FINAL COPY FOR RSPC-ANG DALISAY 2025 (ARBOLEDA NHS)
ang budget ng Departamento ng Edukasyon sa 2025 o 737 bilyong pisong mula sa 748 bilyong piso sa kasalukuyang taon ayon sa proposed budget na inaprubahan ng senado at House of Representative.
sa kategoryang Editoryal na Pangkartun, Hulyo 8-12 sa Carcar City, Cebu. Larawang Kuha ni: Kai Zoei F. Rayo
Batang Arboledian, Kampeon sa NSPC 2024
Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 57 pagkakatatag ng paaralan! Ipinagdiwang ng Arboleda National High School ang isang makasaysayang tagumpay nang tanghaling kampeon si Mark Justin Dave O. Ymana, isang magaaral mula sa Baitang 12, sa patimpalak na Editorial Cartooning (Filipino) sa National Schools Press Conference (NSPC) 2024.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 57 taon ng pagkakatatag ng paaralan na isang mag-aaral ang nagwagi sa nasabing kategorya, kaya’t isang napakahalagang tagumpay para kay Ymana at sa buong komunidad ng paaralan.
ANGDALISAY
DepEd Region 1, sinuspende ang curricular activities upang mapunan ang learning gaps dulot ng mga bagyo
Inilabas ng DepEd Region 1 ang Regional Memorandum No. 1479 o ang Implementing the Undisturbed Engagement Between Teachers and Learners for School Year 2025-2025, na nag-uutos na suspindehin ang lahat ng school-based non-curricular at co-curricular activities bilang hakbang upang tugunan ang mga posibleng puwang sa pagkatuto o learning gaps bunsod ng mga sunod-sunod na kanselasyon ng klase dulot ng mga kalamidad at masamang panahon, Nobyembre 7. Nakasaad sa memorandum ang pagpapaigting ng paggamit ng natitirang oras sa klase upang masiguro ang maayos at epektibong pagtuturo ng kurikulum at hindi maisakripisyo ang kalidad na edukasyon lalo pa’t umabot
SAMA-SAMA, PANTAY-PANTAY. Nagagawa nang maisuot ang ninanais na uniporme ng mga mag-aaral ng Arboleda
National High School na parte ng LGBTQIA+ alinsunod sa bagong saligang alituntunin ng paaralan na kasama sa pagpalaganap ng pantay-pantay at inklusibong edukasyon para sa lahat. �� HYURI SEBASTIAN JOAQUIN G. MORANO
INKLUSIBO!
ANHS, pinaiigting ang kultura ng pagtanggap sa kabila ng pagkakaiba-iba
Rluling binigyang-diin ng Arboleda National High School (ANHS) ang mahigpit na pagpapatupad at pagsunod
sa DepEd Order No. 32, s. 2017 o ang Gender
Responsive Basic Education Policy sa mga pagsasagawa ng mga programa at pagpapatupad ng alituntunin ng paaralan.
Kasabay ng pagsasagawa ng oryentasyon sa mga magulang hinggil sa mga plano para sa S.Y. 2024-2025 at pagpapaalam sa mga alituntunin ng paaralan ay ipinaliwanag ni Dr. Marife
B. De Guzman, Punong-guro III ng paaralan, ang kanyang pagbibigay suporta sa kalayaan ng mga mag-aaral lalo na ang mga kabilang sa LGBTQIA+ community na ipahayag ang kanilang mga sarili, Agosto 3.
“Bilang Gender and Development (GAD) advocate, mariin kong sinusuportahan ang kalayaan ng mga mag-aaral lalo na ang mga kabilang sa LGBTQIA+ community na i-express ang kanilang sarili sa loob ng paralaan as long as hindi ito nakasasama sa kanilang pag-aaral,” wika Dr. De Guzman.
Binanggit din ng punong-guro ang haircut policy ng paaralan na nagsusulong ng inklusibidad para sa LGBTQIA+ community, pati na rin ang pagkakataon ng mga mag-aaral na mag-cross dress na uniporme, gayundin ang pagkakaroon ng representasyon para sa mga miyembro ng third sex upang ipakita ang kanilang pagkakakilanlan at karapatan sa edukasyon sa mga parating na school-based program.
“Ipagpapatuloy natin ang mga nasimulang polisiya na nagsusulong ng inclusivity sa ating mga mag-aaral tulad ng haircut policy na masasabing gender-sensitive at saka ‘yong mga plano nating activities kung saan bida hindi lamang ang mga lalaki at babaeng mag-aaral kundi maging mga nasa third sex,” dagdag ng punong-guro.
