Opisyal na Pahayagan ng Holy Spirit Academy of Malolos

Page 1

TOMO XXX BLG. I AGOSTO 2020 - HUNYO 2021

Mula HSAM patungong Model United Nations

HANDA SA BAGONG NORMAL. Bago magsimula ang Taong Pampaaralan 2020-2021, puspusan ang paghahanda na gurong tulad ni G. Senen Pineda, guro sa SHS para sa isasagawang Online Distance Learning ng HSAM. Screenshot ni Yzabel Cabasa.

Tuloy ang Edukasyon sa Panahon ng Pandemya

Distance Learning sa T.P. 2020-2021: Hamong Napagtagumpayan

TRISHA GONZALES NAKAUKIT na sa kasaysayan ng edukasyon sa bansa ang pagkamit ng mga kaalaman at kasanayan gamit ang ‘distance learning’ sa Taong Pampaaralan 2020 – 2021 na isa sa mga hamon ng pandemyang napagtagumpayan. Ayon sa Department of Education (DepEd), ang 2020 Oplan Balik Eskwela ay nakatuon sa temang “Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan”. Ito ay nagpapakita ng pinagsama-samang kontribusyon at pagsisikap ng mga stakeholders upang magbigay-tulong sa paaralan at komunidad na nakaayon sa Basic Education-Learning Continuity Plan ng Kagawaran. Naging malaking hamon ito sa buong Kagawaran ng Edukasyon lalo na sa mga guro at mag-aaral, gayundin sa mga magulang na nagsilbing guro sa loob ng tahanan. Bagamat marami ang naging tanong sa mga pamamaraang ipinatupad sa larangan ng edu-

kasyon sa ‘bagong normal’, karamihan sa mga magulang ay sinuportahan ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng kanilang mga anak.

Maging ang mga pribadong paaralan ay labis na naapektuhan ng pandemya. Kinumpirma ng DepEd na 865 pribadong paaralan ang hindi nakapagpatuloy ng operasyon sa buong bansa. Sa huling datos ng kagawaran, lumalabas na 24.72 milyon lang ang nag-enroll sa basic education para sa school year 2020-2021, katumbas ng 89.02% lang ng enrollees noong 2019. Karamihan ng mga nawala sa talaan ay nanggaling sa mga pribadong paaralan. Sa kabila nito, marami pa rin sa mga pribadong paaralan ang agarang tumugon sa tawag ng pagbabago. Ibayong paghahanda ang isinagawa upang magkaroon pa rin ng epektibong pagkatuto gamit ang distance learning. Isa na rito ang Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM). Sa pamamagitan ng Learning Continuity Program (LCP) - Alternative Instruction Management System (AIMS), ay epektibong naitaguyod ng HSAM ang kauna-unahang taon ng Online Dis-

la ng mga magulang sa quality education na kayang ibigay ng HSAM kahit na ito ay online,” dagdag pa niya.

tance Learning o ODL.

Ayon kay Bb. Ma. Agustina Dela Cruz, LCP Coordinator, “Ang mga buwan bago ang pagbubukas ng S.Y. 2020-2021 ay puno ng mga hamon, ngunit dahil sa mga preparasyong ginawa para sa mga guro, ito ay naging matagumpay. Ilan dito ay ang ‘Capacity building of teachers/ Skills training of teachers’, pagbuo ng mga bagong komiti na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan sa bagong mode of learning tulad ng LCP, Multimedia Team, EdTech Team, Research and Innovation, atbp., pagtutulungan ng buong HSAM community lalo’t higit nang magsimula na ang klase (execution of teachers of their daily lessons, support of the NTP during technical difficulties, etc.).” “Nakatulong din nang malaki ang pakikinig sa mga feedback at suhestiyon ng bawat isa (kapwa guro) at mga magulang lalo’t higit nang ating ginawa ang Trial Online Classes (through evaluation of the TOC answered by parents, guardians, pupils and students) - decisions made by the school in order to improve our ODL were data- based, pagde-design ng ating ODL na ‘student- friendly’ - observation of suggested screen time, study halls, quarterly break, flexibility, and compassion at suporta at pagtitiwa-

Batay sa isinagawang ebalwasyon sa implementasyon ng LCP-AIMS sa unang taon ng pagsasagawa nito, nakakuha ng average rating na 4.03 ang larangan ng Instruction o Pagtuturo kung saan nakapaloob ang paggamit ng angkop na mga paraan at teknolohiya sa teaching-learning process. Katumbas nito ang deskripsyong Very Good, nangangahulugang epektibong naisakatuparan ng mga guro ang kanilang tungkuling makapagturo. Sa sarbey naman na isinagawa noong Enero tungkol sa ‘Persepsyon at Karanasan ng mga Mag-aaral sa ODL, 58.57% ang nagsabing Moderately Effective ang programa ng paaralan tungkol dito. 53.27% ang tumugon ng Very Helpful ang mga guro, at 39.77% ang tumugon ng Very Satisfied patungkol sa kanilang satisfaction sa online teaching methods at lecture materials. Mahirap man ang naging simula, hindi man agad na nakasabay ang ilan sa mga mag-aaral at guro, sa kabuuan, masasabi pa ring isang tagumpay ang unang taon ng distance learning. Tunay ngang magpapatuloy ang kalidad na edukasyon sa kabila ng pandemya.

Pahayagang Ang Paracletan, kinilala sa BayLayn 2021

NASUNGKIT ng Ang Paracletan, ang opisyal na pahayagan ng Holy Spirit Academy of Malolos, ang ikalawang gantimpala para sa pinakamahusay na publikasyong mag-aaral sa Para sa Bayan at Lasalyano 2021 (BayLayn) na ginanap onlayn sa kauna-unahang pagkakataon nitong ika-15 ng Mayo na may temang “Kritikal na Pag-uulat tungo sa Pagmumulat: Tungkulin ng Kabataan sa Gitna ng Pandemya’t Katiwalian”.

MGA SIYENTISTA SA MAKABAGONG PANAHON. Ang video presentation ng Team 25, ang kanilang winning piece na pinamagatang, “Package Reveal: What We Never Pay For”. Screenshot ni Mai Silva.

Nilahukan ang BayLayn 2021 ng 39 na paaralang nagmula sa iba't ibang rehiyon sa buong bansa.

TURVEY CATINDIG KINILALA si Franz Augustine Mallari, mag-aaral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) mula sa Holy Spirit Academy of Malolos, sa naging virtual zoom conference ng Asia Youth International Model United Nations (AYIMUN) na isinagawa noong Nobyembre 6 hanggang 8, 2020. Ang AYIMUN ay isang taunang kumperensiyang pinamamahalaan ng International Global Network (IGN) na dinadaluhan ng mga batang lider mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipinararanas dito ang aktuwal na nagaganap sa isang Meeting Session ng United Nations, kung saan ang bawat kabataang kalahok ay nakatalaga bilang diplomat ng tiyak na bansa at miyembro ng isang konseho ng United Nations. Tema ng AYIMUN 2020 ang "Renewing the Primacy of Internationalism in Global Instability."

Patuloy na Magbabalita

Trisha Gonzales at Turvey Catindig

Mallari, itinanghal na ‘Best Delegate’ sa Asia Youth International Model United Nations 2020

Ang Tomo 29 Blg. 2 na inilathala ng Ang Paracletan noong Hunyo 2020 ang ipinasang entry ng paaralan sa nasabing patimpalak. Ito ang ikalawang pagkakataon na kinilala ang pahayagan sa naturang paligsahan matapos nitong magwagi sa kaparehong kategoryang Pinakamahusay na publikasyong pangmag-aaral ng ikatlong gantimpala noong 2018. Patunay ito na sa kabila ng pandemya, patuloy pa rin ang paghahatid ng pahayagan ng katotohanan sa kapwa kabataan, paaralan, at bayan.

Sa nasabing kumperensya, nakamit ni Mallari ang titulong Best Delegate for International Monetary Fund (IMF) matapos nitong ipamalas ang angking kakayahan sa pakikipagdiskurso hinggil sa cryptocurrency, ang pinag-usapang paksa para sa konseho ng IMF. “Actually, hindi ako nag-aim na makuha yung award na ‘yun [Best Delegate for IMF]. Sabi ko lang sa sarili ko [na] kailangan kong ayusin ‘yung performance ko,” aniya... ▶pahina 3

Mga Olympian ng Agham

Gonzales, Ibasco, at Villegas, wagi sa Ateneo Chemistry Olympiad 2021 ika-24 ng Abril.

MAI SILVA TAGUMPAY ang Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) sa pagsungkit ng kampeonato sa kategoryang “Chemistry in the Climate and Environmental Sustainability” sa Video Presentation Round ng Ateneo Chemistry Olympiad 2021 na ginanap noong

Kinatawan ang HSAM ng pangkat nina Trisha Gonzales, Ailey Ibasco, at Anjelo Villegas, mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang ng Science, Technology, and Mathematics (STEM) strand.

pinamagatang "Package Reveal: What We Never Pay For” ang nanguna sa mga entry ng 47 paaralang kalahok. Ibinahagi ni Ibasco ang kanilang pinagdaanan at reaksyon sa tagumpay na ito.

Ang ginawa nilang video presentation na

kathang isinulat ng kabayanihan lathalain

“I feel like we really did our best and it’s

up to the judges na lang to choose the rightful winners pero we’re so happy that we finished before the deadline pero at the same time, we’re very very nervous about the results… Super priceless lang talaga nung saya after namin marinig ‘yung Team 25 and HSAM. Wow, nanalo kami? Nagtatatalon kami and our coaches immediately messaged us when we were announced as the champion,” aniya...

▶pahina 2

basketball clubs, hindi nagpatinag sa ODL

isang tasa: ang nakakubling siyensya isports

agham at teknolohiya

@angparacletan

@angparacletan

angparacletan@gmail.com

ANGAT SA MUNDO. Si Franz Mallari ay nagbabahagi ng talumpati bilang pinakamagaling na delegado ng International Monetary Fund (IMF) sa AYIMUN 2020 via Zoom noong Nobyembre 8, 2020. Screenshot ni Turvey Catindig


2

AGOSTO 2020 - HUNYO

BALITA

Pagbabago at Pag-asenso sa Lungsod ng Malolos

Bagong City Hall, laking tulong sa mga Maloleño

Karl Valencia

GINANAP ang inagurasyon ng limang palapag na bagong city hall ng Malolos kasabay ng ika-21 taon ng pagiging lungsod nito noong Disyembre 18. Taong 2004, ipinagkaloob ng noo’y Pangulong Gloria MacapagalArroyo sa pamahalaan ng Lungsod ng Malolos ang sampung ektaryang lupa ng Philippine Information Agency (PIA) na nasa tabi ng MacArthur Highway sa Barangay Bulihan.

Umabot sa 300 milyong piso ang nagugol ng pamahalaang lungsod sa pagpapatayo nito na ibinaon sa pundasyong may lalim na 22 metro o katumbas ng 72.16 na talampakan. Ayon kay Mayor Gilbert Gatchalian, punong lungsod ng Malolos, ang gusali ay bunga ng pagbabayanihan ng mga taga-Malolos. Kaya naman sa pagpapasinaya nito, muling nanawagan ng lubos na pagkakaisang diwa ang punong lungsod upang

lalong maisulong ang mas mataas pang antas ng pamumuhay ng mga Maloleño. Ang pagkakatayo ng nasabing tanggapan ay magiging daan upang mas lalong pabilisin at palakasin ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan nito. Ang malaking espasyong inilaan para sa iba’t ibang transaksyon ay patunay ng pagtalima sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 .

Formation Initiative Response & Experience

Holistic Formation sa ODL: Sentro ng FIRE Program

Trisha Gonzales KAAKIBAT ng ‘new normal’ sa edukasyon, inilunsad ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) ang Formation Initiative Response & Experience (FIRE) Program nitong Taong Pampaaralan 2020-2021. Layunin ng programa na ipadama ang spirit of communion sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa mga spiritual activities, fitness/ health campaigns, at counseling/webinars nang sa gayon ay maikintal pa rin ang sense of community sa mga magaaral sa kabila ng online set up. Ayon kay Bb. Vera Valenzuela, school psychometrician, holistic formation ng komunidad ng HSAM ang sentro ng FIRE lalo pa at mahalaga ang pangkalahatang kalusugan sa pandemyang kinahaharap sa kasalukuyan. “Ang pandemyang ito ay isang collective experience pero pinilit tayo nito na di-lumabas sa ating mga tahanan. Mahalaga ang pag-aalaga ‘di lang sa pisikal nating kalusugan kundi pati na rin ang ating espirituwal, emosyonal, at mental na kalusugan. Ito ang tinutumbok ng FIRE program, ang malinang pa rin ang holistic formation ng mga magaaral kahit na at lalo na’t may pandemic ngayon,” ani Bb. Valenzuela. Pinangunahan ng Guidance Center, Campus Ministry, at Health Center ng paaralan ang mga gawain at programang nakapaloob sa FIRE. Guidance Center Nagsagawa ang Guidance Office ng mga

t

webinars tungkol sa Self-care During The Pandemic, Grit and Resilience at Anti-bullying, Tele/web counseling, Career Webinars sa pangangalaga ng GuidanceNGO, Homeroom Career Talk / Career Orientation, College Admission Orientation para sa mga mag-aaral ng ika-12 baitang, at Homeroom Guidance. Layunin ng mga programang ito na umalalay at tumulong sa mga magaaral na makapag-adjust sa online learning setup. Gayunpaman, nilinaw ni Bb. Valenzuela na bago pa man ang pandemya, ilan sa mga nasabing aktibidad gaya ng career activities, counseling, at symposia ay isinasagawa na ng Guidance Office. Nabago lamang ang paraan kung paano ito ginaganap. “Sa tingin ko, ang pinagkaiba lang ng mga activities ngayon sa dati ay kung saan siya ginaganap. Bago pa man magka-pandemya ay isinasagawa na ang mga career activities at symposia, lalo na ang counseling,” wika ni Bb. Valenzuela ukol sa mga programa. Campus Ministry Inilunsad ng Campus Ministry (CM) sa taong pampaaralang ito ang ilang virtual liturgical at spiritual enrichment formation programs na tumutugon sa mga pangangailangan ng HSAM community sa aspektong espirituwal. Sa pamamagitan mga nasabing programa, ninanais ng CM na patuloy na maitanim ang Trinitarian mission spir-

ituality sa komunidad. Kabilang sa mga programang ito ang iProclaim Online, Online Faith Sharing/Liturgical Bible Study, Online Bible Study, Online Masses, Online Recollections, Online Daily Devotional Prayers, Online Prayer Services, at ang pagbuo ng Paraclete Prayer Companion eBook. Health Center Binigyang-katuparan naman ng Health Center ang tunguhin ng FIRE na masiguro ang pangkalahatang kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga kasalukuyang isyung pangkalusugan at pagpapasimula ng mga information campaign para sa Wellness Promotion at Disease Prevention sa social media, pagbabahagi ng mga infographic at mga bidyo, at paglulunsad ng mga webinar. Kaugnay nito, naghandog din ang Health Center ng paaralan ng mga serbisyo tulad ng konsultasyon para sa mga prescription, counselling at referrals sa pamamagitan ng Telemedicine, assessment at monitoring sa health status ng mga kawani ng paaralan sa pamamagitan ng daily symptom checklist at temperature monitoring, at gayundin sa mga mag-aaral sa pamamagitan naman ng “Kumustahan” sessions na isinasagawa sa bawat klase kasama ang kanilang tagapayo tuwing homeroom period.

PAGGUNITA, PAGPAPASALAMAT, AT PAGHIHIKAYAT. Pinaabot ni Pope Francis ang isang video message sa mga Pilipino bilang kanyang pakikibahagi sa pagbubukas ng ika-500 daang taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Screenshot ni Trisha Denisse Gonzales

500 Years of Christianity

Santo Papa sa Mga Pilipino: ‘Keep working, rebuilding, and helping one another...’ Trisha Gonzales

ilang taon na ang nakalilipas na dinaluhan ng halos pitong milyong mamamayan.

HINIKAYAT ni Pope Francis ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang nakagawiang pagtulong at pagdamay sa kapwa sa pamamagitan ng isang video message na inilabas noong ika-4 ng Abril para sa pagdiriwang ng ika-500 daang taon ng presensya ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Kaugnay nito, pinaalalahanan niya ang mga Pilipino na huwag pahintulutang mawala ang mga katangian ng pagiging mapagbigay at mapagtiwala sa Diyos sa kabila ng mga pang- araw-araw na pagsubok.

Binigyang-diin at pinasalamatan ng Papa ang ipinamalas na katatagan ng mga Pilipino sa paghawak sa kanilang pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok at hirap sa buhay. “The Cross. I think of all the difficulties you have had to face, especially in the years of immediate preparation for this jubilee: earthquakes, typhoons, volcanic eruptions, and the COVID-19 pandemic. Yet despite all that pain and devastation, you continued to carry the cross and to keep walking. You suffered greatly, but you also got up, time and time again. Keep working, rebuilding, and helping one another like good Cyreneans. Thank you too for your witness of strength and trust in God, who never abandons you. Thank you for your patience, for how you always look ahead despite hardships and keep walking. Thank you,” aniya.

BibliGala, tampok sa National Bible Week Charm Salazar

MULING ipinaalala ng Christian Living Department ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos at ang mahalagang papel na ginampanan ng mga karakter sa isinagawang BibliGala sa pagtatapos ng pagdiriwang ng National Bible Week noong ika-5 ng Pebrero na may temang “God’s Word Restores: The Healing, Uniting and Transforming Power of God’s Word”. Buong husay na ipinamalas ng HSAians ang kanilang galing sa mga paligsahang inihanda. Nanguna ang mga mag-aaral ng 11-Hope sa pagsulat ng liriko at paglikha ng musika na pinamagatang “Race of Restoration”.

Project Pawraclete at Ang Womenista, tagumpay sa kabila ng pandemya

MALASAKIT SA KABILA NG PANDEMYA. Pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang ang dalawang fundraising events. Pub-materials nina Daniella Juan at Turvey Catindig.

Mai Silva MATAGUMPAY na nairaos ng mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) at Accountancy and Business Management (ABM) ang kanilang mga fundraising program na “Fur-Get Me Not” at “Malakas at Maganda” nitong nagdaang Marso. Nagsilbing alternatibong gawain ang mga proyektong ito sa immersion program ng mga mag-aaral mula sa ABM at HUMSS strands na hindi natuloy dahil sa pandemya. Ang proyektong "Fur-Get Me Not" ng Project Pawraclete ay isang online event na may layuning magbigay ng pag-asa, kaliwanagan, at kaalaman sa lahat ukol sa kapakanan ng mga hayop lalo na ng mga walang permanenteng tahanan. Nais ng proyektong ito na iparating ang mensaheng katulad ng mga tao, ang mga hayop ay nahaharap din sa mga pagsubok na dulot ng pandemya.

