Ang Kasanag 2017

Page 1

Kasanag 3 Ang

S E R B I S YO + I N S P I R A S YO N = R E P O R M A ’ T PAG B A B AG O

angkasanag2017@gmail.com HUNYO-NOBYEMBRE 2017

TAPAT NA

SERBISYO’T

PAGBIBIGAY NG

LIWANAG

Sundan ang istorya sa p6.

@AngKasanag2017

www.facebook.com/AngKasanag

TAONG

OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN SA FILIPINO NG CAPIZ NATIONAL HIGH SCHOOL

BLG. 2

ES Bernada angat sa TOBS ‘17

ni Clint M. Bellosillo

Iskawt na pinagpala. Nasungkit ni Arnould Jann Bernada ng Capiz National High School ang titulong Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines (TOBS) sa bulwagan ng Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City, Oktubre 19. Aktibong mag-aaral si Bernada na kaliwa’t kanan ang mga gawaing pinagkakaabalahan sa loob at labas ng paaralan. Bukod dito, ginawaran siya ng pagkilala bilang isa sa mga Ten Outstanding Sons & Daughters of OFWs Student Achievers (TOSDOSA). Dagdag pa rito ang pagkapanalo niya ng Ikalawang Lugal sa Regional Philippine Society of Youth Science Clubs Science Olympiad (PSYSC) at pagkahalal bilang Regional Scout Representative for Visayas (RSR). “Sa simula pa lang, alam ko na malayo ang mararating ni Arnould dahil sa dedikasyon at pagmamahal sa Scouting,” wika ni Jury. Barde, outfit advisor. MABUSISING PAGPILI Sumailalim si Bernada sa matinding screening ng kumpetisyon sa pamamagitan ng pagpasa ng bidbook na naglalaman ng academic performance, leadership, community involvement, scouting activities gayundin ang panel interview. Bago sumabak sa nasyunal na lebel, dalawang iskawt ang pipiliin sa kani-kanilang council na aabante sa rehiyunal na kumpetisyon. Pagkatapos nito, dalawa naman ang pipiliin mula sa labing-anim na kinatawan. Panghuli, dalawampu’t anim na opisyal na iskawt na kinatawan ng kani-kanilang rehiyon ang magtatagisan sa

This is only a start of something big. - Bernada

TIKAS NG DETERMINASYON. ES Arnould Jann A. Bernada - TOBS of the Philippines.

prestihiyosong paligsahan. “Isang roller coaster ride ito para sa akin dahil hindi ko inakala na magwawagi ako sa patimpalak dahil marami rin ang magagaling at nagpkitang-gilas,” pahayag pa ni Bernada. GITANG LABAN Nagkaroon ng tie diumano sa final result kaya sa halip na sampu ay labing-isa ang pinarangalan.

Nakapasok din sa mga nanalo ang isang babaeng iskawt na si Reyshell Marie M. Lat mula sa Bulacan Council na isang bihirang pagkakataon. “ I’m so grateful to God and to all the people behind my success. This recognition is for them. This is only a start of something big,” pahayag ni Bernada. Sa kasaysayan ng Outfit 02, panlimang TOBS na si Bernada na nahirang mula sa nasabing paaralan.

Patnugot wagi sa NSPC 6th Place nasungkit sa ikalawang subok ni Clint M. Bellosillo

BUKLOD NG PAGTUTULUNGAN. Ang patnugutan sa pangwakas na gawain ng PIA. Sundan ang balita sa P3.

EDITORYAL Babangon ako at magsisimula

Husay sa pagsulat. Nasungkit ni Samantha Nicole Abella, patnugot ng Ang Kasanag, ang ikaanim na lugal sa Pagsulat ng Editoryal sa kaniyang ikalawang sabak sa National Schools Press Conference (NSPC) sa Pagadian City, Zamboanga Peninsula, Enero 21 - 25. Matatandaang si Abella ay naging kinatawan din ng paaralan sa nakaraang

LATHALAIN

p4

Nang tinamaan sa bintana

NSPC 2016 sa Koronadal, South Cotabato subalit bigong makapasok sa top 7 ng nasabing kategorya. Ngunit sa kaniyang pagbalik, siniguro niyang angat ang kanyang pananaw at paninindigan tungkol sa ‘War on Drugs’ sa iba pang mga kalahok mula sa labinwalong rehiyon sa buong Pilipinas. “Simula pa lamang ay nakitaan ko na siya ng potensyal sa pagsulat. Nakatulong din nang malaki ang aming puspusang pag-eensayo at paghahanda,” ani ng kanyang tagapagsanay na si G. Leonardo Q. Bayadog. Dagdag pa rito, upang masigurong muling makakapasok si Abella sa susunod na NSPC 2018, dobleng pag-eensayo ang isinasagawa niya kasama ang buong kupunan ng Ang Kasanag.

ISPORTS

p6

Francisco kumubra ng ginto sa World Taekwondo Culture EXPO

p8


Ang Kasanag

2 | HUNYO-NOBYEMBRE 2017

BALITA

BLG. 2

YES-O Camp bumida ngayong taon ni Alyssa Faith A. Uygen

Kawal ng kalikasan. Muling binuksan ng Capiz National High School ang dalawang araw na YES-O Camp na may temang “Engaging YES-O Members as Stewards of Sustainable Ecological Development through YES-O Programs/Activities,” na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kurikulum, Oktubre 14-15. Siksik sa mga gawain ang dalawang araw na ito kung saan kabilang sa programa nito ang plenary session kasabay ang mga pagtalakay sa mga programa ng YES-O pati na rin ang mga paligsahan sa Impromtu Dayalogo at Enviro Rap na layuning pukawin ang damdaming makakalikasan ng bawat mag-aaral gamit ang kanilang tinig. Sa gabi naman ay ibinida at ipinarada ng mga kalahok ang kani-kanilang mga suot sa Kalikasan runway na gawa sa napaglumaang bagay at recyclable materials na maaari pang pakinabanagan tulad ng plastik, lata at iba pa. “The students’ participation was indeed undeniable. From the very start up to the end, their energy never seemed to droop down” sabi ni Mrs. Kristine Baes, YES-O Camp Director. Highlight naman ng nasabing aktibidad ang Search for Lakan at Lakambini ng Kalikasan kung saan hindi lamang ganda at talino ang kanilang puhunan kundi ang ang pagsulong ng adbokasiya sa pangagalaga at maging tanod ng kalikasan. Ito ay nilahukan ng mga piling estudyante na nagsilbing kinatawan ng bawat kurikulum mula

