ANG KAWAYAN

Page 1

Ayon sa ulat ng EDCOM II (2023), ang mga Pilot Schools ay nagkukulang sa mga aklat-aralin at nakasalalay sa mga lesson exemplar at activity sheets

7 8 9 10

Walang Aklat-Aralin May Aklat-Aralin

Pormal ng sinimulan ng Cauayan City National High School ang unang araw ng “Catch-up Fridays” alinsunod sa DepEd MEMORANDUM No. 001, s. 2024 sa pamamagitan ng Drop Everything and Read (DEAR) Day, Enero 12, 2024.

ng pampublikong

ng elementarya at sekondarya

magpapatupad ng DEAR

magbibigay sa mga mag-aaral

pagkakataong basahin ang kanilang gustong basahin na libro. Layunin ng programang ito na mahasa ang mga mag-aaral

Tamang Paraan ng Pagsisipilyo, Tampok sa Dental Health Month 2024

Nakibahagi ang mga mag-aaral sa Cauayan City National High School-Main (CCNHS) sa National Dental Health Month 2024 kung saan sabay-sabay silang nag-sipilyo nitong Pebrero 16. Tinatayang nasa 500 na mga estudyante sa ikapitong baitang ang nakilahok sa naturang programa ng paaralan kaugnay sa selebrasyon na may temang

“Celebrating Decades of Healthy Smiles”.

Batay sa Presidential Proclamation No. 559 s. 2004, nakatakda ang buwan ng Pebrero sa pagdiriwang ng National Dental Health Month para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante pagdating dito.

Sa pagsusuri ng National Monitoring and Epidemiological Dental Survey (NMEDS) noong 2021, nasa 92.4% sa mga Pilipino sa bansa ay may tooth decay at 78% naman ang may gum diseases kung kaya’t napatupad ang nasabing programa.

Upang mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng oral diseases, nakiisa ang mga magaaral mula CCNHS-Main sa programang Dental Health Month Celebration sa pamamagitan ng pagsisipilyo nang sabay-sabay ng mga mag-aaral.

Nagbigay payo rin ang mga guro na ugaliing mag sipilyo tatlong beses sa isang araw, uminom ng sapat na tubig, kumain ng masusustansyang pagkain, at iwasan ang matatamis na pagkain at inumin.

Base naman sa school health personnel ng CCNHSMain na si Maria Visitacion Menor Askalani, malaking tulong ito dahil 70 sa 100 na mag-aaral ay kulang sa kaalaman sa tamang oral hygiene at dagdag nito ay walang sapat na pera ang iba dito upang makabili ng toothbrush at toothpaste

sa pagbabasa at pag unawa sa binabasa. Ayon sa DepEd ang lahat ng Biyernes sa taong panuruang ito ay nakatuon sa aktibidad na kaugnay ng Catch-up Fridays sa lahat ng pampublikong paaralan ng elementarya at secondarya sa

Pilipinas. Alinsunod ang programang ito sa pagpapatupad ng National Reading Program bilang bahagi ng National Learning Recovery Program (NLRP).

Husay, talento, pinatunayan ng CCNHS sa National Arts Month Celebration

Pinatunayan ang husay at talento ng mga piling mag-aaral ng Cauayan City National High School-Main sa pagdiriwang ng National Arts Month Celebration na may temang Ani ng Sining kanina, Pebrero 28, 2024. Nasaksihan dito ang husay sa pag-indak at pag-awit ng mga magaaral mula sa kurikulum ng Special Program in the Arts. Ikinatuwa naman ng pangkalahatang Direktor ng programa na si G.Herzon Cabanayan ang mga talentong kaniyang nasaksihan sa mga magaaral sa naturang programa. “Habang pinapanood ang cultural show, binibigyang daan nito ang mga mag-aaral na ihayag ang kanilang damdamin at talento. Bilang viewers o manonood ay masaya kaming pinanonood ang aming mga estudyante at mag-aaral,” saad nito. Tampok sa naturang programa ang SPA Dance, Theater, Theater Bahaghari, Salip, Rondalla, Media Arts Output, Media Arts Short Film, Visual Arts, Binoyugan, Vocal Music, Hip-hop, at Curtain Call. Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Cauayan City National High School-Main Tomo 15 Isyu 1 | 2023-2024

Inaasahang maisasagawa ito ng mga estudyante hindi lamang sa paaralan kundi pati sa kanilang tahanan at magbigay kaalaman din sa iba pa para pangalagaan ang kanilang kalusugan.

3 6 City High Smashers, pinatumba ang PRISAA 2-0 isportsp11
Fridays, pormal ng sinimulan ng CCNHS
Catch-up
Lahat
paaralan
ay
Day na
ng
NI Maria Hazel Albano NI Micah Ella Pilar
opinyon lathalain Araw ng Biyernes Catch
Fri-YEY
NI Micah Ella Pilar
Up
at Robotics Kit mula sa
Lungsod p2 AP English EPP/TLE EsP Filipino Math Music & Arts PE & Health Science
CCNHS-Main, Nakatanggap ng mga Laptop
Alkalde ng
SAGAP KAALAMAN. Mga mag-aaral mula sa Special Program in Journalism nakibahagi sa programang Catch-Up Friday sa Cauayan City National High School. ANGKING TALENTO. Piling mag-aaral mula sa Special Program in Arts nagpakita ng kanikanilang talenton sa National Arts Month Celebration sa CCNHS-Main. NGITING MALINIS. Mag-aaral ng Cauayan City National High SchoolMain sinuportahan ang programang National Dental Health Month 2024

Importansya ng pangangalaga sa kapaligiran, tampok sa Science Exhibit sa CCNHS

CAUAYAN CITY, ISABELA–

Dinagsa ng mga mag-aaral mula sa Cauayan City National High School-Main (CCNHS) at Cauayan City Stand-Alone Senior High School (CCSASHS) ang isang Science Exhibit na ginanap ngayong ikapito Pebrero.

Isinagawa ng grupong Wandering Minds ang nasabing programa sa paaralan ng CCSASHS na dinaluhan ng mahigit kumulang 1,000 na estudyante kung saan tampok kamangha-manghang aktibidad at iba’t-ibang interactive mobile exhibits.

Naglalayon ito na dagdagan ang kaalaman at interes ng mga mag-aaral sa importansya ng agham sa mundo at pati na rin sa mga maaaring mangyari kung hindi maaalagaan nang mabuti ang planetang tinitirhan ng mga tao.

Binubuo ang Science Exhibit na ito ng tatlong istasyon at may ticket na nagkakahalaga ng Php 250 upang ika’y makapasok at masaksihan ang exhibit ng programa.

Ipinakita sa mga mag-aaral ang Space Dome na nagbigay aral sa mga estudyante tungkol sa Solar System at kung paano nabuo ang

mundo base sa Big Bang Theory.

Batay sa Big Bang Theory ni Georges Lemaître, nagsimula ang ating mundo sa isang maliit na punto lamang hanggang sa ito’y lumaki at nabuo ang mundong mayroon ang mga tao ngayon.

Sumunod dito ay pinagaralan naman nila ang tungkol sa Climate Change o ang pagbabago ng temperatura at panahon sa planetang Earth Binigyang diin dito ang kahalagahan ng mga estudyante sa pagpigil ng Climate Change at kung ano-ano ang kanilang maitutulong upang ito ay maiwasan tulad ng hindi pagsasayang ng tubig at kuryente, pagpapanatili ng kalinisan, at pagsasagawa sa 5Rs.

Makikita rin dito ang mga kagamitan na gawa lamang sa recycled materials tulad ng isang maliit na windmill na gawa sa plastic na materyal at kayang magprodyus ng kuryente gamit lamang ang hangin.

Sa huli naman ay dinala ang mga mag-aaral sa tila planetang Mars, dito ay binigyang aral ang mga estudyante tungkol sa planetang ito at kung paano pinag-aaralan ng mga astronaut kung pwede bang tumira

Maitampok ang kultura ng Pilipino pagdating sa mga kapistahan, isinabuhay ng Cauayan City National High School - Main

School-Main ang diwa ng iba’tibang pista sa bansa sa papamagitan ng isang culminating activity sa ikasiyam na baitang.

Taon-taon ay nagkakaroon ng programa ang paaralan upang ipagdiwang ang iba’t-ibang pista sa bansa, kabilang dito ang Sinulog Festival, Masskara Festival Panagbenga Festival, at marami pang iba.

Isinagawa ang nasabing programa ngayong Marso 18 kung saan nagpakitang gilas ang mga mag-aaral pagdating sa pagsasayaw at pagiging malikhain.

Ginanap ang programa sa bulwagan ng paaralan na dinaluhan ng tinatayang nasa 500 na mga Grade 9 students mula sa paaralan.

Pinangunahan ng mga guro mula sa MAPEH Department ng paaralan ang culminating activity na ito bilang parte sa 3rd Quarter ng ika-siyam na baitang.

Ipinapakita sa programang ito ang kagandahan ng kulturang Pinoy pagdating sa pagdiriwang ng iba’tibang kapistahan sa loob ng bansa. Itinanghal naman bilang kampeon ang Grade 9 - Pascal, mula sa Science, Technology and Engineering Curriculum sa nasabing patimpalak habang mula rin dito ang Festival Queen at galing naman sa Grade 9 - Marigold ang Festival King. Nagmula naman sa Grade 9

- Brocka at Grade 9 - Dahlia ang nanalo bilang Best Festival Dancers ng naturang kompetisyon.

Samantala, ang nag-uwi ng titulo bilang kampeon sa Basic Education Curriculum ay ang Grade 9 - Camia kung saan tampok ang diwa ng Sinulog Festival.

Nagdulot ang nasabing programa ng kasiyahan at aliw sa mga manonood matapos ang mga showdown ng Festival King at Queens dahil sa mga kakaibang galawan at diskarte ng bawat magaaral.

Gawa mula sa recycled materials ang ibang props at costume ng mga mag-aaral at kaniya-kaniyang sikap sa paggawa ng kanilang sariling sayaw sa napiling pista.

Napakasaya po ng araw na ito, naisaabuhay talaga yung iba’t-ibang festivals sa bansa. Matalo o manalo, worth it pa rin,” pahayag ng magaaral na si Monique Wednesday Maurico, mula sa Grade 9 - Pascal. “This is part of opening their minds when it comes to our own culture, talagang nakikita nila na it’s more fun in the Philippines,” saad naman ni Krisha Ansag, MAPEH guro sa nasabing paaralan. Isang buwan mula ngayon, muling magpapakitang gilas ang mga nanalo sa nasabing kompetisyon sa Foundation Day ng CCNHS-Main.

Inihandog ng alkalde sa lungsod ng Cauayan na si Caesar “Jaycee” Dy Jr. ang mga Laptop at Robotics Kits sa paaralan ng Cauayan City National High School-Main nitong Agosto 24, 2023.

Pinangalanan ang programa na Blessing of The 21st Century Classrooms at may temang “Launching of Smarter Education Projects and Turn-over Ceremony of Robotics Kits” na isinagawa sa kaarawan ng alkalde. Layunin ng Local Government Unit (LGU) ng Cauayan na bigyan at iparanas ang mas kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Pinangunahan ni Dy ang isinagawang programa kasama ang mga LGU Officials, SDO Personnel, at DOST Isabela Provincial Director Lucio Calimag.

ang tao dito.

Kaugnay dito ang pagsusuri na habang tumatagal ay mas nasisira ang planetang Earth at darating ang araw na hindi na maaari pang tirhan ito ng mga tao kung kaya’t pinagaaralan ang alternatibong solusyon dito.

Nagtapos ang programang ito na manghang-mangha ang mga estudyante sa kapangyarihan ng agham at kung gaano ito kaimportante sa mundo.

Great experience po, super ganda at nakaka-amazed at marami kaming natutunang lessons sa ating mundo,” pahayag ni Alona Lei Tolentino, isang mag-aaral sa grade 9 mula CCNHS na dumalo sa programang ito.

It was a great learning experience for our students, they were fascinated sa kung ano ang kayang gawin ng science sa ating mundo,” saad ni Ernilyn Valdez, isang Science Teacher sa paaralang CCNHS.

Inaasahan na maraming napulot na aral ang mga estudyante mula dito at kanilang maisasagawa ang mga gawaing makatutulong sa pangangalaga ng planetang Earth at himukin ang iba pang kabataan dito.

Makakatulong ang mga handog na Laptops at Robotics Kits sa mga mag-aaral ng CCNHS pagdating sa pag-aaral ng Computer Science, programming, coding, at iba pa, ayon kay School Principal Maribeth Dela Peña.

Naglalayon ding makatulong ang mga ibinagay ng LGU na ito pagdating sa paglilinlang ng mga kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng Robotics, tulad ng paggawa ng mga programming systems, at robots. Inaasahang makakatulong ang isinagawang programa ng lokal

Mga Mag-aaral Mula CCNHS-Main, Napasakamay Ang Tagumpay sa DSPC 2024

Nakamit ng mga mag-aaral mula Cauayan City National High School-Main (CCNHS) ang tagumpay sa isinagawang Division Schools Press Conference (DSPC) 2024 na may temang “The Role of Campus Journalism in Honing the 21st Century Skills of the Students”. Pinatunayan ng mga estudyanteng manunulat na ito ang kanilang angking talino sa pagsusulat ng napapanahon at

makatotohanang balita. Parte ang kompetisyon na ito sa paghahanda para sa Regional Schools Press Conference (RSPC) 2024 na gaganapin sa Tugegarao City.

