EDITORYAL
Ang Magturo ay‘Di Biro
ISPORTS
LATHALAIN
Sandali lang Ma... Intramurals’16 alamin ang istorya sa umarangkada pahina 6
basahin ang artikulo sa
pahina 4
ang buong detalye sa
pahina 8
Borcelo Metrobank Top 20 SOT Finalist
Kate Alyssa G. Jore
Capiz NHS powerhouse ng mga magagaling! Kinilala ang angking galing ni Jocel G. Borcelo ng Capiz National High School sa larangan ng pagtuturo matapos itong mapabilang sa top 20 national finalists sa katatapos lang na 2016 Search for Outstanding Teachers. Naitala ngayong taon ang pinakamaraming nominasyon na umabot sa halos 532 na sinala upang maging 40 regional finalists na lamang na
James B. Dellava
dumaan sa isang masusing panayam upang malaman kung sino naman ang mapapabilang sa top 20. “It is both an honor and privilege to become one of the top 20 finalists. Dahil dito mas lalong na-challenge ako na pag-ibayuhin pa ang aking pagtuturo,” ani ni G. Borcelo sa isang interbyu. Ang nasabing patimpalak ay 32 taon nang isinasagawa ng Metrobank Foundation Incorporation katuwang ang Department of Education (DepEd)
GURO NG PAGBABAGO. Jocel G. Borcelo sa bokasyon ng pagtuturo. at ng Commission on Higher Education (CHED). “He is really a pride of the school. I always believed that he will reach his goals and strive for success,” ayon kay Gng. Ma. Rita Villareal, Principal IV ng Capiz NHS.
Ang Kasanag wagi sa DSPC ’16
Kasanag sa pananagumpay! Hinirang na kampeon ang patnugutan ng Ang Kasanag sa Division Schools Press Conference sa Capiz National High School, Oktubre 1. Naiakyat nina Samantha Nicole Abella-unang lugal sa Pagsulat ng Editoryal, Clint Bellosillo-unang lugal sa Pagsulat ng Balita, Aldrinne Desalit-unang
lugal sa Pagsulat ng Balitang-Isports, Kia Wensley Pericon- unang lugal sa Pagsulat ng Lathalain, Katherine Bacunaunang lugal sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya,Angel Rose Lepaña-unang lugal sa Larawang-Kuha at Ryan Labtounang lugal para naman sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita. Hindi din nagpahuli ang broadcasting
TAGUMPAY SA PANULAT. Ang patnugutan ng “Ang Kasanag” sa panalong walang katulad.
team sa Ikalawang Lugal at Best Infomercial sa Panradyong Pagbabalita. Sa pangkalahatan ay naiuwi ng Patnugutang Ang Kasanag ang parangal na Over-all Champion. “Masaya ako na ang sipag at tiyaga ay nagbunga kaya pagbubutihin pa namin ang aming panunulat at mas pagagandahin pa ang aming serbisyo para sa Capiz National High School”, wika ni G. Leonardo Bayadog, Punong Tagapayo ng nasabing pahayagan. Makikipagtagisan ang buong patnugutan sa Regional Secondary Schools Press Conference (RSSPC) sa darating na Nobyembre 17 hanggang 18 para sa indibidwal na kategorya at petsang 26 hanggang 27 para naman sa pangkatang kategorya.
2
BALITA
Hunyo-Oktubre 2016 Ang Kasanag
Capiz NHS naghari sa Kapitolyo James B. Dellava “Hindi mo kailangang nasa pwesto para makapaghandog ng serbisyo” Ang mga katagang binitiwan ni Mary Manuelita Tan, ang itinanghal na Girl Governor sa pagdiriwang ng Rotary Girls and Boys Week sa Session Hall ng Capiz Provincial Capitol, Setyembre 19-23. Matatandaang naangkin ng Capiz National High School ang Hall of Fame para sa Academic Challenge ng nakaraang taon at muli na naman nitong nasungkit ang unang lugal matapos makapagtala ng 145 na kabuuang puntos sina Leigh Kristelle Luna, James Dellava, Joshua Pionelo, Mary Manuelita Tan at Martin Fajardo. Dumaan ang humigit kumulang 100 na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Academic Excellence Test para makapasok sa Top 20 Qualifiers para naman sa isang masusing panayam na magiging basehan ng kanilang mga puwesto.
