Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
KATE
PROYEKTONG KAAYUSAN. Nilagyan na ng mga takip ang mga kanal sa Madrid National High School para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang naglalakad sa kampus.
donasyon, tugon sa Proyektong Drainage ng paaralan
SHIELO JOYCE GRUYAL
Nagbigay- daan ang donasyon ng Local Government Unit (LGU) ng Madrid, Surigao del Sur sa proyektong Drainage ng Madrid National High School na umabot sa ₱250,000.00. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral lalo na kung tagulan. Nilagyan din ito ng takip upang maiwasan ang pagkahulog ng mga mag-aaral dito.
“Nang magbukas ang Madrid National High School noong 1969, hindi pa ito nalagyan ng takip sa kanal. Kaya nagpasya ako na humingi ng tulong sa
Catayas, naghahanda na para sa paparating na CAA-RSC
Kakulangan ng guro sa EIM, inaksiyunan
Inatasan si G. Alejandro T. Estremos, guro sa EIM ng Junior High School na pansamantala munang hawakan ang SHS EIM habang naghahanap pa ng puwedeng ipalit kay G. Kenny John C. Grustan matapos itong magbitiw sa pagtuturo sa Madrid National High School bandang ikalawang kwarter ng SY 20232024.
“Itinalaga ako ni Dr. Lucena B. Estrada, punongguro ng Madrid National High School bilang pansamantalang guro ng EIM sa SHS dahil lumipat na si G. Grustan sa NEMSU,” pahayag ni G. Estremos. Dagdag pa niya, mahirap pagsabayin ang dalawang antas dahil palipat-lipat siya ng silidaralan at malayo ang pagitan ng mga gusali ng SHS at JHS. Naging katuwang niya ang mga Practice Teachers ng NEMSU sa pagtuturo sa nasabing mga antas.
Natanggap si G. Grustan bilang instruktor sa North Eastern Mindanao State University- Cantilan kung kaya ay tuluyan nang nawalan ng guro sa Electrical Installation and Maintenance sabjek sa Senior High School.
Problema sa ngipin, sinulusyunan; Libreng pabunot, inilunsad
opisina ng alkalde para sa pondong kinakailangan upang maisakatuparan ang nasabing proyekto. Ito ay isang hakbang upang maprotektahan ang mga mag-aaral sa kapahamakan dahil may naiulat na nahulog dito sa kanal,” saad ni Dr. Lucena B. Estrada, punongguro ng Madrid National High School sa isang panayam. Positibo ang mga naging puna ng mga magaaral sa natapos na proyekto. “Ako ay natutuwa dahil naayos at nalagyan na ng takip ang kanal dahil isa ako sa mga nahulog na sa kanal noong walang takip pa ito,” ani Joas Sotes, mag-aaral ng Baitang 10-Gold.
Isinagawa ang libreng pagbunot ng ngipin noong ika- 16 ng Pebrero, 2024 na pinangunahan ni Dr. Evan M. Hapson, dentista ng munisipyo ng Madrid, Surigao del Sur na isinagawa sa Madrid Social Hall upang masolusyonan ang kadalasang problema sa ngipin ng mga mag-aaral ng Madrid National High School.
nensayo ng mga estudyanteng mamamahayag ng Madrid National High School ang mga mag-aaral ng Madrid Central Elementary School o MCES noong ika29 ng Pebrero, 2024 upang makapaghanda sa Municipal Schools’ Press Conference o MSPC. Ang pagsasama-sama ng mga sekondarya at elementarya na mga mamamahayag ay hindi karaniwan dahil nakasanayan na hiwalay ang pag-eensayo ng dalawang antas.
isports
20
TRISHA LYKA MALOLOY-ON
MARIA FLOR JOSOL
editoryal Responsibilidad Panindigan 06 lathalain Pagpapatuloy sa naudlot na pangarap 10 ag. tek. Responsabling paglalaro; Sa Pool-lin 14 Manunulat ng Elementarya hinasa ng mamamahayag ng MNHS I
SUNDAN SA PAHINA 02
SUNDAN SA PAHINA 03
paaralan
MARIA FLOR JOSOL
₱250,000
nilalaman
JUSTINE ORQUITA
OPORTUNIDAD. Isa si Ashley Jelyn Apique, mag-aaral ng Madrid National High School, sa nabigyan ng pagkakataon na makakuha ng libreng pabunot ng ngipin na isinagawa sa Madrid Social Hall bilang bahagi ng selebrasyon ng National Dental Health Month.
KATE JUSTINE ORQUITA
Lumang Science Lab, ginawang Carpentry Shop
TRANSPORMASYON. Ang mga mag-aaral ng Carpentry ay madali nang makakagawa ng mga hands-on activities
CCMCL USA patuloy ang pagsuporta sa mga mag-aaral ng MNHS
Hindi tumigil sa pagbigay ng pinansyal na tulong sa mga mag-aaral ng Senior High School ng Madrid National High School ang CarCanMadCarLanUSA Association na binubuo ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho at naninirahan sa Estados Unidos.
“Naniniwala akong hindi sila magsasawa sa pagtulong upang makatapos sa pag-aaral ang mga estudyante. Ngayon ay may anim na iskolar ang napabilang sa programa, dalawa ay galing sa baitang 11 at apat naman sa baitang 12,” pahayag ni G. Algien A. Parker, tagapamahala ng CCMCL-USA sa MNHS.
Ang pangunahing adhikain ng organisasyon ay magbigay ng tulong pinansyal sa mga estudyante at pamilyang kapus sa pera. Buwanbuwan, makakatanggap ang mga mag-aaral ng ₱850.00 at kasama na rito ang libreng damit bilang pagkilala na kasapi sila sa programa.
“Ito ang nagbibigay inspirasyon sa akin upang abutin ang aking mga pangarap sa larangan ng edukasyon. Hindi lang ito para sa aking sarili kundi pati na rin sa pagtulong sa aking pamilya,” saad ni Marlo Guardo, benepisyaryo ng CCMCL-USA.
Ang pagkakaloob ng tulong pinansyal ng CCMCL-USA ay magpapatuloy sa pagsasabuhay ng kahalagahan ng edukasyon, magiging instrumento ang organisasyon upang magkaroon ng maunlad na kinabukasan ang mga mag-aaral.
KATE JUSTINE ORQUITA
NAGBIGAY PANGAMBA. Naghatid ng bagabag ang nangyaring pagkasira ng gutter sa Senior High School building ng MNHS noong Enero 15, 2024 dahil sa malakas na ulan.
MULA SA PAHINA 01
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
“Classroom shop,” ganito kung tawagin ng ilang mag-aaral at guro ang silid-aralan na ginawang shop sa Madrid National High School noong 2018 hanggang ngayon dahil sa walang sariling gusali ang Senior High School (SHS) Technical Vocational Livelihood (TVL)- Carpentry kaya binuksan muli ang lumang science laboratory at ginawang Carpentry Shop.
“Ano ‘to noon, science laboratory tapos ginawang Carpentry shop. Ito kasi, planong ipagiba ng administrasyon kasi luma na tapos napagdesisyunan na gawing shop dahil wala namang magagamit na shop ang mga mag-aaral na kumukuha ng Carpentry specialization,” pahayag ni G. Eddie T. Angcla , guro sa Senior High School na nagtuturo ng Carpentry sabjek.
Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng lumang laboratoryo at gawin itong bagong silid, nabawasan ang problema ng paaralan sa kakulangan sa klasrum at shop.
“Tinatawag din na classroom shop ‘yong room ni Ma’am Badiang [Ivy Rose Badiang] kung saan isa itong Dressmaking o Tailoring [classroom] ba ‘yon. Ito ay classroom at nagiging shop naman tuwing may handson activities ang mga mag-aaral. Doon din namamalagi ang iilang guro na walang advisory habang ginagawa ang kanilang paperworks,” dagdag pa ni G. Angcla.
Hiling ng mga apektadong mga guro at estudyante ay mabigyan ang paaralan ng mga karagdagang klasrum at angkop na laboratoryo o shop para mas magkakaroon ng dekalidad na pagtuturo at pagkatuto ang mga magaaral.
Gutter nahulog sa kasagsagan ng malakas na ulan
MNHS, binalot ng pangamba
Nagtulak ng pagaalala sa Madrid National High School ang nahulog na gutter mula sa gusali ng Senior High School noong Enero 15, 2024 dahil sa matinding pag-ulan at malakas na hangin na dala ng shearline.
Ayon kay G. Jeshrel Plaza, guro ng SHS “sa mahinang lindol, umuugoy na agad ang mga bubong at sa malakas na ulan at hangin, lumilipad na ang mga yero ng naturang paaralan.”
Nagdulot ng agamagam ang insidente sa mga magulang, guro, at mga mag-aaral ng MNHS. Nagtakda ang paaralan ng
inspeksyon sa iba’t ibang gusali upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
“Hindi ko inaasahang mangyayari ito. Hindi na sapat ang kaligtasan ko at kapwa ko mag-aaral kung muling mangyari ito,” pahayag ni Myka Angelika Sual, mag-aaral ng MNHS. Ito ay nagpapaalala na kahit gaano kahigpit ang plano at desinyo ng isang paaralan, ang kalikasan ay maaaring magdulot ng hindi inaasahang pangyayari. Sa ganitong pagkakataon, mahalaga ang pagiging handa at agarang pagtugon ng mga kinauukulan.
Problema sa ngipin, sinulusyunan...
“Humiling kami kay Mayor Juan Paolo Lopez na magkaroon ng libreng pabunot sa ngipin sa mga estudyante ng MNHS nung nag local health board meeting. Inaprobahan ito, inayos ang iskedyul at nag iskrining,” pahayag ni Gng. Grace P. Floresca, School Nurse ng MNHS.
Nasa 40 estudyante ang nagpabunot ng ngipin galing sa MNHS at 25 na estudyante ang nanggaling sa Madrid Central Elementary School. Ang paglalagay ng fluoride sa ngipin ay para lang sa mga mag-aaral ng MCES.
Ayon kay Mary Grace P. Espenido, mag-aaral mula MNHS na dumalo sa programa “naghintay kami na dumating ang mga dentista, pagdating nila
nagsimula na agad ang programa at nakinig kami sa oryentasyon. Pagkatapos nilang ibigay ang mga detalye agad kaming pumila. Habang binubunot ang ngipin ko, kinakausap ako ng dentista upang hindi ako matakot.”
Dagdag pa niya, malaki ang tulong ng libreng pabunot ng ngipin dahil iwas gastos at hindi na rin siya mag-aalala na sasakit pa ang ngipin niya dahil nabunot na ito.
Nag-imbita si Dr. Hapson ng walo pang dentista mula sa Surigao del Sur upang lumahok sa programa na parte na rin sa pagdiriwang ng National Dental Health Month.
balita 02
dahil sa lumang gusali na ginawang Carpentry Shop.
MARY YSABELLE MERCADO
MARIA FLOR JOSOL
MARY YSABELLE MERCADO
KATE JUSTINE ORQUITA
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
SA PAHINA 01
Manunulat ng Elementarya hinasa...
“Pinagtuunan namin ang boses nila at tinuruan sila kung paano ba ang tamang pagbibigkas ng mga salita at kung gaano kabilis ito dapat bigkasin. Sa teknikal naman, tinuruan ni Shielo Gruyal (teknikal na direktor) ang kanilang direktor ng teknikal kung paano manipulahin ang mga kagamitan, ginabayan din namin sila kung paano gawin ang skrip ng isang tagapagbalita,”pahayag ni Jessa Denvee Bucarile, News Presenter ng Scriptwriting at Radio Broadcasting sa kategoryang Filipino ng Sekondarya.
Habang nagsasanay ang mga estudyanteng manunulat ng MNHS para sa MSPC na naitakda sa ika-5 ng Marso 2024 , binibigyan naman nila ng atensyon ang mga mag-aaral ng elementarya upang magabayan sa ibinigay na gawain na naaayon sa kanilang pinili na lalahokan sa pamamahayag.
“Itinuro ko ang nilalaman ng isang pahayagan na gawa ng Collaborative Desktop Publishing o CDP, kung ilang artikulo ang bahagi ng isang pahina, mga elementong gagamitin sa paggawa ng talata,” saad ni Jaye Louise Barrios, Punong Patnugot ng Collaborative Desktop Publishing sa kategoryang Filipino ng Sekondarya.
Dagdag pa niya mahirap turuan ang mga mag-aaral ng MCES dahil hindi pa sila sanay sa paggamit ng laptop at unang beses nilang sumabak sa CDP kaya mga madadaling gawain muna
Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa 12 dibisyon ng Caraga. Nakuha ng mga kalahok mula Siargao ang ika-unang pwesto at ng Surigao del Norte ang ikatlong pwesto.
MARLO GUARDO JR.
Nasungkit nina Carmel Jean O. Encendencia, Jasmin M. Aranas, at Mary Ysabelle C. Mercado mga mag-aaral ng Madrid National High School (MNHS) ang ikalawang puwesto sa STEMazing Competition sa idinaos na Regional Festival of Talents (RFOT) sa Butuan City, Agusan del Norte noong Mayo 11-15, 2024.
“We feel proud to ourselves, especially we have combined our talents and ideas together to win in that competition,” ani Bb. Carmel Jean O. Encendencia, mag-aaral sa JHS na nagwagi sa kompetisyon.
Sinigurado naman ni G. Jeshrel B. Plaza, Coach sa STEMazing ng MNHS, na pinaghandaan talaga nila ang kompetisyong Regional Festival of Talents (RFOT) sa pamamagitan ng pag-eensayo ng mga kalahok upang masanay sila sa mga dapat nilang gawin at para magwagi sa paligsahan.
IMARY YSABELLE MERCADO
sinagawa ang pagsasanay ng mga bagong miyembro ng Peer Mediator’s Club o PMC sa Madrid National High School taong kasalukuyan mula Enero 26 hanggang Pebrero 19 na pinangunahan ni G. Algien A. Parker upang maitaguyod ang kaalaman at kasanayan ng mga pangunahing opisyal ng PMC sa pagpapalaganap ng esensiya ng kapayapaan. Bilang unang paaralan na nagtataglay ng programang ito sa Caraga Region sa
PAGBABAHAGI. Si Jaye Louise C. Barrios, Punong Patnugot ng Ang Kawayan ay taos-pusong nagtuturo sa mga manunulat ng Madrid Central Elementray School ng mga konsepto tungkol sa pagaanyo at desinyo sa Collaborative Desktop Publishing.
INTELIHENSIYA, IBINIDA. Mga mag-aaral ng Madrid NHS ipinakita ang galing at talino matapos masungkit ang pangalawang puwesto sa RFOT - STEMazing Competition nitong Mayo 11-15, 2024.
PNP Madrid, nagsagawa ng Information Drive sa MNHS
Araw ng Lunes, Marso 11, 2024, bumisita ang Philippine National Police ng Madrid, Surigao del Sur sa Madrid National High School (MNHS) upang maghatid ng impormasyon tungkol sa droga, student’s permit sa pagmamaneho ng motor at sexual harassment na isyu tulad ng panggagahasa. “Ang unang layunin namin ay ipaalam na walang estudyante o menor de edad na konektado sa droga rito sa Madrid. Pangalawa ay ang pagmomotorsiklo ng mga kabataan nang walang lisensya. Panghuli ay ang mga isyu tulad ng panggagahasa na nasailalim pa ng pagsisiyasat,” pahayag ni Police Corporal Keyvin Llanos.
Sabi pa niya, sana ay magiging gabay ang mga kamalayan na ibinahagi upang mapalayo ang mga estudyante sa paggawa ng hindi tama. Bukod pa sa Information Drive, pinangunahan ng PNP Madrid ang Flag Raising Ceremony sa MNHS noong araw na iyon. Ito ay dinaluhan ng mga estudyante, guro at mga nonteaching staff ng paaralan.
Mindanao, masusing pumili si G. Parker ng mga estudyanteng magiging tulay sa kapayapaan sina Mary Ysabelle C. Mercado, Ariana Rose I. Sandag, Jasmin M. Aranas, Harlyn May D. Estrada, at Sean Paul F. Casano. Ang buwanang pagsasanay ay nilahokan ng walong estudyante ng baitang 7 at 8 ng MNHS upang maging tagapakinig ng Peer Mediators. Ang pagsasanay ay naglalaman ng iba’t ibang konsepto gaya ng “Introduction to the Peer Mediation”, “The Peer Mediation Process,” “Becoming a Peer Mediator” at “Action Planning.” Sa kanilang pagtatapos, tiniyak na handa na ang mga mag-aaral na maging tagapamagitan na magbibigay ng positibong epekto sa kanilang komunidad at paaralan, itaguyod ang pagkakaisa at pang-unawa sa kapwa kabataan.
