Opisyal na Pahayagan ng Holy Spirit Academy of Malolos Tomo 29 Blg. 2

Page 1

BAGONG GAWI. Ilang trainees ng Philippine National Police (PNP) ang nagsasagawa ng social distancing sa ginanap na simulation exercise para sa “new normal,” na pinangunahan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at PNP sa Recto Station ng LRT-2 noong Mayo 26, 2020. Larawang mula kay Rex Remitio/CNN Philippines

TOMO XXIX BLG. II ENERO - HUNYO 2020

NEW NORMAL:

Hamon sa Pamahalaan MARIELLE CASTRO

ry safety measures pampublikong lugar.

PINAGHAHANDAAN na ng pamahalaan ang paglalatag ng mga bagong polisiya hinggil sa ‘new normal’ dahil pa rin sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak sa bansa.

Naglabas na rin ng pahayag ang ilang Government agencies sa mga nakabinbing plano nito.

Inihain ni Speaker Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte ang House Bill (HB) No. 6623 o ang “The New Normal for the Workplace and Public Spaces Act of 2020,” noong Abril 28.

sa

mga

Pinaalalahanan ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Artemio Tuazon Jr., ang lahat ng Public Utility Vehicles (PUV) drivers na sumunod sa safety protocols. Kabilang dito ang pagpapanatili ng social distancing sa loob ng mga pampub-

Balik-operasyon sa Sektor ng Transportasyon

likong transportasyon, pagsailalim sa disinfection kada pasada, at pagsunod sa “no face mask, no travel” policy. Pinag-aaralan na rin ang pagkakaroon ng automatic collection fare system upang maiwasan ang physical contact sa mga pasahero. Sa kabilang banda, papayagan lamang makabiyahe ang private vehicle owners na may essential travels na hango sa pagpapakahulugan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pagbabago sa sistema ng Edukasyon

Sa ilalim nito, mas mapaiigting ang pagpapatupad ng universal and mandato-

Isa sa tinitignang solusyon ng Department of Education (DepEd) ay ang paggamit ng Electronic Books (E-Books) na maaaring. ma-access sa website... pahina 3

Dream Big

Rufino, kuwalipikado sa Oxbridge Program NEO NIMROD CASTILLO

LARAWANG MULA KAY LIA RUFINO

SILAKBO NG HUKBO

sundan sa pahina 9

NAPABILANG si Lia Martina Rufino, Senior High School (SHS) student mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM), sa mapapalad na tatanggap ng 2019 Oxbridge

Academic Programs Scholarship sa University of Oxford, England noong Pebrero 20. Nakamit ni Rufino ang Exceptional Merit Scholarship para sa kursong

Major in Social Psychology Minor in Creative Writing. Ayon sa kanya, ang oportunidad na ito ay ang kapalit ng kaniyang pagsusumikap at ang katuparan ng kaniyang mga pangarap.

Jimenez, nanguna PAFP Diplomate Board Exam NEO NIMROD CASTILLO NAKAMIT ni Dra. Cheenee Carla Jimenez, MD, DFM, alumna ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) Batch 2006, ang unang puwesto sa nagdaang Philippine Academy of Family Physicians (PAFP) Diplomate Board Examination 2019. Sa tulong ng residency training program, dumaan siya sa puspusang paghahanda lalo pa at malaking hamon para sa kaniya ang pagnanais na magtamo ng pinakamataas na grado sa naturang pagsusulit. "My mindset that time was not only to pass the exam but to be the topnotcher. I always tell myself not to settle for mere passing the board examination... pahina 2

“It gives me a sense of fulfillment, para po bang lahat ng pinaghirapan ko not only the past year but also the past few years is leading up to getting to this opportunity. Sobrang important din po niya kasi it’s always been my dream to travel and to go... pahina 3

PAGLATAG NG PLANO. Si DepEd Secretary Leonor Briones ay nagtatalakay patungkol sa magiging aksyon ng kagawaran sa parating na bagong taong panuguruan, sa naganap na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kasama si Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 28, 2020 sa Malacañang. Larawang mula kay G. Ace Morandante/Manila Bulletin

School Calendar and Activities for School Year 2020-2021

DepEd Order No. 007 series of 2020, isinapubliko MARIELLE CASTRO INILABAS na ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Order No. 007 series of 2020 o ang “School

Calendar and Activities for School Year 2020-2021” matapos itong maaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Binubuo ito ng 203 na araw

na nakatakdang magsimula sa darating na Agosto 24 na magtatapos naman sa Abril 30... pahina 3

LARAWANG MULA KAY CHARINA JIMENEZ


2

ENERO - HUNYO 2020

BALITA

Congressional Inquiry DOH, sumailalim sa pagsusuri KIANNE VALENCIA

wikipedia.com

First Filipino Cardinal-Bishop

Cardinal Tagle, haharap sa mas mabigat na gampanin ALLIYAH VIOLAGO

“THIS is unexpected, but in faith and in trusting the Lord, the Holy Father, we said: Yes. I know I’m not alone. You are with us in prayer, in communion and in service of the church,” ani Cardinal Luis Antonio Tagle. Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle, dating Arsobispo ng Maynila na kasalukuyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, bilang kaunaunahang Asyanong Cardinal-Bishop, noong Mayo 1. Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ito ang pinakamataas na posisyon sa College of Cardinals ng Simbahang Katolika. Kaugnay nito, inaasahang isa sa magiging gampanin niya ay ang pagiging close-in consultor ng Santo Papa, kasama ng iba pang Cardinal-Bishops sa Vatican City, bukod pa sa tatlong nabibilang sa Eastern Rite ng Simbahan. Samantala, agad na nagpaabot ng pagbati ang Malacañang para sa karangalang ibinigay niya sa bansa. “The achievement of Your Eminence is the achievement of the Filipino people. Thank you for this honor and congratulations,” ani Presidential spokesperson Harry Roque. Gayundin, inihayag ni Rodel Gabriel Lucas, miyembro ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) Campus Ministry, ang kaniyang pagkagalak lalo pa at kumpiyansa siya sa kakayahan ni Cardinal-Bishop Tagle na kinakikitaan din niya ng malasakit sa kapwa. “Naniniwala akong likas sa mga Pilipino ang mga ugali na ito, at kailangang kailangan ito ng Simbahan, lalo na ngayon. Kailangan na makita ng tao na kasama nila ang Diyos sa mga problema nila, at makakapitan nila Siya. Masaya ako, dahil alam kong gagawin ng Kardinal yun,” ani Lucas. Panawagan ni Father Greg Gaston, rector of the Pontificio Co- llegio Filippino, sa mga Pilipino, patuloy na ipagdasal si Cardinal-Bishop Tagle sa pagganap niya sa kaniyang mga tungkulin.

HUMARAP sa Kongreso ang mga opisyal ng Department of Health (DOH), mga kinatawan ng Union of Local Authorities of the Philippines, health panel na pinamumunuan ni fourth district Rep. Angelina Tan, at ang committee on public accounts, upang simulan ang pagdinig sa House Resolution (HR) No. 686 o ang nakatakdang pagsisiyasat sa alokasyon ng pondo ng DOH sa mga programang isinasagawa sa mga pribado at pampublikong ospital sa bansa. Matatandaang inihain ni Anakalusugan Party-List Rep. Mike Defensor na siya ring vice chairman of the Committee on Health, ang nasabing resolusyon noong Pebrero 3. Sa ilalim nito, binigyang pansin ang The “inefficiencies and inequities” of the country’s health care delivery system, pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization (WHO) hinggil sa estado ng serbisyong medikal sa bansa taong 2016 kung saan nasa 90, 308 nurses, 40, 775 doctors, 43, 044 midwives, at 265 medical technologists ang nabibilang sa healthcare sector. Ayon kay Defensor na sinipi sa pag-aaral, “The fragmented nature of health financing, devolved structure of service delivery, and mixed public-private health system pose immense challengers to correcting the inefficiencies and monitoring the performance of the Philippine health sector.”

Iginiit din niya na tinatayang nasa 1.5 hanggang 2 milyong halaga ang pondong hindi nagamit sa nakaraang administrasyon na nakalaan sana sa pagpapatayo ng health center sa mga barangay, dahil sa kakulangan sa kagamitan at medical workers. Ayon kay Maria Hosena, nurse, isinasaalang-alang ng hakbang na ito ang pangangailangan at karapatan ng publiko sa serbisyong medikal lalo na sa panahon ng pandemya. “Ang pondong ipinambibili ng gobyero sa mga kagamitan at gamot ay malaking tulong sa mga pampublikong ospital upang mapunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang mga pasyente. Nakatutulong din ang mga pinansyal na suporta mula sa mga pondo sapagkat hindi maikakailang mahal ang pagpapagamot at hindi ito kaya ng ilan nating kababayan. Sa pagsisiyat na gagawin, malaki ang tulong nito upang masiguro na ang pondo ay magagamit sa serbisyong medikal. Sa panahon ngayon ng paglaganap ng COVID-19, maraming Pilipino ang nangangailangan ng suporta sa medikal mula sa gobyerno. Kung ang pondo ay magagamit sa dapat nitong paglagyan, maiiwasan ang pagkakaroon ng kakula- ngan sa kagamitan upang malutas ang pandemic at mababawasan ang bilang ng mga apektadong pasyente,” ani Hosena. Inaasahang sa tulong ng congressional inquiry, mas mabilis na makagagawa ng mga hakbang sa pagpapabuti sa sistema ng DOH.

Learn to Inspire Balasico, nangarap noon, huwaran ngayon MARIELLE CASTRO “BEING a performer and a piano teacher at the same time may not have made me financially rich but the fulfillment and happiness that my music brings is matchless.” Kasalukuyang nanunungkulan bilang Associate Professor sa University of the Philippines (UP) Diliman College of Music si Gng. Pia Margarita Diño Balasico, alumna ng Immaculata Academy of Malolos (IAM) Batch 1984. Nagtapos siya bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Music Degree Major in Piano, taong 1989 at Master of Music Degree Major in Piano, taong 1997 sa UP Diliman. Ayon kay Gng. Balasico, bata pa lamang, kinakitaan na siya ng interes sa pagtugtog. “Ever since I learned to play the piano when I was 5yrs old, I felt already that piano performance would be

my career in the future. I enjoyed practicing the piano everyday after class. Performing before an audience motivated me to keep improving my craft,” aniya. Bukod pa rito, nakatulong ang mga karanasan niya sa IAM sa paghubog sa kaniyang natatanging kakayahan. “IAM played a very big role in the development of my musical talent. Two of my first teachers were Holy Spirit Sisters. They were Sis. Cecilde & Sis Stella who before she died introduced me to the Chairman of the Department of Piano in UP College of Music, Prof. Regalado Jose , who became my mentor since then until my Master's Degree in piano. My exposure in accompanying the Lupang Hinirang & Alma Mater Song every morning during the flag ceremony and several solo performances I rendered during musical programs & recitals helped a lot in developing my confidence in performing.”

TALAS NG ISIP. Si Bill Saret at Geraldine Uganiza ay nagsasagot ng mga katanungan tungkol sa larangan ng chemistry sa naganap na science competition na La Chimie sa University of the Philippines - Manila noong Pebrero 8, 2020. Larawang mula sa Facebook page ng UP Biochemistry Society

Young Scientists

La Chimie: Hasaan ng Kasanayang Pang-agham ALLIYAH VIOLAGO SA kauna-unahang pagsabak ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) sa La Chimie, naiuwi nina Frances Reyes, Jorel Villadarez, at Erycka Apanay (Team B), Senior High School (SHS) students, ang ikaapat na gantimpala sa pagtatapos ng Biochemistry (BioChem) Week na may temang Zipzalabim: unzipping the potential of the genome, noong Pebrero 8 sa University of the Philippines (UP) Manila. Isa itong patimpalak na taunang isinasagawa sa pangangasiwa ng University of the Philippines Biochemistry Society (UPBCS) upang sukatin ang kaalaman ng mga magaaral sa mga paksang nakapaloob sa Chemistry. Sumailalim ang mga kalahok sa 100-item individual quiz na sinundan ng pangkatang tagisan ng talino.

Bigo mang mapabilang sa

Payo niya sa kabataang may angking galing sa musika na patuloy linangin ang kanilang pagmamahal sa larangang ito. “To the young students who have musical talents, I urge you to keep developing those talents and find joy and fulfillment in performing.” Kaugnay nito, naging bahagi na rin ng bawat taong pampaaralan ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) ang pagbubukas ng piano class sa pangangasiwa ni Bb. Milagros M a nicad.

LARAWANG MULA KAY GNG. PIA MARGARITA DIÑO BALASICO

Dare to Lead

Leadership Academy: Believe in your people and invest in them KIANNE VALENCIA

LARAWANG MULA KAY BB. DELA CRUZ

“IT is truly one of the most significant seminars I attended because contrary to what is typically offered like improvement of instruction and trends in education, I enjoyed how it tackled the basics of leadership. Yes, basic but often looked over. It is necessary that while a school keeps in improving facilities and pedagogies, it must give more or equal importance to how it empowers each member of the team because a great relationship in the workplace results to a better performance that encompasses other things. Leadership is very important because it could affect the entirety of the school per-

formance,” ani Bb. Agos Dela Cruz. Dinaluhan nina Bb. Dela Cruz, Science Coordinator, at Gng. Imelda Morales, Formation Coordinator, mga kinatawan ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM), kasama ng iba pang tagapangasiwa ng mga pribadong paaralan sa Luzon at National Capital Region (NCR), ang Leadership Academy Seminar na may temang “People, not facilities are our best investment and our best returns,” at “Believe in your people and invest in them,” noong Enero 30-31 sa Diamond Hotel sa Lungsod ng Maynila. Ayon kay Gng. Rhodora Fernandez, Executive Director of Private Educa-

Top 8 sina Jalen Galvez, Bill Saret, at Geraldine Uganiza (Team A), SHS students, natatanging dedikasyon ang kanilang ipinamalas. Ayon kay Apanay, ang karanasang ito ang nag-udyok sa kaniya upang patuloy na magsumikap. “The entire experience was nerve-wracking and inspiring, kasi po yung skill and talent nung other competitors – it pushed us to do better. Overall, it was a good event in our lives and if given the chance I would like to take part again and I'll prepare even more para next time we'll give more glory and honor to our school,” aniya. Puspusang paghahanda ang isinagawa ng mga kalahok, sa tulong nina Gng. Catherine Galvez at G. Cedrick Ngo, mga gurong tagapagsanay. Inaasahang maipagpapatuloy pa sa mga susunod na taong pampaaralan ang nasimulang tagumpay ng mga kinatawan ng paaralan.

