Ang Isarog 2023 -2024 | TOMO LXXIX BLG.1

Page 1

ang isar g

MAPAMINSALANG INIT

42.9°C heat index naitala sa Liboton, lungsod ng Naga

Sophia Grace Gundayao

Kasabay ng nararanasang tag-init sa bansa, naitala sa Brgy. Liboton ang 42.9 degrees Celsius na heat index, ang pinakamataas sa buong lungsod ng Naga nitong Biyernes, Abril 5 ayon sa pinakahuling ulat ni weather forecaster David Michael Padua.

Idineklarang ‘danger level’ ang naturang damang init, gayundin ang 42.3 degrees Celsius na naramdaman sa Brgy. Mabolo, Naga City at 42.0 sa Brgy. Camuning, Calabanga, Camarines Sur. Naranasan din ang ‘extreme caution’ na init sa Brgy. San Felipe, Naga City na may 41.5 degrees Celsius; 41.2 sa Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City; 41.1 sa Brgy. Concepcion Grande, Naga City; 40.6 sa Brgy. Bogtong, Legazpi City; at 38.4 sa Brgy. Cavinitan, Virac, Catanduanes.

“Mapapansin ninyo ‘yong mga nasa coastal waters, ‘yong mga nakaharap po sa Philippine sea, mas mababa nang bahagya ‘yong damang init. Dito sa atin (Naga City), medyo bumaba po ng one degree mula sa kahapon na 43.7 dito sa Mabolo, Naga City. Ngayon po, Liboton ang pinakamainit,” saad ni Padua sa kaniyang ulat.

Heat index sa CSNHS Liboton Extension

Ibinahagi ng dalawang mag-aaral sa Camarines Sur National High School (CSNHS) Liboton Extension ang kanilang kasalukuyang nararanasan kasabay ng tumataas na heat index sa bansa.

“Ang na experience ko ngunyan, nagkukulog na ang payo ko sa sobrang init sa masakit na man

pahayag ni Gary Glend Reyes Jr., isa sa dalawang estudyante ng CSNHS.

Nakakawala rin umano ng pokus sa klase at nakakapagbigay stress ang init sa mga mag-aaral.

“Due to the temperature, siyempre some of us dai man nakakafocus. Lost of focus kasi makasuyaon ang init tapos si feeling baga na irritated na; transportation pa lang pa school stress na,” saad ni Leslie Jarme, isa ring mag-aaral ng nasabing paaralan.

Binigyang-diin din ni Sol Cyber Ross Garcia, guro sa senior high school ng CSNHS, na kailangang pagtuunan ng pansin ang tumataas na damang init.

“I do feel that the heightening heat index is a serious issue and it should be really looked at closely by the admin. This (heat index) is indeed a valid basis because it is done by CBSUA and has already been used by other schools as basis for their decisions regarding shift to blended learning,” aniya.

Tinatayang walong libong mag-aaral ang pumapasok sa Extension ngayong taon.

Basta Camhi, matira ang matibay

High School ( CSNHS) na gawing blended ang paraan ng pag-aaral ng mga Hayskulano sa mga natitirang araw ng taong-panuruan sa humigitkumulang sampung libo at apat na daang mag-aaral.

“The principal has already announced yesterday that the school would not shift to blended because we only have 13 days of meetings anyway,” ani Garcia.

“We had a meeting yesterday, but not too much on consultation. We only heard about the final decision,” dagdag pa niya.

Hindi na rin pinahihintulutan ang ano mang uri ng extra-curricular na aktibidad upang mailaan na lamang sa pagtuturo ang mga natitirang araw ng pasukan.

Nakatakdang isagawa sa Mayo 15 at 16 ang ikaapat na markahang pagsusulit ng mga mag-aaral ng CSNHS.

Pagbalik sa dating school calendar

Datos mula sa Registrar ng Camarines Sur National High School

Bilang ng enrollees bumaba ng 4.56%

Prince Mac Laquindanum

Kumpara sa nagdaang taong panuruan 2022-2023, bumaba ang bilang ng mga nag-enroll para sa bawat antas ngayong taong 2023-2024 sa Camarines Sur National High School (CSNHS) sa Naga City.

Nasa 4.56 % ang ibinaba mag-aaral na nagpatala para sa ikapitong baitang, nasa kabuuang 1,653: 843 ang mga lalaki at 810 naman ang nga babae, na nakabuo ng 37 section.

CSNHS kampeon sa Voyadores Festival

Kinilalang Hall of Fame ang Camarines Sur National High School ( CSNHS) matapos nitong maiuwi ang kampeonato sa taunang paligsahan sa Voyadores Festival ngayong Huwebes, ika-14 ng Setyembre, 2023.

Pinarangalan ang paaralang ito bilang unang puwesto sa Best in Props, Best in Music, Best in Philgrim Dance at Best in Street dance. Nanalo sa ikalawang puwesto ang Julian B. Meliton Elementary School at kinoronahan din ang Carolina National High School sa ikatlong puwesto. Nakamit ng paaralang ito ang gantimpala na nagkakahalagang isang daang at limampung libong piso na mula sa lokal na pamahalaang Naga sa pamumuno ni Nelson Legacion, alkalde ng lungsod.

Sa kabila ng nararanasang init, walang plano ang administrasyon ng Camarines Sur National

Dahil sa epekto ng lumalalang damang init sa loob ng paaralan, idineklara ng Department of Education (DepEd), Pebrero 19, ang unti-unting pagbabalik ng klase sa Hunyo-Marso nitong kalendaryo, matapos ang tatlong taong pagkausog sa Agosto-Hunyo ng iskedyul

na pahayagang Filipino at English ng Camarines Sur National High School (CSNHS), ang tropeyong ‘Overall Championship’ sa Division School Press Conference (DSPC) na ginanap sa Naga Central School I, Marso 22-23.

nakaraang taon. Nagwagi ang mga mamamahayag ng Isarog sa parehong pang-indibidwal at pangkatang paligsahan sa tulong ng kanilang mga tagapagsanay na sina Bryan Cariaga, Lara Marie Reazon, Franny Abesa, Clarisse Ramos, Maria Francia Velasco, at Aileen Mangubat. Kabilang sa mga nagwagi sa unang pwesto sa indibidwal na paligsahan ay sina Jeoff Patrick Tesorero sa Pagsulat ng Balita (Filipino), Kelly Mayor sa Pagsulat ng Editoryal (English), Prince Mac Laquindanum sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan (Filipino), Winnoh Ogarte sa Paglalarawang Tudling (English), at Lean Edriana Aguilar sa Pagsulat ng Kolum (English). Kabilang naman sa mga nagwagi sa ikalawang pwesto sa indibidwal na paligsahan ay sina Angel Lacandula sa Pagsulat ng Balita (English), Vallerie Bigay sa Pagsulat ng Editoryal (Filipino), at Scott Stephen Baldemoro sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan (English). Samantala, nagwagi sa ikatlong pwesto sa indibidwal na paligsahan si Jandhel Sarcilla sa Paglalarawang Tudling (Filipino), Diana De Padua sa Pagsulat ng Agham at

Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Camarines Sur National High School | Dibisyon ng Naga | Rehiyon V | TOMO LXXIX BLG.1
HALL OF FAME: Ang mga Hayskulano sa taunang Voyadores Festival ika-14 ng Setyembre sa Plaza Quezon, lungsod ng Naga.
SUNDAN SA PAHINA 4 MANDARAGATNGCAMHI LATHALAIN AGTEK ISPORTS ROBOLUSYONNG SIYENSYA DANCESPORTS
Isarog naiuwi ang Overall Champion sa DSPC Humakot ng maraming gantimpala ang ilan sa mga kalahok ng Isarog sa ibat ibang kategorya sa DSPC na tinaguriang ‘hakot award.’ Ito ang naging dahilan ng pag-agaw nila sa tropeyong ‘Overall Championship’ mula sa Ateneo De Naga University na nagwagi noong
(English), at sina Shiela Mei Broncano at Cahlil John Blancaflor sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita sa Filipino at English, ayon sa pagkakabanggit. Nagwagi naman sa pangkatang paligsahan ang Collaborative Desktop Publishing (English) sa unang pwesto kabilang ang Online Publishing (Filipino at English) at Radio Broadcasting (Filipino). Nasa ikalawang pwesto naman ang Collaborative Desktop Publishing (Filipino) at nasa ikatlong pwesto ang Radio Broadcasting (English). May mga nahakot din silang mga espesyal na parangal katulad ng Best News Presenter, Best Anchor, Best Script, Best Radio Production, at iba pa. Nagtagumpay din ang parehong The/Ang Isarog sa pagsungkit ng unang pwesto bilang Best School Paper. Dito nagtagumpay ang ‘The Isarog’ na makuha ang unang pwesto sa News Section, Layout and Page Design, Editorial Section, Feature Section, SciTech Section, at Sports Section. Samantala, nagtagumpay din ang ‘Ang Isarog’ sa unang pwesto sa Pahinang Balita, Pahinang Editoryal, at Pahinang Pag-aanyo at Disenyo. Nasa ikalawang pwesto naman sila sa Pahinang Agham at Teknolohiya at Pahinang Balitang Pampalakasan. Nasungkit din nila ang ikatlong pwesto sa Pahinang Lathalain. Nagkaroon din ng pagbibigay gantimpala kay Kelly Mayor bilang Outstanding Campus Journalist at kay Bryan Cariaga bilang Outstanding School Paper Adviser sa parehong pamantayang pangsekondarya. Ilan naman sa mga lumahok ay sina Rose Ann Adolfo sa Pagsulat ng Lathalain (Filipino), Carl Stephen Albania sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya (Filipino), Aaliyah Pablo at Ben Josiah
nalism Filipino at English. TEARS OF JOY: Si Kyla Bermeo ng Radio broadcaster ng paaralan ito matapos makuha ang unang gantimpala sa broadcasting na isa sa nakapagtala bilang Over-all Champion sa ginanap na Division School Press Conference, Marso 22-23,2024 na ginanap sa Naga Central School 1, lungsod Naga.
Teknolohiya
Bayot sa Photojour-
Jeoff Patrick Tesorero Aprille Monique Corong
kuha
larawang ni: Fritz Matthew Hernandes
pahina 8 pahina 11 pahina 16 M
opisyal
EDITORYAL Sanggang-dikit PanahonatKarunungan pahina 5 BALITA pahina 3 RobredosaWomens Month
Iyessa Hufancia
atapos ang apat na taon, hinakot muli ng The/Ang Isarog, ang
4
Sundan sa pahina larawang mula sa: Isarog staffers
Prince
ang
pos iulat ni Mike
ang
highest heat index ang Baranggay Liboton kung saan matatagpuan ang Extension ng
rines Sur National High School,
City ika-5 ng Abril 2024.
larawang kuha ni: Jandhel Sarcilla
DANGER LEVEL: HIndi matiis nina
Mac Laquindanum (kaliwa) Iyessa Hufancia at Allen Buendia (kanan)
sobrang init mata-
Padua
42.9
Cama-
Naga

Rappler tinalakay ang krisis sa disimpormasyon sa Naga

Upang mapausbong ang kaalaman ng madla sa mga kumakalat na maling impormasyon, nakibahagi sa #FactsFirstPH

roadshow ng Rappler ang mga eksperto mula sa midya, mga mag-aaral ng akademya, at mga opisyal sa gobyerno sa Ateneo de Naga University (AdNU), Biyernes, ika-10 ng Nobyembre.

Binigyang-diin nina

Atty. Carmela Francia Peña, direktor ng Ignatian Legal Apostolate Office, at Antonette Eduardo ng One Media TV ang pangangailangang bigyang kapangyarihan ang mga komunidad sa paglaban sa disinformation sa pamamagitan ng pagpapalakas sa media at information literacy.

“You have to educate everyone how to check facts, to consume knowledge. You can only do that by empowering people,” ani Peña.

“There are people who need to be spoon-fed.

#FACTS FIRST: Si Pia Ranada,Head Community ng RAPPLER (gitna) kasama ng Isarog staff sa ginanap na Roadshow sa Richard Fernando hall sa Ateneo de Naga University, lungsod ng Naga ika10 ng Nobyembre, 2023.

There are people who need to know how to fact-check. Empowerment sometimes starts with spoon-feeding,” ani Eduardo.

Ipinaliwanag rin ni Marj Fajardo, AdNU Dean ng Office of Research and Creative Endeavor na ang media at information

literacy ay dapat ding ituro sa mga batang mag-aaral sa elementarya at junior high school, hindi lamang sa senior high school. Sa talakayan ng mga panel, ipinaliwanag ni Naga Public Safety Office Head Renne Gumba ang mga nuances, limitasyon,

Dinaluhan ni Pemie Polvorosa Bosquillos, Resident Choroegrapher sa Special Program in the Arts (SPA) dance trainor ng paaralang ito ang cultural exhange and showcase na ginanap sa Yilan, Taiwan ika-19 ng Hulyo,2023.

Kinatawan din ng Pilipinas at kasama sa schowcase ang labing-limang mag-aaral ng Naga Central School 1 Naga City Vocals at Dances Arts.

Ibinahagi rin ng pangkat ang ilang bikol folkdances, folkgames, folksong at dance workshop, gayundin ang mga lutong Pilipino tulad ng adobo at ginataan. Nagpabida rin ng kanilang mga talento ang mga kinatawan mula sa Japan, Korea, Taiwan, Sri Langka, Hungary, Mexico at Pilipinas.

Naging katuwang ng paaralang ang

lokal na pamahalaang Naga sa pamumuno ni Nelson Legacion, alkalde ng lungsod at Schools Division Office (SDO) sa pamumuno ni Susan Collano sa pagbibigay ng suporta at tulong pinansyal sa lahat ng dumalong kinatawan ng Naga sa nasabing lugar.

Tatlong buwang paghahanda at pagsasanay ang ginawa ng mga kalahok para maipakita ang kulturang Pilipino partikular ang kulturang Bikolnon.

“Magayon si iribanan mi, si tourguides. Nag enjoy ang ibang nasyon sa interaction ng mga Pilipino.” dagdag pa ni Bosquillos.

si Gemma Mendoza, Rappler lead researcher on disinformation and platforms sa iba pang panel tungkol sa pangangailangan ng media literacy training, ngunit ipinahayag din na kailangang panagutin ang mga platform kung saan kumakalat ang disimpormasyon.

Matapos ang panel discussion sa umaga, nagsagawa ang MovePH ng mga workshop sa factchecking at digital hygiene sa hapon.

at responsibilidad ng mga kawani ng gobyerno hinggil sa pagsasabi ng mga katotohanan. Inilahad niya na maaari lamang silang magbigay ng mga katotohanang direktang sakop sa kanilang mga partikular na post. Sumang-ayon din

Pinangunahan ni Mendoza ang workshop sa digital hygiene habang ang Rappler researcher na si Lorenz Pasion ang nanguna sa fact-checking workshop. Humigit-kumulang 165 na mga mag-aaral ang naglunsad ng

#FactsFirstPH roadshow sa lungsos Naga, kasama ng mga propesyonal sa media, mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno, at mga miyembro ng komunidad ng akademya.

Philsys Symposuim, pinagtibay sa Camhi

Upang mapaunlad ang kabatiran sa kamalayang panlipunan ng mga mag-aaral sa Senior High School, pinagtibay ang symposuim sa pagpaparehistro sa Philippine Identification System( Philsys) ika-25 ng Setyembre sa paaralang ito na may temang “ Makabagong Pilipinas PhiID para sa bata, Bata para sa bayan.

Naging susing tagapagsalita sina

Cherry Landicho, Public Relation Officers I at Dayanarra Aming, Public Relation Officer III.

Tinalakay ni Aming ang Republic Act 11055( 2018) o Philippine Identification System Act para ibigay ang mas malawak na kaalaman sa Philsys.

Ipinaliwanag din ang Data Privacy Act of 2012 na layong maprotektahan ang mga personal na impormasyon sa publiko at pribadong sektor.

Nilinaw rin ni Landicho ang mga elemento ng Philsys Identification card ( Philsys ID) at mga paraan ng pagkuha nito. Isinalaysay din ang proseso at mga kinakailangang dokumento sa pagpaparehistro tulad ng Identification cards (ID), certificate of enrollment at parents consent.

Pinag-usapan din ang mga benepisyo at paggamit ng Philsys ID base sa Proklamasyon ng Executive Order

number 162 Section 22 na nakasaad ang pagtanggap ng ID bilang sapat na patunay ng pagkakakilanlan at edad sa publiko at ebidensya sa transaksyon sa pribadong sektor. Maaring gamitin ang Philsys ID sa iba’t ibang transaksyon sa bangko, pagkuha ng Passport, lisensya at iba pang pangangailangan sa pambansang pagkakakilanlan.

“ Natutuwa ako sa naganap na symposuim .Nakatulong sa akin ang seminar na maunawaan ang mga pribelehiyo at tungkulin ko bilang isang Pilipino. Nagkaroon ako ng malawak na kaalaman sa paggamit ng Philsys.” pahayag ni Prince Mac Laquindanum, mag-aaral sa Senior High School.

Pinangunahan ng Supreme student Government ( SSG) ang pag-organisa ng nasabing gawain.

2 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024 Dibisyon ng Naga | Rehiyon V ng isar g
BALITA
Cultural Exhange and Showcase dinaluhan ng CamHi sa Taiwan
ng Philsys symposium ika-25 ng Setyembre 2023 sa Student Pavilion
SYMPOSIUM: Ang mga mag-aaral ng Senior High School ng paaralang ito sa kanilang pagdalo sa ginanap BICOLANO PRIDE: Buong pagmamalaking ipinamalas ng ilang piling Hayskulano ang kanilang angking galing sa pagsayaw sa Cultural Exhange and Showcase sa Taiwan, ika-19 ng Hulyo, 203. Sophia Gundayao larawang mula sa: Isarog/Fb page larawang kuha ni: Pemie Polvorosa Sophia Gundayao larawang mula sa: Isarog/Fb page Hazel Navarez

Robredo susing tagapagsalita sa Womens Month

Kaugnay

ng taunang pagdiriwang ng Women’s Month sa buong bansa, naging susing tagapagsalita si Leonor Gerona Robredo, dating bise Presidente, Chairperson at pangulo ng Angat Pilipinas Incorporated sa isinagawang pagtitipon ika-18 ng Marso, 2024 sa Students Pavillion ng institusyong ito.

Tinalakay ni Robredo ang tungkol sa Womens Empowerment and Leadership sa paksang “ LeadHer: Navigating Career of Equal Oppurtunities.

Ipinaliwanag naman ni Sophia Antoniette Compuesto, RPh, Parmacist mula sa Lungsod ng Naga General Hospital ang tungkol sa Health Care.

