Grolier, Palo NHS pinagtibay ang kasunduan; ebook ipamamahagi sa mga guro
PAG-ASA SA PAGBASA
Adyendang MATATAG, isusulong ng Palo NHS; programa sa pagbasa, pagbubutihin para sa mga Palonian
Binigyang-diin ni Francis Bacon na mas magiging buo tayo bilang isang tao kung nalilinang ang ating kakayahang magbasa. Samakatuwid, sa pagbasa maaninag ang pag-asang magbibigay sa atin ng isang magandang buhay. Ngunit, para sa iilan maaring ito’y maging suntok sa buwan.
6
BALIK-ESKWELA
Palo
NHS, handa na para sa pagbubukas ng klase; Palonian, balik F2F
Ipinatupad na ng pamahalaan ang mandatory full face-to-face classes ngayong taong panuruan sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa matapos ang dalawang taong distance at blended learning dahil na rin sa banta ng COVID-19.
Sa Palo National High School, mahigit apat na libong mga mag-aaral ang nagpatala ngayong taong panuruan ayon kay Elena Susaya, registrar ng paaralan.
“Patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagpapatala, patunay na gustong-gusto na
ng mga mag-aaral ang magbalik sa paaralan”, dagdag pa ni Susaya.
Sa isang mensahe na ipinalabas ng opisina ng
punong-guro, binati nito ang mga mag-aaral ng Palo National High School sa kanilang pagbabalik sa paaralan.
“Nawa’y muling maging produktibo at kasaya-saya ang taong panuruan na ito para sa inyong lahat”, malugod na pagsalubong ni Navarette.
Pinasalamatan niya rin ang lahat ng mga stakeholder na nakiisa sa ginanap na
Brigada Eskwela na naging instrumento upang maging maayos ang pagbubukas ng klase.
Nanatili pa ring opsyonal ang nasabing mandato sa mga pribadong paaralan ayon sa kagawaran.
ANG DUYAN SARBEY
Pito sa sampung Palonian ang mas gusto ang pisikal na kopya ng aklat vs ebook 75%
ng mga kalahok ang nagsabi na nagbabasa sila ng mga pisikal na kopya ng libro kahit isang beses sa isang linggo
Pito sa sampung mga teenager ang nagbabasa pa rin ng mga pisikal na libro sa panahon ngayon, karamihan sa mga ito ay nasa edad 13 hanggang 18 na taong gulang.
Batay sa mga tinipong tugon ng mga lumahok sa sarbey kung saan tinanong sila kung ebook ba o pisikal na kopya ng aklat ang binabasa, gaano kadalas magbasa ng libro, at anong uri ng mga babasahin ang mas gusto ng mga teenager, lumabas na 75 porsyento ng mga kalahok ang nagsabi na nagbabasa sila ng mga pisikal na kopya ng libro isang beses sa isang linggo, at 25 porsyento naman ang nagbabasa ng mga digital na libro o ebook
Mas pinagtibay ng Grolier International Incorporated at unang distrito ng Palo ang kasunduan sa pamamahagi ng mga elektronikong kopya ng mga sanggunian o aklat sa isinagawang Ceremonial Turnover of Online Learning Resources sa Palo National High School gymnasium noong Marso 22, 2023.I-scan ang QR at subaybayan ang iba pang mga storya. PAHINA 3 BUKAS NA KASIYAHAN. Sabik na sinalubong ng mga Palonian ang pagbubukas ng taong-panuruan. NC OPISYAL NA PUBLIKASYONG PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALAN NG PALO TOMO VI. BLG. 1 AGOSTO 2022-HULYO 2023 PALO, LEYTE, REGION VIII
MAILAP NA ADHIKAIN
Implementasyon ng Inklusibong Edukasyon, pinagbubuti para sa mga LSEN
LLaging masisipat mo sa sa tuwing magtutungo sa loob ng isang pampublikong silid-aralan ang karatulang “Education for All”. Para sa nakararami, hindi na ito iba, pero sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan, ito’y napakahalaga.
Bumabyahe araw-araw ng mahigit 30 minuto mula sa kanilang bahay patungong
ng Inklusibong Edukasyon sa mga paaralan sa Pilipinas. Kaya’t obligadong makisalamuha ni Princess at iba pang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa iba pang mga kaklase na wala namang kapansanan.
Para kay Jessica Logronio ,gurong tagapamahala ng mga batang nangangailangan ng espesyal na edukasyon sa Palo NHS, isang malaking bagay ang mainstreaming kay Princess at iba pang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan dahil mas mapapaunlad nila ang kasanayan sa pakikisalamuha sa iba bagama’t hindi maikakailang nahihirapan pa rin ang mga katulad ni Princess sa akademikong aspekto. Batay sa datos na nakalap mula sa tanggapan ng EMIS
suring ginawa sa paaralan. Sa dumaraming bilang ng mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa paaralan, isang SPET aytem lang mayroon ito at karamihan ng mga mag-aaral nasa pangangasiwa ng isang guro na may regular na aytem . Sa isinagawang pananaliksik na pinamagatang Behind Education Inclusivity: Students with Learning
ni Teacher Aiko Epil , guro sa elementarya ng mga magaaral na may espesyal na pangangailangan upang ibahagi ang kanyang natutunan sa iba pang mag-aaral at maging produktibo bilang assistant.
ng Palo National High School, umaabot ng mahigit 30 ang mga mag-aaral na nakatala sa programa ang may diagnosis mula sa mga propesyonal. Habang umaabot sa higit 50 naman ang walang kaukulang dokumento o diagnosis ngunit naitala sa programa dahil sa mga obserbasyon at resulta ng mga pagsu-
Palo I, nanguna sa SPED Love Fun Day; pinagtibay ang SPED, IE sa sangay
Difficulty in a Mainstream Classroom, ng guro sa Palo NHS na si Jerry Serdeña at mga mag-aaral sa SHS ng nasabing institusyon na sina Jomar Corillo at Russel Nogal , napag-alamang mas magiging epektibo ang mainstreaming kung mahahawan lamang ang ilang mga balakid sa implementasyon ng programa. Kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ang pagpapaigting ng pagsasanay sa mga regular na guro upang maging sapat ang kanilang kaalaman sa paghawak o pangangasiwa sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan at pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga guro na may espesyalisasyon sa SPED na tutok sa mga interbensyon at remedial class.
Si Chamel Movilla, may kakulangan sa pandinig at dating mag-aaral ng programa sa Palo NHS, ngayon ay nagsisilbing isang assistant sa pang-elementaryang paaralan.
Hindi man nakatuntong si Chamel ng kolehiyo, nabigyan naman siya ng pagkakataon
“Malaki ang tulong ni Chamel lalo na sa pagtuturo ng iilan kong mga mag-aaral na nahihirapan magsulat.Sa umaga siya ang assistant ko, ngunit tuwing hapon siya’y aking mag-aaral. Gusto pa niyang matuto ng ilang mga konsepto sa Matematika at matuto sa pagbuo ng mga maayos at makabuluhang pangungusap”, pagbabangit ni Teacher Aiko.
Inaasahang matapos ang anim na taon sa inklusibong programa sa sekondarya ay may sapat ng kaalaman ang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan ngunit sa sitwasyon ni Chamel, ito’y kabalintunaan. Walang oportunidad na makapag kolehiyo dahil hindi sapat ang natutunan.
“Malaking hamon para sa lahat ang mas mapabuti pa ang implementasyon ng inklusibong programa . Sa pamamagitan nito mas magiging komprehensibo at maayos ang pagpaplano para sa kinabukasan ng ating mga magaaral na nangangailangan ng espesyal na edukasyon. Isang adhikaing mailap pa ngayon ngunit pasasaan man makakamit din natin”, pagbibigay-diin ni Maurice Dave Ansula, pangulo ng Special Education Advocates League (SEAL) sa sangay ng Leyte.
NNanguna ang unang distrito ng Palo sa pag-organisa sa SPED Love Fun Day na may temang ,”I am YOUnique” noong Pebrero 24, 2023 na naglalayong mas paigtingin pa ang implementasyon ng SPED at Inklusibong programa ng kagawaran.
“Ako ay masaya dahil nagkaroon ng ganitong gawain ang unang area,upang ipakita ang talento ng mga mag-aaral na may espesyal nangangailangan “, binigyang-diin ni Onisima Dacillo, punong guro ng Palo 1 Central School.
Ayon pa sa kaniya makakatulong ang nasabing gawain na palakasin pa ang tiwala ng bata sa kanilang sarili at mabigyan ng pagpapahalaga ang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.
Lumahok sa nasabing gawain ang mga paaralan sa area 1 tu-
lad San Miguel CS, Alangalang 1 CS, Alangalang NHS, Babatngon CS, Tanauan 1 CS , Palo 1 CS at Palo NHS.
“Maganda ang layunin ng gawain na kanilang naisipan dahil mas makikilala pa ang mga talento ng mga batang may espesyal na pangangailangan at makapagdadala pa ng kasiyahan sa kanila”, saad ni Maricar Gonzales, ina ng isang batang lumahok sa gawain.
Dagdag pa niya na bagama’t sila ay may kapansanan ,sila rin ay may tinatagong kakayahan.
Nagkaroon ng iba’t ibang
patimpalak ang nasabing gawain tulad ng Paligsahan sa Pag-awit at Pagsayaw, Badminton, Chess, Visual Arts, Mannequin Show Cosplay at Laro ng Lahi.
“Masaya ako na nakatanggap kami ng parangal.Manalo o matalo man, ang mahalaga ay naging masaya ang lahat ng batang sumali rito”,pahayag ni Rensalyn Tilana , guro at tagapagsanay ng isang kalahok matapos manguna ang kanilang paaralan sa pangkalahatang tala.
Grolier, Palo NHS pinagtibay ang kasunduan; ebook ipamamahagi sa
mga guro
Xentt Atasha Jhal SeludoLayunin ng Grolier International na paigtingin ang adbokasiya sa pagbabasa hindi lamang ng pisikal na kopya kundi pati na rin ang mas tinatangkilik na elektronikong kopya ng mga sanggunian o aklat.
Pinasalamatan ni Betsy Grace V. Navarette, punong guro ng paaralan, ang nasabing kompanya sa pagbabahagi nito ng mga online
PAG-ASA SA PAGBASA
Adyendang MATATAG, isusulong ng Palo NHS; programa sa pagbasa, pagbubutihin para sa mga Palonian
Sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Palo, maraming mga mag-aaral ang nakapagtapos sa elementarya na nakatungtong ng ika-pitong baitang o ika-walong baitang ang hirap sa simpleng pagbasa at pagsulat.
Si Raymond, hindi tunay na pangalan, 13 taong gulang at kasalukuyang nasa ika-pitong baitang ngayong taong panuruan. Mahirap ang buhay para sa kanya. Kaya’t ang pagtatapos sa ika-anim na baitang ay biyaya. Bagama’t nakapagtapos sa anim na taon sa elementarya, nahihirapan pa ring magbasa ng mga salita at makabuo ng mga pangungusap si Raymond.
Hindi akalain ng tagapayo niyang si Bb. Divine Gelizon ang sitwasyong kinalugmukan ng kanyang mag-aaral. “Nakalulungkot na ganito ang kinasapitan ng ating mga mag-aaral. Marami sa kanila ang marahil ganito dahil na rin sa epekto ng walang in-person na mga klase dahil sa pandemya”, paliwanag ni Bb. Gelizon nang makapanayam ng Ang Duyan.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World Bank, matagal ng problema ng kagawaran ang mababang antas sa kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng mga estudyanteng
Pilipino bago pa man ang pandemyang dulot ng COVID-19, ngunit mas lalo pa itong lumala dahil sa dalawang taong pagkawala ng in-person na klase.
Sa pag-aaral muli, naging mahirap ang pagsasagawa ng interbensyon sa mga may kakulangan sa kasanayan sa pagbasa at pagsulat dahil na rin sa mga patakarang-pangkalusugan. Patunay na hindi naging sapat ang alternatibong pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto.
Sa kabilang dako, bagama’t para sa nakararami ang agwat sa pagkatuto ay dala ng pandemya, nanatili pa ring pangunahing problema para sa iilan ang kahirapan na dahilan ng unti-unting pagbaba ng antas ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat.
Naranasan din ni Rey, hindi tunay na pangalan, 18 taong gulang at kasalukuyang nasa ika-labindalawang baitang dito sa Palo NHS ang mga pinagdaanan ni Raymond. Dahil salat siya sa buhay kaya’t madalang lamang makapasok sa paaralan. Dahil dito, mahirap para sa kanya ang matutong magbasa at magsulat. Sa tulad niyang naghihikahos sa buhay mas uunahin ang hanap-buhay.
Dahil dito, mahirap para sa katulad nila ang makapagbasa ng salita at makabuo ng pangungusap. Mula umpisa ay hindi na nila nakabisado ang mga tunog ng bawat titik na sana’y itinuturo at pinauunlad sa una at ikalawang baitang sa elementarya.
Ayon kay Rey, hindi siya nabigyan ng pokus ng kanyang guro dahil sa sobrang dami nila sa klase. Dahil dito, walang nagawa ang kanyang guro sa elementarya kundi ipasa na lamang siya. Kapalit ng pagpasa sa kanya mula unang baitang hanggang ika-anim na baitang, patuloy naman ang pagkalugmok ni Rey sa kumonoy ng kamangmangan. Nasama si Rey sa interbinsyong ibinigay ng Palo NHS na naglalayong mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat noong pumasok siya at maging bahagi ng institusyon. Bagama’t nakapagbabasa na nang maayos ngayon si Rey, malaki pa rin ang kanyang pag-aalala na maaaring maulit sa iba pang mga mag-aaral ang lahat ng kanyang pinagdaanan.
na sanggunian na gagamitin ng mga guro sa pagtuturo.
