Ang Kaigorotan 2020-2021 | Tomo IX, Blg. I

Page 1

TOMO IX BLG 1 SETYEMBRE 2020 - MAYO 2021 OPISYAl NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - KORDILYERA Makabayang Panulat mula sa Siyentipikong Pagsusuri

RESBAK SA PANDEMYA

BAKUNA KONTRA COVID-19, INILUNSAD SA KORDILYERA ni DRANEL BUMANGIL

S

inimulan na ng gobyerno ang malawakang pagbabakuna sa ilang rehiyon ng Pilipinas kabilang na ang Cordillera Administrative Region (CAR) matapos ang isang taon ng pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa, Marso 1. Sundan sa pahina 4.

dibuho ni AMBEROSE DE GUZMAN

OPINYON P.5

Payaso o Pangulo

Tila mga coral reef na patuloy na nasisira ang pag-asa ng mga Pilipinong mangingisda sa bawat salitang binibitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

LATHALAIN P.8

Spill da tea, community pantry Maniwala ka man o hindi, ‘laglag’ ang mga community pantry sa kung ano nga ba talaga ang estado ng pamahalaan pagdating sa pandemya.

DEAngKaigorotan k kaigorotan@carc.pshs.edu.ph

AGHAM P.16

Sense7: ang sensates ng COVID-19 Tinatayang maaabot ng Pilipinas ang herd immunity mula COVID-19 sa pagtatapos ng taon hanggang sa unang bahagi ng 2022...


balita

OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - KORDILYERA

ANG KAIGOROTAN | TOMO IX BLG 1

DIWANG BAYANIHAN. Pinangunahan ng PSHS-CARC Employees’ Union ang pagbabahagi ng mga donasyong salapi at in-kind sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses, Nobyembre 2020. Larawan ni: Isaac Ali Tapar

PROJECT SAGIP ISKOLAR, INILUNSAD NG PSHS-CARC ni REYA NIKOLE MARYELLA SIOJO Sa layuning tulungan ang mga iskolar ng Philippine Science High School - Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC) para sa distance learning, isinulong ng institusyon ang “Project Sagip Iskolar: Iskolar ng Bayan Sama-samang Kalingain” sa pamamagitan ng pagbibigay ng gadget assistance sa mga nangangailangang iskolar. Isinagawa ng PSHS-CARC ang programang ito sa ilalim ng Curriculum Implementation Division (CID) at Student Services Division (SSD) upang tulungan ang mga iskolar sa online na set-up ng pag-aaral. Kabilang sa mga ipinamamahaging gadyet sa kasalukuyan ay android tablet, laptop, personal computer, at iba pang mga kagamitan tulad ng mga flash drive. Tanging mga estudyante ng institusyon lamang ang kwalipikado sa nasabing programa at maaaring makahiram ng gadget mula sa paaralan. “Bilang miyembro ng isang pang-akademikong institusyon, ang proyektong ito ay lubos na naniniwalang ang ahensiyang ito ay patuloy na uunlad sa pamamagitan ng pag-angat sa mga iskolar, kaya ang Project Sagip Iskolar ay makikipag-

ugnayan sa mga isyu at problemang hindi nakikita ng ating mga mata ngunit nararamdaman ng ating puso,” ani Bb. Jona Agyamoc, SSD Chief, nang tanungin patungkol sa kasalukuyang proyekto. Ayon kay Juliene Barcellano mula 7 - Diamond, isa sa mga nakibahagi sa Project Sagip Iskolar, “Nakatulong ang programang ito sa aming mga mag-aaral. Madali ring makahiram ng gadget sa paaralan.” Dagdag pa niya, talagang nakatulong ang programang ito sa kaniyang pag-aaral at iko-konsidera muling humiram ng laptop mula sa nasabing programa para sa susunod na pang-akademikong taon. Sa kasalukuyang pangakademikong taon, dalawampu't walong mga gadget ang naipahiram ng paaralan. Siyam sa ika-pitong baitang; dalawa sa ika-walong baitang; apat sa ikasiyam at ika-labing dalawang baitang; anim sa ikasampung baitang; at tatlo sa ika-labing isang baitang. Itinalaga sina G. Ritcher Teofilo at G. Sebriel Velasco, mga Information System Analysts (ISA), sa pamamahagi ng mga gadget sa mga iskolar na naaprubahan ni Gng. Melba Patacsil, CID Chief, at Bb. Jona May Agyamoc, SSD Chief.

SIYENSIYA PARA SA BAYAN

PSHS-CARC, nakakalap ng higit P150,000 donasyon sa PisAyuda ni MARC YURI MADAYAG

S

a paglulunsad ng programang PisAyuda, nakalikom ng hihigit sa 150,000 pisong ayuda ang Philippine Science High School - Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC) bilang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses, Nobyembre 16-20, 2020. Sa kabuuan, umabot sa Php 124, 653.10 ang halagang salapi at mahigit Php32,000 halaga ng in-kind ang naipaabot na donasyon sa programa.

Ibinahagi ang nakalap na halagang salapi sa mga nasalanta ng bagyo mula sa PSHS-Cagayan Valley Campus at PSHS-Bicol Region Campus kung saan maraming mga mag-aaral at kawani ang naapektuhan ng sakuna. Ipinadala naman sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Baguio ang mga in-kind na donasyon upang ipamahagi sa mga probinsya ng Cagayan at Isabela.

Inilunsad ang nasabing programa sa pangunguna ni G. Isaac Ali Tapar, pangulo ng Employees’ Union ng PSHS-CARC. “Nagpapasalamat kami sa lahat ng nakibahagi sa PisAyuda sa kahit anong paraan,” ani Tapar. Bahagi ng isang system-wide na programang sinimulan noong Abril ang PisAyuda kung saan nag-abot ang institusyon ng mga Personal Protective Equipment (PPE) tulad ng face shield at face mask sa mga frontliner.

BIRTWAL SCHOLARS’ DAY AT STEAM WEEK, IDINAOS ni MARON KEITH VALDEZ Bunsod ng limitasyong dulot ng pandemya, ginanap ng Philippine Science High School - Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC) ang pagdiriwang ng kauna-unahan nitong birtwal na Online Scholars’ Day at STEAM Week, Marso. Inilunsad ang iba’t ibang aktibidad at patimpalak para sa selebrasyon sa pangunguna ng Research at Filipino Unit ng institusyon.

Infographic ni MARC YURI MADAYAG

g .

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

Scholars’ Day Sa temang “Dream, Believe, Survive”, ipinagdiwang ang Scholars’ Day ng PSHS-CARC nitong Marso 25 na may layong bigyang-daan ang paglilibang sa mga iskolar at pansamantalang pagpapaliban ng mga gawaing pampaaralan. Isa sa mga itinampok nito ay ang taunang initiation, kung saan nagpamalas ng iba’t ibang talento

ang mga iskolar mula ika-7 na baitang. Para sa taong ito, sa halip na magpakitang-gilas ang mga freshmen sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta, bidyo na may natatanging mensahe ang kanilang ibinida. Hindi rin nawala sa pagdiriwang ang samu’t saring birtwal na mga palarong pinangunahan ng mga miyembro ng Student Government (SG) at mga mag-aaral ng SCALE. Ilan sa mga palarong inihanda ay Quiz bee at Blackout Truth or Dare para sa ika-7 na baitang; Scavenger Hunt, Rose and Thorn, at Dream, Believe, Survive naman para sa ika-8 at 9 na baitang; Scattergories, Charades, Read My Lips, Mobile Legends, at Call of Duty: Mobile Tournament para sa mga ika-10; at Guess That Teacher, Bring Me, at Trivia game para sa mga ika-11 at ika-12. Hinirang na kampeon ng Online

ISO Certification, muling natamo ng PSHS-CARC ni DRANEL BUMANGIL

M

uling iginawad ng Société de Contrôles Techniques (SOCOTEC) Certification Philippines, Inc. ang sertipikasyong ISO 9001:2015 sa Philippine Science High School Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC), Disyembre 14, 2020. Nilagdaan ang nasabing sertipikasyon ni G. Gilmore A. Rivera, Operations Director ng SOCOTEC Certification Philippines Inc. matapos

ang matagumpay na surveillance audit na naganap noong Nobyembre 25, 2020. Patunay ang sertipikasyong ito na pasok pa rin ang mga programa at kurikulum ng PSHS-CARC sa kalidad ng International Organization for Standardization (ISO). Nakasaad dito ang sakop ng sertipikasyon na “Delivery of special science education program and support services functions of the organization as follows: Delivery of

Instruction for Secondary Education under DOST-Department of Science and Technology; Student Support Services; Student Affairs Services & Financial and Administrative Services”. Bunsod ng pandemya, isinagawa ang surveillance audit online kung saan nagsumite ang PSHS-CARC sa SOCOTEC ng mga dokumento para kumpirmahing walang nabaling proseso sa manual ng bawat dibisyon. “Maraming paghahanda ang ginawa ng CARC bago ang surveillance

Pictionary FYP category si Sophia Nedima Guinto ng 8-Camia na sinundan nina Andreanna Victoria Bacani at Drew Anna Dela Cruz ng 7-Diamond; sina Robert Nelson Leung ng 12-A, Kathlea Francynn Gawani Yangot ng 12-D, at Vince Sundan sa pahina 3.

PAGDIRIWANG SA TAHANAN. Pinangasiwaan nina G. Murillo at Bb. Magno ang daloy ng kauna-unahang birtwal na pagdiriwang ng Steam Week at Scholars’ Day ng PSHS-CARC, Marso. Larawan mula sa PSHS-CARC Facebook page.

audit kagaya ng pagsasaayos ng mga dokumentong patunay na masusing ginagawa ang mga proseso na nakasaad sa manual ng Curriculum, manual ng Student Affairs, Student Services at Financial and Administrative Services” saad ni Melba Patacsil, Quality Management Representative (QMR) na namumuno sa Quality Management Office (QMSO). Ayon din sa kanya, nagkaroon din ng internal audit kung saan nag-

inspeksyon sa bawat dibisyon ng paaralan at sinuri ang bawat proseso na ginagawa ng bawat empleyado ang mga auditors ng campus na sina G. Jayjay Manuel, Bb. Melissa Ann Kindipan, G. Ariel Barrias, G. Ric Murillo at Bb. Roxanne Doyayag. Nagsagawa rin umano ng mga pagpupulong upang talakayin at matugunan ang mga pangangailangan ng bawat dibisyon.


balita 03

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

Ikalawang Virtual Graduation, ibinida ng PSHS-CARC ni JALLYAH ANGELINE OLIGARIO

I

dinaos online ang pormal na pagtatapos ng Batch 2021 Hiranglaya ng Philippine Science High School - CAR Campus (PSHS-CARC), alinsunod sa mga panuntunan kontra COVID-19 sa bansa, Mayo 25. Pinangunahan ni Dr. Conrado C. Rotor, Jr. ang paggawad ng mga pagkilala at pagbati sa 87 mga iskolar na nagsipagtapos sa isang Premiered Facebook Live sa opisyal na Facebook page ng institusyon. Pinarangalan din ang limang natatanging mga iskolar na nagkamit ng Pinakamataas na Karangalan at 38 na iskolar namang nakatanggap ng Mataas na Karangalan. “Umaasa kaming ipagpapatuloy ninyo ang pagkatuto sa labas ng inyong institusyon,” ayon kay G. Fortunato dela Pena, Kalihim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya at Panauhing Pandangal ng Pagtatapos. Hinikayat din niya ang mga iskolar na tuklasin at abutin ang kanikanilang mga layunin sa kabila ng sitwasyong kinakaharap. Kabilang din sina Philippine Science High School System (PSHSS) Executive Director Dr. Lilia Habacon at Pangalawang

Kalihim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya Dr. Renato Solidum sa mga nagpaabot ng pagbati para sa Batch Hiranglaya. Nabanggit naman ni Robert Nelson Leung, isa sa mga nagkamit ng Pinakamataas na Karangalan, sa kanyang talumpati ang hangaring maging aktibo at mayabong ang kamalayang-panlipunan ng mga nagsipagtapos. Kaugnay nito, nagpahayag din ng pasasalamat at pag-asa ang buong batch sa kanilang mga magulang, kaibigan, at institusyon. “Nanghinayang kami nang sobra nang malamang virtual na lamang ang pagtatapos; subalit alam naming ito ang makabubuti para sa kaligtasan ng lahat,” ayon naman kay Krisandra Mae Serafica, isa rin sa mga nakatanggap ng Pinakamataas na Karangalan.. Tinatayang mahigit 200 na mga iskolar, kawani, at mga magulang ang nagsipagdalo sa ginanap na virtual na pagtatapos. Matatandaang una nang ginanap ng PSHS-CARC ang Virtual Graduation sa Batch Raniag ti Namnama noong nakaraang taon sa parehong kadahilanan.

HINIRANG NA PAGLAYA. Naghatid ng mensahe para sa batch Hiranglaya ng PSHS-CARC si Robert Nelson Leung, Class ‘21 Valedictorian, Mayo 25. Larawan mula sa PSHSCARC Facebook page.

Scholar’s Day... mula sa pahina 2 Emmanuel Peña ng 12-A ang nagwagi sa SYP category. Nagpamahagi rin ang SG ng halagang mobile load sa mga iskolar na nagsipagwagi. STEAM Week Umikot naman sa temang “Regaining Excitement in Science and Technology: Understanding and Living with Pandemic” ang selebrasyon ng STEAM Week ‘21, Marso 20-31. Binuksan ng Filipino Unit ang selebrasyon sa mga patimpalak gaya ng Mobile Photography, Digital Poster Making, at Digital Slogan Making. Nagwagi sa Mobile Photography sina Erlyn Marie Ganga ng 11-A, Jallyah Angeline Oligario ng 11-B, at Krisandra Mae Serafica ng 12-E; sina Zyann Rubi Omadlao ng 9-Helium, Amanda Michelle Fababeir ng 10-Photon, at Jonimir Gail Zamora ng

10-Graviton sa Digital Slogan Making; Shanley Valenzuela ng 11-D, Kathlea Yangot ng 12-B, at Lance Rimando ng 12-E sa Digital Poster Making; Solborn Balawas ng 9-Beryllium, Kagan Lidua ng 10-Gluon, at Amanda Fababeir ng 10-Photon sa Essay Writing; at 9-Lithium para sa Jingle Making. Kaugnay nito, ibinida rin ng mga iskolar mula Senior Year Program (SYP) ang mga pananaliksik sa iba’t ibang sangay ng agham at matematika sa taunang selebrasyon ng Research Congress. Ilan sa mga nagwaging pangkat sa kategoryang Life and Physical Sciences ay sina Trisha Joyce Calosing at Kathlea Francynn Gawani Yangot para sa Best Poster; Maita Isabel Andres, Lanz Andre Kristoff Flores, at Adrien Keith Macusi para sa unang gantimpala sa Best Research Project. Sa kategoryang Applied Sciences naman, nanalo ng Best Poster at Top

PARA SA BAYAN. Kabilang sa mga tumalakay ng iba’t ibang usaping panlipunan sina G. Perci Antalan, Sen. Risa Hontiveros, Atty. Jose Diokno, at Hon. Maria Lourdes Sereno sa programang GustoMoYouth, Abril. Larawan mula sa GustoMoYouth Facebook page.

GustoMoYouth, naghatid ng mensahe sa kabataan

nina AMBEROSE LENOR DE GUZMAN at MARC YURI MADAYAG Sunod sa layuning imulat ang kabataan sa mga isyung panlipunan, nagsagawa ng serye ng seminar ang programang GustoMoYouth, Abril 2021. Inorganisa ang nasabing programa ng grupo ng mga mag-aaral mula sa ika-12 na baitang na kinabibilangan nina Jullia Amoira Patol, Victor Coronel, Kyra Gonzales, Julia Coroña, at Danielle Gayaman, na ginanap sa mga platapormang Discord at Facebook. Binuksan ang talakayan sa kabataan ng iba’t-ibang sektor, kabilang na ang mga mag-aaral ng Philippine Science High School - Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC). Nahati ang serye ng mga seminar sa dalawang bahagi, ang unang sesyong isinagawa noong Abril 2, at ang ikalawa naman noong Abril 12. Tinalakay ng mga piling tagapagsalita sa programang ito ang mga sosyo-ekonomikong paksa upang makatulong at maging maalam ang bagong henerasyon ng botante. Sa unang bahagi ng programa, nagsilbing unang tagapagsalita si G. Perci Intalan, isang direktor at manunulat, at presidente ng The IdeaFirst Company. Tinalakay niya ang kaniyang mga karanasan bilang direktor at prodyuser. Ipinaliwanag niya

5 Finalist sa Best Research Project ang saliksik nina Ezekiel Aquino, Moses Luke Ballecer, at Grandemir Baysa-Pee; nasungkit naman nila Lanz Anjelo Conanan, Robert Nelson Leung, at Lance Rimando ang unang gantimpala para sa Best in Research Project.

rin sa kaniyang diskurso ang tungkulin ng kabataan sa lipunan. Naimbitahan din si Samira Gutoc, isang mamamahayag, aktibista, at isa sa 500 Most Influential Muslim ng Georgetown University, upang ibahagi ang kaniyang pakikipagsapalaran bilang katutubong mamamahayag. Nagbigay si Gutoc ng mga pananaw ukol sa youth empowerment sa mga tagapakinig. Sa huling bahagi ng unang sesyon, ibinahagi naman ni Bise-presidente Leni Robredo, sa pamamagitan ng isang video message, ang kaniyang mensahe para sa mga mag-aaral ng PSHS-CARC ukol sa potensiyal at responsibilidad ng bagong henerasyon ng mga botante. Binuksan ni Marlene de Castro, kinatawan ng alkalde ng Baguio na si Hon. Benjamin Magalong, ang ikalawang sesyon kung saan binigyang-diin niya ang importansya ng pakikibahagi ng kabataan sa mga komunidad para sa pag-unlad ng lipunan. Mensahe ni de Castro sa kabataan, “Gamitin ang social media para sa komunikasyon at para pag-usapan ang mga isyung kinaapektuhan ng komunidad.” Sinundan ito ng talakayan kasama ang dating punong mahistrado ng

I-scan ang QR code upang ma-access ang GustoMoYouth Facebook page

Korte Suprema, Maria Lourdes Sereno. Hinikayat ni Sereno ang mga tagapakinig na makibahagi sa mga nangyayari sa bansa at bumoto nang wasto sa darating na halalan. Ayon kay Sereno, “Malaking pwersa ang kabataan. May karapatan ang kabataan na makiisa sa komunidad o sa barangay.” Marami umanong paraan upang makibahagi ang kabataan sa lipunan tulad ng paglahok sa mga Non-Government Organization (NGO). Inihatid naman ni senador Risa Hontiveros ang kaniyang panayam sa isang video message. Pangaral niya sa mga tagapakinig, “pagyamanin niyo ang inyong kaalaman at kakayahan upang mangyari ang pagbabagong ninanais.” Nagwakas ang programa sa talakayan kasama si Chel Diokno, isang tanyag na abogado, guro, at nagsisilbing chairperson ng Free Legal Assistance Group (FLAG). Kaniyang ibinahagi ang kaniyang karanasan noong diktaduryang Marcos at ang rason kung bakit siya naging human rights lawyer. Ibinahagi ng mga tagapangasiwa ang recording ng mga ginanap na webinar sa kanilang Facebook page na Gusto mo Youth.