PARA KINA BANTAY AT MUNING. Pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa ABM at HUMSS ang fundraising project ng Project Pawraclete na pinamagatang, “Fur-Get Me Not” noong Marso 25, 2021. Screenshot ni Yochebed Tamayo.

Ayon kay Giann Perez, isa sa mga nag-organisa nito, ang karanasang ito ay hindi niya malilimutan dahil sa labis na suportang kanilang natanggap sa gitna ng pandemya.

Pinangunahan naman ng Ang Womenista ang proyektong "Malakas at Maganda" na isinabay sa pagdiriwang ng National Women's Month. Layon ng proyektong itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat, anuman ang kasarian at sekswalidad.

“The experience was definitely amazing. Being a part of this advocacy has reached a lot of people wherein it gained lots of support from families, friends, and the society as well. Our teamwork as Grade 12 students was also highlighted in this activity. It showed how communication and service could still be continued despite these trying times…,” aniya. Idinagdag pa niya na ang proyektong ito ay naging inspirasyon sa kaniya na patuloy na ipaglaban ang tama at ang mga bagay na magbibigay-tulong sa mga nangangailangan. “...To be able to raise awareness and offer help to the voiceless animals of our society gives me so much power and determination to continue on fighting

Ang 8-Love naman ang nagwagi sa Spoken Poetry. Bukod sa talento sa pagsayaw, ang mga ngiting nasilayan sa mga mag-aaral ng 6-Understanding ang nagdala sa kanila sa

Ayon kay Ayenne Ellamil, isa sa mga nag-organisa ng fundraising program na ito, ang kailangan ng lahat ngayon ay ang kamulatan sa mga isyung nakalilimutan na ng publiko dahil sa pandemya at nakatulong ang Ang Womenista sa pagtugon sa isyung ito. “I personally believe na during these challenging times, each of us must be constantly reminded of how significant equality really is not only regardless of gender, but also regardless of race and status. In the situation we are in now, this isn’t the time para maglamangan o mag-discriminate para lang masabi na hindi kailanman matatapatan ng kababaihan ang mga ginagawa ng kalalakihan – because what we really need right now is to recognize the potential that each individual has in contributing to address the crisis that we face everyday. And I do think na Ang Womenista really helped in making people realize na sa panahon ngayon, hindi yung virus o pandemic yung kalaban – yung prejudice & continuous discrimination ang tunay na nagpapalala sa lipunang ginagalawan nating lahat,” saad ni Ellamil. Sa kabuoan, nakalikom ang Project Pawraclete ng Php 21,070 para sa kanilang benepisyaryo at partner sa proyekto, ang PAWSsion Project Foundation.

KABABAIHANG MALAKAS AT MAGANDA. Isang makabuluhang kuwentuhan ang nairaos ng Ang Womenista para sa kanilang fundraising event noong Marso 26, 2021. Screenshots ni Ayenne Ellamil.

Sa huli, hinimok niya ang mga Pilipino na patuloy lamang na sumulong at ipinaalalang mananatili siyang kasama ng lahat ng mga mamamayan ng bansa sa kanilang buhay-pananampalataya.

Inilabas ang halos walong minutong video ni Pope Francis sa parehong araw na pinasinayaan ng mga obispo ng bansa ang pagbubukas ng mga Pinto ng Jubileo upang ipagdiwang ang Ginunita rin ng Papa sa nasa- ika-500 daang taon ng Kristiyanismo sa bing video ang huling misa niya sa bansa Pilipinas.

Layon ng Health Center na maipagpatuloy at madagdagan pa ang mga nabanggit na serbisyo at programa sa ilalim ng FIRE sa mga susunod na taong pampaaralan.

for what is right and for what is beneficial for all. Through this online event, all of us have felt thankful for this opportunity as it was a complete success. We owe it all to God, our alma mater, and to all the people who passionately serve our community!”

“Dear friends: I recall my visit to your country with great fondness. I cannot forget our final meeting, with almost 7 million people present. You are generous and you know how to celebrate the feast of faith. Never lose those qualities, even in the midst of difficulties. In those massive gatherings, those who spoke about receiving the gift of faith said they wanted to continue sharing it and proclaiming it to everyone,” ayon sa Papa.

Umabot naman sa Php 12,375 ang nalikom ng Ang Womenista na kanilang ibinahagi sa kanilang katuwang na women's organization, ang SPARK Philippines.

@angparacletan

@angparacletan

unang pwesto sa paggawa ng dance cover ng kantang “Can You Imagine”. Nasungkit ni Janna Elisha Beulah Fundano ng 7-Love ang kampeonato sa Dramatic Reading at ni Kyle Adriano ng 5-Understanding sa Paggawa ng Poster. Nagwagi naman ang E-Kwento ng Pagbabago ng 10-Peace na “Leap of Faith”. Sa pangkatang Quiz Bee, ang tagumpay ay nakamit ng 7-Joy, 8-Love, 9-Patience at 10-Patience. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilahok din ang mga magulang sa Online Family Quiz Bee. Tunay ngang sa kabila ng kinahaharap na pandemya, totoo ang winika ni Bb. Fajardo, guro sa Christian Living. “There is something to celebrate. As the Bible says, do not despise these small beginnings for the Lord rejoices to see the work begin,” aniya.

GONZALES, IBASCO, AT VILLEGAS, WAGI SA ATENEO CHEMISTRY... ▶mula sa pahina 1 ... Iginiit din ni Ibasco na malaking bahagi ng kanilang pagkapanalo ay nagmula sa suportang kanilang nakuha sa gitna ng mapanghamong proseso ng kompetisyon na kaniya namang lubos na ipinagpapasalamat. “Super saya and fulfilling lang talaga nung experience… It was not an easy process pero I’m glad because we never felt like we’re alone in this competition. Ang daming tumulong, ang daming nag-goodluck, and ang daming sumuporta. It was really a rollercoaster ride pero what matters is that it ended well. All in all, masasabi ko na I don’t have any regrets and never ko inakala na gagawin ko ‘to, pero here we are. All of this is impossible without the people who helped us along the way and I’m beyond grateful for all of it. This is definitely one of the highlights of my Grade 11 life and I’m so honored kasi nabigyan ako ng opportunity na gawin ‘to.” Ang tumayong mga coach na puspusang inihanda ang pangkat para sa AChO 2021 ay sina Bb. Patricia Ann Royo at Gng. Catherine Galvez. Ang patimpalak na ito ay inorganisa ng Ateneo Chemistry Society bilang pagpapaunlad sa pang-akademikong kahusayan ng kanilang paaralan at ng iba pa mula sa buong bansa. Ang mga estudyanteng may angking talino sa kimika mula sa mataas na paaralan ay tinipon ng organisasyon para sa tagisan ng talino. Sa kabuoan, 75 na paaralan ang lumahok para sa AChO 2021. Sila ay nagtagisan ng talino sa iba pang kategorya: Video Presentation - Industrial Chemistry of Everyday Objects, Synchronous Examinations (magkahiwalay na kategorya para sa Science High Schools at Non-Science High Schools), at ang katatapos lamang na People’s Choice.

angparacletan@gmail.com


3

BALITA

Mallari

De Guzman

Saret

Ellamil

Sarmiento

Juan

Catindig

Pagtatapos sa ‘New Normal’

SHS Batch 2020-2021: Patunay ng Kahusayan at Katatagan Trisha Gonzales SA pagtatapos ng isang mapanghamong taong pampaaralan, idinaos ang virtual SHS Graduation Rites ng Batch 2020-2021 nitong ika-29 ng Mayo. Salamin ng katatagan sa 'new normal' sa edukasyon, ang kanilang batch ang kauna-unahang hanay ng mga magaaral mula sa ika-12 baitang na nakaranas ng Online Distance Learning (ODL) sa buong taong pampaaralan. Bagamat ODL ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto, pinatunayan ng mga mag-aaral ang kanilang husay sa larangang kurikular at ko-kurikular. Sa 143 nagtapos, walo (8) ang nanguna sa kanilang batch na tumanggap ng Pinakamataas na Karangalan o With Highest Honors. Ang mga nasabing awardees ay sina Alyssa Kassandra S. De Guzman,

Eidrienne Marie M. Ellamil at Daniella Margaret L. Juan mula sa Accountancy, Business, Management (ABM) strand, Gabrielle Turvey L. Catindig, Franz Augustine C. Mallari, Lia Martina P. Rufino at James Raphael D. Sarmiento mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand, at Bill Andrew A. Saret para sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand.

of our control. However, I refuse to think that the current situation, together with the limits we are enveloped in, halted our development as individuals. Rather, I believe that we have actually grown doubly by continuously maximizing our capability to adapt to the ever-changing circumstances and being able to make the most out of what we have, even if what we have is not so much,” aniya.

Sa Word of Thanks na ibinahagi ni Sarmiento, isa sa mga nanguna sa SHS Batch 2020-2021, binanggit niyang bagaman hindi naging kanais-nais ang sitwasyong dala ng pandemya naniniwala siyang hindi ito naging rason upang mahinto ang kanilang pag-unlad bilang mga indibidwal.

Inaasahan din ni Sarmiento na habang tumataas ang mga ambisyon nilang mag-aaral at lumalalim ang kanilang rason sa pagkamit ng mga ito, ang mga hangarin nila’y magbubunga rin sa paraang makapagbibigay ito ng biyaya sa iba.

“A popular expression says, ‘Bloom where you are planted.’. Perhaps, we may not like the ground we are currently placed on. The pandemic, unfortunately, is something beyond the realm

“As we continue to grow tall and grow deep in the little spaces we temporarily operate in, I hope that our passion bears fruit into something that others can also reap blessings from. For when we are presented with such an opportunity to

affect social change during these times, things become a matter of intentionality,” saad ni Sarmiento. Kaakibat nito, hinimok ng With Highest Honors awardee ang mga kapwa niya mag-aaral na bumoto sa unang pagkakataon sa Eleksyon 2022 nang sa gayon ay aktibo silang makapagdedesisyon sa kung ano ang magiging kinabukasan ng bansa. “As the youth of our nation, I challenge all of us to be intentional in fulfilling our role in the greater society through our social involvement and participation. In the coming 2022 elections, I call on you, my batchmates, to exercise our right to suffrage for the very first time by voting for leaders who genuinely embody the values we uphold. Through this, we get to actively decide what kind of country ours will become, and hopefully, we aim for one that can facilitate the realization of every Filipino dream and not hinder it,” dagdag pa niya.

Lopez, pinangunahan ang Bonne volonté para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly Rachelle Astudillo HINANGAAN si Jelo Lopez, batch 2018 (SHS) ng Holy Spirit Academy of Malolos at kasalukuyang nag-aaral sa University of Santo Tomas, sa paglulunsad ng Bonne volonté na isang donation drive para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly. Ayon kay Lopez, ang hangarin niyang makatulong sa nangangailangan ang nagtulak sa kanyang simulan ang nasabing donation drive. “Lahat ito ay nagsimula pa noong Typhoon Rolly, I saw some pictures in Facebook and sobrang nadudurog ang puso ko habang tinitignan ko yung mga litrato. Siguro ang nagmove sa akin to initiate this donation drive ay yung desire to help and care for other people,” aniya. Naging posible ang hangarin ni Lopez na makatulong sa mga nasalanta nang nagkaroon ang Bonne volonté ng partnership sa Zero Hunger PH, isang organisasyong naging kabalikat nila sa pag-aasikaso ng mga dokumento, pagbabahagi ng donasyon, at dokumentasyon. Isa sa mga naging katuwang ni Lopez sa proyektong ito ay si Beatrice Bendaña, head ng Bonne volonté.

Binigyang-diin din ni Lopez na bagaman hindi niya kayang pilitin ang iba na magsimula ng sariling donation drive, magagawa naman niyang ipagpatuloy ang pagtulong nang sa gayon ay maantig ang puso ng iba. “Siguro sa simpleng pagtulong din na ito ay nagagawa kong ma-insipire yung ibang taong tumulong. Yung simpleng pagshashare lang (ng) post sa Facebook ay malaking tulong na, yung mag-donate ka ng 20, 30 or 100 (Php) malaking tulong pa din (rin) iyon. I cannot force people to start their own donation drive but what I can do is to touch their hearts by continuing to help,” tugon ni Lopez.

Kasama rin niya rito ang ilang dating kamag-aral sa HSAM at kapwa estudyante sa UST AMV. Naabutan ng donasyon ang Rodriguez at Tanay, Rizal, Cagayan, Tabaco City at Guinobatan, Albay, at Camarines Sur – mga lugar na lubusang nasalanta ng bagyo.

“Gamitin sana natin ang ating mga sarili upang maging instrumento at daan para punuin ng pag-asa at pagmamahal ang mundong ito. . . Hindi perpekto ang ating mundo at sa sitwasyon natin ngayon ay mas lalong nagiging magulo dahil sa pandemic. Sana sa kabila ng kaguluhan ay magsilbi tayong ilaw para magbigay inspirasyon at pag-asa sa iba…,” dagdag pa niya.

Iginiit naman ni Lopez na walang maliit o malaki sa pagtulong at mahalaga rin ang pagbibigay ng pag-asa pati na rin ang pagiging instrumento nito

Ang Super Bagyong Rolly (Typhoon Goni) ay ang pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa noong 2020.

HALAGA 2021, napili bilang tema ng kauna-unahang virtual Educators’ Day Program Trisha Gonzales BUNSOD ng isang mapanghamong pampaaralang taon, napili ang HALAGA 2021: HAbambuhay LAging GAbay bilang tema sa pagdiriwang ng Educators’ Day 2021 na isinagawa onlayn ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) sa kauna-unahang pagkakataon mula nang itatag ito noong 1937. Ayon kay Moira Bautista, isa sa mga Council of Leaders (COL) na nanguna sa pagsasaayos ng naturang aktibidad, layunin nitong bigyang-pugay ang sigasig at pagsisikap ng mga guro at kawani ng paaralan sa gitna ng mga hamong kaakibat ng “bagong normal”. “The theme ‘HALAGA 2021: Habambuhay Laging Gabay' was to give appreciation to our dear educators who have exemplified true effort and perseverance this academic year. It was a moment of gratefulness and admiration of us HSAians who are truly thankful for their guidance this school year…,” aniya. Iginiit din ni Bautista na ang salitang HALAGA ay nagsisilbi ring paalala sa kahalagahan ng self-care sa mga indibidwal na patuloy ang pagbibigay-serbisyo sa paaralan at mga mag-aaral. “In line with this, we would also want to signify the importance of "self-care" especially at these trying times; a reminder for them that it's okay to breathe, take care of themselves and to choose what makes them the happiest once in a while,” wika ni Bautista ukol sa tema. Binigyang-parangal ang sumusunod na mga kawani sa kanilang taon ng serbisyo sa paaralan: Bb. Anne Gellie M. Manalo, G. Cedrick B. Ngo, G. Marcos J. Pagsanjan, Bb.

Diana S. Regalado at G. John Emil B. Salavarria (5 taon); G. Danilo C. Reyes at G. Raymond V. Tiongson (15 taon); Gng. Marife P. Dela Cruz (20 taon); G. Pepito B. Balubar, Gng. Alma S. Fernando at Gng. Imelda D. Morales (25 taon) at Gng. Florita F. Gonzalez (30 taon). Sa isang panayam kay Gng. Alma Fernando, Guidance Coordinator, binanggit niyang ang malalim na pananampalataya, magandang samahan sa trabaho, at ang suportang nakukuha niya ang tumulak sa kaniya na ipagpatuloy ang pagseserbisyo sa HSAM nitong mga nagdaang taon. “I think what fueled me most to recommence my service yearlong or all these years is my immense faith in God – that whatever hurdles that may cross my way in my work, He is with me and He always works enormously. I believe that He has destined me in this place to be an instrument of His love especially for the children entrusted in our care. Also, I think the congenial working relationship and the support/concerns bestowed on me are other reasons why I find life here exceptional…,” ani Gng. Fernando. Nais din niyang iparating sa kaniyang mga kapwa guro at kawani ng paaralan na walang patid na dedikasyon ang kinakailangan sa pananatili sa HSAM at bagaman may mga limitasyong kaakibat ang pamamalagi sa nasabing paaralan, hindi naman nito matutumbasan ang dulot na galak at kamalayan ng tagumpay ng pagseserbisyo. “It really takes a continuing commitment to stay for years in this institution. If you’re looking for a greener pasture, then maybe this is not a suitable place for you, for this is not relatively rewarding in terms of remuneration. But the feeling and sense of accomplishment that this gives you is unparalleled and beyond compare…,” saad ni Gng. Fernando.

MALLARI, ITINANGHAL NA ‘BEST DELEGATE’ SA ASIA YOUTH INTERNATIONAL MODEL UNITED NATIONS 2020

▶mula sa pahina 1 MALASAKIT SA KAPWA. Litratong kuha ng Bonne volonté noong naghatid sila, kasama ang Zero Hunger PH, ng 400 packs of relief goods sa mga residente ng Rodriguez, Rizal.

...Naniniwala naman si Mallari na nasungkit niya ang parangal dahil sa pangunguna niya sa pagsulat ng panukalang resolusyon, pamumuno ng bloc, at pakikipagdebate. “Sa tingin ko, nagpanalo sa akin… ‘yung paraan ko ng pangunguna sa aming bloc sa paggawa ng… draft resolution. May mga panahon kasing nawawala… sa tamang direksyon [ang aming bloc] at nangangailangan ng magpapaalala sa kanila kung ano na ang dapat gawin at ‘yun ‘yung ginawa ko… Isa [rin] ako sa mga nanguna sa aming bloc na makipagdebate para ipagtanggol ang aming draft resolution. Bonus na rin siguro na nakumbinsi namin yung mga miyembro ng ibang bloc na ipasa yung aming ipinanukalang resolusyon,” tugon ni Mallari.

ANG PARACLETAN

“Bago ‘yung conference, nagbigay sila ng study guides para doon kami magbase. First time ko ‘to actually sumali sa Model United Nations kaya ‘di ko talaga alam kung anong aasahan ko. Nagbigay din sila ng guidebook sa procedures nung conference so inaral ko rin yun…(N)ag-aral din ako ng iba't ibang konsepto na related sa cryptocurrency...,” ayon kay Mallari. Bagama’t baguhan at hindi Pilipinas ang bansang kinatawan niya, naging masaya pa rin ang itinuring na Best Delegate for IMF sa naging bagong karanasan nito sa naturang kumperensiya sa kabuoan.