YES SA SAYA. Koponan ng Senior High sa palarong pangkalikasan noong YES-O CAMP 2017. Grado 7 ng Junior High School at hanggang Senior High School. Nangako rin ang mga estudyante ng kanilang pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan sa Pledge of Commitment at sinundan ng Sigaw para sa Kalikasan kung saan nagsaya ang mga kalahok sa mga musikang alay ng mga piling banda. Nagtapos ang huling araw ng YES-O camp sa palarong kalikasan tulad Super Bakya, Sack Race at

Global Handwashing sinabayan ng pakulo

Iba’t ibang kurikulum kaniya-kaniyang gimik ni Alyssa Faith A. Uygen

Kamay sa kalusugan. Nakiisa ang Capiz National High School sa pagdiriwang ng 2017 Global Handwashing Day na may temang “Our Hands, Our Future,” na ginanap sa nasabing paaralan, Oktubre 18. Nilahukan ito ng magaaral mula Grado 7 hanggang Grado 12 na sabay-sabay na naghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon. Nagkaroon ng parada KAMAY NG KALINISAN. Grado 8 sa gawaing paghuhugas ng kamay. at pagpapakitang-gilas ng Tampok sa nasabing symposium ang pagbabahgi Capiz NHS Drum and Lyre Corps gayundin ng iba’t ibang pakulo ng bawat kurikulum tulad ng Zumba ni Engr. Marie Eugene Gonzales tungkol sa tamang Dance, hataw na sayawan at ang inabangan ng lahat paghuhugas ng kamay at ang mabuting maidudulot na Boodle Fight kung saan inilatag ang iba’t ibang nito sa katawan. “Importanteng malinis ang ating mga kamay pagkaing pagsasaluhan. Kaugnay ng tema para sa taunang pagdiriwang upang maging ligtas tayo sa ano mang mga sakit,” ay paalala na ang palagiang paghuhugas ng kamay ay ayon kay Engr. Gonzales. Sinasabing nagsimula ang ganitong gawain noong susi sa malusog na pangangatawan at upang maging 2008 kung saan 120 milyong bata sa buong mundo ligtas sa anumang sakit. Kasabay ng pagdiriwang na ito ay ang sa mahigit 70 bansa ang nakilahok upang lalo pang pagkakaroon din ng Symposium on Handwashing na paigtingin ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. idinaos sa Capiz NHS Covered Gym.

iba pa kung saan nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa paglampas ng bawat hamong itinatalaga sa bawat istasyon. “Ang pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan ay nasa kamay nating lahat. Nawa’y maging salamin tayo at tagapagbantay ng ating Inang Kalikasan hindi lamang para sa ating kapakanan kundi maging sa susunod pang henerasyon,” pahayag ni Gng. Judy B. Dunton, SSHT V ng Science Department.

SSG nagpasimuno sa World Teachers Day ni Reandy Kyle A. Torato

Pagsaludo sa dakilang guro. Binigyang-pugay ng mag-aaral ng Capiz National High School sa pamumuno ng Supreme Student Government (SSG) ang mga guro sa kanilang natatanging araw, Capiz NHS Covered Gym, Oktubre 5. Naghanda ang mga opisyales ng SSG ng isang programa at nag-alay ang piling mag-aaral ng kanilang mensahe sa mga guro bilang pasasalamat at pagkilala sa mga nagsilbing pangalawang magulang nila sa paaralan. “Hindi man namin lubos na masuklian ang lahat ng paghihirap at pasensyang ibinuhos ng aming mga guro, sana sa munting handog na ito ay napasaya namin ang ating itinuturing na bayani ng silid-aralan,” pahayag ni Jayrose B. Bunda, pangulo ng SSG. Samu’t saring mga pakulo ang inihandog ng mga mag-aaral tulad ng dance presentation, photobooth, at marami pang iba. “Taos-puso akong nagpapasalamat sa aking mga guro dahil sa pagkakaloob nila ng de-kalidad na edukasyon at sa paghubog ng ugali at pagkatao ng mga mag-aaral tulad ko upang maging isang mabuting mamamayan,” ani pa ni Bunda. Sinasabing ang gawaing ito ay alinsunod sa bisa ng Proklamasyon ng Pangulo Blg. 242 na mula Setyembre 5-Oktubre 5 bawat taon ay ang pagdiriwang ng World Teachers Day.


Ang Kasanag

BLG. 2

BALITA

HUNYO-NOBYEMBRE 2017 | 3

Ang Kasanag umani ng parangal sa PIA6

ni Frogela Kaye B. Sinoy

Di mabilang na pagkilala. Bumandera ang patnugutan ng Ang Kasanag sa tatlong araw na Convergence Journalism Seminar Workshop for Campus Writers and Advisers ng Philippine Information Agency (PIA) na may temang “Partnering for Change, Engaging the World,” sa Casa Real, Iloilo Grand Hotel, Iloilo City, Agosto 30 - Setyembre 1. Hindi nagpaawat sina Samantha Nicole Abella at Maria Kydylee Torato na ihayag ang kani-kanilang paninindigan tungkol sa mga usapin at isyung panlipunan na tinanghal bilang Most Promising sa Pagsulat ng Editoryal. Nakipagtagisan naman gamit ang kanilang malikhaing isipan sina Katherine Bacuna at Lorenz Jude Celoso na tinaghal bilang Most Promising sa Pagsulat ng Lathalain samantalang nasungkit din ni Celoso ang titulong nang lalong pinainit nito ang mga kasalukuyang pangyayari sa Pagsulat ng Balita. Kinilala rin bilang Most Promising sina Clint Bellosillo at Kathlyn Gellangarin samantalang Promising naman sina Ryan Labto, Antoinette Chu at Frogela Kaye Sinoy nang malaya nilang ihayag ang kani-kanilang mga pananaw tungkol sa iba’t ibang paksain para sa Pagsulat ng Kolum. Binigyang-buhay naman nina Samantha Nicole Abella at Maria Kydylee Torato ang mga natatanging kwento sa likod ng mga retrato kung saan tinanghal silang Promising at Honorable Mention sa Larawang-kuha.

Sa huli ay nakipagsabayan at nagsanib-pwersa sina Samantha Nicole Abella, Maria Kydylee Torato, Vince Matthew Bolido, Clint Bellosillo, Aldrinne Desalit, Ryan Labto, Katlyn Gellangarin, Gio Carlo Ciudadano, Lorenz Jude Celoso, Annery Jeshaeil Atinon, Frogela Kaye Sinoy, Melvel John Amarillo, Angel Joy Deguma, Ayeen Layo, Aynah Layo, Dinah Brito at Antonette Chu na tinanghal bilang

BUKLOD NG PAGTUTULUNGAN. Ang patnugutan sa pangwakas na gawain ng PIA.