ISKO TIME. Inilaan sa pagpapaunlad at pagpapamalas ng iba’t-ibang kakayahan ng mga iskolar ang selebrasyon ng PSHSCARC Research Congress, STEAM, at Scholar’s Day 2021, Marso. Mga larawan mula sa PSHS-CARC Facebook page.


04 balita

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI Bakuna...mula sa pahina 1.

BAGSIK NG PISAY. Itinanghal na kampeon ng Philippine Schools Debate Championship sina Mark Joshua Daquipil at Robert Nelson Leung sa patnubay ni G. Dennis Basal, Abril. Larawan mula sa Pisay Baguio.

PISAY, HUMAKOT NG PARANGAL SA MGA PATIMPALAK ni LEA ANGELI CUADRA Nagpakitang-gilas ang mga iskolar ng Philippine Science High School - Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC) sa iba’t ibang patimpalak sa loob at maging sa labas ng bansa sa katatapos lamang na Akademikong Taong 2020-2021 sa kabila ng online setup sa kalagitnaan ng pandemyang dulot ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19.) Pinarangalan ang pangkat na “17:45” na binubuo nina Lea Angeli Cuadra, Gabriel Matthew Nacubuan, Maria Cecilia Soriano, Rizza Mae Lim, at Mennith Resuello bilang ikalawang gantimpala sa 32nd Mathematical Sciences Week Short Film Competition sa kanilang maikling pelikulang pinamagatang “Gotcha” sa ilalim ng pamamatnubay ni Gng. Roxanne Doyayag, Oktubre 23, 2020. Sunod namang nagwagi si Robert Nelson Leung bilang open debate champion ng Taiwan Schools Debate Challenge na ginanap noong Nobyembre 22, 2020. Sa larangan naman ng Sipnayan, nagkamit sina Chris Magdalene dela Cruz, Viany Rhese Calaunan, at Andrea Victoria Bacani ng mga tansong medalya at sina Leung at Aldred Alvarado ng mga pilak; samantalang final round qualifier naman sina Jyrhen Sales at Von

Drake Ancheta sa ilalim ng kanilang mga tagasanay na sina G. Dexter Indong, G. Ric Joseph Murillo, Gng. Maria Cecilia Bastian, Bb. Freda Chayuwan, at G. Jimvileo Quesada sa 2020 International Youth Math Challenge (IYMC) na inilunsad mula Oktubre 11, 2020-Disyembre 9, 2020. Ginawaran naman ng ikalimang gantimpala ang pangkat nina Cuadra, Lim, at Resuello sa tulong nina Marc Yuri Madayag at Mark Joshua Daquipil at sa ilalim ng pamamatnubay ni Bb. Gineth Grace Calis sa kanilang obrang “The Nuclear Power” para sa 2020 Nuclear Video Making Contest ng Department of Science and Technology - Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI), Disyembre 11, 2020. Pasok naman sina Leung, Robin Tejero, Shari Dalan, at Erlyn Marie Ganga sa top 55 ng elimination round ng Philippine Biology Olympiad na inilunsad noong Disyembre 12,

2020; samantalang pasok sa top 20 si Tejero sa semi-finals ng parehong kompetisyon na ginanap naman mula Enero 16 hanggang Pebrero 7. Umusbong naman bilang nangungunang katimpalak ng Cordillera Administrative Region (CAR) si Juan Miguel Sebastian Orille sa qualifying stage ng 23rd Philippine Mathematical Olympiad, Pebrero 12. Nakamit naman nina Daquipil at Leung ang kampyeonato sa Philippine Schools Debate Championship (PSDC) 2021 ng Ateneo Debate Society (ADS) kung saan pinarangalan bilang 7th best speaker si Daquipil at overall best speaker si Leung sa ilalim ng pamamatnubay ni G. Dennis Basal Jr., Abril 10-11. Muling nagwagi bilang debatista si Leung sa 7th OLDHAM CUP 2021 International League nang makamit ang overall best speaker at best reply speaker sa patimpalak na ito noong Abril 30-Mayo 2.

Plano ng pamahalaan Enero ngayong taon,inilabas ng pamahalaan ang “The Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19 Vaccines” kung saan nakasaad ang kanilang plano hinggil sa bakuna kontra COVID-19 at ang paglulunsad nito. Ayon sa plano, ang operasyong ito ay magkakaroon ng pitong hakbang: Scientific Evaluation and Selection, Access and Acquisition, Procurement and Financing, Shipment and Storage, Distribution and Deployment, Implementation of Nationwide Vaccination, Assessment and Monitoring, at Evaluation. Nahati ang mismong paghahatid ng bakuna sa apat na parte na nakaayos ayon sa kung sino ang mas nangangailangan na nakakategorya sa grupong A hanggang C. Sa unang bahagi o ang “mini rollout”, ginamit ang mga unang bakunang ipinagkaloob ng COVAX facility at Tsina upang unahing bakunahan ang grupong A1.1-A1.3 o mga medical frontliner mula sa mga ospital sa bansa na may pinakamataas na kaso ng COVID-19. Pinagtuunan naman ang mga grupong A1.4-A5 o ang “vulnerable sectors and economic frontliners” sa ikalawang bahagi ng implementasyon kung saan kabilang ang mga natitirang medical at non-medical frontliner, mga senior citizen, mga may malubhang karamdaman, mga indigent, at uniformed personnel tulad ng mga pulis at militar. Inaasahan naman sa pangatlong bahagi ang pagsisimula ng “massive rollout” sa huling bahagi ng 2021 at prayoridad ang mga grupong B1-B6 na kinabibilangan ng mga guro, social workers, mga empleyado ng gobyerno, mga may kapansanan, at mga estudyante. Sa mga susunod na buwan, target ng gobyernong mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino sa mga numero

ResBakuna sa Kordilyera

kumpara sa kasalukuyang mahigit 2.45 milyon nang nakatanggap ng unang dose. Pagbabakuna sa Cordillera Kaugnay ng plano ng gobyerno, nagpatupad rin ng sariling programa ang Cordillera Administrative Region (CAR) alinsunod sa programa ng Kagawaran ng Kalusugan na “Resbakuna”. Pinamunuan ng Regional Task Force Vaccination Operations Cluster ang aksyong ito na nasa ilalim ng Department of Health Center for Health and Development ng Cordillera (DOH – CAR). Dumating ang unang batch ng bakunang Sinovac na may 1100 doses para sa buong CAR sa Baguio City General Hospital and Medical Center (BGHMC), kung saan may mataas na kaso ng COVID-19, noong Marso 5. “This is a very momentous day for all of us, not only for BGH and Baguio but for all of Cordillera (Napakahalaga ng araw na ito para sa ating lahat, hindi lamang para sa BGH at Baguio kundi para sa lahat ng Cordillera)” saad ni DOH-CAR Director Dr. Ruby C. Constantino matapos pangunahan ang pagbabakuna sa 138 na healthcare workers ng BGHMC na unang nakatanggap ng bakuna sa buong CAR. Sa kasalukuyan, 45,790 na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna sa buong CAR at 17,619 naman ang nakatanggap na ng pangalawang dose. Inaasahan na ngayong mabakunahan ang mga nasa priority group A3 o mga may dalawa o mas marami pang sakit at mga may malubhang karamdaman. Ayon naman sa National Economic and Development Authority (NEDA), nakatakda nang mabakunahan ang priority group A4 o mga non-medical frontliner mula sa pampubliko at pribadong sektor sa darating na Hunyo. First Dose

155,065

Bilang ng mga nagpabakuna kontra COVID-19 sa rehiyon.

Second Dose

76,644

*Datos noong Hulyo 10, 2021. Mula sa DOH-CAR

Munting paalala mula sa Ang Kaigorotan

PSHS-CARC, nagsagawa ng Voter’s Education Program ni VANESSA CATUNGAL

ANG NA LAM

Disenyo mula sa freepik.com

Bunsod ng nalalapit na 2022 national elections, nag-organisa ng webinar ukol sa Voter’s Education Program ang PSHSCARC Student Government sa tulong ng Jose W. Diokno Foundation, Mayo 10. Isinagawa ng PSHS-CARC SG at Jose W. Diokno Foundation ang webinar sa Zoom, na may layuning palawakin ang kaalaman tungkol sa pagrehistro, pagboto, at paggawa ng mga desisyong makaaapekto sa kalagayan ng bansa. Ipinaabot ang imbitasyong sumali sa mga mag-aaral ng baitang 11 at 12, kabilang na ang mga empleyado ng PSHS-CARC na interesadong makinig sa usapin. Opisyal na binuksan ni Campus Director, Dr. Conrado C. Rotor Jr.

ang programa at nagbigay-mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagboto ng kabataan. Pinangunahan naman ni Bb. Shebana Alqaseer ng Diokno Foundation ang unang talakayan, kung saan binanggit ang dahilan at importansya ng Voter's Education. Nagkaroon din ng diskusyon hinggil sa mga saloobin sa pagboto at pagrehistro bilang isang botante. Sa ikalawang talakayan, ibinahagi ng Diokno Foundation ang mga detalye tungkol sa kahalagahan ng pagpaparehistro bilang isang botante at ang proseso nito. Binigyang-diin din ng mga ito na hindi lang dapat bumoto dahil sa karapatan at obligasyon, kung hindi dahil para rin sa kinabukasan ng nakararami. Ayon kay Bb. Alqaseer, ang mga indibidwal na edad 18 at pataas bago

ang eleksyon sa Mayo 2022 ay maaari nang magparehistro, kung hindi naman umabot sa edad na nabanggit, maaari pa ring bumoto para sa eleksyon ng Sangguniang Kabataan (SK). Nagbigay din ng ilang links ang Diokno Foundation para sa mga dokumentong kakailanganin sa pagproseso ng pagpaparehistro online. Nagtapos ang webinar sa ilang mensahe mula sa mga tagapagorganisa, kung saan sila nagbahagi ng karanasan bilang mga kasapi ng Diokno Foundation at bilang rehistradong botante ng bansa. Bukas pa rin ang pagpaparehistro para sa nalalapit na Mayo 2022 National Elections hanggang Setyembre 30, 2021.


MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

opinyon

OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - KORDILYERA

ANG KAIGOROTAN | TOMO IX BLG 1

EDITORYAL

PAYASO O PANGULO Tila mga coral reef na patuloy na nasisira ang pag-asa ng mga Pilipinong mangingisda sa bawat salitang binibitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Muling uminit ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS) nang makita ang tinatayang 240 Chinese militia vessels dito noong Abril 14. Kasunod nito, sunod-sunod na isyu na ang lumutang kaugnay ng WPS. Sa kabila nito, hindi nakikitaan ng sapat na aksyon ang gobyerno upang maprotektahan ang pagaari ng Pilipinas. Patuloy na nadidismaya ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pagpanig ni Duterte sa Tsina. Sa tuwing nababanggit ang usapin sa agawan ng teritoryo, laging niyang idinadahilan na mas malakas ang militar ng Tsina at matatalo lamang ang Pilipinas kung magkakaroon ng giyera. Makailang beses na itong pinabulaanan ng mga eksperto. Ayon kay Renato de Castro, isang International Studies professor ng De La Salle University, matatalo lamang ang Pilipinas kung hindi nito ipaglalaban ang pinagaagawang teritoryo. Pahayag din ng dating Foreign Affairs Secretary na si Albert Del Rosario, hindi magiging isang giyera ang pagtatanggol sa karapatan ng bayan. Isa lamang itong paraan ng Tsina upang masindak ang Pilipinas at upang tahimik nitong makamkam ang West Philippine Sea. Makikitang gumagana ito dahil nababahag na ang buntot ng pangulo at hinahayaan lamang ang Tsina na makuha ang WPS. Iginiit din ni Duterte na malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa Tsina at isa na rito ang mga supply ng bakuna laban sa COVID-19. Nakatanggap din ng mga bakuna ang bansa mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) ngunit

hindi naman ganito kainit ang pasasalamat na ipinapakita ng pangulo. Hindi rin dahil sa nagbigay ng donasyong bakuna ang Tsina sa atin ay ibibigay na natin sa kanila ang parte ng ating teritoryo. Sa kanyang address para sa mga Pilipino noong Mayo 5, sinabi niyang papel lamang at walang halaga ang desisyon noong 2016 sa Permanent Court of Arbitration o mas kilalang Hague ruling. Dagdag pa niya, dapat lamang itong itapon. Sa Hague ruling, ibinasura ang pag-angkin ng Tsina sa West Philippine Sea. Ayon pa rito, walang legal na basehan ang pang-aangkin ng Tsina sa nasabing teritoryo. Isang malaking tagumpay ang pagpabor na ito sa Pilipinas. Sa pagmamaliit ni Duterte sa desisyong ito, kanya na ring itinapon ang pinakamalakas na sandata ng bansa upang madepensahan ang teritoryo nito.

patnugutan 2020-2021

JALLYAH ANGELINE OLIGARIO Punong Patnugot

MARC YURI MADAYAG

Kawaksing Patnugot - External

MARIA CECILIA SORIANO

Kawaksing Patnugot - Internal

mangingisdang Pilipino. Kamakailan lang, hinarang ang mangingisdang si Larry Hugo malapit sa Pag-asa Island. Isa lamang ito sa patuloy pang dumaraming bilang ng harassment ng China Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa WPS. Dapat nang

“ ”

ang ikinabubuhay at ikabubuhay ng maraming Pilipino. Hindi isang duwag payaso ang kailangan ng mga Pilipino kung hindi isang pinunong poprotektahan ang ating mga pag-aari at karapatan. Hindi inaasahan ng Pilipinas na sasakay ang pangulo ng jetski at iwawagayway ang watawat ng Pilipinas sa WPS. Ang inaasahan ng bayan ay paninindigan niya ang kanyang pagtindig laban sa pag-angkin ng Tsina sa WPS. Kabi-kabilang proyekto at aksyon para sa mga coral reef ang nakikita sa iba’t ibang non-government organization. Ngayon, hindi sapat na mga mamamayan lamang ang kumilos. Kailangang-kailangan ng Pilipinas ang mga pinunong titindig at gagawa ng hakbang, para sa coral reefs man o sa kabuuan ng WPS. Dapat gawin ng pangulo ang kanyang tungkulin dahil tiwala, pag-asa, at kinabukasan ng Pilipinas ang nakasalalay sa usaping ito.