“We are happy to welcome your company and thank you for your generosity,” dagdag pa ni Navarette.
Ipinakikilala ng Grolier International Incorporated sa nasabing pagtitipon ang bagong online platform ng kompanya na nagsisilbing
online na silid-aklatan na layong mas mapabilis pa ang pangangalap ng mga impormasyon o detalye sa mga mapagkakatiwalaang sangguniang elektroniko.
Ipapalit ang ebook sa mga pisikal na librong ginagamit na ng paaralan bilang pagtugon na rin sa programang modernisasyon ng kagawaran.
Tulad nina Raymond at Rey, may mahigit 30 mga mag-aaral, sa mahigit apat na libong mga mag-aaral ng Palo NHS, mula ika-pitong baitang hanggang ika-labindalawang baitangang may espesyal na pangangailangan sa pagkatuto kasama na ang kasanayan sa pagsulat at pagbasa ayon sa datos mula sa tanggapan ng EMIS ng paaralan. Hindi pa kabilang dito ang mga magaaral na hindi pa nasusuri ng propesyonal o doktor.
Pinagtibay naman ng paaralan ang adbokasiya sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat gamit ng iba’t ibang panukalang interbensyon at mga gawaing tulad ng Brigada Pagbasa na isinasakatuparan tuwing umpisa ng taong panuruan . Ngunit ang mga ito sa kasamaang palad ay hindi maisasakatuparan dahil sa nananatiling isang malaking hamon para sa administrasyon at mga guro ang tugu-
nan ang problema sa kakulangan sa kanilang hanay na sinusugan at binigyang-diin ni Bb. Michelle Yancha, Master Teacher II at koordineytor ng paaralan sa Pagbasa sa isang panayam ng Ang Duyan. Ayon din sa kanya, posibleng hindi nakatutok ang mga guro sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral dahil na rin sa bugbog at overload ang mga guro sa trabahong pang-administratibo.
Dahil dito, mas pinagtutuunan pansin na ngayon ng kagawaran ang pagbibigay solusyon sa mga suliraning nabanggit. Nakabatay ito sa bagong adyenda ng kagawaran, “MATATAG : Bansang Makabata, Batang Makabansa” na naglalayong paunlarin pa ang kalidad na edukasyon upang sa ganoon maaaninag ng mga katulad nina Rey at Raymond ang pag-asang dulot ng mas pinabuting sistema at programa sa pagbasa.
Kapalit ng pagpasa sa kanya mula unang baitang hanggang
ika-anim na baitang, patuloy naman ang pagkalugmok ni Rey sa kumonoy ng kamangmangan.
Isa si Rey sa mahigit
30 mga mag-aaral
mula ika-pitong baitang hanggang ika-labindalawang baitang, ang may espesyal na pangangailangan sa pagkatuto kasama na ang kasanayan sa pagsulat at pagbasa
Kauna-unahang organisasyon ng mga SPED advocate sa Leyte, itinatag; kinatawan ng Palo 1, nahalal na pangulo
IIsinagawa ang pagtitipon ng mga tagapagtaguyod ng Special Education upang buuin ang Special Education Advocates’ League (SEAL), ang kauna-unahang organisasyon ng mga SPED advocate sa Leyte noong Pebrero 2, 2023.
Itinatag ang nasabing organisasyon na naglalayong mas paigtingin pa ang adbokasiya ng sangay para sa inklusibo at espesyal na edukasyon.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga tagapangasiwa, mga punong guro, at mga guro sa SPED mula sa iba’t ibang
area ng sangay. Isinagawa rin ang paghalal sa mga bubuong opisyal na tutulong upang pamunuan ang kauna-unahang organisasyon ng mga tagapagtaguyod ng inklusibo at espesyal na edukasyon.
Kabilang sa mga nahalal na mga opisyal ng organisasyon ay
ang mga kinatawan na tagapangasiwa at mga guro sa SPED ng unang distrito ng Palo.
Inihalal sina Melfe Grace Sanchez,tagapangasiwa ng unang distrito ng Palo at Maurice Dave Ansula, guro ng Palo NHS bilang mga pangulo (administrador at guro) ng organisasyon.
Kabilang din sa mga kinatawan ng unang distrito ng Palo na nahalal bilang mga opisyal ng SEAL sina Jessica Logronio, guro sa SPED ng Palo NHS bilang pangalawang pangulo at Kya Demicillo- Yancha, guro sa SPED ng Palo 1 Central School bilang kalihim.
PANGAMBA SA KALIGTASAN
Pagkabalisa at mainit na ulo: Problemang kinakaharap ng paaralan sa pagbabalik ng F2F
IInaasahan na ni Ariel Gacang ang pagbabago sa pag-uugali ng mga mag-aaral ngayong taong-panuruan. Napagtanto ng guidance counselor designate ng Palo NHS na maraming mag-aaral ang nakararamdam ng pagkabalisa, pagkabigo sa kanilang mga gawaing pampaaralan at pagbabago sa kanilang mga pangkaraniwang ginagawa.
Ilang buwan pa lamang sa paaralan, hindi niya lubos maisip ang biglang pagtaas ng mga referral ng mga guro sa mga problemado nilang mga magaaral. Pangkaraniwan sa mga suliranin na idinadaing ng mga guro ang basag-ulo o pisikal na away, berbal na pananakit o di naman may kinalaman sa pambubully online. Lahat ng mga ito ,resulta ng mabilis na pagkairita at ang pagkamaitin ng ulo ng ilang mga mag-aaral.
“Hindi namin inaakala na ganito kabigat ang sitwasyong kinakaharap namin ngayong taong-panuruan. Halos arawaraw ay may natatang-
paglalahad ni Gacang sa isang panayam ng Ang Duyan. Nakaaalarma sa mga guro ang ilang mga masamang pag-uugaling ipinakita ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan tulad ng simpleng pagsira sa mga pag-aari ng paaralan, vandalismo at pagsagot at hindi pagrespeto sa awtoridad o guro.
Ngayong taong-panuruan lang din naiulat ang pagbabasag-ulo ng ilang mga magaaral sa loob ng silid-aralan habang nagkakaroon ng talakayan ang guro. Bukod pa dito ang pag-aamok ng away sa isang guro.
paglala ng problema kung hindi agad ito masosolusyunan. Sa katunayan, maaaring mauwi ang paaralan sa kinasapitan ng Culiat High School kung saan namatay ang isang Junior High School student matapos saksakin ng kaklase sa loob mismo ng kanilang paaralan noong Pebrero ngayong taon. Sa pag-aaral na ginawa ng mga eksperto sa Chicago, napag-alamang ang ganitong mga suliranin ay dulot ng stress dala ng pandemya na naging dahilan ng pag-iiba ng pangkaraniwang ginagawa araw-araw.
Mas pinalala pa ang problemang ito ang kakulangan ng
pagkukulang sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga guidance advocate na tutulong sa designate guidance counselor sa pagbibigay ng kaukulang serbisyo at payo sa mga magaaral at magulang.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA
AWTORIDAD
Dahil na rin sa lumalalang problema, gumawa ng hakbangin ang paaralan upang masolusyunan ito. Nakipag-ugnayan ang paaralan sa mga awtoridad upang magkaroon ng oryentasyon at pagpapa-alala sa mga mag-aaral sa hindi mabuting dulot ng pakikipagbasag-ulo at iba pang kaugnay na problema sa pag-uugali.
“Malaking tulong ang ginawang oryentasyon sa mga mag-aaral dahil mas malinaw na sa kanila ngayon an ilang polisiyang kapag hindi sinunod ay
“
Malaking tulong ang ginawang oryentasyon sa mga mag-aaral dahil mas
malinaw na sa kanila ngayon an ilang polisiyang
kapag hindi sinunod ay maaring magdulot sa kanila ng kapahamakan.
maaring magdulot sa kanila ng kapahamakan”, pagbibigay-diin ni Betsy Grace Navarette, punong-guro ng paaralan.
Sa isyu ng seguridad, nabanggit ni Navarette na ginagawa ng administrasyon ang lahat ng makakaya tulad na lamang ng pagpapagawa ng pader na pipigil sa pagpasok labas ng mga mag-aaral at ng mga di kilalang tao na kasabwat sa pagbabasag-ulo.
PAGSASAKATUPARAN NG INTERBENSYON
Pinaigting ng paaralan ang pagsasakatuparan ng mga interbensyon sa mga mag-aaral na sangkot sa mga problema.
Ibinalik ngayong taong panuruan ang mga gawaing pampaaralan tulad ng mga paligsahan sa isports at mga pangsosyal na gawain upang matuon ang atensyon ng mga mag-aaral sa mas makabuluhang gawain.
Maaaring dulot ng pagbabasag-ulo
ayon sa pananaliksik ng Ang Duyan
stress mula sa pandemya
kakulangan ng tulong propesyonal
Pito sa sampung Palonian, gusto pa rin ang pisikal na kopya ng aklat vs ebook
Nalaman din sa sarbey na ang pinakasikat na genre sa mga teenager ay pantasya, romansa at piksyon.
“Nagbabasa ako ng libro pero pangkaraniwan kong binabasa ay mga fictional book pero paminsan educational”, ayon kay Niña Coyacot, mag-aaral ng Palo National High School.
Dagdag pa nito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pisikal na libro ay natutulungan siya na mapahusay at mapabuti ang kanyang memorya, imahinasyon, kaalaman, at bokabularyo. Sa pamamagitan din nito ay nababawasan ang kanyang stress at mas mapapabuti ang kanyang mental health.
Lumabas din sa ginawang sarbey na mas maraming mga mag-aaral ang bumibili ng mga pisikal na kopya ng libro kaysa sa pagbili ng mga digital na libro, ang mga dahilan ng mga kabataan ay ang kanilang pagkagusto sa amoy at pakiramdam na may hawak na libro, ang pagkakaroon ng sariling kopya na maaari nilang ipahiram sa kanilang mga kaibigan, at ang pagkakaroon ng break sa time screen sa
sa mga numero
20% DF General Fund
CY 2022 drainage project
2,906,298
mga ginagamit na gadget. Gayunpaman, ipinakita rin ng survey na 25% ng mga teenager ay mas gusto ang pagbabasa sa mga social media platform katulad na lang ng wattpad at mga babasahin sa facebook, dahil ito ay mas madali at maaaring dalhin kahit saan.
Mas mapapadali rin ang kanilang pag-access ng kanilang mga gustong babasahin sa pamamagitan ng teknolohiya, at maaari rin nilang ayusin ang laki ng mga letra sa babasahin ayon sa kanilang kagustuhan. “I prefer ebooks kasi mas madaling ma-access kaysa ha mga physical books. Mas marami ‘yong feature, at pwede mong dalhin kahit saan at hindi mabigat”, saad ni Mariel Dolina, isang magaaral ng Palo National High School.
Sa pangkalahatan, nagmumungkahi ang sarbey na habang ang mga digital na libro o ebook ay nagiging mas popular sa mga teenager, ang mga pisikal na libro ay mayroon pa ring espesyal na lugar sa kanilang mga puso.
SOLUSYON SA PAGBAHA
Pamahaalang panglalawigan, pinondohan ang drainage system ng 2.9M; solusyon sa pagbaha, nasagot ng proyekto
PPinondohan ng 2.9 milyon ng pamahalaang panglalawigan ang pagpapagawa ng imburnal at pagsasaayos ng kalsada sa Brgy. Cavite West, Palo Leyte na natapos noong Marso 21 ngayong taon.
Sa opisyal na dokumento na ibinahagi sa ‘Ang Duyan’, umabot ng 2, 906,298 na peso ang halaga ng pagpapagawa ng nasabing proyekto na inaprubahan ni Leopoldo Dominico L. Petilla, dating gobernador ng lalawigan ng Leyte.
“Malaking tulong ang imburnal na ginawa upang masolusyonan ang problema ng pagbaha”, pahayag ni Cherrylyn Cabrigas, punong barangay ng Cavite West.
Sa hiwalay na panayam kay Errol Sanchez, konsehal ng barangay,nabanggit nito na malaki na ang magiging tulong ng nasabing proyekto dahil maiibsan na nito ang matin-
PARA HA KAUPAYAN
Bagong pergola pinasinayaan para sa mga Palonian; Reposar, pinuri ang magandang samahan ng paaralan, gobernador
ding pagbaha tuwing uulan nang malakas lalo na sa labas bahagi ng kinatatayuan ng Palo NHS kung saan halos umabot tuhod ang baha sa tuwing nakararanas ng matinding pag-ulan.
Naisakatuparan ang drainage system dahil sa 20 porsyento ng pondong inilaan mula sa DF General Fund ng taunang alokasyon ng budget noong CY 2022.
“Malaking tulong talaga ang nasabing proyekto sa parehong mapapakinabangan ng barangay at paaralan”, pagbabangit ni Allene Joy Dionaldo, guro sa Palo NHS at residente ng Cavite West.
IIdinaos ang pagpapasinaya ng bagong pergola sa Palo National High School na donasyon ni Hon. Carlos Jericho “Icot” Petilla, gobernador ng lalawigan ng Leyte noong Marso 17, 2023.
Pinondohan ang nasabing proyekto ng mahigit limang milyon gamit ang pondo ng
Dagdag pa ni Reposar sa kanyang talumpati na seryoso ang tanggapan ng goberna-
edukasyon para sa mga magaaral.
Sa kabilang dako, malaki
proyektong ibinigay ng gobernador.
