Ni: Ivhie Victa Sa kabila ng pandemya ay ipinagdiwang pa rin ng Dampol 2nd National High School ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro sa pamamaraang birtuwal, Oktubre 5, 2021,Martes. Pinangunahan ng pamunuan ng Dampol 2nd Faculty and Employees Association (D2FEA) ang nasabing pagdiriwang sa pamamatnubay ng Punong-guro III ng paaralan, G. Bienvenido L. Guevarra Jr. Isang palatuntunan at mga palaro ang inihanda para sa mga guro ng D2NHS. Dagdag pa rito ang mga papremyo para sa mga nagwagi sa mga larong online at raffle. Kasabay nito ay
isinagawa rin ang pagpaparangal at pagkilala sa mga gurong nagpamalas ng husay sa kanilang pagtuturo. Ang mga guro sa bawat asignatura na napabilang dito ay ginawaran ng sertipiko. Samantala, Oktubre 4, 2021 naman ginanap ang pagdiriwang para sa lahat ng mga guro sa buong lalawigan ng Bulacan na pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Bulacan. Inaasahan namang sa mga susunod na taon ay muli nang babalik ang lahat sa normal at ang mahalagang pagdiriwang na tulad nito ay maipagdiriwang na muli ng mga guro ng magkakasama.
Blended Learning pinaigting pa sa D2NHS Ivhie Victa
Matagumpay ang naging pagpapamigay ng modyul sa mga magulang kasabay ng pagsasagawa ng mga klase online sa buwan ng Oktubre. Sa pangunguna ng mga gurong tagapayo sa bawat antas at sa gabay ng mga Ulong Guro at ng Punong Guro III, G. Bienvenido L. Guevarra Jr. ay nagkaroon ng maayos na proseso ng pagbibigay ng mga modyul sa mga magulang. Ang palagiang pagsunod sa IATF protocol ay pangunahing prayoridad ng paaralan para sa kaligtasan ng mga guro at
Brigada Pagbasa, umarangkada na! Ejay E. Reyes Nakiisa ang Dampol 2nd National High School sa pagdiriwang ng Brigada Pagbasa 2021 na may temang: “Sama-sama, Tulong-tulong sa Pagtataguyod ng Kultura sa
Kuhang larawan mula sa mag-aaral ng baitang 9 bilang pakikiisa sa Brigada Pagbasa
Pagbasa” na nagsimula kasabay ng taong panuruan 2021-2022. Sa pangunguna ng Ulong Guro I ng departamento ng Filipino, Gng. Josefina G. Delos Reyes, Ulong Guro I ng Departamento ng Ingles, Gng. Ma. Concepcion Madla at Punong-guro III, G. Bienvenido L. Guevarra, Jr. gayundin ng mga guro ng bawat asignatura sa iba’t ibang antas ay nasimulan ang mga gawaing makatutulong sa mga mag-aaral upang higit na maging mahusay at maalam sa pagbabasa. Layunin ng Brigada Pagbasa 2021 na mapagkaisa, mapagtulungan at mahikayat hindi lamang ang mga mag-aaral kung hindi pati na rin ang mga magulang at mga guro
na mas paigtingin ang pagpapahalaga sa pagbabasa upang mas mapataas ang bahagdan ng mga mag-aaral na mahusay sa pagbasa na may pag-unawa. Simula rin ito ng pagpapatuloy at pagpapaunlad pa ng mga Continuous Improvement Project (CIP) ng iba’t ibang asignatura ng paaralan kaya’t hinimok din ang iba pang mga departamento na makiisa sa nasabing gawain. Inaasahan namang hindi lamang sa simula ng taon maisasabuhay ang layunin ng Brigada Pagbasa kung hindi sa buong taon at sa mga susunod pa alang-alang sa mga kabataang pag-asa ng ating bayan.
mga magulang. Kasabay ng pagsasagot ng mga modyul ay ang pagsasagawa rin ng mga klase online ng mga guro sa iba’t ibang asignatura upang masiguro ang pagkatuto at pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin. Lalo namang pinaiigting ng paaralang Dampol 2nd ang pagbuo pa ng iba pang programang maaaring makatulong sa pagkatuto ng mga batang Dampoleño.
EDITORYAL
Aasa na lang ba sa Social Media?
