TOMO 3
BILANG 1
ANG ILAYIN
Ang
MAYO-OKTUBRE 2018
Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus “ K a r u n u n g a n at k a l aya a n , s a m ata n g k at o t o h a n a n ”
TANAW ANG PAG-UNLAD
Kalidad ng pagtuturo mas pinaigting sa makabagong Imprastraktura at Teknolohiya Kuha ni Chris Ramayla
GUSALING PANGKARUNUNGAN. Laman ng pinakabagong Academic Building ang mga laboratoryo na magagamit ng mga iskolar sa kanilang pananaliksik
Sa paglipas nang panahon ay nagbabago rin ang pangangailangan ng bawat mag-aaral sa aspektong Agham, Matematika at Teknolohiya kaya mapapansin ang pag-unlad ng imprastraktura, pasilidad at teknolohiya. Katatapos lang ng Academic Building 3, matatagpuan sa harap ng Acad Building 2,
na kinapapalooban ng 14 na silid upang makatulong sa mga iskolar sa kanilang
gawaing panlaboratoryo at pananaliksik sa mga asignaturang Biology, Chemistry at
Physics. Tapos na rin ang Function Hall na magagamit sa espesyal na mga pagtitipon, seminar at aktibidad pandormitoryo. Kasalukuyan namang tinatayo Students’ Learning Reasource Center kung saan matatagpuan ang Fabrication Lab, AdTech Lab, Speech Lab, Cultural Museum, at Teatro. Bubuksan na rin ang Integrated Science Room na magtatampok ng 62 pirasong ipad tablet, 5 set ng iMac laptops, Wifi at iba pang kagamitan na ibinigay ng
kompanyang Apple sa paaralan. Sumasailalim naman ang Administration Building sa isang malaking pagpapaayos upang magamit nang husto, magawan ng opisina ang mga sangay na nangangailangan at masiksik ang espasyo ng gusali. Kilala ang Admin Building sa hugis nitong alimango ngunit ngayon ay mag-iiba na ang disenyo nito. Hindi lang imprastraktura ngunit mayroon ding mga
ITULOY SA PAHINA 3
Iskong handa sa mundo ng Siyensya, layon ng Specialization Tuloy sa paggulong ang Specialization Years Program sa lahat ng kampus ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham (MPPA) sa ikalawa nitong taon bilang pagtugon sa repormang K to 12 sa sistema ng edukasyon ng bansa. Ang Specialization Years ay nakatuon sa paglinang sa mga iskolar ng mga kasanayan sa Agham at Teknolohiya. Ito ay output-based at studentcenter. Binibigyang diin din nito ang pananalilksik. Dalawang units ang nakalaan sa Research subject na hindi lamang matatapos sa paggawa ng papelpananaliksik kundi ay kinakailangang ipresenta ng mga iskolar ang kanilang pananaliksik sa iba-ibang paraan tulad ng Science conference, symposium, poster presentation at Science and Technology
Kuha ni Al Jay Lan Alamin
DEKALIDAD NA EDUKASYON. Ginagamit ng mga iskolar sa mga bagong kasangkapang panlaboratoryo ng paaralan para sa kanilang pananaliksik.
pitch. Tatlong Core Subject naman ang pagpipipilan ng mga iskolar sa SYP: Biology, Chemistry at Physics. Mayroon namang dalawang level ang Mathematics na ang iskolar ang papipiliin. Mayroon ring Elective ang mga iskolar. Kabilang ang Engineering, Technlogy, Agriculuture aat Computer Science. Layunin ng Specialization Years Program na ihanda ang mga iskolar sa pagpasok sa nais na Science, Technology, Engineering, Agriculture at Mathematics (STEAM) na degree program sa kolehiyo at maghubog ng mga susunod na lider sa Agham at Teknolohiya sa bansa. / ALEXANDER Q.
BELLO JR.
INTEGRIDAD-ISKOLAR
SA KABILA NG PANGAMBA
Isang iskolar ang nagsauli ng isang pitakang naglalaman ng tatlong libong piso sa opisina ng Student Servicess Division (SSD). Sa isang flag ceremony nitong Setyembre, ikinwento ni SSD Chief Franklin Salisid ang kanyang paghanga sa katapatan ng naturang iskolar nang ibigay nito sa SSD office ang natagpuang pitaka. Ang pitaka ang naglalaman ng mahigit P3000. Hindi natukoy ni G. Salisid ang naturang iskolar ngunit kanyang sinabi na dapat lahat ng iskolar ay maging tapat sapagkat isa ito sa core values ng paaralan. Matatandaang isa sa tatlong core values na dapat taglayin ng bawat iskolar ang Integrity. Ang dalawa pa ay Excellence at Service to Nation.
“How safe is your campus? From 1 to 10, I’ll give a ten,” ito ang sabi ni Col. Alex P. Aduca sa harap ng mga magulang ng mga iskolar sa ginanap na General Assembly, Mayo sa kasagsagan ng giyera sa Marawi. Paliwanag ng sundalo, maraming mga kampo ang nakapalibot sa lokasyon ng kampus. Nagkaroon muna siya ng lecture tungkol sa safety at sinabing ang kaligtasan ay “relative” o nakadepende sa iba’t ibang salik. Ngunit, kanyang binigyang-diin na kanilang gagawin na ang kanilang trabaho na panatilihing ligtas ang kampus. “When you say safety, it’s actually relative. But we can assure you is that we are doing our job to keep you safe.” Sa suhestyong palibutan ng mga sundalo ang kampus, hindi siya sumang-ayon sapagkat mas lalo lamang daw nalalagay sa peligro ang mga iskolar.
Pitaka, isinauli ng isang iskolar
/ KRISTIN MARI DACLAN
Kampus, ‘ligtas’ - AFP
Ang salitang “Ilayin” ay isang salitang Maranao na nangangahulugang “pagkakita”. Bilang tagapagmasid ng paaralan, isinusulong nito ang malaya, matalino at wastong pamamahayag para sa lahat ng kasapi ng paaralan at pamayanan.
Kuha ni Rizza Gonzales
Dahil sa Bangsamoro Organic Law
Mga isko nababahala sa posibleng paglipat ng lokasyon Matapos ang mahigit isang dekadang pamamalagi sa kasalukuyan nitong lokasyon, nakaambang ilipat ang PSHS-CMC sa hindi pa tiyak na lokasyon sa Rehiyon X – na siyang ikinalungkot ng mga iskolar ng ilang mga guro dahil sa maiiwan nito ang mga gusali at pasilidad ng paaralan. Sa isang emergency meeting na dinaluhan ng lahat ng kasapi ng paaralan, ipinrisenta ng Chief ang mga posibileng mangyayari sa kampus kung sakaling mapabilang ang Munisipalidad ng Balo-I sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Nakasaad sa Bangsamoro Organic Law (BOL), na nilagdaan ng pangulong Rodrigo Duterte, na lahat ng paaralang umiiral sa Bangsamoro Autonomous Region ay ibabahagi sa sistema ng edukasyon ng rehiyon, kung saan ang Mataas ng Paaralan ng Pilinas sa Agham – Kampus ng Gitnang Mindanao (MPPA-KGM) ay maaring kasali at ililipat sa ibang lugar ng Rehiyon 10. May mangyayaring buong-lalawigang plebisito “upang matukoy kung ang anim na munisipalidad ng Tangkal, Tagoloan, Munai, Nunungan, Pantar at Balo-I ay mabibilang ba sa teritoryo ng Bangsamoro”, sinabi ito ni Alan Lim, ang presidente ng Lanao del Norte’s League of Municipalities. Kapag aabot sa 10% ng populasyon ng mambubuto sa Balo-I ang sumang-ayon na mapabilang ang municiplaidad sa pinalawak ng teritorya ng BOL, tiyak na ililipat ang paaralan saanman sa Rehiyon 10. “Sana hindi matuloy. Ayaw naming lumipat at tsaka sayang yung mga iiwan natin na mga bagonggawang gusali”, reaksyon ni Fahadh P. Abbas, isang iskolar sa ika-10 baitang, sa posibilidad ng paglipat ng kampus at muling pagsisimula nito mula wala. Noong ika-28 ng Agosto, binigyan ng survey ang mga mag-aaral at tagapagturo ng paaralan kung ano ang gagawin nila kung sakaling matuloy nga ang paglipat ng kampus. Ilan sa mga pagpipilian ng mga iskolar ay lumipat sa ibang kampus na nasa ilalim parin ng sistema ng MPPA, lumipat sa ibang paaralan na labas sa sistema, manatili sa paaralang pinamahalaan ng BARMM, o manatili sa MPPA-KGM maging saanman ito ililipat. / PAULINE CREAYLA
TINIG-ISKOLAR
Sa pagkakataong mapabilang ang lokaskyon ng paaralan sa BARMM, ano ang iyong pipiliin? Halos lahat ay nagsabing “Manatili sa CMC sa ibang lokasyon sa loob ng Rehiyon X” sa 91 porsyento habang ilan din ang nagsabing “Lumipat ng kampus KAPANATAGAN. Ito ang nais ipahatid ng mga kasapi sa ilalim ng PSHS” sa limang porsyento at dalawang AFP sa mga magulang ng mga iskolar matapos ang pagputok ng digmaan sa Marawi.
“Maganda sana yan… kaso, mas lalo lamang nating nilalagay sa peligro ang mga bata. ‘Pag nakitang may army, s’yempre aatakihin.” Kanya namang binigyang-linaw na malabong magkaroon ng spill-over ng giyerang nagaganap sa Marawi patungo sa lokasyon ng kampus sa Munisipalidad ng Balo-i.
porsenyo lamang ang nagsabing “Lumipat ng paaralan sa labas ng PSHS.”
/ Hanna A. Villagonzalo
pahina 2 Inflation, ‘damang dama‘
pahina 5 ‘Di Patitinag
pahina 10 PISAY: Mula sa Bayan, Para sa Bayan
pahina 14 #BerdengUtak
pahina 18 19 gintong medalya nasungkit
2
BALITA
Ang Ilayin
Inflation ‘damang-dama’ Mga isko umangal sa pagtaas ng bayad sa bus
ng inflation. Ang inflation na ito ay dulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga bansang ating pinagkukunan at dulot na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN Act na nagdadagdag ng tax sa mga bilihin tulad ng langis. Maaari ring ang pagtaas ng presyo ng langis ay dulot ng pagliit ng halaga ng ating pera kung ikukumpara sa pera ng ibang bansa. Ipinaliwanag din ng FPTA Officer kung bakit ang ibang iskolar ay nagbabayad lamang ng 1,000 pesos habang ang iba ay 1,200 ang binabayad. “The seatplan is based on the proximity of the student from the school. The scholars are arranged based on their location. If you live nearer to the school then you will be assigned to an extension and you will pay 1,000 pesos. Otherwise, you should pay 1,200 pesos,” aniya.
Kuha ni Chris Ramayla
TAAS-PASAHE. Lulan ng bus ang mga extern na scholar na makararanas ng epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ng gasolina.
Tumaas ang bayad sa bus para sa mga extern na iskolar ng Central Mindanao Campus sa simula pa lang ng Taon Arkademiko 2018 – 2019 dahil sa epekto ng inflation sa bansa. Ilang iskolar Pahayag naman ng Because of that, the owner Parents- of the buses decided to ang nagpahayag ng Federated Association, raise the payment for the pagkadismaya dahil sa Teachers nang bus.” biglang pagtaas ng bayad matagal sa bus, mula P1000 ay ipinagpaliban ang singil sa Matagal na raw sana itong pamasahe sa bus sa pag- binalak na pataasan ngunit naging P1200. Ayon sa isang aakalang bababa pa ang umasa ang may-ari ng mga bus na bababa pa ulit ang Grade 10 iskolar, “Sana presyo ng langis. Ayon sa FPTA presyo ng gasolina. ay inunti-unti na lang Ang pagtaas ng ang pagtaas, hindi yung Officer ng kampus, “Every week, gas prices increase. presyo ng gasolina ay dulot pabigla-bigla.“
/ FAHADH ABBAS
UP ECONVERGENCE 2018
Train Law at edukasyon, pinaksa Lumahok ang mga estudyante mula sa iba’t ibang parte ng bansa noong ika-24 hanggang ika-25 ng Pebrero sa Econvergence 2018 sa University of the Philippines - Los Baños. Bahagi na sa law will give big budget to paligsahang ito ang walo the education. Increase sa mga estudyante ng functional literacy of the PSHS - CMC na lumahok people and improve the sa intellectual encounter number years of schooling debate, essay writing, at since it is an indicator in the human development poster making. Naging pokus sa naturang index. If they develop leverage paligsahan ang kakayahan education, ng kabataan na umambag from the program and para sa dekalidad na momentum effect. Will be edukasyon para sa lahat. felt in 15 years in the labor Ang tema ng paligsahan force.” ang ay, “Bridging the gap Naglalayon towards accessible kompetisyon na palawakin quality education,” na ang kaalaman ng kabataan pinangunahan ng UPLB ukol sa Tax Reform Economics Society. Act o mas kilala bilang Ayon kay TRAIN Law na isa sa mga Metchelle A. Malinog, guro inaprubahan ni Pangulong sa Economics, “The train Duterte.
CMC lumahok sa PSYSC Science Olympiad Ika-8 ng Sityembre, araw ng Sabado, nagtipon-tipon ang iba’t ibang mag-aaral mula sa iba’t ibang rehiyon upang gumanap sa PSYSC Science Olympiad National Eliminations sa Gusa Elementary School. Anim na iskolar ang ipinadala sa ilalim ng patnugot ni G. Chris Ramayla upang kumatawan sa Phlippine Science High School – Central Mindanao Campus. Ito’y sina Demy Valerie Chacon, Nathan Wayne Ariston, at Marben James Baculpo para sa junior high na kategorya (Bracket II) at Ed Christian Tudela, Ivan Richmond Jumawan, at Kaye Francesca Cabahug para sa senior high na kategorya (Bracket III). Ang mga iskolar na nakilahok sa kompetisyong ito ay nabilang sa Top 20 Finalists (Bracket II at III) at nagpatuloy sa National Finals noong ika-29 ng Sityembre sa UP Diliman, Quezon ITULOY SA PAHINA 3
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Kuha ni Lorvi Pagorogon
Galing sa numero at lohika ipinamalas sa Sudoku Challenge Ginanap ang 13th Philippine Sudoku Challenge noong ika-29 ng Setyembre, kasabay ng Diyandi Festival ng Iligan at pagputol ng linya ng signal sa buong syudad sa araw ng pagdiriwang. Naging dahilan ang trapik at pagkawala ng signal sa pagkabago ng plano ng mga manlalahok ng Sudoku Challenge at ang hindi pagkakaintindihan kung saan at anong oras sila magtitipon-tipon. Ayon sa mga kalahok, hindi lahat nakarating sa tinakdang oras dahil sa walang masakyan patungong Post Office at ang kawalan ng kontak sa isa’t isa. “Nakatira kami sa Tambacan, lugar na malayo sa sentro ng Iligan kaya nilakad namin ng nanay ko ang malayong distansya upang makarating sa aming tagpuan,” ani ni Abdurazzaq Maraye, isa sa mga kalahok. Hindi pinigilan ng pagkaiba ng kanilang plano ang pagtamo ng medalya ng mga iskolar sa Sudoku Challenge. Nakatamo ng pangalawang puwesto si Abdurazzaq G. Maraye at tinanghang kampiyon si Shanea J. Olino. / HANSEL JAMPIT
BALITANG DAGLI
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
BALITA
UP Balangay 2018
Balitang lathalain
Gulo sa Mindanao, tinalakay
We know what is happening in Mindanao more than anyone else – Sir Masoy Noong Pebrero 10, 2018, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral galing sa Luzon at ang kaisa-isang koponan mula sa Mindanao sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman para sa Balangay 2018. Ang mga mag-aaral mula sa PSHS - CMC ang tanging mga kalahok na nagmula sa Mindanao at hinirang din bilang overall champion ng paligsahan. Ayon kay Carl Kevin Sapio o mas kilala bilang Masoy, ang tagapangasiwa ng koponan ng CMC, “The feeling was super happy because there is pressure from us and the motivation, whatever you performed there
comes from the heart. We live in Mindanao, we know what is happening in Mindanao more than anyone else. “ Ang tema ng paligsahan ay "Achieving peace through armed conflicts" na pinangunahan ng Political Society ng Unibersidad ng Pilipinas. Naglalayon ang paligsahan na turuan ang mga magaaral tungkol sa peace process at pati na rin pederalismo. Nag-inbita ang mga taga-pangasiwa ng mga eksperto sa paksa upang bigyan ng masinsinang diskusyon ang mga kalahok. Binigyang-pansin ng kompetisyon ang kabataan at ang tulong na maibibigay ng kabataan tungo sa kapayapaan. Dagdag pa ng guro, “The
theme is all about peace. It was a goood event because we want to let as much as possible all of the Filipino people to know peace in Mindanao is something that can be achieved by everyone, not just the people from Mindanao. We want
to debunk misconceptions and false mindsets. There are conflicts in Mindanao but peace can be achieved if we work together. It was a great eye-opener and was a great avenue for expressing ourselves.”
/ KRISTIN DACLAN Kuha ni Carl Kelvin Sapio
CHAMPION SCHOOL. Tinanghal na Overall Champion ang PSHSCMC sa Balangay 2018 sa UP Diliman matapos magwagi sa iba-ibang paligsahan.
Ilaw at daan, sinigurado
Sa pagbubukas ng akademikong taong 2017 – 2018, naidagdag ang mga bagong pagpapailaw sa mga daanan ng MPPA-KGM na dumadagdag sa seguridad ng paaralan sa pagsapit ng gabi, organisasyon ng mga daanan, at ikagiginhawa ng mga miyembro na bumubuo sa paaralan. Inaasahan ng marami na malalagyan ng bubong ang lahat ng mga daanan sa MPPA-KGM para sa ikagagaan at ikadadali ng gawain ng mga iskolar, mga guro, at mga staff. / FAHADH ABBAS
KAMPEON. Nagwagi ang koponan ng kampus sa intellectual encounter debate sa ginanap na Econvergence 2018 sa UP Los Baños.
Ayon kay Bb. Malinog, “On the level of the students since they cascade it to the level of the students with different events, topics are connected to the overall theme. They started with orientation and invited resource speakers from bangko sentral and NEDA experts of tax
collection and disbursement. Different activities cascade to the student level since the concept is for college students.” Nagwagi naman ang koponan ng kampus sa intellectual encounter debate at hinirang na kampyon. / HANIAH AMPUAN
2018 NATIONAL Schools Press Conference
Panulat-Pisay, ibinandera
Pinatunayan ng mga iskolar ng PSHS-CMC na hindi lamang sila magaling sa Agham at Matematika kundi may angking galing din sa larangan ng pagsulat at pamamahayag.
Iwinagayway ng mga iskolar ng MPPA – KGM ang bandera ng Pisay sa pamamagitan ng pagsali sa National Schools Press Conference, ang tinaguriang olympics ng pamamahayag. Nakamit ni Alexander Q. Bello Jr. ang ika-6 pwesto sa Paligsahan sa Pagsulat ng Balita habang na nakalahok din si Janina Erika Bayron sa Paligsahan sa Pagsulat ng Lathalain. Ginanap ang NSPC sa Dumaguete City nitong Pebrero 2018. Isinulong ng NSPC ang
temang “Embracing ASEAN Integration: Campus journalists’ role in advancing inclusive education” kung saan tinalakay ang malaya at responsableng pamamahayag at de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Samantala, nagwagi rin ng mga parangal ang paaralan sa katatapos na Divison Schools Press Conference 2018 at ang mga nagwagi ay lalahok din sa Regional Schools Press Conference 2018 sa Tangub City, sa darating na Disyembre.
CMC lumahok sa PSYSC... mula pahina 2 City. Gayunpaman, hindi sila pinalad na manalo rito. Sa kabilang dako, naiuwi ng isa sa mga kalahok sa Bracket II na si Nathan Wayne Ariston ang gantimpalang Top Scorer sa National Eliminations. / HANIAH AMPUAN
Plebisito sa pagsali sa BARMM, itatakda sa anim na bayan sa Rehiyon 10
Kuha ni Jeremy Baluyo
KALINAWAGAN. Ipinaliwanag ng miyembro ng opisina ng Presidential Adviser on the Peace Process, Atty. Omar Yasser C. Sema ang mga hakbang tungo sa Bangsamoro Autonomous Region.
Sa mga paligsahang tulad nito nakilala ang kakayahan ng mga iskolar na hindi lamang saklaw ang agham, kung hindi pati na rin ang kakayahang komunikatibo. / Fahadh Abbas
“I WILL MAKE THIS school, a ‘Garden of Eden’.” Isa ito sa mga hindi malilimutang linya ni Engr. Lorvi B. Pagorogon, ang Kampus Direktor ng MPPA-KGM. Sa kanyang ikatlong taon, tila nagkakatotoo na nga ang planong ito. Iba’t ibang halamang namumulaklak at dinamumulaklak ang bubungad sa mga bisita ng kampus. Nariyan din ang fish pond kung saan maaaring humiling at maghulog ng barya. Makikita rin ang mga bench sa iba’t ibang dako ng kampus. Matatagpuan sa kampus ang iba-ibang halamang ornamental na hindi madalas nakikita tulad ng African talisay at iba pa. Unti-unti na ring binabalot ng damong bermuda sa field. Nandiyan din ang mga vase at figurines sa gilid ng daanan. Sa gitna ng kampus, ang rotonda ay nilagyan ng malaking 3D logo ng PSHS at ang pundasyon nito ay ang mga core values ng paaralan: Excellence, Service at Integrity Inaasahan na ang mga pagpapagandang ito, katumbas ang mas maginhawang pag-aaral sa kampus. / Alexander Q. Bello Jr.
