ang isarog
KASAPI: NATIONAL SECONDARY SCHOOLS PRESS CONFERENCE ASSOCIATION TOMO LXXV BLG.1 HUNYO-OKTUBRE 2017
pahayagang sandigan ng katotohanan
OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
4
DIBISYON NG NAGA
REHIYON V- BICOL
Bilang ng enrolees lumobo ng 10% MICAH ABAINZA
H
umigit-kumulang 10 porsyento ang naitalang pagtaas sa kabuuang bil a ng ng mga mag-aaral na nagpalista sa Camarines Sur National High School (CSNHS) para sa taong panuruan 2017-2018. Umabot sa 10, 795 ang bilang ng mga nagpalista na tumaas ng 1 , 8 7 0 mag aaral kumpara sa 8, 925 noong na-
karaang taon. Nanatiling pinakamalaking bahagi ng kabuuang populasyon ang grade 7 sa bilang na 2, 450 sumunod ang Grade 8 na may 2012, Grade 9 sa 1,785 habang may pinakamababang bilang naman ang
Grade 10 na umabot sa 1,605. Samantala, nagtala ang Senior High School ng kabuuang bilang na 2, 943, kung saan 1, 627 ang mga Grade 11 habang nasa 1,316 naman ang mga nasa Grade 12. sundan sa pahina 6
Czech Republic Ambassador bumisita sa Camhigh Panitikan nag-uugnay sa Prague at Bicol – Olsa
ANGELEE KAYE ABELINDE
P
rague and Bicol are connected because of literary projects particularly in translations.” Ang mensahe ni Czech Republic Ambassador Jaroslav Olsa Jr. sa kaniyang pagpunta sa Camarines Sur National High School (CSNHS) sa ginanap na “Pagdakit asin Pagkurit: Conversations on Literature and Translation”, ikalima ng Hulyo. “Prague and Bicol share common things and these are faith in God as Roman Catholics and people’s love for literature.” wika ni Olsa na tinutukoy ang magandang ugnayan ng Bicol at Prague (kabisera ng Czech) sa larang ng panitikan. Binigyang-diin din ng ambassador ang kahalagahan ng pagsasalin ng mga kuwento, nobela at mga tula sa iba’t ibang wika na maging daan upang mas mapaunlad ang larang ng panitikan sabuong mundo. Tinalakay pa niya ang kasaysayan at sining ng panitikang Czech. Mga librong isinalin sa Bikol, ipinakilala Bilang bahagi ng nasabing programa, ipinakilala rin ang mga librong “Die Verwandling” niFranz Kafka na isinalin ni Kristian Cordero, Bikolanong manunulat, na ngayo’y “An Pagkagimata ni Gregor Samsa” at ang “The Lyrical Thief” ni Karel Capek na isinalin naman ni Estelito B. Jacob, tagapayo ng The Isarog, na naging “An pararawitdaw-
it na parahabon” habang ipinakilala ni Cordero ang librong “Lambang ika, kita Gabos”, bagong saling bersyon din ng libro ni Capek. Eksibit at pamamahagi ng mga libro ni Kafka, inilunsad Upang mas mapaunlad ang kaalaman ng bawat magaaral sa Senior High School na tinatalakay ang 21st Century Literature from the Philippines and the World, inilunsad ang eksibit na naglalaman ng mga naiambag ni Kafka sa pagpapaunlad ng panitikan sa buong mundo mula ika5 hanggang ika-20 ng Hulyo. Kaugnay nito, ipinamahagi rin ni Olsa ang dalawang librong isinalin, “An Pagkagimata ni Gregor Samsa” at “Lambang ika, kita Gabos” para sa mga mag-aaral ng CSNHS.
PRIPOJENO: Si Czech Ambassador, Jaroslav Olsa, Jr (kanan) kasama ang ikalawang punong guro Gemma Corporal, Michelle Ante, Sulpicio C. Alferez III punong-guro at manunulat ng Literaturang Bikol, Kristian Cordero sa ginanap na “Pagdakit asin Pagkurit: Conversation on Literature and Translation, ikalima ng Hulyo sa Gabaldon building ng paaralang
Brigada Eskwela, pokus ang paghahanda sa sakuna MICAH ABAINZA
U
pang maging handa at ligtas ang mga mag-aaral sa darating na pasukan, nakiisa ang Camarines Sur National High School (CSNHS) sa Brigada Eskuwela 2017 o tinawag na National Schools Maintenance Week, ika-15 hanggang 20 ng Mayo. Alinsunod ito sa DepEd Memorandum No. 43, s. 2017 na may temang “Isang DepEd, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan
EDITORYAL /2 Karapatan: Isang libong halaga
para sa Handa at Ligtas na Paaralan.” Ang pagkakaroon ng ecologically conscious, resilient, clean at conductive learning ang pinakapokus ng nasabing programa na pinangunahan ni Sulpicio C. Alferez III, Ph.D, punungguro ng CSNHS. Ang Schools Disaster Risk Reduction and Management Guild (SYDRRMG) ang nanguna sa pagsasaayos ng mga sirang silid
BALITA /5
Apat na Hayskulano wagi sa Sagisag Kultura
-aralan, pag-aalis ng mga sagabal sa daan, at pagpapanatili ng malinis na drainage. Dagdag pa rito, naglagay din ng emergency map, mga babala ng impormasyon sa oras ng sakuna at mga numerong pwedeng tawagan sa bawat silid-aralan. Gumawa rin ng database program na naglalaman ng mga impormasyon ng estudyante at miyembro ng kanilang pamilya.
Agham at Teknolohiya /8-9 Ang Kalusugan ay Kayamanan
PALAKASAN /16 May Bagong Hari
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
2
TOMO LXXV BLG. 1
BalitA
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
DepEd Naga nagdiwang ng National World Teachers’ Day
B
MICAH ABAINZA
ilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng kaguruan sa Dibisyon ng Naga pinasinayaan ang pagtatapos ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month at ang World Teachers’ Day, ika–29 ng Setyembre sa Robinsons Place, Naga City. Pinangunahan ng OIC Schools Division Superintendent William E. Gando, CESO VI ang pagdiriwang na may temang “Gurong Pilipino: Kaagapay sa Progreso.” Tampok sa gawain ang Motor-fun parade kung saan ibinida ng kaguruan ng iba’t ibang paaralan ang kanilang husay sa pagsasayaw at pagtatanghal ng mga piyesta at pagdiriwang ng bawat lalawigan sa rehiyon. Ipinakita ng Camarines Sur National High School (CSNHS), Balatas Central School at Naga Central School I (NCS I) ang Albay Festival, Naga Central School 2, Tinago Central School, Tinago High School, Sabang Elementary School, Naga City School of
CamHi nakiisa sa pagdiriwang
WAGI: Sina Sulpicio C. Alferez III, (Gitna) Prinsipal ng paaralang ito at Joseph Avila kinatawan ng Naga Central School 1 kasama sina Manny De Guzman, Assistant Schools Division Superintendent, (Kaliwa) at William T. Gando, Superintendent sa paggawad ng parangal sa unang distrito ika-29 ng Setyembre sa Robinsons Naga. Arts and Trades, Jose Rizal Elementary School at Sta. Cruz Elementary School ang Camarines Norte Festival. Binigyang-buhay naman ng Mabolo Elementary School,
Tabuco Central School, Triangulo ES, Naga City Science High School, Concepcion Pequena National HS, Julian B. Meliton ES, Concepcion Grande ES at Villa Grande ES
Hinirang na PSDS MICAH ABAINZA
Ubante, gumanap sa tungkulin
U
N
pagiging District Supervisor sa kaniyang 25 taong panunungkulan sa DepEd. “Being a supervisor is another challenge in my government service, so I’m now 25 years in the service at ang pagiging supervisor is another task that I have to do”, sambit ni Ubante. Dagdag pa niya, “I am the representative of Division Schools Superintendent in Camarines Sur National High School, the largest secondary school
in the entire region.” Ayon pa kay Ubante, tungkulin niya bilang supervisor ang pagmonitor ng mga department orders, memorandum, mga programa at proyekto sa paaralan. Naging punong-guro si Ubante sa Cararayan National High School (CNHS) at Tinago National High School (TNHS) sa loob ng 10 taon bago na promote nasabing posisyon.
Hangarin ng taunang pagpaparangal na ito sa kaguruan na pagtibayin ang mga programang nagbibigay ng mga insentibo bilang pagkilala sa kahusayan sa serbisyo ng mga empleyado ng Kagawaran ng Edukasyon na naging bahagi ng pagsakatuparan ng layunin ng naturang sangay.