Nakasaad sa DepEd Order No. 32 ang mga pangangailangan ng mga alituntunin para sa isang edukasyong tumutugon sa usapin ng kasarian at maisama ang mga prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, positibong pananaw ukol dito, di-diskriminasyon, at karapatang pantao sa pagbibigay at pamamahala ng basic education.
Batay sa nasabing kautusan, obligasyon ng DepEd na isulong ang gender mainstreaming upang tugunan ang mga isyu at alalahanin sa basic education na may kinalaman sa kasarian at sekswalidad upang tiyakin na ang lahat ng mag-aaral ay protektado mula sa anumang uri ng karahasan, pang-aabuso, pananamantala, diskriminasyon, at bullying na may kinalaman sa kasarian.
Patuloy ang DepEd sa pagtiyak na ang mga paaralan ay magiging ligtas na lugar para sa pagkatuto at paghubog ng mga mag-aaral bilang responsableng mamamayan sa pamamagitan ng mga polisiya nito tulad na lamang ng ginagawa ngayon ng ANHS.
DepEd Region I, nagsusulong ng inklusibong edukasyon, nagsagawa ng oryentasyon
tungkol sa RA 11650
San Fernando City — Isinusulong ngayon ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Curriculum and Learning Management Division (CLMD) ang inklusibong edukasyon sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng oryentasyon upang palawakin ang kaalaman sa Republic Act (RA) 11650 na ginanap sa National Educators Academy of the Philippines – Region I, Agosto 5-9.
Tinalakay sa apat na araw na oryentasyon ang mahahalagang probisyon ng RA 11650, na naglalayong kilalanin ang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan at bigyan sila ng libreng de-kalidad na edukasyon, layunin din ng aktibidad na magbahagi ng karanasan sa operasyon ng Inclusive Learning Resource Centers (ILRC) at mangalap ng rekomendasyon para sa epektibong implementasyon ng batas.
Dumalo sa programa ang mga piling public schools district supervisors, school heads, at head teachers mula sa 14 Schools Division Offices sa rehiyon kabilang na ang punong-guro ng paaralan na si Dr. Marife B. Guzman na agad nagpahayag ng suporta sa nasabing layunin.
“Handa ang ating paaralan na tumalima sa tamang implementasyon ng batas upang masiguro na ang bawat mag-
aaral, anuman ang kanilang kalagayan, ay makatatanggap ng dekalidad na edukasyon,” aniya.
Iniisa-isa sa nasabing oryentasyon ang mga hamong kinakaharap sa implementasyon ng inclusive education, kabilang na ang kakulangan ng mga gurong eksperto sa special needs education, learning materials, at assistive technology gayundin ang kakulangan ng mga pasilidad sa halip ay siksikang silidaralan, limitadong suporta sa therapy at counseling, at kakulangan sa kaalaman ng publiko at magulang na madalas nagiging sanhi ng diskriminasyon sa mga mag-aaral na may kapansanan.
“Bagama’t marami nang nagawa upang maisulong ang inclusive education, nananatili ang pangangailangan para sa tuloy-tuloy na pagsisikap upang tugunan ang mga hamon at tiyaking mabigyan
ang bawat mag-aaral ng pantay na pagkakataon sa tagumpay,” ani Mary Ann Grace Dulay, Education Program Supervisor ng CLMD. Nag-iwan naman ng hamon sina Regional Director (RD) Tolentino G. Aquino at Assistant RD Rhoda T. Razon sa mga kalahok na ipalaganap ang kanilang mga natutuhan at ipatupad ang mga plano, programa, at aktibidad na nakasentro sa inclusive education sa kani-kanilang mga paaralan at dibisyon. Ang RA 11650 o ang Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act ay nagtatakda na dapat magkaroon ang bawat lungsod at munisipalidad ng hindi bababa sa isang ILRC, na magsisilbing sentro para sa naaangkop at sensitibong materyales para sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
ANHS, nagdaos ng BWP; tampok ang programang inklusibo para sa Arboledians
Kaiba sa mga nakaraang taon, ito ang kauna-unahang pagdaraos ng faceto-face na programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa pagkatapos ng pandemya para sa mga Batang Arboledians. Bilang pagtalima sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997, at salig sa Kagawaran ng Edukasyon, Memorandum Pangkagawaran Blg. 073, s. 2022, ang Arboleda National High School ay nakiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino na naglayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa at pampinid na palatuntunan na dinaluhan pa ng mga pangulo ng mga pangunahing samahan ng mga magulang at iba pang stakeholders katulad ng SPTA at SGC, Agosto 30.
