ANG BAGIW 2024

Page 1

AngBagiw

MGA NILALAMAN Balita

Pilipinas, pumangalawa sa buong Asya sa 2023 EF English Proficiency Index; Lungsod ng Baguio, kinilala

Mula sa 23 bansa sa Asya na lumahok sa 2023 EF English Proficiency Test, ikalawa ang Pilipinas sa nakapagtala ng pinakamataas na puntos batay sa datos na inilabas nitong Huwebes, November 30.

Ito ay bahagyang mas mataas sa naitalang 578 puntos ng bansa noong nakaraang taon dahilan upang mapabilang ang Pilipinas sa mga bansang may “high proficiency” sa wikang Ingles.

Nanguna naman sa nasabing listahan sa Asya ang Singapore na mayroong 631 kabuoang puntos base sa annual report ng international education company na Education First.

Nasa ika-20 puwesto naman ang bansa sa global rankings na nilahukan ng 113 mga bansa sa buong mundo na kung saan

nakapagtamo ng kabuoang puntos na 578 ang Pilipinas.

Samantala, nananatiling nasa unang pwesto ang bansang Netherlands sa nasabing magmula pa noong taong 2016.

Sinusundan naman ito ng Singapore sa puntos na 631 at bansang Austria na may 616 points.

Namayagpag naman ang rehiyon ng Cordillera Administrative Region sa naturang pagsusulit matapos makapagtala ng 616 kabuoang puntos na siyang pinakamataas sa buong bansa mula sa 17 iba pang rehiyong lumahok sa EPI Worldwide

TINDIG NG KAMPEON!

CITY HIGHER, umarangkada sa Festival of Talents

NIKKO LAURENCE JAVIER

Nag-uwi ng unang parangal para sa mataas na paaralan ng lungsod ng Baguio si Marrheon Villanueva sa katatapos na Division Festival of Talents (DFOT), Abril 20.

Nagpamalas ng galing sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati si Villa nueva sa kaniyang winning speech laban sa iba pang division.

“Unang-unang struggle natin ay ‘yung oras, naghahanda siya sa competition at the same time, hindi niya napapabayaan ‘yung pag-aaral niya,” pahayag ni Angelica Balingway, gurong tagapagsanay ng sumabak sa kompetisyon.

Dumagdag pa raw ang tatlong araw na distance learning sa kanilang paghahanda para sa paparating na patimpalak

City Highers, wagi sa 5th Gawad

Teodora Alonso Storybook CompetitionWriting

Mcleod Pay-an at Alyssa Gamboa

Pinarangalan ang mga guro at mag-aaral ng Baguio City National High School sa 5th Gawad Teodora Alonso Storybook Writing Competition.

Nasungkit ng akdang

“Lingling-o ni Lang-oy” na isinulat ni Elyza Corpuz mula Humanities and Social Sciences ang unang puwesto mula sa 1600 na kalahok sa category 6 – Grade 5 sa Storybook for Young Readers by Young Writers.

“Nagkaroon tayo ng asynchronous class [pero] chini-check ko naman siya tapos mino-monitor,” dagdag pa ng guro.

Tampok din sa kompetisyon ang Technolympics, Read-a-thon, Lingo Stars, STEMazing, Sining Tanghalan at Musabaqah na may temang ‘Galing, Talino at Husay ng mga Batang Makabansa sa diwa ng MATATAG na adhika’.

Tutuntong sa Regional Festival of Talents (RFOT) si Marrheon Villanueva.

WAGI. Pinaparangalan si Elyza Corpuz kasama ang kaniyang tagapagsanay na si Cindy De Jesus matapos maiuwi ang kampeonato sa

English Study.

Pumangalawa sa nasabing listahan ang rehiyon ng Davao na nakapagtamo ng 606 puntos, na sinundan ng Eastern Visayas na nakapagtala ng 596 puntos. Kaugnay nito, sinasabi ring nakitaan ng pinakamataas na kasanayan ang mga nasa age group na 26 hanggang 30 sa mga Filipino.

