Ang Banyuhay 2025

Page 1


AngBanyuhay

Pamimigay ng Room

Facilities Tulad ng Telebisyon, Printer: Susi sa Mas Epektibong Pagkatuto

Pinaniniwalaang makabubuti sa pagunlad ng mga magaaral ang paggamit ng telebisyon at printer sa pagtuturo, ayon sa mga pag-aaral na isinagawa kamakailan.

Ayon din sa mga guro at mga estudyante, naniniwala sila na mahalaga ang modernong kagamitan para sa mga epektibong pagkatuto.

"It is conducive for learning and at the same time, kung sa television naa tay gitawag ug integration of technologies samot na nga naa na ta sa 21st century" ani Bb. Junelyn N. Malagum, isa sa mga guro mula sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS).

Ayon sa kaniya, mahalaga ang paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng telebisyon upang makalikha ng mas mabisang pagkatuto na angkop sa makabagong panahon.

Ipinahayag din ni Jemniel Rasonable, isang grade 12 student sa KSTHS, ang kaniyang pananaw ukol sa kahalagahan ng mga modernong teknolohiya pagdating sa pagtuturo sa mga silid-aralan.

"As a student, it is important to me as printer serves as a tool to help us with our outputs, especially in our research, when it comes to television, it is very important because nowadays students and even teachers go digital, they use PPT's and other visual presentation that needs television" aniya.

PATNUBAY SA MAG-AARAL

Paglobo

Pagsugpo sa Kultura ng Karahasan

06

Liyab ng Tradisyon

10

Dagok ng Usok ay Pagsubok

newsbits

14

Sa kasalukuyan, napakahalaga ng mga pasilidad tulad ng telebisyon at printer sa pagpapadali at pagpapabuti ng pag-aaral ng mga mag-aaral.

akapagtala ang mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ng 24 na kaso ng mga estudyanteng humihingi ng tulong sa Guidance Office sa taong panuruan 2024-2025, na ikinabahala ng administrasyon at naguudyok na makapaglunsad ng agarang solusyon na naglalayong matugunan ang mga napapanahong isyu tulad ng pambubuli, upang masiguro ang pagkakaroon ng patas na pakikitungo at makapag-abot ng gabay at proteksyon sa mga mag-aaral.

Ayon kay G. Alvin S. Cariaga, Vice Chairman ng Child Protection Committee (CPC), sa mga nagdaang buwan ay tumaas ang bilang ng mga estudyante ang tumungo sa Guidance Office, na ikinaalarma ng Counselling Office. Batay sa kaniyang pahayag, ang Cyberbullying at Physical bullying ay ang mga kadalasang itinatalaga sa

Counselling Office ng paaralan, ngunit bunga ng walang sawang serbisyo nina Gng. April Joy Solino, ang Punong-guro ng nasabing paaralan at G. Cariaga, kaagad naman itong natugunan ng pansin at sinigurong walang kinikilingan ang kanilang pagtugon at pinapanatili ang kapantayan sa loob ng paaralan.

Rest

the Guidance Office will always be impartial in dispensing its decisions as to or as against identified offense.

KSTHS Students, nakakuha ng pwesto sa NSTF 2024

Studyanteng Mananaliksik ng Kabasalan Science & Technology High School na si Marc Isiah Ocharon ng Robotics and Intelligent Machines Individual Category, at sina Angel Venesse Angeles, Mhyl Toichi Robles, and Khaleed Padayhag ng Robotics Team Category, ay uusad sa National Science and Technology Fair (NSTF) matapos makamit ang gintong medalya, sa Isabela City Gymnasium, Nobyembre 29.

Bagong Halaman, Natuklasan sa Zamboanga Sibugay

ni HANNAH JANE TILDE ni

Ang Ophiorrhiza ravifolia, isang bagong species ng halaman, ay natuklasan sa Naga-Kabasalan Protected Landscape, Zamboanga Sibugay noong Hunyo 2023. Ang naturang halaman inilarawan sa Nordic Journal of Botany nina Mark Arcebal Naive at Grecebio Jonathan Alejandro, ay kabilang sa Rubiaceae family at may puting bulaklak at hugis-bilog na dahon.

Sagwan ng Tagumpay ISPORTS PAHINA 18 89.7%

ni SHANNON HERRERA
Tomo I. Blg. II | Ang Opisyal na Pahayagan ng Paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School | Hulyo 2024 - Enero
OPINYON PAHINA
LATHALAIN PAHINA

Mamamahayag ng KSTHS, Naghanda para sa Journalism 2024

ni JESLYN GRACE DIVINAGRACIA

Patuloy ang paghahanda ng mga manunulat mula sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), upang mas linangin ang kanilang kasanayan sa pagsulat para sa nalalapit na patimpalak sa larangan ng pamamamahayag ngayong taon.

Sa layuning maging preparado at mapalawak ang kakayahan ng mga estudyanteng mamamahayag, nagbigay ng mga

worksheets at artikulo ang mga tagapagsanay sa mga magaaral. Nitong ika-apat ng Disyembre, taong kasalukuyan, inilunsad ang District Schools Press Conference (DPC) 2024,na ginanap mismo sa naturang paaralan ng KSTHS, na dinaluhan ng mga manlalahok mula sa Distrito ng Kabasalan kalakip ang kanilang mga guro.

75 mamamahayag mula sa KSTHS ang nakilahok sa nasabing paligsahan at 71 naman ang aabante sa Congressional

Schools Press Conference (CSPC) 2024, na dadausin sa paaralan ng Kabasalan National High School (KNHS) ngayong ika-15 hanggang ika-16 nga Disyembre, 2024. Kasalukuyang nagsasanay ang mga manunulat sa ilalim ng pamahayagan ng "Ang Banyuhay" at "TheMetamorphosis", katuwang ang payo at gabay ng mga guro kaugnay ang pagpupursige ng bawat mamamahayag.

BALIK-ESKWELA 2024, BAGONG SIMULA. Opisyal na sinimulan ang “Balik Eskwela Program” noong Hulyo 29, puno ng sigla at inspirasyon.

DENIZE AMBER BANTILLO

SIMULANG INAABANGAN

KSTHS WRITERS, HANDA SA TAGUMPAY. Mga manunulat ng KSTHS, naghahanda para sa CSPC 2024 upang magbigay ng karangalan.

GEORGE DANDING

Kaligtasan, Kalinisan ng Pagkain, Binigyang-Diin ng Paaralan

KSTHS, Pinasinayaan ang Bagong Akademikong Taon

ni SHANNON HERRERA

Kapanapanabik na binuksan ng mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ang simula ng taong panuruan 2024-2025, sa isang pambungad na programa na tinaguriang “Balik Eskwela Program,” na ginanap mismo sa covered court ng paaralan noong ika-29 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Idinaos ang mga inorganisang aktibidad na naglalayong magbigay ng ginhawa sa mga mag-aaral sa kanilang unang araw at magsulong ng mas matibay na ugnayan sa buong komunidad ng paaralan.

Sumunod ang pagtalaga sa panauhin na si Gng. Maria Colleen Emoricha, CESO IV, Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) para sa kaniyang pambungad na pananalita.

Sa pangunguna naman ni Dr. April Joy Solino, EdD., Punong-Guro II ng naturang paaralan, tumayo ang mga guro sa harapan sa pagbibigkas ng “Panunumpa ng Lingkod Bayan.”

Kasunod nito ang unang pag-awit ng paaralan

ng “Bagong Pilipinas” Hymn at Panata, alinsunod sa Memorandum Circular No. 52 na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nagpatuloy ang programa sa pagpapakita ng opisyal na uniporme ng paaralan para sa mga mag-aaral ng junior high school at senior high school, kapwa lalaki at babae.

Sa huling bahagi ng programa ay ipinakilala ang mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), mga guro at mga kawani ng paaralan.

Ayon sa kalendaryo ng Kagawaran ng Edukasyon, magtatapos ang taong panuruan sa susunod na taon, ika-15 ng Abril.

DINIGITALIZED ni AKEELAH SALDIVAR

“Mas ligtas nga ba ang pagkain sa kantina kumpara sa mga pagkaing nabibili sa labas ng paaralan?" Ito ang tanong na kinakaharap ngayon ng mga estudyante at guro ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), matapos naging kapansin-pansin ang patuloy na pagdami ng mga mag-aaral na bumibili ng pagkain sa labas ng paaralan.

Sa kabila ng mas abot-kayang presyo at mas maraming pagpipilian, nagiging isyu pa rin ang kalinisan at nutrisyon ng pagkaing nabibili sa labas kumpara sa iniaalok ng kantina.

"Sa canteen makasiguro ang mga students nga healthy ug limpyo ang mga foods and drinks nga ilang mapalit kay naka base na sa DOH guidelines ang ginabaligya sa canteen and gi make sure pod sa school nga safety ug limpyo ang pagkaon" ani Gng. Maria Ladanna T. Lariosa, guro sa mataas na paaralan ng KSTHS.

SA MGA NUMERO 592

mag-aaral mula Junior High 430

mag-aaral mula Senior High

Deped's Calendar Shift, Itinakda para sa taong 2024-2025 ni SHANNON HERRERA

Sa layuning mas mapabuti ang kalagayan ng mga estudyante at maiwasan ang mga hamong dulot ng matinding init at bagyo na karaniwang nararanasan sa Pilipinas, nag-takda ng isang malaking hakbang ang Department of Education (DepEd) na naglalayong ibalik sa dating academic calendar ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Inilahad ni Educational Assistant Secretary Francis Cesar Bringas sa isang televised briefing na magsisimula ang taon pampaaralan 2024-2025- sa Hulyo 29 at malamang na magtatapos sa katapusan ng Marso, 2025. Aniya, “We are looking now at the possibility of ending 20242025 school year by March 31, 2025 para makapagstart tayo ng June 2025 para sa

school year 2025-2026.” Itinuturing, na ang taon na ito ay may bilang ng pinakamaikling akademikong taon sa kasaysayan ng Pilipinas— nangangahulugan na magkakaroon lamang ng 165 na araw ng klase sa 2024-2025 calendar, na mas mababa kaysa sa kinakailangang 180 hanggang 220 na araw ayon sa batas.

Nagpatupad na man ng isang “concrete

plan” ang Deped’s Bureau of Learning Delivery (BLD) upang tiyak na maiwasan na maapektohan ang pagaaral ng mga estudyante sa pag-ikli ng akademikong taon. Samantala, mananatiling dalawang taon pa rin ang haba ng bakasyon ng mga magaaral bago mag-simula muli ang susunod na taon pampaaralan.

DINIGITALIZED ni AKEELAH SALDIVAR

Ayon sa kaniya mas makakasiguro umano ang mga estudyante ng mas malinis at malusog na pagkain sa kantina dahil ito ay sumusunod sa angkop na panuntunan.

Sa panig naman ni Jasmine M. Dulay, isang Grade 12 student, sinabi niya na mas pabor siya sa pagkain sa labas dahil marami umanong pagpipilian, habang sa kantina ay kaunti lamang ang itinitinda.

"Para sa akin, pipiliin ko pa rin ang pagkain sa labas dahil marami kang mapagpipilian, while sa canteen, aside sa kaunti lang ang menu, pabalik-balik din yung foods" aniya.

Pinahayag naman ni Gng. Carmelia Jhan Fate Abrajano, Registered Nurse ng paaralan, ang kaniyang nakikitang solusyon ukol sa usaping ito.

"The school canteen should be a space that fosters nourishment, promotes healthy habits, and creates a positive environment for students to gather, relax, and recharge, meaning, dapat happy ang mga students" ani Gng. Abrajano.

Sa kasalukuyan, patuloy na sinisikap ng pamunuan ng paaralan na mas mahikayat ang mga estudyante na bumili ng pagkain sa kantina.

ni CRIZIEL MALAGUM

PAGPLANO SA PAG-UNLAD

MOOE ng KSTHS, Nakatuon sa Pag-aayos ng Paaralan para sa AIP 2025

ni SHANNON HERRERA

HANGARING TUPARIN, KAUNLARAN NG PAARALAN. Ang MOOE ng KSTHS ay tinugunang pansin upang maisaayos ang arc sa gate ng school at para ligtas sa kapahamakan ang mga estudyante.

GEORGE DANDING

Layunin ng naturang paaralan na mapabuti ang kalidad ng edukasyon, tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro at magtuon sa mga proyekto ng pag-aayos at pagpapanatili ng pasilidad.

Ayon kay Gng. April Joy B. Solino, ang punong-guro ng paaralan, itinuturing na delikado na ang kasalukuyang arko sa gate ng

paaralan dahil sa pagiging matanda at kalawangin nito, pati na rin sa paggamit ng metal na materyales.

Binanggit din ni Gng. Solino na ito ay isang hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro, sa loob man o labas ng paaralan.

Noong nakaraang taon, isang bahagi ng MOOE ang ginugol para sa

Pagtaas ng Bilang ng Estudyanteng walang lisensiya,

Namataan sa KSTHS

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga estudyante sa Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) na gumagamit ng motorsiklo papunta sa paaralan kahit na wala silang kaukulang lisensya sa pagmamaneho.

Ayon sa isang opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), nagiging problema ito hindi lamang sa aspeto ng kaligtasan kundi pati na rin sa paglabag sa mga batas trapiko ng bansa.

Sa mga nakaraang buwan, ilang insidente na ng mga estudyanteng walang lisensya ang naitala sa harap ng paaralan.

Ayon kay SSLG president, Angel Angeles, nakikita nila ang dumaraming bilang ng mga kabataan na gumagamit ng motorsiklo sa kabila ng kawalan ng mga dokumento na magpapatunay ng kanilang kakayahan sa pagmamaneho.

“Isang seryosong isyu ang kaligtasan ng mga estudyante. Marami sa kanila ang hindi pa ganap na handa para sa mga panganib sa kalsada. Kaya’t patuloy kaming nagsasagawa ng mga seminar at kampanya upang itaas ang kamalayan ng mga magulang at estudyante ukol sa mga risko ng pagbibigay ng motorsiklo sa mga hindi lisensyadong nagmamaneho,” ani Angeles.

Ipinatupad ng SSLG ang “NO LICENSE, NO ENTRY” policy upang mabawasan ang mga estudyanteng gumagamit ng motor na walang mga dokumento na nagpapatunay na sila ay hindi lisensyado. Sa kabila ng mga pagsusumikap ng lokal na pamahalaan at paaralan, nananatiling malaking hamon ang paghimok sa mga estudyante at magulang na sundin ang mga batas trapiko at ang pagiging responsable sa paggamit ng mga sasakyan, lalo na sa mga kabataan na hindi pa lisensyado.

KSTHS G10, BIDA SA PISA 2024. Grade 10 students ng KSTHS, nagpakitanggilas sa PISA, pinatunayan ang husay sa reading, math, at science. Pinagkunan ng larawan: XELA MAE ALAJAS

SAng priority ay ang arc sa gate ng school, kay ang atoang arc karun kay hazardous.

mga kagamitan na makikinabangan ng mga guro, tulad ng mga printer at telebisyon na ipinamigay lamang sa iilan.

sang 3D printer rin ang nilaanan ng pondo para mas mapabuti ang mga proyekto ng mga mag-aaral at guro sa larangan ng pananaliksik, lalo na sa mga agham at teknolohiya.

Kaso ng Pagiging Late sa KSTHS, Tumaas; Katamaran, Isa sa Pangunahing Dahilan

ni CARL ETRONE

Naitala ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ang malaking pagtaas ng mga late sa pagitan ng mga mag-aaral noong school year 2024-2025.

Ayon sa ulat ng We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH) club, patuloy na tumaas ang kaso ng mga mag-aaral na nahuhuli sa klase kumpara sa nakaraang taon.

Nagsimulang mag dokumento ang WATCH Club noong buwan ng Agosto 2024, na may tungkulin na magmonitor at tugunan ang isyu ng mga magaaral na laging late.

Ang mga opisyal ng paaralan ay bumubuo ng mga estratehiya upang mabawasan ang pagkahuli sa klase at maitaguyod ang pagiging punctual sa mga magaaral.

Sa patuloy na pagsusumikap ng mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) na mas mapaunlad ang naturang institusyon, nakatuon ang MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses) ng paaralan para sa Annual Implementation Plan (AIP), taong 2025 sa pagpapagawa ng bagong arko para sa pangunahing tarangkahan at pagpapaayos ng mga sirang kawad sa buong eskuwelahan.

Nais ng pamunuan na magpatuloy ang mga proyekto para sa kapakanan ng buong komunidad ng paaralan at marami pang nakahandang proyekto ang balak ipatupad upang patuloy na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa nasabing paaralan.

878 SA MGA NUMERO

Bilang ng mga late comers sa buwan ng Nobyembre

“Katamaran sa unang paksa ng kanilang klase ang isa mga dahilan ng isang estudyante sa pagka-late sa klase” ayon kay Keanna Del Rosario, isang WATCH Officer. Isa sa mga estratehiya ng WATCH ay ang pagpapalinis sa mga estudyanteng nahuhuli sa klase.

Hinihikayat ng mga tagapangasiwa ng KSTHS ang mga magaaral at mga magulang na bigyan ng prayoridad ang pagdalo at pagdating sa tamang oras, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina at responsibilidad sa tagumpay sa akademiko.

a patuloy na pagsusumikap ng mga paaralan na makapaghatid ng magandang kalidad ng edukasyon, ang pagsasagawa ng pre-assessment para sa Programme for International Student Assessment (PISA) ay naging isang napakahalagang hakbang upang matukoy ang kahandaan ng mga magaaral sa PISA at matukoy ang mga aspeto na nangangailangan pa ng pagpapabuti. Ang PISA ay karaniwang isinasagawa tuwing ika-tatlong taon, ito ay isang pagtatasang pang internasyonal na inorganisa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), na sumusukat sa kahusayan ng mga mag-aaral na may edad 15 taong gulang, sa larangan ng

AT KAAYUSAN. Nahuhuling estudyante, naglilinis bilang disiplina, itinataguyod ang responsibilidad sa paaralan.

