

Ang DALISAY
BAGONG PAG-ASA SA PAGBABASA.
Kasabay ng pagsisimula ng bagong taon ay ang paglulunsad ng Departamento ng Edukasyon ng nakikita nitong bagong solusyon sa umiiral na problema sa antas ng kasanayan sa pagbabasa ng mga mag-aaral, ang Catch-Up Fridays sa bisa ng DepEd Order No. 001 s. 2024, Enero 12. ◉ Larawang kuha ni JAMILA CHILES PONFERRADA



LUMANG PROBLEMA, BAGONG SOLUSYON
DepEd, inilunsad ang Catch-Up Fridays bilang tugon sa problema sa pagbabasa
ASHLEY CLAUDETH F. MEMITA
Naglatag ng bagong solusyon ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa umiiral na problema sa pagbabasa ng mga magaaral sa pamamagitan ng paglulunsad ng Catch-Up Fridays sa lahat ng paaralan sa bansa nitong Enero 12
Sa pamamagitan ng DepEd Order No 001 s. 2024, ibinaba ng departamento ang mga panuntunan at pamantayan sa implementasyon ng nasabing programa na naglalayong magbigay oportunidad sa mga mag-aaral na mapagbuti ang kanilang academic performance lalo pa’t may mababang proficiency levels sa pagbabasa ang bansa batay sa mga national at international large-scale assessments
Matatandaang ipinaliwang ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang pangangailangan ng nasabing programa lalo pa’t aniya ay walang nakikitang improvement sa mga mag-aaral sa mga dati nang programang naglalayong mapataas ang antas ng kakayahan sa pagbabasa ◉ Sundan sa pahina 2.
Tatlong mag-aaral pinarangalang kauna-unahang Chief GS sa Alcala
JANEALLE ANN M. OLIVERAS
Tumanggap ng medalya ang tatlong Senior Girl Scouts (GS) ng Arboleda National High School para sa Chief Girl Scouts Medal Scheme sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall, Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, Pasay City, Nobyembre 15. Matagumpay na naisagawa nina April Joy E. Collado, Mary Louise N. Mangalino at Keith Angela R. Manglallan ang kani-kanilang mga communitybased project upang makakuha ng Chief Girl Scouts Medal na bahagi ng programa ng Girl Scout of the Philippines upang makahubog ng holistikong kababaihan at may mahusay na pagganap sa pagsasakatuparan ng mga proyekto at gawaing pang-komunidad
Naglunsad ng Ecology: Nursery sina Senior GS April Joy at Senior GS Mary Louise sa kani-kanilang komunidad bilang tugon sa pangangailangan sa mga halamang-gamot at mga puno na maaaring itanim upang maiwasan ang pagbaha. Agad silang pinahintulutan at sinuportahan ng mga pinuno ng kanilang mga barangay na sina Brgy. Capt. Renato B. Bacolor Jr. (Poblacion West) at Brgy. Capt. Darius Bauzon (San Pedro Ili). ◉ Sundan sa pahina 3.
AGTEK ◉ Sundan sa pahina 17
DepEd-Region 1 nakapagtanim ng 28K na puno
ARMEYA JOYCE L. NARTATES
Nakapagtanim ng kabuuang bilang na 28,505 o 12% ng target na mga puno ang DepEd Region 1 bilang bahagi ng DepEd’s 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children, Disyembre 6. Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, layunin ng tree-planting activity na isulong ang environmental preservation at responsibility sa mga batang Pilipino kung saan nilahukan ito ng 47, 678 na pampublikong mga paaralan sa bansa.
Pinangunahan ni DepEd Regional Office I Assistant Regional Director Rhoda T. Razon ang mga opisyales at mga empleyado ng Regional Office sa nasabing gawain.
Naitalang may pinakamaraming punong naitanim ang SDO Pangasinan II, 5,900 na mga puno, sunod ang SDO Ilocos Sur na may naitanim na 5,000 puno at SDO Ilocos Norte na nakapagtanim ng 3,848 na mga puno.

ng
[1]MATATAG CURRICULUM
Hindi lamang ayos ng mga silid-aralan ang nabago kundi paunti-unti rin ay mapapalitan ang K-10 Curriculum na ilang taon na ring ginagamit sa mga paaralan dahil sa paglulunsad ng bagong kurikulum na MATATAG Curriculum. Ano ang maaaring maging epekto nito sa ‘yo? ◉ pahina 7
[2] PISA RESULT
Kung nakakahiyang rumanggo ng mababa sa online games, tiyak na mas nakakahiya at nakaaalarma ang rumanggo sa mga international assessment tulad ng sa PISA. Ano bang mga hakbang ang dapat gawin ng gobyerno hinggil dito?
lamang? ◉ pahina 9

AKSYON AGAD. Agad tumalima ang Arboleda National High School sa implementasyon ng bagong programa ng DepEd na Catch Up Fridays-DEAR, Enero 12.. ◉ Larawang kuha ni: JAMILA
CHILES PONFERRADA

LUMANG PROBLEMA, BAGONG SOLUSYON
DepEd, inilunsad ang Catch-Up Fridays bilang tugon sa problema sa pagbabasa
ASHLEY CLAUDETH F. MEMITABinanggit ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa isang panayam noong Hulyo 18, 2022 na hindi magiging ‘strict requirement ang pagsusuot ng uniporme sa mga paaralan para sa SY 2022-2023.
Naglatag ng bagong solusyon ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa umiiral na problema sa pagbabasa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglulunsad ng Catch-Up Fridays sa lahat ng paaralan sa bansa nitong Enero 12.
Sa pamamagitan ng DepEd Order No. 001 s. 2024, ibinaba ng departamento ang mga panuntunan at pamantayan sa implementasyon ng nasabing programa na naglalayong magbigay oportunidad sa mga magaaral na mapagbuti ang kanilang academic performance lalo pa’t may mababang proficiency levels sa pagbabasa ang bansa batay sa mga national at international large-scale assessments.
Matatandaang ipinaliwang ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang pangangailangan ng
nasabing programa lalo pa’t aniya ay walang nakikitang improvement sa mga mag-aaral sa mga dati nang programang naglalayong mapataas ang antas ng kakayahan sa pagbabasa.
“Hindi kasi puwede na kung ano ‘yong ginagawa natin ngayon, iyon pa rin ‘yong gagawin natin, paulitulit Kasi nakita na natin ‘di ba, nakailang results na tayo ng PISA pero wala pa ring pagbabago. We need to innovate; we need to do something else,” saad ng VP at DepEd Secretary sa kanyang talumpati noong Nobyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa.
Binanggit din sa kautusan na ang Catch-Up Fridays ay may adhikaing suportahan ang mga nakasaad na basic education priorities sa MATATAG Agenda at pinagtitibay nito ang DepEd Order (DO) No. 013, s.
2023 o ang Adoption of the National Learning Recovery Program (NLRP) gayundin ang pagpapaigting ng pagtuturo sa Values, Health, at Peace Education.
Samantala ay agad namang tumalima ang Arboleda National High School sa pamamagitan ng mga gawain tulad ng pagbabasa ng mga mag-aaral ng kani-kanilang mga kinahihiligang aklat at iba pang uri ng babasahin sa unang araw ng implementasyon nito.
“Kailangan nating sumunod. Walang ibang gagawin ang mga bata sa Biyernes kundi magbasa,” wika ni Dr. Marife B. De Guzman, punongguro ng paaralan.
Inaasahan na ang programa ay iimplementa sa buong school year at ang buong buwan ng Enero ay ilalaan sa pagbabasa o ang tinatawag na Drop Everything and Read (DEAR).
KWF kinilala at itinaguyod ang FSL bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas sa pagdiriwang ng BWP 2023
Binigyang-diin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagkilala at pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan..”
Tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang ilang gawain tulad ng serye ng webinar na tumatalakay sa kahalagahan at pagpapalaganap ng paggamit ng FSL tungo sa pagtatamo ng ingklusibong lipunan.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang at paglulunsad ng Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas, isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa paaralan sa pamamagitan ng paggamit ng Sign

ALLYSA JOYCE M. IGLESIAS
Language kasabay ng pagbubukas ng klase, Agosto 29.
Pinangunahan ni April Joy E. Collado, mag-aaral mula sa Baitang 10 ang pag-awit sa Lupang Hinirang gamit ang pambansang wikang senyas. Nagsilbing tagapanguna sa pag-awit ng Himno ng Pangasinan gamit ang pambansang wikang senyas si Jezabel Cacayurin, mag-aaral ng Baitang 9. Samantala, si Keith Angela R.Manglallan, mag-aaral ng Baitang 11 naman ang nanguna sa pag-awit ng Himno ng Pangasinan II gamit ang pambansang wikang senyas.
“Mahalaga na matutuhan natin ang FSL sa larangan ng edukasyon, lalo pa’t ninanais nating isulong ang pagkakaroon ng ingkulusibong paaralan na bukas para sa lahat. Matutulungan nito hindi lamang ang mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangan kundi tayo sa pangkalahatan,” wika ni Bb. Helen P.
Reyes, ulong guro ng departamento ng Filipino sa kanyang pambungad na pananalita.
Gayundin, ang Arboleda National High School ay nakibahagi sa taunang pagdiriwang ng BWP sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang gawain alinsunod sa DepEd Memorandum 036, s. 2023.
Ang mga lingguhang tema ay binubuo ng: Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas (1–5 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagkakaisa (7–12); Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas (14–19); Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan (21–26); Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon (21–26).
JHUSTINE NIKAELA E. MIRAL
Inanunsyo ng DepEd Region I-Curriculum and Learning Management Division sa pamamagitan ng Regional Memorandum 1332, s. 2023 ang implementasyon at administrasyon sa lahat ng paaralan sa Rehiyon 1 ng Language Enhancement Through Reading Assessment (LETRA) Tools para sa mga mag-aaral na nasa Baitang 7-12, Disyembre 13. Nakasaad sa memorandum na ang pangunahing layunin ng LETRA tools ay para sa comprehensive evaluation ng reading proficiencies ng mga mag-aaral sa antas sekundarya sa English at Filipino at ang magiging resulta ay magiging batayan sa mga susunod na programa at proyektong may kinalaman sa mas lalong pagpapabuti ng antas at kasanayan sa pagbabasa.

Agad na sumunod ang SDO Pangasinan II at nagsagawa ng oryentasyon hinggil sa paggamit ng tool sa mga mag-aaral na dinaluhan ng ulong guro ng departamento sa Filipino, Bb. Helen P. Reyes at ang reading coordinator sa Filipino, Bb. Helen P. Reyes noong Enero 5. Kasunod nito, ang Arboleda National High School ay inimplementa ang nasabing tool sa mga mag-aaral sa lahat ng antas at lumabas na 55 mag-aaral ang nasa mas mababang antas pa rin ng kasanayan sa pagbasa kaysa sa inaasahang antas batay sa kanilang baitang. Plano ngayon ng paaralan na gumawa ng mga interbensyon upang mabago ang bilang na ito sa pamamagitan ng mas maraming gawaing pampagkatuto kasabay ng Catch-Up Fridays Drop Everything And Read (DEAR) na isa rin sa mga programa ng DepEd.

Enrollment, bumagsak ng 11% Administrasyon ng paaralan, nabahala
JEZABEL S. CACAYORINIkinabahala ng buong administrasyon ng Arboleda National High School ang pagbagsak ng bilang ng mga mag-aaral ngayong school year, lalo na sa Baitang 11.
Tinatayang 104 o 11% ng kabuuang bilang ng populasyon sa nakaraang school year na 943 ang ibinaba ng bilang ng mga mag-aaral batay sa datos mula sa Learners’ Information System (LIS) nitong Nobyembre na ibinigay ng coordinator nito na si Gng. Bonalyn R. Manglallan.
Sa kasalukuyan, naitalang may 839 na mga mag-aaral ang naka-enroll sa paaralan, 502 sa Junior High School at 337 naman sa Senior High School.
Tinitignan na dahilan nito ay
ang pagbubukas din ng ibang mga paaralang sekundarya sa bayan ng Alcala ng mga bagong strand sa senior high school.
“Bumaba po ang ating enrollment ngayong taon, bunsod na rin marahil ng pagbubukas din ng iba’t ibang strands sa SHS sa mga karatig nating mga eskuwelahan dito sa Alcala,” paliwanag ni Dr. Marife B. De Guzman sa ginanap na PTA General Assembly. Gayunpaman, tiniyak ng punong-guro na hindi makaaapekto ang pagbaba ng bilang ng populasyon ng paaralan upang magpapatuloy ang mga hakbang tungo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon para sa bawat mag-aaral.
Province-Wide Youth Press nagsasagawa ng libreng journalism training sa mga paaralan
Nagsasagawa ng libreng lecture at campus journalism training ang AsinBolo, isang province-wide youth press at ang opisyal na media arm ng Pangasinan Youth for Disaster Risk Reduction and Management sa iba’t ibang paaralan sa Pangasinan kaugnay ng preparasyon sa isinasagawang mga press conference.
Kabilang sa mga naging benepisyaryo ng libreng training ang mga magaaral na peryodista ng Arboleda National High School nang magkaroon ng school-based campus journalism training ang patnugutan noong Enero 29-30. Nagsilbing mga tagapagsalita ang ilan sa mga opisyales ng AsinBolo na sina Christian L. Petines, kasalukuyang Editor-In-Chief ng Asinbolo (at dati ring EIC ng Ang Dalisay) at si Joris Sapiera, Broadcasting Head para sa lektura ng iba’t ibang kategorya.
Inaasahan ng patnugutan na sa pamamagitan ng naging pagsasanay ay magiging handa sila sa DSPC na gaganapin sa Marso 6-8.


Kasalukuyang status ng Project SIKHAY (Scholarship Incentives: Key to Help Arboledians Yield Success)
Datos mula kay G. Erick B. Ancheta, Adopt-A-Student Program Coordinator
SGC at paaralan nagtutulong sa
pagbibigay ng scholarship grants
Nagtutulong ngayon ang School Governing Council (SGC) sa pangunguna ng pangulo nito na si SBM
Eduardo Dela Cruz, Jr. at ang paaralan upang mabigyan ng scholarship grants ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng inilunsad na programa, ang PROJECT SIKHAY (Scholarship Incentives: Key to Help Arboledians Yield Success) na bahagi ng Adopt-A-Student Program ng paaralan, Nobyembre 21.
Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral na kapospalad na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang mga sitwasyon sa buhay.
“Sa pamamagitan ng proyektong ito matutulungan natin ang mga mag-aaral at kani-kanilang mga magulang pagdating sa problemang pinansyal at makapagtapos sila ng pag-aaral,” mensahe ni Dela Cruz sa kanyang talumpati.
Sa kasalukuyan nakapagtala ng 118 slots para sa nasabing proyekto mula sa 23 sponsors na binubuo ng mga alumni at iba pang stakeholders ng paaralan. Mula sa nasabing bilang ay may 67 na ngayong mga scholars mula sa Baitang 7 at 8.
Ipinaliwanag ng punong-guro na sa ngayon ang prayoridad na maging benepisyaryo ng
scholarship grants ay mga magaaral na nasa Baitang 7 at 8, mga academic achievers o mga magaaral na may mga natatanging talent ngunit salat sa buhay.
“Pagdating sa mga scholars, priority natin ang mga nasa Baitang 7 at 8 upang kumbaga mula umpisa ng kanilang pag-aaral sa sekundarya ay matulungan at masuportahan sila,” wika naman ng punong-guro ng paaralan na si Dr. Marife De Guzman kaugnay sa pagpili ng mga benepisyaryo ng programa.
Samantala, binanggit ng
Adopt-A-Student Coordinator ng paaralan, G. Erick Ancheta na sana ay magtuloy-tuloy ang pagsuporta ng mga stakeholders ng paaralan upang dumami pa ang bilang ng scholars at makinabang maging ang mga nasa mas mataas na baitang.
“Sana dumami pa ang aking mga katuwang sa pagsasakatuparan ng programang ito. Tuloy ang panawagan natin sa lahat ng gustong makibahagi at sana maging sa higher grade levels ay magkaroon na rin ng mga scholars,” banggit ng coordinator sa isang panayam.
Sakop ng scholarship grant ang mga DepEd-authorized contributions batay sa DO. No. 143, s.2016, learning kits at allowance para sa mga mapipiling mag-aaral oBatang Arboledians.

Bilang ng mga mag-aaral na kulang sa timbang ngayong S.Y. 2023-2024
Datos mula kay Gng. Jennifer P. Dafun, School Nutrition Coordinator
99 mag-aaral, kulang sa timbang; feeding program, ipagpapatuloy

RHIANNA LINDSAY GAMBOL
aitalang 99 mag-aaral mula sa kabuoang bilang na 839 ang wasted at severely wasted o kulang sa inaasahang timbang batay sa kanilang tangkad at edad o resulta ng kanilang Body Mass Index (BMI), ayon sa ulat ng School Health Coordinator na si Gng. Jennifer P. Dafun hinggil sa nutritional status ng mga mag-aaral, SY. 2023-2024.
Bumaba ito kumpara sa tala noong nakaraang taon na 141 mula sa kabuoang bilang na 948 ngunit hinihikayat pa rin ni Gng. Dafun na ipagpatuloy ang mga intervention tulad ng feeding program upang mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na kulang sa timbang.
“Kumpara sa record natin last year, bumaba ang bilang ng mga severely wasted at wasted ang timbang ngunit nakababahala pa rin ‘yong bilang o 12% ng kabuuang bilang ng ating mga mag-aaral sa paaralan kaya kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga interventions,” wika ng school nutrition coordinator.
Nasa ika-11 baitang ang may pinakamaraming bilang ng severely wasted ang status ng BMI, samantalang mga mag-aaral naman mula sa ika-7 baitang ang may maraming wasted ang status ng kanilang BMI.

UNA SA KASAYSAYAN
Tatlong mag-aaral pinarangalang kauna-unahang
Chief GS sa Alcala
Sa kabuuan, 20 lalaki at 7. babae ang may severely wasted na status ang BMI, habang 51 lalaki at 21 babae naman ang wasted ang status ng BMI o kulang sa timbang.
Layunin ngayon ng paaralan na matulungan ang mga magaaral na maabot ang normal na timbang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng feeding program.
Kaugnay nito nagtulungan ang school nutrition department at Supreme Student Government sa pangunguna ng tagapayo nito na si G. Jerell B. Ventura para mailunsad ang isang feeding program na tinawag na Project LUSOG.
“Dati na natin itong ginagawa at dahil nakikita natin na may improvement ay ipagpapatuloy natin ito ngayong taon hanggang sa maging normal ang timbang ng lahat ng ating mga mag-aaral,” paliwanag ng tagapayo ng SSG adviser.
Sa kabilang banda, 36 sa mga mag-aaral ay naitalang overweight at 6 ang obese. Habang tumaas sa 24 mula sa dating 12 sa nakaraang taon ang naitalang severely staunted, at 104 ang stunted o kulang sa tangkad para sa kanilang edad.
Matagumpay na naisagawa nina
April Joy E. Collado, Mary Louise N. Mangalino at Keith Angela R. Manglallan ang kani-kanilang mga community-based project upang makakuha ng Chief Girl Scouts Medal na bahagi ng programa ng Girl Scout of the Philippines upang makahubog ng holistikong kababaihan at may mahusay na pagganap sa pagsasakatuparan ng mga proyekto at gawaing pang-komunidad.
Naglunsad ng Ecology: Nursery sina Senior GS April Joy at Senior GS Mary Louise sa kani-kanilang komunidad bilang tugon sa pangangailangan sa mga halamanggamot at mga puno na maaaring itanim upang maiwasan ang pagbaha. Agad silang pinahintulutan at sinuportahan ng mga pinuno ng kanilang mga barangay na sina Brgy. Capt. Renato B. Bacolor Jr. (Poblacion West) at Brgy. Capt. Darius Bauzon (San Pedro Ili).
Samantala, nagsagawa naman ng feeding program na tinawag na “Health: Help Children Grow’ sa mga batang edad 5-6 sa kanilang barangay (San Juan) si Senior GS Keith Angela upang matugunan ang suliranin sa malnutrisyon at kalusugan. Siya ay
pinahintulutan at sinuportahan ng kanilang punong-barangay, Brgy. Capt. Bonifacio Magno.
“Naisip ko po na gawin ang project na ‘Health: Help children grow’ dahil nakita kong isa sa mga problema sa aming komunidad ang malnutrition lalo na sa mga kabataan na 5-6 na taong gulang. Gusto ko ring magbalik ng pasasalamat sa aking alma matter kaya naisip kong doon gawin ang aking proyekto.” wika ni Manglallan.
“Para sa akin na isa sa kaunaunahang Chief Girl Scout ng ating bayang Alcala ay sobrang napakasaya ang aking pakiramdam dahil kami pa lang na tatlong mag-aaral ng Arboleda NHS ang nakagawa ng ganitong kasaysayan sa ating bayan. Kahit na mahirap ang gumawa ng community project na Ecology: Nursery ay nakayanan namin ang mga gawain sa pagsali sa Chief Girl Scout Medal Scheme (CGSMS),” mensahe naman ni Collado sa isang panayam.
“Ang proyektong aking napili ay ang Ecology: Nursery, pagtanim ng iba’t ibang klase ng halaman gaya na lamang ng mga paunang-lunas na halaman na mapapakinabangan ng barangay. Pinili ko ang proyekto na ito dahil mahilig din ang aking mama sa
halaman at kayang-kaya niya akong suportahan at bigyan ng mga payo sa pagpapalago at pagpapanatili ng proyekto na aking ginawa. Isa pa, hiningi namin ang survey ng sekretarya ng aming barangay kung ano ang mga kailangan sa aming barangay at isa ang pagpapaganda ng paligid ang kinakailangan kaya ito ang napili kong proyekto,” paliwanag naman ni Mangalino.
Samantala sinabi ng 5th District GSP Field Advisers President at ulong guro ng paaralan na si Bb, Helen P. Reyes na siyang nanguna sa aplikasyon at proyekto ng tatlo na hindi naging madali ang proseso para makamit ang ganitong karangalan ngunit may malaking epekto sa kanilang pagkatuto at pagkahubog ng kasanayan.
“Hindi madali, magtatrabaho talaga ang mga bata, makikita talaga ang leadership, cooperation, at support, pero sa kabila ng dami ng dapat gawin, ay masaya, maayos ang kinalabasan, lalo’t alam namin na makatutulong, makapagpapaganda at may pakinabang sa barangay ang kanilang mga proyekto,” tugon ni Bb. Reyes sa isang panayam hinggil sa pagkakamit ng medalya para sa Chief Girl Scouts.
Dalawang dating punong-barangay, nanumpa bilang opisyales ng SPTA
Nanumpa sa tungkulin ang dalawa sa dating punong-barangay ng San Pedro Ili na sina Former Barangay Captain at ABC President Darius P. Bauzon at Former Barangay Captain Arturo P. Ellazar bilang School Parents-Teachers Association President at Vice President sa isinagawang Induction Program, Oktubre 13.
Ipinahayag ng bagong SPTA President na ang anumang magagandang programa sa barangay sa kanyang panunungkulan ay siya ring kanyang itataguyod para sa paaralan bilang pangulo ng samahan ng mga magulang.
“Asahan niyo na anumang mga magagandang programa at proyekto na ginagawa natin sa barangay sa loob ng ilang taon ay dadalhin natin dito sa ating paaralan,” saad ni Bauzon sa kanyang talumpati.
Samantala ay nagpasalamat naman ang dating punong-barangay at ngayo’y SPTA Vice President sa suporta at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga magulang.
“Nagpapasalamat ako na pinagkatiwalaan at sinuportahan niyo ako at muli ay binigyan ng pagkakataon upang makapagsilbi sa publiko sa pamamagitan naman ngayon ng ating paaralan.”
Samantala, Nahalal din bilang FPTA Persident ng buong bayan ng Alcala at naging kinatawan ng ikalimang distrito si SPTA President Bauzon.