Hindi nakikitaan ng sapat na aksyon ang gobyerno upang maprotektahan ang pag-aari ng Pilipinas. Sa kanyang ginagawa, isinasantabi lamang niya mga pinakaapektado sa usaping ito—ang mga mangingisdang Pilipino. Enero nitong taon, nagpasa ang Tsina ng Chinese Coast Guard Law na pumipigil sa mga aktibidad ng mga dayuhan sa South China Sea. Sa Chapter 3 ng nasabing batas, pinahihintulutan nito ang Chinese Coast Guard na gumamit ng kahit anong paraan, maging ang paggamit ng mga armas, laban sa mga dayuhang makikita sa nasabing dagat. Palalalain ng batas na ito ang banta sa kaligtasan ng mga

kumilos ang mga opisyal dahil hindi karapat-dapat na makaramdam ng takot ang mga Pilipinong mangisda sa ating sariling teritoryo. Patuloy na inaangkin ng Tsina ang WPS dahil mayaman ito sa yamang-dagat at sa langis. Ayon kay Robert Kaplan, isang geopolitical analyst, nasa 10% ng global landed catch ang makikita sa WPS. Tinatayang mayroong pitong bilyong bariles ng langis at 900 trilyong cubic feet ng natural sa ilalim nito. Kaya naman lalo pa natin itong dapat ipaglaban dahil dito nagmumula at magmumula

LEA ANGELI CUADRA MARIAN PAULEEN VIDA PORTUGUEZ Tagapamahalang Patnugot

DRANEL BUMANGIL Patnugot sa Balita

VANESSA CATUNGAL Patnugot sa Lathalain

MARIAH TRENYCE CO Patnugot sa Agham

BIANCA JANELLE ANAS SOLBORN BALAWAS Patnugot sa Isports

LEA ANGELI CUADRA MARC YURI MADAYAG GABRIEL MATTHEW NACUBUAN Tagapaglapat at Disenyo

AMBEROSE LENOR DE GUZMAN FRANKIE SUBALA Dibuhista

FRANCIS ANDREA ALOG PRECIOUS SIE SAHAGUN JANVHER AUDREY SAGARIO IRA VERNIZE ESTANDIAN REYA NIKOLE MARYELLA SIOJO MARON KEITH VALDEZ Istaf NEIL GERSON ALVAREZ Taga-ambag

ISAAC ALI TAPAR Tagapayo


06 opinyon

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

GUMUGUHONG EDUKASYON

EDITORYAL Paggawa ng isang kastilyong buhangin ang pagbabalak ng Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ang susunod na akademikong taon sa estado ng edukasyon ngayon.

ng pera. Isa pang dahilan ay kawalan ng oras ng mga magulang. Dahil abala ang mga magulang sa paghahanapbuhay lalo na sa panahong ito, wala silang oras na turuan ang mga anak nila. Posible pang madagdagan ang bilang ng mga titigil kung mamadaliin ng DepEd ang pagbubukas ng susunod na akademikong taon.

Inanunsyo ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio ang balak ng kagawarang simulan ang akademikong taong 2021-2022 sa Agosto 23. Kung matutuloy ito, anim na linggo lamang sa halip na dalawang buwan ang haba ng bakasyon ng mga estudyante at guro.

Nakakapagpatuloy man ang iba sa pag-aaral, hindi pa rin mawawala ang mga problema. Marami sa mga mag-aaral ang kulang pa rin sa mga kagamitan. Marami sa mga

Ipinakikita nito ang pagiging pabaya ng gobyerno sa mga estudyante lalo na sa mga napilitang tumigil sa akademikong taong 2020-2021.

Ipinakikita nito ang pagiging pabaya ng gobyerno sa mga estudyante lalo na sa mga napilitang tumigil sa akademikong taong 2020-2021. Para sa taong ito, 25.04 milyong estudyante lamang ang enrolled sa mga pampubliko, pampribado, mga unibersidad, at kolehiyo. Mas mababa ito kumpara sa 27.7 milyong estudyante sa taong 2019-2020.

Ayon naman kay Commission on Higher Education (CHED) Chair Prospero de Vera III, mayroon nang polisiyang nagsasabing ipagpapatuloy na ang flexible learning. Maraming napilitang tumigil dahil sa kawalan

estudyante ang walang maayos na espasyo sa kanilang tahanan upang makapag-aral nang maayos. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga iskolar sa ika-11 baitang ng Philippine Science High School - Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC), 51.3% ng mga estudyante ng PSHS-CARC ang walang maayos na espasyo para sa pag-aaral sa kanilang mga tahanan. Hindi rin mawawala ang usapan sa internet. Ayon sa parehong pagaaral, dalawa sa sampung iskolar ang walang maayos na connection sa internet at kadalasang gumagamit lamang ng cellular data connection

Naglahong pagkakakilanlan MARC YURI MADAYAG

Inaprubahan na ni Mayor Benjamin Magalong ang plano ng SM corporation sa rehabilitasyon ng pampublikong pamilihan ng lungsod ng Baguio, Oktubre 2020. Sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon nito, tila maglalaho ang mukha ng lungsod. Hindi maikakaila na ang stone market ng lungsod ay isang natatanging heritage na nakatirik pa rin ilang dekada na ang lumipas. Mayroon mang ilang isyung kailangang solusyunan tulad ng problema sa sewage at espasyo, hindi kailangang gawing moderno ang buong pamilihan. Ang mga may-ari ng mga pwesto ang may kontrol sa kanilang mga negosyo. Sa pagpasok ng mga malalaking kumpanya, sila ang magdidikta sa daloy ng negosyo rito. Dahil malaki ang gagastusin sa pagpapaunlad ng pamilihan, mas tataas ang renta ng mga nagtitinda. Sa halip na malaki ang kanilang kikitain, mababawasan pa ito dahil sa kanilang bayarin sa korporasyon. Bukod dito, sa halip na isama ang mga vendor sa pagpaplano,

Para naman sa mga wala talagang internet, mayroong ipinamimigay na printed modules at mayroon ding ipinalalabas na lectures sa mga telebisyon. Ngunit hindi pa natitiyak na lahat ng mga impormasyon sa mga module at lecture video na inilalabas ay tama. Ayon sa isang survey na isinagawa ng Safe, Equitable, Quality, and Relevant Education (SEQuRe Education Movement) noong Nobyembre hanggang Disyembre 2020, apat sa 10 estudyante ang nakakita ng mga pagkakamali sa mga module na ginagamit nila.

kumpiyansang sapat ang learning competencies na itinakda ng DepEd sa ilalim ng distance learning. Kung ang mga guro na ang nagsasabi nito, dapat na pakinggan na sila.

ng pamahalaan ang sistema ng pagbabakuna, lalo na’t nasa Phase B1 pa ang mga guro at Phase C pa ang mga estudyante sa listahan ng mga prayoridad sa pagbabakuna.

Bukod pa sa mga suliraning ito, malaking problema rin ang dulot ng distance learning sa pangkalusugang mental ng mga estudyante, guro, at mga magulang.

Isang taon nang ipinagpapatuloy ng mga estudyante ang kanilang edukasyon sa ilalim ng sistemang distance learning. Dapat ay gamitin ng DepEd na basehan ang mga karanasan dito upang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Hindi maikakailang kailangan pang manatili ng mga estudyante sa kani-kanilang tahanan upang hindi na dumagdag sa lumolobo pang bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ngunit hindi rin maitatagong kailangan na ring bumalik ng mga estudyante sa face-to-face classes upang mas maging epektibo ang kanilang pag-aaral. Kaya naman, kailangan nang bilisan at ayusin

Hindi tiyak kung kailan matatapos ang pandemyang nararanasan. Sa kabila nito, huwag din sanang hayaang magkaroon ng marupok na pundasyon ang edukasyon ng mga kabataan, lalo na’t ito rin ang kanilang gagamitin upang mapaunlad ang bansa balang-araw.

Base pa sa nasabing survey, 70.9% ng mga guro ang hindi

IGOROTAK

SIPATLAWIN

Tila pagkitil sa isang natatanging identidad ng lungsod ang modernisasyon ng Baguio City Public Market.

upang makadalo sa kanilang synchronous classes. Hindi lamang sa synchronous classes magagamit ang internet. Kailangan din ito upang magkaroon ng access ang mga mag-aaral sa ibang learning materials na kinakailangan nila. Bukod pa rito, hindi maiiwasang kailanganin ito ng mga mag-aaral lalo na sa ibang takdang-aralin at proyekto nila tulad ng pananaliksik.

tila mga korporasyon lamang ang kinokonsidera ng administrasyong Magalong. Ipinapakita lamang nito na mas pinapaburan ng administrasyon ang mga malalaking kumpanya kaysa sa sarili nitong mga mamamayan. Marahil isa sa mga dahilan sa likod ng proyektong ito ay ang pagpapaunlad ng turismo. Mas makakaakit ng mga investor at turista ang modernong pamilihan at maganda ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng lungsod. Ngunit, isa na ang pamilihang ito sa mga dinadayo ng turista sa lungsod ng Baguio. Isa ito sa mga pasilidad na income-generating kung kaya hindi na kinakailangang gawin itong engrande. Mas maiging pagtuunan ng mas maraming pansin ang ibang problema ng lungsod tulad ng trapiko at pagpuputol ng puno. Maaaring gamitin ang pondong nakalaan dito para sa mga mas sustainable na proyekto. Mas isipin pa sana ng administrasyon kung ito ang kailangan ng lungsod sa panahong ito. Kapakanan dapat ng mga mamamayan ng Baguio ang unahin sa halip na ilagay sa kamay ng mga korporasyon ang lungsod at tuluyan nang mawala ang natatangi nitong identidad.

Karunungan o Kalusugan?

Mamili ka! G. NEIL GERSON ALVAREZ

Pangkaraniwang araw man kung ituring ang Marso 12, 2020 ng nakararami, ngunit para sa akin, isa ito marahil sa mga araw na hindi ko malilimutan. Sa araw na ito nagsimulang magbago ang lahat sa aking paligid. Sino ba namang mag-aakalang ang executive order para sa sampung araw na pagsususpinde ng klase ay tatagal nang mahigit isang taon hanggang sa kasalukuyan? Hindi maipagkakailang isa ang sektor ng edukasyon sa mga lubos na napuruhan ng krisis dala na ng nga samu’t saring paghihigpit na dulot nito. Dahil dito, ang makabagong teknolohiya ang siyang naging sandalan ng karamihan sa mga paaralan bilang “pinakaepektibong” paraan upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon. Napapansin din nating isa sa mga tila pinakapaboritong paksa ng media at maging sa mga pang-araw araw na diskurso ay ang magiging daloy ng new normal sa bansa. Sa mundong pinatatakbo ng makabagong teknolohiya, naging kapanipakinabang ang internet sa

pagpapatupad ng blended learning sa sistema ng edukasyon sa bansa. Sa ganitong bagong moda ng edukasyon, naipagpapatuloy pa rin ng mga mag-aaral ang pagtanggap ng edukasyon kahit pa sa gitna ng pandemya. Ngunit, batid naman nating malayo ang ating lipunang kinatatayuan mula sa isang utopian society. Nakasalalay sa masusing pagpaplano, paghahanda, dedikasyon, at pagkadalubhasa ang pagtataguyod ng ganitong uri ng edukasyon. Ilang mga paaralan kaya ang nag-ukol ng bahagi ng kanilang annual budget para sa mga kagamitan at pagsasanay sa pagasang magiging epektibo ang isang bagong pamamaraan ng pagkatuto sa panahon ng pandemya? Wala tayong nakikitang ibang epektibong pamamaraan ng pagtuturo, kung kaya at tila napipilitan tayong maging katuwang ang blended learning upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon. Ngunit, ang ganitong uri ng sistema ay nangangailangan ng malawakang pagbabago sa sektor ng edukasyon. Hindi rin naman tiyak na sing-epektibo ng blended learning

ang pagkatutong ihinahain ng faceto-face. Isa pa, ang bagong sistema ng edukasyon ay pumapabor lamang sa mga pamilyang may sapat na kakayahang pampinansiyal. Hindi dapat balewalain ng gobyerno ang mga hinaing at saloobin ng mga mamamayan sa usapin ng pagkatuto. Dagdag pa, sa halip na madaliin ang pagpapatuloy ng edukasyon sa ganitong moda, dapat ay mas pagtuunan ng pamahalaan ang pagpapatibay sa mga programang pangkalusugan sa bansa, bilang nasa gitna pa rin tayo ng isang pandemya. Dapat nitong isaalang-alang ang pangkalahatang dulot ng peligro na maaaring dala ng sitwasyon sa mga mag-aaral at guro. Nasa paligid-ligid pa rin ng ninuman ang pandemya, at wala pang nakaaalam kung kailan ito magwawakas. Maaari nating buksan ang ating mga paaralan kapag may kasiguraduhan nang hindi makokompromiso ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro. Sa mga pagsubok sa panahong ito, mas mahalaga ang kalusugan kaysa sa edukasyon sa gitna ng isang pandemya.


opinyon 07

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

MINALTRATONG KALUSUGAN Mamumuti muna ang uwak bago makaalpas ang Pilipinas mula sa pandemya. Mahigit isang taon na mula nang pormal na ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng malawakang lockdown sa buong Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao bilang tugon sa lumolobong kaso ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19). Naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa na isang 39-taong gulang na Chinese National mula Tsina bago pa ipatupad ang malawakang travel ban, Enero 2020. Sa kasalukuyan, lumobo na sa mahigit isang milyong kaso nang may 50,000 active cases at 20,000 kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dulot ng pandemya; nag-umpisa na rin ang pagpasok ng iba’t ibang bagong variant gaya ng B1617 mula India at B.1.1.7 mula United Kingdom. Kung tutuusin, mapipigilan sana ang tuluyang paglala ng lagay ng pandemya kung inuna lamang ng administrasyon ang isolation sa halip ng pakikipagkaibigan nito sa mga karatig-bansa.

malawakang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa mga probinsya ng Luzon. Ito umano ang magbibigay-daan upang mapatag ng bansa ang COVID-19 curve, ayon sa isang panayam kay Dept. of Health Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, Abril 2020. Ilang buwan ang lumipas, nagpalipat-lipat lamang mula ECQ hanggang GCQ, MECQ, at MGCQ ang bawat rehiyon, lalong-lalo na ang National Capital Region (NCR) — lahat may iba-ibang kahulugan, panuntunan, at ipinapataw na kaparusahan. Sa mahigit isang taong pagpapatupad ng quarantine, walang patag na COVID-19 curve ang maaninag; bagkus, patuloy lamang ang naging paglobo ng bilang ng mga kaso at nasawi, nahinto ang operasyon ng mga negosyo at trabaho, at naitala ang pinakamataas na 9.5% GDP drop sa ekonomiya ng bansa. Kung sinamahan sana ng malawakang pagpapaigting sa mga pasilidad pang-kalusugan at pamamahagi ng alternatibong

pagkakakitaan sa halip na pinagtuunan ng buong pansin ang pwersang militar, mas naging makabuluhan ang lahat ng buwan ng pananatili sa apat na sulok ng tahanan. Sa inilatag na plano ng gobyernong tugon sa pandemya, naitala ang mahigit-kumulang 2.7 trilyong pisong halaga ng salaping

Sa mahigit isang taong pagpapatupad ng quarantine, walang patag na COVID-19 curve ang maaninag.

naidagdag sa utang ng bansa nitong nakaraang taon. Kaugnay nito, umabot na sa mahigit Php 10.4 trilyon ang kabuuang utang ng bansa, ayon sa tala ng Bureau of Treasury nitong Marso. Inaasahang nakalaan ang trilyon-trilyong salaping ito sa

mga programa at pasilidad pangkalusugan, pati na rin sa pagbili ng mga bakuna para sa mga frontliner at mamamayang Pilipino. Subalit, tanging ang pagtambak lamang ng dolomite sand sa Manila Bay ang naging hakbang ng administrasyon upang mapaigting umano ang mental health ng mga mamamayan sa lugar. Dagdag pa rito, karamihan sa mga dumating na bakuna sa bansa ay mula sa donasyon ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility ng World Health Organization at Tsina. Kung susuriin, tila hindi naman napupunta sa kapakanan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan. Tunay, inilunsad na ng administrasyon ang National Vaccination Program para sa mga Pilipinong kabilang sa A1 hanggang A3 lebel ng prayoridad noong Marso. Ayon pa sa isang panayam kay DOH Secretary Francisco Duque III nitong buwan, inaasahang maaabot ng bansa ang herd immunity sa pagtatapos ng taon hanggang sa unang bahagi ng 2022.

EDITORYAL Sa kasalukuyan, higit 990,000 pa lamang ng buong populasyon ang fully vaccinated at nasa 3.3M naman ang nakatatanggap ng unang dosage. Kung susumahin, tinatayang aabutin ng 10.7 taon ang kinakailangan upang maabot ng bansa ang herd immunity, lalo na’t ang kasalukuyang bilang ng nabakunahan sa isang linggo ay naglalaro lamang sa 100,000 hanggang 160,000 libong katao. Hindi kakayanin ng ekonomiya ng bansa ang mahigit isang dekada ng recession. Kung magpapatuloy ang ganitong antas ng prayoridad sa pagbabakuna, hindi malayong tuluyang bumagsak ang ekonomiya at estado ng pamumuhay sa Pilipinas, idagdag pa ang tila nabubuwag na ring sistema ng kalusugan. Isang taon man ng pandemya ang lumipas, tila hindi pa rin nakikitaan ng (sense of urgency) at pagmamalasakit ang administrasyon sa kalagayan ng mga mamamayan nito; sapagkat kung ito ang tunay na prayoridad ng mga nasa posisyon, matagal nang nagwakas ang krisis ng kalusugan. Hindi malulutas ng isang bigong agarang solusyon ang pandemya; bagkus, ang kailangan ng mga mamamayan ay isang lohikal at makataong tugon mula sa administrasyon.