Pagbabasa, Agham, at Matematika. Ang paunang pagtatasang ito ay naglalayong maihanda ang mga estudyante para sa paparating na pagsusulit sa PISA at para itaguyod ang kultura ng patuloy na pagkatuto at pagpapabuti. Ilan sa mga bahagi ng pre-assessment ay ang sample questions, diagnostic tools, skills assessment at ang feedback mechanism, kung saan ay mas ipinaliwanag pa sa mga estudyante ang mga bagay na kinakailangan pa nilang pagbutihin. Sa huli, ang pagsusulit para sa PISA ay sinasabing gaganapin sa taong 2025 at inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusulit sa taong 2026.

Pagsasagawa
ni CRIZIEL MALAGUM
WATCH CLUB, DISIPLINA
KEANNA DEL ROSARIO

Klase sa mga paaralan, sinuspinde dahil sa gyera

Kabasalan, Zamboanga Sibugay—Pansamantalang sinuspinde ang klase sa mga paaralang sinasakupan ng lungsod ng Kabasalan ng dalawang araw, matapos ang ulat ng engkwentro ng mga militar at mga rebeldeng grupo noong ika-12 hanggang ika-15 ng Nobyembre, taong 2024.

Ayon sa Office ng Punong Barangay ng F.L. Pena, ang hakbang na ito ay naglalayong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at mga kawani ng mga paaralang sinasakupan ng lugar.

Naganap ang sagupan sa barangay Salipyasin, Barangay Canacan at Barangay Simbol, na kalapit lamang sa mga paaralan at tirahan ng mga residente.

Matapos ang tatlong araw na sagupaan, matagumpay na naalis ng militar ang ilang miyembro ng rebeldeng grupo na sangkot sa kriminalidad, batay sa ulat ng 102nd Infantry Brigade.

Hinikayat din ni chairperson of the regional peace and order council of region 9, Gov. Ann K. Hofer ang mga residente na maging kalmado at manatiling mapagmatyag sa oras ng kaguluhan upang mapanatili ang kapayapaan sa Kabasalan.

SA MGA NUMERO

Umabot sa mahigit

P30M

ang kabuuang halaga ng pinsalang natamo ni SHANNON HERRERA

LETRA, LAKAS SA PAGBASA. LETRA Program, layong palakasin ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Pinagkunan ng Larawan: JULIVE SEVILLA

HUSAY SINURI

LETRA, Inilunsad sa KSTHS upang Suriin ang Kakayahan sa Pagbasa

IDINIGITALIZED ni KENTH TAMANAL

sunog ay nagsimula umano dahil sa short circuit na nagmula sa isang wifi connection, agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagdala ng pitong

Punongguro ng KSTHS,

Sa kabila ng mga isyu na kinakaharap ng maraming paaralan sa bansa tungkol sa kakulangan ng classroom, tiniyak ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) na walang ganitong problema sa mismong paaralan.

Ayon sa panayam ni Gng.

April Joy B. Solino, School Principal ll ng KSTHS, nilinaw niya na sapat ang bilang ng mga classrooms para sa lahat ng mga mag-aaral.

“There is no current classroom

nilunsad sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ang Learning Effectiveness and Readiness Test for Advanced grades (LETRA) nitong ika-14 hanggang ika-25 ng Oktubre, taong kasalukuyan, na pinangunahan ni Gng. Eden Ramos Becera, Reading Coordinator ng KSTHS.

Sa layuning suriin ang kakayahan ng mga mag- aaral mula sa KSTHS sa pagbasa ng English at Filipino. “To assess the reading

skills of the learners and to enhance the learner’s reading skills “ ani Gng. Becera.

Isinaad pa niya na maayos ang naging resulta ng nagawang

pagbabasa.

509 mula sa junior high school at 407 senior high school naman ang nakibahagi sa nagawang pagbasa.

Matinding Sunog, Sumiklab sa Brgy. Cainglet; Tindahan, Natupok

Nagulantang ang buong komunidad sa naganap na sunog sa Barangay Cainglet, Kabasalan, Zamboanga Sibugay, noong ika-21 ng Setyembre, taong kasalukuyan, bandang 10:00 ng umaga.

fire truck galing sa Kabasalan, Naga, Siay, Titay, Ipil, Taway at Imelda Municipal Fire Station, tumulong rin ang isang LDRRMC Tanker mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMC) ng Ipil sa pag-apula ng sunog.

Nalaman sa imbestigasyon na may dalawang malalaking tindahan na nagngangalang UJ Marketing ang natupok sa sunog, napag-alaman din na may iilang bahay ang naapektuhan.

shortage since all students have a classroom” ani Gng. Solino. Aniya, wala raw umanong nararanasang kakulangan ng silidaralan ang paaralan dahil ang lahat ng mga estudyante ay mayroong kaniyakaniyang silid.

“We haven’t experienced an actual shortage yet because we limit enrollees in Grade 7 and Grade 11, but although we haven’t experienced a classroom shortage yet, we envision expanding student capacity in the future and to support this vision,

Sa aming pakikipagpanayam kay G. Alvin S. Cariaga, Master Teacher II sa Kabasalan Science And Technology High School (KSTHS), isa sa mga nakasaksi ng trahedya, ibinahagi niya ang hirap na kanilang pinagdaanan upang maapula ang sunog bago dumating ang mga bombero.

“During that time na nag tatrabaho kaming lahat sa likod ng bahay, para maapula ang sunog, while waiting for the fire trucks to arrive, walang mga balde, walang tubig, naubos na ang tabay, walang makitang tubig, maging

we are reaching out to potential benefactors who might provide additional classroom buildings”, dagdag pa niya.

Sa huli, ipinahayag ni Gng. Solino na patuloy na naghahanap ang pamunuan ng paaralan ng mga paraan upang makapagtayo ng mga karagdagang silid-aralan, hindi umano dahil sa kakapusan kundi upang mapaunlakan ang mas maraming estudyante.

tubig kanal kinuha na namin para lang maapula ang sunog”, aniya. Ayon sa kaniya, hindi naging madali ang kanilang pagtulong para maapula ang sunog dahil kulang ang kanilang mga kagamitan at wala ring sapat na tubig upang kanilang magamit.

Sa huli, naapula ang sunog bandang 1:20 ng hapon sa parehong araw, nabalitaan namang umabot sa mahigit PHP 30,000,000 ang kabuuang halaga ng pinsalang natamo.

TIYAK NG MAY GALAK. Sinigurado ng punong-guro ang sapat na silid-aralan para sa mga mag-aaral ng KSTHS.

ni JESLYN GRACE DIVINAGRACIA
ni CRIZIEL MALAGUM
ni CRIZIEL MALAGUM
GEORGE DANDING

PAGTANGKILIK SA PANANALIKSIK

3D Printer, Nilaanan ng Pondo ng MOOE

INOBASYON PARA SA EDUKASYON.

Pinondohan ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang pagbili ng 3D printer ng KSTHS para sa pag-unlad ng agham at pagkatuto.

GEORGE DANDING

aglaan ng pondo ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) nitong Hulyo taong 2024 para sa 3d printer na gagamitin sa paglago ng teknolohiya sa pagkatuto sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS).

Ilalagay ang nasabing printer sa silid ng Information Communication Technology (ICT) room, sa ilalim ng pangangalaga ni G. Juliver Villagracia Sevilla, guro sa KSTHS. “Dako ug tabang ang 3d printer sa Robotics,” ani G. Sevilla. Dagdag pa niya, malawakang

paglago sa inobasyon ang maidudulot ng 3d printer sa asignaturang Creative Technology at Research. Nagamit ang naturang 3d printer sa patimpalak na Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2024 ng mga estudyanteng lumahok mula sa KSTHS.

ang halaga ng isang 3D printer

Samantala, nakikipagtulungan naman ang komite sa mga lokal na barangay para sa serbisyong pangkomunidad, kung saan maaaring makibahagi ang mga mag-aaral sa mga aktibidad na layuning maituwid ang kanilang disiplina.

Binigyang diin din ng Vice Chairman na ang inisyatibong ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na maunawaan at makakuha sila ng kaalaman tungkol sa mga karapatan ng mga mag-aaral at etika ng paaralan.

Binanggit din ni G. Cariaga na may mga plano ang komite para palawakin ang kamalayan ng komunidad para sa proteksyon ng mga mag-aaral.

Mag-aaral ng KSTHS, Namayagpag sa Regional Science and Technology Fair

Isabela City, November 29, 2024 – Isang makasaysayang tagumpay ang naitala sa ginanap na Regional Science and Technology Fair (RSTF), noong Nobyembre 29, 2024, sa Isabela City, kung saan dalawang grupo mula sa Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ang nakatamo at nakakuha ng mga prestihiyosong parangal sa larangan ng agham at teknolohiya.

Sa kategoryang Robotics and Intelligent Machines Individual Category, itinanghal si Marc Isiah Ocharon bilang 1st Place sa kanyang makabago at trailblazing na inobasyon. Ang kanyang proyekto, na nagpapakita ng mataas na kakayahan sa larangan ng robotics, ay nakakuha ng papuri mula sa mga hurado dahil sa husay at pagiging orihinal nito. Dahil sa kanyang pagkapanalo, siya ay magpapatuloy sa National Science and Technology Fair (NSTF) na gaganapin sa Quezon Province, kung saan inaasahan na magbibigay siya ng karangalan sa rehiyon.

Samantala, sa kategoryang Robotics Team Category, nagwagi naman ang grupong binubuo nina Angel Venesse Angeles, Mhyl Toichi Robles, at Khaleed Padayhag na nagtamo ng 1st Place para sa kanilang brilliant innovation sa larangan ng robotics. Dahil sa kanilang tagumpay, magpapatuloy sila sa NSTF sa Quezon Province upang ipakita ang kanilang natatanging proyekto sa pambansang antas.

Ang mga nanalong kalahok ay tinulungan at ginabayan ng kanilang coach na si Sir Juliver Sevilla, na malaki

ang naging papel sa kanilang pagkapanalo.

Ang mga nasabing tagumpay ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng agham at teknolohiya sa paghubog ng mga kabataang Pilipino at ang patuloy na pagsuporta sa kanilang inobasyon upang mapalawak pa ang kanilang mga kaalaman at kasanayan. Ang RSTF ay isang mahalagang plataporma para sa mga kabataan na nais ipamalas ang kanilang mga natutunan at mga inobasyon, at magsilbing inspirasyon sa iba pang mga estudyante sa bansa.

LETRA, Nagbigay Suporta sa Pagpapabuti ng Pagbasa ng mga Mag-aaral

Sa patuloy na pagtaas ng hamon sa kakayahan ng mga estudyante sa pagbabasa at pag-unawa, inilunsad ng Kabasalan Science And Technology High School (KSTHS) ang Language Enhancement Through Reading Assessment (LETRA) Program upang matugunan ang agwat sa pagbasa sa paaralan.

Ang LETRA ay isang pamamaraan sa Ingles at Filipino na naglalayong masuri at mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa baitang 7-12. Ang programang ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng pagsunod sa tatlong bahagi, ang 1st phase (Pre-test), kung saan tinutukoy ang antas ng pagbasa ng mga mag-aaral, sinundan naman ito ng Reading Intervention phase (phase 2), dito ay binigyan ng Reading Remediation at mga aktibidad sa pagpapahusay ang mga estudyante depende sa antas ng kanilang pagbasa, pagkatapos sumailalim sa mga interbensyon sa pagbasa, isusunod na ang Post-test

(phase 3), upang makita kung may pag-unlad sa kasanayan ang mga mag-aaral pagdating sa pagbasa. Ipinahayag naman ni Gng. Eden R. Becera, Reading Coordinator ng KSTHS, ang iba't ibang hamon na hinarap nila sa pag-implementa sa programang ito. Ayon sa kanya, ang kakulangan sa mga angkop na materyales sa pagbabasa at ang abalang iskedyul ng mga guro ang mga naging hamon sa pagpapatupad ng interbensyon sa pagbasa. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin nilang sinusuri kung mayroon nga bang pag-unlad ang mga magaaral pagdating sa larangan ng pagbabasa.

“So, there are future plans for the child protection committee and we will be focusing on the awareness because as you could see, it is very evident, there is really a need for information dissemination as to these matters” aniya.

TAGUMPAY NG PAGHIHIRAP.

Mga mag-aaral sa KSTHS nanalo sa Science and Technology Fair sa Isabela City, ika -29 ng Nobyembre 2024.

The challenges encountered are the limited reading materials suitable for every reading level of the learners and the hectic schedule of the teachers

Pinagkunan ng Larawan: Angel Vennese Angeles

LETRANG PAGBASA MAY SUPORTA. Nagbibigay gabay sa mga mag-aaral upang masuri at mapaunlad ang kanilang karunungan. Pinagkunan ng Larawan: JULIVE SEVILLA

2 Mag-aaral g KSTHS, Pasok sa Top 30 ng PMO

Dalawang mag-aaral ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ang nagpakitang-gilas sa larangan ng matematika matapos makapasok sa Top 30 ng Philippine Mathematical Olympiad (PMO), isang prestihiyosong kompetisyon sa matematika para sa mga estudyanteng nasa sekundarya.

Sina Christer N. Salles at Yvonnie Zylen C. Mascariña ang nag-uwi ng karangalan sa buong rehiyon ng Mindanao sa kanilang kahanga-hangang pagganap sa Qualifying Stage ng ika-27 PMO na ginanap noong ika-23 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.

Ang PMO ay taunang ginaganap upang mahasa ang galing ng kabataang Pilipino sa problem-solving at lohikal na pag-iisip. Dahil sa ipinamalas na talino at galing nina Salles at Mascariña, nakakuha sila ng puwesto para sa Area Stage, ang susunod na yugto ng kompetisyon.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang paghahanda na ginagawa nina Salles at Mascariña upang mapalakas pa ang kanilang kakayahan at matamo ang tagumpay sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

SA MGA NUMERO
ni JESLYN GRACE DIVINAGRACIA
ni CARL ETRONE
ni CRIZIEL MALAGUM
ni CRIZIEL MALAGUM
mula P1 PATNUBAY SA MAG-AARAL

angbanyuhay

patnugutan

S.Y 2024 - 2025

HANNAH JANE C. TILDE Patnugot

KRISLEOFE B. BARCENILLA Pangalawang Patnugot

CRIZIEL JHANE MALAGUM Patnugot sa Balita

NURMADIAH M. MANARASAL Patnugot sa Kolum

RIZZA JOY M. CORTEZ Patnugot sa Lathalain

JOHN

B. YANGA Patnugot sa Isports

AL-HAFIZ AHMAD Patnugot sa Agham

GEORGE S. DANDING Patnugot sa Larawan

AKEELAH

RAVEN RHYLEIGH L. ROBIN Dibuhista

SHENNAH

SPagsugpo sa Kultura ng Karahasan

AngBanyuhay

ZION

ROSEVY

APRIL JOY B. SOLINO

a mga nakalipas na panahon, dumarami ang mga mag-aaral na napapapunta sa guidance office dahil sa mga kinasasangkutan nilang alitan. Alitang umaabot na sa pisikalan na kung saan ay umuuwi nang sugatan ang iilan. Hindi maikakaila na ang mga pangyayaring ito ay nagdudulot ng takot, karahasan, at pagkasira ng moralidad sa loob ng akademikong komunidad. Kaya naman kailangan nang matuldukan ang “culture gang” na isa sa mga pinakamalaking hamon na kinakaharap ng mga paaralan bago pa man ito lumala at gawing pugad ng masasamang gawi ang lugar sana ng pagkatuto at paglago.

Ang problema ay mas malalim pa kaysa sa nakikita sa ibabaw. Sa isang banda, ang pagsali sa mga ganitong grupo ay maaaring dulot ng pangangailangan na makaramdam ng koneksyon o pagtanggap mula sa isang grupo. Ang mga ganitong grupo ay madalas na produkto ng kakulangan sa emosyonal na suporta, impluwensya ng kapaligiran, at damdaming hindi sila naiintindihan. Ngunit, sa kabila ng mga intensyon, ang pakikilahok sa ganitong uri ng samahan ay kadalasang nagbubunga ng negatibong epekto, hindi lamang sa personal na pagunlad kundi pati na rin sa kabuuang komunidad ng paaralan. Maraming mag-aaral ang pumapasok ng may pangamba dahil sa banta ng bullying. Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, 40% sa mga mag-aaral na may edad 13-17 ang nakakaranas ng pambubully sa isang taon. Ayon din sa ulat ng Philippine National Police, dumarami ang insidente ng gang-related violence sa mga paaralan bawat taon.

Naaapektuhan

din ang imahe ng paaralan. Kapag may mga ulat ng karahasan na kinasasangkutan ng mga grupo ng mag-aaral, agad itong nagdudulot ng negatibong impresyon sa komunidad at sa mga magulang. Sa halip na kilalanin bilang lugar ng karunungan at disiplina, ang paaralan ay natatatakan bilang pugad ng kaguluhan.