Ipinabatid rin ni Marieta

KBequillo Assistant WCPD Police Station 3 at Her Lyn Balares ng Public attorneys Office ang tungkol sa Public Services.

Ipinahayag ni Robredo na ang kababaihan ay hindi lamang basta babae sapagkat gumaganap sa napakaraming gampanin hindi lamang sa pamilya kundi maging sa lipunan. Nagbigay din si Ro-

bredo ng mga tips kung paano pag-iibayuhin ang sarili bilang babae.

Binigyang- diin ni Robredo ang kahalagahan ng pagkilala sa ating mga kakayahan at potesyal upang lalo itong mapaunlad at mapakinabangan.

Ibinahagi rin niya ang kanyang mga naging karanasan sa buhay maging sa pagpapam-

ilya, pagiging lider at naging ambag sa kaunlaran ng bansa bilang isang babae.

Dinaluhan ang nasabing gawain ng mga mag-aaral sa Grade 10 at mga pangulo ng bawat section mula sa lahat ng antas.

“Magayon si program dahil dakol akong nanudan and na- enlighten ako sa topic. Nagkaigwa akong insights sa gender barriers and equality” pahayag ni Aprielle Corong, mag-aaral na dumalo at nagtanong kay Robredo sa forum.

Nagkaroon din ng question and answer portion kung saan malayang nakapagtanong ang mga kalahok sa tagapagsalita.

“ Na-inspire ako sa program, magayon na nagkaigwang chance ang mga journalist na makapaghapot kay Atorney Robredo tungkol sa gender equality” dagdag pa ni Jherlyn De Mesa.

Inorganisa ito ng pinagtipong puwersa ng Grade 10 Level Organization, Supreme Student Learners Government ( SSLG), Grade 10 Visual Arts, Batang Scientist Club, Citizenship Advancement Training ( CAT) at School Youth Disaster Risk Reduction Management Group ( SYDRRMG).

“ Nakakapagod dahil kaunting panahon lang nagugol sa event na ito ngunit pinaghandaan naming mabuti “ ani Gabrielle dela Torre, komite sa

Hayskulano,

wagi sa Regional Math Fair

Nagwagi sina Francis Barrameda, Ervin Gabriel Brondo, Kennievic Buban Vanessa Coralde, Gabriel Martirez, at Mary Alliana Villamin ang ikalawang puwesto ng Math Showcase- Puzzle FOLDEQUAFORM bahagi ng Regional Math Fair sa Bula Central School, Bula Camarines Sur, ika-23 ng Enero 2024.

Pinarangalan din sina Risha Andrea Lemoncito, Von Justin Estayani, Jared Matthieu Flores, Angelo Jeric Reyes, at Jenel April Duazo sa ikatlong puwestong kategorya ng Math Showcase- Device.

“Ang device na aming ginawa ay tinatawag na “TACTIMETRY” “Tacti” ibig sabihin “Tactile” at “Metry” binubuo ng mga Geometry na konsepto. Mayroon itong integrasyon ng Nemeth braille code na tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na mayroong “visual impairments” upang mapag-aralan ang konsepto ng Geometry. Mas makatutulong ito upang maipakita at makasagot sa mga tanong ukol sa Geometry,” ani Lemoncito sa panayam ukol sa kung ano at para saan ang kanilang ginawang device.

Naging tagasanay sina Crys-

inilala si Donna Lyn Geronimo, guro sa Kagawaran ng Matematika at Yolanda C. Majeron guro sa Araling Panlipunan ng paaralang ito sa unang puwesto sa Search for Exemplary Employees of DepEd- Naga ( SEED) 2023 ika-27 ng Pebrero, 2024.

Kinoronahan din na pinakamahusay si Yolanda Castor- Manjeron sa Master Teacher Category North District III, guro sa Araling Panlipunan ng institusyong ito sa kaparehong petsa sa Summit Hotel, Lungsod ng Naga.

Nanalo rin si Juliet Cruzat Curva ng Central School II sa School Head Category at Teresita Irma Señar Dy Kok, North District II sa Public School District Supervisor Category.

Tinanggap nina Geronimo at Castor ng isang plake ng pagkilala at cash incentives na nagkakahalagang labing limang libong piso.

Dumaan sa tatlong yugto ang mga nominado. Ang unang yugto ay nomination online sa link na ibigay ng komite , pagpost sa opisyal na nominees, pagbibigay ng public feedback mula sa administrators, kaguro, maga magulang at mag-aaral.

Nakasaad sa ikalawang yugto ang pagpapasa ng write- up on work accomplishments at mga dokumentong nagpapatunay sa Means of Verifications ng nominee at

ikatlong yugto ang interbyu at teaching demonstration.

Hinati rin sa tatlong timeline ang patimpalak na school based, district search at mula sa kinatawan ng district pipiliin ang division winner.

May apat na kategorya din ang patimpalak para sa Teacher I – III , Master Teacher Category, School Head at Supervisor Category.

“ I have been a creative, versatile and innovative teacher of Camhi for ten years now. I am well- prepared with a plan coupled with advance knowlegde and skills that enabled me to surpass challenges in education considering that the educational landscape had drastically change.” pahayag ni Geronimo.

Naging puhunan nina Geronimo at Castor ang sipag, tiyaga, dedikasyon at puso sa pagtatrabaho.

Matatandaang hinirang si Geronimo sa ikalawang puwesto sa Southeast Asia Mathematics Teaching and Learning Model sa Sam Ratulangi Award noong

2021. Nakamit din ni Geronimo ang best paper at Best Research presenter sa 2nd International Research conference on Technology, engineering Culture and Society 2021.

Nakagawa rin si Geronimo ng makabagong remedition project na tinawag na Camhi MathTabang na napabilang sa listahan ng Top 40 best stories of Success: Transformation and Innovation in the Post Covid-19 pandemic.

Pinangunahan naman ni Manjeron ang inobasyon sa Museo de Hayskulano na kinilala bilang isa sa best Education Innovation sa Araling Panlipunan Project ng dibisyon ng Naga.

“ Ang mapabilang sa 2013 SEED AWARDESS ay isang karangalan na may kaakibat na responsabilidad at hamon an lalo pang paghusayan ang paglilingkod sa Camhi at pagtuturo sa mga batang makabansa. Ito ay alay ko sa mahal kong Camhi, mga magaaral ko noon, ngayon at bukas at higit sa lahat sa aking pamilya at anak na c OJ” . sambit pa ni Manjeron.

BEAUTY AND BRAIN: Si Donna Lyn Geronimo(kanan) at Yolanda C Manjeron (kaliwa) sa kanilang pagtanggap Ng pagkilala sa Search for Exemplary Employees Ng DepEd Naga ( SEED) 2023 Award , ika- 27 Ng Pebrero sa Summit Hotel, Lungsod Ng Naga.

3 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024 Dibisyon ng Naga | Rehiyon V ng isar g BALITA
KNOW YOUR STRENGTH: Si Leonor Robredo dating bise-presidente ng bansa habang tinatalakay ang “LeadHer: Navigating Careers of Equal Opportunities” kaugnay ng pagdiriwang ng womens month sa Student Pavilion ng paaralang ito ika-18 ng Marso taong kasalukuyan.
Geronimo, Castor kinilalang 2023 SEED Awardee
ni: Jeoff Patrick Tesorero larawang mula sa: CSNHS SSLG/Fb Page ni: Jeoff Patrick Tesorero larawang mula kay: Donna Lyn Geronimo Sophia Gundayao

Bilang ng enrollees bumaba...

Kumpara sa nakaraang taon, 1,732 ang kabuuang bilang ng mga estudyante, na parehas 866 na mga lalaki at babae, na nakabuo naman ng 39 section.

Nasa 1,686 naman ang mga nag-enroll sa ikawalong baitang, na kumpara noon ay nasa 1,902, na nagpakitang bumaba ito nang 11.36%.

Bumaba rin ang mga magaaral na nagpatala sa ika-siyam na baitang, na sa kasalukuyan ay nasa 1,834, kumpara noong nakaraang taon, kabuuang 1,978.

Nasa 7.27% naman ang ibinaba ng mga nag-enroll sa ikasampung baitang, na ngayon ay nasa 2,092, kumpara noong nakaraang taon na nasa 1, 940. Sa ikalabing-isang baitang naman, nasa 9.67% ang ibinaba ng mga mag-aaral, na sa kasalukuyan ay nasa 1,672, na noon ay nasa 1,851.

Ang may pinakamalaking porsyento ng pagbaba ay ang bilang ng mga nag-enroll sa ikawalong baitang, na nasa 1,686, na kumpara noon ay nasa 1,902, at nagpakitang bumaba ito nang 11.36%.

Mapaminsalang

Init

kalendaryo, matapos ang tatlong taong pagkausog sa Agosto-Hunyo ng iskedyul ng pasukan dahil sa pandemya.

Alinsunod sa DepEd Order No. 003, s. 2024, opisyal na magtatapos ang kasalukuyang taong-panuruan sa Mayo 31, habang sisimulan naman ang taong-panuruan 2024-2025 sa Hulyo 29 at magtatapos sa Mayo 16, 2025.

Binatayan ng DepEd sa unti-unting pagbabalik ng dating school calendar ang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Philippine Normal University (PNU) na Analysis of the Basic Education School Year Calendar in the Philippines: Inputs to Policy.

Ayon kay Cynes Alay ng 12 HUMSS 2, mainam ang hakbang na ibalik sa dating kalendaryo ang pasukan dahil mas akma ito sa klima ng bansa.

“Maganda sana ‘yong aim ng pag-shift sa old calendar kasi totoo naman na super init kapag March to May tapos may klase pa rin,” ani Alay.

Subalit, kaniya ring binigyang-tuon na maraming aspekto ang makokompromiso dahil sa unti-unting pag-ayos ng iskedyul ng pasukan tulad ng pag-ikli sa oras na nakalaan para sa ikatlo at ikaapat na markahan.

“Pero nababawasan din kasi ‘yong time na nakalaan sa last quarters ng school year. So, ‘yong students and teacher nagmamadali na para lang mapagkasya ‘yong lessons and exams,” dagdag niya pa.

ika-4 ng Abril, 2024 sa Faculty Room ng Camarines Sur National High School

Arriola paper presentor sa Singapore

Magiging paper presentor sa Singapore si Arlene T. Arriola, guro sa Sipnayan ng paaralang ito sa pananaliksik na may titulong The Science, Technology, and Engineering Program Enhanced-Placement Implementation Model (STEP E-PIM): Its Bases and Prospects na gaganapin sa National Technological University, Singapore ika 28-30 ng Mayo, 2024.

Pangungunahan ng National Institute of Education (NIE), Nanyang Technological University, Singapore ang flagship conference na Redesigning Pedagogy International Conference (RPIC) na may tema na “Growing future-ready teachers and learners: Collaborative research for educational change”, ang nasabing gawain.

‘’I was encouraged to attend because I consider this both as a challenge and opportunity’’, ani Arriola .

CamHi kaisa sa Peñafrancia Fluvial Procession

Halos 1.3 milyong mga deboto ng Our Lady of Peñafrancia ang nagtipon para sa Fluvial Procession sa Lungsod ng Naga, Sabado, ika-16 ng Setyembre, ayon sa ulat ng Peñafrancia Joint Operations Center (JOC).

Idinaos ang misa bago ang nasambit na prusisyon sa Quadricentennial Arch sa Naga Metropolitan Cathedral na dinaluhan ng maraming mga tao.

Isinagawa ang Segunda Traslacion patungong dalhugan na sinabayan at inabangan ng mas marami pang mga deboto.

Kabuuang 156 na mga bangka sakay ng mga voyadores ang humatak sa pagoda papuntang Basilica Minore. Kumapal pa ang mga nanood sa gilid ng Ilog Naga

kular sa STEP/STEM na kurikulum.

Iginiit niya rin na ang mga mag-aaral ang pangunahing makikinabang dahil ang mga solusyon ay nakabatay sa pagsasaliksik . Mapapabuti rin nito ang pagpapatupad ng kurikulum at mabisang maihahatid sa kanila ang kalidad ng edukasyon.

Sina Mr. Chan Chun Sing, Minister for Education, Professor Kenneth Poon, Lien Foundation Chair Professor in Education Dean (Psychology and Human Development), at Dr Kwek Beng Kiat Dennis, Associate Dean (Strategic Engagement) at Senior Education Research Scientist ang ilan sa mga panauhing pandangal.

Nilalayon ng RPIC 2024 na magpulong ng mga mananaliksik, pinunong pang-edukasyon, practitioner, at mga gumagawa ng patakaran mula sa buong mundo upang sama-samang magdebate, bumuo ng mga malikhaing solusyon, at aktibong makipagpalitan ng mga ideya at karanasan sa pananaliksik at pang-edukasyon sa mga lokal, rehiyonal at internasyonal na mga komunidad na pang-edukasyon.

Binigyang-diin din nito ang pagnanais na maiparating ang kahalagahan ng pananaliksik sa edukasyon.

Ayon kay Arriola, ang kumperensya ay isang pagkakataon para makakuha ng mga insight ang kaguruan sa pakikipagpalitan ng kaalaman sa iba pang mga eksperto sa akademya. Makikinabang din dito ang mga guro dahil ang mga pag-aaral ay ibabahagi sa kanila. Pinapabuti rin ng mga pedagogy ang pakikipagtulungan ng mga guro sa pananaliksik at sa pagpapaunlad ng pagtutulungan ng mga guro at iba pang stakeholder parti-

Anila, ito ang magdadala sa mga practitioner at mananaliksik upang tuklasin ang mga epektibong pagsasalin ng isang research o pananaliksik sa pagsasanay na puwedeng makatulong sa epekto sa karanasan sa pagtuturo at pagkatuto.

Ang kumperensya ay magbibigay ng plataporma para sa mga interaksyon ng maraming stakeholder.

Mapapadali nito ang pagpapalitan ng makabagong internasyonal na pananaliksik at pinakamahuhu-

matapos maisakay na ang mga imahen sa pagoda.

Taimtim na nagdasal at malakas na sumigaw ng “Viva la Virgen!” ang mga deboto habang dumaraan ang prusisyon, hawak ang kabilang mga rosaryo, kandila, at panyo na iwinawagayway nila.

Ayon sa isang deboto, masaya naman aniya ang kanyang naranasan kahit pa siksikan.

“Nung nanood ako ng fluvial procession, masaya kasi kahit sobrang daming tao gagawin mo pa

say na kagawian sa mga paaralan at kultura.

Ito rin ay makakatulong sa pagbuo ng mga bago at makabagong direksyon para sa pananaliksik at pagsasanay sa edukasyon, at sa pagpapalawak ng mga propesyonal na network sa buong rehiyon.

din ang lahat para makanood dun at isa sa na experience ko is yung pakikipagsiksikan”, ayon kay Mike, isa sa mga deboto ni Ina.

Mabilis naman at hindi umabot ng isang oras ang daloy ng prusisyon.

Taon-taon itong isinasagawa ng Arkidiyosesis ng Caceres at ng lokal na gobyerno ng Naga bilang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa Birhen ng Peñafrancia, patrona ng buong Kabikulan.

Pandaigdigan Workshop dinaluhan ng guro sa Wika

Dumalo sina Marivic C. Largo at Arnel P. Renon, kapwa master teacher sa kagawaran ng Filipino sa ika-8 pandaigdigang-worksyap, ika 3-6 ng Agosto 2023 na ginanap sa Ateneo de Naga University, Naga City.

Tinalakay sa unang araw konteksto ng kulturang popular sa ika-21 siglo ni Dr. Rolando B. Tolentino ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Ipinaliwanag din ni Dr. Adrian Remodo, Associate Proffesor Ateneo de Naga,ang kulturang Popular at Pamimilosopiya.

Inilahad ni Dr. Vasil Victoria, Associate Proffesor Ateneo de Naga ang kulturang popular at Pedagohiya at Kulturang Popular at panitikang pambata ni Dr. Eugene Evasco sa ikalawang araw Palanca Hall of Famer Proffesor University of the Philippines Diliman. Sa ikatlong araw pinag-usapan ang Kulturang Popular at Panitikan ni Dr. Lovie Don Sanchez Associate Professor University of the Philippines Diliman.

Tinalakay din ang hiwaga ng bulong sa kultura ng Agimat sa Panitikang Pilipino ni Dr. Lakandupil Garcia Professor Dela Salle University.

Naganap ang mga paligsahan at pakitang-turo sa ikaapat na araw nina Michael at David Top 2,2023 Outstanding Student Teachers of Bicol Faculty Ateneo de Naga University Junior High School at Noli P. Babiera Best Innovative Instructional Design Awardee at Faculty ng Ateneo de Naga Junior Highschool. Humigit-kumulang isang libo at limang daang kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nakiisa sa nasabing palihan.

Tinanggap nina Largo at Ranon ang gawad Sigasig, parangal sa limang sunod-sunod na taon na pagdalo sa international seminar.

Pinangungunahan ng samahan ng mga guro sa intelektwalisasyon ang nasabing palihan sa pamumulan ni Melinda R. Cardano, pangulo.

Nagbahagi rin ng panayam sa Wika at Sikotohiyang Pilipino si Dr. Jayson D. Petras, Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa huling sesyon sa huling araw.

4 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024 Dibisyon ng Naga | Rehiyon V ng isar g
BALITA
Pe ñafrancia
Fluvial Procession ika-16 ng Setyembre sa
VIVA LA VIRGEN: Kaisa ng tinatayang 1.3 deboto ng Birhen ng
sa pagdiriwang ng
kahabaan
Elias Angeles, lungsod ng Naga. larawang kuha ng Isarog staff ni: Jeoff Patrick Tesorero mula sa pahina 1 mula sa pahina 1 CAMHI PRIDE: Si Arlene Arriola paper presentor sa Singapore sa kaniyang pagbibigay panayam larawang kuha ni: Prince Mac Laquindanum Sophia Gundayao Jandhel Sarcilla

TOMO

Setyembre-Marso 2024

Dibisyon ng Naga | Rehiyon V

EDITORYAL

Sanggang-dikit Panahon at Karunungan

Mula sa iba-ibang sistema, mga pagbabago hanggang sa pagpapatupad ng Catch-up Fridays at pagtanggal ng Seniorr High School Program sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) ay kinumpirma naman ngayon ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng dating school calendar. Sa magulong sistema ng edukasyon, ang maayos na kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ay mananatiling isang malaking ilusyon.

