‘DEADLY WEAPONS’ , NASABAT
Pinaghihinalaang ‘gang’, inaksyunan ng pamunuan ng MVTS
asakote ng Prefect of Discipline (POD) at School Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Coordinator sa loob ng kampus ng Molave Vocational Technical School (MVTS) kasama ang kapulisan ng Molave ang 2-3 pulgadang haba ng kutsilyo matapos i-report ng isang adviser ang ginawang pananakot ng mga pinaghihinalaang mag-aaral sa kanilang mga kaklase noong ika-24 ng Nobyembre, taong 2023.
Pinaghihinalaang may nabubuong ‘gang’ o mga grupo sa loob ng mga paaralan, kasabay nito ang pagtataglay ng mga ‘deadly weapons’ ng bawat kasapi nito. Ayon kay G. Nervin Bermejo, kasapi ng POD, inilihim lamang nila ang ginawang pambubulabog sa silid-aralan ng mga suspek. Hindi na ito nakapalag sa ginawang paghalughog ng kapulisan sa kanilang
Sangkot umano ang mga ito sa nangyaring pagnanakaw
sa isang tindahan ng lungsod. Umamin ang mga suspek matapos may nasamsam mula sa kanilang mga bag na panyo, medyas, t-shirt, pabango at alahas na nanggaling sa nasabing tindahan.
Pinaghihinalaan ang mga suspek na kasapi ng isang gang, subalit hindi pa ito napapatunayan dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Pinatawag ang mga magulang at guardian ng mga suspek, subalit hindi nakarating ang mga ito. Binigyan ng tyansa ang mga estudyante, pero patuloy pa rin silang binabantayan ng POD.
“Patuloy pa rin silang pumapasok, subalit minamatyagan at binabantayan namin ang bawat
kilos nila,” ani G. Bermejo. Ayon naman kay Gng. Chique Cherry C. Lumbay, guidance counselor ng MVTS, sa pangalawang pagkakataon ng gagawin nila ito, haharapin nila ang tatlong araw na suspensiyon at community service.
Nawa’y maging leksiyon ito hindi lamang sa mga estudyante ng MVTS kundi sa bawat kabataan na iwasan ang mga bagay na makapagdudulot ng masama sa sarili at maging sa kapwa.
Buwan ng Pagbasa 2023, aktibong nilahokan ng mga mag-aaral
Sheila Mae N. Paredes
MOLAVE, Zamboanga del Sur - Matagumpay na isinagawa ng Molave Vocational Technical School (MVTS) ang kanilang Buwan ng Pagbasa na pinangunahan ni Gng. Lyra Fe S. Mata, at may temang “Pagbasa: Pag-asa para sa Matatag na Kinabukasan,” na ginanap noong Nobyembre 21, 2023.
Sa pahayag ng isang estudyante ng MVTS, nagsilbing inspirasyon ang tema na ginamit upang muling buhayin ang kahalagahan ng pagbasa sa pag-unlad ng mga magaaral. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pag-unlad ng bawat isa sa pamamagitan ng saganang kaalaman mula sa mga aklat at iba’t ibang uri ng panitikan.
“Ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa ay hindi lamang isang aktibidad kundi isang hakbang tungo sa mas malalim na pag-unlad ng mga
mag-aaral. Sa pagbibigay-diin nito sa kahalagahan ng pagbasa, binibigyan din tayo ng pundasyon para sa isang mas matatag at makabuluhang kinabukasan,” ani ng isang estudyante.
Ipinahayag din ang pasasalamat sa mga guro at sa paaralan sa matagumpay na pagsasagawa ng mga aktibidad sa Buwan ng Pagbasa.
“Sa tulong ng bawat isa at sa suporta ng ating mga guro, nagtagumpay ito sa pagbibigaydiin sa halaga ng pagbasa sa pagsusulong ng edukasyon para sa tulad nating mga kabataan,” dagdag nito.
Naging malawak ang pag-unawa sa lahat na ang pagsasagawa ng Buwan ng Pagbasa ay magiging panghabang-buhay na kasanayan ng mga mag-aaral, at magiging pundasyon ng matatag at makabuluhang kinabukasan para sa kabataan.
SOURCE : Molave East PHIL-IRI report
MVTS nalubog sa baha; first quarter exam suspendido
Nalubog sa baha ang ilang mga klasrum ng Molave Vocational Technical School (MVTS) noong Oktubre 25, 2023, na nauwi sa pagkasuspendi ng first quarter exam ng mga estudyante na nararapat itakda noong Oktubre 26.
Dahil sa biglaang pagbaha, iilang mga gamit sa klasrum ang nasira at hindi na naisalba.
“Nahurot akong books, home wifi, lapel, fan. Ambot ang water dispenser mugana pa ba to. Hurot pud tanang bondpapers, folders, basta wala jud nabilin. [Naubos yung mga libro ko, home wifi, lapel, at fan. Ewan kung gumagana pa ba iyong water dispenser. Ubos din lahat ng bondpapers, folders, basta wala talagang naiwan.]”, ani Gng. Karen Joy Mecias, adviser ng Grade 10-
Australia, sa kaniyang facebook post.
Maraming mga residente sa lungsod ang naapektuhan sa pananalasa ng baha kabilang na ang barangay Culo, Sudlon, Makuguihon, Maloloy-on, Miligan, at Dipolo.
Nagsagawa naman ng search and rescue operations ang MDRRMO katuwang ang Molave BFP at PNP sa pangunguna ni MDRRM Officer For. Rocelo DR Navarro sa mga naapektuhang lugar upang maligtas ang mga
na-stranded mula sa kani-kanilang tahanan, partikular na ang mga kabataan, PWDs, pregnant women, at senior citizens. Samantala, sanib-pwersa rin ang mga guro’t estudyante sa paglilinis sa paaralan kinabukasan, pagkatapos ng baha. Makikita ang kasiyahan at pagtutulong-tulungan ng mga guro’t estudyante sa kabila ng sakuna. Sa kabilang banda, isinagawa ang first quarter exam sa mga estudyante matapos ang eleksiyon.
Mahigit 10.2M halaga ng paninda, naabo sa sunog sa Molave ZdS
Nilamon ng apoy ang mahigit 59 na tindahan sa palengke sa Molave, Zamboanga del Sur na umabot sa mahigit P10.2 milyon ang natamong pinsala.
Nangyari ang sunog noong Pebrero 11, 2024 sa alas- 3 ng madaling araw na agad tinugunan ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Molave at tuluyang naapula sa alas-5 ng madaling araw.
Iilang pangkabuhayan ng mga negosyante at buhay ng mga alaga nitong hayop ang naapektuhan dahil sa hindi inaasahang insidente.
“Nasunog lahat ng gamit namin sa karendirya tulad ng mga kitchen utensils, upuan, lamesa, at iba pang stocks”, ani Yna Faith Dayuha, isa sa mga estudyante at editorial staff ng Molave Vocational Technical School na naapektuhan sa sunog.
“Mas marami pa talagang mas malaki yung nawala sa kanila tulad nung kakilala namin na nag iwan ng malaking halaga ng pera sa tindahan, tsaka meron ding alagang pusa ang nasali sa sunog dahil iniiwan lamang iyon sa
kanilang tindahan upang may magbantay,” dagdag pa niya. Samantala, kasalukuyan pang iniimbestigahan ng BFP ang dahilan ng sunog.
Sa kabilang banda, pagkatapos ng pangyayari ay nagkaroon ng pagpupulong ang
8
mga biktima sa pangunguna ng alkalde ng lungsod na si Hon. Cyril Glepa upang makilala ang mga negosyanteng naapektuhan at gumawa ng pagpaplano upang makabangon ulit sa kanilang pangkabuhayan.
‘Crime rate’ sa Molave, tumaas; curfew sa minors, ikinasa
IKASONG KRIMEN TUMAAS, BAGONG CURFEW INILABAS. Bunsod ng malawakang pagkkakasangkot ng kabataan sa krimen, idineklara ng alkalde ang pagkakaroon ng curfew.
THEFT
PHYSICAL INJURY
Janine V. Cabasagsinulong ng alkalde ng Molave na si Hon. Cyril Reo Glepa ang pagkakaroon ng curfew sa mga menor de edad mula Lunes ng gabi, ika- 19 ng Pebrero, taong 2024, bunsod ng pag-arangkada ng crime rate sa lungsod ng Molave.
Batay sa ulat ng mga awtoridad, lumilitaw na increased ang crime rate mula 10 pm hanggang 4 am at nagdudulot ng komosyon ang mga minors sa lungsod, kung kaya’t ito ang nagtulak sa alkalde na ibalik ang curfew
“Ang report sa pulis kay increased atong crime rate during 10 pm until 4 am. Sauna medyo mingaw pa na, pero kana nga area nga oras kay increased jud atong crime rate,” saad ni Mayor.
Dagdag pa ng alkalde, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok ng mga minors sa mga drinking facilities sa lungsod, lalo
MVTS SHS students, nakilahok sa
Employment Coaching
Seminar
Idinaos ang Employment Coaching Seminar para sa mga estudyante sa senior high ng Molave Vocational Technical School noong Nobyembre 28, 2023 sa Molave gymnasium. Pinangunahan ito ni Bb. Rai Felicitas na kinilala bilang PESO Manager.
Layunin ng programa na mabigyang oportunidad ang mga magtatapos na mag-aaral sa senior high school na mas mapadali ang kanilang paglipat mula sa paaralan patungo sa industriya ng trabaho lalo na para sa mga hindi muna magpapatuloy sa kolehiyo.
Ibinahagi ni Felicitas ang mga pangunahing life skills para sa employability, na sumasaklaw sa personal attributes personality traits, social cues, at communication abilities na kailangan para sa tagumpay sa trabaho.
“If you have work ethics, you are always productive. But you can be productive but not have work ethics,” ani Felicitas.
Binigyang-diin din ang pagtalakay sa mga praktikal na aspeto tulad ng paggamit ng mga networks, pagsunod sa work ethics, pagbuo ng resume, at mga tips para sa job interview upang maisaalangalang ang kahandaan ng mga estudyante sa mundo ng karera.
na’t talamak ngayon ang mga menor de edad na nakikitang umiinom at sangkot na rin sa mga ilegal na bisyo.