Dibuho ni: James Justine L. Hernandez Umabot na sa humigi’t kumulang na 700,000 followers ang grupo na pinangalanang “Online Kopyahan” sa isang social media at ang karamihang nakasali rito ay ang mga mag-aaral mismo. Pinaiimbestigahan na ito ng Kagawaran ng Edukasyon dahil sa pagbilis na pagdami ng bilang ng mga mag-aaral na sumasali rito. Sa ngayon, ilang learning modalities tulad ng blended, online, at modular ang patuloy na isinasagawa dahil hindi parin pinahihintulutang magkaroon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral bilang pag-iingat sa COVID-19. Sa sinasabing site na ito makikita ang iba’t ibang uri ng larawan ng mga modyul at kalakip nito ang mga sagot. Ayon sa pahayag ni National Bureau of Investigation( NBI) Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo nararapat na imbestigahan at alamin ang mga pinangagalingan nito at kung sino ang mga taong kasali dito, maging ang pagka-hack
ay dapat ring matignan. Opinyon naman ng mag-aaral na si Sherain Caguete “Hindi talaga nararapat na magkaroon ng ganoong group page, dahil una sa iilang dahilan, ipinagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng pandemya para hindi tayo mahuli, at magkaroon pa rin ng kaalaman, ang pagsali sa ganoong group ay nagpapahiwatig na ang goal mo nalang ay makapagpasa ng requirements at hindi ang pagkakatuto”. Ayon rin kay Jillean Cruz “Para sa akin, hindi dapat ito nag-eexist dahil matututo ang mga bata na umasa sa iba at maaaring madala nila ito sa kanilang pagtanda”. Dagdag pa ni Carla Villaseñor “Para sa’kin
Yaman din ang Mental Health!
hindi nararapat na magkaroon ng ganoong group page, hindi para magdamot kundi upang tayo ay matuto. Sa gitna ng pandemya minarapat ng mga guro, DepEd, at ating mga magulang na matuloy ang ating pag-aaral upang tayo ay matuto hindi lamang gawin ang mga naiatas na gawain”. Samantala, patuloy pa rin ang kanilang pag-iimbistiga sa iba pang grupo at mga FB page na kumakalat. Labis itong nakaaalarma sa pag-abot ng kalidad na edukasyon ngayong bagong normal. Hindi kailanman magiging matagumpay ang isang tao kung iaasa na lamang ang responsibilidad at pagkatuto sa ibang tao. Walang magandang bunga ang ano mang gawaing dinaya at hindi pinaghirapan. Huwag iasa ang kinabukasan sa social media lamang.
Princess Karyll Esguerra
Malaking usapin ngayong pandemya ang kalagayan ng pag-iisip ng bawat indibidwal. Apektado ng kasalukuyang pandemya ang mentalidad ng bawat tao. Binago ng COVID-19 ang buhay ng marami kaya mahalagang pangalagaan ang pangkaisipang kalusugan sapagkat hindi na biro ang nagiging dulot nito sa bawat isa. Sa panahon ngayon, normal lamang na makaramdam ng takot at pagkabalisa, lalo na at patagal nang patagal ang krisis na nararanasan natin. Bukod sa pag-aalaga ng ating kalusugan upang makaiwas at hindi magkaroon ng nakahahawang
sakit ay dumaragdag din sa ating alalahanin ang iba pang gawaing nakaatang sa atin gaya ng hanapbuhay, pagkakakitaan at maging ang pag-aaral.
kalusugan. Ang mental health ay mahalaga sa ating kabuuan at indibidwal na abilidad na magtrabaho, mag-isip, makaramdam at mabuhay.
Ayon sa CNN Philippines, bago pa man at wala pang pandemya ay problema na talaga ang isyu ng mental health dahil isa ito sa mga programang hindi masyadong nabibigyan ng atensyon noong mga nagdaang taon. Isa din dito ang kakulangan ng mga psychologist at psychiatrist. Kaya isang malaking hamon ito lalo na noong dumating ang pandemya.
Samantala, mas marami pa ang pwedeng magkaroon ng pagkalumbay, stress at pagkabalisa. Kaya’t kung may nararamdamang kaugnay ng kawalan ng pag-asa at tila nais nang saktan ang sarili ay marapat na humingi ng tulong sa isang mental health professional o hindi kaya sa taong maaari mong pagkatiwalaan at pagsabihan ng iyong problema. Huwag isiping walang solusyon ang problema at katapusan na.