Jimenez, nanguna PAFP Diplomate Board Exam mula sa pahina 1

…so I trained my mind to do whatever it takes to get what I want," aniya. Dahil sa kaniyang natatanging talino, husay at sipag, pinarangalan siya ng Gawad Guintong Halaman, sa pangunguna ni Guiguinto, Bulacan Mayor Ambrosio “Boy” Cruz, noong Pebrero 5. Payo niya sa mga magaaral na naghahangad pumasok sa parehong larangan, malinaw na hangarin, kaa- gapay sa pangarap, at dedikasyon ang kinakailangan upang malagpasan ang anumang pagsubok na kalakip nito. "Tanungin ang sarili kung bakit nais mong maging isang doktor. Ang sagot doon ang tutulong sa iyo na malampasan ang lahat. Make sure that you have a support system because when the time comes that you don't believe in yourself anymore, they will. Walang madali at walang shortcuts dahil mahirap. Pero, kakayanin lahat basta malakas ang loob mo,” ani Jimenez. tion Assistance Committee (PEAC), layon nitong magsagawa ng training programs upang maibahagi ang mga pamamaraan tungo sa mas epektibong pamumuno at mahikayat ang bawat isa na ipagpatuloy ang pagpapabuti sa kalidad ng kani-kanilang institusyon. Pinangunahan ni Gng. Belinda Charles, punong-guro sa loob ng 25 taon sa Singapore, ang nasabing pagtitipon na kinapalooban ng tatlong paksa, ang The Ethical Leader na patungkol sa team learning, mental models, at systems thinking, The Visionary Leader na nakatuon sa pagkakaroon ng growth mindset, at The Organization Leader na sumasalamin sa effective communication, building a team, at leadership theories. Giit niya, ang mabuting pamumuno ay nasusukat sa pagpapahalaga sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa at sa pagkakaroon nila ng pagkakataong matuto.


3

BALITA

Balitang Dagli rappler.com

Tunay na Tungkulin

Student publications, tutol sa ABS-CBN shutdown VANESSA NORIKO YAP NAKIISA ang campus journalists sa Lungsod ng Malolos, Bulacan sa pagkondena sa pagpapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa operasyon ng Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN) noong Mayo 5 matapos mawalan ng bisa ang prangkisa nito noong Mayo 4.

Sa inilabas na pahayag ng

DepEd Order No. 007 series of 2020, isinapubliko

Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM), Marcelo H. Del Pilar National High School (MHPNHS), at Bulacan State University (BulSU), isa itong malinaw na panggigipit sa press freedom at pagsasawalambahala sa krisis na kinahaharap ng bansa. Matatandaang binigyan ng NTC ang ABS-CBN ng 10 araw na palugit mula nang matanggap nito ang cease and desist order upang maayos na makapagpaliwanag.

Gayunpaman, nanindigan si Amnesty International Philippines Section Director Butch Olano na naging padalos-dalos ang desisyon ng NTC lalo pa at kailangan ng publiko ng mapagkukuhanan ng impormasyon sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak sa bansa. “The Filipino people need accurate information from independent sources. The government must act immediately to keep ABS-CBN on air and cease all attempts to curtail media

freedom,” aniya. Ayon kay G. Reggie Rey Caparas Fajardo, guro sa HSAM at BulSU, ang pagiging kritikal ng ABS-CBN sa kasalukuyang administrasyon ang maaaring nag-udyok sa pagpapasara nito. “Ito ay isang malinaw na pagatake sa kalayaang magpahayag. Alam naman natin na simula pa lang kritikal na ang network sa administrasyon. May nagsasabing hindi ito atake sa press freedom natin dahil nago-operate ang ibang network pero ito ang kinalilimutan nating tingnan: kung nagawa ng administrasyon ito sa ABS-CBN dahil naging kritikal sila, ibig lamang sabihin na kahit sa iba kayang gawin yon sa oras na maging kritikal din sila sa gobyerno.”

rappler.com

Sa ilalim din nito, pormal na pasisinayaan ang mga programang hango sa Alternative Learning System (ALS). Iginiit ni DepEd Secretary Leonor Briones na isasaalang-alang nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng mga pang-akademikong institusyon sa pagpapatuloy ng edukasyon sa bansa sa kabila ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

“I'm not fully in favor for the opening of classes on August 2020. Hindi sagot na habulin ang edukasyon para lamang sa hindi mahuli ang bata. Kalusugan ang dapat na may kasi- guraduhan muna. As a teacher, kahit maraming pup'wedeng source ng learning, hindi pa rin uubra na makapag-cooperate ang 100% population ng students. Bukod do'n, dalawang pangamba ang naiisip kong maaaring dala nito: una, pangamba na hindi masundan at matuunan ng bata ang activity (para sa online at distance learning) dahil sa kakulangang presensya ng guro o materyales at pangalawa, pangamba na dala sa isip ng mga pamilya kung ligtas ba o hindi ang mga bata/guro (para sa mga pumipili ng physical or face to face method) habang isinasagawa ang lear-ning. Kung may solusyon na at ligtas na ang lahat sa pandemya, do'n ako at ang sinuman siguro ay magtitiwalang dapat na sa COVID free season na ituloy ng DepEd ang pasukan. Higit na mas mahalaga ang kalusugan dahil isang beses lang nabubuhay ang tao,” aniya. Hindi rin sang-ayon si Gng. Claribelle C. Villaceran, guro sa Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM), sa plano ng DepEd lalo pa at kinakailangan munang suriin ang kahandaan ng mga pribado at pampublikong paaralan bago tuluyang simulan ang taong pampaaralan. “The schedule of class opening should be assessed scientifically and not just targeted or estimated. It should be based on the availability of the vaccine/ solution/s to the CoViD pandemic. The school opening set on August should thoroughly evaluated. Safety should be top priority. Using masks, sanitizing, checking the temperature may help but does not assure the safety of everyone. The schools' readiness to the 'new normal' must be assessed too. DepEd has to look at all the pivotal aspects first. The department has to help all the schools gear up for the challenge ahead.”

HANGAD ng pamunuan ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) na mapanatili ang magandang kalidad ng edukasyon sa bawat taong pampaaralan, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pasilidad na maktutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba’t ibang aspekto. Kaugnay nito, naipatayo na ang bagong playground facility para sa mga mag-aaral ng Kindergarten, sa nagdaang taon. Ayon kay Gng. Anna Marie Gutierrez, Pre-school Level Coordinator, sa tulong ng nasabing hakbang, mas mahihikayat ang mga mag-aaral na makibahagi sa mga gawain sa loob at labas ng silid-aralan.

Intramurals 2020: ‘The HEAT is on!’

SHS QC, hindi nagpahuli

“Education must continue to give hope and stability, contribute to the normalization of activities in the country, facilitate development of our learners and bring back normalcy to their lives, but health and safety of learners and school personnel are of utmost importance and must be protected at all times,” aniya.

Tutol si Bb. Reina Juliette G. Roque, guro sa Marcelo H. Del Pilar National High School (MHPNHS) sa naging desisyon ng DepEd.

KARL VALENCIA

“May kasabihan nga, ‘Children learn as they play.’ Bilang tagapagturo sa pre-school, ako ay naniniwala na ang paglalaro ay nakatutulong sa kanilang mental at physical development. Nagkakaroon sila ng mataas na motibasyon para mapaunlad ang iba’t iba nilang kakayahan maging sa pag-aaral man o pakikitungo sa ibang kalaro o kamag-aral. Kung kaya’t maging sa aktwal na gawain at aralin sa loob ng silid aralan, sinisiguro namin bilang mga guro na may kalakip na laro ang bawat araw na gugugulin nila sa paaralan,” aniya.

mula sa pahina 1

Siniguro din niya na paiigtingin ang pagpapatupad ng physical distancing alinsunod sa mga alituntunin ng IATF at ng Department of Health (DOH).

Quality Education Mental and Physical Development, binigyang pansin

DANIELLE PILER

Release order ng Cebu 8

Publiko, nakiisa sa panawagan VANESSA NORIKO YAP INILABAS na ng Cebu City Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 4, ang release order ng Cebu 8 noong Hunyo 8, ilang araw matapos umapela ang publiko at ilang organisasyon tulad ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP), National Union of People’s Lawyers (NUPL), at Kilusang Mayo Uno (KMU). Matatandaang hinuli ng mga awtoridad sina Johanna Veloso, Associate Vice President of the National Union of Students of the Philippines (NUSP)

for Visayas, Bern Cañedo ng Youth Act Now Against Tyranny, Dyan Gumanao, Kabataan Partylist at Correspondent of People’s Alternative Media Network, Nar Porlas ng Anakbayan Cebu, Jaime Paglinawan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Central Visayas, Janry Ubal ng Food Not Bombs Cebu, Al Ingking, University of the Philippines (UP) Alumnus, at Clement Corominas, bystander, sa isang protesta para ibasura ang Anti-Terrorism Bill sa UP Cebu, noong Hunyo 5 dahil umano sa paglabag sa mga alituntunin ng community quarantine, na kinondena ng

marami sa social media. Giit nila, pinatunayan lamang nito na isinasantabi ng pamahalaan ang kalayaang makapagpahayag ng mamamayan na mas nakababahala sakaling maipatutupad ang Terror Bill. Gayunpaman, nanindigan ang Cebu 8 na wala silang pinagsisishan sa nangyaring mass mobilization. “We want to educate and arouse Cebuanos so they will know the real situation of our government now. We hope more people will fight for the common good. Let us not be silenced,” ani Veloso. Samantala, desidido ang NUPL na magsampa ng kaso sa mga pulis na mapatutunayang sangkot sa nasabing pag-aresto.

New Normal: Hamon sa Pamahalaan mula sa pahina 1 …ng DepEd. Ayon kay DepEd Director Abram Abanil ng Information and CommunicationTechnology Services (ICTS), maaari itong magamit ng mga mag-aaral maging sa labas ng paaralan, sa tulong at paggabay ng mga magulang. “The DepEd may provide activities, tools for you using technology but it will depend on the parents to supervise the children in using these tools and activities so we can continue with their studies,” aniya. Tinatayang nasa 70, 000 na mga guro sa bansa ang una nang sumailalim sa online trainings upang maging mas epektibo ang paggamit ng E-Books. Bukod pa rito, inihanda na ng DepEd, ang Most Essential Learning Competencies (MELC) na maaaring maging batayan ng Schools Division O- ffices (SDOs) at Regional Offices (ROs) sa darating na taong pampaaralan. Kaugnay nito, naglabas na rin ang pamunuan ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM), sa pakikipagtulungan

ng Family Council, ng Learning Continuity Plan para sa susunod na taong pampaaralan. Samantala, nakibahagi na rin ang HSAM, kasama ng ilang organisasyon at volunteer groups, sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektado ng Enhance Community Quarantine (ECQ).

COMMIT project

Sa pamumuno ng HSAM Grade School (GS) Batch 1994 at High School (HS) Batch 1998, inilunsad ang COMMIT (COVID-19 Mitigation) project para sa mga kawani ng HSAM at Karatig jeepney drivers sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Gayundin, pinasimulan ng HSAM Outreach Ministry, HSAM Family Council, Immaculata Academy of Malolos (IAM-HSAM) Alumni A- ssociation, at HSAM Council of Leaders (COL), ang Project COMMIT Tuklas kung saan tinatayang nasa 250 na pamilya ang nabigyan ng food packs. Protect, emPower, and Enable (PPE) Bulacan Frontliners Isinakatuparan ng HSAM HS Batch 2002 ang Protect, emPower, and Enable (PPE) Bulacan Frontliners na nakapagpamahagi ng ilang medical supplies

mula sa nalikom na PhP. 690, 223. Ayon kay G. Jan Kevin Mendoza, HSAM Campus Minister, na-ging mahirap man ang bawat proseso, kinakitaan pa rin ang bawat isa ng pagnanais na tumulong. “The hardest thing about having these donation drives is that we are somehow limited by the community quarantine guidelines, though, in themselves are significant. Though donation drives are done virtually, we still need the physical presence of volunteers to do the repacking of goods, for instance, which is difficult during this time. Nonetheless, we continue despite the struggles of pushing through with these donation drives because we believe that these are precisely what makes them worthwhile. These are testimonies of how values have been inculcated to HSAians, particularly the active faith in God and the sense of mission. These initiatives are also living witnesses of how collaboration makes all the difference. As individuals we can do as much, but together as a community, we can do so much. Finally, these advocacies are but images of hope in humanity. That indeed, crises reveal the goodness in everyone of us. In these trying times, indeed, together, we shall conquer,” aniya.

SA kauna-unahang pagkakataon, personal na nasaksihan ng mga mag-aaral at kawani ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) ang natatanging galing ng School of the Holy Spirit Quezon City (SHS QC) Pep Squad sa larangan ng cheer dancing, matapos maging bahagi ng Intramurals 2020 na may temang “The HEAT is on!” noong Marso 6-7. Kakaibang stunts ang ipinakita ng mga mag-aaral, sa paggabay ng kanilang gurong tagapagsanay na si G. Randell San Gregorio, na isa rin sa mga naging hurado sa Cheer Dance Competition (CDC) ng HSAM sa taong ito. Bukod pa rito, isa rin sa mga inabangan ay ang pagbubukas ng mga bagong palaro gaya ng Fishing, Dodge Ball, Cookie Challenge, Water Pong, Bucket Head, Giant Snakes and Ladder, Giant Jenga, Paper Hand and Foot Game, Agawang Buko, at Mobile Legends, na pinangasiwaan ni G. Aldous Ronquillo, Student Activity Program (SAP) Coordinator at ng Sports Officials (SOs). Patuloy ang pagbuo ng mga hakbang ng pamunuan ng HSAM sa pangunguna ni Bb. Teresita Salas, school principal, upang masigurong magiging mas kapana-panabik at hindi malilimutang karanasan para sa mga mag-aaral ang pagdiriwang ng Intramurals sa mga susunod pang taong pampaaralan.

Rufino, kuwalipikado... mula sa pahina 1 ...to England and the fact that I’m getting that chance to go because of an academic opportunity is something that I am quite happy about. It’s also important to me because in the process I really saw how much the people in my life like my family, friends, and especially my teachers have supported me all throughout, and parang nag pay off po yung suporta na yun nung nakuha ko po yung scholarship,” aniya.

Nakatakdang ipagpatuloy ang Summer Program sa susunod taon matapos itong ipagpaliban dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Isinasagawa ang Oxford Tradition Program, kaisa ang The Foundation for International Education, upang mabigyan ng pre-college experience ang mga mag-aaral sa iba’t ibang panig ng mundo.