“Makita nato karon ang mga minors mag-inom2, ang uban naay balita nga nisulod na aning ilegal ng bisyo, sama aning droga. Very alarming kaayo,” ani Mayor.
Binigyang-diin ng alkalde sa mga guardian na bilang sanction, kukunin nila ang bata at ililipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bago makuha ng mga magulang ang kanilang mga anak, dadaan muna sila sa isang araw na seminar para mapag-
alaman ang kanilang mga tungkulin at pananagutan bilang mga magulang.
Samantala, ipinaliwanag ng alkalde na tuwing may importanteng kaganapan sa lungsod, tulad ng piyesta, paskuhan at iba pa, ipagpapaliban muna ang curfew sa mga menor de edad at saka na ibabalik pagkatapos.
Sa huling pahayag ni Mayor, nilinaw nito na responsibilidad niyang patnubayan ang kinabukasan ng mga kabataan, lalo na’t hindi lang sila ang dahilan ng krimen, kung hindi sila rin ang biktima nito.
Master Teacher ng MVTS, nabigyang karangalan sa 2023 Vinta Awards
PIÑAN, Zamboanga del Norte - Binigyang pagkilala ang isang guro mula sa Molave Vocational Technical School na si G. Nervin Bermejo na nakatanggap ng 2023 Vinta Awards; The Most Outstanding Secondary Master Teacher, noong Disyembre 14, 2023, sa Manuel Resort, Piñan, Zamboanga del Norte.
Sa kanyang pahayag, natuwa siya sa pagtanggap niya ng karangalan bilang “Most Outstanding Secondary Master Teacher” dahil pinapahalagahan ang kanyang pagtuturo at ang potensyal ng kanilang Punong Guro.
mag-aaral na ginawa siyang inspirasyon upang makapagtapos at makamit ang kanilang pangarap sa buhay.
Pinatunayan ni G. Bermejo ang kaniyang kakayahan bilang guro na masungkit ang nasabing parangal sa pamamagitan ng
MASIYASAT NA PAGDEDESISYON PARA SA PLANONG PROPESYON. Isang kumperensya ang inilunsad ng RHU- Molave na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral sa pagpili ng planong propesyon.
Khrisna Kylle Alberio
“Bilang isang guro, ang pilosopiya ko sa pagtuturo ay ang dedikasyon, kahit may sakit ako, pinipilit kong pumasok para makapagturo dahil gusto kong ibahagi ang aking mga kaalaman sa mga mag-aaral,” ani Bermejo.
Ang kaniyang pagtuturo ay nakatutulong sa komunidad, lalo na sa buhay ng bawat mag-aaral dahil ito ay nagdadala ng maunlad na kinabukasan.
“Sa aking pagtuturo, may hamon na dumating, at ito ay ang panahon ng pandemya sapagkat nakikita ko ang mga kakulangan ng mag-aaral sa matematika,” dagdag pa nito.
Maraming mga mag-aaral ang nagtagumpay at nakapagtapos dahil sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo, at mayroon ding mga
Pagsisimula ng na Pundasyon
“Isang mahalagang hakbang tungo sa isang henerasyong ipagmamalaki ang pamana at tapat na maglilingkod
sa bansa.
ESumasaklaw ang pagiging “MATATAG” sa katatagan at lakas na siyang pangunahing prinsipyo ng kurikulum at “Bansang Makabata, Batang Makabansa,” na nagtatampok sa pag-unlad ng isang bansang nakaugat sa pagiging makabayan ng mga kabataan. Hudyat ang inisyatibong ito sa paglipat tungo sa mas komprehensibong pamamaraan
nero 30, 2023 nang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang bagong kurikulum na binansagang “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” na naglalayong hindi lamang ang kahusayan sa pag-aaral kundi pati na rin ang holistic development ng mga Pilipinong mag-aaral. Ito ay tumatayong patunay sa katapatan ng DepEd sa pangangalaga sa responsable, makabayan at produktibo kabataan. pamamagitan ng pagsasama ng values education sa iba’t ibang asignatura at gawain. Bukod dito, ang pagtuon ng kurikulum sa nasyonalismo at pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang henerasyong ipagmamalaki ang pamana at tapat na maglilingkod sa bansa.
Magbibigay daan sa mga
Minamahal kong Editor:
Panibagong taong panuruan, panibagong oportunidad ang nagbukas para sa mga mag-aaral ng Molave Vocational Technical School (MVTS).
Isang bagong pagkakataon upang matuto at paunlarin ang iba’t ibang aspeto bilang estudyante. Ngunit, paano ang inaasam na kaunlaran kung may mga balakid na pumipigil upang makamit iyon?
Ang nakitang kakulangan sa mga upuan na mula pa noong nakaraang taong panuruan na nagpapahirap sa mga mag-aaral ay patuloy pa ring balakid hanggang ngayon. May iilan pa ring mga estudyante na ang inuupuan ay sarili nilang dala, at maging ang mga lamesang ginagamit.
Isa pang suliranin ay ang kawalan ng tubig. Napipilitan ang mga mag-aaral na pigilan ang kanilang ihi sa kabila ng masamang epekto nito sa kalusugan, sapagkat hindi nagagamit ang mga palikuran. Minsan, napipilitan pang mag-igib ang mga estudyante upang magkaroon ng pondong tubig ang mga palikuran; hindi ito madaling gawin lalo na kapag nasa pinakamataas na palapag ang palikuran at may bitbit kang mabigat na timba ng tubig.
Kahit na ang mga nararanasang suliranin ay balakid sa pagkamit sa mataas na antas ng edukasyon, dahil sa mga ito ay nakikita ang dedikasyon at determinasyon ng mga estudyante na magpatuloy at matuto, bukod pa, tinuturuang maging responsible sa paligid at pasilidad ang bawat isa.
Sumasaiyo, Angel Mae T. Davin
pagpapatupad ng “MATATAG” ay hindi lamang umaasa sa Kagawaran ng Edukasyon. Ang pagtiyak ng sapat na mapagkukunan ng mga materyales, patuloy na pagsasanay ng guro, at aktibong pakikipagtulungan sa mga stakeholder ay higit na magiging kritikal sa tagumpay nito. Mahalagang makalikom ng suporta mula sa lahat ng sektor ng lipunan upang magtagumpay ang inisyatibong ito hindi lamang sa kamay ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa paghubog ng mga responsableng indibidwal, nababalitang ang “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” ay magbibigay daan sa mas magandang kinabukasan kung saan ang mga kabataang Pilipino ay may kapangyarihang mamuno, maglingkod, at mag-ambag tungo sa isang makabuluhang lipunan.
Tugon ng Patnugot
Malugod na pagbati!
Angel, Salamat sa iyong naging komento at obserbasyon ukol sa kakulangan ng mga "basic facilities" ng ating paaralan. Ayon sa isinagawang panayam sa ilang guro sa ating paaralan ito ay hindi binalewala ng kasalukuyang administrasyon bagkus pinag-aaralan at pinaplano na ang mga hakbang upang matugunan ang nasabing problema.
Laking pasasalamat din ng ating punong-guro na si Dr. Luther D. Castelo, sa hindi masukat na tulong mula sa iba't ibang "stakeholders" kagaya ng PTA, LGU, at ng Alumni Association. Dahil diyan, tiyak na masosolusyunan at maibsan ang problema na kinahaharap ng iilan nating mga kamag-aaral sapagkat laging prayoridad ng ating paaralan ang kapakanan ng bawat mag-aaral.
Lubos din ang aming pasasalamat sa iyo, dahil sa iyong obserbasyon ay naiparating ito sa kinauukulan nang maayos at walang bahid na masamang intensyon. Nawa'y maging daan ito upang lalo pang mapaganda ang karampatang pasilidad at maibigay ang pinakakailangan ng ating paaralan. Mga pangunahing pangangailangan hindi lang ng paaralan kundi pati na rin sa mga mag-aaral at mga kaguruan.
“ Bakit Dapat Makialam ang Kabataan?
Tiyaking malinis at walang mga dekorasyon, tarpaulin o mga posters ang mga silid-aralan upang magkaroon ng focus ang ating mga magaaral sa mga leksyon mula sa ating mga guro”.
Princess Jashmen CatempratoVisual Aids sa silid-aralan: Dekorasyon o Distraksyon?
Marami ang nagulantang sa pagpapatanggal ng mga dekorasyon maging ang mga tradisyunal na educational posters at mga visual teaching aids sa mga pampublikong paaralan kabilang na ang Molave Vocational Technical School (MVTS) para makapagpokus umano ang mga estudyante sa pagkatuto alinsunod sa DepEd Order No. 21, series of 2023.
“Tiyaking malinis at walang mga dekorasyon, tarpaulin o mga posters ang mga silid-aralan upang magkaroon ng focus ang ating mga mag-aaral sa mga leksiyon mula sa ating mga guro,” ito ang naging pahayag ng Kalihim sa Edukasyon at Bise Presidente Sara Z. Duterte sa kaniyang Facebook post. Paglilinaw naman ni DepEd Spokesperson Michael Poa sa panayam nito sa Radyo 630, ito ang direktiba ng bise presidente na linisin ang mga dingding ng mga silid-aralan at panatilihing functional ang mga nito.
Malaking bagay ang mga dekorasyon at visual aids sa silid aralan upang madaling maunawaan ang mga alituntuning higit na nakapagbibigay sigla sa pagkatuto
SAlyssa Pearl J. VerandaSlalo na sa mga batang estudyante partikular na ang mga elementarya. Naiintindihan natin ang layunin ng DepEd sa paglabas ng direktibang ito na naglalayong pagtuunan ng pansin ng mga estudyante ang kanilang mga aralin. Gayunpaman, mahalagang isaalang-alang na ang pag-unawa ng mga mag-aaral ay may iba’t ibang pangangailangan at paraan ng pagaaral.