Ayon naman sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH), ang mental health ay isang mahalagang bahagi ng ating pangkabuuang
Hindi ito biro. Tunay ang
anxiety, stress at depression. Hindi dapat ito binabaliwala lalo na sa panahon ng pandemya. Walang taong pinipili ang maaapektuhan nito kung kaya’t marapat na bigyang aksyon ito ng mga kagawarang makatutulong upang mabawasan ang mga taong kumakaharap sa ganitong isyu. Malaki ang maitutulong ng mga webinar o seminar na tumatalakay sa mga ganitong usapin at pagbibigay ng ilang paraan upang maibsan ang negatibong nararamdaman at naiisip. Isulong at palaganapin pa ang mga magagandang proyekto na makatutulong sa mga taong kabilang sa nakararanas ng isyu sa kanilang mental na kalusugan.
Mga Yapak
na Kayrami nang Tinahak Michelle Anne Arellano
“Don’t judge each day by the harvest you reap but by the seeds you plant”.
Si Gng. Ma. Elsie Sevilla Laganao ay kilalang guro sa paaralang Dampol 2nd National High School. Masasabing isa sa mga haligi ng paaralan sapagkat ngayong taon ay ang pang-30 taon na niya sa paglilingkod sa ating mahal na paaralan. Masasabi ba nating kilala na natin si Ma’am Elsie? Sandali, maraming bagay pa ang hindi mo nalalaman tungkol sa kaniya. Ipinanganak noong Hunyo 17, 1965, lumaki sa Del Carmen Village, Sumapang Matanda City of Malolos. Dito nagsimulang mahubog ang husay at kakayahan ng batang Elsie sa pamamagitan ng gabay at pagmamahal ng kaniyang mga magulang na sina G. Florencio Sevilla at Gng. Julieta Castor. Pangatlo sa 7 magkakapatid at panganay sa mga babae. Hindi nagging madali ang pamumuhay para sa pamilya Sevilla kaya’t pilit na nagsumikap at matinding nangarap ang munting Elsie upang makaahon sa buhay na payak. Elementarya pa lamang ay masasabing marunong na sa buhay. Namimitas ng mga bayabas, makopa at ibang maaaring ibenta upang may pambaon para sa bawat araw.
Dagdag pa nang tumuntong sa sekondarya na naging working student siya kaya’t ang gastusin sa paaralan ay bawas na sa isipin nang kanyang mga magulang. Nang makatapak naman sa kolehiyo ay nagpamalas ng husay sapagkat siya ay naging iskolar mula unang taon hanggang sa nakapagtapos. Ang lahat ng paraan ay pinaghirapan niya upang magtagumpay at makamit ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi nagtagal ay umibig at nakipag-isang dibdib kay G. Roberto Laganao at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng 5 mababait na supling na sina Emmanuel John, Hope Christian, Patrick Kent, Marie Franchesca at Paula Anne. At kahit na nakabuo na ng masayang pamilya ay hindi pa rin tumigil sa pagsisikap si Gng. Elsie para naman sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Sa kaniyang naging buhay guro sa nakalipas na higit 30 taon ay masasabing nahubog ang kakayahan at galing niya sa iba’t ibang larangan lalo’t higit sa pamumuno at paglilingkod kaya’t bukod sa pagiging
Salamat, Ka-Brigada!
