TOMO XII, BILANG 2 Enero - Mayo 2024
SARILING WIKA NANGANGAMBA ANG
Bisitahin ang aming Facebook Page: Dibuho
Binigyang Diin, Bibigyang Pansin. mga NilalamanPahina 2 | BALITA
W KA
Language Dept. magbibigay interbensyon upang mahasa ang bokabularyo ng mga G7 freshmen
Isa sa tatlo na mga mag-aaral galing ikapitong baitang ng Bicol Regional Science High school (BRSHS) ay inaamin na labis pang nalilito sa mga kahulugan ng iba’tibang salita sa wikang Filipino, saad sa isang pagsusuri ng departamento sa Filipino.
Bagama’t dalubhasa ang mga mag-aaral sa wikang Ingles, hindi ito ang kaso para sa wikang Filipino na kung saan prominente ang kakulangan ng bokabularyo ng mga kabataan.
“Minsan humihingi pa sila ng translation of Filipino words, halimbawa, yung salitang kababalaghan tatanungin nila yung teacher nila or proctor if ano meaning nun”, patunay ni Erlynn Moises, Language Department Head.
Puno’t-dulo
Naging malaking salik din na hindi wikang Filipino ang panunahing wika ng mga
estudyante ng ika-pitong baitang sa bahay at mga naging paaralan.
Ayon sa datos na nalikom, mahigit 50% ng mga mag-aaral ay galing sa mga pribadong paaralan.
“Karamihan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay galing sa mga pribadong paaralan na kung saan ang unang wika ay ingles,” saad ni Moises. “Maoobserbahan di na mababa ang kanilang grado sa Filipino,” aniya.
Ngayong nakalipas na unang markahan, mahigit kalahati ng mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ay may gradong mas mababa pa sa 90 sa assignatura.
Tulay ng Pag-asa
Upang mabigyan katwiran ang problemang kinakaharap,gumawa ng iba’tibang mga interbensyon ang mga guro sa Filipino upang malutasan ang kakulangan ng bokabularyo ng mga freshmen.
Naging mungkahi sa naganap na LAC session ng language department ng BRSHS ang paggawa ng iba’t-ibang uri ng integrasyon, Isa na dito ang pagpapakilala ng lima hanggang sampung mga hindi pamilyar na salita sa wikang filipino araw-araw na kanilang isusulat sa isang vocabulary notebook.
Epekto ng Globalisasyon
Ayon kay Moises mahalaga para sa mga estudyante na huwag kalimutan ang kasaysayan ng wikang filipino sapagkat isa ang pagiging makabayan sa apat na core values na tinatanim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga kabataan.
“Dahil sa Globalisasyon nabibigyan pansin ang Ingles dahil nakasentro ito at isa pa itong pangkaraniwang wika. Pag marunong ka sa wikang ingles, hindi ikaw mahihirapan maghanap ng trabaho, ngunit dahil dito nawawala ang nasyonalismo ng mga pinoy,” saad ni Moises.
Punong Patnugot | Andrea Gale AlmonteHindi lang isa, kundi apat na tagisang pang internasyonal ang nasungkit ng Bicol Regional Science High School o BRSHS sa loob lamang ng isang taon, pinakauna sa kasaysayan ng institusyon.
Ilan sa mga kumperensya at kumpetisyon ay ang Seiko Global Development Conference sa Shizuoka City Japan, noong Agosto 23 hanggang 31, Thailand International Math Olympiad o TIMO noong Oktubre 22, Big Bay Bei Heat Round Hong Kong Disyembre 13 taong 2023. Nasungkit ni Anthony Alpapara ng ikasampung baitang ang pilak sa TIMO, nakamit naman ni Brendel de Leon ng ikalabing-dalawang baitang at ni Richard Olea ng ikalabing-isang baitang ang tanso, nakuha naman ni Juphet Menolas ang merit award sa parehas na paligsahan. Nakamit din ni Richard Olea ang 2nd
prize award at ni Anthony Alpapara ang 3rd prize award sa Big Bay Bei 2023 Heatround at ang partisipasyon ni Bianca Abordo ng ikalabing-isang baitang sa kategoryang Senior Secondary at ni Brent Abordo ng ikasiyam na baitang sa kategoryang Secondary 3. Layon ng mga internasyonal na kompetisyon, kumperensya ng kabataan, at mga programang ito sa pamumuno na magamit ang natutunan ng mga estudyante sa mas malawak na pananaw. Binigyang diin ni Kristina Nieves, tagapagsanay at guro ng BRSHS na ito ay isang paraan ng pagdadala ng pagmamalaki
ng paaralan tungo sa pandaigdigang kompetisyon.
“Ang mga kumpetisyon na ito ay nagtatayo ng pandaigdigang kamalayan at pag-unawa sa mga kalahok sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang makapag-usap at magbahagi ng kakaibang kultura ng isa’t isa.” Giit ni Nieves. Ngayon naman na Abril, makikibahagi ang BRSHS sa Southeast Asian Youth Leadership Program na gaganapin sa Amerika na tatagal ng 23 araw.
Tigbebenteng Pangako Kamatayan nahulaan ng AI
Kalibre ng mga tigre
SSLG ‘23-’24 planong magpaapruba sa UNESCO
Koresponsal | Bless Ann Saberola
Layunin ng Supreme Student Learner Government (SSLG) ngayong taon na na magpa-apruba sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) upang maging bahagi ng solusyon sa mga kasalukuyang problema ng mundo at marinig ang boses hindi lamang ng bansa kundi ng buong mundo.
Isa sa mga proyekto na nais ipatupad ng SSLG sa susunod na taong panuruan ngayong Brigada Eskwela ang “Be One, Be Green” improvement project kung saan bawat grade level ay bubuo ng grupo para maglinis ng paligid at magkaroon ng mas sociable na interaksyon bago magsimula ang pasukan. Ang Green Card, isang QR code na maaaring gamitin para i-report ang harassment o bullying nang hindi nagpapakilala, ngunit may alam ang grade level representatives para sa kaligtasan ng mga estudyante ay isa pa sa nga inisyatibong nais ipatupad ng SSLG. Plano ring lagyan ng codes sa bawat silid-aralan upang madaling makapagbigay ng suhestiyon ang mga estudyante gamit ang Google Forms. Ipagpapatuliy ang Project Breath, isang leadership training na ginagawa tauntaon upang hubugin ang kakayahan sa pamumuno ng mga estudyante.
Sasali na rin sa mga aktibidad na ipapatupad ng Ligao tulad ng Fun Run upang makalikom ng pondo para sa mga susunod na proyekto at makapagbigay ng tulong sa paaralan.
Isa sa paraan upang mapatuloy ang mga proyektong ito ay ang pagdaos ng mini meeting para sa mga susunod na opisyal upang ipagpatuloy ang mga proyekto na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral ng BRSHS at magbigay ng gabay sa kanila. Naghahanda naman umano ang SSLG, kasama ang presidente ng LNHS, upang makamit ang accreditation mula sa UNESCO at United Nations bago magsimula ang bagong taon ng pag-aaral.
Pagbagsak ng enrollment average rate
Nakaranas ng pagbagsak ng average enrollment rate ang Bicol Regional Science High School o BRSHS ngayong taong panuruan, mas mababa kung ikukumpara sa 83 porsiyentong enrollment average sa nakalipas na dalawang taon.
Umabot ito ng 81 porsyento na malayo sa inaasahang 90 porsyento ni Joemylene Sañosa, guidance coordinator ng paaralan.
“Mababa ang nag-enrol sa atin, hindi naman gano’n kababa though hindi tayo umaabot sa 90 percent sa kabuuan ng mga kwalipikado”, pahayag ni Sañosa
Nakasaad na 80.84 porsiyento ng mga magaaral ng JHS ang na-enrol mula 2021–2022, 82.50 porsiyento mula taong panuruan 2022–2023, at 81.03 porsiyento sa kasalukuyang taong panuruan.
Mapapansin din na mas marami ang mga
Brisayano nanibago sa bagong STEM Curriculum
nag-enroll galing pribadong paaralan kahit mas maraming qualifiers ay galing pampubliko.
“Mostly ang mga nakaqualify ay galing sa mga pambuplikong paaralan dahil sa ‘catch area’. Kaya kung titingnan yung list ng qualifiers para sa BRSHS karamihan ay from central schools,” ani Sanosa.
Sa paglabas ng mga resulta ng pagsusulit sa BRSHS, nakatanggap ng pansin ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga qualifiers mula sa pribadong paaralan kumpara sa mga nanggaling sa pampublikong paaralan.
Batay sa datos ng Department of Education o DepEd, nakita na mas maraming mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan ang nakapasa at nakakamit ang kanilang puwesto sa prestihiyosong paaralan na ito kumpara sa kanilang mga kapwa mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan.
Sa loob ng mga nakaraang taon, ang mga pribadong paaralan ay patuloy na nagpapakitangmalasakit sa pagpapataas ng antas ng akademikong tagumpay ng kanilang mga mag-aaral. Ang kanilang malaking halaga sa mga mapagkukunan, mas maliit na klase, at espesyalisadong mga kurikulum ay ilan lamang sa mga kadahilanan kung bakit ang mga magaaral mula sa pribadong paaralan ay patuloy na nangunguna sa mga pagsusulit tulad ng BRSHS.
Sa kabila ng mga pagsisikap ng mga pampublikong paaralan na mapabuti ang kalidad ng edukasyon, ang kakulangan sa mga mapagkukunan, kagipitan sa bilang ng mga guro, at iba pang mga hamon ay maaaring nagdudulot ng limitasyon sa kanilang kakayahan na makipagsabayan sa mga pribadong paaralan.
NPERSPEKTIBONG BALITA | Jaira Airies Satuito & Chloe Shaina Bondad | Koresponsal ang siyam na asignatura upang itutok ang sarili sa pag-aaral at ang bagong elektibo ay nakakadagdag lamang ng pagod.
agdulot ng pag-aalinlangan ang mga mag-aaral ng Bicol Regional Science High School o BRSHS sa panibagong science curriculum at sa mga idinagdag na eliktibo at pagpalit ng iskedyul.
Ito ay ipinatupad ng paaralan alinsunod sa DepEd Memorandum na nagsasaad na magkakaroon ng mga elective Subjects ang mga Regional Science High School. Ang mga inihandog ng paaralan na elective Subjects ay ang Environmental Science, Biotechnology, Consumer Chemistry, Electronics and Robotics, at Mathematics Investigation.
Ilang mag-aaral ang umalma sa dagdag na asignatura dahilan ng pagkakaroon ng mas tambak na gawain.
Ayon kay Mariah Suruis, mag-aaral mula sa ika-pitong baitang na sapat na
Subalit, ang ilan ay nakita ito bilang isang hamon upang pagtibayin ang sarili para sa hinaharap.
“Ang dagdag na gawain ay naging motibasyon ko upang alamin ang mga dapat kong unahin,” saad ni Suruiz . Dagdag pa niya, nahahasa nito ang time management ng bawat mag-aaral upang matutunan nila ang kahalagahan ng pagiskedyul.
Giit pa ni Glorienne Sangreo, mula sa ikasiyam na baitang na kapag umano marunong kang bumalanse ng mga gawain, hindi ka masyado mahihirapan tapusin ito.
Sa kabila nito, nagpapasalamat naman ang lahat sa pagsisikap ng mga guro na maituro sa kanila ang panibagong elektibo.
TUWIRANG BALITA | Trizha Anne Convocar | Tagapangasiwang Patnugot
Umabot sa 60.67% ang nakuhang pangkalahatang marka ng mga magaaral sa ika-labindalawang baitang ng Bicol Regional Science High School o BRSHS sa naganap na Bicol University College Entrance Test.
43 sa 89 takers ng BRSHS ang nakapasa habang 11 naman ang waitlisted sa kanikanilang kurso kung saan pito rito ang nagkamit ng una hanggang ika tatlong pwesto. Kinilala ito na sina Marjorie Lozada, BS in Food Technology; Leira Del Castillo, BTVTEd major in Garments, Fashion & Design sa unang pwesto; Mariel Torres, BS Accountancy; Arianne Ocfemia, in
Peace Studies sa ikalawang pwesto at Kent Roncesvalles, BS Electrical Engineering; Rey Cesar Ragas, BSBA major in Human Resource Management sa ikatlong pwesto.
Ayon sa Bicol University Office of the President 4,736 sa 18,300 BUCET takers (25.88%) ang pumasa habang 1,571 mag-aaral ang waitlisted.
Alinsunod dito, ibinahagi ni Cristina B. Relleve, Secondary School Principal II, ang kaniyang kagalakan sa naitalang resulta ng BRSHS.
“Knowing students from Bicol Regional Science High School mataas ang pagtingin ng mga taga Bicol University kasi previous
records lalo na sa engineering mostly ang topnotchers sa licensure examinations for whatever courses comes from BRSHS.” Wika ni Relleve.
Binigyang diin ni Relleve na malaki ang naging epekto ng sistema ng edukasyon partikular na ang mga asignaturang inaalok sa kurikulum ng Senior High School dahil ito ay nakaangkla sa Bicol University.
Dagdag pa niya, “Siguro curriculumstructure wise is enough to meet the standards of all colleges and universities.”
Hinimok naman ni Relleve ang mga magaaral na mas lalong paigtingin ang kanilang dedikasyon sa pag-aaral.
“Ang masasabi ko to maintain that [mataas na pangkalahatang marka] for the succeeding graders in 11 and 12, the same thing. I’ll be strict in the supervision of the teachers of Bicol Regional Science High School and cooperation with the students that they have to strive more.” Saad ni Relleve.
Samantala, nakatakda ang pagpaparehistro ng mga mag-aaral na magkokolehiyo sa Mayo 27-31 para sa mga kwalipikado, June 3-7 para sa mga waitlisted at June 18-21 para sa mga below quota ngayong taon.
Mga guro sa BRSHS kulang ang trainings para sa pagpapalawak ng SPFL hanggang SHS
BALITANG MAY LALIM | Andrea Gale Almonte | Punong Patnugot
Kinakailangan pa ng tiyak na training ang mga gurong ng Bicol Regional Science High school o BRSHS para maging epektibo ang pagpapatupad ng Special Program in Foreign Language o SPFL kurikulum hanggang senior high school. Ang nasabing proposisyon ay galing sa pangamba na hindi magiging kwalipikado makakapag-aral sa BRSHS ang mga magaaral ng SPFL kurikulum sapagkat Academic
Track o STEM lang ang inaalok ng instisusyon at walang pa sa kasalukuyang hiwalay na kurikulum para sa Foreign Languages.
“If ever, [SPFL students] will take the Entrance exam to qualify for the STEM strand (of BRSHS)” ani Sanosa kung sakaling hindi matuloy ang implementasyon ng nasabing kurikulum.
Samantalang sinisikap ng BRSHS ang pagimplementa ng Special Program in Foreign
Language o SPFL kurikulum hanggang senior high school, nasa negosasyon pa ito ng Kagawaran ng Edukasyon o Deped kahit ito ay ipinatupad na sa junior high school noon pang taong 2022.
Kahit nasa ilalim pa ito ng negosasyon, kampante si Sanosa na hindi mahihirapan magtransisyon ang mga kabataan sa SPFL kurikulum hanggang matapos ang senior high school.
Binanggit din ng guro na ang pinagkaiba lamang ng dalawang kurikulum ay pinalitan ng Mandarin ang asignaturang Information and Communications Technology (ICT). Gayunpaman, sinisigurado na ang mga mag-aaral ng SPFL kurikulum ay hindi naman nagkakalayo ang mga asignatura sa pangkaraniwang kurikulum na pang-agham.
Ipinatupad ng Supreme Secondary Learner’s Government o SSLG ng Bicol Regional Science High School o BRSHS ang zero waste policy upang malutasan ang matagal nang problema sa eskwelahan tungkol sa sobrang konsumpsyon sa basura.
Ayon kay Ariane Nolasco, Presidente ng Supreme Secondary Learners Government SSLG sampu hanggang 15 supot ng basura ang nakokolekta ng dyanitor kada umaga, tanghali, at uwian sa buong paaralan sa isang araw.
“Kailangan na may gawin na tayo, bago pa ito magdulot ng mas malaking problema,” pahayag ni Nolasco.
Alternatibong Plano
Naging rason ang bahagyang pagpapatupad
ng zero waste policy ang kakulangan ng pondo kahit ang orihinal na plano ay tanggalin ang mga basurahan kada klase.
“Iba siya sa inimplement ngayon kumpara sa aktwal na plano namin para sa zero waste policy,” giit pa ni Nolasco.
Inamin niya na nagkulang ang pondo ng organisasyon upang magpatayo ng malaking ‘trash bin’ na ilalagay sana malapit sa Physics lab.
Samu’t-saring Reaksyon
Nagkaroon ng halo-halong reaksyon ang zero waste policy sa mga mag-aaral.
Ayon kay Rico Dipad, isang mag-aaral galing ika-sampung baitang, sang-ayon siya sa initiatibo ng SSLG.
“Naging daan ito upang magkaroon tayo ng
kamalayan sa mga basura na nalilikom natin,” saad ni Dipad.
Samantala, hindi naman sang-ayon si Rolein Amolo, isang mag-aaral mula ika-sampung baitang sa nasabing proyekto.
“Hindi siya magiging epektibo sa matagal na panahon, mas magiging makalat ang mga silidaralan lalo na tinanggalan ng SSLG ng mga basurahan ang kada seksyon,” wika ni Amolo.
Hindi ‘totally zero’
Hindi man ito nasusunod na ‘totally zero waste’ ngunit ang proyektong ito ay naging epektibo ayon sa Presidente ng SSLG.
“Hindi naman siya ‘totally 100%’ nawala, nabawasan siya, mas naging responsable at mas naging organisado ang pagtapon ng mga estudyante,” dagdag pa ni Nolasco.
Konstruksyon ng bagong pangadministratiboong gusali kasalukuyang isinasagawa
Sa pagtutok sa patuloy na pag-unlad ng edukasyon, nasa kalagitnaan na ng konstruksyon ang bagong pang-administratibong gusali sa Bicol Regional Science High School (BRSHS) na naglalayong mapalakas pa ang kalidad at pundasyon ng edukasyon sa rehiyon na maglilingkod bilang sentro ng pamamahala at koordinasyon para sa paaralan at komunidad nito.
Ang proyektong ito ay bahagi ng pangangailangan ng paaralan na masiguro ang mas mabisang pamamahala at pagpapatakbo ng kanilang mga gawain, kasama na ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro.
Ayon kay Alvin Cells, Supply Officer ng BRSHS,”Ang pagpapatayo ng pang-administratibong gusali ay isang malaking hakbanng tungo sa modernisasyon ng pamamahala sa paaralan.”
Dagdag pa rito, nabanggit niya na ang pagpapatayo ng karagdagang pasilidad ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa iba lalo na’t kasama sa orihinal na plano ang pagpapatayo ng Biology Laboratory at Speech Laboratory.
