Project ‘LETRA’ para sa mga estudyanteng hirap magbasa, umarangkada sa ISNHS
Janelle Rimalos
Upang lalong mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag -unawa, nakiisa ang Ilocos Sur National High School (ISNHS) sa proyekto ng Department of Education (DepEd) Region 1, na LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment, nitong Enero.
ISNHS, nakiisa sa 236,000 Tree planting ng DepEd
Nakiisa ang Ilocos Sur National High School (ISNHS), sa pangunguna ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) sa inemplementang DepEd memorandum No. 69 series of 2023 ng Kagawaran ng Edukasyon o tinatawag ding ”236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children”, Disyembre 6, 2023.
Ito’y nagsusulong na pangalagaan ang kalinisan sa tulong ng mga kabataan.
“Today’s activity is anchored sa memorandum ng DepEd, napakahalaga nito dahil alam naman natin that tree is life kung walang puno, walang buhay.
BILANG NG MGA PUNONG NAITANIM SA REGION 1 KINABUKASANG
Janelle Rimalos, Shyn Bagamaspad
ni Nadia Marie Adcapan, Guidance Coordinator at Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President Danaya Pascua ang muling pagbabalik ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) bilang separate learning area ng MATATAG Curriculum.
Because they are the one who’s giving the oxygen that we living organism need” ani ni Wilvert Jon Ross Tabangin, YES-O Adviser, Dinaluhan ito ng iba’t ibang organisasyon sa paaralan kabilang ang mga kaguruan, opisyal at ilang kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyang nagsagawa ng inspeksyon sa pagtataniman ng puno.
“We are shaping legacy, nurturing hope because trees are the Stuarts of our planet. Their root anchored on the ground. Isang testament to our collective responsibility and commitment to future. Every tree matters and every effort count” ani ni Princess Jenneva Castillo, YES-O Co-adviser.
Binigyang-diin din ni Tabangin ang kahalagahan ng gampanin ng mga kabataan sa pangangalaga ng kalikasan ,“Malaki ang implikasyon nito sa mga kabataan kasi sabi nga natin if we can take care of trees then we can take care of life itself kasi tree is life. Ang mga kabataan are the future and I can say that the trees are the future of our children”.
Pinaalalahanan naman ni Editha Bagcal, Punong guro ng ISNHS ang mga dumalo sa nasabing proyekto na hindi lang dapat sa paaralan gawin ang pagtatanim ng puno’t pangangalaga sa kalikasan kundi isagawa rin ang natutuhan sa bahay at komunidad.
Inaasahan ng Kagawaran na sa pamamagitan ng proyektong ito ay mahikayat ang mga mag-aaral na pangalagaan ang kalikasan, mapaunlad ang mas malalim na pag -unawa sa mga isyung pangkapaligiran at masigurong magkaroon ang mga paaralan ng “Clean and Green environment”.
28,505
Matatandaang ipinatigil ang operasyon ng GMRC sa bansa, makaraang ipatupad ang K-12 Curriculum noong 2013. Alinsunod sa GMRC at Values Education Act, sa pamamagitan nito ay idineklara ang patakaran ng Estado na protektahan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa de-kalidad na edukasyon.
Layunin nitong itaguyod ang mga karapatan ng lahat ng mamamayan, at maikintal sa puso't isipan ang kahalagahan ng marespetong mag-aaral sa bansa.
Sinabi ni Adcapan na napapanahon ang muling implementasyon ng GMRC sa paaralan, dahil sa paglobo ng kaso ng bullying at iba pang insidente, dulot na rin ng pagdami ng populasyon ng ISNHS.
"Ngayon kasi parang iba na yung attitude ng mga students natin, parang nagpapataasan na, kaya mabuti nga at maibalik itong Good Manners and Right Conduct,"bahagi ng pahayag ni Adcapan.
Sinabi rin niyang tila naging mas agresibo ang mga mag-aaral ngayon, kumpara noong nasa
operasyon pa ang GMRC.
Ayon naman kay Pascua, malaking tulong ang new separate learning area na ito sa mga kapwa niya mag-aaral upang makontrol ang parami nang paraming kaso ng insidente sa paaralan.
"Umaasa kami lalo na kaming student leaders na matutulungan kami nitong GMRC para ma educate yung kapwa naming students," sabi ni Pascua.
Samantala, inasahang isasagawa ang Pilot testing ng K-10 Curriculum sa susunod na taong panuruan.
estudyante - Tadena
“It is a pleasure and honor for people who wants to enter in our school, kaya lang for now, nagkakaroon tayo ng problema sa number of classrooms. We are solving the shortage of classroom sa mga existing enrolled na mga students ngayon, so siguro, sa kasalukuyang kalagayan ng Ilocos Sur National High School, hindi pa tayo handa na mag-accommodate ng mas marami pang mga students from Universities and Colleges,” wika ni Tadena. Magkagayumpaman, tiniyak niyang pipilitin ng paaralan na bigyan ng
akomodasyon ang mga estudyanteng maaaring lumipat sa ISNHS, at sinabing ipagpapatuloy ang shifting of classes sa inaasahang paglobo ng populasyon.
“Yung ginagawa nating shifting of classes, may first shift in the morning, may second shift in the afternoon, yun siguro ang madaling paraan para ma-accommodate natin sila,” dagdag pa niya. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit kumulang 9,000 enrollees ang naturang paaralan.
ni Assistant Principal-Senior High School (SHS) Glen Tadena na hindi pa kaya ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang tumangap ng mga estudyanteng galing sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs), dahil sa kakulangan ng mga classroom sa paaralan. Kasunod ito ng kamakailang ipinag-utos ni Prospero De Vera, Commission on Higher Education (CHED) Commissioner, na ititigil na ang operasyon ng SHS sa bansa para sa paparating na taong panuruang 20242025. Sa pahayag ni Tadena, sinabi niyang kasalukuyan pa ring nagkakaproblema ang ISNHS sa kakulangan ng mga silid-aralin, dahilan upang mahirapan silang mapaglingkuran ang mas marami pang mag-aaral.
Lhoreyn Aguimbag /IPAGPAPATULOY SA PAHINA 2
ISNHS
Inihayag ni Editha Bagcal, punong guro ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang pagpapatayo ng 64 na silid-aralan, bilang tugon sa shifting of classes na siyang pangunahing suliranin ng paaralan.
Sa isinagawang mini Press Conference noong Enero 6, sinabi ni Bagcal na inaasahang matatapos ang mga bagong gusali sa Hunyo (bago ang SY 2024-2025) at maibabalik sa regular na iskedyul ang klase na 7:30-5:00 pm.
Idinagdag pa niya na isa pang layunin para sa pagpapatayo ng mga classrooms ay upang mapaghandaan ang inaasahang paglobo ng populasyon ng ISNHS, dahil sa paglulunsad ng mga Special Programs sa Sports, Arts, Journalism at Foreign Language kung saan malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.
Tiniyak din ng punung guro ang pagdaragdag ng seksyon sa bawat baitang para sa mga Special programs gayundin ang pagdaragdag ng mga gurong hahawak sa mga ito.
“The school will try its best para maibigay lahat ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral gaya ng mga pasilidad at saka mga equipments na kailangan ng mga learners… so by June, matatapos na tong mga classrooms at wala ng shifting of classes dahil babalik na sa normal na iskedyul ang pagkaklase ”, wika ni Bagcal.
Ipinagmalaki rin ng punong guro na magiging handa na ang paaralan para sa pagtanggap ng mga bagong Senior High School Students mula sa iba’t ibang paaralan matapos itong tanggalin ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga State Universities and Colleges (SUC’s) at Local Universities and Colleges (LUC’s)
Samantala, umaabot sa 125 million ang pondo ng ipinapatayong mga gusali, na galing sa Quick Response Fund.
‘Season of Gadget Giving’
15 laptops, 5 tablets iniregalo sa mga ISNHSians
Hinandugan ng 15 laptops at 5 tablets ang mga piling mag-aaral ng Ilocos
Sur National High School (ISNHS), bilang bahagi ng taunang ‘Gadget Giving Porgram’ ni Luzviminda Paat-Chattergoon, ISNHS Batch ‘83 Alumnus, Disyembre 11.
Matatandaang sinimulan ni Chattergoon ang naturang programa noong pandemya dahil layunin aniyang matulungan ang mga estudyanteng walang kakayahang makabili ng sariling gadgets.
Ayon kay Chattergoon, naiintindihan niya ang kahalagahan ng laptops para sa mga mag-aaral, lalong-lalo na sa paglala ng krisis ng edukasyon.
“Yung covid natin, since then may online classes na kayo. Then naisip ko, mahihirapan kayo, so I decided to give you this materials.” wika ng ginang.
Mariin naman siyang pinasalamatan ni Editha Bagcal, punongguro ng ISNHS, bilang nag-iisa at kauna-unahang Alumnus ng paaralan, na nagbibigay ng gadget sa mga ISNHS’ians taun-taon.
“Our school needs people like you. Dahil hindi kayang ibigay ng school ang mga ganitong kailangan ng mga students,” wika ni Bagcal.
Ayon kay Janelle Rimalos, isa sa mga nabigyan ng laptop, na malaking tulong ang Gadget Giving Program para sa kanilang mga estudyante, lalong- lalo na sa paggawa nila sa kanilang mga computerized activities.
Samantala, kasamang tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang mga magulang nang I-turn over sa kanila ang mga gadgets.
MAY
SA
Racho.
Project 'LETRA' para
sa mga estudyanteng hirap magbasa, umarangkada sa ISNHS
Upang
lalong mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag -unawa, nakiisa ang Ilocos Sur National High School (ISNHS) sa proyekto ng Department of Education (DepEd) Region 1, na LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment), nitong Enero.
Kasunod ito ng nahuling report ng Program for International Student Assessment (PISA), kung saan nananatiling kabilang ang mga Pilipino na pinakamahina sa Matematika, Pagbabasa at Agham sa buong mundo. Sinabi ni Lemuel Tino, Co-Reading Coordinator ng Kagawarang Filipino, na mahalagang hakbang ng DepEd Region 1 ang implementasyon ng LETRA, dahil malalaman ang lebel ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa, at magiging angkop ang mga interbensiyong ibibigay sa mga mag-aaral. "Ang kagandahan kasi nitong LETRA ay naging mas
specific kung anong lebel ang mga mag-aaral pagdating sa pagbasa kasi noon ang nangyayari may mga frustration at instructional. Ngayon talagang masusukat natin kung mga mga bata ay nasa word level or below word level," ani Tino. Binigyang-pansin din ni Amelyn Sanchez, Reading Coordinator ng Kagawarang Filipino na mas mabisa ang bagong gawang assessment kumpara aniya sa dating ginagawang Pre-reading assessment kung saan isang teksto lamang ang ipinapabasa. Ipinaliwanag niya na mayroong siyam na antas ang ginawang assessment tool na nagpapadali sa pagtukoy sa
kakayahan ng mga mag-aaral. Magkagayumpaman, tiniyak ni Sanchez na mayroong sapat na programa ang paaralan upang matugunan ang kakulangan ng mga ISNHSian sa pagbasa at pag-unawa.
Gayundin na binigyang-pansin niya ang tulong na naibibigay ng bagong pasang programa ng Deped na 'Catch-up Fridays" kung saan natututukan nila ang mga mag-aaral na hirap magbasa. Samantala, magiging taunang aktibidad ang LETRA sa nasabing paaralan, at gagawin ang post reading assessment sa pagtatapos ng taong panuruan.
Plano ng DepEd na ibalik ang dating ‘school calendar’ sa mga pampublikong paaralan ikinatuwa ng mga ISNHSian
Umani
ng positibong
reaksiyon mula sa mga mag-aaral ng Ilocos Sur National High School ang pahayag ng Department of Education(Deped) na sisimulan nang ibabalik ang dating ‘school calendar’ sa mga pampublikong paaralan.
Alinsunod sa Department Order No. 003, matatapos ang klase sa darating na May 31 para sa school year 2023-2024. Ayon sa Deped, bahagi ito ng
Upang
mabawasan ang mga basura at mapangalagaan ang karagatan, isinagawa ang taunang Coastal Clean -Up Day sa Mindoro Beach, Vigan City na sinalihan ng Ilocos Sur National High School (ISNHS), Setyembre 16.
paghahanda na maibalik ang dating school calendar, at maitakda ang summer vacation mula April hanggang May. Ayon kay Janea Kishi Ruelos, mag-aaral ng ISNHS, malaking ginhawa umano ito sa kanila, dahil sa nararanasang init sa kanila-kanilang silid-aralan, lalo na tuwing summer season. Samantala, pinayagan na rin ng ISNHS ang pansamantalang hindi pagsusuot ng uniporme ng mga
na nilahukan ng Boy Scouts of the Philippines, Vigan City Chapter.
“Surely, magiging malaking tulong ito sa ikalilinis ng ating kapaligiran pero no matter how long we implement Coastal Clean- Up, hindi pa rin mauubos ang mga basura sa mga tabing dagat dahilan sa mga taong
mag-aaral dulot ng mainit na panahon. Matatandaang pinahintulutan ng Department of Education ang mga opisyal ng paraalan na magpasya kung kinakailangan nitong lumipat sa alternative delivery mode dahil sa init. Sa mga inilalabas na datos, minsang umaabot sa mahigit 40°C ang temperature ng Vigan City. Ayon kay Jasmine Cadiz, mag-aaral ng ISNHS, may
malaking epekto ang matinding init ng panahon sa konsentrasyon nila sa loob ng silid-aralan.
“Mahirap talagang makinig sa klase, lalo na kami na naka afternoon shift,” wika ng estudyante. Sa kasalukuyan, pinapayuhan ang lahat na iwasan ang matagal na pagkabilad sa araw, upang makaiwas sa mga sakit na dulot nito.
“Mas mainam kung isasagawa ang Coastal Clean-Up buwan-buwan o dalawang beses sa bawat buwan upang mapanatili ang kalinisan sa tabi ng dagat. Mas kaaya-ayang pagmasdan kapag malinis na malinis lalo na sa mga dayo na nagnanais magpalipas ng oras dito.” dagdag pa ni Racho.
Ayon kay Kiella Brizel Frando, Science Club President, kahit sa munting paraan lamang
‘Malinis na Karagatan, Mabuting Kinabukasan’
Solusyon sa Shifting of Classes
Janelle Rimalos
Mary Jessica Hilario
Janelle Rimalos
MAHALAGANG HANDOG.
Iniabot ni Luzviminda Chattergoon, ISNHS Class ‘83 Alumni ang kanyang handog na isang laptop. Kuha ni Danny Mar Frio.
Janelle Rimalos
PAG-ASA
PAGBASA. Matamang tinuruan ni Danny Mar Frio ang kanyang mag-aaral sa pagbabasa bilang suporta sa programang LETRA. Kuha ni Krizza
Janelle Rimalos
Ma. Germayne Racho
/MULA SA PAHINA 1
03 BALITA
ISNHSian WAGI SA NSPC’23
‘PLUMA’ Program para sa mga CJ’S sinimulan
LABIS NA KAGALAKAN. Masayang tinanggap ni Janelle Rimalos at ng kanyang tagasanay na si Gng. Eliza Pajo ang kanyang medalya at Sertipiko ng Pagkilala matapos maihayag ang kanyang pagkapanalo sa ginanap na NSPC 2023. Kuha ni Joan Regua.
BALITANG EKSPRES
Pagtanggal sa mga gawaing Administratbo sinang-ayunan ng mga guro
Pormal na inumpisahan ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) Filipino Department, ang bagong programa na PLUMA (Pamamahayagan Linangin Upang MApahusay) para gawing mas maging progresibo at produktibo ang pagsasanay ng mga Campus Journalists. Kasunod ito ng pagkapanalo ng ikalawang puwesto ni Janelle Rimalos, mag-aaral ng ISNHS, sa Pagsulat ng Balita, sa National Schools Press Conference (NSPC) na ginanap sa Cagayan De Oro City, noong July 17-21, 2023. Sinabi ni Eliza Pajo, School Paper Adviser ng ‘Ang Busilak,’ na kinakailangan nilang gawing mas produktibo ang pagsasanay ng mga pangkampus na manunulat hindi lamang isasagawa ang pagsasanay kapag malapit na ang kompetisyon. Dapat gawin itong mas maaga upang mahasa ang kanilang kakayahan at makapagpadala muli ng mga kalahok sa National Level.
“Yung pagkapanalo natin ay hudyat na dapat mas ipakilala natin sa mga mag-aaral kung ano nga ba ang kahalagahan ng
pamamahayag. Para matulungan din sila na mahasa ang kanilang kakayahan sa pagsusulat, pagbrobroadcast, pagkuha ng larawan sa malikhaing paraan at maranasan nilang makatuntong sa NSPC,” ani Pajo. Ipinaliwanag niya na bahagi ng PLUMA na gawing lingguhan ang pagsasanay ng mga kasapi ng pamahayagang Ang Busilak bilang paghahanda sa mga darating na Press Conferences. “Kailangang tuloy-tuloy ang pagsasanay na gagawin para sa kanila at dapat ring maging updated sa mga isyu o kaganapan sa lipunan upang tuloy-tuloy din ang mga impormasyong nasasagap at malaking tulong ang intensive na pagsasanay na isa sa mga isinusulong ng programa nating PLUMA gayundin sa pagiging
Para sa Mga Mag-aaral na Walang Uniporme
mapagmatyag sa mga isyu sa kasalukuyan,” dagdag pa ng tagapayo.
Bumili rin ang pamahayagan ng mga bagong kagamitan ng mga student journalists gaya ng mga speaker, printer at iba pang mga equipments na gagamitin sa pagsasanay at sa aktuwal na kompetisyon upang mapaghandaan ang sasalihang Press Conferences.
“Talagang priority natin ngayon ang pagpapaigting ng training ng ating mga journalists, gawin nating mas dibdiban ang pagsasanay nila, at kailangang masiguro na marami silang matututuhan,” sabi pa niya.
Suportado naman ni Rimalos ang naturang programa dahil aniya, malaki ang maitutulong ng intensive training para sa kanila bilang mga campus journalists,
dahil ito ang naging susi sa kanyang pagkapanalo sa NSPC.
“Hindi ko maikakaila na naging malaking factor yung ginawa naming intensive na pagsasanay noon kaya tayo nagwagi sa National Schools Press Conference kaya talagang malaki ang naging gampanin ng pagpatupad ng school publication natin ng bagong programa na tututok sa’min,” wika ni Rimalos.
Ipinagmalaki naman ni Pajo ang pagpapatupad ng paaralan ng Special Program in Journalism sa susunod na taong panuruan, na itinuturing niyang magiging malaking ‘haligi’ sa kanilang pampaaralang pamahayagan.
Uniform Mo, Sagot Ko Program, muling umarangkada
Muling inilunsad ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang “Uniform mo, Sagot ko” program, upang matulungan ang mga estudyanteng walang kakayahang makabili ng uniporme. Pinangungunahan ng ISNHS Guidance Office ang nasabing programa, matapos nilang maobserbahan na marami sa mga mag-aaral ang hindi nagsusuot ng uniporme. Ayon kay Nadia Marie A. Adcapan, Guidance Coordinator II, pinakapangunahing dahilan ng kawalan ng uniporme ng mga mag-aaral ay ang nakaraang pananalasa ng bagyong Egay sa rehiyon, tinangay ng baha ang mga kagamitan ng mga pamilyang nasalanta sa bagyo na naging dahilan upang agaran nilang ibinalik ang proyekto. Napatunayan rin na isa pang dahilan ng hindi pagsusuot ng mga mag-aaral ng uniporme ay ang kawalan ng trabaho ng mga magulang at kung mayroon man, hindi sapat ang pambili ng uniporme kaya’t inuuna ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. “Tunay na malaki ang maitutulong ng proyektong ito, marami ang natutulungan ngunit problema natin ay yong
gaya ng Coastal Clean -Up ay malaki na ang maitutulong nito sa ating kalikasan dahil kahit papano ay mababawasan ang mga basura sa tabing dagat at higit sa lahat, matututo tayong maging responsable sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng ating kalikasan.
Inaasahang mas marami pa ang mga magboboluntaryong makiisa sa nasabing programang pangkalikasan.
Solusyon o Problema?
pagkukunan ng budget upang makabili ng mga ibabahaging uniporme sabi ni Adcapan. Marami na rin tayong nalapitang mga donors na handang tumulong para suportahan ang project natin.” dagdag pa niya.
Nagbigay ng mga unipormeng ipinamodmod sa mga mag-aaral ang mga donors na karamihan ay nagmamay-ari ng mga negosyo at may maraming kita.
Marami rin ang mga guro
ng paaralan ang nagbigay suporta sa nasabing programa. Sa kasalukuyan, may 74 mag-aaral na ang nabigyan ng uniporme, at hinihikayat ng paaralan ang iba pa na lumapit sa Guidance Office kung nangangailangan ng uniporme.
Inaasahan ng mga kasapi ng Guidance na mas marami pa ang mahaihikayat nilang maging sponsor sa nasabing proyekto upang mas marami pa ang mabibiyayaan.
Guro, mag-aaral duda sa bisa ng Catch-up Friday
Janelle Rimalos
Ikinatuwa ng mga guro ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang pagtanggal ng DepEd sa mga gawaing pang- administratibo upang mas mabigyang tuon ang paghahanda sa mga kagamitan sa pagtuturo at matutukan ang pagdisiplina sa mga mag-aaral nitong Enero 25.
Upang mapahusay ang mga mag-aaral na nagnanais maging mamamahayag, planong ipatutupad ang pagkakaroon ng Special Program for Journalism sa susunod na taong panuruan ng Ilocos Sur National High School. Special Program for Journalism ng ISNHS, planong isasakatuparan
Pascua
Pinangunahan ng mga kasapi ng Boy Scout of the Philippines (BSP) ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang Clean -Up Drive sa layuning makatulong at mahikayat ang mga mag-aaral na mapanatili ang kalinisan sa loob ng paaralan. Clean-Up Drive pinaigting ng mga Scouters
3-DAYS
Kakayahan ng mga campus Journalists, lalong pinaunlad
Upang mapaigting ang kakayahan sa pagsusulat, nilahukan ng mga budding Campus Journalists ang three-day School Based Training Workshop sa Ilocos Sur National High School (ISNHS), Enero 5-7.