KATE JUSTINE ORQUITA
TAGAPAMAYAPA. Ariana Rose I. Sandag, bise presidente ng Peer Mediation Club (PMC), ipinaliwanag ang mga panuntunan sa mga bagong miyembro ng samahan.
balita 03
TRISHA LYKA MALOLOY-ON
Mag-aaral ng MNHS, sumailalim sa screening ng PMC
MNHS, wagi sa RFOT STEMazing Contest
KATE JUSTINE ORQUITA
KATE JUSTINE ORQUITA
MULA
Water tank, ipinatayo Problema sa mga palikuran, nasolusyunan
MARIA FLOR JOSOL
PAGTUGON. Inaksyunan ng School Administration ang problema sa mga banyo ng Madrid National High School sa pamamagitan ng pagpapatayo ng water tank.
Naipatayo ang isang water tank
sa Madrid National High School (MNHS) sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ng Madrid para sa mga mag-aaral sa Senior High School, noong buwan ng Enero, 2024.
Kasunod nito, isinagawa ng mga kawani ng MNHS na pinangunahan ni Gng. Grace P. Floresca, nars sa paaralan, ang isang aktibidad na may layuning linisan at ayusin ang mga nasirang daluyan ng tubig sa mga palikuran, noong Marso 9.
“Isa sa mga problema sa mga palikuran ay ang kawalan ng tubig kaya hindi nalilinisan at pangalawa ang mga gumagamit na kung saan wala silang kooperasyon para mapanatiling malinis ang mga ito,” ani G. Eric S. Caratao, Administrative Aide III sa MNHS.
Dagdag ni G. Maer R. Latras, Administrative Aide sa paaralan, isinagawa nila ang aktibidad na iyon upang magkaroon ng maayos na palikuran ang paaralan at mahikayat ang mga mag-aaral na maging responsable sa paggamit ng mga ito.
“Sa ngayon ang ibang palikuran muna ang ginagamit ng mga mag-aaral sa MNHS, sapagkat ang aktibidad ay inaasahang matatapos sa susunod na mga araw,” pahayag ni Floresca.
Ayon naman kay Bb. Kristel R. Arreza, mag-aaral ng MNHS, na lubos siyang nagpapasalamat sa mga proyekto at aktibidad na naisagawa dahil malaking tulong ito para sa mga mag-aaral na tulad niya upang magkaroon ng maayos na palikuran sa paaralan.
KProyektong CCTV, isinakatuparan
PROYEKTO. Madrid National High School naglagay ng mga CCTV sa bawat sulok ng kanilang paaralan upang masiguro ang seguridad ng mga mag-aaral.
Window grills ginawa, seguridad pinaigting
Upang maiwasan na ang pagkabasag ng mga bintana tuwing nililinisan ito, magsilbing proteksyon na rin kapag may naglalaro sa labas ng silid-aralan na dahilan upang mabasag ang mga bintana o kalamidad at higit sa lahat upang mas lumakas ang seguridad sakaling mayroong maglakas-loob na dukutin ang mga gamit sa loob ng silidaralan, ipinatupad ang paglalagay ng mga grills sa mga bintana ng mga silid-aralan ng Junior High School sa Madrid National High School nitong Disyembre
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Abril 2024
Covered Walk Way, natapos na
MARIA FLOR JOSOL
Buo na ang proyektong Covered Walk Way ng School Parents-Teacher Association o SPTA ng Madrid National High School na sinimulan noong ika-8 ng Mayo, 2023 at natapos ngayong buwan ng Abril, 2024 ito ay upang hindi mahirapang pumasok at lumabas ng paaralan ang mga estudyante kung umulan man o umaraw.
“Ang pondo ay mula sa perang nalikom sa ginanap na Mr. and Ms. MNHS 2023 na naging highlight sa 54th MNHS Foundation Day,” pahayag ni G. Alfredo C. Vega, Jr., Administrative Officer IV. Humigit kumulang ₱206,055.50 ang naging badyet ng Covered Walk Way upang makabili ng mga materyales na kailangan upang mabuo ito.
“Ano syempre masaya lalo ngayong tagulan. Very useful yung Covered Walk para sa mga estudyanteng nahihirapang lumabas ng eskwelahan kasi walang payong,” saad ni Charmie A. Sasis, magaaral ng MNHS.
Pwede nang gamitin ang nasabing proyekto dahil tapos na ito. Ang proyektong ito ay mula sa tarangkahan ng paaralan hanggang sa gusali ng Senior High School.
PANANGGA. Covered Pathway naipatayo ng School
Parents-Teachers Association ng Madrid National High School na nagsilbing proteksiyon sa matinding ulan at sikat ng araw sa mga mag-aaral at mga empleyado.
aligtasan ng mag-aaral ay naisigurado sa tulong ng Special Education Fund (SEF) ng Local Government Unit (LGU) ng Madrid nang ipinakabit ang humigit-kumulang na walong CCTV sa mga gusali sa Senior High School (SHS).
Sinimulan ang proyektong ito noong ika-7 ng Marso, 2024, sa tulong ng mga kawani ng Madrid National High School (MNHS) at natapos nitong Marso 9.
“Since last year, there were some issues about picking some money from the bags of learners and other things, so it came to realized that there’s a need to address this issue, that’s why during the budgetting in the Local School Board (LSB) we allocated funds for the purchase of CCTV and the
ng nagdaang taon nang simulan at natapos sa kalagitnaan ng Enero at Pebrero taong kasalukuyan na may pondong humigit kumulang na ₱ 70,000.
Sinimulan ito noong Disyembre 2023 at natapos sa kalagitnaan ng Enero at Pebrero 2024 na may pondong humigit kumulang na ₱ 70,000.
“Galing sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan ang pondong ginamit sa proyektong ito,” wika ni Gng. Marilou M. Villaruz, Administrative Officer I at Supply Officer I, sa isang panayam.
Dagdag pa niya, hindi sabay ang pagbili ng mga materyales dahil by voucher- may voucher na umabot sa ₱30,000 at ang isa naman ay ₱ 40,000.
Inilaan din ang pondong ₱ 25, 660 para sa window grills ng Science Laboratory at nasa P16, 815
funds was taken to SEF,” ani Gng. Lucena B. Estrada, PhD, Principal III sa MNHS.
Dagdag pa ni Estrada, nagagamit na ngayon ang mga ipinakabit na CCTV na kung saan ito ay gumagana ng buong araw at maaari na niyang makita kung sino-sino ang mga mag-aaral na naninigarilyo at hindi pumapasok sa oras ng kanilang klase.
“Napakahalaga ng proyektong ito para sa mga mag-aaral ng SHS tulad ko para masigurado ang aming kaligtasan sa paaralan,” pahayag ni Bb. Je-ann D. Alas, mag-aaral sa MNHS.
Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamit ang mga CCTV para mabantayan ang mga mag-aaral sa MNHS.
balita 04
KATE JUSTINE ORQUITA
KATE JUSTINE ORQUITA
MARLO GUARDO JR.
MARIA FLOR JOSOL
KATE JUSTINE ORQUITA
SEGURIDAD. Nagtulong-tulong ang mga Administrative Aide ng paaralan upang mailagay ng maayos ang mga window grills sa Junior High School klasrum.
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Abril 2024
Pagsasaayos sa lumang klasrum pinondohan ng LGU
REHABILITASYON. Inokupahan na ng mga mag-aaral mula sa baitang-10 Silver ang bagong ayos na klasrum sa Madrid NHS.
MNHS dumalo sa kauna-unahang PNSO
YSABELLE
Sa mundong puno ng katanungan at kuryusidad, agham ang makakatulong sa mga katanungan. Walang pagaatubiling kinuha ng Madrid National High School ang oportunidad na maging bahagi ng kauna-unahang Department of Science and Technology at Philippine Nuclear Institute (DOST-PNR noong I) Philippine Nuclear Science Olympiad (PNSO) sa pagbabasakaling gamit ang talino at galing ng mga mag-aaral ng MNHS ay maipakita sa buong mundo. Nagkaroon ng ika-51 Atomic Energy Week o AEW ang DOST-PNRI noong ika-4 hanggang ika-7 ng Disyembre 2023. Ayon sa Presidential Proclamation No.1211 of 1973 ginunita ito upang magbigay kaalaman at kasanayan sa mga Pilipino tungkol sa mga benepisyo ng Nuclear Science and Technology.
Ang programang ito ay nakapukos na bigyan ng impormasyon ang publiko patungkol sa teknolohiyang nuclear at magbigay ng kaalaman sa kaligtasan hinggil sa mga aktibidad na may kinalaman sa radio active na kagamitan.
Ito ay bukas sa lahat ng pribado at publikong paaralan mula baitang 9-12 na hindi lalagpas ang edad na 18. Bawat paaralan ay nabigyan ng pagkakataon na sumali at magkaroon ng tatlong piling mag-aaral na mapayaman ang kaalaman sa agham upang kumatawan sa ating bansa sa nalalapit na International Nuclear Science Olympiad (INSO) na gaganapin ngayong taon sa Hulyo 31 hanggang Agosto 7.
Sa pagdiriwang na ito, pumukaw sa mga mag-aaral at guro ang hindi malilimutang karanasan pagdating sa agham ng nuclear bunga ng bagong kaalaman na maibabahagi sa ating buhay tungo sa pagbabago.
Inilathala na patuloy pa rin ang hamon sa kakulangan ng mga silid-aralan ng Madrid National High School, kaya naman ang gusali na dapat ay gibain na dahil luma na ay isinailalim sa rehabilitasyon. Ayon kay Administrative Officer IV Alfredo Vega ng Madrid NHS, ang pagsasaayos ay naging kinakailangan dahil sa kakulangan ng mga espasyo para sa mga silid-aralan. Sa patuloy na pagdami ng mga mag-aaral, ang pagtatayo ng mga bagong gusali ay naging hindi sapat upang tugunan ang pangangailangan. Sa halip, ang desisyon iyon ay naging praktikal na hakbang upang mapanatili ang kakayahan ng paaralan sa inklusibong edukasyon.
Kulminasyon sa Science Month, isinagawa MNHS, wagi sa Likha Research Proposal
Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ng Madrid National High School sa kanilang kahusayan sa larangan ng pananaliksik, pagpapairal sa siyensya at teknolohiya sa Culmination ng Division Science Month na ginanap noong 2023 Oktubre 9 sa Cantilan Gymnasium, Cantilan Surigao del Sur na may temang “Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na kinabukasan.”
Harlyn D. Estrada, na nagtagumpay sa kategoryang Robotics ay nag-ulat sa positibong resulta sa kabila ng limitadong oras sa paghahanda, binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagsubok sa iba’t ibang larangan ng pagsasaliksik. “ Ang pagsali sa kompetisyon ng pagsasaliksik ay nagbigay daan upang magamit ko ang kakayahan na nakuha ko sa pagsasaliksik.”
Sa kategorya ng Likha Research Proposal sa Physical Science, nagtagumpay ang pangkat nina Clyde Anthone R. Sumbilla, Jasmin M. Aranas,
MNHS, nakiisa sa 1st MFBGI-CCMCL-USA, Inc. Spelling Bee Competition
MARLO GUARDO JR.
Nakilahok ang piling mag-aaral ng Madrid National High School [MNHS] sa Spelling Bee Competition ng Madridanon FB Group, Inc. (MFBGI) at CCMCL-USA, Inc. na ginanap sa MNHS – Audio Visual Room (AVR) noong Pebrero 8, 2024.
Humigit-kumulang 15 na mga kalahok mula elementarya at sekondarya sa CarCanMadCarLan ang lumahok sa paligsahan na may temang “Spell to Excell: Unleashing the Power of Precision in Words” na kung saan nililinang ang kasanayan sa pagbasa at bokabularyo ng mga mag-aaral.
“This competition is sponsored by the CCMCLUSA with the cooperation of MFBGI na kung saan sila ang nag-initiate ng event to enhance the reading and vocabulary skills of the students,” pahayag ni G. Julius B. Linao, kawani ng silid-aklatan sa MNHS.
Dagdag pa ni Linao, an magwawagi sa kompetisyon ay makakatanggap ng medalya, sertipiko, at 5,000 pesos para sa kampeon at para naman sa mga hindi nagwagi sila ay makakatanggap ng sertipiko at 500 pesos.
Sa usapin naman ng pondong ginamit umabot ito sa halagang ₱150,000.00. Ang pondo ay nagmula sa lokal na pamahalaan at mula sa suporta ng mga magulang at guro sa pamamagitan ng ParentTeacher Association (PTA). Umabot sa isang buwan ang pagsasagawa ng renobadong silid at umaasa na ang pagtatayo nito ay hindi magdudulot ng kapahamakan sa mga guro at mag-aaral. Gayunpaman, ito ay nagpapakita na sa pamamagitan ng pagkakaisa at tulong galing sa Local Government Unit, mabibigyang-diin ang pagbibigay ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral.
MAPANLIKHA. Harlyn May D. Estrada, kalahok sa Likha Research Proposal sa katergoryang Robotics, kampanteng ibinahagi ang kanyang inobasyong may layong masiguro ang seguridad ng mga kagamitan sa silid-aralan laban sa magnanakaw.
at Lalaine P. Estrada na nakapasok sa pangatlong pwesto. Sa kategoryang Robotics, nakuha ni Harlyn May D. Estrada ang ikalawang pwesto sa kompetisyong indibidwal, habang si Sean Paul F. Casano ay nakamit ang ikatlong pwesto sa indibidwal ng Physical Science. Ang kanilang mga tagapagsanay na sina G. Jeshrel Plaza, G. Kirk Gruyal, Gng. Ivy M. Arado, at Gng. Rosan Amor V. Trillo ay naging instrumento sa kanilang tagumpay.
“Kahit unang pagkakataon kong sumali sa ganitong kompetisyon, napatunayan kong kaya kong makipagsabayan sa iba kahit maraming pagsubok at hirap ang aming nadaanan,” pahayag ni Lalaine P. Estrada, miyembro ng Physical Science sa grupong kategorya.
Ang naturang tagumpay na ito ng mga magaaral mula sa MNHS ay naglalaman ng mensahe at nakakaimpluwensiya sa kapwa nilang mag-aaral sa pagbibigay halaga sa siyensya.
UTAKAN. Nagtagisan ng talino ang mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya ng CarCanMadCarLan sa MFBGI-CCMCL-USA, Inc. Spelling Bee Competition, noong ika-3 ng Pebrero, 2024.
“Malaki ang pasasalamat ko dahil kahit papano, malaking tulong na ito sa mga gastusin ko sa pag-aaral. Nakakatuwa lamang kasi kahit sa simpleng pagsali ko lamang sa paligsahang ito, nakakatulong rin ito sa pag-aaral ko at malaking karangalan na maipresenta ang distrito ng Madrid,” ani Bb. Trisha B. Malayao, kalahok mula sa Senior High School ng MNHS.
Ayon naman kay G. Geobert O. Tuldanes, CCMCL-USA, Inc. Representative, posibleng maipagpatuloy itong aktibidad kada taon para patuloy na linangin ang kasanayan sa pagbasa at bokabularyo ng mga mag-aaral.
balita 05
MARY YSABELLE MERCADO
KATE JUSTINE ORQUITA
MARY
MERCADO
KATE JUSTINE ORQUITA
MARY YSABELLE MERCADO
KATE JUSTINE ORQUITA
opinyon
EDITORYAL
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
RESPONSIBILIDAD PANINDIGAN
Social Media at ang Hamon ng Responsableng Pamamahayag
Ang paggamit ng social media bilang kasangkapan sa pampublikong diskurso ay isang pundasyon ng modernong demokrasya. Subalit, ang paggamit nito ay may kalakip na responsibilidad at paggalang sa mga pamantayan. Sa halip na gamitin ang social media upang makipagugnayan at magsagawa ng masusing pananaliksik sa paaralan ng Madrid National High School (MNHS) ukol sa isang kontrobersiyal na isyu, isang konsehal sa isang barangay ng Madrid ang nagpasyang maglabas ng kanyang opinyon. Ang ganitong hakbang, bagaman hindi bawal, ay hindi lamang hindi
propesyonal kundi maaari rin itong magdulot ng hindi pagkakaunawaan at pagkakabahabahagi sa komunidad.
Ayon sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713), ang mga opisyal ng pamahalaan ay tinataguyod ang katapatan, integridad, at paggalang sa publiko. Ang paggamit ng social media upang ipahayag ang mga opinyon na maaaring magdulot ng kaguluhan o hindi pagkakaunawaan ay labag sa mga prinsipyong ito.