Noong Enero 29, 2024, binigyang diin ni Leila Areola, direktor ng Kagawaran ng Edukasyon na patuloy nilang pinag-uusapan ang mga gagawing pagbabago sa DepEd Order no. 22, s. 2023 na tumutukoy sa mga aktibidad ng kasalukuyang taong panuruan. Kalakip nito ang muling paglilipat sa pagbubukas ng mga paaralan sa Hunyo na sinasabing unti-unting mangyayari sa mga susunod na taon at may layuning tugunan ang masamang epekto ng mataas na temperatura sa mga guro at mag-aaral. Subalit, hindi katumbas ng mga patak ng pawis dulot ng mainit na panahon ang nararapat na kaalaman para sa mga pag-asa ng bayan sa pamamagitan ng maayos na edukasyon. Mahalaga ang mental, emosyonal at pisikal na pahinga para sa parehong guro at estudyante.

Base sa pag-aaral mula sa University of North Carolina at Chapel Hill, nakatutulong ang pagpapahinga upang mas maging epektibo at produktibo ang pag-aaral ng isang estudyante. Sa oras na gawing Hulyo ang pasukan para sa susunod na taong panuruan, alinsunod sa panayam kay Attorney KC Manaog, Coordinating Council of Private Education Association of the Philippines, ay tanging dalawa hanggang tatlong linggo na lamang ang bakasyon ng kaguruan at ng mga mag-aaral. Sa ganitong sitwasyon, paano sila makapaghahanda sa susunod na taong pang-akademiko? Sa kaunting panahon na inilaan ay siguradong mahihirapan ang mga magulang lalong-lalo na ang mga nasa laylayan na makapaglaan agad ng mga kagamitang pampaaralan para sa kanilang mga anak sa loob lamang ng tatlong linggo.

Tiyak ding muli silang sasabak sa tambak na mga gawaing pampaaralan nang walang sapat na pahinga para sa kanilang kalusugan. Sa ganitong lagay, hindi magiging epektibo ang pag-aaral at pagtuturo ng mga estudyante at kaguruan. Bawat taong panuruan ay nahahati sa apat na markahan, at bawat isa rito ay may nakalaang tatlong buwan upang maituro ang napakaraming learning competencies. Sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa Hunyo ay inaasahan ang pagtatapos ng kasalukuyang taong panuruan sa Mayo 31, 2024. Nangangahulugan ito na mayroon na lamang apat na buwan upang pagkasyahin ang dalawang markahan, na nagdulot ng agarang pagpapaikli ng mga guro sa kanilang mga dapat ituro. Ang maikli nang panahon para sa pag-aaral ng mga estudyante sa dose-dosenang aralin ay mas pinaikli pa. Higit din nitong maaapektuhan ang mga mag-aaral na sasailalim sa mga entrance exams at scholarship programs para sa mga unibersidad na nais nilang pasukan sa kolehiyo. Sa ganitong magulo ang sistema, tiyak na hindi matatamasa ng mga mag-aaral ang karampatang kaalaman na dapat ay binibigay ng paaralan. Masasabi nga namang isang makabuluhang dahilan ang muling paggamit ng lumang pang-akademikong kalendaryo dahil sa nagbabadyang banta sa kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro dulot ng mainit na panahon. Subalit, gayong unti-unti lamang ang pagbabalik ng pagbubukas ng mga paaralan sa Hunyo ay hindi pa rin maituturing na isang magandang proseso ang pagpapaikli sa panahong ilalaan para sa pagtuturo. Idagdag pa rito ang bagong programa ng Kagawaran ng Edukasyon na Catch-up Fridays na mas magpapabawas lamang sa mas pinaikling oras para sa mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng hindi sapat na panahon upang matuto ang mga estudyante ay sumasalungat sa layunin ng kagawaran na pagyabungin ang karunungan ng bawat batang Pilipino. Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay laging sumasailalim sa mga pagbabago. Sa pagpapatupad nito ay kailangang isaalang-alang kung kailan at kung sino ang mga taong maaapektuhan nito. Mainam lamang na isiping mabuti kung paano maaapektuhan ng mga sinusulong na pagbabago, tulad ng muling paggamit ng dating taunang panuruan, ang kalagayan ng edukasyon sa bansa, lalong-lalo na ang mga maidudulot nito sa mga kabataan. Sa bansang magulo ang sistema ng edukasyon, mahalaga ang ugnayan ng oras at pagkamit ng kaalaman. Kaya’t higit na dapat pakatandaan na sanggang-dikit ang panahon at karunungan.

dibuho ni: Jandhel Sarcilla

Bugtong sa hari ng kalsada

Bugtong-bugtong: hari ng kalsada sa makalumang panahon, basura kung ituring sa modernisasyon?

Sa bawat pagpasok ko sa paaralan, at sa bawat pag-uwi ko sa aking tahanan ay kakambal na ng buhay ko bilang isang magaaral ang sasakyang malaki ang bahagi sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat mamamayan: ang jeep. Kasabay ng pagkalat ng mga balita tungkol sa jeepney phaseout ay ang unti-unti ring pagbalik ng mga alaalang nakaukit hindi lamang sa aking isipan kundi maging sa aking puso; Ang pakikipag-unahan kong makapasok upang maayos akong makaupo. Ang bawat pag-abot ko ng bayad sa aking mga katabi upang maipasa ito hanggang sa tsuper. Ang mala-sunsilk na halimuyak ng mahabang buhok ng aking katabing tumatama sa aking pisngi. At higit sa lahat ay ang pasimple kong pagtingin sa salamin bilang isang passenger’s princess. Hindi ko lubos mawari na maaaring ang huling pagsakay ko pala sa jeep ay ang huli ko na ring pagsabi ng “para po!”. Kalakip ng pagbabalik ng aking mga ala-ala ay ang pagsilay ng malaking katanungan sa aking isipan: paano ang mga tsuper at ang pang araw-araw na buhay ng mga komyuter? Matagal nang mainit na usapin sa Pilipinas ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) mula pa man noong taong 2017. Ngayon naman ay mas pilit na iginigiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsasakatuparan ng kanilang plano para sa nasabing modernisasyon. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), aabot sa 1.4 hanggang tatlong milyong piso ang halaga ng bawat yunit depende sa uri nito na babayaran ng mga tsuper sa loob ng maraming taon. Hindi lamang ito uubos sa mga pera nila, tiyak pa nitong bubutasin ang kanilang mga bulsa. Sa loob ng 80 taon, hinatid nila tayo sa ating mga patutunguhan. Sa bawat hawak ng manibela ay ang pangangalaga ng mga tsu-

PUNONG PATNUGOT: Jandhel O. Sarcilla

PATNUGOT-BALITA: Jeoff Patrick Tesorero

PATNUGOT-OPINYON: Vallerie S. Bigay

PATNUGOT-LATHALAIN: Rose Ann A. Adolfo

PATNUGOT-AGHAM AT TEKNOLOHIYA: Carl Stephen G. Albania

PATNUGOT-ISPORTS: Prince Mac Laquindamun

POTOGRAPO: Aisha Dela Rosa

DIBUHISTA: Hannah Leah Ador

ANYO AT DISENYO NG PAHINA: Fritz Matthew Hernandez

FRANNY A. ABESA Tagapayo

JOSE B. CIELO Head Teacher VI

SULPICIO C. ALFEREZ III, PH. D Principal IV

COLLABORATIVE PUBLISHING TEAM:

R. CRISOLO

EZEKIEL ALANO

CLARISSE H. RAMOS TAGASANAY

RADYO HAYSKULANO:

CACERES

ARRON GO

JILLIAN BUENA

A. VELASCO TAGASANAY

per sa ating mga buhay bilang mamamayan. Napakaraming dekada na silang nagsisilbi sa bayan, subalit bakit iniiwan sila ngayon tungo sa byahe ng kaunlaran?

Sa pinagsama-samang panayam na pinangunahan ng CNN Philippines at Rappler, ang bawat tsuper ay kumikita lamang ng hindi bababa sa Php. 250.00 at hindi tataas sa isang libo bawat araw depende sa rutang

Hindi sukat sa materyal na bagay ang kaunlaran, sapagkat tunay lamang na maunlad ang isang bansa kung walang maiiwan na mamayan.

kanilang tinatahak. Ang ganitong taas ng kita ay pinagkakasiya nila pambayad sa kuryente, tubig, pag-aaral ng kanilang mga anak, at pagtataguyod sa kanilang pamilya. Kung tatanggalan sila ng prangkisa, paano ang hanapbuhay nila? Paano ang mga taong umaasa sa kanila? Kung ang bawat yunit ay milyon-milyon ang halaga, tiyak na hindi nila maipagkakasiya ang kita nilang baryabarya. Mahirap ang buhay sa Pilipinas; Ito ang masaklap subalit matagal nang tanggap na katotohanan ng karamihan. Sa pagtaas ng kalidad ng transportasyon ay ang tiyak na pagtaas din ng pamasahe para sa mga komyuter. Ayon sa IBON Foundation, kaugnay ng jeepney modernization ay ang banta ng posibleng pagtaas ng pamasahe para sa mga

mananakay mula 300% hanggang 400% sa mga susunod na taon. Hindi ba’t isa itong malaking problema para sa mga manggagawang hindi naman sapat ang perang dala-dala araw-araw? Na sa perang pinagkakasiya para sa baon, mga pangangailangan sa paaralan, at transportasyon, hindi ba’t isa rin itong problema para sa mga mag-aaral sa loob ng ating bansa?

Ayon sa LTFRB, magbibigay sila ng subsidiya na nagkakahalaga ng 200-300 libong piso. Subalit, hindi ito sapat upang hindi mabaon sa utang ang mga tsuper, upang may maihain silang pagkain sa hapagkainan, at upang mapag-aral nila ang kanilang mga anak. Tunay nga namang mababawasan ang polusyon, ngunit kung may maiiwang napakaraming mga mamamayan, hindi ito isang makatarungang transisyon, dahil kung tutuusin ay mas mainam na pagbutihin na lamang ang disenyo at ‘wag talikuran ang kultura’t tradisyon. Ito ba ang sinasabi nilang modernisasyon? Ito ba ang sinasabi nilang kaunlaran? Na sa likod ng huwad na kaginhawaan ay ang kahirapan ng mga mamamayan. Walang sino man ang sumasalungat sa pakikipagsabayan sa mga banyagang bayan, lahat ay nagnanais ng kaunlaran. Tsuper ka man, komyuter, o isang simpleng mamamayan, lahat tayo ay may iisang pangarap lamang—ang kaunlaran ng lupang ating sinilangan. Subalit, sa pangarap na kaginhawaan para sa bayan, pag-isipan dapat nang mabuti ang bawat pamamaraan, at dapat pangunahan ito ng mga namumuno sa bayan. Kailangang itatak sa isipan ninuman na hindi sukat sa materyal na mga bagay ang kaunlaran, sapagkat tunay lamang na maunlad ang isang bansa kung walang maiiwang mga mamamayan. Sa deka-dekadang paghahari sa kalsada, ang mga dyip ay naging malaking bahagi ng ating kultura; hinatid nila tayo sa kung saan man natin nais pumunta. Hindi ito ang dapat na sukli natin sa matagal na panahon nilang pagpapasada, kaya’t hindi dapat natin silang hayaan na maging isang munting alaala. Bugtong, bugtong: Hari ako ng kalsada noon, itatapon na lamang ba ako ngayon? Ito ang bugtong ng hari ng kalsada.

PULSO HAYSKULANO U

Magandang araw! Narito tayo sa pinakabagong edisyon ng Pulso Hayskulano. HAYSKULANO, HAYSKULANAS ANONG SAY N’YO?

1 Payag ka ba sa pagpapatupad ng Mandatory ROTC sa SHS?

• Tutol ako sa pagpapatupad ng mandatory ROTC dahil walang sapat na katwiran upang tuluyan itong ipatupad at napakaraming paraan upang makapagsilbi sa bansa.

• Hindi ako sang-ayon sapagkat ililihis lamang nito ang pokus ng mga mag-aaral dahilan upang kanilang mapabayaan ang pag-aaral at hindi rin ito angkop sa lahat ng esudyante partikular sa pisikal at mental na kalagayan.

•Hindi, sapagkat hindi naayos ang sistema at kung titingnan at susuriin natin sa estado ng mag-aaral ,nahihirapan sila sa mga gawain .

2 Sang-ayon ka ba sa panukalang No Homework Policy ng DepEd?

• Hindi, sapagkat nais naming matuto kahit sa labas ng paaralan. Nagsisilbi rin itong pagsusuri kung tunay nga kaming natuto.

•Hindi ako sang-ayon sa panukalang ito sapagkat lilimitahan nito ang pagkatuto na aming makukuha sa pagbibigay ng mga takdang aralin.

• Hindi dahil bahagi na ito ng sistema ng edukasyon at iikot lamang sa pagseselpon ang oras ng mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Salamat sa pagbibigay ng inyong opinion tungkol sa mga isyung napapanahon. Nawa’y patuloy ninyong tangkilikin ang ating pahayagan. Hanggang sa susunod na edisyon.

5
LXXIX BLG.1
ng isar g PAMATNUGUTAN
KATOTOHANAN LAMANG Jandhel Sarcilla
FRITZ
SOPHIA
CHARLES
AR-JAY
HANNAH
ASIHA
HEAVEN
MATTHEW HERNANDEZ
GRACE GUNDAYAO
GABRIELLE DELA TORRE
LEAH ADOR
DELAROSA
DIANE
PRINCESS
MARIA
RALPH
FRANCIA
EDITORYAL

OPINYON

KAMPUS

OPINYON

Ano ang masasabi mo sa isyung sangkot ang isang magulang na kung saan ay inireklamo niya sa radyo ang grado ng kaniyang anak dahil ito ay mababa?

Para sa akin, hindi dapat ginawa iyon ng magulang. Mas mabuti kung pinuntahan niva sa paaralan ang guro ng kanivang anak at pinag-usapan nila ng masinsinan kung bakit naging gano’n ang naging marka ng kaniyang anak. Maganda itong paraan upang malaman ng magulang kung papaano mapapabuti o makakabawi sa susunod na markahan. Kung hindi pa rin naging malinaw, maaaring idulog niya ita sa punongguro upang mapagtugnan ng pansin ang prablema.

Bilang isang mamamahayag, tungkulin naming protektahan ang karapatan ng bawat isa, maibahagi ang katotohanan na walang pinapanigan at walang inaapakan na kararapatan.

BOSES HAYSKULANO

Katarungan para sa kaibigan

Sa henerasyon ngayon, ang mga hayop, lalo na ang mga alagang aso ay hindi lamang mga kasama sa tahanan kundi sila rin ang naging kaibigan at nagbibigay ngiti sa labi ng mga nakararami. Ngunit sa kabila ng kanilang pagiging tapat na kasama, nakaaalerto ang problemang pananakit at pang-aabuso sa kanila.

Ang Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1988 ay ipinatupad ng pamahalaan upang protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga hayop sa bansa. Ngunit hindi sapat ang mga batas na ito upang lubos na mapanatili ang kaligtasan at kagalingan ng ating mga alagang hayop. Kamakailan lang, isang nakapanlulumo na  pangyayari ang naganap sa lungsod ng Camarines Sur, kung saan walang habas na pinatay ng isang lalaki ang nakawalang aso na pinangalanan nilang Killua.

Bukod pa rito, ang ganitong uri ng karahasan laban sa mga hayop ay

siya ay naging instrumento ng pagkitil sa buhay ng isang walang laban na nilalang.

Ayon kay Solares, nakikita niya ang sitwasyon bilang isang banta sa seguridad ng kaniyang komunidad. Gayunpaman, kahit na ang kaniyang layunin ay protektahan ang mga residente mula kay Killua, ang kanyang ginawang pagpatay ay hindi naaayon sa prinsipyo ng tama at makatuwirang pagkilos.

MAKABAGONG PANAHON

Naaagnas na hustisya

Kapag naaagnas ang isang patay, nangangamoy ito at saka natutuklasan. Samantalang ang hustisya, mangangamoy lang subalit sa maraming pagkakataon ay hindi nahahagkan.

ito mawala.

Higit sa lahat ay kaduda-duda rin ang pagbabago-bago niya ng pahayag sa mga katanungan ng kapulisan. Kaya’t ang malaking katanungan sa aking isipan — Bakit naisawalang bisa ang kaso? At paanong hindi naging sapat ang mga ebidensya?

hindi lamang nakababahala, kundi isa itong malinaw na marka ng kawalan ng pagpapahalaga sa buhay at karapatan ng mga nilalang na ito. Sa isang lipunan na patuloy na nagtataguyod ng pagpapahalaga tulad ng paggalang at pagmamahal sa kapwa, ang ganitong klaseng gawain ay hindi dapat tanggapin at tularan lalo na ng mga kabataan.

Nararapat na ituring ang mga hayop bilang mga kasama at kaagapay natin sa mundong ito. Sila ay may mga damdamin, karapatan, at dignidad na dapat respetuhin at ipagtanggol. Hindi tama na ang kanilang buhay ay paglaruan lamang ng mga walang pusong indibidwal na walang pagpapahalaga sa kanilang kaligtasan at kagalingan.

Mga alagang aso ay hindi lamang kasama sa tahanan kundi sila rin ang naging kaibigan at nagbibigay ngiti sa mga labi ng nkararami.

Higit pa rito, ang taong responsable sa pagpatay sa alagang aso ay isang tanod sa Barangay ng Bato na si Anthony Solares, na dapat sana ay sinusunod ang layuning pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng komunidad. Subalit sa halip na maging ehemplo ng integridad at kabutihan,

PUNANG

Pusong matatag

Aking nahagkan sa bansang sinilangan kung gaano karaming bahid ng unos at kamalian ang kinakaharap, maging ang ilan dito ay lumikha ng peklat sa sistemang pumipinid ng kaunlaran. Ang paglunsad ng Basic Education Report (BER) para sa taong ito na pinangunahan ng Bise Presidente, Sara Duterte Carpio, ay nagsilbing pawang bendaheng bumalot sa peklat ng sistemang winindang ang pusong matatag. Ang MATATAG Agenda, ay naging pagganyak sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon sa bansa, at nagpakita ng maayos na resulta sa unang taon ng pagpapatupad nito. Ito ay itinuring na matagumpay dahil sa iba’t ibang mga reporma, tulad ng mga naisaayos na silid-aralan, mga programa, at mga pagbabago sa pamamagitan ng iba’t ibang proyektong inilunsad ng kagawaran tulad ng National Learning Camp, Catch-Up Friday, pagrepaso ng K-12 Curriculum na layuning ihulma ang isang kabataan na may disiplina, integridad, malasakit sa kapuwa, at pagmamahal sa bayan para sa bagong Pilipinas.

Subalit, bakit ang ibang datos rito ay hindi naisasagawa ng maayos at may kulang pa rin? Saan napupunta ang mga nararapat na badyet dito?

Kung nais ng kagawaran ng mas mataas na antas ng kaalaman ng mga mag-aaral, ay kinakailangan din ang mas mataas na antas ng serbisyo.