Lungsod ng Baguio, kinilala Nanguna naman ang lungsod ng Baguio matapos makapagtala ng pinakamataas na puntos kumpara sa mga lungsod na

BALITRATO

lumahok sa nasabing pagsusulit na kinabibilangan ng 19 iba pang syudad sa bansa. Nakapagtala ng 618 puntos ang rehiyon na sinundan ng 617 ng Dumaguete City.

Sinundan ito ng Davao City na mayroong 609 puntos at Dasmariñas City na nasa ikaapat na pwesto sa puntos na 606.

Education First (EF)

Standard English Test

Tinatayang nasa 2.2 milyon ang kabilang sa pagsusulit mula sa 113

Baguio JKrayonz Dance Crew, nasungkit ang ikalawang puwesto sa UDO Asia Pacific Dance Championship

Matt sarne yuno

Inuwi ng Baguio JKrayonz Dance Crew ang ikalawang puwesto matapos buong husay na humataw sa 18 under category ng United Dance Organization (UDO) Asia-Pacific Dance Championship na isinagawa sa Bangkok Thailand, Abril 4-7.

Sundan sa pahina 2

TOMO 79 ISYU 1 SETYEMBRE HANGGANG MAYO 2024 OPISYAL NA PAHAYANG FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG LUNGSOD NG BAGUIO-CAR
Totoong balita , Tunay na pagbabago MATAPOS ANG KAUNA-UNAHANG
KOMPETISYON,
BCNHS-BIMAAK, NAGKAMIT NG IKALAWANG GANTIMPALA. Sundan sa pahina 6 Sundan sa pahina 2 ginanap na 5th Gawad Teodora Alonzo Storybook Writing Competition. RAZTINE RUBIE PICPICAN
Sundan
pahina 2
sa
HANDOG. Tres Marias ng Ang Bagiw, pinatunayan ang galing sa National School Pres Conference 2023.
NASA ONLINE NA! Samahan niyo kaming makibalita sa Ang Bagiw gamit lamang ang iyong social media I-scan lamang ang code para sa karagdagang impormasyon
Sundan sa pahina5 sa baguio

HIMIG. Itinatanghal ng Cordillera Administrative Region Chorale Group ang kanilang orihinal na piyesang “DepEd Matatag” para sa National Chorale Competition sa pangunguna ni Rizza

Nagningning ang tinig ng Cordillera Administrative Region (CAR) Chorale Goup matapos awitin nang buong puso at husay ang kanilang orihinal na piyesang “DepEd Matatag” dahilan upang makamit ang unang puwesto sa National Chorale Competition na bahagi sa pagdiriwang sa 125th anibersaryo ng Department of Education (DepED). Binubuo ng mga teaching and non-teaching staff mula Baguio City National High School (BCNHS) at Pines City National High School (PCNHS) ang nasabing grupo na sina: Luzviminda Ablao, Gretel 5. Denver Aliwana, Shalin Francine Angcaway, Sydney Shan Cariño, Frances Claire Celino, Alex Cholinas, Jr., Judica Dasco, Efren Matthew De Peralta, Rowena Embong, Drury Gama, NIcodemus Gam-ad, Dennis Paul Lorenzo Garcis, Abegail Gensaya, Alvin Noel Gayados, Carmencita Juquiana, Rizza Langbao, Joey Lartec, Francis Lumiwes, Joerge Mejia, Maricel Mendoza, Harieth Osorio, Domilyn Parantac, Doris Rullan, Ruth Ellen Sagsagap, Anna June Tecne, Lolita

Manzano, Virginia Alindayo, Levon Jordan Agdaca, at Eneroso Palpeg. Orihinal na piyesa ng BCNHS ang “DepEd Matatag” para sa tema ng kompetisyon na ‘MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa,’ na isinulat ng mga mag-aaral sa BCNHS-Senior High School Arts and Design at inarrange ni Rizza Langbao na siya

‘Liwliwa

ring conductor ng grupo.

