ANG ESKAPULARYO

Page 1

VATICAN: POPE JOHN PAUL II GAGAWING SANTO Ni Jerome P. Villanueva Noong ika-5 ng Hulyo taong kasalukuyan, ipinahayag ng Vatican na gagawin ng santo si Blessed John Paul II matapos aprubahan ni Pope Francis ang pagmimilagro na inuugnay sa “Polish Pontiff” na siyang namuno sa Simbahang Katolika mula 1978 hanggang 2005. Nagdesisyon rin ang Vatican na kaalinsabay ng pag-“canonize” kay Blessed John Paul II ay hihirangin ding santo ang isa pang Papa na tinaguriang “Good Pope John” na si Pope John XXIII.

Kuha sa imahen ng Mahal Na Birhen ng Del Carmen habang ipinuprusisyon, parte ng pagdiriwang ng kanyang kapistahan noong umaga ng Hulyo 16, 2013. TAON 2013

BLG. 13

Ang pagtatagpo ni Pope Francis at ang pinuno ng Congregation for the Causes of Saints na si Cardinal Angelo Amato ang nagbunsod upang pormal na aprubahan SUNDAN SA PAHINA 2

BARASOAIN CHURCH, MALOLOS CITY, BULACAN

HULYO 2013

NUESTRA SEÑORA DEL CARMEN, MARAMING SALAMAT PO Ni Msgr. Angel J. Santiago “Maraming Salamat po Nuestra Señora Del Carmen”. Iyan po ang tema ng ating kapistahan para parangalan ang ating Mahal na Patrona. Tunay na maraming pagpapala ang ibinigay at patuloy na ibinibigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng ating mahal na Patrona. Kaya dapat lang na lagi tayong magpasalamat sa kanya at sa ating Panginoong Diyos. Sa loob ng siyam na araw mula noong ika-7 ng Hulyo ginawa natin ang misa nobernayo para sa ating mahal na Patrona. Ang mga misang ito ay mas binigyan ng kahulugan sa ating pagbabasbas araw-araw ng mga pintuan ng simbahan na nilagyan ng wood carvings para ito ay maging mukhang sinauna. Binasbasan natin ang pintuan ng Nuestra Señora Del Carmen, ang pintuan ng Holy Family, ang pintuan ng San Agustin, ang pintuan ng Holy Eucharist, ang pintuan ng Adoration Chapel, ang pintuan ng Holy Apostles, ang pintuan ng Mahal na Birhen at ang pintuan ng ating Panginoon Hesukristo. Ang mga nakaukit rito ay naglalarawan ng kasaysayan ng ating kaligtasan. Ito ay nagsasaad ng ating pananampalataya. Ito ay pagpapahayag ng ating pagpupuri at pasasalamat sa Diyos. Binasbasan din natin ang malaking Monstrance sa loob ng ating Adoration Chapel. Ito ang kabanal banalang sakramento—ang sentro ng ating pananampalataya. Binasbasan din natin ang kapilya Santo Entierro. SUNDAN SA PAHINA 2

angeskapularyo.webs.com

Mahal na Birhen ng Del Carmen, Mapaghimalang Patrona ng Barasoain Ni Sis. Leny Reynoso

PPC CORNER

PPC Nagtungo sa Batangas Para sa Lakbay-Panalangin Ni Bro. Sammy Pagsibigan

SUNDAN SA PAHINA 4

Marami akong dapat ipagpasalamat sa Mahal na Ina at sa ating Panginoong Hesus. Bilang deboto ng Mahal na Birhen, maraming bagay na ang naganap sa aming pamilya kung saan sobra-sobra ang aming pasasalamat sa kaniya. Ang aking kwento ay isang pagpapatunay ng pagmamahal at pag-aaruga ng Mahal na Ina sa amin. Ilan sa mga milagro or miracles, maliit man o malaki na maituturing na nangyari sa akin ay ang mga sumusunod na kaganapan :