“Kaugnay ng sa pagpapatayo neto, syempre madadagdagan yung employees from teachers to janitors, and even yung enrollees ng school madadagdagan siya.” Ani Cells.
RADARHULMAHAN
Wellness dance exercise isasagawa kada lunes na lamang
BALITANG KANIPIL DATOS 366
Epekto ng sobrang taas ng heat index upang itakda ni Cristina Relleve, punongguro ng Bicol Regional Science High School o BRSHS na lunes na lamang kada flag ceremony ang ilalaan para pagsayaw ng wellness exercise na naging tradisyon sayawin araw-araw.
“Kakaiba na talaga ang init ngayon kahit ala siyete pa lamang ng umaga,” ani Relleve. Naging epektibo ito ngayong taong panuruan 2023-2024 at maaaring ipagpatuloy sa mga susunod na taon ayon sa punongguro.
CHO nagpaalala sa mga kantina ng ‘healthy food choices’ Sa
BALITANG PAGLALAHAD
Trizha Anne Convocar Tagapangasiwang Patnugot
pagtutok sa kalusugan at kabutihan ng mga mag-aaral, isinagawa ng City Health Office o CHO ng lungsod Ligao ang komprehensibong pagsusuri sa nutritional content ng mga pagkain na binebenta sa mga kantinahan sa ilalim ng programa ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd. Ang inspeksyon, na isinagawa sa iba’t ibang paaralan, ay naglalayong tiyakin na ang mga pagkain na inaalok sa mga mag-aaral ay mayroong sapat na nutritional value at sumusunod sa mga patakaran ng kalusugan at kalidad ng pagkain.
”We have a close coordination sa DepEd, every quarter ay nagcconduct kame ng meeting with DepEd supervisor and with professional nutritionist, Dr. Alaba.” Ani, Princess Galvan, Nutrition Officer 2 ng CHO Ligao.
Sa mga resulta ng pagsusuri, natuklasan na hindi lahat ng paaralan ay sumusunod sa mga alituntunin na ipinapatupad.
“Almost all canteens are not following the required FNRI and Nutrition council for the food items na nirrequired sa mga students.” Saad pa ni Galava.
Naobserbahan na ang ilang mga pagkain sa halos lahat ng kantina sa lungsod mayroong mataas na bilang ng asukal, taba, at mga hindi nakakabuti sa kalusugan.
Bilang tugon, nagpatupad ang ilang mga paaralan ng mga hakbang upang baguhin ang kanilang menu at magdagdag ng mas malusog na mga pagpipilian.
Bukod sa pagbabago sa mga menu, ang ilang paaralan ay nagpapatupad din ng mga programa sa nutrisyon at kalusugan upang tulungan edukahin ang mga mag-aaral at magulang hinggil sa tamang nutrisyon at pamumuhay.
Gayunpaman, upang magbigay daan sa konstruksyon ng bagong gusali ay inilipat ang dating nakatayo ritong gulayan sa paaralan na nagtampok ng iba’t ibang reaksyon at epekto na lubos na nag pangamba sa loob at labas ng paaralan.
Ayon Kay Ariane Nolasco, Presidente ng SSLG, “Nawalan na ng place yung gulayan sa paaralan kase dapat dun naman talaga yun in the first place kaso nga kailangan ng space for the new administrative building.”
Dagdag pa, rito iginiit niya rin na ang problemang kanilang kinakaharap ay kung paano magsimulang muli.
“Ngayon ang problema saan na namin ilalagay yung gulayan, kailangan pang baguhin yung mga materyales sa paglilipat at pagpapatayo nito and another problem for that is the budgeting.” Ani Nolasco.
Bukod dito, paliwanag din ng mga namamahala, ngunit hindi pa sigurado ay mayroon ng alternatibong pasilidad para sa mga gawain kaugnay ng pagsasanay sa pagtatanim at pangangalaga ng halaman.
Samantala, ang nasabing gusali ay itinakdang itayo kapalit ng mga silid-aralan na kasalukuyang inookupa ng mga guro at balak na tapsuin bago magsimula ang taong panuruan 20242025.
BALITANG INSAYDERSA KASAYSAYAN NG HULMAHAN
Itinalang 84.23% sa kabuuang 336 estudyante ng Bicol Regional Science High school o BRSHS ay pabor sa linggolingguhang catch-up fridays.
MAG-AARAL Ang kasalukuyang nakatala sa Bicol Regional Science High school ngayong 2024. Halos 49 porsiento ang binaba kumpara sa 655 na populasyon noong 2017.
283 ng mga mag-aaral ay pabor, at 53 naman ang hindi pabor sa nasabing programa.
Ito ay isang interbensyon upang matugunan ang resulta ng Pilipinas sa PISA 2022, na naglagay sa bansa sa ika-77 sa 81 na bansa sa buong mundo.
Higit na napag-alaman na isa sa mga bansang nakabuo ng mga batang mag-aaral na may pinakamababang antas ng kasanayan sa matematika, agham, at pagbasa.
Hulmahan 2019
Mga mag-aaral ng Regional High nanindigan para sa karapatang panlahat.
Kilalanin ang pantay-pantay na karapatan ng bawat isa anoman ang kasariang kinabibilangan. Ito ang panawagan ng mga mag-aaral ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) sa pagkilos na kanilang isinagawa sa Pride Day noong Agosto 19, 2019.
PNP pinagtibay ang operationsbuy-bust sa Ligao
Binigyang tuon ng Philippine National Police (PNP) Ligao ang mga buy-bust operations na isinasagawa ngayong taon sa lungsod. Ito ay matapos maitala ng PNP ang mahigit tatlong kaso ng Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 noong ikaaapt na kwarter ng taong 2023, Layunin ng Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang batas, maiwasan at kontrolin ang mga krimen, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, tiyakin ang kaligtasan ng publiko at panloob na seguridad sa suporta ng komunidad.
Pahayag ni Oscar Aquino O. Jr., acting central police district commander ng
PNP, lahat ng nahuhuli na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakukulong at nasasampahan ng kaso.
Karamihan naman ng mga nahuhuli ay hindi na minor at nasa tamang edad na.
Dulot nito, mas naging istrikto sila sa mga operasyon na isinasagawa at paghuhuli ng mga drug dens sa buong lungsod.
Isa sa mga isinasagawa nilang aksyon para sa kaligtasan ng lahat lalo na sa mga mag-aaral ay sa pamamagitan ng “police presence” o patuloy na pagbantay sa labas ng paaralan.
Sa tulong nito mas mapapadali ang paghingi ng tulong ng mga mag-aaral kung sakali mang may krimen na mangyari sa loob
Pagbaba ng edad para sa SexEd dapat patibayin
Labis ang pagka-alarma ng Teen Health
Officer na si Ruthline Alcantara na kahit bumababa na ang kaso ng teenage pregnancy, rumarami naman ang nagiging biktima ng rape lalo na sa mga batang 14 gulang pababa.
Umabot sa kabuuan na 32 kaso ang naitala para sa 4th quarter ng 2023, dalawang kaso na naitala sa mga 10-14 taong gulang at 32 na kaso sa 15-19 taong gulang na umabot sa kabuuang bilang na 34 kaso, bilang ang pinakabatang kaso ngayong 2023 ay 12 taong gulang.
Kaugnay nito, nagbahagi siya ng pahayag na nararapat lamang na patatagin at babaan pa ang edad ng mga mag-aaral na natututukan ng Comprehensive Sexuality Education (CSE).
Naglahad naman siya ng pahayag ukol sa CSE na ipinapatupad sa kasalukuyan ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd na ito raw ay hindi naman masyadong natututukan at naipapatupad sa lahat ng paaralan lalo na sa mga mas nakababatang baitang.
“Yung pababa nang pababa yung edad ng mabubuntis, ibig sabihin, kulang na kulang yung impormasyon dun sa mga edad na yun, so mas maaga talaga, mas maganda, para bago pa man sila mag menstruate, atleast, informed na sila kung ano yung mga proper na gagawin nila and how to protect themselves” pahayag pa niya.
Sa kabila ng mga pagsisikap ng DepEd sa mga isyung ito, may mga isinasagawang ng mga mass campaign ang City Health Office o CHO sa bawat paaralan ukol sa pag-iwas sa teenage pregnancy.
Isa na dito ang Information and Education Campaign o IEC kung saan pinupuntahan nila ang bawat high schools sa lungsod at nagtuturo sila ng mga impormasyon kaugnay sa pag-iingat at responsableng pakikipagtalik. Mayroon ding tinatawag na “forum” na isinasagawa ng CHO sa mga seminar at workshops ng kabataan na apektado ng rape at dagdag na tulong sa mga magulang ng biktima.
o labas man ng paaralan.
Ayon kay ACPDC Aquino, 24-hour basis naka-deploy ang mga pulis kasabay na ang shifting sa mga nagduduty tuwing umaga at gabi kung saan madalas ay naka-deploy ang mga pulis sa matataong lugar kung saan karaniwang nangyayari ang mga krimen.
Mayroon naman ibat-ibang uri ng police response na sinusunod ang PNP sa ibatibang sitwasyon.
Pagdating naman sa mga pagsasanay ng mga pulis, ang PNP ay mayroong training para sa Women,Children Protection’s Desk at PNP health desk upang hindi malabag ang karapatan ng mga mag-aaral.
Mayroon ding programa na ibinabahagi
ang PNP upang mabuo ang tiwala ng mga mamamayan at mag-aaral sa mga pulis gaya ng Anti-Drugs Awareness.
Kaakibat din ng PNP ang ibatibang advocacy support group o mga organisasyon gaya ng civic organizations na tinatawag na police-community relation upang mas mapadali ang pagtugon sa bawat report ng krimen sa mga barangay.
Dagdag pa ni ACPDC Aquino ay laging bukas ang kanilang mga pinto upang magbahagi ng karagdagang kaalaman tungkol sa awareness hindi lang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga mamamayan.
“ISTAR” ang SK ibinahagi sa Basic Oath Taking ng mga SK sa lungsod Taking ng mga SK sa lungsod
Inilunsad ang Integrated Strategies and Reforms in the Administration and Governance of the Sangguniang Kabataan o ISTAR ng mga opisyal ng Baranggay Sangguniang Kabataan ng Lungsod Ligao, Probinsya ng Albay, Rehiyon Bicol para sa mas komprehensibong panunungkulan nila ngayong taon.
Layunin ng ISTAR na higit pang palakasin ang liderato at kakayahan ng mga kabataan.
Ang ISTAR ang Sangguniang Kabataan o SK ay naglalaman ng Integrated Strategies and Reforms in the Administration and Governance of the Sangguniang Kabataan, na naglalayong maiwasan ang mga pagkakamali at pagkukulang sa mga nagdaang taon.
Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa
National Youth Commission o NYC at iba pang national government agencies. Bilang bahagi ng programa, ang mga SK treasurer ay kinakailangang sumailalim sa basic workshops ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Nakamit naman ng Ligao City ang ikaapat na pagkilala sa Seal of Good Local Governance o SGLG noong 2023, na nagpapakita ng kanilang kahusayan sa pamamahala.
Nagbigay insentibo ito mula sa pederal na pamahalaan ng halagang pitong milyong pondo na ginamit upang ayusin ang administratibong gusali ng Tinago Elementary School sa nasabing Lungsod. Mag-aaral
Dulot ng transisyon mula sa matinding init tungo sa kinakaharap na bagyo, apektado ang mga mag-aaral sa sunodsunod na pagsuspinde ng klase kung kailan nalalapit na ang pagtatapos ng taong-panuruan.
Nakisabay ang bagyong Aghon sa pagtatapos ng klase na maituturing bilang balakid sa moving up ceremony ng mga magaaral.
Dahil sa malubhang ulan na sanhi nito sa mga piling lugar, maaring maudlot ang seremonya na nakatakda para sa kanila.
Bukod doon, mabilis din ang pagbabago ng panahon kung saan biglaan ang pag-init sa makulimlim na panahon na nakalilikha ng ilang sakit para sa mamamayan.
Samantala, sunod-sunod ang pagsuspinde ng
klase noong buwan ng Abril dahil sa matinding init na naranasan hindi lang ng Pilipinas kundi pati buong mundo.
Ayon sa Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Services and Administration o PAGASA, maituturing ang buwan ng Abril bilang pinakamainit na buwan sa buong kasaysayan.
Isinakatuparan ang alternative delivery mode ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa tuwing may suspensyon ng klase dulot ng matinding init upang ipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa loob ng tahanan.
Sa huli, inabisuhan ng mga eksperto ang mamamayan na ingatan ang katawan lalo na pabago-bago ang panahon.
OPINYON
EDITORYAL
Tigbebenteng Pangako
Habang namumuhay
sa luho si Pangulong
Ferdinand Marcos Jr., labis na pagdurusa naman ang pang-araw-araw na karanasan ng karaniwang mamamayang
Pilipino dulot ng kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya na patuloy pa ring kinakaladkad ng implasyon. Ang bukambibig niyang pangako para sa bente pesos na bigas noong halalan ay bigla na lang naglaho na parang bula.
kasalukuyang rate na umabot na sa 54.91 pesos bawat kilo, mula sa dating 43.92 pesos. Ang malupit na pagtaas na ito ay naglalantad ng bigat ng pasanin para sa bawat Pilipinong umaasa sa bigas bilang pangunahing pagkain. Sa kabila ng pangakong bente pesos na bigas ng administrasyon, lumilitaw na parang biro lamang ang naturang pangako sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
mas malalim na kahulugan hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi pati na rin sa integridad at kredibilidad ng pamahalaan. Sa bawat pag-usbong ng presyo ng bigas, mas maliwanag na lumilitaw ang kakulangan sa epektibong pamamahala at pagpaplano pangekonomiya.
ng lahat ng mga pagsubok, ay nagpapakita ng transpormasyon sa ekonomiya. Isinusulong natin ang pag-stabilize ng presyo ng lahat ng mahahalagang kalakal,” ani Marcos sa wikang Ingles.
Sa tindi ng pag-akyat ng presyo ng bigas, masasabi sa datos ng Philippine Statistics Authority na mas mababa ang presyo nito noong mga nakaraang taon
Ang pagkapanalo ni Pangulong Marcos noong ika-siyam ng Mayo, 2022 ay nabuo sa pagpapalaganap ng samu’t saring kasinungalingan at ang bente pesos na bigas bilang mukha nito. Matapos na maihalal noong Hunyo 30 sa parehong
PATNUGUTAN
Punong Patnugot
Andrea Gale Almonte
Kapatnugot Soon Li Tay
Tagapangasiwang Patnugot
Trizha Anne Convocar
Tagapamahalang Patnugot
Ma. Althea Olive Dineros
Opisyal sa Sirkulasyon
Xyza Alexandrei Rapallo
Patnugot sa Balita
Bless Ann Saberola
Patnugot sa Opinyon
Eugenio Muella
Sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 24, 2023, pilit pa ring pinagtatakpan ni Pangulong Marcos ang nakapipinsalang isyu sa ekonomiya.
Sa kabila ng mga hamon, patuloy niyang ginagamit ang mga pangyayari sa daigdig, tulad ng digmaan sa bansang Ukraine at ang nagdaang pandemya, bilang
Datapwat, hindi sapat ang ganitong palusot upang takpan ang mga pagkukulang sa pagpaplano at pamamahala sa bansa. Dulot ng kapalapakan na ito, naungusan na ng Pilipinas ang China bilang nangungunang importer ng bigas sa mundo, ayon sa ulat ng United States Department of Agriculture para sa taong 2023-2024. Kung ihahambing ang bansa sa mga kalapit nito, malayo ang agwat ng Pilipinas sa may bilang na 3.8 milyong metriko tonelada, kumpara sa Vietnam na 1.4 milyong metriko tonelada lamang. Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, hindi sapat ang tigbebenteng pangako kundi nararapat na bigyangpansin ang pangangailangan para sa mas aktibo at epektibong pamamahala. Kinakailangan ng pamahalaan na ipatupad ang mga programang makatutulong sa mga magsasaka, tulad ng pamamahagi ng subsidiya at pagpapatupad ng mga pagsasanay para sa mas epektibong pagsasaka. Dagdag pa rito, kritikal na pagtuunan ng pansin ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa sektor ng agrikultura upang mapaunlad ang produksyon ng bigas sa halip na umasa sa importasyon.
PPatnugot sa Lathalain
Rolein Margaritte Amolo
Patnugot sa Agham at Teknolohiya
Charlyn Angel Garcia
Patnugot sa Isports
Rico Albert Dipad
Patnugot sa Pagwawasto ng
Sipi at Pag-uulo ng Balita
Dave Señora
Litrarista
Kish Payoyo
Nathaniel Rosales
Tagadibuho
Gabriel Aristotle Oraye
Celene Ryza Almonte
Gabriel Aristheos Oraye
Angel Magdaong
Ma Julianne Angel Arnoza
Tagadisenyo ng Pahina
Sophia Mari Sy
Vic Reginald Salting
Jelyn Pastor
Jhon Joshua Hernandez
Mga tagapagpayo
Anamyr M. Asilo
Dick O. Calmante
Lea Balderama
Kasangguni
Erlynn D. Moises
Punongguro II
Cristina B. Relleve
atuloy na nanganganib ang kabuhayan ng libo-libong tsuper sa buong bansa dulot ng Jeepney Phase-out, subalit nananatiling bingi pa rin ang pamahalaan sa kanilang mga hinaing. Ang mga bayani sa kalsada na naghahatid ng milyon-milyong Pilipinong tulad ko ay haharap sa bagong digmaan laban sa bulok na sistema o tuluyan nang malugmok sa kahirapan. Ang Jeepney Phase-out ay parte ng mas malaking programa na Jeepney Modernization na ipinatupad pa noong 2017 na naantala dulot ng nagdaang pandemya. Ito’y pinapangasiwaan ng Kagawaran ng Transportasyon o DOTr, na naglalayong palitan ang lahat ng lumang dyip ng mga Electric Jeepney o E-jeep.
KORUPSIYON
Pinatay na Makina
Hindi lamang makina ang kanilang papatayin, kundi kabuhayan ng libolibong tsuper.
Naiba ang usapin nang ilantad na ang mga biniling E-Jeep ay nagmula pa sa dayuhang bansa na Tsina, sa halip na suportahan ng pamahalaan ang mga lokal na kumpanya. Ang masaklap pa rito, nagkakahalaga ng tatlong milyong piso ang mga dayuhang E-Jeep, kumpara sa mga nabibili sa bansa na hindi aabot ng isang milyon.
Binigyan lamang ng DOTr ang mga ito hanggang Abril
30, 2024 upang makibahagi sa programa. Kasindak-sindak na inaasahang mga tsuper ang sasagot sa mga bayarin para rito sa loob ng kakarampot na oras. Higit na makakaapekto rin ang programa sa aming mga mag-aaral dulot ng inaasahang pagtaas ng presyo sa pamasahe. Sa isang panayam, iginiit ni Sonny Africa, ang Executive Director ng Ibon Foundation, na kailangan ng mga korporasyon at kooperatiba na itaas ang
presyo sa pamahase upang kumita ng sapat para mabayaran ang utang sa bibilhing mga E-Jeep, garahe, at iba pang pangangailangan sa ilalim ng programa.