Srgt. Marie Joyce Pudol Catalan, Mr. Reynante M. Santiago, Mrs. Carol Carino, Ms. Rodith C. Figueroa, Mrs. Corazon Real, Mrs. Jinky D. Diono, Mrs. Juvelyn Esguerra, Ms. Eiselle Mitch Bungao, Engr. Ryan C. Revilla, Ms. Mary Joyce Bernardo, Ms. Dorothy De Jesus, Princess Dahlia Dale, Angel Hope Diono, Alhea Real, Princess Esguerra, Renzcel Carini, Carmelli Cachin, Mrs. Gloria Sayo
Sanga, Mrs. Maricel Lopez-Yap, Mr. Mike Alvin Chavez, at Mr. and Mrs. Michael Del Rosario, Mrs. Maricel V. Alcantara, Ma’am Ana Galang, Alexis Sanga, Maricel Lopez Yap, Mr. Marvin Magtalas, Ms. Rosemarie Sacdalan ,Ms. Marycel Del Moral, Ang Rotary Club of Pulilan-Diamonds, LRP Enterprises c/o Kuya Rollie at Ma’am Ana Payumo, Tabon Barangay Council, Mike Alvin Chavez, Josieline
simpleng guro ay naging SSG Adviser, Liaison Officer, Pangulo ng iba’t ibang Samahan sa paaralan maging sa Departamento ng Araling Panlipunan sa Bulacan at ang lahat nang iyan ay naging dahilan upang kilalanin at gawaran siya ng mga pagkilala bilang Natatanging Guro sa iba’t ibang taon na siya ay naglilingkod sa larangan ng edukasyon. Siyarin ay palagiang naiimbitahan upang maging tagapagsalita sa mga seminar o workshop dahil sa dami ng kaniyang kaalamang maibabahagi sa iba. Nagpatuloy sa pag-aaral at natapos ang kursong Master of Arts in Education noong taong 2017 at agad na sinundan ng kursong Doctor of Philosophy in Developmental Education taong pangkasalukuyan. Ngayon, si Gng. Laganao ang tumatayong Ulong Guro III sa mahal nating paaralang Dampol 2nd at gumagabay sa mga guro sa Departamento ng Araling Panlipunan. Ang lahat ng tagumpay na kaniyang natatamasa ay bunga ng
Taguinod, Mercedita Catapang, Grace Matias, Karen Llanita, Marinelle Dela Cruz, Joana Constantino, Michelle Caparas, Connie Buenaventura, Fernando Cruz, Lhet Gomez, Mercy Lopez, Liz Auto Supply, Evelyn San Pedro, Marcelina De Guzman, Michelle Tiongco, Elvira Hindle, Razon Family, Elina Samson Mendoza, Darwin Dave Santos, Oliva Esteban, Reilene Danganan, Irish Joy Santos, Edison Feliciano, Joycie Bernardo, Corazon Talavera, Rosette Calderon, Zarah Santos, Joy Caluwagnag,
Super Ma’am, Wonder Mom! Trisha Cabiles
ang lahat ng responsibilidad?
“Ang kaya mong gawin ngayon ay huwag mo nang ipagpabukas pa!” -iyan ang kasabihang isinasabuhay ng gurong aking hinahangaan. Iyan ang sikreto sa napakahusay niyang pagsasakatuparan ng lahat ng trabahong kailangan niyang gawin nang sabay-sabay araw-araw.
Minsan ako’y napapaisip. Paanong kayang hatiin ng isang guro ang mga responsibilidad na sa balikat nila’y nakaatang? Anong kapangyarihan ang dapat taglayin ng isang katawang tumatayo bilang anak, asawa, ina, guro, kaibigan at sarili? Paano ang sarili? Sapat na ba ang sumigaw ng Darna upang magawa
Bunga ng pagmamahalan nina G. Celestino Ramos at Gng. Celerina Dela Cruz, isinilang ang noon ay tinawag na “Go”, Abril 21, 1983 sa bayan ng Pulilan, bunso sa dalawa lamang na magkapatid. Payak ang naging buhay ng kanilang pamilya subalit puno ng pagmamahalan at paggalang. Tumimo sa isip na ang makapagtapos ay susi upang maging matagumpay at umunlad ang buhay. Aral na dala-dala ng batang Gloria hanggang sa kasalukuyan. Masasabing tunay na nagsumikap si Go sa pag-aaral sapagkat nakamit niya ang pinakamataas na karan-
galan bilang Valedictorian noong elementarya, isang iskolar naman noong sekondarya at nakabibilib namang tunay sapagkat Cum Laude naman siya noong kolehiyo at nanatiling iskolar pa rin na naging napakalaking tulong sa kaniyang mga magulang sapagkat tanging baon na lamang ang kailangan. Matapos ang kolehiyo ay walang panahong sinayang sapagkat agad na naghanap-buhay at nakapaglingkod sa Kagawaran ng Edukasyon mula taong 2005 hanggang sa kasalukuyan. Samantala tinapos niya ang kursong Master in Education Major in Educational Management taong 2013. Hindi nagtagal ay umibig at naging kabiyak ng puso ni G. Marciano Dimitui at biniyayaan ng tatlong mababait na supling na sina Kian, Khia at Kyra. Kahit na may pamilya na ay hindi pa rin nawala ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Gng. Dimitui sa kaniyang mga magulang at kapatid. Kasabay pa rin
kaniyang galing at dedikasyon sa napiling bokasyon. Si Ma’am Elsie ay isa sa nagpapatunay na ang buhay ng isang guro ay para sa pagtuturo at sa pagkatuto. Hindi natinag sa kahit anumang pagsubok na ibinibigay sa kaniya ng buhay. Ang mga balakid ay ginamit niyang inspirasyon upang makamit ang edukasyong kaniyang pinakatatangi. Tunay ngang ang biyahe ng buhay ay hindi masusukat lamang sa ganda ng iyong destinasyon kundi maging sa kung paano mo nilakbay ang mga hamon at pagsubok ng buhay. Ipinakita niya na ang isang guro, gaano man kahirap, anumang hamon at pagbabago ang ibato ng buhay ay kayang maging isang butihing anak,kapatid, ina, asawa, at lider. May husay, paninindigan, dedikasyon, at isang inspirasyon; iyan si Ma’am Elsie!
