Ang Elijan | Tomo II, Bilang I

Page 1

Eastern Samar, rank 8 Most Improved Division sa NAT 12

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG

Butil ni Isaias, Puwing sa Pilipinas

Unti-unti nating iwaksi ang negatibong pananaw hinggil sa A.I. sapagkat, anu’t ano pa man, parte na ito ng ating pang-araw-araw na buhay bilang isang kaagapay at hindi kaaway.

Guro sa sipnayan, pasado sa BAR EXAM 02

Butil ni Isaias, PUWING SA PILIPINAS 10

Hawksbill Sea Turtle, NAPADPAD SA SULAT 12

TOMO II, BILANG I AGOSTO, 2023MARSO, 2024

tugon sa mas interaktibong pagkatuto

KEIZHA NIÑA ABRIGON

V. NIVAL 06

A-MAZE-ING. Nalilibang ang mga mag-aaral sa ikapitong baitanang sa paglalaro ng Maze, kung saan kinakailangan nilang gamitin ang kaalaman sa numero para manalo sa laro.

indi makabasag pinggan si Ella sa mga unang buwan ng klase. Walang imik, siya ay tahimik lang na nakikinig sa kanyang kinauupuanan. Isang araw sa kanilang science class, namangha na lang ang lahat nang sa kalagitnaan ng diskusyon ay tumayo si Ella at nagsabing, “Ma’am, pwede ak mag-

Mas magiging kapanapanabik na ang pag-aaral sa Sulat National High School matapos ang matagumpay na pagkakabit ng 22 unit ng 43” na SMART TV sa mga klasrum noong Hunyo 2023.

Inisyatibo ito ng administrasyon katuwang ang mga magulang at stakeholders sa kanilang misyong makapagbigay ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag aaral.

Dahil dito, inaasahang mas magiging interaktibo na ang mga talakayan at mas makatitipid na ang mga guro sa paggawa ng mga kagamitan sa pagtuturo.

Ayon kay Ginoong Sixto Balita, punongguro, ang proyektong ito ay tugon sa hamon upang makasabay ang paaralan sa pagkakaroon ng 21 century classroom.

“This project keeps addresses the challenge para makasabay tayo sa pagkakaroon ng 21 century classrooms,” sinabi ni Balita sa panayam ng Ang Elijan.

Bawas gastos, mas praktikal

Maging parte ng ANG ELIJAN, i-scan ang code :

“Hindi na kailangang magsunog ng kilay at gumastos araw-araw kakagawa ng mga instructional materials dahil mayroon ng telebisyon gagamitin. Gagawa lang ng PPT presentation or maglalog-in sa mga interactive leanring sites, makakapagturo ka na. Mas nakaka-enganyo pa. Mas praktikal talaga ang ganito.”

Madami pang magaaral ang lalabas sa kanilang comfort zones at i-explore ang mas malaking mundo. “

Ito naman ang naging tugon ni Ginang Vicky Ciabal, guro sa agham sa ikapitong baitang.

Pangyayari sa klasrum Dahan-dahang lumapit si Ella sa kanyang guro at nagpaturo sa paggamit ng mouse. Hindi pa man nakakasagot ay nagpalakpakan na ang mga kaklase nito. Malaking bagay ito para sa kanila dahil madalang pa sa madalang kung tumayo si Ella at sumali sa talakayan. “Kagaya ni Ella, alam kong madami pang mag-aaral ang lalabas sa kanilang comfort zones at i-explore ang mas malaking mundo. Bilang mga guro, ibigay natin ito gamit ang mga resources na meron tayo,” dagdag pa ni Ciabal.

KINIPIL NA

Ang Elijan, tinanghal na 4th Best School Paper sa Rehiyon 8

inirang na ikaapat na pinakamahusay na pahayagang pangkampus sa sekundarya sa buong rehiyon ang pinaka unang isyu ng Ang Elijan sa pagtatapos ng Regional Schools Press Conference na ginanap sa Dolores, Eastern Samar, Mayo 31-Hunyo 2, 2023.

Tinanghal din bilang 3rd Best School Paper ang The Hilltop sa English naman na kategorya. Ang parehong pahayagan na pinagsikapan ng mga estuynateng manunulat at mga tagapayo ng Sulat National High School, ay ang dalawang tanging mga representante ng dibisyon ng Eastern Samar sa National Schools Press Conference 2023 sa school paper na natunghayan naman sa Cagayan De Oro City.

MUKHA NG PAGKAKAISA 11 ‘Transformers’, wagi sa Eco-Waste Warriors: Festival of Lights 2023

NICOLE SUMBILLA
NILALAMAN
H
RESPONSABLENG PAMAMAHAYAG. KATALISTA NG PAGBABAGO. AGTE
BALITA
KALIKASAN
Ang
BALITA LATHALAIN

BALITA

No Read, No Pass - Punongguro

N

O READ, NO PASS.

Ito ang mariing pahayag ni Ginoong Sixto Balita, punongguro ng Sulat National High School, sa isang pagtitipon kasama ang General Parents, Teachers Association (GPTA) noong Setyembre 15, 2024.

Naalarma sa mga naitatalang kaso ng non-readers, nagbabala si Balita na hindi na ipopromote sa mas mataas na grado ang mag-aaral na hindi nakakabasa.

“Pasensyahan na lang po, pero hindi na natin ipopromote ang ating mga anak na non-readers,” saad ni Balita.

Binigyang diin din niya ang kaakibat na responsibilidad ng mga magulang sa paghubog ng pagkahilig sa pagbabasa ng mga mag-aaral.

“Bilang magulang, kayo po ang katuwang namin sa pagtuturo ng pagbabasa at hilig para rito,” dagdag pa ni Balita.

Sa kasalukuyan, umaagapay ang mga Provincial Paid Teachers sa pagbibigay ng reading interventions sa may ‘di bababa 20 na frustrated at non-reader na mag-aaral.

Bilang magulang, kayo po ang katuwang namin sa pagtuturo ng pagbabasa at hilig para rito.

numpleto naman ng Gingoog City ang lista na may 9.45 na puntos.

“It motivates us to do even better,” malugod na pahayag ni Gorgonio G. Diaz, Jr., na siyang kasalukuyang schools division superintendent ng Eastern Samar, matapos

agbunyi ang Sulat National High School matapos makapasa sa September 2023 Bar Examination ang isa nitong guro sa matematika na nagbigay inspirasyon sa buong institusyon.

Most Improved Schools Tatlo sa mga paaralan ng R8 ang nakapasok sa talaan ng sampung most improved schools sa NAT12 (20192023). Ito ay ang Tarabucan National High School (Calbayog City), Sta. Margarita National High School (Western

Guro sa sipnayan, pasado sa Bar Exam;

tagapayo sa ikasampung baitang, hindi naging madali ang limang taong pag-aaral sa law school, lalo na ang siyam na buwan nang pagrerebyu.

Wag kayong matakot mag-law. Walang imposible basta may sipag at tiyaga lang.

“Above all, this achievement is because of God's glory. He is the One behind this all,” sulat pa nito sa kanayang Facebook post.

Inspirasyon

Kabilang si Atty. Rex Palada sa 3,812 baristang mapalad na nakalusot sa tatlong araw na eksaminasyon, kung saan 36.77% lamang sa 10,387 sumubok dito ang nagtagumpay.

Ayon sa 30-anyos na

The journey, five years of schooling and nine months of review, was tough as it should be,” tugon ni Palada. Nagpapasalamat si Palada sa lahat ng taong sumuporta sa kanya, lalo na sa Panginoon na kanyang inaalayan ng tagumpay.

Nagbigay pag-asa at inspirasyon sa mga estudyante at kapwa niya guro ang pagkapasa ni Palada, lalo na sa mga naghahangad ding maging abogado.

“Wag kayong matakot mag-law. Walang imposible

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024
GLORY MAE LOPENA
PANALO ‘TO! N Nagbigay inspirasyon sa SNHS community
GREGORIO ROSEL, JR. HANDS-ON Bilang pagpapakita ng aktibong suporta sa mga aktibidad ng DepEd, personal na tinatalakay ng mismong Schools Division Superintendent Gorgonio G. Diza, Jr. ang isang paksa sa ginanap na pang-dibisyon na pagsasanay sa dyurnalismo sa Guiuan, Eastern Samar noong Mraso 8 9, 2024. SERBISYO PUBLIKO Tinuturuan ni Rex Palada ang mga mag-aaral sa baiting 10 ng Brgy. San Mateo sa isang extension activity na pinasinayaan ng mathematics department ng SNHS.
VON NIVAL Overall MPS NAT12 (2022-2023) Pinagkunan: Excel File: NATG12-2023_REGION8_EASTERN-VISAYAS (1)
ZYREL CHIQUITO

WAEPEK

Barewall Classroom, walang gaanong epekto sa pag-aaral ng SNHSians

BRIGADA HEROES. Matapos magbaklas, nag-abot ng tulong ang PNP-Sulat sa pamamagitan ng pagpipintura sa isang klasrum sa ikapitong baitang.

ito sa 10 na Grade 12 magaaral ng Sulat National High School ang nagsasabing walang gaanong epekto ang Barewall Classroom sa kanilang pagkatuto.

Ito ang resulta ng pagaaral na “Learning Impact of Barewall Theory as Percieved by Grade 12 Studebts and Teachers” na ginawa ng mga mag-aaral ng Grade 12 HUMSS sa buwan ng Pebrero 2024, kung saan 121 na respondente ang nagbigay reaksyon hinggil sa isyu. Walampu’t lima rito (70.25%) nagsasabing “barewalls have little to

nothing impact in my learning” habang 36 (29.75%) naman ang naniniwalang nakakaapekto ito sa pag-aaral.

Nakadepende sa guro

Sa mga panayam, karamihan sa mga respondente ang nagsabing nakadepende pa rin sa guro ang kabuuang pagkatuto at hindi sa mga dekorasyon sa klasrum.

“Nakadepende pa rin sa teacher kung may matututunan kami o wala at hindi sa mga palamuti sa classroom,” pagpapaliwanag ni John Anthony Aclan, EIM12 mag-aaral.

21 NON-NUMERATES

LOW NUMERATES

58

Motibasyon

Kumbinsido naman ang 30% ng mga respondente na nakakaapekto sa motibasyon sa pag-aaral ang mga dekorasyon ng sa klasrum sapagkat may mga “learnings” din naman na makukuha sa simpleng pagtingin lamang.

Nung elementary kamin marami kaming natutunan sa mga nakapost sa room, pero ngayon nasa hayskul na, di na gaanong nagdidisenyo (sa mga room) kaya medyo nakakabawas din ng motibasyon,” sabi ni Rjey Manlapas, HUMSS-12 mag-aaral.

Operasyon baklas

Agosto 2023 nang magumpisang magbaklas ng mga classroom postings ang kaguruan ng Sulat NHS, alinsunod na rin sa direktiba mula sa DepEd na nagrerekomenda sa mga lokal na opisyal sa mga pampublikong elementarya at sekundaryong paaralan na tiyakin na ang "panloob na mga kuta ng klase ay nanatili at walang mga poster, dekorasyon, o iba pang nai-post na materyales" upang ilarawan ang "pagpapatuloy ng malinis na paaralan" para sa pamamahala ng 2023 Brigada Eskwela.

7sa10

mag-aaral ng baitang 12 ang nagsasabing nakadepende sa guro ang kabuuang pagkatuto; tatlo rito sa bawat 10 naman ang naniniwalang nakakaapekto pa rin sa motibasyon ang mga dekorasyon sa klasrum.

ERUNT, isiniwalat kahinaan sa matematika

LHEANNE HANNA ASERIT

a tulong ng Enhanced Regional Unified Numeracy Test o ERUNT Key Stage 3, napag -alaman ng mathematics department ang karaniwang kahinaan at kadalasang pagkakamali ng mga SNHSians pagdating sa asignatura.

Maliban sa bilang ng nonnumerates, nakakatulong din sa ERUNT sa pagtukoy ng point for remediation para sa mga mag-aaral.

Kahinaan sa pag-divide Lumalabas sa resulta ng Q1 hanngang Q3 na pagtataya na sa apat na arithmetic operations (addition, subtraction, multilplication, division), pinakamababa ang iskor na nakuha ng mga mag-aaral sa

division, lalo na pag dalawa o higit pang digits ang kasali.

Pagkalito sa signed numbers Kapansin-pansin din ang kalimitang pagkalito ng mga mag-aaral sa mga signed numbers or integers, lalo na sa addition at subtraction.

Nakakabahala ito sapagkat dito nagsisimula ang matibay na pundasyon sa algebra at iba pang matataas na antas ng matematika.

Problem-solving skills

Sa huling bahagi ng ERUNT ay may limang aytem na sinusubok ang problem solving skills ng kabataan. Constructed response ang pamamaraan nang pagsagot, kaya makikita rito kung kaya

ba nilang unawain at solusyunan ang mga tanong may kinalaman sa matematika. Lumalabas na marami pa rin sa mga mag-aaral ang hindi alam kung ano ang tamang operasyong gagamitin base sa inilahad na sitwasyon.