Sa aking palagay, maaaring suriin ulit ang paggamit ng visual aids, subalit ito ay dapat na standardized at aakma sa track, o grade level. Ang pagiging rationalized nito ay makatutulong sa mas maayos na implementasyon. Bilang isang mag-aaral, nakatutulong ang mga visual aids para mas madaling matutunan ang mga aralin at mapanatili ang interes. Mahalaga ang papel ng visual aids tulad ng mga charts, graphs, larawan, at illustrations, lalo na sa pag-unawa ng mga masusing aralin. Kaya naman hinihimok natin ang DepEd na suriin pa ang direktibang ito at gumawa ng desisyon na makabubuti sa pangkalahatang kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Paggalang sa Etika sa Trabaho: Ang Batayan ng Matagumpay na Karera
a kabila ng mabilis na pagbabago sa larangan ng propesyon, nananatili ang kahalagahan ng etika sa trabaho bilang pangunahing haligi ng matagumpay na karera. Ang integridad, isang pundasyon ng propesyonalismo, ay nagbibigaydaan sa pagbuo ng tiwala sa pamamagitan ng tapat at bukas na pagkilos. Sa isang lipunan kung saan ang kredibilidad ay masusing iniingatan, ang pagpapanatili ng integridad ay nagiging dinegotiableng bahagi ng tagumpay.
Responsableng pagsasagawa ng gawain at proyekto ay nagpapakita ng pag-aangkin at pagsasagawa ng mga resulta sa loob ng mga takdang panahon. Ito’y hindi lamang nagbibigaykatiyakan kundi nagpapakita rin ng pagtanggap sa layunin ng koponan at organisasyon. Ang pagiging responsableng bahagi ng propesyonalismo ay isang hakbang patungo sa pangkalahatang tagumpay.
Ang paggalang sa mga katrabaho at ang pagtanggap sa iba’t ibang perspektiba ay
nagpapalago ng positibong kultura sa trabaho. Ito’y nag-aambag sa maayos na kapaligiran kung saan ang kolektibong tagumpay ay kinikilala at pinahahalagahan higit pa sa indibidwal na tagumpay. Epektibong komunikasyon, na nagbibigay-diin sa malinaw na pagsasalarawan ng mga ideya, pagtanggap sa feedback, at pagkakaroon ng iisang layunin, ay nag-uugma na nagbubuklod sa isang koponan. Ang pagpapanatili sa etika sa trabaho ay hindi lamang isang koleksiyon ng tagubilin, kundi isang pangako sa personal at kolektibong tagumpay. Bilang mga propesyonal, tayo ang nagbubukas ng landas para sa kahulugan at tagumpay ng ating mga organisasyon, na nakasalalay sa ating masusing pagsunod sa etika sa trabaho. Ito ang pundasyon kung saan itinatag ang mga matagumpay na karera sa patuloy na nagbabagong larangan ng propesyonal na mundo.
a hinaharap na pambansang halalan, isang hamon ang hinaharap ng mga kabataan ang hamong maging mapanagot at mapanindigan sa pagpili ng mga pinuno sa bansa. Hindi lamang simpleng karapatan ang pagboto ngunit isa itong pribilehiyo na nagbibigay-daan sa atin upang pumili ng nararapat maluklok sa puwesto. Isa sa mga pundamental na karapatan ng bawat mamamayan ay ang pagsasagawa ng halalan kung saan ang aktibong pakikisali ng mga kabataan ay kailangang pahalagahan. Bilang isa sa mga kabataan ng henerasyon sa kasalukuyan, hindi sapat na tayo ay maging tanikala lamang ng sistema, bagkus ay dapat tayong tumindig bilang boses tungo sa pagtamo ng tunay na pagbabago. Naniniwala akong ang mga kapwa ko kabataan ang pag-asa ng bayan, ayon nga kay Gat Jose Rizal. Ang aming mga opinyon ay makabuluhan at may kakayahang makapagambag ng mas mabisang perspektibo o suhestiyon para sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ng mga taong nasa laylayan.
Samu’t saring mga isyu ang nakakaapekto sa ating lipunan. Huwag natin ipaasawalang-bahala lamang ang pakikibahagi sa eleksiyon sapagkat sa pamamagitan nito, binibigyang tinig natin ang ating mga pangarap at adhikain kaya marapat na maging parte tayo ng masusing pagpaplano at pagtutok sa mga ito. Tiwala akong ang aktibong pakikilahok ay isang pananagutan na dapat ipaglaban ng bawat kabataang Pilipino.
Sa katunayanan, ang pagiging responsableng botante ay hindi lamang tungkulin kundi obligasyon ng bawat isa sa atin. Sa pagkakaroon ng partisipasyon sa eleksiyon at sa pag-aambag ng bawat boto, nagiging bahagi tayo ng kolektibong pagpapasya na naglalayong mapabuti ang ating bayan. Ito ay katibayan na ang panghihimasok ng mga kabataan sa politika ay mayroong mahalagang papel na ginagampanan hindi lamang sa kasalukuyang panahon kundi pati na rin sa hinaharap. Tunay na nagsisilbi tayong inspirasyon para sa iba pang kabataan na makiisa sa pagtataguyod ng tunay na demokrasya.
Hukayin: Nakalimutang Asal — Disiplina
Angel Mae T. Davin
Palagiang bukambibig ng mga mas nakakatanda na ibang-iba na ang mga kabataan ngayon kumpara dati. Marahil ay totoo nga ang mga sabi-sabi sapagkat kabilang sa nirebisang kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang ‘Good Manners and Right Conduct’ o GMRC na siyang ikinasaya ng mga matatanda. Nawala nga ba ang disiplina ng mga makabagong kabataan? Sa paaralan, hindi maiiwasang may mga batang supil sapagkat iba-iba ang ugali ng isang bata at iba-iba rin ang kinalakhan nilang lugar kung kaya’y sa halip na tawagin natin silang ‘hindi disiplinadong bata’ ay marapat na mas bigyan sila ng atensyon at pansin dahil maaaring hindi maganda ang pakikitungo ng mga magulang o kamag-anak nila sa kanila. Ang malumanay na pagdidisiplina at pakikitungo sa mga batang ito ay
gagawa ng malaking pagbabago. Maging instrumento tayo ng kapayapaan sa kanila, sa halip na makiisa sa mga nanghuhusga at nangmamaliit sa mga ligaw na bata.
Hindi maaaring walang disiplina ang isang bata sapagkat ang disiplina ang unang itinuro at likas na sa atin ito. May mga pangyayari sa buhay ng isang tao na maaaring nag-udyok sa kaniya upang ikubli ang kabutihang asal na minsan nang natutunan at ginagawa. Ang maayos na pakikitungo sa halip na pangungutya ay makakatulong sa mga batang ito at magiging daan upang mahukay ang mga nalibing na kabaitan, pagiging responsible, at magalang. Pakatandaan lamang na kahit sa kasamaan ay may natitirang kabutihan; kabutihang maaaring maging pag-asa, at hangga’t may pag-asa may disiplina na natitira para sa kabataan.
Dinig ang sigaw at hiyawan ng madla nang ipinagdiriwang ang Paskuhan 2023 noong ika-6 ng Disyembre sa Molave Gymnasium. Tunay ngang hindi magpapahuli ang lungsod pagdating sa mga pasiklaban
sapagkat walang halong dismaya ang nakaguhit sa mga mukha ng mga taong dumalo sa nasabing programa. Sinalubong ng hindi mabilang na Molavenians ang gabi upang tanawin ang sari-saring palamuti at pinakahihintay na ‘fireworks display’ bilang pagsalubong sa paparating na Pasko kasama ang kaibigan at pamilya.
“Ang pag-ibig, pag siyang
LATHALAIN PaskuHandog sa
naghari araw-araw ay magiging Pasko lagi.” Ang araw ng pasko ay isa lamang sa mga pinakahihintay na selebrasyon ng mga Pinoy, selebrasyong guhit sa mukha ng mga bata’t matatanda ang galak sa pagdiriwang sa kapanganakan ng Diyos sa itaas. Sa pagsapit ng Setyembre, ikaw ay malilito sa mga nakakabinging ingay ng bagting gamit ang sarsa ng mga paslit na kumakanta ng “Pasko ay Pag-ibig” habang humihingi ng piso o dalawa kapalit sa kanilang pagtatanghal sa plaza. Bilang isa sa mga inaasahang selebrasyon ng
Suri sa Metal, Kuha S
a edad na dalawampu’ t dalawa matagumpay na namayagpag sa larangan ng ‘Metallurgical Engineering’ si Akira Timtim na pumwesto bilang pangapat sa apatnapu na pumasa sa Metallurgical Engineering Board Exam nito lamang ika-4 at 6 ng Oktubre taong 2023. Nang mabalitaan ito ng mga MVTSians, hindi magkamayaw ang lahat sa tagumpay na nakamit niya, lalong-lalo na ang mga gurong naging parte at saksi sa pinagdaanan niyang hirap bago mailagay ang titulong Engr. sa unahan ng kaniyang pangalan.
Ilang gabing isinakripisyo ang tulog at galang ipinagpaliban alang sa paghahandang isasagawa para sa isa sa pinakamahirap na pasulit na sasagutan ni Timtim na siyang magiging hudyat ng pagbabago sa takbo ng kaniyang
buhay. Hindi niya planong kurso ang Metallurgical Engineering, ngunit dulot ng anyaya ng isang malapit na kaibigan ay kinuha niya ang kurso at kalauana’y natutunang mahalin. Tinapos ni Timtim ang kurso sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), isang kilalang unibersidad sa Mindanao. Hindi lubos akalain na sa murang edad ay agad nang nakamtan ng binata ang propesyon na pinapangarap ng karamihan sa isang subok lamang ng nasabing pasulit.
Princess G. Yabut Noemi Jane V. Dalionbawat pamilyang Pinoy, hindi magpapahuli sa pagorganisa ng programa ang Mayor ng Molave na si Dr. Cyril Reo A. Glepa upang madama ang tunay na diwa ng Pasko habang maaga pa. Dahil dito, nagkaisa ang bawat pamilya, magkakaibigan, maging ang mga mag-aaral upang sabay-sabay maghiyawan sa kagandahan ng paputok at kahangahangang istilo’t kulay sa alapaap. Isang pagkakataon upang takasan ang problema at pait na hinaharap, pagkakataong
pamilya at kasiyahan muna ang gustong
Molavenians ang Parangal
madama hanggang sa paglubong ng araw.