Mahalaga para sa mga opisyal ng pamahalaan na isaalang-alang ang epekto ng kanilang mga aksyon at salita
at pag-unawa. Kahit na binura ng konsehal ang kanyang post kinabukasan, ang pinsala ay naibigay na at nagdulot ito ng hindi magandang imahe sa mga mag-aaral, guro, at sa paaralan ng MNHS.
Harinawa’y ang insidenteng ito ay magsilbing paalala sa lahat na ang paggamit ng social media ay may kaakibat na kahihinatnan. Hindi lamang ito isang plataporma para sa sariling opinyon, ngunit isang paraan upang makipagugnayan at makipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga opisyal ng pamahalaan, ay dapat maging responsable sa kanilang mga aksyon at maging modelo ng tamang pag-uugali at tamang pakikipagkomunikasyon.
INGMALINGPAGGAMIT
SOCIALMEDIA
ANINAW ROSITA JAMAICHA ALTIZO
sang magandang bagay ang transparansiya sa pamamahala ng mga ahensya ng gobyerno. Ang paglalantad ni NFA Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan sa di-umano’y pagbebenta ng 75,000 bags ng NFA rice na hindi sumailalim sa public bidding ay isang hakbang na nagpapakita nito. Sa pamamagitan ng kaniyang pag-uulat sa Pangulo at
pagsangguni sa Ombudsman, ipinakita ni Pagayunan ang kaniyang dedikasyon sa paglilinis ng katiwalian sa loob ng NFA. Mahalaga na magsilbing babala ang kaso ng di-umano ay ilegal na pagbebenta ng NFA rice sa pamahalaan at sa publiko. Ang pagtitiyak na pananagutang legal ang kailangan upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa integridad ng mga opisyal ng gobyerno. Dapat mapanagot ang lahat ng sangkot sa nasabing transaksiyon at magsilbing halimbawa ng disiplina at paggalang sa batas.
PATNUGUTAN
PUNONG PATNUGOT
Jaye Louise C. Barrios
PATNUGOT SA BALITA
Maria Flor M. Josol
Mary Ysabelle C. Mercado
Marlo F. Guardo Jr.
Shielo Joyce T. Gruyal
Trisha Lyka B. Maloloy-on
KOLUMNISTA
Janessa G. Dejos
Garnet Julia G. Fallado
Gerald Ace B. Apillanes
TAGASULAT NG LATHALAIN
Rhea R. Dayoc
Diana Rose P. Altizo
Isshey Mayelle G. Varon
Sean Paul F. Casalo
TAGASULAT NG AGTEK
Rosita Jamaicha P. Altizo
Carmel Jean Encendencia
PATNUGOT SA ISPORTS
Rhan Quinnet G. Saloma
Alexa Rhea U. Ortiz
Kesiya C. Banguis
TAGAKUHA NG LARAWAN
Kate Justine A. Orquita
TAGAGUHIT
Phineha Joshua T. Escatron
Gian Carl C. Bico
MGA KONTRIBYUTOR
Jedidiah Quinn P. Arreza
Rojean B. Arpilleda
Gian Michael C. Bico
Cathlenemae M. Peligro
Felly Arreza
Kate Alexa P. Role
TAGAPAYO
Ivy M. Arado
Ruth T. Racho
KONSULTANT
Lucena B. Estrada, PhD
“
Kakambal ng pagiging matapat ang transparensiya na nagbubunga ng mabuting gawa.
Sa kabila ng kontrobersiya, mahalaga ring bigyang-pansin ang paglilinis at pagsasaayos ng pamamahala sa loob ng NFA. Ang pansamantalang pamumuno ni Kalihim Laurel ay magbibigay-daan sa pagtataguyod ng maayos at epektibong pamamahala ng ahensya na may integridad na paglilingkod sa bayan. Dapat patuloy na tutukan ang mga hakbang na kinakailangan upang tiyakin ang transparensiya, at maayos na pamamahala sa loob ng NFA.
06
Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan
Pagtutuwid
ng baliko; isang hakbang na wasto
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
ALAM MO!
Pananagutan at Pagtugon
Nitong nakaraang linggo lamang ay napabalitaang may nakakabahalang pangyayari na kung saan may mga estudyanteng sangkot sa gawaing “sekswal” sa pampublikong lugar na kinilalang nag-aaral ang mga ito sa Madrid National High School (MNHS. Ito ay nagdulot ng malawakang pag-alala at pagkondena na nangangailangan ng gabay at tugon mula sa mga awtoridad.
Para sa akin, kinakailangang kilalanin na ang gayong paguugali sa mga mag-aaral na hindi katanggap-tanggap at nagpapakita ng masamang resulta sa mga mahahalagang aspeto ng paggalang at dignidad sa ating mga sarili. Ang pagsasagawa ng mga sekswal na aktibidad sa publiko ay hindi lamang lumalabag sa mga pamantayan ng lipunan ngunit nagpapakita rin ng kawalan ng pagsasaalang-alang sa privacy, pahintulot, at pagiging disente. Nakakapanghinayang lamang na kaya nilang balewalain ang papel ng edukasyon sa paghubog ng mga saloobin at paguugali. Ang mga komprehensibong programa sa edukasyon sa sex, na higit pa sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa kalusugan ng reproduktibo, ay dapat na bigyang-diin ang mga pagpapahalaga rito. Bukod dito, ang mga magulang at tagapag-alaga ay may mahalagang papel sa paghubog ng moral sa kanilang mga anak. Ang mga bukas at tapat na paguusap tungkol sa sekswalidad na responsibilidad ay mahalagang bahagi ng pagiging magulang. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng patnubay at suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak na gumawa ng matalinong desisyon. Sa pagtugon sa isyu ng mga mag-aaral na nakikibahagi sa mga pampublikong aktibidad na sekswal, mahalagang may matibay na diskarte na tumutugon sa mga ugat na sanhi nito. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral na may kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga na kailangan nila patungo sa paglikha ng isang lipunan kung saan ang bawat indibidwal ay may dignidad at paggalang.
Ang pagiging aktibo sa paaralan ay isang daan upang makakuha ng mataas na marka. Ngunit isa ka rin ba sa mga naghahangad na mapabilang sa honor list, pero wala man lang sipag na inilalaan at dinadaan na lamang sa maling gawa?
Nakakalungkot lang isipin na sa kagustuhang maipagmalaki ng magulang, gagawin ang lahat na kahit maling pamamaraan ay papatulan. Maayos naman sana kung nag-aaral kang mabuti sa mga pagsusulit at hindi umaasa sa kaklase o nandadaya. Sapagkat aanhin mo naman ang matataas na marka o ang mga medalya kung hindi mo naman ito talagang pinaghirapan.
Paano na lamang ang tiwala ng iyong magulang kapag ito ay kanilang malaman na ang pinagkakatiwala pala nila sayo ay nagmumula sa maling paraan. Ano na lamang ang iisipin nila? Maibabalik paba ang kumupas na tiwala kung ito ay mawawala na parang bula? Mga mag-aaral na takot malamangan o masapawan ng kanilang kapwa kamag-aral; mga estudyanteng hindi sapat para sa kanila ang nakuha nilang marka kaya isa sa paraan nila
MALING PASYA
Tagumpay na Walang Saysay
ang mandaya. Ayos lang naman maghangad ng mataas basta’t gawin mo ang mga kailangang gawin upang makamit mo ito. Sa tingin mo ba ang pandaraya ay kahangahanga? Masaya ka ba sa karangalan na iyong nakamtan kahit alam mo naman sa iyong sarili na ito’y idinadaan sa maling paraan?
Ang pagiging tapat at totoo ang tunay na medalya ng tao.
Mabuti pa sigurong makakuha ng maliit na marka dahil magandang ipagmalaki ang
pinaghirapan kaysa sa mga maling pamamaraan. Kung gusto man na makakuha ng medalya, paghirapan mo. May oras para sa ganitong mga bagay, huwag mong madaliin. Sapagkat may nakatakdang panahon sa pagiging mahusay sa larangan ng akademiko. Kaya naman maging pantay sa lahat sapagkat hindi ka matututo kung galing sa daya ang iyong natanggap na parangal. Sa buhay natin hindi maipagkakaila na maliligaw tayo ng landas lalo na at gusto lang natin makitang mahalaga tayo sa ating pamilya. Maaari tayong matukso sa mga maling paraan makamit lamang ang karangalan. Ang pagsusumikap ay ang tanyag na susi upang makamit ang taglay na minimithing tagumpay.
SGUHIT NI GIAN CARL BICO
Kaakit-akit na Distraksiyon
Hadlang sa komunikasyon
a kasalukuyang panahon, umusbong ang maraming bagay na naimbento upang mas mapadali ang ating pamumuhay. Ang pagusbong ng gadgets ay isa sa mga pangunahing dahilan na matatawag nating “High Tech” ang henerasyon ngayon. Pero ginagamit ba ito sa mabuting paraan at tamang sitwasyon? Ang pag-usbong ng mga makabagong bagay, ay siya ring dahilan ng panliligalig sa kapwa. Katulad na lamang ng pang-aapi sa pamamagitan ng teknolohiya, na kung saan ay maaaring humantong sa kawalan ng respeto sa kapwa. At saka, ang paggamit ng selpon sa hindi tamang panahon ay isa ring pangunahing dahilan
kung bakit hindi aktibo ang isang tao sa mga pisikal ng gawain, bagkos mas napagtutuunan nila ng pansin ang kanilang mga selpon sa pag scroll sa peysbuk, instagram, at panunuod ng mga bidyu sa TikTok at YouTube. Bagaman, mas pinipili ng mga tao ang maging aktibo online, kaysa sa maging aktibo sa personal sa buhay. Sa aking obserbasyon, kahit sa harap ng hapag-kainan na kung saan ay dapat naguusap ang isang pamilya, ay mas nakatuon ang bawat isa sa kanilang mga selpon. Aminin mo, ganito rin kayo ‘no? Ugaliing makipag-ugnayan at makipag-usap sa mga taong nakapaligid sa’yo, sabi nga ni G. Carlos Tian Chow C. Correos,
Kaalamang mayroon tayo ay huwag abusuhin, sa halip ay hasain at pagbutihin. “
SGOD Chief ng DepEd Surigao del Sur, “mag-usap tayo kapatid”. Samakatuwid, ang paggamit sa mga bagay na mahalaga at nakikipanabangan natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay sa katamtamang antas ay isang magandang gawi na dapat nakatatak sa personalidad ng bawat tao. May tamang panahon para sa lahat, at dapat nakalaan para sa ikabubuti ng lahat. “Everything is good, but in moderation” sambit ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray. Gamitin ang selpon sa katamtaman, hindi yung panay chat ka sa iyong kasintahan na ‘di naman nakikita ang iyong kahalagahan!
opinyon 07
DAPAT
“
SAGABAL
JANESSA DEJOS
SHIELO JOYCE GRUYAL
GERALD ACE APILLANES
opinyon
PIPARANAS SA IBA
Karanasang Hindi Mararanasan
CATHLENEMAE PELIGRO
ara sa mga estudyante ng baitang 12, ang pagkakaroon ng work immersion ay isang hakbang upang maihanda ang kanilang sarili sa hamon ng buhay. Ngunit paano na lamang ang mga mag-aaral sa STEM nang hindi natuloy ang work immersion nila?
Masasabing ito ay naging isang larawan na lamang. Nakakadismaya. Iilan sa mga mag-aaral sa STEM ang nagsasabing “Umasa kami pero hindi rin pala tinuloy”. Bilang isa sa mga estudyanteng nag-aaral sa strand ng STEM, nais ko ring maranasan ang buhay nang nagtatrabaho sa trabahong nais kong pasukan. Imbis na maihanda kami ng mas maaga, lalo na at kami ay nasa strand ng agham, teknolohiya, inhinyero at matematika, ito ay naudlot pa.
Bakit?
Dahil sa hindi napaghandaan? Ito ay isang hindi makatwirang dahilan. Hindi nga ba
Sapat na karanasan para sa pangarap ng mga kabataan.
pinabayaan lamang at hindi pinagtuunan ng pansin?
Makikitang ang ibang mag-aaral sa baitang 12 ay nakapag-immersion na, tanging ang STEM lamang ang hindi pa, at hindi na. Nakakainggit. Sila ay nakahakbang na sa panibagong yugto habang kami ay nakaupo parin sa aming mga upuan at gumagawa ng pananaliksik. May iilan man na nagsasabing ito ay mabuti sapagkat hindi madadagdagan ang kanilang poproblemahin, ako ay hindi sumasang-ayon dito. Para saan yung mga bilang na araw na walang problema, sa pang habang-buhay na aral na makukuha mo mula sa work immersion.
Hindi man makakaranas ng work immersion ang mga estudyante ng STEM ngayong taong-panuruan, nararapat ay maranasan ito ng mga estudyante dito sa susunod na pasukan upang maihanda sila sa totoong laban ng buhay.
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
Liham sa
Patnugot
Mahal naming Patnugot,
Magandang araw! Bilang isang mag-aaral ng MNHS, nais naming ipaabot ang aming pagaalala hinggil sa patakaran na tanggalin ang mga palamuti sa silid-aralan. Naniniwala kami sa mahalagang papel ng mga ito sa pagpapalakas ng karanasan at pag-unlad ng mga mag-aaral. Sana ay mabigyan ito ng pansin at pagninilay-nilay.
Nagpapasalamat, Jan Jan
Tugon ng
Patnugot
Mahal kong Jan Jan,
Napakahalaga ng iyong hinaing tungkol sa kamakailang desisyon na tanggalin ang mga palamuti sa mga silid-aralan. Ipinahayag mo ng maayos ang iyong punto na ang mga palamuti ay hindi lamang simpleng dekorasyon kundi mahalagang tool sa pagpapalakas ng karanasan at pag-unlad ng mga mag-aaral. Napaabot na namin ang iyong liham sa aming punongguro upang mabigyang-pansin ang iyong hinaing. Umaasa kami na sa maayos na talakayan at pagninilay-nilay, magkaroon ng makatarungan at makabuluhang desisyon ang paaralan hinggil sa usaping ito. Salamat sa pagpapakita mo ng pagmamalasakit sa ating edukasyon.
GUHIT NI GIAN MICHAEL BICO
KASIGURADUHAN
Proteksyon sa Pambansang Edukasyon
JANESSA DEJOS
Nagmamahal, Patnugot
Ayon kay DepEd Undersecretary Omar Romero, mariing tinututulan nito ang mungkahing pag-amyenda sa Charter na naglalayong tanggalin ang mga limitasyon sa pangangasiwa ng mga dayuhang negosyante sa edukasyon. Ayon kay Romero, mahalaga na ang kurikulum ng Pilipinas ay isinasagawa ng mga Pilipino upang maipatupad ang mga pambansang adhikain at kahalagahan.
Para sa akin, mahalaga ang pagpapanatili ng limitasyon sa pangangasiwa ng mga dayuhang paaralan upang mapanatili ang integridad ng pambansang edukasyon. Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan at konteksto ng bansa, maaaring mapanatili ang pagbibigay-proteksyon sa pambansang interes sa edukasyon.
Kinakailangan na itaguyod ng ahensiya ang pangangailangan para sa mga lokal na mamamayan ng Pilipinas upang mapanatili ang integridad at seguridad ng bansa at higit sa lahat, maging matiwasay at payapa ang ating ginagalawang komunidad. Sa pamamagitan din nito ay mas mapapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ang kanilang partikular na pangangailangan sa kanilang pag-aaral.
08
“
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
DNakalimutang Proyekto
umaan ang ilang taon, hindi pa rin naaayos ang kisame sa Junior High School STE building, parang nasa baitang 7 pa lamang ako noong gumuho ang kisame dahil sa malakas na paglindol na naging sanhi upang masira ito. Nakakalungkot lamang isipin na ang mga silid-aralan sa JHS ay hindi pa rin tapos dahil sa kawalan ng aksyon. Nasaan ang sinasabi nilang kaligtasan kung walang kisame ang silid-aralan?
Paano na lamang kapag nahulog angibang “metal furring” dahil walang kisame?
LSa sobrang init ng
Itinanggal na ang mga dekorasyon sa lahat ng silidaralan sa buong bansa. Ito ang kautusan ni Vice President at kasalukuyang Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Nakasaad sa ipinalabas niyang DepEd Order No. 21, series of 2023 na nag-uutos sa mga guro na tanggalin lahat ang mga nakadikit sa dingding ng classroom, walang nakasulat na alpabeto o abaka, walang picture ng mga presidente o mga bayani.