Catch-up Fridays Dahil dito, maliban sa pagbabasa, binibigyang pokus din ang asignaturang matematika tuwing Biyernes, kung saan gumagamit ng iba’t ibang pamamaran ang mga guro na makatutulong upang mapa-igting ang kaalaman at kakayahan lalo na ang mga non- at low numerates.

security personal ng paaralan, sa panayam ng Ang Elijan. Upang masiguro ang seguradad, at mabawasan ang kaso ng mga nag-cu-cutting classes, mahigpit nang ipapatupad ng nasabing polisiya.

Ayon kay Aludo, makakatulong ito para mabantayan ang kilos ng mga mag-aaral, bilang tugon na rin sa mga kaso ng mag-aaralna

lumalabas ng paaralan nang

May mga estudyante kasing nagdadahilan lang ng ano para makalbas sabi ni Aludo.

Sa tulong ng exit pass, malalaman na ng mga guwardiya kailangan pahintulutan ang mga mag-aaral, sapagkat nakalagay rito ang rason at pirma ng kanilang guro sa mismong oras nang kanilang paglabas.

Wag abusuhin Samantala, nagpaalala naman si sir Sixto Balita, punongguro, na hindi pwedeng abusuhin ng mga estuyante pati ng mga guro

ang paggamit ng exit pass dahil baka raw ito ay gawing alibi na lang para makaiwas sa klase at pagtuturo.

“Hindi pwedeng abusuhin ang paggamit ng exit pass. Hindi pahihintulutan ng administrasyon ang pag-isyu nito para lang gawing alibi na tumakas sa klase, o di kaya naman, sa parte ng mga guro, na hindi magturo,” paalala ni Balita.

Tanging ang subject teacher lamang sa mismong oras nang paglabas ng estudyante ang pwedeng magbigay ng gate pass, na siya ring magsusulat ng rason at oras ng paglabas kalakip ang pirme niya rito.

Aprub sa mga magulang Nagpabatid naman ng suporta ang mga magulang at guardians sa polisiyang ito dahil ayon sa kanila mas mababantayan ng paaralan ang kanilang mga anak kung nag-aaral ito ng mabuti. Maganda po ito para malamin namin ang ginagawa ng mga anak naming habang wala sila sa amin paningin, mahirap na rin kasi ang panahon ngayon, isang magulang na may tatlong pinag SNHS, nang banggitin ito (exit pass) sa isang pagpupulong kasama ang General Parents Teachers Association (GPTA).

Erika BALITA
03 BALITANG SARBEY
VON NIVAL
Security personnel: No exit pass, no labas Exit pass, mahigpit na ipinatupad; mahihilig mag-cut class bantay-sarado
P S Catch-up Fridays, mahigpit na iniimplementa DIFFERENTIATED INSTRUCTION. Sinisikap ng mga mag-aaral na sagutan ang iba t ibang pagtataya biswal, teksto, problem-solving upang maging giya sa mga
guro kung saan sila mas madaling natututo..
BALITA SECURITY CHECK. Sinusuri ng maigi ng mga security personnel ang exit pass bago pahintulang lumabas ang mga mag-aaral.
JANELLE MADOLID
85 / 121 (70.25%)
NICOLE ANNE SUMBILLA

BALITA ILAW SA KARIMLAN

Solar-powered lights ang nagpapaliwanag sa kahabaan ng national road ng Sulat, Eastern Samar.

DPWH, naglunsad ng bagong patakaran sa pagdisenyo ng solar-powered lights

aglathala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga pinakabagong mga patakaran sa mga pamantayan na disenyo para sa solar-powered kalsada sa mga pambansang kalsada.

Ipinaliwanag ng DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sa pamamagitan ng Department Order No. 19, serye ng 2023, ang mga pamantayan ng disenyo, pagkatapos ng pagtanggap sa paggamit ng solar-powered ilaw sa mga proyekto ng pampublikong gawain. Sa mga hinaharap na mga proyekto DPWH na may mga bahagi ng liwanag ng kalye, inaasahan namin na gamitin ang solar-powered ilaw ng kalsada dahil sa stabilidad nito, mahaba na buhay, madaling pag-install, kaligtasan, at siyempre, enerhiya kahusayan, na gumagawa ng ito na perpekto para sa paggamit kasama ang parehong mga bagong at kasalukuyang mga kalye,” sinabi Bonoan. Ang DO 19 ay magiging reference ng mga Regional Offices ng DPWH, District

Engineering Offices, Unified Project Management Office Clusters, at mga konsultante ng DPO sa paghahanda ng mga plano ng disenyo sa mga proyekto sa kalsada. Kabilang sa mga teknikal na mga kinakailangan ng DO kabilang ang: mga ilaw ng kalye ay dapat magiging pantay-pantay at walang dark band o abrupt variations; maaaring maging mataas na presyon sodium (HPS) o liwanag emitting diode (LED) sa pag-iilaw; kulay temperatura ay maaaring magbago sa pagitan ng mainit na puti at mainit na yellow at ang paggamit ng ultraviolet na ilaw ay hindi pinahihintulutan; kapakipakinabang para sa labas na paggamit at tinutukoy bilang pagtutulungan (IP) 65 per International Electrotechnical Commission (IEC).

6sa8

teenage pregnant ng SNHS ang mas pinipili pa ring mag-aral sa tulong ng modular instruction.

Solar-powered lights, tugon sa mga aksidente sa lansangan, nagpaigting ng seguridad

Sa kabila ng madilim na daan tayo'y muling maglalakbay patungo sa nagnining-ning na kinabukasan.

Sa kawalan ng sapat na liwanag sa daan ay makakaramdam ng takot o pangamba ang mamamayan dahil sa madilim na kapaligiran. Paano nga ba mabibigyang solusyon ang hinaing ng karamihan? Makakamtan pa ba ang liwanag na matagal nang inaasam-asam o patuloy na malulugmok sa karimlan?

Sa mus-mos kong gulang habang lumilipas ang araw ay tila ba may namumuong takot sa aking dibdib dahil sa mga nababalitang sunod-sunod na pag-atake ng mga kawatan sa aming bayan. Kanyakanyang insedente ang nangyaring kumalat, mga problemang ikinababahala ng lahat ng siyang nag mistulang mga haka-haka.

"Ngin mautro na naman hadto... maupay ngani kay waray hira saka, kay hadto an mga kawatan na sulod han balay."

Yan at marami pang mga kwentong wari mo’y wala ng katapusan ang bumabagabag sa tuwing sasapit ang gabi, hanggang sa ipinatupad ang Department Order No.19 Series 2023, na nagsilbing sidlit ng pag-asa para sa mga biktima ng dilim.

Sa tulong ng kautusang ito, naikabit na ang mga solar street lights sa bayan ng Sulat, partikular na sa may national road way.

Nagdulot ito ng labis na pagkatuwa ng mga

Teenage pregnancy rate, bahagyang

Babala ng DOH: Huwag maging kampante

Bumaba ang teenage pregnancy ng mga kabataang Pinay na edad 15-19 sa 5.4 percent noong 2022 mula sa 8.6 percent noong 2017.

residente. Hindi lang matatanda, pati na rin mga binata, dalaga, at mga bata. "Kaupay na, hin suna na." "Maupay na paglalaag hit gab'e, dire na makuphaw.” Para sa mga 'Sulatnon' ang mga proyektong ito'y malaking pakinabang at magmimistulang lampara ng mga mamamayan na siyang tatanglaw sa kanilang paglalakbay.

bumaba

Sa ulat na inilathala noong Enero 25, 2023 ng Pilipino Star Ngayon, mayorya ng pinay teenager na nabuntis ay mula sa mahihirap o 10.3% habang 1.8% mula sa mayayaman.

Ayon sa mga datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 5.4% ng mga babae sa edad na 15 hanggang 19 taong gulang na nanganak noong 2022, mas mababa kaysa sa 8.6% noong 2017, 10.1% noong 2013, 9.9% noong 2008 at 8% noong 2003.

Samantala, sa usapin ng educational attainment, mas marami ang teenage pregnancy sa mga nakapagtapos ng grade 1-6 (19.1%), grade 7-9 (5.3%), grade 11 -12 (4.8%) at college level (1.9%).

Huwag maging kampante Habang ang mga kaso ng teenage pregnancy ay bahagyang bumababa na, base sa pinakabagong datos na pinalabas ng PSA, nagbabala ang Department of Health (DOH) na walang lugar para makapante at sinabing kailangan pa rin ng mga programang magbigay ng matagalang impact sa pagsugpo ng teenage pregnancies.”

Ayon sa school nurse na si Ginoong Maynard

Evadone, bumaba ang bilang ng teenage pregnancy kumpara noong mga nakaraang taon. Dalawang buwan bago matapos ang kasalukuyan taong panuruan, nakapagtala ng kabuuang siyam na kaso ng teenage pregnancy sa Sulat National High School, pito rito mula sa senior high department. Anim dito ay nag-aaral gamit ang modular learning.

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024 04
N INDEPTH
ELLEN BALITA
124
JADE NECESITO EDSON BALITA ELLEN BALITA

Sanaysay ng G7 mag-aaral, kinilala sa pangrehiyong patimpalak

nspirasyon ang namayapang lolo na dating beteranong sundalo, kumatha si Eduard Anthony Delmonte, mag-aaral sa ikapitong baitang, nang sanaysay na kinalala sa 82nd Araw ng Kagitingan and Philippine Veterans Week: Regional Essay Writing Contest.

Matapos hiranging kampeon sa pang-distrito at pang-dibisyong patimpalak, umarangkada ang papel ni Delmonte sa pangrehiyon at nasungkit ikalawang pwesto mula sa 10 entries.

Labis ang pasasalamat ng 11-anyos na mag-aaral sapagkat ito ang unang

Delmonte na dating sports writer ng siyang nasa elementarya pa. Malaking tulong ang eksperyensiya at mga kwento ni Delmonte kanyang pinanghugutan ng kanyang award-winning na sanaysay. “Malaki ang naitulong sa akin ng experience at mga kwento ng mga magulang ko para makalikha ng aking sanaysay,” dagdag pa ni Delmonte.

Sulat Youth Ministry, nakibahagi sa Jericho Walk sa Guiuan

PRO-BATA

2 Seal of Child-Friendly Local Governance ng DSWD, nakupo ng Sulat

“Ang masasayang kabataan ay simbolo ng progresibong bayan.

pakikisa sa pagsupil sa pang aabusong dulot ng pagmimina sa mga isla ng Homonhon at Manicani.

Ayon kay Social Action Director, Fr. James Abella,

NASYON

STEM mag-aaral, panauhin sa nat’l symposium ng Save the Children

layunin ng panalangin na ito na itataas ang awareness ng mga mamamayan tungkol sa mga epekto ng mga gawain ng pagmimina na nagkaroon ng pinsala sa kanilang lugar.

miyembro ng iglesya at mga organisasyon ng bayan mula ibang mga lokal na parokya gaya ng mga diocese ng Calbayog at Catarman ay nagsilahok din sa nasabing kaganapan at pagkatapos ay nagpatuloy sa isang caravan mula sa kapitolyo ng bayan.

HEMPOWERED YOUTH. Inilalahad ni Alexandra Blando ang based initiatives ng Sulat na tumutugon sa mga pagsubok na hinaharap dulot ng climate change, sa harap ng mga panauhin sa Usapang Bata: Children Born into Climate Crises. 5T

lang isinagawa DSWD. Ang pagkakagawad ng SCFLG ay nagpapahiwatig ng pagsisikap ng isang komunidad sa pagpapalawak ng kalusugan, mga

ng dobleng tagumpay. Dagdag pa rito, nakatanggap din ng Plaque of Appreciation ang alkalde ng bayan na si Hon. Javier E. Zacate.

NGITING TAGUMPAY. Bitbit ni Mary Sol Yape ang dalawang plake ng SCFLG.

Arco Polo Hotel, Oritgas Sa isang natatanging pagkakataon, naimbitahan ang isang mag -aaral ng Sulat National High School na maging panauhin sa Usapang Bata: Children Born into Climate Crises na sinagawa noong ika-21 hanggang 23 ng Nobyembre, 2023. Dala ang kaalaman, ekspeyensya, at excitement, dumalo si Alexandra Blando,

make decisions and act based on evidence. We have the powshape the future, and safeguard

Hinikayat din niya ang kapwa kabataan na hindi matakot

My message to my fellow

sa mga estudyante ng Sulat NHS ang nailuklok sa Sangguninag Kabataan Council sa nakaraang Barangay Elections.

though we are in a vulnerable sector, we should not be scared of expressing what we truly feel and what our necessities are. We have the right to be included in this world, we have the right to participate, and we have the right to be heard,” dagdag pa ng 17-anyos na dalagita. Nagpaabot din ng pasasallamat si Blando sa Save

the Childre. Aniya,”because of Save the Children Philippines, they helped me transform myself into an empowered child and become a leader of the youth of my community and the country to amplify our unheard voices not only in the government but around the world. aktibo mag-aaral at kasapi ng lipunan.”