Capiz NHS lumugal sa Regional BE ni Kia Wensely D. Pericon

Bayanihan ng paaralan. Matapos maging Hall of Famer sa Dibisyon ng Capiz, pumangalawa ang Capiz National High School sa Regional Search for Best Implementer Awards sa Brigada Eskwela na idinaos noong Mayo 15-19. Samantala, itinanghal na kampeon ang Barotac Viejo National High School at nasa Ikatlong Lugal naman ang Northern Antique Vocational School sa buong Rehiyon 6 na napabilang sa kategoryang Mega School kung saan higit 100 ang populasyon ng mga guro. Ginanap ang pag-anunsyo at ang pagkaloob ng gantimpala sa mga nanalo sa El Circulo Convention Center, Pueblo de Panay, Roxas City, Capiz noong Oktubre 12 na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang paaralan sa probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Iloilo City, Passi City, at Roxas City. Scope of work based on School Improvement Plan (SIP), volunteer diversity and participation, impact of Brigada Eskwela, at resources generated ang naging basehan ng mga hurado sa pagpili ng karapat-dapat sa parangal na Best Implementer. Sa likod ng tagumpay na ito ay ang mga mag-aaral, magulang, kasapi ng

Honorable Mention para sa Pagdisenyo ng Pahina. “Talagang hindi maitatanggi ang natatanging talento ng mga batang ito pagdating sa larangan ng journalismo. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoong Diyos at sa mga magulang na kailanman ay hindi ipinagkait ang kanilang suporta sa aming mga manunulat,” pahayag ni Gng. Rahnelyn Bonilla, isa sa mga tagapayo ng Ang Kasanag.

komunidad, pribado at pampublikong sektor, mga guro, mga Brigada Coordinators na sina G. John Paul Bascos, Gng. Kristine Baes, at G. Jocel Borcelo, at Gng. Ma. Rita F. Villareal, punongguro ng nasabing paaralan. “Thank you very much internal and external stakeholders for all the support and generosity. My 3- year term as Brigada Eskwela coordinator has just ended and to the next coordinator, good luck!,” tugon ni G. Borcelo. Matatandaang puspusan ang pagkumpuni at pagpapaayos ng mga gusali at silid-aralan ng institusyon tulad ng Bagong Lipunan at FilipinoChinese Chambers of Commerce Building kasabay ang pagpapatayo ng Grade 9 Multipurpose Hall at Learner’s Study Shed. “I want to congratulate everyone for a job well done last Brigada Eskwela. I am truly glad that all of you participated and have done your part,” pahayag ni Regional Director Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V. Taong 2003 nagsimula ang Brigada Eskwela na bahagi ng Oplan Balik Eskwela Program ng Kagawaran ng Edukasyon na may layuning magkaroon ng bayanihan sa komunidad at paaralan bilang preparasyon para sa pagbubukas ng klase.

SRCY sumabak sa 20th Nat’l Youth Congress ni Samantha Nicole A. Abella Makabuluhang pagtitipon. Nakilahok ang dalawang piling mag-aaral ng Capiz National High School sa nakalipas na 20th National Youth Congress ng Philippine Red Cross (PRC) na may temang, “Red Cross Youth: A Century as Agents of Change, Motivated by Passion, Reshaping the Nation” sa Mandaluyong City, Oktubre 27-29. Naging kinatawan ng CNHS Senior Red Cross Youth Council (SRCY) sina Maria Kydylee Torato, 12-Genesis at Ryanne Mei Garcia ng 10-Curie sa nasabing pagtitipon kasama ang iba pang mga kalahok mula sa Area 5 na kinabibilangan ng Capiz, Aklan, Guimaras, Iloilo, Antique, Negros Occidental at Negros Oriental. “Hindi man ako nakasama sa bihirang pagkakataong ito, I am proud to say na maaasahan ang mga delegado mula sa ating paaralan,” ani ni G. Jocel Borcelo, CNHS-SRCY Adviser. Samantala, inihalal na pangulo si Mark Bryan Yaung ng Bacolod Chapter at inatasang magpapatuloy sa adhikain at misyon ng PRC sa pagkakawanggawa sa susunod na dalawang taon. Sa pagtatapos ng tatlong araw na gawain, inilahad ang mga bagong batas sa ilalim ng bagong konstitusyon na siyang ipatutupad ng susunod na liderato.


Ang Kasanag

EDITORYAL

4 | HUNYO-NOBYEMBRE 2017

BLG. 2

Babangon ako at magsisimula

S

a kabila ng madugong kinahinatnan ng giyera, ikinatuwa ng marami ang balitang tuluyan nang lumaya ang Marawi nang ibalita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kumpirmado nang patay sina Isnilon Hapilon at Omar Maute, Lunes nang umaga, Oktubre 17. Natapos man ang gulo sa loob ng bayan, hindi pa rin mawawala sa isipan ng mga biktima ang pait ng giyerang Pilipino sa kapwa Pilipino. Humihilom ang mga sugat ng bakbakan, ngunit permanente ang mga peklat na iniwan nito sa puso ng samabayanan. Ang mga buhay na naibaon ay maaaring sugat ng mapait na kahapon ngunit ang pag-ahon ay simula ng maaliwalas na bukas. Ang deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ay umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga bakwit. May ibang natuwa nang marinig ang balita at may mga nalungkot rin dahil kahit malaya na umano ang kanilang bayan, wala naman silang pamilya, tahanan at kabuhayang babalikan. Nakabubuhay ng pag-asa ang balitang ito, subalit nasa 400,000 na residente pa ang tiyak na nawasak ang mga bahay at kasalukuyang nasa evacuation centers ang kawawa dahil wala na silang tahanan na babalikan, bagkus ay mga butas at gutay-gutay na tira na lamang ng dapat sana’y bahay nila. Isipin niyo na lamang ang pagdurusa ng mga bakwit na babalik sa simula matapos ang digmaang ito. Halos lahat ng bahay at mga gusali sa Marawi ay nasira at malaking halaga ang kailangan bago muling¬ maitayo ang nasirang lungsod. Hindi lamang gahiganteng pondo ang kailangan sa pagpapabangon muli sa nalumpong bayan kundi suporta at tamang pamamahala din mula sa lokal at pambansang sektor ng bansa. Sa parte naman ng mga bakwit; tiwala sa May Kapal at tibay ng loob ang magiging pundasyon nila sa muling pagbangon sa kabila ng mga luhang inaasahang papatak habang pilit nilang pinupulot ang mga basag na piraso ng buhay na