Magpapatuloy ang mapalad na nakapasok sa top 5 sa indibidwal na kategorya at ang kampeon sa grupong kategorya sa mas mataas na lebel ng kompetisyon bilang representative ng SDO Cauayan.

Binigyang diin ni Bb. Maribeth S. Dela Peña, punong guro ng Cauayan City National High School-Main na walang magandang naidudulot ang paggamit ng nicotine products o vape sa kalusugan ng tao bunsod ito ng paggamit ng ilang mga kabataan ng naturang produkto sa loob ng paaralan.

Ibinahagi ni Dela Peña na paiigtingin ng paaralan ang pagbabantay sa mga kabataan lalong lalo na ang mga lumiliban sa klase upang gumamit ng vape o sigarilyo. Hinihikayat rin niya ang mga nagtitinda ng nasabing produkto na makipagtulungan para sa ikabubuti ng mga kabataan. Matatandaang naglabas ng Department of Trade and Industry

ng Administrative Order 22-16 o ang Implementing Rules and Regulations para sa Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act noong Disyembre 5, 2023. Nakasaad sa naturang kautusan ang pagbabawal sa pagbebenta ng nicotine products sa mga menor de edad o mga nasa 18 taong gulang pababa at may kaukulang multa na 10,000 libong piso o pagkakakulong ng 30 araw pababa. Gayundin, ang paggamit ng naturang produkto sa mga Indoor Public Spaces kabilang na ang government offices, paaralan, airport, at maging simbahan na may multang hanggang 20,000 libong piso.

Ayon sa isang pag-aaral 19.6%

ng mga kabataan ang madaling maapektuhan sa paggamit ng mga produkto. (Liu et al., 2024)

mga Laptop
Robotics
sa Alkalde
Lungsod
CCNHS-Main, Nakatanggap ng
at
Kit mula
ng
Pag-monitor sa mga estudyanteng gumagamit ng Nicotine Products, paiigtingin ng paaralan balita 2
NI Maria Hazel Albano NI Maria Hazel Albano NI Maria Hazel Albano NI Maria Hazel Albano NI Maria Hazel Albano KARANIWANG BAGAY. Mga Mag-aaral ng Cauayan City National High School-Main dinagsa ang isang Science Exhibitbna ginanap sa Cauayan City Stand Alone Senior High School. Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr. naghandog ng mga Laptop at Robotics kit sa Cauayan City National High School-Main.

KASAPI NG PATNUGUTAN

Micah Ella Pilar

Ulong Patnugot

Reygie Pascual

Nizaah Lae Baptista

Pangalawang Patnugot

Dimple Alonzo

Hazel Albano

Tagapangasiwang Patnugot

Hazel Albano

Patnugot sa Balita

Alona Tolentino

Patnugot sa Lathalain

Heherson Miranda Jr.

Patnugot sa Palakasan

Kyle Cardeño

Patnugot sa Dibuho

Megan Lucas

Patnugot sa Potograpiya

Camille Doliente

Patnugot sa Editoryal

Jireh Bautista

Reygie Pascual

Tagapagdisenyo ng Pahina

Micah Ella Pilar

Tagapagwasto ng Pahina

Mga Kontribyutor

Blant Fabreese

Bea Passilan

Rhianne Montales

Nurhasna Macaorao

Joshua Maraggun

Aleah Orena

Zyanne Atienza

Eleah Romero

Maegan Delos Santos

Mga Tagapayo

Janice Bungag

Jobelle Gauiran

John Gamueda

Consultants

Maria Rosario Puzon

Maribeth Dela Pena

Editoryal

Catch Up Fri-YEY

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Catch-Up Friday bilang tugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga estudyante noong panahon ng pandemya. Habang may mga positibong aspeto ang inisyatibong ito, hindi maiiwasan na mayroon ding negatibong epekto na kailangang bigyang-pansin.

Ang Catch-Up Friday ay nagbibigay ng dagdag na oras at pagkakataon para sa mga estudyante na luminang ang kanilang pang-unawa sa kanilang binabasa. Binibigyang-pansin din nito ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin upang mas madagdagan ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang aspekto, hindi lamang sa akademiks ngunit pati na rin sa personal na buhay.

Sa pamamagitan ng Catch-Up Friday, mahihikayat din ang mga estudyante na maging mas responsable sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga tungkulin at pagpapakita ng determinasyon sa kanilang pag-unlad. Tutulungan din sila ng kanilang mga guro upang mas mapaunlad pa ang kanilang iba pang kakayahan.

Ang Catch-Up Friday ay isa ring paraan upang tiyakin ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa panahon ng pandemya. Ito ay nagbibigay ng dagdag na oportunidad para sa pag-unlad at pagpapaunlad ng mga estudyante pati na rin ang mga guro.

Ang Catch-Up Friday ay maaaring maging isang plataporma para sa mas malalim na koneksyon sa pagitan ng mga estudyante at kanilang mga guro sa pamamagitan ng mga aktibidad na ipinatutupad sa programang ito.

Nagbibigay-daan upang magkaroon ng mas personal na pagtuturo at pag-aaral na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

ang dagdag na trabaho at responsibilidad na dala ng Catch-Up Friday, lalo na kung sila ay may iba pang mga gawain at obligasyon sa labas ng paaralan.

Isa pa, sa halip na maging produktibo, ang Catchup Friday ay maaaring magdulot ng pagbawas sa produktibidad dahil sa labis na pagod at stress sa mga dapat gawin sa aktibidad ba ito ay maaaring humantong sa hindi epektibong paggawa sa trabaho. Dagdag pa, ang Catch-Up Friday ay maaaring maging hadlang sa pagkakaroon ng balanseng oras para sa iba’t ibang aktibidades tulad ng pahinga, pag-unlad sa personal na interes, at interaksyon sa pamilya at kaibigan. Dahil sa pag-iisip ng dapat na gawin sa araw ng Biyernes, maaaring humantong sa kakulangan sa balanse sa pagitan ng trabaho at personal na buhay.

...sa halip na maging produktibo, ang Catchup Friday ay maaaring magdulot ng pagbawas sa produktibidad dahil sa labis na pagod at stress sa mga dapat gawin sa aktibidad ba ito ay maaaring humantong sa hindi epektibong paggawa sa trabaho.

Sa kabilang banda, ang pagpapatupad ng Catch-Up Friday ay maaaring magdagdag ng pisikal na pagod sa mga estudyante at guro. Dagdag pa rito ay maaaring magdulot ng overwhelm sa mga estudyante

Sa kabila ng mga positibo at negatibong epekto, mahalaga na bigyang-pansin ng DepEd ang mga feedback mula sa mga estudyante, guro, at mga magulang upang mapabuti ang pagpapatupad ng Catch-Up Friday. Dapat ding tukuyin at solusyunan ang mga hamon tulad ng pagiging epektibo ng oras, pagbibigay ng tamang suporta at gabay sa mga estudyante, at pagpapanatili ng balanseng oras para sa iba’t ibang aktibidad. Sa ganitong paraan, magiging mas epektibo at makabuluhan ang Catch-Up Friday bilang isang hakbang patungo sa pagpapalakas ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Cauayan City National High School-Main
opinyon 3 Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Cauayan City National High School-Main | Tomo 15 Isyu 1

Hakbang tungo sa maunlad na karunungan

Ang magandang kalidad ng edukasyon ay isa sa mga pribilehiyong dapat taglayin ng isang kabataang Pilipino lalong lalo na ng mahihirap nating mga kababayan. Maraming mga Pilipino ang patuloy pa ring pinagkakaitan nito dahil sa kanilang estado sa buhay at maging ang kulay ng kanilang balat. Ilang dekada ng problema ng ating bansa ang ganitong sistema ngunit tila ba ay hindi sapat ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang ito ay tugunan. Noong Enero 30, 2023 ay nagsagawa ng Basic Education Report ang Kagawaran ng Edukasyon na kung saan ay ibinida ang mga solusyong tutugon sa mga problemang kinakaharap ng mga nasa sektor ng edukasyon kabilang na ang Project MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa. Bilang isang mag-aaral ay masasabi kong hindi sapat ang aksyong ginawa ng nakaraang administrasyon upang tugunan ang mga suliranin pagdating sa edukasyon. Kung ranking ang pagbabasehan ay masasabing mababa pa tayo. Ayon sa datos mula sa Business World ay pumwesto ang Pilipinas sa ika-72 mula sa 100 na mga bansa na lubhang nakakaranas ng panganib o suliranin sa larangan ng edukasyon. Kung kaya’t ako’y natutuwa sa mga solusyung inilatag ng ahensya upang masolusyunan ang mga problemang ito. Ang Project MATATAG ay ang magsisilbing hudyat upang tuluyan ng mabago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas at upang pagyabungin ang karungungan ng bawat mamamayang Pilipino tungo sa bansang matatag. Ang pagpapaunlad ng kasanayan, disiplina, at pagkamakabayan sa pamamagitan ng pabibigay halaga sa K-12 curriculum ay ang pangunahing katangian na dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan. Ayon rin sa ulat ng kagawaran ay kanilang pagtutuunan ng pansin ang pagrebisa sa K-12 Program upang siguraduhin na lahat ng nakapagtapos sa nasabing programa ay makakapagtrabaho at hanapbuhay. Kaya’t isa sa mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino ay ang pagiging unemployed kahit na nakapagtapos ng K-12 Program o Kolehiyo. Marahil ito ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng unemployment rate ng bansa. Sa kasalukuyan, sa datos mula sa Philippine Statistics Authority noong Enero ay umabot sa 4.8 ang unemployment rate ng bansa mula sa 4.3 noong Disyembre ng nakaraang taon.

“Ilan sa ating mga guro ang naghihikahos sa buhay dahil sa kakulangan ng sahod at benepisyo. Kaya’t hindi maitatangi na ilan sa ating mga guro ay napipilitang maghanap ng ibang pagkakakitaan...”

Dahil dito ay napakahaga ang ahensya upang masigurong may papasukang trabaho ang mga nakapagtapos ng K-12 Program Napakahalaga ng maayos na pasilidad sa paghubog ng pagkatuto ng isang mag-aaral. Ang pagtugon sa kakulangan ng mga pasilidad sa mga paaralan sa buong Pilipinas ay isa rin sa mga nakikitang solusyon ng ahensya upang tugunan ang mga suliranin pagdating sa maayos at komportableng pasiladad sa pagkatuto. Ayon sa datos na inilabas ng kagawaran ay may mahigit kumulang na 327, 851 na mga school building sa buong bansa. Higit 104, 536 sa mga ito ay nasa maayos pang kondisyon, 100,072 ang kinakailangang isaayos ng kaunti, 89, 252 sa mga ito ang kinakailangan ng malawakang pagsasaayos, at mahigit 21, 727 naman ang nakatakda para sa demolisyon. Binanggit din ng ahensya na binabalak ng ahensya na magpatayo ng 6,000 na mga pampaaralang pasilidad na lubos na makakatulong sa mga estudyante na magkaroon ng isang ligtas at maayos na lugar. Bilang isang mag-aaral ay masasabi kong napaka-importante ng maayos na pasilidad upang mas maging maayos ang pagkatuto ng isang estudyante at upang maging ligtas sa anumang panganib.

Nabanggit ng kagawaran na kanilang pagtitibayin ang pangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral, pagtataguyod ng inklusibong edukasyon, at isang positibong kapaligiran sa pag-aaral. Mahalaga ang siguruhing ligtas at komportable ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto dahil sila’y may karapatang matuto ng matiwasay sa isang maayos at tahimik na kapaligiran. Karagdagan pa ay ang pagbabatibay sa pagtataguyod ng inklusibong edukasyon ay napakahalaga sapagakat bibigyang diin nito ang kahalagahan ng pantay na pagkatuto anuman ang iyong kalagayan o estado sa buhay. Halimbawa na lamang ay ang ating mga katutubo, ilan kanila ay hindi nakakaranas ng pantay at de-kalidad na edukasyon dahil sa kanilang kultura at paniniwala. Ang hakbang na ito ng ahensya ay isang paraan ng paggalang sa Seksyon 2, Pagpapahayag ng Polisiya, Saligang Batas ng Pilipinas na nakasaad na dapat igalang at bigyang halaga ng pamahalaan o estado ang pantay at de-kalidad na edukasyon sa lahat ng Pilipino.