Maging ang pagkakaroon ng teacher’s cabinet sa mga silid ay mahigpit ding ipinagbabawal. Tanging teacher’s table na lamang ang makikita sa bawat classroom para maging mas malinis, maluwag at maaliwalas ang bawat silid. Sa usapin ng pagpapalakas ng mga pasilidad sa edukasyon, isa sa mga mapanlikha at matatalinong diskusyon ang tungkol sa pagkakaroon ng mga palamuti sa mga silid-aralan. May ilan ang nagtatanong: kailangan ba talagang tanggalin ang mga palamuti sa bawat silid-aralan?
Ang pagpapaksil ng mga palamuti, tulad ng mga larawan, guhit, at iba pang dekorasyon, ay hindi dapat tingnan bilang simpleng estetikong pagpapahayag lamang. Sa halip, ang mga ito ay may malalim na epekto sa karanasan ng mga magaaral sa paaralan.
Tunay na, may mga argumento na ang sobrang
panahon ngayon, mas titindi pa ang nararanasang init ng nasa ikalawang palapag ng JHS, sapagkat wala nga silang kisame. Kami nga na may kisame naiinitan pa rin, paano pa kaya ang mga walang kisame sa kanilang mga silid-aralan?
Ang tindi nga naman ng epekto nito sa mga mag-aaral lalo na sa mga estudyanteng may mga sakit na naging dahilan sa mga nahihimatay, hindi nga naman natin maiiwasan ang mainit na panahon dahil tag-init na nga tayo ngayon, ngunit mas mababawasan ito kung magagawan na ng kisame ang JHS.
Kaalamang mayroon tayo ay huwag abusuhin, sa halip ay hasain at pagbutihin.
Para sa akin mas mabuting unahin muna nila ang malagyan ng kisame ang bawat klasrum sa JHS building upang maging ligtas ang mga mag-aaral. Siguro dahil sa dami ng mga proyekto para mapabuti ang paaralan ay nakalimutan na nilang asikasuhin ang mga kisame. Kaya naman sana ay magsilbing tinig ito sa mga nakakataas na antas na mabigyang-pansin at oras ang pagpapagawa ng kisame.
SA PANANAW NG BATA
Pag-aalis ng Palamuti sa Silid-Aralan: Isang Hamon o Kakulangan sa Edukasyon?
GARNET JULIA FALLADO
kalat sa mga pader ng silidaralan ay maaaring maging nakakadistrak sa pag-aaral. Gayunpaman, hindi dapat ganap na itakwil ang konsepto ng mga palamuti. Sa halip, ang tamang pagpili at pagkakalagay ng mga ito ay maaaring maging isang mahalagang bahagi ng pagpapalakas ng kapasidad ng pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang mga visual aid, tulad ng mga educational posters at charts, ay maaaring magsilbing mahalagang tool sa pagtuturo at pag-aaral. Ang mga ito ay maaaring magbigay ng visual representation sa mga konsepto at kahalagahan ng mga aralin, lalo na sa mga batang mag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito, ang mga guro ay maaaring mapadali ang proseso ng pagkatuto at magbigay ng mas malalim na pang-unawa sa mga mag-aaral.
Bukod dito, ang mga palaruan at laruan, kung saan ang pag-aaral ay nagiging masaya at kasiya-siya, ay maaaring magsilbing mahalagang bahagi ng pagpapalakas ng mga silid-aralan.
Sa mga ganitong kapaligiran, ang mga mag-aaral ay maaaring mas mahikayat na magpursige sa kanilang pag-aaral at magkaroon ng mas positibong karanasan sa pagpasok sa paaralan. Hindi rin dapat kalimutan ang papel ng mga pasilidad at kagamitan, tulad ng bentilasyon at kagamitan sa pagpapalamig, sa pagpapalakas ng komportableng kapaligiran para sa pag-aaral. Ang mga ito ay may mahalagang bahagi sa pang-araw-araw na karanasan ng mga mag-aaral at guro sa loob ng silid-aralan. Sa kabuuan, hindi dapat basta-basta itakwil ang konsepto ng mga palamuti sa mga silidaralan. Sa halip, ang tamang pagpili at pagkakalagay ng mga ito ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa karanasan at pag-unlad ng mga magaaral. Ito ay isang hamon at pagkakataon para sa mga paaralan na magkaroon ng kapaligiran na hindi lamang nakapagpapalakas ng kaalaman, kundi pati na rin ng inspirasyon at kasiyahan sa pagaaral.
Paratang
Ang pagkakaroon ng mga karelasyon ay maayos lang kung wala naman kayong naaapakang tao. Ngunit isa rin ba kayo sa mga napagkamalang gumawa ng milagro sa loob ng paaralan dahil sa kamukha niyo ang mga ito?
Nakakadismayang malaman na dahil lamang sa maling haka-haka ay naapektuhan at nadamay ang mga estudyanteng tahimik lamang na nag-aaral sa Madrid National High School. Pwedi naman kasing huwag sumawsaw sa mga sabi-sabi ng iba, dahil hindi natin alam ang totoong kwento.
Pa’no na lamang kung nakarating ito sa mga magulang nila, sila ang kawawa sapagkat wala na nga silang ginawang masama mawawalan pa ng tiwala ang kanilang mga pamilya sa kanila. Ano kaya ang magiging reaksiyon at maaring gawin nila?
Mga estudyanteng hindi alam ang totoo na kung saan ang tsismis ay ikinakalat nalang na parang bula. Pagising niyo kayo na ang pinag-uusapan sa paaralan. Hindi ba nila alam ang maaaring epekto nito sa mga nadamay, dignidad nila’y parang natapakan dahil sa maling isyung ikinakalat. Hindi naman natin maiiwasan ang ganitong mga pangyayari, ngunit lahat ay may pananagutan sa mga kilos na ginagawa. Pero sana ay timbangin muna natin kung tama nga ba ito sapagkat malaking epekto ito sa mga estudyanteng napagkamalan ng ‘di inaasahan, maging mapanuri at mapagmatyag upang maling akala ay maiwasan.
Haka-haka ay iwasan, respeto ay isaalang-alang.
opinyon 09
GUHIT NI
GIAN CARL BICO
ROJEAN ARPILLEDA
“
“
ISAGAWA NA
KARAPATAN
JANESSA DEJOS
lathalain 10
Pagpapatuloy sa naudlot
na pangarap
Sa mundong puno ng hamon at pangungutya, kakayanin mo kayang tumaya? Pa’no nga ba magsusumikap ang isang inang gustong makamit ang mga pangarap sa kabila ng paghihirap? Ito ang laban ng isang babaeng nagsusumikap na sakyan ang mararahas na alon ng buhay, marating lamang ang baybayin ng kinabukasang matagal nang ninanais marating.
Si Maribel R. Ambray, isang 39-anyos na mag-aaral ng Madrid National High School sa Senior High School- Alternative Learning System (ALS) Program ay isang ina na hindi pinanghinaan ng loob na tuparin ang kaniyang pangarap sa buhay. Hindi lamang siya isang mag-aaral kundi isang butihing ina rin sa kaniyang anim na mga anak. Siya ay maagang nabuntis—sa murang edad nito ay naging hadlang ang kaniyang pagbubuntis upang matupad ang kaniyang pangarap na maging
guro. Sa kabila ng mga hamon na dala ng pagkakaroon ng pamilya, isang bagay lamang ang kaniyang nais balikan—iyon ay ang pumasok sa paaralan at tapusin ang pangarap na kaniyang binitiwan.
Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinasok ni Maribel ang ALS Program na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga katulad niyang nais muling ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ito ang nagbigaydaan upang maipagpatuloy niya ang kaniyang naudlot na pangarap. Ngunit bago niya pinasok ang pagkakataon na ito ay tinanong niya muna ang kaniyang mga anak, “Hindi ba kayo mahihiya kung mag-aaral ako? Makikita natin ang isa’t isa sa paaralan, estudyante kayo at gano’n din ako.” Ang naging tugon naman ng kaniyang mga anak ay, “Hindi naman, ma.” Naging lakas ng loob niya ang naging tugon nito, kung kaya’t buong tapang niyang hinarap ang bagong yugtong lalakbayin para
Mama ko, Kaibigan ko
“A
no na lamang ang gagawin mo kapag nawala na ako?” Isang linyang madalas na naririnig mula sa mga magulang. Minsan ay hindi pinapakinggan at pinapasawalang-bahala na lamang ng mga kabataan. Ngunit ito’y may napakabigat na kahulugan sa buhay ng sinoman. Lumaki sa isang masaya at relihiyosong pamilya si Seth Zerah M. Aspillaga sa matiwasay na baryo ng Parang, Cantilan. Dalawa lamang silang magkapatid at si Seth ang bunso. Sa isang taon, isang beses lang niya nakakasama ang kaniyang ama sa kadahilanang sa barko ito nagtatrabaho. Ang kaniyang kuya naman, malayo ang napasukang unibersidad. Dagdag pa, hindi gaanong magkalapit ang loob nilang magkapatid dahil sa agwat ng kanilang edad. Kaya naman ang tumatayong
maisakatuparan ang kaniyang matagal nang pinapangarap.
Ito ay isang patunay na kapag iginugol mo ang iyong sipag at tiyaga para makagawa ng kasunod pang hakbang pagkatapos ng isang hakbang, mas mapapalapit ka sa mga pangarap na nais mong makamit. Ito ay nangangahulugan na ang tagumpay ay hindi limitado sa kung ano ang estado sa buhay ng isang tao. Nalilimitahan lamang ito kung hihinto ka na sa paghakbang. Pinatunayan ni Maribel na kapag ikaw ay matiyagang nagsusumikap, makakamit mo rin ang tagumpay sa dulo ng bawat pahina ng iyong buhay.
parang isang matalik na kaibigan ni Seth ay ang kaniyang mapagmahal na ina. Lagi silang magkasama sa hirap at ginhawa. Sinusuportahan nito siya sa lahat ng bagay at lagi niyang pinaparamdam kay Seth na mahalaga si Seth sa buhay niya. Malaki ang tiwala ng kaniyang ina sa kaniya. Hindi niya ito pinipilit sa mga bagay na hindi niya kayang gawin. Ngunit sa isang iglap nagbago ang lahat. Labing anim na anyos si Seth ng pumanaw ang kaniyang ina dahil sa pagkaaksidente sa motorsiklo. Napakahirap para kay Seth na tanggapin ang pangyayari lalo na ay papunta ang kaniyang ina sa paaralan upang sunduin siya nang mangyari ang aksidente. Dama nito ang sakit at pangungulila sa nawalang importanteng tao sa buhay niya. Ang tanging ilaw ng kanilang tahanan ang siyang naging inspirasyon ni Seth upang pagbutihin niya ang kaniyang pag-aaral. Hindi man naging mabuti ang ihip ng buhay ni Seth sa ngayon, patuloy parin siyang lumalaban upang makamit ang pangarap niya. Naniniwala siyang ang lahat ng pangyayari ay may rason ang panginoon. Saan man dalhin ng tadhana si Seth, naniniwala parin siya na hindi man niya nakikita ng personal ang kaniyang ina ngunit ang mga alaala at payong iniwan nito ang kaniyang magiging sandata.
Paglalakbay sa dilim, tungo sa liwanag
Sa likod ng bawat ngiti ng 15-anyos na studyante na tawagin nalang natin sa pangalang Nami, may kwento ng pakikipagtunggali sa dilim ng kaniyang buhay. Siya ay naglakbay sa paghahanap ng liwanag sa gitna ng pagkawala ng kaniyang ama at paglisan ng kanyang ina. Samahan natin siya sa kanyang kwento ng lakas, pag-asa, at pag-ibig, isang paglalakbay mula sa kahinaan patungo sa katatagan ng loob.
Sa murang edad, si Nami ay nagsisilbing buhay na patunay ng lakas at pag-asa sa gitna ng kadiliman ng kaniyang buhay. Ang kaniyang ama ay namatay noong siya ay walong taong gulang pa lamang, ang pag-ibig at pag-aaruga ng kaniyang ina ay ang naging sandalan at gabay sa kaniyang paglaki. Ngunit sa pagtatapos ng taong 2023, isang malupit na pag-atake sa kaniyang pamilya ang dumating, iniwan si Nami ng kaniyang tanging ina na nagsilbing haligi ng kanilang tahanan simula nang pumanaw ang
kanilang ama. Sa hindi inaasahang pangyayaring ito, sinubok muli ang katatagan ni Nami.
Sa pagsalaysay niya, makikita natin ang kaniyang tapang at pag-asa sa kabila ng pagdurusa. Bagamat nawalan siya ng mga magulang, hindi siya nagkulang ng pagmamahal at suporta mula sa kanyang mga kapatid. “Mahirap nung una, pero nung nagtagal, gumaan din ‘yong pakiramdam kasi may mga kapatid naman akong nasandigan,” pahayag ni Nami.
May mga pagkakataong nangungulila siya kaniyang mga magulang, ngunit mas namamayani ang kaligayahan sa puso niya sa mga biyayang ibinigay ng Diyos sa kaniyang buhay. “Walang makakapantay sa pagmamahal ko sa kanila (sa parents ko),” aniya na may magkahalong luha at ngiti sa kaniyang mga mata.
Sa tuwing pumapasok si Nami sa paaralan, nararamdaman niyang nawawala
ang kaniyang mga magulang, ngunit sa kabila nito, ipinagpapatuloy niyang itaguyod ang kaniyang pangarap at magsikap para sa kaniyang kinabukasan. Ang mga pag-iyak at hinagpis ay pinalitan niya ng tapang, ngiti, at pangako sa sarili na patuloy na maging matatag para sa kaniyang pamilya. Mas naging emosyonal siya noong tanungin kung ano ang gagawin niya sa isang oras na makapiling ang kaniyang ina. “Magsosorry ako, tapos mag tha-thank you, yayakapin ko siya,” umiiyak ng sinabi niya. Dagdag pa niya, sasabihin niya ang lahat ng mga bagay na hindi niya nasabi noong buhay pa ang kaniyang ina. Sa tuwing papasok siya sa paaralan, wala na siyang sinasabihang ‘paalam ina’, gigising na hindi ang kaniyang ina ang gumagawa ng kaniyang almusal, at wala nang inang hahanapin niya pag-uwi.
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto
- Mayo 2024
2023
FELLY ARREZA
RHEA DAYOC
SEAN PAUL CASANO
Palumpon ng Magandang Mithiin
RHEA DAYOC
Noong taong 2019, ang 15-anyos na si Rosita Jamaicha P. Altizo ay napilitang harapin ang hamon ng buhay nang lumuwas siya sa Cotabato dahil sa hindi pagkakasundo ng kaniyang mga magulang. Sa gitna ng mga pagsubok, itinaguyod ni Rosita ang kahalagahan ng pera at nahanap ang sarili sa likod ng paruparong papel, bulaklak, at isda.
Sa pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, nagsimula si Rosita sa simpleng pamumuhay sa Cotabato. Nagsikap siyang magtinda ng isda at lutong pagkain ng kanilang kapitbahay, inilalako niya ito upang kumita at maitaguyod ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Bagaman ay nasa ikawalong baitang at isang mag-aaral ng garments, hindi siya nagatubiling magsimula ng maliit na negosyo— ang bungkos ng mga bulaklak at paruparong papel. Gamit niya ang mga pandisenyong ito na makikita sa kanilang silid-aralan at mga rosas na gawa sa mga sobrang tela na nagamit nila sa pagtatahi na kaniya pang hiningi sa kaniyang guro. Bibili na lamang siya ng mga kulang na mga materyales katulad ng patpat ng kawayan, at pambalot sa palumpon. Kadalasan ay hindi siya nakakabili ng pambalot kung kaya ang ginagamit na lamang niya ay newspaper upang pangbungkos ng kanyang mga nagawang disenyo. Ginagawa lamang niya ito kapag may bakanteng oras siya sa kanilang paaralan.
