Ang Pluma - Tomo IV Bilang I

Page 1

Sandata ng Kaalaman at Katotohanan

NA

ISYU I

HUNYO 2023-PEBRERO 2024

JULITA, LEYTE

SILANGANG BISAYAS (R8) TOMO IV

PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG JULITA

JNHS Scouters, nasungkit ang Overall Championship

Nakuha ng Julita National High School (JNHS) ang titulong Overall Championship sa ginanap ng BSP at GSP Simultaneous District Comporally 2023 na idinaos sa Caridad Primary School (CPS), Caridad, Leyte, Nob. 24-26.

Tatlong araw ang inalaan sa BSP at GSP camping, 104 ng Junior High Scouters ang naitala, kasama nila ang adult leaders na sina Bb. Rocelle Labanan at G. Dexter Patanao.

Sa unang araw ng kamping, ang lahat ng scouters ay nagtipon sa ground ng CPS para sa pagbubukas ng programa kasama ang mga coleader at mga magulang na dumalo.

Binuksan ang programa sa pamamagitan ng pambansang awit at panunumpa ng iba’t ibang pangako at batas, sumunod nito ay opisyal na pagbinuksan ni Gng. Rhodora A. Arceño, District Supervisor, ang BSP at GSP Comporally.

Nagkaroon ng paghahanap para sa Reyna at Hari ng scout, nanalo ang kandidato ng JNHS na si Jade

Louise Nerosa bilang Reyna at ang Hari ng Scout ay napanalunan ng BSP mula sa Alegria Integrated School (AIS).

Sa ikalawang araw, unang aktibidad na ginanap ay pagtuturo ng Municipal Disater Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa first aid, sumunod nito ay pagbabahagi ni Gng. Ira Dupay, Principal ng Villahermosa ES, sa kasaysayan ng GSP at BSP.

Nagkaroon ng iba’t ibang aktibidades katulad ng obstacle race, 6 senses, Semathone at Knot tying.

Sa gabi, nagkaroon ng campfire, kung saan ipinakita ng mga scouters ang kanilang mga talento mula sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.

JNHS, SHS, humakot ng parangal sa ASPC 2024

Sa huling araw ng programa, nagkaroon ng maikling seremonya para sa pag-aanunsyo sa mga nagwagi sa iba’t ibang aktibidad, nakuha ng JNHS BSP at GSP ang titulo bilang Overall Champion.

“We are so lucky to got the overall championship, very mahirap an mga games also kun pano kami mag survive, but with the help of our co-patrol leader we won,” aniya ni Nicka Guitering, JNHS GSP.

Teritoryo ay Ingatan, Karapatan ay Ipaglaban

Hindi ba't tayo dapat ang nakikinabang sa sariling yaman ng ating bansa? Nararapat na bigyang proteksyon at supurta ang ating mga mangingisda. Huwag tayong matakot na ipaglaban ang ating karapatan sa sariling teritoya. Ang Bajo de Masinloc ay pag aari ng Pilipinas hindi tayo ang dapat na masindak.

CID Chief, binigyang pugay sa pagreretiro

Nagtipon-tipon at dumalo ang mga guro ng Distrito ng Julita sa isinagawang programa para sa pagreretiro ni Gng. Felicidad T. Espinosa, Chief ng Curriculum Implementation Division (CID), na ginanap sa Julita Gymnasium, Dis. 1.

Sinimulan ang programa ng isang pambansang awit, sinundan ng panalangin, Deped Leyte Hymn at Julita Hymn, pagkatapos nito ay ang pambungad na pananalita ni Gng. Rhodora A. Arceño, District Head.

Nagbahagi ng kanilang personal na anekdota sina Gng. Erlinda C. Daya, Principal II ng Julita Senior High School (JSHS) at G. Nemecio N. Legata Jr., Master Teacher I ng JNHS.

Pinangunahan ng mga guro ng JNHS ang intermisyon, kasunod nito ang pambungad na anekdota ni G. Pacifico M. Solidor Jr., Principal II ng Sta. Cruz ES, at sumabay din ang mga guro ng Julita Central School (JCS) para sa intermisyon na pagsayaw.

Ibinahagi nina Gng. Feraldine R. Legaspi, Master Teacher I ng JNHS at G. Paul T. Luciano, Head Teacher II ng Bongdo ES, ang kanilang personal na anekdota at kasunod nito ang intermisyon na pinangunahan ng mga guro ng JSHS.

Nagbigay ng mensaheng pagpapasalamat si Gng. Rosila L. Advincula, SB member, Comm. on Education, kasunod nito ang

intermisyon ng sekondarya ng Alegria IS.

Nag-alay ng mensaheng pagpapasalamat sina Gng. Melda M. Marcos, Principal ng JNHS, at Gng. Imelda G. Del Agua, Head Teacher II ng AIS, sinundan ito ng isang intermisyon ng mga guro sa upland.

Nagbigay naman ng mensaheng pagpapasalamat si Gng. Jane A. Firmo, Principal II ng JCS at sumabak din sa intermisyon ang mga guro ng Lowland.

Hinandugan ni Gng. Melitona C. Abad, Teacher III ng JCS ng kanyang ginawang siday para kay Gng. Espinosa, kasunod nito ang pagbibigay ng regalo na sinimulan ng mga Punong guro sa elementarya.

Naghandog ng awit sina G. Amor D. Dasmariñas, guro ng JNHS at G. Brando P. Movido, guro ng Alegria IS.

Nagbigay ng kaniyang tugon si Gng. Espinosa sa pamamagitan ng isang siday bilang pasasalamat sa ilang taong pagseserbisyo at pagkatapos ay ang kanyang mensahe para sa lahat ng dumalo ng at pasasalamat.

Tahanan ng Pananampalataya, ipinatayo ng Julitanhons

Naumpisahan na ang pagpapagawa ng bagong gusali ng simbahan ng Julita, Leyte sa pamumuno ni Rev.Fr. Edraline Malate, Parish Minister, mahigit 20 milyong piso ang nakalaan na badyet para dito na nasimulan noong Nob. 15, 2021.

Nasa mahigit 10-15 metros ang taas ng gusali, 45 metros ang haba at 45-20 ang lapad. Naitalang nasa 20-50 semento ang nagagamit sa isang araw.

Pinangungunahan ni G. Victorino Valdez, foreman ng mga manggagawa, 12 trabahador ang gumagawa rito, 6 na skilled worker na may sweldong 500 kada araw at 6 na labor na may 300 sweldo kada araw gayundin sa foreman.

"Kailangan na magburublig ngan dapat damo it mga donors para mapadali it pag-ayad hini, ngan usa pa kailangan hin dako nga kwarta para dinhi."

OPISYAL
PAMPAARALANG
PARANGAL. Chief of Curriculum Implementation Division (CID), Felicidad T. Espinosa binigyan ng parangal ng Julita District sa pagtatapos ng kaniyang tungkulan sa Julita Gymnasium, Disyembre 1. Kuha ni Vivien Espinosa
TAOS-PUSONG PASASALAMAT
SCOUTING BAGONG SIMBAHAN Alyka C. Capilos Alyka C. Capilos
SUNDAN SA PAHINA 3 Siyentipikong Paglaban sa Klima Meow to the Rescue JNHS, temporaryong lumipat sa Julita SHS AGTEK l 13 LATHALAIN l 9 BALITA l 3 OPINYON l 6 BALITA l 2 AGTEK l 16 ISPORTS l 18 Mapanganib na Maliit na Butil Ang Paglalakbay ng Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup
TINIG NG KABATAAN
Alyka C. Capilos
SA

JNHS,SHS, humakot ng parangal sa ASPC

Tumanggap ng mga parangal ang Julita National High School (JNHS) at Julita Senior High School(JSHS) at sa ginanap na Area Schools Press Conference (ASPC) na may temang “Campus Journalist in the MATATAG Era: Breaking Down Barriers of Isolation, Indifference and Mediocrity; Building Up Support for Inclusion, Collaboration, and Excellence,” ginanap sa Dulag National High School (DNHS), Marso 8-9.

Nanalo ang labing-isang mamamahayag ng pampaaralang pahayagan na El Dorado at Ang Pluma sa indibidwal na kumpetisyon, lima sa El Dorado at anim naman sa Ang Pluma.

Nakuha ng Ang Pluma at El Dorado Collaborative Desktop Publishing (CDP) ang ika-tatlong puwesto, pitong mamahayag sa Ang Pluma at pito rin sa El Dorado.

Nanguna sa listahan ang El Dorado Radio Broadcasting (RB), binigyang din ito ng mga parangal, nakuha naman ng Ang Pluma RB ang ika-tatalong puwesto, mayroong pitong miyembro ang bawat isa.

Nasungkit ng JNHS ang ika-limang puwesto sa pangkalahatang kampeon ng mga paraalan ng Area II-B.

Sasabak naman ang mga mamamahayag na nagwagi sa darating na Division School Press Conference (DSPC) na gaganapin sa Abuyog, Leyte, Marso 20-23.

Mathematics Month, idinaos ng JNHS

Ginanap ang gawaing pangwakas ng Matematika sa pagdiriwang ng Mathematics Month na may temang “Mathematics is Everywhere,” Julita National High School (JNHS), Nob. 10.

Naghanda ng iba’t ibang palaro at kompetisyon ang General E-Math Club Officers sa pangunguna ni Gng. Thelma Vacal, Master Teacher II.

Unang isinabak ang kompetisyon sa spoken poetry, kung saan kinakatawan ito ng bawat baitang mula 7-10 at ito’y napanalunan ni Sunshine Lumanta, Baitang 10.

Sumunod dito, ang quiz bee na pinangunahan ni Gng. Noemi Bartolome at bago ito ay pumuli

ang mga guro ng matematika ng walong quizzer sa bawat baitang bilang pangkat, nagwagi ang Baitang 7.

Ang Da-Math ay pinangunahan ni G. Randy Tores at ito’y napanalo ni Jean Ysabel Portillo ng Baitang 10.

Sa larong Juan Went to Mathematics Market, bawat baitang ay mayroong binuong sampung lalaki na sasabak sa laro

Surprise Game at Longest Line. Nagkaroon din ng raffle draw kung saan, ang masuwerteng nabunot ang nabigyan ng premyo, kasunod nito ang pagbibigay ng premyo sa mga nanalo sa Trivia.

Bilang pagtatapos, nagbigay ng mensahe si Gng. Vacal bilang pasasalamat sa mga nakilahok sa programa, sumunod ay ang paggawad ng sertipiko sa mga nagwagi.

DepEd ipinatupad ang bagong iskedyul

LABAN SA DISKRIMINASYON

Mga guro, dumalo sa GAD training

Nagsagawa ng Three-Day Gender and Development Mainstreaming and Capacity Building for Teaching and Non- Teaching Staff’s ang Julita National High School (JNHS), Dis. 15-17.

Sa unang araw, sinumulan ang programa ng isang panalangin, sumunod ang pag awit ng Lupang Hinirang, pagkatapos ay ang Pambungad na Pananalita ni Gng. Melda M. Marcos, Principal II.

Unang paksa sa pagsasanay ang “Rationate an Gender and Development” ni Gng. Noime N. Bartolome Teacher lll, sinundan naman ng ‘GAD PLANNING and BUDGETING’ na pinamunuan ni Gng. Marcos Ph. D Principal ll.

Sa ikalawang araw, tinalakay ni G. Daniel E. Jadulco Teacher lll,

Sensitivity and Awareness Among Faculty and Staff” naman ni Gng. Geraldine C. Tobias Teacher lll.

Nagkaroon din ng “Overview on Republic Act No. 9692 AntiViolence Against Women and Children Act CUAW-C” si G.

Nestorio A. Gajardo, Jr. Ulong Guro “Sexual Harassment and Gender - Based Violence in the Academic Setting” sa pangunguna ni Gng. Marian R. Masayon, Master Teacher ll at “Mental Health Awareness” ni Shelane B. Agote, Teacher lll sa

No voluntary or mandatory task or activities shall be assigned to teachers from June 1-30.

Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang DepEd Order No. 003 S.Y. 2024 na nagsasaad ng pagbabago ng mga aktibidad upang maibalik ang Abril at Mayong bakasyon ng mga estudyante, Peb. 19.

Ayon sa DepEd Order No. 003, dapat matapos ang taong 2023-2024 sa Mayo 31, 2024 at ang bakasyon naman ng mga estudyante ay Hunyo 1-26.

Gayundin , ang pagsisimula

ng klase ng taong 2024-2025 ay itinakda sa Hulyo 29, 2024 at matatapos sa Mayo 16, 2025. Dagdag pa nito, bawal bigyan ang mga guro nang mga trabaho na may kaugnayan sa paaralan.

“No voluntary or mandatory task or activities shall be assigned to teachers from June 1-30,” saad ni Bise Presidente Sara Duterte.

Tahanan ng Pananampalataya, ipinatayo ng Julitanhons MULA SA PAHINA 1

Binigyang-diin niya na kung hindi kakapusin sa pera ay maaring matapos ito sa susunod na taon at sinabi rin niya na layunin ng pagpapagawa ng bagong simbahan ay upang dumami ang makakapasok ng maninimba sa loob at gumanda at lumawak pa ang simbahan.

Kasalukuyang ginagawa sa ngayon ang simbahan, ayon sa foreman nasa mahigit 9 milyon ang nagastos na rito.

“Paniniguruhon ko na matapos ini hasta dre pa ak natapos tak serbisyo dinhi ha Julita, ini nga pagpaayad ay dire, la para ha akon kundi para ini ha ngatanan ngan ha susunod pa na henerasyon" aniya ni Malate.

balita 2
BIDA KABATAAN Alyka C. Capilos Sara Duterte Bise-President Kalihim, Kagawaran ng Edukasyon
MATH-TALINO MATATAG
Angel Peterson Alyka C. Capilos Alyka C. Capilos HAKOT AWARD. Umani ng maraming parangal ang Julita NHS at SHS sa ginanap na Area Schools Press Conference,Dulag NHS,Marso 8-9. SEMINAR. Guro ng Julita NHS dumalo para sa INSET GAD, Disyembre 15-16. Kuha ni Miel Margaret Macaraig
TOMO IV JULITA, LEYTE HUNYO 2023-PEBRERO 2024 ISYU I
Larawan: INQUIRER

UN MONTH

Mr. and Ms. UN 2023, ginanap sa Julita NHS

Ipinagdiwang ng Julita National High School (JNHS) ang United Nations sa pamamagitan ng patimpalak na “The Search of Mr. and Ms. UN 2023”, kung saan nasungkit ang korona nina Kirsteen Hugh Ocopio (Mr. Germany) at Kia Viena Versoza (Ms. Germany) ng Baitang 8, Okt. 24.

Ipinakita at ibinahagi ng mga estudyante ang kanilang katalinuhan, kakaibang kagandahan at maging sa pagiging malikhain. Bawat baitang mayroong mga kandidato, sa Baitang 7, sina Chloe Bernadette Caña (Ms. South Korea), Alexis Arozado (Mr. India) ang nanalo sa Ikatlong puwesto, habang si Ruziel Anne Avelino (Ms. USA), Baitang 9 at si Aivanne Rhaine Quimbo (Mr. Argentina), Baitang 10 ang nakakuha ng Ikalawang puwesto, at sina Earen June Garcia (Ms. Argentina) Baitang 10 at Jhon Lenard Sayong (Mr. USA), Baitang 9 ang nanalo sa Unang puwesto. Pagkatapos gawaran ng sertipiko at korona ang mga nanalo, agad na kanya-kanyang pagkuha ng larawan ang mga tagasuporta sa kanilang

PASKONG MAY LIGAYA

pambato, kabilang na rito ang mga dumalong magulang ng mga kandidato.

Nagbigay ng mensahe si Dr. Melda M. Marcos, Principal I I, sa lahat na nakilahok bilang pasasalamat, pati na rin sa mga magulang at mag-aaral na sumusuporta at nanonood.

Christmas Party ipinagdiwang ng JNHS

I

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng panalangin at sinundan ng pambansang awit. Naghandog din ng pambungad na mensahe si Dr. Melda M. Marcos, School Principal ll.

Dis 14.

Ang mga patimpalak ay ang pag- awit ng Acapella at Search for Mr. and. Ms. Star ng Pasko 2023. Bago magsimula ang paligsahan ay ipinakilala muna ang mga hurado, kalahok at pamantayan sa pagganap. Habang nagpapahinga at naghahanda ang mga nagtatanghal ay isinagawa ang larong Fit Me In.

BUONG PUSONG PAGTANGGAP

Lumikha ang mga nagtanghal ng bawat baitang ng mga magagandang simponiya ng mga boses, nakapagpasigla ng espiritu, at nagbibigay- inspirasyon sa iba na madama ang presensya ng pasko. Naghandog din ng mainit na rampa ang mga kalahok ng Mr. and Ms. Star ng Pasko. Matapos ang mga aktibidad ay ang pag anunsyo ng mga nanali at

ang pagbibigay ng mga sertipiko. Sa Fit Me In ang nag wagi ay ang

Baitang 7, sa Acapella Christmas Song Contest ay nagwagi ang

Baitang 9, si Mr. Nash Lumanta, Baitang 7 para sa Mr. Star ng Pasko 2023 at Ms. Ava Religia sa Ms. Star ng Pasko 2023.

Sa pagtatapos, nagbigay ng panapos na pananalita si G. Nestorio A . Gajardo Jr., Ulong Guro I.