4

ENERO - HUNYO 2020

EDITORYAL

Kontra

COVID-19: Dehado sa Laban?

N

itong Abril, pumutok ang balitang haharapin ni Health Secretary Francisco Duque III ang isang Senate inquiry matapos nitong almahan ang pagbitiw sa puwesto bilang kalihim ng Department of Health (DOH). Giit ni Sen. Panfilo Lacson, mabibigyan nito ng pagkakataong makapagpaliwanag hindi lamang ang kalihim kundi pati na rin ang mga resource persons na sangkot hinggil sa kani-kanilang panig. Kaugnay ito ng paghain ng mga senador, kabilang na ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, ng P.S. Resolution No. 362 na pumapatungkol sa agarang pagbitiw ni Duque mula sa kaniyang pwesto dahil sa kaniyang umano’y kapalpakan sa pamumuno, kapabayaan at kakulangan sa pagtupad sa kaniyang pagganap bilang kalihim, na ayon sa mga senador, ang naglalagay sa buhay ng mga healthworkers at ng mga Pilipino sa panganib. Sa kabilang banda, suportado naman ng mga miyembro ng gabinete si Duque lalo pa’t ang katapatan sa mga datos di-umano ng kalihim ang nakatulong sa paggawa ng mahihirap na desisyon ng pamahalaan. Makalipas ang isang araw, isinaad naman ni Lacson na maaaring hindi matuloy ang inquiry kung mapagpapabuti ang sitwasyon ng bansa dahil sa pagsasaayos ng mga patakaran patungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Maging ang pamahalaan ay nagkakasalungat patungkol sa mga kapalpakan at antalang naranasan ng mamamayan sa kinahararap na pandemic ng bansa, kaya nga’t hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang tila sumasang-ayon na hindi na kailangan pang sagutin ang tanong na “Handa nga ba talaga ang Pilipinas?” Paano ba naman, simula pa lamang sa contact-tracing hanggang sa mga naiuulat na antala sa pagproseso ng mga tests, mararamdaman na ang kakulangan. Matatandaang sa isang senate public hearing ng Senate health committee noong Pebrero, nauwi sa sisihan ang pagtukoy sa kung bakit 17% pa lamang ng 331 pasaherong nakasama sa parehong flight ng unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ang nate-trace ng pamahalaan. Dito pa lamang, malinaw na ang kakulangan sa komunikasyon at ang pagkakaroon ng magulong sistema. Huwag na ring lumayo sa kakulangan sa Personal Protective Equipment (PPE) na iniinda na ng mga health workers sa bansa bago pa man din magsimula ang local production ng PPE sa Pilipinas. Higit sa lahat, hindi maitatangging may mga antala rin pagdating sa pagpoproseso ng mga tests na humahadlang sa daloy ng impormasyon hinggil sa pandemic na ito. Ayon kay Vivencio Dizon, National Po-

DIBUHO NI KENT SANTIAGO licy Against Covid-19 Deputy Chief Implementer, sa isang press briefing noong Mayo 14, umabot na sa 7,000 tests ang backlog sa buong bansa. Bukod pa rito, ang pagpapatupad ng pangulo ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon sa layong maiwasan ang lalong paglaganap ng sakit ay may mga butas din na nakaapekto sa kabuhayan ng mga Pilipino. Halimbawa niyan ang mga may-ari at empleyado ng micro, small, at medium enterprises (MSME) sa Pilipinas. Binubuo pa naman ng micro enterprises ang 88.5% ng mga negosyo sa bansa at nagbibigay trabaho sa halos 28.9% ng kabuuang bilang ng private sector employees. Dahil nga ang mga pribadong establisyamentong pinagmumulan ng basic necessities at services lamang ang maaaring magbukas noong Luzon lockdown, marami sa MSME ang napilitang magsara. Kaya naman bago pa matulungan ng pamahalan, ilang MSME owners ang umaasa na lamang sa kanilang emergency funds para rin patuloy na masuportahan ang mga empleyado nila. Gayundin, ang daloy sa suplay ng mga pagkain sa loob at labas ng bansa ay naapektuhan rin. Ngunit ang

SINAG EIRONE DAYRIT

“ N

Halaga ng Serbisyo sa Piso Kapalit ng pagkapagod ang dagdag pasahod.

ilagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na tinatawag na Salary Standardization Law of 2019 na pumapatungkol sa pagtaas ng basic salary Grade 1 ng mga empleyado ng pamahalaan mula sa dating P11,068 patungong P13,000. Ipatutupad ang pagtaas ng sahod simula 2020 hanggang

Hindi lang sakit ang kalaban ng bansa.

ng Social Amelioration Program (SAP). Noong Mayo 7 naman ay inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na higit isang milyong manggagawa na ang napamahagian ng cash assistance. Binubuo ito ng mga manggagawa mula sa pormal at hindi pormal na sektor, pati na rin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Habang isinaad naman ng Department of Finance (DOF) noong Mayo 9 na mahigit 1.5 milyong empleyado ng maliliit na negosyo ang nakatanggap na ng cash assistance sa ilalim ng Small Business Wage Subsidy Program (SBWS). Nilalayon ng programang ito na makatulong sa mga empleyado ng maliliit na negosyo na naapektuhan ng quarantine sa Luzon at iba’t ibang lokal na pamahalaan.

2023 na inumpisahan na nitong Enero. Pinasimulan nina Senator Ramon “Bong” Revilla, Senator Christopher “Bong” Go at Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang batas na ito na nagmula sa Senate Bill 121. Iginiit ni Revilla na tutugunan nito ang isyu tungkol sa hindi pagkakapantay-pantay sa dating Salary Standardization Law kung saan ang karamihan sa mga low-ranking government workers ay nakatatanggap ng “negligible increases.” Naglaan ng 34.2 bilyon sa pondo para sa 2020 upang maitawid ang taas-pasahod sa mga empleyado

mas lalo pang dapat ikabahala bukod sa pangambang buhat ng sakit ay ang nakaambang gutom na maaari ring kumitil ng tao. Halimbawa na lamang nito ay noong 21 residente sa Sitio San Roque, isang mahirap na komunidad sa Quezon City ang lumabas sa kanilang mga bahay upang magprotesta para manawagan ng tulong -- at ang naging “tugon” ng kapulisan? Arestuhin sila dahil sa paglabag sa mga patakaran ng Luzon lockdown. Samantala, mahalaga rin namang malaman na gumagawa ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang COVID-19 pati na rin ang iniindang hikahos ng mga Pilipino. Noong Abril ay sinimulan ng pamahalaan ang progressive mass testing at nitong Mayo 12 naman, ibinalitang umakyat na sa 30 ang bilang ng aprubadong COVID-19 testing centers sa bansa. Pinaplano ng gobyerno na pagdating ng katapusan ng Mayo, makapagsasagawa na sila ng 30,000 tests kada araw. Ayon sa datos noong Mayo 14 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umaabot na sa P96 bilyon ang nailabas ng nasabing kagawaran para sa mahigit 17 pamilyang benepisyaryo

ng gobyerno. Inaasahang humigit-kumulang 1.4 milyong empleyado ang makikinabang sa bagong batas na ito. Itinuloy ang pagtaas ng pasahod sa mga empleyado sa kabila ng pagkaantala sa pagpirma sa P4.1trilyong pambansang badyet. Aabot ng kabuoang P130.45 bilyon ang kakailanganin para sa apat na taon na taas-pasahod ayon kay Senator Sonny Angara. Hindi maikakailang marami ang lubos na makikinabang sa ipinatupad na bagong batas na ito, lalo na ang mga empleyadong hindi sapat ang sinasahod sa kabila ng kanilang trabaho. Ipinahayag naman ng isang importanteng sektor ang kanilang pagkadismaya sa pinal na nilalaman ng bagong batas. Umaapela ang mga guro ng mga pampublikong paaralan na nagsasabing hindi pa rin ito sapat sa kanilang pangangailangan. Ayon kay ACT Teachers Party List Representative France Castro, ang nakasaad sa batas ay malayo pa rin sa kung ano ang hinihingi ng mga guro at ibang empleyado dahil hindi nararapat para sa kanila ang kakarampot na pagtaas ng pasahod. Sa

Ngayon, nararapat na mas paliwigin at pasidhiin pa ng pamahalaan ang testing at patuloy rin sanang gumawa ang gobyerno ng mga hakbang na makatutulong sa kabuhayan ng bawat mamamayan. Kasama ng kritikal na pagpaplano at pag-aaral, ipagpatuloy rin dapat ng pamahalaan ang maingat na pagdedesisyon sa kung anong community quarantine classification na nga ba dapat maipasailalim ang bawat lugar lalo pa’t mayroong iba’t ibang uri ng community quarantine na may pagkakaiba sa bigat ng mga alituntuning ipinatutupad: ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), General Community Quarantine (GCQ) at ang Modified General Community Quarantine (MGCQ). Ang hakbang na ito ang maaaring tumugon sa mga suliraning kinahaharap ng mamamayan o sa kabilang banda, ang maaari pa lang magdala ng karagdagang bilang ng kaso ng COVID-19. Nawa’y magsilbi itong paalala sa lahat na hindi pa ito ang panahon para magpakakampante. Matutuldukan lamang ang krisis na ito kung mapananatili ang pagtalima ng mamamayan sa mga direktibang naglalayong maiwasan ang tuluyang paglaganap ng sakit. Ang suliranining iniinda ngayon ng bansa ang isang patunay kung paanong may malaking kakulangan pa rin lalo na sa larangan ng agham at kalusugan na nararapat bigyang pansin ng pamahalaan. Aminin man ng lahat o hindi, hindi na lang sakit ang naging kalaban ng dito, dinagdagan pa ito ng antala sa daloy ng impormasyon, kapalpakan, kakulangan sa disiplina at lalo na mismo, ang kakapusan sa kahandaan ng bansa. Kung patuloy lamang ang ganitong gawi, hindi malayong sa ganitong uri ng mga krisis, bago pa man sumalang ang Pilipinas sa laban hindi hamak na siya na ang maituturing na dehado. Sa huli, maiiwan ang katanungang–

“Sino nga ba ang dapat managot dito?”

kabilang banda, lubos pa rin naman ang kanilang pasasalamat sa hakbang na ito. Bagamat kakaunting dagdag-pasahod lamang ang kanilang matatanggap, maganda na ring maituturing ang naging batas sapagkat kahit papaano ay makatutulong ito sa mga empleyado ng gobyerno. Sa kabila ng mabibigat na trabaho at sakripisyo ng mga empleyado ng pamahalaan, lalo na ng mga guro, hindi pa rin napagtutuunan ng sapat na pansin ang kanilang mga hinaing. Dahil dito, karapat-dapat lamang na mabigyan sila ng dagdag-pasahod. Ngunit hindi kakayanin ng gobyerno kung sabay-sabay ibibigay ang kanilang pangangailangan, kaya mas makabubuti kung hihintayin at magiging mapanuri muna sa mga magiging susunod na hakbang ng pamahalaan. Higit ring makatutulong kung mas tataas pa ang matatanggap na pasahod ng mga empleyado sa hinaharap upang mas matugunan ang pangangailangan nila. Hirap at pagod ang palaging nararanasan ng mga empleyadong ito, kaya nararapat lamang ang karagdagang pasahod na ipagkakaloob sa kanila.

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG HOLY SPIRIT ACADEMY OF MALOLOS

Punong PATNUGUTAN S.Y. 2019-2020 Punong Patnugot

Trisha Denisse C. Gonzales

Pangalawang Patnugot Eirone Crizha C. Dayrit Tagapamahalang Patnugot

Alliyah Laiza DG. Violago Patnugot ng Balita Marielle O. Castro Panugot ng Isports Celvin T. Caluscusin

Patnugot ng Lathalain Christine T. Maclang Patnugot ng Agham Frances Rei D. Reyes Patnugot ng mga Larawan Alexandra Pauline E. Culla Taga-layout ng mga Pahina

Belle Angela DC. Lorenzo Carl Joash M. Hapa

Tagapamahala ng Sirkulasyon

Jalen Ross C. Galvez

Tagakuha ng mga Larawan

Rose Andrea V. Reyes Yzabel Kris E. Cabasa Althea Yurie D. San Juan Althea Nicole Jardaleza

Tagaguhit ng mga Larawan

John Rogel P. Ulan Kent Jairus B. Santiago Kyla Calista Sy Paula Claire N. Causay

Pampaaralan at Pampayanang Tagapagbalita (JHS) Karl Hans R. Valencia Angela Lexine D. Estabillo Danielle Margareth S. Piler Peter Andrew M. Feliciano Charmaine Lhei T. Salazar Jaime LP. Custodio Gillaine Christine T. Ortega Francheska Rei D. Reyes Dan Nehryl R. Mag-isa Aleaana Rose G. Agustin Maria Angela Isabelle T. Silva Rachelle Grace L. Astudillo Margaux V. Fundales Aaron Victor L. Acosta Pampaaralan at Pampayanang Tagapagbalita (SHS) Neo Nimrod DJ. Castillo Kianne Kyle Hans R. Valencia Vanessa Noriko S. Yap Gabrielle Turvey L. Catindig Faith Raymundo Carla Denise M. Borlongan Raven Eimerren O. Dela Cruz Daniella Margaret L. Juan Kristine Isabel C. Frinigal Justin Paolo M. Hernandez Jose Gabriel V. Ignacio Tagapayo G. Arvin H. Dizon Katuwang na Tagapayo Bb. Rosemarie Cajucom Konsultant

Gng. Marilou D. Evangelista

SAP Koordineytor G. Aldous Ronquillo Akademik Koordineytor Bb. Irene S.J. Coronel SHS Koordineytor Gng. Catherine C. Galvez OIC-Punong-guro Bb. Teresita Salas


5

ENERO - HUNYO 2020

OPINYON

SILAKBO TURVEY CATINDIG

Sa Kalagitnaan ng COVID-19

SA

Ayuda sa naghihirap, hindi lamang sa ‘mahihirap’...