Matinding paghahanda rin ang naging puhunan ni Mallari para manguna sa mahigit 500 kabataang delegado ng AYIMUN 2020.

“Thrilling ‘yung experience pero, at the same time, nakakakaba kasi di ko alam kung anong ie-expect ko. Plus, wala akong alam sa IMF tsaka hindi ko talaga forte yung economics kahit dati pa. Pero doon ako mas natuwa kasi kasabay ng bagong experience, may natutunan din akong bago sa pagiging isang delegate ng Bulgaria para sa IMF,” lahad ni Mallari para sa kanyang karanasan sa AYIMUN 2020. Ito na ang ikaapat na taon ng AYIMUN at kauna-unahang taon namang isinagawa nang online dulot ng pandemya.

Inilahad niya na marami siyang inaral bilang first timer sa Model United Nations.

Una itong idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017.

Sa buong kumperensiya, 4 lamang ang naipasang draft resolution at isa na nga riyan ang panukala ng bloc na pinangunahan ni Mallari.

ILAW NG PAG-ASA. Litrato ni Lopez, kuha ng Bonne volonté, nang makatanggap ng 25,000 vitamins mula sa Pharmalasakit na ibabahagi sa mga nasalanta ng bagyo.

Danielle Piler PANSAMANTALANG tumigil ang operasyon ng Maginhawa Community Pantry sa Quezon City dahil sa insidente ng red tagging sa nag-organisa nito ng QC Police District at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong Martes, Abril 20. Ayon kay Ana Patricia Non, ang lead organizer ng nasabing community pantry, kinakailangan niyang itigil pansamantala ang operasyon sapagkat siya’y natatakot para sa kaligtasan niya at pati na rin sa mga kasaping volunteers nang tanungin siya ng mga pulis kung siya ba’y may koneksyon sa mga komunista. Mas lalong nabalisa si Non nang makita niya ang social media post sa Facebook Page ng Quezon City Police District na iniuugnay sila at pati na rin ang ibang community pantries sa mga rebeldeng grupo. “Ang pinakakinalungkot ko sa nangyari, pinost po ng official page ng QCPD na ang community pantry daw ay parang propaganda ng Communist Party,” aniya.

sa iba. “Kapag iniisip ko [na] para ito sa mga nangangailangan or nasalanta ng bagyo, mas na-momotivate ako kasi kita ko yung hirap na dinanas nila and hindi man ganoon kalaki ang maibigay kong tulong, I want to give hope sa kanila and show na may karamay sila sa laban na ito. I know hindi madali ang situation nila pero gusto ko magsilbing instrumento para makakita pa rin sila ng pag-asa na makakabangon silang muli,” wika niya.

Red-Tagging sa Maginhawa community pantry, nagdulot ng takot sa karamihan

“Nalungkot ako kasi magkakasama tayo, ilang araw tayong nagtutulungan. Pwede naman akong kausapin, available naman po ako. Official page po ‘yon at may ganoong kinakalat lalo na’t kaya namang pag-usapan,” dagdag pa niya. Halos ilang beses din nilang pinakiusapan ang pulis na iwasan o huwag magdala ng mga armas gaya ng baril at rifles upang hindi matakot at mag-panic ang mga residenteng tahimik na nakapila upang makakuha lamang ng kanilang mga pangangailangan. Ang nangyari kay Non ay naranasan din ng iba pang organizers. Inalmahan din ang red tagging na nangyari sa Kauswagan Community Pantry sa Cagayan de Oro City at sa Tacloban Community Pantry noong buwan din ng Abril. Ngunit sa kabila ng mga nabanggit na insidente ng red tagging, marami pa ring mga community pantries ang nagsusulputan upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangang kababayan.

MISSION TRINITAS: PROJECT TUKLAS MULING NAGHATID TULONG SA MGA NANGANGAILANGAN

Eirone Dayrit MATAPOS ang naging matagumpay na pagsasagawa ng Mission Trinitas - Project COMMIT Tuklas noong Mayo 2020, kung saan 300 pamilya mula sa Sitio Tuklas, Mabolo, Malolos ang nakatanggap ng food packs. Muling nagpahatid ng tulong sa komunidad na ito nooong Nobyembre 11 matapos masalanta ng Bagyong Ulysses. Sa pangunguna ng HSAM Alumni, Council of Leaders at Ignite Campus Ministry, 250 pamilya ang natulungan. Ang HSAM Mission Trinitas Project Tuklas ay isang online fundraising project na inilunsad upang maghatid ng tulong sa Sitio Tuklas. Sa loob lamang ng mahigit isang linggo, nasimulan agad ang pamimigay sa mga benepisyaryong pamilya ng mga inihandang mga food packs. Naisagawa naman nang maayos ang repacking ng mga donasyon sa tulong ng HSAM Batch 2019 at ipa bang boluntaryo. Sa kabuoan, nakalikom ang proyekto ng Php 99, 235.00 na naging daan upang matagumpay na mapamahagian ng food packs, tubig at iba pang pangangailangang pangkalinisan ang 225 pamilya mula sa Sitio Tuklas.

Rufino


5

AGOSTO 2020 - HUNYO 2021

EDITORYAL

ANG MGA PABAONG ARAL NG UNANG TAON NG ONLINE CLASS

Sa bawat tagumpay, may maibabaong aral. Maraming napatunayan ang pagtatapos ng unang taon ng Online Distance Learning (ODL) sa Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM). Sa kabila ng krisis pangkalusugan na kinakaharap ng bawat isa, matagumpay na nairaos ng mga guro, mag-aaral, at iba pang bumubuo ng HSAM ang taong pampaaralan 2020 -2021. Naging saksi ang lahat na maaari palang magkaroon ng mga birtwal na silid-aralan ang paaralan bagama’t taliwas ito sa nakasanayan. Hindi pala imposibleng makagawa ng gawaing pampagganap, at makapagtapos ang mga HSAians kahit na walang pisikal na interaksyon sa isa’t isa. Posible rin palang makapaghatid ng aralin at matuto sa isang online setup sa kabila ng mabagal na internet connection at mga problemang teknikal. Kung gayon, hindi maitatangging naging matinding hamon sa mga mag-aaral at guro ang pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya. Patunay rito ang ilan sa naging resulta ng ebalwasyon hinggil sa ODL sa nagdaang siyam na buwan. Noong Enero, isinagawa ang isang sarbey sa mga estudyante mula sa ika-4 hanggang ika-12 baitang ukol sa naging karanasan at persepsyon nila sa pagkatuto onlayn. Umani ng mga negatibong resulta ang nasabing sarbey. Tinatayang nasa 31.57% ng mga kalahok ang sumagot ng “very stressful” sa tanong kung gaano naging ka-stressful ang kanilang online learning. Ang “very stressful” ang may pinakamaraming tugon para sa

“I

dibuho ni: Reah Gaspar naturang tanong. Sa tanong naman kung saan ipinalalarawan ang online learning ng mga kalahok sa isang salita, nanguna ang mga itinuturing na negatibong tugon gaya ng “stressful,” “draining,” at “exhausting,” na umabot sa mahigit 40% ng mga HSAians ang nagsagot. Mapapansin sa mga datos na ito na lubhang nakapagbibigay ng stress at pagkapagod sa karamihan ng estudyante ang ODL ng paaralan. Kalaunan, ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pagkatuto, mental health, at pansariling kapakanan. Bagama’t normal ang stress at pagkahapo sa isang kompetitibo at mapanghamong kalagyan gaya ng eskuwelahan, ginagawang unhealthy o pinapalala ito ng nararanasang pandemya. Kaya naman, hindi pa rin dapat ipagkibit-balikat ang mga negatibong datos na ito. Mahalagang matugunan ang mataas na lebel ng stress at pagkapagod sa ODL ng paaralan nang mas mapabuti ang kapakanan ng mga mag-aaral, maging ng mga guro, para sa susunod na taong pampaaralan. Maituturing na seryosong usapin ang nadaramang pasakit sa kalusugan ng mga mag-aaral dulot ng distance learning sa panahon ng krisis. Sa katunayan, hindi lamang sa HSAM kundi sa buong bansa naitala ang ganitong mga da-

Bagaman epektibo,

hindi pangmatagalan.

lang araw matapos ang anibersaryo ng pakikibaka ng Pilipinas sa pandemya, muling idineklara ng pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng Luzon. Sino man ay mapapaisip kung bakit matapos ang isang taon ay kailangang gawin itong muli, lalo pa’t ang mga karatig-bansa ay unti-unti nang nakababalik sa dating daloy ng ekonomiya. Para bang hindi naging sapat hindi lamang ang nagdaang panahon, kundi pati na rin ang badyet ng bansa mula sa mga pagkakautang nito upang masolusyonan ang suliraning ito. Gayunpaman, ang katotohanan ay hindi pa rin sapat ang pamamahagi ng ayuda at tulong-pinansyal sa bansa para sa lahat ng nangangailangan, at ito ay pinalalala pa ng kasalukuyang sitwasyon kung saan limitado ang paghahanapbuhay ng karamihan. At yamang ang mga kurokurong nabanggit ay pawang mga nagpapakitang may kakulangan nga talaga sa aksyon ang administrasyon, hindi malayong ipagpalagay ng mamamayan na wala nang maidudulot pa kung aasahan nila ito sa pagtataguyod sa kanila sa araw-araw. Ito mismo ang dahilan kung bakit sinimulan ang isang community pantry sa Maginhawa sa Quezon City noong ika-14 ng Abril mula sa hiraya ni Ana Patricia Non, isang ordinaryong mamamayan. Nilalayon ng proyektong

tos. Sa isang sarbey na inorganisa noong Nobyembre 23 hanggang Disyembre 22, 2020 ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE), isang grupo ng mga eksperto sa edukasyon, guro, magulang, at mag-aaral, lumalabas na nasa 54.7% ng mga estudyanteng kalahok ang nagsabing lubhang naaapektuhan ng mga gawain sa distance learning ang kanilang pisikal at mental na kalusugan. Bukod sa pagbibigay ng tambak ng gawain o academic overload, sinasabing ang pag-iisa o isolation ng mga mag-aaral ang nagpapalala ng kanilang stress o burnout. Ayon kay Prof. Cara Fernandez ng Bulatao Center for Psychological Services Ateneo de Manila University sa isang panayam sa Inquirer, maaaring maging sanhi ng matinding dagok sa mental health ng mga mag-aaral ang hindi pakikipagkapwa o kawalan ng social interaction na isang importanteng aspekto sa kanilang pag-unlad. Iginiit din ni Prof. Gerardo Lanuza ng Sociology Department ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman na bagama’t natural na parte ng pag-aaral ang mga hamon sa mental health, pinabibigat ito ng nararanasang pandemya bunsod ng kawalan ng pisikal na komunidad, at ang pagkawalay ng mga mag-aaral sa kapwa-mag-aaral at kaibigan na sumusuporta sa kanilang pagkatuto. Bukod sa mga mag-aaral, hindi maikakailang maging ang mga guro ay sumasailalim din sa mga pagsubok na dala ng mapanghamong online setup. Higit pa sa kakulangan sa mga materyales, gadgets, at sa accessibility sa internet connection na isa ng suliranin sa buong bansa bago pa man magsimula ang ODL, nahaharap din ang mga guro sa mga sitwasyong sumusubok sa kanilang pangkalahatang kapakanan. Ayon sa isang nationwide online sarbey na isinagawa ng

Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinasangkutan ng 6,731 public school teachers mula March 29 hanggang April 11, binanggit ng ACT sa isang artikulo sa Inquirer na malinaw ang mga palatandaan ng burnout sa mga guro. Mula sa mga resulta ng naturang sarbey, 70% ang tumukoy sa kanilang distance learning workload bilang isang bagay na negatibong nakaaapekto sa kanilang physical at mental health habang nasa halos 10% naman ang nagsabing nagkasasakit na ang mga guro dahil sa mga suliraning dulot ng distance learning at ng kanilang mabigat na tungkulin. Bagama’t guro sa mga pampublikong paaralan ang naging kalahok sa nasabing sarbey, isa pa rin itong malinaw na pagpapatunay sa mga paghihirap na binibitbit ng mga frontliner sa sektor ng edukasyon. Nakaalarmang isipin na kung hindi mabibigyang-pansin ang kapakanan ng mga guro at magaaral, hindi malayong ang mga paaralang minsa’y dahilan ng motibasyon ng lahat ay magiging isang pabigat na lamang sa isang iglap. Sa ngayon, sa pamayanan ng HSAM, maituturing na magandang simula, bagama’t hindi perpekto, ang unang taon na pagpapatupad ng mga bagong pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto. Batay sa isang pagsusuri na isinagawa ukol sa implementasyon ng LEARNING CONTINUITY PROGRAM (LCP) – Alternative Instruction Management System (AIMS) na ipinatupad ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) bilang tugon sa ‘new normal’ sa edukasyon, nakakuha ng average rating na 4.03 ang paggamit ng angkop na mga paraan at teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto sa ilalim LCP-AIMS na nangangahulugang naisakatuparan ito nang may magandang resulta. Ibig sabihin, hindi imposible ang patuloy na pagtuturo at pagkatuto onlayn, lalo pa kung mabibigyan ng karampatang suporta ang mga guro at mag-aaral. Tunay ngang sa pagtatapos ng unang taong pampaaralan ng ODL sa HSAM, maging sa buong bansa, iba’t ibang aral ang pinabaon ng ilang buwang paglalakbay onlayn at kabilang na rito ang pagbibigay-halaga sa mga isyung hindi agad natutugunan ng gadget o Internet man - ang mental na kalusugan ng bawat isa. Maaaring ang pagtugon dito ay mag-umpisa sa pagpapatupad ng academic ease or mental health breaks sa bawat taong pampaaralan at pagpapasimula ng mga programa na maghihikayat ng interaksyon sa mga guro at mga magaaral kahit pa ito ay onlayn. Sa ganitong paraan, ang mga aral na bitbit ng unang taon ng ODL ay hindi mananatili bilang mga aral lamang. Ito’y magsisilbing gabay sa mas epektibo at makabuluhang pagtuturo at pagkatuto sa susunod na mga taon ng pag-aaral. #LigtasNaBalikEskwela

NINGAS Community Pantries:

PANANDALIANG SOLUSYON SA KAWALAN NG AKSYON JAIMIE CUSTODIO

magbigay ng agaran ngunit panandaliang tulong sa mamamayang walang pagkukunan. Taglay ang mga katagang “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.” bilang prinsipyong gumagabay, matagumpay nitong naipatupad ang simpleng layunin sapagkat umuugat ito sa katangiang likas sa mga Pilipino - ang bayanihan. Hindi man ito ang nakasanayang pamamaraan ng pamumuhay, walang dudang marami itong naitaguyod sa bawat araw. Napatunayan itong epektibo sapagkat sa loob lamang ng ilang araw ay may mga nagsulputan na ring community pantries sa iba pang mga lugar sa bansa. Anupa’t naging instrumento rin ito sa pagkakawanggawa at kabutihang-loob sapagkat walang nagiging paghuhusga sa kalakihan ng halagang maibibigay. Matapos tunghayan ang mga kabutihang dulot nito, ano pa nga kaya ang maaaring maging mali rito? Ito ang tanong na bumabagabag sa karamihan nang sa loob lamang ng isang linggo ay naiulat ang pagre-red tag ng National Task Force to End Local Communist

Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa community pantry organizers bilang mga miyembro ng communist parties. Ngayong talamak ang red-tagging sa bansa, idagdag pa ang hindi mabilang na mga pamilyang nagugutom, hindi ngayon ang tamang panahon upang maglaro ng ‘sounds like’. Kabilang sa paratang ay ang “kaduda-dudang” mabilisang pagdami ng community pantries. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na hindi lahat ay may kakayahang maghintay sa tulong na hindi naman nila tiyak kung darating. Malamang, ipinapakita lamang nito ang relatibong bilis ng aksyon ng karaniwang mga mamamayan kumpara sa pamahalaang nangunguna sana rito. Sapat na ang kaalamang marami ang lubos na nangangailangan upang naising kumilos ng ilan sa lalong madaling panahon. Bukod pa rito, kinilala rin nilang isyu ang posibleng pagpapalaganap ng propaganda ng community pantry organizers tungkol sa mga kakulangan ng

pamahalaan. Sabihin na nating totoo, ngunit hindi ba’t inamin lamang din nilang mayroon ngang kakulangan? Isa pa, sa mata ng isang amang hindi mapanatag sa paghahanap ng ikabubuhay sa pamilya, hindi na mahalaga kung ano ang pananaw pampolitika ng tagapagbigay; ang tulong ay tulong, walang labis, walang kulang. Isa pa ring malaking kabalintunaan na ang pamahalaang may napakalaking badyet ay nababahala sa kapayakan ng pagbabayanihan. Kung walang naging pagkukulang, hindi na rin kakailanganin pang mag-isip ang mga mamamayan ng mga solusyon para sa mga ito. Epektibo man, sadyang pansamantala lamang ang community pantries na nangangahulugang hindi pa rin ito dahilan upang magsawalang-bahala sa pagtugon sa pandemya ang pamahalaan. Batay sa lahat ng mga kondisyong nabanggit, masasabing ang pagkukulang ay nasa kawalan ng napapanahong pagtugon para sa mga nangangailangan.

@angparacletan

@angparacletan

ANG OPISYAL NA

PAHAYAGAN NG HOLY SPIRIT ACADEMY

OF MALOLOS

Punong PATNUGUTAN S.Y. 2020-2021

Punong Patnugot Eirone Crizha C. Dayrit Pangalawang Patnugot Gabrielle Turvey L. Catindig Tagapamahalang Patnugot

Aaron Victor L. Acosta

Patnugot ng Balita Trisha Denisse C. Gonzales

Panugot ng Isports Celvin T. Caluscusin Patnugot ng Lathalain Daniella Margaret L. Juan Patnugot ng Agham Alliyah Laiza DG. Violago Patnugot ng Larawan at tagalayout ng publikasyon

Carl Joash M. Hapa

Rose Andrea V. Reyes

Tagaguhit ng PangKartung Editoryal

Paula Claire N. Cuasay Reah Mae L. Gaspar Kent Jairus B. Santiago

Pampaaralan at Pampamayanang Tagapagbalita (JHS)

Danielle Margareth S. Piler Charmaine Lhei T. Salazar Karl Hans R. Valencia Pampaaralan at Pampamayanang Tagapagbalita (SHS)

Rachelle Grace L. Astudillo Ysabel Kris E. Cabasa Jaimie LP. Custodio Dan Nehryl R. Mag-isa Clyde Jan R. Pascual Maria Angela Isabelle T. Silva

Mga Tagapayo Bb. Rosemarie C. Cajucom Gng. Marilou D. Evangelista

SHS Koordineytor Gng. Catherine C. Galvez Katuwang na Punongguro para sa Akademiks Bb. Irene S.J. Coronel OIC-Punong-guro Bb. Teresita Salas

angparacletan@gmail.com


5

AGOSTO 2020 - HUNYO 2021

OPINYON

SINAG

Solusyon o Insensitibong Aksyon?

