LINGKOD NG BAYAN, BANTAY NG KATOTOHANAN.
angluntianpublication@gmail.com
Pagpapatayo ng Canteen sa Talon Dos Campus
Natapos
na ang pagbuo ng canteen noong unang linggo ng Marso 2024 sa Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS-TDC). Nagsimula ang pagbuo ng canteen noong pagtatapos ng Disyembre ng 2023.
Sa kasalukuyan, ang canteen ay sa isang silid at nagreresulta sa siksikan ng mga mag-aaral tuwing lunch at recess.
Kaya naman napagdesisyonan ng eskwelahan na gumawa ng mas malawak na canteen upang mabigyan ng mas maluwag na pagpipilian ang mga estudyante upang hindi magkumpulan sa isang lugar.
Makatutulong ito sa pagdami ng estudyante sa Talon Dos Campus dahil sa muling pagsimula ng pagbukas ng early registration para sa pagpasok sa LPCNSHS-TDC ng mga bagong estudyante sa taong 2024-2025.
KANTINA SA TDC: Natapos na ang ipinapatayong Canteen sa Las Piñas City National Senior High School Talon Dos-Campus. Kuha ni John Fernando Rocha
236k Trees Isinigawa sa Talon Dos Campus
Sa pagsapit ng kapaskuhan, ang mga guro at mag-aaral ng Las Piñas City National Senior High School- Talon Dos Campus ay nakiisa sa pagbigay suporta sa proyekto ng DepEd na pagtatanim ng 236,000 na mga puno, regalong handog para sa kabataan.
Ang proyektong ito ay isinagawa at naganap noong ika-6 ng Disyembre 2023 sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Rover Scouts sa LPCNSHS- Talon Dos Campus. Ang mga guro at mag-aaral ng TDC ay nagtulungan upang magkaroon ng mga punla na maidadala sa paaralan.
Ang proyekto ng DepEd na ito ay naglalayon na maging daan upang mapangalagaan ang kalikasan para sa kinabukasan at sa susunod na henerasyon ng mga kabataan.
Talonians, wagi sa UP PolSci Contests
Nag-uwi ng mga medalya ang mga mag-aaral na kalahok ng Las Pinas City National Senior High School -Talon Dos Campus matapos manalo sa ginanap na University of the Philippines Political Science 2023 Balangay “Kabataan Maki-Alam” na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman nitong ika-25 ng Nobyembre 2023.
SUPERTITSER 2023. Nakilahok ang Principal ng Talon Dos-Campus na si Sir Dave Renath Baguio sa mga larong inihanda ng mga estudyante nitong ika-29 ng Setyembre, 2023. Kuha ni Keeno De Castro
Ang Luntian
Nasungkit ni Adrian Gabriel R. Azucena (12- Fairness) ang Ikalawang Gantimpala sa Argumentative Essay habang ang grupo naman nila Shaquel C. Agumbay (12- Diplomacy), Cassie Nirel Cuello (12- Diplomacy), at Rhaizza C. Legaspi (12- Diplomacy) ay nakuha ang Ikatlong Gantimpala sa Political Research Proposal and Defense. Pagbati rin sa mga mag-aaral na kalahok na ginawa ang kanilang makakaya para sa kompetisyon.
Kahanga-hanga ang determinasyong pinakita ng mga mag aaral ng LPCNSHS-Talon Dos Campus. Sila ay bukod-tanging pinagmamalaki ng paaralan sapagkat pinakita nila ang kanilang angking galing at kahusayan sa larangan na ito.
SUPERTITSER 2023
Talon Dos Campus, Ipinagdiwang ang World Teachers’ Day 2023
Cassie Nirel CUELLO KALIHIM
Idinaos ng Las Pinas City National Senior High School - Talon Dos Campus ang World Teachers’ Day 2023 na may temang, “Teachers as superheroes, unmasking the power of education”, na pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at mga club organizations ng paaralan.
Nagsimula ang selebrasyon ng World Teachers’ Day sa Talon Dos Campus sa pamamagitan ng mga club booths na inihanda ng bawat club organizations, mula 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali. Kanya-kanyang mga palaro at aktibidad ang isinagawa ng bawat booths kung saan nakilahok ang mga mag-aaral at mga guro. Kabilang na rito ang Photo booth ng SSLG, Karaoke booth ng ICT & Robotics Club,
Pap D’ Balloon ng BSP club, Balloon Hunt ng Math and Science Club, Tell a secret, Read a secret ng Peer Club, Mathketball ng Sports Club, Mail and Freedom Wall ng The Leap at Ang Luntian, at ang Minute to Win it, Memory Capsule, Freedom Wall ng BERT Club, at Spin the Teacher ng Sinagtala Club.
Sa hapon naman, nagkaroon ng isang programa upang higit pang mabigyang halaga ang paggunita ng World Teachers’ Day sa Talon Dos Campus. Isa sa mga nakapaloob sa programang ito ay ang pagkilala sa mga mag-aaral na lumahok at nanalo sa SuperTitser 2023 Slogan Making, Poster Making, at Student Teacher Impersonation.
Hindi naman nagpahuli ang mga magaaral sa pagpapakita ng kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw. Pinangunahan ng Sinagtala Chorale and Dance Troupe
ITALA MO Kurso na kukunin ng mga Baitang 12 ng LPCNSHS -TDC sa Kolehiyo
LEGEND ENGINEERING MEDICAL ICT
HINDI SIGURADO
ang mga itinanghal na intermission numbers para sa nasabing programa. Kabilang dito ang mga bandang “Banda rito” at “Banda roon”, pati na rin ang Sinagtala Dance Troupe.
Sa pagtatapos ng programa, inalayan ng isang documentary video ang mga guro na inihanda ng SSLG at ng mga magaaral sa Talon Dos Campus. Binigyan din ng mga parangal at sertipiko ang mga guro bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at patuloy na pagsisikap: Ang selebrasyon ng World Teachers’ Day ay isang mahalagang okasyon upang bigyang pasasalamat at pagpapahalaga ang ating mga gurong patuloy na humuhubog sa kinabukasan ng mga magaaral. Sa paggunita nito, nakikilala ang kanilang kontribusyon sa edukasyon at ang kanilang papel sa buhay ng bawat mag-aaral.
Datos mula sa: LPCNSHSTalon Dos Campus Work Immersion Commitee
BALITA Talon Dos Campus, Nagwagi sa 7th DSPC TOMO III BLG.1 Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Talon Dos Campus , Sangay ng Las Piñas City AGOSTO - MARSO 2024 ANG
QR code: Hatid ang kapakanan ng kabataan
Ingatan ang Puso OPINYON ISPORTS Tulong o Trabaho nga ba ? Atletang mag-aaral kaya pa ba?
LUNTIAN AG-TEK
LATHALAIN
BALITANG KINIPIL
Jewel MARTINEZ BALITA
Likha ni: Cassie Nirel CUELLO at Shaquel C. AGUMBAY
BILANG NG MGA
ESTUDYANTE NA
NAG-ENROLL MULA TAONG
2019 HANGGANG 2023
Datos mula sa: LPCNSHSTalon Dos Campus Registrar
Likha ni: Cassie Nirel CUELLO at Shaquel C. AGUMBAY
BAYANIHAN SA TDC: Pakikiisa ng estudyante sa ginanap na Brigada Eskwela 2023 nitong Agosto 14, 2023 Kuha ni Christian John C. Portento
BAYANIHAN PARA SA
MATATAG NA PAARALAN
Nagkaisa ang mga magulang, guro, at mga estudyante mula sa mga antas ng Grade 11 at 12 para sa isang makulay na paglunsad ng “Brigada Eskwela 2023”na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan” nitong ika-14 ng Agosto, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, sa Talon Dos Campus.
Pinangunahan ang programa ng mga kinikilalang personalidad sa lungsod na sina Gng. Mel Aguilar, ang Mahal na Mayor ng Las Piñas; Gng. Camille Villar, ang Kagalang-galang na Kongresista; G. Raygeinald P. Villacorta, ang Senior Education Program Specialist sa Social Mobilization and Networking; at si Alameer Hossam Dimalanta, isang alumni ng Talon Dos Campus. Sa pamamagitan ng mga mensaheng ito, ipinahayag ng mga ito ang kanilang suporta para sa aktibidad.
Nagpatuloy ang programa sa presentasyon ng mga boluntaryo at mga stakeholders na pinangunahan ni Gng. Cheryl Retio. Ang mga indibidwal at grupo na aktibong sumusuporta sa paaralan, partikular sa mga adhikasyon ng Brigada Eskwela, ay binigyan ng pagkilala at papuri.
Isinumite naman ni Gng. Ma. Cristina Dingal, ang Campus Brigada Eskwela Coordinator, ang mga plano para sa Brigada Eskwela. Sa kabila ng pagmamadali dahil sa inaasahang ulan, ipinaliwanag niya ang layunin ng brigada at binigyang-diin ang mga pangunahing proyekto ng paaralan tulad ng “Classroom ko,
Brigada Eskwela 2023, opisyal na inilunsad sa TDC
Ni: John Fernando B. ROCHA
Brigada ko”, “Gulayan sa Paaralan”, at ang bagong “Talon Dos Campus Pantry.”
Matapos ang mga plano para sa Brigada, nagbigay ng talumpati ang mga bisita mula sa PNP ukol sa pag-iingat laban sa krimen at pang-aabusong seksuwal. Ang unang tagapagsalita ay si PCPL Lexter N. Herpacio na nagpokus sa mga karaniwang krimen na maaaring maging biktima ang mga estudyante.
Binigyan-diin niya ang mga pamamaraan para maiwasan ang mga krimen tulad ng budol-budol, dugo-dugo, holdapan, salisi, at ang laglag barya scheme. Ang ikalawang tagapagsalita naman ay si PCPT Perla V. Arroyo. Ipinakita niya ang mga sitwasyon ng pang-aabuso ng seksuwal sa mga lugar ng trabaho pati na rin sa mga institusyon ng edukasyon.
Ibinahagi niya ang mga paraan kung paano matutulungan ng paaralan ang isang estudyanteng nag-ulat ng anumang uri ng pang-aabuso sa seksuwal.
Kasama si OIC Dave Renath R. Baguio, tinalakay din nila ang mga pananagutan ng mga institusyon ng paaralan sa ganitong mga sitwasyon. Matapos ang kanilang mga talumpati, binigyan sila ng mga sertipikasyon ng pagkilala kasama ang kanilang kasamahan na si PCPL Misaela Isabel Ruby Tapal.
Matapos ang mga makabuluhang talumpati, nagsagawa ng pre-orientation si Bb. Mae Christine Diana para sa mga papasok na Grade 11 at 12. Ito ay naglayong gabayan ang mga estudyante sa mga inaasahan sa kanilang pag-aaral sa mga susunod na taon.
Matapos ng pre-orientation, nag-umpisang maglinis at mag-ayos ng mga silid-aralan ang mga boluntaryo na dumalo sa aktibidad. Sa paraang ito, ipinakita ng komunidad ang diwa ng bayanihan para sa kinabukasan ng mga mag-aaral ng Talon Dos Campus.
Pagbubukas ng Bagong Yugto ng Talon Dos Campus
Ni: Von Merick O. PASAMBA
Muling binuksan ang pinto ng Las Piñas City National Se- nior High School - Talon Dos Campus para anyayahan ang mga bagong papasok na mag-aaral sa Grade 11 at mga transferees sa Grade 12. Ginanap ang maagang pagrerehistro noong ika-26 ng Enero hanggang ika-23 ng Pebrero.
Humigit isandaang mag-aaral ang pumunta sa TDC upa- ng magpalista sa early registration. Para sa susunod na taon, kasalukuyang STEM strand lamang ang inaalok sa mga es- tudyante. Magaganap ang entrance examination para sa mga bagong grade 11 students sa ika-13 ng Abril para sa Taong Panuruan 2024-2025.