CSNHS nakiisa sa Philippine-Spanish Friendship MICAH ABAINZA
PSDS: Si Benedick Warren E. Ubante sa kaniyang pagrerebisa ng mga project proposal ng paaralang ito ika-12 ng oktubre 2017 sa EMIS office.
akatanggap ng promosyon si Benedick Warren E. Ubante bilang bagong Department of Education (DepEd) Naga District Supervisor na naatasang magmonitor sa Camarines Sur National High School (CSNHS). Umapela si Ubante para sa nasabing posisyon ika23 ng Marso, 2016 at naging isa sa 10 District Supervisor ng Lungsod ng Naga. Ayon kay Ubante, panibagong hamon sa kaniya ang
ang Camarines Sur Festival. Ibinida naman ng mga paaralan mula sa ika pito at walong distrito ng dibisyon ang Catanduanes Festival, Masbate Festival sa ikasi-
yam at 10 distrito samantalang Sorsogon Festival naman ang itinampok ng Division Office at ng Alternative Learning System (ALS). Binigyang-tuon din sa programa ang pagbigay ng parangal sa “Orgulyo Kan Maogmang Naga” o ang 2017 Search for Exemplary Employees of DepEd. Kasabay nito kinilala rin nag mga guro na sinasabing “Teachers who walk the extra miles“ kung saan dalawa mula sa CSNHS ang napabilang sa nasabing parangal kabilang na sina Noime D. Macalla ng Kagawaran ng Araling Panlipunan at Alberto Juntado mula naman sa departamento ng TLE.
pang magbalik tanaw sa ika-19 siglo, idinaos ang pagdiriwang ng Philippine-Spanish Friendship Week na nilahukan ng mga mag-aaral ng Camarines Sur National High School (CSNHS) na ginanap sa Naga City People’s Hall, ika-30 ng Hunyo. Ang nasabing pagdiriwang ay isang Educational Forum : “A walk through the 19th century City of Nueva Caceres” na may temang “Vinculado: Connected”. Pinangunahan ni Danilo Madrid-Gerona, Bicol Historian na nagtapos ng Baccalaureate Degree in Literature at kinikilalang Vocal ng National at International Conference. Nilahukan ito ng iba’t ibang paaralan sa Naga tulad ng Naga City Science High School (NCSHS), CSNHS at Naga City School of Arts and Trade (NCSAT) na siyang inimbitahan sa isang selebrasyong nagbigay oportunidad na matuto. Pokus ng selebrasyong ito ay a n g pagbigay alam sa mga Nague-
diriwang na ito, binigyang-halaga ang Nueva Caceres “Kung ano ang dapat na satong iurgulyo iyo an Naga, saro sa First Four Royal Cities ever created in entire SouthEast Asia,” dagdag ni Gerona. Ipinaliwanag din niya na kasama ang Naga sa apat na Royal Cities kabilang ang Maynila, Cebu at Vigan. Isinalaysay niya ang kalagayan ng Naga sa panahon ng mga Espanyol habang ipinakita ang iba’t ibang simbahan at mga establisiyemento sa mapa ng Nueva Caceres. Bilang suporta, ipinaliwanag ni Gerona na ang bawat simbahan sa Naga ay nasa pagitan ng mga ilog na siyang nasa paniniwala ng Espanyol na ito ang nagsisilbing-daan ng mga kaluluwa patungo sa ibang mundo. Binigayang-diin niya rin na sa panahong iyon ay nahati ang Nueva Caceres para sa mga may posisyon o mga Espanyol at ang isang distrito ay para sa mga katutubong Nagueno. Pinasala-
nong kabataa n ang kas ayasayan ng Naga s a panahon ng Espanyol. Sa pag-
matan ni Geron a ang lahat na nagpahalaga sa taunang pagdiriwang na ito.
TOMO LXXV BLG. 1
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
BalitA
3 Imbensiyon ng Hayskulano, kampeon sa BRICE’17 BALITANG LKINIPIL Dibisyon ng Naga Rehiyon V
MICAH ABAINZA
I
tinanghal na kampeon ng Bicol Regional Invention Contests and Exhibits (BRICE) ang imbensiyong Arduino-Based GSM related Circuit Breaker with Fire Sensor ng limang mag-aaral ng Camarines Sur National High School na ginanap sa Legazpi City Convention Center, Lungsod ng Legazpi, ika-26 hanggang 28 ng Setyembre taong kasalukuyan. Kinilala ang mga batang imbentor na sina Iris Oresca, Stephen Felix, Jobert Alpe, Matthew Kevin Reyes at Francis Kim Tanay sa patnubay ng kabilang tagasanay na si June Emmilyn Sepulvida. Ang nasabing imbensiyon ay awtomatikong kunektado sa smartphone at maaaring isara at manipulahin ang circuit breaker kahit nasa malayo. Mayroon din itong fire sensor upang makadetect ng sunog at maaaring mag-
bigay ng alarma sa tao. “Our main goal as a researcher is to make a wise device that can help people in simple ways,” ayon kay Oresca. Mayroong 52 kalahok ang sumabak sa BRICE mula sa iba’t ibang paaralan sa
buong rehiyon ng Bicol at ibinahagi ang kani-kanilang sariling ipinagmamalaking imbensiyon na may kaugnayan sa agham at pati na rin sa robotics. Mayroon itong temang “The Science for People 2017; Invention and In-
novation for People,” na naglalayong pagyamanin ang galing ng mga Bikolano sa larang ng teknolohiya at agham partikular sa pagtuklas ng mga panibagong imbensyon na makatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
larawan kuha ni: micah abainza
KAMPEON: (Mula sa kaliwa) Sina Jobert AIpe, Matthew Kevin Reyes, Francis Kim Tanay, Iris Oresca at Stephen Felix, pawang mag-aaral ng paaralang ito matapos itanghal na kampeon sa katatapos na Bicol Regional Invention Contest and Exhibits (BRICE) sa Legazpi City Convetion Center kasama ang tagasanay, June Emmilyn Sepulvida, ika-26 ng Setyembre, 2017.
Apat na Hayskulano wagi sa sagisag kultura ANGELICA CLARITO
M
alaking bahagi ang pagkakaroon ng lehitimong sagisag ng kultura na nagpapalawak at magpa-unlad ng kultura ng Pilipinas. Apat na mag-aaral ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang nagwagi sa isinagawang Kwiz, ika-5 Diwa: Sagisag Kultura ng Filipino kompetisyon, ika-11 ng Setyembre sa RELC Rawis, Legazpi City. Nasungkit ni Dan Christian Ragay ang unang puwesto para sa Grade 7; Kate Catherine Clarito, ikatlong puwesto para sa Grade 8, Amy De la Cruz at Micah NAGUENOS: Si Josefina Solis (kaliwa) tagasanay ng CamHi, kasama ang Tagamasid Pangsangay, Annaliza Abainza, ikalimang pu- Abuloc at mga mag-aaral ng kinatawan ng Naga City Division sa Sagisag Kultura, ika-11 ng Setyembre, 2017 westo para sa Grade 9 at 10. sa RELC, Legaspi City. Binubuo ang nasabing ang mahigit 52 mag-aaral Masbate at Sorsogon. ganap sa Maynila, ika-29 patimpalak ng tatlong mula sa 13 dibisyon ng ReMula sa dibisyon ng Ligao ng Setyembre matapos set ng tanong na hanghiyong Bikol: mga lungsod ang nakasungkit ng pag- makakuha ng 27/30 iskor. gang ikasampung bilAng nasabing patimng Naga, Masbate, Ligao, kakataong makapasok ang na ibinigay sa bawat Tabaco, Legazpi at Sor- sa national at magiging palak ay bukas mula sa mag-aaral at pare-paresogon at mga probinsya kinatawan ng rehiyong Grade 5 hanggang 10 sa ho sa bawat baitang. ng Camarines Sur, Cama- Bikol laban sa 18 rehiy- pampublikong paaralan. Nagtagisan ng galing Layunin ng National Comrines Norte, Catanduanes, on ng Pilipinas na magamission for Culture and Arts (NCCA) at Kagawaran mula sa pahina 1 ng Edukasyon na maipaDumagdag sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan ang 27. 3 porsyentong bilang ng mga SHS kilala at maipalaganap kasabay ng ikalawang taon nito. ang pagtuturo ng sagisag Ayon pa sa tala, mas mataas pa rin ang populasyon ng mga babae na umabot ng 54.45 %, mas mataas kulturang Filipino sa pamng 961 kumpara sa bilang ng mga lalaki. amagitan ng paligsahan. Kaugnay nito, naitala rin ang pagtaas sa kabuuang bilang ng section na umabot sa 227 sa kabuuan; 46 dito ang sa Grade 7; 40 sa Grade 8; 36 sa Grade 9; 33 sa Grade 10 samantalang 37 sa Grade 11 at 35 naman “Napakaganda ng aking sa Grade 12 . naging karanasan sa komPinangunahan ang nasabing enrolment nitong Abril at Mayo ng mga Year-Level Organization (YLO) copetisyon. Tunay nga na ordinators, Guidance Counselors, mga piling guro at mga bagong halal na opisyales ng Supreme Students’ napahalagahan nito ang Government (SSG) kasama ng kanilang tagapayo, Randy P. Bacares. Naging Over-all Chairman naman ng brigada eskuwela si Jose B. Cielo, Head Teacher VI ng Kagawaran ating kultura bilang isang ng Filipino. Pilipino,” ani Abainza.
Enrollment
Resoles kinoronahang Next Top Model MONICA AVEN
N
agwagi si Michelle Resoles, kinatawan ng Solvers’ Club ng kampeonato sa ginanap na Next Top Model 2017 sa Pagcor Building ng Camarines Sur National High School (CSNHS), ika13 ng Hulyo. Nakamit naman ni Angelica Molina ng Girl Scouts of the Philippines ang 1st Runner-up na sinundan naman ni Mary Rose Lanuza, kinatawan ng TLE-TVE Club. Layunin nitong himukin ang mga magaaral ng CSNHS na magkaroon ng tiwala sa sarili sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga talento at pagkamalikhain sa mga patimpalak na tulad nito.
9-Cea, wagi sa coin challenge ng BSP CHELZIA ANN MILLARE
K
ampeon ang 9-Cea sa idinaos na Coin Savings Challenge sa 115th Foundation Day ng Camarines Sur National High School (CSNHS), ika-13 hanggang 14 ng Hulyo. Tinanggap ng grupo ang sertipiko ng pagkilala bilang pinakamataas na naipong barya. Ito ang kauna-unahang paligsahang pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang makatulong sa patuloy na pag-ikot ng mga barya sa lungsod dulot ng pagkawala at kakapusan nito. Nakilahok ang bawat pangkat sa ikapito hanggang ika-10 baitang na inatasang magparamihan sa paglikom ng mga baryang may halagang lima, 10 at 25 sentimos.
AABMS, lumahok sa Pizza Making Camp KARL IAN MORISSEY RAMOS
D
umalo ang Association of Accountancy Business and Management Students (AABMS) ng Camarines Sur National High School (CSNHS) sa naganap na Leadership and Team Building, ika-19 ng Hunyo sa kasalukuyang taon, lungsod ng Naga. Isinagawa ang gawain sa Greenwich Pizza na pinangunahan ni Elda F. Clores, tagapayo ng AABMS. Si Randy P. Bacares, kasalukuyang tagapayo ng Supreme Students’ Government (SSG) ng CSNHS, ang nagsilbing susing tagapagasalita nito. Pawang 33 opisyal at kinatawan mula sa iba’t-ibang pangkat ng Accountancy Business and Management (ABM) sa Grade 11 at 12 ang nakilahok sa nasabing programa.