Bagong punong guro ng SHS, mainit na sinalubong ng JNHS, SHS

Nagsagawa ng installation at welcome program ang Julita National High School (JNHS) at Senior High School (SHS) para kay Dr. Imelda G. Del Agua bilang bagong Ulong guro ng SHS, Peb. 14.

Nagsimula ang programa sa pambungad na mensahe ni Gng.

Elizabeth P. Dejaresco, Master Teacher I, sinundan ng panunumpa sa katungkulan ni Gng. Del Agua na pinangunahan ni Hon. Noli B. Caña, Brgy. Kapitan, Dist. II Julita, Leyte.

Ibinahagi rin ni Dr. Rhodora A. Arceno, District Supervisor ang

kanyang mensahe ng pagbati kay Dr. Del Agua at sa mga guro at kawani ng Julita SHS.

“I am confident that with our collective effort, we will continue to beckon our excellence in education," aniya ni Dr. Del Agua.

Higit pa rito, binigyang diin niya na tutulungan at susuportahan

niya ang mga guro sa paghubog ng mga mag-aaral na malapit nang mag-ambag ng positibo sa lipunan.

Bilang pagtatapos, nagbigay ng mensahe ang SPTA President Joan Barbosa Moral at Hon. Noli B. Caña na sususportahan nila ang anumang gawain sa paaralan.

SA WIKANG INGLES

English Month, idinaos ng JNHS

Ipinagdiwang ng Julita National High School (JNHS) ang programang

English Month na may temang “English as a Global Language: Bridging Cultures, Connecting the world”, na ginanap noong Des. 5. Nagsimula ang programa sa panalangin, pag-awit ng pambansang awit at sinundan ng pambungad na pananalita ni G. Nestorio

A. Gajardo Jr. Ulong Guro1, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Wikang Ingles.

Agad na sinimulan ang patimpalak sa deklamasyon na naipanalo ni Eloisa Mae Almaden ng Baitang 9.

Sumunod na kompetisyon ay ang akrostic kung saan naipakita ng mga mag aaral ang kanilang pagkamalikhain at linguistic prowes, nasungkit ng Baitang-10 ang unang puwesto.

Sumabak naman ang speech choir kompetisyon na nilahukan ng bawat baitang mula 7-10. Ang Baitang- 9 ang nakakuha sa Unang pwesto .

Ang panghuling laro ay ang tounge twister na sinalihan ng mga guro at mag-aaral, kasunod nito ay ang raffle draw, ang masuwerteng nabunot ay nakatanggap ng iba’t ibang premyo.

Matapos idaos ang iba’t ibang kompetisyon sinimulan agad ang paggawad ng sertipiko at premyo sa lahat ng nanalo at nakilahok.

PAGDIDIWANG. Guro at mag-aaral ng JNHS nagkaroon nagkaisang ipinagdiwang ang English Month sa paaralan, Disyembre 5. Kuha ni Vivien Espinosa

SA KABILA NG KONSTRUKSIYON

JNHS, temporaryong lumipat sa Julita SHS

Miel Margaret T. Macaraig

Pansamantalang lumipat ang mga mag-aaral, guro at kawani ng Julita National High School (JNHS) sa Julita Senior High School (JSHS), Ene. 17.

Nagsasagawa ng konstruksiyon sa bagong ipatatayong gusali ng paaralan kaya agarang paglilipat at paghahakot ng mga gamit, mesa, upuan at iba pang kasangkapang kakailanganin ng mga guro at mag- aaral.

Sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ay napadali ang paghahakot ng mga gamit sapagkat ipinahiram ang isang truck na sinakyan ng mga kasangkapan.

PAGLIPAT. Mag-aaral, guro, at mga kawani ng JNHS pasamantalang lumipat sa Julita SHS. Dahil sa pagsasagawa ng konstraksyon para sa bagong gusali ng paaralan, Enero 17. Kuha ni Ela Chie Soyun. TOMO

Ang ilang baitang naman ay may mga boluntaryong magulang ang tumulong sa paglilinis at paglalagay ng floor wax upang maihanda ang klasrum nang maayos bago pumasok ang kanilang mga anak.

Ayon kay G. Legaspi, JNHS Physical Facilities coordinator,

balita 3
Alyka C. Capilos dinaos ng JNHS ang taunang Christmas Party at nagsasagawa ng iba’t ibang aktibidades na ginanap sa Julita National High School (JNHS), Alyka C. Capilos Alyka C. Capilos Alyka C. Capilos KORONA AY IPANALO. Kia Versozo at Kirsten Hugh Ocopio, nakuha ang titulo ng Mr. at Ms. United Nations, Oktubre 23-24 Kuha ni Miel Margaret Macaraig
IV JULITA, LEYTE HUNYO 2023-PEBRERO 2024 ISYU I

PASASALAMAT

G. Gajardo Jr., ginawaran ng send-off party

Nagsagawa ng send-off party para kay G. Nestorio A. Gajardo Jr., Ulong Guro ng Julita National High School (JNHS) upang magbigay ng pagpapahalaga sa 21 taong serbisyo sa paaralan, Peb. 15.

Sinimulan ang programa ng pambungad na pananalita ni Gng. Thelma Vacal, MT II at sinundan ng mensahe ni Sunshine Lumanta, SSLG officer, pagkatapos ay nagkaroon ng iba’t ibang intermisyon at pagbibigay ng liham at bulaklak ng mga mag-aaral mula sa Junior at Senior High School.

“Your insight and wisdom have been influenced us. You have been consistent in giving advices and motivation to our beloved students. Your service will never be forgotten. Good luck to your next journey ang congratulations for stepping another milestone, sir Gajardo,” ani ni Dr. Melda M. Marcos, PhD, principal ng paaralan.

Lilipat na si G. Gajardo sa Alegria Integrated School-Junior High bilang bagong puno ng paaralan.

“Your invaluable advice and guidance during our campaign journey have been instruments in shaping our strategies and fostering our growth," mensahe ni Lumanta.

Pagbibigay ng pasasalamat na mensahe ang ibinigay ng mga guro sa pagkilala ng mabubuting gawa at sakripisyo ni G. Gajardo.

Nagbigay ng mensaheng pasasalamat si G. Gajardo sa lahat ng mga guro at mag-aaral, nasabi rin niya na pwede pa siyang bumalik sa JNHS pag magkaroon ng bakante ang posisyon para sa punong-guro.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng community singing ng mga guro.

Senior Boy Scouts, ginawaran ng seremonya

Nagkaroon ng seremenyang ng Investiture sa mga bilang pagtanggap sa mga bagong Senior Boy Scouts na pinangunahan ni G. Dexter Y. Patanao, Boy Scout Coordinator ng Julita National High School (JNHS), Nob. 14.

Pinagunahan ni Jacob D. Pulga, Senior Boy Scout Leader ang scouts vow. Ang mga magulang at ilang guro ng mga Senior Scouts ang naglagay ng neckierchief bilang simbolo ng pagkapantay pantay ng mga kasapi ng Boy scout of the Philippines ( BSP).

Si Gng. Thelma V. Vacal ang ngkompirma na sila ay mga tunay na kasapi ng Boy Scout. “ I confirm that you are already part of the Senior Boy Scout,” saad pa nito.

Binigyang diin ni Gng. Vacal ang responsibilidad, importansiya, pagkakaisa at pagtutulungan bilang isang pangkat.

Brigada

GALING NG KABATAAN

2nd Quarter Portfolio Day, isinagawa ng JNHS, SHS

Idinaos ng Julita National High School (JNHS) at Senior High School (SHS) ang 2nd Quarter Portfolio Day na ginanap sa mga silid-aralan ng bawat baitang, ala-una ng hapon, Peb. 8

Nagsipasukan ang mga magaaral kasabay ang kanilang mga magulang sa kanilang silidaralan at kanya-kanyang pagpili ng puwesto at upuan, bilang paghahanda sa programa.

Bawat silid-aralan mayroong sariling tarpolin na nakapaskil sa pisara at programa, pinangungunahan ng mga tagapayo ang pagbibigay ng sertipiko sa mga mag-aaral na nangunguna sa klase, katuwang

BIDA MANLALARO

nito ang mga Homeroom Officers.

Pagkatapos, nagkaroon ng maikling pagpupulong ang tagapayo at mga magulang ng mga mag-aaral, tinalakay nito ang iba’t ibang mahalagang agenda ng paaralan, katulad ng Early Registration Campaign, Work Emersion at Miscellaneous Fee.

Ipinabatid din ng mga tagapayo ang tamang gupit sa mga kalalakihan at pagsuot

ng kompletong uniporme ng paaralan.

Kasunod nito, nilagdaan ng magulang ang repot kard ng kanilang mga anak, kasabay din ang pagpapapirma ng mga miyembro ng 4ps sa tagapayo ng kanilang anak.

Natapos ang program, alasingko ng hapon.

JHNS, isinagawa ang Sport Fest 2023

Isinagawa ang SportFest 2023 na may temang “Promoting Sportmanmship for Pandemic and Physical Development.” dinaluhan ng mga manlalaro at guro na ginanap sa Julita National High School (JNHS), Dis. 1.

Sinimulan ang seremonya sa isang parada na pinangunahan ng marching band ng paaralan, nakapila ang mga estudyanteng nakasuot ng color-coded shirts at may hawak na bandera na kumakatawan sa kani-kanilang baitang.

Bago simulan ang patimpalak, nagkaroon ng misa na ginawad ni Rev. Fr. Edrain S. Malate, Julita Parish Priest.

Nagsimula ang programa ng isang pambungad na pananalita ni Gng. Feraldine Legaspi, MAPEH Coordinator/ MT I, kasunod nito ang Lighting of torch na sinagawa ni Shyrene Angel M. Gastalla, Baitang 8 ng Acacia, manlalaro ng Teakwando.

Unang sumabak na kompetisyon, ang Banner Raising kung saan ang bawat bilang ay may sariling

kandidato, ang Baitang 8 ang naitanghal na panalo. Ang sumunod ay Mass Dance(Zumba), na pinangunahan ni G. Dexter Patanao at Gng. Shawna Dona D. Artugue at nagkaroon din ng Oath of Officating Officials ni Gng. Madellaine Montablan, Sports Coordinator at pagpapahayag ng mensahe ni Dr. Melda M. Marcos principal ng JNHS para sa mga manlalaro.

Sa unang araw ng programa, sumabak sa larong chess na ginanap sa silid-aralan ng Baitang 8, seksyon Acacia, sina Miel Margaret T. Macaraig, Krisha Mae Advincula, Edwin Cañada Jr, Rhonjie Acala ang mga nagsiwagi.

Kasunod nito, ang Dance Sports na mayroong dalawang kategorya, ang Standard at Latin, naipanalo nina Yvonne Espinosa at Nash

Jasper Lumanta ang kategoryang Standard.

Sa ikalawang araw, isinagawa ang larong basketball sa Dita Julita, Leyte, na nasungkit ng Baitang 10 ang unang puwesto.

Ang larong volleyball ay isinagawa sa Bonifacio Gymnasium, Bonifacio Julita, Leyte, ang nanalo sa kategorya ng babae ay ang Baitang 7 at sa lalaki ay ang Baitang 10.

Sa badminton, nagwagi sina Emmanuel Comora, Alonna Trenchera, Sassy Badidles sa kategoryang solo. Sa doble team naman ay sina Francis George Latoja, Methus Socoro Abad, Erwin Duma at Rose Ann ang nanalo.

Ang lahat ang mga nagwagi ang sasabak sa Area II-B Meet na gaganapin sa Dulag, Leyte.

Nagsagawa ng Brigada Eskwela ang paaralang Julita National High School (JNHS) katuwang ang mga guro,mga magulang at mag- aaral para sa opisyal na pagbubukas ng Brigada Eskwela, Agosto 14.

Aktibong ring nakiisa ang Philippine National Police(PNP), Bureau of Fire Protection (BFP),Municipal Dister Risk Reduction (MDRR) at iba pang NGO’s. Kaugnay nito sila ay naglinis, nagkumpuni ng mga

kagamitan ng paaralan at mayroon ding nagpintura upang maibalik ang ganda ng paaralan

balita 4
Miel Margaret T. Macaraig PAGLIPAT. Guro, tauhan at mga estudyante nagbigay ng pagpapahalaga kay G. Nestorio Gajardo sa kaniyang 21 taong serbisyo sa JNHS. Siya ay itinakdang maging bagong puno ng paaralan sa Alegria Integrated School - Junior High, Pebrero 16. Kuha ni Ela Chie Soyum Alyka C. Capilos Alyka C. Capilos
Julita NHS
Eskwela, isinagawa ng
PAGPUPUGAY
SULONG KAAYUSAN
Miel Margaret T. Macaraig Miel Margaret T. Macaraig SEREMONYA. Pagpupugay sa pagsisimula ng paghubog ng bagong miyembro na ginanap sa loob ng paaralan, Nobyembre 4.Kuha ni Vivien Espinosa

EDITORYAL

Lagi nating sinasabing "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda," ngunit tila yata nais alisin ang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Taliwas ito sa tungkulin nating mahalin, panatilihin at tangkilikin ang sariling atin.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), napag-aralan na umano ng mga bata ang nasabing asignatura sa mga nagdaan nilang taong panuruan kaya nararapat na hindi na ito isama sa kurikulum ng kolehiyo. Ang pag-alis nito ay maaring magdulot ng kakulangan sa pagunawa sa sarili nating Panitikan dahil sa lebel na ito hinuhubog, hinahanda at pinauunlad ang kakayahan ng isang mag-aaral. Sino pa ang maghihikayat sa kanila na palaganapin ang kanilang talento sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan?

Ngayon pa nga lang ay laganap na ang mga kabataang salat sa kaalaman sa sariling pinagmulan dahil Ingles na ang itinuturo ng mga magulang at tanging sa paaralan na lamang nabubuhay ang ating kasayasayan. Paano pa natin pauunalarin ang Panitikang Filipino kung tayo mismong mga dapat magturo ay nais nang alisin ito? Bakit ang sariling asignatura sagabal nga ba ito sa pagtuturo ng mga mag- aaral sa kolehiyo? Ang mga guro sa Filipino at Panitikan saan sila lulugar?

LIHAM SA PATNUGOT

Sa mga patnugot,

Sa kabila ng maigting na patakaran na itinakda na dapat magsuot ng opisyal na uniporme o puting t-shirt ang mga mag-aaral sa paaralan, patuloy pa rin ang pagkakaroon ng ilang indibidwal na nagsusuot ng iba't ibang kulay ng damit, kilala sa lugar bilang "de-color."

Ang ganitong sitwasyon ay nagtutulak sa ilang mga katanungan at pag-iisip. Bakit nga ba hindi sinusunod ng ilan ang patakaran? Ano ang kanilang motibasyon sa pagpili ng hindi opisyal na pananamit?

Mr. Concern

TUGON NG PUNONG PATNUGOT

Para kay Mr. Concern,

Posibleng maraming mga kadahilanan kung bakit napipiliang hindi sundin ang patakaran sa pananamit. Maaaring ito ay dahil sa pagpapahayag ng indibidwalidad, pagkakaroon ng kagustuhan na magpakita ng pagkaiba, o simpleng pagkakamali sa pag-intindi sa alituntunin.

Kahit na ganito ang kalakaran, hindi maaaring balewalain ang kahalagahan ng patakaran at disiplina sa paaralan. Ang pagsunod sa mga ito ay naglalayong mapanatili ang kaayusan at pagkakaisa sa buong komunidad ng paaralan.

Sa huli, mahalaga na tukuyin ng paaralan ang mga dahilan sa likod ng ganitong paglabag sa patakaran at magsagawa ng mga hakbang upang maitama ito.

Punong Patnugot

Ang pahayagang "Ang Pluma" ay instrumento upang maghatid ng impormasyon. Layon nitong maimulat ang kaisipan ng mga mambabasa sa kanyang lipunang ginagalawan.

"Anong halaga ng mataas na marka kung di natin kayang tumingala ng buong tapang at pagmamalaki sapagkat ito’y bunga lamang ng akademikong pandadaraya at di sariling gawa.

"na karangalan

Nakamamanghang makita ang napakaraming honor students sa tuwing ginaganap ang araw ng Portfolio kasama ang kanilang mga magulang subalit nararapat nga bang ikatuwa ito gayong alam nating laganap ang akademikong pandaraya?

‘Di maikakailang kasabay ng pag-usbong ng panahon ay paglala rin ng pandaraya sa paaralan gamit ang ibat’t ibang estilo. Kamakailan lang naibalita ng GMA ang pagkadismaya ng mga guro sa UP Diliman dahil umano ang ipinasang final academic requirement ng isang estudyante ay likha ng AI. Pandaraya roon pandaraya rito gamit ang online sites o apps kagaya ng Brainly, Google at iba pa. Maging harapang pandaraya, kahit nariyan ang guro ay isinasagawa.

