsyo ng Department of Education (DepEd) na hindi kinakailangang magkaroon ng vaccnation card upang makapasok sa paaralan na siya ring ipapatupad sa Paaralng Sekundarya ng Lucban Integrated School sa kadahilanang marami pa ring kabataan ang hindi pa rin nababakunahan ng COVID-19 vaccine hanggang sa kasalukuyan. Magandang hakbang ang hindi pagsasapilitan ng pagpapabakuna sa mga mag-aaral sapagkat umiiral pa rin ang takot ng ilang mag-aaral sa gamot na ituturok sa kanila maging sa turok mismo. Isa pa rito ang hindi kinakailangang vaccination card sa pagpasok sapagkat wala ng hahadlang sa pag-aaral ng mga hindi bakunadong mag-aaral. Sinuportahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang sa virus. Mabuti na pati kalagayan ng mga guro ay face-to-face classes na magaganap sa Agosto 22, 2022, binibigyan nila ng pansin, at dapat lang din na alalahanin gayunpaman sinasabing hindi na kakailanganin pang nila ang kalusugan ng mga mag-aaral pati na rin ng mga magpabakuna ng COVID-19 vaccines para makapasok guro. sa paaralan. Samakatuwid, pabor ang patakarang ito sa mga mag-aaral na ayaw o hindi pa nababakunahan. Dagdag pa rito, ang hindi pagpapabakuna ng COVID-19 Malaking tulong ito para sa kanila sapagkat hindi na nila vaccine ang siyang nagpapakalat ng nasabing virus kakailanganin pang magpabakuna ng labag sa kanilang kung kaya’t hindi magiging malaking problema kung kalooban para lamang makapasok sa paaralan. magpapapasok man ng mga mag-aaral na walang bakuna. Nilinaw ni dating DepEd Secretary Leonor Briones na Ang bakuna ay siya lamang promoprotekta sa tao upang sa halip na vaccination card, ang mga hindi pa bakunadong hindi mahawaan ng sakit. mag-aaral ay kakailanganing magbigay ng nakasulat na Dapat na iprayoridad ang kalusugan ng bawat pahintulot ng kaniyang magulang. Walang dehado sa mag-aaral at guro sapagkat sila ang palagiang solusyong ito kaya mabuti, malaking tulong ito para sa mga magkakasalamuha sa muling pagbubukas ng mga paaralan. kabataang nais pumasok sa paaralan ngunit wala pang Hindi sapilitan ang pagpapabakuna kaya’t marami pa rin bakuna, kakailanganin nga lang nila ng permiso ng kanilang ang taong hindi nababakunahan, dahil dito, panghihimok magulang. lamang ang tanging magagawa ng mga awtoridad. Ani ni Briones, hindi kailangan ang vaccination card at Ayos lang naman na hindi ka mabakunahan ngunit mas ayaw nilang pagkaitan ng pagkakataon ang mga batang makakabuti kung magpapabakuna ka sapagkat maaari ka nais mag-aral, subalit, ang mga guro ang kakailanganing nitong maprotektahan mula sa COVID-19 na hanggang magpabakuna at sumailalim sa mga karaniwang pagsusuri ngayon ay umiiral pa rin. upang matiyak na ang mga mag-aaral ay hindi malalantad

editoryal

Bon Jervy De Chavez

9


Kiping the

Pahiyas Festival Mula Noon Hanggan

I

ba't-ibang ingay ang bumabalot sa bayan ng Lucban sa tuwing ang Mayo ay paparating. Mga ingay na mula sa mga martilyong pumapalo kontra sa haligi ng kanilang mga tahanan dahil sa paghahanda at pagpapalamuti upang salabungin ang pista, ang mga ingay na mula sa mga dayuhang mula sa ibang bayan na naglilikha ng marka ng paghanga sa magagandang mga palamuting gawa ng mga Lucbanin. Subalit, sa harap ng makulay na pagkakakilanlan ng Pahiyas, tunay nga bang meron itong orihinal na pagdiriwang na ngayo'y hindi na nararanasan ng makabagong panahon? Tuwing ang ika-15 ng Mayo ay sasapit, isa lamang ang pinagkakaabalahan ng karamihan sa bayan ng Lucban, ang maghanda at ang palamutian ang kani-kanilang bahay upang salubungin ang paparating na pista. Alam ng lahat na tila ba parang nagiging paraiso ang Lucban sa tuwing sasapit ang Pahiyas dahil sa mga ani na isinasabit nila sa harap ng kanilang mga tahanan.

Paggunita sa nakaraan Sa mga panahong ito, ang umaga ng ika-15 ng Mayo ay hudyat na sa mga magsasaka at manggagawa ng Lucban upang ang kanilang mga ani ay ipasok sa simbahan upang ito ay pabendisyunan. Ito ang kanilang naging paraan upang ipagpasalamat ang kanilang isang taong masaganang ani sa patron ng mga magsasaka at manggagawa na si San Isidro Labrador. Para sa karamihan noon, ito na ang kanilang pagsasaad ng pasasalamat. Ang isang tahimik, simple at tila ba malapit na sa normal na araw lamang para sa mga Lucbanin. Tila kung iisipi'y tahimik, hindi pista kundi pangkaraniwang araw lamang sapagkat ganito lamang nila ipinagdiriwang ang Pahiyas malayo sa ating kilala. Tila ba ang simbahan lamang ang nakakasaksi sa mga gintong butil ng ani at tila ba napagkakait ito sa iba. Ngunit, di rin naman naglao'y nagbago ang kasanayan dahil sa isang rasong hindi inaasahan.

MAKUKULAY NA PISTA SA PROBINSYA NG QUEZON SA KABILA NG MGA SULIRANIN

Pagpapanatili ng Pahiyas sa kabila ng ‘GE Contamination’

T

uwing Mayo, itinatampokang mga ani lalo na ang mga bigas sa Pahiyas Festival ng Lucban,Quezon. Ano na lamang ang maitatampok kung makalipas ang ilang taon, ang mga bigas ay apektado na ng ‘GE Contamination’? Hindi lamang ang pagdiriwang ang maaaring maapektuhan ditto,magin ang mga katulad ni Kiko Abuyan na ang tanging ikinabubuhay lamang ay ang pagsasaka. Kung patuloy ang pag-angat ng mga bigas na genetically engineered golden rice,’ hindi na matatangkilik ang mga local na ani ng bansa.”Ito na lamang ang aming ikinabubuhay.At saka ang lahat ng bigas ay maninilaw na dahil ditto, paano na lamang ang makukulay na kiping tuwing pista?” ani Kiko. Pagtanaw sa makulay na kiping Bilang pasasalamat kay San Isidro, patron ng mga magsasaka, sa tuwing ika-15 ng Mayo ay kanya-kanya ang mga taga-Lucban sa mga disenyong nais nila, gamit ang mga kiping orice wafers na ginagamit nila sa paggawa ng palamuti sa tuwing darating ang pista. Sinasamahan din ng ilan ang kanilang disenyo ng ‘layered chandeliers’ na tinatawag na arangya. Ang ilan naman ay hinuhulma ang mga kiping sa hugis ng bulaklak, paru-paro at ang iba naman ay hinuhugis ito na isang magsasaka at kalabaw na gumagawa ng mga gawain sa sakahan. “Nakakatuwang tingnan ang makukulay na kiping sa mga tahanan sa tuwing sumasapit ang Pahiyas,” ani Kiko.Ngunit paano kung ito na pala ang huling pagtanaw sa makukulay na kiping sa pista sapagkat ang mga bigas ay patuloy na nakontamina na? Pagkalason ng tradisyon Malinaw na isa sa mga pangunahing kinukunsumo ng mga Pilipino ang bigas kung kaya’t pinangangambahan ng ang Pilipinas ay may malaking epekto kapag nakapag angkat tayo ng mga bigas na ‘genetically engineered’ golden rice. Bagamat ginagawa ang mga ito upang mapadali ang produksiyon ng bigas at madagdagan ang mga bitamina nito katulad ng bitamina A at beta carotene, sinasabi na pinagaaralan palang din ang mga ito kung kayat maaari pa itong magkaroon ng masamang epekto sa ating katawan. Kung kaya’t ang ‘greenpeace’ ay mga binagbibigay babala lalo na sa Quezon province na isa sa mga bayan na pinagmumulan ng mga bigas, “Greenpeace is therefore calling on the governmentto protect Filipino consumers by implementing strong measures to nip in the bud what may turn out to be a similar case of serious contamination in our country. These measures should include testing of rice and rice products, the immediate recall of those found positive for contamination, and demanding GE free certification for food from countries that grow and produce GE crops,” paalala ni Daniel Ocampo, Greenpeace Southeast Asia GE Compaigner. Samakatuwid,maaaring hindi lamang bigas natin ang makontamina, gayundin ang tradisyon ng pagtatanim at pagtangkilik sa mga lokal na bigas. Pahiyas laban kontaminasyon Pinangangambahan nga nila ang kontaminasyong ito, gayunpaman, hindi ito hadlang upang idaos pa rin nang masigla ang pista ngunit ang pagsigaw pa rin nang masigla ang pista ngunit ang pagsigaw pa rin nila sa huwag mahalo sa merkado ang mga uri ng bigas na itp ay ‘di napapawi. “Hangga’t kaya pang pigilan ang pagdala ng mga golden rice rito sa bansa ay sana pigilan na,” sumamo ni Kiko. Subalit ang paninindigan ng mga taga-Quezon, ang Pahiyas ay mananatiling makulay hangga’t ang mga lokal na ani ay nabubuhay at ang mga magsasaka tulad ni Kiko ay patuloy na nagbibilad sa sakahan.

Ang BANDILYO

lathalain

10


e Tradition

ng Ngayon

Pagbabago sa dating Pahiyas

Nang ang isang Pahiyas ang nagdaan, isang pagbabago ang di inaasahan ang nangyari. Napuno ang simbahan ng kani-kanilang mga kayamanang butil ng bigas at di naglaon, napagdesisyunan nilang ibalik muli ang mga ito sa tahanang pinapalagian. Doo'y sa harap ng kanilang mga bahay ay ginawa nilang dekorasyon ang mga palay at bigas nila at tila ba nagi biglang Pasko ang araw na iyon sapagkat kabilaan ang madaraanang nakasabit na ani.

Pagpapatuloy sa pagbabago Bagama't ito ang nagpatuloy, 'di rin naman maikakailang marami ring mga kaganapang kasama at pinakahihintay sa pista ay ngayo'y 'di na nasasaksihan ng makabagong henerasyon. Sabi nga nila'y wala nang hindi nagbabago, sapagkat ang inaabangang karera ng kabayo na noo'y kasali sa mga palaro na sinasalihan ay ngayo'y 'di nakikita sapagkat itinigil dahil sa kadahilanang ito ay ginagawa na lamang pusta. Kasunod ay ang pagtatapas ng buko na ngayo'y wala na rin. Sa mga pagbabago na ito, isa na ang pandemya sa kauna-unahang dahilan o rason kung bakit din merong mga pagbabagong naganap. Sa kabila ng mga pagbabago mula pa noon magpahanggang ngayo'y meron pa ring isang hindi nagbabago at iyon ay ang pagiging makulay at masigla ng Lucban at ang pagiging malikhain ng mga tagarito sa simpleng pagdiriwang man ng nakaraan o sa magarbong pagdaraos sa kasalukuyan. Bagama't ang ating nakasanaya'y mas magarbo at mas makulay nawa ay hindi pa rin tuluyang ibaon na sa limot at ilagay na lamang sa nakaraan ang pinagmulan at ang istorikong kwento ng ating pista, sapagkat ito ay parte ng ating nasa kasalukuyang pagdiriwang. At ang istorya kung saan nagmula ang ating pista ay nararapat na ipakilala at pakawalan sa madla at makabagong henerasyon nang sa gayo'y maipasa pa rin ang pinagmulan ng tanyag na pista.