Fiesta Cultural Nights 2013, Matagumpay! Ni Sis. Vea Pangan SUNDAN SA PAHINA 4

Una, noong ako ay lumagay sa tahimik, nais na naming magka -anak ng aking asawa. Halos buwan-buwan ay hinihintay namin na sana ako ay magdalantao na. Noong 1990, sa kapistahan ng Mahal na Ina, nagdasal ako ng Kuha noong Hulyo 15, 2013 sa taimtim sa kanya na kapag ako Mahal na Birhen ng Del ay nagdalantao, ang ipapangalan Carmen na napapalibutan ng ko kung babae ay Carmela Marie mga rosas. at kung lalaki naman ay Carmelo Andriel. Noong buwan na iyon ako po ay nagbuntis kaya ang naging supling namin ay pinangalanang Carmela Marie. Nang masundan si Carmela, naging supling naman namin si Andriel Louis, isang pagpapasalamat muli sa mahal na patrona. SUNDAN SA PAHINA 3

Parokya ng Nuestra Señora del Carmen

Pope Francis: Kabataan, Baguhin Mo Ang Mundo Ni Jerome P. Villanueva

SUNDAN SA PAHINA 3

PANALANGIN AT PANITIKAN

“Ang Eskapularyo ng Mahal na Birhen ng Carmelo” Ni Sis. Puring Santos

SUNDAN SA PAHINA 2

https://www.facebook.com/AngEskapularyo

1


BALITANG PAMPAROKYA HULYO 2013 MULA SA PAHINA 1 – Msgr. Angel J. Santiago

2

Dito natin inilagak ang imahen ng ating Panginoong Hesukristong nakahimlay. Naglagay tayo rito ng tulusan at panalangin para sa sinumang nagnanais magtulos ng kandila. Pinaganda natin ang ating dalawang garden sa loob ng compound ng kumbento at sa tabi ng CWL Daycare Center. Nilagyan natin ito ng mga natural stones, mga stone lanterns, mga upuang concreto at kapupunang halaman. Inilagay rin natin dito ang nakaupong imahen ng ating Santo Papa Juan Pablo II upang maging paalala sa atin ng kanyang kabanalan at mabuting pamamahala ng simbahan. Ang ating mga nasirang imahen ay ipinaaayos natin tulad ng La Pieta, ang kamay ng ating Panginoong Hesukristo at kamay ni Santa Maria. Sa ngayon pinalalagyan natin ng bagong tiles ang kuwarto ng PCY at Altar Servers upang ito ay magmukhang malinis at madaling linisin. Unti-unti patuloy na binibigyan natin ng magandang anyo ang ating kapaligiran. At sana naman ay pangalagaan natin ito dahil ito ay sa ating lahat. Nagkaroon tayo ng Youth Encounter (Y.E.)para sa ating kabataan at sa Agosto ay magkaroon muli ng Y.E. Pinatitibay natin ang ating mga pamilya sa pagtataguyod ng M.E. (Marriage Encounter) at nagbabalak tayong magkaroon din ng BBS. Sa gabay ni Fr. Mario Evangelista patuloy na lumalakas ang ating BEC at Prex. Maraming salamat sa mga taong kumikilos upang maging aktibo ang ating parokya at lumakas ang ating pananampalataya. Maraming salamat sa ating mga hermano at hermanas mayores na nagtaguyod ng ating fiesta. Maraming salamat kina Ginoo at Ginang Alberto at Rinah Aniag at sa kanilang mga kasama: sina Ginang Susan Sunga-Torres at Carolina Santiago- Manalaysay. Dahil po sa kanila, naging makulay at matagumpay ang pagdiriwang ng ating cultural shows, misa nobenaryo at fiesta. Maraming salamat din po sa PPC, SPPC at Working Committees ng fiesta, kina Bro. Ronald Santos, Bro Sammy Pagsibigan, Tess Mendoza, Dory Dinio, Joy Hubahib, Grace Caluag, Carlito Bautista, Atty. Eden Bautista at kanilang mga kasama. Maraming Salamat din po sa lahat ng Lay Ministers, LeCom, Altar Servers, Usherettes, Choir, LCD projector operators at Church organizations na tumulong upang maging mas madali ang gawain. Kay dating Mayor Resty Roque at Arch. Rod Roque na nagpahiram sa atin ng stage na ginamit sa cultural shows. Sa lahat po ng nakiisa, nakisama, tumulong sa ating fiesta, sa mga nag-sponsor ng misa at ng ating blessings, maraming salamat po. Sana ay lagi kayong pagpalain at basbasan ng ating Panginoon Diyos sa pamamagitan ng ating mahal na Patrona.@