HUWARANG ISKAWTS. Modelong kabataan sa hamon ng pakikipagsabayan
Outfit 02 sumabak sa 7th NSVC James B. Dellava
Tropa sa kagitingan! Nakibahagi at sumali ang mga Iskawt ng Capiz NHS sa 7th National Scout Venturers Camp na ginanap sa Camp Danao, Malapoc Norte, Maasin City, Leyte, Setyembre 25 – 30. Humigit kumulang 4,500 na mga Iskawt ang lumahok sa nasabing pagtitipon mula sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa. “Isang malaking karangalan para sa akin, kasama ng mga Venturer Scout ng paaralan na maging bahagi nito hindi lamang dahil sa kasiyahang dulot kundi pati na rin sa mga aral na handog na makatutulong upang madagdagan ang kaalaman ng mga batang Iskawt”, sambit ni G. Jury B. Barde, Outfit Advisor. Sa anim na araw ng kanilang pamamalagi ay sumailalim sa iba’t ibang pagsasanay ang mga Iskawts upang mahasa ang kanilang kakayahan kung paano sila makakaligtas at ano ang gagawin sa oras ng pangangailangan kung saan ay pinagsayaan nila ang Air Scouting, Sea Scouting, at Land Scouting na pinangunahan ng National Service Team (NST) at suporta ng Development Village at Messengers Of Peace (MOP).
Pinasimulan din ng NST ang pagtuturo sa kanila kung paano dapat kumilos ang isang tunay na Iskawt. Sabay sa paglunsad ng Sports Festival na nagpatatag sa ugnayan at relasyon ng bawat Iskawt sa isa’t isa. Nagkaroon din ng Youth Forum para sa lahat kasabay ang inaabangan at agaw atensiyon na panoorin na 1000 Moonlights na kung saan binuo nila ang mapa ng Pilipinas gamit ang 1000 Solar-Powered Lamps na nagpakita ng pagiging makabansa ng mga Batang Iskawt. “Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan kaming mga Iskawt ng pagkakataon na makibahagi sa isang makabuluhang layuning ito at hindi namin makakalimutan ang lahat ng aming mga karanasan”, sabi ni Bernadette Mendoza, isang Venturer Scout mula sa nasabing outfit. Ang pagkakataong ito ay kapakipakinabang para sa bawat Iskawt na siyang daan para mapalawak ang kanilang kaalaman at isipan sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad na siyang magiging tulay sa ikauunlad ng lahat.
Capiz NHS Junior, Senior kampeon sa 1st Quizbowl Clint M. Bellosillo
Natumbok din nina Joshua Pionelo (4th Board Member), James Dellava (3rd Board Member) at Leigh Kristelle Luna bilang 2nd Board Member ng Capiz ang mga nabanggit na lokal na posisyon. “The Rotary Boys and Girls Week was such an exciting activity I will never forget. I made new friends, witness the resolution my Capiz NHS fellows and I devised and be a public servant for a week,” pahayag ni Dellava. Layunin ng taunang pagdiriwang na ito na malinang at mahasa ang angking galing at potensyal ng mga kabataan para maging isang mahusay na lider.
Pinagsanib na puwersa! Pinuhunan ng mga piling mag-aaral ng Capiz NHS ang kanilang talas ng isip at mabusising pagsusuri para itumba ang koponan ng Tanque National High School sa finals ng 1st Junior and Senior High School Quizbowl at maipasakamay ang unang kampeonato na ginanap sa City Mall Arnaldo Roxas, Oktubre 23. Ipinakita nina Marie Angeli Camille Delfin, Kurt Shane Pomperada at Ernest Blane Calara ang husay sa pagsagot ng nakalilito at mapanghamong tanong ukol sa siyensiya, matematika, kasaysayan at general information para maipanalo ang nasabing paligsahan.
“It was a bittersweet success! Even though we did not have enough time, we just cooperated with each other and that’s it. We just did our best, “ani ni Delfin. Dumaan sa matinding proseso ang koponan ng CNHS matapos bumandila sila sa bracket C at ibaon sa laban ang bracket D na nagbigay daan sa kanila upang selyuhan ang isang puwesto sa finals. “It has been a rollercoaster ride for us. We did’nt expect anything but with God’s guidance, all things are possible” pahayag ni Gng. Hally B. Andrada, tagasanay. Nagbunga ang kanilang pakikipagtagisan ng Php 5000 cash prize, trophy at gift certificates mula sa City Mall.
