
ANG OPISYAL NA
Ang hangin ay puno ng musika, tawanan,

Subaybayan kami sa link na ito:


ANG OPISYAL NA
Ang hangin ay puno ng musika, tawanan,
Subaybayan kami sa link na ito:
Mag-aaral ng NOCNHS, nadagdagan ng 2.8%
IIsinulat ni: Lloyd Alden Pepito II
sang malaking hakbang tungo sa modernisasyon ng edukasyon ang ginawa ng Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng 42 units ng DepEd Thinkpad laptops sa New Ormoc City National High School (NOCNHS) noong Setyembre 4, 2024. Ito ang “pinakamabuti at ang pinaka magandang release ng DepEd.” Ayon kay G. Jeffrey Alerta, ICT Coordinator,
Ang pagbibigay ng mga laptops ay bahagi ng DepEd Computerization Program (DCP), isang programa na naglalayong magbigay ng angkop na Information and Communication Technology (ICT) sa mga pampublikong paaralan upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Inaasahang mas madadagdagan ang bilang ng mag-aral ang makikinabang sa proyektong ito. Lubos ang pasasalamat ni G. Bagting sa
DepEd at umaasa siyang magkakaroon pa ng karagdagang tulong sa hinaharap upang mas maraming mag-aaral ang mapakinabangan ng DCP. Ang mga bagong laptops ay tiyak na magiging isang malaking tulong sa pag-aaral ng mga estudyante ng NOCNHS, lalo na sa paggamit ng teknolohiya sa pagaaral. Inaasahan din na mapapabilis nito ang pag-unlad ng kanilang mga kasanayan sa teknolohiya. Ang proyektong ito ay isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng DepEd na mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Isang inspirasyon ito sa iba pang mga paaralan na magsikap din upang mapabuti ang kanilang mga pasilidad at makatulong sa mga mag-aaral na makamit ang kanilang mga pangarap.
umaas ng 2.8% o nadagdagan ng 159 magaaral ang enrollment ng New Ormoc City National Highschool mula sa 5478 nang nakaraang taong panuruan. Ayon sa datos na nakalap sa Learning Information System (LIS), mayroong kabuoang 5637 na mag-aaral na binubuo ng 2739 na lalake at 2898 na babae. T
Sundan sa pahina
Ang Karalangan ay Ikaw
Uswag, nanganganib mawala
Alexanda Eala ibinulsa ang unang spot sa Main Draw
Isinulat ni: Joshua Angelo Magkilat ang inilunsad ang programang K-12, mas dumami ang mga honor students ng bawat klase sa mga paaralan. Inalis ng Deped ang mga titulong “valedictorian,” “salutatorian,” at “honorary mentions” na limitado lamang sa sampung mag-aaral sa isang seksyon o batch.
Sundan sa pahina
DepEd Secretary Angara, dismayado sa binawas na 12 bilyong pondo sa DepEd
Isinulat ni: Lloyd Alden Pepito II ubos ang pagkadismaya ni Secretary Sonny Angara matapos bawasan ng halos P12 bilyon ang panukalang budget ng Department of Education (DepEd) para sa taong 2025.
Wika ni Secretary Angara imbes na dagdagan ay mas lalo pang binawasan kabaliktaran aniya sa nakagawian ng Kongreso kapag tinatalakay na
ang budget para sa sector ng edukasyon. Pinangangambahan ngayon ni Secrtetary Angara ang computerization program ng kagawaran na binawasan ng P10 bilyon sa ilalim ng 2025 national budget. Malaking bagay kung maituturing ni Secretary Angara ang naturang pondo para sa pagbili ng computer at gadgets para sa mga magaaral ng mga pam-
publikong paaralan.
Napag-alaman din n amula sa P748.6 bilyong budget ngayong taon ay binawas ng bicameral conference committee ang panukalang budget ng DepEd at ito ay nagging P737 bilyon na lamang para sa susunod na taon.
umisita si DepEd Secretary Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara sa Leyte upang suportahan ang mga bagong proyekto para sa digital na edukasyon.
Kasama si dating Gobernador Jericho “Icot” Petilla, ipinakita nila ang E-Learning initiatives na layong tulungan ang mga estudyante na mas gumaling gamit ang teknolohiya.
Sinabi ni Sen. Angara na mahalaga ang ganitong programa dahil nasa mod-
ernong panahon na tayo.
Masaya rin ang mga guro at opisyal dahil makakatulong ito sa mga mag-aaral sa Leyte.
Umaasa ang lahat na magiging maganda ang resulta ng proyektong ito para sa edukasyon sa probinsya.
Suporta para sa mga Digital Education Projects sa Leyte, bahagi ng kanyang adbokasiya para sa makabagong edukasyon.
“Gagawin kong Maganda ang Ormoc City’’
Isinulat ni: Lloyd Alden Pepito II
Inihayag ni Mayora Lucy Torres-Gomez ang kanyang mga plano para sa kinabukasan ng Ormoc City sa kanyang State of the City Address (SOCA) nitong Oktubre 14, 2024. Sa talumpati ni Mayora Gomez ipinakita niya ang mga nagawa sa ilalim ng kanyang pamumuno at inilatag rin ni Mayora ang mga ambisyoson at mga plano para sa mga susunod pa na taon. Binanggit noi Mayora Gomez ang kahalagahan ng pakikipagtulungan at pagsusumikap, pinuri rin niya ang lokal na yunit ng pama-
halaan at ang maayos na pakikipagtulungan sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibo. Ipinakilala rin niya ang iminungkahing ₱2.7 bilyong na Taunang Badyet ng Ormoc City para sa taong 2025, na magiging mahalaga sa pagpapaunlad ng imprastraktura, pangkalusugan, at mga serbisyong panlipunan. Sa kanyang pangwakas na pahayag, gumawa si Mayora Gomez ng taos-pusong pangako sa mga mamamayan ng Ormoc: “Gagawin kong maganda ang Ormoc City. Iyon ang magiging buhay ko.”
Facebook.com
Isinulat ni: Rianne Ruth Sy city, but for themselves.”
ORMOC CITY – Opisyal ng binuksan ang Division Siglaro 2024 noong ika-apat ng disyembre sa Ormoc City Sports Complex. Pinangunahan ng parada mula sa sampung distrito ang programa, sinundan ng Shout Out Competition na umalingawngaw sa buong complex.
Nagbigay-inspirasyon si Mayor Lucy Torres-Gomez sa kanyang mensahe: “Ormoc trains champions—not just for the
(Ang Ormoc ay nagsasanay ng mga kampeon—hindi lamang para sa lungsod, kundi para sa kanilang sarili). Itinaas ang mga bandila bilang simbolo ng pagkakaisa, at sinindihan ang parol na nagbigay-liwanag sa dedikasyon ng mga atleta.
Ang Siglaro 2024 ay hindi lamang isang patimpalak, kundi isang pagdiriwang ng talento at tibay ng bawat kalahok.
Ika-13 ng Enero, nagkaka-isa ang kapwa natin INC para lumaban para sa kapayapaan.
Kapayapaan, daing
ni: Rianne Ruth Sy
Maynila, Pilipinas – Isang makasaysayang pagtitipon ang naganap noong Enero 13, 2025, nang magkaisa ang milyun-milyong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa isang National Rally para sa Kapayapaan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong ipahayag ang suporta sa administrasyong Marcos Jr. at sa Pangalawang Pangulo Sara Duterte, at upang manawagan para sa pagkakaisa at kapayapaan sa bansa. Sa tinatayang 1.8 milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang naging saksi sa napakalaking demonstrasyon ng
SPA chorale, nagningning sa ‘’First Voice of Christmas’’
Mula sa walong paaralan, pinatunayan ng New Ormoc City National High School Special Program for Arts (NOCNHS SPA) na sila ang pinakamagaling at natatangi nang masungkit nila ang kampeonato at premyong P35,000 sa “First Voice of Christmas,” isang musical choir competition na ginanap sa Robinson’s Place Ormoc noong Disyembre 1, 2024.
Ang nasabing kompetisyon ay isang fundraising event na pinangunahan ng Lions Club International, Ormoc Supreme Lions Club, MJF, at Ormoc Ultimate Lions Club. Layunin nitong buhayin muli ang diwa ng Pasko sa DepEd Curriculum.
pananampalataya at pagkakaisa sa Quirino Grandstand sa Maynila. Habang dito sa Ormoc naman ay tinatayang talumpung-libong kaanib mula sa iba’t ibang distrito sa Region 8 ang nakilahok. Ang mga miyembro, mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, ay nagsama-sama upang ipahayag ang kanilang pagsuporta sa mga pinuno ng bansa at upang kondenahin ang mga pagtatangka sa impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Duterte.
“Ang pagkakaisa ang susi sa kapayapaan,” ayon sa tagapangasiwa sa distrito ng Leyte, sa kanyang talumpati sa Ormoc
City Plaza. “Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa, magtatagumpay tayo sa mga hamon na kinakaharap ng ating bansa.” Sa kabuuan, ang National Rally para sa Kapayapaan ay isang makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Ipinakita nito ang malaking bilang ng mga miyembro ng INC at ang kanilang impluwensya sa pulitika. Nagbigay ito ng isang malinaw na mensahe ng suporta para sa kasalukuyang administrasyon at isang panawagan para sa pagkakaisa at kapayapaan sa bansa.
serbisyo.
Pinangunahan ni Mayor
Lucy Torres-Gomez ang panunumpa ng 116 na bagong empleyado ng DepEd-Ormoc noong Nobyembre 26, 2024 sa Ormoc City Hall.
Binubuo ito ng 72 guro at 44 na non-teaching staff na handang maglingkod sa kabataan ng lungsod. Ayon kay Mayor Lucy, “You are only as good as
the students you produce.”
(Ang galing mo ay nakikita sa kung gaano kagaling ang mga estudyanteng natutulungan mo.)
Dagdag pa niya, “Although you are with children whom you did not give birth to, yet they rely on you to shape their future. Encourage them to always understand the value of education.”
(Kahit hindi mo sila anak,
umaasa sila sa iyo para sa kanilang kinabukasan. Turuan mo silang pahalagahan ang edukasyon.)
Dumalo rin sa seremonya sina Congressman Richard Gomez at mga opisyal ng Sangguniang Panlungsod. Binabati ang lahat ng bagong miyembro ng DepEd-Ormoc sa kanilang bagong tungkulin.
kuha ng Elite Photography
Masayang nagtataas ng sagot ang mga estudyante sa Quiz Bowl, nagpapakita ng kanilang kahusayan at determinasyon.