Tinatayang pangunahing rason ng mga mag-aaral sa pandaraya ay dahil sa pressure na natatanggap mula sa mga taong nakapaligid sa kanila kung saan simpleng pagkakamali lamang ay agad na may maipupuna. Nariyan din ang poor time management at kakulangan ng oras sa pag-aaral sanhi ng patung-patong na gawaing pampaaralan. Ang iba naman ay dahil sa temptasyon at

LUPONG PATNUGUTAN (TAONG PANURUAN 2023-2024)

Punong Patnugot: Miel Margarett T. Macaraig

Tagapamahala ng Publikasyon

Balita: Alyka C. Capilos

Editoryal: Angel C. Peterson

Lathalain: Shanice Anne S. Orbista

Agham at Teknolohiya: Jhana Mae C. Luciano

Isport: Nicka M. Guitering

Tagaguhit: Vince Enciso Niño Almenario

Myrcia Breanna Gerilla

Tagalarawan: Miel Margaret T. Macaraig

Pagwawasto at Pag- uulo ng Balita: Princess L. Camino

Tagapamahagi: Samantha Marie N. Bartolome

Avia Abarrientos Jullienne Gajardo

Leeyan Olasiman Melanie Restor

Joe Chen Acosta Heziel Abrahan

impluwensya ng mga kaibigang sangkot dito, oo nga naman ‘bakit hindi mo subukan gayong marami ang gumagawa niyan?

Bagaman simpleng suliranin lamang ito kumpara sa ilan nararapat ding bigyang-pansin ng paaralan. Nakababahalang sa pagdating ng panahon ay maaari nila itong makasanayan o maging parte ng kalikasan ng mga kabataan. Subukang intindihin ang kalagayan ng mag-aaral ngunit 'wag pahintulutan ang ganitong kaugalian sapagkat tinuturuan lamang natin silang umasa na lang, dumepende sa iba at higit sa lahat dayain ang sarili nila.

Anong halaga ng mataas na marka kung di natin kayang tumingala nang buong tapang at pagmamalaki sapagkat ito’y bunga lamang ng akademikong pandadaraya at 'di sariling gawa.

School Paper Advisers

Vivien M. Espinosa

Elsie V. Trenchera

Faustino Cajano

GPTA President

Imelda G. Del Agua

Editoryal Konsultant/ Puno ng SHS

Gng. Melda M. Marcos

Editoryal Konsultant/Punong Guro-JHS

5
opinyon
ANGEL C. PETERSON

Jeepney Modernization, ipagpaliban

Sa ilang dekadang serbisyo ng hari ng kalsada nakalulungkot na tila ba sa isang iglap ay aalisin na ito at papalitan ng makabagong modelo, ngunit jeepney modernization makatutulong nga ba sa panahong ito?

Hindi pa man nababawasan ang suliranin sa pagtaas ng gasolina ay madadagdagan na naman ang pamasaheng magdudulot ng sakit sa bulsa para sa nakararami.

KOMENTARYONG PANLIPUNAN

Bigas para sa 4P’s

Sa kasalukuyan tila ba'y hindi maiiwasan ang pagbabagong nagaganap sa ating mundo. Kabilang na rito ang pagbabago sa ayuda para sa mga benepisaryo ng 4P's. Ano kaya ang maitutulong nito? Layuning alisin ng programang ito ang mga jeepney na may edad 15 taon pataas at palitan ng hindi nakasisira sa kalikasan, mas ligtas at komportableng pampasaherong sasakyan. Target ng Department of Transportation (DOT) na maging ‘modernized’ ay 43,200 jeepneys bago matapos ang taong 2023.

Hindi maikakailang may magandang maidudulot ang jeepney modernization subalit ang biglaang pagbabago ay maaaring magresulta ng mas lalong pagkabaon sa kahirapan para sa mga jeepney drayber at milyong pasahero nito. Hindi pa man nababawasan ang suliranin sa pagtaas ng gasolina ay madadagdagan na naman ang pamasaheng magdudulot ng sakit sa bulsa para sa nakararami.

Problema sa buhay, ibaon sa hukay

Pagpapakamatay ba ang solusyon upang matakasan natin ang ating mga problema?

"Suicide" o pagpapakamatay ay ika-apat sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga tinedyer sa buong mundo. Ayon sa pag- aaral ng mga eksperto, ito ay dahil sa kanilang sensitibong damdamin, stress at pagod sa paaralan, pressure ng mga magulang, depresiyon at anxiety.

Isa sa mga sanhi ng depresyon ay ang panahon ng pagdadalaga o pagbibinata na isang malaking transisyon ng yugto ng kanilang buhay kaya hindi madali sa iba na tanggapin ito. Kapag walang nakaiintindi sa kanila o kulang sa suporta ng mga magulang, nagtutulak ito upang maisip nilang saktan ang sarili.

Ayon sa ulat ng Deped sa taong 2021-2022, may naitalang 404 na estudyante ang nagpakamatay at 2, 147 naman ang nagtatangkang kitlin ang kanilang buhay sa parehong taon.

Huwag laging makinig sa kaibigan lalo na kung ito ay masamang impluwensiya.

Kailan lang, may isang estudyante sa Tanauan Leyte ang kumitil ng kanyang sarili buhay. Sa kasalukuyan, pumapangalawa na ang Leyte sa may pinakamaatas na bilang ng kaso sa buong rehiyon.

Ang inihaing Senate Bill No. 1669 o Act to Provide Early Youth Suicide Intervention and Prevention Expansion ni Sen. Mark Villar ay naglalayong magbigay ng kamalayan sa kinauukulang stakeholders sa loob ng paaralan at pagtatrabaho ng mga psychologist sa bawat paraan.

Hinihikayat din ng DOH na tulungan natin ang mga tinedyer sa kanilang mga problema, intindihin ang kanilang nararamdaman at suportahan sila sa transiyon ng kanilang pagiging bata hanggang sa pagtanda. "Sama-sama nating paliwanagin ang kinabukasan ng mga tinedyer na siyang pag-asa ng ating bayan.

Kung iisipin hindi kaya ang agarang modernisasyon gayong nagkakahalaga ito 700,000 hanggang isang milyong piso pataas. Saan sila kukuha ng ganoong kalaking pera? Maraming mawawalan ng kabuhayan at tataas lalo ang unemployment rate sa bansa.

May magandang maidudulot ngunit nararapat ding isipin ang kalagayan ngayon ng ating lipunan. Kung hindi natin kayang panatilihin ang anyong tumatak sa isipin at sumisimbolo sa kulturang nakagisnan, hindi naman kailangan biglaan sapagkat kung nais natin ay kaunlaran mainam na maglaan ng tamang panahon para ito ay maisakatuparan.

Sa mungkahing ito, nakatutulong din ang ganitong desisyon na sa halip na "pera ay bigas nalang." Alam naman nating lahat ay mataas ang presyo ng mga bilihin sa panahon ngayon gaya na lamang ng bigas na isa sa pangunahing pangangailangan sa pang-arawaraw na pamumuhay.Kung bigas ang ibibigay siguradong hindi na mahihirapan pang bumili ang mga 4P's. Maayos silang makakakain at hindi mangangamba na baka wala silang perang pambili ng bigas. Maaaring gastusin sa pagsusugal at sa alak lamang. Ang iba naman ay isinasangla ang kanilang ATM para makautang ng pera.

Hindi dapat gawan ito ng negatibong pahayag, kundi ito ay tanggapin na lamang. Ang pagbigay ng mungkahing ito ay

Kapag walang

nakaiintindi sa kanila o kulang sa suporta ng mga magulang, nagtutulak ito upang maisip nilang saktan ang sarili.

Masyadong maaga para maging Ina

Sa kasalukuyan, parami ng parami ang isyu tungkol sa maagang pagbubuntis. Maraming mga posibleng dahilan kung bakit laganap ito sa mundo. Paano kaya ito maiiwasan?

Ang teenage pregnancy ay isa sa mga kasalukuyang nagiging laganap na isyu sa ating lipunan. Ang ilan sa mga dahilan ay kakulangan sa kaalaman. Kapag sinabing sex, karamihan sa mga kabataan ay tatawanan lang ito.

Paano natin ito maiiwasan? Ang mga magulang ay kailangan na bantayan ang kanilang anak. Dapat na mapag usapan ang isyung ito sa kanilang bahay. Kailangan bigyang pansin ang ginagawa at galawan ng kanilang mga anak.

Ang mga kabataan ay kailangan na makinig sa kanilang magulang para sa kabutihan din nila ito. Huwag laging makinig sa kaibigan lalo na kung ito ay masamang impluwensiya. Kung maaari, dapat iwasan lang muna ng mga kabataan ang pakikipagrelasyon dahil maaari lamang silang matukso.

Kaya dapat maaga pa lamang dapat na ito ay maiwasan, tayo na't magising sa katotohanan, mahirap ang maging batang ina. Dagsa ang mga nakaabang na responsibilidad.

para matulungan ang pamilyang kabilang sa 4P's.

Dapat na umayon ang bawat kasapi nito dahil may kagandahang dulot din ang suhestiyong ito. Gusto lang naman nila na matustusan ang pangangailangan ng bawat pamilya at para rin naman ito sa kabutihan ng lahat at sa maganda nilang pamumuhay.

Dapat na umayon ang bawat kasapi nito dahil may kagandahang dulot din ang suhestiyong ito.

Teritoryo ay Ingatan, Karapatan ay Ipaglaban

Ang Bajo de Masinloc ay pagaari ng Pilipinas hindi tayo ang dapat na masindak.

Sariling likas na yaman ngunit iba ang nakikinabang. Hindi na makatarungang ginagawa ng China sa mga Pilipinong mangingisda ngayon sa Bajo de Masinloc. Isa na rito ang panghaharas sa mga mangingisda at paninira ng ating lamang dagat. Hihintayin pa ba nating lumala ito bago tuluyang maagapan?

Kamakailan lang ay naibalita ng ABS CBN ang patuloy na pambubulas at panghaharas na nararanasan ng mga mangingisda sa bansa dulot ng nakapalibot na barko ng Tsina sa ating sariling teritoryo. Anila, nakatatangap sila ng mga babala mula sa mga ito. Dati malaya pa silang nakapalaot ngunit ngayon ay na nangangamba na dahil sa panghaharang ng China Coast Guard (CCG). Pinipilit sila ng mga itong ibalik ang mga nakuha nilang kabibi kaya walang silang nauuwing huli.

Hindi pa man nabibigyang solusyon ang pang-aapi sa mga mangingisdang Pinoy nahaharap naman sa pelegro ang ating yamang pinagkukunan. Gumagamit umano ng cyanide ang mga Tsino at Vietnamese sa panghuhuli ng isda sa Bajo de

Masinloc upang maitaboy ang mga mangingisda ng bansa. Ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na si Nazario Briguera, ang pagagamit ng cyanide ay nagdudulot ng milyon milyong pisong pinsala sa mga corals na tirahan ng mga isda. Inilalagay nito sa panganib ang buong marine resources, ecoystem at maging karagatan ng ibang bansa.

Hindi ba't tayo dapat ang nakikinabang sa sariling yaman ng ating bansa? Nararapat na bigyang proteksyon at supurta ang ating mga mangingisda. Huwag tayong matakot na ipaglaban ang ating karapatan sa sariling teritoya. Ang Bajo de Masinloc ay pag aari ng Pilipinas hindi tayo ang dapat na masindak.

Ang atin ay atin lamang! Hindi kami papayag na angkinin nila ang ating teritoryo at pagmamalupitan ang mga Pilipinong mangingisda. Wala silang karapatan sa pag-aari ng bansa at isa pa mayroon naman silang sariling dagat na pwede nilang mapagkunan ng likas na yaman kaya walang rason para manggulo sila sa atin. Dapat silang parusahan sa kanilang mga ginawa kahit malaki ang kanilang bansa. Huwag tayong matakot bagkus kailangan na itong maaksyonan agad.

Graciella Klariz Abrera

opinyon 6
ANGEL SALAS ZIAN R. CARTEL
" " " "
ANGEL SHANE SARCIA
" " " " " " PULSO NG KABATAAN
MELANIE RESTOR
" "

Pambubulas Iwasan, Kapwa ay Tulungan

Ang pagpapakita ng halimbawa, bilang isang miyembro ng komunidad ay mahalaga upang maitaguyod ang positibong pakikitungo sa bawat isa.

Sa ating lipunan, laganap ang pambubulas na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa mental at emosyonal na kalusugan ng tao. Sa halip na maging bahagi ng suliranin, ating tuklasin kung paano nating magagampanan ang ating papel sa pag-iwas sa pambubulas.

Ang pangunahing hakbang sa pag-iwas sa pambubulas ay ang pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan. Sa pamamagitan ng edukasyon at pag-uunawa sa mga isyu, mas marami tayong magiging gabay sa pagtuturo, pagrespeto, at oag-unawa sa iba.

Ang pagpapakita ng halimbawa, bilang isang miyembro ng komunidad ay mahalaga upang maitaguyod ang positibong pakikitungo sa bawat isa. Pagtuturo sa mga kabataan ay isa ring halimbawa upang maiwasan ang pambubulas, ang respeto , paggalang at pagtulong sa kapwa upang mapanatili ang mabuting asal.

Kagawaran ng Edukasyon

Ang malayang komunikasyon ay mahalaga sa pag-iwas ng pambubulas. Dapat nating itaguyod ang ating kapaligiran kung saan ang bawat isa ay komportable na makipag-usap at magbahagi ng kanilang mga nararamdaman.

Sa pag-iwas sa pambubulas at pagtataguyod ay pagtulong sa kapwa, tayo ay magbigay daan sa pag-usbong mg mabuting lipunan. Sa bawat hakbang na ating gagawin, magiging bahagi tayo ng pagbabago kung saan ating matutulungan ang ating kapwa kabataan para sa maganda at maayos na pamumuhay.

Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon

Bise-Presidente Sara Duterte

Kalihim, Ikinagagalak kong malaman ang iyong mga plano para sa kaunlaran ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat tunay na kinakailangan natin ito nang hindi mapag-iwanan ang ating bansa at para na rin sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataan. Batid kong layunin ng MATATAG Curriculum na maayos ang kalidad ng edukasyon sa bansa subalit nakalulungkot na sa sobrang dami ng gustong baguhin ay sabay-sabay na ito at nahihirapang mag-adjust kaming mga mag-aaral. Ang akin lang sana ay maglaan ng sapat na panahon upang maisakatuparan lahat ng nais ng iyong administrasyon. Matutukan sana ito nang maayos upang sa ganun ay hindi nahahadlangan ang pagkatuto ng mga estudyante sa kasalukuyan dahil sa biglaang pagbabago ng nakasanayang kurikulum. Alam ko naman na sa pagdating ng susunod na henerasyon ay magiging maayos na ang kalidad ng pagkatuto sa bansa kung magtatagumpay ito.

Lubos na gumagalang, Ang Pluma

LIHAM SA PATNUGOT

Sa mga patnugot, Karamihan sa mga mag- aaral ay may mga cellphone at ito’y ginagamit nila sa loob ng klasrum. Kahit mayroong klase ay pasekretong ginagamit ito sa panonood ng video, nakikipagchat, naglalaro at kadalasan ito’y ginagamit sa pandaraya sa pagsagot sa mga tanong gamit ang internet. Ngunit, sa kabilang dako, malaki naman din ang pakinabang na maaaring makuha ng mga estudyante kung gumamit sila ng cellphone, sapagkat mas mapapadali nito ang paggawa ng mga class activities. Kailangan lamang ang pagiging responsable sa paggamit nito. Sa tingin niyo po, tama po ba na bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gumamit ng cellphone sa klase?

TUGON NG PUNONG PATNUGOT

Para kay Emman, Salamat sa iyong katanungan. Totoo na ang teknolohiya, katulad ng cellphone, ay may masama at mabuting naidudulot sa paaralan. Mas napapabilis nito ang paggawa ng mga gawain sa paaralan dahil mas mabilis nang nakakakuha ng impormasyon gamit ang internet, ngunit mas mabilis at mas madali rin naman ang pandaraya sa mga exams, quizzes, at mga tests sa klase. Kaya't mainam na magkaroon ng diyalogo ang mga guro at estudyante ukol dito, at magkaroon ng polisiya kung saan panalo ang magkabilang panig.

Punong Patnugot

Bakit napakahirap na proseso ang pagkain? Nawawalan ng nga ba ng kontrol sa sarili kaya umabot sa isyung iyon? Ano kaya ang mga dahilan ng isyung ito?

Ang katakawan ay tumutukoy bilang labis na pagkain at paginom. Bagamat ang mga ito ay para sa iyong kasiyahan, hindi ito kailanman magiging kasalanan pero kung ang pagkain at pag-inom nang wala sa kontrolsa katwiran ay kasalanan.

Ibinubunyag ng bagong pananaliksik na ang paminsan-minsang pagatake ng labis na pagkain at pag-inom para sa kasiyahan, sa halip na dahilan ito ng gutom, ay maaari tayong itulak sa landas tungo sa katakawan, na nagtutulak sa ating utak na mas gusto ang hedonistikong karanasang iyon.

CATCH-UP FRIDAYS:

Pagtatag ng pundasyon ng kasanayan ng mag-aaral

Sinimulan nang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang Programang “Catch- Up Friday” nitong Enero 12, sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Naglalayong tugunan ang dami ng mga mag-aaral na hirap o di pa rin maka basa. Sa pagpapatupad ng Catch Up Friday sa ating paaralan, masusing binubuksan ang pintuan tungo sa mas malinaw at pantay-pantay na edukasyon. Ito’y hindi lamang isang simpleng oras ng pagtuturo, kundi isang pambansang hakbang upang bigyang prayoridad ang pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Sa pamamagitan ng CatchUp Friday mas matutoto ang mga esdtudyante sa paaralan gaya na lamang ng pagbabasa,

pagsasagot sa gawaing ibinibigay ng guro. Hindi lamang sila matuto, kundi mas mapapaunlad pa nila ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa gawaing ibinibigay ng mga guro.