Dinaluhan ng 189 na Campus Journalists mula sa The Dove at Ang Busilak ang nasabing pagsasanay.
Sinimulan ang pagsasanay sa pamamagitan ng Pambukas na Programa na ginanap sa silid-aklatan ng nasabing paaralan. Ipinakilala nina Eliza Pajo, tagapayo ng Busilak at Joan Regua, tagapayo ng Dove ang mga tagapanayam gayundin ang mga dapat isaalang-alang sa gagawing tatlong araw na pagsasanay.
Naging Tagapanayam sina Cristian Avendano at Mark Anthony Ambrocio sa Collaborative and Desktop Publishing, Online-Publishing at Sports Writing, si Donald Mariano naman sa Pagsulat ng Lathalain, Kartun ng Editoryal at Kolum, si Kenlee Orola naman sa Pagsulat ng Agham at Kalusugan, Pagsulat ng Editoryal , Pagsulat ng Balita at Pagwawasto ng Kopya, at si Joey Silva naman sa TV at Radio Broadcasting. Nagsilbi rin bilang facilitators ang mga tagapayo at tagasanay ng pamahayagan na sina Eliza Pajo, Cristina Parada, Kenneth Pico. Sina Gracielle Mae Altez, Lemuel Tino, Julius Pajarillo, Maresita Rabino, Danny Mar Frio, Arlene Pagay, Jelou Oliver Barroga, Mardeth Reotutar, Jhon Paul Ric Corpuz at Cyrene Dela Cruz ang mga tagasanay.
Inihanda naman ni Ronald Alejo, Ulongguro VI ng Kagawarang Filipino ang mga gagamiting silid gayundin sa mga kagamitan gaya ng TV, projector, speakers at iba pa para sa mga gagawing pagsasanay.
“The pen is mightier than the sword, that’s why we are here today to sharpen our pen and use our pen to combat fake news”, ani Ronald P. Alejo, sa kanyang Pambungad na Salita.
Nagbigay din ng pampasiglang mensahe si Editha Bagcal, Principal IV ng nasabing paaralan sa mga Campus journalist upang lalo pa nilang seryusuhin ang mga pagsasanay.
Sinimulan na ang pagsasanay matapos ang maikling programa.
Bahagyang kuwinestyon ng ilang guro at mag-aaral ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) kung tunay nga bang nakatutulong ang implementasyon ng Catch-up Friday sa mga pampublikong paaralan.
Kasabay nito ang pagpapahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ng kanilang alalahanin ukol paglutang ng ilan umanong problema dulot ng nasabing programa.
Sinabi ng ACT na isa umano sa mga suliranin ang kakulangan ng mga reading materials na gagamitin, na nagdadagdag sa iisipin ng mga guro, gayundin ang pagdami ng mga estudyanteng lumiliban sa klase tuwing Biyernes. Sinang-ayunan ito ni Eliza Pajo, guro ng ISNHS, at binigyang-diin niya na nakukulangan din sila ng araw na tapusin ang kanilang mga aralin.
"Yung mga nakatakdang paksang nararapat tapusin ay kaya sanang matapos within that week ay hindi na nasusunod kasi kailangan naming magpa-catch-up Friday, kaya medyo nagkakaproblema kami kung paano namin matatapos yung aralin," ani Pajo. Sinabi naman ni Ashley Fortich, mag-aaral ng ISNHS na napapansin niyang marami sa kanyang mga kaklase ang lumiliban tuwing Biyernes. " Rason kasi ng marami ay hindi naman daw graded yung mga activities na ginagawa tuwing Catch-up Fridays kaya lumiliban nalang sila, for the past weeks yun talaga yung napapansin ko," wika ng mag-aaral. Samantala, nanindigan naman ang DepEd na hindi matitigil ang operasyon ng Catch-up Friday sa bansa, sa kabila ng mga lumutang na problema.
Mary Jessica Hilario
Janelle Rimalos
Danaya
Janelle Rimalos
Mary Jessica Hilario
Janelle Rimalos
‘Tulay sa Puwang ng Kaalaman’
Research Congress para sa mga Gr.12 students isinagawa sa ISNHS
Ikinasa sa pangalawang pagkakataon ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) Senior High School, ang Research Congress, bilang pagpapaunlad sa abilidad ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip at kakayahan sa pampublikong pagsasalita.
Dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Grade 12 GA, STEM at HUMSS Strand ang naturang programa,kung saan kanilang inilahad ang naging resulta ng kanilang isinagawang pananaliksik.
Binigyang-pansin ni Janice Alonzo, Subject Group Head, HUMSS/GA, ang kahalagahan ng pagsasagawa ng Research Congress dahil aniya, hindi lamang nito hinuhubog ang kakayahan ng mga estudyante sa pagsasaliksik, kundi nalilinang din ang kanilang komunikatibong kasanayan sa pamamagitan ng paglalahad sa resulta ng kanilang pananaliksik sa harapan mismo ng mga tao.
“Yung Research Congress kasi ay dito natin nakikita at naririnig ang mga resulta sa research na kanilang isinagawa. Kasi parang useless naman na nag-research ka, tapos hindi mo naman maipapaalam sa madla kung ano yung results,” ani Alonzo.
Ayon naman kay Ferdinand Espejo, tagapayo ng HUMSS Club, nagsisilbing ‘academic avenue’ ang programa para
sa mga bata, at paraan nila ito upang maipaintindi sa kanila na hindi lang sa loob ng klasrum dapat ipakita ang kanilang abilidad kundi pati na rin sa mga iba pang larangan lalo na sa kanilang pgpapamalas sa kakayahang magpaliwanag, mangatwiran at maghatid ng impormasyon kaugnay sa naging karanasan nila at sa resulta na rin ng kanilang pag-aaral..
“This is an avenue for students, academic avenue, para maihayag nila yung naging findings. And not only that, we are giving them the opportunity that they are not just confined in their classroom and also mayroon silang avenue para ma-develop and kanilang critical thinking and speaking ability.
Samantala, pinili rin ng mga itinalagang mga Tagahatol ang mga may pinakamagandang pananaliksik, Best presenter. Nabigyan ng sertipiko ng pagkilala ang mga napiling mga mag-aaral na nagpamalas ng kahusayan sa pananaliksik.
Home Visitation, malaking tulong sa Drop Out Reduction Program-Adcapan
Mary Jessica Hilario
Upang mabawasan ang bilang ng mga SARDO (Students at Risk Of Dropping Out), pinaigting ng Guidance Office ang pagbisita ng mga guro o Home Visitation sa mga mag-aaral na madalas lumiliban sa kanilang mga klase.
Ginagamit ng mga tagapayo sa pagbisita sa mga SARDO sa
Para Iwas Disgrasya
Hazard Mapping ng ISNHS Isinagawa
maiwasan ang panganib na dulot nito. Kuha ni Dhanz Frio.
Upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) naglunsad ang School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM) ng Hazard Mapping, September 22.
Nakiisa ang iba’t-ibang pamunuan gaya ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at iba’t ibang organisasyon at clubs sa nasabing proyekto.
Ayon kay Edward Henry Caoile, SDRRM coordinator, taon-taong isinasagawa ang Hazard mapping para makita at masolusyonan agad ang mga bahagi ng paaralan na nakapagdudulot ng panganib sa mga mag-aaral. Nararapat na masiguro ang tibay ng bawat klasrum upang mas kampante ang pagtuturo at pagkatuto,
dagdag pa niya. Layunin din ng nasabing aktibidad na gawing ligtas sa kapahamakan, maging responsable ang mga mag-aaral sa pagmamatyag at pagsuri sa kanilang mga klasrum, maging alerto ang mga mag-aaral sa oras ng kalamidad para sa kanilang sariling kapakanan. Siniyasat ng mga mag-aaral ang silid-aralan at gusali na nakatalaga sa kanila kung may posibleng pagmulan ng panganib gaya ng pagkakaroon ng bitak sanhi ng nakaraang paglindol
o iba pang bahaging nasira at iniulat ito upang makagawa ng paraan ang ISNHS upang makumpuni at mapatibay ito. Gumawa rin sila ng mapa at idinikit sa bawat gusali para malaman at maiwasan ng mga mag-aaral ang mga peligrong nakapaligid sa kanila. Makikita rin dito ang daanan at evacuation area kung sakaling lilindol. Malaking tulong sa aming mga mag-aaral ang pagpapaskil ng mga mapa upang malaman namin ang mga bahagi ng gusali ang
Para sa paghubog ng kakayahan ng mga mag-aaral
dapat iwasan, ayon kay Crystel, isang mag-aaral. Napakahalaga rin ang mga isinasagawang drill o pagsasanay ng SDRRM upang mabigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa panahon ng peligro gaya ng paglindol, dagdag pa niya. Sinabihan din na ang bawat klasrum ay maghanda ng mga safety kits gaya ng hard hats, pito,plaslayt at mga gamot.
Panibagong SCP, sinimulan na sa ISNHS
Nagdagdag ng panibagong Special Curriculum Programs ang Department of Education (DepEd) na Special Program on Sports (SPS) at Special Program on Technical and Vocational Education (SPTVE) na kamakailan lamang ay sinimulan na sa Ilocos Sur National High School (ISNHS) ngayong taong panuruan
Inaasahang sa dalawang programang ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang kanilang
kakayahan at kalakasan sa iba’t ibang larangan partikular sa Sports at Technical and Vocational Education.
Nilalayon ng SPTVE na hubugin ang mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan kaugnay sa Technical-Vocational na Edukasyon gaya ng pagmanipula ng mga kagamitang panteknolohiya, pagluluto, paglikha ng iba’t ibang disenyo ng damit at iba pang kasanayang panghanapbuhay.
“Maraming skills na itinuturo at inihahanda ng SPTVE sa mga
Ipinagdiwang ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang ika -122nd Foundation Anniversary sa pamamagitan ng paghataw sa pagsayaw ng mga mag-aaral mula sa Grade 7 hanggang Grade 10 sa ISNHS Athletic Field, Marso 9.
Ibinida ng bawat baitang ang Iba’t ibang kultura ng bansa sa nasabing pagdiriwang na may temang ISNHS Tradition of Excellence: Championing Filipino Values Amidst Cultural Diversity and Fast-Paced Modernization. Sa Grade 7, ipinakita ang Dinaklisan na bahagi ng kultura ng Curimao, Ilocos Norte, sa Grade 8 naman ay ang Flower Festival o Panagbenga sa Baguio City,
Maraming skills na itinuturo at inihahanda ng SPTVE sa mga estyudante para sa trabahong aangkop sa kanila” Princess Avila
estyudante para sa trabahong aangkop sa kanila at natitiyak kong mapadali ang pagkatuto ng mga kagaya kong mag-aaral dahilan sa pinagkakainteresan namin ang mga pinag-aaralan” pahayag ni Princess Avila, mag-aaral mula sa SPTVE. Sa kabilang dako, ang SPS naman ay
Bagani o mga mandirigma at Tabako Festival sa Ilocos Sur naman sa Grade 9 samantalang ang Grade 10 ay Sinulog Festival. Dinaluhan ni Ada Jona Fe Artajos, City Councilor ng Vigan at incharge ng Education Committee na naging panauhing pandangal kasama ang mga retirees, mga prinsepe’t prinsesa, hari at reyna sa ginanap na Popularity contest ang programa. Ayon kay Artajos, City Councilor at ChairmanCommittee on Education. napakahalagang balikan o sariwain ang kultura ng ating bansa at sa pamamagitan ng pagsasayaw, nalilinang at naipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento.
naglalayong hasain ang kakayahan ng mga mag-aaral sa isports at binibigyan ng oportunidad na maging propesyonal na atleta. Ayon sa panayam ni Editha Chicote Bagcal, Punongguro ng ISNHS, may mga panibagong SCP pang idaragdag muli sa taong panuruang 2024-2025 na tiyak na makatutulong sa paghubog sa kakayahan ng mga mag-aaral sa Special Program sa Sining , Special Program sa Journalism at Special Programs Specializing in Mandarin.
Maliban sa paglinang sa kakayahan sa pagsasayaw, nailalabas rin ng mga mag-aaral ang pagiging malikhain sa pagbuo ng kanilang sariling mga props, dagdag pa niya. Ginanap din ang Costume Parade at Konsyerto ng mga piling guro na kasapi sa banda ng nasabing paaralan. Nagpatayo rin ang mga pamunuan ng iba’t ibang organisasyon o clubs sa paaralan ng kanilang mga booth upang maaliw ang mga mag-aaral. Inaasahan ng mga mag-aaral na taon-taong isasagawa ang ganitong pagdiriwang.
SUSI SA KALIGTASAN. Masusing sinusuri ng mga mag-aaral ang mga bahaging maaaring pagmulan ng panganib sa kanilang mga slid-aralan upang
Mary Jessica Hilario
Janelle Rimalos
ISNHS 122nd Foundation Day Kultura ng Bansa Ibinida
Mary Jessica Hilario
Danaya Pascua
05 BALITA
I
Fund raising project para sa pagpapaayos ng palikuran, isinagawa ng PTA
Umaning mga parangal ang team Ilocos Sur National High School (ISNHS) sa ginanap na Vigan City Fiesta Education Day, Enero 20.
Naging tema ng nasabing programa ang “Pagkakaisa Tungo sa Matatag na Kinabukasan” na may layuning pahalagahan at pagnilayan ang mga kakayahan at kaalaman ng mga guro at mga mag-aaral.
Nagwagi sa iba’t ibang patimpalak ang ISNHS gaya ng Marching Band Competition,
STEMX ACCELERATE 2024
Extemporaneous Speech contest, Sayaw, Talento at Galing ng Educators (STAGE) Competition,Nutri-Functional Canteen, Search for School In a Garden (SIGA), at “Diego and Gabriela Silang” Short Film Competition.
Ayon kay Region 1 Director Tolentino G. Aquino, nangangailangan ng masidhing pagkakaisa upang makamit ang matatag na kinabukasan ng mga mag-aaral.
Itinanghal na kampeon ang mga piling guro mula sa Senior High School at Junior High School
STEM OWLS, Umarangkada
sa larangan ng STAGE competition na ginanap sa Plaza Burgos.
Pinarangalan din si Gng. Cyrene Kaye Dela Cruz, Guro III ng Kagawaran ng Filipino bilang Best Female Performer sa STAGE competition.
“Talagang hindi ko inexpect na matatanggap ko ang titulo na Best Female Performer sapagkat, pinagplanuhan naming lahat na magkakasama na galingan pa sa entablado”, ani Dela Cruz.
Bukod pa rito, nagkampeon din ang ISNHS marching band sa Marching Band Competition sa
Inilunsad ng STEM Club ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang STEMX eksibit na nagpapamalas sa kahusayan ng mga mag-aaral sa Senior High School (SHS)sa larangan ng siyensiya at teknolohiya na may temang “Lightspeed:Accelerating to the future through STEM”, and STEMX Accelerate, Pebrero 5-8.
Inihanda ng mga kasapi ng STEM Owls at ilang mga mag-aaral ang mga eksibit sa kani-kanilang mga ipinatayong booth na makikita sa ISNHS Centennial Gymnasium. Layunin ng eksibit na ipamalas sa mga mag-aaral ang kamangha-manghang likha gamit kanilang natutuhan sa Agham at Teknilohiya upang buksan at palawakin ang kaalaman sa nasabing larangan at gayundin ang pagkahasa ng kanilang pagkamalikhain at pagiging maparaan.
pamumuno ng mga guro sa kagawaran ng MAPEH.
Nagkamit din ng unang gantimpala ang ISNHS sa patimpalak na “Diego and Gabriela Silang” Short Film Competition, at Search for Best School in a Garden (SIGA) Competition.
Nasungkit din ni Marvie Somera ang ikalawang gantimpala sa Extemporaneous Speech, habang nakuha ng ISNHS canteen ang ikalawang gantimpala sa Nutri-functional Canteen.
SA NAKARAAANG GLOBAL HUNGER INDEX, ANG PILIPINAS AY NAKAPAGTALA NG
14.8 PUNTOS O MODERATE LEVEL
NA KASO NG KAGUTUMAN O MALNUTRISYON.
Itinampok sa mga booth ang mga kaalaman o imbensyon kaugnay sa Earth Science, Astrotech, Physics, Biology, Chemistry, Mathematics, Disaster Risk Reduction at Robotics, Ibinahagi ni Esra Ignacio ng STEM Faculty, na hindi ito ang unang beses na masaksihan ang STEMX, “ Ngayong guro na ako ay mas kakaiba ang pakiramdam at mas nakaka-proud dahil ang mismong estudyante ko na ngayon ang naghanda ng mga itatampok sa booth at mula sa kanilang mga
nabuong booth, napatunayan kong marami ang natutuhan ng mga mag-aaral sa mga itinuturo sa kanila, dagdag ni Ignacio. Ipinamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan sa pagdidisenyo gayundin ang kanilang pagiging malikhain sa pagbuo ng mga kagamitan o mga bagay na may kaugnayan sa Siyensiya at Teknolohiya.
Itinampok din ang kauna-unahang Robotics sa nasabing eksibit.
Upang maipadama ang taus-pusong pasasalamat sa mga guro, nagsagawa ng iba’t ibang pakulo ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) at Faculty Employees Club (FEC) para sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro sa Ilocos Sur National High School (ISNHS) gymnasium, Oktubre 2.
Itinampok sa programa ang pagkakaroon ng raffle draw kung saan ang mga premyo ay ilang mahahalagang gamit ng mga guro gaya ng printer, bondpaper at iba pa na nagmula sa mga isponsor.
Ipinamalas din ng mga guro mula sa iba’t ibang kagawaran ang kanilang mga talento sa pag-awit, pagsayaw, pagsasadula, at pagtula sa isinagawang presentasyon.
Inirampa rin ng mga pares ng guro mula sa iba’t ibang
departamento ang kanilang kasuotang kulay pastel. Naging hurado sa nasabing kompetisyon si Gng. Editha Bagcal, Principal IV, Gng. Susiemar M. Rapisura, OIC, Asst. Principal,JHS at G. Glen Tadena, Asst.Principal,SHS. Ayon kay Editha Bagcal, Principal IV, ang mga guro ay pangalawang mga magulang kaya nararapat ipadama ang pasasalamat at pagmamahal sa kanila.
Ipinakita rin ng mga mag-aaral ang kanilang pagkilala sa mga sakripisyo ng kanilang mga guro sa pamamagitan ng pagsali sa mga patimpalak gaya ng song writing contest, spoken word poetry, video making at iba pa. na may temang “Together For Teachers”. Nagkaroon din ng libreng Check -up/konsultasyon, masahe, manicure, pedicure at pagpapamodmod ng libreng mga gamot para sa mga guro.
Solusyon sa Malnutrisyon
Feeding Program, isinulong
Mary Jessica Hilario
Upang mabawasan ang mga mag-aaral na may mababang timbang o tinatawag na nutrition scholars, muling inilunsad ng Ilocos Sur National High School ang Feeding Program, Oktubre 23.
Batay sa tala ng ISNHS canteen, may 50 mag-aaral na may mababang timbang ang nabiyayaan ng libreng meryenda sa nakaraang taon.
Samakatuwid, naitalang 89 na mag-aaral ang kasalukuyang kasali ng feeding program.
“Hindi constant ang bilang ng mga mag-aaral na pumupunta sa lunch counter, mahigit kumulang na 35-37 lang ang tumataggap ngunit mas marami naman tuwing periodical tests”, pahayag ni Julie Ann Arcena, Guro III ng Kagawaran ng TLE, na siyang namamahala sa nasabing programa.
Ayon pa kay Arcena, maramig mag-aaral na malnourished at less fortunate sa kasalukuyang taong panuruan kung kaya’t naghahandog ang canteen ng feeding program upang makatulong sa mag-aaral na walang sapat na baon at maging normal ang timbang ng mga nutrition scholars.
Binibigyan ng libreng meryenda ang mga nutrition scholars sa umaga tuwing recesss. Naghahain ng mga masusustansyang pagkain gaya ng prutas, gatas at gulay ang canteen para sa mga nutrition scholars.
Upang maipaayos at makapagpatayo ng sapat na palikuran para sa mga mag-aaral, isinagawa ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) Parent Teacher Association (PTA) ang 'Meryenda sa Eskwela' Fund Raising Project nitong Pebrero 3.
Pinangunahan ni PTA President Leon Patacsil ang naturang proyekto kasama ang mga guro, stakeholders at magulang.
Binigyan ang bawat klase ng limang ticket na may kabuoang bayad na 1,250 pesos, na kung saan bawat ticket ay nagkakahalaga ng 250. Ibibigay ang mga ticket sa mga magulang na nais dumalo sa pa-meryendang inihanda ng paaralan.
Ayon kay Patacsil, malaking tulong ang proyekto hindi lamang upang magkaroon ng sapat na CR ang ISNHS kundi upang masiguro ang kapakanan ng mga mag-aaral. Samantala, gagamitin ang ibang perang nalikom para sa pagpapaayos ng mga guard houses sa ISNHS.
3 ISNHSians, kampeon sa Regional Stats Quiz’23
Nasungkit
sa kauna-unahang pagkakataon ng tatlong mag-aaral ng Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang kampeonato, sa isinagawang Regional Statistics Quiz sa La Union, Oktubre 18.
Naging kinatawan sina Gade John Castañeda, 11- Jade, Dylan Tuscano, 11-Gold at Marvie Somera ng 12 -Confucius ng probinsya ng Ilocos Sur matapos nilang magwagi sa ginanap na Provincial Statistics Quiz sa parehong buwan.
Nanguna ang mga ISNHSians laban sa tatlo pang kalahok mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon I, matapos silang makapuntos ng 6/10 sa bahaging madali, 7/10 sa katamtaman at mahirap.
