Ang Banyuhay 2024

Page 1

Ang Op i syal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School

D i bisyon ng Zamboanga Sibugay, Reh i yon IX

Cha rter Cha nge: Kaunlaran o Pansariling Interes Lamang

Sa gitna ng pangarap natin para sa isang mas maunlad na bansa, laging umuusbong ang usapin ng “Charter Change” o ang pagbabago ng ating saligang batas. Ang isinusulong na transpormasyon ay magdudulot nga ba ng kabutihan sa lahat o baka naman iilan lang ang aangat?

Ilang beses nang nagtangka ang mga nakaraang pamunuan kabilang na rito ang adminitrasyong Estrada, Arroyo at Duterte sa planong amyendahan ang ating Konstitusyon. Subalit, bigo ang mga ito na mahikayat ang sambayanang Pilipino upang umpisahan ang transisyon.

Nabuhay muli ang usapin hinggil sa Charter Change (Cha-cha) makaraang sabihin ni House Speaker Martin Romualdez noong Disyembre 2023 na dapat talakaying muli ang 1987 Constitution.

Ayon kay Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez, Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, marami umano ay pabor na amyendahan ang 1987 Constitution na nakatutok sa economic provision. Sa kabilang banda, maraming mambabatas at mga senador ang malamig sa isyu ng Cha-cha.

EDITORYAL | P. 5

NILALAMAN

Bansang Pilipinas at China pinermahan ang labing apat na bilateral na kasunduan, Enero 4, 2023, sa Beijing, China—para...

Sa paglipas ng panahon, ang sektor ng edukasyon ay patuloy na nagbabago upang...

BALITA| P. 2

OPINYON| P. 7

Paraiso, katagang lumalabas sa bibig ko sa tuwing napapadpad ako sa lugar na ito. Tila lagusan patungo sa magarbong kaharian. Isang planta kung saan ...

LATHALAIN| P.9

Isang mayabong na pasko na naman sa science high, ika-anim ng Disyembre, 2023 nang mag-organisa ang Familia Scitechista ng isang espesyal...

AGTEK| P. 12

PEBRERO 2024 TOMO I, BILANG I

DepEd: Mga Guro sa Public Schools, aalisan ng admin tasks

pagbabago.

ormal na inilabas ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte ng Department of Education (DepED) ang Order No. 002 series of 2024, na pinamagatang “Immediate Removal of Administrative Task of Public School Teachers” noong ika-26 ng Enero, taong kasalukuyan sa ikalawang Basic Education Report ng DepEd. Ang inisyatiba na ito ay bilang tugon sa matagal ng mga alalahanin ng mga guro tungkol sa dumaraming pasanin sa pangangasiwa, na kadalasang nakakabawas sa

Muling Binuksan ng

KSTHS

Bagong Ekspedisyon, N

agbalik eskwela ang mga mag-aaral ng

Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), Enero 3, 2024, sa F.L. Pena, Kabasalan, Zamboanga Sibugay, upang masimulan ang bagong taon, at bagong kabanata bilang isang Scitechista nang may sigla at positibong enerhiya.

Bakas sa mga mukha ang pananabik at saya ng mga estudyante, guro, at kawani sa muling pag-apak sa loob ng paaralan.

Binalot naman ng halohalong emosyon ang lugar sa muling pagkikita-kita ng bawat isa mula sa mahabang bakasyon.

Ang mga guro, Supreme Secondary Learner Government (SSLG), at maging ang Indayog Performing Arts (IPA) ng paaralan ay naglaan ng masidhing paghahanda sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral.

Sinimulan ang araw ng mga aktibidad at tanghalan na tiyak na pinasigla ang bawat isa.

Sa kabuuan, isang maligayang araw ang pagsalubong ng KSTHS sa bagong taon; ang umpisa ng bagong kaalaman, pagkakataon, at abentura sa larangan ng edukasyon.

Ikanilang kakayahan na matutukan ang pagtuturo at makipag-ugnayan sa mga mag-aaral.

“Let us bring our teachers back to the classrooms” ani ni Vice

Pres. Duterte na nagpapatunay ng kanyang kagustuhang matuonan ng mga guro ang pagpapaturo at pakikipagugnayan sa mga estudyante.

Ayon

kay Vice Pres. Duterte, panahon na para ibalik sa classroom ang mga guro. Kaugnay nito ang paglalabas naman ng Department Order ng DepEd para sa pormal na pagpapatupad ng direktiba. Bukod dito, maglalaan din ang DepEd ng pondo para sa mantinimiyento at iba pang Operating Expenses ng mga paaralan para makakuha sila

Pinagkunan ng Larawan:rappler.com

ng kinakailangang suporta.

Sa huli, agad ding ililipat ang mga administrative duties ng mga guro sa mga school heads at mga non-teaching na tauhan, habang nagbigay ng 60 araw para agad na maka-recruit ng mga administrative support personnel.

Pilipinas, China Nilagdaan ang 14 Bilateral Agreement

Bansang Pilipinas at China pinirmahan ang labing apat na bilateral na kasunduan, Enero 4, 2023, sa Beijing, China—para sa inaasam na pagbabago.

Nakarating ang Pangulo ng Pilipinas, Ferdinand Marcos

Jr. sa Beijing, Enero 3, 2023, Martes, para sa tatlong araw na state visit sa China.

Sa panahon ng kaniyang pagbisita ay nagkaroon ng pagpupulong si Pangulong Marcos kasama ang Pangulo ng bansang China na si Xi Jinping. Maging sina

Shannon Herrera

Primier Li Keqiang at Chairman Li Zhanshu ng Standing Committee of the National People’s Congress (NPC) ay naroon din sa nasabing pagpupulong.

Pinahayag naman ni Pangulong Marcos ang kaniyang

intensyon sa pagresolba sa isyung territoryal disputes sa South China Sea, ayon sa inilabas na balita ng Philippines’ Office of the Press Secretary. Sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga iba’tibang industriya ang kasunduan, kabilang ang agrikultura at turismo. Ang isinagawang state visit ng Pangulo sa China ay isang makabuluhang hakbang pasulong sa pagbabago at pagkakaisa ng bansang Pilipinas at China.

Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa, matagumpay na

nilunsad ng Kabasalan Science and Technology High School ang simula ng selebrasyon ng “Buwan at Araw ng Pagbasa” (PBAP), Nobyembre 7, 2023 na may temang “PAGBASA: Pag-asa sa MATATAG na Kinabukasan”.

Pinangunahan ni Gng. Eden Becera, coordinator ng reading club ang pagsisimula ng naturang selebrasyon kung saan ay kanyang kinuha ang atensyon ng mga estudyante sa mga trivia na kanyang binahagi.

Sinundan naman ito ng mystery reading ambassador kung saan ay nagbahagi sya ng isang kuwento at nagtanong ng mga samut-saring katanungan para masagutan ng mga estudyante.

Nagkaroon din ng Quiz bee at Spelling bee kung saan ay ipinamalas ng mga estudyante ang kanilang angking talino at husay pagdating sa mga larangang ito.

Sa ilang araw na pagpapatuloy ng selebrasyon ay nagkaroon din ng paggawa ng poster at islogan na may kategoryang Ingles at Filipino.

Ipinakita rin ng mga estudyante ang kanilang mga talento sa iba’t-ibang patimpalak katulad ng spoken poetry, storytelling, speech choir, at interpretative dance na aktibong nilahukan ng bawat baitang.

Sa pagtatapos ng selebrasyon, inihayag ni Gng. Becera ang kanyang taos

pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok. Ika-apat ng Disyembre taong 2023 ay ang pag-anunsyo ng mga nagwagi sa bawat patimpalak.

Shannon Herrera PARA SA PAGBABAGO. Ayon kay Bise President Sarah Duterte, layunin nitong makapag pokus sa pagtuturo ang mga guro kaya aalisin na ng Department of Education (DepEd) ang non-teaching duties sa kadahilanan ng
02 BALITA Ang anyuhay
Criziel Jhane Malagum KASUNDUANG PAGBABAGO. Bansang Pilipinas at China nilagdaan na ang 14 Bilateral Agreement taong 2023; napagkasunduan para sa ating bansa, para sa pagbabago Pinagmulan ng Larawan: benarnews.org
TAYO NA’T MAGSAYA. Matagumpay na inilunsad ang Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa (PBAP) sa paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), tamasahin at magsaya Scietechista.
inilunsad
Shannon Herrera Pinagkunan ng Larawan: benarnews.org

Catch-up Fridays, inilunsad

Sa Enero 12, sa kasalukuyang taon, ang Department of Education (DepEd) ay matagumpay na nagbukas ang mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) bilang bahagi ng kanilang pambansang proyekto na tinatawag na ‘Catch Up Fridays’, alinsunod sa DepEd Memorandum No. 001. Isa sa mga pangunahing aktibidad ng nasabing programa ay ang DEAR o ‘Drop Everything And Read’, na itinuturing ng DepEd bilang isang mahalagang paraan upang tugunan ang problema ng Pilipinas sa larangan ng pagbabasa

Ang pagbubukas ng programang ito ay pinangunahan

ni Gng. Eden R. Becera, kasama ang mga guro mula sa Language Department.

Sa pamamagitan ng proyektong DEAR, layunin ng KSTHS na palakasin ang kasanayan sa pagbabasa ng kanilang mga mag-aaral, na isa sa mga pangunahing kakayahan na kanilang kailangan sa pag-unlad hindi lamang sa akademikong larangan kundi pati na rin sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Ang nasabing proyekto ay itinuturing na isang mahalagang hakbang sa pagtugon sa mga hamon sa edukasyon sa bansang Pilipinas partikular na ang kakulangan sa kasanayan sa pagbabasa ng mga estudyante.

Sa pamamagitan ng DEAR, umaasa ang DepEd na mabuhayan ng sigla ang interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman at pang-unawa sa iba’t-ibang larangan.

Inaasahang ang proyektong DEAR ay magiging tulay upang maging matagumpay ang pagpapalakas ng kasanayan sa pagbabasa ng mga aaral sa KSTHS. Ang patuloy na suporta at pagpapalakas ng programa ay naglalayong makamit ang mas mataas na antas ng edukasyon at kaginhawaan para sa bawat magaaral at guro ng paaralan.

90%

10%

887 - SANG-AYON 99 - DI SANG-AYON

Pagsasanay ng Kaisipan: Programa Para sa Pagkatuto at Pagpapabuti

Barkadahan Kontra Droga,

Pinangunahan ang Drug Symposium

Sa kagyatang oras, ang alitan sa pagitan ng Israel at Palestine ay nagiging masalimuot sa mga aspeto ng teritoryo, seguridad, at relihiyon. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 27,585 na ang naitalang bilang ng mga namatay sa nasabing bakbakan habang mahigit 66,835 naman ang sugatan.

Sa Gaza Strip at West Bank, kung saan kadalasan nagaganap ang pagatake, nagsasanib-puwersa ang Hamas militants at iba’t ibang Palestinian factions upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at itaguyod ang ideya ng isang malayang Palestina. Ang nasabing alitan ay may kahulugan sa ating kasaysayan, at pinaniniwalaang ang pangyayaring ito ay hindi lamang nag-ugat sa kasalukuyan kundi mula sa mga nakaraang kaganapan.

Sa kabila ng pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan, ang tensyon ay patulong lamang na tumitindi, lalo na sa mga banal na lugar tulad ng Jerusalem,

kung saan matatagpuan ang Al-Aqsa Mosque compound na nagiging sentro ng labanan, inaasahan rin na ang kontrol sa mga banal na pook ay nagiging sanhi ng pag-aaway sa pagitan ng mga Hudyo at Muslim, na nagdadala ng masusing pagmamanman at pangamba sa buong mundo.