naging pahayag ni Pangulong Duterte noong ikaanim ng Abril 2020, binigyang-pansin niya na nararapat makasama ang mga nasa “middle-class” sa Social Amelioration Program (SAP) o ang pamimigay ng tulong-pampinansyal sa mga mahihirap na nasa ilalim ng community quarantine sa bansa nang imungkahi ito ni Gobernador Jonvic Remulla ng Cavite. Sa kabilang banda, iginiit ng presidente na mas prayoridad ng

gobyerno ang mga mahihirap. "[The] poorest of the poor, must receive the government's assistance immediately, kung hindi patay 'yan sa gutom,” aniya. Mula rito, ano nga ba muna ang “middle-class”? Nararapat nga ba talaga silang makatanggap ng ayuda? Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), apat sa bawat sampung Pilipino ang kabilang sa middle-class. Sila ang mga nasa pamilya na hindi bababa sa P19,040 at tataas sa P114,240 ang kinikita kada buwan. Kung gayon, masasabing maraming Pilipino ang nasa middle-class at hindi maikakaila na sila ay ginagapi rin ng COVID-19. Sa katunayan, karamihan ng nasa panggitnang-uri ay ang OFWs na pansamantalang nawalan ng mga trabaho at mga negosyante ng

NINGAS

JAIMIE CUSTODIO

M

atapos suspindihin ang mga klase sa paaralan dahil sa COVID-19, isinaalang-alang ang pagsasagawa ng online classes upang ipagpatuloy ang regular na kurso ng kurikulum. Dahil bago pa lamang ang sistemang ito, may alinlangan pa rin kung mabisa nga ba ito o hindi. Kung ang pangunahing pagbabatayan ay ang pansariling pagkatuto ng bawat mag-aaral, masasabing hindi epektibo ang pagkakaroon ng online classes. Buhat ito sa hindi pantay-pantay na kakayahan ng bawat mag-aaral sa mga aspekto ng disiplina, karunungan, at kakayahang pampinansiyal. Sangkot sa online classes ang paggamit ng mga electronics at ng internet connection. Marami man ang kasalukuyang nakagagamit ng mga ito, mayroon pa ring mga walang kakayahang makagamit nito para sa online classes na siyang nagiging dahilan ng kanilang pagkahuli sa klase. Kung bibigyang-diin ang edukasyon para sa lahat, dito pa lamang ay nahahadlangan na ang tunguhing ito. Mas nararamdaman na rin ang kakulangan ng online classes dahil hindi direktang pumapatnubay ang mga guro sa bawat magaaral. May mga mag-aaral mang may kapasidad na matuto ayon sa kanilang sariling kakayahan, mayroon pa ring mga academically challenged na higit na nahihirapan sa sistemang ito. Nababawasan din ang disiplina sa mga mag-aaral sapagkat hindi nababantayan ang kanilang pagtupad sa mga gawain. Mas madaling magpasa ng plagiarized na mga gawain at nabibigyan din ng pagkakataong mandaya ang mga magaaral sa mga pagsusulit. May mga pagkakataon pang lubos na kulang ang nakalaang oras, kaya ang ibang mag-aaral ay hindi nakagagawa ng

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga pagpapatunay na ang online classes ay hindi epektibo sa kasalukuyang sitwasyon. Makabubuting isaalang-alang ang mga ito upang maitaguyod ang timbang na pagpapahalaga sa bawat magaaral at mga guro, sapagkat sa mga panahong tulad nito, pagkakapantay-pantay ng lahat ang nararapat na manaig. Upang magdagdag ng perspektibo sa kabisaan ng online classes, nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro at magaaral sa HSAM, at ilan sa mga tugon dito ay ang mga sumusunod: “Dahil online classes ito ay nais pa ring magbigay ng pangkatang gawain para sa grado at dahil doon, nagkakaroon ang mga estudyante ng hindi pagkakaintindihan o hindi pagkakasundo. May mga naiiwan, may mga nauuna, may mga nahuhuli, may matatalino. Marami talagang hindi nakakasunod sa pangkat, sa grupo.” - Giann Perez “Sa tingin ko, may iba pang paraan para matugunan ang sitwasyong nararanasan natin, pero sa ngayon, dahil hindi kaya ng ibang magkaroon ng access sa internet at mga kailangang gadget, pati na rin ang kawalan ng responsibilidad ng mga estudyante, hindi mabisa ang online classes.” - Bill Saret “Ang mga benepisyong dulot ng online classes ay disiplina, inisyatibong mag-aral, at pagkakataong siyasatin ang gamit ng teknolohiya. Ang mga di kasiya-siyang dulot naman ay hadlang sa pagmomonitor sa mga mag-aaral, dagdag gastusin ng mga magulang, at dagdag na tungkulin sa pamahalaan at pribadong sektor na itaguyod ito.” - Ms. Marilou Medina

Gayunpaman, hamon sa pamimigay ng pamahalaan ng ayuda ang nagiging kakulangan ng pondo, lalo na pagdating sa barangay-level. Ayon kay Joymie Mangahas, SK Kagawad ng Barangay Santa Ana, Bulakan, Bulacan, limitadong pondo lamang ang naibigay ng DSWD para sa mga makakatanggap ng subsidiya sa ilalim ng SAP kung kaya’t ang mga pinili lamang na mga benepisaryo

Samakatuwid, makabubuting maging prayoridad ng pamahalaan ang mahihirap sa SAP ngunit nararapat lamang na hindi ito mangahulugan ng pagsasawalang-bahala sa posisyon ng mga nasa middle-class na lubhang naghihirap din dahil sa pandemya. Sa bandang huli, anoman ang posisyon ng isang tao sa lipunan, mahalagang matutukan ng lahat, lalo na ng pamahalaan, ang kaligtasan ng bawat isa kontra sa kalabang walang tiyak na “posisyong” pinupuntirya.

PASIYA

Apurahang Pagreretiro

gawain sa takdang oras. Bukod pa rito, ang mga hadlang sa komunikasyon ay higit na nakaaapekto sa mga pangkatang gawain. Napipilitan ang mga lider ng mga pangkat na akuin ang mga iniatas na gawain upang matugunan ang kakulangan ng ibang kasapi. Dahil dito, nagkakaroon ng hindi pantay na distribusyon ng mga gawain sa pagitan ng mga mag-aaral.

Maliban dito, ang Filipino middle-class ay itinuturing din na malaking kontribyutor ng buwis sa bansa. Sa kabila nito, hindi sapat ang kanilang natatangap na benepisyo at dahil dito, makatutulong ang SAP upang masuplayan ito lalo na sa panahon ng krisis.

ay ang mga poorest of the poor. Dahil dito, binanggit niya na: “Ito [ang pamimigay ng ayuda sa middle-class] ay maaari naman kung nabigyan na ng ayuda ang lahat ng mga kabilang sa poorest of the poor… dahil lahat naman ay apektado ng krisis na COVID-19.”

CARLA DENISE BORLONGAN

Online Classes sa Gitna ng COVID-19: Epektibo ba?

Pantaypantay na kakayahan tungo sa edukasyong panlahat.

Small-to-Medium Enterprise (SMEs) na nalugi dulot ng naturang pandemya.

Makatuwiran bang ibaba ang edad ng pagreretiro mula 60 hanggang 56 taong gulang?

N

oong ika-16 ng Disyembre 2019 ay inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at pangwakas na pagbasa ang House Bill No. 5509, na naglalayong baguhin ang Seksyon 13-A ng Republic Act 8291 na kilala bilang "The Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.” Ipinasa ito ng kamara upang ibaba ang edad ng pagreretiro sa gobyerno mula 60 hanggang 56 taong gulang. Pagtungtong sa edad na 56 ay maaari nang mag-file ang mga manggagawa ng gobyerno para sa pagreretiro at mayroon silang karapatang makatanggap ng pensiyon mula sa GSIS. Sinabi ni Rep. France Castro, isa sa mga may-akda ng nasabing panukala, na itinutulak ng kanilang grupong ACT Teachers Party-List ang

B

ahagi na ng bawat taong pampaaralan ng Holy Spirit Academy of Malolos (HSAM) ang pagdaraos ng Intramurals na nagsisilbing daan upang maipamalas ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang ang kanilang angking galing sa pamapalakasang larangan. Ilang linggo bago sumapit ang Intrams, kinakikitaan na ng pagkasabik ang Junior High School (JHS) students na abala sa paghahanda para sa pinakainaabangan ng lahat—ang Cheerdance Competition (CDC). Gayundin, higit na nararamdaman ang diwa nito sa mga palamuting inilalagay taun-taon na naaayon sa tema nito. Marahil sa mga panahong ito nagaganap ang mga hindi malilimutang karanasan ng isang HSAian. Sa kabilang banda, hindi na bago sa Senior High School (SHS) students ang ganitong tagpo. Isa lamang itong ordinaryong araw lalo na kung kabi-kabila ang mga gawaing nakahain sa kanila. Ayon sa mga nakapanayam kong Grade 12 students, hindi na katulad ng dati ang saya na maaaring madama sa pagdiriwang nito lalo pa’t hindi gaanong nabibigyan ng pagkakataong makibahagi ang SHS sa mga inihandang aktibidad upang mas mapagtuonan ng pansin ang pang-akademikong larangan.

Kung gayon, madalas, pini-

pagpasa ng panukalang batas mula noong ika-16 na Kongreso, o mga siyam hanggang sampung taon na ang nakalilipas. Aniya, “Inilaan ng mga empleyado ng gobyerno ang 20-30 taon ng kanilang buhay sa paglilingkod sa bansa. Oras nang tugunan ng pamahalaan ang kanilang pagtawag para sa opsyong magretiro sa mas maagang edad upang matamasa nila ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro sa mas mahabang panahon.” Maaaring may mga kalamangan ang pagreretiro nang maaga, tulad ng kabawasan sa stress na may kaugnayan sa trabaho, karagdagang oras sa paglilibang, at pagkakataong magsimula ng bagong karera. Sa kabila nito, mayroon ding mga bagay na kailangang isakripisyo, kagaya ng pagbaba

ng benepisyong matatamasa, at pagtaas ng panganib na magkaroon ng sakit sa puso o stroke dala ng hindi gaanong pagkilos ng katawan.

Mayroong mga manggagawang pipiliin pa rin ang manatili sa trabaho upang masigurong makatatanggap sila ng pinakamataas na benepisyo. Bakit nga naman ba nila aapurahin ang pagreretiro lalo na’t may kakayahan pa naman silang magserbisyo? Ibinaba ang edad ng pagretiro, ngunit hindi nangangahulugang lahat ay kailangang gawin ito.

HAKBANG FAITH RAYMUNDO

Ramdam nga ba ang Intrams sa SHS? pili na lamang nilang lumiban sa araw na ito para makapagpahinga o kaya naman ay gumawa ng requirements. Ang iba naman ay pumapasok bitbit ang mga gawaing nalalapit na ang pasahan. Nakalulungkot isipin na tila unti-unting nababago ang layunin ng pagdaraos nito.

ganap sa oras ng klase, dahilan kung bakit nahihirapan din silang kilalanin ang kanilang mga kasapi. Isa pa sa mga balakid na kinahaharap ng mga manlalaro mula sa SHS, ang hindi makapakinig sa mahahalagang anunsyo. Dahil dito, madalang na rin magkaroon ng kinatawan ang SHS sa mga palaro.

Ano nga naman kasi ang gagawin mo sa loob ng maraming oras ng pananatili sa HSAM kung hindi manuod ng mga programa at mga palaro o kaya naman ay mag-ikot-ikot upang palipasin ang oras.

Hindi rin masasabing epektibo ang pagkakaroon ng "families" para sa SHS sapagkat kadalasan ay hindi naman sila nabibigyang pagkakataon na makadalo sa family meetings na gina-

Mahirap pagsabayin ang parehong karera.

Tamang sa pagtungtong ng SHS, ay mas bumibigat ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang mag-aaral, subalit hindi dapat kalimutan na ang paglalaan ng oras sa mga ganitong pagkakataon ay kasing halaga rin ng pag-aaral para sa isang estudyante.


Hindi ka pipi, hindi ka lamang pinakikinggan.

Katotohana’y takot maibulalas sa mamamayan kung kaya’t ang mga nasa kaitaasan ay pinilit akong busalan hanggang sa makamtan ko ang asam nilang katahimikan. Ako si Frenchiemae Cumpio, executive director ng Eastern Vista na bahagi ng Altermidya Network; boses ng bayang kalauna’y pinagkaitan ng kalayaan. Enero 31, 2020. Araw na naging hudyat ng pagsasakatuparan sa mga planong wawakas sa aking mga ipinaglalaban. Iba’t ibang lalaki ang umaaligid sa akin, nagmamasid na para bang may gustong makamtan. Hindi ako sikat subalit ang mga mata nila’y nakatuon sa akin, anumang lugar ang aking tahakin. Ang iba pa nga ay bumibisita dala-dala ang aking larawan. Ang ilan nama’y nagpapadala pa ng bugkos ng bulaklak sa aming tanggapan. Tunay ngang nakagagaan ng loob ang aking mga taga-hanga. Hindi ako artista subalit ang interes nila sa aki’y hindi mawala-wala. Subalit tila ba may gumising sa akin pabalik sa realidad mula sa aking pagpapantasya. Ang inakala kong malinis na intension ay mayroon palang ikinukubling madilim na lihim. Pebrero 7, 2020. At dumating na nga sila. Sila na para bang mga taga-suportang di-magkamayaw na ako’y malapitan. Subalit sa halip na purihin ay inilapat ang posas sa aking palapulsuhan. Sumapit na nga ang araw ng pagdakip. Pinaratangan ako bilang isa sa mga matataas na pinuno ng Partido Komunista ng Pilipinas at sapilitang ikinulong kasama ang apat na tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa Tacloban. Kami’y pinagbintangang nag-aari ng mga ilegal na armas at dali-daling ikinulong sa likod ng nagtataasang mga rehas. Hindi kami ang kalaban. Ngunit tila ba mga piping hindi kami mapakinggan. Ang tanging sandatang tangan ko lamang ay katotohanan subalit sa isang iglap ay napalitan ito ng mga paratang. Ang tinig na naghahatid ng mga balitang kadalasang nauulinigan ng madla ay napalitan ng katahimikan. Nakasusuklam. Subalit sa halip na magpadala sa takot at pangamba’y aking pinanaig ang lakas ng loob dahil hawak ko ang katotohanan. Hindi ako nito pababayaan. Lumipas ang mga araw. At kalaunan, ang araw ay napalitan ng mga buwan sa loob ng piitan. “Kailangang tutulan ng lahat ng Pilipinong nagmamahal sa kalayaan ang atakeng ito sa pag-oorganisa at kalayaan sa pamamahayag,” pagtatanggol ni Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan. "Kinukundena namin ang patuloy na panggigipit sa mga progresibong organisasyon at paggamit bilang armas ng batas para gawing krimen ang paglaban," pagpapatuloy pa niya. Katarungan ay ipipilit ipalahaw hanggang sa maringgan. Hindi matatapos ang paglaban hanggat hindi nakakamtan ang kalayaan. Ako si Frenchiemae Cumpio,

isang mamahayag na tubong Tacloban; at ang katotohanan ang magpapalaya sa amin.

