Disiplina, hindi parusa Opinyon
Nakakahong kalinga
Disiplina, hindi parusa Opinyon
Nakakahong kalinga
Proyekto ng ZamPisay, mabibinbin bunsod ng 11% DOST budget cut; admin, naglatag ng adjustments
Dahil sa ipinatupad na 11 porsyentong budget cut ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Science and Technology (DOST), hindi na muna maisasakatuparan ang ibang proyektong pangkaunlaran ng Philippine Science High School – Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) kaya naglahad ang Management Committee ng mga gagawing adjustments sa mga gastusin ng paaralang sa 2024.
“The budget cut will affect PSHS’s learning management system and the completion of some infrastructure projects,” pahayag ni PSHS System Executive Director Lilia Habacon sa isang panayam ng ABS-CBN noong Setyembre 5, 2023.
Ayon pa kay Director Habacon, inaprubahan lamang ng DBM ang P2.7 billion para sa pondo ng 16 na mga kampus ng PSHS at ng kaniyang tanggapan sa taong 2024 na mas mababa sa budget sa 2023 na P3 bilyon.
Ang buong istorya sa pahina 3
“
The budget cut will affect PSHS’s learning management system and the completion of some infrastructure projects.
Professional development ng mga guro, learning management system, apektado ng budget cut
Tuwirang nararanasan ngayon ng mga guro at iskolar ng Philippine Science High School - Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) ang epekto ng ipinatupad na 2024 na budget cut.
Isa sa mga naapektuhan sa naturang tapyas ang seminars, travels, infrastructure at learning management systems ayon pa sa executive director ng PSHS System Lilia T. Habacon.
“Nalulungkot po kami sa ipinatupad na budget cut dahil malaking adjustment po ang aming
gagawin tulad ng pagbabawas po ng mga gastusin sa mga seminars at travels ng mga guro na naglalayong malinang pa ang aming mga kakayahan,” pahayag ni Arturo V. Abera, guro ng PSHS-ZRC. Ibinahagi naman ng isang iskolar na si Jared John Campricio ang kaniyang saloobin tungkol sa nasabing budget cut kung saan para sa kaniya isang malaking hamon na haharapin ng paaralan, mga guro at ng tulad niyang iskolar dahil
malilimitahan nito ang pagpapaunlad ng sistema, operasyon at lalong-lalo ng pagkatuto at pagtuturo.
“Isa pong malaking hamon ang kakaharaping budget cut ng pamunuan ng PSHS-ZRC dahil apektado nito ang pagsasakatuparan ng mga proyekto, pagpapaunlad ng kakayahan ng mga guro at pagkatuto ng tulad naming mga mag-aaral. Nasa kamay ng buong paaralan nakasalalay ang pagpapanatili ng kalidad sa kabila ng tapyas,” ani Campricio sa isang panayam.
Upang makatipid at maka-adjust sa budget cut
Cost-cutting, systems improvement measures, ipatutupad ng PSHSSEA
Airich Methuselah A. Testa
Sa layuning makatipid at makaadjust sa budget cut sa pinansyal na aspekto ng paaralan, isinusulong ngayon Philippine Science High School System Employees’ Association (PSHSSEA) Zamboanga Peninsula Chapter ang cost-cutting at systems improvement measures.
“May mga hakbang ang cost-cutting sa buong PSHS-ZRC na isinasagawa at pinapabuti at sumasaklaw ito sa maraming bahagi tulad ng tubig, kuryente, gasolina, kagamitan, komunikasyon, at iba pang bahaging gagastusan,” pagbabahagi ng PSHSSEA ZRC Chapter President, Lee Castor Canono.
Dagdag pa ni Canono na inuuna din ng costcutting measures ang pagiging eco-friendly at pagsunod sa mga pamantayan ng institusyon.
“Ang mga hakbang na ito ay naglalayong i-streamline ang mga operasyon, mapahusay ang serbisyo sa mga iskolar at mga panlabas na kliyente, at pagbabawas sa kabuuang gastos para sa campus,” saad pa ng pangulo ng PSHSSEA ZRC Chapter.
GPTA, nagbigay-linaw sa singil ng membership fee, annual dues
Aivel L. Limon
Ipinaliwanag ng General Parents Teachers Association (GPTA) ng Philippine Science High SchoolZamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) ang pangongolekta nila ng P1000 annual dues at P500 lifetime membership fee sa gitna ng pagtatanong at pag-alma ng ilang mga magulang.
“Hindi kami katulad ng ilang mga magulang na may kaya sa buhay kaya mahirap sa amin ang naturang bayarin,” pahayag ng isang magulang ng baitang siyam.
Ipinaliwanag naman ng GPTA na ang naturang membership fee at annual dues ay igugugol sa pagpapatupad ng mga proyekto tulad na lang ng external roof shading sa gilid ng activity center noong nakaraang taon at suporta na rin sa ilang mga extra-curricular activities ng
Mga iskolar, magulang, naaalarma sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa canteen
Edzia Elmz D. Agpasa
Nababahala ngayon ang mga iskolar at magulang ng Philippine Science High School Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) sa pagtaas ng presyo ng mga paninda sa canteen.
“Nagmahal na talaga ang paninda sa canteen maliban sa ulam at kanin na nananatili sa presyong P70 bawat value meal sa simula pa lang ng klase,” sabi ng direktor ng PSHS-ZRC, Chuchi P. Garganera.
Idinagdag ni Direktor Garganera na nagsagawa na ang paaralan ng evaluation tungkol sa pagtaas ng presyo sa canteen. Nagsagawa na rin sila ng paghahambing sa mga presyo ng tindahan sa labas ng kampus upang makita ang deperensiya nito sa canteen ng kampus.
Dagdag pa niya, na minsa’y lugi ang canteen dahil may ilang mag-aaral na hindi nagbabayad sa kanilang kinukuhang meals.
“Upang masigurong aabot ang perang nakalaan para sa isang linggo o buwan ay kinakailangan naming magbadyet upang mapagkasya ito,” saad ni Goanne Chelsea Rodriguez, mag-aaral sa ikasiyam na baitang.
nagtaas na kaya’t dapat din nating isaalang-alang ang gastusin sa paghahatid ng mga produkto papunta sa kampus.”
Nananatili sa presyong P70 bawat value meal sa simula pa lang ng klase
Mga magulang, nag-aalala sa nutrisyon ng mga iskolar Ilang pagkain sa canteen, nasasayang
Phoebe B. Rojas
Naaalarma ang mga magulang sa nutrisyon ng mga iskolar sa gitna ng nakakabahalang dami ng mga pagkaing nasasayang arawaraw, isang isyu na nagbibigaydiin sa kalagayan ng nutrisyon ng mga kanilang mga anak.
Ayon kay Marynylle Reyes, magulang ng isang iskolar sa ika-10 baitang, “Hindi maganda sa kalusugan ng mga anak namin ang hindi pagkain dahil puhunan nila ito para sa kanilang buong araw na pagsabak sa kanilang mga klase.”
Dagdag pa niya, mas maigi na magpadala ng liham sa caterer upang masolusyonan nila ang suliraning ito. “Mahalaga ang nutrisyon ng mga mag-aaral para sa kanilang akademikong mga gawain kaya marapat lamang na kumain sila ng sapat at masustansiyang pagkain. Pinaalalahanan namin sa HSU ang mga magulang na i-monitor at payuhan ng mga magulang ang kanilang anak na kumain ng gulay at isda na malaki ang nutritional value,” saad ng nurse ng PSHS-ZRC, Elnora Enero.
Kaugnay nito, nakatanggap naman ng report ang Health Services Unit mula sa mga crew ng canteen na marami silang pagkaing nakokolekta mula sa mga tirang pagkaing hindi kinakain ng mga iskolar araw-araw tulad ng gulay at isda.
Nagdudulot ng labis na pag-aalala ng mga mag-aaral maging ng mga magulang ang patuloy na pagtaas ng presyo ukol sa paggastos para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa eskwelahan. “Dapat alalahanin na sa kabila ng pagtaas ng presyo sa canteen ay nagtaas na rin ang presyo ng mga bilihin. Malulugi ang canteen kung hindi tutubuan ang mga paninda dahil may binabayaran din kaming mga trabahante gaya ng kusinero, tindera, at idagdag pa ang bayaring rental, tubig, at kuryente,” paliwanag naman ng canteen concessionaire.
Ayon naman sa ilang mag-aaral, mas mataas daw ang presyo sa canteen kumpara sa ibang tindahan sa labas ng campus ng ZRC. Sagot naman ni Juvelyn Maunes, nagtatrabaho sa canteen, “Kung iyong iisipin ay malayo itong paaralan sa bayan kaya kinakailangang tubuan ang mga paninda. At ang presyo ng langis ay
May mga estudyante naman na hindi nakararanas ng paghihirap sa pagtaas ng presyo sa canteen, dahil ayon sa kanila, nagbibigay naman ng sapat na allowance ang kanilang mga magulang. Ngunit may mga iskolar na walang kakayahan kaya inaasahan nilang magkaroon ng agarang solusyon ang problemang hinaharap. Panawagan ng ilang
iskolar at mga magulang na makipag-ugnayan ang ating paaralan sa mga supplier upang makakuha tayo ng mga kalakal sa mas mababang presyo o may mga diskwento. Sa kabuuan, maituturing na isang hamon para sa ilang mag-aaral ng PSHSZRC ang patuloy na pagtaas ng presyo sa canteen. Kaya inaasahan ng mga iskolar na sa pamamagitan ng kooperasyon ng paaralan ay mabibigyan ng tamang solusyon ang suliraning ito.
Ayon naman kay Aryhan Grace Luna, isang mag-aaral ng PSHS-ZRC, “Kakain ako ng gulay at magbibigay ako ng komento kung masarap at masustansya ba ang mga pagkain. At hihikayatin ko ang mga kapwa ko iskolar na kakain din at ubosin ang kanilang mga pagkain.”
Samatala, umaasa ang mga magulang na masolusyonan na ang suliraning ito upang ang pangambang kanilang nararamdaman ay mabawasan at nang hindi masayang ang bahagi ng gastusing kanilang inilalaan para sa kanilang mga anak.
Mahalaga ang nutrisyon ng mga mag-aaral para sa kanilang akademikong mga gawain kaya marapat lamang na kumain sila ng sapat at masustansiyang pagkain.
Elnora Enero PSHS-ZRC Nurse
4 sa 5 mag-aaral, gusto ang pagkain sa canteen, sa kabila ng pagmahal
Isyung Nutrisyon Walampung bahagdan (80%) o apat sa limang iskolar ang nagpahayag na gusto nila ang pagkaing inihahanda sa canteen kahit na tumaas ang presyo ng mga ito.
Jozzy Aljoy M. Tan Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang sarbey sa 120 mag-aaral
noong Pebrero 23. “Gusto ko ang karamihan sa mga pagkain sa canteen. Sa katunayan, paborito ko ang fried chicken o mas preferable ko ito kaysa vegetable,” pahayag ni Reen Shannaire Articulo, isang iskolar ng baitang pito. isang iskolar ng baitang pito. Samantala, isinaad naman ni Marjoe Isaiah Suganob, isang iskolar ng baitang walo na maaaring araw-arawin niya ang fried chicken o pork chop at hindi raw siya magsasawa rito. Minsan, ayaw raw niya ang gulay bilang ulam. “Dapat ikonsidera ng mga iskolar ang nutrisyon ng pagkain na kanilang kinakain araw-araw. Hindi pwedeng puro na lang karne, dapat may kasama ring gulay,” paliwanag ni Elnora Enero, nurse ng PSHS-ZRC.
Re-categorization ng scholarship, kinondena ng ilang mga magulang; Student services chief, nagpaliwanag
DGabriel Dominic B. Bobita
Balita buhat sa pahina 1 | ADJUST SA TAPYASAngel Fely Cecile P. Gerondio
“‘Yung mga bata naming campus like sa Mimaropa, Zamboanga, Soccsksargen, Calabarzon and Caraga, mayroon tayong ilan pang infrastructure na hindi pa complete...‘yung iba ay gymnasium, may ibang ang kulang ay dormitory, mayroong kulang na learning resource management center, ‘yung iba ay multi-purpose hall,” paglalahad pa ng Executive Director.
Ipinaliwanag ni Habacon na dahil cloud-based ang learning management system ng PSHS, hindi na kayang ipagpatuloy ang operasyon nito bunsod ng budget cut.
“At the PSHS-ZRC in particular, there are proposed projects, activities and programs that are to be revised, downsized, or even scrapped altogether,” paliwanag ni PSHSZRC Finance and Administrative
Division (FAD) Chief Milo S. Saldon sa isang panayam nitong ika-3 ng Pebrero tungkol sa epekto ng tapyas ng badyet sa Department of Science and Technology (DOST) sa institusyon.
Dagdag pa rito, idiniin ng FAD Chief na tuwirang naaapektuhan ang PSHS-ZRC sa 2024 budget cut, partikular na ang kabuuang operasyon ng paaralan.
“The student activities, for example, there can be lesser participation in seminars, training, immersion and other developmental programs. On the administration side, there can be limited access to providing student support services such as supplies and manpower,” dagdag pa ni Saldon.
Kaugnay nito, ayon pa sa kaniya kabilang sa
During the orientation and enrolment, students and parents were asked about the requirements and we explained to them about the re-categorization based on the guidelines. After the evaluation of the documents submitted, the students and parents were notified of the results.
PSHS-ZRC Student Services Division (SSD) Chief Euney G. Alcarez
“ismayado ang ilang mga magulang ng mga iskolar sa isinagawang re-categorization ng scholarship na pinasimunuan ng tanggapan ng Student Services Division (SSD) nitong Agosto 2023 batay sa guidelines ng Philippine Science High School (PSHS) manual.
Kaugnay nito, nagpahayag ang mga magulang at iskolar ng iba’t ibang saloobin ukol sa naturang recategorization.
“Nanghihinayang ako sa pagbabago ng category ng scholarship at pagbaba ng allowance ng anak ko dahil malaki sana yung tulong sa pagaaral niya,” paglalahad ng isang magulang ng baitang siyam.
Sabi naman ng isang iskolar ng baitang 10 na si Phoebe Rojas na nalulungkot siya dahil isa siya sa mga naapektuhan ng re-categorization ng scholarship dahil bumaba ang kaniyang stipend allowance mula P4,000 para sa full scholarship patungong P2,500 para sa partial 2 scholarship.
“I felt shocked and happy knowing na nitaas ang akong stipend allowance from P2,500 to P3,500 and because of this, I
am able to allot for my academic expenses like projects,” pahayag ni Paul Gartke Venezuela, isang iskolar ng baitang 10. Samantala, ipinahayag ng tanggapan ng SSD na ang isinagawang re-categorization ay ibinatay sa isinumiteng mga dokumento ng mga magulang ng mga iskolar na masusing binusisi para maibigay ang pinakaangkop at fair na category ng scholarship mula full hanggang partial at ipinaliwanag na ang dokumentong isinumite ng mga magulang na may kulang o hindi kumpleto ang siyang isa mga maaaring dahilan ng pagbaba o pagbabago ng categorization ng scholarship.
“Based on the PSHS guidelines, the campus has the right to assess and determine the scholarship category and can review the categorization at any
Kawalan ng Internet sa Acad 3, idinaing ng mga iskolar, guro
Ipinaaabot ngayon ng mga iskolar at guro na nasa katatapos lang na Academic Building 3, ang kawalan ng Internet na ayon sa kanila nakahahadlang sa edukatibong proseso.
“Malaki ang epekto ng kawalan ng Internet sa aming mga guro sa Acad 3 tulad ng sa pagsasagawa ng mga gawain sa klase na nangangailangan ng internet, halimbawa na lamang ay ang pagda-download at pagpapakita
ng pelikula o di kaya’y videos at pagsasagawa ng mga online activity para mas maging interaktibo ang mga aralin,” ayon kay Gil Darcera, isang guro sa asignaturang Ingles. Kaugnay nito, mariing hiling ng mga iskolar at guro na mabigyan ng aksiyon ang nasabing suliranin upang maging maayos at epektibo ang pagtataguyod ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa rin sa mga epekto ng kawalan ng Internet sa nasabing gusali ayon pa sa mga iskolar, ang kawalan ng madaliang komunikasyon ng mga iskolar sa
time. The students may also apply for re-categorization if there is a significant change in their socio-economic circumstance,” pahayag ng SSD chief, Euney Alcarez.
maaapektuhan ng naturang tapyas sa badyet ang mga programa at activities para sa mga guro at mag-aaral na siyang kakaharapin ng paaralan bilang hamon na pagkasyahin ang badyet at panatilihin pa rin ang kalidad ng serbisyo sa edukasyon sa kabila ng budget cut.
Samantala, ani ng pangulo ng Philippine Science High School System Employees’ Association ZRC Chapter na si Lee Castor Canono, “Amidst the budget cut experienced by ZRC, there is a promising coordination with the PSHSSEA, Management Committee, and the Office of the Campus Director towards one goal for layouting costcutting and systems improvement measures for the school year 20232024 to minimize the usage of water, electricity, travel expenses, supplies, publications, communications, maintenance, among others.”
DenumerongBalita
Saad pa niya, sari-saring mga reaksyon ang ipinakita o ipinahayag ng mga magulang bunsod ng pagbabagong ipinatupad pagkatapos ng recategorization kung saan may nakatanggap ng pagbaba at pagtaas ng stipend allowance.
“During the orientation and enrolment, students and parents were asked about the requirements and we explained to them about the re-categorization based on the guidelines. After the evaluation of the documents submitted,
kanilang mga guro at magulang.
“Mahirap para sa amin ang walang Internet na kaagapay namin sa mga akademikong gawain tulad ng paggawa ng presentations sa Canva at iba pang online platform at pananaliksik para sa dagdag kaalaman sa aming mga aralin,” saad ni Neil Yohan Zapatos ng ikasiyam na baitang.
the students and parents were notified of the results. Aside from that, the registrar’s office answered as well, the queries of the parents,” paliwanag ng SSD chief.
Samantala, isinagawa ang naturang re-categorization ng scholarship sa tulong ng faculty at staff na bahagi ng committee.
Halagang natanggap na stipend allowance mula P4000
Aprubadong budget ng DBM para sa DOST mula P3.0B P2.7B
Bahagdan ng tapyas ng budget ng PSHS 11%
Budget cut sa mga SUCs 6%
Pagbaba ng badyet sa CHED 3.9%
Ayon naman kay Scholars’ High Council president Elze James Montelato, kung titingnan sa mas malaking perspektibo, ang pagbawas daw sa badyet ay talagang nakaaapekto sa edukasyon.
“Ang gobyerno, sa aking palagay ay may kanya-kanyang prayoridad, at nalulungkot ako na ang edukasyon at pananaliksik sa STEM ay hindi nila prayoridad sa ngayon,” dagdag pa ni Montealto.
Matatandaang kabilang sa apektado ng pagtapyas sa badyet sa DOST para sa taong 2024 ay ang 14.17 porsyento budget cut para sa Advanced Science and Technology Institute, 18.04 porsyentong tapyas para sa Food and Nutrition Research Institute, at 83.7 porsyento para sa National Research Council of the Philippines.
Cost-cutting, systems improvement measures, ipatutupad ng PSHSSEA
Sa pangkalahatan, ipinahayag ni Lee na sa pamamagitan ng naturang inilalatag na cost cutting at systems improvement measures ng association, hindi lang mga guro, iskolar, magulang, staff ang makikinabang nito kundi ang buong paaralan para sa kalidad ng serbisyo sa kabila ng budget cut.
“This budget cut will greatly affect the school in general however, if we could only tap our nuts, we could not focus so much on the negative impact of the such cut. On the other hand, we should pool our efforts in maximizing our resources and implementing measures and systems that would help us adjust our expenses in response to the downsize of our budget,” wika pa ng PSHSSEA president.
GPTA, nagbigay-linaw sa singil ng membership fee, annual dues
Ipinaliwanag naman ng GPTA na ang naturang membership fee at annual dues ay igugugol sa pagpapatupad ng mga proyekto tulad na lang ng external roof shading sa gilid ng activity center noong nakaraang taon at suporta na rin sa ilang mga extra-curricular activities ng mga iskolar tulad ng iba’t ibang kompetisyon.
“Bagamat malaki kung tutuusin ang membership fee na limang daan, isang beses lang ito, kasi lifetime membership ito at ang annual dues naman na isang libo ay nakadepende naman kung anong scholarship categorization nabibilang ang kanilang mga anak. Kung full scholar, sa halip na isang libo, limang daan lang ang babayaran,” paliwanag ng pangulo GPTA, April Aoanan.
Tinitiyak naman ng GPTA na ililiquidate at may transparency ang lahat ng koleksiyon kung saan ang mga iskolar at paaralan ang tuwirang makikinabang nito.
Humanizing STEM education, isinusulong ng PSHSS
Kasabay ng pagpapaigting sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Education sa bansa, itinataguyod ngayon ng Philippine Science High School System (PSHSS) ang STEM education na maglilikha ng makabuluhang kontribusyon sa bansa at sa daigdig.
“Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) education plays a critical role in economic growth. STEM education also aims to increase science literacy and to improve the quality of life. Many countries worldwide see STEM as a potent means to produce critical thinkers and to empower the next generation of innovators. To achieve all these, STEM has to be translated into policies, education programs, and concrete pedagogical practices,” saad ng Executive Director ng PSHSS, Lilia T. Habacon,. Ayon pa kay Habacon, ang distinct organizational structure ng PISAY ay may mahalagang papel na ginagampanan na aalalay sa pangunguna nito sa mga science high schools sa Pilipinas at sa ibang bansa. Idiniin din ni Habacon na isinasalin ng PSHS System brand ng STEM education translates ang mga konkretong mga inisyatibong inobasyon na nag-aambag sa pambansang kahalagahan. Mula 2018-2019, nakakuha ang PSHS System ng intellectual property rights na binubuo ng 78 patents, imbensyon, industrial designs, copyrights, utility models, at mga proseso. Sa kasalukuyang proseso ng 57 ibang intellectual property rights, mag-aambag ang Pisay tungo sa pagpapaangat ng Global Innovation Index ng Pilipinas,
Eduklusibo
KALKAL KAALAMAN. Nagsasaliksik ang isang iskolar sa science laboratory ng PSHS-ZRC para sa aralin sa research. -
Pedagohiyang anti-oppressive, nakabubuti sa mga iskolar, ayon sa eksperto ng edukasyon
“Susi sa epektibong pagkatuto ang anti-oppressive pedagogy!”
Ito ang binigyang diin ni Prof. Dominique J. Maquiran ng Unibersidad ng PilipinasVisayas sa kaniyang pananalita sa isinagawang In-Service Training sa mga guro at staff ng Pambansang Mataas na Paaralang Agham ng Pilipinas, Kampus ng Rehiyon ng Zamboanga Peninsula noong Agosto.