Ormoc City PICPA, Matagumpay na Ikinamada
Isinulat nina: Lloyd Alden Pepito III
Lider ng NOCNHS organizations, nakibahagi sa leadership program ng SSLG
Nagsagawa ang
Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng isang Leadership Program na dinaluhan ng mga presidente ng iba’t ibang organisasyon ng New Ormoc City National High School (NOCNHS) tulad ng WASH Club, YES-O, Glee Club, ESP Club, RCY, BayDe Tadiyande Club, CBC, Campus Ministry Club, AP Club, The Periscope, at Ang Tagamasid.
Nagsimula ang pagsasanay sa pambungad na pananalita mula sa SSLG Adviser, G. Cristalino U. Apas Jr. Pinangunahan ng mga panauhing tagapagsalita, dating SSLG President G. Benedicto R. Lambonao at dating
Secretary Bb. Marianne Faye R. Tupas.
Sa kalagitnaan ng talakayan, nagbahagi rin ng mga inspirasyonal na salita ang panauhing tagapagsalita na si G. Walter A. Jumaos. Ayon kay G. Walter, “Be a good student leader today, be a good leader in the future.”
( “Maging isang mabuting pinuno ng mag-aaral ngayon, maging isang mahusay na pinuno sa hinaharap.”)
Natapos ang programa sa pagbibigay ng mga sertipiko sa mga panauhing tagapagsalita at mga kalahok, at nagtapos sa isang pangkalahatang kuha ng larawan ng lahat ng dumalo
Isinulat nina: Rianne Ruth Sy at Laurence Sipellos
atagumpay na idinaos ang 2024 PICPA-LGU Accounting Quiz Bowl noong ika-17 ng Oktubre sa Robinsons’s Place Ormoc. Ang kaganapang ito ay itinampok ang mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang paaralan, layunin nang kompetisyong ito na maipakita ang kakayahang taglay nang mga mag-aaral sa larangan nang accounting.
Mayroong dalawang kategorya sa kompetisyon; Junior Highschool at Senior Highschool, sumali ang New Ormoc City National Highschool sa Junior Highschool category, na kung saan ay mapalad nilang nasung kit ang ikatlong pwesto at nakatanggap ng P20,000 gantimpala. M
Tumaas ng 2.8% o nadagdagan ng 159 mag-aaral ang enrollment ng New Ormoc City National Highschool mula sa 5478 nang nakaraang taong panuruan. Ayon sa datos na nakalap sa Learning Information System (LIS), mayroong kabuoang 5637 na mag-aaral na binubuo ng 2739 na la lake at 2898 na babae.
Samantala, sa pakikipanayam kay Gng. Cynthia Yap, LIS coor-
dinator, mayroong 10 trans-in at 15 transout ang naitala. Sa kabilang banda, bumaba ng 50% ang nagdrop out sa taong ito. Tinutukan naman ng paaralan ang humigit kumulang 185 na SARDO o Students at Risk of Dropping Out at inaasahang mababawasan ito sa tulong ng remediation ng mga guro at iba pang alternative delivery mode program ng paaralan.
Isinulat ni: Christian Jay E. Madjus
Napuno ng sigla ang buong bulwagan ng Superdome nang magtipon-tipon ang lahat ng guro mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Dibisyon ng Ormoc sa isang selebrasyon bilang pagpupugay sa Araw ng mga Guro ngayong ika-4 ng Oktubre sa taong 2024, na kung saan ang samot-saring mga aktibidad ay inihandog para sa mga guro kagaya ng fun walk, zumba at iba pa.
Sa parehong araw, binigyang parangal at gantimpala ang mga bukod-tanging guro na nagpakita ng kanilang dedikasyon sa pagtuturo. Kabilang sa pinarangalan ay sina
Gng. Marilyn Tan, Malou S. Raagas, Areshdel Villalon, Josefa J Martinez, G. Allan G. Pareja, Ian G. Aludo, Danreve D. Revez, Emilio P. Cuevas, John Leonard L. Malazarte, G. Richmond M. Lopez, Hanzel E. Castañeda, at G. Ervin James Y. Pabular., at ang 20 finalist na mga guro. Ibinahagi naman sa isang talumpati ni Bb. Areshdel Villalon, isa sa mga nakatanggap ng parangal, ang pangunahing layunin ng pagtuturo ay lag-
pas pa sa apat na sulok na bahagi ng silid-aralan. Ayon sa kaniya, “The title itself encapsulates what it truly means to be an outstanding teacher and that is to be in the service of the community, after all the best life lived is the life lived for others.”
Naghatid rin ng mensahe si Mayora Lucy Torres-Gomez na kung saan ay isinalaysay niya ang malaking gampanin ng mga Guro sa paghubog at paghasa sa kakayahan ng mga mag-aaral upang maging pinakamahusay na bersyon ng kanilang mga sarili. Aniya, “Behind every successful individuals stands a dedicated educator who ignited their passion, nurtured their talents and help them navigate the complexities of their choosen paths.”
Sa huling bahagi ng programa, nakatanggap ang mga guro ng iba’t ibang papremyo sa raffle draw. Buong galak din na nakisabay ang guro sa ibinahaging na pagtatanghal ng isang banda.
Tagumpay na nagtapos ang CampO-Ral 2024 na nilahukan ng Boy Scouts ng New Ormoc City National High School (OUTFIT 01 at 017) noong Oktubre 29-30 sa Valencia Central School. Dumalo rito ang iba’t ibang Scouts mula sa Ormoc City at pribadong paaralan, kasama sina Mayor Lucy Torres-Gomez at Congressman Richard Gomez.
Sa loob ng dalawang araw, sumabak ang mga Scouts sa iba’t ibang aktibidad tulad ng First Aid, Knot Tying,
at ang Shine Ormoc Dance Challenge, kung saan nasungkit ng NOCNHS ang ikatlong pwesto. Sa kabila ng hirap, puyat, at pagkatalo, masayang umuwi ang mga Scouts bitbit ang bagong kaalaman at karanasan.
“Natalo kami, pero hindi ibig sabihin na susuko kami,” ani ng mga Boy Scouts. Patunay ng kanilang diwa ng pagkakaisa at pagsusumikap.
pang ipagdiwang ang International Youth Day, matagumpay na isinagawa ang Kick-off Ceremony ng Linggo ng Kabataan 2024 ng City Youth Development Office, kasama ang Sanguniang Kabataan, City Youth Development Council, Youth Organizations at Volunteers.
Nagbigay ng talumpati ang SK Pederasyon President Hon. Krizea Caessandra Mercadal upang magpadala ng mensahe sa ormocanon youth na masiguro at payamanin ang kasanayan hindi lamang sa isports kundi pati na rin sa akademiko, kultura at sining.
pamumuno, at iba pa. Tinapos ang talumpati mula sa kanta ng EVRAA 2024 “Right here in our beautiful City, nurturing some of the best young Filipinos, because we truly are always, in the quest for the best.”
Sinundan ito sa ‘Mangrove Tree Growing Activity sa Mangrove EcoPark, Brgy. Naungan, Ormoc City. Tumutulong sa pagtigil ng climate change, ingatan ang pandagat na buhay at protektahan ang mga baybayin.
Sa hapon ay na ganap ang Cybersecurity Awareness Seminar na pinamagatang “Building a Safer World:Youth
Leadership in Combating Cybercrime for Sustainable Progress Seminar” na ginanap sa SK-CYDO Function Hall. Ang tema “From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development.” Sina PSSG Rosita Saludario at PCPL Jenito Balero mula sa Regional Anti-Cybercrime Unit of Regional Office 8 ay nag hatid mensahe sa pagunawa ng cyber security at panganib sa mundo ng digital.
Ibinangit ni Bb. Anamarie Quisagan, puno ng City Youth Development Office. Na ang kabataang tinatiwag na “tech-savvy population”
ang naunang tumulong sa pagbuo ng sustina bleng solusyon para sa mga malaking hamon tulad ng cybercrimes.
Natapos ang pagdiri wang kasama si Hon. Lenra Musong (Com mittee Chair on Peace and Order and So cial Protection of the SK Pederasyon ng Ormoc) na nag udyok sa kasanayan ng Cyber Youth Empowerment Program (CYEP) na ipapatupad sa ugat ng organisasyon.
PUNONG PATNUGOT:
Lloyd Alden Pepito II
KABAKAS NA PATNUGOT:
Rianne Ruth Sy
TAGAPAMAHALANG PATNUGOT:
John Christian Roca
BALITA: Samantha Bernadette Layos
LATHALAIN:
Jenyfer Tumala
EDITORYAL:
Ashley Clair Labador
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Kimberly Doinog
ISPORTS:
Earl Jan Nino Apas
KARTONISTA:
Michael Seth Teleron
Princess Divine Talon
TAGAKUHA NG LARAWAN:
Jovian Zhyron Tan
TAGA-ANYO
Vivien Bliss Glori
Precious Angel Donayre
Jhevan Yap
John Denver Vergara
KONTRIBYUTOR:
Shaena Cagabhion
Hannah Beatris Del Socorro
Annaniah Villarmino
Aica Mata
Juris Seno
Lurence Sipellos
Anthony Lucero
Nina Estocar
Josh Angelo Magkilat
Kish John Philip Pareja
Trishia Marie Nuevo
Adrian Jr. F. Robin
Prince Josh Veloso
Elijah Blanco
Francis Collin Arradaza
Marah Hajhamdo
TAGAPAYO:
Nanette R. Jaramillo-Andrade
PUNONG GURO:
Catalina T. Pedong
Muling lumitaw ang mababang pagganap ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2024, kung saan nakakuha ito ng iskor na 14 sa malikhaing pag-iisip—isang indikasyon ng pangangailangang baguhin ang kasalukuyang sistema ng edukasyon. Sa kabila ng hamong ito, hindi dapat tingnan ang resulta bilang kabiguan, kundi bilang isang pagkakataon upang muling balangkasin ang mga estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto.
Noong PISA 2022, nagtala ang Pilipinas ng mababang marka sa pagbasa (347), matematika (355), at agham (356). Sa creative thinking, 22% lamang ng mga estudyante ang umabot sa baseline proficiency, malayo sa 78% average ng OECD. Dagdag pa rito, 36% ng mga mag-aaral ay kabilang sa pinakamahihirap na sektor sa pandaigdigang sukat,
na nagpapakita ng malalim na koneksyon sa pagitan ng socio-ekonomikong katayuan at kalidad ng edukasyon.
Ngunit sa halip na mawalan ng pag-asa, may malinaw na potensyal para sa pagbabago. Ang kakulangan sa malikhaing pag-iisip ay maaaring maging dahilan upang repasuhin ang mga kasalukuyang estratehiya. Ngayon na ang pagtuturo ay mas nakasentro na sa mga mag-aaral, may pagkakataong ipatupad ang mas makabagong modelo ng edukasyon na nagbibigay-diin sa kritikal na pag-iisip, kolaborasyon, at inobasyon.