PUTING BUHANGIN SA GITNA NG PANDEMYA

“ M

EIRONE DAYRIT

Alin ang mas matimbang, kagandahan o kalusugan?

atatandaang isinailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay noong Enero 2019. Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tatlong bahagi ng “Battle for Manila Bay”. Ito ay ang sumusunod: cleanup and water quality improvement; relocation and rehabilitation at ang huli ay ang protection and sustainment. Kabilang dito ang paglalagay ng “white-sand” bilang pagpapaganda sa naturang lugar. Ang pag-aangkat ng crushed dolomite boulders mula Cebu at pagtatambak nito sa Ma-

“M

Ipagdiwang ang dapat ipagdiwang; alalahanin ang hindi dapat kalimutan.

arso 16, 1521. Kalahating milenyo na ang nakalipas matapos marating ng grupo ni Ferdinand Magellan ang kapuluang tinawag na Pilipinas. Tanda ng pangyayaring ito ang pagdatal ng Kristiyanismo (Katolisismo) sa bansa, ang pananampalataya ng nakararaming Pilipino. Ngunit, hindi rin maikakaila na naging tulay ito sa pagsisimula ng kolonyalismo ng Espanya sa bansa. Dahil dito, karapat-dapat nga bang ipagbunyi ang pagdating ng krus ng mga Pilipinong binyagan, sa halip na gunitain ang madilim na bahagi ng kasaysayan sa kamay ng banyaga? Ito ang mainit na paksang pinagtalunan ng mga netizens sa social media noong Marso. May mga nagsasabing dapat lamang itong ipagdiwang sapagkat malaki ang naging kontribusyon ng Kristiyanismo sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng mga Pilipino, mula sa pananamit, pagkain at imprastruktura hanggang sa edukasyon at kaugalian. Mga prayleng Espanyol ang unang nagtaguyod ng ‘pormal’ na edukasyon sa kapuluan. Itinatag nila sa bansa ang samot-saring akademikong institusyon tulad ng Unibersidad ng San Carlos sa Cebu, Ateneo de Manila University, at Unibersidad ng Santo Tomas -- ang pinakamatandang pamantasan sa

ANG PARACLETAN

kinakailangan na medical supplies at ibang kagamitan para sa mga health workers.

nila Bay ay sinimulan noong Setyembre 2020. Ang mga puting buhanging ilalagay ay nagkakahalaga ng 389 milyong piso - milyong pisong mula sa kaban ng bayan sa panahon ng pandemya.

Nabanggit din ng isang environmentalist na si Mitzi Jonelle Tan ang pangamba niya sa maaaring maging masamang epekto sa tubig sa Manila Bay dulot ng dolomite pati na rin ang magiging epekto ng pagmimina nito. Dagdag pa rito, sinabi niyang ang paglalagay ng dolomite ay tila pagtatapon lamang ng pera sa karagatan sapagkat hindi ito ang tamang paraan para maisaayos ang Manila Bay. Ipinaliwanag niyang magiging matagumpay lamang ang rehabilitasyon nito kung maipapatigil ang mga proyektong nakasisira sa karagatan. Hindi sapat ang buhanging ito upang malutas ang problema sa Manila Bay lalo na at maaari

Naging kontrobersyal na isyu ang rehabilitasyon ng Manila Bay matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng bagong tambak na dolomite sa Roxas Boulevard. Ang nasabing balita ay umani agad ng pambabatikos dahil sa pagsasagawa nito sa gitna ng suliraning pangkalusugan bansa. Sa gitna ng mga pambabatikos ng netizens at ng mga eksperto, iginiit din ni Bise Presidente Leni Robredo na ang inilaan sa pagpapaganda ng Manila Bay ay mas maganda sana kung inilaan na lamang sa mga mas

itong maghatid ng karagdagang polusyon sa tubig. Sa kabila ng kabi-kabilang pagtutol sa proyektong mala-Boracay na dolomite beach, hindi naman maikakailang maganda ang layunin nitong mapaganda ang Manila Bay ngunit hindi sapat na ang layuning ito lamang ang pagbabasehan lalo na kung may mga nakaambang itong masamang epekto sa kalikasan. Sa balitang isinulat ni Rafales sa Patrol.Ph ng ABS-CBN News, binanggit na sa pag-aaral ng grupong Infrawatch Philippines, sinabing ang dinurog na dolomite rock ay nagdudulot ng iritasyon sa mata, mga sakit sa baga at maging kanser. Mga bagay na taliwas sa inihayag ng DENR na ligtas ang nasabing artipisyal na puting buhangin. Ang paglalagay ng puting buhangin sa Manila Bay sa gitna ng pandemya ay tila isang solusyon na bubuo muli ng panibagong suliranin sa kasalukuyan at hinaharap. Hindi naman maitatangging ang dolomite na kinuha mula sa

SILAKBO

Ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas:

IPAGDIWANG O KAMUHIAN? TURVEY CATINDIG

Asya. Kristiyanismo rin ang naging sanhi kung bakit ipinagdiriwang dito ang Pasko at mga pista, at ginugunita ang Mahal na Araw maging ang Araw ng mga Kaluluwa. Napayabong din ng Kristiyanismo ang isang kaugaliang taal na sa mga Pilipino bago pa man maging kolonya ng Espanya ang Pilipinas -ang pagiging maka-Diyos. Ang pananampalataya ay isang regalo, ani ng mga pumapabor sa pagdiriwang. Ito ang regalong tangan ng mayorya ng mga Pilipino, noon hanggang ngayon. Giit nga ng historyador at propesor na si Xiao Chua, “Bakit hindi natin ipagdiriwang ito [Ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas] kung ito [Kristiyanismo] ang pananampalataya ng nakararami sa Filipino?” Kaya, hindi maitatangging may mga balidong dahilan kung bakit sulit itong ipagbunyi. Sa kabilang banda, marami-rami rin ang kumontra sa pagdiriwang. Anila, isa itong pambansang kahihiyan. Isang ironiyang maituturing na umayon sa selebrasyong nagpapaalala ng pag-uumpisa ng kolonyalisasyon ng mga sinaunang Pilipino.

Isa sa naging instrumento ng Espanya sa pagpapalawak ng mga kolonya nito ang Kristiyanismo (Katolisismo). Ginamit nila ito bilang sandata upang gawing malinis ang marurumi nilang hangarin bilang mananakop. Patunay riyan ang Kasunduang Tordesillas, kung saan binigyan ng “lehitimong batayan” ng Vatican ang Espanya na “tuklasin” ang mga bansang matatagpuan sa kanlurang hati ng mundo noong huling bahagi ng ika15 siglo. Sa madaling sabi, ang Kristiyanismo ang naging “benevolent assimilation” ng Espanya sa pagsakop nito sa Pilipinas. Marka rin ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa ang asimilasyon at paghina o pagkawala ng nakagisnang kultura ng mga katutubo sa kapuluan. Itinuring ng mga nagdala ng Kristiyanismo sa bansa ang mga ritwal ng babaylan at katalonan bilang gawa ng mangkukulam (witchcraft). Tinawag din nila ang mga katutubong sulat, gaya ng baybayin, bilang gawa ng demonyo. Nawala rin ng kapangyarihan ng babae sa komunidad matapos gawing ideyal ng Katolikong lipunan ang imahe ng babae bilang “Maria Clara." Hindi

rin kataka-taka na naapektuhan ang aspektong ekonomiko ng arkipelago bunsod ng paggamit sa Kristiyanismo. Ilang prayle at Katolikong opisyal na Espanyol nga ba ang naging dahilan ng pag-aalsa at himagsikan sa kapuluan bunsod ng pagkamkam ng lupa at ani, at hindi makatarungang pagpapatrabaho sa pangkaraniwang Pilipino? Mula sa mga nabanggit na argumento na pumapanig at kumokontra sa pagdiriwang, mapapansin na ang pagdating ng Kristiyanismo sa bansa ay nagbunga ng komplikadong kasaysayan. Maraming itong pasikot-sikot. Kaya, tunay ngang may mga bagay na dapat ipagdiwang at dapat ding kamuhian sa usaping ito. Nuanced approach nga naman. Bagama’t ginamit ng Espanya ang Kristiyanismo upang manakop at mang-abuso, ginamit din naman ito ng mga Pilipino upang lumaya. Naging inspirasyon ng mga bayani, tulad ni Rizal at Bonifacio, ang mga aral at istorya ni Kristo para gumawa ng katha, sumulat ng mga tula at prosa upang magmitsa ng pakikibaka para sa kalayaan. Tunay ngang regalo ang pananampalataya. Gayunpaman, ma-

pagmimina ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa mga bundok na pinagkuhanan nito pati na rin ang unti-unting pagkaubos ng mga itinambak na buhanging ito sa Manila Bay na maaaring maging ugat ng panibagong polusyon sa tubig. Sa tindi ng banta sa kalusugan ng COVID-19, mas makabubuti sana kung ang inilaan na pondo sa rehabilitasyong ito ay inilaan muna sa mga pangangailangang medikal upang maproteksyunan ang mga Pilipino laban sa pandemya o dili kaya’y pantulong sa mga kababayan nating nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan. Hindi sapat na magkaroon ng magandang tanawin sa Manila Bay kung mauubos naman ang mga mamamayang magpapahalaga rito sa paglaon ng panahon dahil sa pandemya. Pagtuunan muna sana ng pansin ng pamahalaan ang kalusugan ng mga mamamayan at ipagpaliban muna ang muling pagtatambak ng puting buhangin upang ang natitirang pondo para dito ay ilaan sa mga mas makabuluhang proyekto na nangangailangan ng agarang aksyon.

pagpalaya man ang pananampalataya, magandang kilalanin din na maaari nitong limitahan ang sambayanan. Balikan ang kasaysayan. Bakit nga ba hindi pa rin naipapasa ang batas ukol sa diborsyo at civil union, at ganap na mapalawig ang sex education at family planning/reproductive health program sa bansa? Kaakibat ng pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa ang hindi paglimot sa bakas ng mapait na kahapon nito. Ang pagkilala sa lagim at pang-aaping kinasangkutan ng Kristiyanismo sa bansa ay nararapat ding samahan ng pagtingin sa mabubuting kontribusyon nito. Huwag ituring ang kasaysayang ito bilang barya na may dalawang panig lamang. Hindi lamang ito usapin ng pula o puti. Masyado itong malawak, komplikado at kone-konektado. Kaya naman ay hindi ikasasama ng isang Kristiyano o Katolikong Pilipino ang pagkuwestiyon sa pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa. Hindi rin ikakababaw ng isang makabayang Pilipino ang pagbubunyi sa pananampalatayang dinala ng mga banyaga. Sa huli, kung ipagdiriwang ang ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa ngalan ng mabubuting nagawa nito sa bansa, bakit hindi? Basta’t huwag pa rin kalilimutan ang mga aral mula sa madilim na bahagi ng kasaysayang kinasangkutan nito.


UNANG KABANATA: HAKBANG PINASIMULAN NG ISANG TALONG “Nagkaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat… At ang masaganang pagpapala ay tinaglay nilang lahat. Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.” Gawa 4: 32-35 Natapos ang pagbasang sinundan ng umagang balita mula sa telebisyon. Sumimsim sa mainit na kape si G. Mendoza habang inihahanda ang agahang tortang talong. Narinig mula rito ang balita tungkol sa lumalagong Community Pantry sa buong bansa at sa mga oras na ‘yon, nag-alab ang pusong nagnanais na makatulong. Isang talong. Sa isang gulay ay tiyak na malayo ang mararating at maraming tiyan ang mabubusog. Isang gulay lamang iyon, maraming gulay pa ang maaaring maging daan upang masolusyunan ang kumakalam na sikmura ng bayan. Bitbit ang nag-aalab na puso at ngiti sa mga labi ay tinahak ni G. Mendoza at buong komunidad ng Holy Spirit Academy of Malolos ang daan ng “pamayanang paminggalan”. Walang pag-aalinlangan at tanging puso ang ginawang armas at sandata sa misyong ipinapanalanging maging isang tagumpay.

“Handog ng Pag-ibig, Hatid ay Pagpapala!”

Sa komunidad ng Bagong Bayan, inaasahang uusbong ang panibagong araw nang may pag-asa, ngiti, at kabutihan. Maaaring mamahagi ng pagkain o ibang gamit ayon sa kakayahan ng nais maging bahagi nito. Para sa komunidad. Para matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan. Para bigyang-pansin ang SAPAT Principles. Para mag-alab ang kabutihan at pagmamalasakit sa komunidad na nasasakupan. Para sa lahat. Isang gulay. Daang buhay ang magbabago. Daang sikmura ang maisasalba mula sa pagkagutom. Daang hapag ang malalagyan ng biyaya. Daang ngiti ang masisilayan ng mundo. Isang hakbang. Magpapatuloy ang buhay. Makakaahon at lalangoy sa isla ng pag-asa’t kabutihan.

IKALAWANG KABANATA: LINGANG ITINAKDA NG TADHANA “Project HaPag…” Tila isang tadhanang makita ang mga katagang nabanggit. Nang dahil sa kuryosidad ay ipinagpatuloy ang pagbabasa. Isang magandang misyon sa panahong mapanghamon kaya tila isang kidlat ay may gumuhit sa puso at nag-alab ang apoy na may kagustuhang makiisa. Isa. Dalawa. Tatlong minuto ang nagdaan sa pagninilay na naganap. Ngunit ang sansinukob na ang nagtatakda ng kapalaran nang marinig mula sa katahimikan ang dulong bahagi ng awiting ‘Bahay Kubo’... “sa paligid-ligid ay puno ng linga.” Apat. Limang minuto ang nagdaan at humantong na sa kasiguraduhan. Lubos ang saya ay dali-daling nag-abot ng tulong, at naghatid ng kabutihan upang makiisa sa Project HaPag. Walang pag-aalinlangan ang kabutihang ipinamalas. Katulad ng isang linga na nasa paligid, nais din nitong maging parte ng buhay at istorya ng bawat taong makatatanggap ng kabutihan. Maliit man kung titingnan ay walang kasing laki ang ambag na kabutihan at epekto sa buhay ng nabiyayaan.

IKATLONG KABANATA:

AMPALAYANG PINATAMIS NG KABUTIHAN O anong pait ang kanilang sinapit. Kasimpait ng ampalaya ang buhay na kanilang itinatawid sa panahon ng pandemya. Sikmurang kumakalam ang kanilang kalaban sa magdamag. Wala ring laman ang kanilang hapag-kainan, ngunit punong-puno ang kanilang isipan. Tigib ito ng mga tanong kung kailan ba sila makababalik sa nakasanayang hanapbuhay at pamamasada, kung saan ay nagagawa nilang mabili ang sapat na pangangailangan sa araw-araw. Walang kasimpait ang maghintay na matapos ang halos walang katapusang krisis habang sa gutom ay nagtitiis. Sabik na nilang matanggap ang pagpapalang ipinagkait nang ito’y maibsan. O anong pait ang naglaho nang panandalian. Sila’y mistulang nakakain ng asukal matapos ang matagal na pagnguya ng hilaw na ampalaya. Nakita nila ang mga hapag na nakahanda sa bangketa sa Bagong Bayan. Samot-saring pagkain ang nakalatag sa mga hapag. Sa paligid nito ay may nakapaskil na “SAPAT lamang ang kunin para ang IBA ay may kainin.” May tarpaulin din na may nakalagay na “Project HaPag…” Ang mga walang sapat na pagkain sa tahanan ay matiyagang pumila patungo sa hapag. Hindi inalintana ang nakapapasong sikat ng araw at nakahahawang virus, mairaos lamang ang araw nang may laman ang kani-kanilang hapag. Sa wakas, dumating na rin ang pagpapalang ipinagkait ng krisis. Hindi labis, hindi kulang. Sapat na pagpapala. Mairaraos na rin ang ilang araw sa

loob ng tahanan habang busog ang tiyan. O anong pait ang naging matamis din. Kasimpait ng ampalaya ang pinagdaanan nila ngunit ng nahaluan ng ibang sangkap mula sa Project HaPag, ang pait ng ampalaya ay nakakayanan kaya’t ang buhay ay nagpapatuloy kahit na nakaharap sa maraming pait ng buhay.

IKAAPAT NA KABANATA: LUHA AT HALAKHAK NG SIBUYAS Alas-singko ng umaga. Walang pag-aalinlangang bumangon upang maghanapbuhay, kumayod, at itaguyod ang araw na walang kasiguraduhan. Hawak ang kutsilyo sa kaliwang kamay, at sibuyas naman sa kanan ay nagsimula na ang araw. Maluha-luha man habang naghihiwa ay hindi iniinda, makagawa lang ng nakabubusog na mumunting agahan.

Alas-siyete ng umaga. Tinahak na ang daan tungo sa lugar kung saan kikita at magkakapera. Kakayod para sa pamilya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay itinakdang nadaanan niya ang pila tungo sa isang misyon para sa mga taong kailangan ng yakap sa panahon ng kagipitan—ang Project HaPag. Nagdalawang-isip pa ito kung makikipila o tutuloy sa trabahong magsisimula isang oras mula sa kasalukuyan. Tila nag-uumapaw ang biyaya ay inanyayahan siyang pumili ng mga taong nasa lugar ng kabutihan. Hindi man kita ang pagngiti niya sa likod ng face mask ay pinagdasal niyang nakikita mula sa mga mata niya ang kaligayahan at tuwa.

“Kuha po kayo ng kahit ano…” “Sige lang, sapat na ‘to. Maraming Salamat sa inyo.”