Ilan sa ating mga guro ang naghihikahos sa buhay dahil sa kakulangan ng sahod at benepisyo. Kaya’t hindi maitatangi na ilan sa ating mga guro ay napipilitang maghanap ng ibang pagkakakitaan o nangingibang bansa para lamang punan ang kanilang mga pangangailangan. Sa isang artikulo mula sa Senate of the Philippines ay mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nagsasabing underpaid ang mga guro. Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na kasalukuyang tumatayo bilang Chairman ng Senate Comittee on Basic Education ay tila ba’y napaiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit na bansa sa ASEAN pagdating sa sahod at benepisyong natatanggap ng mga guro. Halimbawa na lamang sa Indonesia na kung saan ay nakakatanggap ang mga guro ng mahigit P66,099 kumpara sa P25,439 entry-level ng sahod ng mga guro sa Pilipinas. Ang mga guro ang nagsisilbing tagapagmana ng karungungan ng ating lipunan kaya’t napakahalaga na bigyang halaga ang kanilang mga natatanging kontribusyon sa ating pagkatuto sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat na sahod at benepisyong nararapat para sa kanila. Mahalaga ang papel na kanilang ginagampanan sa ating lipunan sapagkat sila ang nagsisilbing gabay patungo sa tagumpay.

Sa kabuuan, mahalaga ang posisyon ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagtugon ng mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon. Kung kalidad ng edukasyon ang paguusapan ay mababa pa tayo sa ranking. Marami pang mga hakbang ang dapat na isa-alang-alang upang tuluyang masolusyunan ang mga ito. Tulad ng aking nabanggit ay nasisiyahan akong malaman ang mga plano ng pamahalaan sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Ngunit kinakailangang siguraduhin ng pamahalaan na maipapatupad ang mga ito at hindi puro pangako lamang. Ang salitang may katumbas na gawa ang dapat makita at hindi puro salita lamang. Sa katunayan, kulang pa kung tutuusin ang mga hakbang na kanilang inilatag upang solusyunan ang mga problemang may kinalaman sa edukasyon. Maraming pang dapat malaman ang ahensya sapagkat ilan lamang ito sa mga problemang kanilang nakikita. May mga malalim na mga suliraning dapat pang makita ng pamahalaan katulad na lamang ng mga problema ng mga nasa “marginalized sector” o nasa laylayan ng lipunan na kalimitang napapabayaan ng pamahalaan. Mahalagang bigyan ng pansin ang sektor ng edukasyon sapagkat ang sektor na ito ang responsable sa pagpapayabong ng karunungan sa bawat mamamayan tungo sa maunlad na lipunan at karunungan.

Kung kaya natin, kaya rin nila!

Ang edukasyon ay masasabing ang pinaka importanteng bagay sa buong mundo. Ika nga “ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata na magagamit mo para baguhin ang mundo”. Mahalaga ang ginagampanan ng edukasyon sa ating lipunan sapagkat ito ang numero unong sandata para sa pagbabagong ating inaasamsam, gayundin ay ang edukasyon ang nagsisilbing pundasyon ng isang maayos at progresong na lipunan. Ngunit may ilang ipinagkakait ang patas edukasyon sa mga taong may kapansanan o natatanging kondisyon. Sila ay ihinihiwalay sa mga taong walang kapansanan o natatanging kondisyon sapagkat naniniwala silang hindi kaya ng mga ito na makipagsabayan sa kanila sa larangan ng pagkatuto at kaalaman. Dahil sa sistemang ito ay dito papasok ang Inklusibong Edukasyon. Ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), ang inklusibong edukasyon ay ang pinakamabisang paraan upang mabigyan ang lahat ng mga bata ng patas na pagkakataong pumasok sa paaralan, matuto at bumuo ng mga kasanayang kailangan nila upang umunlad. Ang inklusibong edukasyon ay nangangahulugang lahat ng mga bata ay nasa parehong mga silidaralan, sa parehong mga paaralan. Nangangahulugan ito ng mga tunay na pagkakataon sa pag-aaral para sa mga grupong tradisyonal na hindi kasama – hindi lamang mga batang may kapansanan, kundi mga batang nagsasalita ng iba o lokal na lenggwahe. Mahalaga ang inklusibong edukasyon sa ating lipunan sapagkat ipinapakita nito na ang patas na edukasyon ay walang pinipili, lahat ng tao, may kapansanan man o wala ay may karapatang makaranas ng pantay na kalidad ng edukasyon. Nakasaad sa Saligang batas ng Pilipinas, artikulo XIV, seksyon 1 na dapat protektahan at itaguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas, at dapat gumawa ng naaangkop na hakbang upang maging accessible ang edukasyon sa lahat. Nakakalungkot na marami tayong

SANDIGAN

mga kababayan na hindi binibigyan ng sapat at patas na edukasyon dahil lamang sa kanilang espesyal na kondisyon, wika, kultura at marami pang iba. Halimbawa na lamang ng ilan sa ating mga katutubo na hindi nakakatanggap ng patas na edukasyon dahil sa kanilang kultura. Kaya’t napakahalaga ng trabahong ginagampanan ng pamahalaan upang pagtibayin at igiit ang karapatan ng lahat na mabigyan ng sapat at patas na edukasyon. Noong Marso 11, 2022 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11650 na nag-uutos sa lahat ng paaralan sa buong bansa na tiyakin ang inklusibong edukasyon para sa mga mag-aaral na may mga kapansanan. Napaka mahalagang hakbang ito upang siguraduhin na talagang pinangangalagaan ng pamahalaan ang karapatan ng mamamayan na nakasaad sa saligang batas. Hindi hadlang ang kapansanan sa pagkatuto ng isang tao. Nahihirapan man sila ngunit may kakayahan din silang pausbungin ang kanilang kaalaman. Ang mga may kapansanan ay madalas nating nakikita bilang talentado. Kaya nilang gumuhit at magpinta ng mga larawan, gayundin ang gumawa ng mga gawain na hindi lubos akalain na magagawa ng isang taong may kapansanan. Ayon kay Paulina Gerstner, Program Director, Center for Global Discovery and Conservation Science ng Arizona State Univeristy, ang mga taong may kapansanan ay may kakayahan sa maraming paraan tulad ng mga walang kapansanan. Maaaring nagtataglay din sila ng natatanging kakayahan na wala sa iba, tulad ng kakayahang magisip nang malikhain at makabago. Nagbibigay sila ng kakaibang pananaw na maaaring hindi maisip ng kanilang mga kapantay. Dahil dito, maaaring gampanan ng mga

taong may kapansanan ang mga ganoong mahalagang tungkulin sa lugar ng trabaho, na nagbibigay ng competitive advantage sa mga kumukuha sa kanila. Huwag nating isipin na ang mga may kapansanan ay walang kapasidad na matuto. Sila din ay talentado ngunit naiiba lamang dahil sa kanilang espesyal na kondisyon.

“... Ang inklusibong edukasyon ay ang pinakamabisang paraan upang mabigyan ang lahat ng mga bata ng patas na pagkakataong pumasok sa paaralan...”

Malaki ang naitutulong inklusibong edukasyon sa paghubog sa kaisipan ng isang bata. Makabubuti sa isang bata na makisalamuha sa mga taong walang kapansanan upang isipin nito na hindi siya naiiba at siya ay may importanteng papel sa ating lipunan. Gayundin ay nakakatulong ang sistemang ito sa pagbabago ng negatibong perspektibo ng isang bata sa may mga kapansanan dahil kung patuloy ang eksklusibong edukasyon ay maari nilang isipin na lubos silang pinagpala kaysa sa mga may kapansanan at maari nilang pagtawanan at yukaran ang kanilang pagkatao at maaari itong humantong sa depresyon, takot, pagkabalisa, at kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Ang inklusibong edukasyon ay mailalarawan bilang paggalang sa karapatan ng mga may kapansanan. Sila ay may karapatan na mabigyan ng sapat at patas na edukasyon, ligtas na lipunan, at mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights ng Saligang batas. Naiiba man sila sa pisikal o mental na kalagayan ay may karapatan pa rin silang mamuhay ng normal na iginagalang ng lipunan. Malaki ang kanilang ginagampanang tungkulin sa ating lipunan sapagakat sila’y nagsisilbing inspirasyon na anuman ang estado mo sa buhay at gaano man kabigat ang iyong problema ay kayang kaya mo itong malagpasan basta’t mayroon kang katatagan at deteriminasyon sa buhay. Lahat ng tao ay kayang abutin ang kanilang mga pangarap kahit gaano man ito katayog at kahit mayroon tayong mga mabibigat pagsubok sa buhay.

opinyon 4
Bella Bautista

Sandigan Kababaihan

Sa pagdiriwang natin para sa buwan ng kababaihan ngayong Marso, hayaang parangalan at pahalagahan ang mga kababaihan sa buong mundo, anuman ang kanilang edad, lahi, pananampalataya o pananaw sa pulitika.

Lahat tayo ay pantay - pantay, sa mata ng Diyos at sa maraming tao. Hindi hadlang ang iyong kasarian sa anumang pagsubok ang ibabato saiyo. Tayo ay manindig at ipagtanggol kung ano ang mayroon saatin.

Hindi tayo babae lamang, kung sa iba ay wala silang bilib sa mga kababaihan lalo na sa pisikal na lakas na ating kayang ipakita. Hindi at walang titigil na ipakita kung ano ang kaya natin at baguhin kung anong pananaw ang mayroon sila. Tayo ay magsasama sama at aabante!

TAGAMASID

Huwag tayong manatili kung ano ang kanilang pananaw saatin, mga salitang “mahina at walang lakas” mayroon tayong pansariling kakayahan at kung ano ang kaya nila ay kaya rin natin.

Anya nga sa isang panayam ni Sen. Miriam Defensor Santiago “When women are empowered as political leaders, countries often experience higher standards of living with positive development in education, infrastructure and health care” wala tayong hindi kayang gawin, may mas posibilidad pa na aangat kung ano ang mayroon sa isang bansa kung babae ang mamumuno, hindi ko naman sinasabi na hindi kaya ng mga kalalakihan. Ang punto lang ay mas may unlad ito at mas kinakayabg isaayos kung ano ang ginulo o magulo sa isang bansa. Kaya naman, huwag tayong panghihinaan ng loob. Lahat

ng babae ay mayroong kayang patunayan. Bata man o matanda, nasaang panig ka man ng mundo ay sama-sama tayong isusulong ang samahan upang matamo ang tunay at malayang demokrasya.

Sulong, sulong kababaihan! Tayo ang boses ng bayan, buuin natin ang samahan para sa kinabukasan ng lipunan.

“Huwag tayong manatili kung ano ang kanilang pananaw saatin, [...] mayroon tayong pansariling kakayahan at kung ano ang kaya nila ay kaya rin natin.”

MATATAG para sa Kinabukasang Maunlad

Inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang bagong MATATAG Curicculum mula sa Kinder hanggang Grade 10 (K-10) na may layuning bawasan ang kakulangan sa kaalaman ng mga mag-aaral.

Isa itong magandang hakbang upang maisaayos ang sistema ng edukasyon sa bansa lalo na ang layunin nitong bawasan ang learning competencies na kailangang ituro ng mga guro at pag-aralan ng mga estudyante.

Ang pagpapatupad ng MATATAG curriculum ay mas matututukan ang mga pangunahing kasanayan tulad ng pagbasa, pagsusulat, at pagbilang ay magbibigay nang mas malalim at matibay na pundasyon sa kaalaman ng mga mag-aaral. Ito ang magtuturo sa kanila ng mga kakayahan na kinakailangan hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi maging sa kanilang mga propesyon balang araw.

Isa din sa magandang epekto ng kurikulum ay ang pagpapalakas ng mga pundasyonal na kasanayan at ang pagbibigay ng mas mababang dami ng mga learning competencies ay maaaring magbigay ng mas mataas na kumpiyansa at motibasyon sa mga mag-aaral. Dahil mas madaling maabot ang mga layunin at mas malinaw ang kanilang patutunguhan, mas mayroon silang pagtitiwala sa kanilang sarili at mas mataas na pagmamalasakit sa kanilang pag-aaral.

Sa parte naman ng mga guro, ang pagbawas sa dami ng mga

DALUYONG

learning competencies ay maaaring magbigay ng mas maraming oras at pagkakataon para sa mga guro na maglaan ng pansin sa mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral. Ito ay magresulta sa mas malalim na pag-unawa sa mga aralin at mas mabisang pagtuturo.

Sa kabilang banda, ang gagawing pagbabawas dito ay maaaring magdulot ng pagsentro lamang sa mga pangunahing asignatura tulad ng Matematika at Siyensya na maaaring magdulot ng kakulangan sa kaalaman sa iba’t ibang larangan. Isa pa, ang pagbabago sa kurikulum ay maaaring magtakda ng pangangailangan para sa mas malawak na pagsasanay at paghahanda ng mga guro upang matugunan ang bagong mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maaring magdulot ng kalituhan at stress sapagkat mag-iiba ang estilo ng kanilang pagtuturo at iba pa. Dahil sa pagbawas ng curriculum, maaaring mawalan ng karanasan ang mga magaaral sa iba’t ibang aspeto ng kaalaman tulad ng sining, musika, at iba pa na maaring magbunga ng kawalan ng kreatibidad, kawalan ng pagpapahalaga sa kultura, kakulangan pagsasanay sa pakikipagtulungan, at kakulangan ng pag-unlad ng emosyonal na intelehiya.