Ayon kay Castañeda, malaking hamon ang pagkapili ng kanilang grupo na sumabak sa nasabing kompetisyon gayong wala pang galing sa ISNHS angnakapasok sa rehiyonal na lebel kaya takot at pangamba ang naramdaman namin noong una..
“Malaki ang expectation nila sa amin kaya ginawa namin ang lahat upang patunayang kaya naming mag-uwi ng karangalan para sa paaralan,pero for some reasons, malaking tulong yon para ma-push ang sarili namin”, ani Castañeda.
Pinangunahan ng Philippine Statistic Authority-Region I ang kompetisyon bilang pakikiisa ng ahensya sa pagdiriwang ng 34th National Statistics Month na taunang isinasagawa.
La Union. Kuha ni M. Somera.
APO SAN PABLO ANG GABAY.
Muling ipinamalas ng mga guro at mag-aaral ang kanilang talino at talento sa ginanap na Education Day kung saan humakot ang paaralan ng mga parangal. Kuha ni Dhanz Frio.
Mary Jessica Hilario
Janelle Rimalos
Janelle Rimalos
Danaya Pascua
Cristel Jem Parada
KINABUKASANG MATATAG
Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ng usap-usapang revised K to 10 curriculum o mas kilala sa tawag na “Matatag Curriculum” na kung saan ito ang magbibigay tuldok sa mga ilang subjects na itinuturo sa mga estudyante.
Layunin ng Kurikulum na ito na bawasan ang mga subjects na itinuturo sa mga estudyanteng mula kinder hanggang Grade 10 o hayskul upang mas mabigyang pansin ang pagpopokus sa mga kasanayan sa pagbibilang (numeracy skill), mas mataas na antas sa kasanayan ng pag iisip (higher-level thinking skill), pinaigting na edukasyon sa pagpapahalaga (intensified values education) at ang edukasyon sa kapayapaan (peace education) na kung saan ibinase sa International Curriculum Alam nating edukasyon ang gabay sa magandang
Nakapagpapabagabag at nakagugulantang ang aking nalaman nang sagutin ng isang mag-aaral ng "kinikilig ako, ate" sa tanong kung ano ang kanyang naramdaman noong makaranas siya ng catcalling, na isang paraan ng pambabastos. Akala ba niya isa itong papuri?
Ilan lamang sa mga mag-aaral ang nakaaalam kung ano ang tinatawag na catcalling, isang paraan ng intangible harassment na hindi ka naman hahawakan ngunit binabastos ka na sa paraan ng kanilang pagtawag, pagtitig o pagsitsit. Lingod mula ulo, pababa mula sa bahagi na ‘yon ng katawan ng babae. Hindi alam ng karamihan na ipinagbabawal ito ng batas at isang illegal na gawain dahil kahit ang mga paaralan ay walang matibay na programa upang pangaralan ang mga estudyante sa ganitong usapin. Lalo na't karamihan din sa
kinabukasan sapagkat ito ang susi upang makamtan ang inaasam-asam na mga pangarap sa buhay kaya’t ating pagtuunan ng pansin ang bagay na kung saan nakasalalay ang ating kahihinatnan sa mga susunod na panahon.
Isinaad ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na umabot ng 70% ang mga tinanggal mula sa dating kurikula sapagkat ang mga ito’y paulit-ulit lamang ay maaring “nice to know” ngunit hindi”must to know” kaya’t isang essential learning competencies ang hatid ng bagong kurikulum.
Bukod pa diyan, inihayag naman ng DepEd na ang implementasyon ng nabanggit na kurikulum ay sisimulan na sa susunod na taon o sa School Year (SY) 2024-2025 sa mga napiling antas (grade level) na kung saan magkakaroon ng mga adjustments sa mga gradong Kinder hanggang Grade 10 o hayskul.
Para sa mga guro at mag-aaral, ang bagong
kurikulum ang magiging mabigat na hamon lalo na sa mga unang taon ng implementasyon nito.
Ang panahon ng transisyon ay mahirap ngunit ang pagyakap sa pagbabagong ito ang siyang marapat.
Bilang karagdagan, kinakailangang maglaan ng higit na pagsisikap, konsiderasyon, at pag-uunawa ang mga estudyante lalong- lalo na ang mga guro sa bagong kurikula upang ito’y magkaroon ng magandang kapalaran sa kinabukasan ng mga mag-aaral.
Sa kabilang dako, malaki at mataas ang paniniwala ni VP at secretary Duterte na dahil sa makabagong ipatutupad na kurikula ay mas lalawak at mas masasanay ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral at ihahanda sila bilang mga wellrounded and mature individuals.
Bukod pa riyan, di’ gaanong mahihirapan ang mga guro at mga
estudyante na sanayin ang kani-kanilang sarili ukol sa makabagong kurikula sapagkat ang mga subject na ituturo ay gaya ng dati lamang ngunit ang mga ito’y mas napaganda at naging mas mahalaga.
Higit sa lahat, nakasisiguro ang mga mambabatas na mabibigyang tuldok na ang krisis ukol sa sektor ng edukasyon ng mga mag-aaral na mas mapapataas na ang ating ranggo sa nakaraang PISA na kung saan ikaapat sa mga pinakahuli ang Pilipinas.
Kaya kung iisipin, ating masasabi na ang “Matatag Curriculum” ang gagabay sa ating daan tungo sa magandang kinabukasan kaya’t ating bigyang pansin at suporta o koordinasyon ang makabagong kurikula sapagkat ito ang magiging solusyon at magiging susi sa matatag na tagumpay.
Opisyal na Pampaaralang Pahayagan sa Filipino
Pambansang
PUNONG
mga estudyante ay hindi nanonood o nagbabasa ng balita kaya walang impormasyong mapagkukuhanan. Ang ibang nakararanas nito ay nagkibit balikat nalang o aalis dahil sa "mas lalo silang matri-triger" ani nga ng isang estudyante. Dahil hindi naman nila alam na may batas na Anti-bastos Law na pinatutupad ng pamahalaan at kung alam man ay hindi naman alam kung saan magsusumbong sa kadahilanang akala nila ay mababalewala lamang sila. Kailangang magpalaganap ng mga programa ang mga paaralan na tatalakay sa Anti-bastos Law nang sa gayon ay malaman nila ang gagawin at maging maalam sa tuwing napunta sa ganitong sitwasyon ang mga mag-arral, partikular na sa mga kababaihan. Lalo na't palda ang kanilang kasuotan na karaniwang hinahagilap ng mga makukulit na mata ng mga kalalakihan.
PUNONGGURO:
DIBUHO ni Kyrie Apelin
Lhoreyn Aguimbag
OPINYON
DALA NG BAGONG PROGRAMA
Akiko Ava Magno
Kamakailan lamang ay nagdagdag ang DepEd ng mga bagong Special Curricular Program (SCP) sa mga sekondarya at elementaryang paaralan sa ating bansa. Kabilang na rito ang Special Program in Technical-Vocational Education (SPTVE) at Special Program in Sports (SPS) na mga bagong programa sa Ilocos Sur National High School (ISNHS).
Ayon sa DepEd, layunin ng mga SCP na tulungang maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang kalakasan at tuklasin ang kanilang mga hilig at iba’t ibang talento. Ito ay upang mapabuti ang mga kakayahan ng mga mag-aaral na kinakailangan para sa kaayusan ng bansa. Sa SPTVE,nabibigyang halaga ang kasanayan at kaalaman sa larangan ng teknikal at bokasyonal. Layunin nitong mahubog ang mga mag-aaral na may interes sa praktikal na kasanayan gaya ng pagmanipula sa mga teknolohiya, pagluluto ng iba’t ibang potahe, pagdidisenyo ng damit, at marami pang ibang
kasanayang pang hanap-buhay. Dahil sa SPTVE, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mahasa ang kanilang kakayahan sa kanilang larangan at makahanap ng maayos at ayon sa interes na hanap-buhay sa hinaharap. Sa kabilang dako, ang pokus ng SPS ay mahubog ang kakayahan ng mga mag-aaral sa isports. Ito ay may layuning manghikayat sa mga mag-aaral na magtagumpay sa larangan ng isports habang pinapahalagahan ang pagiging aktibo, determinado, at disiplinado. Sa pamamagitan ng SPS, nailalabas ang potensyal ng mga estudyante na maging bahagi
ng industriya ng isports at maging propesyonal na mga atleta na magrerepresenta sa ating bansa sa mga internasyonal na paligsahan sa isports sa hinaharap. Maraming mag-aaral na tulad ko ang nahubog upang maging isang marangal na tao para sa mundo at sa hinaharap. Kung kaya’t walang duda na magiging epektibo rin ang mga bagong SCP. Ang SPTVE at SPS ay mahahalagang bahagi sa sistema ng edukasyon na nagbibigay ng oportunidad at pag-asa sa mga mag-aaral.
MALINA, PHILIPPINES
Tuwing umaga o papasok, maririnig ang nagtatagintingang boses,“O, Quiapo… Quiapo… Isa nalang aalis na.”“Kuyang Tsuper, isa lang po sa bente. Manila City Hall po.”
Saradio maririnig, “Hinahanap-hanap kita, Manila…. mga Jeepney mong nagliliparan”.
Pag sinabing Manila, kakabit na nito ang isang cultural icon… ang mga Jeepney, tinaguriang Hari ng kalsada. Ngunit bakit ang tinaguriang “hari” nasa bingit ngayon ng kamatayan at may posibilidad ng pagkalimot?
Modernization sagot raw sa lumalalang estado ng public transport sa bansa. Aayusin daw nito ang kakulangan sa masasakyan ng bawat commuters. Sagot nga ba? Kung ito’y isang solusyon bakit tila marami ang umaangal? Bakit marami ang dumaraing? Kakabit na nito ang phaseout ng mga lumang jeepney. Kesyo mausok daw at hindi na road-worthy di rin daw comfortable sakyan. Kung kaya’t isinusulong ngayon ang mga bagong modelo, mga sasakyang
may Euro 4 Engines, environment friendly daw, may aircon, mas maluwag mas comfortable raw na sakyan. Ngunit ang tanong kakayanin ba itong bilhin ng isang tsuper na nakikipasada lang o ng kanyang operator na iisa lang din ang pinagkakakitaang jeep?
Tinatayang nasa 2.2-4 milyong piso ang presyo ng isang modern jeepney, kakayanin ba ito ng kakarampot na kinikita ng isang tsuper? Magkano na nga ba ang pamasahe sa jeep? 12 pesos? Nakakailang pasada ba sila sa maghapon? Magkano ba ang kanilang naiuuwi sa pamilya nila lalo ang boundery bawat araw ay nasa 500-600 na. Itaas ang pamasahe? Maraming aaray… mga komyuters na araw-araw ding nakikibaka sa buhay.
Ah, bumuo ng kooperatiba, magkano ang share capital? Kaya ba ng bulsa? Kooperatiba na raw ang bahala sa 30-40% ng babayaran sa pagbili ng modernized jeep at ang matitira papasanin parin ni Juan Tsuper na tila isang kahig, isang tuka, maghapon sa kalsada, humihinga ng usok, puro pawis para lamang may kaunting maiabot para sa pamilya. Tapos tila ang ending,
ang kakarampot na kikitain mapupunta pa sa loan para lang makabili ng bagong gagamiting sasakyan. Hindi ba’t parang double murder ang mangyayari? Mangungutang ka upang may ibili ka ng gagamitin mong panghanap ng ibabayad sa inutang mo? Nalintikan na. Solusyon o dagdag konsomisyon? Hindi kaya tila minamadali lang? Hindi kaya yung mga may kaya lang ang mabebenepisyohan at ang kawawang tsuper at pamilya nito maiiwang nagugutom sa kawalan? Kung itutuloy ang jeepney phaseout at modernization, saan pupulutin ng mga tsuper ang kanilang pang araw-araw gayong di rin naman nila kaya ang bumili ng mga bagong jeep? Ibebenta ang lumang jeep, mangungutang, aasa? San ba tayo patungo? Pasulong o paurong? Kung ganito lang din ang nangyayari, parang masarap sumigaw sa kalsada… O, Malina… Malina, Philippines. Isa nalang mapupuno na, aalis na.
PINATATAG NA PUNDASYON
“No Filipino student should be left behind” mga katagang pinatututuhanan ngayon ng Kagawaran ng Edukasyon, sa pangunguna ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte, sa pamamagitan ng paglunsad sa isang makabago at napapanahong curriculum, ang “MATATAG Curriculum. Nakatutuwang isipin na gumagawa ng paraan ang Kagawaran upang palitan ang mga hindi kailangan at pagtuunan ang mga kailangan.
Matatandaang plinanong babaguhin ang K to 12 curriculum dahil bigo itong maibigay ang kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral. Isa sa mga dahilan nito ay dahil “congested”at masyado nang marami ang aralin, dahilan upang hindi na magawang makipagsabayan ang mga mag-aaral. Ito ang probemang tutugunan ng “MATATAG curriculum”, layunin nitong bawasan ang mga asignatura na mula sa dating pitong asignatura ng K to 12 ay naging lima na lamang. Ito ay ang language, reading and literacy, Math na ginawang mas engaging at enriching learning area na magsisimula sa unang baiting, Makabansa na pinagsamang asignatura mula sa civics, arts, culture, history, physical education at health. Ito’y may layuning maikintal ang mas malalim na pag-unawa sa mga mag-aaral ang patungkol sa mga isyu sa bayan, lalawigan, relihiyon at maging sa bansa. Nariyan din
ang pagbabalik ng Good Manners and Right Conduct (GMRC), isang nagbabalik na asignatura na magtuturo sa mga mag-aaral ng tamang pagkiling sa kabutihan, katotohanan at pagkakaroon ng respeto sa kapwa.
Hindi lang ito, binawasan ng halos 70% ang mga competencies. Mula sa dating mahigit 10 libong competencies ng K to 12 ay naging tatlong libong competencies na lamang sa bagong curriculum.
Ang kagandahan pa nito, ang implementasyon nito sa bawat bawat baitang ay hindi magkakasunod, kumbaga parang batch by batch, ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na mag-adjust sa makabagong curriculum, magandang pagkakataon upang masiyasat nang mabuti kung may progreso ba o wala ang curriculum.
Ang magagawa muna natin ngayon at sa susunod pang taon
Ruhjhen Nunez
Ang uniporme sa Physical Education o PE ay isa sa mga bagay na nagbibigay ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay sa mga mag-aaral. Ito ay nagpapakita na ang lahat ay may parehong karapatan at responsibilidad sa pag-aaral at pagpapalakas ng kanilang katawan.
Gayunpaman, may ilang mga mag-aaral na nasa special program na nais na magkaroon ng kaibahan sa kanilang uniporme sa PE. Ayon sa kanila, ito ay para makilala pa rin kung special program sila at makita ang kanilang natatanging kakayahan at pagsisikap.
Sapagkat ang uniporme sa PE ay hindi lamang isang damit na isinusuot tuwing may pisikal na aktibidad. Ito ay isang simbolo ng pagiging bahagi ng isang komunidad na nagmamalasakit sa kalusugan at kagalingan ng bawat isa. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa sarili at sa bayan. Ito ay isang pagkakataon na makihalubilo at makipagtulungan sa iba't ibang uri ng tao. Sapagkat ang uniporme sa PE ay maaaring maging isang instrumento ng pagkakaiba-iba at pagyamanin ang kultura ng paaralan. Ayon kay G. Cruz, ang isang guro sa sining, ang mga nasa special program ay maaaring gumamit ng kanilang malikhaing kakayahan upang magdisenyo o magdagdag ng ilang detalye sa kanilang uniporme. Halimbawa, ang mga nasa Arts program ay maaaring maglagay ng kulay o hugis na nakakaugnay sa kanilang sining. Ang mga nasa Sports program ay maaaring maglagay ng numero o logo na nakakaugnay sa kanilang laro. Gayunpaman, hindi rin dapat maging dahilan ang uniporme sa PE upang magkaroon ng diskriminasyon o pang-aapi sa mga mag-aaral. Ayon kay Bb. Lim, ang isang guro sa Araling Panlipunan, ang mga nasa special program ay hindi dapat maging mayabang o mapanghamak sa mga nasa regular class. Hindi rin dapat sila maging biktima ng inggit o panglalait ng iba. Dapat sila ay magkaroon ng respeto at paggalang sa sarili at sa kapwa.
27%
73%
SANG-AYON DI SANG-AYON
ay kailangan nating maniwala at umasa na sa pamamagitan ng bagong curriculum na ito, maibibigay nito ang edukasyong matatag. Umasang patatatagin nito ang pundasyon na unti-unting nagigiba, ginigiba ng mga suliraning kinahaharap ngayon ng ating Edukasyon. Nasa sa kamay na ngayon ni Vp Sara at ng Kagawaran ang pag-asa ng pagbabagong sisira o bubuo sa kinabukasan hindi lang ng mga mag-aaral kundi pati ng buong bansa.
Mikayla Racho
PERA
Lhoreyn Aguimbag
DIBUHO ni Kyrie Apelin
PISA
Nakaaalarma na sa ikalawang pagkakataon na nasa ibaba na naman ang Pilipinas sa Programme for International Student Assessment o PISA 2022, sa muling pagsabak sa nasabing pagsusulit tila ba naging ‘bare-minimum’ na naman ang bansa, isang palatandaan na napag-iiwanan at kinakalawang na ang estado ng edukasyon sa bansa. Kailangang tanggapin, masakit ang katotohanan pero mas magiging masakit kung tayo ay magbubulag-bulagan lamang.
Lumabas sa pag-aaral ng EDCOM II (Year One Report) na nagsulputan ang mga suliraning kinakaharap ng education system ng bansa, tila kalawang na unti-unting sumisira at nagpapahina sa pundasyon nito at una sa unang nagiging biktima ng pagguhong ito ay ang mga mag-aaral na siya pa namang itinuturing na pag-asa ng bayan. Hindi ba’t mabigat na pasanin na ang mga pinakamagagaling na mag-aaral ng bansa ay average students lamang ang lebel sa ibang bansa gaya ng Singapore at Malaysia? Na’san ang problema?
Nariyan ang overly congested subjects na sa sobrang siksik ng competencies ay kung hindi man itinuturo nang paspasan ay hindi naituturo sa takdang oras dahil sa limitadong linggo sa kada grading period. Mabilis o mabagal ang pagtuturo ay malaki ang nagiging epekto nito sa mga mag-aaral, hindi natutukan at hindi natutuhan nang tama ang mga competencies na dapat nilang taglayin.
Nakakadagdag ito sa learning gap na iniwan ng pagtama ng nakaraang pandemiya. Hindi kataka-taka na naging ganito ang naging resulta ng nasabing pagsusulit.
Nakaapekto rin ang underspending sa edukasyon, napakahalaga na mabigyan ng sapat na pondo ang bawat mag-aaral nang sa gayon ay matamo ng mga ito ang dekalidad na edukasyon. Kulang-kulang na kagamitan sa loob ng silid-aralan, walang magamit na maayos na pasilidad, mainit na klasrum, sira-sirang mga upuan, kulang na bilang ng klasrum. Kung ganito ang laging sitwasyon na tintiis ng
mga mag-aaral pati ng kanilang mga guro, talagang pinapatunayan lamang nito na may suliranin ang bansa na nakita ng PISA, hindi lang isang beses kundi naulit pa. Hanggang kailan tayo magkukunwari?
Tila masyado ring ‘in-loved’ ang kagawaran sa participation rate imbes na pagtuunan ang actual results. Nakakapasa kahit na hindi dapat, maling interpretasyon ng Mass Promotions. Natulungan ba ang bata? Mas naidiin lamang sila sa suliraning kanilang kinahaharap.
Bilang tugon ng kagawaran, inilunsad ang National Learning Recovery Program na naglalayong gamutin ang sakit na unti-unting pumapatay sa mga pag-asa ng bayan. Sana lamang mas maging malinaw pa ang direktiba sa kung paano ito mas epektibong maipapatupad.
-NING MABIGAT -KIT
Batay sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), pang-anim sa pinakamababa ang Pilipinas pagdating sa Math at Reading habang pangatlo naman sa kolelat pagdating sa Science.
Ika-anim sa pinakamababa! Seryoso? Tila ba lahat ay nabigla sa paglabas ng resulta ng Programme for International Student Assessment o PISA. Mapaaktuwal man o social media, pinag-uusapan ito. Ano ba talagang nangyayari? Bakit naman napakababa? Sa totoo lang, nasa tao ang problema rito. Guro at ang sistema. Kung sisipatin, hindi talaga naibibigay ang dapat maibigay sa mga estudyante.
Nawa’y ang paglulunsad ng bagong kurikulum na MATATAG ay maging turning-point ng ating bansa at maging matibay na solusyon sa PISAning kinahaharap ng bawat mag-aaral.
Nakakahiya man ang naging resulta ay kailangang tanggapin. Ika nga nila, by admitting your weaknesses you are opening doors for improvement. ‘Di pa naman huli ang lahat (Sana), kailangan lamang umaksyon nang naaayon sa dapat.
TIlA mASyAdo rIng ‘In-loved’ Ang kAgAwArAn SA PArTIcIPATIon rATe ImbeS nA PAgTuunAn Ang AcTuAl reSulTS. nAkAkAPASA kAhIT nA hIndI dAPAT, mAlIng InTerPreTASyon ng mASS PromoTIonS. nATulungAn bA Ang bATA? mAS nAIdIIn lAmAng SIlA SA SulIrAnIng kAnIlAng kInAhAhArAP.”
Sa pagbibigay ng pondo sa Pilipinas para sa mga paaralan o ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), napakalayo ang agwat na ibinibigay ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Nasa P50,000 ang minimum na pondo para sa bawat estudyante sa ibang bansa at nasa P11,000 lamang sa Pilipinas. Sa P11,000 na iyon ay hindi mo lubos akalain na iyon ang pondo sa bawat mag-aaral. Dagdag pa rito, napupunta lamang ito sa mga ibang gastos ng paaralan tulad ng kuryente at iba pang gawain na nagaganap sa eskuwelahan.