BALITA/ BALITANG LATHALAIN
Hunyo-Oktubre 2016 Ang Kasanag
Capiz NHS Reg’l Film Entry pinasilip Clint M. Bellosillo
Pag-aalsa sa diwa ng pagsasapelikula! Ibinida ng mga student film-makers ng Capiz National High School ang obra-maestrang “Dream House” bilang kalahok sa unang Regional Film Festival ng Population Commission (PopCom) na may temang “Population, Health & Environment: Magkaugnay”, Boracay Island, Aklan, Oktubre 5. Nakipagsabayan ang “Dream House” sa “angGulo” ng Iloilo City, “Patente” ng Antique at “Uring” ng Passi City. “Isang malaking karangalan sa amin ang makasali sa patimpalak na ito. Hindi biro ang aming pinagdaanan mula sa shooting hanggang sa editing ng pelikula. Magiging inspirasyon namin ito para lalo pang makagawa ng de-kalidad na pelikula sa
susunod na taon,” pahayag ni Bb. Christine Luza, prodyuser ng pelikula. Bago pa man sumabak ang mga kalahok sa kanilang natatanging pagganap ay nagsagawa muna ng isang seminar-workshop ang PopCom upang lalong mahasa ang kanilang kakayahan at potensyal sa larangan ng pag-arte. Ang nasabing entry ng paaralan ay idinerehe ni Marie Angeli Camille Delfin at Clint Bellosillo naman bilang scriptwriter ng nasabing film. “Ikinagagalak ko ang aking naging kontribusyon at pakikibahagi sa pelikulang ito. Ito’y isang makabuluhang pangyayari sa aking buhay na hindi ko malilimutan lalo na’t isinabuhay ang ginawa kong script,” wika ni Bellosillo.
Kalinisan itinampok sa 2016 Global Handwashing Day James B. Dellava
Kamay para sa kalusugan! Punungguro IV ng paaralan. Nakiisa ang Capiz National High School Layunin ng nasabing gawain na paigtingin sa isinagawang Simultaneous Global ang kamalayan at kaalaman ng mga Handwashing Activity sa Capiz National High kabataan sa tamang paghuhugas ng kamay School, Oktubre 13. at pangagalaga sa sarili para makaiwas sa Sabay-sabay na naghugas ng kamay ang anumang sakit dulot ng mikrobyo. lahat ng mga mag-aaral mula Grado 7 hanggang Grado 11 ng nasabing paaralan na naghanda ng mga gamit panghugas at panlinis ng kamay tulad ng sabon, tubig, hand sanitizer at hand towel. “Hindi magiging matagumpay ang aktibididad na ito kung H U G A S - K A M A Y. wala ang mga magKalusugang kaagapay aaral at ang mga ang paghuhugas ng guro ng Capiz NHS,” wika kamay. ni Gng. Ma. Rita F. Villareal,
4 mag-aaral pinagpala sa dulot na biyaya Clint M. Bellosillo
Hakbang sa kinabukasan! Apat na mag-aaral ng Capiz National High School ang pinalad na mahandugan ng 4 na bisekleta ng Department of Education (DepEd) kaugnay ng kanilang programang “Pedals and Paddles Project” kaalinsabay sa pagbubukas ng unang araw ng Brigada Eskwela sa Capiz NHS, Covered Gym, Mayo 30. Layunin ng nasabing kagawaran na ipabatid sa mga mag-aaral na kahit salat man sa buhay ay hindi malayo at mahirap ang pag-abot sa kanilang mga
pangarap na ang tanging pahunan ay sipag at determinasyon sa pag-aaral. “Dahil sa bisekletang ibinigay sa amin, mas naging pursigido akong mag-aral nang mabuti. Naramdaman ko kasi na hindi ako nag-iisa sa pagtupad ng aking mga pangarap dahil batid ko rin na may mga taong handang mag-abot ng tulong sa mga kagaya kong kapus sa buhay,” ani ni Arjay Torres, isa sa mga nakatanggap. Kaugnay din nito, umabot sa 5, 734 bisekleta at 1, 216 bangka ang ibinahagi ng DepEd sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Kaguruan nakiisa sa In-Set James B. Dellava Tambalang guro’t mag-aaral! Idinaos ng Capiz National High School ang taunang In-Service Training (InSeT) na may temang “21st Century Education System: A Teacher-Learner Partnership,” na ginanap sa Capiz NHS Covered Gym, Oktubre 24-28. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 217 na mga guro sa pangunguna ng mga pinuno ng bawat departamento: Allen Aguirre (English), Ramona Ibañez (Mathematics), Marie Paz Almalbis (Values Education), Memneth Azarce (TLE), Selfa Mae Toledo (MAPEH), Hally Andrada (Araling Panlipunan), Judy Dunton (Science) at ni Catherine D. Diaz - SSHT IV, Departamento ng Filipino, ang punong tagapagdaloy para sa taong ito. Ang taunang pagsasanay na ito ay nagbibigay ng opurtunidad sa mga guro upang mas lalong malinang ang kanilang mga kakayahan sa pagtuturo at makasabay sa kalakaran ng makabagong sistema sa ating edukasyon. “Sa loob lamang ng isang linggo ay mabibigyan ng mas malawak na kabatiran ang ating mga guro lalo na’t sa ikabubuti at ikauunlad ng kanilang pagtuturo na lubos pang mapakikinabangan ng ating mga magaaral,” pahayag ni Gng. Ma. Rita Villareal, Punungguro IV. Dumalo rin at naging tagapagsalita sina Segundina Dollete (CID Chief), Concepcion Dela Cruz (EPS-English), Sephora Roldan (EPS – Araling Panlipunan) at iba pang panauhin mula sa Sangay ng Capiz para magbigay ng kanilang moral na suporta.