“Bilang tagahubog ng kaalaman at pagkatao ng ating mga mag-aaral, kailangan nating matutunan din ang mga tamang estratehiya at angkop na pamamaraan sa pagtataguyod ng ating pagtuturo at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan,” paglalahad ni Prof. Maquiran.
Sa kabi-kabilang academic pressure na nagdudulot ng stress sa mga iskolar, ayon sa propesor, hindi malayong makaranas ng iba’t ibang mental health crisis ang mga ito kaya nararapat na maunawaan ng bawat guro ang bawat mag-aaral at maisaalang-alang ang
kanilang karapatan at kapakanan.
Nakabubuti rin daw kung naipo-project ng guro ang mga inaasahan niya sa mga mag-aaral at hindi dapat nakakaligtaan ang mga maaaring magawang adjustments at konsiderasyon depende sa sitwasyon.
Ilan sa mga inirerekomendang mga estratehiya o paraan ng antioppressive pedagogy ni Maquiran ang pagbibigay ng palugit sa pagpasa ng mga awtput, projects o requirements, konsiderasyon sa kakayahan o kalagayan ng mga mag-aaral na makagamit ng teknolohiya, at pagbibigay ng oportunidad na makapagpahayag sa anumang komportableng midyum ng mag-aaral bagamat hinihikayat na magsalita sa target na lengguwahe sa asignatura.
“Mahalaga ang tamang motibasyon at sensitibong feedback upang magiging epektibo ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto na siyang pangunahing layunin ng edukasyon,” paalala ng UPV professor.
7.9M
70%
na co-published ng Cornell University, INSEAD, at ng World Intellectual Property Organization (WIPO), isang specialized agency ng United Nations.
“With the premier quality of the STEM education that PSHS offers, more Filipino youth in the high school level will be motivated, encouraged, and decide to pursue STEM in college and a STEM career in related fields. With more PISAY graduates in the industries, more Filipino innovators are expected to boost our country’s innovation index, paving the way to faster socio-economic development. All these begin in the Pisay campuses where the “minds-on and handson” approach to STEM education takes place,” diin ng PSHSS Executive Director.
Layunin ng PSHS Six-Year Curriculum, na isang produktong framework ng Australian Award Fellowship noong 2014, na makahulma ng mga iskolar na magiging holistikong mga indibidwal na humanistiko ang kaluluwa, pandaigdigan ang perspektibo, makabayan ang oryentasyon, at handanghandang magpapatuloy ng karera sa STEM na makaaambag sa pagpapatatag ng bansa. Kaugnay nito, inilahad ng PSHSS ang mga inisyatibo nito sa inobasyon at science education leadership practices sa virtual edition sa 2021 International Mother Language Conference and Festival noong Pebrero 27.
Tulong Talino
Peer tutoring sa Math, isinasagawa ng mga iskolar ng baitang 12
Sa layuning matulungan ang mga iskolar sa baitang 11 na nahihirapan sa signaturang Mathematics, nagsasagawa ngayon ang mga iskolar ng baiting 12 ng peer tutoring tuwing Lunes-Martes, ika-3:20 hanggang ika5:00 ng hapon.
“Tinututukan po namin ang paraan ng pagso-solve ng mga grade 11 scholars lalonglalo na sa fundamentals of Algebra,” tugon ni Rhojoane Rhaje Cadampog sa isang panayam, isa mga mga iskolar na tutor mula sa baitang 12. itinuturo nila sa kanilang mga tutees ang continuity of functions kung saan madalas nahihinrapan ang mga iskolar.
“Lisud gyud magteach ug students kung walay background,” pagtatapat ni Cadampog habang inilahad ang karanasa sa peer tutoring. Ayon pa sa peer tutor sa Math na natututo rin silang mga tutor mula sa mga itinuturo nila sa mga tutees sa patnubay ng kanilang guro sa Matematika na si Lovely Bacara.
Samantala, bahagi ang peer tuoring na ito sa proyekto ng pangkat ni Cadampog sa asignaturang Social Science 6 at pananaliksik sa Filipino 6.
Pagsala sa Pagsali
Pagsali sa mga international competitions, sasalain
Julliana Cleah V. Jamora
Upang masigurong legitimate ang mga international competitions partikular sa Mathematics, Science at Technology na lalahukan ng mga iskolar ng Philippine Science High School – Zamboanga Peninsula Region Campus, susuriin na ito nang maigi ng Management Committee (ManCom).
7.9 milyon o isa sa limang kabataan na may edad 5-24 taong gulang ang hindi nag-aaral (2022-2023)
70% ng mga mag-aaral ng Listahan 2.0 ay nakabenepisyo mula sa TES program noong 2018
1.6M
1.6 milyong kabataang Pilipino children ang may kapansanan
“Bago aprubahan ang paglahok ng mga iskolar sa international competitions, titingnan muna namin ang listahan ng mga kompetisyon na maituturing na legit at hindi profit-oriented para masigurong hindi masasayang ang oras, pagtitiyaga at pera igugugol ng mga guro, iskolar at paaralan para dito,” wika ni Curriculum and Instruction Division Chief John Pierce Alintana sa isang panayam nitong Pebrero 20,
PAHIRAPANG PAGSAKAY. Nakikipagsiksikan ang isang iskolar sa pagsakay ng bus sa kabila ng mataas na singil ng pasahe ng pampublikong sasakyan.
Kuha ni Mar Kyne A. Solis
Taas-pasahe
Dagdag P2 pasahe, ikinababahala ng mga iskolar
Dywn D. TumamakIkinababahala ng mga estudyante ng PSHS-ZRC ang patuloy na pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon patungong paaralan.
Ipinahayag ng isang konduktor ng bus sa isang panayam na ang pagtaas ng presyo ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon ay dulot ng biglaang pagakyat ng presyo ng petrolyo na naging
Mahirap po talaga ang walang tubig at lalong-lalo na para sa aming mga dormers dahil halos buong araw kaming gumagamit ng tubig.
Water supply, hindi sapat; bayarin umaangat ManComm, inaalam ang dahilan
Matagal nang inirereklamo ng mga guro at iskolar ang kawalan o paputol-putol na supply ng tubig sa Academic Building 1 at sa Dormitory Building 2.
P147,162.11
SALAT SA PATAK. Nararanasan ng mga guro at mga iskolar ang kawalan o kung minsan paputol-putol na supply ng tubig sa Academic Building 1 at dormitory
Kuha ni Gabriel Dominic B. Bobita
Trapiko sa kampus, dulot ng kawalan ng parking space
Airich Methuselah A. Testa
Nararanasan ngayon ng faculty and staff, mga magulang at maging ng ilang mga bisita ang trapiko lalong lalo na kung may okasyon sa Philippine Science High School – Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC).
“Kapag may ganap kasi sa kampus, tulad ng Card Giving Day, maraming mga taong pupunta at halos lahat ay may sasakyan kaya mapupuno ang kampus ng
dahilan kung bakit hinihingi ng mga bus operators at mga manggagawa na taasan ang presyo ng pasahe. Sanhi ito nang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Setyembre 2022 ang pag-akyat ng presyo ng pamasahe sa pampublikong bus sa halagang P2 na epektibong ipinatupad sa buwan ng Oktubre sa parehong taon. Ayon sa isang iskolar ng ikasampung baitang na si Christine Joy Maningo, na sa kasalukuyan, P15 na raw ang naging diperensiya sa presyo ng pamasahe kumpara sa mga nakaraang taon at maging ang minimum fare ay umakyat na sa parehong halaga. “Ang pagtaas ng presyo
mga sasakyan,” pahayag ng incident commander Junie Rov Enero. Ayon pa kay Enero hinahapan naman ng pamunuan ng paaralan ng paraan para masawata ang pagkakaroon ng trapiko sa loob ng kampus sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga guwardiya upang bigyan ng tamang panuto ang mga kawani, magulang at bisita kung saan dapat ipark ang kanilang mga sasakyan. “Dahil hindi naman kasya ang mga sasakyan sa parking areas sa kampus, ang ginawa namin ay ginawa naming
temporary parking area yung highway at ang free space na nasa labas. Meron din kaming traffic management para maging maayos ang takbo ng operasyon,” paglalahad pa ng incident commander ng PSHSZRC.
Sinabi naman ng isang guwardiya na si Joselito Hinaut na may mga pagkakataong hindi na nila hinahayaan ang ibang mga sasakyan na makapasok sa kampus upang maiwasan ang trapiko tuwing may okasyon.
Hiling naman ng pamunuan ng paaralan ang pag-unawa sa sitwasyon ng kakulangan ng parking space kung saan ginagawan ng tamang pagpaplano upang ganap na masawata ang naturang trapiko.
ng pamasahe ay dumadagdag lamang sa aking gastusin at mas lalo akong nahihirapan mag-ipon ng pera dahil dito,” sambit niya. Dagdag pa ng isang iskolar na pinoproblema ng kanyang magulang ang pagtaas ng singil sa pampublikong sasakyan dahil kinakailangan na taasan ang kaniyang baon araw-araw para makatustos sa gastusin sa tuwing bumibiyahe
siya patungong paaralan. Umaabot sa P40 ang halaga ng pamasahe sa pampublikong regular bus mula Dipolog City proper patungo sa Barangay Cogon at P47 kung air-conditioned bus naman. Para sa mga estudyante, nasa P32 naman ang sinisingil na pasahe.
“When it comes to the water supply in the campus, we are trying our best to supply every building that needs water. But, as of this time, we still have some concerns in some building especially for Academic Building 1 and currently, we are experiencing some problems with the water supply at the Dormitory Building 2 but such concern is now being addressed to,” pahayag ng Finance and Administration chief Milo Saldon sa isang panayam tungkol sa mga concerns ng water supply sa kampus.
PAGLAGAY NG WATER TANK
Ayon pa sa FAD chief na may plano ang administrasyon na maglagay ng water tank sa Academic Building 1 para masawata na ang problema sa mahina at salat na water supply.
“Actually there is a part of the motor that is driving the water supply up to the second and third
levels but unfortunately, the spare part was discovered to be defective recently. But, we are able to purchase the spare part and hopefully we will repair the motor part so that it will become operational again,” tugon ni Saldon nang tanungin tungkol sa sanhi ng problema ng water supply sa Dormitory Building 2.
BUMABAHONG CR Samantala, sa isang panayam, sinabi naman ni Kathleen Grace Gregorio, isang guro na nakaopisina sa Academic Building 1, na kadalasang walang supply ng tubig sa naturang gusali na umaabot pa sa punto na bumabaho ang mga CR. “Mahalagang mabigyan na ng solusyon ang matagal na problemang ito dahil naaapektuhan na rin ang mga gurio at iskolar na nasa Academic Building 1,” saad pa ni Gregorio. Ipinahayag naman ni Glenn B. Rusiana, guro sa Health, na tuwirang nakokompromiso ang araw
Maalinsangang Klasrum
maging ang kalusugan ng mga guro at mga iskolar dulot ng kawalan ng supply ng tubig sa nabanggit na gusali kaya nararapat daw aksiyunan ito ng Management Committee.
TUMATAAS NA BAYARIN
“Mahirap po talaga ang walang tubig at lalong-lalo na para sa aming mga dormers dahil halos buong araw kaming gumagamit ng tubig,” pagtatapat ni Qwyn Kym de Guzman, isang iskolar sa baitang 11.
Sa kabila ng problema sa water supply sa kampus, ayon sa budget officer na si Connie Grace Balingit na patuloy na tumataas ang bayarin sa tubig na umaabot sa average na P147, 162.11 kada buwan.
Inilahad din ng FAD chief na ginagawan na nila ng paraan para solusyonan ang problema sa water supply sa kampus na inaasahang maisasakatuparan bago magtapos ang school year.
3 sa 4 na iskolar, naperwisyo sa klasrum na hindi ‘conducive’ sa pagkatuto
Tatlo sa apat na iskolar ng PSHS-ZRC ang dumadaing sa maalinsangang klasrum sa pagitan ng 9:30 ng umaga at 2:00 ng hapon ayon sa isinagawang sarbey ng patnugutan sa mga iskolar na nasa Academic Building 3.
Ayon sa CID chief, John Pierce Alintana, layunin nila ang maglikha ng conducive na kapaligiran sa pagkatuto at pagtuturo na siyang susi sa epektibong proseso ng edukasyon. Kailangan lang ang pag-unawa at ibayong pasensiya sa ibang mga kakulangan dahil ginagawan na ito ng paraan ng management committee upang matugunan ang mga pangangialangang ito at maihatid ang de-kalidad na serbisyo sa edukasyon. Samantala, bilang tugon sa panawagan at daing ng mga iskolar at guro, naglagay ng apat ceiling fan o electric
TIIS INIT. Iniinda ng ilang mga iskolar ang init sa kanilang mga silid-aralan na nagiging sanhi ng kawalan ng pokus sa kanilang aralin
Kuha ni Mar Kyne A. Solis
fan sa bawat silid-aralan upang maibsan ang mainit na temperatura at mamapanatili ang komportableng kapaligiran para sa kanilang pag-aaral at pagtuturo.
Sa kabila ng mga state of the art facilities, nararanasan pa rin ng mga iskolar ang matinding init lalong-lalo na sa panahon ng tag-init na tuwirang nakaaapekto sa kanilang pagkatuto sa loob ng silidaralan.
“Hindi po kami makaconcentrate sa klase dahil sa init at pinagpapawisan kami. Nawawalan ako ng
ganang mag-aral dahil mas madalas akong napapagod”, sabi ni Airich Testa, isang mag-aaral sa baitang siyam.
Sa kabila ng paglalagay ng mga sun buffles upang maharangan ang sikat ng araw, nararamdaman pa rin ng mga iskolar at maging ng mga guro ang alinsangan sa mga klasrum.
Ayon kay Rhean Sularte, isang mag-aaral sa baitang walo, “Napakainit talaga sa loob ng aming silid-aralan. Madalas kaming pinapawisan kaya minsan ito’y nagdulot ng hindi kaaya-ayang amoy.”
uwirang apektado ngayon ang Philippine Science High School - Zamboanga Peninsula Region Campus o PSHS-ZRC sa ipinatupad na 11% budget cut. Nagkakaroon ito ng malaking epekto sa sistema, hindi lamang sa kaunlaran ng mga imprastraktura kundi maging sa mg aktibidad ng mga mag-aaral, guro at ng paaralan sa kabuoan.
Hamon ang nasabing tapyas sa pagpapanatili at pagtataguyod ng kalidad ng edukasyon sa PSHS-ZRC.
Ayon sa Finance and Administrative Division (FAD) Chief ng PSHS - Zamboanga Peninsula Region Campus na si Milo S. Saldon, tiyak na malaki ang dulot na epekto ng pagkakaroon ng budget cut sa pangkalahatang operasyon ng DOST partikular na sa sistema ng PSHS kung saan may mga iminungkahing proyekto, aktibidad at programa na kinakailangang ibahin, bawasan, o kaltasin nang buo. Subalit, dagdag pa niya, nahahanapan pa rin ng pamunuan ng paaralan ng paraan upang mapanatili ang kalidad ng kanilang mga serbisyo sa mga mag-aaral.
Dahil dito, maaaring isipin ng Department of Budget and Management (DBM) na sapat lamang ang bagong halaga ng badyet na ibinibigay sa DOST ngunit nagpapatunay rin ang sitwasyon ng PSHS na isa itong hadlang sa kaayusan ng paghahasa sa mga mag-aaral ng institusyon. Hindi maipagkakailang nasa gitna ang PSHS sa sitwasyong pinagkakasya ang tinapyasang badyet para sa kabuuang kaunlaran ng paaralan. Malinaw ang pangangailangan ng PSHS sa sapat na badyet kung bibigyang-pansin ang pangangailangan ng ng mag-aaral, guro, staff at paaralan na siyang susi sa paglikha ng potensiyal na mga lider sa agham at teknolohiya sa hinaharap.
Sa kasong hindi matutugunan ang mga naturang pangangailangang pinansyal, maaaring magbunga ng mababang bilang ng mga mag-aaral na makapagtapos na may sapat sa inaasahang kakayahan at kaalaman. Maaari ding maapektuhan ang mga pananaliksik ng mga iskolar na siyang bunga ng kanilang pagkahubog sa kanilang mga larangan. Mahalagang bagay ang mainam na paglalaan ng badyet sa institusyon upang mapapatibay ang kaunlaran ng Pilipinas sa larangan ng agham at teknolohiya.
Kinakailangan nating magbigay-kaalaman at kamalayan sa masa tungkol sa mga epekto ng budget cut upang maunawaan nila ang sitwasyon ng pinakanaaapektuhang institusyon at upang magkaroon ng suporta mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dapat ding suriin nang mabuti ang tiyak na pangangailangan ng mga institusyong sangkot upang makapaglaan ang DBM at iba pang mga kinauukulan ng sapat na badyet o suporta sa kaunlaran ng kalidad ng edukasyon sa agham at teknolohiya.
Hindi hadlang ang tapyas na badyet sa pagpapanatili ng kalidad ng edukasyon na inaasahan sa institusyon. Ika nga habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
arunungang de-kalidad at matatag ang siyang pundasyon ng paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa makabagong kabihasnan. Iyan ang klase ng edukasyong isinusulong ng Pisay bilang pangunahing mataas na paaralang agham sa Pilipinas maging sa Asya Pasipikong rehiyon Ngunit paano natin matutugunan ang mga ito kung ang sistema ng ating edukasyon, siyang tagapaghandog ng karunungan, ay bagsak sa pandaigdigang pamantayan.
Kamakailan lamang, lumabas sa pagsusuri ng 2022 Program for International Student Assessment o PISA, ang nangungunang pamantayan sa abilidad ng mga mag-aaral sa larangan ng siyensiya, matematika, at pagbasa, na ang Pilipinas ay nakalikom lamang ng 356 puntoshigit na mas mababa kumpara sa 485 na pamantayang internasyunal; at ika-77 sa 81 bansa. Isinasaad nito ang mababang antas ng karunungan at kakayahan ng mga mag-aaral dulot ng hindi maaayos na sistema ng edukasyon na napag-iwanan na ng panahon.
Sa kabilang dako, hindi natin maikakaila na ang kasalukuyang sistema ay hindi nagkulang sa paghahandog ng mga sapat na hakbang upang paunlarin at gawing angkop ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa samu’t saring larangan sa makabagong panahon.
Isa na sa mga hakbang na ito ay ang paglulunsad ng Department of Education o DepEd ng National Learning Camp sa ilalim ng National
Learning Recovery Program na siyang naglalayong tugunan ang mga puwang sa kaalaman ng mga mag-aaral sa ika-pito at walong baitang sa larangan agham, matematika, at pagbasa. Kumbaga, nagsisilbi itong tulay sa mga agwat sa pangunahing karunungan o basic education ng mga mag-aral.
Dagdag pa rito, isa sa mga hakbang na ito ang pagpapalawig ng kurikulang Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM, tulad na lamang Philippine Science High School System bunsod ng Batas Republika 8496. Sa pamamagitan nito, naihahanda ng ating sistema ang mga magaaral at kabataan para sa mga iba’t ibang larangan sa makabagong kabihasnan, lalong lalo na sa siyensiya at matematika.
Subalit, hindi dapat natin ipagkibit-balikat na lamang ang mga resulta at implikasyon mula sa PISA dahil ipinakikita nito ang mga puwang na dapat nating punan upang mas mapaigting
pa ang sistema ng ating edukasyon at makapaghatid ng mas angkop na karunungang mula sa makabagong larangan ng STEM at basic education.
Sa ganang ito, bilang mga magaaral ng STEM at kasapi ng pamayanan, paano natin ibayo pang mapaiigting ang ating edukasyon upang mapagtuunan ng pansin ang mga kakulangan at maangkop ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa makabagong larangan ng siyensiya, matematika, at pagbasa? Ika nga sa medisina, “Prevention is better than cure”. Marahil masasabi nating epektibo ang mga Learning Recovery Camps ng pamahalaan upang mapunan ang kakulangan sa karunungan ng mga mag-aaral, mas mainam pa ring galugarin ang mismong puno’t dulo ng isyu at bigyan ng mas maayos na pundasyong kurikula ang kabataan kaysa sa pagreremedyo na lamang.
Kasabay nito, ang pagpapaigting ng STEM curriculum ng bansa ang siyang dapat na pangunahing adhikain ng ating pamahalaan, lalong lalo na sa makabagong panahon. Sa pamamagitan
nito, mahuhubog natin ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa agham at matematika na siyang maghahanda sa kanilang makipagsabayan sa pandaigdigang arena.
Sa larangang ito, tumatayong sagisag ng kadalubhasaan sa STEM education ang PSHSS. Sa pamamagitan ng modernong pamamaraan at estratehiya, tulad ng pag-aangkop ng Computer Science classes sa kurikula, nahahasa nito ang kritikal at malikhaing pag-iisip ng mga iskolar nito. Sa gawing ito, nagsisilbing modelo ang institusyon para sa uri ng edukasyong angkop sa globalisasyon.
Sa kabilang dako, hindi maisasakatuparan ang mga pagbabagong ito kung wala ang gampanin ng mga guro. Mainam na mag-angkop ng mga estratehiyang humahasa sa kritikal na pag-iisip at pagkamalikhain ng mga mag-aaral at puspusang pagtutuon ng pansin sa lebel ng silid-aralan upang matiyak ang maiging paglilinang ng kaalaman at kasanayan.
Higit sa lahat, nakasalalay pa rin sa ating mga kamay bilang mga mag-aaral ang pagsasakatuparan sa pinaigting na edukasyong ito.
Sa pamamagitan ng ating puwersa at pagsusumikap, ating taimtim na malilinang ang mga kakayahang hatid ng modernong pamamaraan ng karunungan na siyang magdadala sa atin tungo sa tagumpay.
Ang pagtutulungan at pagkakaisa ng gubyerno, ahesniya ng edukasyon, stakeholders, mga guro at mag-aaral ang siyang magpapatatag at magpapaangat sa kalidad ng edukasyon ng bansa upang hindi lamang tayo pumasa sa PISA, kundi makalikha rin tayo ng henerasyong handa at kayang harapin ang hamon ng makabagong mundo.
KDalubdiwa
asabay ng pag-usad ng inflation sa bansa, ikinababahala ngayon ng mga iskolar at mga magulang ang halos dobleng pagtaas ng presyo ng mga pagkain at bilihin sa canteen matapos ang Christmas break. Hindi lahat ng mga iskolar at mga magulang ng Pisay-ZRC ay nakakaalwan sa buhay kaya hindi maiiwasang mabahala at umalma ang mga ito sa nararanasang pagtaas ng presyo dahil malaki ang epekto nito sa magiging badyet nila sa pang-arawaraw. Kaugnay rito, tinatayang umaabot 20 hanggang 50 porsyento ang itinaas ng ilang mga bilihin sa canteen tulad halimbawa ng Coke Mismo na mula 25 piso noon, mabibili na ng 30 piso ngayon. Sa kabilang dako, tugon naman ng pamunuan ng canteen na iniaayon lamang nila ang pagpapatupad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pagtaas ng mga bilihin sa merkado. Isinasaalang-alang lang din naman daw nila ang bahagdan ng kanilang kita katumbas ng kalidad ng serbisyo sa mga iskolar at ibang empleyado.