Sa pondo pa lamang ay nagkakaproblema na. Papaano na lamang kapag ang implementasyon na ang pinaguusapan? Dagdag pasakit na naman ito. Alam naman ng lahat na hindi lahat ng guro ay
pantay-pantay kung paano sila magturo. May mga masipag at mayroon din namang tamad. Tipong kapag tinatamad nang magturo, pababayaan na lamang ang mga mag-aaral na gawin ang nais nilang gawin na hindi dapat ginagawa ng mga kaguruan. Guro ang dapat na nagtuturo ng pagiging masipag. Hindi pamumuno ng katamaran. Ito ang sanhi ng mababang resulta ng PISA. Kung titingnan mabuti, ito ang hindi mawala-walang problema ng bansa. Para bang sirang plaka na pauilit-uit dahil mula noong taong 2018 na kalalahok lamang ng Pilipinas sa PISA hanggang sa taong 2022 ay hindi talaga nagbago.Pagdating naman sa Reading Literacy o comprehension, nakaaalarma din na ang mga estudyante ay nakapagsasalita ng Ingles ngunit hindi makaintindi. Huwag nang hayaan pang magtagal ang ganitong klase ng sistema na magpatuloy. Nararapat lamang na matutukan ito nang mabuti. Nariyan ang mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon tulad ng Catch-up Fridays at LETRA. Gayunpaman, hindi rin ito magiging epektibo kapag hindi ito natutukan nang maayos. Mabuting magkaroon ng agarang pag-uusap ang mga sangkot sa usapang ito. Hindi ito biro sapagkat Pilipinong mag-aaral ang kawawa. Solusyon at aksyon ang kailangan. Iwasan ang sisihan bagkus magtulungan nang ang PASAKIT na pasan ay maibsan.
Student’s POV: Gerish Sotelo
Teacher’s POV: Dhanz Frio
DIBUHO ni Kyrie Apelin
Sa panukala ni Deped
Secretary Inday Sara Duterte na aalisin na ang Administrative Work sa mga guro at sa gayon ipapasa nila ito sa Admin ng paaralan para sila ang sasalo ng mga gawain ng mga Guro. Nakakabuti nga ba sa mga Guro ang panukalang ito?
“ Ayon kay Gng. Dela Cruz Gagaan ang kanilang trabaho dahil mababawasan ito at mas mabibigyan nila ng sapat na oras para gumawa ng mga lesson sa kanilang estudyante”
Dagdag pa ni Gng. Mila Ani naman kay Gng. Gina Sabi rin ni Ginoong Pajo...
Ito’y nakabubuti para sakanila dahil minsan nawawalan sila ng oras para tapusin ang ibang aralin sapagkat mas inuuna nilang gawin ang administratibong gawain dahil ito’y mahalaga.
Mas mabuting ipapasa na ang mga trabahong pang administratibo sa mga Admin ng paaralan dahil mabigat para sa kanila na gawin ang mga ito, sabi pa niya “Ang guro ay dapat manatili sa loob ng silid-aralan”
Nasisiyahan siya dahil mababawasan ang trabaho at mas makapopokus sila sa trabaho nila bilang guro at mas maging epektibo pa silang magtururo sa mga estudyante dahil sa pagkawala ng ekstra na trabaho”
Hindi Makatarungang Paghihiwalay Akiko Ava Magno
Isinulong ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte ang paghihiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas nitong Enero 31. Ayon kay Duterte, maaaring maisulong ang paghihiwalay sa Mindanao kapag ang mga taga Mindanao ay pumirma ng petisyon na sumasang-ayon sa kilusang ito. Karamihan ng mga Pilipino ay hindi sumasang-ayon dito. Ayon sa konstitusyon ng bansa, ang pagkakaisa at integridad ng teritoryo ay nararapat na pahalagahan. At ang paghihiwalay sa Mindanao ay kawalan ng respeto sa prinsipyong ito.
Binibigyang diin nito ang sobrang pananabik na ihiwalay ang Mindanao. Sa pamumuno ng dating pangulo, bakit ngayon niya lamang isusulong ang kilusang ito?
Matatandaang ang dating pangulong Duterte ay may kaso sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa ‘war on drugs’ .Dahil sa bintang ni Duterte kay pangulong Marcos na tatanggalin nito ang limitasyon sa tagal ng pamumuno ng mga pangulo, muling umurong ang kaso nito. Tila ang pagsuporta ni Duterte na ihiwalay ang
Mindanao sa Pilipinas ay isa lamang paraan upang makatakas sa ICC. Mayaman ang Mindanao at nagbibigay ng malaking ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Isang kawalan para sa mga Pilipino na ihiwalay ang Mindanao.
Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay mananatiling iisa. At walang sinuman ang maaaring makapaghihiwalay rito.
IKINUBLING PAG-ASA
Liham sa Patnugot
Message
Mahal na Editor,
Nakapagpapabagabag ang resulta ng pag-aaral kamakailan ng PULSE Asia na kung saan napag-alaman ditong pataas nang pataas ang bilang ng mga batang edad 10 ang hindi nakababasa, nakasusulat at hindi marunong umintindi ng tekstong binasa. Resulta ng bulok na sistema ng edukasyon at maling interpretasyon ng mga paaralan sa “No student should be left behind” ng Kagawaran na kahit hindi naman dapat makapasa ang bata ay nagagawang ipasa para sa pansariling kapakanan. Ang sanay pag-asa na kalidad na edukasyon ay naging paasa. Dahil sa maling interpretasyon ng mantrang ito ng Kagawaran, hinahayaan ng ilang kaguruan ngayon kasama na ang ilang paaralan na nabubulok ang kalidad na edukasyon na ibinibigay sa mag-aaral kapalit ng school standing, teacher’s performance at kabilang na ang bunos. Mga pribilehiyo na may malaking sa klase at patuloy itong babagsak ngunit patuloy ding ipinapasa ng guro. Hindi matapos-tapos na siklo na sa huli, ang kalidad ng edukasyon ng bata ang talo na hindi mangyayari kung mas pahahalagahan ng paaralan ang pagkatuto kaysa sa mga benepisyong maaring makukuha nila dahil mataas ang
dadami ang batang hindi nakababasa, sumulat at umintindi ng binabasang teksto kahit na mataas na ang kanilang baitang. Tila ba ang sana’y pag-asa sa pagbasa ay tuluyang ng naangkin ng mga gahamang ilang kaguruan at paaralan.
Naway nasa mabuti kayong kalagayan na datnan nitong aking liham. Ang inyong abang lingkod ay naglakas loob na magpadala ng liham sapagkat nais ko pong maliwanagan ang tungkol sa mahalagang isyu na malaon ng bumabagabag sa aking isipan. Itago niyo na lamang po ako sa katauhang Simang Mahal na patnugot, nais ko po sanang ipagbigay alam na ang ilan sa mga paninda sa ating paaralan ay napakamahal. Lubha pong nahihirapan ang ilang mag-aaral, lalo na po ako na isang kahig, isang tuka. Iginagapang lamang ng aking mga magulang ang aking pag-aaral kaya tinitiniis ko po ang kakarampot na baon kapag hangad ko pong makatapos ng pag-aaral. Ngunit dahil po sa sobrang mahal ang mga bilihin, minsan po ay nalilipasan na lamang ako ng gutom dahil hindi po kasya ang aking baon upang makabili ng pagkain.
Mahal na Maxima,
Lubos ang aking pasasalamat sa pagpaparating ng iyong hinaing. Nabasa ng kinauukulan ang iyong liham at kami ay nagagalak sapagkat isa itong patunay na may mga mag- aaral pa ring mapanuri at tunay na nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid. Isa kang tunay na matapang sapagkat naipaabot mo ang iyong hinaing. Asahan mong mabibigyang aksiyon ang iyong hinihiling. Ipararating sa kinauukulan ang iyong mga obserbasyon nang mabigyan ito ng aksiyon. Sisiguraduhin ng buong patnugutan na mabibigyang linaw at lunas ang iyong mga inilatag na problema. Makakaasa kang kasangga mo kami at papanig para sa ikabubuti ng lahat. Ituloy mo lang Maxima ang pagsusumikap upang makapagtapos ka ng iyong pag-aaral. Iyan ang magiging sandata mo balang-araw. Kayanin mong pagtiisan at paglabanan ang mga pagsubok at hirap na hamon ng buhay. Patuloy ka rin sanang maging matapang lalo na sa pagsisiwalat ng katotohanan. Asahan mong ang iyong hinaing ay mabibigyang aksiyon sa lalong madaling panahon. Salamat.
DIBUHO ni Kyrie Apelin
Runjhen Nunez
MABUTING PILANTROPO
Edlyn Joi Queddeng
“Kahit gaano kalayo ang iyong narating, huwag mong kalimutang lingunin ang iyong pinanggalingan.”
Isang kasabihan na talaga namang isinasabuhay ng mga tao, laging ipinapaalala sa mga kabataan na ito’y dapat nilang tandaan saan man sila makarating.
Maraming nakapagbibigay ng tulong sa ibang tao mayaman man o mahirap, maliit man o malaki. Ngunit ang gawaing ito’y hindi na karaniwan kagaya ng isang ginang na kung magbigay ay todo-todo at mula pa sa kaibuturan ng kanyang puso.
Isang napakabuting nilalang na tila hulog ng langit ang nakapukaw sa interes ng masa.
Nagmula siya sa paaralang Ilocos Sur National High School (ISNHS), Batch ’83, na talagang inuna niyang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na mas nangangailangan ng tulong dahil sa kahirapan. Misyon niyang magbigay at ipaalam sa kabataan ang kahalagahan ng kabutihang loob at ang walang katumbas na kaligayahang mararamdaman sa pagbabahagi ngbiyayang kaloob ng Diyos na kanyang natamo.
Malayo na ang kanyang narating, marami na siyang nakamit, pero hinding-hindi niya nalilimutang magbahagi sa mga kapus-palad. Siya si Luzviminda Paat-Chattergoon isang Real State Broker sa Toronto, Canada na kabiyak ng puso ni Dave Chattergoon na isang pilantropo katulad niya. Sila’y pinagtagpo ng tadhana upang tumulong sa nangangailangan, nakikita nila ang sitwasyon sa kanilang paligid, lalong- lalo na sa mga taong lugmok sa kahirapan. Sa kanilang pagbisita noong December 11, 2023, siya’y nagbahagi ng kabuuan ng 20 na laptops at tablets para sa mga mag-aaral lalo na sa mga mamamahayag ng Ang Busilak sa ISNHS. Nakamamanghang isipin ang kanyang kabutihan, lubos-lubos kung siya’y nagbibigay. Tatlong taon na niya itong ginagawa at noon lang kasagsagan ng pandemya ay nagbahagi din siya ng mga cellphones. Sobra ang sayang naramdaman ng mga estudyante’t magulang, dahil napakalaking tulong ito upang dugtungan ang mga pangarap na kayhirap abutin sanhi ng kahirapan sa buhay.
materyal na bagay pabalik, pero saad niya’y, “Subukan niyong tumulong sa ibang tao. Maging mapagpakumbaba, kahit mayaman ka, huwag kang mangmamaliit ng ibang tao.” Gusto niyang maging inspirasyon siya ng mga kabataan upang maging mabuting mamamayan.
Saan man makarating, laging lumingon sa mga taong tumulong sa’yo upang mahulma ka’t makarating sa kung nasaan ka o anong estado mo ngayon. Laging pairalin ang kabutihan at tumulong sa iba, maliit man o malaki. “Ang pera ay isang materyal na bagay lamang, ngunit ang ngiti ng mga natutulungan ay sapat nang dahilan upa ng mas maging mabuti ka pa’t mapag bigay sa iba.”
Walang inaasahang kahit na anong
DUNGDUNGWENKANTO
Panagdanon at kasalanngmgaIlokano
Masaya ang lahat sa bagong balitang kumakalat sa nayon. May mga hindi makapaniwala, ang iba’y sabik na sabik. “Sa wakas, mag-aasawa na rin si Virginia”, pasigaw pang binanggit ng lahat ng kanyang mga kabaryo . Trenta na si Virginia, matagal ding walang naging nobyo mula ng namatay ang dati nyang kasintahan na halos ikamatay na rin niya noon. Mula noon, hindi na nagmahal muli si Virginia, sa dinami-dami ng mga manliligaw na naglakas loob magtapat ng pag-ibig, manilbihan at mangharana sa kanya, lahat ay kanyang tinanggihan. Naging bato na ang kanyang puso. Maganda, mahinhin, mapagpakumbaba , yan ang mga katangiang taglay ni Virginia na tunay na larawan ng dalagang Ilokanang bukod tanging maipagmamalaki sa Vigan City. Katangiang taglay ng mga Ilokanang hinahangaan at pinupuri ng lahat maging sa ibang bansa.
Hindi nakaligtas sa mata ng makikisig na binata ang mga katangiang ito ng mga dalaga kaya’t sa pagkabighani sa kagandahang panlabas at panloob, marami ang n agpapahayag ng kanilang pag-ibig at handang humarap sa mga pagsubok na haharapin na hindi sumusuko. Isa sa mga kulturang kinalakhan ang pagpapakita ng katapatan ng hangarin ng binatang umiibig sa dalagang sinisinta. Buhay na buhay pa rin ang mga paraan ng pagpapamalas ng katapatan sa pag-ibig na kagaya ng nakagawian ngunit dala ng pagbabago
ng panahon, nagkaroon ito ng makabagong bersyon.
HARANA SA BUHAY
Awit ng pag-ibig na mula sa matatamis na dila ng binatang may malinis na hangarin sa dalagang Ilokanang sinisinta. Dala ang gitara, nagpahayag ng awit ng pag-ibig ang binata. Abot tainga naman ang ngiting dumungaw sa bintana ang dalagang inaawitan. Makailang ulit na maharana na noong una ay buong sungit na pagtanggi ngunit nang lumaon, naging maamong tupa dala marahil ng kagandahan ng tinig ng binatang nanghaharana.
Sa kasalukuyan, laganap pa rin ito sa ilang bahagi ng Vigan ngunit sa makabagong istilo na lamang. Makabagong awiting madamdamin ang kinakanta sa harap ng dalagang iniirog.
PANINILBIHAN
Pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig, maging sa ibang mabibigat na gawain ay masiglang ginagampanan ng mga binata, mabihag lamang ang mailap na puso ng pinakaiirog na dalaga.
Wala pa ring pansin ang dalaga sa mga sakripisyo ng binata noong una ngunit kagaya ng matigas na yelo, matutunaw din.
Naging malambot ang puso Unang ngiti ay sumilay sa labi nang makitang ga- butil ng mais ang mga pawis ng binatang nagsisilbi. Gaya ng mga Ilokano, napawi ang pagod na puso ng binata pagkakita sa tamis ng ngiti ng dalagang iniirog.
Tanging nakapagpapalambot ng matigas na puso ang paninilbihan na sumisimbolo ng busilak na hangarin ng mga tapat na puso.
PAMAMANHIKAN
Ito’y “danon” sa mga Ilokano. Ginagawa ito upang mapatunayang tapat ang hangaring makaisang dibdib ng binata ang dalagang iniirog. Buong pamilya ng binata kasama ang mga matatanda at mga opisyales ng barangay ang pupunta sa tahanan ng dalaga upang hingin ang
kamay at alukin siya ng kasal.
Pag-uusapan ang mga detalye ng gaganaping kasal. Mula sa doteng ibibigay, kahandaan ng binatang buhayin ang anak na dalaga, mga ninong at ninang sa kasal, pari, simbahan, susuoting damit ang mga ihahandang pagkain.
DUNGDUNGWEN KANTO
Kasalan na! Bisperas pa lamang ng kasalan sa Ilocos partikular sa Vigan City, sinigurong handa na ang lahat. Tulong-tulong ang mga magkakanayon sa paghahanda ng mga gagamitin sa kasal. Sa dekorasyon, paglilinis at maging sa mga kakatayin na minsan ay baka, matatabang baboy, kambing, mga manok at iba pang mga kakataying hayop. Dadagsa ang mga taganayon na nagtutulong-tulong. Di inaalintana ang kapaguran . Mas nangingibabaw ang kaligayahan dala ng kasabikang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng kanilang kanayon.
Buhay pa rin ang bayanihan, buhay na buhay ang kultura sa Vigan. At narinig nga ang awiting Dungdungwen Kanto kasabay ng pagsayaw ng bagong kasal na sina Virginia at Crisanto. Dungdungwen kanto … kasabay ng pagsabit ng mga salaping papel habang sumasabay sa indayog ng tugtugin… Ang mga salaping nalikom sa kanilang pagsasayaw ay bibilangin ng mga matatanda at pagkatapos ipapasakamay ito sa babae. Isinisimbolo nito ang pagtitiwala sa mga kababaihan o magiging maybahay na sila ang hahawak sa mga pera ng pamilya. Ipinagkakatiwalang ang mga babae ay masinop at matipid sa paggasta at magiging ligtas ang bawat sentimong nagmula sa pawis ng asawa. Kaya’t sa bawat bagong ikakasal sa nayon, masaya ang lahat. Patuloy ang pagbabayanihan dahil patu;oy pa rin ang pagpapalaganap sa kulturang ating kinagisnan.
DIBUHO ni Kyrie Apelin
Eliza A. Pajo
Boy Who Harnessed The W nd
ahirapan, iisang salita ngunit napakalaki ng epekto sa buhay ng mga tao. Sa hirap ng sitwasyon ng mga taong lugmok sa buhay, pinipilit nilang maging matatag, magdoble kayod upang mabuhay, minsa’y kinakailangan pang patigilin ang kanilang mga anak sa pag-aaral sa kadahilanang hindi na kaya ng bulsa.
Katulad na lamang ng mga magsasaka na sa kanilang mga ani na lamang sila kumikita at tila pinipigilan pa ng panahon sanhi ng pagkasirang dulot ng malupit na hagupit ng kalikasan.
Sa pelikulang The Boy Who Harnessed the Wind ay napatunayan ang kahirapan ng buhay ng mga tao dulot mg mga
KALAMIDAD: Isang malakiing hamon
Tagtuyot, tag-ulan, ito ay ang mga kalagayan ng panahon na nararanasan sa isang nayon sa Malawi, Africa na nakapagdudulot ng sobrang kahirapan sa mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
Isa si William Kamkwamba ang naninirahan dito, 14 taong gulang na ang tanging hiling lamang ay makapag-aral nang maayos upang maiangat niya sa kahirapan ang kanyang pamilya, pero ang kapanahunan sa kanila ay tila pumipigil sa kanyang pangarap.
Katulad sa sitwasyon ng Pilipinas tuwing sumasagasa ang bagyo, parang sugal kung tutuusin, mapalad ka kung may maililigtas ka pang kaunting tanim.
PAGTITIIS: Kumakalam na ang sikmura
Maraming pagsubok ang kanilang kinaharap, pero sa kabila ng lahat ng ito, kahit isang tao na lamang ang makakakain sa isang kainan, pinipilit nilang hindi ipakita ang kahinaan sa isa’t isa. Ipinagkakasya nalang nila ang maliit na ani.
Napakalungkot isipin na kinakaya nila ang isang beses na kakain sa kabila ng init ng panahon. Mahirap ang kanilang kalagayan tuwing tagtuyot, kung kaya’t umaasa nalang sila na mayroon silang sapat na maaani para sa buong taon bago ang tag-ulan.
Ngunit hindi dapat mawakan ng pag-asa ang isang batang katulad ni William. Hindi kailanman ipinakita sa kanyang mga magulang at kapatid na siya ay pinanghihinaan na ng loob.Na nahihirapan na. Pilit niyang nilala banan ang pagkalam ng kanyang sikmura. Lumalaban pa rin ang kanyang katawan. At hinding-hindi mapapagod lumaban.
Katalinuhan at Diskarte sa buhay ang Kailangan
niya ang isang instrumentong makapagpapahawi sa gutom ng kanyang pamilya at sa kanyang nayon.
Librong “Using Energy”, kung para sa isang ordinaryong tao ang makababasa nito ay tila isang libro lamang na makapupulutan ng impormasyon patungkol sa agham, ngunit para kay William, isa itong napakalaking instrumento upang matulungan niya ang nakararami.
Sa panahon ngayon, hindi ka mabubuhay kung hindi ka didiskarte, hahanap ng solusyon makapaghain lang ng pagkain sa hapag.
Isang mulino, gawa sa mga kahoy, bisikletang pag-aari ng ama at isang domino, ito ang mga bagay na nakapagpabigay ng pag-asa sa kanilang lahat.
Sa ginawang diskarte ni William ang nagbigay ng malaking pagbabago, hindi lang sa kaniyang buhay, kundi pati narin sa buhay ng ibang tao. Tunay na may kakaibang katalinuhan ang pangunahing tauhan, kakambal nito ang kanyang pagiging maparaan at matibay na kalooban sapagkat hindi niya kailanman sinukuan ang mga mabibigat na pagsubok na humamon sa kanya.
Tamis ng Tagumpay
Dahil sa kanyang nakamit na tagumpay, napakaraming oportunidad ang bumuhos kay William, nabigyan siya ng scholarship upang makapagtapos sa Malawi, nakadalo siya sa mga Leadership Academy sa South Africa at mula doon, nakapagtapos siya ng Enviromental Student degree sa Dartmouth College USA. Napakasayang isipin na sa kabila ng kahirapan hindi sumusuko ang mga lumalaban. Talaga namang lahat ng paghihirap sa mga problemang dumaan at dadaan pa ay makatatanggap din ng malaking kaginhawaan sa buhay. Walang imposible sa Panginoon. Tila isang napakalaking himala ang naganap sa pamilya ni William. Hindi inaasahan ng lahat na makagawa siya ng isang napakabisang solusyon sa kahirapang nararanasan, hindi lang sa kanyang pamilya kundi sa buong pamayanan na kanilang tinitirhan.
Dapat magkaroon ng tiwala sa Poong Maykapal dahil hawak Niya ang kapalaran ng mga tao. Nakikita niya ang bawat sakripisyo at sa pagdating ng tamang panahon ibibigay niya ang kaginhawaang para sa iyo.Muling napatunayan sa pelikulang ito na ang Panginoon ay makapangyarihan. Di Niya hahayaang maghirap tayo sa mahabang panahon. Siya ang tunay na pag-asa.