Walang madali sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay. Ang kanilang paaralan sa Cotabato ay dalawang sakayan pa upang makarating dito, at tuwing papasok sila ng kaniyang kapatid sa paaralan ay nilalakad na lamang muna nila ito patungo sa sakayan ng mga multicab upang makatipid sila sa pamasahe. Ang kanilang dalang pera ay sapat lamang para sa kanilang pamasahe, at wala nang nakalaan pambili ng ulam. “Kaya do’n sumagi sa aking isipan na kailangan kong gumawa ng paraan upang makasimula ako ng aking maliit na negosyo para magkaroon ng pera at matustusan namin ang pang-araw-araw namin na gastos ng aking kapatid,” ika ni Rosita. Ang kaniyang kahusayan at dedikasyon ay hindi lamang sa pag-aaral kundi pati na rin sa pagbibigay ng magandang buhay sa kaniyang pamilya. No’ng buwan ng Oktubre, taong 2022, sa pagbabalik ni Rosita sa munisipalidad ng Madrid, ay nagpatuloy siya sa kaniyang pagaaral sa Mataas na Paaralan ng Madrid, at sinimulan din niya ang kaniyang academic commission service no’ng taon din na iyon. Bagama’t nahihirapang pagsabay-sabayin ang pag-aaral at negosyo, itinaguyod niya pa rin ito gamit ang kanyang talino, talento, at diskarte upang matustusan niya ang pag-aaral nilang magkapatid— ang kanilang mga bayarin, gamot ng kanyang ina, at ang pagkain nila sa pang-
araw-araw.
Sa kabila ng mga hamon sa kaniyang negosyo, bukas ang puso ni Rosita sa pagsusumikap na makatulong. “Mahirap ang pinasok kong ito dahil nagbibigay ako ng aking oras, atensyon, at serbisyo sa kanilang mga ipinapagawa, karamihan sa kanila ay nakakaligtaang magbayad” aniya. Subalit, sa kabila ng mga pagsubok, ipinaabot ni Rosita ang pasasalamat sa mga taong tunay na nagpapahalaga at nagsusukli sa binibigay niyang serbisyo. Ang bawat desisyon ay puno ng pangunawa na ang kaniyang kita mula sa negosyo ay umiikot sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ito’y isang kwento ng pag-asa at determinasyon, na nagmula sa isang pagiging panganay na anak; ito rin ay nagbibigay sa kanya ng dagdag na responsibilidad na nagpapakita ng kaniyang pagpapahalaga at pagsasakripisyo para sa kinabukasang nais niyang makamit para sa kanilang pamilya.
Pag-asa at Pagsusumikap sa pag-abot ng Pangarap
MAYELLE VARON
Sa gitna ng mga hamon at pagsubok na dala ng kahirapan, marami ang hindi nagpapatinag. Isa sa mga halimbawa ng hindi pagsuko ay ang mga working student na patuloy na nag-aaral habang nagtatrabaho upang makamit ang kanilang mga pangarap. Si Marlo F. Guardo Jr., isang 18-anyos na mag-aaral ng Madrid National High School ay isang halimbawa ng working student. Hindi lamang pag-aaral at pagtatrabaho ang kaniyang inaatupag, kundi pati na rin ang pagnenegosyo. Nagsimula siya sa pagkakaroon ng maliit na sari-sari store, pagkatapos ay sumubok siyang magnegosyo ng Ice Scramble, Perfumes, at Dishwashing liquid hanggang sa kumita siya ng malaking pera at sinubukan niya ang small backyard piggery business. Bilang isang working student, natutunan niyang gawin ng sabay-sabay ang iba’t ibang gawain nang maayos at pagtutok sa mga pangunahing gawain pati na rin ang pagkakaroon ng kasanayan sa pamamahala ng oras sapagkat mahalaga ito para mapagsabay niyang gawin ang tatlo. Pero mas pinipili niya
ang mga gawain na may pinakamalaking epekto at pangmatagalang benepisyo. Kaya mas prayoridad niya pa rin ang pag-aaral kaysa sa pagtatrabaho at pagnenegosyo. Hindi naman nasayang at napunta sa wala ang kaniyang pagod at pagpupursigi sapagkat sa kabila ng kaniyang mga hinarap na pagsubok, napagtagumpayan pa rin niyang makamit ang “With High Honors” para sa ikaunang Semester. Tila ang mga problema at pagsubok sa kaniyang buhay kasama ang pinagkukuhanan niya ng lakas upang makamit ang kaniyang pangarap. Hindi biro ang buhay ng isang working student. Araw-araw ay puno ng pagsubok, pero sa bawat pagsubok na kanilang hinarap, laging may kasamang pag-asa, dedikasyon at determinasyon na magtagumpay. Sila ang mga bayani ng kanilang sariling kuwento, patuloy na nagtutulak sa kanilang sarili upang makamit ang kanilang mga pangarap sa kabila ng anumang hamon na kanilang hinarap.
lathalain 11
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid
del Sur Division
1 Bilang 1 │ Agosto
Mayo 2024
ISSHEY
Ang
Surigao
Tomo
2023 -
lathalain
BALA NG PANGARAP
Mithiin ang sandata ng estudyanteng mandirigma
ROSITA JAMAICHA ALTIZO
Sa mapanghamong mundo, kanikaniyang paraan upang malampasan ito. Maraming estratihiya, hirap, at sakripisyo ang handang gawin upang mapagtagumpayan ang mga layunin. Ang mga karanasang ito ang magpapatunay ng tibay at determinasyon ng isang tao at magsisilbing pundasyon upang harapin ang mga bagay na maaari pang dumating.
Sa Madrid National High School, makikilala si FT Talucod, isang mag-aaral na kasalukuyang nasa ika-12 na baitang, siya ay 21 na taong gulang. Bunso sa apat na magkakapatid si FT, nakatira sa Purok 1, San Roque, Madrid, Surigao del Sur. Labing walong taong gulang si FT nang mapagdesisyunan niyang maging miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU). Isang samahan na binibigyan ng basic military training at armas para maging bahagi ng pwersa ng seguridad sa kanilang lugar.
Ayon kay FT, gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa at tumulong sa kaniyang pamilya. Dahil dito, huminto siya sa pag-aaral. “Naging praktikal ako, at pinili kong magtrabaho sa halip na mag-aral” ani FT. Sumabak siya sa pagsasanay, at inaamin niyang hindi ito naging madali para sa kaniya. Pagkatapos ang mahigit dalawang buwan na pagsasanay ay ganap na rin siyang miyembro ng pangkat at nagsimula na rin ang kaniyang sahod na ₱8,000 bawat buwan. Ang kanilang kampo ay tinatawag na “Bayogo Patrol Base na matatagpuan sa
Ipinanganak ang bawat tao ng may kaniyakanyang lahi o tribo. Iba’t ibang tradisyon at pamamaraan ng pamumuhay. Klase-klaseng kulay ang mga balat ngunit iisa ang ninanais na makamtan ang respetuhin at tanggapin sa lipunang kinabibilangan Hindi naging madali kay Meljohn Sandag at Lordan Montenegro na harapin ang mga pangungutya sa loob man o labas ng paaralan. Si Meljohn at Lordan ay mga estudyante sa paaralang Madrid National High School na nabibilang sa grupo ng mga katutubong IPs. Ang ibang mga tao ay mababa ang tingin nila sa mga ganitong tribo, ginagawa nilang katatawanan. Isa sa mga naranasan ni Meljohn at Lordan ay ang pagtawanan ang kanilang sariling lenggwahe. Pati na rin ang pang-aapi sa kanilang pisikal na anyo. Araw-araw ay nakakasalubong nila ang mga ganitong pangyayari kaya nakasanayan na nilang marinig ang mga salitang binabato ng ibang tao sa kanila. Gaano man kasakit ang lahat ng ito ay hindi ito naging balakid
Bayogo, Madrid, SDS, at sa Burgos, Surigao Del Norte naman siya idinidestino sa tuwing may kailangan silang bantayan. Habang tumatagal, unti-unti niyang napagtanto kung gaano kahirap ang pinili niyang landas, bukod sa mga pasa sa katawan dahil sa disciplinary actions na parte ng kanilang trabaho, ay nilalabanan din niya ang pananabik na muling makapiling ang kaniyang pamilya. Bawal ang cellphone o kahit na anong gadget kapag sila ay nasa trabaho, dahilan upang mas lumalim ang pananabik niya. Ayon kay FT, alam niyang nakabaon sa lupa ang kabila niyang paa, samakatuwid, kahit anong oras, maaari siyang masawi. Taong 2021, nang pasabugin ng mga New People’s Army (NPA) ang mga backhoe truck sa Lanuza, SDS, rumesponde sina FT rito kasama ang kaniyang pangkat, nasawi ang isang kasamahan niya sa labanan habang siya ay tinamaan ng bala sa kaniyang katawan.
Bagaman mahigit na isang taon na ang lumipas mula ng mangyari ang digmaang iyon, hindi pa rin nawawala sa isip ni FT na kung ganap lang sana siyang sundalo, marami sana siyang kaalaman sa pakikipaglaban, nailigtas na sana niya ang kaniyang kasamahan. Ang pangyayaring ito ang nagtulak sa kaniya na bumalik sa pag-aaral. Taong 2023 nang mag desisyon si FT, pinahintulutan naman siya, kaya ngayon ay pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pagiging estudyante. “Hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko, pero hindi ko ito imumungkahi sa kahit na kanino, hanggat mayroong
IP
agmalaki
ng bawat lahi
DIANA ROSE ALTIZO
oportunidad na mag-aral, tanggapin ito” ani FT. Ayon sa kaniya, nagpatuloy siya sa pag-aaral dahil pangarap niyang maging isang ganap na sundalo.
Hindi naging madali ang karanasan ni FT, wala siyang pinagsisisihan sa kaniyang desisyon dahil ang pagiging CAFGU ay nagturo sa kaniya ng disiplina sa sarili at pakikipagkapwatao. Ang mga pagsubok na hinarap niya sa kaniyang trabaho ang nagbigayilinaw sa tunay na hangarin niya sa kaniyang buhay. Ang estudyanteng mandirigma na ito ang nagpapatunay na hindi lahat ng bala ay masama, ang iba’y kapupulutan ng lakas para sa bukas na darating pa.
tribo
sa magkaibigan bagkus ay naging inspirasyon nila ito upang ipaglaban ang tribong kinalakihan. Iba man sa paningin ng mga tao ang pamamaraan ng pamumuhay at tribo nila Meljohn at Lordan ngunit kailanman ay hindi ito nagsilbing hadlang sa dalawa na ipagpatuloy ang kanilang pangarap. Marami mang kailangan labanan sa buhay nila, naniniwala parin silang dalawa na ang tunay na tagumpay ay magmumula sa sipag at gawa. “Dahil sa kanilang pangungutya mas lalo naming natututunang tanggapin kung sino kami at kung anong meron kami “ ani Meljohn at Lordan.
Paglalakbay ni Nash mula sa scooter patungong bisikleta: Pagsakay sa alon ng tagumpay
SEAN PAUL CASANO
SUNDAN SA PAHINA 13
PADYAK NG BUHAY. Naging kasangga ni Nash Cyruz Mahinay ang kanyang biseklita papunta at pauwi ng paaralan upang makaiwas sa dagdag na gastusin ng kaniyang lolo.
Sa bawat paglalakbay ng buhay, may mga sandaling masakit, nagdudulot ng luha, ngunit ito rin ang nagbibigay inspirasyon at lakas upang patuloy na magtungo sa hinaharap. Isang ganitong kwento ng tapang at tagumpay ay ang kwento ni Nash, isang batang nagpapatunay na kahit gaano man kahirap ang buhay, may pag-asa at lihim na pwersa sa puso ng bawat isa. Ang paglalakbay ni Nash ay nagsimula sa Maynila, kung saan ang kaniyang pamilya ay nagsilbing ilaw at gabay sa gitna ng kadiliman ng buhay. Ang inspirasyon na ibinibigay ng kaniyang pamilya ay nagtutulak sa kaniya na ipagpatuloy ang kaniyang pag- aaral kahit na nandito na siya sa Madrid, Surigao del Sur.
“Inspirasyon ko ay ang aking pamilya sa Maynila, dahil sa kanilang pagpapag-aral sa akin. Dahil sa kanila, naipagpapatuloy ko pa rin ang aking
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division Agosto 2023 - Mayo 2024
12
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
DIANA ROSE ALTIZO
Ang buhay ay puno ng hamon na hindi dapat takasan. Maraming pagsubok na susukat sa katatagan at mga problemang sa isip ng tao ay palaging nandiyan. Saan nga ba aabot ang lakas upang harapin ang lahat?
Kahirapan ang nag-udyok sa isang batang babae upang mamasukan bilang isang tagapagsilbi. Labindalawang taong gulang palamang si Ana ay pinasok na niya ang buhay ng isang pagiging katulong. Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya, marami silang magkakapatid at ang isa sa kapatid ni Ana ay ipinaampon na lamang dahil sa sitwasyon ng buhay. Nahihirapan sila sa araw-araw na gastusin sa bahay at maging ang makakain sa tatlong beses sa isang araw. Kapag sumasapit ang araw na kailangan niya ng pera pambili ng mga gamit para sa kanilang proyekto ay wala siyang maibigay sa kaniyang mga kagrupo. Ito ang dahilan kung bakit siya namasukan bilang isang kasambahay. Bilang isang estudyante sa ikapitong baitang sa paaralang Madrid National High School ay hindi naging madali sa kaniya ang pagsabayin ang pag-aaral at
pagtatrabaho. Minsan kasi ay kapag may gagawin silang proyekto ay pahirapan ang pagpapaalam niya sa kaniyang amo. Hindi rin nakaiwas si Ana sa mga pangungutya ng ibang mga bata, pinagtatawanan siya dahil kahit bata pa raw ito ay kailangan niya ng magtrabaho.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nagpatuloy si Ana upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Hindi siya nagpatinag sa mga pangungutyang ibinabato sa kaniya ng iba. Ang lagi niyang itinatatak sa kaniyang isip ay marangal ang kaniyang ginagawa. Ngayon ay nakakatulong na siya ng paunti-unti sa kaniyang mga magulang at maging sa mga kapatid nito. Nagbunga ang paghihirap at pagsusumikap ni Ana, ngayon ay kasalukuyan siyang honor student sa kanilang klase. Nakakadama man siya ng pagod dahil sa trabaho nagbigay naman ito sa kaniya ng isang napakalaking regalo. Sa mala alon na buhay ni Ana makikita na ang tunay na lakas ay ang determinasyon at ang sikap. “Hindi dapat tayo mahiya kung ano tayo ngayon, dahil ito ang magiging daan sa kung ano ang magiging atin sa susunod na panahon,” ani Ana.
KATATAGAN. Buong tapang na hinarap ni Jedidiah Quinn P. Arreza ang hamon ng buhay sa kaniya nang magkagulo ang kanilang pamilya at lumipat sa ibang bansa ang kaniyang ina kasama ang kaniyang mga kapatid.
pag-aaral,” buong pusong ibinahagi ni Nash. Isa ring mahalagang bahagi ng kaniyang paglalakbay ay ang relasyon niya sa kaniyang lolo. Tulad ng ulan at init ng araw, may mga pagkakataon na masigla at masaya sila, ngunit may mga oras din ng pagtutuos at initan ng ulo. Subalit sa kabila ng mga pagsubok, nananatili silang magkasama sa isang mapayapang buhay. “Stay pa rin naman kami ng lolo ko sa peaceful life ngayon. Mga 1 year at 8 months na rin kami magkakasama,” dagdag pa ni Nash.
Sa kaniyang paglalakbay, tila ba’t si Nash ay sumasakay ng scooter ng buhay, na puno ng mga ups and downs. Ngunit sa gitna ng kaniyang paghakbang sa landas ng edukasyon, dama niya kaniyang paglipat mula sa simpleng sasakyan patungo sa mas komplikadong bisikleta ng buhay. “I think maka-reflect din yung paggamit ko ng scooter into bike sa buhay
MababangEdad, Mataas na Pangarap
Napilitang mamasukan bilang kasambahay si Ana dahil sa hirap ng buhay at ito rin ang nag-udyok sa kaniya upang magpursige at magpatuloy sa kaniyang pag-aaral.
Hirap na Dinanas, Sandata ay Lakas
Hindi madaling harapin ang problema kapag nag-iisa ngunit, kung magpupursigi tiyak na ito ay kayang-kaya. Ang buhay ay mapaglaro, ang tanging maparaan at matatag ang mananalo pagdating sa dulo.
Si Jedidiah Quinn P. Arreza ay 18 taong gulang na nag-aaral sa Madrid National High School. Isinilang siya na may kumpletong pamilya ngunit sa ngayon ay nakatira siyang mag isa sa kaniyang apartment. Ang mga magulang kasi nito ay nasa ibang bansa pati narin ang kanyang dalawang kapatid. Hindi maayos ang pagsasama ng kaniyang ina at ama, puro away ang madalas na naririnig niya at ng kaniyang mga kapatid sa kanilang mga magulang. Dahil sa mga pag-aaway ng kaniyang mga magulang ay nagdulot ito ng pagbabago sa personal na emosyon ni Jedidiah. Nahihirapan din si Jedidiah sa pamumuhay ng mag-isa lalo pa’t wala siyang
ko,” aniya, isang pahayag na naglalarawan ng malalim na pagbabago at pag-usbong sa kaniyang sarili.