Isang hakbang sa tamang direksyon ang inilunsad ng Department of Education (DepEd) na Matatag curriculum, na nakatuon sa mahahalagang kasanayan upang mapagaan ang sistema ng pagkatuto. Bukod dito, ang $1.25 bilyong pondo mula sa World Bank
ay magbibigay ng suporta para sa pagsasaayos ng imprastruktura at pagpapalakas ng edukasyon sa bansa.
Bagaman may mga hamon, ito rin ay isang oportunidad para sa kolektibong aksyon. Kailangan ang mas mataas na pakikilahok mula sa mga guro, magulang, at komunidad upang matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng mas inklusibo at progresibong edukasyon.
Ang mababang resulta sa PISA 2024 ay hindi dapat maging hadlang, kundi isang paalala na posible ang tunay na pagbabago kung may pagkakaisa at pagtutulungan. Ang kinabukasan ng mga batang Pilipino ay may pag-asa—at nasa kamay ng bawat isa ang pagbuo ng mas maliwanag na landas para sa edukasyon ng bansa.
Isinulat ni: Anthony Lucero
Isang lumalalang isyu ngayon sa sistema ng ating edukasyon ang presyur sa pagkakaroon ng mataas na marka. Para sa maraming mag-aaral, ang pag-aaral ay hindi na isang pagtuklas ng kaalaman at pagpapaunlad ng sarili, kundi isang walang-tigil na paghabol sa mataas na marka. Ito ay humahantong sa labis na stress, pagkabalisa at depresyon na nakakaapekto hindi lamang sa kanilang akademikong pagganap kundi pati na rin sa kanilang pangkalahatang kagalingan.
Ang patuloy na kompetisyon para sa pinakamataas na marka ay nagdudulot ng isang nakakalason na kapaligiran na nagpapababa ng mahalagang motibasyon at nagtataguyod ng isang hindi na malusog na pag-iisip na nakasentro sa mga resulta kaysa sa proseso ng pag-aaral. Ang labis na pagtuon sa mga marka ay kadalasang nagiging dahilan kung bakit napapabayaan ang ibang mahahalagang aspeto ng edukasyon. Ang pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, pakikipagtulungan, at paglutas ng problema ay mga kasanayang kasinghalaga, kung hindi man higit pa, kaysa
“Edu-Aksyong
sa mataas na marka. Ang isang sistema na nagbibigay-diin lamang sa mga numero ay naglilimita sa potensyal ng mga mag-aaral at hindi naghahanda sa kanila para sa mga hamon ng totoong mundo. Kailangan nating lumipat mula sa isang sistema ng pagmamarka na nakatuon sa isang holistiko na paraan na nagpapahalaga sa pag-unlad ng bawat mag-aaral, anuman ang kanilang mga marka.
Upang matugunan ang problemang ito, kailangan ng isang komprehensibong pagbabago sa ating sistema ng edukasyon. Dapat bigyang-diin ang pag-unawa at
aplikasyon ng kaalaman, hindi lamang ang pagsasaulo. Ang mga alternatibong paraan ng pagsusulit na sumusukat sa tunay na pag-unawa at paglalapat ng kaalaman ay dapat na isama. Ang suporta sa mga mag-aaral, mula sa mga guro, magulang, at mga kaibigan, ay mahalaga upang matulungan silang mapagtagumpayan ang mga hamon at mapanatili ang kanilang mental na kalusugan. Ang pagbabago ay hindi lamang sa sistema, kundi pati na rin sa ating kultura at pananaw sa tagumpay. rin sa ating kultura at pananaw sa tagumpay.
Ashley Clair Labador
Ang mga kabataan ang isa sa mga natitiraing inosentengbagay sa mundo. Isa sa mga regalong mabibigay ng magulang sa anak ay ang isang mapayapa at matiwasay na buhay.
Iba't iba ang paraan ng ginawang pagpapalaki sa atin ng ating mga magulang. Ang iba ay lumaki nang may kaya at masaya. Ngunit, para sa ibang mga bata ay kabaliktaran ito. Namulat na agad sila sa mapait at marahas na mundo habang ang iba ay naglalaro at nag-aaral, ang iba naman ay maaga nang kumakayod upang makatulong na sa kanilang pamilya.
Isa sa mga rason na ginagawa nila ito ay dahil sa kahirapan. Ngunit, kahit ano pa ang rason ay hindi obligasyon ng anak ang kanyang mga magulang. Kung ninanais ang isang komportableng buhay ay wag ng idawit ang mga anak sa paggawa ng hindi makatarungang gawain. Ang mga magulang ang dapat kumayod, at ang mga anak naman ay aakto base sa kanilang edad. Huwag nating ipahamak ang pagiging inosente ng ating mga anak dahil lamang sa pagiging iresponsable natin bilang isang magulang.
Marami na silang nasubukang trabaho na kadalasa’y ilegal at labag sa kanilang loob. Ang trabahong ito ay ang paggawa ng pornograpiyang pambata. Laganap ang trabahong ito sa ating bansa. Ayon sa NBl, umabot na sa 37,715 ang kaso na kanilang naitala simula 203-2019. Ang mas nakak agalit pa, kalahati sa mga kasong ito ay ang mga magulang mismo ang umaabuso sa mga anak nila. Inasa nila ang kanilang responsibilidad na buhayin ang kanilang pamilya sa mga anak nila.
Isinulat ni: Nina Verano Estocar
Napapanahon ngayon ang isyu tungkol sa pagkuwestiyon ng Kamara sa DepEd dahil sa pagtuturo sa mga kabataan ng Comprehensive Sexuality Education (CSE). Maraming mga nagkalat na maling balita at impormasyon kaugnay dito kaya nararapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ang katotohanan sa likod ng usaping ito.
Binatikos ng Kamara ang pahayag ng DepEd sa pagpapatupad ng Comprehensive Sexuality Education sa mga kabataang edad sampu pababa dahil maaaring hindi maging maganda ang dulot nito sa kanila lalo na’t hindi pa hi-
nog ang kanilang pag-unawa sa mga napakasensitibong paksa katulad nito.
Batay sa mga ulat, nilinaw ni Senator Riza Hontiveros na ang CSE ay hindi naglalaman ng mga masasama at malalaswang bagay kagaya ng “masturbation” at “bodily pleasure”. Ayon sa prevention of adolescent pregnancy bill, sinasabi dito na ang CSE ay ginagabayan ng DepEd at international standards lalo pa’t ang Pilipinas ay isang konserbatibong bansa. Ayon naman sa mga pag-aaral, ang mga kabataang may tamang edukasyon sa sekswalidad ay mas
may kakayahang gumawa ng tamang desisyon at umiwas sa mga panganib.
Malaking tulong ang pagkakaroon ng edukasyon sa sekswalidad. Sa tulong nito, mabibigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman at kamalayan kaugnay sa mga usaping sekswalidad at relasyon. Ngunit kailangan itong mapatupad nang maayos kalakip ang tamang gabay.
Mahalagang makipag-ugnayan ang mga kawani ng gobyerno at ang mga eksperto sa mga guro at mga magulang upang maipaliwanag nang
maayos ang layunin ng CSE at ang kahalagahan nito sa paghubog sa kaalaman ng mga kabataan. Kinakailangan din ang masusing pag-aaral at pag-unawa sa nilalaman ng CSE upang matiyak na ito ay naaayon sa pangangailangan at kultura ng mga kabataan. Mahalagang matiyak at maunawaan na ang CSE ay hindi eskandaloso; isa itong edukasyon.
Lloyd Alden Pepito ll
atagal nang isyu ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ngunit tila mas matindi ang epekto nito sa mga mag-aaral. Kamakailan lamang ay nag-aalala ang mga magulang at guro dahil sa patuloy na pagmahal ng pagkain sa mga canteen ng paaralan. Hindi na ito basta pagtaas—ito'y isang krisis na nakakaapekto sa kalusugan at edukasyon ng mga kabataan. magulang ang pagtuturo ng ganitong mga gawi ang kanilang mga anak. Magsisimula ito sa bahay patungong paaralan.
Ang mga estudyante, lalo na ang mga mula sa mahihirap na pamilya, ay lubhang naapektuhan ng sitwasyon. Ang kanilang baon ay hindi na sapat upang bumili ng masustansiyang pagkain sa canteen. Ang resulta?
Gutom at pagkawala ng konsentrasyon sa klase. Paano mag-aaral nang mabuti ang isang batang nagugutom? Paano niya mapauunlad ang kanyang kakayahan kung ang kanyang tiyan ay palaging nagrereklamo? Nakakabahala
SAng pagbabalewala sa pagsusuot ng uniporme ay nakakaapekto sa representa syon ng paaralan sapagkat ang uniporme ay sumisimbolo sa ating pagiging estudyante.
lamang isipin na kada araw may 95 na bata sa Pilipinas ang namamatay dahil sa malnutrisyon. 24 sa 1,000 batang Pilipino ang hindi nakakalampas sa kanilang ika-limang kaarawan. Walang dapat sisihin sa mga ito–mapa estudyante, guro, at tagapamahala sa mga canteen.
Ang paaralan ay lugar upang matuto, kaya’t bakit hindi natin turuan ang mga mag-aaral ng pagba-badyet? Hindi ba? Ngunit ito’y mas mainam lamang kung magsisimula sa mga
Ang gutom ay hindi lamang isang isyu ngunit ito’y isang problemang kailangan mapunan o gawan kaagad ng mabisang solusyon. Walang batang dapat magutom, walang batang dapat magdusa. Hindi gutom ang bayad sa edukasyon kundi mga aral na maaaring gawing solusyon sa mga problema natin ngayon.
Bukas pa ba ang pintuan sa ligtas na paaralan?
a panahon ngayon, napapadalas ang pagbalita na mayroong nakawan na nangyayari sa mga paaralan at ang mga magnanakaw ay nagkukunwaring estudyante sa partikular na paaralan upang mas mapadali ang proseso ng pagnanakaw.
Bilang tugon dito, ang paaralang New Ormoc City National High School (NOCNHS) ay nagpatupad ng ‘NO ID, NO ENTRY’ kamakailan lamang. Kinakailangang magkaroon at magpakita ng ID ng mga magaaral bilang pruweba na sila ay nag-aaral sa paaralan. Tungkulin ng
paaralan na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng mga mag-aaral upang maiwasan ang mga aksidente at kapahamakan. Sa pagsagawa nito, mahalagang mayroong mga protokol, batas, o mga regulasyon na ipinapatupad ang paaralan. Ilan sa mga aksyon na maaring gawin kaugnay dito ay ang pagdadagdag ng security guards sa paaralan, pagpapatupad ng mga ‘NO ID, NO ENTRY’ na polisiya, at ang mahigpit na pagbabantay ng mga guro sa mga estudyante. Ang seguridad
ng mga mag-aaral ay kinakailangang siguraduhin at gawing prayoridad ng paaralan at ng mga kawani. Isa itong paraan upang maging kampante ang mga magulang ng mga mag-aaral na makakapag-aral ang kanilang mga anak ng maayos at matiwasay. Mahalaga ang maayos na pagaaral ng mga estudyante kaya mahalaga din na maayos ang kanilang pinag-aaralan.
