Ang Dahong Magat 2020-2021

Page 1

TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL BAYAN NG BAYOMBONG PROBINSYA NG NUEVA VIZCAYA REHIYON DALAWA

AGTEK

hiwaga ng buko: vco Epektibo sa covid-19

ISPORTS

ANG

HAMPAS NG PAGSUBOK: Atleta ng Pandemya

DAHONG MAGAT

Tignan sa pahina 16

PAGSIBOL NG KATOTOHANAN.

Tignan sa pahina 14

PAHINA

NASYONAL • INBESTIGATIBONG BALITA

KATOTOHANANG NAKAPINID?

BALITA

1

OPINYON

5

LATHALAIN

8

AGTEK

12

ISPORTS

15

Estado ng Pamamahayag sa Administrasyong Duterte PAHINA 4

NYL LAGUIT

Ang patuloy na panre-red tag at pagbabanta sa mga estudyanteng mamamahayag ay patunay lamang na takot ang administrasyong ito sa mga katotohanang maaaring magpabagsak sa kanilang pasistang pamumuno. -JOSHUA GALLARDO Manunulat ng UPB Outcrop

‘TULOY ANG PAG-AARAL’

Programa para sa ‘bagong normal’ ng edukasyon, isinulong MARIELLE CAMONAYAN

“Tuloy ang pag-aaral.” Iyan ang paninindigan ni Dr. Trinidad B. Logan, Principal IV ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School hinggil sa hamong hatid ng bagong normal ng edukasyon sa panuruang taon 2020-2021. Naniniwala ang paaralan na kaya nitong tugunan ang hamong dala ng pandemya sa paghahatid ng kalidad na edukasyon. Kasunod nito, matagumpay na inilunsad ng paaralan ang Blended Learning Modality bilang bagong pamamaraan sa pag-aaral. Ayon sa administrasyon ng paaralan, ito ay pinaghalong online at offline learning na gagamitan ng audio, visual, at modular learning upang matugunan ang

pangangailangan ng bawat mag-aaral, kaakibat ng kanilang kakayahan at kasanayan sa pag-aaral. Kasabay nito, inilunsad ng NVGCHS ang mga programang naglalayong isulong ang pagpapatuloy ng kalidad na edukasyon para sa 4,352 mag-aaral. Bilang tugon sa piniling Blended Learning Modality ng paaralan, pinangunahan ni Logan, ang Project ADAL o Alternative Delivery of Activities for the Learners na may layong makapaghatid ng kalidad na edukasyon sa mga magaaral at maisulong ang DepEd Core Values. “Dito sa NVGCHS, kami ay sama-sama sa patuloy na paghatid ng edukasyon para sa paghubog sa kakayahan, katalinuhan, at kagandahang asal ng bawat kabataang NVGian” ani Logan. BAGONG NORMAL

PAHINA 4

#RESBAKUNA, UMARANGKADA NA SA NV

NVGIANS, NAGBAYANIHAN PARA SA CAGAYAN

Sinimulan na ang pagbabakuna gamit ang Sinovac ng China sa mga health workers ng pampublikong ospital sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, March 9.

Upang tulungan ang mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa Cagayan, inilunsad ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School ang inisyatibong “call for donations” drive, Nov. 14.

NIGEL AGUIRRE

BALITA PAHINA 2

RONA RIZA GUZMAN

BALITA PAHINA 3

428

Bilang ng mga mag-aaral na WALANG internet connection at gadgets na gagamitin para sa online classes.

398

Bilang ng mga mag-aaral na mayroong MAAYOS na internet connection at gadgets na gagamitin para sa online classes.

1,313

Bilang ng mga mag-aaral na mayroong gadgets na gagamitin para sa online classes ngunit WALANG internet connection.

785

Bilang ng mga mag-aaral na mayroong gadgets na gagamitin para sa online classes at LIMITADONG internet connection. BAGONG NORMAL. Sinasagutan ni Yverson Rojas, nasa ikawalong baitang, ang kaniyang mga modules upang maipasa raw niya ito sa tamang petsa. Inamin ni Rojas na nahihirapan siya sa bagong ayos ng edukasyon ngunit gagawin na lang umano niya ang makakaya upang makapagpatuloy sa pag-aaral. Litrato ng Ang Dahong Magat

KATALISTA

Kahon-kahong Pasanin

“Masakit isiping naglaho na parang bula ang tanging pag-asa ng mga estudyanteng matapos ang aralang-taon. At mas masakit unawaing, sa estudyante pa ang sisi. ” OPINYON PAHINA 6

*Batay sa isinagawang sarbey ng NVGCHS bago ang simula ng akademikong taon.

LATHALAIN

11

HIBLA NG TRADISYON: Paghabi ng Noon at Ngayon

Sining ang bumubuhay sa kultura. Ito ay maaaring maging bagting na nag-uugnay sa nakaraan at sa kasalukuyan.


ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

Balita

NILALAMAN NG SEKSYON #RESBAKUNA, umarangkada na sa NV Pahina 2

P2

9.3% ng NVGians, ‘hihinto muna’ kapagka ‘blended learning’ pa rin sa susunod na aralang taon Pahina 3 Katotohanang Nakapinid? Estado ng Pamamahayagsa Administrasyong Duterte

Pahina 4

PAGTUTOK SA KALIDAD NG EDUKASYON

Project INSPIRE, tugon sa mababang antas ng maunawang pagbasa RONA RIZA GUZMAN

S

a paglalayong tutukan ang mababang antas ng reading comprehension sa bansa, inilunsad ni Maximino Noveda Jr., Teacher III ng English sa Nueva Vizcaya General Comprehensive High School, ang Project INSPIRE na alinsunod sa pagsasakatuparan ng Every Child A Reader Program (ECARP) ng Kagarawan ng Edukasyon.

Isang programang nasyonal ang ECARP na tumutugon sa layunin ng DepEd na linangin ang kakayahan ng bawat Pilipinong mag-aaral sa pagbabasa sa kanilang sariling antas. Dinisenyo ang programa upang mahasa ang strategic reading at writing skills ng mga mag-aaral upang sila ay matutong magbasa at magsulat nang mag-isa. Layunin ng project INSPIRE na subaybayan at hasain ang reading performance ng mga non-reader mula Grade 7 hanggang 10 sa pamamagitan ng mga interbensyon ukol sa word recognition at reading comprehension na pinasinayaan noong Hunyo 2019 hanggang sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, mas pinaiigting ang pagsasagawa ng programang ito dahil sa naging resulta ng 2018 Programme for International Students Assessment (PISA). Nagtamo lamang ang Pilipinas ng average na 340 sa larangan ng reading comprehension, naitala bilang pinakamababa mula sa79 bansang kalahok Batay rin sa naging resulta ng PISA 2018,

nahihirapan sa iba’t ibang aspeto ng pagbabasa katulad ng pagkuha sa pangunahing ideya ng binabasa, maging ang pagdugtong sa mga impormasyong kanilang nakukuha mula sa kanilang binabasa, ang isa sa apat na mag-aaral. Ayon kay Noveda, mabisa ang pagpapalawig ng mga kampanyang tulad nito upang mas malinang pa ang reading comprehension ng institusyon at bansa. “Sa pamamagitan ng strategic Phil IRI (Philippines Informal Reading Inventory)-based intervention, EnResCoSk (Enhancement of Reading Assessment and Management), at Project CREAM (Communitybased Reading Assessment and Management), mas mapatataas pa ang reading comprehension level, ’di lamang ng NVGCHS kundi pati ng ating bansa,” paliwanag niya. Sa pananaliksik ni Mark Lander Tallungan (2020), dating mag-aaral ng NVGCHS, sa mga mag-aaral ng SHS-HUMSS strand hinggil sa kanilang antas ng communication apprehension— takot at kaba habang nakikipagusap, natuklasang ang mga

PROBLEMA SA EDUKASYON. Isa sa apat na mga-aaral ang nahihirapan sa sa pagbabasa; kasali rito ang pagkuha sa pangunahing ideya ng binabasa, maging ang pagdugtong sa mga impormasyong kanilang nakukuha mula sa kanilang binabasa . Litrato ng Ang Dahong Magat

mag-aaral ay averagely apprehensive. Nangangahulugang may pagkakataong nakararanas sila ng takot at kaba ngunit minsa’y komportable sa pakikipagkomunika. Saad naman nina Powers at

Smythe (1998), maiuugnay ang communication apprehension sa reading comprehension. Napag-alaman din ni Tallungan (2020) na maaaring makaapekto sa academic performance ang kanilang antas

BALITANG PANLALAWIGAN• COVID-19 VACCINATION

#RESBAKUNA, umarangkada na sa NV

S

VAX ROLLOUT.

Patuloy ang pagpapatupad ng vaccination program para sa health workers ng Nueva Vizcaya, Marso 9. Lima sa mga trabahador ng Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) ang unang nakatanggap ng Sinovac vaccines na ipinadala ng Department of Health regional office. Litrato

NIGEL AGUIRRE

inimulan na ang pagbabakuna gamit ang Sinovac ng China sa mga health workers ng pampublikong ospital sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, March 9.

Humigit limang manggagawa ng Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) ang unang naturukan ng nasabing bakuna. “We hope that this will go smoothly and effectively,’’ saad ni Nueva Vizcaya Governor Carlos M. Padilla, bago simulan ang programa. Kinumpirma ni Ranee Ganacias, National Immunization Program

(NIP) Coordinator, na mayroonG 924 frontline health workers ang tuluyang nabakunahan at 3,530 ang nabigyan naman ng unang turok noong Abril 15. Pagpayag ng Department of Health (DOH) naman ang hinihintay upang mabakunahan ang higit 40,000 senior citizens. Hinimok pa ni Padilla ang frontliners

ngPLGU-Nueva Vizcaya

ng lalawigan na bilhin at gamitin muna ang CoronaVac na galing din sa China habang hinihintay ang iba pang uri. Matatandaang sinabi ni Padilla noong Enero na pagbili ng bakuna ang prayoridad ng lalawigan kapag pinayagan na ito ng nakatataas. “We need to know the requirements and the facilities needed so we can study it and come up with

proposals for its funding and management”. Nakaranas naman ang 516 katao na nabakuhan sa buong Region 2 ng ilang side effects. Binigyanglinaw ni Joyce Maquera, DOH Region 2 focal Person, na maayos na ang kalagayan ng mga ito at pinaalalahan ang publiko na ito ay normal lamang, “a sign the body is building protection from the dreaded disease.”

ng communication apprehension. Bilang tugon, iminungkahi niya ang pagsasagawa ng ekstensibong reading activities sa mga mag-aaral ng institusyon. Naging matagumpay

ang implementasyon ng proyekto sa tulong ng mga reading teacher na pinangunahan ni Marissa Lucas, Head Teacher V ng English, at buong pagsuporta ni Trinidad Logan, PhD, Principal IV ng NVGCHS.

Mago, cum laude sa Einstein Universite De London DANIELLA KRIZTANNA SEBASTIAN

N

agtapos bilang cum laude si Joie Mago, Master Teacher I ng Araling Panlipunan sa Nueva Vizcaya General Comprehensive High School, para sa kaniyang Master’s Degree sa International Business Administration Program sa prestihiyosong Einstein Universite De London, London, United Kingdom. Naganap ang virtual graduation ni Mago noong Disyembre ng nakaraang taon matapos niyang maisagawa ang kaniyang oral presentation sa harap ng malawak na akademikong tagapakinig, sa halip na muling depensahan ang final capstone examination niyang tumalakay sa epekto ng social entrepreneurship sa maliliit na negosyante. Labis ang pasasalamat ng reporter ng Radyo Natin 104.5 Bayombong sa unibersidad sa pagbibigay nito sa kanya ng inspirasyong mangarap at makamit ang mithiin. “Forever grateful to Einstein Universite De London that gave me wings to fly and inspiration to dream bigger. My words would not suffice my expression of how grateful I am for this blessing,” wika niya sa kanyang Facebook post. Saad niya, kinailangan niyang magpursigi sa pag-abot ng 8.0 grade point average upang magtapos na cum laude. “The most important thing is to not stop questioning. Curiosity has its own reason for existence,” paliwanag pa ni “Andrew Rakitero” ng Manila Broadcasting Company.


Balita

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

P3

ONLINE SBPC

SBPC, isinakatuparan sa gitna ng pandemya NYL ALDRIN LAGUIT

Maging katalista ng pagbabago. Iyan ang naging sentro ng temang “Empowering Campus Journalists as Catalysts of Change Amidst Covid-19” ng kaunaunahang Online Schoolbased Press Conference Cum Training of Language Teachers in Journalism sa Nueva Vizcaya General Comprehensive High

School, Feb. 18-19. “Ang campus journalism ay isang plataporma para sa mga estudyante,” marka ni Roger Sebastian, Education Program Supervisor ng Filipino, sa kanyang paunang mensahe. Aniya, bukod sa paghasa ng kasanayan sa pamamahayag, layunin ng aktibidad na palaganapin ang patas at balidong impormasyong hinggil sa

mga panlipunang isyu sa gitna ng pandemya. “Ang pamamahayag pangkampus ay sanayan sa paghubog ng kaisipan, kakayahan, at kaasalan ng mga manunulat ng NVGCHS upang maghatid ng natatanging obra maestro, ang tunay na diwa ng pagbabago,” diin naman ni Erwin Dumelod, tagapayo ng Ang Dahong Magat, bilang panapos na mensahe.

Ang ganitong uri ng gawain ay mabisa para sa pagtataglay ng naaayong asal at pagkamulat ng kabataan sa katotohanan ng lipunan, sambit niya. Nagsilbing tagapagsalita sa unang araw sina Tatiana Kamille Penuliar, pagsulat ng balita; Nick Rojas, pagsulat ng agham at kalusugan; Romeo Tulayao Jr., pagsulat ng isports; Irene Macario, TV scriptwriting;

Raquel Almendra, radio scriptwriting; at Michelle Liquiran, pagwawasto at pag-uulo ng balita. Sa ikalawang araw naman sina Violet Lucasi, pagsulat ng lathalain; Herminigildo Gandeza, photojournalism; Jan Mikhael Pating, pagsulat ng editorial; Marc Oliver Fernandez, paglalarawang tudling; at Regobel Tumaneng, pamamahayag pangkampus at midya.

MENTAL HEALTH

Sandigan Project, ibinahagi sa SSG Connect Series

T

ANDREA LAURETA

inalakay ang Sandigan Project, isang programang pangkalusugang mental ng Guidance and Counseling Office, sa unang episodyo ng SSG Connect Series na inilunsad sa pamamagitan ng Facebook Livestream, Mar. 12.

Ipinabatid ni Bless Sanchez, guidance counselor ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School, ang Sandigan Project na naglalayong maghatid ng Psychological First Aid (PFA) sa pamamagitan ng counseling at kaalaman ukol sa mental health, partikular sa mga estudyante. Tugon ang

pagpapalawig ng kampanyang ito sa pagpigil sa tumataas na suicide rate na umabot na sa 25.7%, kaugnay sa pag-aaral ng mga eksperto kung saan natuklasang may hindi mainam na epekto ang matagal na pananatili sa loob ng tahanan bunsod ng pandemya. Ayon kay Sanchez, makatutulong ito sa pagkamit ng mga

estudyante at magulang ng mga esensyal na pangangailangang pangkaisipan. “Ang Sandigan Project ay kine-cater niya ang mental health needs ng mga students and also ng mga parents,” sagot niya nang tanungin kung patungkol saan ito. Dagdag pa niya, mabisa rin ito sa pag-agapay nila sa mga pagbabagong dulot ng pandemya, kasabay ng pangangalaga ng kanilang mental health. “Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas matutulungan ng mga estudyante ang kanilang sarili sa pamamagitan ng self-care at kung paano

sila makaka-cope sa changes na nangyayari dulot ng pandemya lalo sa sikolohikal na epekto nito,” saad niya sa hiwalay na panayam. Kaakibat ng proyekto ang pagsasagawa ng mga oryentasyon sa mga baranggay kung pahihintulutan ni Trinidad B. Logan PhD, School Principal IV ng NVGCHS. Habang hindi pa aprubado, patuloy ang mga virtual counseling sa pamamagitan ng social media, kung saan maaaring magpa-schedule ang mga estudyante o magulang sa kanilang Facebook page na “NVGCHS Guidance and Counseling Office.”

BALITANG SARBEY

9.3% ng NVGians, ‘hihinto muna’ kapagka ‘blended learning’ pa rin sa susunod na aralang taon DANIELLA KRIZTANNA SEBASTIAN LEERA 2021

4 GURO NG NVGCHS, KINILALA SA LEERA 2021 NYL LAGUIT

Pinarangalan ang apat na guro ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School bilang Outstanding Educator sa naganap na Luminary Excellence In Education And Research Award (LEERA) 2021 ng LUMINA Foundation, Mayo 2. Kinilala si Dr.Hazel G. Diaz bilang Luminary Educator in Mathematics at Outstanding Educator in Mathematics. Samantala, nakopo naman ni Dr. Mary Ann D. Carpiso ang Luminary Educator in Mathematics, Outstanding Educator in Science at Outstanding Researcher. Ginawaran din si G. Nick I. Rojas ng Outstanding Educator in Science, Outstanding Researcher at Outstanding Research Adviser; Habang kinilala naman si G. Erwin Joseph D. Dumelod bilang Outstanding Educator in Filipino. Sampu mula sa 280 na gurong pinarangalan sa buong bansa ang nagmula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Ang LUMINA Foundation ay isang nonprofit organization may layong isulong at kilalanin ang kahusayan ng mga guro sa iba’t ibang larangan.