“Makatutulong ang proyek-
aspekto ng seguridad,” dagdag pa ni Navarette sa panayam sa pahayagang ‘Ang
Keanna Mae C. Bradley Veona G. TingzonPAGBABAGONG GANAP
Hindi biro ang malaking gampanin na nakaatang sa mga balikat ng mga tagapayo sa pahayagang pang-mag-aaral sa paghubog sa kamalayang panlipunan ng ating mga estudyanteng mamamahayag na para sa iilan itinuturing na mapangahas na tunguhing radikal.
Bilang isang kolektibong komunidad sa akademya at Pamamahayag, dapat nating suportahan at tulungang mapabuti pa ang Pampaaralang Pamamahayag upang masiguro na mayroong bagong henerasyon ng mga mamamahayag na masigasig, etikal, at mangangalaga o proprotektahan ang katotohanan.
Hindi maitatatwang malaki ang naging ambag ng mga pahayagang pang-magaaral sa pagpapanatili ng gumaganang demokrasya. Nagsilbi itong taga-usig sa mga nagbibingi-bingihang mga lider sa kani-kanilang paaralan o pamayanan, at naging tagamulat sa mga matang nakapikit sa tunay na mga pangyayari sa paligid.
Kaya nararapat lang na ang mga estudyanteng mamamahayag ay hindi produkto ng pangkaraniwang burukratiko bagkus produkto dapat ng isang liberal na edukatibong proseso. Sa prosesong ito, naglalayong maikumpas sa iisang tunguhin ang landas ng pahayagang pang-mag-aaral –PAGBABAGONG GANAP!
Sa tunguhing nais marating, mas pagtitibayin pa ang masinop at makabuluhang pagsulat at paglikha ng mga balita, lathalain at iba pang sulatin sa Pamamahayag na nakatuon ang lente sa mga totoong pangyayari sa lipunan.
Maaaring mahirap ang pagtahak sa landas ng pagbabagong ganap sa ating mga pahayagan at ito’y hamon sa ating mga tagapayo at estudyanteng mamamahayag. Sila ang magsisilbing instrumento ng tagumpay sa adhikaing inaasam at hindi dapat nakaangkla sa radikal na paniniwala.
LUPONG PATNUGUTAN
TAONG PANURUAN 2022-2023
Jane Bernadete D.
Punong Patnugot
Keanna Mae C. Bradley
Pangalawang Patnugot
Tagapamahalang Patnugot
Andrea B. Ygrubay (SHS- Administratibo)
Hanna Therese D. Candalo (JHS-Administratibo)
Ysa Ariadne N. Cardos (JHS-Pangsirkulasyong Dibisyon)
Erwin A. Lago (SHS-Pangsirkulasyong Dibisyon)
Athasha Janelle B. Velasco(Pananaliksik at Ekstensiyon)
Veona Alexa G. Tingzon (Pag-aanyo /Pagdidisenyo ng Pahayagan)
Xentt Atasha Jhal A. Seludo (Korespondent sa Pagsulat)
Oriel A. Tolibas(Online na Publikasyon)
DAKILANG
LAYUNIN
Tagapayo
Sangay ng mga Korespondent sa Pagsulat
Panseksiyong Patnugot
Balita: Lord Kian S. Sta. Maria
Malikhaing Kathain at Lathalain: Charlotte Barbosa Paet
Agham at Teknolohiya: Heart Elle Novie C. Goles
Isports: Carl Lawrence G. Porca
Samakatwid, kailangan ang kolektibong desisyon upang maisakatuparan ang adhikaing ito. Lahat ay kasapi at handang tanggapin ang kahihinatnan ng pakikipagkapit-bisig tungo sa pagbabagong ganap. Pagbabanggit pa nga ni Paul Solarz, “ Ang kolaborasyon ay pagbibigay pahintulot sa atin na malaman pa ang ilang mga bagay na hindi pa natin nababatid.” Bilang isang kolektibong komunidad sa akademya at Pamamahayag, dapat nating suportahan at tulungang mapabuti pa ang Pampaaralang Pamamahayag upang masiguro na mayroong bagong henerasyon ng mga mamamahayag na masigasig, etikal, at mangangalaga o proprotektahan ang katotohanan. Malaking papel ang pagtahak sa makabago at napapanahong midyum tulad ng paglikha ng dokumentaryo, imbestigatibong pag-uulat, podcasting, pagsulat ng mga malalim na istorya. Sa ganitong paraan mas mahuhubog ng isipan ng mga mag-aaral at mahahanda sila sa totoong mga pangyayari. Binibigyan nito sila ng mga kasanayan, kaalaman, at kumpiyansa sa kakailanganin nila upang magtagumpay sa larangan ng pamamahayag.
Katuwang na Tagapayo Punungguro II
Sangay sa Pag-aanyo at Pagdidisenyo ng Pahayagan
Pangsangay na Patnugot: Chen C. Rupa
Katuwang na Patnugot: Niña Gabrielle P. Coyacot
Mga Senyor na Manunulat
Angel D. Pontilla
Quinne Algen A. Barbosa
Kathleen V. Onida
Mga Kontribyutor
Ang pahayagang ‘Ang Duyan’ ay
ng
Zenaida Sheham D. Decena
Josh Martin D. Placigo
John Dave M. Gacang
Hubert Darcy C. Gonzaga
Carlo Jhay Sampere
Eujane Claire Therese P. Ladrera
Earl Dave M. Murillo
Mga Junyor na Manunulat Mga Konsultant
Ronald O. Reyes Matthew Jolo B. Palacio
Jimmy Dominggo
Ed Tiquen
John Dave Enciso
Mar Sudario
mga Palonian at magkaroon ng kamalayan tungkol sa usaping pangkampus, pangpamayanan at panlipunan. Inaasahan din na ihahayag nito ang katotohanan at magsilbing boses ng kabataan para maibahagi ang opinyon tungkol sa partikular na mga isyung nakakaapekto sa mga mag-aaral.
midyum
impormasyon. Hanggad nitong mahasa ang kaisipan ng
Mahalaga ang Laman ng Sikmura
PUNTO JANE BERNADETE BERSAMENHindi na bago sa atin ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Nararanasan man ito noong mga nakaraang taon, nalalampasan naman ito at nabibigyang solusyon. Ngunit ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob lang ng ilang buwan ang mas lalong nakaaalarma kaysa sa naranasan na. Sino ba ang hindi aaray sa siguradong pagkabutas ng bulsa?
Itinuturing na isang malaking hamon para sa isang pamilya na may tatlong anak na magkasya ang kinikita para sa pangangailangan ng pamilya. Paano pa kaya ang
sinanto, wala na yatang badyet pa para sa sariling luho.
Inaarayan ng mga ordinaryong Juan Dela Cruz ang patuloy na pagtaas ng inflation rate na pinaniniwalaang lalala pa kung pababayaan.
Ayon sa datos sa mga pag-aaral na nasaliksik ng Ang Duyan, ang Pilipinas ay may inflation na umabot sa 6.2 porsiyento o anim na piso at dalawang sentimo ang inaasahang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Malaki kung ihahambing sa antas ng inflation sa ibang karatig bansa sa Timog-Silangang Asya.
Mahaba-habang Usapan
KAKAMPI ERWIN A. LAGOMMalaki ang pasasalamat ng Palo National High School sa proyektong elektripikasyon ng kagawaran kung saan naglaan ito ng milyon noong taong 2018 upang maaayos ang suplay ng kuryente sa paaralan, ngunit makalipas ang anim na taon ang malaking tanong ay kakayanin pa ba ng suplay ng kuryente ang mahigit apat na libong magaaral na gagamit nito lalo’t panahon na ng tag-init ? May solusyon pa ba sa pabalik-balik na problemang ito?
Dahil na rin sa pagbabago ng pagbubukas sa taong panuruan, nataong tag-init ang naging huling quarter nito na nagdala ng kalbaryo sa mga guro at mag-aaral.
Nananatili pa ring limitado ang suplay ng kuryente sa mga silid-aralan ng paaralan matapos ang pagpapatupad ng proyekto. Ngayon, mas marami na ang gagamit, mas lalong numinipis ang suplay.
Sa sobrang init ng panahon, kakailanganin o gagamit talaga ng tatlo hanggang limang bentelador ang 50 mahigit na mga mag-aaral sa isang tipikal na sukat ng isang silid-aralan sa pampublikong paaralan.
“Mainit sa loob ng silid-aralan namin lalo
LIHAM SA PATNUGOT
na kapag tanghali at tirik na tirik pa ang araw,” patotoo ni Amiel Vince Camino, magaaral sa ika-7 baitang ng paaralan sa isang panayam ng ‘Ang Duyan’.
Ang ganitong suliranin ay nakalimutang isa-alang-alang ng kagawaran sa pagpapatupad ng pagbabago sa pagbubukas ng taong panuruan .
Kaya’t napakahalagang pag-aralan muna ng mga tagapagtaguyod ng polisiya ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad nito, gayundin sa mga politikong nagpapasa at nag-aapruba ng mga batas ng sa gayon ay hindi maging pabalik-balik ang problemang kinakaharap.
Ngunit sa pag-upo ni VP Sarah Duterte, ang kalihim ng kagawaran, binigyang-pokus niya ang problema at isang mabilisang sagot ay ang pagbibigay awtorisasyon sa mga paaralan na suriing maigi ang sitwasyon ng mga bata at gawin ang lubusang pagpapasya kung babalik ba ang paaralan sa implementasyon ng blended na pagkatuto o pagpapatupad muli ng modular na pagkatuto upang masolusyonan na rin ang problema. Sa aking pananaw mas maiging
Mahal na Patnugot, Gusto po ko sanang malaman kung anong hakbang ang ginagawa ng paaralan sa problema ng basag-ulo na kinasasangkutan ng mag-aaral ng Palo NHS sa labas ng kampus?
-Concerned Citizen-
mga produkto. Paminsan pa nga’y napapaisip ako, mabuti pa ang mga bilihin, nagmamahal, ako na lang yata ang wala pang nagmamahal!
Sa kabilang dako, inibsan ng pamahalaan ang pangamba ng mga Pilipino sa inilabas nilang opisyal na pahayag na ginagawa nila ang lahat upang kontrolin ang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin.
Pinatotohanan ng mga ekonomista na malaking dagok sa ekonomiya ang inflation. Naging panukala nila ang isang napakalaking salik sa pagpapanatili ng mababang presyo ng mga bilihin at ito ay ang importasyon ng mga nagmahal na bilihin tulad ng bigas at asukal o di kaya’y tugisin ang mga hoarder ng mga produkto tulad ng sibuyas na dahilan ng pagtaas ng presyo nito.
Nararapat lamang na bigyang-pansin ang malaking problemang ito dahil napakaraming mga Pilipino ang naghihirap at patuloy pang maghihirap kung hindi ito agarang mabibigyan ng solusyon. Tiyak tataas naman ang bilang ng krimen sa bansa. Huling punto, dapat ay tinitingnan ang datos o bilang ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ito ay dapat gamiting sukatan o batayan upang sabihing malala ang problema ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Mas mainam na mismo ang mga opisyal na ng pamahalaan ang magpatotoo at tingnan ang mga pamilyang nasa laylayan na ng lipunan. Sila ba ay may makain at puno ang sikmura? Saka natin mapagtatanto na ang bilang ay hindi sapat sa kumakalam na sikmura.
Dapat ay tinitingnan ang datos o bilang ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ito ay dapat gamiting sukatan o batayan upang sabihing malala ang problema ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Datos mula sa: Philippines Statistic Authority
ibalik ang pagbubukas ng taong panuruan sa buwan ng Hunyo upang maiwasan ang ganitong problema. Sa sitwasyon ng aming paaralan, isang bentahe kung maituturing kung hindi matataon sa tag-init ang klase dahil na rin sa nabanggit na problema sa suplay ng kuryente.
Bukod dito, hindi na magiging epektibo ang pagtatalakay dahil hindi naman makapagpokus ang mga mag-aaral. Kung naisin naman ng tagapayo na magdagdag ng bentelador para sa klase, maisasakripisyo naman ang kaligtasan ng paaralan dahil maaaring magdulot pa ito ng malalang problema.
Sa personal kung pananaw, isa pang agarang solusyon na makakasagot sa problemang ito ay ang pagbili muli ng isa pang transformer upang makadadagdag pa ng suplay ng kuryente na hindi iniisip ang maaaring kahihinatnan ng paaralan kung sakali mang magkaroon ng overloading sa suplay ng kuryente habang hindi pa naisasakatuparan ang pagbabalik ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo na alam naman nating mahaba-haba pang usapan at dadaan pa sa maraming proseso.
Kaya’t napakahalagang pag-aralan muna ng mga
tagapagtaguyod ng polisiya ng
Kagawaran ng
Edukasyon...ng sa gayon ay hindi maging pabalik-balik ang problemang kinakaharap.
Concerned Citizen, Ayon kay G. Ronald O. Reyes, ang ating Information Officer, ang mga nangyayari sa labas ng kampus lalo na kung hindi na ito oras ng klase ay labas na sa pananagutan ng paaralan. Bagama’t walang pananagutan ang paaralan, handa naman itong na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga kinauukulan upang maresolba ang mga problemang kinasasangkutan ng ating mga mag-aaral sa labas ng kampus. Ginagawa rin nito ang lubos na makakaya upang magabayan at matulungan ang mga mag-aaral na nasasangkot sa pakikipagbasag-ulo.
Isip, Isip Bago Mag-Klik
Kamakailan lang naging viral ang video tungkol sa insidente ng pamamahiya at pagpopost ng isang guro sa Cebu City ng kanyang mga mag-aaral na pinagbintangang nagkopyahan.
Nakakalungkot isipin na mag-uumpisa ang pambubulas sa taong itinuturing nating pangalawang magulang.