PAG (NIYOG)YOG

NG MGA PROBLEMA: Pistang panandaliang nagpapalimot sa kalbaryo ng mga magniniyog

T

aon-taong ipinagdiriwang sa probinsya ng Quezon ang Niyogyugan Festival kung saan itinatampok ang ‘niyog’ na pangunahing ikinabubuhay sa knilang bayan ngunit sa likod ng mga ngiting ‘di napagawi at yumuyugyog na mga baywang sa mga tugugun, ‘di maikakailang patuloy pa rin ang kalbaryo nil dulot ng patuloy na pagbaba ng presyo ng kanilang mga produkto. Sa buwan ng Agosto, sama-sama ang mga taga-Quezon na naghahanda para sa kanilang pista. Isa rito si Leandro Suarez, isang magniniyog, na panandaliang nakakalimutan ang mga problema kaugnay sa kanyang kbuhayan sa tuwing mag-uumpisa na anf tugtugin ng pista.

PAG-UUMPISA NG TUGTUGIN Kasabay ng pag-uumpisa ng tugtugin ay ang pagsisimula ng pista na taon-taon nilang inaabangn. Ang kanilang paghahanda ay kanilang uumpisahan sa paggawa ng mga kuno, sabon, cooking oil, lambanog at iba pa na gamit ang niyog o kopra. “Talaga nga naming malilimutan mo ang kahit na anong problema mo sa saya na maidudulot ng pistang ito,” maligayang sambitni Leandro. Ayon sa pagsisiyasat ni G. Alberto Bay,Jr., ‘provincial tourism chief’,dinaragsa ng mahigit 60,000 katao ang pista. Ngunit mas marami ang dumadalo tuwing gabi dahil sa mga ilaw sa ‘booths’ na nag papadaigan sa ningning at ganda. “This year, the booths rally leveled up in terms of designs. Their products are better presented now as well. You see, the benefit of holding this festival is that they learn how to present their product better,” dagdag pa ni G. Bay. Layunin din ng pistang ito na pag-isahin ang ibat’ ibang bayan ng Quezon at palaguin ang industriya ng niyog at hindi nga maikakailang ang lahat ay nakikiisa.

PAG-INDAYOG NG MGA SULIRANIN Ngunit sa mga ngiti ng bawat isa ay ‘di mo gaanong mapapansin na hanggang ngayon ay pinapasan pa rin nila ang matagal ng isyu ng mga magniniyogang Coco Levy Fund. “Napakahirap sapagkat minsan ay hindi pa papatak ng dalawang daan ang kinikita ko, may tatlo akong anak. Sana kasi talaga nagging matagumpay yung Coco Levy Fund para ‘di kami naghihirap ng ganito,” ani Leandro habang malungkot na binibilang ang mga niyog na nakuha niya sa araw na ito. Ang Coco Levy Fund ay itinatag noon pang taong 1967’s sa pangunguna ni dating Pangulong Marcos na naglalayong mapalago ang industriya sa pagniniyog subalit sila’y nadaya lamang ng administrasyong Marcos at binuwisan lamang sapagkat wala naman silang natanggap pabalik na siyang ipinangako sa kanila. Hanggang ngayon, patuloy pa rin itong nagiging kontrobersiya at natawag na ngang ‘scam’ dahil ang mga magniniyog ay naghihirap pa rin at ang industriya’y nananatiling mababa. Datapwat nangako rin si Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang 2016 na ibabalik ang mahigit 75 na bilyong coco levy funds sa mga tunay na nagmamay-ari nito, ang mga magsasaka ng niyog. Ngunit ilang taon na ang nakakalipas, patuloy pa ring tumatagaktak ng pawis ng mga nasabing manggagawa at nananatiling kusing ang napasasakamay sa arawaraw. Paniniwala nila, “Pinagtaksilan kami ni Duterte sa kanyang pagtangkang i-veto ang panukalang batas na inihain namin sa kongreso. Taliwas ‘yon sa pangako niyang pumapanig siya sa aming mahihirap at maliliit na magniniyog,” Ag presyo na lamang ng kopra ay naglalaro na lamang sa P12-P15 na dating P40 at ang buong niyog naman ay bumaba ng P2-P3 na dati ay P10 per kilo na maaaring hindi sumapat sa mga kumakalam na sikmura ng pamilya ng mga magniniyog.

KAUNTING KEMBOT NA LANG Datapwat malaking kalbaryo pa rin sa kanila ang mababang presyo ng kanilang kabuhayan na niyog, hindi pa rin ito sagabal sa pakikiisa nila sa kanilang pista at sa paniniwala nilang maaaring bukas ay maayos na ang kanilang problema. “Go lang, malay naman natin, kaunting kembot na lang, ayos na ulit,” positibong sabi ni Leandro. At gayunpaman, kahit sa isang buwan lamang ng tao, iniindak na lamang nila ang mga problema at panandalian itong kinalilimutan sa pamamagitan ng pagsasaya sa kanilang naturang pista. At tuwing sasapit ng araw ng niyogyugan, sasagi sa kanilang isipan na bagamat mababa pa rin hanggang ngayon ang bagsakan ng niyog ay ito pa rin ang nagsisilbi nilang kabuhayan at nagpaparaos sa mga buhay ng mga magniniyog katulad ni Leandro.

11


Ang BANDILYO

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

lathalain

12

Mag-aaral na Ilaw sa Ikalawang Tahanan

K

ung ang ina ang itinuturing na ilaw ng unang tahanan, nakapatong naman sa balikat ng isang guro ang titulong ilaw ng ikalawa. Subalit nagbibigay-liwanag din naman ang isang mag-aaral sa kanyang ikalawang tahanan, hindi nga lamang sa kanyang mga kamag-aral, kundi sa sariling anak. Ang pagiging ina at mag-aaral ay sabay na ginagampanan ni Juana, hindi niya tunay na pangalan, na isang mag-aaral mula sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School. Kung kaya’t sa araw-araw na pagpasok sa paaralan, hindi lamang mga kwaderno at panulat ang bitbit ng kanyang likod, kundi pati na rin an g mahigit isang taong supling na akay-akay sa bisig. Bagama’t hindi na magkakaroon ng mainit at at mapanghusgang mga mata sa kanyang paligi, kanya na lamang itong isinasantabi alang-alang sa kinabukasan niya at ng pinapalaking anak. “Bakit naman ako mahihiya? Natutuwa pa nga sila sa tuwing dinadala ko ‘yung anak ko,” pahayag ni Juana sa isang panayam. Sa kabila ng mga papuring natatanggap mula sa mga kamag-aral, aniya’y mas marami ang mga punang kanyang kinikita mula sa mga tao sa paligid na siyang bumabatikos sa kanya bilang isang ina, dahil sa murang edad na 18, kahit siya na mayroon pang gatas sa labi ay nagpapalaki’t humuhubog na ng isang paslit sa kabila ng ilan pang gampaning nakapatong sa kanyang balikat. Nararamdaman man ang init ng panghuhusga, mas matimbang ang init ng pagmamahal ng kanyang pamilya na handing magbigay-suporta kay Juana na isang inang natututo pa lamang kumalinga ng isang bata. “Nagpapasalamat nga ako na nandyan lang ‘yung pamliya ko para sa akin, kasi malamang kung wala sila, hindi ko kakayanin,” pahayag ni Juana habang inaalala kung papaano siya tinulungan ng pamilya sa pagbuo ng desisyon simula nang malamang siya ay nagdadalang tao. “Buti nga hindi nila naisip na ipalaglag ‘yung anak ko,” dagdag niya. Kahit mahirap ay buong pusong tinutupad ni Juana ang mga ito para kay Anna na isang taon at isang buwang gulang na. Kung kaya naman, upang mas mabigyan pa ng mas maliwanag na kinabukasan ang anak, siya ay pumapasok sa paaralan, bilang isang regular na mag-aaral ng ikalabing-isang baitang.

Pang-aabuso ng Kamay na Bakal Pang-aabusong nararanasan ng isang OFW mula sa kanyang amo

T

unay ngang hindi biro ang makipagsapalaran sa ibang bansa sapagkat walang kasiguraduhan kung anuman ang kahihinatnan doon, bagama’t hindi ito lingid sa kanilang kaalaman ay marami pa rin sa ating mga Pilipino ang buong tapang na sumubok at nagsakripisyo para sa kanilang pamilya. Ngunit marami rin sa mga kababayan natin ay pawing mga hayop kung ituring ng kanilang mga amo nang dahil sa mga pang-aalipin at pang-aabuso ng mga ito. Isa sa mga magigiting na OFW si Sarah Blanco na tubog Lucban, Quezon ang nangarap na mapabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya kung kaya’t nagtungo siya sa Lebanon upang doon ay manilbihan sa kaniyang amo bilang isang kasambahay. Sa kanyang pagtuntong sa ibang lupain ay inaasahan niyiang magbabago ang kaniyang buhay subalit isa lamang pala itong maling akala at tila ang inaasam na magandang kapalaran ay madudurog lamang sa kaniyang among may kamay na bakal. Sa loob ng siyam na buwang pananatili sa kaniyang amo ay labis-labis ang kanyang pagtangis nang dahil sa naranasan niyang pananakit at pagmamalupit mula rito. “Grabe na po siya. Gusto na daw po niya akong patayin,” umiiyak na saad ni Sarah. Nito lamang nakaraang Setyembre ay muli na naman siyang inabuso nito. Aniya, pinukpok siya ng isang bagay na napakatigas na siyang nagging dahilan upang magkaroon siya ng mga pasa, inuntog din ang kanyang ulo kung kaya’t nagtamo siya ng mga bukol, at pinilipit din ang kaniyang leeg na naging sanhi ng pagkakabali nito. “Kinukulong po niya ako sa kwarto ng wala po akong pagkain, walang tubig,” pahayag ni Sarah. Bakas sa kanyang mukha ang hirap at takot na pinagdadaanan niya mula sa kaniyang amo. Higit pa doon, nagagawa siyang pagalitan at pagbuhatan nito ng kamay ng dahil lamang sa isang maliit na rason. “Dahil lang po sa aso, napalo ko lang po sandali yung aso, saglit lang.Konting dampi ko lang dun sa aso, sinaktan na niya ako ng ganitong kagrabe,” aniya. Kwento ni Sarah, hindi naman siya malupit sa mga hayop at sa katunayan nga’y mahilig siya rito. Kaya lang niya ito nagawang saktan ay dahil umiihi ito sa sahig at nang makita ito ng kaniyang amo sa CCTV ay lubha na ang pagkagalit nito sa kaniya. Nang dahil sa nararanasan ni Sarah, mas pinili na lamang niyang umalis at bumalik sa Pilipinas ngunit hindi ito ganoon kadali sapagkat ayaw siyang pauwiin ng kaniyang amo. Sa kagustuhang umuwi ay nagtutungo siya sa balkonahe ng bahay ng kaniyang amo at doon ay nagsisigaw siya upang humingi ng tulong nang sa gayon ay makauwi na siya. Mabuti na lamang at may mga kaibigan si Sarah na handa siyang tulungan upang makalaya na mula sa kanyang mapang-aping amo. Ipinaabot nila sa Philippine Embassy ang nangyayaring kalapastanganan kay Sarah upang makalaya na ito mula sa mga kamay na bakal ng kaniyang pinagsisilbihan. Nang sumapit ang ika-25 ng Setyembre ay tuluyan na siyang narescue ng mga taga-embahada ng Pilipinas sa Lebanon at nanatili siya sa kustodiya ng mga ito sa loob ng ilang araw bago makabalik ng Pilipinas. Laking pasasalamat ni Sarah sapagkat nakabalik na siya sa kaniyang bansa at nakauwi na siya sa kaniyang pamilya ng humihinga pa sa kabila ng naranasan niya sa kaniyang amo. Isa si Sarah sa mga Pilipinong nagsasakripisyo sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya subalit isa rin siya sa mga kababayan nating nakararanas ng pagmamalupit mula sa kanilang amo at sa halip na magandang buhay ang maging kapalit ng kanilang paghihirap, isang masamang kapalaran pa ang naging sukli nito.