Nararapat na pakinggan ng pamahalaan ang boses mga tsuper. Hinding-hindi magiging sapat ang pagbibigay ng DOTr ng karagdagang panahon para sa konsolidasyon upang makasabay sa programa, sa halip, nararapat itong maglaan ng sapat na subsidiya para sa pinabuting sistema ng pampublikong transportasyon.
Pinagkaitang
Pundasyon
Habang higit na ipinagmamalaki
ng Bicol Regional High School o BRSHS ang panibagong programa nito na Special Program for Foreign Languages o SPFL, lvabis na pagtitiis naman ang pang-araw-araw na karanasan naming mga mag-aaral sa naturang seksyon sa isang maliit at pansamantalang silid-aralan.
Malugod na inilunsad ang programa sa paaralan, at sinalubong ang unang magaaral nito noong taong-panuruan 20222023. Sa kabila nito, nakakadismaya na kaming mga mag-aaral na kabilang dito ay nasasakal na sa aming silid sanhi ng kasikipan at mga kakulangan sa materyales tulad ng mga libro. Dagdag pa rito ang tila impyernong init na aming tinitiis araw-araw dulot ng kakulangan sa bentilador kumpara sa ibang silid ng paaralan.
Binigyan ng halos tatlong taon ang paaralan para sa paghahanda para sa programa subalit walang mabuting kinalabasan ang nabuo. Ang masaklap pa rito, ang kasalukuyan naming silid-aralan ay dating computer lab na kung saan dating
Soon Li Tay
Kapatnugot
LTINAKWIL
ginagamit ng ilan sa mga guro sa aming paaralan, patunay lamang na pinagkaitang pundasyon ang aming seksyon.
Bilang mag-aaral na kabilang sa programa,
Nakakayukom ng puso na kami na mismong mag-aaral sa gabay ng aming mga magulang ang lumilikha ng solusyon sa mga suliraning ito na dapat responsibilidad ng paaralan.
Datapwat kahanga-hanga ang dedikasyon at pagpupunyagi ng mga guro ng paaralan sa kanilang mga pageehersisyo para sa programa, hindi dapat kalimutan na bigyang prayoridad ang preparasyon sa pagtugon sa kakulangan ng silid-aralan upang masiguro ang maayos at epektibong pag-aaral naming mag-aaral. Sa harap ng isyung kakulangan ng
Alipin ng Gunting 06
silid-aralan sa BRSHS, ang paaralan ay dapat magtakda ng malinaw na plano sa pagpapatayo ng mga silid at kailangan makipagtulungan sa mga lokal na ahensya at pamahalaan upang mabigyan ng tamang suporta at pondong kakailanganin sa proyekto. Hanggat aksyong kilos pagong ang pagtugon ng paaralan sa isyu, hindi lamang ang aming seksyon ang magdurusa kundi maging ang mga susunod sa amin.
diskriminasyon.
INALIPUSTA
abis pa ring pinupwersa ng mga guro sa Bicol Regional Science High School o BRSHS ang mahigpit na pagpapatupad ng walang saysay na patakaran sa gupit o haircut policy sa aming mga kalalakihang mag-aaral. Samantala, patuloy namang bulagbulagan ang paaralan sa mga isyung diskriminasyon ilang dekada na ang nakalilipas.
Nakapaloob sa DepEd Order 32, serye 2017 ang pamantayang gupit para sa mga kalalakihang mag-aaral. Gayunpaman, hindi lamang ito nakasentro rito, kundi pati na rin mga alituntunin sa mga isyung
Subalit, pilit na pinagtatakpan ng paaralan ang mga kaso sa pambubulas at hindi pinapayagan na ipalabas ito.
Sa BRSHS, naging tradisyon na ang pagpapagupit naming kalalakihang magaaral sa tuwing nalalapit ang pagsusulit, sapagkat ang sinumang lumabag sa haircut policy ng paaralan ay hindi papayagan na kunin ito. Ubod ng takot ang bumabalot sa amin kahit isang linggo pa lamang matapos magpagupit.
Sa paningin ng mga guro, ang mahabang buhok ay nakakaapekto sa pagganap nila marahil mas nabibigyang atensyon umano ito kumpara sa kanilang pag-aaral.
Sa katunayan, ito mismo ang nagiging sanhi ng pagkagambalang nadarama namin, mga alipin ng gunting na hindi mapakali kung kami ay ligtas pa sa perwisyo nito. Ang malayang pag-istilo ng buhok ay paraan ng pagpapakita ng indibwalidad na humahantong sa mas malakas na tiwala sa sarili.
“Nasa High School na kayo, dapat mga professional na kayo,” karaniwang palusot ng mga guro na diktador kung magpatupad
Alila ng Sistema
Sa kabila ng pagsusumikap naming mag-aaral mula sa Science High Schools, hindi pa rin sapat ang halos sampung oras na ginugugol upang mahasa ang kakayahan pangakademiko. Kahit ang pag-uwi ay hindi na isang pahinga kundi isa na namang pagkakataon upang paghandaan ang mga pagsusulit.
Alinsunod sa ipinatupad na bagong kurikulum sa agham ng Regional Office, ang Bicol Regional Science High School ay sumailalim sa malawakang pagbabago sa sistema ng edukasyon. Sa ilalim ng tinaguyod na “Harmonization of Subject Offering For Schools Offering Science Programs”, kaming mag-aaral sa Junior High School ay muling humarap sa bagong hamon dulot ng pagbabago sa aming iskedyul at mga asignatura.
Ang dating oras ng pag-uwi, na karaniwang natatapos ng ika-5:00 ng hapon, ay napalawak na hanggang ika-5:30 ng hapon. Ang masaklap pa rito, maging ang oras sa tanghalian ay
nabawasan upang mapasok ang bagong asignatura na Elective 1. Bilang mag-aaral, nangangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng aming mga pangunahing pangangailangan upang maisakatuparan ang mga inaasahang gawain sa paaralan. Hindi kami alila ng sistema para lunurin sa napakaraming gawain.
ng patakaran na sila nga mismo’y hindi marunong sumunod.
Patuloy pa rin silang bahagbuntot na buwagin ang ilang dekada na patakaran na wala namang saysay.
Pilit nila itong binibigyang pansin sapagkat ito lamang ang tanging responsibilidad na hindi nakakapinsala sa reputasyon ng paaralan.
Kaya naman, nanatili silang bulag sa mas malaking suliranin na diskriminasyon at pambubulas.
INALIPIN
Ang bawat baitang ay mayroong samu’t saring paksa sa Elective 1; Electronics and Robotics ang sentro ng talakayan para sa mga mag-aaral sa baitang 10. Bagkus may mga benepisyo ito, walang silbi ang idinagdag na asignatura dahil karamihan sa mga aralin na nakapaloob dito ay tinalakay na sa nakaraang taong panuruan sa asignaturang Information and Communication Technologies.
Karagdagang pasanin lamang ang makukuha naming mag-aaral sa ipinatupad na bagong kurikulum. Nararapat na irebisa
Nararapat na pakinggan ng parehong paaralan at Kagawaran ng Edukasyon ang boses ng mga mag-aaral at sa wakas buwagin na ang haircut policy. Kung nais talagang makamit ang propesyonalismo sa paaralan, hindi ang panlabas na anyo ang bigyang pansin kundi ang mga isyung bumubulabog sa kaayusan ng sistema ng mga paaralan.
Eugenio Muella Patnugot sa Opinyon
OPINYON
ito ng Kagawaran ng Edukasyon at bigyang prayoridad ang kalusugan ng mga mag-aaral. Mahalaga na gumawa ito ng pagsusuri sa mga paaralan at pakinggan ang mga hinaing ng parehong guro at mag-aaral upang mapabuti ang sistema ng edukasyon.
Pagkauhaw
Nagsisilbing munting liwanag ng pagasa ang National Learning Camp o NLC para sa mga mag-aaral sa iba’t ibang antas upang mas malinang ang kanilang pagkatuto, subalit ipinagkakait ang oportunidad na ito para sa mga mag-aaral ng Bicol Regional Science High School o BRSHS. Ayon kay Cristina Relleve, punong guro ng paaralan, masasayang lamang ang walong linggong pagsulong ng NLC sapagkat ang programang ito ay nagtutuon ng pansin para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pagaaral.
Sa muling pagyapos ng mga mag-aaral mas pinasidhing pagkatuto, naging malinaw ang naging epekto ng pandemya sa larangan ng kanilang edukasyon, kaya naman isusulong ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ang NLC sa pangunguna ni Joan Lagata, tagapangasiwa ng Curriculum and Learning Management ng Division.
Ang programang ito ay kinapapalooban ng dalawang obhetibo kung saan nais nitong mapaigi ang kaalamang matatamo ng mga mag-aaral at mas mapagyayaman ang edukasyong naibibigay ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Dagdag pa ni Lagata, ang programang ito ay boluntaryo at bukas para sa lahat ng mga mag-aaral at guro na interesado. Alinsunod rito, naging kapansin-pansin ang kawalan ng NLC sa BRSHS. “Dumaan sa konsultasyon ang pagpapasya na ito kaya mula sa datos na nakalap ko mula sa kanila na wala sa mga bata ang gustong sumailalim sa NLC sapagkat nasasakop nito ang bakasyon nila,” saad ni Cristina Relleve sa wikang ingles,
Jan Andrei AlmuenaOPINYON
ng Sabik
ng institusyon ng oportunidad na maaaring magbukas ng mas malawak na pinto para sa mga mag-aaral.
Ang ganitong kawalan ay hindi lamang nagiging hadlang sa edukasyon ng mga estudyante kundi naglalagay din sa kanila sa likod ng karera ng kaalaman at kasanayan.
Bagkus isinasaad ng punong guro na nagsagawa ang mga guro sa ika-pito at ikawalong baitang ng mga survey, hindi ito sapat upang maintindihan ng mga mag-aaral kung gaano kalawak ang kaalaman na makakalap nila sa kakaunting oras na nakatalaga para sa NLC. Lubos na mapipilay ang pagakatuto ng mga mag-aaral kung ipapagpatuloy ang hindi pagsusulong ng NLC sa paaralan. Subalit nagsagawa ng survey upang matukoy ang saklaw ng mga mag-aaral na hindi sang-ayon sa pagsasagawa ng NLC sa kanilang baitang, hindi sapat ang pasalitang pagtukoy upang mapagdesisyonan ang isang programang maaaring makatulong sa mga mag-aaral. Nararapat lamang na magkaroon ng masusing paliwanag kung patungkol saan ang NLC bago humingi ng desisyon mula sa mga paslit. Hindi dapat ang patak ng impormasyon para sa mga mag-aaral na uhaw sa kaalamang maibibigay ng NLC!
Althea Dineros Tagapamahalang Patnugot
BPundasyon ng Kapalpakan
SAWIMPALAD
ilang isang mag-aaral, muli na naman kaming pinagkakaitan sa pinabuting sistema ng edukasyon sanhi ng padalos-dalos na pagpapalabas ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ng mga programa. Sa kabila ng hangarin nitong malunasan ang kakapusan sa kaalaman sa pagbasa at pagsusulat, ang kanilang ipinatupad na “Catch-Up Fridays” ay nagiging instrumento pa sa mas malalaking suliranin sa edukasyon.
Napagtanto lamang ng DepEd ang kahalagahan ng bansa na magkaroon ng masusing pagpaplano upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon, matapos ang kahihiyan ng Pilipinas sa resulta mula sa Program for International Student Assessment kung saan nakuha nito ang napakababang ika-77 na puwesto sa kabuuang 81 na bansa. Bilang tugon dito, naglunsad ang DepEd ng programa na Catch-Up Fridays noong ika-12 ng Enero. Bilang isang mag-aaral mula sa Bicol Regional Science High School, sa kabila ng masigabong pagsalubong ang CatchUp Fridays, naging sanhi lamang ito ng pagsasayang ng oras sa ‘di-makabuluhang mga gawain sa loob ng silid-aralan sa halip na buwagin ang suliranin.
Masakit isipin na kaming mag-aaral ay ginagawang modelo na lamang upang mapatunayan ang pagsunod ng mga guro sa programa. Narito kami, pinapahawak ng libro, kinukunan ng litrato, at tila ba nagiging bahagi ng isang walang saysay na ritwal.
Subalit, sa kabiguan ng programang ito, madaling pagbintangan ang mga guro bilang pangunahing sanhi nito, marahil
OPINYON NG MGA BRISAYANO SA HAIRCUT POLICY
11% Sangayon
Kabuuang bilang ng mga respondente: 150
sila ang direktang sangkot na mamahala sa aming mga mag-aaral. Nararapat na palawakin natin ang perspektibo at pagtuonan ng pansin ang kagawaran na mismong nagpalabas nito.
Sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education noong buwan ng Pebrero, lumalabas na waring hindi lubusang naibigay ang sapat na pagsasanay sa mga guro sa kung paano ipatupad nang epektibo ang interbensyon sa pagbasa.
Kung ang programa ay kulang sa malinaw na layunin o epektibong mga pamamaraan, magdudulot ito ng pagkagambala sa mga guro.
Hindi dapat balewalain ang papel ng DepEd sa pagbuo at pagpaplano ng mga programang ito sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan naming mag-aaral. Mahalaga na gumawa muna ito ng masusing pagsusuri o pagsasanay sa mga paaralan bawat kwarter.
PARAAN NG TRANSPORTASYON NG MGA BRISAYANO
Dyip 25% Pribadong Sasakyan 20% Bus 11% Traysikel
Kabuuang bilang ng mga respondente: 200
Buhat ng Ginto
KAPITALISMO
Trizha Anne Convocar Tagapangasiwang Patnugot
napalitan ng angal ng mga taong namamalimos ng pera. Sa bawat pagdiriwang ng paaralan, ang mga patimpalak ay nagbibigay-sigla at pumupukaw ng damdamin ngunit sa
likod ng laban, mapanlinlang
Noong unang araw
Sa pamamagitan ng pagbili ng mga boto, ang mga kalahok ay binigyan ng pagkakataon na makaangat at ang may pinakamaraming boto ay mapipili sa isa sa anim na makakasama mula sa 20 na kasali. Ayon sa pahayag ng BRSHS Math Club na nangangasiwa sa patimpalak, ito ang kanilang paraan upang magkaroon ng pondo para sa mga susunod na proyekto. Dagdag pa ng samahan, ang halaga ng pagboto sa pamamagitan ng pera ay naglalaro lamang sa 20 porsyento ng kabuuang puntos sa kanilang popularity portion. Sa pagpapaliwanag na ito, maaaring maging maunawavin ang kanilang layunin ngunit mahalaga pa rin na suriin
ang kanilang paraan ng pagpapatakbo ng patimpalak na naaayon sa prinsipyo ng integridad at patas na laban. Sa halip na ang mga nagwagi ay ang mga pinakamahusay,
Ang mga tagumpay ay nagiging bunga na lamang ng sino ang may pinakamalaking pondo o pinakamaraming suporta.
Kung patuloy na papayagan ng paaralan ang ganitong uri ng sistema, magiging kaisipan na sa pagtamo ng tagumpay na ang pera ang pinakamahalagang sandata. Mayroon pang iba’t ibang paraan para kumita ng pondo ang samahan ng paaralan nang hindi kinakailangang isakripisyo ang diwa ng mga patimpalak. Kaya’t marapat lamang na ipagbawal ng paaralan ang ganitong praktika at itaguyod ang laban na pinapakita ang talino at husay ng mga mag-aaral.
OPINYON.
Diktador sa Langit
MARALITA
Muli na namang nagpapaka-aliw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggamit ng presidential chopper para lamang manuod ng isang sikat na banda na Coldplay. Habang ang karaniwang Pilipino ay nagtitiis sa matinding trapik dulot ng kapalpakan ng pamahalaan sa pagpaplano, nariyan ang pangulo sa ere namumuhay sa luho.
Sa isang lipunan kung saan ang trapik at transportasyon ay patuloy na nagiging hamon, ang paggamit ng mamahaling serbisyo tulad ng helikopter para sa personal na kasiyahan ay nagpapalakas lamang ng kawalan ng tiwala ng publiko sa kanilang mga pinunong nasa vvtungkulin.
Tanging palusot lamang ang maibibigay ng pangulo sa kaniyang paggamit ng helikopter patungo sa Philippine Arena, Maynila noong ika-20 ng Enero, 2024. Kung ilalarawan, ito ay karaniwang humigit-kumulang 40 minuto sa pamamagitan ng kotse mula sa palasyo ng pangulo. Sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan, ang parehong ruta ay maaaring tumagal ng isa hanggang dalawang oras.
Hindi maitatanggi na ang hindi lamang ito simpleng pagkakamali sa pagpili ng transportasyon, bagkus isang simbolo ng kawalang-konsiderasyon at pagkawalang-pakialam sa pangaraw-araw na karanasan ng mga mamamayan. Matinding insulto ito sa lahat ng komyuter na tulad kong nakikipagsapalaran para lamang makarating sa paroroonan, lalo na’t ang perang ginamit dito ay mula sa buwis ng taumbayan.
Sa pagbibigay solusyon, nararapat na maging palatandaan ito sa lahat ng nasa kapangyarihan na hindi para sa sariling karangyaan ang pondo ng taumbayan. Nararapat na hatulan ang sinumang lumabag dito. Kung nais nilang makaiwas sa matinding trapik, silang nasa kapangyarihan ang dapat manguna sa pagbubuwag nito sa pamamagitan ng pagpapabuti ng pampublikong transportasyon at karagdagang imprastruktura.
Pangakong Napako sa
Riles ng
Sa kasagsagan ng pagpapalawak ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas (PNR) sa Tinago, Ligao City, isang komunidad ang nakatira sa anino ng pangakong relokasyon. Ang mga bahay na katabi ng riles, o kilala bilang “home along the riles”, ay saksi sa maraming aksidenteng dulot ng kanilang kalapitan sa tren. Subalit, sa kabila ng mga panganib, nananatiling walang linaw ang plano para sa kanilang paglilipat.
Sa nakaraang administrasyon, ipinangako ang paglilipat ng mga residenteng ito sa mas ligtas na lugar— isang pangakong nagdulot ng pag-asa sa bawat pamilya para sa isang bagong simula, layo sa takot at panganib. Ngunit sa pagdaan ng panahon at pagbabago ng pamunuan, tila ba iniwan ang mga pangakong ito sa limot.
Sa isang panayam sa parehong lugar noong Marso 2, 2024, isang residente na hindi nagpakilala ang nagbahagi ng labis na pangamba simula nang biglang bumalik ang mga tren sa riles. Ibinahagi niya na mula nang magsimula ang administrasyon ni Marcos, nawala na ang mga pagpupulong para sa relokasyon.