Hindi man kita ang ngiti sa mga labi, nag-uumapaw naman ang ligaya sa mga matang nagniningning. Ngayo’y tutungo siya sa trabahong may bitbit na biyayang handa niyang ipakita sa buong mundo. Nais niyang ipagsigawan na ‘may kabaitan sa bawat puso!’ Alas-singko ng gabi. Nakapagpalit na ng damit mula sa nakakapagod na pagsabak sa trabaho. Ngunit umuwing may galak sa puso. Hawak ang kutsilyo sa kaliwang kamay, at sibuyas naman sa kanan ay naghanda na sa pagtatapos ng araw. Sibuyas ma’y nagdudulot ng pag-iyak ngunit dahil sa biyaya mula sa Project HaPag, ang bawat luha ay kaakibat na ng bawat tawa at halakhak.

IKALIMANG KABANATA: GINISANG AMPALAYA, KAY SARAP PALA!


Binuksan ang apoy. Ibinuhos ang mantika at hinintay na kumulo. Ginisa ang bawang at sibuyas na nakakaluha. Sinundan ng ibang sangkap para sumarap. Hinuli ang pagbuhos ng ampalayang mapait. Hinalo.

Sila ay naging mapagpatol sa pangangailangan ng mga walang laman ang hapag sa panahong mapanghamon. Naging mapagpatol sa nangangailangan. Naging patola.

IKAPITONG KABANATA: GINISANG BAWANG, LUMALABAN, NAGLILIYAB, NAG-AALAB

Ang luha at pait ay tila naglaho at napalitan ng kung anong nakakapanabik na putaheng pwede sa agahan, tanghalian, o hapunan.

IKAANIM NA KABANATA: PATOLANG HINDI PATITINAG Umaga na. Dumating na ang araw na ipinangako ng tadhana sa kanya para sa isang misyon — ang Project HaPag. Handa na siyang tumulong na ayusin ang mga laman ng hapag nang hapag ng iba’y magkaroon ng laman. Binuhat niya ang mga kahon-kahong noodles, mga plastic ng gulay, mga sako ng bigas, at mga tray ng itlog. Tagaktak ng pawis at bigat ng dalahin ay hindi inalintana sapagkat bukal sa pusong kawanggawa ang tangan. Tinakal niya ang bigas at hiniwa ang mga gulay tsaka nire-pack. Wala siyang pangambang manghapo ang likod at kasukasuan o masugatan ang daliri dahil pagmamahal sa iba ang inaalala. Inayos niya ang pila ng mga nag-aasam magkaroon ng pagkain sa hapag. Kumuha rin siya ng nakahandang ayuda sa hapag at inabot sa kapwang nangangailangan. Walang alinlangang nilapitan, kinausap, at nakipagkuwentuhan sa mga nakapila sa kabila ng posibilidad na mahawahan, sa ngalan ng serbisyo.

Walang patumpik-tumpik din niyang pinaalalahanan ang i bang nakapila na hangga’t maaari ay huwag labis at huwag kulang ang kanilang kuhaning pagkain at kagamitan. Sapat lamang ang dapat kunin nang lahat ay magkaroon.

Sapat nga rin ba ang inalay na puhunan ng mga nakiisang tumulong tulad niya? Hindi sapat. Hindi rin kulang. Labis.

Sakripisyo. Sakripisyo para sa kapwa. Ito ang ipinamalas ng mga nag-alay ng oras, kakayahan, pagod, pawis at dugo para sa misyon. Ito ang bagay na tiyak na yumabong sa kanilang puso sa mga linggong inilagi sa entrada ng mahal na paaralan para sa Project HaPag.

Iginisa siya sa kalsada. Katawan ay basa at mukha’y nagmamantika. Butil-butil na pawis ang pumapatak mula sa kanyang ulo. Sinisikad niya ang bisikleta kasabay ng mga humaharurot na motorsiklo at naglalakihang sasakyan makarating lamang sa paaralang pag-aalayan ng serbisyo. Iginisa siya sa paaralan. Pawisan siya nang makarating dito at ito ay magpapatuloy. Siya nga pala ay isang guro, ngunit hindi siya naparito upang magturo. Hindi whiteboard, laptop, o papel ang mahahawakan niya, kundi mga gulay, bigas, itlog, at noodles. Isa siya sa mga gurong maghahanda ng pagkain na ihahanda sa mga hapag sa entrada ng paaralan. Paniguradong marami-raming beses na dadampi ang panyo sa kanyang mukha upang punasan ang pawis. Isa rin siya sa nag-aayos ng pila sa mga naghahangad magkaroon ng laman ang hapag. Ginagabayan niya ito na para bang nagsasabi sa mga estudyante niyang maglayo-layo ng upuan sa tuwing may pagsusulit. Ang terminong ginagamit nga lamang nila ngayon ay “social distancing,” hindi “one-sita-part.” Kasabay ng pag-aayos ng pila ay ang pakikipagkuwentuhan sa mga ito. Dito niya nalalaman ang katayuan sa buhay ng mga naghihintay sa linya na pinagkaitan ng pandemya ng kabuhayan. Sa kanilang salaysay niya narinig ang paghahangad nila na magkaroon ng pantawid-gutom. Bukod dito ay tangan-tangan din niya ang kamera nang makuhanan ang mga eksena ng kabutihan at pag-asa sa misyon. Sa pagiging litratista, galak ang nanaig sa kanya sa tuwing nasisilayan ang tuwa ng mga pumilang nakatanggap ng pagpapala. Mga galak na hindi makikita sa labi, kundi sa mga mata dahil sa suot-suot nilang face masks. Wala ring makapapantay sa nararamdaman niya sa tuwing ibinubulalas ng tumanggap ng pagpapala ang mga salitang, “maraming salamat po.” Sa pagkakataong ito, nakalilimutan na niyang pakiramdam ng pinagpapawisan, ang pakiramdam ng ginigisa.

Guro. Tagahanda ng pagkain. Tagaayos ng pila. Tagapakinig ng kuwento. Litratista. Boluntaryo. Tagapaghatid ng kabutihan. Siya ay mistulang bawang na halos sa lahat ng gampanin ay nakasahog. Siya si G. Domingo. Marami siyang aral na naibaon sa pagiging parte ng misyon.

“Dahil sa Project HaPag, mas lalo kong napagtanto na mapalad ako [sa] kung anong meron ako ngayon. Pahalagahan natin kung anong meron tayo sa buhay natin. Dahil minsan ‘yung pinakainaayawan natin, ang ibang tao ay wala nito,” aniya Taos-pusong serbisyo. Hindi maikakailang ito ang ipinakita niya, maging ng iba pang nakiisang guro sa misyon, at mga nangangasiwa ng Community Pantry sa buong bansa. Sa kabila ng kanilang pagtulong, may mga taong puno ang hapag ang hindi nagpakita ng habag. Sila’y mga opisyal na nakikita ang pagtulong sa kapwa bilang gawain ng mga makakaliwa. Ang tawag dito ay red-tagging.

Iginisa rin sila ng mga opisyal.

Giit ng guro, walang dapat ikapangamba sa bukal sa pusong pagtulong. “Hindi ako natatakot na ma-red tag, dahil alam ko sa sarili ko [na] ang layunin ng HSAM Mission Trinitas Project HaPag… ay tumulong sa mga nangangailangan…” ani G. Domingo. Gisahin man sa sariling pawis sa pakikiisa sa misyon at paninira ng ibang tao, hindi nagpatinag ang guro at iba pang nakiisa sa proyekto na unahin ang kapakanan ng iba kaysa sarili. Kagaya ng bawang, ang mga naghahatid ng kabutihan at naghahandog ng pagmamahal ay hindi maiaalis na isang pangangailangan sa bawat putaheng nagpapabago ng buhay ng isang mamamayan. “Sa pagtulong, hindi dapat natin isipin ang iisipin ng iba. Ang mahalaga, makatulong at tayo ay maging instrumento ng pagmamahal ng Diyos sa tulong ng ating mga kapwa tao,” sambit niya.

Isinulat nina Daniella Juan at Turvey Catindig Layout ni Carl Hapa Mga larawang mula kay G. Renz Domingo


8

AGOSTO 2020 - HUNYO 2021

LATHALAIN hawakan at panabla sa giyerang hindi matapos-tapos.

Daniella Juan

S

a bawat malalim na buntong hininga, nakapagbibigay ng buhay at hininga.

Bukang-liwayway ay sumapit muli. Inat. Hikab. Bumangon at hinayaang maglakbay ang mga paa kasabay ng pupungas-pungas pang mga mata. Mukha mang pinagsakluban ng langit at lupa ay tila walang magagawa sapagkat ang paglilingkod ay tila hindi magpapatalo sa pagod kailanman. Puyat, gutom, at pagod ngunit ano nga ba naman ang tatlong bagay na ito kung papanalunin laban sa libo-libong buhay na hawak mo?

Saklap. Malagim man ang kinakailangang lunuking katotohanan na ang isang paa’y nakalubog sa hukay ay magpasindak na lang. Panibagong araw, panibagong giyera. Sa isang kulob na lugar kung saan bihira ang sumisilip na liwanag ay nakapanlulumo’t nakawawalang gana ngunit walang rason upang magreklamo. Buhay laban sa buhay na kahit sa pinakamadilim na lugar ay may sisilip kahit katiting na liwanag. Sa pagsimsim sa mainit at matapang na kape’y umalingawngaw ang pamilyar na boses mula sa maliit na telebisyong kaniyang kaharap, “I am a Healthcare worker and together with all the other frontliners, we are at war with COVID-19, and, like soldiers in war, I have encountered a lot of different experiences, good and bad, and have been exposed to traumatic stressors that I continue to face until this day.”

SIBOL: ANG PAGSILIP NG

Rappler

KALIWANAGAN

Napaawang ang bibig, naningkit ang mga mata sa mga letrang nakalagay sa telebisyong kaharap, Beth Hapa, frontliner, a Paraclete. Siya nga! Ang mainit na kape’y biglang lumamig, ang kulob na silid ay biglang umaliwalas, at ang madilim na paligid ay nasinagan ng liwanag. Sundalo, isang sundalong nakaharap sa duwag na kalabang ayaw ipakita ang sarili. Oo sundalo, isang sundalong pagod na ngayo’y nahanap ang bala ng armas na kagabi lamang ay naubos na. Sa paglamig ng kape, sa pagsibol ng liwanag, tumibok nang malakas ang pusong tila hindi makapaghintay sumabak sa panibagong giyera. “Some problems I encounter are conflicts including wanting to work and give services as a Medical Technologist for patients while also wanting to protect myself and my family from harm. Or having to put patients in quarantine, knowing the additional stress this will place on their families and colleagues that are affected as close contacts. Others also include mental stress, physical exhaustion, separation from families, stigma, and the pain of losing patients are also some of my stressors,” habang pinupunan ng bala ang naubos na pangangga ay hinayaan niyang pumasok sa puso ang mga salitang pinangha-

dibuho ni: Kent Santiago

Pagbabagong mahirap dahil hindi inaasahan. “I'm a senior high school student, who is new to both the K-12 system as well as this online distance learning system. I have had to deal with 2 different major adjustments and this has clearly made one another worse. Grade 11 and 12 demand a high number of challenges that were either remade or removed by the new setup." Pagbabagong hindi lahat ay aking napansin. "Bilang isang estudyante na baguhan sa "Online Distance Learning" hindi ko maiwasan na mahirapan sa simula sapagkat mas naging mahirap ang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao at namomroblema din ako kapag hindi gumagana nang maayos ang ilang mga kagamitan na kailangan ko sa pag-aaral. Naging mas mahirap man ang pagkakaroon ng komunikasyon ngunit hindi ko nakaligtaan ang makipagkaibigan at makiisa sa ibang tao lalo na sa aking mga kamag-aral at mga guro na aking kasama sa pag-aaral. Naging mahirap man ang bagong paraan ng edukasyon ngayon ngunit akin din naman itong nalagpasan hangga't tayo ay may layunin at kagustuhan na makapagtapos sa pag-aaral," ani ng isang estudyante mula sa ikapitong baitang.

SA KABILA NG MGA PAGBABAGO, TULOY TAYO!

Dan Mag-Isa

A

ng pagbabago ay hindi maiiwasan. Talagang mayroong mga bagay na hindi mo akalaing darating sa iyong buhay. Ang akala mong panandalian lamang, kalauna’y tila nagustuhan nang mamalagi tulad ng ating nakasanayan. Sino ang mag-aakalang ang naranasan ng mga magaaral ng HSAM sa huling bahagi ng ikaapat na markahan ng nagdaang taong pampaaralan (2019-2020) ay magiging “bagong normal” sa sumunod na taon ng pag-aaral (2020-2021). Walong buwang walang interaksyon sa loob ng silid-aralan. Apat na markahang ang kaharap ay screen ng laptop o computer.

myang ating nararanasan. Tuloy Tayo! Ito ang sigaw ng HSAM. Ang pagbabago ay hindi mapipigilan ninuman. Tuloy ang pagtuturo at paggabay ng mga guro. Tuloy ang pagkamit ng mga kaalaman at kasanayan. Tuloy ang pagkatuto. Isa sa mga kahingian ng K-12 Kurikulum ay ang paglinang sa mga kasanayang pang-ika-21 siglo. Sa “bagong normal”, ang mga mag-aaral ay mamarkahan batay sa dalawang pagtataya - written works (40%) at performance tasks (60%).

Isang panibagong hamon ang sumalubong sa mga guro, magulang at lalo na sa mga Pilipinong mag-aaral sa pagpasok ng panibagong taong panuruan. Ayon sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon noong Setyembre 25, 2020, mayroong 24.63 milyong bata ang nakapagtala - 22.44 milyon sa pampublikong paaralan samantalang 2.14 milyon naman sa pribadong paaralan.

Ayon sa gabay sa pagtataya na publikasyon ng edutopia.org, kritikal sa proseso ng pagkatuto ang pagpapakita ng mga mag-aaral ng output na magpapatunay ng kanilang mga natutuhan sa bawat paksa; mahalaga ito sa pagtiyak kung natamo ang inaasahang kaalaman at kung naabot ang kahingian ng bawat aralin.

Bagamat nakalulungkot ang pagbaba ng bilang ng mga nais mag-aral, hindi ito ang panahon para huminto sa pagsusumikap na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon para sa kabataang Pilipino sa gitna ng pande-

Sa taong ito, digital applications ang naging katuwang upang maisagawa ang mga gawaing pagganap sa iba’t ibang asignatura. Pagbabagong ikinabigla ng karamihan ngunit kalauna’y unti-unti ring nakasanayan.

Pagbabagong aking hinarap. “May mga aspekto pa ng bagong sistema ng pagaaral na maaari pang baguhin at pagbutihin sa mga susunod na taon, ngunit para sa akin, hindi nito mapapantayan ang kalidad ng nakasanayang sistema ng pag-aaral dahil sa kawalan ng pisikal na pakikihalubilo sa mga kamag-aral at sa mga guro. Ang mga PeTa ay mas maayos na natatapos kapag sa face-to-face na set-up dahil walang harang sa komunikasyon at tila lahat ay maaari nating abutin," pag-aalingawngaw naman ng boses ng mga mag-aaral mula sa ikalabing-isang baitang. Sa kabila ng pangangapa sa bagong sistema, nahirapan man sa simula ay nakasabay rin sa agos ng pagbabago ang mga HSAians. Hindi man ito naging madali ay natutuhan ding tanggapin at patuloy na yakapin. Gayundin naman sa buhay, may mahirap na daang kailangang pagdaanan, pasasaan ba’t unti-unti rin tayong magpapatuloy at aangat. Walang makapagsasabi kung hanggang kailan ang epekto ng pandemya sa sangay ng edukasyon. Kaya naman, tulad ng mga gawaing pagganap na sumubok sa ating mga natutunan...ipakita natin ang output ng karanasan hatid ng “bagong normal” sa pag-aaral. Ang unang taon ng pag-aaral sa gitna ng pandemya ay natapos na. Dahil dito’y hindi kasalanan ang huminahon at magpahinga. Isang tagumpay na maituturing ang matapos ang walong buwan ng online distance learning. Sa darating pang mga buwan, kung hindi man magbago ang sitwasyon, ikaw mismo ang dapat magbago.

Tuloy tayo, hahakbang kasabay ng pagbabago.

Mask, shield, telepono’t lakas ng loob. Handa na. Mga paang patungo sa kuta ng kalaban, matapang, malakas, at walang inuurungan. Habang may nakapasak sa tainga’t pinakikinggan ang nagsisilbing motibasyon ay hindi namalayan ang tipak ng batong naging sanhi ng pagbagsak sa lupa, “and before the year ended I believed that our fight for COVID-19 will end soon because of the vaccine but the discovery of a new variant is like starting all over again.” Naglabas muli ng malalim na buntong hininga, sinong nagsabing susuko’t titigil na? Sa haba ng byahe ay walang natirang pagsuko. Ayaw man magpakita ng duwag na kalaban ay hindi rin niya ipinakita ang malakas na kalasag na nakapalibot sa kaniya. Hindi makita ngunit ramdam ang balot na balot na proteksyon, malakas ang loob para sa sarili, para sa pamilya, para sa kaibigan, para sa mamamayan, at para sa liwanag na gustong-gusto nang masilayan. Tumingala muna ang sundalo bago bumangon at tila may nahanap na butil ng liwanag ay mabilisang tumayo’t naglakbay muli ang mga paang kating-kating maglingkod. Umalingawngaw ang ingay na puno ng iyak, buntong-hininga, at hirap na katahimikan. Nandito na ang kuta ng kalaban. Mainit man ngunit kailangang dagdagan ang kalasag. Mahirap gumalaw, mahirap huminga, mahirap magsalita, ngunit anong magagawa? Isang malalim na buntong hininga ang inilabas bago ngumiti sa loob ng kalasag at tumungo sa pagligtas ng libo-libong buhay. Ngiti kahit sa loob lamang. Ngiti bilang liwanag. Ngiti dahil masarap sa pakiramdam. Mahirap maging sundalo ngunit ngiti lang at matatapos din ang laban. Nakatitig sa mga matang pupungay-pungay na ngunit naroon pa rin ang alab na nangungusap sa bawat isa. Tama, ang paglilingkod ay pinili kami, sino kami para tumanggi? Masayang magsakripisyo, masayang maglingkod, masayang magkaroon ng mga kasamang sundalong kapalagayan mo ng loob. Walang salita, walang tunog, tanging mata at pusong nag-aalab para sa serbisyo ay sapat na upang ipahatid ang mensaheng walang titigil sa paglilingkod, kakayanin at lalabanan natin ito. Isang napakahabang laban na nga ang nagdaan. Araw-araw pagod at puyat. Araw-araw nawawalan ng bala. Araw-araw natatalo ngunit bumabawi ng panalo. Araw-araw gustong sumuko ngunit nauunahan ng kagustuhang maglingkod. Sa dulo ay panalo pa rin sapagkat nagpatuloy. Kaliwa’t kanan ang mga paghihirap ngunit hindi maipagkakailang may kapiranggot na liwanag na sumisibol sa puso ng bawat isa. May pag-asa, walang maiiwan, walang susuko. Wawakasan ang giyerang ito, kahit gaano katagal, kahit gaano kahirap, kahit tila urong-sulong ang pagsibol ng liwanag. Mawawakasan ito. Dapithapong muli. Pabalik sa tahanan ay may nakalagay muli sa tainga upang pakinggan at ituloy ang pinagkukuhanan ng motibasyon, “being an HSAian has helped me go through all these difficulties because the values inculcated in me helped me in so many ways. Some values include Respect for others, obeying quarantine rules and sacrifice for the sake of everybody.” Ngiti. Inalala ang mga kapwa sundalong hindi rin sumuko at naging pamilya sa gitna ng kalbaryo. Tama, lalaban at walang susuko. Lumiwanag ang langit, ngumiti muli, at sa pagkakataon ngayo’y naiwasan ang bato at hindi nahulog sa lupa. May pag-asa. “Being selfless, choosing patients to be treated first and not minding myself being at risk. Being compassionate, staying away from love ones that may be exposed to the virus. Being prayerful and having a strong faith, that all these trials will end, with God's mercy. Our love for others must be like God's love for us.” Sisibol ang liwanag mapabukang-liwayway man o dapithapon. Mawawakasan ang hirap sa paghinga at ang bayan ay magkakaroon ng pagkakataong mabuhay muli na hindi napapalibutan ng buntong hininga. Sapagkat may pag-asa.