Dagdag pa rito, ang bagong curriculum ay maaaring magtakda ng pangangailangan para sa mas malawak na pasilidad at kagamitan sa mga paaralan upang matugunan

“Ang pagbibigay ng sapat na suporta sa mga guro at pagpapahalaga sa kanilang papel [...] sa mga kabataan ay nagtutulak sa ating layunin na magkaroon ng isang mas magaling, mas matatag, at mas matalinong henerasyon ng mamamayang Pilipino.”

TSOKOLATENG LANGUYAN

Sa mga nakaraang mga araw, umugong ang balitang nakatayong resort sa mismong Chocolate Hills sa Sagbayan, Bohol. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malaking agam-agam at pagtutol mula sa mga taong nagmamahal sa likas na yaman at kultura ng Pilipinas. Sa gitna ng kahalagahan ng pangangalaga sa mga natural na yaman ng bansa, tila ba nakalimutan na ng mga nasa kapangyarihan ang kanilang tungkulin na pangalagaan at hindi guluhin ang mga protektadong lugar tulad ng Chocolate Hills

Una sa lahat, ang Chocolate Hills ay isang “protected area” ayon sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o DENR. Ito ay isa sa mga lugar na may espesyal na proteksyon mula sa gobyerno upang mapanatili ang kanilang natural na kalagayan kaya't palaisipan kung bakit hinayaan pa rin ang pagpapatayo ng resort sa kabila ng banta nito sa integridad ng likas na kapaligiran na maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na pagbabago sa ekolohiya ng tanawin na ito.

Isa pa, ang pagtatayo ng resort sa Chocolate Hills ay magdudulot ng malawakang pagkasira sa kalikasan dahil sa mga pagbabago na ginawa dito upang mabigyang-daan ang konstruksyon ng imprastrakturang ito. Ang pagguho ng lupa, polusyon, at pagkasira ng mga tirahan ng mga hayop na nakatira dito at iba pa ay ilan lamang sa negatibong epekto nito. Ang pagtatayo ng resort ay paglabag sa mga batas at patakaran na itinakda upang mapanatili ang integridad ng lugar.

ang mgabagong pangangailangan ng pagtuturo at magdudulot sa mga guro at estudyante na mahirapan sa pag-adjust sa panibagong paraan ng pagtuturo at pag-aaral.

Upang matiyak na handa at mahusay na nakahanda ang mga guro sa pagtuturo sa ilalim ng MATATAG na kurikulum, mahalaga ang regular na pagsasanay at pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan at kaalaman. Gayundin ang mahusay na koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng DepEd, mga paaralan, guro, magaaral, at iba pang mga stakeholder ay mahalaga upang matugunan ang mga hamon at suliraning may kaugnayan sa implementasyon ng kurikulum.

Samakatuwid, ang MATATAG curriculum ay nagsisilbing pundasyon sa mas maunlad at mas maayos na sistema ng edukasyon. Ang pagbibigay ng sapat na suporta sa mga guro at pagpapahalaga sa kanilang papel bilang gabay at inspirasyon para sa mga kabataan ay nagtutulak sa ating layunin na magkaroon ng isang mas magaling, mas matatag, at mas matalinong henerasyon ng mamamayang Pilipino. Sa pagtitiwala sa kabataan, tinataguyod natin ang isang lipunan ng pag-asa at tagumpay. Kabataan ang Pag-asa ng Bayan, at sa kanilang kamalayan at kasanayan, itinataguyod ng MATATAG na kurikulum ang kanilang pag-unlad at tagumpay.

Sa pagtatayo ng resort sa Chocolate Hills, ang lokal na komunidad ay maaaring maapektuhan. Ang pagsulpot ng mga resort ay maaaring magdulot ng pagtaas ng cost of living sa lugar, bunga ng pagtaas ng demand para sa serbisyo at produktong lokal. Ang tradisyonal na pamumuhay ng mga residente, tulad ng pagsasaka, ay maaaring mawalan ng pagkakakitaan at mapilitang maghanap ng ibang oportunidad sa ibang lugar. Ang pagtatayo ng resort sa Chocolate Hills ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kultura at kasaysayan ng lugar. Ang Chocolate Hills ay hindi lamang isang likas na anyo kundi mayroon ding malalim na kahalagahan sa kasaysayan at kultura ng lokal na mga tribo at komunidad. Ang pagkakaroon ng resort ay maaaring magdulot ng pagpapabaya at pagkalimot sa mga tradisyon at kwento na may kinalaman sa Chocolate Hills. Sa kabilang banda, ang pagtatayo ng resort sa Chocolate Hills ay hindi lamang magbibigay ng karagdagang mapagkukunan ng kita para sa mga lokal na mamamayan, kundi magbubukas din ito ng mga trabaho para sa mga residente. Ang mga trabahong ito ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng sapat na kita upang suportahan ang kanilang mga pamilya na magdudulot ng mas maunlad na ekonomiya sa komunidad.

Gayundin, magkakaroon din ng pagkakataon ang mga lokal na residente na mapahalagahan at pangalagaan ang kanilang kalikasan. Ang pagmamalas sa likas na ganda ng Chocolate Hills ay magiging sentro ng kanilang hanapbuhay at pangkabuhayan. Ang pagkakaroon ng mga state-of-the-art na pasilidad tulad ng maayos na accommodation at mga aktibidad na pangekoturismo ay magbibigay ng mas mataas na kalidad ng serbisyo para sa mga turista.

"sa kabila ng mga potensyal na benepisyo, mahalaga ring bigyangpansin ang mga epekto nito sa kalikasan"

Subalit, sa kabila ng mga potensyal na benepisyo, mahalaga ring bigyang-pansin ang mga epekto nito sa kalikasan. Kailangan mas malinaw at mahigpit na batas na magtatakda ng mga patakaran at regulasyon hinggil sa pagpapalakad ng imprastruktura sa loob ng mga protected area tulad ng Chocolate Hills. Dapat itong magtakda ng malinaw na pagbabawal sa anumang uri ng pagtatayo ng bagong imprastruktura maliban sa mga proyektong pangangalaga at pagpapaunlad ng kalikasan. Dagdag pa rito, kailangan ng pakikipagtulungan ng lahat ng mga stakeholder tulad ng lokal na pamahalaan, komunidad, pribadong sektor, at mga environmental groups. Dapat silang magtulungan upang magkaroon ng maayos at epektibong implementasyon ng mga plano at proyekto para sa pangangalaga at pagpapalago ng Chocolate Hills Samakatuwid, ang pagtatayo ng resort sa Chocolate Hills ay isang hamon na hindi dapat balewalain. Bagama’t may potensyal itong magdulot ng kita at pag-unlad sa rehiyon, mahalaga ring isaalang-alang ang mga epekto nito sa kalikasan, ekolohiya, at kultura ng lugar, mas mahalaga na itaguyod natin ang pangangalaga at pagprotekta sa mga likas na yaman gaya ng Chocolate Hills. Sa halip na magdagdag ng gusali, dapat nating itaguyod ang mas sustainable na turismo na naglalayong panatilihin ang natural na ganda at integridad ng lugar upang masilayan pa ng mga darating pang henerasyon ang natural na ganda ng Chocolate Hills

opinyon 5
Para sa anumang sulat/komento/mungkahi/katanungan/kontribusyon, mangyaring magpadala lamang ng liham sa Opisina ng Pahayagan o Mag-text sa 09168458934 o mag-email sa ccnhs_angkawayan@yahoo.com o di kaya ay bisitahin ang aming Facebook page @angkawayanccnhs. Walang anumang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot sa mga kasapi ng patnugutan.
Camille Doliente Alona Lei Tolentino

lathalain 6

Sa isang iglap, ang huling araw sa eskwelahan ay nagbago. Biyernes na dati’y puno ng mga sunod sunod na asignatura na pinapagawa ng mga guro. Halos ibat-ibang paksa ng gawain ang pinapasok sa utak ng mga mag-aaral. Ngayon, ano na nga ba ang ganap ng libu-libong estudyante sa pilipinas tuwing sasapit na ang araw ng biyernes?

Araw nanaman ng biyernes, minsa’y panulat at papel ang hawak ngunit kadalasan ay libro. Halos lumabo na ang mata kakabasa ng mga letra o salita na nakalagay sa libro. Mahirap man aminin na hindi lahat ng nababasa natin ay naipapasok sa ating utak. Pasok dito labas duon, yan nag sinasabi ng karamihan tuwing sila’y lutang sa pagbabasa. Kaya nga ang ibang nagbabasa ay humihinto dahil hindi rin naman nila ito naiintindihan at napapagod lamang ang utak sa pag intindi sa mga babasahing mas malalim pa sa lalim ng Marianas Trench. Kung noon ay ibat-ibang gawain ang nagagawa ng mga estudyante tuwing biyernes tulad ng nagsusulat sa kuwaderno, pinapagana ang utak sa mga numerong nakalagay sa pisara at iniintindi ang bawat salitang sinasambit

Barko

M”

Ma, tiya pahinga na kayo sa pagtratrabaho para sa pag-aaral ng magkakapatid.

Kaya ko na to, ako ba ang bahala

Araw ng Biyernes

ng guro tuwing ito’y nagtuturo. Ngayon ay pagbabasa na lamang, minsan pa nga ay nakakatulog na habang nagbabasa. Sabi nga ng isang guro, “Kapag tinutulugan mo ang iyong binabasa ay pinapakita mo na rin na hindi mo naiintindihan at walang halaga sa iyo ang aklat na iyan” kaya simula noon ay ang mata na ang kalaban ng mga estudyante dahil minsan ay hindi mapigilan ang pagbagsak ng kanilang mga talukap.

Kanya-kanyang paraan ang mga estudyante kung paano magkakaroon ng maginhawang upang makapagbasa. Ang iba ay nagdadala na rin ng mga malalambot na kumot at katakamtakam na pagkain na halos maglaway na ang katabi at matuluan na ang librong kanyang hawak. Samantalang dati ay bawal ang magdala ng kung ano-anong gamit tanging panulat o gamit sa eskuwelahan lamang ang dapat dalhin.

Pagod na ako magbasa” yan ang laging sambit ng mga estudyante na halos isang pahina pa lamang ang nababasa sa kanilang mala pader na kapal na libro. Ang iba ay gusto ng tanggalin ang programang ito at bumalik nalang sa dati dahil hindi naman lahat ng

estudyante ay ginugugol ang araw ng biyernes sa mga makabuluhang bagay. Sabi nga nila “Time is gold” kung gayon ay dapat gugulin parin ng mabuti ang bawat oras at pahalagahan parin ito.

Lumipas na ang ilang mga biyernes, napansin na rin sa wakas ng mga guro ang mga tutulog-tulog na lamang na mga estudyante. Hindi na nila ginagamit ang araw ng biyernes sa pagbabasa bagkus sa pagpapahinga na lamang sa malambot na higaan na kanilang hinahanda sa kanilang silid aralan. Sa pagdating ng mga sumund na Biyernes ay naghanda na ng mga babasahin na may Kaakibat na mga tanong. Hindi na makakatakas sa mga gawain ang mga estudyante, wala ng tutulog-tulog na utak. Sila’y hahawak na muli ng papel at panulat sa araw ng biyernes. Sa wakas kahit papaano ay hindi na maiinip ang aming mga utak sa pagbabasa lamang. Napaka laking pagbabago ang naganap. Sana sa pagbabagong ito ay magkaroon din ng karagdagang kaalaman sa eskwelahan partikular sa pagunawa at pagbabasa.

ay mga lugar talaga na nagbibigay aral tuwing mapupunta ka dito. Tulad ng Bataan, maraming bagay ang napagtanto ko sa papunta namin dito. Kaya samahan mo na ako sa biyaheng Bataan. Kayat mu mapan?” sa isang tanong pa lamang ng aking ina ay agad na ako tumayo sa aking kinauupuan, naghanda ng mga damit at mga gamit. Samantalang noong bata pa ako, ang nanay ko ang punong abala sa pag-aayos ng aking mga gamit kapag kami ay aalis. Pero ganoon talaga ang buhay may mga bagay na kailangan nating matutuhan at kailangang malaman dahil hindi naman habambuhay kasama natin ang nga magulang natin para gumabay sa atin. Napakasaya ko nang ayain ako ng aking ina na pumunta sa Bataan hindi dahil sa mga magagandang tanawin kundi para saaking nakatatandang kapatid. Labis na ang pangungulila ko sa aking kapatid, ang mga biruan, tawananan at pagtuturo niya saakin ng mga asignatura na hindi ko maintindihan lalong lalo na ang Math. Kapag napag-uusapan namin ang aming kuya sa hapag kainan ay natatawa nalang kami dahil naaalala namin kung paano ang kanyang pagtawa sa mga bidyo sa kaniyang ipad. Marami ang nagsasabi na napaka tahimik at seryoso niyang tao pero sa loob ng tahanan, halos lumabas na ang kaniyang gilagid sa kakatawa na pati kaming nakababata niyang kapatid ay natatawa ng patahimik.