Upang masugpo ang ganitong kultura, kailangan ng balanseng tugon—

pagpapatupad ng makatarungang disiplina kasabay ng pagbibigay ng mga programang pangkaibigan at pangkaunlaran para sa mga mag-aaral. Sa huli, ang usapin ng gang culture ay isang panawagan para sa pagtutulungan ng lahat—mga guro, magulang, at mag-aaral. Nararapat na sama-sama nating buuin ang isang ligtas at mapayapang komunidad na nagbibigaydaan para sa pag-unlad ng bawat isa, malayo sa anino ng karahasan at pagkakahati-hati. Hindi pa huli ang lahat, ang bawat araw ay siya ring syansa na magbago.

aging isang kontroberysal na diskusyon kamakailan ang pagsama ng mga buntis bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.(PBBM). Layunin nito’y palawigin ang coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga buntis at sanggol sa unang 1,000 araw. Ngunit, hangarin nga ba nito’y wakasan ang problemang nais masolusyonan o lalo lamang nitong pinapalalim ang isyung kahirapan? Ang ideyang pagbibigay ayuda para sa mga buntis ay hindi isang hakbang tungo sa kaunlaran ng bayan, bagkus ito’y nagpapalala lamang sa isyung kinakaharap natin

Bagama’t maaaring epektibong hakbang ito sa iilan subalit maaari rin itong magdulot ng maling mensahe sa ating mga kabataan. Sa halip na magturo ng responsableng pagpaplano at pagpapamilya ay maaari itong gawing isang insentibo ng mga kabataan para sa maagang pagbubuntis. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), noong 2021, nasa 18.1% ng populasyon o katumbas ng 19.99 milyong Pilipino ang nabubuhay pa rin sa ilalim ng poverty threshold. Dagdag pa rito, mahigit 200,000 sa Pilipinas ang nabubuntis taun-taon, karamihan sa kanila ay nasa edad 15 hanggang 19 na taong gulang. Patuloy pa rin ang mataas na bilang ng mahihirap, patunay na hindi sapat ang programa upang wakasan ang siklo ng kahirapan. Sa kabila ng mga implementasyon ng programa, nananatiling mataas pa rin ang bilang ng mga mahihirap, nangangahulugang hindi sapat ang inisyatibo ng programan upang wakasan ang siklo ng Nararapat na mas pagtuunan ng gobyerno ang ugat ng kahirapan, tulad ng kawalan ng sapat na edukasyon at trabaho.Pagbibigay prayoridad sa pagbibigay ng trabaho, skill training, at edukasyon ay mas epektibong solusyon.Mga aksyon gaya ng pagbibigay ng sapat na edukasyon, at nagbubukas ng maraming oportunidad sa trabaho ay mas akma at epektibo. Sa ganitong paraan, hindi lamang tayo nagbibigay ng ayuda, kundi binibigyan natin ang bawat Pilipino ng kakayahang umangat sa sariling pagsisikap. Maaaring may magandang layunin ang pagpapalawig ng saklaw ng 4Ps para sa mga buntis, ngunit hindi ito isang hakbang tungo sa kaunlaran, sa halip ito ay isang daan pabalik sa ugat ng

IGINUHIT ni RAVI CAPISEN
Daan sa Kawalan

Sa katunayan, naging mitsa ito upang pangunahan ng BKD ng Kabasalan Science and Technology High School ang “Enforcement of Prohibitions on Ciggarettes, Vaping Devices, Sharp Objects, and Playing Cards within School Premises.” Layunin nitong puksain ang bisyo ng mga kabataan sa paaralan upang magkaroon ng matiwasay na institusyon suwelto sa mga kaso ng paninigarilyo, pagdadala ng patatalas na kagamitan, at pagsusugal. Ngunit sa lahat ng mga kaso, ang isyung paninigarilyo ang may pinakamaraming bilang. Dagdag pa rito, nagkaroon sila ng simposyum patungkol sa edukasyon o kamalayan patungkol

PBIsyong Sigawrilyo ay Delubyo

indi na bago sa mga Pilipino ang mga senaryong nakikita sa telebisyon patungkol sa mga bisyo at droga. Isa ito sa mga problema ng bansa na hindi magawang solusyonan, ilang dekada naman ang lumipas. Ngunit sino nga ba ang may sala? Ang gobyernong walang sapat na hakbang upang puksain ito o ang mga mamamayang nalulong dito. Ang delubyong ito ang nagbunsod upang ipatatag ang samahang Barkada Kontra Droga (BKD) sa mga paaralan upang puksain ang bisyo, droga, at paninigarilyo sa paaralan. Nararapat lamang ito para sa magandang kinabukasan ng kabataan at ang magandang bukas ay dapat simulan

sa droga, alinsunod ito sa Section 43 ng Article IV of the Republic Act No. 9165 o tinatawag din na ComprehensiveDangerous Drugs Act of 2002. Ginanap ito noong Oktubre 8, 2024 na may temang “Empathy in action: breaking the barriers, creating safe spaces.” Nilahukan ito ng mga mag-aaral ng baitang 9, 10, 11, at 12 upang magkaroon sila ng pagkabatid sa masamang dulot ng pagkalulong sa bisyo. Ang pagkalulong sa droga ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan, bagay na hindi nakabubuti. Ayon sa Sektor ng Kalusugan na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng adiksyon sa nikotin, sakit sa baga, at stroke. Kung may pakialam ka sa iyong baga, tigilan mo ang mga bagay na makakasira sa iyong kalusugan, dahil ika nga nila “Ang kalusugan ay kayamanan.”

Legal na ang paggamit sa vape sa nag-eedad 18 pataas, alinsunod ito sa pagsabatas ng Vape Bill o Senate Bill No. 2239, ngunit inilingan ito ng Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Kalusugan dahil sa masasamang epekto nito hindi lamang sa kalusugan ngunit pati na rin sa epektong dulot nito sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

Tama lamang ang hakbang na ginawa ng BKD upang puksain ang bisyong paninigarilyo. Layunin nilang makamtan ng kabataan ang makabuluhang kinabukasan, at magsisimula ito sa pagdisiplina sa sarili. Sa pagtakbo ng oras at panahon umuusbong ang iba’t ibang makabagong bisyo na tiyak ay kasiraan ang kahihinatnan. Kung hindi tayong mga kabataan ang magsusulong upang puksain ito, sino ang ating pagbabago?

Canteen ng Paaralan Siguridad ng Kaligtasan

agkaing kinakain mainam na Siguraduhin. Naging isang malaking hamon para sa paaralang Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na patuloy na bumibili ng mga hindi masustansyang pagkain sa labas ng Institusyon. Partikular na dito ang mga inuming nagbibigay enerhiya sa ating katawan o mas kilala bilang “soft drinks”. Ang mga inuming ito ay naglalaman ng “caffeine” na kung saan ay nakatutulong upang mas tumaas ang enerhiya ng ating katawan, ngunit ang patuloy na pagkonsumo nito ay lubos na nakakasama para sa kalusugan ng isang estudyante.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Demographic Research and Development Foundation (DRDF), mahigit 68% ng mga kabataang Pilipino ang umiinom ng carbonated drinks nang hindi bababa sa isang beses kada linggo.

Ang mga pagkain na ibinibenta sa School Canteen ay sinisigurong maganda ang kalidad at masustanya ang nilalaman o sangkap nito, bilang pagsunod sa DepEd Order no. 13 s. 2017 “Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices in Schools and in DepEd Offices” na nagtataguyod kung alin ang masustansya at hindi masustansya na mga pagpipilian sa mga paaralan. Makatutulong ito sa mga mag-aaral na gumawa ng mas malusog na pagpipilian at upang mabawasan ang kanilang pagkonsumo ng mga hindi masustansyang pagkain at inumin mula sa labas ng paaralan. Gayunpaman, ang kaakit-akit at makatwirang mga probisyon para sa mga pagkain ay kailangang maitaguyod upang mahikayat ang mga mag-aaral na bumili sa loob ng paaralan. Habang dumarami ang mga mag-aaral na bumibili ng hindi masustansyang pagkain mula sa labas, maaaring solusyunan ito sa pamamagitan ng aktibong papel ng paaralan sa pagbibigay ng masustansyang alternatibo at pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa nutrisyon. Kung gagawing mas kaakit-akit, masarap, at abot-kaya ang mga pagkain sa canteen, mas mahihikayat ang mga mag-

aaral na piliin ang masustansyang opsiyon. Sa ganitong paraan, matutulungan silang maging mas matalino sa pagpili ng pagkain, na magdudulot ng mabuting epekto hindi lamang sa kanilang kalusugan sa kasalukuyan kundi pati na rin sa kanilang pangmatagalang kapakanan.

Sa gitna ng mga nakakabahalang pangyayari na dinaranas ng Pilipinas sa kasalukuyan, nakukuha pa rin ng mga lider na unahin ang alitan. Sa halip na mas pagtuonan ng pansin ang higit na mas nangangailangan, inuuna pa ang pagbabatuhan ng mga paratang. Hindi na nga lang ba paninindigan ang ipinangakong “Bagong Pilipinas” dahil ugnayan ay nasira? Kahit pa man maraming hindi pagkakaintindihan, nararapat pa rin na gampanan ang tungkulin at tuparin ang mga pangakong hindi dapat mapako.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mahigit 16.3 milyong Pilipino pa rin ang nananatiling mahirap. Sa bawat araw na hindi sila natutulungan, maraming pamilya ang walang makain at maayos na tirahan. Ang patuloy na tumataas na presyo ng bilihin at ang mababang sahod ang nagpipigil sa mga mamamayan na umunlad at magkaroon ng magandang kinabukasan. Siguro’y pumasok na rin sa isipan na baka kulang sa sipag ‘yan, ngunit hindi, dahil minsan ay may kakulangan lang talaga sa oportunidad at suporta.

Higit pa rito, ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay patuloy pa rin na nagdurusa sa kakulangan ng pasilidad, libro, at guro. Idagdag pa ang nakakabahalang datos na inilabas ng World Bank kung saan 91% ng mga bata sa bansa ang hindi nakakaintindi sa kanilang binabasa.

Imbis na ang mga suliraning ito’y pag-usapan upang matugunan, ang pondong nakalaan sa mga programang ito ay nauubos sa mga kontrobersya.

Sa halip na maging modelo ng kabataan, ang mga pinuno ay nagiging halimbawa ng hindi pagkakaisa. Paano na lang matutulungan ang mga mag-aaral na magpokus sa kanilang kinabukasan kung ang mismong nasa posisyon ay abala sa sisihan.

Habang may iba’t ibang opinyon ang bawat tao kaya nagkakaroon ng pagdedebatihan, hindi maikakailang ang alitang ito ay isang salamin ng mas malalim na problema: ang kawalan ng tunay na malasakit sa bayan. Ang bawat araw na nasasayang sa politika, ay isang araw na humihila sa mga mamamayang Pilipino pababa. Kaya naman sa halip na ituon ang pansin sa personal na hidwaan, bigyan munang solusyon ang kahirapan, edukasyon, at kalusugan.

Eskandalo sa Itaas
ayon sa: Philippine Statistic Authority
Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR
ang mga Pilipinong nananatiling mahirap
ni KRISLEOFE BARCENILLA
ni NURMADIAH MANARASAL
ni MHAFEA CLARITO
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH
Kalbangyong Usok
Kain Kalinga
Kabang Naaagnas
IGINUHIT ni CASTOR SALLES
DINIGITALIZED ni AKEELAH

SFreedom Wall o Freedom to Hurt?

a henerasyon ngayon, ang mga guro na ang laging kinakawawa at tila ba’y wala na silang karapatan upang maipahayag ang kanilang mga damdamin. Noong ika-14 ng Oktubre sa Kabasalan Science and Technology High School, may nilikhang freedom wall na naglalayong maisaad ang mga saloobin at nararamdamang emosyon ng mga mag-aaral. Ngunit, may ibang mga estudyanteng pinupuna at sinasabihan ng masasamang mga salita ang mga guro sa freedom wall. Oo, ito ay upang maipalabas ang kanilang mga damdamin, ngunit bakit kailangang ipamukha nilang masama ang mga guro?

Ayon sa National Institutes of Health, ang mga gurong nakararamdam ng burnout, stress, anxiety, at depresyon ay nasa 4% hanggang 87.1%. Maaaring ang mga salitang binitawan ng mga estudyante ang magpapataas ng mga porsyentong ito at magdudulot ng pag-alis ng mga guro sa trahabo. Bukod dito, malaki ang epekto ng pag-alis ng mga guro sa kanilang trabaho sapagka’t kulang ang mga tagapagturo dito sa Pilipinas, at batay sa Philstar, kahit dinagdagan na ng 30,000 na guro noong ika-28 ng Enero

ay kulang pa rin ito sa ating bansa. Ano nalang kaya ang nasa isip ng mga guro noong nabasa nila ang mga masasakit na salita? Bakit ang mga mag-aaral na ang humihila pababa sakanila?

Samakatuwid, mag-isip muna bago punain ang mga gurong tumutulong upang makamit natin ang magandang kinabukasang hinahangad. Ang mga guro ay nakakaramdam din ng iba’t ibang emosyon, kaya’t ayusin ang pagtrato sapagkat pare-pareho lang ang kalagayan ng isa’t isa.

Edukasyon, Hindi Kompetisyon

Mahigit

87.1%

ang mga gurong nakararamdam ng burnout, stress, anxiety, at depresyon

ni SOPHIA HANNAH ERRUA

a pagpili ng strand, nakasalalay ang direksyon ng ating edukasyon at hinaharap.

Ngunit sa likod ng mahalagang desisyong ito, na nagkukubli ang strand shaming—isang paniniwala na may mas “mataas” o mas “mababa” na strand. Isa itong mapanirang sistema ng diskriminasyon na sumasakal sa kalayaan ng mga kabataang piliin ang kanilang tunay na hilig. Strand shaming, isang simpleng salita ngunit mabigat ang tama. Marami sa mga estudyante ang napipilitang kumuha ng strand na hindi tugma sa kanilang interes para lamang maiwasan ang panghuhusga. Ayon sa datos ng CHED, 20% ng mga pumipili ng STEM ang nagbabago ng kurso sa kolehiyo dahil hindi ito ang kanilang tunay na nais. Hindi ba’t ang edukasyon ay para sa pagtuklas ng talento at kakayahan?

Ang strand shaming ay pag-atake sa ating kalayaan. Ang masakit, ang ating lipunan mismo ang nagiging hadlang sa pagpapahayag ng ating tunay na hilig at potensyal. Kung ang bawat kabataan ay hinarap ng panghuhusga, paano sila magiging matagumpay?

NHuwag tayong maging bahagi ng problemang ito. Bilang mga mag-aaral, guro, at magulang, dapat nating buwagin ang kaisipang ito.

Ang edukasyon ay hindi kumpetisyon, kundi isang paglalakbay ng pagkilala sa sarili at paghahanda sa hinaharap

Strand shaming, isang simpleng salita ngunit mabigat ang tama.

oong Setyembre 21, 2024, nasunog ang isang establisyemento na UJ Marketing sa Munisipalidad ng Kabasalan. Habang abala ang bumbero sa pag-apula ng apoy, at ang mga tao ay nagsusumikap na sagipin ang kanilang mga ari-arian, may nakakagimbal na kaganapan ang nangyari sa likod ng trahedyang ito, sa halip na kumuha ng batya at tubig ang mga tao sa kani- kanilang tahanan upang matulungan ang mga bumbero, mas inuna pa nilang kumuha ng litrato’t bidyu sa kanilang telepono.

Saan nga ba ang ating prayoridad?

Habang nilalamon ng apoy ang UJ Marketing, at ilang taong pilit na sumusulong sa panganib upang magbigay ng tulong, may mga hindi makatarungang umupo at nagmamasid lang, ang mga mata’y nakatutok sa screen ng cellphone imbes na tumulong sa nangangailangan.

Kung hindi ngayon, kailan pa natin sisimulan ang paghakbang?

Isa sa mga dahilan ng ganitong kaganapan ay ang impluwensya ng social media at ang pagiging unang makapagpost sa social media sa pangyayari. Sa kabila ng kagandahan ng pagkuha ng litrato at video bilang dokumentaryo, may pagkakataon na ito ay nagiging sagabal sa tunay na layunin ng komunidad— ang pagtulong.

Nakakalungkot isipin na sa mga insidenteng ito ay mas nangingibabaw ang kamera. Kung may pagkakataong makapagbigay tulong kaysa magdokumentaryo, sana ay imulat natin ang ating mga mata, magkaisa’t magsanib-pwersa upang magbigay buhay at pag-asa sa mga naapektuhan, higit pa

ANG WALANG

Sa panahon kung saan ang edukasyon ay itinuturing na susi sa kaunlaran, bakit tila parami nang parami ang mga kabataang nasasangkot sa suntukan, gang wars, at kaguluhan kaysa sa paghahasa ng kanilang talino at talento? Ang mga eksenang dati’y eksklusibo sa mga pelikula at palabas ay nagiging pang realidad na sa loob ng ating mga paaralan. Hindi pwedeng palampasin ang ganitong klaseng mga insidente. Walang lugar ang karahasan sa mga institusyong tumutulong dapat sa kabataan upang maging isang responsableng mamamayan. Ayon sa

Department of Education (DepEd), noong school year 2021-2022, naitala ang mahigit 264,668 kaso ng physical bullying sa mga paaralan. Ngunit sino nga ba ang tunay na may kasalanan sa ganitong sitwasyon? Hindi lamang ang sistema ng edukasyon ang dapat sisihin. Ang karahasan na ito ay repleksyon ng mas malalaking problema sa ating lipunan—ang kakulangan ng wastong paggabay mula sa pamilya, ang negatibong impluwensya ng social media, at ang pagsasawalang bahala ng pamayanan sa mga isyung kinakaharap ng kabataan. Ang insidenteng

Sa Gitna ng Lagublob Nangingibabaw ang Kamera

SHEIKHA CORPUZ pagsulatNaiskongipahayagangakingtaos artikulongngmgabalitangmakatotohanan nagbibigayliwanagsa ngkaramihan.Luboskongpinangangalagahan pagpupursigesapaguulatngliwanagsamgasuliraning wariba’ynagsisilbing mamamayan.Nawa’yngmgabalitang nakakapag

SA
IGINUHIT AT DINIGITALIZED ni AKEELAH SALDIVAR
Limitadong Kalayaan
STRANded sa Pagpili
Nakakulong na Tulong

LUGAR GULO

naganap sa Kabasalan Science High School, kung saan ang mga estudyante ay nagkaroon ng suntukan na nagresulta sa suspensyon, ay isang malinaw na halimbawa ng tumitinding karahasan sa loob ng mga paaralan. Malinaw dito na ang sistema ng edukasyon sa nasabing intitusyon ay nagkukulang sa aspeto ng disiplina at paghubog ng tamang asal.