“Lahat kami ay sinabihan para sa relocation, ngunit simula nang dumating si Marcos, bigla ‘tong nawala. Biglang nalaman na lamang namin na ang mga tren ay
SRitmo
a pagbukas ko ng telebisyon ay nakahain na ang panibagong balita sa araw na ito, ang usaping Charter Change o Cha-Cha sa bansa. Hindi ito isang sayaw o musika, ngunit isang talamak na reporma sa konstitusyon ng Pilipinas na nagpamulat sa aking mga mata sanhi ng walang kumpas nitong tono at walang direksyon na ritmo.
Mahigit 37 na taong nakaraan noong nilikha ang 1987 Konstitusyon ng bansa, ang pangunahing batas na nagtatatag ng istruktura, patakaran, at mga tungkuling ng pamahalaan sa kinasasakupan. Sa kasalukuyan, pinasisinayan ng Kamara ang rebisyon at pagbabago nito upang makaakit ng mas maraming dayuhang pamumuhunan.
Tunay na nakatuon ang adhikaing ito sa pagpapasigla ng ekonomiya at ang pagpapatibay ng samahan sa pagitan ng mga bansa. Gayunpaman,
Liham sa Patnugot
biglang nag-operate na,” pahayag niya. Ang sitwasyon sa Tinago ay isang malinaw na halimbawa ng pagpapabaya na sumasalungat sa diwa ng Republic Act No. 7279 o ang “Urban Development and Housing Act of 1992.” Sa ilalim ng batas na ito, obligasyon ng pamahalaan na tiyakin ang maayos at ligtas na pamumuhay para sa mga underprivileged at homeless citizens sa urban areas, kabilang na ang pagbibigay ng sapat at abotkayang pabahay. Ang bawat araw ng pagkaantala ay araw rin ng panganib para sa mga residenteng ito. Ang kanilang kaligtasan ay hindi dapat maging pangalawang priyoridad sa mga proyektong pang-imprastraktura. Ang pagpapalawak ng PNR ay hindi lamang dapat tumuon sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon, kundi pati na rin sa pag-aalaga sa kapakanan ng mga apektadong komunidad. Kaya naman nararapat na mabigyan na ng lugar para sa relokasyon ang ating mga kababayan sa riles upang tuluyang masiguro ang kanilang kaligtasan.
saan na lamang lulugar tayong mga Pilipino kung iba ang aani ng mga pananim sa sarili nating lupa?
Hindi maiiwasan na sa pagtatag ng mga panibagong probisyon ay naisasakripisyo ang mga karapatan na dapat sana’y proprotekta sa mga mamamayang walang laban. Ayon sa Center for Trade Women and Human Rights, bukod pa sa pag-aalis ng mga limitasyon sa pagmamay-ari ng dayuhan sa lupa at sa iba pang sektor ng ekonomiya ay maaaring alisin din ng Cha-Cha ang mga probisyong nagtataguyod sa mga karapatan ng manggagawa. Ilan sa mga ito ay ang seguridad nila sa trabaho, sahod, at ang kondisyon ng
paghahanapbuhay.
Habang nagsusumikap tayong makisabay sa karerang pang-ekonomiya ay sadyang kinakalimutan naman ng gobyerno ang mga mamamayang sa simula pa lamang ay wala nang kakayahan sa pagtakbo.
Bilang isang kabataang Pilipino, masakit pakinggan ang paulit ulit na ritmong walang patutunguhan. Sa halip na alisin ang dati nang itinayong bakod laban sa mga mapaniil na panauhin ay maaaring pagtuunan ng pansin ang pagpapatibay nito gaya ng pagtatag ng mga imprastraktura, pagpapabuti ng mga burukratikong proseso, at ang pagtiyak ng mga regulasyong nakatuon sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Sa huli, lahat tayo ay umaasam sa pagkamit ng kaunlaran. Subalit ang bawat indak ay nararapat na katumbas ng mga ganap na hakbang at ang mga pangitain na taliwas sa ritmo ng paniniil.
Liham ng Patnugot
Ang Hulmahan 10 - Resilient Patnugutan
Ginagalang na Patnugot, Nais ko lamang ibahagi ang aking agam-agam tungkol sa naging sitwasyon ng aming mga koponan na lumahok sa kompetisyon ng Padunungan 2024. Sa limitadong panahon na ibinigay sa amin bago ang mismong kompetisyon, tila may pagkukulang na mapunan ang pangangailangan para sa mas malawak at mas maayos na paghahanda ng mga mag-aaral. Umaasa ako na nauunawaan mo ang pagsikip ng aking dibdib sa pagkukulang na ito.
Bukod pa rito, ang mga mag-aaral din na kasali sa patimpalak na ito ang gumastos para sa pagpaparehistro sa kompetisyon. Bagkus naiintindihan ko na kami ang makikinabang sa kaalamang matatamo namin, pangalan pa rin ng paaralan ang dadalhin namin sa pag sungkit ng pagkapanalo rito.
Sana ay tuluyan nang mabakli ang nakasanayang ito sa mga susunod na patimpalak na sasalihan ng mga mag-aaral.
Lubos na gumagalang,
Juriel Rebanal, Ikinagagalak namin ang iyong pagtitiwala! Nais kong iparating ang aking buong pang-unawa sa inyong mga agam-agam at hinaing hinggil sa naging kalagayan ng inyong paghahanda para sa Padunungan 2024.Hindi dapat maging daglian ang mga pagsasanay sa mga kompetisyong tulad ng Padunungan.
Ang inyong puntiryang ito ay lubos na makabuluhan at dapat na bigyan ng sapat na pansin. Kailangan nating siguruhing ang mga susunod na kompetisyon ay magkaroon ng tamang sistema at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, lalo na sa aspeto ng pagsasanay at pinansyal na paghahanda. Ang iyong pangarap at pagtitiyaga ay dapat kilalanin at respetuhin ng paaralan.
Ako ay nakikiisa sa inyong panawagan para sa pagbabago at mas mabuting sistema sa mga susunod na patimpalak. Mangyaring tandaan na ang inyong mga boses at opinyon ay mahalaga, at dapat itong marinig at bigyan ng aksyon.
LATHALAIN
Karamay sa Kagutuman
Kumukulong tiyan ng estudyanteng naghahangad ng laman, silid na puno ng nakahaing pamimilian ang kasagutan. Sa bawat gutom na nadarama ng mga mag-aaral, saksi rito ang kantina na siyang nagsisilbing agapay upang punan ang kanilang mga pangangailangan. Subalit para sa mga bagong tagapamahala ng kantina, hindi naging ganoon kadali mapatatag ang katayuan nila sa paaralan.
Sa kabila ng limang resto na kabilang sa slot dding, nagwagi ang Claire’s bilang bagong tagapamahala ng kantina sa Bicol Regional Science High School o BRSHS. Gayunpaman, iginiit nila na hindi tulad ng inaakala ng iba, mabusisi ang naging proseso bago sila opisyal na maging tagapamahala.
“Ayaw ko kasing nakakarinig ng mga kuro-kuro na napapabayaan na ng mga guro ang kanilang klase dahil sa pagbabantay sa kantina,” ani ni Cristina B. Relleve, ang Secondary School Principal II ng BRSHS. Ito ang pinaka-ugat ng pagbabago ng tagapamahala sa kantina, subalit hindi lang ito ang naging pagbabago dala ng bagong kantina.
vUmani ng positibong reaksyon mula sa mga mag-aaral ang kantina. “Palagi po akong napapabili kasi ang dami pagpipilian. Dati po kasi, kakaunti lang,” ani Aubrey Oliquino, isang mag-aaral sa ika-sampung baitang.
Sa kabila ng bago sa panlasang mga pagkain, may mga mag-aaral pa rin ninanais na bumili sa labas ng paaralan. Para kay Hannah Regaya, mag-aaral sa ika-labindalawang baitang, ang mga tinda sa labas ng paaralan ay “Masasarap at sobrang mura—mas mura pa sa binebenta sa canteen.”
Kung maaalala, sa nakaraang taong panuruan ay may mga nagtitinda sa labas ng lumang trangkahan ng paaralan at kapag recess ay maraming mag-aaral ang bumibili sa kanila. Isa sa mga maninindang ito ay si Manuel Suruiz, nagbebenta ng donuts. Naitampok siya sa isang Facebook post ni Congressman Fernando “Didi” Cabredo na nagsabing “Baga man sana imported.” Kaakibat nito, ang pagbabawal ng paaralan sa pagbili sa mga manininda sa labas na gaya ni Manong Manuel ay hindi na lingid. Sa kabila nito, hindi pa rin napigilan ang mga mag-aaral na kumaripas ng takbo sa tuwing nariyan ang mga manininda. Bagaman, malaking pala-isipan pa rin sa bagong kantina kung paano nahuli ng mga manininda ang kiliti ng mga Brisayano; itinuturing nila itong hamon upang mas
IsangMulaDangkal sa Daang-bakal
Ang mahigit pitong taong pamamahinga ng mala-ahas na sasakyan ay naging mitsa ng unti-unting pagkabaon ng daanang bakal sa hukay ng nakaraan. Subalit ang pagbabalik ng nakatatarantang langitngit ng gulong, ang mga residente ay nababalot ng pangamba dahil sa mala dangkal nilang layo mula sa mala-ahas na bakal.
Pagbabalik Mula sa Hukay
Sa dami ng mga nangyari sa loob ng Bicolanong Tren ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas o PNR, hindi mo aakalaing hindi pa isang taon simula nang magbukas ito. Ang pagbubukas ng nasabing ruta ng tren ay naging sanhi ng iba’t ibang pagbabago, hindi lamang para sa mga residente kundi pati na rin sa paraan ng pamumuhay ng mga pasahero. Ngunit sa kabila nito, naging malugod pa rin ang pagtanggap nila sa muling pagbabalik ng tren.
Malamig o Nanlalamig
Ang pag-abandona sa dating transportasyon ay hindi madali, lalo na para ki Noel Alemania Panoy, isang Nursing Student sa Bicol University. Subalit ni
isang bahid ng pagsisisi ay hindi mo makikita; bagkus ay ginhawa ang idinulot sa kaniya nito. “Mas pabor nga sa akin itong tren, kasi may air conditioning lalo na’t sa panahon ngayon.”
Hindi lang ang mga estudyante kundi pati ang mga young at heart Titas ay mas pinipiling sumakay ng tren sa tuwing sila’y may lakad na magkakaibigan. “Ako talaga kumunbinsi sa kanila, kasi hindi mainit tapos smooth pa ang byahe,” paglalahad ni Tita Terisita sa wikang Ingles.
Subalit anila, kasabay ng malamig na temperatura ay ang panlalamig ng kanilang kamay dahil sa mga napapabalitang aksidente dito.
Kapalit ng Kaunlaran
Isa lamang si Carlo J. Olivera sa mga saksi kung paano araw-araw na nagkukumahog ang mga residenteng mala dangkal lang ang layo mula sa riles ng tren. Kaakibat nito ang napapadalas na aksidente sa riles. “Hindi ko na mabilang kung ilan na aksidente dito. Doble ingat kaming lahat ngayon lalo na’t panahon ng fiesta at mga okasyon,” malumbay na saad nito. Ang pagtatalaga ng mas maraming opisyal na tagapangasiwa sa bawat istasyon ay maituturing na isang solusyon— bagamat
ay temporaryo. Hindi pa rin nito nasasagot ang pinangangamba ng mga residente: ang kanilang seguridad.
Pangakong Napako
“Dapat kasi talaga labing limang metro ang layo ng mga residente mula sa riles,” ani ng isa sa mga opisyal—na piniling hindiw magpakilala—na namamahala sa istasyon ng tren sa Polangui, Albay.
Hindi ito itinanggi ng mga residente, “Umaasa na lang talaga kami sa relokasyon, alam din kasi naming illegal settlers kasi dito.”
Hindi pa man inaanunsyo ang muling pagbabalik ng tren sa Bicol, may mga pagpupulong nang naganap kasama ang mga apektadong residente ukol sa kanilang rekoleksyon. “Natigil yung pagpaplano nung si Marcos na; wala na rin kaming balita kung anong mangyayari sa amin.”
Bicolanong Bayanihan
“Kahit ganoon, kitang-kita ang pagtutulong-tulungan sa tuwing dadaan ang tren.”
Hindi lamang langitngit ng gulong ang bumabalot sa bawat istasyon kundi pati na rin tunog ng mga natatarantang yapak ng mga residente, mga drayber na nagkukumahog igilid ang sasakyan ng isa, at mga pasaherong ginigising ang isa’t isa upang maghanda sa pagsampa.
Iba’t ibang galaw ngunit may iisang mithiin: sa pagdating ng malaahas na bakal, walang malalagasan.
Ayon kay Cecil Aranton, Senior Tourism Operations Officer NG DoT-Ligao, isa sa mga rason kung bakit ang dating ‘Sunflower Festival’ ng lungsod ng
ay ngayong tinatawag na Cityhood dahil sa dahan dahang pagbaba ng
ng bulaklak nitong
panahon.
Lingid sa likod ng makukulay na dibuho nananalaytay ang kabuluhan nitong pilit na pinapagaan ang buhay ng daan-libong komyuter.
Sa pagsibol ng adhikaing tiyakin ang mas malinis at ligtas na pamamaraan ng pampublikong transportasyon, hindi na lihim ang kahihinatnang dala nito sa mga tsuper na walang tigil na umaaray sa sakit dala ng transisyon tungo sa modernisasyon.
Kasalukuyang lumobo ang balita ukol sa panukala ng gobyerno na baklasin ang mga tradisyunal na jeepney at palitan ito gamit ang mga makabagong uri.
Ang transisyong ito ay may tunguhing palitan ang mga nakasanayan ng mas ligtas, mahusay, at “eco-friendly”www na mga sasakyan. Dala ng usok na nagmumula sa mga jeepney, ang iba sa mga behikulong ito ay, saad ng gobyerno, luma na at kinakailangan nang baguhin dahil sa hindi na ito karapat-dapat pang mamasada.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista, ang gawing pagbago sa anyo ng mga jeepney ay posibleng makapagpapalakas ng programang CASA (convenient, accessible, safe and secure, and affordable) ng sektor ng transportasyon. Higit pa, samu’t-saring mga trabaho rin ang maaaring umusbong dala nito, tulad ng mga mekaniko, dispatser, kawani ng administratibo, at iba pa. Sa kabila nito, humihiyaw ang paninin-
lamang makakaapekto sa mga komyuter, kundi ay lalo na sa mga tsuper at sa kanilang pangkabuhayan.
“Kung aalisin ang tradisyunal at papalitan ng modernisado na jeepney, ang kanilang kikitain ay mas mapupunta sa pagpapagawa ng bagong jeepney kaysa sa pagkain ng pamilya,” ani ni Sophia Raciles, mag-aaral mula sa ika labing-isang baitang.
Buhat nito, sa layon ng kaunlaran na kung saan napag-iiwanan ang kalagayan ng mga naiipit na tsuper, ka-isa nila ang kabataang walang tigil na nakikibaka upang isalba ang karapatan nilang unti-unting binubura ng mga nasa itaas.
Binigyang-diin ni John Timog, mag-aaral mula sa ika labing-dalawang baitang, ang importansyang dala ng pakikibaka ng mga kabataan upang makiisa sa pagbaklas ng implemetasyong ito at pumanig sa kung saan napakikinggan ang hinaing ng mga tsuper.
Aniya, isa sa mga pamamaraan na kaniyang isinasagawa upang ipahiwatig ang kaniyang pagkontra sa gawing nabanggit ay ang paglagda sa mga petisyon na tumututol dito.
Dagdag pa ni Timog, bilang isang “student-leader,” isa rin sa kaniyang mga isinasakatuparan upang salungatin ang transisyon ay sa paraan ng pagtulong sa kilusan at pagpapalaganap ng mga salita upang himukin ang iba pang kabataan na magsilbing kapanig upang makibaka.
modernisasyon ng jeepney sapagkat pinsala at negatibong epekto lamang ang maidudulot nito sa mga tsuper at komyuter.
Higit pa, mungkahi rin ng mga mag-aaral ng BRSHS na dapat pag-isipang mabuti ng pamahalaan ang pag-implementa ng modernisasyon na ito.
“I guess if the government wants to really push the modernization of the jeepney, they should allocate a proper timeframe for that said implementation kasi hindi siya basta-basta,” payo ni Timog.
Sa kahalagahan ng mga jeepney bilang pang araw-araw na paraan ng transportasyon ng ilan sa mga mag-aaral ng BRSHS, sila ay nananawagan din na sana ay huwag nang ituloy pa ang implementasyong ito.
“Panawagan ko po na 'wag ituloy ang pag-phase out ng mga jeepney dahil ito'y napakahalaga lalo na sa isang tulad ko na walang pagmamayari na sasakyan at umaasa lamang sa mga jeepney upang makapasok sa aking paaralan,” ani ni Raciles.
Sa likod ng maiingay na mga busina ay ang salaysay ng kapaguran na dinaranas ng mga tsuper upang paglingkuran ang kanilang mga pasahero.
Kasabay ng bawat tagaktak ng pawis na iniinda ng mga drayber, nawa’y huwag nating makaligtaang bayaran ang kanilang pagod hindi lamang sa pamamagitan ng ating mga salapi, bagkus ay gamit ang ating mga boses upang salangsangin ang paghari-harian ng
Sa Dako ngMatamisna Kaunlaran
MANUNULAT | Deanna Deannise Revale
nakakapasong init ng araw, mayroong kapitbahayan ng mga maninindang patuloy na nagpapaunlad ng industriya ng rice-puto macapuno sa lungsod ng Ligao.
Sa nalalapit na pagdaraos ng mahal na araw, muling dadalas ang kalansing ng mga barya at muling dadami ang mga sasakyang titigil sa baryo ng Paulog sa Ligao, sa mahabang linya ng mga manininda. Si Aling Salve Persia, isa sa mga tindera ng rice-puto macapuno, dinodoble ang puhunan upang madoble rin ang kita. Subalit, sa apat na taon niyang pagtitinda ay bilang lang ang mga araw na malakas ang benta. Madalas naman umanong nauubos ang kanyang paninda at sapat naman ang benta niya para sa pang araw-araw na gastusin. “Kinakaya naman,” banggit niya.
Ika-23 ng Nobyembre sa taong 2021 nang naitampok ang industriya
sunod-sunod na nagsulputan ang iba pang tindahan na nagbunga sa ngayon ay agaw-pansing hilera ng mga tindahan sa gilid ng mga kalsada ng Paulog. Bunga nito, ang noong isa lamang na tindahan ay nagi nang isa sa mga pinagmamalaking produkto ng umuusbong na bayan ng Ligao. Maraming kwento ang nabuo, at maraming buhay ang nabago. Si Aling Roselyn Sarate, sa taong 2007 pa nagsimulang magtinda. Ang pagtitinda ng rice-puto macapuno lamang umano ang tangi niyang pinagkakakitaan hanggang ngayon. Dito na siya kumuha ng ipinangtustos niya sa pag-aaral ng dalawa niyang anak na ngayon ay parehong nakapagtapos na ng college at may kani-kaniya nang asawa.