Paano pinasisikat ni Juana ang sariling liwanag sa paaralan para sa sariling supling

“Gusto kong gawin ang lahat ng makakaya ko para patunayan sa kanila na kahit nasa murang edad ako, kaya kong panindigan at bigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko.” Ngunit hindi nag-iisa si Juana sa pagpapalaki ng kaniyang supling bagkus ay nakaagapay ang 22 taong gulang na asawa sa karawang batas na maitatago sa pangalang Hansel.Katulad ng iba pang ama,sinusubukan niya ring matugunan ang bawat minutong pangangailangan ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ng paghahanapbuhay sa Grand Terminal bilang isang mekaniko.At ang bawat patak ng langis na dumadampi sa kaniyang kamay ay tila nangangahulugan din ng karagdagang gramo ng gatas para sa lumalaking anak. “Kasama yong asawa ko’gusto kong patunayan na mali sila.” Sa mga pagkakataong hindi maiwan ang anak sa pamilya upang alagaan nang magawa niyang pumasok sa paaralan’sinasama na lamang niya ito at doo’y pinatutulog,pinakakain at kung minsan ay pinaglalaro kasama ng kaniyang mga guro at mag-aaral.Sa ganitong paraan,kaniyang nagagampanan ang dalawang papel sa buhay nang magkasabay at sa kabutihang palad,sa apat na sulok ng silid na iyon ay maaari siyang maging ina nang walang matang humuhusgang nakatutok sa kaniya. Kung minsa’y malamok sa silid,agad siyang inaalalayan ng mga kamag-aral upang makapuwesto sa upuang may malapit na bentilador.Sa tuwing iiyak naman ang bata,wala siyang naririnig na pagrereklamo mula sa kanila,bagkus ay tumutulong pang magpatahan kay Anna,na wari’y sarili na rin nilang pamilya. “Yong hindi pa lang nila panghuhusga sa akin,sobrang sapat na.Pero may puso rin sila para sa anak ko.Ang swerte ko,hindi ba?’’pagmamalaki ng inang hindi maipinta ang ngiti kasama ng luha. Sa apat na sulok ng silid kung saan ay inaakala niyang mag-isa niyang itatawid ang araw nang kasama ang anak,nakatagpo siya ng pangalawang pamilyang kakalinga sa kaniyang anak katulad ng pagmamahal na mayroon siya para rito,kung kaya’t ang kaniyang ilaw ay hindi mapupundi kailanman.

WALANG EDAD SA MAY PANGARAP

Paano nangarap at hinarap ni Katrina San Pedro Diego ang hirap sa pag-aaral sa edad na 53 Angela Grace Tan

M

adalas na ang mga bata, dalaga at binata ang mas kilala na nag-aaral at nakaupo sa harap ng guro na nagtuturo. Tila ba mayroong limitasyon ang pag-aaral sa iba ngunit sabi nga nila, ang edad ay numero lamang. Pinatunayan ito ni Katrina San Pedro Diego, 53 at may siyam na anak, na grumadweyt ngayong ikawalo ng Hulyo. Lahat tayo ay mayroong dahilan kung bakit tayo ay nag-aaral nang mabuti, lahat ay may inaasam na pangarap na gustong maabot at ganoon din si Katrina. Sinikap niya na makagradweyt ng sekundarya at mag-aral sa kadahilanang mahirap ang buhay ngayon na kailangan ay advance na ang kaalaman. Sinikap niya na makatapos sa kabila ng mga suliraning pinagdaanan niya at ilan na roon ay ang kaniyang trabaho, pinansyal na pagsubok at ang pamilya na kahit mayroong pinagdaraanan ay hinarap niya at ipinagpatuloy ang pag-aaral upang makagradweyt, maabot ang pangarap na makapagkolehiyo at mag-aral ng kursong Social Science. “Natutuhan ko na kahit matanda na, kailangan maging matapang. Dapat may goal tayo sa buhay para makamit 'yung pangarap natin,” pagbabahagi niya sa ilan sa natutuhan niya sa buhay na

pinagdaanan niya at sa pag-aaral na kinaharap niya. Ipinakita niyang ang pagiging matapang at ang pagtuklas sa gustong makamit na pangarap ay isa sa magiging daan para malampasan ang lahat ng suliraning papunta sa inaasam na pangarap. Dinagdagan pa niya ang payo niya sa mga nagtapos ngayon, na hindi pa huli ang lahat at ito pa lamang ang umpisa para abutin ang pangarap na nais makuha. Mayroon din siyang ibinahagi sa mga estudyante na hindi pinagbubuti ang pag-aaral — ang mag-aral nang mabuti dahil hindi sa habang panahon ay bata pa. “Ang oportunidad ay nawawala rin kapag tumatanda na [kaya] habang bata pa kayo, magsikap kayo kasi ito ang kailangan talaga natin,” payo niya sa mga mag-aaral na nagtapos ngayon. Si Katrina San Pedro Diego ang nagpakitang hindi hadlang ang edad sa pag-aaral at walang edad ang pag-aaral. Na numero lang ang edad at hindi pa huli para kunin ang oportunidad at ang pangarap na gustong matupad. Isa rin sa naipakita niya ay ang katotohanang kahit sino ay maaaring makatapos sa pamamagitan ng pagpapagal at kayang malampasan lahat ng pagsubok kung may pinapangarap, kung lumalaban at kung nagsusumikap.


Modern Noli

Paanong muling isinalaysay sa pamamagitan ng teleserye ang Noli kaagipay ang isyu ng modernong panahon Ilan sa mga kabataan, kagaya nang tinitingala, mas ninanais nilang manatili at huwag nang sumalungat sapagkat natatakot silang mahusgahan ng nakapaligid sa kanila. Sinusunod nila ang kung ano ang sinabi ng iba at nagpapasakal sila sa kung ano ang paniniwala at kinasanayan. Isa pa sa mga tauhan ang butihing ina nila Basilio at Crispin na si SIsa. Siya ay nakapangasawa ng isang abusadong lalaki at sa kabila nito, sa kasamaang palas ay nawalay siya sa kaniyang mga anak at sa kagagawan nito, siya ay natakasan ng katinuan epekto ng trauma. At tulad ni Sisa, marami ring babae ang inaabuso ng kanilang mga asawa na hindi makalaban sapagkat ayaw nil ana ang kanilang pamilya ay masira o mawasak. Sa kasamaang palad, magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin ang mga diskursyong ito at kahit na sa teleserye at nobela ay naaabot pa rin ito hanggang sa modernong panahon. Maraming paraan ang maaaring maging dahilan upang maiwasan at mabago ang mga isyung ito ngunit magsisimula lang ang pagbabago sa bawat isa at kung ito ay hindi inonormalize.

Homework na Homewreck Ang Takdang Aralin ng Magulang na Guro

A

klat, kwaderno, lapis at ballpen. Sa humigit-kumulang walong oras na pananaliksik ng dunong sa eskwelahan, ang mga kasangkapang ito ang kalimitang kasa-kasama ng mga mag-aaral subalit, sa kanilang pag-uwi sa kaniya-kaniyang tahanan, sa halip na pamilya na ang kanilang kausap, ang mga kagmitang ito p rin ang kanilang kaharap kung kaya’t ipinanukala ang “No Homework Policy”, ngunit tila hindi madaling makamit ang inaasam-asam na “bonding” sapagkat nawalan man ng takdang aralin ang mga estudyante, hindi naman nabawasan ag trabaho ng mga guro. Isang simpleng mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School si Annie Ludovice. Nang maulinigan ang tungkol sa panukala, agad niyang sinang-ayunan ito sapagkat alam niyang malaki ang nakokonsumong oras ng paggawa ng gawaing bahay kaya naman maraming bagay ang hindi na niya nagagawa, isa na rito ang pakikipagkwentuhan sa kanyang pamilya. “Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignment, project, whatever, gagawin sa loob ng eskuwelahan. Pag-uwi nila, libre na sila, free time nila is to be with their parents, friends,” ito ang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones sa isang panayam sa DZMM. Sa pagtatanggal ng takdang aralin, inisip ni Annie na magkakaroon na siya ng mahabang oras kasama ang kanyang pamilya pero animo’y isang maling akala lamang ito dahil ang kanyang magulang naman ang maraming gawa. Ang kanyang ina ay isang guro sa isang guro sa isang pampublikong paaralan na malayo sa bayan. Sa pagngiti ng araw ay sa pag-alis naman ng kaniyang ina sa kanilang tahanan upang pumasok sa paaralan. Sa ganitong oras naman gigising si Annie upang maghanda sa kanyang pagpasok. Bago kumagat ang dilim, dumadating na ang kayang pagod na ina sa kanilang bahay pero sa pag-uwi nito ay ang mga naghihintay na gawain sa kaniya Ang pagchecheck ng mga pagsusulit ng mahigit limang seksyon ng mga estudyante,

ang pagtatala ng mga grado sa “class record” at ang paggawa ng mga “lesson plans” na ituturo sa mga bata. Ilan lang yan sa mga gawaing kailangang tapusin ng kaniyang ina. Dagdag pa rito, ang mga gawain sa bahay katulad ng paghahanda ng makakain para sa kanilang hapunan at pati na rin ang pagbabantay sa kanilang tindahan. Pagkatapos ng lahat ng ito, magtutungo na siya sa kanilang silid upang makapagpahinga. Halos hindi na sila nagkausap ng kanilang mga anak upang magkamustahan man lamang ng nangyari sa kanilang maghapon. Sa araw-araw na nilikha ng Diyos, tila ganito palagi ang eksena nila kung kaya’t hindi maiiwasang lumayo ang loob ng mga anak niya sa kanya. Minsan, namumutawi na lamang sa kanilang mga isipan na mas mahalaga pa ang mga kabataang tinuturuan ng kanilang ina kaysa sa kanila na sarili niyang anak. Gustuhin man niyang makasama ang kanyang mga supling, hindi naman kaya ng kanyang katawan ang iniindang pagod mula sa maghapong pagtuturo at mga gawaing nakaatang sa kanya. Animo’y sinasabi nitong matulog na siya ‘pagkat panibagong araw na naman ang kanyang kahaharapin kinabukasan. Hanggang sa dalhin na lamang siya ng kanyang mga paa sa silid upang mahiga. Pagsapit ng sabado’t linggo na kung saan ay ang mga araw na naraapat para sa pamilya, kadalasan naman siyang nasa mga seminars at pagtitipon sa ibang lugar. Dahill dito, higit na nawawalan siya ng panahon sa kanyang mga anak. Kadalasan, malalim na ang gabi kapag siya ay dumadating kung kaya’t mahimbing na natutulog na sina Annie at ang kanyang mga kapatid. Ang lahat ng ito ay ginagawa niya para sa kanyang pamilya, lalo’t higit ay para sa kanyang mga anak upang mabigyan sila ng maginhawang buhay ngunit ang kapalit ng matiwasay na pamumuhay na ito ay ang pagsasakripisyo niya ng kanyang oras nang dahil ng gawaing nakakabit na sa kanyang propesyon para makasama ang kanyang minamahal na mga anak.