SCHOOL WITHIN A GARDEN. Ito ang gusto ni Kampus Direktor Lorvi Pagorogon sa Philippine Science High School - Central Mindanao Campus sa kanyang pagpasok sa institusyon. Makalipas ang ilang taon, nagkakatotoo na ang kanyang nais, paaralan sa loob ng hardin.
Kuha ni
PAGKILALA. Kinilala ang isang iskolar ng PSHS-CMC sa pagkawagi nito sa paligsahan sa pagsulat ng balita sa NSPC 2018.
‘I will make this school a garden of Eden’ - Kampus Direktor
Kuha ni Chris Ramayla
International History Bee screening, ginanap
Upang makabuo ng koponan na sasali sa International History Bee at History Bowl, ginanap ang dalawang screening nitong Oktubre 6 at Oktubre 12 para sa mga iskolar na may angking talino sa larangan ng kasaysayan at heograpiya. Sa pamamahala ni G. Adrian Auditor, isang guro sa asignaturang Agham Panlipunan, ikinasa ang isang screening na naglalayong makapili ng 21 na iskolar na sasabak sa naturang paligsahan na inaasahang gaganapin sa buwan ng Abril. Ang mga iskolar na napili sa naturang screening ay sasabak sa serye ng mga pagsasanay upang hasain ang kanilang kaalaman sa kasaysayan. Ang pagsali sa mga kompetisyong internasyunal ay kabilang sa success indicators ng paaralan. / Francis Arcamo
3
Isang plebisito ang itatakda sa anim na bayan ng Rehiyon X kung mapabibilang na sila sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kabilang ang Munisipalidad ng Balo-i na kinatatayuan ng paaralan. Ang plebisito isang boto Ang 45-araw na ng mga tao ng isang buong bansa panahon ng kampanya ay o distrito upang magpasya sa magsisimula sa Disyembre 7 at ilang mga isyu, tulad ng pagpili magtatapos sa Enero 19, ayon sa ng isang pinuno o gobyerno, isang memorandum na ibinigay pagpipilian para sa pagsasarili noong Agosto 31 ni Bartolome o pagsasanib ng isa pang Sinocruz, Jr. Deputy Executive kapangyarihan, o isang tanong Director ng Operations para ng pambansang patakaran. sa Comelec, na tinawag sa mga
direktor ng Comelec ng (ARMM, Region 10 (Northern Mindanao) at Rehiyon 12 (Southwestern Mindanao, tinutukoy din bilang Soccsksargen). Sa isang plebisito, ang mga botante ay hiniling na huwag pumili sa pagitan ng mga alternatibong rehimen o mga panukala ngunit upang kumpirmahin o tanggihan ang pagiging lehitimo ng isang tiyak na anyo ng pamahalaan o pamamaraan ng pagkilos. Nagbigay ang Balo-i at Nunungan ng resolusyon na humihingi ng isang plebisito sa buong probinsiya habang ang mga barangay sa Pantar ay nagbigay din ng parehong resolusyon upang malutas ang hindi pagkakaunawaan ng paggamit ng mga resulta ng plebisito noong 2001. Ito ay umalis sa mga bayan ng Munai at Tangcal na hindi naglalabas ng anumang resolusyon, at hindi sumali sa pampublikong pagdinig ng
mga bayan na naghahangad na sumali sa BBL peripheral na mga teritoryo. Idinagdag ni Lim na nagsumite sila ng mga resolusyon sa parehong Senado at Kongreso upang magsagawa ng plebisito sa buong lalawigan “upang matukoy kung ang mga munisipyo ng Tagoloan, Balo-I, Tangcal, Munai, Nunungan at Pantar ay dapat kasama sa pangunahing teritoryo ng pinalawak Ang teritoryo ng Bangsamoro sa ilalim ng BBL, “sabi ni Lim. Sa sandaling pinagtibay, ang ARMM ay itinuturing na inalis at ang BARMM ay kukuha, sa simula sa pamamagitan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na itatakda ni Pangulong Duterte. Ang BTA, na magiging pinuno ng MILF, ay mamamahala sa lugar hanggang sa halalan ng unang hanay ng mga opisyales sa Mayo 2022. / PAULINE
CREAYLA
Tanaw sa Pag-unlad... mula pahina 1 pagbabago sa pasilidad. Mayroong Rainwater Collection System na makikita sa likod ng bawat gusali upang mapag-imbakan ng tubig at matiwasay na magamit ang mga palikuran bilang alternatibong solusyon sa kakulangan ng tubig sa lugar. Sa katunayan, epektibo na itong nagamit nitong 4th Quarter Recognition, Tribute to Parents at Commencement Exercises. Mayroon na ring Green House sa likod ng Acad 2 na kahilera ng hardin, fish pond, at kulungan ng mga hayop, para sa agrikultura. May Chemical Waste Disposal Management ding gusali na siyang tumutugon sa mga delikadong dumi ng lumulubong laboratoryo ng paaralan. Mayroon na ring mga bagong kama sa klinika upang mas maalagaan at magkaroon ng komportableng lugar para magpahinga ang mga may karamdaman. Mayroon na ring mga bago at 24 oras na gumaganang CCTV, digital clocks at information boards para sa impormasyon ng mga iskolar. Marami pang inaasahang mga pagbabago at pag-unlad ng kampus. Inaasahang ang mga pagunlad na mga ito ay makakatulong upang mas lalong mapaunlad at mapayabong ang bawat kakayahan ng mga iskolar. Marami ng magagawang mga activities at mas lalong magiging malawak ang magagawang mga pagsusuri ng mga iskolar dahil sa mga bagong kagamitan sa mga laboratory. Isa rin itong inspirasyon sa mga iskolar na maging mabuti pa sa pag-aaral dahil hindi magagawa ang pasilidad na mga ito kung hindi dahil sa buwis ng bawat mamamayang Pilipino. / RIZZA GONZALES
4
BALITA
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
“Language Barrier”, hindi hadlang sa pagkakaunawaan Isinaad ni Demy Chacon, isa sa tatlong iskolar ng Philippine Science High School – Central Mindanao Campus na ipinadala sa Taiwan, na sa paglahok nila sa paligsahan bilang ‘multinational team’ ay hindi sumagabal ang pagkakaiba ng wika ng kaniyang mga kasama upang sila’y magkaintindihan. Tatlong iskolar, na pinangalanang Nathan Wayne Ariston, Trishia Battung, at Demy Valerie Chacon,
ang kumatawan sa paaralan nang dumalo sila sa 2018 Asia-Pacific Forum for Science Talented na ginanap sa National Taiwan Normal University (NTNU) noong ika-11 hanggang ika-16 ng Hulyo. “Naglaban kami hindi ayon sa magkakatulad na bansa kundi pinagsamasama kami upang bumuo ng ‘multinational team’. Halimbawa sa isang grupo mayroong galling sa Pilipinas, Japan, etc... Kahit na may hadlang
sa wika, kinaya parin naming magkaisa sa paglahok ng paligsahan.” sinabi ni Demy. Ayon sa imbitasyon, dinisenyo ang pagtitipon na ito upang ipakilala ang mga magaaral sa gitna at kataas-taasang paaralan, magpakita ng talento, at magtulungan sa pagtrabaho sa kabila ng kanilang pagkakaiba ng kultura. “Ang kaganapan ay di ko malilimutan” sagot ng iskolar nang kinumusta sa karana-
Function hall, itinayo
san niya sa Taiwan, at dinagdagan ng “pero ang mga taong nakilala ko ang mas nagbigay ng kabuluhan sa pagpunta
Minor programs, inaasahang igaganap dito
Bilang solusyon sa kakulangan ng mga silid ay ipinatayo ang function hall kung saan 60 na bilang ng tao ang maaaring magkasya upang doon ilagay ang mga hindi na kasya sa Academic Buildings 1 at 2. Ipinatayo din ang function hall upang dito ganapin ang mga maliliit na mga aktibidad ng paaralan o ng mga estudyante na nangangailangan lamang ng konting bilang ng tao dahil masyadong malaki ang gym para dito. Ayon naman kay BAC
Secretarian Ian Cadile, maaari naman daw itong gamitin ng kahit sino kagaya ng mga estudyante, faculty at staff hanggat mayroong pahintulot at naaprubahan ang "slip" na kailangang ipasa ng mga may gustong gumamit ng function hall. Sinimulan ang bidding para sa proyektong ito noong ika-26 ng Disyembre, 2016 at sinimulan ang konstruksyon noong ika-27 ng Pebrero, 2017 na mayroong 240 calendar days. Hindi naging sapat ang 240 araw dahil sa mga malal-
aking bato na kinakailangan pang alisin na sanhi ng madalas na pag-ulan at Marawi siege kaya naman neto lang Hulyo 13 ng taong ito natapos ang konstruksyon. Ang pagtatayo ng function hall ay nasa isang proyektong dalawa ang komposisyon, ang isa pa sa komposisyon nito ay ang dormitory 3 na nakapalibot sa function hall, matatagpuan naman natin ang function hall sa likod ng gym ng kampus. /Aira Tiongson
“Noong hunyo lang naibigay ang authorization* na galling sa DBM kaya noong hunyo lang nasimulan ang bidding para sa mini bus, na ngayon ay tapos na,” giit ng Head Secretarian. “Siyamnapo ang pinakamataas na bilang ng araw ang hihintayin bago natin magamit ang mini bus sapagkat kelangan pa itong pinturahan at lagyan ng mga kagamitan na didipende sa kagustuhan ng ating paaralan” dagdag pa niya Ang mga mini bus naman na ito ang gagamitin ng mga estudyante para sa iba’t ibang mga okasyon o kompetisyon na kailangang puntahan ng paaralan. /Aira Tiongson
sa programa na malinis at organisado. /Hansel Jampit
Mini bus ng paaralan, malapit nang magamit Sa ika-1 ng Enero, 2019, ipapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Cagayan De Oro (CDO) ang Regulasyon ng Plastic Bag sa buong lungsod upang mabawasan ang basura at maiwasan ang pagbaha. Kinakailangang magdala ng kanilang sariling bag ang mga mamimili sa CDO sa pagpapatupad ng Ordinansa No. 133782018 na nagbabawal ng mga carryout plastic bag. Sa nakararaang taon, sinimulan ang pag-areglo ng mga lokal na pamahalaan dito sa Pilipinas ang paggamit ng plastic sa kani-kanilang munisipalidad, kabilang ang mga paaralan.
CDO, aaksyon sa problema ng Plastik Aprobado na nito lang Hunyo ang mini bus ng Mataas ng Paaralan ng Pilinas sa Agham – Kampus ng Gitnang Mindanao (MPPA-KGM) na siyang nirequest noon pang nakaraang dalawang taon, ayon sa isang opisyales ng Bidding and Award Committee (BAC) ng naturang paaralan. Ang Department of Budget and Management (DBM) ang magbibigay ng halaga at ang pipili kung ano mang klase ng bus ang i-proprocure para sa paaralan. Sabi ni Ian Cris L. Cadile, ang Administrative Head ng paaralan, hindi makakapagprocure ang paaralan kung walang authorization na galing sa Department of Budget and Management (DBM). “Lahat ng mga pinapatayo at itinayong mga imprastraktura at iba pang mga kagamitan sa paaralan ay dumadaan sa BAC na siya ring pumipili sa kung anong paraan ng pagbili ang gagamitin,” ayon sa kaniya. Kung sakali mang umabot ng isang milyong piso ang halaga ng bibilihin ay doon na isasagawa ang public bidding, ang BAC ang pipili kung sinong supplier ang mananalo sa bidding na may pinakamababang presyo at mayroong magandang kwalipikasyon.
ko doon.” Bukod sa mga tao, pinuri din ni Demy ang lugar ng pagtitipon at ang pangangasiwa
Mula sa taong 2015, pinagbabawal ng PSHSCMC ang paggamit ng straw, at ang pagbibenta nito sa kantin ng paaralan. “Binabawal namin ang paggamit ng straws dito upang makabawas sa polusyon ng plastik“ ayon kay Jenylen Bacor, isa sa mga empleyado ng kantin. Sinabi din ng empleyado na mahalaga ang pag-aareglo ng plastik dahil nakatutulong itong bawasan ang basura, lalo na sa panahon ngayon. “Kahit na maliit lamang na aksyon ang pagbabawal ng straw, sana maipatuloy natin ito sa hinaharap”, sabi ni Jenylen. / Hansel Jampit
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
OPINYON
Pangulong Tudling
5
‘Di Patitinag
Ayon sa Bangsamoro Organic Law o BOL, dadaan ang Balo-i at lima pang ibang lungsod tulad ng Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sa isang plebisito upang matukoy kung masasali sila sa teritoryo ng Bangsamoro. Kasabay nito ang posibilidad nang paglipat ng lokasyon ng Philippine Science High School – Central Mindanao Campus dahil sa paglagda ni Pangulong Duterte sa BOL, ang hinihintay nalang ay ang resulta ng plebisito sa Balo-i. Naniniwala ang CMC na dapat hindi ilipat ang kampus sa ibang lokasyon, masali man ang Balo-I sa Bangsamoro o hindi. Dahil sa pag-apruba ng pangulo sa nasabing batas, kinabukasan ng paaralan ay hindi tiyak sa bawat araw na lumilipas. Lalo pang bumigat ang magiging epekto ng batas dahil sa mga nagdaang mga taon, nadagdagan ang mga istruktura sa kampus at umuunlad na ang mga pasilidad na gagamitin ng mga iskolar. Ngayong taon lang sinumulang ginamit ang pinakabagong gusali na may mga bagong laboratoryo at kasisimula pa lang na Student Learning Resource Center na layong dagdagan ng mas magaganda pang pasilidad ang mga
iskolar. Dahil sa BOL, maaaring ang lahat ng mga nagawa na at ang lahat ng mga ginagawa pa ay maaaring mapunta sa kamay ng iba. Ayon sa batas, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga Maranao na maipahayag sa administrasyon ang kanilang mga hinaing at mabigyang representasyon ang iba’t ibang kultural na grupo sa pinaplanong teritoryo ng Bangsamoro. Nakapaloob din sa mga usap-usapan ng mga eksperto ng batas, gaya ni Jamel Camayondin, isang propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas, na pagpapatibayin pa ang mga negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng Moro National Liberation Front o MNLF at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF. Kahit na maganda ang mga layunin ng naturang bansa,
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus
maraming buhay ang maapektuhan sa Mindanao. Kung sakaling masasali ang Balo-I sa Bangsamoro Territory, mapipilitan na namang lumipat ang kampus sa ibang lokasyon sa kabila ng lahat ng pag-unlad ng mga imprastraktura sa paaralan. Ang kalidad ng edukasyon ng mga pag-asa ng bayan ay maapektuhan lalo na’t may malaking banta laban sa seguridad ng paaralan. Edukasyon ng kinabukasan ng Agham at Teknolohiya ng bansa
ang ating itinataya, ang pagunlad at ang pag-asa ay hawak ng kabataan, panawagan ng 90% ng bumubuo sa populasyon ng CMC na manatili ang kampus sa Balo-I kahit anumang pagbabago ang mangyari sa Mindanao. Sa kabila ng pagbabantang ito, mas mabuti na ang maging handa tayong lahat sa maaaring kinabukasan ng ating paaralan kaysa umasa tayo sa haka-haka ng taong bayan.
Handa na ka BARMM? Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Zamboanga City noong ika26 ng Hulyo, taong 2018, ay inilahad ng Pangulo na napirmahan na niya ang Bangsamoro Organic Law o BOL – ang batas na magbibigay-daan sa pagbuo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na magiging dalawampu’t limang porsiyento lamang ng tahanan ng ating mga kababayang Muslim kabuuang kita ng rehiyon ang ibibigay sa na ipinaglalaban ang kanilang kahilingang pamahalaang sentral ng bansa. Ito ay mas magkaroon ng pansariling pamahalaan. mataas sa dating pitumpong porsiyento Ayon kay Jamel Camayondin, at tatlumpong porsiyento na hatian isang propesor mula sa Unibersidad ng ARMM at ng pamahalaang sentral. ng Pilipinas, ang BOL ay adbokasiya ng Magbibigay din ang sentral na pamahalaan bawat Muslim sa bansa. ng taunang “block Ilang administrasyon grant” na limampu’t at taon din ng Ang mga pangako siyam na milyon mula sa negosasyon sa pagitan kabuuang kita ng bansa. ng batas na ito ay ng pamahalaan, MNLF Ito ay ibibigay ng walang at ng MILF ang kanilang nananatiling mga salitang katumbas na kahit na pinalipas at hinintay anong kondisyon. upang mapirmahan walang kasiguraduhan sa Ang kongreso ng lamang ang batas na ngayon. BARMM ay bubuuin magbibigay-pansin sa ng walumpong mga pangangailangan miyembro: ang kalahati at sentimiyento ng ating mga kababayang ay magmumula sa mga kinatawan ng Muslim, mga sentimiyentong hindi mga partido, apatnapung porsiyento ay naririnig ng pambansang pamahalaan. mula sa mga kinatawan ng mga distrito, Ang panibagong rehiyon ng sampung porsiyento ay magmumula sa BARMM ay bubuuin ng kasalukuyang ARMM mga kinatawan ng mga sektor, at dalawang – Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Maguindanao, at upuan para mga residente at katutubong Lanao del Sur. Mapapasama rin sa nasabing hindi Moro. rehiyon ang anim na munisipalidad ng Ito ay iilan lamang sa mga Lanao del Norte at tatlumpu’t-siyam na probisong nakapaloob sa pinirmahang barangay ng Cotabato kung sakali mang batas. Sa unang dinig ay talaga namang sumang-ayon ang karamihan sa mga nakakahalina ang batas na ito. Tunay nga botante sa plebisitong gaganapin. naman kasi talagang maganda ang layunin, Nakapaloob din sa batas na ngunit kung talaga namang kikilatisin
INKWISITIBO
Haniah Ampuan
Patnugutan Punong Patnugot: Fahadh P. Abbas Ikalawang Punong Patnugot: Haniah P. Ampuan Tagapangasiwang Patnugot: Pauline C. Creayla Mga Patnugot-Pampahina Balita: Hansel Q. Jampit Opinyon: Jhon Vin Allan B. Diala Lathalain: Stephanie S. Clavano Agham: Nathan Wayne F. Ariston Isports: Vincent Blue Q. Mosqueza Tagakuha ng Larawang Pampahayagan: Clarevel P. Balanay at Jayem Petallar Tagaguhit: Kristin Mari F. Daclan Tagahubog ng Pahina: Israel B. Gunay, Jozette Nicole R. Ardiente, Alexander Q. Bello Jr. at Kristin Mari F. Daclan Tagapayong-Guro ng Pahayagan: Bb. Rizza Marie B. Gonzales Kampus Direktor: Engr. Lorvi B. Pagorogon *** Ang mga pananaw na ibinahagi sa pahayagan na ito ay ayon sa mga manunulat at hindi nangangahulugang kumakatawan sa patnugutan at pamunuan ng PSHS-CMC. Para sa mga komento, tanong o suhestiyon, mag-iwan ng mensahe sa Ang Ilayin Facebook Page.
mo ang bawat anggulo at sulok, makikita natin na isang napakahirap na proseso ang kailangang pagdaanan ng bansa lalong-lalo na ng mga taong direktang maapektuhan nito. Sa ngayon, ang daan ay tila malubak at ang kinabukasan ay nananatiling malabo. Bagama’t nangako ang pangulo na tutulong siya upang ipagkaisa ang iba’t-ibang tribo ng mga Moro, marami pa rin ang natatakot, lalong-lalo na ang iilan sa mga lider ng MNLF, na mawalan ng kapangyarihan sa ilalim ng panibagong rehime. Bagama’t marami rin ang nagsasabing hindi matutulad sa palyadong ARMM ang bubuuing BARMM, mas marami pa rin ang may mga pag-aalinlangan ukol sa batas na ito. Handa na ba ang Pilipinas sa napakalaking pagbabago na ito? Paano pamumunuan ng administrasyon ng BARMM ang kanilang rehiyon at mga tao? Paano kung mas maging makapangyarihan lamang ang mga nasa itaas at mas malugmok sa kahirapan ang mga nasa ibaba? Ang tao ay madaling masilaw sa pera at kapangyarihan. Magiging madugo ang proseso, at ang mga pangako ng kaunlaran, kapayapaan, at kaayusang hatid ng batas na ito ay nananatiling mga salitang walang kasiguraduhan sa ngayon.