Kuha noong pagbabasbas sa mga pintuan sa loob at labas ng simbahan na may mga inukit na Kasaysayan ng Kaligtasan.

MULA SA PAHINA 1 – Jerome P. Villanueva ang ikalawang milagrong inuugnay kay John Paul II na siyang magpapaigting sa pundasyon ng pagiging santo ni John Paul II. Ang ikalawang milagro ay ang hindi maipaliwanag na pagkawala ng sakit na “brain aneurysm” matapos manalangin kay Blessed John Paul II ng pinagmilagruhang taga-Costa Rica. Lumuluhang humarap sa media ang pinagmilagruhang si Floribeth Mora, 50 taong gulang, kasama ang kanyang doktor matapos ang pag-apruba ni Pope Francis. Ayon kay Floribeth Mora, kinausap siya ng yumaong Pope John Paul II sa pamamagitan ng isang larawan noong hihirang ang namayapang papa bilang santo. Sabi ng doktor ni Floribeth Mora na si Alejandro Vargas, nawala ang kanyang karamdamang “aneurysm” sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Kung kaya’t, ang pamilya ni Mora ay nanatiling tahimik sa milagro hanggang sa ito nga’y kinilala ng Vatican. Nauna ng ibinalita na sa Disyembre 8, Feast of the Immaculate Conception, gaganapin ang “canonization” ng dalawang Papa. Ngunit, sa pinakahuling panayam kay Pope Francis sa kanyang “Papal flight” pabalik sa Roma matapos ang World Youth Day sinabi niyang panahon ng niyebe o taglamig ang Disyembre kung kaya’t maaaring kakaunti ang dumalo sa pagdiriwang dahil sa nakaambang mapanganib na kondisyon ng mga daanan. Ayon pa rin kay Pope Francis, hindi rin maari ang petsang Nobyembre 24, Feast of Christ the King, dahil magkukulang ng panahon sa paghahanda sa pagdiriwang sa paghirang sa mga Papa. Ang isang tinitignang posibleng petsa ng paghihirang bilang santo sa kauna-unahang “nonItalian Pope” ay sa Abril 27, 2014 matapos ang Easter. Ang unang milagro ni Pope John Paul II ay noong Mayo 2011 kung saan humiling sa Diyos ang Santo Papa na pagalingin ang Madreng Pranses na si Marie Simon-Pierre Normand sa kanyang sakit na “Parkinson’s disease”. Ang unang milagro ay nagbunsod sa pagdedeklara sa kanya bilang “blessed”.

Kuha noong turn-over ceremony ng Herrmanas Mayores.

Kuha noong pagtatalaga sa PASKA-Barasoain 2013.