nakasanayan. Nagkakalahaga ng P56 Bilyon para maibalik sa dating kalagayan ang minsan nang maipagmamalaking bayan, ayon kay Lorenzana. Nalagdaan na rin ng pangulo ang Administrative Order No. 3, na siya namang dahilan kung bakit naitatag ang Task Force Bangon Marawi at naglaan ng P20 Bilyong pondo para sa nasabing operasyon. Inaasahan din ang tulong mula sa mga bansang kusang magbibigay ng tulong pinansyal para sa parehong mithiin- ang tulungang makabangon ang nasbing bayan. Ang adhikaing ito, ay nangangailangan ng malaking bahagi ng oras, pagsisikap at pagtutulungan dahil ang estado ng Marawi ay lampas sa makakaya ng gobyerno kung sila lamang ang gagawa ng paraan para maibalik ito sa dati.

Matanglawin Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Capiz National High School T.P. 2017 – 2018

PATNUGOT: Samantha Nicole Abella (Senior HS), Alyssa Faith Uygen ( Junior HS) PANGALAWANG PATNUGOT: Kia Wensley Pericon, Kate Alyssa G. Jore, Vince Matthew Bolido, Aldrinne Desalit, Lourenze Floyd Tu MGA KOLUMNISTA: Erika Langurayan , Dinah Brito, Ma. Christina Kane, Danilyn Joy Cortes, Maita Sofia Tonel, Carl Justin Bornales, Johren Emman Balahadia, Niel Margarette Diestro PUNONG PATNUGOT SA BALITA: Clint Bellosillo PATNUGOT SA BALITA: Lorenz Joaquin Reyes, Lorenz Jude Celoso, Annery Jeshaeil Atinon, Axel Jan Ray Alcorano, Mary Shanyn Francisco PUNONG PATNUGOT SA LATHALAN: Marjhil Gadon PUNONG PATNUGOT SA ISPORT: Joanna Wayne Horneja PATNUGOT SA ISPORT: Katlyn Estiaga, Jester Angelo Abella, Casandra Kaye Alisla, Jenny Lyn Manguito, Joshua Bialen, Hyazen De los Santos, Angel Joy Deguma PATNUGOT SA PAG-UULO NG BALITA AT PAGWAWASTO NG SIPI: Ryan Labto PUNONG PATNUGOT SA LARAWANG-KUHA: Angel Rose Lepaña PATNUGOT SA LARAWANG-KUHA: Giannee Christine Azagra, Ayeen Layo MGA DIBUHISTA: Arnolfo Borda, Reandy Kyle Torato, Clarissa Sacil, Soren Dacles, Edwin Dipositario, Sheryl Anna Marie Go, Arjay Torres, Kyla CJ Gafate PUNONG TAGA-DISENYO: Maria Kydylee Torato MGA TAGAPAYO: Leonardo Q. Bayadog, Charie S. Delfin, Rahnelyn B. Bonilla KRITIKO: Catherine D. Diaz, SSHT V-Filipino PUNONGGURO: Ma. Rita F. Villareal, Punongguro IV

Antoinette C. Chu

Magsulat ay ‘di biro

Magtanim ay hindi biro,” ganyan din ang buhay ng isang mamamahayag. Kung maghapong nakayuko ang isang magsasaka, may pagkakataon naman na hindi makatayo ang isang journalist dahil sa dami ng isusulat na balita. Pumasok na ba sa isipan mo ang pagiging isang mamamahayag? Ano nga ba ang tungkulin ng isang journalist? Sulat dito, sulat doon. Edit dito, edit doon. Interview dito, interview doon. Oo, nakakapagod pero kung kasama ang article mo sa pahayagan, masaya ka na. Alam naman siguro ng lahat na mahirap maging isang manunulat sa mundo ng journalism. Mahirap, kasi siyempre nariyan ang deadlines, tambak articles, maraming ile-lay out. Pero pawi naman ang pagod dhil mahal mo ang ginagawa mo.Halos nakabibingi ang katahimikan bago pumasok sa buhay mo ang pagiging isang journalist pero ngayon ibat

Hindi lamang mga estruktura ang dapat na bigyang-pansin ng administrasyon ayon kay Ambassador Macabangkit Lanto sa isang komentaryo. Ani niya, “May posibilidad na ang pagpapalaya sa Marawi ay hindi tuluyang papatay sa apoy ng terorismong may kaugnayan sa relihiyon sa Mindanao. Sa katunayan, may basehan ang takot na maaaring ang giyerang sinimulan ng Maute ang pupukaw sa mga mas agresibo at mas may karumaldumal na paraan ng krusada matapos na makita ang sitwasyon ng kanilang bayang nagdurusa. At ito ang dapat na bantayan ng pamahalaan”. Nakaalpas na ang Marawi mula sa tanikala ng teroristang grupo at labanang wala nang dinala kundi kawalan ng buhay at pag-asa. Ang tanong: ang mga biktima, tuluyan na nga bang malaya mula sa takot at pangamba? ibang uri na ng tao ang nakakasalamuha at nakakausap mo. Nakakapagod pero ang sarap ng pakiramdam ng isang “student journalist”. Articles at walang knikilingang pagbabalita ang kailangang gawin para mailathala kung ano ang katotohanan sa mga bagay-bagay. Hindi biro ang pagiging isang journalist dahil dapat mayroong paninindigan, balanse sa kanyang sinusulat hinggil sa usapin. Ang isa mga importante na katangian at kakayahan ng isang mamamahayag ay ang pagiging patas sa pagbabalita o pagbibigay impormasyon.Mulat ka na ba sa katotohanan kung bakit ginagawa ng isang mamamahayag ang kanyang tungkulin? Dahil ito sa Campus Journalism of 1991 na isinabatas noong panunungkulan ni Pang. Corazon Aquino na ipinatupad noong Hulyo 5, 1991, para labanan ang anumang porma ng paglabag sa karapatan at kalayaan sa pamamahayag sa loob ng kampus. Magiging sandata ito ng bawat pahayagang pangkampus at ng mga manunulat.Dapat ang iyong pamamahayag ay tapat, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan at walang kasinungalingan. Higit sa lahat hindi ka dapat matakot na isiwalat ang katotohanan. Kailangan ang tatag ng loob at isip, higit sa lahat lagi mong tatandaan na hindi mawalan ng kumpyansa sa sarili. Ang pamamahayag ay hindi lamang laru-laro o simpleng pagsusulat lamang. Dapat mong pakatandaan na may kaakibat itong mabigat na responsibilidad sa bayan.