Subalit, hindi maiiwasan ang daing ng mga iskolar na tuwirang nakararanas ng naturang pagtaas ng presyo kung saan para sa kanila hindi makatuwiran ang halos dobleng presyo ng ilang bilihin kung ikukumpara sa suggested retail price nito. Hiling nila na huwag naman sobrang taasan ang presyo na hindi naman malayo ang diperensya sa SRP. Mauunawaan naman natin ang punto ng mga iskolar at mga magulang na pumapasan sa epekto ng inflation subalit hindi naman maaaring iwaglit ang panig ng pamunuan ng canteen dahil hindi lang naman kita ang kanilang binibigyangpansin kundi ang bayarin sa kuryente, mataas na presyo ng mga produkto, at sweldo ng mga crew. Sa ganang ito, walang ibang solusyon sa isyung ito kundi ang pag-uusap sa pagitan ng mga magulang, pamunuan ng canteen at paaralan upang maunawaan ang gagawing adjustment para sa makatarungang presyo kung saan walang panig ang dapat magtiis sa pagtaas at makaranas ng matinding sakripresyo.
Hindi maikakailang maraming Pilipino ang umaasa sa katuparan ng pahayag na ito kasama na ang mga magulang iskolar, guro, at pamunuan ng PisayZRC.
Sa panig ng mga magulang at iskolar, apektado ang mga ito sa umaangat na presyo ng bigas na naglalaro sa 55 hanggang 60 piso kada kilo.
Sa mata ng iba, hindi naman eksaktong ipinako ng pangulo ang pang-akit na saad nito sa pangangampanya. May ideya at plano naman daw siya. Ayon kay BBM, dapat magsimula sa pagkakaroon ng price cap nang sa gayon ay hindi mag-overcharge. Aayusin din daw ang value chain ng bigas at tatanggalin na rin ang panghihimasok ng mga paligoy-ligoy na intermediaries sa sistema nang sa ganoon diretso na ang bagsakan ng palay mula sa sakahan tungo sa hapagkainan. Lahat ng ito ay sapagkat, kung mura ang produksyon, mura ang bili ng konsyumer sa kada bagsakan.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 39, naipatupad na ni Pangulong Bongbong ang nasabing ceiling price, pero nasa apatnapung piso pa rin ang karamihan sa mga bentahan ng bigas at patuloy pa rin niyang ginagalugad ang
HBonn Camilo M. Piezas KadiwaGawing bente piso ang kilo ng bigas – Iyan ang pangarap na umantig sa masa bago nailuklok sa pagkapangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ngunit, ngayong pumapangalawang taon na ang administrasyon, mistulang bigong pangako na ito. Ang tanong ng marami, saan na nga ba ang pangakong inaasahan ng sambayanan na mabibigyan ng katuparan?
“Matagal nang nagdurusa ang mga magsasaka sa abuso ng murang pagbili ng kanilang ani, at hindi pa rin ito natutugunan ng gobyerno.
ibang parte ng plano. Bukod sa pagsasaayos ng patakaran sa presyo, layunin ni BBM na pagbutihin ang kabisaan ng produksyon sa pamamagitan ng mga pananaliksik, teknolohiya, at tulong ng pamahalaan habang tinutugis at nilulutas ang suliranin sa mga hoarders at cartel ng bigas. Sa likod ng mabagal na pagtugon sa hamon ng presyo bigas, agaran naman ang mga katakataka nilang pag-apruba ng mga pagbabago sa budgeting. Marami ang nabahala. Marami ang umalma. Nitong nagdaan kasing mga buwan, malaki ang ibinawas sa mga ahensiya at kagawarang may kinalaman sa pananaliksik at agrikultura. Isa na
Dagitab
Luisa Nicole E. Alim
rito ang Food and Research Institute ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na kinaltasan ng 18.04% na malaki ang ginagampanan sa pananaliksik hinggil sa estratehiya, programa, at polisiya sa pagkain at nutrisyon. Katakataka ito sapagkat kung layunin talaga ng pamahalaan na paigtingin ang mga polisiya at pananaliksik sa bigas, kinakaltasan nila ang mga ahensiyang may kinalaman dito. Sa kalagitnaan nito, tinataasan naman ang mga confidential at intelligence funds na hindi na maiimbestigahan ng Komisyon sa Awdit. Ang sabi naman ng iba, hindi ba’t parang kabalintunaan na ito?
Lumipas ang isang taon mula sa pagkakaluklok hindi pa rin batid ng karamihan ang pagiging dalawampung piso ng kilo. Kaya naman maraming nadismaya. Sa usaping El Niño, gumimbal naman sa mga mambabatas ang nagbabadyang kakulangan sa bigas na maaaring pumuwersa ng pag-iimbak sa mga warehouse at biglaang pagtaas ng presyo. Nababahala rin sila kung saan kukuha ng bigas kung susunod ang Thailand at Vietnam sa yapak ng Indiya. Para sa iba namang mga mambabatas, kontra sila sa solusyon na import sa usaping El Niño sapagkat lagi’t lagi na lang daw dinadagsa ng bansa ang mga kapitbahay na para bang hindi umaani ng sariling bigas ang Pilipinas. Kaso, laking gulat ng lahat nang binungad naman ni Bongbong sa publiko na malapit na raw niyang maabot ang
indi dapat kasarian ang magtatakda at magbibigay-kahulugan sa kung anong kayang gawin ng isang tao.
Batay sa sarbey na isinagawa ng Global Gender Gap Report ng taong 2020 ng World Economic Forum, nananatiling pangunahing bansa sa Asya at ikalabinganim sa mundo ang Pilipinas sa pagtutulay ng gender gap na nakatuon sa apat na dimensyon tulad ng pang-ekonomiyang pakikibahagi at oportunidad, pagtamasa ng edukasyon, pangkalusugan at kaligtasan, at pampulitikang katatagan. Samantalang, nitong nakaraang taon ika-20 ng Oktubre, isinagawa ng Pisay ZRC ang isang programa na tinatawag na Pakisama/ Pamana. Kung saan binigyan ng pahintulot ng paaralan ang lahat upang malaya nilang maipapahayag ang kanilang sarili, anuman ang kanilang pagkakakilanlan. Ang naturang aktibidad ay nagdulot ng makabuluhang alaala sa puso ng mga magaaral, naglalarawan ng isang komunidad na nagpapahalaga at nagbibigay ng espasyo para sa pagpapahayag ng bawat isa.
Sa ganitong paraan, masasabi kong umiiral ang pagkakapantaypantay sa aming paaralan, dahil sa malawakang suporta ng karamihan ng mga guro at estudyante, kabilang ang buong institusyon, sa mga indibidwal mula sa LGBTQ+ community. Sa patuloy na pakikibaka para sa pantay na pagtrato sa lahat ng kasarian, mahalaga na itatatak natin sa ating puso at isipan ang kahalagahan ng paggalang at pagtanggap sa bawat isa tungo sa pagtutulay sa gender gap. Ang pagpapahalaga sa kahalagahan ng bawat tao, anuman ang kanilang kasarian, ay nagbibigay-daan sa mas makatarungan at makataong lipunan. Ipagpatuloy natin ang ating mga pagsisikap na itaguyod ang respeto, pagkakapantaypantay, at pag-unlad para sa lahat ng sektor ng lipunan. Sa ganitong paraan, masisiguro natin ang isang mas mapayapa at mas maunlad na mundo para sa lahat kung saan anumang kasarian ay may puwang. Kaugnay nito, isinasaad naman ng Sustainable
Development Goals ng United Nations para sa pagkakapantaypantay ng kasarian na mahalagang bahagi ang layuning ito sa karapatang pantao at pangunahing pamantayan ng demokrasya. Isang mahalagang sandigan para sa mapayapa, masagana at patuluyang daigdig. Susi sa pangunahing panlipunang pagkakaisa at pag-unlad ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga kababaihan sa edukasyon, kalusugan, disenteng trabaho at katayuang pampulitika at pangekonomiyang pagpapasya. Ang identidad pangkasarian ang marahil pinakamalakas na nagbibigayhugis sa kasinuhan ng tao na siyang sumasaklaw sa pagkilala at pag-unawa ng isang indibidwal sa kanyang kinabibilangang kasarian. Itinatakda rin ng pag-unawang ito ng lipunan ang balangkas ng pagtanggap sa kasarian; ang pagtatakda ng estereotipong gampaning panlalaki at pambabae.
Service, Creativity, Action and Leadership (SCALE) activities ng
ZRC bilang bahagi ng requirements ng kanilang pagtatapos
senior high school. Kaugnay rito, kinuha namin ang pulso ng 80 mga iskolar ng baitang 12 kung nahihirapan ba sila o hindi sa SCALE.
pangarap na benteng kilo ng bigas sa pamamagitan ng programa niyang “Kadiwa ng Pangulo”. Saad pa nito na nasa bente singko na raw ang presyo ng kilo ng bigas at konting tiis na lang para maging bente ito. Hangad ng Kadiwa ng Pangulo ay maibsan ang mga problemang hatid ng food security sa mga mahihirap. Sa tulong ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, kasama ang iba’t ibang lokal na pamahalaan, nagtatayo ngayon ang programa ng mga tindahan sa iba’t ibang lupalop ng Pilipinas kung saan direkta nang ibinabagsak ng mga magsasaka ang mga tanim at ani nila. Ang sabi, dito mabibili ang bigas sa presyong bente kada kilo. Maihahalintulad ang mekanismo ng Kadiwa ng Pangulo sa mga nagdaang talumpati ni BBM kung saan balak niyang tanggalin ang mga intermediaries at isaayos ang value chain. Ayon sa kaniya, 1.8 milyong pamilya na ang nakikinabang ngayon sa Kadiwa sa buong bansa at patuloy pa ito sa pag-abot ng marami pang mga mamamayang kapuspalad. Ngunit, karamihan pa rin sa mga Pilipino ay hindi konsyumer ng Kadiwa ng Pangulo. Dagdag pa nga ni Kurt Dela Peña– isang tagapagbalita sa Inquirer– nagiging bente lamang ang kilo ng bigas kung binibili ito sa mga government outlet. Sa merkado, kasing mahal pa rin ang isang kilo
ng bigas ng kwarenta pesos kung hindi man ay naglalaro sa halagang ‘yan. Tila pantakip ang Kadiwa ng Pangulo sa mas malaking realidad ng bansa. Komento naman ni Dr. Teodoro Mendoza– isang beteranong propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños– imposibleng maging bente ang kilo ng bigas dahil magdudusa ang mga magsasakang konti na nga lang ang kinikita. Sa panayam niya kasama ang Inquirer, sinabi pa niyang maisasakatuparan lamang ang tigbebenteng kilo kung magbibigay ng subsidy ang pamahalaan sa halos limampung bahagdan na presyo ng merkado. Aniya, kung hindi man, alang makabenta sa halagang bente piso ang Pambansang Pangasiwaan ng Pagkain, kakailanganing bilhin sa mga magsasaka ang bigas sa halagang walong piso na pagkalugi at pagkabaon sa utang ang bunga. Kung tutuusin din, matagal nang nagdurusa ang mga magsasaka sa abuso ng murang pagbili ng kanilang ani, at hindi pa rin ito natutugunan ng gobyerno. Kaya naman, dismayado ang maraming Pilipino sa naturang sitwasyon, lalong lalo na ang mga nasa laylayan na hirap sa hapagkainan. Patuloy pa ring tinatanong ng mapakritiko man o supporter, mananatili na lang bang pangakong napako ang bente pisong bigas?
Mahal na Patnugot, Isa sa mga itinuturing na mabigat na pasanin ng mga iskolar ang pag-comply sa SCALE o Service, Creativity, Action and Leadership activities sa baitang 12. Maraming forms ang dapat i-fill out at hindi nagiging swak sa mga aktibidad na isinasagawa ng mga iskolar ang ilang mga strands ng SCALE. Bunga nito, nahuhuli o di kaya’y nadudulot ng suliranin para sa pagtatapos ang ilang mga iskolar na nahihirapan sa pagsumite ng mga naturang requirements.
Sa ganang ito, paano ba matutulungan ang mga iskolar na nahihirapan sa pag-comply sa SCALE? Sumasainyo, Elze James Z. Montealto
Mahal na Elze James, Unang-una, mahalagang maunawaan ng bawat iskolar ang layunin ng SCALE kung saan inaangkla ito sa core values ng Pisay na integrity, excellence and service.
Pangalawa, hindi magiging mabigat ang anumang gawain na ang layunin ay mahasa ang kakayahan, kaalaman at pagpapahalaga ng kabataan kung naisaalang-alang ang time management.
Panghuli, inaasahan sa bawat iskolar ang mataglay ang mga katangiang magpapanday sa kanila na maging produktibong mamamayan ng Pilipinas.
Kung nahihirapan ang ilang iskolar sa SCALE, naroon ang mga guro at kapwa iskolar upang alalayan sila upang makamit ang layunin nito para sa kapakanan at ikauunlad ng mga mag-aaral.
Ang iyong lingkod, Patnugot
Pitak Pisay Jared John C. CampricioIsinusulong ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kampanyang tinawag na Bagong Pilipinas na nakatuon sa allinclusive na plano para sa ekonomiko at panlipunang pagbabago. Kaya, tinanong ng patnugutan ng Ang Diwanag ang ilang faculty at alumni ukol sa kanilang pananaw sa kampanyang ito kung ito ba ay tunay na para sa Pagbabago o Pagbibigo sa bayang Pilipino?
Sabi ng iba, it’s
Glenn B. Rusiana Faculty, Humanities AdTech Units
Bagamat maganda ang layunin at tunguhin ng Bagong Pilipinas dahil nasasalamin dito ang pagnanasa at hangaring ibalik sa tamang landas at direksyon ang gawaing pambayan, mahalaga pa ring ikonsidera ang mga natutunang aral na itinuro sa atin ng mga nagdaang pangyayari maging ng kasaysayan. Ang linyang ito ay pagpapalit ng imahe o anyo ng bayan. Matatandaang ang bawat administrasyon, sa simula, ay naghahangad at nagpapakita ng mga hakbangin tungo sa positibo at magandang hangarin. Nawa ito ay hindi mauwi sa bangungot, tulad ng mga napakong pangako ng mga nagdaang pamumuno.
Ronald Randolf E. Abao Tagapayo, Ang Diwanag
Kampanya ng pag-asa na sana hindi manatiling propaganda ng pamamahala. Aksiyon at bunga ang inaasahan ng sambayanan at hindi mga salitang gawa ng mapanlinlang na mga pangako na tiyak na magdadala sa bansa sa pagkabigo. Tunay na reporma ang kailangan at hindi bagong taktikang magpapaasa sa mga mamamayan.
Simula nang maupo ang bagong administrasyon, tiyak na hindi ko naramdaman ang pagbabagong pinangako ng “Bagong Pilipinas”. Sa katunayan, mas dumami pa ang paghihirap na dinanas ng mga Pilipino dulot ng labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at paglala ng sistemang pang-transportasyon. Bilang isang
indi maikakailang tatak na sa mga iskolar ng Pisay ang pagiging angat pagdating sa agham at teknolohiya. Subalit, sapat na nga ba ito upang maging holistikong indibidwal na produktibo at responsableng mamamayan ng bansa sa hinaharap? Ano nga ba ang nagagawa ng agham at teknolohiya sa buhay ng tao?
Pinagtitibay ngayon ng Philippine Science High School ang pagsusulong ng Humanizing STEM Education namaglilikha ng mga iskolar na tutugon sa pangangailangan at kagalingan ng kanilang komunidad, lipunan, bansa at maging sa mundo. Sa mundo ng agham at teknolohiya, nagagawa natin ang lahat sa isang pindot lang.
“Hindi masama ang linangin natin ang ating buhay, pamumuhay at pag-aaral dulot ng agham at teknolohiya kung hindi lang natin nakakaligtaang isaalang-alang ang ating pagpapahalaga at kung marunong tayong kumilala kung ano ang nakabubuti at nakasasama na naaayon sa ating KonSiyensiya.
Ganoon na rin kadali sa atin ang paggawa ng mga bagay na hindi naaayon sa ating pagpapahalaga. Cellphones, kompyuter, Internet at iba pa. Halos lahat dito umiikot ang buhay lalong-lalo na ng mga kabataan. Bahagi ito ng kanilang paghakbang. Sadyang wala tayong kapagurang galugarin ang bawat posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang agham at teknolohiya ayon sa pagkahayok sa pagbabago. Subalit sa kabila nito, may mahalagang bagay na napagiiwanan natin sa ating pagtakbo sa modernong mundo. Ito ang pagpapahalagang ipinunla sa atin ng ating mga magulang, guro at kaibigan.na ipamamana rin natin sa susunod na henerasyon. Ni hindi man lang natin naitatanong kung saan talaga tayo patungo. Saan nga bang aspekto mamamalas ang paglalaban ng teknolohiya at pagpapahalaga? Batid nating pangunahing behikulo ng buhay ng mga kabataan ang teknolohiya. Sa pamamagitan nito, napapalawak nila ang pag-aaral at pagdudukal ng karunungan. Subalit, kakabit rin nito ang negatibong epekto.
Usapang kalusugang pangkaisipan
Bilang mga iskolar, hindi mawawala sa amin ang pressure mula sa aming mga akademikong gawain. Nariyan ang stress, puyat, pagod, pressure at cramming.
Kaya, tinanong ng patnugutan ng Ang Diwanag ang 246 iskolar ukol sa isyung nauugnay ang kanilang mga pananaw at kaisipan. Kailan ba dapat magkaroon ng mental break ang mga iskolar?
Weekends – 36%
Linggo bago ang eksam – 20%
Holidays - 13%
Pagkatapos ng eksam – 12%
Gawaing pampaaralan – 7%
Bakasyon/Christmas breaks – 6%
Academic break – 6%
Batay sa resulta ng sarbey, mababatid na kailangan ng 36 bahagdan ng mga iskolar ng mental break sa katapusan ng linggo. Sa ganang ito, magiging gabay ito ng mga guro na bigyan ng konsiderasyon ang mga iskolar na magkaroon ng mental break sa mga panahong ito upang maiwasan ang mental breakdown.
Halimbawa nito ay ang masyadong pagkahumaling ng mga kabataan sa computer games na siyang nagpapababa ng kanilang interes sa pag-aaral. Hindi nila minsan napapansin ang mga negatibong bagay na nakaaapekto sa kanila. Ang iba naman ay natututo ng kalaswaan sa kapanonood ng sex videos sa ilang sites. Nagagawa rin ng mga kabataang tahasang dumipende sa Google sa pagsagot sa mga takdang-aralin sa halip na magsaliksik sa library at magbasa ng aklat. Nasaan na ang mga pagpapahalagang itinuro ng ating mga magulang? Naisasabuhay ba natin ito sa modernong mundo? Hindi masama ang linangin natin ang ating buhay, pamumuhay at pag-aaral dulot ng agham at teknolohiya kung hindi lang natin nakakaligtaang isaalangalang ang ating pagpapahalaga at kung marunong tayong kumilala kung ano ang nakabubuti at nakasasama na naaayon sa ating KonSiyensiya.
Nilalayon ng binagong Code of Conduct ng Philippine Science High School (PSHS) ang pagtalima sa core values nito na kahusayan, integridad at serbisyo. Dinisenyo ang mga nasabing patakaran upang mag-alok ng isang istrakturang nagtataguyod ng isang kanais-nais na kapaligiran sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pananagutan at responsibilidad sa loob ng prestihiyosong institusyon.
Banal na aklat ng katuwiran at katiwasayan kung ituring ang Code of Conduct na nagsisilbing compass naman para sa mga akademikong pagsasakatuparan na tumutungo sa pagpapahalagang moral at pangkatauhan. Ito ay hindi lamang isang hanay ng mga patnubay bagkus ito rin ay isang nangungunang halimbawa sa pagprotekta sa kasagraduhan ng edukasyon at paglikha ng isang kapaligiran kung saan ang moralidad at intelektuwal na pagkamausisa ay magkakasamang nabubuhay at nagkakaugnay para sa holistikong pag-unlad.
Bagamat may ilang mga alingawngaw ukol sa kaakibat na konsengkwensiya ng mga hakbang at kilos na hindi naaayon sa core values ng PSHS, naniniwala pa rin ang maraming iskolar na nararapat lang magabayan sila para sa mabuting landas taglay ang pangunahing prinsipyo ng pananagutan at responsibilidad. Para sa kanila, ang paghihigpit at pagpapaigting sa mga tuntuning ito ay walang ibang tunguhin kundi ang pangkalahatang kabutihan na sumsalamin sa imahe at karakter ng institusyon.
Kapag pinag-uusapan na ang COC, hindi maiiwasang maikakabit ang konsepto ng salitang “parusa” na inilalahad at isinasalaysay mula sa mga nakatatakot na Anecdotal Reports. Sa mga paaralan, ito ay mga maikling salaysay ng mga indibidwal na karanasan o obserbasyon na nagbibigay ng insightful na impormasyon sa ilang partikular na yugto, pag-uugali, o kaganapan na nagaganap sa loob ng setting ng edukasyon.
Ang mga sanctions batay sa antas ng offense ay itinatakda hindi para bigyangdiin ang parusa kundi ipaunawa na ang bawat hakbang at kilos ng mga iskolar ay ginagabayan ng mga tuntunin – tuntuning gagabay tungo sa pagtataglay ng responsible at etikal na pag-uugali ng mga iskolar bilang bukas ng bayan.
Disiplina para sa ikakikintal ng pagpapahalaga at hindi parusa para sa ikababaon ng mga pag-asa. Hinuhubog nito ang pagpapahalaga tungo sa pormasyon ng pagkatao.
Disiplina para sa ikakikintal ng pagpapahalaga at hindi parusa para sa ikababaon ng mga pag-asa. Hinuhubog nito ang pagpapahalaga tungo sa pormasyon ng pagkatao.
Nakamarka na sa Pisay ang pagpaapaunlad ng kaalaman at kasanayan sa agham at teknolohiya at maging sa mga larangang komunikatibo at humanidades.