BALITA
REHIYON
23 M I N 05
G
GLORY MAE LOPENA GREGORIO ROSEL, JR. EZRA ACLAN KIEZHA NINA ABRIGON SAVE HOMONHON. Nililibot ng mga kabataan ang bayan ng Guiuan habang hawak-hawak ang mga placards na naglalaman ng mga hinaing at naisin ng mga kalahok sa Jericho Walk. SAVE THE CHILDEN PHILIPPINES LGU SULAT V. NIVAL 1,2,3 SMILE! Nakikipagkulitan si Hon. Javier Zacate, alkalde ng Sulat, sa mga batang nakisaya sa inihandog ng LGU na Children’s Christmas Party 2023 na nagbigay sigla sa himnasyo ng bayan noong Disyembre 13, 2023. ESNCH COURIER

RESPONSABLENG PAMAMAHAYAG. KATALISTA NG PAGBABAGO Ang

EDITORIAL BOARD SY: 2023-2024

MARIELLE ANNE BRUZON EDITOR-IN-CHIEF

ANGELICA ALEJO ASSOCIATE EDITOR

LHEANNE HANNA ASERIT MANAGING EDITOR

ANGEL IRISH PINGUEL CIRCULATION MANAGER

JADE NECESITO NEWS EDITOR

ARLITH PERMATO FEATURE EDITOR

JASMINE ASERIT SPORTS EDITOR

IROH FRANCIS ADAMAS SCI-TECH EDITOR

NICOLE ANNE D. SUMBILLA

PRINCESS YOUHAN CEBRERO PHOTOJOURNALIST

ALEAJEN TRIXEL DIONES

SOPHEA ISABEL MEMBREVE CARTOONIST

GREGORIO A. ROSEL JR. ALTHEA ACUBA

ZANJOE AQUINO ERIKA BALITA

CHEN LING MAPILOT SENIOR STAFF WRITERS

VON NIVAL

ANA MARGARITA RADAZA

NESTOR RADAZA, JR. SCHOOL PAPER ADVISERS

POLICY STATEMENT

BILANG PATAKARAN, ANG MGA KOLUMNISTA AY MAY KARAPATAN SA KANILANG SARILING OPINYON; ITO MAN AY

SUMASALAMIN O HINDI

SA KOLEKTIBONG PANININDIGAN NG PATNUGUTAN.

Ipadala ang inyong mga komento at suhestiyon sa angelijan@gmail.com. Maaari ring i-scan ang QR Code sa baba para sa karagdagang impormasyon.

KAAG PAY ‘DI KA WAY

SA

a kabila ng mga negatibong batikos sa Articial Intelligence, ang UNESCO na mismo ang naniniwalang angArtificial Intelligence (AI) ay may potensyal matugunan ang ilan sa mga pinakamalaking mga hamon sa edukasyon ngayon.

Sa pag-aaral ni Ryan S. Baker, ng University of Pennsylvania, inalahad niya ilan sa mga pakinabang ng edukasyson sa A.I.

Ang computer tutors o intelligent tutoring system ay nagbibigay sa mga mag-aaral easy-to-access na tutoring buddy katuwang niya pagintindi ng mga mahihirap na leksyon sa klase, o di kaya ay gabay niya sa paglikha ng mga proyekto at requriements sa paaralan.

Nariyan din ang digital learning games na mas ginagawang interaktibo ang pagkatuto. At syempre ang massive online open courses o (MOOCs) na nagbibigay sa mga mag -aaral ng primary learning experience na karaniwang binubuo ng mga video at quizzes.

Ilan lamang ito sa mga marami pang naitutulong ng A.I. hindi lang sa pag-aaral pati na rin sa iba t ibang sector ng pamumuhay: ekonomiya, industriya, engineering, agrikultura.

Binabatikos ng ilang guro ang paggamit ng A.I sapagkat tinuturuan nito ang mga mag-aaral na maging tamad sa klase at sa sobrang pag-

depende rito ay hindi na pinapagana ng mga bata ang sariling talino at abilidad.

Hindi pa man uso ang A.I., uso na ang katamaran. Hindi pa man uso ang A.I. may mga slow learners na.

Huwag nating i-link palagi sa A.I. ang problema sa pagtuturo at pagkatuto, sapagkat karamihan sa mga ito ay dati nang nasa mga paaralan.

Kung may isang bagay man ang siguro, ito ay ang pagbaling ng mga “nahihirapang estudyante” sa A.I. bunsod ng hindi dekalidad at epektibong pagtuturo.

Kahit mga matatalino ay gumagamit din dito. Basta’t may tamang regulasyon lang at paggamit, lahat naman ak makikinabang sa AI.

Ano mang sobra ay talaga namang nakakasama. Sobrang soft drinks. Sobrang pagkain ng maalat at matamis. Kahit nga sobrang pagmamahal.

Walang imbensiyon ang nilikha upang pahirapan ang tao. Sa tamang regulasyon at hindi pagabuso, unti-unti nating iwaksi ang negatibong pananaw hinggil sa A.I. sapagkat, anu’t ano pa man, parte na ito ng ating pang-araw-araw na buhay bilang isang kaagapay at hindi kaaway.

alang imbensiyon ang nilikha upang pahirapan ang tao. Sa tamang regulasyon at hindi pag-abuso, unti-unti nating iwaksi ang negatibong pananaw hinggil sa A.I. sapagkat, anu’t ano pa man, parte na ito ng ating pang -araw-araw na buhay bilang isang kaagapay at hindi kaaway.

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024 06 OPINYON
EDITORYAL
Kartun ni A. DIONES

Tinanong ng Ang Elijan ang 50 mag-aaral kung naabala ba sila ng lubak nadaan patungong eskwelahan, ito ang lumabas:

DI NAAABALA NAAABALA

WLIHAM PARA SA EDITOR

Gagradweyt na lang ako hindi pa rin naaayos ang baku-bakong daanan sa may paanan ng paaralan. Lalo lang lumalaki ang mga butas. Kalbaryo ito sa mga drayber at delikado ito para sa mga estuyante at emplyeyadong motorista. May solusyon na ba ang admistrasyon para rito?

Rowel Jatulan, G12

TUGON NG EDITOR

Magandang araw, Rowel.

Ayon sa ating punongguro na si Ginoong Sixto Balita, kapos ngayon ang paaralan sa MOOE dahil sa dami ng priority projects at activities na pinaglalaanan ng badyet gaya na lamang ng mga supply, expenses, receivables, kompetisyon, at marami pang iba. Subalit sisikapin daw ng administrasyon na makahanap ng paraan para masolusyunan ang problema sa kalsada sapagkat sila man din mismo ay apektado nito. Idinulog na rin ang problemang ito sa LGUSulat.

Sana’y nasagot naming ang iyong katanungan.

PATNUGOT

Ubos na kahit wala pa

MATANG AGILA

MARIELLE ANNE BRUZON

ala pa nga ang cash na ipamimigay ng Department of Social and Development (DSWD) sa mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) pero ito’y ubos na. Kaya sa halip na cash, bigas ang balak ipamudmod ng Department of Agriculture (DA). Gayunman, kung bibigyan ng pagkakataon ang anak ni Juan na magbigay ng suhestiyon sa usaping ito, mas maigi ngang bigas na lang kaysa perang cash.

Hayaan niyong talakayin ko ito ng deretsahang at walang pag-aalinlangan. Maganda ang mungkahing ito ng Department of Agriculture (DA). Una, hindi na mahihirapang bumili ang mahihirap na mamamayan. Isasaing nalang nila at siguradong kakain na sila sa oras kahit na ang ulam lamang ay tuyong isda, makakakain na ang pamilya sa araw-araw.

Pangalawa, Inaabuso ng ilang benepisyaryo ng 4Ps ang ipinamimigay na pera ng kagawaran. Sa katunayan, nito lamang taong mahigit 100, 000 pamilya ang inalis sa listahan dahil sa anomalya at may mga utang. Bunsod ng labis na kahirapan, kaya nagawa ito ng ilang miyembro sa kabila ng ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Hindi na natuto ang mga sangkot dito. Kung hindi nakasangla ang Automated Teller Machine (ATM) sa ilang loan sharks pambayad utang ay ubos na sa ibang gastusin tulad ng pagbili ng alak at pakikipagsugal.

Pangatlo, napakamahal na ng presyo ng bigas sa lahat ng pamilihang bayan. Sa katunayan, ang dating P21.00 na halaga ngayon ay halos triple na ang itinubo sa halagang P60.00. Sino ba ang hindi aaray sa ganitong bentahan kahit pa sabihing sumusweldo na ang anak ni Juan ng mahigit 700.00 kada araw lalo na

kung ang bilang ng pamilya ay higit sa lima dagdag pa ang pagmahal ng ilang mga bilihin? Siguradong mabilis pa sa alas kuwatrong mapapakanta nalang tayo sa sikat na awitin ng aktres ni si Ara Mina ang “Aray.” Ang ganitong balak ay mainam at dapat ng aprubahan sa lalong madaling panahon ng walang pag-aalinlangan. Sana nga ay madaliin na ito para naman mapabagal na ang inflation at ng bumaba ang presyo ng bigas sa mercado. Kung pera kasi ang ipamimigay nangangamba ako sa magiging kinabukasan ng karamihan lalo na ng Kabataan. Nariyan ang pangamba kong isasangla ang ATM at hindi na magiging priyoridad ng mga magulang ang usaping edukasyon ng kanilang anak. Sa kabilang banda, kung mangyayari man ito sana ay siguraduhin ng Kagawaran ng Agrikultura na maganda ang kalidad ng bigas na kanilang ipamimigay. Kawawa naman kasi kung ang kakainin ay mas masahol pa sa pagkaing baboy. Gawin naman sanang pagkaing tatanggapin ng kumakalam na sikmura para matuwa ang lahat ng anak ni Juan kahit na ito’ y pinalitan ng naitsapwerang cash na siyang panglaman dati ng bulsa at tiyan. Sa kabuuan, sa pagsasakatuparan ng planong ito ng pamahalaan sana ay matumbasan din nila

ang halaga ng perang ibinibigay nila kada buwan. Malaking bilang kasi ng pamilyang Pilipino ang kasali rito at aminin man natin o hindi karamihan ay dito lamang kumukuha ang mahihirap na mamamayan ng pantustos at pag-asang panlaman ng tiyan. Kaya nga, nag ba-budget palang para sa susunod na buwan simot na tipong wala pa nga ang pera pero ubos na dahil sa sandamakmak na bayaring nakaambang. Para sa agarang implementasyon, hindi ako manginigming sumulat sa pangulo na maaprubahan agad-agad ito. Gagamitin ko ang aking iba’t ibang social media platforms sa pagpapa-abot sa lahat ng awtoridad sa pamamagitan ng paglikom ng reaksiyon na mapaburang mapalitan ang bigas kaysa cash. Magsasagawa din ako ng People’s Initiative campaign na kung saan magsisimula sa aming paaralan bilang ang Kabataan ang siyang unang naaapektuhan. Tandaan, ang labis na kahirapan ang dahilan kung bakit may ganitong programa ang pamahalaan, laging tinatamaan ang batang pag-asa ng bayan. Paano ba masusumpungan ang kahirapan kung ang pondong nakalaan para sa kabataan ay ubos na kahit ito hindi pa nakakamtan?

Malaking bilang kasi ng pamilyang

Pilipino ang kasali rito at aminin man natin o hindi karamihan ay dito lamang kumukuha ang mahihirap na mamamayan ng pantustos at panlaman ng tiyan.

Benepisyo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program)

Educational grants na PHP 300-700 kada bata kada buwan, depende sa antas ng edukasyon, hanggang 10 buwan sa isang taon.

Isang health grant na PHP 750 kada buwan.

Isang rice subsidy na PHP 600 kada buwan.

Awtomatikong saklaw ng PhilHealth.

Prayoridad sa pag-avail ng mga programa tulad ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

13 27
07 OPINYON KOMIKS NI SOPHEA MEMBREVE

OPINYON

“HKung nabubuhay lang si senador

Meriam

Defensor Santiago sigurado akong muling niyang masasabi ang kaniyang pamusong linya “katawatawa o nakakatawa kayo.”

Foreign ownership sa mga paaralan

Dagdag Peligro sa Seguridad

WALANG ATRASAN

indi ko mapigilang mag-alala ng mapanood ko sa Frontline Pilipinas ang tungkol sa panukalang luwagan ang restriction sa foreign ownership ng mga eskwelahan. Napaisip ako ng malalim at napatanong “Pilipinas saan ka ba talaga papunta?” Marahil sa kabi-kabilang problemang nagsisidatingan ay heto at may panibago na namang panggulo. Masakit para sa akin isipin na pati ba naman ang sistema ng edukasyon ay pakikialaman.

Isa sa nakikitang kong rason kung bakit gustong palugawin ang pagmamay -ari ng mga dayuhan sa mga paaralan ay sa mababa at walang pagbabagong antas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at ito ang pinakatinututukan ng kalihim ng Kagawaran ng edukasyon at Bise presidente Sarah Duterte.

Sapat na nga bang rason ito para lang payagan ang mga dayuhan na mamuno parte sa paghubog ng ating mga Kabataan? Hindi ba ito ay isang simpleng pag-alay para ipahamak ang ating bayan?

Paano na lamang ang ating suguridad? Bilang parte ng mamamayan, hindi maluwag sa akin na payagan itong mangyari dahil maraming seryosong implikasyon ito.