Isang aspeto ng kaniyang paglalakbay ay ang kanyang pag-usbong mula sa hindi pangkaraniwang karanasan sa elementarya. Hindi kagaya ng ilang mga kaklase na may mataas na karangalan, nagsimula siyang tumindig sa sarili at unawain ang halaga ng pagtitiyaga at sariling sikap sa pag-aaral. Sa gitna ng pandemya, natutunan niyang yakapin ang sarili at mahalin ito ngayong Grade 11, ipinapakita ni Nash kung paano ang mga karanasan, aral, at mga kaibigan na kasama niya mula elementarya hanggang ngayon ay nagsilbing “the saved money” sa kaniyang personal na bangko ng buhay.
Sa ngayon, si Nash ay naglalakbay nang naka-depende sa sarili, habang ang
kasangga sa lahat ng gawain. Minsan ay nararanasan ni Jedidiah ang hindi nakakakain sa isang araw dahil sa pagod at kapag nauubusan siya ng pera pambili ng makakain niya. Sa kabila ng lahat ay nagpatuloy siya sa pagiging matatag, masipag at mabait na estudyante. Napag-isipan niya na sa mga susunod na buwan ay pupuntahan niya ang kaniyang pamilya sa Australia upang simulan muli ang pagharap sa buhay na kumpleto at masaya.
Hindi man naging maayos ang kanilang pamilya dati ngunit naniniwala si Jedidiah na may pangalawang pagkakataon upang maitama ang mga bagay na minsan ay naging mali.
Maraming pagsubok ang darating sa buhay ng tao at ang tanging susi upang malampasan ito ay ang paglaban at hindi pagsuko.
mga magulang ay nasa malayong lugar. Ang kaniyang kwento ay isang pag-awit ng tagumpay sa gitna ng pag-iisa at pangarap na di-mabilang. Ang bawat pagpipilian na kanyang ginagawa ay tila isang siklo ng kaniyang buhay, ngunit sa bawat hagdang tinatahak niya, naroroon ang halakhak ng tagumpay at mga luha ng pagmamahal.
Sa paglalahad ng kwento ni Nash, hindi lamang ito isang paglipat mula sa scooter patungo sa bisikleta; ito ay isang pag-akyat sa matarik na bundok ng pag-asa, isang labanang puno ng tagumpay, at isang pagpapatunay na kahit saanman tayo dalhin ng ating mga paa, maaari tayong magtagumpay kung ang ating puso ay puno ng determinasyon at pagmamahal.
13
lathalain
DIANA ROSE ALTIZO
MULA SA PAHINA 12
KATE JUSTINE ORQUITA
MULAT.
KATE JUSTINE ORQUITA
ag-tek
Responsabling paglalaro; sa Pool-lin
ROSITA JAMAICHA ALTIZO
Tunay na malawak na ang impluwensiya ng teknolohiya sa buhay ng mga tao. Marami itong mga kakayahan kagaya ng paggawa ng mga online games, isa sa halimbawa nito ay ang tanyag na laro ngayon ang 8 Ball Pool. Isang online billiards game, ito ay nakakaagaw ng pansin at pagkahumaling mula sa mga kabataan, lalo na sa mga estudyante. Ang kagandahan at kahusayan ng laro sa digital na platform ay nagiging sanhi ng paglalaro nito ng mahabang oras para sa ilang kabataan.
Sa Mataas na Paaralan ng Madrid, maraming mga estudyante
ang nahuhumaling dito. Ang hindi kontroladong atensiyon at oras na iginugugol dito ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa akademikong pag-unlad ng mga estudyante. Ang paglalaan ng mahabang oras sa paglalaro ng laro ay maaaring humantong sa pagbaba ng antas ng pagaaral, kakulangan sa paggawa ng takdang-aralin, at kawalan ng pokus sa klase. Ito ay maaaring maging hadlang sa kanilang pagunlad at tagumpay sa larangan ng edukasyon.
Bukod sa akademikong aspeto, ang pagkahumaling sa 8 Ball Pool ay maaari ring makaapekto sa kalusugan at
JUSTINE ORQUITA
PAGPAPALAWIG. Dumaan sa isang Arduino hands-on training ang mga mag-aaral sa Science, Technology, Engineering and Mathematics strand ng Madrid NHS upang mapalago ang kanilang kaalaman sa agham at teknolohiya.
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
KATE JUSTINE ORQUITA
ALTERNATIBO. Nakabuo ang mga mag-aaral sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) ng Madrid NHS ng Ecosolvy, isang alternatibong sabong pangkamay, mula sa pinaghalong castile soap at agar-agar.
panlipunan ng mga estudyante. Ang pagiging labis na pagtutok sa larong ito na makikita sa digital na platform ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng sedentaryong kaugaliang pagkalusugan, kakulangan sa pisikal na aktibidad, at problema sa pakikipagsalamuha sa iba. Ang labis na paggamit ng gadgets para sa paglalaro ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng mga isyu sa
Lumalawak na teknolohiya; arduino ay kasama
ROSITA JAMAICHA ALTIZO
Ang larangan ng teknolohiya ay tunay na umuusbong. Sa paglipas ng panahon, marami na ang mga naiimbentong bagay sa tulong nito. Ang Arduino ay isang open-source electronics platform na ginagamit ng mga propesyonal na inhinyero para sa isang malawak na hanay ng mga proyekto, mula sa mga simpleng gawain hanggang sa mga kompleks na robot. Ang arduino ay may kakayahang manipulahin ang isang partikular na robot. Noong buwan ng Oktubre 2023, isang hands-on na karanasan sa Arduino ang naganap sa Madrid National High School. Ito ay pinangunahan nina Julian Carlos Tinumpit, Ian Carmelo Dela Cruz Felix, at Philip Lorenz Irigan, mga indibidwal na may natatanging karanasan at galing sa larangan ng robotics. Sa katunayan ay nagwagi sila ng unang gantimpala sa rehiyonal na paligsahan ng robotics. Mga estudyante sa Grade 12 STEM (Science,
Arduino Kit: Tulong sa larangan ng Robotics
CARMEL JEAN ENCENDENCIA
Sa mundong ating ginagalawan, mas lumalawak na ang makabagong teknolohiya kung kaya’t ang bawat tao ay sumasabay sa pag-unlad nito. Isa ang Arduino Kit sa bunga ng umuusbong na makabagong teknolohiya. Ito ang nagsisilbing gabay o “beginners kit” sa larangan ng Robotics, na kung saan ang mga estudyanteng nasa Science, Technology, and Engineering Program ng baitang 10 ng Madrid National High School ay mapalad na nabigyan ng 17 libreng Arduino Kit.
Ito’y idinisenyo para magbigay ng pangunahing kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa mga kagamitan at components ng electronics, programming at coding na makatutulong sa kanilang kasanayan, lalonglalo na sa problem solving at kritikal na pagiisip, na naging dahilan ng pagkamahalaga nito sa pagtuturo sa larangan ng Robotics. Ito at madaling mahanap sa online platform
na “Arduino Education” na may siyam na mga leksiyon at maaaring matutunan sa loob lamang ng halos 25 na oras.
Nagbibigay-kaalaman din ito sa programming sa pamamagitan ng MATLAB, Simulink at Arduino IDE, na naglalaman ng 36 na mga bahagi o sangkap upang makabuo ng isang imbensiyon kagaya ng Uno R3, LCD 1502 module, RC 522 RF, breadboard, motor driver module, joystick module at marami pang iba. Nauna nang pag-aralan ng baitang 10 ng seksiyon Newton ang mga bahagi ng Arduino Kit upang sa katapusan ng school year ay makabuo sila ng isang imbensiyon o functional robot gamit ang Arduino Kit. Sinimulan nila ang pag-aaral sa pagpapailaw ng LED sa pamamagitan ng pagbuo ng Set-up. Ang mga kagamitang kanilang ginamit ay Arduino Uno module, Arduino USB cable, breadbroad, jumper wire, LED at 220 ohms resistor. Pagkatapos nila itong mabuo ay gumawa sila ng isang program
pagtulog at mental na kalusugan. Kaya naman, ang pagkakaroon ng balanseng oras sa pag-aaral at paglalaro ay makatutulong sa pagtupad ng mga responsibilidad sa paaralan at sa buhay, na mahalaga upang mapanatili ang kabatiran, kalusugan, at kabuhayan.
Technology, Engineering, and Mathematics) ang mga kalahok sa nasabing training o pagsasanay. Sila ay binigyan ng pagkakataon na mag-eksperimento, magdisenyo, at i-program ang mga kompyuter gamit ang arduino. Natuwa ang mga kalahok sa pagsasanay na ito. Bukod kasi sa bagong karanasan, magagamit din nila ito sa kanilang kasalukuyang strand at kukuning kurso sa kolehiyo. Karamihan sa mga lumahok sa pagsasanay ay nagpaplanong kumuha ng kursong may kaugnayan sa robotics kaya naman hindi maikakaila ang kabuluhang naibigay ng pagsasanay na iyon.
Sa isang mundo na patuloy na umuunlad at nagbabago, ang pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa teknolohiya ay isang malaking kalamangan. Ang hands-on na karanasang ito ay nagbigay sa mga estudyante ng isang makatotohanang konteksto kung saan sila ay maaaring magbahagi ng kanilang natutunan sa klase. Ito rin ay nagpatibay sa kanilang kaalaman sa agham at teknolohiya, at nagbigay sa kanila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang pagkamalikhain. Samakatuwid, ito ay isang mahalagang hakbang sa paghahanda nila sa kanilang tatahaking landas.
KATE JUSTINE ORQUITA
ELEMENTO. Naging pundasyon ang Arduino sa pamamayagpag sa makabagong panahon ng teknolohiya lalo na sa larangan ng robotics.
upang mapailaw ang LED sa pamamagitan ng Arduino IDE na dinadownload sa kompyuter. ang isang Arduino Kit ay sangkap at gabay na magbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na gustong matuto at makagawa ng mga imbensiyon na magagamit sa susunod na panahon. Ito ay isang masayang paraan ng pagpukaw ng interes sa mga kabataan at isa ring inspirasyon para makabuo at makapagbigay ng kontribusyon sa larangan ng Robotics pati na rin sa ating umuusbong na teknolohiya.
14
KATE
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
Ecosolvy; sabong mainam at madiskarte
Ang paglilinis ng kamay ay isang gawain na mahalagang matutunan at mapanatili ng sinuman. Sa layuning baguhin ang mga pamamaraan sa kalinisan ng kamay nang may pag-aalaga sa kalikasan, sinimulan ng pangkat sa Physical Science mula sa Grade 12-STEM Faith B ang isang makabagong pag-aaral na may pamagat na “Pagtuklas sa Kagandahan ng EcoSolvy Soap Strips bilang Pamalit sa Sabon ng Kamay.” Sa EcoSolvy, isang kombinasyon ng pagiging banayad sa kapaligiran at paglutas ng mga suliranin, sinikap ng mga mananaliksik na ipakilala ang isang epektibong alternatibo para sa personal na kalinisan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga soluble soap sheet mula sa organikong sangkap.
Ang pundasyon ng EcoSolvy ay matatagpuan sa kaniyang komposisyon—ang halo ng liquid castile soap na galing sa likas na
KATE JUSTINE ORQUITA
mga langis tulad ng oliba, niyog, at langis ng castor, na pinatatag sa manipis na sheet gamit ang agar-agar, isang halamang gawa sa gelatin na galing sa seaweed. Ang makabagong pamamaraang ito ay nangangako ng isang biodegradable na alternatibo sa tradisyonal na sabon ng kamay, na nakakabawas sa epekto sa kalikasan nang hindi naaapektuhan ang bisa nito.
Gayunpaman, ang paglalakbay patungo sa tagumpay ng EcoSolvy ay puno ng mga hamon. Sa kabila ng masusing pagsusuri at maraming pagbabago, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga hindi inaasahang hadlang. Ang pagiging tugma sa pagitan ng liquid castile soap at agaragar ay mas komplikado kaysa sa inaasahan, na humantong sa mga pagbabagong hindi inaasahan.
Sa halip na makabuo ng matibay na mga soap strip na angkop para sa pang-araw-araw na paggamit, ang mga produkto ay lumitaw bilang mga semi-
IMBENSIYON. Mag-aaral sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) ng Madrid NHS, bumuo ng isang robot na inihalintulad sa isang aso upang matiyak ang kaligtasan ng kasambahayan.
Super RoboDog imbento ng baitang 12 STEM
JEDIDIAH QUINN ARREZA
Ang mga mag-aaral sa baitang 12 ng Madrid
National High School ay nagpakilala ng kanilang makabuluhang likha, ang RoboDog, isang robot na aso ang disenyo para sa seguridad ng bahay. Binuo mula Disyembre 2023 hanggang Marso 2024, itinulak ng proyektong ito ang mga hangganan ng inobasyon habang hinaharap ng mga magaaral na walang karanasan sa robotics ang hamon.
Sa ilalim ng patnubay ng kanilang tagapayo sa pananaliksik, si G. Jeshrel Plaza, ang mga magaaral ay sumulong sa ambisyosong gawain ng paglikha ng RoboDog gamit ang mga bahagi ng Arduino Uno at mga sensor.
Sa kabila ng mga hadlang
ALTERNATIBO. Nakabuo ang mga mag-aaral sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) ng Madrid NHS ng Ecosolvy, isang alternatibong sabong pangkamay, mula sa pinaghalong castile soap at agar-agar.
solid o gel-like na substansiya, na kulang sa matibay na istraktura na kinakailangan para sa praktikal na aplikasyon. Bagaman mayroon silang mga katangiang panglinis tulad ng sabon, hindi naabot ng mga formulasyon ang inaasahang hugis, na nauuwi sa hindi pagiging epektibo sa pangmadaliang, ecofriendly na kalinisan ng kamay.
Sa kabila ng mga pagsubok, nagbigay ang pag-aaral ng mahalagang kaalaman tungkol sa mga kahirapan ng pangmatagalan
na pag-unlad ng produkto. Ang pagtitiyaga at dedikasyon ng mga mananaliksik ay nagpailaw sa mga hamon sa pagsasanib ng ecoconsciousness sa epektibong mga solusyon sa produkto. Bagamat ang kasalukuyang formulasyon ng EcoSolvy soap strips ay hindi pa nagtatagumpay sa mga unang asahan, nagbubukas sila ng landas para sa mga susunod na pag-unlad sa mga alternatibong eco-friendly na produkto para sa personal na kalinisan.
Pasaging gawa sa buntot tigre
Sa pag-usad ng teknolohiya, patuloy nating binibigyangpansin ang paggamit ng mga likas na sangkap upang makabuo ng mga materyales na sustainable at maaaring magamit sa iba’t ibang larangan. Isa sa mga pinakabagong pag-aaral ay ang paggamit ng buntot tigre o snake plant bilang alternatibong sangkap sa paggawa ng fiberboard.
Ano nga ba ang fiberboard? Ito ay isang uri ng materyal na gawa sa pinong piraso ng kahoy o iba pang likas na fibers na pinagdugtong sa pamamagitan ng pampaigsi tulad ng resin. Karaniwang ginagamit ang fiberboard sa paggawa ng iba’t ibang kagamitan sa bahay, tulad ng mga kabinet at aparador, dahil sa katangiang matibay at madaling manipulahin.
tulad ng limitadong oras at mga limitadong mapagkukunan ng pondo, nanatiling matatag ang mga mag-aaral sa kanilang pangako sa proyekto. Sa araw-araw na sesyon ng pag-aaral at suporta mula sa kanilang mga magulang, nilabanan nila ang mga hamong ito at binuhay ang RoboDog.
“Hindi perpekto ang RoboDog dahil sa mga hadlang ng mababang-spec sensors, ito ay patunay sa aming dedikasyon at pagkamalikhain,” wika ni Rosita Jamaicha P. Altizo lider ng pananaliksik. Nagpapakita ang proyektong ito hindi lamang sa teknikal na kakayahan ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang kanilang pagiging matatag at determinasyon na magtagumpay.
Sa isang pag-aaral ng mga estudyanteng nagmula sa Grade 12-STEM Faith A, ginamit ng mga mananaliksik ang disenyo ng eksperimental na pananaliksik upang suriin ang kakayahan ng fiber mula sa halamang snake plant (Sansevieria trifasciata) o mas kilala bilang “buntot tigre” bilang alternatibong sangkap sa paggawa ng fiberboard. Layunin ng pag-aaral na makabuo ng pangmatagalan na materyal. Ang pagsubok sa produkto ay ginawa upang makilala ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang produkto at upang masuri ang kanilang kalidad at kakayahan.