Liham sa Patnugot Klasrum para sa SYP Sa mga patnugot ng Ang Ilayin, Sa Akademikong taon pong ito ay magtatatlong taon na rin po ang Specialization Years Program sa Pisay. Ito po ang tugon ng K to 12 program ng pamahalaan kung saan magkakaroon na ng karagdagang dalwang taon sa sekundarya, Grade 11 at 12. Ngunit, kaakibat ng pagsisimula ng pagbabagong ito ay ang kakulangan ng mga silid-aralan para ma-akomoda lahat ng mga estudyante. Ang ibang year levels ay walang permanenteng klasrum at ang iba ay nagtitiis lamang sa mga hindi natatapos na silid sa gymnasium. Hindi naman po sa nagrereklamo ngunit nais ko
lamang pong ipabatid sa mga kinauukulan ang mga epekto nito sa amin bilang iskolar. Naaapektohan po ng aming silid ang aming pag-aaral sapagkat nababaling ang aming atensyon sa ingay ng mga makinang mula sa mga ipinapagawang mga gusali. Minsan nga po ay hindi namin marinig ng maayos ang sinasabi ng aming mga guro dahil masyadong bukas ang silid. Naiintindihan ko po na kasisimula pa lamang po ng pagbabagong ito kaya hindi pa maaaring maibigay kaagad ang aming mga hinaing. Ngunit, sana po ay maging mabilis ang paglutas ng suliraning ito, para na rin po sa aming mas mabisang pagkatuto bilang iskolar. -SYP Iska
Sagot:
hindi. Kaya naman, pinagkakasya na lamang natin ang kung anong mayroon tayo ngayon upang masagot ang mga
SYP Iska,
Maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong
hinaing.
Sa isang panayam kay Engr. Lorvi B. Pagoro-
gon, Kampus Direktor, sa pagbubukas ng SYP noong nakaraang Akademikong taon, sinabi niyang magiging abala nga para sa mga iskolar ang kakulangan ng permanenteng klasrum para sa mga Grade 11 at 12. Ngunit, pinaliwanag niya na ang pagkakaroon ng programang ito (SYP) ay isang batas na dapat sundin, handa man ang paaralan o
pangangailangan ng mga iskolar sa SYP.
Dagdag pa ng direktor, hindi naman magig-
ing permanente ang ating pagtitiis sapagkat panandalian lamang ito. Kasalukuyan nang itinatayo ang Academic Building 3 kung saan magkaklase ang mga Grade 11 at 12. Aniya, ang gusaling ito ay maglalaman ng mga laboratoryo na gagamitin ng mga iskolar na nasa SYP sa kanilang pananaliksik at iba pang asignatura. -Mga Patnugot
6
OPINYON
Usapang Ugali Hindi maiiwasan sa loob ng pamamalagi ng isang iskolar sa Pisay na makatagpo ang tanong na “Anong tingin mo sa mga lower batches ngayon?” – at mas madalas pa kaysa sa hindi na maririnig mo ang mga sagot na hindi kaayaya. Naging kaugalian na ng mga nasa matataas na baitang na mamuhi sa mga nasa mas mababang baitang, minsan pa sa walang tiyak na kadahilanan. Ito ay kadalasang humahantong sa paninira at panghuhusga ng buong kinatawan ng mga iskolar. Kapares nito ay ang pakiramdam ng mataas na pananaw sa sarili. Minsan din naman, ang pagkamuhing ito ay buhat ng iilang mga dahilan. Maaaring ito ay dahil sa kawalang-galang na pag-uugali o ang pagsasawalang-bahala ng mga nakababatang iskolar sa mga tuntunin at regulasyong pampaaralan. Maraming mga iskolar ang nagrereklamong ang mga nasa mababang baitang umano ay gumagawa ng sobrang ingay sa mga pasilyo, at kahit na napagsasabihan na ay tuloy pa rin na nag-iingay. Ngunit paano nga ba mapabubuti ng mga nasa mababang baitang ang kanilang mga sarili kung ang kanilang nakikita at naririnig ay pawang mga pamumuna at pamimintas mula sa
Bilang mga taong may dignidad, kinakailangan lamang nating igalang ang bawat isa. mga nasa matataas na baitang? Ano na ba ang nangyari sa mga nasa matataas na baitang na dapat ay magsilbing magandang halimbawa? Ang mga nasa mababang baitang, syempre, ay wala pang masyadong kamalayan sa kultura at sistemang Pisay. Ang kanilang kakulangan ng karanasan sa loob ng kampus ay nakadaragdag sa mga pagkakataong sila’y maaaring magkamali. Gayunpaman, hindi ito nagbibigay sa kanila ng karapatan na maging bastos sa kanilang kapwa iskolar, lalo na sa mas nakatatanda sa kanila. Sa tuwing may mga nangyayaring hindi maganda at kaintri-intriga sa mga nasa mababang baitang, maraming mga agamagam ang lumalabas. Makikita at maririnig mo ang mga opinyon mula sa iba’t ibang iskolar hindi lamang sa kampus kung ‘di pati na rin sa social media kagaya ng Facebook at Twitter. Mga saloobi’y napapahayag ngunit wala naman talagang ginagawa upang mapangaralan ang kung sino man ang may nagawang kasalanan. Lahat ng mga nasa matataas na baitang ay inaasahan na magsilbing modelo sa mga nakababatang iskolar. Sa halip na sila’y gawing laman ng tsismis at agam-agam, butihing tulungan at kausapin ang mga taong apektado. Pakatatandaan na ang mga iskolar ang behikulo upang mapasa ang kultura ng Pisay mula sa isang henerasyon patungo sa susunod pang mga henerasyon. Kaya nararapat lamang na baguhin na ang kulturang nakasanayan na siraan ang isa’t isa, at gawing isang kultura na hinihikayat na mapabuti ang isa’t isa.
SALOOBIN Jhon Vin B. Diala
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Student Activities, Nasaan? Kada taon, may inaantay tayong mga kasiyahan na pinangunguhan ng kapwa kamag – aral bilang pahinga mula sa hirap at pagod na dinanas sa ating pag – aaral at may kinatawan tayo na siya’ng dumidinig ng ating mga hinaing patungo sa mga nasa itaas. Nawala ang lahat ng ito ng tanggalin ang SCS o kung saan tayo ay nagkakaisa at nagsisiyahan. Student Council of Students. Mahihirapan tayong ibalik ang Dalawang taon na ang nakalipas lahat ng mga bagay na ito kung wala tayong mula ng tanggalin ang SCS sa ating paaralan. isang organisasyon ng mga kapwa iskolar na Kitang – kita ang epekto nito sa atin ngunit ang tanong ay may pag -asa pa bang maibalik sya’ng magiging kinatawan at mangunguna sa atin sa lahat ng mga galaw natin sa ating ito? paaralan. Wala na tayong mga Noon, halos lahat kinatawan na maghahatid ng mga tao dito sa Pisay ay Tama naman na may ng ating mga hinaing napakalapit sa isa’t – isa. karapatan tayong magpatungo sa katas – taasang Makikita ito sa tradisyon natin sa pagtawag sa mga saya ngunit ating pag-in- administrasyon ng ating paaralan upang magkaroon nakatatandang iskolar bilang gatan na hindi tayo tayo ng mas maginhawang “Ate o Kuya.” Ngayon, halos sumobra... pag – aaral. hindi na ito nagagamit. Ayon kay Stephanie Kadalasang reklamo ay dahil Clavano na dating miyembro sa kakulangan ng mga programa na kilalanin ang mga baguhang estudyante sapagkat ng SCS, itinangal ang naturang organisasyon kadalasang inrereklamong hindi gumagamit dahil sa hindi kanais – nais na resulta at nito ay ang mga kapapasok lang na iskolar. gawain ng mga iskolar sa mga nagdaang taon Halimbawa ng sinasabing programa ay ang kung paano ipinatupad ang mga aktibidad na GAAP o General Assembly and Acquaintance pinamumunuan mismo ng SCS. Party at ang taunang “League sorting” para Ngunit huwag tayong mabahala sa mga iskolar sa ikapitong baitang. Isa pang sapagkat may mga gawaing pampaaralan pa nawalang tradisyon ng Pisay ay ang pagdiwang rin tayong mararanasan sa taong ito kahit wala ng “Science Camp” at ang “Student’s week.” na ang SCS. Ang mga guro natin ay nagtalaga Dito, nagkakaroon ng panahon ang mga ng mga aktibidad na talagang ikatutuwa natin iskolar na makapahinga at magkaroon ng oras
ISINATITIK NA HINAING
kagaya ng “Pisay Intramurals” at masisilayan pa rin natin ang pagdiwang ng taunang “Buwan ng Wika,” “SMT at Humanities Week” at syempre, ang “Christmas Party.” Alalahanin din natin kung bakit itinanggal ang SCS. Dahil lang din ito sa mga sariling gawain natin na nakalimutan na ang pagiging responsible at disiplinadong iskolar kaya kung gugustuhin nating ibalik ito ay simple lang ang dapat gawin. Matutuo tayong sumunod ng mga batas ng ating paaralan at maging responsible. Tama naman na may karapatan tayong magsaya ngunit ating pag – ingatan na hindi tayo sumobra sa pagpapakasaya na maaring magdulot ng sakit ng ating katawan o anumang di kanais – nais na resulta kagaya na lang noong nagdaang “Kasadya 2017” na kung saan may reklamong nilagnat at nabalian na iskolar dahil sa aktibidad. Kung sarili lang din ang tatanungin, base sa dahilan kung bakit ito tinangal, may pag – asa talaga itong ibalik ang SCS. Kailangan lang talaga nating aalahanin na gumalaw tayo bilang isang iskolar na siya’ng isang responsible at disiplinado.
Kumusta Utak Mo? KANLUNGAN Josh Genelago malaking tulong ang taunang selebrasyon ng “World Mental Health Day” ngunit hindi sapat na ipaalala ang importansya nito isang araw sa isang taon lamang. Dapat ay mas ipagbigay-alam pa ito sa nakakarami nang sa ganu’y maagapan ng kahit kaunti ang pagtaas ng mga kasong ito. Tayo’y magtulungan na ilaganap ang kahalagahan ng isang malusog na kaisipan. Kahit gaano man kaliit na tulong ay napakahalaga na. Gamitin natin ang ating mga boses, at tumayo para sa mental health dahil ito’y isang kayamanang hindi mapapalitan ng kahit ano, at kahit sino. Mental heatlh awareness para sa mas maunlad na bayan!
Anti-krastinasyon PULSO NG BAYAN Geo Gabriel T. Giganto Kapag sumosobra, nagiging masama Isang madalas na katangian sa atin, lalong – lalo na asa mga kabataan ang pagpaliban sa isang gawain tulad ng paggawa ng takdang – aralin o sa mga proyekto. Minsan, pumapasa tayo ng mga bagay na kailangan natin ipasa sa paaralan sa huling araw na at minsan pa ay hindi na talaga. Katamaran ang kadalasang dahilan. Minsan, mas inuuna pa ang mga bagay na hindi gaanong importante kagaya ng paglalaro sa mga makabagagong teknolohiya at paggagala kasama ang mga kaibigan. Lahat ng bagay na nabangit sa itaas ay ang tinatawag na prokastinasyon. Ayon sa tala ng pampahayagang pampaaralan ng Philippine Science High School – Central Mindanao Campus o mas kilala sa tawag na ILAYIN, anguguna sa dahilan kung bakit nangyayari ito sa mga kabataan ay ang pagiging tamad ng mga bata at dahil na rin sa mga bagay na uso ngayon na siya’ng mas inuunang gawin kagaya ng paglalaro ng DOTA o mga gala ng barkada.
Ang maaaring mangyari sa mga kabataan kung mas may inuuna silang bagay kaysa mga bagay na dapat gawin lalong – lalo na sa paaralan ay nakakalimutan nila na gumawa ng mga takdang – aralin at mga proyekto. Para naman sa ibang mga iskolar, ipinagliliban na lamang nila ito at papasa na lang sa araw matapos ang nakatakdang araw sa pagpasa. Ang iba nama’y hindi na lang magpapasa kaya pumapalya ang kanilang mga grado na maaaring humantong sa pagkawala ng iskolar sa paaralan. Ngunit paano ba ito maaagapan? Simple lang naman ito masusulosyunan. Kailangan na didisiplinahin muna ang mga kabataan na mas uunahin ang pag – aaral kaysa sa mga ibang bagay. Maaari itong magawa sa pamamagitan ng pagiging istrikto ng mga guro sa aspetong kailangan ipasa ang mga kailangang ipasa at kung hindi ay may pataw na parusa. Kailangan din ng mga magulang na patnubayan at gabayan ang kanilang mga anak sa kanilang mga ginagawa at siguraduhing
Ang grado ay hindi nagtatakda sa kung ano ang kayang maabot ng tao.
Walang Weekenders makabibili ang mga dormer ng mga pangangailangan na mabibili mo laDaloy ng Diwa mang sa isang lungsod. Clive L. Directo Para naman sa mga tagapangasiwa, ang problema lamang ay dagang walong libong renta buwan-buwan dag nanaman ito na oras para sa mga o isang libo kada buwan bawat iskolar. dorm managers na naatasang banHindi man kalakihan ang isang libo sa tayan ang mga isko at iska na nanatili ilan, para sa iba ay pang dalawang ling- sa dorm. Nung panahon na pinapayago na yan na panggasto sa gan pa ang pananatili sa pagkain. dorm kahit na katapusan Lubos na ikatutuwa ng na ng linggo, hinahati ng Ang paaralan ay ang mga magulang at lalo na sa mga iskolar na ninira- ating ikalawang tah- mga dorm managers ang oras sa pagbabantay upahan sa dormitotyo ang anan. ng patas pa rin ang kanilpagpapahintulot na ibaang igugugol na oras kaya lik ang pagtira sa dorm mas maganda kung ito tuwing sabado at lingo sapagkat sigunalang parin ang kanilang gawin kung rado na na mababawasan ang kanilang sakali man. buwan-buwang gastusin. Mas gagaan Sa kabuuan, sana nga maibalik rin ang loob ng mga magulang kung na ang pananatili sa dormitoryo kahit ang kanilang mga anak ay nasa dorm na katapusan na ng linggo sapagkat tuwing linggo lamang sapagkat mas nababantayan sila ng mga tagapan- hindi lamang sa makatitipid ang mga intern, mas mababantayin at mas ligtas gasiwa sa loob ng dormitoryo. Kaya lang, hindi na masyado rin sila kung sa loob lang sila ng kampus titira.
Pauline C. Creayla
Ang mental health o kalusugang pangkaisipan ay isang napakaimportanteng talakayin sa buong bansa ngunit tila’y hindi ito nabibigyan ng ka-angkopang atensyon at suporta mula sa publiko. Ang paksang ito ay dapat pinapahalagahan at binibigyan ng angkop na aksyon upang mapanatili ang kagalingan nagawang kitilin ng isang paslit ang nag mga mamamayan. Nakababahala kaniyang sariling buhay. Mula sa taon lamang ang bilang ng mga indibidwal 2012 hanggang 2016, may naitalang na nagkakaroon ng depresyon lalo na 237 kaso ng pagpapakamatay na sa mga kabataan at ang masaklap pa, nagmumula sa mga batang may edad mabilis pa itong tumataas. sampu hanggang labing Ayon sa apat. Maliit na bilang WHO-PH (World Kahit gaano man kaliit man sa paningin ng iba Health Organization- na tulong ay napaka- pero ang isang buhay ay Philippines), may natatangi at mahalaga. halaga na. humigit-kumulang Hindi natin alam na ang 3.29 milyon ka-tao ang maliit na bilang na iyan may depresyon at halos pala ang simula ng mas 3.10 milyon naman ang may anxiety marami pang kaso sa susunod na mga sa buong bansa. Ito’y mas mataas ng taon. tumatantiyang 18% kaysa sa dekadang Ang lahat ng ito ay bunga 2005-2015. Sa napakamurang edad ay ng kakulangan sa kaalaman. Isang
OPINYON
hindi sila gumagawa ng bagay na makakaapekto sa kanilang pag – aaral. Bilang isang estudyante naman, kailangan nating kontrolin ang ating oras. Isantabi muna ang paglalaro sapagkat may oras naman tayo para sa mga iyan. Hindi naman masama na maglaro tayo ng mga nauusong laro ngayon ngunit kailangan nating maglagay ng limitasyon sapagkat tuwing ito’y sumosobra ay may masama itong kapalit. Sa mga guro naman, huwag natin masyadong bigyan ng maraming gawain ang mga kabataan sapagkat minsan, dahil sa karamihan ng dapat gawin ay nawawalan ng gana ang mga estudyante na gawin ito lahat. Sa huli, makikita natin na responsibilidad pa rin ng mga kabataan kung ganito ang pag – uusapan. Desisyon na rin ng mga kabataan kung ano ang mas gusto nilang gawin at sila lang din naman ang magdudusa sa magiging kapalit nito. Nandiyan ang mga guro at magulang upang sila’y hasain at gabayan. Kaya payo lang ating maibigay sa mga kabataan na hindi naman masama na tayo’y gumawa ng mga bagay na ating ikasasaya ngunit aalahanin natin na mas aatupagin natin ang pag – aaral sapagkat ito lamang ang magiging sandata natin para sa mas amaayos na kinabukasan. Kaya babala sa mga kabataan, kapag sumosobra sa ating ginagawa, ito’y nagiging masama.
Simula noong ika-25 ng Agosto, ipinagbawal ang pagtira ng mga dormers sa dormitoryo tuwing katapusan ng linggo. Ang mga isko at iska na noon ay kadalasang naninirahan sa dorm tuwing sabado at linggo ay naninirahan na ngayon sa isang paupahang apartamento sa lungsod ng Iligan. Sila ay naroon lamang tuwing sabado at linggo at balik ulit sa dormitoryo pagkahapon ng linggo. Makalipas ang isang taon, nakiusap ng bagong presidente ng dorm parents association o DPA upang ibalik ang pagtira ng mga iskolar na naninirahan sa malayong lugar sa dorm tuwing sabado at lunes. Hiniling ng mga magulang na maibalik ito sapagkat nakadadagdag sa gastusin ang pag-upa ng apartamento. Inihati sa walong umuupa ng isang silid
Tulong o Pabigat? PUNTO DE VISTA
aaral ay napipilitang mag-‘cram’, na hindi nakakabuti sa kanila. Dinadagdagan pa ng tig-tatatlong mahahabang pagsusulit arawaraw, mga gawaing panggrupo, at mga ulat. Napuputol pa nga kung minsan ang noo’y regular na ngayo’y hindi malusog na oras ng pagkain at pagtulog. Ang kalusugan natin ay importante rin kagaya ng ating pag-aaral. Kailanman nararapat sa pag-aaral at paglilibang ng ay hindi nakakabuti ang pagsasakripisyo ng mga bata? Ito ay hindi dapat hinahayaan pahinga para sa pag-aaral at pagsasakripisyo lamang na kumupas sa isang gilid. Maaring ng pag-aaral para sa pahinga. Ang dalawang rumesulta ito sa depresyon, at pagkawala iyon ay dapat balanse, kung kaya’t hindi ng gana ng mga mag-aaral na magpursigi dapat nadadaig ng oras para sa pag-aaral ang sa pag-aaral, na hindi oras ng paglilibang. Dapat nakakatulong sa pag-aaral ay iayon ang bilang ng mga kapag hindi inagapan. Ang kalusugan na- gawaing ito sa tinatayang Ayon sa kapasidad at oras ng mga panayam sa mga dormers tin ay importante rin bata o mag-aaral. Kung hindi ng paaralan, hindi sapat kagaya ng atong pag- natin ito isusulong, kailan ang sabado’t linggo upang pa? Kapag marami na ang aaral. tapusin ang lahat ng mga nagkakaroon ng depresyon ito, pati na ang paglilibang at motibasyon sa buhay? kasama ng pamilya at pagpapahinga, Kapag marami nang koneksyong unti unting lalo na’t sa mismong linggo, kailangan napuputol lalo na sa ating pamilya? Ang mga na nilang bumalik sa paaralan. Dahil sa requirements ay dapat tumutulong, hindi iksi ng oras na binigay, ang mga mag- nagiging pasanin.
Monica Althea N. Comaling
Ang mga requirements ay dapat sanang tumulong sa isang mag-aaral na mas mainam na maintindihan ang kanyang aralin. Ngunit, tumutulong nga ba talaga ito o nagiging pagbigat na lamang? Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga requirements na binibigay sa mga mag-aaral ay mahalaga upang mas humusay pa tayo tungkol sa isang paksa. Ngunit sa panahon ngayon, tila’y nag-uunahan ang mga takdang aralin sa harapan ng mga mag-aaral at ang masaklap pa, hindi sapat ang oras na binibigay upang matapos ang mga ito. Ang mga requirements na ito ay siyang dapat na lumilinang sa mga estudyante ngunit bakit parang nagiging hadlang ito sa pagbabalanse ng oras na
Katotohanan ay Responsibilidad Halos lahat ay nadapuan na ng maling balita o fake news. Hindi na nakagugulat ang resultang ipinalabas ng 2018 Edelman Trust Barometer na 59% sa mga mamamayan ay hindi nakasisigurado kung tama ba ang nakikita at naririnig nilang balita sa mass media. Karamihan sa mga tao ay hindi na nakatitiyak at nakatutukoy kung ang pinagmulan ng isang balita ay mapagkakatiwalaan ba o hindi. Mahalagang malaman ng mga mamamahayag ang mga giyang itinakda ng IFJ o International Federation of Journalists na responsibilidad nila ang magpalabas ng makatotohanan at walang kinikilingang lathalain sapagkat marami ang dito na lang umaasa upang malaman ang mga katotohanang nagaganap sa paligid. Bilang mamamahayag, mahalagang hindi nila
ugong ng damdamin
Joema Radaza
talikuran ang pangakong maghatid impormasyon? Wala bang inaalok na ng pawang katotohanan lamang, produkto ang lathalain? katotohanang karapat Kung oo ang sagot sa dapat lamang para sa mga tanong na ito, maaring Ang pagsulong ng mga mamamayan. pagkatiwalaan ang isang katotohanan ay Subalit, hindi lamang balita. resposibilidad ng Sa panahon kung mamamahayag ang lahat. may responsibilidad. saan higit na kailangan Angkop rin na alam ng ang katotohanan, mga tao kung papaano kumilala ng trabaho ng mga mamamahayag na isang makatotohananng balita. Bago maglaganap ng tamang impormasyon. maniwala, tanungin muna ang mga Responsibilidad rin ng lahat, hindi sumusunod; May kredibilidad ba lamang ng mamamahayag, na puksain ang manunulat? Mapagkakatiwalaan ang pinanggagalingan ng mga pekeng at maaasahan ba ang batayan o balitang pilit na nanloloko sa mga pinanggalingan ng balita? Wala taong pinagkakaitan ng katotohanan. bang kinikilingan na panig ang
7
Responsableng Klik Paano na lang ang buhay kung wala ang social media? Maraming Pilipino na ang natulungan at patuloy na tinutulungan ng social media gaya ng mga nalulungkot na OFW, mga gustong makahanap ng sideline income at mga naghahanap ng bagong impormasyon. Paano nga ba ang tamang paraan ng paggamit ng social media? Maaaring sa pamamagitan ng maliliit na gawaing ito, magsilbi tayong halimbawa sa mas nakararami pa nating mga kababayan at kaibigan upang mapanatili natin ang kagandahang asal online. Una, lagi nating tatandaan na ang social media gamit ang internet ay isang publikong lugar. Anumang bagay na ipost natin sa social media ay naisasapubliko. Ang isang post ay maaaring mabasa ng daandaan nating mga kaibigan. Maaari din itong maibahagi at umabot sa libu-libo, o maging milyun-milyong nakakonekta sa internet. Tandaan na kung ano ang ating reputasyon online, ganoon din ang kanilang magiging pagkakilala sa atin sa tunay na buhay. Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga paksa, maseselang larawan at video at huwag magpopost ng nakasasakit sa ibang tao lalo na ang patungkol sa kasarian, relihiyon at politika. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan. Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang ating koneksyon sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan, sa pamayanan, at maging sa kabuuan ng lipunan. Ang Facebook, Twitter, Instagram at iba pa, ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.