Ang kredensyal na dapat maipasa ng mag-aaral ay ang kanilang photocopy ng Grade 10 report card at PSA Birth Certificate. Nagsimula ang pagsusumite noong ika-12 ng Marso hanggang ika-12 ng Abril.
Ang kahandaan ng mag-aaral sa STEM strand ay masu- subok sa admission test na inihanda. Ito ay upang masuri ang kakayahan ng mag-aaral.
Kuha ni: Angel May T. OCON
EARLY REGISTRATION 2024 UMARANGKADA
NA!: Mga estudyante na nahilahok sa Early Registration ng Talon Dos Campus.
02
balita
ALAMIN!
Kasalukuyang Bilang ng mga
Maagang Nagparehistro para sa Taong Panuruang 2024-2025
balitang talonian
MGA BAGONG LIDER NG TALON DOS CAMPUS
Ni: Ma. Ella Krizel MOJICA
“
Being a leader is not just having dedication, it entails commitment.
Shaquel C. Agumbay
Ginanap
ang Induction of Offi- cers para sa taong 2023-2024 sa Bamboosetum Court nitong Biyernes ika-17 ng Nobyembre, 2023. Kasama sa programang ito ang mga mahahalagang personalidad sa Ba- rangay na sina Kapitan Arnold “Jojo” Reyes, Kagawad Jong Dizon, at Kaga- wad Von Tungala.
Ang magiting na pagtitipon ay siyang pinangunahan nina Jamaicah Rose Rama at Alexa Nicole Janiola bilang mga Masters of Event.
Ang pormal na pagbubukas ng pro- grama ay nagtaglay ng makabulu- hang mensahe
mula kay Bb. Mae Christine Diana, na siyang nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga lider sa paghubog ng hinaharap.
Isa ring pagbibigay-inspirasyon ang naging mensahe ni Kapitan Reyes na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging tagapagtaguyod at tagapamahala.Matapos ang oathtaking ay nagbigay ng mensahe ng pagtanggap ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President na si Shaquel C. Agumbay.
Sumunod ay ipinarinig ng Sinagtala Chorale ang kanilang mga boses sa magandang pagtatanghal ng “Liwanag sa Dilim.”.
Matapos nito ay nagbigay din mensahe ang SPTA President na si G. Amory O. Argones patungkol sa kanyang paglilingkod, naglatag din siya ng iilang mga proyekto upang mas lalong maproteksyunan ang paaralan at ang mga estudyante ng Talon Dos Campus.
Sa kalahating bahagi ng pagtitipon, ay siyang isinagawa ang presentasyon ng mga opisyal ng
School Parent-Teacher Association (SPTA) officers. Sa pamumuno ng punong guro na si Dave Renath R. Baguio at sa tulong ng ating Barangay Captain na si Kapitan Jojo Reyes, isinagawa ang Oath of Office.
Sa huli ay nagbigay ng pagtatapos na pahayag ang ating punong guro na si OIC Dave Renath R. Baguio, inilatag niya ang katagang AWIT para sa ating mga bagong halal na lider ,na nangangahulugang Availability, Willingness to Serve, Interest, at Talent. Nagbibigay gabay ito sa ating mga lider sa tamang landas na dapat tahakin. Ang pagiging handa, bukas sa paglilingkod, may interes at talento ay mga pundamental na aspeto na nagbibigay-lakas sa bawat hakbang na kanyang tatahakin.
Sa pagkakaroon ng mga ganitong okasyon, hinihimok natin ang mga lider na ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod na may tapang at integridad, sapagkat sa kanilang kamay ay may pag-asa na kayang magbigay liwanag sa komunidad.
TDC, nasungkit ang medalya sa SIP Division Competition
Ashley O. NUEVO
PATNUGOT NG BALITA
Nag-uwi ang mga mag-aaral ng TDC sa iba’t-ibang larangan sa ginanap na 2023 Division Science and Mathematics Fair na ginanap sa Las Pinas City National High School - Main na pinangunahan ng Division of Las Pinas noong ika-15 ng Nobyembre 2023.
Isa-isang anunsyo ang mga mananaliksik na nagkamit ng parangal at kasama na rito ang lahat ng pambato ng TDC. Mula sa group category na Mathematics and Computer Science, ikatlong pwesto sina Calvin B. Delos Reyes, Yasser C. Mackno, at Gabriel N. Sanchez. Nakuha nina Hanna Mae N. Cardeno, Carl Melvin A. Erosa, at Khris Andrew U. Ty ang ikalawang pwesto sa Robotics and Intelligent Machine.
Samantala, umakyat sa ikatlong pwesto sina Calvin B. Delos Reyes, Ma. Jael Cecilia O. Almazan, at Sophianna Jillian V. Magayon at pinarangalan bilang Best Presenter sa kategoryang Physical Science. Nagpamalas din ng angking galing si Micah Elvira C. Austria sa indibidwal na kategorya sa Robotics and Intelligent Machine at nasungkit ang ikatlong pwesto at hinirang bilang Best Presenter. Nagpahayag naman ng kagalakan ang mga kalahok at aniya’y nagbunga lahat ng kanilang pagsisikap. Ganito rin ang naging utas ng mga Mentor Trainer nila na sina Gng. Ailine Austria at G. Alejandrino Rabutan.
Talonians, nakilahok sa ASEAN Exhibit ng LPSCI
Ni: Angel May T. OCON
Dumalo ang mga mag-aaral ng Las Pinas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS-TDC) sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) and United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Learning Engagement Exhibit na may temang “Changing Courses, Transforming Education” sa Las Pinas City National Science High School (LPCNSHS) nitong ika-19 ng Setyembre 2023.
Ang ASEAN ay isang panrehiyong organisasyong na binubuo ng sampung miyembro: Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam. Ang mga kasapi nito ay may layuning magtulungan sa kooperasyong ekonomiya at seguridad ng nasasakupan.
Sa pangunguna ng mga mag-aaral at guro ng LPCNSHS, natunghayan ng Talonians ang iba ibang kultura, relihiyon, pagkain at lengguwahe ng mga bansa sa Timog - Silangang Asya. Ibinida rin ang mga tanyag na tourist spots, artifacts, kultura at tradisyon sa Pilipinas.
Lumahok din ang Talonians sa isang “trivia quiz” ukol sa kalagayan ng organisasyong ASEAN sa nagdaan na taon. May iilang mag-aaral na tumama sa sagot at may iilan na hindi, ngunit parehas pa rin nakakuha ng premyo mula sa pagsali.
Ang pagsali at pagpunta ng mga exhibit ay isang oportunidad na magkaroon ng kamalayan, koneksiyon at kaluguran upang palawakin ang pananaw at kumonekta sa kapwa sa iba’t ibang kultura. Inaasahan na magagamit ang natutunan sa angkop na paraan.
03 balita
PARA SA BAYAN: Ang Pagtanggap ng Hamon ni Shaquel C. Agumbay bilang Boses ng mga Mag-aaral at panunumpa nito sa Paaralan. Kuha ni: Sai Eliscupides
TATAK ASEAN: Pagpapaliwanag ng Iba’t-ibang Kultura at Tradisyon na dapat malaman sa bahagi ng ASEAN. Kuha ni: Shaquel C. Agumbay
ABANTE TALON DOS CAMPUS
Talon Dos Campus, Nagwagi sa 7th DSPC
Ni: Heart Majesty EMATA
Nasungkit ng mga mamamahayag ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus ang mga gantimpala sa ikapitong Division School Press Conference na may temang “The Rule of Campus Journalism in Fostering DepEd Matatag; Addressing Literacy, Chartering a New Path” na ginanap noong ika-24 ng Pebrero sa Las Piñas Elementary School Central.
Inuwi naman nina Kaeli Denise Trinidad at Maritoni Patimo ang gantimpalang Kampeon at 1st-Runner Up sa pagsulat ng Lathalain at Feature Writing na siyang kwalipikado sa paglaban sa Regionals sa Pasay City.
Nagwagi rin ang mga mag-aaral sa piling kategorya:
- Ika-apat na Gantimpala sa Editorial Cartooning (English)
- Chloe May Velasco
- Ika-apat na Gantimpala sa Pagsulat ng Kolum - Kaye
Cassandra Bienes
- Ikalimang Gantimpala sa Copyreading and Headline Writing - Sandra Nicollette Manimbao
- Ikalawang Gantimpala sa Online Publication (Filipino)Shaquel Agumbay, Cassie Nirel Cuello, Sean Austin Rous, John Fernando Rocha, Angel May Ocon
- Unang Gantimpala sa Online Publication (English) - Tia Marie Joelle Tiberio, Ma. Yxequiela Masangkay, Adrian Gabriel Azucena, Rhaizza Legaspi, Anne Azerud Estrope
- Ikalawang Gantimpala sa Collaborative Desktop (English) - JR Morales, Mivie Sabijon, Marie Isabeli Mondejar, Jenson Esplana, Gabrielle Sanchez
- Ikatlong Gatimpala sa Collaborative Desktop (Filipino) - Joey Marie Lopez, Carl Melvin Erosa, Ma. Ashley Mae Nuevo, Rossaine Jerez, Calvin Delos Reyes
- Ikalawang Gantimpala sa Online Publication (English) - Tia Marie Joelle Tiberio, Ma. Yxequiela Masangkay, Adrian Gabriel Azucena, Rhaizza Legaspi, Anne Azerud Estrope
- Ikalawang Gantimpala sa Collaborative Desktop (English) - JR Morales, Mivie Sabijon, Marie Isabeli Mondejar, Jenson Esplana, Gabrielle Sanchez
- Ikatlong Gantimpala sa Collaborative Desktop (Filipino) - Joey Marie Lopez, Carl Melvin Erosa, Ma. Ashley Mae Nuevo, Rossaine Jerez, Calvin Delos Reyes
LIGTAS NA IMMERSION: Pagpupulong para sa paghahanda ng Work Immersion ng mga Ika-12 Baitang para sa panuruang 2023-2024
balitang talonian
Itinanghal naman ang mga parangal na Ikatlong Gantimpala ang Filipino, English at Combined Grouped Secondary at Ikatlong Gatimpala pagdating sa Overall Champion sa gurong tagapatnubay na sina Bb. Diana Rose Dullas, Bb. Mae Christine Diana, at G. Mark Jefferson Pascual at sa punongguro ng nasabing paaralan na si G. Dave Renath Baguio.
Ang pagkapanalo ng Talon Dos-Campus ay sumisimbolo ng kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Taos-puso namang nagpapasalamat ang mga gurong taga patnubay sa mga estudyanteng kalahok sa patimpalak. Manalo, matalo’t para sa kanilang mga puso ay panalo. Inaasahang na magpatuloy pa ang liwanag sa malayang pamamahayag.
Work Immesion Orientation sa
Ni: Alexa Nicole A. JANIOLA Nagsagawa
ng pagpupulong para sa oryentasyon ng work immersion ang mga guro ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus sa pamumuno ng mga work immersion advisers na sina Bb. Mae Christine S. Diana at Bb. Diana Rose D. Dullas noong Sabado, Pebrero 3, 2024.
Ang nasabing pagpupulong ay idinaos sa Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus grounds sa tulong ng Supreme Secondary Learner Government.
Layunin nito na ipakilala at ipaliwanag ang nalalapit na work immersion deployment ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang pati ipaalam ang iba’t-ibang mga patakaran at polisiya na susundin ng paaralan at mga mag-aaral para sa programa na ito.
Sa pangunguna ni Bb. Diana, ipinakilala ang walong partner na institusyon kung saan magtatrabaho ang mga estudyante.
Kasama sa mga ito ang Ad Connexion, City Government ng Las Piñas - Engineering’s Office, Sionil Builders Corp., Polylite Industrial Corporation, MJLM Design and Construction, Christ The King Medical Center, Callejo Medical Clinic, at E. Zarate Hospital.
Ipinakita rin ang iskedyul ng pagpapadala ng bawat batch ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang mga partner na institusyon.