Dambuhalang Puso ng Isang Bulilit Pagliwanag ng mga ngiti ni Amani sa gitna ng panunukso at pangungutya. Angela Grace Tan

A

mani, hindi sanay sa masikip kapag kumilos, aba’y ngiting ngiti. Hindi tulad sa pagtalastas ng batang si Chacha kung saan kaniyang pinagkakasya ang sarili sa pagitan ng masisikip na pasilyo ng kanilang tahanan, sadyang malaki naman ang mundo para sa isang labingtatlong taong gulang na bungisngis dalaga na may laking isang metro lamang. Subalit kahit na ganito ang kalagayan, mas malaki at mas matimbang ang kaniyang ngiti, kasiyahan at pagmamahal sa sarili kaysa mga panunukso. Kaiba man sa paningin ng karamihan, taas noo pa ring lumalakad si Amani Faye Almario at kailanman ay hindi ikinahihiya ang kalagayan kahit na madalas ay nagiging tampulan ng panunukso, pambubulas at kung minsan ay diskriminasyon. “Minsan, hindi nila ako pinapansin— kunwari wala silang naririnig. Nilolokoloko nila ako, ganon,” pagkukuwento ng

dalaga. Ganito rin naman ang eksenang laging nararanasan sa dating paaralan kung saan iniiwasan siya ng ibang nakakikita sa kaniya, maging ang sariling mga kamagaral. Kung kaya naman, nasanay na raw siya noong mag-isa. Sa pang-araw-araw na pakiramdam ng pagkakabukod, tanging iilan na kaibigan at kamag-aral lamang ang kaniyang tunay na nasasandalan. “Dahil sinasamahan nila ako lagi, gumagaan ’yong pakiramdam ko. Nakalilimutan ko lahat ng mga pang-aasar sa akin kasi wala kaming ginagawa kundi tumawa na lang nang tumawa.” Gayunpaman, busog naman siya sa pagmamahal ng pamilya at pagbibiro ika nga ay binibigyan siya ng pagpapalang mas malaki pa sa kaniyang katawan. Dati pa man daw ay lagi nang nakaantabay ang kaniyang ina na handa siyang ipagtanggol sa mga batang nanunukso sa kaniya. At kahit na ang ama na OFW ay malayo sa kanila, hindi ito pumalyang iparamdam ang kaniyang pagmamahal sa

bawat liham at mga bagay na ipinapadala para kay Amani. “Sa tuwing may manunukso sa akin at nalalaman ng nanay ko,pinagsasabihan niya sila. Ang tatay ko naman, hindi lumilipas ang isang buwan nang hindi siya nagpapadala sa akin ng mga sulat. Dun pa lang ay damang-dama ko na ang pagmamahal nila,” masayang wika niya. Sa tuwing umuuwi siya sa kanilang tahanan mula sa paaralan ay sinasalubong siya ng mahihigpit na yakap ng kaniyang butihin ina at masasayang pagbati mula sa kaniyang kapatid. Dahil dito, lalong sumasaya ang kaniyang puso. Para kay Amani, napakaswerte niya sapagkat nagkaroon siya ng pamilyang tanggap kung sino at ano siya at hindi nila hinahayaang maramdaman niya na may iba o kulang sa kaniya kumpara sa ibang tao. “Mabuti na lang po sila ang naging pamilya ko at tanggap nila ako. Kung hindi po nila ako tinanggap, siguro hindi ako makangingiti nang ganito,”pahayag niya.

Pagkukwento niya, ang pagmamahal ng pamilya niya para sa kaniya ang siyang naging dahilan kung bakit din niya minahal at tinanggap ang kaniyang sarili kung kaya’t hindi siya nahihiyang humarap sa ibang tao. Ayon kay Amani, sapat na sa kaniya ang magkaroon ng mga magulang na sa simula pa lang ay nandiyan na palagi sa tabi niya at hindi siya pinababayaan gayundin ang mga kaibigang bagama’t kakaunti ay nananatili namang totoo sa kaniya. “Dahil sa kanila, walang rason para malungkot ako kasi pinupunan nila yung mga kakulangan sa akin,” saad ni Amani. Para sa kaniya, hindi hadlang ang pagiging maliit ng isang tao upang siya ay sumaya. Bagama’t kinulang sa tangkad ay nag-uumapaw naman ang pagmamahal na nadarama ni Amani at para sa kaniya ay sapat na yun upang hindi mawala ang mga ngiti sa kaniyang labi sa kabila ng mga pambubuskang natatanggap niya.

13 Ang BANDILYO Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

marami rin sa mga kabataan ang kagaya niyang hindi rin interesado at walang balak na pag-aralan ang kasaysayan ng bansa. Donya Victorina. Isa siya sa mga karakter na isinalaysay bilang donyang hindi nagpapahuli sa uso at hindi nagpapahuli sa beauty standard. Siya ang asawa ni Don Tiburcio de Espadaña. Isang sosyalista na nagpapanggap bilang Kastila na siyang nakakalimutan ang sariling pinagmulan. Ikinakaila niyang siya ay Pilipino sapagkat mas ninanais niyang maging isa sa mga Kastila. Kagaya ni Donya Victorina, hindi rin nagpapahuli ang mga kabataan sa beauty standard at minsa’y ikinakaila na nil ana sila ay Pilipino sapagkat mas pinagtutuunan ng pansin ang sumabay sa uso at magpanggap kaysa sa yakapin ang sarili nilang pinagmulan. Maria Clara. Kilala bilang mahinhin, malumanay at mapagpatawad, dalagang Pilipina at kilala bilang kanais-nais na dalaga. Mas ikinukulong niya ang sarili sa paniniwalang ang trabaho niya lamang bilang babae ay ang magsilbi sa mga lalaki, na nararapat na sundin nya lamang ang sinasabi ng iba at ang manatili sa paniniwala at kinasanayan sapagkat takot siyang sumalungat.

lathalain

K

agaya ng mga pangyayari sa loob ng nobela na ginawan ng makabagong interpretasyon sa pamamagitan ng teleserye, hindi na ikakailang ang lahat ng isyu na maoobserbahan at mapupuna sa nobela o sa teleserye ay nangyayari rin sa kasalukuyang panahon. Masaya, nakahihikayat at maraming aral na kapupulutan. Ganoon ilarawan ang teleseryeng Maria Clara at Ibarra, ngunit ito ay hindi lamang patungkol kina Maria Clara at Ibarra at ang pagpunta ni Klay sa nobela sapagkat ito rin ay tumatalakay sa iba’t ibang isyu na nangyayari sa kasalukuyang panahon. Mga isyu o suliranin ng mga bawat karakter na tila naipasa sa modernong panahon. “Ayoko na sa Pilipinas” ani Klay na marahil ay nasambit na rin ng ilan. Kagaya ni Klay, marahil ay marami ang nagnanais na makipagsapalaran sa ibang bansa at doon ay ipagpatuloy ang kanilang buhay. Si Klay ay inilalarawan bilang matapang at isa sa mga tumatayo pagdating sa gender equality ngunit sa kabila nito, isa sa mga suliranin niya bilang karakter ay ang kawalan nya ng interes sa kasaysayan. Kagaya niya,


DENGUE: Kakambal ng Tag-ulan

K

asabay ng panahon ng tag-ulan kung kailan marami ang naiipong tubig sa mga alulod, mga nakatambak na gulong, at iba pang mga bagay na maaaring sumalo ng tubig, ay mas aktibo ang mga lamok sa pagpaparami. Ito'y sapagkat sa mga imbak na tubig nangingitlog at nabubuhay ang mga lamok. Nagmula ang salitang lamok o mosquito sa salitang Espanyol na "musketas" na nangangahulugang maliit na langaw, at "zancudos" naman na nangangahulugang mahaba ang paa. May isang uri ng lamok na tinatawag na Mosquito Carrying Dengue na kung saan kapag ito ay nakakagat ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng biktima. Ito ay isang sakit na galing sa mikrobiyo na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes aegypti at Aedes altropicus. Naililipat ang virus sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na dulot ng Aedes aegypti. Ngayong taon, simula lang ng April nagkaroon ng kaso ng Dengue sa Lucban hanggang sa nagtuloytuloy ito ngayong buwan. Ayon sa ulat ng Rural Health Unit (RHU) ng Lucban sa pamamagitan ni Nurse Marian M. Lina, ang kabuuang kaso ng Dengue ay umabot sa 12. Walang naitalang kaso sa 1st Quarter ng taon. Samantala, pitong kaso ang nasa 2nd Quarter ng taon kung saan lima ang babae at dalawa ang lalaki. Tatlo rito ang nasa edad na 0-14 at apat naman ang nasa 15-24 taong gulang. Nitong 3rd Quarter naman ng taon, may naitalang limang kaso, tatlong babae at dalawang lalaki. Dalawa rito ang nasa edad na 0-14, dalawa rin ang nasa edad na 15-24, habang isang kaso naman ang nasa edad na 25-64 years old. Trangkaso, matinding sakit ng ulo, sakit sa ilalim ng mga mata, pananakit ng ulo at kasukasuhan, pagsusuka, at namamagang kulani at pantal ay ilan lamang sa mga sumusunod na sintomas ng Dengue. Magpakonsulta agad sa doktor kung may nararamdamang ganitong sintomas. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na Dengue, mahalagang alisin, itapon o ayusin ang anumang bagay na pinag-iipunan ng tubig gaya ng lata, bote, timba, lumang gulong, paso, atbp. Siguraduhin din na ang lamok ay hindi makakapasok sa iskrin ng pintuan at bintana. Patayin ang lamok sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pampatay ng lamok tulad ng electric mosquito killer. Mas mainam ito kaysa gumamit ng katol. Maaari ring magpahid sa balat ng lotion at magsuot ng mahabang pantalon at damit na may mahabang manggas, medyas at sapatos upang hindi makagat nito. Samantala, patuloy naman ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na isagawa ang 4S strategy: "Search and destroy mosquito breeding places. Self protection. Seek early consultation. Support fogging/spraying only in hotspot areas where increase in cases is registered for two consecutive weeks to prevent an impending outbreak", upang makaiwas sa paglaganap ng Dengue. Nauna na ring namigay ang DOH ng mga kagamitan at insecticide na gagamiting pamuksa ng lamok. Hinihikayat din ng DOH ang mga lokal na pamahalaan at mga paaralan na magsagawa ng mga hakbang upang puksain ang mga pinamumugaran ng lamok. Magiging matagumpay ang paglaban natin sa Dengue sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa na mapanatili nating malinis ang kapaligiran at sariling tahanan, gayundin ang wastong pag-iingat sa sarili.

Karinderya na nagtitinda ng sigarilyo, pinahinto

P

inatigil ang operasyon ng isang karinderya sa labas ng PSLIS matapos mahuling nagbebenta ng sigarilyo sa mga mag-aaral tuwing tanghalian ng isang di nagpapakilalang SSG officer.