ARBOLEDA NATONAL HIGH SCHOOL
DAPAT TINGNAN...
JEZABEL S. CACAYORIN
MARKA SA KASAYSAYAN. Gumuhit ng kasaysayan si Mark Justin Dave O. Yamana matapos itanghal na kampeon sa National Schools Press Conference 2024
Sundan ang artikulong ito sa PAHINA 5
Inaasahang bumaba ng
� LEA ANN I. CABATIC
SENYAS NG PAGTANGGAP.
Sundan ang artikulong ito sa PAHINA 3
Prayoridad!
Una sa kasaysayan
Bunga ng Pagkakaisa
Di panatag sa MATATAG
Bawas opsyon, bawas oportunidad
SULAT
Filipino, hindi paborito ng gobyerno
TILAMSIK NG DIWA
HIMNO NG TINTA
Bitin na pagtuturo, bitin na pagkatuto
PUHON
PUNTO DE VISTA
Kasabay ng pagsusulong ng paaralan ng inklusibong edukasyon na bukas, may pagtanggap at nagdiriwang ng pagkakaiba-iba ng mga Batang Arboledians, tampok sa pahinang ito ang mga salaysay tungkol sa mga piling mag-aaral na may natatanging katangian sa mukha, mga buhay na patunay na ang ating mga katangian ay bahagi ng natatanging kuwentong maaaring ibahagi sa iba.
[3] TAINGA. May mga kantang gustong-gusto nating naririnig, mga tugtuging pati ang ating mga puso’ y napapasayaw. Maging mga liriko nito na may mga simbolo at gustong ipahiwatig. Tulad ng mga kantang ito, may mga salitang nais ko ring marinig hind isa mga musika, kundi sa aking mga magulang mahal kita.
RADIO 14.3: MUSIKA SA TAINGA NI MICO!
Music is timeless,” na tipong kahit anong henerasyon ka nagmula tayo ay iba t iba o pareho ng pandinig sa musika. Bukod sa himig ng magagandang awiting narinig ni Mico Pega, mag-aaral mula sa Arboleda National High School, dalawang salita ang labis na nagpapapintig sa kaniyang tainga – mahal kita.
Wala na sigurong kasing saya kung maririnig mo mula sa isa sa mga mahahalagang tao sa yo na walang kulang sa pagkatao mo. Ganyan ilarawan ni Mico ang pagmamahal ng kanyang ama sa kanya sa kabila ng dinadala niyang kondisyon sa tainga.
“Minsan po, naikukumpara ko ‘yung sarili ko sa mga kapatid ko,” wika ni Mico noong amin itong tanungin. Kaakibat ng kanyang kondisyon, kabilaan din ang ingay na kanyang narinig mula sa ibang mga tao lalo na noong nagsimula itong pumasok sa eskwelahan. Maraming pangungutya at pang-aasar ang dumaan sa kanyang pandinig at hindi nito maiwasang masaktan.
“Inaasar po ako dati. Hindi ko naman po pinapansin. Lumalayo na lang po ako kasi baka magalit ako,” saad pa niya.
Sa kabila nito, hindi nagpatinag si Mico na harapin ito at hindi sumuko sa kanyang sariling laban. Hinarap niya ang kanyang mga pagsubok sa buhay sa pamamagitan ng pagpasok ng mga ito sa kanyang kaliwang tainga, at mabilis na lalabas sa kanang tainga.
“Lagi pong sinasabi ni Papa sa akin ‘yung salitang ‘ yon,” sagot niya pa noong amin itong tanungin kung bakit ang “Mahal Kita” ang paborito niyang linya sa lahat. Lahat tayo ay may pangarap na gustong makamtan sa buhay, katulad ni Mico, may pangarap din itong gustong marinig ng Maykapal na maaabot niya rin ito balang araw. “Gusto ko po magtapos ng pag-aaral at maging piloto,” dagdag ni Mico. May iba’t iba tayong panlasa pagdating sa pagpili ng mga kanta. At para kay Mico, natagpuan niya ang paborito niyang musika na siyang nagbigay indayog sa kanyang tainga at nagsasabing walang kulang sa pagkatao niya. Mga linyang hindi galing sa mga sikat na mang-aawit sa bansa, kundi galing mismo sa kanyang ama na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.