Hindi ka bulag, pilit ka lamang pinipiringan.

Mabuti nang maging bulag, kaysa bulag-bulagan sa mga nakikita na ng mata. Ako si Ging Reyes, Sr. Vice President ng ABS-CBN News; mulat sa katotohanan at hindi pagagapi sa mapagbalatkayong kasinungalingan. Naging masalimuot ang takbo ng buhay sa taong ito. Iba’t ibang nakagigimbal na balita ang nahahayag sa bawat oras. Kabi-kabila ang nakakalap na impormasyong nakapagpapasidhi ng sari-saring damdamin at saloobin. At kasabay ng mga balitang ito ang patuloy na pagkilos namin. Nakapapagod subalit ang pagsasahimpapawid ng makabuluhan at makatotohanang balita ang nakapag-aalis ng pagod namin. Sunod-sunod man ang akusasyong ibinabato sa amin. Wala mang kasiguraduhan ang aming paglagi. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay naming ng serbisyo. Mayo 5, 2020. Balot ng katahimikan ang dating maingay na silid. Ang lahat ay nakatuon sa aming mga punong tagapagbalita na tila ba sinusulit ang bawat pagkakataon hanggat sila’y nakikita pa. Impit ang kanilang mga boses at ang mga luha’y nagbabadyang kumawala sa mga mata. Naghayag ng katotohan para bayan sa huling pagkakataon. Umawit para sa bayan hudyat ng katapusan. At naulinigan ang huling pamamaalam para pa rin sa bayan. “This is ABS-CBN Corporation Channel 2, in the service of the Filipino. Now signing off.” Hindi ko aakal a i n g darating ang araw na mapapalitan ng kulay itim ang estasyong minsang punong-puno ng kulay. Iniligid ko ang aking mga mata sa loob ng apat na sulok na aking nagsilbing tahanan sa mahigit tatlong dekada. Ang dating masiglang tahanan ay nabalot ng kalungkutan. Ang lahat man ay nakasuot ng mask, kita sa kanilang mga mata ang takot at kapighatian. Tila ba punyal na tumusok sa aking pusong makita ang lahat na hindi madamayan ang isa’t isa. “We will do this, we prepared for this. We still have to work tomorrow,” panghihikayat ko sa kanila. Subalit ang mapait na katotohanan –walang nakakaalam kung magiging maayos ba talaga ang lahat.

“Maraming nagsasabi na hindi lamang naman ABS-CBN ang nagbibigay ng impormasyon, at bakit daw natin [sic] sinasabi na ito ay pagkitil sa malayang pamamahayag. Napakahirap ipaunawa ito sa mga nagbibingi-bingihan at sa mga nagbubulag-bulagan. This was an assault on democracy, ito ay isang bayolente, marahas na aksyon para pigilan ang malayang pamamahayag,” sambit ko nang may paninindigan noong dinaos ang online Black Friday protest sa pamumuno ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). Kasama ang iba pang mamahayag sa iba’t ibang panig ng bansa at mga mamamayang mulat sa katotohanan, kami ay magpapatuloy sa paglaban. Ako si Ging Reyes, kasapi ng ABS-CBN, na nangangakong maglilingkod para sa bayan

Isinulat nina: Marielle Castro at Christine Maclang


at mananatiling mulat sa katotohanan.

Hindi ka pilay, ayaw ka lamang pakawalan.

Sa dinami-rami ng daang maaari kong lakbayin, bakit sa masalimuot na mundo ako pilit na dinadala? Ako si Rex Cornelio Pepino, 48 taong gulang, mamamahayag, asawa, at higit sa lahat –isang ama. Naging mapaglaro ang tadhana. Inakala kong nalagpasan ko na ang pinakamapanghamong yugto ng kuwentong ito. Nabulag ako sa paniniwalang sa bawat pagkakataong panghahawakan ko, mararating ko ang hangganan nito. Isa lang naman ang hinangad ko, mabuhay para sa katotohanang ilang ulit nang pinatay. Dala

ko sa b a w a t hakbang a n g mga “Paano?” na gumugulo sa aking isipan. Paano kung dumating ang araw na kinatatakutan ko? Paano kung patahimikin din nila ako? Paano ang pamilya ko? Paano ang ipinangako ko sa bayang ito? Hindi ko magawang kumawala sa ma-

higpit na pagkakakapit ng mga kamay na nabahiran na ng dumi. Paulit-ulit akong nadapa sa pagmamakaawang hayaan na lamang akong makalaya. Ganito na nga ba kasahol ang mundo para sa mga katulad kong gusto lamang ng pagbabago? Sa tuwing susubukan kong tumayo sa sarili kong mga paa, dama ko ang alinlangan na baka hindi ko na magawang bumangon pa. Tao rin ako, napapagod, at nasusugatan. Subalit, kung susuko ako sa labang ito, para saan pa ang mga galos na iniwan nito? Kinagisnan ko ang isang mala rehas na lipunan, at ayoko nang magpagapos pa. Ang poot at takot na ikinubli ko sa loob ng maraming taon, ang katarungang ipinagkait sa 15 mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, at ang mamamayang tila mga ibong hindi makalipad sa sariling pakpak, ang nagtulak sa akin upang ipagpatuloy ang nasimulan ko. “Hanggang saan nga ba ito?” Malamlam na gabi, kasabay ng malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa akin. Habang binabagtas ang madilim na lansangan ng Dumaguete, tahasan akong pinasalang ng mga halang na kaluluwa. Sa mga sandaling iyon, pilit kong hinahabol ang bawat hininga, at sa pagdanak ng dugo mula sa mga balang tumagos sa akin, hindi ko magawang pahirin ang mga luhang pumapatak sa mga mata ng aking asawa. Dapat pa bang kumapit, o bumitiw na? Kung ang buhay na binawi sa akin ang magpapalaya sa matagal na pagkakagapos ng aking mga paa, at ang bubuwag sa tanikala ng demokrasya, wala akong dapat ipangamba. Katulad ni Dindo Generoso, at ng iba pang mamamahayag na nakipagsapalaran sa isang mapagbalatkayong mundo, h a n d a akong mamatay sa ngalan ng katotohanan. Ako si Rex Cornelio Pepino, mamamahayag, at hindi dito natatapos ang aking kuwento.

Hindi ka bingi, nilinlang ka lamang sa bulong ng kabuktutan.

Minsan din akong naging batang walang muwang, at sa paglaon ng panahon, unti-unti kong nauunawaan ang mundong aking kinagagalawan. Ako si Joshua Molo, punong patnugot ng The Dawn.

Dibuho nina: John Rogel Ulan at Kyla Calista Sy Lay-out ni: Belle Angela Lorenzo

Kinalakihan ko ang isang lipunang hindi kumikilala sa karapatan ng kabataan. Sa loob ng 20 taon, hindi nila ako hinayaang makinig o mapakinggan. Iminulat ako sa katotohanang sa mata ng iba, wala akong puwang. Subalit, hindi ko magawang manahimik na lamang,

kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili kong kalayaan. Tumatak sa aking isipan ang bawat oras ng araw na iyon. Pilit nila akong pinasusunod sa sistemang pinaiikot sa kamay ng mga ‘trapo.’ Tahasan akong dinakip sa sarili kong tahanan. Pinaratangan akong tulisan sa sarili kong bayan. Wala na akong ibang narinig kung hindi ang mga tinig na puno ng galit. Takpan man ang aking mga tainga, paulit-ulit na inukit sa aking dibdib ang takot na lalo pang pinalalim ng mga mapanlinlang na titig. Wala akong nagawa. Tanging ang apat na sulok sa silid na aking kinatatayuan ang aking kinapitan habang unti-unting binabalikan ang mga karanasang nagturo sa akin kung paano manindigan, kahit pa nag-iisa na lamang ako sa laban. Saksi ang bawat daan sa Nueva Ecija sa kung paano ako natutong makinig sa isinisigaw ng kapwa ko kabataan, ilang ulit mang hadlangan, at huminto sa pagsusunod-sunuran sa mga ibinubulong ng lipunan. Sa loob ng mga taong iginugol ko sa Sekondarya, nalinang ang kakayahan ko sa pagsulat. Lumipas ang mga araw, hanggang sa naisatitik ko ang mg hinaing ng mamamayang nananatili pa rin sa laylayan ng lipunan. Subalit, hindi ko inaasahang ang mga gurong tiningala ko ang sila rin pa lang magbibingi-bingihan sa pinangarap kong pagbabago. Ipinangako kong hindi ako tutulad sa kahit sino sa kanila. At kung may iiwan man akong salita sa mga sumubok sa aking pagkatao,“This will not prevent us from exercising our cherished freedom and democracy. We will continue to defend Press Freedom.” Ako si Joshua Molo, campus journalist, kaisa ninyo ako sa hamong ito.

Sa isang lipunang kinakikitaan ng kawalan ng pagpapahalaga sa katotohanan, hindi na dapat pang pumikit, huminto, magbingi-bingihan, at manahimik. Maaaring sapat na ang 122 taong pinaniwalaan natin ang kalayaan upang maunawaang hanggang sa kasalukuyan, bihag pa rin tayo sa isang tagong kulungan, sa ilalim ng tila mga dayuhan sa sarili nilang bayan. Hanggang saan? Nasa sa atin ang kasagutan sa mga katanungang matagal nang naglalaro sa ating isipan. Kung hindi ngayon, kailan?

Hindi tayo mga bulag, pilay, bingi, at pipi tulad ng ipinipilit sa atin. Ilang ulit lamang tayong iginapos at sinakal sa pamumunong diktadurya. Kung nagawa nating lumaya noon, magagawa ulit natin ngayon. Sa labang ito, dala natin ang kalayaang isinisigaw ng mga mamamahayag, takot ng kabataan para sa kinabukasan, at ang poot ng mamamayang ngayon ay gising at handa na.


8

ENERO - HUNYO 2020

LATHALAIN sine-suri Anino sa Likod ng mga makapangyarihan

H

MAI SILVA

igit 40 na taon na ang nakalilipas mula nang marinig ng buong mundo ang himig ng sambayanang Pilipinong hindi nagpalupig. Sa patnugot at direksyon ni Lauren Greenfield, isang dokumentaryo ang nasaksihan, na nagpabukas sa mga mata ng mga Pilipinong nabulag sa katotohanan. Ang dokumentaryong pinamagatang “The Kingmaker” ay nakatuon kay Imelda Marcos at kaniyang pamilya mula noong Martial Law hanggag sa kasalukuyan. Dito natunghayan ang matagumpay niyang paghubog sa kaniyang mga anak at pati na rin sa ilang mga pulitiko. Sa tinatawag na dialectic approach nabigyan ng pagkakataon ni Greenfield makapagsalaysay ng buhay si Imelda habang unti-unting naglalatag ng mga oposisyon sa paglaon ng dokumentaryo. Paraiso. ‘Yan ang tingin ni dating First Lady sa Pilipinas noong panahon ni Marcos. Ito raw ang panahong ang Pilipinas ay ‘di nakararanas ng kahirapan at ang lahat ay balot ng kasiyahan. Bilang ina ng bansa, hindi niya lamang pinapangarap na mahubog ang Pilipinas bilang isang paraiso kundi siya mismo ang gagawa at hahanap ng paraan upang ito’y maisakatuparan. Ito ang sinasabi niyang naging ambisyon upang samahan ang kaniyang asawa sa pamumuno sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng matalinahagang imahinasyon ni Imelda, isa-isang nabuking ang mga tunay niyang adhikain mula noong siya pa ang First Lady hanggang sa kasalukuyan kung saan hindi pa rin makalap-kalap ang lahat ng kanilang ill-gotten wealth. Dito na pumasok ang iba’t ibang panayam na sumasalungat sa mga iminutawi ng bibig ni Imelda Marcos. Gayundin, nagsalimbayan ang iba’t ibang pananaw at opinyon ng mga manonood nang mabanggit ang paniniwala ni Imelda na ang batas militar ang pinakamahusay na naging desisyon ng kaniyang asawa. Ito raw ang panahon kung saan hindi naranasan ng bansa ang paghihirap. Kabaliktaran ng kaniyang opinyon ang matapang na pagpapahayag nina Etta Rosales, May Rodriqguez, at Pete Labaca ng kani-kanilang mga naging karanasan bilang mga biktima ng batas militar. Pamomolestya, pang-aabuso, at iba pang uri ng pagmamalabis ang kanilang naranasan bilang mga aktibista sa panahong ito. Nakapagbigay din ng pahayag si Benigno “Noynoy” Aquino III na anak ni Benigo “Ninoy” Aquino Sr. na pinaniniwalaang ipinabaril ng mga Marcos. Isa ito sa mga naging dahilan ng pagsiklab ng damdamin ng mga Pilipino na nagbunsod sa People Power Revolution na nagpabagsak sa mga Marcos. Hindi nagpasindak si Imelda sa pagpapatalsik sa kaniyang pamilya sa kinagisnang bansa. Siya’y hindi nawalan ng pag-asang maibalik ang karangyaan ng kanilang pamilya kung kaya’t ganoon na lamang ang pagpapakilala niya sa unico ijong si Bongbong Marcos sa masa. Nais niyang makita ang anak na nakaupo sa pwestong minsang pinagharian ng kanilang padre de pamilia. Nabigo si Bongbong na masungkit ang pwesto ng pagka-bise-presidente subalit hindi nagpasindak ang tinaguriang kingmaker. Ang posibleng alyansa ng mga Marcos sa kasalukuyang presidente ay unti-unting napagtatagpi lalo na sa kontrobersyal na kaso kay Leni Rebredo. Sa panahon kung saan ang ang mga pekeng balita ang nagmamanipula sa halalan, ang kwentong ito ng pagbabalik ni Imelda ay magsisilbing madilim na palaisipan sa mga mamamayan. Isang palaisipan na nakapag-iwan ng isang katanungan. Nagtagumpay kaya ang mga bulong ni Imelda Marcos, ang tinaguriang kingmaker, na nakapaghubog ng isang hari sa ikalawang pagkakataon?