Sa ganang akin, kailangang paigtingin ng kagawaran ang oryentasyon sa mga guro tungkol sa mga umiiral na batas ukol sa pangangalaga sa mga karapatan ng mga mag-aaral at rebyuhin nito ang mga polisi yang nakasaad sa Child Protection Policy nang sa ganoon maiwasang maulit pa ang ganitong pangyayari.
Pinagtitibay sa DepEd Order No. 40 s. 2012 na pinamagatang DepEd Child Protec tion Policy na mabigyang proteksyon ang mga mag-aaral laban sa kahit anong uri ng pang-aabuso tulad ng diskrimi nasyon, pambubulas at eksploytasyon nang sa ganoon ay mapangalagaan ang karapatan ng mga ito.
Nakasaad sa nasabing polisiya na mananatiling prayoridad ng paaralan at kahit anumang organisasyon ang pangangalaga sa karapatan ng mga bata at lahat ng mga desisyon at aksiyon ay
nakabatay sa polisiyang ito.
Dagdag pa, ipinaaalala ng kagawaran na zero tolerance sila sa kahit anumang polisiyang may kaugnayan sa pagyurak sa karapatan ng mga Pilipinong mag-aaral lalo na sa pang-aabuso (pisikal, berbal o sekswal),eksploytasyon, karahasan, diskriminasyon at pambubulas.
Malinaw na isang uri ng pambubulas ang
bawat mag-aaral sa aksyong gagawin. Maraming beses na nauugnay ang mga guro natin sa ilang kontrobersiya sa kaugnay sa paggamit ng social media na kung bibigyang pokus lang din ang pagpapaigting ng digital literasi sa mga guro, siguradong mag-iisip muna ito bago mag-klik!
Bagama’t ang intensyon ay mabigyang-aral o madisiplina ang mga mag-aaral, dapat pa ring siguraduhing hindi mayuyurakan ang karapatan ng bawat mag-aaral sa aksyong gagawin.
7 sa sampung guro ang ‘digitally illiterate’ Tatlo (3) naman ang digitally literate
Huwag Pumatol sa Pekeng Balita
Isa pa ring patuloy at mainit na isyu hanggang sa kasalukuyan ang pagkalat ng mga pekeng balita sa iba’t ibang medyum ng pahayagan gaya na lamang sa social media, diyaryo, telebisyon, at radyo.
Sa kadahilanang ito, ang ilang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa bansa ay nababahala at naghahanap na ng paraan kung paano ito masasawata at dahil sa marami na ring mamamayan ang naaapektuhan ng paglaganap nito.
Kadalasang ang kabataan ang pangunahing tagapaglaganap ng pekeng balita dahil
sila ay nakatutok palagi sa social media. Maaaring dito nila nakukuha ang mga maling impormasyon na ikinakalat naman sa iba.
Ngunit mali din namang isisi lahat ang paglaganap ng pekeng balita sa mga kabataan dahil sa may mga kamalian din ang mga tagapangasiwa ng mga social media platform.
Ilan sa mga kamalian nila ay ang kawalan ng tagasala ng mga impormasyong nakakalap nito kaya’t walang sinuman ang nananagot, umaako, at napaparusahan
Kailan Sasapat?
Isang napakalaking hamon sa mga paaralan ang suliranin sa suplay ng tubig na palaging idinadaing ng mga guro at mga mag-aaral na kailangang bigyan ng agarang aksyon o solusyon.
Sa katunayan, isa ito sa naging problema o suliranin na kinaharap ng paaralan sa katatapos lang na Eastern Visayas Athletic Association (EVRAA) Meet kung saan ginawang billeting area ang paaralan ng delegasyon mula sa lungsod ng Calbayog.
Napakahalaga para sa mga mag-aaral na magkaroon ng oportunidad sa ligtas at malinis na tubig sa buong araw. Sa pagkakaroon ng magagamit na malinis na tubig, ang sanitasyon ay matutugunan.
Dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig sa mga palikuran ng paaralan, nagiging dahilan ito upang hindi magamit ng mga mag-aaral ang ilan pa sa mga ito na ipinatayo sana
dahil sa pekeng balita. Hindi tulad ng ibang tradisyunal at lehitimong media outlet gaya ng ilang pahayagan, telebisyon, at radyo na may mga patnugot na siya namang nagsasala at nagsusuri sa mga balita, lathalain, at iba pang impormasyon na nakakalap.
Malaki rin naman ang nakaatang na responsibilidad sa kanilang mga taga-ulat sa pagkalap ng mga impormasyon, kaya’t may mga sistema sila ng pagsusuri kung totoo ito o hindi.
Sa kabilang banda naman, dahil na rin sa makabagong teknolohiya kung kaya’t mabilis
ang paglaganap ng pekeng balita. Mas nakakalungkot lang para sa atin dahil nahahaluan pa ito ng politika at nagagamit siyang kasangkapan ng paninira, panlalait, pang-aalipusta sa kapwa.
Tanging paraan na maitutulong nating mga mag-aaral pagdating sa ganitong isyu ay ang pagiging mapanuri at sigurado sa mga impormasyong ilalahad sa kahit na sinong makakasalamuha.
upang mapunan ang kakulangan sa palikuran. Sa datos na kinuha mula sa School Report Card (SRC) ngayong taong panuruan, napag-alamang sapat ang bilang ng palikuran. Sa katunayan ayon sa ulat, sa bawat 39 na mga mag-aaral sa Palo NHS ay may isang maayos na palikuran na pwedeng gamitin. Nabanggit din sa ulat na may 27 pang palikuran ang sobra para sa kabuuang populasyon ng paaralan.
Animo’y kabalintunaan kung maituturing, kung kailan may sapat na palikuran wala namang sapat na suplay ng tubig na mapagkukunan.
Karaniwang makakakita ka ng mahahabang pila ng mga mag-aaral na naghihintay ng kanilang pagkakataon na gumamit ng banyo na mas malala pa tuwing break time. Hindi dahil sa kulang ng palikuran, sadyang mahirap lang talaga ang suplay na tubig sa
paaralan!
Ang sitwasyong ito ay pinangangambahang magdulot ng masamang epekto sa kalusugan at kalinisan, kung walang suplay ng tubig, maaaring hindi malilinisan nang maayos ang mga palikuran.
Karamihan sa mga estudyante at guro ay dumadaing sa masamang amoy na nagmula sa mga palikurang hindi nalilinis dahil walang nakasalok na tubig.
Ang pagbibigay solusyon sa problemang ito ay hindi lamang kaginhawaan para sa mga mag-aaral. Bukod sa lahat, ito’y pagpapanatili ng malinis na kapaligiran nang sa ganoon malayo ang lahat sa hindi mabuting kahihinatnan.
Binibigyan naman daw ng administrasyon ng agarang solusyon ang problemang ito. Sana nga lang hindi ningas-kugon ang lahat ng ito!
Animo’y kabalintunaan kung maituturing, kung kailan may sapat na palikuran wala namang sapat na suplay ng tubig na mapagkukunan.
Isinulat at sinaliksik nina
Jane Bernadete D. Bersamen at Charlote May B. PaetLunan ng PAG-ASA at Pagkalinga
Nakaukit na sa ating kanya-kanyang mumunting isipan ang palaisipang hindi lang sa apat na sulok ng silid-aralan tayo natututo at nakakakuha ng aral na siya namang nagpapayabong sa iba’t iba nating angking kakayahan. Kaya naman ay hindi maiwasang sumagi sa isipan kung bakit nga ba may paaralan, at madalas ay tinatawag pa nila itong pangalawang tahanan.
Katulad ng halaman, ang bawat isa sa atin ay hindi pare-pareho. Mula sa estado, pisikal na anyo, kakayahan at kapasidad ng ating pagkatuto. Sa ilang taon na pakikibaka, hindi maikukubli na ang bawat isa sa atin ay nakasalamuha na ng mga kabataang tampulan ng kagalakan dahil sa kanilang pagiging espesyal.
Sa aking lalawigang tinubuan, aking napagtanto ang kakulangan ng paaralang may pasilidad na tumutulong sa pagpapayabong ng kani-kanilang dignidad. Saksi ako, sapagkat isa sa aking malalapit na kamag-anak ang hindi nakapag-aral. Katulad ko, sila’y bata, at hindi maikukubli ang aking paghanga sa kadahilanang bagamat hindi pare-pareho at madalas sumagi sa isipan ng sangkatauhan ang kanilang kakulangan, natitiyak naman ng aking kaalaman na sila ay may kanya-kanyang kakayahang hindi kayang gawin ng isang kagaya kong kung tawagin ng iba ay “normal”.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng hindi pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang isang mag-aaral ay ang kahirapan at pagkakaroon ng kapansanan. Dahil dito, nagmungkahi ang sangay ng Leyte ng isang programa para sa mga taong may espesyal na pangangailangan. Ang programang ito ay tinatawag na Integrated School and Center of Hope : Leyte Division Inclusive Learning Resource Center (ILRC).
Layunin ng programang ito na matugunan ang pangangailangan ng mga batang may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon. Dito ay planong maglaan ng mga nararapat na rehabilitasyon ang gobyerno na makakatulong sa pagpapaunlad sa mga taong may kapansanan, nang sa gayon ay makapagbigay ito ng pag-asa sa bawat isa. Layunin din ng programang ito na makapagpatayo ng institusiyon kung saan ay unang iisipin ang kanilang kapakanan at kung papaano mapauusbong ang kanilang kakayahan at iba pang interes.
Upang matiyak na maisasakatuparan ng bawat mag-aaral ang kanyang buong potensyal at maibibigay sa kanila ng buo ang karapatan na makapag-aral, ang sangay ng Leyte, bilang bahagi ng pang-edukasyong komunidad ay nagmumungkahi na magtatag ng nasabing pasilidad.
Dito ay dapat lamang na kilalanin, ipagtanggol, at isulong ng departamento ang mga karapatan ng lahat ng mag-aaral na may kapansanan. Nararapat lamang na matiyak na walang mag-aaral na may kapansanan ang pagkakaitan ng karapatang makakuha ng isang kalidad, inklusibo, at pantay na edukasyon. Dapat din itong magsulong ng mga pagkakataon para sa lahat ng mga estudyanteng may kapansanan na magpatuloy sa pag-aaral.
Ilan lamang ito sa mga kinikilalang layunin ng programang ito. Hinihikayat at sinisikap ng sangay ng Leyte na ito ay maisakatuparan, para lubos na suportahan ang karapatang pang-edukasyon ng mga batang may kapansanan.
Pamalandong /pagninilay/ sa Kuwaresma
Mga Kwento ng Panata at Pananampalataya
“Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos,walang himala!”
--Elsa, Himala (1982)
Siguro’y pamilyar na pamilyar kayo sa linyang ito mula sa pelikulang ‘Himala’ na isinatitik ni Ricky Lee, isang tanyag na mangangatha at manunulat ng iskrip pampelikula. Tumatak sa atin ang linyang ito na kung kikitkiting maigi ang konteksto ay siguradong mapagtatantong kabalintunaan sa ating paniniwalang nag-ugat sa malalim na pananampalatayang ipinakilala ng mga Kastila ilang siglo na ang nakararaan. Tulad ng mga taga-Cupang at mga tagasunod ni Elsa, dumaraing din tayo hanggang ngayon ng mga himala sa ating buhay, umaasang didinggin o pakikinggan ang ating mga panalangin. Kaya’t nang sambitin ni Elsa ang mga pahayag na nasa itaas, gumuho rin ang malalim na pananampalataya ng kanyang mga tagasunod.
Kaya’t hindi nakapagtataka sa tuwing sasapit ang Kwaresma, mas tumitibay ang ating panata sa mahal na poon (imahe ng Diyos na nagbubuhat ng krus, imahe ng Diyos na ipinako sa krus, imahe ng patay na katawan ng Diyos at ang imahe ng kanyang pagkabuhay). Ayon sa paniniwalang Romano Katoliko, ang Kwaresma ay isang pagtalima sa liturhiya na taon ng maraming Kristiyanong sekta, pangkaraniwang pangmatagalan at umaabot ng humigit-kumulang anim na linggo na humahantong hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay.
Kaugnay nito ay ginagawa ng mga debotong Palon-on ang paglahok sa Pamalandong o pagninilay sa pinagdaanan at pagpapakasakit ni Hesus. Si Lucile Canaleja, isang deboto, at anim na taon nang nakikilahok sa paggunita ng Kwaresma. Umaasa siyang diringgin ang kanyang mga panalangin kung gagawin niya ang pagdedebosyon tuwing isinasagawa ang Pamalandong. Tanging panalangin ni Aling Lucile ang mabigyan siya at ang kanyang pamilya ng malusog na pangangatawan na ayon sa kanya ang tanging yaman lang ng pamilya.
Para sa mga Palon-on, ang pagdedebosyon tuwing isinasagawa ang Pamalandong ay napakatagal nang naging bahagi na ng pamumuhay at kultura ng mga lokal. Sa katunayan, isa ang bayan ng Palo sa may pinakamalaking pagtitipon ng mga deboto, na nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng rehiyon tuwing isinasagawa ang Pamalandong.
“Talagang umuuwi ako sa aking bayan kapag sumasapit ang Mahal na Araw. Ang Pamalandong ay naging debosyon ko na taon-taon.Kahit noong pandemya, sinisigurado ko na kahit walang pisikal na selebrasyon ay nakapagdedebosyon pa rin ako. Malaki ang tulong ng pagdedebosyon ko sa nakamit ko ngayon sa buhay, pagbabangit ni Ronald Veraza, deboto at ngayon nakabase na sa lungsod ng Cebu.