3
4
OPINYON
Hunyo-Oktubre 2016 Ang Kasanag
Ang magturo ay ‘di biro EDITORYAL
Bagwis ng Pagbabago
Ang magturo ay ‘di biro Maghapong nakatayo Di man lang makaupo Pagsasalitang walang hinto
Lourenze Floyd P. Tu
G
VBolido
A
ng edukasyon ay isang matibay na pundasyon para sa magandang kinabukasan at mabisang paraan upang mapaunlad ang ating bansa dahil ito ang magbubukas ng pintuan para sa oportunidad na makapagtrabaho, labanan ang kahirapan at palawakin ang kaalaman ng bawat Pilipino na magkaroon ng kakayahang makapag-ambag ng tulong sa bansa kasabay ng pakikipagsabayan nito sa buong mundo. Ang mga guro ang tanglaw sa kinabukasan ng mga kabataan. Liwanag na nagsisilbing patnubay at gabay sa mga larangang pagpupunyagian ng kanilang mga anak sa pangalawang tahanan nito na maghuhugis ng isang marangal na pagkataong papandayin ang maliwanag na bukas ng minumutyang Pilipinas. Ayon sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Autority, ang literacy rate ng mga Pilipino na may edad na 15 hanggang 24 ay nananatiling mataas sa 98.1%. Ang literacy rate ay bahagdan ng mga taong marunong bumasa at sumulat. Ang mataas na literacy rate ay nangangahulugang mas maunlad na ekonomiya, mas maraming job oppurtunities, mababawasan ang kahirapan, mas magandang kalidad ng buhay at marami pang iba. Ang karunungan ay para sa sarili ng bawat mag-aaral na ginawang makabuluhan at mabunga ang kanilang pag-aaral sa piling ng mga gurong nagpunla ng mga butil ng karunungang kapakipakinabang. Batay sa pag-aaral na ginawa ng Global Partnership for Education, kapag ang lahat ng mga estudyante sa sa mahihirap na bansa ay tuturuang magbasa, 171 milyong tao ang maliligtas sa kahirapan, ito’y katumbas ng 12% na bawas sa mahihirap sa buong mundo. Ang dagdag na isang taon na iginugol sa pag-aaral ay katumbas ng 10 na dagdag na kita. Ibig sabihin mahalagang kasanayan ang pagbabasa para magamit sa pag-aaral kung saan mauunawaan niya ang mga bagay-bagay na pinag-aaralan. Ang grade 11 at 12 ay magiging pundasyon ng mga mag-aaral sa paglinang ng kanilang mga kasanayan bago tumuntong ng kolehiyo. Ang mga guro ay maaring nagdaraang panauhin lamang sa ating mga buhay, ngunit ang bawat leksiyon na natututunan natin sa kanila ay pangmatagalang magmamarka sa ating mga isipan, puso at kaluluwa. Sila’y kabalikat natin sa pagbabago sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Mahirap man ang kanilang trabaho, ginagawa nila ito nang taos-puso sapagkat ang kanilang mga itinuturo ay hindi lamang nagtatapos sa apat na sulok ng silid-aralan. Hamon ito sa buong puwersa ng ating mga kaguruan para maitaguyod at maisakatuparan ang pagbabago sa ating lipunan. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kaagapay ang suporta ng mga gurong katuparan ng mga pangarap na kailanma’y di inaatrasan.