Ito ay may magandang naidudulot sa lahat ng magaaral. Dahil dito mas magiging magaan sa kamay ng mga guro na turuan pa nila ang kanilang mga estudyante dahil sa isang araw na ibinigay para rito. Sa pagkakaroon ng karagdagang oras, mas mailalabas ng mga guro ang kanilang kakayahan sa pagtuturo habang ang mga

mag-aaral naman ay nabibigyan ng pagkakataon na malampasan ang mga hamon na ibinibigay sa kanila.

Ang Catch- Up Friday ay hindi lamang simpleng pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Ito ay isang pangako na bawat isa ay mahalaga at dapat bigyan ng pagkakataon na makamit ang kanilang pangarap sa buhay. Isang pintuan ng kaalaman, pag-asa na binubuksan bawat lingo at pag-unlad. Ito ay nagdudulot ng makabuluhang pagbabago sa larangan ng edukasyon.

Gayundin ng paglalasing na sanhi ng pagkonsumo ng mga inuming nakakalasing ay nabibilang na isang uri ng katakawan.

Ibinubunyag ng bagong pananaliksik na ang paminsanminsang pag-atake ng labis na pagkain at pag-inom para sa kasiyahan, sa halip na dahilan ito ng gutom, ay maaari tayong itulak sa landas tungo sa katakawan, na nagtutulak sa ating utak na mas gusto ang hedonistikong karanasang iyon.

Sa Kristiyanismo, itinuturing na kasalanan kung ang labis na pagnanasa sa pagkain ay humantong sa kawalan ng kontrol at nagiging sanhi ng pagka pinsala sa katawan.

SHIENA MALATE

Ito ay isang pangako na bawat isa ay mahalaga at dapat bigyan ng pagkakataon na makamit ang kanilang pangarap sa buhay.

Sa katunayan, kumain ng mga pagkaing mayaman sa hibla o fiber katulad ng mani bilang meryenda. Pagdaragdag ng beans sa iyong salad at gulay.

Sa bawat pagkain ay maaaring makatulong na mabawasan ang dami ng pagkain na iyong kinakain. Ipinapakita ng mga mag-aaral na ito ay maaaring makatulong na mabawasan ang pagnanasa na kumain nang labis.

Ang katawan ay ang kasalanan ng labis na pagkonsumo ng indulhensiya at ang hindi maiwasang pagsira.

Nais ng ating Diyos na mauna sa buhay ng bawat isa, at ang laman ang hindi humalili sa kanyang lugar. Ang sangkatauhan ay ginawa para sa higit pa sa paglilingkod lamang sa pisikal na ganda.

Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga manunulat at mga talentadong kabataang tutulong isulong ang malayang pamamahayag!

Tagasulat ng: Balita Lathalain

Opinyon

Agham

Teknolohiya Isports

Bisitahin ang aming opisina sa mga katanungan.

KAILANGAN

KA NG

ANG PLUMA!

7 opinyon
ALYKA CAPILOS
" " " "
Adik nga ba sa pagkain?
LIHAM MULA SA PLUMA Emman
" "
ALMADEN
ELOISA MAE

Walang IMPOSIBLE, kapag may tiwala sa sarili

Sa bawat pagtakbo ng kanyang puso, nararamdaman niya ang bugso ng kaba at takot sa kanyang unang paglapit sa mundo ng

Miss Teen Julita. Hindi tiyak ang kanyang mga hakbang, ngunit sa kabila ng lahat, nagdesisyon siyang sumabak sa laban. Kahit na kulang sa kumpyansa at hindi tiyak sa kanyang kakayahan, hinaharap niya ang bawat pagsubok nang buong puso at tapang.

Ito ang kauna-unahan niyang pagsali sa Miss Teen Julita, bagama't walang masyadong karanasan ay sinubukan niya ito. Siya ay 15 taong gulang, nakatira sa District II, Julita Leyte, nag-aaral sa baitang 10 sa paaralang Julita National High School. Matalino, may taglay na ganda at taas, aktibo sa paaralan, kasapi rin siya sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaralan. Nangunguna sa kanilang seksyon.

Sa tuwing nakikita niya ang kanyang sarili sa salamin, hindi niya mapigilang manginig sa kaba. Ang mga hamon na naghihintay sa kanya ay tila mga anino na nagpaparamdam sa kanyang isipan. Ngunit sa bawat hagupit ng hangin, lumalakas din ang kanyang loob na harapin ang lahat ng ito.

Kahit walang sapat na pera para sa mga kailangang gamit para pambili ng gagamitin sa araw ng maringal na pagtatanghal at walang natatanggap na mga special award sa unang mga yugto ng kompetisyon, hindi ito naging hadlang sa kanyang determinasyon. Patuloy niyang ipinapakita ang kanyang husay at dedikasyon sa bawat bahagi ng paligsahan.

Nang makita niya ang ibang kandidata parang pinanghinaan siya ng loob lalo na't wala pa siyang natatanggap na kahit anong

masakit ang katawan dahil sa pagkakatalisod. Sa karanasang hindi pa siya sanay sa pagbiyahe ng malalayo para bumili ng kanilang kakailanganin o sa gown na susuotin, sa bawat pagsuka, hilo, at pagod na kaniyang naranasan, walang duda na siya ay may lakas ng loob.

Ang kaniyang pamilya ang naging lakas niya upang pagbutihin ang pagrampa, hindi siya makatatapak sa harap ng mga tao kung wala sila, ang kaniyang mga kaibigan at mga taong sumusuporta sa kaniya mula sa pinakaunang araw ay kaniyang naging insipirasyon upang tapusin ang laban.

Sa mismong gabi ng koronasyon, ang kanyang puso ay tila'y isang pulong ng mga paru-paro na umaalipusta sa kanyang dibdib. Ngunit sa kanyang paglakad sa entablado, tila'y naglaho ang lahat ng kanyang kaba. Dahil sa pagpupursigi at walang sawang pagpapakita ng kanyang galing, kinilala siya bilang Best in Evening Gown at sa hindi inaasahan, tinanghal na Miss Teen Julita, nakakamangha diba?

Sa kabila ng mga hamon at pagdududa na hindi niya kayang ihalal bilang Miss Teen, napagtanto niya na ang kanyang tapang at determinasyon ang siyang nagdala sa kanya sa tagumpay. Sa huli, ang unang hakbang na ito sa mundo ng Miss Teen ay hindi lamang nagbigay sa kanya ng korona, kundi lalo pang nagpatibay sa kanyang paniniwala sa sarili at sa kakayahan na harapin ang anumang pagsubok.

Miss JulitaTeen 2023

There's nothing wrong when you try; you have your own beauty and mind to empower you. Everything is possible when you dream it to be possible. "
Sunshine Camino Lumanta

Miss

Teen Julita 2023

Ang lupit mo Cong!

"

"There's nothing wrong when you try; you have your own beauty and mind to empower you. Everything is possible when you dream it to be possible." Siya ay walang iba kundi ang Miss Teen Sa bawat tinginan sa YouTube, marahil ay nakita mo na siya—ang lalaking may ngiti na parang sumisilip sa iyong kaluluwa, ang komedyanteng may higanteng puso—si Cong TV.

Ipinanganak siya noong October 27, 1991 sa Bacoor, Cavite, si Cong TV ay nagtapos sa Technological University of the Philippines na may degree sa Engineering. Sa simula, ito ay ang pundasyon ng kanyang karera, ngunit sa pamamagitan ng kanyang pagiging kreatibo at kakayahan sa komedya, siya ay umusbong bilang isa sa mga

Nagsimula si Cong TV sa YouTube noong 2008 bilang isang vlogger at kilala bilang isang makulit na musikero ng heavy metal ng banda na Coln, at ang prinsipe ng komedya sa internet, Cong TV ay hindi lamang isang pangalan sa entablado, kundi ang iyong personal na tagapagpapasaya. Ang asawa niya ay si Viy Cortez. Ang kanyang kwento ay isang rollercoaster ng emosyon, may mga patok na tawa, mga luha sa pagkawala, at ang makahulugang pag-asa sa pagdating ng isang munting Kidlat sa kanilang

Kaya't bawat beses na binubuksan mo ang kanyang mga video, alalahanin mong hindi ka nag-iisa sa iyong laban. Dahil sa kabila ng kanyang mga biro, ang puso ni Cong TV ay nasa tamang lugar—sa pagpapalakas ng loob at pagbibigay ng ligaya sa bawat Pilipino.

Sa hinaharap, kung ikaw ay nalulungkot o naghihirap, tandaan mong may isang Cong TV na nariyan, handang magbigay ng ngiti at aliwin ang iyong puso. Nawalan siya ng anak at nagsimula ng may iilan lamang na mga manonood pero ngayon naglalabas na ng mga high quality na video at kumikita ng malaki kada buwan. Ang tapang at tiwala sa sarili si Cong TV ang nagdala sa kaniya ng tagumpay. Nakapag pundar ng bahay at sasakyan.

Kaya't sama-sama nating salubungin ang bawat araw na may ngiti at saya, dahil tulad ni Cong TV, ang buhay ay isang masayang biyahe na dapat nating pagsaluhan.

Sa gitna ng mga hamon ng buhay, huwag kalimutang tumingin sa paligid at hanapin ang mga bagay na nagpapalakas sa iyo. Minsan, ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa simpleng ngiti at sa pagmamahal sa kapwa.

PAAWER! 'Yun ay si Lincoln Cortez Velasquez o mas kilala bilang Cong The Vlogger (Cong TV).

Mga Larawan: Randy Silva-Netto at KreativDen

lathalain 8
Shanice Anne S. Orbista Ilustrasyon: Matthew Jolo Palacio (Kontribyutor)

Meow to the rescue!

Sa bawat pagtingin natin sa kanilang mga matalim na mata, sa kanilang malambot na balahibo, at sa kanilang misteryosong pag-uugali, sila ay mga nilalang na puno ng kasaysayan at kagila-gilalas na katangian. Sa likod ng kanilang simpleng pamumuhay sa bahay, naglalaman ang bawat patak ng pawis at kakaibang pag-uugali.

Matagal na nating kasama ito sa kasaysayan ng tao. Mula sa sinaunang mga panahon hanggang sa modernong panahon, sila ay naging kasama sa ating mga tahanan, simbolo ng pagsamba, at inspirasyon sa sining.

Minsan ay nahuhuli nating nagnanakaw ng ulam sa lamesa, minsan ay magugulat na lamang tayo na ang ulam na maayos na tinakpan ay wala pa ring takas, ubos na ubos!

Minsan nahuhuli nating parang tangang nakatulala, nahuhuling may kinakatkat, nahuhuling parang baliw na tumatalon talon at tumatakbo takbo.

Minsan kung sila ay walang magawa, ikaw ay guguluhin, kakagatin, kakalmutin o di kaya mag-iingay, pero kahit na ganon, ipinapahiwatig nila na sana ay wag natin silang kalimutan o maging abala sa ating ginagawa.

Minsan din sa galit ni itay at inay, sila ay napapalo. Ang ibang tao ay nananakit dahil lamang sa pagnanakaw nila ng ulam at pinapasok sa sako para itapon kahit saan.

Minsan mapapasigaw na lamang tayo sa nerbyos tuwing may daga, isda, ibon, butiki o kung ano pa na kanilang dinadala sa ating mga tahanan. Ginagawa lang pala nila iyon para ipakita na tayo ay mahalaga sa kanila at tayo ay mahal nila. Akala nila kung ano ang pagkain nila ay kinakain din natin, o sa madaling salita gusto nilang tayo ay pasalamatan, sa pagbibigay ng pagkain at pagpapasok sa ating mga tahanan. Kung sila ay kasama na ng ating buhay, tayo naman ay ang kanilang buong buhay, limitado lamang ang oras nila sa mundo at walang pagiisip na kapareho ng mga tao.

Kaya sana 'wag natin silang sasaktan. Dahil katulad ng tao, sila ay may puso, nasasaktan sila tuwing atin silang pinapalo o sinisigawan.

Pero sa kabila ng ating pananakit sa kanila, alam niyo ba ang rason? Ang utak ng nila ay kagaya ng dalawang buwan na sanggol, wala silang kaalamalam sa nangyayari, ang sagot, gutom lamang sila!

Sila ay hindi lamang mga alagang hayop; sila ay mga obra ng sining. Ang kanilang mga kilos, ang kanilang paggalaw, at ang kanilang malaanghel na mga mukha ay nagbibigay-buhay sa mga larawan at kuwento.

Sa bawat araw, naghihintay na maisalaysay sila mula sa kanilang payak na pamumuhay. Mula sa kanilang mga pakikibaka sa labas hanggang sa kanilang mga pagnanakaw ng ulam at higaan natin, ang bawat araw ay puno ng kaguluhan at kalokohan nila ay nagbibigay-kulay sa ating buhay.

Sa bawat paglipat ng kanilang buntot, sa bawat pag-iling ng kanilang ulo, sila ay tila may sariling kodigo ng komunikasyon na hindi natin lubos na nauunawaan. Ang kanilang misteryo ay nagbibigay-daan sa walang katapusang pagtataka at paghanga.

Sa huli, sila ay higit pa sa mga alagang hayop; sila ay mga kaibigan. Sa kanilang pagmamahal, pag-aalaga, at pananatili sa ating tabi sa mga oras ng kagalakan at lungkot, sila ay patuloy na nagpapalakas ng ating puso at kaluluwa. Sila ay kayamanan ng ating tahanan, sila ay nakapagbibigay ng saya tuwing tayo ay lugmok sa lungkot. Sa bawat munting tinig na kanilang inilalabas, bagama't nakakainis pakinggan ay may pagka cute naman.

Sa kanilang kakaibang mundo na puno ng kababalaghan at kagandahan, sila ay patuloy na nagbibigayinspirasyon at kasiyahan sa ating mga buhay. Ito ang kanilang kwento, ang kwento ng mga tagapagdala ng ligaya at pag-asa sa ating mga tahanan, sila ang mga pusa, meoww to the rescue! tuwing tayo ay malungkot.

"Tinitigan ko Nilapitan ko Hanggang sa may diwata na sa pagdilat ko Nalasing, kagabi Ang galing katabi kana babe, napa deym..."

Paulit-ulit na tunog ang naririnig ko sa bawat silid -aralan at pasilyo na aking nadaraanan.

Ganitong senaryo rin ang lagi kong nakikita tuwing bubuksan ang aking telepono, sa tindahan, mall, kalsada o kahit sa mga seryusing lugar tulad ng simbahan, sementeryo at paaralan, minsan pa nga kahit may guro na sa kanilang harapan ay tuloy pa rin sila.

Pero ito ba talaga ay nakatutuwa o nakadidismaya?

"Pabalik-balik na lang, ang sakit sa tenga!"

"Hay naku! Mga kabataan talaga ngayon!"

"Kung ano- ano na lang inaatupag!"

"Iyan ba ang nag-aaral ng mabuti?!!"

Ito rin ang lagi kong naririnig lalo na sa mga guro at mga magulang.

Sa pagpasok ko sa malawak na espasyo, ramdam ko agad ang kagalakan ng mga tao, sigawan at palakpakan.

Rinig ko ang ingay galing sa reperi, taga-iskor at mga suporta ng kapwa manlalaro. Pero sa hindi ko inaasahan maliit na manlalaro nakipagtagisan.

Sa bawat dribble ng bola gamit ang bilis at determinasyon hindi mo akalaing maliliit lamang sila pero kayang makipag-unahan sa kahit sinuman. Sa bawat pagpasok ng tila malikot

Pero marapat bang pakialaman sila? Ginagawa rin kaya ito na kaedad nila? Pabalik-balik ang tanong na ito sa aking isipan.

Sobrang init ngayon ng panahon, masakit sa mata ang nakasisilaw na sikat ng araw. Sumasabah ang mga kabataang nagsasayawan gamit ang mga kantang naririnig ko kahit saan. Parang walang ginagawa, mga takdang-aralin at proyekto na ipapasa sa iba pinapagawa o inaasa na lamang sa teknolohiya.

Ito rin ay lubhang nakaiimpluwensya, sa ibang sayaw at kantang maselan na hindi pa lubhang alam ng mga kabataan ang kahulugan basta sayaw lang.

Nakababahalang isipin ngunit ang mga kabataan ay nagugumon na rito, na sana ay ang pagpunta sa paaralanbay pag-aaral ang atupagin at makinig sa mga turo ng guro.

Tila nahahati ang kanilang oras dito, na sana sa mga bakanteng oras tulad ng recess at tanghalia ay kumain para busog sa susunod na asignatura, inilalaan lamang ito sa gawaing hindi naman kailangan. Pero hindi ko mababago ang reyalidad, na ito minsan nagpapasaya sa mga kabataan lalo na't tumataas at lumalago ang teknolohiya.

Sa hirap na kinakaharap sa bahay man o paaralan, sa ganitong paraan kami, ako, sila ay nalilibang. Nalilibang o naiimpluwensyahan?