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
4
TOMO LXXV BLG. 1
EditoryaL
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
EDITORYAL
Karapatan: Isang libong halaga
S
KATOTOHANAN LAMANG
ni Angelica May Clarito
A
Camhigh: Nakaukit sa Kasaysayan sa 115 taon
ng Camarines Sur National High School ay itinuturing na pinakamalaking pampublikong sekundarya sa buong Rehiyong Bicol dahil ito’y binubuo ng 10, 793 mag-aaral sa kabuuan. Ito rin ang isa sa pinakamatagal na institusyon kung saan ay nakatayo sa loob ng 115 taon. Marahil sa dami ng populasyon, hindi lahat ng pangangailangan ay natutugunan. Marami itong kinahaharap na pagsubok subalit hindi ito hadlang upang maisakatuparan ang motto nitong “Education for the Total Man”. Sa katunayan, mayroon itong iba’t ibang kurikulum na humubog sa kakayahan ng mga mag-aaral hindi lang pang-akademiko ngunit bilang isang indibidwal. Mayroong Science, Technology and Engineering (STE) para sa Science at Mathematics, Special Program in the Arts (SPA) para sa sining, Strenghten Technical Vocational Education Program (STVEP) para sa Technical Vocational Skills, Family Farming Curriculum (FFC) para sa Agricultural Skills, SPED para sa Special education at BEC
PA M AT N U G U TA N PUNONG PATNUGOT Angelica May C. Clarito PANGALAWANG PUNONG PATNUGOT Micah B. Abainza PATNUGOT-BALITA Angelee Kaye A.Abelinde PATNUGOT-OPINYON Chelzia Ann R. Millare PATNUGOT-LATHALAIN Krisha Venisse P. Federico PATNUGOT-AGHAM AT TEKNOLOHIYA Jedidah Palero PATNUGOT-ISPORTS Christian James D. Villanueva POTOGRAPO Lhor Trixie P. Bartolome DIBUHISTA James Ferd S. Sales TAGA-AYOS NG PAHINA Rockie Walter D. Alegria Aileen Andal - Mangubat Tagapayo
Jose B. Cielo
Head Teacher VI
Sulpicio C. Alferez III, Ph.D Principal IV
C O L L A B O R AT I V E P U B L I S H I N G Dan Christian Ragay Russel Adrian Rivera Karl Ian Morissey C. Ramos Bruce Raleen A. Aranas Carlos S. Delos Santos Francia Delos Santos Benedick San Gabriel
Marie Diana N. Cortez (Tagasanay)
R A DY O H AY S K U L A N O BROADCASTING TEAM Jomari A. Cea Sean Andrei N. Parao Noli P. Babiera Sean Francis S.R. Bertiz Kim Dianne Nocito Joriel Frias Barlineth Nymia T. Montes
Albert Madrid (Tagasanay)
para sa basic education. Mayroon ding iba’t ibang track para sa Senior High School tulad ng Accountancy Business and Management (ABM), General Academic Strand (GAS), Science Technology Engineering
“
Marami itong kinakaharap na pagsubok subalit hindi ito hadlang upang maisakatuparan ang motto nitong “Education for Total Man
“
a pagputok ng usapin sa karapatang pantao, niyanig nito ang ahensiyang nangangalaga dito kasama na ang sambayanang Pilipino. Makikita nga ba sa isang libong piso ang natatanging karapatang taglay ng bawat isa sa atin? Ganito nga ba ang katumbas na halaga ng ating karapatan? Isang libo? Tuluyan nang ibinasura ang halaga ng karapatang pantao na matagal nang inalagaan ng demokratikong bansa matapos magulantang ang mamamayan sa pagputok ng balita ukol sa isang libong pisong pondo para sa Commission on Human Rights (CHR) na ipinasa ng House of Representatives para sa una nitong pagbasa. Nauna na ring nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong ika-24 ng Hulyo na maaaring tanggalin ang ahensiya dahil nagsisilbing hadlang ito sa pagsulong ng kampanya laban sa droga. Ang CHR ay pinagtibay ng Executive Order No. 163 na inisyu ni Pangulong Corazon C. Aquino pagkatapos ng diktatoryal ng rehimeng Marcos. Ito ay nagsisilbing pansalag laban sa pagbabalik ng rehimeng mapang-abuso sa bayan. Ito rin ay isa sa mga pundasyong nagpapatibay sa kalayaan at karapatang natatamasa ng isang Pilipino sa kaniyang pamamalagi sa bansang ito. Isang ahensiyang itinatag upang masiguro ang paggalang sa indibidwal sa gitna ng lumalalang kaso ng kriminalidad sa loob ng ating bansa. Saklaw nito ang pagpapatupad ng polisiya, adbokasiya, social mobalization at pagbibigay ng edukasyon sa bawat mamamayan sakop ng Human Rights Promotion. Ito ay pumuprotekta sa mamamayan laban sa Racial Discrimination, karapatan ng bawat bata, migrante at persons with disabilities. Hindi ba’t ang bantang pagsasawalang-bisa sa ahensiyang ito at pagpapababa ng pondo ay maaaring magpapilay sa konstitusyon ng bansa lalo na’t laganap ang kriminalididad at banta ng terorismo? Lahat ay maaaring mangyari kaya naman mahalagang maprotektahan ang bawat mamamayan ng konstitusyon at mga batas na maaaring magpatibay ng karapatan at magpasaayos ng takbo ng lipunan. Ang pondong isang libong piso ay tila isang malaking pang-iinsulto sa CHR at maaaring maging daan upang tuluyanng maibasura ng ahensiya. Sana’y binibigyan ng kalakip na suporta mula sa ating pamahalaan partikular na sa pangulo. Ito ang nararapat na ilaan sa ahensiya sa halip na pagwasak sa haligi ng kanilang matibay na pagtanggol at pangangalaga sa gintong karapatang ipinagkaloob sa bawat sanggol na iniluwal upang maging bahagi ng lipunang binuo ng mga mamamayan ng bansa. Ang ninanais ng CHR ay sapat na pondong magagamit upang patuloy na magampanan ang responsibilidad na iniatang sa kanilang mga kamay na kailanma’y hindi dapat isawalang-bahala. Mahalaga na maipakita lalo na ng pamahalaan ang suporta sa mga ganitong uri ng ahensiya na may mahalagang papel sa ating lipunan. Ang isang mataas na pagpapahalaga sa karapatang pantao ay katumbas ng isang maunlad at epektibong pamahalaan.
and Mathematics (STEM), Hummanities and Social Sciences (HUMMS) na nangunguna sa buong dibisyon. Pangalawa, mayroon tayong maipagmamalaking mga hayskulano’t hayskulana na matagumpay sa iba’t ibang larang tulad na lamang ni Mylce Mella, isang Bicolanong mahayag na nagtapos sa kurikulum ng Engineering and Science Education program (ESEP). Pangatlo, sa larang ng iba’t ibang patimpalak tulad ng Palarong Pambansa, Mathematics at Science quiz bee, Research Fair, Musical events at sa larang ng pamamahayag na 8 taon nang over-all champion sa Division Schools Press Conference. Hindi pa ba ito dahilan para makita na ang paaralang ito ay nagbibigay ng excellent education beside of all means? Hindi man katulad sa pasilidad ng pampribadong paaralan, mayroon itong sapat na pasilidad upang matuto at mahubog ang mga kakayahan ng mga mag-aaral para makipagsabayan sa iba. Mayroon ding science laboratories, food laboratories, animation room, cosmetology room, dressmaking room, canteens at security officers. Kahit pa ito’y sabihing kulang sa mahigit 10, 000 mag-aaral, sa loob ng 115 taon ay nakapagprodyus na tayo ng mga maipagmamalaking hayskulano’t hayskulana. Sa madaling salita, sa kabila ng pagkukulang at limitasyon ng paaralang ito, naibigay nito ang ipinangakong excellent education sa lahat.
LIHAM SA EDITOR Magandang umaga po sainyo! Nais ko po sanang malaman kung ano ang mga aksiyong ginagawa ng ating paaralan sa mga problemang may kinalaman sa paglabas ng grupo ng mga mag-aaral sa ating institusyon na responsible sa pagnanakaw na nagaganap sa mga silid aralan sa loob ng paaralan. Ang positibong tugon sa aking katanungan ay aking ikalulugod. Lubos na gumagalang, Baby Shark Mahal kong Baby Shark, Salamat sa pagsulat sa pahayagang ito. Gusto kong ipaabot saiyo at sa lahat ng hayskulano na ang ating paaralan ay gumagawa ng aksiyon upang matugunan ang problemang nagaganap. Sa katunayan, nagpatawag ng pagpupulong ang ating guidance counselor sa grade 10 sa lahat ng class monitor at secretaries upang makita ang record ng attendance sa bawat oras at ma- monitor ang mga mag-aaral. Pinagbawalan ring pumasok ang mga mag-aaral sa hindi nila classroom. Dagdag pa rito, mas hinigpitan ang patakaran ng mga nahuhuli sa klase. Bukod dito, ang mga reported cases ng mga nanakawan ay nabibigyan ng agarang aksiyon tulad ng counseling, pagpirma sa memoramdum of agreement at pagpapatawag ng magulang. Ang mga nangyayaring ito ay nagpapahiwatig lamang na dapat tayong mag-ingat at maging responsable upang maiwasan ang mas malaking problema. Maraming salamat. Lubos na gumagalang,
Editor
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
OpinyoN PIPING SAKSI
ni Francia Delos Santos
Sisiw sa Hawla “Change is coming”
Pilipinas upang magkaroon ng mas maayos at ligtas na bansa. Sa kaniyang pangangampanya kontra droga, sinusuyod niya lahat ng kalye at barangay upang pasukuin ang mga pusher at addict. Ngunit mukhang hindi na tama ang mga nangyari dahil marami buhay ang nasasayang. Oo, totoo ngang change has come pero para saan? Para makitil ang libo-libong Pilipino na kung minsan ay maraming inosenteng tao ang nadadamay? Kamakailan lang ay napabalita ang walang habas na pagpatay sa Grade 11 student na si Kian Lloyd De Los Santos matapos magsagawa ang mga awtoridad ng Oplan Galugad. Siya’y napagkamalang pusher
“
Oo, totoo ngang change has come pero para saan?