Isinasaad naman sa piyesa ang mga layunin at hangarin ng DepEd.

“Siguro yung nagpanalo sa amin, ‘yung song piece and arrangements, at ‘yung samahan at blending ng mga voices namin,” ayon kay Domilyn Parantac. Hindi naman inaasahan ng grupo na mananalo sila dahil tatlong araw lamang ang mayroon para sa kanilang pag-eensayo at dalawang araw para sa recording dahil bidyo ang isusumite sa kompetisyon.

“Ang nasa isip namin, we will

do our best. Representing the Cordillera Administrative Region is already an honor so ang ginawa na lang namin talaga is kung ano ‘yung kaya namin, syempre ginalingan din namin,” saad ni Parantac.

Nakatanggap naman ng 30,000 pesos na cash prize ang nasabing grupo.

Pumangalawa naman sa nasabing kompetisyon ang CARAGA region habang ikatlong puwesto ang National Capital Region.//

ya Sursuro’ Innovation Challenge, binuksan sa Kabataan

Inilunsad ang kauna-unahang Youth-led Innovation Challenge sa Baguio City na pinamagatang “Liwliwa ya Sursuro” sa tulong ng programang Safe and Sound Cities, na nilahukan ng mahigit 300 na kabataan at mag-aaral mula sa 20 na paaralan na isinagawa sa Benitez Hall Teachers Camp, Setyembre 16.

Baguio ang unang lungsod sa Pilipinas at pangalawa sa Southeast Asia na napili bilang bahagi ng global Safe and Sound Cities Program kung saan ipinatupad ito ng youth-led Non-Government Organization (NGO), Cordilleran Youth Center (CYC) Inc. sa suporta mula sa lokal na pamahalaan ng Baguio sa pangunguna ng City Planning, Development and Sustainability Office (CPDSO).

Layunin ng programa na maging bahagi ang mga kabataan sa pagbibigay ng ideya na makatutulong sa paglutas ng mga

isyung pangkaligtasan sa lungsod at isakatuparan o gamitin ang mga ideyang ito.

Binigyang-diin sa launching activity ang pangangailangan ng mga innovative solutions sa pagtugon ng mga problema sa lungsod.

Tinalakay rin ang konsepto ng placemaking at ang kahalagahan ng people-centered urban planning na pinangunahan ni Asst. Prof. Verna Liza Bautista mula University of the Philippines Baguio.

“That calls the youth to take the step ahead in getting involved in solving urban problems and

registering our voices in our city truly safe and sound,” ayon kay Christine Dave Ruz, CYC’s project coordinator ng Safe and Sound Baguio Program.

Nagsagawa naman ng prototyping session para sa mga kabataang sumali sa programa at nagbahagi rin ang mga kabataan kani-kanilang pananaw kung gaano kaligtas ang Baguio para sa mga kabataan.

Magtatagal ng tatlong buwan ang programa at hinihikayat naman ang mga kabataan na sumali sa innovation challenge.//

Solid Waste Management campaign,

idinaan ng Baguio sa

isang Expo

Yelynna Acosta

Inilunsad ng lungsod ng Baguio, Environmental Management Bureau –Cordillera Administrative Region (EMB – CAR), at Zero Waste Baguio, Inc. ang isang “Eco-waste and Sustainability Expo” na may temang “Reflection of the Past, Vision for a Resilient Future” na ginanap sa Malcolm Square, Setyembre 15 – 16.

Layunin ng programang ito na makabuo ng mga tugon hinggil sa solid waste management, hikayatin ang mas malaking partisipasyon ng pribadong sektor, at ipalaganap ang kaalaman na ito sa mga katutubo at residente na kung saan bahagi ito ng pagdiriwang ng Baguio’s 144th Charter Anniversary.