Punong-guro hinihikayat ang mga mag-aaral na gamitin ang library
“Hindi na-uutilize ang library.” Ito ang pahayag ng punong-guro na si Dr. Marife B. De Guzman sa isang pagpupulong na nagbunsod ng inisyatibong DEAR: February and Library.
Layon nitong hikayatin ang mga mag-aaral na magtungo at magbasa sa silid-aklatan at mapakinabangan ang mga learning resources dito.
“Wala nang nagpupunta ng library para humiram o magbasa ng aklat. Marahil dahil halos lahat na ngayon ay may access na sa internet. Pero sana mahikayat natin ang mga mag-aaral na magtungo rito upang magbasa,” wika ng teacher librarian na si Gng. Teresita S.Barroso.
Isa ngayon sa mga requirement sa mga guro ang pagsasagawa ng klase sa silid-aralan sa buong buwan ng Pebrero.
Ibinaba na ang schedule ng mga guro sa pamamagitan ng isang office memorandum. Ang library ay matatagpuan ngayon sa ikatlong palapag ng JHS Computer and Science Laboratory kasama ng Speech Laboratory na hindi rin nagagamit simula nang magkaroon ng pandemya batay sa ulat ng teacher in-charge.


KAUGNAY NG BALITA
67% ng Batang
Arboledians ang nagsabing tama at dapat lamang gamitin ang library sa kabila ng pagkakaroon ng access sa internet habang 33% ang nagsabing mas gusto nilang magbasa sa online references.
Datos mula sa isinagawang online survey ng Ang Dalisay sa 100 batang Arboledians

SDO Pang II muling kinilala ang ANHS bilang maagap sa financial reports
Muling ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ng Schools Division Office Pangasinan II (SDO Pang II) ang Arboleda National High School dahil sa pagiging maagap sa pagsusumite ng FY 2023 Budgetary and Financial Accountability Reports, Pebrero 7. Ito ang ikalawang pagkakataon na makatanggap ang paaralan ng ganitong pagkilala mula sa dibisyon. Ipinagkaloob ang sertipiko ng pagkilala sa 33 Implementing Units

Bayan ng Alcala ginawaran ng SGLG Award sa ikapitong pagkakataon
Sa ikapitong pagkakataon, ginawaran ng pagkilala ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ang bayan ng Alcala matapos makapasa sa ebalwasyon at balidasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Tinanggap nina Municipal Mayor Jojo B. Callejo at kinatawan ng Municipal Local Government Opearations Office, Rosalie O. Tamondong ang SGLG Marker sa ginanap na 2023 SGLG national awarding ceremony sa The Manila Hotel, Disyembre 13-14, 2023. Itinuturing ngayon ang bayan ng Alcala bilang kaisa-isang 7-time SSLG Passer sa buong Pangasinan. Gayundin ay isa sa dalawa lamang na bayan na may pitong consecutive years nang award sa buong Rehiyon I. Ang LGU-Alcala ay tumanggap din ng 1.8M na SGLG Incentive Fund na maaaring gamitin sa mga local development initiatives na nakaangkla sa national goals.
Niatalang 493 LGUs sa buong bansa ang nakatanggap ng ganitong pagkilala sa taong 2023 at isa sa pinakamaraming awardees ay ang Rehiyon 1 na may 70 LGUs sunod sa Rehiyon III na may 84 LGU awardees.
ASHLEY CLAUDETH F. MEMITA
sa SDO Pang II kung saan isa ang ANHS, kasabay ng SeminarWorkshop on Preparation and Submission of Budget Proposal FY 2025 na ginanap sa Villasis Gymnasium, Villasis, Pangasinan. Tinanggap ni Gng. Millet M. Dumlao at Gng. Kristel Q. Baraoed, mga Administrative Assistants (ADAS) ng paaralan ang plake ng pagkilala.
“Nakatutuwa na magkaroon ng ganitong parangal at napapawi lahat ng efforts sa paggawa ng reports.
Gayunman, ito ay group effort. Hindi natin makukuha ang ganitong pagkilala kung walang pagtutulungan sa paggawa at pagpasa ng mga reports na kinakailangan dito sa ating paaralan,” wika ni Gng. Dumlao. Matatandaang Enero 2019 nagsimulang maging isang ganap na implementing unit ang ANHS matapos aprubahan ng Depart-ment of Budget and Management (DBM) ang aplikasyon na mamahala ng sariling budget noong Hulyo, 2018.
‘Gardening for food security’ itinataguyod ng paaralan para sa 4Ps beneficiaries
Itinataguyod ngayon ng paaralan ang kahalagahan ng pagtatanim para sa food security sa mga miyembro at beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Hinihikayat ng paaralan ang 252 student beneficiaries mula baitang 7 at 12 at kanilang mga magulang na magkaroon ng garden sa paaralan na maaaring pagkuhanan ng gulay at iba pang pananim.
Nagsagawa ng pagpupulong ang mga magulang na 4Ps member kasama ang school 4Ps coordinator, G. Kennedy B. Sadorra at punong-guro, Dr. Marife B. De Guzman noong Pebrero 13 upang ilatag at simulan ang nasabing plano.
“Pinakalayunin nito na mabigyan ng food source ang mga magulang at mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng sariling mga garden dito sa ating paaralan,” paliwanag ni G. Sdaorra.
Livelihood Training at Symposium para sa mga SCs, isinagawa
Nagsagawa ng Livelihood Training at Symposium on Graceful Aging para sa 25 Senior Citizens (SCs) ng Barangay San Pedro Ili ang Arboleda National High School, Disyembre 6.
Tinalakay sa training at symposium ang mga paksa tulad ng Rights and Privileges of Senior Citizens alinsunod sa Republic Act 9994, mga estratehiya sa ‘Aging Gracefully’ at paggawa ng Kimchi.
Nagsilbing mga tagapagsalita sina
Dr. Marife B. De Guzman, Gng. Mary A. Blanco, Coordinator in-charge sa Senior Citizens at Gng. Jennifer P. Dafun, guro ng TLE Cookery.
“Pinakalayunin ng training at symposium na ito na ipadama sa mga senior citizens na sila ay pinahahalagahan at iginagalang pa rin sa komunidad. Sa pamamagitan ito ay naipapakita ang pagkilala sa kanilang mabubuting ambag sa bagong henerasyon sa ating komunidad,” paliwanag ni Gng. Mary A. Blanco, school coordinator in-charge sa Senior Citizen.
2 mag-aaral ng ANHS, kampeon sa MFOT
Kampeon ang mga kinatawan ng Arboleda National High School na sina Mark Arian C. Macaraeg, Baitang 11 sa kategoryang Extemporaneous Speech at Angelica Nicole G. Ballesteros, Baitang 10 para sa Oratorical Composition and Delivery sa Pambayang Tagisan ng Talento sa English na ginanap sa Arboleda National High School, Disyembre 5. Nanguna mula sa siyam na kalahok ng iba't-ibang paaralang sekundarya sa munisipalidad ang dalawa at naging kinatawan ng bayan sa isinagawang Division Festival of Talents sa Rosales National High School, Rosles, Pangasinan, Enero 19.
Samantala, nagkamit din ng pagkilala sina Jezabel S. Cacayorin, Baitang 9 (Quiz Bee), Ashley Claudeth F. Memita, Baitang 12 (Spoken Poetry) na parehong nagkamit ng ikalawang pwesto.
Sila ay sinamahan ng kanilang gurong tagapagsanay na sina G. Reymond S. Ballesteros, Bb. Veronica Mea C. Fronda, Bb. Angelika E. Macalinao at ang coordinator ng departamento ng English na si Dr. Maria Eloisa N. Mangalino.
Sa pamamagitan din nito ay mapakikinabangan ang bakanteng lupa sa paaralan at mapananatili ang kalinisan nito. Magkakaroon ng schedule ang mga magulang at mga mag-aaral sa pagsasaayos ng kani-kanilang garden.
“Nasimulan na natin ito at tuloy-tuloy na, ang mga magulang ay naka-schedule ng weekends habang ang mga mag-aaral natin na miyembro ng 4Ps ang in-charge sa weekdays sa kani-kanilang garden,” dagdag ng school 4Ps coordinator.
Matatandaang noong Agosto ay naging kaisa rin ng paaralan ang mga magulang ng 4Ps sa ginawang A1 Garden sa likod ng JHS Science Laboratory Building.
Sa kasalukuyan, may 24 mula sa baitang 7, 39 mula sa baitang 8, 47 mula sa baitang 9, 53 mula sa baitang 10, 48 mula sa baitang 11 at 41 mula sa baitang 12 na mga mag-aaral na beneficiaries ng programa.

Pinasalamatan ni Dr. Maria Eloisa N. Mangalino, koordinator ng Departamento ng English sina Dr. Marife Barroga-De Guzman, Principal III at ang kanilang PSDS, Dr. Ferdinand Cabrera sa walang sawang pagbibigay suporta para sa mga Batang Arboledians.
ANHS Math Department wagi sa Statistics Month
Nakapuwesto ang mga kalahok mula sa Arboleda National High School na sina Nicole Joi B. Gasmen para sa poster-slogan contest, at Roward A. Galindo, Baitang 12, Vynz Antoni A. Verzosa, Baitang 11 at Angelica Nicole G. Ballesteros, Baitang 10 sa Statistics Quiz Bee sa isanagawang Division-wide Celebration bilang bahagi ng 34th National Statistics Month noong Setyembre 29 sa San Quintin National High School, San Quintin, Pangasinan, September 29.
Nakuha ni Gasmen ang ikatlong puwesto sa poster-slogan, samantalang ang pangkat ng quizzers ay nasa ikapitong puwesto mula sa 31 mga paaralan sa buong dibisyon ng Pangasinan II.
Sila ay sinanay ng kanilang mga tagapayo na sina Bb. Susan N. Pagarigan, Gng. Ma. Minerva Gamet, Gng. Bonalyn R. Manglallan at ni G. Gerald Kevin Bautista na nagkamit din ng ika-8 puwesto sa pagsulat ng sanaysay, employee’s category kasama ang Math department consultant na si Bb. Helen P. Reyes.
TULAD NG DATI
Galing
CLYDE EVANGELINE S. ALVARO
Bumida ang galing ng Batang Arboledians kasabay sa paggunita ng Arboleda National High School sa malaking ambag ng pakikiisa at pakikipagtulungan ng komunidad para sa ikauunlad ng eskwelahan sa nakalipas na 56 taon sa isinagawang pagdiriwang ng ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag na may temang “56 Years of Excellence: Paving the Way for a Brighter Tomorrow,” Nobyembre 20-21.
Natatangi ang okasyon sapagkat ito ang unang pagkakataong magsasagawang muli ng face to face na selebrasyon ang paaralan pagkatapos ng nagdaang pandemya.
“Maituturing nating espesyal ang selebrasyon ngayong taon dahil after four years na nahinto ang ganitong klaseng event sa ating paaralan, heto tayo ngayon at ipinagdiriwang ang Founding Anniversary ng ating paaralang Arboleda National High School,” wika ni Dr. Marife B. De Guzman, punong guro III ng ANHS sa kanyang talumpati.
Inalala ang pagsisimula ng
National High School, taong 1998.
Nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita ang gobernador ng probinsya, Gov. Ramon Guico III na ikinatawan ni G. Rocky D. Magliba, Consultant on Education and Community Development ng Provincial Governor’s Office.
Nagsagawa ng misa ng pasasalamat, pasiklaban ng talento at sa sports sa unang araw, Nobyembre 20. Samantala, nahirang at kinorohan sina Rhizze Joseff L. Mendoza (8Malacañang) at Jezabel S. Cacayorin (9 Justice), 3rd Prince at Princess; Ken Shane V. Sibayan (10 Jhessa L. Rapiz (10Prince and Princess; Jonn Jethro L. Espiritu (8-Luneta) at Ashley M. Ramirez (8-Intramuros), 1st Prince at Princess at sina Daryne Dave P. Bauzon (9 at Rhianna Ryzen R. Cañas (9 bilang Mr. & Miss Foundation Day 2023. “Masasabi kong successful ang 56th Founding Anniversary dahil sa pakikiisa ng stakeholders at community leaders,

HARI AT REYNA. Nahirang at kinorohan sina Daryne Dave P. Bauzon (9-Fortitude) at Rhianna
Ryzen R. Cañas (9-Prudence) bilang Mr. & Miss Foundation Day 2023, kasabay ng pagdaraos ng paaralan ng ika-56 na anibersaryo ng pagkakatatag, Nobyembre 20-21. ◉ Larawang kuha ni:


BALITA ǀ ARCHIVE
Batang Arboledian, kampeon sa Pintahusay, kinatawan ng R1 sa NFOT
Itinanghal na kampeon si Nicole Joi B. Gasmen, Baitang 11 sa Regional Festival of Talents para sa paligsahang Pintahusay at naging kinatawan ng Rehiyon 1 sa ginanap na National Festival of Talents sa Cagayan De Oro City, Hulyo 17-21, 2023. Hindi naging madali para kay Gasmen ang naging proseso bago makarating ng national level sapagkat kinailangan niyang ipanalo ang division at regional level ng kompetisyon. Sa kanyang Facebook post, binanggit niya na lahat ay panalo pagdating sa national level na hindi na naging kompetisyon kundi exhibition ng mga nagsipagwagi sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Pinasalamatan din niya ang mga gurong nagsilbi niyang mga tagapayo sa sinalihang paligsahan.
Sinamahan siya ni G. Gerald Kevin O.Bautista na kanyang coach at si Dr. Lilibeth Daus, Education Program Supervisor ng SDO Pangasinan II, InCharge sa MAPEH. ****
Samantala, maliban kay Gasmen ay nag-uwi rin ng parangal at panalo si Mark Arian C. Macaraeg, Baitang 10, para naman sa Sulat-Bigkas ng Talumpati sa parehong timpalak, Regional Festival of Talents.
Nakuha ni Macaraeg ang ikaapat na puwesto sa nasabing paligsahan mula sa iba’t ibang dibisyon sa buong Region 1 na ginanap sa Mataas na Paaralan ng Juan C.Laya, San Manuel, Pangasinan. Katulad ni Gasmen, si Macaraeg ay dumaan din sa proseso ng pagpakapanalo mula sa Municipal, Division hanggang makaabot ng Regional Level. Siya ay sinanay ni G. Erick B. Ancheta, kanyang guro sa Filipino. Kasalukuyan ngayong pinaghahandaan ng mga batang Arboledians ang papalapit na Division Festival of Talents upang muling makapag-uwi ng gantimpala katulad ng nakaraang taon. Kanya-kanyang pageensayo ang kanilang ginagawa pagdating sa Folkdance, HipHop, at iba’t iba pang kategorya ngayong taon.
SSLG nagsagawa ng Love Forum bilang bahagi ng pagdiriwang ng Valentine’s Day
AJ U. ORDANZA
ng mga mag-aaral na tumanggap ng school supplies at reading materials mula sa SK Officials ng San Pedro Ili
SK Officials namahagi ng school supplies at reading materials sa mga mag-aaral
Namahagi ng school supplies at reading materials ang Sangguniang Kabataan ng San Pedro Ili sa mga reading beneficiaries ng Arboleda National High School para sa kanilang culminating program ng Project COMPASS (Creating Opportunities for Meaningful Performance of Academic Social Skills Through Reading), Setyembre 6. Layon ng naging hakbang ng SK Officials na maging kabahagi sa pagpapataas ng literacy rate sa 41 na mga mag-aaral na nangangailangan ng intervention pagdating sa kanilang reading skills and competencies.
“As Sangguniang Kabataan officials, dapat nating i-prioritize talaga ang pangangailangan ng mga students especially their education,” wika ni Former SK Chair


