2 minute read
Patakaran ukol sa Dyip, Inireklamo
Isa ang tradisyunal dyip na ginagamit sa transportasyon ng mga mamamayan dito sa Pilipinas. Ito na rin ang kinalakihan ng iba Ngunit, ang mga nakaupo sa itaas ay nagtatag ng patakaran upang palitan ang mga tradisyunal na dyip ng mga “modernized jeep” Sa kadahilanang ito raw ay luma, mainit at hindi ligtas, na lubos na makakaapekto sa mga mamamayan, estudyante at lalong lalo na sa mga drayber ng dyip Hindi ba nila napagtanto na ang patakaran na ito ay magpapahirap lamang sa ating mga Pilipino?
Ang Public Utility Vehicle
Advertisement
Modernization Program (PUVMP) ay inilunsad ng Department of Transportation of the Philippines Ito ay ang pagpalit ng mga tradisyunal na dyip upang gawing moderno Ang pagpapatupad nito ay nangangahulugang, paglipat ng pag-aari ng mga dyip at mapipilitan na bumili ng “modernized jeepney” na nagkakahalaga ng 1 3 hanggang 2-4 milyon kada unit
Inulan ito ng batikos dahil ayon sa mga mamamayan ay hindi iniintindi ng gobyerno ang magiging epekto nito sa mga tao, lalo na sa mahihirap Halos 500,000 na draybers, 300,000 na mga operators at 2 milyon na pamilya ang lubos na mahihirapan Siguradong lubos na maghihirap ang karamihan, pati na rin ang mga pasaherong estudyante na walang sapat na pamasaheng pambayad sa modernong dyip
Dagdag dito, sa epekto nito, hindi lamang sa mga drayber kundi na rin sa mga pasahero ay nagtatag ang mga draybers ng isang linggong tigil pasada para sa welga ng mga drayber laban sa pekeng programang modernisasyon. Nawa’y, mas mapalakas at maparami ang pagkilos bilang tugon sa nakaambang deadline na mplementasyon ng Jeepney Modernization Program
Samakatuwid, gumagawa na ng kilos ang mga tsuper para sa kanilang karapatan ay huwag sana natin silang hayaan na mag- isa Sa pamamagitan nito ay ipinapakita natin na sinusuportahan natin sila at may malasakit tayo sa kanila at kapakanan ng kanilang pamilya Tayong mga pasahero ay may mga boses din upang ipaglaban sila Palagi nating isaisip na isa rin sa mawawala sa pagpapatupad ng “Jeepney phaseout” ay ang kultura ng sining na nakakabit dito
Isang kahanga-hangang bagay ang ipinakita ng isang estudyante sa ika-8 baitang. Siya ay gumawa ng isang moral na desisyon na ibalik ang hindi sa kanya sa nararapat na may-ari nito. Tayong lahat ay may kaniyakaniyang desisyon kung gagawin ba natin ang nakakapagpabuti o hahayaan na lamang umiral ang kasakiman. Hindi panahunan ang paggawa ng kabutihan. Ito ay nararapat na gawin sa anumang sitwasyon. Isang tungkulin na dapat matutunan ng lahat dahil ito ang nagsisilbing pundasyon sa isang maayos at mapayapang buhay na ikauunlad ng bawat indibidwal. Lahat tayo ay maaaring maging tama, ngunit hindi lahat ay maaaring gumawa ng mabuti. Ang paggawa ng mabuti ay maaaring gawin sa maraming paraan, tulad ng magaaral na nasa ika-8 na baitang na si Bella Emanuelle C. Abelarde, na ibinalik ang nawawalang selpon ng kaniyang kapwa mag-aaral.
Ang ginawa ni Bella ay nagpapakita na kahit sa maliliit na bagay, dapat tayong maging tapat. Sinasabing “Ang pagsasama ng tapat ay pag-sasama ng maluwat”, mula dito ay makakabuo tayo ng isang mabuting pamayanan at sangkatauhan.
Ang sulo ay nagpapakita ng pag-asa, karunungan at liwanag sa gitna ng kadiliman na gumagabay sa landas patungo sa katotohanan
Ang apoy sa sulo na may kulay pula, dilaw, at kahel ay nagrerepresenta ng iba't ibang konsepto Ang kulay pula ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga mamamahayag na magbigay ng mga balita sa mambabasa Liwanag at pag-asa ang sinisimbolo ng kulay dilaw, samantalang kulay kahel naman sa kumpiyansa at positibong pag-iisip
Ang agwat o espasyo sa pagitan ay nagsisimbolo bilang daan sa maayos na paghatid ng mga balita tungo sa mga estudyante o mambabasa.
Iginuhit ni Krystally B Ledesma
Ang Tanglaw - Bacolod City National High School
@angtanglawjhs angtanglawjhs@gmail.com