Hindi lahat ay nabigyan ng pribilehiyong maghanda ng iba’t ibang putahe sa lamesa, na may bubong habang naghihintay sa ingay ng kampana sa pagsapit ng alas dose, at mga indibidwal na nawalan ng miyembro sa pamilya. Sapagkat tungo sa Paskuhang ginanap, nabigyan ng sandali ang bawat isa upang matagumpay na ipagdiwang ang darating na Pasko at patunayang tungo sa paghahari ng pag-ibig ay araw-araw
magiging Pasko lagi.
“Work hard and be consistent,” pahayag ni Timtim ukol sa karaniwang tanong kung paano niya nagawang nakuha ang ganoong kataas na pwesto sa isang pinakamahirap na Board Exam sa Pilipinas. Marahil opinyon ng iba na dala ng swerte ang tagumpay ng buhay, ngunit ayon kay Timtim ang tagumpay na kaniyang nakamit ay dulot ng kaniyang pagsusunog ng kilay at araw-araw na pagtatrabaho
sa kaniyang sarili tungo sa mas magandang bersyon nito. Aminado siya na mahirap ang naging proseso sa pag-abot ng propesyon, ngunit ang lahat ng ito’ y nagbigay buhay sa kaniyang ambisyon.
Naging bahagi ang MVTSians sa selebrasyon ng pagtanggap sa isang pinakamalaking karangalang nakuha ni Timtim. Parte ang paaralang Molave Vocational Technical School (MVTS) sa sekondaryang yugto ng pag-aaral ni Timtim, ang paaralan ang nagsilbing tahanan niya sa loob ng apat na taon (baitang VII-X). Nagsilbing inspirasyon para sa mga estudyante ang kwento ng tagumpay niya, nag-udyok ito sa iilan na mas taasan pa ang pangarap at magtiyaga upang maabot ito.
LATHALAIN
National Learning Camp: Pintuan
tungo sa mayamang Kaalaman
Princess G. Yabut
Matapos ang taong panuruan 2022-2023, nag-alok ang Molave Vocational Technical School (MVTS) ng National Learning Camp (NLC) para sa mga mag-aaral na nagnanais ng maagang pagdaragdag kaalaman sa iilang asignatura. Naghahandog ng iba’t ibang benepisyo ang nasabing ‘learning camp’ bukod sa pangunahing layunin nitong hubogin ang kanilang kaalaman na nagudyok sa pagsali ng sandamakmak na mga mag-aaral mula Junior High School hanggang Senior High School.
Inilunsad ng paaralan ang pagsisimula ng NLC noong July 24, 2023, isang makabagong hakbang upang mas mapaunlad ang edukasyon ng mga mag-aaral sa panahon ng bakasyon. Ikinagagalak ng mga guro’t magulang ang inisyatiba ng kanilang mga anak na maglaan ng oras sa pag-aaral. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkahumaling sa larangan ng edukasyon, isang taglay na kinakailangan ng mga kabataan upang maunawaan ang kanilang papel na gagampanan sa kinabukasan.
Ikinagagalak ng mga mag-aaral ang mga benepisyong handog ng NLC para sa pagbabalik ng pasukan. Nagbigay ang paaralan ng mga kagamitan sa pag-aaral para sa susunod na taong panuruan para sa mga magaaral na naglaan ng isang buwan sa NLC. Hindi lang diyan nagtatapos ang saya at sabik nila sapagkat hindi
na kinakailangang pumila pa ang mga ito sa paparating na enrollment period sa pasukan.
Ayon pa sa mga magaaral, ang programang ito ang nagbukas ng pintuan upang mas mapatibay ang antas ng edukasyon at naging isang aspeto ng masusing paghahanda para sa hinaharap na pasukan ng may tiwala sa kanilang kaalaman. Hindi na kinakailangang aralin pa ng mga mag-aaral ang mga asignaturang itinuro sa kampo at maaring gamitin ang libreng oras para sa ibang aktibidad na kinakailangan ng dagdag na panahon at oras. Sa pagtatapos ng programang ito, hindi lamang nahubog ang kanilang kaalaman ngunit naging isang simbolo ng sipag at pag-asa para sa ibang kabataan. Tiyak na ipinapakita ang kasabikan sa pag-aaral at pagmamahal sa edukasyon na handog ng paaralan.
Pagbabagong Handog: Programa alang sa Kaunlaran ng Edukasyon
MMarianne V. Dalion
araming mga pagbabago ang naganap sa paaralan ng Molave Vocational Technical School. Ang MVTS ay sumailalim sa mga pagbabagong istraktura, na nagreresulta sa moderno, mas malinis, at mas mahusay na mga espasyo. Ang mga pagbabagong ito ay nagpapahiwatig ng isang mabisang diskarte sa edukasyon, kung saan ang pisikal na kapaligiran ay umaayon sa mga umuusbong na pangangailangan ng parehong mga mag-aaral at tagapagturo.
Malaki ang naging pagbabago sa MVTS nang dumating dito si Dr. Luther D. Castelo, upang gampanan ang posisyon bilang isang punong guro at tagapamahala sa paaralan. Umunlad ang kalinisan sa kapaligiran at maraming mga gusali ang napatayo. Nangyari ang lahat ng pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagorganisa at pagplano ng mga nakalilibang na programa sa paaralan. Ang kanyang mga malikhaing estratehiya ay hindi lamang nagpapahusay sa mga karanasang pang-edukasyon ngunit nakakakuha rin ng kita para sa paaralan na siyang ginagamit sa mga gastusin sa pagsasagawa ng mga proyekto sa paaralan. Kabilang na sa mga programang kanyang ipinatupad ay ang Intramurals, at iba pang paparating na aktibidad, ito ay kung saan ang mga estudyante ay nakakaroon ng paligsahan. Kasiyahan at magandang alaala ang hatid nito sa mga
kabataan, at ang mga talento ng mga estudyante ay lumitaw at mas napahusay dahil sa programang ito. Mayroon ding mga kandidata na kumakatawan sa kasiyahang naganap, na siyang pinagmulan sa mga pera na naipon ng paaralan.
Karamihan sa programa ni Ginoong Castelo ay nagdulot ng makabuluhan at positibong pagbabago sa paaralan. Ang makabagong diskarte at diin sa ‘holistic’ na pag-unlad ay nagpahusay sa pangkalahatang karanasan ng mga mag-aaral, na nagpapatibay ng isang dinamikong kapaligiran sa pagaaral. Bilang resulta, nasaksihan ng paaralan ang pinabuting pagganap sa akademiko, nadagdagan ang pakikipagugnayan ng mga mag-aaral. Ang programa ni Ginoong Castelo ay tumatayo bilang isang positibong pagbabago, na humuhubog sa kinabukasan ng paaralan.
LATHALAIN PAGTITIPON: BALIKAN ANG PAARALANG NILISAN
Ayon sa opinyon ng iba ang buhay hayskol ang pinakamasayang yugto ng pag-aaral, dito mo mararanasan ang makakita ng tunay na kaibigan, masayang mga ganap sa kabila ng maraming nakaantabay na mga gawain at makaramdam ng kilig dulot ng batang pag-ibig. Ang apat na taong pamamalagi sa sekondaryang paaralan ay kinapalooban ng hindi mabilang na mga alaala na kinakailangang lisanin upang magpatuloy sa mga opurtunidad na nakahain.
Binigyang buhay muli ng mga Alumni ng Molave Vocational Technical School (MVTS) ang mga alaalang hayskol na nilimot na ng panahon nang sila’y muling nagbalik matapos ang ilang taon na paglisan dito. Ika16 ng Disyembre nang napuno ng tawanan at hiyawan ang MVTS covered court, tunay na sinulit ng lahat ang isang araw na inilaan para sa pagbabalik sa paaaralang minsan na nilang naging tahanan. Sentro sa aktibidad ang temang “Unite and Ignite: Embracing the Future and Blending with Positive Perspectives,”na sumasalamin ng pagyakap sa hinaharap na may positibong pananaw.
Nahahati sa ilang bahagi ang programa, pormal na sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mensahe ng Alumni President na si Roy Topaze M. Go na binigyang pagkilala ang
mga positibong pagbabagong nangyari sa paaralan sa loob ng ilang taong hindi niya ito nasilayan, laman din ng kaniyang mensahe ang pananawagan sa lahat ng mga Alumni na makilahok sa ganitong mga kaganapan nang sa susunod ay mas maging masaya pa ang pagtitipon. Nahahati sa ilang grupo ang mga dumalo na iniayon sa kaniyakaniyang ‘batches’ na kinabibilangan. Saksi ang mga dating mag-aaral sa kung papaano bumangon ang MVTS mula sa hinarap nitong mga hamon bago nito nakamit ang magandang pagkilala bilang isa sa mga pinagkatitiwalaang tahanan ng kaalaman sa lungsod. Kita sa mga mukha nila ang saya sa nasaksihang pag-unlad sa paaralang minsan na ring naging saksi sa mga pangarap na kanilang binuo, mga hangarin na nagsimulang tila imposible, ngunit sa paghubog ng paaralan ay untiunting naka-aabante.
Sa loob ng apat na taon pawang kaalaman ang inialay, ngunit tiyak na mananatili habang buhay. Kontra sa laganap na kataga, huwag kalimutang balikan ang nagtulak sayong magpatuloy sa daan na ang direksyon ay hindi pa tukoy. Marahil magpapaalam muna sa ngayon alang sa mga ambisyon, ngunit tiyak babalik sa pagdating ng panahon.
Hanggang sa Susunod na Habang Buhay
Hawak-hawak ng mga
kapwa mag-aaral at guro ang gunitang iniwan ng isa sa mga nagsilbing ilaw ng kaligayahan sa paaralan matapos ang kaniyang pagpanaw. Hiraya manawari ng karamihan na malampasan ang kaniyang iniindang sakit na Tuberkulosis, ngunit tunay na pagod na at mundong ibabaw ay tuluyan nang nilisan. Ito’y nagbigay silakbo sa minamahal na pamilya at kaibigang naiwan niya. Ngunit sa kabila ng maaga nitong pagpaalam, iisa lamang ang nakatatak sa kanilang puso’t isipan, magpapatuloy ang kaniyang diwa sa itaas bilang isa sa mga pagmumulan ng kaligayahan ng walang sakit na pagdudusahan.