Una, sakop ng Basic Education Program ang K to 12 mula kindergarten, six years primary education, four years junior high school program, at two years senior high school program. Ito ay pinakacrucial stage sa pagdevelop sa kakayahang matuto ng bata kahit sa simpleng alpabeto at pagkilala sa wikang karapat-dapat nilang gamitin sa pagkikipagkomunikasyon. Sa panukalang nais isulong, hindi malabong tumanggap din ng mga banyagang guro. Tama po ba? Paano na lamang ang kinabukasan ng ating Kabataan kung tayo nga ay minsan hirap silang turuan gamit ang wikang kinalakhang at ito ay araw -araw ding ginagamit?

Ano pa kaya kung ang magtuturo ay walang kaalam-alam sa ating kulturang kinagisnan, walang kalam-alam sa kung sino tayo?

Pangalawa, Kulang ng kaalaman sa karanasan at values formation ang mga dayuhan. Hindi lingid sa ating lahat na ang basic foundation of education ay physical, social, emotional, cognitive at values formation. Kung hindi manggagaling mismo sa

ating mga kamay ang unang arangkada ng pagkatuto at paghubog sa ating mga kabataan siguradong mas lalo tayong malulunod sa kumunoy ng edukasyon.

Tayong mga pinoy ang siyang unang nakakaunawa at dapat unang kumalinga sa ating mga bata. Ika nga sa tahanan nagsisimula ang unang edukasyon ng mag-aaral. Ibig sabihin, ito ang ating tahanan at nararapat lang na sa atin ang magsisimula ang pangpilipinong edukasyon.

Pangatlo, banta sa seguridad ng bansa. Magiging malaya na ang mga dayuhan na masilip kung anong meron tayo na siyang magiging rason nila upang palakasin pa aking kanilang pwersa. Kung magkakataon, malamang mauulit muli ang nakakatakot na pananakop ng mga dayuhan dahil sa kanilang mga nalaman sa ating bansa. Huwag naman po sanang mangyari ito. Alalahanin naman sana ng mga nagsusulong nito ang magiging kinabukasan hindi lang ngayon, bukas kundi ang magpakailanman.

Kung susuriin, bantulot akong payagan ito sapagkat hindi ako komportable na darating ang panahon ay mawawalan tayo ng sarili nating pagkakakilalanlan. Hindi ko maaatim na ang isang batang pinoy ay may pananaw at paniniwalang may bahid ng dayuhan lalo na at hindi natin kasi alam kung anu ang tumatakbo sa kanilang isipan. Idagdag pa ang mga nagnanais na muling mapalapit sa ating bansa dahil sa kanilang personal na interes sapagkat alam nilang hitik tayo sa kayamanan.

Sa ibang banda, hindi ito malaking isyu sa Commission on Higher Education (CHED) patunay ito sa binitawang salita ni Chairman ng CHED Prospero De Vera Opening-up ownership and control of

education has made them more competitive. Tama nga naman! Pero kung iisipin maigi sila ang panghuling antas ng edukasyon at nararapat sa kanila ang panukala dahil napagaling na ng DepEd ang mga mag-aaral bago ito mapunta sa kanilang institusyon konting panday nalang marahil para mas lalong maging mahusay ang mag-aaral. Kung susumahin, walang maayos na patutunguhan ang panukalang ito. Kaya naman, nararapat lamang na manindigan ang Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng pamumuno ni Sarah Duterte na hindi ito payagang maimplementa o gawing kasali sa isinusulong na bagong batas. Nararapat ding hingan ng opinion ang lahat ng mamayang sakop ni Juan Dela Cruz lalo na ang mga guro at magulang dahil batid kung maging sila man hindi boto sa panukalang ito. Higit sa lahat, Nararapat lamang na maglatag ang pamahalaan ng polisiyang magtuturo sa atin sa pagpapaigting ng ating nasyonalismo

Kung nabubuhay lang si senador Meriam Defensor Santiago sigurado akong muling niyang masasabi ang kaniyang pamusong linya katawatawa o nakakatawa kayo.” Malamang sa malamang sasabayan ninyo akong magtanong “Anong nangyayari sa iyo Pilipinas o Pilipinas saan ka ba talaga pupunta? Huwag na tayong magdagdag ng isa pang suliranin dahil ang ating bansa ay masyado sakmal na ng peligrong nakaabang dito.

PAYAG KA BANG IBALIK ANG

1 sa bawat 4 na guro (25%) ng Sulat National High School ay sang-ayon na ibalik ang corporal punishment.

DI SANG-AYON

CORPORAL PUNISHMENT?

amakailan lang ay nagging mainit na usapin sa social media ang bidyow ng isang gurong nangangaral sa kanyang mga mag-aaral, at gumamit ng mga di kanais-nais ng mga salita. Sumusobra na ng aba ang mga bata ngayon? Masyado nabang maluwag ang mga paaralan para pahintulan ang ganitong mga pangyayari?

Bagamat suportado ng Department of Social Welfare and Development ang panukalang batas na naglalayong isakrimen ang pagpaparusa sa mga bata, hindi naman lahat ng magulang ay pabor dito.

Sa pakikipanayam ng Ang Elijan sa ilang mga magulang, may kanyakanyang dahilan ang mga ito kung bakit sila payag o tutol sa isinusulong na House Bill 4455 o ang Positive and Nonviolent Discipline of Children Act at ng Senate Bill 873 o ang AntiCorporal Punishment Act of 2010.

Spare the rod, spoil the child.” Ito ang pinanghahawakan ng 38anyos na si Marylen Gecomo, may apat na anak.

Anya, hindi siya naniniwala na hindi dapat paluin ang mga anak sa sandaling nakagawa ito ng kasalanan. Ngunit hindi rin anya sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong paluin ang iyong anak. Nagtanong-tanong kami sa may 50 mga guro hinggil sa usaping ito, at lumalabas na isa sa bawat 4 na guro (25%), sang-ayon na ibalik ang corporal punishment. “Hindi naman kelangang humantong sa pagbabalik ng corporal punishment sapagkat baka ito maabuso ng ilan. Ang dapat siguro’y sa mismong mga tahanan magsimula ang paghubog ng tamang displina ng mga kabataan,” pahayag ng isang Grade 10 na guro na hindi sumasangayon sa pagbabalik ng naturang gawain.

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024 08
40 10 SANG-AYON K
AXYL EDLES
PULSUHAN NATIN

Ang 8 SULIRANIN

MARIELLE ANNE BRUZON

akalulungkot lang isipin na sa bawat taon na lang, paulit-ulit kong nababasa sa mga pahina ng pahayagang pangkampus ang di mamatay matay na mga suliranin ng paaralan. Ngunit nainiwala ako sa kakayahan ng dyusnalismong makapagpabago ng mga bagaybagay. Kung kaya’t hali na, makialam ka .

Daan, Maayos na daan ang kailangan ng kapwa ko Kabataan papuntang paaralan ngunit paano ito makakamtan kung araw-araw nasasaktan? Nariyan ang muntikang pagkahulog kung hindi maayos ang kinakapitan.Gustong matuto ang Kabataan yon nga lang papasok sa looban kalbaryo muna ang pagdadaanan. Ito ba ay tamang daan? Nakalulungkot lang!

gamoy masangsang na masakit sa pakiramdam. Ano na? Hahayaan na lang ba itong maging ganoon nalang at hindi na pakikialaman? Mga studyante ay tiyak na maapektuhan, pagaaral ay siguradong di masusumpungan. Nakalulungkot lang!

Minanang Kamalasan

MATANGLAWIN

Sa kasalukuyang panahon, painit nang paint ang usapin patungkol sa pagmimina sa Homonhon Island, Guiuan Eastern Samar. Ito ay nagdudulot ng pangamba hindi lamang sa mamamayan ng nasabing lugar, pati na rin buong Eastern Samar. Sa pagpapatuloy ng paglapastangan na ito ay unti-unti nang nasisira ang kagandahang yaman ng isla

Ang Homonhon Island ay ang lugar kung saan unang nakaapak ng Pilipinas ang isang manlalakbay na mula pa sa Portuguese na si Ferdinand Magellan 500 taon na ang nakalilipas. Ang islang nasabi ay mayaman sa Nickel at Chromite ito ang yaman na patuloy na kinukuha upang maipadala sa ibang bansa kabilang na ang China. Paubos nang paubos na ang natitirang natural na yaman sa Homonhon, kung saan sa pagkaubos nito ay kasabay din ng pagkasira ng kalikasan at dito din nawawasak ang pangkabuhayan at kinabukasan ng mga mamamayan partikular na sa mga nakatira sa Homonhon Island. Maging ang simbahang katoliko ay nangangamba at gumagawa ng paraan nang mahinto na ang pag-mimina sa nasabing Isla, patunay na hindi na biro ang daloy at dala ng gawaing ito.

ilan sa mga mamamayan ay nagdurusa at may pangamba sa magiging resulta nito sa hinaharap?

Aksyon ang kinakailangan para matulongan ang ating kalikasan, ang pagtatanim ay magandang paraan sa pagbawi at pagbabalik ng naapektohang puno't halaman, maaari ding makipag-ugnayan sa gobyerno upang mabigyan ng nararapat na aksyon ang pagmiminang nagaganap. Malaki ang magiging epekto ng pagmimina sa Homonhon Island sa hinaharap, hindi lang sa mga kalapit na lugar at mga nakatira doon ang maapektohan maging ang boung bansa. Ang pagkakalbo ng kalikasan at patuloy na paghuhukay ay maaaring maging sanhi ng iba't ibang kalamidad. Kailan pa tayo magigising sa realidad na patuloy pinupuksa ang ating tirahan?

Kung patuloy na magtetengang kawali at pagpapakabulagbulagan ang DENR at pamahlaan, sa libro na lang natin mababasa at masisilayan ang nilapastangang isla.

Hindi naman maipagkakaila na may naitutulong ang mga nakukuhang yaman sa Homonhon Island at ipinadadala sa ibang bansa, buong bansa ay nakatanggap na ng mahigit 100 billion peso mula sa taxes taon 2023, patagal nang patagal ay lumalaki ang naitutulong nito sa ating ekonomiya. Ngunit, paano ngaba matutulongan ng lubos ang buong bansa kung ang

Basura, basura sa kung saan-saan. Ito ang madalas kong makita sa tuwing papasok sa paaralan. Gustong matuto ngunit naaapektuhan maging sa silid-aralan ito rin ang nasusumpungan. Sino ang may kasalanan? Ako ba o ang ibang tao sa paaralan? Iisa lang ang siguro ako wag sanang idahilan ang basura sa pagtamo ng kinabukasan ng batang anak ni Juan dahil ang basura ay walang kasalanan kundi ang mga taong nasa kapaligiran na walang ibang pinagkakaabalahan ang gawin itong kasangkapan na sila ang may kasalanan. Nakalulungkot lang!

Pambu-bully, masakit sa tenga, masakit sa damdamin minsan pa’y masakit sa buong katawan. Paano kaya ito masosolusyunan? Pagaaral ang sadya sa paaralan hindi ang maalipusta ninuman. Bakit tila bingi ang ilang Kabataan kahit alam naman nilang bawal at pinarurusahan ang may kasalanan? tuloy tinatamad nang pumasok sa paaralan. Nakalulungkot lang!

Mas matapang pa sa tigre si Juan kapag late si student. Hindi maikakailang humahantong pa ang pagbabantang pagbaba ng grado o di kaya babawasan ito ng puntos. Galing di ba? Ehh siya nga laging late madalas pa nga y wala. Bakit ganoon? Hindi ba pwedeng relaks ka lang maam at sir? Tao lang naman minsan nahuhuling gumising sa umaga dahil puyat sa paggawa ng assignments. Ang masama kapag nagkataon na mainit ang ulo galit ay abot hanggang langit kaya sa klase’y naipapagkit tuloy edukasyon ay nagiging mapait. Nakalulungkot lang!

Cellphone. cellphone sa oras ng klase. Ito ang madalas na reklamo ng mga guro sa mga kabataang nasa paaralan. Bakit? Ito lang naman ang kanilang kahilingan na hindi mapagbigyan. Paano na kung may emerhensiya sa tahanan at agarang katugunan ay kailangan? Bakit kapag si teacher ay okey lang? Paano naman kami? Hindi ba pwedeng pareho nalang para walang pakialaman? Oo nga at bawal ang paggamit ng cellphone sa oras ng talakayan pero sana naman hindi pangunahan kilalang iilan ang gawaing magiging dahilan upang gawing basehanan ng ilang estudyanteng mahilig sa kopyahan. Minsan kasi kung sino pa ang laging paulit-ulit na nagpapaalala ay siyang bukod-tanging madalas ay mahulihang lumalabag sa patakaran. Nakalulungkot lang!

Dati, maaga pa lang nagku-

Kailan pa tayo aaksyon para mahinto ang pagkasira? Kailan pa natin ipaglalaban ang yamang dapat nating alagaan? Kailan pa? Kapag ba nalulunod na tayo sa baha? Kapag ba nasira na ang ating mga ariarian? Kapag ba wala na tayong lakas para lumaban?

Alam niyo ba?