“Ngati Mphepo Yofika Konse”
“God is as the wind, which touches
“
Napakasayang isipin na sa kabila ng kahirapan hindi sumusuko ang mga lumalaban.
Panganib sa Bayang Naulog
Matinding panganib, yan ang kahaharapin sa bawat segundong lumilipas. Kaba sa dibdib na hindi maiwaglit,
ano pa ang susunod na mangyayari pagkatapos nito.
Mga tradisyonal na kabahayan, parang bumabagal ang lahat nang unti-unti ang mga itong bumabagsak. Makapagsisimula pa bang muli?
Bagong taon, lahat ng tao ay nagsasaya, pero ang kahindik-hindik na pangyayari sa Japan ang nagdala ng kaba sa buong mundo. 7.6 magnitude na lindol sa Japan partikular sa bayan ng Wajima at Suzu ang sumira sa kasiyahan ng lahat dito. Madaming tao ang nakulong sa kami-kanilang tahanan dahil sa pagguho ng mga bahay.
Walang tubig, walang kuryente, nagmistulang bayang naulog (ghost town) ang Wajima. Mahilig 30,000 ang apektado, higit 83 ang natagpuang namatay, humigit kumulang 330 ang nasugatan habang
Mahirap magsimulang muli, sa kinahantungan ng pangyayari. Pero dasal ang pinakamalakas na sandata upang kahit papaano ay mailigtas ang mga tao. Sino pa ba ang unang tatawagan sa oras ng kagipitan at peligro kundi ang pinakamakapangyarihan sa lahat-Ang Panginoon..
Libo-libong dasal ang maririnig mula sa mga taong nangangamba sa kalagayang kinasadlakan tuwing dumadalaw ang kalamidad na hindi kailanman inasahan.
Tiwala sa Diyos ang kailangan at di dapat panghinaan ng loob. Kahandaan din ang kailangan upang kahit sa simpleng paraan ay maibsan ang takot at pangambang nararamdaman.
150 ka tao naman ang nasagip nila sa loob ng 72 oras magmula nang lumindol. Naniniwala din sila na dahil sat agal nang nakalipas, nagiging kritikal na ang sitwasyon may maaabutan pang buhay sa mga iba pang nakakulong sa kani-kanilang bahay na gumuho. Inaasahan din nila ang mga aftershocks at tsunami.
Nakalulungkot pakinggan ngunit hindi na ito maiiwasan. Kahit na anong kalamidad ay walang pinipiling lugar, walang pinipiling oras.
Kabutihan at kagandahang loob, pagbibigay ng tulong upang mabigyan sila ng motibasyong magsimulang muli.
Kabayanihan ang kailangan. Pagtulong na bukal sa kalooban sa mga nasalanta o biktima ng pagyanig.
Tunay na napakalaking panghihinayang ang mararamdaman kapag ang iyong pinaghirapan sa napakatagal na panahon ay sa isang iglap lang mawawala, na ito ay kakainin ng lupa, Hindi lang mga naipundar na materyal o bagay kundi pati buhay ay
mawawala kapag dumating ang katakot-takot na kalamidad sa buhay. Pagtutulungan, pagdadamayan. Huwag kalilimutang malaki ang epekto nito sa bawat taong nasalanta. Ang panganib na dala ng mga kalamidad ay mahirap labanan, pero dalawang salitang ito ang intrumento upang makabangong muli ang mga nasalanta. Pagbangon kung saan ka nadapa katulad ng pagsasabing ‘May pag-asa pa” kahit maulap ang langit, maaari pang maging maliwanag ito sa tulong ng mga taong may busilak na puso. Patuloy pa rin ang mga hamon sa buhay na dumarating ngunit patuloy din ang paglaban sa mga ito. Bawat dumarating na problema ay may panahon ng pagtigil. Katulad ng pagyanig, may panahong titigil din at magiging payapa ang lahat. Magiging maayos din, Hindi bingi ang Panginoon, lahat ng daing ay Kanyang naririnig, bawat paghihirap ay Kanyang makikita. Tunay na habang may hininga, may pag-asa. At sa pagdaan ng panahon, unti-unti ring babangon ang bayang naulog.
SURING PELIKULA
Edlyn Joi Queddeng
iniisip kung
Edlyn Joi Queddeng
Paggising
nang maaga, bitbit ni Mang Tonyo ang kanyang radyo patungo sa kanyang paboritong lugar na lagi niyang pinupuntahan. Ang pook na ito ay naging bahagi na ng kanyang buhay at siya ring bumubuhay sa kanyang pamilya. Mahigit limampung taong gulang na siya ngayon, pero iyon pa rin ang araw-araw niyang tinutungo.
Kasabay ng pagpapatugtog ng kanyang maliit na radyong de-baterya, sinimulan na niya ang pag-aararo. Kailangan na kasi niyang maitanim ang mga butil ng palay na magbibigay ng sapat na kakainin ng kanyang pamilya sa loob na naman ng isang taon.
Sa tulong ni Kalakian, ang mataba niyang alagang baka na laging kasa-kasama, mabilis niyang nalinis ang malawak na taniman. Sinalansan niya ang makakapal na damo na kusang tumubo sa kanyang taniman. Walang kapaguran niyang ipinunla ang mga butil ng palay sabay ng dalangin niyang pabulong upang tumubo ang kanyang mga pananim at mabilis ngang tumubo at lumaki ang kanyang mga ipinunla, palibhasa isa siya sa mga naturingang may berdeng daliri o green thumb sa ingles.
Ganyan kasi ang mga magsasaka, mapamahiin at parang may sarili silang mga kalendaryo. Gaya nalang ng isang araw, “ Hindi maganda ang magtanim ngayon lalo na at biyernes a trese, mamalasin, baka hindi tutubo ang mga punla, ipagpabukas na lang” sambit ni Mang Iban na isa ring magsasaka sa nayon.
Ahh Oo nga pala pare, mabuti na yong nakasisiguro, Sige magtulungan na lang tayo bukas. Sagot na Mang Tonyo.
Kinabukasan, nagdatingan ang mga kapitbahay na magsasaka at nagtulungan, samantalang naghanda naman si Aling Loisa ng makakain. Sa bukid na napakapresko ang hangin sa may lilim ng malaking puno ng mangga
BUHAY MAGSASAKA “AMOYO” SA MGA ILOKANO
kumain ang mga magsasakang nagtulong-tulong sa pagtatanim.
Isang kulturang Pilipino partikular sa mga Ilokano ang kanilang ipinamalas ang tinatawag na “ Amoyo” na nangangahulugang bayanihan. Ito’y isang kultura na ang mga magkakapitbahay ay nagtutulungan sa oras ng pangangailangan. Walang kabayaran ang ginagawang pagtulong sapagkat ito’y ginagawa nang bukal sa loob. Karaniwang ginagawa ang nakagawiang ito sa mga nayon lalo na sa panahong ng pagtatanim ng palay, mais o iba pang gawain sa bukid. Kahit hindi sinasabihang tumulong ang mga kapitbahay lalo na sa mga magsasaka, agad silang tumutulong na hindi naghihintay ng sweldo.
Natigil sa pagtatanim si Mang Tonyo nang biglang may tumawag sa kanya..
Tay, Heto ang aking diploma, para sa iyong walang katapusang pagsasakripisyo mapaaral mo lang kaming mga anak niyo… Isa na akong guro Tay… Salamat po. Buong kaligayahang niyakap ni Mang Tonyo ang kanyang anak, kasabay ang pagtulo ng magkahalong luha at pawis. Sa kanyang pagiging magsasaka, sa kanyang pakikipagbayanihan, isa na namang pangarap ang nakamtan . Kaya’t patuloy pa rin ang paggising nang maaga ni Mang Tonyo upang magtungo sa kanyang bukirin na siyang katuparan ng mga pangarap ng kanyang minumutyang mga anak.
Habol Ko’y
Dunong
Kapag malapit na ang pasahan ng mga takda o proyekto, maihahalintulad sa aso ang mga estudyante. Bakit? Dahil mahilig silang humabol. Sa patuloy na nagbabago at umuunlad na mundo, hindi lamang mataas na grado ang kailangang habulin, kundi lalo na ang mas mataas na antas ng edukasyon at pagkatuto.
Dahil dito, isinakatuparan ang isang bagong inisyatibo na “Catch-up Fridays”, alinsunod sa DepEd Memorandum No. 001, s. 2024. Sinimulan itong itaguyod ng mga paaralan sa ilalim ng Kagarawan ng Edukasyon noong Enero 12, 2024. Binabalangkas nito ang Pambansang Programa sa Pagbasa at Matematika na tumutugon sa nagbabagong pangangailangan ng batayang kurikulum sa edukasyon. Ang pagtatalaga ng mga Biyernes sa buong taon bilang Catch-up Fridays ay isang estratehikong hakbang na naglalayong punan ang puwang sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa pandemya. Kinain ng COVID-19 ang panahong sana’y inilaan sa pagpapaunlad ng karunungan at kasanayan sa akademikong
larangan. Hindi natutukan nang maigi ang mga kabataan sa mahalagang yugto ng kanilang buhay dahil sa halip na mag-aral ay nalulong sila sa paglalaro ng mga online games at mga bagay na walang kabuluhan. Itinatampok ng Catch-up Fridays ang pagsubaybay sa bawat indibidwal na mag-aaral. Ipinapakilala sa kanila ang pagsusuri sa kanilang mga sarili gamit ang reflection journals at iba’t ibang aktibidad ng malikhaing pagsasalaysay. Ang pagtutok na ito ay nagtataguyod ng mas masusing koneksyon sa edukasyon. Gayundin, naihahanda ang mga mag-aaral na humarap sa mga komplikadong hamon ng totoong buhay.
Ibinibigay ng Catch-up Fridays ang kalayaan para sa mga paaralan na baguhin ang programang ito ayon sa kanilang pangangailangan. Hinihikayat ang mga pagsasanay tulad ng Drop Everything and Read (DEAR), Read-A-Thon, at sesyon kasama ang mga espesyalista. Ang pagkakaiba na ito ay nagbibigay ng tiyak na pamamaraan para sa bawat institusyon na lumikha ng epektibong karanasan sa pag-aaral.
Ito ay hindi lamang nakapagpapabuti para pag-unlad ng mga guro. Maaaring ibahagi ng mga guro ang kanilang mga mabibisang paraan, paghahanda ng mga materyales sa pagtuturo, at mapabuti ang kanilang mga kasanayan. Ang kolektibong pamamaraan na ito ay nagtataguyod ng maginhawang implementasyon ng programa. Nasa puso ng Catch-up Fridays ang pangako ng literasiya. Ang alok na oras para sa programang ito ay nagbibigay-daan para sa masusing interbensyon at pagpapahusay. Sa tulong ng maingat na piling materyales sa pagbasa, nagsisimula ang mga mag-aaral sa isang paglalakbay ng pagsusuri, at nagtatatag ng pundasyon para sa pagmamahal sa pagbasa hanggang sa magtagumpay.Bilang estudyante, tanawin natin ang Catch-up Fridays bilang inisyatibong nagbubukas ng landas patungo sa mas maganda at mas dinamikong hinaharap sa edukasyon. Matuto tayong maghabol tulad ng isang asong uhaw sa dunong at lalo pang palalimin ang pag-ibig sa pagbasa.
Eliza A. Pajo
Precious Elysha Tabangcura
Misa De Gallo Mabuting Samaritano sa
Malamig ang simoy ng hangin, nagbabadya at nagpaparamdam na malapit na ang kapanganakan ng Messiah na Siyang tanging tagapagligtas sa sanlibutan.
Napakaraming nagsisimba sa Plaza Burgos araw- araw. Ang iba’y naniniwala na kapag nakumpleto ang pagsisimba hanggang sa sumapit ang pasko ay natitiyak nilang matutupad ang kanilang hinahangad, ang iba nama’y matibay ang pananalig sa Dakilang Lumikha kaya’t taimtim na nananalangin upang patuloy ang paggabay at pagliligtas ng Poon sa mga hamon sa buhay, samantalang ang ilan ay nakikiuso lang… dahil daw sa maraming nagpupunta sa plaza, pumupunta na rin ang iba upang makita at makipagkita sa mga kaibiga’t kakilala. Iba naman ang dahilan ni Linda, isang dalagita. Patuloy ang kanyang pagdalo sa mga Misa De Gallo dahilan sa pagkatapos nito ay may nagpapamodmod ng libreng pagkain sa mga dumadalo sa Misa. Takam na takam siya. Kahit pa nga may pamisa De Gallo sa kanilang barangay eh sa plaza pa rin siya nagsisimba.
Tunay na kataka-taka ang ginagawa ng pamilya Rabino. Isang kahanga-hangang gawain ang pagbabahagi ng kanilang biyaya. One in a million ang katulad nila.
Maituturing na mabuting samaritano, nakahandang tumulong sa mga nangangailangan kahit hindi kamag-anak o kakilala.
SAMARITAN Project, nagsimula pa ito mula noong sumalanta ang Bagyong Egay. “Nakita namin kung paano nahirapan ang mga tao sanhi ng malakas na bagyo, Marami ang nawasak na
kabahayan, nawalan ng ari-arian at iba pang kagamitan kaya’t naisipan naming tumulong sa mga nangangailangan”., wika ni Glenda Rabino, isang doktorang may busilak na kalooban. Siya’y kasalukuyang pangulo ng asosasyong Rotary Club ng Vigan. Katulad niya , todo suporta rin ang kanyak kabiyak na si Michael Rabino na isang nars. Isang organisasyong di na mabilang ang natulungan, maituturing na anghel sa mga nangangailangan. Dahilan sa kanilang ginagawang pagtulong sa kapwa, naganyak din nila ang iba pang mga naging katuwang sa pagtulong gaya ng kapwa nila rotarians, mga pilantropo o maykaya sa buhay na makiisa sa kanilang ginagawa sa pamamagitan ng pag-isponsor sa mga pagkaing ipinapamodmod mula unang araw hanggang matapos ang Misa de Gallo sa ikasiyam na araw. Sa kanilang ginagawa, nakatanggap na rin sila ng Sertipiko ng Pagkilala o mga parangal mula sa DepEd Ilocos Sur Division sa kanilang pagbibigay tulong o pagiging notable stake holder partikular sa Paing Elementary School. Gayundin sa SDO Vigan City. Isang napakagandang ehemplong dapat tularan ng karamihan ang katulad ni Dra. Glenda Rabino at ang SAMARITAN Project. Sa kanilang ginawa, mas ramdam ng mga tao ang tunay na diwa ng pasko kasabay ng patuloy na paglamig ng simoy ng hangin.
Patintero sa Kama ayan
Madalas ay nakikita ang mga batang kalye sa palengke, kalsada, at diyan sa gilid-gilid lamang. Nanlilimos ng pera’t pagkain makaraos lamang upang masaksihan pa ang bagong umaga. Sila ay natutong kumayod kahit sa murang edad pa lamang, nakikipagsapalaran sa bawat minutong lumilipas. Tila ba nakikipagpatintero sa kamatayan dahil sa panganib na nakabuntot saan man sila magpunta.
Hindi alam kung kailan muling makakakain, walang masisilungan, at nakikipaghabulan sa mga human traffickers at pedophiles. Nasa 250,000 na bata ang trinatrato na para bang basura, mga patapon, peste at mga may potensyal na maging kriminal. Isa na rito ang batang lalaki na tinatawag sa alias na “Angelico”. Siya ay nagmula sa wasak na pamilya, inabandona siya ng kanyang mga magulang. Ipamigay sa isang mag-asawa upang ampunin.
Noong 13 anyos siya, hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal ng kanyang mga magulang. Tumigas ang kanyang ulo, hindi nya alam kung paano.
Siya ay ilan lamang sa libo-libong nanlilimos, naghahanap sa basurahan, o kaya naman ay magnakaw para lamang mapatahimik ang kanilang kumakalam na tiyan. Walang pahinga, bawat sandali ay
importante dahil tanging sa isipan at ang kapwa batang kalye na lamang ang makakarinig sa kanilang mga hiyaw.
RA 7610,” Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act”. Ito ay isang batas na naipatupad upang maprotektahan ang mga bata laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso na nagpapahamak sa buhay ng bata. Ito’y nagbibigay proteksyon sa kanila laban sa anumang karahasang gagawin sa kanila.
Gaya ni Angelico, Ilang beses nang natumba gaya ng ibang mga bata, ngunit sila ay mas nagiging matatag sa paglipas ng panahon. Patuloy na lumalaban para sa sarili at sa mga pangarap. Ngayon, kasalukuyang nasa Preda Foundation Home for boys si Angelico, dito ay nakatatanggap siya ng edukasyon, therapy at ang pag-aarugang matagal na niyang hinihiling. Kasama ng umampon sa kanya, sila ay dumadalo sa isang family therapy. Bawat bata ay naghahangad ng pagmamahal, pag-aaruga, pag-unawa at isang bahay na matatawag nilang tahanan. Isang tahanan na magiging kanlungan ng pagmamahal na siyang magiging gabay sa araw-araw na hamon sa buhay. Kailangan din niya ang gabay at pagmamahal na magmumula sa mga magulang na kumalinga sa kanya at bumuhay, Mga magulang na handang magsakripisyo upang maipadama ang walang kapantay
na pag-ibig. Handang magsakripisyo upang maibigay ang mga pangangailangan ng anak.
Karapatan rin ng bawat bata ang mabigyan ng malinis at sapat na pagkain upang makapagbigay ng lakas at malusog na pag-iisip at katawan. Malilinis na damit upang maprotektahan sa lamig at init ng panahon.
Higit sa lahat ay ang edukasyon na siyang magiging sandalan upang balang araw ay magkakaroon siya ng magandang kinabukasan.
Ngunit ang lahat ng ito ay ipinagkait kay Angelico at iba pang mga batang nakikita sa mga lansangan.
Ang patinterong hangad nila ay isang laro kasama ang ibang mga bata, isang larong pagmumulan ng mga malalakas na halakhak, mga di mapapanytayang saya hindi laro kung saan ay nakikipaghabulan sa daan, sa mga sasakyan na bumubusina.
Hindi isang laro na nagdudulot sa kanila ng walang katapusang peligro na maaaring tatapos sa kanilang buhay.
Kailangang maturuan ang mga bata sa mga tahanan kung paano gawin ang mga gawaing bahay upang maging responsable sa kanyang paglaki.
Ngunit hindi ibig sabihin na kailangan silang gamitin upang maghanapbuhay sa kanilang napakamurang edad. Nasaan ang pagkalinga na kanilang
hinahangad?
Bakit ipinararanas ang mga walang katapusang pagdurusa at ginagawang biktima ng Child Labor.
Mga batang nabubuhay sa kalye at umaasa sa barya na inihuhulog sa kanilang lata.
Sa mga laro sila masaya ngunit ibang laro ang nararanasan nila. Isang laro na inaasam-asam ng bawat bata sa buong bansa. Hindi ang patintero ng kamatayan na magwawakas sa buhay at pangarap ng bawat bata na siyang magiging pag-asa para sa pagkamit ng matagumpay at maunlad na bansa,
Ayon sa United Nations Human Rights (UNHR) may tinatayang
na mga batang lansangan ANG naitala noong 2022.
DIBUHO ni Kyrie Apelin
Eliza A. Pajo
Princess Krisha Divina
TAMANG GAMIT, TIYAK MASUSULIT
Ayon sa ipinakitang resulta ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong taong 2022, ang digital economy ng bansa ay tumaas hanggang 36.5 billion na dolyar o humigit kumulang 1.8 trillion pesos, kung saan ito ay may malaking ambag sa pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) na umaabot ng humigit kumulang 9.4 na porsyento.
Ganunpaman, marami mang mga magagandang benepisyo ang paggamit ng teknolohiya ay dapat pa ring maging mulat sa mga masasamang epekto nito.
Ayon sa Philstar.com, nasa humigit kumulang 19,000 ang mga naitatalang kaso ng cybercrime at kalahati nito ay ang bilang ng kaso sa online scam.
Dagdag pa rito, dahil sa drastikong pagbabago sa ating bansa ay naaapektuhan ang ating kapaligiran.
bukod pa sa napapadali nito ang mga gawain natin sa buhay ay napapaganda din nito ang kalidad ng ating buhay
Ayon sa explores.com, nagkakaroon ng polusyon sa tubig at hangin dahil sa mga ibinubugang usok at mga itinatapong basura sa dagat na mula sa mga pabrika o mga pagawaan.
Sa kabilang banda, naging mabilis ang pag-unlad ng bansang Pilipinas sa aspektong pang-ekonomiya dahil sa mga sari-saring kagamitang pang siyensya sa iba’t ibang larangan. Isa na rito ang e-commerce na may malaking ambag sa ekonomiya sa ating bansa. Batay sa istatistikong nakalkula ng trade.gov, noong taong 2021, ang e-commerce sales ng bansa ay may kitang umaabot ng 17 billion dollars o 850 million pesos dahil sa mga aktibong 73 million na taong gumagamit ng online shop.
Dahil din sa mga makabagong pamamaraan ng paggagamot maraming mga nakamamatay na sakit ang nabigyang lunas. Ayon sa cancer.ca, dahil sa patuloy na pagprogreso ng teknolohiya,
nagkaroon ng bagong pamamaraan ang mga doctor sa paggamot ng leukemia o cancer sa dugo sa pamamagitan ng radiation theraphy. Ang patuloy na pag-unlad din naman ng teknolohiya ay nagbigay daan sa pagpapatayo ng mga imprastraktura na ginagamit ng mga tao. Tulad ng mga pabrika o mga pagawaan ng mga sari-saring pangangailangan upang mabuhay. Nananatiling isa sa mga importanteng sangay ang industriya sa pagpapayaman ng ekonomiya dahil ayon sa Board of Investments, ang mga pagawaan kasi ang nagbibigay hanapbuhay sa mga tao. Tunay ngang napaka-episyenteng gamitin ang mga teknolohiya dahil bukod pa sa napapadali nito ang mga gawain natin sa buhay ay napapaganda din nito ang kalidad ng ating buhay. Mapa-e-commerce man yan o online shop, pangkalusugan, o ‘di kaya’y usapang mga imprastraktura lahat ng iyan ay may magagandang benepisyo na naidudulot ng teknolohiya. Upang maiwasan ang masamang epekto nito ay gawin ang 3Ms. Maging mapanuri, Mag-ingat, at Magkaroon ng kontrol sa paggamit nito. Upang sa gayon ay mai-maximize mo ang benepisyo nito at malimitahan ang masamang epekto nito. Ika nga nila “Tamang Gamit, Tiyak Masusulit.”