Subalit tapos na sa pagaaral ang kanyang mga
MANUNULAT GABRIEL CALEB
anak, patuloy pa rin siyang nagtitinda “kasi nakasanayan ko na ‘to eh, parang kasiyahan ko na rin ‘to.” Sa murang edad naman, si Marian Mae Barcene na ngayon ay 19 na taong gulang pa lamang, ay tumutulong na umano sa nanay niyang magtinda mula noong nasa ika-anim na
S. RAMIREZ MANUNULAT MANUNULAT | Jean Tyrone Datur at Ariel Gabriel MorataSa hinaba haba ng pasada, sinong mag aakala na ang tinaguriang hari ng kalsada ay mapapatalsik na.
Masisilayan ang makukulay na dyip sa lansangan na simbolo ng pangkabuhayan at kultura ng mga Pilipino. Binabaybay na ng haring ito ang kalsada mula pa noong 1945, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang solusyon sa pang malawakang problema sa transportasyon ng mga Pilipino sa bansa.
Bawat takbo ng gulong sa kalsada, ang mga dyip ay nanatili pa ring bahagi ng pang araw-araw na buhay ng sangkatauhan. Tulad na lamang ni Ma. Yvina Bautista, isang estudyante ng BRSHS, na umaasa sa dyip bilang kanilang pangunahing paraan ng transportasyon mula pa pagkabata.
Nitong nakaraang taon ay nabuksan na naman ang banta sa kabuhayan ng mga tsuper at operator— Jeepney phaseout. Matatandaang nagsimula ang walang kasiguraduhang hinaharap ng mga tsuper, operators, at commuter noong 2017 sa ilalim sa ng administrasyong Duterte. Hunyo 19, 2017 nang ilabas ang Department of Transportation ang Department Order No. 2017-011 o ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Protektahan ang Korona ng Hari ng Kalsada
Inihayag naman ng administrasyong Marcos na tatanggalan ng prangkisa ang mga PUV lalo na ang mga tradisyonal na dyip na higit 15 taon ng namamasada.
Hati pa rin opinyon ng masa tungkol dito, habang pangamba naman ang dulot ng modernisasyon sa mga tsuper na matagal ng namamasada. Kabilang dito si Ronnie Reambillo, isang tsuper mula sa Malama, Ligao City, mahigit dalawang dekada na niyang binabaybay ang kalsada sakay ang tradisyonal na dyip. Sa kanyang pamamasada siya’y maging Presidente ng Ligao-Pioduran Jeepney Association.
Ayon Reambillo, ito ang pangunahing hanapbuhay ng mga tsuper sa asosasyon. Bukod dito ay wala na silang ibang pinagkukunan ng pang araw-araw na pangangailangan. “Dito na kami kumukuha ng pambili ng makakain, kung walang kikitain ay magtitiis sa kamote at mais”, may bakas ng kalungkutan na dagdag niya.
Hindi rin ito pwede sa bulubundukin tulad ng daan patungong Pioduran. Ani pa ni Enrico Baluyo, isang tsuper, “Mainam lamang ang mga ganoong dyip sa siyudad.”
pan, ang modernisadong dyip ay mayroong kakayahang magsakay ng 45 pataas na pasahero kumpara sa tradisyonal na 12 pataas lamang. Kung pipila ang isang dyip, aabutin ng matagal na oras bago ito makaalis. “Mga tatlo o apat na dyip na lang pala ang makakapsada niyan kada araw. Pano na ang iba?”
“Ito’y isang reporma ng pagbabago sa buong industriya ng Transportasyon”, saad ni Atty. Teofilo E. Guadiz II, chairman ng LTFRB. Ninanais ng PUVMP na makapagbigay ng mas ligtas, matiwasay, iwas polusyon, at para rin sa maginhawa ang biyahe ng mga pasaherong Person with Disability (PWDs).
BALANGKAS NG SISTEMA
CALEB S. RAMIREZ MAN
Para sa mga tsuper, bihira lang sumapat ang kanilang kinikita sa pasada. Sa kanilang asosasyon, dalawang beses sa isang linggo ka lamang makakapasada. Umaabot ng 450 pataas ang salapi na kanilang kinikita. Kulang pa iyon pambili ng mga modernisadong dyip na umaabot sa 2.4 milyong piso pataas ang bawat yunit, kung kanila itong kukunin ay kinakailangan pa nilang umutang sa bangko.
Kung ikukumpara, hindi matutumbasan ng modernisadong dyip ang matagal ng tradisyonal na dyip. Ang mga modernisadong dyip ay hindi kayang magsakay ng mga pangarga tulad ng tuyo, isda, kopra, at iba pa.
BALANGKAS NG SISTEMA
Ani ni Jojo Avila, isang tsuper. Panawagan nila sa Gobyerno ay huwag na itong ituloy, bagkus ay magsagawa muna sila ng pag-aaral kung talaga bang angkop ito. Kung kanila itong paiiralin, sino na ang tunay na hari ng kalsada?
SSa bawat busina ng hari ng kalsada, nakakubli ang buhay na nakikibaka. Ang malalakas na palahaw ng mga tsuper, operator, at commuter ay sana’y matugunan na. Hindi mapatalsik ang tunay na hari ng kalsada, korona ay mananatiling sakanila.
MANUNULAT GABRIEL CALEB S. RAMIREZ
a pagtaas ng kadaliang kumilos, ang mga kriminal ay mayroon ding mas malaking pagkakataon na gumawa ng krimen.
BALANGKAS
NG SISTEMA
Lumalabas sa talaan ng Philippine National Police (PNP) na ang mga paggamit ng droga ay bumaba mula tatlo kaso sa buong Lungsod ng Ligao hanggang sero noong ika-apat na kwarter ng 2023. Ang kabuuang dami ng krimen ay nananatiling ganito hanggang sa huling kwarter ng 2023 subalit hindi pa rin nawawala ang pangambang hatid ng mga krimeng ito.
Kasinghalaga ng paghuli ng mga kriminal ay ang pag-iwas sa krimen. Isang pinaigting na kampanya laban sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, at pangkalahatang mas malawak na visibility ng pulisya sa mga lokal na maaaring humadlang sa kriminaliAng malawakang paggamit ng mga closed-circuit television camera ay nakatulong sa pagsubaybay sa mga kriminal. Ngunit ang mga kriminal ay nagiging sapat na sa tech-savvy upang maiwasan na makita ang kahit na bahagi ng kanilang mga mukha sa CCTV. Ang pagsugpo sa kriminalidad ay naging mas mahirap habang ang mga paghihigpit sa kadaliang kumilos ay lumuwag sa pandemya. Ang
mga kinakailangan sa pag-mask at ang malawakang paggamit ng mga motorsiklo bilang mga getaway vehicle, na ang mga pagkakakilanlan ng mga sakay ay ganap na natatakpan ng mga helmet at pananamit, ay nagpapalubha sa mga pagsisikap na manghuli ng mga kriminal. Ang mga top box ng motorsiklo ay maaaring magtago ng mga armas, iligal na droga, at iba pang kontrabando.
Upang madagdagan ang presensya ng pulisya sa mga komunidad, dapat na bawasan ng PNP ang bilang ng mga tauhan nito na nagbibigay ng bodyguard duty sa mga pulitiko at iba pang VIP. Ang bawat isa ay nagbabayad ng buwis sa bansang ito at karapat-dapat ng pantay na proteksyon mula sa mga tauhan ng pampublikong kaligtasan mula sa mga kawani ng gobyerno. Ang mga VIP ay may sapat na yaman upang kayang bayaran ang kanilang mga pribadong security personnel.
Kritikal na bahagi ng pag-iwas sa krimen ay ang pampublikong kooperasyon. Nangangailangan ito ng antas ng tiwala sa pulisya, at paniniwala na ang pagbabantay at pagtutulungan ay gagantimpalaan ng napapanahon at mahusay na aksyon ng PNP.
ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Rehiyon (V) sa Filipino
Mapanuring Paninindigan
“‘Yong tatay ko palagi akong tinatawag na ‘suwail, sa sampulo kong aki ini ang pinakasuwail’, ngunit ang itong suwail niyang anak ay kinayang intindihin ang mga suwail na bata for 13 years.” pagbabalik tanaw ng dating DepEd Regional Director ng Bicol na si Orfelina Tuy sa kaniyang nakaraan. Sa murang edad pa lamang ay iminumulat na tayo ng mga nakakatanda sa kanilang paniniwalang inaasahan nilang dadalhin natin sa pagtanda. Ang siyang pagtanggi at pagpili ng sariling paniniwala’t patag na tatahakin ang kadalasa’y nagiging dahilan ng patingin sa kabataan bilang rebelde.
Kaniyang nilahad sa madla ang kaniyang karanasan bilang guro ng huling seksyon ng ika limang baitang sa loob ng labing tatlong taon. Inilalarawan ni Tuy bilang suwall ang mga estudyante niya dahil sa hindi pagtanggap ng ibang guro rito. Ayon umano
sa kaniyang mga katrabaho, ang mga batang ito ay mahirap disiplinahin dahil sa ibang klaseng opinyon ng mga ito.
Ngunit kanyang itinanggi ang mga paratang ng ibang guro, ayon sa kanya “Ngunit sa totoo lang, kung makakuha ka ng tamang estilo ng pagtuturo, madali mo silang maiintindihan.” Tulad ni Orfelina Tuy, ang mga batang ito ay bininyagan ng mga guro bilang ‘suwail’ dahil sa mga opinyon at paniniwalang kanilang ipinaglaban. maging isang guro, ang mga
Pakpak Mausisang
Mula sa isang simpleng paghanga noong kabataan hanggang sa pagiging isang indibidwal na naglilikod sa komunidad, si Niño Mape ay lumitaw bilang tanglaw ng pag-asa para sa pangangalaga ng paruparo sa isang tanyag na burol sa Ligao.
Ayon sa kaniya, nagsimula ang kaniyang paglalakbay sa mundo ng malayang paru-paro nang sumali siya sa Facebook group ng Philippine Lepidoptera Butterflies and Moths Inc. o PhiLep noong 2019. Sinong mag-aakala na ang simpleng hakbang na ito ay magiging isang malaking bahagi ng kaniyang hinaharap.
Ang pagsali niya sa PhiLep ang naging dahilan kung paanong nakapagsulat siya ng isang makabuluhang pag-aaral tungkol sa paru-paro at gubat ng Kawa-Kawa Hill noong 2021. At dahil sa kaniyang dedikasyon at ambag sa pangangalaga ng mga paruparo, nakuha na niya ang titulong Junior Partner sa loob ng organisasyon noong taong 2022.
Sa kaniyang paglalakbay, isinapuso ni Niño ang kaniyang layunin na ipaalam sa mga bisita ng Kawa-Kawa Hill ang iba’t ibang uri ng mga paruparo na namumuhay sa lugar.
“Higit pa ito sa isang burol, ang Kawa-Kawa ay isang mahalagang tirahan para sa mga kakaibang nilalang na ito.” Dagdag pa niya, ang iba sa mga paru-paro dito ay tanging sa piling parte ng Pilipinas lang makikita, na siyang dumaragdag sa kayamanan ng biodibersidad ng rehiyon.
Sa kasalukuyan, walang tigil pa rin si Niño sa pananaliksik. Siya ay aktibo ring nakikilahok sa iba’t ibang programa sa komunidad.
Gamit ang kaniyang kaalaman at pagmamahal, umaasa siya na magbigayinspirasyon sa mga kapwa mag-aaral at kabataan na sundan ang kanilang mga interes sa pangangalaga ng biodiversity.
katulad niyang estudyante na kinilala bilang pasaway dahil sa pahirapang pagdidisiplina umano na siyang naging pundasyon at pumatag ng daang kanyang tinahak. Ang mga estudyanteng hinawakan niya ay tila salamin na nagpapaalala sa batang Orfelina na sumubok na bumoses para ipagtaboy lamang at gawing katatawanan. “Hindi ako magsasawang intindihan ang mga estudyante ko. Dahil sila rin ay may iba’t ibang pananaw sa kung ano ang makakabuti
Kahalagahan ng paghahanap at pagtanggap sa sariling boses ang siyang tanging paalala ni Orfelina Tuyy para sa kabataan. Sa mundo na puno ng mga nagsasabi kung ano ang dapat mong isipin at paniniwalaan, mahalaga na ang bawat isa ay magkaroon ng tapang na ipahayag ang kanilang sariling opinyon at pananaw. Ang kanyang kuwento ay naglalayong magbigay-inspirasyon sa kabataan na huwag matakot na magsalita at ipaglaban ang kanilang mga pinaniniwalaan, anuman ang sabihin ng iba. Ang kanyang kwento ay tumatayo bilang isang paalala na ang bawat tagumpay at panalo ay nagsisimula sa sarili
tumatayo bilang isang paalala na ang bawat tagumpay at panalo ay nagsisimula sa
Kuwento sa Dulo ng Pluma
Sa ilang dekadang pagsusulat ni Abdon M. Balde Jr. bilang isang makatang pinagpipitagan o poet laureate ng Albay, ang tanong kung paano niya tinahak ang landas patungo sa pagsusulat ay isa sa mga nakakapagpabalik-tanaw sa kaniyang kabataan. Sa kasalukuyan, siya naman sa mga itinuturing na inspirasyon ng mga kabataan: walang sawang isinasalaysay ang mga kuwento sa dulo ng kanilang pluma.
Sa mga susunod pang taon, binabalak ni wwNiño na isagawa ang mas marami pang pananaliksik sa mga paru-paro at gubat sa
pagpupursigi, kahit ang pinakamaliit na pakpak ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa mundo.
Isa si Abdon M. Balde Jr. sa mga taong tuluyang nahulog sa patibong ng panitikan. Ang kaniyang paglalakbay sa larangang ito ay nagsimula mula sa pakikinig sa mga kuwentong bayan ng kaniyang Lola na si Apolonia Remoto. Isa sa mga itinuturo niyang dahilan kung bakit malikot ang kaniyang imahinasyon.
Sa paglipas ng panahon, ang mga kuwento mula sa kaniyang imahinasyon ay unti-unti nang naitala sa madalas ay gusot-gusot na papel. Sino mag-aakalang ang mga kuwento sa lumang papel na ito ay magiging parte ng kaniyang obra na nagwagi ng iba’t ibang parangal. Ilan sa mga kuwentong ito ay naging ng ilan sa 27 na librong nailimbag sa kaniyang pangalan. Isa na rito ang kaniyang pinaka-unang libro na “Mga Pangarap at Pangitain”. Ito ang librong nagbigay ng daan upang siya’y maging isa sa mga finalist para sa parangal na Madrigral-Gonzales First Book Award. Hindi magtatagal, ito ay isa lamang sa mga magiging parangal niya sa larangan ng panitikan. Subalit ang paglalakbay patungo sa kahusayan ay hindi naging madali.
Mahigit tatlong dekada niyang ibinaon ang pagmamahal niya sa panitikan nang magdesisyon siyang maging isang inhinyero gaya ng hinihiling ng kaniyang Ama. “Nang magretiro ako, una kong sinubukan bumalik sa pagpipinta. Pero parang nakatadhana na talaga ata ako sa pagsusulat,” dagdag pa ni Balde sa wikang Ingles.
Sa kasalukuyan, ang mala-teleserye niyang paglalakbay tungo sa larangan ng pagsusulat ay handa na niyang ibahagi. Ang librong ito ay malapit nang mailimbag, ito ay para sa mga kabataang nais din tahakin ang landas ng panitikan.
Isa si Balde sa mga nagpatunay na may tamang panahon na nakalaan para sa iyo. Ang kahusayan sa pagsusulat ay isang walang hanggang proseso ng paghahanap ng sariling boses na siyang magbibigay buhay sa mga kuwento sa dulo ng kanilang pluma.
. Tunaw na koneksyon
AGHAM AT TEKNOLOHIYA.
MINALIIT
Bangungot ng nakaraan
Sa ilang bahagi ng bansa, patuloy na kumakalat ang nakababahalang sakit na Pertussis, o ang tawag sa mas kilala bilang “whooping cough”. Sa kabila ng mga pagtutok sa usaping pangkalusugan dulot ng nagdaang pandemya, tila hindi pa rin natututo ang pamahalaan sa mga aral ng nakaraan.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng whooping cough o pertussis sa bansa, hindi inaasahan ng Kagawaran ng Kalusugan na magpatupad ng lockdown sa buong bansa. Sa paglago ng bilang ng kaso ng pertussis sa ilang mga lugar, ilang lokal na pamahalaang lugar ang nagdeklara na ng outbreak sa kanilang mga nasasakupan.
Ang pertussis ay isang napakalakas na nakahahawa na sakit na maaaring kumalat sa pamamagitan ng pagtalsik ng laway mula sa sa pagbahing o pag-ubo. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan o DOH, itinuturing na dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng whooping cough at iba pang mga sakit na maaaring maiwasan tulad ng tigdas ang pangangailangan ng bansa na maghabol sa pagbabakuna, lalo na para sa mga bata at sanggol.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit sa 862 kaso ng pertussis na iniulat sa Pilipinas noong 2024, isang malaking pagtaas mula sa 23 kaso noong 2023. Bilang mag-aaral, hindi lamang ako saksi ako sa mga epekto ng nagdaang pandemya dulot ng COVID-19 kundi naramdaman mismo ang epekto nito sa larangan ng edukasyon at ekonomiya. Higit na pangangamba ang bumabalot sa aking isipin lalo na’t karamihan sa mga biktima ng sakit ay mga kabataan. Kung patuloy na ituturing natin ang sakit na pertussis bilang maliit na suliranin, walang agarang solusyon ang makakamit. Ito ay nararapat lamang na bigyang-diin ng DOH ang panganib na dala nito masa. Para sa mga naturang lugar na apektado rito, mahalaga na magpatupad ang mga opisyal ng mga patakaran tulad ng quarantine upang hindi na lumaganap ito.
Isang pundasyon sa makabagong yugto ng edukasyon ang internet na kung saan sa panahon ngayon ay dito kumakapit ang mga mag-aaral na tila sila’y nakatali na rito. Sa likod ng koneksyon, nakatago ang isang malubhang panganib na humahawi sa ating lipunan.
Kamakailan ay lumutang ang usap-usapang pagkakaroon ng solar flare na maaaring magdulot ng pagkawala ng koneksyon ng internet na naglikha ng katanungan sa mga mag-aaral na, “paano mamuhay sa mundong walang internet?” Ayon sa National Aeronautics and Space Administration o NASA, ang solar flare ay tumutukoy sa mabilisan at matinding pagkakaibaiba ng liwanag na dulot ng pagkaipom ng magnetic energy sa solar atmosphere na biglang inilabas.
Karagdagan, ang solar flare ay maaaring magdulot ng mga geomagnetic storms na may epekto sa satellite communications at, power grids, pahayag ng NASA.
Nagmumula sa solar flare ang mga charged particle na maaaring makaapekto sa mga satellite na nasa orbit na maaaring magbunga ng panandaliang pagbaba ng signal o kahit pagkasira mismo ng satellite.