Ang matinding sagupaan sa Gaza Strip, kung saan masalimuot ang kalagayan dulot ng likas na kahirapan at kawalan ng katiyakan, ay nag-udyok sa Israel na magkaruon ng pag-atake ng militar, habang nagiging biktima naman ang mga sibilyan. Ang mga insidente na ito ay madalas na nagdudulot ng internasiyonal na reaksyon, may mga bansa na naninindigan sa pagsuporta sa bansang Israel at iba’t iba naman ang nagpapahayag ng pangangalampag sa ginagawang hakbang ng bansang ito.

Ang pangkapayapaang pag-uusap ay nagpapatuloy, subalit madalas na nauudlot dahil sa hindi pagkakasundo sa mga pangunahing isyu tulad ng teritoryo, refugee rights, at ang estado ng Jerusalem. Ang iba’t ibang pwersa at organisasyon sa buong mundo ay nakikisali sa usapin, naglalabas ng mga pahayag at hakbang upang iparating ang kanilang pananaw at tulong.

Sa kabuoang usapin, ang alitan sa pagitan ng Israel at Palestine ay may malalim na ugat na kinasasangkutan ng mga aspeto ng teritoryo, relihiyon, at kasaysayan ngunit sa kabila ng digmaang ito ay dumadaig pa rin ang pagnanais ng bawat isa ng kapayapaan at kaligtasan kahit na patuloy ang pag-usbong ng tensyon sa pagitan ng mga bansang sangkot na siyang nagpapakita ng kumplikadong kalikasan ng problema at ang kahalagahan ng pangmatagalang solusyon.

Programang OKY na, Okay pa ng DepEd

Inilunsad ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang Regional Memorandum No. 570 series of 2023, na patungkol sa pagiging bukas sa mga usapin at katanungan patungkol sa buwanang dalaw o regla na naglalayung ibahagi sa lahat ng mga mag-aaral sa bawat rehiyon ang paggamit ng OKY Philippines Period Tracker app. Sa pangunguna ng Scietechista Medics, at ng aktibong pakikilahok ng Rural Health Unit

(RHU) sa lungsod ng Kabasalan, ay naging matagumpay ang pagdaraos ng pagpupulong sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology (KSTHS) patungkol sa programang ito noong Pebrero 16, taong kasalukuyan, na may temang, ”OKY: Period Prowess- Your Encyclopedia for Cycle Mastery” Sa pagpupulong, ay ibinahagi ni Bb. Alexis Adan, kinatawan ng RHU Kabasalan ang kahalagahan ng paggamit ng OKY app, at

ang benepisyong dala nito. “The benefits that you can get from the app is aside from getting to track your period, you also have now an encyclopedia in your hand, that can answer your questions and queries related to menstruation, because I know you guys have a lot.” ani niya.

Matapos ang matagumpay na pagpupulong ay umaasa ang DepEd na mas maging bukas ang bawat isa sa pagsuporta sa mga programang tulad nito na sumesentro sa Comprehensive Sexuality Education.

“ “

DISTRICT-BASED INSET on Higher-Order Thinking Skills Professional Learning Packages (HOTS-PLPS) for Mathematics, Science, and English Teachers

Tatlong araw na kaganapan, Enero 24-26, 2024, sa Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), bilang isang pagsasanay na programa para sa Kabasalan District Secondary Teachers.

Sinimulan ang programa nang inihandang welcoming address ng KSTHS’ PunongGuro II, April Joy B. Solino, at Palinta National High School’s (PNHS) Punong-Guro II, EdD. Jessibeth B. Dela Cruz; kasunod ang pagpapakilala sa mga gurong nasa likod ng pagpupulong.

Ipinaliwanag naman ang dahilan at layunin ng inilunsad na gawain ni District Supervisor, Virginia D. Cabrera.

Kasunod na ipinaalam ng Kabasalan National High School’s (KNHS) Punong-Guro II, EdD. Ulpiano L. Morales Jr., ang pagsali ng iba pang mga paaralan upang maging bahagi sa nasabing programa.

Nagpatuloy ang kaganapan sa isang breakout session, sinundan ng pakikilahok ng mga guro sa isang aktibidad na binansagang “training proper”. Ang lahat ng ito ay pinangunahan ng KSTHS’ Head Teacher I, Eden R. Becera bilang master ng seremonya.

NG PAGBABAGO: Inilunsad ang programang Drop Everything and Read (DEAR) ng
ng edukasyon upang mahubog ang ating komprehensyon
pagbabasa.
BOSES
sektor
at kaalaman sa
Sang-ayon ka ba na nakatulong ang “catch up friday” sa paghubog ng iyong kasanayan sa pagbasa? PAKINGGAN HUWAG SUBUKAN. Illegal na droga, pinabatid ng Barkada Kontra
Droga (BKD) na ito’y huwag subukan para sa kagandahan ng ating kinabukasan. Larawang kuha ni: Jesha Reign G. Amiler
Criziel Jhane Malagum
03 BALITA Ang anyuhay
Jesha Reign G. Amiler

Paskuhang Selebrasyon sa KSTHS, idinaos

Sa naganap na unang bahagi ng paskuhang selebrasyon, Disyembre 13, taong 2023. Ipinamalas ng mga magaaral ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ang kanilang naangking talento sa iba’t ibang paligsahan na bahagi ng programa.

Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral sa iba’t ibang mga paligsahan tulad ng Christmas caroling, pop dance, duet singing, solo singing at malikhaing pagsasadula sa kaarawan ni Kristo.

Inabangan naman ng bawat isa ang anunsyo sa mga nanalo sa patimpalak para sa paggawa ng Christmas Tree at mga parol gamit ang mga recycled materials, kung

saan ay hindi lang nila ipinakita ang kanilang husay at galing sa paggawa kundi ganoon na rin ang kanilang pagpapahalaga sa ating

Sa huli nagging matagumpay ang naturang programa at nag-iwan sa bawat isa ng hindi malilimutang karanasan.

CNN Philippines, Tuluyan Nang Nagsara

Matapos ang siyam na taon, tuluyan nang nagsara ang CNN Philippines, sa ginanap na general assembly, Enero 29, taong kasalukuyan pormal ng inanunsyo ang pagpapahinto sa operasyon ng kompanya.

Slabanan ay kinilala at pinarangalan ang mga baitang na nagwagi sa mga naturang paligsahan

MAHUSCITECHISTA. Ubod ng galing ang mga estudyante sa paaralan ng Kabasalan Science Technology High School (KSTHS) mapakanta man o mapasayaw talento’y walang makakatalo. Larawang kuha ni George S. Danding

Year-End Party, Nagbigay Kagalakan

a kabila ng mga pagsubok at hamon ng nakaraang taon, nagdiwang ang mga mag-aaral ng KSTHS ng isang masayang selebrasyon bilang huling hirit sa Pasko. Disyembere 15, taong 2023, ang buong paaralan ay nagkaroon ng isang makulay na pagdiriwang sa kanilang Year-End Party.

Ilang linggo bago ang nasabing petsa, marami na ang nag-umpisa nang maghanda at magplano para sa espesyal na okasyon. Ang bawat isa ay naglaan ng oras at pagsisikap upang magbihis ng kanilang pinakamaganda at pinakaguwapo. Para sa marami, ito ay isang espesyal na pagkakataon upang ipakita ang kanilang kadalisayan at kagandahan, sapagkat batid nilang isang beses lamang sa isang taon magaganap ang nasabing selebrasyon.

Sa mismong araw ng party, hindi mapigilang sumigla ang bawat mag-aaral sa paligid. Nababakas sa mukha ng bawat isa ang ngiti at kasiyahan habang naglalakad patungo sa paaralan. Agad namang dumating ang excitement sa pagtanggap ng mga regalo mula sa exchange gift. Ang bawat pahayag ng tuwa at kasiyahan ay bumabalot sa hangin, nagpapakita ng diwa ng pagbibigayan at pagmamahalan sa loob ng paaralan.

Kasabay ng mainit na sikat ng araw, ay ang mainit na ngiti na mas nagpapalalim ng samahan at pagkakaisa sa pagitan ng mga mag-aaral. Masayang nagsalo-salo ang lahat, nagbibigay kulay at saya sa pagdiriwang. Sa bawat kainan at tawanan, nadarama ang init ng pagkakaibigan at pagmamahal.

Sa pagtatapos ng programa, hindi nakalimutan ng mga mag-aaral na magbigay ng mga pagbati sa isa’t isa. Binati nila ang bawat isa ng “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!”. Bago maghiwahiwalay, nagkaisa ang lahat na bisitahin ang kanilang mga kaibigan sa ibang seksyon at baitang. Ito ay isang mahalagang bahagi ng selebrasyon, nagpapakita ng diwa ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa buong paaralan.

Sa kabuuan, ang Year-End Party ng KSTHS ay hindi lamang isang simpleng selebrasyon, kundi isang pagdiriwang ng samahan, pagkakaibigan, at pagmamahal. Sa gitna ng mga hamon at pagsubok, patuloy na naglalakas-loob ang bawat mag-aaral na harapin ang bagong taon na puno ng pag-asa at mga bagong pagkakataon.

Mr. and Ms. Santa Claus: Nagdulot ng Kaunlaran

Nagningning ang selebrasyon ng Pasko sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), Disyembre 14, 2023, kasabay ng matagumpay na pagganap ng Mr. and Ms. Santa Claus sa KSTHS covered court. Ang mga kinatawan mula sa bawat seksyon at baitang ng paaralan ay nagpakitang-gilas sa pagbibihis, na nagmumula sa mga malikhain na ideya ng bawat isa upang makabuo ng mga costume na hango sa disenyo ng damit ni Santa Claus.

Sa bawat paglapit sa entablado, hindi lang ang kagandahan ng mga costume ang pinupuri, kundi pati na rin ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pagganap at pagdala ng karakter

ni Santa. Napabilib din ang buong komunidad ng KSTHS sa suportang ipinamalas ng mga magulang sa nasabing programa. Ang Mr. and Ms. Santa Claus ay hindi lamang naging isang selebrasyon kundi isang pagkakataon upang magkaisa at magbigay ng tulong sa paaralan. Ipinagdiwang ito hindi lamang bilang isang kaganapan, kundi bilang isang fund-raising activity na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga kinakailangang proyekto ng paaralan. Sa pagtatapos ng programa, puno ng pasasalamat ang punong guro ng KSTHS na si Gng. April Joy B. Solino, na nagpahayag ng pagkilala sa mga magulang. “The school will be a much better

Ito ay matapos magkasundo ang CNN at ang Nine Media Corp na hindi nalang ipagpapatuloy ang pagpapatakbo nito dahil sa problemang pinansiyal.

Dagdag pa rito ang kakulangan at kahirapan ng network sa ad placements, ang pagbawas nito sa ad revenues at ang pagtaas ng operating cost, kaya wala silang ibang opsyon kung hindi ang ipahinto na lang ang operasyon nito.

Samantala, bakas naman sa mga empleyado ng CNN Philippines ang kanilang kalungkutan na nadarama matapos nilang magbigay ng yakap sa isa’t isa bago pumunta sa general assembly.