Sa lugar na tinatawag naman nilang Guinhangdan Hill ipinapakita ng iilan ang kanilang pananampalataya o debosyon. Inaakyat ang 522 na hakbang ng burol upang magsakripisyo.
Natatangi ang burol Guinhangdan sa lugar ng Palo dahil isa ito sa makasaysayang lugar sa Leyte. Naging isang estratejik na lugar ito ng pwersang Hapon noong sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Napakalaki na ng pagbabago ng lugar ngayon. Kung noon pugad ng mga imperyalismong Hapones, ngayon lunan na ng pagdedebosyon.
Para sa iilan ang pag-akyat sa burol ay sumisimbolo sa pagbabalik-loob sa Diyos. Hakbang patungo sa langit. Hindi naman nalalayo ang representasyong ito sa ngalan ng burol. Ang salitang Guinhangdan ay nagmula sa salitang Binisaya (Waray) na “hangad” na katumbas sa salitang Filipino na “pagtingala “ o “to look upward” sa Ingles. Literal na ikaw ay mapapatingala dahil sa taas ng burol. Makikita sa tuktuk nito ang malaki at 50 taong konkretong krus na sumisimbolo sa matibay na debosyon ng mga lokal sa dakilang lumikha.
Paniniwala ng maraming lokal at ng mga deboto na ang pagsasakripisyo sa pag-akyat sa nasabing burol ay pagpepenetensya na rin upang mabawasan ang kasalanan pero para kay Aling Rizalina Diolan, isang deboto, taon-taon ginagawa ang pag-akyat sa burol, at isang pagpapatotoo sa himala ng panatang ito. Mahigit 20 taon na ang nakalipas nang malaman niyang may kanser siya sa baga.Ngunit dahil aniya sa ginawang pagsasakripisyo at pananalig sa Diyos, naghimala ito at pinagaling ang kanyang karamdaman.
Ang mga kwento nina Lucille, Ronald at Rizalina ay maaring tulad ng kay Elsa, ngunit hangga’t may mga pagpapatotoo sa himala, mananatili ang kwento ng pananampalataya at panata.
KAPIRASO KAHIT
Ni Jane Bernadete D. Bersamen Pananaliksik ni: Niña Gabrielle P. Coyacot
Taglay ni Ada, hindi tunay na pangalan at labing-pitong taong gulang, mag-aaral ang gandang bibighani sa mga crush ng kampus. May mahaba at blonde na buhok, balingkinitan ang katawan, makinis na kutis, matangos na ilong at mapungay na mata. Siguradong-siguradong pagpipilahan si Ada ng mga gustong manligaw sa kanya tulad ng pagpila sa isang pelikulang patok sa takilya.
Kakaiba siya sa lahat ng kanyang mga kaklaseng babae. Siguro’y pagkakamalhan mong batikang kontesera sa isang beaucon dahil sa galing sa pagdadala sa sarili at pamumustura.
Minsan tinawag pa nga siya ng guro upang sagutin katanungang animo’y pang -Miss U, nasagot naman niya ang katanungang ibinato sa kanya kahit papaano at sabay sabing ,“I thank you!”
Sa masayahing personalidad na kanyang taglay, hindi mo man lamang mararamdaman na sa kaloob-looban, siya’y may ikinukubli. Isang piraso ng kanyang pagkatao.
Hindi sa bayan ng Palo lumaki at nagdalaga si Ada. Kailangan niyang lumipat ng tahanan at syempre ng paaralan dahil na rin sa pagnanais ng kanyang ina na mailayo siya sa kanyang abusadong ama at hindi magagandang mga alaala sa kanyang tahanan. Sa murang edad si Ada ay naging biktima rin ng pang-aabusong sekswal. Sa tuwing iniiwan siya ng kanyang mga magulang, inihahabilin siya sa kanyang pinsang si Kuya Jun, hindi tunay na pangalan, na mas matanda sa kanya ng anim na taon. Sa kanilang bahay nangyayari ang pangmomolestya at pang-aabuso na umabot ng anim na taon kaya’t ganoon na lamang kadali para sa kanya ang magpakalayo-layo sa kanilang lugar dahil na rin sa trauma at takot na nararamdaman sa tuwing nakikita ang kanyang Kuya Jun.
Bagama’t kasama ang kamag-anak ng kanyang ina, sa murang edad naranasan din ni Ada na tumayo sa sariling mga paa. Ngunit hindi pa ito ang tunay na laban ni Ada. Bagama’t malaking dagok sa buhay niya ang mga panyayaring ito, unti-unti na siyang nakakabangon at nalilimutan ang mga masasakit na alaala ng nakaraan.
Ang tunay talagang hamon ay ang pagtanggap sa kanya nang buo ng kanyang pamilya at pagtanggap sa kanya sa paaralan at kanilang komunidad nang walang halong pandidiri at panghuhusga.
Kapiraso ng kanyang buhay ang bukas na aklat para sa kanyang mga kaklase ngunit kapiraso nito ay ang kanyang pag-aalinlangan at pagkamuhi sa kinasapitan sa sarili.
Sa kasalukuyan, nasa transition stage na ng pagiging transwoman si Ada,ngunit mukhang hindi
niya magagawa ang gusto niya habang pumapasok siya sa paaralang puno ng panghuhusga.
Nabulalas ni Ada sa panayam sa Ang Duyan ,“Kahit kapiraso lang ng inyong paglingap at pag-intindi ay sasapat na para sa akin”.
Gustuhin man niyang maging tulad ng isang malayang ibon sa himpapawid siguro sa ngayon isa pa lamang itong panaginip. Hindi siya pinayagan ng paaralang magsuot ng damit pambabae at pinagsabihang kailangan sumunod sa istandard na unipormeng panlalaki kung nasa paaralan.
Hindi nag-iisa si Ada . Sa ginawang sarbey ng ‘Ang Duyan’ kung saan sampung LGBTQIA+ ang lumahok sa panayam , napag-alamang 9 sa 10 respondente ang nagsabing hanggang sa ngayon ay nakakaranas pa rin sila ng diskriminasyon o pangungutya sa kanilang mga kaklase, iba pang mga mag-aaral at mga guro.
Nakaaalarma ang naging resulta ng sarbey ngunit hindi na ito bago sa Pilipinas, madalas na dumadanas sa eskwelahan ang mga estudyanteng lesbian, gay, bisexual, at transgender, queer atbp (LGBTQIA+) ng bullying, diskriminasyon, kawalan ng access sa impormasyon tungkol sa LGBTQIA+, at sa ibang kaso, pisikal at sexual na pananakit ayon sa pag-aaral ng ginawa ng Human Rights Watch noong taong 2017.
Sa pag-aaral na nabanggit, napag-alaman ding humahantong ang ganitong abuso sa malalim at matagalang pinsala at nagkakait ng karapatan sa edukasyon ng mga estudyante, na protektado sa ilalim ng batas ng Pilipinas at batas internasyonal .
Sa katunayan gumawa ng hakbangin ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) upang maisulong ang pagpapahalaga sa karapatan ng lahat ng mga magaaral sa paaralan at ito ang nagbigay daan sa pagkakabuo ng Child Protection Policy at Gender-Responsive Basic Education Policy. Ngunit nanatiling nasa papel lang yata ang lahat ng ito.
Si May, isa ring trans, hindi tunay na pangalan at
dating mag-aaral ng Palo NHS. Napilitan na lumipat ng paaralan dahil sa pinagbabawalan siya ng paaralan na magbihis babae at magpahaba ng buhok. Ngunit ito ang pamamaraan niya na maipahayag ang kanyang sarili na naaayon sa kaniyang pagkakakilanlan.
“ I can be myself now sa paaralang aking nilipatan”,pagbibigay-diin ni May sa ginawang panayam ng Ang Duyan.
Kabaliktaran sa naging karanasan niya dito sa Palo NHS. Sa kanyang nilipatang paaralan ngayon, mas naipapahayag na niya ang sarili dahil tanggap siya nang buong-buo ng kanyang mga kaklase, mga guro at komunidad.
“Dumaan ako sa matinding depresyon lalong-lalo na isang taon na lang sana ang bubunuin ko at magtatapos na ako sa JHS. Gustong-gusto ko ang aking ginagawa (kabilang siya sa espesyal na programa ng paaralan) at kung sana’y ibinigay nila ang aking kapirasong hiling na pagtanggap ng aking pagkakakilanlan siguradong ginagawa ko pa hanggang ngayon ang bagay na passionate akong gawin”, dagdag pa ni May.
Sa kawalan ng epektibong implementasyon ng polisiya at pagsubaybay, maraming magaaral nabahagi ng LGBTQIA+ community ang patuloy na nakakaranas ng bullying at harassment sa eskwelahan. Ang masamang trato sa kanila ng mga kaedad at guro ay pinapalubha pa ng patakarang mapagbukod na nagpapababa at dumedehado sa kanila, pati na rin ang kakulangan ng impormasyon at sanggunian tungkol sa isyung may kaugnay sa LGBTQIA+ sa mga esk-
welahan (Human Rights Watch, 2017).
Marami pang kwento ng mga LGBTQIA+ tulad ng kay Ada at May ang nanatiling lihim dahil takot sila sa panghuhusga ng lipunan. Maaring mabaon pa sa limot ang mga naratibong hindi pa pinakikinggan at nasusulat. Ngunit kung patuloy ang mga paglalahad ng kanilang mga kwento na katulad nito, posibleng marinig ang boses nila sa paaralan at komunidad. Hindi man sa ngayon maibibigay ang respeto at pagtanggap na inaasam, pasasaan pa ba’t makakamtan din ito! Pero sa ngayon, hiling lang nila ay kahit kapirasong pagtanggap at pagrespeto.
Iba-iba ang ating konsepto ng isang mabuting lider at binibigyang kahulugan mula sa iba’t ibang perspektibo ang mga isyung kaugnay sa mabuting pamumuno. Ngunit ang lahat ng ito ay nakabatay pa rin sa isang salita—kapangyarihan. Kapangyarihan na baguhin ang nakagisnang uri ng pamumuno.
Kung inaakala ng ibang masarap maging lider, ito’y kabalintunaan sapagkat isang mabigat na responsibilidad ito kung maituturing.
Ang pagiging lider ay hindi madaling gawain o tungkulin, bagkus ito’y malaking gampanin na tila pasan ang buong mundo sa pagkamit ng pangkalahatang layunin. Nalalaman sa kagandahan ng pag-uugali--ang pagiging responsable, pagiging masipag at matiyaga, at pagiging determinadong suungin ang mga pagsubok na kahaharapin, ang tunay na isang lider.
Isinusulong din ng isang mabuting lider ang ikabubuti ng isang pangkat. Iniisip palagi ng isang mabuti at huwarang lider ang kapakanan ng lahat. Malaking gampanin din ang nakatoka sa kanila upang maging patas ang pagbuo nila ng mga desisyon para sa ikabubuti ng pangkat. Sila rin ang pinagkukunan ng lakas ng bawat miyembro ng pangkat. Nararapat na magtaglay ng malaking kompyansa sa sarili ang isang lider. Hindi magiging matatag ang isang pangkat kung ang mismong namumuno rito’y walang matibay na loob na siyang magsisilbing pananggalang sa hampas ng suliraning kanilang sasagupain.
Sa pagiging lider, nararapat lamang na magkaroon ng magan-
SUSI SA BAGONG PAMUMUNO
dang katangian sapagkat ito ang pinaka-alas na maituturing. Ito ang magiging daan upang makamit ang tunay na tagumpay. Mainam na taglayin ng isang lider ang pagkakaroon ng mababang kalooban at mahabang pasensiya upang hindi sila magkaroon ng kapintasan na maaaring makasisira ng kanilang imahe.
Nagiging gabay ng bawat lider ang isang prinsipyong, “Ikapapanalo ng lahat, ikasusulong ng pangkat”. Ang isang mabuting lider ay dapat magtaglay ng mabuting pag-uugali. Ito ang magpapanalo sa huling laban ng pakikipagsapalaran.
Nalalaman sa kagandahan ng pag-uugali--ang pagiging responsable, pagiging masipag at matiyaga, at pagiging determinadong suungin ang mga pagsubok na kahaharapin, ang tunay na isang lider.
“Walang mabubuo kung walang namumuno.”
Hubert DarcyGonzaga Animasyon at Pag-aanyo ni: Veona Tingzon
HINGYAP HAN KABUBUWASON
Lente sa Realidad ng Pagpapatupad ng K-12
“Diri tanan ng kaupayan, may dara nga katam-isan” (salawikaing Waray)
Umagang-umaga pa lang gising na si Rena, hindi tunay na pangalan, 19 na taong gulang, gradweyt ng Senior High School at handa ng makipagsapalaran sa tunay na bakbakan—ang paghahanap ng trabaho.
Malaki ang kumpyansa niyang makukuha siya sa gustong trabaho dahil ito ang ipinangako ng gobyerno kaya’t naisabatas ang Programang K-12 noong taong 2013.
Itinataguyod at ipinapahayag ng Batas Pambansa 10533 ang polisiya ng estado na bawat nagtapos sa batayang edukasyon ay magiging indibidwal na may kapangyarihan na natuto, sa pamamagitan ng isang programa na nakaugat sa maiinam na prinsipyong pampagkatuto at nakatuon sa kahusayan, ng mga
edukasyon na huhubog ng mga mamamayang produktibo at responsable at may taglay na mga kasanayang esensiyal, mga kakayahan at halagahang para sa pagkatutong panghabambuhay at empleo. (Official Gazette, 2012)
Gumuho ang mga pangarap ni Rena at walang magawa kundi tumangis na lamang sa kinasapitan niya.