Subalit nagiging marka rin sa mga iskolar ang kahirapan sa pagsasalita ng pambansang wika kung saan lumalabas sa isang sarbey na apat sa sampung iskolar ang nagsasabing mas nakapagpapahayag sila ng kanilang kaisipan nang mabisa gamit ang Ingles kaysa Filipino. “Sa halos anim na taon kong pagtuturo ng Filipino sa PSHS-ZRC, marami talagang mga iskolar ang nahihirapan sa pagpapahayag gamit ang midyum na Filipino, pasulat man o pasalita dahil ayon sa kanila, Ingles ang lengguwahe nila sa tahanan at sa pribadong paaralan. Hindi masyadong napapahalagahan at nagagamit ang Filipino kaya lumilitaw ang problemang ito,” pahayag ni Sir Ronald Randolf Abao, tagapayo ng Ang Diwanag at guro sa Filipino.
Hindi lamang limitado ang dahilan ng isyung panlipunan na ito sa kakulangan ng pagtutok sa pambansang wika, ngunit maging ang mga umuusbong na kultura ng mga kabataan. Karamihan sa mga indibidwal sa kasalukuyang henerasyon ay nagkakaroon ng presyur mula sa internasyonal na pamantayan na kung saan ang kanilang mentalidad ay umiikot sa kontekstong mas mataas ang oportunidad ng mga taong bihasa sa Ingles kumpara sa Filipino, o siyang tinatawag nating “Linguistic Heirarchy”.
83% sa mga kabataang Pinoy ang nakararanas ng katamtamang parusang pisikal
Ang pagkakaroon ng mga mag-aaral na hindi bihasa sa kanilang sariling pambansang wika ay nagiging isang malaking isyu sa ating lipunan. Dahil dito, ang mga iskolar na sana ay tagapagtaguyod at tagapag-unlad ng ating wika at kultura ay siya mismong nagiging dayuhan ng bansa. Ito ay maaaring maging sanhi ng unti-unting pagkawala ng ating kultura at maging dahilan ng kahinaan ng kanilang identidad bilang mga Pilipino. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang sangkot sa isyung ito ngunit pati na rin ang mga guro at institusyon. Malaki ang kanilang papel na ginagampanan sa pagkatuto at kasanayan ng mga estudyante sa wikang Filipino. Sa kanila nagsisimula ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa asignatura at wikang Filipino kaya naman, kinakailangang nilang manguna sa pagpapahalaga nito sa pamamagitan ng pagbibigay oportunidad sa mga mag-aaral na malayang makapagpahayag sa Filipino. Kailangan din ng mga institusyon na ihalo at palawakin ang Filipino sa halip na burahin ito. Sa pamamagitan nito, mapapatibay natin ang tunguhin sa pagpapaunlad ng ating wika bilang bahagi ng ating pag-angat bilang isang bansa. Kaugnay nito, kung pagbabatayan natin ang Human Capital Development Report ng United Nations, nakasaad dito na mas may bentahe ang mga bansang gumagamit ng sariling wika pagdating sa trabaho at ekonomiya tulad ng Japan, China at Russia. Ang pagiging banyaga sa sariling wika ay isang indikasyon ng pagwawaglit ng ating kultura at simbolo ng ating lahi na isang mitsa sa kaunlarang pambansa.
Sa puso ng Pisay, ang mga guro ng agham ay nagiging daan upang mabuksan ang pintuan ng kaalaman sa mga kabataang handang harapin ang hamon ng siyensya at teknolohiya. Subalit, sa kabila ng mga kaalaman at kasanayang kanilang nililinang, naroroon ang hindi mabilang na sakripisyo at oras na kanilang iginugugol para sa mga magaaral – ang kanilang mga balikat na pumapasan sa pagpapatatag sa sandigan ng kinabukasan ng ating bansa.
Bigat na pinapasan sa balikat ng mga gurong nagtuturo ng Social Sciences ang mga asignaturang lagpas na sa 18 units na regular teaching load. Nagresulta ito sa hirap na pagbahagi ng mga gawaing itinakda para sa kanila. Ang pangangailangang ito ay hindi lamang nagdadagdag ng pisikal na pagod kundi pati na rin ng mental na mga hamon sa kanilang araw-araw na gawain. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin ang mga guro sa paglaan ng oras para sa kanilang sarili, trabaho at pamilya. Pilit na binabalanse ng mga tinuturing na sulo ng karunungan ang kanilang panahon para sa iba’t ibang gampanin.
Sa isang panayam kay Gng. Kathleen Grace Gregorio, isang guro sa SocSci, wala na man daw silang tinatanggihang trabaho pagdating sa pagtuturo subalit para sa kaniya, mas nagagampanan nila ang kanilang mga tungkulin bilang guro kung hindi masyadong mabigat ang teaching loads sapagkat nakomkompromiso ang kalidad ng edukasyon kung nawawalan na ng pokus ang mga guro sa ispesipikong asignatura. Ang de-kalidad na pagtuturo ay nakasalalay hindi lang sa sapat na kaalaman at kasanayan kundi maging sa kahandaan.
Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga guro ng Pisay sa pagharap sa mga hamon ng kanilang pagtuturo at minsan, higit pa sa hinihingi ng kanilang tungkulin ngunit hindi dapat maging dahilan ang kanilang kakayahan upang pasanin ang anumang kakulangan.
“
Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga guro ng Pisay sa pagharap sa mga hamon ng kanilang pagtuturo at minsan, higit pa sa hinihingi ng kanilang tungkulin ngunit hindi dapat maging dahilan ang kanilang kakayahan upang pasanin ang anumang kakulangan.
Infografik
400 oras
Gumugugol ang mga guro ng minimum na 400 oras kada taon na lagpas sa kanilang
IAnag-ag
JaredJohn C. Campricio
nclusive hindi inclosive. Ito ang uri ng edukasyong nagsisilbing maalab na sulo ng mga mag-aaral at guro tungo sa matatag at makakalidad na pundasyon ng edukasyon.
Sa kaniyang pananalita sa In-Service Training ng mga guro at empleyado ng Philippine Science High School - Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) noong 2018, idiniin ni University of the Philippines - Visayas Associate Professor Dominique J. Maquiran ang kahalagahan at papel sa epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral ng Anti-Oppressive Pedagogy, isang stratehiya sa pagtuturo na siyang nagtatampok ng inclusive education at tumitibag sa mga iba’t ibang uri ng isyu, lalong lalo na ang opresyon at diskriminasyon, sa paaralan man o sa kabuoang panlipunan.
Tinutukoy ng anti-oppressive pedagogy ang sensitibong at epektibong pagtataguyod ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto kung saan nabibigyan ng ganap na oportunidad ang bawat mag-aaral na malinang ang kaniyang kakayahan at kaalaman anuman ang katayuan, kasarian o pamumuhay. Isinasaalang-alang din nito ang bawat karapatan ng bawat kabataan na mapalawak ang kanilang papel at puwang sa lipunang ginagalawan. Bilang tagahubog ng kaalaman at pagkatao ng mga mag-aaral, kailangan din ng mga guro na matutunan din ang mga tamang estratehiya at angkop na pamamaraan sa pagtataguyod ng pagtuturo at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan kabilang na ang tamang motibasyon at sensitibong feedback na susi sa magiging epektibo ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto na siyang pangunahing layunin ng edukasyon. Sa pagpapagtibay ng makabagong pamamaraan nito, hindi lamang matutugunan ng mga guro ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa paaralan, kundi tiyak din na mahuhubog nito ang isipan ng mga kabataan sa pagiging isang aktibong mamamayang may talino, kakayahan, kamalayan, at pagpapahalaga sa pagsabak sa pabago-bagong panahon at kalagayan ng kanyang sarili, pamayanan, at bayang tinubuan. Sa ganang ito, bilang mga kasapi ng ating pamayanan, paano natin masisiguro at maisasakatuparan ang mga adhikain at layuning makabago, kritikal, at
mapagpalayang pagtuturo para sa mga kabataan at mag-aaral? Malaki ang gampaning at tungkulin ng mga pambansang kagawaran at ahensiyang pang-edukasyon tulad ng Department of Education o DepEd, Commission on Higher Education o CHED, at Philippine Science High School o PSHS sa pagpapatupad ng makabagong sistemang ito sa ating edukasyon. Sa pamamagitan ng paglikha ng mga kurikulum na siyang naghihikayat ng kritikal at malayang pag-iisip at eksplorasyon ng mga magaaral at guro sa kanilang mga gawain at aralin. Dagdag pa rito, mainam din na itampok sa bawat aralin at kurikula ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konsepto ng pagpapahalaga at prinsipyong siyang nagpapalago sa bawat kabataan, lalong lalo na sa larangan ng sikolohikal, sosyal, at kultural. Sa pamamagitan nito, masisigurado natin ang sistematikong implementasyon ng mga bagong pamantayang ito na kapaki-pakinabang. Sa kabilang dako, ang mga plano at hakbang na ito ay mananatiling plano lamang kung wala ang pwersa at tungkulin ng bawat guro at paaralan. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga bagong estratehiya sa pagtuturo ng mga guro, masisigurado nating de-kalidad at napapanahon ang mga kaalamang nalilinang ng mga mag-aaral. Iilan sa mga pamamaraan at estratehiyang ito ay ang paggamit ng mga makabagong kasangkapan tulad na lamang ng mga digital applications at software na tumutulong sa paglalahad ng mga talakayin at komunikasyon sa bawat magaaral at guro. Idagdag pa natin dito ang malayang pagbibigay na puna at katugunan sa bawat mag-aaral at guro sa kanilang pagganap at kalagayan. Mahalaga rin ang pagbuo ng interpersonal na relasyon at pagkakaintindihan sa pagitan ng mga mag-aaral at guro upang maitawid ang learning gaps. Higit sa lahat, sa gitna ng pagpapatupad ng inklusibong edukasyong ito, nakasalalay sa ating mga kamay bilang mga mag-aaral ang magiging bunga ng ating matatag na pundasyon ng buhay at kinabukasan taglay ang makabuluhang kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga na hinugot mula sa pagpupunyagi at aral.
Bilang tagahubog ng kaalaman at pagkatao ng mga magaaral, kailangan din ng mga guro na matutunan din ang mga tamang estratehiya at angkop na pamamaraan sa pagtataguyod ng pagtuturo at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan kabilang na ang tamang motibasyon at sensitibong feedback na susi sa magiging epektibo ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto na siyang pangunahing layunin ng edukasyon.
Nakadikit man sa aming diwa ang agham at teknolohiya, nakatatak naman sa aming puso ang kabutihan at kagalingan ng sambayanan.
“Isko at Iska kami ng bayan na hinuhulma ng mga pagpapahalaga, hindi isang robot na produkto ng hindi makataong agham at teknolohiya,” sigaw ng bawat iskolar mula sa libis ng kanilang mga sagimsim.
Sa kamay ng kabataan nakasalalay ang pag-angat ng lipunan at kinabukasan ng bayan.
Ang mga katagang ito ang isinuhay ng ating pambansang bayani na minsan naging kabataang naging sandigan ng ating lipunan at huwaran ng lahat. Napakalaking pananagutan ang itinadhana at iniukit sa palad ng isang kabataan ang pagpapatatag sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Kaugnay nito, layunin ng PSHS Six-Year Curriculum, na isang produktong framework ng Australian Award Fellowship noong 2014, na makahulma ng mga iskolar na magiging holistikong mga indibidwal na humanistiko ang kaluluwa, pandaigdigan ang perspektibo, makabayan ang oryentasyon, and handing-handa na magpapatuloy ng karera sa STEM na makaaambag sa pagpapatatag ng bansa.
Subalit paano mapapatatag ng kabataang Pisay ang bukas ng bayan kung mismo ang kanyang buhay ay mahina ang pundasyon? Sapat na ba ang talinong ipinunla sa kaniya upang baguhin at harapin ang mundo?
Magagawa lamang niyang mahuhulma ang kanyang matatag na bukas at bukas ng bayan kung may aagapay sa kanya.
Una, ang pamilya - pamilyang magbubuo sa kanyang pagkatao at kikiskis sa kanyang mga pagpapahalaga upang kuminang at maging hiyas ng tahanang naging kanlungan mula sa kanyang pagsilang. Ang mga hiyas na ito ang magiging yaman niya sa pagharap ng mapanhamong buhay. Hiyas na magiging liwanag na gagabay sa kanya sa pagtahak sa madidilim na kalye ng buhay. Hiyas na magiging kalasag niya laban sa dagok sa kanyang paglalakbay. Pinatunayan ito nina Josipa Roska at Peter Kinsley noong 2018 sa kanilang pananalisksik na The Role of Family in Facilitating Academic Success na nagsasaad na: “Family emotional support is beneficial for academic outcomes as it promotes psychological wellbeing and facilitates greater student engagement.”
Pangalawa, ang paaralan ang bukal ng karunungang magpupunla ng kanyang mga pangarap. Ang pangalawang tahanang lilinang sa kanyang kamay, isip at puso. Dito niya papandayin ang kanyang bukas habang tinatanaw ang mga bahaghari ng mga mithin. Ito ang
kaakibat niya sa pagtawid sa tulay ng tagumpay.
“A holistic approach recognizes that all children, particularly those facing extreme adversity, require a range of knowledge, skills, experiences and core values that will enable them to engage as productive and ethical citizens, and reach their potential in life,” pagdiin ni Eileen O. Mailey sa kaniyang Learning in School and for Life: A Holistic Approach to Child Development sa Poticus noong Hunyo 12, 2023.
Pangatlo, ang komunidadang sagkalan ng kanyang pagiging miyembro ng isang pangkat at hahasa sa kanyang kakayahang makipagkapwa at mamuno para sa kagalingang panlahat. Dito niya maiiukit ang imahe ng isang kabataang aktibo at nakikilahok sa mga gawain ng komunidad. Isang kabataang huwaran ng kanyang kapwa kabataan na naibubuklod ang sarili sa mga mabubuting tunguhin at naibubukod sa mga masasamang gawain.
Samantala, sinsuportahan ito ng artilukong inilathala ng The Sun na The Key Role of Community in Child Development na nagdidin na: “Community engagement serves as a dynamic platform for experiential learning. This exposure not only enhances their cognitive abilities, but also instils cultural norms from an early age, contributing to a well-rounded understanding of their community and the world.”
Pang-apat, ang bayan ang bayang naglahad sa kanya ng kabayanihan at
Championing holistic education is the way to ensure a bright future for our learners and the Filipino youth by giving them the learning opportunities to gain the necessary technical skills and knowledge for their chosen careers.
Methuselah A. Testa
kasaysayang bumuo sa kanyang pagkakakilanlan bilang Pilipino. Bayang lumilikha ng kariyanan ng kaniyang lahi. Bayang kaya niyang ipagmalaki sa daigdig bilang salamin ng galing, talino, pagpupunyagi, respeto at pagmamahal.
“Championing holistic education is the way to ensure a bright future for our learners and the Filipino youth by giving them the learning opportunities to gain the necessary technical skills and knowledge for their chosen careers, all the while providing them with enriching real life experiences and activities where they can foster their interests and passions in a supportive and nurturing environment so they may come into their own: confident, selfdirected, and lifelong learners - the important qualities to achieving personal and professional success,” paglalahad ng Philippine Institute for Development Studies sa artikulong Nurturing the Future of Filipino Learners through Holistic Education.
At ang pinakamahalaga, ang Diyos - ang arkitekto ng kanyang buhay at ang naghandog ng biyaya ng kanyang simula at wakas, kahapon at hinaharap. Ang Diyos na nagbibigay-kahulugan ng kanyang pagiging tao. Kung mapagtitibay lamang ng mga ito ang buhay ng kabataan, hindi lang siya magiging kaagapay sa pagtatag ng kaniyang lipunan kung hindi magiging tagahusay rin siya ng pinakamagandang bukas ng kaniyang bayan bilang isang iskolar na may puso at kaluluwa.
Kawanggawa sa Puso’t Diwa
Angel Faith I. Decin
Ang tao’y nilalang ng Maykapal upang sumunod sa kaniyang kalooban. ang ating pagmamahal sa kanya kapwa anuman ang lahi, edad, kasarian
Ngunit, paano ba tayo makakatulong sa ibang tao kahit sa murang edad na ito? Ang pagmamalasakit sa kapwa ay kusang loob na ibinibigay, hindi ipinagkakait at higit sa lahat hindi naghahangad ng ano mang kapalit. Sa gitna ng makulay at maunlad na mundong ito, may nga munting samahan na nagtatangi sa pag-unlad na may pagmamahal sa kalikasan at pagtulong sa mga tao. Isa sa mga ganitong pangkat ay ang Niunanggapoy Club. Sa paglalakbay ng kanilang organisasyon patungo sa eco-renewal at pagtulong sa mga Subanen, isang matindi at masalimuot na kuwento ang kanilang iniukit sa tanawin ng kalikasan. Isinagawa nila ito noong ika-2 at ika-9 ng Disyembre, taong 2023 na ginanap sa Cogon Dipolog City. Ang bawat hakbang ng eco-renewal ay isang pagawit sa pagtangkilik sa kalikasan, na tila nagpapahayag ng pagmamahal sa bawat halamang nagbibigay-buhay sa ating paligid. Ang diwa ng pag-asa na dala ng bawat butil ng binhi ng pechay ay nagsisilbing ilaw sa lugar na dati’y bumabalot ng pangamba. Sa bawat pagtatanim, nagiging saksi ang kalikasan sa pangako ng bukas na puno ng pag-asa at pag-usbong. Ngunit, hindi lang sa kalikasan umiikot ang kanilang adbokasiya. “Lahat ng pwedeng magawa ng Niunanggapoy para makatulong ay gagawin ng mga miyembro ito
Inuukit ng husay, katapatan at kawanggawa ang kanilang diwa at kaluluwa. Kinikiskis ng hamon at panahon ang tatag ng kanilang bukas na siyang magliliwanag sa mundo. Hindi lang sila supling ng talino at kakayahan kundi bunga rin ng pagpapahalagang inspirasyon ng iba. Iyan ang tatak ng pagiging Iskolar ng Bayan!
upang maging bahagi ng kabutihan at kalooban. Nararapat lamang na ipadama rin natin kanya sa pamamagitan ng pagtulong sa kasarian at pinagmulan.
dahil pangunahing layunin ng organisasyong ito ang tugunan ang pangangailangan sa abot ng kakayahan ng samahan,” wika ng tagapayo ng Niunanggapoy na si Kathleen Grace Gregorio. Samantala, sa pagpapatupad ng manifest Bazaar, bukas ang mga pintuan para sa pagbibigay ng pagkakataon sa lokal na komunidad na magtagumpay. Naganap ito noong ika-13 hanggang ika-22 ng Nobyembre sa paaralan ng Philippine Science High School Zamboanga Peninsula Region Campus. Ang bawat kagamitan na ibinibenta ay nagtataglay ng diwa ng sipag at tiyaga na naglalayong magsilbing inspirasyon sa mga kabataang nananabik sa pag-usbong ng kanilang mga pangarap. Ito’y isang malinaw na patunay na ang munting mga hakbang ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba.
“Diwa at puso ang aming puhunan para magpunla ng kawanggawa at kabutihan,” saad ng pangulo ng organinasyon ng mga iskolar ng PSHSZRC na si Bonn Camilo Piezas. Ito’y isang mabunga at kahanga-hangang paglalakbay ng pag-asa at kawanggawa, na nagbibigay inspirasyon sa lahat na tayo’y maaaring maging bahagi ng pagbabago sa simpleng pamamaraan. Sa munting hakbang ng pagmamahal, lumalago ang kagandahan ng kinabukasan.
“
Diwa at puso ang aming puhunan para magpunla ng kawanggawa at kabutihan. Ito Ay isang mabunga at kahanga-hangang paglalakbay ng pag-asa at kawanggawa, na nagbibigay inspirasyon sa lahat na tayo’y maaaring maging bahagi ng pagbabago sa simpleng pamamaraan. Sa munting hakbang ng pagmamahal, lumalago ang kagandahan ng kinabukasan.
Julliana Cleah V. Jamora
Pisay. “Cream of
H
o “kakanggata”. Kilala ang mga iskolar bilang isa sa mga pinakamagaling sa lahat ng magaling. Bukas ng bayan. Nakaukit sa kanila ang kadakilaan. Tulay sa pag-usad ng Pilipinas. Itinuturing silang likas na mga hiyas.
Hindi biro ang maging salamin ng kahusayan, galing, talino, at kakayahan. Ngunit hindi nila nakakita ang totoong repleksyon ng mga karanasan ng isang iskolar na hinahabi ng mga hamon, pagod, cramming, puyat, stress at iba pa. Ito ang mga hamong pilit at buong sigasig na pinagtatagumpayan para sa maliwanag na kinabukasan.
Subalit, hindi dito nagtatapos ang mga pagsubok na kanilang pagdadaanan. Sa kanilang ikatlong taon ng pamamalagi sa Pisay, o ang simula ng kanilang advancement years, sila na naman ay hinaharap ng mga bagong pagsubok. Ayon sa karamihan, ang yugtong ito ay maituturing bilang isa sa pinakamahirap. Kasabay ng malabulubunduking tumbok ng mga gawain, ang mga iskolar ay inaasahan ring magbigay ng pantay na atensyon sa bawat aralin sa kadahilanang ang lahat ay katumbas ng isang yunit.
Para lalong mas comprehensive po sana kapag may stat (bilang nga mga nsa advancement year three years back kung pwd para may comparative assessment sa bigat ng experience) “Sapagkat nakaukit na sa murang diwa’t isipan ang papel namin sa lipunan, nagpupunyagi kami. Kahit sinusubok ng maraming unos, pinipilit na bumangon sa pagkakalugmok,” pahayag ng isang iskolar. Sa pagtungtong ng mga iskolar sa kanilang specialization years, bagong hamon na naman ang nakaantabay. Kabi-kabilang paghahanda para sa kolehiyo, paghahanda para sa bagong yugto ng pagbabago at paglago. Ang bawat hakbang na magtatanto sa tunay na landas na kanilang tatahakin.
“Pinapangaralan kami ng higit pa sa sapat. Tinuturuan kung paano maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan. Ngunit hindi ibig sabihin na kami ay nakalalamang. Kami rin ay mga tipikal na mag-aaral, iskolar man ng bayan, nahihirapa’t natatablan ng mga kahinaan,” diin ng isang Isko. Subalit, natututo ang mga iskolar sa mga konsepto sa libro patungo sa tunay na mundo. Ang kalakasan nila ay hinuhugot mula sa mga kahinaang nagsisilbing kalasag upang kabakahin ang reyalidad ng buhay na itinuturo ng mga aral. Ayon pa sa kanila, nangangamba sila sa kung ano ang handog ng kinabukasan na minsan, nakapagdudulot ng pagkabahala sa hinaharap. Nagugulumihanan sila ang pagsilay sa daang tatahakin. Nangangamba sa mga mataas na pananalig at pagtanaw. Ang kinabukasan, na unang bumungad sa kanila ng may kaba at pangarap, ay ngayo’y nagiging mas malinaw at mas matindi ang hamon. Ngunit ang ating mga Iska at Isko ay hindi susuko. Bitbit ang mga pangarap at pagtanaw sa bukas ng hindi lamang ng kanilang pamilya ngunit pati na rin ng bayan, sila’y patuloy na nagpupunyagi at hindi nagpapatibag sa mga hamong kanilang hinaharap. Sa halip, ang mga hamong ito’y naging paanan ng kanilang paglalakbay patungo sa tagumpay. Sa kabila ng mga unos na kanilang
Pamamayagpag ng mga supling ng agham
Elisa Marie C. Baje
Tatak iskolar. Nakaukit na sa kamay ng kabataang Pisay ang talino, galing at kakayahan na hinulma ng sipag at pagpupunyagi sa pagdukal ng karunungang magiging sulo ng lipunan at bayan.