Kayamanang Mula sa Luwad?!
Ika nga nila “Too much dependency will cause uncertainty” ibig sabihin, ang masyadong palaasa ay maaaring magdulot ng kapahamakan, pero paano na kung ang kasabihang ito ay maiuugnay sa mga taong “Internet is Life”?
Naging parte na ng araw-araw kong pamumuhay ang paggamit ng internet at iba pang mga applications na pinapatakbo ng Artificial Intelligence o AI. Hindi ko maikakaila na napapadali nito ang mga gawain ko sa aking buhay dahil kapag may hindi pamilyar sa akin na mga bagay ay agad-agad ko namang kinukonsulta ang browser. Ngunit ano nga ba ang AI? Ayon sa isang artikulo, ang AI ay isang sistemang pang kompyuter kung saan maaari itong magsagawa ng mga gawain. Tulad ng pagrarason, pagdedesisyon, o ‘di kaya’y pagbigay solusyon sa problema. Sa kabilang dako, hindi lang naman mga matatanda o teen-ager ang nahuhumaling sa paggamit ng samu’t-saring gadgets. Bagkus pati na rin ang mga bagets na kahit 3 years old pa lang ay aligagang-aligaga na dito. Siguro lahat ay makakarelate dahil kapag may nagtanong sa’yo, ang karaniwang isinasagot mo ay “I-search mo na lang sa internet” o ‘di kaya’y “tanungin mo kay Mr. Google” Halos kasi lahat ng itanong mo sa internet ay nasasagot na. Tulad ng pagbibigay kahulugan sa mga talinghaga, hanggang sa tamang pagbaybay ng mga salita. Bukod pa rito, ang internet ay ginagamit din sa pagbabahagi ng mga balita, sensitibong
pakikipagkomunikasyon. Kahit man nasa kabilang panig ng mundo ang iyong pamilya ay maaari mo parin silang makausap. Nakamamangha, hindi ba?! Talaga namang mabisa ang teknolohiya dahil napapadali nito ang ating buhay. Pero paano na kung ang sobrang paggamit, pagdependensya, at pagmamahal sa bagay na ito ay maaaring idala ang ating kaliwang paa sa hukay?! Hindi lingid sa ating kaalaman na napakaraming masamang epekto ang teknolohiya. Isa na roon ang labis na pagkahumaling sa internet na maaaring magdala ng panganib sa kalusugan ng isang tao, mapa-mental health man ito, pisikal, o ‘di kaya’y emosyonal. Tulad ng kakulangan sa tulog at physical activity, paninigas ng kalamnan, depression, anxiety, at marami pang iba. Nakamamangha man sa dami ng benepisyo ang teknolohiya pero naniniwala ako sa kasabihang walang perpekto sa mundo kaya maaari pa rin itong pumalya. Subalit maaari pa rin namang maiwasan ang mga ito kapag ang bawat tao’y may tungkuling ginagampanan upang ingatan ang sarili. Huwag masyadong magtiwala sa kung ano ang naibibigay ng internet dahil ika nga nila “Too much dependency will cause uncertainty.”
14.6B
3.8B QUILLBOT
Vigan Bricks, Tunay na Nakabubuti
Nakapunta
ka na ba sa isang lugar na may kalyeng bato-bato, bahay na makaluma, gayundin ang mga nagraramihang kabayong may kareta, o mas tanyag sa tawag na “Kalesa”? Iyan lang naman ang Vigan City, isa sa mga 7 Wonders ng bansang Pilipinas na itinalaga noong taong 2015.
Ang mga kalsada at bahay na sadyang may pagka-antigo at pagiging kakaiba ay dahil sa kayamanang pagmamay-ari ng mga Biguenos na mula pa sa luwad o putik?! Ang kayamanang ito ay tinatawag na “Vigan Bricks”. Ayon sa aking nakapanayam na si Gng. Marie Palacpac, na isa sa mga nagmamay-ari ng Palacpac Pottery na matatagpuan sa Bulala Vigan City, ang mga bricks na ito ay tinatawag na “Nadrillo” na gawa pa mula sa Ladrilyong luwad. Sa kabilang dako,ayon sa isinalaysay ni Gng. Palacpac, ang unang hakbang ay ang pagkuha nila ng lupa sa paanan ng mga “turod” o mga maliliit na bundok na matatagpuan sa Bantay Ilocos Sur. Ikalawa, ang nakuhang luwad ay ibinababad sa tubig ng walong oras, tsaka hinahaluan ng
buhangin upang ito’y hindi magbitak-bitak. Ikatlo, ginagamitan ito ng mold upang ihulma ito sa nais na hugis. Ika-apat, ipinapatuyo ito sa hangin nang magdamag, at kinaumagahan ay agad-agad namang iniipit. Ikalima, ipinapatuyo ito sa ilalim ng araw ng mga tatlo hanggang apat na araw. At panghuli ay niluluto ito gamit ang kahoy at dayami. Ang proseso ng pagluluto ay umaabot ng isang lingo. Ang presyo ng Nadrillo ay nakadepende sa kung gaano ito kalaki. Ang pinakamalaking sukat na kasinglaki ng short bond paper at kalapad ng isang malapad na libro ay nagkakahalaga ng 39 pesos. Ngunit ang mas maliit na sukat na kasing laki ng pocketbook at kasing lapad ng isang libro ay nasa 25 pesos. Sa kabilang banda, ang pinakamaliit naman na kasing laki ng isang maliit na karton ng sabon at ang lapad nito ay isang pulgada ay nagkakahalaga ng 10 pesos. Bukod pa rito, ang Vigan Bricks at kontemporaryong hallowblocks ay magkapareho lang ng katangian kaya mainam itong gamitin kung may planong magpatayo ng bahay. Ang pinagkaiba ng dalawa ay ang mga bahay na gawa sa
nadrillo ay mas presko sa loob kumpara sa mga hallowblocks. Ayon sa Thermtest.com, ang mga bricks na gawa sa luwad ay may kakayahang mag-insulate ng init, dahil mayroon itong low thermal conductivity o sa madaling sabi ay mababa ang kakayahang umabsorb ng init.
Samantala, kung sa patibayan ang labanan, siguradong palong-palo ang Vigan Bricks dyan. Ang mga materyales na gawa sa Luwad ay talagang matibay at matatag dahil ang buhay nito ay umaabot ng humigit kumulang isang siglo o isang-daang taon. Ito rin ay may laban sa kahit ano pang malalakas na bagyo. Oh diba, talaga namang kamangha-mangha ang mga Biguenos. Dahil kahit pa lupa, luwad, o putik pa iyan ay nagagawa pa rin nilang isang bagay na kapakipakinabang. Katulad ng Vigan Bricks, hindi lang dahil sa estetiko at angking rikit na dala nito ang nagpapabukod tangi sa bricks na ito. Bagkus pati na rin ang mga nakabubuti at kanais-nais nitong katangian. Katulad ng pagiging heat insulator, at tsaka pagiging matibay at matatag nito. Tunay ngang ang Vigan bricks ay maituturing na kayamanang mula sa luwad.
DIBUHO ni Kyrie Apelin
Zarah Yllovea Collado
Sana Nakamamangha
isang silid na nasisinagan ng pagkaliwa-liwanag na ilaw sa loob ng makabagong disenyong booth ay naroroon ang pagkarami-raming hindi pangkaraniwang mga makinang binabalutan ng nakamamanghang tricks at mahika. May gumagalaw, umiilaw, at saka tumutunog na mga robots na gawa ng mga batang henyo?! Tara nát pasukin ang mundo ng robotics!
Ayon kay Ginoong
Jeff Ganaban, isang guro ng Science, Technology, Engineering, and Math (STEM), ang “STEM X” ay isang taunang kaganapan na kung saan ay nilalahukan ng mga mag-aara mula sa STEM strand ng Ilocos Sur National High School sa ISNHS Gymnasium. Kanilang ipinapakita’t ibinabahagi ang mga kaalaman at kahusayan nila sa iba’t ibang larangan ng Siyensya, partikular na ang robotics. Ang Robotics ayon sa Siyensya ay isang sangay ng agham kung saan kabilang ang
pag-iinhinyero, kompyuter science na sakop ang pagkokonsepto, pagpaplano ng disenyo, paglilikha, at pagpapagana ng mga robots. Sa isang booth ay makikita ang pagkarami-raming uri ng makina na binabalutan ng mahika ng Siyensya. Isa na roon ang “Nayabot Cleaner” na gumagana sa pamamagitan ng pagkakaroon ng motor sa loob nito. Ito ay hindi pangkaraniwan dahil kasingliit man nito ng mga laruang kotse-kotse pero may kakayahang maglinis katulad ng mga vacuum cleaner. Walastik! Hindi ba?
Kabilang din dito ang "Memoria Game” na nilalaro katulad ng mga de-bateryang pop-it na nabibili online. Ito ay pinapatakbo gamit ang ilang mga push buttons at LED lights. pa Ginagamitan din ito ng isang komponent na kung tawagin ay "Arduino Uno" na kung saan ay kinokonek pa sa kompyuter upang i-type ang mga codings upang utusan ang pinaka-utak ng robot sa gagawin nito. Bukod pa rito, ang "DO RIDE ‘M", isang robot na nangangailangan din ng microcontroller na kung saan ang trabaho nito ay mamahala o
Hanggang Saan ang Kakayanin ng Teknolohiya mo?
maging utak ng isang makina at iba pang teknolohiya upang ito'y gumana. Dagdag pa rito, ginagamitan din ito ng mga infrared lights, at ito’y gumagana sa pamamagitan ng pagsunod ng robot sa linya ng isang partikular na kulay. Tunay ngang nakamamangha ang maaaring maidulot ng Siyensya sa ating buhay. Dahil sabi nga nila "Ang robotics ay nagpapayaman sa pagkamalikhain at pagka-inobatibo ng isang tao.”
NAKU, PAANO NA AKO?
Sapag-asenso ng teknolohiya ay madali na lang hanapin ang mga nais nating malaman. Dahil sa internet, hindi na mahirap mag-aral dahil isang "search" mo lang, daan-daan na ang resulta. Nakagiginhawa sa pakiramdam, diba? Hindi na natin kailangang pumunta sa silid-aklatan. Sabi nga ng mga nanay, "ay naku! noong panahon nga namin...". Isang patunay na kaybilis na umunlad ang teknolohiya kaya't samu't saring benepisyo na ang naibibigay nito sa mga estudyante.
"One-click away" kung tawagin ang popular na ginagamit ng mga mag-aaral, ang AI (Artificial Intelligence). Bakit nga ba kaibigan? Dahil sa tuwing tayo ay nahihirapan, si tropang AI lang ang tatakbuhan. Alam ko, alam mo. Ikaw na nagbabasa ay minsan ding sumubok sa paggamit nito, di ba?
Paano kapag isang araw biglang nagkaproblema sa mundo natin? Paano kapag biglang masira lahat ang mga sakahan? Paano kapag biglang wala na tayong mapagkukunan ng pagkain? Mga katanungang maaaring mamutawi sa atin kapag magaganap ang mga ito. Hindi malayong maaaring mangyari yan sa hinaharap, kaya hanggang saan ba ang kakayanin ng teknolohiya upang isalba tayo?
Mula sa isang saliksik ng mga inhinyero ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), natuklasan nila na maaaring tumubo ang mga pang-agrikultural na produkto nang hindi sinisinagan ng araw at ginagamitan ng lupa. Napaka-imposible mang pakinggan ngunit maaari itong gawing posible sa pamamagitan ng pagbibigay ng katamtamang pangangailangan nito. Ayon sa Plant Factory with Artificial Lighting Research Laboratory (PFAL) sa Unibersidad ng Los Banos sa Pilipinas, ang mga halaman ay nakalagay sa istante sa loob ng isang silid na kung saan ay palaging sinusuri ng
mga inhinyero at eksperto upang mainam ang paglaki nito. Imbes ra sinag ng araw ang gamitin ay LED lights ang ginagamit. Dagdag pa nila na nakokontrol ang hina at lakas ng ilaw kaya naiingatan ang pananim.
Sa kabilang dako, ang halamang nasa loob ng silid na iyon ay hindi itinatanim sa lupa na palaging ginagamit ng mga Plantitas’ natin. Bagkus ang mga ito ay gumagamit ng mga ordinaryong foam o ‘di kaya’y yong puti na tinatawag na Styrofoam. Bukod pa roon, ang mga tanim na ito ay talagang sosyal, dahil hindi ito nauubusan ng tubig. Ang teknolohiya kasi na ginamit
dito ay may tutunog na alarm kapag ang tubig sa balde ay bahagyang mababawasan sa kinakailangan ng pananim, kaya ito’y masasalinan ulit ng bago. Dagdag pa rito, ang tubig sa lalagyan ay hinahaluan din ng sustansyang kailangan ng halaman.
Sa isang banda, ang PFAL ay gumamit ng foam na inilagay sa mga pader at pintuan ng silid upang makamit ang katamtamang temperatura. Bukod pa roon, gumamit din sila ng tatlong aircon pero salitan ang mga iyon upang mapanatili ang 18 °-25 ° C na lamig. Gumagamit rin ang mga mananaliksik ng mga carbon dioxide tank sa loob ng silid
para sa gayon ay may gagamitin ang mga halaman para sa paglaki ng mga ito. Nakamamangha talaga ang maaaring gawin ng teknolohiya sa ating buhay! Nakikipagsabayan na ito sa pabago-bagong mundo. Mainam nga’t may natuklasan ang mga mananaliksik sa UP na makabagong pamamaraan sa pagpapatubo ng pananim, nang sa gayon ay maging handa ang sangkatauhan sa mga “Paano Kapag” na maaaring pagdaanan sa hinaharap.
Ayon sa UNESCO, ang AI ay may potensyal na ayusin ang nakikitang problema sa edukasyon. Maaari itong gamitin upang mapabilis ang progreso sa pag-aaral. Nahihirapan ka bang intindihin ang takdang aralin? Nariyan naman si AI na kayang sagutin ang lahat. Isang tanong mo lang, tiyak ay may sagot siya para diyan.
Hindi ba't nakatutuwa na ang isang bagay na walang buhay ay mas may kakayahan pang gawin ang mga gampanin natin?
Ngunit kahit na mabilis na nasasagot ang mga ito, natagpuang hindi rin pala ito perpekto tulad nating mga tao.Ayon sa pag-aaral, hindi laging tiyak ang mga impormasyon ng mga boto sa AI. Mabilis nga, hindi naman katiwa-tiwala. Ngunit sa kabila nito ay ginagamit pa rin ito ng mga tao. pagpasa ng takdang-araling magbibigay sa iyo ng blangkong marka.
Naiistres ka na ba?
Sa dinami-dami ba naman ng mga gawaing dapat tapusin sa araw-araw na ginawa ng Diyos, Sino pa kaya ang hindi naiistres?
Ngunit kaibigan, dapat mong malman na ang stress ay bahagi na ng ating buhay.Ano nga ba ang stress at kailan ito nararanasan?Ang Stress ay estado ng emosyonal at pisikal na pagkapagod dulot ng mga sitwasyon na nagbibigay-hamon o lumampas sa kakayahang matugunan ang mga ito.
Maaaring Chronic o acute stress ang mararanasan mo kaibigan. Acute kapag panandalian lamang ang suliranin gaya ng pag-away-away at matapos ng ilang sandali ay muling magkakabati. Ito ang tinatawag na short term stress na karaniwang nararanasan ng mga tao, mapabata man o matanda. Chronic naman kung nagtatagal na ito ng isang linggo, buwan o taon. Ito ay dulot ng mga suliraning nararanasan gaya ng pagkakasakit, pagkawala ng mga mahalagang bagay o anumang mabibigat na suliranin. Ilan sa mga halimbawa ng stress na nararanasan ay ang mga sumusunod: Pagkamatay ng asawa o ka, mag-anak., Nawalan o natanggal sa trabaho,Pag-aalaga sa sanggol na anak. problema sa pera o pinansiyal.Pagkakaroon ng malalang karamdaman,malaking problema sa trabaho. suliranin sa pamilya. Ang mga pangyayaring ito ay nagdudulot ng labis na pagka istres na kung hindi makayanan at magtatagal
pa ay maaaring mauwi sa depresyon o pagkawala ng pag-asa. Na minsan ay magwawakas sa pagpapakamatay. Upang malabanan ang stress, narito ang ilang mga paraan na napatunayan na ng karamihan..
Una, Pagkikilala sa sarili (Self awareness) Ito ay tungkol sa pagiging sensitibo sa iyong mga pangangailangan, nais, damdamin at mga hangganan. Sa mga paraang ito mas makikilala mo ang iyong sarili
Umuunlad na nga ang ating henerasyon ngunit naiiwan na ata tayong mga tao. Nakita sa pag-aaral na nananakaw rin ng AI ang panahon kung saan matutuklasan natin ang ating sarili. Dahil sa labis na pagsandal kay AI ay nawawala na ang ating masinsing pag-iisip. Nakalulungkot isipin na ang dapat na tungkulin natin ay inaangkin na ng kompyuter. Walang masama sa paggamit. Huwag magpapakain sa kanya dahil hindi mo alam kung ano pa ang iyong kaya. Kilalanin mo ang iyong sarili, mas lamang ka kay AI.
E.A. P
upang hindi malunod sa trabaho
Ikalima, magrelaks gamit ang Musika ,matutulungan ka ng musika na magrelaks, mapalakas ang iyong kalooban at nakapagpapasaya. At ang huli,.paglalaro/Isports, pinapakilos o pinapagana ang utak sa paraang ito Hayan kaibigan, upang mas magiging produktibo at masaya ang buhay mo, sundin mo na lang ang mga nabanggit na hakbang. Iyong tandaan na ang pagka istres kapag di nilabanan, maaaring magdulot ng matinding karamdaman. Buhay
Pangalawa,pag-iiskedyul ng mga gawain (Time management) Kailangang ayusin ang oras
kalooban at maiwasan ang negatibong pag-iisip.
Magrelaks
Pangatlo, kumain ng masusustansiyang pagkain at magsiyesta. Kailangang piliin natin ang ating kakainin at mahalagang malaman kung paano magpahinga habang sinusuri ang iyong listahan ng mga gawain.
KUMAIN NG MASUSTANSIYA PAGIGING OPEN SA MAGULANG
Ikaapat,magsalita/ humanap ng mapagsasabihan ng pinagdaraanan Dahil mahalagang hindi manatili ang lahat sa kalooban mo. Kapag nasabi sa iba ang kinakaharap na problema, mas magiging magaan ang
Mahika ng Siyensya
Zarah Yllovea Collado
KAHANGA-HANGANG IMBENSYON. Kasalukuyang inaayos ng mga mag-aaral sa SHS ang kanilanhg likhang Robotics para sa kompetisyon. Kuha ni Kyrie Apelin.
Zarah Yllovea Collado
Jasmine Cadiz
Labanan ang StreSS,
Pagkikilala sa sarili
Kauna-unahang
Gusali ng ISNHS, Nakatindig Pa
rin sa Kabila ng Lindol at Walang Karupukan Kung Gabaldon Ang Usapan
Angrupok mo naman” Siguro marami sa atin ang talagang makakarelate sa pariralang ito, dahil kaunting paramdam lang niya ay bumibigay na tayo. Yung matibay na pundasyon, wala na, sinira na naman niya. Pero huwag ka dahil hindi makakarelate ang Gabaldon dito. Ang kauna-unahang gusaling pampaaralan sa Ilocos Sur National High School (ISNHS).
Ayon sa nakapanayam kong isang coordinator ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) ng ISNHS na si Ginoong Antonio A. Tagorda na 12 taong nasa serbisyo, noong taong 1902 pa lamang daw itinayo ng mga Amerikano ang gabaldon. Sila ang dahilan kung bakit nagkaroon tayo ng sistemang pang-edukasyon sa ating bansa. Magkagayon man, dahil sa tagal at kalumaan ng building na ito, nagiging isang patunay lamang ito na napaka tibay ng gusaling ito dahil tinamaan na ng lindol at lahat-lahat ay nakatayo pa rin at patuloy na Ayon sa bgs.ac.uk, ang lindol ay isang natural na phenomena kung saan nagkakaroon ng paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa at ito ay naglalabas ng isang elastic-energy sa pamamagitan ng “Seismic Wave”. Ang wave na ito ay kumakalat sa ibabaw ng lupa at nagiging sanhi ng paglindol. Subalit, ilang sakuna na nga ba ang nalampasan ng gabaldon? Ilang lindol na nga ba ang nakayanan nito?
Pahid dito, Amoy roon
AngMula sa isinalaysay ni Ginoong Tagorda, simula pa taong 2006, nasa humigit kumulang apat na lindol na ang nakayanan ng gabaldon. Hindi pa kasali roon ang mga sunod-sunod na aftershock. Isa sa mga apat ay ang araw na minsang gumimbala sa tahimik at payapang lugar ng mga Ilocano. Hulyo 27,2022 nang biglang makaramdam ng malakas na pagyanig sa Ilocos Region na tumatayang nasa 7.2 magnitude batay sa istatistiko ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ang lindol ay napakalakas sa pinto na halos ang mga matatayog na gusali ay nagsisisayawan, mga
STRESS
bango naman ‘yon! Hindi ko mawari kung anong amoy ‘yon. pero nakakarelax!! Napansin ko na may ipinapahid sa balat ang babaeng katabi ko. Natanong ko kung ano yon at sinabing ilang- ilang daw yon at inilarawan pa. “Kakaiba ito”, wika niya. Sa sobrang bango nito ay ginagamit ito bilang sabon, lotion at shampoo. Ginagamit din daw ito bilang gamot sa pagkabalisa, depresyon, insomia at stress dahil kilala ito bilang pampakalma. Dagdag pa nito, pinapababa rin ang blood pressure at ginagamit bilang pamatay ng insekto. Maya-maya nakuha ang atensyon ko nang sinabi niyang ginagamit ito sa sektor ng pisyolohikal na aspekto.