Dionelda Doblas, Salvacion Ramirez, IECEP Bulacan, Clarita Magtalas, PTA Officers (9-L S.Y.2021-2022), Mrs. Reynalyn Caberte, Wendy Navarro. Ang lahat ng kanilang donasyon ay malaki ang ambag at ang tulong na nagawa para sa paaralan at mga guro, kaya salamat ka-brigada ang inyong busilak na puso ay palagi nawang pagpalain upang ang inyong pagtulong ay higit na maging inspirasyon sa bawat mamamayan, Ka-Brigada, bida ka!
ito ng kaniyang mga responsibilidad sa paaralan. Walang gawain o proyekto ang tinatalikuran niya, ang lahat ay buong pusong tinatanggap at ginagawa nang buong husay. Dahil dito ay may mga pagkilala rin siyang natatanggap sa iba’t ibang larangang kaniyang sinasalihan. Napabilang din si Gng. Dimitui sa mga Samahan at naging pangulo ng mga ito sa matagal na panahon. Ang hangarin niyang makatulong sa mas maraming nangangailangan ay talagang sinisimulan niya sa pagtulong sa mga mag-aaral na kaniyang natuturuan sa bawat taon ng kanyang paglilingkod. Tunay ngang siya ay guro na ating maipagmamalaki sa loob at labas ng paaralan. Siya ay isang patunay na ang talino, husay, at dedikasyon ay magdudulot ng magandang bunga. Tunay ngang ang mga guro ay gagawin ang kanilang makakaya maitaguyod lamang ang lahat ng tungkulin iniaatas sa kanila. Gaano man kahirap at nakapapagod ay nasusulit sa tuwing nakikita ni Ma’am Dimitui na nagbubunga ang lahat ng kaniyang mabuting gawa. ‘Yan si Ma’am!
Mga Kawani ng D2NHS, Rumesbakuna na! Loraine Santos
Kaisa ng IATF, DOH at ng gobyerno ang paaralang Dampol 2nd National High School sa panghihikayat na ang bawat isa ay makapagpabakuna lalo’t higit ito lamang ang tanging paraan sa kasalukuyan upang mabawasan ang bilang ng mga namamatay at nakararanas ng malulubhang sakit dulot ng COVID-19. Sa D2NHS, 73 school personnels na ang nakatanggap ng bakuna. 53 na teaching personnels, 8 teaching related, 5 admin personnels, 4 gwardya at 3 utility personnels. Marami sa kanila ay natanggap na ang 2nd dose ng vaccine ngunit ang ilan ay 1st dose pa lang at hinihintay pa ang pangalawang dose nito. Ang vaccine ay napatunayang ligtas at epektibo. Pinalalakas nito ang ating immune system, iniingatan tayo laban sa mga virus
na dulot ng COVID at
pinabababa nito ang tiyansa na magkaroon tayo ng COVID-19. Kung sakali naman na magkakaroon ka ng COVID-19, makatutulong ang bakuna upang hindi ka magkaroon ng malubhang karamdaman at hindi ka gaanong makahahawa sa iyong kapwa. Ang COVID-19 vaccine ay ibinibigay lamang upang tayo ay magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa virus. Hindi ito nangangahulugan na tayo
ay ligtas na at hindi na dadapuan ng sakit na ito. Magkaroon pa rin tayo ng ibayong pag-iingat dahil ang kalaban natin sa panahong ito ay hindi nakikita ng ating mga mata. Sumunod pa rin sa mga protocols na ipinatutupad at higit sa lahat magpabakuna upang maingatan ang sarili at maging ang ibang tao sa iyong paligid.