Kahit na may mga negatibong epekto ito ngunit nagbibigay din naman ng kasiyahan sa aming mga kabataan. Pero minsan ay kailangan ding limitahan. Pagkagumon sa tiktok, tiktok na minsan nakalilibamg pero 'wag hahayaang ma-impluwensiyahan.

na bola sa ere, sumasayaw ang mga puso ng pag-asang kahit hindi man sila manalo ay gagawin ang lahat ng makakaya kasama ang kanilang mga kalaro.

Hindi sila nagpadaig sa mga kutya dahil sa kumpetisyon hindi binabase ang taas, edad o lakas, ang importante dito ay determinasyon at pagmamahal sa laro.

Kaya sa pagtatapos ng magiting na laban, hindi man nagwagi sa laro pero nagwagi naman sa puso ng mga manonood at nakapagbigay ng aral sa iba na hindi hadlang ang lakas, taas o kasikatan kundi ngiti at pagtutulungan sa oras ng pagkadapa.

Sila ang manlalaro sa Baitang-7 ng JNHS.

Si David ang palaging wagi pa more!
Shanice Anne S. Orbista Shanice Anne S. Orbista Shanice Anne S. Orbista

Huli per

hindi kulong

Shanice Anne S. Orbista

Sa gitna ng sarap ng tulog, agad napamulat ang walang alam na mata sa isang pamilyar na pinto, agad nag-iba ang kapaligiran nito, nagkaroon ng samu’t saring ingay, tawanan, kwentuhan, tuksuhan at hindi mawawala ang iba na may sariling mundo. Sa ganitong senaryo, boses ng isang sapatos ang nagpabago sa paligid, napalitan ang ingay ng nakakabinging katahimikan.

Isang malaking sobre ang nasa lamesa na naglalaman ng para bang kinatatakutan ng lahat, tapak ng putting sapatos ang nagpanginig sa mga nakaupo at tulalang nakatingin sa malinis na papel, pero habang nakamasid ang walang alam na mata sa paligid, nakatuklas ito ng hindi maipaliwanag na pangyayari. Habang nakatalikod ang nagmamay-ari ng puting sapatos, ang mga naka-upo ay nagsimulang gumawa ng aksiyon. Natuklasan nito ang iba’t ibang paraan tulad ng bulong-bulungan, mga papel na tinitingnan, mga matang nakamasid kung saan-saan, mga leg na tila naging dyirap at ang pinakausong lengguwahe gamit ang kamay na sila lamang ang nakakaintindi

Hindi pa batid ng walang alam na mata ang nangyayari sa paligid, hanggang sa malapit ng matapos ang nakatatakdang oras, dito na nagkagulo ang lahat, ang iba ay nag-aagawan sa isang bagay na may numero’t mga letrang laman, patuloy ang bulongan hanggang sa isang iglap lang, napansin ito ng may-ari ng puting sapatos at may namagitan na tension dito. Galit at lahat sila ay laglag, para bang binagsakan ng langit at lupa.

Lumipas ang ilang araw, buwan at taon, malapit na sanang maabot ang hinihiling na pangarap pero sa isang pagkakamali lang, laglag ang lahat, ang nakagugulat pa nakasanayan ng mga ito ang ganitong paraan mula sa pinakamababang lebel kaya walang alam at mahina pa sa matematika at agham. Ang masaklap pa, dahil sa isang kamalian mararanasan ang hindi magandang kinabukasan dahil umasa lamang ang mga ito sa iba at hindi gumagawa ng paraan upang gawin ang gawain ng mag-isa.

Napabalikwas sa malalim na tulog ang isang pares ng mata, pawis na pawis dahil sa masamang panaginip ng nasaksihan, nalaman nito ang resulta ng kaniyang mga kaibigan na magreresulta ng mga negatibong epekto tulad ng kawalan ng sapat na kaalaman at posibleng magresulta ng hindi magandang hahantungan. Dito lamang naintindihan ang importansiya na’ wag sa pang-akademikong pandaraya dahil sa huli kabataan pa rin ang kawawa.

Message CHATGPT...

Bukas na Walang Hadlang

Shanice Anne S. Orbista

Sino ang nagsabi na ang kapansanan ay hadlang sa kaniyang pag- aaral?

At sinong nagsabi na siya ay walang kakayahan? Sa bawat araw ng kanyang buhay, patuloy na nagpapatunay ang batang ito na ang pagiging may kapansanan ay hindi hadlang sa pagkakaroon ng kakayahan at tagumpay.

Siya ay nakatira sa Brgy. Hindang, Julita Leyte, 13 taong gulang. May positibong pananaw sa lahat ng bagay. Hindi siya nawawalan ng pagasa kahit na may mga taong ginagawang katatawanan ang kaniyang kapansanan. Sa halip na siya'y panghinaan ng loob, ginagawa niya itong inspirasyon, na kahit siya’y hindi makalakad pero may kakayahang magmahal ng totoo, mag-pahalaga ng lubos at mag rumespeto sa kapwa bata o matanda.

Minsan siya’y nakararamdam ng kalungkutan, nag-iisa tuwing siya ay dinadaan-daanan lamang ng mga tao, pero kahit na ganito ang kaniyang sitwasyon, ang kaniyang positibong pag-iisip ang nangunguna. Pinagbubuti niya ang kaniyang pag-aaral. Walang tiyak kung ano ang gusto niya paglaki, ang tangi niyang hangad ay mabuhay kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay, makatulong sa paraang siya lamang ang nakaaalam at magbigay inspirasyon sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Sa kanyang paggising sa umaga, ramdam niya ang lamig ng panibagong umaga tuwing siya ay bumabyahe papuntang paaralan. Sa paglabas niya ng bahay, minsan maaliwalas ang panahon, minsan mala-kahel, minsan namumutlang asul ang kalangitan at minsan nagdidilim. Papalabas na si Haring Araw, papararating na si ulan ngunit patuloy siyang pumapasok sa paaralan.

Habang papunta sa paaralan, ramdam niya ang magkahalong kaba at kagalakan para sa panibagong araw

Puso ng Laro

Shanice Anne S. Orbista

kasama ang kaniyang mga kaklase at guro.

Kaagapay niya ang kaniyang nakababatang kapatid, minsan napapaisip na parang hindi siya kuya dahil ang kapatid niya pa mismo ang nagaalaga sa kaniya, mula sa pagbili ng pagkain at pag suporta sa silid- aralan.

Ang kanyang kapatid at magulang ang kanyang lakas at inspirasyon. Tuwing nakikita niya ang kaniyang pamilya, mga taong mahal niya at sa mga tulad niyang batang masigasig na naglalaro, siya ay nagkakaroon ng kasiyahan kahit na siya'y nakamasid lamang.

"Malipay ako na nakikita ko hira na malipayon" ito ang munting saad niya gamit ang mahinang boses pero nagpagulantang sa aking kalooban. May mangha at kunting kirot akong nadarama sa bawat salitang namumutawi sa kanyang labi.

determinasyon, sapagkat alam niyang marami pa rin siyang magagawa at maiaambag sa mundo. Ang bawat hakbang niya ay isang patunay na ito’y hindi hadlang sa kanyang tagumpay at pag-unlad.

"Paniguro la ngan padayun bisan sugad ka" Ito ang huli niyang sinabi, simpleng salita ngunit libo-libong kahulugan na inaalay para sa mga taong nagsusumikap at sa lahat ng Kabataang tulad niya.

Ang kakayahan ay hindi nasusukat sa kakayahan ng katawan, bagkus sa kahandaan na harapin ang mga hamon ng buhay. Isang paalala ito sa atin na ang lakas ng loob at pagtitiyaga ay mahalaga sa pagabot ng mga pangarap, anuman ang mga hadlang na ating hinaharap.

Kaya ikaw, ano ang mas mabigat: ang bigat ng problema, o ang tapang ng puso ni Brix P. Canario na hindi nakakalakad

Habang nakamasid sa mga manlalarong naghahanda para sa pinakahinihintay ng lahat, pansin kong may namamagitang tensyon dito lalo na't parehong may determinasyon na makuha ang tropeo. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga manonood at suportang nakapagbibigay ng pag-asa sa manlalaro.

Pero tila napapaisip, sino nga ba ang makakakuha ng pwesto?

Kaya sa pagsisimula ng nakasasabik na laban, kapwa manlalaro nakipagtagisan ng bilis, lakas at pagtutulongan, kitangkita ng ibang manonood ang iilan na manlalaro na kahit anong ginagawa hindi kinakalimutang manalangin, kaya iyon ang nagpapukaw sa laro. Nakasasabik, masaya at magiliw ang labanan. Sa bawat dribble ng bola, ang mga puso ng mga manlalaro ay tila sumasayaw sa ritmo ng kumpetisyon. Mga pasa

na puno ng kooperasyon, mga tira na may kasamng pag-asa, at mga blocking na nagpapakita ng determinasyon, lahat ay nagtatagisan ng galing at husay.

Ngunit higit pa sa puntos at tagumpay, ang larong ito ay nagbigay daan sa mga mag-aaral na magbuklod buklod sa ilalim ng iisang layunin. Nagbibigay diin ito sa halaga ng samahan, respeto at pagmamahal sa Diyos.

lathalain 10
CHATGPT 3

Baba na!

Terminal 3! Para po!

Julita Family Farm: Nagpabilib kahit nasa liblib

Ako'y nagising sa samu’t saring ingay sa loob ng bus, teka? Nasaan na pala kami. Hala! hindi dito ang daan papuntang Burauen, akoy napatingin sa gilid at napatanong, Ali nasaan na po tayo? Parang hindi po yata ito ang daan sa destinasyong pinupuntahan ko, Ano ho? teka ho, bababa na ko.

Pagkababa ko ng bus, ako'y napanganga at napatulala dahil sa angking ganda ng lugar na aking binababaan. Tila yata akoy nasa ibang bansa pagkat sumalubong sa aking mga mata ang nagigintuang mga taniman ng palayan at mga tanimang niyog na hitik sa mga bunga. Nagising ako sa aking pagkatulala nang may kumalabit sa aking balikat, sya'y nagpakilalang si Kanor at nais nyang tulungan ako pagkat ako daw ay mukang naliligaw sa kanilang bayan. Kaya Akoy napatanong kung ano bang oras darating ang bus na papuntang kabihasnan at akoy nanlumo sa aking narinig pagkat mamaya pa raw ng hapon darating ang bus.

Kaya napagdesisyunan ko munang maglibot- libot lang muna sa bayan at busugin ang aking mga mata sa mga naggagandahang mga tanawin at nagbuluntaryo namang maging tour guide ko si Kanor. Ipapasyal daw nya ako sa kanilang pinagmamalaking bayan.

Habang kami ay naglalakad, ako'y namangha pagkat taos-puso akong tinanggap at sinalubong ng mga taong naroroon, binigyan nila ako ng maiinom at mga pagkain. Pagkatapos kami ay nagtungo sa kabubukas lamang sa resort. Pagpasok ko palamang, unang bumungad sa aking mga mata ay ang maaliwalas na berdeng damo at ibat ibang uri ng mga puno na nagbibigay ng malamig, maaliwalas at malinis sa hangin .

Habang ako'y naglilibot sa loob, mayroong isang bagay ang nakakuha ng aking mga mata, ang dalawang palapag na bahay bakasyunan kung saan iba ang disenyo sa mga kadalasang bahay. Napagpasyahan naming pumasok sa loob at maglibot. Pagkapasok palamang namin ay agad ako napanganga sa ganda ng disenyo dahil sobrang maaliwas at

Ang pagiging likas na kabataang pinoy ang iyong makikita na kahit matumba o madapa man laging may kamay ang handa kang tulungan dahil sa ganitong labanan, hindi mo kalaban ang kalaban kundi kalaban mo ang iyong sarili, kaya marapat na sa kahit anong kumpetisyon, panatilihing maging mabuti ang sarili sa lahat.

Kaya sa pagtatapos ng magiting na magiting na laban, hindi lamang ang isang koponan ang nagwagi, kundi ang bawat

nararamdaman mo talagang ang "feel at home" mula sa mga iba't ibang uri ng halaman, kumikinang na chandelier, babasaging pintuan at bintana, mga naggagandahang mga larawang pinta at ang kanilang hindi nagpapakabog na makintab na hagdan.

Napagdesisiyunan kong tingnan ang ikalawang palapag at unang kung nakita ang maespasyong kwarto na kayang mag akomenda ng 7-10 katao at mayroong babasaging bintana na kung saan makikita mo ang malawak na lupain na sakop ng resort.

Pagkababa ko naman ay nakita ko ang kanilang malaking tubig paliguan at katabi nito ang maliit na swimming pool para sa mga batang maliliit. Dahil lawak ng resort maari ng maglaro ng bandminton at volleyball at kung sa gabi naman ay maari ng magtayo ng tent.

Nag- aalok din sila ibat ibang serbisyo gaya ng full service, libreng paggamit ng kagamitang pangkusina at mga kagamitang panluto at nag aalok din sila ng catering services sa kung kilala sila sa pagluluto ng mga masasarap, kakaibang at high quality na mga pagkaing pasok sa bulsa.

Maari din kayong magdiwang ng kahit anong okasyon dito. Napakagandang bakasyunan kasama ang pamilya at kaibigan. Maaaring kang magrelax, mag enjoy at lumikha ng mga memoryang hindi mo makakalimutan. Ito ay isang oras lamang ang layo sa kabihasnan, Ito ang Bali inspired villa ang "The Julita Family Farm" na matatagpuan lamang sa Barangay Santo Niño, Julita, Leyte.

Naputol ang aking pageendorso ng may nagbusina sa labas, tila yata nandito na ang bus at.............

Kring!!

Kring!!

Bigla akong napabangon at balisang tinignan aking kapaligiran at napingiti, dahil napanaginipan ko nanaman ang aking nakaraan tatlong taon na ang nakalipas (2022) na kung saan akoy naligaw papauntang Burauen at nagbigyan ng tiyansyang libutin ang kabubukas lamang na resort.

indibidwal na nagbabahagi ng kanilang pagkakaibigan at talento.

Sa larong ito, nagkakaroon ang lahat ng mahalagang aral na ang kasiyahan ay hindi lamang natatagpuan sa tagumpay, kundi sa proseso ng pagtutulungan, pagkakaisa at pananalig. Ang mga manlalarong ito ay walang iba kundi ang mga baitang 10 at baitang 8 ng Julita National High School na nagbahagi ng talento sa paglalaro ng basketbol sa championship round sa ginanap na intrams.

Hindi mananatili ang ngayon

May mga naririnig akong balita na magkakaroon ng mga bagong gusali sa aming paaralan, hindi maiiwasang lumutang ang isang halo ng kasabikan at lungkot sa akin. Kasabikan, sapagkat alam kong magdadala ito ng mga bagong karanasan at oportunidad para sa mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral. Ngunit kasabay ng kasabikan ay mayroon ding bahagyang lungkot sa aking puso.

Ilang taon na kaming nagaral sa aming paaralan sa junior high. Ilang taon na rin naming pinagtagpi-tagpi ang mga alaala sa mga lumang silid-aralan, mga kwento ng mga unang araw ng aming pag-aaral at naging bahagi na ng aming buhay. Nakakamiss isipin ang mga alaala sa mga lumang silid-aralan, ang mga unang aral sa mga ito, at ang mga kaibigan na kasama namin sa bawat hakbang ng aming edukasyon. Ngunit sa kabila ng lungkot, alam naming may mas malaking layunin ang pagpapagawa ng mga bagong gusali. Ang mga ito ay hindi lamang mga pasilidad; sila ay mga simbolo ng pag-unlad at pagbabago.

Kaya ang paglipat namin muna sa senior high at pagiwan sa mga lumang silidaralan ay nagdudulot ng isang pirasong lungkot sa aming mga puso, na tila ba iniwan na

namin ang bahagi ng aming pagkabata.

Sa bawat paglipat namin sa mga bakanteng silid-aralan ng senior high, may halong excitement at pag-aadjust. Ngunit sa kabila ng mga pagbabago, naniniwala kami na ang aming paaralan ay patuloy na magiging tahanan ng mga pangarap at tagumpay. Ang bawat bakas ng aming pagaaral at ang aming mga kwento ay mananatili sa mga dingding ng aming paaralan, nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga susunod na henerasyon. Sa ngayon, habang nakiki-angkas kami sa mga bakanteng silid-aralan sa senior high, ang pag-aadjust ay hindi madali. Ngunit bilang mga estudyante, atleta at manunulat sa El Dorado at Ang Pluma, patuloy kaming nagpupursigi na maabot ang aming mga pangarap sa kabila ng mga pagbabagong ito. Alam naming ang aming tagumpay ay hindi nakasalalay sa pisikal na kapaligiran, kundi sa aming sariling determinasyon at pagpupursige sa pag-aaral Kahit na malungkot, masaya kaming maging bahagi ng kasaysayan at pag-unlad ng aming paaralan. Ang bawat luha ng kasabikan at lungkot ay nagbibigay daan sa isang mas malalim na pang-unawa at pagtanggap sa mga pagbabagong ito. At sa huli,

alam naming ang aming paaralan ay patuloy na maging tahanan ng mga pangarap at tagumpay ng bawat estudyante na maglalakbay sa kanyang mga dingding.

Naniniwala kami na ang aming paaralan ay patuloy na uunlad at magbibigay ng mga bagong oportunidad sa mga susunod na henerasyon. Kahit na kami'y hindi na bahagi ng mga ito, ang aming pagmamahal at pangarap para sa paaralan ay mananatili, at kami'y masaya na maging bahagi ng mga kuwento at tagumpay na darating.