Dapat lang na mag karoon ng dress code sa paaralan upang malaman ng ang isang tao na siya ay diyan nag aaral. Kailan gan rin ito para maging representable ting nan ang mga estudyante sa isang paaralan.
Ang pagsasagawa ng fogging ay dapat ipatupad sa lahat ng sulok ng lugar, impor tante ito para sa ating lahat upang panatili hing ligtas at malinis ang isang baranggay o lungsod. Para rin maiwasan o mabawasan ang kaso ng dengue, na nauuwi sa kritikal na kondisyon o kamatayan.
- Zamora
Minamahal naming patnugot,
Ako po si Maria Lorenzo at susmusulat po ako sa inyo dahil nais kong iparating ang asking lubos na pagpapasalamat sa inyong aktibong pagbibigay impormasyon sa bawat aktibidad na nagaganap sa paaralan. Palaging kayong hundred percent sa lahat ng pagkakataon at palaging handa sa paghahatid ng makatotohan at walang kinikilingang mga Balita.
Lubos akong nagagalak bilang mag-aaral ng NOCNHS sa inyong kontribusyon sa ating paaralan.
Lubos naMariagumagalang, Lorenzo
NG PATNUGOT
SMaria Lorenzo,
Salamat sa iyong pagtutuon ng pansin sa mga serbisyo at ginagawa ng aming organisasyon. Ang lahat naming serbisyo ay hindi nawawalan ng kabuluhan dahil sa mga mag-aaral na tulad mo na nagpapahalaga sa aming mga sakripisyo upang makapaghatid ng totoong Balita.
Lubos na nagpapasalamat, Punong Patnugot
LIHAM PARA SA PATNUGOT
Minamahal naming patnugot,
Lubos po akong nag-aalala sa patuloy na insidente ng nakawan at karahasan sa ating paaralan. Ang mga estudyante ay nakakaranas ng takot, depresyon at higit sa lahat ang pangangamba sa bawat bagay. Nawawalan na ng tiwala Ang halos lahat ng estudyante sa paaralan dahil sa mga insidenteng ito. Kailangan ng agarang aksyon upang matigil ang mga ganitong insidente at maprotektahan ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Umaasa sa inyong agarang aksyon, Luna Santos
TUGON NG PATNUGOT
Mahal na Luna Santos,
Maraming salamat sa pagabot ng liham na ito. Mainam siguro na ipag-bigay alam mo rin ito sa ating Supreme Secondary Learner Government (SSLG) para sa dag dag na kaalaman at nang sa gayon ay maari nila itong mapag-usapan at maiparating sa pamahalaan ng ating ating paaralan. Upang maibsan na rin ang mga hindi ka nais-nais na pangyayaring ito.
Lubos na gumagalang, Punong Patnugot
a panahon ng COVID-19 ay napatupad ang Online Learning. Sa una pa lang ay hati na agad ang opinyon ng mga estudyante at guro sapagkat hindi ito nakikita bilang isang epektibong paraan ng pag-aaral. Gayunpaman, kahit anong reklamo ay wala talagang magagawa sapagkat para rin ito sa nakakabuti ng marami.
Magkaiba ang opinyon ng mga estudyante at guro sapagkat hindi sila sanay sa ganitong estilo ng pag-aaral. Sila ay sanay na nakikita at nakakahalubilo ang kanilang guro at mga kaklase. Sanay rin sila na nagsasagot sila ng mga gawain sa paaralan, na ginagabayan at pinagmamasdan sila ng kanilang mga guro.
Habang ang iba ay nagrereklamo mayroon ding namang natutuwa
sapagkat magagawa nila ang kanilang mga gawain sa kahit anong oras at pwede rin nilang itanong sa mga website ang sagot sa kanilang mga katanungan at gawain.
Isa ang gawain na ito sa mga rason kung bakit ayaw ng mga guro at estudyante sa Online Learning sapagkat nawawala ang magandang kalidad ng edukasyon, dahil walang natutunan ang mga estudyante.
Kung tutuusin ay tama rin naman ang iba na wala tayong masyadong naaral, dahil iba pa rin talaga kung nakakasama natin ang ating guro na gumagabay sa atin. Ngunit, sa huli ay nasa tao pa rin iyan kung paano nila gagamitin ang kanilang mga resources, kung sa madali ngunit wala silang matututunan na paraan, o sa mahirap ngunit may matutunan naman sila.
ang inilunsad ang programang K-12, mas dumami na ang mga honor students ng bawat klase sa mga paaralan. Inalis ng Deped ang mga titulong “valedictorian,” “salutatorian,” at “honorary mentions” na limitado lamang sa sampung mag-aaral sa isang seksyon o batch. Sa halip, sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang mga mag-aaral na may average na marka na 90 hanggang 94 ay awtomatikong binibigyan ng “with honors” award, habang ang mga may average na marka naman na 95 hanggang 97 ay kinikilalang “with high honors.”
Ang mga mag-aaral na nakakuha ng mahusay na average na marka na 98 hanggang 100, ay ipinagkakaloob ng “may pinakamataas na karangalan” na parangal. Aniya nga nila “nakakatanggal ito ng kompetisyon sa paaralan at upang maka-tuon sila sa kaniya-kaniya nilang pagganap sa klase.”
Sa bansa natin, ang pagiging “honor student” ay itinuturing na isang napakamahalagang parangal sa paaralan, isang tanda ng tagumpay at kahusayan. Ngunit, sa panahon natin ngayon, tila dumami na ang nakakapagta-
pos at grumadwet na nagkakaroon ng karangalan kesa noon, na para bang nag sisiksikan at nag-aagawan na ng mga parangal at medalya. Sabi pa nga ng mga nakakatanda, “Sa panahon namin dati, ang hirap na maging honor, at kapag honor ka naman nakakabilib ka na talaga.”
Nangangahulugan ba ito na mas matalino na ang mga batang pinoy ngayon? O ibinababa lang ba natin ang pamantayan para sa mga estudyante?
Kung ating titingnan ang resulta ng mga internasyonal na surbey kagaya ng PISA, kumukulelat tayo sa mga subjects na math, science, at english, at inilagay pa na isa sa mga may mababang score sa iba’t ibang bansa na sumali sa surbey na ito. Ang labis na pagbigay at paggawad ng mga parangal sa akademya ay hindi nakakatulong sa pagpapabuti at pag-unlad ng ating internasyonal na ranggo sa edukasyon.
Marami ring kabataan ngayon na sa pagbasa at pagsagot ng mga problemang matematika ay nahuhuli parin.
Dapat na mabigyan ito ng pansin dahil tayo mismo ang nakakaranas nito, hindi lamang ang mga mag-aaral, pati narin ang mga guro na sila mismo ang nakakakita sa performance natin sa klase. Sana ay maiba ang ating pananaw sa krisis na ito, at pagtuunan natin kung paano ito masosolusyunan.
Isinulat ni: Jenyfer Tumala
Ang kaalaman ay parang hinog na pinya, hindi mo matatamasa ang tamis at bunga kung hindi mo susulitin.
Ang aklatan bilang isang malaking imbakan ng kaalaman ay naglalaman ng walang hanggang katotohanan na ito. Sa parehong paraan ay masasalamin ito sa taunang selebrasyon ng Library and Information Services Month (LISM) nitong Nobyembre 25-27 taong 2024 sa Ormoc kung saan ang mga kawani ay nag-tampok ng masisiglang programa gaya ng Book fair sa ilalim ng temang “LibVOCACY: Unity towards Inclusive and Empowered Libraries.”
Puso ng Komunidad
Ang aklatan bilang pangkalahatan ay maituturing na puso ng komunidad. Higit pa sa apat na sulok na bahagi nito, ang aklatan ay nagsisilbing bukas at ligtas na espasyo para sa lahat mamamayan upang matuto . Sa LISM binibigyang diin ng tema nito ang kahalagahan ng aklatan hindi lang bilang isang daan ng kaalaman ngunit aktibong kalahok sa komunidad.
Dito ay ibinida ang magkakaibang klase ng mga libro na nababalot ng mga buhay na buhay na cover at prenteng nakahanay sa pasilyo. Ang selebrasyon ng LISM ay matagumpay na naisakatuparan sa pagtutulungan ng iba’t-ibang kawani at stakeholders upang makapagbahagi ng aklatan na bukas sa lahat. Ngunit lagpas pa sa tungkulin nitong maghatid ng iba’t-ibang uri ng impormasyon ating tuklasin ang tungkulin ng mga aklatan sa ating komunidad at ang nais nitong ihatid sa atin.
Sentro ng kultura at sining
Mula sa napakaraming literary genres ang mga libro ay isang representasyon ng ating sining at kultura sa ating lugar. Ito ay nagsisilbi nating expresyon at pagkakakilanlan na naibabahagi natin gamit ang ating ma titingkad na mga salita na inililimbag sa gitna ng mga preskong papel.
Sa huli, ang aklatan ay higit pa sa isang gusali; ito ay isang simbolo ng kaalaman, espasyo sa pagkatuto at museo ng kultura at sining.
Ang selebrasyon ng LISM sa Ormoc ay isang paalala na ang mga aklatan ay hindi lamang mga imbakan ng mga libro, kundi sentro ng ating ugnayan sa panitikan at mga mahiwagang salita.
Bawat pahina ng libro ay nagkukuwento ng buhay at kaalaman.
Isinulat ni: Prince Josh Veloso at Elijah Blanco
Tuwing Pasko hindi na mawawala sa tahanan ng mga pilipino ang Christmas tree dahil isa na ito sa mga tradisyon sa loob ng ating mga tahanan. Sa katotohanang hindi lahat ng mga Pilipino ay may Christmas tree ay naisipan ng mga namumuno sa Ormoc city na gumawa ng higanteng Christmas tree upang maranasan ito ng lahat.
Malaki ang kontribusyon nito sa bawat Indibidwal. Matatamasa mo ang bawat saya at ligaya na nakakubli sa bawat Ormocanon. Ang Higanteng Christmas tree ay Hindi lang ito ginawa bilang atraksyon kundi para magbigay ng matamis na inspirasyon sa bawat mapait na hamon sa bawa’t isa. Nagpapaalala na mayroong ilaw na gagabay tungo sa tagumpay ng Buhay.