'DI N'YO BA Naririnig?

Mai Silva

K

asabay ng pagsalubong sa taong 2020 ay ang pagpasok ng COVID-19 na yumugyog sa ating nakasanayang pang-araw-araw na buhay. Sa pagkalat ng pandemyang naging bangungot sa buong mundo ay siyang pagkalupig muli ng mga Pilipinong tanging ang mga tinig at salita lamang ang inihandang sandata sa labang kailangang maipanalo upang ipagtanggol ang karapatan sa kalayaan. Pagsapit ng mga buwan ng Mayo at Hunyo ay tuluyan na ngang nag-alab ang galit ng mga Pilipinong nagtitimpi. Nauna ang naging kontrobersyal na pagbuwag sa ABS-CBN na isa sa mga pinakaimpluwensyal na tagapaghatid ng balita at aliw sa mga Pilipino mula pa man noong 1953. Naipasara umano ang korporasyong ito dahil sa kasong tax evasion. Pruweba man ng gobyerno ang batas sa naging pagsasara nito, sumiklab pa rin ang galit ng madla dahil ito ay paglabag sa kalayaang mamahayag at tila ba nahaluan ng personal na emosyon ang desisyon laban sa network. Sa ikatlong SONA (State of The Nation Address) ni Pangulong Duterte noong 2017, unang narinig ng bayan ang kaniyang hinaing tungkol sa nasabing korporasyon. Kaugnay nito, nabanggit din ni Senador Bong Go na ang siyang maging mabait sa presidente ay kaniyang babalikan din ng kabaitan at ang hindi naman ay ganoon din ang magiging trato sa kaniya nito. Ito na nga ba ang naging babala bago simulan ang tuluyang pag-atake sa pinakamalaking tagapaghatid ng balita sa bansa? Ano na kaya ang kahihinatnan ng katotohanang nais iparating sa buong bansa ng korporasyon? t Ang pangyayaring nabanggit ay sinundan ng naging hatol kay Maria Ressa, ang CEO at isa sa tagapagtatag ng Rappler. Umani rin ng batikos ang insidenteng ito dahil sa patuloy na pag-atake ng gobyerno sa kalayaan ng mga mamamayan sa malayang pamamahayag. Ang Filipino-American kasama ang dating tagapagtatag ng Rappler ay hinatulan ng cyber libel charges ng isang negosyante at ayon sa naging tagapaghatol ng kaso na si Rainelda Estacio-Montes, ang

@angparacletan

@angparacletan

paghatol sa kanila ay walang nilabag na karapatan. Saan nga ba nagsimula ang mga eskandalong nagbigay-pansin na ang ating karapatan sa malayang pamamahayag at pananalita ay nalalabag na ng ating pamahalaan mismo? Bakit kinakailangang magbingi-bingihan at busalan ang bibig ng mga Pilipinong nais magpahayag ng katotohanang pilit na itinatago ng mga makapangyarihan? Bill of Rights, Article III, Section IV. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan ng pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng taong-bayan na magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. Sa pagpasa sa Anti-Terrorism Act of 2020, nalabag nga ba ang ating karapatan sa malayang pamamahayag at pananalita? Konektado nga ba ang pagpapasa ng batas na ito sa pag-atake ng ating pamahalaan sa ating kalayaan? Matapos maipasa ang Anti-Terrorism Act of 2020, narinig muli ng ilan ang sigaw ng mga inosenteng naparatangang mga terorista. Takot, pangamba, at galit ang namayagpag sa mga inosenteng naparatangan ng ating mismong pamahalaan. Hindi na bago ang mga balitang ito tungkol sa pagkitil sa kalayaan sa pamamahayag. Una nang naging matagumpay ang mga Pilipino mula sa pang-aapi sa ating kalayaan noong natapos ang rehimeng Marcos. Sa kasalukuyan, di-matatawaran ang bilang ng mga mamamahayag na pinatunayan ang kanilang serbisyo hanggang sa kanilang huling hininga. Higit isang daang pag-atake na sa mga tagapaghatid ng balita ang naitala sa unang tatlong taon ng kasalukuyang rehimen. Ilang mamamahayag pa ba ang magiging laman ng balita? Hanggang kailan kaya maglalabasan ang mga balitang nagpatahimik sa bibig ng mga sumasalungat? Sa kabila ng pinagsanib pwersang lakas ng tinig ng taumbayan, talaga bang hindi nila marinig? Ilan pa ba ang kailangang magbuwis ng buhay upang matapos na ang pilit na pagpapatahimik sa bibig na nagliliyab? Ilang karahasan pa ang masasaksikan upang maghatid ng takot na tayo ay lumaban? Sa dami ng mga tanong tila ba kayhirap makahanap ng kahit isang kasagutan.

angparacletan@gmail.com


9

LATHALAIN

KATHANG ISINULAT NG KABAYANIHAN

dibuho ni: Paula Cuasay

Jaimie Custodio

K

AGARAN ang tugon sa sinomang nangangailangan ng saklolo, at lalong walang pag-aalinlangan;

aranasang hindi akin ay isinasalaysay upang ang pinatutungkulan ay mabigyan ng nararapat na parangal, pagkilala, at pagtanaw ng utang na loob:

NI takot sa pagkahawa’t pagkakasakit ay hindi naging dahilan upang ipagpaliban ang pagsisilbi sa lipunan;

ANTOK ay hindi sagabal sa pagdudulot ng serbisyong inaasahan;

HANDANG magbigay-alalay sa kahit kanino, sa kahit anong oras, saan man sila naroroon;

BAWAT balita’y sinisiguradong maipaabot nang mabilisan upang ang lahat ng pangangailangan ay kaagarang matugunan; ALAY ay dugo at pawis upang maabot ang tulong sa bawat nangangailangan; YAMBAAN man ng panganib na dala ng pandemya, nananatiling matibay ang kaloobang magpatuloy para sa sambayanan;

IWANAN man ang mga mahal sa buhay, hindi nawawala ang diwa ng serbisyo;

ANOMANG panganib ay handang suungin, basta’t para sa kapakanan ng nakararami. NGAYONG ang kuwento nila’y natapos nang maibahagi, ang iyo naman ang sunod na maisusulat, salamat sa bunga ng kanilang mga gawa’t kabayanihan.

Hakbang ng Liwanag sa malungkot na silid Sa loob ng apat na sulok, nahanap ang hindi inaasahang pagbabago. Daniella Juan

I

sang taon ng kalbaryo, pasan ang mabibigat na dalahin. Takot. Hirap. Pangamba. Ngunit walang magawa. Isang bagay na hindi kayang pigilan, hindi nakikita, at hindi kontrolado. Walang ibang paraan kundi sumunod. Sumunod kahit natatakot, sumunod kahit hindi sigurado. Unang hakbang, susubukin at hahanap ng paraang makabago. Sa isang iglap, sa isang kurap, ang dating maluwag na kwarto’y nakulong sa apat na sulok ng teknolohiya. Mula sa pisikal na interaksyon na naging pagpapalitan ng ngiting tumatagos lamang sa gitna ng screen. Maraming nagbago, ang salitang “kumusta” ay naging salitang kay sarap sa pandinig, salitang galak ang hatid sa makaririnig. Maraming nagbago. Ikalawang hakbang at handa nang harapin ito. Hindi man ito ang nakasanayan at naunsyami man ang mga plano ay walang ibang paraan kundi ang tanggapin at hanapin ang galak sa bawat galaw. Tila isang bulang naglaho ang inaasam na work immersion ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng HSAM. Mula sa mga pangarap na maglingkod at ipamalas ang galing sa ninanais na propesyon ay nakulong sa isang sulok ang nasabing mga pangarap. Nakapanlulumo, totoo. Ngunit, hindi magtatapos ang hakbang sa sulok na ito.

BABALA: SA PEKENG LUNAS, BUHAY MO'Y MAGWAWAKAS! Dan Mag-Isa

P

atuloy pa rin ang laban upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 nakatutuwa na nagsimula nang magbigay ng bakuna kontra dito. Ano ba ang bakuna? Ang mga bakuna ay nakikipagtulungan sa natural na mga depensa ng ating katawan upang ito’y maging handa na labana ang virus kung ikaw ay nalantad dito (tinatawag ding imyunidad).

ANG PARACLETAN

Ngunit lahat nga ba ng bakuna ay mabisang lunas at ligtas gamitin? Ang Food and Drug Administration (FDA) kamakailan ay naglabas ng isyu ng Emerhensiyang Paggamit para sa dalawang uri ng bakuna para sa COVID-19 vaccine. Upang makapagpadala ng karagdagang tulong, ang FDA ay nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kompanya na nagmamanupaktura ng bakuna at mga gamot na siyang nagdedebelop at nagsisiyasat upang mapabilis ang paggawa at pagkakaroon ng mga medikal na

produkto at solusyon tulad na lamang ng bakuna, antibody at mga gamot para maiwasan at matuldukan na ang pasakit ng COVID-19. Inilahad sa mga pag-aaral na ang COVID-19 na mga bakuna ay napakaepektibo sa pag-iwas sa nabanggit na sakit. Naniniwala ang mga eksperto na ang bakunang nalikha ay makatutulong upang hindi ka magkaroon ng seryosong sakit magkaroon ka man ng COVID-19. Ang Pilipinas ay mahigit isang taon nang nahaharap sa krisis pangkalusugan. Kaya naman ang mga manloloko (scammers) ay mabilis na humahanap ng paraan upang samantalahin ang takot, pagkabalisa, at pagkalito tungkol sa coronavirus. Inilahad ng ph.lacounty. gov ang mga impormasyon kaugnay ng pekeng paggamot sa COVID-19 at “mga milagrong lunas”. Ayon dito, (1) ang mga patalastas at promosyon para sa mga

Ikatlong hakbang, ang bagong paraan. Hindi man naranasan ang work immersion, may nakaabang na inobasyong maaaring mas makahasa sa kakayahan at abilidad. Hindi man ito ang inaasahan ngunit nakakahangang tunay na kahit sa sulok ay may sumibol na liwanag. Walang pagsisisihan sa hakbang, walang maiiwan, walang malulumbay sapagkat tunay ngang kapag may nagsarang isa’y, may pagbabagong paparating. Ikaapat na hakbang, ang introduksyon ng capstone project, simulation, at mga adbokasiya. Hindi man ito ang nakasanayan ngunit handang yakapin ang mga pagbabago. Bago man sa pandinig, siguradong magdadala ng pagbabago. Ikalimang hakbang, “Handa na!” Lahat ng takot ay napawi. Lahat ng lungkot ay napalitan ng kagustuhang sumubok. Handang pagsama-samahin ang bawat ideyang mabubuo mula sa isip at puso, mga salitang magdudulot ng kamangha-manghang produkto, mga kakayahan at abilidad na magtataguyod sa panahong ito, at mga taong susuporta at tatangkilik sa bagong proyektong ito. Sa bawat hakbang, sa bawat pagbabago, sa sulok man o sa labas, nag-aalab ang pagmamahal, ang pagtanggap, at ang suporta mula sa mga nasa loob at labas ng madilim na silid. Ang pagmamahal at suportang naging parola tungo sa kaliwanagan ng pagbabago at ang nag-ahon mula sa pagkalumbay mula sa pamamamaalam ng nakasanayan. Mga kamay na handang gumabay at hawakan sa pagsulong sa makabago, ang dahilan kung bakit patuloy ang pagsubok at kagustuhang mapagtagumpayan ang mga plano’t pangarap. Magbago man ang lahat ngunit ang hakbang ng nag-aalab na puso ng isang HSAian ay mananatili. Sa loob ng apat na sulok, makapag-aambag ng pagbabago.

suplemento at “mga paggamot” ay maaaring maling ipahayag na makapagpipigil o makagagamot ng COVID-19; (2) walang “listahan ng mga naghihintay para sa bakuna”; (3) huwag hayaang kunin ng isang manloloko ang pera n’yo para ilagay sa listahan ng mga naghihintay ng pekeng bakuna; at (4) palaging komunsulta sa isang doktor o iba pang lisensyadong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan bago uminom ng anumang gamot o produktong pangkalusugan. Sa kagustuhan ng ilan na magkaroon ng agarang proteksyon sa sakit, marami ang pumapatol sa mga nagbebenta ng mga hindi napatunayang at iligal na pagbebenta ng mga produktong gumawa ang maling pag-akin tulad ng pagiging epektibo laban sa coronavirus. Hindi dumaan sa pagsusuri ng FDA ang mga ito

kaya naman maaari itong maging mapanganib sa sinomang tatangkilik dito. Ang Department of Health (DOH) at FDA ay nagbabala rin sa publiko kaugnay ng kumakalat na pekeng kit na ibinebenta online. Isang banta sa pampublikong kalusugan ang pagkalat ng mga pekeng lunas. Laging tandaan na magiging mapanganib kung ang isang sakit ay gagamitan ng isang hindi awtorisadong gamot o pagsusuri. Upang makaiwas dito, kumonsulta lamang sa mga awtorisadong health workers o makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan. Maging mapanuri sa mundong walang kasiguraduhan para sa’yo, para sa buong mundo. Baka sa kagustuhan mong maging ligtas, buhay mo’y magwakas.


10

AGOSTO 2020 - HUNYO 2021

AGHAM AT TEKNOLOHIYA ABS-CBN News

Carl Hapa

ISANG TASA:

t

ANG NAKAKUBLING SIYENSYA

N

Alliyah Violago

oon, hiling lamang ng musmos ay isang simpleng kape mula sa kanyang ate at kuya, kapares ang tinapay mula sa nanay at tatay. Ang kamay ay yumapos sa tasang kay init kung hawakan, sa pagkahalo niya rito gamit ang kutsarita, buntong-hininga na lamang na mayroong kasamang ngiti ang umukit sa mga labi ng bata. Sa kasalukuyan, ang tanging kaharap sa buong maghapon ay ang apat na sulok ng tahanan. Lumipat man ng pahina ang araw, ang tasang kinahuhumalingan pa rin ang kaakibat, katirikan man ng araw o bumugso ang malalaking patak ng ulan. Likas na nga talaga sa mga tao, mas lalo na sa ating mga Pilipino ang kahiligan sa kape. Masamyo pa lamang mula sa malayo ang amoy ng pinagsama-samang kape, asukal, krimer, at tubig, paniguradong hahanap-hanapin na ito. Kaya naman, paano kung ang simpleng kape ay bigyan ng mas makabagong bersyon ngayon? Ang Dalgona Coffee ay unang pumatok sa bansang South Korea na kalaunan ay umani ng labis na atensyon mula sa mga netizens ng iba’t ibang bansa nang maipakilala ito sa social media platform na TikTok. Mistulang binigyang buhay nito ang simpleng kape, patungong whipped or foamy coffee na masasabing kalasa ng Korean honeycomb toffee candy. Nakapupukaw nga naman ng interes. Huwag mag-alala sapagkat kayangkayang gawin ito sa pamamagitan lamang ng paghahalo ng tatlong magkakasukat na kasangkapan o may katumbas ang 1:1, ito ang sumusunod: instant coffee, asukal, at tubig — kung mas marami naman ang nais, dagdagan lamang ang mga sukat. Sa pagdako sa tatatlo lamang na kasangkapan, hindi ba kataka-taka kung papaano makakamit ang malapot na mistulang karamelong resulta ng Dalgona? Ang kasagutan ay matatagpuan lahat sa tatlong pangunahing sangkap nito at nag-iisang proseso. Ang instant coffee ay isang spray-dried coffee, ibig sabihin, ang extract o katas ng kape ay iwiniwilig sa napakainit na hanging nanggagaling sa tuktok ng isang cylindrical tower. Sa pamamagitan ng prosesong ito, sa oras na bumagsak ang mga katas ng kape na ngayon ay mga butil dahil sa evaporation na kaugnay nito sa proseso, maituturing na pino at tuyo na ang mga ito. Bilang resulta, ang kawalan ng mantikang nanggaling sa kape ay susi upang mas mapadali at mapabilis ang paghahalo ng instant coffee sa dalawang polar substance na asukal at tubig. Sa pagkakasama ng tatlong ito, ang kape ang gumagawa ng bula o foam kung tawagin, at ang asukal naman ang nagbibigay ng whipped effect, sapagkat ang kape ay walang sapat na surfactant na nakapagpapababa ng surface tension ng liquid at gas upang mapanatili ang mga hulma ng mga bula sa iyong Dalgona mixture, kaya naman kapag ang asukal ay natunaw sa tubig, maglalaan ito ngayon ng stronger viscocity o mas malapot na resultang maaaring maihalintulad sa isang syrup. Ito ang magbibigay ng suporta sa bula upang hindi magsama o kaya ay gumuho, maging sa istraktura ng kape bilang whipped coffee. At sa ilang minutong paggamit ng mechanical energy sa iyong pagbabati at ang pagsasama ng hangin at ng Dalgona mixture, sa huli ay makukuha mo ang bunga ng iyong gustong makamit na Dalgona Coffee. Sino nga ba naman ang makaiisip na kaya pa palang gawan ng isang malikhaing alternatibo ang pangkaraniwang mainit na kape natin. Ang agham ay tunay nga namang isang konseptong bubuo at bubuo sa maraming bagay na kasama natin sa araw-araw. Kaya naman, sa susunod na pagtitimpla ng kape, isipin natin kung gaano kahalaga ang siyensiyang nakapaloob dito. Tara, kape?