Ang karahasan sa kabataan ay hindi isang isyu na puwedeng ipagwalang bahala. Hindi pwedeng palampasin ang mga insidenteng ito sapagkat ang bawat kabataang nasasangkot ay nangangailangan ng gabay at

Ang bawat kabataang nasasangkot sa karahasan ay nangangailangan ng gabay at suporta, hindi ng pagpapabaya.

suporta, hindi ng pagpapabaya. Dapat palakasin at paigtingin ng DepEd ang mga programang tulad ng Child Protection Policy at Anti-Bullying Act upang mas matugunan ang isyu ng karahasan ng mga kabataan.

Ang mga paaralan ay dapat maging ligtas na lugar para sa pagkatuto, kaya’t hindi na pwedeng magpatuloy ang ganitong kalakaran. Kung patuloy nating hahayaang mangyari ito, maghuhulog tayo ng isang henerasyon na mas bihasa sa gulo kaysa sa pagkatuto.

pusongpasasalamatsainyong makatotohananatmayintegridad.Mgamgaisyunghindinabibigyangpansin pinangangalagahananginyongdedikasyonat uulatngmgaimpormasyongnakapagbibigaynagsisilbingsuliraningkinakaharapngatingbayan, parolangkatotohananatbosesng Nawa’yipagpatuloyninyoangpaghahatid nakakapagbalitangtapatatpaguulatngmgabalitang pamulat. Nagmamahal,JhonLouieTipoh Grade12-Franklin

AAI, Trahedyang Sobrang Pag-asa, Agarang Patakaran ang Kailangan

ng mga instrumento ng Artificial Intelligence (AI) tulad na lamang ng ChatGPT, Meta AI, Gemini, Grammarly, at iba pa ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral na maging batikan sa mga written works, kumpletuhin ang mga gawain sa pagganap, maghanap ng impormasyon. Bagama’t walang alinlangan na ginagawang mas madali ng mga tool na ito ang buhay akademiko, hindi maiwasan ng mga guro na mag-alala dahil parami nang parami ang mga mag-aaral na sobrang umaasa sa AI na gawin ang mga gawain sa paaralan hanggang sa puntong hindi na nila ginagamit ang kanilang iba’t ibang hanay ng kasanayan. Iyon ang dahilan kung bakit oras na upang umapela para sa isang agarang pamantayan ng patakaran sa paggamit ng AI sa mga paaralan.

Bilang isang guro, nakita ko kung paano hinikayat ng AI ang katamaran, hadlangan ang kritikal na pag-iisip, at kahit na pigilan ang mga mag-aaral na magkaroon ng mahahalagang kasanayan tulad ng pagkamalikhain, paglutas ng problema, tunay na komunikasyon, at pagsasariling pag-aaral. Gaya ng inilathala sa Humanities & Social Sciences Communications Journal (2023), isang pag-aaral na isinagawa sa Pakistan at China ang nagpahayag na ang AI ay nakakaapekto sa pagkawala ng mga alalahanin sa paggawa ng desisyon, katamaran, at privacy sa mga mag-aaral. Kung tungkol sa mga kakulangang ito, hindi sapat na ipaubaya lamang sa mga guro ang pasanin. Dapat mayroong malinaw na black-and-white na mandato kung hanggang saan ang AI na magagamit sa akademya na dapat sundin ng mga mag-aaral at guro.

Ayon sa Philstar global online publication, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na pinag-aaralan na ng DepEd ang posibilidad na gumawa ng policy standard sa responsableng paggamit ng AI. Nangangahulugan ito na kahit papaano, mayroon nang paunang plano. Gayunpaman, dapat magmadali at hindi magpahuli ang kagawaran lalo na’t layunin ng Pilipinas ang mas magandang katayuan sa Program for International Student Assessment (PISA). Kung ang pangunahing pag-aalala ng tao ay matutugunan nang maayos, may mas

malaking posibilidad na gumanap nang mahusay sa pambansa at maging sa mga pandaigdigang pagtatasa.

Mahalagang kilalanin na ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng tulong sa pagkilala ng linya sa pagitan ng paggamit ng AI upang makadagdag ng kaalaman sa kanilang pag-aaral at umasa na lamang na gawin ang trabaho para sa kanila. Halimbawa, ang AI ay maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang para sa anumang paksa ng paaralan, para sa brainstorming, pag-aayos ng mga ideya, o kahit na pag-proofread ng mga write-up. Ngunit hinding-hindi nito dapat palitan ang gawain ng pagmumuni-muni, sosyo-emosyonal na pag-aaral, pagsusuri, o pag-synthesize ng impormasyon. Ang mga guro at ang departamento sa kabuuan ay may pananagutan sa paghikayat sa mahusay at epektibong paggamit ng AI habang tinitiyak na ang mga mag-aaral ay mananatiling aktibo, mapag-isip, at maaaring mangatuwiran nang lohikal at nakapag-iisa. Sa katunayan, ang mga pagpapalabas ng mga tuntunin at regulasyon sa pamamagitan ng mga memo, kautusan, at mga payo ay napakahalaga. Higit pa rito, ang mga panloob at panlabas na stakeholder ng paaralan ay maaaring makatulong sa pamamagitan ng pagtataas ng mga kaugnay na rekomendasyon sa patakaran na ginagamit ang makabuluhang pagaaral na ito.

Tradisyong Kailangan ng Bagong Henerasyon ni KLIZLE GAY MARMES

Lumingon sa ating pinanggalingan at balikan ang orihinal na pamamaraan ng pagbibigay galang

Ayon sa isang tanyag na pilosopo na si Benjamin Franklin, ang pagbabago lamang ang tanging hindi nagbabago. Sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng makabagong henerasyon, ang dahan -dahang pagkalimot ng karamihan sa mga mag-aaral sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang— ang magalang bow ay isa sa mga halimbawa ng pagbabagong hindi natin maiiwasan. Ang magalang bow ay isa sa mga pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang na itinanim na ng ating mga nakakatanda sa ating puso’t isipan. Ngunit sa paglipas ng panahon, tumaas ang pangamba na ang tradisyong ito ay mawawala at makakalimutan na. Ang magalang bow ay isang mahalagang tradisyon na kinakailangan ng bagong henerasyon para sa isang magalang at mas magandang kinabukasan.

Sa pagsibol ng bagong henerasyon at sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, ang unti-unting paglaho ng magalang bow bilang simbolo ng pagiging magalang ay isang malaking alalahanin ng ating lipunan. Hindi naman nangangahulugang na ang mga magaaral ay wala nang mabuting asal at respeto ngayon. Gayunpaman, ang pagbibigay galang ay tila binago na sa mas madali at modernong pamamaraan. Sa halip ng tahimik at magalang na pagyuko, ito’y napalitan na ng “hi” at “hello”, na masasabing isang hindi pormal na pagbibigay galang o respeto. Paano kung tuluyan na itong mawala at hindi na maipasa sa mga susunod na henerasyon?

Magiging walang galang nalang ba sila? Kasabay nang pagbabago sa ating mundong ginagalawan, nawa’y sa pagiging magalang ay walang magbago at maiwan. Bigyan nating halaga ang magalang bow dahil siguradong ito ang gagabay sa ating susunod na henerasyon upang magkaroon ng mabuting asal at tunay na maging pag-asa ng ating bayan. Nararapat na tayo’y lumingon sa ating pinanggalingan at balikan ang orihinal na pamamaraan ng pagbibigay galang dahil hakbang tungo sa magandang kinabukasan ang pagiging magalang.

Tomo I. Blg. II
ni JULIVE SEVILLA
IGINUHIT ni AKEELAH SALDIVAR
ni SOPHIA HANNAH ERRUA
Dungis ng Kasanayan
Tugong Isulong

SPuso ng Kalsada, Siglang Hatid ng Masa

a gitna ng ingay ng lungsod at bigat ng mga hakbang ng mga taong naglalakad sa daan, naroon ang mga mumunting kainan ng kalye—ang street food na nagbibigay sigla sa may parke ng Kabasalan. Kung may isa mang hindi pa nakasubok kumain nito, tiyak na matatakam at nanaising masubukan ang mga ito. Amoy pa lamang, na sumasabay sa sayaw ng hangin, para bang nais kang akitin, may bulong pang nagsasabing, “Kain na, bili ka na ng isa.” Mayroon ding iba’t ibang kulay, hugis, at lasa, ngunit iisa lang ang tawag sa ganitong klaseng pagkain na bahagi na ng kultura. Hindi fishball-an, kikiam-an, o kwekkwek-an, kundi street food sa may parke ng Kabasalan. Ang street food ay nagsimula

Susi sa Magarang Kinabukasan

Isang simbolikong pamayanan na sagana sa agrikultura at likas na yaman, mga mamamayan na nakapaskil sa kanilang mga mukha ang ubod ng kasiyahan ay sa bayan ng Kabasalan lamang matatanaw. Mga biyayang handog ng Poong may kapal ay lubos na iniingatingatan, mga nagsilakihang puno ng goma na sumakop sa buong bayan at mga magagandang tanawin na makikita sa dalampasigan. Kultura at tradisyon na bahagi ng ating kasaysayan, patunay na tayo ay may pinanggalingan. Isang simbolikong pamayanan na sagana sa agrikultura at likas na yaman, mga mamamayan na nakapaskil sa kanilang mga mukha ang ubod ng kasiyahan ay sa bayan ng Kabasalan lamang matatanaw. Mga biyayang handog ng Poong may kapal ay lubos na iniingat-ingatan, mga nagsilakihang puno ng goma na sumakop sa buong bayan at mga magagandang tanawin na makikita sa dalampasigan. Kultura at

noong sinaunang panahon bilang solusyon sa mabilis at abot kayang pagkain para sa mga tao. Sa paglipas ng panahon, nagbabago at lumalago ito. Mula sa mga tinapay, isda, at sopas ng Mesopotamia, ngayon ay naging kwekkwek, fishball, lumpia, kikiam, tempura, at hotdog na iilan lamang ito sa mga iba’t ibang klase ng masasarap na street food na maaaring tikman ninuman. Sa dami ba naman nito, hindi na maisa-isa pa sa lathalaing ito.

Masdan mo ang mga tao rito— kasama ang kanilang pamilya, barkada, kaibigan, at ka ibigan—masayang nagkukuwentuhan habang kumakain ng pagkaing paborito ng bayan. Tila ba hindi mo makikitaan ng pagod galing sa trabaho at paaralan.

Maging ang mga nagtitinda ng pagkain ay magiliw na nilulutuan at

tradisyon na bahagi ng ating kasaysayan, patunay na tayo ay may pinanggalingan. Kagaya ng mga langgam na nagbubuklod at nagtutulungan upang mabuhay, ang mga mamamayan ng Kabasalan ay nagbabayanihan upang makamit ang mas matiwasay na pamumuhay. Sila ang mga modelo sa mundo na dapat tularan, ang gawi na magdadala sa atin sa tuwid na daan. Iba-iba man ang ating pinaniniwalaan at pinanggalingan, iisa lang ang ating pinaninindigan, ang maisakatuparan ang kaunlaran at kapayapaan sa ating bayan. Hindi magiging panatag ang isang lipunan kung ang mga tao ay hindi nagkakaintindihan.

Sa modernong panahon na binalot ng makabagong teknolohiya, panatilihin pa rin natin ang habilin ng mga namaalam na. Mga kultura at tradisyon na unti-unting natabunan, nawa’y ating balikan ang makulay nitong kasaysayan.

Simula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa kalaliman ng gabi, ang mga gulong ay patuloy na umiikot upang mairaos ang

araw-araw na mamamayan, nabibigyangang kanilang kahalagahan. gaano kahirap at pagmamaneho, nasa ilalim sila ng araw o bumabayo

ulan, pilit nilang kinakaya ang lahat para

pinagsisilbihan ang mga namimili sa mumunti nilang tindahan. Makikitaan mo ng saya at galak ang kanilang mga mukha, lalo na sa tuwing may lumalapit at nagsasabing, “Ate/Kuya, pabili nga po ng isa.” Hanggang sa nagsisilapitan na rin ang iba, tila naengganyo ring bumili sa paninda ni Ate o Kuya. Ang mga pagkaing ito, bagama’t hindi man pangmayaman at kung para sa iba ay ordinaryo lamang tingnan, para sa mga kabataan at maging sa mga may edad dito sa lungsod ng Kabasalan, ay isa itong kayamanan na nagbibigay sigla sa tahimik na daanan. Hindi masamang subukan at tikman, ngunit h’wag lamang araw-arawin at pasobrahan sapagkat may negatibo rin itong epekto sa ating katawan at kalusugan.

Kabutiha’y nasa Puso ng Bawat Tao

Natatanong mo naba sa iyong sarili kung gaano ka importante ang mga hayop dito sa mundo? Kung oo, aba napakabait mo dahil hindi lahat ng tao kaya ang ginagawa mo. Sa kanilang pagmuni-muni kung saan nga ba sila mananahan ay tila nakita nila ang malaking gusali ng pader na kulay luntian at ito’y sumasalamin sa layo ng kanilang narating at bumubuhay sa kanilang paglalakbay. Isang kariktan na maraming nagmamahalan, pagmamahal na walang katapusan at ito ang luntiang paaralan ng Kabasalan. Ang luntiang paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS) ay may nakatira na dalawang aso na mapagpasailalim at matapat sa mga bagay na kanilang susundin. Sila ay sina Brownie at Milo, silang dalawa ay may kakaibang taglay na galing na tinatago lamang nila sa kanilang damdamin. Kilala sila bilang sikat na aso sa kadahilanan na tapat sila sa mga tungkulin at masunurin. Apat na taon silang naninirahan sa luntiang paaralan, mga taga-pagbantay sa hamon

lamang may maihain sa mesa at maitaguyod ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Bilang isang mag-aaral, halos anim na taon na akong sumasakay ng traysikel papuntang paaralan tuwing may pasokan. Isa sa pinagkakatiwalaan ko ay ang traysikel na may malaking tatak na "wow". Dahil dito, simula ikapitong baitang, tinatawag ko na ang drayber ng "Angkol Wow". Matagal na panahon niya na akong suking pasahero, kaya't marami na rin akong naobserbahan at natutunan sa kaniya tungkol sa buhay ng isang drayber ng traysikel.

"Sila ang hari ng mga kalsadang pangkomunidad," ito ang unang tumatak sa aking isipan habang inoobserbahan ko ang buhay ni Angkol Wow. Sa mga makikitid na daan at hindi kayang daanan ng malalaking sasakyan, ang drayber ng traysikel ang bumubuhay sa ekonomiya ng komunidad. Bukod dito, sila rin ang katuwang ng maliliit na negosyo. hinatid nila ang mga paninda, produkto, at serbisyo sa mga sulok ng komunidad.

Kung iyong panandaliang titingnan, sila'y isang simpleng naghahanap-buhay lamang. Subalit sa

malalim na pag unawa, ang kanilang papel ay hindi matatawaran sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya. "Ang COOL! WOW!" iyan ang mga salitang aking naibigkas habang kausap ko si Angkol Wow. Sa ilalim ng tirik na araw at sa gitna ng malamig na ulan, walang tigil silang nagmamaneho, isinusugal ang kanilang buhay sa masisikip na kalsada, para lamang makarating ang kanilang mga pasahero sa kanilang paroroonan nang ligtas. Lahat ng drayber, anuman ang kanilang edad, ay nararapat igalang. Nararapat silang pahalagahan, bigyan ng tamang pagkilala, at higit sa lahat, suporta upang maitaas ang antas ng kanilang kabuhayan at masiguro kanilang kaligtasan. Sa alingawngaw ng kanilang makinang umaandar, huwag nating kalimutang kilalanin ang kanilang di-matatawarang ambag sa pagpapagaan ng ating buhay araw-araw.

Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR
Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR
ni JOY CORTEZ
ni ANGEL VALENCIA
ni GEORGE DANDING
ni TRISTAN BANTILLO
Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR

Kabahagi na ang sining sa pang arawaraw na paglalagalag ng buhay ng tao. Pinagpasapasa ito mula sa nakaraan patungo sa makabagong panahon. Dumadaloy ito sa dugo ng kultura at mayamang historya ng tinubuan. Mula noon paman tanyag na sa kabi-kabilang dako ng Mindanao ang pangalang "PUSAKA" isang " Art Gallery" na matatagpuan sa lungsod ng Kabasalan. Ang ibig ipakahulugan nito ay Pamana o Pamanang- lahi. Si Saudi S. Ahmad ang tinaguriang "One of Mindanao's greatest painter." Isang Muslim na tangan at buong pusong ipinagmamalaki ang gawi nang pag pinta ng nakaraan.