MAKAPANGYARIHAN. Ang dokumentaryo noong 2019 na “The Kingmaker” ni Lauren Greenfield ay tumatalakay tungkol sa naging karera sa politika ng pamilyang Marcos sa bansa. Larawang mula sa The Kingmaker / Evergreen Pictures

dalangin ugo at

MARGAUX FUNDALES

A

ma namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Ang Semana Santa, nakaukit sa isipan ng mga Pilipino, lalo na sa mga Kristiyano. Ito ang paggunita sa isang linggong debosyon na iniaalay sa paghihirap ni Hesus hanggang sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Dinaraos dito ang ilang nakagawian tulad ng istasyon ng krus, penitensya, at iba pa. Karamihan sa mga Katoliko na gumagawa nito ay nakaugalian na dahil sa kanilang mga panata na nag-ugat sa mga pamana, paglilinis ng kasalanan, at pasasalamat sa mga kahilingang na dinggin. Noong ako ay musmos pa lamang, madalas akong dinadala ng aking mga lola sa aming tahanan sa Baliuag, Bulacan upang manuod ng prusisyon na nagbibigay kaalaman sa lahat ng naging buhay ni Hesus habang siya ay nabubuhay pa sa mundo. Lumaki akong hindi nalalaktawan ang prusisyon na iyon dahil nakamamanghang tunay ang parada ng mga karo at ang mga magagarbong damit ng gataong imahen ng mga poon. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo. Habang ang aking pamilya ay naghahapunan noong mga nakaraang buwan, pumukaw ng aming atensyon ang kumakalat na mga balita patungkol sa Novel Corona Virus o kilala na ngayon bilang COVID-19. Napuno ng takot at nabahiran ng pa- ngamba ang aming kalooban buhat ng balitang ito.

Isang panibagong hamon na naman ang babalot sa mundo na siyang mag-uudyok sa pagdanak ng dugo mula sa libo-libong tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Nagsimula na nga ang aking kinatatakutan. Ilang mga dakilang manggagawa, propesyonal man o hindi, ang nag-aalay ng dugo at pawis upang makaranas ng kagalingan ang mga naapektuhan. Buong akala ng marami, kasama na ang aking sarili, na ito ay hindi na lalala pa’t makokontrol na ng gobyerno, ngunit may mga bagay na hindi ko inaasahang mangyari. Dito na ako napaisip kung ito nga ba ay hamon na ng Diyos para sa mundo.

isa ang Pilipinas sa naapektuhan nito. Napakaraming plano ang nawasak dahilan nito, lalo na ang paggunita ng Semana Santa. Ang mga napatupad na Social Distancing at Curfew ay nagdulot ng pagkansela ng mga nakagawiang tradisyon, ngunit hindi dito nagtatapos ang debosyon ng sambayanang Katolika. Nakahanap ng mga paraan ang simbahan gayundin ang mga mananampalataya upang maipagpatuloy ang kanilang pamamanata. Halimbawa na nga nito ay ang pagdaraos ng misa at prusisyon na mapapanood online sa paraan ng livestream. Napatunayan din ng marami na hindi balakid ang hamong ito sa patuloy na pagpuri at pagsamba sa Panginoon.

Dito sa lupa para nang sa langit, bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw at patawarin mo kami sa aming mga sala. Sa hindi inaasahang pagkakataon, kumalat ang COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo at

Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. Huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama. Patong-patong na suliranin na ang kinahaharap ng bawat isa sa panahon ngayon. Kagutuman, kawalan ng pag-asa,

mga taong bulag-bulagan at bingi-bingihan, mga taong sakim sa kapangyarihan, at takot mula sa kamatayan. Ang mga plano’t pangarap na nais maisakatuparan ngayong taon ay ibinubulong na lamang sa hangin kasabay ng mga dalanging nais mapakinggan. Sa katunayan, kahit ako’y may mga plano ring napako’t hindi ko magawa-gawa. Ngunit kailangan kong intindihin at ipagpaliban muna kapalit ng aking kaligtasan. Aking ikinikintal sa aking isipan na kapalit ng isang taon na pagpapaliban sa paggunita ng Semana Santa nang hindi kasama ang aking buong pamilya ay ang mga susunod na masayang pagbubuklod at pagdiriwang. May dahilan ang mga nangyayari at mayroon din itong nagagawang mabuti sa bawat isa. Mayroong mga nakakapagmuni-muni at bumabalik ang loob sa Diyos’ nagkakaisa ang mga dasal upang mapabuti ang kalagayan ng mundo, at maramit pang iba. Ako mismo ay naniniwala na ang krisis at isyung bumabalot sa mundo ay hindi makapipigil sa pagtingala ng bawat isa sa pagpapatuloy ng kanilang paniniwala. Walang pinipili ang COVID-19, kaya gayon na lamang ang mga aksyong isinasagawa, lalo na sa mga tradisyunal na pagdiriwang na inaabangan ng sambayanan. Sa katotohanan, ako ay naniniwalang ang mga hamong ito ang nagsisilbing pampatatag hindi lang ng mga Pilipino, kundi pati na rin ng buong mundo.

Gabriela: IKAW, HANDA KA BANG MAGALAY NG DUGO AT DALANGIN?

PAGPAPASIMULA NG REBOLUSYON yong pinagtatyagaan. Araw-araw binabalewala at inaalipin. Nakakapagod ngunit walang magawa– para sa pamilya kahit hindi na para sa sarili. Araw-araw kumakayod, dugo’t pawis ay iniaalay. Aalis at uuwi na tanging dilim ang nasisilayan. Haka-haka pa rin sa kasalukuyan ang dahilan kung bakit hindi siya mabigyan ng tamang pagtrato. Buntong-hininga.

Bakit kailangan magtiis? Labi ay nagdurugo, katawan ay nananakit, nangingitim na mga pasa at luhang bumabaha. Nagmamahal at nasasaktan. Nanliliit sa sarili, naaawa at napopoot ngunit bakit mahirap tumakas sa patibong na ito? Kapag tumakas ay masasaktan, kapag hindi ay masasaktan pa rin. Saan dapat lumugar sa lipunang mababa ang tingin sa kababaihan? Ang Gabriela na malaki ang ambag sa buhay ng isang Pilipino ay binabasura lamang.

Kapangyarihan mula sa Kamay ng Pinagkaitan

DIBUHO NI JOHN ROGEL ULAN

HINDI AKO BABAE LANG, BABAE AKO. DANIELLA JUAN

S

a pagsapit pa lamang ng bukang-liwayway ay isang balde na ng pawis ang kumakatawan sa paghihirap ng kababaihan. Libo-libong mata ang nakatitig sa kanilang bawat galaw, kinakailangang magampanan ang tungkuling iniatas sa kanila ng lipunan. Nakakapagod. Nakakapanghina. Tila pinagkaitan ng sariling pag-iisip at pahinga.

Tangan ang sarili at utak na puno ng kongkretong plano, humarap sa maraming tao ang babaeng umaasa na baka sakaling mabago ang ihip ng hangin at maputol ang lubid ng diskrimansyon. Mula 1998, 14% lamang ang porsyento ng kababaihang nakaupo sa pwesto. Ang realidad na ito ay sumisigaw ng mababang tingin sa kakayahan ng kababaihan. Nakakapanlumo.

Taas noong papasok sa institus-

Sa bawat pagbuhos ng luha ay ang dali-daling pagpunas sa mga ito bago pa bumaha ng lumbay at kahinaan. Ang lahat ng kapighatian at diskriminasyong dinaranas ay tutuldukan na. Ang isang babae ay hindi alipin, hindi utusan, hindi laruan, at lalong hindi hayop. Ang isang babae ay hindi lamang tagasunod sa kung ano ang tingin sa kaniya ng lipunang ginagalawan. Ang isang babae ay makapangyarihan– ang mga matang nagniningning, mga bibig na nakapagdadala ng mabuting balita at ang katawang nagbibigay ng buhay. Lahat ng sugat na natamo mula sa matalim na salita at gawa ay unti-unting maglalaho at bubuo ng isang babaeng namulat sa katotohanan. Si Gabriela na minaliit ay hindi na matatakot muli sapagkat ang kababaihan ay may kakayahan.

Tulay ng Kaisahan ng Kababaihan

Nang mamulat sa masakit na realidad na dinaranas sa mapaghamong lipunan ay hindi na muli pumikit ang mga naapi. Ina, asawa, negosyante,

maybahay– kababaihang may kapangyarihan. May kapangyarihang magsalita ng opinyon at pananaw, may kapangyarihang mamuno sa bansang kinalakihan, may kapangyarihang ipagtanggol ang sarili sa mapaghamong lipunan, at may kapangyarihan maging isang babaeng gagawa ng rebolusyon. Ang mga pipi ay nagkaroon muli ng boses, ang mga bulag ay nakakita magmuli, at ang mga bingi ay nabuksan ang tainga. Hindi na mananahimik pa ang mga namulat sa katotohanan. Ang mga halimaw na naging dahilan ng kanilang kahinaan ang siyang naging daan din ng kanilang kamulatan. Hindi na muling panghihinaan ng loob. Ang daan na kanina’y malungkot ay napuno na ng ngiti at makulay na pangarap mula sa kababaihan. Lalaban hindi lamang para sa sariling kapakanan ngunit para sa buong sambayanang pinagkaitan ng karapatan. Hindi na mag-iisa sa laban, hindi na matatakot muli, hindi na magpapasindak, at hindi na panghihinaan ng loob. Ang buhay na puno ng takot ay kakayanin dahil babae ka– may kapangyarihan, may karapatan.

Sa pagpatak ng takipsilim, ang balde-baldeng pawis at luha ay naging tubig na nagdadala ng pag-asa sa kaibutu-ran ng bawat isa. Ang libo-libong mata ay namangha sa bilis ng pagbangon ng isang aliping namulat. Magaan sa pakiramdam. Hindi na kailangan gampanan ang katangiang inilarawan ng lipunan sapagkat alam ng utak at puso niya ang nais niyang gawin sa kaniyang buhay. Hindi lang siya isang babae na magsisilbi sa lipunan, siya ay isang babae na may matayog na pangarap. Nang humangin ay hinagkan na niya ang karapatang tumayo sa sariling mga paa na walang takot sa sasabihin ng iba.

LIPAD, GABRIELA, ANG IYONG KAKAYAHAN ANG MAGTATAGUYOD SA LIPUNANG NAPABAYAAN.


9

I LATHALAIN

Silakbo ng

Hukbo

CHRISTINE MACLANG

Laban !

N

arito na kami. Makinig ka sa bawat katagang imumutawi ng aming bibig. Mga katagang unti-unting bubuo sa mga pahayag – mga pahayag na maghahatid sa inyo ng mensahe. Mensaheng isisigaw hanggang sa maulinigan ng lahat. Walang makatatakas; walang hindi makaririnig.

Health Workers

Sa likod ng patong-patong na baluting aking nagsisilbing panangga sa kalabang hindi masilayan ng mga mata, ay isang humpak na katawang pilit na kumikilos para sa kaligtasan ng bayan. Sa digmaang maaring kamatayan ang kahantungan, tangan-tangan ko ang sandatang magpapagaling sa sangkatauhan. Init ay tinatiyaga. Pagod ay ’di alintana. Pangamba’y pinagsasawalambahala. Malayo man sa pamilya, patuloy ang aking pagtupad sa sinumpaang tungkulin sa kabila ng piligrong aking maaaring kaharapin. Piligrong nakapagbunsod sa iba ko pang mga kasamahan na magbuwis ng buhay para sa kagalingan ng ibang tao. Nakalulungkot ma’y pilit ko na lamang nilulunok ang pait at sakit; dahil oras na ako’y mawalan ng pag-asa, ilang tao na naman ang mapipilitang magpantay ang mga paa nang mag-isa. Ako’y isang doktor, kasama sa frontline na nag-iiwan ng isang mensahe –"If

you lie, I die."

Kasama ng mga doktor at iba pang mga health worker, kapahamaka’y aking sinusuong para sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Daan-daang kilometro man ang kailangang bagtasin, tirik na araw man ang sasalubong sa pagal kong katawan, lahat ng ito’y handa kong tiisin makarating lamang sa aking paroroonan –sa digmaang maaaring buhay ang maging kapalit. Nakatatakot. Nakapapagod. Subalit sa kabila nito ay tuloy pa rin ang aking pagganap sa sinumpaang tungkulin. Patuloy pa rin ang pagkalinga sa mga taong kaligtasan nila’y iniasa na sa akin. Patuloy ang pagpapakita ng ngiti sa kabila ng mga pangambang bumabagabag sa akin. Patuloy ang paglaban para sa pamilyang umaasang ako’y muling makauuwi. Ako’y isang nurse, kasama sa frontline na nag-iiwan ng isang mensahe – “Ito ang aking

sinumpaang tungkulin; gagawin ko ito anuman ang aking kaharapin.”

Kasapi ako ng mga mahahalagang miyembrong sumusugpo sa kalabang nagbalot ng takot sa sambayanan. Ibang sandata man ang aking tangan-tangan, ako’y lumalaban pa rin sa aking sariling pamamaraan. Ako ang tao sa likod ng mga balitang nagsasaad kung ang isang tao ay positibo o negatibo sa masamang banta ng kalaban. Hindi man ako direktong nakikidigma tulad ng mga doktor at nurse, ang aking pakikiharap sa puno’t dulo ng kadilimang bumbalot sa bansa ay isang malaking hamon din para sa aking kaligtasan. Noong una, akala ko’y virus lang ang aking kalaban; subalit dumating ang araw na ang itinuring kong kakam-

pi’y tumalikod na rin sa akin. "May mga instances po na kapag sinasabi ko po 'yung name ng hospital po namin, dine-deny ako ng public vehicles," sambit ni Benette Victoria Pinar mula sa Cagayan de Oro City. Tulad ko, isa rin siyang medical technologist na kasama sa frontline. Kasama siya, kami’y nag-iiwan ng isang mensahe – "Hin-

di po kami ang kalaban.”

Law Enforcers

Kasabay ng pagsugpo sa matinding kilabot na kinahaharap ng bansa ngayon, ang pagsasakatuparan ng mga estratehiyang maglilimita sa pagkalat nito na tinawag na community quarantine. Ako’y nanguna, kasama ang iba pang mga tinaguriang law enforcers ng bansa upang masigurado ang maayos na pagpapatupad nito sa iba’t ibang panig ng bansa. Aming tinitiyak na ang mga tao ay mananatili sa kani-kanilang mga tahanan kasabay ng pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bawat pamayanan. Araw at gabi ang aming iginugugol sa mga establisyemento’t lansangan. ‘Di na alintana ang gutom sa maghapong pagtulong kahit na ang iba sa ami’y sukdulan ang paghihirap sa ilalim ng tirik na tirik na araw. At sa pagsapit ng oras ng aming pagpapahinga, kami’y salat din sa komportableng mahihigaan. Tulad ng mga health workers ng bansa, bilang din ang mga araw na aming nadarama ang mainit na bisig ng aming mga pamilya. Hindi rin maiwasan ang mangamba. Pangambang baka hindi na muling makauwi pa. Pulis, sundalo, at mga security guard kami kung tawagin; kasama sa frontline na nag-iiwan ng isang mensahe – “Makinig at maki-

isa para sa kapakanan ng bawat isa.”