Stress: May Solusyon sa Disinfection! Loraine Santos Ang pagdi-disinfect ang isa sa mga importanteng gawin sa panahong ito dahil sa pandemyang kasalalukuyan nating kinakaharap. I-sanitize o linisin ang mga kamay ang palaging paalala sa atin ng IATF, ngunit katawan lang ba ang dapat na dinidisinfect? Hindi, dahil maging ang mga gamit natin ay dapat na dumaan sa disinfection, at kabilang na dito ang mga module na pinamimigay sa mga mag-aaral. tinitiyak ng mga school personnel na malinis at disinfected ang mga module bago ito ipamigay sa mga magulang ng estudyante at pagkatapos na maisauli ng mga magulang. Importante ang pagdi-disinfect ng mga gamit at module sa mga paaralan dahil ito ay proseso kung saan binabawasan at pinapatay ang mga mikrobyo na nakadikit sa isang bagay. Pinipigilan nito na dumami at kumalat ang microorganisms na maaaring makasama sa atin, lalo na sa ating mga guro na isa sa mga nagsisilbing bayani ngayong
panahon ng pandemya. Bukod sa UV na ginagamit noon ay naglaan na rin ang paaralan ng mga “gun spray” para sa mga guro na tumatanggap ng modyul at humaharap sa mga magulang. Dagdag pa rito ay ang Ultrasonic Air Humidifier Disinfectant Misting Machine na inilaan sa opisina at sa silid para sa mga guro upang sa kanilang pagpasok at paglabas ng paaralan ay tiyak ang kaligtasan sa loob ng paaralan at maging sapag-uwi sa kani-kanilang tahanan. Palagi nating tandaan na ang pagsa-sanitize ng ating mga kamay at kagamitan ay lubos na mahalaga. Sa panahong ito, dapat ay magtulungan tayo at sumunod sa mga health protocols na pinatutupad dahil para rin ito sa ikabubuti nating lahat. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, tiyak na sa pagtutulungan at malasakit sa kapwa ay makakamtan din natin ang Kalayaan sa COVID-19.
Paano Matutugunan at Mapipigilan? Loraine Santos Pagod ka na ba o nababalisa sa tuwina at hindi na alam ang dapat na gawin ngayong hindi pa rin humuhupa ang pandemya? Sa sitwasyon na kasalukuyan nating kinalalagyan, hindi maiiwasan ng karamihan na makaramdam ng stress. Nai-stress tayo dahil sa pressure na ating nararamdaman, pisikal man, mental o emosyonal. Narito ang ilan sa mga maaaring gawin upang makaiwas sa stress: Magkaroon ng time management, balansehin ang trabaho at personal na buhay. Maglaan lang ng oras kung kailan gagawin mo ang iyong trabaho o gawain sa paaralan. Maglaan din ng oras para sa recreational activity o oras sa ating sarili, kaibigan at pamilya. Panatilihin din na malusog ang pangangatawan. Iwasan ang pagbibisyo, tulad ng paninigarilyo at pag-inom
ng alak, kumain ng masusustansyang pagkain, regular na pag-eehersisyo at pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog. Iwasan din ang mga negatibong tao sa paligid at sa halip ay makipag-ugnayan sa mga taong suportado sa iyo. Kapag naman nakaiisip ng mga bagay na negatibo, kumonsulta na sa isang counselor o therapist. Tungkulin natin sa ating sarili ang ingatan ang ating kalusugan, maging sa pisikal na aspeto man, mental o emosyonal. Huwag tayong padadaig sa negatibong nasa paligid natin. Kung minsan ay kinakailangan lamang natin idaan sa kain ang ating nararamdaman, sabi nga kung babaliktarin ang salitang stressed ay “desserts”, kaya’t hayaan nating gawing positibo ng mga panghimagas ang ating damdamin kung kinakailangan kahit paminsan-minsan. Lagi nating tandaan na “Mental Health is Wealth”.