Walang katuturan ang isang bagay kung hindi ito gagamitin sa tamang paraan. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng artikulo bago magkomento o magbahagi. Minsan masyado na tayong nasanay sa instant: instant noodles, instant coffee, instant lahat. Minsan pati sa mga bagay na nakikita natin online, gusto na rin natin ng madalian at mabilisan. Kung kaya, maraming beses tayong napapaso dala ng pag-react sa headline lamang. Tandaan natin na importante ang pagbabasa at pag-unawa nang lubusan sa mga bagay na nakikita natin sa internet. Ang lagi nating tatandaan na inembento ang social media para mas mapadali ang ating komunikasyon sa ating mga kaibigan, kababayan at lalo na pamilya. Marami nang gulo ang maidulot sa maling paggamit ng social media. Kaya mas mabuti kong aalamin natin kung paano ito tamang gamitin na hindi nakasasakit ng kapwa.
SALAMIN
Arianne Logarta
8
OPINYON
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Iskolar ng Bayan, Para Sana sa Bayan
Maituturing na hindi responsibilidad ng pamahaalan makatarungan ang na, “ … shall inculcate in the youth paglabag ng mga iskolar sa patriotism and nationalism, and Scholarship Agreement bilang encourage their involvement in napakinabangan na nila ang public and civic affairs.” mga pribilehiyong ibinigay ng Bilang pagtugon, nilagdaan gobyerno upang mapabuti ang ang Batas Republika Bilang 9036 kanilang pag-aaral. o ang “Act Strengthening the Nakasaad sa Seksyon 13, Governance and Defining the Artikulo II ng 1987 Konstitusyo Scope of the Philippine Science na kinikilala High School” na ng pamahalaan nagtatakda sa mga ang mahalagang na pumili Ang lahat ay may iskolar papel ng mga ng mga kurso kabataan sa pag- kalayaang maghayag sa kolehiyo na angat ng bayan naaayon sa agham at nararapat na ng sariling opinyon. at teknolohiya na mapaunlad at nakasaad sa isang m a prot e kt a h a n kontrata. Nakasulat ang kanilang dito ang mga pribilehiyong pisikal, moral, ispiritwal, maaaring makuha ng mga iskolar intelektwal at sosyal na pagkatao. kabilang na ang libreng matrikula, Tahasang isinaad dito ang
BUONG TAPANG
Jahshbin Malik M. Mayo
at pagtanggap ng allowance buwan-buwan. Dahil dito, marami ang mga nagnanais na makapasok sa Philippine Science High School kahit hindi pa lubusang nasisiguro na ang kanilang tatahaking landas ay nakahilig sa agham at teknolohiya. Bilang resulta, iilan sa mga iskolar na ito ang lubusang nagsisisi sa kanilang mga desisyon at nauuwi sa paglabag ng kontrata. Ayon sa ulat ng Commission on Audit noong 2016, tinatayang nasa 115 na iskolar na ang hindi sumunod sa kondisyong ibinigay ng gobyerno at ilan sa mga iskolar na ito ay nagtapos sa
Kampus ng Gitnang Mindanao. Ang mga iskolar na ito ay inaasahang magsasauli ng humigit-kumulang P18.9M bilang kabayaran sa lahat ng ginastos para sa kanilang pag-aaral. Hindi man lang lubos na naisip ng mga iskolar na ang perang nasayang ay nagmula sa pera ng taong-bayang nagbabatak ng buto upang maitaguyod ang kani-kanilang nga pamilya. Bukod dito, tila nawala na sa kanilang mga isipan ang pangunahing layon kung bakit binigyan sila ng pagkakataong makapasok sa isang mataas na paaralang ito. Tila ba isang sampid-bakod na nakikitira
at nakikikain sa isang bahay na walang ibinibigay pabalik. Kung nagnanais man na pumasok sa institusyon ng PSHS, nararapat lamang na timbanging mabuti ang desisyong gagawin at tiyaking sigurado na sa kursong pipiliin pagdating sa kolehiyo. Huwag magpapadala sa allowance na binibigay dahil ang desisyon mo ngayon ay malaki ang magiging epekto sa mga darating na panahon. Hindi lamang ang iyong kinabukasan ang nakataya, kung hindi pati na rin ang kaunlaran ng bayan.
ISO, Hakbang sa Integrasyong ASEAN HAKBANG SA KAUNLARAN Jean N. Talondong “WE ARE the leading science high school in the ASIA-PACIFIC REGION...“ Ito ang 2016 Vision statement ng Philippine Science High School System. Kaya naman, ang pagpapaaccredit ng PSHS System sa International Organization for Standardization (ISO) ay isang napakahalagang hakbang sa pagkamit ng layunin ng institusyon. Ang mga hakbang para sa ISO accreditation dito sa ating kampus ay nagsimula noong nakaraang Akademikong Taon 2016-2017. Ngunit, hati ang reaksyon dito ng mga estudyante at maging ng mga guro. Maraming papel o dokumento,
masusing proseso, mga pagbabago sa pamamalakad at marami pang iba. Ngunit kung nais talaga natin ng pagangat, nangangailangan ito ng sakripisyo. Maaaring nangangapa tayo ngayon, bukas ay makikita natin ang bunga ng ating pagsisikap. Kung titimbanging mabuti, nangingibabaw ang kagandahang dulot ng ISO accreditation kaysa dulot nitong abala. Una, maiaangat tayo nito sa pandaigdigang istandard. Isa na rito ang pag-angat ng kurikulum sa pamantayang internasyonal. Ayon sa ating Kampus Direktor, sa pamamagitan ng ISO
Tunay na Basehan Ilan sa mga mag-aaral ngayon ay mas binibigyang pansin ang grado sa paaralan kaysa sa pagpapayaman ng kanilang pagkatao. Hinahayaan nilang ang grado ang magsilbing basehan sa kung sino at saan ang kaya nilang abutin. Marami ang pumapayag na api-apihin na lamang sa klase sapagkat may mababa silang marka sa paaralan. Ikinahihiya nila ito kaya itinatago na lang nila ang kanilang angking talento sa ibang bagay. Ang tanong, makatarungan bang humusga at manlait ng ibang tao dahil lamang sa kard na puno ng pulang marka? Maraming estudyante ang hindi masipag mag-aral ngunit may angking talino naman. Mayroon ding Ang grado sa paaralan ay hindi likas na matalino ngunit masipag at hindi kailanman maaasahan sa kahit anong magiging hangganan sa trabaho. Napakaraming umakung anong kayang senso ang buhay sa mundong ito at sa katunayan, maabot ng isang mag-aaral. hindi lahat sila ay nakapag-aral o nakapagtapos ng kolehiyo. Dahil sa kanilang common sense at kagustuhang mabuhay nang masagana, nagawa nilang makamtan ang kaginhawaang mayroon sa mundo. Hindi sila sumuko at nagpatuloy pa rin gamit ang kung anong alam at kakayahan nila. Ang grado sa paaralan ay hindi kailanman magiging hangganan sa anong kayang abutin ng isang mag-aaral. Isa lamang itong numero na nagpapakita kung gaano inayos o binigyang-pasin ng isang mag-aaral ang isang asignatura. Ngunit, hindi ibig sabihin nito na pababayaan na ang pag-aaral. Sa mundong ito, kailangang balanse ang lahat. Kailangang may alam ka sa mga bagay-bagay at alam mo kung papaano ito gagamitin sa pangaraw-araw na mahigpit na pamumuhay.
TINIG Honey Grace J. Baclayo
accreditation, kikilalanin na ng ibang mga mga dokumento hanggang sa paaran ng bansa ang educational program ng Pisay. pagtuturo. Isang halimbawa na inilahad Kung nanaisin ng iskolar, magkakaroon na ng Kampus Diektor ay, kung ano ang mga siya ngayon ng pagkakataon na makapag- pagdiriwang o aktibidad sa isang kampus aral ng International Baccalaureate subjects ay ganito rin ang magyayari sa ibang mga sa mga paaralan ng ibang bansa. Ang kampus. Sa ganitong paraan, masisiguro internasyonalisasyon ang kalidad ng serbisyong ng kurikulum ng MPPA maibibigay ng mga tanggapan ng ay maaaring magsilbing MPPA. Isa rin itong palatandaan Maiaangat tulay sa pagkamit ng pag-unlad sapagkat tayo nito sa ng karagadagang naipapakita rito ang kaisahan karunungan sa pandaigdigang at pagiging organisado ng mga larangan ng agham at gawain sa loob ng institusyon. istandard. Facilities and teknolohiya. Pangalawang Infrastructure. Ang ISO ay isang kabutihang maidudulot ng ISO ay ang hakabang lamang upang maisakatuparan Systematization. ang adhikain ng buong institusyon ng Pisay Nangangahulugn ito ang pag-iisa sa mga na manguna sa edukasyong maka-agham proseso sa buong Sistema ng MPPA. Sa sa buong ASEAN at nang makamit ang sulo ilalim ng ISO accreditation, magiging ng pandaigdigang tagumpay magkatulad na ang mga sistema sa lahat ng kampus ng MPPA mula sa pagkuha ng
PWEDEralismo
MARAHIL ay nabalitaan niyo na ang federalismong gustong ipatupad ng ating pangulo. Ngunit, ano nga ba talaga ang federalismo at bakit ipinipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte na makadudulot ito nang mabuti? Isa sa mga plano ni Pangulong mga mamamayan. Mareresolba na rin Rodrigo R. Duterte sa bansa nang siya ay ang mga kasong hindi nabibigyan ng mahalal bilang bagong pangulo ay ang pansin ng sentrong pamahalaan dahil baguhin ang sistema ng pamahalaan sa dami ng problemang kinakaharap tungo sa Federalismo. Ang Federalismo ng bansa. Mga mamamayan na mismo ay may maraming maitutulong sa sa isang rehiyon ang magtutulungan pagpapaunlad ng bansa at sa bawat at maghahanap ng solusyon sa kanirehiyon na napapaloob nito. Ito rin ang kanilang mga problema. Upang mas magbibigay-daan patungo sa pagkamit matiwasay ang resulta, kailangang ng katahimikan at kapayapaan sa magkaroon ang Mindanao. rehiyon ng isang A n g tapat, matapang federalismo ay ang Ang pag-asenso ng at matalinong pagkakaroon ng mamumuno na bayan ay nasa hiwalay na estado sa gagabay sa kanila isang bansa. Ito ay isang kamay ng edukado at sa maayos na sistemang nagbibigay kinabukasan. ng kapangyarihan disiplinadong Kung sa tingin mo sa isang rehiyon na mamamayan. hindi ito maganda maging malaya at para sa bansa at baka makapagpatutupad lalong dumami ang ng kanilang sariling masasamang tao dahil mas nabigyan batas. Mapupunta sa bawat rehiyon sila ng kalayaan sa pagpatutupad ang kontrol ng kanilang ekonomiya at ng batas, may punto ka. Ngunit politika nang hindi pinapakialaman alalahaning mayroon tayong pangulo ng sentrong pamahalaan sa Maynila. na nagsimula nang tanggalin ang Para sa karagdagang kaalaman, mga taong gumagawa ng mga hindi sistemang federalismo ang ginagamit sa kanais-nais sa bansa. Kung anuman pamamahala ng bansang Switzerland, ang kahihinatnan ng Pilipinas dahil sa Germany, Estados Unidos, Australia at mga ipinapagawa niya ngayon, balang India. Kung mapapansin, mauunlad at araw makikita ng mga tao ang mga may mas makabagong teknolohiya ang kagandahan nito. mga bansang ito. Nabanggit sa unahan na ang Unti-unti nang mababawasan sistemang ito’y makatutulong para ang mga problemang kinakaharap ng
sinag ng Pag-ASA
Zaheera Taneca
maiwasan ang gulo sa Mindanao. Ito ay dahil magkakaroon na sila ng kanilang sariling batas at sa pamamagitan nito, matutuunan na nila ng pansin ang kanilang sariling problema ng walang makikialam pang iba. Hindi na sila magrereklamo tungkol sa mga batas na hindi sumasang-ayon sa kanilang relihiyon at kultura. Wala ng dahilan para magrebelde ang mga tao dito at mamuo ang galit sa gobyerno. Agarang nasosulusyunan ang mga problemang nagsimula panahon pa ng kanilang kanuno-nunuan. Sila-sila na mismo ang magpapaintindi sa isa’t isa na kailangan nilang magtulungan at magkaisa upang makamit ang inaasam na kaunlaran. Tandaan na ang federalismo ay may maraming maidudulot na maganda kung ang mga tao sa lugar ay mapagkumbaba at may disiplina. Maganda man o masama ang maidudulot nito sa ating bansa, nakadepende ‘yan sa ating mga kamay at hindi lang puro sa pangulo o sa gobyerno. Marami ang aasenso sa sistemang ito pero kung ‘di maipalalaganap nang maayos, ito ay maaring makasira at mag-iwan nang napakatinding pinsala sa mga mamamayan. Sa huli, ang kaunlaran ng bayan ay nasa kamay pa rin ng mga edukado at disiplinadong mamamayan.
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Diyandi Festival: ‘Di Padadaig Sa Pangamba Ipinagdiriwang natin ang mga pista upang maipalaganap ang iba’t ibang mga kulturang ipinamana sa isang lungsod na siyang tunay na maipagmamalaki sa lahat. Makikita ang mga makukulay na bandiritas at mga pagkaing ipinagmamalaki sa isang lugar na dumadagdag sa diwa ng pista. Hindi rin mawawala ang street dancing kung saan makikita ang kwento ng mga santos at mga pangyayaring maituturing na isang mahalagang parte sa kasaysayan ng lugar. Bawat pista ay inaabangan ng lahat sapagkat ito ang panahon kung saan ang maganak ay magkakasamang nagdiriwang at nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kanilang natanggap. (insert transition) Ang Diyandi festival ay isang buwang pagdiriwang bilang parangal sa santo patron ng lungsod ng Iligan na si Senior San Miguel, ang Arkanghel na siyang tagapagtanggol ng kapayapaan sa lungsod mula sa pamamagitan ng kaniyang mga himala. Gayunpaman, hindi maipagkakailang ang lungsod ay kasalukuyang humaharap ng problemang panseguridad. Ito ay nagdulot ng pag-aatubiling mula sa mga nagnanais na magdiwang ng pista at sa pagdalo ng iba’t ibang mga kaganapang taon-taon inaabangan sa lungsod ng Iligan. Ngunit likas na positibong mag-isip ang mga Iliganon na nananatiling matatag kahit sa panahon ng problema. Hindi naging balakid ang mga pangambang naramdaman ng lahat sa kabila ng iba’t ibang bantang natatanggap ng lungsod. Sa halip ay ipinagdiwang nila ito ng may ngiti sa mga labi habang dala-dala ang masusing pagiingat kahit saan man sila magpunta. Ang pagkakaisa ng lahat ang nagsilbing susi sa ligtas na pagdiriwang ng pista. Napagpasyahan ng otoridad na magsagawa ng signal cutoff’ upang masigurado ang kaligtasan ng (?) na siyang sinang-ayonan ng nakararami. Dahil dito, nabawasan ang pag-aalala ng mga dumalo sa iba’t ibang kaganapan na siyang ‘highlight’ ng Diyandi festival. Ligtas na naipagdiwang ang Street dancing kung saan ipinapakita ang kasaysayan at kultura ng lungsod, Miss Iligan Beauty Pageant na inaabangan ng lahat upang suportahan ang lahat ng naggagandahang mga kalahok, at ang Pagpakanaug na siyang inaabangan bawat taon. Walang kahit anong problema ang makapipigil sa kahit sinong Iliganon na ipagdiwang ang pista ng Iligan. Dahil kagaya ng lahat ng Iliganon, ang Diyandi festival ay hindi kailanman madadaig ng pangamba. / Marion Ann Mamhot Mga Larawan mula kay Ilimar Polaos
Pater at Palapa
Pagod at gutom – ito ang kadalasang mararamdaman mo matapos ang isang napakahaba at nakakapagod na araw sa eskwela. Gustuhin mo mang kumain o kahit bumili lang ng palamig sa Jollibee o McDonalds ay parang pagpapalamig lang ata mula sa “aircon” ang kaya mong gawin. Paano ba naman kasi, sa tagu-taguan ay nahuli ka ng “class treasurer” niyong noong Agosto mo pa iniiwasan, tsaka naubos na rin ang pinakatagu-tago mong singkwenta pesos na bunga ng iyong pagiging masinop kaka-“print” sa “research paper” niyong kagagawa niyo lang kagabi.