Ang pagkawala ng internet dahil sa solar flare ay nagdudulot ng malawakang gambala sa edukasyon. Sa kasalukuyang panahon, karamihan sa mga takdang aralin, pagsasaliksik,
at pakikipagtalastasan sa loob at labas ng silid-aralan ay umaasa koneksyon sa internet.
Subalit, sa panahong ito, madalas na maririnig sa mga mag-aaral na hanapin na lamang sa internet ang kanilang mga kasagutan para sa takdang-aralin, pagsusulit at iba pa.
Kung isang araw ay naputol ang lahat ng koneksyon sa internet, muling lilitaw ang pagkagulo-gulo ng isipan ng bawat estudyante. Dahil nga sila’y nakakapit na sa internet, para bang hindi na nila alam kung paano mamuhay nang walang internet, at kung paano muling magsisimula kung wala ang kanilang mga digital na kagamitan.
Sa harap ng mapangahas na hamon na bitbit ng pagdepende sa internet, nararapat na magkaroon ng pagbabago. Hindi na sapat ang maging bahagi ng isang lipunan na alipin ng teknolohiya. Tunay na may maraming benepisyong hatid ang paggamit ng internet, subalit kailangan nating itaguyod ang kultura ng pagiging malaya ang pag-iisip sa loob at labas ng silid-aralan na nararapat na bigyang pansin ng nasa sektor ng edukasyon.
Halos kalahati ng Pilipino walang sapat na kaalaman sa Climate
Lantang halaman, bitak-bitak na daan at madalas na pag-bagyo ang madalas matanaw na epekto ng pagbabago-bago ng klima dulot ng kapabayaan ng mga tao. Ngunit, sa kabila ng mga babalang nakikita na ng sariling mata, mababa ang bilang ng mga Pilipino na may sapat hindi lamang umabot sa kalahati.
temperatura, at iba pang sakop ng klima sa isang partikular na rehiyon, o maging sa buong mundo.
Dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang climate action bago maghirap ang mas maraming Pilipino. -Jefferson Chua, Tagapa ngampanya ng Greenpeace
Sinampal ng reyalidad ang Pulse Asia na nasa 48 porsyento lamang ng mga Pilipino ang nakapagsabing sapat na ang kanilang kaalaman tungkol sa climate change na isang isyu ng lipunan na hindi matatakasan.
Patuloy na kinakaharap ng mundo ang climate change na isang pangmatagalang pagbabago ng panahon, kasama ang
Masamang Pangitain
Bulaklak natagpuang tumutubo na sa Antartica
Patuloy na bumabagabag sa isipan ng mga tao kung kailan nga ba magugunaw ang mundo na isa pa ring katanungan na hindi masagot-sagot ninuman. Noong 2023, usap-usapan ang pagtubo ng bulaklak sa Antartica sa kabila ng pagkakaroon ng mababang temperatura dito.
Pag-init ng Klima Climate change ang pinakadahilan kung bakit nagkaroon ng pagtubo ng bulaklak dito na pumukaw ng atensiyon ng madla. Dahil sa pagbabago ng klima at pagtaas ng temperatura, unti-unting nagresulta ng pagkatunaw ng yelo. Ang pagtaas ng temperatura at mga gawain ng tao na nakakadagdag sa paglala ng pagbabago ng klima ang siyang nagdulot sa pag-init sa Antarctica.
Bunga ito ng iba’t ibang gawain ng tao, katulad ng patuloy na pagpuputol ng puno, pagsunog ng mga basura na nakasisira sa “ozone layer” ng mundo, paglaganap ng gas mula sa iba’t ibang sasakyan at iba pa. Pilit pa ring sinusubukang waksiin ng marami ang patuloy na paglaganap
Kalikasan ng Lupa Ang pag-unlad ng mga halaman sa Antartica ay maaaring
mag dulot rin ng pagbabagong pang-ekolohikal sa kalikasan ng lupa. Dahil sa pagaagos ng mga glacier o pagbabago sa anyo ng lupa ay maaaring nagbago sa mga kondisyon ng lupa, na maaaring maging mas maaayos para sa pagtubo ng mga halaman.
Paglipat ng Sustansya Maaaring maging sanhi rin ng pagtubo ng mga bulaklak sa Antartica ang paglipat ng mga nutrients o sustansya. Ang pag-init ng klima ay maaaring nagbago sa mga pattern ng pag-ulan o pag-ulan ng nyebe, na nagdadala ng mga nutrients mula sa ibang lugar. Ang pagdating ng mga nutrients na ito ay maaaring nagbigay ng pambansang sustansya para sa pag-unlad ng mga halaman, kabilang ang mga bulaklak.
Ang pagtubo ng bulaklak sa Antarctica ay isang paalala sa atin kung paano tayo naapektuhan ng
gampanin natin na bigyan solusyon ang nakakaalarmang pangyayari na ito. Dahil sa pangyayaring ito, maaaring masasabi natin na malapit na nga magunaw ang mundo. Kailangan na nating kumilos upang bawasan ang epekto ng climate change, pababain ang greenhouse gas emissions, at protektahan ang ating mundo.
Kamatayan Nahulaan ng AI
Kasabay ang bawat pintig ng orasan, tila unti-unting nang papalapit ang katapusan. Ngunit, marami ang binabagabag ng katanungang, “Kailan ang aking huling araw?” Kamakailan, sa pag-usbong ng AI, posible na ang paghula kung kailan posibleng lumisan ang isang tao.
Natuklasan ang isang online calculator na nagbibigay ng tinatantyang oras o araw ng kamatayan ng isang tao batay sa kaniyang estado ng kalusugan, estilo ng
pamumuhay at kasaysayan ng pamilya at tinatawag itong “the doom calculator” o “Life2Vec”.
Ayon sa mga mananaliksik ng Denmark at United States na siyang lumikha ng Life2Vec, tumpak nitong nahulaan ang oras o araw ng kamatayan ng mga tao ng halos 78 porsyento sa loob ng apat na taon mula 2020.
Partikular na sinubukan ng mga mananaliksik ang mga predictive na kakayahan ng AI system sa mga indibidwal na may edad na 35 hanggang 65, kalahati sa kanila ang pumanaw sa pagitan ng 2016 at 2020.
Karagdagan, matagumpay na naiba ng modelo ang pagitan ng mga nabuhay at ng mga namatay, na
nagpapakita ng matatag na katumpakan ng predictive nito.
Dulot nito, nagpakita ng potensyal ang
Life2Vec na baguhin ang paraan ng pagunawa sa kalusugan ng tao nang dahil sa kahanga-hanga nitong tagumpay sa larangan ng AI.
Sa katunayan, maaari itong gawing instrumento nang sa gayon ay mapangalagaan ng tao ang kaniyang kalusugan dahil alam na nito kung ano ang maaaring makapagpahaba o makapagpaiksi ng buhay ng isang tao.
Batay sa panayam ng isang mag-aaral ng Bicol Regional Science High School na si Roldion Gregorio, “Interesado akong malaman kung kailan ako mamamatay kasi sa ganoong paraan, preparado ka sa mga posibleng mangyayari.”
Binigyang diin din ni Gregorio na kung siya ay bibigyan ng pagkakataong masubukan ang Life2Vec, ito ay kaniyang susubukan upang matuklasan kung ano ang maaaring mapabuti sa kaniyang pamumuhay.
Sa kabila ng tagumpay, hangad ng mga mananaliksik na maging kumpidesnyal ang programa at mga datos upang pangalagaan ang indibidwal na privacy, ang kakayahang panghuhula nito ay maaaring hindi wasto sa labas ng Denmark. Napakalaki ng potensyal ng AI sa pagpapabuti o mapagplanuhan ang pangaraw araw na pangkabuhayan ng bawat tao. Ngunit, napakahalaga na lapitan ang teknolohiyang ito nang may pag-iingat, at ang paghatol ng tao ay nananatiling sentro sa mga proseso ng paggawa ng desisyon na kinasasangkutan ng buhay at kamatayan.
Pito sa sampung lindol natukoy ng AI
Niyanig ng AI o Artiicial Intelligence ang buong mundo sa balitang napatunayan nitong mahulaan ang pito sa 10 na lindol na nakatakdang mangyari sa susunod na linggo.
Binuo ng mga mananaliksik ng University of Texas o UT ang isang AI Algorithm na kung saan ang AI ay kanilang sinanay upang makaintindi ng mga istatistika sa real-time na data ng seismic na ipinares at ikinumpara ng mga mananaliksik sa mga nakaraang lindol. Ang AI Algorithm ay isang pangkat ng mga pamamaraan na ginagamit upang makamit ang isang partikular na layunin o gawain sa larangan ng aArtificial iIntelligence.
Batay sa isinagawang pagsusuri ng mga mananaliksik ng UT, matagumpay na nahulaan ng AI ang 14 na lindol sa humigit kumulang na 200 milya mula sa kung saan tinantiyang maganap ang mga ito. Karagdagan, nahulaan rin nito ang halos eksaktong
NAMAKINANG-KINANG KINABUKASAN
kinakalkula na lakas ng lindol. Ngunit, nakaligtaan ng AI ang isang lindol at nagbigay ng walong maling babala ukol sa paparating na lindol.
Gayunpaman, binigyang diin ni Alexandros Savvaidis, hepe o chief ng Texas Seismological Network Program na hindi makikita ang lindol na darating.
“Kahit na may 70 porsyento, iyon ay isang malaking resulta at maaaring makatulong na mabawasan ang mga pagkalugi sa ekonomiya at tao at may potensyal na kapansin-pansing mapabuti ang paghahanda sa lindol sa buong mundo,” dagdag ni Savvaidis.
Patuloy na pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang pagpapa-unlad ng AI algorithm upang lumaki ang saklaw ng pagkuha ng posibleng paglindol sa mas malawak na lugar.
Batay sa pahayag ni Sergey Fomel, isa sa mga mananaliksik, “Ang paghula sa mga lindol ay ang banal na kopita. Hindi pa kami malapit sa paggawa ng mga hula para sa kahit saan sa mundo, ngunit ang aming nakamit ay nagsasabi sa amin na ang inaakala naming imposibleng problema ay malulutas sa prinsipyo.”
Kabilang ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire na siyang sanhi ng mga lindol sa bansa. Ang paggamit ng benepisyo ng AI, makakatulong sa publiko na matugunan ang posibleng pagdating ng lindol.
Tunay na maganda ang benepisyong hatid ng AI sa publiko, lalo na pag-tantya ng paparating na mga lindol na kung saan maaari pang makapaghanda sa papalapit na sakuna.
Sa kabila ng benepisyong hatid nito, mahalaga na magkaroon ng maingat na pagaaral, pagsubok, at regulasyon sa paggamit ng AI sa paghula ng lindol upang matiyak ang kaligtasan, kumpiyansa, at pagiging responsable sa paggamit ng teknolohiyang ito.
Dibuho ni Angel Magdaong LATHALAIN Althea Dineros Tagapamahalang Patnugot BALITA LATHALAINKaagapay
at Gabay Ngunit ‘di
Papantay sa Tunay
Paaralan ang lugar kung saan nililinang ang kakayahan ng bawat magaaral, at ngayon na mas umuusbong ang teknolohiya, binibigyan nang pagkakilanlan ang paggamit ng Intelehensiyang Artipisyal, o AI, sa tuwing gagawa ng mga gawaing itinatakda ng guro.
Tumutukoy ang AI sa sistema o makina na binuong may kakayahang mag-isip at magdesisyong tila tao. Ginagamit ito ng karamihan sapagkat sa pamamagitan lamang ng paglapat ng hangarin, agad itong makapagbibigay ng kasagutan, at sa patuloy pa nitong pag-unlad,maraming gawain na ang napapadali nito sa iba’t ibang larangan, at isa na rito ang larangan ng edukasyon. Batay sa datos ng sarbey na inilabas ng BestCollges, halos 50 porsiyento ng magaaral sa buong mundo ang gumagamit ng mga AI tools tulad ng ChatGPT upang humingi ng tulong pagdating sa gawaing itinakda ng kanilang guro.
Sa Bicol Regional Science High School o BRSHS, 281 mula 366 na bilang ng estudyante ang aminadong gumagamit ng AI upang mas madali nilang magawa ang ilan sa kanilang gawain.
“Gumagamit ako ng AI tools tulad ng ChatGPT sa tuwing may takdang-aralin kami lalo kung hindi talaga ako pamilyar sa ibinigay na gawain.”, ani Yhiel Regalado, isang magaaral mula ika-walong baitang na aminadong
gumagamit ng AI. Bagaman maraming benepisyo ang hatid ng AI pagdating sa larangan ng edukasyon, sa kabilang dako, marami rin itong negatibong epekto sa karamihan.
Ayon nga sa isang guro mula sa BRSHS na si Carlenn Merin, madalas nang inaabuso ng mga mag-aaral ang AI sa puntong hindi na sila maglalaan ng kahit kaunting oras upang gumawa ng itinakdang gawain at umaasa na lamang sa AI na gawin nito ang lahat.
“Madalas ding nawawala na ang kanilang kakayahan sa paggawa ng bagay- bagay sa iba’t ibang asignatura dahil nasasanay na silang AI na lamang ang gumagawa nito lahat. Pansin ko rin sa sa mga pinapasa ng estudyante, halatang pinagawa sa AI kasi nawawala ang “human emotion” dito. ”, dagdag pa ni Merin.
Nabanggit nga ni Merin na hindi maaaring makaramdam ng emosyon ang AI sapagkat hindi ito sakop ng kanilang programa kaya pa nawawala ang “courtesy” o mga magalang na paraan ng pananalita tulad kung paggawa ng liham ang naiatas sa AI tool.
May natatangi nang kakayahan ang bawat tao na patuloy pang nalilinang sa araw- araw na pakikisalamuha sa mundo at ngayong nariyan na ang AI upang mas mapadali ang ilang gawain, sapat na ang ituring lamang itong kaagapay at gabay, at hindi dapat ito papantay sa tunay na kakayahan ng tao.
Nakaw na maskara
Sora AI– isang bagong sistema ng artificial intelligence, ang maaaring magbigay daan sa paglikha ng mga pekeng larawan at video o mas kinikilalang “deepfake”.
Bagaman may mga potensyal na benepisyo tulad ng pagpapabuti sa pag-unawa sa mga komplikadong konsepto sa agham at teknolohiya sa pamamagitan binuong bidyo na tila kinuha sa tunay na mundo, mayroon pa rin itong mga naidudulot na pangamba. Ang isa sa mga pangunahing alalahanin ay ang posibilidad na gamitin ang Sora AI upang magmanipula ng impormasyon, lalo na sa mga eksperimento at pananaliksik. Ang ganitong uri ng pang-aabuso ay maaaring humantong sa maling interpretasyon ng resulta at kahit sa pagdudulot ng pagdududa sa integridad ng siyensiya.
Bukod dito, mayroon ding etikal na mga isyu kaugnay ng paggamit ng deep-fake para sa pamamahayag ng impormasyon.
Ang posibilidad na magamit ito upang maghasik ng kasinungalingan at magdulot ng kaguluhan ay isang malaking banta sa katotohanan at tiwala sa lipunan.
Nang dahil sa kakayahang gumawa ng tila totoong bidyo ng Sora AI, posibleng mangyari ang identity theft.
Tumutukoy ang identity theft sa paggamit ng personal na impormasyon ng isang tao ng walang pahintulot para sa layuning manloko. Maiuugnay ito sa Sora AI sapagkat maaaring bumuo ng mga pekeng bidyo gamit ang mukha ng ibang tao nang hindi nito nalalaman at pagmukhaing may ginawa siyang hindi naman talaga niya ginawa.
Bilang ng kaso ng cyber identity theft sa 2023 ayon sa Philippine National Police o PNP.
Ayon sa estatistika, 66 porsiyentoporsyento ng mga propesyonal sa larangan ng cybersecurity ang nakapagsabing patuloy ang pagtaas ng kaso ng deepfake identity theft at mas tumaas pa ang banta nito nang umusbong ang Sora AI.
Sa bansa, ang kaso ng identity theft ay nadadagdagan ng 4,500 porsiyentoporsyento kada taon.
Ayon sa ilang eksperto sa larangan ng teknolohiya, maaaring maiwasan ang identity theft sa pamamagitan ng paggamit ng malalakas at iba’t ibang password para sa bawat account, bantayan ng madalas ang mga pinansiyal na account, pag-iwas sa pagbibigay ng sensitibong impormasyon online at pagsaalang-alang ng paggamit ng mga serbisyong pangprotekta laban sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan para sa dagdag na seguridad.
Sa kabila ng mga hamon, maaari pa ring gamitin ang Sora AI sa positibong paraan tulad ng sa edukasyon at pagsasanay ngunit mahalagang maging maingat sa paglalatag ng impormasyon tungkol sa sarili nang sa gayon ay makaiwas sa banta ng identity theft.
Porseynto ng mga Brisayano ang aminadong gumagamit ng AI tool na ChatGPT. 22% 3000 Hindi gumagamit ng ChatGPT 78%
Gumagamit ng ChatGPT
Anak ng teknolohiya
PASADANG BALITA
Marianne Rastrullo Manunulat
Sa pag-usbong ng teknolohiya sa makabagong panahon, walang sinuman ang mag-aakalang kaya na rin ang pag-edit ng hene o gene ng isang tao, na isang patunay na napauunlad ng teknolohiya ang kasalukuyan.
Noong 2019, sinentensiyahan ng korte sa China si He Jiankui ng tatlong taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa mga medikal na regulasyon matapos niyang ipahayag noong nakaraang taon na lumikha siya ng genetically modified twin sisters na sina Lulu at Nana, bago ipanganak. Ang CRISPRCas9 ay isang
natatanging teknolohiya na nagbibigay-daan sa mga geneticist at medikal na mananaliksik na mag-edit ng mga bahagi ng genome sa pamamagitan ng pag-alis, pagdaragdag o pagbabago ng mga seksyon ng DNA sequence.
Ayon kay He, ang kaniyang layunin sa pagbuo ng gene-efited na bata gamit ang Crispr-Cas9 sa pamamaraan ng muling isulat ang DNA sa mga embryo ng magkapatid na babae upang ang mga pagbabago na inaangkin niya ay gagawing immune ang mga bata sa HIV.
ng
Modernisasyon sa Transportasyon
LATHALAIN Samara Rojero Manunulat
Hindi maikakailang binabalot na ang mundo ng tradisyonal sasakyan na labis ang negatibong epekto sa kapaligiran tulad na lang ng polusyon. Bilang tugon dito, gamit ang teknolohiya at inobasyon, binigyang pansin ang paggamit ng electronic vehicles o e-vehicles, mga sasakyang napapatakbo sa pamamagitan lamang ng enerhiya. Binago ng e-vehicle ang pananaw pagdating sa modernong transportasyon sapagkat ‘di tulad ng tradisyonal na sasakyan, ginagamitan ito ng electric motor na kumukuha ng enerhiya mula sa kuryente upang umandar kung kaya ang sasakyang ito ay nakatutulong sa larangan ng ekonomiya, kalikasan at iba pa. Sa kabuuan, ang pagpapalaganap ng e-vehicles ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa sektor ng
transportasyon, na may potensyal na magdulot ng positibong epekto sa kapaligiran at ekonomiya. Sa kabila ng mga hamon tulad ng mataas na presyo at limitadong saklaw ng paglalakbay, patuloy na nagpapakita ang teknolohiyang ito ng pag-asa sa pagtugon sa mga suliranin ng klima at polusyon. Sa patuloy na pagunlad at inobasyon, maaaring maging pangunahing pagpipilian ang e-vehicles para sa mas malinis at magandang
LATHALAIN65.17%
ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang ng BRSHS ang suportado ng DOST Scholarship ang kanilang nais na kurso.