Sa anim na taong pag-aaral ni Bartlee Villamor sa Molave Vocational Technical School (MVTS) kilala
siya bilang isang masipag at lubos na masiyahing mag-aaral. Isang kaibigang lubos ang dedikasyon sa pag-aaral at bilang mamamahayag ng “Ang Molave”, naging modelo siya sa bawat mag-aaral dahil sa kahangahanga nitong kahusayan sa bawat aspeto ng akademikong larangan. Hanggang sa pag atake ng kaniyang sakit, dala-dala padin nito ang tanyag na katatagan at pagiging inspirasyon sa karamihan.
Sa pagtuklas ng karamihan sa kalagayan ni Bartlee na siya ay nagkasakit, umusbong ang suporta mula sa mga kamag-aral, kaibigan at pamilyang ninanais tumulong. Nagsimula ang pagbuhos ng tulong sa pamamagitan ng pagkokolekta ng mga donasyon at pananalangin upang gabayan si Bartlee sa kaniyang pinagdadaanan. Hindi man napagtagumpayan ni Bartlee ang laban sa Tuberkulosis, kaniyang sasalubingin ang sinag ng Maykapal kasama ang ala-ala ng pagkakaisa ng karamihan at tuluyang isasara
ang kaniyang huling pahina kasama ang mga taong nagbigay pag-asa at pamilyang hindi kailanman bumitaw sa kamay ng isang lumalaban na anak.
Umaalingawngaw sa bawat silid-aralan ang balita ng pagpanaw ni Bartlee na nagbigay dalamhati at pangungulila sa kaniyang biglaan na paglisan. Tila ba ang kaniyang pahimakas ay hindi madaling paniwalaan dahil kailanman ang kaniyang halakhak at kasipagan ay naging tibok ng paaralan. Tunay na mananatili si Bartlee bilang isang inspirasyon at patuloy na pahahalagahan ang kaniyang aral ng tatag, kasiyahan at kabutihan sa haya nating kay ikli ngunit walang katumbas ang halaga ng bawat sandali
MVTS Canteen: Patok nga ba ang mga pagkain? sa loob ng isang paaralan, kantina ang paboritong tambayan. Ito ang lugar kung saan bawat isa ay nagkakasama upang tangkilikin ang masasarap at abot-kayang pagkain. Tambayang nagbigay daan upang maibahagi ang kakaibang uri ng pagkaing Pilipino, isang lugar kung saan samot saring putahe ang nakahain–mga putaheng sumasalamin sa ating kultura at panlasa. Mula sa tradisyunal at modernong merienda, sa mga bago at kakaibang timpla ay talagang may mapagpipilian ang bawat isa. Nakakagutom hindi ba? Kaya halika na’t MVTS canteen
ang sagot sa mga nagugutom ninyong sikmura.
Kapansin-pansin na may kanya-kanyang paboritong putahe ang mga MVTSians na talaga namang hinahanap-hanap at binabalik-balikan sa kantin tuwing recess. Kabilang sa mga paborito nila ay ang masarap at kakaibang siomai na may kasamang espesyal na sawsawan na talagang nagpapasarap sa bawat kagat. Hindi rin mawawala ang nakakatakam na pastil, kaning pinatungan ng malasap at maanghang na karne at saka ibinalot sa dahon ng saging ay sya namang binabalikbalikan ng karamihan. Isa pa sa mga paborito ng mga MVTSians ay ang siopao na may malambot na bun na punong-
Pagkain nakahain, abot-kayang bilhin. Sa sarap ‘di ka mabibitin Tiyak niyong hahanap-hanapin!
puno ng palaman gaya ng chicken asado na talagang nagpapabusog at nagpapakilig sa bawat kagat. Kapag manamis-tamis na meryenda naman ang nais, banana cue at masarap na donuts ang para sa iyo.
Samakatuwid, ang MVTS canteen ay talagang isang patok na lugar para sa mag-aaral ng MVTS na naghahanap ng masarap at abotkayang pagkain. Ito ang lugar kung saan hindi lamang masarap na pagkain ang hain, hatid din nito ay kasiyahan at magagandang alalang bubuo sa ating kapanahonan bilang mag-aaral.
Tagumpay, pagsusumikap at galing. Nakamit ni Girly Pedregosa, isang masipag na tagapagturo mula sa Molave Vocational Technical School (MVTS) ang Doctoral Degree sa kursong Technology Management mula sa Cebu Technological University (CTU). Sa kasalukuyan, magiliw siyang nagsisilbing gabay, bukas-palad na nagbabahagi ng kanyang malalim na kaalaman at inspirasyon sa mga mag-aaral ng MVTS.
Si teacher Girly ngayon ay tatlumpu’t pitong taong gulang, isang malakas at positibong babae. Siya ay maligaya sa buhay may asawa at may dalawang anak na lalaki na kasalukuyang nag-aaral. Bata pa lamang, pangarap na niyang maging isang guro, ngunit sa kahirapan ng buhay noon, hirap siyang abutin ito. Subalit, dahil sa kaniyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral at makatulong na maiahon ang kaniyang pamilya mula sa kahirapan, hindi ito naging hadlang upang makamit ang kaniyang layunin.
Sa simula ng kaniyang karera, siya ay nagtrabaho bilang guro sa MVTS, sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakbay, naalala niya ang mahalagang payo ng ina tungkol sa pagkuha ng mga oportunidad para sa karagdagang edukasyon. Dahil dito, ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa kursong
Technology Management at nagsikap hangga’t sa makuha niya ang kaniyang master’s at doctoral degree ngunit hindi naging madali ang pinagdaanan niya, bagkus marami siyang hamon na hinarap, kabilang na rito ang sunod-sunod na pagkawala ng kaniyang mga anak sa sinapupunan na labis niyang ikinalungkot. Sa puntong iyon, napatanong siya kung ba’t ganito ang nangyayari tuwing siya ay nagbubuntis, hanggang sa nagpakonsulta siya sa espesyalista at napagtanto na meron siyang Cytomegalovirus (CMV). Ito ay isang karaniwang virus na kadalasang hindi nakakapinsala ngunit minsan nagdudulot ng mga problema sa mga sanggol at hindi kailanman malalaman kung kailan ito magiging active virus. Siya ay hindi makapaniwala at walang magawa kundi tanggapin ang nangyari at magpatuloy sa mapaghamong buhay. Bukod pa rito, nagkasakit ang kanyang minamahal na ina at nangangailangan ng kaniyang tulong. Sa kabila ng mga hamon, kahanga-hanga niyang nagawa ang kaniyang mga responsibilidad. Siya ay nagpatuloy sa kaniyang obligasyon bilang isang guro, ina, at asawa. Dahil sa mga pinagdaanan sa buhay, masasabi niya na siya ay nagtataglay na hindi maawat na determinasyon. Ngunit, hindi doon nagtatapos ang kwento ni teacher Girly. Dahil sa dedikasyon at pagsusumikap niya sa pagpuntirya ng kaniyang master’s at doctoral
degree, sa wakas ay nagbunga ang lahat ng kaniyang pagod. Nagtapos siya noong nakaraang taon, Disyembrre 28, 2023 na may pinakamataas na antas na degree sa Technology Management. Sumasaklaw ang kwento ni teacher Girly hindi lamang sa kanyang personal na paglalakbay, kundi nagsisilbi ring tanglaw ng inspirasyon para sa iba. Ang kanyang mga nagawa ay naging huwaran para sa mga nagsisikap na makamit ang karangalan sa kabila ng iba’t ibang hamon. Ito ay hindi lamang nagsisilbing paalala, ngunit binibigyangdiin din ang kahalagahan ng pagpapanatili ng hindi natitinag na pananampalataya at patuloy na paghingi ng gabay sa Diyos, lalo na sa panahon ng mapaghamon at magulong yugto ng buhay . Nawa’y sa pamamagitan ng kaniyang kahanga-hangang kwento, ay magsiklab ito ng apoy sa lahat ng naghahangad na makamit ang tagumpay at nagpapa-alala sa kanila na ang tagumpay ay abot-kamay nilang makukuha kung handa at patuloy na magsikap para sa magandang kinabukasan.
Likhang Agham, Ipagbigay Alam
“Hindi isang obligasyon ang pananaliksik, kundi isang responsibilidad na dapat gampanan ng mga mag- aaral.” Ito ang ani ng masipag at responsableng studyante mula sa Molave Vocational Technical School (MVTS) na nagngangalang Josh Earl Kyte Laride. Siya ay isang student researcher na nagwagi sa Division Science Technology Fair (DSTF) at Regional Science Technology Fair (RSTF). Kasalukuyan siyang naghahanda upang ibahagi ang kaniyang pananaliksik sa National Science Technology Fair (NSTF) na gaganapin sa Luzon. Noong nasa ikasiyam na baitang si Josh, bumuo at nagpresenta siya ng isang proyekto na tinatawag na “DEVOC Vacuum Cleaner” na may layuning pasimplehin ang mga gawaing bahay ng mga tao. Dahil sa kaniyang hilig sa paggawa ng imbensyon at determinasyon na ibahagi ang kanyang proyekto, epektibo niyang nailaban ang pananaliksik sa rehiyonal at nasyonal na kompetisyon. Gayunpaman, hinarap
niya ang maraming hamon sa panahon ng paglikha nito, tulad ng kakulangan ng mga materyales o ang hindi pagkakaroon ng mga kinakailangang bahagi sa mga elektronikong tindahan. Gayunpaman, ang pagiging maparaan niya ang nagbigaydaan sa kanya na malampasan ang mga hadlang na ito at makahanap ng mga solusyon.
Sa dami ng mga responsibilidad, hindi pa rin niya kinalimutang tapusin at gumawa ng mga upgrades sa kaniyang proyekto. Ang kaniyang pamilya ang tanging napagkukunan ng inspirasyon, na nagbibigay sa kaniya ng lakas. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang kaniyang ina, nagsusumikap upang suportahan ang kanyang pagaaral. “Ayokong isipin ng aking ina na napupunta lamang sa wala ang kaniyang pinaghirapan,” ani ni Josh. Dahil sa mga sakripisyo ng kaniyang ina, mas lalo niyang pinagbutihan ang kaniyang pagaaral.