Ayon sa mga resulta ng pag-aaral, hindi makikita ang anumang malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang materyal pagdating sa lakas, tibay, at kapal ng tubig. Dahil dito, tinanggap ng mga mananaliksik ang null hypothesis para sa lahat ng mga indikasyon.
Upang suriin ang aspeto ng ekonomiya, itinakda ang presyo ng produkto na may 40% na pagtaas mula sa halagang 85.00 piso, na nagbibigay ng isang net present value, cost-benefit ratio, at return on investment na pareho sa 91.00 piso. Sa ganitong halaga, mapapansin na ang produktong ito ay may potensyal na maging katanggap tanggap sa ekonomiya.
Sa ganitong paraan, ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng potensyal ng paggamit ng buntot tigre bilang isang pangmatagalan na sangkap sa paggawa ng fiberboard. Ito ay hindi lamang nagbubukas ng mga bagong oportunidad sa industriya ng konstruksyon at pagsasaayos, kundi pati na rin sa paglalayong mabawasan ang paggamit ng mga hindi nakapipinsalang sangkap sa produksyon ng mga materyales.
ag-tek 15
ROSITA JAMAICHA ALTIZO
ROSITA JAMAICHA ALTIZO
KATE JUSTINE ORQUITA
ag-tek
Sa bawat ngiti, wastong pangangalaga ang nakakubli
Ang ngiti ay hindi lamang pang-estetika, ito rin ang nagpapahayag ng emosyon at personalidad. Kaya’t mahalaga na pangalagaan ito, hindi lamang dahil sa itsura kundi dahil ito rin ang nagpapakita ng kalusugan ng isang tao. Ang mga ngipin, dila, gilagid at hininga, ay bumubuo ng isang hanay ng katawan na dapat alagaan nang mabuti. Ang kalusugan ng bibig at ngipin ay direktang nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan. Mahalagang ugaliin ang wastong pangangalaga sa mga ngipin dahil ang sakit sa bibig at ngipin ay hindi lamang nagdudulot ng kirot, ito rin ay maaaring magdulot ng iba pang malubhang sakit tulad ng atake sa puso, atake sa utak, pre-term na kapanganakan,
diabetes, osteoporosis, at mga sakit sa paghinga at digestion. Kaya’t ang pangangalaga sa kalusugan ng bibig at ngipin ay hindi lamang para sa magandang ngiti, kundi para rin sa malusog na pangangakatawan. Sa mataas na paaralan ng Madrid, ay may libreng pagbubunot ng ngipin sa bawat mag-aaral na nangangailangan nito. Ito ay isinasagawa taun-taon at naglalayong mapanatili ang malusog na mga ngipin at masasayang ngiti ng mga estudyante.
Payo ng mga dentista, malaking tulong ang pag-iwas o kontroladong pagkain ng mga matatamis, ito ang karaniwang iminumungkahi upang maiwasan ang pagkasira ng mga ngipin. Mahalaga rin ang pagsisipilyo ng
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
tatlo hanggang apat na beses sa isang araw. Makatutulong din ang pagkonsulta sa dentista may nararamdaman man sa ngipin o
wala, ito ay para masuri ang kalagayan nito at nang mabigyan kaagad ng lunas ang posibleng problema sa ngipin.
Lugaw na abot kaya
Takbuhan kapag gipit, pumapawi ng sakit
Ang “lugaw” ay isang pagkain na kadalasang inihahanda para sa mga taong may sakit. Ayon sa ibang mga ulat, ito rin ang kadalasang kinakain ng mga pamilyang nagigipit o nagtitipid ng bigas. Kapag malamig ang panahon, ito rin ang madalas na inihahain. Gawa ito sa bigas, ginisang bawang, sibuyas, at luya.
Sa paglipas ng panahon, dumami na ang bersiyon nito, isang halimbawa nito ay ang “Arroz Caldo”- isang lugaw na may sadalasang anok at itlog.
Sa mataas na paaralan ng Madrid, may isang magaaral na nagtitinda ng “arroz caldo”. Siya si Marlo Guardo, ayon sa kaniya, bukod tangi ang kanilang arroz caldo dahil hindi lamang ito
pampapawi ng lamig, ito rin ay espesiyal dahil ginawa nang may pagmamahal at hindi tinipid ang sahog. Bukod kasi sa mga karaniwang sangkap ng tipikal na arroz caldo, ay may iniaalok din silang ibang sahog tulad ng karne ng baboy at baka. Mayroon ding chicharon na pangibabaw dito.
Tanong ng karamihan, masustansiya ba ito?
Ang lugaw ay siksik sa fiber, importante ito para sa regular na pagtunaw ng pagkain at para maiwasan ang problema sa pagdumi. Ang isang tasa nito ay mayroon lamang 159 calories na sapat upang makakadagdag sa enerhiya para sa isang araw. Dahil ang lugaw ay may malaking porsyento ng fiber, madali nitong pinupuno ang tiyan ng isang tao nang hindi dinadagdagan ang calories intake. Makakakuha rin dito ng protein at healthy fat. Gayunpaman, mahalaga pa rin na kontrolado ang pagkain nito, ika nga ng karamihan, “masama ang sobra”.
16
Digital na likha sa app.weopi.ai ni Jaye Louise Barrios
ROSITA JAMAICHA ALTIZO
GUHIT NI PHINEHA JOSHUA ESCATRON
ROSITA JAMAICHA ALTIZO
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
UMAARANGKADANG GALING. John Steven Tejor, hindi nabigong bingwitin ang gintong medalya nitong nakaraang PAM noong ika17 hanggang 20 pebrero 2024 matapos iharap sa mga kalaban ang angking husay.
ISPORTS EDITORYAL
Pamantayan na Dapat Sundin
Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga atleta
Ang panuntunan para sa Palarong Pambansa ay isang paraan upang magkaroon ng organisado at mapayapang kompetisyon lalo na at libo-libong atleta, kasama ang kanilang mga tagapagsanay ang lalahok sa ganitong antas ng kompetisyon. Ngunit, dapat nga bang higpitan ang mga panuntunan sa ganitong uri ng kompetisyon?
Ayon sa Rule V, Section 19, 20, at 21 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (RA) No. 10588, na kilala bilang Palarong Pambansa Act of 2013 ay tsaka lamang makakalahok ang atleta kapag nakapasa siya ng mga kinakailangang documento. Nakasaad dito ang age limit na kailangan ang mga atleta sa sekondarya na ipinanganak ng taong 2006
Tejor, inuwi ang gintong medalya sa Athletics
Ipinamalas ni John Steven Tejor, atletang mag-aaral ng Madrid National High School, ang kaniyang natatanging husay sa larangan ng Athletics nang napagtagumpayan niyang iuwi ang kampyonato sa ginanap na Provincial Athletic Meet noong ika-17 hanggang sa ika-20 ng Pebrero, 2024 sa Cantilan Pilot School, Cantilan, Surigao del Sur.
Sa 100-meter at 200-meter dash ay ipinakita niya ang kanyang pang malakasang takbo at naungusan ang kaniyang mga kalaban sa laro na nagresulta upang makamtan niya ang
ay masasama sa cut-off ng mga edad. Isinaad din dito ang mga dokumento na kailangang ipasa: kabilang na rito ang Birth Certificate, Medical Certificate, at ang School Form 10 o ang mga grado ng mga atleta simula baitang 7 hanggang sa kasalukuyang baitang. Ilan sa mga atleta ay hindi sang-ayon sa ganitong panuntunan dahil para sa kanila ay napakahigpit at nagiging sagabal ito sa kanilang mapayapang paglalakbay patungong Palarong Pambansa na nagdadala sa kanila ng sakit sa ulo. Para naman sa karamihan, mahalagang sundin ang mga ito sapagkat ito ang daan para sa produktibo at matiwasay na kompetisyon. Ang lahat ng mga nakasaad sa panuntunan ay para sa kaligtasan ng lahat ng mga atleta, tagapagsanay at ng mga nag-organisa nito.
dalawang gintong medalya. Kung sa relay naman ang pag-uusapan ay hindi niya nagawang biguin ang kaniyang sarili at tagasuporta dahil sa 4x1 at 4x4 relay match ay nasungkit niya rin ang kampyonato. Sa long jump category naman ay nakuha niya ang ikalawang puwesto.
Batay sa isang panayam sa atleta, isang karangalan sa kaniya na irepresenta at maipagmalaki ang Unit 1 sa ganoong klase ng patimpalak sa isports. Ang naging inspirasyon niya sa lahat ng kaniyang mga laban ay ang kaniyang kasintahan na kaniyang masugid na tagasuporta.
Indak ng pangarap
Taong 2018, hindi inaakala ng walong taong gulang na batang babae na ang pagpilit sa kaniya na sumali sa dance sports ay ang simula ng kaniyang karera. Bata pa lamang si Chloe Theresa Aying ay hitik na sa kaniyang kaalaman na ang pagsasayaw ay para sa kaniya. Ngunit, hindi niya inaasahan na gano’n kaaga ito darating sa kaniya.
Ang pag-indak ng kaniyang ina ang isa sa naging dahilan kung bakit sa murang edad ay tinahak na ni Chloe ang larangan ng dance sports. Kilala ang kaniyang ina bilang isang guro at mahusay na mananayaw sa kaniyang lugar kaya naman mataas ang tingin sa kaniya ng ibang tao. Naging matagumpay ang karera ni
Chloe sa larangan ng dance sports ngunit kaakibat nito ang hirap na kaniyang dinanas. Maraming pangungutya ang kaniyang natanggap at iilan sa mga ito ang mga sabi-sabing “nakapasok kalang naman sa dance sports dahil guro ang mama mo” at “nanalo kalang naman dahil kilala ang mama mo”. Hindi niya ito inalintana at nagpatuloy na lamang sa pagsayaw. Hindi naman nawala ang kaniyang kumpiyansa sa sarili bagkus mas pinatibay niya pa ang kaniyang loob at ginawang inspirasyon ang mga masasamang salitang kaniyang natanggap. Sa edad na walo ay pinatunayan ni Chloe ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkamit niya ng gintong medalya. Piniling ipagpatuloy ni Chloe ang pagsasayaw
hanggang siya ay tumungtong ng sekondarya. Naging representate siya ng Madrid National High School at talaga namang hindi niya binigo ang paaralan dahil nag-uwi siya ng tansong medalya.
Sa kabila ng paghihirap ni Chloe sa larangan ng dance sports at sa karera ng kaniyang buhay ay nanatili pa rin siyang matatag. Pinili nitong harapin ang mga pagsubok sa buhay. Piniling balewalain ang pangungutyang natanggap at bagkus gawin itong inspirasyon upang maabot ang pangarap. Sa tulong din at suporta ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang ina ay mas naging malakas pa si Chloe na harapin ang kaniyang problema at piniling ipagpatuloy ang kaniyang pag-indak.
isports 17
INDAYOG. Kwento ng karanasan ni Chloe Theresa Aying sa bawat landas ng pagsayaw na kaniyang tinatahak.
RHAN QUINNET SALOMA
KESIYA BANGUIS
KATE JUSTINE ORQUITA
MNHS LIBRARY DOCUMENTARY PAGE
GUHIT NI PHINEHA JOSHUA ESCATRON
Binigay ng representante ng Madrid Dance Sports duo na sina Chloe Aying at Mico Maragañas ang isang daang porsyentong lakas at husay matapos manalo sa Unit 1 Athletic Meet — Dance Sports Jive Category noong ika-3 ng Pebrero, 2024 na ginanap sa Cantilan Gymnasium, Cantilan, Surigao del Sur.
Sa tatlong pares ng mananayaw na may kaniyakaniyang galing at kaalaman sa larangan ng dance sports, napagtagumpayan pa rin ng Madrid na sungkitin ang kawagian. Naantig ang mga tao sa kanilang sayaw dahil sa ganda ng kanilang komunikasyon at balanseng presentasyon. Determinasyon
at ang kagustuhang manalo ang naging gabay nina Aying at Maragañas sa kanilang pagsayaw sa gitna ng entablado. Ang lahat ng kanilang pagsisikap na pinagdaanan ay nagkaroon ng magandang resulta nang itanghal sila bilang kampeon sa laban.
Batay sa isang panayam sa mga atleta, isang buwang paghahanda ang kanilang iginugol upang masigurado ang pagkapanalo. Pagjo-jogging at tuloy-tuloy na paghahasa ang ilan sa mga paghahanda na kanilang ginawa upang hindi sila madaling maubusan ng hangin. Sa kabila ng lahat ng kaba na kanilang nadama, nakuha pa rin nilang ibuhos ang lahat ng kanilang galing upang maibulsa nila ang gintong medalya.
DETERMINADO Pagpupursige ni Cubero
Isa si Deia Mithuzela C. Cubero sa mga estudyanteng atleta na kwalipikado para sa Caraga Athletic Association- Regional Sports Competition (CAA- RSC) na gaganapin sa Patinay, Agusan del Sur nitong paparating na Mayo 2024. Siya ang magrerepresenta ng Surigao del Sur Division sa larangan ng Lawn Tennis.
Nabigo si Cubero sa laro niya noong Unit 1 Athletic Meet 2023, isa ito sa nag-udyok sa kaniya upang mas pagbutihin pa ang kaniyang kakayahan sa pamamagitan ng ibayong pag-eensayo. Nagtulak din sa kaniya ang kagustuhan niyang makasabak sa mas mataas na antas ng kompetisyon. Sa in-campus competition pa lang ay ipinamalas na kaagad ni Cubero ang kaniyang buong pwersang pagdurog sa kaniyang mga katunggali. Hanggang sa siya ay sumabak sa Provincial Athletic Meet at inerepresenta ang Unit 1 na binubuo ng anim na mga lungsod, hindi niya binigo ang mga sumusuporta sa kaniya dahil mas pinag-igihan niya pa ang kaniyang laro na nagdala sa kaniya sa pagkapanalo.
Ang lahat ng mga nakamit niya ngayon ay bunga ng kaniyang pagsisikap, kung saan ay gumagawa siya ng kaniyang mga drills at naglalaro kapag may libreng oras. Palagi niya ring pinapaalala sa kaniyang sarili na nasa kaniya ang desisyon kung magpapatuloy ba siya o magpapaalam sa kompetisyon. Patungkol sa kaniyang academics ay hindi niya ito napapabayaan dahil nagagampanan niya pa rin ang kaniyang mga tungkulin bilang magaaral sa pamamagitan ng maayos na pamamahala ng kaniyang oras.
Ang Opisyal na Pahayagan ng
Mataas na Paaralan ng Madrid
Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
Mga mananayaw ng Madrid, namayagpag sa Dance Sports
TAGUMPAY. Ipinakita ng manlalaro ng MNHS volleyball girls (mga nakasuot ng kulay asul) ang pagpapakumbaba at pagpapasalamat matapos maiuwi ang kampeonato laban sa SMSMI noong Nobyempre 27, 2023, sa ginanap na District Athletic Meet sa MNHS Gymnasium.
Madrid National High School naghari sa Volleyball laban sa Saint Michael School, 3-1
Namayani ang Madrid National High School kontra sa Saint Michael School matapos nitong makamit ang kampeonato sa ginanap na Madrid District Athletic Meet Volleyball Girls noong ika- 29 ng Nobyembre, 2023 na ginanap sa MNHS Gymnasium.
Sa unang set ay nabigo ang MNHS nang hindi nagpatalo ang Michaelites pagdating sa kanilang galing sa pag-block at service ace na humantong sa iskor na 25-22.
KATE JUSTINE ORQUITA
PURSIGIDONG KAMPEON.
Si Deia Mithuzelah Cubero, atleta mula sa MNHS, ay matiyagang nag-eensayo para sa paparating na Caraga Athletic AssociationRegional Sports Competition (CAARSC) 2024.
Mainit ang naging simula ng laro sa pangalawang set nang hindi magpatinag ang dalawang magkatunggali sa kanilang malalakas na opyensa at depyensa, nagpatuloy ang laro at mas naging matindi ang laban hanggang sa huling punto ng set, ngunit sa huli ay nakuha ng MNHS ang panalo nang tapusin ni Rejane Tejol ang pangalawang set sa kaniyang malakas na palo at tagumpay na nakamit ang unang panalo ng MNHS sa iskor na 27-26.