BOSES NG HAYSKULANO
ni Micah Abainza
huhubog ang kaniyang personalidad at tiwala sa sarili. Subalit sa kabila ng paghubog sa kabuuan na pagkatao ay nababawasan ang paghubog sa talino upang sila ay matuto. Gumagawa ng paraan ang mga magaaral na makiusap upang makapaghanda para sa kumpetisyon, kung minsa’y araw-araw pa. Sa ganitong
“
Tamang pagbabalanse at wastong pag gamit ng oras ang susi ng bawat isa upang mapahalagahan ang mga importanteng bagay
“
P
Time Management: ikintal sa isipan
ara nga ba sa ikabubuti ng mga Hayskulano o nakasasagabal lamang sa kanilang pag-aaral ang pakikilahok sa mga paligsahan at gawaing pampaaralan? Ang isang panuruan ay binubuo ng sampung buwan. Kasama dito ang iba’t ibang gawain sa mga organisasyon at patimpalak sa dibisyon, rehiyon at nasyonal. Ilan dito ay ang mga gawain ng club na nakatakda sa bawat buwan, social at cultural dance, exhibits, science fairs, pamamahayag, team building, quiz bee, sabayang pagbigkas at marami pang iba. Tunay nga namang kabi-kabila ang mga paligsahang nangyayari sa loob ng CSNHS at nangangailangan ng pagsisikap, aktibong partisipasyon ng buong klase, subalit nag-uugat sa hindi pagpasok sa klase. Totoong nalilinang ng isang mag-aaral ang kaniyang kakayahan dahil sa pagsali sa iba’t ibang mga paligsahan sa loob at labas ng paaralan. Nahahasa rin ang taglay niyang talentong itinatago. Dahil dito, na-
ng droga na itinanggi naman ng kaniyang mga magulang. Ayon sa CCTV footages, nakitang kinakaladkad ng dalawang awtoridad ang binata at pinipilit pa siyang humawak ng baril. Ayon naman sa mga nakakita, pinipilit ang binata na paputukin ang baril at tumakbo. Dagdag pa rito, natagpuang patay ang binata na may hawak na baril sa kaliwang kamay nito na ayon sa kaniyang magulang ay kanan ang ginagamit ni Kian. Taliwas ang lahat ng ito sa salaysay ng pulis. Matagal nang minamanmanan ng pulis ang ama at mga tiyuhin nito na sinasabing sangkot sa transaksiyon ng droga. Kaya naman, kinasa ang paghuli sa binata na nagresulta sa karumaldumal na pagpaslang sa kaniya. Maghihintay pa ba tayo na maraming buhay ng kabataan ang masayang dahil sa walang habas na pagpatay sa kanila ng mga awtoridad para lamang sa laban kontra droga? Dahil sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon ay maraming buhay ng Pilipino ang nawawala. Ang kaso ni Kian ay nagsilbing daan upang imulat ang mata ng lipunan. Hindi sana ipagkait ang hustisya sa mga nasawing palad.
“
I
to nga ang linyang binitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang umupo siya sa kaniyang puwesto noong nakaraang eleksiyon. Ang mga kaliwa’t kanang pagsulong ng mga programa lalo na sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa ay isinakatuparan. Ilan dito ang ‘Oplan Galugad, Oplan Tokhang at Oplan Katok-Bahay na patuloy na kumikitil ng buhay. Ayon sa balita na ipinalabas ng ABS-CBN, mahigit 4, 028 na ang napapaslang mula Mayo 2016 hanggang August 2017 dahil sa pagwaksi sa iligal na droga. Ang mga kasong ito ay maiuugnay sa extrajuducial killings o ang tinatawag na vigilante-style killings, pagpatay ng government authorities sa mga gumagamit at pusher ng iligal na droga. Ang pangunahing layunin ng Administrasyong Duterte ay maging drug-free ang buong
5
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
sitwasyon, ano pa kaya ang matututunan ng mga magaaral kung palagi na lamang silang ‘excused’ sa klase? Sa kabilang banda, kung ating titignan, ang mga ganitong paligsahan ang bumubuo sa buhay ng mga Hayskulano. Mga pagkakataong magsama-sama at magtulong-tulong ang lahat para sa iisang layunin, para manalo – sa mga simpleng gawain na ito ay nabubuo ang kooperasyon at magandang samahan na dadalhin paglabas ng kampus para sa mas malawak na saklaw ng lipunan. Ngunit kung tutuusin, ang mga mag-aaral ay nasa paaralan para matuto ng iba’t ibang asignatura at kung titignan ay hindi na kasama sa kabuuan ng marka ang extra-curricular. Isa o dalawang organisasyon na lamang ang dapat salihan ng isang mag-aaral dahil malakas itong makahila ng marka. Patunay lamang na hindi dapat ipinagpapalit ang oras na ginugugol dapat sa klase para sa mga paligsahang kinabibilangan. Paghubog ng talento’t kooperasyon laban sa pagkatuto ang usaping ito. Tamang pagbabalanse ang kinakailangan sa isyung ito. Di maikakailang parehong mahalaga sa buhay ng magaaral ang iba’t ibang paligsahang subalit tandaan na hindi maaaring makompromiso ang isang bagay para lamang magbigay-daan sa iba pa. Wastong paggamit ng oras ang susi ng bawat isa upang mapahalagahan ang mga importanteng bagay.
NEYTIB SOSAYTI
ni Chelzia Ann Millare
B
Grado ba ang sumusukat sa talino?
ilang tao, hindi natin maiiwasang husgahan ang ating kapuwa mula sa panlabas na anyo. Unang tingin mo pa lamang ay naiisip mo na ang mga maaaring katangian niya at ang kaniyang kakayahan. Katulad ng katalinuhan, kay daling mahusgahan ang isang tao sa pamamagitan ng mga numero sa markahang papel. Sa grado ba masusukat ang talinong tinataglay ng isang tao? Maraming paraan ang maaaring gamitin upang masukat ang talinong taglay ng isang tao. Si Dr. Howard Gardner, propesor sa edukasyon ng Harvard University ay nilinang ang teorya ng Multiple Intelligence. Sinasabi ng teoryang ito na ang tradisyunal na pamamaraan ng pagsukat ng talino base sa I.Q. test o mga pen and paper test ay kulang at limitado. Kung kaya, hindi lamang mga numero ang batayan upang masabi na ang isang tao ay matalino batay sa nakuhang marka. May mga simple, ngunit makabuluhang batayan upang ipakita ang angking talino ng estudyante o tao. Ang simbuyo ng damdamin o passion tungkol sa kaniyang ginagawa o pinag-aaralan ay mahalaga at may epekto sa resultang maaaring maku-
“
Ang marka o grado ay hindi garantiya ng tagumpay o kaunlaran.
t
U
“
TOMO LXXV BLG. 1
ha sa pagdating ng mga pagsusulit, lalong-lalo na kung hindi interesado ang estudyante ukol sa paksa. Minsan ding naisasantabi ang mga malikhaing kaisipan o konsepto at mas pinapaboran ang mga inaasahang kasagutan. Mga magagandang ideyang dahil sa hindi tumutugma sa naaayon at hinihingi ay hindi na napagtutuunan ng pansin. Maraming mga henyong tao ang nakakukuha ng mabababang grado dahil sa ang kanilang kaisipan ay mas malawak kung ikukumpara sa ordinaryong pag-iisip ng kanilang mga guro, kagaya na lamang ni Albert Einstein na sa kalaunan ay siya pang nakadiskubre ng formula sa matematika na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin. Maaaring sumalamin sa maraming bagay ang gradong nakukuha katulad ng dedikasyon, pagsisikap, mga paborito ng guro, katamaran o matalinong pamamahala ng oras. Gayunpaman, ang grado ay hindi tunay na batayan sa tinagtaglay na katalinuhan ng isang indibidwal. Ang marka o grado ay hindi garantiya ng tagumpay o kaunlaran. Ang angking talino ay hindi lamang grado ang batayan. Ang kakayahang mag-isip ng ating utak ay hindi hihinto sa numerong nakasulat sa markahang papel, sapagkat ang kapasidad ng isang indibidwal na matuto ay walang katapusan. Sumang-ayon ka man o mayroon kang sariling konsepto ng batayan ng talino ng isang tao, nasa iyo ang desisyon kung nais mong husgahan ang iyong katalinuhan sa pamamagitan ng nakuha mong grado.
PULSO HAYSKULANO
Magandang araw, Hayskulanos! Narito na naman kayo sa pinakabagong edisyon ng Pulso Hayskulano. HAYSKULANO, ANONG SAY NIYO!? Anong say mo sa ipinalabas na Memorandum ng DepEd sa healthy eating habits? -“Depressing! Nakakasawa everyday na lang pista sa nayon!” – BossMapagmahal09 -“Healthy living kaso miss ko na mga junk foods lalo na softdrinks -SarumantheWhite -“Nakakatulong ito sa lifestyle ng estudyante” -010001 Anong say mo sa pagpapatayo ng mga buildings sa paaralan? -“ Ano ba yan?! Parang di pinag-iisipan! -macaroni31017 -“ Hay Naku! Para nang palengke loob ng campus pero at least may classroom na kami.” -Squishy Masikip na ang daanan dito dahil sa mga yan -CuteSiAko Anong say mo sa night shift classes ng mga Senior High School? -“ Kapagod , di na tuloy ako nakakabeauty rest” -PrEttYSeNiOr -“Medyo nakakapanibago lalo na hindi ako sanay kapag gabi! -”Parang nakakaantok” -Angel Ano ang say mo sa seguridad sa Camhigh? -”Hindi naman masama. Hindi naman kasi inaasahan kung may mangyayaring masama” -NoticeMeSenpai -”Yun lang, di masyadong matatag” -Basangsisiw -”Dyus ko! Kapag madilim na parang din ako napapakali” -PunoSiya3 Salamat sa pagbibigay ng inyong opinyon tungkol sa mga isyu sa ating paaralan. Nawa’y patuloy niyong tangkilikin ang Ang Isarog. Hanggang sa susunod na edisyon.