Jericson T. Figuracion.
Dagdag niya ay tulong na rin ito sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang na naapektuhan ng dalawang taong pandemia at kapos sa pambili ng mga gamit at reading materials para sa kanilang mga anak.
“By simply giving them enough school supplies, nababawasan ‘yong gastos ng mga parents sa pambili nila ng mga gamit pang-eskuwela lalo pa't nasa panahon pa rin tayo ng pandemya,” saad ng SK Chairman. Naglaan ng Php 15,000 na budget ang SK ng San Pedro Ili para sa nasabing programa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging proyekto ng SK ng San Pedro Ili ang pagbibigay ng school supplies kung saan ang nagiging benepisyaryo ay mga magaaral mula sa ating paaralan.
KAUGNAY NG BALITA
71% ng Batang Arboledians ang nagsabing kulang ang interbensyon sa pagbabasa 29% sapat at epektibo ang mga ito at nakatutulong sa pagpapataas ng literacy rate.
Nagsagawa ng love forum ang Supreme Secondary Learners Government kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s day 2024 sa Arboleda National High School, Pebrero 14. Nagsilbing mga tagapagsalita sina Bb. Happy May O. Catubay sa paksang ‘Understanding the Concept of Self-Love,’ Gng. Wendilyn B. Torres sa paksang ‘Responsible Relationship towards Responsible Parenthood,’ at si Gng.
Jessalyn M. Madronio para sa ‘Faith as the Foundation of Healthy Relationships.’
Tunguhin ng love forum na maturuan ang mga mag-aaral ng mga mahahalagang konsepto patungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Bahagi ang nasabing forum sa ArboleDABEST Love Program ng SSLG, ang Valentine’s Day Celebration ngayong taon.
Maliban sa forum ay nagkaroon
Inaayos ngayon ng Arboleda National High School ang mga requirements upang magkaroon ng Open High School Program (OHSP) at matulungan ang mga ‘Students at Risk of Dropping Out’ (SARDO) para sa SY 2023-2024 dahil sa ilang salik.
Tugon ito sa resulta ng ulat ng Drop Out Reduction Program (DORP) ng paaralan na may ilang mga mag-aaral pa rin ang hindi nakakapasok sa kabila ng implementasyon ng full face to face.
“Gusto natin na sa halip na huminto sa pagaaral ang ilang mag-aaral dahil sa ilang rason ay tulungan natin silang makapagpatuloy sa pagaaral at makapagtapos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Open High School Program,” paliwanag ni Ma’am Madonna C. Famorcan, SHS Guidance Designate at in-charge sa requirements ng OHSP.
Sa kasalukuyan, mayroong 24 na mag-aaral na nakamodular at applicants for open high school, ilan sa mga
f https://www.facebook.com/angdalisay.official angdalisay.official@gmail.com
din ng iba’t ibang gawain na pinangunahan ng SSLG tulad ng
Photo Booth, Freedom Wall, Isuot mo Status mo, at iba pang mga pakulo para sa mga batang Arboledians.
“Pinakalayunin ng lahat ng activities na inihanda ng SSLG at ginawa natin ay ma-enjoy ng mga mag-aaral ang pagdiriwang natin ng Valentine’s day ngayong taon,” wika ni G. Jerell B. Ventura, SSLG Adviser.
salik ay pang-kalusugan, early pregnancy at iba sa kanila ay working students.
“Kung sakaling matuloy ito, ang mga mag-aaral na kasali sa programang ito ay modular ang learning modality pero may mga pagkakataon na kailangan nilang pumasok katulad ng kapag may exam,” dagdag ng SHS Guidance Designate.
Ang Open High School Program ng DepEd (DO 46, s. 2006) ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng ilang salik tulad ng distansya, oras, disabilities at iba pa. Sa pamamagitan din nito ay mababawasan ang bilang ng dropouts sa mga paaralan, maaabot ang mga out of school youth edad 12-16 at mahikayat silang magbalikeskuwela at gayundin ay bahagi ng kagustuhan ng departamento na magkaroon ng Education for All (EFA). Inaasahan ng paaralan na makukumpleto ang mga requirements para sa implementasyon ng nasabing programa.
ANG DALISAY 2023-2024
Punong-Patnugot:
MARK JUSTIN DAVE O. YMANA
ASHLEY CLAUDETH F. MEMITA
Pangalawang
Punong-Patnugot:
JANEALLE ANN M. OLIVERAS
CLYDE EVANGELINE S. ALVARO
Patnugot sa Lathalain:
KELVIN CARL C. BARAOED
ANGELIQUE LYCAH AGAOID
Patnugot sa Isports: VYNZ ANTONI A. VERZOSA
HYURI SEBASTIAN G. MORANO
Patnugot sa Opinion: CRAVHEN JOHN S. DORIA
Patnugot sa AgTek: ARMEYA JOYCE L. NARTATES
Patnugot sa Balita: ALLYSA JOYCE M. IGLESIAS
JHUSTINE NIKAELA MAE MIRAL
LEA ANN I. CABATIC
RHIANNA LNDSAY GAMBOL
JEZABEL S. CACAYORIN
Layout and Graphic Artist: KEN SHANE V. SIBAYAN
Photojournalists:
KAI ZOEI F. RAYO
DAX E. CACABELOS
Broadcasters:
KEITH ANGELA R. MANGLALLAN
AJ U. ORDANZA
LANCE ANDREI Q. LANUZA
Tagapayo: ERICK B. ANCHETA
Tagasuri/Konsultant: HELEN P. REYES, Ulong Guro III
Konsultant:
DR. MARIFE B. DE GUZMAN, Punong-guro III
MGA PAKSA SA ISYUNG ITO
[1]MATATAG CURRICULUM
Hindi lamang ayos ng mga silid-aralan ang nabago kundi paunti-unti rin ay mapapalitan ang K-10 Curriculum na ilang taon na ring ginagamit sa mga paaralan dahil sa paglulunsad ng bagong kurikulum na MATATAG Curriculum. Ano ang maaaring maging epekto nito sa ‘yo?
[2]PISA RESULT
Kung nakakahiyang rumanggo ng mababa sa online games, tiyak na mas nakakahiya at nakaaalarma ang rumanggo sa mga international assessment tulad ng sa PISA. Ano bang mga hakbang ang dapat gawin ng gobyerno hinggil dito?
[3]BARE WALL CLASSROOM
Isa ka rin ba sa mga nanibago sa mga bagong bihis na mga classrooms sa mga paaralan nang magsimula ang S.Y. 20232024, at nanghinayang sa mga makukulay na mga disenyo at paskil na inalis alinsunod sa DepEd Order No. 21, s. 2023?
[4]CATCH-UP FRIDAYS
Napa-TGIF ka rin ba o Thank God It’s Friday dahil sa bagong programa ng DepEd na walang ibang gagawin ang mga mag-aaral kundi magbasa at pagtibayin ang mga kaalaman at kasanayan sa Values, Health at Peace Education?
[5]GRADO
Grade conscious ka ba dahil may gustong award na makuha o okay na sa ‘yo ang pumasa? MAHALAGA NGA BA ANG GRADO o ito ay pawang mga numero lamang?

BALIK SA DATI
Sentro ng usapin ngayon ang muling pagbabago ng academic calendar sa SY 2023-2024 kasabay ng paglabas ng Kagawaran ng Edukasyon ng
kautusan o ang DepEd Order 003, s. 2024 noong Pebrero 19 na nagsasaad na ang pagtatapos ng klase ay sa Mayo 31 sa halip na Hunyo 14 bilang bahagi ng hakbang tungo sa pagbabalik ng pagbubukas ng klase sa Hunyo katulad ng dati bago ang pandemya.
Isinasaad din sa kautusan na ito ay alinsunod sa MATATAG Agenda at tugon sa kahilingan ng mga eksperto, mga guro, mag-aaral at mga magulang na manumbalik sa dati ang academic calendar sa basic education.
Malaki ang magiging epekto nito sa pang-araw-araw na pag-aaral ng mga estudyante at mga guro, ito ay maaaring makapagbigay-daan sa pagbabalik ng dalawang buwang bakasyon para sa mga mag-aaral. Ayon kay DepEd Undersecretry Michael Poa nasa pitong school days lang ang matatapyas sa kasalukuyang school calendar at dalawang buwan pa rin ang bakasyon ng mga mag-aaral dahil sa July 29, 2024 ang simula ng pasukan para sa School Year 2024-2025 at magtatapos sa May 16, 2025.
Batay sa isang Pulse Asia survey na isinagawa mula Hunyo 19-23, 2023, 80% ng mga Pilipino ang pabor sa pagbabalik ng summer break sa Abril at Mayo. Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng sapat na oras upang makapagpahinga, maglibang, at magkaroon ng iba’t ibang karanasan na makakatulong sa kanilang pag-unlad bilang indibidwal.
Gayundin, ang hakbang ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng klima sa bansa. Sa kasalukuyan, ang buwan ng Marso ay kilala sa pagiging mainit na panahon. Sa pamamagitan ng paglipat ng pasukan, maiiwasan ang mga problema na dulot ng tag-init tulad ng pagkabahala sa kalusugan at kakayahan ng mga mag-aaral na mag-aral sa mainit na kapaligiran. Sa isang pagdinig, binigyang diin ng PAGASA na bagama’t hindi kasabay ng kasalukuyang school calendar ang mga araw na may malakas na ulan at mas kaunting mga class cancellation dahil sa mga bagyo, kasabay naman nito ang mga araw na sobrang init. Binigyang diin din ng ahensya na umakyat na ng 0.75 porsyento ang average na temperatura sa Pilipinas.
Sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa "24 Oras" noong April 28, 2023, hindi bababa sa limang daan na mag-aaral, isang daan na guro at non-teaching staff sa isang paaralan sa Pasay City ang dinala sa klinika mula noong nakaraang linggo matapos ireklamo ang pagkahilo, pananakit ng ulo, at pagdurugo ng ilong dahil sa init ng panahon.
Dagdag pa, sa isang press conference, sinabi ni DOH
officer-in-charge Maria Rosario Vergeire 33 na guro't magaaral ang itinakbo sa hospital dahil sa init, ayon sakaniya apat ang nagmula sa high school ngValenzuela City noong Marso 9. Sa kabilang banda, ang iba pang 85 kaso ay mula sa mga estudyante ng Cabuyao, Laguna noong Marso 24 . Sa kabilang dako, may mga negatibong epekto rin ang pagbabago sa academic calendar, ito ay magsasanhi sa maaaring pagkabawas ng oras ng pagtuturo. Sa kadahilanang mas magiging maiksi ang araw ng pasok kung babaguhin ang academic calendar, maaaring mawalan ng oras ang mga estudyante upang maunawaan at maipraktis ang mga kailangang kaalaman at kasanayan. Kinakailangan madaliin ng mga guro ang kanilang pagtuturo dahil kinakailangang matapos ito bago ang pagtatapos ng pasukan. Ito ay may mga posibleng epekto tulad ng hindi pagkakamit ng lahat ng mga kompetensiya ng mga mag-aaral at hindi rin nila mabibigyang-pansin nang sapat ang mga ito.
Dahil sa pagbabago ng academic calendar magtatapos ang pasukan sa May 31, 2024 at muling magbabalik ang mga estudyante sa July 29, 2024, kung saan meron lamang kaunting pahinga ang mga estudyante at guro, bago sila muling pumasok sa paaralan. Ito ay maaaring magdulot ng pagod at stress sa mga guro at estudyante, kapag nawala ang pahinga maaaring mabawasan ang kalidad ng pagtuturo at pag-aaral dahil sa pagod at stress na nararanasan ng mga guro at estudyante.
Bukod pa rito, kapag inilipat ang pasukan sa Hunyo, magkakaroon ng mga pagbabago sa mga graduation at hindi na tutugma sa academic calendar ng mga kolehiyo. Ito ay magdudulot ng pangangailangan ng mga pag-aayos at pag-aadjust. Kung ang pasukan ay magsisimula sa Hunyo at matatapos sa Marso, mayroong apat na buwang bakasyon bago magsimula ang susunod na school year. Sa kabuuan, ang paglipat ng klase sa Hunyo ay maaaring magdulot ng mga benepisyo tulad ng pagbabalik ng mga bakasyon. Gayunpaman, kinakailangan pag-isipan ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga epekto nito upang hindi maisa-alang-alang ang iba’t ibang mga aspeto tulad ng pagpapalalim ng mga kompetensiya ng mga mag-aaral. Ito ay naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagbalanse ng mga benepisyo at mga hamon ng paglipat ng klase sa Hunyo. Makatutulong ang DepEd Order No. 003 s. 2024 sa mga positibong epekto at mga posibleng hamon, ngunit mahalaga ring isaalang-alang ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga ibang panig ng isyung ito upang makahanap ng solusyon na magbibigay ng pinakamahusay na benepisyo para sa lahat ng mga sangkot sa edukasyon.
Kailangan nating magbasa ng aklat
CRAVHEN JOHN S. DORIANapapanahon ang pagkakaroon ng programa ng Departamento ng Edukasyon na Catch-Up Fridays na isa sa mga nais tutukan ay ang pagtuturo at paglinang sa mga mag-aaral ng kasanayan sa pagbabasa at ang pagkahilig sa gawaing ito. Kapansin-pansin kasi ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na nagnanais pang magtungo sa mga library upang humawak, bumuklat at bumasa ng pisikal na aklat.
Sa ating eskwelahan, tumanggap tayo ng mga bagong aklat nito lamang Enero 23, idagdag pa ang napakaraming aklat na nananatili pa ring nakatambak sa ating silid-akalatan ibig sabihin ay nadagdagan na naman ang mga aklat na makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral at mga sanggunian para sa kanilang mga asignatura.
Ngunit ibinahagi ng teacher-librarian na si Gng. Teresita S. Barroso na mangilan-ngilan na lamang talaga ang pumapasok ng ating silid-aklatan para magbasa at kung mayroon man ay minuto lamang ang itinatagal at hindi umaabot ng isang oras.
Nakalulungkot ang katotohanang ito na mas pinipili na ng kabataan ang pagbabasa sa nakasisilaw na cellphone na nagdudulot ng pagkasira ng mata ayon sa mga eksperto. Isa pa ay masasabi ring nawawala ang interes ng mga bata sa pagbabasa dahil pinadali ng internet ang paghahanap ng impormasyon para sa mga takdang-aralin na ang nangyayari naman talaga



ay walang nagaganap na pagbabasa kundi pawang pagpindot lamang ng mga daliri, o tinatawag na copypaste.
Idagdag pa ang ilang pangamba na hindi lahat ng impormasyon sa internet ay wasto at mapagkakatiwalaan dahil kahit na sino ay maaaring mag-upload ng impormasyon o magbago ng detalye ng ilang sites sa internet. Ang magandang hakbang din ng eskwelahan na pagpapahiram ng aklat sa bawat mag-aaral upang may magamit ay hindi naisasakatuparan kung ang mga mag-aaral ay pinipiling iwan ang mga aklat sa kanilang mga bahay dahil lang sa kadahilanang sila ay nabibigatan.
Ano ang implikasyon nito ngayon sa atin?
Kailangan na ng muling panghihimok sa kabataan na magbasa, hindi ng kung anoano kundi ng aklat. Dahil maliban sa higit na mapagkakatiwalaan ang nilalaman ng mga aklat kaysa sa nasa internet, maiiwasan din ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang lumalabo ang mata dahil sa labis na exposure sa gadgets. Malilinang din ang kasanayan nila sa pagbabasa at mababawasan ang bilang ng mga mabagal pa ring bumasa kahit nasa sekundarya na.
Kailangang maunawaan muli ng kabataan na mahalaga ang pagbabasa, mahalaga ang mga aklat at hindi ito mapapalitan ng anumang pagunlad ng teknolohiya.
Itigil ang Istigma sa ‘katalinuhan’
KELVIN CARL C. BARAOED
Kailangan nating tanggapin ang katotohanang nagbago na ang pamantayan ng pagiging matalino sa kasalukuyan.
Kinakailangan na nating kumawala sa paniniwalang ang matalino ay iyon lamang magagaling sa mga numero o sa mga tuntunin at paggamit ng mga wikang banyaga. Gayundin ang paglaya sa kaisipang ang katalinuhan ay nakabase sa iskor na nakukuha mula sa iilang exam na bunga ng pagmememoryang wala namang halong pagunawa.
Marami tayong klase ng katalinuhan. Hindi kailangang ipagdiinan sa atin ang teorya ng multiple intelligences ni Howard Gardner noon pang 1991 at nagsisilbi na ring batayan sa pagpaplano ng mga gawaing pampagkatuto sa eskwelahan.
Lipas na ang mga panahong “talentado” ang tawag sa mahusay sa sining, sa pag-awit, sa pagsayaw at sa isports. Sa halip ay kinakailangan nating maunawaan na ito ay iba’t ibang klase rin ng katalinuhan.
Kapansin-pansin ngayong taon ang pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng Technical Vocational and Livelihood bilang track sa SHS. Sa kasalukuyan, mayroon
Haircut Policy: Paglabag sa Kalayaan opagdidisiplina?
Muling ibinalik ng paaralan ang tuntunin sa proper haircut ng mga mag-aaral matapos ang pagiging maluwag ukol dito noong kainitan ng pandemya. Mababasa ngayon sa bagong rebisa na Saligang Alituntunin Blg. 8 ng paaralan ang haircut policy.
Nakasaad dito na hindi pinapahintulutan ang mahabang buhok sa mga kalalakihan, ang nararapat na gupit ay isang pulgada sa itaas ng tenga at tatlong pulgada naman sa taas ng kuwelyo sa likod. Hindi rin pinahihintulutan sa lahat ng magaaral ang may kulay ang buhok maliban sa natural na kulay.
Suportado rin ito ng ating punong-guro ng paaralan. Gayunman, ilan sa mga mag-aaral ngayon ang tumututol at naninibago.
Hindi tayo ang unang tumutol sa hair cut policy, maging sa mga
ALLYSA JOYCE M. IGLESIAS
kilalang unibersidad, isang halimbawa ay ang Unibersidad ng Sto. Tomas na inalis ang haircut at hair color policy matapos tutulan ng mga mag-aaral kahit pa bahagi ng kanilang University’s Code of Conduct and Discipline (PPS Number 1027).
Ilang binabanggit na katwiran ng mga tumututol dito ay walang kinalaman o hindi nakaaapekto sa academic performance ng mga mag-aaral ang haba ng buhok o uri ng gupit. Idagdag pa na nawawala raw ang kalayaan ng mag-aaral at ang karapatan para sa student diversity. Sa kabilang banda, bakit may haircut policy pa rin sa eskwelahan?
Disiplina ang itinuturo nito.
Maraming naggigiit na walang kinalaman ang buhok sa pag-aaral, ngunit ang totoo, tinuturuan tayo ng tuntuning ito na maging
disiplinado at sumunod sa kung ano mang patakaran ng eskwelahang ating kinabibilangan. Dagdag pa, inihahanda tayo ng tuntuning ito para sa kinabukasan. Ang pagiging presentable at maayos sa pangangatawan ay isa sa mga mahahalagang katangian kapag tayo na ay maghahanap na ng trabaho. Sinasanay tayo ng tuntuning ito na maging presentable at disente tignan habang tayo ay nag-aaral pa lamang.
Mula rito masasabing habang nahuhumaling tayo sa kung ano mang usong gupit na nakikita natin mula sa mga sikat na artista o ng ibang tao sa social media, maganda na nauunawaan natin ang kahalagahan ng pagsunod sa anumang tuntunin na para naman sa ikabubuti natin at hindi ikasasama.
Linawin muna ang layunin ng work immersion
Ipinahayag ni Bise
Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte noong nakaraang taon sa kanyang talumpati patungkol sa Basic Education Report 2023 na may pagaalinlangan ang mga kasosyo sa industriya sa paglalaan ng oras para sa 10 araw na work immersion ng mga mag-aaral sa SHS. Indikasyon ito ng pagpapahayag ng kakulangan ng nakalaang oras para sa nasabing gawain.
Bahagi ng requirement sa mga mag-aaral na nasa Baitang 12 ang work immersion. Kinakailangan ito upang magkaroon ng aktuwal at personal na danas ang mga magaaral hinggil sa mga propesyon o trabahong may kinalaman sa napiling strand o specialization.
Ayon sa DepEd Order No. 30, s. 2017 (Guidelines on Work
JHUSTINE NIKAELLA MAE E. MIRAL
Immersion), 80 hours o sampung araw ang minimum requirement para sa Work Immersion; 40 hours kada linggo; 8 hours kada araw at mga estudyanteng 18 pababa ngunit mas matanda sa 15 ang edad ang pwedeng magsagawa ng Work Immersion. Magkagayunman, iginigiit sa ulat ng kalihim na ang sampung araw ay para lamang sa pamilyarisasyon sa mga konsepto ng iba’t ibang larang pa niya na hindi ito para sa aktuwal na skills acquisition.
Kung titignan, ang layunin lang naman ng 10 araw na work immersion ay magkaroon ng eksposyur ang mga mag-aaral na magsisipagtapos ng SHS sa mga industriyang maaari nilang pasukin sa hinaharap at hindi pagbibigay ng training at kabuuang skills development katulad ng isinasagawa sa TESDA
otraining para sa papasuking trabaho.
Mahalagang maging malinaw sa departamento ang pinakapakay ng pagsasagawa ng work immersion, kung ito ay naglalayon nang maihanda ang mga mag-aaral na magtrabaho pagkatapos ng SHS katulad ng ipinapangako ng SHS exit na trabaho, kulang talaga ang 10 araw ngunit kung nais lamang simulan at ipakita sa mga magaaral ang aktuwal na industriya upang kanilang pagyabungin sa pamamagitan ng patgpapatuloy sa mga pagsasanay, ang 10 araw na immersion ay malaking bagay. Maganda kung gayon ang binanggit ni VP at DepEd Secretary sa kanyang ulat na muling bibisitahin ang SHS curriculum upang mas maging mabisa at lalong mapagbuti ang kapakanan ng mga mag-aaral.
PALAGING MAY BAGO
[1] MATATAG CURRICULUM
lamang 54 na mag-aaral na mas mababa ng 69 o 56.1 % kaysa sa nakaraang taon. Dalawang bagay ang implikasyon nito: Una, hindi pa rin tayo nakawala sa pagkapit sa kaisipang ang katalinuhan ay may kinalaman sa usaping pangakademiko. Ikalawa, tinatanggap nating nangangailangan ng higit na kahusayan at katalinuhan ang track na ito kaya kaunti ang nagkalakas-loob sumubok. Naalala ko tuloy ang isang leksyong naibahagi ng kaibigan. Hindi maaaring sukatin ang kakayahan ng isda sa paglipad gayong mahusay ito sa paglangoy, sa parehong sitwasyon ay hindi rin maaaring sukatin ang kagalingan ng ibon sa paglangoy gayong mahusay ito sa paglipad. Hindi tayo magkakatulad. Magkakaiba tayo ng kagalingan, omas angkop marahil sabihing magkakaiba tayo ng katalinuhan.
Isang malaking hamon ngayon ang iniiwan nito sa mga eskwelahan, nangangahulugan ito ng higit na pag-alam sa kung paanong mabibigyan ng pareparehong oportunidad ng pagkatuto ang mga mag-aaral na magkakaiba at masasabing matatalino sa kanya-kanyang larangan.
Pormal na inilunsad ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa pangunguna ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang Kinder to Grade 10 (K-10) MATATAG Curriculum noong magsimula ang school year 2023-2024, o buwan ng Agosto. Layon nitong palitan ang K-10 Curriculum at tututukan ang pagbibigay-halaga sa Language, Reading and Literacy, Mathematics, Makabansa at Good Manners, and Right Conduct (GMRC).
Umaasa ang departamento na sa pamamagitan nito ay maiaangat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa reading, writing, at numeracy skills. Dagdag pa, naka angkla ito sa DepEd Agenda na “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa”
na naglalayong makahubog ng mga kabataan na may pagmamahal sa bansa at may kaalaman at kasanayan na angkop sa makabagong panahon.
Ano ang implikasyon nito sa ating mga magaaral? Kung palagi’t laging may politika ang mga polisiya at napapalitan sa bawat pagbabago ng administrasyon o namumuno sa departamento ay mas lalong hindi mapapalalim ang pagkatuto at pagkahubog ng kabataan sa mga inaasahang kasanayan. Masyado pang maaga para magsalita ngunit katulad ng departamento, maging kaming mga mag-aaral ay UMAASA ring magiging epektibo at para sa ikabubuti

HAMON NG NUMERO
[2]PISA RESULT
Kung nakakahiyang rumanggo ng mababa sa online games, tiyak na mas nakakahiya at nakaaalarma ang rumanggo sa mga international assessment tulad ng sa PISA. Ano bang mga hakbang ang dapat gawin ng gobyerno hinggil dito?
”Ang resulta ng PISA ay hindi lamang simpleng numero bagkus ay nagsisilbing hamon na magtutulak sa atin upang gumawa ng mga reporma at pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Dapat nating maunawaan na ang tunay na layunin ay higit sa pagtataas ng mga marka sa mga internasyonal na pagsusulit, kundi sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon para sa bawat kabataan.