Kasama kong pumunta sa Bataan ang aking ina at tiya. Naghintay kami sa paradahan ng bus ng mahigit isang oras. “Bataan kayo mother?” tanong ng kondoktor ng bus, kita na sa kanilang mga mata ang pagod. Ikaw ba naman maghapon at magdamag na nagmamaneho at nakasakay sa bus hindi kaba napapagod?

Kaya saludo ako sa mga drayber na nagpupuyat para maihatid tayo sa mga destinasyong ating pupuntahan.

Habang kami ay nasa byahe sumilip ako sa bintana. Pinagmamasdan ang mga tanawin, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng ganitong paligid. May maaliwalas at magandang tanawin.

Ako’y nakatulog habang kami ay nasa byahe, nang magising na ako ay saktong nasa bataan na kami, tanong ako ng tanong saaking ina kung anong oras kami makakarating sa eskuwelahan ng aking kuya dahil sabik na sabik na ako na makita siya at kung paano ang pag-aaral niya dito.

Nakarating na kami sa Bataan, para itong

lumang syudad ng Pilipinas. May mga ganitong lugar pa pala, may mga lumang pampasaherong bus at iba pa. Tanaw ko na ang eskwelahan ng aking kapatid, ramdam ko na ang ngiti saaking mga mata at labi, makikita ko na rin sawakas ang aking kuya.

Halata rin sa mukha ng aking ina at tiya na pagod na sila. Sabagay hindi na sila pabata at kailangang mabigyan ng mas maraming pahinga. Para sa aking nakatatandang kapatid ay pinili nilang magpatuloy sa pagpunta ng Bataan. Iba talaga ang pagmamahal ng isang magulang kaya nagpapasalamat kaming magkakapatid dahil sila ang binigay ng Panginoon upang maging magulang namin.

Ang lahat ng saya ay napalitan ng lungkot ng sabihin saakin ng aking ina na dalawa lang pala ang makakapasok sa loob ng paaralan upang makasaksi ng graduwasyon ng aking kuya. Halos maiyak na ako sa loob ng kwarto na tinutuluyan namin. Ramdam ko ang kirot sa aking puso at dinaan ko na lamang sa pagtulog ang lungkot na aking nadarama.

Laking gulat ko ng magising ako sa tunog ng aking telepono, tumatawag ang aking kapatid. Sinabi niya na sabihin ko ang kaniyang ngalan sa mga kadeteng nagbabantay sa paaralan upang ako’y makapasok. Napawi ang lungkot na aking naramdaman.

Agad akong pumunta sa paaralan na ilang hakbang lamang mula sa aminf tinutuluyan. Habang ako’y naglalakad napagtanto ko na may mga dahilan pala kaya nangyayare ito saakin, napakabuti ng Diyos dahil gumawa siya ng paraan upang makasama ako sa hindi malilimutang sandali ng aking kuya.

“Ahhhh!” hinihingal na pagtakbo tungo sa lugar kung saan gaganapin ang graduwasyon nila. Sa sobrang lawak ng kanilang eskuwelahan ay napagod akong tumakbo kasama ang isang kadete upang makarating lamang sa lugar na iyon. Naalala ko tuloy noong bata pa ako, lagi akong pinapagalitan ng ina ko kapag ako’y nakikipaglaro ng habulan sa mga pinsan ko baka daw magkasakit ako. Grabe talaga magmahal ang mga nanay, sabi nga nila “Mother’s knows best” Sulit ang pagtakbo at pagod na aking ginawa para lamang makarating doon. Nakita ko na ang aking kapatid, nasa gitna ng isang malawak na lupain. Halos maiyak ako ng makita ko siyang nakasuot ng napakagandang unipormeng pang marino. Kita ko sa mga mata ng aking tiya at ina na mangiyak-ngiyak na.

“Manang, nalpasin ti rigad tayu. Adda marino tayun” yan ang mga salitang binigkas ng aking ina sa aking tiya. Tapos na ang kanilang paghihirap, napalitan na ng saya ang lahat ng pangungulila at pagod ng mga nagpapa-aral sa aking kapatid.

“Ma, tiya pahinga na kayo sa pagtratrabaho para sa pag-aaral ng magkakapatid. Kaya ko na to, ako ba ang bahala” yan ang mga salitang binitawan ng aking kapatid sa aking nanay at tiya. Tama nga sila ang panganay ang tataguyod sa magkakapatid.

Isang marinong may pangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Sabi nga sa kanta “Ma pa, pahinga muna. Ako na.” Ang buhay ay parang isang barko, walang katapusan ang paglalakbay. Maraming pagsubok ang dadaan kaya kailangan ng tatag at tibay. Huwag susuko dahil nandiyan naman ang Diyos para gumabay.

NI Alona Lei Tolentino NI Alona Lei Tolentino

Katulad ni kuya Alvin, hindi niya iniisip ang hirap at pagod sa kanyang gawain dahil mas nagingibabaw ang mga positibong pag-iisip.

Diwa ng Malinis na Eskwelahan

Ang kalinisan ay tungo sa maayos na kapaligiran.

Laking katuwaan ko dahil pagpasok pa lamang ay malinis na ang paligid ng aming paaralan. Hindi na kami obligadong kumuha ng walis at linisin ang mga dahon at kung ano mang kalat ang nasa labas ng aming silid. Salamat kay kuya Alvin, isa sa tagapangalaga ng kalinisan sa aming paaralan. Dahil sa kanyang arawaraw na pagmomonitor sa paligid ay nananatili ang kalinisan nito. Buti nalang mayroon si kuya Alvin dahil kung wala ang mga katulad niya ay mababawasan na naman ang oras ng mga etudyante sa kanilang pag-aaral at igugugol nalang ito sa paglilinis.

Minsa’y pansin na rin sa kanyang mukha ang pagod. Ang pagpatak ng bawat butil ng pawis sa lapag at bawat buntong hininga na kanyang ibinibitaw ngunit hindi ito naging hadlang upang siya’y huminto sa kanyang gawain. Ito pa nga ang naging daan upang mas magpatuloy sa landas na kaniyang pinatutunguhan. Hanga ako sa tulad ni kuya Alvin, kahit sobrang hirap na ng sitwasyon ay patuloy parin siya sa kanyang mithiin. Hindi madali ang trabaho na kanyang pinasok, ako nga na pagwawalis pa lamang ng aming bahay ay ramdam ko na ang pagod. Paano pa kaya ang mga katulad nila kuya Alvin na halos buong paaralan

ang kailangang panatilihin ang kalinisan.

Hindi naging hadlang kay Kuya Alvin ang pagod na kanyang nararamdaman araw - araw sa pakikitungo niya sa lahat. Tuwing siya’y may makakasalamuha na tao ay makikita parin sa kanyang mga mukha ang maaliwalas na ngiti kasabay ang pagbukas ng kanyang bibig upang bumati. Naalala ko tuloy noong nakasalubong ko siya sa daan ay agad ko siyang binati ng may kagalakan at ganun rin ang kanyang naging tugon.

Patuloy ang paglaban sa buhay kasabay ang pagtugon sa mga gawain na ibinibigay saiyo. Katulad ni kuya Alvin, hindi niya iniisip ang hirap at pagod sa kanyang gawain

dahil mas nagingibabaw ang mga positibong pag-iisip. Kasabay na rin ng mga taong nagpapagaan ng kanyang mararamdaman. Salamat kuya Alvin, dahil saiyo ay ginhawa ang dulot sa bawat-isa, kahit papaano ay nabawasan ang kalat na nasisilayan ng aming nga mata.

Sana ay ipagpatuloy mo ang ganyang gawain, hindi rin masama ang magpahinga diba. Bigyan mo rin ng oras ang sarili upang makapagmuni - muni kahit panandalian lamang.

Nawa’y marami pang tao ang tumulad sa paguugali at diskarte sa buhay ang mayroon ka. Ikaw ay isa sa mga naging at magiging inspirasyon ng iba.

Nakakubling Kubo

Sa isang nakatagong sulok ng Cauayan City National High School - Main, may isang asul na kubo na nakasaksi kung paano ang ginawang paghahanda ng apat na manunulat ng CCNHS para sa gaganaping DSPC 2024 sa kanilang syudad. Tuklasin natin kung paano ang mga ginawang preparasyon ng apat na manunulat.

Nandiyan na si haring araw, marami na ang mga estudyanteng dumadaan, ngunit ang apat na estudyante na aking hinihintay na dumating ay wala parin.

Naghintay ako ng mahigit isang oras, sa wakas dumating na rin sila. Naghanda na ng upuan si Hazel binigyan niya ng tag iisang upuan sina Kyle, Stefanie at Alona. Napakamaasikasong kaibigan talaga ni Hazel, sana lahat ng bata ay katulad niya.

Nagsimula na silang gawin ang mga pinagagawang artikulo at cartooning sakanila. Napaka

Yugto ng Maliwanag na Bukas

“M

ATATAG” salitang naglalayon na linangin ang mga pagpapahalaga tulad ng integridad, empatiya, katatagan, at disiplina sa loob ng mga mag-aaral, na inihahanda ang mga ito hindi lamang para sa akademikong tagumpay kundi pati na rin sa mga hamon ng buhay. Ito ay nagpapahiwatig na patatagin ang pundasyon ng edukasyon sa Pilipinas, tinitiyak ang katatagan at pagpapana tili nito sa gitna ng mga hamon sa loob at labas ng ating mga hangganan.

Ang salitang kinikilala ang mahalagang papel na ginagampanan nila sa paghuhubog ng kaisipan ng mga susunod na henerasyon, ang programa ay namumuhunan sa patuloy na pagsasanay at pagpapahusay ng mga tagapagturo. Ang programa ay naglalayong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay may access sa isang kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral, na nilagyan ng makabagong teknolohiya na nagbibigay-daan sa mga interactive at nakakaengganyong karanasan sa pag-aaral. Hindi lamang isang programa ang DepEd

MATATAG, kundi isa Itong patunay ng hindi natitinag na pangako ng Kagawaran ng Edukasyon na magbigay ng matibay na pundasyon para sa mga kabataan ng bansa. Nagsisilbi itong beacon ng pag-asa, na gumagabay sa mga mag-aaral sa kanilang akademikong paglalakbay at higit pa. Sa DepEd Matatag, ang kinabukasan ng edukasyon sa Pilipinas ay talagang sigurado – matatag, maaasahan, at matatag.

“DepEd MATATAG” isang pangunguna na programa na naglalaman ng mga pangunahing halaga ng integridad, inclusivity, at kahusayan. Sa pamamagitan ng komprehensibong diskarte nito, pinalalakas ng programa ang sistema ng edukasyon, binibigyang kapangyarihan ang mga mag-aaral na maging mahusay na mga indibidwal na handa para sa mga hamon ng hinaharap. Sa pamamagitan ng pagbibigaypriyoridad sa pagpapaunlad ng imprastraktura, pagsasanay ng guro, inklusibo, at digital literacy, itinatakda ng DepEd MATATAG ang yugto para sa isang mas malakas at mas maliwanag na bukas para sa bawat batang Pilipino.

sipag talaga ng mga manunulat na ito, may mga ganitong bata pa pala. Determinado sa kanilang mga ginagawa, sana ganito lahat ng bata. May mga layunin sa buhay na ikasasaya nila. Rinig ko na lamang ang simoy ng hangin sa paligid, napaka tahimik ng apat na manununulat. Pokus na pokus sa kanilang nga ginagawa. Hiling ko kay hangin na dagdagan pa ang lamig na kaniyang ipinadarama sa kanilang nga mukha upang kahit papaano ay hindi sila mabagot sa pagsusulat.

Dumating na ang kanilang tagapagsanay, hininto muna nila ang kanilang ginagawa upang makipagusap dito. Rinig ko ang kanilang tawanan, napaka sarap pakinggan dahil kahit nahihirapan na ang mga manunulat may mga nagpapagaan pa rin ng kanilang isipan at pakiramdam.

“Ayoko na”, “pagod na ako” at “sana hindi nalang ako sumali” yan ang laging bigkas ng apat na manununulat sa tuwing nahihirapan

at pagod na sila sa mga pinapagawa ng kanilang mga taga sanay. Kung nakakapag salita lang talaga ako, maari ko silang bigyan ng motibasyon na kaya nila iyon. Na huwag silang susuko dahil nandun na sila sa sitwasyon na iyo at ang kailangan nalang gawin ay magpatuloy. Welcome kayong bumalik saakin, pwede rin kayong magdala ng mga kaibigan niyo para masaya. Arawaraw kayong nag-eensayo sa aking silid. Alam kong alam ng Diyos ang hirap na inyong dinadanas kaya papalitan niya ito ng lubos. Sabi nga nila “Kaya, kinakaya, kakayanin” alam kong kayang kaya niyo yan, malaking balik ang ibibigay sainyo ng Diyos. Gusto ko sa muling pagbisita niyo saakin, nakasabit na sainyong mga leeg ang medalya ng tagumpay at bitbit niyo na ang katibayan ng inyong pagkapanalo.