Sa huli, may posibilidad din ang CNN na maghanap ng ibang opsyon, gaya ng pagpapatuloy sap ag-ere sa online o sa hinaharap.

place for your children because of your commendable support”, ani niya. Ang matagumpay na pagpapalakas ng programa ay nagbigay-diin sa importansya ng pagkakaisa at suporta sa bawat aktibidad ng paaralan. Matapos ang selebrasyon, ang kasiyahan ay nanatili sa mga mukha ng mga kalahok at tagasubaybay. Ang tagumpay ng Mr. and Ms. Santa Claus ay hindi lamang nagbigay ng mga

masasayang ala-ala, kundi nagdulot din ng malaking ambag para sa ikauunlad

PANALO SA PUSO NG MGA TAO. Nagwagi bilang Mr. and Ms. Santa Claus si Millicent Morales at Geoff Famadico. Kinoronahan sila noong ika-14 ng Disyembre 2023 sa loob ng paaralan ng Kabasalan Science Technology High School (KSTHS). (Larawang kuha ni: George S. Danding) ng paaralan. Jeasha Reign G. Amiler
04 BALITA Ang anyuhay
Criziel Jhane Malagum

EDITORYAL EDITORYAL

Cha rter Cha nge: Kaunlaran o Pansariling Interes Lamang

CRIZIEL JHANE MALAGUM

Patnugot sa Balita

GEORGE S. DANDING

Patnugot sa Lathalain

JOHN MARK B. YANGA

Patnugot sa Isports

NICOLETTE KATE L. DIMATULAC Layout Artist

AHLREN-VEY C. DUMAJEL

Patnugot sa Agham

GEORGE S. DANDING

Patnugot sa Larawan

CASTOR N. SALLES

ANIKA K. CHUA

EIRAH JYNN E. NAVIDAD

ERNEST JOHN E. NAVIDAD

KEITH HERALD L. DANDA Dibuhista

DONNELLY A. DAÑO

DANNIS BETHANY I. BAYARON

MEG LIANNE P. PASAFORTE AL-HAFIZ AHMAD

SHENNAH LI HERNANDEZ

GWYNETH ANN C. FERNANDEZ

RIZZA JOY M. CORTEZ

XIANNE MARGUERETTE P. DAMILES

SHANNON HERRERA

KRISLEOFE B. BARCENILLA

ANGEL VENNESSE D. ANGELES

ANGEL P. FUENTES

NEIL JOHN J. GASPAR

REHAN M. JAIYARI

HAZEL EUNICE C. MASCARIÑA

MHYL TOICHI A. ROBLES

ZION ARTIAGA

ACE JOHN CLAINT SAGARIO AL-HAFIZ AHMAD

MEGAN ANDREA D. MORALES

JHON LOUIE R. TIPOH

KERVY M. GUANZON

AZIEL FAITH D. TASIL

ZYLEN C. MASCARIÑA

MAYETH L. CARCUEVA

REYCELE ANN PALMA

JESLYN GRACE Q. DIVINAGRACIA

RYAN D. BONSOBRE Mga Kasapi

ROSEVY P. TOLEDO

Punong Tagapayo

APRIL JOY B. SOLINO, EDD Punungguro

Nurnadiah M. Manarasal

Inorganisang Pagkakaisa

Huwag Kalasin ang Lubid ng Pagkakaisa

Mainit

ngayon sa taumbayan ang usapin tungkol sa pagsasarili ng Mindanao, matapos itong buksan ni dating Pangulong Duterte. Kaakibat nito ang kontrobersiyal na pagbuwag ng alyansang Marcos-Duterte dahil sa hindi pagkakasundo sa usaping politika tulad ng Cha-cha at people’s initiative. Pagkakaiba-iba upang makamit ang pagbabago, sang-ayon ka ba rito? Ang aking paninindigan ay para sa bayang may kaisahan.

Sa gitna ng pangarap natin para sa isang mas maunlad na bansa, laging umuusbong ang usapin ng “Charter Change” o ang pagbabago ng ating saligang batas. Ang isinusulong na transpormasyon ay magdudulot nga ba ng kabutihan sa lahat o baka naman iilan lang ang aangat?

Ilang beses nang nagtangka ang mga nakaraang pamunuan kabilang na rito ang adminitrasyong Estrada, Arroyo at Duterte sa planong amyendahan ang ating Konstitusyon. Subalit, bigo ang mga ito na mahikayat ang sambayanang Pilipino upang umpisahan ang transisyon.

Nabuhay muli ang usapin hinggil sa Charter Change (Cha-cha) makaraang sabihin ni House Speaker Martin Romualdez noong Disyembre 2023 na dapat talakaying muli ang 1987 Constitution.

Ayon kay Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez, Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, marami umano ay pabor na amyendahan ang 1987 Constitution na nakatutok sa economic provision. Sa kabilang banda, maraming mambabatas at mga senador ang malamig sa isyu ng Cha-cha. Ang mga senador ang naniniwala na hindi dapat ito pagtuonan ng pansin dahil may mas mahalagang isyu na dapat tutukan. Kagaya na lamang ng kung paano matutulungan at mabibigyang oportunidad ang mga kapwa natin na walang trabaho at kung paano mababawasan ang pasanin ng mamamayan gayong tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Totoo nga namang napapanahon na upang baguhin at ayusin ang ating 1987 Constitution sapagkat may mga kwestyonableng economic provisions sa ating Saligang Batas na hindi na akma sa modernong panahon. Ngunit, naibabalita ngayon ang lagda sa “people’s initiative” kapalit ng pera. Halimbawa na rito ang pagbatikos ni Mayor Krisel Lagman Luistro ng Tabaco City, Albay sa mga kongresistang nasa likod ng pagsusulong ng “people’s initiative” para sa Cha-cha sa kanyang lungsod sa pamamagitan ng “signature campaign” kapalit ng maliit na halaga ng pera at bigas.

Higit pa sa lahat, kung ipupursige ang Cha-cha, malaki ang gagastusin sa pagdaraos ng plebisito nito. Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), gagastos ang pamahalaan ng humigit kumulang P13.8 bilyon para sa plebisito. Ang dapat bigyan ng atensyon sa panahon na ito ay ang kalagayan ng bansa na unti-unti pa lamang bumabangon mula sa hagupit na dala ng pandemya. Napakalaking halaga nito na mas marami ang makikinabang kung ibubuhos sa mamamayan. Maraming Pilipino rin ang walang trabaho ngayon na ayon sa datos ng Presidential Communications Office (PCO) ay umaabot sa 1.83 milyon katao. Maaari naman ang pagbabago ngunit gawin ito nang may pag-iingat at malasakit sa kapakanan ng nakararami. Isipin din kung ano talaga ang nararapat na bigyan ng prayoridad. Sa kabuuan, ang Cha-cha ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maunlad at makatarungan na lipunan.

Pag-iling ang iginawad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Department of Justice (DOJ) dahil layunin nilang pangalagaan ang soberanya, integridad at kasunduan sa kapayapaan ng teritoryo. Ang kasalukuyang konstitusyon ng batas ay walang nakalahad na legal na paraan upang maisagawa ito. Maaari nitong palalimin ang umiiral na pagkakabaha-bahagi sa pagitan ng iba’t-ibang etniko at relihiyon sa pilipinas kaya’t mababaw ang kredebilidad ng pagsasariling ito.

Kakulangan sa badyet ng Mindanao ang dahilan kung bakit isinusulong ito. Subalit giit ni Cagayan De Oro 2nd district representative Rufus Rodriguez. “Mindanao produces 22% of the national wealth. why only give 16%?” Ito’y nangyari sa panahon ni dating Pangulong Duterte.

Pagsasarili ng Mindanao ay hindi solusyon upang umunlad ang ekonomiya. Ang tatlong bituin ay dapat samasamang tinitingala sa ating bandila dahil ito’y sumisimbolo sa ating pagkakaisa.

LIHAM SA PATNUGOT

Megan Andrea D. Morales Mahal naming Patnugot,

Trabaho mong usisain ang mga papel na ipinapasa sa iyo, ang kapakanan ng bawat impormasyong ilalabas sa pahayagan ay kargado mo.

Oras at pawis ang inaabot makapaghanap lang ng makabago at patok na isyung ibibigay sa masa. Ang iyong payo ay nagsisilbing gabay sa aming manunulat.

Karanasan at kaalaman mo ay naghuhubog sa aming husay hindi lamang sa pagsulat kundi pati na rin sa pagbuo ng kalidad na impormasyon.

Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong dedikasyon sa pagsulat ng makatotohanan, maasahan at makabagong balita sa ating kabataan. Labis ang aming saludo sa iyong kasipagan!

Larawang guhit ni: Castor N. Salles Dinigitalized ni: Anika K. Chua
05 OPINYON
Ang anyuhay

OPINYON Ang anyuhay

Presyong Lumagpas: Taas ay Dinaranas Presyong Lumagpas: Taas ay Dinaranas

Maraming Pilipino ang nababahala sa patuloy na pagtaas ng o presyo ng mga bilihin sa bansa dahil sa mga hamon na dulot nito sa ating lipunan. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, tumaas sa 6.1% ang inflation rate ng bansa noong Setyembre, na mas mataas kumpara sa 5.3% noong Agosto. Ang pagtaas na ito ay isang malaking hamon hindi lamang sa mga mamamayan, kundi sa buong ekonomiya ng ating lipunan. Kaya mahalagang tugunan ng pamahalaan ang mga suliraning ito upang mabawasan

ang paghihirap ng ating mga kababayan dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ang pandaigdigang pagtaas ng presyo ng mga komoditi tulad ng langis, bigas, at karne ay may malaking epekto sa gastos sa mga inaangkat na produkto, na nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Dahil dito, nababawasan ang purchasing power ng pera ng mga mamimili, na nagdudulot ng pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Ang pagtaas ng mga presyo ay nagdudulot ng

Pag-iling sa Modernong Dyip

Dekada na ang lumipas ngunit ang Pilipinas ay lugmok pa rin sa kahirapan. “Modernisasyon para sa lahat, hindi para sa ilan.” Iyan ang nakaukit sa karatola at nakapaskil sa kalsada na sumasalamin sa pananawagan ng karapatan upang puksain ang kahirapan. Labis na delubyo ang nararanasan ng mga tsuper sa kamakailan na pasya ni Pangulong Marcos Jr. at Transport Secretary Jaime Baustista. Ito ang pagkakaroon ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Kaakibat nito ang pag phase-out sa mga tradisyonal na dyip. Ang pagphase-out ng mga lumang dyip ay hindi makokonsiderang naaayon sa pagbabago.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang modernong dyip ay nagkakahalaga ng 1.6 million pesos hanggang 2.4 million pesos. Kaya’t mabigat ito sa bulsa ng mga tsuper. Inilingan din ito ng mga komuter. Sa datos ng Land Transportation Francising and Regulatory Board (LTFRB) ang dating 12 pesos na pamasahe ay maglalaro hanggang 14 pesos, layunin nito’y upang matugunan ang mahal na maintenance ng modernong dyip at mabayaran ang utang. Ang pagkawala ng mga dyip ay gayundin ang pagkawala ng makulay na kultura natin. Hango ito sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang mga lumang dyip ay kaakibat ang polusyon kaya’t nais lamang nilang pangalagaan ang kapaligiran. Subalit, dalawang porsyento lamang ng mga sasakyan ang mga PUVs kaya’t hindi natin makikita ang kredebilidad ng programang ito. Sa katunayan, ang tuluyang pagkawala ang mga dyip ay pagdami ng pribadong sasakyan, katumbas pa rin nito ang polusyon.