Ngayon ay hindi lang ang tiyan mo ang gutom, pati na rin ang iyong bulsa. Pero teka, may lugar ka pa palang pwedeng kainan na tiyak hindi aaray ang iyong pitaka – sa pateran. Dilaw na kanin na pinatungan ng napakasarap na ulam, maaring karne ng baka, manok o isda – ito ang pater, isang lutuing-Maranao na swak na swak sa badyet ng sinuman, mapa-estudyante o may trabaho. Sa halagang hindi tataas ng dalawampu’t limang piso, mapapawi na nito ang gutom ng inyong mga kalamnan, at pwedeng-pwede pa itong pang-agahan, pananghalian o panghapunan. Sa pa-
LATHALAIN
9
Sayaw mula sa
Lawa ng Lanao
Isang makisig na prinsipeng nagngangalang Prinsipe Bantugan ang naglalakbay at nakikipagsapalaran upang mailigtas ang isang prinsesang nagngangalang Putri Gandingan na tumakas mula sa kanyang pagkakabihag at kasalukuyang nawawala sa kagubatan ng Alangka– ito ang kwentong ipinapakita ng sayaw na Singkil. Ang Singkil ay isang katutubong sayaw na nagmula sa mga Maranao na naninirahan sa mga baybayin ng Lawa ng Lanao. Ang naturang sayaw ay nakabatay sa epikong Darangen, isang interpretasyon at adapsyon ng mga Maranao sa isang bantog na epikong mula sa India na pinamagatang Ramayana. Ito ay isang bantog na sayaw na itinatanghal sa panahon ng mga pagdiriwang. Tanging mga babae lamang, lalong-lalo na ang mga may dugong maharlika, ang orihinal na sumasayaw nito sapagkat ito’y nagsisilbing patalastas sa mga potensyal na manliligaw. Gamit ang indayog na likha ng kulintang at agung, sinisimulan ang sayaw sa pagpasok ng isang babaeng mananayaw na gaganap sa karakter ni Putri Gandingan. Sa kanyang pagpasok ay kasama niya ang kanyang alalay na may dala-dalang payong na punong-puno ng palamuti. Ito ang kasama at katuwang ng prinsesa sa kanyang pakikipagsapalaran. Nakatali sa mga paa ng prinsesa ang mga maliliit na kampanang magsisibling pahiwatig ng kanyang mga galaw. Dito nagmula ang pangalan ng sayaw na Singkil na nangangahulugang “pagbuhol ng mga paa sa mga nakakagambalang bagay”. Sa kalagitnaan ng sayaw ay papasok ang isang lalaking mananayaw na siyang kakatawan sa katauhan ni Prinsipe Bantugan, ang prinsipeng magliligtas kay Putri Gandingan. Dala ang kanyang espada at kalasag, at sa tulong ng hanging sinisimbolo ng mga babaeng mananayaw na may dalawang mga pamaypay na tinatawag na apir, buong tapang na lulusungin ng naturang prinsipe ang mga pagsubok ng kagubatan upang mahanap at mailigtas ang prinsesa. Ang mga pagsubok na ito’y kinakatawan ng mga kawayang ginagamit sa sayaw na siyang mahusay na iniiwasan ng mga mananayaw. Ipinapakita nito ang mga puwersang kailangang madaig ng dalawang pangunahing karakter upang makasama ang isa’t-isa. Noong taong 1950, nagsimulang mas maging popular ang sayaw matapos itong itanghal ng Bayanihan Philippine National Folk Dance Company, ang pinakamatandang grupo ng mga mananayaw sa Pilipinas. Sa ngayon ay itinatanghal pa rin ang Singkil ng mga di mabilang na grupo ng mga mananayaw, pati mga estudyante sa paaralan sa tuwing may pagdiriwang. Ipinapakita nito ang pagbibigay natin ng halaga sa masaganang kultura ng mga Maranao. Sa ating umuusbong na modernong mundo, na kung saan ang mga tao’y nalalantad sa iba’t ibang impluwensiyang dala ng “social media”, ay napapanatili ng naturang sayaw ang pagkakakilanlan ng kulturang Maranao na paniguradong tatatak sa mga tao at sa mga susunod na henerasyon. / Pauline C. Creayla
ter, hindi na nga kayo magigipit, panlasa pa’y tiyak na hindi matitipid. Ika nga nila, walang kahit na anong lutuing-Maranao ang kumpleto kapag walang palapa. Ang palapa naman ang pangunahing sangkap ng bawat lutuing-Maranao. Ang mga pangunahing pansahog nito ay luya, sili at ang nitibong uri ng puting dahon ng sibuyas na tinatawag na sakurab. Sagana ito sa lupain ng Lanao na siyang pinakaimportanteng sangkap ng palapa. Ang mga ito’y dinudurog nang mabuti hanggang sa masigurong
tatatak sa inyong mga dila ang kakaiba at maanghang nitong lasa na tiyak na magpapausok sa inyong mga tenga at butas ng ilong. Sulit at masarap – ganito kung ilarawan ng mga tao ang pater at palapa. Ang mga ito ay dalawa sa mga pinakasikat na pagkaing nagmula sa ating mga kababayang Maranao na kinagigiliwan hindi lamang ng mga taga-Lanao kundi pati iba’tibang pangkat mula sa iba’tibang sulok ng Mindanao. Bata, matanda, babae, lalaki – lahat ay natatakam sa mga pagkaing ito,
sapagkat sino nga naman ba ang hindi? Sa likod ng mga sigalot, giyera at pagkakagulo, ang Mindanao ay nag-aangkin ng isang mayamang kultura, puno ng mapagmahal na mga mamamayan, at mga nakakatakam na pagkaing tiyak na bubusog sa inyong mga tiyan! Kaya naman kung ikaw ay gutom pero gipit, nais kumain nang bonggang-bongga pero walang perang magasta, pater at palapa ang sasagot sa iyong problema! / Pauline C. Creayla
10
: PISAY
LATHALAIN
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Mula sa Bayan Para sa Bayan
Ang Pisay ay sumilang na, lingkod ng bayan sa tuwina. Hindi lamang bilang pag-asa ng bayan kundi pati na rin bilang tagapagsilbi ng bayan ang papel na ginagampanan ng mga tinaguriang iskolar ng bayan. Sa loob ng anim na taong paghahasa ng mga kabataan sa loob ng apat na sulok ng kampus, lumalaki na rin ang mga inaasahan sa kanila. Bagama’t malayo na ang naabot ng mga nakapagtapos na, hindi pa rin nila nakakalimutan ang sinumpaang pangako at mga tungkuling nilagdaan. Kaya naman, bilang mga responsableng kabataang kalauna’y magiging lider sa pagsulong ng agham at teknolohiya, nararapat na taglayin ng bawat iskolar ang mga katangiang PISAY: Patriotism, Integrity, Service, Academic Excellence at Youth Leadership.
Pagmamahal sa Bayan
Sa Ere ng mga Pangarap
Mapayapa. Masaya. Taliwas ang kalagayang ito sa loob ng dormitoryong tinutuluyan nang siya’y hayskul pa lamang sa sitwasyng naranasan ng kanyang mga magulang at ng mismong sarili niya noong taong 2000 dahil sa kaguluhang laganap sa Lanao del Norte. Bunsod noo’y tinanong niya ang sarili kung paano nga ba siya makatutulong upang mahinto at ‘di na muling maulit pa ang ganoong kaganapan. “PMA ang naging sagot,” sabi niya. Kaya naman nang makapagtapos siya ng sekundarya sa MPPA-KGM tang 2002 ay pinasok niya ang mundo ng Philippine Military Academy. Helicopter at OV-10 ang nag-udyok sa kanya na sumakay sa mga sasakyang panghimpapawid. Pinili niya ang Philippine Air Force sa kadahilanang gusto
niyang makatulong sa mga sundalong nasa lupa sa pamamagitan ng third dimension platform. Hindi biro ang pagpasok niya sa PMA. Bukod sa puspusang mga treyning, dumadagdag pa sa mga balakid ang pangungulila niya sa pamilya. Ngunit hindi niya dinamdam ang mga ito bagkus ay mas lalo niyang pinagbutihan ang pag-aaral dala
Integridad Hindi Inaasahan
baon-baon ang pamilya bilang inspirasyon at motibasyon. Ito ang naging sanhi ng pagtatapos niya noong taong 2008 bilang Cum Laude ng batch “Baghawi.” Inilarawan niya rin ang PMA bilang isang instrumento nang sa gayo’y mas lalong mapagtibay an karakter ng isang tao. Sa pamamagitan nito’y lalong nahahasa ang pagkatao at kakayahan ng isang tao. Lumalawak din ang kaalaman ng isang tao hindi lamang sa siyensya at matematika kung ‘di maging military science. Humuhubog din sa pag-uugali ng isang tao at pakikisama ng isang indibidwal ang institusyon. Ngayon nga’y isa nang ganap na kapitan si Bb. Jeazzine Ingret Esquierdo Actub at nakapag-asawa ng isang ring kapitan na si CPT. Ryan Joseph L. Magbojos, PAF. Ang mag-asawa ay naninirahan sa ngayon sa Fernando Air Base, Lipa City kasama ang isang anak na bunga ng matamis nilang pagmamahalan. Siya ngayon ay isang Cessna aircraft Instructor Pilot. “Aside from flight instructions (T-41, SF-260FH and UH-1), my flight missions as a Co-Pilot of UH-1 Helicopter were very fulfilling. At the end of the day, I feel proud of myself being able to help others, both military and civilian personnel,” wika niya. Bilang kasapi ng Philippine Air Force, iisang prinsipyo ang pinaninindigan niya at iyon ay ang integridad at dedikasyon sa pagsisilbi ang gumawa ng tama para sa bansa kahit ‘di man ito makita at kilalanin ng madla.
T u b o n g Kapatagan, Lanao del Norte ang ngayo’y espesyalista sa Values Education ng MPPA-KGM. Taong 1996 buwan ng Oktubre nang makapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong BS Psychology sa Misamis University, Ozamiz City. Matapos nito’y nagpatuloy siya sa pag-aaral a kumuha ng Master of Arts in Education Major in Religious and Values Education sa De La Salle University, Taft, Manila. M a b i l i s siyang nakakuha ng trabaho at ang unang napasukan niya ay isang Guidance Psychometrician sa Adamson University sa Manila. Naging masaya ang karanasan niya doon subalit dumating ang panahon na kinailangan niyang umuwi sa Lanao del Norte upang samahan ang kanyang mga magulang sapagkat ang mga kapatid niya’y kapwa nagsipagtapos na’t namamasukan sa ibang bansa. Nang maka-uwi siya’y tiyempo naman na naghahanap ng mga katulad niya ang MPPAKGM at doon nga nagpatuloy ang buhay niya bilang isang Guidance Counselor. Taong 2000 nang una
siyang sumabak sa larangan ng pagtuturo at hindi iyon naging madali para sa kanya. Naging gabay niya ang mga kasamahan niya sa trabaho na sina Ma’am Cala at Sir Don. Unti-unti siyang natuto at kalauna’y nakaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa at naging masaya na sa buhay na mayroon siya. Bagamat madalas siyang ilarawan ng mga mag-aaral na strikta at masungit, nagiging masaya siya sa t’wing nakakarinig siya ng mga balitang tungkol sa mga mag-aral na naging matagumpay at patuloy na nagmumungkahi ng kabutihang asal. Ito ang nagsisilbi niyang inspirasyon upang mas lalong ganahan sa pagtuturo nang sa gayo’y makatulong siya sa pagpaparami ng mga taong katulad nila. Si binibining Beverly S. Nobleza ang natatanging guro ng MPPA-KGM sa asignaturang Values Education. Kahit na iniisip niyang mahirap nang iparating sa mga kabataan ang kabutihang asal sa kadahilanang lulong ang mga ito sa makabagong teknolohiya, naniniwala pa rin siyang sa
tulong ng mga nakakatandang magsisilbing mga modelo ng kabutihan ay matututo rin ang mga kabataan na magpakatao. “Isabuhay kung ano ituturo ko,” sabi niya. Ito ang prinsipyong isinasabuhay niya. “Bilang isang tao, ‘di man ako perpekto pero ginagawa ko lahat sa abot ng aking makakaya na mamuhay ng marangal at matiwasay bilang isang anak, kapatid, kaibigan, guro, mamamayan at higit sa lahat, bilang anak ng Di-
yos.” Payo niya naman sa mga iskolar ay laging isa-isip na ang lahat ng naririto sa mundo ay kailangang pangalagaan at pag-ingatan. Lagi ring tatandaan na kung ano man ang magiging kahihinatnan sa hinaharap, nararapat lamang na laging isipin na ang lahat ng gagawin bilang tagapag-sulong ng agham at teknolohiya ay dapat i-alay alang-alang sa bayan at hindi sa sarili lamang.
Akademikong Pagsulong
Dunong Para Sa Daigdig
Legendary student. Hayskul pa lamang ay nakitaan na siya ng potensyal na maging isang matagumpay na tao pagdating ng panahon. Kilala siya sa bansag na legendary student sapagkat nakaya niyang makakuha ng uno sa lahat ng asignatura. Bagaman may isang asignaturang hindi niya na-uno, 1.25 naman ang nakuha niyang marka doon. Tila ba isang katuparan sa isang propesiya, nang makapagtapos siya ng hayskul sa MPPAKGM ay pinalad siyang makapasok sa Nanyang University sa Singapore upang mag-aral ng Bachelor of Engineering. Noong una’y nag-aalinlangan pa siya dahil hindi niya alam kung aling landas ang tatahakin gayong pareho naman siyang magaling sa Biology, Chemistry at Physics. Nang nagtapos siya sa Nanyang University ay nagpatuloy siyang mag-aral ng Chemical
and Biomolecular Engineering sa University of Pennsylvania. Kahanga-hanga, hindi ba? Kamakailan lamang ay bumisita siya sa MPPA-KGM at nagbahagi ng kaalaman at mga masasayang karanasan sa paaralan nang siya’y nasa hayskul pa lamang. Labis-labis ang katalinuhan at kahusayan niya kaya naman ay sinunggaban na ng mga iskolar ang pagkakataong makausap siya at tinanong kung ano nga ba ang talaga ang sikreto niya sa pagkatuto. Labis na
namangha ang mga iskolar sa sinagot niya. Ang sikreto pala ng nagiisang Dave Dingal ay ang pagiging mapanuri. Subalit nang tinanong kung bakit hindi siya naglilingkod sa bansa gaya nang nakasaad sa pinermahang kontrata, ito lamang ang kanyang sinagot: “Ang bansa natin
ay hindi ganoon kayaman sa mga laboratoryo at pinansyal na suporta para sa mga researches. Kapag ang isang katulad ko ay mananatili rito, hindi mapapakinabangan ang aking kaalaman at kakayahan. Kaya naman ay magsusumikap muna ako sa ibang bansa at pagyayamanin ang aking
sarili atsaka ako babalik upang ang bansa naman ang pagyamanin.” I s a n g magandang ehemplo si Dave Dingal na nararapat lamang na tularan ng lahat ng mga iskolar ng bayan maging ano pa man ang larangang tatahakin sa hinaharap.
Yapak Kabataan
Kilos Na
Serbisyo Ang
Psychology. Kailanman ay ‘di ito sumagi sa kaniyang isipan ngunit sino nga naman ang mag-aakalang ito pala ang landas na kaniyang tatahakin?
11
Lingkod Alumnus
buhay
bilang
iskolar ay hindi kailanman naging madali sapagkat ang mga gabi ay sinusunog para magawa lang ang mga pangangailangan. Ang tulog ay nawawala sa bokabularyo. Ang pahinga ay unti-unting nawawala. Kung ganito ang buhay ng iskolar ng bayan, bakit bumabalik tayo sa ating pinagmulan? Ang sumeselyo sa ating kinabukasan ay ang kontratang nabibigay sa atin ng pagkakakilanlan bilang “iskolar”. Ayon dito, kailangang magbalik-serbisyo ang mga alumni sa Pisay ng apat na taon sa Pilipinas. Para sa iba, hindi ito ang nagging daan ng kanilang pagbabalik sa kanilang alma mater. A n g makapagpapatunay ng pagbabalik-serbisyo ay si G. Ronn Marr Perez, isang guro
sa Pisika ng MPPA – KGM. Bilang isang binata, 26, hindi niya naisipang bumalik sa MPPA upang magturo ngunit, nang nasubukan niyang magturo sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technolog, napagtanto niya na masaya palang magturo. Nagkataon din na naghahanap ang MPPA ng mga bagong guro kaya hindi niya pinalampas ang oportunidad at sinunggaban ang pagkakataon. Nang tinanong siya kung ano ang kanyang mga plano para sa kinabukasan, susubukan niya raw magPhD kung makakaya. Gusto rin niyang magturo ng pananaliksik ngunit ang mga hadlang sa ngayon, para sa kanya, ay ang kanyang ekstensibong pagsasanay. Dagdag niya na sa pangkalahatan, isa siyang guro at kahit saan man siya
Mula elementarya hanggang hayskul, naging miyembro
mapadpad, sigurado siya sa kanyang sarili na pagiging guro pa rin ang kanyang tatahakin. Ang kailangan lang daw niyang mapaunlad ay ang kanyang mga kahinaann upang maging buo at tanyag. Sa mata ng mga iskolar, si G. Ronn Marr ay isang gurong binibigay ang kanyang lahat para matuto at matulungan ang mga iskolar. Hindi maikakaila na si G. Perez ay masigla at masayahin kung magturo. Ang istilo na ginagamit niya sa pagtuturo ay hango sa kanyang konsiderasyon para sa mga
iskolar. Kadalasan sa kanyang gustong gawin sa klase ay ang pagtatatag ng koneksyon ng tunay na buhay at pisika. Minsan naman, naghahanap siya ng mga eksperimento. Balang araw, pagkatapos ng buhay sa Pisay, babalik at babalik pa rin tayo rito. Dapat tandaan na isa sa ating mga asal bilang mga iskolar ay serbisyo. Pahalagahan natin ang serbisyo dahil kung wala ito, sino ang magsusupling ng kaalaman sa susunod na henerasyon ng mga iskolar ng bayan?
na ako ng mga organisasyon at naging bahagi na ng buhay ko ang pagtulong sa kapwa. Sa murang edad ay nakapagserbisyo na ako sa iba’t ibang paraan gaya na lamang ng pagtuturo sa mga paaralan na nasa kabundukan, pagtanim ng mga puno, pagbigay ng mga donasyon sa mga mahihirap, paggawa ng mga programa para sa mga ulila na nasa bahay-ampunan, at pagtulong sa mga biktima ng bagyo. Tunay ngang nakatataba ng puso ang mapagtantong may naitulong ka at napasaya mo ang iyong kapwa. Nakatutuwang balikan ang mga munting alaalang ito na kung saan ang mga maliliit na bagay na aking nagawa ay nagdulot nang malaki at mabuting epekto sa buhay ng bawat taong natulungan ko at nagsisilbi rin itong inspirasyon sa iba na tumulong sa mga nangangailangan. Ika-23 ng Mayo. Isang araw na lubhang sumindak sa mga mamamayan. Isang araw kung kailan maraming buhay ang nalagas, maraming mga gusali ang naging abo at maraming kinabukasan ang naging malabo. Kasabay ng pagliyab ng mga apoy na sumira sa kanilang tinubuang lupa ay ang pagliyab ng galit at poot sa kanilang mga damdamin. Hindi
na kailanman mabubura ang araw na ito sa alaala nilang mga napilitang lumikas sa lugar na itinuring na nilang tahanan. Ang dating makulay na siyudad ng Marawi ngayo’y pugad na ng luha’t takot magmula nang lusubin ng Maute group. Walang sinuman ang nakapaghanda sa trahedyang iyon kaya’t kadalasan sa kanila’y umalis nang walang dalang kahit na anuman, maging mahahalagang mga papeles ay nauwi sa abo. Hindi naging madali ang buhay nila sa mga evacuation centers. Alam ko sapagkat naroon ako upang masaksihan ng dalawang mga mata ko ang kanilang kalagayan. Naging bahagi ako ng inventory committee sa isang relief operation sa Xavier University sa Cagayan de Oro City. Kami ang nanguna sa pag-imbentaryo ng mga papasok na donasyon at lalabas na nakabalot na relief goods. Nakakapagod ang araw-araw na pagbibilang at pagahahakot ng mga kahon ng mga donasyon subalit ang imahe nilang mga nangangailangan ang nagtutulak sa aking ipagpatuloy ang aking ginagawa sapagkat alam kong kukulangin pa ang mga donasyong nayayanggap nila araw-araw. Isang araw, sa gitna ng operasyon, tinawag ako ng kasama ko at sinabihang sumakay sa van. Akala ko’y bibili kami ng mga supot para sa lalagyan ng mga relief goods. Nagtaka ako kung bakit sa ibang daan na kami papunta. Imbes na papuntang palengke na malapit lang sa unibersidad ay palabas kami ng Cagayan de Oro kaya tinanong ko si Bb. Lav, ang tagapangasiwa ng operasyon, kung saan kami patungo. Aniya, pupunta kaming Panagatan, isang floating restawran sa Opol, Misamis Oriental, para makipagkita kay Bise-presidente Leni Robredo. Laking gulat ko nang marinig ko ang sinabi ni Bb. Lav. Hindi ko napaghandaan ang aming pagkikita at sobrang dumi ko pa dulot ng pagbuhuhat ng mga karton sa araw na iyon. Hindi man lang ako nakapagbihis ng damit at mismong bag ko’y naiwan ko sa
Xavier. Ilang sandali lang pagdating namin sa restawran ay dumating din si Gng. Leni Robredo kasama ang kanyang mga gwardya. Hindi ko alam kung bakit pero tila nakadama ako ng lamig nang nakita ko sa personal ang bise presidente. Siguro dahil naramdaman ko ang kaangatan ng kanyang posisyon sa lipunan o siguro rin ay dahil unang pagkakataon kong makipag-usap nang personalan sa isang mahalagang tao sa bansa na kagaya ni Gng. Robredo. Kumain kaming lahat kasama siya at nag-usap-usap. Sabi niya, kagagaling lang daw niya sa mga evacuation center at nakita niya kung gaano karami ang mga bakwit at gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan. Pagkatapos naming kumain ay isa-isa niya kaming nilapitan at sinabihang lubos ang kanyang pasasalamat sa tulong na naiambag namin para sa mga bakwit. Naramdaman ko kung gaano katotoo ang kanyang pagpapasalamat at doon din ay napalitan ang dating naramdaman na takot ng inspirasyon. Inspirasyon na magpatuloy sa pageserbisyo para sa kapwa Pilipino. Kaya, inilaan ko ang bakasyon ko sa pagpapatuloy ng operasyon. Kahit ilang libong mga batas at programa pa ang isagawa ng gobyerno, hinding-hindi pa rin makakamit ng bayan ang inaasam-asam na kapayapaan at kaunlaran kung ang mga tao’y hindi kikilos at magtutulungan para sa ikauunlad ng Bayan. Ang bawat aksyon ng bawat tao ay may malaking epekto sa kabuuan ng bansa. Kaya, nawa’y pagseserbisyo rin ang maging bisyo ng bawat Pilipino dahil sa huli, tayo at tayo lang din ang dapat magtulungan upang masagot ang problema ni Inang Bayan. Kinakailangan na nating kumilos dahil kung hindi tayo ang kikilos, sino? Kung hindi ngayon, kailan?