Pinuna ng ibang kawani ng gobyerno tulad ni House Representative Adrian Amatong mula sa Zamboanga del Norte ang ahensya dahil sa hindi patas na paglalaan ng pondo para sa mga kakulangan sa silid-aralan. Binigyang diin niya ang pangangailangan para sa sapat na mga silid-aralan upang mas maiangkop sa bagong kurikulum.

Sa kabila ng mataas na alokasyon ng badyet na ibinigay sa DepEd noong nakaraang taon, na umaabot sa 15.6 bilyong piso, 58% lamang ng target

Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, komunidad, at mga indibidwal, kinakailangan nating palakasin ang mga hakbang upang tiyakin na ang mga hayop ay mapangalagaan at hindi na muling mabiktima ng kahindik-hindik na karahasan at pang-aabuso. Nararapat nating itaguyod ang kultura ng paggalang at pagmamahal sa lahat ng anyo ng buhay, anuman ang kanilang uri o kalagayan. Ito ang magiging pundasyon ng isang lipunang may pagkakaisa at kabutihan para sa lahat.

na bilang ng mga silid-aralan ang natutugunan. Malinaw na ipinapakita nito kung paaano maaaring maging pabaya ang ahensya sa paggawa ng desisyon para sa sistema.

Ang wastong paghawak at maingat na paggawa ng desisyon ay talagang kinakailangan upang maiwasan ang parehong ginagawang kamalian. Dahil kung nais ng kagawaran na mas maitaas ang antas ng kaalaman ng mag-aaral, kinakailangang itaas rin nila ang antas ng kanilang serbisyo upang kapani-paniwala ang kanilang mga nasambit.

Hindi ko sinasabing pawang katotohanan lamang ang kanilang nabanggit, ngunit bakit hindi ko ito makita, bilang isang mag-aaral na umaasa ng mas matatag na serbisyo ng kagawaran at ng sistema nito.

Dapat bigyang prayoridad ang lahat na nangangailangan upang mabigyan ng tulong, hindi tulad ng kasalukuyang BER na halos kalahati lamang rito ang naisakatuparan. Nararapat rin na ikonsidera ang rami ng kanilang isinusulong na programa kung ang lahat bang ito ay may kalidad.

Hindi ko kinakaila na magaganda at maayos ang inilalahad na inisyatibo, kinakailangan lang ng tamang oras at panahon kung kailan ito nararapat na isagawa, at isagawa ng may disiplina, integridad, malasakit at pagmamahal sa bayan gaya ng inaasahan nila sa mga mag-aaral at guro ng ating bansa. Dahil kung maayos ang sistema at kalakaran nito, tiyak na walang halong dudang ako’y maniniwala at tiyak na ang puso kong nanghihina nang dahil sa peklat na sistema ng edukasyon sa ating bansa ay magiging pusong matatag.

Nagimbal ang lahat sa isang balita ng pagpatay noong Hulyo 28, 2023 sa Baranggay ng Liboton, Naga City sa isang Senior High School student ng Camarines Sur National High School (CamHi), si Roselle Bandojo. Nakita ang naaagnas na bangkay ng biktima sa bakanteng lote isang linggo matapos nitong mawala. Nagsampa ang pamilya ng kaso sa tulong ng NBI para sa primary suspect na si Lorenzo Purisima Y Punzalan, subalit binasura ito ng piskalya dahil sa kakulangan ng ebidensya. Takot ang namayani sa aking puso nang aking mapagtanto na mag aaral ako malapit sa pinangyarihan ng krimen ng kapuwa ko Hayskulana. Sa pang gabi naming iskedyul ay nangamba ako sa posibilidad na maaaring mangyari sa akin at sa kapwa ko mag-aaral ang sinapit ni Roselle. Subalit kung titingnan nang mas malalim ang kaso ay hindi ako dapat na maging isang mangmang at bulag na walang kaalam-alam sa tunay na nangyayari. Kagaya ng aking pagkatakot sa krimen na naganap ay ang takot na akin ding naramdaman hindi lamang para sa aking buhay kundi maging sa estado ng hustisya sa ating bansa. Sa pag dami ng aking mga nalalaman ay hindi pa rin ako nalinawan. Bakit agad na pinalaya ang pinaniniwalaang may sala? Sa isang panayam sa Raffy Tulfo in Action, mayroong mga saksi na nagsasabi na madalas ang suspek sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay. Nakapanayam din sa programa ang ninakawan ni Purisima kung saan nakita ang bag nito sa pinangyarihan din ng krimen. Ayon pa sa mga kapulisan ay nakakuha rin sila ng martilyo at lagari na ginagamit sa pagkakalakal, napag-alaman na pangangalakal ang kasalukuyang trabaho ni Purisima. Sa isang buy bust operation ay muli rin itong nahuli dahil sa droga. Sa kaniya rin natagpuan ang cellphone na dala-dala ng biktima bago

Marahil ay hindi pa nga malalim ang mga ebidensya laban sa kaniya, maaaring hindi rin nga naman si Purisima ang pumatay. Subalit, isa ang malinaw — ang bansang ito ay mananatiling isang delikadong lugar lalong lalo na para sa mga kababaihan at kabataan na walang kalaban-laban sa mga taong halang ang kaluluwa.

Mag-iisang taon na ang kaso at hanggang ngayon ay hangad pa rin ang hustisya lalo na ng pamilya at ng mga

“Hindi dapat hayaang malayang nakakapaglakad ang pumatay sa kaniya dahil buhay ang kinuha niya at hindi rin dapat mamatay ang kaso.

mag-aaral sa aming paaralan para sa kapuwa naming Hayskulanang si Roselle. Hindi dapat hayaang malayang nakakapaglakad ang pumatay sa kaniya dahil buhay ang kinuha niya, at hindi rin dapat manatiling patay ang kaso. Sa lalong madaling panahon ay dapat na magkaroon ng progreso at ng mas matibay na ebidensya, nang sa gayon ay hindi na ito ibasura pa ng piskalya at mabuhay ang naaagnas nang hustisya.

LIHAM SA EDITOR

Mahal kong Punong Patnugot,

Mahal na Patnugot, nais kong ipahayag ang aking mga alalahanin sa aming paaralan. Sa nakaraang mga buwan, napansin ko ang labis na pinsala na dala ng ilang mga upuan sa aming silid-aralan. May mga upuan na labis nang sira at hindi na maaaring ituring na mga upuan, habang ang iba naman ay tila delikado na dahil sa paglabas ng kinakalawang na metal na pundasyon na dapat sana’y protektado ng kahoy o iba pang materyales. Sa kasamaang-palad, mayroon na kaming ilang insidente kung saan ang ilang mga magaaral ay nagkaroon ng maliliit na gasgas at sugat.

Ang ilang mag-aaral ay walang ibang pagpipilian kundi maagang pumasok upang mag-agawan sa kanilang upuan dahil mas marami sila kaysa sa dami ng mga upuan na mayroon.

Nawa’y mabigyan ng pansin ang mga ito at magkaroon ng agarang aksyon upang mapanatili ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mag-aaral.

Lubos na gumagalang,

Mahal kong Anikah,

Ako’y lubos na natutuwa sa pagbibigay mo ng oras sa pagsulat sa aming pahayagan. Ikinagagalak ko na na may mga mag-aaral na katulad mo na may lakas ng loob na makialam at makipag tulungan sa ikabubuti ng ating paaralan.

Gusto kong ipaabot sa iyo at sa lahat ng mga Hayskulano na gumagawa ng agarang aksiyon ang ating paaralan upang matugunan ang mga problemang nabanggit. Sa katunayan, ang mga upuan na nasira ay inaayos ulit upang maiwasan ang mga insidente na nararanasan ng mga mag-aaral, at may ilan sa mga ito ay naayos na at handa ng ipagamit sa mga mag-aaral. Karagdagan, para sa kaalaman ng lahat. ang mga ilang upuan na ginagamit ay hindi galing sa paaralan, ang mga ibang upuan ay galing sa DepEd mismo at ang ilan naman ay sa mga isponsor. Kaya naman ingatan at gamitin iton ng maayos pati narin ang iba pang kagamitan sa paaralan upang magamit pa ito ng buo ng iba pang mga mag aaral.

Lubos na gumagalang, Punong Patnugot

6 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024 Dibisyon ng Naga | Rehiyon V ng isar g
MILENYAL
v
Jeoff Patrick Tesorero Charles Dela Torre Vallerie Bigay dibuho ni: Hannah Ador Anikah

PIPING SAKSI

Pagsisikap sa mataas na pangarap

Sa pagpasok ng bawat mag-aaral sa pinili nilang kurikulum, isang malaking paglalakbay ang kanilang tinatahak. Hindi lamang ito sa pagaaral ng mga teorya at konsepto kundi pati na rin sa pagpapaunlad at pagpapalago ng kanilang kakayahan bilang indibidwal.

Ang Camarines Sur National High School ay mayroong mga espesyal na kurikulum tulad ng Science, Technology, and Engineering Program (STEP), Special Program in Journalism (SPJ), Special Program in Foreign Language (SPFL), Special Program in Sports (SPS), Special Program in the Arts (SPA), at Special Program in Technical-Vocational Education (SPTVE) na nagsisilbing daan sa mga mag-aaral upang mas mahubog ang kanilang kaalaman

Ngunit sa kabila ng oportunidad na ito, ang pagpapanatili ng mataas na marka sa mga nasabing kurikulum ay isang hamon na kailangang labanan at bigyan pansin ng mga mag-aaral.

Sa katunayan, hindi mahirap ang magkaroon ng high ‘maintaining grades’ kung talagang seseryosohin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at kung mamahalin nila ang kanilang ginagawa. Walang mahirap kapag determinado at pursigido ang isang mag-aaral. Ito ay ang magsisilbing moti-

Sa kabila ng oportunidad na ito, ang pagpapanatili ng mataas na mga marka ay isang hamon na kailangang labanan at bigyan pansin.

basyon ng mga mag-aaral upang mas lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral sa kagustuhang hindi matanggal sa napili nilang programa.

Subalit, ngayong panahon ay mas binibigyang pansin ng mga kabataan ang paggamit ng kanilang gadyet

NEYTIB SOSAYTI

Milenyal na pag-aaral

Pinagtibay ni John Bongat, dating alkalde ng lungsod ng Naga, ang Executive Order No. 2019-010 sa Marso 15 sa huling buwan ng kanyang termino.

Nakasaad dito ang pagbabawal sa mga mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan ng lungsod sa paggamit ng anumang uri ng mga gadyet sa loob at oras ng mismong klase maliban kung ito ay pinahintulutan ng kanilang guro. Subalit ano nga ba ang nag-udyok sa alkalde sa pagpapatupad nito?

Ayon sa kautusang nabanggit, nakatanggap ang pamahalaang panlungsod ng mga reklamo mula sa mga magulang at guro sa Naga kaugnay ng paggamit ng mga magaaral ng gadyet sa mismong oras ng klase at gumagamit ng application tulad ng Facebook, Youtube, at iba pa lalo na ang paglalalaro ng mga computer at online games.

Dahil sa labis na adiksyon, karamihan sa kanila ay nakakakuha ng mababang marka mula sa kanilang mga guro. Ito ay dahil nahahati ang kanilang atensyon dito o ang masahol pa, mas napagtutuunan ng pansin ang gadyet sa halip na pag-aaral.

Sa ganang akin, katanggap-tanggap lamang ang tinuran ng dating alkalde. Isa ito sa pinakamalalang isyu sa ating bayan partikular na sa ating lungsod dahil sa mga pundasyon at pag-asa ng lipunan ang kasangkot dito, ang kabataan. Makatutulong din ito hindi

lamang sa pagkakaroon ng tamang atensyon ng kabataan sa pag-aaral kundi pati na rin sa ating kalusugan.

Dapat magsimula sa tahanan ang pagdidisiplina. Sanayin ng mga magulang sa paglilimita ng paggamit sa gadget.

Ang pagpupuyat dahil sa paggamit ng gadyet ay maaaring makasira sa ating utak dahil sa radyasyon lalo na kung ito ay ginagawa nang lagpas sa isang oras. Maaari rin itong magpahina sa iyong konsentrasyon sa isang bagay. Bukod pa rito, maaari rin itong magpahina sa ating paningin.

Isa pa, nakatutulong din ang ginagawa ng mga guro na pagkumpiska sa mga gadyet lalo na kung nahuli niya ang isang mag-aaral na gumagamit nito sa oras ng klase at walang anumang pahintulot. Hindi lamang sa gawi ng pag-aaral ito nakatutulong kundi pati na rin sa wastong asal. Dapat magsimula sa tahanan ang pagdidisiplina. Mula sa pagkamusmos, sanayin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paglilimita ng paggamit ng mga ito. Ugaling turuan na tumulong sa mga gawaing bahay at iba pang kapaki-pakinabang na bagay kumpara sa pansariling interes. Isa ang kautusang ito sa tumutulong sa pag-unlad ng estado ng ating pamumuhay sa pamamagitan ng

OPINYON

at pagbababad sa social media kaya nawawalan ng pokus at nababaling ang atensyon at enerhiya sa mga bagay na walang kabutihang maidudulot sa pag-aaral.

Paraan ng paaralan ang pagkakaroon ng mataas na ‘maintaining grades’ upang maibalik sa pokus ang mga mag-aaral at mapalago ang kanilang sarili. Dagdag pa rito, sa kagustuhan ng mga mag-aaral na maabot ang pamantayang ito, kinakailangan ng tamang paglaan ng oras sa bawat asignatura, pagbigay ng isang daang porsyento sa kanilang talento at kaalaman sa layuning mapanatiling mataas ang marka.

Sa paraang ito ay mabibigyan ng tamang kaisipan ang bawat magaaral na maging konsistent sa lahat ng gawain. Maging ang sariling kahusayan at paglago ay makakamit sa ganitong paraan.

Malaking oportunidad ang pagkakaroon ng mga espesyal na kurikulum na may kailangan panatilihing mataas na marka.

Sa pamamagitan nito mahuhubog ang mga mag-aaral na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya sa larangan ng akademiko. Ang pagkakataon na makapasok sa espesyal na kurikulum ay hindi dapat sayangin. Walang puwang ang pagsawalang bahala sa pagaaral makamit lamang ang minimithing mataas na marka.

Magiging sandata ito sa mas mabigat na hamon na haharapin sa kolehiyo.

pagdidisiplina. Matutuhang hatiin at gamitin ang oras sa makabuluhang bagay. Hindi masama ang libangin ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng apps tulad ng Facebook o Youtube o kaya naman sa paglalaro ng video games, subalit hindi dapat kalimutan ang mga kaakibat nitong responsibilidad at tungkulin na kaakibat ng bawat karapatan at kalayaan.

Maglaan ng oras sa lahat ng bagay. Tayong kabataan ang huhulma sa ating sariling kinabukasan gamit ang mga karununga’t pinag-aralan. Sa huli, tayo ang makikinabang at uunlad bunga ng ating pagiging disiplinado.

KWENTO KWENTA

Panayam ng karunungan

Ang pahinga na lang ng isang guro ay ang matulog,” pahayag ng aking tiyahin na isang guro habang pinag-uusapan namin ang aking pangarap na propesyon at ang kaniyang kasalukuyang trabaho.

Simula pa nung bata ako, pangarap ko nang maging isang guro balang araw. Naniniwala ako na ang edukasyon ang susi sa kaunlaran, dahil isa ito sa pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan.

Gayunpaman, habang binabasa ko ang inilunsad na memorandum ukol sa pagtanggal ng administratibong gawain sa mga guro mula sa pampublikong paaralan, labis na pag-aalinlangan ang aking naramdaman kung nanaisin ko pa bang maging isang guro tulad ng aking tiyahin.

Nararapat lamang na manaig ang kasiyahan at ang pagbunyi dahil mawawalan na ng karagdagang gawain ang mga guro. Ngunit, laking gulat ko nang nalaman ko kung gaano karami ang kanilang ginagawa gayong hindi naman pala ito kasama sa kanilang responsibilidad.

Bahagi ng aking tiyahin, sa mga Feeding Program ay hindi na dapat sila ang nangangasiwa. Sa pagtatala ng height at weight ng mga magaaral, kadalasan ang mga school nurses ang dapat na may responsibilidad. Hindi dapat ang mga guro ang nag-oorganisa ng earthquake drill. Ito ay bahagi ng ancillary services na dapat ay isinasagawa ng non-teaching personnel alinsunod sa DepEd order.

Ngunit, sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa, makikita ang kakulangan sa non-teaching personnel, kaya walang ibang magagawa ang mga guro kundi ang gawin ito. Mayroong mga solusyon ang Schools

Division Office (SDO) tulad ng clustering ng non-teaching personnel.

Ngunit ito ay pansamantalang solusyon lamang at hindi ito ang pinakamabisang solusyon sa problemang ito.

Dapat ay matagal nang naisakatuparan ito sapagkat ang

Sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa, makikita ang mga kakulangan dito.

tanging trabaho ng mga guro ay magturo lamang at hindi ang ibang mga gawain pa. Dahil sa dami ng kanilang responsibilidad, maaaring maapektuhan hindi lamang ang kanilang pisikal at mental na kalusugan kundi pati na rin ang kalidad ng edukasyon na ibinabahagi nila.

Sa pag-unawa ko sa pahayag na “ang pahinga na lang ng isang guro ay ang matulog,” hindi ito dahil sa marami ang trabaho ng kaguruan, kundi dahil sa nararapat na marami silang oras para sa pahinga kung pagtuturo lang ang kanilang gawain.

KOMENTARYO

“isyung napapanahon, lutasin ngayon”

Pagkawasak sa kalikasan

Napaunlad ba ang lugar o winasak ang ganda nito?

Noong Marso 13, 2024 naging laman ng balita ang resort na Captain Peak’s sa Bohol. Hindi sa ganda nito ngunit dahil sa lugar kung saan ito ginawa. Ito ay makikita gitna ng mga Chocolate Hills at malapit sa UNESCO Heritage Geopark. Samu’t sari ang mga naging reaksyon ng mga tao sapagkat, ang iba ay nag sasabing ito ay sumisira sa ganda ng Chocolate Hills at ang iba naman ay nag sasabing maganda ito. Ang makikitang resort ay para sakin, sumisira sa totoong ganda ng lugar.