Si Saudi ang Kabahagi na ang sining sa pang araw- araw na paglalagalag ng buhay ng tao. Pinagpasapasa ito mula sa nakaraan patungo sa makabagong panahon.

Dumadaloy ito sa dugo ngauna- unahang Pilipinong

AMuslim na nailathala ang obra na DUWAA SALAMAT o " THE THANKS GIVING" sa isang sikat na galeriya sa Singapore noong 2018. Puno ng makulay na istorya ang kanyang buhay bago ito naganapi. Datapuwa't, higit na mas makulay ang bawat detalye ng kanya obra- maestra. Bagkus, binuhusan niya ito nang pag-ibig, tinangi nang lubos, pinag patakan ng pawis at pagod, at higit di mabilang na pasyon sa bawat kumpas sa kanbas gamit ang "paint brush." Pamanang- lahi.

Lumipas ang ilang mga taon ngunit hindi kumukupas ang kanyang pagka wagi noon. Ngunit, bakas sa kanyang mga mata't kalamnan ang diwa ng Pusaka. Hindi kailan man matatawaran ang kanyang pamamayagpag sa ibang bansa sa larangang tumutulig sa buo niyang pagkatao.

ng bawat buhay na isinilang sa mundong kinagisnan ay may kabalikat na pagsubok, na siyang huhulma at huhubog sa daan patungo sa magarang kinabukasan. Hindi naging hadlang para sa mga Muslim na ipagsabay ang dalawang institusyon sa kabila ng hirap at pagsasakripisyo na kanilang inilaan mahantong lang ang dulo ng edukasyon. Kahit bihira silang makapagpahinga sa isang linggo, buo pa rin ang kanilang paninindigan na magpatuloy sa pag-aaral. Ang kanilang pagsisikap na makamit ang kanilang mithiin ay patunay na ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang yaman at susi sa magandang kinabukasan.

Sa Madrasah, pinag-aaralan nila ang kanilang mga tungkulin bilang

pundasyon at pinagmulan ng lahat ng aral at karunungan ay siyang gagabay patungo sa magandang kinabukasan at paroroonan. Naniniwala sila na may bagong butil ng binhi pagkatapos ng kamatayan—sisibol ang bagong buhay at magpapatuloy ang muling paglalakbay. Ang "time management" ang naging daan upang malampasan ng mga kababayan nating Muslim ang mga pagsubok sa buhay. Upang maging balanse ang oras na igugugol sa dalawang institusyon, nararapat lamang na tapusin ang mga gawain bago pa man dumating ang araw ng pasahan upang maiwasan ang "cramming."

Sa paglipas ng panahon, unti-unting lumago ang relihiyong Islam dahil sa Madrasah. Ang karunungan at kaalaman na nagsisilbing yaman ng bawat mag-aaral, pati na ang mga kultura at aral na naitatak sa puso’t isipan, ang nagsisilbing bahid ng nakaraan na makabuluhan nitong

Liyab ng

Sa silong ng mga bundok at baybayin ng Zamboanga Peninsula, isang kultura ang patuloy na sumisibol na mistulang sinulid na nagtatagpi ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Kanilang sining at espiritu ay hindi lamang simpleng anyo ng paniniwala, kundi isang malalim na pagninilay sa ugnayan ng tao, kalikasan, at mga espiritu. Kanilang kultura'y hindi isang alaala na ikinubli ng panahon, kundi isang naglalagablab na apoy na patuloy na nagsisiga sa kasalukuyan, isang kwento ng mga Subanen na kailanma'y 'di makakaligtaan.

Sa bawat indayog ng sayaw at alingawngaw ng gong nabubuhay ang tinig ng mga ninunong tila umuukit ng kwento sa himpapawid. Kanilang mga kasuota'y hinabi mula sa yaman ng kalikasan, ay parang mga obra maestrang nilikha ng nagdaang mga panahon.

Sa mga ritwal na gaya ng Buklog, sumasalamin ang

GINTONG

Malangsa. Mabaho. Mahirap . Nakakapagod.

Dahil sa walang patid na daloy ng kahirapan ay nanatiling kumakayod ng sobra-sobra ang iilan. Kahit unos ay sinusuong ng buong tatag. Hindi sumusuko kahit dilim man ang daanan.

Ako'y hamak na mahiyaing manunulat ng aming paaralan sa Kabasalanibig kong itanggi sa sarili na ako'y hindi na mang- mang sa agos ng buhay. Datapuwa't, animo'y hinambalos ako ng realidad nang kapanayamin ko si Ginoong Roger R. Cantong, isang "tapper" ng goma.

Bumulaslas sa aking bibig ang katanungang " anong hirap ang iyong nararanasan sa iyong trabaho?". Bahagyang napangiti siya at sandaling nagkaroon ng nakakabinging katahimikan.

Sa pag uyam niya ng sagot ay tumawa siya ng bahagya at ginunita ang naging kapalaran noon. " Umaalis ako ng ala una ng madaling araw upang matapos ko ng maaga ang pag kuha ng dagta ng goma." Patuloy niyang wika na " Ang lamparang de baterya lamang ang nag sisilbing liwanag ko sa tinatahak na daan sa loob ng apat na pung taon." " Bago sumikat ang haring araw ay tapos ko na sa alas kwatro ang lahat, kahit maraming subok pa ang aking hinaharap." "Wala akong choice "Halos umabot libong puno ng goma ang sumasalubong sa akin araw- araw ngunit hindi ako kailanman sumuko dahil malaki ang pag-ibig ko sa aking pamilya."

Bantad na bantad sa kanyang bilugan na mga mata ang kalinisan ng puso at ang pursigidungong pagkatao. Banaag din ang pagod niya mula sa kina uupuan. Nahinuha ko na pinag sa walang bahala niya ang panganib,tiniis ang lamig makapag uwi lang siya ng perang ipang tustus sa pamilya. Sa muli kong pag hawak ng aking panitik ay naisulat ko ang aking pag hanga mula sa taong aking nakausap. Di ko sukat akalain ang lahat ng kaniyang paghihirap bilang "tapper" ng goma. Dakila siya bilang isang taong nag hahanapbuhay ng marangal, tapat at nag titiis sa hirap. Gintong dagta na pangarap ang nakakamtan sa bawat kaluskos ng dagta sa puno ng goma.

sagradong pakikipag-ugnayan sa mga espiritu ng lupa, tubig, at himpapawid, isang pagninilay na naguugnay sa kanilang diwa at pananampalataya. Sa gitna ng mga luntiang kagubatan at masaganang sakahan, ang bawat binhing itinatanim at ani’y tinatanggap na may tahimik na panalangin. Ang kalikasan, higit pa sa kanilang kanlungan, ay isang banal na kasunduan—inaalagaan, iginagalang, at pinagyayaman bilang puso ng kanilang pamumuhay. Ngunit sa kabila ng makulay na yaman ng kanilang tradisyon, sila'y hinahamon ng alon ng makabagong panahon. Sa patuloy na agos ng modernisasyon, kanilang iniingatan ang kasaysayang nagtuturo ng diwa ng pagkakaisa at pusong mapagpasalamat. Kaugalian nila'y isang epikong isinalaysay ng kalikasan at ng mga nilalang. Sa bawat pagyakap sa mga tradisyong pinagmanahan, nabubuo ang isang liwanag na magiging gabay sa mga

darating na henerasyon. Ang kanilang mga ritwal, kasuotan, at awit ay hindi lamang nagsasalamin ng nakaraan, kundi naglalakbay patungo sa hinaharap,

Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
ni ANGEL POSPOS
ni CRISTINE CANTONG
ni BANTILLOTRISTAN
ni CRISTINE CANTONG

Simoy ng Disyembre sa gabi. Laganap na ang diwa ng Pasko nang ang hangin mula sa dakong hilagang-silangan ang nagpadama. Matindi na angsimoy ng hangin na humahalik sa katawan tuwing takipsilim. Animo’y maghihimagsik itong tuluyan, bagku’s sa ginaw ay kailangangkailangan ng panlaban.

Tumatayo na ang mga balahibo sa lamig, nanginginig na ang mga bisig. Paminsan-minsan nakakaligtaan din ang makapal na damit. “ You left your sweater here” mga salitang bumulaslas mula sa bibig. Dahil sa walang pakundangang bugso ng hangin ay ang naiwang “sweater” na lamang ang sana’y magpapaliyab sa manhid na balat. Subalit, ito’y naiwan at mahirap nang balikan. Minsa’y nagsasaad din ito ng pahimakas na tila di makuspaw-kuspaw. Bagkus, wala nang maka pagpainit sa damdaming nalasapan ang hanging maginaw ng Pasko. Hindi na mangyayaring kukunin pang muli ang naiwang “sweater” sa silid mo.

Malakas na malakas na rin ang pagyabong ng mga himig sa ilalim ng bilog na buwan habang pinapakinggan . Habang yinayakap ng nagpupuyos na hangin lulan ng Amihan.

Ang kanta’y nagsasalimbayan ng samu’t saring emosyon, na may lirikong “ I still remember the third of December, me in your sweater.”

Mangyari, ito’y obra maestra ngunit ito’y tila isang multo ng gunita na nagbabalik tuwing Disyembre. Itong labis na mga alaala, sa pagbabalik tanaw nalang maipagsasamo. Dahil, tulad ito ng panglamig na naiwan. Maari pang mabalikan paminsanminsan, ngunit hindi maitatangging ito’y naiwan pa rin sa nakaraan.

Sumisilip na ang buwan at ang mga butuin ay nagniningning sa kalawakan, unti-unti ng nagsiuwian ang mga tao sa kani-kanilang tahanan matapos ang abalang araw.

Ang nakakabinging katahimikan sa kalsada at ang simoy ng hangin na nagpaparamdam ng kaginhawaan, ang mga maliliwanag na ilaw ng poste sa daan na siyang gumagabay sa bawat paa sa kanilang paroroonan. Habang tayo ay naglalakad, Hindi maiwasan na magmuni-muni, sa bawat hakbang ay may pagbabaliktanaw sa mga naganap sa araw. Ang ilaw na nagpapahiwatig sa atin na, sa kabila ng madilim na landas na tatahakin ay may liwanag sa hangganan na naghihintay sa atin.

Ang mga poste ay sumisimblo ng pag-asa, ‘wag matakot na harapin ang mga pagsubok sa buhay, sa bawat dilim ay may maliwanag na poste at bawat hamon ay may kapalit na tagumpay.

Balot! Penoy! Karaniwang naririnig natin tuwing sasapit na ang halik ng dilim. Abala na ang ating mga mamayang nagtitinda ng samu’t saring pamatid-gutom na pagkain sa bawat dako ng daan.

Ang masasarap na sabaw ng pares na tiyak mong babalik-balikan at ang katakam-takam na fishball na may kasamang maasim na sawsawan. Mayroon ding makukulay na mga kakanin na tila nang aakit ng paningin at matatamis na palamig na sa isang lagok mo lang ay napapawi na ang iyong pagod sa maghapong pagtatrabaho. Tila nagiging isang lugar ng panandaliang tawid sa reyalidad ng buhay, ang aroma ng mga pagkain na may pagbaliktanaw sa nakaraan, marahil ay kwentohanan kasama ang mga kaibigan o mga sandaling siya pa rin ang nilalaman ng iyong damdamin at kalooban.

Ngunit lagi natin itatak sa ating isipan na disiplinahin natin ang ating mga sarili sapagkat sa huli, kahit gaano pa yan ka malinamnam ang mga pagkain ay tayo pa rin ang magsisisi, hawak natin ang ating kalusugan kaya nararapat lang na ito’y ating ingatan upang sakit ay maiwasan.

Habang dahan-dahan na kinakain ng dilim ang sinag ng araw at ang mga bituin sa kalawakan ay unti-unting nag luluningning, ang mga nag-iilaw na bumbilya sa bawat daan at tahanan na siyang gagabay sa landas sa tamang paroroonan. Hindi mapigilan na manabik ng labis sa mga katakam-takam na mga kakanin na binebenta na nakakapagbigay sigla at ligaya sa ating tiyan. Ang busina ng motorsiklo sa kalsada na naging tanging kabuhayan ng bawat

SSa bawat paglamon ng dilim sa kalupaan, animo’y maghihimagsik ang kadiliman. Sa wari na walang patutunguhan mag mula takipsilim hanggang sa pag tilaok ng manok sa kaumagahan. Bantay ng magigiting na mga lingkod ang pangalawang tahanan. Kinilala sila sa alyas na “Angkol junvic at ebo.” Sa Kabasalan Science &Technology High School sila’y nakilala’t nakalakihan. Si Danilo Traya Ebo na naninilbihan ng walong taon at si Junvic Epao Padayogdog na apat na taon na rin sa serbisyo. Dalawa silang may karanasan sa pag sulong ng kaayusan. Tangan ng kanilang kaluluwa ang paggiging kawal. Nakabalot sa kanilang puso ang diwa na guro’t studyante ay pag lingkoran. Bantad na bantad sa kanilang mukha ang mga karanasan sa buhay. Tila walang pakundangang sakripisyo’t

a bukang liwayway ay nagsisimula mag-apura ang mga mamamayan sariling sasakyan. Pagtapak mo pa pampublikong transportasyon ay tila mga palangke, nagsisiksikan at nag-aagawan ng pwesto—may mga nakatayo at mayroon naka-upo.

May pagkakataon na kailangan maghintay ng ilang oras bago ang susunod na sasakyan. Kung tutuusin, mahirap ang buhay commuter, lalo na kung sila’y galing pa sa Sa kabila ng mga pagsubok na nakaharap ay kamangha-mangha ang pasensya nila sa bawat araw na walang pagod at paghihintay. Sa bawat sakripisyo sa paghintay ay may kasunod na bungang

ni CRISTINE CANTONG
ni TRISTAN BANTILLO
TRISTAN BANTILLO
iginuhit ni KENTH TAMANAL
iginuhit
iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR
iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR

tsuper sa kanilang pamilya, ang sandigan ng katarungan at kaayusan na siyang namumuno sa sistema ng bayan, sinisigurado ang ating kaligtasan kahit buhay man ang sinusugal, sila ang kabalyero sa modernong henerasyon. Mapa araw o gabi palaging makabuluhan ang lungsod ng Kabasalan.

serbisyo ang kanilang na iambag sa institusyon ng “ Science High.”

Isa silang marangal na nagaalab ang makapilipinong dugo. Nag durugtong ito sa paaralan, mag- aaral at mga guro. Buong hubog nilang puso ang sumoung sa mga gabing nag-iibayo.

nang na walang lang sa mga taong nasa ding mga

mo pang himpilan ng ng isang trabaho . kanilang ipanakitang humpay na na ginugol tagumpay.

Sa madilim na gabi, na puno ng alingawngaw na nakakubli, mga patak ng ulan na sobrang lakas na tila nagbabadya ng wakas at ang lamig ng simoy ng hangin na dumadaplis sa katawang matulis. Ito’y sumasalamin sa mga suliranin na kailangang harapin. Pagod at puyat na sa pagpupursige, ngunit utak ang ginawang sandata sa bandang huli. Ang gabi para sa mga estudyante ay tila naging tahimik na kanlungan kung saan ang kanilang mga gawain ay kailangang tapusin. Sa luntiang paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), may mga estudyanteng hindi alintana ang pagod at antok sa pagtahak ng landas tungo sa kanilang mga pangarap. Sila ang mga kabataan na kahit dapit-hapon na’t lampas na sa takdang oras ng klase ay nananatili pa ring nakayuko sa kanilang mga aklat, nagtutulungan sa mga proyekto, o nagkukumahog upang tapusin ang mga araling kailangang ipasa kinabukasan. Sa likod ng bawat gabing ginugol sa paaralan, may mga pagsusumikap, sakripisyo, at tagumpay.

Ang mga mag-aaral sa KSTHS ay buwis-buhay sa kanilang pag-aaral, patuloy na lumalaban hanggang sa marating ang inaasamasam na magandang kinabukasan. Sa kabila ng mga hamon, ang mga estudyanteng ito ay patuloy na nagpupursigi para sa kanilang mga pangarap. Ang bawat oras na inilaan nila, kahit sa kalaliman ng gabi, ay simbolo ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa edukasyon.

Sa huli, walang hadlang sa mga dagok mo kung patuloy ka lang na lumaban sa ano mang daloy ng iyong buhay. Aabante ka hanggang sa masabi mo sa sarili mo na kaya ko pala buti hindi ako bumitaw.

Sa makabagong mundo kung saan ang mga tapak ng kabayo ay napalitan na ng mga busina ng mga motorsiklo. Ang mga magigiting na tsuper na tagapagadya ng madla, ay nagsisilbing sandalan ng mga mamamayan upang magpatuloy sa pakikibaka sa kasalukuyan. Gasolina bilang pag-usad sa bawat destinasyon na paroroonan at ang lakas na binitawan sa pagkontrol sa manubela ng sasakyan ay tanging kabuhayan na tumataguyod sa kanila. Tatahakin ang mga lubak-lubak na daan at minsan naiipit pa sa gitna ng kalsada dahil sa biglaang pagkasira ng makina ng sasakyan. Mga matitibay na “trycicle drivers” na pumapasada kahit sa gitna ng bagsik ng ulan, patuloy pa rin silang nagsusumikap upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng hirap, patuloy pa rin silang nakikibaka, nawa’y atin silang galangin sa kanilang payak na pamumuhay at bigyang halaga ang kanilang ginagawa.