Lahat ng pagbabago ay maaaring sumalamin sa ikabubuti at ikakasama ng sistema. Imbes na tuluyang burahin ang mga dyip, baguhin na lamang ang mga bagay na nagdudulot ng polusyon at hindi na maaaring pakinabangan tulad ng makinarya na luma, pausukan, at mga parte ng dyip na hindi na ligtas gamitin. Sa PUV Modernization Program, tayo’y magkaroon ng pakialam at palawigin ang ating kaalaman upang mga dagok ay matuldukan para sa ikabubuti ng bansa at taumbayan.

dagdag na pahirap sa mga mamamayan, kaya’t mas mabuting ito ay solusyunan na ng ating pamahalaan. Isang malaking suliranin ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin na hindi dapat balewalain, bagkus ito’y nararapat na solusyunan ng ating pamahalaan sapagkat ang ekonomiya ng bayan ang nakataya rito. Kasabay ng gobyerno, ating tutukan at bigyan ng paraan ang paglaganap ng implasyon upang masolusyunan ang suliraning kahirapan at ihanda ang ating lipunan sa isang magandang kinabukasan.

Gumising Ka Kababayan, Nakaraan ay huwag Balikan

IKomentaryo

Ang pagtaas ng inflation rate sa bansa ay nagdudulot ng pangamba sapagkat ito ay posibleng magresulta sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, maaari rin itong makapagdulot ng kawalan ng kapangyarihan ng pera. Tunay nga namang mahalaga ang angkop na pamamahala ng gobyerno sa monetary policies nang sa gayon ay mapababa ang inflation rate at mapanatili ang ekonomikong katatagan.

hinaing at nagbibingihan lamang ang pamahalaan.

Sa itinatalagang surbey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, tumaas sa 3.7 milyong pamilya ang nakakaranas ng matinding gutom sa buong kapuluan ng bansa, ang ipinangakong murang presyo ng bigas noong presidential election ni pangulong Marcos ay hanggang ngayo`y hinihintay ng mamamayan marami ang nagalit, nadismaya, at nagsisisi sapagkat labis silang nagtiwala na matutustusan ng pangulo ang pangagailangan ng sambayanan subalit ang pangako`ng ito ay napako at nasawalang bahala na lamang, dalawang taon na siyang nakaupo bilang president ng ating bansa ngunit tila`y mga plano`ng ipinangako niya, ni isa ay hindi nagawa.

sa sa mga pangunahing isyung kihakaharap ng ating bayan ay ang kahirapan at pagdami ng mga tiwali sa pamahalaan. Sa paglipas ng panahon at pagdaan ng ibat-ibang administrasyon, tila ang mga suliraning ito ay walang kalutasan at patuloy na dinadanas ng mamamayan. Isa sa mga hiling ng karamihan ay ang matugunanan ang mga suliraning ito at maiahon sa kahirapan. Kamakailan lang ay inilunsad ng administrasyong Marcos ang Bagong Pilipinas, layunin nitong isulong ang ‘unity’ sa bawat mamamayan kabilang na rito ang ibatibang sangay ng gobyerno, nais ng pangulo na makamit ang pagbabago sa pamamagitan ng pagkakaisa, subalit sa mga isyung lumalabas ngayon at hidwaang nangyayari sa pagitan na magkaalyadong pamilya, makakamit kaya ng administrasyon ang Bagong Pilipinas na lnaasamasam? Saklaw sa Bagong Pilipinas ang iba’t-ibang serbisyo ng gobyerno. Ibinida dito ang mga plano para sa bayan, isa na rito ang mabilisang usad ng serbisyo ng pamahalaan, subalit ang National ID na napakatagal nang inilunsad ay parang pagong kung umusad, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng karamihan. lyan ba ang matatawag na Bagong Pilipinas?

Ayon sa Memorandum Circular No. 24 na idiniklara ng Malacañang, ang Bagong Pilipinas daw ay isinasalarawan sa pamamagitan ng may prinsipyo, pananagutan, at maasahang gobyerno nais ng pangulo na magkaroon ng malinis na sistema sa pamahalaan. Kay sarap tingnan ang mga salitang nakasulat sa memoranda ngunit kung iisipin, bumabaha ang reklamo ng mamamayan dahil sa katiwalian na siyang dahilan kung bakit marami ang patuloy na naghihirap. Ang mga negosyanteng labis ang pagsisipag upang makaahon sa hirap, hanggang ngayo`y ganon parin, imbes na sila ang makinabang sa perang kinita sa pangkabuhayang ito, bagkus ang mga tiwaling opisyal ang nakikinabang rito, sigaw ng karamihan, “nasaan ang pagbabago?”tila hindi nadidinig ang

Sa kabilang dako, sa inilunsad na rally, may mga ulat na nagsasabing obligadong makiisa ang lahat ng empleyado ng lokal na pamahalaam pati narin ang mga baranggay officials sa nasabing rally. Sinabi ng pangulo “ang pagbabago ay magsisimula sa pamahalaan” subalit sa pag-asta ng gobyerno sa rally ng Bagong Pilipinas ay nagpapakita lamang ito na walang pagbabagong nagaganap sa pamahalaan. Sa kabila ng mga magagandang platapormang inilantad ng administrasyon, hindi maiwasang magtaka ang karamihan kung ang mga pangakong ito’y maisasakatuparan o maisasawalang bahala lamang, napakaraming pangako ang ibinida ngunit napakahirap magtiwala. Katiwalian sa pamahalaan ay ramdam ng karamihan, pagsasamantala sa posisyon at kapangyarihan ay nararapat nang tapusin sapagkat ang sambayanan ang siyang naghihirap. Huwag nating hayaan na maulit ang nakaraan, matuto sa pagkakamaling nagawa ng ating angkan, imulat ang isipan at huwag magpadala sa matatamis na salitang binibitawan ng pamahalan. Gumising ka kababayan; Hindi solusyon ang Bagong Pilipinas sa paglutas ng mga suliranin ng ating bayan.

guhit ni:Castor N. Salles Dinigitalized ni: Eirah Jynn E. Navidad
Larawang
Jhon Louie R. Tipoh Megan Andrea D. Morales Businang Pagbabago
06
Mata’y Mulatin

Implementasyon:

Pagsasaayos ng Edukasyon

Sa paglipas ng panahon, ang sektor ng edukasyon ay patuloy na nagbabago

kontrobersyal na isyu na umuugong ngayon ay ang pagtatanggal ng Senior High School (SHS) program sa ilalim ng mga State Universities and Colleges (SUC) at Local Universities Colleges (LUC).

Nararapat na DepEd ang mangasiwa sa K-12 dahil ito ay kanilang programa.

“Ang basic at secondary education, ang may mandato

niyan ay ang DepEd at hindi CHEd” ani Sec. Prospero De Vera lll, ang Chairman ng Commission on Higher Education. Higit pa rito, ang pagtatanggal ng SHS Program sa mga SUC at LUC maaaring ituring na paraan upang mapabuti ang kalidad ng kanilang edukasyon at mas matututukan nila ang higher education.

Ang kakulangan sa pasilidad at mga silid-aralan sa SUC at LUC ay matutuldukan na.

Ang isyung ito ay nadudulot ng

domino effect at maaaring maaapektuhan ang edukasyon ng mga kabataan. Ani naman ng DepEd Spokesperson na si Atty. Michael Poa, “Based on the Regional Directors, our public schools will be able to accomodate those that may be displaced,” kaya hindi dapat mabahala sa lilipatan kung sakali man dahil may mga pampubliko at pribadong paaralan na bukas pa rin at handa sa pagtanggap ng SHS students.

Overachieving:

Tama o Hadlang?

Lubusang nagsisikap ang mga estudyante lalo na sa panahon ngayon. Kahit saang anggulo mo man ito titingnan, karamihan ay matatawag na nating “grade-conscious”, o may malawak na pakialam sa markang makukuha sa paaralan. Sabihin man nila na “Grades don’t matter”, ngunit patuloy parin na iniiyakan ang mababang marka na makukuha sa tuwing inilalabas na ang mga grado. Nang dahil dito, ay nagbunga ang pagiging “overachieving” na katangian ng mga estudyante na sa pagdaan ng panahon ay nagresulta ng hindi ka nais-nais na epekto sa kalusugan ng mga mag-aaral at pakikipag-ugnayan nila sa iba’t-ibang tao.

Maraming mga usapin ang nagsilabasan tungkol sa mga estudyanteng pinagsisihan ang pagsusumikap ng lubusan sa kanilang pag-aaral. Totoo nga na ang kapalit sa isang nagniningning na medalya ay ang paglala ng “mental state” at pagkawala ng ugnayan sa mga kaibigan at mga kaklase. Ayon sa National Alliance on Mental Illness (NAMI), 16.5% ng mga kabataan na may edad na 6-17 ay nakakaranas ng mga mental health disorder nang dahil sa kagustuhan nilang maging matagumpay at maging perpekto sa larangan ng akademya. Pagkawala ng interes sa mga bagay-bagay at pagpokus lamang sa mga aralin ay siyang nagiging priyoridad ng isang mag-aaral. Ito ay nagbubunga ng mga hindi magandang pag-iisip kung saan nasasaktan na nila ang kanilang mga sarili. Untiunti rin nitong mararanasan ang sakit at poot sa pagkawala ng mga kaibigan dala ng paglala ng “mental health” ng estudyante, at ang pagkaroon ng pakiramdam na parang wala ng kakampi at nag-iisang kumakayod upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng walang ibang masasandigan.

Sa likod ng isang uniporme, ay mga batang nais tamasin ang kasiyahan ng pagiging estudyante. Sabi nga nila, “Live life to the fullest”, kaya kahit nalulunod na sa mga responsibilidad na iniaalsa, hindi hadlang ang pagiging mag-aaral upang magsaya at maranasan ang kaligayahang hatid ng pagiging bata. Naaabot ang pangarap nang hindi nagdurusa sa pait dala ng isang mag-aaral na nabulag sa sariling pangarap. Ang magsaya at matamasa ang kaligayahang dulot ng pagiging isang estudyanteng bata ay hindi masama. Gayundin ang pagpapahalaga at pag-una sa sarili kahit na nagsusumikap para maabot ang mga pangarap.

Maaari naman ang mga pagbabago basta’t wasto ang pagsasagawa nito. Sa pagbuo ng polisiya ukol dito, mahalaga ang masusing pagsasaliksik, konsultasyon sa iba’tibang sektor, at patuloy na pagsubaybay para sa mga posibleng adjustment. Ang pangunahing layunin ay dapat palaging naka-angkla sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon at pagbibigay ng pantay-pantay na oportunidad para sa lahat ng kabataan.

Mahalaga ang artikulong ito dahil tinalakay nito ang isang kontrobersyal na isyu sa edukasyon—ang pagtanggal ng Senior High School Program sa ilalim ng State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs). Nakakatuwa dahil ipinakita dito ang pananaw ng iba’t-ibang sektor hinggil sa layunin ng pagpapa-unlad ng edukasyon, na siyang nagbigay ng masusing perspektiba ukol sa isyu. Sa kabuuan, ang artikulong ito ay naglalaman ng mga impormasyon na nagbibigay ng batayan para sa malalim na diskursyon at maingat na pagpaplano para sa kinabukasan ng edukasyon sa bansang ito.

Liham sa Patnugot

Mahal na Patnugot, “Sinag Soberana” ng Ang Banyuhay

Pagbati!