Umpisa pa lamang, tila wala na sa kapakanan ng mamamayan ang tuon ng gobyerno. Marso nang umpisahang ipatupad ng Pangulo ang

Liham sa Patnugutan Nicole Ann Eslava Napakasaya ng aking puso dahil hindi ko lubos maisip na ako ay magtatapos na. Mayroon lamang akong nais iparating pa sa publikasyong ito na sana’y mabigyang pansin. Unang-una ay ang pagsusulong ng mental health sa ating paaralan. Kung tama ang aking pagkakatanda, mayroong ilang zoom conferences at homeroom activities na nailaan para rito. Sa aking palagay, kaya naman dumali sa ilan ang online set-up ay sapangkat tinanggap na lamang nila na wala nang ibang paraan pa sa kasalukuyan. Dagdag pa rito, sana ay matugunan din ang mga nagsisilabasang isyu tulad ng suicide attempts, depresyon, at labis na stress ng maraming estudyante. Isa pa, malapit sa aking puso ang mga miyembro ng publikasyong ito, kaya naman ay hangad kong maibigay sa inyo ang pagtatapos na inyong inaasam. Sa aming kaso, 20 toga lamang ang pinagpasa-pasahan naming gamitin samantalang 88 kami sa batch. Naiitindihan ko na iba ang sitwasyon ngayon dahil sa pandemya, ngunit kung nagawa ng ibang campuses, bakit hindi agad ito nagawan ng paraan? Kinailangan pa naming gumawa ng liham para sa GPTA makuha lamang ang toga na aming inaasam. Sana ay maayos na agad ang ganitong sistema para sa susunod na taon, hindi na magkakaroon ng inggit sa puso ng bawat isa.

Para kay Nicole, Natanggap namin ang iyong mga saloobin ukol sa pagpapatupad ng remote learning sa ating institusyon pati na rin sa naging daloy ng inyong pagtatapos. Una sa lahat, nais naming batiin ang lahat ng mga iskolar na nagsipagtapos sa kabila ng mga hamong dulot ng pandemya. Naiintindihan namin ang iyong pinanggagalingan sapagkat maging kami ay nakararanas rin ng mga pagsubok sa online classes. Maging kami ay nababagabag din sa mga nababalitaang kaso ng depresyon at pagkapagod sa mga mag-aaral at guro nitong nakaraaang taon. Sa ngayon, makakaasa kayong makararating sa kinauukulan ang inyong mga saloobin. Masisiguro naming kaisa mo ang publikasyon sa pagsusulong sa pagpapatibay ng mga programa pangkalusugang mental. Salamat sa iyong pagdulog.


MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

lathalain

OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - KORDILYERA

ANG KAIGOROTAN | TOMO IX BLG 1

Spill da tea,,

Larawan mula sa ABS-CBN News

mula sa unang Community Pantry sa Maginhawa

358

community pantry!

na ang mga community pantries sa buong bansa sa katapusan ng Abril

nina FRANCIS ANDREA ALOG at FRANKIE SUBALA

Maniwala ka man o hindi, ‘laglag’ ang mga community pantry sa kung ano nga ba talaga ang estado ng pamahalaan pagdating sa pandemya. Isang batang naghahalungkat sa aparador ng kaniyang mga magulang habang walang nagbabantay sa kaniya; maihahalintulad dito ang mga community pantries sa bansa. Hindi man sadya, mayroon pa rin siyang naungkat na dapat ay nakatago lamang. Mula nang magsimula ang pandemya, naging tahanan na ang balita para sa mga kuwentong paghihirap ng mga Pilipino. Marami ang nawalan ng trabaho, patuloy na nagugutom, at higit sa lahat, marami ang namamatay. Ngunit sa kabila ng mga problemang ito, naipakita na naman ng mga mamamayan ang kanilang katatagan at pagtutulungan sa pamamagitan ng community pantries.

.

Magbigay ayon sa kakayahan kumuha batay sa pangangailangan.” Ito ang nakasulat sa kartong nakapaskil sa kauna-unahang community pantry sa Maginhawa St., Quezon City na itinatag ni Ana Patricia Non noong ika-14 ng Abril. Naging mainit na usapan ito sa social media na naging dahilan na rin kung bakit naimpluwensyahan ang iba pang mga Pilipino na magtayo rin ng community pantry sa kanilang mga barangay, lungsod, o probinsya. Marami ang nahatak dito at maraming bidyo ang umikot onlayn ng mga taong nagbibigay at kumukuha— nagtutulungan. Ngunit limitado nga lang ba sa pagtutulungan at katatagan ng sambayanan ang naipalabas ng mga community pantries sa bansa? Ano-ano nga ba ang nahanap ng batang walang bantay?

Tansan ng Coke Ang huling bagay na natagpuan ng bata ay ang pulang tansan ng Coke na kasimpula ng mga katagang ‘red tagging.’ Sa kabila ng mabuting intensyon ng mga community pantry at ang mga pagtatangka nitong tulungan ang pamahalaan upang maalagaan ang mga mamamayan, naging tudlaan pa rin ito ng red tagging mula sa ilang mga opisyal ng pamahalaan. Naging malaking hadlang ito para sa pagpapamahagi ng mga pangangailangan sa mga mamamayan dahil ilan sa mga community pantry ay sapilitang napasara o natigil ang operasyon. Ipinahihiwatig ng pangyayaring ito ang mga prayoridad ng gobyerno. Maliban sa napakaraming patalastas na proyekto mula sa pagpokus sa pandemya, ipinapakita na mas mahalaga sa pamahalaan ang kanilang imahe at ang kanilang kakayahang gumana nang walang tulong mula sa kung kanino man kaysa sa kalagayan ng sarili nilang mamamayan na naghihirap at nagugutom. Bukod sa mga mabubuting naungkat ng mga community pantry tulad ng kabaitan at malasakit ng mga Pilipino para sa isa’t isa, naungkat din nito ang mga isyung hindi malinaw at tahasang binabanggit ng mga balita tungkol sa pamamalakad ng pamahalaan. Ngunit kung aaralin ang mga pangyayari nang mas malalim, malinaw ang kasagutang hindi lamang pagtutulungan ang sinisigaw ng mga community pantry sa bansa kundi sigaw rin ng saklolo.

Kahon ng mga lumang resibo Isa sa mga nahanap ng bata ay ang kahon ng mga resibong wala nang gamit. Maihahalintulad ang mga resibong ito sa mga hakbang ng pamahalaan upang pababain at patuloy na puksain ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Mahalaga man ang pagpapatupad ng social distancing, pagpapasuot ng face masks, at pagsasakatuparan ng iba’t ibang lebel at uri ng lockdown sa Pilipinas, hindi pa rin ito maikukumpara sa isang walang palyang plano upang puksain ang banta ng pandemya sa bansa. Tulad ng mga lumang resibo, sa simula lang may silbi ang mga ito— matapos makabili ng isang produkto— ngunit habang humahaba ang panahon at tumatakbo ang oras, mawawalan din ito ng saysay. Pinatunayan ng mga community pantry na hindi na kaya pang maghintay ng mga mamamayan sa mga ayudang maaaring hindi na dumating kung kaya naman sila na mismo ang umaksyon mula sa kanilang sariling mga bulsa. Pangunahing layunin ng mga community pantry ang magtulungan at patatagin pa lalo ang puso ng mga Pilipino sa panahon ng paghihirap at kagipitan ngunit kung susuriin nang mas malalim, maaari rin itong maging mensahe at sampal sa pamahalaang hirap magampanan ang responsibilidad na buhayin at alalahanin ang mamamayan nitong binabalot ng kahirapan. Dito nagbubunga ang ika ngang ‘resiliency’ ng sambayanan. Mighty Bond Bukod sa mga lumang resibo, naungkat din ng bata ang pandikit na sumasagisag sa lakas ng mga Pilipino at malasakit sa isa’t isa. Hindi lamang mga pagkain ang ibinahagi at natanggap sa mga community pantry, kundi pati mga luha, damdamin, at kuwento. Naging daan ang mga community pantry upang patuloy na buhayin ang mga taong balot sa kahirapan at panatilihing buhay ang kanilang pag-asang makararaos. Bukod pa rito, naging sigaw at inspirasyon din ang mga community pantry sa mga may kakayahang tumulong sa mga panahon ngayon. Sa dami ng mga community pantry sa Pilipinas ngayon, naimpluwensyahan na rin ang iba pang kalapit na bansa na magtatag ng sarili rin nilang bersyon ng community pantry. dibuho ni AMBEROSE DE GUZMAN


Kwentong

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

lathalain 09

Isa sa mga bagong hamon na haharapin ng ang kahalagahan nito lalo na sa ilalim ng isang mga ika-11 at ika-12 na baitang sa Pisay ay pandemya. ang programang SCALE. Ang programang ito Akala ko, sa puntong iyon magtatapos ang ay naglalayong payabungin ang mga pansarili aming aktibidad sa SCALE, ngunit maraming at “interpersonal” na mga kakayahan ng mga mga papeles ang naghihintay sa amin iskolar sa pamamagitan ng mga iba’t-ibang pagkatapos. At nang matapos namin ang aktibidad sa loob at labas ng paaralan. lahat ng mga dokumentong kailangan, hinarap Agosto 2021 nang nagkaroon ng na namin ang final boss ng SCALE: ang Exit ni MARIAH TRENYCE CO pagpupulong kaming mga dati nang miyembro Interview. ng Ang Kaigorotan kasama ang aming tagapayo Nagsimula ang aking kwentong SCALE isang buwan Kabadong-kabado ako rito at nagsulat ulit ukol sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. bago ang simula ng klase noong Setyembre 2021. ako ng isang iskrip ng mga sagot sa maaaring Una naming naging programa sa SCALE ang lumabas na mga tanong. Ngunit gaya noong pakikibahagi sa pangangasiwa ng una kong presentasyon sa mga aktibidad sa Buwan ng Wika. workshop, wala akong nasundan Gumawa kami ng mga publication sa aking mga isinulat. Maayos material, nanghikayat ng mga ang naging daloy ng interview at iskolar na lumahok, at nangolekta nasagutan naming lahat ng mga ng mga isinumiteng output. katanungang ibinato sa amin. Sa kasamaang-palad, hindi Pagkatapos ng interview ay pinahintulutan ang aming aktibidad susuriin na lamang ng SCALE noong Buwan ng Wika dahil Coordinator ang mga papeles marami kaming “requirements” namin. Hihintayin na lamang ng na hindi naisagawa upang aming grupo ang sertipikong maaprubahan ito. Dahil dito, nagpapatunay na nakapagtapos nag-isip kami ng panibagong na kami sa SCALE. Napakasaya aktibidad at napagdesisyunan ko noong naibigay na sa naming maglunsad ng isang amin ang sertipiko, sapagkat webinar at online workshop para makapagpapahinga na ako. Doon, sa pahayagang pangkampus. nagtapos rin sa wakas ang aking Naalala ko noong una naming kwentong SCALE. ipinresenta ang bagong SCALE Sa totoo lang, negatibo ang proposal sa aming mga adviser. aking unang reaksyon noong Napagsabihan kami ni Sir nalaman kong magsasagawa kami Ali sapagkat hindi maayos at ng SCALE. Nasa isip ko noon maraming mga kulang sa aming na isa lamang itong panibagong presentasyon. Dahil dito, inayos requirement, ngunit noong agad namin ito at ipinresenta binalikan ko itong muli, masasabi ulit kinabukasan. Sa wakas, hindi maayos na koneksyon sa “Nakikinig kaya sila?” at “May kong mahalaga nga ito at naaprubahan na ito at maaari nang internet. Ito ang naging ugat ng naiintindihan pa kaya sila?” Kahit makakatulong sa ikabubuti ng mga aming mga suliranin sa buong simulan. na ganoon ang tumatakbo sa aking iskolar. Marami akong natutunan subalit nabigyan Nagkaroon pa kami ng aktibidad, isip, natapos ko ang presentasyon sa karanasan na ito na magagamit napakaraming pagpupulong at naman namin ito ng solusyon sa ngunit pagdating sa mismong nang maayos. ko sa hinaharap. dry run bago ang unang araw ng pamamagitan ng paghahanda presentasyon, hindi ko rin ito Sa huling araw ng aktibidad, Isang napakahalagang bagay implementasyon. Subalit, marami ng mga back-up speaker at mga nasundan. Dahil sa online ginanap nagpaunlak sa aming imbitasyon ng pamamahayag pangkampus ang workshop, lalo itong naging pa rin kaming naranasang mga video. si Sir Gerg Cahiles, isang lalo na ngayong panahon ng isang hamon para sa akin dahil Naalala ko rin noong ako na problema kahit pa ilang beses News Correspondent mula sa pandemya. Isa itong instrumento naming sinigurong maayos ang ang nakatakdang magsalita. Sa hindi ko nakikita ang mga mukha CNN Philippines, sa tulong upang mapabilis ang pamamahagi sobrang kaba, nagsulat ako ng ng mga tagapakinig. Dahil doon, ni Sir Ali. Nagbigay siya ng magiging daloy ng programa. ng impormasyon, at maiwasan Isa sa mga pinakamalaking isang iskrip na naglalaman ng mga maraming mga tanong ang umiikot isang presentasyon ukol sa ang pagkalat ng pekeng balita o sa aking utak, gaya na lamang ng hamon na aming hinarap ay ang sasabihin ko sa buong talakayan, pamamahayag pangkampus at misinformation.

SCALE

es 101 s s a l C e n Onli

manood ng mga video tungkol sa mga leksyon ninyo upang mapanatili ang impormasyong natutuhan at mapalalim ang pag-intindi sa paksa. ni AM BE RO SE

Isang taon na ang lumipas mula nang magsimula ang online class set-up, at hindi lingid sa ating kaalaman na marami ang nahihirapang sumabay rito. Dahil patuloy pa rin tayo sa ganitong setup, narito ang ilang tips na maaari niyong magamit para sa susunod na pang-akademikong taon. Una, ang pangangailangan ng bawat estudyante… Kape is Love, Kape is Life Hindi maikakaila na ang kape ay malatubig na lamang sa isang estudyante. Sa halip ng mainit na yakap ng crush mo, ang mainit at mapait na lasa ng kape ang siguradong magpapagana

ZM AN LE NO R DE GU

sa mahahabang gabing pagka-cram ng reqs. Hindi lang iyon, tila’y buhay na buhay at alerto ka pa tuwing klase. Susunod, para sa araw-araw na matinding labanan… Paghahanda ng Sandata Ang pag-aayos ng mga gagamitin sa pag-aaral tulad ng mga kuwaderno, gadyet, at iba pa ay makatutulong sa pagpapanatili ng maayos na workspace at maayos na daloy ng pag-aaral. "Pag-aaral"? Pagkain ba ‘yun? Kung masipag ka’t may oras, pwede kang gumawa ng maayos na notes sa pamamagitan ng papel o digital. Makatutulong ito sa pag-aaral para sa mga pagsusulit. Bilang karagdagan, kung maayos ang iyong internet connection (naol), pwede ka ring

At panghuli, para sa pinakamalaking hamon sa isang estudyante... ... Ano nga ulit gagawin ko? Kapag gabundok na ang iyong mga reqs at hindi mo alam kung saan magsisimula, ang paggawa ng to-do list ay simple ngunit malaking tulong para maayos ang mga gawain at ipaalala ang mga ito kapag nawala sa pokus. Classroom Podcast Sa mga magagaling mag-multitask, siguro gusto ninyong subukang makinig sa mga klase habang gumagawa ng reqs. Para sa iba, nakatutulong ito sa pagpapanatili ng kanilang pokus sa mga gawain. Mas mabilis din makatapos ng reqs imbis na titigan ‘yung crush mo sa Google Meet. Chos.

iyong mga guro ay malaking tulong sa pag-aaral at paggawa ng reqs. Mas mabilis linawin ang mga katanungan at konsepto, at mapagkakatiwalaan mo pa ang impormasyon na galing sa kanila. Kaya ‘wag mahihiyang magtanong... May RiteMed ba ito? Ay, mali. Ang online classes ay may bitbit na iba’t ibang hamon. Sa katunayan, marami ang nahihirapang makisabay sa ganitong klase ng setup. Sa kabila nito, nawa’y makatulong sa inyong pag-aaral ang mga tips na naibahagi para sa susunod na akademikong taon.