Habang tayo ay mahimbing na natutulog sa katahimikan ng gabi, naka-alisto ang ating tagapagtangol sa oras ng kaguluhan. Kulay pula at bughaw ang karaniwang masisilayan tuwing hating gabi sa kalsada, simbolo na sila’y handa nang mag hatid ng kapayapaan. Bitbit ang kanilang maliwanag na ilaw de-baterya bilang gabay sa madilim na paligid, sinisigurado nila na ang bawat sulok ay walang kapahamakan na nakaabang.

Ang trabaho ng isang Pulis ay hindi basta-basta, nakasalalay ang kanilang buhay sa bawat hakbang na kanilang gagawin, patunay na sila ay matatapang sapagkat handa silang isugal ang kanilang sarili mapanatili lang ang kaligtasan ng ating bayan.

Ang magigiting na Pulis ng Kabasalan ay puno ng dedikasyon na panatilihin ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa. Ang kanilang paninilbihan ay nagbigay ng mas mahigpit na seguridad sa mga mamamayan. Maraming salamat po sa walang sawang pagserbisyo sa sambayanang Pilipino mga kawal sa anino ng gabi. Saludo po kami sa inyo!

ni GEORGE DANDING
ni TRISTAN BANTILLO
ni TRISTAN BANTILLO
iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR
iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
iginuhit

Mentalidad ay Reyalidad na Responsibilidad

ni NURMADIAH MANARASAL

Ramdam ng henerasyon ngayon ang epekto ng teknolohiya, kaya naman ayon sa Oxford Dictionary, may opisyal nang salita ang taong 2024, at ito ang “Brain-rot”. Nangangahulugan ito sa pagkasira ng tamang mental na estado dahil sa pagbababad sa social media. Dagdag pa rito, ang ganitong negatibong gawain ay maaring makaapekto sa iyong mental na kalusugan na maari naman magbunsod ng suicide. Upang mabigyan ng kamalayan ang mga kabataang mag-aaral ay naglunsad ang Scitechista Supreme Medics ng Mental Health Symposium sa Mataas na Paaralan ng Kabasalan Science and Technology nito lamang ika-26 ng Setyembre 2024.

Ang symposium ay nakapokus sa pagbigay sa mga mag-aaral ng kaalaman patungkol sa kung papaano pangasiwaan ang stress, anxiety, at iba pang pagsubok sa mental na kalusugan.

Sa katunayan, ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, 254 na kaso ng suicide ang naitala sa panuruang taon 2023-2024 at 1,492 na kaso naman ang attempted suicide. Kaya mulatin natin ang ating mata sa reyalidad dahil ang pagiging malusog ay ating responsibilidad. Sa pamamagitan ng pag-alaga sa sarili at pagkausap sa mga kaibigan o pamilya upang mailabas mo ang iyong problema.

Ang suicide ay hindi dapat binabalewala. Upang mapigilan ito,nararapat na mayroong indibidwal na kaagapay at napaglalabasan ng emosyon tuwing may problema. Kung magkahawak-kamay, kaya nating magkaroon ng pagbabago. Para sa kalusugan, harapin ang reyalidad na ang pag-aalaga sa sarili ay ating responsibilidad.

“Rain rain go away, come again another day…

Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR

TVANESSA MANCENERO

Matatayog at luntian na mga puno ang nakapalibot. Ito ay sari-sari sa pananaw at sariwa sa damdamin. Maririnig ang mahinahong pagbagsak ng tubig at ang kaluskos ng mga dahon. Sa pagtingin sa kalangitan, nakakamanghang pagmasdan ang hindi mabilang na paniking lumilipad tungo sa kanilang mga tutuluyan na puno upang ipagpalipas ang panibagong gabi. Matatagpuan sa probinsya ng Zamboanga Sibugay ang Kabug

Usok dito, usok doon Ubo rito, ubo roon Nakakalungkot isipin na ang isang kasangkapan ay sakit ang dulot sa isang indibidwal. Kasiraan sa kalusugan ang dulot sa pagtangkilik ng vape o paninigarilyo. Sa kabila ng mga panawagan ng iba’t ibang ahensya upang bigyang babala ang paggamit nito. Nanaig pa rin ang pagsabatas ng Vaporized Nicotine and Nonnicotine Products Regulations Acts (Senate bill no. 2239) o Vape Bill. Matinding pag-iling ang iginawad ng Kagawaran ng Edukasyon upang ipahayag ang kanilang oposisyon. Kaya nating ibalewala ang reyalidad ngunit hindi natin kayang harapin ang kahihinatnan ng pinili nating reyalidad. At ito ang reyalidad sa hindi pagpili ng kalidad na hakbang upang matugunan ang problemang kinakaharap ng bansa ukol sa kalusugan bagkus

ay gumawa pa ng batas upang tuluyan itong maging legal. Naatim na maging legal ang isang sistema kahit alam ng mga may-alam at kinauukulan ang dulot nitong delubyo? Kung iyon din pala ang pagababasehan ay walang pinagkaiba ang legal sa ilegal. Paano na ang kalusugan ng kabataan? Na siyang haligi ng hinaharap ng ating bayan. Sa katunayan, mas binabaan pa nila sa edad 18 na noong nakaraan ay 21 ang maaring makabili nito ng legal. Ayon sa Kagawan ng Kalusugan, ang vape ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng ubo at lung cancer sa isang indibidwal na gumagamit nito, dahil ang ito ay naglalaman ng sangkap na nicotine, glycol, carbonysis, propylene, at carbon monoxide na pawang puro mga kemikal. Kaya huwag mong gawin ang mga bagay na

maaring kumitil sa buhay mo. Maihahalintulad ito sa isang sunog na nagliliyab, una ay hindi pa matukoy ang pinagmulan ngunit sa unti-unting pagkalat ng apoy ay doon mo malalanghap ang usok na maaaring makasunok sa iyo. Kaya’t tayong mga kabataan, kakayanin ba natin na maging bahagi ng isang lipunang puno ng sakit at pagkabigo dahil sa mga maling pananaw ng mga mamamayan at namumuno? Na maaring maging dahilan ng pagpanaw ng ating kalusugan. Alam nating nais ng bawat mamamayan ang isang lipunan na puno ng kalusugan at ensaktong edukasyon. Ang pagbabago ay nasa ating kapalaran kaya kung nais mo itong makamtan, hawak-kamay tayong sumulong para sa kaginhawaan.

aliwas sa kantang nasa ibabaw ang gustong mangyari ng mga tao sa panahon ngayon. Pinapanalangin nilang dinggin ng langit ang kanilang hinaing at ipagkaloob sa kanila ang muling pagbagsak ng tubig sa mundong ibabaw.

Tubig ang isa sa mga importanteng elemento upang mabuhay dito sa mundo. Ang sektor ng agrikultura ay naghihirap na sulosyunan ang kakulangan ng tubig sa tuwing sumasapit ang tagtuyot. Ang paminsan-minsan na pag-ulan ay hindi sapat upang maitaguyod ang produksyon ng mga pananim at panatilihing malinis o malayo sa mikrobyo ang mga pasilidad.

Malalanta ang mga pananim, lalong lalo na ang palayan, at ang mga tao’t hayop ay mauuhaw. Dudumi

Paraiso Ng Paniki

Mangrove Park and Wetlands. Ang parkeng ito ay mayaman sa bakawan o mangrove, na nagreresulta sa pagdagsa ng mga paniki. Bukod dito, sagana ang lugar sa iba’t ibang puno o pananim, na nagdadagdag sa kagandahan ng lugar at dahilan kung bakit naaakit ang mga paniki na manuluyan dito. Sa pangangalaga at patuloy na paglago nito, hindi nagtagal ay tuluyan na itong naging tahanan ng mga paniki. Tuloy-tuloy ang kanilang pagdating, at hanggang

ang kapaligiran dahil walang sapat na suplay ng tubig at kakalat ang mga sakit na may kinalaman sa kakulangan ng tubig, katulad ng dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan. Magkakaroon ng kagipitan sa mga pangangailangan ng tao sa araw-araw dahil sa hindi sapat na suplay ng tubig. Ang hamon sa suplay ng tubig ay matagal nang hinaharap lalong-lalo na ng mga magsasaka na kung saan sila ay umaasa sa irigasyon. Tinataya ng National Water Resources na aabot sa 11 milyong Filipino ang walang mapagkukunan ng malinis at ligtas na

sa kasalukuyan, mas lalo silang dumadami.

Ito ang perpektong lugar para sa mga mahilig sa kalikasan at ninais ang kapayapaan. Ang tahimik na lugar at paminsan-minsang tunog na nililikha ng sari-buhay sa lugar na ito ay nakakatulong sa mga bisita na makapagpahinga at makapag-isip. Maaari rin silang maglakad-lakad, tingnan ang paligid, at manood sa mga ibon o paniki. Pangangalaga at pag-iingat

tubig.Sa pagharap sa pagsubok na ito, kanya-kanya naman ang diskarte ng mga tao upang mairaos ang pangaraw-araw na pamumuhay sa kabila ng kakapusan sa tubig. Isa rin ang pagtitipid at pagiimbak ng tubig sa nakasanayang gawain ng mga tao upang mairaos ang hamon sa kakulangan ng tubig. Payo pa ng nakararami ang pagiging wais sa pagkonsumo ng tubig lalo pa’t ito ang bumubuhay sa atin at sa kasalukuyan ay humaharap tayo sa krisis.

ni VANESSA MANCENERO
ni NURMADIAH MANARASAL
Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR

Anihan ng Pag-asa: Hakbang Tungo Sa

Pagbabago

Ang bawat magsasaka ay may kani-kaniyang mga storyangdinadala ukol sa pagtatanim at sa pag-ani. Sa bawat hamon, patuloy na umaasa ang mga magsasaka sa suporta ng nakakataas.

Kabilang na ang mga magsasakang kabasaleños, na nakikipagbuno sa mga hamon na kinakaharap nila, katulad ng pagbabago ng klima, mababang presyo ng mga ani, at kakulangan ng pondo. Sa kabila nito, may nananatiling pag-asa para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nakahanda ang pamahalaan na tulungan at suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng iba’t ibang

Mhakbangin. Isa na rito ang pagbibigay ng tulong pinansyal, tulad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at iba pang pagsisikap na naglalayon sa mga magsasaka na tumulong sa modernisasyon ng agrikultura.

Bukod sa pamahalaan, handa at aktibo ring tumulong ang mga non-government organizations (NGOs) sa mga magsasaka. Sa paraan ng teknikal na suporta, access sa mga pamilihan, at pagsasanay. Layunin nilang tulungan ang mga magsasaka, upang palakasin ang kanilang boses at kapangyarihan.

Gayunpaman, inaalam ng Department of Agriculture ang mga hamon na kinakaharap

ng sektor. Kabilang na rito ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga input sa pagsasaka, kakulangan ng infrastructure, at pabago-bagong klima.

Mananatiling nakatatak sa liwanag ang positibong pananaw ng Department of Agriculture (DA) sa hinaharap ng agrikultura sa ating bayan. Bilang resulta ng patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng pamahalaan, mga Nongovernment organizations NGOs, at mga magsasaka, na siyang inaasahang mapapabuti ang kalagayan ng sektor, gayundin ang mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.

Mapagpalayang

Pakpak Ng Panahon

ni VANESSA

Parang musika sa pandinig ang mga tunog na kanilang kaaya-aya sa tenga at nagbibigay aliw. Kapag tumingala, makikita silang malayang lumilipad sa himpapawid, gamit ang kanilang pakpak, na kaya silang dalhin kahit saan mang panig ng mundo.

Bagong uri ng ibon na hindi pamilyar ang makikita sa kalangitan, tanda ng hindi mapigilang paglipas ng panahon at pagkakaroon ng pagbabago sa kapaligiran. Ang patuloy na pagdayo ng iba’t ibang uri ng ibon ay nangangahulugang ninanais nilang mabuhay at makaraos sa pagbabago ng nakasanayang kapaligiran. Ninanais nilang makahanap ng lugar kung saan sila maninirahan at maging ligtas ang kanilang mga uri.

Ang Bayan ng Siay ay dinadagsa ng mga ibon sapagkat ang kalikasan nito ay angkop sa kanilang pangangailangan. Pinapaligiran ang lugar ng mga nagluluntiang mga puno na naging sanhi sa kanilang paglipat. Ngunit, sa kabila ng kalayaang kanilang tinatamasa, ay mayroon pa ring mga hamon na nakapalibot sa kanila. Ang pangangalaga sa ating kalikasan ay isang pagpapakita ng pagmamahal at disiplina’y tiyak na makakabuo ng malusog at ligtas na tirahan, hindi lamang para sa mga ibon, kundi pati na rin sa iba’t ibang uri ng may buhay.

Sa patuloy na paglipad ng mga ibon, nawa’y mapagtanto natin na ang kanilang

Ugat Ng Katatagan

atatagpuan ito sa tubig-alat at sariwang tubig, matayog at di basta bastang natitinag. Nagsisilbing proteksyon at panangga laban sa kapahamakan. Ito ang hatid ng bakawan, ang puno sa karagatan. Sa unang tingin, hindi mo aakalain na ang punong ito’y hindi pangkaraniwan. Gaya ng mga puno sa lupa, mayroon itong kakaibang kakayahan na nakatutulong sa ating kaligtasan. Kilala bilang bakawan sa Tagalog ang mangrove, kung saan ang bawat tanim nito ay may malaking epekto sa karamihan, lalong lalo na pagdating sa usaping dagat.

Karamihan sa mga mangingisda ay nagtatanim nito sa iba’t ibang bahagi ng karagatan. Ang iba naman ay hinihikayat na magtanim dahil sa benepisyong hatid nito. Pagdating ng kalamidad, ang iba’t ibang parte ng punong ito ay may kani-kaniyang ginagampanan. Ang tinatawag na aerial roots ng mangrove ay responsable sa pagpapanatili ng mga sediment at pagpigil sa mga posibleng pagguho, samantalang ang ugat nito’y napapababa ang lakas ng paparating na hangin at alon, binabawasan ang pagbaha o ang posibleng pinsala nito. Mayroon ding mga programang nilikha patungkol sa pagpapalakas at pagpapadami

ng nasabing puno, tulad ng Mangrove Planting Activity kung saan maraming tao ang magkakaroon ng kaalaman patungkol sa mangrove at magkakaroon sila ng partisipasyon sa pagtatanim. “Kapag may itinanim, may aanihin,” sikat at tiyak na nag-iwan ng marka sa bawat isa ang kasabihan sa itaas. Sa pakiki-isa sa pagtanim at pag-alaga ng mangrove, tiyak na tayo’y makikinabang. Dagdag pa diyan ang tulong na ating maibabahagi hindi lamang sa ating paligid kundi pati sa pagpapanatili ng ating seguridad sa darating na mga sakuna.

ni AL HAFIZ AHMAD

“Tara...laro tayo ng Chinese garter” naririnig natin ang mga katagang ito noong tayo ay mga bata pa at mapahangang ngayon. Ang iba sa’tin ay nakapaglaro na nito at minsa’y nagiging “mother” tayo sa tuwing ang mga kasamahan natin ay kinakailangang maisalba. Ngunit alam niyo ba na ang tali ng chinese garter ay gawa sa goma.

Sa bayan ng Kabasalan ay matatagpuan ang Barangay Goodyear, na kung saan ay napapalibutan ito ng maraming gomang kahoy. Ang Goodyear Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (GARBEMCO) ay ang namamahala ng isang plantasyon ng goma at itinuturing din ito sa isa sa pinakamalaking producer ng goma sa lugar.Ang pagbabantay at pagaani ng mga goma ay hindi madali para sa mga taong nagtatrabaho roon, bagkus kinakailangan ito ng matiyagang

pagbabantay at pangangalaga. Tumatagal ng 5-7 na taon bago maani ang dagta o latex, at patuloy na bumubuo ng dagta ang punong goma sa loob ng 20 hangang 30 taon, ngunit habang tumatagal ang panahon ay unti-unti ring bumababa ang daloy ng dagta, na siyang pinuputol ng mga manggagatas ng goma upang mapakinabangan pa ito sa ibang bagay.

Si Ruel B. Puno, manggagatas ng goma, ay sampung taon na siyang tapat sa pagbabantay at aani ng goma sa

pamamahala ng GARBEMCO, ani niya

“Mahirap ang aking trabaho, ngunit mas mahirap kapag wala akong mahiahing pagkain sa aking pamilya”. Para sa kaniya ito ang natatanging trabaho na siyang bumubuhay sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang sakripisyo ay nagbibigay ng inspirasyon. Ang larong Chinese Garter ay hindi lamang isang larangan, kundi isang pagpapakita ng pagtatanggol sa isa’t isa patungo sa maunlad na kinabukasan.

ni AL HAFIZ AHMAD
Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR
Iginuhit ni AKEELAH SALDIVAR
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN

Mananaliksik ng KSTHS, Nagsagawa ng Inobasyon mula sa Calamansi

ni JESLYN GRACE DIVINAGRACIA

Kapaki-pakinabang ang isinagawang pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School patungkol sa Water Absorbent Hydrogel na mula sa Calamansi upang magsilbing imbakan ng tubig para sa halaman.

Ayon sa mga estudyanteng mananaliksik, ang Water Absorbent Hydrogel ay tumutulong sa mga magsasaka o mga taong mahihilig sa halaman, sa pagbibigay ng sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga pananim.