Sa kasalukuyan, siya ay naghahanda sa kaniyang proyekto para sa darating na paligsahan. Ngunit sabi ni Josh, “Ayos lang kung hindi ako magwagi sa NSTF, ang mahalaga naibahagi ko
ang aking kakayahan, at bilang magaaral sa MVTS na nag-qualiffy sa NSTF ay isa ng malaking opportunidad”. Sa simula, marami siyang pagdududa sa kaniyang sarili, ngunit dahil sa mga taong nakapalibot sa kaniya, hindi naging hadlang ang mga takot at kaba sa pagkamit ng kaniyang tagumpay. Inialay ni Josh ang nakamit na tagumpay sa mga taong naging bahagi ng kaniyang paglalakbay. Dahil na rin sa mga guro na sumusubaybay sa kaniya, nagpapasalamat siya na hinubog nila ang kakayahan nito at magkaroon ng tiwala sa sarili. Ngayon, nagsilbing inspirasyon si Josh sa kaniyang kapwa mag-aaral na huwag matakot na gumawa ng pagbabago, dahil ito ang nagbibigay-daan sa iyo na sumubok at matuto mula sa iyong mga pagkakamali. Marami man ang dapat isaalang-alang sa pagkamit ng ating layunin, tandaan na ang pagkakaroon ng malaking pananampalataya sa Diyos ay ang magsisilbing gabay patungo sa ating destinasyon.
'Why do birds suddenly appear?':
Balinsasayaw sa Paglubog ng Araw
Sa paglubog ng haring araw, isang kamanghamanghang pangyayari ang matutuklasan ng lungsod ng Molave, mga ibong sumasayaw sa kawad ng kuryente na hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan sa mga residente.
Tinatawag na swiftlet o balinsasayaw ang mga misteryosong libu-libong ibon na namamahay sa lungsod. Para sa iilan, ang ibong ito ay naghahatid ng swerte ngunit para naman sa iilan, hatid lamang nito’y gambala dahil sa mga ipot nitong maaaring makapagdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga taong naninirahan.
Ayon sa mga residente, ang mga ibong ito ay matagal nang pumupunta sa Molave tuwing kumakagat ang dilim. Sa umaga’y naghahanap sila ng pagkain sa mga palayan ngunit, sa pagkagat ng dilim ay agad silang bumabalik sa
Laman ang
Bagong
Kaalaman
kanilang mga pugad. Gamit lamang ang laway ng ibong ito ay maaari na silang makagawa ng pugad. Ito ay nagbibigay daan sa pagbuo ng mga mamahaling nest soup.
“Matagal nang naglipana ang mga ibon dito bago pa ako pinanganak, sila’y nandiyan na,” pahayag ng isang residente na 40 taon nang naninirahan dito.
Patuloy na nagbibigay ng kasaysayan at kulay sa buhay ng mga residente ang misteryo ng paglipad ng balinsasayaw sa Molave. Ito’y nagpapakita ng kahalagahan sa pagpapahalaga sa mga hayop at sa likas-yaman. Ang lokal na pamahalaan at mga residente ay patuloy na sinusubaybayan ang sitwasyon ng migrasyon ng mga ibon at nagtataguyod ng mga hakbang upang mapanatili ang balanse sa ekosistema. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa mga taga-Molave kung kailan at saan nanggaling ang napakaraming mga ibon na ito.
Nagtagisan ng mga imbensyon ang mga piling mag-aaral mula sa anim na Qualci sa Division Science Technology and Engineering Fair (DSTF) ng Zamboanga del Sur na sinimulan nitong ika-17 ng Nobyembre taong 2023, at agad namang tinapos kinabukasan. Ang Molave Vocational Technical School (MVTS) ang naging punong abala sa inorganisang patimpalak. Layunin ng ginawang aktibidad na mamulat ang mga kabataan sa malawak na mga bagong kaalaman na kailangan lamang na pagtuonan ng pansin at mas mabusising pagsasaliksik upang makapagbigay kontribusyon sa patuloy na pagusbong ng modernisasyon sa
Nakadidismayang isipin na labis na ang pagyakap ng karamihan sa artificial intelligence (AI), sa puntong maging ang mga mamamahayag ay posibleng matigil sa paglayag sa larangan ng pamamahayag. Sa patuloy na pag-iral ng modernisayon, maraming mga imbensyon ang nilikha dulot ng malikot na utak ng mga dalubhasa. Maraming naibibigay na benepisyo ang mga makabagong teknolohiya, ngunit minsan hindi rin maitatanggi na perwisyo ang dala.
Nagulantang ang karamihan nang gumanap bilang mamamahayag sina Maia at Marco na parehong likha ng AI sa ginanap na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99 nitong ika-23 ng Setyembre, taong 2023. Nakatakdang maghatid ng balita ang dalawa ukol sa nasabing aktibidad at pagbibigay ng mga bagong ulat ukol sa kaganapan sa lokal at internasyonal na balitang isports na tampok ang mga atletang Pinoy sa mga social media platforms ng GMAIN, GMA Sports, at GMA Synergy.
“The introduction of the first AI sportscasters by GMA Integrated News is a groundbreaking initiative that significantly impacts our objective of mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa
bayan. It aligns with our mission to serve all communities within the nation and promote inclusivity in our reporting,” iyan ang pahayag ni Victor B. Amoroso, Senior Vice President at Head of Integrated News, Regional TV, at Synergy Oliver. Taliwas sa kaniyang opinyon, tutol ang karamihan sa ambang pagpapalawig ng ganitong sistema sa larangan ng pamamahayag. Ayon sa kanila, labis na ang ganitong uri ng pagyakap sa modernisasyon, maganda ang pagkakaroon ng pagbabago ngunit hindi sa puntong tatawid na sa nakatakdang limitasyon nito. Bukod pa sa kaibahan sa kakayahang paglalahad ng mas epektibong paghahatid ng balita, ikinababahala rin ang tangkang mas paglobo ng antas ng kawalan ng trabaho sa industriya ng pamamahayag. Ilang taong pumasok sa pamantasan upang maging eksperto sa epektibong pamamahayag kaya ang pagpapalit nito ay hindi makatarungan na maaaring maging hadlang sa tuluyan nitong paglayag. Malaking tulong ang hatid ng modernong teknolohiya sa mas pinadaling daloy ng trabaho ng tao, nilikha upang maging instrumento tungo sa mundong mas pinabago. Panatilihin ang limitasyon, huwag magpa-alipin sa teknolohiyang nilikha natin, ang karapatan ay bigyang diin.
Dala ng mga kalahok ang kanilang mga makakapal na pananaliksik na papel na naglalaman ng mga detelyadong impormasyon ukol sa kanilang mga kaniya-kaniyang pagaaral na kung makikitaan ng potensyal ay tiyak makakapasok sa susunod na yugto ng kompetisyon. Nahahati ito sa dalawang kategorya,
ang Life Science at Mathematical Computational Science Category na maaaring pangatawanan bilang indibidwal o pangkat. Kita sa mga estudyante kung gaano sila ka-deteminadong masungkit ang kampeonato at mabigyang batid ang kanilang pag-aaral na tiyak magkakaroon ng malaking kontribusyon sa larangan ng agham at teknolohiya.
Inirepresenta ng MVTS ang
Qualci 2 na siyang humakot sa mga parangal at magpapatuloy sa rehiyonal na kompetisyon. Isa sina Jamaicka Calandada, Margareth Suco, at Luela Erich Villaganas sa nag-uwi ng unang pwesto sa kategoryang Life Science. Binigyang pokus ng kanilang pananaliksik ang pagpoprodyus ng mas murang pampataba ng lupa, sinuri nila kung papaano tutugon ang ‘Sweet Pepper’ (Capsicum annum) sa Ascorbic Acid. Layunin nilang makatulong sa sektor ng agrikultura upang maging masagana ang produksyon ng pananim na hindi mabigat sa bulsa ng mga magsasaka. Isa lamang ito sa mga ibinidang imbensyon sa kompetisyon, tunay na mayroong malaking parte ang mga kabataan sa mas pinalawak na pagsusuri ng mga bagong kaalaman na magagamit sa pakikipagsabayan sa mga modernong likha ng lipunan.
“This activity is very crucial and critical especially to our students to a fact
that science is one of the most important component of the curriculum,” saad ni Dr. Lito P. Bahian, tagapamahala ng aktibidad sa buong dibisyon. Binbigyang diin niya kung gaano kahalaga ang pakikiisa ng mga estuydante sa ganitong mga klaseng kaganapan na siyang huhubog sa kakayahan nilang makalikha ng mga kaukulang solusyon sa mga napapanahong isyung kinakailangan tugunan.
Tingin sa kaliwa’t kanan, misteryo ang makikitang naghihintay na makuhanan ng bagong kaalaman. Tunay na malaki ang mundo, at sa bawat detalye nito ay mayroong impormasyong nakapaloob na hindi pa natutuklasan ng publiko. Nangangailangan ng partisipasyon ng bawat isa ang patuloy na pagtuklas ng mga impormasyon na nanatiling palaisipan para sa karamihan. Hikayatin ang lahat na makiisa sa layuning hukayin ang mga nakatagong katotohanan na maaaring maging tulay sa magandang pagbabago ng ating lipunan. Hayaan ang mga kabatang manatiling mausisa nang sila’y matutong magsaliksik upang ang malalim at maingay na pag-iisip ay tuluyang manahimik.
Banta sa Industriya ng
Baboy African Swine Fever:
Kyreille Lou I. Dela Cruz
Kasabay ng unti-unting pagkaubos ng kaso ng covid-19 sa mundo, ang muling panunumbalik at pagdami ng kaso ng ASF sa iba’t ibang rehiyon ng Asya, partikular na sa Pilipinas. Ang Asian ay unang tinawag na “African Swine Fever” (ASF) sapagkat ito ay unang namataan sa Africa na kalauna’y kumalat sa mga bansang kabilang sa Asya.
Ito ay tumutukoy sa isang sakit na nakakaapekto sa mga baboy, na matagal nang nagdudulot ng pinsala sa industriya ng babuyan sa iba't ibang rehiyon ng Asya. Ang sakit na ito ay kakalat kapag mapagsama ang hindi nahawaang baboy sa nahawaang baboy, mga produktong panghayop, mga insekto tulad ng kuto, at iba pang mga mekanismo.