ChitoFlask solusyon sa pagpapabuti ng kalidad ng tubig
Bilang solusyon sa suliranin ng paglaganap ng kontaminadong tubig, nilikha ang ChitoFlask ng mga mag-aaral ng Bicol Regional Science High School na sina John Galo Pableo, Jace Adriel Yap at ang kanilang mga miyembro na sina Ariel Gabriel Morata, Ella Jane Bautista, Athena Navera at Alexa Lagdaan na kanilang binandera sa Regional Science and Technology Fair 2023.
Ayon sa mga mananaliksik, ang pagaaral ay may layuning tugunan ang mga problemang dulot ng mga hadlang sa tubig sa mga bansa, anupat naghahanda ng isang solusyon na maaaring magamit sa industriya ng paglilinis ng tubig.
Sa kadahilanang ito, binuo nina Pableo ang ChitoFlask na naglalayong linisin ang mga non-saline tulad ng tubig sa bukal at mga freshwater resources gaya ng tubig sa ilog. Para sa mabilisang paglinis ng tubig, sa pamamagitan ng mga elemento tulad ng chitosan mula sa kaliskis ng isda, mineral filter, at UV light disinfection, ang ChitoFlask ay nagbibigay ng isang komprehensibong paraan ng paglilinis ng tubig upang mabawasan ang mga microorganism at impurities na maaaring mapanganib sa kalusugan ng tao.
Ayon sakanila, sa pag-aaral na ito, sila ay gumamit ng tatlong uri o samples ng tubig na kontaminado at ‘di pa nagagamot kasabay ang isa pang tatlong samples ng tubig na ginamot gamit ang device sa isang eksperimento.
Sumailalim ang mga samples sa iba’t ibang uri ng pagsusuri tulad ng fecal coliform, kabuuang coliform, heterotrophic plate count, kabuuang dissolved solids, potensyal ng hydrogen, at turbidity test na lumabas na mayroong 89.48 porsyento na pagpapabuti sa pangkalahatang kalidad ng tubig bago at pagkatapos ng paggamit ang ChitoFlask. Batay sa pagsusuri ng mga eksperto, itinuturing itong epektibo at may angkop na kalidad sa aspeto ng sustainability, portability, at user-friendliness ayon sa mga eksperto at mga gumagamit.
Nagkamit rin ng karangalan ang ChitoFlask sa Regional Science and Technology Fair 2023 na nagdala sakanila sa pagiging kwalipikado sa National Science and
Batang Pilipino na may edad 5 hanggang 15 10% - 15%
ang apektado sa mga implikasyon ng mental health.
Ayon sa World Health Organization o WHO
Umani ng mataas na bilang ng kaso ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng sore eyes
sa Bicol Regional Science High School simula noong 2023.
Ayon sa isang tagapag-ugnay ng kalusugan sa Ligao na si Charlou
34.83%
ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang ng BRSHS ang hindi suportado ng DOST Scholarship ang nais na kurso.
High School o BRSHS.
Pagpapahalaga ng pangkaisipan na kalusugan o mental ang binigyang pansin ng Bicol Regional Science High School o BRSHS upang isagawa ang Mental Health Day noong ika-10 ng Oktubre 2023 na pinangunahan ng Guidance club.
Sa kasalukuyan, ayon sa istatistika ng Cable News Network o CNN, isa sa kada apat na kabataan ang nakararanas ng depresyon at patuloy na tumataas ang kaso nito. ilang tugon ng awtoridad, patuloy pa ring pinalalaganap sa mga paaralan ang programang “Mental Health Day” –programang layuning bigyang kahalagahan ang paggunita ng kalusugang mental ng bawat isa.
Ayon sa pangulo ng Guidance Club ng BRSHS na si Lorraine Gywneth Lapuz, ang pagpapalaganap ng mga selebrasyon o programang ipinaglalaban ang mental health awareness ay gumagalang sa kahalagahan ng mental health awareness sa pamamagitan ng pagturo sa kanila kung gaano kahala ga ang pagkakakakilala sa sarili at sa sariling nararamdaman.
Dagdag pa niya, napakahalaga sa panahon ngayon na magkaroon ng mga programang ganito, sapagkat mas nauunawaan ang mga damdamin ng bawat isa, kundi napupunta ito sa hindi mainam na mga bagay o pangyayari sa buhay
Batay rin sa panayam ng isang magaaral mula sa ika-sampung baitang na si Cassandra Navia, maraming mga estudyante ang nakararanas ng kapaguran nang dahil
Natalie Rempillo, humahalos 400 ang kaso ng sore eyes sa lungsod na naitala noong nakaraang taong 2023- taong may pinakamaraming naitalang kaso sa buong bansa.
Dagdag pa ni Rempillo, sa barangay ng Tuburan naitala ang may pinakamaraming kaso ng sore eyes sa loob ng lungsod at napapabilang na rito ang mga naging kaso sa paraalang Bicol Regional Science
Sa katunayan, 53 na mag-aaral at dalawamg guro mula sa BRSHS ang nakaranas ng sore eyes mula taong 2023 hanggang 2024. Batay rin sa panayam ng isang guro mula BRSHS na si Rayan Vibar, umabot ng isang linggo ang kaniyang sore eyes.
“Sa loob ng isang linggong iyon, nahirapan ako dahil lumuluha at namamaga ng sobra mga mata ko. Sabi rin ng doktor, hindi ako puwedeng pumasok sa paaralan dahil nakahahawa ito kaya naapektuhan ang pagtatrabaho ko at pati ang pagiging produktibo ko sa araw-araw.”, ani Vibar.
Welga ng Maralitang Atleta
Saisang lipunang nahuhubog ng kagustuhan sa tagumpay at kasaysayan, ang isports at pulitika ay kadalasang itinuturing na magkaibang mundo na dapat manatiling nahihiwalay. Tumatayo ang Isports sa kasalukuyan bilang pansamantalang tulay na nag-uugnay sa mga bansang may mapait na pakikisama. Gayunpaman, hindi nito mapipigil ang mainit na damdamin ng masa sa kabila ng mga pagtatangkang magpalambot ng alitan.
Sa loob ng mga dekada, ang mga palaro ay hindi lamang nagsisilbing paligsahan ng husay at kakayahan sa atletismo kundi nagiging isang mabisang plataporma para sa protesta at pagbabago sa lipunan. Sa matinding labanan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa International Basketball Federation 2023 o FIBA, hindi lamang ang mga manlalaro ang nagpamalas ng dangal sa bansa sa entablado kundi pati na rin ang mga opisyal na nagsusuot ng mga damit na may nakasulat na “West Philippine Sea”. Ang kilos na nabanggit ay agad na naging bukambibig ng marami, lalo na sa mga social media platforms, at ito ay sinalubong ng malawakang kritisismo mula sa mga taumbayan. Marami ang nagpahayag ng kanilang mga opinyon na hindi dapat isama ang pulitika sa isports, kaya’t ang lahat ng uri ng pagsasama nito ay nararapat nang itigil.
Ang mga pahayag ng protesta sa anumang kaganapan sa larangan ng isports ay hindi lamang simpleng kritisismo: ito ay isang paglalarawan ng masalimuot na pagbabago sa tungkulin at kahalagahan ng isports sa lipunan. Kaya naman, maging ang International Olympic Committee ay kumikilala sa karapatan ng mga atleta na magpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng paglabas ng mga gabay na nagbibigay-daan sa mga
Catherine Araza Isports Balita
Olympian na “ipahayag ang kanilang mga pananaw’’ sa larangan ng laro. Bukod sa mapait na alitan ng mga nasyon, ang impluwensiya ng pulitika sa mga manlalaro ay hindi maaaring balewalain. Sa mga kaganapang may kaugnayan sa pulitika sa larangan ng isports, ang mga atleta ay maaaring maging biktima ng di-inaasahang sitwasyon at mga hamon na higit pa sa kanilang mga kamay. Sa Pilipinas, marami nang atleta ang nakipagsapalaran sa bansa dulot ng kawalan ng suporta mula sa pamahalaan. Ang iba naman ay nanghinayang mula rito at sinukuan ang larangan nila.
Ang katunayan na ang isports ay isang napakalakas na kasangkapan para sa pagpapalakas ng pambansang dangal at pagkakakilanlan ay may mahalagang aspeto ng pulitika. Hindi ito lubusang hiwalay sa pandaigdigang larangan ng pulitika. Sa katunayan, naging lugar ito ng diplomasya at pagpapakita ng impluwensiya, kung saan ang mga pandaigdigang organisasyon sa isports ay nakikipagtulungan upang bigyan ng parusa o gantimpalaan ang mga bansa batay sa kanilang mga aksyon.
Nararapat na hindi ipagbawal ng anumang ahensya ng pamahalaan maging organisasyon ang mga pahayag na ito sa mga kompetisyon. Subalit, mahalaga pa rin ang magkaroon ng mga pamantayan upang mapanatili ang kaayusan sa loob at labas ng kaganapan. Ang magpahayag para sa pagbabago ay isa na ring ginto para manlalaro.
Pambatong Bato, Panalo!
Bikolano naghari sa KeiFei Bodybuilding 2023
Ni Keviannah Amaranto | Koresponsal
Nagpasiklab ng masigabong hiyawan ang Munisipalidad ng Nabua matapos hiranging overall champion si Joseph Fernandez, isang 41 taong-gulang na mamamayan sa larangan ng International KeiFei Bodybuilding Open Division na ginanap sa Tai’an Shandong, China noong Oktubre 2023.
Hinamon ni Fernandez ang kanyang sarili patungo sa kahanga-hanga niyang tagumpay na nagmula sa unang tagumpanya nito sa Philippine Federation of Bodybuilders Inc. noong 2012.
Mula noon, nagsilbing inspirasyon ang idolo nito na si Arnold Schwarzenegger noong lumabas ang partikular na pelikula nito na pinamagatang ‘Pumping Iron’. Nagkaroon ang kampeonato ng hilig sa paghahasa ng kanyang pangangatawan at pagpapamahala sa sining ng bodybuilding.
Nadama ang kaligayahan sa mga mukha ng mga mamamayan ng Nabua ang pagmamalaki at kagalakan nang pinuri rin ni Mayor Fer Simbulan ang pagwawagi ni Fernandez.
Iminungkahi ni Mayor Simbulan ang kanyang mga saloobin sa pagdadala ni Fernandez ng karangalan hindi lamang sa Nabua, kundi sa buong bansa.
Pinaanyayahan rin nito ang komunidad na magsama-sama sa pagdiriwang
Isports Lathalain
Takbo ng Tagumpay
pero HINDI isang dyanitor LAMANG.
Sa kanyang mga paa, umaawit ang musika ng tagumpay sa bawat takbo.
Si Jowel R. Parco ay isang Administrative Aide I sa Bicol Regional Science High School o BRSHS. Gayunpaman, hindi lamang ito ang kanyang natatanging pagkakakilanlan, sapagkat sa larangan ng isports, isa siyang respetadong atleta ng road-running.
Ang kanyang paglalakbay sa mundo ng pagtakbo ay nagsimula noong taong 2001 nang siya ay mahikayat ng kanyang mga kapitbahay na lumahok sa prestihiyosong kompetisyon, ang National Milo Marathon. Sa mga payak na salitang “May takbuhan doon, sumali ka.” nabuhay ang kaniyang apoy at pagmamahal para sa larong kanyang piniling sundan.
Mula sa mga unang hakbang ng kanyang karera, patuloy na nagpapakita ng husay si Jowel sa mga patimpalak sa pagtakbo. Sa taong 2002, hinarap niya ang Tabaco Marathon at kaniyang inilahad
ng tagumpay ni Fernandez, kabilang na rito ang pagkilala sa kanyang dedikasyon at pagtitiyaga na nagbukas ng daan para sa makabuluhang tagumpay na ito.
Sa lungsod ng China, ang pangalan ni Fernandez ay naglalagom bilang patunay sa pagsisikap, pagmamahal, at pagnanais ng isang kampeon.
Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang nangangahulugan ng personal na tagumpayan kundi naglilingkod din bilang tanglaw ng inspirasyon para sa mga nagnanais na maging bodybuilders at mga indibidwal na nagtatrabaho upang makamit ang kanilang mga pangarap sa kabila ng lahat ng pagsubok. Habang ang mga huni ng tagumpay ay naglalakbay sa lansangan ng Nabua, malinaw na ang titulo ni Fernandez bilang “Nabua’s Pride” ay nakaukit na hindi lang sa bato kundi pati na rin sa mga Bikolanong nagnanais mag Bodybuilding.
TULOY NA PAGTINDIG. Si Jowel Parco, isa sa mga utility workers ng Pampublikong Paaralan ng Bicol Regional Science High School, ay kalahok sa pangmalakasang isports na “Road running” sa loob ng mahigit na 23 taon at nakakamit ng mga parangal sa larangan, Tuburan, Lungsod ng Ligao, ika-25 ng Enero 2024. Nathaniel Rosales
ang landas patungo sa ikalawang puwesto. Sa taong 2003 naman, sumabak siya sa National Marathon Plaza Rizal, kung saan ipinakita niya ang kanyang giting sa pagiging ika-23rd sa kompetisyon. Noong 2007, muli niyang nilabanan ang pagsubok ng National Milo Marathon, kung saan hinakot niya ang ikasampung puwesto. Sa mga taong nagdaan, nagpapatuloy ang kanyang pag-angat sa mundo ng paligsahan, kabilang dito ang pagkamit niya ng ikalawang puwesto sa Mt. Asov 360° 50K Ultramarathon noong 2019, at ang pagiging kampeon sa fun run ng DepEd mula 2021 hanggang 2022. At sa pinakahuli, kamakailang panalo niya sa Mayon360 Ultramarathon, kung saan ipinamalas niya ang kanyang galing at naging pangalawang puwesto. Sa tulong ng mga karangalang kanyang nakamit mula sa mga laban sa kalsada, nagkaroon siya ng kakayahang muling maipaayos ang munting bahay ng kanyang pamilya. Sa abot ng kanyang mga kamay, naipatayo niya ang bubong at mga bintana nito. Hindi lamang iyon, dahil sa kanyang tagumpay, nakapagbigay rin siya ng tulong pinansyal sa kanyang mga kapitbahay, na siyang nagbibigay inspirasyon at suporta sa
kanyang paglalakbay sa larangan ng pagtakbo. Bukod sa mga hiyas ng gintong medalya at sertipiko, sumibol din ang isang kayamanang di-mabibili – ang tunay na pagkakaibigan. Natagpuan niya ang kanyang karamay sa katauhan ng isang Amerikano mula sa Texas, USA, na tauntaong nagbibigay sa kanya ng mga kahonkahong sapatos.
Sa kasalukuyan, sa edad na 44, patuloy pa rin ang kanyang paglalakbay sa mga kalsada ng tagumpay. Sa pagdating ng Mayo 2024, handa siyang magbalik-loob sa hamon ng Mayon360 Ultra Marathon, kung saan tatahakin niya ang ang lalawigan ng Legazpi patungo sa lalawigan ng Tabaco.
Sa bawat yapak ng kanyang mga sapatos, siya’y isang sagisag ng matinding determinasyon.Bagaman kilala bilang isang dyanitor, sa saliw ng mga sigaw sa pista ng paligsahan, siya ay isang de-kalibreng atleta na walang humpay na naglalakbay sa landas ng tagumpay.
Isports Balita
KALIBRE NG MGA TIGRE
Keviannah Amaranto | Patnugot sa Isports
Yellow Tigers nasungkit ang kampeonato sa BRSHS Sportsfest 2023
Kahindik-hindik na ‘Overall Champions’ ang nasungkit ng Yellow Tigers sa kapanapanabik na Bicol Regional Science High School Sports Festival (BRSHS Sportsfest 2023), na nagpasindak sa mga katunggali sa kanilang top-notch na pagtutulungan at magandang pagsasamahan noong ika-30 ng Setyembre taong 2023.
Matinding paghahanda ang isinagawa ng Yellow Tigers sa kanilang pagsasanay at pagtatakda ng mga tiyak na layunin para sa bawat sesyon na nagbunga ng maganda at nagresulta ng tagumpay sa kabila ng paghihirap na dinanas.
Ang utak sa likod ng Yellow Tigers na si Vic Salting, ay nagbuhos ng mga sikreto sa kanilang tagumpay. Aniya, ang lahat ay bumagsak sa disiplina, dedikasyon, pagtutulungan ng bawat miyembro ng koponan, at open communication.
“Ang pagkakaisa ng bawat miyembro ng koponan ay responsable para sa tagumpay ng Yellow Tigers sa sports festival noong 2023. Bilang isang lider, pinahahalagahan ko ang bawat kasanayan ng bawat indibidwal, na humantong sa masusing pagpaplano at koordinasyon sa bawat laro. Ang
aming mahigpit na pamamaraan at dedikasyon sa ensayo ay humantong sa mataas na antas ng kasanayan at kondisyon. Ang tagumpay ng Yellow Tigers sa kompetisyon ay nakasalalay sa aming pagkakaisa at determinasyon.” Hayag ni Salting.
Alinsunod dito, ipinahayag din ni Nathan Morato, ang ace ng Men’s Volleyball mula sa Yellow Tigers, ang kanyang mga saloobin hinggil sa mga pagpapahalagang ito.
“Malaking bagay talaga yung strong teamwork at camaraderie sa pagkapanalo namin. Una sa lahat, yung tiwala sa bawat isa. Kung may trust ka sa teammates mo, mas magaan ang pakiramdam sa court o sa field. Hindi ka nag-iisa, kasi alam mong nandyan sila to back you up. yung samahan at
Jocom-Soria
namayagpag sa men’s badminton doubles
Umarangkada ang mapanghamong tandem na Daniel Josh Jocom at Gabriel Andrei Soria ng Red Dragons matapos na pulbusin nito sila Karl Benedict Olmedillo at Andrew Castillo ng Blue Wolves, 21-1 at 21-4, upang masegura ang pwesto at maikandado nila ang tagumpay sa Finals ng Men’s Badminton Doubles kontra Yellow Tigers na si Anthony Alpapara at Joshua Morada, 34-22, na iginanap sa Tuburan Basketball Court, Tuburan, Ligao City nitong ika-7 ng Oktubre 2023.