Bagamat pumalo sa 90.7% ng mga magaaral ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School ang nais magpatuloy sa pag-aaral sa susunod na aralang-taon, 2021-2022 kahit na walang face-to-face learning modality, mayroon pa rin namang 9.3% ang pipiliing huminto nang pansamantala. Ito ay batay sa resulta ng isinagawang online sarbey ng patnugutan ng Ang Dahong Magat sa 150 mag-aaral ng paaralan mula Grade 7 hanggang Grade 12, March 6. Umiiral sa kasalukuyan sa NVGCHS ang blended learning modality— kombinasyon ng online at modular distance learning na kabilang sa Alternative Delivery Modes. Bahagi ng pamamaraang ito ang pagsasagawa ng ilang online meetings gamit ang platapormang gaya ng Google Meet at Zoom. Kasabay nito ang paghahatid ng printed

NVGIAN MILLENIAL ALUMNI, NAMIGAY NG KAGAMITAN SA PAG-AARAL ISAC KING SAQUING

Kung hindi pa isasakatuparan ang ‘face-to-face’ classes sa susunod na aralang taon, magpapatuloy ka ba?

9.3% Hihinto Ang kasalukuyang modality ay hindi patas o makatarungan. Hindi gaanong nauunawaan ang mga talakayan at may hindi magandang dulot sa mental na kalusugan. Danielle Pouline Yadao 12-Hera

90.7% Magpapatuloy

Walang pagpipilian ang mga mag-aaral kundi ipagpatuloy na lamang ang nasimulan sa kadahilanang ayaw mahuli o mapag-iwanan. Trisha Dayreal Valera 11-Pisces

instructional materials o learning modules na kinapalolooban ng mga gawaing nararapat isumite ng mga mag-aaral sa pagwawakas ng bawat quarter. Naniniwala si Trisha Dayreal Valera, 11-Pisces, na walang pagpipilian ang mga mag-aaral kundi ipagpatuloy na lamang ang nasimulan sa kadahilanang ayaw mahuli

o mapag-iwanan. Bagaman nahihirapan minsan sa paggawa ng mga rekisito, gagawin pa rin ang buong makakaya at magiging matiyaga nang sa gayon ay makapagtapos sa pag-aaral, aniya. Salungat sa pahayag ni Valera, ayon naman kay Danielle Pouline Yadao, 12-Hera, ang kasalukuyang modality ay hindi patas o makatarungan sapagkat

maraming indibidwal, partikular sa lupon ng mga kabataan, ang walang pribilehiyong makapatuloy sa pag-aaral bunsod ng kasalatan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng eskwelahan. Diin pa niya, hindi gaanong nauunawaan ang mga talakayan at may hindi magandang dulot sa mental na kalusugan.

Upang makapaghatid ng komportableng pag-aaral sa kabila ng pandemya, isinakatuparan ng NVGian Millenial Alumni sa pangunguna ni Romeo Valdez Jr., guro ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School, ang proyektong “A Study Table for You” at

“Smartphone for Smart Kids.” Naglalayon ang mga proyektong tulungan ang mga matatalinong magaaral na kapos sa mga kagamitang esensyal sa bagong paraan ng pagaaral— blended learning modality. Namahagi ng mga

smartphone, PLDT/Smart modem, at 40 mesa ang “Baldo Babies,” mga dating mag-aaral ni Valdez. Ang mga nasabing donasyon ay iniabot sa mga gurong pumili ng mga mag-aaral na nangangailangan at direktang ibinigay.

BAGONG PARAAN. Ipinapaliwanag ni Michelle Liquiran ang pagwawasto at pag-uulo ng balita bilang parte ng Online SBPC. Larawan mula sa The Magat Leaf.

PAGTULONG

NVGians, nagbayanihan para sa Cagayan RONA RIZA GUZMAN

Upang tulungan ang mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa Cagayan, inilunsad ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School sa pangunguna ng school faculty at Supreme Student Government (SSG) Council ang inisyatibong “call for donations” drive, Nov. 14. Nalubog ang lalawigan ng Cagayan sa baha bunsod ng pananalasa ng bagyong Ulysses at pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam. Bilang tugon, namahagi ng relief goods, bottled water, hygiene kits, at perang donasyon sa pamamagitan ng Gcash ang mga mag-aaral ng NVGCHS. Kasabay nito, nag-alok ang ilang water refilling station sa Bayombong ng libreng pagsasalin ng tubig sa malilinis na bote o lalagyan. Pinasinayaan ng iba pang mag-aaral ang “Art For a Cause” at “Clothes for a Cause” kung saan bahagya ng kikitain ay ipambibili ng iba pang esensyal bilang donasyon. Bukod pa rito, nagsagawa rin ng drive ang NVGCHS’ Batch 2018 na pinangunahan ni Tatiana Kamille Penuliar, Teacher III ng English. Nagpasalamat si Penuliar sa mga nagbigaytulong at sumuporta sa kanilang kampanya. “Maraming salamat po sa lahat ng nag-abot ng tulong,” aniya sa isang Facebook post. Naihatid ang mga donasyon makalipas ang dalawang araw, Nov. 16. Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, umabot sa P7,878,983.57 ang kabuuang halagang nalikom mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs), organisasyon, at indibidwal. Nagsagawa naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng proyektong ukol sa pagpapaunlad at regreening ng watershed areas, sa ilalim ng Cagayan River Restoration Program, upang maibsan ang pagbahang nararanasan ng lalawigan tuwing bagyo.


Balita

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

LARAWAN NI: JIRE CARREON

NASYONAL • INBESTIGATIBONG BALITA

Katotohanang

Nakapinid? Estado ng Pamamahayag sa Administrasyong Duterte

NYL LAGUIT

N

asadsad ang Pilipinas sa ika-136 sa 2020 World Press Freedom Index batay sa ulat ng Reporters Without Borders (Reporters Sans Frontieres o RSF), Mayo 3, 2020.

Sa bagong ulat nakakuha ng 43.47 points ang bansa kumpara sa 43.91 noong nakaraang taon, naging dahilan ng paglaglag ng Pilipinas ng dalawang pwesto. Nakabatay sa antas ng kalayaan ng mga mamamahayag, sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kasagutan ng mga eksperto sa palatanungang ginawa ng RSF, ang pagranggo ng World Press Freedom Index sa 180 na bansa at rehiyon. Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing noong nakaraang taon na sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Press Freedom at hindi siya umano ang nasa likod ng pagsisikap na lipulin ang kalayaang ito sa bansa. “Naniniwala po siya sa malayang pag-iisip at pananalita, at ang paninindigan niya, ang taong gobyerno ay hindi dapat onion-skinned, kinakailangan hinaharap ang puna ng taumbayan lalo na kung ito ay nanggagaling sa ating media,” aniya. Sa kabila nito, umalingawngaw ang sentimyento ng ilang grupo ng mga mamamahayag matapos isiwalat ang mga pag-atake ng administrasyong Duterte.

ng isang korte sa Maynila noong Hunyo 15, 2020, na inilarawan ng ilang grupo bilang isang atake sa malayang pamamahayag. Nagsimula ang kaso matapos maghain ng reklamo si Businessman Wilfredo Keng dahil sa artikulong inilathala noong 2012 na nagsasaad na sangkot ito sa ilegal na aktibidad. Nailathala ang nasabing artikulo apat na buwan bago pa maisabatas ang Cybercrime Law na nalabag umano ni Ressa at Santos. Malaking dagok umano ang naging hatol sa kanilang news organization ngunit nangako siyang hindi ito susuko, at ipagpapatuloy nito ang laban. Pinaalalahanan din niya ang publiko na maging mapagmasid sa lahat ng nangyayari. "I appeal to you, the journalists in room, the Filipinos who are listening, to protect your rights. We’re meant to be a cautionary tale, we are meant to make you afraid. I appeal again, don’t be afraid," saad ni

Ressa, na kinilalang Person of the Year noong 2018 ng TIME magazine Kasunod nito, ipinasara na ang pinakalamalaking broadcasting company ng bansa, ABS-CBN, nang tanggihan ng 70 miyembro ng House Committee on Legislative Franchises ang pagpapasa ng prangkisa nito. Umalma ang mga kritiko ng administrasyon at sinabing ang pagtanggi sa pag-renew ng prangkisa ay kabilang sa taktika ng pagtunggali sa press freedom. Ipinaliwanag ni Danilo Arao, associate professor ng journalism department sa UP Diliman, na nakaangla sa press freedom ang demokrasya. “Without press freedom, there can be no democracy,” sabi niya. Bagaman makailang beses na iginiit ni Roque na “neutral” si Duterte sa isyung ito, pinabulaanan pa rin ito ni Arao na nagsabing hindi tugma ang pahayag ng palasyo sa mga nakaraang mensahe ng pangulo. Samantala, umiiral na ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 o anti-terror law na pinirmahan ni Duterte noong Hulyo 3, 2020 kahit tinutulan ng mga human rights advocates, mambabatas, at mamamahayag sapagkat nilalabag nito ang 15 sa 22 items ng Bill of Rights. Ayon kay Rappler justice reporter Lian Buan, mapanganib ang Anti-Terror Law sa mga mamamayan at hindi mainam na probisyon ang pagkakaroon ng executive warrant . “Executive warrant na ang mananaig. Meaning that the anti-terror

Pag-atake sa midya sa gitna ng pandemya

Nanindigan sa Maria Ressa, CEO ng Rappler, na malinaw ang pagatake sa press freedom, lalo na sa mga kritiko, ng administrasyong Duterte. Hinatulang guilty si Ressa at dating researcherwriter Reynaldo Santos Jr. sa kasong cyber libel

2017

127th

Kaso ng red-tagging at pagpatay

Ang patuloy na panre-red tag at pagbabanta sa mga estudyanteng mamamahayag ay patunay lamang na takot ang administrasyong ito sa mga katotohanang maaaring magpabagsak sa kanilang pasistang pamumuno

Tulong sa NVGians, kalapit na sektor, VIBELLE DUMALE hatid ng SSG Isinakatuparan ng Supreme Student Government ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School ang adbokasiyang Project Life (Life of Integrity Founded on Excellence) na may layuning magbigay ng life coaching upang ipaintindi ang importansya ng buhay at kung paano malalagpasan ang mga problema sa paaralan. Binubuo ng tatlong bahagi ang naturang proyekto, una na rito ang life coaching, kabilang din ang Project Banka, at ang Gift Giving with a twist. Pangungunahan ng Every Nation Campus ang life coaching, samantalang ang Project Banka naman ay nakatuon sa pagbibigay-suporta sa bangka operators ng Vista Alegre upang mapaniguradong ligtas ang mga guro’t mag-aaral sa paghahatid ng modules; binibigyang-pansin naman ng Gift Giving with a twist ang paghandog ng livelihood training sa mga piling grupo ng indibidwal. Nagwagi naman ng Php 50,000 ang Project Life sa pamumuno ni Hon. Allison Bryan D. Wasit, isang Young Board Member ng Nueva Vizcaya at ang Student Supreme Government (SSG) president ng NVGCHS, at sa patnubay ng SSG adviser na si Mr. Joie Mago. Bahagi ito ng Search for Best SSG Advocacy Project na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon at ng lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya. Inaasahan umanong makatutulong ang natanggap na pondo ng paaralan upang maging mas matagumpay at malawak ang adbokasiya para sa mga mag-aaral at mga kalapit sektor.

Kinondena rin ng mga aktibista ng human rights ang red-tagging na umano’y taktika ng gobyerno upang bansagang terorista ang sinuman kahit walang sapat na ebidensya. Halos 78 katao ang namatay noong nakaraang taon dahil sa red tagging o kaya’y operasyon ng kapulisan sa antiterrorism. Sa apat na taong panunungkulan ni Duterte, 19 mamamahayag na ang pinatay, ayon sa isang watchdog. Umabot na rin sa 248 aktibista ang pinatay mula 2015 hanggang 2019. Kabilang pa rin ang Pilipinas sa 10 pinakadelikadong bansa sa mga mamamahayag, batay sa 2020 Global Impunity Index kung saan naitala ang bansa bilang pampito. “Now we have officials in government who regularly use the tactic themselves,” puna ni Ibarra Gutierrez, dating miyembro

th 7

ang Pilipinas pinakadelikadong bansa sa mga mamamahayag, batay sa 2020 Global Impunity Index .

LARAWAN MULA SA: PHILSTAR

LARAWAN NI: ACE MORANDANTE

PHILIPPINE’S PRESS FREEDOM INDEX

(RFS Reporters Without Borders) 2019

2018

2016

138th

133rd

134rd 2020

136th

BAGONG NORMAL 1

Kabilang sa mga inisyatibong isinagawa ng NVGCHS ay ang pilot testing ng iba’t ibang modalities sa community centers, home visitation sa mga mag-aaral, at pagpapamahagi sa kanila ng transistor radios. Bago magsimula ang panuruang taon, sinimulan ang nasabing proyekto sa Barangay Busilac sa tulong ni Chairman Danilo Gines. Kasabay nito, isinagawa ang pilot testing ng online, modular, at blended learning modalities sa lahat ng Grade 10 students sa iba’t ibang asignatura. Sa pagtatapos ng pilot testing, nagsagawa ang paaralan ng oryentasyon ukol sa new learning modalities sa mga magulang at mga stakeholder ng bawat

ng Philippine House of Representatives. Naniniwala si Joshua Gallardo, manunulat ng UP Baguio Outcrop at dating punong patnugot ng Ang Dahong Magat, na ang kasalukuyang sitwasyon na puno ng pagbabanta ay sapat na dahilan upang paigtingin ang pagmumulat sa sambayanan. “Ang patuloy na panrered tag at pagbabanta sa mga estudyanteng mamamahayag ay patunay lamang na takot ang administrasyong ito sa mga katotohanang maaaring magpabagsak sa kanilang pasistang pamumuno,” dagdag pa niya. Ayon naman kay Myra Krisselle Garing, kapwa manunulat ni Gallardo at dating manunulat ng The Magat Leaf, nakapinid ang katotohanan dahil pilit silang pinatatahimik ng gobyerno sa halip na makinig sa hinaing ng bayan. “I think that speaks volume in itself— hindi nila nirerespeto ang ating karapatan sa malayang pamamahayag, and that’s all the more reason we should amplify our voices,” aniya.

-JOSHUA GALLARDO Manunulat ng UPB Outcrop

LARAWAN NI: BULLIT MARQUEZ

PROJECT LIFE

council, which is made up of Cabinet officials, sila na ang mag-authorize sa law enforcement na you can arrest and detain this person,” wika niya.

barangay sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa tulong ng kaguruang hinati sa iba’t ibang grupo. Kabilang sa nasabing oryentasyon ang proseso ng paghatid, at pagbabalik ng modules at transistor radios. Bukod pa riyan, sa layon namang maihatid ang mga learning modules sa bawat mag-aaral, inilunsad din ng institusyon sa pangunguna ni Patricio Salvacion, Head Teacher V ng ESP Department, ang Project PATDYAK (Parents and Teachers Directing Youth Aiming for Knowledge) at Project E-TULOD (Enforcing LSEN towards Quality Education Unleashing Possibilities Locking Excellence Observing Substance Dedicating Future). Adhika ng dalawang

proyekto na lagpasan ang hamon sa paghahatid ng modules ng mga magaaral upang mapadali ang epektibong pag-aaral sa gitna ng pandemya. Nakatutok ang mga ito sa pagbuo ng matatag at nakikibagay na transport program para maiparating ang mga akademikong pangangailangan ng bawat mag-aaral. Sa isang Facebook post, binanggit ni Salvacion na naniniwala siyang gaano man kalayo ang isang magaaral ay karapat-dapat pa rin siya sa dekalidad na edukasyon. Alinsunod ang mga naturang programa sa DepED Order No. 12, s. 2020, o ‘Adoption of the Basic Learning.’

3 NVGIANS, UMARANGKADA SA PHIMO MARIELLE CAMONAYAN

Umani ng gantimpala ang tatlong mag-aaral ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School sa Heat Round ng Philippine International Mathematical Olympiad (PhIMO) na inisyatibo ng Math Olympiads Training League Philippines, Inc., April 11. Nasikwat ni Alldre Stephanie Magaway, 11-Hydra, ang bronze award. Samantala nakamit naman kapwa nina Nicole Krizle Jeanne Valdez, 11-Hydra, at Jaslyn Joy Cabauatan, 10-Mariner, ang merit award sa unang batch ng naturang round. Layunin ng PhIMO na bigyang-parangal ang mga mahuhusay na mag-aaral sa larangan ng Matematika upang patuloy na magsilbing modelo ng isang pandaigdigang mamamayan habang patuloy na itinataguyod ang Ayon kay Magaway, nanatili silang purisigido sa pagsasanay kahit na mahirap ang set-up ng kanilang pagsasanay. “Personally, halos isa hanggang dalawang oras kada araw , limang beses kada linggo, and yung routine po na iyan eh halos isa’t kalahating buwan ko rin pong ginawa,” paliwanag pa niya hinggil sa kanilang review.


ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

Opinyon

NILALAMAN NG SEKSYON Kastilyong Buhangin Pahina 6

P5

Pumili ka! Pahina 7 Sisi ng Sala: Kailan nagiging negatibo ang “ positibo” ? Pahina 7

EDITORYAL

Makinaryang Kakarag-karag

H

udyat ng pag-inog ng lipunan sa pagpunyagi’t pagkasadlak ang pagkarag ng makinarya. Magkakaiba ang umalingawngaw na sintemiyento ng estudyante’t kaguruan nang muling harapin nitong Oktubre ang panibagong sigalot ng bayan. Nahahati sa dalawang linya ang kanilang ideya sa bagong normal ng edukasyon— sa iba’y oportunidad para magpatuloy at sa marami’y realidad na ang pagpapatuloy ay isa lamang pribelehiyo. Mistulang pilit na pinakikinabangan ng pamahalaan ang makinarya ng edukasyong halos magkapigtal-pigtal na ang materyales nang muling simulan ng DepEd ang eskwela. Bago pa man kasi ang pandaigdigang krisis, nakararanas na ang Pilipinas ng kakulangan sa kahandaaan sa sistema ng edukasyon. At ang tangkang paglipat sa bagong normal ng edukasyon ay siya ring pagkipot ng oportunidad na magkaroon ng patas, maka-estudyante at makataong polisiyang magbibigay prayoridad sa kaligtasan ng lahat habang sinusugpo ang pandemya. Humigit kumulang 50% ng mga mag-aaral ang walang sapat na kapasidad upang tustusan ang online classes.