Let me give you some other words that matter much more, and that are much more actionable. Prevention, preparedness, public health, political leadership, and most of all, people.” Ito ang pahayag ng Director-General ng World Health Organization na si Tedros Adhanon kung saan binigyan-diin niya ang nauukol na pagkilos ng bawat isa sa pagtugon sa banta ng COVID-19. Aniya, ang pagkilos ng bawat isa gaya ng pagsusuot ng mask, pag-iwas, at paghuhugas ng kamay ay tunay na madali lamang isagawa. Nangangailangan lamang ng disiplina at pagkakaisa ang lahat. Tunay nga naman na ang pagkilos ay nararapat na magsimula sa ating mga sarili. Nararapat lamang na pairalin ang pag-iingat hindi lamang para sa iyo, ngunit para din sa mga taong nakapaligid sa iyo sapagkat ang COVID-19 ay hindi biro. Nawa ay huwag nating hintayin na umabot tayong lahat sa oras na huli na ang lahat para lumaban at kumilos. Sa pakikipagtuos ng buong mundo laban sa pandemyang ito, tunay nga naman na malayo na ang narating ng lahat kaakibat ang patuloy pa rin na paghakbang patungo sa kalayaan at kagalingan na inaasam ng bawat isa. Ngunit, mistulang nangangailangan pa ito ng matinding panalangin at gawa sapagkat hanggang ngayon, patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at sa buong mundo. Sa kasalukuyan, mayroon nang 158, 403, 868 ang kaso nito sa buong mundo. 19, 201, 898 dito ay mga aktibo at hindi pa gumagaling ayon sa datos noong Mayo 9, 2021. Samantala, sa Pilipinas ay umabot na sa 1.09 milyon ang kabuoang tala ng kaso. Ang pagtaas ng mga numerong ito ang nararapat nating bigyang-pansin upang mas paig-

t

Alliyah Violago

M

alayo na ang nalakbay ng mapaminsalang kalaban. Ang kaniyang inaaligid-aligiran ay mga walang nakikita, bukas man ang mga mata ngunit hindi magawang mahuli sa oras na ito ay sumalakay. Ang patuloy na pagkitil nito sa buhay ng humigit kumulang milyon-milyon ay nasaksihan sa pamamagitan ng mga kulang-kulang na pasilidad at bangkay sa kanilang huling hantungan. Kaya naman, kung makapagpaalala na lamang ang mga propesyonal at namamahalang panatilihing sumunod sa mga panukalang ipinatutupad ay wagas. Mula sa social distancing, pagtalima sa alituntunin alinsunod sa quarantine, palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at face shield, hanggang sa isa sa pinakamahalagang proteksyon mula sa pandemyang COVID-19, ang pagsusuot ng face mask. Ang tanong, pagdating sa usaping face mask, sapat na ba

Minimum Health Protocols :

GAMPANIN NG BAWAT ISA tingin ang ating pag-iingat, pagdisiplina sa sarili, at patuloy na pagsunod sa mga protocol na walang ibang layunin kundi ang mawaksi ang banta ng kalaban nating hindi nakikita. Noong unang pumasok ang COVID-19 sa bansa, nabatid ng lahat ang mga pag-iingat na dapat isagawa mula sa mga telebisyon, radyo at mga internet sites, ngunit tila hindi pa rin ito nasusunod ng karamihan na naging dahilan ng mas pinalakas na pwersa ng naturang sakit. Ilan sa mga ito ay ang madalas na paghuhugas ng kamay, wastong pagsusuot ng face mask, at pag-iwas sa mga social gatherings o mga pagtitipon ng maraming tao sa isang lugar. Para saan nga ba ang mga ito? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga health protocols? Ang COVID-19 ay naipapasa sa pam-

amagitan ng droplets ng laway na sumasama sa hangin na maaaring malanghap ng isang tao na magiging sanhi ng pagiging infected sa sakit. Ngunit hindi lamang ang COVID-19 ang maaaring maipasa dahil maaari ding maipasa ang iba pang mga air-borne diseases o ang mga sakit na sumasama sa hangin tulad na lamang ng influenza o trangkaso, lagnat, pertussis at iba pa. Ang tamang paraan ng pagsusuot ng face mask ay isang paraan upang masala ang hangin na papasok sa katawan ng isang tao. Kadalasan ay inilalagay lamang ito ng mga tao sa kanilang mga baba o hindi naman sa ilalim ng ilong na sadyang mali. Naipapasa rin ang ibang mga sakit sa pamamagitan ng paghawak sa mga kontaminadong bagay na kadalasan ay mga door knobs, telepono, o kahit anong bagay na madalas mahawakan ng iba't ibang tao. Kaya kinakailangan ng palagiang paghuhugas ng kamay at pag-

FACE MASK 101: ANG PAALALANG HATID

ang isa? Ang double-masking ay isang paraan ng pagsusuot ng face mask kung saan ang surgical mask ay nakapailalim sa isang cloth mask kapag ito ay isinuot. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Pebrero 10, ang pagsasagawa nito ay higit na nakapagpapataas ng proteksyon laban sa tinatawag na tiny viral particles ng virus. Sinasabing ang karaniwang ginagamit na surgical mask ay hindi maipagkakailang tunay na epektibo dahil sa polypropylene nitong gumagawa ng electric charge upang masala ang mga nasabing particles. Sa kabilang banda, ang benepisyong taglay nito ay maaaring mawala sa mga oras na hindi ito naisusuot nang maayos o kaya naman ay mali at maluwag ang pagkakalapat sa

mukha. Ang ganitong pangyayari ay naglalaan ng malaking pagkakataon para ang mga mikrobyo, contaminant, at ang particles ay makapasok — na makapagdudulot ng karamdaman o ang mismong COVID-19 virus, o kaya naman ay makatakas ang mga nabanggit. Kaya naman, ang paglalagay at pagdaragdag ng cloth mask o ang pagbubuhol at pagtupi ng face mask ay sinasabing labis na makatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng gaps o puwang sa pagkakasuot nito. Sino nga ba namang gugustuhing hindi makasigurado sa paraan ng kaniyang pag-iingat? Mula sa masinsinang pag-aaral ng mga mananaliksik, ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention,

MEDTOK: MAKABAGONG

TULAY SA MEDISINA Rachelle Astudillo

H

indi maikakaila na ang social media ay tunay ngang lumaganap at patuloy na lumalaganap sa kasalukuyang panahon. Saksi ang lahat ng mamamayang nakikinabang dito kabilang na ang mga Pilipino. Sa paglaon ng panahon, parte na rin ng paglaganap ang medisina. Ang mundo ay nasubok sa isang napakalaking hamon na higit na nakaaapekto sa kalusugan ng sambayanan, ang COVID-19. Dahil dito, lahat ng sistema sa mundo ay natigil sa gitna ng isang hindi inaasahang pandemya at karamihan

sa mga bagay na dati’y face to face ngayo’y nahalinhan na ng birtwal. Ang miyembro ng pamilya ay nasa kani-kanilang tahanan para hindi mahawaan ng kumakalat na sakit, at ang mamamayan ay umaasa sa kapangyarihan ng teknolohiya upang makakuha ng mahahalagang impormasyon ukol sa usaping medisina. Dito na papasok ang MedTok. Tunay nga bang makabago at nakatutulong ang MedTok sa mundong naipit sa gitna ng pandemya? Ang Medical Tiktok o mas kilala sa tawag na MedTok ay nagsimula sa isang malaking plataporma sa social media, ang Tiktok, na sadyang kinagigiliwan ng lahat. Bagama’t pinasimulan ito ng

ilang licensed doctors, nurses, at medical students sa mga karatig bansa ng Pilipinas, agad naman itong tinangkilik ng mga Pinoy at dito na rin umusbong ang paglaganap ng MedTok sa bansa. Maraming Pilipinong doktor, mapababae man o lalaki, ang ginagamit ang Tiktok bilang isang healthcare strategy upang maglahad ng kaalaman ukol sa usaping medisina. Isa na rito ang kilalang Filipina dermatologist at television personality na si Dra. Vicki Belo, kung saan nakasentro ang kaniyang mga videos sa tamang pag-aalaga sa balat ng tao. Itinatama rin niya sa ilang videos niya ang

t

iwas sa paghawak sa mga bagay kung hindi kinakailangan. Ang lahat ng social gatherings ay ipinagbawal simula nang dumating ang pandemya sapagkat mas lumalaki ang posibilidad na kumalat ang virus dahil sa dami ng tao na magsasama-sama sa iisang lugar, kaya pinapayuhan ang lahat na manatili lamang sa sari-sariling bahay. Kaya naman, ang mga health protocols ay nararapat na istriktong sundin at hindi ipagsawalang-bahala. Hindi ito ginawa para sa ikabubuti ng mga taong gumawa ng mga batas, kung hindi para sa iyong kapakanan at mga taong iyong nakasasalamuha -- ang iyong pamilya, kaibigan at mahal sa buhay. Ang pagmamahal sa sarili ay pagmamahal sa kapwa, kung kaya’t nararapat na pag-ibayuhin ang disiplina, pagsunod, at pagkakaisa. Ito ang susi sa ating kalayaan at kagalingan ng lahat. katuwang ang “simulated breathing” experiment, natuklasan nilang mula sa 42% kabisaang mahaharangan ang COVID particles gamit lamang ang surgical mask at 44% naman pagdating sa cloth mask, umangat ang proteksyong dala ng paggamit ng face mask kung ito ay gagawing double-masking sa 83%. Kung ang knotting at tucking naman ng mask ang pag-uusapan, nababawasan nito ang exposure ng indibidwal sa nakahahawang virus ng halos 65%. Sa huli, ang kagustuhang makapagpatuloy sa buhay sa kabila ng lahat ang siyang maglalayo sa atin mula sa kalabang hindi mahagip. Sa simpleng pagsusuot ng face mask, double-masking o tucked at knotted man sa kada dalawang tao, ang exposure sa virus ay natatabasan ng 95% kabawasan. Kaya naman, maging maalam at may pakialam nang sa gayon, hindi ikaw ang susunod na biktima ng walang-awang pandemya. mga maling kagawian at paniniwala ng mga Pilipino sa kanilang balat na siyang umaani ng milyong views. Marami na ring Pilipinong doktor ang sumikat at tinatangkilik ng milyong followers sa Tiktok dahil sa kanilang hindi matatawarang pagmamahal sa medisina. Masasabing kapani-paniwala at maaasahan ang mga impormasyong ibinabato ng mga doktor na ito dahil sa umpisa pa lamang ay ipinakilala na nila ang kanilang mga sarili bilang professional at licensed doctors. Kung susuriing mabuti, karamihan sa kanila ay nagbibigay ng mahahalagang medical advice na dati’y nalalaman lamang sa ospital o sa harap ng isang doktor. At ngayon, natatamo na ito sa harap lamang ng phone screen. Ilan naman sa mga Pilipinong nag-aaral pa sa kursong medisina ay naglalahad ng karanasan sa kanilang pag-aaral hanggang sa makatapos sila nito upang mabigyan din ng pahapyaw na kaalaman ang kabataang naghahangad na maging doktor o nars sa hinaharap. Tunay ngang nakamamangha ang propesyon at serbisyo ng mga kababayang Pilipino na ang hatid ay wasto at sapat na kaalaman sa publiko. Nakamamangha ring ginagamit ng ilang Pinoy ang teknolohiya at social media upang magpakalat ng maaasahan at mahahalagang impormasyon na siyang makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa bandang huli, bawat indibidwal ay may natatanging kakayahan upang maglahad ng sariling kaalaman na magdadala ng malaking pagbabago sa takbo ng lipunan. Hindi man ngayon, ngunit darating din ang araw na mailalahad ito sa mundo.

Nolisoli

@angparacletan

@angparacletan

angparacletan@gmail.com


11

ISPORTS

Larawan mula sa aming Zoom podcast kasama sina Andrei Alba (top-left), AC Manalad (top-right), kasama ang MPL Philippines mainstay casters na sina Mark Adrian Jison (“Butters”), at si Karl To (“Rockhart”). Screenshot na ibinahagi ni Clyde Pascual.

KWENTONG ESPORTS AT GAMING WITH BUTTERS AT ROCKHART CLYDE PASCUAL Sa pagsibol ng teknolohiyang ating ginagamit, kasabay rin nito ang pagyabong ng industriya ng Esports at gaming sa Pilipinas. Sa aking eksklusibong panayam sa Kuya’s Studios: No Holds Barred Podcast noong ika-5 ng Mayo, aking nakausap ang dalawa sa resident MPL Philippines shoutcasters na sina Mark Adrian Jison na mas kilala bilang si “Butters”, at si Karl To na kilala bilang si “Rockhart”. Akin ding nakasama ang aking mga kaibigan na sina Andrei Alba at Aeron Cedrick “AC” Manalad. Aming pinasadahan ang napakainit na mga pangyayari sa MPL Philippines-Season 7, kung saan sa paparating na playoffs ay nagbigay ng kanilang mga opinyon sa nagaganap na ikapitong season ng pinakamalaking liga ng Mobile Legends sa bansa. “Well looking at it, hindi ko naman idadown yung sinabi ni Manjean, and I do agree with it na ito na yung pinaka-

LUMILISANG PAG-ASA ▶mula sa pahina 12

sports writer na si Ariel Clarito, isa ang leadership conflicts sa mga National Sports Associations (NSAs) sa mga nakahahadlang sa pagsulong ng palakasan sa bansa. Kaysa sa atleta, saan nga ba mababaling ang atensyon ng mga namumuno sa NSAs kung gayon? Bukod dito, nakatahi na rin sa hibla ng isports ng bansa ang korupsiyon. Nakapagtataka pa rin nga ba ito? Magandang tingnan din ang mga pambansang liga ng bansa sa isports. Pagdating sa balibol, dalawang magkatunggaling liga ang nangunguna -ang Philippine Super Liga at Premier Volleyball League. Bagama’t maganda ito kung iisipin dahil nakapagbibigay ito ng mas maraming “oportunidad” sa mga volleyball players ng bansa, mas mababa ang competitiveness sa ganitong setup. Kaysa nagkakaharap ang pinakamagagaling na volleyball players kung isa lamang ang liga, napipigilan ng pagkakaroon ng dalawang liga ang ibayong pag-unlad pa ng mga manlalaro. Dagdag pa rito, sa Japan na kilala bilang powerhouse sa volleyball, isang liga -- ang V.League -- lamang ang namamayagpag. Sa kabuoan, iilan lamang ang kakulangan sa oportunidad, suliranin sa pamamahala ng NSAs, at setup ng liga sa mga problemang kinakaharap ng pagpapalakas ng palakasan sa bansa. Ang mga bagay na ito ang posibleng nagbibigay ng dahilan para sa magagaling na atletang Pilipino, gaya nina Jaja Santiago at Wesley So, na lisanin ang bansa at kalauna’y palitan ang citizenship upang umunlad bilang atleta. Marahil, mapauunlad ang kalagayan ng isports sa bansa sa pagkakaroon at pagsasagawa ng pangmatagalang programa sa isports nang mabigyan ng ibayong oportunidad ang mga atleta. Ang pagtatalaga ng mga mahuhusay at dedikadong opisyal ng NSAs ay maaaring makatulong din. Gawing mas kompetitibo rin ang mga liga sa pamamagitan ng pagbuwag sa mga nagtutunggaliang liga. Sa huli, walang magaling na atletang mag-iisip na magpalit ng pagkamamamayan kung maayos ang sistema ng isports sa bansa.

ANG PARACLETAN

mainit na season, and syempre pareho rin yung nasa isip ni Rockhart. But if you’re talking to me about the Finals, sure naman na hindi naman set yung pananaw ko doon, but if ibabase sa standings right now, then there’s possibly two things right now. Blacklist yung isa, and either Work (Auster Force) or Aura. ‘Yun ang sa tingin kong magkikita-kita.” ani Butters. Nagbahagi rin ng maikling kwento si Rockhart kung bakit exciting panoorin ang nasabing Esports league sa bansa. “May mga teams historically, way back from MPL Season 2, na Cignal Ultra, hindi naman sila lagi nasa top nung prediction. Lagi silang nasa gitna. Kaya tinawag silang Comeback Kings, dahil halos puro comeback yung panalo nila especially against Bren Esports na kaka-champion lang noong Season 1. From there, you can tell na hindi mo pwedeng i-expect yung mangyayari in the Finals, kaya nga sobrang exciting manood.” kwento niya. Nang amin ding sinilip ang Valorant, pati na rin ang nagaganap na Valorant Champions Tour (VCT) 2021, naitanong din ni Andrei kay Rockhart kung ano ang opinyon niya sa bagong map na inilabas ng Riot Games. Biniro niya na sa sobrang laki ng naturang mapa, pwede nang mag-field trip ang mga manlalaro.

“So yung mapang ‘yon, napakalaki. Jusko, literal [na] pwede kang mag-field trip sa mapang ‘yan, and it’s going to favor a lot for the operator players. Kasi for a majority of maps sa Valorant, pag nag-op ka medyo eguls [lugi]. Sa Breeze, pwede kang mag-op for both Attackers and Defenders, and that shouldn’t be a problem dahil napakalaki niya.” ani Rockhart. Sa industriya ng gaming at Esports, hindi maikakaila na napakaraming buhay ang nagbago dahil sa tagumpay na kanilang nakamit. Isang halimbawa na rito ang pagkapanalo ng Bren Esports sa nakaraang M2 World Championship, kung saan ay nagkamit sila ng malaking bahagi ng prize pool na nagkakahalaga ng $300,000 (PHP 14 Million). Itinanghal na Finals MVP sa seryeng iyon si Karl Gabriel Nepomuceno, mas kilala bilang si KarlTzy, na nakapag-uwi rin ng $3,000 (PHP 150,000). Ang panalong ito ng Bren sa buong mundo ang mas nagpatatag sa pundasyon ng lumalaking industriya ng Esports at gaming, sa kabila ng mga alinlangan ng matatanda at kulturang namamayagpag na sagabal sa pag-aaral ang paglalaro ng video games. Nang aking itinanong ang pananaw nila Andrei, AC, Butters, at Rockhart ukol dito at sa lumalaking mundo ng gaming at Esports tungkol sa pagbabago noon at

SOTTO, LALAHOK SA NBL;

PAGLARO SA GILAS, SINIGURADO Celvin Caluscusin SASABAK sa kakaibang ruta ang Filipino Prodigy na si Kai Sotto matapos makibahagi at makipagkontrata sa Adelaide 36ers ng National Basketball League na sa kasalukuya’y nagaganap sa Australia. Hindi man pinasok ang daang patungo sa G-League ng National Basketball Association, panibagong simula naman ang nakitang oportunidad ng 7-footer upang ihanda ang kaniyang sarili para sa pagpaplanong pagkubra ng puwesto sa NBA.