LATHALAiAN:
Salaysay ng buhay ng Isang Campus Journalist at Student
Isa sa pinakakumplikadong kategorya sa mundo ng peryodismo ang lathalain –dahil labanan ito ng anggulo at estilo sa pagsasalaysay ng mga kuwentong totoo nang may lalim pero ito ang paborito ni Christian L. Petines. Dahil para sa kanya, katulad ng kategoryang ito ang kanyang buhay, puno ng kulay, lalim, at simbolismo.
Mula sa pagiging isang mahusay na student leader at campus journalist sa Arboleda National High School, dala-dala niya ang mga aral at karanasan na naghubog sa kanya patungo sa mas malalaking hamon ng buhay.
Sa kasalukuyan, patuloy na nagpapakilala bilang isang natatanging lider at manunulat si Christian o Ian o Pety para sa kanyang mga kaibigan. Siya ngayon ang Editor-In-Chief ng AsinBolo, ang province-wide media arm ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ng Pangasinan, at ng kanilang campus paper na New Dimension sa kanyang pinapasukang unibersidad na Univerisdad de Dagupan. Patunay na ang kanyang
kasanayan sa peryodismo at pamumuno ay patuloy na nagiging inspirasyon hindi lamang sa kanyang kapwa mag-aaral sa pinanggalingang paaralan kundi pati na rin sa mas malawak na komunidad.
Sa kanyang panayam, binalikan ni Christian ang kanyang mga alaala bilang Editor-In-Chief ng Ang Dalisay at Supreme Student Government (SSG) President sa Arboleda NHS.
“Masasabi kong ang pagiging lider ay hindi lang tungkol sa pamamahala. Kailangan mong makinig, umintindi, at magsakripisyo.
Isa sa pinakamalaking hamon noon ay kung paano balansehin ang mga tungkulin ko bilang SSG President at Editor-In-Chief. Pero natutuhan ko na ang tunay na lider ay hindi natatakot humingi ng tulong at magtiwala sa team,” tugon niya.
Gayunpaman, ipinagpapasalamat niya nang lubos ang mga naging karanasan sa high school na siyang humubog sa kanyang mga bagong tungkulin sa kasalukuyan.
“Hindi naman talaga madali maging student leader sa maraming student organization. Pero kung babalikan ko ngayon, wala akong
Leader
pinagsisisihan na sumubok ako noon dahil mula rito ang dami kong natutuhan,” wika niya.
Lathalain ng Buhay: Unfiltered
“Katulad ng mga sinusulat kong artikulong lathalain na hindi ko puwedeng alisin ang mga hindi magagandang detalye para magmukha lang maganda, marami rin naman akong masasabing unfiltered phases na hindi ko bastabasta puwede alisin na lang,” dagdag pa niya.
Hindi lahat ng pahina ng buhay ni Christian ay puno ng tagumpay. Isa sa pinakamabigat niyang hamon ay ang pagtanggap ng sarili bilang bahagi ng LGBTQIA+ community. Sa kabila ng suporta mula sa iba, nananatili ang kirot na dulot ng hindi pagtanggap ng kanyang ama.
“Masakit, to be honest,” ani Christian na may bahagyang lungkot sa kanyang tinig.
“May mga pagkakataon na iniisip ko kung may halaga pa ba lahat ng ginagawa ko. Pero na-realize ko rin na hindi ko maaring iasa sa iba ang validation. Kailangan kong magpatuloy dahil alam kong may
MULING PAGKABUHAY
Paghahanap ng Kapayapaan sa Libingan
Mahilig ka bang mag-travel? Kapag stress, kapag naghahanap ng peace of mind o gusto lang mag-relax sa nakakapagod na mundo – ng pag-aaral o ng buhay mismo, saan ka madalas magpunta?
Kakaiba sa karaniwang pasyalan ng karamihan, para sa isang batang Arboledian, sementeryo ang itinuturing niyang pinakaligtas na lugar at puno ng kapayapaan.
Sa lugar kung saan sinasabing nagtatapos ang kuwento ng bawat isa, may mga bagay na patuloy na nabubuhay. Ang sementeryo tahimik, puno ng alaala, at binabantayan ng mga krus na siyang gabay sa susunod na buhay ay tila nagiging kanlungan ng mga taong hinahabol ng sarili nilang multo. Halimbawa na lamang ni Cravhen John S. Doria, 16 taong gulang, mag-aaral ng 11 STEM- Galileo, na natutuhang ang sementeryo ay hindi lamang tahanan ng mga yumao, kundi para din sa mga naliligaw na naghahanap ng ligtas na pahingahan sa gitna ng unos ng buhay.