Isinangguni ng SSG officer ang isyu sa paaralan at inaksyunan naman agad ito ng pamunuan. Ayon sa paaralan, hindi dapat palampasin ang mga ganitong paglabag sa mga estrukturang nakapaligid sa eskwelahan lalo’t

paninigarilyo. Mayroong kaalaman ang paaralan sa mga datos at pangyayaring maaaring maganap sa mga naninigarilyo kaya’t hangga’t maaari’y ginagawa ng paaralan ang lahat upang mailayo sa peligro ng paninigarilyo ang mga mag-aaral. Ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa pinakamatinding banta sa kalusugan ang paninigarilyo na ikinamamatay ng mahigit pitong milyong tao kada taon, anim

na milyo ditto ang direktang naninigarilyo samantalang nabibiktima ng second at thirdhand smoke ang natitirang isang milyon. Batay din sa pag-aaral ng parehong kawani, responsible ang paninigarilyo sa 90% ng bilang ng namamatay taon-taon dahil sa lung cancer, 80% sa Chronic Obstructive Pulmonary Disease at 17% sa sakit sa puso; dagdag pa rito, may koneksyon umano ang sigarilyo sa 12 na iba’t ibang klase ng kanser kabilang na ang sundan sa pahina 15

Mamantikang putahe ng kantina, ilang taon nang pinupuna

Opisyal na pahayagan ng mga Magaaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

agham

14

higit kung ito’y makakaapekto sa mag-aaral at may paglabag sa batas pangnasyunal. Nilabag ng karinderya ang Republic Act 9211no ang Tobacco Regulation Act ng 2003 kung saan nakapaloob dito ang pagbabawal ng pagbebenta ng sigarilyo sa lugar malapit sa paaralan na may sukat na 100 metro mula rito. Dagdag pa rito, nais ng paaralan na maging maayos ang kalusugan ng mga mag-aaral at upang mailayo sa mga posibilidad na kapahamakan dulot ng

Ken Ashley Roxas

M

uling binatikos ng mga mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) ang ulam na inihahain ng school canteen tuwing tanghali kung saan isyu na ito magmula 2015 hanggang sa kasalukuyan. Nasa ika-walong baiting pa lamang sina Angela Orjeta, Fritchie Alsol at Shedamelle Ansay ay inirereklamo na nila ang putaheng mamantika at ngayong nasa baiting 12 na sila, ito pa rin ang kanilang puna. “Mamantika noon, mamantika pa rin hanggang ngayon, senior high na ako pero hindi pa rin nasosolusyunan iyang problemang iyan sa canteen,” ani Alsol, 12 ABM Dagdag pa nito sa aspetong kalusugan naman ang ikinababahala ni Ansay, 12 ABM, ukol sa putaheng mamantika. “Hindi man ako eksperto, alam ko naman na talagang masama sa katawan ng isang tao ang isang mamantikang putahe kaya nga hanggang ngayon inirereklamo pa rin naming ito,” wika ni Ansay. Kaugnay nito, maaaring nagpapatunay na mayroon talagang peligrongg dala ang mga mamantikang pagkain

kung kaya’t ganon na lamang batikusin ang kantina. Ayon kay Caroline West Padserrello, Pittsburg-based registered dietitian nutritionist at spokesperson ng Academy of Nutrition and Diabetics, ang mga mamantikang pagkain ay mayroong mataas na saturated fat at ito ay energy dense na nangangahulugang maraming calories ngunit kaunti lamang ang sustansiyang makukuha. “Fat slows down digestion and takes a toll on your digestive system, which in turn can have you feeling bloated or uncomfortable,’’ wika ni Pasarello. Ang malala sa pagkain ng mga mamantika ay maaari itong magresulta ng chronic diseases at ang mas malala pa’y maaari itong ikamatay. “There is a relationship with fried-food consumption and many chronic diseases-coronary heart disease, stroke, hypertension and obesity,” ani Pasarello. Gayunpaman,sa likod ng pagbatikos ng mga mag-aaral sa putaheng mamantika.isa lang ang kanilang hiling-ang masolusyunan ito ng administrasyon at ilayo sa peligro ang mga mag-aaral ng PSLIS.

Teenage Pregnancy, sumpA Bang Maituturing?

Kaso ng teenage pregnancy, taon-taong naitatala sa ABM Ken Ashley Roxas

W

alang mintis ang pagtatala ng maagang pagbubuntis sa seksyon ng ABM mula nang magkaroon ng K-12 at nagsimula ang sinasabing sumpa ng seksyon noong 2018. Mahigit anim na estudyante mula 2018 hanggang kasalukuyan ang kaso ng teenage pregnancy at bawat taon, isa o dalawang kababaihan ang naitatala dito. “Totoo na taon-taon, mayroong nabubuntis dito sa ABM at hindi ko nga alam kung bakit taon-taon meron nito. Tawag pa nga ng mga bata, sumpa,” ani ni Mrs. Veluz, gurong tagapayo ng ABM mula 2018. Bilang aksyon ni Mrs. Veluz, namahagi siya ng brochure na naglalaman ng impormasyon tungkol sa teenage pregnancy at ipinamigay sa tulong ng kasalukuyang mag-aaral ng ABM. Ano ang Teenage Pregnancy? Isang sitwasyon ng pagbubuntis kung saan ang mga kababaihang 13-19 ang nasasangkot, batay sa depinisyong ibinigay ni C. Makinson. Ayon naman sa World Health Organization (WHO), ito ay isang “global problem” na maaaring maganap sa kahit anong estado ng bansa. Dagdag ng WHO, ito ay karaniwang nagaganap sa mga bansang nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa edukasyon. Teenage Pregnancy sa Pilipinas Ayon sa datos ng Commission on Population (POPCOM), mahigit 500 kabataang kababaihan ang nanganganak kada araw sa Pilipinas. Dagdag ng POPCOM, 196,000 kababaihan edad 15-19 ang nabubuntis kada taon sa bansang Pilipinas. Edukasyon ang nakikita ni Perez na pinakamahalagang panlaban sa teenage pregnancy sa bansang Pilipinas. “Teenage pregnancy rate in the country declined to 8.7 percent in 2017 from 10.2 percent in 2016, but the number still remains high,” ani Perez. Karamihan sa nabuntis noong 2017 ay mga edad 10-14 na nangangahulugang kailangan ng mas maagap na kaalaman ukol dito.


Lamang ang may Alam: EARTHQUAKE DRILL Ano ang lindol? Sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng lupa ang lindol. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo(crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kaniyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng Isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba't ibang panig ng mundo para Itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa. Ito ay Isang natural na penomena kung saan ang lupa ay yumayanig. May dalawang Sanhi ang lindol, ito ay maaaring dahil sa pagputok ng bulkan o ang tinatawag na Volcanic Earthquake sa ingles. Ang lindol ay resulta ng paggalaw ng lupa. Ang Isa pang Sanhi ay ang paggalaw ng fault lines na tinatawag na Tectonic Earthquake sa ingles. May dalawang sulat ang lindol, ang Intensity at ang Magnitude. Ang Magnitude o kalakasan ng lindol ay ang sumusukat sa

lakas ng lindol mula sa pinakasentro nito na tinatawag na epicenter. Ang Intensity naman o tindi ang sumusukat sa yanig na nararamdaman ng tao. Paano ito makakaapekto sa atin? Kahit na ang mga tao ay hindi nasaktan ng lindol, maaari pa rin itong magkaroon ng pangmatagalang epekto sa pag-iisip. Pagkatapos ng malubhang trauma ng anumang Uri, ang ilang tao ay maaaring magtapos sa Post Traumatic Stress Disorder na nakakaapekto sa Kanila ng mga taon matapos ang Isang mapinsala na lindol. Maaari ring makaranas ng mga masasamang reaksiyon sa katawan at damdamin kapag lumilindol. Halimbawa, maaaring magkaproblema sa pagpokus o pagtulog, at makadama ng galit. Upang mapangalagaan ang ibang mga mahal sa buhay, kailangang pangalagaan ang inyong sarili. Panatilihing kumain nang mabuti, matulog nang husto, at manatiling naka-ugnay sa inyong mga kaibigan. Ano ang dapat gawin kapag may lindol? Kapag nasa loob ng gusali o bahay, manatiling mahinahon at gawin ang: Duck,

Cover, and Hold. Yumuko at magtago sa ilalim ng matibay na mesa at kumapit sa mga paa nito. Umiwas din sa mga bintanang salamin, mga aparador, at mabibigat na gamit na maaaring mahulog. At matapos ang pagyanig, agad na lisanin ang gusali at pumunta sa evacuation area. Kung nasa labas naman ng o gusali, pumunta sa open area gaya ng parking lot o Parke. Lumayo sa mga gusali, puno, poste, at mga lugar na mayroong panganib na gumuho ang lupa. At kapag nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan, at lumabas. Ano ang kahalagahan ng earthquake drill? Hindi isinasantabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad na makaranas ng malalakas na mga lindol ang Pilipinas. Kaya naman, para sa mga awtoridad, malaking bagay ang mga pagsasanay na pinangungunahan ng pamahalaan para matiyak ang kahandaan ng publiko sa mga inaasahang pagdating ng mga kalamidad Gaya ng malakas na lindol. Pero Tila binabalewala ng marami ang drill. Hindi siniseryoso ang mga ginagawang paghahanda. Hindi nakikiisa sa panawagan na maghanda upang maiwasan ang pinsala.

Kadalasan ang pagpapanic kapag may lindol ang nagiging sanhi kaya marami ang namamatay. Sa katunayan, ang paglahok sa isinasagawang earthquake drill ay lubhang mahalaga. Nang lumindol sa Haiti ilang taon na ang nakaraan, marami ang namatay. Hindi sila nakapaghanda dahil binalewala nila ang kahalagahan ng paglahok sa earthquake drill. Samantala, umaasa si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar na marami na ang seryosong lalahok kung sakaling magkaroon muli ng earthquake drill. Ayon kay Eleazar, ito ay dahil sa naranasan na ng nakararami nating mga kababayan ang panganib na dulot ng lindol. At muli namang binigyang diniin ng NCRPO Official ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga earthquake drill. "Kung wala tayong earthquake drill, baka hindi ganyan ang ginawa ng ilan noong kasagsagan ng lindol. Pero at least ngayon nangyari kung hindi naman ganung kalakas ay nagmumulat sa atin ang kahalagahan ng mga drills na ito," ani Eleazar.

Ken Ashley Roxas

ipagpatuloy

nasabing lung cancer na pangalawa sa pangkaraniwang kanser sa bansa. Sa Pilipinas-na tinukoy ng pag-aaral ng Global Burden of Diseases na isa sa may pinakamataas na bilang ng smokers kada taon-10 ang namamatay kada araw dahil sa sakit na may kinalaman sa

paninigarilyo. Ibig sabihin, aabot sa 87,600 ang bilang ng namamatay dahil sa sigarilyo sa Pilipinas taon-taon, isang isyung hindi dapat ipagsawalang-balikat na lamang. Ang lahat ng ito, nagiging posible dahil sa angking kemikal ng isang

pirasong sigarilyo na aabot sa mahigit 7000-ilan dito ang Nicotine, Carcinogen, Hydrogen cyanide, Formaldehyde, Lead, Arsenic, Ammonia, Uranium, Benzene, Carbon monoxide, Plycyclic aromatic hydrocarbons (PAHs) at Nitro samines. Sa kabilang banda, nagpapasalamat

ang SSG Officer ng paaralan sapagkat agad itong naaksyunan. “Alam kong ang ginawa kong pagsusumbong sa nakatataas ay para rin sa aking kapwa mag-aaral,” wika ng SSG Officer.

Jemima Bojelador

Paghahanda kontra sakuna, pinangunahan ng SDRRM

B

ilang paghahanda sa mga hindi inaasahang sakuna, pinaigting ng School Disaster Risk Reduction Management Team na pinaiiral ni G. Alfredo B. Oblefias at G-12 STEM ang patuloy nap ag-aaral sa mga ito kasama ang DRR Team ng lokal na pamahalaan. Ayon kay G. Alfredo B. Oblefias, Senior High School DRR Coordinator ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS), pinasinayaan na ang pagkakaroon ng asignaturang DRRM sa Senior Highschool ay isang epektibong solusyon upang magkaoon ng kaalaman sa mga posibleng sakuna lalo na’t may tulong pa mula sa pamahalaan. “Kapag may mga training kami, madaling hingan ng tulong ang mga MDRRM na naging kasangga na namin sa lahat ng sakuna,” wika ni G.Oblefias. Dagdag pa niya, ang mga Student Emergency Response Unit (SERU) ay naging katuwang sa mga gawaing pambayan upang mahubog ang kanilang kaalaman sa pagresponde sa kapwa mag-aaral.