Ito ay hindi pagtuligsa sa aksyon ng pamahalaan kundi isang paggising sa gobyerno na walang gustong tumigil sa pagaaral. Kailangan lamang muna nilang intindihin hindi lamang ang kalidad ng isinakatuparang pagbabago kundi maging ang sitwasyon ng bawat indibidwal.

Dagdag pa rito, malaking pagbabago rin ang sumalubong sa kaguran sa paghahanda ng learning modyul sa pagbubukas ng unang semestre. Bunsod ng walang humpay na paglobo ng kaso ng COVID-19, naging limitado ang mga pamamaraan upang maisulong ang dekalidad na edukasyon. Ilan sa ipinanukala ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang iba’t ibang learning modalities na pinamilian ng mga mag-aaral batay sa kani-kanilang estado’t persepsyon. Sakop nito ang Alternative Delivery Modules na hatid ng Nueva Vizcaya General omprehensive High School. Bagaman ito na ang pinaka-epektibo, pasakit pa rin para sa iba ang walang katiyakang direksyon ng mga pangyayari. Nagdudulot lamang ito ng mas matinding pangamba para sa kinabukasan. Totoong nakababagabag, subalit parehong sitwasyon ang nagbigay oportunidad upang gampanan ng edukasyon ang tungkulin nitong maging pinto ng karunungan. Patunay ang paghihikaos ng kakaragkarag na makinarya sa kagustuhang ipagpatuloy ang adhika ng edukasyon. Ngunit para mas magampanan pa ito, nararapat na dagdagan ng sektor ng edukasyon ang solusyon sa mga nararanasang problema ng mga mag-aaral.

Ito ay hindi pagtuligsa sa aksyon ng pamahalaan kundi isang paggising sa gobyerno na walang gustong tumigil sa pagaaral. Kailangan lamang muna nilang intindihin hindi lamang ang kalidad ng isinakatuparang pagbabago kundi maging ang sitwasyon ng bawat indibidwal. Hindi naman tayo hinuhubog para tuluyang maging mangmang. Sa ating pagpasok sa bagong digmaang ang sandata’y sarili lamang, nararapat lamang na manatiling walang puwang ang pagaalinlangan sa mekanikal na mundong ginagalawan. Kailangang makiisa ng pamahalaan sa pakikialam at pakikinig ng hinaing ng kanilang nasasakupan. Sa pagkakataong ito, hindi lamang edukasyon ang kanilang maisasalba kundi maging ang kinabukasan ng bawat bata. Mas malalapit din tayo sa pag-abot ng inklusibo at dekalidad na edukasyong makatarungan, at walang pinagsasarhan. Sa bawat pagpigtal ng makinarya’y mayroong hudyat na umiinog pa rin ang lipunan. At tanging ang administrayson lang ang makapag-aayos sa makinaryang inaasahan ng bayang mag-aahon ng bawat mag-aaral mula sa pagkasadlak kasabay ng pagharap sa pagpupunyagi.

ANG

DAHONG MAGAT

PAGSIBOL NG KATOTOHANAN.

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021 BAYAN NG BAYOMBONG PROBINSYA NG NUEVA VIZCAYA REHIYON DALAWA

PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT Marielle Camonayan PANGALAWANG PUNONG PATNUGOT Nyl Aldrin Laguit TAGAPANGASIWANG PATNUGOT Nigel Aguirre PATNUGOT SA BALITA Nyl Aldrin Laguit Daniella Kriztanna Sebastian PATNUGOT SA OPINYON Marielle Camonayan Vibelle Dumale Rona Riza Guzman PATNUGOT SA LATHALAIN Bianca Belle Bautista Charlotte Jorge PATNUGOT SA AGHAM Lara Ragasa PATNUGOT SA ISPORTS Nigel Aguirre PATNUGOT SA DISENYO Allison Bryan Wasit TAGAKUHA NG LARAWAN Aviona Mariel Larida DIBUHISTA Vea Lopez KONTRIBYUTOR Andrea Laureta Worthy Shatara Ruiz Isac King Saquing Jonhaflor Blas TAGAPAYO Erwin Joseph Dumelod Edison Simon TAGAPANGASIWA SA FILIPINO Lydia Lacuesta PUNONGGURO Trinidad Logan, PhD

Higit pa sa pag-uulat at pagkatha ng mga artikulo, larawan, at kaisipan ang aming ginagawa. Kaakbay ng kapangyarihang aming taglay ang baguhin ang takbo ng pamamahayag, na hindi lamang dapat ito manatiling mga kataga, ngunit dapat makikita ito sa pagtatagpo ng mga salitang mula sa malawak na kaisipan. Naniniwala kaming ang malaya at mapagpalayang edisyong ito ay siyang magsisilbing tubig at araw upang patuloy ang pagsibol ng katotohanan.

Ang Dahong Magat angdahongmagatnvgchs@gmail.com


Opinyon

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

P6

PUNTO POR PUNTO

NYL LAGUIT

ANTI-TERROR LAW

Kastilyong Buhangin Guguhuin ng dalisay na hangin at malinaw na alon ang sakdal-rupok na kastilyong buhangin ng mga panatiko. Markado sa isip ng bawat Pilipino ang retorikang pangako ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya— tuligsain at lupigin ang katiwalian sa gobyerno. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago habang patuloy na kinukutkot ng kalawang ang sistema. Batay sa Corruption Perceptions Index ng Transparency International, nakapagtala lamang ang Pilipinas ng 34 puntos sa kabuuang 100, dahilan upang masadsad ito sa ika-115 na pwesto mula sa 180 bansang talamak ang korupsyon. Halukayin man, mahirap hanapin ang karayom na nilaglag satambak ng buhangin. Pinalulusot parati ng pamahalaan ang mga kaalyadong kurakot sa iba’t ibang tanggapan. Sibakin man sa pwesto ay ibinabalik din sa makasariling paninilbihan. Ang ganitong tugon ay isang palabas ng pagbabalat-kayo, tampok ang mga hunghang na pilit nilulunok ang dinuduwal na lason. Sa panahon ng bagabag bunsod ng pandemya, tambad ang pinakamaugong na alegasyon ng korupsyon sa PhilHealth na nakapagbulsa ng humigitkumulang ₱15 bilyon, ayon sa whistleblower na si dating anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith. Lalong naninikip ang dibdib ng mga mamamayan sa pagkakasangkot ng mga ahensyang dapat ay kaagapay sa pag-ahon. Ang kasalukuyang panunungkulan ay tigib ng delusyon, pambubusabos, at pananamantala. Tabunan man ng puti’t pinong buhangin, patuloy na aalingasaw ang baho ng rehimeng nakasandig sa marupok at nangangatog na pundasyon ng korupsyon. Sa pagtatapos ng termino ni Duterte, maiiwang naghihikahos ang bayan sa pamanang utang na kailanma’y hindi mababayaran at mananatiling pabigat sa balikat. Samantala, binansagan

ng US State Department bilang ‘anti-corruption champion’ si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil paghahatid nito ng tapat na serbisyong lumalaban sa katiwalian. Paglanghap sa dalisay na hangin ang pag-iral ng mga opisyal na naghahangad ituwid ang baluktot at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga nasasakupan.

Ang kasalukuyang panunungkulan ay tigib ng delusyon, pambubusabos, at pananamantala. Tabunan man ng puti’t pinong buhangin, patuloy na aalingasaw ang baho ng rehimeng nakasandig sa marupok at nangangatog na pundasyon ng korupsyon. Siguruhing nailalaan at naigugugol sa pangmalawakang proyekto ang kaban ng bayan. Protektahan ito mula sa mga mapagpanggap na alipores, bundat ngunit hungkag ang isip. Mabilis na aanurin ng daluyong ang pantasyang kastilyo ng mga kroni kung walang mananahimik at magkikibit-balikat. Huwag mag-atubiling pakawalan ang boses sa pagsisiwalat ng lantarang katotohanan. Dahil higit pa sa kastilyong buhangin ng mga pangakong napako ang minimithing reporma sa sistema— maaliwalas at walang bakas ng mga higanteng mangangamkam. Tanglaw ng progreso ang binigkis na tindig ng sambayanan, tangan ang dunong at kamulatan, upang punan ang hungkag na diskarte. Hudyat ito ng paniningil sa yugto ng pagbalikwas.

LIHAM SA PATNUGOT

Mahal na Patnugutan, Nais ko lamang po sanang maiparating na kasama niyo akong naniniwala na dapat inklusibo ang sistema ng pag-aaral. Kaya naman nababahala ako sapagkat mayroon akong mga kaklaseng pursigidong mag-aral at makapagtapos pero limitado ang kanilang kakayahan kasi hirap silang magsumite ng mga kailangang ipasa sa kadahilanang malayo sila sa paaralan natin. Wala rin silang akses sa online submission sapagkat wala silang sapat na gadget at mabagal ang kanilang internet connection. Labis akong umaasa na sana ay maabot din sila ng mga programa ng paaralan at matugunan ang kanilang problema para sa mas makabuluhang proseso ng pagkatuto. Lester Pumihic, Grade 12-Hera Marso 8, 2021

ATL: Dagdag pako sa kabaong BIANCA BAUTISTA

Tila paulit-ulit lang ang hangarin ng pamahalaan sa gitna ng pandemya— limitahan ang kalayaan, lituhin ang sambayanan at ang publiko’y pabayaan na lamang. Habang minuminutong tumataas ang kaso ng Covid-19

sa bansa, ipinaggiitan pa rin ang pagpasa ng Republic Act No. 11479 o mas kilala bilang AntiTerrorism Act of 2020 na ang layunin umano’y wakasan ang terorismo sa bansa. Terorismong pilit lamang nilang pinalalabas mula sa katwiran ng mga

KATALISTA

MARIELLE CAMONAYAN

Habang malinis na isinusulat ng mga mag-aaral ang kanilang responsibilidad sa papel na inihain ng bagong normal ng edukasyon, binubura ito ng kahonkahong maruruming kapalpakan at mapanakit na pagbubulag-bulagan. Bilang tugon sa blended learning modality sa NVGCHS, naging responsibilidad ng mga mag-aaral na magsumite ng kanilang mga kasagutan sa bawat modyul na kailangang ipasa sa kanikanilang mga guro sa loob din ng paaralan. Subalit sa maraming pagkakataon, hindi agad naipapaabot sa mga guro ang mga rekisito sapagkat madalas silang wala sa kampus. Bilang alternatibo, pinapaiwan na lamang nila ito sa gwardya sa pag-aasam na makakarating din kaagad sa kinauukulan. Gayunpaman, taliwas sa inaakala ng marami, ibabaon at maiipon lang pala sa loob ng kahonkahong naghalong mga papel ang pinaghirapan at pinagpagurang papel ng mga mag-aaral.

Masakit isiping naglaho na parang bula ang tanging pag-asa ng mga estudyanteng matapos ang aralang-taon. At mas masakit unawaing, sa estudyante pa ang sisi. Madalas kasi, kinakailangan nilang ulitin ang pagsagot. Nakalulungkot na ang bawat malilinis na ipinasang gawain ay mapapalitan lamang ng kahon-kahong pasaning ipapatong sa marurupok nilang mga likod. Sasagkain ng hindi maka-estudyanteng pagbubulag-bulagan ang ginagampanang responsibilidad ng mga mag-aaral. Sapagkat ang gampanin nila ay gumawa at magpasa. Trabaho na ng paaralang siguruhing matatanggap ng bawat guro ang ipinasang mga papel lalo na ang mga iniwan sa gwardya. Ang kahonkahong nagkalat na papel ay patunay lamang sa pagkukulang ng paaralan. Ito ay masaklap na katotohanang binabalewala at pinababayaan ang mga mahahalagang rekisito na pinagpaguran. Tanggapin

BOSES NG NVGIANS

Pabor ka ba sa naging desisyon ng kongreso na ipasara ang ABS-CBN? Yujiniee_IZONE

OO, kasi naniniwala akong may mga kamalian sa kanilang mga ibinabalita, gumagamit sila ng mga words na nag bibigay ng ibang kahulagan sa mismong balita. Biased pa at unfavorable ang ibang balita patungkol sa presidente. Rome

HINDI, Dahil tinanggalan nila ng pakpak ang balita lalo sa panahong kailangan na kailangan ang media. Banta ito sa kalayaan sa pamamahayag at karapatan natin sa impormasyon. Anon

Hindi, dahil sila ang pinakamalaking mass media sa Pilipinas, lahat ng region meron din. Kaya kung nagsara sila, mas mahihirapan magkalat ng balita.

mamamahayag, estudyante, kabataan at kung sino pang may kritikal na pananaw sa administrasyon. Dinagdagan lang ng gobyerno ang pako sa kabaong nito. Umani ng samu’t saring batikos ang pagsasakatuparan nito. Karamihan, nadismayang inuna pa ng pamahalaang takutin ang taumbayan sa halip na maghain ng solusyon sa paglobo ng bilang ng mga nagkakasakit. Lantarang ipinapakita ng rehimeng hindi nila layuning tugunan ang pinansyal at pangkalusugang pangangailangan ng mamamayan kaya pawang manipulasyon ang ihahain nila sa hapag ng taumbayan. Sa pinalawak na depinisyon ng terorismo sa batas na ito, bawat galaw ay maaaring malisyahan. Hindi malabong mapahamak ang ordinaryong mamamayan kahit pa wala silang pagkakasala. Taliwas sa tunay na hangarin ng batas, mistulang hindi na terorismo ang asintado— kalayaan na mismo. Hinahayaan ng batas ang warrantless arrest o ang basta-bastang pagdampot ng sinuman.

Pinapayagan ang mga pulis at militar na ikulong— kahit walang judicial warrant of arrest o kaso ang mga pinagsususpetyahang gumagawa ng terorismo. Bukod pa rito, tinanggal din ang probisyon ng Human Security Act of 2007 na nagbibigay ng danyos perwisyos kada araw sa sinumang pangalanang suspek. Patunay na hindi mga mamamayan ang nangunguna sa karahasan kundi awtoridad na umaasa lamang sa mapang-abusong kapangyarihan. Ang tugon ng bayan, ibasura ang Anti-Terror Law! Ang prayoridad dapat ng administrasyo'y masigurong ligtas at buhay ang bawat Pilipino, hindi ang panggigipit sa mga ordinaryong mamamayang nakikibaka kontra pagabuso sa karapatang-pantao at demokrasya. Wala tayong mapanghahawakan sa mga ipinapangako ng batas hanggat may bahid ito ng kapabayaan, karahasan at katiwalian. Palakasin ang paninindigan sa bayang pagod na sa patuloy na pang-aapi. Ipanawagan ang nararapat na hangarin sa pandemya—paigtingin ang kalayaan at unahin ang taumbayan.

Kahon-kahong Pasanin man nila o hindi, madaya kung susumahing mabuti na kailagang ulitin ng estudyante ang kanilang trabaho gayong wala silang kasalanan sa bawat awtput na hindi inorganisa kaya nawala. Ngayong matatapos na ang aralang-taon, nararapat nang siguruhin ng paaralan na hindi na muling maipapasa sa likod ng mga susunod na estudyante ang pagbubulag-bulagang nagpahirap sa maraming mag-aaral. Bigyang pansin ang panawagan at pangangailangan ng mga estudyante, kaguruan, at mga empleyado. Sa pamamagitan nito, hindi makukumpremiso ang kalidad ng edukasyon, ang kahadaan ng paaralan, at ang matagumpay na pagtatapos na siyang mga pangunahing kasangkapan sa isang maayos, makaestudyante, konkreto at hindi makasariling pagtugon sa bagong normal na higit nilang kailangan sa mapanghamong panahon. Makabubuti sa sitwasyon ang paglalaan ng bawat guro ng kani-kanilang

mga angkop na lagayang iiwan sa lugar na hindi naaapektuhan ng araw at ulan. Sa paraang ito, mas magiging organisado ang isusumiteng gawain ng mga estudyante sapagkat hindi na maihahalo sa ibang baitang o klase at madali ring makuha agad. Maaari ring hikayatin ang mga estudyante at kaguruan na gamitin ang online platforms tulad ng google classroom, gmails, at messenger chats nang sa gayon ay hindi na mawawala ang kanilang mga pinaghirapan. Sa mga paraang ito, matatamasa ang aksesableng edukasyon nang walang naiiwan sa baba. Sa malayuang tingin, isang bagay lamang ang tiyak: hindi tayo hihinto sa bawat pagkadismaya. Sapagkat malaki pa ang espasuong susulatan natin sa papel ng edukasyon. At sa tama at konkretong mga aksyon, walang pasanin ang hahadlang sa pagkamit ng tagumpay; kahit kahonkahon pa.

Karl

HINDI, dahil napatunayan at patuloy na pinapatunayan na wala silang nilabag at masugid na sinunod ang mga responsibilidad na nakasaad sa batas. Marami rin sating kababayan ang nakadepende sa ABS-CBN para sa entertainment at source ng balita sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Higit parito, may mga pamilya ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Kaya’t dapat maging objective ang ating mambabatas ukol sa usapin na ito at isantabi ang personal na interes. Anne Oughne

Kung libangan lang ang usapan, kahit pabor man o hindi pabor sa pagsara ng ABS CBN, hindi ito makagagawa ng malaking diperensya, lalo ngayon na ipinalalabas na sa TV5 ang ilang ABS CBN shows. Hindi pa rin nawala ang pagbibigay libangan ng mga artista at nagpatuloy pa rin ang pagbibigay impormasyon at balita sa social media. Ngunit kung ang buhay naman ng mga empleyadong nawalan ng trabaho ang usapan, hindi ako pabor sa pagsara ng kumpanya. Sino bang taong nasa tamang pag-iisip ang gustong kitilin ang tanging kabuhayan ng mga taong may iba ring buhay na sinusuportahan?