Nakalikom ang gobyerno ng PHP182.6 milyon sa excise tax noong 2023 mula sa mga operasyon ng pagmimina ng dalawang kompanya sa isla ng Homonhon, Guiuan, Eastern Samar. Ayon ito sa report ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) noong ika -9 ng Enero, 2024.

Sa parehon ulat, nabanggit din na inaprubahan noong 2009 ang 25-year mineral production sharing agreement (MPSA) na nagbigay hintulot sa Nickelace Inc. at Chromiteking Inc na magungkat ng chromite sakop ng 300-ektarya na isla.

ang dahilan inutusan ni Nanay o ni Tatay gumawa ng gawaing bahay dahil walang ibang mapaguutusan. Bakit ngayon tila ba pagaaral ay sapilitan at hindi magawang pumasok ng man lang? Malamang ang dahilan pagod puyat at tinamad bumangon dahil sa magdamagang kaka-cellphone. Tuloy karununga’y naaapektuhan. Nakakalungkot lang!

Isyung uniform. Nakatutuwang pagmasdan sa tuwing makikitang kapwa ko kabataan ay suot-suot ang unipormeng pinatahi pampaaralan. Mula ulo hanggang paa lalo na’t kung sabay-sabay ay nasa

iisang pilahan. Mapapasana all ka nalang. Ito ang isa sa pinakainaasahang muling masumpungan ngunit sa ngayon, tila ito y mananatiling isang malaking palaisipan kung kailangan muli itong masisilayan. Wala na! Iilan nalang kasi ang mga kabataang ang isipan ay katulad ng dating si Juan. Kung ano ang uso ngayon ay siya nang sinusundan. Paano kasi masyadong pinapaboran tuloy kawawa ay ang sagradong paaralan.

Nakakalungkot lang!

2024palang,may10 taonpabagomatapos angkontrata. Nakasisiguroba tayongsila’ yhihinto na,kungpwede namangmag–renew? Buhaypakayaang isla?

07 CORPORAL
N
OPINYON
GUHIT NI ALEAJEN DIONES

LATHALAIN

aturingan ang Pilipinas bilang isang agricultural country dahil sa lokasyon at tropikal na klimang taglay nito na akmang taniman ng palay. Kaya naman pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino. Minsan pa ngang naging ikawalo sa mga bansang tagapagangkat ng bigas sa buong mundo.

Kaya naman laking gulat ni Mang Teody, 57-anyos na magsasaka buhat sa Brgy. San Francsico, ang balitang inilathala sa balita na Top 1 importer na ng bigas ang Pilipinas.

Ayon sa "Grain: World Markets and Trade" report ng United States Department of Agriculture, Martes (oras sa Amerika), tinatayang aabot sa 3.8 milyong metrikong tonelada ang rice importation ng bansa nitong marketing year 20232024.

Para sa isang magsasaka “Hindi ko alam kong bakit kailangan nating mag-import. May mga lupain naman tayo kulang lang sa sipag sa pagbabanat ng buto,” seryosong tugon ni Mang Teody.

“Kung magsasaka ka, masakit marinig ang balitang ito, pero mas inaalala ko ang iba pang pangkaraniwang mamamayang, lalo na ang mga walang trabaho. Sila ang mas kawawa.” Kung tutuusin hindi naman gaanong agrabyado ang may mga taniman ng palay sapagkat kahit papano ay may-

Ngunit paano nga ba ang mga ordinaryong mamamayan, na patingi-tingi lang bumili ng bigas dala ng kapos sa badyet?

Para sa isang ordinaryong mamamayan

Minsan ko nang tinanong ng pabiro ang mga nagtitinda sa canteen kung bakit hindi sila nagtataas ng presyo ng kanin kahit pa man mataas na ang presyo ng bigas.

Kung taasan naming, wala nang bibili,” karaniwang sagot ng mga tindera.

Tama nga naman, sa kunsumer din naman sila kumikita. Subalit hindi ito ang nararanasan sa labas ng paaralan. Sa supplier, at hindi sa karaniwang mamamayan, nakabase ang presyo ng bigas. Kung gayon, hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang pag-iimport ng bigas, sapagkat kalbalryo ito para sa mga tao.

Nakapagtataka lang

Kung kailan panahon ng anihan saka nagsisitaasan ang presyo ng bigas. Sa bawat palayang nadadaanan ko, may nag-aani ng palay ibig sabihin, maraming suplay at hindi kailangang magtaas ng presyo. Dapat pa ngang bumaba ang presyo.

Mayroong mali sa sistema, at kailangan itong aksiyonan ng Pangulong Marcos, sapagkat ang isang butil kahit gaano kaliit ay naka-

“Mayroong mali sa sistema, at kailangan itong aksiyonan ng Pangulong Marcos, sapagkat ang butil, gaano man kaliit ay masakit kung makapuwing.

usto kong subukan kung kaya kong makagawa ng obra gamit lamang ang dalawang kulay- puti at itim.”

Ito ang naging sagot ko sa mga nagtanong kung bakit pinili kong gawing hindi makulay ang likhang inilahok ko sa kompetisyon.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang desisyon kong gumamit ng simpleng kulay ay may mas malalim na dahilan. Ito ay para sa mga taong nagmamahal sa sining ngunit may limitasyon sa pagkakakilanlan ng mga kulay o mga color blind.

Kaming mga artist ay malayang gumamit ng iba't ibang teknik upang maipahiwatig ang aming mga saloobin at makapagbigay-kasiyahan sa lahat, kabilang na ang mga taong may color blindness.

Naniniwala ako na sa paggamit ng itim at puting kulay sa pagpipinta, mas mauunawaan nila at mabibigyan ng buhay ang mga obra na nagpapahayag ng aming kaisipan at damdamin.

Sa mundo ng sining, mahalaga ang konsepto ng pagkakapantay-pantay. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon at pagpapahalaga, kasama na ang mga taong may color blindness, dahil ang sining ay para sa lahat

(Ito ang naging sagot ng 11-STEM na mag-aaral at manguguhit na si Aleajen Diones nang tanungin siya kung bakit itm ang ginamit niyang kulay sakanyang obrang nakasungkit ng 2nd Place sa school-based Pintahusay na patimpaliak.)

10
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024
ANGELICA ALEJO KUHA NI KIRSJHEN SCARLETT BOCO ALEAJEN TRIXEL DIONES

a pagbabago, ang kabataan ay pwedeng gawing kasangkapan. Ito ang tumatak na pangkalahatang mensaheng hatid sa amin makaraang mapagtagumpayan namin ang isang gawaing makabuluhan sa pamayanang aming pinagbahaginan ng pambihirang kaalaman.

Ang “Panday-Tuhay” ay isang inobasyong sa pagbabagong bihis ng pananaw ng mamamayan sa larangan ng pagpapaigting ng maayos na sistemang pangedukasyon mula sa paaralan patungong pamayanan. Ito ay naka-angkla sa Project-Based Learning Approach at 21st Century Learning Design nanggaling sa pangitaing gawa ni Dr. Ju No sa Project P21, kinakatawan ng Panday-Tuhay. Ang dalawang pangunahing prinsipyo sa pagaaral: lumampas sa tradisyonal na hangganan ng silid-aralan at makapag-ambag sa pag-unlad ng pamayanan Mapalad akong maging bahagi ng pambihirang gawaing tiyak na magpapabago sa bawat pananaw at paniniwala sa usaping edukasy-

Dito malaking papel ang gagampanan hindi ng mga kaguruan kundi mga batang mag-aaral ng Sulat National High School kung

gong pigura alinman sa mamamayan at kabataan ay hindi lang pala kalalamang sa edad, eksperyensiya at karanasan, pwede rin pala magkahit na sabihin pang hinog pa sa pilit ang isip, salita at gawa.

JADE NECESITO

Pakwan dito, pakwan doon.

Sa kahabaan ng Del Remedio-Sulat na ruta, malimit maka-agaw pansin ang mga pakwang hilihilirang ibenebenta ng mga local farmer. Ito ang nakaakit sa DTI Negosyo Center Sulat upang maglunsad ng programa na makatutulong hindin lamang sa mga mag -sasaka pati na rin sa ekonomiy at turismo ng bayan.

Nobyembre 10, araw ng Biyernes, simulan nila ang kanilang paglalakbay. Isaisa nilang tinalakay ang tungkol sa pagpapabuti ng kakayahan ng mga watermelon farmer ng aming lugar. Naging paksa rin ng training ang mga paraan kung paano makakalikha ng mga high-value product na gawa sa ipinagmamalaking pakwan ng aming baryo, tulad ng Watermelon Jam at Watermelon Rind Candy. Hinikayat din ng mga taga-DTI Negosyo Center Sulat na pataasin ng mga magsasaka ang kalidad ng

kanilang mga produktong agrikultural. Itinuro din sa kanila ang tamang paraan ng pagp-proseso ng mga pakwan upang makabuo ng patok sa masang produkto. Sa araw naman ng Sabado, ibinahagi nila ang tungkol sa food safety processes, hygiene, quality control, at traceability. Natutunan din ng mga magsasaka ang iilang mga ideya tungkol sa epektibong pagp-presyo ng kanilang mga produkto upang hindi malugi sa negosyong papasukan. Kanila ring hinikayat ang mga watermelon farmer na mula sa hilaw na produkto ay makalikha sila ng pagkaing hindi mabigat sa bulsa at mataas ang kalidad. Sa kanilang pamamaalam sa huling araw ng pagbibigay pag-asa sa aming baryo ay kasin tamis ng pakwan ang ipinabaon na pasasalamat ng kanilang natulungan. Sayang nagbibigay ng siyamnapu't porsiyentong kasiguraduhan na bukas hindi na asin ang nakahain sa hapagkainan.

JADE NECESITO

ou must protect the planet. If the Decepticons find it, then our people are truly finished.

Isa ito sa pinakatanyag ng linyang sinabi ni Optimus Prime sa palabas na Transformers. Sa wari ko’y ito rin ang nais iparating na mensahe ng Transformers -inpired na likha ng Barangay Mara-mara na nag-uwi ng kampyeonato sa Year 2 ng Eco Warriors Festival of Lights sa Sulat, Eastern Samar, nitong Disyembre.

Sopistikado, detalyado at makabago. Sino ba naman ang makakalimot sa mga higanteng autobots nagpamangha sa mga dumaraan sa Brgy. Mara-mara nitong kapaskuhan. Bata, matanda, ay talaga naming napapatitig at napapa-selfie tuwing daraan ditto.

Subalit sa likod ng magarang disensyo, tuklasin natin ang mas malalim na mensaheng nais iparating ng Maramaranhons. Bilang eco-waste warriors, isinasabuhay ng barangay ang 4Rs sa solid waste management: reduce, recycle, reuse, at recover.

Karamihan sa mga materyales na ginamit sa paglikha ng kanilang

Transformer ay kinuha mula sa Barangay Material Recovery Facility o MRF at mula sa mga basurang nakolekta sa iba't ibang mga tahanan sa barangay. Isinama rin nila ang mga indigenous at iba pang mga reusable na materyales, at recyclables upang mabawasan ang pagkakakalat nito sa kapaligiran. Ang mga transformers ay nakikipaglaban sa kanilang mga pakikibaka sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at teamwork. Gaya nina Optimus Prime at Bumblebee, ang mga tao ng Mara-mara, opisyales ng barangay at SK, mga senior citizen, WINs, tanod, at lahat ng residente ay nagpapakita ng espiritu ng bayanihan upang maisakatuparan ang napakaganda likha ng pagkakaisa.

OPTIMUS PRIME TRUCK

Ang frame at katawan ng truck ay karamihang gawa sa mga indigenous na mga materyales: bamboo sleets, kakao kahoy, at pinagsamasamang sa rattan wire (uway). Plastic bottles, bamboo sleets, at lumang tikog ay ginagamit upang magsilbi bilang body cover at flooring, lumang tires na nagsilbing mga gulong, at mga sirang electric

fan stand para sa steering wheel.

BUMBLEBEE

Hindi ginamitan ng plastik ang ulo at katawan ni Bumblebee. Pinagsama-sama lamang ditto ang mga ginamit styrofoam at insulators. Ang mga kamay ay binuo ng lumang freezer foams at isolators. Tie wires at cling wraps ay ginamit upang pagsamasamahin ang mga parte, habang ang paanan naman ay gawa sa pinatigas na semento magsilbing

isang pundasyon.

Wala dasyon MARIELLE ANNE BRUZON

LATHALAIN

aghahanap ka ba ng preskong lugar na hihimlayan ng iyong pagal na katawan at isipan? O gusto mo lang magpalamig dahil sa napakainit na panahon?

Ano pa’ng hinihintay mo? Biyahe na sa Sulat, Eastern Samar. Apat na kilometro lang mula sa bayan, masisilayan mo na ang pinakabagong atraksyon at pahingahang dinarayo dahil sa feel-at-home nitong pasilidad.

Simple pero elegante at makabago, parang isang munting paraiso na nanaisin mong balik -balikan. Yan ang Balay ni Nene.

Teka, bakit nga ba Balay ni Nene?