Dinomina ng batak na Soria ang kabuuan ng laro nang magsumite ito ng humigit sa 29 na puntos sanhi ng kaniyang taktiks at mga kumukonektang depensa nila ni Jocom sapat upang masibak ang mga katunggali.
“Magagaling sila pero mas ginalingan namin ni Jocom. Ang communication talaga ang key to success at sa tagal na lagi ko kasama siya na-pa-practice na namin talaga ‘yun.” Saad ni Soria
Matikas na sinimulan ang laro ni Jocom matapos ratsadahin si Olmedillo nang mapaminsalang mga jump smash, 2-0.
Pinatibay ni Soria ang kanyang lumalagablab na depensa nang ‘di pinalusot ang drop shot ni Castillo at magrehistro sa 5-0.
Ibinida naman ni Jocom ang kanyang nagsisiinitang opensa nang sawsawan ang kontrahente ng forehand smashes sa 8-0 na kartada.
Kargado ng dalawa ang laro nang magsilbing poste si Soria sa mga dumarating na atake at pagsapok ni Jocom sa mga libreng tirada ng katunggali na nagresulta sa pagkakabulsa ng walong puntos.
‘Di na nabitawan ni Jocom ang raketa matapos wakasan nito ang unang set nang magpaulan nito ng mga drop shots sa katunggali, 21-1.
Ipinamalas ni Soria ang kaniyang mga kaleweteng tirada sa harap na bahagi ng court nang sagupain ang flicks ni Castillo sa ikalawang round, 3-0.
Pursigidong itinawid ni Olmedillo ang kaniyang naghihikahos na tirada sa kabilang bahagi ng court sa 6-1 na tala.
Tinapos ni Soria ang round nang tambakan nito ng puntos sa 21-4 mula sa kaniyang dumadagundong na forehand shots.
Sa paghaharap ng Red Dragons at Yellow Tigers, pinuslit ni Soria ang mga dropshots na nabigong ibalik ni Morada, 2-0.
Ginantihan naman ni Alpapara sa tulong ni Morada nang umurong ito para bigyan ng pangitain para sa mga drives nito, 2-3.
Nabigyang dagsa ang Red Dragon matapos
isawalang bisa ang mga smashes ni Alpapara na nagtala sa limang puntos. Nailusot ni Morada ang kanyang mga cross-nets matapos pagsamantalahan ang maluwag na depensa sa kaliwang bahagi ng court, 7-5. Pinahinto ni Jocom ang patuloy na pagsalitan ng dalawang koponan nang magbigay ng umaatikabong jump smashes, 11-7.
suporta ng bawat isa, yun ang nagdala sa amin sa tagumpay. Hindi lang individual skills, kundi yung collective effort ng buong team ang nagdala sa amin sa championship ng sports fest.” Ani ni Morato.
Sa kabila ng mga taktikal na pagplano sa kanilang mga laro upang mamayagpag sa kabuuan ng Sports Fest, ang kakayahang umangkop ng koponan ay ang susi sa isang matamis at kaakitakit na pagwawagi. Ang kanilang walang humpay na sportsmanship at katapangan sa BRSHS Sportsfest 2023 ay isang magandang tanawin, na nagpasindak sa lahat sa kanilang mahusay na mga talento.
LIYAB NG PANGARAP. Ang manlalaro at miyembro ng koponang “Yellow Tigers,” ay itinanghal na kampeon sa naganap na “Sports Fest 2023,” sa Pampublikong Paaralan ng Bicol Regional Science High School (BRSHS), Tuburan, Lungsod ng Ligao, ika-7 ng Oktubre
Kumobra ng tatlong puntos ang Yellow Tigers matapos ilusot ang rumaragasang backhand shot ni Morada. Ibinida ni Soria ang kanyang kills nang magpaulan sa kanang bahagi ng court na nagresulta sa 22-14.
Pinalabo ng Red Dragons ang pangitain patungo sa panalo matapos isampid ang tirada ng Yellow Tigers, 30-17.
Nailambat ng Red Dragons ang kampeon matapos nitong pagsamantalahan ang bawat paghingal ng Yellow Tigers, 3422.
“It was indeed a nice game ang hirap nila talunin pero ayos lang sapagkat sa mga susunod na tapatan namin for sure paghahandaan ko na,” giit ni Morada.
Llobet-Payoyo dinispatsa sina Aguilar-Bismonte; Kampeon sa women’s table tennis doubles
Puspusang bumira ng sunod-sunod na drop shots upang makuha ang tatlong puntos na adbantahe sa pagtatapos ng laro, Anikka Llobet at Kish Payoyo ng Yellow Tigers inasinta ang Red Dragons na sina Irish Aguilar at Margarette Bismonte, 11-4 at 11-9, sa salpukang Women’s Doubles Table Tennis na iginanap sa Bicol Regional Science High School Gymnasium, Tuburan, Ligao City nitong ika-7 ng Oktubre 2023.
Inanggulo ng 16-taong gulang na si Payoyo ang bawat pagkakawala ng kanyang kalkuladong shot at kaagad na natukoy ang butas sa depensa ng katunggali kaya’t nakapagtala siya ng walong puntos sa kabuuan ng laro bastante upang malambat ang kampeonato.
“Napansin ko kasi laging na mahina ang mga tirada nila atsaka ang complicated ng mga ginagawa nilang shots kaya halos errors rin. Kaya kami ni ate Anikka naisip namin na pwersahan yung mga tira para mabilis yung bola at hindi nila makuha.” Hayag ni Payoyo.
Impresibong binuksan ni Payoyo ang laro at tumipa nang umaatikabong forehand shot na hindi kaagad nadepensahan ni Bismonte upang masiguro ang 3-0 na iskor. Tilamsik ang ipinalasap ni Aguilar at bumawi sa pamamagitan ng kanyang rumaragasang drop shot ngunit matapos subukan ni Llobet na ibalik ang bola, lumabas ito sa lamesa at nakarehistro sa 4-2.
Agaw-hiningang pumuslit si Payoyo ng drive upang mas palakahin ang agwat ng iskor hanggang sa manghina si Bismonte at mahulugan, 8-3.
Sa pagsalitan ng tirada, tinapos ni Llobet ang unang round nang magbitaw ito ng chop at hindi nasalo ni Aguilar sa bilis ng pag-ikot ng bola, 11-4.
Kumamada ng backhand shot si Bismonte at nakuha ang 2-point lead sa pagsisimula ng ikalawang set, 0-2.
Dikit ang laban sa pagnanais na humabol ang AguilarBismonte tandem, kumawala si Aguilar ng nagliliksihang kills dahilan ng paghalinhinan ng puntos sa kartadang 6-7.
Agarang diniskaril ni Llobet ang hangarin at niratsada ng push shots ngunit nahulog ito sa 8-8 na tabla.
Tuluyang nasakmal ni Payoyo at Llobet sila Aguilar at Bismonte nang mag udyok ang tabla sa pagpapalakas at pagpapabilis ng mga tirada ni Payoyo upang malamangan ang mga kalaban at maikandado sa 11-9.
“Akala namin makakabawi kami sa ikalawang set! Sayang hindi ko talaga makuha mga next moves nila ganon ang unpredictable kasi biglaan na lang tapos ang lalakas pa. Good game na-enjoy ko naman ‘to.” Ani Aguilar.
Kalasag sa Palakasan
Sa isang linggong pagdaos ng 2024 Palarong Bikol ay nauwi ang larong football sa komusyon matapos ang gitgitan sa pagitan ng mga lungsod ng Masbate at Naga. Ayon sa mga manonood, sinipa at inapak-apakan ng isang atletang taga-Naga ang kapwa manlalarong Masbateno bunga ng pikunan sa pagitan ng mga pangkat.
Maituturing ito simpleng kakulangan sa tinatawag na “sportsmanship” o disiplina sa larangan ng palakasan. Gayunpaman, ito ay mas mabigat pa sa isyung sportsmanship, bagkus isang pagtapak sa karapatan ng
Nakasaad sa Batas Republika Blg. 10588 o ang Palarong Pambansa Act of 2013 ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga atletang mag-aaral sa sa pamamagitan ng pagtatakda ng sapat na mga kagamitan pang-medikal at seguridad sa mga kaganapan. Sa kabila ng mga panukalang ipinapatupad ay nananatiling walang kibo ang pamahalaan nito habang sinasabak sa laban ang mga atletang walang sandatang
Sa lipunang Brisay, hindi taliwas ang ganitong pangyayari sa pagitan nating mga Brisayano. Isa na lamang dito ay ang tanyag
SaTagaktak na pawis, hiyawan ng publiko, at kalansing ng mga medalyang nakamit – ito ang iilan sa mga mapagmamasdan natin sa labing tatlong dibisyon ng rehiyon. Bawat taon, ipinagdidiwang ng sambayanang Bikol ang katibayan ng mga atleta at ang kanilang kalakasan sa samu’t saring laro. Subalit sa taong ito ay higit pa sa tibay ng mga manlalaro ang nabigyang-diin sa palaro, kundi ang kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga atleta.
na online bashing alinsunod sa ginanap na SportsFest 2023. Katulad ng naturang kaganapan, ang pangyayaring ito sa paaralan ay nagdulot ng kasamaan sa posisyon ng mga atleta o ang paninirang-puri sa dapat sanang pagkilala sa galing nila. Maliit na bagay kung iisipin, ngunit kung ipagpapatuloy naman ang mga agresyon ay mahirap ng ayusin ang mga danyos sa disposisyon ng isang tao.
Kasabay ng mga palarong ipinapatupad ay ang panawagan sa mas striktong pagsubaybay sa mga laro. Kabilang na lamang dito ay ang paglalapat ng mga restriksyon, pagkakaroon ng mga pagsasanay ng coach o referee sa posibleng insidenteng mangyayari, at ang pagtitibay ng seguridad sa lokasyon ng aktibidad. Ang mga batas ay nararapat na sundin samantalang ang tamang disiplina ay papanatilihin sa bawat larong gaganapin. Sa ganitong paraan, ang lahat ng panalo ay hindi mauuwi sa wala kasabay ng paghubog ng diwa nila sa larangan ng palakasan. Hindi dapat nasasakripisyo ang kinabukasan at kalusugan ng isang atleta sanhi ng mga pagkukulang ng sistema rito. Sa huli, walang masasayang na pawis, hiyaw, at medalya sapagkat kasabay ng namamayagpag na gilas sa larangan ng isports ay ang pagpapatibay sa kalasag na magpoprotekta sa ating mga atleta.
madilim na pagtahak ng mga atleta, tanglaw ng suporta hindi makita. Sa lipunang nagmamahal sa larong basketball, iba pang mga isports hindi nabibigyan ng halaga.
Tagatak na pawis at pagod na hindi maipaliwanag, ngunit pusong pumapalakpak ng pagmamalaki sa pagdadala ng bandila ng kanilang bayan. Ito ang mga pangunahing katangian na bumubuo sa pagkakakilanlan ng isang atleta. Subalit, marami sa kanila ang nalulugmok sa dilim ng kawalan ng tamang suporta. Sa kabutihang palad, sa kasalukuyan, ilan sa mga inisyatibo ang nasa bisa upang tugunan ang ganitong mga agam-agam.
Sa pangunguna ni Mayor Fernando V. Gonzalez at sa ilalim ng Sports Development Program ng Ligao City, isinulong ang pagpapatayo ng Ligao City Sports Complex, isang pundasyon ng mga pangarap na nagbubukas ng bagong daan ng tagumpay para sa mga atletang Ligaoeño.
Kaya’t mariing na hinihiling ni Aquino Jr., CPDC, ang pagpapalawak ng pananaw ng mga kabataan sa larangan ng isports. Nawa’y huwag lamang itong limitahan sa basketball, sapagkat may iba pang mga disiplina ng isports na magbubukas ng mga pinto ng pagkakataon para sa kanilang pag-unlad at paglago.
“Sa international stage, marami ang nageexcel sa individual sports. Puwede ring soccer, team sports sya pero hindi kailangan ng height para manalo ng goal. So, they can come sa sports oval para mag training” dagdag pa niya.
Ayon kay Oscar D. Aquino Jr., ang kasalukuyang City Planning and Development Coordinator (CPDC), ang konstruksyon nito ay isang hakbang tungo sa pagbibigay ng marangal na pasilidad para sa mga atleta, lalong-lalo na sa nag-eensayo.” wika ni Bennett Payoyo, atleta sa track and field. Sa kanyang pananaw, ang sports complex ay isang tanglaw ng panibagong pag-asa at inspirasyon para sa mas matindinding dedikasyon at pagpupursigi sa larangan ng isports na kanyang tinatahak.
Sa mapanglaw na silong ng kawalan ng suporta, umusbong ang liwanag ng pag-asa. Isang patunay na sa hinaharap, ang mga bituin ng tagumpay ay patuloy na magliliyab, at
Ang Opisyal na Pampaaralang-pampamayanang Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Rehiyon (V) sa Filipino
Swimming
ANG HULMAHAN
ISPORTS.
KASADO SA PAGKAPANALO
PINTIG NG
Si Roldion Gregorio, isang kalahok sa City Meet, ay nagpakita ng kahusayan sa paglangoy sa Rendezvous Resort, Herrera, Lungsod ng Ligao, noong ika-24 ng Pebrero, 2024. Siya ay nagwagi ng kampeonato sa larangan ng Swimming-Secondary. Nathaniel Rosales
Gregorio naghakot ng ginto sa Swimming Secondary-Boys Ligao City Meet
Rico Albert Dipad Patnugot sa Isports
Pinatunayan ng 17-taong gulang na atletang si Roldion Symone Gregorio ang angkin na lakas at bagsik nito sa larangan ng paglalangoy nang maungusan nito ang mga katunggali at makamit ang gintong medalya sa limang kategorya; 400 meter freestyle, 100 meter freestyle, 50 meter fly, 100 meter backstroke, at 50 meter freestyle sa karerang Swimming Secondary-Boys Ligao City Meet na iginanap sa Rendezvous Resort, Herrera, Ligao City nitong ika-22 ng Pebrero 2023.
Noong na sa ikalimang baitang pa lamang siya ay naipakilala na sakaniya ang paglalangoy ng imbitahan ito sa isang invitational cup na kaagad naman niyang pinag interesan. Dahil doon ay maigting na pinag aralan niya ito hanggang sa nahubog at nadala hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang unang pagsabak muli ni Gregorio sa paligsahan matapos ang pandemya at tunay na pinaghandaan niya ito. Pagkatapos ng klase mula lunes hanggang biyernes, sinasakripisyo niya ang oras ng kaniyang pagpapahinga at bumabyahe patungong Macagang, Nabua upang makapag ensayo.
Dinomina ni Gregorio ang buong kompetisyon matapos na makapagtala ito ng oras na mas maaga sa kanyang mga kontrahente sa kategoryang; 400 meter freestyle na kung saan nakarehistro siya ng 5:5.65 na bentahe,
100 meter freestyle sa kartadang 1:00, 50 meter fly sa 40.86, 100 meater backstroke sa 1:50.48 na oras at 50 meter freestyle sa ekasktong 40 seconds bastante upang maibulsa niya ang mga ginto rito.
“Sulit ang pagod ko! I never expected to bag an award kahit isa nga lang sapagkat nahihirapan talaga ako sa time management at pagkatapos ng ilang taon, nandito ulit ako upang lumaban kahit nakakapanibago. Ang saya ko lang na it’s still in me, yung passion ko.” Saad ni Gregorio.
Inaasahan na sa mga susunod na patimpalak ay makikibahagi muli si Gregorio tulad na lamang sa papalapit na Batang Pinoy 2024 upang mas mahulma ang kanyang pangalan, hindi lang sa lungsod ng Ligao kundi pati na rin sa larangan ng Swimming.
Pinatunayan ang angkin na lakas ng isang
NG KAMANDAG.
depensa ni Ramon Francisco Alsua ang atake ng kanyang
HIGIT PA SA KARANGALAN
Kinabukasan ng Lungsod ng Ligao sa larangan ng Pampalakasan
Kimberly Carullo | Koresponsal Kasabay ng siyang pagnasa ng mga estudyanteng atleta sa nagkikintabang ginintuang mga medalya ay siyang kasalungat na layunin ng tagapamahala ng isports sa siyudad ng Ligao. Siyudad na tinitingala sa angking galing nito sa larangan ng isports ay kapakanan pa rin ng mga manlalaro ang kinabukasan tinatanaw.
‘Di maikakaila ng sinumang atleta na ang pinaka layunin ng kanilang pakikipag patimpalak ay ang pagkamit ng gintong medalyang sumisimbolo ng tagumpay at ang tila pumapawi ng pagod na ibinuhos nila rito. Marahil iisipin ng karamihan na maging tagapamahala ay ito ang nagiging pangunahing layunin, ang mas yumabog at kumalat ang pangalan ng siyudad sa larangang ito.
Ngunit kasalungat sa inaasahan ng karamihan ang tinitignang bukas ng siyudad ng Ligao. Mula sa ulo ng tagapamahala ng isports sa Ligao City na si Earnie Baraquel, hindi ang pagkamit ng mas marami pang medalya ang nais niyang makita sa mga susunod na taon niyang nakaupo. Kundi mga estudyanteng natulungang makapagtapos ng kanilang hilig sa paglalaro.
“Hindi lang kami nakatuon sa pagkapanalo ng ginto
medalya, ngunit nakatuon kami sa pagtitiyak na ang bawat mag-aaral na atleta na magtatapos sa programa ay makakatanggap ng mga alok ng scholarship sa lokal at pambansang mga kolehiyo at unibersidad.” Wika ni Baraquel sa Ingles.
Nabanggit niya pa rito ang oryentasyon para sa lahat ng mga punong guro at mga koordinator sa isports tungkol sa komprehensibong mga programa sa isports sa paaralang isinagawa ngayong taon. Idinagdag niya pa na layunin nilang mapalakas ang implementasyon ng programa sa isports sa lahat ng mga paaralan, maging pribado man o pampubliko, sa buong division. Kasabay nito ay ang pagpapaliwanag ni Baraquel na ang mga aktibidad na ito ay upang mas mahikayat ang mga estudyante na makilahok sa mga isports kung saan binigyang
diin niya ang benepisyong makakamit ng mga estudyante rito. Ayon sa kanya, maliban sa maisasagawa nila ang mga hilig ng estudyante, maging pisikal na kalusugan ay matutulungan nito. Tagumpay at pag-asa ang siyang alok ng siyudad ng Ligao sa mga estudyanteng atleta nito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa edukasyon at paglalaro, kamit nito’y medalyang simbolo ng tagumpay at suportang nagsisilbing susi nila sa kanilang kinabukasan. Pagbibigay ng pag-asa at oportunidad sa mga kabataan ang siyang pangunahing layunin ng siyudad. Sa pangunguna ni Earnie Baraquel, ang kapakanan at kinabukasan ng mga atleta ay magiging katumbas lamang ng tanaw niyang bukas na mararating ng siyudad sa larangan ng isports.