Karaniwang kinatatakutan ng marami, ngunit para kay Cravhen, ito ang naging lugar ng pagninilay, pagsisisi, at paghilom. Sa kanyang mga pagbisita, natuklasan niya ang katahimikang nagbibigay ng lakas upang harapin ang hinaharap at muling magsimula papunta sa susunod na kabanata ng buhay. Sa bawat hakbang ni Cravhen papunta sa sementeryo, tila dala niya ang bigat ng kanyang nakaraan. Ngunit dito rin niya natutuklasan ang mga sagot sa kanyang mga tanong sagot sa tanong ng pagsisisi.
Himlayan ng Nakaraan
Sa bawat pagbisita ni Cravhen sa sementeryo, hindi lamang lapida ang kanyang hinahanap kundi ang alaala ng kanyang yumaong ama. Sa tahimik na paligid nito,
nagbabalik-tanaw siya sa mga huling sandali nila ng kanyang ama noong Enero 2020, ang panahon kung saan pumanaw na ang pinakamamahal niya. January 19, may birthday party sa bahay namin, ta’s tumulong si Papa sa paghahanda. Pagkatapos ng handaan, naghatid siya ng pagkain sa mga kasamahan niyang Pulis. Ngunit pag-uwi niya, hindi na siya ang bumalik. Napalitan ng aksidente ang dapat sana y masayang selebrasyon ng kanyang kaarawan kinabukasan. Birthday niya ng January 20 e, magfo-forty na sana siya, tapos gano’n ‘yong nangyari,” kwento niya. Ang sana’y masayang selebrasyon ay nauwi sa matinding lungkot nang masangkot sa aksidente ang kanyang ama. Dito nagsimulang buhatin ni Cravhen ang bigat ng pagsisisi. Paano kung naibigay ko yong helmet na hinihingi niya? Sana mas mataas ang tsansa niyang mabuhay,” dagdag pa niya.
Sa bawat hakbang sa sementeryo, muling bumabalik ang mga tanong at pagsisisi. Ngunit kasabay nito ang dahan-dahang pagtanggap sa mga bagay na hindi na maibabalik, tulad na lamang ng buhay ng kanyang ama.
Kasalukuyang kapayapaan sa libingan
Para kay Cravhen, ang sementeryo ay hindi lamang tahanan ng mga alaala kundi isang lugar na tila natatakasan niya ang gulo ng mundo. Dito rin niya nahahanap ang tunay na kahulugan ng pamilya, isang bagay na kailanma y hindi niya alam kung mabubuo pa.
Every time na pumupunta ako sa sementeryo, parang ang tahimik, walang gulo. Kapag pumupunta ako kay papa, sinasabi ko sa kanya ang lahat. Humihingi ako ng advice, lalo na kapag may mga pagkakataong hindi ko sigurado ang desisyon na gagawin ko,” dagdag ni Cravhen. Ang sementeryo ang nagsisilbing tagpuan ni Cravhen at ng kanyang ama. Sa mga oras ng
“
Paborito kong kategorya sa journalism ang lathalain. Para sa akin, ang buhay ko mismo, isang lathalain punong-puno ng simbolismo, emosyon, at lalim. Ginagawa ko’ng lahat para maisulat ang pinakamagandang bersyon nito. Gusto kong maging inspirasyon sa iba, lalo sa mga nasa sitwasyong katulad ng sa akin.
mas malaking dahilan kung bakit ako nandito. Ang hindi pagtanggap ng kanyang ama ay isang hamon na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili. Para kay Christian, ang bawat tagumpay na nakamit niya mula sa mga tropeo hanggang sa mga titulo ay bahagi ng kanyang personal na laban upang patunayan ang sarili, hindi lamang sa iba kundi sa kanyang sarili rin.