Ang naturang orientasyon ay naglalayong magbigay ng wastong kaalaman at paghahanda sa mga magulang patungkol sa inaasahang work immersion deployment ng kanilang mga anak.
04 balita
NGITING TAGUMPAY: Paghakot ng Medalya ng Talon Dos Campus sa Division Schools Press Conference 2024. Kuha ni: Shaquel C. Agumbay
Kuha ni: Christian John C. PORTENTO
LPCNSHS-TDC,
Inilunsad
ni: Keeno R. DE CASTRO
QR code: Hatid ang kapakanan ng bawat kabataan
“Nakapasok na kaya ang anak ko?”
Madalas na tanong ng mga magulang na naiiwan sa tuwing papasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Hindi na maiiwasan ang pag-aalala ng mga magulang sa kalagayan ng kanilang anak kapag wala sila sa kanilang tabi.
Bilang tugon sa hamong ito, nagsagawa ng proyekto ang ICT club ng Las Piñas City National Senior High Talon Dos Campus ng isang teknolohiyang nagpapaalam sa mga magulang na ang kanilang anak ay ligtas na nakapasok sa eskwelahan.
Ang teknolohiyang ito ay gumagamit ng isang “QR code”. Ang QR code ay isang two-dimensional matrix barcode
Bote, baso at mga Kabataan
Ni: Xaira Love BETE
Patok sa kasalukuyang panahon ang pag-inom ng alak sa murang edad. Isa itong usapin na mayroong malalim na epekto sa kalusugan at kasayahan ng mga kabataan.
“Susuka pero ‘di susuko”, ‘yan ang kataga ng mga kabataan pagdating sa inuman. Ito ang kanilang paraan upang ipahayag ang kanilang mga damdamin o magpakawala ng stress o ‘di kaya bilang paraan din ng pagdiriwang. Ika nga nila, “you are re-
Ang pagkalimot panandalian ay katumbas rin ng paglimot sa kalusugan. Tinuturing na nag-aalok ang pag-inom ng alak ng maikling paglikas o solusyon sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon. Ang regular na pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng pinsala sa kanilang utak, katawan, at maging sanhi ng depresyon at iba pang mental na problema.
Ngunit sa kabila ng mga hamon at panganib na dala nang pag-inom ng alak ng mga kabataan, hindi natin sila dapat husgahan o i-discriminate. Sa halip, mahalaga na bigyan sila ng tamang edukasyon upang matutuhan nilang harapin ang mga hamon ng buhay nang hindi umaa-
na madalas ginagamit sa nabigasyon ng mga bagay- bagay at pagbabayad ng bilihin. Ang mga naturang code ay ilalagay sa likod ng ID ng mag-aaral na kanilang itatapat sa isang tablet na kung saan maii-’scan’ ang code na direktang mailalapat sa isang excel file. Matapos nito, awtomatikong malalagdaan ang attendance sa isang partikular na estudyanteng iyon.
Hindi lamang ito gagamitin upang magsilbing attendance checker dahil mayroon din itong kakayahang makapagpadala ng email sa mga magulang ng estudyante upang ipaalam na ang kanilang anak ay nakapasok na sa paaralan.
Maiiwasan din ng teknolohiyang ito ang kaso ng “cutting” ng mga mag-aaral sa paaralan dahil kung walang matatanggap na email ang mga magulang ng mga batang ito ay malalaman ng magulang nila na sila ay hindi pumasok sa paaralan.
Sa kabuuan, ang pag-implementa ng QR code sa attendance ng mga mag-aaral ay isang malaking bagay na makakatulong hindi lamang sa paaralan kundi para rin sa mga estudyante at magulang ng mga ito.
Ang Mapanganib na Mundo ng Internet
“Kaka-cellphone mo ‘yan!”
“Puro ka na lang cellphone!”
Mar - ahil ito ang ilan sa mga katagang madalas na naririnig ng mga kabataan mula sa kanilang mga magulang. Hindi bago sa mga kabataan ngayon ang paggamit ng kanilang cellphone para makipag-ugnayan at makialam sa mga napapanahong balita na mahahanap sa social media.
Ngunit, sa kabila ng karaniwang gamit nito, masasabi nga bang mabuti ang impluwensiyang dulot nito? O isa itong banta sa kapakanan at pokus ng mga kabataan?
Halos lahat ng mga pangyayari sa mundo na tanyag at napapanahon ay abot-tanaw na lamang dahil sa internet na mayroon ang mga cellphone kaya lalong napapadali ang pagkalap ng mga impormasyon.
Bukod pa rito, ginagamit din ng halos karamihan sa mga kabataan ang social media upang madaling makipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa at makilahok sa mga pampublikong usapan o diskusyon.
Sa kabilang banda, ang makapangyarihang gamit ng internet sa cellphone ay nagdudulot ng pagkalulong o pagka-adik sa mga ito.
May ilang pag-aaral ang nagpapahayag na ang pagka-adik sa internet o tinatawag na internet addiction ay may malubhang epekto sa kakayahang pang-akademiko ng mga kabataang mag-aaral.
Ayon sa mga ito, nahahati ang atensyon at pokus ng mga kabataan na nagdudulot ng kanilang kaligtaan sa pag-aaral.
Ayon din sa mga doktor at eksperto, ang internet addiction ay maaaring magdulot ng kahirapan sa pagtulog, problema sa paningin, at depresyon o iba pang sakit sa pag-iisip.
Ilan lamang ito sa mga epekto ng internet addiction na ayon sa mga katuklasan at pag-aaral ng mga dalubhasa. Patuloy pa rin ang pag-aaral sa mga masasamang dulot ng pagkalulong sa paggamit ng internet.
Sa kabuuan, ang mga epekto mula sa paggamit ng internet sa cellphone ay nakadepende sa responsable at mainam na paggamit nito. Nararapat na may kontrol ang mga indibidwal, lalo na ang mga kabataan, sa paglimita ng oras dito.
Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga programa at interbensyon, epektibong masosolusyonan ang isyu ng internet addiction sa mga kabataan para sa kanilang produktibo at maliwanag na kinabukasan.
05 agtek NO QR ID, NO ENTRY
Likha ni: Shaquel C. AGUMBAY
Ni: Denise R. CASBALLEDO
“
Tara, Laro Online!”
Ang Makabagong Libangan ng Makabagong Henerasyon
Ni: Denise R. CASBALLEDO
Mobile Legends, Call of Duty, Clash of Clans, DOTA, at marami pang iba.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga nauusong Mobile at Personal Computer (PC) Games na karaniwang kinagigiliwan ngayon ng mga kabataan.
Sa kasalukuyang panahon kung saan halos lahat ng kabataan ay nagamit ng makabagong teknolohiya, hindi bago sa kanila ang paglalaro ng mga online games. Mapa-”console” man, kompyuter o mobile phones, malaki ang pakinabang ng online games sa kanila. Gayundin, nagsisilbi itong pampawi ng kanilang pagod, stress at problemang dinadala sa buhay.
Ngunit, ang madalas na paggamit nito ay kadalasang hindi nagbubunga sa mabut ing kahihinatnan.
Kapag ang isang tao ay madalas na naglalaro ng online games, karaniwan itong nagdudulot sa adiksyon. Dahil dito, nakakaligtaan nila ang kanilang mga responsibilidad sa buhay at nawawalan ng pokus sa kanilang mga gampanin.
Iminungkahi ng World Health Organization (WHO) ang pagka-adik sa online games bilang isang mental na karamdaman. Sa Pilipinas, napagtanto na halos 29.9 milyong katao ang madalas na naglalaro nito, kung saan 18-24 anyos na mga kabataan ang karaniwang sangkot sa matinding gamit ng online-related games. Kasabay nito ay ang pagtaas ng mga kaso ng depression sa ating bansa
na bagay at nagkakaroon ng hyperactivity-impulsivity. Gayundin, nagkakaroon ang isa ng Obsessive Compulsive Disorder (OCD) na nagbubunsod dito na magambala ang kanyang pag-iisip kung saan wala itong kakayahang kontrolin ang mga pumapasok sa isip nito.
Ayon naman sa mga eksperto, ang matagal na eksposyur sa gadyet na bunsod ng online games ay nagdudulot sa masamang kalusugan. Isa sa mga karaniwang sakit na bunga nito ay ang Computer Vision Syndrome (CVS) na makukuha kung masyadong nakababad ang mata sa
ang kondisyon ng mga may myopia o nearsightedness.
Samakatuwid, ang epektong dulot ng paglalaro ng online games ay nakadepende sa taong nagsasagawa nito. Nararapat na nakokontrol ng isa ang kanyang sarili upang maiwasan ang masidhing panganib na dulot ng pagkalulong dito. Hindi maikakaila na isa itong mainam na libangan upang makaramdan ng kasiyahan. Ngunit, maging mapanagutan sa makabagong libangan ng makabagong henerasyon habang pinaninindigan ang responsibilidad bilang isang Pilipinong mag-aaral
Vape vs. Sigarilyo: Ano ang Mas Mapanganib?
Ni: Denise R. CASBALLEDO
Likas at hindi kapani-panibago ang paggamit ng sigarilyo sa ating lipunan bilang isang remedyong pampakalma at pagdama ng kasiyahang-loob.
Gayundin, alam din natin na ang labis na paggamit nito ay nagbubunga ng adiksyon at komplikasyon sa kalusugan. Ngunit, sa kasalukuyang panahon, umusbong at lumaganap ang makabagong electronic cigarettes o vape na kinikilalang alternatibo ng tradisyonal na sigarilyo.
Totoo nga bang ang vape ay mas mainam na alternatibo kaysa sa sigarilyo? Dagdag pa rito, may mabuting epekto nga ba ito sa kalusugan ng isa?
Ang vape ay maaaring ituring na makabagong uri ng paninigarilyo sa panahon ngayon. Tulad ng tradisyonal na sigarilyo, naglalaman din ito ng nikotina. Ang nikotina sa vape ay nagiging sanhi ng mataas na presyon at adrenaline na maaaring magbunga sa adiksyon o bisyo. Nakapipinsala rin ang e-cigarettes sa puso at baga na maaaring magdulot sa kanser. Gayundin, ang vape ay naglalaman ng 7000 kemikal na nakasasama sa kalusugan.
Ayon sa Centre for Disease and Prevention (CDC), dumarami ang mga nagkakaroon ng sakit sa baga at humahan tong sa kamatayan dahil sa paggamit ng vape. Masasabing halos parehas lamang ang epekto ng paggamit ng vape sa sigarilyo ngunit hindi tiyak kung ano ang mas malala sa dalawa. Sa kabila ng lahat ng ito, isa ang malinaw, parehas na nagbubunga ang mga ito sa masamang kalusugan. Mapa-vape man o sigarilyo, ang mga ito ay parehong banta sa buhay ng sinumang gagamit nito. Kaya, nararapat na hangga’t maaari, itigil ang paggamit ng mga ito upang maiwasan ang adiksyon, bisyo at maidudulot na sakit mula sa mga ito.
06 agtek
Likha Ni: Sean Austin ROUS
Liwanag ng Pahina
Ni: Miguel Gabriel S. ABADEJOS
“Ang mga libro ay ang salamin ng kaluluwa.” - Virginia Woolf
Sa mundong puno ng hiwaga, sa isang libro, maraming misteryo ang matutuklasan. May mga taong naniniwalang ang pagbabasa ay walang dulot na kasiyahan, ngunit para sa iba, ito ay isang daan para magkaroon ng dahilan na sumigla ang kanilang araw. Sa pamamagitan ng pagbasa, masusing nabubuksan ang mga hiwaga, katanungan, at oportunidad na malinang ang kasanayan at kakayahan na umunawa ng iba’t ibang perspektibo.