“Hindi lamang isang programa ang DepEd MATATAG, kundi isa Itong patunay ng hindi natitinag na pangako ng Kagawaran ng Edukasyon na magbigay ng matibay na pundasyon para sa mga kabataan ng bansa. “

Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Cauayan City National High School-Main | Tomo 15 Isyu 1
7
NI Alona Lei Tolentino NI Alona Lei Tolentino NI Rhianne Montales

Abante, Babae!

Siguro nga’y kung ano ang kabutihan at pagmamahal niya sa mga mag-aaral ay ganun rin sa kanyang anak.

Isang punong guro ng Cauayan City National Highschool-Main ay isa sa nagpapaturiay na hindi hadlang ang pagiging babae sa lakas ng alon na ibinibinigay ng ating buhay.

lyan si Ginang Maribeth S. Dela Pena, ang punong guro ng CCNHS-MAIN. Ang abala sa lahat ng kaganapan sa loob ng paaralan. Pirma dito, pirma doon. Halos mapuno na ang kanyang lamesa ng mga papel na kailangan niyang aprubahan at pirmahan. Napaka responsableng lider ng CCNHS - MAIN. Dahil sa kanyang pagsusumikap na mapaunlad ang paaralan na nagbunga ng isang matagumpay at isa sa tanyag

sulok ng paaralan. Abala siya sa pagpapabuti ng mga gusali at paligid. Kitang kita sa kanyang mukha ang pagsusumikap at determinasyon para sa paaralan.

Tuwing siya’y nakikita, nagiging tulak sa aking nakakubling utak na magpatuloy at kayanin ang lahat ng pagsubok sa pag-aaral man o buhay. Sabi nga nila “kung ano ang bunga, siya rin ang puno” kumbaga ang pagsunod ng bawat isa sa mga alituntunin ng puno ay magkakaroon ng kabutihan kung ano man ang maging bunga. Hindi lamang sa pagiging punong guro na abala sa loob ng paaralan ang kayang gawin ni Maam Maribeth. Isa rin siyang ina, Isang ina na mabuti, responsable at mapagmahal. Siguro nga’y kung ano ang kabutihan at pagmamahal niya sa mga mag-aaral ay ganun rin sa kanyang anak. Napaka swerte ng kanyang anak dahil hindi naging hadlang ang trabaho ng kanyang ina upang mabigyan ng oras at maganda buhay ang bata.

Tsinoy

“New year, new me” yan ang mga salitang binibinatawan ng karamihan sa pagtatapos ng taon. May mga gumagawa ng mga “new year’s resolution” na hindi naman nasusunod. Kung ang mga pilipino ay ginugunita ang pagtatapos ng taon ng masigla at masaya, paano naman kaya ang mga tsino? Kabilang din ba tayo sa mga nagdiriwang ng kanilang “Chinese New Year”. Ano ang napapala natin dito? Halina’t ating tuklasin.

Noong ika-16 na siglo hanggang ika-19 na siglo ay dagsaan na ang mga tsino sa bansang pilipinas. May mga kalakal silang dinala sa ating bansa na nakatutulong naman sa ating mga pilipino. Napaka swerte talaga ng mga pinoy, naalala ko pa noon, lahat ng laruan na binibili saakin ng aking ina ay may nakalagay na “Made in China

Sabi ng iba lahat daw ng galing sa bansang Tsina ay hindi nagtatagal pero parang relasyon lang yan, kung hindi mo pahahalagahan ay mawawala o masisira ito agad, kaya depende ito kung bibigyan mo ng halaga o isasawalang bahala mo na lamang. Ako nga yung mga laruan kong manika sa bahay na produkto ng tsina ay maayos pa naman at nalalaro pa ng aking mga pamangkin ko. Pag-aalaga lang ng tama ay kailangan upang magtagal.

ito kompleto, dahil sa alaga at pagmamahal pa lamang na ipinadarama ng isang ina ay nabubuo na ang isang masayang pamilya. Parang estado lamang ng aking buhay, tulad ni Maam Maribeth ang aking ina na lamang ang nag-aaruga saamin ngunit hindi ito naging pasan sa aking dibdib dahil kinaya at kinakaya parin ng aking ina na kami’y mabigyan ng masagana at magandang buhay. Makikita sa mga larawan nilang mag-ina ang maliliwanag na ngiti at mukha na tila’y sila ang pinakamasayang mag-ina sa mundong ginagalawan. Kung mayroon sigurong parangal para sa “best mother and son tandem” ay sila na agad ang ihaharap sa madla. Dahil sila’y kuntento kung sino o ano ang mayroon sa kanilang buhay. Napakasayang pagmasdan ng tulad ni maam maribeth, isang punong guro at ina. Napagsasabay ang gampanin sa buhay. Na kahit sa sobrang lakas ng alon ang ihampas sa kanyang harapan ay kinakaya niya parin ito.

Ito’y patunay lamang na lahat ng bagay ay

“Ang pagsasabit ng lantern ay ginagawang dekorasyon sa mga tahanan. [...] Pero wala naman yan sa mga lantern na sinasabit [...], nasa tao na ang desisyon kung gusto niya talagang magbago para sa kaniyang sarili o mananatili siyang tulad ng dati.

Ang pagsasabit ng lantern ay ginagawang dekorasyon sa mga tahanan. Ang iba ay naniniwala na sumisimbolo ito ng bagong buhay para sa kanilang sarili at bitawan na ang dati nilang sarili upang magkaroon ng mas mabuting sarili. Pero wala naman yan sa mga lantern na sinasabit sa mga tahanan, nasa tao na ang desisyon kung gusto niya talagang magbago para sa kaniyang sarili o mananatili siyang tulad ng dati. May mga estudyante rin na ginugunita ang “Chinese New Year” sa kanilang mga eskwelahan. Nagsusuot ng mga garbong damit upang magmukha silang mga tsino at tsina o di kaya’y nagsusuot ng pang malakasang damit na kulay pula. Nabanggit rin saakin ng kaibigan ko na nag-aaral ng tungkol sa salita at kultura ng Tsina na napaka saya nila tuwing darating ang “Chinese New Year” dahil nagkakaroon ng magandang selebrasyon at may mga masasarap na pagkain.

Pati ang kanilang kultura ay naisasalin na rin natin sa ating mga gawain. Tulad ng pagbibigay ng pera tuwing bagong taon na sumisimbolo ng masaganang salubong sa bagong taon na paparating. Naalala ko pa noon, tuwing nagbibigay ng pera ang mga tiyo at tiya ko saakin ay napakasaya ko “easy money” yan ang lagi kong biro sa aking mga pinsan dahil kahit hindi ako lumalapit sakanila para humingi ay nagbibigay parin sila.

Ang nga tsinoy ay may malaking ambag sa atin sa mga produkto pa lamang na kanilang naibibigay saatin ay panalo na tayo dun. Sa pamamagitan naman ng pagtanggap natin sa kultura na ipinamamalas ng mga tsinoy na sumakop saatin ay mas nabibigyan tayo ng mas malawakang pag intindi sa mga bagay na tungkol sakanila. May mga tao parin ang nainiwala sa swerte tuwing darating na ang bagong taon, ngunit hindi niyo ba naisip na wala naman yan sa swerte. Nasa tao naman yan, kung masipag ka naman at gusto mo talagang guminhawa ang buhay mo ay kailangan mong pagsikapan. Siguro bonus nalang saatin ang maniwala sa mga paniniwala. Pero sabi nga nila, “Kung may itinanim, may aanihin.”

lathalain 8
NI Alona Lei Tolentino NI Alona Lei Tolentino

Isang Tanglaw sa Pag-asa

Sa bawat parte ng Pilipinas, ang “vaccine” o bakuna ay naging isang pangunahing pangamba na bumalot sa mga Pilipino, naging resulta nito ang pagdududa sa mga bakuna na maging isang daan upang marting ang kalayaan mula sa COVID-19.

“Prevention is better than cure”, gaano nga ba ka epektibo ang linyang ito. Isang kilalang kasabihan na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paggawa ng aksyon bago lumitaw ang ilang problema sa halip na hintayin itong mangyari ay mahalagang subukan munag hintayin itong mangyari; mahalagang subukan munang ayusin o iwasan ang mga ito. Nalalapat ang prinsipyong ito sa maraming aspeto ng buhay, lalo na sa kalusugan.

Sa paksa ng “COVID-19”, ang pagkuha ng bakuna ay isang pamamaraan upang maiwasan o malabanan ang pagkahawa sa virus na ito. Ang pagiging epektibo ng pagbabakuna sa COVID-19 ay isang sukatan kung gaano nila matagumpay na pinoprotektahan ang mga pasyente mula sa mga resulta gaya ng impeksiyon, sintomas ng karamdaman, pagkakaospital, at kamatayan.

sa paglaban sa pandemya ng corona virus o COVID-19. Gumagana ang mga bakunang ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa ating immune

ang mga sangkap ng bakuna sa karamihan ng mga indibidwal at halos lahat ng sangkap nito ay ipinakita sa mga pag-aaral na napaka-mabisa sa pagpigil sa virus na ito.

Lahat ng mga bakuna para sa COVID-19 na inaprubhan ng World Health Organization o WHO ay dumaan sa mga randomized na clinical trials upang subukan ang kalidad, kaligtasan, at pagiging epektibo ng mga ito.

Maraming bakuna laban sa COVID-19 ang kasalukuyang pinahihintulutan upang gamitin na inaprubahan ng Foodand Drug Administration o FDA kabilang na ang Pfizer-BioNTech COVID-19 Vaccine, Moderna, Tanien, at ang Novavax COVID-19 na bakuna.

Sa kanila ng iba’t-ibang uri ng mga bukuna sa COVID-19 at ang kanilang iba’t-ibang uri ng mga bakuna sa COVID-19 at ang kanilang iba’t-ibang efficacy rates, inaasahan pa rin ang mga ito na maging epektibo sa pagpigil sa malubhang sakit, pagka-ospial at kamatayan mula sa COVID-19. Gayunpaman, maaari nating babaan ang panganib

Bakuna o Sakuna?

Malungkot kong hinarap ang mga papel sa aking harapan. Bilin ni Mama na basahin at tapusin ko raw ang tatlong pahina ng aking modyul bago ko panoorin ang paborito kong palabas sa TV. Alam ko na ito, paulit-ulit ko na itong nabasa sa mga nakaraang modyul. Nakasulat sa isang pahina ang isang paalala. Palagi raw akong maghugas ng kamay at iwasan ang lumabas ng bahay. Sa loob ng isang taon halos araw-araw ko na itong naririnig mula sa mga patalastas at balita sa TV. Isang araw, noong nakaraang taon, bigla na lang kaming pinauwi kahit hindi pa tapos ang klase. Simula noon hindi ko na muli pang nakalaro ang mga kaibigan ko at madalang ko na ring makausap si Ma’am, sina Kuya at Mama na lamang ang nagtuturo sa akin. Sabi dito sa modyul, may nakakamatay raw na bayrus, COVID-19 ang tawag, kaya kailangan mag-ingat. Maliban pa diyan, pinapayuhan rin ang mga tao na magpabakuna para tuluyan nang matigil ang pagkalat nito. Habang sinasagutan ko ang isang maikling sanaysay narinig ko ang boses ni Nanay. Kasama niya si Aling Marites mukhang may pinaguusapan sa harap ng bahay. Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan pero napalakas ata ang mga boses nila at

mukhang nagtatalo sa isang bagay. Malakas ang paninindigan ni Aling Marites na hinding-hindi daw siya mag-papabakuna laban sa COVID. Nang itanong ni Mama kung bakit ilan ito sa mga naging sagot niya. Una, may microchip daw ang bakuna na ituturok. Ayon daw sa isang pahina mula Facebook, nilalagayan daw ni BillGates, isa sa mga pinakamayamang tao sa mundo at imbentor ng Microsoft, ng microchip ang bakuna upang mapasunod ang mga ito sa kanya. Isa raw si Bill Gates sa mga pasimuno ng bayrus dahil matagal na niya itong alam. Paraan daw niya ang pagbabakuna upang mas maging makapangyarihan. Natawa si Mama sa sinabi ni Aling Marites at kanyang pinabulaanan ito. Ayon sa balita at Centers for Disease Control and Pervention (CDC) wala itong katotohanan. Ang mga bakuna ay walang laman na metal tulad ng iron, cobalt, lithium, o mga produktong elektroniko.Hindi posible na magkaroon ng microchip sa ang bakuna. Wala ring kakayahan si Bill Gates upang simulant ang ganitong pandemya, sa halip isa siya sa mga iilan na binibigyang halaga ang mga krisis patungkol sa kalusugan. Sa halip na maging proteksyon nag-bibigay

Akademiko o Mekaniko?

Sa pag-usbong ng teknolohiya, hindi maitatanggi na malaki ang naging ambag nito para sa mga estudyante pag dating sa kanilang pag-aaral. Mula daang-daang librong kinakailangan basahin upang makalap ang kinakailangan, hanggang sa isang pindot na lamang sa internet. Ngunit sa pag usbong nito sa paglipas ng taon, ginagamit na ng mga kabataan ang mas nauusong Artificial Intelligence (AI) upang gumawa ng mga akademikong gawain tulad ng sanaysay.