‘Wag Mahiyang Magtanong… Marami sigurong nahihirapan na gawin ito, pero ang pagtatanong sa dibuho ni AMBEROSE DE GUZMAN


rED TA

ANA PATRICIA NON Nakilala si Ana Patricia Non bilang tagapasimuno ng community pantries sa Pilipinas ngayong pandemya. Ang munting tulong na inihandog ni Non sa Maginhawa St., Quezon City ay nagsilbing inspirasyon para sa iba’t-ibang komunidad sa bansa na magtayo rin ng kani-kaniyang pantries. Ngunit ang aktong pagtulong ni Non ay hindi pa rin nakatakas mula sa panre-redtag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Quezon City Police District (QCPD). Inihambing ni Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ang mabilis na pagkalat ng community pantry sa pagbibigay ni Satanas ng mansanas kay Eba, kung saan ang lahat daw ay nagsimula. Nilimbag naman ng QCPD sa kanilang opisyal na Facebook page na ang community pantry ay propaganda ng Communist Party. Sa isang panayam kung saan tinanong si Non kung may koneksyon ba ito sa mga komunista, sinagot niya ito ng “Wala po akong links sa Communist Party. Pasensya na po pero ang dumi ng question na iyan.” Dagdag pa nito na malinaw ang kaniyang intensyong makatulong lamang sa mga taong nangangailangan. Ang hiling ni Non ay tigilan na ang mga pambibintang dahil napaka-delikado raw nito lalo na sa panahon ngayon.

aktibistA =

ni VANESSA

Mula simpleng mamamayang Pilipino hangg nakaliligtas mula sa iisang salita na lagana

RANDALL ECHANIS Kilala bilang chairperson ng partidong Anakpawis, si Randall “Ka Randy” Echanis ay isang batikang aktibista bago pumanaw sa edad na 72. Kung ilalarawan, isang mabuting-loob at palabirong tao si Ka Randy ayon sa kaniyang mga kakilala. Higit pa roon, siya ay itinuturing na “tatang” ng mga kabataang aktibista na kasama niya sa mga adbokasiyang para sa mahihirap at magsasaka. Noon pa man, isa nang personalidad si Ka Randy na may malawak na reputasyon at mataas na respeto. Hindi siya takot sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin at kritisismo tungkol sa lagay ng lipunang ginagalawan niya. Wala ring nakapipigil sa kagustuhan niyang ipaglaban ang mga prinsipyo’t paniniwala niya, kahit pa nasa loob ng kulungan. Mula diktaduryang Marcos hanggang rehimeng Duterte, aktibong nakibaka si Echanis para sa kaniyang mga adbokasiya. Ilang buwan bago ang brutal na pamamaslang kay Ka Randy sa kaniyang apartment noong ika-17 ng Agosto 2020, mariing kinukundena nito ang pagpasa ng Anti-terrorism Bill. Bukod pa roon, ilang ulit ring inakusahang komunista o/at terorista si Echanis dahil sa kaniyang trabaho bago pa ang naturang insidente.

Iilang mga pangalan ang kadalasang p “komunista”, leftist, o “miyembro ng NPA”. S kanila ay kritiko o lumalaban sa mga inhusti nga ba itong mga tinatawag nilang “te

Ating kilalanin ang ilan sa mga bikti

ZARA ALVAREZ Maagang namulat si Zara sa mga usaping politikal. Simula kolehiyo ay sumasama na siya sa mga lugar ng magsasaka at mahihirap, hanggang kinalauna’y sumapi rin sa samahang Anakbayan bilang isang sekretarya taong 2000 o 2001. Matapos maging lisensyadong guro, ipinagpatuloy pa rin ni Zara ang kaniyang pag-aadbokasiya sa pamamagitan nang pagsali sa iba’t ibang organisasayon sa lugar ng Negros. Inilalarawan bilang isang masipag at determinadong aktibista, si Zara ay naglingkod sa mga samahang Bagong Alyansang Makabayan, Negros Island Health Integrated Program (NIHIP), North Negros Alliance of Human Rights Advocates, Bayan Negros, at Karapatan Negros Island. Dito, mas nakilala pa siya bilang isang taong may malaking puso at hindi matatawarang paninidigan. Ang buhay aktibista ni Zara ay hindi naging madali. Bawat araw, tila agahan niya na lamang ang mga paninirang-puri at panre-red-tag sa kaniya. Sa kabila ng pangambang hinaharap niya araw-araw, hindi pa rin ito pumigil sa kaniyang kagustuhang makatulong sa kapwa. Nito lamang panahon ng pandemya, si Zara ay nagsagawa ng mga relief operations bilang parte ng isang programang pangkalusugan. Ilang linggo bago ang pamamaril kay Alvarez, nalaman nitong binubuntutan siya ng ilang kahina-hinalang mga tao. Ngunit nalaman man ito ni Zara, ipinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang mga relief operations. Gabi ng ika-17 ng Agosto 2020, pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek si Zara Alvarez sa Sta. Maria Street, Bacolod City.

Sarah Elago

LUALHATI BAUTISTA “Akala mo lang wala pero meron?” Ang sumulat ng sikat na linyang nagmula sa nobelang Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? ay kilala sa pangalang Lualhati Torres Bautista. Bilang isang manunulat, si Bautista ay prominente sa pagsulat ng mga akdang nagpapakita ng panlipunang isyung nakapokus sa kababaihan. Nitong ika-11 ng Agosto 2020, nag-post sa Facebook si Bautista ng isang komentong iniuugnay siya sa grupong NPA. Ayon sa kaniya, nagkalat ang mga “trolls” sa paligid at kasingdemonyo raw ng mga ito ang COVID-19. Hindi nagpatinag ang manunulat ng Dekada ‘70 sa nang-red-tag sa kaniya. Binantaan pa nito ang huli na magsasampa ng kasong cyber libel laban dito kung nanaisin niya. Sa huli, hindi itinuloy ni Bautista ang reklamo sapagkat humingi na raw ng tawad sa kaniya ang salarin.

Leonardo Vicente Corrales

SARAH ELAGO Sa edad na 29, si Sarah Jane Elago ang tinaguriang pinakabata na babaeng mambabatas at kasapi ng House of Representatives matapos ang halalan taong 2016. Bilang kinatawan ng partidong “Kabataan”, ang kaniyang mga adbokasiya at plataporma ay nakatuon sa pag-unlad at ikabubuti ng mga kabataan; libreng edukasyon, libreng internet, at pantay-pantay na karapatan para sa lahat. Bukod pa sa mga nabanggit, si Elago rin ang nagtatag ng Philippine Stuttering Association, isang grupong adbokasiya ang pagbibigay ng dagdag kaalaman sa kautalan (stuttering). Bokal si Elago sa kaniyang mga kritisismo sa kasalukuyang administrasyon. Dahil dito, madalas siyang i-target at akusahang kabilang sa New People’s Army (NPA), ang brasong-militar ng Communist Party of the Philippines (CPP). Pagkalat ng pekeng impormasyon at mga minanipulang litrato ang kadalasang ginagamit upang i-redtag si Elago. Ilang beses nang napatunayang hindi totoo ang mga akusa ngunit wala pa ring nananagot sa mga paninira’t pambabanta, ayon sa kaniya. “Red-tagging is like an order to kill,” pahayag ni Kabataan Representative Sarah Elago.

Angel Locsin

Lualhati Bautista

Lualhati B


lathalain

AGGING

ANG KAIGOROTAN | TOMO IX BLG 1

LEONARDO VICENTE CORRALES Sa ilalim ng pen-name na “Cong,” si Leonardo Vicente Corrales ay isang manunulat magmula taong 2008. Sa mahigit isang dekadang karanasan sa larangan ng pamamahayag, iba’t ibang mga isyu at usapin na ang kaniyang nasulatan: agrarian reform, peace and dialogue initiatives, climate justice, at socio-economics. Naging bahagi rin si Cong ng iba’t ibang organisasyon, mula lokal hanggang internasyonal. Ang ilan sa mga ito ay Philippine Daily Inquirer, Business World, MindaNews, Interaksyon.com, Agence France-Presse, Xinhua News Wires, Thomson-Reuters News Wires, UCANews.com, at Pecojon-PH. Sa trabahong pinasukan ni Cong, natura ang pagpapahayag ng kaniyang saloobin tungkol sa mga isyu sa bansa. Kaya naman sa labing-tatlong taon niyang pagiging mamamahayag, hindi siya nakatakas mula sa mga panre-red-tag. Nito lamang sa usaping community pantry, muling idinawit ang kaniyang pangalan sa mga komunistang samahan. Ayon kay Corrales, ang dahilan lamang ng pandadawit na ito ay ang pagsulat niya tungkol sa nasabing community pantry sa pahayagan. “Naanad na man mi; nag-adapt ug manhid na ko,” naging pahayag ni Corrales sa isang interbyu. (Nasanay na ako sa panre-red-tag; nakapag-adapt na ako at namanhid.”) Nasanay man sa nangyayari sa kaniya, hindi pa rin nito maikakaila ang epektong dulot nito sa kaligtasan sa sarili at pamilya. Biro pa nito “They’ve redtagged everyone in my house. They can red-tag my dog and cat, for all I care. There are times I wonder if it’s my beard. Tungod lugar kay ang bangas nako pareha kalabong ni Marx, komunista na lugar dayon ko?” (Ni-red-tag na nila lahat ng kasama ko sa bahay. I-red-tag na rin nila pati aso at pusa ko, wala akong pakialam. Minsan iniisip ko kung iyong balbas ko ba ang dahilan. Iniisip ba nilang komunista ako dahil lang kasingkapal ng balbas ko ‘yung kay Marx?)

=teroriSta

A CATUNGAL

gang sikat na personalidad at politiko, walang ap sa panahon ngayon, ang “red-tagging”.

pinapakuan ng mga salitang “terorista”, Sa isang tingin, mapapansing karamihan sa isyang nangyayari sa ating bansa. Pero sino erorista”? At, terorista nga ba talaga?

ima ng buwis-buhay na red-tagging:

Bautista

ANGEL LOCSIN Superhero sa harap at likod ng kamera. Pangalan pa lang ni Angel Locsin, ang kaniyang mga akto ng pagtulong ang agad na papasok sa isip mo, maliban na lang siguro sa papel niyang Darna. Si Locsin ay madalas na nakikitang nagaabot ng tulong sa mga taong apektado ng sakuna o kalamidad sa Pilipinas. Mula sa hagupit ng bagyong Ondoy noong 2009 hanggang sa kasalukuyang pandemya, siya ay aktibong nagboboluntaryo sa mga kawang-gawa. Dahil dito, umani siya ng respeto at bilib mula sa mga tao. Nitong taong 2019 lamang, pinarangalan si Angel ng Forbes bilang isa sa mga Asia’s Heroes of Philanthropy. Ayon sa Forbes, umabot na sa 15 milyon ang ipinaabot na tulong ni Locsin para sa edukasyon, katutubo o indigenous people, at karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Kahit anong klaseng tulong man ang ginagawa ni Locsin, iniuugnay pa rin siya ng ilang opisyal ng militar at gobyerno sa mga samahang komunista. Tulad ng ibang nasa listahan, si Angel ay bokal sa kaniyang mga opinyon at kritisismo sa pagkukulang ng kasalukuyang administrasyon. Ilang beses nang ipinahayag ni Angel Locsin na siya at ang pamilya niya ay hindi parte ng NPA. Sinabi rin nito na itigil na ang panre-red-tag sa kaniya at sa pamilya sapagkat nalalagay sa panganib ang kanilang mga buhay.

Ana Patricia Non

LENI ROBREDO Zara Alvarez

Si Maria Leonor Gerona Robredo ay ang ika-14 na bise presidente ng Pilipinas. Bago ihalal na pangalawang pangulo, si Leni Robredo ay matagal nang nagsisilbi para sa interes ng mga mahihirap. Ang kaniyang adbokasiya ay umiikot rin sa anim na aspeto: food security at nutrition, women empowerment, education, healthcare, rural development, at housing. Isa si Bise-Presidente Leni Robredo sa madalas mabiktima ng matinding panre-red-tag, mula sa mga pekeng pahayag, manipuladong mga dokumento, at mga paratang na walang ebidensya. Kasabay ng mga posts at paratang na ito sa kaniya ay ang masugid din nitong pagfa-fact check at pagtanggi sa mga nagsasabing siya ay konektado sa mga komunista. Mariin din nitong itinatanggi na sinusuportahan niya ang grupong CPP-NPA, malayo sa mga gawa-gawang pahayag na inilimbag ng mga nangred-tag kay Robredo. Sa isang post ni VP Robredo sa kaniyang opisyal na Facebook Page, sinabi nito na “It gets crazier and crazier. Now I am being red tagged. None of the allegations here are true. Please help us report these peddlers of fake news. Pare pareho at halos sabay sabay ang labas. So mukhang eto yung script this week.” (Palala nang palala ang nangyayari. Ngayon ako’y inire-red-tag na rin. Wala sa mga alegasyon dito ay totoo. Tulungan niyo sana kami i-report ang mga tagapagkalat nitong mga pekeng balita. Pare-pareho at halos sabay-sabay ang labas. Mukhang ito ang iskrip ngayong linggo.)

Randall Echanis

Leni Robredo

Mula simpleng mamamayang nagmamalasakit hanggang pangalawang pangulo ng bansa, hindi nakalulusot mula sa mainit na panre-red-tag. “Aktibista hindi terorista,” isa iyan sa mga umusong pahayag lalo na na sa pagtindi ng mga pang-aakusang nangyayari sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Ilang mga kritiko at aktibista na ipinaglalaban ang interes at ikabubuti ng iba ang naging biktima at kasalukuyan pang binibiktima ng madugong red-tagging. Iilan lamang ang mga pangalang ito sa bilang ng mga patuloy pang nakikibaka para sa katarungan. Hindi man nabanggit bawat isa, nais nating kilalanin at bigyang halaga ang lahat ng nagsasakripisyo at nagbubuwis ng kani-kanilang mga buhay para lamang sa ikabubuti ng ating bayan.


12 lathalain

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

5/5 would recommend!

Isang Honest Review sa mga Online Teaching Pakulo

5.0 rating of 8 reviews

nina JALLYAH ANGELINE OLIGARIO at VANESSA CATUNGAL

Sa pagsampa sa isang milyong kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, tila patuloy na lumalayo ang tyansa ng pagbabalik ng edukasyon sa loob ng apat na sulok ng paaralan. Ika nga ng mga dalubhasa, ang bagong sistema na ng pag-aaral sa loob ng bahay ang new normal. Kaugnay nito, isang buong pang-akademikong taon na rin ang naitaguyod ng PSHS-CARC gamit ang Remote Learning Modality. Mahigit isang buong taon na rin mula nang huling maranasan ng lahat ang umupo sa loob ng mga silid-aralan. Bagaman estranghero sa lahat ang bagong sistema ng pagkatuto, maraming rebolusyonaryong mga pakulo ang nabuo ng mga guro upang aliwin ang mga iskolar sa kani-kanilang mga bahay. Balikan ang mga bumubuo sa holy grail ng online classes:

Jamboard + Slido Combo = AFK time (-1 para sa lahat ng mini heart attacks)

Collaboration ba ang hanap mo? Swak na swak ang jamboard at slido!

Isang online whiteboard ang jamboard habang isa namang forum platform ang slido. Kung reaction mechanisms at mathematical solutions ang usapan, siguradong bumibida ang jamboard diyan. May iba’t ibang pen function ang platform na ito na mas nagpaswak para sa mga online practicum. Sa kabilang banda, mga poll at saloobin naman ang pambato ng slido. Gustong mag-shoutout ng groupmates? Magpapaextend ng deadline? I-slido mo na yan! (pro tip: kumalma muna at huwag abusuhin ang anonymous feature).

#FeelingBlessed (+5 para sa umuulang biyaya) Hindi mo birthday pero may regalo!

Madalas, sa mga oras na ngarag sa dami ng kailangang tapusin at ipasa, saka darating ang mga kaloob ng langit. Talaga namang mapapa- #FeelingBlessed ka sa saganang mga incentive na ginagawad ng mga guro! Ayon na rin sa karanasan, isa itong paraan ng mga guro upang magpahayag ng pagkalugod sa pagsusumikap ng mga estudyante. Isa pa, mabisa rin ito sa paghikayat sa mga mag-aaral na magpatuloy sa kanilang daang tinatahak. Iyon nga lang, kahit gaano mo man kagusto, hindi maitataguyod ng kabutihan ng sangkatauhan ang lahat ng assessment mo (kaya huwag kang masyadong abusado!).

Canva Supremacy ft. Google Slides (-1 dahil reporting, -1 ulit para sa kagrupo mong walang ambag) Powerpoint presentation? Reporting? ‘Di naman na yata bago ‘yun.

Maaaring hindi na nga bago ang mga nabanggit na estratehiya, ngunit sa bagong sistema ng edukasyon ngayon, lahat ng uri ng pag-uulat o presentasyon ay online na. Sa panahon ng virtual na group reportings, asahan mong maging kaagapay ang Canva at Google Slides. Higit ka pang matutulungan ng mga ito kaysa sa kasamahan mong dumbbell. Dahil pwede sa mga app na ito ang pag-eedit ng slides kahit pa sampu kayo sa parehong oras, maganda itong gamitin para sa brainstorming ng mga ideya.

Youtube Tutorials

OrganicChemistryTutor? Crash Course? Khan Academy at Professor Dave?

Kung sawa ka na sa panood ng mga nabanggit o sadyang nais mag-rebrand ng iyong subscription list, huwag mag-alala dahil narito na ang bagong henerasyon ng vloggers! Mula sa Comp Sci tutorials hanggang sa Math solutions, siguradong mababawasan ang pangungulila sa classroom sa mga nakahandang Youtube video. Kung isa ka sa mga mas natitipuhan ang hands-on at one-on-one sessions, siguradong ito na ang para sa iyo! Huwag ding kalimutang mag-like, share, at subscribe sa produkto ng mga all-nighter ng iyong mga guro.

KHub > PS5 (+1 dahil walang nakawan ng loot) Dito, hindi mo na kailangang maghintay ng pupulot sa dog tag mo.

Sa panahon ng e-sports, walang dudang patok na patok ang strategy na ito sa mga estudyante. Umiikot sa sistema ng looting at trading sa pamamagitan ng mga task at learning guides, isa itong diskarteng mas lalong nagpaaliw sa asignaturang Comp Sci para sa mga freshman! Bawat forum at mga assessment ay may katumbas na gold coins at stash para sa mga iskolar na makakakumpleto sa mga ito -- na siya namang maaaring ipalit bilang incentive at plus points. Kung naghahanap ka ng aliw at thrill sa pagsagot ng Navigate, umpisahan mo nang mangumbinsi ng guro!