Ang pagbabasa ay hindi lamang isang libangan, kundi ito rin ay isang paraan upang pansamantalang makatakas sa hirap ng reyalidad at magbigay ng kahulugan sa buhay. Sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao ay hindi na binibigyang pansin ang kahalagahan ng pagbabasa. Higit na nabibigyang pansin ang makabagong dulot ng teknolohiya. Hindi katulad noong sinaunang panahon na ang libro lang ang nagsisilbing pangunahing libangan ng mga tao.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Drop Everything And Read (DEAR)” sa paaralan, muling ipinapaalala nito ang kahulugan at kahalagahan ng pagbabasa dahil kahit na mas nabibigyang diin ang paggamit ng teknolohiya, mahalaga pa rin ang gawaing ito upang mapalalim ang ating pag-unawa at kaalaman. Dahil sa isinagawang DEAR, ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng isang sandali upang mabigyan ng kapayapaan ang kanilang sarili. Nagsilbi rin ito bilang pagkakataon para magbahagi ng sariling pananaw ang mga mag-aaral tungkol sa mga panitikang nabasa. Muling nahanap ng mga mag-aaral ang rason kung bakit ang pagbabasa ay isang mahalagang gawain, at napagtanto rin muli ang importansya nito sa aspeto ng ating buhay.
Ang pagbabasa ay isang dahilan upang ating makilala ang sarili at mahanap natin ang sariling kahulugan. Binubuksan nito ang pintuan tungo sa iba’t ibang perspektibo at pagkakataong mapaunlad ang sarili. Kahit na mas nabibigyan ng higit na interes ang pagbabago sa ating paligid, dapat hinding hindi malimutan ang esensya ng pagbabasa. Ito ay dapat na pinagyayaman at itinuturo sa bagong henerasyon at bigyang atensyon ang kahalagahang dulot nito.
Ingatan ang Puso
Ni: Cassie Nirel CUELLO
Narito na ang buwan ng pag-ibig, kung saan bulaklak at tsokolate ang magiging patok lalo na sa paparating na Araw ng mga Puso. Hindi rin mawawala ang mga lugar na mapupuno ng mga mag-nobyo upang maging mas “sweet at exciting” ang kanilang selebrasyon. Tila nakalaan talaga ang buwan ng Pebrero sa pag-ibig, maging sa iyong nagugustuhan o mahal sa buhay.
Teka! Paano naman kaming mga heartbroken?
Syempre, sa kabila ng buwan na ito, hindi mawawala ang mga taong iniwan o niloko. Sila ngayon ay maaaring makaranas ng matinding pagkalungkot at pag-iisa.
Ano’ng say ni DOH? Ingatan ang puso!
Isinaad ni Health Secretary Dr. Ted Herbosa na ang isang indibidwal ay maaaring makaranas ng sakit mula sa emotional stress dahil sa kondi
syong tinatawag na “psychosomatic disorder”. Nagbabala rin siya na maaari itong tumungo sa heart failure.
Ayon sa kanya, mahalaga na mapangalagaan ng publiko ang kanilang mental health at emotions, lalo na ngayong Valentines Day. Idinagdag niya rin na nararapat na humanap ng psychosocial support mula sa mga kaibigan, pamilya, at mga propesyonal kung hindi makayanan ang nararamdaman.
Sa buwan ng pag-ibig, hindi lang dapat na maipakita ang pagmamahal sa iyong nagugustuhan o mahal sa buhay. Mahalaga na maipakita mo rin ang pagmamahal sa iyong sarili at higit na pangalagaan ang iyong pangkalahatang kalusugan. Hindi lang puro pag-ibig sa iba ang isipin, mahalin at pangalagaan din ang sarili.
Kaya ingatan ang puso, ingatan ang sarili!
DUCK CHIC
Ni: Cassie Nirel CUELLO
Sapaglalakad mo ay napapansin mo ang mga dilaw na nakaipit buhok ng kabataan na tila nakakapukaw-aten syon at talagang hindi mo maiiwasan na tingnan. Hindi lang ito simpleng ipit lamang kundi bagong style na tampok ngayon. Ano ito?
‘Edi bibe!
Ang tinatawag na “duck clip” ay benta sa mga bata at teenagers dahil sa cute at nakakaaliw nitong itsura. Kung hindi isa ang suot ay isang pares pa, sabay picture upang maibahagi ang kakaiba ngunit kaaya-ayang acces sory na ito.
Kaaya-ayang bibe, pwede pa rin ba itong suotin sa paaralan?
Ikinababahala ng ilang mga mag-aaral ang posibleng pagbabawal nito sa loob ng paaralan. Goodbye bibe na ba? Tiniyak naman ni DepEd Deputy Spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas na pwede pa ring isuot ang mga duck clips na
Pinapayagan din na magsuot ng iba accessories kaya hindi ikabahala ng madla. Pa pa nito, hangga’t hindi naapektuhan ang ka lidad ng edukasyon at hindi nakagagamba la sa klase ay walang dahilan na ipagbawal itong suotin sa mga paaralan.
Ang mga duck clips na ito ay hindi lamang ipit kundi representasyon ng indibidwalidad at panlasa. Isa itong simbolo ng pagiging masigla at malikhain na nagpapakita ng kaaya-ayang personalidad ng kabataan. Kaya kahit kakaiba man ito sa iyong panin gin, hindi pa rin ito dapat alisin!
MAKABULUHANG LIBRO: Pakikilahok ni Bb. Dullas sa isinagawang Drop Everything And Read sa
Talon Dos - Campus
Kuha ni John Fernando Rocha
Memoryang bubusog sa TDC
GAshley
O. NUEVO PATNUGOT NG BALITA
inanap ang Entrepreneurship Day noong ika-11 at 12 ng Disyembre taong 2023 sa tulong ni Gng. Cathleenbeth Morial, guro sa asignaturang Entrepreneurship. Hindi maikakaila na naging matagumpay ang naganap na Entrep Day na pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa ika-12 na baitang na buong sulong na pinaghandaan ang nasabing event.
Iba’t-ibang pagkain at inumin ang kanilang hinanda para sa staff, estudyante, at pati na rin sa mga bisita ng paaralan. Patok ang mga binenta ng mga mag-aaral lalo na at kakaiba at sadyang kay sarap ng mga ito.
llan sa mga kinilala at talaga namang patok sa mga mag-aaral ay ang Vanilla Latte ng Cheer-rep Bake Me, Shawarma bowl ng Diner-saurs at ang overload fries ng Spotifry. Kinilala rin ang malinamnam na sabaw ng Pick-A-Pares. Ang kakaibang Crepe ng 3Sums at ang malambot na Churros ng EatFreeze’n Chill. Puno ng saya at iba’t-ibang disenyo ang pumalibot sa loob ng paaralan. Bakas sa mukha ng mga mag-aaral ang galak na na dama sa ginanap na Entrep Day sa Las Pinas City National Se nior High School -Talon Dos
Tinangkilik hindi la buong campus ngunit ng mga bu dating magpaaralan. tunayan mga magaaral ng TDC mula sa ika12 na bai tang na hindi lamang sila mahusay pag dating sa la rangang aka ngunit pati mga aktibidad Entrep Day.
07 lathalain
Pagningning ng Tala sa TDC
Ni: Calvin B. DELOS REYES
Ang kasiyahang bumalot sa mga puso at isipan ng bawat mag-aaral at guro ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus noong ika-15 ng Disyembre, 2023, ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang. Sa temang “TALA” ng kanilang taunang Year End Party, tila nagningning ang bawat bituin sa pagtatanghal ng husay at pagkakaisa ng paaralan.
Sa simula pa lamang ng selebrasyon, ang bawat seksyon ay nagpakitang-gilas na sa iba’t ibang aktibidad at laro. Hindi lang ito simpleng paligsahan, bagkus ay pagpapamalas ng diwa ng katuwaan at samahan. Sa paglipas ng mga oras, hindi lamang ang mga palaro ang nagpasigla sa kapaligiran, kundi maging ang masasaya at masasarap na handang pagkain na nagdulot ng kagalakan sa lahat.
Ngunit hindi lamang nagtapos sa mga paligsahan at handaan, ang puso ng pormal na selebrasyon ay nagsimula nang pumunta na sila sa Villar Gymnasium.
Dito unang nagningning ang galing ng mga mag-aaral sa caroling competition, kung saan ang 11 Benevolence ay itinanghal na kampeon. Hindi rin nagpahuli ang emosyon at inspirasyon mula sa Christmas in Our Hearts Documentary Video competition, kung saan nagwagi ang 12 Diplomacy sa kampeonato.
Sa kabuuan, hindi lang ang kagalingan sa entablado ang pinarangalan, bagkus ang mga taong nagbigay-buhay sa mga pagtatanghal. Ang pagkilala sa mga indibidwal na nagpamalas ng kahusayan sa iba’t ibang aspeto ng produksyon ay nagdulot ng karangalan hindi lamang sa kanilang sarili, kundi pati na rin sa buong mag-aaral na tila nagsilbing tala.
Sa pagtatapos ng araw, ang mga alaala ng kasiyahan at pagkakaisa ay hindi lamang namamalagi sa alaala, bagkus ay nagbibigay-inspirasyon at lakas upang harapin ang darating na mga hamon ng bagong taon. Ang TALA Year End Party ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang, bagkus isang alamat ng pagkakaisa at husay sa bawat bituin ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus.
Malakas at Malayang Babae!
Ni: Jhane Beranie HERNANDEZ
Sinanay, makikita mo ‘yan, gigising nang napakaaga para magluto at maghanda sa pagpasok ng lahat. Si ate, handa ka niyang tulungan sa bawat oras. Ang Binibini at Ginang na guro naman, nagbibigay ng kaalaman sa araw-araw. Hindi lang ‘yan, ang mga kakayahan ng babae ay walang katapusan! Ngunit, bakit kalimitan silang nililimitahan ng kakayahan?
“Babae lang ‘yan.” ”Mahina.” Madalas, minamaliit ang mga kababaihan. Nakatanim na sa mga kaisipan na limitado ang kanilang potensyal. “Ma-drama.” Nakatatak na sa lipunan na ang mga kababaihan ay sobrang emosyonal. “Babae ka, dapat nasa kusina ka lang.”
Lantaran pa ang estereotipong gawain na nagdudulot ng karanasan sa hindi patas na karapatan, trabaho, pampulitika at edukasyon. Ilan lang ‘yan sa kinakaharap ng mga kababaihan sa lipunan. Mga kadena sa loob ng kadiliman ng pananakot at kahirapan.
Ngunit, ang mga ito ay hindi pumipigil sa kapangyarihan ng kababaihan. Pwedeng manatili ang mga babae sa loob ng tahanan at alagaan ang pamilya. Kaya rin ng mga babaeng magtrabaho at buhayin ang pamilya. Ang mga babae ay may kakayahan sa lahat ng bagay! Ang mga babae ay maaaring maging malikhaing imbentor. Ang mga babae ay maaaring mamuno. Ang mga babae ay maaaring mag trabaho.
Si Maria Orosa, isa siyang magiting na imbentor na lumikha ng makabagong paraan ng pagpapreserba ng pagkain, kabilang sa kaniyang mga likha ay ang pambansang “banana ketchup.” Si Melchora Aquino o “Tandang Sora” naman ay isang tanyag na bayani ng Himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol, pinupuri siya sa kanyang pagiging matapang at suporta sa mga rebolusyonaryong Pilipino.
Gayundin si Corazon Aquino, ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas na naging isang daan sa landas ng demokrasya at bigyang inspirasyon sa mga kababaihan.
Kaya, ngayong Marso ay ipinagdiriwang Ang Buwan ng Kababaihan o Women’s Month. Kung saan binibigyang-pansin ang mga nagawa ng kababaihan at tugunan ang mga patuloy at umuusbong na mga isyu na may kaugnayan sa pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Sa paglalakbay natin sa Buwan ng Kababaihan, tandaan natin na ang kanilang paglalakbay ay patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan. Ang bawat hakbang na kanilang ginagawa ay nagbibigay liwanag sa ating landas, sa kabila ng dilim na bumabalot sa ating lipunan.