Ibinandera ng mga iskolar ng Philippine Science High School – Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) ang husay at galing sa iba’t ibang international competitions sa Science, Technology, Mathematics, at Humanities. Nagwagi si John Edgar Cabalida ng silver award sa 2023 Hong Kong International Computational Olympiad noong Hunyo 18; Bonn Camilo Piezas, Best Delagate Award sa 2023 International Model United Nations; Andrea Margarette Rosel at Shyana Aisylle Tigoy na kapwa nag-uwi ng ikalawang puwesto sa International Student Research and Innovation Fair noong Oktubre 14 at International Young Researchers Summit noong Disyembre 28; Joseah Enmiel Trobanos, Excellent Speller Award sa International Spelling Bee noong Oktubre 21, Dave Matthew Estrella, gold; Matt Angelo Sareno, silver; Jullianna Ytzabelle Ramo, Danillen Gallenero, Maria Rodica Ranises, Grisby Paul James Tangaran,
Mary Maika Montecillo, Sweet Jackylyn Acaylar, at Dwyn Tumamak, bronze sa Thailand Mathematical Olympiad noong Oktubre 22; Shilloh Dane Rodriguez, Emman Lumagsao, at Maria Rodica Ranises na nagkamit ng bronze award sa 2023 Gunadong-Hong KongMacao Greater Bay Area Mathematical Olympiad (Heat Round) noong Disyembre 3 at; Dave Matthew Estrella, silver award sa World International Mathematical Olympiad (Final Round) noong Enero 4.
“We are very proud of our scholars who have brought pride and honor to PSHS-ZRC showcasing their knowledge and skills in different fields in the international arena,” pahayag ng direktor ng PSHS-ZRC, Dr. Chuchi P. Garganera. Patunay lamang ito na nakamarka na sa bawat iskolar ang husay na huwaran, kumikinang, nangunguna at hindi matatawaran na bunga ng dedikasyon at layuning makapagbigay ng inspirasyon at makapag-uwi ng karangalan sa PSHS-ZRC mula sa iba’t ibang international competitions.
Nakasasabik salubungin ang isang bagong umaga mula sa napakahabang gabi gaya ng pag-asang sumibol sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon.
Halos dalawang dekada nang Teacher 1 sa hayskul na tawagin natin sa pangalang Gng. Herafenia at batid niyang animo’y napakatagal ng gabi ng kaniyang paglalakbay sa kaniyang propesyon. Naranasan niyang humugot mula sa sariling bulsa para sa kagamitang panturo at restructuring ng kanyang klasrum bunsod ng kakulangan ng budget ng Department of Education (DepEd) para tugunan ang pangangailangan ng paaralan. Ito ang katotohanang nangyayari sa kagawaran - katotohanang kay tagal maaninag upang mabigyan ng pansin at reporma. Sa kabila ng taunang paglalaan ng budget, kapos pa rin ang hantungan. Kakarampot na budget ang naiiwan sa Miscellaneous and Other Operating Expenses ng paaralan kung saan naiiwan sa balikat ng karamihang guro ang mabigat na pasanin para mairaos ang kalidad ng edukasyon. “Paano natin maaasahan ang kalidad kung hindi
matutugunan ang kakulangan? Kumbaga, paano tayo makaaasa sa hitik na bunga kung kulang sa pataba at alaga?” Mga katagang tila mga bugtong na naghahanap ng kasagutan.
Dapithapon
Nagmimistulang pagong na binabaybay ang putikan ng mga katulad ni Gng. Herafenia. Lubog sa utang. Isang karaniwang gurong mababa sa limanlibong piso ang take home pay. Isang sulo ng karunungan na nagungulimlim ang buhay dahil hinahabol ng mga pating na mga nagpapautang. Inspirasyon siya ng kanyang mga mag-aaral para maabot ang kanilang mga pangarap. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na ang kanilang inspirasyon ng pangarap ay hirap din sa pagtupad ng kaniyang sariling pangarap –ang makahulagpos sa hirap na kinasasadlakan.
Gabi Tinuringang mga bayani ang ating mga guro subalit sila yata ang mga bayaning patuloy na nakikibaka
na hindi alam kung hanggang saan ang laban. Mga bayaning ipinakikipaglaban ang karapatan para sa kakarampot na sahod na ikabubuhay habang unti-unting binuburol ng karukhaan at kawalan. Mga mandirigmang nakikibaka. Kapos sa kalasag at sandata. Patuloy na nangangapa sa dilim ang sariling kinabukasan. Nakikibaka sa buhay na ni minsan hindi pa nagwagi sa laban, kinakalimutan at di-gaanong napahahalagahan. Mga bayaning ipinakikipaglaban ang karapatan para sa kakarampot na sahod na ikabubuhay habang unti-unting binuburol ng karukhaan at kawalan. Mga mandirigmang nakikibaka. Kapos sa kalasag at sandata. Patuloy na nangangapa sa dilim ang sariling kinabukasan.
Bukang-liwayway Sa patuloy na pagbagtas sa karimlan ng mga hamon, nagkaroon na ng kakampi ang mga makabagong bayani ng ating lipunan para sa kinabukasan ng mga kabataan. Naging liwanag ang haing panukalang budget ni Senador Pia Cayetano sa susunod na mga taon na naglalayong mapondohan ang
Hitik sa kultura ang Zamboanga Peninsula. Isa sa kumukulay sa tangway na ito ay ang kalinangan at kultura ng mga Subanen.
“Peledpeled gupiya!” Maraming salamat sa Subanen. Marami tayong dapat ipagpapasalamat sa pinagugatan ng ating kalinangan at kultura.
Subanen na mula sa salitang suba na ang ibig sabihin ay ilog, ang tawag sa tribong nomadic ng lahing Indo-Malayo at ang mga katutubong pangkat na matatagpuan sa probinsya ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Itinuturing ding isa sa mga dyamante ng Zamboanga Peninsula ang pangkat ng Subanen dahil sa kanilang natatanging angking talento, tradisyon, at personalidad bukod pa sa pagiging mapagmahal na tribo
“Subanen – kulturang maipagmamalaki at inaasahang magpagyayaman ng mga makabagong henerasyon bilang makulay na bahagi ng kasaysayan, ngayon at bukas.
sa kapayapaan ng Mindanao. Pero sa likod nito, may negatibong konotasyon ang idinidikit sa mga Subanen na sa Cebuano Suban-on na nangangahulugang “mangmang” o “ignorante”. Isang kalawang na pilit na pumupusyaw sa isang tribong mayaman sa kultura, hiyas, at kulay ng Zamboanga. Sa kabila ng negatibong turing sa mga Subanen, naiaangat nila ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kanilang pagiging masayahin na napapamalas nila sa kanilang mga sayaw sa himig ng Ginanang, Gasimba, Gatagan at Sumaling habang tinutugtog ang mga instrumentong tulad ng gong, kutapi, sigitan, lantoy, kulaying, at tambulok. Hindi lang sayaw ang meron sa kanila dahil meron din silang mga awitin kagaya ng dionli (isang awit ng pag - ibig), giloy (isang awit ng libing), at iba pa. Bukod dito, nakamamangha rin ang Buklog, isang tanging ritwal gamit ang malaking kawayan kung saan ang isang kahoy ay idinurugtong at nakasayad sa lupa. Naghahabi rin sila ng banig. Nagsusuot din ang mga ang natatanging tribong ito ng makukulay na damit na sumisimbolo sa kanilang paniniwala, at mga pinagdadaanan. Ang mga kulay na puti, itim, berde, dilaw, at pula ay ginawa ang orihinal na mga kasuotan ng Subanen. Ang kulay itim ay sumisimbolo ng gabi bilang oras ng pagsamba ng tribo. Samantala, noong unang panahon, ang mga Subanen ay
nakatira sa mga lugar na malapit sa ilog. Ang kabuhayan nila ay ang pangingisda. Ngunit dahil namundok na ang halos lahat sa kanila dahil gusto lang nila ang tahimik na kapaligiran, ang napagkukuhaan nila ngayon ng kabuhayan ay ang pagsasaka ng palay at pag -aalaga ng mga hayop. Ang kanilang mga bahay ay hugisparihaba at nakatayong patagilid na may pawid na bubong sa gilid ng mga tagaytay o burol. Ilan sa kanila ay nanahanan sa Cogon Eco Park, Siyudad Dipolog. Ang mga Subanen ay walang relihiyon. Sa halip, mayroon silang nakasanayang tradisyon. Masasaksihan naman ang kanilang paraan ng panliligaw sa pamamagitan ng pagkanta at pagiisang dibdib sa pamamagitan ng tinatawag na taltal.
National Museum, National Council for Children’s Television, Early Childhood Care and Development Council, National Book Development Board, Philippine High School for the Arts, at ang bagong tatag na National Sports Academy.
Umaga
Samantala, kung matutupad ng pamahalaan ang hiling ng DepEd na pagtaas ng teaching supplies allowance, pagbibigay ng pinagsamang annual medical exam at World Teachers’ Day incentive bonus, pondo ng learning resources at ilan pang programa na magpapaunlad sa kalidad ng edukasyon at higit sa lahat ang pagtaas ng kanilang sahod, unti-unti nang masisilayan nina Ma’am at Sir tulad ni Gng, Herafenia ang bagong umaga mula sa pagkabulid sa dapithapon at gabi ng kanilang simpleng buhay at dakilang propesyon. Bagong umaga para sa ikaaangat ng edukasyon at ng mga tagapagtaguyod nito. Sana bukas. Bukas siGURO.
Mukha. Puso. Dalawang bagay na taglay ng tao na tuwirang nasisilayan at nararamdaman. Dalawang bagay na kadalasang nagiging sukatan ng pagtanggap sa ating kapwa.
Sa mapanghusga at mapanuyang mata ng lipunan, hinihimay ang ating pagkatao. Nanduduro ang mga matutulis na daliring tila mga punyal na tumatarak sa puso naming mga nilalang sa “third sex”. Bakla, tomboy, bisexuals, at transgenders – mga itinuturing noon at maging hanggang ngayon bilang salot ng lipunan.
Pinatutunayan ito ng mga estadistika katulad ng pananaliksik ni Stonewall na nagsasaad na 55 porsyento ng mga mag-aaral na miyembro ng LGBTQIA+ ay nakararanas ng homophobic, biphobic or transphobic (HBT) bullying.
Sa isang pananaliksik sa Pisay, tinatayang walong bahagdan ng mga iskolar ang aminadong miyembro ng LGBTQIA+ na may kaniya-kaniyang karanasan ng pagtanggap o pangungutya sa piniling kasarian.
“Masahol pa sa hayop ang pakikipag-ugnayan ng lalaki sa lalaki at babae sa babae…” isang suntok na ipinukol ni Manny Pacquiao noon sa LGBT community.
Sa tuwing mapapanood nila ang video ng pahayag ng pambansang kamao sa Youtube, tila inuumbag din niya sila nang bonggang-bongga.
Samantala, noong mga nakaraang taon, sumiklab naman ang isyu ng paggamit ng CR ng isang transgender sa CR na pambabae – isang isyung pagyurak sa karapatan ng isa namang miyembro ng LGBTQ.
Sumasagi tuloy sa kanilang isip kung paano sila tumira sa katahimikan – nakabibinging katahimikan habang ikinukulong ang sariling kalayaan. Kung paanong gustong-gusto nilang gagarin ang kaparalumanan ni Eba. Pinapangarap nilang mahugot sa tadyang ng kapwa nila Adan at tumira sa Eden kasama siya.
Ngunit kasabay ng nais nilang`magpakatotoo ay ang panunuot sa kanilang tainga ng mga malulutong na halakhak at panlalait. Nais ng mga mapanghusga na sapinan nila ang kanilang pagkatao ng maskara – maskarang kumakalaban sa kanilang kalikasan. Datapuwa’t hindi ito nagdudulot sa bawat isa sa kanila ng kasiyahan at kapayapaan ng isipan. Ang pagtangis nila’y kasiyahan ng iba. Tila nilulumpo sila ng samu’t saring panghahamak. Sumpa, imoral, malas, at kahihiyan. Para silang ikinakalog, isinisilid, ibinibitin. Sa kabila nito, pinipilit nilang bumangon, tuyuin ang mga luha at humugot ng panibagong lakas. Ukitin sa kanilang mga kamay ang mga indigo ng mga pangarap at pagpupunyagi. Patingkarin ang mga pinusyaw na mga adhikain. Nais nilang takasan ang mapanudyong mundong iyon at liparin ang mga ulap upang suyurin ang mga hibla nito upang hanapin ang mga sagot sa kanilang mga katanungang waring mga mahihirap na bugtong. “Bakit ganoon ang buhay? Hindi naman namin piniling maging bakla at hiniling sa aming ina na maging ganito habang kami’y nasa kanyang sinapupunan, di ba?” Sa kabila nito, nais nilang hawiin ang madidilim na
Sa paghahanap ng mapangangasawa, ang magulang ng lalaki ay hahanap ng mapapangasawa ng kanilang anak at ang magulang ng lalaki at babae ang maghahanda para sa kasal ng kanilang mga anak. Subalit kahit ang dalawa ay kasal na, Di tulad ng ibang pangkat-etniko o tribo, bawal sa kanila ang mangasawa ng kamag-anak. Kung tutuntunin ng tangway ng Zamboanga ang ugat ng kanilang kultura at kalinangan, maaaninag ito sa mga Subanen – kulturang maipagmamalaki at inaasahang magpagyayaman ng mga makabagong henerasyon bilang makulay na bahagi ng kasaysayan, ngayon at bukas.
Katotohanan. Kamalayan. Kalayaan. Ang mga ito ang tungkulin at karapatan ng pahayagan sa pagsasatinig ng koro ng mga pananaw, opinyon, at hinaing sa mga usaping panlipunan at pambansa.
Sa paggalaw ng kamay at isipan, nagiging instrumento ang pluma sa pagsasakatuparan sa hamon ng tapat na paglilingkod at ng balanse at responsableng pamamahayag.
Sa pagtalima sa tungkulin at karapatang isinusuhay ng R.A. 7079, nagiging behikulo ng katotohanan at boses ng karamihan ang pahayagan.
“Ang pagsisiwalat ng katotohanan sa panahong ito ay isang napakalaking hamon para maitaguyod ang mithiin ng pagbabago,” pagdidiin ni Titser Ronald Randolf Abao, tagapayo ng Ang Diwanag. Kaugnay nito, magtatagisan na naman ang mga kabataang manunulat ng diwa at pananaw sa iba’t ibang isyung panlipunan kung saan nauugnay ang lahat. Isasabuhay nila ang esensiya ng tinta na magsasatitik sa mga kaisipan na magpupunla ng boses ng mga kabataan at magsisilbing liwanag sa mga sulok ng ating lipunan. Sa pansangay at rehiyunal na kompetisyon ng pamamahayag, nakaangkla ito sa tema ngayong taon na “Chartering Truth: Journalism As a Catalyst for Positive Change in the Media Landscape of 2024.”
Samantala, sa minimithing pagbabago, tinta ang nagpapaandar sa makina ng mga mithiin. Ito rin ang nagwawasak sa pader ng panlilinlang, katiwalian at kawalangkatarungan. Kasabay ng pagsibol ng kamalayang panlipunan, ito ang pumupuno sa mga malalaking puwang ng lipunan. Pinapawi ng tinta ang uhaw sa katotohanan. Nagsisilbi rin itong sulo sa madidilim na sulok ng lipunan upang masilayan ang anino ng kabaluktutan.
PSa masalimuot na herarkiya ng lipunan, ang mga titik ng pahayagan ang nagbubukas sa mga nakasarang isipan. Nagiging bantayog ng liwanag ang bawat pagpuna, pagbatikos at pagsiwalat habang hindi natitinag sa mga banta ng paniniil. Hindi nalalagas ang dahon ng laurel at di pumupusyaw ang tingkad ng malayang diwa.
Sa gitna ng mga mapanguyam na bansag sa mga alagad ng pluma – mga heretiko, mga ideyalista, mga aktibista, at iba pa, sadyang patuloy na yumayabong ang mga dogma ng paglilingkod para sa demokratikong karapatan sa pamamahayag. Ang mga mithiin sa pagsulat ay laging pumupugad sa katotohanan at karunungan. Sa pagsasatitik ng tinta, ang tinig ay hindi mananahimik, ang mga mata ay hindi mapipiringan, ang tainga ay hindi matatakpan, ang kamay hindi mapapagal, at ang diwa ay hindi kailanman makikitil. “Ang pagsasatitik ang pagsasaboses ng katotohanan ang tunay na laban ng pahayagan para sa kamalayan ng lipunan,” pagpapaunawa ni Titser Abao. Hindi kailanman mawawala ang tinta, titik at tinig ang buhay ng katotohanan, kamalayan at kalayaan.
agkadaka ng mga paa sa isang pasilyo ng Virginia Elementary School ng Barangay Diwan, alas 10 ng umaga noong Disyembre 15, nasilayan sa mga paslit ang mga ngiting sintingkad ng araw, at sumalubong ang mga mukhang nakapinta ang kamusmusan habang inaaninag ang mga bitbit na kahong binalot ng kalinga.
Tulad ng mga parol tuwing Pasko, kumukuti-kutitap ang mga mata ng mga batang magaaral ng VES dahil dama nilang magiging espesyal ang kanilang araw. Nasanay sila sa isang Paskong pangkaraniwan nilang ipinagdiriwang – payak, salat pero masaya. Lingid sa kanilang kaalaman na ang mga laman ng kahong tangan ng grupo ng Scholars’ High Council ay ang kasiyahang kanilang inaasam-asam. Mababakas sa kanilang mukha ang pagtataka, kasabikan, at munting saya.
“Unsa kaha ng ilang gidala ug kinsa man na sila? (Ano kaya ang dala nila at sino sila?)” mauulinigan sa mga munting boses mula sa kumpol ng mga mag-aaral. Ayon pa sa isang titser
ng VES, tipikal na sa mga bata ang magkaroon ng simpleng Christmas Party sa paaralan, nakatatanggap sila ng regalo mula sa exchanging of gifts ng mga kaklase. Ngunit sa pagkakataong ito, handog ng mga Iska at Isko ang regalong mula sa puso sa layuning ipadama ang diwa ng Pasko.
“Dahil ipinanganak tayo sa komunidad, nararapat lang na magbigay tayo ng pagmamahal pabalik dito”, ani pa ng Scholar’s High Council President ng Philippine Science
high School Zamboanga
Region Campus na si James Montealto, isa sa mga nag-organisa ng ‘Shoe box project’ kung saan ang bawat iskolar ng Philippine Science High School, magbibigay ng isang kahong puno ng mga gamit at pagkaing kakailanganin at magpapasaya ng isang paslit.
Ika-98 na ranggo ang Pilipinas bilang pinakamapagkawanggawa sa mundo
Para naman sa tagapayo ng SHC na si Divineglory Jamin, nakadudulot ng saya sa puso ang proyektong ito ng mga iskolar dahil maraming bata ang napapasaya nito at magiging inspirasyon nila ang pagkakagawanggawa at pagbibigay hindi lang sa Pasko kundi sa panahon ng pangangailangan ng kapwa. Nakakahon man sa simpleng pamumuhay ang mga batang paslit na ito pero darating ang araw na mabubuksan din ito tungo sa oportunidad at mga pangarap para sa kanilang kinabukasan. Ang mga hungkag na kahon ay untiunti itong mapupunan ng kasiyahan at pag-asa. Sa isang kahon, isang araw ang nabuo, isang hiling ang natupad, isang kalinga ang naparamdam.
Nakakahon man sa simpleng pamumuhay ang mga batang paslit na ito pero darating ang araw na mabubuksan din ito tungo sa oportunidad at mga pangarap para sa kanilang kinabukasan. Ang mga hungkag na kahon ay unti-unti itong mapupunan ng kasiyahan at pag-asa.
Kaalamang pang-agham, susi sa kaunlaran ng bayan
Jared John C. Campricio
Ang mga dakilang kaalaman ang siyang kalasag ng kaunlaran ng bayan. Ibinida ng Department of Science and Technology ang taunang Regional Science and Technology Week (RSTW) noong Setyembre 7, kung saan ineksibit ng iba’t ibang ahensiya
kabilang ang Pambansang Mataas na Paaralang Agham ng Pilipinas – Kampus ng Rehiyon ng Zamboanga Peninsula ang ilang inobasyon at imbensiyon.
Naroon naman ang Kids’ Innovation Challenge (KIC) na ginaganap taon-taon sa PIsay na nagtatampok sa mga kakayahan at pagkamalikhain ng mga iskolar sa larangan ng agham at teknolohiya. Tatak din sa Pisay ang Robotics Club na nagbibigay-oportunidad sa mga kabataan na galugarin ang posibilidad ng modernong mundo.
Samantala, tumatatak ng magandang kapakinabangan ang mga siyentipiko at teknolohikal na inobasyon sa larangang ng edukasyon, medikal at pangekonomiya. Pinatutunayan ito ng mga nagtatayugan at malatoreng gusaling itinayo. Mga transportasyon
at kalsadang nagawa. Ekonomiyang umuusad. Pag-agap at lunas sa mga sakit na dahilan ng pagkamatay ay natuklasan. Kalagayan ng panahon, kalamidad at sakuna ay nakikita. Halos lahat ng bagay ay nadadaan na sa isang pindot lang sa pamamagitan ng kompyuter at Internet na itinuturing na superhighway ng modernong mundo. Ang mga human security systems tulad ng mga CCTV camera, cellphone at iba pang gadgets ang nakababawas sa mga hindi nareresolbang krimen sa lipunan. Kaugnay nito, napapanday at naitataguyod ng agham at teknolohiya ang pag-unlad at kagalingan ng buhay ng tao.
Kung tutuusin, ang mga
Bilang mga sundalo ng siyensiya, nasa ating mga kamay nakasalalay ang hindi lang pagpapanday ng kaunlaran ng buhay ng tao kundi ang pangangalaga sa ating kalikasan at mundo.
Copy…10/4
nasabing breakthrough ay mula sa mga dakilang isipan na hinulma ng science clubbing sa paaralan. Sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad na matuto, tumuklas at lumikha ng mga bagay, nagiging pursigido silang malaman ang hindi pa natutuklasan ng tao.