Opinyon

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

REYALIDAD

VIBELLE DUMALE

Mahirap hanapin ang liwanag mula sa untiunting pagdilim ng mundo dulot ng pandaigdigang krisis. At kung ikukulong tayo sa kaisipang ang katatagan ng mga Pilipino ay umaangat sa mga sitwasyong tulad nito habang pinagtatakpan ang tunay na kalagayan ng mga apektadong sektor ng ating lipunan, mananatili lamang tayong bilanggo ng pananamantala. “Ako po ay nagagalak na hindi tayo 100% nawalan ng trabaho…I’m still surprised at our resilience [nagulat pa rin ako sa ating katatagan] at 45% pa lang po ang nawalan ng trabaho.” hayag ni Pesidential Spokesperson na si Harry Roque sa sarbey ng SWS hinggil sa bilang ng mga nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya. Hudyat ito ng pagsibol ng nakaaasiwang mentalidad. Malinaw na may pinapanigan ang salitang ‘lang’ na ginamit. Ang panig ay hindi para sa mga Pilipino kundi sa kanila lamang at sa mga kapwa

niya makapangyarihan. Palibhasa’y hindi niya naranasang magutom, palibhasa’y hindi niya kailangang maging matatag. Bakas sa mga katagang pinakawalan ni Roque ang linyang naghihiwalay sa administrasyon at sa tunay na kalagayan ng mga Pilipino. Ang 45% na iyon ay may katumbas na 27 milyong Pilipino. Ang iba’y may pamilyang sinusuportahan. Hindi lamang sila malamig na istatistika na pwede mong hindi pansinin dahil hindi naman umabot sa 100%. Halos kalahati na ng bansa ang nalugmok sa kahirapan simula ng pagdating ng pandemya. Malupit para sa mamamayang Pilipino ang ideyang magpakatatag sapagkat sa halip na dinggin ang kanilang mga hinaing, papuri lang ng katatagan ang ibinibigay. Hindi tayo mabubusog ng papuring iyan. Hindi tayo mapapakain ng mga ngiti. Sa halip na

Bangkang Papel Mag-aaral ang manlalayag ng bangkang papel, bangkerong masigla sa pagsasagwan at maingat sa pagtahak ng sanga-sangang ilog. Sa paglalayong ihanda ang kabataan sa mas malawak na landas ng kolehiyo, ipinanukula ng Kagawarang ng Edukasyon ang kurikulum na K-12 na nagbunsod sa karagdang dalawang taong pagaaral sa sekundarya. Ang yugtong ito ay daan upang mas makikilalapa ng mga mag-aaral ang kanilang sarili— matuklasan ang kahinaan at malinang pa ang kakayahan. Pagsubok kung maituturing ang pagtungtong sa Senior High School, punto kung saan nagugulumihanan ang bawat mag-aaral sa pagpapasya ukol sa edukasyon. Hindi man

aminin, kapansin-pansin na maraming mag-aaral, ng alinmang pamantasan, ang hindi sigurado sa pagpili ng strand. Mahalagang susi sa pagpili ng strand ang pagiibayo ng sa holistikong perspektiba . Sa tulong nito, maisasaalang-alang ang bawat aspetong makaiimpluwensya sa pasya. Batay sa pagsisiyasat ng AMA Education System, mahalagang tumugma ang strand sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral upang mas makasabay sa talakayan ng kursong kukunin sa kolehiyo. Ilugar ang sarili sa strand kung saan mahahasa ang iyong talento at masasalamin ang mga hilig bilang indibidwal. Kaakibat ng pagtuklas sa sarili ang pagkilatis sa katangian at espesyalisayon ng bawat strand. Bilang

ELEKSIYON 2022

Bagong Katipunan MARIELLE CAMONAYAN

Ihanda na ang katipunan! Sapagkat walang mangyayari sa bayan kung tanging si Andres lamang ang magpupunit ng kaniyang sedula. Binuksan ng Commision on Elections nitong nakaraang Pebrero ang pagpaparehistro ng mga bagong botante para sa halalan 2022. Pasan nang muli ng mga bolpen ang kinabukasan ng bawat magsasaka, estudyante,

kabataan, sanggol at lahat ng Pilipino. Tanging ang pagboto ang makapipigil sa pagdalisdis ng bayan sa masama nitong katayuan sa ekonomiya at lipunan. tatapusin nito ang pananamantala ng mga lider na mahina ang pandinig pagdating sa hinaing ng kanilang nasasakupan, malabo ang mga mata sa nagkalat na panawagan ng hustisya at naninilbihan sa

Sisi ng Sala: Kailan nagiging negatibo ang “positibo”?

Malupit para sa mamamayang Pilipino ang ideyang magpakatatag sapagkat sa halip na dinggin ang kanilang mga hinaing, papuri lang ng katatagan ang ibinibigay. Hindi tayo mabubusog ng papuring iyan. Hindi tayo mapapakain ng mga ngiti.

linangin natin ang toxic positivity, bakit hindi natin piliin na mamulat at magmulat? Hamunin ang administrasyong makapagbigay ng sapat na aksyon para iangat ang Pilipino mula sa laylayan ng pagkabusabos. Panagutin ang administrasyon sa tungkuling kanilang nakalimutan na. Hindi naman masama ang pagiging positibo. Subalit kung ipantatakip natin ito sa kabila ng maliwanag na trahedyang dulot ng pandemya, sa sarili na natin iginagawad ang sisi. At hinahayaan nating hindi managot ang mga may sala sa’ting pagkakasadlak. Wala sa mabuting kalagayan ang Pilipinaas, hindi okay ang mga Pilipino. At sa pagtanggap natin na hindi ayos ang kalagayan natin sa pandemyang ito, tayo ay patungo sa progresibong pag-iisip na hindi nasa atin ang sisi – may dapat managot sa pagkukulang at hindi solusyon ang pagiging matatag.

DUNONG

RONA RIZA GUZMAN

manlalayag, hindi mo susuungin ang bahagi ng ilog na walang kasiguruhan kung malalim o mababaw at kalmado o rumaragasa. Maglaan ng sapat na oras upang mapagtanto ang rutang tatahakin, sapagkat ang padalus-dalos na pagtugon ay walang mainam na kahahantungan. Ayon sa pag-aaral ng Human Rights Commission, 90% ng mga mag-aaral ang nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang strand. Tumindig kang matibay at ’di mapapatid sa udyok ng mga mangmang na lumilikha ng herarkiya sa edukasyon. Tandaan ang katitikang ang strand ay hindi isang “trend” na dapat dumugin dahil patok. Walang ibang makapagpapasya para sa sarili mo kundi ikaw lang. Kung susumain, ang

pagpili ng akmang strand ay maituturing bilang masusing pag-unawa sa sarili. Seryosohin ang desisyong nakaatang sa balikat, na maaaring magdikta ng iyong kinabukasan. Hindi ka nauubusan ng panahon. Huwag magmadali dahil sa sandaling lumiko ang bangkang papel sa maling direksyon, maaari itong lunurin ng alon at tangayin nang pailalim hanggang sa maglaho. Ang kabataan ay tulad ng bangkang papel na sumasabay sa daluyong ng buhay, marupok ngunit kung lalapatan nang maayos na maniobra ay makararating sa tamang hantungan. Paigtingin ang holistikong kaisipan sa punto ng makatwirang pagpapasya.

sistemang iilan lang ang nakikinabang. Subalit hindi magiging sapat kung si Andres lamang ang lalaban. Makiisa sa bagong katipunan; magparehistro at bumoto! Patunayang bagaman tinangkang apulahin ng mga dating administrasyon ang siklab ng pag-asang inaasam ng taumbayan para sa Pilipinas, lalong paaalabin sa pamamagitan ng pagboto ang simbuyo ng damdamin ng mga Pilipinong pagod na sa ilusyon ng mga huwad at hungkag na pangako. Iluklok sa pwesto hindi ang naghahangad ng kapangyarihan, kundi ang mga lider na handang

mamuhay, lumaban at tumindig kasama ang taumbayan. Sapagkat sa dulo ng lahat ng ito, ang kolektibo nating pagkilos ay hindi lamang laban ng isang lipunan kundi

isang magiting na bayanihang magsusulong ng panibagong kasaysayan.

P7

PAGHAMON

Pumili ka! PANULAT NI JUAN

Walang patid ang ugong ng mga boses ng kabataang buong tapang na nakikibaka para kapakanan ng bayan. Patuloy rin ang ingay na nililikha ng mga berdugong nagdudulot ng opresyon sa masa. Ngayon, pumili ka. Ipagsasawalang bahala mo na lamang ba ang boses ng kabataan o hahayaang mag ingay ng kasakiman? Simula pa lamang noon, kabataan na ang nangunguna sa paglikha ng rebolusyon-- pareho sa mga kwentong piksyon at sa totoong buhay. Ito ay masisilayan sa ilang pinakatanyag na mga libro at pelikula. Gaya na’lang ng kung paano inorganisa ni Harry Potter ang Dumbledore’s Army laban kay Lord Voldemort. Makikita rin ito sa pakikipagsapalaran ni Katnis Everdeen sa serye ng Hunger Games at ni Beatrice Prior sa Divergent laban sa status quo. Hindi maikakaila na ang mga piksyonal na mundong ito ay repleksyon din ng reyalidad ng pagaalsa ng kabataan sa kampong mas malaki sa kanila: nanguna ang kabataan noong French Revolution, mga mag-aaral din ang nakilahok sa Myanmar Coup, HongKong Protest, at Black Lives Matter Protest sa Amerika. Sa ating bansa naman, mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang nag-organisa ng Diliman Commune laban sa dating predidenteng diktador na si Marcos. Sa kasalukuyan, walang tigil pa rin ang paglahok at pakikipaglaban ng kabataang mag-aaral sa ating lipunan. Sa katunayan, nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 5.2 na ang akademikong kalayaan ay nararapat na mailunsad sa mga paaralan. Prinoprotektahan sa konstitusyon sa ilalim ng Artikulo III Seksyon 4 ang karapatan ng mga mamayan sa malayang ekspresyon, pagsasalita, at pagtitipon-tipon upang mag protesta. Mula na rin kay dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, walang mali sa matuwid na aktibismo ng mga mag-aaral. Ngunit, sa kabila ng mga ito, nakararanas pa rin ang mga kabataang aktibista mula sa gobyerno ng paglabag sa kanilang karapatan. Nitong nakaraang taon lamang, walong mag-aaral mula sa Cebu, 11 mula sa Laguna, at 13 mula Illigan City, ang nakaranas ng panliligalig, ilegal na pagdetina, at bulok na procedural violations sa kamay mismo ng kapulisan. Pinapatunayan ng sikolohikal na mga pagaaral na ang ganitong aksyon ng mga kabataan ay kaakibat ng kanilang kognitibong pag-unlad. Isa na rito ang Cognitive Development Theory ni Jean Piaget na nagsasabing ang kabataang ay nasa Formal Operational Period na. Sa lebel na ito, nabubuo na ng mga kabataan ang kakayahang pag-ugnayin ang iba’t ibang salik upang makalikha ng solusyon sa isang problema. Sinasalamin nito ang pagsali ng mga kabataan sa diskusyon ukol sa mga isyung panlipunan upang makibahagi sa pagtataguyod ng pagresolba sa mga problemang ito. Habang sa Moral Reasoning naman ni Piaget, sa yugto ng kabataan, ipinapakita na hindi isinasawalang bahala ang iba’t ibang batas ng lipunan, ngunit, ang perspektiba nila sa mga batas na ito ay dapat bunga ng kasunduan sa lipunan. Kung hindi, lilika ang kabataan ng mga paraan upang baguhin o ibasura ang batas na kumakalaban sa masa. Ang mga aksyon ng kabataan ngayon ay naghahatid lamang ng mensahe na ang pag-unlad ng kakayahang kognitib ay yumayabong at nasa tamang direksyon. Hindi matatapos ang pagsigaw ng kabataan hangga’t hindi rin matatapos ang ingay ng opresyon. Lipunan mismo ang lumikha at humuhubog sa kaisipan ng kabataan. Nakakatakot ang ingay ng karahasan, ngunit mas matakot kung sa mga panahong patuloy ang karahasan sa bayan ay walang kabataang sumisigaw at lumalaban. Kaya’t mamili ka, boses ng kabataan o ingay ng kasakiman.


Lathalain

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NU TOMO XLVIII BILANG 1 SET

P8

NILALAMAN NG SEKSYON

Perspektibo.

Munimuni sa Seldang Tahanan Pahina 10 Byaheng #BESTKAYA Pahina 10

Pahina 11

PERSPEKTIBO

HIBLA NG TRADISYON: Paghabi ng Noon at Ngayon

Ngayo’y nabubuhay tayo sa panahon ng pagaalala at pangamba sa gitna ng pandaigdigang pagaalinlangan. Nagdulot ito ng pagbabago sa maraming aspeto at sektor ng lipunan. Aming inilathala sa pamamagitan ng maikling kuwento ang ilang pagbabagong dulot ng pandemya gamit ang iba’t ibang lente. Matapos ninyong basahin ang bawat katha nawa’y mapuno ang inyong puso’t isipan ng pag-asang babalik din tayo sa ating nakasanayan.

Mga Litrato ng Ang Dahong Magat

Tol, alas-tres na! JONHAFLOR BLAS

Pogs. Tayaan. Tawanan. Isang mapayapa at tahimik na oras para sa amin ang alastres. Tila napakaimportante nito at hindi dapat palagpasin. Kung suswertehin ay maraming sasama sa amin, kung mamalasin ay mananatili ang sikat ng araw o kaya nama’y magbabadyang uulan. Pagkatapos ng pananghalian at siesta ay oras na para kumatok sa mga bahay-bahay. “Tara na laro!” Laging paunang bati ng aking mga kaibigan. Alas-tres lagi kung sila ay pumunta at anyayahan akong maglaro. Walang mintis, saktong alas-tres! Mapupuno ng ingay ng halakhak ang kalyeng aming paglalaruan. Hindi nila alam na isang oras mahigit na akong handa para maglaro. Nahanap ko na rin ang aking mga malalakas na pogs at teks. Handa na aking mga paa sa mahaba-habang takbuhan at tayaan. Higit sa lahat, ang aking bibig para sa malalakas at masasayang tawanan. Hindi gaanong mainit at hindi rin gaanong makulimlim, tamang-tama sa magdamag na paglalaro. Dala-dala ang aming mga paboritong laruan gaya ng pogs, teks, at holen, dumaan kami sa isang kantina at nanghingi ng lata. Maglalaro kami ng tumbang preso. “Maiba… taya!” Sabay-sabay naming sinigaw ng malakas at saka ibinaba ang aming mga kamay. Pagkaraan ay pumwesto na kami sa aming mga lugar at nagsimula nang maglaro. Kabi-kabila ang pagbato ng aming mga tsinelas at kanya-kanyang takbuhan din para hindi mataya. Matapos ang ilang beses na paglalaro ay dumeretso na kami sa plaza. Ang lugar kung saan kami laging matatagpuan kasama ng iba pang mga bata mula sa kabilang barangay. Nagpatuloy lang ang paglalaro namin na para bang wala ang salitang “kapaguran” sa aming bokubolaryo.

bibihagin ng bihag BIANCA BAUTISTA

Pakinggan mo ang dagundong sa kalsada. Mga yapak mula sa walang saplot na mga paang naglalakad tungo sa paglaya. Pagmasdan mo ang dugo, luha at takot na nagsusulat ng kasaysayan. Habang mahigpit ang tanikalang gumagapos sa katutubo, lumalakas ang dagundong at nagwawakas ang malupit na katotohanan nila. Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang init ng mga gatilyong sumasakop sa lupain ng mga katutubo ng Mindanao—ang mga Lumad. Nananatiling uhaw sa kalayaan ang mga batang sa murang edad ay humihiyaw sa mga kalsada at daan upang ipaglaban ang pagsara ng kanilang mahigit 50 na paaralan. Hapo naman ang katawan ng mga nakatatanda sa patuloy na pagkapilay ng kanilang inaasam

na kinabukasang agad binubura ng paglobo ng mga kaso ng pagpatay, walang kararatang pagaresto, at pang-abuso sa kanilang mga katutubong tribu. Patuloy ang kanilang pag-aalsa para sa kalayaan, kapayapaan, at pagkakapantaypantay. Ngunit tila walang pagbabagong nalalasap ang mga kapatid nating katutubo na walang sawang pinoprotektahan ang lupa at kultura mula sa malawakang pang-aabuso ng militar. Sa pagtapak nila sa kanilang nasasakupa’y, agad silang nabibihag ng mga demonyo sa politikang hayok sa kapangyarihan na siyang sumusunog sa yamang karapatang kanilang pagmamay-ari. Inuulan ng mga bomba ang

Takbo rito, sigaw dyan. Hindi alintana ang tumatagaktak na pawis sa aming katawan at alikabok sa aming mga paa. Tago kung tago, higa kung higa, upo kung upo. Kahit ilang beses kami masugatan o magasgasan ng tuhod ay parang wala lang basta kami ay naglalaro. Kung kami ay madapa man, walang iyakan, tayo agad para hindi mataya. Mapigtas man ang suot na tsinelas ay isasawalang bahala nalang, maaayos pa yan.

Nabago ang lahat nang ipinatupad ng pamahalaan ang community quarantine dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ang pogs at teks, napalitan ng gadgets. Masaya namang maglaro ng mobile games, pero ang sakit sa mata at nakauumay din. Mayroon pa rin namang tagu-taguan ang pagkakaiba nga lang, lahat kami nakatago sa aming sariling tahanan. Ang kalyeng noo’y puno ng ingay, ngayo’y puno ng katahimikan. Kaming mga bata ay simple lamang ang kasiyahan. Oras pa sa amin ay sapat na, oras na makipagsaya at laro sa aming mga kaibigan. Dahil ang mga panahong ito ay ang siyang mananatili sa aming mga puso’t isipan, at dadalhin namin sa pagtanda. Kaya’t lagi naming ipinagdadasal na sana bumalik na ang lahat sa dati. Hindi na ako makapaghinatay na muling sabihing “Tol, alas-tres na, tara na’t maglaro!”