Ang Kasanag

OPINYON

BLG. 2

OPPATOK Vince Alexei A. Abella

“Annyoeng sayo”

Saranghaeyo oppa” salitang nauso dahil sa K-pop at K-drama. Marami ang nag tataka bakit biglang lumobo ang populasyon ng mga nahilig sa mga koreanong artista lalong-lalo na sa K-pop ng korea. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa “telenovela” o soap opera, mapa-aksyon, mapa-horror, mapa- drama o mapa-lovestory man tayo ay “hook na hook” bata man o matanda. Pero paano nga ba nakapasok ang “Korean Pop Culture” dito sa atin at ano nga ba ang epekto nito sa ating mga kabataan? Marami ang nag sasabi na nag simula raw ang pag usbong ng K-pop at K-drama dito sa pinas nang sumali at sumikat ang “pambansang krung-krung” o mas kilala bilang Sandara Park kung kaya’t dito lumaganap at mas naging kilala ang K-pop music. Meron ding nagsabi na dahil daw sa mga K-drama at mga Korean TV shows na pinapalabas sa telebisyon sa ating bansa na naging dahilan ng malawak pang pagkilala sa kanilang kultura at kanilang musika. Ayon kay Mary Joy Anne Malinis sa kanyang survey na “Bakit gustong-gusto ng mga kabataan ang K-pop?” dahil raw ito ay nakakaindak at masarap pakinggan kahit di gaanong maintindihan ang lyrics

LODI ng masa Erika P. Langurayan

“Tutulad ka ba?”

G

aano nga ba kabigat ang presyo ng karangalan? Kailangan ba ng sandamakmak na medalya at balde-baldeng pagkilala upang makuha ito? Talagang mahirap makakuha ng titulo. Titulong ikakabit dahil ikaw ay idolo at hinihirang bilang isang modelo. Hayaan mong ihatid kita sa mundo kung saan mabibigyang kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa iyong isipan. Magsuot nang kumpleto. Hindi mo kailangan ng magara. Isang malinis na paldang bughaw at puting blusa ay ayos na. Huwag kalimutang isuot ang I.D katulad ng hindi mo paglimot sa mga alaala na binuo niyo ng ex mo. Iwasang ma-late. Estudyanteng maaga sa paaralaan, may magandang patutunguhan. Hindi mo gagawin ito para maipakita na ikaw ay isang modelo o para magpabibo kundi upang maipakita na pursigido ka sa pag-aaral mo. Tandaan na ang guro ang hinihintay sa klase at hindi ikaw. Maging magalang at karespe-respeto. Katulad nang tinuro sa iyo ng iyong mga magulang, huwag

PETMALUSOG Dinah N. Brito

Susi sa nutrisyon

K

ALUSUGAN! Maituturing na isa sa kayamanan ng tao. Sa oras na ito’y iyong pinabayaan, siguradong lubos mo itong pagsisisihan. Ang pagkakaroon ng malusog na katawan ay isa sa mga sangkap sa pagtamo ng kaunlaran hindi lamang n gating sarili kundi pati narin ng lipunan. Nagsisimula sa tahanan na dapat ipagpatuloy at

nito, pangalawa, dahil ito ay inaawit ng mga sikat, naggwagwapuhan at nagsisigandahang K-pop idols na kanilang idolo, (gustong-gusto parin nila itong pakinggan kahit hindi naman gaanong maintindihan ang lyrics ng kanta) pangatlo, dahil sa impluwensya ng mga kaibigan at ayaw mag pahili sa usapan at chick-chakan o dahil ito ang uso, panghuli, dahil tinatamad na raw silang making sa mga musikang Pilipino. Batay sa artikulo na nag mula sa m2.0, ang unang dahilan kung bakit popular ang mga K-dramas sa maraming Pilipino ay dahil sa kanilang mga paksa o tema nito. Ang karamihan sa mga K-drama ay naglalaman ng mga family-friendly na tema na tugma sa ating kultura at mga nakasanayan. Pag-ibig, pagkakaibigan, relasyon ng pamilya at kasaysayan ng iilan lamang sa mga tema na ipinakita ng maraming Korean drama at ang mga ito ay tugma sa katangian at kaugalian o tadisyon na pinahahalagaan din natin. Sa aking opinyon merong positibo at negatibong epekto sa atin ang pagtangkilik sa Korean Pop Culture, negatibong epekto: mas tinatangkilik nila ang produkto ng Korea at nag dudulot ito ng hindi maganda sa ating ekonomiya at hindi na napagtutuunan ng pansin ang mga kantang pinaghirapan ng mga batikang kompositor o manunulat ng kantang OPM. Sa kabila ng mga negatibong epekto nito hindi natin maikakaila na meron din itong magandang naidudulot, mas nakilala natin ang kultura ng Korea at iba pang karatig bansa at mas napalawak ang ugnayan ng ating bansa sa Korea. Sa kabila ng pagsikat ng K-pop at K-dramas, huwag nating kalimutan na tayo rin ay may sariling musika, sariling kultura at dapat din nating matutunan kung paano pangalagaan ang kulturang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Ikaw batang Pilipino “anneong sayo?”