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
6
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
TOMO LXXV BLG. 1
Agham at TeknolohiyA
Ang Kalusugan ay kayamanan
Kriiiiing! Kriiing! Kriiiing! Hudyat para sila’y kumain at makalabas sa mga silid. “Hindi ako sanay sa mga bilihin na nakita ko, marami ring ipinagbawal last year pero hindi katulad nito karami ang nawala.” “Parang mga walang lasa at hindi nakakagana ang mga pagkain sa canteen” Samu’t sari ang reaksiyon na ibinigay ng mga mag-aaral maging canteen operators sa bagong patakarang ito. Ayon sa DepEd Order 13, s. 2017 na Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices in Schools and in DepEd Offices, ipinapatupad ang healthy eating habits sa mga kabataan at DepEd employees sa pamamagitan ng pagkaka-
roon ng masustansiya at abotkayang mga pagpipiliang pagkain at inumin sa paaralan. Ito ay naglalayong magbigay impormasyon sa mga masusustansiyang pagkain na kinakailangan ng katawan lalo na sa mga mag-aaral at nagtatrabaho sa paaralan. Ang nasabing tuntunin ay nakasaad sa DepEd Order No. 8, s. 2007 na pinamagatang Revised Implementing Guidelines on the Operation and Management of School Canteens in Public Elementary and Secondary Schools Policy Statements Nos. 4.4, 4.5, and 4.6. Ang mga nakasulat sa ibaba ay mga pagkain na dapat at hindi dapat makita sa canteen. Mayroon din namang mga pagkain na may tiyak na schedule kung saan ito ay maaaring itinda. Ang mga pagkain ay hinati sa tatlong kategorya: ang green, yellow at red. A n g m g a
pagkain na nasa green category ay maaaring itinda arawaraw. Ang nasa yellow category ay ang mga pagkain na isa o dalawang beses makikita sa isang linggo. Hindi naman dapat na itinda ang mga nasa red category. Ang mga magulang din ay hinihikayat na maghanda ng mga masustansiyang pagkain para sa kanilang mga anak na pumapasok sa paaralan. Ano nga ba ang mga matalinong paraan sa pagkakaroon ng masustansiyang pagkain? 1. Alamin ang mga nutrients na pumapasok sa ating katawan galing sa ating mga kinakain na nagbabahagi ng enerhiya sa katawan para sa panksiyon na kinakailangan nito. Mayroong anim na grupo ng nutrients na kailangan ng ating katawan, ang carbohydrates, fats, protein, vitamins, minerals at tubig. 2. Maging pamilyar sa Food Guide Pyramid na nagrerekomenda sa isang tao ng bilang ng pagkain na dapat niya lamang kainin sa isang araw mula sa anim na grupo ng pagkain. Ang nasa pinakababang bahagi ng pyramid na naglalaman ng tinapay, cereal, kanin at pasta na mayaman sa carbohydrates ay ang mga pagkain na dapat ay
may malaking bahagi sa iyong diet. Ang nasa gitnang parte naman ay pinagmumulan ng fiber, mineral, bitamina at tubig na kailangan ng mas kaunting porsiyento kumpara sa ibabang parte. Ang nasa pinakataas ng pyramid ay may malaking porsiyento ng fats at sugars, na may kaunting nutrients na kinakailangan lamang ng kaunting porsiyento sa ating diet dahil ang sobra ay maaaring magdulot ng sakit sa puso at ibang sakit sa katawan. 3. Matutong magbasa ng Food label. Ayon sa batas ay dapat nakasulat sa mga pakete ng mga pagkain ang impormasyon tungkol sa pagkain. Ang nutritional facts na ito ay nakatutulong para malaman natin ang nutrisyunal na mayroon ang pagkain at para maikumpara ang nutrisyunal na laman ng dalawang magkaparehong pagkain pero magkaibang produkto. Paano nga ba ito basahin? •Serving sizesi-
TOMO LXXV BLG. 1
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
Agham at TeknolohiyA nasabi nito dami ng serving o ang bilang ng puwedeng makakain sa isang pakete at kung makakain ka ng dalawang serving ay iyon din ang dami ng calories o porsiyento o dami ng enerhiya na iyong makakakain. •Calories- Ito ang nagbibigay impormasyon sa dami o sukat ng enerhiya na iyong makukuha sa isang serving ng pagkain kabilang na rito ang fats. •Percent Daily Value- Ang tao ay kumukunsumo ng 2000 calories bawat araw at ang percent daily value ay nagpapakita ng nutrisyunal na laman ng isang serving sa nirerekomendang diet. •Ingredients- Ang sangkap ay nakalista mula sa pagkakasunod-sunod ng ayon sa bigat o dami at nagbibigay sa atin ng impormasyon sa mga idinagdag na kemikal para hindi ito mapanis o mabulok agad o impormasyon sa mga sangkap na dapat nating iwasan. Halimbawa na lang ay kung marami ang sodium o nagpapalat sa pagkain o ang asukal na labis na nagpapatamis sa produkto. Nakasalalay pa rin ang ating kalusugan sa ating sarili. Sariling desisyon at sariling aksiyon. Sa lahat ng ito ay sarili natin ang apektado. May mga sit-
wasyon na ring nangyari sa ating buhay na mas pinairal natin ang sarili nating kagustuhan higit pa man sa mga pangaral at
kaalaman sa mga tama o mali na hindi maganda ang kinalabasan. Hindi man inaasahan ang mabilisang pagkasanay pero ang unti-unting pagsasagawa ng pagbabago ay may patutunguhan kaysa wala. Sa pagbahagi ng mga impormasyon na nakasaad sa itaas magdulot sana ng pagmulat sa atin sa tamang pagkai n at pangangalaga sa katawan. Magsimula tayo sa ating sarili at ibahagi natin sa iba ang kaalamang ito. Tandaan na ang kalusugan ay kayamanan.
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
7
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
8 KARL IAN MORISSEY RAMOS
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
BalitA
TOMO LXXV BLG. 1
Isarog, muling nagkampeon sa DSPC 2017
M
uling nakamit ng Ang at The Isarog, opisyal na pahayagan ng Camarines Sur National National High School (CSNHS), ang kampeonato sa ginanap na 2017 Division Schools Press Conference (DSPC), una hanggang ikalawa ng Setyembre. Idinaos sa Julian B. Meliton Elementary School (JBMES) ang nasabing paligsahan na may temang “The Role of Responsible Journalism for Fair and Ethical use of Social Media”. Nakuha nina Angelica May Clarito, Pagwawasto at Pag-uulo; Krisha Venisse Federico, Pagsulat ng Lathalain; James Ferd Sales, Pagguhit ng Kartong Editoryal; Micah Alexandra Layosa, Feature Writing at Lea Angela Cubero, Copyreading and Headline Writing ang unang gantimpala. Nasungkit naman nina Jedidah Palero, Pagsulat ng Agham at Teknolohiya at Lhor Trixie Bartolome, Pagsasaayos ng Larawang Pampahayagan ang ikalawang puwesto.
HALL OF FAME: Ang mga mamamahayag ng Ang at The Isarog na pinarangalang kampeon sa katatapos na Division Schools Press Conference (DSPC) na ginanap sa Julian B. Meliton Elementary School kasama ang kanilang tagapayo, Estelito B. Jacob at Aileen Andal Mangubat, una hanggang ikalawa ng Setyembre taong kasalukuyan. Itinanghal din si John Walter Ragrario, Photojournalism para sa ikatlong puwesto na sinundan naman nina Angelee Kaye Abelinde, Pagsulat ng Balita; Chelzia Ann Millare, Pagsulat ng Pangulong Tudling at Christine Joy Labor, Science and
Health Writing samantalang si Krizelle Angelica Jacob, Editorial Cartooning ang nakakuha ng ikalimang gantimpala. Sa pangkatang paligsahan, nagkamit din ng ikalawang puwesto ang Collaborative Publishing Team ng Ang at The
Isarog na binubuo ng pitong mag-aaral: Karl Ian Morissey Ramos, Rockie Walter Alegria, Micah Abainza, Christian James Villanueva, Dan Christian Ragay, Bruce Raleen Arañas at Russel Adrian Rivera sa Filipino samantalang sina Salva-
dor Ferro III, Pauline Rebano, Jahzarah Endriga, Donna Mae Lorilla, Alynna Pamplona, Billy Cruz at Ericka Gison, ganoon din ang Radio Broadcasting Team na kinabibilangan nina Jomari Cea, Noli Babiera, Kim Dianne Nocito, Barlineth Nymia Montes, Sean Andrei Parao, Sean Francis Bertiz at Joriel Frias sa Filipino habang sina Johanna Bobiles, John Carlo Bagasbas, Kateleen Arriola, Francis Sibulo, Iris Oresca, Pauline Lavapie at Jonacel Agarpao. Nakasaad ito sa Division Bulletin No. 5, s. 2017 kung saan magsisilbing kinatawan ng Dibisyon ng Naga ang mga mag-aaral na nakapasok sa unang tatlong puwesto sa indibidwal na kompetisyon at unang gantimpala naman sa pangkatang gawain sa gaganaping Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Sorsogon National High School, Lungsod ng Sorsogon, ikapito hanggang ika-10 ng Nobyembre. Taunang isinasagawa ang DSPC bilang paghahanda sa RSPC na dadaluhan ng mga mamamahayag at tagapayo na nagmula sa buong rehiyon.