Ang naturang Hydrogel ay isang crosslinked polymer, partikular ang PECTIN mula sa calamansi, na maaaring makuha sa pamamagitan ng pagpapakulo ng mga hiniwang balat ng calamansi sa distilled water na may pH level na 1-2.

Ilalagay umano ang naturang gel malapit sa mga ugat ng halaman para sa mga tuyong kondisyon ng panahon, hindi na nangangailangan ng pagdidilig na maaaring tumagal ng linggo o isang buwan.

Ayon din sa mga mananaliksik, na sa isang linggo ay nasa mahigit 41.8% na sukat o 418 grams ng 1000 grams ang kayang masipsip ng hydrogel.

Pinangunahan nina Ysabelle B. Aracena, Seth Adrianne B. Sasota, at Ronily G. Vacaro ang nasabing pananaliksik sa larangan ng Pisikal na Agham.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring mino-monitor ng mga mananaliksik mula sa KSTHS ang paglago ng mga halaman upang masuri ang performance ng gel.

ni RIZZA JOY CORTEZ

SKinabukasa’y

a gabing kasing-itim ng uling at kasing-tahimik ng hukay, bumubulong ang panganib sa bawat pagaspas ng pakpak ng lamok, na kasing liit ng butil ng bigas ngunit kasing bagsik ng isang bagyo. Sa kanilang mumunting paglipad, dala nila ang mga sakit na kayang magpatumba ng libo-libong buhay. Maraming dalubhasa ang bumubuo ng makapangyarihang teknolohiya at programa na na tila sila’y mga mandirigmang sumusugod sa tahimik na digmaan para mapuksa ang banta ng sakit na dala ng bawat lamok.

Maging sa tahimik na sulok ng silid-aralan ng Kabasalan Science and Technology High School ay may tatlong henyong mag-aaral — sina Angel Vennese D. Angeles, Mhyl Toichi A. Robles, at Khaleed Ibn T. Padayhag — na bumuo ng isang pambihirang sandata na kayang baguhin ang takbo ng laban. Sila'y gumawa ng "MosK2L: Solar-Powered Mosquito Killer with Dual Lure (Light & Sound) and Electrocution Technology," isang makabagong estratehiya laban sa insektong na gumagamit ng enerhiyang solar, matalinong sensor, at mekanismo para maiwasan ang pagkasira. Kapag ang liwanag ay bumaba sa kritikal na 11,731 lux, gumigising ang aparato at nagsisimula ng isang misyon ng walang awang paglilinis. Bago pa man ito pumasok sa operasyon, ang vibrator ay mabilis na umiindak upang

Mag-aaral, Lumikha ng Alternatibong Panggatong Gamit ang Nabubulok na Basura

Isang makabagong hakbang ng paggawa ng alternatibong panggatong, gamit ang mga balat ng calamansi at mga balat ng buto ng puno ng goma na mas makakabuti sa kalikasan kumpara sa tradisyunal na uling na gawa sa kahoy ang natuklasan ni Krisleofe Barcenilla, isang mag-aaral mula sa mataas na paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School (KSTHS), kung saan ay ang mga materyales na kaniyang ginamit ay ang nabubulok lamang na basura na kaniyang ikinolekta mula sa kalapit niyang lugar.

Ayon sa kaniya, nais niyang matugunan ang suliranin sa deforestation na dulot ng tradisyunal na uling na gawa sa kahoy, maging ang mabigyang-pansin ang potensyal ng mga basurang materyales na hindi lubos napapakinabangan.

Dagdag pa niya, "l aimed to produce a product that can benefit everyone and serve as a sustainable alternative at the same time," inihahayag na layunin niyang makabuo ng produktong kapakipakinabang sa lahat at magsisilbing makakalikasang alternatibo.

Ang mga nasabing materyales ay sumailalim sa proseso ng carbonization, kung saan pinainit ang mga ito sa mataas na temperatura nang walang oxygen upang maging uling, saka dinurog, hinaluan ng cassava starch bilang binder, hinulma at pinatuyo sa araw upang makuha ang tamang antas ng moisture content.

Sa pananalilsik ni Barcenilla, lumabas na ang pisikal at kemikal na katangian ng
Briquettes ay hindi nalalayo sa katangian ng traditional na uling at napag-alaman din niya na mas mura ito.

Isinalang sa Division Science and Technology Fair (DSTF) sa indibidwal na kategorya sa Physical Science na ginanap nitong ika-12 ng Nobyembre, 2024 ang kaniyang pananaliksik, kung saan nagwagi siya ng unang pwesto at nakamit naman ang ikatlong pwesto sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) nitong ika-29 ng Nobyembre, 2024.

ni SHANNON HERRERA Tagapanday

Sni GEORGE DANDING

a likod ng bawat tagumpay ay may kwento ng sakripisyo, pagpupunyagi, at matibay na determinasyon. Ganito ang naging buhay ni Marc Isiah Ocharon, isang simpleng mananaliksik na hinubog ng hamon ng buhay at naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang di-matitinag na dedikasyon sa agham.

Si Marc ay isang researcher na naglalayong mag-ambag ng makabagong teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay. Ang kaniyang proyekto? Isang automatic window system na may kakayahang mag-sara kapag nakadetekta ng ulan na dala ng malakas na hangin (wind-driven rain) at muling magbukas kapag natapos na ang ulan. Isang ideya na maaaring ituring na simple ngunit may malaking potensyal na makatulong sa mga tahanan at negosyo, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng biglaang pag-ulan. Sa bawat pagsubok, natutunan ni Marc ang masusing pagsusuri, pag-aayos ng disenyo, at pagpapahusay sa mekanismo ng kaniyang produkto. Gumamit siya ng mga sensor na sensitibo sa ulan at hangin, pati na rin ng mga mekanikal na bahagi upang gawing epektibo at praktikal ang sistema. Ipinakita niya na sa kabila ng kakulangan sa mga makabagong kagamitan, ang malikhaing pagiisip at determinasyon ay sapat upang lumikha ng isang inobasyon.

Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN

ang maySandata, Pag-asa

itaboy ang mga patak ng ulan, iniiwasan ang anumang pinsala. Sumunod ang electrocution grid, isang di-matatagilap na pader ng kuryente, at ang asul na ilaw at tunog sa pagitan ng 440 Hz at 14.3 kHz ay hihikayat sa mga lamok patungo sa kanilang tiyak na kapahamakan. Sa bawat pag-andar nito, isang bagong pangako ang bumubulong sa hangin — isang pangako ng kaligtasan at katiwasayan. Sa kabila ng kanilang kabataan, ginamit nila ang kanilang di-mabilang na talento at hindi matitinag na kasanayan upang magbigay ng makapangyarihang ambag sa lumulubong isyu ng lipunan. Isinalang nila ito sa kompetisyon, at naging kampyon sa prestihiyosong kategoryang Robotics and Intelligent Machines sa ilalim ng Division at Regional Science and Technology Fair o (DSTF) at (RSTF). Hindi lang sila basta nakipagsabayan, kundi nagningning sa kanilang pagiging kwalipikado para sa National Science and Technology Fair (NSTF). Isang monumental na tagumpay na nagsisilbing patunay ng hindi matitinag na galing at dedikasyon ng mga mag-aaral sa larangan ng agham at teknolohiya. Patunay na ang nilikha nilang MosK2L ay makatotohanang pag-asa na tila hinugot sa agham-pantasya.

olusyon:

Chitosan mula sa Ipis, Solusyon sa Pangangalaga ng Mangga

ni AL HAFIZ AHMAD

Sa isang makabago at makulay na pang-agham na pagsisikap, ang pangkat ng pananaliksik na “sTRESSed Marias” na binubuo nina Keen Jhunerville M. Defenio, Jhon Louie R. Tipoh, at Angel Grace M. Valencia ay matagumpay na nakahanap ng isang napapanatiling solusyon para sa pangangalaga ng prutas, partikular na ang “Carabao mangoes” (Mangifera indica L.).

Natuklasan nila na ang chitosan na nabuo mula sa mga exoskeleton ng ipis ay maaaring maging isang mahusay na natural na pang-imbak. Isinagawa ang kanilang eksperimento sa laboratoryo ng Kabasalan Science and Technology High School, na kung saan ay masusing inalis at pinoproseso ng mga miyembro ng koponan ang chitosan mula sa mga exoskeleton ng ipis. Nag-eksperimento sila sa iba’t ibang dami ng chitosan para makita kung paano ito nakaapekto sa buhay ng istante ng Carabao Mango. Ayon sa kanilang mga natuklasan, ang pinakamataas na dosis ng chitosan (1.5 g) ay may malaking epekto sa pagpapababa ng pagkabulok ng prutas sa pamamagitan ng pagliit ng maitim na mantsa at paglaki ng microbial. Ang kanilang teknolohiya ay hindi lamang nagbibigay ng alternatibo sa mga kemikal na pang-imbak, ngunit tinutugunan din nito ang mga pandaigdigang hamon tulad ng postharvest food waste, pagbabawas ng basura, at pangangalaga sa kapaligiran. Ang paggamit ng chitosan bilang isang preservative ay isang kapaki-pakinabang sa kapaligiran at pangmatagalang solusyon na makikinabang hindi lamang sa industriya ng agrikultura, kundi sa buong komunidad. Nagkamit ng ikalawang pwesto ang pangkat na “sTRESSed Marias” sa Division Science and Technology Fair (DSTF), na kung saan ay iginanap sa Surabay National High School, lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Namumukod-tangi ang kanilang panukala, dahil kinailangan ito ng kakaiba at praktikal na solusyon sa isang malaki at magkakaugnay na problema sa industriya ng prutas.

Itinatampok ng kanilang pananaliksik ang kahalagahan ng agham sa pagtugon sa mga hinihingi ng ating mga negosyo at pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa lahat habang pinangangalagaan ang kapaligiran. Patunay din itong hindi madaling maghanap ng isang solusyon, kinakailangan ng mahabang panahon at matiyagang pagsusuri upang makuha ang isang solusyon.

Ang lahat ng sakripisyo ni Marc ay nagbunga nang magandang kinalabasan sa isang prestihiyosong kumpetisyon sa agham. Bagama't maraming magagaling na kalahok, tumindig ang kaniyang ideya dahil sa pagiging praktikal nito at malaking potensyal na makatulong sa publiko. Kalaunan, itinanghal ang proyekto ni Marc bilang isa sa mga pambansang kwalipikado sa nasabing kompetisyon.

Pamuksa ng

Lamok, Tinutukan ng Mananaliksik sa KSTHS

ni VANESSA MANCENERO

Matagumpay ang isinagawang pananaliksik ng mag-aaral mula sa Mataas na Antas na Paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School na tumutugon sa problemang dulot ng lamok na kung saan ang produkto ay gumagamit ng kape, balat ng kalamansi at dahon ng oregano, na kilala bilang essential oil humidifier liquid against mosquitoes.

Ilalagay sa blender ang kasangkapan nang hiwalay upang madurog at pagkatapos ay pipigain ito upang matiyak na walang mahahalong hindi durog na sangkap. Matapos ito, pagsasama-samahin ang mga sangkap sa iba’t ibang konsentrasyon upang maisagawa ang produkto. Dadaan sa mabusising proseso ng ekstraksiyon ang mga kasangkapan upang masiguro ang magandang kalidad nito. Layon ng pag-aaral na magbigay ng karagdagang solusyon sa mga sakit na dulot ng lamok gaya ng dengue at matukoy ang kakayahan nito bilang pamatay ng lamok.

Ang mahusay na ideyang ito ay marahil sa angking talino at talento ni Dale Ceus Famadico, na nabibilang sa indibidwal na kategorya ng agham ng buhay kung saan matagumpay niyang nakuha ang pangalawang puwesto sa Regional Science and Technology Fair na ginanap sa Isabela City, Basilan Province, noong Nobyembre 28-29, 2024.

Pananaliksik ang pangunahing solusyon sa mga problema at katanungan na nakakasalamuha sa araw-araw. Ang isinagawang pananaliksik ng mga mag-aaral ay lubos na makatutulong upang mahasa ang kanilang abilidad at maihanda ang kanilang mga sarili sa hinaharap. Bukod dito, nag-ambag sila sa pag-unlad ng kanilang bansa at nagbigay ng mga solusyon sa mga problemang kinakaharap ng lipunan.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay para kay Marc kundi tagumpay rin para sa lahat ng mga mananaliksik na patuloy na lumalaban sa kabila ng hirap. Patunay ito na ang bawat pangarap ay kayang makamtan basta't may determinasyon, sipag, at paniniwala sa sariling kakayahan.Ang kaniyang kwento ay nagpapaalala na ang bawat hadlang ay maaaring maging tulay patungo sa tagumpay. Ngayon, patuloy niyang pinapanday ang kaniyang landas bilang isang innovator, patunay na walang imposible sa taong may matibay na paninindigan at pusong handang lumaban.

Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN
Iginuhit ni RAVEN RHYLEIGH ROBIN

Ingay sa Labas, Epekto sa Pagkatuto

Ang ingay ay kalaban ng kaalaman. Kapag ang isip ay abala sa labas, ang pag-aaral ay nagiging mahirap.

Sa bawat araw ng klase, ang ating pagtuon ay madalas maabala dahil sa ingay sa labas ng silidaralan. Isa sa pangunahing sanhi ng pagkawala sa tutok ng bawat magaaral ay ang kabuntot dulot ng mga manlalaro na nasa labas. Habang abala ang ilan sa aralin, ang tunog ng bola na tumatalbog at hiyaw ng manlalaro ay nagsisilbing isang malaking istorbo sa mga mag-aaral na nais mag pokus.

Ang ganitong uri ng abala ay hindi lamang nagdudulot ng pagkaantala sa pokus, kundi pati na rin sa kalidad ng pagkatuto. Lalo na sa oras ng klase na may mahahalagang diskusyon, ang ingay na nagmumula sa mga aktibidad sa labas ay tila isang sagabal na nagiging hadlang sa ating kakayahang mag-isip ng maayos. Ang iba pang mag-aaral ay nahihirapang magtuon ng pansin sa kanilang mga guro, kaya’t ang kanilang natutunan limitado lang.

Gayunpaman, hindi natin maaaring isisi sa mga manlalaro ang ganitong problema.Mahalaga rin na ang guro at mag-aaral ay magtulungan upang makahanap ng angkop na solusyon sa isyung ito. Maaaring magtakda ng oras para sa laro sa oras na wala nang klase, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magsaya at magpahinga nang hindi nakakagambala sa mga oras ng pag-aaral.

isportsbits

Nakamit ng Scitechista Football Club ang Gintong Medalya ni HANNAH JANE

Nakakuha ng pwesto ang Scitechista Football Club sa paparating na Provincial MEET na gaganapin sa Distrito ng Alicia matapos nilang talunin ang Naga National High School (NNHS) sa iskor na 4-1, na ginanap sa Oval ng Naga Central Elementary School, ika-18 ng Enero.

ISPORTS FEATURE

“Ang pagsabayin ang pag-aaral at pagsasanay ay mahirap, pero hindi ako sumuko.

“Malapit na. Isa pa!” Ang mga naglalakasang sigaw na umalingawngaw sa paligid ay tila nawala at napalitan ng katahimikan. “At ang kampeon ay ang UZ Wildcats!” Lumuluhang isinuot ni Franklin Mosqueza at ng mga kasamahan niya ang nagniningning na gintong medalya. Sundalong atleta. Gamit ang sagwan, dugo’t pawis ang dinanak upang makarating sa kinaroroonan niya ngayon. Kung ating babalikan, sino nga ba itong hinahangaan ng nakararami? Sa loob ng kanyang bakunawang bangka, ano ba ang laman ng kanyang istorya?

Isang alumnus mula sa Kabasalan Science and Technology High School o KSTHS si Franklin Luciano Mosqueza. Nakahiligan niya ang isports na soccer at basketball, ngunit mas malapit sa puso nito ang pagsasayaw. Naging pundasyon niya ang kanyang karanasan sa KSTHS at bitbit niya ang mga aral na ito hanggang siya’y nagkolehiyo. Kahit alam niyang lalakbay siya sa daan na puno ng bubog, walang takot niyang kinuha ang kursong Bachelor of Science in Criminology sa Universidad de Zamboanga. Naranasan niyang mabilad sa tirik na araw sa kalagitnaan ng tanghali tuwing mayroong pagsasanay sa ROTC, pumasok ng walang tulog, alalahanin ang badyet at pagkain sa dormitoryo. Nang natuklasan niya ang tungkol sa Dragon Boat, dahil sa kanyang ROTC drill instructor na isang bihasang miyembro ng Navy Dragon Boat Team, walang alinlangang pinasok niya ang isport na ito. Bitbit lamang ang tapang, pasyon, at interes, si Mosqueza ay sumubok sa Dragon Boat Team, at nuong Oktubre 12, 2022, siya ay napili bilang isa sa mga tagasagwan para sa Universidad de Zamboanga Dragon Boat Team.