Sa pagpasok pa lang sa malaking tarangkahan ramdam ko agad ang init ng kanilang pag tanggap na para bang isa kang kapamilya na nagmula pa sa malayong lugar. Kahanga-hanga ang paligid, malamig at maaliwalas, amoy na amoy ang mga bulaklak at iba’t ibang halaman sa paligid.

Eto pa, pag pasok ko sa malaking kubo naaalala ko ang kubo ng aking lola napaka presko na para bang gugustuhin mo na humiga agad at mag nostalgia sa iyong pagkabata.

Ah Balay ni Nene.. hindi ko man batid kung bakit siya tinawag ng ganon para sa akin andun ang pakiramdam ko na para itong isang tahanan na nararamdaman mo ang presensya at pag aasikaso ng isang ina, isang munting paraiso sa likod ng malaking tarangkahan.

Ang tunay na alamat ng Balay ni Nene hindi lamang sa marangyang pasilidad kundi sa likas na kagandahan ng kalikasan ang karanasan dito ay hindi lamang patungkol sa paglalakbay, kundi sa pagpapatibay ng samahan ng pamilya at kaibigan.

Sa bawat pagbisita, ang Balay ni Nene ay patuloy na mag bibigay buhay at magtataguyod sa bawat ala-ala ng nakaraan.

Sa loob ng resort ay nagsisilbing pundasyon. Ang bawat panauhin ay tinatrato na bilang panauhin sa isang kapistahan na may mainit na pag tanggap na may kasamang ngiti mula sa mga tauhan, ang bawat silid ay hindi lang espasyoso at komportable sila’y tagpo ng kapayapaan at kagalakan.

Sa bawat pagbisita, ang Balay ni Nene ay patuloy na mag bibigay buhay at magtataguyod sa bawat ala-ala ng nakaraan.

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024 12
BALAY NI NENE EZRA ACLAN

MUNDO. Makapigil hiningang mga obra maestra ng mga Estehanon ibinida sa Borongan Capitol Building, na nagpamangha sa mga panauhin sa Sirak Arts Exhibit.

JADE NECESITO

a pagdiriwang ng Buwan ng Sining, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar sa pamumuno ni Gov. Ben P. Evardone ang "SIRAK" - isang Art Exhibit na nagtatampok sa mga Local Visual Artists ng Eastern Samar, noong ika-5 ng Pebrero 2024 sa Lobby ng New Capitol Building Borongan City, Eastern Samar. Ibinida ng mga talentadong artist mula sa iba't ibang bahagi ng lalawigan ang kanilang nakakabilib na mga likha sa SIRAK.

Bawat obra ay gawa sa puso at kasanayan, na nagresulta sa samu’tsaring likhang sining. Ang art exhibit ay nagpatuloy hanggang ika-9 ng Pebrero. Ang selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Sining ay naglalayong gamitin ang pagiging malikhain ng mga Estehanon artist para sa pagpapaunlad ng bansa, isama ang sining sa iba't ibang komunidad, at bumuo ng diskurso at pagpapahalaga sa mga uri ng sining sa pamamagitan ng mga bagong plataporma.

Nabibigyang diin ng tema ngayong taon na "Ani ng Sining, Bayang Malikhain" na ang pagkakaroon ng isang malikhaing bansa ay kolektibo.

G9 wagi sa Pintahusay

Samantala, nangibabaw naman ang obra ni Lucien Myes Acopan, mag-aaral sa ika-siyam na baiting, sa anim pang mga kalahok sa Pintahusay na ginanap sa himnasyon ng Sulat National High School.

musbong man ang panibagong kabanata, mangungukilkil pa rin ang kaisipang "ang guro, guro kahit saan". Karaniwang kasabihan na binigyang diwa ng isang tagapagtaguyod ng kaalaman na humantong sa yugto ng pagreretiro. Itinanim na butil ng karunungan sa puso ng mga hinawakang estudyante ay nagmistulang tintang iniukit sa alaala ng mga ito.

Tila mantsang mga aral na kahit labislabis na kuskos, bola lang ang maglalaho subalit ang mga aral ay matindi kung kumapit. Isa si Gng. Yolanda Gerale sa mga retiradong guro ng Sulat National High School (SNHS) na

bumalot sa memorya ng mga estudyante. Huminto man ang opisyal na paninilbihan, hindi ito naging hadlang upang pigilan ang nagsusumiklab na puso nito sa edukasyon. "Retiro sa propesyon ngunit hindi sa misyon." pahayag ni o mas kilala bilang "Ma'am Yoli". Mabangis sa siyensiya kung maituturing ang kaniyang katangian bilang isang guro. Asignaturang hindi madaling aralin subalit kung si Ma'am Yoli na ang iyong makapanayam sa agham ay tiyak na mapapasabi ka ng SA-L-U-T-E. Salitang bubulaslas sa iyong bibig bilang ekspresyon ng pagpuri

Sa bawat pag ng oras, ipinakita ni Gng. Yolanda na ang pagtuturo ay hindi isang tungkulin na nagtatapos sa unang pagtikim ng pensiyon, kundi isang pagpapahayag ng pagmamalasakit sa kapwa. Sa katunayan, madaming estudyante na tinuruan niya ang mga professional na kung tawagin sa kasalukuyan. Sa tulong ng isang simpleng gurong nagbahagi ng kaalaman ay bumukas ang bagong kabanata ng buhay ng ilang estudyante.

Pumasok kayo ng maaga. Mahalaga ang oras nating mga guro. Wag mo isipin ang trabaho, dahil maikli lang ang panahon.

LATHALAIN
TAHANAN. Ginawang inspirasyon ni Acopan ang SNHS sa kanyang winning masterpiece. ANGELI ASERIOS KAKAIBANG RICHARD ABLAY ARLITH PERMATO Mga estudyante.

AGTEK

HAWKSBILL SEA TURTLE, NAPADPAD SA SULAT;

Isang pawikan na may tali at palutang-lutang sa ilog ng Sulat malapit sa daungan ng Brgy. Tabi ang pumigil pansin sa Emergency Response team ng Sulat noong ika-25 ng Marso, 2024. U

da nang kondisyon maliban sa mga kabibeng-dagat na nakadikit dito bago pakawalan.

Sa nakasaad sa ating batas, kinailangan munang lagyan ng maayos na tag ng DENR ang hayop. Kaya nakiusap ang Sulat LGU sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Dolores para malagyan ng tag ang pawikan.

Sa kanilang pagsusuri, ang gantong uri ng pawikan ay isang Green Sea Turtle na ang pangsiyensang pangalan ay Chelonia mydas na may carapace na may habang 100 sentimetro o 1 metro, at 73 sentimetrong lapad. Kabilang ang

wala rito ay naisakatuparan sa pakikipagugnayan sa mga tauhan ng CENRO Dolores, LGU Sulat ERT, OMAS, at MENRO.

Ang pagkatagpo ng mga mga ganitong uri ng hayop pandagat ay nagpapahiwatig ng magandang balita. Kaya naman, ang Lokal na Gobyerno ng Sulat na pinangungunahan ni Mayor Hon. Javier E. Zacate, Bise Mayor Hon. Dionesio Evardone III at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa at polisiyang pomuprotekta sa kalikasan gaya na lamang pagkakaraoon ng Marine Protected Areas.

mapalinis at protektahan ang mga baybayin na lugar at at mapangalagaan ang mga natural resources na makukua rito. Naglalayon itong matugunan ang mga pangangailangan sa kapaligiran habang nagbibigay ng tanging benepisyo sa mga kalahok, na kung saan ay bigas ang katumbas na bayad sa bawat kilo ng basurang nakolekta.

Inilunsad ang PROJECT KLEAN noong Mayo 9, 2023 at ipinatupad sa lahat ng mga komunidad sa buong Eastern Samar, hinihikayat ang Estehanons na makolekta ng parehong biodegradable at nonbiodegredable na basura.

RESCUED. Isinasakay ng ERT team ng Sulat ang napadpad na Hawksbills Sea Turtle upang mailipat sa Luyang Beach, Brgy San Francisco kung saan ito papakawalan.

SULAT-MENRO

Ang bawat isa ay may pananagutan sa polusyon ng kapaligiran at obligasyon natin na bawasan ito sa pamamagitan ng pagbabago sa ating mga gawain .

SK San Francisco, nag-clean-up drive sa mga daluyan ng tubig, sapa

ARLITH PERMATO

pang suportahan ang pagdiriwang ng World Water Day 2024 na may

matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan at mga -Up Drive sa mga ilog at sapa ng Barangay San Francisco noong

Layunin ng aktibidad na linisin at alagaan ang kalikasan, partikular ang ilog ng Brgy. San Francisco. Hangad din nitong ipabatid sa mga residente ang kahalagahan ng pag

wasan ang mga basura at polusyon sa mga ilog at sapa ng barangay. Ipinakita ng mga lumahok ang kanilang dedikasyon sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng malinis at ligtas na tubig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa hinaharap, inaasahan na magpapatuloy ang mga ganinatiling malinis at malusog ang

mga susunod

Ang mababang mga rate ng kaligtasan ng buhay ng mga pagong sa dagat ng

Ang Pilipinas ay tahanan ng 5 sa 7 sea turtle species sa buong mundo. Lahat ng species ay endangered at nakalista sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List. Isa na rito ang Hawksbil Sea turtle. Sa loob ng maraming siglo, ang mga hawksbill sea turtles ay bumalik sa isang baybayin sa silangang Pilipinas upang mangitlog, kahit na ang komunidad ng tao ay lumawak sa kahabaan ng parehong kahabaan ng beach.

Hawksbill sa ligaw ay sanhi ng mga likas na mandaragit at, kamakailan lamang, pinalala ng pagtaas ng antas ng dagat. Ang isa pang pangunahing banta ay poaching para sa kanilang karne at shell.

-

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024 14
ANGELICA ALEJO
30-50 TAON 24-45 PULGADA CARNIVORE 100
150 POUNDS REPTILYA
Hawksbill Sea Turtle (Eretmochelys imbricate)
Pinagkunan: https://www.nationalgeographic.com/

Naitalang kaso (Pebrero 2022)

HIV-AIDS: 1054

Malalang kaso

1006 48 297 78

Namatay

Sanggunian: Department of Health | Epidemiology Bureau

Nakababahalang banta ng mapagkubling sakit

Ang mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa Eastern Visayas ay umabot sa 1,399 sa nakaraang 38 taon. Nakakatakot at nakakabahala. Kung patuloy tayong magiging ignorante, malamamang, mas magiging malala pa ito sa COVID-19.

Kasabay ng paghupa ng kaso ng COVID-19, ay siya namang paglaganap ng mga kaso ng HIVAIDS. Sa isang balitang inilathala noong Disyembre 2023, naalarama ang mga health officials ng Eastern Samar sa pagtaas sa bilang ng mga kaso HIV/AIDS na umabot sa 48 bagong kaso mula Enero hanggang Hulyo sa taong 2023. Nararapat lamang na gumawa na tayo ng aksyon para rito. Kinakailangang mapalawak ang serbisyo hinggil sa HIV. Ang mga proactive na pag-uugali mula ibang bansa ay maaaring ma-adopt sa Pilipinas. Halimbawa, gawin nating inspirasyon ang UK, kung saan nabibili

ang HIV testing kits sa online, upang sa bahay na lang gawin ang pagtest.

Ang mga target na prevention campaigns ay maaaring magpababa ng mga bagong HIV infection. Nakakapagpabago sa mentalidad ng mga lalake na nakikipagtalik sa kapwa lalake sa paggamit ng mga sexual health services. at pagpapabuti ng pag-access sa PrEP.

Ang Pre-exposure prophylaxis (PrEP) ay isang paraan ng pagiwas sa HIV kung saan ang mga taong hindi pa nahahawa ng HIV ay umiinom ng gamot araw-araw para bawasan ang kanilang panganib na mahawaan ng virus.

Ang pagkakaroon ng prEP ay maaaring mapalawak sa pama-

Upang mapag-usapan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga magaaral para sa kalusugan at proteksiyon sa pamamagitan ng edukasyon, nagsagawa ang faculty at mga empleyado ng Sulat National High School ng InService Training na sumentro sa Comprehensive Sexuality Education o CSE noong ika-24-26 ng Enero, 2024. "Ang CSE ay dinisenyo upang matiyak na ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng kumpletong at angkop na impormasyon na maaaring humantong sa gender equality at empowerment," sabii ni Janice Nicart, assistant principal ng paaralan, sa kanyang panimulang bati. Ayon kay Nicart, ang CSE ay nagpapataas ng

magitan ng pagsasanay at suporta sa mga doktor sa pangunahing pangangailangan at rural upang magbigay ng PrEP sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan sa online at face-toface modalities. Ang stigma ay nananatiling malaking balakid upang matulungan ang mga mamamayang may problemang may kaugnayan sa HIV. Dapat mabago na ang pag-uugaling ito. Samakatuwid, ang mga pagpapabuti sa online na pagpapalaganap ng impormasyon na ginawa sa panahon ng pandemic (i.e., webinars) ay maaaring gamitin para magbigay ng impormasyon sa pagsusumikap sa HIV.