Palaro + learning = palalearning??? ( -2 dahil sa corny na sub-title) Masayang paraan ng pagkatuto, deal or no deal?

Lumaki ka bang kinukuwestiyon ang katauhan ni Banker? Sinasagot ang mga tanong ni Luis Manzano sa telebisyon? Kung oo ang sagot mo, tiyak na mag-eenjoy ka sa mga group activity at recitation na mala-game show. Ika nga nila, the more, the merrier. Kahit wala man sa inyo ang may alam ng sagot, hindi naman kayo nag-iisa. Ika nga ulit nila, “two is better than one”. Bukod pa sa hindi ito ganung nakakakaba kumpara sa tipikal na recitation, nailalabas din nito ang “competitive spirit” ng mga kalahok.

Bill Nye the Science Guy Kahoot at Quizziz, Dobol Trobol (-1 dahil bumibilis oras dito)

Hihilingin mo na sana may time stone ka ‘pag nagsimula na ang timer sa mga tanong.

Kapag nagpabukas na ng Kahoot o Quizziz ang guro mo, dito ka mapapaisip ng “sana di recorded,” charot! Sa mga online apps na ito ay pwedeng magpa-quiz na mayroong timer-feature. Dahil dito, masasabi mo talagang “time is gold”. Kung sino ang may pinakamaraming tama at ang pinakamabilis sumagot ay siyang makakukuha ng 1st place o gintong medalya. Major cons? Hindi ka makasasagot ng quiz kung malapagong ang internet connection.

Parang throwback lang sa paghahalo mo ng shampoo at alcohol sa banyo nung bata ka pa.

Tila ramdam mo pa rin ang excitement sa pagsasagawa ng experiment kahit na wala ka sa mga laboratoryo ng Pisay. Ilang simple ngunit kasiya-siyang mga experiment ang ipinagagawa pa rin sa atin sa kaniya-kaniyang mga tirahan. Mula sa simpleng pagpapahalo ng sabon at mantika hanggang sa paggawa ng glue mula sa gatas, ang bawat gawain ay nagbibigay kaalaman kasabay ng iyong sense of nostalgia.

Hindi man ito ang ating nakasanayang paraan ng pagkatuto, hindi nito napipigilan ang makabago’t malikhaing diskarte ng mga guro ng PSHS-CARC. Sa tulong din ng iba’t-ibang libreng online na plataporma, hindi nalilimita ang pagtuturo sa apat na sulok ng mga silidaralan.


MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

CARC Pandemic E-stories

lathalain 13

ni VANESSA CATUNGAL

Isa ka ba sa mga nanakit ang kamay sa paghahalo ng dalgona? Nagbabad sa tiktok ng ilang oras kada araw? Nag-bingewatch ng mga paboritong palabas? O kaya nama’y nagpaka-plantito o plantita? Hindi ka nag-iisa! Sa mahigit isang taong quarantine dito sa Pilipinas, malabong ni isang tao ay hindi pa nakagagawa ng kahit ano sa mga nabanggit. Tinanong namin ang ilang iskolar at guro sa PSHS-CARC tungkol sa kanilang mga ginawa o/at ginagawa nitong pandemya. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga nabanggit:

Mula simpleng panonood hanggang pagdebelop ng bagong mga hilig, ang bawat isa ay may sariling paraan upang kayanin ang pagbabago at hamon na dala ng kasalukuyang pandemya. mga dibuho ni AMBEROSE DE GUZMAN


MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

agham

OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - KORDILYERA

ANG KAIGOROTAN | TOMO IX BLG 1

PATULOY NA KONSTRUSKYON. Itinataguyod pa rin ng DENR ang pagtambak ng Dolomite sa Manila Bay. Larawan mula kay Grig Montegrande, Philippine Daily Inquirer

MANILA BAY ‘MAKEOVER’, PATULOY PA RIN ni MARC YURI MADAYAG

S

a kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos, ipinagpatuloy pa rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang proyektong “pagpapaganda” ng Manila bay. Walang tigil ang paghakot ng itim na buhangin kapalit ng buhanging Dolomite sa baybay-dagat ng Look ng Maynila. Isinasagawa pa rin ang operasyon sa kabila ng mga ulat na na-washout na ang nasabing buhangin sa dagat. Sa inilaang P389-milyon sa unang bahagi ng proyekto, muli itong naragdan ng P265-milyong piso upang matapos ang ikalawang bahagi ng nasabing beach nourishment project na inaasahang matatapos sa taong 2022. Sinimulan ang rehabilitasyon ng Manila bay noong Agosto 2020 na umani ng sari-saring puna mula sa iba’t ibang sektor.

Isang krystal ng Dolomite. Ayon sa mga eksperto, ito ay nakapagdudulot ng problema sa baga kapag nalanghap. Larawan mula sa Creative Commons.

SA MGA NUMERO

batay sa datos na nakalap ng WR Numero Research noong 2020

45% 53% ng mga Pilipino ay hindi pabor sa “white sand” beach project sa Manila Bay

ng mga Pilipino ay naniniwala na nakasasama sa kalusugan ang paggamit ng Dolomite

Epekto sa kapaligiran Ayon sa DENR, hindi nakaaapekto ang pagtambak ng buhanging dolomite sa ekosistema ng Manila bay dahil binubuo ito ng calcium carbonate, isang mineral na matatagpuan din sa mga koral. Sinalungat naman ito ng grupong OCEANA Philippines sa kanilang pahayag na hindi umano natural na sangkap ng dagat sa Maynila ang dolomite kung kaya maaaring negatibo ang epekto nito sa kapaligiran. Ipinagtibay ang pahayag na ito ng resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Institute of Environmental Science and Meteorology (IESM) ng Unibersidad

ng Pilipinas - Diliman (UPD), na ang pagka-anod ng buhanging dolomite sa dagat ay tila pagtambak ng ligaw na depositong karaniwang nagdudulot ng polusyon sa tubig. Maaari umanong matabunan ang tirahan ng mga hayop at halaman sa tubig at maharangan ang daloy ng sikat ng araw na sanhi ng pagkababa ng oxygen sa tubig. Napag-alaman din sa kanilang pananaliksik na mas pinabibilis umano ng buhanging dolomite ang degradation ng Manila bay na patuloy ang pagkasira dahil ito ang daluyan ng maruming tubig mula sa 17 na ilog sa Luzon. “Tila isang band-aid na solusyon ang pagtatambak ng dolomite sa Manila bay,” pahayag ng bisepresidente ng OCEANA Philippines, Gloria Estenzo-Ramos, na isa ring abogado para sa kapaligiran. Ayon sa kaniya, sa halip na ipagpatuloy ang pagtatambak ng dolomite, mas makakamit umano ang tunay na rehabilitasyon ng look sa pamamagitan ng pagbabawas ng polusyon, paglalagay ng pasilidad sa paglilinis ng tubig, at pagbabawal ng pagputol sa mga punong bakawan. Epekto sa kalusugan Naiulat din sa pag-aaral ng IESM na hindi lang kapaligiran ang naapektuhan ng pagtatambak ng dolomite, kundi pati ang kalusugan ng tao. Batay dito, kahit pa mababa ang lebel nito sa pagdudulot ng kanser, ang matagal na exposure rito ay maaaring magdulot ng mga problema sa baga dahil sa crystalline silica. Maaari rin umano itong maging

PAGLIKHA NG PINAKAMALAKING SATELLITE NG PINAS, IKINASA NA ni MARC YURI MADAYAG Mula sa mga microsatellite tulad ng Maya-1, unti-unting lumalago ang Pilipinas sa larangan ng astronomiya sa pagbuo ng pinakamalaking satellite nito na inaasahang magbibigay ng mas maraming datos mula sa kalawakan. Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na kasalukuyang isinasagawa ang pagbuo ng nasabing satellite na pinangalanang Multispectral Unit for Land Assessment (MULA), ang pinakamalaki at pinakamabigat na satellite ng Pilipinas na may bigat na 130 kg. Isinasagawa ang proyekto sa ilalim ng Advanced Satellite and Know-how Transfer for the Philippines (ASP) bilang bahagi ng layunin ng ahensya na gamitin ang space technology sa pampublikong serbisyo. Bahagi rin ang Unibersidad ng Pilipinas (UPD), DOST-Advanced Science

and Technology Institute (DOSTASTI), at Philippine Space Agency (PhilSA) sa pagpapatupad ng proyekto na inaasahang papakawalan sa kalawakan sa taong 2023. Katuwang sa pagdidisenyo at pagbuo ng MULA ang Surrey Space Technology Ltd (SSTL), isang kumpanyang Briton. Ang SSTL ay isa sa nangungunang kumpanya sa larangan ng paglikha ng mga maliliit na satellite at know-how-transfer. Isang TrueColor camera ang tataglayin ng MULA na may kakayahang kumuha ng mga larawan na may 5m na resolusyon at 120km na haba. Ito rin ay magtataglay ng 9 spectral bands na maaaring gamitin sa iba’t-ibang aplikasyon sa kalikasan tulad ng disaster management, crop monitoring, at land cover change mapping. Ayon kay Dr. Gay Jane Perez, Deputy Director-General ng PhilSA at pinuno ng ASP,

Patuloy ang pag-unlad ng ating kauna-unahang satellite na may dekalidad na pang-industriya na may layong magbigay ng iba’tibang benepisyo para sa bansa.”

Maaaring makatulong ang mga imahe na ibibigay ng MULA sa pagmo-monitor ng mga ekosistema sa lupa at sa mga anyong tubig. Dagdag pa ni Dr. Perez, hindi lang isinisagawa ang nasabing proyekyo upang makahabol sa mga kaunlaran sa mundo, ito rin ay para hindi na umasa ang bansa sa mga teknolohiya ng ibang bansa. Talaga namang patuloy ang pagunlad ng Pilipinas sa larangan ng astronomiya. Sa taong 2023, isa na ang MULA sa mga titingalain ng mga Pilipino sa kalawakan.

PINOY SA AGHAM. Kasalukuyan na ang pagbuo ng MULA satellite sa isang kolaborasyon ng iba’t ibang ahensyang pang-astronomiya sa bansa, Pebrero. Larawan mula sa SSTL

MULA SA KALAWAKAN. Inaasahang matatanaw na sa kalawakan ang MULA, ang pinakamalaking satellite ng Pilipinas, sa taong 2023. Larawan mula sa SSTL

sanhi ng iritasyon sa balat at mata. Pinagtibay naman ang mga pahayag na ito ng Kagawaran sa Kalusugan (DOH). Ayon kay Health Undersecretary, Maria Rosario Vergeire, kapag ang buhanging dolomite ay nakain, maaari itong magdulot ng sakit sa tiyan at pagtatae. Tugon ng mga mamamayan Dahil dito, nanawagan ang ilang grupo ng mga siyentipiko, inhinyero, at mananaliksik na itigil ang paglalagay ng dolomite sa baybay-dagat ng Manila bay. Sa isang pahayag ng Agham Advocates for Science and Technology for the People, nakiusap ang organisasyong itigil ang proyektong ito habang patuloy ang pag-aaral ng gobyerno tungkol sa epekto nito sa kapaligiran at ekosistema ng look. Ayon naman sa UP Marine Science Institute, “ang pagtatambak ng dolomite ay isang beautification effort na mahal at pansamantala lamang.” Hindi umano solusyon ang dolomite sand beach sa ugat ng mga isyu sa kapaligiran ng Manila bay. Ipinahayag din ng Buhay party-list ang kanilang hinaing ukol sa isyung ito at tinawag ang proyekto na “walang kwenta” at “aksaya sa pondo.” Wala umanong halaga ng pagpapaganda ang makapagtatago sa katotohanang patay na ang ekosistema ng Manila bay dahil sa dumi, ani Lito Atienza, kinatawan ng nasabing party-list. Patuloy pa rin ang panawagan na gamitin ang pondong inilaan para rito sa aksyon ng gobyerno kontra sa pandemya.


agham 15

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

TINTA NG SIYENSIYA

EDITORYAL

Bakal na kawal

JALLYAH ANGELINE OLIGARIO

Artificial Intelligence (AI) ang dark horse sa ating pakikidigma kontra COVID-19.

indi kabilang ang mga estudyante sa priority list na inilabas ng DOH sa pagbibigay ng bakuna alinsunod sa National Immunization Program kontra COVID-19 sapagkat marami pang mas nangangailangan ng bakuna. Halos tatlong buwan na mula nang ilunsad ng Pilipinas ang pagbabakuna nito kontra COVID-19 ngunit nasa 0.60% pa lang ng kabuuang populasyon nito ang fully vaccinated. Mula sa datos na ito, mahihinuha na marami pa ring healthcare workers ang hindi pa nabakunahan. Pumapalo sa 7,779,050 na bilang ng mga doses ang naipadala sa bansa habang 2,921,196 naman ang nabakunahan at 675,799 pa lamang ang naturukan ng pangalawang dose. Mainam lamang na hindi muna unahing bakunahan ang mga estudyante sa bansa sapagkat kulang pa rin ang supply ng bakuna at hindi pa nabakunahan lahat ng mga healthcare workers na tunay na nangangailangang mabakunahan. Tinukoy ng DOH ang mga frontline healthcare workers bilang Priority Eligible A1 sa kanilang prioritization rule upang masiguro ang mahusay na pamamahagi ng limitadong suplay ng bakuna. Laganap ngayon sa social media ang kagustuhan ng mga mag-

aaral na ituloy ang face-to-face classes sa lalong madaling panahon ngunit pinabulaanan ito ng Pangulo sapagkat hindi pa handa ang bansa dahil konti lamang ang mga Pilipinong nabakunahan. Ngunit, hindi ba nararapat lamang ito upang masigurong hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa?

Mainam lamang na hindi muna unahing bakunahan ang mga estudyante sa bansa sapagkat kulang pa rin ang supply ng bakuna...

Sa ngayon, mga piling mga medical students mula sa ibang mga unibersidad pa lamang ang mga nabakunahan na estudyante sapagkat nahahanay sila sa mga healthcare workers. Nasimulan na rin noong Marso ang pagbabakuna nila alinsunod sa kanilang limited face-toface classes sa mga paaralan. Maaaring hinihingi ng mga magaaral na kinakailangang magpabakuna upang maibalik na ang face-to-face classes muli ngunit ayon sa datos, wala pa sa kalahati ng mga healthcare workers ang naturukan kung kaya’t

SIPATLAWIN

Dapat panagutin MARC YURI MADAYAG

Isang responsibilidad ng mga malalaking korporasyon ang patuloy na pagkasira ng mundo. Naitala sa taong 2020 ang pinakamainit na temperatura ng mundo sa loob ng 141 na taon. Isa ito sa mga epekto ng patuloy na pagbabago ng klima na dulot ng mataas na Greenhouse gas (GHG) at carbon dioxide emissions. Tinatayang 100 na mga kumpanyang gumagamit ng fossil fuels bilang energy source ang nalalagot sa 71% na GHG emissions at ang 1% na

pinakamayaman sa mundo ang may responsibilidad sa 50% na mga carbon dioxide emissions. Salungat ang mga naitalang numero sa naratibong ang mga indibidwal ang dapat na umaksyon kontra sa krisis sa klima. Tayo ay tinuturuan magmula pa noong elementarya na magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at limitahan ang paggamit ng plastik, ngunit isa itong mapanlinlang na naratibo.Wala itong pinagkaiba sa paggamit ng isang patpat sa gitna ng digmaan.

hindi makakabuti sa sitwasyon ng pandemya sa bansa ang agarang pagpapabakuna sa mga estudyante dahil hindi naman sila ang mga tunay na nangangailangan sa oras na ito. Dagdag pa dito, inanunsyo ng Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera na na halip na ibalik ang tradisyunal na faceto-face classes sa mga unibersidad at kolehiyo, itutuloy pa rin ang remote learning at kinakailangang umangkop ang mga guro at estudyante sa flexible learning. Ipinahihiwatig nito na sa bunsod ng hindi pagbabalik ng face-to-face classes, mababawasan ang mga pagkakataon na mahawaan ang mga estudyante ng bayrus. Mainam ring ihuli ang mga estudyante dahil malayo pa ang pagkakataong ibabalik ang face-to-face classes. Mabuti lamang na ipahuli ang mga mag-aaral sa priority list ng bakuna dahil ang pangunahing problemang kailangang lutasin ay ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at hindi ang pagbabalik ang pagbabakuna ng mga estudyante upang maibalik ang face-to-face classes. Marapat lamang na unahin ang kapakanan ng mga medical frontliners na halos isang taon nang isinusugal ang kanilang sariling buhay upang labanan ang pandemya at maibalik sa normal ang sitwasyon ng bansa.