Sa pakikibaka para sa karapatan at pagkakapantay-pantay, ang mga babaeng nag-aalab ng kagustuhang makapangyarihan at mapagpalaya ay naging simbolo ng pag-asa. Mula sa panitikan hanggang sa pulitika, mula sa agham hanggang sa sining, hindi maikakaila ang kanilang mahalagang papel sa paghubog ng kasaysayan.
Sa kanilang mga tagumpay, sa kanilang pag-asa, at sa kanilang pag-ibig sa bayan, ipinagdiriwang natin ang kahalagahan ng mga kababaihan sa bawat aspeto ng buhay. Sila ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga kababaihan na maging mulat at matapang sa pagpatuloy ng laban para sa katuparan ng kanilang mga pangarap at sa kinabukasan ng bansa.
Buong tapang at pagmamahal, ipinagbubunyi natin ang kababaihan hindi lamang sa buwan ng Marso kundi sa bawat araw ng kanilang buhay. Sila ang liwanag sa dilim ng kasaysayan, ang bagong ningning sa ating kinabukasan.
08 lathalain
Bayani ng Bawat Kabataan
“Matatahimik ako kung makikita ko lahat ng estudyante ko- lahat ng mga anak ko kapag naging successful na sila in the future” - Bb. Mae Christine Diana (mula sa tanong: kung kayo ay tatahimik, kailan?)
Sa likod ng mga tagumpay ng mga mag-aaral ay ang mga guro na naglalaan ng oras at pagsusumikap upang masiguro ang kanilang kinabukasan. Ang Las Pinas City National Senior High School - Talon Dos Campus ay nagkaroon ng selebrasyon ng ‘World’s Teacher’s Day’ noong ika-29 ng Septyembre na mayroong temang “Teachers as Superheroes: Unmasking the power of education”. Ang bawat estudyante ay ipinaghandaan ang araw na ito upang mabigyang pugay ang sakripisyo at pagsisikap ng bawat guro sa LPCNSHS - TDC.
Nagkaroon ng booth ang bawat clubs na nagsimula ng alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, ito ay kinabibilangan ng: The Leap at Ang Luntian, BERT, ICT at Robotics, BSP, Sports, Sinag-tala, PEER, Math at Science. Tunay na kinagiliwan ng mga estudyante maging ang mga guro ang bawat hamon, palaro, maging ang kantahan na inihandog ng bawat booth.
Itinuloy ang programa nang sumapit ang hapon sa bamboo court na kung saan ang bawat estudyante at guro ay nagtipon upang matuklasan ang inihandang talento ng kabataan.
Binigyan ng parangal ang mga estudyante na lumahok sa paligsahan ng poster making, slogan making, student teacher impersonation, at Thank U card design. Ang mga guro ay binigyan din ng karangalan sa iba’t ibang kategorya, kabilang dito ang Super Titser 2023 upang mabigyan ng kahalagahan ang kanilang pagsusumikap na hubugin ang kanilang mga estudyante sa loob ng paaralan.
Nagpakitang gilas din ang kabataan sa club ng SinagTala na kinabibilangan ng Banda don, Banda rito, at SinagTala Dance Troupe. Ipinakita ng mga estudyante ang kanilang talento sa pagkanta, pagtugtog ng iba’t ibang instrumento, at pagsayaw.
Ang mga guro ay itinuring na pangalawang magulang sapagka’t sila ang isa sa pinakamahalagang sektor na nagbibigay ng malalim na impluwensya at edukasyon sa bawat kabataan. Hindi madali ang larangan ng pagtuturo, ito ay puno ng hamon. Gayunpaman, ang kanilang dedikasyon sa pagtuturo ay hindi nagbabago, at ito ang nagpapalakas sa ating sistema ng edukasyon.
Ngayong araw ng mga guro, ating bigyang liwanag ang kanilang sakripisyo. Hindi lamang ito isang pagdiriwang kundi isang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa ating lipunan. Isa silang tunay na bayani sa buhay ng mga kabataan.
Bagong Taon ng Pag-asa
Ni: Xaira Love BETE
Isang mahalagang aspeto ng pagbubukas ng bagong school year ay ang pagkakaroon ng mga bagong mag-aaral.
Ito ang mga kabataang puno ng pangarap at determinasyon na magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Sa kanilang unang araw sa paaralan, maraming emosyon ang kanilang mararamdaman. Kaba, excitement, at pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan.
“A new school year is a new beginning” ika nga nila. Dito nabubuo ang pag-asa sa bawat isa sa pagbabago. Ito ang pagkakataon upang baguhin ang mga sistema at proseso na magdadala ng mas mahusay na edukasyon para sa lahat. Mula sa pagpapalakas ng kurikulum hanggang sa pagpapabuti ng mga pasilidad ng paaralan, ang pagbubukas ng bagong school year ay nagdadala ng pag-asa para sa mas magandang kinabukasan ng edukasyon. Ang pagbubukas ng bagong school year ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng masiglang komunidad ng mga mag-aaral, guro, at magulang. Ito ang panahon ng pagtutulungan at pagkakaisa upang harapin ang mga hamon at pagsubok na maaaring dumating sa buong taon ng pag-aaral.
Para sa mga mag-aaral sa LPCNSHS-TDC, isang makabagong hamon sa edukasyon ang haharapin ng mga magaaral. Ang mga estudyante sa ika-11 baitang ay haharap sa kung saan mas lalo nilang kikilalanin ang tunay na pagnanais sa kanilang kursong nais kunin.
Para naman sa mga ika-12 baitang na mga mag-aaral, ito na ang kanilang huling taon sa high school bago sumabak sa totoong hamon ng kanilang edukasyon, ang kolehiyo.
Tunay ngang ‘malayo na, pero malayo pa’ para sa mga mag-aaral na patuloy na lumalaban sa mga hadlang sa lipunan.
Maraming kwento ng tagumpay at pagbabago ang mabubuo. Ang bawat hakbang na ginagawa at gagawin ng bawat isa ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at magbigay inspirasyon sa bawat kabataan na mangarap at magtagumpay.
Sa pagbubukas ng bagong school year, nawa’y maging daan ito sa mas matatag na kinabukasan ng edukasyon at pag-asa para sa bawat mag-aaral.
09 lathalain
Tulong o Trabaho nga ba?
Ni: Gemes MANDAWE
Batay sa bagong labas na DepEd Order Blg. 003, ang pang akademikong taon ng 2024-2025 ay magsisimula sa ika-29 ng Hulyo taong 2024. Ang bagong skedyul na ito ay sumusunod sa dating Hunyo hanggang Marso na school calendar na dating gamit bago pa ang pandemya.
Resulta nito ang pag-ikli ng kasalukuyang akademikong taon na siyang magtatapos sa ika-31 ng Mayo imbis sa orihinal na iskedyul na ika-14 ng hunyo. Ang bagong iskedyul na ito ay dalawang linggong mas maikli kesa sa orihinal na plano.
Ayon kay DepEd Spokesperson at Undersecretary na si Michael Poa, ang naging desisyon ay nakabatay sa opinyon ng mga magulang, guro, at mga grupong pang edukasyon. Sinaad din niya na hindi maaring bawasan agad ang school calendar dahil sa mga kinakailangang matutunan na competencies ng mga estudyante.
Ang pag-ikli ng pang akademikong taon ay posibleng magbigay ng dagdag trabaho sa mga guro at estudyante na maaapektuhan nito. Sa kabila ng learning gaps na nararanasan ng mga estudyante, ang posibleng pagbalik sa dating school calendar ay mas makakapagdagdag pa sa sitwasyong kanilang nararanasan. Ang pag-ikli ng school calendar ay posibleng magdulot sa hindi pagkaturo ng mga leksyong posibleng kailanganin ng mga estudyante sa kanilang susunod na baitang.
Sa school calendar na kasalukuyang ginagamit sa kasalukuyang akademikong taon, ang mga estudyante ay napipilitan na pumasok sa kabila ng init na nararanasan ng mga estudyante sa kanilang silid aralan. Sapagkat isa ang panahon sa mga naging rason sa pagbago ng school calendar, ang mga estudyante ay mapipilitan parin na pumasok sa mga mauulan na panahon kung saan talamak ang mga class suspension sa bawat lugar sa Pilipinas. Ang pagbabago ng school calendar ay hindi posibleng maging daan upang maiwasan ng mga estudyante ang mga natural na kalamidad na laganap sa ating bansa.
Ang pagbabalik sa dating school calendar ay dapat na natatamasa ng lahat ng baitang sa bansa, mapa elementarya man o kolehiyo. Ang bagong school calendar ay maaring magdulot ng problema sa mga magtatapos ng ika-12 na baitang na siyang papasok sa mga kolehiyo sa bansa. Ang magkaibang school calendar ay maaring magbigay hirap sa mga estudyante sa kanilang paglipat sa mas mataas na edukasyon mapa akademiko o sikolohikal man nilang kalagayan.
Maari ring hindi matamasa ng mga estudyante ang sapat na pahinga na normal nilang nararanasan tuwing bakasyon. Ang pinaikling taon ay mas nagbibigay ng hindi sapat na pahinga at pagkondisyon ng mga estudyante ng kanilang mga isip bago sila muling sumabak sa susunod na akademikong taon na maaring maka-apekto sa kanilang akademikong kakayahan.
Sa new normal, ang pagsasaayos ng dating nakasanayan natin ay isang mahalagang bahagi upang maibalik ang lahat sa dati. Ang posibleng solusyon na naangkop sa mga estudyante ng makabagong panahon ay ang pagiging accessible ng mga learning materials upang matutunan nila ang mga kinakailangang competencies na posibleng makaligtaan sa taong ito. Ang paggamit ng teknolohiya upang makapaghatid ng kaalaman ay nararapat na maging normal na parte ng edukasyon sa Pilipinas upang hindi maka apekto ang mga pagbabago ng iskedyul sa mga mag-aaral. Ang mga silid aralan at transportasyon sa Pilipinas na ginagamit ng mga estudyante ay dapat i-angkop sa mga nararanasan na kalamidad ng bansa upang hindi ito maging hadlang sa pagkatuto ng mga estudyante. Hindi maaring magpabago-bago ang school calendar dahil posibleng mahirapan ang mga estudyante lalo na ang mga batang magsisimula palang mag-aral na bumagay sa sistema ng edukasyon. Ang bagong school calendar ay isang solusyong makakatulong sa mga estudyante ngunit kinakailangang ito’y may kalakip na dagdag kaalaman para sa mga posible nitong negatibong epekto.
10 opinyon AngLuntian PATNUGUTAN 2023-2024 Punong Patnugot JOHN FERNANDO B. ROCHA Ikalawang Punong Patnugot MA. ELLA KRIZEL MOJICA Kalihim CASSIE NIREL CUELLO Patnugot ng Balita MA.ASHLEY O. NUEVO Pagsulat ng Balita JEWEL MARTINEZ VON MERICK PASAMBA Patnugot ng Editoryal JAMAICAH ROSE RAMA Pagsulat ng Editoryal ROSSAINE ELIZ JEREZ ANGEL MAY T. OCON KAYE CASSANDRA BIENES HEART MAJESTY EMATA GEMES MANDAWE Patnugot ng Lathalain MARITONI PATIMO Pagsulat ng Lathalain XAIRA BETE JHANE BERANIE HERNANDEZ Patnugot ng Isports JHEROME ISAAC M. PURA Pagsulat ng Isports CARL MELVIN A. EROSA Patnugot ng Agham DENISE R. CASBALLEDO Pagsulat ng Agham KEENO DE CASTRO Patnugot ng Pag-aanyo SHAQUEL C. AGUMBAY Paggawa ng Pag-aanyo JOEY MARIE LOPEZ Patnugot ng Kartuning CALVIN B. DELOS REYES
ng Kartuning SEAN AUSTIN ROUS MIGUEL GABRIEL S. ABADEJOS Patnugot ng Larawan ALEXA NICOLE JANIOLA Gurong Tagapangasiwa BB. DIANA ROSE D. DULLAS
Pagguhit
Likha Ni: Sean Austin ROUS
Likha Ni: Sean Austin
ROUS
Bagong Hari ng Kalsada, dapat nga ba iparehistro?