Anti-OSAEC Law, pukaw sa kabatang lulon sa makamundong tukso

B ilang pukaw sa mga kabataan at pagsunod sa pagpapanukala ng Safer Internet Day, inilaan ang ika-9 ng Pebrero, 2024 para sa palatuntunan ukol sa AntiOnline Sexual Abuse and Exploitation on Children o Anti-OSAEC sa mga advisory classroom ng Sulat National High School. Ayon sa kay Ginoong Sixto Balita, punongguro, mahalagang maipaalam sa mga mag-aaral ang mga bagay na ito upang magkaroon sila ng ideya sa mga consequences nang maling paggamit ng internet.

“Makakatulong ang Anti -OSAE at CSAEM Act, upang mapukaw ang mga kabataan sa consequences sa maling paggamit ng internet,” tugon ni Balita. Gamit ang inerekomdang mga materyales sa pagtuturo, ipinanoon ng bawat tagapayo ang isang video na naglalaman ng kwento na kapupulutan ng aral ng mga estudyante.

Para kay Jillian Mae Jasojaso, mag-aaral sa ikapitong baiting at class president, nagging eyeopener ng bidyo sa kabataan at nakapagbigay reyalisasyon sa mga dapat at hindi dapat gawin sa social media at internet.

“Eye-opener yung video kasi nakapagbigay ito ng realizations saming mga bata tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa social media at internet,” pagpapaliwanagni Jasojaso.

Ang Anti-OSAEC at Anti-CSAEM Act o R.A. 11930 ay naging batas noong Hulyo 20, 2022. Pinagtitibay nito ang proteksyon para sa mga bata sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga internet intermediary at iba pang internet o payment service providers na tanggalin ang mga websites na nagpapalabas ng mga iligal na content na naglalaman ng pang-aabuso sa mga menor de edad .

sa comprehensive sexual education.

kaalaman ng mga magaaral, mapaliwanag ang kanilang mga halaga at attitudes, at bumuo ng mga kasanayan upang mabawasan ang mga panganib na may kaugnayan sa poor health at maabot ang kanilang buong potensyal.

Wag matakot magpa-test Samantala, hinikayat naman ni Nurse Maynard Madeja ang mga partisipante ng INSET na magpa-HIV test. ”Wag kayong matakot dahil kung wala naming kayong dapat ipangamba, hindi ka naman siguro magpopositibo sa resulta,” sabi ni Madeja. Ang ikalawang araw ng INSET ay inilaan sa paggawa ng learning materials at lesson plan na may inegrasyon ng CSE, habang

ginugol naman sa pangatlo at huling araw ng training sa presentasyon ng awtput at paggawad ng mga sertipiko.

Kasalukayang suliranin Ang kasalukuyang sitwasyon ng pagtaas ng maagang pag-anak, karahasan at pagtaas sa pagkakataon ng HIV sa mga kabataan ng Pilipinas ay nagdadala ng mas mataas na pansin sa pangangailangan upang ang mga ito sa mga tamang impormasyon at ang tamang mga kasanayan sa buhay na magbibigay-daan sa kanila upang gumawa ng responsable decisionmaking at pagmamahal na pag-uugali na protektahan ang kanilang kalusugan, kalusugan at karangalan.

Ang CSE ay dinisenyo upang matiyak na ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng kumpletong at angkop na impormasyon na maaaring humantong sa gender equality at empowerment.

AGTEK
SHARE IT. Nagbabahagi si Ginang Ma. Janice Nicart, assistant school principal ng SNHS, ng kanyang ekperyensya at repleksyon tungkol Iroh FRANCIS ADAMAS
U Comprehensive sex education tinalakay sa INSET; pagpa HIV test, hinikayat
ANGELICA ALEJO IROH FRANCIS ADAMAS
“ 15
ANGELI ASERIOS VON NIVAL

AGTEK

BATANG MAKAKALIKASAN. Maingat na itinatanim ng mga SSLG officers ang mga punla sa mga designted planting areas sa kampus.

FRANCIS LUTERIA

tanim naman ang Sulat

ng mga patnubay sa inilagay sa iba’t ibang ba-

LGU-SULAT

Q1 NSED, isigawa; barangay CDC lumahok

ERIKA BALITA

SULAT, EASTERN SAMARPara paigtingin pa lalo ang kaalaman at kakayahan sa pagiging handa pagdating ng mga hindi inaasahang sakuna, isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management ng Sulat ang First Quarter 2024 Nationwide Earthquake Simulation Drill, eksaktong 9:00 ng umaga, Marso 25, 2024.

Pilot Testing ng pinakaunang YES-O Learning Modules, isinagawa sa SNHS

JILLIAN JASOJASO

Iro 2024, ang Pilot Testing ng Youth for Environment in Schools (YES-O)

Learning Modules na nilahukan ng mga junior at senior high school na mag-aaral ng nasabing paaralan. Layunin ng tatlong araw aktibidad matukoy ang mga posibleng problema sa mga modyulo bago ito ilunsad sa mas malawak na sakop.

kahalagahan ng tesing na naganap.

“Ang pilot testing na ito ay nagbibigaydaan upang masuri ang pagiging epektibo, oras, gastos, at error sa mga nilkhang learning modules. Sa pamamagitan ng nito, maaaring makita ang mga mali at masolusyunan bago ang full-scale implementation,” sabi ni Lazarro.

nati sa dalawang batches para maikumpara ang mga resulta ng dalawang grupo.

Ito ay isang inisyatiba na naglalayong patuloy ang preservation ng kapaligiran at itinalaga ng responsibilidad sa kapaliguran sa mga bata sa

Umasiste ang DRR sa anim (6) na Centers for Child Development (CDC) sa mga barangay sa labas ng bayan, at limang (5) clustered CDC sa poblacion area, kabilang ang mga barangay ng Mara-mara, Riverside, Maglipay, San Francisco at lahat ng mga empleyado ng LGU main building nagtatrabaho sa Barangay Main Building, Leg-

MAINGAT NA PAGSUSURI. Masusing tsenetsek ni G. Patrick Lazarro, kasama ang kanyang tea, ang printed na beta version ng mga YES-O modules.

SNHS TREE PLANTING

Nagpalala naman si G. Rufino Robiena, pinuno ng BFP-Sulat, na kailangang manatiling kalmado, upang makapag-isip at makakilos ng maayos sakaling tatami ang kahit ano mang sakuna.

pagkaramirami ng paaralan sa bansa, ay sila ang napali bilang maging host schools.

PATRICK LAZARRO

Ipinaliwanag ng Education Program Specialist (Science) na si Ginoong Patrick Lazarro, kasama ang iba pang division office personnel ang

“Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon para sa team na magsanay at maghanda para sa mas malaking usability test,” dagdag pa ni Lazarro.

Mahigit 40 na mag -aaral ang sumailalim sa pagtataya, na hi-

Pinakauna sa buong bansa Ang pagkakaroon ng YES-O Learning Modules, mula sa planning, quality assurance, at pilot testing, na nilahukan ng mga piling guro sa mga distrito ng Sulat at Dolores ay ang pinaunang pagkakataon na nangyari bansa. Ayon sa MEAL manager ng Save the Children-Visayas na si Ginoong Phillip Arriane Oledan, maswerte ang mga eskwelahan ng Sulat at Dolores dahil sa

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024 16

INOBUSYON

Innovative bus system, naimbento ng mga mag-aaral ng ESSU

Bang mga paglalakbay ng mas epektibo.

Ipinapakita sa nasing application ang lokasyon ng mga bus sa palibot ng ng lungsod

Pinuri ng DOST

Pinuri ng Undersecretary ng DOST, Sancho A. Mabborang kasama ang mga pangunah-

Disaster risk reduction

pagiging isang SMART City.

Pambato sa STEMazing, itatampok ang flood sensor sa DFOT

bibida ng mga estudyante ng STEM ang localized flood sensor sa darating Division Festival of Talents na gaganapin sa Oras, Eastern Samar ngayong Abril.

Lumaki sa isang barangay na madalas binabaha, naging inspirasyon ni Venzor Drio, isa sa mga proponent, ang karanasan at tinatingnan ang malaking tulong na maiim-

bag sakaling tanggapin ng kanilang local ang kanilang gawa.

“Pirme kasi nabaha ha amon pag nauran (Lagi kasing bumabaha sa amin tuwing umuulan),” pagpapaliwanag ni Drio.

“Kaya naman gusto kong maipresenta ang gawang ito para makaturong sa ming komunidad,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Venzor, ang nasabing device ay magagamit para madetect ang pagkakaroon ng baha o tubig sa isang lugar. Kapag ito ay nakadetect ng tubig, magpapadala ito ng signal o alerto para maabisuhan ang mga tao na may potensyal na baha o tagas. Ito ay makakatulong sa pag-iwas sa mga pinsala na dulot ng baha.

Mga bagong bituing kasingliwanag ng North Star, masisilayan sa kalawakan

Ang isang nova outburst na makikita ng naked eye ay inaasahan na magbubunga ng gabi langit sa taon na ito sa isang "bagong bituin" na sa isang maikling panahon ay maging gaya ng malinaw na North Star, nag-aalok ng isang mag-isa-sa-a- buhay ng pagkakataon ng starwatching. Ang sistema ng bituin na nagbibigay sa amin ng pagkakataon na ito ay kilala bilang T Coronae Borealis (T CrB). Ito ay matatagpuan ang tungkol sa 3,000-light-years malayo mula sa Earth at binubuo ng isang

Makikita ang outburst sa konstelasyon Corona Borealis, na kilala rin bilang Northern Crown, na binubuo ng isang semicircle ng mga bituin.

Inaasahan na magaganap ang outburst sa pagitan ng Pebrero at Setyembre 2024 at lumitaw bilang ang North Star sa aming gabi langit para sa hindi mas mahaba sa isang linggo bago mabawasan muli, NASA opisyal ay sinabi sa isang pahayag.

Publiko, pinaghahanda sa PAGHAGUPIT NG LA NIÑA

PAG-ASA: Matinding tag-ulan, asahan sa pagsapit ng bermonths

kas na ulan o hangin. Binabaktas ng isang mag-sasaka ang palayang binaha ng sobra pag-ulan.
M
I
ALEXANDRA BLANDO
FLOOD SENSOR. Isang halimbawa ng larawan ng prototype na momodipikahin ng grupo nila Venzor Drio.
IRISH ANGEL PINGUEL ANGELICA ALEJO
17 AGTEK www.noabe.com
ANGEL IRISH PINGUEL
BUS 2.0. Inilalarawan ng isang ESSU mag-aaral ang sistema ng kanilang ginawang inobasyon.
DOST REGIONAL OFFICE NO. VIII PHILIPPINE NEWS AGENCY

ISPORTS

HARI NG ALON. Umaahon si Carlo Aga, Jr. sa mga alon nang walang pagaalinlangan sapagkat kabisado niya ang baybayin ng Borongan.

UUNITED

EDITORYAL

NA PATIBONG TUMATAGINGTING

mani ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizen ang balita na ang kampeon sa Kaugop Basketball Cup ay tatanggap ng isang milyong piso. Marami ang natuwa at naengganyo sa malaking halaga na maaaring makuha ng mananalong koponan. Ngunit, ang hindi maatim ng ilang tao ay ang katotohanang ang perang ito ay nagmula sa mga kumpanya ng pagmimina.

SALTHEA MAE ACUBA

umakay sa alon ng walang pag-aalinlangan ang homecourt hero na si Carlos Aga, Jr., na tubong Borongan, upang paamuhin ang kampyenato sa Men’s Masters sa Division ng Surf City Borongan Masters na natunghayan sa baybayin ng Borongan noong ika-30 ng Nobyembre, 2023.

Tinalo ng Baybay 2 residente na si Aga ang Philippine surfing team coach John Carby, na nagpamangha sa mga manonood.

Sinubukan pa ni Carby na mag-play catch-up subalit hindi ito nagtagumpay.

Samantala, sahuling 3:36 heat, ibinuhos ni Aga ang buong husay at lakas ang mapaamo ang mga alon ng karagatan. "Ang aking estratehiya upang manatili lamang

ang focus at kaligtasan at palaging manatili sa tamang lugar. Dapat laging suriin ang score situation para makalamang sa anumang oras," sinabi ng 48 taong gulang na si Aga. "Homecourtadvantage tayo. Alam namin ang lugar." Hurado sa International Surfing Association Level 2 at tagapagturo ng Academy of Surffing Instructors Level 1, si Aga ay unang sumubok sa sport sa Llorente Beach

23 taon na ang nakalipas. Pagkatapos ay hinihikayat niya ang kanyang mga kasanayan sa Dagat at sa iba pang beaches sa palibot ng Borongan. Kabilang sa kanyang karaniwang playground ang Lalawigan, Locsoon at Sabang. Pinuri naman ng silver medalist na si Carby si Aga kanyang tagumpay. “RIRamdam ko ang suporta at pagmamahal ng Boronganon kay Aga, I am happy for his achievement.