Kariktang dala ng pagbabago
andang walang kupas at patuloy lang sa paglago. Ang isang imprastraktura ay parang kutis ng isang maalindog na binibini na kung pababayaan ay unti-unting kukupas at maglalaho na parang walang nangyari. Maraming taon man ang nagdaan, kupas man ang mga larawang-kuha mula sa paglipas ng panahon, hindi nawala ang ganda ng Capiz National High School. Sa katunayan ay higit pa itong napayabong at mas naging maayos na ang pustura kumpara sa dati nitong porma. Ang pagbabago at pag-unlad ng kapaligiran sa Capiz NHS ay bunga ng ‘di matatawarang pagkakaisa at mabungang liderato ng mga kasalukuyang nasa posisyon. Lahat ay ibinibigay ang kanilang makakaya para matugunan ang mga pangangailangan sa apat na sulok ng paaralan at gawing kaaya-aya ang lugar na na magiging tambayan at pundasyon ng maraming kaalaman. Marami nang nabago at naisaayos na imprastraktura sa ating paaralan. Lahat ng ito ay ipinatayo para sa kapakanan ng bawat guro at estudyante na araw-araw nakikipagsapalaran upang maabot ang kanilang mga pangarap na bituin. Hindi lang isang kisap-mata ang reporma ng pagbabagong hangad ng bawat isa. Nakasalalay parin ito sa kolektibong pag-aambagan at pagbabayanihan para ang nasimulang mithiin ay maisakatuparan. Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nakikita sa panlabas na kaanyuan kundi nasa busilak na intensiyon at layunin na makapagbahagi ng kabutihan sa karamihan na isinasantabi ang personal na interes.
Fuentes Drive, Roxas City, Capiz, 5800
OPINYON
Hunyo-Oktubre 2016 Ang Kasanag
Makata sa Takipsilim
Pakpak ng Kalayaan
Francheska Marie D. Billones
Samantha Nicole A. Abella
“
Magkano ang Buhay mo?
Pusher ako, huwag tularan” ang madalas na nakapaskil sa malamig na bangkay ng mga taong biktima marahil ng “summary excecution”. Katawang basta na lamang itinapon na animo’y mga basura na pinandidirihan. Kung buhay ay kahalintulad ng basura, basta mo na lang ba itong itatapon sa halip na ihiwalay ang patapon sa mga pakikinabangan pa? Ang buhay ay mahalaga. Walang sinuman ang may karapatang ariin ang buhay ng iba at basta-basta na lamang kitilin nang walang kalaban-laban. Sa umpisa pa lamang ay mariing sinasabi na ng Pangulong Duterte na lilinisin niya ang Pilipinas. Tatlong buwan pa lamang ang nilalagi niya sa puwesto ngunit higit 70,000 gumagamit at tulak ng droga na ang sumuko at nangakong titigil na sa bisyo. Subalit sa loob din ng tatlong buwan na ito ay naging talamak ang pamamaslang o extrajudicial killings na kumitil na nang mahigit sa 805 na buhay ng mga inaakalang suspek sa paggamit ng droga. Imbes na maging payapa ay nabulabog at naging mas magulo pa ang sitwasyon ng bansa natin sa ngayon. Paano’y magugulantang ka na lamang sa mga balita ng mga salvage at patayan bago pa man tumilaok ang mga manok kinabukasan. Maaaring pagtagpuin at pag-isahin ang kampanya kontra krimen at droga sabay sa pagsigaw na itaguyod ang batas at karapatang pantao. Mismong si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang nagsabi na kahit gipit man ang taumbayan sa kaayusan at katarungan ay kailangan pa ring tumayo ang mga batas at ang extrajudicial killings ay hindi niya pinahihintulutan. Masalimuot ang usaping narkotiko. Mistulang imposible at walang katapusan ang paghahanap ng pangmatagalang solusyon dito. Ngunit sa pagkakaisa ng pamahalaan at mga mamamayan, malayo man ay may pag-asang maibsan ang sakit ng bansang nagpapalumpo sa baluktot na pamumuno at kawalan ng kaayusan dulot ng kriminalidad. Sa katunayan, ito rin ang tamang panahon at pagkakataon para sa mga makabagong mamamahayag na isiwalat ang katotohanan. Oras na upang itakwil ang pagsasawalang-bahala ng lahat ukol sa pagpatay at paglapastangan sa karapatang-pantao. Hindi sagot ang pamamaslang sa mga akusadong biktima nang kawalang-hustisya upang tuluyan nang mapalaya ang ating bansa mula sa tanikala ng krimen. Ang batas ay batas na dapat sundin at ipatupad, walang sinuman ang nakakaangat dito. Lahat ay pantay sa mata ng katarungan. Huwag na nating hayaan na matakpan ng piring ang ating mga mata upang makita ang katotohanan. Tanggalin na natin ang mga kamay na nakatakip sa ating mga tainga mula sa pagdinig ng sigaw na hustisya at karapatang-pantao. Huwag nang matakot na ibulalas ang mga salita na maghahayag ng kalayaan para sa lahat. Gawin natin bilang mga makabagong mamamahayag ang ating tungkulin sa bayan na isiwalat ang tunay na sitwasyon ng ating bansa nang walang panig na kinikilingan.