TILAMSIK NG DIWA
MARK JUSTIN DAVE O. YMANA
HIGIT SA KALAT
[3] BARE WALL CLASSROOM
Isa ka rin ba sa mga nanibago sa mga bagong bihis na mga classrooms sa mga paaralan nang magsimula ang S.Y. 2023-2024, at nanghinayang sa mga makukulay na mga disenyo at paskil na inalis alinsunod sa DepEd Order No. 21, s. 2023?

KAILANGANG PAG-USAPAN
JANEALLE ANN M. OLIVERAS
KULANG ANG ISANG ARAW
[4]CATCH-UP FRIDAYS Napa-TGIF ka rin ba o Thank God It’s Friday dahil sa bagong programa ng DepEd na walang ibang gagawin ang mga mag-aaral kundi magbasa at pagtibayin ang mga kaalaman at kasanayan sa Values, Health at Peace Education?
Talagang nakaaalarma ang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) para sa Pilipinas na rumanggo ng ika-77
mula sa 81 bansa kasali sa isinagawang pagsusulit. Bagsak din tayo kumpara sa global average pagdating sa Matematika, Pagbasa at Agham. Patunay ito na kailangang-kailangan ng bansa ng interbensiyon sa sistema ng edukasyon.
Ilan sa mga nakikitang sanhi ng mababang resulta ay ang kakulangan sa mga pasilidad, mga kagamitang pangedukasyon, at ang kakulangan ng mga guro na may sapat na kasanayan at kaalaman sa asignaturang nangangailangang tutukan.
Sa datos na inilahad ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa kanyang Basic Education Report 2023, nasa lagpas sa kalahati ng kabuoang bilang ng mga imprastraktura sa mga paaralan ang nangangailangang ayusin o kumpunuhin. Sinabi niyang mula sa 327,851 na mga building sa lahat ng paaralan sa bansa, 100,072 dito ay kailangan ng minor repairs, 89,252 kailangan ng major repairs, aT 21,727 ang hindi na maaaring gamitin. Bukod pa ito sa binanggit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kakulangan ng 150,000 silid-aralan at 224,981 pares ng upuan at lamesa para sa mga mag-aaral. Dito pa lamang ay mababatid nang ang kawalan ng maayos na lugar ng pagkatuto ay pumipilay sa bawat mag-aaral na makatamo ng mahusay at de-kalidad na edukasyon.
Sunod, ipinakita rin ng 2022 PISA report na 43 porsyento ng mga Pilipinong mag-aaral ay kulang sa mga guro. Ayon sa ACT, nangangailangan ang bansa ng 144,789 na mga guro at 94,540 academic support staff ngunit kulang ang mga bakanteng posisyon para dito. Nagbubunsod ito ng pagiging overworked ng mga guro at pagtuturo ng mga asignaturang hindi naman talaga pinagkadalubhasaan o kulang ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Nakasanayan natin ang makakita ng iba’t ibang mga paskil sa ating mga silid-aralan na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon, mapa-akademiko man iyan katulad ng mga termino o ilustrasyong may kinalaman sa mga aralin o kasabihan at mga larawang nagsisilbing mga paalala at gabay sa buhay simula pa nang tayo ay nasa elementarya. Ngunit ngayon, mga blangkong dingding ang laman ng ating mga silid-aralan bilang pagtalima sa DepEd Order No. 21, s. 2023 na ibinaba ni DepEd Secretary Sara Duterte. Marami at magkakaiba ang naging reaksyon sa naging kautusan ng DepEd Secretary sa pag-alis ng mga nakapaskil sa mga silid-aralan. Masasabing sa pamamagitan nito ay magkakaroon tayo ng kalinisan sa mga silid-aralan subalit inaaalis naman natin ang mga materyal na magdudulot ng pagpapalalim ng kaalaman sa ating mga mag-aaral.
Pinupunto ng maraming eksperto sa sikolohiya at edukasyon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga plinano at piniling mga dekorasyon at paskil upang lalong mapagbuti ang pagkatuto ng mga magaaral. Ayon kay University of Santo Tomas Education Professor Eleanor Bahrami-
Hindi maikakailang isa sa mga pinakamahalagang kasanayang dapat matutuhan ng isang indibidwal ay ang pagbabasa. Sabi nga, hindi ka maliligaw kung marunong kang bumasa. Sa pagbabasa, nakatutuklas tayo ng bagong kaalaman at mga kasanayan. Subalit sa kabila ng nito, patuloy pa rin ang malalang problema sa pagbasa sa ating bansa.
Kasabay ng pagsisimula ng bagong taon ay ang paglulunsad ng Departamento ng Edukasyon ng nakikita nitong bagong solusyon sa umiiral na problema sa antas ng kasanayan sa pagbabasa ng mga magaaral, ang Catch-Up Fridays. Sa pamamagitan ng DepEd Order No. 001 s. 2024, ibinaba ng departamento ang mga panuntunan at pamantayan sa implementasyon nito na pinakatugon sa naging resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) na naglahad na mayroon lamang 347 na iskor kumpara sa 476 na global average ang kabataang Pilipino pagdating sa pagbabasa. Ang nakalulungkot ay hindi nito nalulutas ang totoong problema pagdating sa pagpapabasa o sa buong

Ano ang implikasyon ng lahat ng ito? Sa halip na magsisihan ay makabubuting kumilos tayo.
Ang resulta ng PISA ay hindi lamang simpleng numero bagkus ay nagsisilbing hamon na magtutulak sa atin upang gumawa ng mga reporma at pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Dapat nating maunawaan na ang tunay na layunin ay higit sa pagtataas ng mga marka sa mga internasyonal na pagsusulit, kundi sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon para sa bawat kabataan.
Kinakailangang isaalang-alang ang sapat na pondo mula sa pamahalaan para sa mga imprastruktura ng mga paaralan, pagtiyak na kumpleto ang mga kagamitan, at paglalaan ng sapat na suporta sa mga guro at mag-aaral. Gayundin, mahalaga ang pagsasaayos ng kurikulum upang mas mapalapit ito sa pangangailangan at kakayahan ng ating mga mag-aaral. Mahalaga rin ang patuloy na pagsasanay ng mga guro upang maging handa sila sa pagtuturo ng mga bagong kasanayan at konsepto sa mga mag-aaral. At higit sa lahat, ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor sapagkat ang pagtugon sa mga hamon sa edukasyon ay hindi lamang tungkulin ng gobyerno. Kinakailangan ang pakikipagtulungan ng iba't ibang sektor ng lipunan mula sa pribadong sektor hanggang sa iba pa upang magtaguyod ng isang mas maunlad at epektibong sistema ng edukasyon.
Sa huli, ang mga resulta ng PISA sa Pilipinas ay hindi dapat maging hadlang, bagkus, dapat itong maging inspirasyon upang magkaroon tayo ng mas malaking determinasyon at dedikasyon sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa.
Sa pagtutulungan at pagkakaisa, maaari nating marating ang hangaring magkaroon ng isang lipunan na may de-kalidad at pantay-pantay na edukasyon para sa lahat at sama-sama nating mapagtatagumpayang baguhin ang numero.
Hessari na binanggit sa isang artikulo sa Rappler, ang isang bare wall classroom ay tulad ng sa ospital na mas lalong makapagdudulot sa mga mag-aaral na mabagot at antukin o hindi makapagpokus sa mga aralin sa loob ng silid-aralan.
Sinang-ayunan ito ng isa sa mga guro ng paaralan na si G. Jerell Ventura, guro sa Araling Panlipunan at ipinaliwanag ang kahalagahan ng mga biswal na representasyon o mga larawan sa pagtuturo ng kanyang asignatura upang lalong maunawaan ng kanyang mga magaaral ang mga aralin. Binanggit niyang kapag laging nakikita ito ng mga mag-aaral ay mas lalong napananatili sa kanilang memorya.
Sa kabilang banda, ikinakatwiran ng mga nagsulong ng kautusan na ang hakbang ay malaking tulong sa pag-aaral. Sa ilang panayam, binanggit ng mga opisyales ng DepEd na sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga labis na dekorasyon at abala sa mga dingding at pisara, mas nagiging organisado at maayos ang bawat silid-aralan na nagbubunsod sa pagpapabuti ng konsentrasyon at pagkatuto ng mga mag-aaral at magdudulot ng mas epektibong pagtuturo at pag-aaral.
Ikalawa, iginigiit din na ang pag-aalis ng mga nakapaskil ay maaaring maging bahagi ng pagsasaalang-alang sa mental at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral. Sa mundo na puno ng impormasyon at stimulus, ang simpleng paglilinis at pagpapayaman ng kapaligiran ng pag-aaral ay maaaring magbigay ng kapayapaan at katahimikan sa isipan ng mga mag-aaral. Ito ay isang paraan upang bigyan ng pansin ang kanilang kapakanan at kagalingan, hindi lamang sa akademikong aspeto kundi pati na rin sa kanilang holistikong pag-unlad bilang mga indibidwal.
Ang hakbangin tungo sa pagkakaroon ng bare wall classrooms sa ating mga paaralan ay hindi sapat na solusyon tungo sa inaasam nating pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon. Higit pa sa mga pisikal at pagbabago sa kapaligiran at lugar ng pagaaral, kinakailangan din nating pagtuunan ng pansin ang mga pangunahing aspeto ng pagtuturo at pag-aaral, tulad ng pagpapalakas ng mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip, pagpapaunlad ng mga kurikulum, at pagpapabuti ng kalidad ng mga guro at pagbibigay ng mga materyales at pasilidad na kailangan sa mga paaralan.
sistema ng edukasyon sa pangkalahatan. Napakababa ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng kabataang Pilipino batay sa resulta ng PISA. Tinatayang 76 porsyento ng mga mag-aaral ay nasa Level 2 sa reading proficiency na ayon sa Organization for Economic Cooperation and Development na nagsasagawa ng PISA ay nakababasa ngunit walang kasamang pag-unawa o comprehension sa Ingles.
Mainam kung bago magpanukala o mag-implementa ang departamento ng edukasyon ng isang bagong programa ay tiyakin muna ang ilang salik gaya ng kakulangan sa mga kagamitan, aklat, at guro na may sapat na kaalaman sa pagtuturo ng pagbasa. Ang kawalan ng access sa mga aklat at iba't ibang sanggunian sa mga komunidad sa probinsya at urbanisadong lugar ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng kakayahan sa pagbasa. Pangalawa, ang kakulangan sa paglinang sa kabataan ng pagpapahalaga sa pagbasa dahil sa pagyakap at pagsusulong natin ng digitization sa iba’t ibang aspekto ng buhay. Gayundin ang
patuloy na paglala ng adiksyon ng kabataan sa social media at mga online games. Kung nais nating malutas ang problemang ito, kinakailangan nating pagtuunan ng pansin ang ilang hakbang higit sa paglalaan lamang ng isang araw sa isang linggo para dito. Kinakailangan ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan, mga paaralan, at lokal na komunidad upang magbigay ng sapat na mga kagamitan at serbisyo para sa pag-unlad ng pagbasa. Dapat itaguyod ang kahalagahan ng pagbasa hindi lamang sa paaralan kundi maging sa mga tahanan at komunidad. Ang pagkakaroon ng mga reading programs, book clubs, at iba pang aktibidad na nagpapahalaga sa pagbasa ay maaaring makatulong sa pagpapalakas ng kultura ng pagbasa. Ang pagbasa ay hindi lamang isang kasanayan, ito ay isang pundamental na karapatan at sandata para sa pag-unlad ng bawat isa at ng lipunan. Sa pagtutulungan at pagkakaisa, maaari nating masugpo ang problema sa pagbasa sa Pilipinas at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang susunod na henerasyon.

Pangarap ng bawat magulang na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak at magkaroon ng magandang trabahong mapapasukan. Kaya habang nag-aaral pa lamang, maraming mga magulang ang itinutulak ang kanilang mga anak upang maging pinakamahuhusay sa klase at makakuha ng matatas na grado.
Ngunit tila habang tinutupad ng mga magulang ang 'kanilang' mga pangarap para sa kanilang mga anak ay nakalilimutan nilang isaalangalang ang pangarap ng bawat anak para sa kanilang mga sarili at ang epekto nito sa kanila.
PAAWAT MUNA SA PRESSURE
Batay sa mga pag-aaral at ilang artikulo, maliban sa stress at pressure na dulot ng maraming requirements sa eskwelahan, malaki rin ang naidudulot na stress at pressure mula sa mga magulang.
Mas lalong nawawalan ng inspirasyon mag-aral ang isang estudyanteng nakararamdam ng matinding pressure mula sa mga magulang na tinatawag na parental academic pressure.
Kadalasan mga mag-aaral na nangunguna sa kanilang klase ang higit na nakararanas nito. Sila ang madalas na nakaririnig at nasasabihan ng “Bakit bumaba ang grado mo kaysa noon?” mula sa kanilang mga
Magpadala ng mensahe sa amin online, i-follow ang aming opisyal na FB Page:
Grade conscious ka ba dahil may gustong award na makuha o okay na sa ‘yo ang pumasa? MAHALAGA NGA BA ANG GRADO o ito ay pawang mga numero lamang?

Sa patnugutan ng Dalisay,
magulang o tagapangalaga. Gayunman, kailangang malaman na maaaring makasira sa self-confidence at self-image ng isang bata ang pressure na ito at magdulot ng takot na sumubok dahil sa posibilidad na magkamali at mabigo.
Nakararamdam din sila ng panliliit sa sarili sa tuwing naikukumpara sa kanilang mga kaibigan, kaklase at mga kaedad. “Bakit mas mataas ang grado ni ano, kaysa sa iyo?”
Nakaaapekto rin ito sa paguugali ng bata. Maaaring humantong ito sa pangongopya sa klase o pagsisinungaling sa mga guro at sa mga magulang para lamang maging maganda
ang imahe at makakuha ng matataas na grado. Minsan dahil sa labis na pagmamahal at pagpapaalala ng mga magulang, sila ang nagtatakda ng direksyong tatahakin ng kanilang mga anak na nagdudulot ng mas lalong pagnanais ng bawat anak na kumawala at suwayin ang mga magulang.
Gayunpaman, bilang mga anak, huwag nating kalimutan ang napakahalagang gampanin ng ating mga magulang sa ating mga buhay. Mula sa pagiging lakas sa tuwing tayo'y pinanghihinaan ng loob. Hanggang sa pagiging bukas na mga bisig na handang
tumanggap sa atin kapag tayo ay nakadarama ng pagkabigo o nakagagawa ng pagkakamali. Sa huli, isipin nating walang sinumang magulang na maghahangad ng ikasasama ng kanilang mga anak. Wala silang ibang ninais kundi ang mapagbuti tayong kanilang mga anak
Kailangan lamang ay ang magandang ugnayan natin sa kanila at ang komunikasyon upang maiparating ang damdamin sa kanila. Tiyak naman ay mauunawaan nila tayo kapag nagkataon. At mas masaya pa ring mag-aaral nang walang anumang pressure mula sa kahit na sino man.


MENSAHE SA PATNUGOT
Isang mapagpalang araw.
Nagpadala ako ng mensahe dahil nakikita ko ‘yong hirap at sakripisyo ng mga tulad kong estudyante pagdating sa mga projects at requirements ng mga teachers sa kanila. Nariyang uuwi nang late, magpupuyat sa gabi, gagastos ng malaki para sa printing at pagpo-photocopy. Idagdag pa ang ‘unending pressure’ ng mga magulang. At ano ang kapalit? Grades o grado na ipinagpipilitang mahalaga sa buhay ng bawat mag-aaral? Ngunit ano nga ba ang katotohanan?
Nais kong ilatag ngayon ang tanong na: Mahalaga nga ba talaga ang grado?
Umaasa ako sa inyong tugon. Muli maraming salamat. Mabuhay ang pluma! Mabuhay ang kalayaan ng kabataang manunulat!
Lubos na gumagalang, Chiles Ponferrada, 10-M.Gandhi

TUGON NG PATNUGOT
Magandang araw Chiles,
Batid naming wala kami sa posisyon upang magbigay ng opinyon sa iyong katanungan hinggil sa grado kung kaya’t minabuti naming magsagawa ng pangangalap ng mga opinyon hinggil sa iyong katanungan. Nag-send kami ng mga mensahe sa ilang alumni ng ating paaralan na ngayon ay matagumpay na sa kani-kanilang piling larangan. Narito ang kanilang mga naging kasagutan sa tanong na “mahalaga nga ba ang grado?”

LAWRENCE B. MACARAEG, Class Valedictorian, Batch 2005 Technically, kapag aiming ka sa certain awards, importante ang grades kasi nagsisilbi itong motivation para makamit ang award na 'yon. Pero sa real life situation, masasabi kong hindi. Mas mahalaga kung paano mo iaapply ang mga natutuhan mo sa eskuwelahan.

GERALD KEVIN O. BAUTISTA, Class Valedictorian, Batch 2009
Actually no’ng nasa high school ako hindi gano’n kaimportante ang grades sakin basta I am always doing my best sa mga klase ko and whatever my teachers would give me okay na ako do’n pero no’ng magka-college na ako na-realize ko na napakaimportante pala ng grades lalo na sa amin na medyo kapos financially kasi dahil sa mataas kong average na qualify ako sa scholarship na napakalaking tulong upang matapos ko ang degree ko.

JANNALE ZHINDY MONEGAS-ANCHETA, Class Valedictorian, Batch 2010 “Syempre grades do matter, sino ba naman ang ayaw na mataas ang grado. Pero ang tanong ay will it matter for the rest of our lives? Syempre hindi. What matters most are the lessons we learned. Kaya sa mga magaaral, lagi niyong tandaan na your grades do not define who you are. Magaral mabuti pero ‘wag kalimutang mag-enjoy at magkaroon ng maraming masasayang experience.”

LEAH ANN PASCUA-MANUEL, Class Valedictorian, Batch 2011
“It does matter sa early stage ng corporate life since employers still look at your grades to assess your capabilities. After 2-5 years (base sa field namin) it won’t matter. Your attitude towards work, hard earned experience in chosen field will then matter.”

RICA ANGELA L. NARTATES, Class Valedictorian, 2013
Importante na maging aware ang mga estudyante sa kanilang grado na upang masuri nila ang kaalaman nila sa isang asignatura at kung saang aspeto pa nila dapat pag-igihan ang pag-aaral. Pero importante rin na hindi dapat ipressure ang mga estudyante sa kanilang grado at maglagay ng kompetisyon sa kanilang pagitan lalo na at hindi lang naman ito ang basehan sa totoong hamon ng buhay.
SA HIDWAAN NG MGA PINUNO, BAYAN ANG TALO
Sa kasalukuyang panahon, hindi natin maitatanggi na ang politika ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan, sa bawat eleksyon tayo ay nagkakaroon ng mga lider na maglilingkod at magtataguyod sa atin ng polisiya patungo sa payapang bansa. Ngunit hindi natin maiiwasan ang mga pagkakataon na nagkakaroon ang mga politikal ng away, kung saan nagkakabanggaan ang mga opinyon at interes ng mga politiko ukol sa pagtataguyod ng ating bansa.
Isang malaking bungad sa taong 2024 ang isyu ng dalawang kilalang politiko sa Pilipinas sa maaaring pagkawala ng kanilang ipinangako na pagkakaisa at pagtutulungan sa isa’t isa. Ito ay nagdulot ng malaking rift sa bansa, sina Dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang kanilang mga pangalan ay hindi lamang kilala at naiuugnay sa larangan ng politika, bagkus pati na rin sa mga kontrobersya at isyu na nagpapalibot sa kanila. Napakahalaga na tayo ay maging bukas sa pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng dalawang panig at ng kanilang mga tagasuporta. Sa pamamagitan ng paguusap at pakikinig sa isa’t isa, maaaring magkaroon tayo
ng pag-unawa at pagkakasunduan sa mga isyung nagdudulot ng away. Malaking papel rin ang pagkakaroon ng respeto sa bawat isa. Maging sa politika, hindi natin maiiwasan ang mga pagkakaiba ng opinyon at pananaw. Subalit sa halip na mag-away at magbangayan, mas mainam na magkaroon tayo ng pagrespeto sa bawat isa at tanggapin ang ating mga pagkakaiba. Ito ay maaaring maging daan tungo sa pagkaroon ng pagkakaisa at pagkakasunduan sa mga isyung mahalaga sa ating bansa.
Nagdulot ang hidwaan ng dalawang pinuno sa pagkakagulo ng mga mamamayan sa ating bansa, nawalan tayo ng pagkakaintindihan at respeto sa isa’t isa. Ang dalawang panig at supporters ay patuloy na nagbabatuhan ng mga masasakit na salita para ipagtanggol ang kanilang mga pinunong sinusoportahan.
Sa halip na ating ipagpatuloy ang pag-aaway at pagkakawatak-watak, mainam na magtulungan na lamang sina Duterte at Marcos upang maisakatuparan ang mga reporma at proyekto na makakatulong sa
pagpapa-unlad ng bansa. May malaking ambag ang kanilang mga kakayahan at karanasan sa politika, ito ay magsisilbing pundasyon para sa isang malakas at matatag na pamahalaan, ito rin ay maaaring magdulot ng pagbabago sa kaisipan ng mga mamamayan. Bilang paglalahat, pagkakaisa sa gitna ng politikal na away nina Duterte at Marcos ay mahalaga para sa ating bansa. Sa pamamagitan ng kalmadong pag-uusap, pagrespeto, at malasakit sa kapakanan ng ating bansa, maaari nating matamasa ang pagkakaisa at pagkakasunduan sa mga isyung mahalaga.
Politika ang dapat maging susi at magsilbing daan upang maisulong ang mapayapa, at maunlad na bansa, ito ay hindi upang magdulot ng hidwaan, away at pagkakawatak-watak. Tunay nga na susi sa pagkakaisa, ang pagkakaroon ng pag-asa at respeto sa pag-abot ng isang mas maunlad at magkakaisang bansa. Sa huli, ang pagkakaisa ay isang mahalagang hakbang at susi patungo sa pagkamit ng pag-unlad at pagbabago ng bansa. Hindi susi ang hidwaan ng bawat isa para maisagawa ang magkaibang pananaw at sistema sa pagpapaunlad ng bansa.