Sa pagyakap natin sa panahon ng teknolohiya, tayo, lalong-lalo na ang mga kabataan ay dapat matanto ang mali nating pag-unawa sa teknolohiya. Kailangan nating makalasagan ng kamalayang mapanagutan at may pagpapahalaga upang mabigyan natin ng positibong aksiyon ang polusyon, global warming, pagbabago ng klima, mga sakunang dulot ng kalikasan, ibang suliraning pangkapaligiran at maging ang mga krimen at kahirapan.
Ang ating kaalaman sa agham ay maaaring magamit bilang epektibong pormula upang resolbahin ang mga suliraning ito. Alalahanin nating ang kaalaman at pagkamalikhain ng tao ay nararapat na nakalilikha at hindi nakasisira. Bilang mga sundalo ng siyensiya, nasa ating mga kamay nakasalalay ang hindi lang pagpapanday ng kaunlaran ng buhay ng tao kundi ang pangangalaga sa ating kalikasan at mundo. Dapat din daw nating likhain ang mas madali, mas mai nam at mas ligtas na sistemang pantao at sa paraang ito, tayo’y magiging tagapagligtas ng ating bayan sa ilalim ng isang modernong mundo.
Samakutuwid, ang ating dakilang isip ang siyang kalasag ng ating bayan. At sa pagsasaalang-alang natin sa kagalingang panlahat, magagawa nating manguna sa makabuluhang pagbabago at progreso.
robots
Summer Alarcon
Tulay ng Komunikasyon, Tagumpay ng Edukasyon
Ano ang iyong nararamdaman kapag biglang nawalan ka ng signal sa iyong cellphone sa gitna ng kagubatan o sa malayong pook? Marahil, naranasan mo na ang pangangalay ng iyong mga daliri sa kakatok o sumisigaw na, “May nakakarinig ba diyan?” Pero, alam mo ba na may isang paraan ng komunikasyon na hindi apektado ng mataas na gusali, malalayong lugar, o kahit na mga pag-asa sa kalikasan? Ito ang mundo na binubukas ng Amateur Radio.
Inilunsad ni Sir Lee Castor (Adviser ng PSHS-ZRC [ZamPisay] Amateur Radio Students Organization Volunteers), ang ideya ng pagtatatag ng isang club. Ang proyektong ito ay nagsimula bilang isang Alternative Learning Activity (ALA), itinaguyod ng mga miyembro ng School Disaster Risk Reduction Management Council (SDRRMC) na nakakakita ng kahalagahan ng two-way radio communication. Sa kanyang paglalakbay bilang isang lisensyadong Amateur Radio Operator, ibinahagi ni Sir Lee, kasama si Sir Rodel Deguinion, ang konsepto ng amateur radio sa mga miyembro ng SDRRMC. Sa pagkilala sa potensyal nito sa larangan ng edukasyon sa agham at teknolohiya, naisipan nilang bumuo ng isang amateur radio club na may mga iskolar bilang mga operator. Ang paglalakbay ay nagsimula sa pangunguna ng mga lingguhang pulong, unti-unting dumarami mula sa 28-30 na iskolar.
Upang maitatag ang klub, layunin ng grupo na makakuha ng 25 na lisensyadong operator. Sa Mayo, sumali sa eksaminasyon ang
10 na miyembro, kung saan 9 sa kanila ang pumasa at naging lisensyado. Ang praktikal na pagsasanay ay kasama ang paggamit ng amateur radio at voice over internet protocol–naguugnay sa buong mundo. Sa susunod na taon, may pagmamalaki ng tinanggap na nila ang titulo na “PSHS-ZRC Amateur Radio Students Organization Volunteers.”
Sa Regional Science and Technology Week (RSTW), ipinakita ng organisasyon ang kanilang kahusayan sa digital amateur radio, kabilang ang Slow Scan Television (SSTV). Aktibong nakikilahok ang mga boluntaryo sa mga klase at pagsusuri para sa nalalapit na pagsusulit ng NTC sa Mayo 2024.
Sa harap ng mga pagsubok tulad ng paglaan ng oras para sa mga mag-aaral ng ika-11 baitang at kakulangan ng sariling kagamitan ng mga lisensyadong iskolar, itinutok ni Sir Lee na ang pangunahing layunin ay ang akademikong tagumpay. Kabilang sa mga hindi malilimutang sandali ang kaligayahan sa pagtanggap ng resulta ng pagsusulit noong Agosto 2023.
Ayon kay Andrea Kate Quinte, (Auditor Amateur Radio Students Organization PSHSZRC), isang mag-aaral sa ika-11 baitang, ay naglalarawan ng isang simpleng kaalaman ukol sa amateur radio bago sumali. Ang kanyang pagsali ay naging pagkakataon upang mapabuti ang kanyang kasanayan sa komunikasyon, at ngayon, iniuugma niya ito sa saya at kaalaman. Kabilang sa mga kanyang masasayang alaala ay ang Panagsangka 2024 at ang kakaibang saya sa unang pag-uusap gamit ang radyo. Bagamat nagdulot ng takot noong una, nagtagumpay si Andrea sa pagsusulit at ngayon ay lisensyado na: “Masaya ito, makatuto ka ng maraming bagay, at may lisensya ka pa!” Sa ilalim ng gabay ni Sir Lee, ang PSHSZRC Amateur Radio Students Organization ay nagpapakita ng determinasyon sa larangan ng edukasyon at teknolohiya. Habang nagsusumikap silang mapuno ang 25 na lisensyadong operator, ang organisasyon ay naging inspirasyon para sa mga mag-aaral na nagnanais ng makabuluhang komunikasyon, innovation, at teknikal na pagsusuri.
“Think before you click!”
indi karaniwan ang pag-iisip ng mga iskolar ng bayan. Subalit sa gitna ng mundo ng social media, nagagamit ba ito upang kakitaan ng mapanagutang klik?
Gabriel Dominic B. Bobita Maituturing na mahalaga ang internet at social media sa panahon ngayon. Napapadali nito ang mga bagay na noon ay mahirap upang kahit papaano ay maibsan ang hirap ng paghahanap ng impormasyong ukol sa pag-aaral. Araw-araw nasa 78% ng mga mag-aaral ng PSHS-ZRC ang nakalogin online, connected
kaya’t
na nakasalalay sa isang tao ang desisyon upang maipakita na siya ay responsable.
Kaugnay nito, uso ngayon ang samu’t saring gawaing nakapagpapasaya habang nakasasakit naman sa ibang tao. Kasabay naman sa mga ito ay ang mga sites na puno ng kabastusan at kadalasan ay nagdudulot ng hindi magandang impluwensya para sa mga bata at medor de edad.
Una, karamihan sa mga social media platforms ay ginagamit na bilang lugar kung saan maaring mag-advertise, mag-socialize at makipaghalubilo sa kahit sinumang tao sa paraang madali at epektibo. Subalit, kadalasang konteksto ng mga ito ay masasama. Halimbawa, pag-babash ng isang tao at hindi hamak na talagang talamak anng cyberbullying lalo na sa mga menor de edad. Pangalawa , mayroong mga websites online na hindi mapagkakatiwalaan at kalimitan, hindi naman nararapat at kaayaaya ang konteksto tulad ng porn sites at iba pa. Ibang uri ng suliranin ang hatid ng mga websites na ito dahil hindi ito basta-basta lamang natatanggal o nabubura samantalang nag-iiwan ng masamang epekto sa mga nakapupunta rito. Kaya, paalala at payo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybersecurity Bureau at ng Bagong Pilipinas ngayong Pebrero bilang Safer Internet Month na palagiang itsek ang URL, iwasan ang mga online ads na siyang naghahatid ng malware at fake websites, gumamit ng mga complex at unikong passwords, iwasan ang pagklik sa mga kahina-hinalang links, gamitin ang pagbabayad sa seguradong online payment, magkonek sa mapagkakatiwalaang networks, at gamitin ang mga secured apps. Sa mundoong sa isang klik, kuha na ang lahat, mahirap iwasan ang mga masasamang impluwensiya. Kaya kailangan nating linangin ang pagiging responsableng internet user at ang pagtataglay ng mapanagutang klik upang maipakita ang tunay
emosyonal
ng isang iskolar. Well-rounded
kalinangang pisikal,
iskolar, mula
pag-aasal.
natin ang tama at mali at sapat na ang ating kaalaman upang maiwasan ang mga masasamang impluwensiya at epekto ng irresponsableng paggamit ng social media. Bawat klik, dapat mapagmatyag at may kaalaman sa kinakailangang gawin upang maging ligtas at maipamalas ang mapanagutang klik ng isang iskolar ng bayan.
Sardinella lemuru, umuusbong na marine microplastic pollution ng Dipolog ayon sa mag-aaral-mananaliksik ng ZamPisay
Itinuturing na “Bottled Sardines capital of the Philippines”, ang Lungsod ng Dipolog na tahanan ng iba’t ibang aquatic species na hindi pa nasusuri. Ang Sardinella, na mas kilala bilang “Tuloy” sa lokal na lugar, ay isang mahalagang yaman sa industriya ng dagat sa Lungsod ng Dipolog. Subalit, lumalawak na problema ng environmental microdebris contamination sa pamamagitan ng pagtukoy ng microdebris particle sa Sardinella na ibinebenta sa Dipolog Fish Port at Galas Feeder Port at maaaring nakain ito ng mga bumili.
Ayon sa mga iskolar sa baitang 12 na sina Renz Nathaniel B. Luyao, Rio Victor C. Martinez, at Zen T. Estillore, mga mananaliksik, hindi ito ligtas na makakain dahil kung ito’y makonsumo, maaaring makaranas ng oxidative stress o mayroong labis na mga libreng radikal sa mga selula ng katawan, cytotoxicity o ang proseso na maaaring makapinsala sa mga selula o maging sanhi ng kanilang pagkamatay, neurotoxicity o pinsala sa utak o peripheral nervous system na dulot ng pagkakalantad sa natural o gawa ng tao na mga nakakalason na sangkap, pagkagambala sa immune system, at paglipat ng mga mikroplastik sa ibang mga tisyu pagkatapos na malantad sa kanila.
Kawalan ng Sanitasyon: Sanhi ng presensiya ng microplastik
Samantalang umuusbong na ang supply ng Sardinas sa lungsod ng Dipolog, ang sanitasyon ng tubig-dagat na nakapalibot sa baybayin ay isang napapabayaang isyu, na maaaring maging sanhi ng presensya ng mikroplastik sa Sardinella. Palibhasa’y laganap na isyu ang pagtatapon ng basura sa lungsod, lalo na malapit sa food park, kung saan ang drainage
ay direktang humahantong sa bukas na baybayin. Bunsod nito, Maraming mga species ng isda sa baybayin ang sinisiyasat para sa pagkonsumo ng microdebris.
Bunsod nito, ang mga mikroplastik ay lubhang paulit-ulit, na nangangahulugang halos imposibleng alisin ang mga ito mula sa kapaligiran kung saan sila’y naipon. Marahil sa kanilang pagtitiyaga at mga kemikal na gawa sa mga ito, iminumungkahi ng mga pag-aaral na maaari silang maging lubhang nakapipinsala sa mga organismo na nakakasalamuha nila, kabilang ang sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagbawas sa pagpapakain, pagkalason at pagtaas ng dami ng namamatay.
Samakatuwid, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang visual na pagsusuri ng mga nilalaman ng bituka ng isda gamit ang panunaw sa pamamagitan ng mga kemikal, pagsasala, at mikroskopikong pagsusuri. May kabuuang 182 microdebris particle ang nakolekta, kabilang ang mga pellets, fibers, microbeads, films, fragment, at foams. Sa kabilang dako, ang mga nakolektang bituka ay hinukay sa isang KOH(Potassium Hydroxide) solution at sinala para sa visual analysis. Sa katunayan, ang mga resulta ng pagaaral na ito ay nagpapakita ng dalas ng
Niunanggapoy, ikinagalak ang pagpapakawala ng 91 batang pawikan sa Dipolog Bouvelard
Mariing ikinatuwa ng Niunanggapoy, isang samahan ng mga iskolar na isa sa mga adbokasiya ang nagtataguyod sa pangangalaga sa hayop ang pagpapakawala sa siyamnapu’t isang batang pawikan (sea turtle hatchlings) sa dagat, Pebrero 5, ika-5:00 ng hapon sa Dipolog Boulevard.
microdebris sa marine environment at ang potensyal para sa mga marine organism na makain ang mga particle na ito. Itinatampok ng mga natuklasang ito ang pangangailangan para sa mas malaking pagsisikap na bawasan ang polusyon ng microdebris at protektahan ang mga marine ecosystem.
Pagkain ng microdebris
Palibhasa’y patuloy na tinatakpan ng mga dumi ng karagatan ang mga tubig ng ating mundo, mas malamang na makakain ng mga microdebris ang mga marine organism. Kamakailan lamang ay napag-alaman ng mga siyentipiko at ng publiko ang partikular na matinding nakakalat na mga piraso ng microdebris mula 1 hanggang 5mm. Samantalang mga sukat na 2.5mm ang pinakamadalas sa mga tuntunin ng laki ng butil. Kaya’t mga fragment na may sukat na halos 1.5mm ay ang pinakamadalas na particle na matatagpuan sa Sardinella mula sa Dipolog City Fishport. Binubuo ng mga fragment ang 58.8% ng kabuuang bilang ng microdebris ng mga sample na kinuha mula sa Galas Feeder Port na sinundan ng Fiber (18.6%), Film (13.7%), at Pellet (8.8%).
Sakasalukuyan, ang paghahanap
Pinangunahan ang naturang pagpapakawala ng mga nasabing pawikan nina Mayor Darel Dexter T. Uy, Vice Mayor Atty. Senen O. Angeles, ilang mga city councilors, at Mr. Jim Montejar, Coastal Resources Management Unit Chief, sa DENRCENRO, Manukan.
“Hinhikayat namin ang mga mamamayan ng Dipolog na kung sakaling may Makita silag mga itlog ng pawikan, huwag itong kunin sa halip, ipagbigay-alam ito sa DENR-CENRO para sa tamang hakbang na gagawain para dito,” wika ni Mayor Uy.
Ang naturang mga batang pawikan ay galing sa “Olive Ridley” na uri na itinuturing na endangered species kaya pinoproktehan at mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaang lokal ng Dipolog ang paghuli at pagpinsala sa mga ito.
“Binibigyang-pugay po naming ang lokal na pamahalaan ng Dipolog sa pagtataguyod ng ganitong hakbang na siyang maging huwaran ng mga kabataang katulad namin sa pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga hayop at kapaligiran na bahagi ng ating mundong ginagalawan,” pahayag ng pangulo ng Niunanggapoy, Bonn Camilo M. Piezas.
Samantala, ang mga naturang pawikan na pinakawalan ay ibang grupo ng mga pawikan bukod sa 118 pinakawalang pawikan noong Enero 15.
na ito ay partikular na may kinalaman dahil ang Sardinella ay isang mahalagang bahagi ng mapagmahal na ecosystem at nagsisilbing pangunahing mapagkukunan ng pagkain para sa maraming mga marine species, Ipinapakita ng mga resulta na ang 55% ng bilang ng microdebris sa aming pag-aaral ay binubuo ng mga fragment. Dahil dito, ang paghahambing sa kabuuang microdebris na nakolekta mula sa dalawang site ay bumubuo ng kabuuang 182 microdebris.
Kontribusyon ng Pananaliksik
Subalit pagkatuklas ng microdebris particle sa Sardinella ay nagbigay-pansin sa lumalaking isyu ng environmental microdebris contamination na ibinebenta sa Dipolog Fish Port at Galas Feeder Port. Ang hinaharap na pananaliksik sa mga epekto ng microdebris contamination sa marine ecosystem at kalusugan ng tao ay maaaring gumamit ng mga natuklasan ng pag-aaral na ito bilang baseline. Ito’y patuloy na maging babala sa lahat na ang mikroplastik ay hindi pwedeng magwalang-bahala dahil kahit ito’y maliit, ito’y may malaking salik sa ating mas malinis at malusog na kapaligiran para sa kasalukuyan at sa hinaharap na henerasyon.
ito, lalong lalo na sa kabuhayan ng mga apektadong driver at operator. Isa na rito ang mataas na presyo ng mga modernong unit ng jeepney na nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso pataas na siyang pangunahing aray ng mga nasa sektor. Tila hindi praktikal ang paggastos ng ganito kalaking halaga lalong lalo na sa kakarampot na kinikita ng mga tsuper sa pangaraw-araw na pamamasada.
Kasabay rin nito, inaasahan din ang pagtaas ng mga pamasahe sa jeepney bunsod ng mataas na presyo ng mga makabagong unit at sa pagpapatakbo ng mga ito. Malaking kawalan din ito para sa mga komyuter na tumatangkilik sa mga dyip bilang murang paraan ng transportasyon lalong lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Dagdag pa rito, hindi rin natin masisiguro na patuloy na matutustusan ng pamahalaan ang tulong pinansiyal nito para
Walang pag-uunlad ang mangyayari kung walang teknolohiya. Walang buhay ang mananatili kung walang agrikultura. Dalawang larangan na iba-iba ang ginagampanan pero tila ba’y iisa lang ang tungkulin at ito ay pag-unlarin ang buhay ng sambayanan.
Ika-siyam na araw ng Enero sa kasalukuyang taon, nakatanggap ang iilan sa napiling magsasaka ng pitong makinarya mula sa Dipolog Communal System-Agrarian Reform Communities Service Provider (DCS-ARCSP). Nagpasalamat ang mga tumanggap sa mga makinarya dahil malaking tulong ito upang mapadali ang kanilang araw-araw na hanap-buhay. Sa ganitong kaalaman lamang, nabibigyan liwanag ang tungkulin ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa.
“Nagpapasalamat kami sa malaking tulong na handog ng Agrarian Reform Communities Project II – Performance Based Grant System (ARCPII-PBGS) sa ating mga magsasaka na nangangailangan ng mga kagamitan para pagpapaunlad ng kanilang sakahan,” ani DCS-ARCSP prseident Mr. Albert Dinaga na recipient ng mga naturang makinarya.
Klase-klase ang makinaryang inihandog sa DCS-ARCSP sa kaganapan na nabanggit. May tractor, harvester, rice reapers, irrigation pumps, at hindi lamang dito nagtatapos ang listahan ng mga makinarya na napapakinabangan sa larangan ng agrikultura. Maraming pakinabang ang teknolohiya sa agrikultura, sapagkat nadadagdagan pa ng panahon ang mabisang inobasyon na magagamit sa pagsasaka. Sa kasalukuyan, ginagamit na ang digitalization sa agrikultura ng Pilipinas upang mas mapadali ang trabaho ng mga magsasaka kung isasaalang-alang ang pananalig ng mga Pilipino sa pagsasaka para sa pagkain at kita. Ayon sa isang pag-aaral mula sa “The Journal of the Korean Society of Integrated Agriculture,” halos kalahati (44%) ng Pilipinong magsasaka, na kanilang napakanayam , ang naniniwalang mas mainam ang paggamit ng mga makinarya sa kanilang pagsasaka, habang ang iba naman ay naniwalang magagamit lamang ang mga ito sa malalaking sakahan. Naniwala rin ang karamihan (65%) sa resipiyente na mas napapadali ng makinarya ang gawain kumpara sa manwal
ZaNorte, ipatutupad ang whole-of-nation’ approach laban El Niño
Marjoe Isaiah J. Suganob
Bunsod ng ipinahayag ng Task Force El Niño ng Zamboanga del Norte noong Mayo 2023 tungkol sa pagtama ng El Niño sa probinsya at ng magiging dulot nito sa mga mamamayan, nagsasagwa ngayon pamahaalang lokal ng provincewide mobilization bilang bahagi ng ‘whole-of-nation’ approach para paghandaan ang paparating na penomenon.
Kabilang sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan ng Zamboanga del Norte alinsunod sa Memorandum No. 38, series of 2019, ang pamamahagi ng mga pamamahagi ng climateresilient crop seeds at paghihikayat sa mga residente na mag-imbak ng pagkain, magtipid ng tubig, at maging pamilyar sa mga potensyal na epekto ng mahabang panahon ng tag-init.
“Our focus is on securing an ample water supply and bolstering food production, recognizing their critical importance during the approaching El Niño months,” saad ng executive director of the Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Zanorte Atty. Uldarico Mejorada II.
Idniin din ni Mejorada ang bigat ng sitwasyon habang ibinahagi ang warnings mula sa Office of the Civil Defense (OCD) na ang Zamboanga del Norte ay maaaring makararanas ng mga pinakamalalang epekto ng El Niño sa loob ng Zamboanga Peninsula.
“This is urgent, we have to start preparing now. Rainfall is getting scarce and the Dipolog City and Dapitan areas are constantly among the places with dangerous levels of the heat index,” dagdag pa ng executive director ng PDRRMC ng Zanorte. Nanawagan si Mejorada sa mga lokal na pamahalaan at mga treated water producers sa probinsya na makiisa at umayon sa sistematikong paraan ng pamamahala ng sa Mejorada called on all local governments and treated water producers in the province to collaborate water treatment, distribution, at conservation tulad ng ginagawa ng Lunsod Dapitan. “The heat we are experiencing now in Zamboanga del Norte is much worse than before, and the worst is yet to come,” sabi ni Atty. Mejorada. Matatandaang, nakatala ang PAGASA sa mga lugar na nakararanas ng “danger” heat index na pumalo mula 42 hanggang 47 degrees Celsius noong Mayo 14, 2023 partikula ang Dipolog na nagtala ng pinakamataas na heat index sa ika-3:00 ng hapon.
Aghamentaryo
Jared John C. Campricio
Dagdagan, hindi tapyasan. Ito ang siyang punong layunin ng pagbabago para sa kabuhayan ng bawat isa upang makamit ang kaginhawaan sa ating pamayanan. Ngunit paano natin maitutulay ang ating mga sarili tungo sa mithiing kaunlaran kung sa progresong ito ay marami ang napag-iiwanan at napeperwisyo ang pamumuhay?
sa downpayment ng sasakyan para sa libo-libong jeepney driver at operator sa buong bansa. Kung sakaling man na mapagpapatuloy nila ito, milyunmilyong utang at hulug-hulugan pa rin ang kakaharapin ng mga nasa sektor sa pagbili ng mga bagong unit na ito - siyang dagdag na pasanin lamang sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tsuper.
Bilang mga kasapi ng ating pamayanan, paano natin masisigurong ang pagbabago ng ating mga pampublikong transportasyon ay tiyak na magpapaunlad sa ating komunidad at kasabay nito ay bukas at benepisyal sa panig ng mga komyuter at tsuper?