5
M
Unang Hakbang sa Paninindigan
atapos ang maraming taon ng suporta at tulong galing sa mga kakamping bansa, sa tingin mo ba’y agarang makatatayo na sa sariling mga paa ang Pilipinas kapag nagdesisyon itong bumukod at magsarili? Kamakailan lamang ay naging laman na naman ng balita si Pang. Duterte nang dumalo ito sa nakaraang ASEAN summit sa Laos at nagbitaw ng mga salitang mistulang tirada sa kaalyadong bansa na Amerika na siya namang kinakatawan ni Pang. Obama. Ang mga patusadang binitiwan ng ating pangulo ay dahil sa naging komento ng US ukol sa mga isyu ng human-rights tungo sa kasalukuyang administrasyon. Ang kilos at reaksyong ito rin mismo ang nagsilbing basehan ng haka-haka ng mga kritiko sa posibilidad ng lamat sa relasyon ng dalawang bansa. Simula’t-sapul, mariing inilahad ni Pang. Duterte na nais niyang magsarili ang Pilipinas upang matigil na ang tila umaasa at nanlilimos na estado ng ating bansa sa kaalyado nitong Estados Unidos. Ayon pa sa kanya, wala namang magbabago kahit na matapos ang alyansa ng Pilipinas at Amerika. Kung tutuusin, nakasulat mismo sa Konstitusyon ng 1987 na kailangang magkaroon ng alintuntunin ang bansa na siyang magbibigay benepisyo sa mga mamamayan nito nang hindi pinakikialaman ng ibang soberanya. Hindi rin naman nating maikakaila na maraming mabubuting bagay na ang naibigay ng Amerika sa Pilipinas. Mula sa ekonomiya, mga tulong sa pagdating ng mga sakuna at pati sa pag-angat ng lakas-militar, mayroong handog ang US para sa atin. Ang katotohanan nga ay patuloy tayong umaasa at humihingi ng suporta sa dating bansa na minsan nang sumakop sa atin noon. Nasanay tayong kinakalinga at pinuprotektahan ng mga mas mauunlad at malalakas na bansa. Subalit sa mundong pabagu-bago, lahat ay nakikipagsapalaran para sa kapangyarihan. Kaya’t kahit gaano pa kahirap ang magsarili at tumigil sa paghintay ng biyaya galing sa iba, nararapat lamang na magkaroon tayo ng makatotohanan at pulidong relasyon sa mga kaalyadong bansa. Ngunit, dapat din na mayroon tayong kalayaan kung saan, tayong mga Pilipino, ang tunay na makikinabang. Kung saka-sakali mang mapagdesisyunan ng Pilipinas na bumukod at magsarili, marahil ay mahihirapan tayo sapagkat isa lamang tayong maliit na bansa na patuloy umaasa sa tulong ng iba. Ngunit, mahalaga ring matutunan nating tumayo sa sarili nating mga paa nang sa gayon, hindi na tayo umasa sa limos at abuloy ng mga makapangyarihang bansa. Nang sa gayon, tuluyan nang magiging Malaya ang Pilipinas. Malaya sa tanikalang pilit na humihila sa atin pababa na mistulang balakid sa pagkamit natin nang tunay na pag-unlad bilang isang bansang nagsasarili at nagsusumikap na makatayo at makalaya sa gapos ng pagiging palaasa.