Noong Nobyembre 23, 2024. Ipinagdiwang ng lungsod ng Ormoc City ang simula ng kapaskuhan sa pamamagitan ng isang nakasisilaw na palabas: ang pagbubukas ng isang higanteng puno ng Pasko na may temang “Candy Land” at sinisimbolo nito ang PAG-ASA, KASIYAHAN, at INSPIRASYON.
Ang tradisyon ng pagtayo ng higanteng puno ng Pasko ay nagsisilbing paalala na ang diwa ng Pasko ay hindi lamang nakasalalay sa materyal na bagay, kundi sa pagmamahalan at pagkakaisa. Sa darating na mga taon, asahan nating mas marami pang masasayang alaala at kwento ang mabubuo sa ilalim ng mga ilaw ng Christmas tree, na magpapaalala sa atin na sa kabila ng lahat, ang Pasko ay tunay na panahon ng kagalakan at pag-asa.
Sa likod ng maskara ng ating magarbong panibagong buhay ngayon ay may mga tao pa rin na nabubuhay at nananatiling saksi sa mabilis ng mga araw at panahon upang maisabuhay muli ang kwento nang kahapon.
Ika-11 nang Marso taong 2024 nang aking makilala si nanay Patricia Yllanan Villasan. Isang daang taon na lola--isang saksi sa lamat na pinagdaanan nang ating bayan. Isang bayani ng edukasyon na nagturo kahit sa gitna ng gyera. Ngayon nang aming balikan ang nakaraang kanya nang nilimot ay hayag ang sakit sa kanyang mga mata-- mga matang tila’y luluha na nang isang ilog. Ayon kay nanay Patricia nasa may sagingan sila noon nagtatago mula sa mga militar, nakayuko ang mga ulo at tinatakpan ang mga taenga mula sa malakas na pagputok ng mga bomba.
Sambit pa ni nanay, kung minsa’y itinataas pa nila ang kanilang mga ulo upang manalangin sa Diyos na ingatan sila mula sa nagpuputokang mga baril at mga malakas na mga pagyanig dahil sa pumupotok na mga granada. Dagdag pa niya, nagdadalang-tao siya sa kanyang unang anak noong mga panahong iyon at dahil sa trahedyang nagaganap ay doon niya nailuwal ang kanyang panganay; kahit masakit ang kanyang katawan mula sa panganganak ay kinaya niyang maglakad at tumakbo nang dagli papalayo sa mga mananakop. Nagtumibay siya kahit sa gitna nang masalimoot na labanan nang mga amerikanong militar at mga hapones. Ayon pa sa kanyang panganay na anak ay ipinanganak si nanay noong ikalabing tatlo ng Marso taong 1924 at ang taong ito ang nagmarka sa pagiging centenarian citizen niya dito sa bansa.
Lamat sa mga alaala
Sa tagal niya sa mundo ang kaalaman niya talaga ay makumkumpara na sa isang libro – puno ng kaalaman at makapupulutang mga aral. Sa panayam na aming ginawa ay dito mo tunay na makikilala ang anyo nang digmaan na di natin naabutan; ang pagkasira nang mga establisyemento at ang pagtagas ng dugo nang parehas kakampi at kaaway. Takot at pighati man ang bumalot sa nakaraan ni nanay, saya at tuwa naman ang namayani sa kanyang buhay sa kasalukuyan. Hayag man sa mga luhang patulo na sa kanyang mga mata ang tila’y mga kumikilos na mga imahe ng nakaraan, pero nanatiling nagniningning ang pag-asa sa kanyang mga mata.
Si nanay ay paika-ika na at medyo nabibingi pa, pero hindi ito naging hadlang sa kanya para makalimutan ang kanyang napagdaanan. Si nanay ay tumuntong na sa edad na kay rami nang nasilayan, mula sa henerasyon na kanyang pinanggalingan hanggang sa modernong buhay nang panibagong henerasyon. Ang pagbabago na tila’y isang bulalakaw na kay bilis dumaan sa ating mga paningin--ma-iglap at dagli ang kanyang pagpapakita ganyan ang pagbabago. Kaya sa makabagong panahon natin ngayon tunay na ang kwento ni nanay Patricia ay isang inspirasyon at pag-asa.
DILAG.
Maniwala ka. Ikaw ay naging marupok at maharot.
Hindi totoo ang paniniwala nilang ang kilos mo ay di-makabasag pinggan. Pinagpiyestahan ka ng kalalakihan.
Hindi nararapat na Ikaw ay igagalang. Tiyak ako, taglay mong yumi at kagandahan kumupas na.
Huwag mong akalaing may magmamahal pa sa’yo nang tunay. May pagkakamali ka.
Kahit na, ipagsigawan mo ikaw ay dalisay, hindi.
Reputasyon mo’y durog na. Akala mo lang, PERLAS KA NG SILANGAN.
DILAG.
(Ngayon, basahin mo mula
ni: Rianne Ruth Sy
Sa mundo ng balita, ang panulat ay hindi basta instrumento; ito’y isang sandata, isang sibat na nagtatanggol sa katotohanan, isang ilaw na nagliliwanag sa dilim ng kasinungalingan. Para sa isang mamamahayag sa isang pampaaralang pahayagan, ang pananagutan ay masidhi: ang paghahatid ng balita na hindi lamang tama, kundi makatotohanan din. Hindi ito basta pag-uulat; ito’y isang paglilingkod, isang pagtatanggol sa integridad ng komunidad.
Ang makatotohanang balita ay hindi isang simpleng koleksyon ng mga pangyayari; ito’y isang mosaiko ng mga katotohanan, pinag-uugnay ng pagsusuri at konteksto. Ito ay isang salamin na nagpapakita ng tunay na mukha ng paaralan – ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pag-asa at pangamba, ang mga pag-unlad at hamon. Ang pag-iwas ng mamahayag sa pagkiling at pagmamanipula ay hindi lamang isang prinsipyo; ito’y isang pangako sa mga mambabasa, isang pangako sa katotohanan. Ang isang mamamahayag ay hindi isang tagapagbalita lamang; siya ay isang tagabantay ng katotohanan.
Kailangan niyang magkaroon ng matalas na mga mata, upang makita ang mga detalye na madalas na makaligtaan; matalas na tainga, upang marinig ang mga tinig na madalas kinakalimutan at matalas na pag-iisip upang maunawaan ang kumplikadong ugnayan ng mga pangyayari. Ang pagsisiyasat ay hindi isang opsyon; ito ay isang tungkulin, isang paghahanap ng katotohanan na nagsisimula sa pagtatanong at pag-imbestiga.
Ang pagsusulat ng makatotohanang balita ay hindi isang madaling gawain. Ito ay isang hamon na nangangailangan ng tiyaga, dedikasyon, at integridad. Ito ay isang paglalakbay na puno ng mga balakid, ngunit ang gantimpala ay ang kaalaman na nag-ambag ka sa pagbuo ng isang mas mahusay na komunidad, isang komunidad na nababatay sa katotohanan at pag-unawa. Ang panulat ng mamamahayag, kung gayon, ay hindi lamang isang instrumento ng pagsulat; ito ay isang instrumento ng pagbabago, isang instrumento ng pag-asa. Ito ang ilaw na nagbibigay-daan sa mga estudyante, guro, at kawani ng paaralan na makita ang daan tungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan.
Isang tuyong bulaklak sa lupa’y nahulog, Mga talulot nito’t malamig, walang pag-ibig na humulog. Noong ito’y sumik, may kulay at sigla, Ngunit ngayo’y naglaho, sa dilim ng gabi’y naglaho na.
Ang tangkay na matibay, ngayo’y punit at sugat, simbolo ng pag-ibig na lagaho, iniwang pilat. Wala nang amoy, ngunit nariyan pa, Alaala ng kahapong masaya, ngayo’y nagsisama.
Bagana’t tayo’t patay, puso’y sumasakit, Pag-ibig na nawala, hindi kayang limutin. Isang bulak lak na minsang sumikip, ngayo’y namatay kasabay ang bawat luha, nasa langit ay bumagsak at lumaylay
Mga kulay at kislap na nagkukuwento ng pagkakaisa sa parada ng ilaw.
“
Ang hangin ay puno ng musika, tawanan, at ang espiritu ng Pasko.
Isang engrandeng parada ng mga pailaw ang nagbigay liwanag at saya sa lungsod ng Ormoc noong Disyembre 14, 2024. Nagsimula ito sa Brgy. Juaton gym sa oras na alas syete ng gabi, at tinahak nito ang iba’t ibang mga barangay patungo sa Ormoc City Plaza, dala ang mahika ng Pasko sa bawat sulok ng siyudad.
Iba’t ibang mga karosa ang sumali sa parada, bawat isa’y naglalaman ng kakaibang interpretasyon ng Pasko. May mga float na naglalarawan ng tradisyonal na mga eksena ng kapanganakan ni Hesus, na may mga anghel, pastol, at ang banal na pamilya. Mayroon ding mga makukulay na karosa na nagpapakita ng mga modernong interpretasyon ng Pasko, na may mga christmas lights, mga cartoon characters, at iba pang mga simbolo ng pagdiriwang.
Ang mga manonood ay puno ng sigla at pagkamangha habang pinagmamasdan ang mga magagandang karosa Ang mga bata ay puno ng tuwa, habang ang mga matatanda naman ay puno ng sentimentalidad, naaalala ang mga Paskong nakaraan. Ang hangin ay puno ng musika, tawanan, at ang espiritu ng Pasko.
Sa pagtatapos ng parada sa Ormoc City Plaza, ang mga manonood ay nagpatuloy sa pagdiriwang, nagpapalitan ng mga kwento at pagbati.
Ang parada ng mga pailaw ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang, kundi isang simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at ang tunay na diwa ng Pasko. Isang gabi na hindi malilimutan ng mga ormocanon at ng mga bisita nito.
Isinulat ni: Kish John Philip Pareja
inangunahan ng Youth for Environment in Schools Organization (Yes-O) at WINS WASH Club ang isang malawakang clean-up drive sa paaralan at paligid nito sa araw ng Lunes, Nobyembre 4 taong kasalukuyan.
Tumulong ang mga opisyales ng Yes-O at WASH Club kasama ang mga mag-aaral sa iba’t ibang baitang upang maglinis ng paligid, magligpit ng basura, at linisin ang mga silid-aralan, lababo, at mga kubeta.
Ang mga gawaing tulad ng clean-up drive ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran kundi isa rin itong paalala ng ating responsibilidad sa kalikasan. Sa ganitong mga programa, na-
Uswag, ang agilang sagisag ng pag-asa at tagumpay ng
sa
ng disiplina at malasakit hindi lamang para sa sariling kalusugan kundi pati na rin sa kapakanan ng iba. Ang kalinisan sa paligid, lalo na sa mga lugar tulad ng mga silid-aralan, lababo, at kubeta ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kalusugan ng bawat isa.