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang Pisay ay hindi lamang scholarship. Hindi lamang ito paglilinang ng kakayahan sa larangan ng agham, matematika at teknolohiya, ang Pisay ay isang paghubog din sa puso ng mga iskolar nito na maging makabayan, maging mamamayang may malasakit at kalinga sa mga kababayan nitong nangangailangan. Iyan ang pinatunayan ng mga taong itinampok dito. Tunay ngang PISAY: mula sa bayan, para sa bayan! -Janina Erika Bayron, Fahadh P. Abbas, Alexander Q. Bello Jr., Kristin Mari F. Daclan at Jozette Nicole R. Ardiente
12
LATHALAIN
Ang Ilayin
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Pagdiriwang sa Araling Statistica, nagbigay ng mga magagandang alaala
BOLsa mga Mata ng isang Muslim May iba’t ibang opinyon ang mga tao tungkol sa pagbabago, lalo na sa isang malaking pagbabago tulad ng BOL o Bangsamoro Organic Law na magbabago sa maraming buhay ng mga maninirahan sa BARMM. May ibang sang-ayon sa bagong batas na ito at may iba namang hindi. Ika nga nila, wala namang perpektong batas. Ngunit, ano nga ba ang BOL? Ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay ang resulta ng matagal nang pakikipag-usap at negosasyon sa pagitan ng gobyerno sa mga rebeldeng grupo sa Mindanao, kagaya ng MILF. Binibigyan nito ng pagsasarili o “autonomy” ang mga Muslim sa iilang bahagi ng Mindanao kagaya ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi. Ang ibang lugar tulad ng mga munisipalidad sa Lanao del Norte, kung nasaan ang Balo-i, ay boboto sa plebisito kung isasali ba ang lugar sa BARMM. Maraming mga tao ang suportado ang BOL, ngunit marami rin ang nag-aalala sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila kapag naipatupad na ang BOL na magdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang buhay. Mabuti man ito o masama, walang pang may alam. May iba’t ibang opinyon ang mga tao pero para sa akin, bilang isang iskolar ng bayan, Maranao at Muslim, na nakatira sa Balo-i, wala akong magagawa sa kung ano man ang lalabas na resulta ng plebisito maliban sa respetuhin at suportahan ito. Ayon lang sa aking opinyon, sa tingin ko ay pwede nang hindi masali ang Balo-i sa BARMM dahil maunlad at mapayapa naman ang Balo-i at wala itong matinding problemang hinaharap na kailangan ng tulong. Ngunit, kung masasali man ang Balo-i sa BARMM, ako ay nababahala kung baka matulad lang sa ARMM ang BARMM kung saan hindi ito umunlad dahil sa matinding korupsyon at hindi magandang pamamahala. Ang totoong pagsubok lang tungkol sa BOL ay kung dadaloy ba ang pera at kung ito ay magagamit nang mabuti. Ito rin ang tanging kinatatakutan ng aking ina. Ayon sa aking nanay, wala raw siyang alam sa mga patakaran na napapaloob sa BOL. Sa tingin niya, maganda raw ang BOL, ngunit, nag-aalala siya kung makaturungan ba raw ang mga taong mamumuno sa BARMM. Baka rin mas lalong mag-away ang mga Maranao, Tausug, at Maguindanaon sa pag-uunahan kung sino dapat ang maging pinuno sa halip na magkasundo. Ang pinakamalalang pwedeng mangyari ay kung baka hindi raw umasenso ang mga kabuhayan ng mga tao sa BARMM at ang mga mayayaman ay mas lalong yayaman at ang mga mahihirap ay mas lalong maghihirap. Sa ngayon, wala pang may alam kung ano ba ang magiging resulta ng pagbabagong ito sa Pilipinas lalo na sa mga lugar na masasali sa BARMM. Ang sa akin lang ay kung sakaling masali ang Balo-i sa BARMM, sana ay matulungan ng bagong administrasyon na ito ang Balo-i, upang mas lalong umunlad, at ang mga tao, upang mas guminhawa ang kanilang mga buhay. Nawa ay maging
Hindi man masyadong kilala ng iba, naipagdiriwang naman nang mayroong kasiyahan. Abala sa mga gawain ang mga iskolar sa ika-siyam na baitang. Makikita sa mga mukha nila ang pagkagalak at ang pagiging preparado sa paggunitang magaganap. Igugunita ang 29th National Statistics Month na may temang “Makikita ang turismo sa mga numero”. Nagsasabi itong dapat natin ipagmalaki ang mga magagandang pook sa ating bansa na siyang makikita sa mga numerong nakalap ng Departamento ng Turismo. Mga nagniningning na ilaw, banderitas na makukulay, at nakasabit na mga lugar sa Pilipinas ang iyong masasakshihan sa bawat seksyon. Ang klase ng Sodium ay dinagdagan ang tema ng layong nakakatakot, habang ang silid-aralan ng Lithium ay ginawang replika ng mapa ng PIlipinas. Ang Potassium naman ay abala sa pagbibigay ng makalumang pananaw o retro sa eksibisyong magaganap. Iba’t iba ang kanilang mga ideya, ngunit iisa lamang ang layunin; ang makapagbigay ng impormasyon at kahalagahan sa araling Statistics. Sinisiguradong sa bawat Gawain ay mayroong katuwang na pagmamahal sa ginagawa. Mayroon ding tag-iisang tao ang bawat seksyon na kung saan tinatawag nila na “Statman”, at ang layunin nila ay maengganyo ang mga pumapasok sa eksibit. Sa paggawa ng susuotin nila, ay makikita mo ang mga dedikadong mukha, at pursigidong mga kamay. Nagkaroon rin ng pagpapakita sa mga bidyong naglalayon ipakita ang turismo ng Mindanao gamit ang mga numerong nakalap. Sa bawat bidyo ay mababatid mo ang panahon na inilaan nila upang magawa ito ng maganda, at ang kaisipang nabuo sa mga ideyang binatayan nila. Sa lahat ng naganap, mababatid ang mga mukhang napagod ngunit nasiyahan naman sa kinalabasan ng kanilang paggawa. Ang naipakita roon ay ang kaisipang handang magsikap para sa isang gustong magawa. Natapos ang pagdiriwang ng may dulot na kagalakan, at nagpaalam ang bawat isa ng may dalang mga magagandang alaala. /Michael Villacorte
Hashtag Talon Hopping
Mahilig bumiyahe? Tara na sa Lanao del Norte! Lingid sa kaalaman ng nakararami na maliban sa mga gulo at sigalot na nangyayari dito sa bahaging timog ng bansa, ay pinamamahayan din nito ang iilan sa mga makapigil-hiningang likha ng kalikasan. Nangunguna na sa syempre sa listahan ang mga naggagandahang talon ng Iligan City. Ang lungsod ng Iligan na binansagang “City of Majestic Waterfalls” dahil sa mahigit sa dalawampung talon na matatagpuan sa naturang lungsod; ang bawat isa ay may kanya-kanyang angking kagandahan na talaga hindi mo pwedeng hindi masaksihan. Sino nga naman ba ang hindi nakakakilala sa Maria Cristina Falls? Ito ay isa sa mga pinakatanyag na talon sa buong bansa na siyang nagsusuplay ng kuryente sa siyudad ng Iligan at sa malaking bahagi ng Mindanao. Sa tuktok nito’y may bato na siyang naghihiwalay sa tubig kaya naman binansagan din itong “twin falls”. Huwag na huwag ding kakalimutan sa inyong “bucket list” ang Tinago Falls – ang napakagandang talon na nakatago sa gitna ng kagubatan. Talagang sulit ang paglalakad kung ang iyong masasaksihang ganda ay hindi maikukumpara sa iba. Mahirap mang mapuntahan ay tiyak na di mo dapat makaligtaan ang talon ng Limunsudan. Ang talon na ito ay may dalawang hagdan na talaga namang tunay na nakakamanghang pagmasdan. Ang talon na ito ang pangalawang pinakamataas na talon sa buong bansa na may habang 265 na metro. Matatagpuan din sa Iligan ang mga talon ng Mimbalot, Dodiongan, Kalubihan, Guimbalolan, Kamadahan, Pinadarangan, at marami pang iba. Syempre, hindi lang din naman sa Iligan mayroong mga ganitong klase ng talon na pwedeng puntahan. Sa Kapatagan, 33 na kilometro mula sa Tubod na siyang kabisera ng probinsya ng Lanao del Norte, ay matatagpuan ang tanyag na Cathedral Falls. Naging tanyag ang nasabing talon dahil nagmimistula itong isang “pipe organ” sa isang simbahan dahil sa mga bato sa likuran nito. Hindi rin pwedeng makalimutan ang talon ng Sta. Cruz – ang Niagara Falls ng Mindanao. Mahirap ding mapuntahan ang talon na ito ngunit talagang hindi masasayang ang halos dalawang oras ng paglalakbay sa madudulas na burol, mababatong daan, at pakikipagtunggali sa daloy ng ilog kung ganitong klase lang din naman ng kariktan ang magiging destinasyon. Kung abusong-abuso na ang #IslandHopping sa Instagram “feed” ninyo, halina’t sumubok ng ibang klase ng “adventure”, isama ang buong pamilya, umawra sa tapat ng kamera, at mag-post with #TalonHopping na! /Pauline Creayla
13
LATHALAIN
Samahang pinagtibay ng pagkakaisa, Kaibaha’y bumuklod sa isa’t isa “Pagkakaisa’t matatag na samahan ang
nila ang samahan ng isang pamilya,
punuhan , sa mga pagsubok na kanilang
at ang pagkakaunawaan sa lahat ng
gustng malampasan.”
oras kahit mayroong maliliit na hindi
Magkaiba
mga
pagkakaintindihan. Sa huli, nagwagi ang
pananaw sa buhay, at relihiyon ma’y
pulang liga na siya namang sinundan ng
iba-iba, pagkakaisa na nagbubuklod sa
ligang dilaw. Pumapangatlo naman ang
bawat iskolar ang katangiang tinataglay.
ligang asul, at nasa hulihan naman ang
Sa anumang hinaharap ng mga iskolar,
berdeng liga. Ganito man ang nagging
pursigidong mga mukha, at katatagan ng
resulta, napanindigan naman nila na
loob ang dala dala kahit sa katangiay iba
kahit anung mangyari, pamilya pa rin
iba hanggang sa kanilang mga kakayahan.
sila. Hinggil dito, marami nang nangyari
Sinisikap
sitwasyong
sa kampus na naipakita ng mga iskolar
lahat
ang
ang kanilang pagkakaisa sa isang layunin.
ipinagsisigawan. Kung kamalia’y pinag-
Isa pang maipagmamalaki ay ang isyu
uusapan, hindi magpapadaig sa pagwasto
tungkol sa mga binawing upuan sa
nito ang mga iskolar. Maituturing natin na
kantina. Hindi man masyadong malinaw
dito. Naipamalas din nila ang pagkakaisa
naman ang estado ng ating kampus.
isang pulot ang mga iskolar. Mga handang
ang pinag-uusapan, naging isa naman
sa pagtulong ng kapwa kung siya naman
lumaban sa digmaan, makamit lang ang
sila sa pinagsisigawan. Naging tutol ang
ay nahihirapan sa araling ito hanggang
pagkakaisa
minimithing kalayaan sa pagpapahayag
lahat sa desisyong iyon , sa kadahilanang
sa mga pang akademikong patimpalak.
nagpapatatag
ng mga pananaw sa buhay. Waring kung
dapat
ang
Marami na ang napanalunan ng mga
tuwing
titingnan ay mga asong gusto ng away,
aming mga karapatan . Walang bahid na
iskolar na siya namang ipinagmamalaki
kaisaha’y ibabandera, tinig ng madla’y
ngunit kung susuriin ng malapitan,
kasuklaman iyon sa pamamahala, ngunit
ng sangkatauhan. Kagaya ni Hillary Diane
maibabahagi.
puso’y lumilitaw at walang dignidad na
kung tutuusin, nailalarawan doon ang
Andales na nanalo sa Breakthrough
ng lahat ay magiging baitang sa mas
tinatapakan.
pagkakaisang hindi matitibag ng kung
Junior
lalo pang pag-igting sa larangan ng
sino man. At sa kahaba haba pa na man
ng kaniyang sipag at talino. Marami
komunikasyon.
ng
ng byahe, mga aktibidad nawala, pero
nang napagtagumpayan ang paaralan
nagkakaisa ang mga iskolar, sumisimbolo
aktibidades ang mga iskolar. Ito ay isang
buong tapang nagsumite ng pag apela
gamit ang kaisahan, sa pagsasalita sa
ito ng pagkakaintindihan. Ideya man
labanan ng apat na liga. Nakita rito ang
sa pagkatatanggal nito. Hindi man ito
mga gustong mangyari ng karamihan.
ay karaniwang nababatid, mensaheng
pagiging determinado ng bawat isa sa
naaprubahan
kinauukulan,
Hindi man lingid sa ating kaalaman ang
inihahatid nito nama’y malalim ang
mga
pagkakaisa ang naging puhunan pa rin
pagkakaisang nagawa, naging mabuti
pinaghuhugutan. / Michael Villacorte
na
magaganap,
na
man
sa
bawat
boses
Kagaya dalawang
tatapusing
ang
ng
noong taon,
nakalipas
nagkaroon
gawain.
Naipamalas
din
naming
sa
Sayang nagbibigay saya
Happy and contented. Iyan ang sinagot sa akin ng canteen staff na si Ate Elsie Pacas habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Siya ay talumpo’t-dalawang taong gulang at nagtatrabaho na sa PISAY sa loob ng anim na taon. Siya ay isang magulang na kailangang suportahan ang mga pangangailan ng kaniyang anak kung kaya’y pinagbubutihan niya ang kaniyang trabaho. Gaya ng ibang mga magulang, hinaharap rin niya ang iba’t ibang suliranin gaya ng paggampan ng kaniyang tungkulin sa trabaho upang masuportahan ang kanilang pinansyal na pangangailangan, at ang pagiging isang ina na siyang humuhubog sa paglaki ng kaniyang anak. Dalawang tungkulin na kailangan niyang gawin, di alintana ang pagod upang mabigyan ng isang komportableng pamumuhay at magandang kinabukasan ang kaniyang
ipagtanggol
mga
anak. Nakakamanghang isiping nakakaya niyang gawin ito ng sabay. Maaaring hindi niya alam ngunit sa mga panahong nilalaan niya sa amin para sa simpleng pakikipagkuwentuhan, nabibigyan niya kaming mga inskolar ng konting kasiyahan sa mga panahong “stress na stress” kami sa mga takdang-aralin, pagsusulit, at proyekto. Sa ilang segundong pakikipag-usap katumbas nito ay mga ngiti sa aming labi at saglit na pagkalimot sa mga alalahanin. Ang kaniyang likas na pagkamasiyahin ang isa sa magagandang katangiang natatangi sa kaniya. Ang kaniyang mga ngiti na nakakahawa ay mistulang nagiging karwahe na siyang nagdadala ng kalungkutang aming nadarama. Bawat tawa niya ay may lamang saya na kaniyang naipapasa. Tipo ng sayang nakakahawa. Sayang nagbibigay ng saya sa iba. /Stephanie Clavano
Challenge
sa
pamamagitan
Maganda sa
may
ang
naidudulot
bawat
iskolar.
sa
ng Ito’y
samahang
nabuo
ipinaglalaban.
Kung
Ang
Sa
pagkakaunawaan
mga
panahong,
GWA o Jowa? Mas mabuti pang iwanan ng jowa , kaysa mawalan ng kinabukasan. Maraming nag-aaral ngayon sa sekondarya ang may magagandang buhay pag-ibig. Kasabay nito, nagsilabasan ang mga katanungan na ang pagkakaroon ng jowa raw ay nakakasagabal, at mayroon namang iba na hindi sumasang ayon. Mahirap sagutan ang isang tanong na iyong makikita sa dalawang magkabilang panig. Ang buhay pag-ibig ay maihahalintulad mo sa isang paru paro , dahil sa bawat paglipad nito gamit ang kanyang makukulay na pakpak , sumisimbolo ito sa pag abot mo ng iyong mga pangarap. Ngunit kung ang mga pakpak na ito’y maglaho, ang mga pinangarap mo’y kasabay ring guguho. Ang pinupunto nito’y hindi sa lahat ng pagkakataon, maganda ang naidudulot ng pagkakaroon ng es-
pesyal na tao sa iyong buhay. Ang jowa ma’y ganito sa iba,mayroon din namang inspirasyon lamang ang pagkakatukoy nila. Hindi sa lahat ng bagay, makakaapekto ito sa iyong mga makukuhang marka o kahusayan mo sa akademikong aspeto, pero kung kalabisan naman ang ipinapakita at walang limitasyon na pagmamahal, mas mabuti pang iwanan mo na lang ito. Marami pang darating na mas nararapat sa iyo. Ang GWA ay ang kabubuan ng mga pinagsamang marka ng mga iskolar. Ito’y sumasagisag sa pinaghirapan ng bawat iskolar. Ang pagkakaroon ng mataas na GWA ay nakadudulot ng kasiyahan sa iyo at sa iyong mga magulang. Makikita rito na may katumbas pala ang kanilang ginagawa para mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan.
Ang GWA at jowa ay magkakaiba ang inaanggulo, pero kung hindi naman nakahahadlang ang isa’t isa sa kanilang mga layunin, mabuti naman ito. Magmahal ng buo, pero ito’y limitahan, dahil unahin mo muna ang daloy ng kinabukasang hinahangad. Huwag lamang aral nang aral, at huwag ding magmahal nang magmahal hanggang sa puntong katangahan na lamang. Ang pagkakaroon ng magandang GWA ay nakapagsasaya, habang ang jowa nama’y nakapapagaan ng iyong kalooban. Nasasaiyo lamang ang pagdedesisyon ng mas pipiliin. Kung ano ma’y mapipili, mas mabuting magkaroon ng pagmamahal sa puso, at kasipagang magbibigay sa bawat isa ng magandang kinabukasan. /Jayvee Bungcasan
14
AGHAM
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
‘No to single use plastics’ adbokasiya ng ALA JEMS
Plastik mula sa damong-dagat?
Dahil sa patuloy na paglaki ng problema sa basura, lalo na sa mga plastik, nagsaliksik ang mga iskolar na sina Jadel Dungog at John Carl Cortes tungkol sa isang lalagyan ng tubig na nabubulok sa agar at pwede pang kainin ng tao. Kaugnay sa problema ng plastik, ang pinagkunan ng kanilang materyales para sa naturang lalagyan ng tubig ay isang uri ng damong-dagat na madalas tinatapon lamang at wala masyadong silbi. Ang damong-dagat na ito ay kinunan ng alginate, ang bagay na bubuo sa bote. Ayon sa kanilang pananaliksik, kahit na maraming magagandang katangian ang plastik, hindi pa rin nasusulbad ang problema sa tumatambak na basura sa dagat at lupa na karamihan ay binubuo ng plastik. Ang problema raw dito ay mabagal mabulok ang plastik kaya napag-isipan nilang gumawa ng sarili nilang bote na hindi masama sa kapaligiran at pwedeng
makain. Hindi naman ito isang ideya na hindi pa nagawa noon. Na-imbento na ang Loliware at ang Ohoo, bago pa ang pananaliksik ng mga iskolar. Ang Loliware ay isang uri ng baso na maaaring kainin pagkatapos gamiting pang-inom kaysa sa itapon saansaan. Habang ang Ohoo naman ay isang uri ng lalagyan ng tubig na nakabalot sa mala-haleya na suk-
lob. Ang suklob naman nito ay maaring kainin at pwede ring itapon. Kahit na may mga mas nauna ng mga nabubulok o nakakain na lalagyan ng tubig, ang problema sa dalawang halimbawa ay ang presyo nila. Kahit na maganda ang adbokasiya ng Loliware at Ohoo, hindi lahat ng tao ang makagagamit sa mga produkto dahil sa kamahalan nila. Kaya, maganda na rin ang isa sa mga layunin ng pananaliksik na gumawa ng “eco-friendly, economic, edible replacement for 1-use plastic cups”. Dahil sa pananaliksik na ito, natupad nina Jadel at John Carl ang kanilang mga tuntunin bilang mga iskolar at bilang gma Pilipino – ang maging makakalikasan at ang pag-unlad sa agham. / Fahadh Abbas Larawan mula kay Joy Pattuinan
Ang ating panahon ngayon ay bunga ng pag-unlad ng kaalaman ng tao. Masakit man tanggapin ngunit sa kasamaang palad, iilan sa mga ito ay nakasasama kapag hindi nilagay sa tamang oras tulad ng plastik. Kung tutuusin, pangatlo ang ating bansa sa listahan na nagsasaad ng dami ng plastic na tinatapon at karamihan rito ay natatapon sa mga anyong tubig katulad ng dagat na dumadagdag sa polusyon sa bansa. Noon, layunin ng plastik ang palitan ang kahoy upang hindi na kailangang pumutol ng mga puno para gumawa ng sari-saring kagamitan. Ngunit, ngayon, kabilang na ito sa mga lumlaking problema ng buong mundo. Kadalasan sa mga ito ay hindi na mapakikinabangan pagkatapos gamitin. Ang plastic wrappers at plastics cups ay iilan lang sa halimbawa nito. Ngayong taon, na-
glunsad ang Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham-Kampus ng Gitnang Mindanao ng bagong Alternative Learning Activity o ALA na kilala sa bansag na ALA JEMS. Ang mga iskolar na kabilang dito ay nagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan tungkol sa kalikasan at lahat ng may kaugnayan nito. Sa katunayan, may adbokasiya sila na No to single use plastic kung saan hinihikayat nilang iwasan ang paggamit ng plastic na isang beses lang ginagamit. Maliit man ang ating paaralan ay kahit papaano ay nakatutulong ang adbokasiya sa ating suliranin sa plastic. Kapag susuriin, malaki ang ambag ng mga paaralan dito dahil sa mga pagkain na binebenta sa paaralan lalo na sa canteen araw-araw. Kaya kahit papaano ay mababawasan ang basura natin dahil sa kanilang adbokasiya. /Mark Libumfacil
#BerdengUtak Karunungan para sa Kalikasan Tara sa Microbiology Elective! Usap-usapan sa mga iskong nasa ikasampung baitang ang muling pagtataguyod at pagbabalik ng elective course ngayong taon. Isa sa dalawang asignaturang ibinabahagi nito sa mga mag-aaral ang Microbiology. Sakop ng Microbiology ang lahat ng mga bagay na may buhay at ang mga partikular na bahagi nito. Ang gurong humahawak sa kursong ito ay si Ginang Yvonne Branzuela, isang eksperto sa larangang ito. Sa kasalukuyan, may labinlimang mag-aaral mula sa ikasampung baitang ang
naitalang kabilang sa Microbilogy. Binibigyan sila ng oportunidad ng kursong itong lumawak ang kanilang kaalaman at pananaw sa siyensa at pananaliksik. Matatalakay rin sa asignaturang ito ang mga paraan ng paggamit ng iba’t ibang mga instrumento sa laboratoryo. Kasali na rito ang pananaliksik ng mga bacteria, fungi, at iba pa. Tiyak na pagkatapos ng isang taong pag-aaral ay matututunan ng bawat iskolar sa kursong ito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga hands-on at harapharapang mga aktibiti at eksperimento.