Disenyo at Layout
PALENGKUWENTO NG TOTOONG BUHAY
Lokasyon: PAMILIHANG BAYAN NG ALCALA

LASA NG NAKARAAN, LASAP HANGGANG SA KASALUKUYAN
Kuwento kung paanong nananatiling patok s Angel Special Palamig sa panlasa ng bawat Alcalenian
bagay sa paligid at hinahanda ang mga sangkap ng palamig na
ginagamit ng mga ibang negosyo. Matagal na rin naming ginagamit yong gallon na yan. Since day 1 yan na yong kaagapay namin sa pagbebenta. Nag-stay kasi yong lamig diyan tapos niluluto rin namin kaya hindi katulad ng mga iba na hinahalo lang nila, nilalagyan ng ice tapos tinitimpla” saad ng may-ari sa panayam na aming ginawa.
Nagsimula sila sa maraming kakompetensya sa negosyong palamig noong 1993 ngunit masasabing isa sila sa mga nanatiling matatag magpahanggang sa ngayon. Sumakto rin daw na may perang pampuhunan ang pamilya sa mga gamit at mga rekado kaya tinuloy-tuloy na nila ang pagnenegosyo at hindi inaasahang makakaabot ito ng 31 taon.
“Kaya ‘yong mga ibang customer namin high school pa lang sila noon. Pupunta sila dito may anak na sila, iku-kuwento nila sa mga anak nila na dati dito sila bumibili ng palamig”, masayang kwento niya sa amin. Tila nakumpleto na rin ang childhood ng mga batang 90’s sa Alcala dahil sa inuming ito. Masaya silang naging kaagapay nila ang negosyong itinayo sa matagal na panahon na ang nakalipas. Nakakatulong ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kanilang kagustuhan, pati na rin sa pantutos ng mga pangangailangan sa negosyo nilang photo studio rito rin sa ating bayan. Inaasahan pa nila ang patuloy na paglago ng negosyo na tiyak na hahanap-hanapin ng mga tao. Marami mang panlasa ang namamayagpag ngayon, kabilaan mang mga timpla at lasa ang nagiging magka-kompetensya dahil sa negosyo. Ngunit ang Special Palamig na ito ay patuloy pa ring nananatili kahit ilang dekada na ang nakararaan. Mula sa munting negosyo, hanggang sa lumago, at naging simbolo na ng Alcala. Sa mga sangkap nitong may halong pagmamahal, dedikasyon, at pangarap ng mga mamamayan.
TATAYcycle Driver: asa para sa Pamilya
pangunahing moda ng transportasyon sa bayan ng Alcala. lugar bilang hari ng kalsada. Ngunit ang totoo, ang tunay
Isa sa mga patuloy na bumabagtas tungo sa ruta ng
barangay San Pedro Ili Alcala Pangasinan, at ama ni aaral ng Arboleda
pamamasada ng tricycle ang bumuhay sa kanilang pamilya at tumustos sa kanilang araw na pangangailangan. namamasada ng tricycle, ito na ang masasabi ko ring bumuhay at kuwento
napagtapos niya ang
kolehiyo at napagaaral ngayon ang mga anak na nasa


sekundarya at elementarya. “Sa awa ng Diyos, napagtapos ko naman ng pagaaral ‘yong panganay ko na IT sa Lyceum Urdaneta. Ngayon naman meron akong pinapaaral na grade 11 sa Arboleda National High School at ‘yong isa ay nasa elementary pa,” wika niya sa panayam.
Samantala, ipinahayag ng kanyang anak na si Jastine Lacsina kung paano siyang ka-proud sa kanyang tatay na patuloy na nagpupursige para sa kanila.
Masaya ako at proud sa pagiging tricycle driver niya. Grade five pa lang ako no’ng nag-umpisa siyang magpasada. Dahil din sa pamamasada niya, natutustusan niya ang mga pangangailangan namin tulad ng mga bayarin sa school at baon naming magkakapatid,” pagmamalaki ng kanyang anak na si Jastine. Gayunpaman, maaaring katulad ng mga jeepney, magpalit din ng ruta at maalis sa trono sa kalsada ang mga tricycle dahil sa modernisasyon. Nangangahulugang maraming ama katulad ni Tatay Jason ang mapilitang tumigil sa pamamasada at hindi na matutustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.
Hindi ako boto sa modernization na yan. Para sa akin, nagpadagdag lang ng utang sa mga tao. Dahil din diyan na-phase out ang mga dati nang jeep at malaki ang naging epekto nito sa katulad naming mga driver dahil mas mura ang pamasahe roon kumpara sa amin,” wika ni Jason ukol sa pagkakaroon ng modernized bus. Hindi nag-iisa si Tatay Jason sa maraming mga amang nagpapatuloy
TAMIS NG TAGUMPAY
Pagtitinda ng Isang Ina ng Kakanin Upang may Pangkain
Sa likod ng manamis-namis at malagkit na kakanin ay ang isang napakahabang proseso sa paggawa nito. Nariyan kang mangangalay at mapapagod, ngunit tulad ng pagkamit ng isang matamis na pangarap, ito y dumaraan sa maraming pagsubok. Ganito ilarawan ang buhay ng isang tao sa paggawa ng isang kakanin. Maraming pagsubok muna ang kailangang pagdaanan, bago ito makompleto at maging patok sa panlasa ng marami.
Sumakit at tuluyan mang mangalay ang mga kamay ni Aling Delia Cabanilla, sa paghalo ng mapapaklang pagsubok. Sa huli, ang pagod na kanyang iginugol para mabuo ito ay mapapalitan ng isang matamis na tagumpay. Tulad ng paggawa niya ng kakanin, maraming sangkap ang kailangan para gawin ito. Pawis at pasensya rin ang kailangang ilaan sa pagluluto para maging pantay ang lasa.
“Animnapu't siyam na taong gulang na ako. Since alam ko nang kumita ng pera ay nag-umpisa na ako sa paggawa ng kakanin,” wika niya na tila ba mabilis na binalikan kung paano ito nagsimula noon at kung ano na ang narating niya ngayon.
Dahil sa kanyang sipag sa pagtitinda, nagbunga ang kanyang mga sakripisyo at nakapagpundar ng mga kagamitan gamit lang ang kanyang mga kinita sa pagbebenta ng kakanin.
“Mayroon na akong naipundar tulad ng refrigerator, TV at trybike. Ngayon naman nagpapagawa ako ng bahay,” masayang tugon nito.
Isa sa mga hamong kinakaharap ng mga negosyante ngayon ay ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Maraming negosyo ang naapektuhan, malalaking negosyo man o maliliit ay hindi nakatakas sa pagtaas ng mga bilihin. Gaya ng negosyo ni Aling Della. Naging hamon ito para sa kanya dahil sa mahal ng mga sangkap na kailangan sa
BUHAY KUBO
Paglalako ng Gulay upang Mabuhay
Bahay-kubo, kahit munti. Ang halaman doon ay sarisari”, linya ito sa isang pambatang kanta na Bahay Kubo’. Mistulang human bahay-kubo kung ituring si Marieta Nelmida, 68, may pitong anak, mula sa bayan ng Alcala, Pangasinan dahil sa kanya mo mabibili ang iba’t ibang klase ng gulay na nasa bahay-kubo. Ngunit ang totoo siya ang human bahay-kubo dahil nakamamangha kung paano niyang itinataguyod sa pamamagitan ng pagbebenta ng gulay, ang bahay na tahanan ng sari-saring kuwento.
Ang hirap magkaroon ng maraming anak pero kung nakikita mo namang ang pinagpapaguran mo ay napupunta sa mabuti, ayos lang. Kung ito’y ginagamit nila sa pag-aaral nila, ayos lang. Sa totoo lang, may isa na akong anak na nakapagtapos na sa college”, pagmamalaking salaysay ni Aling Marieta.
Hindi lamang mga mamimili ang apektado ng inflation kundi higit at lalo na ang mga tindera katulad ni Aling Marieta.
“Lubos na nakaaapekto ‘yang inflation na ‘ yan para sa aming mga nagtitinda rito sa palengke. Yan ang pinakaproblema naming lahat tapos pera na rin. Ang hirap kapag dire-diretso yong pagtaas ng mga bilihin, kami ang nalulugi. Kung minsan kumakapit na ako sa bumbay at 5/6 para lang hindi ako mawalan ng puwesto rito sa palengke at para may pangtustos pa rin kami ng mga anak ko sa araw araw”, saad ni Aling Marieta sa panayam nang tanungin siya tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Hindi matawaran ang sakripisyo ni Nanay Marieta sa pagtitinda ng gulay. Dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng kanyang paninda, hindi nito maiwasang mangutang para lamang hindi siya mawalan ng mapagkikitaan. Dumagdag pa ang pagkalugi nito sa kanyang ibang inilalako. Gaano man kahirap at kapagod ang buhay sa loob ng palengke, ito y mawawala kung ang napupuntahan nito ay sa
KALYE KAPE

mabuti. Tulad na lamang ni Nanay Marieta na dahil sa kanyang simpleng pagtitinda ng gulay, napagtapos niya ang kanyang isang anak at ang iba patuloy sa pag Kung ang iba ay kasama nila sa pagtanda ang kanilang mga asawa, si Nanay Marieta, ang kasama niya ay ang kanyang mga panindang gulay. Nasaksihan ng mga makukulay na kalabasa, mabibilog at mapupulang kamatis, mahahabang talong at marami pang iba kung paano naging malaking tulong ang mga paninda niyang ito sa pagpupundar ng kanyang samu Nakapagpundar na ako ng mga appliances, tulad ng TV, washing machine at electric fan. Napaayos ko na rin ang bahay naming dahil sa tulong ng aking pagtitinda ng mga gulay. Natutuwa ako dahil sa 30 years kong nagtitinda ay may napupuntahan din pala ito dagdag pa ni Nanay Marieta.
Sa loob ng tatlong dekada ng pagtitinda, hindi lubos akalain ni Nanay Marieta na siya nakapagpagawa na ng kanilang sariling bahay. Kung ang inaakala niyang tindahan na ang kanyang
Timpla at Pakulo para sa Bagong Negosyo
Sa tuwing nagtitimpla ka ng kape, anong timpla ng kape ang gusto mo? Matamis ba tulad ng purong pagmamahal, o matapang na kahit anong hamon ay kaya kang ipaglaban.
May iba’t iba tayong gusto pagdating sa lasa ng ating kape. Ang iba ay mas gusto ang mapait tulad ng kapeng barako, at may iba ring katamtaman lang ang tamis at tapang. Ngunit ang timpla ng kapeng ito, ay kakaiba ang pakulo at hindi matatagpuan sa magagarang coffee shops, kundi makikita lang ang kanilang pwesto sa kalye sa bayan ng Alcala. Ang Kalye Kape kung tatawagin nila na siyang pumukaw sa panlasa ng mga tao.
Pagmamay-ari ito ni Lourd Richard Abalos, 26. Wika niya, mahilig talaga siya sa kape at mayroong coffee shops ang kanyang kapatid sa Bayambang kaya roon ito natuto sa pagtitimpla. Na siyang nag-udyok din sa kanya na magtayo ng sarili niyang negosyo.
“Iyong product kasi na gusto ko, quality siya pero affordable ang price. Tapos ‘yong theme namin ay dito lang talaga sa kalye, aniya tungkol sa pangalan ng kanyang negosyo na Kalye Kape.
Hindi lang sa timpla kakaiba ang kape nila, ngunit pati rin ang proseso ng paggawa nito.
Siguro yong pinagkaiba namin sa ibang mga kape, may other method kami na kahit na walang koryente pwede pa rin kaming makapagbenta. Tsaka sa pangmasang price namin na affordable para sa lahat,” nakangiti niyang sambit.
Sa feedback naman ng mga customers sa kape namin, okay din. Sinasabi na masarap at affordable ang price.
Bukod pa rito, arabica beans talaga ang kanilang ginagamit sa paggawa ng kanilang kape.
Bino-brewed na lang namin ito bago kami pumunta rito sa



Mga Artikulo nina:
KELVIN CARL C. BARAOED
ANGLEIQUE LYCAH L. AGAOID
Disenyo at Layout ni: KEN SHANE V. SIBAYAN
Ginamit ko ang sining para ipakilala kung sino ako. Iyong painting na ‘yon it shows my experiences throughout my journey being insecure and bullied because of my actions. Being gay is not my choice, I pleased God to make me straight and be normal like other boys. But here I am, I’m still gay and I’m proud of what I am today
OH BABY, BIBE!

Nasa situationship ka ba? Lowkey? Na-breadcrumbing? O backburner relationship? Ano pa man ang relationship status ng mga sawi at umaasa, isa lang ang tiyak, wala pa ring baby this Valentine’s Day. Pero don’t you worry, dahil wala ka mang baby, maaari ka namang magkaroon ng maraming BIBE! Hindi na lamang tatlong bibe na mataba, payat at may pakpak ang makikita ngayon dahil tila nakawala sa mga kulungan at sinugod ang ating paaralan ng mga bibe. Naging patok ngayon ang paggamit ng bibe hair clip, hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro, lalo na sa pagdiriwang ng Valentine’s day na pinangunahan ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG).
“Hindi ko ine-expect na magiging mabenta at mauubos ito. Naisipan lang kasi ito ng mga officers ko, kasi kung sa mga may baby ang para sa kanila ay mga flowers at hearts, sa mga wala namang baby, ang para sa kanila ay bibe. Oh ‘di ba?”, saad ni Ginoong Jerell b. Ventura, SSLG Adviser ng ANHS. Nagsimula ang BIBE hairclip sa Baguio at naging isa sa trend ngayon sa fashion. Samantala, pinayahag naman ng DepEd na pahihintulutan ang paggamit nito sa paaralan dahil wala naman silang nakikitang negatibong epekto sa pag-aaral.
Kaya kung wala ka mang baby, makuntento muna sa BIBE hair clip at maging IN sa trend ngayon.

Makulay tulad ng bahaghari ang buhay. Isa itong sining na likha ng Pinakamahusay na Pintor sa lahat. Si Joshua Carajay, 20 taong gulang, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kursong Fine Arts sa University of the Philippines-Baguio, at nagtapos ng Junior High School sa ating paaralan taong 2018, ay nagsisimula ngayong lumikha at gumuhit ng pangalan sa larangan ng sining Kamakailan ay napasama siya sa Top 30 Finalists ng 55th Shell National Student’s Art Competition para sa kanyang painting na ‘Pagsibol’. Nakamit niya ang ikalawang puwesto mula
sa 49 kalahok sa 2022 Abig Sining Visual Arts Competition noong Abril, 2022, isang panlalawigang proyekto ng Pangasinan, para sa kanyang painting na ‘Ang Tatlong Puting Ibon’. Napabilang din siya sa mga featured artists sa Novice, isang online magazine na nagtatampok sa mga mahuhusay sa larang ng sining sa bansa at minsang naimbitahan bilang isa sa mga kalahok sa episode ng Eat Bulaga-Bawal Judgmental para sa Buwan ng Sining.
“Para sa akin ang sining ay isang paraan upang ipakita ang emotion at expression sa isang topic. Puwede rin itong maging isang paraan upang magkuwento,” paliwanag ni
Joshua sa isang panayam.
Kapansin-pansin sa kanyang mga artwork ang paggamit ng kanyang sarili bilang subject sa kanyang mga gawa. Nang tanungin kung alin sa kanyang mga likhang sining ang itinuturing niyang kanyang paborito ay agad niyang tinugon ang isang painting na naging paraan niya ng pagbabahagi ng kanyang kasarian sa madla.
“Ang pinakapaborito kong painting ay ‘yong coming out painting ko. Nag-come out ako noong May 31, 2020, as gay publicly. Medyo kabado ako at that moment kasi baka hindi ako matanggap ng family ko or baka maging pangit ang reaction nila.
Ginamit ko ang sining para ipakilala kung sino ako. Iyong painting na ‘yon it shows my experiences throughout my journey being insecure and bullied because of my actions. Being gay is not my choice, I pleased God to make me straight and be normal like other boys. But here I am, I’m still gay and I’m proud of what I am today. Kaya malaking pasasalamat ko na tanggap ako ng family ko and they support me always and to my friends din.”
Nang tanungin kung anong mensahe niya sa mga nagnanais ding maging mahusay sa sining, narito ang kanyang naging tugon:
“Para sa mga nangangarap maging isang mahusay na artist,
huwag kayong titigil sa pagpinta o ano mang klaseng art ang kinahihiligan niyo. Don’t compare your works to others dahil may sari-sarili tayong perspective sa lahat ng bagay. Just do your thing and go with the flow. Dahil kapag masaya at proud ka sa gawa mo malayo ang mararating mo.” Marami sa ating nagsisilbing buhay ang sining, kaparaanan ng ekspresyon, sa iba ay libangan o maaaring pangkabuhayan ngunit mahalagang matanto nating ang buhay ay isang sining makulay, maraming hugis, nasa ating mga kamay kung paanong ang mga ito ay magiging makabuluhan at maituturing na isang masterpiece tulad ng kay Joshua.
ANG MATEMATIKA NG BUHAY NI MA’AM MINERVA
◉