Ako ay sumusulat upang ipahayag ang aking kagalakan at pasasalamat sa inyong patuloy na pagbibigay ng ‘di matatawarang tapat at makatotohanang balita sa ating mahal na paaralan na Kabasalan Science and Technology High School o ‘Sayansay’.

Bilang isang mag-aaral ng Sayansay, ay napakahalaga para sa akin ang makatanggap ng impormasyon na nagmumula sa mapagkakatiwalaang pamahayagan katulad ng ‘Ang Banyuhay’. Ang iyong dedikasyon sa paghahatid ng mga balitang sumasalamin sa mga kaganapan sa ating paaralan ay nagbibigay sa amin ng inspirasyon at kapanatagan. Sa bawat pahina ng inyong pamahayagan, nasisilayan namin ang inyong layunin na maghatid ng impormasyon na may kalidad at kabuluhan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pagtutok sa mga pangyayari, tagumpay, at seguridad ng paaralan, na siyang nagpapamalas sa pagsulong niyo ng katotohanan at pagpapahalaga sa bawat miyembro ng ating institusiyon . Sa patuloy ninyong paglilingkod, umaasa kami na marami pang magandang balita at kwento ang aming mababasa mula sa inyong publikasyon. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at paglilingkod sa ating mahal na paaralan at sa buong komunidad. Muli, maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo.

Komentaryo Krisleofe B. Barcenilla Mhyl Toichi A. Robles Larawang guhit ni: Keith Herald L. Danda Dinigitalize ni: Eirah Jynn E. Navidad Krisleofe B. Barcenilla Abante Estudyante
07 OPINYON Ang anyuhay
Edu-Aksyon

@Cafe Veranda

Nakaka-adik!

Cafe Veranda, Lasang

KGeorge S. Danding

ay sarap pakinggan ang mga huni ng ibon, kay sarap pagmasdan ang mga makukulay magagandang upuan at lalong lalo na ang mga ngiti ng may-ari na kay sing tamis ng Sa simula ng pagtatatag, ang Cafe Veranda ay nagmula sa salitang Portuges na balkonahe o terrace” na kung saan ang mga inumin ay ginawa dahil ang Cafe establishment. Ang Cafe Veranda ay natatag nong Oktubre 5, 2022 at sa hindi sa Calubihan, Kabasalan, Zamboanga, Sibugay. Isinagawa ito ni Dale Beatrice kapehan.

Nang hindi pa masyadong lumaki ang pwesto ng Cafe Veranda, ito ay orihinal na mayroong apat na mesa na may mga payong sa harap ng bakuran ng establisimyento ngunit nang maglaon ay lumawak sa pagkakaroon ng dalawang pinahabang tent at sa wakas ay lumawak pa sa pagtatayo ng gazebo upang higit na matugunan ang mga customer.

C'zzler's, Problema’y Malilimutan

Ang C’zzleR’s restawrant sa Purok A, Salipyasin, Kabasalan, Zamboanga Sibugay ay isa sa mga kilalang sikat na kainan dito sa Kabasalan. Kilala ito sa kanilang nakakatakam at napakasarap na pagkain na hinding-hindi mo malilimutan. Ang napakaingganyong restawrant nila ay naging isa sa mga paboritong destinasyon, kainan at tambayan ng mga lokal dito sa Kabasalan at kababayan dito sa probinsya ng Zamboanga Sibugay, dahil sa napakasarap nilang pagkain at napakamabuting serbisyo.

Halos estudyante ang pumupunta sa Cafe Veranda dahil sa kakaiba balikan kasi napakasarap ang amoy nito at mapapatikim ka talaga sa lasa nito. Ikaw mahilig ka rin ba sa kape? Yung kape na hinding-hindi mo malilimutan yung lasa nito na kay sarap kapag nasa Cafe Veranda ka.

@Goodyear

Nag-aalok ang Cafe Veranda ng mga inumin mula sa expresso based coffee, non-coffee drink, at powdered coffee. Maaaring ihain ang mga ito bilang mainit o malamig. Ang isa pang item sa menu ay ang lutong bahay na donut na niluluto arawaraw ng mismong may-ari. Ang donut ay nag-iiba mula sa alcapone, tsokolate, oreo, tsokolate almond, matcha, puting choco, strawberry at iba pa.

Sa Cafe Veranda umaalok din sila ng donut na kay sarap at napaka-sakto lang yung tamis nito. Kaya habang umiinom ka ng kape at kumakain ka ng donut ay malalasahan mo talaga ang tamis na hindi maibabalik ng kahapon.

Paaralang Hatid ay Kaalaman

Sabi nila ang buhay ay isang paraan para makamit mo ang iyong pangarap ng may katiwasayan, sa pagtingala ko sa himpapawid aking nasilayan ang mga bughaw na ulap at kalangitan na sumisimbolo

sa kapayapaan. Habang sinimulan ko ang aking paglalakbay patungo sa luntiang paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) bumungad kaagad sa akin ang kumikinang na sinag ng araw, amoy rosas na simoy ng hangin na dumaplis sa aking kayumangging balat, mala berde na silid-aralan at ang malaking ngiti ng mga guro at mag-aaral na kalugod-lugod sa aking paningin. Sa pagpasok ko sa apat na sulok ng silid-aralan ay ramdam ko na ang pagkamit tagumpay sa paghubog ng aking kaalaman. Nagmumutawi sa aking isipan na balang malalagpasan ko ang mga hamon na dumating sa aking buhay. Sa kabila ng mga patuloy humahamon saking kasarinlan ang mga turo ng aking guro ang aking mga at inspirasyon ko para malagpasan ko ang pasakit sa hinaharap. Mga panghihikayat mga kaibigan, at kapayapaang ibinibigay ng institusyon na ito ang nagsisilbing instrumento pagkamit ko sa aking layunin. Ang KSTHS ay tahanan ng 42 na bilang ng mga guro bilang ng mga estudyante. Akala ng iba sa akademiko lamang ang galing ng mga ngunit sa kabilang dako mahusay din sila sa larangan ng isports, musika, sayaw at pamamahayag. Taglay ng mga Scitechista ang talino at kasanayan na maipagmamalaki ng paaralan. Sa paaralan ng KSTHS hindi hadlang ang mangarap sa buhay. Subukan mo dahil kaya mo makakaya kung hindi mo ito susubukan, huwag mong sayangin ang pangarap dahil mangarap. Ang KSTHS ay institusyon ng paglago at pagbabago . Ito’y naging tahanan ibang indibidwal na tanyag sa kanilang kasanayan. Nagpapatunay lamang na ang kasabihang “once a scitechista, always a scitechista,” ay nariyan na sa bawat yugto.

Bida ang

Ang C’zzleR’s ay itinatag noong 2018 ng mag-asawang Capisen, ang napaka poging si Ginoong Rian Richter D. Capisen at napaka dyosang si Ginang Ruth P. Capisen. Noong una ay matatagpuan ang C’zzleRs sa Sta. Cruz, Kabasalan, Zamboanga Sibugay, sa harap ng Candie’s Restaurant. Ngunit ngayon ay lumipat na sila sa Purok A, Salipyasin, Kabasalan, Zamboanga Sibugay. Sa harap ng kanto kung saan ang daanan ng mga estudyante sa Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) na minsan ay dinadaanan din ng mga estudyante ng Kabasalan National High School (KNHS). Ang kanilang puwesto ay napakadaling puntahan, lalo na at malapit ito sa mga paaralan ng Kabasalan. Ilang hakbang lang ay mararating mo na ang kanilang restawrant. Sa kabuuan, ang C’zzleRs ay isa sa paborito ng mga lokal sa Kabasalan, at kahit na rin ng mga dayuhan. Dahil sa kanilang magandang serbisyo, maayos na puwesto at komportable na mga kagamitan. Ang kanilang restawrant ay garantisado at rekomendado ng mga nakakarami.

Mon’s H

indi maipagkakait at kay gandang pagmasdan sarap isa na dito pagkain na hindi mo malilimut-limutan. Ang Mon’s Sutukil Sibugay walang iba kundi mambibili. Katulad ng Sinugbang kay sarap higupin ang init Ang pagluluto ng kundi marami pang bagay tumigil ka dahil baka ito na

v
Ryan D. Bonsobre
08 LATHALAIN
nga nila, nagsimula makabagong inobasyon

makukulay na ilaw sa gilid ng mga

ng kape na nakaka-adik.

na veranda, ibig sabihin ay “mahabang Veranda ay isang home based hindi kalayuan, ito ay matatagpuan Beatrice M. Famadico, ang may-ari ng ang lasa nito kaya din ito binabalik-

Goma: Amoy ng Bagong

Pag-Asa

PAng Paraiso sa Bayan ng Kabasalan

Sa isang maliit na barangay sa Munisipalidad ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay matatagpuan ang nakatagong kayamanan at ang ipinagmamalaki ng mga Kabasaleños dahil sa ganda at kakaiba nitong istraktura. Ito ay sikat na dinadayo ng mga Sibugaynons dahil sa natural nitong mainit na tubig. Ang naturang resort ay pinalilibutan ng mga puno ng goma na maganda sa ating pagpapahinga at paglilibang.

Gusto mo bang mag relax at mag libang? Halina’t tuklasin ang kayamanan natin! Maligayang pagdating sa ipinagmamalaki ng mga Kabasaleños, ang Garbemco Hot Spring Resort.

araiso, katagang lumalabas sa bibig ko sa tuwing napapadpad ako sa lugar na ito. Tila lagusan patungo sa magarbong kaharian. Isang planta kung saan maraming natutulungang mamamayan.

Sa lihim at liblib na lugar ng Kabasalan sa Barangay Goodyear ay matatagpuan mo ang isang umuusbong na pananim na kung tawagin ay “goma” o “rubber” sa Ingles. Kung lalakbayin mo ang lugar na ito ay masisilayan mo ang mga matatayog na puno ng goma kung saan naging tirahan na ng mga iba’t ibang uri ng ibon. Matatanaw mo ang nakahilerang mga puno na tila ba ay napakaperpekto sapagkat pantay talaga ang pagkatanim ng mga ito. At tiyak pawis mo’y tagaktak kung lalakbayin pa. Hindi lamang ito patungkol sa kung gaano ito

ang inyong pagbabakasyon, ang renta ng mga kubo ay nakadepende sa laki nito.

kaganda, ang planta na ito ay ang nagtataguyod ng industriyalisasyon ng produksiyon ng goma sa lungsod ng Kabasalan. Itinatag ito noong 2010 kung saan obhektibo nitong maglaan ng oportunidad sa mga lokal na mamamayan na palakasin ang pwersa ng sektor ng agrikultura sa rehiyon. Ito ang pinagkukunan ng pagkain ng karamihan sa Kabasalan sapagkat ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay ang pagtatanim ng goma o kung sa lenggwahe pa nila ay “mananggutay ug goma”. Dugo at pawis ang puhunan sa bawat proseso ng goma kaya ito ay sining at hindi lamang isang hamak na produkto. Hindi maikakaila na sikat ang Zamboanga Sibugay na pangunahing tagaproduksiyon ng goma at dahil ito sa sipag at dedikasyon ng mga lokal na manggagawa. Ang pagpapahalaga nila sa kalikasan ay ang naging bunga sa isang tanawin na kay sarap balik-balikan dahil sa hitsura nito at sa simoy ng hangin na malalanghap mo. Naging resulta rin ito ng isang produkto na lubhang kailangan ng merkado kahit pa ay mabaho ito.