“ANG ESKAPULARYO NG MAHAL NA BIRHEN NG CARMELO”

Ni Sis. Puring Santos Taun-taon ay ating ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo tuwing ika-16 ng Hulyo. Napakaraming deboto ang Mahal na Ina na taun-taon ay talagang nagsisiyam kung dumarating ang kanyang kapistahan at pumipila matapos ang misa nobenaryo upang magpasuot ng ipinamimigay na eskapularyo. Ikaw, kapatid na deboto ng Mahal na Birhen ng Carmelo, marahil ay mayroon ka ring suot na eskapularyo. Ano ang iyong pakiramdam kapag ikaw ay may suot nito? Marahil, sasabihin mo na mainam ang iyong nadarama dahil sa eskapularyo. Alam mo ba kapatid na mahalaga sa ating mga katoliko na magsuot ng eskapularyo. Bakit? Ito’y matibay na sandata o pananggalang sa mga masasamang espiritu o sakuna sa ating buhay. Natatandaan ko pa ang pangako ng Mahal na Birhen na sinumang magsuot nito ay maliligtas sa apoy ng impiyerno. Ano pa ang hinihintay mo, kung wala ka pang suot ay magpalagay ka na kapatid.@

Si Pope John Paul II na may tunay na pangalang Karol Wojtyla ay masasabing pinakatanyag na Santo Papa sa makabagong panahon dahil sa kanyang mga kaisipan at dahil na rin sa kanyang pagbisita sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Ipinanganak siya noong May 18, 1920 sa Krakow,Poland. Nahirang siya bilang Papa noong Oktubre 1978 at namayapa noong 2005. Isa sa pinakatanyag na kontribusyon ni Pope John Paul II sa makabagong Simbahang Katolika ay ang paghingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan ng Simbahang Katolika sa nakaraang 2,000 taong pag-iral nito upang maging dalisay ang kaluluwa ng Simbahan. Samantala, si Pope John XXIII ay naging Santo Papa mula 1958 hanggang 1963. Siya ang tumawag sa Second Vatican Council upang baguhin at repormahin ang sistema ng Simbahang Katolika para sa makabagong ideolohiya at sistema na nagbigay daan sa pagbubukas ng Vatican at ng Simbahan sa mga makabagong kaisipan tulad ng “ecumenism” at pagdada -yalogo sa ibang mga relihiyon.

POPE JOHN PAUL II angeskapularyo.webs.com

Parokya ng Nuestra Señora del Carmen

POPE JOHN XXIII

https://www.facebook.com/AngEskapularyo

2


BALITANG PAMPAROKYA

HULYO 2013

3

POPE FRANCIS: KABATAAN, BAGUHIN MO ANG MUNDO Ni Jerome P. Villanueva “Mula sa inyong masayang pagsaksi at paglilingkod, tumulong kayo sa pagbuo ng sibilisasyong puno ng pagmamahal. Ipakita sa inyong buhay na importanteng maglaan ng panahon at talento sa pag-abot ng matatayog na pangarap.” Ito ang mga katagang sinambit ni Pope Francis sa Antonio Carlos Jobim International Airport sa Rio de Jaineiro bago siya lumipad patungong Roma sa pagtatapos ng World Youth Festival noong July 28. Umabot sa tatlong milyong mga relihiyoso at relihiyosa ang nagtipon-tipon sa makasaysayang beachfront mass sa Copacabana beach kung saan hinamon ni Pope Francis ang kabataan na bumuo ng isang bagong mundo na base sa pagmamahal at pagwawaksi sa pagkamuhi. Ang dating dagat na dinadayo ng mga turista upang magpa-“tan” ng balat ay naging isang campground para sa Katolikong uhaw sa pananampalataya. Ayon sa mga datos na mula sa local media, ang mga dumalo ay mas mataas sa isang milyon noong nakaraang World Youth Day sa Madrid noong 2011 at higit naman na mas mataas sa 650,000 kataong dumalo sa Toronto noong 2002. Ang mga dumalo ay mula sa iba’t ibang dako ng daigdig na mula sa 170 na bansa na nagtiyaga upang masilayan lamang ang Santo Papa sa kanyang kauna-unahang paglalakbay mula ng siya ay maging Papa noong Marso.