Unang una sa lahat, kinakailangan masiguro ng pamahalaan na ang pagpapaunlad ng sistema ng jeepney transportation ay mabusisi upang masiguro ang banayad at paunti-unting pagbabago at nang hindi mabigla ang bawat panig at mabigyan ng mas mahabang oras ang mga operator at tsuper na makapaghanda sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito. Kasabay nito, mainam din na
lumikha ng plano kaugnay ang iba’t ibang sektor sa paghahatid ng mga bago at alternatibong kabuhayan para sa mga jeepney driver na maapektuhan at maaaring mawalan ng trabaho buhat ng pagbabagong ito. Sa gawing ito, masisiguro natin kahit papaano ay mairaraos ng tsuper ang kanilang pamilya at kabuhayan sa kabila ng nagbabadyang phaseout.
Sa kabilang dako, maigi rin na siyasatin natin ang sektor ng modernisadong transportasyon sa pamamagitan ng paglalapat ng Science at Engineering upang makalikha ng mas murang alternatibo sa mga nagmamahalang imported na modern jeepneys. Isa na sa mga halimbawa nito ang Sarao at Franciso Motors sa kanilang pananaliksik ng mas mura at maiging lokal na disenyo. Hindi lang nito pinababa ang gastos, pinaiigting din nito ang pagtangkilik sa sariling atin at pagpapaunlad sa papel na agham sa iba’t ibang larangan. Higit sa lahat, bilang mga mamamayan, kinakailangan natin maging mapanuri at siyasatin ang bawat hakbang na ating tinatahak sa pagkamit ng ating mithiing pagbabago nang masiguro natin na ito ay maghahatid ng kaunlaran para sa bawat isa at hindi maging tapyas sa ating kabuhayan.
“Siyensiya’y sandigan ng maunlad na bayan”.
Patunay ang lirikong ito mula sa himno ng Department of Science and Technology o DOST ang kahalagahan ng paghuhubog sa papel ng agham at teknolohiya bilang pundasyon sa paglago ng ating lipunan.
Ngunit, tila taliwas dito ang ipinakikita ng pamahalaan nang lumabas sa 2024 National Expenditure Program ng Department of Budget Management o DBM ang pagtapyas ng mahigit kumulang 300 Milyong Piso mula sa badyet ng Philippine Science High School System o PSHSS, ang nangungunang sekundaryang paaralang pang-agham at teknolohiya sa bansa.
Kung tunay nga ang ating mithiing pag-asenso sa ating bansa, nararapat lamang na tanawin natin at bigyang halaga ang papel ng siyensya sa ating lipunan hindi lamang sa mga salita kundi sa pagpapaunlad at paglinang ng ating kaalaman dito sa pamamagitan ng edukasyon.
Walang sinuman ang makapagsasabi na walang kabuluhang hatid ang agham at teknolohiya sa ating lipunan. Makikita natin, sa kaliwa’t kanan, ang dala nitong pagbabago sa pamumuhay ng bawat isa sa mundo. Tulad na lamang ng mga kompyuter at telepono na siyang nagpapaunlad sa ating pamamaraan ng komunikasyon at pagpapalaganap ng impormasyon. Idagdag pa natin dito ang papel nito sa larangang medisina, lalong lalo na nitong nagdaang pandemya sa SARS-CoV-2, kung saan ito ay nakatulong sa paglikha ng mga gamot at bakuna upang masugpo ang iba’t ibang uri ng sakit.
Ilan lamang ito sa patunay na malaki ang gampanin ng siyensya sa ating lipunan, at ang mga ito ay hindi nagmula sa kung saan lamang; ito ay produkto ng karunungan ng mga eksperto mula sa kanilang edukasyon at pagkatuto sa agham - ang pangunahing layunin na nais ipabatid ng PSHSS sa mga iskolar nito.
Instrumento ang edukasyong Science, Technology, Engineering and Mathematics o STEM sa paghubog ng abilidad ng mga mag-aaral sa siyensiya at teknolohiya. Sa pamamagitan nito, nahahasa natin ang kanilang kritikal at malikhaing pag-iisip na siyang tumutulong sa kanilang lumutas ng mga problema sa loob o sa labas man ng silidaralan. Kasabay nito, nakalilikha rin tayo ng bagong henerasyon at puwersa ng mga siyentista at ekspertong may husay at kakayahang magsulong ng pagbabago sa agham at teknolohiya para sa ating lipunan. Mahalaga ito upang matugunan ang kakulangan ng mga siyentista sa Pilipinas
na kung saan mayroon lamang 189 na eksperto sa agham sa kada 1 milyong populasyon, higit na mababa sa pamantayang internasyonal na 380, lumalabas sa pagsusuri ng United Nations Education, Scientific, and Cultural Organization. Sa pamamagitan nito, nasisiguro nating matatag ang hinaharap ng ating bansa sa tulong ng kabataang may tagis at talino sa agham at teknolohiya - siyang susi sa ating kasaganaan. Sa ganang ito, bilang mga mamamayan at higit sa lahat, bilang mga mag-aaral at iskolar ng bayan, paano natin lubusang mapaiigting ang kaunlaran ng edukasyong STEM at ang tulong na hatid nito sa ating bansa at lipunan?
Unang una sa lahat, ang pagpapaigting ng suporta ng ating pamahalaan sa iba’t ibang kagawaran at ahensiyang pang-agham at teknolohiya ay kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan at pagunlad nito. Kung tunay ngang kaunlaran ang adhikain ng ating gobyerno dito, hindi dapat pagtabas ng pondo ang hakbang na dapat tahakin nito, kundi ang pagbibigay ng walang humpay na suporta at pagpapalawig sa larangan siyensiya sa bansa. Sa kabilang dako, malaki rin ang tungkulin ng mga guro sa paghubog sa kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa siyensiya at teknolohiya. Sa tulong ng kanilang gabay at mga estratehiya sa pagtuturo, maiging nalilinang ng mga mag-aaral ang mga makabago at kritikal na pagiisip na kinakailangan sa larangan ng agham.
Kasabay nito, malaki rin ang gampanin ng mga siyentipiko at eksperto sa akademya at industriya upang mapalawak ang ating karunungan sa agham at teknolohiya. Dagdag pa rito, sila rin ang tumatayong inspirasyon para sa mga kabataan upang tahakin ang larangan ng STEM. Sa pamamagitan nito, mas maraming mag-aaral ang maeengganyo at magpupursigi sa larangan ng agham. Higit sa lahat, nasa ating mga kamay pa rin bilang mga iskolar at mag-aaral nakasalalay kung paano natin mailalapat ang mga kadalubhasaan at edukasyong ating nalinang sa silid aralan. Sa pamamagitan ng ating kaalaman sa larangan ng STEM at patuloy na pagkatuto, maihahatid natin ang ating serbisyo sa masa bilang puwersa ng progreso. Nawa’y
ating isapuso at isaisip na ang pag-abot sa mithiing kaunlaran at kasaganaan ng ating bayan ay nakasalalay sa galing at talino ng bawat kasapi nito. Sa pagkamit ng ating layuning dakila, ating ipagkapuri at magkaisa sa pamamagitan ng walang humpay na suporta sa puwersang lakip ng edukasyong pang-agham, siyang sa kaunlaran ng ating bansa.
Sa pamamagitan ng ating kaalaman sa larangan ng STEM at patuloy na pagkatuto, maihahatid natin ang ating serbisyo sa masa bilang puwersa ng progreso.
Larawan mula sa https://www.europeanscientist.com/en/features/progress-in-science-progress-in-society/
uno ng pangamba ang bawat sulok ng mundo nang mag-iwan ng marka ang kinatatakutang pandemyang COVID 19. Sa pag-usbong ng bagong kaayusan, maibabalik pa kaya ang dating nakagawian na binura ng pandemya?
Bawat hakbang natin ngayon, nakakakabit ang tinatawag na protocols at sa bawat emerhensiya, kailangan ang pagtugon nang walang pag-aalinlangan.
Sa kabutihang palad, nariyan
Sa bawat kaganapan ng Philippine Science High School Zamboanga Region Campus (PSHS – ZRC), hindi nawawala ang mga boluntaryo ng Red Cross Youth (RCY). Handang umalalay sa anumang bagay, mapasakit man ng ulo o katawan, sila’y nariyan lamang.
Isang daan at tatlumpu’t walong iskolar o 88 bahagdan ang mulat sa kahalagahan
ang mga kamay ng Red Cross Youth upang umagapay.
Sa bawat kaganapan ng Philippine Science High School Zamboanga Region Campus (PSHS – ZRC), hindi nawawala ang mga boluntaryo ng Red Cross Youth (RCY). Handang umalalay sa anumang bagay, mapasakit man ng ulo o katawan, sila’y nariyan lamang.
“Mabilis ang kanilang response at palagi nilang ineensure ang safety ng pangkalahatan”, ani ng isang iskolar ng PSHS – ZRC.
Taong 2022 ng Setyembre 19 nabuo ang organisasyon ng Red cross Youth ng PSHS – ZRC, sa ilalim ng pangangalaga ni Nurse Elnora May L. Enero. Nung una, pinuntahan ng Chapter President ng Red Cross ng Dipolog ang kampus ng ZRC upang imbitahan ang paralang ito na sa pagsasanay para sa mga empleyado’t mag-aaaral. Kalaunan, upang tuluyang maitatag ang organisasyon na ito sa paaralan, nagsagawa ng pagsasanay ng ‘Emergency First Aid’.
Nasundan pa ng panibagong pagsasanay ng ‘Leadership Training’ ang RCY nitong Desemybre taong 2022. Dito, nasanay ang mga iskolar ng mga kakailanganan nila
ukol sa data privacy upang malaman ang mga limitasyon at karapatan ng bawat indibidwal sa pagkakaroon ng access at pagbibigay ng impormasyon na maaaring gamitin ng ibang tao laban sa iyo. “Mahalaga ang ang kamalayan sa kahalagahan ng data privacy sa pagbabahagi at pagtanggap ng data o impormasyon sa anumang platform para maiwasan
sa pag-agapay. Bitbit ang mga bagong kaalaman, dahan-dahang nanguna ang mga boluntaryo ng RCY sa pagsulong tungo sa mas ligtas na mundo. Sa pagsagawa ng Earthquake Drill nitong ika-23 Nobyembre, 2023 nagkalat ng kaalaman ang mga boluntaryo ng RCY. Pinangunahan ng mga ito ang pag-ensayo ng mga kakailanganing hakbang sa oras ng lindol upang laging handa ang PSHS – ZRC. Sa ibang kaganapan naman, kagaya nitong katatapos lamang na Panagsangka 2024, kung saan nagdiwang ang kampus ng ika-siyam na anibersaryong ito, nakahanda ang mga first aid kit ng bawat grupo ng boluntaryo ng RCY. Samantala, nagkamit naman ng mga parangal ang organisasyon sa pangalawang taon nito mula nang maitayo. Nagawaran sila ng parangal ng ‘Biggest Council of the Year’ at ‘School Council of the Year’ nitong ika-20 ng Disyembre, 2023.
“Proud. Super proud. Lahat ng achievement nila are more on documentations and reports, which were gladly complied by the officers, ‘yun yung nakapagpalaki ng factor na kaya nakamit namin ang mga awards na ito”, ani ng adviser ng Red Cross Youth na si Nurse Enero.
Sa pag-abot ng kamay ng mga mumunting boluntaryo ng organisasyon ng Red Cross Youth, unti-unting kumukupas ang takot ng mga iskolar. Sa paglisan ng bagong normal, napalitan ito ng pagasa’t katiyakan. Sa pag-agapay ng RCY sa Pisay, ang pagkamit ng dating normal, magtatagumpay.
diskriminasyon, pambubully o pagnanakaw ng pagkakakilanlan o identify theft na pwedeng magresulta ng pagpapanggap,” pahayag ni Shimeka Silva, iskolar ng Baitang 9.
Edzia Elmz D. Agpasa
“Lagi pa ring isuot ang face mask!” Ito ang mariing paalala ng school nurse ng Philippine Science High School Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) na si Elnora Enero na kahit na nagsusumikap na mapanatili ang kaligtasan ng mga magaaral sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols, lumilitaw pa rin ang pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit na mag-aaral kaya payo niya na ugaliing magsuot ng face mask ang mga may sintomas ng flu o wala, upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa paligid.
a kinakaharap na hamon at pakikibaka ng mga iskolar ng PISAY, karaniwan na sa kanila ang masadlak sa tinatawag na depresyon na dulot ng academic stress, cramming sa mga exams, paghabol sa mga deadlines, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng substandard grades na mitsa sa kanilang scholarship.
“Nakakapressure talaga ang pagiging iskolar ko sa Philippine Science High School. Mataas ang expectations ng lahat ng mga taong kilala ko dahil nga matalino ako kaya natatakot ako na manghinayang ang mga taong nasa aking paligid. Isang maling galaw ko lang, maaaring maglalaho na ang lahat. Pinapahalagahan ko ang opinyon ng ibang tao. Sa tuwing nakakakuha ako ng mababang iskor sa mga assessments, nalulungkot ako at natatakot na baka pagalitan ako ng aking magulang,” saad ng isang iskolar ng baitang siyam na si Keefe Renz Jandug.
Kaugnay nito, lumabas sa isang pag-aaral na isinagawa ng Philippine One Health University Network at Southeast Asian One Health University Network noong Agosto 2020 na 19 porsyento sa mga mag-aaral na Pilipino ang nakaranas ng mataas na antas ng stress, 22 porsyento naman ang umaming nagkaroon ng sintomas ng depresyon, samantalang 26 porsyento ang nahihirapang maharap at makayanan ang epekto ng pandemya. Isang malinaw na nakababahalang indikasyon ito na nalalagay sa alanganin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan sa pagkakaroon ng stress, depresyon, at pagkabalisa.
Ano ba ang ating magagawa upang matulungan ang ating mga kabataan na malagpasan ang malaking hamong ito?
Malaki ang papel na ginagampanan ng tahanan, paaralan at komunidad sa pagpapanatili sa kaligtasan at kalusugang pangkaisipan ng kabataan. Samakatuwid, mahalaga ang suporta ng pamilya upang maramdaman ng mga kabataan na may gumagabay at umaagapay sa kanila upang maharap ang mahirap na sitwasyong dulot ng pandemya lalong-lalo na sa biglaang pagbabago ng sistema ng edukasyon – mula modular at online platforms patungong face-to-face na naman kung saan maraming learning gaps ang kanilang kinahaharap.
Sa kabilang dako, saklaw rin ng paaralan ang kagalingan ng bawat mag-aaral. Mahalaga ring maipaunawa ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral ang tunay na aral ng sitwasyong kinapapalooban natin ngayon – ang sariling katatagan at pag-asa na malalagpasan din natin ang unos na ito na sumubok sa ating talino, isip at kamalayan. Konsiderasyon, pag-unawa at malasakit ang kailangan nila sa gitna ng hamong pinansyal, emosyonal, kawalan ng kagamitan sa pag-aaral tulad ng laptop, internet at cellphone at ang tambak na mga modyul at pagtataya na dumaragdag sa kanilang pasanin araw-araw.
“Nakaramdam na ako ng depresyon simula nung ako ay natanggap sa Pisay. Kahit binigay ko na ang lahat ng lakas ko, nagpuyat na ako, at minsan ay hindi na ako kumakain para lang makapag-aral para sa mga pagsusulit, hindi ko pa rin magawa ang makakuha ng perpektong iskor. Sasabihin ng iba na napakaarte ko kasi nalulungkot ako pero mataas naman ang iskor na nakuha ko. Sa totoo lang, ginagawa ko talagang ipressure ang aking sarili para maiwasan ang aking sarili na mapahiya. Ang iniisip ko ay kailangan kong mabuhay sa paraang gusto akong mabuhay ng iba. Gusto kong hindi pansinin ang opinyon ng iba pero hindi ko ito magawa,” pagtatapat pa ng isang iskolar.
Kaugnay nito, isinusulong ngayon ng Youth Mental for Health (Y4MH) ang paglayo sa kabataan sa karimlang bumabalot sa kanila sa kasalukuyan at ang pagtataguyod sa isang petisyon na magpalabas ng Memorandum Order na magpapatupad ng mga hakbang na magbibigay ng pansin sa mga isyung akademiko, pinansyal, pisikal, at mental stress na nararanasan ng mga kabataan. Panawagan ito ng mga kabataan na tingan din hindi lang ang kanilang akademikong performans kundi pati na rin ang kanilang kinakaharap na problema ukol sa mahinang internet, kawalan ng kagamitang panteknolohiya, hindi kaayaayang kapaligiran ng pagkatuto, pisikal, pangkaisipan at pinansyal na stress mula sa pamilya at paaralan. Ayon naman sa World Health Organization na walang kalusugan kung walang kalusugang pangkaisipan. Sa ganang ito, isa ngang napakalaking hamong hindi madaling mapagtatagumpayan ang pagsasaalang-alang kaligtasan at kalusugan pangkaisipan ng kabataan. Subalit, maisaalang-alang lamang natin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan kung kapit-kamay nating ang ating atensyon para labanan ang sanhi at dulot na banta at kapahamakan ng depresyon.
Kaso ng mga nagkakasakit na mga iskolar mula noong nakaraang taon tulad ng flu, sakit sa tiyan, pagtatae, sakit sa ulo, allergies, problema sa ngipin o gums, sore eyes, at varicella infection sa PSHS-ZRC.
Sa katunayan, nakapagtala ang paaralan ng 606 na kaso ng mga nagkakasakit na mga iskolar mula noong nakaraang taon tulad ng flu, sakit sa tiyan, pagtatae, sakit sa ulo, allergies, problema sa ngipin o gums, sore eyes, at varicella infection.
“Kahit nasa post-pandemic na tayo, mabuti pa ring nakasisiguro tayong ligtas at iwas sakit,” saad pa niya.
Ibinagi rin ng school nurse na mas marami ang mga iskolar na bumibisita sa clinic dahil sa flu kaysa sa iba pang sakit kaya iginiit niyang magsuot ng facemask lagi ang mga ito, sa labas o loob man ng silid-aralan dahil may mga virus daw na hindi nakikita na pakalat-kalat lang sa paligid.
“Kailangan din nating maghugas lagi ng kamay at panatilihing malinis ang ating katawan. Kung may ubo man o sipon, ugaliing magtakip ng bibig sa tuwing uubo o babahing, upang maiwasan natin ang pagkalat ng mga virus. Kumain din ng tatlong beses sa isang araw, sa tamang oras, at huwag magpapalipas ng gutom upang lumakas ang ating resistensya,” payo pa ni nurse Enero.
Idiniin din ni Enero na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagliban ng mga iskolar ang pagkakasakit kaya pinapaalala niya ang palagiang pag-inom ng tubig, paggamit ng payong tuwing mainit at maulan at kapag may nararamdamang sintomas, huwag mag-atubiling sabihin sa guro o sa Health Services Unit (HSU).
“Dahil napapadalas ang pagpunta ng mga iskolar sa clinic dahil sa mga nararamdamang sakit at sintomas nito, nagdagdag ang ating HSU ng dalawang kama para magamit ng mga iskolar at nilagyan na rin ng kurtina ang mga ito upang maiwasan ang paghahawaan ng sakit,” aniya.
Ipinakiusap ni nurse Enero na laging sundin ang health protocols at ugaliin ang pagsuot ng face mask para maisaalang-alang ang magandang kalusugan.
Hemodialysis: Pagtugon sa Kalusugan ng Masa
Isa ngayong malaking benepisyo ang hatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Dipolog maging ng Zamboanga del Norte ang pagbubukas ng serbisyo ng hemodialysis clinic ng Corazon C. Aquino Hospital (CCAH) sa mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis treatment. Angel Faith I. Decin
Mahalaga ang suporta ng pamilya upang maramdaman ng mga kabataan na may gumagabay at umaagapay sa kanila.
Sampung yunit ng dialysis machines ang maaaring magamit ng mga pasyente sa Dipolog City at karatig na mga lunsod at munisipalidad. Batay sa mga pag-aaral, nakaranas ang Pilipinas ang pagtaas ng prevalence ng dialysis na tinatayang umangat sa 400% sa loob ng sampung taon. Sa katunayan, ang kidney failure ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagpapaospital at ikasampu ngayon sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa. Sa kabila ng mataas na prevalence ng sakit na ito, nananatili itong mababa ang prayoridad sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Samantala, ang proseso ng hemodialysis clinic sa CCAH ay bahagi ng patuloy na programa ng siyudad na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyong pangmedikal sa mga mamamayan nito. “Malaking tulong ito para sa aming mga pasyente dahil hindi naming kailangan pang bumiyahe sa malalayong lugar tulad ng Cebu para lang magpa-dialysis,” wika ng isang pasyenteng nakapag-avail ng naturang serbisyo ng hemodialysis.
Sports oval, daan sa pagpapatatag ng holistikong kasanayan - Scholars High Council
Edzia Elm z D. Agpas
Sa layuning malinang ang holistikong kasanayan ng mga iskolar ng Philippine Science High School Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC), itinatag ang sports oval na inagurahan sa katatapos lang na 9th Founding Anniversary, Enero 31, 2024.
Ayon sa Scholars High Council (SHC) President na si James Montealto, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sports oval, posibleng maingganyo ang ating mga iskolar na lumahok sa iba’t ibang isports at aangat ang kasanayan ng mga potensyal na atleta ng ZRC kung gagawin silang pambato sa intercampus contests gaya ng sports fest at Ugnayan o mga palaro sa labas ng PSHSS.
“Student-school coordination. Importante ang tamang communication sa school for these matters. The SHC has plans for sports events around April or May with the support of Dr. Chuchi Garganera and the GPTA, and we’re looking for a possible date na maaari naming i-involve ang iba pang mga sports events. I, personally, have already written a suggestion plan para sa susunod na SHC President. So, we just hope na effective din ang decisions ng next SHC administration.”,wika pa ng pangulo ng SHC.
Samantala, sa mga iskolar na kabilang naman sa SHC ay patuloy na nagpaplano ng mga ideya para sa mga iskolar ng ZRC upang mamaximize ang paggamit ng sports na naglalyong mas mapaunlad pang lalo ang interes ng mga iskolar sa larangan isports.
“Mahalaga para sa aming mga atleta ang pagkaroon ng sports oval na kung saan pwede kaming mag-ensayo at magsanay dahil mas malawak ang lugar dito. Nakatutulong ang aming pagsasanay upang mas mahasa pa namin ang aming mga sarili sa laro,” ani Arriane Jean Galleposo, mag-aaral at atleta ng PSHS-ZRC
Matatandaang naisakatuparan ang nasabing sports oval sa pamamagitan ng pagsisikap ni Senador Pia Cayetano, Senate Committee on Sustainable Development Goals (SDGs), Innovation, and Futures Thinking sa ika-19 na Kongreso, nang siya ay magawi sa PSHS-ZRC habang nagba-bike cycling sa Dipolog.