Ang Chocolate Hills ay makikita sa iba’t - ibang parte ng Bohol, tulad ng Carmen, Batuan, at Sagbayan. Matatagpuanang pinaka atraksyon o ang viewing point ng Chocolate Hills sa Carmen, Bohol. Ang resort ay matatagpuan sa Sagbayan, Bohol. Kaya naman, ang resort na pinag uusapan ay hindi makikita sa viewing point ng Chocolate Hills. Kung ako ang tatanungin, kahit pa ito ay hindi makikita sa mga litrato sa Chocolate Hills, parte pa rin ito at hindi dapat sirain. Kailangan ng sapat na permit at dokumento ang isang negosyante bago sila mag patayo nito. Ang pag kakaroon ng ganitong mga resorts ay hindi kailanman ikinaganda, sapagkat mas maiging panatilihin natin ang natural na ganda ng ating kalikasan.

Isa pa sa rason kung bakit ito ay sumisira ng ganda ng ating kapaligiran ay maaring mag patuloy pa ito at mas lalo pang dumami. Dahil kapag nag patuloy ito, mag kakaroon ng ideya ang ibang gumaya at mas lalo pang dumami ang mga nakatayong establisyimento malapit sa mga burol. Kapag nag kakita ang ibang negosyante na maaari palang gumawa ng mga negosyo sa gitna ng burol, hindi na ito maagapan. Mas maiging habang isa o kaunti pa lamang ang gumagawa ay solusyonan na.

Ang Chocolate Hills, ay isa sa pinaka ipinagmamalaki ng Pilipinas, kaya maiging pangalagaan natin ito. Hindi pag papaunlad ang pag papatayo ng kung ano ano sa paligid nito. Mas maiging taniman o kaya pagandahin na lamang ito ng hindi kailangan sirain ang natural na ganda. Minumungkahi kong huwag suportahan ang resort upang matuto ang may ari, na hindi ito tama. Tandaan, laging pangalagaan ang ating kalikasan.

Princess Salvador Heaven Alano Shiela Broncano

AMandaragatngCamHi

ng Bicol ay kilala sa makasaysayang lugar na maipagmamalaki ng Pilipinas.

Ang Naga City ay ang tirahan ng nag-iisang birheng Peñafrancia, Ina ng buong Bicolandia. Si Inang Peñafrancia ang kinakapitan ng mga debotong nais matupad ang kanilang mga hinihiling sa buhay at nagsisilbing kasangga laban sa mga delubyong dumarating sa kanila. Dahil sa lubos at umaapaw na debosyon ng mga bikolano, taon-taon silang nagbibigay ng pasasalamat sa pamamagitan ng iba’t ibang mga kaganapan.

Sa pagdating ng buwan ng Setyembre, ang mga bikolano ay abala sa paghahanda sa iba’t ibang mga patimpalak at parada para sa darating na kapistahan ng Inang Peñafrancia. Ang mga manlalahok ay puspusan sa paghahanda ng kanilang mga susuotin at magagarbong pakulo sa kanilang pagtatanghal sa entablado. Naghuhusayang mga paaralan ang makikilahok sa patimpalak na may determinasyon at pagnanais na masungkit ang iba’t ibang mga parangal at ang kampeonato. Ang isa sa kapana-panabik na patimpalak ay nagbalik, ito ay ang matagal nang hinihintay ng buong bikolandia, ang Voyadores Festival.

Ang patimpalak kung saan ang mga kalahok ay itatanghal sa madla ang re-enactment ng pagdala sa imahe ng birheng Peñafrancia sa pamamagitan ng makukulay na kasuotan at palamuti, masiglang sayawan at musika.

Ang madla ay inip na inip na makita ang kumikinang na mga kasuotan at naglalakihang mga palamuti na babalot sa buong entablado.

Sa ika-14 ng Setyembre 2024, walong mahuhusay na mga kalahok sa Peñafrancia Voyadores Festival Street and Pilgrim Dance Competition mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Naga ang naglaban-laban para masungkit ang kampeonato na itatanghal sa Plaza Quezon. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang angking talento sa larangan ng pagsayaw at pag-awit. Maraming manonood ang hinihintay ang pagbabalik ng defending champion mula sa paaralan ng Camarines Sur National High School. Ang Plaza Quezon ay nagmistulang karagatan sa dami ng taong gustong masaksihan ang kalahok na mag-uuwi ng kampeonato sa kompetisyon. Sa pagsisimula ng patimpalak, nakakabinging mga hiyawan ang bumalot sa buong entablado sa Peñafrancia Voyadores Festival Street and Pilgrim Dance Com-

Gayundin sa kanilang mga kultura, pagkain at sikat na mga atraksiyon na dina dagsa ng mga libo-libong turista sa buong mundo. Likas sa mga Bikolano ang pa giging relihiyoso, matapang, matalino, mahusay at may paninindigan sa bayan kung kaya’t sila ay binansagan bilang Oragon.

petition. Labis ang suportang ibinigay ng mga manonood sa kanilang pambato sa kompetisyon.

Bawat isa sa mga kalahok ay bitbit ang natatangi nilang talento sa patimpalak, ipinamalas ng bawat paaralan na may ibubuga sila sa larangan ng pag-awit, pagsayaw at sining.

Itinanghal muli ang Camarines Sur National High School Voyadores na panalo sa Peñafrancia Voyadores Festival Street and Pilgrim Dance Competition 2023. Ipinamalas muli ng mga hayskulano voyadores ang angking galing sa paghataw at pag-indak, pag-awit at sa larangan ng sining. Nasungkit din ng paaralan ang iba pang mga parangal tulad ng best in props, best in music, best in street dance at best in pilgrims dance.

Namumukod tangi ang talentong ipinakita ng mga voyadores ng Camarines Sur National High School, kaya’t walang dudang sila ang muling itinanghal bilang kampeon ng patimpalak. Ipinamalas ng mga hayskulano voyadores sa pagtatanghal ang lubos na pagmamahal at debosyon sa Inang Peñafrancia sa pamamagitan ng makabuluhang sayaw at nakakaakit na mga musika. Ang pagkapanalo muli ay nagdulot ng masaya at

malakas na hiyawan ng mga mano nood.

Ayon kay Prince Mac Laquin danum, isa sa mga nagrepresenta at voyadores, “Na-experience ko ay matinding pagod at kasiyahan sapagkat nanalo ang CSNHS at nabigyan ng chance na maipakita talentong tatak hayskulano.”

“Ang naging epekto nito sa’kin ay mas higit na naging malawak ang pagmamahal at debosyon ko kay Inang Peñafrancia kaya malaking tulong ang naibigay ng voyadores sa buhay ko” dagdag pa nito.

Labis ang tuwa na nadarama ng mga nakilahok sa patimpalak dahil mas napalago nito ang kama layan, talento ng mga kalahok sa iba’t ibang aspeto at higit sa lahat mas napalakas nito ang debosyon ng mga tao sa Inang birheng Peñafrancia. Bakas sa mga mukha ng mga nakilahok ang saya at pa sasalamat sa matagumpay at ma sayang kompetisyon. Hindi maka kaila na ang mga Bikolano ay tunay na tatak Oragon.

larawang mula
larawang mula sa: Naga City Gov- Heaven Ezekiel Alano

Ibang-ibatalagaang Paskosa‘Pinas

Sapagpasok ng kapaskuhan, kumikinang-kinang na mga palamuti ang bumabalot sa ating kapaligiran at masasayang himig ang naririnig sa bawat sulok ng daigdig. Ang malamig na simoy ng hangin ang nararamdaman ay nagpapaalalang ang Pasko ay paparating na. Tunay nga bang ang Pasko sa 'Pinas ay ibang-iba?

Kapaskuhan sa Pilipinas ang hinihintay ng maraming Pilipino sapagkat ito ang pinakamalaki at pinakamahabang ipinagdiriwang na kasiyahan sa Pilipinas. Sa pagsapit ng Setyembre, ang mga Pilipino ay nagsisimula nang maghanda sa papalapit na kaganapan. Ang pagsapit ng gabi sa Pilipinas ang hinihintay ng lahat: iba’t ibang mga disenyo ang suot ng mga kabahayan, at ang mga parol na nagsisilbing hikaw sa bawat tahanan ay may angking gandang ibinibigay. Bundok-bundok na mga regalo ang nakahiga sa ilalim ng nagliliwanag na mga christmas tree. Ang pagmamahalan, pag-asa, at pagtutulungan ay ang lumalaganap sa pagsapit ng kapaskuhan sa Pilipinas. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging matulungin at may ginintuang mga puso; likas sa kanila ang pagtulong sa kanilang kapwa ng walang anumang hinihiling na kapalit. Dahil dito, tinagurian ng mga dayuhan ang mga Pilipino na may pinakamabuting loob. Nitong ika-23 ng Nobyembre 2023, ang pamunuan ng Haligi ng Wika at Departamento ng Filipino ay gumawa ng proyektong naglalayong matulungan ang mga mag-aaral at mga kawani ng Camarines Sur National High School (CSNHS). Ang proyekto ay tinawag na Parol ng Pag-asa at ang mga parol na ibebenta ay gawa ng mga preso sa Bureau of Jail Management and Penology at mga taong may kapansanan. Ang mga kasapi ng pamunuan ng Haligi ng Wika ay nagtulong-tulong upang ibenta ang mga parol sa mga mag-aaral at mga guro sa buong paaralan ng CSNHS. Ang perang nalikom galing sa proyekto ay ginamit sa outreach program na nakapagbigay saya at kaunting tulong sa mga piling mag-aaral at mga kawani ng paaralan.

“Ang Parol ng Pag-asa outreach program ay nagbigay ng kasiyahan, kaligayahan at gunita ng totoong diwa ng Pasko. Para sa akin, bilang isa sa mga naging parte ng programa, masaya ako na nakita kong may natanggap na mga regalo para sa araw ng noche buena ang ilan sa mga piling school staff at estudyante na kapos din sa buhay. Kaya malaking tulong na rin ang aming isinagawang programa upang sila’y makapagdiwang ng Pasko na may masayang puso. Isa sa pinakatumatak na magandang naidulot nito sa akin ay ang simpleng gestures na bunga ng kabutihan natin sa ibang na maghahatid

kaligayahan din sa kanila.” ayon sa tagapagbalita ng Haligi ng wika, Francia Fe Dolor. “Ang mensaheng aking nais iparating sa lahat ng tao sa araw ng Pasko ay damahin ninyo ang diwa ng Pasko habang kayo’y nag diriwang. Ang pamimigay ng mga goods sa kapwa at sa mga taong nangangailangan, sa pag-donate sa mga bahay-ampunan o mga nasunugan, pakikipag-bonding sa mga malapit o nasa malalayong kamag-anak, at siyempre maging masaya sa araw ng Pasko.” dagdag pa ni Dolor. Tunay na nananalaytay sa mga ugat ng Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa, pagmamahal sa isa’t isa, may respeto at may ginintuang puso. Sa pagsapit ng kapaskuhan, kasiyahan at pagmamahalan ang dapat na namumukod tangi sa buong mundo. Ang disenyong nagbigay ng buhay sa bawat kabahayan ay ang magbibigay ng saya at pag-asa sa maraming buhay sa CSNHS. Ayon nga sa kantang “Pasko sa Pinas” ni Yeng Constantino, ibang-iba talaga ang pasko sa Pinas.

SIKLABNGRITMONGKATAWAN

alentadong pinoy. Iyan ang katagang laging nababanggit sa tuwing nagpapakitang gilas ang mga pilipino sa iba’t ibang larangan. Mapa-kantahan, sayawan, at teatro ay walang kupas ang taletong ipinapakita ng mga pilipino. Sa bawat pag-abot ng tamang tono, paghataw sa saliw ng musika, at pagpapakita ng angking galing sa pag-arte, tunay na hinahangaan ng magkakaibang lahi ang husay ng mga Pinoy.

Isa si ginang Pemie P. Bosquillos, Dance Director at Resident Choreographer ng Pilipinas ang nagpamalas ng angking talento sa pagsasayaw kasama ang kaniyang asawa na si Alexander Bosquillos. Iginiit niya na maganda ang naging karanasan nila lalo pa’t kanilang naibahagi ang kanilang talento at ang pagmamahal sa pagsasayaw.

“Since first time, as a performer, dream come true na makaperform international with my husband , maogma akong magshowcase ning bicol folkdances, like sarung banggi, etc,” ani Pemie Bosquillos matapos ibahagi ang ilan sa mga sayaw ng Pilipinas na kanilang ipinamalas sa entablado ng Indonesia.

Dagdag pa niya na nagkaroon ng magandang samahan at nakabuo ng pagkakaibigan ang bawat kalahok, tipong nag-iyakan pa ng aalis na ang mga kinatawan ng bansang Pilipinas.

“Naenjoy kang ibang nasyon si interactions with the Filipinos and requested sila para magfacilitate ng program,” aniya.

Naglahad din ng naramdaman ang isa sa mga kinatawan ng Camarines Sur National High School (CSNHS) na si Kyle Delfin.

“I felt grateful and really overwhelmed kasi ‘yung treatment nila sa delegation were above expectations. Sagot nila ang accomodations, food and transportation and nagprovide din ng tour guides na nagserve as translators and kaibigan namin,” aniya.

Tunay ngang walang kapantay ang kasiyahan kapag naibahagi mo ang talentong ipinagkaloob sa’yo. Kahit saang sulok man ng mundo, ang talentong ito ay hindi kukupas at mamamatay. Mananatili itong sumisiklab at sasabay sa ritmo ng musika. Ito ay isang manipestasyon na totoong may ibubuga ang mga pilipino, ano mang larangan ito. Tunay ngang tayo ay mga talentadong pinoy.

ki Diane Cortez
mga bagay na kinasanayan at pinaniniwalaan ng bawat isa.
mga larawang kuha ni Marie Diana Cortez larawang mula kayPemie Polvorosa Heaven Ezekiel Alano Sophia Grace Gundayao
ika-16
INDAK,GALAW, AT SAYAW: Sina Pemie P. Bosquillos( kaliwa) at kanyang kabiyak Alexander Bosquillos ( kanan) sa kanilang Dance show case sa International Children’s Folklore and Folkgames Festival sa Yilan,
Taiwan
hanggang 28 ng Hunyo 2023.
mga larawang kuha ni Marie Diana Cortez

TATAKBIKOLANO, TATAKPILIPINO

Bawat

indibidwal sa mundong ginagalawan ay may kanya-kanyang katangian. Ito ang nagbibigay sa kanila ng iba’t ibang pagkakakilanlan hindi lamang sa kanilang sariling pangalan kundi maging sa bayan. Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang kakayahan ay mahahanap pa rin nila ang landas tungo sa isa’t isa upang ibahagi ang kanilang talento hanggang sa bansa ng mga banyaga. dala-dala ang pusong mang-aawit ng mga Pilipino.

Mahuhusay na mang-aawit kung sila ay tawagin. Isang grupo ng mang-aawit upang magsilbing inspirasyon at patunay sa nakararami na walang makapipigil sa taong may pangarap. Marami mang balakid ang hinarap nila sa kanilang bawat paghakbang ay hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sila tungo sa inaasam nilang tagumpay. Ito ang kwento ng tunog Bikolano, ang Coro Bikolano. Ang Coro Bikolano ay nagsimula taong 2020, kalagitnaan ng pandemya. Sila ay nagtanghal sa National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) sa Pasay City, kung saan sila ay nagkamit ng gantimpala na nagbigay daan sa pagbubukas ng mas malaki pang oportunidad para sa kanila. Dahil sa kanilang tagumpay ay nabigyan sila ng pagkakataong ipakita sa buong mundo ang tunay na galing ng mga Pilipino. Hindi lang talento ang kanilang dala kundi pati na rin ang buong Pilipinas sa kanilang pagtatanghal sa ibang bansa. Kahit baguhan pa lamang, hindi ito naging balakid upang ipamalas at ipakilala nila ang kanilang sama- han

Ang Coro Bikolano ay pinangunahan ng isang guro na nagmula sa Camarines Sur National High School. Ito ay si Ricky Solero, nagtuturo sa umaga at nag-eensayo ng musika naman sa gabi. Kung kaya’t labis na ipinakita ni Solero ang kaniyang pagmamahal sa choral music at ang pagmamahal niya sa larangan ng edukasyon.

Ayon sa isang panayam ng CamSur News kay Solero, ang mga kasapi sa kaniyang grupo ay ang mga kasama niya sa school choir sa Bicol State Colleges of Applied Science and Technology noong sila ay nasa kolehiyo pa lamang, at dahil sa kanilang hilig at pag-ibig sa musika, nabuo ang Coro Bikolano. Bukod sa katotohanang sinimulan ito ni Solero na isang guro mula sa paaralan ng CSNHS ay maipagmamalaki rin na sa 28 miyembro nito ay 18 na miyembro ang mula rin sa paaralang CamHigh.

Noong buwan ng Oktubre 2023, nabigyan sila ng pagkakataon na maipamalas ang galing ng mga Pilipino nang maging kinatawan sila ng Pilipinas sa Busan, South Korea. Ito ay dahil sa tagumpay nila sa NAMCYA nang mag-uwi sila ng kampeonato.

Bago ang pagtatanghal, isang malaking pagsubok ang pinagdaanan ng grupo. Isa sa mga hinarap nilang suliranin ay ang problemang pinansyal. Kaya naman sila ay humingi ng kaunting tulong sa gobernador ng Camarines

Sur na si Luigi

R. Villafuerte at hindi nila inaasahan na malaking suporta pala ang ibibigay ng gobernador nang sila ay binigyan nito ng tulong pampinansyal. Patunay ito na malaki ang suporta ng bawat Pilipino sa bawat isa pagdating sa pagbabahagi ng iba’t ibang talento.

Buwan ang kanilang ginugol para mairepresenta ang bansa na puno ng kahusayan. Kung kaya’t sa kanilang pagpupursige, dugo, pawis, at pagmamahal, nagbunga ito ng kasiyahan ng makuha nila ang gintong diploma sa dalawang kategorya: ang Pop and Acapella, at Classical Mixed and Equal. Sa kanilang Facebook page, ipinahayag nila ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanilang adhikain at nagbigay tiwala sa kanila simula sa umpisa. Anila, hindi man nila nakuha ang kampeonato sa kompetisyon, may malaking aral at kaalaman naman silang dala-dala. Hindi pa rito nagtapos ang lahat, dahil mas nakilala pa ng marami ang choral music dahil sa ipinamalas na kahusayan ng mga representante, nagbukas rin ang pinto para sa marami pang oportunidad sa kanilang ginagawa ng nakapagtanghal pa sila sa iba’t ibang kaganapan sa loob ng bayan. Sa kanilang Facebook page, makikita ang paglago ng mga miyembro na isang senyales na ang choral music ay mas makikilala pa at tatangkilikin ng marami sa susunod na henerasyon. Dahil dito, sila ay simbolo ng “Basta Bikolano, Oragon!”