Paglalathala ng Sariling Salaysay Sa kabila ng mga pagsubok, nananatili ang kanyang pananaw na ang buhay ay isang lathalain hindi perpekto, ngunit puno ng kwento, emosyon, at simbolismo. Ibinahagi niya kung paano siya nananatiling inspirasyon sa iba. “Paborito kong kategorya sa journalism ang lathalain. Para sa akin, ang buhay ko mismo, isang lathalain punong-puno ng simbolismo, emosyon, at lalim. Ginagawa ko ng lahat para maisulat ang pinakamagandang bersyon nito. Gusto kong maging inspirasyon sa iba, lalo sa mga nasa sitwasyong katulad ng sa akin,”
saad niya. Nang tanungin kung anong payo ang maibibigay niya sa iba na maaaring dumaranas din ng katulad niyang sitwasyon, makahulugan ang kanyang naging tugon. “Gusto kong sabihin sa kanila na hindi madali, pero kaya. Maging tapat sa sarili, at laging tandaan na tayo ang lider ng sarili nating kwento. Huwag tayong matakot na magsimula ng bagong pahina kahit ilang beses pa tayong magkamali.” Nananatiling inspirasyon si Christian sa mga kabataan. Sa bawat artikulong kanyang isinusulat at bawat proyektong kanyang pinamumunuan, ipinapakita niya na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga tropeo o titulo, kundi sa kakayahang bumangon sa bawat hamon ng buhay. Sa kanyang kuwento, makikita ang tapang at determinasyong magpatuloy, ang pagpapahalaga sa pagiging totoo sa sarili, at ang paniniwalang tayo ang lider ng sariling lathalain isang kuwento ng pag-asa, pagbangon, at pagmamahal sa sarili.
matapos. Ngunit sa kabila ng kapayapaang nadarama, may mga pagkakataong mahirap kalimutan ang mga aral ng nakaraan.
Pagbaon sa bangkay ng alaala Ang sementeryo, para kay Cravhen, ay hindi lamang lugar ng pag-alala kundi isang daan patungo sa pagtanggap at paghilom. Hindi siya lugar ng multo; ito ang paraan ko para makahanap ng kapayapaan,” aniya.
“Kapag nakikita ko ang lapida ni papa, naaalala ko ang lahat ng mga aral niya. Siya ang nagturo sa akin ng mga hobbies ko noong bata pa ako. Hanggang ngayon, siya pa rin ang hinihingan ko ng lakas ng loob,” sabi ni Cravhen. Habang nagtatapos ang araw at bumabalik siya sa mas maingay na bahagi ng buhay, daladala niya ang mga aral mula sa lugar ng kapayapaan. Ang sementeryo ay naging simbolo para sa kanya isang tahimik ngunit makapangyarihang kanlungan ng pag-asa. Bagamat puno ng lungkot ang mga alaala, natutunan ni Cravhen na hindi nagtatapos ang buhay sa sementeryo. Sa halip, ito ang naging pundasyon ng kanyang muling pagbangon. “Ako kasi, mahilig mag-analyze ng mga bagay. Pakiramdam ko, kahit sa tahimik na lugar na ito,
paghilom. Sa gitna ng mga krus at lapida, natagpuan niya ang katahimikan at lakas upang magpatuloy. “Hindi ko dama ang takot na sinasabi nila tungkol sa sementeryo. Dito ako nakakahanap ng kapayapaan, malayo sa mundo ng gulo,” pagtatapos niya.
Sa bawat hakbang palabas ng sementeryo, dala niya ang mga aral ng nakaraan isang paalala na ang tunay na kapayapaan ay matatagpuan sa pagtanggap at pagpapatawad, hindi lamang sa iba kundi lalo na sa sarili. Hindi lamang lugar ng pamamaalam ang sementeryo kundi espasyo rin ng panibagong simula. Para kay Cravhen, ito ang naging silidaralan ng kanyang puso kung saan natutuhan niyang patawarin ang sarili, magsimula muli, at hanapin ang kapayapaan sa gitna ng unos. Sa likod ng bawat krus, may mga alaalang naghihintay maibahagi at mga damdaming muling nabubuhay. Sa katahimikan ng sementeryo, natagpuan ni Cravhen ang kasagutan sa mga tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya. Sa bawat yapak papunta at palayo sa libingan, dala niya ang mensahe ng pagmamahal at kapatawaran isang pabaon mula sa isang ama na kahit sa kabilang buhay ay gabay pa rin ng kanyang anak.
Mga Larawan mula kay Christtian L. Petines Graphics Design ni Ken Shane V. Sibayan
Munting aksyon, malaking tulong!
◉KenShaneV.Sibayan
◉HyuriSebastianJoaquinG.Morano
Datos mula sa isinagawang online survey ng Ang Dalisay sa 100 batang Arboledians sa pamamagitan ng Google Form.