Media Personnel

Sa panahon ng digmaang ito, tiyak na ang lahat ay gutom sa mga makabuluhang impormasyong maglalahad sa kanila ng katotohanan. Sa paghahatid ng mga balitang walang pagkiling, ang lahat ay nakatutok sa akin. Ako, at ang aking mga kasamahan ang nagsisilbing mata ng mga mamamayan upang ang realidad sa labas ng tahanan ay kanilang masilayan. Ako ang boses na naghahayag ng mahahalagang balitang sasagot sa mga katanungan at tatapos sa mga kasinungalingan. Ang bawat araw ay tinitignan bilang oportunidad na makapagbigay-alam sa bawat mamamayan. Hindi tumitigil sa pagkalap ng mga balitang maihahatid sa mga taingang sabik sa impormasyon. Mapagbantaan ma’y patuloy pa rin ang pagkilos para sa kabatiran ng bayan. Hamakin ma’y hindi titigil sa paghahatid ng katotohanan sa aking mga ka-

N ROGEL ULAN

onsepto ORIHINAL na k babayan. Ako’y isang mamamahayag kasama sa frontline na nag-iiwan ng isang mensahe – “’Di

bale ng bulag, huwag lang bulag-bulagan.”

Essential Employees

Marami pa kung tutuusin ang kasama sa tinaguriang front line ng bansa. Narito kaming mga empleyado ng banko, pamilihan, pharmacy, fast food chain, at iba pang mga establisyementong bukas sa kasagsagan ng labang ito. Hinding-hindi rin kami mawawala sa eksena. Kaming mga magsasaka’t mangingisda na tumutulong din upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat isa. Kami ri’y nakikipagsapalaran sa digmaan sa pamamagitan ng aming kani-kaniyang mga pamamaraan. Ngunit iba-iba man ng paraan, iisa naman ang hangarin naming makamit at masilayan – ang katapusan nitong labang kumitil na ng daan-daang buhay. Nais na naming

DIBUHO NI JOH / ia v o g e s e g en jor

ni steph

muling makamtan ang payak na buhay na walang banta ng kalaban kasama ang aming mga pamilya. “Proud po ako dahil nababawasan ko po yung trabaho ng mga doktor at nurse,” sambit ni Carl Vien na janitor ng isang ospital. Hindi rin kami magpapahuli sa labang ito. Kaming mga tagalinis at taga-kolekta ng mga basurang humaharap din sa matinding panganib na dala ng digmaang ito. ‘Di man pansin ang aming gampanin sa labang ito, makita lang naming maayos at malinis ang kinagagalawan ng mahahalagang miyembro ng frontline at maging ng buong pmayanan ay sapat na para sa amin. Kami ang ilan pang kasama sa frontline na nag-iiwan ng isang mensahe – “Maliit man ang gampanin sa labang ito, kami’y buong pusong makikidigma hanggang matapos ang kadilimang ito.” Sa bawat araw na lilipas, dalangin naming lahat ay matuldukan na ang gyerang unti-unting lumulukob sa sambayanan. Kami’y paulit-ulit na

bumubulong sa kaitaasan. Paulit-ulit na umaasang mapakinggan man lamang at maibalik na ang dating takbo ng buhay na walang kinatatakutang kalaban. Kalabang hindi masilayan ng mga mata at hindi masugpo ng galit na galit na mga kamay. COVID-19. Ngalan ng kinasusuklamang kalabang sumubok sa aming magbigay ng higit pa sa aming tungkulin –magsakripisyo kahit buhay pa ang mailagay sa alanganin. Buwan na ang lumipas at patuloy ang pagpapagal para ang virus ay mawakasan. Ngunit ang hanggana’y hindi masisilayan kung walang pagtulong mula sa mamamayan. Ang hamon na ito kung tutuusin ay hindi lamang para sa amin. Ang hamon na ito ay nangangailangan ng pakikiisa mula sa sambayanan. Kung kaya’t making ka sa mga sasabihin ko.

“We stay at work for you, you stay at home for us.”


10

ENERO - HUNYO 2020

AGHAM AT TEKNOLOHIYA freemalaysiatoday.com

RAVEN DELA CRUZ

“MANATILI KAYO SA INYONG TAHANAN PARA SA AMIN.”

T

anaw ko ang takot na nakaukit sa mukha ng aking mga magulang. Nais ko mang pawiin ang kabang kanilang nararamdaman ay hindi ko sila magawang lapitan dahil sa sakit na COVID-19 na umiiral sa kasalukuyan. Libo-libong mga taong positibo sa sakit ang kanila nang nakasalamuha kaya ang pagkakaroon namin ng distansya sa bawat isa ang aming paraan upang maiwasan ang pagkalat nito. Sa pag-akyat sa lagpas 1,100 na kaso ng mga frontliner na positibo sa COVID-19, nadagdagan din ang pangamba ko para sa kalagayan ng aking mga magulang na kabilang sa mga nakikipaglaban sa unahan ng digmaang ito. Nang ideklara ng pangulo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon, ang pagamutan na ang nagsilbi nilang tahanan. Ang lumalaganap na sakit ngayon sa buong mundo ang pangunahing rason kung bakit nananatili sa loob ng kanilang mga tirahan ang lahat. Ang sakit na ito rin ang tanging rason ng aking mga magulang kung bakit patuloy nilang nililisan ang aming tahanan. Patuloy nilang sinusuong ang hirap na sumasalubong sa kanila araw-araw kahit na bakas sa kanila ang pagod dahil sa walang humpay na pakikipaglaban. Bitbit ang dedikasyon at katapangang nagsisilbing kanilang

CASE STUDY NO. 7

CORONAVIRUS DISEASE FRANCES REI REYES

M Saludo sa mga

MAKABAGONG BAYANI mga armas, isinasaalang-alang nila ang kanilang sariling buhay upang mailayo ang lahat sa nakatatakot na sakit. Kulang ang pasasalamat sa mga sakripisyo ninyo para sa aming lahat. Karapat-dapat kayong itu-

ring mga bayani dahil sa patuloy ninyong pagbibigay ng pag-asang may kinabukasang maliwanag. Hindi man natin masilayan ang dulo nito, naniniwala akong mananatili kayo sa unahan upang maproteksyonan ang lahat, lalo na kaming mga positibo sa

karamdamang ito.

ANG LABAN NINYO AY LABAN DIN NG BUONG MUNDO. KAISA NINYO KAMI RITO. SALUDO KAMI SA INYO, AMING MGA BAYANI!

HAMON NG BUHAY: CoVid-19 Survivor Ako! RACHELLE ASTUDILLO

M

atindi ang kinahaharap ngayon ng buong mundo, maging ang ating bayang sinilangan ay hindi nakatakas sa bagsik ng isang sakit na ngayon ay kumikitil ng buhay nang nakararami. Ang Coronavirus Disease o mas kilala sa tawag na COVID-19, ang sakit na nagpatigil sa dating galaw ng ating mundo. Ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa ating bansa ay si PH4, Carlo Navarro, isang ama, asawa, kapatid, at anak na lumaban mula sa sakit na maaaring magpalayo sa kanya sa

ALEEANA AGUSTIN

B

agong umaga na naman, sa pagmulat ng aking mata at pagtingin nang malalim sa blankong kisame'y aking naisip, “Anong magagawa ko kung nakakulong ako dito?” Sa aking pagbangon mararamdaman ang bigat na epekto ng suliraning hindi matapos-tapos. Sa isang iglap, nagbago ang lahat dahil sa surpresang dala ng Corona virus na isang malaking ba- ngungot para sa lahat at bagong gerang nilalabanan ng buong mundo. Ano ang magagawa ko? “Bahala na kung anong mangyari,” sambit ng isang presong nakakulong sa kanyang sariling mundo, iniisip na siya’y walang silbi. Walang

kanyang pinakamamahal na pamilya. Bagamat hindi pa malala ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo noong siya'y tablan nito, masaya pa rin siya at kanyang pamilya na pumunta ng Japan hanggang sa umuwi siya ng may kakaibang pakiramdam. Agad-agad siyang nagpa-test sa ospital at doo'y nalaman nilang nakakuha siya ng isang nakahahawang sakit. Agad siyang nanatili sa ospital upang magpagaling. Ang unang pumasok sa isip niya noong nalaman niyang nagpositibo siya sa sakit ay ang kanyang pamilya. Inisip niya na hindi dapat sila magkaroon ng sakit na iyon at siya na

lamang sa kanila ang makaranas noon. Lumipas ang ilang araw at ang panalangin niya'y narinig ng Maykapal, gumaling siya at naturingang First Filipino COVID-19 Survivor at masayang nakauwi sa kanilang tahanan. "Huwag kang mag-aalala, may pag-asa", ani Carlo noong siya'y nakipagpanayam na sa mga media. La-king pasasalamat niya na siya'y gumaling mula sa sakit na tunay na sumubok sa kanyang pagkatao. Sa panahong wala siyang makasama sa ospital, doon niya napagtanto kung gaano kahalaga ang mga taong mahal niya sa kanyang buhay, na walang makahihigit sa kanila.

REHAS NG PAG-ASA

halaga, dahil nakaposas ang kanyang kamay at wala na siyang kakayahang abutin ang kalawakan, nawalan ng kapangyarihang gamitin ang kalayaan para iangat ang iba. Pangarap na baguhin ang mundo’y nawala. Ano nga ba ang magagawa ko kung nandito lang ako, nakakulong at nangangapa sa dilim. “Huwag kang matakot,” saad ng isang Pilipinong ngiti ay dala na sumisimbolo sa bagong umaga, “May magagawa ka,” bulong ng pag-asa. Ang iyong pagdistansya ay tulong sa lahat, ang paglayo ang maglalapit sa atin sa magandang kinabukasan. Walang tulong na malaki o maliit. “Huwag kang matakot, ‘di mo

ba alam nandito lang ako sa iyong tabi…” Simulan mo na. Kung ikaw ay may pribilehiyong manatili sa iyong sariling pamamahay huwag kang magdalawang isip na gawin ito, isa itong tulong upang maiwasan ang lalong pag-alsa ng ating ikinakaharap na virus. Sumubaybay ka, magkaiba ang may alam sa may pakielam, manood ng balita at sumunod sa inilatag na batas ng pamahlaan. May magagawa ka, mamuhay ng simple at tanggalin ang anumang luho. Ito ang panahon para mamuhay ng sapat, kumalas sa anumang karangyaan, magpakababa. Sa oras na hinahamok tayo ng matinding labanan ito ang iyong gawin:

Dito rin sa karanasang ito sinubok ang pananampalataya ni Carlo sa Panginoon at doon din na iyon ay narinig ang kanyang pagsamo. Daan-daang mga Pilipino na ang gumaling sa sakit na COVID-19, ngunit mas maganda kung lahat ng natitirang may kaso nito ay gumaling na at wala na sanang iba pang makakuha nito. Sa panahon ng pagsubok, dapat alalahanin natin ang mga bagay na hindi natin minsan binibigyang-pansin. Bigyan natin ito ng halaga at kailanma'y

huwag mawawalan ng pagasa sa kabila ng bawat hamon sa buhay. kumain, mamili, at mamuhay nang sapat, para ang lahat ng napagkukunan ng pangangailangan ay umabot sa masa. May magagawa ka! Kailan ka magsisimula? Ipamahagi mo ang biyayang iyong natatamasa. Sabi nga, ang nagpapakababa ay itinataas, ang namamahagi ay mas lalong ipinagkakalooban. Sa panahon kung saan tayo ay hinahamon, panaigin natin ang bayanihan na nagpapakita ng pag-ibig sa bayan. Ito ang sandatang walang kupas, sandatang mas makapangyarihan pa sa lahat ng delubyong ating napagdaanan, pinagdadaanan, at pagdadaanan. At sa munting paraan ng pagtulong, unti-unting masisilayan ang liwanag. Sa wakas, tapos na ang laban, dito na malalanghap ang simoy ng kalayaan. Kaya ikaw, may magagawa ka.

#NoStudentLeftBehind:

Online Classes sa Gitna ng CoVid-19

K

DAN MAG-ISA asabay ng pagpapatupad ng ECQ at GCQ sa buong Pilipinas ang pagsasara ng mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Ang pagsasarang ito ng mga edukasyonal na institusyon ay nagbunga ng panibagong suliranin sa pag-aaral na siya namang binigyang solusyon ng teknolohiya sa pamamagitan ng mga ownline class. Naging tulay ang solusyong ito noong mga nakaraang buwan sa HSAM kung saan nagbibigay ng mga gawain, aktibidad, proyekto, at pagsusulit ang mga guro sa kanikanilang mga estudyante upang hindi matuldukan ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabila ng solusyong ito, mayroon pa ring malalaking hadlang na kinaharap ang pagsandal sa online classes. Ilang halimbawa nito ang kawalan ng WiFi connection ng ilang mga mag-aaral, delay sa pagpapasa dahil sa mabagal na cellular data, at ang kakulangan ng mga gadget ng mga estudyanteng kinakai-

langan sa kanilang klase tulad ng laptop. Ang mga suliraning ito ay nangibabaw sa social media sa pamamagitan ng mga hinaing ng mga mag-aaral. Lumutang sa Twitter ang #NoStudentLeftBehind, isang hashtag na nanggaling sa mga LaSallian na may layuning iparinig ang boses ng mga mag-aaral laban sa mga negatibong aspekto ng online classes. Ilang tweets ang nagsasaad na hindi mabisang solusyon ang online classes dahil naiiwan sa laylayan ng sistema ng pagkatuto ang mga walang WiFi connection o mobile data. Mayroon ding naging mga petisyon ang ilang mga unibersidad na itigil ang mga online classes upang matiyak na walang mag-aaral ang mahuhuli sa pagkatuto. Makikita na sa panahon ng krisis na ito, hindi dapat maging hadlang ang Corona virus ngunit iba pa rin ang kalidad ng edukasyon sa loob ng isang edukasyonal na institusyon. Malayo pa ang mga paaralan

at ang pamahalaan sa pagbuo ng isang perpektong sistema ng pagpapatupad ng online classes ngunit sa ngayon, mahalaga ito sa pagtitiyak na ang pagkatuto ay hindi matutuldukan.

atapos ang ilang dekada ng walang humpay na pag-ugong ng mundo, dumating na rin ang araw kung saan napilitan ang lahat na tumigil sa kanilang mga yapak at panoorin ang pag-usbong ng isang epidemya na dulot ng Corona Virus. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang sakit na ito ay hindi pa natutuklasan hanggang nagkaroon ng outbreak sa Wuhan, China noong Disyembre ng nakaraang taon. Unang naibalita ang kaunaunahang kaso ng CoVid-19 sa Pilipinas noong Enero na isang 38 taong gulang na babaeng Chinese national. SINTOMAS Ayon sa WHO, tumatagal ng lima hanggang anim na araw pagkatapos ng pagkahawa ng CoVid bago lumitaw ang mga sintomas na ito: Mga pangkaraniwang sintomas: • Lagnat • Tuyong ubo • Pagkapagod Mga hindi pangkaraniwang sintomas: • Sakit ng lalamunan • Pagtatae • Sakit ng ulo • Pagkawala ng panlasa ang pangamoy • Pagbabago ng kulay ng daliri sa kamay at paa • Rash sa balat • Conjunctivitis Mga malalang sintomas: • Hirap sa paghinga • Sakit sa dibdib • Kawalan ng kakayahang magsalita at gumalaw PARAAN NG PAGKAHAWA Ayon sa webmd.com, naririto ang mga paraan kung bakit nagkakaron ng CoVid-19 ang isang indibidwal. • • •

BAKUNA AT LUNAS Sa kasalukuyan, wala pa ring direktang bakuna at lunas sa CoVid-19 na natutuklasan subalit marami na ang nakakarecover mula rito sa pamamagitan ng paggamot sa mga sintomas. PREBENSYON Sa kawalan ng bakuna at lunas sa Coronavirus, mahalagang maprotektahan ng isang indibidwal ang kanyang sarili laban dito. Naririto ang ilang mga hakbang upang hindi mahawa at manatiling ligtas sa CoVid-19. 1. 2. 3. 4. 5. 6.