CamHi nagbigay ng donasyon sa Marawi KARL IAN MORISSEY RAMOS pang matulungan ang mga mag-aaral at guro sa mga paaralan sa Marawi, nagbigay ng donasyon ang Camarines Sur National High School (CSNHS), ika27 ng Hulyo. Mas kilala sa tawag na “Mobilization Support for Marawi”, nakasaad ito sa ipinalabas na Division Memorandum No. 176 s. 2017. Naatasan ang Supreme Students’ Government (SSG) na pangasiwaan ang lahat ng grade level sa pagbigay ng donasyon tulad ng timba, laundry detergent powder, bareta, tabo, walis tingting, walis
U
DUCK,COVER,HOLD: Ang mga mag-aaral ng Camarines Sur National High School sa kanilang pakikiisa sa ginanap na Earthquake Drill, ika-29 ng Hunyo, 2017 sa kahabaan ng Penafrancia Avenue.
CamHi nakakuha ng ‘Very Satisfactory’ sa NSED MICAH ABAINZA inigyang papuri ni Alberto De Baguio, Bureau of Fire Protection (BFP) Chief, ang Camarines Sur National High School (CSNHS), matapos nitong makakuha ng ‘very satisfactory’ rating sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), ika-29 ng Hunyo. Humigit-kumulang 10, 000 estudyante kasama rin ang mga guro at empleyado ng CSNHS ang aktibong nakibahagi sa nasabing drill sa pamumuno ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ayon kay CSNHS Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Coordinator Moises Cortez, layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan at upang sukatin ang antas ng kaalaman at kakayahan ng paaralan sa oras ng kalamidad tulad ng lindol at mabigyan ang mga mag-aaral pati mga opisyal nito ng sapat na kaalaman at kamalayan sa nasabing usapin. “We want to assure the parents that everyone is safe here at Camhigh, that’s why we give focus on the safety of the students. The planning was easy because our principal was very supportive in giving programs for us to be able to focus when
B
it comes to disaster preparedness,”sabi ni Cortez. Kasabay nito, ipinakilala rin ang itinatag ng paaralan na School Disaster Risk Reduction Management Group (SDRRMC) ng mga guro at School Youth Disaster Risk Management Group na binubuo ng humigit 200 estudyante mula ikapito hanggang 12 na taon na nagsisilbing respondents sa panahon ng kalamidad. “We inculcate disaster awareness to our students to prepare them when an actual disaster strikes. We encourage parents to let their children join the trainings being conducted by the school for them to feel secured inside the school and knowing that their children is knowledgeable when it comes to preparedness and mitigation on disaster ,“ dagdag pa ni Cortez. Samantala, binigyang-diin naman ni Eris Joseph Tanay, pangulo ng SYDRRMC, ang kahalagahan ng nasabing gawain partikular sa katulad niyang mag-aaral na bahagi ng malaking populasyon ng paaralan. “This is important in our school because Camhigh has a very big population and the main campus is too crowded. Joining the group is one way of serving the school when disaster occurs,” ani Tanay.
tambo, liquid detergent at dust pan. Nakaipon ang CSNHS ng 102.892 kilong laundry detergent powder,
89 na balde, 150 walis tingting, walong tabo, anim na walis tambo, tatlong bareta, isang dust pan at liquid detergent. Nanguna sa listahan ang grade 10 na nagbigay ng pinakamaraming balde na may bilang na 24, tatlong tabo, dalawang bareta at 30.55 kilo ng laundry detergent powder. Ang grade 12 naman ang nakatamo ng pinakamaraming bilang ng walis tingting na mayroong 63 piraso.
CSNHS kampeon sa DXMC 2017 KARL IAN MORISSEY RAMOS tinanghal na kampeon ang Camarines Sur National High School (CSNHS) sa ginanap na Drum, Xylophone and Majorettes Competition (DXMC) Marching Parade sa Plaza Quezon, ika-13 ng Setyembre. Sinimulan ang nasabing parada sa Panganiban Drive papuntang Plaza Quezon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival simula ika-13 hanggang ika-16 ng Setyembre. Ayon kay Katheryn Fajardo, tagasanay ng Majorettes ng CSNHS, masaya sila sa kanilang pagkapanalo sa kabila ng kaku-
I
langan ng oras sa pagsasanay. “Proud, overwhelmed, dawa dikit lang si oras kan pagpraktis ta si ibang school kaya halos one month na sindang nagpapraktis,” dagdag ni Fajardo. Kaugnay nito, nasungkit din ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) ang pangalawang puwesto at “Most Disciplined” habang naiuwi rin ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng CSNHS ang pangatlong puwesto sa ginanap na BSP and GSP Marching Parade Competition sa parehong nasabing lugar at araw.
PRIDE OF CAMHI: Si Danise Pauline Angel Colasito, Majorette leader ng paaralang ito sa kahabaan ng General Luna sa DXMC Competition, Naga City ika-13 ng Setyembre, 2017.
TOMO LXXV BLG. 1
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
LathalaiN
K
ilala bilang masayahin, palangiti, positibo at dedikado sa pagtuturo siya si Josefina DLC. Solis. Ipinanganak noong Agosto 31, 1966, lumaking may mabuting kalooban at may takot sa Poong Maykapal. Ginugol niya ang masasayang taon sa elementarya sa Jose Rizal Elementary School. Nagpatuloy ng kaniyang sekundarya sa Colegio de Sta. Isabel. Nagtapos din siya ng 3-Year Fishery Education sa Pasacao School of Fisheries. Nag-aral sa Naga College Foundation sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. Habang ginugol ang oras sa pagtuturo, patuloy pa rin siyang nag-aaral at natapos ng Master of Arts in Education sa University of Nueva Caceres. Nagturo sa loob ng dalawampu’t tatlong taon. Ang unang taon ng kaniyang pagtuturo ay sa Mary Mount School. Naging pangalawang tahanan niya ang Camarines Sur National High School ( C S N H S ) noong 2003 hanggang kasalukuyan. Buwan ng Agosto nang maparangalan siya bilang Ulirang Guro 2017 National Finalist na taunang isinasagawa ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Bilang isang guro sa Filipino, nais n i y a n g maitaguyod ang p a g mamahal sa Wikang Filipino at mapalalim ang kaalaman ng bawat isa sa sariling wika at Panitikang Pilipino. “Ang mga gawain sa paaralan ay tinatapos ko na para sa bahay, ang oras ko ay para naman sa pamilya.” Hindi lamang siya pangalawang ina sa paaralan kundi isa rin siyang ina
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
9
na maayos na naghahati-hati ng kaniyang oras upang matugunan ang responsibilidad bilang asawa at ina sa kaniyang anak na babae. Hindi lamang siya ulirang guro kundi ulirang asawa at ina sa kaniyang pamilya. “Sa Panginoon ipaubaya, ang buhay na biyaya.” Ang pinahahalagahan ng isa pang pinarangalang Ulirang Guro 2017 National Finalist, Shiela Taugan, dalaga, naniniwalang hindi usapin sa pagiging isang ulirang guro ang pagiging perpekto. Sa loob ng 21 taong p agt u t u ro , naniniwala siyang ang
song Bachelor of Secondary Education MaFilipino. Habang ginugol ang oras sa pagtuturo, patuloy pa rin siyang nag-aral, tinapos ang Master of Arts in Education Major in Filipino at kasalukuyang nag-aaral ng Doctor’s degree sa parehong paaralan. Ilang paaralan din ang kaniyang naging ikalawang tahanan sa loob ng dalawampu’t isang taon. Unang nagturo sa Colegio del Santisimo Rosario, Camarines Sur National High School (CSNHS) bilang substitute at locally funded teacher, tatlong taon sa Tinago National High School, 11 taong sa Naga City Schools of Arts and Trades at bumalik bilang guro sa Senior High School sa CSNHS upang ipagpatuloy ang kaniyang adhikain na maging inspirasyon sa kaniyang mga mag-aaral. Para sa kaniya, ang sinumpaang tungkulin ang nagsilbing inspirasyon niya sa mahabang taon ng pagtuturo. Naging pangalawang pamilya niya ang kaniyang mga kasamang guro at mga estudyante. Dagdag pa niya, “Pero dahil tao lang naman, may oras din na kailangang ipahinga ang katawan para mag-recharge.” “Huwag mag-isip ng hindi maganda sa kapuwa. Mas maigi iyong ikaw ang nilalamangan kaysa ikaw ang nanlalamang.” – ito ang huling salitang binitiwan niya na tunay na nagpaantig sa aking puso, mga salitang nagpadama kung gaano niya kamahal ang pagtuturo. Ang isang ulirang guro ay isang superhero, may mabuting hangarin, nais niyang maipunla sa puso’t isipan ng magaaral ang mabuti niyang hangarin. Itinuturo niya sa mga isipan ng mga magaaral hindi lamang ang mga bagay na pang-akademiko kundi kung ano ang mabuti. Isinasaalang-alang niya ang kapakanan a t kinabukasan ng kaniyang mga mag-aaral. Dahil hindi lahat ng superhero ay may suot na kapa. Ang iba’y nasa
isang ulirang guro ay isang inspirasyon sa mga m a g - a a r a l . Masayang nag-aral ng elementarya sa Magarao Central School at nagpatuloy ng pag-aaral ng sekondarya sa Magarao National High School. Nagtapos ng kolehiyo sa University of Nueva Caceres sa kur-
paaralan at nakakasama natin sa arawaraw na paggawa. Isang gurong nagsisilbing huwaran sa mga kabataan, isang gurong isinasaalang-alang ang ating kapakanan at kinabukasan. Para sa iyo, sino nga ba talaga ang tunay na superhero?
jor
in
!