MULA SA PAHINA 1 – Sis. Leny Reynoso Pangalawa, noong nabigyan po ako ng pagkakataon na mag-aral sa ibang bansa sa loob ng dalawang taon, naging maayos ang lahat dito sa aming tahanan, sa aking pamilya, smooth sailing lahat maging sa pag-aaral ko sa ibang bansa. Sa dalawang taon na iyon tuwing kapistahan ng Mahal na Birhen ng Carmelo, Hulyo 16, ako ay nakakauwi sa Pilipinas para makipagdiwang sa kanyang kapistahan. Pangatlo, noong 2005 to 2006, nagkasakit ang halos lahat ng miyembro ng pamilya pero nalagpasan namin iyon ng kapit-bisig kasama ang Mahal na Ina at si Hesus. Dalawang operasyon ang aking pinagdaanan. Ang mga doktor na tumingin sa akin ay nagugulat sa bilis ng aking paggaling. Himala ng ating mahal na Ina. Ang patuloy na paggaling ng mga mahal ko sa buhay ay amin ring pinagpasalamat sa kanya. Marami pang problema na minsan ay bumabagabag sa akin ngunit kapag ipinagdarasal ko sa kanya ito ay nagiging magaan at nabibigyan ng kasagutan. Hindi man niya ibinibigay ang ilan pero nakikita ko sa bandang huli na sa ikakabuti ko pa rin ang nangyayari. Ang isang halimbawa nito ay ang paglipat ko sa Bataan upang maging pinuno ng aming tanggapan. Noong una medyo masakit sa aking loob na malayo sa aking pamilya, mga dating kasamahan sa hanap-buhay at mga kaibigan sapagkat magiging madalang at baka lingguhan na ang aking pag-uwi. Pinagdasal ko ito sa Mahal na Ina na mangyari kung ano ang nararapat ayon sa kanyang kalooban. Sa kasalukuyan, halos magwawalong buwan na ako sa panunungkulan sa Bataan ay maraming bagay ang aking natututunan at mga bagong katrabaho, kaibigan, katuwang sa paglilingkod ang aking nakikilala. May misyon nga ang bawa’t isa sa atin. Kapag kasama ang ating Panginoon at ang Mahal na Ina, wala tayong dapat ipangamba. Nagiging maayos ang lahat. Alam ko na marami pang himala na darating sa aming buhay, marami pang pagpapasalamat … ang mahalaga, patuloy tayong maging mabuting tao at ibahagi natin ang lahat ng biyaya at pagpapalang ito sa ating kapwa at sa ikapupuri ng ating Diyos at ng Mahal na Ina.

angeskapularyo.webs.com

FIESTA CULTURAL NIGHTS 2013, MATAGUMPAY! Ni Vea Pangan Kuha noong Gabi ng Patimpalak at Kasiyahan, isa sa pinakahihintay na programa ng kapistahan.

Hinihintay ng bawat parokyano ang taunang kapistahan ng BIRHEN NG BUNDOK NG CARMELO. Isa sa pinakahihintay ay ang ilang gabing patimpalak upang mapaigting ang kasiyahan sa pagbigay-pugay sa Mahal na Patron. Sa taong ito, muling nagkatipon-tipon ang mga mahuhusay na mananayaw, mangaawit at ang may mga natatanging talento upang magtagisan sa kani-kanilang kakayahan.