Nararapat man tayong kumilos bilang isang indibidwal sa pamamagitan ng pagsunod sa 3Rs (Reuse, Reduce, Recycle) o pagbawas sa paggamit ng mga single-use plastic, maliit lamang itong kontribusyon sa napalaking problema na tanging mga malalaking kumpanya ang makalulutas. Trilyon-trilyong dolyar ang kinikita ng mga fossil fuel companies habang ang mga mahihirap ang nagdurusa sa mga kinahihinatnan ng kanilang mga aksyon. Isa ang Pilipinas sa mga pinakaapektado ng mga nagbabadyang epekto ng krisis sa klima. Tayo ang nakararanas ng mga malalakas na bagyo, maiinit na panahon at, matitinding tagtuyot. Ilang

Timog-Silangang Asya. Kung hindi tayo gagamit ng teknolohiya upang matulungan sila, hindi nalalayong mauunang bumagsak ang sistema ng healthcare sa bansa bago pa man matapos ang pandemya. Kahit mayroong kamahalan ang pag-invest sa isang teknolohiya tulad ng AI, malaki naman ang kontribusyong maaari nitong maibahagi. Kung susuriin, kapresyo lamang ng isang apat na milyong pisong sasakyan ang isang robot tulad ni Grace. Isa pa, tinatayang makatutulong rin sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa ang isang teknolohiyang tulad nito. Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, nang ilatag nito ang plano ng gobyerno sa AI, magsisilbing kawit ang Artificial Intelligence na hihila sa bansa upang maging sentro ng teknolohiya. Ito rin umano ang nakikitang susunod na high-value service-winner ng Pilipinas, sunod sa business process outsourcing. Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang pinaplanong pagpapaunlad ng AI sa Pilipinas -- at kung mangyari man, unahing pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang larangan ng kalusugan sa halip na dumiretso sa mga imbensyong pang-negosyo at militar. Panahon na rin upang ituring nating kakampi ang teknolohiya sa mga krisis na kasalukuyan nating kinakaharap; sapagkat kung patuloy nating itatanggi ang mga rebolusyonaryong ideya tulad ng AI, hindi tayo uusad sa digmaang ito.

PULSO

Kung sakaling magpabakuna, ano ang mga kinokonsiderang mong tatak?

ng mga iskolar

86.4% PFIZER-BIONTECH

VANESSA CATUNGAL

65.9% ASTRA ZENECA

Nag-sarbey ang Ang Kaigorotan sa 50 na mga iskolar hinggil sa isyu ng bakuna kontra COVID-19.

97.7% 93.2%

52.3% MODERNA

ang naniniwalang dapat magpabakuna laban sa COVID-19.

50.0% SINOVAC 45.5%

JOHNSON & JOHNSON

ang tatanggap ng bakuna kapag nabigyan ng pagkakataon.

sakuna pa ang ating haharapin bago natin panagutin ang mga kumpanyang namiminsala sa ating kapaligiran? Kahit pa umaaksyon na ang ibang kumpanya sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang carbon emissions, matagal pa bago mabuwag ang industriya ng fossil fuel. Mayroon din namang mga alternatibong energy source na maaaring gamitin tulad ng hydrogen gas, wind energy, at maging geothermal energy. Isang malaking hakbang patungo sa pagkabuti ng ating mundo ang paggamit ng mas malinis at sustainable na pinagmumulan ng enerhiya. Sa kasalukuyan, marami nang mga kumpanya ang pumirma sa “The Climate Pledge” kung saan sila ay nangako na makakamit ang net zero

carbon emissions sa taong 2040. Ito ay bunga ng pakikibaka ng mga youth activist sa buong mundo na dinidiin ang mga epekto ng krisis sa klima. Ngunit, hindi sana ito matapos lamang sa mga pangako, dapat ay may makita tayong konkretong aksyon mula sa mga nasabing kumpanya. Napakalaki na ang hinaharap na problema ng mundo dahil sa pandemya, ngunit unti-unti na tayong nakalalagpas mula rito dahil sa pagkakaroon ng bakuna. Oras na para harapin naman ang isa pang napakalaking problema na matagal na nating kinakaharap - ang krisis sa klima. Bilang mga indibidwal, nararapat lamang na tayo ay umaksyon ngunit huwag nating kakalimutan na panagutin ang dapat managot.

Dibuho mula sa Freepik .com

H

HINDI PRAYORIDAD

Ipinakilala na sa publiko si Grace, prototype ng isang AI healthcare COVID-19 robot mula HongKong, Hunyo 9. Bilang isang healthcare robot, nakaprograma si Grace na magdiagnose at mag-monitor ng mga pasyente ng COVID-19 gamit ang thermal camera sa kanyang dibdib. Nakadisenyo rin itong makipagugnayan sa mga pasyente at matatandang nasa gitna ng isolation, bilang malaking bahagi ng mental health ang naaapektuhan nito. Makatutulong nang malaki, hindi lamang sa pagpapatibay ng mental health, kundi pati sa pagpigil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19 ang ganitong kagamitan. Sa ganitong lagay, mababawasan ang contact ng mga healthcare worker sa mga pasyente, ganoon rin ang exposure nila sa virus. Sa katunayan, ayon sa tala nitong Abril, hindi na bababa sa 80 healthcare workers ang nasawi dahil sa komplikasyong dulot ng COVID-19. Dagdag pa, 60 ang bilang ng pasyenteng nakatalaga sa bawat nars bago pa ang pandemya. Ngayon, parami na nang parami ang mga ospital na umaabot sa maximum capacity at nagkukulang sa mga manggagamot; madalas pa nga ay diretsong isa o dalawang linggo ang inaabot ng bawat hospital shift. Sa kabila ng pinapasang responsibilidad, hindi nabibigyan ng sapat na sweldo at hazard pay ang ating mga healthcare worker. Sa katunayan nga, Pilipinas ang naitalang may pinakamababang minimum wage sa mga manggagamot sa buong


16 agham

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

Pfizer-BionTech

Kilala‌ ‌sa‌ ‌laboratoryo‌ ‌bilang‌ ‌BNT162b2,‌ ‌ang‌ ‌Pfizer-BioNTech‌ ‌ang‌ ‌kasalukuyang‌ ‌may‌ ‌ pinakamataas‌ ‌na‌ ‌efficacy‌ ‌rate,‌ ‌na‌ ‌maaaring‌ ‌umabot‌ ‌sa‌ ‌95%,‌ ‌sa‌ ‌lahat‌ ‌ng‌ ‌bakuna‌ ‌kontra‌ ‌COVID-19.‌ ‌Gawa‌ ‌ng‌ ‌dalawang‌ ‌Amerikanong‌ ‌kompanya‌ ‌sa‌ ‌parehong‌ ‌pangalan,‌ ‌ito‌ ‌rin‌ ‌ang‌ ‌isa‌ ‌sa‌ ‌may‌ ‌mga‌ ‌pinakamataas‌ ‌na‌ ‌demand‌ ‌sa‌ ‌mga‌ ‌bakuna.‌ ‌Gayunpaman,‌ ‌ang‌ ‌dalawang‌ ‌dosage‌ ‌nito‌ ‌ay‌ ‌maaari‌ ‌lamang‌ ‌maibakuna‌ ‌sa‌ ‌mga‌ ‌12‌ ‌taong‌ ‌gulang‌ ‌at‌ ‌pataas.‌ ‌Ilan‌ ‌sa‌ ‌mga‌ ‌naitalang‌ ‌side‌ ‌effects‌ ‌na‌ ‌maaari‌ ‌nitong‌ ‌idulot‌ ‌ay‌ ‌panghihina,‌ ‌sakit‌ ‌ng‌ ‌ulo‌ ‌at‌ ‌kasukasuan,‌ ‌paminsangminsang‌ ‌panginginig‌ ‌ng‌ ‌mga‌ ‌kalamnan,‌ ‌at‌ ‌lagnat.‌ ‌Sa‌ ‌kasalukuyan,‌ ‌umabot‌ ‌na‌ ‌sa‌ ‌2.3M‌ ‌dosage‌ ‌ng‌ ‌Pfizer-BioNTech‌ ‌ang‌ ‌nakalaan‌ ‌para‌ ‌sa‌ ‌bansa.

Ang sensates ng COVID-19 nina JALLYAH ANGELINE OLIGARIO at REYA NIKOLE MARYELLA SIOJO Tinatayang maaabot ng Pilipinas ang herd immunity mula COVID-19 sa pagtatapos ng taon hanggang sa unang bahagi ng 2022, ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Francisco Duque III sa isang panayam nitong buwan. Pitong entidad ang napag-alamang konektado sa isa’t isa -- hindi man sa pisikal na anyo o pandama, kundi sa pangunahing layunin at gampanin ng mga ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtipon-tipon ang mga nabanggit sa iisang lugar, bagay na kalimitan lamang mangyari. Estranghero man sa isa’t isa, iisa lamang ang layunin nila -- ang iligtas hindi lamang ang Pilipinas kundi ang buong mundo, mula sa malawakang panganib na patuloy dinudulot ng pandemya. Sa kasalukuyan, 0.47% pa lamang ng 110M na kabuuang populasyon sa Pilipinas ang nakatatanggap ng dalawang dosage ng bakuna, 69.53% mula sa target na 70M na mamamayan. Bago tuluyang maisapubliko ang bakuna, kinakailangan muna nitong dumaan at pumasa sa apat na stage ng clinical trials -- bawat isa ay may partikular na kondisyon upang masiguro ang kaligtasan at bisa ng naturang mga bakuna. Tulad ng mga karanasan ng walong sensates tungo sa pagtuklas ng kanilang mga sarili, kilalanin ang pitong bakunang kasalukuyang pag-asa tungo sa kaligtasan ng milyon-milyong Pilipino:

AstraZeneca

Gawa ng University of Oxford, ang AZD1222 o mas kilala bilang AstraZeneca vaccine ay 63.09% epektibo laban sa COVID-19. Inire-rekomendang ang 2 dosage ay maibakuna sa mga mamamayang 18 gulang pataas ng may 8 - 12 linggong pagitan. Matapos mapabakunahan, maaaring makaramdam ng sakit sa ulo o kalamnan, pagkapagod, lagnat, panginginig, at pagkahilo. Noong Mayo 8, 2021, mahigit 2 milyong dosage na ang dumating sa Pilipinas. Ito ay kabilang sa 4.5 milyong dosage ng bakunang nakalaan para sa ating bansa.

Moderna

May pangalang mRNA-1237 sa laboratoryo, ang bakunang ito na gawa ng ModernaTX, Inc. ay 94.1% epektibo laban sa COVID-19. May 28 araw na pagitan, ang dalawang dosage nito at maaari lamang ibakuna sa mga edad 18 pataas. Ilan sa mga naitalang side effects ay pananakit, pamamaga, at pamumula sa injection site, pagkapagod, sakit sa ulo o kalamnan, panginginig, pagkahilo, at lagnat. Napagkasunduan nang 13 milyong dosage ng bakunang ito ang ilalaan para sa Pilipinas.

Sinovac

Kilala rin bilang CoronaVac vaccine, ang bakunang gawa ng Sinovac Biotech ay may efficacy rate na 67%. Ang mga mamamayang edad 18 pataas ang maaaring mabakunahan ng dalawang dosage nito. Maaaring makaramdam ng side effects tulad ng pagtaas ng presyon ng dugo, sakit sa ulo at sa injection site, pagkahilo, at pagkakaroon ng pantal. 25 milyong dosage ng Sinovac ang nakalaan para sa Pilipinas, at sa ngayon, nasa 5 milyong dosage pa lamang natatanggap ng ating bansa.

Sputnik V

Ayon sa Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology, ang bakunang Sputnik V ay parehong epektibo para sa lahat ng edad. Ito ay may efficacy rate na 91.6%, at ang dalawang dosage nito ay dapat ibakuna ng may 21 araw na pagitan. Pagkatapos mabakunahan, maaaring makaramdam ng sakit na parang trangkaso, sakit sa ulo, at pagkapagod. Bukod sa unang batch ng 15,000 doses na dumating sa Pilipinas, ang bansa ay nakikipagsundo upang bumili pa ng 20M doses ng bakunang Sputnik V.

Johnson & Johnson

Hindi katulad ng ibang bakuna kontra COVID-19, isang dose lamang ang kinakailangan ng JNJ-78436735 o mas kilala bilang Johnson & Johnson vaccine ng Janssen Pharmaceuticals Companies of Johnson & Johnson. Ito ay 66.3% epektibo laban sa COVID-19 at ang mga mamamayang 18 gulang at pataas lamang ang maaaring mabakunahan nito. Mayroon din itong side effects na maaaring maramdaman katulad ng pananakit sa injection site, pagkahilo, pagkapagod, at pananakit ng kalamnan. Nakabili na ang Pilipinas ng 5 milyong dosage ng bakuna, at inaasahang makararating ito sa bansa sa Hulyo o sa ikatlong kwarter ng taon.

Covaxin

Nakasalalay lamang sa pansariling pananaw ang desisyon ng isang taong magpabakuna. Sa katunayan, malinaw na marami pa rin ang balot ng takot na tumanggap ng mga bakunang nabanggit, ngunit hindi maikakailang magiging malaking tulong sa bansa at sa lahat ng mga mamamayan kung magiging tuloy-tuloy at malawakan lamang ang pangangasiwa ng mga programa hinggil dito. Pigilan ang Parca Negra, piliing maging ligtas, at magpabakuna.

Panghuli sa listahan, ang Covaxin na gawa ng Bharat Biotech ay naaprubahan nang iturok sa mga mamamayang may gulang 12 pataas. Ang Covaxin ay 81% epektibo kontra sa COVID-19, at dalawang doses ang kinakailangan ibakuna. Ang mga side effects nito ay pananakit, pamamaga, at pamumula sa injection site, pagkahilo, panghihina, at pagkakaroon ng pantal. Inaasahan ng bansa na makatanggap ng 8 milyong doses ng Covaxin sa katapusan ng Mayo.

Mga larawan mula sa Google Images

‘Not an anti-viral drug’

FDA, tutol sa paggamit ng Ivermectin vs COVID-19 ni MARIAH TRENYCE CO

Larawan mula sa Olhar Digital

Pinabulaanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga pahayag na humihikayat sa paggamit ng Ivermectin kontra COVID-19, Mayo 26. Sa isang advisory na inilabas ng ahensya, binigyang-diin nitong hindi pa napapatunayan sa clinical trials na epektibo ang naturang gamot laban sa kahit na anong virus, kabilang na ang COVID-19. Nakasaad din ditong rehistrado lamang itong gamitin ng mga tao sa balat bilang panlaban sa iba’t ibang sakit na dulot ng external parasites,

gaya ng head lice at rosacea, nang may kalakip na reseta. Bagaman, bilang isang veterinary drug, maaari itong iturok at ipa-ingest sa ilang species ng hayop pangontra sa heartworm disease at ilang external at internal na parasitiko. Ayon pa sa FDA, maaaring magdulot ng pagkalason sa tao ang maling paggamit ng animal drugs dala na ng mataas na konsentrasyon nito. Binalaan din ng ahensya ang mga mamamayan sa mga epekto ng pagka-overdose mula sa ivermectin gaya ng panghihina, pagsusuka,

pagtatae, hypotension, allergic reactions, pagkahilo, panginginig, coma, at pagkamatay. Dagdag pa, hinimok din nito ang aktibong pakikibahagi ng mga mamamayan sa pagpapakalat ng tamang impormasyon hinggil sa naturang gamot. Kasalukuyan namang ikinakasa ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) ang pagsasagawa ng clinical trials sa Ivermectin alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte nitong Abril.


MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

isports

OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - KORDILYERA

ANG KAIGOROTAN | TOMO IX BLG 1

BALIKAN:

Alex Eala, bagong mukha ng Philippine Tennis nina SOLBORN BALAWAS at BIANCA JANELLE ANAS

Kasalukuyang pinanghahawakan ni Alexandra Eala ang Junior Australian Open Doubles Title at ang ika-662 na ranggo ng WTA singles ranking na kaniyang nakamit noong ika-12 ng Abril, 2021. Unang nakilala ang pangalan ng 15 taong gulang na manlalaro ng tennis ng Pilipinas matapos nitong dagitin ang 2018 Les Petit As 14-and-under tournament kay Linda Nosková ng Czech Republic. Tagumpay niya ring inangkin ang Junior Australian Open Doubles Title

kasama si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia laban kina Živa Falkner at Matilda Mutavdzic ng Slovenia at Great Britain. Umangat naman sa ika-2 ang kaniyang ranggo sa ITF Junior Rankings pagkatapos niyang umabot sa 2020 Junior French Open Girl’s Singles kontra kay Elsa Jacquemot ng France. Bigo naman ito sa kaniyang unang WTA 1000 tournament debut sa 2021 Miami Open kontra kay Viktoria Kuzmova pagkatapos niyang bitawan ang laro sa iskor na 4-6, 6-4, 6-2, sa

unang round ng qualifying draw. Ipinagpatuloy niya naman ang kaniyang pag-eensayo sa Rafael Nadal Academy sa Manacor, Spain sa gabay ng kaniyang coach na si Daniel Gomez na kung saan nakatanggap siya ng full scholarship.

PAMBATO, PAMPALO. Tagumpay ang 15-anyos Pinay Tennis player Alexandra Eala na maangkin ang Junior Australian Open Doubles Title at 662nd WTA ranking. Larawan mula sa ABS-CBN News

Kauna-unahang online intramurals ng PSHS-CARC, inilunsad mula sa pahina 20

[...] Gold Macaques at Asulaksak.

puntos upang magwagi.

Sa Mobile Legends 1v1 tournaments, nagwagi naman ang Black Ravens, sumunod ang Asulaksak, Red Skinks at Gold Macaques.

Masusubok naman ang galing ng mga manlalaro sa pagtatago, pang-aambush at pagdiskarte sa Battle Royale kung saan aabot sa 25 koponan na may apat na miyembro ang magtutunggali upang makamit ang unang pwesto. Kailangang mag-unahan ang mga squad sa pagpapatumba sa isa't isa habang hinahabol ang safe zone upang tanghaling kampeon.