Lathalain

UEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TYEMBRE 2020-MAYO 2021

P9

Hanggang sa Muling Pagtatagpo Sa Bawat Ikot ng Manibela JONHAFLOR BLAS

“Tatlo na lang, lalarga na!” Sigaw ng isang tatay bago umupo sa upuang nakalaan para sa kaniya. Nagpatuloy ang pag-abot sa kaniya ng mga barya-barya at baente pesos na papel. Ikinabit na niya ang litratro ng kaniyang bunsong pangarap na maging mamamahayag. Kinamusta ang kaniyang kaibigang manibela at sinaluduhan ang sarili bago sinimulang patakbuhin ang sasakyan. Sabay sabi sa sarili, “Para sa pangarap ni bunso!” Alas-kwartro pa lamang ng umaga ay nagsimula nang magbanat ng buto at mag-ayos ng makina ang tatay. Mabilis siyang naligo at nakangiting isinuot ang kanyang paboritong kamiseta. Isinunod niya ang kanyang maong at pangmalakasang sapatos na pampasada. Makalipas ang ilan pang mga minuto ay lumarga na ang kanyang dyip sakay ang kanyang unang pasahero--si bunso. Tahimik nilang tinahak ang kahabaan ng lansangan upang makaabot sa kanilang terminal. Habang sumisikat ang araw, isa-isang nagsasakayan ang mga estudyante’t empleyado sa dyip. Tila bang kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pagbibigay ng pagasa para sa kanya. Ang pag-asang makapagbigay ng magandang edukasyon sa kanyang anak, makapaghanda ng maraming pagkain sa hapag, at mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Ang pag-asang bubuo sa kanyang pangarap na makalaya sa mga rehas ng hirap ng buhay. Ngunit ngayon, tumigil muna ang pag-ikot ng manibela. Dahil sa pandemiyang dala ng COVID-19, lubos na naapektuhan ang kaniyang pasada. Bukod pa rito, may takot at alanganin

siyang dinadala sapagkat baka tuluyang mabura sa daan ang “Hari ng kalsada” dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng jeepney phaseout o ang tinatawag nilang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Sa bawat dumadaang araw na walang kasiguraduhan, ramdam ko ang bigat na kaniyang nararamdaman dahil ako si bunso. Nakadudurog ng puso na makitang unti-unting gumuguho ang pangarap na binuo namin ni itay. Nakagagalit dahil sa gitna ng pandemya, isunusulong pa rin ng gobyerno at mga kapitalista ang pekeng modernisasyon ng dyip. Kahit kailanman, hindi progreso ang modernisasyong hindi inklusibo. Alam kong hindi ito ang huling pasada ni itay. Hangga’t hindi pa kumukupas ang pinturang nakadisenyo sa kaniyang dyip, hindi mapapaos ang aking boses kasisigaw sa lansangan kasabay ang mga taong handang makibaka upang kalampagin ang gobyerno. Patuloy na lalaban, para sa pangarap at kay tatay, hanggang sa muling pag-ikot ng manibela.

kanilang nasisilayan na kumikitil hindi lamang sa kanilang mga buhay kundi maging sa kanilang mga ani at alagang hayop. At ang tanging nagagawa nila’y lisanin ang sariling lupa at tumungo sa kaligtasan na naroon sa mga bundok. Wala silang anumang mga armas na maaaring itapat sa karahasang dulot ng mga nakaunipormeng pinapalitan ang tingkad ng makukulay nilang kasuotan ng pinagtagpi-tagping bakas mula sa dekada ng pagmamaltrato. Sa masaklap na paglalakabay nila’y nababalot sila ng pangamba dahil sa patuloy na red-tagging at ang ideyang sangkot sila sa New People’s Army (NPA). Dahilan kung bakit mas pinaigting ng mga militar ang kanilang pagmamasid. Lantad ang diskriminasyon mula sa estadong pilit na kumikitil sa kalayaang

PANULAT NI JUAN

Sa inyong muling pagdating, maaari ko nang ipagpatuloy ang pagsulat ng kwento dala ang andap ng pag-asa at saya na natupok ng gabok ng kalumbayan. Hunyo ng taong 2020 nang ‘di ko lubos maipahiwatig gamit ang mga salita ang aking nararamdamang kalagakan. Dahil ito na ang hinihintay kong araw upang masilayang mapuno muli ng mga mag-aaral at guro ang mga gusali at bawat parte ng eskuwelahan. Diretso ang aking paningin sa nakapinid na tarangkahan, nag-aabang sa pagpasok ng mga mag-aaral.

Habang tumatagal, ang aking paghihintay ay nauwi sa lungkot at labis na pagkadismaya. Wala akong maaninag na kahit isang mag-aaral na pumasok mula sa pultahan. Wala rin akong marinig na malakas na tugtugin bilang malugod na pagsalubong sa bagong akademikong taon. Hindi rin umaabot sa akin ang alingawngaw ng mga salita mula sa mikroponong noo’y ginagamit upang bigyang direksyon ang bawat isa. Sa aking paghihintay, nauilinigan ko ang pag-uusap ng dalawang tauhan ng paaralan. Doon lamang naging malinaw ang lahat. Suspendido pala ang faceto-face classes dahil sa patuloy na

Hanggat may katutubong pinagkakaitan ng kalayaa’y makinig ka sa dagundong ng kanilang paglaban. Matapang kang lumakad sa hanay nila’t magpapatuloy sa pag-aalsa. Hanggat may naaapi’y magmasid ka at baguhin ang itinakdang kasaysayan.

pagkalat ng COVID19 virus. ‘Di ko alam ang aking mararamdaman. Ang inaasahang masayang unang araw ng akademikong taon ay napalitan ng nakabibinging katahimikan. Ang noo’y lugar na kumakandili sa libo-libong mag-aaral, ngayo’y tila isang abandonadong lugar. Tanging nasisilayan ko lamang ay ang pagbagsak ng mga dahon mula sa matatayog na punong nakapalibot sa paaralan. Ang lawiswis ng mga halaman na tila sumasabay sa hele ng hangin. Mga ibong naninirahan sa aking atipan. Kasabay na rin ang pagpatak ng tubig ulan sa tuwing nalulumbay ang kalangitan. Sa kabila nito, malinaw sa aking alaala ang bawat kwentong nabuo sa bawat parte ng paaralan. Mga kwentong hindi kalianman maglalahong tuluyan. Ang bawat emosyon na aking nasilayan at minsa’y akin’ ding nararamdaman. Ang bawat ngiti, simangot, kaba, at galit na naka-ukit sa mga mukha ng bawat isa. Sa bawat tawanan, iyakan, sigawan, at harutan. Kasali na ang siksikan tuwing recess at tanghalian. Pati na rin ang chismisan sa loob ng silid-aralan. Ang lahat ng ito ang munting nakalathala sa bawat pahina ng aking ala-ala. Natigil man ang aking pagsulat ng kwentong napupulot ko sa bawat sulok ng paaralang ito, hindi pa rin kukupas ang aking pagmamahal sa bawat taong bumubuo sa akin. Nawa’y manumbalik na ang lahat sa dati. Upang maipagpatuloy ko na ang ang pagkatha. Sa ngayon, hanggang dito na lamang muna. Darating din ang araw na tayo’y muling magsasamasama. At sa pagdating ng araw na iyon, ipaparamdam ko sa inyo ang lamyos upang tuluyan nang maglaho ang alimuon ng panglaw na dulot ng pangungulila.

nakakulong sa kamay ng pagabuso. Masidhing damdamin ang namumuo sa bawat dugong kapalit ng kapayapaan para sa mga Lumad. Sa kanilang bawat sigaw laban sa pangingibabaw ng mga malalansang gawain ng napapanahong rehimen, hindi sila paaapi at pauuto sa walang tigil na panlilinlang ng gobyerno at malalaking kumpaniyang sumusupil sa kanilang karapatang-pantao. Ang katarungan at kadiliman ang magliliwanag tungo sa lipunan kung saan ang karapatan ng mga katutubo ay kinikilala at nirerespeto. Hanggat may katutubong pinagkakaitan ng kalayaa’y makinig ka sa dagundong ng kanilang paglaban. Matapang kang lumakad sa hanay nila’t magpapatuloy sa pag-aalsa. Hanggat may naaapi’y magmasid ka at baguhin ang itinakdang kasaysayan. Makapangyarihan ang sambayanan at kayang puksain ng sama-samang pagkilos ang maling aksyon ng mapang-api. Hindi masasayang ang boses ng mga lumad kung sasamahan natin sila sa patuloy na paglaya. Tanging tinig natin ang lalagot sa taling mapaniil at marahas. Palayain ang mga bihag, bihagin ang mapagsamantala.


Lathalain

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

P10

Buhay at Musika BIANCA BAUTISTA

Sa bawat emosyon ng buhay, galit, saya, lungkot, takot, at pangamba, musika ang laging handang umagapay. Ang presensya nito’y hindi lamang para sumabay sa emosyon na nararamdaman ng mga tagapakinig ngunit upang tulungan silang magbulay-bulay sa mga pangyayari sa kanilang buhay. Parang isang kaibigan, ipinapaalala ng musika na lahat tayo’y may kasama sa lungkot man o ginhawa. Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic kung saan walang katiyakan, mas lalong naramdaman ang kahulugan ng musika. Naging tahanan at kasama ang musika sa gitna ng paghiwalay natin sa normal ng nakaraan. Tunay ngang, ang himig ng musika ay walang hangganan. Iniuugnay nito ang kuwento, emosyon, at buhay ng mga tao. Sa gitna ng pandemya, maraming musika ang maaaring paghugutan natin ng lakas at pag-asa. Narito ang mga musikang ito: Kung gusto mo ng iba’t ibang tempo at tunog, pakinggan ang Get in the Zone album ng SB19. Mayroon itong musika tulad ng Go Up na nagbibigay inspirasyon patungkol sa pag-abot ng pangarap. Ikako naman ang musika para sa mga frontliners. Nagbibigay ito ng mensahe ng pag-asa sa mga tagapakinig. Kung ang hanap mo naman ay kalmado at feel-good na vibes, pakinggan ang Lovesound album ni Jason Dhakal. Gumamit ang album ng iba’t ibang instrumento at harmonies na nagbibigay ng cool at relaxing na pakiramdam. Maisasabay ka naman sa lungkot at sakit sa bawat kalabit sa gitara at sa magiliw na balanseng boses nina Jensen Gomez at Reese Lansangen sa kanilang Maybe. Kung funky na ritmo naman ang nais mo, bagay sayo ang All I need nina Jacob Collier kasama ang Mahaalia at Ty Dolla $ign. Para naman sa walang ending na pag-aaral, sabayan mo ito ng Studio Ghibli ni Joe Hisaishi. Puno ito ng orchestral compositions na bagay na bagay pakinggan kung gusto mong punan ang iyong kaisipan.

Tila isang liwanag sa gitna ng kalawakang walang hangganan ang musika. Sa bawat lapat ng nota, ritmo, at tono, sumasabay ang tibok ng puso na nagbibigay buhay sa bawat tao. Isa pang rekomendasyon ang Nararahuyo nina Matthios at Dudut na nagbibigay ng matamis at kalmadong disposisyon. Nagtataglay ito ng temang malalim na paghanga. Para naman mapuno ng positibong pananaw ang iyong buhay, mainam na pakinggan ang Heavy ng Birdtalker. Tila isang liwanag sa gitna ng kalawakang walang hangganan ang musika.Sa bawat lapat ng nota, ritmo, at tono, sumasabay ang tibok ng puso na nagbibigay buhay sa bawat tao. Isang patunay na may buhay sa likod ng bawat musika.

Muni-muni sa Seldang Tahanan BIANCA BAUTISTA

Tahanan ang kanlungan ko sa isang mundong puno ng hinagpis. Pero bakit ngayo’y mistula itong selda at ako ang bilanggong naghahangad makalaya? May suwail na bisita. Walang pasintabing pumasok noong Ika-21 ng Enero taong 2020. Nagpakilala bilang COVID-19, galing pa raw ng China. Ipinilit ang sarili’t nagpapansin sa Pilipinas noong Marso sa parehong taon. Pinapasok ako sa kwarto at hindi na pinalabas. Walang pasintabing nanggulo. Buong akala ng mga tao’y aalis din siya kaagad. Noong una pa nga’y natuwa sila. Walang pasok, walang trabaho at eskwela, pahinga sa wakas. Akala kasi nila’y dalawang linggo lang mananatili ang bisita. Pero isang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagpapaalam. Pinasilip niya ako sa bintana. Pagmasdan ko raw ang walang kasiglasiglang lansangan. Pinauwi niya ang mga batang naglalaro. Tumawa siya’t hinayaang mabingi ako sa katahimikan ng dating masayang kalsada. At nang makapasok muli sa kwarto’y napatulala ako sa apat na kongkretong sulok katabi ang mga unan at kumot, nakakasawa’t nakakapagod. Inaya niya akong maglaro. Gagawa raw kami ng panibagong mundo. Siya ang bumuo ng tuntunin. Takpan ko raw ang aking ilong at bibig saka nilimitahan ang aking kilos. Pagkatapos ay pinabalik niya ako sa sala ng tahanan. Sabay naming pinanood sa telebisyon ang pagtaas ng bilang ng kaniyang mga biktimang sabi niya’y kalaro niya rin. Pinagmasdan ang

pagsalakay ng depresyon hindi lamang sa mga tao kundi pati sa mundo. Pinaramdam niya sa akin na makapangyarihan siya. Nagawa niyang pabagsakin ang ekonomiya at hinayaang mawalan ng hanapbuhay ang mga tao dahil sa pagsara ng mga establisyemento. Ang eskwela’y ikinulong niya rin sa loob ng smartphone at laptop. Nakapanlulumo, subalit tila wala siyang reaksyon. Hindi niya naririnig ang dagundong ng mga pusong isinisigaw ang hiling na sana’y isa lang siyang masamang panaginip. Na sana sa isang pitik o kurot ay aalis na siya sa silid. Hindi niya pinakikinggan ang bawat dasal na sana dumating na ang pag-asang bumalik ang mga tahanan sa pagiging kanlungan sa halip na manatiling selda ng mga taong natatakot habang nakatakip ang mga ilong at bibig. Madalas akong mapaisip kung may kasama pa ba ako sa tahanan bukod sa suwail na bisita. At sa mga sandaling ‘yon ay nakikita ko siya—si siyensiya. Dala-dala niya ang paalalang normal lang matakot; pero hindi ang sumuko. Sa kanya ako humuhugot ng pag-asa sa ngayon. Lagi niya akong binubulungan at sinasabihang hindi kailanman magiging rason ang takot para tumigil sa daloy ng buhay. Nakahanap ako ng kakampi. Aalis din ang bisita. Matatalo siya sa laban. Tiwala lang, hindi ako habambuhay na magmumunimuni sa seldang tahanan.

Illustrasyon ni Jacopo Manelli

Byaheng

betkya!

DANIELLA KRIZTANNA SEBASTIAN RONA RIZA GUZMAN

K

asabay ng mga pagbabagong hatid ng ‘bagong normal’, ay ang pagkauhaw natin sa bagong karanasan. Kaya naman ihanda na ang inyong bucket list, sapagkat narito na ang ilan sa mga pook-pasyalan sa Nueva Vizcaya na hindi niyo dapat palampasin! HOBBIT HOUSE

Dadalhin ka ng Courage Mountain Farm ng Brgy Bansing, Bayombong sa isang kakaibang dimensyon. Itutungo ka ng kanilang Hobbit House sa mala-Lord of the Rings na experience. Disenyong laryo ang hubog na pader at kulay berde ang bilog na pintuang kung papasuki’y sasalubong ang matitingkad na palamuti. Mahamog sa umaga ang lugar kaya't dinadagsa ito ng maraming lokal upang masilayan ang mapaglarawang tanawing nakikita mula sa itaas. Bonus pa ang sariwang hanging pinasasayaw ang mga makukulay na bulaklak sa tabing hardin. BANGAAN ROLLING HILLS

Sa Kimmattigid Bangaan Solano, may nagtatagong bundok-pasyalan. Pawi ang iyong pagod sa pag-akyat kapag nasaksihan na ang kamangha-manghang tanawin na nakapalibot dito. Kaabang-abang din dito ang magandang pagsikat at paglubog ng haring araw. Madalas itong puntahan ng mga siklista dahil sa maganda nitong downhill bike trail. Ang malawak na pasyalan ay swak sa mga mahihilig mag-mountain hiking. PAITAN FLOWER FARM

Kung gusto mo ng perfect instagram post, naghihintay na ang mga bulaklak sa Paitan Flower Farm ng Purok 6, Brgy. Paitan, Bayombong. Siguradong hindi ka magsasawa sa iba’t ibang uri ng tanim na inalagaa’t pinalaki ng mga residente doon. Imposible ring hindi ka umibig sa agaw-atensyon nitong sunflower field. LA FORTUNA FARM

Matatagpuan naman sa Purok 4, Brgy. Boliwao, Quezon ang kabighabighaning farm ng La Fortuna. Dinarayo ito ng maraming tao dahil sa malaBali nitong dating. Mapapahanga nga sa mahusay at makakalikasang palamuti't estraktura ng farm. Karamihan sa kanilang palamuti’y gawa sa tuyong dahon at kahoy na pinalibutan pa ng ibat-ibang klase ng bulaklak. Mayroon ding sariling kainan na nag-aalok ng masasarap at abot-kayang pagkain. Pinahihintulutan din dito ang overnight stay na siguradong swak sa iyong budget. SEA OF CLOUDS

Kung nais mo namang sumenti o magmunimuni, hanapin ang sarili sa Sea of Clouds ng Binuangan, Dupax del Norte. Mabibighani ka sa gandang hatid ng mala-dagat na ulap na tila isang panaginip kung maituturing. Masusubaybayan mo rin dito ang pagtaas ng araw sa dakong silangan. Humigop ng kape at panoorin ang mabagal na pag-usad ng ulap at anataying anurin nito ang iyong pagod sa paglalakbay. Hindi pa man sigurado kung kalian matatapos ang pandemya, sigurado namang sa dulo ng lahat ng ito’y magkikitakita pa rin tayo sa bawat tagong paraiso ng probinsiya.