Noong ika-7 ng Hulyo, idinaos ang paligsahan sa pagsayaw. Pawang magagaling ang mga kalahok. Nagkaroon din ng paligsahan sa pag-awit noong ika-10 ng Hulyo, na nilahukan ng higit sa 30. Isang gabi din ang inilaan para sa mga kababayan nating Bulakenyo na may kakaibang talento. Nakakahanga ang bawat kalahok sapagkat naipakita nila ang kanilang husay sa salamangka, “beat box”, group dance, group acapella, at iba pa. Sa mismong kapistahan, Hulyo 16, ay nagbalik ang mga nagwagi sa bawat kategorya upang muling ipamalas ang kanilang husay at upang tanggapin ang kanilang mga papremyo. Narito ang pangalan ng mga nanalo sa kumpetisyon: Para sa Group Dance: 1. Body Works 2. Cryptic Dance Master 3. Wow Philippines Para sa Singing Contest: 1. Regine Castro 2. Lyka Perez 3. Karen Roque Para sa Talentadong Bulakenyo: 1. The Acapellas 2. Arvin Arquero, the magician 3. BMD Explode Naging matagumpay ang bawat araw ng Cultural Night. Buong pusong pasasalamat sa walang sawang paggabay nina Msgr. Angel Santiago, Gng. Joy Hubahib, Bb. Grace Caluag, Michael Miguel, Ronald Santos at mga kasama, at sa pakikipagtulungan ng Parish Commission on Youth. Hindi rin magiging posible ang lahat ng ito kundi sa mga tulong at suporta ng Hermano at Hermanas Mayores ngayong taon na taus pusong naghandog ng kasiyahan para sa mga parokyano ng ating simbahan. Nawa'y umani ang lahat ng mapagpalang biyaya mula sa ating patron at Ina, ang Birhen ng Bundok ng Carmelo.

Pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen

Pagbabasbas ng Monstrance sa Adoration Chapel

Parokya ng Nuestra Señora del Carmen

Pagpuprusisyon sa mga iba’t ibang imahe na nagbigay kulay sa kapistahan.

https://www.facebook.com/AngEskapularyo

3


BALITANG PAMPAROKYA

HULYO 2013

4

CALENDAR OF ACTIVITIES (Parish and Liturgical)

PPC CORNER Ni Sammy & Vicky Pagsibigan

AUGUST 15 - Assumption of the Blessed Virgin Mary 16 - St. Roque 17-18 - PREX Class #38 22 - Queenship of Mary 24 - St. Bartholomew (Fiesta – Brgy. Caingin) 24-26 - Youth Encounter 28 - St. Augustine (Fiesta – Brgy. San Agustin) 30-31 - Marriage Encounter

SEPTEMBER

Ang “Lakbay-Panalangin” sa Batangas ng PPC ay isinagawa noong May 24, 2013. Para sa isang ligtas at mapayapang paglalakbay, ginanap muna ang banal na misa sa patyo ng ating parokya sa pangunguna ni Msgr. Angel J. Santiago. 92 katao ang sumama sa naturang pilgrimage na kinabibilangan ng mga kasapi sa ibat-ibang organisasyon at mayroon ding hindi taga-parokya subalit nagsisimba sa Barasoain. Ang Pitong (7) simbahan na tinungo ay ang St. Francis Xavier Church sa Nasugbo, St. John the Baptist sa Lian, Immaculate Conception sa Balayan, St.Raphael the Archangel sa Calaca, St.Martin of Tours sa Taal, Our Lady of Caysasay sa Labac,Taal at ang panghuli ay ang San Roque Church sa Lemery. Sa bawat patron ng simbahan ay may natatanging mga panalanging inihanda ang Komisyon ng Liturhiya na binasa ng ibat-ibang kasama sa pilgrimage. Naging maayos, ligtas at masaya ang nasabing “lakbay- panalangin”. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung kailan at saan muli ang susunod na “pilgrimage”.

1 - Marriage Encounter 5,6,7 - Triduum / Mass at 6:00 AM 8 - Nativity of the Blessed Virgin Mary 7:00 AM – Procession 6:00-10:00 AM – Health Alert (Laboratory & Medical Check-up) at CWL Room 14 - Exaltation of the Cross 28 - St. Lorenzo Ruiz 29 - St. Michael, St. Gabriel and St. Raphael (Fiesta – Brgy. San Gabriel)