CoroBicolano/FbPage CoroBicolano/FbPage CoroBicolano/FbPage
Rose Ann Adolfo

EDITORYAL

Bituin sa Algoritmo

Sa madilim na gabi ng kawalan, unti-unting nasisilayan ang liwanag ng Artificial Intelligence (AI).

Sa bilis ng takbo ng teknolohiya, lumilitaw ito bilang isang bituin na nagdadala ng liwanag sa larangan ng edukasyon. Subalit, sa gitna ng liwanag, kinakailangan na ang paggamit nito ay may kabatiran upang maging batayan na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng bawat mag-aaral nang dahil sa bituin na kanilang nahagkan.

Sa larangan ng edukasyon, ang AI ay parang isang bituin na naglalakbay sa kalawakan ng kaalaman kung saan nagbubukas ng pintuan ng pag-unawa at pagsasanay, ngunit kasabay nito ang dumarami at dumarating na mga hamon. Ang kakulangan sa pang-unawa sa kung paano at para saan ang tamang gamit nito ay magiging hadlang sa pagpapahayag ng potensyal nito.

Hindi lamang ito limitado sa paggamit ng mga “writing tools”. Bagaman nakakatulong ito, ang sobrang asa sa paggamit ng AI ay nagiging negatibo. Nagiging negatibo ito sa paraan na nagiging tamad ang ibang mag-aaral na gumawa ng sarili nilang takdang-aralin at iba pang gawain. Tingnan na lamang ang ibang mga post sa social media ng mga pumapasang awtput na gawa ng AI na hindi man lang tinitingnan kung akma ba siya at nararapat na ilagay.

Malinaw na malinaw na pinahihintulutan ng AI writing tools ang kakulangan ng kakayahan ng mga mag-aaral.

Maituturing na ang AI bilang isang maayos at alternatibong searching engine, ngunit ang labis na pag-asa dito ay maaaring magdulot ng malaking pagbaba sa pangkalahatang katalinuhan at kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip ng mga magaaral.

Nararapat na isaalang-alang ang pagsasanay na mapanatili ang dignidad ng bawat isa sapag-usbong ng makabagong teknolohiya.

Sa ganitong paraan, maituturing ang AI bilang bituin sa algoritmo, isang gabay sa paghubog ng mga susunod na kinabukasan ng karunungan.

Mula sa labing-anim na paaralan sa buong Pilipinas na nagpakitang gilas sa teknolohiya at inobasyon, naiuwi ng walong mag-aaral mula sa Camarines Sur National High School (CSNHS) ang Ikalawang puwesto sa katatapos na Robolution 2023, ika-8 hanggang ika-9 ng Disyembre.

Naiuwi nina John Benedict C. Flores, Neil Carl C. Gojit, Nanier P. Leona, Emmanuel Mari N. Remoquillo, Mark Celvio O. De Leon, Guian Emmanuel B. Beriso, Aishin Gabriel P. Sepulvida at Jared Matthieu D. Flores ang nasabing parangal sa naganap na patimpalak kasama ang kanilang tagapag-ensayo na si John Roy V. Galvez.

Lumikha ang pangkat nina Flores, Gojit, Leona at Remoquillo ng isang pambihirang robot na tinatawag bilang Empathic Mechanized Robotic Operator o mas kilala bilang EMRO. Nakamit ng grupo ang Most Influential Award at naabot din ang Top 5 mula sa 33 na magkakaiba-ibang researches na

AGTEK

Hayskulano nagwagi sa Robolution 2023

mag-aaral sa Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) habang inihanada ang kanilang Emphatic Mechanized Robotic Operator sa Information technology ng paaralang ito.

lumahok sa Free-style Category ng kompetisyon.

Samantala, pinahanga rin ng apat pang ibang estudyante ang madla noong nakuha nila ang magkakasunod-sunod na gantimpala sa RoboSim o Virtual Robot Simulator. Napanalunan nina De Leon, Beriso, Sepulvida at Flores ang 2nd,

3rd, 4th at 5th place nang magkakasunod-sunod.

Ang ROBOLUTION 2023 ay ang 2nd International Robotics and Automation Summit at Competition at ang pinakaunang pandaigdigang virtual summit at competition sa larangan ng robotics and automation.

Kauna-unahang Research Hub, binuksan sa CamHigh

RESEARCH HUB: Opisyal nang binuksan ang Research Hub sa Camarines Sur National High School (CSNHS) sa Education Support Fund (ESF) building na pinangunahan nina Ginoong Dexter E. Cornejo at Ginoong Johnny T. Samino.

Upang matulungan ang mga mag-aaral ng Camarines Sur National High School (CSNHS) sa kanilang akademikong pananaliksik, opisyal nang binuksan ang kauna-unahang Research Hub sa Bldg.14 o Education Support Fund (ESF) building, ika-6 ng Marso, 2024.

Sa Pilipinas, ito ay pinangasiwaan ng ERovoutika Electronics and Robotics Automation, isang kumpanyang iginagalang at may alam sa larangan ng robotics, automation at information and communications technology (ICT).

Bahagi ng pagdiriwang ng Science Month, ang pagbubukas ng naturang proyekto sa faculty room ng agham sa pamumuno ni Dexter E. Cornejo, ang Science Head teacher IV ng paaralan. Pinangunahan ang proyekto ng lahat ng mga guro sa agham kasama ang ilang magaaral mula sa ika-9 at ika-10 baitang sa Science, Technology, and Engineering Program (STEP), at ilang mga opisyal ng mga organisasyong magbabantay sa hub tulad ng Batang Scientist Club (BSC) at Youth for Environment in Schools-Organization (YES-O).

Ayon kay Johnny T. Samino, ang guro sa pananaliksik ng ika-9 at ika-10 baitang, “[I am] grateful that after the supports offered by STEP students and science teachers, it came to reality.

11 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024 Dibisyon ng Naga | Rehiyon V ng isar g
TATAK HAYSKULANO: Sina John Benedict C. Flores (gitna) Carl C. Gojit (kaliwa) at Nanier P. Lema (kanan) kapwa Carl Stephen Albania Batang Scientist Club/ Fb page larawang mula sa: Batang Scientist Club/ Fb page

AGTEK

Nasungkit ng 33 Scinatics, apat na mag-aaral mula sa Science, Technology, Engineering and Management (STEM) ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang ikatlong puwesto sa Safer Schools: Pioneering Road Safety Innovation Contest, ika-4 ng Nobyembre 2023.

Sina Francine Mae Moraña, Shereen Lyrehs B. Alimuin, Ben Josiah S. Bayot at Daniela Trisha Nicole D. Galang, sa gabay ni ginoong Oliver John M. Tres Reyes ang mga mag-aaral na nag uwi ng parangal.

Layunin ng proyektong Complete Road for Safer & Brighter Tomorrows: Innovations for hayskulanx

Inclusive Journeys at CAMHIGH ang magkaroon ng higit na kaligtasan sa kalsada at magkaroon ng maayos na daloy ng mga mag-aaral at sasakyan sa labas ng campus.

Ayon sa mga nanalong mag-aaral, nakatutulong sa mga estudyante ng CamHigh ang kanilang proyekto dahil sa proteksyon na idinudulot ng covered pathwalk, sa araw man o sa gabi.

Ito ay may cctv, motion sensor, at maraming ilaw para protektado.

Nagiging organisado din

Hayskulanong Scinatics panalo sa national innovation

HAYSKULANO PRIDE: Sina Francine Mae Moraña, Shereen Lyrehs B. Alimuin, Ben Josiah S. Bayot at Daniela Trisha Nicole D. Galang ng Grade 12 STEM ay nanalong ika - 3 pwesto sa Safer Schools : Pioneering Road Safety Innovation Contest, ika - 4 ng Nobyembre.

ang daloy ng trapiko at may espasyo para sa sakayan.

“Ang competition na ito ay nakakapagod ngunit ito ay worth it. Ang competition ay nagtagal ng mahigit isang buwan, at during sa buwan na yun maraming ibat ibang stages ang pinagdaanan ng aming grupo kung saan

nagkaroon ng lecture series, mentoring na humasa ng aming proyekto, poster making na muntik na naming di abutin at depensa kung saan iprinesenta ng iba’t ibang contestant ang kanilang proyekto.” pahayag ng grupo. Bahagi ang nasabing

MAGTANIM AY ‘DI BIRO: Si Charles Dela Torre at Angel Allison De Borde AABMSPMS

President sa kanilang pagtatanim sa ginanap na Tree Planting sa Yabu, Panicuason ika-10 Pebrero, 2024

TANIM NG PAG-ASA

Ang pagtatanim ng mga halaman ay maraming naidudulot sa kapaligiran. Ito ang nakikitang solusyon ng mga mananaliksik sa pagsasaayos muli ng mundo. Mundong pilit sinisira ng mga tao dahil sa kanilang kapabayaan.

pwesto na sinundan ng 6 Avant-garde Espian Researchers – Espiritu Santo Parochial School of Manila, Inc. para sa pangalawang parangal. Naiuwi rin ng 37 SornaHigh Way –Sorsogon National High School at 17 Liegeons – Espiritu Santo Parochial School of Manila Inc. ang pang-apat at pang-limang puwesto. Itinanghal naman ang Team 12-S-Team - Tulay na Lupa National High school bilang Peple’s Choice Award.

kompetisyon ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng University of the Philippines National Center for Transportation Studies na nilahukan ng 12 pansekondaryang paaralan sa buong bansa.

Naipanalo ng 53 TNHS HUMSS – Tabaco National High School ang unang

Ang mga pangkat na ito ay pinili batay sa pamantayan ng mga marka na ibinigay ng mga panauhing nagsilbing hurado; Dr. Adrian Roy Valdez, isang Propesor mula sa UPD Department of Computer Science; Engr. John Zenon Vallinan ng 3M; Ginoong Relly Dave Bautista, Assistant Manager mula sa NLEX Corporation; Engr. Greg Macaraig, General Manager ng Pilipinas Trapikom at Engr. Aileen U. Mappala, Direktor ng UPD Transportation Management Office. Nagbigay daan ang nasabing patimpalak sa pagpapamalas ng kanilang pambihirang talento sa pagiging malikhain at dedikasyon sa pagpapatatag ng kaligtasan ng mga institusyong pang-edukasyon.

AGTEK LATHALAIN

Ang mundo ang nagbibigay tahanan sa napakalaking populasyon ng organismo. Ito ang sumusuporta sa mga industriyang pinagkukunan ng mga tao tulad ng agrikultura at turismo. Ngunit sa paglipas ng panahon, lahat ng ito ay nagbabago. Ayon sa 2022 World Air Quality Index, ang siyudad ng Hotan sa Tsina ay ang may pinakamalalang kalidad ng hangin sa mundo na may 110.2 na porsiyento na nangangahulugang masama para sa kalusugan. Bilang solusyon sa lumalalang kaso ng polusyon, ang mga dalubhasa ay naniniwalang ang pagtatanim ng halaman ay mabisa sa pagbawas ng polusyon sa daigdig. Ayon sa Trafford Council ng bansang Britanya o mas kilala bilang United Kingdom, ito ay nakakatulong upang mabawasan ang “Greenhouse” na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer na ating nagiging sandata laban sa init mula sa araw. Inaalis nito ang carbon dioxide sa hangin at lumalabas ng sariling oxygen. Ang bawat isang matandang puno ay lumalabas ng oxygen na sapat para sa sampung tao. Sa kabilang banda, ang mga puno ay nagbibigay tahanan at pagkain sa iba’t ibang organismo. Ito din ay tumutulong upang maiwasan ang pagguho ng lupa na nagiging sanhi ng pagkama-

tay ng isang tao. Ito din ay nagbibigay ng silungan, nagpapababa sa temperatura at mainit na panahon. Nito lamang ika-16 ng Marso, 2024, isang Tree Planting Activity ang ginanap sa Ateneo Property sa Carolina, Naga City bilang pagbigay inisyatibo sa kalikasan. Ang nasabing aktibidad ay pagkakaisang proyekto ng Departamento ng Agham, Batang Scientist, Grade Level Organizations, Civitas Humanistas, Haligi ng Wika, Youth for Environment in Schools-Organization at Supreme Secondary Learner Government ng Camarines Sur National High School. Ito ay naglalayong magbigay ambag sa pagpapayabong ng kapaligiran. Ang pagtatanim ng mga nasabing organisasyon ay sumisimbolo ng pag-asa at mabuting hinaharap. Ito ay nagpapahayag ng kanilang aksiyon sa lumalalang kaso ng polusyon sa mundo at magbigay kamalayan sa mga tao kung ano ang importansya ng pangangalaga ng kapaligiran.

12 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024
ng Naga | Rehiyon V ng isar g
Dibisyon
larawang mula sa: Isarog Staffers Carl Stephen Albania larawang mula sa: CSNHS SSLG/ Fb page Ar-Jay Crisolo

AGTEK

Ayon sa Ocean Conservancy, huigit-kumulang 8 milyong metrong toneladang plastic leaks bawat taon ang mula sa global economy kung saan mahigit kalahating porsiyento nito ay galling sa mga bansang Tsina, Indonesia, Thailand, Vietnam at Pilipinas na pare-parehong humaharap sa mga suliraning paglobo ng populasyon, unmanageable waste at plastic consumption.

Kung Pilipinas lamang ang pag-uusapan ay 2.7 milyong metrong toneladang plastic waste at kalahating milyong metrong toneladang plastic waste leakage ang naitatala bawat taon. Sa Metro Manila pa lamang ay may 8,600 toneladang basura na ang nakokolekta bawat taon. Mayroon din naman tayong batas ng Ecological Solid Waste Management Act No. 9003 of 2000 na tumatalakay sa proper waste management. Dito ay tinalakay ang iba’t-ibang uri ng waste at ang tamang pagsesegregate nito. Nakasaad din dito na maaaring maparusahan ang lumabag sa batas tulad ng pagkakalat, pagtatapo, pagtatambak ng basura sa mga pampublikong lugar, pagsusunog ng basura, pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura, at paghahalu-halo ng pinaghiwalay na basura.

Sa kasalukuyan naman ay nag-file si Senator Loren Legarda ng Senate Bill 430 o “Plastic Bags Regulation Act” na nagnanais higpitan ang produksiyon, pag-iimport, at paggamit ng mga plastic bag. Bagama’t may mga batas na isinusulong ang gobyerno ay hindi iyon sapat upang masolusyonan ang problemang ito kaya bilang mamamayan ay responsibilidad nating tumulong. At isa na sa mga paraang iyon ang ecobricking.

May layuning mabawasan at magamit muli ang mga plastic, ang ecobricks ay mga recycled na bote ng plastic ng tubig o softdrinks na nilalagyan ng mga hindi nabubulok tulad ng plastic wrapper, sachet, plastic at sando

Piezo electric Pen: Solusyon sa Alternatibong Enerhiya

sa sa mga suliraning kinakaharap ng mundo ay ang paghahanap sa mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya para sa pangunahing produkto- ang kuryente. Kaakibat ito ng patuloy na pagyabong ng teknolohiya’t pagdami ng bagong produktong pangaraw-araw na dahilan sa pagtaas ng demand nito.

“We are drowning on our own waste. It is time to rethink the way we throw things, especially those that do not rot, like plastic.” Ang pahayag ni Environmental Lawyer Antonio Oposa, Jr. tungkol sa nakaalarmang pagtaas ng bilang ng plastic waste sa Pilipinas. Sa kasalukuyang kung saan nagiging suliranin ang plastic, umusbong ang isang mai tuturing na solusyon. – ecobricks.

bags na hinugasan, pinatuyo, at gin upit-gupit. Nilalagyan din ito ng stick sa gitna ng bote at saka tatakipan.

Pagkatapos ay ibibigay ito sa mga redemption sites upang gamitin sa mga pagpapatayo ng mga klasrum, bahay, at parke. Kapalit nito ay bigas, de lata, at educational supplies na nakadepende sa dami at bolyum ng ecobricks na ginawa.

Upang ito’y tanggapin, dapat ay 350 to 2000 mL ang bolyum ng bote at tuyo’t malinis ang mga laman nito. Ang minimum ecobrick weight ay ang bolyum ng bote na iminultiply sa 0.35. Samantalang ang minimum ecobrick density ay 175 g para sa 500 mL, 350 g para sa isang litro, 525 g para sa 1.5 L at 573 g para sa 1.75 L. Batay sa “Ecobrick Making - A Theology Implementation”, hindi lamang pangangalaga sa likas na yaman ang nahahasa sa paggawa ng ecobricks kundi pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga taong sama-samang gumagawa nito dahil kung mapapaunlad ng ecobrick making ang kanilang pagkusa na ingatan at iligtas ang kapaligiran, magiging simula at tulay ito para sa mas malaki pang hakbang na kaya nilang gawin para sa kalikasan. May tatlong puntos na makukuha para sa 300-500 mL na bote, 5 puntos para sa 1 L na bote, at 10 puntos para sa 1.5-2 L an bote. Ang mga puntos na ito ay may kaakibat na bagay na makukuha. Isang pack ng pancit canton mula sa 3 puntos, 75 g instant coffee mula sa 5 puntos, educational supplies mula sa 10 puntos, at 1 kg bigas o dalawang de lata mula sa 20 puntos.

Bilang tugon sa nasabing suli ranin, binigyang- pansin ng mga mag-aaral ng Science Technology and Engineering ng Camarines Sur National High School, Lung sod ng Naga, ang pag-aaral sa maaar ing pagkunan ng elektrisidad gamit ang isang espesyal na panulat. Tina tawag nila itong “Piezoelectric Pen”. Ang “Piezoelectric Pen” o “Pie zo-Pen” ay paggamit ng piezoelectric transducer na isang kasangkapang ginagawang kuryente ang mekani kal na enerhiyang mula sa puwersa o pressure. Ito ay self-generating o nakakagawa ng boltahe mula sa isa pang uri ng enerhiya at maliit lamang kung kaya’t ito’ kombenyente at mada li mailagay sa isang maliit na gamit tulad ng ballpen. Mayroon din itong high-frequency response kung kaya’t sensitibo ito sa pagbabago ng puwersa. Ang interior ng Piezo-Pen ay binubuo ng ink tube na

pinanggagalingan ng tinng ballpen, spring na kumukonekta sa puwersa ng pagsulat sa ink tube at mismong piezoelectric transducer na siya namang upang gawing DC ang naproduce gumamit naman ng 3d printer para sa Inalam sa ginagawang pananaliksik in kuryenteng

Pili-nut: Posibleng lunas sa Diabetes

Isa ang Pilinut sa pinakasikat na prutas sa rehiyong Bikol. Bukod sa ginagawa itong pastries na ibinebenta sa mga terminal ng bus at bilihan ng pasalubong, malaki ang potensyal nito na maging lunas sa diabetes.