Lathalain

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

P11

#THROWBACK SA SCHOOL GANAPS MARIELLE CAMONAYAAN

M

ahigit isang taon na ang nakalilipas nang huli nating naranasan ang #NVGCHSfeels. Kaya, tinanong namin ang ilang NVGians kung ano ang kanilang nami-miss sa sinisintang paaralan. Halina’t makithrowback tayo sa iba’t ibang school ganaps!

Frances Lopez 11-Hydra

HIBLA NG TRADISYON: Paghabi ng Noon at Ngayon

S

ining ang bumubuhay sa kultura. Ito ay maaaring maging bagting na nag-uugnay sa nakaraan at sa kasalukuyan. Hawak nito ang bitalidad na paglakbayin ang kultura ng isang katutubong grupo sa tarundon ng hinaharap.

Isang marilag na tapiseryang sagana sa likas at kultural na yamang pinag-iisa ng mga hibla ng magkakaibang pangkat etniko sa sinasalansan ang mga hangganang heograprikal ang Nueva Vizcaya. Isa sa mga pangkat etnikong naninirahaan dito ay ang Gaddang. Anim sa 15 na munisipalidad at ang lupain sa karatig na probinsya ang sakop na kung saan mayroong mga Gaddangs o mga Ga’dangs, ito ay isang resulta ng kanilang malawak na minanang tinubuang lupa. Isa sa mga pamiyang Gaddang na naninirahan sa Nueva Vizcaya ang ang Aban ng Bagabag. Sila ang nagmamayari ng Ga’dang Weavers and Beadworks (GWB), isang small-scale handicraft business. Ginagamit ng pamilyang Gaddang ang tradisyon ng paghahabi bilang mapagkukunan ng kita para sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Ang paghahabi ay isang tradisyunal sa sining ng higit 100 na pangkat etniko sa Pilipinas, bawat isa ay may kakaibang disenyo, estilo, at paraan. Ilang henerasyon na rin ang pinagmulan ng tradisyong ito. Ginagawa umano ng pamilya ni Myrna Aban ang negosyong ito hindi lamang para sa pera ngunit para patuloy ang pagyabong ng kulturang Gaddang at upang masilayan pa rin ng susunod na henerasyon ng Gaddang/Ga’dang Indigenous Cultural Community (ICC) ang ganitong tradisyon. Natutunan umano ni Ms. Aban ang kasanayang ito mula sa kaniyang mga ninuno sa Mountain Province noong siya ay bata pa. Ayon sa kaniya, ang government institutions tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), and the Provincial Government of Nueva Vizcaya (PGNV) ang tumulong sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang sining. “Isa ako sa livelihood beneficiaries ng PGNV, receiving P30,000.00 as financial assistance that I used in procuring a sewing machine and cloth

TRADISYONG GADDANG. Ibinibida ni Myrna Aban, isang Gaddang, ang kaniyang produkto sa paghahabi. Litrato ng Nueva Vizcaya Provincial Government

weaving materials,” dagdag pa niya. Pinayabong niya ang kaniyang negosyo sa pamamagitan ng paggawa ng katutubong kasuotan, ornamentasyon, alahas at artesano. Dahil sa pandemyang bumabalot sa mundo, gumawa rin siya ng facemask mula sa kaniyang mga hinabing tela na ibinebenta ng kanilang pamilya sa makatwirang pamilya. “Nakakapunta ang aming mga produkto sa Cagayan at Cebu. Naniniwala ako ng makapaggagawa kami ng mas maraming produkto kung mayroon kaming better production area. Nevertheless, nagpapasalamat kami sa tulong ng mga government agencies because they did not only help us financially but we also became known by many people through their write-ups in social media, which result in more orders,” aniya. Ang pagpapanatili ng mga porma ng sining ay ang pangunahing responsibilidad ng bawat isa, sapagkat ipinapakita nito ang mayamang kasaysayan ng lipunan. Ito ang responsibilidad na ginagampanan ng pamilyang Aban. Sa gitna ng modernisasyon sa kagiliran at sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, posible pa ring pagtambalin ang noon at ngayon. Ito’y upang ‘di tuluyang maglaho at mabaon na lamang sa limot ang tradisyonal na sining. Sa muling pagkabuhay ng kultura ng katutubo sa bansa, ay siya ring pag-alimuom ng pagkamulat sa pag-unlad at pag-asa. Hayaan nating sumabay sa agos ng panahon ang bawat hibla ng tradisyon.

“Pinakanamimiss ko talaga yung mga culminating activities ng bawat department kasi dito lang din parang nagkakaroon ng break yung bawat student and teachers, all fun lang walang halong stress sa schoolworks.” Pouline Yadao 12-Hera

“Given na isa ako sa mga taong aalis sa NVGCHS ngayong taon, hindi ko makakalimutan yung bond, memories, at lifelong lessons na nakuha ko mula sa bawat taong nakasama mapa-classroom man, school events, or during contests.” Brandon Dasalla 12-Hera

“Intramurals at Yes-O camp. Wala na kasi eh, hindi na mararanasan yung palakasan ng cheers sa bleachers kahit corny talaga yung yells na nagawa. Puro modules kasi ngayon, ang boring haha!” Justine Linsangan 8-SPJ

“Si Manong Guard. Yung ayaw magpapasok kapag walang ID. Shoutout

sayo sir, kahit magpapa-print lang kasi inutusan naman kami eh, ayaw talaga paawat huhu.” Liala Crisostomo 12-Zeus

“Yung kahit 11 am pa start ng klase niyo, nasa school ka na ng 7am kasi hindi mo naintindihan yung nakaraang discussion sa Calculus eh may exam or assignment kayo kaya magpapaturo ka muna sa matalino.” Alex Grade 10

“Kasabaan. Yung magiging masaya talaga uwian kasi may naghihintay sayong may forever juice tapos yung tindang tokneneng ni kuya Dhems na may pasobra kung birthday mo hahaha.” Paulo Calpatura

“Yung pagtambay sa bleachers with friends tuwing recess or yung mag-iingay ka sa coriddor sa Imelda building after makipagsiksikan sa canteen HAHAHA saka yung vacant classes na nagiging jamming or tawanan lang.”

Sa Wakas! CHARLOTTE JORGE

Sa wakas! Alas onse na. Isang linggo ko ring hinintay ang episode na ‘to. Handa na akong sabayan ulit ang introng talagang inaral at kinabisado ko pa. Raikantopeni! Naks, Thai na Thai! Ito na, mapapanood ko nang muli ang pinakaaantay kong Boys’ Love o BL Series. Madalas magtaka ang mga kasama ko sa bahay. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong natanong kung anong tinitilian ko sa ganitong oras. Ang alam nila, RomCom nina Daniel at Kathryn ang dahilan. Pero ang totoo’y malayo sa tipikal na pelikula o teleserye, BL ang genre na kinahuhumalingan ko ngayon. Itinatampok ang homoromantikong panlalaking relasyon o ang pag-iibigan ng dalawang lalaki. Nagsimula ito sa Japan bilang Yaoi Manga, ngunit mas nabigyang pansin sa mga seryeng ginawa ng Thailand. Sa kasalukuyan, mayroon na rin ito sa Pilipinas. Nariyan ang Gaya Sa Pelikula at Gameboys na nakasulat na sa listahan ng mga isusunod kong panonoorin. Sa ngayon, nagbabasa lang ako ng comments sa live chat ng YouTube. Nakakatawang libo-libo na ang kasama kong nag-aabang sa mga susunod na mangyayari. Para silang mga langgam na nagsusulputan. May kanya-kanyang opinyon, gumagawa pa ng sari-sariling ending. Pero higit sa lahat, sabay-sabay na binubuwag ang mga madalas na esterotipo sa LGBTQ+. Aaminin ko, isa rin ako sa mga nasanay sa iisang karakter ng homosexual na lalaki sa pelikula o palabas. Kung hindi sila bestfriend na

komiko at pangkatuwaan lang, sila yung madalas apihin ng mga tao. At nadala ito hanggang sa totoong buhay—katotohanang malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa mga naranasang diskriminasyon sa LGBTQ+. Sa BL, para kang binubuhusan ng malamig na tubig. Hindi kasi kinukulong ang mga karakter sa ideyang kailangan babae ang kanilang pagkilos. Hindi dapat nasusukat ang kanilang sekswalidad sa kanilang itsura. At higit sa lahat, hindi lamang umiikot ang pag-ibig sa magkaibang kasarian. Kaya sa tuwing natatapos ko ang isang series, ngingiti ako at pakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Matutulog ako nang masaya. Hindi lang dahil sa kilig at aliw kundi dahil sa ideyang ito na, ibinigay at sinusuportahan na ang tamang representasyong kay tagal hinanap at hinintay ng aking mga kaibigan, kamag-anak, kakilala at ng komunidad. At alam kong sa tuwing sasapit na ang alas onse, ang bawat Raikantopeni ay bubulong sa kanila ng ‘’Uy! Unti-unti ka nang natatanggap ng lipunan, hindi mo na kailangang matakot. Sa wakas.’’

TATLONG BL SERIES/MOVIES NA DAPAT MONG PANUORIN Gaya sa Pelikula PAHAYAG NG NANUOD: “Gaya Sa Pelikula isn’t only a series. It depicts the situation of those who are still in the closet, those who are afraid of judgment if they come out and those who never get tired to trust again but still fails to reciprocate the love the keep tryin to give. Isa itong obra maestra” -@ itspaumendoza_

Dark Blue Kiss PAHAYAG NG NANUOD: “Dark Blue Kiss is a good series not only because of the artists working on that project, but also because of the MESSAGE IT DELIVERS. it shows the struggles of a queer, not ready to face the world with acceptance of who [they] really are. it is something that everyone should see with eyes open widely. with minds open, ready to take new information of the world. this series is not only for ‘entertainment’ and ‘puro kabaklaan lang’, this series is a meaningful one.” -@ earthmixie_

Your Name Engraved Herein PAHAYAG NG NANUOD: “I finally finished watching Your Name Engraved Herein (Taiwan, 2020) and it resonated with me so strongly in so many different ways to the point na kailangan ko ng isa pang buhay para ma-process ‘to.” -@dragongirlG


ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

AgTek

NILALAMAN NG SEKSYON Pagsibol ng Tangkay Pahina 12

P12

Langit Lupa Impyerno Pahina 13 INFOGRAPIKS: COVID-19 Pandemic Pahina 14

Pagsibol ng Tangkay LARA RAGASA

INSET 2021. Nagsisilbing tagangasiwa ng programa sina Teacher Jeff at Teacher May sa 2021 INSET, March15-19, 2021. Screenshot mula sa DepEd TV Official.

Virtual INSET 2021, tinutukan ang aspetong digital NYL LAGUIT

Upang mapalawig ang kasanayan ng mga guro ukol sa digital teaching materials, ikinampay ng Information and Communications Technology Service Educational Technology Unit (ICTS-EdTech) ang Virtual In-Service Training (INSET) for Public School Teachers, alinsunod sa DepEd Order No. 012, s. 2021, Mar. 15-19. Ipinaliwanag ni Undersecretary Alain Del Pascua na ang limang araw na sesyon ay may layong palaguhin ang kaalaman at kakayahan ng mga guro hinggil sa mga makabagong kagamitan, sistema, at estilo sa pagtuturo na makatutulong

sa paghahatid ng dekalidad na instruksyon. Ilan sa mga tinalakay na paksa ang Effective Delivery of Synchrnous/Asynchronous Teaching, day 1; Effective Utilization of Multimedia Materials: DepEd TV, day 2; Google Workspace for Education Fundamentals, day 3; Interactive Instructional Materials, day 4; at Technology Integration and Instructional Materials Development/Preparation in English Language, day 5. Dinaluhan ito ng mga kinatawang guro ng bawat dibisyon mula sa iba’t ibang rehiyon. Kabilang sa mga kalahok

PERSEVERANCE

Martian Exploration, opisyal nang sinimulan NIGEL AGUIRRE

Matagumpay na lumapag sa planetang Mars ang rover na pinangalanang Perseverance na bahagi ng misyong Mars 2020 ng National Aeronautics and Space administration (NASA), Feb. 18. Humanap ng mga palatandaan ng sinaunang buhay at kumulekta ng mga bato at regolith sa nasabing planeta ang pangunahing layunin ng Perseverance. “These will gather science data in ways that weren’t possible before,’’ saad ni George Tahu, Perseverance Program Executive ng NASA, sapagkat ito ay ginamitan ng mas makabagong teknolohiya at kinabitan ng mas maraming camera. Pinakawalan mula sa Perseverance ang inilakip na drone-size helicopter na pinangalanang Ingenuity nitong April 4 at unang lumipad nito lamang April 11. Ito ay upang pag-aralan ang kakayahan ng

isang helicopter na lumipad sa manipis na himpapapwid ng planeta. Ibinase sa Curiosity, isa pang rover na ipinadala sa parehong planeta noong August 2012 na magpahanggang ngayon ay naroon pa rin, ang halos 85% ng Perseverance upang maiwasan ang komplikasyon. Sumakay sa Atlas V-541 rocket mula sa Florida at inabot ng pitong buwan matapos itong paliparin noong July 30 ng nakaraang taon bago ito nakarating sa Jezero crater ng red planet. Ang eksplorasyon ng Perseverance ay inaasahang aabutin ng isang Mars year o 687 na araw sa planetang Earth. Ang car-sized rover ay ginawa ng Jet Propulsion Laboratory ng NASA na umabot ng $2.4 billion sa $2.7 billion na kabuuan ng buong proyekto

Larawan mula sa NASA

si Voltaire Jacinto, teacher III ng Science sa Nueva Vizcaya General Comprehensive High School. Ginamit sa training ang DepEd Professional Development Learning Management System (PD-LMS) nang sa gayon ay masuri ang mga kalahok at masunod ang “No Output, No Certificate” policy. Kabuuang 18 sertipiko ang iginawad sa mga kalahok bilang tanda ng kanilang pakikibahagi sa diskusyon ng bawat topiko. Ipinanood ang mga talakayan sa Yotube channel ng DepEd EdTech Unit sa pamamagitan ng livestream.

‘Di maaapi, madudusta, at mahahamak. Abante babae! Isang mahalagang desisyon ang dapat gawin ng mga estudyante sa pagpili ng strand na kanilang kabibilangan. Kabilang sa mga pagpipilian ang STEM, kung saan magkahalong agham (Science) at sipnayan (Math) ang maiging tinatalakay. Ang kaibahan ng kurikulum na ito ay ang pagtutuon sa mga nakaabanteng konsepto. Lohikal, kritikal, at makatotohanan kung mag-isip at mangatuwiran. Nakapagbibigay ng konkreto, epektibo at pangmatagalang solusyon sa mga krisis sa mundo. Sa loob ng maraming taon, nanatiling nakararami ang kalalakihan sa kurikulum at mayroon pa ring mababang kasaysayan ng pakikilahok ng mga kababaihan . Humigitkumulang 30% ng mga siyentipikong mananaliksik sa buong mundo ang mga kababaihan, ayon sa datos ng United Nations. Ipinakikita mula sa mga pag-aaral na ang mga kababaihan ay pinanghihinaan ng loob o hindi gaanong interesado sa mga karera ng STEM. Sa kabila ng hamon ng diskriminasyon sa kasarian, buhos-loob na determinasyon at ‘di natitinag na katatagan ang kanilang ipinapamalas. Walang alinlangang nakikipagsabayan upang makapagbigay serbisyo at magsilbing ehemplo at inspirasyon. Kapitapitagang kababaihan din ang nangunguna sa pakikipagsapalaran laban

sa Covid-19 sa buong daigdig. Hinggil rito, binigyang-pugay sila noong Araw ng mga Bayani sa pagtugon sa pandemya. Maituturing na Gabriela Silang at Maria Clara ang bawat kababaihan sa kani-kanilang munting paraan. Nitong Marso, ipinagdiwang ang Buwan ng Kababaihan. Ngayong taong tema ay “Juana Laban sa Pandemya, Kaya?” Binibigyang diin ang pakikilahok at papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pakikipaglaban sa pandemya, gayundin sa pagharap sa mga isyu ukol sa kasarian. Ang madungis na wangis ng kababaihang nakapinta sa nakaraa’y unti-unting matatabunan ng huwarang serbisyo sa sambayanang Pilipino. Ang marusing na sapantaha’y wawagayway ng kadakilaan. Naipagkaloob ang alpas na nakakubli sa matagal na panahon. Kaya mainam na suportahan natin ang mga kababaihang nais tahakin ang mundo ng agham, teknolohiya at matematika. Sa ganitong paraan, mas mapalalakas natin ang kanilang kalooban at mahihikayat natin silang bumuo at mag-ambag ng kolektibong mga ideya, solusyon at proyekto para sa kasalukuyang kinahaharap ng ating bansa. Hindi limitado sa pagiging babae ang halaga, husay, lakas, talento at puso sa pagpaplano at paggawa ng desisyon. Matapang nating haharapin ang tanikalang gumagapos sa kanilang kasarian. Kamitin ang paglaya sa sistemang misoginista at sumibol sa kanikaniyang tangkay!