Ni: Heart Majesty EMATA
Sapag-usbong ng makabagong teknolohiya ay sabayang umusbong ang makabagong transportasyon na E-Bike at E-Trike na siyang tinatangkilik ng mga motorista lalo na sa NCR.
Sa kadahilanang ito ay makatutulong sa pagbawas ng polusyon, mas mura, at maraming gumagamit lalo na sa pangpersonal at pangkabuhayang aspeto. Ngunit sa kabila nito, maraming usapin at diskusyon ang patungkol sa pagrerehistro ng mga ito. Dapat rehistrado na ang mga ito lalo na’t marami na ang gumagamit at mga kinasasangkutang aksidente ng mga ito.
Tinagurian din itong “bagong hari ng kalsada” na siyang takaw aksidente sa kalsada; karamihang kinasasangkutan nito na siyang walang alam sa batas-trapiko.
Nakakadagdag perwisyo ito sa bigat ng trapiko at sa mga legal na motorista na siyang sanhi ng mga aksidente.
Ayon sa datos noong taong 2002 ng Metro Manila Accidental System, tinatayang 2,829 ang mga naitalang disgrasyang sangkot ang E-Bike at E-Trike. Noong buwang Enero hanggang Nobyembre ng taong 2023, halos 556 na ang aksidenteng naitala sa Metro Manila na kinasasangkutan ng mga ito; isa ang namatay sa Navotas at isa rin sa Las Piñas.
Pabor ang iilang motorista sa pagsulong motorista na irehistro ang kanilang E-Bike at E-Trike dahil alam nilang bawal sa national road o highway ang kanilang sasakyan at para na rin kanilang kaligtasan at seguridad na maaaring makabawas sa mga aksidenteng kinasasangku
tan ng mga ito.
Agarang bumoses ang grupong Mobility Advocacy Group na Alt Mobility PH, na sinabing hindi lisensya at register ang solusyon sa mga aksidenteng nagaganap, kundi isaayos ang imprastraktura at mga kalsada sa NCR.
Maraming aksidenteng sangkot ang mga E-Bike karamihan sa mga ito ay babae, menor de edad, at mga walang kamalay-malay sa mga batas-trapiko. Kaya’t dapat irehistro at magkaroon ng lisensya ang mga ito para na rin sa kanilang kapakanan at kaligtasan ng lahat. Hindi mabilis ang pagkilos ng LTO patungkol dito. Isinusumite pa lamang ang “target guidelines.” Kaya kailan pa bibilisan ang kilos ng LTO? Kung kailan marami na ang aksidente?
Nagbabagang Panganib
ni: Angel May T. OCON
Karaniwang makikita sa kabataan na nakasabit sa leeg ang mga vape na
ngunit ang ganitong paniniwala ay maaaring humantong sa pagkakaroon
“PWD po, Senior Citizen po, Estudyanteatpo”
ni: Kaye Cassandra BIENES
Simula noon, nakagisnan na nating mga Pilipino ang sumakay sa pampasaherong dyip, dinala na tayo nito sa iba’t ibang lugar na patutunguhan natin, isa na rito ang lugar sa lokasyon ko; na ang madalas na isinasambit ng mga magtatrabaho ay “Isa nga pong ATC” na may tamang paghingi ng presyo kung saan sasakto lamang sa badyet mo, ganoon din sa pag-abot ko ng bayad at sabay sabing “Times po, estudyante” sa nagkakahalagang ₱11 “pesos”. Ang pagtigil ng pamamasada ng mga tsuper sa luob dalawang araw, Disyembre 14-15, 2023 sa lugar ng Commonwealth, Novaliches, Pasig, Alabang, Baclaran, at madami pang iba ay upang ipaglaban ang kinabukasan nila, nang sa gayon ay dinggin ng mga nasa itaas na pwesto na hindi ipagpatuloy ang “deadline” ng Modernisasyon na Programa sa Disyembre 31, 2023, upang patuloy pa rin tayong abutan ng walang hanggan na serbisyo ng mga tsuper na ito.
Ang pangyayare na ito na naging malaking usapin ay hindi lamang problema ng mga tsuper, ito ay problema na rin natin kaya’t kahit ano at sino ka pa may karapatan ka na isambit ang iyong opinyon na binase sa katotohanan.
Bilang isang Pilipino, mamamayan, mag-aaral, at iba pa. Isa ako sa nakaranas ng pagsakay ng dyip sa luob ng dekada, lalong lalo na at magaaral ako na pang araw-araw na nangangailangan na gumamit nito kaya’t naging malaking problema sa akin noong nagkaroon ng “jeepney strike”. Paano pa kaya kung “jeepney phase out na”?
kapaligiran ang pag-gamit ng mga vape at ang kabataan ay ang “target audience” ng mga advertisement para sa electronic cigarette. Dagdag pa rito ang impluwensiya mula sa mga kaibigan pati na rin ang maling impormasyon tungkol sa mga potensyal na panganib na nauugnay sa
Hindi maiiwasan na magkaroon ng mga hindi magandang kasanayan para mawala ang stress ng katawan, ngunit kung magkakaroon ng disiplina sa sarili ay siguradong makahahanap ng iba pang alternatibo ng “coping mechanism” na makabubuti sa katawan. Lalo’t na kinakailangan na pangalagaan ang sarili bilang proteksiyon mula sa negatibong epekto nito katulad na lamang ng adiksyon at possibleng
Kaya’t may pangangailangan para sa mas mataas na kamalayan at edukasyon sa mga kabataan tungkol sa mga potensyal na panganib at negatibong epekto sa kalusugan kaugnay ng vaping. Mahalaga na labanan ang “normalization” ng vaping sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon, pagpapalakas ng kritikal na pag-iisip, at pagpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa mga pahayagang may kinalaman sa electronic cigarettes na nakatutok sa
Likha Ni: Miguel Gabriel S. ABADEJOS / Sean Austin ROUS
Paano na kaya ang mga tsuper na may pinag-aaral? Mapagtatapos kaya nila? Sa kadahilanang hindi ganoon kadali na maghanap agad ng panibagong trabaho at lalong mas mabigat mawalan ng ilang araw, buwan, o kaya taon na walang trabaho. Paano kaya ang mga mamamayan na kailangan mag badyet ng pera nila? Makayanan kaya nila ang taas ng babayaran sa panibagong pampublikong sasakyan? Na kahit sa minimum na ₱13 “pesos” ay susubukan sambitin na “PWD po”, “Senior Citizen po”, at “Estudyante po” para mabawasan ng dalawang piso ang pamasahe nila at maging ₱11 “pesos” na lamang. Nagpapakita kung gaano kahalaga ang ilang barya para sa mga taong ito at isa na ako rito.
Paano na kaya ang mga drayber na hindi kayang bumili ng panibagong pampublikong sasakyan na nagkakahalaga ng ilang milyon?
Dahil sapat lamang sakanila ang perang nakukuha nila sa pamamasada upang maghain ng pagkain, magpa-aral, at bumuhay ng pamilya. Saang bulsa pa kaya nila dudukutin ang perang ipangbabayad dito?
Madami pang sitwasyon ang pwede kong mabanggit dito ngunit ang tanong lamang dito ay “Paano na kaya tayo nito?”
Walang mali sa modernisasyon na nais ng mga nasa itaas na pwesto, ngunit kung may mga maiiwan na Pilipino sa pag-unlad na ito ay marapat na balikan mo kung talagang epektibo ba ang pamamalakad na ito. Simulan mong dinggin ang mga bulong at sigaw ng mga mamamayang ito. Lalong lalo na ang mga walang boses para rito.
11 opinyon
DepEd, handa nga ba?
Ni: Angel May T. OCON
Isang pahirap sa mga guro at magaaral ang paguutos ng CHED (Commission on Higher Education) na tanggalin na ang SHS program sa lahat ng State Universities and Colleges (SUCs), at Local Universities and Colleges (LUCs) sa parating na panunuruang 20242025
12. Nitong ika-18 ng Disyembre ng 2023, inihayag ng CHED na wala ng legal na basehan para sa kanila na pondohan pa ang naturang programa.
Labis ang pagtalima ng mga samahan ng mga guro tulad ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na mararamdaman ang epekto ng pagkawala ng trabaho at kumpetisyon ng puwesto mula sa mga pampublikong paaralan kung nais
Dagdag pa rito, ang mga estudyanteng umaasa sa libreng akses ng pag-aaral ay mapipilitang lumipat ng eskwelahan, kung saan patuloy pa rin ang paglaganap ng mga kakulangan sa edukasyon. Minungkahi ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) at Samahan ng Pogressibong Kabataan na dapat isaalang-alang ng DepEd ang lugar ng mga displaced students upang maiwasan ang pag-eenroll sa mga students upang maiwasan ang pag-eenroll sa mga eskwelahan na malayo sa kanilang tahanan na mag-
pamilya.
Gayunpaman, alin pa ang ahensiya na hahawak sa sektor ng pang-edukasyon kinakailangan na alalahanin ang kalagayan ng bawat guro at mag-aaral sa pinapatupad na programang K-12 para sa kalidad at katayuan ng bawat estudyante at maglahad ng mga solusyon ukol sa pinansiyal na aspeto na haharapin.
Paano matututo kung ayaw namang matuto?
Maraming pagbabago ang naranasan ng mga guro at estudyante noong mga nakaraang buwan.
Dahil sa isinulong na ‘catch up friday’, umaasa ang DepEd na mapalago ang kaalaman at kahusayan ng mga estudyanteng Pilipino sa pagbasa at pag-intindi.
Makabubuti kaya ito para sa kanila? Nasa isipan na ng iilang mga estudyante na walang maidudulot ito sa kanilang kaalaman at hindi nito matutugunan ang kanil
ang mga pangangailangan sa pag-aaral.
Maayos ang layunin ng implementasyon na ito para sa ikabubuti ng mga kabataan at sa kanilang ikalalago bilang mamamayang Pilipino. Matutulungan nito ang mga batang hindi pa lubusang matuto na magbasa.
Ngunit sa kadahilanang hindi gaano kalaki ang
responsibilidad ng mga mag-aaral tuwing biyernes, naiisipan nila na hindi pumasok dahil hindi ito importante upang makahatak sa kanilang mga grado sa eskwelahan. Dulot ng mababang motibasyon ng mga mag-aaral, marami sa kanila ang hindi na pumapasok tuwing biyernes na nagdudulot din ng komplikasyon sa mga aktibidad na dapat na basahin at sagutan nila. Marami ang nagsasabing hindi epektibo ang catch up friday dahil sa malimit na pagpasok ng mga estudyante sa kabila ng mga positibong epekto nito.
Siguradong mabuti ito para sa kanila dahil ito ay isa sa mga susi sa kaalaman at kanilang kahusayan.
‘Tulad nga ng kasabihan ng iba, walang mangyayari kung hindi gagawan ng paraan. Maaayos lamang ito kung buo ang loob ng mga mag-aaral na matuto at magaral.
Dahil dito, mas mabuti na itigil muna ang catch up friday dahil mas importante na pakinggan ang mga saloobin ng mag-aaral sa kung saan at paanong paraan sila mas matututo. Sa iyong palagay, dapat na nga bang tanggalin ito?
12 opinyon
PAPASOK KA BA? CATCH UP FRIDAY LANG NAMAN ‘YAN EH ni: Rossaine Eliz G. JEREZ
Likha Ni: Sean Austin ROUS
MATIRA MATIBAY: Ang Jumpball na hudyat sa pagsisimula ng mainit na bakbakan sa pagitan ng Idiyanale at Mayari
Kuha ni: Jenielle ROXAS
SA DILAW, SA PUTI: SINO'NG MAGWAWAGI
Idiyanale basketball team, Dinomina ang TDC intramurals para sa ginto
Ni: Von Merick O. PASAMBA
Matagumpay na naselyuhan ng Idiyanale ballers ang tropeyo matapos nitong pataubin ang nag amok na Mayari, 76-71 sa finals game ng TDC intramurals 2024, basketball category kahapon sa BF Villar Gymnasium, Las Pinas City.