◉KennieVicF.Sison
Tungo sa pagsulong
◉ArmeyaJoyceL.Nartates
◉ArmeyaJoyceL.Nartates
◉KenShaneV.Sibayan
◉RolandoM.Valdez
Social Media, hindi banta sa kabataan
Datos mula sa isinagawang online survey ng Ang Dalisay sa 100 batang Arboledians sa pamamagitan ng Google Form.
◉MaryllJhadeU.Tabora
◉MaryllJhadeU.Tabora
◉ArmeyaJoyceL.Nartates
Larangang hindi pantay batay sa kasarian
ng atleta
Datos mula sa isinagawang online survey sa mga atletang mag-aaral sa pamamagitan ng Google form.
Patuloy na daing
◉SethEdryC.Manzano
◉SethEdryC.Manzano
koponan
DAPAT TINGNAN...
Perez, nagtayo ng rebulto sa Badminton; muling hahataw sa Division Meet 2024
Ibinandera ni Helmar B. Perez, 17, mag-aaral ng Baitang 12 sa Arboleda National High School (ANHS) na walang ibang hari sa badminton maliban sa kanya nang araruhin ang lahat ng kanyang katunggali at ibinulsa ang kampeonato sa Division Meet PreQualifying Tournament Badminton Boys Single B na ginanap sa Benigno V. Aldana National High School, Pozorrubio, Disyembre 7. Pinatunayan ni Perez na siya ay isa sa pinakamalakas sa larangan ng Badminton matapos selyuhan ang 3-peat championship title at muling hahataw sa Division Meet sa Enero.
Ipinatikim ni Perez sa kanyang mga katunggali ang mas pinahusay niyang sandata na jump smash at drop shots na bunga ng kanyang matinding pagsasanay at nagpakita ng mas magandang laro ngayong taon matapos ibuhos ang lahat ng kanyang makakaya dahil ito na ang kanyang huling pagkakataon bago magtapos sa high school.
Dala ang gigil na muling makamit ang kampeonato, animo’y tigreng nakawala si Perez at hindi nagpakita ng awa sa kanyang katunggali mula sa Santa Maria sa kampeonatong laro at agad tinapos ang laro gamit ang kanyang estilo na panglilinlang sa katunggali, 30-20. Naging madali para kay Perez na umarangkada, dahil ayon sa kanya ay hindi naman kalakasan ang iba sa kanyang mga nagkaharap at magaan para sa kanya ang mga laban.
Hindi naman ako masyadong nahirapan sa mga naging kalaban at naging madali sa akin na manalo,” pahayag ni Perez.
Nahirapan lamang nang bahagya si Perez nang kanyang makaharap sa elimination round ang manok ng Pozorrubio dahil sa galing nitong magbalik ng smash at kayang tumagal sa mahabang rally ngunit agad din niya itong nasolusyonan matapos magpaulan ng drop shots upang makaiwas sa mga rally, at naibulsa ang panalo sa iskor na 30-23. Bitbit ang momentum sa Quarter Finals, nakaharap ni Perez ang pambato ng Rosales at madali niya itong pinaluhod gamit ang kanyang jump smash at tinapos nang mabils ang laro, 30-14.
ISPORTS ANGDALISAY
Tuloy-tuloy na rumagasa si Perez at walang hirap na itinumba ang manlalaro ng Bautista sa semi- finals dahil sa kanyang diskarte sa pag-placing na lubos na nagpahirap sa kanyang katunggali, iskor 30-15.
“Mas mabilis na siya gumalaw kumpara last year kaya naman sa tingin ko kaya na naming abutin ang podium sa division,” pahayag ng kanyang tagapayo na si G. Gerald Kevin Bautista.
Naabot man ni Perez ang panalo patuloy pa rin ang kanyang pagsasanay upang makamit ang matagal na niyang mithiin na makapasok sa R1AA.
Kasama ni Perez na nagbitbit ng pangalan ang ANHS sa larong badminton sina Marc Lorenz Narciso at Matt Alfred Basco, kapwa Baitang 11 na nagkamit ng tanso sa Badminton Men’s Doubles.