SEX EDUCATION

Usapang ‘SEX’ MARIELLE CAMONAYAN

H

indi kailanman matatakasan ng pagiging komportable ang kapahamakang bitbit ng pinid na kaisipang inilalayo tayo sa tamang impormasyon at matatalinong desisyon.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang mayroong konserbatibong kultura. Dahilan kaya magpahanggang ngayo’y ‘taboo’ kung maituturing ang diskusyon tungkol sa sex. Kung kaya’t hindi kita masisisi kung para sayo’y bulgar at hindi komportable ang sulating binabasa mo. Traumatiko sa marami ang pagbanggit ng salitang sex at mga kaakibat nitong termino. Nilito kasi tayo sa kaisipang ang pagbanggit sa mga normal na pribadong parte ng katawan ng tao ay bastos at nangangailangan pang pagtakpan ng mga heuristikong termino gaya ng ‘bird’, at ‘flower’ gayong wala naman itong pinagkaiba sa iba pang parte tulad ng mata, ilong at tainga. Kaya naman hirap tayo sa komprehensibong pag-unawa sa kung ano ang tama at mali. At madalas, ang pagiging inosente pa ang magpapain sa atin sa pang-aabuso. Lingid sa kaalaman ng marami, ang reaksyon natin sa usaping sex ay bunga ng pangkabuuang historikal na pagkadaklot ng pyudalismo at kolonyalismong Kastila sa ating kultura. Itinuro nila na

anumang pisikal, mental at berbal na aksiyong kaakibat ng sex ay kasalanang may kapalit na kaparusahan kaya natatakot tayong pag-usapan ito. Pinagtatalo rin nito ang kultura at relihiyon sapagkat sinanay tayo sa persepsyon na ang ‘sex’ ay iikot lamang sa pakikipagtalik. Parehong moralistikong kaisipan ang nag-uutos sa ating maniwala na masama ang sex education. Pinagtatakpan nito ang kabuluhan ng pagpapabilang ng diskusyon sa batayang kurikulum ng pag-aaral. Subalit ang hindi natin alam, ang kawalan ng access sa sex education ay isang tanikalang bumibigkis sa kinabukasan ng kabataan at ng ating henerasyon sapagkat hindi tayo napahihintulutang mamulat hindi lamang sa makatotohanang depenisyon ng sex kundi maging sa malalawak na ideya ng family planning, transmitted diseases, aborsyon, women empowerment at human sexuality. Mayroong 24 na sanggol ang naisisilang kada oras ng mga kabataang nasa edad 1019. Mayroon ding 19 kaso ng HIV aids sa edad na 15-24 ang naitatala sa isang araw. Taliwas

sa pinaniniwalaan ng marami, hindi pagiging iresponsable ang puno’t dulo ng mga isyu kundi ang kawalan ng kamalayan sa batayang responsibilidad at kahandaan na maihahatid lamang ng maayos na pagtalakay sa malinaw na mga layunin ng sex education na mabigyang pagkakataong matutuhan ng kabataan ang tamang pagdedesisyon pagdating sa usaping pangkalusugan. Apat naman mula sa limang kababaihan ang umiiwas sa pagbubuntis subalit 65% ang walang alam pagdating sa contraceptives. Ang hindi pagpapalawig ng impormasyon sa paggamit ng mga ito ay nagreresulta sa hindi ligtas na aborsyon. Bukod pa rito, hindi nito nabibigyan ng pagkakataong maintindihan ng kababaihang mayroon silang kalayaang mamili ng kinabukasang kanilang nais haharapin. Sa sandaling mamulat tayo mula sa pambubulag ng tradisyong ipinamana ng ating kolonisador na siyang nag-uutos sa ating mandiri at iwasan ang usaping sex, mauunawaan nating wala naman talagang dapat iwasan o pandirian. At kung matapang nating pagtutuunan ng pansin ang pagpapalawig ng kaisipan at damdamin tungkol sa nosyon ng pag-aaral sa sex sa kulturang konserbatibo nang hindi pasibo, moralistiko, patriarkyal, at etilista ang dating, mas magiging malaya, mapagpalaya, at bukas tayo sa iba pang diskusyong kultural at politikal—higit pa sa pagiging komportable lamang.


AgTek

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

EDITORYAL

KATOTOHANAN

P13

LARA RAGASA

Boses ng Agham

Langit Lupa Impyerno

H

indi matapostapos ang kwento at wala tayong ideya sa kung ano ang dulo. Kaya dito sa parehong istorya at mundo, maglaro na lang muna tayo. Langit. Lupa. Impyerno. Sino ang taya?

Naitala ang Pilipinas bilang pinakababa pagdating sa COVID response sa lahat ng ASEAN countries sa nilabas na sarbey ng ASEAN Studies Center of the ISEAS-USOF Ishack Institute sa Singapore. Nangangahulugang higit isang taon na tayong taya at hanggang ngayo'y hindi pa rin maisahan ang kalabang hindi natin nasisilayan. Nang maideklara ng pamahalaan ang simula ng pandaigdigang krisis, ramdam na ng bawat indibidwal ang nagbabantang pagbabago sa bansa dulot ng corona virus o mas kilala bilang COVID-19. Mula sa pagtatalaga ng mahigpit na hygiene, pagtuldok sa mga hanapbuhay hanggang sa pagsasara ng bawat paarala't establisyemento, sinanay ang bawat Pilipino sa ideya ng 'bagong normal'. Naging sandigan ng Pilipinas ang 'quarantine' na umikot sa ECQ, MECQ, GCQ at kung ano pang pansamantalang lunas na hatid ng pamahalaan. Ang

lahat ng pagbabagong ito'y hinarap, tiniis at sinunod ng bawat mamamayan, anuman ang estadong sosyo-ekonomikal. Subalit hindi naging sapat.

sa inaasahang permanenteng lunas—bakuna. Subalit maging sa pagpili ng bakuna'y tila hindi nauuna ang kapakanan ng mamamayan.

Kasabay ng mabilis na pagkalat ng virus ang paglaho ng pag-asang manalo laban dito. Kumapit ang mamamayan sa pamahalaang noo'y nagpakilalang kakampi subalit siya ring unang bumitaw nang hindi na matapos ang laban. 17.9% ng mga Pilipino ang dismayado sa laro ng administrasyong Duterte pagdating sa COVID response— pinakataas na dissaproval rate sa lahat ng bansa sa Southeast Asia. Mulat ang mga Pilipino sa kasalukuyang kaganapan, tila winawari ang kulang at mali sa mga aksyong sila rin ang inaasahang tumupad. 72.2% ng mga Pilipino ang nagsabing nararapat magtiwala sa taktika ng siyensiya at hayaang manguna ang mga dalubhasa sa solusyong medikal—salungat sa solusyong militar na hatid ng bansa. Hindi naging sapat sa loob ng halos isang taon ang pulos lockdown at pagparalisa sa buhay ng mga tao. Nangangailangan ito ng kaakibat na solusyon, tamang plano at aksyong makaPilipino. Sa ilang taong pagtitiis, kumakapit ngayon ang lahat

Tayo man ang taya, maaari pa rin nating baguhin ang takbo ng laro. Tayo naman ang kikilos, gagawa ng sariling langit at wala nang impyerno. Ang pakikinig ng administrasyon sa mga boses na kumakawala't naghihintay mapakinggan, ang hudyat ng matagumpay na larong kakampi ang hanap ng isa't isa. Kung nais ng pamahalaang sumama sa pagkapanalo, hindi dapat tayo nagtatalo sa laro. Wala sa langit ang mga naghaharing-uri. Hindi rin dapat nananatiling taya ang sambayanang sa bawat kalabit ng kamay nila'y sunod-sunurang pinatitigil na tila mga papet sa sariling bansa at mistulang walang kakayahang ipaglaban ang mga sarili sa iisang lupa. Sa pagtatapos ang kwento, wala pa man tayong ideya sa kung ano ang dulo, isa lang ang sigurado. Sa parehong istorya at mundo, wala sa langit, sa lupa o impyerno ang makapagliligtas sa bawat Pilipino. Kundi nasa sensiya at tamang serbisyo.

Kakampi o kaaway

Baguhin ang Laro

Onda ng alinlangan ang patuloy na umaagos sa mga indibidwal. At parehong alinlangan ang nagsasara sa kaisipang mayroon pa tayong haharaping bukas. Habang tahimik tayong nakikipagbabakan sa hindi lantarang kaaway na patuloy na kumikitil ng buhay, asam ng bawat Pilipino ang bakunang magbibigay ng pag-asa upang matuldukan na ang pag-aalala. Kaya tila nagkaroon ng liwanag nang dumating ang kaunaunahang talaksan ng mga bakuna sa Pilipinas. Mayroong 600,000 doses na CoronaVac mula sa Chinese company na Sinovac ang dumating nitong ika-28 ng Pebrero. Sumunod naman ang pagdating ng AstraZeneca vaccines nitong ika-4 ng Marso—ang unang talaksan ng kabuuang nasa 40 milyon doses na bakuna na mangagaling sa COVAX Facility. Kasabay nito, inihayag ng Immunization Technical Advisory Group na inirerekomenda ang CoronaVac sa health workers kahit pa 50.4 porsiyento lamang ang efficacy rate nito sa clinical trials sa medical frontliners sa Brazil. Marami sa atin ang ayaw tumaya at hindi sumasang-ayon sa paggamit ng bakuna sa kabila ng katotohanang makatutulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng lubos na nakahahawang sakit. Lalong nadagdagan ang takot nang maibalita ang pagkasawi ng ilang mga nabakunahan ilang araw o lingo lamang matapos maturukan. Dagdag pa rito, sariwa pa ang alaala ng kontrebersiya sa Dengvaxia noong 2016. Subalit sa halip na hanapin ang sisi sa mga nag-aalinlangan, sana’y ituon ng pansin ang pamahalaan ang pagpawi sa pag-aalala at pagdududa upang mahikayat ang taumbayan na magtiwala sa natatanging paraan para makalayo sa virus. Imulat sila sa katotohanang naglalaman ng messenger Ribonucleic acid (mRNA) na parte ng orihinal na cells ng tao ang bakuna. Ito ang nagbibigay dahilan upang tanggapin ng ating katawan ang bakuna’t hindi ito ituring na delikado. Naglalaman din ito ng hindi aktibong parte ng virus upang mag-trigger ang immune response upang

gumawa ang katawan ng sariling antibodies laban sa virus. Dahilan upang mapigilan ng ating katawan ang muling pagpasok ng virus sa ating dugo at cell.

Kung nais nating makabangon mula sa pagkapilay na dala ng virus, tanging tiwala sa mga eksperto ang sandigan natin upang harapin ang kinabukasan. Kinakailangan nating magtiwala sa payo ng World Health Organization na ang pagpapabakuna ang pinakaepektibong paraan upang mabawasan ang epekto ng virus. Hindi lamang para sa kagustuhang maproteksyunan ang sarili kundi upang mas magkakaroon tayo ng seguridad na hindi makahawa ng iba. Bukod pa rito, maipapakita rin natin ang ating pagsuporta at pagpapahalaga sa pagod ng mga health workers o fronliners. Nasa sa atin pa rin ang desisyon. Hindi man nito tuluyang mapapatay ang virus, ito ang unang hakbang upang masugpo natin ang pagkalat nito. Kung nais nating makabangon mula sa pagkapilay na dala ng virus, tanging tiwala sa mga eksperto ang sandigan natin upang harapin ang kinabukasan. Hindi masamang matakot. Subalit kung takot ang nag-uutos sa ating mawalan ng tiwala sa siyensiya, tayo na mismo ang magdadala ng panganib sa haharaping bukas.

KALIKASAN

Malaking ice berg, humiwalay sa Brunt Ice Shelf NYL LAGUIT

Humiwalay na nang tuluyan ang isang malaking iceberg, may sukat na 1,270 square meters, mula sa Brunt Ice Shelf sa Antarctica, ayon sa British Antarctic Survey, Feb.26. Dumausdos palayo ang iceberg, halos doble ng Metro Manila at mas malaki pa sa mga lungsod ng Europe, malapit sa United Kingdom Antarctic Base bunsod ng prosesong tinatawag na “calving.” Halos isang dekada nang inaasahan ng mga glaciologist ang malawakang calving matapos mamutawi ang unang malaking cracks nito na nadagdagan pa noong Nobyembre ng nakaraang taon, na ayon sa BAS ay nagpabilis.

“Our teams at BAS have been prepared for the calving of an iceberg from Brunt Ice Shelf for years,” saad ni BAS director Professor Dame Jane Francis. Maituturing bilang natural na proseso ang pagbiyak ng mga ice berg mula sa Antartica, ngunit maaaring maapektuhan ng climate change o pagbabago ng klima. Bagaman pinaghihinalaan ng marami na dulot ito ng climate change, walang sapat na ebidensya upang mapatunayang naging makabuluhang salik ito sa sitwasyon Hindi pa malinaw ang implikasyon nito sa natitirang ice shelf at patuloy pang minamatyagan ng BAS ang

paggalaw ng iceberg sa pamamagitan ng automated network ng high precision GPS instruments. “Our job is to keep a close eye on the situation and assess any potential impact of the present calving on the remaining ice shelf,” sabi ni BAS Director of Operations Simon Garrod. Dagdag pa ni Francis, maaaring dadausdos pa ito palayo o mananatiling malapit sa ice shelf. “Over coming weeks or months, the ice berg may move away; or it could run aground and remain close to Brunt Ice Shelf.” EPEKTO NG CLIMATE CHANGE. Tinatayang 1,270 square meters ang humiwalay na isang malaking ice berg sa brunt ice shelf sa Antartica. Litrato mula sa Sentinel Hub


AgTek

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

P14

LABAN KONTRA COVID Kumusta, Pilipinas?

MARSO 2020

ENERO 2020

16

30

Simula ng ECQ sa Luzon

Naitala ang unang kaso

Isa ang Pilipinas sa limang bansa sa SOUTHEAST ASIA na may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.

1

MARSO 2020

MARSO 2020

25

22

Pagdeklara ng Travel ban

Pagpirma ng Bayanihan Act

29

TOTAL CASES

1,046,653 (May 1, 2021)

NAMATAY

72, 248 957,051 17,354

hiwaga ng BUKO: vco Epektibo sa covid-19 LARA RAGASA

Puno ng buhay, puno ng pag-asang magliliwayway. Ang makukulit na imahinasyon ay ang kadalasang nagbibigay kasagutan sa ating mga problemang patuloy na sumusubok sa ating katatagan. Kasabay ng walang humpay na paglobo ng mga kaso ng Covid-19, patuloy pa rin ang pagpapamalas ng kagalingan ng aklasan ng agham. Sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST), natagpuang nakagagaan ng banayad na sintomas at hinihinalang kaso ng Covid-19 ang langis ng niyog. Isang pagkakataon ito sa mga mananaliksik upang pag-aralan ang mga epekto nito sa mga pasyente na may malubhang sakit at dati ng mayroong mga kondisyong medikal. Ayon sa Department of Health (DOH), taglay ng mga indibidwal ang presensya ng karaniwang sintomas ng naturang sakit tulad ng ubo, sipon, kawalan ng pang-amoy at panlasa, at mayroon din silang travel history. Kaanib ang FNRI, 57 ang kinailangang pasyente mula sa dalawang quarantine facilities sa Laguna, Sta. Rosa Community Hospital Isolation Unit at Sta. Rosa Community Isolation Unit.

3 Malaysia

4 Myanmar 5 China

Ayon kay Edson Guido, isang data analyst, 1.7% pa lamang ng populasyon ang nababakunahan sa Pilipinas

Simula ng ECQ sa NCR Plus

NAKA-RECOVER

Philippines

#Resbakuna UPDATES

MARSO 2021

AKTIBONG KASO

2

Indonesia

Sa isinagawang pag-aaral, 29 indibidwal ang kabilang sa pangkat na mabibigyan ng Virgin Coconut Oil (VCO), at ang nalalabing 28 na indibidwal naman ang magsisilbing control. Sa treatment group, inihalo ang VCO sa likidong anyo sa kani-kanilang mga pagkain sa loob ng 28 araw. Sa ika-una hanggang ikatlong araw, 0.6 mL ng VC0/kg body weight ang naibigay sa kanila, at nadagdagan ng 1.2 mL sa ika-apat hanngang ika-28 araw. Ang pangunahing kinalabasan ng pag-aaral ay ang bawas sa sintomas tulad ng mas maluwag na paghinga at ang bawas ng kadalasan sa pag-ubo. Ukol kay Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, ang sintomas na taglay ng mga indibidwal sa VCO group ay nabawasan sa loob lamang ng dalawang araw, samantala sa control group ay nakitaan ng bawas sa sintomas sa loob ng tatlong araw. Tuluyang nalipos ang sintomas ng mga indibidwal sa VCO group pagkatapos ng 18 na araw kumpara sa control group na umabot ng 23 araw bago tuluyang mawala ang mga sintomas ng mga indibidwal. May anti-viral properties ang VCO na nagsisilbing mekanismo sa pagbabawas ng sintomas. “Through this study, it was hoped that VCO can be used as a supplement to improve the health

Sa kasalukuyan (Mayo 1, 2021), 35,320 doses ang naibabahagi bawat araw. Aabutin ng 10.7 na taon bago makamit ang 70 milyong target sa kasalukuyang vaccination rate. I-scan ang QR Code upang maging updated sa lagay ng Pilipinas patungkol sa Covid-19!

condition of the individuals considered as suspect of probable cases and to also reduce the numbers of day of stay in the hospital or quarantine facility,” dagdag pa nito. Ikintal sa ating mga isipan na ang VCO ay hindi lunas, ngunit isang suplemento na makatutulong upang maiwasan ang paglala ng Covid-19. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga hinihinalang Covid-19 patients at hindi sa mga pasyenteng may malalang sintomas nito. Magsisilbi itong pundasyon ng ating pang-araw-araw ang mga bagay na nagawa at higit na napapadali at nagiging sagot sa ating mga hinaing. Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang makatutulong sa pag-iwas at pagbabawas ng sintomas ng Covid-19, malaki rin ang ambag nito sa agrikultural na aspeto ng ating bansa. Malaki ang kontribusyon nito sa industriya ng niyog lalo na sa milyong coconut farmers na nakasalalay ang estado ng buhay sa tinatawag na “tree of life’’. Hindi dapat magpadalos-dalos sa mga hakbang nagagawin, dahil ito ay maaaring magbunga ng negatibo. Ang pagtuklas sa mga bagong kaalaman ay kailanma’y hindi magtatapos, kung kaya’t nararapat natin itong pahalagahan. Nasa paligid lamang ang mga solusyon sa ating kinahaharap na problema, kinakailangan lang natin ng oras upang matuklasan at mapag-aralan ang mga ito. Huwag tumuon sa ideyang matuldukan nila ang pandemya agad, tumuon sa ideyang makatapos ng kabanata. Ang kagalakang nagmumula sa pagkumpleto ng bawat bahagi ay makatutulong sa atin na magpatuloy at subaybayan ang pagunlad patungo sa pangwakas na layunin.