Pinangunahan ni point guard Gabriel Tiana ang arangkada ng Idiyanale nang magtala ito ng double-double stats matapos ang kaniyang halimaw na 27 puntos kalakip and 10 rebounds upang dikdikin pa ng husto ang minokawa at pigilan ito na maka abante sa serye.
“Masayang masaya ako dahil nakuha namin yung gusto namin and nag enjoy lahat dahil yun naman yung gusto namin” ani Gabriel Tiana.
Hinirang din bilang Finals MVP si Gabriel Tiana sa naturang pampalakasan dahil sa pinamalas nitong galing sa final game.
“ Masaya ako dahil isa ako sa mga naging key player ng team namin and masaya ako dahil binigay ko yung best ko para maipanalo yung game at maging MVP nung laban na yon.” dagdag pa ni Tiana sa isang panayam.
Nag ambag din ang shooting guard na si Adrian Sion na tumipa ng 25 points at 9 rebounds kalakip ang 22 kamada ni shooting guard David Javier dahilan upang pahirapan pa lalo ang Mayari na mahakahabol pa sa pagkakatambak, 76-71.
“ Proud ako na hindi nasayang lahat ng effort namin as a team kagaya ng practice and mag training ng sama sama”. Ika ni David Javier sa isang panayam na tinanghal din bilang isa sa mga mythical 5 players ng bakbakan.
Pinangunahan naman ni point guard at monster rookie Mark Alibayan ang pag hahabol ng mayari nang kumamada ito ng 32 points katuwang ang 16 puntos at 11 rebounds ng sentro na si Reinan Pasta ngunit hindi pa din ito naging sapat upang pahupain ang rumaragasang Idiyanale.
Sa huling yugto ay lalong nag init ang tensyon sa court dahil sa mga di mapigilang birada ng Idiyanale na humantong sa 11-2 run sa pangunguna nina Sion at David Javier upang tuluyan ng tambakan at di na pahabulin ang naghihingalong Mayari.
Nag iba ang takbo ng hangin matapos ang kayod marino na ipinamalas ng rookie na si Mark Alibayan matapos kumana ng 15 points sa 4th quarter lamang upang tapatan ang talaan at maitabla sa 65-65 ang kartada ng mainit na bakbakan. Hindi na pinayagan pa ng Idyanale ang pagbabawi ng ng Mayari at tinuluyan na nila ito matapos ang sunod sunod na birada nina Tiana at Sion upang tuluyang maipanalo ang laban, 76-71.
Mainit na sinimulan ng Idiyanale ang laban sa unang kwarter dahil sa mga bumubulusok nitong tirada na pinangunahan nina Adrian Sion at David Javier upang ipako ang 12 na kalamangan kontra Mayari, 26-14.
Pagdako sa ikalawa at ikatlong yugto ay halos pareho lang ang ginagalawang sitwasyon ng Mayari dahil patuloy silang naghahabol sa di mapigilang Tamawo na patuloy pa ding pinangungunahan nina Gabriel Tiana at Adrian Sion na sinasabayan pa ng maiinit na tres ni Javier simula hanggang patapos ng ikatlong quarter, 61-56.
Atletang mag-aaral kaya pa ba?
Ni: Carl Melvin A. EROSA
Puspusan na training at sandamakmak na gawain ang kailangan tapusin ng mga atletang mag-aaral araw-araw.
Maaring hindi nga sila sumusuko at pinipilit bumangon para sa kanilang mga pangarap. Ngunit kaya pa ba nila?
Maraming aakuing responsibilidad ang mga atletang magaaral, at isang halimbawa na rito ang mga atleta ng Talon Dos Campus. Upang maging matagumpay sa kanilang mga kinakaharap, kinakailangan nila ng matinding disiplina para mabalanse ang pokus sa klase at sa hardcourt.
“Hindi mahirap maging student athlete, lalo kung marunong ka mag
Oo nakakapagod maging student athlete pero kung masaya ka naman, hindi mo ramdam ang hirap at pagod.” Saad ni Kai Eliscupides na isang manlalaro ng TDC na nagbibigay motibasyon hindi lamang sa mga atleta ngayon ngunit sa mga susunod pa na makakaranas nito.
Isa lamang si Kai sa maraming pang atleta na nagpapakita ng tuloy-tuloy na dedikasyon at isa sa mga parating bumabangon para sa kanyang pangarap. Isa siya sa nagpapakita ng maganda katangian ng magaaral sa TDC na ang pagsuko ay wala sa kanilang bokabularyo.
Patuloy na lalaban ang mga hinirang na atleta na nagrerepresenta ng TDC sa kanilang dibdib. Isa na sila sa mga patunay na kaya at patuloy na kakayanin ng mga kagaya nila ang mga hamon na maibabato sa kanila at magpupursige hindi lamang para sa kanilang mga sarili ngunit para na rin maging isang halimbawa sa mga gustong sumunod sa yapak nila.
13 isports
Likha Ni: Miguel Gabriel S. ABADEJOS / Sean Austin ROUS
MR. AND MS. MAHIWAGA2024
Umariba sa TDC Intramurals
Ni: Jamaicah Rose RAMA
BIGAY TODO: Ang makamandag na sagutan nina Vince Caintic at Ella Mojica ng Lalahon
Kuha ni: Arbie DELOS REYES
“ Ate and left no crumbs
Pormal nang sinimulan ang unang araw ng intramurals sa Las Pinas City National Senior High School-Talon Dos Campus na kung saan unang tinampok ang mga amakabogerang Mr. at Ms. Mahiwaga 2023! sa Villar Gymnasium nitong ika-5 ng Enero 2024.
Tampok sa prgramang ito ang mga mitolohiya ng pilipinas na pinaniniwalaang mga taong may kapangyarihan. ito ay ang mga bathala na nabuhay noong sinaunang panahon. Kaya naman, ang mga manlalahok mula sa ibat ibang pangkat ay nagpatagisan ng galing sa pag rampa na may kaugnayan sa kung sinong bathala ang nakatalaga sa kanila.
Nagpamalas ng pangmalakasan na kahusayan ang mga kalahok ng Idiyanale, Mayari, Lalahon at Amanikable para sa Mr. at Ms. Mahiwaga 2023.
Inumpisahan ito ng kanilang pa- grampa sa court na dala dala ang kanilang mga makukulay at na- tatanging banner.
Sa bawat lakad ng mga kalahok ay ang mga walang humpay na supor- ta at kasiyahan ng iba’t ibang team para sa kanilang mga taga representa.
Isang grandeng pangyayari ang na- saksihan ng mga magaaral dahil sa angking kakisigan ng mga kalalaki- han na kinabibilangan nina Delve Mata ng Manikable, Vince Caintic ng Lalahon, John Rocha ng Idiyanale at Reinan Pasta ng Mayari.
Todo hiyaw din ang mga manonood dahil sa nag-gagandahang dilag ng bawat pangkat na sina Rich Esper- idiom ng Amanikable, Ella Mojica ng Lalahon, Ichi Janiola ng Idiyanale at Eliz Jerez ng Mayari
Itinampok din ang kanilang galing sa pagsagot sa question and answer portion na makikitang higit na pinaghandaan ng bawat isa sa kanila.
Sinundan ng kanilang mga natatanging sportswear na na-execute rin ng bawat kandidata. Panghuli, ang kanilang hindi papakabog na mga talento sa pagsayaw, pagkanta at pag arte kaya napabilib nila ang mga manonood at hindi lamang iyon napahanga rin ng mga kalahok ang mga hurado sa kanilang ipinamalas na galing at talento na tunay ngang nagrerepresenta sa kanilang mahiwagang mga bathala.
Itinanghal na Mr and Ms Mahiwaga 2024 ang duo na sii Vince Caintic at Ella Mojica na kapwa pambato ng Lalahon dahil ipinamalas nitong talento at tindig sa harap ng madaming tao.
Sa huli, tunay ngang they ate and left no crumbs! Pinakita nila ang kanilang mga galing sa mga ganitong uri ng patimpalak.
Hindi lamang ito simpleng paligsahan ng Mr. and Ms. Mahiwaga 2023 na bukod sa kasuotan, kakayahan at talento pinapakita rin dito ang esensya ng kaganapan sa mitolohiya ng pilipinas gayundin din ang karakter at kontribusyon nito sa lipunan.
Susundan ito ng pagsisimula ng mga laro at isports na gaganapin din sa Villar gymnasium, ito ang Basketball, Volleyball, Badminton, Ml at chess para sa pangkabuuang programa ng araw na iyon.
BABAE NAMAN ANG BUBUHAT NG KARANGALAN
Ni: Carl Melvin A. EROSA
Talon lang nang talon!
Para sa kinabukasan ng Talon!
Hindi na dapat mag-alala dahil ang women’s volleyball team (WVT) ng Talon Dos Campus ay walang alinlangan tatalon, upang mabuksan ang pinutan sa susunod na henerasyon.
Puspusan na training at hindi matapos-tapos na gawain, ilan lamang iyan sa mga kinakaharap ng manlalaro ng TDC WVT araw-araw.
Ngunit hindi ito naging hadlang,
para unti-unti nilang maabot ang kanilang pangarap. Maraming sakripisyo ang kailangan gawin ng mga TDC Spikers. Ayon kay Xaira Bete na Captain Ball ng WVT “Iyong cluster meet para sa Talon Dos, isa siyang malaking opportunity para makilala yung school sa larangan ng sports. Hindi naging madali at kinailangan ding madaliin yung training dahil sa kakulangan sa time at ayaw namin na ilagay sa alanganin yung school hours namin, sakripisyo din para mabitbit yung pangalan ng school.”
Dagdag pa ni Xaira “ Inaabot kami ng dilim sa court, ubusan ng tubig, at imbis na magpahinga ay mamimilit akong magschedule ng training.” Isa ito sa nagpapakita ng dedikasyon at sakripisyo ng ating mga atleta para maiangat ang bandera ng TDC. Para sa kaniya nabigo man silang angkinin ang inaasam na panalo, pinagmamalaki parin niya na malayo na ang kanilang kanilang narating at lubusang nagpapasalamat dahil sila ay nabigyan ng pagkakataon mairepresenta ang TDC.
MAKAPIGIL HININGA:
Ang pamamayagpag ng Lalahon tungong Kampeon Kuha ni: Shaquel C. AGUMBAY
AHON SA PAGKAKABAON
Lalahon tinakasan ang Mayari para sa Kampeonato ng Badminton Championship
Ni: Carl Melvin A. EROSA
Sapagtatapos ng Intramurals 2023-2024 na ginanap sa Garden Homes Court, umahon ang Lalahon laban sa Mayari sa larong badminton sa iskor na 21-19, 12-21, 15-8.
Pinangunahan ng nagliliyab na ispayk ni Marc Alwyna Firme ang opensa ng lalahon na talagang pinahirapan ang depensa ng kanilang kalaban. “Masaya po yung paglalaro po ng badminton, tapos po yung nagchanpion po ko sa badminton mas nakakasaya po at nakakabuo ng puso” ika ni Firme.
Hindi naman nagpahuli ang kanyang teammate na si Shgierlinne Nicolette Torrejos na nagpakita ng nag-aalab na determinasyon sa pag depensa at paghabol ng shuttlecock.
“Ang experience ko po sa nangyaring game ay sobra pong nakakapagod kasi po three sets po siya and 18 points po para manalo ka” nahirapan din daw si Torrejos sa kanilang kalaban, ngunit masaya siya dahil nagwagi siya kasama ang kanyang kaibigan.
ONE ON ONE: Ang Maiinit na kompetisyon
Hindi rin matutumbasan ang pinakitang puso ng kupunan ng Mayari na binuo ni Mark Angelo Alibayan at Kyla Dela Cruz, aniya nila nahirapan din daw sila dahil hindi pa sila nakakapaglaro at practice ng sabay bago maganap ang torneyo, at kitang kita ito sa laro dahil sa kanilang sunod-sunod na error.