Kung naririnig natin ang salitang Mathematics, mabilis na sumasagi sa ating isipan ang mga numerong halos hindi na maintindihan dahil sa dami. Mayroon pa ang walang katapusang paghahanap sa coefficient ng x and y. Gayundin ang paghahati-hati ng isang buong circle para maging eksaktong 360 degrees. At syempre hindi rin magpapahuli ang mga word problems na tinotodo ang sakit natin sa ulo.
Hindi maikakaila na isa sa mga laging problema at least favorite subject ng mga estudyante ay ang math. Kaya naman para kay Ma’am
Maria Minerva C. Gamet o mas kilala sa katawagang Ma’am Gamet, isang retiradong guro ng Arboleda National High School, sa loob ng maraming taon ng kanyang serbisyo, naging equation ng kanyang buhay kung paanong
hindi sukuan ang kanyang mga mag-aaral kahit na mahirap ipaintindi ang subject na ito.
Maraming patotoo sa dedikasyon ni Ma’am Gamet sa pagtuturo ng Matematika. Gayundin ng pagiging madaling lapitan kapag hindi nauunawaan ng mag-aaral ang leksyon.
“Siya ’yong math teacher na madaling malapitan at kausapin. Dahil sa kanya naintindihan ko ang mga lessons namin noong grade nine, tulad ng geometry at trigonometric ratios at iba pa,” sagot ng isa sa kanyang former student.
Maging ang kanyang mga dating mag-aaral ay nagpapatunay na mahusay na guro si Ma’am at naituro niya sa kanila ang tamang formula upang maging mahuhusay ding gurong tulad niya.
“Bilang dating estudyante na
ngayon ay kapwa guro ni Ma’am Gamet, mailalarawan ko sya bilang isang matalino at mapursigeng guro. Isa siyang magandang halimbawa lalo na sa aming mga math teachers dahil kahit alam namin na marami ang mga batang ayaw sa asignaturang ito, hindi sya sumusukong turuan sila upang makumbinse ang kahalagahan nito,” ayon kay G. Gerald Kevin O. Bautista. Higit sa pagiging masipag na guro ay ikinatutuwa rin ng kanyang mga mag-aaral mula noon hanggang ngayon ang pagkakaroon niya ng mabuting puso para sa kanila sa loob man o labas ng silid-aralan. “She’s motherly. Likas na sa kanya ‘yung pagiging mabait.
‘Hanga ako sa kanya dahil ipinakita niya na kaya niya pa ring iadopt ang mga bagong teaching styles,” ayon naman kay Mr. Kennedy
Sadorra, isa sa mga naging malapit kay Ma’am Gamet. Hindi lang ang mga formula ng law of exponent, quadrilateral at parallelogram ang tumatak sa mga itinuro niya kundi pati na rin ang mga pangaral niya bilang gurong nagsisilbing ina sa kanyang mga mag-aaral sa paaralan. Madalas katakutan o ayawan ang Math bilang subject dahil sa maraming formula, pero ang sigurado ang aral dito ay maiuugnay sa buhay. Katulad ng Math ay kailangan natin ang mag-add ng sipag at pagpupursige, mag-subtract ng mga negatibong bagay, mag-multiply ng kabutihangloob sa kapwa at mag-divide ng pagpapala para sa iba. Ito ang pinakanaituro ng isang napaka-MATHhusay na guro na si Ma’am Gamet.
Bilang pakikiisa sa Pambansang Komisyon ng Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts), narito ang isang artikulo kaugnay ng taunang pagdiriwang ng Pambansaxng Buwan ng Sining (National Arts Month) t’wing Enero:BAHAYBahayan
Tahanan ang itinuturing na pinakaligtas na lugar sa lahat. Sapagkat narito ang pamilya na siya nating tagatahan sa mga panahon ng lungkot at problema. Pero para kay Vanessa Cacabelos, 18 mula sa Canarvacanan, Alcala, Pangasinan at magaaral ng Arboleda National High School, hindi ganito ang pagpapakahulugan niya sa tahanan.
Tinatayang 26 milyon ang bilang ng pamilya sa Pilipinas batay sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2020 ngunit 82% mula rito ay kabilang sa broken family at ang mga anak ang apektado at isa rito ay si Vanessa.
Taong 2017, kinailangang lumipat ng tahanan mula Surigao papuntang Pangasinan nina Vanessa at kanyang kapatid na si Ailine, 13, dahil nagkaroon ng problema ang kanyang mga magulang.
“Naghiwalay po kasi sina Papa at Mama, kaya sinama kami ni Papa rito sa Pangasinan at nanuluyan kami sa kamag-anak.”
Hindi nagtagal nabalitaan nilang nagkaroon na ng ibang pamilya ang kanilang ina at ganoon din ang kanilang ama. Nagkaroon sila ng mga kapatid sa mga bagong pamilya ng kanilang mga magulang at nakalulungkot na tila napag-iwanan sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Ailine.
“Para kaming pinagpasa-pasahan ng mga kamag-anak namin. Kung minsan nasa lola namin, minsan sa mga tita namin kami nakatira. Naninilbihan kami, gumagawa ng
mga gawaing bahay bilang kapalit ng libreng
tuluyan.”
Nagpapasalamat si Vanessa sa pagkakaroon ng masisilungang tahanan kapag umuulan ngunit sa mga tahanan ding ito niya naranasan ang iba’t ibang bagyo ng mga pagsubok.
“Marami kaming naririnig na pangungutya, pinaparamdam nila sa amin lagi na mas maliliit kami. Mayroon pang nakarananas kami ng pang-aabuso pero hindi kami magawang ipagtanggol ni Papa.”
Hanggang sa taong 2021, nagsimulang makaranas ng karamdaman ang kanyang ama.
“Ako tagalaba ng mga damit ni Papa no’n, tapos nakikita ko may dugo sa mga panyo niya. Noong una sabi niya wala lang daw ‘yon. Pero noong napadadalas, pinilit ko na silang magpa-check up. Tapos hindi naman agad na-detect ‘yong sakit niya, may cancer na pala siya.”
Gumawa rin siya ng paraan para makatulong sa pagpapagamot ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagtatrabaho.
“Naghanap ako ng work noon, sinubukan kong mag-apply sa palengke, sa covenience store, pero hindi ako tinanggap kasi menor de edad pa raw ako noon. Until na-discover ko po ang ilang trabaho online. Nanood ako ng mga videos kung paano kumita online at sumubok ako maging virtual assistant na patok noong pandemic.” Sa kasalukuyan, kumikita siya sa
BUKAS-PINTO
trabahong ito at natustusan ang kanilang mga pangangailangan gayunman ay ikinukwento niyang hindi rin naging madali para sa kanya ang pasgisimula sa trabahong ito. Kinakailangan niyang magbenta ng kwekkwek at graham balls para magkaroon ng perang pang-invest. Sa pakikipag-usap sa kanya, ibinahagi niyang dati’y nakaramdam din siya ng tampo sa kanyang mga magulang dahil sa kapalarang kanyang kinahinatnan pero ngayon habang nagkakaedad ay unti-unti na ring nagbabago ang kanyang perspektiba sa buhay. “Habang tumatanda nagbabago ‘yong perspective ko. Naiisip ko na tama ‘yong naging desisyon ng mga magulang ko dahil kapag pinagpatuloy lang, mas lalo lang kaming masasaktan na mga anak o ang aming buong pamilya. Lahat gusto ng buong pamilya, ito ang depinisyon natin ng magandang tahanan pero sa lahat ng bahay na napuntahan ko, napatunayan kong bawat tahanan ay may kanya-kanyang problema,” wika ni Vanessa. Ang ama at ina ang nagsisilbing haligi at ilaw ng tahanan ngunit ang mga anak ang siyang buhay at kabuuan nito. Mahalagang ang tahanan ay hindi lamang silungan at tagatahan sa mga araw ng kalungkutan at pagkabigo, kundi maging saksi ng bawat pagtatagumpay ng mga anak.
TUNGO SA MAGANDANG KINABUKASAN
AGOSTO-PEBRERO 2024
Kuwento ng Paninirahan sa Tahanang Hindi Sarili

◉ [4] Pamilya
Gusto ko pong mabigyan ng magandang buhay sila mama at papa. Pangarap ko pong maging isang pulis balang araw. Kahit gaano pa po kahirap ang buhay, matuto po tayong intindihin ang ating mga magulang.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) tinatayang 22.4% o 25.24 milyong Pilipino ang kabilang sa mahihirap sa unang semester ng taong. Habang noong taong 2021, sa 31.71 million na mga bata na may taong 5-17 sa bansa, 4.7% o 1.37
Trending ngayon online ang tanong na: paano mo na-realize na mahirap kayo no’ng bata ka?
Si James Russel T. Oblero, isang estudyante ng Arboleda na nasa baitang pito, isa sa maagang namulat sa pait ng reyalidad at maagang pumasok sa pinto ng mga pagsubok sa buhay. Sa mura niyang edad na labing-dalawa, tumutulong na siya sa kanyang mga magulang sa simpleng paraan na alam niya at kaya niya.
Sa tuwing sasapit ang araw ng Sabado, sa oras ng alas singko ng umaga, nagtutungo na ito sa bayan ng Alcala. Hindi para gumala at makipaglaro sa mga batang katulad niya, bagkus bilang tagabukas ng
pinto sa mga taong pumapasok sa isang establisyimento (7-Eleven). Siya ay inaabutan ng kaunting halaga bilang pasasalamat sa munting gawaing ito. Naging paraan niya ito nang sa gayon makaipon siya ng kanyang baon para sa kanyang pagpasok.
“One hundred po ang pinakamataas na naipon ko sa pagbubukas ng pinto. Ginagawa ko po ‘yun para may baon ako kung papasok ako ng school,” wika pa niya.
Dagdag pa niya, masipag din siya sa kanyang pag-aaral at hindi kailanman lumiban ng klase. Bukod pa rito, pangalawa si James Russel sa kanilang magkakapatid. Ang kanyang ama ay pumapasok bilang construction worker habang ang kanyang ina naman ay isang labandera.
“Alam po nila ‘yung ginagawa kong tagabukas ng pinto sa 7-eleven,” wika niya noong tanungin namin siya kung nagpapaalam ba ito sa kanyang mga magulang sa tuwing pumupunta siya ng bayan para maging tagabukas ng pinto. Paglilinaw pa nito, sinasabi pa nga sa kanya na ipagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa at nariyan lang sila para suportahan siya.
“Gusto ko pong mabigyan ng magandang buhay sila mama at papa. Pangarap ko pong maging isang pulis balang araw,” nakangiti niyang sambit sa amin tungkol sa kanyang pangarap sa buhay.
Ika pa niya, masaya siya sa kanyang ginagawa at hindi niya ito ikinakahiya. Dahil
SI JOVE: ANG HARI NG RUBIK’S CUBE
Maraming twists and turns ang buhay at kung paano nating nagagawang mapagtagumpayan ang mga ito ang pinakamahalaga. Ngunit para kay Jove Kyle C. Dela Cruz, hindi lamang twist and turns ng buhay ang kanyang napagtatagumpayan kundi higit lalo na sa paglalaro ng Rubik’s Cube.
Si Jove Kyle o Jove sa kanyang mga kaklase ay itinuturing ngayong pinakamahusay sa larong rubik’s cube sa dibisyon ng Pangasinan II matapos manalo sa ginanap na Division Mathematics Recreational Game nitong Enero. Naitala niya ang record na 9 segundo sa pag-solve ng rubik’s puzzle.
Ikinuwento niyang ang suporta ng kanyang mga magulang at buong pamilya ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang palaging pagkapanalo.
“Sa mga pinsan ko unang natutuhan ang paglalaro nito. At mula nang magkaroon ng opportunity na makicontest at manalo, naging very supportive po ang parents ko. Ibinibilhan nila ako ng latest versions ng rubik’s cube,” pagsasalaysay ni Jove.
Nang tanungin kung ano ang maipapayo niya upang maging katulad niyang kampeon ay binanggit niyang kailangan lamang ng dedikasyon at commitment upang palagi’t lagi ay mapaghusay ang ating taglay na kakayahan.
“Ang paglalaro ng rubik’s cube ay parang buhay, maraming posibilidad ang puwedeng mangyari pero kung makakabisado natin ang iba’t ibang patterns kung paano natin ito masosolusyunan, hindi ito magiging mahirap. Isa pa, katulad ng rubik’s cube, umiikot-ikot lang ang buhay at sa bawat pag-ikot ay may mga aral tayong puwedeng makuha mula rito,” ito ang makabuluhang mensahe ni Jove.
Kung minsan ang buhay ay isang laro o puzzle, maaaring maging mahirap sa umpisa. Ngunit kung katulad ni Jove ay magpapatuloy tayo sa pagpupursige hanggang sa madiksubre ang iba’t ibang solusyon sa anumang pagsubok na dumarating, tiyak tayo ay makararanas din ng pagtatagumpay.
sa paraan niyang iyon, natutulungan niya ang kanyang mga magulang.
“Kahit gaano pa po kahirap ang buhay, matuto po tayong intindihin ang ating mga magulang,” aniya.
Nakakalungkot mang isipin, isa lang si James Russel sa mga batang naaapektuhan ng kahirapan sa ating bansa. Sa kabila ng musmos niyang edad, malawak na ang kanyang kaalaman tungkol sa kalagayan ng kanilang kabuhayan. Larawan siya ng isang batang may mataas na pangarap hindi lang para sa kanyang sarili, kundi pati rin para sa kanyang pamilya. Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan, hatid nito ang panibagong pag-asa. Pintuang nagsisilbing daan ng bawat kabataang katulad niya, tungo sa maganda nilang kinabukasan.


Batang Arboledians, nakiisa sa National Toothbrushing Day ‘24
ARMEYA JOYCE L. NARTATES
Bilang pakikiisa sa 2024
National Toothbrushing Day na may temang Isang Milyong Sipilyo Angat Ngiting Pilipino, nagsagawa ng sabay-sabay na pagsisipilyo ang mga mag-aaral ng Arboleda National High School, Pebrero 16. Nilalalayon ng gawain na bigyang-diin ang kahalagahan ng regular na pag-sisipilyo ng ngipin upang mapanatili ang malusog at malinis na bibig at may kaugnayan sa idinideklara ng Presidential Proclamation 559 na ang buwan ng Pebrero ay National Oral Health Month. Pinangunahan ng ANHS Red Cross Youth Council ang nasabing gawain at nanguna rin sa pagkakaroon ng demonstration o drill ng tamang paraan ng pagsisipilyo sa lahat ng klase.
“Ang National Toothbrushing Day ay isang mahalagang hakbang sa pagtuturo ng kamalayan sa pangangalaga sa dental health ng ating
mga kapwa natin mag-aaral. Sa pamamagitan ng edukasyon at serbisyo sa dental health, naglalayon tayong maiwasan ang iba't ibang sakit sa bibig at magkaroon tayo ng mas malusog na ngipin at gums,” paliwanag ni Ken Shane V. Sibayan, RCY Sub-Secretary na nagsilbing isa sa mga demonstrator. Ang gawain ay pagtalima ng paaralan sa Division Memorandum 065, s. 2024 na nakaangkla naman sa Philippine Dental Association Inc. Memorandum 2023-07, s. 2024.
Sa tala ng Department of Health (DOH) ang oral disease ay nananatiling pampublikong problema pagdating sa kalusugan. Sa pangkalahatan, dental caries (tooth decay) at periodontal disease (gum disease) ang nangungunang problemang may kinalaman sa oral health. Tinatayang 87% Pilipino ang nakararanas ng tooth decay at 48% naman ang may gum disease (2011 NMEDS Survey).

Bagong RHU at Birthing Facility sa bayan ng Alcala, pinasinayaan
Pinasinayan ang bagong renovated Alcala Rural Health Unit (RHU) at kauna-unahang birthing facility ng bayan ng Alcala na ipinagkaloob ng BDO (Banco De Oro) Foundation, Inc. sa pamamagitan ng BDO Unibank, Pebrero 9. Sa naging turnover ceremony, nilagdaan ng mga BDO Officials at Municipal Mayor Hon. Jojo B. Callejo ang Deed of Donation and Acceptance was signed by BDO Officials, gayundin sina Vice-Mayor Rodolfo C. Rosquita at Dr. Shiranten Parayno bilang mga witness.
Dumalo sa okasyon ang BDO Officials at mga empleyado mula sa iba’t ibang BDO Pangasinan Branches. Nasa okasyon din ang mga Rural Health Unit (RHU) staff, mga Barangay Health Workers (BHWs) ng Alcala, Sangguniang Bayan Members at iba pang mga
BAGONG NALUMA

472 mag-aaral, interaktibong lumahok sa Science Exhibit
empleyado ng Local Government Unit (LGU).
Naging posible ang improvement project na ito sa tulong at rekomendasyon ni Bb.
Ana Antonette M. Sacayanan, BDO Operations Officer, na mula sa Brgy. Poblacion West, Alcala.
Sa pamamagitan ng Villar’s House Bill 5684 or An Act
Safeguarding the Health of Filipino Mothers at the Time of Their Childbirth layunin ng pamahalaan na mabawasan ang bilang ng maternal deaths sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga birthing facilities sa lahat ng mga barangay sa bansa.
Tugon ito sa suliraning ipinapakita ng tala ng Philippine Statistics Authority na pagtaas ng bilang maternal deaths sa 1,616 noong 2018 kumpara sa 1,484 noong 2017.




SABAY SA USO
Hindi pahuhuli ang Pilipino pagdating sa usaping social media. Pinatutunayan ng ilang ulat ang madalas na paggamit ng social media ng mga Pilipino at sinasabing nangunguna ngayon ang Pilipinas sa may pinakamahabang oras na ginugugol sa social media araw-araw
Batay na rin sa ulat na tinawag na “Digital in 2017,” na inilabas ng social media management platform na Hootsuite at ng United Kingdom-based consultancy na We Are Social Ltd , gumugugol ang mga Pilipino ng average na 4 na oras at 17 minuto kada araw sa mga social media sites tulad ng Facebook, Instagram, Twitter at Snapchat Ang mga datos na ito ay base sa active monthly user data mula sa mga social media companies noong Enero, 2017
Sa mga social media sites na nabanggit, sinasabing ang Facebook na mayroon nang 2 bilyong users ang pinakamadalas gamitin ng mga Pilipino noong 2017 Kung kaya’t panganim ang Pilipinas sa pinakamaraming user ng Facebook sa buong mundo, kasunod ng United States of America, India, Brazil, Indonesia at Mexico
Hindi ito nalalayo sa pinakahuling datos na nagtatalang 82 4% ng kabuuang bilang ng populasyon ng bansa ang may social media account, nangangahulugan na may 92 05 milyong social media users sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Dagdag pa, naitalang may 4 na oras at 6 na minuto ang average ng oras na ginugugol ng isang Pilipino sa paggamit ng social media, karamihan ay nasa edad 16-64 (Sue Amurthalingam, 2022 Social Media Statistics in the Philippines)
Bukod dito, masasabi nating ang mga Pilipino ay hindi na lamang simpleng mga tagagamit ng social media para sa
KEN SHANE V. SIBAYANpakikipagkumustahan sa mga kaibigan at kakilala online kundi marami na sa atin ang mga naging digital creators o content creators May ilang madalas mag-upload ng reels para malibang at kumita Gayundin, ang social media ang naging pinakamabilis at libreng paraan ng pagbabahagi ng impormasyon at balita para sa mga campus journalist o kahit mga student leaders para sa mga anunsyong may kinalaman sa mga kapwa mag-aaral o sa buong paaralan Kung kaya narito ang ilang tips mula sa ating graphic and design head at layout artist ng Ang Dalisay at siya ring namamahala ng Facebook online pages ng Red Cross Youth at YES-O Club
1 Gumawa ng Design Variation upang makapili ng magandang design, tulad na lang sa pagpili ng crush, dapat may standard
2. Maging magaling at matalino sa pagpili ng kulay sa iyong mga design, dapat na naaakma lagi sa tema ang kulay na gagamitin, maganda rin na gumamit ng Color Palette upang basehan sa kulay na dapat lamang gamitin
3 Maghanap ng reference online upang makakalap ng iba't-ibang idea na maaring gamitin sa iyong design kung yung ibang tao ay ini-stalk mo sa social media, try mo din mag stalk ng mga batikan o sikat na Graphic designer
4 Paggamit ng maayos na Font, tulad ng sa kulay ganon din sa pag pili ng Font, dapat naaakma din ang ito sa mga design o tema na gagawin mo, parang sa pag gawa ng Love letter, rejected ka pag parang sulat manok



6. Paggamit ng Minimalistic design mas catchy ngayong henerasyon ang mga minimalist design, mas malinis din ito tignan di kumpara ng mga madaming extra ngunit di na napapahalagahan yung mensahe na gustong ibahagi
7 Paggamit ng Trademark upang makilala agad ng tao kung sino ang nag design o gumawa ng Layout kung sakaling makita, mahalaga rin ito upang hindi manakaw ang iyong design online
8 Huwag gumamit ng napakaraming Elements upang hindi nakakalitong tignan, parang sa relasyon, pag sumosobra na yung isa, parang nakakasawa na
9 Huwag maging Instant Noodles, marami sa mga bagong designers ay pinipiling gumamit ng mga Template sa iba't-ibang Designing Software, kaya makikita nalang nila minsan na may kapareho na silang gawa, mas maganda na mag umpisa ka muna sa sarili mong design, hindi lahat ay So-Fast (Sopas)
10 Alamin ang gagamiting Layout size sa bawat Social Media Platform na kung saan ipo-post ang iyong gawa
Maraming iba’t ibang apps online at offline katulad ng Canva, PicsArt, GIMP at iba pang applications na kung minsan ay kayang magbigay ng instant designs at templates Magkagayunpaman, isipin natin na ang mga publication materials at graphic designs na ating ipo-post online ay magiging ating mukha sa mga mapanuring mata ng netizens Kung kaya’t mahalagang pagplanuhan natin ang mga ito at isaalang-alang ang mga tips na ito
5. Paggamit ng tamang size sa Font and Elements, maganda kung ang design na gagawin mo ay symmetrical ang mga size at sakto lang ang mga elements




DATING GAWI
Hindi maikakaila na ano mang henerasyon tayo ipinanganak ay hindi pa rin talaga maiiwasan ang isyung basura, partikular ang proper waste segregation o tamang pagtatapon at pag-iimbak ng mga basura sa nanggagaling sa mga komunidad lalo na sa mga malalaking siyudad. Habang umuunlad at nagiging awtomatiko ang lahat ay gano’n din ang pagtaas o pagdami ng naire-record na mga basura sa bansa.
Kung titignan ang kaso sa ating paaralan, Oktubre, 2022 sinimulan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Arboleda NHS ay nagpanukala ng proyektong
War on Waste Basura ko Iuuwi ko bilang isa sa mga paraan para mabawasan ang plastic waste sa loob ng paaralan. Kung saan ang bawat magaaral pati na rin ang mga guro ay magdadala ng sarili nilang plastic bilang trash can para sa kanilang sariling mga basura, lalo na ang plastic sachets, plastic cups at utensils, mga styrofoams na galing sa canteen ng eskwelahan. Layunin nitong sanayin ang mga estudyante na ibulsa ang sarili nilang mga basura kung walang trash can na nasa paligid, umaasa ang paaralan na ang kaugaliang ito ay madadala ng bawat isa pati na rin sa labas ng eskwelahan.
Paraan din ng organisasyon ang pagfefeature ng mga sections na nagsusumite ng kanilang mga larawan na hawak ang mga basurang kanilang iuuwi sa Facebook Page ng SSLG. May posibilidad din na mabigyan ng “Most Active Section in Implementing Basura ko Iuuwi ko” ang mga section na aktibo at patuloy na lumalahok dito. Ipinagbawal ang mga basurahan sa loob ng eskwelahan para bawasan ang bilang ng mga plastic na itinatapon sa basurahan ng buong eskwelahan. Paraan na rin nila ito upang maging epektibo ang Basura ko Iuuwi ko.
Sa lahat ng uri ng mga basura, ang plastic ang pinaka matagal na mag decompose na umaabot ng milyong taon. Ayon sa datos ng National Geographic 2019, plastic pollution ang nangungunang problema sa kontinenteng Asya at Africa. Nitong 2023, umabot sa 61 million metric tons ng mga basura ang araw-araw na nagagamit sa bansa, 24% dito ay mga plastic


KAUGNAY NG BALITA
Hinggil sa suliranin sa basura, alin ang mas epektibong solusyon? BASURA KO, IUWI KO o ang PAGKAKAROON NG BASURAHAN SA LOOB NG PAARALAN?

waste ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.
Ngunit nitong nakaraang taon, kasabay ng pagpapalit ng administrasyon ng ParentsTeacher Association ay napagkasunduan ng mga Barangay Officials ng San Pedro Ili kasama ang SSLG, AP Department, solid waste management councils ng paaralan na ibalik ibalik ang mga trash bins sa mga piling lugar kung saan sa tingin nila ay prone ang mga plastic waste. Itinigil din pansamantala ang proyektong Basura ko Iuuwi ko dahil nakitaan ito ng masamang epekto sa labas ng paaralan. May mga ilang nagsasabi na iniiwan na lamang ng mga estudyante ang mga basura sa tabi ng Barangay Hall.
Sa bagong panukala, kokolektahin ng truck ng basura tuwing biyernes ang lahat ng mga plastic waste ng buong eskwelahan na nakaproper waste segregation (styrofoams, plastic cups at utensils, plastic sachets). Sa unang dalawang lingo ng implementasyon, nagagawa nang maayos ang napagkasunduan ng barangay at paaralan. Ngunit kalaunan ay napapansin ng mga estudyante na hindi na nakokolekta ang mga basura at naiimbak na ito sa tabi-tabi. Wala na ring plastic bilang storage ng mga plastic waste materials na kinakabit sa mga trash bins.
Batay sa pinapakitang resulta nito sa paaralan at estudyante, mas mainam na magkaroon o ibalik ang mga proyektong pangkapaligiran tulad ng Basura ko Iuuwi ko. Maraming mga estudyante ang naniniwalang malaking tulong ito sa mga plastic waste sa paaralan kaysa sa paglalagay ng mga trash bins sa loob ng paaralan pero hindi rin nagagamit.
Saksi ang bawat isa sa eskwelahan sa positibong epekto ng mga panukala ukol sa proper waste management sa mga mag-aaral pati na rin sa paaralan. Ang natatanging solusyon ay ang pagkakaroon ng inobatibong konsepto ng pagbabawas ng basura sa loob at paligid ng eskwelahan. Mahalagang suportahan at pangunahan ang mga ito. Hindi sapat ang pagpapanukala ng maraming proyekto na sa tingin ng paaralan ay makakabuti para sa lahat kung ang mga mag-aaral mismo ang hindi nakikiisa sa mga ito.