Pag-uwi ko ng bahay ay agad akong nagsaliksik sa internet tungkol sa ilang-ilang, sapagkat nagka-interes ako sa mga gamit nito. Napagalaman ko na ang bulaklak nito ay hugis bituin na nagmula sa Cananga tree (cananga odorata). Ayon sa mga nasaliksik ko, ito ay nakatatanggal ng stress at anxiety sa tuwing ito ay naamoy o ipinapahid sa balat. Ahh!!, kaya naman pala nakaramdam ako ng pagkarelaks noong naamoy ko ipinapahid ng katabi ko sa kanyang balat.
Sa panahon ngayon maraming sektor ang nagbibigay sa atin ng stress katulad ng pag-aaral, trabaho at siyempre hindi mawawala ang lovelife. Lahat tayo ay may sari-sariling buhay. May pinagdadaanan tayo araw-araw ngunit lumalaban parin tayo sa agos ng ating buhay. May nasaliksik rin ako na ang Ilang-Ilang ay may gamit din lalong lalo na sa mga Pilipino, Ano pamilyar kana ba dito? Ito ay may malalim na kaugnayan sa ating kultura at tradisyon ito ang ginagamit ng karamihan sa tuwing may kasalan o di kaya
pag-aalaga sa mga patay. Minsan rin ay makikita ang mga ibang mamamayan na nagbebenta ng ganitong bulaklak sa tapat lamang ng simbahan. Kaya nararapat lamang na atin itong alagaan sapagkat ito ay ating yaman nang sa gayon mapangalagaan ito ng susunod na henerasyon. At patuloy parin na yayaman ang tradisyon at kultura natin dito. Hindi natin alam kung ano ang pagsubok na darating sa hinaharap. Naamoy ulit namin ang pinahid ng katabi ko, at “girl”, nakakatanggal talaga ng stress!! Nakakamangha!, nakakarelaks talaga ito! Sinabi ng may-ari ng ilang-ilang na iyon ay ginagamit niya tuwing may eksam at bago matulog dahil nakakatulong daw talaga ito. Napagtanto kong napakahalaga pala ang Ilang-ilang dahil sa magandang epekto nito sa atin, hindi lang pampisikal kundi pampisiyolohikal din. Bukod sa mabango ito, nakakatulong din ito sa ating sarili. Kaya ano pa bang hinihintay mo?! Mag-ilang ilang ka na rin!. Pahid dito Pahid doon, amoy dito amoy doon.
gate na yari sa bakal ay nagsisibanggaan, gayundin ang mga debris na nagsisihulugan. Gayunpaman, mainam na lamang at walang pasok ang mga estudyante noon sa ISNHS nang lumindol ng pagkalakas-lakas. Pagkatapos ng pagyanig ng lupa, agad namang sinuri ng mga taga Department of Public Works and Highways (DPWH), City DRRM, at isang inhinyerong mula sa central office ang lumang gusali. Wala silang natagpuan mga major cracks. Kaunting minor issues lang ang kanilang nahanap. Tulad ng pagkatanggal ng bisagra o hinge ng mga bintanang makaluma dahil gawa ito sa kahoy at capiz shell, at mga minor cracks sa wall nito. Bukod pa rito, ang mga wire, kuryente, at ilaw ay nanatiling maayos at nasa pwesto. Pwera na lamang sa mga kagamitang nasa itaas ng cabinet, dahil ang mga ito’y nagsibagsakan. Dagdag pa rito, ang pagka-arkitektura at pagkapatayo kasi ng gabaldon ay ibang iba sa mga kapwa gusali sa ISNHS. Ang flooring ng lumang building ay hindi gawa sa purong semento. Bagkus, ito ay gawa sa kahoy. Kaya kapag nagkaroon ng lindol, mahirap magkaroon iyon ng crack dahil umiindayog ito. Gayunpaman, may mga ilang payo ang mga taga DRRM kung sakaling mangyari ang lindol. Ito ay ang pag-Duck, Cover, and Hold. Iwasang magpanic at panatilihin ang pokus sa isip nang sa gayon ay manatiling ligtas. Kung nangyari ang lindol sa loob ng tahanan o gusali, huwag agad-agad lumabas. Hintaying tumigil ang pagyanig ng lupa at tsaka lumabas. Bilangin din o maghead count sa lahat ng mga lumabas upang masigurong nakalabas ang lahat. Huwag bumalik agad sa loob dahil sa aftershock nito, magpunta na lamang sa pinakamalapit na evacuation area at maghintay ng balita. At higit sa lahat, ang lindol kasi ay isang hindi inaasahang pangyayari, maaaring habang natutulog ka, nasa sasakyan, naliligo, kumakain at iba pa ay maaaring mangyari ito. Walang mga senyales bago magparamdam ang isang lindol kung kaya’t mahalaga ang maging handa. Mahalaga ang maging matibay. Huwag kang magpakarupok, at gayahin mo si gabaldon, dahil kahit ilang lindol na ang nagparamdam at tumama sa kanya, hindi pa rin nagpapatumba.
Sambong! Pwedeng Magpatulong?
“Uy bes! Punta tayo sa comfort room sabi ng kaibigan ko”."Hmp, anong mag cr eh mag re-retouch ka lang naman don!”, wika ko naman. “Hindi, totoo talaga to, ihing-ihi na ako parang sasabog na pantog ko, ika niya.
Subalit
dinedma ko lang at sinabi kong "edi pigilan mo”. Pero ayaw paawat ni ate at sinabing ayaw daw niyang magkakabato siya sa kidney kaya sinamahan ko na. Habang nandoon kami, naikuwento niya ang tungkol sa isang halamang sambong na nakatutulong daw para sa kidney failure.
Alam natin na ang buhay ng bawat tao ay puno ng stress, pagsubok, kaguluhan at iba’t ibang problema na tinatahak bawat araw. Sa mga abala at hamon ng araw-araw na buhay, mahalaga ang paghahanap ng mga paraan upang maibsan ang bigat ng damdamin at maibalik ang kaayusan sa isipan. Sa gitna ng ganitong karamdamang emosyonal, isang simpleng halaman ang nagbibigay ng lunas at ligaya - ang ilang-ilang. Ito ay hindi lamang pangkaraniwang halaman, ito’y nakatutulong sa atin at sa susunod pang henerasyon upang mapangalagaan ang ating kalusugan. Ang ilang-ilang ay hindi lamang nagdadala ng amoy na mabango, ito rin ay nagdudulot ng liwanag at ligaya sa ating mga buhay. At muli maaari ka naring magpaalam sa stress ng iyong buhay. Goodbye stress, hello Ilang-Ilang. Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, gumamit ka ng ilang-ilang na may maraming taglay.
Sa mga abala at hamon ng araw-araw na buhay mahalaga ang paghahanap ng mga paraan upang maibsan ang bigat ng damdamin at maibalik ang kaay usan sa isipan Sa gitna ng ganitong karamda mang emosyonal isang simpleng halaman ang nagbibigay ng lunas at ligaya ang ilang-ilang
Totoo nga ang naibigay niyang impormasyon dahil ayon sa pananaliksik, idineklara ng Department of Health (DOH) na ang sambong ay naglalaman ng positibong epekto sa kalusugan natin. Ito'y tinatawag na subusob sa Ilocano at ang berdeng dahon nito ay lumalaki hanggang 2.5 cm. Bukod doon, nakapag papababa ito ng calcium oxalate sa ating katawan, ito'y isang kilakang bato sa ating kidney na nagsasanhi ng pagdumi ng ating kidney. Dagdag pa, ayon sa nabasa, ang siyentipikong pangalan ng sambong ay Blumea Balsamifera. Gayundin, kilala itong gamot sa mga sakit tulad ng kidney failure sapagkat ito'y nasa ikasampu sa listahan ng DOH bilang lunas sa iba't ibang sakit at karamdaman. Maliban dito, ito ang mabisang panlinis sa loob ng ating kidney na nagdudulot ng Diuresis o kilala bilang pandadagdag ng tiyansa para sa magandang daloy ng pag-ihi dahil tinatanggal nito ang mga toxins sa ating katawan. Bukod pa roon, kinokontrol din nito ang altapresyon hanggang maprebentahan ang kidney stones. Nirerekomenda rin ng mga doktor na gamitin ang tabletas na nagmula sa dahon ng sambong. Subalit pwede rin itong magbigay ng kaunting reaksiyon tulad ng pagkairita at pangangati ng balat. Dagdag pa rito, kaunting datos pa lamang ang nagsasabi na puwede ito to sa mga buntis, kaya't mas maganda kung magpakonsulta muna bago gumamit ng ganito. Wow! Marami palang benepisyo ng maidudulot ng sambong sa atin. Kung gayon, sasabihin ko ito sa aking mga magulang at sa iba kong frennycakes upang magamit nila ito, dahil halos sila ay nagpipigil ng ihi, nang sa gayon ay malinisan ang loob ng kanilang kidney. Papalabas na kami sa palikuran ngunit bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya dali-dali akong bumalik, siyempre ayokong magkabato. At kung darating man ang araw na magpapasama ulit ang aking frenny ay sasamahan ko na siya sa palikuran. Mahirap na ang magkasakit. Ngunit kung magkagayon, sambong ang makatutulong.
Jameiah De Los Santos
Jameiah De Los Santos
I-SCAN PARA SA DAGDAG KAALAMAN SA SAMBONG:
Zarah Yllovea Collado
Mainit na Labanan
Kay El Niñno
Avisala
mga ka-Enkantadiks! Ako nga pala si Sanggre Pirena at Kasalukuyang namamasyal sa mundo ng mga tao. Aba grabe. Nagpunta ako dito para magpalamig ng ulo, hindi para lalong mag-init dahil sa sobrang init .
Noong nakaraang taon, buwan ng Disyemore isinalaysay ng Department of Science and Technology (DOST) , isang kagawaran sa mundo ng mga tao, na nasa humigit kumulang 65 na probinsya sa Pilipinas, maliban sa CARAGA at iba pang parte ng Davao region ang makararamdam ng matinding init dala ng El Niño sa Abril,2024.
Ano ba yan! Mukhang tinalo pa ata ng El Niño ang apoy kong brilyante. Sino ba kasi siya? Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isang departamento sa mundo ng mga tao, ang El Nino ay isang phenomenon kung saan nakararanas tayo ng matinding init na nagdudulot sa tagtuyot. Pinapababa rin nito ang tiyansa ng pag-ulan. Dagdag pa rito, ang El Niño ay maaaring magtagal ng ilang buwan o taon, at walang direktang kontrol ang tao dito dahil ito ay natural na nangyayari. Bukod pa roon, inilahad din ng PAGASA na karaniwang nakararanas muna ng malalakas na pag-ulan bago maranasan ang matinding tagtuyot. Gaya ng nangyari noong Setyembre 26, 2009, nanalasa muna ang bagyong
Ondoy sa Central Luzon at mga kalapit na bayan na nagdulot ng pagkasira ng maraming mga imprastraktura at bumawi ng humigit kumulang 789 na buhay ng tao bago naranasan ang matinding init.
Sa kabilang dako, dahil sa panghihina ng brilyante ng tubig at brilyante ng lupa, maraming mga sakahan ang natuyot. Samantala, ang mga dapat sana na aanihing palay upang ibenta ay napunta pa sa wala. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng suliranin, simula sa kakulangan ng pagkain at tubig, hanggang sa pagkalugi ng mga magsasaka.
Dagdag pa rito, talaga din namang mabangis at walang inaatrasan ang brilyanteng apoy dahil kahit pala ang mga gubat ay maaari nitong sunugin, at wasakin ang tahanan ng mga animales na nakatira doon. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) isang departamento sa mundo ng mga tao, maingat nilang binabantayan ang mga protected landscapes dahil sa muling pagtaas ng temperartura na maaring sumira at sumunog sa gubat.
Gulay Problem?
Carrots at Kang Kong Patty, tunay na na Kabubuti!
Saisang mapayapang lugar na napalilibutan ng matatayog na puno at rumaragasang tubig ng ilog, nakatira ang mag-inang Marites at Jonas.
Isang araw, nasindak at napailag na lang si Marites sa sinabi ng anak nang ibigay ang pagkain sa kanya. “Nay, ano ba yan gulay na naman? Ayoko po niyan sapagkat ayaw ko yung lasa at amoy nito.” katwiran ng anak.
Oo mga mommies, nahihirapan na ba kayo sa mga gulay-problem ng mga anak? Tamang-tama, may solusyon ako para dyan!
Mula sa investigatony project na pinangunahan ko kasama ang aking mga ka-research partner na sina Maja Badiola at Danel Oien Purisima, natuklasan naming mainam at masustansyang gamitin ang carrot at kangkong sa paggawa ng patty.
Ayon sa mga artikulong sinuri namin, ang carrots ay maganda para sa mga taong may
diabetes, napabubuti ang pagdaloy ng dugo at nakatutulong sa constipation. Dagdag pa rito, hindi lang pala si crush ang makapagpapalinaw ng ating mga mata, dahil yakang-yaka din pala ng carrots!
Sa kabilang dako, ang kangkong ay isang mayamang pagkukunan ng protein, calcium, at Vitamin A. Bukod pa rito, nakatutulong rin ito sa pag-agapay sa mga samut saring karamdaman tulad ng sakit sa atay, anemia o sakit sa dugo, at iba pang mga sakit sa sikmura.
Natatakam ka na ba habang binabasa ito? Siguro oras na para ibahagi ko ang mga hakbang sa paggawa ng carrot at kangkong patty.
“ Ang dapatmgasana na palayaanihing ibentaupang ay napunta pa sa wala”
Bukod pa roon, ayon sa Kagawarang Pangkalusugan ng mga tao, maraming mga samut-saring sakit ang maaaring lumaganap sa panahon ng Tagtuyot. Ito ay ang sakit sa tiyan, sakit sa balat, cholera, pagkahapo, heat stroke, hika, pagsusuka, at marami pang iba.
Sa kabila ng lahat ng ito, marami pa din namang mga paraan ang maaaring gawin upang mabawasan ang epekto nito sa ating kalusugan. Kung hindi naman talaga kailangang lumabas ng bahay sa ilalim ng nakakapasong init ng araw ay huwag nang lumabas at manatili na lamang sa loob. Ipinapayo rin na magsuot ng mga damit na komportable at may maninipis na tela upang ito’y maging presko. Huwag ring kaliligtaan ang pag-inom palagi ng tubig upang hindi ma dehydrate ang katawan. At kung may hindi pangkaraniwan na nararamdaman dahil sa mainit na panahon ay huwag mag-alinlangang magpakonsulta sa mga propesyonal upang maiwasan ang pagiging biktima ng natural na phenomenong ito, mga Warka!
‘Di bale na lang, ayoko na pala mamasyal dito sa mundo ng mga tao at uuwi na lang ako sa Encantadia, sa palasyo ng Lireo dahil di hamak na mas malamig doon dahil merong brilyante ng hangin at tubig na nagbabalanse. Ang init pala dito sa mundo ng mga tao, para akong nasa palasyo ni Arde, sa balaak! Lalo akong nag-iinit dahil hindi ko na matiis, pashnea!
Ayon sa aming saliksik, kailangan munang ihanda lahat ng mga sangkap na kakailanganin. Tulad ng isang tasa ng grated carrots, isang tasa ng hiniwa hiwang kangkong leaves, apat na itlog, 3/8 cup ng all - purpose flour, 1/4 cup ng bread crumbs, anim na pangil ng dinurog na bawang, tatlong kutsarita ng asin, isang kutsarita ng dinurog na paminta, kalahati ng na-chop na sibuyas, at dalawang kutsarang mantika.
Samantala, pinasuri na rin namin sa isang espesyalista ang Vegan patty. Lumabas sa resulta na ang pagkaing ito ay masustansya at magandang alternatibo sa mga nabibiling patty.
Sa muling pagluto ng ina ng carrot at kangkong patty, nasiyahan at nagustuhan ni Jonas ang inihanda nito. “Wow, ang sarap naman nito nanay, gulay is life talaga!” Nakangiting sabi ng anak sabay subo ulit ng patty.
Pagkatapos ay pagsama-samahin lahat ang rmga sangkap at lutuing mabuti. Pagkatapos ay ihulmang pabilog ang nagawang mixture, at tsaka budburan ng bread crumbs. Painitin na rin ang dalawang kutsarang mantika at iprito na ang patty hanggang sa maggolden brown ang kulay nito.
Zarah Yllovea Collado
Zarah Yllovea Collado
Sanggre Pirena, Lalong nag-init sa Pinas?!
Powerhouse Grade 9, ginulantang ang 11 STEM/ABM, 21-11
Paglalakbay ng Atleta
Susi sa Pag-unlad ng Isports
Sa isang nakabibighaning pagtatanghal ng kasanayan, determinasyon, kahalagahan ng kooperasyon at pangangailangan ng pampalakasan,nagtagisan ang mga lokal na koponan sa hilig na isport ng Futsal. Sa ginanap na laban noong Sabado, Nobyembre 25, 2023 sa UNP Ground Oval para pag-agawan ang titulo sa Vigan City Meet. Hindi mapigil ang kasiyahan at sigla ng mga manlalaro at tagahanga ng bawat koponan.
Bawat segundo ng laban ay nagdulot ng matinding tensyon sa hardcourt, kung saan ang bawat taktika ay bumukas ng oportunidad para sa minimithing tagumpay. Malupit ang laban, ngunit sa huli, nagpakita ng nakamamanghang pamamaraan ang koponang ISNHS, umuwing wagi at pinagharian ang pinag-aagawang titulo sa Futsal Championship 2023. Nagpamalas sila ng kahusayan sa pagsasanay at taktikal na kasanayan, nagpakita rin sila ng kahalagahan ng pagsasama-sama at pagsusumikap upang makamit ang inaasam na medalya. Kaya nagsilbing inspirasyon ang mga laban na ito sa mga kabataan na nagnanais ding sumabak sa larangan ng futsal, ito ay isang pagkakataon para sa pag-unlad at pag-usbong ng bawat estduyanteng may mataas na pangarap.
Tila isang maalamat na paglalakbay tungo sa mas malalim na kasanayan at kagalingan ang makukuha mo sa paglalaro ng isports yun ang ipinakita ng bawat manlalaro sa nakakapanindig balahibong labanan. Bawat tibok ng puso sa bawat tira at pasa ay nagpapakita ng dedikasyon sa sining ng isports at ito’y patuloy na magiging ilaw sa
City Meet Futsal Championship. Kuha ni Kyrie Apelin.
Umarangkada
ang nagpupuyos na sipa ng Powerhouse Team ng Grade 9 para sa inaasam -asam na dagdag gintong medalya sa kanilang koponan matapos mahulog sa sipa ng tambalang 11 STEM/ABM, 21-11, sa makapanindig balahibong labanan sa Intramurals Championship Round ng Sepak Takraw, na naganap sa ISNHS Field, Vigan City, Nobyembre 3-7, 2023.
Pinatunayan ng Grade 9 na sila ang hari ng Sepak Takraw matapos magpakawala ng matinding sipa ang kanilang team captain na si Almiro Gonzales upang durugin ang tambalang 11 STEM/ABM at angkinin ang nagniningning na kampeonato.
Napaluhod ang Grade 11 STEM/ABM sa bigating team Grade 9 sa Sepak Takraw Men’s Championship Round sa score na 11-21, at 10-21. Sa unang set pa lamang, ipinamalas na kaagad ng Grade 9 na sina Afiffudin Razali, Almiro Gonzalez at Aidil Aiman ang kanilang bentaheng tangkad at diskarte sa laban hanggang
makuha ang score na 21-11 STEM/ ABM. Pagpasok ng ikalawang set, kaagad namang rumatsada ang bigating Grade 9. Pilit pang bumawi ang mga 11 STEM/ABM ngunit kinulang na ito, dahil sa mga ilang service errors na nagawa at malalakas na sipa outside. Nagpamalas ng mala -pader na opensa ang Grade 9 nang nagpakawala si Razali ng mabibilis na power services na nahirapang ibalik ng 11 STEM/ABM kung kaya’t nadiskaril ang tirada nila. Nagpalitan naman ng matitinding sipa ang dalawang koponan sa huling minuto ng laro.
Tuluyang tinambakan ng Grade 9 ang 11 STEM/ABM Team sa huling set nang sunod-sunod na paulanan ng mga solidong tappings at selyuhan ang huling set ng laro. Dinomina ng mababangis na Grade 9 ang laro na nagtapos ng score na 21-10 kontra naghihingalong 11 STEM/ABM. Nabigo ang 11 STEM/ABM, laban sa Grade 9 na walang kinakatakutan dahil sa kanilang malapader na opensa at parang apoy na sipa na naging daan upang maibulsa ang nagniningning na gintong medalya.
Men’s Sepak Takraw Intramurals Championship Round
Kampeonato na Minsan ay Pinangarap
Sino
ang mag-aakalang sa kanilang paglalaro ng Sepak Takraw, magiging bitbit nila ito patungo sa dagdag gintong inaasam at makararating sa tagumpay na minsan ay pinangarap? Hndi inaalintana ang matinding pagod habang nag-eensayo kasama ang determinasyon nilang makuha ang hinahangad na gintong medalya para sa kanilang Grupo sa idinaos na Intramurals ng ISNHS. Sa halip ng maraming ginagawa, ibinubuhos nila ang kanilang panahon sa pag-eensayo para maging mahusay pa na manlalaro ng Grade 9.