Sa pamamagitan ng elective course na ito, matatamo ng mga magaaral ang mga katangian ng pagiging matiyaga, masunurin, at masipag. Sapagkat upang maging matagumpay ang kanilang eksperimento, kailangan nila ng mahabang pasensya at pagtutulungan. A n g microbiology, maliban sa mga bagong kaalamang ibinabahagi nito, ay instrumento rin tungo sa paghubog ng mga mag-aaraal na magkaroon ng malinaw na bisyon sa kung anong gusto nila paglaki. /Nathan Wayne Ariston
Istoryang Straw to Life
Drink strawless. Ito ang naging adhikain ng isang siyam na taong gulang na batang tubong Vermont na si Milo Cress na sinimulan noong Pebrero 2011. Ang adbokasiyang ito ay naglalayong maibsan ang paggamit ng plastik na isa sa mga pangunahing pollutant sa ating kapaligiran. Ang adhikaing ito ni Cress ang nag-udyok sa kasalukuyang administrasyon ng MPPA-KGM na ipatupad ang kautusan hinggil sa mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng plastic straw tuwing umiinom ng mga juice o softdrink. Mapapansing hindi nagbibigay ng plastic straws ang mga tauhan sa kantina ng MPPA-KGM tuwing sila’y magbebenta ng mga inumin. Dahil dito, mapapansin na mas luminis ang kapaligiran ng kampus simula nang ipatupad ang ordinansang yaon. Kahit sa alinmang sulok ng eskwelahan, ni bakas
ng plastik ang masisilayan. Dahil dito, mas naging kaaya-ayang tignan ang kampus dulot ng walang basurang nagkalat kahit saan-saan. Samakutuwid, epektibo nga ang adhikain ni Cress. Sa kanyang kampanyang “drink strawless” ay naibahagi niya sa iba ang kanyang kagustuhang pangalagaan ang kalikasan at sugpuin ang polusyong dinaranas ng ating kapaligiran. Bagamat ito’y isang naging hakbang ng MPPA-KGM upang maging eco-friendly ang naturang eskwelahan, hindi pa rin maisasakatuparan ang pagkaubos ng 500 million straws kung hindi buong daigdig ang nagsasagawa nito. Mula ngayon, itaas mo na ang iyong kanang kamay at isadibdib ang mga katagang “I will drink strawless.” / Marvin Gumela Larawan mula kay Rizza Gonzales
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Mga likhang Pisay tampok sa RSTW
Dunong, ibinahagi
Kuha ni Chris Ramayla
LINGKOD-BAYAN. Ipinapaliwanag ni Reyson Ruiz, Grade 11 iskolar, ang kanyang proyekto sa isang mag-aaral sa kanyang RSTW exhibit sa Bukidnon State University, Malaybalay, Bukidnon. Ipinapakita nito ang ikatlong core value ng Pisay: Serbisyo sa Bayan.
15
AGHAM
Matagal nang pinapalaganap ng pamahalaan ang kaalaman hinggil sa agham at teknolohiya. Nagsasagawa ang gobyerno ng mga paligsahan at mga pagdiriwang na nakapupukaw sa pagkamausisa ng mga Pilipino. Noong Setyembre, ginanap ang isang pangrehiyong pagdaraos ng Region 10 ng National Science and Technology Week bilang pakikiisa sa pag-aangat ng pagkamalay ng mga mamamayan ng mga nasasakupan sa siyensya. Maraming mga okasyon ang isinagawa ng Department of Science and Technology Region 10 (DOST 10) at ng mga nasasakop na mga ahensiya; kabilang dito ang PSHS – CMC. Naganap ito sa Bukidnon State University, Malaybalay, Bukidnon. Mayroong mga paligsahan ng talino at pananaliksik. Mayroon din namang pagtatanghal ng mga maitutulong ng bawat
ahensiya sa pamayanan tulad ng: “STI at work” at “STI at school” kung saan pinapakilala ang mga panukala ng agham, teknolohiya at “innovation” sa trabaho at sa paaralan. Bilang isang sangay ng DOST, nakilahok din ang PSHS – CMC at nagtanghal sa STI at school. Sa pamumuno ni G. Christoper Ramayla at iba pang guro, nagdala ng mga pang-eksibisyong gamit tulad ng mga Lego™ na robot ang mga iskolar. Sa paligsahan naman, nagtatag ang PNRI ng “cluster elimination” para sa Philippine Nuclear Science Quiz kung saan mas pinakilala nila ang pag-aaral sa paksa ng “Nuclear Physics”. Talaga namang malaki ang naitutulong ng mga ganitong mga okasyon sa pagpapalaganap ng kaalaman sa agham at teknolohiya sapagkat mas nagigising nito ang pagkamausisa ng bawat tao. /Nathan Wayne Ariston
Pananaliksik ng mga Iskolar, namayagpag sa Vietnam
Ang pagsali sa mga lokal na mga paligsahang pang-agham at teknolohiya ay karaniwan na sa mga iskolar ng Pisay. Ngunit, hindi madalas dinadala at ipinakikita sa mga banyaga ang kakayahan ng mga isko bilang kinatawan ng bansa.
Noong ika-17 hanggang ika-25 ng Hulyo, ginanap ang Global Learning Across Borders 2018 sa Hanoi, Vietnam, kung saan lumahok ang tatlo sa mga iskolar ng Central Mindanao Campus na sina Reian Christopher Paraguya, Mark Chiron Cortez, at Mohammad Usman na sinamahan ni Engr. Jan Mellrick Dugenio. Sa pananaliksik nina Cortez, Usman, at Amigable, ibinida
nila ang kanilang water filter Kuha ni Jan Mellrick Dugenio mula sa balat ng durian. Ginamit nila ang balat ng durian bilang pansala ng tubig o pagpalilinis nito at naiuwi ang gantimpalang “Best Impact” na nangangahulugang ang kanilang pananaliksik ay may magandang epekto sa kalikasan o may malaking kontribusyon sa agham. Habang ang pananaliksik naman ni Paraguya ay tungkol sa mga beach forests sa BUKOD-TANGI. Nagtamo ng mga parangal ang mga pananaliksik urbanisadong pook. Sinuri ng tatlong iskolar ng CMC sa Hannoi, Vietnam. Pinapatunayan nito niya ang biodiversity sa iba’t na kaya ng CMC na makipagsabayan sa loob at labas ng bansa. ibang beach forests at inalam pinili. Mahalaga ang kanyang diversity ng mga species sa mga ang kahalagahan ng bawat pananaliksik sapagkat unti- lugar na ito. Dahil dito, nanalo species na makikita sa mga unti ng lumiliit ang mga beach ang pananaliksik ni Paraguya beach forests na kanyang forests at lumiliit na rin ang ng gantimpalang “Best Data”
Sakura Exchange Program, nilahukan
na nangangahulugang ang kanyang pananaliksik ay nagbibigay ng mahalagang datos lalo na ukol sa kapaligiran at ang datos na kanyang nakalap ay nagbibigay ng dekalidad na impormasyon. Naging paraan para sa mga iskolar at para sa Philippine Science High School na ipalaganap ang kanilang mga kakayahan sa agham at teknolohiya at pati na rin ang kanilang kakayahan sa komunikasyong pang-agham. Dahil sa paligsahang ito, naiangat ng ating mga pambato ang pangalan ng paaralan at ng buong bansa sa larangan ng agham. / Kristin Mari Daclan
Mga iskong kalahok, ibinahagi ang karanasan Limang ika-10 baitang na mga iskolar ng Mataas ng Paaralan ng Pilinas sa Agham – Kampus ng Gitnang Mindanao (MPPA-KGM) ang sumali sa Japan-Asia Youth Exchange Program in Science na kilala rin bilang “SAKURA Exhange Program in Science” ng Japan Science and Technology Agency ( JST) noong ika-1 hanggang ika-21 ng Hulyo 2018. Sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga aktibidad hinggil sa adbansment ng agham at teknolohiya, layunin ng programang ito ang pagpapaunlad ng interes sa paraang pagbabahagi ng mga inobasyon o paglalahad ng research sa larangan ng agham
at teknolohiya sa hinaharap ang mga kompetitibong kabataan sa pagitan ng Japan at iba pang bansa mula sa Asya. “Ang research namin ay tungkol sa paggawa ng biodegradable water container galing sa Sargassum crassifolium extracts at calcium propionate bilang alternatibo sa mga plastic cups,” ani ni John Ouano, isa sa mga kalahok. “Sa tingin ko may iilan nang nakarinig na meron ng cups na ganyan sa buong mundo gayunpaman, ang problema ay medyo kulang pa ’yung shelf life,” sabi naman ng isang iskolar na pinangalanang, Jadel Dungog.
“Ang kahalagahan ng aming study ay isang eco-friendly na kung saan lahat ng mga kasangkapan ay madaling makita dito sa Pilipinas,” dagdag niya. Ayon sa Dungog, labing-anim na taga-ibang bansa at higit sa dalawang daang paaralang galing sa Japan ang lumahok at bumahagi sa kaganapan. Binahagi rin ni Dungog ang kanyang naging karanasan nang siya ay nanatili pa sa Japan, “Hindi lamang pagbabahagi ng mga ideya o inobasyon at adbansment sa teknolohiya ang natutunan namin doon kundi pati na rin ‘yung tradisyon at kultura ng mga Hapon.” Sa kabila ng layo nang
Kuha ni Lorvi Pagorogon
KULTURA AT SIYENSYA. Karunungan at kuluturang Hapon ang baon ng mga iskolar na lumahok sa Sakura Exchange Program sa kanilang pag-uwi.
kanilang narating, sabi niya maraming pagsusubok at pakikibaka ang kanilang hinarap; sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at dedikasyon
ay nakuha nila ang positibong resulta at nagtagumpay sa kanilang research. / Fahadh Abbas
16
AGHAM
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
AGHAM
17
Mga AGHAMazing Pisayano Guro sa Pisika, lumahok sa Int’l Space Camp
Matangkad o pandak, maitim o maputi, babae o lalaki, lahat sila may iisang misyon. May tatlumpu’t pitong estado ang nagtipon-tipon sa Alabama para masaksihan ang pag-iisa ng kalawakan at lupa. Posible pala ito? Posible. Sa tulong ng Honeywell Education at Space Academy (HESA), dala ng sariling pagsusumikap at kabutihang palad, isang guro ng Pisika mula sa MPPA-KGM, ay nakapasok at napabilang sa maswerteng dalawang daang guro sa siyensya at matematika mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Siya ay walang iba kung ‘di si Ginoong
Christoper P. Ramayla. Ayon sa kanya ay isang mabuti at kapaki-pakinabang na karanasan ang pinuntahan niya sa U.S. Space and Rocket Center, Huntsville, Alabama upang mas long mahasa ang taglay na husay sa matematika at siyensya sa pamamagitan ng paggamit sa kalawakan. Lahat ng mga
maswerteng guro ay nakilahok sa 45 oras na karanasan sa mga silid-aralan, laboratoryo, pagsasanay, matematika, space science exploration at aerospace technology. Nabigyan ng pagkakataon ang mga guro na matuto at maranasan ang makapunta sa kalawakan sa pamamagitan ng stimulated astronaut training and activities na nailunsad sa tulong na rin ng USSRC. Ang layunin ng programang makatulong sa mga guro sa siyensya at matematika mula sa iba’t ibang paaralang sekundarya nang sa gayo’y makapaghatid ng kalidad na kaalaman sa mga mag-aaral. “Space camp is by far the most inspiring teacher training that I had as a teacher. I learned many things and most importantly, I gained new friends from different parts of the world,” wika ni G. Ramayla. Umuwi si G. Ramayla ng may baong mga ngiti sa labi at kwentong handang manghikayat sa mga mag-aaral. / Janina S. Bayron Larawan mula kay Chris Ramayla
Pisay Alumnus, nakadiskubre ng bagong mga species ng mayfly
Isang species, ipinangalan sa Pisay
Biyaheng Colorado Maraming Pilipino ang gustong makapunta sa iba’t-ibang bansa gaya ng Estados Unidos. Bukod sa mga magagandang tanawin, mayroon din itong bukod tanging kultura at masasarap na pagkain. Isa sa mga tao na nakapunta sa bansang Estados Unidos ay ang iskolar na si Jasmine Q. Maraon. Tingnan natin ang kanyang karanasan sa kanyang paglalakbay. Isa sa mga hindi niya makakalimutan na karanasan ay noong nag-major mountain hike siya at ang kanyang mga kasama kada Sabado at Linggo. Napuntahan nila ang Chautauqua Park, Settler’s Park at ang pinakamaganda sa lahat na Rocky Mountain National Park. Kahit na humihingal at napapagod si Jasmine ay napagtagumpayan niya din ang pag-aakyat. Pagdating sa tuktok ng mga bundok ay mararamdaman mo ang malamig na hangin at ang taas ng bundok. Makikita mo din ang nyebe na nagkalat sa paligid. Napamangha si Jasmine sa tanawin dahil sa matiwasay na paligid at kahanga-hangang taas. Nawala ang lahat ng pagod na naramdaman ni Jasmine pagkakita niya sa tanawin. Sunod naman ay nanood si Jasmine ng isang baseball game. Doon niya nakita ni Jasmine ang pagka-makabayan ng mga Amerikano. Dito nalaman ni Jasmine seryoso sila pagdating sa mga laro katulad ng baseball. Namangha si Jasmine sa pinapakitang katangian ng mga Amerikano sa kanilang laro. Pumunta rin si Jasmine sa walo ng mga unibersidad ng Amerika. Ang mga unibersidad na napuntahan niya ay ang mga Unibersidad ng Colorado-Boulder, Unibersidad ng Colorado-Denver, Unibersidad ng Colorado-Anschutz, Unibersidad ng Denver, Colorado State of University at Colorado State of University-Fort Collins.Nasaksihan ni Jasmine kung gaano kalawak ang paligid at gaano kaganda ang unibersidad. Kahit na napapawisan na siya sa paglalakad, naging sapat naman ang paglalakbay niya at napawi rin ang kanyang pagod. Dahil sa karanasang ito, mas naniwala si Jasmine sa mga katagang “don’t give up”. Ang pangarap ni Jasmine na makapunta ng Amerika noon ay natupad na dahil hindi siya sumuko at ginawa niya ang lahat para makamit ito. / Trisha Jane Itaas
Taliwas sa opinyon ng mga dalubhasa na mayroong malawak na baryasyon sa mga species ng Mayfly (Ephemeroptera), tanging tatlumpo’t pitong baryasyon lamang ang naitatala. Ito ang kumuha sa atensyon ng isang MPPA-KGM alumnus na si Leocris Batucan, Jr. kaya’t ito ang pinag-aralan niya para sa kanyang master’s thesis. Matapos ang dalawang ekspidisyon niya sa ilog ng Layawan sa Mt. Malindang Natural Park, nakadiskubre siya ng karagdagang species ng Ephemeroptera. Dahil siya ang nakatuklas sa mga iyon ay sa kanya na rin ibinigay ang prebilihiyong pangalanan ang mga ito. Narito ang mga napili niyang pangalan: Afrononus ayayti sp. nov. (pinangalan niya ito mula sa alma mater niya sa kolehiyo na Mindanao State University - Iligan Institute of Technology), Atopopus pisay sp. nov. (ipinangalan niya sa Philippine Science HIgh School, Pisay), Afrononus albentis sp. nov., Sparsorythus buntawensis sp. nov., Dudgeodes subanen sp. nov., (mula sa Subanen), at Chroterpes striatafemoris sp. nov. Nang dahil sa nadiskubreng ito ni Batucan, tumaas na sa labin-tatlong bilang ng Mayfly sp. sa kapuluan ng Mindanao. Ang papel niyang pinamagatang “DNA Barcode and Morphological Description of Ephemeroptera from Layawan River, Mt. Malindang” ay naitalakay sa ika-13 na Bi-annual In-house Review of Research and Development Projects ng MSU-IIT at nanalong Best Paper. /Janina S. Bayron Larawan mula kay Leocris Batucan, Jr.
larawan mula kay Jasmine Maraon
Iska para sa Mundo Mahusay, masipag, at matalino, ganyan kinilala si Hillary Dane Andales sa mundo ng siyensya. Nagmula pa sa Palo, Leyte, si Hillary Andales ng Philippine Science High School – Eastern Visayas Campus ay umuwi dala-dala ang tropeo mula sa ginanap na 2017 Breakthrough Junior Challenge noong ika-3 ng Disyembre sa Silicon Valley, California, USA. Ang kanyang panalo’y bunga ng kanyang pagpupursigi at mas pinalakas na hangaring magtagumpay pagkatapos niyang lumahok sa ginanap na Breakthrough Junior Channel noong nakaraang taon. Suportado rin siya ng kanyang
mga magulang, guro, kaibigan at kaklase na parating nariyan upang gumabay at tumulong. Ang gantimpalang kanyang natanggap ay nakapagpatayo ng panibagong labotaryo sa kanilang kampus, dagdag pa sa naipagawang DNA molecular biology laboratory galing sa espesyal na promong kanyang natanggap noong huli niyang pagsali. Matapos ang kompetisyong ito, mas dumami pa ang mga oportunidad na iniaalok sa kanya. Ang mga araw niyang walang tulog at paghahanap ng namumukod-tanging paksa para sa ipinasa niyang "three-minute video" sa kompetisyon ay nagbunga. Ayon sa kanya, “We have the responsibility to make this world a better place to live in, and science can help us do that. A generation that appreciates science can take care of the world better."
"May this inspire more young people, especially my dear Filipinos, to look up and become scientists themselves – the stars we should all look up to, " dagdag pa niya. Sa kasalukuyan, siya’y nagpapatuloy sa landas ng pisika. Bilang pagkilala sa kanyang malakas na pagtataguyod sa siyensa, teknolohiya, at matematika, natanggap niya ang karangalang "Mga Bagong Rizal: Pag-Asa ng Bayan." Si Hillary Dane Andales, ang rising star sa mundo ng siyensa, ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga estudyanteng nangangarap. Ang kanyang panalo’y hindi naging hadlang upang siya’y magpatuloy na mangarap nang mas malawak at malaki. /Haniah Ampuan Larawan mula kay Hillary Andales
18
ISPORTS
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
Provincial Meet
19 gintong medalya nasungkit ng mga manlalaro sa swimming
Sumabak
sa unang pagkakataon ang Philippine Science High School - Central Mindanao Campus sa Provincial Meet noong Oktubre 12-14 sa Mindanao Civic Center, Tubod, Lanao del Norte. L a b i n d a l a w a n g magagaling na manlalaro ng PSHS-CMC ang sumali sa naturang kompitesyon na kinabibilangan ng anim na manlalaro sa swimming, lima sa badminton, at isa sa taekwando. Nagsimula ang kompitesyon sa pamamagitan ng tahasang pagkilatis sa mga dokumento ng mga manlalaro upang masigurong ang bawat kasapi ng koponan ay angkop sa itinalagang pamantayan ng mga atleta sa Palarong Pambansa. Sinundan naman ito ng maikling paghahayag ng mga panuntunan, skedyul, lokasyon at tagubilin sa alinmang kategorya ng palaro. Agad na sinimulan ang pakikipagtagisan ng mga manlalaro sa swimming kung
saan ibinuhos ng anim na babae at nag-iisang lalaking kalahok mula sa PSHSCMC ang kanilang bilis sa paglangoy mula unang araw hanggang ikatlong araw ng palaro. Hindi naman pinanghinaan ng loob ang taekwondo at black belter na si Jessie Tulod sa kanilang weigh-in sa unang araw, lumaban siya sa ikalawang araw gamit ang kanyang lakas, istratehiya at disiplina sa loob ng ring. Pinatunayan din ng mga manlalaro sa badminton singles at doubles ang kanilang liksi at galing sa bawat hampas ng kanilang racket na nagpasiklab sa ibang manlalaro. Umabot pa sa semi-finals ang laro ng PSHS-CMC men’s at women’s doubles ng badminton. Nakasungkit ang mga atleta ng PSHS-CMC ng 19 golds, 4 silvers, at 6 bronze medals sa iba’t ibang events ng swimming, 1 bronze medal naman sa men’s doubles ng badminton, at 1 bronze medal din sa taekwondo .