Pinangunahan ito ni Mayor Benjamin Magalong, kasama sina Councilor Betty Lourdes Tabanda, EMB Clearance and Permitting Division Chief Engr. Marie Pina

Rodas, Zero Waste Baguio, Inc President, Ms. Maria Buena, at General Services Officer Eugene Buyacan. Tampok dito ang pagbebenta at pagpapakita ng mga upcycled/repurposed products, book exchange, Information, Education, and Communication (IEC) campaigns, household items exchange, arts and crafts mula sa mga waste products, seed exchange, pag-aabono, at storytelling para sa mga bata. Ayon kay Engr. Rodas, pinaalalahanan niya ang mga kalahok sa kanilang mga indibidwal na responsibilidad sa kapaligiran, at upang iangkop ang mga epektibong kasanayan kahit sa kanilang mga kanya-kanyang bahay.

“Our society will find no solution to the ecological problems we are facing unless we take a serious look at our lifestyle,” dagdag pa niya.

Inaasahan ang programang ito na maging tulay sa pagbuo ng economic opportunities, pakikipagsosyo, at pagtutulungan sa iba pang sektor.//

Kauna-unahang kampeon sa BOTB, hinirang

Jamaica Flores

Matagumpay na nakuha ng bandang Leviticus ang unang puwesto laban sa 10 iba pang bandang lumahok sa ginanap na kauna-unahang Elevate: Battle of The Bands (BOTB) sa Baguio City National High School - Auditorium, Nobyembre 18.

Nasungkit din ng Leviticus ang dalawang minor awards na Best Bassist Award, Caleb Tracy Lopez; at Best Guitarist Award, Jonas Bayongan at Michael Shane Acuat kasama ang iba pang miyembro ng banda na sina Destine Bernalte, Raniell Meana, Knight Estilo Pay-an at Bjoune Fenulliar.

“We made many mistakes during the elimination but when we heard we were in, we rehearsed non-stop and eventually won two minor awards and one major award,” ani Acuat, isa sa mga miyembro ng banda.

Isinagawa ang BOTB sa tulong ng Spirit of Love Catholic Community Baguio (SOLCC) upang mapalapit ang kabataan sa Panginoon sa pamamagitan ng musika.

Bago nito, nagtagisan ng galing

pagtuturo ng Homeroom Guidance Program

Sanib-puwersa ang Baguio City National High School (BCNHS) at Saint Louis University (SLU) - Psychology Department sa pagtuturo ng Homeroom Guidance Program sa mga mag-aaral sa BCNHS na nakapaloob sa Department of Education (DepEd) memo 464 s. 2022.

Layunin ng Homeroom Guidance Program na mas makilala ng mga mag-aaral ang kanilang sarili, mapabuti ang decisionmaking skills, at maturuan ng mga magagandang asal na magagamit nila sa buhay.

“Aside sa DepEd mandated siya, ‘yung mga topics kasi na dinidiscuss sa homeroom facilitation o kumbaga life values na dapat ituro sa mga students na eventually magiging core values nila as they

move on to following years,” ayon kay Jobelle Estuaria, 4th year Psychology student mula SLU at isa sa mga mag-aaral na nagtuturo ng Homeroom Guidance. Isang beses sa isang linggo nagkakaroon ng Homeroom Guidance subject ang mga magaaral na nagtatagal ng isang oras. “Ang homeroom namin in total is four facilitations na may iba’t ibang themes and hopefully magiging regular ‘yung

pagtuturo namin kasi minsan may interruptions kagaya ng walang klase but our goal is to cover all the topics na para sa facilitation,” dagdag pa niya. Magtatagal hanggang Disyembre ang pagtuturo ng Homeroom Guidance ng mga mag-aaral mula SLU at itutuloy na ng ibang guro ang pagtuturo nito hanggang

ang 45 banda sa dalawang araw na elimination kung saan 10 banda ang napili para sa grand final.

“Another thing I considered was, will there be participants? Because I believe this is the first time that it will happen in Baguio City National High School,” ayon kay Whitney Dawayen, punongguro ng BCNHS.