mong kakalimutang maging magalang sa lahat ng oras. Sa guro, guwardiya, o sa kapwa estudyante man. Isiping mabuti ang mga sasabihin at huwag padalos dalos sa mga ginagawa at sinasabi dahil ang pagiging isang modelo ay may respeto sa lahat at sa sarili nito. Maging tapat. May mga pagkakataong hindi maiiwasan ng isang estudyante ang hindi magsabi ng totoo. Bilang isang modelo, ang pagiging matapat ay isa sa mga katangiang dapat taglayin. Ang pagiging matapat ay simbolo na mapagkakatiwalaan ka sa lahat ng bagay. Ugaliing ngumiti. Kahit anumang problema ang hinaharap mo, mapa math, lovelife o personal man, lagyan mo ng isang matamis na ngiti ang iyong labi. Ngumiti ka lang kahit ang hirap at ang sakit sakit na nang mga pangyayaring nagaganap sa buhay mo. Modelo ka! Kaya ngumiti ka. Ilan lang ito sa mga paraan kung paano maipapakita ang pagiging isang modelo. Hindi ito kagaya sa mga napapanood mo sa telebisyon na may balingkinitang katawan, mala-porselanang kutis, mapupulang labi at nangungusap na mga mata. Hindi ito tungkol sa mga pagsusulit na iyong naipasa o sa mga kumpetisyong iyong naipanalo na. Hindi rin ito tungkol sa mga medalyang iyong makukuha sa pagtatapos ng eskwela. Tungkol ito sa pagiging isang huwarang halimbawa sa kapwa; sa loob man o sa labas ng paaralan. Pagiging isang mabuting anak sa magulang, estudyante sa eskwelahan, kaibigan sa silidaralan, at katuwang kapag kinakailangan. pairalin din sa paaralan. Ang DepEd order no. 13 na nagsasaad ng “Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices in Schools and in DepEd Offices” ay nagsusulong ng watsong paraan ng pagkain ng mga kabataan at pati narin ng mga empleyado ng DepEd sa paghanda ng masusustansiya at murang pagkain sa mga paaralan. May tatlong kategorya sa pagpili ng pagkaing ihahain sa mga kantina. Ang berde, dilaw at pula kung saan berde at dilaw lang ang maaaring ibenta sa mga kantina dahil ang mga pagkain na nabibilang sa pulang kategorya ay hindi na masasabing masustansiya at dapat na iwasan ng mga bata. Ayon sa nabanggit, ang ordinansang ito ay makapagbibigay tulong hindi lamang sa mga estudyante pati na rin sa iba pang opisyales ng mga paaralan sa pagpapanatili ng kanilang malusog na pangangatawan

HUNYO-NOBYEMBRE 2017 | 5

TRASH NG BAYAN Samantha Nicole A. Abella

Sa takdang panahon

A

ng dalagang hindi marunong maghintay, madalas nagiging nanay. Maghunos-dili muna ineng, bago sundin ang tibok ng puso para ang kinabukasa’y di mabulilyaso. Alam niyo bang 24 na sanggol ang sinisilang ng mga teenage mothers kada oras sa buong mundo? Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority (PSA) at sa isang pag-aaral na ginawa ng Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) ng kaparehong taon, 14% ng mga Pilipina, edad 15 to 19 ay buntis o di kaya’y mga ina na. Nakababahala ang bilang na ito, indikasyong Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng maagang pagbubutis kung ikukumpara mo sa ibang bansa sa TimogSilangang Asya. Hindi lamang sektor ng kalusugan ang naapektuhan ng suliraning ito kundi pati ang ekonomiya at ang patuloy na lumulobong populasyon din ng ating bansa. Madalas na sagot ng mga kabataang maagang nabubuntis kapag tinanong kung bakit sila napunta sa ganoong sitwasyon ay ang kawalan nang maayos na babaeng ehemplo sa tahanan o hindi naman kaya’y problema sa tahanan. Ngunit, sapat nga bang dahilan ang mga ito para kalimutan ang lahat ng mga natutunan mo at ang mga boses na sumisigaw sa loob ng ulo mong, “huwag muna” para lamang hamakin ang bugso ng ating mga damdamin? Hindi ba’t dapat na magsumikap ka na baguhin ang takbo ng buhay mo sa halip na unahin ang panandaliang saya? Hindi sa bitter ako sa mga luma-lovelife. Natural lamang na maghanap tayo ng taong magpapasaya sa atin at tanggap na rin ito sa modernong panahon ngayon. Subalit, isang dagok ito sa buhay-pamilya at lipunan. Una, damay dito hindi lang ang buhay ng nanganganak, kundi pati na rin ng sanggol na isinisilang. Marami sa mga teenage mothers ay tumitigil sa pag-aaral, bago pa man mabuntis, o habang nagbubuntis. Marami sa kanila ay mahihirapan nang mag-aral pa o maghanap ng kasanayan dahil sa kanilang bagong obligasyon at responsibilidad. Maghihirap lamang ang sanggol at ang ina- masakit man, ngunit madalas na nauulit lamang ang siklong ito. Walang masama sa pagsunod ng tibok ng puso, ngunit pakatandaang nasa itaas ng puso ang posisyon ng ating mga utak. Kaya’t gamitin din ang utak kung minsan, huwag ‘yung puro puso lang para hindi natin pagsisihan ang mga desisyon natin sa huli. Kailangang ipaunawa sa mga kabataan na ang pagbubuntis at pagiging isang magulang ay hindi parang mainit na sabaw na kapag napaso ang dila’y maaari itong idura o iluwa. Ika nga, sa pamilya nagsisimula ang isang sambayanan, kaya’t sa pamilya rin mismo dapat unang matutunan ang disiplina na maging maingat sa pagpapasya dahil kinabukasan ng bayan at bawat isa ang nakasalalay dito. Pakatandaang apektado ng isang pasya ang lahat ng mangyayari sa ating buhay. Maging maalam at huwag magpakatanga sa isang sitwasyong kinabukasan na natin ang nakataya.

dahil makasisiguro silang masustansiya ang kanilang kinakain. Pangalawa, ito ay makatutulong sa mga magulang. Hindi na nila kailangan pang paulit-ulit na paalalahanan ang kanilang mga anak na iwasan ang hindi masusustansiyang pagkain. Kung ang lahat ay susunod, maari ring mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit, gayunpaman, makakatulong ito sa pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya. Maaaring salungat ang opinyon ng ibang estudyante sa ordinansang ito dahil hindi na nila mabibili ang kanilang mga gusto, gayunpaman nais lamang ng DepEd na tulungan ang mga mag-aaral na Pilipino at ang kanilang pamilya na makamit ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan. Sa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan.