CALL OF DUTY: MOBILE Ang Call of Duty: Mobile naman ay isang free-to-play online shooter game kung saan masusubok ang galing ng mga manlalaro sa pagbaril, pang-ambush, at pag-ayos ng kanilang mga armas. Mayroon itong dalawang mode: Multiplayer at Battle Royale. Para sa Multiplayer, dalawang koponan na may tig-limang miyembro ang mag-uunahang makaabot ng 40

Sa huli, wagi ang Asulaksak na sinundan ng Red Skinks, na sinundan ng Golden Macaques at Black Ravens sa parehong mode. LEAGUE OF LEGENDS

Ang League of Legends o kilala rin sa tawag na LOL ay isang multiplayer online battle arena kung saan limang manlalaro kada koponan ang maghaharap upang mag-unahang mabasag ang Nexus o base ng isa. Malayang makapipili ng kampeon ang mga kalahok mula sa kanilang mga hero sa champion pool. Masusubok ng larong ito ang galing ng mga manlalaro sa pagdedepensa, pag-push, at pag-build ng mga kagamitan upang lalo pang lumakas ang kanilang mga hero. Nagwagi ang Golden Macaques na sinundan ng Black Ravens, Red Skinks at Asulaksak para sa Esport

Pacman, muling sasabak sa ring

ni BIANCA JANELLE ANAS

Balik-ensayo na muli ang EightDivision World Champion na si Sen. Manny "Pacman" Pacquiao para sa kanyang nalalapit na laban kontra Errol Spence Jr., Los Angeles, Hulyo 5. Muling sasabak sa ring si Pacquiao matapos niyang matalo si Turman dalawang taon na ang nakakaraan. Nagsimulang mag-ensayo ang senator noong Abril sa General Santos City bago kumpirmahin ang laban kay Spence. Hindi nagpakita ng kahit anong senyales ng pagkakaroon ng jetlag si Pacman at dumiretso pa sa pageensayo matapos ang isang araw, ayon kay Coach Freddie. Ayon kay Pacquiao, hindi siya

sigurado kung ito na ang kanyang magiging huling laban o magkakaroon pa ng ibang mga laban sa mga susunod na taon.

na ito. League of Legends: ARAM Ang League of Legends: ARAM (All Random, All Mid) naman ay tulad lamang ng League of Legends ngunit, iisang lane lamang ang kanilang paglalabanan – ang midlane. Wala ring kalayaan ang mga kalahok na mamili ng champion dahil randomized ang hero na ibibigay sa iyo. Kung nais mong palitan ang hero na natapat sa iyo, maaari kang mag-reroll gamit ang reroll credits. Nasungkit muli ng Golden Macaques ang unang pwesto na sinundan ng Black Ravens para sa ikalawang pwesto, Asulaksak para

sa ikatlong, at Red Skinks para sa ikaapat. Maliban sa mga Esports, ginanap din ang tournament sa iba pang board at online games gaya ng Chess, Game of the Generals, Scrabble, Pictionary, at My Family Goes a Frenzy na nilahukan ng mga iskolar, guro, at kawani ng institusyon. Tinaguriang kampeon ng kauna-unahang Online Intramurals ang Red Skinks na umani ng 155 kabuuang puntos na sinundan ng Asulaksak na may 128 puntos, Black Ravens na may 105 puntos, at Golden Macaques na may 98 puntos.

TIME OUT! Kwentong Atleta

Magkakaroon ng press conference ang dalawa sa Hulyo 11, 5:00 pm (Eastern Time). Gaganapin ang kanilang laban sa T-Mobile Arena, Las Vegas, Nevada, Agosto 21.

BALIK-BOKSING. Kasalukuyan ang paghahanda ni Manny “Pacman” Pacquiao para sa nalalapit na laban kontra Errol Spence Jr. sa Las Vegas, Agosto 21. Larawan mula sa Rappler

PWERSANG PINOY. Kasaysayan ang itinatak ng Pinay golfer na si Yuka Saso matapos hiranging pinakabatang kampeon ng katatapos lamang na 76th US Women's Open Championship, Hunyo 3-6. Larawan mula sa Rappler


18 isports

Athlete Schedule: Quarantine Version

MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

ni JANVHER AUDREY SAGARIO

Mahirap maging isang atleta ngayong pandemya. Ang tunog ng bawat kiskis ng mga sapatos ay napalitan ng tunog ng pagpindot sa keyboard. Ang malawak na court ay napalitan ng mga nagsisikipang espasyo sa loob ng kanilang bahay. Ang dating pagkaganyak at saya na nararanasan nila sa paglalaro ay ngayo’y naglaho na. Wala rin silang makalaro at wala ring makapagpapayo sa kanila dahil sa social distancing. Paano na nga lang ba ang buhay ng mga atleta ngayong quarantine?

7:00 am - 8:00 aM

Bumangon at mag-almusal Kinakailangang balanse ang diet ng mga atleta upang mapanatili ang hulma ng kanilang mga katawan. Pinapanatili nilang hindi sobra at hindi rin kulang ang kanilang mga kinakain. Ito ang nagbibigay sa kanila ng lakas sa bawat gagawin nila buong araw.

5:00 Pm - 6:00 PM

Maglaro ng mobile games Hinahanap ng katawan ng isang atleta ang paglalaro kaya’t ito’y nababaling sa mga mobile games. Paraan rin nila ito upang makapagpahinga matapos mag-ensayo buong hapon. Ang mga laro tulad ng Mobile Legends, Call of Duty, at iba pa, ay nakatutulong sa pagkondisyon ng kanilang mga katawan at isipan. Nakapagdudulot rin ito ng saya sa kanila at napupunan nito ang kanilang guwang sa pagkagusto na may makalaro.

8:00 am - 9:00 aM

Mag-ehersisyo at mag-workout

Hindi sapat ang pagbalanse lamang ng diet sa pagpapanatili ng pangangatawan. Kinakailangan ding mag-ehersisyo upang mahubog ang mga kalamnan ng mga atleta. Ibaibang mga routine ang kanilang ginagawa upang mapanatiling nakakondisyon ang kanilang mga katawan.

6:00Maghapunan Pm - 7:00 PM Ano pa nga ba ang mas gaganda pa sa isang masarap na hapunan upang salubungin ang pagod ng mga atleta. Hindi pa tapos ang kanilang araw kaya’t kailangan nilang tipunin muli ang kanilang natitirang lakas para sa kanilang mga gawain bago matulog.

9:00 am - 12:00 PM Pumasok sa paaralan

Ang mga atleta ay mga mag-aaral din. Bagama’t online, ginagawa ng mga atleta ang lahat ng kanilang makakaya upang maintindihan ang mga aralin sa loob ng klase. Hindi lamang ang katawan ang hinuhubog ng mga atleta, kundi pati na rin ang kanilang mga isipan.

7:00 Pm - 10:00 PM

Gumawa ng requirements

12:00 Pm - 1:00 PM Mananghalian

Pagod matapos ang kanilang mga klase, ang mga atleta ay nanananghalian upang tipunin ang kanilang lakas para sa mga gawain mamayang hapon. Tulad rin ng kanilang almusal, pinapanatili nilang balanse ang kanilang kinakain sa tanghalian.

Ginagawa ng mga atleta ang kanilang mga requirements bago matulog. Pagod na nga ang kanilang mga katawan, pagod na rin ang kanilang mga isipan dahil dito. Bagama’t ganito, sinisiguardo pa rin nilang sila ay nakapagsusumite ng mga kailangan sa paaralan. Sinisigurado rin nila na hindi nakakaapekto ang kanilang mga gawain sa kanilang pag-aaral.

10:00 Pm Matulog

1:00 Pm - 5:00 PM Mag-ensayo

Bagama’t nakakulong sa bahay at walang kalaro, nagpupursige pa rin ang mga atleta upang mapanatili na hindi naaagnas ang kanilang mga kakayahan. Kasama rito ang ilang mga workout routines para sa kanilang mga braso, balikat, core, at mga binti. Kasama na rin dito ang ilang mga drills sa loob ng kanilang mga bahay. Kung magkataon, sila rin ay lumalabas para magbisikleta upang mapanatiling aktibo ang kanilang katawan.

Matapos ang kanilang mga gawain buong araw, oras na upang sila’y mamahinga. Bawat sakit ng ulo at katawan ay nawawala kapag sila niyakap na ng higaan. Sila ang naghahanda upang harapin muli ang mga panibagong gawain kinabukasan.

Hindi madali maging isang atleta ngayong quarantine. Bagama’t hindi na pareho ang kasalukuyang sitwasyon mula dati, sila ay nagpupursige pa rin na mapanatili ang kanilang mga kakayahan at pangangatwan. Nagpupursige sila upang balang araw ay muli silang makapaglaro sa court kasama ang kanilang mga kasamahan. Ngunit habang hindi pa tapos ang pademya, ganito na lamang muna ang nangyayari sa buhay ng isang atleta.


MAKABAYANG PANULAT MULA SA SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

Sa Likod ng Screen

isports 19

ni BIANCA JANELLE ANAS

Mobile Legends player ka ba? Kung ganon, hindi na bago sa iyong pandinig ang pangalang BREN Esports. Ngunit, kilala mo ba ang mga tao sa likod ng kanilang mga IGN o in-game name? Halina’t kilalanin natin ang kanilang koponan.

TagapagtataG

Bernard “Bren” Chong

Araw na Itinatag Agosto 16, 2017

Dating Pangalan Aether Main

Kulay ng Koponan Yellow

MGA PARANGAL Mobile Legends: Bang Bang Professional League - Philippines Season 1 - Kampyeon Season 2 - Ikalawang gantimpala Season 3 - Ikalawang gantimpala Season 4 - Ikalima-ika-anim na gantimpala Season 5 - Ikatlong gantimpala Season 6 - Kampyeon Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2018 Southeast Asia Cyber Arena (SEACA) Tournament Edition 2 Champions ONE eSports MPL Invitational 2nd Place MET Event Weeknight Showdown Season 1 Champions M2 World Championship Champions

Sa kanilang humigit-kumulang tatlong taon na paglalaro, marami na ang kanilang napatunayan. Sana ay patuloy pa rin nating suportahan at kilalanin ang mga taong nasa likod ng mga kamangha-manghang gameplay.


ISPORTS

ikatlong back-to-back championship NAIUWI ng red skinks

TOMO IX BLG 1 SETYEMBRE 2020 - MAYO 2021 OPISYAl NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - KORDILYERA

grapiko ni GABRIEL MATTHEW NACUBUAN

sa mga numero

Tokyo Olympics, nakatakda nang idaos

RESULTA NG INTRAMURALS 2020

ni BIANCA JANELLE ANAS

155Red Skinks 128 ASULAKSAK

105 BLACK RAVENS

98 GOLDEN MACAQUES

KAUNA-UNAHANG ONLINE INTRAMURALS NG PSHS-CARC, INILUNSAD ni GABRIEL MATTHEW NACUBUAN

P

ansamantala mang nahinto ang mga kaganapan sa paaralan, patuloy pa rin ang naging pagdiriwang ng Intramurals kung saan ginanap ang iba’t ibang online tournament tulad ng Valorant, Mobile Legends: Bang Bang, at League of Legends. Inilunsad ito upang isagawa ang mga sari-saring SCALE programs ng mga magaaral sa ika-11 na baitang. Hindi lamang pagdiriwang ang inilaan ng programang ito, nakapagbigay rin ng handog at tulong ang mga iskolar sa isang paaralan sa Tuba, Benguet. Nakabatay ang halaga ng donasyong inihandog sa bilang ng views at likes na natanggap ng mga live stream. Hinirang ang Red Skinks bilang kampeon ng 2020 PSHS CARC Intramurals, pangalawa ang Asulaksak, na sinundan ng Black Ravens at Gold Macaques. Ginanap ang programa nang tatlong linggo, mula ika-14 ng Oktubre hanggang

Ika-6 ng Nobyembre. Tunghayan ang ilan sa mga Esports Highlights ng Online Intrams: VALORANT Isang 5v5 character-based tactical shooter kung saan nagkakasalubong ang precise gunplay at ang iba’t ibang agent abilities ang Valorant. Kailangang pumili ng mga manlalaro ng iba’t ibang mga karakter na may natatanging mga kapangyarihan na maaaring maging attacker o defender. Layunin ng mga attackers na itanim ang spike o bomba sa isang bombsite, bagkus, ang pangunahing layunin ng defenders ay ang pagpigil dito. Kung tagumpay ang attackers, kailangang ma-detonate ng mga defenders ang bomba bago ito sumabog. Kung nagawang mapatay ng mga attackers ang lahat ng mga defenders, sila ay mabibigyan ng puntos, at kung nagawang mapatay ng mga defenders ang mga attackers bago nila itanim ang bomba, mabibigyan rin sila ng puntos.

BALITA P.17

BALIKAN: Alex Eala, bagong mukha ng Philippine Tennis

Kasalukuyang pinanghahawakan ni Alexandra Eala ang Junior Australian Open Doubles Title at ang ika-662 na ranggo ng WTA singles ranking na kaniyang nakamit noong ika-12 ng Abril, 2021.

Ang unang koponan na aabot sa labintatlong puntos (13 points) ang magwawagi. Kung sakaling ang dalawang koponan ay parehong labindalawang puntos (12 points), magkakaroon ng overtime o deuce, kung saan dapat makalamang ang isang koponan ng dalawang puntos. Nanalo ang Red Skinks sa seedings na mayroong tatlong puntos, sumunod ang Gold Macaques, Black Ravens, at ang Asulaksak. Nagkaroon ng seedings upang mabuo ang mga bracket ng tournament. Nagharap ang Red Skinks at Gold Macaques para sa kampeonato, kung saan nasungkit Red Skinks ang kampeonato nang walang katalo-talo. MOBILE LEGENDS: BANG BANG Isang mobile multiplayer online battle arena (MOBA), kung saan maaaring pumili ang mga manlalaro sa malawak na saklaw na mga karakter ang Mobile Legends:Bang Bang. Bawat karakter ay may iba’t ibang tungkulin tulad ng tank, mage,

support, marksman, at marami pang iba. Dalawang koponan ang maglalaban upang masira ang base ng katunggali habang ipinagtatanggol ang sariling base. Makakamit ito sa pagkuha ng kontrol sa tatlong daanan na mahahanap sa laro, ang top, middle, at bottom, na nakakonekta sa base. Binubuo ng limang manlalaro ang bawat koponan. Ang unang koponan na makasisira ng base ng kanilang katunggali ang wagi. Maaaring magkaroon ng manlalaro na magkatumbas o mas mababa sa lima sa pamamaraan ng paggawa ng custom game, sa Mobile Legends 5v5 at 1v1 tournament. Sa Mobile Legends 5v5 tournament, nagkaroon ng mainit na laban ang Red Skinks at Black Ravens para sa kampeonato, na siyang naiuwi ng Red Skinks, na sinundan ng Black Ravens...Sundan sa pahina 19.

Tuloy na tuloy na ang 2020 Summer Olympics sa kabila ng mga pagtutol, Tokyo Japan, Hulyo 23 - Agosto 8. Kahit na hindi sang-ayon ang mga public health official at ang publiko na idaos ang olympics ngayong taon dahil sa pandemya, nanindigan pa rin ang International Olympic Committee sa kanilang mga plano. Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Japan, kinondena ng World Health Organization (WHO) ang pagbubukas ng Summer Olympics ngayong taon dahil maaaring malagay sa panganib ang mga manlalarong dadalo rito. Kaugnay nito, pinangangambahan din ang paglala ng sitwasyon sa ikaapat na wave ng pandemya sa bansa sapagkat humigit kumulang 0.2% pa lamang ng buong populasyon nito ang kasalukuyang nakatatanggap ng bakuna. Kamakailan lang din nang makiusap ang mga media partner ng olympics upang ikansela ang naturang pangyayari. “Normal lamang naman para sa mga personalidad ng media ang magkaroon ng samu’t saring opinyon,” tugon ni Tokyo 2020 CEO Toshiro Muto nang tanungin tungkol sa isyu sa isang news briefing. Sa kabila ng mga pambabatikos, patuloy pa rin ang paghahanda ng Japan para sa nalalapit na olympics at kasalukuyang pinababakunahan ang mahigit-kumulang 11,000 manlalarong dadalo. Inaasahan din ang pagdalo ng ilang sa mga Pilipinong atleta tulad nina Hidilyn Diaz sa weightlifting; Carlos Yulo sa gymnastics,;Ernest Obiena sa pole vault; Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio, at Carlo Paalam sa boksing; Cris Nievarez sa rowing; at Kurt Barbosa para sa taekwondo. Matatandaang una nang ipinagpaliban ang nasabing Olympics, na nakatakda noong nakaraang taon, dahil sa banta ng COVID-19.

LATHALAIN P.18

Athlete Schedule Quarantine Version Mahirap maging isang atleta ngayong pandemya. Ang tunog ng bawat kiskis ng mga sapatos ay napalitan ng tunog ng pagpindot sa keyboard...

TULOY SA TOKYO. Nakatanggap ng mga kritisismo ang pamunuan ng Tokyo Olympics matapos i-anunsiyong idaraos event ngayong taon, sa kabila ng banta ng COVID-19. Larawan mula sa ABC News.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.