Isa itong patunay na sa tulong ng sanib pwersa ng mga taumbayan ay makakalikha tayo ng pagbabago. Sabi pa nila, “slowly but surely” kagaya sa Garbemco Rubber Plantation, na nagsimula sa maliit na produksyon, ngunit sa tulong ng dedikasyon at inobasyon ay napalago ito. “Taga Kabasaleños, Ato Ni”.

ang sarap at saya sa

Mon’s Sutukil

George S. Danding

maipagkakait nating mga Pilipino ang ating mga pagkaing niluto sa ating bahay lalo na’t ito ay napakakulay pagmasdan ng ating mga nagniningning na mga mata lalo nat amoy palang mapapasubo kana sa ang pagkaing Mon’s Sutukil , amoy na kay sarap balik balikan, lugar na kay gandang pagmasdan at malilimut-limutan.

Sutukil ay nagawa noong Hunyo 20, 2020. Ito ay matatagpuan sa napakagandang lugar dito sa Zamboanga sa Lumbayao, Kabasalan, Zamboanga Sibugay. Marami silang mga pagkain na kay patok para sa mga Sinugbang isda na amoy palang mapapatakam kanalang dahil sa sobrang bango nito, tinolang isda na init na sabaw nito at, crispy pata na sobrang malutong at napakasarap kainin. ibat ibang putahe ay nakakatuwang pagmasdan dahil hindi kalang naka pokus sa isang recipe bagay ang alam at kaya mong gawin. Kaya kung masipag kalang sa pagluluto walang hadlang para na ang iyong daan tungo sa kaunlaran.

Gusto mo ba ipagdiwang ang iyong kaarawan, anibersaryo, o pagtitipon? Walang problema iyan, dahil ang Garbemco, Hot Spring Resort ay may malaking function hall na pwedeng pwede sa mga selebrasyon. Ang resort na ito ay sikat dahil sa natural at mainit na tubig nito. Ito ay pinaniniwalaang may bulkan sa ilalim. Ang mainit na tubig ng resort ay nakakatulong sa sirkulasyon ng ating dugo, nagtatanggal ng sakit ng ating katawan, at nakakabawas ng stress. Ito rin ay mayaman sa magagandang tanawin, mga naggagandahang bulaklak, ilaw, at mga halaman na kay sarap amuyin. Masasaksihan mo rin ang kagandahan habang palubog ang araw, ang ginintuan nitong tanawin habang pinapalibutan ng kay sarap na simoy ng hangin at magandang tanawin. Ang pag mamahal ng mga tao dito ang pumupuno sa kagandahan nito. Garbemco Hot Spring Resort, ang resort na kakaiba sa iba at napakamura pa. Halina’t dayuhin ang ipinagmamalaki ng mga Kabasaleños. Sa halagang 50 pesos na entrance fee, masisigurado mo ang iyong kaligayahan at bakasyon na hindi mo pagsisisihan.

Ang Garbemco Hot Spring Resort ay matatagpuan sa Barangay Goodyear, Kabasalan, Zamboanga Sibugay. Ang naturang resort ay may apat na pool; tatlo para sa mga bata, at isa naman para sa mga matatanda. Ang resort ay may malinis na banyo, may lababo na mapaghuhugasan ng iyong pinagkainan, at mayroong tindahan na mabibilhan ng mga pagkain sa loob nito. Ang naturang resort ay may mapagkakatiwalaan na mga bantay para sa ating mga sasakyan. Ang entrance fee ng resort ay mura lang, sa halagang 50 pesos matatamasa mo na ang kaibigibig nitong natural na ganda, hindi masakit sa bulsa at kayangkaya ng masa. Matitiyak mo ang kalinisan at ang kaligtasan ng bawat isa dahil maraming mga lifeguards na naka bantay sa paligid. Ang resort ay may mga nipa hut o kubo upang mas komportable (KSTHS) simoy ang pagkamit ng balang araw ay dagok na mga gabay panghihikayat ng aking instrumento sa guro at 934 na mga Scitechista, pamamahayag. mo, hindi dahil libre lang tahanan ng iba’tNagpapatunay scitechista,”

@Goodyear
Jeslyn Grace Q DIVINAGRACIA
@Garbemco 09 LATHALAIN
Reycele ANN pALMA
LATHALAIN

LATHALAIN

Tree Planting, inorganisa ng Familia Scitechista

Ahlren-Vey C. Dumajel

Isang mayabong na pasko na naman sa Science High, Disyembre 6, 2023 nang mag-organisa ang Familia Scitechista ng isang espesyal na tree planting upang mapanatili ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. Nagkaisa ang mga guro at student leaders na magtanim ng mga punla, na nagpapahayag ng matinding pagmamalasakit sa kalikasan at kinabukasan ng ating mga kabataan.

Ang pagtatanim ng mga puno ay hindi lamang nagpapaganda sa paaralan, kundi nagtatanim din ng mga binhi ng kamalayan sa kalikasan sa puso ng mga mag-aaral. Sa temang “236,000 trees – a Christmas gift for children”, ang proyekto ay nag-iiwan ng pangako sa kalikasan at naglalayong magbigay ng mas magandang kinabukasan para sa mga bata, na lumaking may nalalanghap parin’g sariwang hangin mula sa mga puno.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, ipinakita ng KSTHS ang dedikasyon’g mapayabong ang kaalaman tungkol sa kalikasan at pagpapalaganap ng mga gawi na nakikinabang dito. Lubos ang suporta ng punong guro na si April Joy B. Solino sa tagumpay ng proyektong ito at ipinagmamalaki ang pagtutulungan ng lahat.

Bilang pagpupugay sa mga guro, student leaders at lahat ng lumahok, ang pamaskong regalo na ito ay hindi lamang magkakaroon ng positibong epekto sa kapaligiran kundi lilikha din ng mga ala-alang puno ng saya at pakikipag-isa.

BAGO ANG BAHA

-Maghanda ng emergency kit.

-Magplano kung saan lilikas.

HABANG BUMABAHA

-Lumikas kaagad, kung sinabing lumikas.

-Umiwas sa mga tulay na may mabilis na umaagos na tubig.

Ding Dong:

Pasko na!

LDRRMC kahandaan, baha lutasin

Berde, ito ang kanyang karaniwang kulay. Kadalasan ay puti, nagrerepresinta ng kalamigang dulot niya. Dilaw, ito na sumisimbolo sa paggabay sa Kaniya. Makukulay na bilog naman para sa iba’t ibang katangian ng mundong ginagalawan. Isang bagay na tinatayo at hindi nawawala tuwing sumasapit ang isang taunang okasyon. Isa sa mga bagay na sumisimbolo ng pagsisimula ng selebrasyon para sa isang kaarawan. Isang bagay na maaaring magawa gamit ang iba’t ibang materyales. Katulad na lamang ng mga bagay na tinatapon ngunit maaaring magamit pa.

SPAGKATAPOS NG BAHA

-Umuwi lamang kapag sinabi ng mga awtoridad na ligtas ito.

-Makibahagi sa gawaing paglilinis ng sakuna

a harap ng patuloy na hamon ng pagbaha sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay sa lungsod ng Kabasalan, ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC )ay sumesentro sa mga modernong solusyon upang mapababa ang pinsala at magbigay ng agarang tugon sa anumang kalamidad. Ang pagbabago sa klima at ‘di-inaasahang pagtama ng mga kalamidad ay nag-udyok sa LDRRMC Kabasalan na patuloy na magmonitor sa mga bagong panganib. Isa sa mga pangunahing hakbang na kanilang ginagawa ay ang paggamit ng advanced na teknolohiya sa pagsubaybay sa panahon, kasama ang paggamit ng mga early warning systems, upang magbigay ng maagap na babala sa mga residente.

Bukod dito, pinaiigting ng LDRRMC Kabasalan ang paggamit ng Geographic Information Systems (GIS) upang masuri at maipaabot sa mga mamamayan ang mga hazard map at evacuation routes. Sa ganitong paraan ng sistema, mas nagiging handa ang mga residente at mas nauunawaan ang mga peligro na maaaring idulot ng pagbaha.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, inaasahang mas mapaglilinis ang epekto ng pagbaha at mas mabilis na maibabalik ang normalidad sa lungsod ng Kabasalan sa kasong ng anumang kalamidad.

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng traditional na kaalaman at modernong teknolohiya, magiging handa at matatag ang ating komunidad sa anumang hamon ng kalamidad.

Bote na plastik, kaibigan mo na akala mo tapat sayo. Ito ay maaaring magamit para sa panloob na parte at maaari ring gawing disenyo. Magazine na naglalaman ng mga modelo, tiklupin ito at gawing bulakbulak, gaya ng mga salitang kaniyang sinambit sa iyo. Ito ay maaaring idikit upang maging mas kaaya-aya sa pananaw ng iba. Straw na nakakalat sa iba’t-ibang parte ng kapaligiran. Hindi kaayaaya sa paningin na para bang nakita mo siyang may kasamang iba, ngunit magiging kaaya-aya kung ito ay gagamitin para sa sining.

Ang pagbuo recycled Christmas tree ay talaga namang kamangha-mangha. Ang sining na ito ay hindi lamang para sa selebrasyon ng ating Ama, ito rin ay para sa minamahal nating inang kalikasan. Maaari itong magsilbing inspirasyon sa iba na tangkilikin ang paggamit ng mga recycled materials sa paggawa ng iba’t-ibang klase na mga sining.

Ang tradisyon na hindi mawala-wala sa ating mga Pilipino tuwing sasapit ang Pasko ay ang paggawa ng Christmas tree. Ito ay isang elemento na nagrerepresenta ng pagmamahal, pag-asa, at pagkakaisa. Ito ay nagbibigay liwanag sa kadilimang ating nadadama. At ang recycled Christmas tree ay hindi lamang nagpapaliwanag sa ating madilim na nakaraan, ito rin ay sumasaklolo sa pait na dinadama ng kalikasan.

V
Aziel Faith D. Tasil Jesha Reign G. Amiler
12 AGTEK Ang anyuhay

Artificial Intelligence: Ang Madilim na Bahagi Artificial Intelligence: Ang Madilim na Bahagi

Sa kasalukuyan, ito na ang madaliang solusyon kahit sa madaliang problema. Lalong-lalo na sa mga estudyante sa panahong ito, ito na ang takbuhan mapa-test o mapa-assignment, mapa-proyekto at kahit sa mga simpleng gawain, isang type na lang sa search bar ng ChatGPT, Bard, at Claude. Ang ChatGPT ay ang pinakamalawak sa kanila.

Ngunit ninanakaw nito ang buong punto ng pag-aaral. Hindi lamang sa isyung ito nagkakaroon ng init at kontrobersiya ang paggamit ng Artificial Intelligence, kundi maging sa sukat ng mga kaya nitong gawin na maaaring baguhin ang ating buong realidad.

Ayon sa mismong lumikha ng ChatGPT na si Sam Altman, CEO and Co-founder ng OpenAi, sa kanyang panayam sa CNN na kinakatakutan niyang maaaring makapaminsala ang likhang ito sa buong mundo. “I think if this technology goes wrong, it can go quite wrong, uh, and we want to be vocal about that, we want to work with the government to prevent that from happening but we tried to be very clear-eyed about what the downside cases and the work that we have to do to mitigate that”

Sa pamamagitan ng A.I maaari ng makuha at magaya ang mukha at boses ng tao mula lamang sa mga pictures at videos na pinopost mo sa social media. Halimbawa nito ay ang Cybernetic Catfishing na kung saan ang tono at ang paraan ng pagsasalita ay maaaring ma-recreate kahit mula lamang sa maliit na sample ng boses ng isang tao. Si Jennifer DeStefano, isang ina na nakatira sa Arizona, USA ay biktima ng umanong scam, nang gayahin ng mga scammer ang boses ng kanyang anak na kasulukuyang wala sa kanilang pamamahay, upang gawing hostage at humingi ng ransom upang makalaya umano ang

Mga panlilinlang kagaya lamang nito ay nagiging possible dahil lamang sa kalayaang ma-access ang katauhan ng teknolohiyang ito. Kawalan ng kahigpitan, suporta mula sa gobyerno, patnubay, at sapat na edukasyon ang nagiging sanhi ng mga isyung ito.