“The thing that pushed us to our limits was the rewards and the recommendation that we should join the BOTB since we were musically inclined also most of our classmates were expecting us to win,” dagdag pa ni Acuat

Bilang gantimpala, nakakuha ng P25,000 ang Leviticus, habang nakuha naman ng bandang Team Ba ang pangalawang puwesto na mayroong 20,000 at ang bandang Faith na pangatlo sa puwesto na nakakuha naman ng P15,000.//

Agarang rumesponde ang Boy Scouts of the Philippines-Baguio City National High School sa mga mag-aaral na nawalan ng malay habang isinasagawa ang 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Nobyembre 9.

Agad na umalalay ang BSPBCNHS kabilang sina Sct. Gabriel Lerio [BSP BCNHS SHS], Sct. Trent Travis Ngay-os [BSP UC], at Sct. Gervyne Louie Buslig [BSP UBSH]. Ito ay matapos nilang mapansin ang dalawang magkahiwalay na pagkahimatay, isang mag-aaral mula BCNHS at isa sa University of the Cordilleras, habang tumutulong sa pangangasiwa sa aktibidad. “We respond if we can assist, especially if mga nawalan ng malay. We also try to control situations by staying calm and not panicking when a crowd builds up as panic creates chaos on a medical scene,” pahayag ni Sct. Ngay-os.

Nauna na itong pinuri online dahil sa pag-aksyon nito nang

rin sa NSED si BCNHS School Principal, Whitney Dawayen. “There are actually four victims, one each per grade level. Those in-charge of those who are able to retrieve and rescue these victims are able to turn over them to the medical team” ayon sa kaniya. Dagdag pa nito ang hindi raw pagsunod ng ilang mga mag-aaral at hindi pagseryoso ang isa rin sa mga problema sa pagsasaayos ng mga ganitong paghahanda.//

“Joining pageant is not only about showcasing your beauty, but of course pati ‘yung kung ano ‘yung ina-advocate namin, which is ‘yung self-love and appreciation through performing arts and ‘yun ‘yung purpose ko rin na mai-boost yung confidence and ‘yung empowerment ng mga teens like me,” dagdag pa niya.

Naging inspirasyon ni Dilan ang kaniyang ina at ang mga kapwa kabataan sa pagsali sa patimpalak.

“Inspiration ko is ‘yung mom ko na gusto niyang makita talaga ako sa stage na makasali sa pageant. And since maliit ako, hindi siya ‘yung typical na girl na sumasali sa pageant na mga tall, kaya gusto kong i-boost yung confidence ko and ma-inspire yung ibang mga girls like me na sumali sa pageant and i-continue nila ‘yung dreams nila at gusto nilang gawin,” ayon kay Dilan.// ang 16 na taon, na idinaos sa Baguio Convention Center, Oktubre 23.