Liham para sa Patnugutan
Ang Kasanag, Ako’y nagagalak at mayroon nang e- publication ang inyong patnugutan. Mas madali na para sa amin ang makakuha ng makabuluhang impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang publikasyon. -Jameo2016
6
LATHALAIN
Hunyo-Oktubre 2016 Ang Kasanag
Saglit lang Ma... Kate Alyssa G. Jore
Araw ng suweldo ngayon. Sakto at kailangan kong makahanap ng panggamot sa malubhang TB ni inay. Agad-agad akong nagbihis at sumakay sa isang paparating na dyip. “Holdap ‘to! Walang kikilos at sisigaw kung ayaw niyong mamatay nang wala sa oras,” sigaw ko sa loob ng dyip na gumulat sa lahat ng mga nakasakay dito. Namutla silang lahat. Hindi nila siguro inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanila. Nilakasan ko na lamang ang aking loob para magmukhang nakakatakot. Hinablot ko ang buhok ng isang kolehiyalang babae na parang nagtatangkang tumawag ng pulis at agad na kinuha ang kaniyang selpon. Binunot ko naman ang isang maliit na itim na supot sa aking bulsa para doon nila ilagay ang lahat-lahat ng aking matatangay sa araw na iyon. Nanginginig ang lahat. Ramdam mo ang takot at pangamba ngunit may isang ginang ang nakatawag ng aking pansin. Pinatapik ko naman sa isang babae ang isang ginang na kanina pa natutulog at agad kong pinakukuha ang kaniyang pera at ipinapasok sa maliit na supot. Lumingon siya kaliwa’t kanan at pinunasan ang kaniyang lumuluhang mga mata. Nanlaki ang aking mga mata. Nang-init ang buo kong katawan. Nangilid ang aking mga luha at sa mga oras na iyon parang nais ko nang tumalon sa sinasakyang dyip. “Carlo,” tanong ng matanda sa akin. “Pasensya na po. Panggamot niyo lang.”
Hunyo-Oktubre 2016 Ang Kasanag
LATHALAIN
7
Lipad pa. Lipad pa hanggang sa dulo ng himpapawid. Lipad Kia W pa hangga’t kaya ng iyong ense mga pakpak. Lipad pa tulad ng ly Pe ricon mga agila, tulad ng mga agilang ating tinitingala’t hinahangaan sa kanilang maindayog na paglipad sa kalangitan, tulad ng mga agilang kumakatawan ng katapangan at determinasyon. Pusong binalot ng katapangan, determinasyong pinagtibay ng mga aral sa buhay at pagkataong puno ng pagkalinga – ito ang mga katangian ng isang agila at isinasabuhay rin ng huwarang guro ng Capiz National High School na si G. Jury Barde at BSP Outfit Adviser ng Outfit No. 02. Pusong binalot ng katapangan. Sa pagdaan ng mga ambon, ulan at bagyo sa kanyang buhay, pinagtagumpayan niya ang mga ito nang may matapang na kalooban dahil ang pagiging isang Outfit Adviser ay hindi isang madaling gawain sapagkat hindi lamang ito ang kanyang responsibilidad. Bukod sa pagiging guro, siya rin ay isang ama kay Yuki Marielle Barde at asawa kay Norie Matsuda Barde na pinaghuhugutan niya ng lakas at inspirasyon. Dugo at pawis din ang kanyang puhunan sa paggabay sa mga iskawt na maging epektibong lider at kapakipakinabang na mamamayan ng komunidad. Determinasyong pinagtibay ng mga aral sa buhay. Sa kabila ng mga iyon, ang mga hirap at sakripisyo ay nagbunga ng determinasyon dahilan kung bakit siya’y nahirang na Wood Badge Holder, karangalan para sa mga kinitaan ng angking galing at natatanging pagkatao. Siya rin ang gumabay sa apat na iskawts na napabilang sa Ten Outstanding Boy Scout of the Philippines na itinuturing isang pinakamataas na pagkilala at sa ngayon, siya’y nagpapatuloy sa kanyang pagtulong sa paglikha ng mga masigasig at disiplinadong mga iskawt. Pagkataong puno ng pagkalinga. Ang mga agila ay kilala sa kanilang pagiging agresibo ngunit sila’y may isang katangiang puso lang ang makakakita – ang kung paano sila magkalinga. Tulad rin ni G. Jury Barde, saksi ang kanyang mga hinuhubog na iskawt kung paano sila minahal, inintindi at tumayong pangalawang ama sa kanila. Hindi maikakaila kung paano naging inspirasyon sa kanila ang magiting nilang Outfit Adviser. Kaya lipad pa. Lipad pa hanggang sa dulo ng karera ng iyong buhay. Lipad pa hangga’t kaya mo pang mangarap. Lipad pa tulad ng mga agila. Tulad ng mga agilang ating tinitingala’t hinahangaan sa kanilang maindayog na pagtanggap ng mga karangalan, tulad ng mga agilang kumakatawan sa katapangan at determinasyon at tulad ni G. Jury Barde na kahit anong tayog ng paglipad ng kanyang mga pakpak, ang kanyang mga paa ay nasa lupa pa rin nakatapak.
Ugat na kaypait, bunga’y ngiti Lourenze Floyd P. Tu
Karamiha'y nagsasabing mahirap mabuhay Problema araw-araw ay walang humpay Sakripisyo at pasakit ay nakakamatay Ika nga nila, walang kuwentang buhay!