“Ang tulong-tulong na pagsulong para sa maayos at ligtas na kapaligiran sa paaralan ang tangi naming dahilan,” wika ni isang MDRR ng bayan. Kaugnay nito, lumikha ng Student Leaders Incase of Disasters Emergency Response (SLIDERS) si G. Oblefias na naglalayong palawigin ang mga lilder ng paaralan na may kaalaman mangyari man ang mga sakuna sa paaralan. Inihayag pa ni G. Oblefias na ikinatutuwa ng kanilang grupo na karamihan sa mga mag-aaral at guro ang nagbigay ng positibong pananaw ukol sa ikinikilos nila tuwing may mga drills na nagaganap sa kabila ng hindi pagseseryoso ng ibang kabataan. Patunay ito noong naranasan ang ikalawang nationwide earthquake drill na maayos na nakalabas ang lahat lalo na nga ang mga bata sa loob ng paaralan, sinabi pa nya. Sa kabilang banda, tinatayang 25 sa SERU-student ng PSLIS ang boluntaryong lumahok sa mga pagresponde kasama ang mga MDRRM opisyales ng bansa.

Ang BANDILYO

Avien Alvarez

agham

Karinderya na nagtitinda ng sigarilyo, pinahinto

15


G

inawaran ng parangal na "Natatanging Anak ng Lucban" sina Nicholas Ivan Radovan at Edelyn Deasis, pawang naging estudyante at atleta ng PSLIS, bilang pagkilala sa pagpapamalas ng kanilang angking husay at talento sa loob at labas ng bansa. Matatandaang humiklat si Radovan ng isang gintong medalya sa men's 17-18 200m butterfly at isang tansong medalya sa 100m butterfly sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na idinaos sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France nitong Mayo. Dagdag pa rito, lumikom pa ng apat na medalya si Radovan—dalawang ginto matapos pagharian ang 100m at 200m butterfly at dalawang tanso sa 400m individual medley at 1500m freestyle— dahilan upang maselyuhan ang kampyeonato ng CALABARZON sa 2022 National Invitational Sports Competition na ginanap sa Iloilo City nitong Hunyo. “Sobrang saya ko po kasi bihira po magawaran ng ganitong award ang isang atleta dito sa Lucban,” pahayag ng manlalangoy sa isang ekslusibong panayam sa Ang Bandilyo. Ayon pa kay Radovan, sadyang hindi niya inaakala ang makatanggap ng ganitong parangal sapagkat kasalukuyan siyang nag-eensayo sa Lucena City nang matanggap niya ang magandang balita matapos siyang tawagan ng kanyang ina. Dagdag pa ni Radovan,”Tumatak po sa isip ko na kaya ako nabigyan ng ganitong [parangal] ay dahil isa ako sa magsisilbing ehemplo hindi lang sa mga

Ang BANDILYO

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

isports

16

Dating PSLIS student-athletes, kinilalang Natatanging Anak ng Lucban [kapwa] ko atleta kungdi sa lahat ng tao na gustong maranasan ito.” Samantala, humakot naman si Deasis ng apat na ginto matapos dominahin ang tatlong single at isang duo event sa 2021 Polish Para Dance Open na ginanap sa Lomianki, Poland, Oktubre 9-10 nang nakaraang taon. “Nagagalak ako na magantimpalaan bilang isang Natatanging Anak ng Lucban dahil bihira lamang sa napakaraming tao ang magkaroon ng ganitong oportunidad,” ani Deasis. Bukod pa rito, ipinahahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa punumbayan, ikalawang punongbayan, at mga konsehal ng Lucban sa paghirang sa kanya upang magawaran ng nasabing parangal. Ipinagkaloob ang nasabing parangal kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-427 Araw ng Lucban, Agosto 18. Sa ngayon isa pa ring student-athlete si Radovan na nabigyan ng scholarship sa University of Santo Tomas at pinaplano niyang ipagpatuloy ang swimming career sa kolehiyo, tangan ang pagaasam na maging kinatawan ng Pilipinas sa SEA Games. Gayon din, nais ipagpatuloy ni Deasis ang pagsayaw para sa bansa at patunayang hindi hadlang ang kanyang kapansanan upang makaabot ng malalaking katagumpayan sa buhay.

TAGUMPAY. Pagrepresenta ni Ivan Radovan sa bansa sa isinagawang kompetisyon sa Melun, France.

Landig pinagharian ang Taekwondo Kyurogi Open Weight Division sa Palarong Quezon

S

inikwat ni Fritz Gerald Landig ng PSLIS ang kampyeonato para sa Unit I sa Open Weight Division ng Kyurogi Taekwondo tournament sa Palarong Quezon sa Quezon NHS, Marso 4.

Blazing Athletics Of Lucban, humiklat ng panalo Sa Pangasinan H

umakot ng tagumpay ang Blazing Athletics of Lucban, isang grupo ng mga atleta sa Lucban, kontra sa mahigit 150 atleta sa isinagawang PinoyAthletics 4th Allcomers (PinoyAthletics A4) na ginanap sa Pangasinan, Disyembre 4. Nabuo ang nasabing grupo nitong nakaraang taon nang magsimulang lumuwag ang safety and health protocols sa bansa, at nakabilang sa linya ng mga atleta ang mga studentathletes at ilang alumni ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School. Sa kasalukuyan, hindi pa opisyal ang lineup ng Blazing Athletics sapagkat nag-uumpisa pa lamang ang kanilang grupo subalit hindi ito hadlang upang sumabak na sa paligsahan, sa tulong na rin ng kanilang coach na si G. Nelson Sario. Samantala, ang PinoyAthletics A4 ay isang kompetisyong bukas sa mga atleta't manlalaro mula sa loob at labas ng probinsya ng Pangasinan. Pinaghiwalay sa dalawang kategorya ang mga kalahok na manlalaro kung saan ang mga ipinanganak sa taong 2004 at bago ito ay kabilang sa Open Category samantalang ang mga ipinanganak naman sa taong 2005 at matapos ito ay mapapapunta sa Youth Category. Dinomina ni Ian Llarenas ang tunggalian sa youth category matapos lumista ng apat na ginto sa 800m at 1500m run, 4×400m relay, at high jump, at isang pilak sa

triple jump. Kumamada naman ng isang ginto si Jhon Carl Tañola sa 4×400m relay at siniklat ang ikatlong puwesto sa 3km run at triple jump ng youth category. Kabahagi rin ng tagumpay sa 4×400m relay (youth category) sina Paul Balmeo at Mark Esquillo na nagdagdag din ng respektibong pilak at tanso sa 3km at 400m run. Bukod pa rito, hindi nagpahuli sa open category ang mga dating estudyante ng PSLIS na sina Vince Oblefias at Emmanuel Cabutihan matapos itarak ang ikatlong puwesto sa 4×100m relay. Dalawang tanso pa ang kinubra ni Oblefias matapos makapaglista ng ikatlong puwesto sa 800m at 400m run ng open category. Samantala, kasama rin sa linya ng mga atleta ng Blazing Athletics si Luke Liane Salamante na sumikwat ng tatlong tanso sa open category ng high jump, triple jump, at 4×100m relay. Kabilang sa layunin ng pagsasagawa ng PinoyAthletics 4th Allcomers ang tune-up at pagpili sa mga koponang magrerepresenta sa Pangasinan sa Philippines National Open sa Marso 2023. Nilinaw rin ng PinoyAthletics sa kanilang website na ang organisasyon ay hindi nauugnay sa PATAFA (Philippine Athletics Track and Field Association) at sa Philippine Sports Commission sa anumang paraan.

Samantala, kumana rin ng tagumpay sa Poomsae (performance category) ang iba pang atleta mula sa Unit I matapos ang ginto nina Rianne Kesia Sedan sa (Individual A) at ang kampyeonato nina Zakiyah Tam at Elrick Josiah Casiño sa Poomsae Mix. Nagkasya naman sa ikalawang puwesto sina Lord Cedric Sajul at Yuan Benedict Galicia, habang humagunot ng tanso si Alia Francheska Liwag sa Kyurogi (combat).

Radovan, Llarenas umariba sa NISC

N

amayagpag sina Nicholas Ivan Radovan at Ian Llarenas, pawang mag-aaral ng PSLIS, sa isinagawang National Invitational Sports Competition (NISC) na ginanap sa Iloilo City, Mayo 2022. Nakakopo ng dalawang ginto si Radovan matapos pagharian ang 100m at 200m butterfly at dalawang tanso sa 400m individual medley at 1500m freestyle dahilan upang maselyuhan ang kampyeonato ng CALABARZON sa NISC men's swimming. Samantala, hinabol ni Llarenas ang podium finish matapos iposte ang tansong medalya at ungusan ang mga katunggali sa men's 1500m run. Isinagawa ang courtesy call ng mga nagwaging atleta ng DepEd Quezon sa opisina ng Schools Division Superintendent Dr. Elias A. Alicaya Jr. nitong biyernes, June 17.


Ang BANDILYO Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

Palines sinikwat ang kampyeonato sa 1500M run, hinimatay sa finish line NAKAKABAHALANG TAGUMPAY. Itinaas ni Palines ang kanyang kamay matapos siguruhin ang panalo, ilang minuto bago siya mawalan ng malay.

P

inamunuan ni Maureen Palines ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) Lucban Athletics Team ang 1500m run matapos itarak ang rekord na 6:39:59 minuto sa isinagawang 1st Congressional Meet na idinaos sa PEL Oval, Pebrero 11. Agarang ipinagdiwang ng mga kapwa mananakbo ng PSLIS ang tagumpay ni Palines subalit hindi inaasahan ang bigla nitong pagbagsak sa track matapos mawalan ng malay. “Syempre masayang-masaya po ako nung nanalo ako pero dahil po sa pagod ay hinimatay na po ako,” pahayag ng kampyeon sa karera sa isang panayam. Ikinabahala naman ng coach ng kampyeon na si Coach Nelson Sario ang pagkahimatay ni Palines dahil matigas ang bibagsakan nitong track.

Rumesponde naman agad ang nakabantay na first aiders mula sa Lucban Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at PSLIS School Emergency Response Unit (SERU) matapos mamataan ang pagkahimatay ni Palines. Sa kabilang banda, pinagharian din ni Ian Llarenas ang boys’ 1500m run sa rekord na 4:48:22 habang pumangalawa sa kanya ang kapwa atleta mula sa PSLIS na si Paul Balmeo (+1:05min). Sinikwat naman ni Margareth Estrada ang ikatlong pwesto, +2:68 min sa rekord ni Palines, sa parehong karera. Sa kabilang banda, inukit naman nina Shyryle Mae Cosejo ang dalawang pilak sa 100m sprint at 200m dash girls habang kumasya naman si Faye Anne Faller sa ikaapat na pwesto sa 100m sprint. Lumista naman ng pilak si Mark Gabriel Esquillo sa 5km run upang silatin ang ikapitong medalya at podium finish ng Lucban Athletics.

PSLIS pinagharian ang kampyeonato sa InterAgency Volleyball Tournament

Paggabay o Pang-aagaw

U

Neill Patrick Pasta

Kuhang larawan ni Patrick Pasta.