Ito’y isa lamang sa nakakatakot ikinukubling katotohanan ng implementasyon ng K-12.
“Mas naging dagdag pa sa gastos
K-12 20% sa mga nakapagtapos sa SHS ang nakakapasok sa iba’t-ibang trabaho
batayan ng pagkatuto sa buong buhay, ng kakayahan na maghanapbuhay at maging produktibo, ng kakayahang makipamuhay sa isang mabungang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na lokal at pandaigdig, ng kakayahan na makilahok sa isang nakapagsasarili, malikhain, at mapanuring pag-iisip, at ng kakayahan at pagkukusang baguhin ang iba at ang sarili.
Ngunit ang lahat ng ito’y pawang naisasatitik lamang, at hindi napangatawanan kung pag-uusapan ang sitwasyon ni Rena. Matapos ang buong araw na paghahanap ng mapapasukang trabaho ni Rena,wala namang may kumuha sa kanya. Bigo ang sistemang sana’y magbibigay sa kanya ng oportunidad ng mabuting kinabukasan kahit hindi siya nakatungtong ng kolehiyo. Bigo ang Estado sa layuning lilikha ng isang gumaganang sistema ng batayang
Confederation of the Philippines na mas hinahanap ng mga employer sa mga aplikante ng trabaho ang mga diploma na nakapagtapos sa kolehiyo kaysa sa mga nakapagtapos lang ng SHS. Isa ito sa mga natukoy na salik na nakaaapekto sa mga kasanayan at kakayahan ng kabataang Pilipino tungo sa aspekto ng paghahanap-buhay ayon sa pagaaral ng Philippine Business for Education kasama na ang edad, kasanayan, pag-uugali sa paghahanap ng trabaho ,income ng pamilya at syempre ang
20% 5
lamang ang nakakapasok sa trabaho isang taon matapos ang pagtatapos sa SHS
at alalahanin ang pagpapatupad nito.
Nasayang ang panahon ng aking mga anak dahil sa programang hindi naman naging solusyon sa problema ng kakulangan ng trabaho”,ayon kay Dolores C. Gonzaga, ina ng isang mag-aaral na nakapaggradweyt na ng SHS.
Dagdag pa niyang lubos na naapektuhan ang mga mag-aaral na hindi tumapak ng kolehiyo dahil inaasahan na nilang sapat na ang diploma ng isang SHS upang makapagtrabaho at makapagtayo ng negosyo.
Ngunit hindi ito ang sitwasyon. Katunayan, sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies noong 2020, lumabas na apat sa limang mga mag-aaral ang tumuloy sa kolehiyo at ang isa ay gustong sumabak sa trabaho.
Pinatotohanan at tumugma ang pagaaral ng PIDS sa pahayag ng Employers’
ang dahilan kung bakit mahina ang kakayakan ng pagpasok sa lakas paggawa: edukasyon, edad, paghahanap ng trabaho, sahod ng pamilya, at mga kakilala
malakas na kasanayan sa pakikipag-ugnayan sa iba.
Tanggap na ni Rena ang nangyari, ngunit nangangamba lamang siyang umulit ang kasaysayan at mangyari sa iba ang sitwasyong kanyang kinasapitan.
“Kung ibabalik kong muli ang mga nangyari, mas pipiliin ko na lamang ang ipagpatuloy ang kolehiyo at makapagtapos nito, kung ganito lang naman ang aking kahihinatnan”,panghihinayang na pagsasalaysay ni Rena.
Ang pagtatapos ni Rena ng SHS ay maituturing niyang isang malaking tagumpay, ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat sapagkat nakuha man niya ang diploma sa sekondarya, nananatiling mailap pa rin sa kanya ang mararanasan ang tamis na dulot ng tagumpay.
at teknolohiya
MULAT SA KATOTOHANAN
Sa simula, nilikha ng Maykapal ang lahat ng mga bagay na ating nakikita kasama na ang mga nilalang na may buhay, at pinili niyang ang mga tao ang maging kakaiba sa lahat sa isang kadahilanan, ang pangalagaan ang mga bagay na kanyang nilikha.
Si Scarlet Millar, sampung taong gulang at nag-aaral sa pampublikong paaralan sa elementarya, mulat na sa epekto ng global warming kaya’t sa murang edad gumagawa ng hakbangin upang makatipid ng kuryente kaya aktibong nakibahagi sa ginanap na Earth Hour kahit nasa bahay.
Tulad ng batang si Scarlet, mulat na rin ang nakararami sa hindi magandang epekto ng panggamit ng non-renewable na mapagkukunan ng enerhiya kaya Noong Huwebes, Mayo 4 , nagtipon-tipon ang mga environmentalist para sa isang demonstrasyon na nangangampanya ng mas pinaigting pa na pangangalaga sa kalikasan at klima upang iprotesta ang inilarawan nila bilang gas buildout sa mga rehiyon sa Asya. Ang mga protesta, na ginanap sa Tokyo, Incheon, Mandaluyong, Jakarta, Chiang Mai, Hanoi, Dhaka, Delhi, Kolkata, Kathmandu, Lahore, Karachi at Colombo, ay bahagi ng kampanyang Don’t Gas Asia na itinaon kasabay ng ika-56 na Taunang Pagpupulong ng Asian Development Bank (ADB) Board of Governors sa Incheon, South Korea mula Mayo 2-5.
“Bilyon-bilyong dolyar na halaga ng mga proyekto ang ginagawa para palawakin ang mga liquefied natural gas terminal, power plant at pipelines sa Asya. Hindi namin kailangan ang mga proyektong ito,” sabi ni Lidy Nacpil, tagapag-ugnay ng Asian People’s Movement on Debt and Development (APMDD) at convenor ng Asian Energy Network sa ibinigay na press release noong ika-apat ng Mayo.
Binigyang- diin niya na ang mga proyektong nabanggit ay lilikha ng mas maraming problema, sa halip na lutasin ang krisis sa klima at ang krisis sa enerhiya sa rehiyon dahil ang gas ay nakakapinsala tulad ng karbon kaya’t hinimok niya sa pamamagitan ng kampanyang Don’t
Gas Asia ang pamahalaan, bangko at mga korporasyon na itigil at palitan na ang fossil fuel na enerhiya at piliin ang paggamit ng renewable na enerhiya.
Binatikos ng mga environmentalist ang ADB para sa patuloy na pagpopondo ng mga proyekto sa paggamit ng gas sa kabila ng pangako nitong suportahan ang low-carbon transition sa rehiyong Asya-Pasipiko pinananagot nila ang gobyerno ng Hapon at South Korea dahil sa pangunguna ng mga bansang ito upang mamuhunan sa LNG, ang nangungunang kompanya sa pagsuplay ng gas sa buong mundo.
“Pilit na ipinararating ng mga komunidad at apektadong mga lokal sa mga tagapamuhunan at tagasuporta ng LNG na ang pagpapalawak ng gas buildout sa Asya ay magdudulot ng pagkapinsala ng kalikasan dahil ito’y nakalalason,” sabi ni Nacpil. Idinagdag niya pa na hindi nito mababawasan ang mga epekto ng pagbabago ng klima sa rehiyon : “Ikukulong tayo nito sa mga emisyon ng fossil fuel sa loob ng maraming taon, pababagalin ang transisyon sa malinis na enerhiya, at ikakandado sa anumang potensyal ng mga bansa upang makamit ang seguridad sa enerhiya at napapanatiling pag-unlad,” dagdag pa niya.
Ang mga fossil fuel ay mga deposito ng mga organikong sangkap tulad ng mga patay na halaman at hayop sa ilalim ng ilang libong talampakan ng silt. Ang mga deposito na ito ay nabubulok at sa paglipas ng panahon at nagiging isang natural na gas, karbon at petrolyo dahil sa matinding init at presyon sa loob ng crust ng lupa. Naglalabas ito ng carbon dioxide kapag nasusunog na isang pangunahing greenhouse gas at pangunahin ding pinagmumulan ng polusyon. Nag-aambag ito sa global warming. Ito ay non-renewable , ibig sabihin, kapag ginamit ay
hindi na ito mapapalitan.
Dahil sa pagkasunog ng mga fossil fuel , ginagawang mas acidic ang kapaligiran. Nagdulot ito ng hindi mahuhulaan at negatibong pagbabago sa kapaligiran. Ang produksyon ng gas gamit ang fossil ay nagdudulot din ng mga nakamamatay na sakit sa mga tao. Halimbawa, ang mga minero ng karbon ay madalas na dumaranas ng Black Lung disease.
Nalaman sa mga pag-aaral na ginawa na ang kasalukuyan at nakaplanong pagpapalawak ng LNG sa produksyon ng gas ay magpapataas ng mga emisyon sa 2030 sa mga mapanganib nitong antas.
Inilahad din sa iba pang pananaliksik na ang paggamit ng fossil gas para sa pagbuo ng kuryente, paginit sa mga gusali, at industriya ay nag-ambag ng halos kasing dami ng lakas ng karbon sa maagang pagkamatay ng 96 na lungsod sa buong mundo noong 2020.
Ang pinakamalaking bahagi ng fossil gas ay methane, isa sa mga mapanganib na greenhouse gas na pumapangalawa sa carbon dioxide na nakikitang sanhi ng pagkakaroon ng global warming.
Ibinigay na halimbawa sa isang press release ni Farooq Tariq, General Secretary ng Pakistan Kissan Rabita Committee, ang pagbaha ng Pakistan na dulot ng global warming kung saan ang tinutukoy na dahilan ay ang produksyon ng fossil gas sa bansa. Ang Pakistan ay ika-19 sa may pinakamalaking konsyumer ng fossil gas.
Tulad ng mga nangyayari sa ibang bansa sa Aprika at Latin Amerika, nanganganib din na ganito ang mangyayari sa Asya, at kung ganito ang kahihinatnan ng Pilipinas, masasayang ang mga nasimulan ni Scarlet at mga katulad niyang mulat sa katotohanan.
Environment groups, nanawagang tutulan ang gas expansion sa Asya; gobyerno, pinamamadali ang transisyon sa malinis na enerhiyaJANE BERNADETTE BERSAMEN LARAWANG KUHA NI JIMMY DOMINGO SANGGUNIAN: Asian People’s Movement on Debt and Development (APMDD) Press Release (May 4, 2023)
Super App ng gobyerno, pinoproseso para sa ‘Beta Testing’; inaasahang magpapadali, magpapaginhawa sa transaksyon sa mga tanggapan
Nakatakdang maglunsad ang gobyerno ng Pilipinas ng bagong super app na naglalayong bigyan ang mga Pilipino ng madaling access sa iba’t ibang serbisyo at impormasyon ng gobyerno sa tulong ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na kasalukuyang nagsasagawa ng beta testing phase upang matiyak na ang app ay handa na para sa pampublikong paggamit.
Nagsisilbing one-stopshop ang bagong super app para sa mga Pilipinong kailangang ma-access ang iba’t ibang serbisyo at impormasyon ng gobyerno at magbibigay-daan sa mga gagamit upang magawa ang mga pang-araw-araw na transaksyon tulad ng pagbabayad ng mga bill, pag-renew ng mga lisensya at iba pa.
Kasama sa yugto ng pagsubok sa beta ang isang piling pangkat ng mga gagamit ng app na
bibigyan ng access upang gamitin ito . Hihingin ng feedback sa performans at pangkalahatang karanasan ng user sa paggamit ng nasabing app upang mapahusay at matiyak na natutugunan nito ang mga pangangailangan at inaasahan ng mga gagamit nito.
Pagbabanggit ni Edwin Ligot ,Assistant Secretary ng DICT, nakikipagtulungan ang DICT sa ARTA para malatag sa iba’t ibang ahensya ng pama-
halaan ang proseso upang makabuo ng isang unified na sistema na nakakapagbigay ng malawak na hanay ng mga serbisyo at impormasyon ng pamahalaan
Pinasimple at pinadaling gamitin ang interface ng nasabing app upang kahit hindi masyadong magaling sa teknolohiya ang gagamit ay kaya pa ring makipagsabayan nito.
Inaasahang gamit ng super app mapabubuti pa ang paghahatid ng mga
serbisyo ng gobyerno lalo pa’t nasa panahon pa rin tayo ng pandemya
Hinihimok ng DICT ang lahat ng Pilipino na suportahan ang beta testing phase at magbigay ng feedback sa performans ng app. Kumpiyansa ang kagawaran na ang magiging napakahalaga ng mga feedback na ibinigay ng mga beta tester sa pagtiyak na natutugunan ng app ang mga pangangailangan at inaasahan ng mga gagamit nito.
Baunan, tumbler, solusyon sa problema sa basura
Lumabas sa ginawang sarbey ng ‘Ang Duyan’ sa 50 na mga Palonian na 38 sa kanila ang positibo panukalang paggamit ng mga baunan at tumbler sa tuwing bibili sa kantina ng ulam o inumin upang maibsan ang paggamit ng single use plastic.
Ayon kay Mariel Dolina, mag-aaral mula sa ikasampung baitang , magandang plano ang pagpapatupad ng ganitong polisiya dahil mas madidisiplina ang kapwa niya mga mag-aaral.
“Isang epektibong pamamaraan ang pagdadala ng baunan at tumbler ng mga bata sa paaralan. Matagal na dapat itong isinakatuparan”, pagdadagdag pa ni Dolina.
Sa kabilang dako, may ilan din namang negatibo sa patakarang ito. “Dagdag gastos ang pagbili ng mga ito. Maganda ang inisyatibong ito pero kailangan ding isipin ang ibang mag-aaral
na hindi kayang bumili ng baunan at tumbler”, pagbibigay-diin ni Divine Lillo, mag-aaral ng ika-pitong baitang.