Sa pamamagitan ng ecobricking, makakatulong na tayo sa pagbabawas ng plastic waste, makakatulong pa tayo sa pagpapatayo ng mga klasrum, bahay, at parke sa inyong lugar. Hindi lamang kalinisan kundi pati na rin kaunlaran ang magiging epekto nito. Isang bote, para sa mas malinis na bukas.

Isang pag-aaral ang isinagawa ng mga mag-aaral sa Science and Technology Engineering (STE) Curriculum na pinamagatang “Antiglycemic Potential of Canarium Ovatum (Pili) Mesocarp through In-vitro α-Amylase and α-Glucosidase Inhibition” na sinaliksik nina Christine Labor, Joshua Moreno, and Princess Sioco ng 10 Atlas sa tulong ng kanilang research adviser na si Rhea B. Samino. Nadiskubre sa saliksik na ang Pili mesocarp ay posibleng lunas sa diabetes dahil ito ay may aktibong antidiabetic components na kayang hadlangan ang posibleng aksyon ng a-amylase at a-glucosidase na nagdudulot ng produksiyon ng glucose. Ayon sa artikulong isinulat ng IDF Diabetes Atlas, inaasahang aabot sa 25% ang kaso ng diabetes sa taong 2045. Ang sakit na ito ay isa sa pinakamalaking banta sa kalusugan ng mga Pilipino. Ayon sa pag-aaral ni Rafael Castillo, umaabot sa walong milyon sa 100 milyong Pilipino ang may diabetes. Ang Diabetes mellitus ay isang chronic metabolic disease na kadalasan ay pagkakaroon ng mataas na lebel ng blood sugar o hypoglycemia. Kadalasan, ang mga pagkain na ating kinakain ay mayroong starch . Ang complex sugar compounds na a-amylase at a-glucosidase enzymes ay pagbaha-bahagiin sa maliliit na piraso ang glucose na mapupunta sa dugo. Kapag maraming glucose sa bloodstream ay maaaring magdulot ito ng post – prandial hyperglycemia. Dagdag pa dito, ang

sa insulin na pag hindi naagapan ay magdudulot ng seryosong komplikasyon.

Ang pag-iwas sa pagkakaroon ng post-prandial hyperglycemia ay isa sa maaaring gawin upang gamutin ang diabetes. Ayon kay JL Chiasson, mananaliksik, ito ay maiiwasan kung pipigilan ang pagsipsip ng a-amylase and a-glucosidase enzymes na responsable sa post-pranadial hyperglycemia. Ang pagpigil ng mga aktibidad ng dalawang enzymes ay makokontrol ang blood sugar level ng mga pasyente.

Maraming lunas ang maaaring gamitin tulad ng synthetic diabetes management formulations ngunit mataas ang presyo nito at magdudulot ng side effects. Kaya naman, naghahanap ang dalubhasa ng alternatibong solusyon mula sa likas na yaman.

Ang Pili ay isang regional high-value crop at mabilis mabuhay sa rehiyong Bikol. Ang natapos ng saliksik ay nagpapatunay na ang Pili ay maaaring maging lunas sa diabetes na abot kaya ng mga Pilipino. Ang paggamit ng biotechnology ay maaaring solusyon sa paghanap ng potensyal na produkto na maaaring maging lunas sa mga sakit. Ang mga ito ay makatutulong din sa mga magsasaka at lokal na market ng Pili. Husay at tiyaga ng mga mag-aaral na mananaliksik katuwang ang mga dalubhasa ang magbibigay-daan sa mga posibleng lunas sa mga iniindang sakit. Bagama’t masyado ng umuunlad dahil sa mga bagong diskubre ng teknolohiya, ang sagot pa rin ay nasa kapaligiran.

13 ng isar g
Jandhel O. Sarcilla
BOTENG MALINIS ANG BUKAS
ECOBRICKS:
Type
larawang kuha ni: Aisha Dela Rosa PINILING PILI: Ang mga imaheng larawan ng pananaliksik sa paksang Pili: Posibleng Lunas sa Diabetis na kinuha sa aktwal na proseso ng mga mag-aaral sa Science and Technology Engineering (STE) sa Labor Residence, Canaman Camarines Sur.
2 Diabetes ay isa pang kaso nito na kung saan ang body cells ay hindi nakakatugon
larawang kuha mula sa: https://img.theculturetrip.com/1440x/smart/ wp-content/uploads/2018/09/shutterstock_712594048.jpg larawang kuha ni: Aisha Dela Rosa larawang kuha ni:Aisha Dela Rosa larawang kuha ni: Aisha Dela Rosa larawang kuha ni: Aisha Dela Rosa
Carl Stephen Albania Carl Stephen Albania

Ginintuang Kuwintas

Napasakamay ng talentadong hayskulana na si Queenie

Chavez ang kumikinang na mga gintong gantimpala sa taunang Palarong Panglungsod 2024, laban sa kaniyang magagaling na mga katunggalian sa pagkamit ng gintong medalya, tunay na saksihan ng mga tao ang taglay na determinasyon, talento at umaalab na kumpyansa ng dalaga sa larangan ng gymnastics. Ito ang kaniyang naging susi para maabot ang mithiin na manalo sa Rhythic Gymanastics - Secondary Category.

Naiuwi ng kampeon ang gintong mga parangal sa rhythmic gymnastics sa iba’t ibang mga kategorya, tulad ng Ribbon, Hoop, Ball, Clubs, at IAA. Ibang klase ang ipinamalas ni Queenie sa mga hurado upang magbigay ng karangalan sa paaralan ng Camarines Sur National High School (CSNHS) sa ginanap na Palarong panglungsod 2024.

Kakaibang pilantik, lukso at liksi ang kaniyang ipinamalas sa kompetisyon, perpektong naipakita ng dalaga ang bunga ng kaniyang pagpupursigi sa pagsasanay araw-araw. Matatawag na itong bihasa sa larangan ng gymnastics, nakilahok na ito sa maraming kumpetisyon tulad ng Batang Pinoy 2016 (Bronze Medalist), Batang Pinoy 2019 (Silver at Bronze Medalist), Palarong Pambansa (Silver Medalist), at Batang Pinoy 2023 (6th Placer)

Ayon sa hayskulana gymnast, hindi naging madali ang kaniyang kwento sa larangan ng kaniyang minamahal na isports. Dahil ng sumapit ang pandemya, kasabay rin nito ang pagsama ng kaniyang pisikal at mental na kalusugan. Nalaman niya rin pagkalipas ng ilang buwan na siya ay nadiagnose ng scoliosis, parang gumuho ang kaniyang mundo sa nalaman at napilitan siya na huminto ng isang taon. Hindi niya alam ang kani- yang gagawin sa mga oras na iyon da-

hil halos buong buhay niya at inalay niya sa kaniyang pinakamamahal na isport. Ngunit hindi siya pumayag na hangang dyan na lamang siya, naisip niya sa kaniyang sarili na sa kabila ng kaniyang situasyon, ipagpapatuloy niya ang kaniyang ginugusto. “Here I am! Competing my first competition in highschool” ani ni Queenie. Sa bawat paligsahan na kaniyang sinasalihan, lagi niyang nararamdaman ang naguumapaw na kasiyahan at kaginhawaan dahil lagi nitong natatapos ng may satispaksiyon “It was hard but I made it!” ayon kay Queenie. Dagdag pa ng bata, ang kaniyang naging susi sa bawat panalo, “Be consistent. No matter how hard it is, never give up! Cry if you want to then after that, breathe. Chin up, and enter the carpet with determination.”

Lubos ang pasasalamat ng hayskulana gymnast na si Queenie sa kaniyang masugid na taga-suporta, ang kaniyang pamilya at mga coach na sumuporta sa kaniya noong nagsisimula pa lamang siya sa larangan ng gymnastics. “They are the ones who encourage me in pursuing this sport. They are the reason why I came back after being gone for a very long time” – Queenie.

Dagdag pa ng dalaga, “My biggest achievement in my sport is how strong and disciplined I am now. Growing up, I had struggles handling my own emotions. But when I entered this sport, everything has changed. Achieving my dream skills was good, but knowing that I grew up with great manners, discipline and attitude is even better.”

Tunay na hindi matatawaran ang galing na ipinakita ng hayskulana gymnast, Queenie Chavez sa mga pagsubok na kaniyang naranasan sa larangan ng gymnastics upang masungkit ang gintong mga parangal sa Palarong Panglungsod 2024. Dahil sa kumpyansa, tiyaga at umaapaw na determinasyon nasungkit ng CAMHI Pride ang ginintuang tagumpay.

PITIK AT PILANTIK: Pinuhunan ni Queenie Chaves ng CSNHS ang kaniyang karanasan sa nakaraangkumpetisyon sa ginanap na Palarong Panlungsod 2024 upang maibulsa ang limang gintong medalya ng nakaraang Pebrero 24-25 sa Naga Gymnasium. larawang kuha ni: Danielle Mistula/The isarog

Hayskulano sumungkit ng panalo sa Chess

Aprille Monique Corong

Matalas na nagpatumba ng mga piyesa ng mga katunggali mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Naga ang mga manlalaro ng Chess mula sa CSNHS na sina Elope, Resurreccion, Quidoles, at Bacani, sa Palarong Panlungsod 2024 na ginanap sa Gabaldon Building ng Tinago Central School, nitong Pebrero 24-25. ni Elopre na nagpatumba sa king ng kanyang katunggali sa loob lamang ng anim na minuto, habang namate naman ni Resurreccion ang kanyang katunggali sa loob ng 50 na minuto.

Kahit umulan o umaraw, nagpakita ng diskarte at dedikasyon sa paglalaro ng standard chess ang apat na manlalaro na humantong sa pagiging 3rd Placer-Bronze sa kategorya ng Secondary Girls para kina Elopre at Resurreccion na may kabuuang 5½ puntos, samantalang nakapuntos ng kabuuang 4½ at nakaupo sa 11th Place sa kategorya ng Secondary Boys sina Quidoles at Bacani.

Tagumpay ang ipinamalas ng apat na manlalaro sa unang round nang kanilang matalo ang kanilang mga katunggali mula sa San Isidro National High School, na pinatumba ng team boys, at ang mga kalaban mula sa Cararayan National High School na pinatumba naman ng team girls.

Sinimulan ang laro nang na mate ni Quidoles ang kanyang katunggali sa loob ng 48 na minuto.

Nagbitiw naman ni Bacani ang kanyang katunggali sa loob ng 17 na minuto sa pamamagitan ng kanyang mga nakalulusaw na chess tactics at strategies na naging dahilan ng kanyang pagkapanalo.

Mala-kidlat naman ang atake

Sa kalagitnaan naman ng pangalawang round, natalo sina Quidoles sa loob ng 26 minuto at si Bacani sa loob ng 20 na minuto dahil umano namali ang kanilang galaw at diskarte laban sa chessers ng Leon Q. Mercado High School.

Panalo naman ulit ang team girls sa pangalawang round laban sa chessers ng San Isidro National High School matapos taguriang panalo si Resurreccion dahil walang sumulpot na katunggali at matapos maipamalas muli ni Elopre ang kanyang kagilas-gilas na mga chess tactics at strategies na nagpatumba sa kanyang katunggali sa loob lamang ng limang minuto.

Sa pagsapit ng pangatlong round, nakatunggali ng team boys ang chessers ng American School of English Math And Sciences kung saan natalo si Quidoles sa loob ng anim na minuto habang

Intrams: Panaginip o Reyalidad?

Charles Gabrielle Dela Torre

Matalas na nagpatumba ng mga piyesa ng mga katunggali mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Naga ang mga manlalaro ng Chess mula sa CSNHS na sina Elope, Resurreccion, Quidoles, at Bacani, sa Palarong Panlungsod 2024 na ginanap sa Gabaldon Building ng Tinago Central School, nitong Pebrero 24-25.

Hindi ko mabilang sa mga nagdaang taon ang kaganapang puno ng kaligayahan tuwing Intramurals. Bagaman ngayon, ito’y isang alaala na lamang na nahahagkan sa bawat sulok ng aming paaralan. Masyado nang matagal ang apat na taon na pahinga para sa isang paaralang kadalasang pinagmumulan ng mga dekalibreng atleta sa lungsod. Hindi ko mawari kung ito ay maisasakatuparan, o mananatiling panaginip nalang sa gitna ng kawalan?

Iba’t - ibang mga mag-aaral mula sa Special Program in Sports (SPS) at Sports Track (ST) ay umaasa sa panunumbalik ng intrams dahil karamihan sa kanila ay manlalaro. “Oo, kasi yung fun run nga inaabangan ko.” Sambit ni Hazel Navarez, isang atleta. Para sa kanila, ito’y hindi lamang pagpapakitang gilas, kundi isang pasulyap ng kanilang pangarap at adhikain.

Bagaman, nang makumpirma na malabo ang pagpapatupad nito, lumbay ng kabatiran ng mga manlalaro ang madarama. “Medyo malungkot po kasi halos po lahat inaabangan na po yung sa intrams” ani, Maxine Cambaliza, isang mag-aaral mula sa Special Program in Sports (SPS). Ganoon din ang saloobin ng karamihan sa mga mag-aaral sapagkat ang intrams ay isa sa mga inaasahang kaganapan tuwing taong panuruan. “Mayroong plano ang aming organisasyon (SSLG) sa pagkakaroon ng intrams ngunit

naging malabo ang magiging implementasyon nito sa ngayon dahil sa pagbabago ng DepEd Calendar.” pahayag ni Klyde Ibias, Protocol Officer ng Supreme Secondary Learner’s Government (SSLG). Isa ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon malabo pa rin itong maganap.

Kabilang sa mga hadlang na ito ay ang pagbabago ng akademikong kalendaryo at ang pagkakaroon ng “Catch-Up Fridays”.Dahil din dito, ang mga guro at mag-aaral ay nagmamadaling tapusin ang mga gawain dahil sa kakulungan ng oras sa mas maagang pagtatapos ng taong panuruan.

Sa kabilang banda, kinakailangan ang pagbabalik ng intrams sa ilang kadahilanan: Una, isa ito sa mga paraan upang maipamalas ang kanilang galing at kasanayan sa larangan ng isports; Maaring matuklasan at makilala sila upang maging kinatawan sa palarong panlungsod, bikol at pambansa. Gayunpaman, maituturing na ang Intrams ay isang pagkakataon upang magsaya ang lahat at upang maipamalas ng mga manlalaro ang kanilang husay at kalakasan. Sa pamamagitan ng maayos na pag unawa at pagtutulungan, malaking tiwala na manunumbalik ang inaasam na Intramurals hindi lamang bilang isang panaginip, kundi isang katuparan na nilalaman ng bawat pangarap at adhikain na may reyalidad.

nagwagi naman si Bacani dahil walang sumulpot na katunggali. Nakatunggali naman ng team girls sa pangatlong round ang chessers ng Naga College Foundation kung saan naging tabla ang laban ni Elopre sa gitgitang laro laban sa kaniyang kalaban, habang namate naman ng kanyang kalaban si Resurreccion sa loob ng 12 na minuto.

Naibalik ang ngiti ni Quidoles sa pang-apat na round matapos ang maiingat na mga galaw na nagpatumba sa kanyang katunggali mula sa Carolina National High School sa loob ng 20 na minuto.

Pareho namang nawalan ng pokus sa pang-apat na round sina Elopre at Resurreccion nang mamate ang kanilang mga king ng kanilang mga katunggali mula sa Naga City Science High School. Sa pagtatapos ng pang-limang round, bigong maipanalo ng team boys ang kanilang laro laban sa mga chessers ng Naga City Science High School kung saan namate ang king nina Quidoles at Bacani sa loob ng 15 minuto at 29 na minuto.

14 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024 Dibisyon ng Naga | Rehiyon V ng isar g
ISP RTS
CHECK MATE: Pina-iisipan mabuti ni Daniel Quidoles Grade 12 ang kanyang move sa San Isidro National High School sa pa Palarong Panlungsod na ginanap sa Tinago Central School, lungsod ng Naga ika-24 ng Pebrero, kasalukuyang panahon. larawang kuha ni: Fritz Matthew Hernandez/ Ang Isarog Heaven Ezekiel Alano
19 1 1 1 1 2 2 2 1 1 0 0 0 0 3 3 4 7 30 21 17 Camarines Sur National High School Palarong Panlungsod Medal tally ATHLETICS ARNIS SOFTBALL BASEBALL TAEKWANDO BILLIARDS PENCAK SILAT

Sipang hindi natumbasan

CSNHS wagi kontra CNHS

sa Football

Makapigil

hiningang sipa at dipensa ang ipinaulan sa mga manonood ng Ca marines Sur National High School (CSNHS) kontra sa Carolina National High School (CNHS) sa Secondary Boys’ Football sa Metro Naga Sports Complex (MNSC), ika-25 ng Pebrero, 2024.

Tinapos ng mga atleta mula sa CSNHS ang laban sa iskor na 7-0 at idiniklera bilang panalo sa laban. Binubuo ang grupo ng mga manlalaro nina Adrian Caraquio (#17), Aldrin Caraquio (#29), Santino Ivan Daniel Perfecto (#7), Charles Hanz Abendante (#10), at Jomar Orolfo Casoco (#12) na nagsilbi bilang forward ng pangkat. Habang sina Lanz Carlo Almeda (#18), Bill Angelo Pedrasa (#16), Khierven Ines (#11), Dylan Tripon (#9), Francis Capracio (#14), Hezekiah Lorico (#13), at Karl Ignacio (#8) bilang mga midfield. Sina Andree Delos Santos (#27), Don Michael Barba (#22), Julius Paulo G. Escriba (#9), Jayson Baloloy (#26), Divino James Alcanzo (#2), at Clarence Orolfo (#4) bilang mga defender. Hindi naman nagpahuli si Sharles Brend Penisa (#23) na naging keeper nila. Ang kanilang tagapagsanay ay si Gg. John Michael J. Fabie.

Sa first half ng laro, nagpakawala na kaagad ang CSNHS ng lakas laban CNHS.

Dinomina nito ang mga kalabang atleta na kaagad na pagresulta sa 3-0. Galling sa pagdepensa, pagsipa, at pagkuha ng goal ang nangibabaw sa mga atleta mula sa CSNHS.

Ibinulsa ng CSNHS ang lahat ng puntos labang CNHS sa buong half.

Bago matapos ang unang bahagi ng laro, nagkaroon ng aksidenteng injury ang nat amo sa kanang hita ni Perfecto na nagdulot ng pagkatanggal niya sa laro saikalawang bahagi.

Natapos ang unang habagi ng laro na nan gunguna ang CSNHS sa iskor na 6-0.