Kung mayroon mang mahalagang naituro ang naging karanasan natin sa pandemya, marahil ito ay ang
pangangalaga sa ating kalusugan, na hindi lamang nauukol sa usaping pisikal kundi maging ng aspetong mental.
Pagdating sa larangan ng edukasyon, naging mahalagang usapin din ang pangangalaga sa mental health ng mga mag-aaral at mas naging malinaw sa atin kung paanong ang academic stress ay nakaaapekto sa pangkalahatang aspekto ng mental health sa kabataan. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mental health ay mahalaga sa pagpapabuti ng kahusayan sa pag-aaral at pagiging produktibo. Ang mga mag-aaral na may maayos na kalusugan sa kanilang isipan ay mas malamang na magtagumpay sa usaping akademiko.
Gayunpaman, sa tala ng Department of Health (DOH) noong 2021, tinatayang 3.6 milyong Pilipino ang nakararanas ng mental health issues lalo na noong panahon ng pandemya ngunit nakalulungkot na kulang na kulang tayo sa mga pasilidad o mga mental health workers man lang na tutulong upang malunasan ang ganitong kalagayan. Ayon sa Philippine Mental Health Association Inc. (PMHA), isang mental health worker lamang ang meron ang bansa sa bawat 100, 000 Pilipino.
Samantala, batay sa National Statistics Office (NSO), pangatlo ang mental health illnesses sa mga karaniwang sanhi ng pagkamatay ng kabataan. Sa assessment na isinagawa sa Philippine mental health system, 16% ng kabataan ay may mental disorders. Subalit sa kabila ng nakaalarmang bilang na ito ay kulang pa rin ang aksyong ginagawa sa bansa. Sa kasalukyan, nasa lima pa lamang ang pampublikong ospital na may psychiatric facilities para sa mga bata, 84 general hospitals ang may psychiatric units, at 46 outpatient facilities kung saan 11 lang mula rito ang laan para sa mga bata at kabataan. Hindi lamang sa Pilipinas problema ang ganitong sitwasyon. Sa katunayan ay mas mataas ang kaso ng mental health issues sa ibang bansa. Kung
pagbabatayan ang estadistika, isang ulat mula sa National Alliance on Mental Illness (NAMI) ang nagpapakita na halos 1 sa 5 na mga mag-aaral sa United States ay nakakaranas ng mental health condition. Ito'y nagpapatunay na ang isyu ng mental health ay isang pangkalahatang hamon na dapat pagtuunan ng pansin.
Kaya naman habang maaga ay dapat nang maunawaan ng mga indibidwal at ng lipunan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na estado ng mental health sa bawat isa. Sa katunayan, ang mga sakit sa isip ay parang mga pisikal na sakit ito ay walang pinipiling anyo, kasarian o edad. Ang mga ito ay lampas sa ating pagpili, paghahangad at maaaring maranasan sa anumang punto ng ating buhay. Dahil dito, ang maaga at patuloy na suporta sa kagalingan sa pag-iisip ay mahalaga upang lahat ay matulungang pahalagahan ang sino mang dumaranas ng anomang karamdamang mental.
Sa mga administrasyon, guro at sa buong akademiya, lagi nating isaisip na napakahalaga rin ng mental health sa pagsusulong ng isang positibong klima sa paaralan. Ang mga mag-aaral na may maayos na mental health ay mas malamang na maging masigla at makatutulong sa pagbuo ng isang komunidad na nagtataguyod ng suporta at pag-unlad. Ang pagkakaroon ng pangmatagalang impluwensiya sa mental health ng mga mag-aaral ay maaaring mag-ambag sa paghubog ng kanilang kamalayan at kaalaman hinggil sa self-care at interpersonal relationships.
Sa kabuuan, ang pangangalaga sa mental health ng mga mag-aaral ay hindi lamang nagbibigay ng positibong epekto sa usaping akademiko kundi pati na rin sa kanilang personal na pagunlad. Ang pagbibigay prayoridad sa mental health ay nagbubukas ng mga pinto tungo sa isang mas malusog, masiglang, at mas produktibong komunidad ng mga mag-aaral. Sa pagtutulungan ng mga paaralan, pamilya, at lipunan, maaari nating makamit ang layuning ito at maging tulay ng pagbabago para sa mas mabuting kinabukasan ng bawat Kabataan. Sama-sama nating isakatuparan ang mithiing ito.

Sari-saring proyekto at programa na ang isinusulong ng pamahalaan at mga departamento para bigyang solusyon at para mabawasan man lang ang mga plastic waste na nagagamit ng bansa. Ngunit maliban dito may bagong ipanapanukala ngayon ang dalawang mag-aaral ng SHS STEM ng Arboleda National High School na maaaring maging solusyon sa problema sa basura.
Bilang bahagi ng kanilang proyekto sa pananaliksik, ihinarap ng mga mag-aaral na sina Ashley Claudeth Memita at Jayson Pacleb, 12 STEM Einstein ang kanilang pagaaral na may pamagat na “Upcycling of Plastic Bottle to an Alternative Floor Tiles.” Ang mga plastic ay mayroong synthetic organic polymers na kadalasan ay non-biodegradable. May dalawang uri ito:
Polyethylene Terephthalate (PET) at Low Density Polyethylene (LDPE) na may negative impact sa kapaligiran pati na rin sa kalusugan ng mga tao kung kaya’t ito ang naging pinakasinolusyonan ng dalawang
mag-aaral
Narito ang proseso ng kanilang naging
proyekto na floor tiles na gawa sa mga patapong bagay o basura.
Una, gamit ang mga plastic bottles na kinolekta sa loob ng paaralan at komunidad, hugasan ito ng malinis na tubig at gupitin sa mga maliliit na piraso.
Sunod, mag-apply ng cooking oil gamit ang paint brush sa ceramic tile moulder, tunawin ang mga maliliit na piraso ng mga plastic bottles gamit ang lata sa loob ng 15-20 minuto. Magsuot ng face mask at gloves para maiwasan ang anumang posibleng hazards at para masigurado ang kalusugan ng bawat isa.
Pagkatapos ay ilagay sa moulder at iwanan muna ito hanggang sa maging malamig at tumigas ito. Gumamit ng tubig para madali itong matanggal sa moulder at kuskusin ito ng sandpaper para maging smooth ang texture nito.
Isinaalang-alang nila ang paggamit ng mga plastic bottles partikular ang PET bottles bilang alternatibo sa cement construction ng mga tiles na ginagamit sa mga karaniwang ibinebenta para mabawasan ang bilang ng mga plastic
bottles na kinakalat lamang sa paligid. Posible pala ang paggamit ng mga tatapuning bagay bilang tiles na nagiging palamuti o disenyo sa mga daraanan o sa mga landscape ng mga halaman. Ipinapakita nito kung gaano katibay ang floor tiles na gawa sa mga plastic bottles na tinataglay din ng mga cement tiles o mas matibay pa kung tutuusin. Nakakatulong din ito sa pagbaba ng demand sa mga konstruksyonal na materyales, plastic pollution sa bansa pati na rin sa mga mamamayan. Anumang disenyo at hugis ang nais ay magagawan ng paraan sa pamamagitan ng pagsasamasama ng iba’t ibang kulay ng mga plastic bottles na nagbibigay ng kulay sa floor tiles. Pinapatunayan nito ang husay at creativity thinking ng mga mag-aaral. Sa patuloy na paglago ng ating populasyon ay

Maihahalintulad sa isang camera ang ating paningin partikular ang ating mga mata. Pero gaano man karami ang camera ng ibang mobile phones at kalidad ng mga ‘to sa pagkuha ng mga larawan, iba pa rin ang ganda ng kalidad ng ating mga mata sa tuwing makakakita ng magagandang tanawin, iba’t ibang kulay ng langit tuwing hapon, o ang maliwanag na buwan at mga bituin sa gabi.
Ngunit paano na lamang kung habang pinagmamasdan mo ang malapulang kalangitan ay gano’n din kapula ang iyong mga mata? Nalalapit na ulit ang tag-init, kaya naman tiyak na tataas na naman ang kaso ng sore eyes sa Pilipinas. Nangangamba na ang ibang mga magulang sa mataas na posibilidad na pagkakaroon nito sa kanilang mga anak lalo na sa mga batang may edad lima pababa, sa kadahilanang wala pa silang sapat na kaalaman at intindihin ang pag-iwas sa sore eyes.
“Huwag mong titigan ‘yong mata niya, baka mahawa ka ng sore eyes!”. Kadalasan nating maririnig ito sa mga matatanda sa tuwing mayroong sore eyes ang isang tao. Sa panayam kay Dr. Minguita Padilla, isang Ophthalmologist sa segment na Unang


Datos mula sa isinagawang online survey ng Ang Dalisay sa mga batang Arboledians sa pamamagitan ng Google Form.
Hirit, ipinaliwanag niyang haka-haka o hindi totoo na nakakahawa ang sore eyes sa pamamagitan ng pagtitig sa taong mayroon nito.
“Dulot kasi ‘to ng adenovirus kaya nakakahawa talaga, madaling nakakahawa. Once you get exposed dito in 12 hours or 3 days, talagang mahahawa ka na”, paliwanag ni Dr. Padilla. Dagdag pa niya na ito lamang ay nakakahawa kung hinawakan mo ang hinawakan ng mayroong sore eyes at kinuskos mo ang ‘yong mata ng hindi naghuhugas ng kamay. Close contact lamang ang maaaring dahilan ng pagkahawa ng sore eyes mula sa isang tao.
Maaaring sintomas nito ay pagkamula ng mata, hirap sa pagmulat ng mga mata, pagmumuta, burning, sensitivity to light (photophobia), o magkadikit ang talukap ng mata. Ayon kay Dr. Padilla, ang sore eyes o kilala rin sa tawag na conjunctivitis at pink eye dahil sa kulay nito ay isang viral infections na walang pinipiling edad ang nagkakaroon. Ang posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore eyes ang isang tao ay ang pagbabad ng matagal sa screen, pagbabasa ng libro sa madilim na lugar, sleep deprivation, maling prescription ng glasses o contact lens,
KAUGNAY NG BALITA
Hindi nakaka-beautiful eyes… Naitalang 86 na Arboledian na binubuo ng mga guro at mag-aaral ang nagkaroon ng conjunctivitis o mas kilala sa tawag na sore eyes sa unang quarter ng SY 2023-2024.
Batang Arboledians, itinanghal na panalo sa Division SciTech Fair
Itinanghal na panalo ang mga mag-aaral ng Arboleda National High School mula sa ginanap na 2023 Division Science and Technology Fair sa Benigno V. Aldana National High School, Pozorrubio, Pangasinan, November 22-24.
Nag-uwi ng apat na medalya ang mga mag-aaral na sina Keith Angela R. Manglallan, 3rd Place sa SCITokperiment, Clyde Evangeline S. Alvaro, 3rd place, STEMChemistry Quiz, Dax E. Cacabelos, 5th place, PhotoTREEbute at
Armeya Joyce L. Nartates, 6th place, Science 10 Quiz BeeRegular.
Gayundin, pasok sa Top 30 Qualifiers ang mga quizzers na sina
Ashley Claudeth Memita, STEMBiology Quiz, Kennie Sison, STEMEarth Science Quiz, at Gabriel V. Sibayan, Science 7-Regular. Kasama ng mga mag-aaral ang mga guro ng Science Department sa Junior at Senior High School na nagsilbing kanilang mga tagapagsanay para sa bawat patimpalak at kategorya.
Mental Health Awareness isinulong ng paaralan sa pamamagitan ng TikTok Challenge
Isinulong ng Arboleda National High School ang Mental Health Awareness sa mga magaaral nito sa pamamagitan ng uso ngayong TikTok Challenge kasabay ng pagdaraos ng Christmas Celebration na ChristMASAYA sa Arboleda NHS, Disyembre 13-14.
Nilahukan ng anim na mga seksyon mula sa Junior at Senior High School ang TikTok Challenge na naukol sa iba’t ibang adbokasiya lalo na sa pangangalaga ng mental health sa pamamagitan ng skit, sayaw at pag-awit.
Layon ng patimpalak na maimulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pangangalaga sa mental na kalusugan sa kabila ng mga hamon ng panahon at ng
pag-aaral.
Itinanghal na kampeon ang 12-STEM Einstein, pumangalawa ang 10-M. Gandhi at pangatlo ang 10-M. Luther King. “Maganda ang naging activity kasi nabuo ang pagkakaisa sa aming seksyon habang ginagawa ang aming entry. Pero bukod dito, maganda rin kasi ang adbokasiya ng contest, ito ay para maipalaganap hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa buong komunidad ang kahalagahan ng pangangalaga sa mental health,” wika ni Jayson Pacleb, 12-STEM Einstein na nagkampeon sa timpalak.
Ang mga entries ay nakapost sa opisyal na Facebook Page ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ng paaralan.
airbone irritants, sobrang exposure sa araw, at labis na pagkuskos ng mga mata.
Payo ni Dr. Padilla na ugaliing maghugas palagi ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon para maalis ang mga bacteria na nakakapit dito. Iwasan din ang pagkuskos ng mga mata lalo na kung hindi pa nakakapag hugas ng kamay. Ang hiraman ng mga gamit tulad ng glasses, make-up, towels o iba pang bagay na magagamit sa mata. Iwasan din ang direct na pagtitig sa araw. Kung sakali mang magkaroon ng sore eyes, mag apply ng warm compress sa mata sa loob ng 5-10 minuto, tatlong beses sa isang araw. Sapat na pagtulog (8 oras), pag-inom ng marami at sapat na tubig na kailangan ng ating katawan, balanced diet, at “eye breaks” o pagpapahinga ng mga mata sa mga aktibidad. Mas mabuting komunsulta sa Ophthalmologist para malaman ang mas mainam na gawin sa pagsugpo nito.
Maging mulat sa posibleng sintomas ng sore eyes, at iba pang virus o bacteria na makaka perwisyo sa
MGA SURE SA SORE EYES
Naiuwi ni Arvie Lawrence Cabrera, Baitang 12 ng ANHS, ang ikaapat na gantimpala sa computer systems servicing sa ginanap na Division Technolympics 2024 sa Eastern Pangasinan Agricultural College, Sta. Maria, Pangasinan, Enero 20.
Naging kinatawan ng ikalimang distrito si Cabrera matapos manalo ng ikalawang puwesto sa Cluster Technolympics sa Coloscaoayan National High School, Bautista, Pangasinan, Nobyembre 25 na dinaluhan ng mga paaralan sa Alcala, Bautista, Sta. Maria at Villasis.
"Masaya ako dahil nanalo siya kahit 3 days lang ang aming preparation," wika ng kaniyang coach na si G. Rupert Garry C. Torres, ICT Coordinator.
Maliban kay Cabrera nanalo rin ang mga kalahok ng ANHS sa Congressional Level tulad nina Julius Catubay, Airon Mark Movilla (3rd Placer-Ornamental Pot Stand Making), Ralph Matthew Yadao (3rd Placer-Tarpaulin Designing), Rhean Mendoza (3rd Runner up-Miss Cluster 4 Technolympics and Best in Shorts Wear), John Reeven Climaco (3rd Runner Up-Mr. Cluster 4 Technolympics), at Sandra Aspirin (7th Placer - Nail Art and Hand Massage).
"Masaya ako as TLE coordinator dahil nanalo ang ating mga mag-aaral at nakapag-uwi sila ng karangalan para sa paaralan," saad naman ng TLE coordinator na si Ma'am Wendy Torres.