Sa huli, bawat patak ng pintura at bawat himaymay ng konstruksiyon, ang paglago ng aming paaralan ay hindi lamang isang proyekto; ito'y isang alaala ng pag-asa at pangarap na dumadaloy sa bawat butil ng aming luha, ang aming pinagmamalaking paaralan ay hindi mananatili kung ano ang ngayon, ito ay mas lalago at mas aangat para sa mga susunod na gagamit nito. Ito ay mananatili sa aming puso kahit na ito ay nagbabago na alam naming magreresulta ng mga bagong magagandang ala-ala. Julita National High School ang matatag na paaralan ng aming lugar.

lathalian 11
Shanice Anne S. Orbista Theresa Anne Almaden

SCOUTING

JNHS, nakiisa sa patakarang Proper Segregation sa mga basura

Nakisali ang Julita National High School (JNHS) sa patakarang inilunsad ng DepEd na Proper Segregation sa mga basura na ginagawa sa loob ng Julita Senior High School (JSHS) kampus, Feb. 25-March 5, 2024.

Pinangunahan ng mga Science Officer ng Baitang Siyam sa paglilista ng kanilang monitor sa mga seksiyon na naka-segregate na basura na pinamunuan ito ni Gng. Amedel M. Barsana, Eco-friendly Adviser.

Kinokolekta ng basura ng truck ang hindi-nabubulok tuwing Martes ala-una ng hapon, habang ang nabubulok naman ay tuwing Miyerkules, ala una rin ng hapon.

Nasa sampung seksiyon ng JNHS ang naitalang segregated ang kanilang mga basura, ang seksiyong Daisy, Sampaguita at Rose ng Baitang 7; ang Acacia, Narra at Yakal ng Baitang 8; ang Platinum at Bronze ng Baitang 9; Newton at Einstein sa Baitang 10.

Naitalang anim na seksyion ang hindi segregated sa kanilang mga basura, ang seksiyong Gumamela at Camia ng Baitang Pito; ang Lawaan ng Baitang Walo; ang Silver ng Baitang Siyam; ang Galileo at Edison ng Baitang 10.

Ang seksiyong Narra ng Baitang 8 at ang seksiyong Gold ng Baitang 9 ay naitala na ang basura nila sa unang bag ay segregated habang sa kanilang ikalawang bag ay hindi segregated, samantala ang seksiyon ng Titanium ng Baitang 9 ay hindi nagtapon ng basura.

Nagbigay ng mensahe si Gng. Barsana sa isang panayam, aniya “Among students and teachers, self- discipline is the key for sustaining properly segregated trashes in school.”

Binigyang-diin din niya na kailangan na magkaisa at magtulungan ang bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan ng paaralan at ng lipunan. Kasalukuyang ginagawa ang proper segregation sa mga basura ng JNHS, kasama na rin ang SHS sa tulong ng mga Science Officers ng bawat baitang at ang Supreme Student Learner Government (SSLG) Officers ng JNHS at SHS.

SCOUTING

Astronomy: Kababalaghan sa kabila ng Daigdig

Sa mundo na ating tinutuluyan, sa ibabaw nito ay may mga misteryong matutuklasan na karagadagang pag- aaral ng kalawakan. Nakikita ng mausisang mga sulyap ng mga mata.

Natuklasan sa Mesopotamya noong 1000 BCE ang astronomiya. Natural na agham ang makalangit na mga bagay. Mga katutubong tao ang gumawa ng obserbasyon sa gabi. Ang mga ito ay Ehipto, Babylonians, Greyigo, Indiyano, Tsino, Maya, Amerika, atbp..

Gumagamit ng matematika, pisika, at kimika upang

maipaliwanag ang pinagmulan at pangkalahatang ebolusyon. Kabilang sa kinaiinteresan ang planeta, bituin, buwan, nebula, galaxy, meteoroid, asteroid, at kometa.

Noon kasama sa astronomiya ang disiplina sa mga sari-saring astronomiya, makalangit na nabigasyon, obserbasyonal na

astronomiya, at ang paggawas ng kalendaryo.

Pinakapana-panabik, biswal na nakamamangha, at napapanahong saklaw ng langit. Gabing masisilayan ang pabalik sa unang panahon. Maaabot ang hindi masisirang uniberso habang nagbubukas tayo ng bagong kaalaman.

Siyentipikong Paglaban sa Klima

Sa panahon ngayon ang pagbabago ng klima ay nagpapahirap sa ibang uri ng agrikultural sa magsasaka dahil sa mainit na klima ng sikat ng araw.

Ang siyintipiko ay gumawa ng isang bagong eksperimento upang matiyak ang matatag na supply ng pagkain at nagtatrabaho upang lumikha ng mga bagong strain ng bigas na maaring lumago sa isang mas malupit na kondisyon tumataas na temperatura at ang precipitation pattern ay maibsan ang ani ng pananim at mapapababa ang kalidad ng pagkain na tumaas sa delas na mga kaganapan sa matinding lagay ng panahon tulad ng bagyo, pagbaha, at tagtuyot dahil sa pagbabago ng klima ay maaring humantong sa isang imprastraktura na nauugnay sa agrikultura.

Isinumiti ng Pilipinas ang NDC sa United Nation Farmer or Convention sa ganitong pagbabago ng klima noong Abril 2021.

Ang pangakong inaasahan sa pagbabawas at pag-iwas sa greenhouse gas emission ng 75 porsyento para sa panahon ng 2020 to 2030 kung saan ay 2.71 porsyento sa unconditional at 72.29 porsyento.

Nagkaroon ito ng variety ng butil na ito at staple ng asian diet na makakaligtas sa tagtuyot, matinding temperatura at pagbaha.

Sa mabilis na pagbabago na ito ay nadudulot ito ng mas maraming pagkasira kaysa dati, ang mga kita ay lumalaki nang mas kaunting sapat na kita ng mga magsasaka na nagdudulot ng kahirapan sa kanila.

13 agtek
Miel Margaret T. Macaraig Alyka C. Capilos
NEWS FEATURE
Leeyan Olasiman

Kabataan laban sa kamatayan agtek EDITORYAL

Sa mundong ito, ang tahimik na pakikibaka ng mga kabataang lumalaban sa mga saloobin ng pag-iisip na magpakamatay ay isang malupit na katotohanang hindi natin kayang ipagwalang-bahala.

Maraming indibidwal lalo na ang mga kabataan ang nasa panganib ng pagpapakamatay. Karaniwan ito ay dahil sa depresyon, pag-aalala, kawalan ng katiyakan sa pera, pagkadismaya, stress, at pagkawalan ng mahal sa buhay. Kinikilala ng Department of Health (DOH) ang depresyon bilang isang seryosong kondisyon sa kalusugan.

"...kailangan natin makipag-usap at makinig sa taong nasa panganib, dagdagan ang pagkakaroon at pagiging abot-kamay na suporta sa kalusugan ng pag-iisip, at itaguyod ang isang malusog na pamumuhay.

Ang mga kaso ng pagpapakamatay ay dumarami dahil sa social media, pagbabago sa estilo ng pamumuhay at kakulangan ng suporta mula sa pamilya at komunidad.

Ayon sa pinakabagong datos mula sa DOH, 404 na mag-aaral sa Pilipinas ang namatay dahil sa pagpapakamatay noong taong panuruan 2021-2022, at may 2,147 na nagtatangkang magpakamatay sa parehong panahon.

Nananawagan ang DOH sa publiko na maging sensitibo sa mga damdamin ng mga indibidwal lalo na ang mga kabataan na may mga saloobin ng pag-iisip na magpapakamatay upang makatulong sa pagbawas ng mga tumataas na kaso.

Sa pagpigil o pagbawas sa ganitong uri ng problema sa mga indibidwal o mga kabataan, kailangan natin makipag-usap at makinig sa taong nasa panganib, dagdagan ang pagkakaroon at pagiging abot-kamay na suporta sa kalusugan ng pag-iisip, at itaguyod ang isang malusog na pamumuhay.

Nakatutulong o Nakababahala

Napabibilis man ang lahat ngunit sa intensyon ng iba ay nagagamit ito sa maling gawain.

Habang nagpapatuloy ang ating buhay, gayundin ang ating mundo. Nagbabago ang lahat sa paglipas ng panahon. Noon naglalaro ang mga bata sa palaruan, pumupunta sa lungsod para bumili ng kagamitan at iba pang bagay na kaunti nalang ang gumagawa ngayon.

Ito’y naging parte ng pagaaral ng mga mag-aaral at mga nagtratrabaho sa panahon ng pandemya. Naging tulay ng mga tao sa pag-aaral, komunikasyon para sa kanilang pamilya, kaibigan at iba pang mahal sa buhay na nasa malayo. Hindi problema ang mga katanungang hindi masagot, maaring ito’y hanapin sa internet. Sa isang click mol ang lahat ay nasa internet.

Napapadali rito ang lahat. Ang iba ay gumagamit ng mga apps o mas kilala bilang ‘‘Online Shopping.’’Dito hindi na kailangang makipagsiksikan, mamasahe o magsayang ng gasolina, makatitipid pa, mura ang aytem at bayad sa pagpapadala. Sa murang edad dalubhasa na sa paggamit nito. Naapektuhan nito ang kanilang pag-aaral at pangarawaraw na buhay. Nalulong sa mga laro at iba pang mga bagay at hindi nakikinig sa kanilang magulang. Tinutularan ang anumang makita o impluwensiya ng mga kaibigan o kakilala. Namulat sila sa mundo na hindi

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV

JHANNA MARIE LUCIANO

...sa halip na pigilan sila bakit hindi sila bigyan ng pagkakataon o access para protektahan ang kanilang sarili.

Noong nakaraang taon, Enero hanggang Mayo ay nagkaroon ng 1,799 at ngayong taon, Enero hanggang Mayo ay nagkaroon 2,235 na kasong HIV. Halos sa kalahati nito ay edad 15-24 na nagpositibo at pumapalo sa 47%. Bawat araw ay nagkakaroon ng 50 na bagong kaso. Nababahala ang Department of Health (DOH) sa lalong pagtaas ng bilang ng mga kabataang nahahawaan ng HIV. Kaya isa ito sa mga isyung tinatalakay nang magpulong ang Department of Health (DOH) at Department of Education (Deped).

Nakapanayam ng 24 oras na si Gina, hindi niya tunay na pangalan, 13 taong gulang noong siya'y unang nakipagtalik at kalimitang walang condom at pagsapit niya ng 17 taong gulang ay nagpositibo sa HIV. Ayon kay Gina, "Once you chat someone, when...na your willing to have sex with them once na nagkasundo kayo na nakikipag-sex ka, uhmm... meron na agad pong mangyayari." Alam naman raw niya ang tungkol sa HIV ngunit hindi malinaw ang

pa dapat matutunan o makita sa inosenteng edad.

Napabibilis man ang lahat ngunit sa intensyon ng iba ay nagagamit ito sa maling gawain. Ilan sa mga mamimili ay nabibiktima ng mga manloloko. Ang hindi bihasa gumamit ay nagkakaroon ng aberya tulad ng maling pagpili ng aytem na gusto o sukat. Sa larawan at minsang nagmumukhang maliit o malaki, iba ang disenyo na naiiba sa inaasahan ng mga namimili.

Isang malawak na konsepto na tumatalakay sa paggamit ng makinarya at kagamitan ng binuo mula sa aplikasyon ng siyentipikong kaalaman. Ang teknolohiya ay isang aplikasyon ng siyentipikong kaalaman para sa mga praktikal na layunin. Ito ay bagay na nakatutulong ngunit nakagagambala nang gamitin sa maling paraan.‘Technology is a useful servant but a dangerous master, mag-ingat sa anumang bagay,” ayon kay Christian Lous Lange.

PRINCESS HEART CAMINO

pagkakaintindi niya rito, hindi siya gumamit ng proteksyon."Alam ko na nakahahawa siyang sakit pero hindi ako ganoon ka malay na ito ay agad kung kanina ako nakikipagtalik, makukuha ko yung sakit na ‘yon."

"Dapat mayroong edukasyon na ang isang sakit ay maaring mailipat sa isang mapanganib na paraan", ayon kay Sec. Ted Herbosa.

Maliban sa edukasyon sa mga paaralan ayon sa tagapagtaguyod na si Kael Mata,ang mga kabataan ay mahalaga na may mapagkukunan ng condom nang hindi nahuhusgahan.

Kung gusto talaga nilang makipagtalik, gagawin nila yun, kaya sa halip na pigilan sila bakit hindi sila bigyan ng pagkakataon o access para protektahan ang kanilang sarili.

Mausok na panganib

Lahat tayo ay may iisang buhay at ang vaping ay nagpapaikli ng iyong buhay.

Sariwang hangin o maduming hangin? Masama para sa kalusugan ngunit kamangha-mangha. Pinsala sa pag-unlad ng isipan ng kabataan o matatanda. Nakapipinsala ito ngunit hindi gaano, hindi kagaya ng sigarilyo.

Aparato na ginagaya ang paninigarilyo ng tabako. Nalalaman ng nikotina o nakakapinsalang sangkay. Kabataang Gumagamit ng mga elektronikong sigarilyo ay maaring mas magaling na maninigarilyo sa hinaharap.

Iba't ibang aparato ay elektronikong sigarilyo, E-hookah, vaporizer, juulin, vape, vape pen, atbp. Magagandang epekto nito ay mababang presyon ng dugo,

mapabubuti ang panlasa, atbp. Ang magiging masamang epekto nito ay pagkakaroon ng singaw, ubo, humihingal, pagkakapilat sa baga, hika, pagkagumon. Ang second hand smoke ay maaaring sakit sa baga, sakit sa puso, tuyong bibig at lalamunan, pangangati ng bibig at lalamunan, at sakit sa ulo.

Elektronikong sigarilyo o vape ay isang aparatong pinapatakbo ng baterya na naglalabas ng

singaw na solusyon upang maglanghap. Nagsimula noong 2005, inobasyon ng isang Chinese na parmasyutiko, si Honlik. Siya ang dating DEPUTY director ng institusyon o Chinese Medicine sa Liaoning province.

Ayon sa RA 11900, ang vaporized nicotine at non-nicotine products (UNNP) regulasyon act 2. Lahat tayo ay may iisang buhay at ang vaping ay nagpapaikli ng iyong buhay.

14 agtek
"
SAMANTHA MARIE BARTOLOME
" " " " " "

BABALA:ASF!

Kumakalat na ng husto

Shanice Anne S. Orbista

Sinisikap ng gobyerno na sugpuin ang mga epekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga apektadong magsasaka.

Kinumpira ng Department of Agriculture (DA) ang unang outbreak noong Hulyo 2019. Mula sa unang pagtuklas, ang paglaganap ng ASF ay naganap sa 73 sa 82 probinsiya nito, noong Enero 19, 2024, mayroong 80 baranggay sa 39 na munisipalidad ng 21 na probinsya na may aktibong kaso ng ASF.

Ang Swine Fever African (ASF) ay isang nakakahawang sakit na kilala sa mga baboy. Sa talamak na anyo nito, ang sakit ay karaniwang nagreresulta sa mataas na dami ng namamatay.

Patuloy na kumakalat ang ASF sa buong mundo. Ang sakit ay umaabot ng maraming bansa sa buong Asya, Caribbean, Europa, at Pasipiko, na nakaapekto sa parehong mga domestic at ligaw na baboy.

Sa panayam ng Philippine News Agency nitong Miyerkules, inamin ni Rolando Tombago, Presidente

ng Pork Producers Federation at the Philippines (ProPork), na patuloy na apektado ng sakit ang produksiyon ng baboy, kung saan wala pang magagamit na bakuna.

Gayunpaman, kahit anong agwat ang umiiral sa pagitan domestic production at demand ng konsyumer ang napunan na ng mabigat na importasyon ng baboy, at ang uso na ito ay magpapatuloy sa foresecable future hanggang sa tuluyang maipalabas ang bakuna sa ASF sa lokal.

Ayon kay Tombago, ang mga backyard piggenes at ang pinaka-bulnerable sa impeksyon ng ASF dahil sa pangkalahatan ay kulang ang mga ito sa paraan upang mamuhunan sa mahal na biosecurity.

‘‘Nakakalungkot ang nangyayari sa mga maliit na hog raisers ngayon, pinagsasamantahan sila ng walang prinsipyong mangangalakal na bumibili ng kanilang mga imbentaryo sa mababang presyo kahit na malusog ang kanilang mga baboy. May ASF scane na nangyayari sa industriya.’’ hinaing pa ni Tombago.

Isang misteryosong panahon na kadalasang tinatawag 'ang munting batang lalaki', ito ay may kapangyarihang gisingin ang mundo sa lakas nitong dala. Hawakan ang iyong mga sumbrero, mga tagamasid ng panahon, narito na ang munting batang lalaki– ang El Niño.

El Niño, ito ay ang katayuang nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa dagat ay tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig ng tropikal na Karagatang Pasipiko. Ito ay pinakakilala sa pagsasama nito ng mga baha, tagtuyot at ibang pag-iiba ng kalagayan ng

Bangis ng El Niño

kalangitan sa maraming mga rehiyon ng mundo na nag-iibaiba ang bawat pangyayari.

Sa panahon ng El Niño, humihina o nagbabago ang hampas ng trade winds na nagreresulta sa pagkalat ng mainit na tubig sa gitna at silangang rehiyon.