Manatili sa bahay. Panatilihin ang distansya sa iba. Huwag hahawakan ang mata, ilong, at bibig. Maghugas lagi ng kamay. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo. Magsuot ng face mask kung lalabas.

Laging tandaan na upang hindi maperwisyo ng CoVid-19 ay manatili na lamang sa loob ng inyong mga tahanan dahil ito ang parte mo bilang mamamayan!

DIBUHO NI KENT SANTIAGO

Droplets tulad ng sipon, ubo at bahing Surface transmission sa mga doorknob, pasimano, at iba pa. Aerosolized transmission


11

ISPORTS hollywoodreporter.com

2020 Summer Tokyo Olympics, kanselado dahil sa CoViD-19 JOSE GABRIEL IGNACIO PANSAMANTALANG ipinagpaliban ng International Olympic Committee (IOC) at Tokyo Organising Committee noong Marso 24 ang pagsasagawa ng 2020 Summer Olympic at Paralympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan dahil umano sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kasabay nito, inanunsyo naman ng Executive Board ng IOC na napagpasyahan nilang magkaroon ng kaunting modipikasyon sa petsa ng IOC Athletes’ Commission (AC) Election kaugnay ng kanselasyon ng nasabing torneo. Inaasahang maidaraos ang eleksyon at ang Olympics sa Hulyo 2021.

Iginiit ni Japanese Prime

Minister Shinzo Abe na magiging mahirap ang pagdaraos ng Olympics kung hindi masusugpo ang COViD-19 hanggang sa susunod na taon. "We must hold the Olympics as a testament to humanity's victory over the coronavirus," pahayag niya. Samantala, nakatanggap ng ulat ang IOC mula sa Task Force nitong

Sotto, aarangkada sa NBA G-League mula sa pahina 12

..."NOW I have to take the next big step towards my NBA dream and I am very proud and excited to announce that I will be joining the NBA G League select team," ani Kai sa kaniyang inilabas na video. "I will be playing with some of the very best and I am committed to work on developing my game on a much bigger stage," dagdag pa niya.

Batay sa ulat ng American

sports reporter na si Shams Charania, binansagan si Sotto bilang “First international draft prospect to sign a deal in the NBA G League pro program." “There hasn't been any full-blooded Filipino that has been to the NBA and I just want to be the first one and I just want to show everyone that we can also make it,” sabi niya sa isang pahayag. Makakasama rin niya sa programa ang top high school prospect na si Jalen Green na isa namang Filipi-

GINULAT ni Karl Ochoa ang mundo ng Philippine Chess matapos niyang patumbahin ang Philippine Chess Masters at manguna sa seventh leg ng 1st Philippine Chess Bullet Championship na ginanap noong ikalawa ng Mayo. Huling pinataob ni Ochoa si Fide Master (FM) Sander Severino sa ika-dalawampu at huling bahagi ng kompetisyon upang mapabilang sa hanay ng mga nagwagi at aabante patungo sa semi finals.

no-American. Dadaan siya sa isang taong intense training, coaching, at sa iba pang mga koponan ng NBA G League, kabilang na ang mga international teams at NBA Academy Teams mula sa iba't ibang sulok ng mundo. Patuloy na suporta mula sa kababayan niyang Pilipino ang hinihingi ng 7 footer sa kaniyang magiging karanasan at sa kaniyang paglalakbay patungo sa pagiging unang “full-blooded Filipino” sa NBA.

Ochoa. Tatagpuin naman ni Ochoa sina first leg winner GM Rogelio Barcenilla, second leg winner Jerome Angelo Aragones, Pimentel, Quizon, at Bersamina sa semi finals upang pagtalunan ang premyong P200,000.

Gayunpaman, ipinakita pa rin ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz ang kanyang determinasyong masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics sa pamamagitan ng pagpapanatili ng lakas at kundisyon ng katawan sa tulong ng kanyang quarantine workout sa Malaysia ani Coach Julius Naranjo.

Tungo sa Unang Ginto mula sa pahina 12

...Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, tagapamuno ng Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture, masusuportahan ng napi- pintong batas na ito ang mga atleta sa hinaharap na mapayabong ang kanilang mga kakayahan sa mga modernong pasilidad. "Through the National Aca- demy of Sports (NAS)… we want to su-pport aspiring athletes at the earliest possible opportunities so we would look for those who have the potential and train them in worldclass facilities," ani Gatchalian. Kung mapatutupad nang maayos, tunay na makabubuti ito sa kalagayan ng isports sa bansa lalo na at saksi ang kasaysayan sa matagal nang daing ng mga atleta para sa mga makabagong pasilidad, at sa NAS. Sa katunayan, inaasahang maitatayo ang main campus ng NAS sa New Clark City Complex na siya namang makapagbibigay ng akses sa mga magiging mag-aaral na atleta sa state-of-the-art facilities nito. Ayon naman sa nilalaman ng bill, nakapaloob sa magiging sistema ng NAS ang paglalaan ng scholarships sa mga Pilipinong may potensyal sa isports. Nakasaad naman sa magiging kurikulum nito ang pagbibigay ng mga espesyal na training sa mga student-athletes nang hindi nakokompromiso ang pagtanggap nila ng kalidad na edukasyon. Kung gayon, mabibigyang prayoridad ng NAS ang mga papausbong pa lamang na atletang Pilipino sapagkat mabibigyan sila nito, kung maisasakatuparan nang maayos, ng malawak na oportunidad sa iba’t

Ito ang unang panalo ni Ochoa sa isang major tournament na dumagdag sa sampu niya pang mga titulo na nakuha niya sa mga mas maliliit na kompetisyon. Kasama sina FM Alekhine Nouri, International Master (IM) John Marvin Miciano, Grandmaster (GM) Joey Antonio, third leg winner IM Joel Pimentel, IM Daniel Quizon, at IM Paulo Bersamina sa mga napabilang sa mga natalo ni

Nakahanda ang IOC para sa 800 milyong dolyar na pondo na magagamit sa mga gastusin sa pagkakakansela ng 2020 Olympic at Paralympic

Games.

EDITORYAL

Unranked Karl Ochoa pinataob ang Masters JUSTIN HERNANDEZ

“Here We Go” kung saan sinasabing espiritu ng pagkakaisa ang ipinakikita ng lahat ng stakeholders ng torneo na kabilang sa pagsasaayos ng mga laro upang maging matagumpay ang pagsasagawa nito.

Manila Bulletin

ibang propesyon at isports. Hindi lamang sa basketbol na siyang “prayoridad” sa mahabang panahon. Bukod pa rito, ang pagtutok sa mga batang atleta ang na-ging susi sa ilang powerhouse na bansa sa Olympics katulad ng Tsina at Japan. Maganda man ang hangarin ng batas, hindi maikakailang mahabang panahon na ang nasayang. Ang panukalang batas ay napasa matapos ang isang dekadang paghihintay – oras na katumbas ng dalawang Olympics, dalawang Asian Games, at limang SEA Games. Kung naipasa at naipatupad sana ito nang mas maaga, marahil ay mas maunlad na ang kalagayan ng isports sa bansa. Gayunpaman, ani ng iba, mas mabuti nang mahuli kaysa hindi matuloy. Sa pagkakataong ito, isang hakbang na lamang ang kinakailangan upang maisabatas ang panukala at malayo na ito sa muling pagkakaunsiyami. Sa huli, makabubuti para sa kalagayan ng isports sa bansa ang pagtatatag ng NAS. Ngunit, nararapat lamang na maisabatas at maimplementa ito nang maayos upang mabigyang tugon na ang ilan sa mga isyung pumapalibot sa isports sa bansa gaya ng kakulangan sa mga pasilidad at ang mga maling prayoridad. Maliban dito, nararapat din na akma ang sistemang ilalapat sa NAS sa itinuturing na “new normal” bilang pagtugon sa nadaramang pandemya. Sa pamamagitan nito, marahil hindi na malabong makamit ng mga atletang Pilipino ang mailap na unang ginto hindi lamang sa Olympics kung hindi maging sa ginintuang panahon ng isports sa bansa.


ENERO - HUNYO 2020

ISPORTS Mga bagong palakasan, kinulayan ang HSAM Intramural AARON VICTOR ACOSTA

IPINASOK ang iba’t ibang uri ng mga panibagong laro sa paaralan bilang isang pagsalubong sa mararaming klase ng panlibangan at bilang pagbibigaybuhay sa HSAM Intramural na ginanap sa loob ng dalawang araw, Marso 6-7. Sa katotohanan ay maraming ambag nga raw ang mundo ng E-sports sa kabataan, tulad na lamang ng hand-eye coordi-

TUNGO SA UNANG GINTO

nation at strategy thinking kaya’t isa na sa mga dinagdag sa kaganapan ang larong “Mobile Legends” bilang pagpapakila ng paaralan sa masayang larangan ng E-sports na nagsilbing malaking pagbabago sa nakagawiang Intrams. Maging indoor o outdoor na palakasan man ay kumasa ang mga iba’t ibang level ng estudyante tulad na lang sa mga katuwaang laro na cookie challenge, bucket head game, water pong, at iba pa. Sa bahagi naman ng mga larong panloob ay dinagdag ang mga paborito nating panlibangan tulad ng giant jenga at giant snakes & ladders. Sa kabuoang ranking naman ng nasabing kaganapan ay namayagpag ang Family 6 nang masungkit nito ang unang puwesto, kasunod ang Family 2 at pumuwestong ikatlo naman ang Family 8. Kasama ang mga panibagong palakasan na ito sa HSAM Intramural ay nagtapos nang masigla ang unang araw ng kaganapan.

Sa wakas, naipasa na ang NAS.

TURVEY CATINDIG

I

naprubahan na ng Senado sa isang bicameral conference committee report nitong ika-11 ng Mayo, 2020 ang pinagsamang bersyon ng Senate Bill No. 1086 at House Bill No. 6312 na naglalayong magtatag ng isang pambasang akademya para sa pagpapaunlad ng is-

DIBUHO NI PAULA CUASAY

EDITORYAL

ports sa bansa, o ang National Academy on Sports (NAS). Kung magiging batas ang niratipikang panukala, inaasahang matutugunan nito ang ilang suliraning matagal ng pumapalibot sa Philippine sports katulad na lamang ng kakulangan sa mga makabagong pasilidad at mga maling prayoridad... pahina 11

sports.abs-cbn.com

Sotto, aarangkada sa NBA G-League CELVIN CALUSCUSIN LALAKTAWAN muna ng Pinoy cager na si Kai Sotto ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo upang rumekta na patungo sa susunod na yugto ng kaniyang karera. VAMOS, JUNIORS! Ang Grade 9 cheerdancers ay nagpapamalas ng bagong stunts sa tinagurian nilang “Dia De Los Nueves,” sa naganap na HSAM Cheerdance Competition noong Marso 7, 2020. Larawang kuha ni Alexandra Pauline Culla

Juniors humataw sa HSAM CDC AARON VICTOR ACOSTA NAISABUHAY ang temang “The Heat Is On” ng HSAM Intramural matapos magpasiklaban ang apat na baitang ng mataas na paaralan upang mamayagpag sa pinakaaabang na paligsahan ng kaganapan, ang Cheerdancing Competition (CDC).

“Dia de los nueves” o “Day of the Nines”, ito ang naging tema ng Juniors sa ikalawang araw ng Intrams at sa kanilang paghataw tungo sa unang puwesto ng paligsahan ay naging araw nga nila ito. Dumagdag pa sa kasabikan ng kaganapan ang espesyal na pagbisita ng SHS PepSquad ng Quezon City na sila ring rumampa upang mas lalong

bigyang init ang ihip ng hangin. Maangas rin ang pagganap ng ika-10 na baitang o Seniors kaya’t naabot nila ang ikalawang puwesto, kasunod ang Freshies (3rd) at Sophies (4th). Ang paligsahang ito ay isang prestihiyiso at inaabang-abangan na kaganapan kaya’t di maikakaila na ka-

lakip nila ang dugo at pawis sa gitna ng kanilang paghahanda. Ang katangiang ito ay isa na sa mga basehan ng pagiging HSAian. Tangan ang mga hiyaw at suporta ng mga estudyante sa kanilang mga baitang ay mahirap sabihing walang kulay ang pagtatapos ng Intramural. Sumiklab nang tunay ang tema ng kaganapan: The Heat Is On.

Matapos ang mahigit isang taong pag-eensayo at pagsasanay ng 18-anyos na basketball phenomenon sa Estados Unidos, napagdesisyunan na niyang dalhin ang kaniyang talento sa development league ng NBA. Inilabas niya ang isang video sa isang post sa social media kung saan kinumpirma niya ang kaniyang napiling daan na tahakin at ito nga ay ang makamit di lang ang kanyang pangarap, kundi pati na rin ang inaasam ng bawat Pilipino... pahina 11


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.