Ayon kay Elon Musk, founder ng Tesla at isang kilalang imbentor sa 20th century, “Mark my more dangerous than nukes” Babala niya sa lahat ng katauhan.

isyung ito ay dapat tinutuonan ng pansin hindi lamang ito para sa mga mamamayan kundi lalo na rin sa mga taong may posisyon sa gobyerno. Sa kabila ng mga maayos na paglingkod ng AI sa atin, may kaakibat din itong masasamang epekto na maaaring mahirap na nating masolusyonan at masugpo kapag ito’y lumago na. Maging mapagmasid, ugaliing maging updated at may alam tungkol sa mga kasalukuyang isyu kagaya nito.

Isaala-ala na nagsisimula pa lamang tayo, tanyag man ang liwanag na naidudulot nito, lumalago naman ang kadiliman sa likod ng bawat yugto.

Agham at teknolohiya, isang sangay na napakaimportanteng bigyang pansin ng ating pamahalaan. Isang sangay na patuloy na namamayagpag sa iba’t ibang mga bansa. Dahilan kung bakit tayo nakakagawa ng mga makabagong produkto at teknolohiya na nakakatulong at nakakapagpadali ng paggawa ng mga bagay-bagay.

Isang programa na yumayakap sa agham at teknolohiya ang nilikha ng Kagawaran ng Edukasyon (Deped) upang mas mapalawig pa ang pagmamahal at pag-intindi sa sangay na ito. Ang programa ay tinawag na Regional Science Technology and Engineering Fair (RSTEF) na ginanap sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte noong ika 23-24 ng Nobyembre 2023.

Ito ay isang taunang kaganapan ng DepEd kung saan nagtitipon-tipon ang mga napiling mag-aaral ng Zamboanga Peninsula upang ipakita ang kanilang siyentipikong pananaliksik at mga natuklasan sa gitna ng pagbabago ng ating mundo.

Kabilang sa mga estudyanteng lumahok sa programa ay sina Dale Ceus Famadico,

Khaleed Ibn Padayhag, Angel Vennese Angeles, Mhyl Toichi Robles, Keen Jhunerville Defenio, Angel Grace Valencia, at Jhon Louie Tipoh. Sila ang mga napili ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) na ang paaralang napili ng dibisyon ng Zamboanga Sibugay na maging kinatawan sa sinabing programa.

Ang KSTHS ay nakapagproduce ng makabagong magaaral para sa tatlong kategorya na may dalawang koponan at isang indibidwal na kategorya. Robotics and Intelligent Machine at Life Science para sa pangkatan at Life Science para sa indibidwal.

Ang pamagat ng pananaliksik ni Famadico ay “The Larvicidal Characteristics of Coconut Vinegar (Cocos Nucifera) and Calamansi Extract (Citrus Microcarpa) against Mosquito Larvae”. Ayon kay Famadico, ang kanyang pananaliksik ay naglalayong matukoy ang Larvicidal (ahente sa pagpatay ng mga uod) na katangian ng dalawang sangkap at ang kanilang kombinasyon para makalikha ng alternatibo at mabisang larvicide laban sa larvae ng lamok. Ang kaniyang pagsusuri ang naglagay sa kaniyang makamit

ang ikalawang puwesto. Ang pananaliksik naman nina Padayhag, Angeles, at Robles na nagkamit ng ikatlong puwesto ay pinamagatang “TickTockTech System: An Advanced Approach to Time Control with Automated Alarms” kung saan gumamit sila ng teknolohiya upang makamit ang nilalayon ng kanilang pagsusuri. Ayon sa isa sa mga mananaliksik na si Angeles, ito ay naglalayong gumawa ng automated bell na hindi

Solar Storms: Maaring maging sanhi ng BlackoutsRadio sa MundoBuong

olar Flares inaasahang maging sanhi ng paggambala sa radio at GPS signals sa buong mundo. Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration, inaasahan ng mga forecasters ang potensyal na pagtama nito sa ating mundo sa ika 25-26 ng buwang Enero.

Ang solar radiation storms ay nagaganap buhat ng malakihang magnetic eruption, kadalasan itong nagiging sanhi ng isang coronal mass ejection at kaakibat na solar flares, na pinapabilis ang mga charged particles na pumapalibot sa araw hanggang sa ito’y umabot sa kanyang pinaka mataas na velocity.

Bagama’t ang mga geomagnetic storm 1 tulad ng kasalukuyang nararanasan natin ay ang pinakamahina sa sukat at maaari man’g mangyari nang ilang beses sa isang buwan, hindi ito nagdudulot ng pinsala sa ating buhay ngunit maaaring makaapekto sa power grid at makagambala sa ilang partikular na function ng mga satellite at sa mga GPS system at mobile device.

ay nagsisilbing pundasyon sa pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong kagamitan na talaga namang nakatutulong sa ating mamamayan at sa hinaharap. Ang

nangangailangan ng manual work. Ngunit may emergency button o manual press kung may emergency. At ang panghuli na sina Defenio, Valencia, at Tipoh naman ay nakakuha ng Active Participation Award sa nasabing programa.

Ang agham at teknolohiya

programang RSTEF ay malaking tulong para sa pagsuporta ng mga makabagong mag-aaral na gaya ng mga nabanggit at makapagtayo ng mga matatag na komunidad na yumayakap sa agham at teknolohiya para sa hinaharap.

13
Ang anyuhay
Aziel Faith D. Tasil
AGTEK

BAGSIK NG 2K21

Nagpakitang Gilas sa Friendly Basketball Championship Game

Paglunsad ng AI Sportscaster: Pagbabanta o Pagbabago?

SSa kabila ng kanilang paghihiwalay, nasungkit ng Batch 2021 ang kanilang hangarin na makuha ang titulong kampeon. Nagpasiklab ng magandang stratehiya ang grupong kampeon sa eksena ng larong Basketball, sila ay nagbalik, Disyembre 16, taon 2023 sa nagdaang Friendly Basketball Championship 2023 upang muling maibangon ang naibaong kahusayan ng kanilang pagsasama.

Ang kanilang pagbabalik sa kailanmang tinawag nilang tahanan ay nagbukas ng panibagong memorya na kailanman tatatak sa

kanilang mga isipan. Sa kanilang pagkakaisa at pagtutulungan ito ang naging daan nila upang makamit ang tamis ng tagumpay sa kanilang kinakaharap. Sa simoy ng hangin na kay sarap sa pakiramdam na parang unti unting lumalapit at naaamoy mo na ang pagka panalo sa buhay, sa mga tunog ng buzzer na nakakaakit at nakakakaba, sa mga hiyawan ng mga taong sumusuporta, bagsik at lakas ang ginawang sandata upang matagumpayan nila ang matinding kompetisyong hinaharap. Umaapaw ang galing na pinapakita ng mga kampeonadong manlalaro ng Batch

2021.

Hindi masusungkit ang kanilang ninanais na tagumpay kung walang pagtutulungan at pagkakaisa na pinakita ng bawat isa.

“The team members fairly contribute efforts leading to their triumph. Unlike usual games which have its own MVP’s, the audiences witnessed a spectacular display of teamwork and paying homage to our dear alma mater”, saad ng isa sa mga taga suporta na si Xela Mae Alajas.

Sa Gitna ng Kamay’t Utak: Solidong nakamit ang titulo ng kampeon B

umandila ang piyesa ni Padayhag representatibo ng The King of Monters (Godzilla) na may kabuuang puntos na 2 1/2 sa tatlong rounds, sa Chess Bracket 2 Round Robin Tournament, laboratoryo ng Kabasalan Science & Technology

Lubos na pinanghahawakan at ipinaglalaban ni Padayhag ang 2 1/2 na puntos na kanyang napanalunan sa ikatlong magkasunod na laro na may dalawang panalo at isang tabla.

Sa unang round ng paglalaro, nabasa kaagad ni Padayhag ang pag-usad ng puting piyesa ni Lee kaya agad namang winasak ni Padayhag ang mala-

Walang kahirap hirap na

nakuha ni Padayhag ang ikatlong round matapos hindi sumipot sa laban ang kaniyang katunggali na si Rubio.

Itinanghal na kampeon si Padayhag dahil dalawang beses niyang nakamtan ang panalo na hawak ang matitinding itim na piyesa matapos magkapareho ng puntos sa kaniyang naging katunggali sa ikalawang round na si Hulagno.

“I felt great and happy knowing na ako ang daog and number 1 sa tally. I never expected na I’ll attain this title kasi I mean everyone aimed na makuha ni and I was lucky enough to obtain such title and it’s a nice feeling to have.” pahayag ni Padayhag.

a patuloy na pag-usad ng panahon ay gayundin ang pag-unlad ng teknolohiya. Sumibol ang iba’t ibang imbensyon at inobasyon. Isa na rito ang paggamit ng Artificial intelligence (AI) na halos sumakop sa lahat ng industriya. Kamakailan lang ay inilunsad ng GMA Network ang kauna unahang AI sportscasters sa Pilipinas na sina Maia at Marco. Umani ito ng samut-saring opinyon mula sa taumbayan. Iba’y nagagalak, habang iba’y nangangamba sa kanilang impluwensiya. Totoo nga bang makakausad ang industriya gamit sila o AI ang simula ng kawalan ng oportunidad ng masa?

Delubyo ang dulot nito. Dalawa lamang sila subalit maaari nilang mapasimulan ang paggamit ng ganitong sistema. Saan na pupulutin ang kabuhayan at talentong masasayang? Kung patuloy pa rin itong tatangkilikin sa hinaharap, ang trabahong para sa mga tao ay sila ang magkakawang-gawa. Hindi lamang talento ngunit oportunidad ang maaapektohan kung ito’y mawawala. Walang hihigit pa sa talento ng mga tao. Hindi mapapantayan ng kung anong sistema ang mga ekspresyong ating ipinapakita. Makakatipid tayo sa gastos subalit hindi nito masisigurong tama ang pag-aanalisa ng mga balita. Hindi nito malalaman kung anong tama at mali, importante at hindi. Kaya’t hindi natin masisiguro ang kredebilidad ng AI sportscaster. Ang pag-usbong ng AI sportscaster ay napakalaking dagok para sa ating pagbabago. Nakakagawa pa rin ng hakbang ang mga tao tungo sa paglago ng industriya. Kailangan lamang nating ibalanse ang paggamit ng AI upang tayo’y mas magkaroon ng oportunidad. Sanayin ang ating kakayahan upang tayo’y manatiling may ugnayan

Bilang ng medalya ng mga atleta ng KSTHS ( Distritong Lebel ) 44 47 25
KAMPEONATONG BALYENTE. Nagtutulungan at nagkakaisa ang pangkat ng 2k21 sa basketball ito ang ginawa nilang sandata para maipanalo nila ang kompetisyon. Hannah Jane Tilde KAMPEONATONG MATINIK. Nanalo si Khaleed Ibn T. Padayhag sa larong chess ng intramurals 2023, utak ang ginawang sandata ng kampeon upang matalo niya ang kaniyang mga kalaban.
Alok na Inakap
Hannah Jane Tilde Larawang kuha ni: Xela Mae Alajas
14 ISPORTS Ang anyuhay
Larawang Kuha ni: George Danding

Adamson umabante sa finals LIPAD

Nasungkit ng Adamson University Baby Falcons ang panalo matapos talunin ang University of Santo Tomas Tiger Cubs, 80-66 (23-17, 37-27, 61-50, 80-66) sa semifinals ng UAAP Season 86 high school boys’ basketball tournament, Enero 13 sa FilOil EcoOil Center ng

Pinangunahan manlalaro ng Adamson Baby Falcons na si na may nabuong 23 puntos at 11 rebounds, dumagdag din ng 12 na puntos si Ezperanza; at isaisang nag-ambag sina Garcia Medina ng 11 na puntos.