Ito ay nagdudulot din ng malawakang pagkamatay ng mga baboy, at nagiging sanhi ng malaking kawalan sa mga komunidad at bansa. Ang pagkalat ng ASF virus ay nagdulot ng matinding pagbagsak at pagkabawas ng suplay ng karne ng baboy, lalonglalo na sa ating bansa, dahilan ng mahigpit na pagtatrabaho ng mga bansa at sektor ng industriya ng baboy upang labanan ang pagakalat nito sa mundo.
Namataan sa pulo ng Mindanao, ang unang kaso ng ASF sa Pilipinas. Naitala ng World Organization for Animal Health (OIE) ang kaso sa lalawigan ng Davao Occidental. Ang natuklasan ay mahigit na 1,000 kilometrong layo sa timog mula sa pinakamalapit na natuklasan sa Luzon, kung saan ang virus ay umiiral mula pa noong Setyembre 2019. Ayon sa mga datos ng OIE, binubuo ng halos 187,500 na baboy ang namatay sa Pilipinas dahil sa ASF; marahil sa kinakailangang pagpapatay.
Upang labanan ang pagkalat ng sakit na ito, mahalaga ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan mula sa mga magsasaka, mga ahensya ng gobyerno, at ang mga pribadong sektor. Ang pagpapatupad ng maigting na biosecurity measures tulad ng masusing pag-audit sa mga sakahan, maingat na pagpapatupad ng quarantine protocols, at maagap na pagkilala at paggamot sa mga apektadong hayop, ay ilan sa mga hakbang na maaaring maisagawa upang malimitahan ang pagkalat ng ASF.
Mahalaga rin ang edukasyon at kampanya sa publiko tungkol sa pagkilala sa mga sintomas ng ASF at sa tamang paraan ng pangangalaga sa mga baboy. Ang pagbibigay ng sapat na kaalaman sa stakeholders ay makatutulong para mas mapabilis at mas epektibo ang
pagtugon sa paglitaw ng sakit na ito. Sa papalit-palit na suliranin sa mundo, nararapat na pagtuonan ng pansin hindi lamang ang kaligtasan nating mga tao kundi pati na rin ang mga hayop. Ang pagtutok sa mga aspeto ng biosecurity, masusing monitoring, at pagpapahalaga sa edukasyon ng publiko ay mga mahahalagang hakbang upang mapanatili ang kalusugan ng industriya ng baboy sa bansa. Sa patuloy na pagpapatupad ng mga ito, maaari nang maiwasan ang pagtaas ng kaso nito at tuluyang malabanan ang banta ng ASF at masi-guro na ligtas at malusog na suplay ng karne ng baboy ang madidistribyut sa loob ng bansa para sa mga konsyumer.
Elon Musk’s Neuralink Brain Chip: Sisimulang Ipasok sa Utak ng Tao
oong ika-25 ng Mayo taong 2023 sa isang X post inanunsyo ng Neuralink, isang kompanyang neuroteknolohiyang itinatag ni Elon Musk, na inaprubahan ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang pagsasagawa ng kauna-unahang klinikal na pag-aaral nito sa tao. Ayon sa UNTV News and Rescue, itinuturing ito na isang malaking tagumpay dahil ito ang kaunaunahang kompanya na nabigyan ng final seal of approval.
Sa gagawing clinical trial, sasailalim ang pasyente sa isang operasyon kung saan gagamitin ang isang robot upang maipasok sa utak ng tao ang isang circular implant na sasalin at proproseso sa mga neural signal. Ang implant na ito ay konektado sa maninipis na mga metal thread na direktang ipapasok sa mga tissue ng utak kung saan nakakakita ng neural signal.
Layunin ng pag-aaral na ito na bigyan ng bagong pag-asa
Yna Faith R. Dayuhaang mga taong may malalang karamdaman gaya ng paralysis at pagkabulag sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan na kontrolin ang computer cursor at keyboard gamit lamang ang kanilang isip, maaari sila makipag-communicate nang hindi nagsasalita.
Kasalukuyang naghahanap ang kompanya ng mga boluntaryong sasailalim sa kanilang clinical trial na magtatagal ng anim na taon. Pahayag naman ng mga experto maging matagumpay man ang gagawing trial, aabot pa rin ito ng dekada bago masimulang gamitin bilang komersyal na produkto.
Nipah Virus: Nakapasok nga ba sa bansa?
Setyembre ng taong 2023 kumalat ang balita ukol sa pinangangambahang Nipah virus sa bansa. Agad namang nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang kumpirmadong kaso ng Nipah virus sa bansa. Pahayag nila, ang mga nakitang sintomas sa iilang estudyante at guro sa Cagayan de Oro ay dulot ng iba pang uri ng virus.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Nipah virus (NiV) ay isang zoonotic virus kung saan nakukuha ng tao mula sa hayop. Maaaring maipasa sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o direktang interaksyon ng mga tao.
Nilalabas ito ng mga fruit bats sa tuwing sila ay humaharap sa stress. Nagpapatunay ito na ang simpleng paggambala sa mga kuweba ay magdudulot ng malaking epekto sa mundo.
Maaaring makaranas ng lagnat, sakit ng ulo, ubo, masakit
Yna Faith R. Dayuhataong matatamaan nito. Sa mga mas matindi at malubhang kaso, posible ang magkaroon ng seizures at pamamaga ng utak na maaaring mauwi sa pagka-komatos.
Kung nakararanas ng mga ganitong sintomas, maaari ninyong puntahan ang pinakamalapit na health care provider. Sa ngayon, wala pang aprubadong bakuna o gamot sa sakit na ito kaya’t pinapayuhan ang lahat na maging maingat at sumunod sa mga health protocols. Naniniwala ang infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na malabong makapasok sa Pilipinas ang pinangangambahang Nipah virus dahil sa mataas na mortality rate nito na umaabot sa 40%-75%.
Sa ngayon, mahalaga ang agarang pagtugon ng mamamayan at pakikipagtulungan sa mga health authorities upang mapanatili ang kalusugan ng publiko.
14 ISPORTS
eSports bilang balidong pampalakasan
Pagsukat sa pisikal na lakas ng isang manlalaro o koponan ang batayan ng pampalakasan na kung saan pinagbabanggabangga ang mga kalahok sa iba’t ibang panig ng mundo sa pagtuklas ng pinakamagaling at pinakamalakas sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan. Sa pamamayagpag ng teknolohiya ay umusbong din ang mga bagong paraan sa pakikipagtunggali. Nagkaroon ng pakikipagkumpetensiya gamit ang mga computer at cellphone na kung saan ay umabot pa sa nasyonal at internasyonal na mga paligsahan na kalaunan ay tinawag na E-Sports. Ngunit, tama ba na maging kabilang sa pampalakasan ang Esports?
Sa paglipas ng panahon, naging mas kompetitibo ang mga atleta sa iba’t ibang larangan ng isports kung saan walang humpay na pag-eensayo ang pinaghahandaan para sa mga tunggalian.
Nang lumitaw ang mga “Player Vs. Player (PVP) online games”, marami ang napasabak at kalaunan ay naging uhaw ang mga manlalarong ito sa pagkamit ng matataas na puntos sa laro upang mapabilang sa pinakamagaling na mga manlalaro o mas kilala sa tawag na
“Professional Gamers.”
Nabuo ang mga koponan ng mga magagaling na manlalaro at nakipagbakbakan sa nasyonal at internasyonal na mga torneo at ito ang naging kapanganakan ng Esports.
Tuluyang lumago ang industriyang ito sa pagdating ng mga “Mobile Games” at lalo na sa kasagsagan ng pandemya, mas dumami ang nakilaro bilang libangan, hanapbuhay, o di kaya’y pampalipasoras.
Naging opisyal
na tunggalian ito bagama’t maraming atleta ang bumatikos na hindi ito dapat mapabilang sa pampalakasan o isports lalong-lalo na sa Olympics. Ayon sa kanila, napapabilang lamang sa pampalakasan kung ito ay tumutukoy sa pagsukat ng pisikal na lakas at talino. Hindi nila ito matanggap ngunit sa taong 2017, ang Games and Amusements Board ay pormal na kinilala ang Esports bilang isa sa mga kategorya ng isports. Ayon pa sa kanila, hindi nagiging batayan
sa pampalakasan ang mga pasa na nakukuha mo at kung gaano ka kalakas, kundi ang pagiging mapagkumpetensiya ng isang tao.
Sa kabila ng mga hindi pagsang-ayon ng iba, ang ESports ay tuluyan paring namamayagpag sa buong mundo at tumutulong sa pagpapailab sa apoy ng pakikipagkumpitensya ng mga manlalaro. Kayo, sang-ayon ba kayo sa Esports bilang isang balidong pampalakasan?
Pribadong paaralan, dumaluhong: Unang pagsalakay sa District Meet
Enero 13, 2024 – Sa panunumbalik ng pakikipagtunggali sa larangan ng isports matapos ang ilang taong pananahimik dulot ng pandemya, nabigyang hintulot sa kauna-unahang pagkakataon ang mga pribadong paaralan ng Molave, ang Sacred Heart Diocesan School (SHDS) at Blancia College Foundation Incorporated (BCFI) na makilahok at makipagsagupaan sa District Meet 2024.
Sa mga nagdaang taon ng tunggalian sa District Meet, tanging mga atleta ng pampublikong paaralan lamang ang sumabak at nakipagbakbakan sa pagseselyo ng pasaporte para sa mga higher meet.
Binuksan ang bagong taon kasabay ang pagbukas ng bagong
pagkakataon. Pagkakataon para sa mga pribadong paaralan na mamayagpag sa larangan ng pakikipagkompetensiya at pampalakasan upang maibandera ang kanikanilang mga pangalan. Sa pagdami ng mga kalahok sa taong ito, mas lalong
nagliyab pa ang init ng hamonan sa bawat koponan at tagisan ng talento. Bagama’t walang nauwing panalo ang dalawang pribadong paaralan, pinagharian naman ng Molave Vocational Technical School ang District Meet matapos lamunin ang halos lahat ng kategoryang
kasali sa paligsahan. Hindi naging masama para sa mga manonood ang kauna-unahang pagsabak ng mga pribadong paaralan kaya’t marami pa ang nag-aabang na makasungkit ng pagkakataon na manalo sa susunod pang mga laro.