Ang isang milyong piso na premyo ay tulad ng Trojan Horse , isang regalo sa unang tingin, ngunit may itinatagong masamang layunin. Sa mga nagpapalakpakan at nagpapasalamat sa mga kumpanya ng pagmimina para sa kanilang mga donasyon, mahalagang maging mapanuri at magisip ng mabuti. Walang mali sa pagtanggap ng sponsorship, ngunit dapat na maunawaan ng lahat na ang tunay na layunin ng mga ito ay hindi lamang ang pagbibigay ng tulong, kundi ang pagpapanatili ng kanilang operasyon na nagdudulot ng pinsala sa ating kapaligiran. Ang tunay na kahalagahan ng isang regalo ay hindi nakasalalay sa halaga nito, kundi sa motibo ng nagbibigay.

Ayon sa Facebook post ni Board Member RV Evardone, ang premyong inihahandog ay hindi daw kinuha sa pondong panglipunan, bagkus ito ay mula sa mga donasyon mula sa iba't ibang indibidwal at grupo, kabilang dito ang Nickel Asia Corporation (NAC). Isa sa mga mining companies na nakikinabang sa yamang mineral ng Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar. Maaaring ihambing ang sitwasyong ito sa kwento ng Troy, kung saan ang Trojan horse ay ginamit bilang isang panlilinlang. Sa kaso ng Kaugop Basketball Cup, ang malaking premyo at iba pang mga regalo mula sa mga mining companies ay parang Trojan horse, isang regalo sa panlabas, ngunit may itinatagong motibo. Ang mga kumpanya ng pagmimina ay nagpapakita ng malasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking premyo sa Kaugop Basketball Cup. Ang kanilang layunin ay ipabatid sa mga tao sa Silangang Samar na sila ay may

kontribusyon sa komunidad. Ngunit, hindi nito mababago ang katotohanan na ang kanilang operasyon ay nagdudulot ng malaking pinsala sa Homonhon Island at Manicani Island. Wala namang masama kung nais ng mga kumpanyang ito na tumulong o magbigay ng donasyon para sa mga patimpalak dito sa ating probinsya, katulad ng pagiging isa sa mga nagtulongtulong para mabuo ang 1M para sa basketball cup. Sa pamamagitan ng mga donasyon nila ay nakamit ang nais na papremyo para sa mga mananalo. Ngunit, hindi ito masasabing tulong kung may kapalit na makukuha, ang kayamanang nakalibing sa Homonhon Island. Hindi kailanman matatago ng pera ang epektong dulot ng pagmimina. Sa kabila ng kanilang mga regalo at donasyon, hindi ito sapat upang malunasan ang kasalukuyan at hinaharap na mga epekto ng kanilang operasyon sa mga tao, lalo na sa mga mahihirap.

GUHIT NI JORGE ISAIAS

BIADO, GINAPI

ZANJOE AQUINO

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, Bilang I AGOSTO, 2023MARSO, 2024 18
ne of my dreams. Vegas, Nevada sa Saba- lyong) premyo, idinag-
SI OI; SINARGO ANG WORLD 10-BALL KORONA
PHILIPPINE SURFING ASSOCIATION ASINTADO. Gamit ang cue bridge, inaasinta ni Carlo Biado ng maigi ang isang alanganing bolang kanyang matagumpay na naibuslo. ESPN

Salat sa lahat : Nasayang na diamante

P“

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng kanilang kagalingan at katanyagan nagawa nilang iwan ang bansang kanilang naging kanlungan.

arang malakas na agos sa batis ang tuloy-tuloy na panalo ng ating bansa sa larangan ng pampalakasan. Hindi ko na mabilang sa dami nito mapaolympics o Sea games. Masaya na sana dahil tagumpay ito ng sambayanang Pilipino. Ito ang pilit kong isinisiksik sa aking isipan. Napatingin ako sa isang pahayagan habang naglalakad at sa hindi sinsadyang pagkakataon nabasa ko ang balita tungkol sa mga atletang lumilipat ng bansang kanilang pinapanigan dahil dito agad napalitan ang aking nadarama. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng kanilang kagalingan at katanyagan nagawa nilang iwan ang bansang kanilang naging kanlungan.

Kung totoo mang nagpapaulan ng katalinuhan sa larangan ng larong chess marahil isa na rito si Wesley So na tinaguriang Chessable Masters. Sa edad na 12, siya ang pinakabatang miyembro ng national team na lumahok sa 37th Chess Olympiad sa Turin, Italy at hindi nabigong ipanalo ang kaniyang laro.

Taong 2021 naman, ang babaeng golf standout na si Yuka Saso, tubong San Ildefonso Bulacan.Isa siyang lehitimong miyembro ng Philippine Team. Sa katunayan, lumahok na siya sa Tokyo Olympics at naipanalo niya ang gintong medalya sa kategoryang indibidwal at koponan.

Dagdagan pa rito ang magaling na atletang si Alex Pagulayan, isang FilipinoCanadian World Pool Champion. Taong 2004 nang maiuwi niya ang World Pool Champion in Taiwan at ang tatlong gintong medalya sa ginanap na 2005 Southeast Asian Games.Apleyido pa lang klaradong Pilipino ang dugong nananalaytay sa kaniya

Nakapanlulumong malaman na nagsisilayasan na ang

natin ang pinakaimportante nating chess piece, checkmate na sana, pinabayaan pa. Pangalawa, Problema ang usapin sa pananalapi kaya pinagtutuunan nila ng pansin ang mas nangangailangan ng pondo. Hindi naman ito nakapagtataka, maaaring dahil na rin sa korapsiyon at iba pa na malamang personal na interes.

Pangatlo, kakulangan sa matinding pagsasanay. Sabi pa ni Wesley” In the Philippines there is no serious training system. There are also very few strong tournements in Asia.

Tama nga naman! Kung susuriing maigi parang hanggang bibig lang naman talaga ang sinasabi ng mga taga komisyon ng isport na pinaiigiting nila ang kanilang ensayo pero kabaligtaran kapag may nasisilip silang mali sa atleta ay ginaagawan pa nila ng isyu katulad na lamang kay EJ Obiena na umabot pa sa isyung siya at ang kaniyang pamilya ay kakasuhan pa ng estapa buti nalang at naayos na ito.

Dahil dito, nagkakaroon na ng pangamba sa seguridad at kasanayan ng mga manlalaro ng ating bansa kung sila ba ay mananatili o maghahanap ng ibang kakalinga sa kanila. Ang iba ay nawawalan ng kasiyahan at motibasyon at nararamdaman din nila ang kawalan ng pantay na trato sa kanila at kanilang laro.

Sa kabilang banda, ang nangyayaring ito ay isang panibagong pagbubukas ng pagkakataon o oportunidad sa ibang atletang nagnanais na sila naman ay makilala at tularan sa kanilang napiling sports. Ngunit kung kabuuan ang iisipin, malinaw na sinasayang lamang natin ang isang yamang nagbibigay kinang sa atin sa ganitong larangan. Hindi lahat ng tao o indibidwal ay binibiyayaan ng ganoong husay.

TALAAN NG MGA MEDALYANG

NAKUPO NG SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL SA UNIT II ATHLETIC MEET 2023 NA GINANAP SA CAN-AVID, EASTERN SAMAR, NOBYEMBRE 30 DISYEMBRE 2, 2023.

12 8 8

Anim na gintong medalya ang hinakot ng G8 na manlalangoy na si Jamaica Limbo na nakuha niya sa 800m free(individual), 400m free(individual), 50m free (individual), 50m medley relay, 50m freestyle relay, 50m backstroke(individual)

6 atleta ng SNHS, aariba

sa EVRAA MEET 2024

Aarangkada sa 2024 Eastern Visayas Regional Athletic Meet (EVRAA) ang anim na mga atleta mula sa Sulat National High School matapos magpakitang gilas sa pamamagitan ng bilis at dedikasyon sa katatapos pa lang na Eastern Samar Provincial Athletic Meet na natunghayan sa Mercedes, Eastern Samar.

Agaw atensyon ang iginawad ng Back to Back EVRAA player na si Jamaico Limbo sa ipinamalas nitong angking talento sa paglangoy at nakalikom ng anim na nagkikintabang gintong medalya sa iba't ibang saklaw ng Women's Swimming.

"Grateful po ako na nakakuha ako ng anim na gintong medalya, lahat ng ito ay inaalay

at pinatumba ang Unit 3 sa finals upang masekyur ang gintong medalya.

Malatipaklong ang talon naman ang ipinakita ng Grade 11 student na si Emmanuel Colico upang makakuha ng dalawang ginto sa larangan ng Men's 110m hurdles at Triple jump.

Simbilis ng tsita ang ipinamalas ng

Habang hindi rin nagpahuli ang Grade 9 Student na si Chris Divine sa pagtapon ng discus sa ere upang makapagtala ng pinakamalayong distansya ng tapon para sa discasthrow- Gintong medalya.

Bagamat kinapos man ang Grade 10 student na si James Vincent Ayad hindi ito pumayag na hindi makakuha ng espasyo

19 ISPORTS
VON NIVAL
ZANJOE AQUINO
6
AXYL EDLES Puspusan na ang pagsasanay ni Divine Aserit, mag-aaral sa ika-siyam na baitang, bilang pinaka unang discus thrower ng SNHS na sasabak sa EVRAA. VON NIVAL

Pinagkait man last year ang panalo dahil sa hindi inaasahang pangyayari, naniniwala akong may plano ang Diyos, at siya lang nakakalam kung kailan ang para sa atin.

6

bayan ng Mercedes, Marso 24-26, 2024. Gamit ang bilis, lakas, at timing, nasungkit din ng

Grade 11 HUMSS na aaral ng Sulat national High School ang ginto sa men’s distance triple jump kung saan nakapatik naman siya ng 12.24

Ginawa ko lang

noong 2023 Unit

Meet, at mas pinagigihan lang ang

Ito ang naging na marathoner sa isang panayam ng Ang

Naniniwala rin si Colico na lahat ng bagay ay nangyayari ayon sa plano ng Panginoon.

”Pinagkait man last year ang panalo dahil sa hindi inaasahang

PADAYON!

Isa, dalawa, tatlo

Senyales ito na magsisimula na ang paglalaro namin ng tumbang preso sa bakuran noong mga limang taong gulang pa lang ako. Ngunit napapansin ko ngayon, pakonti nang pakonti na ang mga naglalaro sa may kanto. Nasaan na kaya sila?

Pihadong nakanguso na naman

pangyayari, naniniwala akong may plano ang Diyos, at siya lang nakakalam kung kailan ang para sa atin,” nakangiting tugon ng 17- anyos na manlalaro.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na tatakbo sa isang prestihiyusong kompetisyon si Colico kung kaya naman ay puspusan na ang pageensayo nito sa paaralan.

Si Colico ay isa sa anim na mga atleta ng Sulat NHS na matagumpay na nakapag-uwi ng ginto at aarangkada sa darating na Eastern Visayas Regional Athletic Association Meet na gaganapin naman sa Ormoc City sa Abril.

sila sa kanilang mga cellphone at naglalaro ng Mobile Legends o di kaya Call of Duty. Nahahalina talaga sila sa mga online games. Sayang, hindi ba nila alam na napakasayang maglaro ng taguan, habulan, patintero, at bato lata? Nadedevelop ng paglalaro ang gross at fine motor skills ng bata, pati na rin ang intrapersonal at social skills nito dahil, natu-

Sumbilla, winalis ang pambato ng Unit III; aabante sa EVRAA Meet ‘24

YUAN ZANE PLATINO

ambante, Mercedes, Eastern Samar - Determinadong manalo dahil last playing year na niya, pinatumba ng Alexa Grace Acusar ang mga katunggali nito sa Women s Badminton Single A category upang umabante sa EVRAA Meet 2024 sa Ormoc City.

Sa unang pasada ng gitgitang laro, nagpakita ng epic comeback si Acusar nang bumalikwas ito mula sa 24-29 deficit at nagawang maka-iskor ng anim na sunod-sunod na puntos laban sa pambato ng Unit I na dating EVRAA player, 30-24.

Sa ikalawa at EVRAA qualifying na pagtutuos, hindi pinatawad ng 18anyos na dalagita ang mas nakababatang katunggali na si Eliana Caspe ng Unit III na nasa ikapitong baitong pa lamang.

Tinapos ni Acusar ang laro sa iskor na 30-24 Si Acusar ang tanging manlalaro sa sekundarya mula sa Unit II na nanalo sa larangan ng badminton sa ginanap ESPAAM 2024, na dinomina naman ng mga smasher ng Unit IV.

tuto kang makihalubilo sa pakiki sa iyong mga kaibigan. Tinatawag nila ngayon tayong kakaibang milenyo . Ni ayaw nating madumihan ang ating mga kamay ng putik sa paglalaro. Ayaw nating mapawisan. Ayaw nating mabasa ang ating mga paa sa kalalaro o kaya’y nakapaa lang habang tumatakbo. Sana, patuloy nating tangkilikin ang mga

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG SULAT NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO II, BILANG I AGOSTO, 2023 - MARSO, 2024
Abtikay
de Sulatnon
NILALAMAN HARVEY ASERIT ALTHEA MAE ACUBA
NA PATIBONG 18
Tumatagingting
KOMENTARYO D
atleta ng SNHS, AARIBA SA EVRAA MEET ‘24 19
LGU-SULAT
COACHING TIME. Pinapayuhan si Alexa ng kanyang coach kung paano makaka -iskor sa kalaban. J. NIVAL

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.