Bagaman ito ang unang pagsali ng PSHSCMC sa Provincial Meet, masasabing matagumpay ito dahil sa mga medalyang nakamit ng mga manlalaro. Inaasahang sa susunod na mga taon ay mas marami pa ang mga iskolar ang sasali at mag-uuwi ng maraming gintong medalya para sa ating paaralan. Hindi matatawaran ang pagbibigay inspirasyon ng mga coach na sina G. Dinno Atayan (swimming), Bb. Ann Mortola (taekwondo) at Bb. Maria Luisa Cala (badminton). Maging ang suporta ng administrasyon ng PSHS-CMC, mga guro at kapwa mga iskolar. Sa kabila ng maikling oras na preparasyon at ensayo, pinatunayan pa rin ng mga atletang iskolar na hindi sila magpapahuli sa larangan ng isport. ‘Yan ang galing ng mga iskolar! /Blue Mosqueza
na taon, bumuo ng isang koponan sa larong Balibol ang Pisay – CMC. Lumahok ito sa nakaraang “Provincial Meet” sa lugar ng Lanao del Norte. Hindi lang sa isports na balibol lumahok ang CMC kundi pati na rin sa Karatedo, Swimming at Badminton. Sa mga nakalipas lang na buwan ay nagpaplano na rin na bumuo ng koponan sa Baskitbol at Futbol ang CMC. Ginaganap na rin ang taunang Intramurals sa Pisay - CMC na kung saan hinihikayat ang bawat iskolar na lumahok sa mga isports na maaring salihan sa nasabing ganap. Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga iskolar na pumili ng isports na gugustuhin nila bilang isang bagay na maari nilang gawin upang hindi masyadong sumakit ang kanilang ulo sa paghaharap ng mga leksyon ng Pisay. Masisigurado rin ang magandang kalusugan ng mga kabataan. Hindi lang sa larangan ng tagisan ng talino magaling ang mga taga – Pisay. Magaling din ito sa larangan ng pampalakasan. Ngunit bilang isang iskolar ng bayan, aalahanin natin muna kung bakit nandito tayo sa paaralang ito. Kailangan nating unahin pa rin ang pag – aaral sa halip ng ibang bagay. Hindi sa sinasabing masama ang pagsali sa isang isports ngunit kailangang hatiin natin ang oras natin dito sa pag – aaral at paglalaro. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang ibang usapin tungkol sa pagkawala ng layunin sa pagtatag ng paaralang ito at mas makikilala pa tayo sa buong bansa at buong mundo na hindi lang tayo matalino kung hindi pang isports pa!
ISPORTS
Skateboarder Margielyn Didal ibinulsa ang pang-apat na ginto sa Asian Games 2018 Nasungkit ni Margielyn Didal ang inaasam na gintong medalya ng Pilipinas sa 2018 Asian Games matapos mangibabaw sa Skateboard Women’s Street Final sa JSC Skateboard Stadium, Palembang, Indonesia noong August 29, 2018. “I am very happy I did my best. Sobra ang saya ko, lalong-lalo na para sa mga skateboarders natin,” sabi ng atletang tubong Cebu sa unang pagsabak nito sa Asiad. Naitala ang gintong medalya ni Didal bilang pang-apat ng Pilipinas sa 2018 Asian Games kasama sa mga gintong medalya nina Hidilyn Diaz ng weightlifting, golfer Yuka Saso at ang national women’s golf trio na sina Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go. Umiskor si Didal ng 30.4 puntos upang daigin sina Isa Kaya ng Japan (25.0 puntos) at Bunga Nyimas ng Indonesia (19.8 puntos) sa isport na kauna-unahang isinagawa sa Asiad. Hindi nagpatinag si Didal sa simula hanggang huli ng Skateboard Women’s Street Final na may pambungad na 6.7 puntos matapos gawin ang napakahirap na ”Board Slide” sa railings na may mas mataas na platform. Gamit ang kanyang
8Five2 na skateboard, nagpakitang-gilas si Didal sa pangalawang run sa pamamagitan ng kanyang sariling bersyon ng hang time na may “Ollie” at nagtala ng 14.4 puntos. Ginulantang niya ang lahat matapos magawa ang nakatitindig-balahibong “Backside 50/50, 360-degree Flip Out” sa kanyang pang-apat na subok sa trick section at nagtala ng 8.9 puntos na naging daan ng kanyang tagumpay. “This was the first time that Margielyn tried that stunt and is the highest score garnered by any skateboarder so far in the street event,” sabi ni Skateboard Association of the Philippines Inc. president Monty Mendigoria. Inaasam ng labing-siyam na taong gulang na atleta ang kauna-unahang Olympic gold-medal ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics kaya puspusang pag-iinsayo ang kanyang gagawin upang makamit ang inaasam na tagumpay. “This (skateboarding) is big, not just in the Philippines, not just in Asia, but in the entire world. Skateboard is fun. Skateboard should be everywhere,” dagdag pa ni Didal. /MIzuki
Sinubukan ang kakayahan ng mga manlalaro ng ALA Badminton Varsity sa panguguna ng tagapayo nilang si Bb. Ma. Luisa S. Cala sa KW Badminton Championship sa Malaybalay Badminton Center, Malaybalay City, Bukidnon noong Oktubre 13-14, 2018. Dumagsa ang mga kalahok mula sa iba’t ibang panig, isa na rito ang koponan ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus na ikinagulat nang marami dahil sa unang sabak nito sa patimpalak ng KW Badminton Championship. Rumaratsadang pambungad ang ipinakita ni Altair Egos sa kanyang mga katunggali matapos magkaroon ng mga matitinding laban sa 17-under men’s singles at nagbigay-kaba sa ibang manlalaro sa kakayahang hatid ng mga atleta mula sa PSHSCMC. Hindi rin nagpatinag si Gwyneth Keena Gaviola sa 17-under women’s singles at pinahirapan ang lahat ng mga kalaban na kaniyang nakaharap. Sumabak muli si Altair Egos kasama si Don Tolido
19
Bida si Isko
sa Intramurals ‘18 Noong Enero 3, 2018 ay naganap ang pinaka inaasam-asam ng mga iskolar ng Philipine Science High School – Central Mindanao Campus. Ito ay ang intramurals o mas kilala ito ng iba sa tawag na sports fest. Ang intramurals ay isang libangan para sa mga tao particular sa mga bata para maipakita ng kanilang mga kakayahan sa isang particular na isport o kaya ay para lang mapawi ang tinatawag nating istres na karaniwang natatagpuan sa mga estudiyante na humahantong sa depression.Noong intramurals ay maraming mga kalahok ang sumali sa nasabing kaganapan kasali na doon si Mark Libumfacil. Siya ay isang manlalaro na galing sa batch 2023. Isa siya sa mga pinakamagaling sa kanilang batch.Noong laro nila ay nakalaban nila ang mga grade 12 na estudyante. Napakainit ng laro nila dahil makikita mo talagang nagsisikap sila kahit na ang laki ng agwat nila sa edad, sa pagiging mataas at sa kanilang mga kakayahan. Pakgatapos na pagkatapos ng laro ay makikita mo ang pagkadismaya ng mga manlalaro dahil sa kanilang pagkatalo. Natalo sila ng mga grade 12! Noong tinanong ko siya kung ano ang mga naghahalong emosyon na nararamdama niya ay sinabi niyang “ Masaya naman ako o kami dahil nabigyan kami ng opotunidad na makalaban ang mga nakakatanda pero malunkot din kami nang dahil sa aming pagkatalo. Ang iba kasi ay walang experience at ipinilit lang talagang sumali sa laro para lang sa grado. At dahil nga sa wala silang experience in playing the game nagaganap ang tinatawag nating force of attraction na kung saan sa tuwing may bolang papunta sa isang particular na tao doon pupunta ang lahat at doon mag-aagawan hindi lang sa laro naming pero para sa lahat”. Napansin pala ng nakararami ang tinatawag nilang force of attraction sa mga lro sa intramurals tulad ng basketball, volleyball at soccer. Ayon sa nakararami ay kailangan talaga ng pagtutulungan dahil ito ang kumokonekta sa mga manlalaro sa paglalaro ng laro. Kailangan nating ipokus ang ating mga sarili sa isports at hindi sa kung anong mga laro na nalalaro natin sa mga kompyuter dahil ito lang ang sisira sa ating kinabukasan.
/ Blue Mosqueza
Badelles
ALA Badminton Varsity Pisay: matalino na, pang – isports pa! sumabak sa torneo Kilala ang Philippine Science High School o kilala sa tawag na “Pisay” bilang tahanan ng mga magigiting na mag – aaral na matinik sa aspeto ng agham, teknolohiya at matematika. Sa 16 na sangay ng paaralang ito, lahat ay nanguguna sa tuwing may isang paligsahan na dadaluhan. Hindi na tanong kung bakit karamihan sa mga mag – aaral na nagtapos dito ay maganda ang kalabasan sa pagdating ng kolehiyo. Walang kampus na nahuhuli sa pagdating ng tagisan ng talino ngunit may ibang sangay na hindi lang nakatuon ang pansin sa agham, matematika at teknolohiya kundi pati na rin sa larangan ng isports, pamahayagan at iba pang mga paligsahan. Mayroon ding iba na hindi gaano aktibo sa larangang ito. Halimbawa nito ay ang Philippine Science High School – Central Mindanao Campus. Kung ang ibang kampus lang ang tatanungin kung paano ang pamamalakad nila sa larangan ng isports ay maganda ang masasagot ng mga taga Western Visayas Campus (PSHS – WVC), Southern Mindanao Campus (PSHS – SMC) at Central Luzon Campus (PSHS – CLC). Sila ang ilan sa mga kampus ng Pisay kung saan ang mga iskolar ay hindi lang magaling sa larangan ng akademiya kundi pati na rin sa pampalakasan. Sa katunayan, lumalahok sila sa mga paligsahan kagaya ng “ Palarong Panlalawigan” at anumang mga paligasahan sa isports. Ngunit ang PSHS – CMC na kung saan tayo nabibilang na kampus ay hindi gaanong aktibo sa larangang isports hanggang sa dumating ang nakaraang taon. Sa nakalipas
Ang Ilayin
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus Mayo-Oktubre 2018
sa 17-under men’s doubles at nagpakitang-gilas sa angking galing at pagkakaisa upang magkaroon ng mga magagandang laro. Hindi naman nagpalusaw ang mga unang sabak na mga manlalaro sa torneo na sina Richard Carillo at Carl Noel Sumagang sa Bracket 1 ng 15-under men’s doubles at ipinakita ang kanilang mga natutunan sa kanilang ALA. Rumatsada sina Chauncey Rojo at Vincent Mosqueza sa 15-under men’s doubles bracket 2, matapos magkaroon ng magandang teamwork at maayos na pagkakaintindihan upang masungkit ang kauna-unahang panalo ng PSHS-CMC at makapasok sa quarterfinals. Hindi man pinalad na makasungkit ng medalya sa final round, nagkaroon naman ng magagandang karanasan ang bawat manlalaro ng ALA Badminton Varsity na maaari nilang magamit sa kanilang susunod na mga torneo na lalahokan. /Aeron Andre Arat
Disamburun, Team 5 winalis ang Team 7 sa Semi-finals ng basketbol
Matagumpay ang pagsisimula ng patimpalak sa basketbol para sa SCALE ng tinaguriang “CMC’s Daiki”, Emmanuel Paul Cadot. Tinambakan ng Team 5 ang naghihikahos na Team 7 ng 24 puntos sa pangunguna nina Disamburun at Fajardo na parehong nagtala ng double-digit scores sa Semi -finals ng patimpalak sa basketbol, 49-25. Depensa ang naging pangunahing sandata ng koponan ng Team 5 matapos magtala ng 23 steals ang koponan sa buong laro. Nagpakitang-gilas si Disamburun upang siguraduhin ang panalo ng Team 5 at nagtala ng double-double, 17 puntos at 10 rebounds. Nag-ambag din si Fajardo ng 14 puntos, 4 rebounds, 2 assists at 2 steals upang iangat ang Team 5 sa laro. Rumatsada naman ang depensa ng Team 7 sa loob ng paint sa tulong nina Cabrera at Claro na nagtala ng pinagsamang 19 rebounds at 2 blocks. Turn-overs ang naging kahinaan ng Team 7 matapos magkaroon ng kabuuang 21 turn-overs ang koponan na tuluyang nagpabagsak sa kanila. Pasok na sa finals ang koponan ng Team 5 at kanilang makakaharap ang umiinit na koponan nina Tecson at Diala. Team 5 49 - Disamburun 17, Fajardo 14, Hayag 6, Ali 6, Hamza 2, Lao 2, Mandar 2 Team 7 25 - Gorgonio 7, Mayo 6, Ozaraga 5, Tulod 4, Claro 3
Isports Editoryal: Kapitbahay, laro tayo Marami sa mga iskolar ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham-Kampus ng Gitnang Mindanao ang aktibo sa larangan ng palakasan. Karamihan sa mga manlalaro ay talagang bihasa at magagaling sa uri ng pampalakasang kani-kanilang kinabibilangan. Paano kaya kung sasali ang MPPA-KGM sa mga
paligsahang pampalakasan? Sa tuwing papatak ang oras ng uwian, agad-agad na nakakalat ang mga estudyante sa iba’t ibang panig ng kampus. May naglalaro ng basketball, volleyball, soccer, badminton at ultimate frisbee sa labas. Sa mga silid-aralan at kantina naman, may naglalaro ng chess, dama, word factory at marami
pang ibang board games. Mas maganda sana kung makasasali ang mga iskolar sa mga patimpalak. Di lang mahahasa nito ang kanilang pisikal na kakayahan, magkakaroon pa ito ng disiplina sa sarili, abilidad sa kritikal na pag-iisip, teamwork at pakikipagkapwa sa iba-ibang mag-aaral na galing sa iba’t
ibang paaralan. Sa paraang ito, mas malilinang ang katatagan bilang indibidwal at pakisasalamuha ng mga iskolar. Ngunit, sa dami ng mga kinakailangang gawin sa paaralan, kahingian man o sa klase, mukhang malabo yatang mangyari ang pagkakataong ito. Kung ito man ay mangyayari, may posibilidad na ang galak
at gana ng mga iskolar sa larangan ng palakasan ang mas magtutulak sa kanilang paghusayan ang pag-aaral upang makasali sa mga darating na kompetisyon. /Klarissa Vasallo
I S P R T S Kilalanin ang PISAY ANG ILAYIN
Jerome Ouano ang Lionel Messi ng Pisay Gitnang Mindanao Czarina Therese C. Acut
Jerome Ouano - 07. Ito ang mga numerong kasama niya nang pasukin ang mundong kasalukuyan niyang kinabibilangan, ang mundo ng futbol. Mundong binubuo ng 250 milyong manlalaro mula sa 200 bansa na nahahati sa dalawang kupunan na may pitong miyembro ngunit iisang layunin – ang maisipa ang bola sa goal upang makamit ang natatanging puntos na inaasam. Ngunit paano niya nga ba pinasok ang mundong ito? Tumatayo sa tangkad na 5’6”, ang 16 na taong gulang na iskolar ng Mataas na Paaraan ng Pilipinas sa Agham ng Gitnang Mindanao na nagmula sa Lungsod ng Marawi, si Jerome Emmanuel Calo Ouano ay kilala sa pagiging bihasa at aktibo hindi lamang sa larangan ng akademiya kung’ di pati na rin sa isports. Aniya, nagsimula ang pagiging mahilig niya sa isports noong siya ay nasa Kinder II pa lamang sa simpleng kadahilanang nakahahanap siya ng saya rito. Ngunit, sa lahat ng isport na pinasok niya, may iisang tila di nakapukaw ng kanyang atensyon, ang futbol. “Grade 6 ko pa talaga sinubukan ang futbol. Sa simula, nababagot talaga ako sa larong ito dahil na rin siguro sa mabagal na pag-usad at maliit lang ang puntos na nakukuha rito,” nabanggit ni Ouano sa isang panayam. Sino ba naman ang mag-aakala na ito pa ang magiging isport kung saan siya magiging bihasa? May mga bagay talaga na kapag sa simula pa, hinding-hindi mo masisilayan ang gandang nakatago rito. Kaya naman, mas kinilala pa niya nang husto ang larong kailanman sa kanyang kabataan ay di sumagip sa kanyang ulo. Inaral niya ang mga dapat matutunan sa paglalaro ng futbol, at di kalauna’y nakita niya ang kagandahang dala nito. “Futbol. Punung-puno ng emosyon. Tapos yung pagpupursige ng lahat para makamit ang kaisa-isang goal na minamaliit lang ng lahat, ang koordinasyon at pagkakaunawan ng bawat isa sa grupo.” Dahil dito, napamahal na sa kanya ang larong futbol. Kung minsan nga ay ginugugol niya ang kanyang mga libreng oras sa paglalaro na nagsisilbing ensayo at ang panunuod ng mga youtube videos n a nauukol sa futbol. Gamit ang mga malalakas na paang bigay ng Maykapal, kasabay ng dedikasyon, determinasyon at pagpupursige, isa na siya ngayon sa mga hinahangaang manlalaro ng futbol sa MPPAKGM. Striker siyang sumusipa ng bola papuntang goal. Mas lalo pa siyang naging kahanga-hanga dahil sa maayos nitong pagbalanse ng kanyang oras para sa pag-aaral, paglalaro,hilig sa pagsayaw, at pagiging kasapi ng organisasyong
Jessie Chris A. Tulod ang Steven Lopez ng Pisay Gitnang Mindanao Francis Ann Emmanuel G. Arcamo
Science and Mathematics Association for Responsible Teenagers (SMART) kung saan siya ay gumaganap bilang kinatawan ng ikasampung baitang. Ikanga nila, not-yourordinary-type student-athlete. Sa likod ng lahat ng mga paghanga ay nanatili pa rin ang pagiging mapagkumbaba niya. Hindi niya pa raw matatawag na magaling ang sarili dahil sa marami pa siyang dapat na matutunan at dapat baguhin sa sarili bilang isang manlalaro, “Fun ako na player, marunong umintindi at pursigido. Pero minsan hindi ko talaga maiiwasan, kagaya ng lahat, na maging marumi ang laro ko. Nauuwi sa pisikalan.” Ngunit ayon sa kanya, kung may i s a n g
man s a a n g ito ay matutong tanggapin ang mga bagay na hindi natin inaasahan, kagaya ng pagkatalo. H i n d i p a m a n nabibigyan ng pagkakataong
malaking bagay n a naituro kanya futbol, a n g
makapaglalaro sa opisyal na mga laban, nagagamit pa rin ni Ouano ang galing at kaalaman niya sa futbol sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kapwa iskolar sa mga pangunahing bagay na dapat matutunan sa paglalaro nito. Payo niya sa mga kapwa manlalaro, “If love mo talaga ang larong ‘yan, don’t lose passion. Huwag na huwag rin kalimutan ang magsaya at matuto habang naglalaro. Patibayin ang sportsmanship dahil ito ang pinaka-main point ng isang laro.”
Maraming tao ang humahanga sa mga iskolar ng bayan dahil sa taglay nilang katalinuhan at kahusayan sa larangan ng agham at matematika. Bagaman pag-aaral lamang ang inaatupag, hindi pa rin natin maikakaila na sila’y may itinatagong mga talento at
kakayahan na hindi lamang nakapokus sa kahusayan sa agham. Ito’y pinatunayan ni Jessie Chris Alenton Tulod, ng Grade 10-Proton, tubong Iligan. Hindi lamang s i y a mahusay sa larangan ng numero at laboratoryo kung ‘di sa larangan ng taekwondo. Nagsimulang mag-taekwondo si Jessie noong ika-10 ng Abril 2014. Wala sa kanyang isipan noon na sumalang sa larangang ito. Tinanong pa siya ng kanyang tiyo kung gusto ba niyang sumali. “Di ko napigilan ang sarili ko noon kaya sumali kaagad ako,” tugon niya. “Gusto ko ring matuto sa mga tinatawag nilang turning kicks at iba pa.” Ngunit katulad ng ibang mga mag-aaral, nakaranas rin siya ng pang-iinsulto at pang-aalipusta ng mga nakatatanda sa kanya. Bagamat may kakayahan siyang manggulpi sa kanyang mga kaaway, hindi kailanman niya ginamit ito upang makaganti sa kanila. “Baka ito pa ang dahilan kung bakit ako mapaaalis sa eskwelahan.” Kamakailan lang, noong ika12 ng Marso, ay nakamit niya ang titulong black-belt. Ngunit tulad ng ibang iskolar, hindi naging madali para sa kanya ang pagkamit sa tagumpay na tinatamasa. Ininda niya lahat ng malalaking mga pasa, malabangkay na black eye, kaliwa’t kanang insulto at mga matitinding parusa na kanyang nakasasalubong. “Noong ako’y nasa mas mababang ranggo pa, normal
lang
naman yan sa amin dahil kami’y sinasaktan p a r a matuto, parang pag-ibig lang”, sabi niya. Ngunit sa kabila ng mga hirap at pagod na kanyang naranasan, hindi siya sumuko at mas lalong naging determinado upang maabot ang inaasam-asam na tagumpay. Kaya labis ang kanyang pagkagalak nang iginawad sa kanya ang ranggong black belter. Maliban sa taekwondo, marunong rin siya sa larangan ng basketbol, baleybol at badminton. Mahusay rin siyang tumugtog ng gitara at humataw sa pagsasayaw. Para sa kanya, ang taekwondo ay hindi lamang isang hamak na laro o isport kung ‘di ito’y isa na ring malaking bahagi ng kanyang buhay. “Itinuturing ko itong disiplina. Tinulungan ako nitong kontrolin ang mga ginagawa ko sa pangaraw-araw.” Determinasyon, kasipagan, respeto at disiplina sa sarili ang naging susi kung bakit nakamit niya ang tagumpay. Lahat ng tao’y maaaring maging katulad niya. “Mahalin mo lang ang laro nang buong puso at ito’y babalik sa iyo”, payo niya sa mga gustong mag-taekwondo.