D

inomina ng PSLIS Men’s Volleyball Team ang tunggalian kontra LAES-BVA, 3-1, upang tangayin ang titulo sa kaunaunahang Inter-Agency Volleyball Tournament 2023, Agency Boys category, na ginanap sa PEL Covered Court, Abril 27. Matatandaang una nang kumabig ng panalo ang PSLIS kontra sa Agos Lucban matapos ang paghaharap sa semi-finals upang silatin ang tiket sa finals ng laro. Sinelyuhan ng PSLIS ang tunggalian sa pamamagitan ng 9-1 score run matapos ang mahigpit na simula sa fourth set ng laro upang siguruhin ang paggapi sa kabilang koponan, 25-20. Nilasap naman ng LAES-BVA ang dominasyon ng PSLIS sa ikatlong yugto, 25-14, bunsod ng solidong

opensa ng huli, sa pamumuno ng sets ni Lemuel John Abueva at salitang spikes nina Trsitan Balmeo at Carlo Ellaga, at dagdag pa ang ilang unforced errors ng LAES-BVA. Samantala, ginimbal ng LAES-BVA ang mga kampyeon nang sa second set ay bumira ng 2-10 run ang una mula sa 11-11 tie upang pamagain ang lamáng laban sa PSLIS. Sinubukan namang isalba ng PSLIS ang sagupaan matapos kumalas at maunang umangat sa set point subalit nagawang ipilit ng LAES-BVA ang deuce at bumwelta ng 2-point margin upang gapiin ang una. Napurnada ang pagnanais ng PSLIS na puntiryahin ang complete sweep sa kampyeonato matapos matuldukan ang ikalawang yugto, 2527, sa net fault ng PSLIS. Nauna nang ipinamalas ng PSLIS

ang pamamayagpag sa unang set ng bakbakan sa pamamagitan ng malinis na reception at coordination upang angkinin ang 9-point advantage sa unang yugto, 25-17. Sa kabilang banda, nakapaglista naman ng 2-3 win-loss rekord ang PSLIS Women’s Team subalit kapos ito upang makapasok sa semi-finals ng laro. Nanaig naman sa Agency Girls category ang LAES-BVA kontra sa PEL habang nakopo ng Buddy’s ang titulo sa Commercial Boys category laban sa Abcede’s Best. Hatid ng ATV Sports, isang binuong sangay o proyekto ng kasalukuyang local na pamahalaan, ang Inter-Agency Volleyball Tournament.

Tunay na mahalagang bahagi sa paglago ng talento at husay ng isang atleta ang paggabay ng isang coach o tagapayo na nagpapasa sa kanya ng kaalaman kung paanong payayabungin pa ang kanyang kakayahan. Bukod sa pagbibigay ng papuri at mga puna sa kakayanan ng atleta, gampanin din ng isang tagapayo na asikasuhin ang mga dokumento ng bawat atleta at gabayan ito sa panahon ng mga paligsahan. Subalit sa kabila ng magandang layunin ng nasabing tagapayo, na gabayan sa kampyeonato ang mga atleta, ay hindi ito dumaan sa tamang proseso at hindi man lamang naabisuhan ang mga tagapayo ng mga atleta na mula sa PSLIS. Malaking isyu rin sa diskursong ito ay kung kanino mapupunta ang credit kung sakaling manalo ang isang atleta sa palaro. Sa kabilang banda naman, higit sa usapin kung sino ang nararapat na maging tagapayo ng mga manlalaro, mas nararapat na bigyan ng pansin ay opinyon ng mga atleta na maaari silang humingi ng gabay sa tagapayong sa tingin nila ay tunay na makakapagpalago sa kanilang kakayahan. BIlang solusyon naman sa usapin ng mga tagapayo, nararapat na coach mula sa paaralan ng atleta ang mag-asikaso ng lahat ng pormal na dokumento niya na kinakailangan sa mga palaro habang pinahihintulutan ang tagapayo mula sa labas na magrekomenda sa kanyang training scheme.

17 isports

sap-usapan sa pagitan ng mga athletic coach sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School ang umano’y ‘pang-aagaw’ ng isang tagapayong taga-labas sa mga hinahawakan nilang atleta. Bagama’t hindi bago ang tagapayong ito sa karera ng mga atleta, dahil sa naging coach na nila ito sa elementarya, ay kinukuwestiyon kung sino nga ba ang nararapat na umagapay sa mga atleta ng PSLIS at kung bakit siya pa rin ang humahawak sa mga atleta samantalang mayroon namang nakatakdang tagapayo na mula mismo sa paaralan.


SA UNIT MEET CAMPAIGN OPENER

Neill Pasta

umiklat ng apat na medalya si Khiana Mae Mondano sa Palarong Quezon swimming tournament na ginanap sa Quezon NHS, Marso 4-5. Sinisid ni Mondano ang ginto sa 50m breast stroke habang itinarak naman niya ang pilak sa 100m, 200m backstroke, at ikatlong puwesto sa 400m freestyle. “It is an honor po to represent PSLIS and Unit 1. Masaya po ako na maganda ang kinalabasan ng laro,” ano Mondano. Uusad na ngayon si Mondano sa Regional Athletic Association Meet na gaganapin sa Dasmarinas City, Cavite.

Aguilar, Valiente sumabak sa Congre Chess Tournament

B

Neill Pasta

ukod sa pagtatagisan ng mga pisikal na kakayahan mula sa iba't ibang larong pampalakasan, ibinida rin ng mga ilang manlalaro, partikular ng mga chess players, ang kanilang husay sa pamamagitan ng isipan at istratehiya. Nakopo ni Dione Angela Aguilar ng Lucban (PSLIS) ang tanso sa chess girls category matapos ilista ang 1-2 win-loss kartada sa First Congressional Unit Meet na ginanap sa PEL, Pebrero 11. Samantala, kinapos naman para sa podium finish si Manny Valiente ng Lucban (PSLIS) matapos lasapin ang ikaapat na puwesto sa boys' category. Pinamunuan ng bayan ng Patnanungan ang girls' category habang Infanta naman ang nanaig sa boys' category.

N

M

atapos ang mahigit dalawang taon ng pandemya, muling umarangkada ang Pencak Silat sa palarong Quezon 2023 matapos ang tanging delegasyon ng Unit IV sa pampalakasan upang masiklat ang default win sa PEL Covered Court, Marso 4. Bago ang pandemya, tatlong beses nang nakapagpadala ng atletang mga Pesilat ang Quezon sa Palarong Pambansa mula 2017 sa Antique, 2018 sa Vigan, at 2019 sa Davao. Ibinida nina Lyca Mascardo, Arian Joyce Ofalsa, at Aiceil Ayque mula sa Lopez National Comprehensive HS Unit IV ang kanilang demonstration sa Pencak Silat Regu kung saan ipinamalas ang sabayang galaw ng mga pesilat sa isang grupo. Samantala, ipinakita naman nina Alwen Matibag at Mark Bryan Ardiente, na mula rin sa LNCHS Unit IV, ang kanilang Pencak Silat Sine Ganda combat exhibition performance. Bagong sibol man ang mga nasabing atleta bunsod ng panahong nakonsumo ng pandemya, ayon sa kanilang coach na si G. Lloyd Gener Pallan ay layunin nila na muling dalhin ang Quezon sa Palarong Pambansa.

MEDAL TALLT

LUCBAN ATHLETICS TEAM

First Congressional Unit Meet 2023

10

10

BRONZE

Pencak Silat pinanumbalik ng Unit IV, default win sa Palarong Quezon 2023

SILVER

apurnada ang pagnanais ng Lucban Girls Volleyball Team na dominahin ang panimula ng kanilang kampanya sa 1st Congressional Unit Meet matapos walisin ng Mauban ang tunggalian, 1-2, sa PEL Covered Court, Pebrero 11. Binuksan ng Lucban ang bakbakan sa malakas na “Nakakapanghinayang kasi ang ganda na ng simula simula matapos dominahin ang unang set, 25-14. namin pero biglan naging kampante ang mga players PInamunuan ni team captain Chelzee Deazeta ang kaya nalusutan ng kabilang team,” ani coach Noel opensa ng Lucban gamit ang matalas nitong mga Babierra. spikes habang umagapay sa kanya si Courtney Seno sa Ipinahayag din ni Deazeta ang ang dismaya sa reception ng bola. kinalabasan ng una nilang laro dahil maaari itong Samantala, umariba sa ikalawang yugto ang makaapekto sa morale ng koponan, kung saan katunggaling koponan nang mapansin ang kawalan ng madadamay rin ang kalalabasan ng mga susunod pa koordinasyon ng Lucban matapos ang ilang unforced nilang laban. errors sa tunggalian. Ayon pa sa kanya, higit na mahala rin ang palarong Niresbakan ng Mauban ang naunang dominasyon ng ito sapagkat ito na ang kanyang huling taon bilang atleta Lucban hanggang sa maangkin ang second set, 23-25. sa sekundarya. Sinubukan pang bawiin ng Lucban ang bentahe Susunod na kakaharapin ng Lucban ang koponan ng subalit bunsod ng ilang mga error ay bigo na silang Patnanungan upang subukang bumawi mula sa nauna na resbakan ang Mauban, 9-15, dahilan para tuluyang nilang kabiguan. matuldukan ang tunggalian.

GOLD

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

Ang BANDILYO

Mondano, lumangoy ng apat na medalya sa Palarong Quezon

H

isports

18

LUCBAN VOLLEYBALL GIRLS PINAYUKOD NG MAUBAN

7

Tatlong isports sa Palarong Quezon, isinagawa sa Lucban District

N

Patrick Pasta

agsilbing isa sa mga host sa Palarong Quezon 2023 ang Lucban District matapos na idaos sa bayan ng Lucban, Quezon ang tatlong sports event sa nasabing paligsahan, Marso 3-5. Ginanap sa Paaralang Elementarya ng Lucban - 1 (PEL-1) Covered Court ang palakasan sa Arnis at Pencak Silat samantalang isinagawa naman sa Southern Luzon State University Gymnasium ang Table Tennis Tournament.

Pinatuloy naman sa PEL-1, PEL-4, at PEL-6 ang mga delegado, atleta, at panauhin para sa Palarong Quezon 2023. Matatandaang ito pa lamang ang unang paghaharap ng mga manlalarong taga-Quezon matapos ang mahigit dalawang taon ng pandemya. Pinasinayaan naman ang palatuntunan sa pagbubukas ng palaro sa PEL Covered Court nitong Marso 4. Bumati ng maligayang pagdating sa mga atleta, manlalaro, at mga bisita sina Dr. Jessie E. Quesea,

Public School District Supervisor of Lucban, at maging ang Municipal Mayor at Vice Mayor ng Lucban, Hon. Agustin M. Villaverde at Hon. Arnel C. Abcede. Pinangunahan ni Jewel A. Veluz, arnisador mula sa Lucban Unit I, ang Panata ng mga Atleta habang si G. Alfredo Oblefias naman sa mga opisyal. Isa rin sa mga itinampok sa palatuntunan ay ang Pencak Silat Regu at Sine Ganda demonstration at exhibition performance ng mga atletang pesilat mula sa Unit IV.