Sa pagpapatuloy ng second half ng laro, hindi pa rin pinayagan ng mga Hayskulanong Atleta na makatikim ng kahit isang puntos ang CNHS .

Pinakita ng mga manlalarong mula sa CSNHS ang kanilang natitirang alas at ener hiya upang harangan ang kalaban.

Nakakuha ng isang puntos ang CSNHS upang wakasan ang laro.

CSNHS wagi kontra CNHS sa Regu

Inuwi

ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang unang puwesto gamit ang matinding teamwork, malalakas na spike, bumubulusok na atake, at mga kalkuladong depensa sa pangunguna nina Sholander Salvador, Gian Carlo Raña, laban sa Cararayan National High School Regu Match Event na ginanap sa Naga dation, ng nakaraang Enero 25, 2024.

DEPENSA: Dinomina ni Jomar

Estomata sinungkit ang ginto sa Taekwando

Nakalusot ang pambato ng Camarines Sur National High School (CSNHS) na si Mamerto Estomata Jr. laban sa naghahari-hariang Naga College Foundation (NCF) sa Palarong Panlungsod ng Secondary Taekwondo para umabante sa Palarong Panrehiyon, sa Pavilion ng Naga Central School 1, Lungsod ng Naga, Pebrero 24-25.

FIERY SHOT: Mala-kabayong sipa ang pinalasap ni Mamerto Estomata Jr. upang maiuwi ang gintong medalya laban sa Tigre sa ginanap na Palarong Panlungsod Secondary Taekwondo sa Pavillion ng Naga Central School 1 ika 24-25 ng Pebrero 2024.

Ipinakita ng CSNHS ang kanilang dedikasyon sa laro at sa tindig balahibong laro na naging resulta upang makuha ang panalo, 17-14, 15-11.

Sunod-sunod na failed attack ang dalawang team na naging dahilan upang maging gitgitan ang laro.

Bigong matamaan ng CSNHS ang bola sa kabilang parte ng court dahil sa hindi pagkakaintindihan na naging bunga upang mabigo, 5-4

Bumawi a CSNHS at ipinakita nila ang kanilang tibay sa pag lalaro at pagkasabik sa pagkapanalo sa unang kwarter, 17-14.

Sinimulan ng CSNHS ang ikalawang kwarter nang bumubulusok na spike at pinakita rin nito ang dominasyon sa laro na humantong sa pagkapanalo,11-9. Sa kabilang banda, ang CNHS ay nag kakaaberya sa laro dahil sa hindi pagiging orginasado at pagkakasundo na naging hadlang sa kanilang pagkapanalo.

Nexus ibinulsa ang 3 pilak sa Athletics

Mala-kidlat na bilis sa pagtakbo at pagtalon ang ipinamalas ng batang atleta ng Camarines Sur National High School (CSNHS) sa ginanap na taunang Palarong Panlungsod 2024 Athletics, Pebrero 24-25, Metro Naga Sports Complex.

Hinakot ng 15 taong gulang na si Nexus Delas Herras ang pilak na medalya sa mga kategoryang 100-Meter Dash, Long Jump at Triple Jump.

Natapos si Delas Herras sa oras na 12:13 sa unang patimpalak na 100-meter dash at naging madugo ang laban kontra sa Naga College Foundation (NCF).

Hanggang 6.12 meters naman ang distansyang naitalon ng atleta sa Long Jump na hindi gaanong nalalayo sa nakuha ng kampeon na 6.21 meters. Sa huling patimpalak na Triple Jump, 12.22 meters ang best jump na kaniyang nakuha mula sa kaniyang mga unang pagtatangka na 11.04 m at 11.07m.

Matagal nang naglalaro si Delas Herras sa naturang kompetisyon simula pa lamang noong elementarya.

Mahigit apat hanggang limang taon na siyang lumalaban at nagsasanay upang makasungkit ng iba’t ibang parangal. Ayon sa kaniya, labis na tuwa ang kaniyang nararamdaman pagkatapos ng kaniyang mga laro. Pamilya na labis ang suporta at pagmamahal ang kaniyang nagsisilbing inspirasyon sa bawat pagkapanalo. “Ang susi para sa aking pagkapanalo ay hardwork at determinasyon to win at ang motto na lagi kong tinatandaan ay be consistent on practicing para maging makusog sa kawat na sasalihan,” aniya ni Delas Herras. Labis din ang tuwa na ipinakita ng kaniyang mga kasamang atleta at tagasanay na si Zielvette Gomez dahil nagbunga ang pagpupurisige ni Dels Herras sa bawat kompetisyon na kaniyang sinalihan at ang mga karangalan na kaniyang naiambag sa CSNHS.

Hindi pinalad ang CSNHS na ipanalo ang karamihan sa laban ng pomsae at kyurugi, subalit nakakuha naman sila ng tansong medalya, pilak na medalya habang isang manlalaro naman ang nakasungkit ng gintong medalya laban sa makapangyarihang paaralan ng lungsod ng Naga. Lumaban sa Poomsae ay sina Kim Evan Apordo, Paul Kian Barrameda at Art Kekser Mañago ng Boys Pomsae at sina Red Anne Tolite, Krys Mj Marcellones at Krystal Villarosa ng Girls Poomsae na nakatanggap ng pilak na medalya. Samantalang ang mga Boys Kyurugi na sina John Patrick Salinas at Elijah Aquino ay nakakuha ng tansong medalya, pilak na medalya naman kay Rolly ni Mamerto ang gintong na aaban Palarong lungsod.

Nakatanggap ng tansong medalya ang mga Girls Kyorugi na sina Trisha Agao, Queencess Michaela Fausto, Andreyhana Arlegue, Daniela Andrea Bajamonde, Maria Loren Benosa at Evan Angelie Santiago habang pilak na medalya naman kay Jayness Abesa.

Pilit na tinumbasan ang ng mga Hayskulanong manlalaro ang kanilang katunggali subalit ang karamihan sa kanilang mga kalaban ay black belter.

Ayon kay John Patrick Salinas, matindi ang presyur na ibinibigay sakaniya ng kanilang mga coach sa taekwondo at kakampi na sumusuporta sa kaniya sa laban kaya hindi nasunod ang kaniyang mga plano.

Inaakala raw niya na siya ang mananalo subalit nagkamali siya dahil sa lakas ng atake ng kaniyang kalaban na lubos niyang ikinagulat.

15 TOMO LXXIX BLG.1 Setyembre-Marso 2024 Dibisyon ng Naga | Rehiyon V ng isar g ISP RTS
KNOCKOUT: Pinatumba ni Mamerto Estomata Jr. (asul) ang manlalaro (pula) ng Naga College Foundation (NCF) sa Palarong Panlungsod Secondary Taekwondo, Pebrero 24-25, sa Naga Central School 1. Carl Stephen Albania Matt Lustre larawang kuha ni: Danielle Mistula/The isarog larawang kuha ni: Chrisine Gaile Dimatatac/The isarog Orolfo Casuco , atletang Hayskulano ang kanyang manlalaro ng Golden Knights sa Palarong Panlungsod ika -25 ng Pebrero sa Metro Naga Sports Complex. larawang kuha ni: Danielle Mistula/The isarog Heaven Ezekiel ALano

CSNHS nagbulsa ng medalya sa Palarong Panlungsod 2024

Matitinding galawan at pagsisikap ang ipinakita ng mga manlalaro ng Camarines Sur National High School upang maiuwi ang sandamakmak na medalya sa ginanap na Palarong Panlungsod 2024, ng nakaraang Pebrero 24-25 at Marso 2, sa iba’t ibang panig ng Naga City.

Ipinakita ng mga hayskulanong manlalaro ang kanilang maliliksing galawan at mala-pader na dipensa upang irepresenta ang CSNHS upang maiuwi

Rapsing at Rafael Nathaniel D. Revilla sa Latin American Junior, gayundin nina Vienne D. Barde at Matt Reinier Andal naman sa Modern Standard Junior. Isa rin sa mga coaches ng sepak takraw na si Ma’am Rona Pagdulangan ay nagbigay ng kaniyang saloobin tungkol sa pagtraining ng kaniyang manlalaro “ the training was a little bit short for the players as they only trained after classes as it would cause a disturbance in their academics.” Nag-uwi rin ang sepak takraw ng tatlong pilak at isang tanso matapos ang gitgitang laban sa iba’t ibang kalahok. Samantala naman ang mga hayskulanong atleta ay nakasungkit rin ng 19 Gintong medalya, 21 pilak at 17 tanso sa pangunguna ng kanilang tagapagisayo na si Ms Zielvette Gomez. Gayundin sa taekwondo ang CSNHS ay nakapag-uwi nga isang pilak at tanso sa Poomsae Event. Isang ginto, tatlong pilak at limang tanso naman sa Kyorugi event sa pamamagitan ng kanilang maliliksing sipa sa pangunguna ng kanilang mga coaches na sina Ma. Leslie Anne Mañago at Ruela Palma. Gayunpaman sa billiards, ang CSNHS wolves ay nag uwi ng isang gintong medalya, dalawang pilak at isang tanso sa boys category at isang ginto naman sa girls category dahil sa kanilang guro na si Mr. Robert Y. Brandes. Nagpatumba rin ng piyesa at naguwi ng tansong medalya ang CSNHS sa Girls Category dahil sa kaniyang guro na si Ms. Vikki B. Neo. Determinasyon at husay naman ang pinakita ng mga

ISPORTS

dapat isaalang-alang ang kanilang puwersa matapos patikimin ng pagkatalo ang Uniber sidad de Sta. Isabel (USI) sa kanilang unang laro, 3-1.

bawat atake ng Wolves, ngunit hindi nag paawat ang asul na koponan sa pagkuha ng kanilang pinakaunang iskor.

ang USI bago maubos ang oras, naging dahilan lamang ito upang mas lalong ganahan ang Wolves, saka pumuntos nang dalawang beses na nagresulta sa tuluyang pagkapanalo.

Wolves sa kanilang ikalawang laro at patuloy pang ipinamalas ang kanilang bangis, nang bigyan ng nakakag-ulat na laban ang mak amandag na Lady Pythons ng Naga City Science High School (NCSHS), 11-2. kanilang makakaya upang makapuntos, ngunit nangibabaw ang Wolves sa laro at tinambakan muna ng walong magka kasunod na puntos ang katunggali bago mabigyan ng pagkakataong makaiskor. ng isang puntos sa ikalawang kalahati ng laro, ngunitv hindi hinayaan ng Wolves na makahabol ang kalaban at agad na sumagot ng panibagong iskor.

puntos sa pamamagitan ng side shot, 10-1. nagpakawala ng isang puntos, ngunit huli na ang lahat nang tapusin ng Wolves ang laban sa isang matunog na tagumpay, 11-2.

STEP UP

Naging matindi ang ikatlong laro ng Wolves laban sa Tinago National High School (TNHS) na agresibong nag-agawan para sa pag-aari ng bola, subalit nanaig pa rin ang Wolves at dinagda- gan pa ang kanil- ang panalo, 4-3.

Sa kabila ng malakas na depen- sa ng kanilang mga kalaban, nagpatuloy ang Wolves at kalauna’y umiskor ng unang puntos sa pamamagitan ng free kick. Gayunpaman, mabilis na gumanti ang TNHS sa pamamagitan din ng free kick, na tumabla sa iskor na 1-1. Patuloy pang sumugod ang Wolves at nagawa pang makaiskor ng isang puntos sa pam- amagitan ng direct shoot sa goal. Ngunit hindi rin nagpaawat ang TNHS na nagmarka ng kanilang pangal- awang puntos sa pamamagitan ng isang direct shoot pagka tapos ng switch side. Puman- tay sa 2-2 ang laro, at determi- nadong manguna ang parehong mga koponan. Nakuha ng Wolves ang kanilang ikatlong puntos sa pamamagitan ng free kick,

ngunit mabilis na naabutan ito ng TNHS ng isang penalty kick, na nagtabla muli sa iskor na 3-3. Nagpatuloy ang tindi ng laro, kung saan hinarangan ng magkabilang koponan ang mga pag-atake ng isa’t isa at sinubukang umiskor ng mga puntos. Gumawa pa ng ilang pagtatangka ang Wolves, ngunit napatunayang masyadong malakas ang depensa ng TNHS. Gayunpaman, hindi sumuko ang Wolves at desididong maungusan ang kalaban. Sa huli, kanilang pinatunayan na isa lamang ang dapat manalo matapos ang matagumpay na pagsipa sa huling puntos ng laro at nagdikta sa kanilang tagumpay, 4-3. Nakahanap ng katapat ang mababangis na lobo ng CSNHS sa kanilang ikaapat na laro matapos lapain ng mga mapanganib na tigre ng Naga College Foundation (NCF), 2-5. Nagsimula ang laro sa paggawa ng Wolves ng kanilang unang pag-atake, ngunit mabilis itong hinarang ng Tigers. Gayunpaman, suwertehan pang nakaiskor ang Wolves ng unang puntos.

Gumanti naman ang Tigers na nagtabla sa iskor sa 1-1, ngunit natapos ang unang round na nangunguna ang Tigers sa iskor na 2-1. Nagsimula ang ikalawang round sa pag-iskor ng Tigers ng isa pang puntos sa pamamagitan ng kick-off.

Nagawa ng Wolves na umiskor ng isa pang puntos sa pamamagitan ng direct shoot, ngunit napatunayang napakalakas ng Tigers, na umiskor ng tatlo pang puntos bago matapos ang laro, 2-5. Sa kasamaang palad, nagpatuloy ang pagkatalo ng Wolves nang makaharap ang Balatas National High School (BNHS) sa kanilang huling laro, 1-0. Itinanghal na kampeon ang NCF Tigers, pangalawa ang CSNHS Wolves, pangatlo ang TNHS, pang-apat ang BNHS, ikalima ang USI at ika-anim ang NCSHS Lady Pythons.

Nagpakitang-gilas

sa pagsasayaw ang dalawang partners na kinatawan ng Camarines Sur National High School (CSNHS) sa ginanap na Palarong Panlungsod 2024, Dance Sports, Pebrero 25, Robinsons Ground Floor.

Nasungkit ng CSNHS ang gintong medalya sa parehong kategorya ng Dance Sports sa pangunguna nina Sherah Ferro Rapsing at Rafael Nathaniel D. Revilla sa Latin American Junior, gayundin nina Vienne D. Barde at Matt Reinier Andal sa Modern Standard Junior. Naiuwi rin nila ang Best in Waltz, Best in Tango at Best in Quickstep sa Modern Standard Discipline sa pangunguna nina Barde at Andal.

“Maogmahon ta pinagalan mo, siyempre sa experience magayon and sa namamati ko is excited, and now getting ready na rin po kami para sa Palarong Bicol” paliwanag ni Andal.

“Kung experience po ang pag-uusapan, nakakapagod during practice and randam ko rin ang kaba dahil first time ko and ang mga kalaban ko ay may mga experience na, pero na-overwhelm din ako nang narinig ko

na ako ang panalo,” dagdag pa ni Barde.

Naibulsa rin ng magkapares na sina Rapsing at Revilla ang mga special award sa Latin American Discipline tulad ng Best in Samba, Best in Cha-cha-cha, Best in Jive at Best in Pasa Doble.

“Very happy kami, dahil kahit na first timer kami, nakuha pa rin namin iyong panalo and hindi rin namin ine-expect ang pagkapanalo,” sambit ni Revilla.

Naging tagasanay sina Mary Rose Rizaline J. Capisonda, Rene D. Capisonda, at Felix B. Celeste.

“Of course, happy dahil nagbunga ang pagal kan mga aki and dae ako sainda naanggot ta pirmi man akong naka-smile,” saad ni Celeste.

“Siyempre CamHi ang satuyang tigre-represente kaya dapat panindigan ta si Basta taga-CamHi, matibay, magiging number 1.” wika pa ni Capisonda.

Prince Mac F. Laquindanum
ang kumpol ng medalya. Sa panayam ng isa sa coaches ng dance sports na si Mrs. Mary Rose Rizaline J. Capisonda “Syempre CAMHI ang satuyang tig re represente kaya dapat panindigan ta si Basta taga CAMHI MATIBAY, magiging number 1”. Iniuwi ng mga mananayaw sa dancesport ang apat na gintong medalya sa pagpupursige nina Sherah Ferro
ah
sa
PRIDE NG
CAMHI:
Sina Vienne Barde at Matt Reinier Andal(unang pair sa kaliwa) Sher- Ferro Rapsing at Rafael nataniel D. Revilla(ikalawang pair sa kanan) mga magaaral ng paaralang ito na tumanggap
ng unang puwesto sa katatapos na Dance Sports
DepEd Naga Palarong Panglungsod 2024.
nag-uwi ng pilak
Heaven Ezekiel Alano
Wolves
sa FUTSAL
na sina Anthony Belgica at katherine Fajardo. Hindi rin nagpahuli ang mga football player dahil sa comeback performance upang makuha ang ikalawang pwesto sa turo ng kanilang coach na si John Michael Fabie. Samantala ang Futsal team ay nakapag uwi rin ng pilak na medalya dahil sa suporta ng kanilang tagapag insayo na si Ms. Francia M. Luna Kasabay rin nito ang performance ng CSNHS gymnastic team na nakaktindig balahibo at upang maging dahilan para makuha nila ang dalawang ginto at isang pilak. Nagpakitang gilas muli ang batang pinoy 2023 6th placer na si Queenie Chaves sa larangan ng gymnastic individual at makapag uwi ng limang gintong medalya sa Ribbon, hoop, ball, clubs at IAA. Bumubulusok na bola naman ang ipinamalas ng Basketball team upang makapaguwi ng gintong medalya sa 5x5 at pilak naman sa 3x3 sa gabay ng kanilang coach na si Mr. Anthony Parza. Spike at smasher naman ang ipinakita ng volleyball team upang makuha ang pilak na medalya sa tulong ng kanilang coach na si Ms. Rosemarie Labay-Milano. Maps-pwersang stroke ang ipinamalas rin ng team girl sa tennis na naka kuha rin ng tatlong pilak na medalya. Lightweight paddle at strokes naman ang pinuhunan ng swimming team na naging susi upang makuha nila ang tatlong ginto, isang pilak at isang tanso sa tulong ng kanilang taga-pagsanay na si Mr. Mellard A. Japson.
manlalaro ng CSNHS sa penkak silat kaya ito nakapag uwi ng dalawang ginto, limang pilak at apat na tansong medalya dahil sa kanilang mga tagapagsanay
Larawang kuha ni: Prince Mac Laquindanum LIKSI AT TATAG: Buong tatag na sipa ay ipinakita ni Sheena Andrea Abrazador sa larong Futsal dahilan upang ang pilak sa katatapos na Palarong Panlungsod ika-24 ng Pebrero. Prince Mac Laquindanum

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.