Maraming magagandang naidudulot ang AI, sapagkat natutulungan nito ang mga mag-aaral upang mas mapadali ang kanilang gawain sa mga mahihirap na asignatura, gaya nalang ng Sipnayan, at Agham. Dahil dito, nakakakuha ng mas mataas na grado ang mga bata sa kanilang paaralan, bunga ng napaka talinong Internet sa panahon ngayon.

Subalit, hindi lahat ng mga benepisyo nito ay maganda. Dahil mas pinaiiral nito ang katamaran ng mga mag-aaral sapagkat, nakadepende ang isipan ng mga kabataan sa mga kasangkapang ito, kaysa sa mag-aral ng mabuti.

Ayon naman sa pag-aaral ng mga eksperto, bahagyang natutulungan ng AI ang bawat estudyante sa kanilang mga gawain sa kanilang paaralan. Ngunit, pinapayuhan ng mga dalubhasa na huwag iasa lahat sa mga kagamitang ito.

“Bilang isang estudyante napadali nito ang aking pagaaral sapagkat may mga pagkakataon na kung saan ay hindi natin naiintindihan ang itinuturo ng mga guro ay tinutulungan ako nito upang mapadali ako sa pagtapos ng aking mga assignments and performance tasks lalong lalo na sa math at linguistics.”— Raniel Tuppil, Isang magaaral.

Tunay nga namang, marami ang naitulong ng AI sa lahat ng tao. Lalong lalo na sa pang-araw-araw na

pa raw ng COVID-19 ang mga bakuna--ang pangalawang rason ni Aling Marites. Marami daw siyang nabalitaan na nagkaroon ng COVID kahit nabigyan ng pauna o kumpletong bakuna. Ang ilan naman ay nagkakasakit dahil sa mga side effects ng bakuna, kaya siya nagaalinlangan.

Tugon naman ni Mama na, ang bakuna ay hindi nangangahulugang immunity. Hinahanda ng bakuna ang katawan ng tao upang labanan ang nasabing bayrus. Tinuturuan nito ang katawan upang gumawa ng mga protina na kahalintulad ng matatagpuan sa bayrus upang sa ganoon ay masasanay ang katawan na labanan ito sa pagkakataon na makuha ito ng tao. Kung iisiping mabuti, malaking tulong ang paghahanda natin sa ating mga katawan. Kumbaga, ang bakuna ang nagsisilbi nating armas laban sa bayrus. Hindi rin dapat katakutan ang side effects ng bakuna dahil senyales ito na epektibo ang bakuna. Pangatlo, masyado daw mabilis ang pagkakagaw ng bakuna kaya’t hindi siya tiwala kung epektibo ba ito. Narinig niya sa isang talk show na hindi pa sigurado at ligtas ang mga bakuna dahil hindi pa ito lubusang napag-aralan ng siyentipiko. Nagpadesisyunan nilang magmeryenda sa kusina kaya’t

nadaanan nila ako dito sa sala. Nagalkohol muna sila sa kamay at sa buong katawan bago sila pumasok. Mas malapit sila ngayon sa akin. Habang naghahanda ng pagkain, sinagot ni Mama ang haka-haka ni Aling Marites. Sabi nito, may mga pag-aaral na nagpapatunay sa pagiging epektibo ng mga bakuna. Matatagpuan ito sa tamang mga lugar tulad ng libro, journal, o kaya mga pahina ng organisasyon na tumututok sa paggawa ng bakuna. Hindi rin dapat kuwestiyonin ang bilis dahil ang proseso naman ng pagdebelop ng bakuna ay matanggal kabisado ng mga dalubhasa bago pa magkaroon ng pandemya. Marami ng bakuna ang nagawa upang labanan ang iba’t ibang klase ng sakit tulad ng polio at measles. Mabilis ang naging pagkalat ng COVID-19 kaya’t marami rin ang nagtulong-tulong upang pag-aralan at subukan bago ito irekomenda ng mga kagarawan. Tinitiyak ang kaligtasan at pagiging epektibo nito. Panghuling rason ni Aling Marites ay wala naman daw siyang iniindang sakit o comorbidity kung tawagin. Malakas daw ang pangangatawan niya halos araw-araw nga raw itong nagzuzumba sa bahay. Hindi na raw niya kailangan ang bakuna dahil kayang-kaya naman daw niya itong

labanan.

Hindi nangangahulugan na dahil malakas at malusog ang isang tao ay ligtas na siya mula sa sakit na ito, ang litanya ni Mama. Marami ang nagka-COVID kahit pa kumpleto sila sa bitamina at ehersisyo, kaya’t hindi ito rason upang hindi magpabakuna. Isa pa, ang pagpapabakuna ay hindi na lamang isang pansaraling interes. Sa kanyang pananaw ito ay social responsibility dapat ng mga tao. Dahil sa pagpapa bakuna hindi mo lamang binibigyan ng proteksyon ang sarili mo, higit ang mabuting kontribusyon nito sa komunidad dahil maiiwasan o mababawasan ang pagkalat ng malubhang sakit na ito. Naku, napasarap ata ang kanilang pagkain at natigil ang kanilang kuwentuhan. Nasa huling pahina na ako ng modyul ko, malapit ko na itong matapos. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa halip na kasama ko ang mga kaibigan sa pagsagot ng mga aralin mag-isa ako ngayon dito. Kailan ba ako pwedeng bumalik sa paaralan? Nakapagpabakuna naman na kami noong nakaraang linggo pero ang mga kaibigan kong si Yago at Rory ay hindi pa, dahil ayaw ng mga magulang nila. Ang hirap naman nito, sana makapagpabakuna na ang lahat para ligtas ko nang makita at mayakap ang mga kaibigan ko. Miss na miss ko na kasi silang kalaro.

agham at teknolohiya 9 Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Cauayan City National High School-Main | Tomo 15 Isyu 1
NI Alona Lei Tolentino
Editoryal
NI Alona Lei Tolentino

Ang hirap pala.” bitiw ng ilang mga mag-aaral. Patunay na ang pandemyang nararanasan ay unti-unting nagpapahina sa kalusugang mental ng mga estudyante. At isa ako sa kanila. Ano nga ba ang mental health? Ayon sa Centre for Addiction and Mental Health o CAMH, ang mental health ay ang kakayahang masiyahan sa buhay at harapin ang mga hamon na inyong hinaharap araw-araw — kabilang man dito ang pagpili o ang paggawa ng desisyon, pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin, o ang pagpapahayag ng mga pangangailangan at mga pagnanais. Ang ating mental health ay maaaring masira dahil sa mga pangyayaring nakapagbibigay ng trauma sa atin. Gaya na lamang ng pandemyang ating nararanasan ngayon. Ang mga mag-aaral ay doble ang hinaharap na hamon.

Ang pag-aaral ngayon ay hindi na katulad ng kahapon. Sapagkat, online class at modules ang isa sa mga paraan upang maitaguyod ang edukasyon. Ngunit ang mga paraang ito ay hindi nakakayanan ng ilang mga estudyante. “Nakakapagod at nakaka-drain.” pahayag ni Shylon Ivi, 16, nasa ikasampung baitang sa Cauayan City National High School. “Mahirap to the point na nasa isip ko na gusto ko nang sumuko. Sa totoo eh may time na lumuha ako kasi

tambak na tambak talaga. Lalo na noong mga first at second quarter kasi ‘di pa ako ganun nakakaadapt.” “Kung ikukumpara noon, mas naging exhausted ako this year. Hindi na bumubuti yung mental physique ko. Hindi ko napapansing tumataas na pala stress level ko sa mga bagay-bagay”, ika ni Dale Delmendo, 16, isa ring estudyante sa CCNHS. Sa katunayan, ang isinagawang research study nila Tee ML, Tee CA, Anlacan JP, Aligam KJG, Reyes PWC, Kuruchittham V, HoRC., ay nagsasabing, 83.5% ng 133 na mga high school students ay nakararanas ng normal hanggang mild na stress, samantalang ang natitira nama’y nakararanas ng at least moderate na stress. Samakatuwid, masasabi nating ang mental health ng mga mag-aaral ay wala sa maayos na kalagayan. Kaya naman, kung ikaw ay nahihirapan, huwag magaalinlangang humingi ng tulong sa iyong pamilya o mga kaibigan. Laging alalahaning “No Man is an Island” at walang masama sa paghingi ng tulong lalo na kung talagang hirap na tayo. Huwag tayong susuko at samasama nating lagpasan ang kadilimang ating tinatahak. Laban lang, kapwa ko mag-aaral! Marami tayong paghihirap na mararanasan para makamit ang ating mga mithiin sa buhay kaya’t huwag tayong mawawalan ng pag-asa at determinasyon. Para sa aking mga kaibigan, minamahal sa buhay, sa aking pamilya, at lalong-lalo na para sa aking sarili, KAYA KO ‘TO!

Kalusugang Mental: Winasak ng Pandemya Nauunawaan ang Malnutrisyon: SiyensyaatTeknolohiyasaAksyon

Ayon sa EDCOM 2 Year One Report, Ang mga epektibong interbensyon sa nutrisyon sa kabataan ay pagpapababa sa edad ng pagsisimula ng pagpasok sa paaralan, mapabuti ang pag-unawa sa pagbabasa at mga resulta ng pagsusulit sa nonverbal na cognitive ability, at palakasin ang pagkakataong kumita ng mas higit sa kanilang pagtanda.

Ang malnutrisyon ay isa sa mga pangunahing problema sa kalusugan na may malaking epekto sa kalusugan ng mga tao. Upang matugunan ang problemang ito, patuloy na ginagamit ang mga siyentipiko at teknolohikal na pamamaraan upang maunawaan ang kahulugan ng malnutrisyon, malaman ang mga sanhi nito at makahanap ng mga solusyon upang matugunan

Gumagamit kami ng mga pamamaraang pang-agham at teknolohikal upang maunawaan ang paglaganap ng malnutrisyon, magsagawa ng pagsusuri sa kalidad ng pagkain, at mangolekta ng data na maaaring magamit upang bumuo ng mga solusyon. Ang isa sa mga pinakanaa-access at madaling gamitin na teknolohiya ay ang mga mobile application. Nagbibigay ito ng mga tool para sa pagsubaybay sa pagkain, pagkalkula ng halumigmig, at pagtuturo ng mahusay na mga kasanayan sa nutrisyon.

Maaaring subaybayan ng mga naisusuot na device ang nutritional status ng isang tao, kabilang ang mga sensor na maaaring magsukat ng asukal sa dugo, kolesterol, at iba pang mahahalagang sangkap sa katawan. Nakakatulong ito sa maagang pagtuklas ng malnutrisyon at pagpaplanong pangkalusugan.

Ang mga advanced na pamamaraan ng microbiome research, tulad ng DNA sequencing, ay nagbibigaydaan sa mas malalim na pag-unawa sa papel ng gut microbiome sa kalusugan at nutrisyon. Nakakatulong ito na

matukoy ang mga benepisyo ng probiotics at prebiotics, na maaaring mabawasan ang mga pagkakataon ng malnutrisyon at mapabuti ang kalusugan ng mga apektado. Bukod sa mga nabanggit na mga pamamaraan, ang mga wearable devices ay isa pang teknolohiya na maaaring gamitin upang matugunan ang problema sa malnutrisyon. Ang mga wearable devices, tulad ng mga fitness tracker at smartwatches, ay maaaring magamit upang subaybayan ang mga gawain sa pisikal na aktibidad, tulad ng bilang ng hakbang, tuntunin ng puso, at kahalumigmigan ng katawan. Ang mga datos na nakalap mula sa mga wearable devices na ito ay maaaring gamitin upang masubaybayan ang antas ng aktibidad at kaloriyang nasusunog ng isang tao, na maaaring maging batayan para sa pagkalkula ng tamang pangangailangan sa kaloriya at nutrisyon. Ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga programa ng pagbawas ng timbang at pagkontrol sa mga kondisyon na nauugnay sa malnutrisyon tulad ng sobrang timbang at diabetes.

Bilang karagdagan sa microbial monitoring at surveillance technology, ang paggamit ng nutrisyon at food delivery technology ay isa ring paraan upang labanan ang malnutrisyon. Ang isang halimbawa ng mga diskarteng ito ay ang food fortification, kung saan ang mga sustansya ng pagkain tulad ng yodo sa asin at iron sa harina ay inaangkat upang matugunan ang mga kakulangan sa nutrisyon sa mga partikular na komunidad.

agham at teknolohiya 10
NI Alona Lei Tolentino NI Alona Lei Tolentino

City High Smashers, Pinatumba and PRISAA, 2-0

Pinatalsik nila Christine Joy

Magas at Elizabeth Taguinod ng City High Smashers ang mga

manlalaro ng PRISAA na sila

Janine Manuel at Lawryne Miguel, 21-2, 21-9, sa Championship Match, Double Girls Badminton Secondary na ginanap sa Cauayan South Central School (CSCS), Disyembre 7,2023.

Nagpakitang gilas agad sa unang set ang City High Smashers dahil sa magandang sunod-sunod na smash ni Magas ng City High Smashers.