PANIBAGONG PAGHAHANDAAN
FMD: Banta sa kalusugang pantao at mga hayop
IIsa na namang banta sa kalusugan ang pinag-uusapan ng karamihan, pangambang hindi-hinding maiwawaksi lalo na sa mga magulang na labis na nag-aalala sa kanilang mga anak. Bagamat hindi pa masyadong ramdam ang peligrong dulot nito ay ayaw nang hintayin pa ng ilang ilaw ng tahanan ang madapuan ng sakit na ito ang kanilang mga munting anghel. Saan nga ba nagmula ang mga aga-agam na ito at ano nga ba ang Foot and Mouth Disease na pilit na iniiwasan ng ating
Kamakailan lamang ay napaulat ang pagkakaroon ng kaso ng Foot and Mouth Disease sa ilang paaralan sa bayan ng Palo. Ang mga ito ay ang Palo 1 Central School at Palo National High School. Bilang aksyon ng mga nabanggit na paaralan ay kaagarang nagkaroon ng disinfection sa bawat silid-aralang pinapasukan ng mga mag-aaral na nagkaroon ng FMD. Hindi na rin muna pinahintulutang pumasok lahat ng mag-aaral na kasama sa klaseng iyon. Nanatili ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang mga bahay hangga’t hindi pa natatapos ang quarantine period, upang maiwasan ang pagkalat pa ng viral disease na ito.
Batay sa estadistika mula Enero 1, 2023 hanggang Pebrero 25, 2023 tumaas ang bilang ng nagkakaroon ng sakit na ito sa Silangang Bisayas partikular na probinsya ng Leyte, umabot sa 116 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso sa rehiyon.
Ngunit maliban sa pangkaraniwang alam natin na ang kabataan ang madalas na dinadapuan ng sakit na ito ay mapanganib din ito sa mga hayop. Madalas na naaapektuhan ng sakit na ito ay ang mga baka, baboy, baboy-ramo, tupa, bison, usa at llamas, at kahit pa na sila ay gumaling dito, sila pa rin ay mananatling mahina dahil sa sakit . Ayon sa mga eksperto, para maiwasan ang sakit na ito sa mga hayop kailangang ban-
tayan sila nang maigi at iwasan ang pagpapakain ng mga tira-tirang pagkain na nagmula sa mga tao. Dagdag pa ang pagkakaroon ng FMD ay isang malaking banta sa ekonomiya at sa kabuhayan ng industriya ng paghahayupan dahil sa resulta ng pagtanggal ng mga kawan at paghihigpit sa pagluluwas ng karne mula sa mga apektadong lugar. Ang mga domestic species ng baka, baboy, tupa, at kambing ay madaling kapitan ng FMD.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention ,uminom ng mga over-the-counter na gamot upang mapawi ang lagnat at sakit na dulot ng mga sugat sa bibig. Huwag kailanman magbigay ng aspirin sa mga bata. Uminom ng sapat na likido. Ang mga sugat sa bibig ay maaaring maging masakit sa paglunok, kaya maaaring ayaw ng iyong anak na uminom ng marami. Tiyaking sapat ang kanilang inumin upang manatiling hydrated.
Sa panahon ngayon na kumakalat ang mga sakit alagaan ang ating kalusugan at siguraduhing alam ang gagawin kung dadapuan man ng mga ganitong sakit. Kalusugan ang pinakadakilang regalo, ang kasiyahan ang pinakadakilang kayamanan, ang kaligtasan ay asahan kung ang kaalaman at tamang impormasyon ang laging pakikinggan.
agham at teknolohiya
PONDONG SIGURADONG MAKARARATING SA
TAO
Pondo para sa pagbabago, pagtugon sa pangako ang palaging sinasambit ng ating pangulo. Kwento mo kwento ng iba ang pondo ay para sa mga magsasaka. Ang tanong makararating ba sa lupang isasaka o mapupunta lang sa mga bulsa ng mga nakangiting buwaya?
Ito ang paulit-ulit na tanong sa tuwing ang ating pamahalaan ay magbibigay ng pondo sa sektor ng Agrikultura. Bilang mabilis na pagtugon ay ang pangulo na mismo ng bansa ang tumayong kalihim ng Departamento ng Agrikultura. Sabi pa nga niya malala ang problema sa sektor na ito kaya siya na mismo ang mamahala. Pero sa nakalipas na ilang buwan mayroon nga bang pagbabago at naging mabilis nga ba ang aksyon ng departamentong ito kagaya ng sinabi ng ating pangulo?
Nagsusumigaw ang mga tao na parang nalulunod na sa walang humpay na pagtaas ng mga bilihin maging ang paborito mong adobo ay hindi na malagyan ng sibuyas. Hindi lang ang presyo ng sibuyas ang nagpaiyak sa mamamayang Pilipino kundi maging ang iba pang pangunahing produkto. At ang tugon ng gobyerno umangkat sa ibang bansa at nataon pa na anihan na ng sibuyas sa Pilipinas kaya sa halip na makabawi ang mga Pilipino ay nalugi pa. Ang mga ganitong desisyon ang dumagdag sa kawalang pag-asa ng mga magsasaka. Ngayong taon, upang maitaguyod ang kaunlaran at kabuhayan ng bansa ay naglaan ang pamahalaan ng P42,844,114,000 na pondo para sa Agriculture Priority Programs para ngayong 2023. Layunin ng programang ito na tugunan ang food security o pagkakaroon ng sapat na pagkain at makamit ang kaunlaran sa pagpapalago ng Farm Income at productivity.
Hindi lang sana para sa mga malalaking tao sa Agrikultura ang makaramdam nito kundi lalo na dapat ang maliliit na magsasaka at ang mga mas nangangaialangan.
Kabilang sa mga programang ito ng Department of Agriculture (DA) ang National Rice Program, National Corn Pro-
gram, Promotion and Development of Organic Agriculture Program, at iba pa. Binigyan ng 30 bilyong pisong badyet ngayong taon ang National Rice Program (NRP) pagsasaka ng palay. Mula sa 15B na badyet noong 2022 ito’y dinoble ng pamahalaan ngayong taon. Limang bilyong pisong pondo naman ang inilaan sa National Corn Program upang paigtingin ang kalidad ng mga mais at cassava. Binigyan naman ng 4.5 bilyong pisong pondo ang National Livestock Program kung saan dito pinabibilis ang pag-unlad ng sektor ng manukan.
Kabuuang 1.80 bilyong piso naman ang inilaan para sa National High-Value Crops Development Program. Samantala ay P900 milyon ang inilaan para sa Promotion and Development of Organic Agriculture Program na ang layunin ay paunlarin ang pagsasagawa ng organic agriculture sa Pilipinas.
Napakagandang malaman na may kaukulang pondo na ang iba’t ibang sektor ng Agrikultura lalo na siguro kung mararamdan ito ng kapwa nating Pilipino. Hindi man agarang maramdaman ang mga pondong ito dahil na rin sa mabagal na proseso ang mahalaga may pag-asa nang matatanaw ang ating mga magsasaka. Hindi lang sana para sa mga malalaking tao sa Agrikultura ang makaramdam nito kundi lalo na dapat ang maliliit na magsasaka at ang mga mas nangangaialangan. Ang mga nalugi, namatayan ng pananim at alagang hayop dahil narin sa mga virus na pumapatay sa mga alagang manok at baboy. Kasama sana sa pondong inilaan ang mga solusy on sa mga problemang ito.
Bigyang pansin din dapat ng pamahalaan ang paggamit ng “satellite technology” para sa mabilisang pagkuha ng datos tulad ng kalidad ng lupa, klima, at lokasyon. Subukan rin dapat ng pamaha laan ang “solar mapping” upang magkaroon tayo ng matalinong pamamaraan ng pagsasaka.
Pangarap nating maging masigla ang ani at sapat ang mga ito upang tugunan ang pangangailangan ng tao dahil siguradong hinding-hindi magtataas ang presyo. Isa lang naman ang hinahangad naming mga mamimili ang makitang nakangiti ang mga nagsusuplay ng pagkaing aming binibili.
AGRIBOT: MAGSASAKA NG MODERNONG PANAHON
Earl Dave M. MurilloPinakamatanda at ang pinakaimportanteng gawaing pang-ekonomiya sa buong mundo ang Agrikultura na siyang nagbibigay suplay ng pangunahing pagkain sa halos lahat ng tao sa buong mundo.
Sa pagdaan ng panahon, ito’y patuloy na lumalago at umuunlad upang makamit ang mataas na pangangailangan ng tao lalo pa’t inaasahan na sa pagdating ng 2050 ay tataas hanggang siyam na bilyong tao ang populasyon ng mundo. Sa ganitong sitwasyon ay kinakailangan na sabayan ito ng makabagong teknolohiya.
Malaking dagok ngayon sa sektor ng ekonomiya ang papatandang edad ng mga magsasaka. Dahil dito, magkakaroon ng kakulangan ng mga magsasaka sa ating mga
rin. Kaya naman kinakailangan itong mapunan. Iminungkahi ni Peter Kendall, Pangulo ng National Farmers Union na gamitin ang mga robot na likha ng tao upang maging kaagapay sa bukirin.
Kabilang sa mga imbensyong nakatutulong na sa bukirin ay ang Blue River Lettuce Bot
2, Agrobot SW6010, Energid Citrus Picking System at marami pang iba.
Pangunahing layunin ng mga ito ay upang mapabilis at mapataas ang kalidad ng produksiyon ng bawat pananim na iproprodyus.May kakayahan ang mga agribot na magtanim at mag-ani ng samo’t saring pananim nang saba-sabay. Ito rin ay may kakayahang maggatas ng mga hayop. Ang mga agribots na ito ang magpapadali sa produksyon sa mga bukirin.
May ilan namang robot ang kayang suyurin at magsagawa ng recording sa himpapawid ng inyong bukirin. Siya ay tinaguri-
ang si Agribotix Hornet. Lahat ng mga nabanggit na mga agrirobots ay gumagamit ng sensor or di kaya remote upang sila’y mautusan.
Ayon kay Beverly Barril, guro ng Palo NHS at may amang magsasaka,na kung nagkaroon ng ganitong uri ng teknolohiya noon siguradong hindi mahihirapan ang aking amang magsasaka sa bukirin.
Dagdag pa niya, alam niyang malaking prayoyridad na ngayon ang agrikultura dahil sa ang ating pangulo ang mismong ang kalihim ng kagawaran.”
Ang ating mundo ay patuloy na umaasenso sa pagdaan ng panahon. Mga makabagong ideya at imbesyon ang nililikha taon-taong nagbibigay ng makabuluhang kontribusyon para sa pag-unlad ng daigdig at ng tao.
Tunay ngang malaki ang tulong ng mga kaagapay nating agribot sa bukirin. Ang mga makabong imbensyon katulad na lamang ng mga ito ay gamiting upang baguhin ang mundo sa ikabubuti at huwag sa ikasisira nito ngunit isa lang ang sigurado,ang mga agribot na ito ay maaring maging magsasaka sa modernong panahon.
agham at teknolohiya
Tagapagtaguyod ng kalusugan at kaligtasan at di kilalang bayani ng karamihan, ganito ko gustong ilarawan si Raffy Jay Fornillos. isinilang sa bayan ng Palo at nag-aral ng elementarya sa Palo Central School at sekundarya sa Palo National High School. Hindi lamang siya ordinaryong mag-aaral dahil bata pa lamang ay napaimalas na niya ang angking talino at galing sa agham. Naging isa rin siyang staffer ng publikasyon na “The Cradle” ng Palo NHS.
Hindi lamang siya nakilala dahil sa kanyang galing sa pagsulat ng mga artikulo kundi isa rin siyang lider dahil siya ang pangulo ng Science Club ng panahong yaon.
“Isang malaking pagkakataon ang mapabilang sa samahang ito dahil dito ko naipakita ang aking hilig sa Agham at masubok ang pagiging lider”, pagbabalik-tanaw ni G. Fornillos.
Dahil sa galing at interes niya sa Agham ay nabighani siya rito at ninais na maging doktor ngunit hindi makakaya ang gastos sa pinipiling larangan kaya minarapat na lamang niyang kunin ang kursong BS Biology sa Pamantasang Normal ng Leyte. Sa ikatlong antas sa kolehiyo habang isinasagawa at isinusulat ang kanyang pananaliksik na isang pangangailangan sa pagtatapos ng kanyang kurso ay nabighani siya sa rito. Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa taong 2013, at tumungo sa Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang gradwadong pag-aaral.
Sa kasalukuyan siya ay kabilang sa mga natatanging guro sa isa sa mga kilalang paaralan sa buong bansa ang UP Diliman. Siya rin ay miyembro ng Diagnostics and Malcology Working Group sa Global Schistosomiasis Alliance at mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Public Health Biology Research and Innovation Laboratory.
Bagama’t malayo sa kinalakhang lugar ay mapapansin na ang kanyang binigyang pokus ay ang matugunan ang isa sa mga problema ng kanyang lupang kinamulatan at ito ay ang problema ng probinsya sa pagdami ng kaso na nagkakaroon ng schistosomiasis. Habang isinasagawa ang kaniyang pananaliksik ay siniyasat niya ang mga kuhol sa Luzon, Visayas at Mindanao. Dahil dito inilathala niya ang isang pananaliksik tungkol sa pagsisiyasat sa mga kuhol kung saan makikita natin ang kontaminasyong dulot nito sa ating kapaligiran.