Sa huli umahon ang kupunan ng Lalahon at tuluyan ng niyari ang Mayari, upang masungkit ang kampeonato.
Mayari, naghari sa TDC Intramurals 2024 Chess Mens Division
Ni: John Fernando B. ROCHA
Muling nasungkit ni Vladimir Tubanza ng Yellow Team ang kampeonato kontra kay Keeno De Castro ng Blue Team sa best of 5 game sa katatapos na Talon Dos Campus Intramurals 2024 Chess League Men’s Division Finals nitong Biyernes sa Las Piñas City National Senior High School Talon Dos-Campus.
Matatandaan na si Vladimir Tubanza rin ang nag kampeon nakaraang TDC INTRAMURALS CHESS LEAGUE noong siya ay nasa Blue Team.
Landslide Win ang ginawa ni Vladimir Tubanza matapos magtala ng iskor ma 3-0 laban sa pambato ng Blue Team na si Keeno De Castro.
Sa unang laban naging dikdikan ang tapatan ngunit pagkatapos makakuha ng kalamangan ang Yellow Team sa posisyon ng mga piyesa ay nasigurado nito ang panalo.
Sa pangalawang laban ay nakalamang ang yellow team matapos ang blunder move na nagawa ni Keeno De Castro ng White team na kung saan nagkaroon ng “Material Lost”, Queen kapalit ng Bishop. Dahil dito naging tiyak ang pagkapanalo ni Vladimir Tubanza ng Yellow Team.
Sa pangatlong laban at match point sa koponan ng Yellow Team, naging maliwanag ang pagkapanalo para sa Yellow Team matapos ang material lost na bishop ni Keeno De Castro ng White Team. At tuluyan nang nakamit ni Vladimir Tubanza titulo ng pagiging kampeon.
Manalo o matalo, Itotodo ang ensayo
“Tatakbo, tatalon, isisigaw na kaya ko” Hango mula sa kantang “kahit ayaw mo na” ng This band
Hapong-hapo man at tagaktak ang pawis ay di alintana ito upang pigilan ang pag-arangkada ng mga atletang basketbolista mula sa LPCNSHS- Talon Dos Campus sa kanilang maigting na pag eensayo para sa gaganaping 2024 cluster meet kung saan ay bibida ang mga mag aaral at maipamalas ang kanilang mga natatanging talento sa isports. Kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap ng mga ito sa pag eensayo upang mapaghandaan ang laban at makondisyon ang kanilang mga sarili kahit na hindi sigurado sa kalalabasan ng laro.
Laro ng laro, wala nang ibang inisip ang mga manlalarong ito kundi ang mag aral at mag ensayo pagkatapos sa maghapong pakikisabak sa paaralan. Pagod man ang kanilang utak sa umaga ay nasa puso pa din ang kanilang kagustuhang matuto at mag improve pa ng husto, parte ng kanilang paghahanda sa cluster meet. Ito ay isang taunang event kung saan ay isinasagawa ito sa mga pampublikong paaralan sa pilipinas partikular sa bawat lungsod sa bansa. Kinapapalooban ito ng mga programang pampalakasan kung saan ay bibida ang bawat estudyante na maglaro at ipresenta ang kanilang paaralan gamit ang kanilang natatanging talento at galing.
Takbo ng takbo, kahit pagod na ang isip at katawan ay hindi ito dahilan upang panghinaan ang kanilang puso na tapusin ang kanilang ensayo. Tatlong minutong pahinga at isang boteng tubig lang ang katapat ng tatlong oras na pag eensayo ng mga drills at basketball fundamentals na talaga namang laylay dila ang kahahantungan kahit sa kalahati pa lamang.
Sigaw ng sigaw, epektibong paraan upang ilabas ang lahat pangangalay at pagod sa katawan, isa din itong senyales na nag hahabol na sa paghinga ang isang atleta ngunit kaakibat nito ang isang matinding bwelo upang ibuhos na ang pinaka todong pagganap sa pagtapos ng gawain sa ensayo. Kahit na may iniindang sakit sa katawan at iniisip na gawain sa paaralan, determinado ang bawat isa na sundin ang lahat ng sasabihin ng kanilang coach na hindi din nagsasawang gabayan sila sa tamang landas ng preparasyon.
Talon ng talon ang mga taga-talon, lundag dito at lundag doon, nanginginig at ngalay na ngalay na ang kanilang tuhod at paa. Matatandaan na nasubukan na ang kanilang talento nito lamang 2024 TDC intramurals kung saan ay naging dahilan din upang makitaan sila ng angking galing na pasok sa kraytirya ng pagiging isang atleta ng talon dos campus. Sinala ang bawat isa hanggang sa makuha ang mga karapat dapat na manlalahok magbibitbit ng pangalan ng kanilang paaralan. Mga manlalahok na kayang makipag takbuhan at talunan sa mga katunggali ngunit nandoon pa din ang pakikisama at sportsmanship na nararapat lamang na taglay ng isang atleta.
Ang buhay atleta ay hindi masasabing madali, ang mga ensayo at pagsasabay ng mga gawaing pampaaralan at pampalakasan ay talaga namang nakakabilib para sa mga magaaral na kayang makipagsabayan sa mga gusto at kailangan ng kanilang pagkatao. Ang mga paghahanda at preparasyon ay masusing pinag tutuunan ng pansin na ultimo kahit balakid ang humambalang ay walang makaka awat sa kanilang pag eensayo. Dapat lamang na kahit papaano ay alagaan pa rin nila ang kanilang sarili ay panatilihin ang malusog na pangangatawan.
15 isports
Ni: Jherome Isaac M. PURA
ANG PAKONDISYON NG TDC ATHLETES
Kuha ni: Jenielle ROXAS
para sa Kampeon ng Mayari and Aminikable
palarong
AMINIKABLE (BLUE TEAM)
LALAHON (RED TEAM)
HULING PALO PARA SA PANALO: Ang huling ball possession ng Idiyanale kung saan initsa ni Bete ang huling puntos para tapusin ang laban kontra Idiyanale
Kuha ni: Anne Estrope
MAYARI (YELLOW TEAM)
IDIYANABLE (WHITE TEAM)
Datos mula sa: LPCNSHSTalon Dos Campus SPORTS CLUB
Amanikable,
nasungkit
ang kampeonato sa ML Finals kontra Lalahon
Ni: Miguel Gabriel S. ABADEJOS
Dinomina ng Amanikable ang ML tournament finals kontra lalahon sa tala na 3-2 upang tuluyang ikahon ang kampyonato sa 2024 TDC intramurals nitong biyernes sa Talon Dos Campus Las Pinas City.
HARURUT PATAGUMPAY
Mayari sinikwat ang tropeyo kontra Idiyanale
Ni: Jherome Isaac M. PURA
Tinuldukan na ng Mayari ang karera ng Idyanale matapos itong sibakin sa pamamagitan ng isang 2 set game, 25-18, 25-23 dahilan upang maikahon ang tropeyo sa finals ng TDC Intramurals 2023-2024 women’s volleyball nitong sabado sa Villar Gymnasium.
Itinanghal na Finals MVP si Captain Ball Xaira Bete matapos ang halimaw nitong 15 na birada, 10 digs at 2 blocks upang pangunahan ang Mayari na yariin ang Idiyanale.
“Masaya ako kasi nagbunga lahat ng pagod namin simula sa training hangang sa mismong laban, MVP man o hindi, ang mahala nag enjoy kaming lahat.” ani Bete
Mainit na tinapos ng Mayari ang ikalawang set sa pangunguna ni captain ball at libero Xaira Bete matapos kumana ng 8 points kabilang ang 4 na service ace upang hindi na paabutin pa ng 3rd set ang laban at tapusin ang nag aamok na Idiyanale, 25-23.
Sagaran naman ang pasasalamat ng Mayari sa bawat isa dahil sa pukpukang pagganap nila sa loob ng court.
“Sympre sobrang thankful ako kasi nakaabot kami ng finals and alam ko naman na ginawa namin yung best namin para sa laban na ito, so ayun worth it lahat” ani captain ball Xaira Bete Nagambag sina setter Tia Tiberio at opposite hitter na si Leslie Llaneta na parehong tumira-
da ng tig-anim na puntos upang lalo pang pahirapan ang Idiyanale na makaabot sa talaan.
Pinilit ng Idiyanale na maihatid sa 3rd set ang bakbakan, sa pamamagitan ng maiinit na tirada ni captain ball Annika Tolentino ngunit nanaig pa rin ang tibay at lakas ng Mayari sa kanilang laro.
“Maganda naman yung nilaro naming lahat, manalo o matalo masaya kaming lahat dahil pinakita namin yung best namin at hindi nasayang lahat yon.” Ika ni Tolentino
Unang set pa lamang ay pukpukan na labanan matapos magpakita ng husay ang magkabilang koponan na parehong uhaw sa panalo upang makamit ang tropeyo.
Nakalamang ang Idiyanle sa unang set matapos ang magkakasunod na service ace si Attacker Ichi Janiola na sinundan ng mabibilis na atake nina Tolentino at setter Angel Quinagan upang iposte ang 5-1 run para iangat ang kanilang kartada, 14-15.
Pagdako sa ikalawang set, mainit ang palitan ng dalawang koponan na pinangunahan nina Bete at Llaneta ng Mayari at Tolentino at Quinagan para sa Idyanale, dahilan kung bakit naging dikdikan ang laban at maiabot sa 24-23 ang kartada
Hindi naging sapat ang lakas ng Idiyanale upang ipanalo ang set dahil nanaig pa rin ang determinasyon ng Mayari at matagumpay na nasilat ang kalaban sa 2nd set, 25-24.
Dahil sa Pinakitang lakas ni “Srry, I’m zai” at sa tulong ng Magandang koordinasyon ng team Lalahon nakatikim ng talo ang Amanikable Sa unang laro na may score na 7-19.
Sa pamamagitan ng lakas ni “Raku’s finest” na nag tala 13 assists para sa Pangkat katuwang ang magagandang kombinasyon nina “iCoco” at “Enai”, naselyuhan nila ang ikalawang game upang maitarak ang 1-1 na serye.
Pagdating sa Pangatlong Laro ang Amanikable ay Nag karoon ng Magandang Panguna dahil sa Mabilis na pag kuha ng mga farm at objectives ng kanilang “raku’s finest” at nakapag tala ng 5 kills kasama ang tulong ng magandang pag aalaga ng kanilang “iCoco” sa “Enai” sa kani-kanilang laning.
Si “Enai” Ay mabilis din na nakapag palakas at ito’y nag bigay ng maraming pag sira ng tore na naging isang rason kung bakit nahirapan ang kanilang kalaban. Ang “iCoco” naman ay nag tala ng 15 assist at nakakuha ng “MVP”. Nag iwan ng panalo at natapos sa puntos na 18-7.
Sa Pang apat na laro Ang lalahon ay nadagit ang panalo dahil sa tulong ng kanilang “Prime” kasama ang Maayos na pag gamit ng “Pikachu” nakakuha sila ng Panalo at naipilit na mag karoon ng pang limang laro.
Sa Pang huling laro Nag bigay ang “raku’s finest” ng amanikable ng magagandang rotation at matagumpay na napalakas nito ang kanilang “Enai” At dahil dito Napabilis na napalakas ito. At ang “Enai” ay nag bigay ng 7 kills at Ito’y isa sa naging rason ng Pag bagsak ng Lalahon. Kasama ang Magandang pangkat gawain tuluyan ng naitaob ng Amanikable ang kalaban na nag iwan ng 23-15 At Nakuha ang kampeon.
isports AngLuntian TOMO III | BILANG I Agosto - Marso 2024 Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng MATAAS NA PAARALAN NG TALON DOS CAMPUS
pampaaralan 2024
1
1 0 3 1 1 2 2 2 1 3 1