Ang Kasanag

6 | HUNYO-NOBYEMBRE 2017

Tanaw ko ang isang batalyong mag-aaral na kumakaripas sa pagbaba ng jeep. Hindi maikakailang nagkakandarapa ang mga ito na hablutin ang samu’t saring panlinis at mabibigat na kahon habang tumatagaktak ang pawis sa kanilang mga mukha. Ramdam na ramdam ko ang kanilang pagdududa’t haka-haka kung magiging maayos ang kanilang gagawin. Nakasandal ako sa munting bintana habang ang lahat nang ito’y nagaganap. Ako’y nalilito’t nawiwindang kung ano ang kanilang gagawin at para saan ang kanilang mga akay-akay na kasangkapan. Puso’t damdamin ko’y nagsalimbayan, samu’t saring emosyon at palaisipan – mga katanungan na nag-aapuhap ng mga kasagutan. “Iyan ang grupo ng Ang Kasanag, ang opisyal na pahayagang pampaaralan sa Filipino ng Capiz National High School na maglulunsad ng kanilang taunang outreach activity na ‘Lingkod Kasanag’. Naghahatid sila ng tulong sa kapwa sa pamamagitan ng mga kawang-gawa tulad ng paghahandog ng serbisyo sa komunidad”, ito ang mga linyang bumulalas sa nangungusap na bibig ni Inay. Hindi ko na namalayan na naririyan pala si Inay sa aking tabi dahil sa tindi ng pagkahumaling ko sa kanila. Dumaan ang humaharurot na sasakyan sa bahay. Nakabibinging katahimikan ang naghari sa munting tainga na siyang lagusan tungo sa pahat kong isipang puno ng katanungan. Pawang ihip ng hangin at tunog ng orasan ang tanging maririnig. “Napakabusilak naman ng kanilang puso at adhikain tungo sa pagpapatag nang pundasyon ng pakikipagkapwa at pagtutulungan, Inay” – ito ang tanging linyang nasambit ko na bumasag sa katahimikan. Binalikan naman ako ni Inay ng isang pagbabaka-sakaling tanong “ Gusto mo bang sumali sa kanila anak?” Biglang nangatod ang aking kasukasuan. Nangirot ang aking litid-litiran. Puso’y tumibok nang malakas at isipian ko’y naglakbay nang malayong-malayo. Isang agarang “oo” ang naging tugon ko kay Inay. “Pagtuntong ko sa hayskul ay sisikapin kong mapapabilang ako sa publikasyong ito at magiging aktibo sa mga gawain nito,” dagdag kong sabi kay Inay na tila’y isang sundalong gagawin ang lahat para masungkit ang inaasam-asam na mithiin.

LATHALAIN

Bawat oras, Bawat Segundo, pagsilid ng mga mumunting biyaya sa supot na pambalot. Nilalagyan ng pabang ng pagmamahal at kawanggawa yakap-yakap ang mga bagay na noon ay sa akin pa. Oras na para muling balikan ang nakaraan at halughugin ang aparador para lamang saiyo. Bakit ikaw ang nilalaman ng isip ko? Pintig ng puso ko ay umaalog kapag biyaya’y maihahandog sa iyo. Alay kong inaantabayanan, bawat supot ay tinitingnan sa mga mata kong naghihintay ng mainit na yakap na sumasalubong sa kanya. Paghilera ng mga naka-asul sa isang bulwagan, simbolo ng birtud ng pagpapahalaga. Bawat hagkan, bawat kamayan ,mga pangyayaring inaantabayan. Paggabay sa iyo ay may katumbas na halaga dahi lbuo na ang araw ko kapag haplos na ang tanging dalako. Ngiti ang pumalit sa mukha mong dating may pait; mga biyayang walang katumbas. Pambalot ng pag-asa ay bitbit dala mo hanggang sa iyong paglabas. Isang piraso ng damit, karga ay sako-sakong pag-asa. Mga butil ng pagsasaludo ang naihahandog sa’yo dahil ikaw ay tumugon. Tawag ng tulog ay ikaw sana’y maniwala at maisusuot mo iyan dahil ikaw na’y maituturing na iba. Organisasyong nakakanakaw ng pansin sa aking mga mata. Mga inspirasyong nag-udyok at nagsilbing rason sa pagsilang sa kanyang naging matagumpay na pundasyon. Tunay ngang makapagpapatotoo sa pangarap ang Lingkod Kasanag. Programang lider sa paglilingkod at pagbibigay-ilaw sa nangangailangan; Bayo ko ipaambit sa imo.

BLG. 2

Ang lahat ay may hangganan; at ang pagbibilang ko ng araw na maging kasapi nila ay tuluyang nawakasan. Ngunit, magbibilang ulit ako. Uumpisahan ko na kasi alam ko mahaba-haba ito. Isa. Isa akong manunulat ng talinhaga at idyoma. Tumititik ako ng tayutay sa patlang ng bawat akda. Nabuhay akong taglay ang kakayahang sumulat ng mga tula, dagli, at kwento. Sinusubukan kong aliwin ng mga letra ang blankong papel at punan ang bawat patlang ng katotohanan. Dalawa. Dalawang kamay ang inilaan sa atin ng ating Poong Maykapal. Isa, para tulungan ang ating sarili at ang isa nama’y para tulungan ang iba. Tatlo. Tatlong makabuluhang taon ko nang ginagamit nang husto ang dalawa kong kamay. Dalawang kamay na nagkapit-bisig sa iba pang mga kamay upang makaukit ng matatamis na ngiti sa mga labi ng mga piling mag-aaral. Tatlong taon na matapos pinaunlakan ang kauna-unahang Lingkod-Kasanag ng aming patnugutan. Tatlong taon at kay marami pang taong bibilangin. “Bayo Ko, Paambit sa Imo”, tatlong taon na tayo! Apat. Lima. Anim. Pito. Magbilang ka hanggang sa maubos mong bilangin ang mga hibla ng buhok mo. Sanayin mo ang sarili mo kasi hindi para sa isa, dalawa, o tatlo pangarap ito; ito’y dadami’t lolobo. Walo. Siyam. Sampu. Sige pa, hanggang sa mahandugan mo ang lahat ng mga estudyanteng nangangailangan sa mundo. Handog mo’y kay simple man, ngunit libulibong namang pangarap ang maisasakatuparan.


Ang Kasanag

BLG. 2

Kami

Kia Wensley D. Pericon / Kate Alyssa G. Jore

LATHALAIN

HUNYO-NOBYEMBRE 2017 | 7

naman! Photo Credits: Angel Rose A. Lepaña / Lourenze Floyd Tu

Minsan na rin kaming nakaranas maabutan ng kamay. Minsan na rin kaming nakaranas mapawian ng uhaw. Minsan na rin kaming nakaranas punlaan ng karunungan. Minsan na rin kaming nakaranas humingi ng makapitan. Minsan na rin kaming nakaranas magbitaw ng mga katagang “Sana, kami naman.”. Minsan na rin kaming nakaranas. Minsan na rin. Minsan. Minsan, kasi hindi ito panghabambuhay. Minsan, kasi may taong tumugon. Minsan, kasi may taong tutugon. Minsan, kasi may salitang minsan. Minsan, kasi lumipas na. Minsan, kasi ang lahat ay nagbago na. Hindi ka panghabambuhay. Isang “minsan” ka lang. Gantihan kasi ang lahat. May mang-iiwan at may iiwanan. Ngayon, kami naman. Ngayon, kami naman ang aabot ng kamay. Ngayon, kami naman ang papawi ng uhaw. Ngayon, kami naman ang pupunla ng karunungan. Ngayon, kami naman ang magbibigay ng makakapitan. Ngayon, kami naman ang magbibitaw ng mga katagang “Kami na nga.” Sa mga susunod sa aming mga yapak na tinahak, ang “minsan” ninyo ay dumating na.