“Sa pagsisiyasat sa mga kuhol, maipapakita nito ang mga nangyayari sa ating mga komunidad” sabi ni G. Fornillos
Ayon sa kaniya sa Silangang Bisayas sa 13 probinsya maliban sa probinsya ng Biliran ay marami ang kaso ng may schistosomiasis. Ang Rehiyon VIII ay ang nangunguna at sinusundan ng Rehiyon XIII. Sa estadistika malala ang schistosomiasis sa probinsya ng Leyte. Bilang guro sa UP Diliman at may natatanging kaalaman ibinahagi niya ang mga pamamaraang nabuo ng kanyang paaralang tinuturuan upang mapabilis ang pagtukoy o mabilisang mahanap ang mga ito. Sa pamamagitan ng DNA ay nahahanap nila ang mga parasite ng schistosomiasis.
Dahil nasa lugar na hindi madaling makuha ang mga sampol ay nakaranas ng paghihirap si Fornillos kaya bumuo ulit sila ng estratehiya upang makuha ang DNA ng mga parasites na ito. Sa paglalayong mas mabilis na matukoy ang parasites ay nagsasagawa sila ng mabilisang pagsusuri. Ginamit nila ang dumi ng tao at inaanalisa gamit ang microscope kung mayroon itong mga itlog ng schistosomiasis.
Ang mga pag-aaral na ito at pananaliksik ni Fornillos ay may malaking ambag sa pagsusulong at pagpapalaganap ng tamang impormasyon hinggil sa schistosomiasis. Para sa kaniya nakababahala ang ganitong sitwasyon at ang malawakang paglaganap nito sa probinsyang pinanggalingan niya kaya hinihikayat niya ang mga kabataan o mga mag-aaral na magkaroon ng interes sa mga ganitong usapin. Ang maraming kagaya niyang mananalisiksik ay lubos na kailangan sa mga susunod na panahon upang mapabilis ang pagtukoy at pagsugpo sa problemang ito. Ang Departamento ng Agham at Teknolohiya ay may inilaang sapat na badyet para sa pananaliksik, at mayroon ding sapat na mga kagamitan para dito ang problema ay hindi sapat ang dami ng mananaliksik na tulad niya. Malayo na nga ang narating ni Fornillos at hindi matatawaran ang kanyang dedikasyon upang mawala na sa kahit saang sulok ng bansa ang mga parasite na ito ng schistosomiasis. Para sa kapakanan ng nakararami patuloy siyang nagpupurisige at ito’y katangian ng isang bayaning hindi nakalimot sa kanyang lupang tinubuan. Hindi man alam ng marami ang mga paghihirap na ito ngunit ang magandang idudulot nito ay kaginhawaan at kaligtasan ng mga kabataan at mamamayang Pilipino.
Palit ka ba nang palit ng damit upang makasabay sa usong moda? Mukhang nakakalimutan mo na ang dulot nitong peligro.
Dahil na rin sa konsumerismo sa industriya, madali kong maituturing ang magpalit ng gugustuhing moda at sunod sa uso. Ngunit, hindi natin alintana na kung tumataas ang demand ng produksyon, tumataas rin ang antas ng carbon dioxide sa atmospera. Kaya malaki ang naging tulong ng gawaing pinangunahan ng mga kabataan ng Silangang Bisayas katuwang ng UP Halcyon at ang Environmental Management Bureau-Region 8 na “Put the Fast in the Past and Let’s Make it Last” na layuning mag-isip ng mga inobasyong makatutulong sa pagbabawas ng basura sa industriya ng moda.
“In working for sustainable environmental protection, you can only be a catalyst or an inhibitor — no more, no less,” pagbibigay-pokus sa wikang Ingles ni Engr. Almira O. Ripalda , tagapagsalita sa ginanap na online webinar.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Stanford, kapag ginagawa ang pagreresiklo, mas kaunting basura ang napupunta sa ating mga tambakan n at incineration plant, sa pamamagitan ng muling paggamit ng aluminyo, papel, salamin, plastik, at iba pang materyales, makakatipid tayo sa mga gastos sa produksyon at enerhiya, at mabawasan ang mga negatibong epekto ng pagkuha at pagproseso ng mga hilaw na materyales sa kalikasan.
“It’s not going to be easy spreading awareness to others. Do it yourself first. Stand your ground first. You will not tell people what to do, you only inspire people what to do. They won’t be able to do it if you’re not going to do it first,” pagbibigay-diin naman sa wikang Ingles ni Engr. Danna Perez ,isa rin sa mga tagapagsalita sa online webinar.
Isa namang estudyante mula sa Palo National High School ang sumali sa ginawang Glitz and Green competition. Si Xentt Atasha Jhal Seludo, ika-10 baitang mula sa pangkat SPJ na naatasang gumawa ng damit gamit ang mga materyales na patapon na.
Nairesiklo niya ang mga patapong dyaryo at trash bags. Bagama’t hindi nakuha ang unang pwesto ay masaya pa rin dahil sa aral na napulot sa kompetisyon. Naging instrumento ang Glitz at Green sa pagbubukas ng kaisipan ng mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pagreresiklo at pangangalaga ng kalikasan.
SA TAMANG PANAHON
Lahat ay may oportunidad na makasali sa isang laro, kahit pa ang mga batang itinuturing na may espesyal na pangangailangan.
Ang paglahok ng 11 na Learners’ with Special Education Needs (LSENs) mula sa sangay ng Leyte sa kauna-unahang Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Para Exhibition Games ay patunay na kinikilala na rin ang kanilang kakayahan sa larangang ito at hindi nga nagkamali ang sangay na ipadala sila upang lumahok sa nasabing palaro dahil nag-uwi sila ng mga gintong medalya sa Long Jump (open category), 100 meter run (Category A Girls), at Shot Put (Category A Boys and Girls).
Maliban sa partisipasyon ng LSENs sa Para Games, ang mga mag-aaral na may kapansanan sa pandinig na nagmula sa unang distrito ng Palo ay
upang maipamalas ang kanilang galing.
Ayon nga kay Divine Gelizon, tagapayo ng isa sa mga atletang lumahok sa palaro, na mas nakatutulong sa mga bata ang ganitong gawain dahil mas napapaunlad nito ang kanilang kasanayan sa pakikihalubilo at pakikisama sa iba. Maaring para sa ibang rehiyon, nakapag-umpisa na sila na isama ang mga atletang may kapansanan sa kani-kanilang palaro. Bagama’t una itong nangyari sa pangrehiyong palaro,sigurado akong hindi ito ang huli sa mga gawaing kikilalanin ang ating mga atletang mag-aaral na nagngailangan ng espesyal na edukasyon.
LSENs ng sangay ng Leyte, lumahok sa kauna-unahang
EVRAA Para Exhibition Games
SSa unang pagkakataon lumahok ang 11 na Learners with Special Educational Needs (LSENs) sa ginanap na Eastern Visayas Regional Athletic Associations (EVRAA) Para Exhibition Games noong April 25.
Para maitaguyod ang pagiging inklusibo, 10 LSENs mula elementarya at 1 mula sa sekondaryang ang lumahok sa iba’t ibang kategorya kung saan napanalunan nila ang gintong medalya para sa Long Jump, 100 meter run (kategorya
A- babae), at Shot Put (kategorya
A- lalake at babae).
“It was very exciting since it was our first time and we went there early in the morning. It was
also my first time to be a coach in that event”, ani ni Divina Gelizon sa wikang Ingles, tagasanay at guro mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Palo.
Dadag pa ni Gelizon, masaya siyang naging kalahok ang kaniyang estudyante na si Princess Dante at nanalo sa paligsahang ito.
“We practiced together with the cooperation of the parents of my student, early in the morning she
practiced para ma perfect niya an iya game,” sambit pa ni Gelizon. Sa pagsali ng Leyte Division sa EVRAA Para Exhibition Games ngayong taon, ipinakita na nakatuon ang sangay sa pagpapaigting ng adbokasiyang makapagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga Para Games, Para Athletes, at Para Sports at paglaban sa diskriminasyon sa mga may kapansanan.
ISPORTS
IISANG PUSO, IISANG LABAN
EVRAA 2023 , nagtapos; idineklara ang mga kampeon
Nagtapos ang isang-linggong tapatan ng mga atleta mula sa iba’t ibang sangay sa ginanap na Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet noong Abril 28 kung saan nakopo ng sangay ng Ormoc ang kampeonato, sinundan ng sangay ng Leyte sa pangalawang pwesto at sangay ng Tacloban sa pangatlong pwesto.
Mahigit isang libong mga atleta ang lumahok sa katatapos lang na palaro na pinangunahan ng sangay ng Leyte at Tacloban.
Humakot ang Siglaro Elites ng kabuuang 352 medalya, 178 sa mga ito ay gintong medalya,104 na pilak at 70 tansong medalya.
Naging malaking kontribusyon sa pagkapanalo ng sangay ang mga gintong medalyang inuwi ng kanilang mga atleta sa indibidwal na kompetisyon partikular na sa Swimming.
PADYAK NG PANGARAP
Mahuli man minsan, mapagod man at mainitan, magpahinga man kung saan ang mahalaga hindi niya sinukuan ang labang kanyang sinimulan. Walang kapagurang pumapadyak tungo sa kaniyang pangarap si Mar Francis Sudario, dalawampu’t taong gulang at rider ng Excellent Noodles. Dalawang taon na siyang pumapadyak bilang isang propesyunal na siklista. Sumali na rin siya sa iba’t ibang prestihiyosong patimpalak kagaya na lamang ng Ronda Pilipinas, OCMS Bike Tour, 2017 Cross Country Mountain Bike Challenge sa Alang-alang, Leyte, 100 km Brusko Pacific Race at marami pang iba.
Hindi man akalain ng karamihan na ang batang nag-aral sa Palo National High School ay magkakamit at magbibigay ng karangalan sa kanyang bayang sinilangan sa pamamagitan ng pagsali nito sa larangan ng cycling. Dahil sa pagpupursige at patuloy na pagpadyak ay malayo na nga talaga ang kanyang narating. Sa pagkakataong ito hindi lamang sa karatig na lalawigan siya susulong at magpapakitang-gilas dahil bahagi na siya ng Team Pilipinas sa SEA Games Road Race sa Cambodia ngayong taon.
Kagaya ng nakasulat sa banderang dala nila, bida ang bayaning manlalaro. Bida siya hindi lamang sa puso ng kanyang pamilya kundi maging sa lahat ng taong nakakakilala sa kanya. Ang pagpupursige niya at ang kanyang paniniwala na kaya niya ang naghahatid sa kanya sa tungo sa tagumpay. Sa bawat lugar na madadaanan, malubak o madulas man ang daan ni minsan ay di
mo kakikitaan ng pagkatakot at pagkabalisa pagkat alam niya na sa bawat pagtahak sa mga daang ito, nasa dulo ang mga taong nagbibigay ng pag-asa sa kanyang mundo.
Tumatagaktak man ang pawis sa pagtahak sa matarik na daan, kinakapos man ng hangin sa pagpupumilit na maabot ang daan. Walang imposible sa katulad ni Sudario na palaban at walang kinatatakutan hindi man alam ang daan basta marating lang ang inaasam na karangalan.
Nakakuha naman ng Leyte Conquerors ang kabuuang 179 na mga medalya, 50 na mga gintong medalya na karamihan nagmula sa mga Athletics at Indoor na mga laro.
Pumangatlo ang Red Stallions ng sangay ng Tacloban na nag-uwi naman nga kabuuang 92 mga medalya, sinundan ng Samar na may 87 na medalya, Maasin City na may 64, Eastern Samar na may 58, Northern Samar na may 53, Southern Leyte na may 41, Calbayog Baybay na may 40, Baybay at Biliran na may 34, Catbalogan na may 23 at Borongan City na may 17 medalya.
Sa pagtatapos ng EVRAA 2023, binigyang-diin ni Gobernador Carlos Jericho “ICOT” Petilla sa kanyang mensahe na kapag nagsama-sama ang lahat ng sangay mula sa rehiyon, siguradong mananalo ang rehiyon ng mga gintong medalya.
SA AREA MEET
Palo NHS Volleyball Boys, napasakamay ang kampeonato
Naiuwi ng Palo NHS Volleyball Boys ang kampeonato sa ginanap na Area Meet noong ika-7 hanggang ika -8 ng Pebrero 2023.
Mahigpit ang naging laban sa pagitan ng iba’t ibang koponan ng area na binubuo ng anim na mga munisipalidad na kabilang dito ay ang Palo, Tanauan, Tolosa, San Miguel, Alang-Alang at Babatngon.
Todo agad ang naging unang mga laban, kung saan ang natirang matibay sa unang bracket ay ang Tolosa at Palo. Sila ang naglaro sa pangalawang round ng torneo. Sa naging salpukan ng Tolosa at Palo hindi naging madali ang makamit ang panalo. Nagwagi ang Palo at hinarap naman nito ang Babatngon sa pangalawang round ng torneo, naging kaabang-abang ang laro ng dalawang koponan.
Sa pagsapit ng pangatlong set ,naungusan na ng Palo NHS ang Babatngon, sa iskor na 24, dito nila tinapos at napasuko ang kalaro sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na spike na binitawan ni Altar,nagtapos ang laro sa iskor, 26-24.
...sa bawat pagtahak sa mga daang ito, nasa dulo ang mga taong nagbibigay ng pagasa sa kanyang mundo.TALON PARA SA MATAYOG NA PANGARAP. Buong lakas at may konsentrasyong tinatalon ng mga pole vaulter ang high bar upang makatawid at mapabilang sa maswerteng atletang maglalaro sa Palarong Pambansa. Larawang kuha ni Ed Tiquen (Kontribyutor) WALANG KAPAGURANG PAGSUSUMIKAP. Pinadyak ni Mar Sudario ang kanyang kinabukasan at ngayon ay kasama sa mga opisyal na delegasyon sa SEA Games. MS