Walang hirap na dinomina ng MNHS ang SMS pagdating sa huling dalawang set ng laro nang tinambakan ito sa pangatlong set, ibinida ng atletang sina Jessa Mae Maca, Janien Fallado, at Frenilyn Arniego ang kanilang drop ball at service ace bunga ng kanilang sunod-sunod na puntos, pilit na humabol ang kabilang koponan ngunit matibay parin ang pangunguna ng MNHS at nilampaso ang SMS sa pangatlong set na
may 16 na puntos na lamang at tagumpay na inuwi ang pangalawang panalo na may iskor na 25-9.
Sa huling set ay muling namayagpag ang MNHS at nasungkit ang pangatlong panalo bunga ng kanilang pagiging kampeon sa Madrid District Athletic Meet Volleyball Girls, hindi na naisalba ng SMS ang kanilang puntos sapagkat hindi sapat ang kanilang depensa at opyensa para malamangan ang MNHS, tinapos ni Rejane Tejol ang laro sa kaniyang ispayk na may iskor na 25-14.
Sa isang panayam mula kay Rejane Tejol ang Team Captain “Bago paman magsimula ang laro ay kinakabahan ako para sa aking mga koponan dahil baka may magka-injury at nang matapos ang laro ay lubos akong natuwa dahil sulit ang aming pagsasanay at pagsisikap. Huwag din mawalan ng pag-asa at huwag makinig sa mga hindi magagandang salita galing sa iba, maging mapagkumbaba at disiplinado sa sarili, maging determinado at maigi sa pagsasanay.”
Ayon naman sa kanilang tagapagsanay, na si G. Mark Anthony Ortiz, kampante siya bago ang laro ngunit nawala ang kumpiyansa habang naglalaro, pagkatapos naman ng laban ay masaya siya sapagkat pasok sa Unit Athletic Meet ang kaniyang mga manlalaro, mananatili siyang tagapagsanay.
isports 18
INAASAM NA MEDALYA. Sa ginanap na Unit 1 Athletic Meet sa Cantilan, Surigao del Sur noong Pebrero 4 hanggang 6, ipinakita ni Chloe Theresa Aying at Miko Maragañas ang kanilang angking galing na nagresulta sa kanilang pagkapanalo ng isang ginto at apat na pilak na medalya.
KATE JUSTINE ORQUITA
GIAN CARL BICO
RHAN QUINNET SALOMA
ALEXA RHEA ORTIZ
RHAN QUINNET SALOMA
MNHS LIBRARY DOCUMENTARY PAGE
Hakbang Tungo sa Tagumpay: Kwento ng Laro ni Geive Yriarte
KARERA NG BUHAY. Muling ipinamalas ni Geive Yriarte ang kagustuhang manalo sa Track and Field sa ginanap na Unit 1 Athletic Meet sa Cantilan, Surigao del Sur noong Pebrero 4-6, 2024.
Nagmula sa isang mahirap na pamilya si Geive Yriarte sa lungsod ng Madrid, anak ng mag-asawang sina Gerry Yriarte at Heide Yriarte. Bata palang ay alam na niya kung gaano kahirap ang buhay, daan upang makilala niya ang larong track and field.
Isa sa mga nag-udyok at nakakita ang potensyal ni Geive sa larangang ito ay ang kaniyang coach Paul Uriarte sa elementarya. Sa murang edad, nag-uwi na ng parangal si Geive at naging representante sa Unit Meet.
“Isa talaga si coach Paul sa naghikayat sa akin upang subukan ko ang larangang ito,” pahayag ni Geive. “Naalala ko pa nga noon sa unang laro ko ay galing sa ukay ang suot kong damit at sapatos kahit alam kong hindi nararapat suotin ang mga iyon ay ginawa ko pa rin,” dagdag pa niya.
Hindi pinansin ni Geive ang pangungutya sa kaniya ng mga tao dahil determinado ito na manalo at makapag-uwi ng tropeyo.
Hanggang tumungtong siya sa sekondarya ay ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang nasimulan sa larangan ng track and field. Masasabi niya talaga na malaki ang tulong na naibigay sa kaniya ng kaniyang coach sa elementarya kaya naman hindi niya ito makalimutan. Patuloy pa rin na nagsumikap si Geive sa tulong at suporta ng kaniyang
pamilya hanggang sa nalasap na niya ang tagumpay at maging isang representante para makalaro sa Provincial Athletic Meet. Labis ang kaniyang saya dahil sa wakas ay mapapawi na ang kaniyang hirap.
Sa kabila ng kaniyang karera sa larangan ng track and field ay hindi niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral. Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at pamilya ay nababalanse niya ang pag-aaral at paglalaro. Sa naging suporta rin ng paaralan ng Madrid National High School ay natutustusan niya ang pangangailangan niya sa kaniyang mga laro. Dahil sa larong track and field nagbago ang kaniyang buhay, naging mas masaya at talaga namang napamahal na si Geive sa laro. Kaya naman isa sa kaniyang plano sa hinaharap ay ang sumali pa ng mga patimpalak at mag-uwi ng maraming tropeyo.
“Ang payo ko sa mga gustong sumubok sa track and field ay dapat kayo ay maging disiplinado na parang totoong atleta. Normal lang na tayo ay mapagod pero kahit na gano’n ay ‘wag na ‘wag tayong titigil at patuloy lang sa pagtakbo, hindi mo namamalayan na malapit mo na palang makamit ang rurok ng tagumpay. At huli sa lahat, ‘wag na ‘wag mong kakalimutan ang Diyos. Magdasal ka dahil siya ang gagabay sa bawat hakbang mo at hindi ka niya pababayaan”.
Sa Likod na Paglilingkod
Sa likod ng pagkapanalo ng mga atleta ay may mga taong naglilingkod sa kanila. Mga taong hindi man madalas na napapansin ngunit kailanman ay hindi nawala sa bawat larong sinasalihan ng mga atleta. Sila ang mga taong patuloy na nandiyan para suportahan ang mga manlalaro ng Madrid National High School. Isa sa mga taong patuloy na naglilingkod sa mga atleta ay si Mang Lornito
Resula. Ang kagustuhan niyang makapagtrabaho sa gobyerno ang nag-udyok sa kaniya upang pumasok sa paaralan. Higit 35 taon na siya sa serbisyo bilang tagaluto at tagapangasiwa sa canteen at kasalukuyang nagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng Madrid National High School. Sa tagal na niya sa MNHS ay palagi siyang naatasan na maghanda ng mga pagkain para sa mga atleta. Agahan hanggang hapunan ang kaniyang hinahandang pagkain. Hindi niya
Madrid District nagkampeon sa Unit 1 Athletic Meet Badminton
Doubles- Girls kontra sa Carrascal District, 2-1
Hindi nagpatalo ang manlalarong sina
Krystiane Grace Floresca at Kylie Yparraguirre matapos nitong gapiin ang koponang Carrascal sa ginanap na Unit 1 Athletic Meet Badminton Doubles- Girls sa San Pedro Country Farm, Cantilan, Surigao Del Sur noong ika-3 ng Pebrero, 2024.
Puma-ilanglang pareho ang dalawang atleta sa unang set pa lamang nang ipinakita nito ang angking galing sa paglaro, hindi nagpatinag si Yani at Kylie sa kanilang service ace at smash at nanguna sa puntos, sinubukang humabol ng kalabang Carrascal ngunit hindi ito naging sapat para malamangan ang koponang Madrid, natapos ang unang set sa iskor na 21-13 at nasungkit ng Madrid ang unang panalo.
Sa pangalawang set ay nabigo naman sila nang makuha ng Carrascal District ang panalo na may 21-16 na iskor.
Hindi umurong ang koponang Madrid sa pangatlong set nang mas ibinida pa ng dalawang atleta ang mga dropshot at malupitang smash, kuhang-kuha ng koponang Madrid ang momentum at mas naging matibay ang ugnayan ng dalawang manlalaro hanggang sa pagtatapos ng laro, pilit na
isalba ng koponang Carrascal ang puntos na kanilang nakuha ngunit ay lamang parin ang Madrid, tagumpay na nilupig ng Madrid ang Carrascal sa pangatlong set nang tinapos ni Yani ang laro sa kaniyang pag-smash at tuluyan nang napanalunan ang kampeonato kasama si Kylie sa Badminton Doubles-Girls.
“Bago paman nagsimula ang laro ay nakaramdam ako ng kaba, ako ay nagdarasal sa panginoon na sana ay gabayan niya kami at ilayo sa kapahamakan habang maglalaro. Pagkatapos ng laro, lalo na nung nagwagi kami ay labis na saya ang naramdaman ko sapagkat nagbunga ang aming pagsisikap at unang beses din namin itong makapasok sa Provincial Athletic Meet, hindi ko nakalimutan ang panginoon dahil sinamahan niya kami sa aming panalo,” ani Kylie Yparraguirre sa isang panayam. Dagdag din ni Yani na bagama’t kailangan pa ng karagdagang pagsasanay, nagpapasalamat pa rin siya dahil naipakita nila ang kanilang laro sa pinakamahusay at magandang paraan. Sinabi rin niya na sa mga naghahangad na Badminton Players magpatuloy sa paglalaro, magpatuloy sa nasimulang pagsasanay at tamasahin ang iyong isport.
inalintana ang init at pagod para lang mabigyan ng masarap at masustansiyang pagkain ang mga manlalaro. Labis ang kaniyang kasiyahan na sa simpleng paghanda ng pagkain ay natutulungan at nasusuportahan niya ang mga atleta. Hitik sa kaniyang kaalaman na palagi siyang kinukutya dahil sa kaniyang trabaho ngunit kailanman ay hindi niya ito dinamdam dahil para sa kaniya ang paglilingkod sa mga bata ay masaya at alam niya sa sarili niya na mabuti ang kaniyang intensyong paglingkuran ang paaralan. Ang kaniyang paglilingkod sa mga bata ay isa rin sa kaniyang paraan upang sila ay masuportahan.
KATE JUSTINE ORQUITA
KAMPEONATO. PIpinakita nina Krystiane Grace P. Floresca at Kylie Yparraguirre ang kanilang galing at koordinasyon sa paglalaro ng Badminton na nag-ugat ng kanilang pagkapanalo noong Pebrero 4-6, 2024.
Hindi naging madali ang naging buhay ni Mang Lornito ngunit dahil sa kagustuhan niyang maglingkod ay malaki ang kaniyang kontribusyon sa larangan ng isports. Hindi man siya ang taong mismong sumasabak sa laban pero isa siya sa mga taong nagpapatatag sa pundasyon ng mga atleta. At dahil sa simpleng gawa niya ay nanatiling malakas ang mga manlalaro. Hindi man masyadong pinahahalagahan ng iba si Mang Lornito, ngunit ang kaniyang serbisyo ay lubos na hindi matatawaran.
isports 19
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division Tomo 1 Bilang 1
ALEXA RHEA ORTIZ
KESIYA BANGUIS
KESIYA BANGUIS
Madrid tinambakan ang
isports
Pamantayan na dapat sundin
Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga atleta
Carrascal sa Basketball, kampeonato napasakamay
Umarangkada na patungong Provincial Athletic Meet
Hindi nagdalawang-isip na hagupitin ng koponang Madrid ang koponang Carrascal sa larong 3 on 3 Basketball sa ginanap na Unit 1 Athletic Meet 3 on 3 Basketball Championship Round noong ika3 ng Pebreo 2024 sa bulwagan ng Magosilom, Cantilan, Surigao del Sur. Unang sumabak sina Arado, Arjona, at Buhangin na mga manlalaro ng Mataas na Paaralan ng Madrid. Sa pagsisimula pa lang ng laro ay hindi maipagkakaila ang kanilang angking lakas at galing sa paghawak ng bola. Matindi ang depensa ng koponang Madrid na naging sanhi sa pagpapaulan nila ng puntos. Lubos na nahirapang bumawi ang koponang Carrascal dahil sa mahigpit na paghawak ng bola ng kabilang koponan. Nagtangka mang magbato ng puntos ang koponang Carrascal ay hindi pinapalusot ng koponang Madrid na nagdulot upang matambakan nila ang Carrascal sa iskor na, 22-9. Nakamit ni Nathaniel Arado ang titulong ‘Most Valuable Player’ na may puntos na 11.
Ayon sa isang panayam, umabot sila sa gano’ng antas ng laro dahil sa kanilang mga ginawang paghahasa at estratehiya na rin sa laro. Kung saan ay nagsasagawa sila ng drills bago ang laro at pananalig sa Diyos at sa kapwa manlalaro ang naging puhunan upang maisakatuparan ang kanilang layunin na manalo. Nakaramdam sila ng kaba at takot dahil sila ang magrerepresenta ng lungsod sa antas ng laro na iyon, pero hindi ito naging hadlang sa kanila. Sa halip ay ginawa nila itong motibasyon at inspirasyon upang mas magsikap pa sila sa laro. “Nakaramdam kaming lahat ng lubos na kaligayahan dahil nagbunga lahat ng aming pagsisikap,” saad ni Arado.
Madrid
na PAM nitong Pebrero 17-20, 2024.
CAA-RSC Catayas, naghahanda na para sa paparating na
Nagsisimula na ngayon ang pagyabong ng mga pag-eensayo ng mga atletang kuwalipikado para sa paparating na Caraga Athletic Association- Regional Sports Competition (CAA- RSC) 2024. Isa si James Catayas, mag-aaral galing sa Madrid National High School sa mga atletang naghahanda at mas lalo pang pinag-iigihan at pinag-aaralan ang kaniyang mga galaw sa chess.
Isang delegado si Catayas ng Palarong Pambansa noong 2023 na ginanap sa Marikina, Philipppines. Ang lahat ng mga natutunan niya sa landas na tinahak ay mas lalo pa niyang iniimproba. Ang pag-aaral at
NHS, sa unang pagkakataon
sa larangan ng Taekwondo
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigyang tsansa ang mga mag-aaral ng Madrid National High School na ipamalas ang kanilang kakayahan at madala ang pangalan ng Madrid sa larangan ng Taekwondo.
Binigyang patunay ito ng mga atleta nang sila’y sumabak at nagbigay ng nakapanindig-balahibong laban sa Unit 1 Athletic Meet na ginanap sa Cantilan National High School nitong Pebrero 3, 2024. Nilahukan ito ng mga manlalarong sina Garnet Julia Fallado, Jana Urquia, at Joshua Phineha Escatron.
Nang unang isabak si Garnet ay nagdulot ng sigawan at suporta para sa kaniya, ngunit tila hindi ito naging sapat upang madala ng kaniyang malalakas na sipa ang gintong medalya. Habang may natitira pang
pag-asa sa dalawa pang pambato ay hindi pa rin maiiwasan ang kaba at takot, subalit parang wala lamang ang mga ito para kay Jana nang siguruhin niya ang pwesto at sungkitin ang gintong medalya.
At nang dumating na sa pagsabak si Joshua ay nagbigay ng matindi at tindig-balahibo pakiramdam para sa mga manonood nang makaabot pa ito ng ikatlong pagtutuos, ngunit sa huli ay bigo pa rin niyang maabot ang panalo at nagwagi siya ng pilak na medalya.
paghahasa ng kanyang galawan na may mga bagong pamamaraan ang isa sa mga praktis na kaniyang ginagawa ngayon para mas lalo pang maging handa sa paglahok sa gano’ng kompetisyon. Isa pa sa kaniyang paghahanda ay ang pagsali sa mga pangprobinsiyang patimpalak na nagbibigay sa kaniya ng bagong kaalaman at mas nadadagdagan pa ang kaniyang mga estratehiyang ginagawa. Ayon sa kaniya, hindi dapat siya maging kampante sa laban kahit na sa gano’n karaming karanasan niya sa larangan ng Chess ang kaniyang napagdaanan ay dapat na maging kalmado lang.
Bukod sa bago pa lamang ang isport na ito sa MNHS ay ipinagmamalaki na nito ang mga nakamtang panalo. Hindi lamang ito ang isang hindi malilimutang karanasan sa pagsungkit ng panalo bagkus ay ito rin ang nagbukas ng pagkakataon para sa mga magaaral ng MNHS sa larangan ng Taekwondo.
isports
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024
17
RHAN QUINNET SALOMA
WAGI. Talas ng utak ang naging puhunan ng kampeonatong si James Catayas matapos malamangan ang mga kalaban sa ginanap
RHAN QUINNET SALOMA
SIPANALO. Si Joshua Phineha T. Escatron, nakasuot ng asul na body armor, ay isa sa mga unang nakilahok sa isports na Taekwondo sa ginanap na Unit 1 Athletic Meet, ika-3 ng Pebrero 2024 sa Cantilan, Surigao del Sur.
GIAN CARL BICO
KATE JUSTINE ORQUITA
GIAN CARL BICO