Glenda D. Gelito
Bitbit ang mga mala ipo-ipong ispayk, matitibay na depensa at walang katumbas na determinasyon, nakopo ng Revenant Chimera (27-25,25-18,15-12) ang kampeonato sa 2024 Panagsangka Men’s Volleyball kontra Resilient Phoenix noong ika-2 ng Pebrero, sa Cogon covered court.
Pumalya ang panimulang serbisyo ni Alek Garcia na nagbigay daan sa Phoenix upang makuha ang unang puntos sa first set.
Agad na sinundan ito ni Garcia ng ispayk ngunit ipinagkait ni CJ
Hindi rin nagpaawat si Arvy Novem Pol Ilustrado na nagpakitang gilas sa kanyang mga mababangis na ispayks. Sinubukang salbahin ni Beduya ang kanyang koponan at nagpakawala rin ng mga naglalagablab na ispyaks datapwat
Isulong ang agham sa palakasan
Kasabay sa pag-usbong ng makabagong panahon ay ang pag-unlad ng iba’t ibang larangan sa ating pamumuhay, kasama na rin ang mundo ng pampalakasan. Kung ano ang maituturing na kagila-gilalas at hindi kapani-paniwalang liksi at lakas sa mga karera at patimpalakan noon ay maaaring pangkaraniwan na lamang sa ating panahon.
Sa likod ng pag-unlad na ito sa larangan ng pampalakasan ay ang patuloy na paglago at pagtuklas sa agham. Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya, hindi lang natin napauunlad ang kalidad ng libangang dala ng mga palaro at isports, natutulungan din nating malinang ng mga manlalaro ang kanilang angking kakayahan at tagis. Ilan lamang sa mga hatid nito sa larangan ng pampalakasan ay sa kalusugan ng mga atleta. Iilan lang dito ang paggamit ng mga fitness tracker na ating makikita sa mga iba’t ibang devices tulad ng smartwatch. Nagagamit ang mga ito upang mabantayan ang kalusugan ng mga manlalaro sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga sukatan tulad ng
Ating isaisip at pahalagahan ang dalang pag-unlad ng Sports Science sa larangan ng pampalakasan, mga atleta at manlalaro, at sa ating mga mamamayan. Ngunit sa kabila ng mga magagarang at makabagong kagamitan at pagunlad na ito, huwag na huwag pa din nating kalilimutan ang diwa ng pakikiisa at sportsmanship na dala ng isports sa ating pamumuhaysiyang tulay ng pampalakasan tungo sa makabagong kabihasnan.
haba ng tulog, kaloryang nakonsumo, at iba pa. Sa pamamagitan nito, mababantayan at mapapanatili natin ang ating kalusugan sa tamang antas.
Dagdag pa rito ang pagdating ng pinaunlad na sports safety gears at equipments sa merkado. Ilan lamang sa mga ito ay mga helmet, safety pads, mouth guards, protective eye wears, at marami pang iba. Sa pamamagitan ng mga ito, nasisiguro at napauunlad natin ang kaligtasan ng mga atleta at manlalaro mula sa mga sakit, pinsala, at injury. Sa kabilang dako, makikita rin natin ang pagusbong ng mga patok na sport wears at apparel tulad ng mga footwears, jerseys, swimsuits, at cycling suits. Tila mga simpleng uniporme lamang ang mga ito sa larangan ng isports ngunit malaki ang papel na ginagampanan nito sa kaligtasan, kaginhawaan, at abilidad ng mga atletang makipagtagisan. Sa pamamagitan ng mga makabagong sports wear, napauunlad ang mobility o kakayahang kumilos at gumalaw ng mga atleta buhat ng mga pinaunlad na uri ng tela at tahi kasabay ng mga materyales, flexibility, at kakapalan nito sa tulong ng larangan ng Textile Engineering. Dagdag pa rito, napapaunlad din nito ang aerodynamics at hydrodynamics ng mga manlalaro sa larangan ng marathons, cycling, at swimming na siyang nagpapaunlad sa kanilang liksi.
Sa ganang ito, bilang mga iskolar at dalubhasa sa agham, paano natin maipagpapatuloy ang pagunlad sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan sa pamamagitan ng paglalakip ng mga makabagong teknolohiya at kaalaman sa
Agawan sa pagsakmal ng kampeonato ng Basketball (Panlalaki) ang Prudent Pegasus at Shinobi Beast sa isinigawang 9th Founding Anniversary sports fest ng PSHS-ZRC.
Phoemela L. Garcia
Glenda D. Gelito
Prudent Pegasus, pinaamo ang Shinobi Beasts sa ‘Panagsangka’ 2024 Men’s Basketball
atapos ang tatlong taong pangungulelat, naghari na ang Prudent Pegasus sa baskbetbol, nang binangon nang namamayagpag na si Cris Nixon Fuentes na nag-ambag ng 19 puntos, 6 rebounds, at 12 assists, ang Pegasus mula sa pagkakalugmok at pinaamo ang mabangis na Shinobi Beast, 28-24 sa Championship finals ng Panagsangka 2024 Men’s Basketball noong ika-1 ng Pebrero sa Cogon covered court.
Nangulelat ang Pegasus sa unang quarter ng laro matapos itong matambakan ng Shinobi sa pangunguna ng nag-iinit na si Joshua Nathan Punsalan, na kumamada ng siyam na puntos na sinabayan naman ng mga matitinik na assists ni Francis Cris Gerondio, 13-4.
Kayod-marinong humabol ang koponan ng Pegasus sa ikalawang quarter ngunit hindi ito pinaporma ng Shinobi nang magpakawala ng di-matibag na depensa at walang mintis na mga buslo ang naglalagablab na tandem nina Gerondio at Zhjan Tomboc, 21-6. Samantala, hindi nawalan ng kumpyansa ang naghihingalong Pegasus. Pumasok ang star player na si Fuentes na sinandalan ng kanyang tropa sa ikatlong quarter ng laro at pinausog ang kanilang koponan palayo sa bingit ng pagkakatalo, 21-12. Naparalisa na ng tuluyan ang Shinobi matapos magpaulan ng sunod-sunod na lay-ups ang bukod-tanging si Fuentes na pumoste ng
‘WOMarathoner’
12 puntos sa buong laro na dinagdagan naman ng mga di makapigil-hiningang shots ni Soriano na nagtala ng walong puntos. Bakas ang panghihinayang at pagod sa mga di maipintang mukha ng Shinobi Beasts matapos tuldukan ni Fuentes ang laro at nasungkit ang tugatog ng tagumpay sa iskor na 28-24.
“Full
Limang dekada ng katatagan sa takbo ng buhay
Gabriel Dominic B. BobitaLakad. Takbo. Tapusin. Ito ang naging daan ni Ma’am Hazel R. Lagapa, isang guro ng Philippine Science High School - Zamboanga Region Campus (PSHS-ZRC) upang marating ang finish line ng kaniyang bawat layunin.
Isang simbolo ng tibay, lumahok siya sa long-distance foot race na tinatawag na marathon na naging bahagi na kaniyang ng pamumuhay, na nagsimula bilang isang hobby. Umaabot ito ng 42 kilometro, isang gawain na mahirap para sa karaniwang tao at nangangailangan ng dedikasyon, sakripisyo, at katapangan.
Ang kahusayan ay hindi lamang nasusukat sa akademiko, kundi pati na rin sa larangan ng isports. Hindi lamang puro pagbabasa at pagsulat ang ginagawa sa paaralan. May mga gawain ding lumilinang sa kakayahan.
“Kayang kaya niyo ‘yan! Go scholars!” sambit ng mga titser ng Pisay bilang motivation sa mga iskolar upang lumaban at magpatuloy sa anumang larangang pampalakasang kinabibilangan.
Sa masalimuot na mundo ng paaralan, kung saan ang hilig ay nagkakaiba, mga pangarap ay kumikislap sa iba’t ibang anyo, isang bagay ang nagbibigkis sa mga magaaral ng PISAY - ang pambansang eskuwelahan na kilala sa kahusayan sa agham.
Ngunit sa likod ng mga mikroskopyo at banghay, may nagaganap na bagay na naglalabas sa kanilang natatanging pagkakakilanlan.
Ito ang kuwento ng pag-usbong sa larangan ng akademya at isports, kung saan ang mga guro ay nagsisilbing mga tagapayo sa sayaw ng talino at lakas.
Noong ika-31 ng Enero hanggang ika-2 ng Pebrero naganap ang Panagsangka sa Philippine Science High School - Zamboanga Peninsula Region Campus. Dito napatinag ang talino at lakas ng mga mag-aaral sa larangan ng isports, sining at literatura. Nakita ko kahit papaano may mga estudyante pa rin ang magaling makipagtunggali sa isports at isa na ako ron. Dahil sa kakayahan ko na maglaro at ipakita na kaya kong mag badminton, nagwagi kami ng mga kasama ko bilang 3rd Placer.
Isa sa mga guro ang nagsabi sa amin “Apil mo sa mga contest sa arts and literature and sports kay kabalo ko naa moy potential.” At dun ko nasabi sa aking sarili na alam kong kaya ko, kaya makakaya ko. Ang paaralan ay isang entablado ng kahusayan, isang paligsahan kung saan ang mga guro ay hindi lamang mga gabay sa paglakbay ng kanilang mga estudyante sa larangan ng agham, kundi mga alagad rin ng inspirasyon sa isports.
Dito, hindi lang nakikipagtagisan ng talino sa silid-aralan, kundi nagtatanghal din ng gilas sa court, oval, at iba pang laro ng isports. Mga estudyante na kalaunan’y nagiging mga mandirigma ng kahusayan, ay natutunan ang pagbalanse. Hindi lang mga aklat ang kanilang kinakarera kundi pati na rin ang pag-awit sa himig ng sports. Pagsusulong ng kahusayan ay tila isang sayaw ng paglago, isang ritwal ng pag-usbong at pagbangon mula sa hamon ng buhay-paaralan. Sa bawat tagumpay sa larangan ng isports, mga estudyante’y nagiging manlalakbay sa masalimuot na mundo ng kakayahan.
Mga guro naman na nagiging alon ng inspirasyon, patuloy na nagtuturo sa kanilang mga estudyante na ang tagumpay ay hindi nasusukat lamang sa marka sa papel kundi sa pag-usbong sa bawat aspeto ng buhay. Sa pagtatapos ng sayaw ng talino at lakas, natutunan ng bawat isa ang kahalagahan ng balanse.
Ang paaralan ay nagsilbing tanglaw, kung saan ang pag-usbong ay hindi lamang hinahanap sa mga sulok ng aklatan kundi maging sa plataporma ng isports. Sa pagkakaisa ng talino at lakas, nabubuo ang isang masigla at makulay na paglakbay tungo sa tagumpay.
Sa kaniyang edad na limampu’t dalawa, marami na siyang tinakbong kalye ng buhay. Nagsimula ang kaniyang unang paglalakbay bilang isang marathoner noong 2012. Nagawa niya ang kaniyang mga unang hakbang dahil sa ang walang patid na suporta ng kaniyang asawa. Nagsimula si Ma’am Haze na tumakbo ng 3 kilometro sa mga abalang araw at 21 kilometro tuwing Linggo, hanggang umabot siya sa 42 kilometro, isang gawi na tinaguyod niya sa loob ng 12 na taon dahil sa kaniyang dedikasyon.
“Ang bawat pagtakbo, sa lahat ng bagay, basta matapos mo ito, itinuturing na personal na tagumpay kahit hindi mo maungusan ang iyong naunang oras,” aniya.
Para sa kaniya, nangangailangan ng sakripisyo upang magpatuloy kahit pagod na, ngunit sa huli, ang pakiramdam ng tagumpay ay nagiging gantimpala sa lahat ng mga ito.
Sa isang bahagi sa kanyang paglalakbay, naranasan niya ng tinatawag na “hitting a wall” sa kaniyang progreso ngunit ang kanyang katapangan ang nagtulak sa kanya na magpatuloy. Ang pagtakbo ng marathon ay isang labanang sikolohikal,
HKasangga
at ang kakayahang lampasan ang ganitong mga hadlang ay nangangailangan ng determinasyon at focus para marating ang layunin.
Naging metapora ni Ma’am Haze ang pagtakbo sa Marathon sa kaniyang pagtahak sa buhay. Aniya, katulad sa marathon, natutunan niyang magiging matatag sa paglalakbay sa buhay dahil bawat klaye ng buhay maaaring masalubong o makatagpo ng mga hamon at pagsubok na magpapahina sa lakas ng tao. Subalit para maabot ang finish line na simbolo ng pagkamit ng mga hinahangad, kailangang humugot ng lakas mula sa mga aral ng paglalakbay at magpatuloy sa kung anuman ang nasimulan.
Samantala, bukod sa pagkahilig niya sa marathon, naglalaan din siya ng panahon sa pagyoyoga upang mapalago ang kaniyang mental at pisikal na kalusugan.
Bilang batikang marathoner na may higit sa isang dekada nang karanasan, simbolo ng tibay, tapang at tiyaga si Ma’am Haze. Sa kaniyang positibong enerhiya, ibinuhos niya ang kaniyang dedikasyon, tatag, at sakripisyo. Sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdaanan, patuloy siyang tatakbo, maglalakad kung kinakailangan, para marating ang finish line na inaasam-asam.
Glenda D. Gelito
indi lang pang-akademiko ang isang iskolar ng Pisay kundi pang-isports pa!Hindi lang pang-akademiko ang isang iskolar ng Pisay kundi pang-isports pa!
Ito ang pinatunayan ng mga atletang iskolar ng Philippine Science High School Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) kung saan naging bahagi ang mga ito sa isinagawang palakasan sa Ugnayan sa Sultan Kudarat noong 2019 at Baguio noong 2022. Maging sa mga sports fest sa Panagsangka bilang bahagi ng Founding Anniversary ng paaralan, nagpamalas ang mga iskolar ng husay sa iba’t ibang larangan ng isports. Hindi matatawaran ang pagpupursige at galing ng mga atletang iskolar ng Pisay. Sa katunayan, sa kabila ng malaking hamon ng pagiging iskolar, nagagawa pa rin nilang manguna sa iba’t ibang larangan ng palakasan habang buong pagmamalaking iwinawagayway ang bandera ng paaralan katulad ng dating iskolar na si Alyssa Adelle Dalumpines na umani ng parangal sa Division and Regional Meet sa larangan ng arnis. Katulad ng ibang atletang Pinoy, tatak sa kanila ang pagpupunyagi makuha lamang ang inaasam na tagumpay at karangalan. Dugo, pawis, panahon at pangarap ang puhunan ng ating mga atleta marating lang ang pedestal ng palakasan taglay ang tatag ng loob, paniniwala sa sarili at sa Poong Maykapal. Tunay ngang nararapat lang bigyan ng pagpupugay at matikas na saludo ang galing ng mga atletang iskolar na nagagawang balansehin ang kanilang pag-aaral at hilig sa palakasan.
Sa kabilang dako, itinataguyod naman ng ating paaralan ang paghubog sa ating mga mag-aaral sa holistikong paraan. Nariyan ang Sports Alternative Learning Activities na nagbibigay-daan upang mahasa ang mga kakayahan ng mga iskolar sa iba’t ibang larangang pampalakasan. Subalit, sapat nga bang manatili lang sa paaralan ang galing at talento ng ating mga iskolar? Isa sa mga hamong kinakaharap ng ating mga atletang iskolar ang suporta ng paaralan sa paglahok sa iba’t ibang kompetisyon at ang pantay na oportunidad na makipagsabayan sa ibang atleta sa mga palarong pansangay, rehiyunal at pambansa. Kailangan nila ng sapat na kagamitan, pasilidad at maging ng sports training center. Kung ang susi ng tagumpay ng mga atleta ang kakayahan, galing at pagpupursigi, ang buong suporta ng ating paaralan naman ang daan ng pag-angat ng kakayahan ng mga atletang iskolar na makipagsabayan sa iba’t ibang kompetisyong pampalakasan.
“
Ang bawat pagtakbo, sa lahat ng bagay, basta matapos mo ito, itinuturing na personal
‘WOMarathoner’ ng ZamPisay
Isports Lathalain | 18
Isulong ang agham sa palakasan
Isports
Pagpupunyagi ng para-atleta
Taglay man nila ang kapansanan, hindi ito naging hadlang upang ipakita ang husay sa larangan ng palakasan. Naging alamat ang kanilang lakas ng pag-usbong at tagumpay, nakasulat sa mga pahina ng kasaysayan ang kanilang mga kuwento ng inspirasyon.
Nagbukas sa Pilipinas ang oportunidad sa Paralympic Games sa 1988 Seoul Summer Parlaympics kung saan tatlong atletang lalaki ang sumali sa athletics at isa sa swimming. Simulang umusad ang paglahok ng bansa sa 2000 Sydney Paralympics at naiwagayway ang bandila nito sa pamamagitan ng isang javelin athlete.
Samantala, bagamat bigong makauwi ng karangalan para sa Pilipinas, hindi pa rin matatawaran ang sipag, dedikasyon at tapang ng mga atletang kinatawan ng bansa sa Mixed Two Person SKUD18 keelboat event sa 2008 Beijing Paralympics, siyam na paraathletes sa 2012 London Paralympic Games kabilang si Josephine Medina na pang-apat sa Paralympic table tennis.
Sa kabilang dako, ipinamalas naman ang lakas sa kabila ng kapansanan, ng powerlifter na si Adeline Dumapong na kauna-unahang nag-uwi na medalyang tanso sa 82.5 kg event, kung saan nakapagbuhat siya ng 110 kg sa 2000 Sydney Paralympics. Hindi rin naputol ang pangarap ni Josephine Medina nang ibigay sa bansa ang ikalawang karangalan at hablutin ang medalyang tanso sa women’s single table tennis at wakasan ang 16-year medal drought ng bansa sa 2016 Rio de Janeiro Paralympic Games.
Nawalan man ang mga atleta ng Paralympics ng kamay at paa, hindi nawala ang pag-asa sa kanila na matamasa ang mga pangarap at tagumpay para sa bansa.
Alinsunod sa Republic Act 10699, bilang parangal at pagbibigay-pugay sa mga atleta ng Paralympics na nag-uwi ng karangalan sa bansa, simula 2017, binibigyan sila ng pamahalaan ng insentibo sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission.
Sa lahat ng ito, malinaw na hindi naputol ang pangarap ng atleta ng Paralympics na magtagumpay at at maging inspirasyon sa buhay.
ZamPisay swimmers, bigong makaabanse sa Palarong Pambansa sa kabila ng pagsisid ng 14 na ginto sa regional meet
Glenda D. Gelito
Dahil sa bigong pag-abot sa standard na oras, naputol ang pangarap ng tatlong manlalangoy na iskolar ng Philippine Science High School – Zamboanga Peninsula Region Campus (PSHS-ZRC) na makapasok sa 2024 Palarong Pambansa sa kabila ng pagsisid ng 14 na gintong medalya sa nakaraang Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association (ZPRAA) Meet, Abril 21-27.
butterfly, backstroke at 4x50meter medley relay.
“We did our best to make our school and family proud of us. It’s just unfortunate that we did not make it to the standard time in swimming that precluded us to advance to the Palarong Pambansa come July in Cebu,
Mary Maika Q. Montecilo ZamPisay Swimmer
“We did our best to make our school and family proud of us. It’s just unfortunate that we did not make it to the standard time in swimming that precluded us to advance to the Palarong Pambansa come July in Cebu,” ani Mary Maika Q. Montecilo ng baitang siyam ng
Kaugnay nito, umarangkada sa lagaslas ng tubig si Mary Maika Montecillo nang tangayin ng
ZamPisay swimmer ang limang gintong medalya sa 200-meter, 400-meter, at 800-meter freestyles, 4x50-meter freestyle at medley relays.
Dagdag pa rito, kumamada rin si Montecillo ng dalawang pilak sa kapwa 200- meter backstroke at butterfly. Samantala, hindi naman nagpaawat si Kiara O. Acierto ng baitang walo na humakot ng pitong ginto sa 50-meter butterfly at backstroke, 100-meter freestyle,
Sa kabilang dako, katuwang din sa pagharurot sa pagkampay ang iskolar ng baiting walo na si Mary Marrionni Q. Montecillo upang mahagip ang gintong medalya sa 4x50-meter freestyle relay.
“Nagbunga rin ang aming dibdibang pagsasanay! Subalit, hindi pa rin naging sapat ang aming pagsisikap upang masungkit ang standard time para ma-qualify sa Palarong Pambansa,” pahayag ni Montecillo sa Cebuano.
Kuwento pa ni Montecillo na doon na raw sa Zamboanga nila nalaman na may standard time sa swimming competition para
Sa Marco Badminton League 2.0 Iskolar, humagip ng pilak sa doubles; tutulak sa Baddicts tournament sa Mandaue
Sumungkit ng pilak ang iskolar ng baitang walo ng ZamPisay na si Nick Charles Salaveria
kasama si James Roger Nazario laban sa Mahayag Smashers na sina Mark Vincent Dael at Eugene Baco (2-0) sa Marco Badminton League 2.0 doubles sa Mahayag Municipal Gymnasium, Zamboanga del Sur, Abril 5-7.
Sa bungad ng hagisan ng shuttlecock, lumamang ang tandem nina Salaveria at Nazario at sinubukang paluhurin ang Mahayag Smashers subalit sinalubong nina Dael at Baco ng mabagsik na hampas ang Dipolog Crushers at lugmukin ito sa unang set at ipako ang laro sa 15-21.
“We thought we could make it through because we took the lead in the initial part of the game,” saad ni Salaveria.
Samantala, sinubukan nina Salaveria at Nazario na makabawi sa pagkalugmok sa unang set ngunit tuluyan nang bumulusok ang kanilang depensa at
pagharang sa mga mala-ipo-ipong hampas ng Smashers na siyang sumilat sa kampeonato ng laro, 13-21.
“We did what we had to do for the game and achieved what we came for in Mahayag. I felt we could have done better had our physical and mental state been ready and great,” pagdidiin ng badminton player ng ZamPisay.
Sa kabilang banda, ipinahayag ni Salaveria na hahasain pa niya ang kaniyang kakayahan sa badminton sa mga darating pang kompetisyong sasalihan at sa katanuyan, tutulak siya sa Mandaue, Cebu para sa Baddicts tournament ngayong Hulyo kasama sina Xyvan Pondara para sa advance level G at Glenn Kiefer Tabancura para sa doubles U19.
sa Palarong Pambansa kaya hindi sila nakapagsanay na isinasaalang-alang ang naturang oras ng paglangoy.
“We may not be able to make our dreams come true - to compete in Palarong Pambansa. However, next year, we will contimue our feat and make it sure, we will beat the standard time,” sabi ni Acierto.
Para naman kay Acierto, malaking bahagi ng kanilang tagumpay ang kanilang intensive training, suporta ng mga magulang, paaralan at ng kanilang coach.