Sabik nang makasama ng 36ers

ang 18-anyos na manlalaro matapos pirmahan ang multi-year deal na napag-usapan ng parehong panig. Nais hasain ni Kai ang kaniyang talento at angking-galing sa pagsabak niya sa liga ng Australia na dati rin namang nilahokan ng first-round pick sa NBA 2020 draft na sina Lamelo Ball at R.J. Hampton. “Mixed emotions ito lahat para sa akin. Sobrang excited na masaya na kinakabahan. But I promise to continue developing and improving to stay ready for the challenges ahead,” ani Sotto sa SMART press conference. Malugod namang sinalubong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 36ers Forward/Center matapos mapagdesisyunan ang pagsabak muli ni Sotto sa Olympics kasama pa rin ang Gilas Pilipinas. “Kai has the passion to play for Gilas. Without being able to give specifics, we’re all working towards the final dates, the final decisions, but they haven’t been made so there’s nobody that can give you those,” sabi ni SBP program Director Tab Baldwin. Numero 11 pa rin ang dadalhin at susuotin ni Kai sa NBL na ginamit din niya sa G-League Ignite noong nakalipas na pag-eensayo. Inaasahan namang maganap ang FIBA Asia Cup Qualifiers mula Hunyo 16 hanggang 20 ngayong taon sa Clark, Pampanga samantalang gaganapin naman ang FIBA Olympic Qualifying tournament mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

ngayon, ipinunto rin nila na malaki na ang pinagbago nito at sobrang magkaiba ang mainstream media noon at ngayon. “Actually, the thing about it is, iba yung mainstream entertainment before. Dati, it was movies lang and basketball. The introduction of a different kind of media, talagang naging mahirap i-accept for a long time. ‘Di ba sasabihin nila, ‘di naman ano ‘yan eh, mag-basketball ka na lang. I also think it’s a good thing gaming has also found its own niche, and wala pa ngang masyado na veteran na nag-retire na Esports player. Ang alam ko na pinakamatanda coming from ExPro is like 30 to 40. From there you can really tell na nagsisimula pa lang.” wika ni Rockhart.

2016 casting was not seen ng mga tao, pati sina Ronald Robins (CEO ng Mineski Global) at Marlon Marcelo (Deputy Director ng Philippine Esports Organization o PEsO), nagtiwala lang sila. Wala naman nakalagay na magiging successful ito. Nagtiwala lang sila sa proseso and they made it big. And right now, ang dami nang ways to monetize stuff. Knowing na ito yung mga bagay na kaya na naming gawin ngayon, I think it has come a long way and it’s something na nakita namin na nag-unfold sa harapan namin, and hindi na namin mabilang yung changes, kung gaano kadami ‘yung umalis at dumagdag, sino yung nag-stay at umalis. And thankful lang kami dahil may lugar sa amin dito.” kwento ni Butters.

“Para naman sa akin, ang difference ng gaming noon, like seeing how it unfolded sa harapan ko, you would think about it like dati, dadamputin mo ‘yung laro, maglalaro ka ng dalawang oras, ipapapatay sa ‘yo... Pagkatapos ipapapatay sa’yo, kailangan mo ulit maghintay ng next weekend. ‘Yun ‘yung patakaran namin dati sa magulang namin. Ngayon, seeing how ‘yung industry leaders and even us na nagtiwala sa proseso, na pati yung

Isang karangalan ang makasama ang mga kasangga sa mundo ng shoutcasting at Esports, kasama sina Andrei at AC. Mapapanood ang aking eksklusibong panayam kina Butters at Rockhart sa opisyal na Facebook page ng Kuya’s Studios (facebook.com/KuyaStudiosPH) at mapapanood ang mga nakaraang mga episodes on-demand sa YouTube Channel ng Kuya’s Studios (bit.ly/KuyaStudiosYT).

KWENTONG KUYA:

KWENTUHAN WITH THE DEAN ▶mula sa pahina 12

media ang pagkonsidera kay Lillard na ikonsidera na tanghaling Season MVP. “As MVP, I think you have to consider him as a candidate. Super player si Damian. Ako, I’m a firm believer, in any team whether in PBA or NBA, one player will not make the team. So kailangan din ni Damian (Lillard) na may CJ McCollum.” ani Henson. Nakilala si Damian Lillard sa kanyang signature move na Dame Time, kung saan nakakapasok siya ng mga game-winning shots, at dahil rin dito, mas lalo siyang nakilala nang patalsikin sa Game 5 sa first round ng 2019 NBA Playoffs ang Oklahoma City Thunder sa isang 80-feet shot (halfcourt). Sa PBA naman, amin ding pinag-usapan ang kontrobersyal na San Miguel-Terrafirma Dyip trade na inaprubahan ng PBA trade committee, kung saan involved ang franchise player ng Dyip na si CJ Perez, at tatlong players ng San Miguel na sina Matt Ganuelas-Rosser, Gelo Alolino, at Russel Escoto, kasama ang mga draft picks na nagpagalit sa maraming local basketball fans na kung saan sinasabing magkakaroon ng imbalance sa liga na magreresulta sa superteam, kung saan biro pa ng ilang netizens, San Miguel Beermen na ang bubuo sa Gilas. Nang aking tinanong si Ginoong Quinito tungkol sa usapin na ito, kanyang inilahad na tinawagan niya ang PBA commissioner (Willie Marcial), at sinabing pag-isipan nila itong dapat mabuti dahil blockbuster ang nasabing trade. “Sabi ko, pag-isipan ninyong mabuti ito, dahil starter ‘yan. Either Arwind Santos or Alex Cabagnot ang dapat niyong isama sa trade. Wala naman akong influence sa PBA, pero bilang ako’y isang kaibigan at isang fan, so ayun ang sinabi ko. Pero meron din silang dahilan eh. Kasi binanggit ko rin ‘yan sa Terrafirma Governor Rosales. Sabi niya, “Hindi namin kukunin sina Arwind at Alex. Bakit? Tingnan mo ang edad nila, we’re rebuilding. We’re getting youngblood.” So ang sabi ng Terrafirma, giving up CJ (Perez) is so very painful, kasi star ‘yan.” dagdag niya. Kung pakaiisipin mula sa perspektibo ng isang fan ng basketball, tamang isipin na hindi patas na ipagpalit ang tatlong players para lamang sa isang franchise player. Dahil ang mga starters ng San Miguel Beermen at si CJ Perez ay pawang nakalaro na sa Gilas Pilipinas kahit isang beses. Amin ding pinasadahan ang usapin sa paparating na 2020+1 Tokyo Olympiad, kung saan aming tinalakay ang mga atletang Pinoy na pasok na sa Olympics, at iba pang posibleng makapasok sa pinakamalaking kompetisyon sa buong mundo. Ayon kay Henson, mataas ang pag-asa niya na makakapasok

ang Philippine delegation ng around 15-20 na Olympians. Sa kasalukuyan, pitong atleta na ang pasok sa Tokyo Games. Ito ay sina EJ Obiena (pole vault), Hidilyn Diaz (weightlifting), Carlo Paalam, Irish Magno, Nesthy Petecio, at Eumir Marcial para sa boxing, at ang Gymnastics World Champion na si Carlos Yulo. “Actually, marami pang nasa waiting line. For instance, sa golf, malamang papasok diyan si Yuka Saso at si Bianca Pagdanganan. Sa karate naman, I have very high hopes na sina Junna Tsukii at si Jamie Lim (anak ni Samboy Lim), makapasok rin. For other sports, siguro from cycling, si Danny Caluag, nakausap ko siya, magkakaroon daw ng 2 weekend world championship that will serve as a olympic qualifier. So ang possibility na pwedeng pumasok from the Philippine delegation is around 15-20. So fingers crossed tayo doon,” wika ni Henson matapos kong tanungin kung sinu-sino pa ang mga nakaabang na makapasok sa Olympiad through qualifiers. Sa huli, inalala rin namin ang makasaysayang semifinals showdown ng Gilas Pilipinas kontra South Korea sa 2013 FIBA Asia Championships sa loob ng Mall of Asia Arena. Si Henson, kasama si Magoo Marjon ang naging analyst at play-by-play commentators (ayon sa pagkakasunod) sa laro na iyon para sa coverage ng TV5. Nang aking inalam ang kanyang pakiramdam at opinyon sa pagkabasag ng sumpa ng Korea noong gabing iyon, winika niya na grabe ang emosyon ng mga tao sa loob ng MOA Arena, at pinatunayan lamang ito na kayang makabalik ang Pilipinas sa mga pinakamagagaling sa Asya. “Oo, very emotional, maraming nag-iyakan nun. Tsaka nakita natin yung opening of a new chapter for Philippine basketball. And it gave us hope na makakabalik tayo as an Asian powerhouse once more, at ‘yun ang pangarap natin. You know, I’m hoping that we go back to being number one. We can beat China, of course. Ang problema ngayon, sa setting ng FIBA ngayon na Asia Cup, kasama na ang Australia at New Zealand. It’s impossible to get the championship, but we can finish at least on the podium. That’s something to aspire for,” dagdag pa ni The Dean. Malaki ang naiambag ni Ginoong Quinito Henson sa mundo ng sports journalism noon pa man, at tunay na isang karangalan na makasama siya para sa isang podcast at ako’y nagpapasalamat sa kanyang pagpapaunlak sa imbitasyon para mapag-usapan ang mundo ng Philippine sports. Para mapanood ang aking eksklusibong panayam kay “The Dean”, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng Kuya’s Studios (facebook.com/ KuyaStudiosPH) at mapapanood ang aming nakaraang episodes sa YouTube Channel (bit. ly/KuyaStudiosYT).


12

AGOSTO 2020 - HUNYO 2021

ISPORTS

BASKETBALL CLUBS, HINDI NAGPATINAG SA ODL

Aaron Acosta PAMPALAKASAN, sa gitna ng pandemyang pinagdadaanan. Patuloy ang takbo ng basketball clubs sa kabila ng “new normal” na Online Distance Learning (ODL) bilang paraan ng pagpapanatili sa pisikal na kalagayan ng HSAians. Sa ilalim ng pamumuno ni G. Danilo Reyes, MAPEH Subject Area Supervisor at club moderator, patuloy na nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na enthusiast ng basketbol kasabay ng paghubog sa kanilang aspetong pisikal. Video demonstration ang ginamit na paraan ni G. Reyes upang maipakita ang iba’t ibang bas-

ketball drills na kailangan at makatutulong sa 38 mag-aaral (13 mula sa Baitang 4 hanggang 6, 12 mula sa Baitang 7 at 8, 13 mula sa Baitang 9 at 10) na miyembro ng club. Naging pokus ng bawat club meeting ang pagsasanay sa ball control o ball handling. Ayon sa G. Reyes, mahirap alisin ang presensya ng isports sa ating sitwasyon ngayon lalo na't lakas ang kailangan ng ating mga katawan sa ganitong panahon.

Isa na rin sa mga pangunahing layunin ngayon ni Sir Reyes ay ang paniniguradong epektibo para sa lahat ng mag-aaral ang mga serbisyong hatid ng club na ito. "Maybe if I will assess the effectiveness of our program based on our objectives, it is at 100%. I will give my 100% energy, effort, and time as well to teach them even if we're at home."

"It is important especially in this time of pandemic. This kind of act can somehow help them to improve their skills in their favorite sports and at the same time, improve their body strength, endurance, balance, and coordination, as well as concentration and self-discipline."

dibuho ni: Reah Gaspar

EDITORYAL

NBA

Clarkson, nananabik na muling isuot ang Gilas Jersey Aaron Acosta TATLONG taong lumipas, ngunit katapatan ay ‘di kumukupas. Dumaan na ang tatlong taon mula nang huling magsilbi ang Fil-Am NBA star na si Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas, at ngayo’y muli niyang pinatutunayan na hindi pa niya kayang iwanan ang kanyang nasimulan. Tunay na nananalaytay ang dugong Pilipino sa 28-anyos na si Clarkson matapos ipahayag ang kanyang pinaplanong muling maglaro para sa Gilas Pilipinas.

LUMILISANG PAG-ASA Turvey Catindig WALANG problema sa kalidad ng atleta sa bansa; sistema ang problema. Naging usap-usapan na naman ang maling pagpapatakbo ng isports sa bansa matapos lumabas ang balita hinggil sa volleyball superstar na si Jaja Santiago nitong Abril. Ito ay matapos siyang alukin sa Japan ng pagpapabago ng kanyang citizenship ayon sa panayam sa kanya ni Anton Roxas sa Volleyball DNA.

Kung hindi sasalungatin ng kanyang schedule, tatanggapin ni Clarkson ang pagkakataon na ito upang makapaghanda para sa muling pakikipagtambalan kasama ang Gilas.

Hindi maikakailang maraming international volleyball federation ang nahahalina sa angking galing ni Santiago. Sa katunayan, gumawa siya ng kasaysayan noong Marso matapos niyang makamit ang kampeonato sa V.League (Japanese Volleyball League) bilang import ng Saitama Ageo Medics. Para kay Santiago, hati pa ang kanyang desisyon sa binigay na offer. Ipinahayag man ng volleyball superstar na hangad niyang matulungan ang larangan ng balibol sa bansa, hindi niya itinanggi na maaari niyang tanggapin ang pagpapalit ng citizenship. "Well, may dream akong maglaro sa Olympics," aniya. Power-

house ang team ng Japan pagdating sa women’s volleyball. Pampito ito sa FIVB rankings at nakasungkit ito ng bronze sa 2012 London Olympics -mga bagay na malabo pang makamit ng volleyball team ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, nasa ika-119 puwesto ang bansa sa nabanggit na rankings. Repleksyon ng pahayag na ito ni Santiago ang matagal ng suliranin ng bansa sa isports. May mga Pilipinong atleta na ang tinalikuran ang pagiging Pilipino sa papel dulot ng balikong sistema. Isa na nga riyan si Wesley So, isang top chess player na ngayon sa buong mundo. Nilisan niya ang bansa at naging US citizen dahil sa kawalan ng oportunidad na umun-

lad bilang atleta sa bansa. Mula rito, balikan si Santiago, pag-iisipan nga ba niyang tanggapin ang citizenship offer ng Japan kung may sapat siyang oportunidad bilang Pilipino na makapaglaro sa Olympics?

Isang parte lamang ito ng istorya. ‘Di kagaya ng chess, mas sikat at malapit sa mga Pilipino ang balibol. Gayunpaman, ang pag-angat ng popularidad ng isport na ito sa bansa ay hindi kasimbilis ng pag-unlad nito. Hindi nagkulang ang kakayahan ng mga atleta ng bayan para dito. Maikakabit ang mabagal na pag-unlad ng volleyball, maging ng isports sa bansa sa mga problema pagdating sa pamumuno ng mga lokal na pederasyon at komisyon ng isports. Ayon nga sa ▶pahina 11

“Yeah, that’s definitely something I want to do. Hopefully, everything lines up and I’m free that time,” ani Clarkson. “ And that moment, I’ll put that Gilas jersey back on and go win us something,” dagdag pa niya. Sa kabila ng planong ito, nahaharap pa rin ang suliranin sa FIBA-sanctioned events na kung saan mas mahigpit ang mga patakaran para sa mga pangkat na may foreign blood players na tulad na lamang ni Clarkson. Sa ngayon, inaaksyunan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang paglutas sa problemang ito upang sa dulo ay masigurado ang paglalaro ni Clarkson bilang isang lokal na manlalaro para sa Gilas. Larawan mula sa aming Zoom podcast via Facebook kasama si Robert Joseph Bernardo at ang award-winning sports journalist at FIBA commentator, Quinito Henson. Screenshot ni Clyde Pascual

Sa kabuuan, ang pagganap ng 6-foot4 shooting guard na si Clarkson bilang manlalaro ng Utah Jazz, uma-average ito ng kapansin-pansin na 17.5 puntos, 4.0 rebounds, at 2.3 assists. Kahit maganda ang pagganap ni Clarkson sa NBA, mahirap kalimutan para sa kanya ang suportang inilalahad ng kanyang Filipino fan base, kaya naman ginaganahan itong maglaro muli sa ngalan ng kanyang lahi. “I feel it all the time. I always see the flag, puso, everything. Just love and support every time I check my phone, it’s amazing,” ani Clarkson. “One year, I had a bunch of All-Star votes for me. Hopefully next year, I put on another great campaign, and you guys vote me in the All-Star Game if I play at that level,” aniya.

ANG PARACLETAN

KWENTUHAN WITH ‘THE DEAN’ Clyde Pascual BAGAMA’T natigil nang sandali ang buhay ng mga atleta sa mundo ng pampalakasan, hindi naman nawala sa kanila ang alab ng pusong makapagbigay muli ng kasiyahan para sa

sports fans. Kung kaya’t nang aking nakasama sa aking Kuya’s Studios: No Holds Barred Podcast ang aking kaibigang si Robert Joseph Bernardo kasama ang award-winning journalist at FIBA commentator na si Ginoong Quinito Henson noong ika-5 ng Pebrero taong 2021, aming

pinag-usapan ang mga bagay at balita na pumapalibot sa mundo ng basketball at Philippine Sports. Sa mundo ng basketball, aming napag-usapan ang balitaan sa mundo ng NBA, na kung saan ay naging mainit ang usapan ang pagiging

@angparacletan

@angparacletan

MVP candidate ni Damian Lillard na nakapasok ng game-winning three pointer upang maibigay ang panalo sa Blazers, 123-122, na may 44 points kasama ang walong shots from the rainbow territory. Dahil dito, naging usap-usapan sa mundo ng social... ▶pahina 11

angparacletan@gmail.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.