Isports ANG KASANAG | BLG. 2 | HUNYO-NOBYEMBRE 2017

Opisyal na Pahayagang

Pampaaralan sa Filipino ng Capiz National High School

Francisco kumubra ng ginto sa World Taekwondo Culture Expo Proud to be Capizeño -Francisco

Pinatunayan ni Franzinn Francisco ang husay at galing nang maiuwi niya ang dalawang gintong medalya sa 2017 NAPA World Taekwondo Open, NAPA City California, USA, Setyembre 2-3. Ipinamalas ni Francisco ang bagsik ng kanyang sipa sa larangan ng taekwondo partikular na sa Kyorugi (sparring) at Poomsae (porma) laban sa mga manlalaro mula sa ibang bansa kasama ang kanyang tagapayo at tagasanay na si G. Joven Venancio. “Masaya akong nabigyan ng pagkakataong makalahok sa mas mataas na antas ng ganitong uri ng kumpetisyon,” wika ni Francisco sa isang panayam. Bagamat baguhan pa lamang sa napiling isports, naging kinatawan na ng CNHS sa Division at Provincial Meet at kalahok din sa nakaraang Palarong Pambansa. “Napakalaking karangalan para sa akin ang maipakita ang husay sa Taekwondo hindi

M

anlalarong mandirigma. Sa loob ng mahabang panahon, maraming atleta na ang mula Capiz National High School ang nakapasok at nakalahok sa iba’t ibang paligsahan ng pampalakasan sa loob o labas man ng ating bansa. Masasabi ng karamihan na maswerte ang nasabing paaralan dahil malaki ang bilang ng mga mag-aaral na atleta ang pumapasok dito. Ngunit, hindi lamang swerte ang dahilan kung bakit nakakapaglaro ang mga atleta ng CNHS sa mga paligsahang nagdadala ng tagumpay sa pangalan nito. Bagkus, bunga ito ng matinding pagsasanay at buong pusong pagpupursigi na maabot ang inaasam na medalya. Ang isang mandirigmang manlalaro ay may malusog na isipan at pangangatawan sabayan pa ng pagkakaroon ng mahabang paghahanda at pag-eensayo. Sa nakaraang 2017 Division Meet ay matatandaang naiuwi ng Capiz NHS ang kampyeonato sa pangkalahatan. Tahanan ang nasabing paaralan ng maraming magagaling na manlalaro. Maaring sa iba, talagang dominado ng nasabing paaralan ang iba’t ibang mga paglisahan dahil sa mga manlalarong ga-higante sa laki, o di kaya’y pagkasilang pa lamang ay nag-uumapaw na ang kanilang mga talento na angat sa iba. Hindi lamang galing o talento ang puhunan ng isang atleta. Kung may talento ang isang manlalaro sa isang isports, hindi nagangahulugang pwede na silang sumabak anumang oras. Sa katunayan, marami sa mga atleta ay nasa tuktok dahil sa walang palyang pag-eensayo at pagbuhos ng kanilang sobrang oras sa paghasa ng kanilang mga kakayahan imbes na magpabaya at magliwaliw na lamang. Sa katunayan, ang mga estudyanteng atleta nga kung tutuusin ang may pinakamabigat na responsibilidad sa lahat. Pinagsasabay nila ang pagsasanay at pag-aaral. Pagod na nga sa klase, magsasanay pa sa dulo ng araw para mas lalong gumaling. Sa halip na magrelaks sa araw ng Sabado at Linggo, pag-eensayo sa isports ang malimit na pinaghahandaan upang sa bawat laban, tagumpay ang maiuuwi. Ang tunay na atleta ay walang inaatrasang laban maging sa tunay na buhay.

ni Angel Joy F. Deguma

SIPA NG KAMPEON .Franzinn FranciscoTaekwondo Gold Medalist

ni Samantha Nicole A. Abella Rurok ng tagumpay! Pinatunayan ng mga atleta ng Capiz National High School Unit V ang bagsik ng kanilang lahi nang iuwi nila ang unang lugal at nagtala ng 161 na medalya mula sa ng iba’t ibang patimpalak sa isports sa idinaos na 2017 Division Meet, Villareal Stadium, Oktubre 6-8. Kinubra ng Swimming Girls at Boys ang 40 gintong medalya, 17 pilak at 11 tansong medalya nang sinisid nila ang tagumpay. Samantalang di naman nagpahuli sa pagpapasikat ang Wushu-Sanda Boys at Girls nang hagupitin nila nang nakakawindang na sipa ang anim (Boys) at apat (Girls) na ginto. Nagtala rin ng tagumpay ang Athletics Boys at Girls nang ibulsa nila ang siyam na ginto, pitong pilak at tatlong tansong medalya. Sa pangkalahatan, nakamit ng Unit IV ang pangalawang lugal, Unit I ang pangatlong lugal, Unit III

lang sa aking probinsya o bansa kundi sa buong mundo rin,” dagdag ni Francisco. Bihirang pagkakataon ang makakuha ng medalya at karangalan laban sa mga atletang beterano na sa isports na napili at patunay dito ang ipinamalas na husay at galing ng manlalaro. “Mahusay na manlalaro si Francisco kahit na nag-umpisa pa lamang siya sa kanyang training taong 2016. Mabilis siyang matuto at sinusunod ang lahat ng payo bilang isang atleta. Hindi siya nagpapahuli at lagi niyang pinapatunayan na handa siyang lumaban,” puri ni Venancio sa estudyante. Isa lamang si Francisco sa mga atletang nagdala ng karangalan hindi lamang para sa bansa kundi pati na rin sa kanyang sariling probinsya.

ang ikaapat na lugal at Unit II sa panghuling lugal sa mga nasabing paligsahan. Pinangunahan ni Dr. Miguel Mac D. Aposin, Capiz Division Superintendent ang pormal na pagbubukas ng Division Meet. “Talagang proud na proud ako sa kanila. They give us pride and joy at sana ipagpatuloy pa nila ang kanilang nasimulan,” ani ni Gng. Rita Villareal, Principal IV ng paaralan. Nakatakdang sumabak sa puspusang pageensayo ang mga atleta para sa susunod na lebel ng kompetisyon na nakatakda sa buwan ng Nobyembre.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.