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
10
S
OrGUNIO ng mga Hayskulano
i Earl David Parpan Gunio ay isang Nagueno, mamamahayag ng Ang Isarog at alumnus ng paaralang ito. Isinilang noong Marso 21, 1998 ng kaniyang mga magulang na sina Roberto at Jesusa Nina Gunio. Siya ay kabilang sa Honors Class nang siya ay nagtapos ng sekundarya. Sa kasalukuyan, siya ay magaaral sa ikalimang taon sa Bicol State of Applied Sciences and Technology (BISCAST) at tinatapos ang kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering. Siya’y hinubog ng CamHi hindi lamang sa larang ng akademiko bagkus hinayaan siya nitong bagtasin ang iba’t ibang daan. Sa loob ng apat na taong pamamalagi sa CamHi, siya’y naging aktibo sa iba’t ibang organisasyon. Naging Presidente ng UNESCO at nagkaroon ng interes sa pamamahayag lalo na sa broadcasting sa ikatlong taon. Naging bise presidente rin siya ng STEP Club.
“
LathalaiN
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
Dahil sa walang katulad na institusyong ito, ang kaniyang mga natutuhan at mga natatanging kakayahan sa pamumuno ay nagsilbing daan sa kaniyang interes hanggang sa kolehiyo. Naging feature writer, news writer at lay-out artist ng Collegian, opisyal na pahayagan ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) ng tatlong taon at hinirang bilang punong patnugot noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan, siya ay Presidente ng Philippine Society of Mechanical Engineers – BISCAST Student Unit, Presidente ng Philippine Society of Mechanical Engineers Region V Student Chapter, Presidente ng Bicol Association of Student Campus Journalism at Region 5 Representative ng Luzon Wide Association of College Editors. Naging isa sa kinatawan ng Pilipinas sa katatapos na Saceda International Program in Asia na ginanap sa bansang
Japan. Tumanggap ng iba’t ibang parangal sa angking galing sa Lay-outing. Nakuha niya ang ikatlong puwesto sa Regional Tertiary Schools Press Conference sa Iriga at ikapitong puwesto naman sa Luzon Wide Higher Education Press Conference sa Cagayan City, Tuguegarao noong 2015. Taong 2016 ay nanalo siyang muli ng ikatlong puwesto sa Layouting (Regional) at naging kinatawan ng Rehiyon ng Bicol sa Luzon Wide Higher Press Conference (LHEPIC) na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur. Sa muling pagsabak niya sa Lay-outing siya’y itinanghal na kampeon sa Puerto Princesa, Palawan. Dagdag pa niya “Mahalin mo ang iyong ginagawa, kapag napagod, magpahinga subalit huwag susuko. Ipagpatuloy ang laban hanggang kaya at walang nakokompromisong ibang tao.”
Mahalin mo ang iyong ginagawa, kapag napagod, magpahinga subalit huwag susuko. Ipagpatuloy ang laban hanggang kaya at walang nakokompromisong ibang tao
A
Tinig
ng aking pamilya ang aking kahinaan at lakas, sila ang aking inspirasyon sa anumang ginagawa ko sa buhay” – ang binitiwang salita ng isang alumnus ng Camarines Sur National High School (CSNHS) na hinirang bilang Ginoong Republika ng Pilipinas 2017 1st runner-up sa katataposna patimpalak na ginanap sa Plaza Quezon, ika-
Kung ang craby patty ni Spongebob ay may secret formula, para sa kaniya, hindi kailangan ng anumang secret formula para maabot ating mga pangarap sa buhay. Ang kailangan ay tiyaga, talino, diskarte at paglalaan ng buong p u s o sa lahat ng ating ginagawa.
“
Ang
TOMO LXXV BLG. 1
ng isang Idolo
tlo ng Setyembre. Isang biyaya para sa kaniyang pamilya nang dumating si Gabriel Nebres Siat noong ikasiyam ng Agosto 1997 sa bayan ng Libon, Albay. Nang taong 2006, napagdesisyunan ng kaniyang pamilya na manirahan sa lungsod ng Naga kung saan ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Nagaral sa CSNHS at nagtapos ng sekundarya sa taong 2014 at pinarangalan Second Honoa r a b l e Mention sa Spec i a l Program i n
the Arts (SPA) Curriculum. Kasalukuyang academic scholar, nasa ikaapat na taon sa Bachelor in Secondary Education Major in English sa Bicol University, Lungsod ng Legazpi. Sa edad na 20, humakot na siya ng iba’t ibang parangal tulad ng Ginoong Libon 1st runner-up, Mr. Oas 2017 at Mr. Bicol University 2017 Cluster One. Dagdag niya pa, wala siyang idea o interes sa pagsali ng mga pageant pero nakahiligan na niyang manood ng mga patimpalak na wari’y isang hurado. Natutuwa siya at ang mga bagay na hindi niya nagawa noong hayskul ay nagawa niya ngayon. Hinubog rin ng CSNHS ang angking galing niya sa pamumuno. Naging pangulo siya ng Red Cross Youth BISCAST Chapter, tagapagsalita ng Moving Ahead Gender Equality and
Nurturing Talents Bicol University (BU) Magenta at Chairman ng Calzada Youth Organization ng Oas, Albay. “Kapag gusto mo ang ginagawa mo maraming paraan. Magkakaroon ka ng oras kahit sa pinakakomplikadong sitwasyon.” Ito ang pinaniniwalaan niya sa pagbabalanse ng oras at panahon sa pagitan ng pagsali sa mga patimpalak at pag-aaral. Subalit higit sa lahat, pag-aaral ang kaniyang inuuna. Pinakamahalaga para sa kaniya ang kaniyang pamilya na siyang nagiging sandalan at lakas niya, ang nagbibigay ng gabay at suporta tungo sa kaniyang tagumpay. Pinatunayan ni Gabriel N. Siat na walang imposible kung patuloy tayong magsusumikap upang maabot ang ating mga pangarap. Siya’y isang huwarang mag-aaral at idolo ng mga Hayskulano!
TOMO LXXV BLG. 1
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
PalakasaN
Dibisyon ng Naga Rehiyon V
11
8 unibersidad dinaluhan ang pagbubukas ng UAAP season 80 CHRISTIAN JAMES VILLANUEVA
ISPORTS LANG en (AU), Thomas Anthony Baldwin (AdMU), Aldin Ayo (DLSU), Rodericko Racela (FEU), Michael Ray Jarin (NU), Frederick Pumaren (UE), Dolreich Parasol (UP) at Robi Sablan ng UST. Isasali ngayong taon ang high school basketball sa women’s division, futsal competition sa lahat ng dibisyon at 3-on-3 basketball na gaganapin sa FEU. Inaasahan ang Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum ang pangunahing pagdarausan para sa men’s tournaments habang sa Flyoil Flying V Center isasagawa ang Women’s at Junior’s tournaments. Matatandaan naman na ang DLSU Green Archers ang nanguna sa men’s division ng nakaraang season habang ang NU Lady Bulldogs sa Women’s at Baby Tamaraws sa Junior’s.
EDITORYAL
Pagbabago sa POC
M
uli na namang pinatunayan ng mga Pilipino ang galing at husay sa larang ng palakasan matapos maiuwi ang karangalan sa Pilipinas ng mga atletang naglaro sa SEA Games. Ngunit sa likod ng bagay na ito ay hindi pa rin sapat ang resultang nakuha ng mga manlalaro sa nasabing palaro. Bumuhos ang reaksyon at pagkadismaya ng mga mamamayan lalo na ang iba’t ibang ahensiya sa ilalim ng Philippine Sports Commission tung-
kol sa mababang performance at medalyang naiuwi sa pagtatapos ng SEA Games. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng mababang resulta ang Pilipinas. Nagsimula ito ng umupo ang kasalukuyang presidente ng Philippine Olympic Commission na si Jose Cojuangco. Kaya’t ang tanong ngayon ay kung may pagbabago pa bang magaganap? Tuluyang na bang masasadlak sa mababang puwesto ang Pilipinas sa larang ng isports? Kamakailan lang ay nag-
ni Rockie Walter Alegria
Atleta ng kasalukuyan
M
GO FOR GREAT: Ang pag-uumpisa ng taunang event ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Season 80 sa FEU Manila, ika-9 ng Setyembre 2017. karoon ng rally na dinaluhan ng mahigit 100 sports officials at mga sports buff para manawagan sa pagbibitiw ni Cojuanco bilang presidente ng POC. Isa sa mga dahilan nito ang usaping korapsyong nagaganap sa POC kabilang rin ang matagal ng mababang performance ng Pilipinas sa mga international sports events. Kung ito ay matagal ng nagaganap, bakit ngayon lang nila ginagawan ng paraan? Pagbabago ba talaga ang kailangan o simpleng disiplina lang ang katapat? Pinaglalaanan ng gobyerno ng pondo ang POC upang matustusan ang pangangailangan ng mga manlalarong isasabak sa sa ibang bansa. Kabilang sa pondo ang pagsasanay ng bawat kalahok upang mapaghandaan ang pagtapak sa malakihang sports events. Ito ay isang malaking usapin kaya’t maikokonekta ang korapsiyon ng mga namu-
muno sa pagkakaroon ng mababang resulta sa mga international events. Indikasyon ito ng kawalan ng suporta para sa mga manlalarong Pilipino. Maliban sa kakulangan sa pondo, kulang din ang suporta. Ang isang atleta ay puno ng katatagan at determinasyon. Determinasyon na makapag-uwi at makapagbigay ng karangalan para sa ating bayan. Ang mga tulad nila ay hindi kikilos ng wala ang tulong ng isang ahensiya. Hindi nila magagawa ang lahat ng nag-iisa. Ang pagbabagong hinahangad ng bawat isa ay kailangan ng agarang solusyon at aksiyon. Huwag sana nating hintayin na mismong manlalaro ang mawalan ng pag-asang maglaro muli para sa ating bayan at sa karangalan. Sasama ka ba tungo sa pagbabago para sa mga atletang Pilipino?