Unit 1 Arnis sumilat ng mahigit 30 medalya sa Palarong Quezon, nagkasya sa ikatlong puwesto Patrick Pasta

K

umana ng dalawang ginto, 19 na pilak, at 13 tanso ang Lucban Unit I Arnis Team upang selyuhan ang 2nd runner up finish sa Palarong Quezon 2023 na ginanap sa PEL Covered Court, Marso 4. Nakopo nina Cassandra Mae at Zarra Mae Quevedo ang dalawang ginto ng Unit I habang nagdagdag pa ang huli ng isang pilak. Umambag naman ng tigdalawang pilak at tanso sina Lloyd Martin Gregana at Ace Alexis Sandoval habang tig-isang pilak sina Cholo Gabriel Eleazar at John Austin

Fraginal. Nagrehistro din ng pitong medalya si Lord Neil Gregana matapos lumapag sa ikalawang puwesto nang dalawang beses at limang beses sa ikatlo. Tumikada naman ng tig-apat na pilak na medalya sina Jed Aizelle Oblefias at Mary Elaine Ratio habang isang pilak at apat na tanso ang ipinoste ni Jewel Hessery Veluz. Bagama’t mahigit 30 medalya ang binarikadahan ng Unit I Arnis Team, kapos ito upang tapatan ang 18 ginto at iba pang medalya ng mga kampyeon mula sa Unit IV.


N

agrehistro ng siyam na podium finish ang mga manlalaro ng table tennis mula sa Unit I sa Palarong Quezon, Marso 4. Tinuldukan ni Cendy Villamarzo ang kampyeonato sa Singles A (Elem) habang pilak naman ang inuwi nina Keilyn Villegas (Singles B), at Angel Encanto at Erquiah Opena (Doubles Elem). Ipinoste naman ng Secondary Boys ang dalawang pilak mula kina Paolo Venzuela (Singles A), Lance Palma at Leo Dayag (Doubles) at isang tanso ni Fidel Suario (Singles B). Samantala, nag-ambag din ng dalawang pilak at isang tanso ang Secondary Girls.

Kuhang larawan ni Dannah Abuan.

Lucban Athletics, umarangkada sa Unit Meet; kumubra ng panalo sa iba’t ibang events Neill Pasta Jumping events Sumikwat muli ng ginto si Ian Llarenas sa high jump boys habang pumangalawa naman sa kanya ang teammate na si Vien Racelis. Samantala, inangkin naman ni Shyrylle Mae Cosejo ang kampyeonato sa high jump girls matapos ma-clear ang 1.10m, 1.15m, at 1.20m markers. Itinarak naman ni Onash Jaemer Bitoon ang 4.40m rekord sa long jump upang masungkit ang unang puwesto habang nakuha naman ni Cris Lawrence Esconde ang ikatlong puwesto, samantalang nagkasya sa pilak si Lyra Antonette Abcede sa girls' high jump. Humiklat naman ng isa pang ginto si Bitoon sa triple jump habang tumalon sa ikatlong puwesto si Mark Gabriel Esquillo upang makapag-ambag ng dalawa pang podium finish sa Lucban. Kumana naman ng respektibong una at ikatlong puwesto sina Abcede at Trixia Kaur Malhi sa triple jump secondary girls.

Running events Sinalpak ng Lucban Athletics Team ang ilan pang mga medalya at kampyeonato sa 400m, 800m, at 3000m run upang patunayan ang kanilang dominasyon at pamamayani sa First Congressional Meet sa PEL Oval, Pebrero 11. Umariba sa unang puwesto si Vien Bennedick Racelis sa 400m run matapos itarak ang rekord na 1:03.56 minuto habang nakasunod naman sa kanya si John Carl Tañola ng

Lucban, +1.15 segundo mula sa una. Sa kabilang banda, umukit pa ng isang ginto si Llarenas matapos kumana ng 2:16.36 min rekord sa 800m run samantalang nagkasya sa ikaapat na puwesto si Tañola (+43.6s). Sinikwat naman ni Maureen Palines ang pilak sa girls’ 800m run sa oras na 3:13.40 min habang nagkamit ng tanso si Juliette Oblefias (+45.4s). Bukod pa rito, itinarak din ni Margarette Estrada ang ikalawang puwesto sa 3000m run. Ipinamalas din ng Lucban Athletics ang kanilang pamamayani sa mga jumping at throwing events upang iangat at patunayan ang husay ng mga atletang Lucbanin.

Javelin Throw Pumukol ng karagdagang medalya’t karangalan ang Lucban Athletics Team matapos magrehistro ng tatlong podium finish sa javelin throw event sa First Congressional Unit Meet sa PEL Oval, Pebrero 11. Intinarak ni Princess Buenafe ang 13.38m rekord upang makoronohan bilang kampyeon sa girls javelin throw. Sa kabilang banda, kumabig ng 20.23m, 18.75m, at 19.92m marka si Cris Lawrence Esconde subalit kapos ito upang daigin ang pambato ng Mauban kung kaya’t pumangalawa siya sa final standing. Ipinoste naman ni John Marco Ello ang 18.19m final best attempt upang humirit ng tanso sa tunggalian. Bunsod ng panalo, silbing karagdagan pa sa kartada ng Lucban sa unit meet ang tagumpay ng mga nasabing atleta.

Lucban Futsal Team, naunsyami ang panalo bunsod ng ground rules violation Patrick Pasta

N

apurnada ang deklarasyon ng kampyeonato ng Lucban Futsal Team matapos ang umano'y di intensyonal na paglabag nila sa ground rules na pinagkasunduan bago magsimula ang laro sa First Congressional Unit Meet sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) Covered Court, Pebrero 11.

Ayon sa pinagkasunduang ground rules, bukod sa durasyon ng laro, timeouts, at tie-breaker, nakasaad na mandatory ang pagsusugo ng lahat ng manlalaro habang sinisigurong magsindami ang bilang ng mga manlalaro ng bawat koponan. Bagama't dinomina ng Lucban ang tunggalian kontra Pagbilao matapos ang 6-1 kartada, nagkaroon ng technical issue ang una matapos hindi agarang

maipahayag na injured ang isa nilang manlalaro kung kaya't 11 lamang ang naipasok nilang manlalaro habang kumpleto ang 12 manlalaro ng Pagbilao. Bunsod nito, walang naideklarang panalo matapos ang laro at sa halip ay pag-uusapan pa ang isyung ito, at ayon sa ilang pinagkunan ng impormasyon ng pahayagan, posibleng iakyat pa ang isyung ito sa District Office upang makarating sa isang resolusyon.

Matapos dalhin ang usapin sa tanggapan ng distrito, napagpasyahan na ipawalang-bisa ang tagumpay ng Lucban bagama’t pinagharian. nila ang Pagbilao sa tunggalian. Samantala, una nang ipinamalas ng Lucban ang kanilang dominasyon matapos walisin ang Mauban Futsal Team sa iskor na 12-0, upang kamtin ang tiket tungo sa huling yugto ng palaro.p

Ang BANDILYO Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School

Unit I Table Tennis athletes sumelyo ng siyam na podium finish sa Palarong Quezon

19 isports

LUCBAN ATHLETICS TEAM


isports

isports

TIKET SA PALARONG PAMBANSA,

SELYADO NA!

Llarenas, Balmeo namayagpag sa RAAM 2023; pinangunahan ang 1500m run

B

inarikadahan nina Ian Llarenas at Paul Andrei Balmeo ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School (PSLIS) ang kanilang tiket tungo sa Palarong Pambansa Clustered Qualifying Meet 2023 matapos pangunahan ang 1500m run sa isinagawang CALABARZON Regional Athletic Association Meet (RAAM), Marso 25 sa Dasmarinas City Oval, Cavite.

Pinagharian ni Llarenas ang pet event habang pumangalawa naman sa kanya si Balmeo. Maituturing na comeback ni Llarenas ang pagiging kinatawan ng CALABARZON sa darating na Palarong Pambansa, kung papalaring mapagharian ang qualifying meet, sapagkat matatandaang dati na siyang nagkampyeon sa palaro nitong 2019 naging daan pa ito upang upang maimbitahan siya sa Asian Games Qualifications nitong nakaraang taon sa Iloilo. Sa isang panayam kasama ang DepEd Quezon, ipinahayag ni Llarenas ang kanyang kagalakan sa pagkapanalo at naranasang kaba sa laro na ayon sa kanya ay unti-unti na niyang kinasanayan. “Para naman po sa panalong ito, magandang [stepping stone] po ito para matanggap po ako sa dream school ko po and syempre excited na sana magqualify muli sa Pambansa,”

dagdag pa niya. Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Balmeo na komunikasyon sa pagitan nila ni Llarenas ang sanhi ng kanilang pagkawagi. Hindi kabilang sa Pre-National Qualifying Meet, isang panibagong lebel ng palaro na idinagdag ng DepEd Order no. 5, s. 2023, ang athletics at iba pang indibidwal na kompetisyon. Sa halip, ibabatay sa rekord at qualifying standards ang pagiging kalahok ng mga atleta sa Palarong Pambansa, kung saan isinasaad na hindi dapat hihigit sa 4:20:00 ang rekord para sa 1500m. Gaganapin ngayong Hulyo 29 hanggang Agosto 5 sa Marikina City ang Palarong Pambansa 2023.

iskorboard

UNIT 1 Athletics dinomina ang Palarong Quezon 2023

25 25 25 25

U

Inter-Agency Volleyball Tournament Finals

17 27 14 20

PSLIS LAES-BVA

Dating PSLIS student-athletes, kinilalang

Natatanging Anak ng Lucban Ginawaran ng parangal na "Natatanging Anak ng Lucban" sina Nicholas Ivan Radovan at Edelyn Deasis, pawang naging estudyante at atleta ng PSLIS, bilang pagkilala sa pagpapamalas ng kanilang angking husay at talento sa loob at labas ng bansa.

Dessa Morales

malagwa sa Palarong Quezon 2023 ang Unit 1 Athletics Team matapos hakutin ang mahigit 25 medalya at ipamalas ang dominasyon sa naganap na tunggalian sa Tiaong, Quezon, Marso 4. Pinagharian ni Ian Llarenas ang palaro matapos pumoste ng apat na medalya, tatlong ginto sa 800m run, 1500m run, 4x400m relay, at isang tanso sa 4x100m relay. Umarangkada naman si Vien Racelis ng dalawang ginto sa 400m hurdles at 4x400m relay, habang nagkasya siya sa ikalawang puwesto sa high jump. Nag-ambag naman ng tigdalawang medalya sina Paul Andrei Balmeo at Onash Jaemer Bitoon matapos lumarga sa ikalawang puwesto ni Balmeo sa 800m at 1500m run, habang pilak sa triple jump at tanso sa 100m hurdles naman ang itinarak ng huli. Pinangunahan naman ni Mark Gabriel Esquillo ang 2km walk at 4x400m relay,

at hinabol ang podium finish sa 5km run matapos makamit ang ikatlong puwesto. Bukod pa rito, tatlong medalya rin ang sinilat ni Jhon Carl Tañola matapos magkamit ng respektibong ginto, pilak, at tanso sa 4x400m relay, 400m hurdles, at 4x100m relay. Sa kabilang banda, hindi rin naman nagpahuli ang mga babaeng atleta sa medal haul ng koponan sa Palarong Quezon matapos pamunuan ni Shyrylle Mae Cosejo ang tunggalian sa pagtarak ng ginto sa high jump, pilak sa triple jump at 4x100m relay, at tanso sa 100m hurdles. Nagrehistro naman ng dalawang medalya si Maureen Mae Palines sa pamamagitan ng pagsikwat sa ikalawang puwesto sa 1500m run at ikatlong puwesto sa 3000m run. Nagdagdag pa ng dalawang pilak sina Princess Lorraine Buenafe at Faye Anne O. Faller sa javelin throw at 4x100m relay. Bunsod ng panalo, selyado na ng Unit 1 athletes ang kanilang tiket tungo sa susunod na antas ng palaro.

Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School. Dibisyon ng Quezon, Rehiyon IV-A (CALABARZON) TOMO II - BILANG I | AGOSTO 2022-MAYO 2023


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.