Magsumikap na suungin ang mga sagabal Huwag matakot na mga kamay ay kumapal Kung mga ginagawa'y mabuti at marangal ipagkapuri ang sariling maydangal.
Bawat segundo'y huwag sayangin Kasipagan at pagpupursigi ang dapat pa iralin Itanim sa puso't damdamin Higit sa lahat Maykapal ay mahalin.
Walang imposible sa mundong ito Maniwala, magdasal at magsakripisyo Nasa huli ang inaasam na premyo Karangalan at Kasiyahan ang mapapasa’yo.
isports
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Capiz National High School ANG
Kasanag
Palakasan... Timbangan ng Determinasyong Pinagpupunyagian
Intramurals ‘16 umarangkada Kate Alyssa G. Jore
Hasaan ng mga pagpipilian! agpakitang-gilas ang mga atletang Capiz National High School sa ginanap na Intramurals na pinangunahan ng MAPEH Department, Setyembre 1-2. Itinampok sa unang araw ng makikipagsabayan sila sa mga nasabing paligsahan ay ang mga larong- atleta mula sa iba’t ibang dibisyon pampalakasan tulad ng Volleyball, ng Capiz ngayong Oktubre 14 Basketball, Table Tennis, Badminton, hanggang 16 na gaganapin sa Soccer-football at Swimming samantalang Villareal Stadium, ang boxing, Taekwondo, Chess, Sepak- Roxas City. takraw, Lawn Tennis at Arnis naman ay Kate Alyssa G. Jore ibinida sa huling araw. “It was a fun-filled and successful event! This wouldn’t be possible without the help of our dear teachers and students, coaches and most Imahe ng tunay na especially our principal,” pahayag atleta! ni Selfa Mae Toledo, pinuno ng “Ang buhay ay parang MAPEH Department. isang larong Taekwondo, kung Kakatawanin ng mga takot kang salubungin ang bawat MANDIRIGMA NG LARO. nanalo ang ating paaralan bigwas sa’yo ay siguradong ikaw ang Representasyon ng mga sa darating na Division mababalian.” Meet kung saan ay manlalaro sa Intrams
N
Sa bawat side kicks na kanyang pinapalipad kontra sa kalaban ay tangan niya ang determinasyong maasinta ang mga ninanais makamtan. Sa bawat pawis na naguunahang pumatak sa kanyang katawan ay sumisimbolo sa mabilis na pag-ahon sa anumang hamon na dapat niyang mapagtagumpayan. natin ang ating Kaysarap damhin na nakapagbibigay tayo ng mga kagalingan karangalan ngunit wala na sigurong mas sasarap at mga kakayahan pa sa panalong maiuuwi natin para sa ating dahil kahit gaano bayan. tayo kahanda sa Ito ang naging pakiramdam ni Rey Emmanuel pagsuong sa isang Azcarraga, isang Grade 9 student ng Capiz National aban, ang tanging mangingibabaw ay High School matapos nitong maiuwi ang gintong hindi ang nakuhang medalya sa Kyorugi, pilak na medalya sa Poomsae puntos sa loob para sa individual category at tansong medalya ng ring kundi ang naman sa team category. pinagwagiang laban Sa bawat hambalos na kanyang natatanggap sa laro ng totoong ay hindi maiiwasan ang madapa ngunit hindi buhay. ito naging balakid sa pag-abot ng matamis na Nararapat lamang panalo at patuloy pa rin siyang sisipa para sa na ikintal sa ating isipan sarili at sa mga taong lubos na naniniwala na ang tanging alas sa sa kanyang kakayahan. pakikisugal sa mundong Sa World Taekwondo Culture ito ay ang ating pag-aaral. Expo, hindi lamang ang mga paa Ugaliing timbangin ang oras ni Rey ang kaya niyang iangat sa pag-aaral at paghahanda sa kundi pati na rin ang bandila ng pagsabak sa anumang isports. Pilipinas at ang imahe ng Ang tunay na kampeon ay wagi isang tunay na atleta. sa loob ng klasrum at maging sa oval
Pag-aaral at Palakasan: Timbangan ng Tunay na Kampeon Balanseng buhay! Tila bumigat ang timbangan ng palakasan sa buhay ng mga kabataan ngayon kung saan nahuhumaling silang makilahok sa isports kumpara sa paglagak ng kanilang interes sa pag-aaral. Gasgas mang pakinggan, tunay ngang nakabibingi na sa tainga ng mga kabataan na ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan ngunit hindi sa lahat ng oras ay maipagmamayabang
EDITORYAL
field.