“
“
T
uluyan nang inumpisahan ang taunang event ng University Athletics Association Philippines (UAAP) season 80 na ginanap sa Far Eastern University (FEU), Manila, ikasiyam ng Setyembre ng taong kasalukuyan. Isa sa mga dumalo ang Ateneo de Manila University (AdMU), Adamson (AU), De La Salle University (DLSU), Far Eastern University (FEU), University of the East (UE), University of the Philippines (UP), University of Santo Tomas (UST) at National University (NU). Ang walong nasabing unibersidad ang siyang magtutuos sa 15 sports events sa bawat division (Men’s, Women’s at Junior’s) upang tanghaling over-all champion sa pagtatapos ng season. Pumunta rin ang iba’t ibang coach ng bawat unibersidad katulad nina Francisco Pumar-
Pagbabago ba ang kailangan o simpleng disiplina lamang?
JHS White Bullcats kampeon sa WTD Basketball Rockie Walter Alegria
W
agi ang Junior High School (JHS) White Bullcats laban sa Senior High School (SHS) Green Ballers, 91-86, sa ginanap na exhibition game, ikalima ng Oktubre sa Camarines Sur National High School basketball court. Nagtala ng rumaragasang 53 puntos ang tinaguriang “JHS Bullcat’s big three” (Estanislao Rili, Mellard Japson at Moises Cortez) para mapunan ang pag-
kawala ng iba pang bigating manlalaro ng JHS na lumahok sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day sa Legazpi City na kasabay rin ng nasabing laro. Samantala, umarangkada ng 35 at 30 puntos ang nag-iinit na SHS Green Ballers guards Ted Romano at Cris Pacunza subalit hindi sapat upang matapatan ang iskor ng Bullcats. Nanguna ang Bullcats sa halftime sa iskor na 4627. Nagtala ng 17 puntos
si Rili sa tulong ng depensa ni Japson habang pinangunahan naman ni Ro-
mano ang SHS sa tulong ng depensa ni Pacunza.
AKIN KA: Si Mellard Japson (44) habang dinidepensahan ang bola laban kay Cris Pacunza (20) sa katatapos na exhibition game ng mga guro sa Junior at Senior High School. Wagi ang JHS team, 91-86.
atapos magdesisyon ni Rachelle Anne Daquis, isang batikang open spiker ng De La Salle University, nagkaroon ng pagkakataong makapaglaro si Kim Kianna Dy sa Asian Women’s Volleyball Championship at South East Asian Games sa Agosto 19 hanggang katapusan. Ano kaya ang naging dahilan ng batikang manlalaro sa pag-urong sa nasabing patimpalak? Naniniwala ako na kahit wala si Daquis sa koponan, mananatiling matatag pa rin ang pambato ng Pilipinas sa laban. Huwebes ng sumulat si Daquis sa bise ng Larong Volleyball ng Pilipinas upang ilahad ang dahilan ng kanyang pagurong sa laban “I would like to regretfully inform you that I may not be able to fulfill my duties in the upcoming league as I just found out recently the competition schedule of the Southeast Asian Games will be in direct conflict with my decision in pursuing specialized training course that will start this August 7, 2017” ayon kay Daquis sa isang panayam. Dagdag pa niya na napakahalaga ng kursong ito sa kanya dahil nais niyang maging isang fitness ambassador sa Pilipinas at sayang ng pagkakataon kung papalalampasin niya ito. Nanindigan si Daquis sa kanyang desisyon at ito ang kanyang tatahakin upang maging isang matagumpay na fitness ambassador ng bansa. Nangatwiran si Daquis na kahit wala sya sa laban ay may mga manlalarong may kakayahan na matapatan ang kanyang kakayahan at kayang maipanalo ang laro. Hindi na pang-indibidwal ang usapan kundi dala dala ang pangalan ng bansa, hindi nakasalalay sa iisang miyembro ng grupo ang kahihinatnan ng isang laro kundi sa kooperasyon ng bawat isa. Isa lamang si Rachelle sa mga manlalarong nagpapakita ng sportsmanship. Hindi man siya nakasali sa laro ngunit taglay pa rin nya ang mga katangian ng isang manlalaro.
ISPORTS TOMO LXXV BLG. 1
Intramurals 2017 Tally ng Medalya
Filipino
English
SIPA NG TAGUMPAY: Ang mga kinatawan ng English Department habang dinedepensahan ang koponan laban sa TLE Department sa naganap na Inter-Department Intramurals, ika-12 ng Hulyo.
CHRISTIAN JAMES VILLANUEVA
binandera ng iba’t ibang departamento sa Junior at Senior High School ang kanilang galing sa ginanap na Cheerdance Competition sa Camarines Sur National High School, Miyerkules, ika-12 ng Hulyo, kasalukuyang taon. Nasungkit ng Math Department, ang hinahangad ng lahat, ang kampeonato, 1st runner-up naman ang English Department at naiuwi ng AP Department ang ikatlong puwesto sa nasabing kompetisyon. Sa Senior High School, naiuwi ng HUMSS-STEM Department ang tropeo ng tagumpay, nakamit ng GAS Department ang 1st runner-up at 2nd runner-up ang ABM Department. Nakilahok din ang mga sumusunod na departamento sa Junior High School, ang TLE, Filipino-ESP at Science Department. Samantalang nakiisa rin ang
TLE
MAY BAGONG HARI
HUMSS-STEM at Math Dept. naghari sa Cheerdance’ 17
I
DIBISYON NG NAGA
Kagawaran ng Ingles denomina ang Intramurals 2017
T
CHRISTIAN JAMES VILLANUEVA
I
puntos. Muli silang nanalo sa Rhythmic Gymnastics at MAG na mayroong tig-isang tanso. Nakasungkit sila ng dalawang pilak sa WAG at RG. Pinalad din sila sa MAG ng tig-isang medalya.
do tulay upang tanghaling kampeon. Pawang nag-uwi naman ng dalawang bronze na medalya sina Jasmine Aklhaldi at Roxanne Yu matapos sumabak sa 100 meters Individuals. Hindi naman pinalad na magwagi ang two time Olympian winner na si Jessie King Lacuna sa kanyang pagsalang sa 400 meters individual, 4:27.06 segundo. Matatandaan naman na sumali si Deilarawan kuha mula sa: googleimages.com
PAGSISISD NG TAGUMPAY: Si James Deiparine sa kaniyang pagsalang sa Men’s 100 Backstroke Finals ika-23 ng Agosto 2017.
Deiparine sumisid ng ginto
N
KARL IAN MORISSEY RAMOS
uluyan nang napasakamay ng English Department ang kampetinanghal na kampeon ang Filipionato matapos humakot ng 64 na medalya sa ginanap na Intrano at Edukasyon sa Pagpapakatao murals 2017, ika-10 hanggang 12 ng Hulyo ng kasalukuyang taon. Department sa katatapos na Gymnastics na ginanap sa Naga City Gym, Nakakuha ang nasabing kagawaran ng 29 na ginto, 19 na pilak at 16 na tanika-11 ng Hulyo, kasalukuyang taon. so sa mga palarong tulad ng Athletics (11 ginto), anim na gintong medalya Nahahati ang nasabing paligsahan sa sa Taekwondo, tigtatlo naman sa Arnis at Volleyball, dalawa sa Badminton Individual All-Round at Team Compeat tig-iisang gintong medalya sa Gymnastics, Soccer, Tennis at Billiards. tition. Mayroon naman itong tatlong Samantala, nasungkit naman ng Filipino at Values Education Department kategorya: Rhythmic Gymnastics (RG), ang ikalawang puwesto na nakapagtala ng 27 ginto, 22 pilak at 20 tanso. NaWomen’s Artistic Gymnastics (WAG) kakuha ang nasabing kagawaran ng 11 ginto sa athletics, anim sa Taekwonat Men’s Artistic Gymnastics (MAG). Ang koponan ng Filipino ay binuo nina do, tatlo sa Arnis at Swimming, dalawa sa Badminton at Gymnastics, SocJessa Mae Flores, Rinabelle Barrameda at cer, Tennis, at Billiards na pawang may tig-iisang gintong medalya habang Floreza Aja Bicardo sa RG; sina Gwyneth ang TLE, na may 19 na ginto, 17 pilak at 25 tanso, ang pumapangatlo kung Ashley Joven, Justine Mae Danggo at Nisaan nakakuha sila ng medalya sa Taekwondo na may limang ginto, apat cole Bermudo sa WAG at sina Napthali Salsa Athletics at Table tennis, Chess na may dalawang ginto at isa sa Futsal. ceda at Clark Angelo Hernanadez sa MAG Lumahok din ang departamento ng Mathematics na may 17 ginto, Sina Josephina DLC. Solis at Aileen An17 pilak at 25 tanso, Science na mayroon ding siyam na ginto at 21 dal-Mangubat, mga guro mula sa Kagatanso kung saan matatandaan na nasungkit at naghari sa Intramurals waran ng Filipino, ang naging tagng nakaraang taon at 11 bronze at Araling Panlipunan asanay ng nabanggit na mga atleta. Nagkamit ang Kagawaran ng Filipino ng na nakakuha ng siyam na ginto, anim katdalawang ginto sa RG na nakapagtala ng 19.5 na pilak at 20 tanso.
TVL-1, TVL-2 at TVL-Department ng Senior High School. Nahahati sa dalawang egorya ang nasabing patimpalak, Junior High School (Inter-Department) at Senior High (Inter-Trade Strand). Ito ang kauna-unahang pagsali ng Senior High sa Cheerdance Competition.
ROCKIE WALTER ALEGRIA
aiahon ng 23 anyos Filipino swimmer na si James Deiparine ang PIlipnas matapos maiuwi ang kampeonato sa Men’s Swimming Competition na ginanap sa Nation-
Filipino-ESP Dept. wagi sa Gymnastics
al Aquatic Center, Kuala Lumpur, ika-23 ng Agosto taong kasalukuyan. Tinapos ni Deiparine ang Men’s 100 meter Backstroke Finals sa loob lamang ng 1:02.11 segun-
parine sa 2017 World Aquatic Champion ship 7th FINA world swimming championships na ginanap sa Budapest, Hungary at na beat niya ang huling record nito. Nanatili pa rin ang Pilipinas sa ikaanim na puwesto, 24 gold, 33 silver, 64 bronze, habang nangunguna pa rin ang Malaysia na may 145 ginto, 92 pilak at 86 na bronze.