Kinailangan lamang ng mga manlalaro ng Adamson University Baby Falcons na makakuha ng isang panalo upang makapasok muli sa

TIBAY NG LAKAS. Iba ang ipinakitang estratehiya ni Adamson upang masungkit niya at ng kaniyang pangkat ang pagka matagumpay sa kanilang matinding kompetisyon sa

Dadaan manlalaro ng Adamson Baby Falcons sa pagsasanay habang hinihintay ang kanilang magiging katunggali sa championship round.

nakuha nila ang puwesto ay inaasahang ihahanda nila ang kanilang sarili sa susunod na laro ngayong ikalawa hanggang ikatlo

Laban ng Karangalan

Pagkakaisa Tungo sa Pagkamit ng

Gintong Medalya

Sa larangan ng isports, iisa lamang ang kanilang layunin at ito ang masungkit ang gintong medalya. Talo at panalo, magkakambal ang dalawang salitang ito. Salitang “panalo” ang nagpapaskil nang ngiti sa ating mga labi habang katumbas nito’y salitang “talo” na delubyo sa ating pandinig. Minsa’y sa kagustuhan nating manalo ay nakakalimutan na nating maging makatao. Ang mga atleta ay ibinubuhos ang pawis para lamang sa karangalang ito kaya’t hindi nila maiiwasang madismaya kung salitang “talo” ang maiuuwi nila. Ang sportsmanship ay aspeto ng pagiging atleta. Kaya’t dapat itong tagalayin ng bawat isa. Pagkakaroon ng respeto, pagkamatarungan, at pagmamalasakit sa kagrupo, mga opisyal at maging sa iyong kalaban ang ibig sabihin ng sportsmanship. Nagdudulot ito ng positibong pag-uugali at mentalidad kung saan matatanggap ng bawat isa ang kahihinatnan ng laro. Tiwala sa sarili, ang mga manlalaro’y nagkakaroon nito bilang pampatibay-loob. Ang pagtataglay nito’y natutunan ng mga atleta ang pagsulong ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Ang sportsmanship ay dapat taglayin ng mga atleta. Ika’y maglaro ng husto, maglaro ng patas at maglaro nang may respeto. Ang pagkakaroon ng sportsmanship ay nangangahulugang hindi hadlang ang pagkakakaiba-iba tungo sa pagkakaisa. Ang layunin niyo ma’y iisa ngunit hindi ito hadlang para mawalan ng respeto sa bawat isa.

Muling Sipa Mula sa Pangungulila

“Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?”

tayo ay minsa’y nanlamig sa simoy ng galimgim habang binabalikang-tanaw ang mga alaala sa buhay na dating napuno ng tagumpay at kasiglaan. Nananabik sa mga panahong hawak hawak pa ng ating mga kamay ang mga bituin kung kaya ay nararapat lamang na samantalahin ang mga sandaling ito. Sa buhay ng isang manlalaro ng Football, mahalaga ang bawat pagkakataong masipa ang bola, madaig ang mga kalaban, at ipagbunyi ang naiuuwing panalo Ang mga hiyawan ng madla ay naging tila isang mahimbing na awitin sa kanilang pandinig.

Matapos ang mahabang panahon ng kawalang- imik ng Kabasalan Trojans Football Club sa eksena ng larong Football, sila ay nagbalik noong Enero 6-7, taong kasalukuyan sa nagdaang Men’s Open 2nd Invitational Araw ng Guinoman Football League 2024 upang muling ibangon ang naiwan nilang kasaysayan.

Hindi man nila nasungkit ang kanilang hangarin sa kabila ng kanilang pagsisikap, ang kanilang pagbabalik

naman ay nagbukas ng panibangong pintuan sa mga kabataang Kabasaleño na nais magpakitang-gilas sa nasabing larangan.

Ang mismong kapisanan ngayon ay kasalukuyang pinanghahawakan ng tagapagtatag at tagapagsanay nito na si Eclip Cainglet at maging ng mga naunang kasapi nito. Bawas na man ang mga miyembro subalit mas marami pa din ang nais makilahok sa naturang club. Araw-araw rin ang pag-eensayo ng mga manlalaro sa Zamboanga Sibugay Polytechnic Institute, bayan ng Kabasalan, tuwing alas tres ng hapon upang mahasa ang kakayahan ng mga bagong sulpot na kabataan at mas lalo pang mapabuti ang kahusayan ng mga dati pa nitong manlalaro. Bukod pa riyan ay naghahanda rin ang samahang Trojans para sa mga darating na Invitational League sa ibat ibang lupalop ng probinsya at maging sa iba pang dako ng Zamboanga Peninsula Sa muling pagpapailanlang ng Trojans mula

sa anino ng panahon, muli ba nilang mararating ang dating kabantugan sa larangan ng palakasan? Ang kasagutan nito ay masasaksihan lamang sa kanilang mga haharaping laban. “Inaasahan ng lahat at maging ako na isa sa bagong miyembro ng trojans ay sa sumusunod na mga araw, buwan at taon ay mananatili kaming buo at mas malakas na team o club kumpara sa mga nagdaang taon” ani ni Norhaliza Abdulcaril, isa sa mga tumatayong haligi ng Trojans para sa mga manlalaro ng kasalukuyan. Ang kanilang pagbabalangkas mula sa kawalang-galaw tungo sa pagtatagumpay ay hindi lamang nagtatapos sa muling pagsabak sa mga laro at liga, subalit ito ay nagpapatungkol sa pagbibigay ng panibagong buhay sa isang pagsasamahang inaasamasam ng mga kasapi na sana ay muling mamutawi at magbukas ng pagkakataon sa mga musmos na nagnanais tahakin ang parehong landas. Sa pagbabalik ng Trojan’s Football Club, ito ay hindi lamang isang kathang maililimbag sa kasaysayan ng palakasan - ito ay magsisilbing isang inspirasyon at simbolo ng pagpupunyagi sa likod ng pagsalungat ng mga panahon.

Xianne Damiles Pinagmulan ng Larawan: rappler.com Nurmadiah Manarasal
15
Ang anyuhay
ISPORTS

ISPORTS

BEIRUT NAGIMBAL

Strong Group Athletics Sasabak sa Championship Game

Maliksing rebounds, at mala-pader na blocks ang ipinamalas ni Dwight Howard ng Strong Group Athletics matapos hablutin ang korona sa Beirut Club sa kanilang makapigil-hiningang huling quarter sa Dubai International Basketball Championship (semifinals), 9472 (22-17,50-34,73-49,94-72), Enero 28, taong kasalukuyan na ginanap sa Al-nasr Sports Club.

Ipinalasap ng dalawang koponan ang hagupit ng kani-kanilang opensa, ngunit mas namayagpag ang S.G Athletics nang ipamalas nila ang kombinasyon ng nagbabagang tres ni Kevin Quiambao at sumisiklab na follow up dunks ni Dwight sa unang set ng laro, 22-17.

Nagulantang ang madla matapos nagpamalas si Kevin Quiambao ng mga hindi alintanang nakaw, bukod-tanging rebounds at sinalba ang kaniyang koponan sa bingit ng pagkatalo, 50-34.

Dinomina ng S.G Athletics ang laro at hindi na hinayaang makaporma pa ang Beirut Club matapos nagpakawala si Kevin Quiambao ng pulidong shots kasama ang mga assist ni Dwight Howard na nag resulta ng malaking agwat, 50-34.

Namuhunan ang S.G Athletics sa mga errors ng Beirut Club at tinuldukan ang Ikatlong bahagi ng laro. Pinataob nang tuluyan at hindi na pinaporma pa ang Beirut Club nang nagpakawala sila ng sunod-sunod na tres na nagpaliyab sa buong kurto.

Winakasan nila ang huling quarter na merong 94 na kabuuang puntos .

Inihahanda nila ang kanilang kalasag at armas para sa kanilang championship game, wika pa ni Dwight Howard “ We didn’t come wwhere to lose “.

Pinagkunan ng Larawan:goldenstateofmind.com

BAGSIK NG TAGUMPAY. Puwerswa at tapang ang ipinakitang malas sa mga manlalarong Pilipino. Kabilang dito si Dwight Howard ang isa sa malakas at nagpapatumba sa mga kalaban.Tunay ngang ginalingan ang pag depensa sa bola para makamit nila ang kanilang inaasam-asam na tagumpay.

Cool Smashers, Muling Namuno

PUMalo

ILabanang malalakas. Winakasan ni Alyssa Valdez ang grupo ng Choco mucho, malakas ang pagdedepensa nito kaya agaw bola ang labanang nangyari sa grupong creamline at choco mucho. Pero nanaig parin ang grupo ng creamline sa huli.

nuwi ng Creamline Cool Smashers ang korona matapos malampasan ang Choco Mucho Flying Titans sa isang mainit na limang set, 3-2 (2522, 25-20, 29-27, 24-26, 15-12) sa 2023 PVL Second All-Filipino Conference Finals Game 2, ginanap sa Smart Araneta Coliseum ng Quezon City noong ika-16 ng Disyembre.

Halos dalawam put’ apat na libo ang dumalo upang manood sa makapigil hiningang laban sa pagitan ng koponang magkapatid. Nakuha ng Flying Titans ang unang puntos, pinangunahan ni Maddie Madayag na nagpamalas ng malalakas na palo na naging dahilan ng kanilang pangunguna sa kasing haba ng pitong

puntos sa unang set. Dahan dahang humahabol ang Cool Smashers ngunit hindi ito pinayagan ng kabilang koponan at nagwaging nakuha ng Flying Titans ang unang set sa iskor na 25-22.

Sa gitna ng malakas na depensa ay nakahanap ng daan ang Cool Smashers na maipasok ang kanilang mga puntos upang manguna, sa kabila ng lahat ay patuloy pa rin na lumalaban ang Flying Titans ngunit si Jema Galanza ay nagfacial block kay Maddie Madayag at natapos sa iskor na 25-20. Nagpatuloy ang kanilang mainit na laban, naging resulta ay naka abot ang dalawang koponan ng 25 na puntos ngunit hindi na pinatagal ng Cool Smahers sa iskor na, 29-27.

Umusad ang Flying Titans matapos nilang nakuha ang ika-apat na set. Mataas na lipad na sa panglimang set sinabayan ng malalakas na palo ni Alyssa Valdez na naging dahilan ng kanilang panalo matapos itong umiskor ng championship na puntos sa Cool Smashers at tuluyang nasungkit ang korona, 15-12.

Mark Yanga
HUSTO
Pinagkunan ng Larawan: sports.tribune.net.ph Hannah Jane Tilde
Ang anyuhay NanG

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.