Sa bawat piraso ng basurang napupulot at sa bawat lugar na nililinis nariyan ang mensahe ng pagkakaisa at malasakit sa kalikasan. Sa tulong ng mga organisasyon tulad ng Yes-O at WINS WASH Club, patuloy tayong umaasa sa mas malinis, ligtas, at masiglang paaralan para sa mga susunod pang henerasyon.
https://www.philippineeaglefoundation.org/ post/philippine-eagles-carlito-and-uswagreleased-in-leyte
UIsinulat ni: Kish John Philip Pareswag ang ipinangalan sa naging simbolo ng tagumpay para sa konserbasyon ng pambansang ibon ng Pilipinas.
Apat na buwan lamang matapos ma-release sa kagubatan ng Leyte, natagpuang patay si Uswag— Augusto 3, 2024. Isang tatlong-taong-gulang na Philippine eagle, sa dagat malapit sa Barangay Cawit, Pilar, Cebu.
Si Uswag ay bahagi ng layunin ng Philippine Eagle Foundation (PEF) na muling paramihin ang mga agila sa Leyte matapos ang pagkasira ng kanilang tahanan dahil sa Bagyong Yolanda noong 2013.
Ang trahedya ay nagdulot ng lungkoy at pagkabigo sa mga tagapangalaga ng kalikasan. Ang kwento niya ay panawagan na mas pag-igihan ang ating pagsisikap upang mapanatili ang mga natitirang hari ng ating kagubatan.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nalunod si Uswag, posibleng dulot ng masamang lagay ng pana hon na nagdisori yenta sa kanya.
Ampalaya ay naglalaman ng mga nutrisyon gaya ng bitamina A, potassium, zinc, phos phorus at magnesium.
“Ang pait naman!”
Maririnig mula sa mga bata kapag nakakatikim ng ampalaya. Ampalaya o tinatawag nilang bitter gourd sa ingles. Hindi paborito ng maramihan, ngunit sa likod ng kapaitan ay punong-puno naman ng masustansyang benepisyo sa kalusugan.
Sa kabila ng mapait nitong lasang
hindi nakakatuwa sa ating dila, nagdadala pa rin ng sustansya. Bawat kain nito ay maaring makatulong sa kalusugan, upang ito’y mapalakas at maprotektahan laban sa mga banta ng sakit. Pinapababa nito ang sugar levels sa dugo, nakakatulong para sa kalusugan ng puso, marami din
itong antioxidants na nakatutulong para sa pagprotekta ng iyong kalusugan. Mapait man, pero hindi maipagkakaila ang benepisyo na nakukuha natin sa ampalaya. Sa kabila ng kapaitan ay mayroon din namang maibibigay na maganda sa kalusugan.
https://images.app.goo.gl/ gLsPexe6LMP5aNau8
Isinulat ni: Trishia Marie P. Nuevo
Pipikit, mumulat, pipikit uli, mumulat na naman. Mulat na mulat ang estudyanteng may pasok pa bukas ng alas 7 ng umaga ngayong hating-gabi. Puyat maaga o matagal mang matulog, puyat dahil maaga gigising.
Pagpasok ng maaga, maglalakad sa campus, babati sa mga kaibigang kasabayang pumasok sa gate, habang dala-dala ang isang epidemyang sumisira sakaniya — ang insomnia.
Hindi dapat maliitin, hindi dapat balewalain, ito’y malalim na karamdamang unti-unting binabago ang buhay ng mga tao, sa masamang paraan.
Maaari nitong masira ang pangkalusugan mental at katawan. Gaya ng estudyante, patuloy na nagpupuyat para sa gawaing pampaaralan, unti-unti nilang tinutungo ang daan patungong stress, patungo sa pagiging bagong biktima ng insomnia. Ang pagbabago sa ugali, pagiging mainitin, patuloy na pagod at ang mabilis na pagkawala ng konsentrasyon ay ilan lamang sa maraming epekto nito.
Ito naman ay maaaring mabigyan pa ng lunas at maagapan. Maaaring bigyan ka nga sleeping pills ng doktor kapag hindi pa ito malala. Kapag ito ay grabe na, maaaring magrekomenda ng behavior therapy—makakatulong upang mabago ang iyong mga gawi at mas maging maganda ang tulog.
Ang pag-aaral tungkol sa insomnia ay nagbubukas ng bagong mundo ng kaalaman tungkol sa ating utak. Maraming mga siyentipiko at doktor ang hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ang misteryo ng insomnia.
Ang ating pagtulog na isang natural na pangyayari at awtomatikong prosesong, ay naglalaman ng misteryosong patuloy na binabalot ang iba.
Nawa’y sa pagkakaroon ng tamang lunas at gamot, hindi na kukurap-kurap at mumulat-mulat ang estudyanteng hangad lamang na magkaroon ng magandang tulog.
https://images.app.goo.gl/pbTJ2nj5T6tuvmSN7
Hindi makatulog , pero nakapag-iisip
https://images.app.goo.gl/4dCb7KwY4vqGpNzr5
s a mga nagdaang linggo at buwan, dinagsa ang Pilipinas ng mga bagyo. Nag-iwan ito ng marka sa mga mamamayaman sa Catanduanes at Aurora na labis na naapektuhan ng bagyo. Marami itong pinsala sa ekonomiya, estraktura at pati na rin sa pangkalusugan. Isa ang Leptospirosis na sakit na may potensyal na mas kumalat at lumala pa ngayong tag-ulan, lalo na ngayong may mga bagyong dinadagsa ang bansa. Ayon sa Department of Health (DOH), may naitalang mga kaso ng leptospirosis sa hilagang Luzon. Ang Leptospirosis ay isang uring sakit na nakakaapekto hindi
Dumarami ang kaso ng dengue. Magkaisa sa paglilinis ng paligid upang maiwasan ang sakit. Kalusugan ay nasa ating kamay!
Isinulat ni: Kish John Philip Pareja
sang kagat ng lamok na Aedes aegypti ay nagdudulot ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo sa mga tao, at ospital agad.
Ilang kagat lang ay ospital na agad. Muling humaharap ang Ormoc City sa banta ng dengue ngayong 2024, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).
Sa kabila ng mga kampanya at babala, patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso, na madalas na biktima ay mga bata. Hindi dapat natin hayaan na mamuo ang
mga lamok sa maruming kapaligiran at nakatiwangwang na tubig.
Gusto ba natin hayaan magkasakit ang ating mga bata? Ang simpleng hakbang tulad ng “4S strategy,” panatilihin din ang kalinisan ng paligid, tamang pagtatapon ng basura, at alisin ang mga imbakan ng tubig na pinamamahayan ng lamok.
Hindi lamang ito tungkulin ng gobyerno kundi ng bawat mamamayan. Ang dengue ay higit pa sa isyung pangkalusugan.
Magkaisa tayong lahat sa paglaban sa dengue upang makamit ang isang mas ligtas at malusog na komunidad para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.
https://images.app.goo.gl/9ywqmgGZ8U9ctJTaA
lamang sa mga tao kundi pati na rin sa mga hayop. Ito ay dahil sa bacteria na Leptospira. Nakukuha ang sakit ito sa pagkakaroon ng direktadong kontak sa mga tubig at lupa na kontaminado nang sakit na galing sa mga epektadong hayop, lalo na ng mga daga na pumapasok sa mga sugat, ilong, o bibig. Pinapa-alahanan ang lahat na mag-ingat sa lahat ng mga maaaring banta sa kalusugan. Magsuot ng bota at protective clothing kapag lalabas at may baha. Kapag naman may nararamdamang kakaiba, huwag mag-alanganing magpa-konsulta sa mga doktor at ekspyerto
Tuwing bumabaha, baha-baha ang sakit
Hanggang saan ang hangganan ng paggamit ng gadgets?
May isang tanawin na tila normal na sa paningin ng marami—ang kabataan, palagi na nakatitig sa liwanag ng kanilang gadgets. Bagaman, nakakatulong ang teknolohiya sa pag-aaral at komunikasyon, tila unti-unti rin tayong nabubulag sa katotohanang nagdudulot ito ng malubhang epekto sa mental health ng kabataan.
Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), tumaas ang kaso ng depression sa kabataan sa nakalipas na dekada at malaking bahagi nito ay dahil sa social media. Ang patuloy na paghahambing
sa sarili sa mga perpektong larawan at buhay ng iba ay nagdudulot ng anxiety, depression, at pagbaba ng self-esteem.
May mga bata rin na hindi na nakatutulog nang maayos dahil sa pagkalulong sa online games at videos. Ang tinatawag na “blue light” mula sa screen ay nakakasira ng natural na proseso ng pagtulog, na nagiging sanhi ng stress at kawalan ng focus.
Ano ang mangyayari kung hindi natin ito bibigyang pansin? Magkakaroon tayo ng henerasyong hindi lamang physically unhealthy, kundi mentally broken.
Maari siguro nating pamarisan ang ginawa
ng Australia simula 2025, na pagbabawal nang paggamit ng gadgets sa mga estudyante para maibalik ang focus sa pag-aaral at face-to-face na pakikipag-ugnayan.
Hindi solusyon ang lubos na pagbawal sa gad gets, pero kailangan natin ng balanseng disiplina.
Huwag na nating hin tayin ang araw na ang kabataan natin ay mag ing produkto ng isang lipunang nakatingin lang sa screen, pero bu lag na sa katotohanan.
Isinulat ni; Kimberly Joy Doinog
Sa makabagong henerasyon, naapektuhan ngayon ng bahagya ang ating kalikasan, lalo na ang problema natin sa basura. Marami ang nagiging epekto nito hindi lamang sa mga hayop kundi pati narin sa mga tao dahil sa hindi nasusunod ang solid waste management sa iba’t ibang lugar.
Upang matugunan ang problemang hinaharap natin ay binuo ng mga mananaliksik mula sa programang Science Technology and Engineering na sina Rianne Ruth G. Sy, John Allen Acojedo, at Alastair O. Delgado ang Project S.T.A.R(Smart Terrestrial and Aquatic Rover). Isang prototype na ‘solar powered waste collector and segregator’ gamit ang Arduino technology. Ang prototype na ito ay dinisenyo upang makakolekta, masegregate at matukoy ang iba’t ibang uri ng basura sa panlupa at pantubig na lugar bilang nabubulok at di nabubulok na basura sa ating kapaligiran na gumagamit ng enerhiya mula sa araw. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng
epektibong paggamit ng Arduino sa pagkolekta, pagsegregate at pagtutukoy ng basura at nagpapababa sa problema ng ating kapaligiran lalo na ang polusyon at improper waste segregation.