Ethanol Production Facility, itinatag sa NVSU – Bayombong NYL ALDRIN LAGUIT

Nagtayo ng ethanol production facility ang Nueva Vizcaya State University – Bayombong kaagapay ang Department of Science and Technology, na makatutulong sa paggawa ng ethyl alcohol mula sa mga produktong agrikultural gaya ng palay at mais upang aksyunan ang kasalukuyang demand ng alcohol-based sanitizers bunsod ng COVID-19. Pinondohan ng DOST R02- GrantIn-Aid program noong 2020 ang proyektong “Development of a novel processing facility for the conversion of agricultural products to ethyl alcohol” na pinangunahan nina Rommel Simbol, PSTC- Nueva Vizcaya Provincial Director; Lori Shayne Busa, Project Leader; at Dr. Wilfredo Dumale, NVSU Vice President for Research, Extension, and Training. Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, nakipag-ugnayan ang kagawaran sa NVSU sa pagbuo ng nabanggit na pasilidad sa Cagayan Valley at naghandog ng digital refractometer, handheld density meter, at iba pang kagamitan. Samantala, ipinaliwanag ni Busa ang mga hakbang sa produksyon ng alcohol kabilang ang preparation, two pre-treatment processes, sterilization, fermentation, distillation, at packaging. Sa isang Facebook post, inihayag naman ng DOST Region II- Nueva Vizcaya na isinagawa nina PSTC-Nueva Vizcaya Science Research Specialist Rommel Simbol at Project Assistant Rowena Daang ang aktwal na demonstrasyon ng produkyon nito sa NVSU Analytical Facility, Mayo 31. Inusisa ni DOST provincial director Jonathan Nuestro na batay sa demonstrasyon, nagpakita ng 70% efficacy ang produksyon ng bioethanol alcohol. Dagdag pa niya, gagamit din ng iba pang agricultural waste at by-products sa paggawa nito. Inaasahang matatapos ang pagtatatag ng pasilidad ngayong taon.

Ikintal sa ating mga isipan na ang VCO ay hindi lunas, ngunit isang suplemento na makatutulong upang maiwasan ang paglala ng Covid-19.


Isports

ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

P15

MOBILE LEGENDS

#BRENLANGMALAKAS

Bren Esports, naghari sa M2 World Championships NYL ALDRIN LAGUIT

Bumandera ang alas ng Pilipinas na Bren Esports matapos magpamalas ng mahusay na taktika laban sa Burmese Ghouls ng Myanmar, 4-3, sa kampeonatong laro ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) M2 World Championship na ginanap sa Singapore, Jan. 21. Mabilis na umarangkada sa una at ikalawang round ang Bren nang magpakitang-gilas at rumatsada sa kills ang Lancelot

P50M, inilaan para sa pagpapaayos NIGEL AGUIRRE ng CLISOC Field Layong gawing mas ligtas at maiangkop sa mas maraming uri ng isports, naglaan ng 50 milyong piso mula sa 2019 at 2020 regular fund ang lalawigan ng Nueva Vizcaya upang isaayos ang Nueva Vizcaya Sports Complex o mas kilala bilang CLISOC. Sa pangunguna ng Provincial Engineering Office na isasagawa

specialist na si KarlTzy, jungler, at Pheww, midlaner/support, dahilan upang maungusan ang Ghouls at iabante ang puntos sa 2-0. Umagapay naman ang Ghouls sa paglatag ng malawak na hero pool sa tatlong magkakasunod na round. Pinaigting nila ang pagbuo ng mabisang lineup at setup na tumibag sa rotation ng Bren, naging susi upang baguhin ang takbo ng laro at maglayag tungo

sa 2-3. Naging mabusisi ang Bren sa drafting ng huling dalawang round. Sinamantala nila ang pickoff potentials kaakibat ng matinding teamfight initiations ni Lusty, tank/support, dahilan upang matalo ang Ghouls, 4-3, at tuluyang masikwat ang titulo bilang “world champions.” Iginapang ng Bren Esports ang laban sa lower bracket bago pabagsakin ang Burmese Ghouls sa best-of-seven series.

Pinataob nila ang RRQ Hoshi ng Indonesia, 3-1, para muling makaharap ang Ghouls sa finals. Nag-uwi sila ng premyong $300,000 at tinanghal na Finals MVP si Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno na tumanggap naman ng $3,000. Dinaluhan ito ng 12 koponan, mula sa iba’t ibang bansa, na kinabibilangan ng Bren at Omega Esports na mga pambato ng bansa.

LATHALAIN

ng Macro Asia Construction/ Agafer Construction and Trading, kalakip ng proyekto ang paglalagay ng konkretong oval (5929.6 sq. m. x 0.1m.), rubberized coating oval system (5923.32 sq. m. x 14mm) sa 50 mm. kapal ng aspalto, 977.14in.m. CHB line canal, at turfing/grass planting na ipapantay sa soil soccer field.

AEROBIC GYMNASTICS NATIONAL VIRTUAL MEET

Atleta ng NVGCHS, namituin sa aerogymnastics NIGEL AGUIRRE

Iba ang pusong berde! ‘Yan ang pinatunayan ni Sherene Jan B. Carza ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School (NVGCHS) matapos angkinin ang mata ng manonood gamit ang alindog, stamina, at nakamamanghang routine nang irepresenta ang Region 2 sa Aerobic Gymnastics National Virtual Meet 2021, May 15-20. Nasungkit naman ni Carza ang ikapitong pwesto sa individual women category. “Naghanda at nagsanay

kami ng higit isang buwan para sa pansariling progreso namin at naglaan din kami ng sapat na oras para magsanay nang sabay. Sa kabila ng pagiging strikto sa mga alituntunin dahil sa COVID – 19, naghanap kami ng daan upang pag-isahin ang aming mithiin,” saad ni Carza. Ang performances ng mga kalahok sa laban kabilang si Carza ay kinuhanan ng video at ipinadala sa mga hurado. “Ang kahalagahan ng mga ganitong kaganapan ay nakasadlak pa rin sa katotohanang makatutulong ito upang mapalakas ang kumpiyansa sa sarili,” sabi ni Carza,“ isang epektibong paraan din para makapaglibang sa gitna ng pandemya,” dagdag pa nito. Nagsilbing tagapagsanay si Rowena Reguyal, guro ng MAPEH Department, sa nasabing kompetisyon.

SALOOBIN

NIGEL AGUIRRE

Simula’t sapul, lantaran ang pagkahumaling ng mga pinoy sa kahit anumang makabago, mapa-fashion, kagamitan, o sa isports man. Ngunit sa tuluyang pagdomina ng pandemya, lubusang humimpil ang karamihan sa kadalian, kasiyahan, at kaligtasang dala ng Electronic sports o Esports. Usaping umani ng hating sentimyento ng madla. Ang Esports ay katawagan sa pangkalahatang kompetisyong nagaganap sa virtual world, partikular sa pagitan ng propesyunal na manlalaro, isahan man o pangkatan. League of Legends, Counter Strike, Valorant, Fortnite, at ang pinakaaantabayan ngayon sa Pilipinas, ang Mobile Legends, ay ilan lamang sa mga uri nito. Ang unang Esport ay ginanap noong 1972 sa Stamford University kung saan ang mga estudyante ay nagpaligsahan sa video game na Space War. Mula noon, unti-unting nakikilala sa

TRANSPORTASYON. Sa bagong normal, nauso ang pagbibisikleta, hindi lamang bilang isang libangan, kundi pati na rin bilang isang ligtas na transportasyon. Litrato ng Ang Dahong Magat

PADYAK PASULONG

ISAC KING SAQUING

Mahigpit ang kapit ng dalawang kamay sa manibela. Ang mga paa'y nangangatog sa pagpedal habang ang pawis ay naguunahan sa pagtulo. At kapag pagod na’t hinihingal ay saka yuyuko. Subalit sasalamin muli ang determinasyon sa mga mata sa sandaling umangat ang ulo. Dala ng bawat byahe ang katotohanang may daan pasulong sa naparalisang mundo. Tinuldukan ng pandemya ang malayang pagkilos ng mga tao. Sa pagpapatupad ng bagong normal, nalimitahan ang mga aktibidad na karaniwang

ginagawa at apektado rin maging ang pagpapanatili ng mabuting kalagayan at pangangatawan. Kaya naman naging alternatibo ng marami ang pagpadyak at pagpapatakbo ng bisikleta. Hatid ng bawat ikot ng gulong ang pag-asang matugunan ang pangangailangan ng kalusugan at sandaling matakasan ang nakababahalang realidad. Nakatutulong ang pagbibisikleta hindi lamang sa pisikal na aspekto kundi maging sa mental at sosyal na kalusugan ng isang tao. Nagsisilbi itong daan upang mas mapaunlad ang disiplina sa sarili. Para sa

marami, ang bawat padyak ay oportunidad din na sandaling iwan ang kalungkutan at ibaling ang atensyon at oras sa mas makabuluhang bagay. Sa bawat pedal ng siklista, nariyan ang pakiramdam na mayroon kang patutunguhan at mayroon ka ring kasama sa paglalakbay. At hindi ka dapat manatiling nagaalinlangan lamang sa walang katiyakang mundo. Anumang hamon ang ihatid ng pandemya, mayroon at mayroon pa ring pagkakataon para malagpasan ito. At para sa maraming siklista, nagagawa nila ito sa bawat pagpadyak pasulong.

Bukas na Kaisipan sa Makabagong Pampalakasan

maraming bansa ang ganitong uri ng isport. Ngunit kasabay ng pagkabuhay nito, lumago rin ang pagtuligsa sa laro. Ang kadalasang ipinupunto ukol rito ay ang katotohanang nakasisira ito sa kalusugan ng mga manlalaro dahil sa matagalang pagpirmi sa isang puwesto at screen exposure. Agresibo rin ang mga ito at nagiging dahilan ng cyber bullying at pagkalat ng online predators. Mga dahilang taliwas sa hangarin ng isang lehitimong isports. Sa kabilang banda, umusbong rin ang pagsuporta. Ang mga organisasyong gaya ng International Esports Federation (IESF) sa South Korea at Philippine Esports Organization (PeSo) ay naitaguyod. Prinoprotektahan nito ang integridad ng Esports. Mainam kung ito’y ating suportahan at marapat lang na kilalanin din bilang isang tunay na isport. Bakit naman hindi?

Mahalagang tumingin tayo sa likod ng kung ano ang nakikita, sapagkat ang Esports ay higit pa sa kung ano ang inaakala.

Sa katunayan, kalinya nito ang maraming benepisyo. Napabubuti ang koordinasyon ng kamay at mata maging ang atensiyon. Nahahasa nito ang problem solving at kakayanang pang-istratehiya ng mga manlalaro. Nakadaragdag din ito ng kumpiyansa sa sarili at plataporma ng sosyalisasyon Higit pa rito, hindi ba’t ang Esports ay nangangailangan din ng badyet, pagsasanay at metikulosong pagpaplano? Maikukumpara nga ito sa ibang tinatangkilik na tunay na isports ngayon tulad na lamang ng chess. Kapwa hindi gaanong nakatutulong sa pisikal na aspekto, nakabubuti naman sa mental at emosyonal na paraan. Huwag rin nating kalilimutan na kamakailan lamang nag-uwi ang BREN Esports, isang grupo ng pinoy Esports organization, ng $300,000 dahil sa pagkampeon sa 2021 M2 Mobile Legends: Bang Bang World Championship na nilahukan ng iba’t ibang

grupo mula sa maraming bansa. Ipinakikita lamang nito na maaring pagkakitaan ang Esports at maging tunay na hanapbuhay. Hindi natin maikakaila na mayroon talagang masamang epekto ang Esports, ngunit isipin natin, anong isport ba ang wala? Gaya lang ‘yan ng may nababalian sa boxing, volleyball, at badminton. Napipinsala sa artistic gymnastic at nasasaktan sa fencing. Lahat ng bagay ay may ikahuhulog, Esport o tradisyonal na isport man ‘yan, tandaan lang na balansehin ang mga ginagawa sa buhay upang iangat ang sarili sa ibabaw ng kapahamakan. Mahalagang tumingin tayo sa likod ng kung ano ang nakikita, sapagkat ang Esports ay higit pa sa kung ano ang inaakala. Lalo sa panahong ang lahat ay nakakulong sa apat na sulok, at ang nagiging sandalan ay ang mga bagay na may kadalian, kasiyahan, at kaligtasan – Esports ay suportahan.


ANG DAHONG MAGAT• ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL TOMO XLVIII BILANG 1 SETYEMBRE 2020-MAYO 2021

KOLUMN

ISPORTS

Bukas na Kaisipan sa Makabagong Pampalakasan Tignan sa pahina 15

PURSIGIDO. Bagaman walang magaganap na Sports Meet ngayong akademikong taon, patuloy ang pag-eensayo ni Em Jhay Lucena , manlalaro ng NVGCHS, sa larangang balibol sa Barangay Salvacion Hall, Bayombong, Nueva Vizcaya, Martes, March 16. Litrato ng Ang Dahong Magat

HAMPAS

NG PAGSUBOK: Atleta ng Pandemya NIGEL AGUIRRE

T

ahanan ang Nueva Vizcaya General Comprehensive High School (NVGCHS) ng utak, moral, at higit sa lahat – lakas. Ito ang napatunayan ng paaralan sa ilang beses na pagbandila sa taunang paligsahan sa isports, bago pa man rumagasa ang pandemya. Ngunit sa kabila ng patuloy na pagdaloy ng mga pagbabagong dulot ng ‘new normal’, ang tatak ng pagiging NVGian ay naipamamalas pa rin ng isang 17 taong gulang na balibolista na si EM-J B. Lucena, 11-Arion.

“Hindi na kami nakapageensayo ng grupo dahil sa social distancing at lockdown. Untiunting nawawala sa hustong hubog ang aking katawan, humihina ang stamina, minsan nasasagi rin ng katamaran,’’ saad ng libero sa pagbabagong naranasan bilang isang atleta sa gitna ng pandemya. Tunay itong naapektohan sapagkat nagsimula siyang sumalang sa pagbabalibol noong siya ay nasa ikalimang

baitang pa lamang. “Pero nag-eensayo pa rin ako kahit mag-isa. Nariya’t nagtotoss at pinapalo ko ang bola sa pader. Minsan naman nakikipaglaro ako sa kung sino ang pwede. Alam ko na hindi wasto ang pag-eensayo ko, pero kailangan kong samantalahin ang libreng panahon. Sa pamamagitan nito, nalalaman at naitatama ko ang mga mali ko sa kurto.’’ Determinasyon at disiplina, kasama ang pagkakaisa, ito nga ang laging isinasa-isip ni Lucena. Sa katunayan, ito rin ang naging susi ng kanilang grupo upang makopo ang kampeonato sa Elementary Volleyball Boys CAVRAA Meet, ikaapat at ikalawang puwesto sa Secondary Men’s Volleyball Municipal Meet sa magkaibang taon. Sa kabila ng makailang beses na pag-arangkada ng grupo ni Lucena sa mga kompetisyon sa nasabing larangan, pagiibayuhin pa rin daw nila ang pag-eensayo, “Naghahanap ako ng paraan upang makalaro ko ang pinsan ko. Naghahanap din ako ng makakalaro na mas

Bilang isang atleta ngayong pandemya, magiging inspirasyon ako sa kapwa ko atleta na mag-ensayo at magpalakas. Nabibigyan ko rin ang ibang tao ng kaalaman kung paano maging malusog at makaiwas sa stress. -EM-J B. LUCENA Isang atleta

matanda at mas maalam sa akin.’’ Dagdag ni Lucena, disiplina sa sarili ang pinakaimportanteng bagay na marapat isabuhay ng isang atleta sa gitna ng pandemya. Pangalawa ang pagiging masipag, pangatlo ang pagdaragdag ng kaalaman sa nilalarong larangan. “Maaari tayong manood ng mga tutorial sa YouTube. Lalo na ng mga gameplay para mapag-aralan natin ang ibat ibang mga taktika.’’ “Bilang isang atleta ngayong pandemya, magiging inspirasyon ako sa kapwa ko atleta na mag-ensayo at magpalakas. Nabibigyan ko rin ang ibang tao ng kaalaman kung paano maging malusog at makaiwas sa stress. Dahil sa panahon ngayon, kailangan nating palakasin ang ating immune system upang malabanan natin ang virus. Kung maaari, gayahin natin ang pamumuhay ng mga atleta,’’ diin ni Lucena, “Isabuhay natin ang mga itinuro sa ‘tin ng ating paaralan. Responsable ang isang tunay na NVGian.’’

NILALAMAN NG SEKSYON Bukas na Kaisipan sa Makabagong Pampalakasan Padyak Pasulong

Bren Esports, naghari sa M2 World Championships

Nais mo bang tulungan si Michael Martinez para sa kaniyang pagsabak sa 2022 Beijing I-skan ang QR Winter Olympics? Code!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.