BAGONG PAG-ASA
Nakapagtanim ng kabuuang bilang na 28,505 o 12% ng target na mga puno ang DepEd Region 1 bilang bahagi ng DepEd’s 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children, Disyembre 6.
Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, layunin ng tree-planting activity na isulong ang environmental preservation at responsibility sa mga batang Pilipino kung saan nilahukan ito ng 47, 678 na pampublikong mga paaralan sa bansa.
Pinangunahan ni DepEd Regional Office I Assistant Regional Director Rhoda T. Razon ang mga opisyales at mga empleyado ng Regional Office sa nasabing gawain.
Naitalang may pinakamaraming punong naitanim ang SDO Pangasinan II, 5,900 na mga puno, sunod ang SDO Ilocos Sur na may naitanim na 5,000 puno at SDO Ilocos Norte na nakapagtanim ng 3,848 na mga puno.
Samantala, nilahukan ng Youth for
Environment School-Ogranization (Yes-O) Officers, Red Cross Youth Council, SDRRM Student Council, School PTA Officers at mga piling guro ng Arboleda National High School na nakapagtanim ng 13 puno, higit sa requirement na 5 puno sa bawat paaralan.
“Ang aktibidad na ito ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim ng mga puno, ito ay tungkol sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagpapahalaga sa kalikasan sa aming mga magaaral. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa suporta ng aming mga estudyante, guro, at pinuno ng paaralan at komunidad sa pakikiisa sa aktibidad na ito," wika ni G. Aljon A. Cacabilos, Science Department Coordinator ng paaralan. Pinasalamatan naman ng DepEd Region 1 sa kanilang opisyal na Facebook Page ang Department of Environment and Natural Resources Region I (DENR I) , Provincial and City Environment and Natural Resources Offices, partner agencies, at iba pang organisasyon na nagkaloob ng mga seedlings na kanilang itinanim.
ARMEYA JOYCE L. NARTATES
ANHS Sports Playgrounds para sa atletang mag-aaral, pinasinayaan
Inaasahan ngayon na mas lalakas pa ang koponan ng Arboleda National High School sa iba’t ibang klase ng sports matapos pormal na pasinayaan ang ANHS Sports Playgrounds, Disyembre 12.
Ang nasabing playground ay ang halos isang ektaryang lupain ng pamilya Arboleda na dating kinatitirikan ng lumang barangay hall at plaza ng San Pedro Ili.
“Sa pamamagitan nito, naniniwala ako na magiging mahuhusay ang ating mga magaaral pagdating sa sports at malay natin ay sa darating na panahon, sa mga mag-aaral na naririto ngayon ang susunod na pinakamahusay na manlalaro ng basketball o ng ipa ng sports,” wika ni Don Clemente Arboleda, Sr. may-ari ng lupa, sa kanyang talumpati.
Nagsilbing panauhing pandangal ang sikat na basketbolista at tubongPangasinan na si Danny Uy na nagbigay ng inspirasyon sa mga atletang mag-aaral ng paaralan.
Dumalo rin sa programa sina
PSDS Dr. Ferdinand Cabrera, Vice Mayor Rodolfo Rosquita, PB Manny Vergara, PTA President Darius Bauzon at SGC President SBM Coun Eduardo Dela Cruz Jr.
LGU Alcala nagkaloob ng sports equipment
Nagkaloob ng iba’t ibang sports equipment ang local government unit ng Alcala sa pamumuno ni Hon. Mayor Jojo B. Callejo, Disyembre 6.
Binubuo ng dalawang bola ng takraw, isang bola ng volleyball, isang bola ng basketball, dalawang kahon ng shuttle cock, isang chess clock, isang chess mat at isang volleyball net ang ibinigay ng LGU sa paaralan sa pamamagitan ni G. Enrico Ramos, Municipal Sports Coordinator.
Sa pamamagitan ng Facebook post, pinasalamatan ng punong-guro ng paaralan, Dr. Marife B. De Guzman ang LGUAlcala.
“Malaking bagay ito para sa mga atletang mag-aaral at may magagamit na sila sa kanilang pageensayo bilang preparasyon sa papalapit na mga sports meet.” saad ni Dr. De Guzman.
ANHS pinagharian ang chess tournament; tatangkaing
magtatag ng trono sa Division Meet
HYURI G. MORANOPinagharian ng manlalaro ng Arboleda National High School na si Julian Tan, 15 ang larong chess sa Municipal Sports Meet na ginanap sa Alcala Central School, Disyembre 6.
Inangkin ni Tan ang trono sa kampeonato matapos ang 4 na diretsong panalo laban sa mga kinatawan ng ibang paaralan sa munisipalidad ng Alcala.
Ginulat ni Tan ang lahat nang maipagwagi niya ang laban sa tinaguriang pinakamalakas sa Alcala na si Jayden Charles Asuncion, na walang talo noong Pre-Municipal Sports Meet na ginanap din sa Alcala Central School, Disyembre 1.
Naging alas ni Tan ang Kings Pawn Opening upang pataubin ang iba pang manlalaro tulad ng
Cipriano P. Primicias National High School, San Pedro Apartado National High School
"Hindi ko inasahan na mananalo ako kasi marami ring magagaling na manlalaro ng
chess sa Alcala. Pero nagpapasalamat ako nagbunga ang naging dedikasyon ko sa pag-eensayo," wika ni Tan sa isang panayam matapos itanghal na kampeon.
Magiging kinatawan si Tan ng buong Alcala at aabante sa SDO Pangasinan II Sports Meet na ginanap sa Manaoag National High School, Pebrero 14-16.
"Ang chess ay isang diskarte at laro ng isip ngunit hindi ito pumipigil sa atin na maging motivated at maging inspirasyon, at dapat nating isipin ang bawat galaw, dahil isang maling galaw at lahat ay babagsak, " banggit ni Tan.
"Maraming magagaling at may potensyal na mga mag-aaral sa ANHS pagdating sa paglalaro ng chess, isa na doon si Julian. Kailangan lang talaga ng patuloy na pag-eensayo para mapagbuti pa ang kanilang kakayahan," sabi ni G. Noel Cabael, guro ng ANHS
MATATAG
Kababaihang Taekwondo Players ng ANHS nanatiling matatag at hindi natinag sa Division Meet ‘24
Habang masayang ipinagdiriwang ng karamihan ang Araw ng mga Puso ay nagbubunyi naman ang mga pride ng Arboleda National High School na sina Chezyl Mae Santos at Marianne Faye Diclihon para sa kanilang gintong medalya sa Taekwondo sa ginanap na SDO Pangasinan II Sports Meet sa Clarice Angels School Inc., Mangaldan, Pangasinan, Pebrero 14
Sinigurado nina Santos at Diclihon ang puwesto para sa Region I Athletic Association Meet matapos patumbahin ang mga kalaban sa Sparring at Poomsae.
“Masasabi kong mas nakapaghanda kami ngayon kumpara last year. Talagang naglaan kami ng oras sa pag-eensayo at training. Dumadayo pa kami sa ibang lugar para mag-training,” salaysay ni Santos sa isang panayam.
Samantala, binigyang-diin naman ni Diclihon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina at pagsasakripisyo para sa training bilang pinakasangkap ng natamong tagumpay.
“Kapag gustong-gusto talagang manalo kailangan ng disiplina at pagsasakripisyo. Ako masasabi kong naging mahirap ang proseso dahil nariyang kinailangan kong magbawas ng timbang. Gayundin, sakripisyo pagdating sa pagbabalanse ng oras sa pag-aaral at pag-eensayo,” pahayag ni Diclihon.
Maliban kina Santos at Diclihon ay nagdala rin ng karangalan para sa paaralan sa larangan ng Taekwondo sina Neilford Diclihon (Gold-Sparring Category 1), Daniel Sibayan (SilverSparring Category 5), Leynard Mayo (Silver-Sparring Category 4) at si Clarivan Lagula (Bronze-Sparring Category 1). Nagsilbing kanilang coach si Gng, Maylene E. Macadamia. Hindi ito ang unang pagkakataon na ang dalawa ay magiging kinatawan ng dibisyon sa mas mataas na antas ng palaro o Sports Meet ngunit tiniyak ng dalawa na hindi pa rin sila magpapakampante at magpapatuloy ang intensibong pagsasanay para muling makapag-uwi ng medalya, hindi na lamang para sa paaralan kundi para na sa buong Pangasinan II.

Muling nagpasiklaban ang apat na koponan ng Arboleda National High School sa isinagawang Intramurals 2024 noong Nobyembre 8-10.
Resulta ng Intramurals ‘24


kami ng oras sa pageensayo at training. Dumadayo pa kami sa ibang lugar para mag-training.
‘Pangasinan Heat’ lalarga na sa MPBL
HYURI G. MORANOOpisyal nang bahagi ng MPBL
(Maharlika Pilipinas Basketball League) ang koponan ng Pangasinan na ‘Pangasinan Heat’ matapos lumagda ng kontrata na isinagawa sa Provincial Capitol, Lingayen, Pangasinan nitong Pebrero 7.
Nilagadaan nina Franchise owner at dating punong-bayan ng Bayambang Cezar
Quiambao at MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang Memorandum of Agreement kasama sina Pangasinan Gov. Ramon Guico III, Rep. Art Celeste, Alaminos Mayor Bryan Celeste and MPBL legal counsel Glen Gacal. Layunin ngayon ng lalawigan na palakasin ang koponang binubuo ng mga manlalarong Pangasinense para sa darating na 2024 season ng MPBL sa darating na Marso 16.
Binanggit ni Dr. Quiambao na nais
niyang suportahan ang lahat ng proyekto ni Governor Ramon V. Guico III na naglalayong palakasin at hubugin ang magandang kinabukasan para sa mga kabataang Pangasinense at idinagdag niyang ang
pagsali ng koponan ay isang magandang hakbang upang makilala ang lalawigan.
Samantala, winika ni Gov. Guico III na bagaman franchise ito at hindi gagamit ng pondo ng lalawigan ay handa siyang personal na tumulong at sumuporta sa koponan.
Ang MPBL ay isang men’s basketball professional league na sinimulan ni Senator Manny Pacquiao noong August 29, 2017, na may 10 Luzon-based na mga koponan sa inaugural season nito noong 2018.
Sa kasalukyan may 29 na koponan nang kabilang dito noong 2023 at isa ang Pangasinan Heat sa mga bagong koponan kasama ng Abra.
Tinitignan ngayon sa mga Pangasinan Heat’s roster of coaching staff ang mga dating professional basketball players tulad nina Jun Marzan, Jr., Cris Calaguio, Lordy Tugade, at collegiate basketball coach Sonny de Jesus habang ilan sa mga Basketball icons tulad nina Marlou Aquino at Danny Ildefonso bilang kanilang mga team consultants.

Nakalulungkot isipin na sa panalo ng isang atleta ay napakaraming pagbati ang kanyang natatanggap ngunit pagdating sa suporta sa pagsasanay at paghahanda ay kulang o walang mga kagamitan at pasilidad.
DATI PA RING DAING NG ATLETA

Marami sa mga atletang mag-aaral ay nahaharap sa krisis pagdating sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan at pasilidad para sa sports sa paaralan, ito'y naghuhudyat sa mga estudyante na piliin na lamang na itago ang kanilang kakayahan at talento sa paglalaro ng anumang sports o hindi naman kaya’y humaharap at humahantong sa pagkatalo dahil sa kakulangan ng ensayo.
Katunayan ay hindi lamang paaralan ang nakakaranas ng krisis na ganito kundi pati rin sa antas nasyonal. Noong 2021 inihayag nina Edwin Villanueva at Adrian Asul, na bahagi ng Philippine Paralympic swimming team, na hindi pa rin sila nakakatanggap ng kanilang allowance noon pang 2019 galing sa Philippine Sports Commission (PSC) mula nang sumali sa National Traininig Poll na dalawang taon na ang nakakalipas. Ikinalulungkot din ng dalawa ang pagkabigo ng gobyerno na bigyan sila ng food allowance at disenteng tuluyan para sa kanilang pagsasanay.
Samantala, binanggit ni Hidilyn Diaz noong 2019 habang siya ay ikinatawan sa Tokyo 2020 Olympics ang kahirapan sa paghahanap ng sponsor dahil sa kakulangan sa funds. Sa kanyang Facebook post noong 2019, kanyang itinanong kung puwede ba maghanap ng sponsorship sa mga pribadong kompanya para sa Tokyo 2020 Olympics dahil sa pagiging hirap sa paghahanap ng financial support.
Napatunayan na sa mga nagdaang henerasyon ang galing ng Pilipino pagdating sa larangan ng sports gaya ni Efren "Bata" Reyes, Manny Pacqiao, at Mikee Cojuangco at napakarami pang iba. Marami sa kanila ang nagsimulang matuklasan ang husay sa sports sa paaralan, kung saan din nahuhubog ang mga mag-aaral na maging mahusay na atleta, ngunit ang kakulangan sa pondo na dapat nilalaan sa pagsasanay at paghuhusay ng kanilang kasanayan sa sports ay paminsa'y nagdadahilan sa pagputol ng kanilang mithiin na maging isang katangi-tanging atleta.
Kaya marapat na habang ninanais nating luminang at humubog ng kabataang holistiko o mahusay hindi lamang sa akademiko kundi maging sa iba pang aspekto tulad ng sports sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’t ibang programa, school sports event at kung ano-ano pa ay ibigay natin ang kinakailangang suportang pangholistiko rin – mental, emosyonal at maging pinansyal.
WALANG BAGO
Perez muling dinomina ang Badminton; pasok sa Cluster Sports Meet 2024
Nagpakitang gilas muli si Helmar B. Perez, Baitang 11 ng ANHS, nang dire-diretsong umarangkada at nakamit ang titulong kampyeon ng Single D sa larong badminton sa Municipal Sports Meet na naganap sa Alcala Public Auditorium, Disyembre 6. Pumalo si Perez tungo sa tagumpay nang kanyang paluhurin ang kanyang nakaharap sa kampyeonato na mula sa San Pedro Apartado National High School (SPANHS) at tinapos agad ang laban sa iskor na 15-6, 15-8. Mas naging magaling ang ipinakitang laro ni Perez ngayong taon dahil sa mas pinatinding Smash at drop shots na nakapagpadapa sa kanyang mga kalaban at nagkaroon malaking agwat o lamang.
Gayunman, nasubok at dumaan din si Perez sa gitgitang
laban nang muntikan siyang ihulog ng kanyang katunggali mula sa Atainan Caranglaan Integrated School(ACIS), 15-10, 13-15, 15-11.
"Nahirapan talaga ako sa una kong laro kasi ‘di ko alam kung ano ang mga gagawin niyang atake, buti na lang naka-recover ako at nanalo." wika Perez.
Binanggit niya na naging susi sa unang panalo nang mapansin niya ang kahinaan ng kanyang kalaban na mabagal pa ang footwork kaya naman ito ang nakita niyang butas at pinaulanan niya ng mapanlinlang na placing.
Samantala, kung gaano nahirapan si Perez sa kanyang unang laro ay siya namang dali ng sunod niyang laban para sa semifinals, kung saan nakaharap niya ang manlalaro mula sa Vacante Integrated School (VIC).
Nakuha agad ni Perez ang
pulso at tamang pagpitik at 'di na pinagbigyan pang manalo ang katunggali, 15-3, 15-5.
"Malakas na talaga si Helmar dati pa. Nasa kanya 'yong puso ng pagiging player ng badminton, ang tinulong ko lang sa kanya ay pagbibigay ng payo kapag ‘di niya alam ang gagawin" pahayag ng kanyang tagapayo na si G. Gerald Kevin Bautista.
Bagama't nanalo na si Perez ay mithiin pa rin niyang manalo sa susunod na tournament kaya naman patuloy ang kanyang matinding pagsasanay bilang isang manlalaro ng Alcala.
Kasama ni Perez na nagbitbit ng pangalan ng ANHS sa larong badminton sina Marc Lorenz Narciso, Franz Lawrence Orlada at Jove Kyle Dela Cruz. Sila ay buong suportang sinamahan ng kanilang coach na G. Gerald Kevin Bautista.
ANHS binuwag ang trono ng CPPNHS sa basketball
Makapigil hininga ang naging labanan ng koponan ng Arboleda National High School (ANHS) at defending champion na Cipriano P. Primicias National High School (CPPNHS) sa ubusan ng alas sa laro, 74-69, ng basketball boys (5x5) quarter finals game ng Municipal Sports Meet sa Alcala Public Auditorium, Disyembre 6. Pinangunahan ni Jv Irem Blanco, mag-aaral ng ANHS, baitang 11 ang kanyang koponan na nagpaulan ng 25 na puntos, 5 assist, 10 rebounds at 3 steals upang umangat at makamit ang kampeonato.
Gitgitan ang naging laro na humantong pa sa tablang iskor sa natitirang oras na 1:01 sa 3rd Quarter, 50-50 ngunit di nagpadaig si John Baltazar
VYNZ ANTONI A. VERZOSA
Escobar at Aldrick Agdeppa ng Team ANHS at nagsilbing bayani ng laro na nagtala ng 4 na sunod sunod na puntos para makuha ang kalamangan.
"Akala namin matatalo na kami dahil defending champion sila at malalakas talaga sila para kaming bumangga sa pader pero dahil sa sipag at tiyaga sa depensa nakahabol kami" wika ni Jv Blanco na itinanghal na player of the game Sumandal ang koponan ng ANHS kina Jv Irem Blanco, John Baltazar Escobar, Alkian Ancheta, James Montecastro, at Melvin Domagas na siyang nagdala sa kanila sa panalo.
Hindi na pinagbigyan pa ng kopanan ng ANHS makalapit ang iskor ng defending champions sa huling dalawang minuto ng last
quarter at sa lahat ng pagkakataon na hawak nila ang bola ay hindi na nila sinasayang na magtala ng puntos.
Walang sumusuko sa dalawang koponan ngunit hindi na nailapit pa ang iskor ng kalaban at sigurado na ang panalo ng ANHS.
"Naging susi ang matinding depensa at pressure na ibinigay ng aking team para makuha namin ang panalo" pahayag ng kanilang Coach na si Sir Rupert Gary Torres. Masaya ang koponan ng ANHS dahil naibigay nila ang karangalan para sa ating Eskwelahan at tinalo nila ang ilang taong naghahari sa Municipal Sports meet, sila ay aabante sa semi-finals at makakaharap ang San Pedro Apartado National High School.

Verzosa pinataob ang mga katunggali sa table tennis; uusad sa Cluster Sports Meet
Binulagta ni Vynz Antoni A.
Verzosa,17, Baitang 11-STEM-Galileo, ang lahat matapos itumba at 'di na pinagbigyang manalo ang lahat ng kanyang nakatunggali sa Municipal Table Tennis Tournament na ginanap sa kanyang sariling tahanan, Marilou B. Arboleda Memorial Hall, Arboleda National High School, Disyembre 6. Ipinakita ni Verzosa ang gigil na manalo matapos patumbahin SI Dave Ivan Larioza ng San Pedro Apartado National High School (SPANHS) sa kampyeonato at sinungkit ang gintong medalya para umusad sa Cluster Sports Meet 11-5, 11-6.
Nakamit niya ang pagiging kampeon nang kanyang ipamalas ang bunga ng kanyang matinding

pagsasanay at inilabas ang kanyang bagong sandata na top spins, flat drives at mga kakaibang serbis na tila hindi kinaya ng kalasag ng kanyang mga katunggali.
Bago humantong sa kampyeonato ay hindi man lang pinagpawisan si Verzosa sa semi-finals matapos lampasuhin si Michael Angelo Catalan na mula sa Pindangan National High School (PNHS) at hindi nagpakita ng awa upang mabilis na tapusin ang laro sa iskor na 11-0, 11-2.
"Last year natalo ako kaya naman mas nagpursige ako sa training para makabawi ngayong taon at maipakita na hindi na ako gaya ng dati at mas malakas na ako ngayon," wika ni Verzosa.
TUNAY NA KUWENTO • PURONG BALITA
ANG DALISAY
isports
OPISYAL NA PUBLIKASYON SA FILIPINO NG ARBOLEDA NATIONAL HIGH SCHOOL

"Malaki ang pagbabago ng kanyang skills sa paglalaro. Talagang effective ang magtiyaga at maghirap sa training niya sa ilalim nina Coach Trisha Mae Guanco at Coach Bryan Lloyd Queyquep," pahayag ng kanyang tagapayo na si G. Mark Anthony Verzosa.
Tuloy-tuloy ngayon ang pagsasanay ni Verzosa para sa Cluster Meet na gaganapin sa Villasis, Pangasinan.
Last year natalo ako kaya naman mas nagpursige ako sa training para makabawi ngayong taon at maipakita na hindi na ako gaya ng dati at mas malakas na ako ngayon
VYNZ ANTONI A. VERZOSA, KAMPEON, TABLE TENNIS
TOMO XX BLG. 1 AGOSTO-PEBRERO 2024
MAS MAHUSAY
KAYSA DATI
ANHS kumamkam ng gintong medalya sa athletics; muling hahataw sa Cluster Sports Meet
Nagbulsa ng mga gintong medalya ang mga atleta ng Arboleda National High School (ANHS) na sina John Kenneth Hernandez, Baitang 12 at James Miran, Baitang 10 para sa larong athletics – shotput at javelin throw sa Municipal Sports Meet na ginanap sa Bersamin Alcala, Pangasinan, Disyembre 6.
Ginupo ni Hernandez ang mga katunggali upang makuha ang unang gintong medalya para ANHS at umabante sa Cluster Sports Meet nang kanyang pakitaan ang mga ito ng lakas sa pagbato ng shotput na hindi nila napantayan ni nalapitan Samantala, dinurog ni Miran ang kinatawan ng ibang mga paaralan sa javelin at nagkamit din ng isa pang gintong medalya para sa ANHS. Binanggit ni Hernandez na ang pagkapanalo ay resulta ng pagsasailalim ng siyam na buwang pagsasanay at limang buwan naman sa initan para mahasa ang kanyang kakayahan at katawan sa paligsahan. Ito ang pangalawang beses na
siya ay sasabak sa isang kompetisyon matapos ang pandemia at talagang kanyang pinaghandaan.
“Talagang pinaghandaan ko ito sa loob ng siyam na buwan, para lang mapatunayan na babalik akong mas malakas at higit na mas mahusay kaysa dati,” paliwanag ni Hernandez.
Balak na ipagpatuloy ni Hernandez ang kanyang pagsasanay upang makapasok sa team ng track and field sa kolehiyo na kanyang mapapasukan at kung palarin ay makakuha ng scholarship.
"Mag-start na sila ngayon na mag training kahit 8 months pa ang susunod na School Sports Meet dahil walang mangyayaring improvement sa isang araw lang” ang iniwan na mensahe ni Hernandez para sa mga atleta na may nais mahasa ang kanilang galing at talento.
Para naman kay Miran, ang pagkapanalo ngayong taon ay isang magandang karanasan sa kanyang
Anong BAGO? sundan sa pahina 18
[1] Balitang Panlalawigan
‘Pangasinan Heat’ lalarga na sa MPBL
Opisyal nang bahagi ng MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) ang koponan ng Pangasinan na ‘Pangasinan Heat’ matapos lumagda ng kontrata na isinagawa sa Provincial Capitol, Lingayen, Pangasinan nitong Pebrero 7.
[2] Balitang Debelopmental-Isports
ANHS Playgrounds pinasinayaan… Inaasahan ngayon na mas lalakas pa ang koponan ng Arboleda National High School sa iba’t ibang klase ng sports matapos pormal na pasinayaan ang ANHS Playgrounds, Disyembre 12.
[3] Balitang Lokal
LGU Alcala nagkaloob ng sports equipment… Nagkaloob ng iba’t ibang sports equipment ang local government unit ng Alcala sa pamumuno ni Hon. Mayor Jojo B. Callejo, Disyembre 6.
pagbabalik matapos magkaroon ng pandemya.
“Nasa elementarya pa ako nang huling Manalo kaya sobrang saya ko ngayon,” pahayag ni Miran.
Maliban sa mga gintong medalya ay pinagharian din nilang dalawa ang discus throw at kinuha ang pilak at tansong medalya.
Inaasahan ngayon ng ANHS na si Miran ang magpapatuloy ng paghahari ng paaralan sa athletics throws at susunod sa yapak ni Hernandez.
“Sana magpatuloy ang pagkapanalo natin sa athletics. Sana kahit grumaduate na si Kenneth, magpatuloy ang panalo ni James,” wika ni Gng. Shane Velano na kanilang gurong tagapayo.
"Wala na si kuya Kenneth next year kaya gagawin ko lahat para masundan ko yung ginawa niya," wika ni Miran.
Naghahanda ngayon ang dalawa upang magpatuloy ang magandang record sa athletics.


BANAT NG MGA ATLETA Sapat ba o kulang ang budget ng bawat atleta para sa pagsabak sa iba’t ibang level ng sports meet? sundan sa pahina 19.

87%
nagsabing kulang ang budget para sa sports meet. Datos mula sa isinagawang online survey sa mga atletang magaaral sa pamamagitan ng Google form.