Matindi ang epekto ng El Niño hindi lamang sa mga tao, kundi pati na rin sa agrikultura at pangisdaan na pinagkukunan ng pagkain. Ang mga epekto nito sa agrikultura at industriya ay maaaring magdulot ng mga negatibong epekto sa

ekonomiya ng isang bansa.

Makasaysayang naapektuhan ng El Niño ang kabuhayan at kalusugan sa pamamagitan ng pagdudulot ng matinding tagtuyot at matinding pagbaha sa mga bahagi ng mundo. Sa isang agrikultural na bansa tulad ng Pilipinas, kung saan inaasahan ang tagtuyot, maaaring mangahulugan ito ng mga pagkabigo sa pananim na nakakaapekto sa produksyon ng pagkain.

Dahil na rin sa epekto ng El Niño, inaasahan na kakaunting bagyo lamang ang papasok sa

bansa ngayong taon. Ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) na mataas pa rin ang posibilidad ng mas mababang dami ng ulan dahil sa "malakas at matatag na" El Niño.

Ang El Niño ay nagsimula pa noong Hulyo 2023. Sa pinakabagong abiso nito, binabalaan ng PAGASA ang publiko na magpapatuloy ang matinding El Niño hanggang Pebrero, at na ang mga pandaigdigang modelo sa klima ay nagpapahiwatig na ito ay

magpapatuloy hanggang Mayo.

Ayon sa PAGASA noong Martes, Enero 9, na naghahanda ito para sa “isa sa pinakamainit na taon” na naitala ngayong 2024 dahil sa epekto ng El Niño.

Bilang lagom, ang El Niño ay isang matinding klima na may mga pandaigdigang epekto. Mahalagang maunawaan at subaybayan ang El Niño upang magkaroon ng kamalayan sa mga epekto nito. Ihanda ang sarili sa bangis ng munting bata!

15 agtek
Samantha Marie N. Bartolome

Sandatang pupuksa sa kanser

Naghahanap ng pagkaing masarap at masustansiya? Sa libro ni Dawid Servan-Schreiber, M.D., Ph.D. (2008). Anticancer: A new way of life.

Merong 11 na pagkaing

makatutulong sa mga iniinda. Una, ang green tea. Ito ay nagpapabagal sa paglaki ng tumor. Pangalawa, kari. Ito ay panlaban sa pamamaga ng ugat at pagpapabagal ng paglaki ng bukol. Pangatlo, luya. Ginagamit sa Asya upang gawing gamot ng pagduduwal, pagsusuka, ubo, sipon, sakit ng ulo, at arthritis. Pang-apat, repolyo, tulad ng bokchoy, brokoli, kuliplos, st

brussel sprouts. Panlima, bawang, sibuyas, at leeks. Malakas na pumipigil sa pagdami ng cancer cells. Ang bawang ay sumusugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate. Pinipigilan ng leeks ang paglaki ng selula ng kanser, pagbabawas ng pamamaga, at pag protekta sa selula mula sa oxidative. Pang-anim , mga mapula at madilaw na gulay at prutas. Ito ay sagana sa betacarotene, Bitamina A, at lycopene.

Ang pampito, tomato sauce at spaghetti. Ang tomato sauce ay nakaiiwas sa kanser ng prostate at ang spaghetti sauce ay naglalaman ng lycopene

na masustansya sa katawan. Pangwalo, taho at tokwa. Ito ay pag iwas sa breast cancer. Pansiyam, shitake mushroom na naglalaman ng pylosaccharides at lentinian.

Pansampu, matataba na isda. Ehemplo nito ay tuna, tamban, at sardines na sagana sa amega-3 fatty acids. Nakatutulong ito sa pamamaga ng ugat at panlaban sa kanser. Ang panghuli, yogurt, ito ay nagpaparami ng good bacteria, nakakatulong sa pagdumi, at kanser sa tiyan.

Malayang Halimaw

Mundong hindi maiiwasan ang mga sakit gaano man ka maalaga sa ating sarili. Anumang edad, bata man o matanda ay maaring mahawa sa nakakabahalang outbreak sa mundo, kasama na rito ang China at Denmark. Nakaraang taon lamang (2023) ay may nakumpirmang kaso sa Pilipinas.

Ito ay nagpapakita ng mga sintomas sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo matapos mahawaan at ang iba ay higit sa tatlong linggo kasama ang sintomas na ubo ng ilang buwan.

Ang mga sintomas ay tulad ng pananakit ng lalamunan at dibdib

sa lalamunan, pagkapagod, sakit ng ulo, at mababang antas lagnat (38 hanggang 40 C).

Kahit isa itong banayad na anyo ng pulmonya, nakaaapekto ito sa lining ng respiratory system (lalamunan, baga, daluyan ng hangin). Isang implekasyon sa baga na dulot ng Mycoplasma pneumonia.

Upang maiwasang mahawa, sundin ang pamantayan sa kalusugan. Sundin kung ano ang eksaktong sinasabi ng mga ekspero. Maghugas ng kamay, sundin ang wastong pagbahing at pag-ubo at huwag kalimutang magpa-flu shot bawat taon.

Mapanganib na Maliit na Butil

Nasisigurado mo bang ligtas ang iyong kinakain? Sa pagtatapos ng taong 2023 ay isang problema ang ikinababahala ng sangkatauhan. Kahit noon pa man naging problem ana ito ng ating bansa. Naalala mo pa ba ang kalikasang bumubuhay sa atin?

Sumisira sa karagatan, malalayang isla, lawa, at mga polar na relihiyon. Sumisira din sa mga selula ng tao.

Maraming maliit na butil ang pa kalatkalat. Resulta ng idinesenyo para sa komersyal na paggamit, kosmetiko, microfiber na nahuhulog sa damit at iba pang tela, lambat sa pangingisda, bote ng tubig, at plastic bag.

Maliit na butil ay mababa pa sa 5 milimetro ang haba. May ibat-ibang hugis at sukat ang microplastic. Halos kasing laki ng isang pambura ng lapis. Sa pag-usbong sa larangan ng pagaarl, wala paring kasagutan sa epekto o kaalaman tumgkol sa microplastic.

Nakaraang dalawang lingo ay naitala sa 24 oras at TV Patrol na 60% konsentrasyon ng microplastic sa tiyan ng bangus sa Mindanao, 140 milyong basura ang inanod sa dagat.

Ang microplastic ay hindi lamang mapanganib sa Pilipinas, sa buong mundo rin. Para mabawasan ito itapon natin nang maayos ang ating mga basura . Gaya ng sabi nila, ‘‘Basurang iyong itinatapon ay babalik din sayo.’’

Makatutulong mga overthe- counter na gamot, tulad ng paracetamol para sa lagnat, carbocisteine para sa ubo na may plema antihistamine para sa nasal congestion. Ngunit kung ang mga sintomas ay hindi nawawala, maaring bisitahin ang iyong doktor upang malaman ang mga sintomas.

Magagamot at maiiwasan ito basta huwag mataranta tulad ng sabi nila, “Lahat ng problema ay may solusyon.’’ Ang maganda ay iwasan ang lahat ng makasasama sa Walking Pneumonia.

16 agtek
Jhanna Mae Luciano Jhanna Mae Luciano

Isports, bigyang puwang sa ating buhay isports EDITORYAL

Kahit saan tayo lumingon, kaliwa man o kanan ang tanging hawak at dala ng kabataan pati matatanda ay mga gadyet na rin. Habang tumatagal maraming karanasan ang nawawala sa mga kabataan, kung dati malaking tagumpay sa’tin na napabilang ang ating bansa bilang isa sa kilalang mahuhusay na manlalahok sa bawat isports, bansang Pilipinas na palaging may nakakamit na medalya pero ngayon imbis maipakita natin ang kakayahan sa anumang larangan sa isports mas pinagtutuunan na natin ng pansin ang gadyet at walang kabuluhang bagay na nauuso sa kasalukuyan, 52 porsyento ang kabataang walang malay sa isports.

...hindi lamang ito magbibigay ambag sa ating pansariling kagustuhan kundi sakop nito ang pagunlad ng ating bayan---kaunlaran nating lahat

Dahil sa mga rason ng makabagong teknolohiya, nakalilimutan at tinatalikuran na ng iba ang isports. Paano ba natin maiiwasan ang ganitong suliranin at mahikayat ang mga tao na bigyan ng importansya ang larangan ng isports? Maaaring mayroong mag-aakala o magsasabi na wala itong maitutulong sa atin, diyan pa lang ay mali na kayo, hindi lamang ito magbibigay ambag sa ating pansariling kagustuhan kundi sakop nito ang pag-unlad ng ating bayan---kaunlaran nating lahat. Tayong mga Pilipino ay nakilala sa pagiging malapit ang loob sa isports na kahit saang sulok man ng mundo ay may nagwawagi tayong atleta at sila ang nagdadala o kumakatawan sa ating bansa.

Sa murang edad natin, mainam na mahubog na natin ang talento o kakayahan sa isports , bigyan at maglaan ng oras sa isports hindi ang gadyet, malaki ang maitutulong satin ng isports lalo na sa mga kabataan dahil nagkakaroon ng pagkakataon na ma-enjoy ang ganitong oportunidad upang makipagsalamuha tayo sa iba’t-ibang mga lahi nang maisulong ang pakikipagkaibigan at pakikiisa sa kapwa tao.

Mapapabuti ang ating lagay kung maging bahagi tayo sa mga manlalaro at lalo na kung naka pokus tayo sa isports na iyong kinabibilangan, makakaiwas tayo sa mga bagay at bisyo na tunay na makakasira sa ating kinabukasan, mapapalayo tayo sa mga gawaing hindi kaaya-aya ang resulta sa atin.

Dahil sa paglaganap ng teknolohiya at mga gadyet tayo ay nabubulag sa katotohanan at napapalayo sa isports. Bukod sa pagbibigay ng saya, ang paglalaro natin ay nagtuturo sa’tin upang bumuo ng tiwala at pagtitiwala, pagalang sa koponan at gumawa ng alaala rito, isa pa ang sportsmanship. Mapa paaralan man o komunidad, hindi ito nararapat na tanggalin sa isipan ng tao bagkus ito’y paunlarin at pagyamanin, para rin sa mga susunod na henerasyon, tulong-tulong tayo na hubugin ang kakayahan natin sa isports.

Sa kasalukuyan,

ano ang halaga ng isports sa kabataan ngayon?

NICKA GUITERING

Sa paglago ng ibat-ibang gadget at teknolohiya tila ba ay nawawala na sa kaisipan ng mga kabataan ang tunay na halaga sa palaruang isports. Maging sa babasahing libro ay hindi na pinapansin, ganito ang dulot ng teknolohiya sa kanila. Ano pa ba ang halaga ng isports kung pati kabataan ay hindi na ito tinatangkilik? " "

Sa pagdaan ng panahon bumaba ang bahagdan ng palaruang isports, habang tumatagal ay nababawasan ito. Sa survey na isinagawa,6 ka tao ang nagbibigay pahayag na nararamdaman pa rin nila ang presensiya ng isports sa kasalukuyan. Bagamat may 4 na hindi sumang-ayon sa pahayag tungkol sa isports. Isang dahilan ng pagbagsak sa larangang pampalakasan ay kadahilanang wala silang alam na laro o kung mayroon man ay mga laro sa selpon na kung tawagin ay ‘‘Online Games’’. Alam natin ang isports ay hindi

Ang pagbura ng isports at pagtrato nito bilang isang kathang-isip lamang ay isang pruweba na tayo ay kinakain ng henerasyon pang-teknolohiya.

lamang nagbibigay ng kasiyahan at aliw, kundi isang pundasyon ng disiplina, pagkakaisa at inspirasyon. Ang pagtataguyod sa kahalagahan ng isports ay upang hindi makalimutan ang kahalagahan ng teknolohiya, kundi maging bukas tayo sa pagpapaunlad ng isports. Ang pagbura ng isports at pagtrato nito bilang isang kathang-isip lamang ay isang pruweba na tayo ay kinakain ng henerasyon pangteknolohiya.

Huwag nating hayaan na mapariwara ang ating landas sa pagtahak ng isport na ating

nais. Tandaang ang mga atletang nagiging inspirasyon sa kanilang tagumpay at determinasyon ay nagiging modelo sa iba na mag-sikap at mangarap nang mataas. Ikaw, nakikita mo pa ba ang kahalagahan ng Isports sa kabataan ngayon?

Matagumpay na itinambal ng mga kalahok ang pag-ugoy at kembot sa Dance Sports.

Nagpakitang gilas ang mga atleta kasama na rito ang mga kalahok sa sa Dance Sports, nasungkit nina Princess Camino at Ivan Padil ang kategoryang

Latin Standard, samantala, bumida naman sina Yvonne Espinosa at Nash Lumanta sa Latin Chacha, ginanap sa JNHS ground, Disyembre 1.

Masaya ang kaganapan pati na rin ang mga manonood sa ipinakita ng talento at husay ng mananayaw kabilang sa kategoryang Latin Cha-cha ay sina Espinosa at Lumanta, Jade Nerosa kapares ni Jhondy Anjhello Sabanal kumakatawan sa Baitang-10, Chel Jeah Esio at Viel Danday na rumiprisenta sa Baitang 8,bagaman sa Latin Standard ay isang paris lamang yun na nga ay sina Camino at Padil pambato ng Baitang-9,ipinakita pa rin nila ang kanilang kasanayan at kadalubhasaan sa parte na ito.

Bawat sayaw ay iba’t ibang balangkas,kilos o dalisay sa bawat galaw at tiyempo nang mananayaw, talagang mahusay ang pag-dala ng bawat kapares, hindi gaanong perpekto ngunit ipinag -patuloy ang kanilang performance, muntik nang matapilok si Camino at hindi na control ni Padil sa kalagitnaan ng kanilang pag sayaw ngunit nagawan ito ng paraan kayat hindi gaanong napansin ng manonood.

Sa bandang huli ay hindi mapigilan ng mga estudyante kasama ang mga guro na pumalakpak at mag-hiyawan dahil dito ay ipinakita nila ang iba’t ibang istilo at moda lalo na ang represetante ng Baitang-7 sina Lumanta at Espinosa na kahit sila ang pinaka bata ay mas dinaig nila ang nakakatanda, sa bawat pag ugoy at giwang ng mga ito ay tumpak sa tunog ng musika.

Ganon ang kasanayan at karikitan na ibinahagi ng mananayaw,sa bandang huli ay naagaw at naipanalo ang korona nina Camino at Padil sa Latin Standard, habang Espinosa at Lumanta ang wagi sa Latin Chacha, hindi halatang kompetisyon ang aktibidad na ginagawa dahil tuwa at kasiyahan ang nakikita sa mukha ng bawat representatibo,at yun ang mahalaga.

‘‘Dahil sa choreographers at kasanayan ay nagawa naming ipanalo ang isat-isa,naging inspirasyon ko din ang mga taong nasa paligid ko at sumuporta lalong lalo na ang mga ate’s and kuya’s na idolo ko sa pag sayaw, salamat po!’’ wika ni Camino.

17 isports
"

Kahit anong hirap kung pangarap, kakayanin mo!

Isang estudyante at isang manlalaro na ang hilig ay larangan ng isports na Taekwondo, siya’y maswerte dahil suportado siya ng kaniyang mga magulang sa anumang isports na kaniyang tahakin.

Siya ay nagsimulang magensayo noong siya ay nasa elementarya pa lamang, siya’y siyam na taong gulang at pumapasok na sa mga pagsasanay upang lalong humusay at makamit ang inaasam. Nakikipag laban siya sa pribadong institusyon upang sanayin ang kaniyang sarili.

Nagpursige siyang mag sanay sa Taekwondo dahil dito niya nakikita ang kaniyang pasyon at dito marami siyang nakilalang kapwa manlalaro na kalaunay nagiging kaibigan niya. Sa pagsisimula ng kaniyang paglalakbay sa Taekwondo, hindi pa siya ganon ka bihasa kaya’t hirap siyang makamit ang ginto, sa mga sinasalihang laban niya ma swerte na lamang kung makapag-uwi siya ng bronze, kaya’t patuloy niyang ine-enganyo ang sarili na maging mas mahusay at matuto sa

kanilang pagsasanay ng kaniyang tagapagsanay na si Rommel Marbibi at pinag sasabay ang pag-aaral at pag eensayo. Sa mga turo ng kaniyang tagapagsanay ay lalo pa siyang gumaling sa paglalaro at hindi niya inaasahan na makakamit niya ang gintong medalya na kaniyang inaasamasam.

Naging matagumpay siya sa kaniyang pangarap ngunit patuloy pa rin na natututo, maraming kompetisyon ang kaniyang naipanalong gintong medalya, ito ay naging sukli sa bawat hirap at pagod niya bilang isang atleta. Inspirasyon niya ang kaniyang mga magulang na hindi tumigil sa pag suporta sa kaniya. Sa kasalukuyan may 6 na medalya na siyang hawak.

Sinuportahan at ginabayan siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya at nag lakas loob na

lumahok sa labanan, dahil sa kaniyang determinasyon nag-uwi siya ng pilak na medalya sa Area II-B Meet at siya’y inilaban sa Provincial Meet.

“When it comes to fighting your dreams, be a dragon. Fight for it!’’.