Nais nilang maipagmalaki ang angking talento nila sa larangan ng isports, hindi lang sa sarili nilang koponan kundi sa buong estudyante ng ISNHS para sila ay makilalang mahusay na manlalaro.Tunay na ang Panginoon ay laging nakaagapay sa tulad nilang nagpapakahirap para mapagtagumpayan ang nagniningning na gintong medalya para rin sa mataas na pangarap nilang makatuntong sa malakasang labanan. Sabi nga nila
“paghirapan mo muna bago mo ito makuha” iyan ang mga katagang kanilang hinawakan.Matagumpay nilang iniuwi ang nagniningning na gintong medalya sa Sepak Takraw Men’s Championship Round. Tunay na kahanga-hanga ang kanilng ipinamalas na galing sa pagsisipa na tila isang tigre ang bangis nilang gumalaw. Sinipa nga nila ang malakasang Grade 10 sa larong Sepak Takraw, Kita mo Grade 9 pa lang sila at mas mababa pa ang kasanayan nila sa paglalaro nito.
BANGKARERA
Bagama’t hindi Madali ang kanilang mga pinagdaanan, tiwala sa sarili at pag-eensayo araw-araw ang kanilang naging puhunan bago magkampeon sa Sepak Takraw at kitang kita ko sa kanilang mga mukha ang determinasyon para talunin ang Grade 10 sa Championship Round. Naging daan nila ang pagsisikap na ipakita ang kanilang kakaibang talento sa kanilang eskwelahan. Nagpapakahirap mag-ensayo upang makarating sa pinapangarap na kampeonato.
“Sige, larga! Bilisan mo ang pagmamaneho sa tubig, mananalo tayo! “Go team Orlie!” “Go team Wild Shark!” Sigaw ng mga manonood sa ‘di makapigil hiningang karera ng mga bangka na naganap sa Puro, Magsingal bilang parte ng selebrasyon sa Ilocos Sur Festival.
Sa unang pagkakataon naganap ang karera ng mga bangka sa Ilocos Sur na kung saan ipinamalas ng mga mangingisda ang kanilang galing at talento sapag mamaneho ng kanilang mga bangka. Ang karera ng mga bangka ay ang pagpapasiklaban at pabilisan ng mga mangingisda sa pagmamaneho ng kani-kanilang mga bangka.
Nagpasiklaban sa karera ang Team Orlie na sinakyan ni Rchen Toledo at Team Wild Shark na sinakyan naman ni Rodjie Barit at Justin Balbes Grado. Nagliliyab na galing ang ipinakita ng dalawang team nang umarangkada na tila ba’y balang lumabas sa baril ng isang diwata ang dalawang panig. Laban na laban ang team Orlie at ‘di nagpalamon sa team wild shark ng umarangkada pa ito at pumagaspas sa tubig na animo’y boltaheng rumaragasa. Tagumpay na naipanalo ng team Orlie ang karera at nagwagi na tila isang milyon ang premyong nakuha. Abot langit na ngiti ang ipinadarama, talunan at sigawan
ang ipinakita ng mga taga suporta at tuwang- tuwa sa resulta ng naganap na karera ng mga bangka. Para sa taong may pangarap, walang laban ang di mapapanalunan, walang karera ang hindi mapapangunahan, at walang hadlang ang maaaring pumigil sa pagkamit ng inaasam-asam, iyan ang pinatunayan ng team Orlie. Talagang ang buhay ay parang isang karera, hindi mo alam kung sinong mananalo o sinong matatalo pero kahit ganun pa man tuloy pa rin tayo sa pagmamaneho, basta higpitan lang natin ang kapit sa P,anginoon kahit na gaano pa kalayo ang dako paroon, siguradong mararating natin iyon.
Anne Raivenn Dimaandal
Anne Raivenn Dimaandal
Pinakawalan ang animo’y malakidlat na taktika ni Almiro Gonzales ng Grade 9 upang ungusan ang malagkit na depensa ng 11-Stem/Abm sa Intramurals Men’s Sepak Takraw Championship Round, Vov. 3-7, 2023. Kuha ni Anne Raivenn Dimaandal.
SIPA NG KAMPEON.
Anne Raivenn Dimaandal
TADYAK NG TAGUMPAY. Ipinakita ni Mendoza ang kanyang nakakaantig na pagsipa ng bola upang masungkit ang nagniningning na titulo sa Vigan
Frances Lejane Bista
EDITORYAL
Ang kahalagahan ng gymnastics ay hindi lamang nakikita sa mga medalyang natatanggap, kundi pati na rin sa mga aral na natututuhan ng mga atleta tulad ng Disiplina, Dedikasyon, at Determinasyon.
3D’s NG GYMNASTICS
Salarangan ng gymnastics masasabi natin na isang sining at pagsusumikap ang kinakailangan upang makamit ang tinatamasang tagumpay. Ang gymnastics ay hindi lamang isang laro, kundi isang disiplina na nangangailangan ng matinding dedikasyon, kahusayan, at determinasyon.
Ayon kay Caloy, isang mahusay na manlalaro ng gymnastics, nakamit ang makabuluhang tagumpay ng Pilipinas noong siya'y nanalo sa internasyonal na patimpalak. Ang kanyang tagumpay ay nagpapakita ng kahalagahan ng gymnastics bilang isang paraan upang mahasa ang galing at talento ng mga Pilipino sa buong mundo.
Ayon sa mga tala, ilan sa mga nangungunang Pilipinong gymnastics tulad nina Carlos Yolo at Dyan Castillejo ay nagwawagi ng mga gintong medalya at
parangal sa iba't ibang kompetisyon. Ang kanilang husay at dedikasyon ay naglalakbay sa larangan ng gymnastics, at nagbibigay ng inspirasyon para sa kabataang nangangarap maging gymnast katulad nila.
Sa kabilang dako, mahalaga ring bigyang-diin ang suporta mula sa pamahalaan at iba't ibang sektor ng lipunan.
Ayon sa mga ulat, kailangan ng mga manlalaro ng sapat na suportang pinansyal na makatutulong para makamit ang kanilang mga pangarap. Ang suportang ito ay
SAVAGE
Isa ka ba sa mga kabataan ngayon na nakahiga palagi, matamlay buong araw at nalulong sa paglalaro ng Online Games? Leagues of Legend? Call of Duty, Clash of clans, PUBG Mobile, o di naman kaya Mobile Legends? Kung isa ka sa mga ito ay dapat mo nang iwanan at subukan ang pampalakasang mga laro.
Sa panahon ngayon, karamihan sa mga kabataan ay kinain na ng sistema ng teknolohiya. Mga batang hindi na alam ang larong pinoy at kinalimutan na ito. Kasabay ng patuloy na pag-usad ng panahon maraming kabataan ang nalulong sa paglalaro ng Online Games at hindi binibigyang pansin ang pampalakasang mga laro.
Alam mo ba na ang pagkalulong sa paglalaro ng online games ay nakakasama sa ating kalusugan?
Ang paglalaro ng online games ang siyang nagbibigay destraction sa pag-aaral dahil sa mga pop-ups, ads,at notifications na nagdudulot ng mababang performance sa paaralan. Kasabay nito ay ang pag-abuso mo sa oras, sa halip na binibigyang mo ng oras ang mga importanteng mga aktibidad ay inuuna mo ang paglalaro ng Online Games na nagdudulot ng pag-aaksaya ng oras dahilan upang hindi mo
magawa ang mga dapat mong tapusin. Ano na? Bakit hindi mo subukan? Maraming mga larong naghihintay sa’yo.
Nandyan ang Basketball, Sepak Takraw, Badminton, Volleyball, Table Tennis at marami pang ibang larong tiyak na pagpapawisan ka. Imbes na double kill, triple kill, maniac, savage ang pinagsasabi mo sa iyong gadget, bakit di mo kaya subukang laruin ang mga pampalakasang mga laro?
Sa kabila nito, mas maganda pa ring pagtuonan ang mga pampalakasang laro na may Educational Value, may Fitness Component, o may Social Aspect. Kaya’t huwag kayong malulong sa online games. Bagkus sumali na lang sa mga pampalakasang laro na may mas magandang epekto sa kalusugan, kalidad ng pag-aaral, at wastong paggamit ng oras.
Kaya kaibigan, Subukan mo!
nagpapakita ng kahalagahan ng gymnastics na nararapat na suportahan at palakasin.
Malaki ang gampanin ng media para magbigay ng mga impormasyon sa mga nananalong mga atletang nakakakamit ng medalyang nagmula sa internasyonal na patimpalak at nagbigay ng karangalan sa bansa.
Gayunpaman, ang gymnastics ay hindi lamang isports kundi isang pagsasanay ng determinasyon, kahusayan at pagiging matiyaga. Sa pagtutulungan ng atletang Pilipino, pamahalaan at
media, maaring mas palakasin pa ang pag-unlad ng gymnastics sa bansa at mapanatili ang mataas na kalidad ng pagganap sa pandaigdigang kompetisyon.
Totoong ang kahalagahan ng gymnastics ay hindi lamang nakikita sa mga medalyang natatanggap, kundi pati na rin sa mga aral na natututuhan ng mga atleta tulad ng Disiplina, Dedikasyon, at Determinasyon. Ang mga ito ay nagpapakita ng tunay na kahalagahan ng gymnastics.
Hampas ng tagumpay
Dalagang palaban, may maibubuga sa paghampas ng ginto tungo sa nagniningning na tagumpay, ganyan kung mailalarawan ang isang dalaga na bitbit ang kaniyang dedikasyon upang masungkit ang landas ng pangarap na kahit sa kabila ng mga matatarik na daan na nagbibigay tibay sa pagiging isang estudyanteng atleta.
Meron pa kayang katulad niya? Siya’y walang iba kundi si Kirby Bondoc Paz, labing-anim na taong gulang. Kilala siya bilang isang talentado sa lahat ng bagay, isang masikap na atleta, mapagmahal na anak at masipag na mag-aaral ng STEM 11-Pearl sa Ilocos Sur National High School. Isang maliwanag na pintuan ang nagbukas sa kaniya sa paglalaro ng Table Tennis. Isang musmos na bata na ngayon ay hinahangahaan at sumasabak sa balakid ng buhay atleta at mag-aaral.
Kilalanin ang nag-iisang mandirigma ng table tennis. Sa ikalimang baitang, sumabak na siya sa iba’t ibang kompetisyon bagaman patuloy na dumadaan sa madilim na direksyon ng buhay atleta. Pinatunayan niya ang sariling husay at galing sa paglalaro noong lumaban siya sa Ilocos Sur Summer Sports Fest 2022 at nasungkit ang nagniningning na gintong medalya.
Ipinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang pagtahak hanggang sa nakarating sa World Table Tennis Youth Contender noong March 2-3, 2024. Hindi naging madali ang kaniyang pagsubok dahil hindi naging sapat ang paghahanda sa labanang ito na nagkamit lang siya ng tansong medalya.
Sa kabila ng mga parangal at tagumpay na kaniyang natatanggap ay mayroon paring balakid na kaniyang napagdaanan tulad na lamang ang hirap niyang pagsabayin ang kaniyang akademiko at pag-eensayo na tila isang tinik na humahadlang sa kaniyang tagumpay. Ngunit hindi niya ito iniinda upang mapaunlad ang kahusayan tungo sa tugatog ng nagniningning na tagumpay.
Sa pagsubok niyang ito, nasosolusyonan niya dahil sa kaniyang pagiging kumpiyansa pagbabalanse ng kaniyang oras at hindi siya nawalan ng pag-asa dahil naniniwala siya na may
handang tumulong at sumuporta upang magbigay sa kaniya ng liwanag na magsisilbing ilaw sa kaniyang tatahakin na landas.
Pursigido parin siya sa pakikipagsagupaan sa ensayo upang maangkin ang inaasam-asam na tagumpay para sa gaganapin na R1AA 2024. Nakamamangha, di ba? Aakalain mong dati ay isa lamang siyang munting manlalaro na nangarap na maging isang tanyag na manlalaro at maging isa siya sa inspirasyon ng kapwa niyang atleta at ngayon ay nakakaabot na sa mga pangmalakasang labanan.
Siya ang magpapatunay na kahit anong balakid ang mahaharap sa buhay ay mas nanaig parin ang kaniyang determinasyon na ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan at patuloy parin sa pakikisabak upang maabot ang mailap na tagumpay.
DIBUHO ni Kyrie Apelin
Jassenh Pisquel
Xyrille Ann Flores
ISPORTS
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN SA FILIPINO, PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG ILOCOS SURLUNGSOD PANSANGAY NG VIGAN, REHIYON I
ISNHS, NIYANIG ANG BIGATING UNP, 2-0
OPENSA PARA SA KAMPEONATO. Ipinalasap ni Alexandra Mei Pacada, Team Captain ng ISNHS ang kanyang umaatikabong goal kicks sa kanyang naghihingalong
UNP-LS sa Futsal Championship.
Kuha ni Dhanz Frio.
umamada ng mga nakapangingilabot na Free Kick si Alexandra Mei Pacada, Team Captain ng ISNHS nang pagharian nila ang pagdomina sa Futsal Championship Game Best of 3 nang sipain nila ang bigating kalaban ng koponang UNP, 2-0, matapos nilang tuldukan ang titulo sa Vigan City Meet Competition, Sa UNP Ground Oval, Nobyembre 25, 2023. Namayagpag ang liksi at galing ng ISNHS sa pagsipa para ibulsa at iuwi ang gintong medalya laban sa kilalang koponang UNP.
Umaatikabo na ang gitgitan sa pagnanasang magwagi. Umarangkada ang kanilang Goal Kicksna pinalasap ni Aiana Formoso ng ISNHS nang sikwatin nila ang pangunguna sa iskor na 13-1 sa unang pagputok pa lamang ng umaapoy na silbato ng laro. Subalit tila nag-alanganin pa at humihigop pa ng enerhiya ang komponang UNP nang nakapagtala lang ito ng isang puntos habang sumunod lamang sila sa bangis at momentum ng ISNHS. Sa gitna ng makapanindig balahibong momentum ng dalawang komponan. Agad na nagpamalas ng makabasag-basong sipa na sinabayan ng kayod marinong service kicks at hindi na pinaporma pa ang karibal na UNP. Animo sasakyang nagasolinahan si Coleen Mica
Angela, Helleina Reyno, Mikaela Pipo ng ISNHS sa kanilang ikalawang subok. Nagparamdam na sila ng kanilang agaw-atensyong abilidad nang muntikan nang maungusan ang kanilang hinahawakang titulo ngunit nawala sa balanse at nahulog ang taktika ng koponang UNP, kung kaya’t nagpalasap na parang umaapoy sa init ang ISNHS sa kanilang corner kicks. Nakikipagtalbugan din si Edzhelle Ginette, sinabayan din ni Apple Raqueno sa kanilang sariling momentum. Tila hindi nakipagsabayan ang ihip ng hangin sa koponang UNP sa ikalawang subok ng laro sa iskor na 11-0. Nakakaantig na taktika ang kanilang ibinuhos sa nakahihingalong labanan kaya ganon na lamang ang abante ng ISNHS sa
inaabangan ng lahat na Vigan City Meet kompetisyon. Habang patirik nang patirik ang araw ay unti-unting nabubuhayan ang bawat koponan. Nagpakawala sila ng kanilang matatalas na technique upang maibulsa ang gintong medalya at pangunahan ang titulo. Sumagupa ng mababagsik na kicks at umaatikabong goal kicks. Nakipaggitgitan pa sa huling minuto ng laro ang UNP ngunit hindi pa rin ito sapat kaya sinira ng ISNHS ang kumukupas na taktika ng UNP. Makikita sa paningin ng koponang ISNHS ang determinasyon nilang mapasakamay ang kapanalunan kaya nanguna at umabante ang kanilang kumikinang na kahusayan. Futsal Championship Game Best of 3, Vigan City meet ISNHS UNP-LS 2 - 0 13 11 1 0
PRINSESA NG BOCCE
Abot kamay na tagumpay! Abot kamay na tagumpay. Kapansanan ang isa sa mga balakid patungo sa pagiging mahusay na atleta, nagiging sagabal sa landas ng determinasyon na maaring humantong sa pagkawala ng kumpiyansa sa sarili upang magpatuloy sa hinahangad na daan patungo sa ilaw ng pangarap. Ngunit hindi sa sitwasyon ng tubong Ilocano.
Kilala mo ba si Robert Ferraro o si Lucio Andreozzi? Dalawa lamang sila sa mga sikat na mga manlalaro sa isa sa mga nakakamanghang laro sa larangan ng isports, ang larong Bocce. Isang makulay na pagtatanghal ng kakayahan at determinasyon ng mga atletang may kapansanan. Ipinapakita nito ang husay at kasanayan ng bawat manlalaro sa pagpapakita ng tamang teknik at diskarte sa paghagis ng bola upang masungkit ang kumikintab na medalya.
Pero alam niyo ba na mayroon rin tayong sikat na bocce player na kilala sa ating Probinsya? Tara at kilalanin natin siya. Sa kanyang mga ngiti, tiyak ika’y mapapatili. Kinabog ang court sa angking liksi at galing sa paghahagis ng bola. Sa mataas na sinag ng araw, kasabay ng pagtulo ng kanyang pawis ay ang pagtingkad ng kanyang angking kahusayan. Sumasabog ang kanyang liksi habang pinapakawalan ang nakakakilabot na paghagis at kamangha-manghang talento na tila abot kamay ang kaniyang inaasam na tagumpay. Mahusay at maituturing nang batikan pero hindi pa rin napapagod para matuto at husayan pa ang kanyang abilidad. Isang mahusay na atleta, mapagkakatiwalaan na kaibigan sa kanyang mga kapwa manlaaro at isang mapagmahal na anak. Tinaguriang ‘Prinsesa ng Bocce’, walang iba kundi si Michelle Rivera. Nakaupo sa kanyang kaharian na kanyang itinatag sa anim na taong naglalaro bilang pambato ng Ilocos Sur National High School. Siya’y kilala dahil sa angking husay at pakikipagkarera sa nagniningning na gintong medalya. Siya’y bidang-bida! Pero kahit sa dami ng karangalan na naiuuwi niya hindi pa rin nakakalimutang maglaan ng oras sa kanyang pamilya. Ngunit tulad ng iba ay dumaan rin siya sa mga matang mapanghusga at naging tampulan ng tukso. Lingid sa kaniyang kaalaman ang larong ito ang magbibigay sa kaniya ng oportunidad upang mag-ingay sa court at makamtam ang minimithing pangarap. Maagang gumigising para pumasok at kada umaga ay nage-exercise bago sumabak sa training session. Sa mga kasiyahan mayroong dilim na bumabalot sa kanyang buhay, dumaan siya sa isang mahirap na pagsubok ang trahdeya ng bagyong Egay na puminsala sa kanilang tahanan at humadlang sa kanyang pagiging atleta. Sa hamong ito hindi nakamit ng madali ang gintong hinahangad sa R1AA. Isang mahirap na pagsubok ang naranasan niya bago ang saglit na kasiyahan. “Dahil sa bagyong Eggay kailangan naming lumisan sa bahay” saad niya. At ang masaklap pa lumangoy sa tubig ang lahat ng gamit nila kaya sa pag-eensayo wala siyang magamit kahit na ano ngunit may nagbukas ng pinto ng pag-asa sakaniya. Mga kapwa manlalaro ang tumulong sakaniya upang magpatuloy ang nasimulan at sama-sama silang lalaban hanggang dulo para sa hinahangad na tagumpay.
Sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kaniyang buhay, hindi nagpatinag si Rivera. Sa halip, ito ay naging inspirasyon sa kanya upang patuloy ang pagkarera sa tagumpay sa larangan ng Paragames. Hinding hindi sumusuko sa mga pagsubok sa buhay bilang atleta, anak at mag-aaral.
Sa unang tingin sa kanya ay parang isang normal na dalaga lamang, mahilig makipaglaro at masipag sa pag-aaral. Ngunit noong nag-umpisa na siyang nagkuwento ng kanyang buhay bilang isang atleta kasabay ang pagiging mag-aaral at bilang anak ay ramdam ang kanyang pagmamahal at determinasiyon sa larong ito.
Ngunit ang sumagi lamang sa aking isipan sa kanyang maliit na katawan at katamtamang tangkad ay bakit bocce ang kanyang napiling laro?
Bata pa lang ang prinsesa ng bocce, siya ay 17 na taong gulang at nasa ika-12 baitang sa Ilocos Sur National High School (ISNHS) at kasalukuyang graduating student sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM). Nakatira siya sa Gongogong, San Ildefenso Ilocos Sur. “12 years old ako noong unang naglaro ng bocce at nagsanay ako nang nagsanay na naging tahanan ko na ito, minahal ko na ang bawat drills at trainings at dahil na rin sa suporta at pagmamahal ng aking pamilya at coaches hindi ako nawalan ng pag-asa sa larong ito” sambit ni Rivera. Unang laro sa bocce na sinalihan niya ay ang Vigan City Meet na nakamit agad ang gintong medalya. Dahil sa pagmamahal niya sa larong ito, nag-eensayo siya kada Sabado para maging magaling at mahusay pang atleta na magiging inspirasyon sa bawat manlalaro, lalo siyang nagsasanay dahil sasabak siya muli sa tagisan ng husay sa isports, ang pinaghahandaang R1AA 2024. Marami na siyang napatunayan sa larangan ng bocce isa na rito ay ang parating pagkapanalo niya sa iba’t ibang paligsahan tulad sa Palarong Pambansa nang nakamit ang gintong medalya at siya lang ang nagiisang atleta ng bocce na nakatuntong sa huling balbakan. Nag-uuwi ng mga nagniningning na medalya na karamihan ay ginto.
Tunay na sa kahit anong larangan ay walang imposible may kapansanan man o wala makakamtan ang tugatog ng tagumpay ng pang arap at iyan ang napatunayan ni Michelle Rivera na patuloy lumalaban kahit anong hirap ang sasabak sakaniyang buhay. Ito ang sikreto ng isang manlala ro na kumikinang ang karera sa larong Bocce. Siya si Michelle Rivera tinaguriang prinsesa ng Bocce. Dalagang may maibubuga! Maipagmamalaking tunay!