Humampas ng limang puntos si Magas at labing-anim na puntos kay Taguinod sa unang set na kanilang sinabak para sa CCNHS-Main .

Nakapuntos naman ng dalawa si Miguel , pambato ng PRISAA sa unang set .

Nagpakawala sa huli ng pagtama ang PRISAA ngunit outside na sanhi ng pagkapanalo ng City

High Smashers sa unang set, 21-2.

Bumawi naman sa pangalawang set sila Manuel at Miguel sa pamamagitan ng malakas na palo kontra City High Smashers.

Pumalo rin sa pangalawang set si Magas ng labing- isang puntos at kay Taguinod naman ay sampung puntos .

Nakakuha rin ng iskor na tatlo si Manuel at anim kay Miguel sa pangalawang set.

Nanaig parin sa huli ang City High Smashers laban sa PRISAA at nangunguna sa ginanap na laro, 21-9.

Nanatili parin ang lakas at tapang ng mga manlalaro ng City

High Smashers dahil bawat minuto ay tuloy tuloy ang kanilang pageensayo na kitang-kita naman ang pagod at pawis upang makamit ang kampeonato.

EDITORYAL

Sigaw ng mga Atletang

Cauayeño: Handa na kami!

Tunay ngang maipagmamalaki ang mga atletang Cauayeño dahil sa samot-saring parangal na kanilang naiuuwi para sa ating lungsod. Katulad na lamang noong CAVRAA Meet 2018 na kung saan ay nasungkit ng Lunsod ng Cauayan ang ika-8 puwesto matapos makakuha ng 11 ginto, 21 pilak, 35 na tansong medalya. Ang determinasyon, tiwala sa sarili, disiplina at pangarap sa buhay ang laging nasa isip ng ilan sa ating mga atleta kung kaya’t napapatagumpayan ng mga ito ang mga hamon sa kanilang mga larangan sa kabila ng mga bigating mga katunggali.

Nang dahil sa walang humpay na suporta ng pamahalaang panglungsod ng Cauayan ay mas lalong nahuhubog ang kahusayan ng mga atleta sa kanilang mga larangan. Halimbawa nito ay ang pagpapatayo ng 400 milyong pisong Sports Complex na lubos na nakatutulong sa mga atleta upang mapaghandaan ang mga patimpalak na kanilang sasalihan at upang maging komportable ang lugar na kanilang pagsasanayan.

Cauayan City Athletic Association Meet, nagsimula na

Pormal nang sinimulan ang 2023 Cauayan City Athletic Association Meet na may temang “Kahusayan, Lakas at Pagkakaisa para sa matatag na atleta” ngayong araw, Disyembre 6, 2023 sa Benjamin G. Dy Memorial Sports Complex.

Dinaluhan ang naturang programa ng mga opisyal mula sa Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan, mga kawani ng Dibisyon ng Cauayan at mga delegado mula sa iba’t ibang distrito. Iginiit naman ng pamahalaang panglungsod ang kanilang buong suporta sa mga atletang Cauayeño. Layunin ng nasabing paligsahan na mahasa ang kakayahan ng mga atleta mula sa iba’t ibang distrito. Isasabak ang mga magiging kinatawan ng lungsod hindi lamang sa gaganaping CAVRAA 2024 kundi maging sa nasyonal at internasyonal na lebel ng paligsahan pang-isports.

Tinapos ni Carlos Yulo ang kanyang laban sa Baku World Cup nang masungkit ang tansong medalya sa floor exercise noong Sabado, March 9 sa Baku, Azerbaijan. Nakaiskor ng 14.366 si Yulo dahilan upang makapasok sa top 3 ng kompetisyon. Sumunod ang Pinoy gymast sa gold medalist na si Yahor Sharamkou na nakapagtala ng 14.933 na iskor at Kazuki Minami ng Japan na

nakamit

Bukod sa maraming itong magandang maidudulot sa pisikal na pangangatawan at kalusugan. Ang pakikilahok sa mga pampalakasan ay nakatutulong upang maiwasan ng mga atleta, lalong lalo na ng mga kabataan na malulong sa mga masamang bisyo o gawain tulad na lamang ng paninigarilyo, paginom ng alak, pagkalulong sa illegal na droga, at marami pang iba. Pinapahalagahan din nito ang mental and sosyal na kalusugan ng mga kabataan dahil sa pakikisalamuha sa kapwa atleta na nagsisilbing inspirasyon at kaagapay nilan upang mapagtmgumpayan ang bawat laban.

Ngunit may isang sakit ang nagpatigil sa mga kabataan na makilahok sa mga pampalakasan dahil sa pagkalat ng COVID-19. Nang dahil sa kadahilanang nagsara ang lahat ng mga establisyemento ay siyang pagsara ng mga pituan para sa mga atleta upang maipamalas ang kanilang angking galing at talento sa madla.

Pagkalipas ng higit 2 taong pandemya ay bumalik na sila sa kanikanilang mga larangan at ipinagpatuloy ang nasimulan. Ang mga atleta ay mas lalong determinadong makilahok at mas lalo pang inihanda ang kanilang mga sarili sa mga paligsahan. Kung kaya’t masasabing handa na ang mga Atletang Cauayeño sa sumabak muli sa CAVRAA upang ipamalas ang husay ng isang Atletang Cauayeño.

nakapag-uwi ng pilak. Bigo itong makapasok sa vault finals matapos makuha ang ika-21 na pwesto, samantala siya ay ika-16 sa pwesto sa horizontal bar at ika-41 sa pommel horse. Ito ang kanyang muling pagsabak sa kompetisyon nang huling maglaro sa world championships noong Setyembre. Walang naging tagasanay si Yulo para sa larong ito.

isports 11
Baku
Carlos Yulo,
ang tansong medalya sa
World Cup
NI Joshua Maraggun NI Micah Ella Pilar
Cauayan City Stand-Alone Senior High School Cauayan North District Cauayan South District RANK 1 RANK 2 RANK 3 80 47 32 51 55 23 34 4 15 2023 Cauayan City Athletic Association Meet Medal Tally HAMPAS NG TAGUMPAY. Mag-aaral mula sa Special Program in Sports nagpakitang gilas sa paglalaro ng Badminton sa naganap na City Meet.
NI Alona Lei Tolentino

isports

Mag-aaral mula sa SPJ curriculum, nangibabaw sa 2024 TriFactor Triathlon

Nasungkit ng koponan ni Marc Hector Africano ng Cauayan City National High School ang kampeonato sa male’s olympic distance relay sa katatapos na 2024 TriFactor Triathlon Philippines na ginanap sa Subic, Zambales nitong Linggo, Pebrero 25.

Naitala ng SPJ student ang kabuuang 23:24 minuto upang manguna sa swimming.

“Yung pagkapanalo ko dito ay simpleng proof na nothing is impossible talaga when your passionate about something and your willing to do whatever it takes to

medalya sa Asian Invitational Swimming Championship hindi ito naging hadlang kay Africano upang magpurisigi sa kanyang laban.

Mahigit isang oras ang naitala ng grupo sa biking at halos isang oras naman sa running.

Sa kabuuan, dalawang oras at labing-siyam na minuto ang naging resulta ng kanilang laro.

Ang grupo ay kinabibilangan nina Africano, Noel Fabros, at Lowegene Aliligay.

Ayon kay Africano, ito ang kanyang unang paglahok sa triathlon.

Muling sasabak sa kompetisyon

Atleta ng Division of Cauayan, sumailalim sa mga pagsasanay

Puspusan na ang ginagawang pag-eensayo ng mga manlalaro mula sa ibat ibang distrito ng mga paaralan upang irepresenta at i wagayway ang bandila ng Division of Cauayan City, para sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association o mas kilalang (CAVRAA).

Todo ensayo na ang isang magaaral ng CCNHSMain baitang siyam ng Jawoski mula sa kurikulum ng SPS na si Franchesca Manuel , manlalaro partikular na sa larangan ng Badminton na nakapasok na sa Batang Pinoy ang kanyang sariling rekord na pinakamataas na nasalihan subalit hindi man ito nakasungkit ng mga medalya sa kanyang pinakamataas na nalabanan ay pursigido pa rin siyang magpatuloy at nakaabot na rin ito sa mga tournament hanggang sa Championship .

Sa kabilang banda, binabalanse niya ang kanyang pagaaral at pagpapatuloy sa kanyang hilig na dadalhin niya para sa naturang kompetisyon ayon sa kanya silay nagsasanay araw araw pagkatapos ng klase kasama ang gabay ng kanilang mga tagapagsanay, pinaghahandaan niya din ang pagpapalakas sa kanyang paggamit ng backhand para maging handa sa kanyang laban. Gutom sa tagumpay ang ipinamalas nila Christine Joy Magas at Elizabeth Taguinod pambato ng City High Smashers matapos patalsikin ang mga manlalaro ng PRISAA na sila Janine Manuel at Lawryne Miguel at uhaw sa kampeon sanhi ng kanilang pagkapanalo sa Championship Match ,

Double Girls Badminton Secondary na ginanap sa Cauayan South Central School (CSCS) , noong Disyembre 7,2023. Sa karagdagan, ngayon lang muli silang nagsama para sa Doubles Girls, ang natatanging galing na ipinakita ng dalawa ngayong taon ay nagsilbing daan upang mas lalo pang tumindi ang lagablab at alab na magpakitang gilas at kunin ang mga oportunidad na naghihintay sa kanila kayat sinisigurado na nilang mapalawak ang kanilang lakas sa pagsasanay . Samantala ,noong Disyembre 7,2023 matapos biinarikadahan ni Jay Rold Morillo ang spike shot na tumapos sa CCNHS City High Spikers at napatalsik sa trono upang umabante ang CCSASH sa CAVRAA determinadong makakuha ng pwesto at gumapang rin tungo sa hampas ng tagumpay sa Palarong Pambansa.

Kaugnay nito, matapos manalo sa Division City Meet 2024 ang CCSASH agad na nag handa ang mga ito at nagamit ng mga atleta at mag-aaral ang CCNHS-Main Stakeholders Gymnasium at sa kanilang naturang paaralan kung saan nag-eensayo ang mga manlalaro ng Volleyball. Sa kabilang banda tinitiyak ng mga kanilang taga-pagsanay na gagawin ang lahat upang maituro ang mga esensyal na dapat mahubog sa mga manlalarong sasabak sa pinaka-inaabangang kompetisyon sa Rehiyon Dos.

Bangis ng isang Kampeon: Franchesca Manuel, bumida sa Badminton Singles Girls Championship, 2-0

Umatake si Franchesca Manuel ng City High Smashers ng smash shot sa mga natitirang sandali ng second set na tumapos sa pambato ng Cauayan East District (CED) na si Riza Mae Quitoriano upang umabante sa CAVRAA, 21-13, 2116 sa kakatapos na Badminton Singles Girls Championship Game na ginanap sa Cauayan South Central School, Disyembre 7, 2023. Pagpasok ng unang set naging matindi ang laban ng dalawang manlalaro mula sa mag kaibang distrito dahil sa kanilang ipinamalas na galing at determinasyong masungkit ang kampeon.

Nagawang manalo sa huli si Manuel matapos magpaulan ng malalakas na smash upang patalsikin si Quitoriano sa unang set ng laro, 21-13.

Umarangkada na ang pangalawang set at sa una ay naging habulan ng puntos ang nangyari sa dalawang atleta sa sunod sunod na pantay na iskor na naitala sa laro.

Tumitinding muli sa huli ang

Lathalain

Abante, Babae!

naging resulta ng gitgitan ng dalawa ngunit hindi nagpatinag si Manuel na tinapos ang laro sa iskor na 21-16 at itinanghal na kampeon sa larangan ng Badminton. Ayon kay Manuel, nagawa niya ring makita ang kahinaan ng kanyang kalaban sa laro at ginawang lakas upang selyuhan ang CED sanhi ng kanyang pagkapanalo . Dagdag pa niya, na mag dalawang taon na siyang naglalaro ng Badminton at sinabi niya ring una palang siya na sasabak sa CAVRAA. Sa paglalaro ng Badminton meron akong goal, goal na makapunta sa CAVRAA at ngayon nakapasok na ako,” sagot ni Franchesca Manuel sa isang panayam. Sa kabilang banda, nagbigay rin ng mensahe si Hanna Clarisse B. Bangayan tagapagsanay ni Manuel na bumabati sa mga manlalaro na nanalo at natalo dahil nakitaan rin nila ng potensiyal ang mga ito at marami pa na pagkakataon na salihan basta’t maglaro pa rin ng Badminton.

“... Sa alaga at pagmamahal pa lamang na ipinadarama ng isang ina ay nabubuo na ang isang masayang pamilya

Isports

Carlos Yulo, nakamit ang tansong medalya sa Baku World Cup

12
8 11
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Cauayan City National High School-Main | Tomo 15 Isyu 1 | 2023-2024 NI Heherson Miranda NI Joshua Maraggun NI Maria Hazel Albano KAKAIBANG TALENTO. Marc Hector Africano mula sa Special Program in Journalism nagpakita ng talento sa naganap sa 2024 TriFactor Triathlon.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.