OCTOBER 1 - St. Therese of the Child Jesus 2 - Guardian Angel 4 - St. Francis of Assisi 4-5 - Basic Bible Seminar 4,5,6 - Triduum / Mass at 6:00 AM 7 - Feast of Our Lady of the Rosary 30 - Living Rosary at 5:00 PM - 6:00 PM – Mass na may dalawang pangulo na nanumpa sa Barasoain Church. Ang una ay si Hen. Emilio Aguinaldo at ang isa pa ay isa dating pangulong Joseph Estrada. Sa kasamaang palad parehong hindi nila natapos ang kanilang termino.

na ang organisasyon ng mga katekista ng Barasoain o mas kilala bilang PASKA – Barasoain ay nagsimula sa isang sasakyan bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong nagkasama-sama si Fr. Angel Cruz at ang mga katekistang sina Remedios Buktaw, Ignacia Alvarez, Primeteria Valenzuela, Virginia Santiago, Choleng Macapugay at Peng Acuña. Ngunit, nahinto ang mga klase dahil sa digmaan kung kaya’t nagturo na lamang sila sa loob ng simbahan kasama ng mga bata. na si Msgr. Angel Pengson ang pinakamatagal na kura paroko ng simbahan. Ang kanyang pananatili ay nagtagal ng 30 taon mula 1957 hanggang 1987 noong wala pang nakatakdang termino para sa mga kura paroko. Sa kasalukuyan, ang bawat kura paroko ay may nakatakdang termino na 6 na taon. na ang kaunaha-unahang Barasoain Church ay binuo sa pamamagitan ng pawid noong 1859 at matatagpuan sa kasalukuyang Casa Real. Ang kasalukuyang pwesto ng simbahan ay nakuha noong 1860 kung saan isa pang pawid na kapilya ang binuo. Ang batong simbahan ay nabuo lamang noong 1884 sa pamamagitan ni Fr. Juan Giron.

Na may dalawang drainage containers ang nasa ilalim ng hardin upang maibsan ang pagtaas ng tubig baha na maaring pumasok sa loob ng simbahan. Upang mas lalong protektahan ang simbahan sa mga pagbaha, isang canopy ang ipinagawa na nakaharap sa hardin.

na ang kasalukuyang museo ng Barasoain ay dating kumbento ng parokya at naging isang pamantasan - Universidad Scientifica y Literatura de Filipinas. Sa na ang pangalan ng opisyal na pahayagan ng parokya – Ang Eskapularyo kasalukuyan, isa pang unibersidad ay ang katabi ng simbahan - La Consolacion ay naisipan ni Chairman Emeritus Nilo Valerio noong nakita niya ang University of the Philippines, dating University of Regina Carmeli. eskapularyo sa imahe ng patron na nasa altar noong misa ng 1995.

EDITORIAL STAFF AND OFICERS OF COMMISSION ON SOCIAL COMMUNICATIONS 2012 - 2014 Editor-in-Chief Asst. Editor-in-Chief Secretary Treasurer Auditor P.R.O./Tagapamahagi

: Atty. Eden C. Bautista : Ms. Jean Pagsibigan : Ms. Vea Dionella Pangan : Ms. Thess Valderama : Mr. Jerome Villanueva : Mrs. Joy Hubahib/PCY

angeskapularyo.webs.com

Sound System Website Photographer Bulletin Board Billboard Chairmen Emeritus

: Mr. Roger Secillano : Mrs. Ace Lopez-Atienza : Ms. Jheck Ocampo : Ms. Thess Valderama : Ms. Tess Mendoza : Bro. Nilo Valerio Sis. Josefina Crisostomo

Parokya ng Nuestra Señora del Carmen

LCD Projector Operators : Jean Pagsibigan, Rein Santiago, Liz Franco, Alvin Zalzos, Grace

Caluag, Carmy and Gladys Valenzuela, Girlie Sayo, Faye Digo

Rev. Fr. Mario Evangelista (Parochial Vicar) Rev. Fr. Mario Mendiola (Attached Priest) Rev. Msgr. Angel Santiago (Parish Priest) Advisers

https://www.facebook.com/AngEskapularyo

4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.