Ferelene Mark Pondoyo Khrisna Kylle Alberio Khrisna Kylle Alberio Ferelene Mark PondoyoMVTS nilugmok ang SHDS sa Women’s
Table
Tennis, 11-7,
11-6, 11-9
Christ Joanna BaguioNamayagpag ang kalahok ng Molave Vocational Technical School (MVTS), Thrisha Bañas laban kay Clizel Capirig ng Sacred Heart Diocesan School (SHDS) sa District Meet Women’s Table Tennis na ginanap sa Molave Regional Pilot SchoolSPED noong Enero 13, 11-7, 11-6, 11-9.
Mahigpit ang naging labanan sa unang set sa pagitan ng dalawang manlalaro na kung saan mainit ang naging palitan ng mga atake.
Bumulusok ang nagliliyab na mga atake na galing kay Capirig ngunit ipinamalas kaagad ng atletang si Bañas ang kaniyang angking galing sa pag-opensa, nagawang palobohin
ang agwat at binulsa ang unang set, 11-7.
Kinontrol kaagad ng manlalaro ng MVTS ang laro sa ikalawang set nang pinakita niya ang kanyang lumalagablab na smash na tuluyang naglibing sa kalahok ng SHDS at selyuhan ang ikalawang set, 11-6.
Sinikwat ni Bañas ang pangatlo at panghuling set sa pamamagitan ng
MVTS Men’s Basketball Championship
Pink Panthers, nginatngat ng White Wolves
Disyembre 7, 2023 - Nagbabaga sa init ang labanan ng Grade 12 White Wolves kontra sa Grade 11 Pink Panther para makuha ang titulo bilang kampeon sa Men’s Basketball ng Molave Vocational Technical School sa Molave Gymnasium, 41-31.
Ipinalasap ng White Wolves ang kanilang bangis sa mga Pink Panther. Umaapoy na reverse layup agad galing sa kanilang koponan ang nagbukas at nagpasiklab ng laro.
Hindi naman pumayag ang mga Pink Panther na malamon sila ng mga White Wolves at gumanti ito ng malaLebron James na poster block na pumutol sa buwelo ng mga White Wolves. Ngunit di pa rin natinag ang bangis ng White Wolves at tinapos ang unang laro sa iskor na 30-21.
Habang hindi pa nagsisimula ang ikalawang laro, naririnig na rin ang mga hiyawan
ng mga maiinit na sumusuporta sa magkabilang kampo. Sa Ikalawang laro, hirap pa rin ang Pink Panthers na makapuntos dahil sa matindi at matikas na “full-court press” na ipinamalas ng mga puting lobo.
Lumakas pa lalo ang kompiyansa ng mga White Wolves dahil hinihingal na ang mga Pink Panthers sa kakahabol sa kanila.
Pinatalsik ng mga mababangis na lobo ang nagdedepensahang malalaking pusa. Pinataob at tinuldukan ng mga ito ang buhay ng mga Pink Panther at tinapos ang laro, 41-31.
pagbibigay ng malakanyong bola sa kanyang kalaban. Umarangkada naman si Capirig sa kalagitnaan ng set at ibinandera ang kanyang mahigpit na depensa at mautak na opensa. Hindi naman
nagpatinag si Bañas at sinakmal ang panghuling set na nanatiling malinis ang karta at tinanghal bilang kampeon sa women’s table tennis, 11-7, 11-6, 11-9.
Napasakamay ng Molave Vocational Technical School (MVTS) ang unang panalo kontra sa Sacred Heart Diocesan School (SHDS) sa unang pagkakataon sa Men’s Basketball District Meet na idinaos noong ika-13 ng Enero, Sabado, sa Municipal Plaza ng Molave sa iskor na 38-22.
Mabibilis at matutulis ang mga galawan ng parehong koponan at masisikip ang depensa na kanilang ipinakita habang umarangkada kaagad ang MVTS sa pagtira ng mga puntos upang ilayo ang agwat sa kalaban. Sinakop ng MVTS ang unang quarter, 19-8.
Ibinida ng SHDS ang kanilang matalinong laro sa pamamagitan ng kanilang mga ‘fast play’ na nagbigay sa kanila ng
kaunting kompyansa na bumawi.
Unti-unting hinabol at inasinta ng SHDS ang MVTS ngunit hindi naman nayanig at nagpadaig ang manlalaro ng MVTS, bagkus ay nagpaulan ito ng mga 2-points shots sa natitirang huling minuto ng bakbakan.
Sa huli, nanaig ang katikasan ng MVTS at tinanghal itong panalo sa iskor na 38-22 sa unang laro ng Men’s Basketball District Meet.
TOMO XXVII - BLG. 1
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG
MOLAVE VOCATIONAL TECHNICAL SCHOOL
DIBISYON NG ZAMBOANGA DEL SUR REHIYON IX
Malakas na sipa ang binitawan ng White Wolves upang masungkit ang kampeonato.
HULING TALA NG ISKOR
15-13
Nagwagi ang White Wolves sa iskor na 15 sa huling laban ng White Wolves at Red Phoenix.
ISP RTS
White Wolves, tiniris ang
Red Pheonix sa Sepak
Takraw, 2-1
binaon ng Grade 12 White Wolves ang kanilang pangil sa pumailanlang na Grade 9 Red Pheonix at dinomina ang korte ng Molave Vocational Technical School sa panlalaking Sepak Takraw, 2-1, noong ika7 ng Disyembre, 2023.
at tuluyang nilugmok sa lupa ang Pheonix. Unang umagresibo ang Grade 9 sa simula ng bakbakan at ginulantang ang mababangis
Mamamalaso ng
na Grade 12 sa unang regu, habang pinapangunahan naman ni Cartilla ng G9 ang pagpapainit ng laban, sumubok naman ng iilang roll spike si Quitoy ng G12 ngunit bigo itong nakapasok at tanging pagkakamali lamang ng Pheonix ang nagpapapuntos ng G12, 15-7, lamang ang G9. Hindi nagpalamang ang mga beteranong lobo ng Red Phoenix sa ikalawang regu at binakbakan ang G9 gamit ang kombinasyon at roll spike ni Quitoy na nagdala sa kanilang bentahe upang makabawi sa pangalawang regu.
Nagpatuloy ang panganib sa G9 Red
Pheonix at sinigurado na ng G12 White Wolves ang natitirang set kaya’t naging dehado na ang Pheonix ngunit walang sukuan para kay Cartilla na inako lahat ng bola at umani ng iskor kasama pa ang service ace na pinakawalan sa nalalapit na hantungan ng laban. Sa kabila ng mga pagkakamali ng White Wolves, nagawa pa rin nilang takpan ito sa kanilang koordinasyon at ipinabagsak nang tuluyan ang Red Phoenix sa dikit na bakbakan, tinuldukan ang laro sa 15-13, 2-1, at hinirang bilang kampeon ang Grade 12 White Wolves.
MVTS, sumalang sa Batang Pinoy 2023
Pinuntirya ng pinakamagaling na mamamana ng MVTS ang puwestong 21/98 na si Peter Iohann Guarin, U18 sa iskor na 30m-315; 50m-240; 60m280; 70m-228. Sumunod naman si Krizane Pacas na tumala ng 30m-249; 50m-145; 60m-245; 70m-128. Nagawa din namang humabol ni Aethan Corona sa puntos na 30m-238; 50m-140; 60m-233; 70m-101.
Umani naman sa U15 si Zap
Punong Patnugot: Noemi Jane V. Dalion
Pangalawang Patnugot: Alyssa Pearl J. Veranda
Tagapamahala ng Sirkulasyon:
Rexen S. Camporedondo
Patnugot ng Balita: Janine V. Cabasag
Patnugot sa Editoryal/Opinyon:
Princess Jashmen Catemprato
Angel Mae T. Davin
Leanna Vienne Subiza
Arkinh
Galleposo ng puwesto sa iskor na 30m302; 40m266; 50m264; 60m-260.
Pinilit man pumuntos nina Lance Ando at Frithz Frederick Tape, ngunit kinapos na sa 50 meters at 60 meters. Gayunpaman, hindi nasayang ang naging karanasan ng mga atleta na mapasali at makipagsapalaran sa Batang Pinoy 2023. “Naghalo-halo ang mga naramdaman namin sa kompetisyon. Naging
Pamatnugutan
Patnugot sa Lathlain: Marianne V. Dalion
Patnugot sa Agham at Teknolohiya: Yna Faith R. Dayuha
Kyreille Lou I. Dela Cruz
Patnugot sa Isports: Ferelene Mark Pondoyo
Tagawasto at Taga-ulo ng Balita: Sheila Mae N. Paredes
Tagakuha ng Larawan: Khrisna Kylle D. Alberio
Andre Julian M. Tantan
May Vien. Gabato
Charles Crispin Lumbatan Mark Maestrado
Tagaguhit: Josh Michael S. Beltran
Taga-Anyo: CJ Faith G. Bantoc
Leo Santander Althea L. Saldivar
Jesseiah Faith Licayan
Yvonne Clair Dayuha
Avril B. Ramayla
Kontribyutors: Princess G. Yabut Christ Joanna Baguio
Precious Lara Amorganda
Josh Earl Kyte D. Laride
competitive man ang mga katunggali namin, naging mabuti naman sila sa amin at marami kaming natutunan sa kanila. Laking pasasalamat ko sa Coach na nagturo sa amin, Sir Roan Pedregosa at Coach KC Cuart Moreds, kasama narin sa mga magulang na sumuporta sa paglalakbay namin, at lalo na sa lahat, salamat sa Panginoon na laging nakagabay sa amin,” ani Guarin.
Jefrey D. Batuigas Tagapayo
Ritchel B. Pedraza
Katuwang na Tagapayo
Meldred F. Enriquez
Pansamantalang Ulong Guro
Achilles Luke Lungay
PTA Federated President
Luther D. Castelo, EdD
Punong Guro
Ferelene Mark Pondoyo