"Kahit anong hirap at pagod ang danasin mo habang tinutupad mo ang iyong pangarap, wag kang sumuko dahil lahat ng ito ay may kapalit kung para talaga satin mapagtatagumpayan natin ito, walang bagay na hindi mahirap abutin tulad na lamang ng ating pangarap, tiwala lang sa ating sarili, maipapanalo mo ito," ani ni Yvonne M. Espinosa.

Ang Paglalakbay ng Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup

Sa

pagtatapos ng kanyang matagumpay na kampanya sa pambansang liga, ang Gilas Pilipinas ay naghahanda na para sa mas mataas na hamon sa FIBA World Cup. Ang buong bansa ay naglalakbay na kasama ang koponan, umaasa na makakamtan ang tagumpay sa pandaigdigang kort basketbol.

Sa mga pagsubok na kanilang kinakaharap, ang mga atletang Pilipino ay nagbibigay inspirasyon sa milyun-milyong tagahanga. Ang kanilang dedikasyon at sipag ay naglalarawan ng diwa ng bayanihan, isang halimbawa ng kung paano ang sports ay maaaring maging tulay sa pagkakaisa.

Hindi lang ito tungkol sa laro ito ay tungkol sa pag-angat ng bandila ng bansa sa internasyonal na kompetisyon. Sa bawat dribol, pasa, at tres na tinatangkang kanilang isalaysay, nararamdaman ang puso at damdamin ng sambayanang Pilipino.

Sa kabila ng pagiging underdog, ang Gilas Pilipinas ay nagtataglay ng tapang at pag-asa. Ang kanilang pangarap ay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa buong bansa. Ito ang oras na dapat tayong mag-alsa-

balutan ng pambansang kakayahan ng bawat manlalaro, at itinatampok nito ang diwa ng laban at pagkakaisa.

Sa gitna ng kompetisyon, ang Gilas Pilipinas ay nagdadala ng karangalan sa bansa, nagiging inspirasyon sa kabataan na mangarap nang malaki. Ang tagumpay o pagkatalo, ang kanilang

pagsusumikap at dedikasyon ay nag-iwan ng marka sa puso ng bawat Pilipino.

Hindi lamang ito isang laro. Ito'y isang paglalakbay ng puso, pagpapakita ng tapang, at isang pagbibigay kahulugan sa diwa ng pagiging Pilipino. Ang Gilas Pilipinas ay hindi lamang naglalaro para sa kanilang sarili, kundi para sa buong bansa, at ito'y isang pagpapakita na sa sports, ang diwa ng pagkakaisa at pag-asa ay patuloy na buhay.

18 isports
(Kai Sotto (kaliwa), Jordan Clarkson (gitna) at Dwight Ramos (kanan)

MACARAIG'S GAMBIT

Macaraig, nakamit ang titulo sa chess kompetisyon

Nicka Guitering

Namayagpag ang piyesa ni Miel Margaret Macaraig sa Intramurals 2024-Chess Kompetisyon matapos niyang ungusan si Samantha Marie Bartolome, Julita National High School (JNHS), Dis. 7.

Naglaban sina

Macaraig,representatibo ng

Baitang-10 at Bartolome sa Baitang-9, sa unang board na inangkin ni Macaraig ang white piece at black piece kay Bartolome.

Sa pagsisimula ng laro,agad nalaman ni Macaraig ang naging depensa ni Bartolome kaya ibinitag ito upang maubos ang officials at protektahan ang queen, gumawa ng patibong ang binate sa larong queens gambit at winasak ang depensa ng koponan.

Nagwagi si Macaraig sa unang round nang iginalaw niya ang Queen sa H5 papunta sa d1 kung saan ang king ng kalaban ay naka puwesto sa b1 at tuluyang na trap

HINDI BABAE LANG

ang Ra6 at nakabantay ang Bg7.

Ipinagpatuloy pa ni Macaraig ang kaniyang galaw at depensa sa bawat piece kaya’t matindi at nahirapan silang talunin ang kanilang laro. Habang tumatagal mas naging mahusay ang galaw at sa pagiging agresibo niya ay nagawa niyang wasakin si Bartolome, 1-0.

Nanguna at sasabak si Macaraig sa Area II-B Athletic Meet.

‘‘Na shock gad ako kay dire ko imagine na magdadaog ak over kan Sam, as far as I know may background na rin siya Chess Competition,” ika ni Macaraig.

JNHS Basketball Girls sumalang sa 3x3 Basketbol

Nicka Guitering

Nagpakitang-gilas ang Julita National High School(JNHS) Basketball Girls matapos silang patalsikin Dulag National High School (DNHS) sa 3×3 Basketball sa ginanap na Area 2-B Athletic Meet, Catmonan Basketball Court, Dulag,Leyte,Ene.6.

Naglatag ng malaking agwat ang DNHS kayat umiskor ng 11-4 sa loob ng dalawang kwarter, hindi na ito pinatagal sapagkat sa unang kwarter lamang nakapuntos ang JNHS, mula kay Lea Jean Del Pilar ang 4 na puntos.

Nahirapang dumiskarte ang JNHS sapagkat higit na matangkad ang kanilang koponan kaya mas malakas ang pwersa nito, mala posting binakuran ng DNHS ang bawat sulok upang di makalapit ang JNHS sa ring.

Pinagkaitan sila sa puntos na kahit anong depensa ng JNHS ay umaarangkada pa rin ang DNHS, sa unang kwarter pinalagpas nilang umiskor si Del Pilar, lumikom ito 3 puntos matapos lumabas sa 3 point line.

Sa pangalawang kwarter, nakadagdag ng isang puntos ang JNHS sa free throw, katapos nito sunod-sunod na ang pagbawi ng mala-kobrang ahas na DNHS at tuluyang napatumba ang JNHS, 2-0.

Tinanghal bilang Most Valuable Player si Desiree Natalia Argota ng DNHS matapos humablot ng anim na puntos at dalawang assists-sa kabuuan ng laro.

“I’m so glad to meet and play with them, magaling hira na kalaban actually, pero I think lack hira hin practice tapos cooperation.” saad ni Argot.

BALITANG NASYUNAL

18 anyos na atleta,nakapagtala

ng bagong rekord

Nalundag ni Jerry Jose Belistre at nagtala ng panibagong national rekord sa Long Jump Kompetisyon, 7.43 metro, sa Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championship, Ilagan City Sports Complex, Isabela, Abril 1.

Umeksena ang 18 anyos na si Belistre at binura ang 18 taong marka sa long jump, kaya't tinanghal bilang kampeon at nalagpasan ang dating marka na 7.41 metro na naitala ng atletang si Juebert Pelicano, noong 1999.

Nakatunggali ni Belistre sina Jericho Hilario na nag-uwi ng pilak na medalya sa layong 6.82 metro, at napunta ang tanso kay Jhaelord

PROUD PA RIN KAMI SA'YO!

Adriano sa 6.50 metro. Mahusay ang kaniyang paggalaw ng paa sa dulo, at nailunsad niya ito ng malapit sa linya, isa pa ay habang nasa ere pa lamang ay kita na ang tamang anyo kaya matiwasay ang paglundag ng kaniyang mga paa.

Lahat ng teknika at kasanayan ay matagumpay niyang naisagawa kaya't di maikakaila na

nagulantang ang lahat sa iskor na binitawan, siya'y napabilang na sa Asean Games sa Kuala Lumpur, Malaysia,sa Agosto.

"I prepared hard for this tournament and I’m enjoying not just to win the gold, but to break the record. Thats my goal I always go from breaking records," ani ng pambato sa Philippine Athletic Team, Belistre.

Cañada, bigong maipanalo ang piyesa matapos manalo sa pangalawang set

Muntikang maipanalo ni Edwin Cañada ang kanyang piyesa sa ginanap na Area 2B Chess Competition 2024 matapos magwagi sa dalawang round, Dulag Sped Central School, Ene.6.

Kinilala muna nila ang isa’t isa bago magsimula, unang tumira si Cañada upang gamitin ang Italian Defense at nagtangkang gamitin ang obispo nang tumira siya sa E4 kaya’t napilitang igalaw ni CJ Caballera (Lapaz) ang kanyang

Sa pangalawang game, nakatapat niya si John Dwight Roki (Tabon- Tabon) mas naging matindi ito para kay Cañada sapagkat umabot na si Roki sa Provincial level ngunit hindi nagpatinag si Cañada. Nagsimula ulit kay Cañada at ang

pawn at natibag sa checkmate, panalo uli si Cañada sa pangalawang game.

Isang game na lang ay mapagtatagumpayan na ni Cañada ang kanyang inaasam-asam, sa pangatlong game nahanap na niya ang kaniyang raybal na magpapabagsak sa kaniyang katunggali. Pareho silang ng nais sa pagdepensa sa kanilang mga tira at matibay na diskarte na puhunang dala-dala, unang nagbigay ng banta si John Paul Atencio(Burauen) upang matakasan ang palnong tira ni Cañada.

Nabigong matakasan ni Atencio ang naglalagablab na reyna ni Cañada at lumamang sa dami ng opisyales at kawal, dalawang obispo at isang kabayo ngunit wala itong epekto ka Atencio dahil gumawa siya ng paraan upang madouble check ang hari at reyna ni Cañada, sa huling game hindi na rin nakaya ni Cañada ang depensa ng katunggali at nabigong maipanalo ang kahuli-hulihang laro.

“Masaya dahil lumaban ako at umabot sa second game kahit magagaling ang aking kalaban, medyo malungkot din sapagkat sa huling laro doon po ako natalo,” pahayag ni Cañada.

19
Nicka Guitering PAGTANGGAP. Mag-aaral ng JNHS nakatanggap ng mga sertipiko na ginanap noong First Quarter Portfolio Day. Kuha ni Miel Macaraig PAGTANGGAP. Mag-aaral ng JNHS nakatanggap ng mga sertipiko na ginanap noong First Quarter Portfolio Day. Kuha ni Miel Macaraig Alyka C. Capilos

Pilak na medalya nakuha ni Trenchera sa Area II-B Badminton Tournament

Nakamit ni Alonna Trenchera ang pangalawang pwesto kontra ang Dagami 13-21, 11-21 sa isinagawang Area 2-B Badminton Tournament Secondary Girls Championship, Luan Dulag, Leyte, Enero 6.

Mainit na sinimulan ang laro nang lumatag si Trenchera ng pitong puntos mula sa tatlong kills, tatlong smashes,at isang net shot kaya't nanguna sa kalagitnaan nang unang set, 7-5. Hindi ito pinaboran ng Dagami kaya't ipanamalas niya ang sunod sunid na matutulis at mapanlinlang niyang tira at naagaw ang panimulang set, 21-13 na pabor sa Dagami.

Hindi na maka galaw si Trenchera nang hugutin ng kaniyang kalaban ang tira at sunod-sunod na mga return kaya’t di magawang kumalma ni Trenchera.

Nagtamo agad ng anim na sunod sunod na puntos ang Dagami dahil sa dalawang

drop-shots at apat na kills, 6-2. Ipinakita ng Dagami ang ibatibang diskarte mula sa kanyang dipensa.

Nagpumilit na maangkin ni Trenchera ang pangalawang set ngunit hindi ito tinutulan ng Dagami at mas pinalakas pa ang kanyang depensa at pwersa kayat umiskor ng 7-11.

Nagpakitang gilas ang Dagami sa mga pandurog tira niya na nagdagdag ng oportunided upang mapanalo ang kabuuang pagtutuos nila ni Trenchera, 2-0, nakuha niya ang gintong

medalya at pinaubaya ang pilak sa katunggali.

"Syempre na-disappoint ako sa aking pagkatalo dahil na rin sa aking paa, pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga sumuporta sa akin lalo na sa aking coach," dagdag pa ni Trenchera.

JNHS, pinataob ang AIS sa Sportsfest

Ipinamalas ng Julita National High School ang husay sa Sportfest 2023-Mens Volleyball Competition matapos pinagpag ang Alegria Integrated School (AIS), 2-0, Brgy. Bonifacio-Gymanasium Meet, Disyembre 6.

Nagtulungan sina Harvey Ezekiel Lopez at Aivanne Rhaine Quimbo upang ilista ang malinis at matiwasay na dalawang sets na panalo, at manatiling nasa tuktok ang kanilang lipon.

Unang set ng laro, ginimbal ng JNHS ang manonood nang nagtala sila ng pitong puntos sa pagsisimula, hindi ito pinaboran ng AIS kayat pinutol nila ang sunod-sunod na tira ng kalaban at nagtala sila ng 3 puntos, sa kalagitnaan ng unang laro ipinakita ni Lopez ang nag aapoy na digs at sinabayan ng resepsyon ni Quimbo na lalong nagpayanig Alegria, naangkin ng Julita ang unang set, 25-16.

Sa sumunod na set, kumpiyansa sa sarili ang nilikom ng bawat koponan, ibinida ng AIS si Arnold Cuevas at ito’y humakot ng matibay na limang puntos, pinuntirya at hinatak nila ng unti-unti si Cuevas dahilan ng panlalata ng Alegria nang lumikom ang JNHS, 20-7, tila ba’y mahirap na itong patumbahin at sa kooperasyon ng lipon ng JNHS naaagaw ulit ang ikalawang set,

Sa

Naghari si Lopez kaya pinarangalan bilang Most Valuable Player, sampung puntos, apat na digs, limang resepsyon, tatlong assists, napagtagumpayan parin niya ito sa likod ng kaniyang pinsala sa paa nang lumundag siya at hindi naibalanse ang paa nito.

Representatibo ang JNHS sa darating na Sports Area Meet 2024 sa kategoryang Mens Volleyball Competition, kagayak nila ang Womens Volleyball Competition ng AIS at sasabak sa Enero 6.

“I think nagdaog kami adto na mulay kay we deserved it, we worked hard for it and we won,” pahayag ni Lopez.

“We are still grateful that we steal a chance para makamulay an Julita, aminado kami, akon team nga nakulangan practice but its okay, mabawi kami next game,” saad ni Cuevas, Alegria Team Captain.

murang edad na walong taon, nagsimula siyang mag-ensayo ng pole vaulting na itinuro ng kanyang ama na si Emerson Obiena na dating pole vaulter at nakakuha ng bronse at pilak sa SEA Gamer. Ang kanyang ina na si Mia Jeanette Obiena ay isang handler noong kanyang panahon sa kolehiyo, at ang kanyang kapatid na babae na si Emily, isa ring pole vaulter sa kanilang pamilya na nagtataglay ng Philippine Junior record noong 2021 at isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa 2017 SEA Games sa Malaysia.

Bago pa man maging isang pole vaulter, siya ay unang naging handler noong siya ay nasa elementarya pa lamang, subalit hindi siya pinalad na makapasok sa rehiyunal na laban. Kaya’t nagdesisyon siyang bumalik sa pole vaulting noong siya ay tumuntong sa sekundarya, umasang makakuha ng scholarship mula sa mga unbersidad at kolehiyo. Sa huli, tinanggap siya sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST).

Naging bahagi siya ng UST trackster team at nagrepresenta ng kanilang

paaralan sa UAAP bilang isang pole vaulter at handler, kung saan siya ay tinuruan nina Manny Calipse at kanyang ama, ngunit matapos ang kanyang paglalakbay sa UAAP nang siya ay mag-ensayo sa Italy sa ilalim ni Vitaly Retow noong 2018. Sa taong 2019, nakamit niya ang kanyang unang panalo sa ika-30th SEA Games hanggang 32nd at ngayon ay may tatlong gintong medalya mula sa larong ito. Binuksan niya at nilamangan ang kanyang sariling record sa pagtalon ng 5.65 metro at nagging unang Pilipino sa nakapasok sa 2020 Tokyo

Olympic at nakuha ang 17th na puwesto.

Noong 2023, ng Pilipinas ay nakakuha ng unang gintong medalya sa ika-19 na ASEAN Games sa pamamagitan ni Ernest Thon (ET) Obiena, ang world champion silver medalist sa larangan ng pole vaulting, at ang tanging lalaking Asyano na nakatalon ng 6.00 metro.

Naging inspirado at motibado si Obiena sa olympic weightlifting champion na si Heidilyn Diaz- Naranjo na nagpakita sa mga Pilipino na ang pagkamit ng medalya sa olympics ay hindi imposible.

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG JULITA SILANGANG BISAYAS (R8) TOMO IV JULITA, LEYTE HUNYO 2023-PEBRERO 2024 ISYU I
ISPORTS
PALAKASAN. Harvey Lopez at iba pang atleta sa volleyball boys nagpakita ng galing at kanilang lakas sa Intramurals na ginanap sa Brgy. Bonifacio Court Plaza, Disyembre 2. Kuha ni Yvonne M. Espinosa
NAMAYAGPAG SA BALIBOL
PANALO BALITA Nicka Guitering
Haring 'di Magpapakabog ISPORTS LATHALAIN Nicka Guitering
Nicka Guitering
SA MGA NUMERO 16 14 25 25 4 5 3 UNANG SET PANGALAWANG SET PUNTOS DIGS RESEPSYON ASSIST MVP HARVEY EZEKIEL LOPEZ 25 JULITA JULITA ALEGRIA ALEGRIA HINDI PAPATALO. Alonna Trenchera nakamit ang medalyang pilak sa Area II-B Badminton girls na ginanap sa Brgy. Luan Julita Leyte, Enero 6. Kuha ni Miel Margaret Macaraig

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.