Ang pagbuo ng pagaaral nito ay nakakatulong sa pagbibigay ng praktikal at abot-kamay na paraan upang mapaunlad natin ang kalinisan, mabawasan ang basura at lalo na ang mapigilan ang polusyon sa panlupa at pantubig na lugar. Nawa’y sa pamamagitan nito ay magkaisa tayong lahat sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating kalikasan at magbigay aral na lahat ng problema ay may solusyon dahil kahit ito ay isang prototype lamang ay malaking tulong na ito para sa ating kalikasan.
Isinulat ni: Kish John Philip Pareja
Sa likod ng teknolohiyang ito, ang solar-powered water purifier ay isang imbensyon na hindi lang basta tumutugon sa isyu ng kontaminasyon sa tubig kundi nagbibigay rin ng pag-asa para sa mga komunidad na matagal ng walang sapat na access sa kalinisan.
Sa pamamagitan ng enerhiya mula sa araw, kayang linisin ng purifier ang kontaminadong tubig gamit ang reverse osmosis at ultraviolet (UV) light kaya sa bawat patak ay ligtas at de-kalidad ang makukuhang tubig. Ayon kay Dr. Ocampo, ang imben-
syong ito ay higit pasa teknolohiya—ito ay isang misyon upang baguhin ang buhay ng libu-libong tao.
Bukod pa rito, environment-friendly ang purifier dahil hindi ito umaasa sa fossil fuels, kaya malaking tulong ito sa laban kontra climate change. Ang solar-powered water purifier ay hindi lamang nagdadala ng solusyon sa kasalukuyang problema kundi nagbibigay rin ng inspirasyon sa mga inobasyong magpapabuti sa ating hinaharap.
Ang Europa Clipper ng NASA ay ang unang misyon na nakatuon sa pagaaral ng nagyeyelong buwan ng Jupiter na Europa–ang isa sa mga pinaka-ideal na lugar sa ating ‘solar system’ upang makahanap ng kapaligirang angkop para sa pagsuporta at pagsustento ng buhay sa labas ng Earth.
Ang Europa Clipper ay nilagyan ng siyam na instrumento at isang ‘gravity experiment’. Mag -oorbit ito sa Jupiter at gagawa ng 49 na paglipad sa Europa, na mangangalap ng impormasyon at magiimbestiga upang matulungan ang mga siyentipiko na maunawaan ang geology, komposisyon, at interior ng buwan.
https://images.app.goo.gl/y8ZLpoZoNSBxz8rU6
Isinulat ni: Trishia Marie
ilyon-milyong tao sa atin ngayon ang hinaharap ang epekto ng ating mga maling gawi sa kalikasan. Marami ang naaagrabyado, nababago at nanganganib ang buhay dahil sa maraming problema na kinakaharap sa ating kalikasan, partikular na ang patuloy na pag-taas ng temperatura sa mundo. Nararapat lamang na bigyan na natin ng aksiyon ang problemang ito.
Ayon sa mga ekspyerto ng EU’s Copernicus Climate Change Service (C3S), ang taong 2024 ang may Pinakamainit na temperatura. Base ito sa mga datos na kanilang nakolekta simula January hanggang November. Nakakadismaya ang katotohanang tila bulag ang mga tao sa katotohanang ito.
Patuloy na pagsira
sa kalikasan ang numero unong sanhi kung bakit marami sa atin ngayon ang naaapektuhan.
Maraming epekto sa pag-init ng mundo, gaya na lamang ng pagkakaroon ng tagtuyot na nakakaapekto sa ani at kabuhayan ng magsasaka, pagpasok ng malalakas na bagyo sa bansa at pagkakaroon ng posibilidad na magkaheat stroke.
Maaaring lumala pa ang sitwasyon kalag hindi ito maagapan. Hindi dapat tayo magpaligoy-ligoy at ang tahanan, ang ating sariling planeta ang nakasalalay sa lahat ng ating ginagawa.
Mararapat na isuling ng pamahalaan ang pagtatanim ng mga puno, pag-iwas na madagdagan ang carbon emissions at paglalapat
Ang detalyadong pagsisiyasat ng misyon ng Europa ay makatutulong sa mga siyentipiko na mas maunawaan ang potensyal na ‘astrobiological’ para sa mga posibleng matirhan na mundo bukod sa ating planeta.
Mahalaga ang mga pangyayaring ito sa ating mundo dahil natutulungan nito ang mga siyentista na humanap at makadiskubre ng mga lugar o mga kagamitan na maaari nating mapakinabangan hindi lamang sa ngayon ngunit pati na rin sa hinaharap.
https://europa.nasa.gov/resources/534/europa-clipper-exploring-jupiters-ocean-moon-mission-overview/#:~:text=While%20not%20a%20 life%2Ddetection,arrive%20at%20Jupiter%20in%202030
Isinulat ni: Kimberly Joy D. Doinog
Sa nakaraang dalawang buwan ay namataan ang Asteroid 2024 PT5 na tinaguriang “mini moon” na umaaligid sa orbit ng Earth mula Setyembre 29 hanggang Nobyembre 25. Ang Asteroid 2024 PT5 ay isang asteroid na kasing laki ng isang bus o may laking 10 metro.
ng mga batas para maprotektahan ang ating kalikasan.
Ang mga normal na mamamayan ay dapat ding tumulong sa pamahalaan sa mga simpleng paraan. Ang mga paraan na sa tingin natin ay simple ay napakalaking bagay para sa mundo, lalo na kapag ang lahat ay nagkakaisa para sa kabutihan at kalagayan ng ating planeta.
Ayon sa mga siyentista, ang pinagmulan ng “mini moon” ay mula sa tipak ng buwan mismo at nailabas ito dahil sa asteroid impact na tumama sa buwan ilang siglo na ang nakararaan. Namataan ito ng Asteroid Terrestrial-Impact Last Alert System (ATLAS) noong Agosto 7 at nagsimulang umaaligid sa orbit ng Earth noong Setyembre 29
at nakagawa ng isang kompletong orbit sa Earth bago paman ito lumayo papunta sa orbit ng araw.
Plano ng NASA na subaybayan ang flyby ng Enero ng isang lingo gamit ang Goldstone Solar System Radar antenna ng California Mojave Desert. Babantayan muli ng mga asteroid watchers ang pagbabalik ng Asteroid 2024 PT5 o “mini moon” sa taong 2055 at muling gagawa ng isang kompletong orbit sa Earth.
https://www.livescience.com/space/the-moon/earths-2ndmoon-escapes-our-planets-orbit-today-will-it-ever-return
Ang katagang “tara laro tayo” ang kadalasang naririnig sa henerasyon ngayon, hindi maikakaila na karamihan sa atin ang mahilig maglaro para pampawala ng stress samantalang pampalipas oras naman ito iba ngunit ang paglalaro ng mga pisikal na isports at ng e-sports ay may malaking epekto sa atin subalit hindi matatagong ang pisikal na isports ay may benepisyo kaysa sa paglalaro ng e-sport o online games.
Ayon sa Sport and Development Org , ang paglalaro ng isports ay nag-aambag sa pagpapaunlad ng kaalaman, koordinasyon, kalusugan sa puso at marami pang ibang benepisyo sa pag-iwas ng sakit; ang mga pisikal na mga aktibidad ay makakatulong na maiwasan ang mga malala at delikadong mga sakit gaya ng mga cardiovascular diseases, diabetes, cancer, hypertension, labis na katabaan, depresyon at osteoporosis Batay sa True Sport Org , ang pisikal na mga aktibidad ay nag-uugnay sa hormone regulation at pagpapalakas ng immune system sa ating katawan Nagpapalakas rin ito ng resistensya ng katawan upang maging malakas at hindi agad magkasakit, bumubuo ng lakas ng loob sa pakikisalamuha sa mga tao sa paligid upang mas malinang ang kanyang tiwala at makipaghalubilo sa kanila habang pagpapawis naman ay nakakatulong na mailabas ang mga toxins sa katawan at napapabilis nito ang metabolism na siyang makatulong upang magkaroon ng malusog na katawan
Ngunit ayon sa pagaaral ng Exploding Topics, mula sa datos ng 2023 na 3 22 bilyon tumaas ng 10% ang mga aktibong manlalaro online ngayong taon na umabot sa mahigit 3 32 bilyon na mga online gamers ang aktibong naglalaro online sa buong mundo na patuloy paring tumataas ang bilang sa kasalukuyan Ang 3 32 bilyon na mga manlalaro
online nahahati ito sa anim na age group: ang mga manlalarong wala pang edad 18 ay nagambag ng 20%
o 618 milyon na mga manlalaro, 38% sa edad na 18-34 ang nagambag ng 1.17 bilyon, 433 milyon naman sa edad 35-44 na umambag ng 14%, samantalang ang edad 45-54 ay nagtala ng 371 milyon katumbas ng 12%, habang 278 milyon sa edad na 55-64 na 9% at 216 milyon naman sa mga manlalarong edad
65 pataas Sa patuloy na pagdami ng mga gamers hindi maiiwasan ang mga masasamang epekto ng paglalaro online na dahilan ng samut-saring komplikasyon tulad ng pagkalabo ng mata dulot ng matagal na paglalaro ng online games o video games sa computer o Computer Vision Syndrome’ at ang ‘Carpal Tunnel Syndrome’ na sanhi ng sobrang paggamit ng kompyuter na nagreresulta sa pamamaga ng kamay, nagpapataba o nagpapapayat rin ito sa kabataan ngayon at at dahilan ng pagkawala ng tiwala sa sarili at panghihina ng katawan
Nakakalungkot isipin na maraming kabataan ang nalululong sa paglalaro ng gadyet sa halip na maglaro ng mga pisikal na laro gaya ng badminton, basketball, volleyball at iba pang mga outdoor games na may magandang maidudulot sa kalusugan subalit ang ganitong pangyayari ay maagapan kung tayo mismo ang kumokontrol sa paggamit nito at makipaghalubilo sa labas Bagkus mayroong benepisyo ang paglalaro ng online games, nakakatanggal ito ng stress, tumakas sa malupit na realidad,
H inagupit ng Philippine men’s national football team ang Thailand sa isang makasaysayang panalo sa 2-1, na nagbigay daan sa kanilang pagpasok sa finals ng 2024 ASEAN Championship Mitsubishi Electric Cup pagkatapos magharap sa first leg semifinals duel na ginanap noong Disyembre 27, Biyernes, alas-9 ng gabi sa Rizal Memorial Stadium sa Manila, Philippines.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na natalo ng Pilipinas ang Thailand matapos ang 10 talo at dalawang tabla laban sa Southeast Asian powerhouse na may hawak ng titulo sa kompetisyon; nagbigay ng malaking kalamangan ang kanilang tagumpay sa second leg na gaganapin sa Rajamangala Stadium sa Bangkok, Thailand.