“Ang pagsabayin ang pag-aaral at pagsasanay ay mahirap, pero hindi ako sumuko”, ani pa ni Mosqueza. Bundok man ay kaya niyang akyatin, magawa lamang niya kung ano ang tinitibok ng kanyang puso. Kung ang iba ay umuuwi upang bumisita at magpahinga, sinasakripisyo niya ito upang magsanay ng buong araw, mula alas-singko ng umaga hanggang alas singko ng gabi. Bawat araw, tinutulak niya ang kanyang limitasyon upang maging mas malakas at mahusay. Sa tindi ng kanyang pagsasanay, umabot siya sa punto na siya’y nagkasakit, tatlong araw bago ang kompetisiyon. Gayunpaman, walang lagnat o anumang sakit ang makapagpigil sa kanya. Bagama’t may alinlangan, mahigpit nilang hinawakan ang mga sagwan habang umaalab ang mga puso nilang tinatago ang pag-asang makakamit nila ang tagumpay. Sa isang iglap lang, naipanalo nila ang kanilang unang Dragon Boat Competition.

Lumipas ang ilang buwan at naguwi ang UZ Wildcats ng samut-saring medalya. Bawat taon, sumasali ang pangkat sa Mayor’s Cup Spring Festival Dragon Boat Race, Kagayan International Dragon Boat Fiesta

Race, at Hermosa National Dragon Boat Competition. Bawat taon din nag-uuwi ng medalya ang grupo. Si Franklin ay tila isang pugita. Sa umaga, siya ay estudyante; sa hapon, atleta; at tuwing Linggo, officer ng ROTC. Hindi lamang atleta ang scitechistang ito, isa rin siyang Vice President ng School of Criminal Justice, Vice Commander ng Police Intern, at Operation Officer ng ROTC Program 1st Class. Naging presidente din si Mosqueza sa Police Basic Course, at gradweyt bilang Strongest Man of Military Science 3 Training. Kampeon din ang kanilang grupo sa Philippine ROTC Games kung saan matagumpay nilang nalagpasan ang iba’t-ibang “obstacle course” kung saan kabilang dito ang pagtulak ng trak ng Marines at pagtakbo ng limang kilometro. Gamit ang bangka, unti-unting natutupad ang pangarap ni Franklin Luciano Mosqueza. Sa bawat bagsak ng sagwan at hampas ng alon, pinapatunayan niya na ang tagumpay ay bunga ng disiplina, tapang, at pusong Pilipino—isang bangka, isang layunin, isang panalo para sa bayan.

Tahimik na Henyo

Hindi lahat ng henyo ay maingay. Sa bawat galaw ng kabayo sa chessboard, tahimik na binubuo ni Galanida ang estratehiyang hindi lamang panalo sa laro ang tinutudla, kundi pati na rin ang tagumpay sa apat na sulok ng silid-aralan.

Habang ang iba’y abala sa pagbilang ng tropeo, inuuna ni Galanida ang pagbibilang ng oras para magreview sa kanyang mga asignatura. “Mas mahalaga ang pundasyon ng kaalaman kaysa pansamantalang papuri,” wika niya nang may mapagpakumbabang ngiti, isang linya na tila tahimik na sumisigaw ng kanyang prayoridad.

Hindi madaling maging isang chess prodigy at masipag na estudyante nang sabay. Sa dami ng oportunidad para ipagyabang ang kanyang galing, mas pinipili ni Galanida ang bumalik sa kanyang kwaderno kaysa magpakasasa sa papuri. Parang

chessboard lang: hindi mahalaga ang dami ng galaw kundi ang kalidad ng bawat hakbang. At para sa kanya, ang tunay na checkmate ay ang tagumpay na pinanday ng tiyaga at kaalaman.

“Ang tunay na laban ay nasa araw-araw,” sambit niya habang isinalaysay ang balanseng pamumuhay na kanyang itinataguyod. Sa umaga, siya’y isang masikap na estudyante; sa gabi, isang mahinahon ngunit mapanlikhang manlalaro ng chess. Sa pagitan ng dalawang mundong ito, tahimik niyang binubuo ang estratehiya ng buhay, hindi para sa tropeo, kundi para sa mas malalim na layunin. Tahimik man, ramdam mong

malayo ang mararating ni Galanida. Siya ang klase ng henyo na hindi maingay, ngunit ang impluwensya ay bumabagtas sa chessboard patungo sa mas malawak na larangan ng buhay. Sa bawat hakbang ng kabayo, hindi lang kalaban ang kanyanginiisip kundi ang mas malaking laban, ang laban para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Sa dulo, malinaw na ang kwento ni Galanida ay hindi lamang tungkol sa chess kundi sa buhay: kung paano ang disiplina, kababaang-loob, at tamang estratehiya ay nagdadala ng tunay na tagumpay. Siya ang Tahimik na Hari, hindi lang sa laro, kundi sa sariling buhay.

ni JOHN MARK YANGA
KEANNA DEL ROSARIO
ALUMNUS LUMALABAN SA KATARUNGAN. Si Franklin Luciano Mosqueza ay isang alumnus ng KSTHS , iniwagayway niya ang bandera ng paaralan matapos magwagi sa laban. Pinagkunan ng Larawan: FRANKLIN LUCIANO MOSQUEZA/FACEBOOK
GINTONG HARI, GALAWANG WAGI. Nanalo si Galanida sa larong Chess, tahimik na ginamit niya ang kakaibang estratehiya upang mapatumba ang kaniyang kalaban at maipanalo ang laban.
TILDE

Tomo I. Blg. II | Ang Opisyal na Pahayagan ng Paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School | Hulyo 2024 - Enero 2025

PASOK SA FINALS

KSTHS,

abante sa Finals matapos talunin

Zang FRNHS

AMBOANGA SIBUGAY, Namayagpag ang Captain ball ng Kabasalan Science & Technology High School (KSTHS) na si Philip Nico Quimno matapos manalo sa semi-finals match ng 2024 District Meet laban ang Francisco Ramos National High School (FRNHS) 2-0 (25-18, 25-19), ginanap sa KSTHS covered court, ika-13 ng Disyembre.

Nagbitaw kaagad ng malalakas na hampas ang manlalaro ng KSTHS, inaasahang maagaw ng kabilang koponan ang momentum ngunit hindi nila kayang sirain ang matigas na depensa na pinapakita ng KSTHS.

Bago pa nagsimula ang ikalawang set ay nagpamalas ng sunod-sunod na spike ang manlalaro ng FRNHS na si Darren Lopez, nagpakita rin sila ng kanilang

mga solidong blocks ngunit hindi hinayaan ng kabilang koponan, muling nagbitaw ng malalakas na spike si Quimno at sumunod naman ang solidong hampas ni Franco, tuluyang nakuha ng KSTHS ang panalo sa iskor na, 25-19. Bagama’t nakamit ng KSTHS ang panalo, inaasahang muli silang lalaban sa paparating na championship game.

Estudyanteng Atleta: Nasaan ang SUPORTA?

HBOLA’Y IPASOK, ULTIMO’Y HALOSOK. Manlalaro sa KSTHS Volleyball Boys, nakapasaok sa finals matapos talunin ang FRNHS sa District Meet na isinagawa sa loob ng paaralan ng KSTHS covered court ng ika-13 ng Disyembre.

TANSONG TAGUMPAY

KSTHS naisikwat ang tanso, Rumatsada sa Lambo Pa Sibugay V-ball League

Nagpakitang-gilas si Al-hafiz Ahmad ng KSTHS mula umpisa hanggang dulo, dinurog ang Team Scorpion sa iskor na 3-1 (25-20, 17-25, 25-22, 25-20), upang ikandado ang tansong medalya sa nagdaang Lambo Pa Sibugay (LPS) 1st Anniversary Volleyball League, ginanap sa Ipil Montessori Academy, noong Ika-20 ng Oktubre.

HAMPASIN ANG LAKAS NG WAKAS. Nakuha ng KSTHS ang tanso sa larong Volleyball Boys, ika-12 ng Oktubre na ginanap sa Ipil Montessori Academy. Ipinapakita nila na hindi mahina ang manlalaro kundi lumalaban ito ng walang inuurungan.

Pinagkunan ng Larawan: Phillip Nico Quimno

ISPORTS FEATURE

RIZZA

Kdominasyon si Ahmad, kumawala ng maagang

spikes at kills na naging pundasyon ng kanilang panalo sa unang bahagi pangalawang bahagi ng

ikatlong set, dinagdagan pa nila ang pasakit

bante, Walang Imposible

nang sila’y pumoste ng kanilang di matinag na depensa, 25-22. Pinagpatuloy ng KSTHS ang pag kontrol sa sagupaan pagpasok ng ika-apat na set, gamit ang di mabutas na depensa, pumuslit sila ng 10-5 run upang palobohin ang kanilang kalamangan, 25-20. Isang mahabang pahinga ang naghihintay sa KSTHS bago sila muling sumabak sa laban, inaasahang ihahanda nila ang kanilang mga armas at kalasag upang makamit sa susunod ang titulo na kampeonato.

ahanga-hanga sa tuwing makikita ang mga nagliliyab na bola na sumisimbolo sa katapangan na mayroon ang mga atleta, tila isa itong daan na nakahanap ng inspirasyon sa mga manlalaro.

Sa likod ng bawat tagumpay sa larangan ng palakasan, namumukod-tangi ang kuwentong nagsasalaysay ng sakripisyo, determinasyon, at tiwala sa sarili ni Rizza Joy Cortez, isang labing-pitong taong gulang na mag-aaral na kasalukuyang isang graduating student ng Kabasalan Science & Technology High School (KSTHS). Ang pagmamahal ni Joy sa isports na table tennis ay nag-ugat sa inspirasyon ng kanyang kuya. Siya lang naman ang tinatawag na “sneaky mind”

ng kanyang tagapagsanay dahil sakanyang galing na umatake gamit ang kanyang isip kaysa sa kanyang malakas na hampas. Bukod pa dito, hindi lamang siya matagumpay bilang atleta kundi isa rin siyang mamamahayag. Siya ay isang patnugot sa lathalain ng mataas na pahayagan ng KSTHS, nasungkit niya ang pangalawang pwesto sa Division Press Conference taong 2023. Sa kabila ng pagiging atleta at mamamahayag, isa rin siyang mananaliksik sa matematika.

Pagdating sa pamumuno, hindi pa rin nagpapatinag si Joy, siya ay kasalukuyang Treasurer ng SSLG ng naturang paaralan at gayunding pangalawang pangulo sa loob ng kaniyang klase.

Gaano man karami ang kailangang pagtagumpayan ni Joy ay naging tapat pa rin siya sa kanyang sarili, na sa huli ay matatapos ang lahat nang hindi na kailangang mag-alala sa mangyayari.

indi pantay. Ganito natin mailalarawan ang pagtrato sa mga atleta na pinapakita ang kanilang pinakamahusay na paglaro ngunit kulang ang suporta ng mga madla. May mga mag-aaral naman na tinatawag nating “student-athlete”, na napagsasabay ang pagiging estudyante at atleta. Bukod sa nababalanse nila ang pag-aaral at isports ay kinakaya rin nila ang pinsala sa paglalaro at oras para sa personal na buhay. Ngunit, para saan ang mga ito kung hindi sapat ang suporta ng mga estudyante’t guro? Para saan nga ba ang kanilang mga pagsisikap kung kulang ang pinapakitang suporta? May ibang mga estudyanteng atleta na malaki ang potensyal sa isports at magagaling maglaro habang sinasabay ang pag-aaral ngunit, tila ba’y nababalewala ito sa kadahilanang walang oras at suporta ang paaralan sa kanila sapagka’t nauuna ang mga akademikong gawain. Kung iisipin, maliban sa akademikong gawain, malaki ang tulong ng paglalaro ng isports dahil nakakabuo ang mga atleta ng kasanayan sa pamumuno, pinansyal na tulong para sa pag-aaral, at pagiging iskolar ayon sa aking nabasang artikulo ng University of Bridgeport. Bukod dito, kagaya na lamang ni Rogen Aguirre na isang “student-athlete”, malaki ang tulong ng pagsuporta sa kaniya sa kadahilanang nagkaroon siya ng oportunidad na maipakita ang kaniyang talento sa SEA Games. Samakatuwid, mahirap pag balansehin ang pag-aaral at isports. Ang pag-suporta sa mga estudyanteng atleta ay may malaking epekto, sa kadahilang hindi lang larolaro ang kanilang ginagawa kundi para rin ito sa kanilang kinabukasan at sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Hindi dapat sila makita na atleta lang kundi estudyanteng may ambisyon din, tandaan na ang pagiging isang “student-athlete” ay isang karangalan.

ni SHANE DENAQUE
ni HANNAH JANE TILDE
ni HANNAH JANE TILDE
KEANNA DEL ROSARIO
ATAKE NG BABAE, CORTEZ UMAABANTE. Ginalingan masyado ni Rizza Joy Cortez ang larong table tennis kaya ito’y panalo sa laban. Siya’y pumunta para makipaglaban ng patas at mauwi ang titulong panalong wakas. BETHANY BAYARON

ni NURMADIAH MANARASAL

Isang Araw na pagpunglaw sa hugyaw

Angkaalaman ay isang kayamanang hindi nakukuha nino man kung ikaw ay may taglay nito ngunit, hindi ito sapat na dahilan upang gawing esteryotipo na ang edukasyon ay nakatuon lamang sa akademiko. Kailangan din ng pageensayo ng katawan upang masiguro ang kalakasan ng kakayahan. Ipinagdiwang ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay ang Intramurals noong oktubre, taong kasalukuyan.

Hindi sapat ang panahon upang ipagdiwang ito. Alinsunod sa Division Memorandum no. 397, s.2024, hindi dapat madidisturbo ang klase sa paraalan na alinsunod naman sa Deped Order No. 09, s. 2005. Hindi dapat nawawalan ng importansya ang mga extracurricular na aktibidad upang mapagtuonan ng pansin ang akademiko.

Buo man ang ating pananaw na tangkilikin ang edukasyon, ngunit bigyan din natin ang ating sarili ng panahon upang maglibang. Bigyang importansya ang mga salik ng edukasyon, at isa rito ang extracurricular na aktibidad tulad ng isports dahil isa rin ito sa lumilinang ng kakayahan ng mga magaaral upang mapaunlad ang kanilang sarili. Edukasyon ay pagtuonan ng pansin ngunit isports ay isabay na akayin.

Abante sa Provincial Meet matapos nakuha isportsbits

Nagwaging

nauwi ni Dian Harmony

I. Bayaron ang gintong medalya sa Badminton Women’s Singles

Category ng Kabasalan District Meet noong ika 17 ng Enero, taong kasalukuyan.

AngBanyuhay

HatidangBalitangTapat,UulatparaMagmulat

Tomo I. Blg. II | Ang Opisyal na Pahayagan ng Paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School | Hulyo 2024 - Enero 2025

Ang bawat tagumpay ay may kasamang hirap, pawis, dedikasyon, at determinasyon. Para kay Zhyryn L. Dislag, isang manlalaro sa larangan ng Lawn Tennis, ang kaniyang paglalakbay sa mundo ng isports ay hindi naging madali. Mula sa halos araw-araw na paggising sa kaniya ng maaga ng kaniyang tita hanggang sa maging isang kilalang atleta.

Siya ay dating magaaral ng Kabasalan Science and Technology, at kasalukuyang nasa ika-apat na taon sa kolehiyo sa kursong BPE-IE sa Unibersidad ng Mapúa bilang isang athlete scholar (Varsity) sa lungsod ng Maynila. Ang daang tinatahak ng mga manlalaro, gaya ni Dislag, ay maihahalintulad sa isang roller coaster na kung saan hindi sa lahat ng oras ay nasa tuktok ka. May panalo, at mayroon ding mga talo. Dahil sa determinasyon ni binibining Dislag, nasungkit niya ang mala-langit na tagumpay, at pinarangalang kampeon sa iba’t ibang kompetisyon. Iilan sa mga

ito ay ang pagiging Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association (ZPRAA) qualifier simula grade 7 hanggang grade 10, pakikipaglaban sa 21st ASEAN University Games sa bansang Indonesia, at pagkapanalo sa iba’t ibang torneo tulad ng Philippine Tennis Association (PhilTA), Palawan Pawnshop Tennis Tournament, 16-under Girls (singles category), at 18-under (both doubles and singles category).

Ang kaniyang kwento ay patunay na ang pagsusumikap at determinasyon ay susi sa tagumpay na maaabot sa takdang panahon.

“Strive hard lang jud, your future awaits. Mahimo ranang fruitful tanan kahago nila sa training. And always be humble, ‘every point matters’, ayaw kalimot ug aha sila ni gikan” ani Dislag. Abangan at ating suportahan ang ating kamangha-manghang manlalaro na si Zhyryn L. Dislag ngayong Enero sa nalalapit na season 100 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA). Ipanalo! Ngunit laging tandaan na ayos lang matalo dahil may pagkakataon pang bumawi sa mga sumusunod pang mga laro.

Ang arnis ay isang tradisyunal na Filipino martial art na nagtatampok ng paggamit ng mga maliliit na stick bilang sandata. Pinagmalaking idineklara ng Pilipinas noong 2009 ang Arnis bilang pambansang isports at martial art sa bisa na Republic Act 9850 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-aroyo. "Arnis is underrated. It would be great for arnisadors/ arnisadoras if it gets recognized more so opportunities for better training are possible." saad ni Cristine Cantong isang manlalaro ng Arnis.

SA MGA NUMERO

Batay sa isinagawang pagsusuri sa paaralan ng Kabasalan Science and Technology High School, naitala na 82% sa 100 na mga responde ang may kaalaman tungkol sa Arnis. Samantala, 90% ang naniniwala na ang isport na ito ay hindi nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga at nararapat na kilalanin nang higit.

Always look back to those people who supported them throughout their journey hangtud sa mahimo silang successful na player.

Arnis ay Tradisyong hindi Malilihis ni HANNAH JANE TILDE
ni JOHN MARK YANGA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.