DINOMINA
SIPA NG TAGUMPAY
Batang Arboledian, nakapuwesto
Sa bawat sipa ng pagkapanalo at suntok ng tagumpay, hinding-hindi nawawala ang takot at pangamba—isang kuwento ng mataas na sipa tungo sa pangarap na isinasabuhay ni Mark Anthony Leoner o mas kilala bilang Anton, 17, residente ng Alcala, Pangasinan, ay nagpakitang-gilas sa larangan ng taekwondo matapos masungkit ang ikalimang puwesto sa 7th International Men’s Freestyle Taekwondo Championship sa Bangkok, Thailand, Agosto 10-12.
Sa kabila ng mahigpit na kompetisyon at pagiging first-timer sa internasyonal na kompetisyon, pinatunayan niyang kaya niyang makipagsabayan sa mga pinakamahusay na atleta mula sa iba’t ibang bansa.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako,” ani Anton na may ngiti sa labi.
Para sa karamihan, ang pagkatalo ay maaaring magtapos sa laban. Ngunit para kay Anton, ang bawat pagkabagsak ay isang hakbang tungo sa mas mataas na tagumpay.
“Walang imposible kung mahal mo ang ginagawa mo,” makahulugan niyang pahayag.
Bago makamtan ang tagumpay, dumaan si Anton sa serye ng pagkabigo at masakit na pagkatalo. Ang mga ito, sa halip na maging hadlang, ay nagsilbing gasolina upang lalo siyang magsikap at magpursige. Ang bawat sipa, sugat, at pawis ay naging bahagi ng kanyang kwento—isang kwentong puno ng determinasyon at pagmamahal sa isports.
“Walang imposible kung mahal mo ang ginagawa mo,” makahulugan niyang sabi, habang ibinabahagi ang kanyang pagmamahal sa taekwondo.
Araw-araw, gumigising siya nang maaga upang mag-ensayo. Pinanday niya ang kanyang kakayahan sa bawat sipa, galaw, at disiplina na itinuro sa kanya ng kanyang mga coach. Malaking tulong din ang suporta ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang lolo at lola, na laging nariyan upang ipakita ang kanilang paniniwala sa kanyang kakayahan.
Para kay Anton, ang pagkatalo ay hindi katapusan kundi simula ng mas matibay na pagsisikap. Ang bawat sugat at pawis ay naging bahagi ng kanyang inspirasyon upang magpatuloy.
Sa kabila ng mga balakid, nanatili siyang nakatutok sa kanyang layunin—ang magtagumpay at maging inspirasyon sa iba.
Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy na pinanday ni Anton ang kanyang galing at tapang. Ngayon, hindi lamang siya nakilala bilang isang atleta mula sa Alcala, kundi bilang inspirasyon sa mga kabataang nangangarap.
Ang tagumpay ni Anton ay patunay na ang bawat pagbagsak ay maaaring maging daan sa mas mataas na tagumpay—hangga’t may tapang, pagsisikap, at pagmamahal sa ginagawa, ang bawat laban ay kayang lampasan.
Distajo, dinurog ang mga nakaharap sa table tennis; aarangkada sa PreDivision tournament
Nagulat ang lahat kay Chael Andrew Distajo, 16, mag-aaral ng 11 STEM-Galileo matapos patumbahin at ‘di pinagbigyang manalo ang lahat ng kanyang nakabangga sa Municipal Table Tennis Tournament sa Marilou B. Arboleda Memorial Hall, Arboleda National High School, na bahagi ng ng Municipal Sports Meet, Oktubre 20. Ipinatikim ni Distajo ang gigil na maghiganti at madali niyang
buto dahil mabilis niya itong winalis sa “Minalas ako last year at kinapos para makapasok sa Cluster Meet kaya naman mas nagging intense ang aking nagging training at
gigil akong manalo ngayong taon,” wika ni Distajo sa isang panayam.
Ramdam ko yung gigil ni Chael na makabawi ngayon kaya naman patuloy ang pag-eensayo niya kasama ang kanyang teammates,” pahayag ng kanyang tagapayo na si G. Mark Anthony Verzosa. Bagaman, itinanghal nang kampeon ay wala pa ring tigil ang pag-eensayo ni Distajo at kumukuha pa ng external coach na si Coach Trisha Mae Guanco para makamit ang kampeonato sa nalalapit na Division Meet Pre-Qualifying Tournament na gaganapin sa Asingan, Pangasinan. Kasama ni Distajo na nag-uwi ng karangalan para sa paaralan sina Kenji Casiguran, Ryzza Mae Lazo, Krystal Cabuco, at Charity Kyle Calvero na nagkamit din ng mga medalya para sa