Sa unang kalahati, pinangunahan ni Sandro Reyes ang Pilipinas sa isang kamangha-manghang goal sa ika-21 minuto nang magpabulusok siya ng isang malakas na sipa sa Thailand na nagbigay sa Pilipinas ng kalamangan sa 1-0, ngunit hindi nagpatinag ang Thailand nang mag-ambag si Suphanon Bureerat ng goal bago matapos ang unang kalahati, na nagtulak sa score sa 1-1
makaranas ng kakaibang kasiyahan at kung anu-ano pa pero hindi lahat ng ito ay makakatulong sa
pangkalahatang kalusugan ng ating katawan. Bilang kabataan, hindi puro gadyet ang atupagin kundi sumubok rin ng kakaiba o bagong libangan sapagkat nabubuhay naman tayo noon ng walang teknolohiya at hindi pa naimbento ang mga gadyet Kung kaya’t huwag ipagkait sa iyong katawan ang nararapat dito sa dahil mayroong magandang mangyayari at baka makilala ka sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsali ng mga torneo sa isports at makilala sa buong mundo Isipin ang kapakanan ng iyong katawan dahil nakasalalay rito ang iyong kalusugan upang maabot mo ang iyong pinapangarap at hinahangad sa buhay.
"Tumaas ng 10% sa 3.22 bilyong online gamers ang aktibong manlalaro sa buong mundo"
Sa ikalawang kalahati, muling ipinakita ng Pilipinas ang kanilang gilas at tatag sa isang free kick mula kay Zico Bailey, pinasa ito ni Paul Tabinas kay Jovin Bedic, na nagbigay ng assist kay Kirk Linares na matagumpay na naipasok ang bola sa net, limang minuto bago matapos ang laban na nagtakda ng final score na 2-1
Ang makasaysayang panalo ng Pilipinas ay nagsimula pa sa kanilang tagumpay laban sa Indonesia sa final group round, kung saan nagbigay sila ng firstever loss sa Thailand sa kompetisyon samantalang ang Philippine national football team ay patuloy na nagpapakita ng kanilang galing at determinasyon upang makamtan ang kanilang unang titulo sa ASEAN Championship
inomina ng Philippine tennis sensation na si Alexandra Eala ang kompetisyon para makapasok sa main draw ng Australia Open Women's Tennis Singles Division nitong Disyembre 29 sa Brisbane, Australia
Si Eala, na gumugol ng ilang oras sa Maynila sa kanyang offseason, ay mabilis na gumawa ng kanyang unang assignment bago nakaligtas sa tatlong set na laban sa kanyang ikalawang qualifying match na umabot sa main draw bilang no 1 seed sa qualifyers.
Tinalo ng Pinay ang dalawang home bets nang magkasunod, una niyang tinalo si Catherine Aulia sa dalawang set sa iskor na 6-1,6-2, kasunod niyang nakalaban si Alana Subasic sa ikalawang round na nagpahirap sa kanya na sungkitin ang puwesto sa main draw
Natalo si Eala sa unang set sa iskor na 5-7, ngunit sinigurado niyang bumawi sa dalawang sunod na set sa iskor na 6-0 at 6-1 habang magiging kaharap ni Eala si Sinja Kraus ng Austria d i
Hinambalos ni Genrick Dave C. Escosura ng Western Leyte College Red Wolves ng unang distrito si Earl Jan Niño M Apas ng New Ormoc City National High School Soaring Eagles ng distrito 10 sa do-or-die semifinals game noong Disyembre 6, 2024, ala-1 hanggang alas-2 ng hapon
PInungusan ng Wolves ang Eagles sa iskor na 15-8 sa unang kalahati ng laro ng patuloy na makagawa ng puntos ang Wolves. Patuloy na humahabol ang Eagles sa Wolves pero itong bigong lumamang.
Nagpabulusok ng sunod-sunod na palo na nagpagiba sa depensa ng Eagles si Escosura sa pagtungtong ng iskor sa 26-16 nang sunod-sunod na makapuntos ang Eagles ngunit tinuldukan ng Wolves ang laro sa iskor na 31-18.
Bigong makapasok sa final si Earl Jan Niño M. Apas subalit nasiguro niya ang ikatlong gantimpala sa Ormoc City Division Siglaro Meet 2024
Aniya, "babawi ako sa susunod na taon at babalik na mas malakas at susungkitin ang gintong medalya".
Pahayag ng kanyang coach na si ginang Arceli Montesclaros, "ok lang na matalo basta ginawa niya ang kanyang best sa laro, hindi dapat siya magalala kase may dalawang taon pa siya para maglaro. Anyways, it's either winning or learning naman" Patunay na sa kabila ng talo ay babangon at babangon mula sa pagkadapa dahil hindi talo ang didikta sa iyong kapalaran kundi sipag at disiplina sa pageensayo.
Isang manlalaro galing sa Earth Kingdom na ipinamalas ang galing sa pagbibilliard na si Nathaniel Niño B Hamito at nakamit ang gintong medalya sa 8-Ball at 9-Ball Pool sa ginanap na 2024 New Ormoc City National High School Intramurals, noong Oktubre 17, 2024 sa 808 Billiard Hall.
Nadismaya si Hamito nang matalo siya sa tryouts ng Grade 10 Earth Kingdom pero nanatili ang kanyang determinasyon at pag-asa na muling makapaglaro Nakita ng tagapagsanay sa billiards ang kanyang potensiyal sa paglalaro kaya siya ang napiling magrepresenta sa Earth Kingdom sa 2024 NOCNHS Intramurals Billiard Event Men’s Division, noong Oktubre 7,2024
inayuko ni Leah Niña R. Luchavez ng distrito 10 ang kapwa nito ka-distrito na si Keanna Nixie S. Polido sa kampeonato sa Secondary Girl’s Badminton Singles head-to-head match sa Ormoc City Division Siglaro Meet 2024 sa Badminton City, Barangay Linao, noong Disyembre 6, alas-3 hanggang alas-3:30 ng hapon.
THindi pumayag si Luchavez na maagaw ang kanyang trono sa secondary girls’ singles habang determinado naman si Keanna Nixie Polido na agawin ang titulo sa kanyang kapwa manlalaro Dinomina ni Luchavez ang unang kalahati ng laro sa iskor na 10-0, agad namang bumawi si Polido at umarangkada sa iskor na 15-3 uluyang pinako ni Luchavez si Polido sa ikalawang kalahati ng laro sa iskor na 25-5, hindi na siya nagpatumpiktumpik pa at tinuldukan ang laro sa iskor na 31-6.
Sa isang panayam, “hangad ko na mapanatili ang estado ko sa EVRAA at pagbubutihin ko pa ang aking pag-eensayo sa badminton para sa Palarong Pambansa sa susunod na taon maka-sungkit na ako ng medalya.”
Kwalipikado siya na maging kinatawan sa gaganapin na EVRAA 2025 sa Maasin City, Leyte. Ito ang ikalawang pagkakataon ni Luchavez na irepresenta ang Ormoc City sa EVRAA at panatilihin ang estado ng kanyang trono.
Nagsimula ang laro bandang ala-una ng hapon sa 9-Ball Pool, hindi man lang pinagpawisan si Hamito sa kanyang mga katunggali sa iba’t ibang paksyon ng NOCNHS na nagtulak sa kanyang pagkapanalo ng gintong gantimpala sa 9-Ball Pool
Nagpatuloy magandang pulso ni Hamito sa 8-Ball Pool, pumapasok kanyang bawat tira sa bola Dahilan upang tapusin at masungkit muli ang unang gantimpala sa kompetisyon
SCORE BOARD
Soaring Eagles
Growling Tigers
“Kulang man kami sa ensayo at natalo, pero natalo kami na masaya at nag-eenjoy sa laro,”
Anthony Lucero, catcher ng Soaring Eagles
Dinismaya ng Growling Tigers ng distrito 6 ang Soaring Eagles ng distrito 10 na maiuwi ang ikatlong gantimpala sa iskor na 0-3 sa boys secondary baseball match sa 2024 Ormoc City Division Meet sa Linao Central School, noong Disyembre 5, 2024.
Sa ginanap na laban sa pagitan ng Soaring Eagles at Growling Tigers na nakatala ng tatlong innings, bigong makaiskor ang Eagles sa gitna ng matagal na sagupaan sa kanilang kalabang koponan
Patuloy na dinomina ng Growling Tigers ang Soaring Eagles ang ikalawang innings sa iskor na 03 Naging dehado ang Eagles sa ikatlong inning, kapwa hindi nakapuntos ang dalawang koponan Habang natuldukan sa 0-3 ang laban pabor sa Growling Tigers.
“Kulang man kami sa ensayo at natalo, pero natalo kami na masaya at nag-eenjoy sa laro,” ayon kay Anthony Lucero, catcher ng Soaring Eagles
inomina ni Janlyn Kate G Tagalog ng distrito 10-Soaring Eagles galing sa New Ormoc City National High School laban kay Francheska Marie Cabrera ng distrito 8Wild Cats ng Dolores National High School sa 2024 Ormoc City Division Meet sa Pencak Silat class B combat event
Sa ginanap na kompetisyon, baon ni Tagalog ang kanyang karanasan sa Palarong Pambansa 2024 kaya buo ang kanyang loob na maipanalo niya ang
Sa ginanap na kompetisyon, baon ni Tagalog ang kanyang karanasan sa Palarong Pambansa 2024 kaya buo ang kanyang loob na maipanalo niya ang laban at maiuwi ang karangalan para sa NOCNHS
Sa ginanap na kompetisyon, baon ni Tagalog ang kanyang karanasan sa Palarong Pambansa 2024 kaya buo ang kanyang loob na maipanalo niya ang laban at maiuwi ang karanglan para sa NOCNHS
Kinabahan siya para sa kanyang sarili habang isinasagawa ang konsentrasyon sa pencak silat dahil inisip niya na may mangyayaring masama o aksidente kaya minabuti niyang mag-ingat para sa kanyang kalusugan
nuwi ni Rocky D. Balunan ng New Ormoc City National High School ang gintong medalya laban kay Rainier Alexander ng ikaanim na distrito sa Wushu-56 kg. Boys Category sa ginanap na 2024 Ormoc City Division Siglaro Meet sa NOCNHS Covered Court, noong Disyembre 5, 2024.
Sa pagdaos ng 2024 District Meet ng distrito 10 bigong mabulsa ni Balunan ang unang gantimpala sa boxing dahil dito napag-isipan ng kanyang tagapagsanay na si Elgy Costelo na lumipat siya sa wushu baka sakaling manalo siya sa gaganaping Division Meet at makaabot sa EVRAA 2025
Naipanalo ni Balunan ang kanyang laban pagkatapos magtala ng malaking puntos laban sa kanyang katunggali mula sa ikaanim na distrito