Langbao. Alyssa Angel T. Gamboa at Shanna Mae S. Baltazar SIKAP. Nakikiisa ang mga estudyante sa pagbubukas ng Innovation Challenge na may temang “Liwliwa ya Sursuro” na ginanap sa Benitez Hall Teacher’s Camp, Setyembre 16.
BCNHS, SLU, nagkaisa sa
DEKALIDAD NA EDUKASYON
matapos
pasukan
Mcleod Pay-an at Alyssa Angel Gamboa SOPHIIA FORAYANG Balita 2 fb page ni rizza langbao FB PAGE NG BAGUIO PIO
BALITANG NASYONAL BALITANG LOKAL bansa at rehiyon sa buong mundo na siyang pinagbatayan ng taunang English proficiency Index. Kinabibilangan ng pagbabasa at pakikinig ang mga pagsusulit sa EF Standard English Test na ALERTO. Dali-daling tumulong ang BSP-Baguio City NHS sa mga mag-aaral na nawalan ng malay maging sa kalapit nitong unibersidad habang isinasagawa ang 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Nobyembre 9. BSP-BCNHS, aktibong umaksyon sa earthquake drill Nikko Laurence Javier
ang taunang
2023-2024.//
DepEd-CAR, kampeon sa National Chorale Competition
masunog ang isang convenient store sa kahabaan ng Baguio Session Road, Hulyo 24. Nakiisa
sa
sa
AWIT PARA SA PANGINOON. Nakikiisa at nagpapamalas ng talento ang mga mag-aaral
BCNHS na
kalahok Elevate: Battle of The Bands, Nobyembre 18.
na kaniyang nakamit matapos lumahok sa Miss Teen Baguio 2023 City Higher, kinoronahan bilang Miss Teen BaguioTurismo 2023 Alyssa Angel Gamboa Hinirang bilang Miss Teen Baguio-Tourism si Bernice Kathian Dilan mula Grade 11 Accountancy, Business and Management (ABM)-A, sa muling pagbabalik ng Miss Teen Baguio Pageant makalipas Nakamit din ni Dilan ang limang special awards na Miss Close Up Smile, MB Collection Ambassadress, Vision Experts Eye Clinic Ambassadress, Sotogrande Hotel Ambassadress, Miss Beauty Lounge Hair and Nail Salon Ambassadress, matapos makipagsiklaban sa 12 na kandidata mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod. “I was shocked that time dahil di ko in-expect na makakapasok ako sa top three but at the same time, grateful and happy kasi lahat ng pagod is worth it and nakikita ko sa mga faces ng mga tumulong sa akin, ‘yung glam team ko, family and friends na ang saya saya rin nila,” saad ni Dilan. Layunin ng patimpalak ang pagtataguyod sa women empowerment at na magsilbing
BITUIN NG TAGUMPAY Ipinapakita ni Miss Teen Baguio-Turismo, Bernice Dilan ang mga parangal
plataporma sa mga kabataang babae upang maipakita nila ang kanilang talento, kumpiyansa, mga adbokasiya at magbigay ng inspirasyon sa iba partikular sa mga kabataan.
3
mula kay Bernice dylan mula kay Bernice dylan raymund lerio (bsp-highers) BALITANG KAMPUS BALITANG LOKAL BALITANG KAMPUS
Balita
BALITANG KAMPUS
sa
1... Pilipinas...
Mula
pahina

ILANG SILID ARALAN SA BCNHS, OVERCROWDED; Pagpapalawig sa voucher program bilang solusyon, isinusulong

Binigyang-pansin ni Department of Education (DepEd) Cordillera Regional Director Dr. Estela P. Cariño ang overcrowding na silid-aralan sa kaniyang pag-iikot sa Baguio City National High School sa unang araw ng pasukan, Agosto 29. Ayon sa inisyal na datos ng paaralan, umabot na sa 7,481 ang bilang ng mga nag-enroll sa nasabing eskuwelahan dahilan upang umabot sa mahigit 50 ang mga estyudante sa ibang mga silid-aralan na siyang taliwas sa panuntunan ng DepEd na 45 standard ratio kada klasrum.

“Some of the classrooms are not the 7x9, some are not the standard size, but we have seen na ang dami talagang estudyante,” ayon kay CRD Cariño.

Samantala, muling itinataguyod sa Senado ang pagpapalawak sa voucher program sa pangunguna ni Senator Sherwin Gatchalian, upang matugunan ang isyu sa kakulangan ng mga

silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.

Nais ni Gatchalian na masakop na rin ng voucher system ang Grade 6 graduates ng public schools.

Sa kasalukuyan ang sakop lamang ng voucher system ay ang senior high school students kung saan maaaring mag-aral sa private senior high schools ang mga public schools’ junior high school completers gamit ang voucher mula sa DepEd.

“Itong voucher system, existing na ito... Palalawakin lang para marami tayong estudyante sa siyudad... para ‘yung mga estudyanteng nakakaranas ng napakasikip na classroom sa mga

lugar nila ay puwede sila makapagaral sa mga private school na mas maluwag naman ang kanilang pasilidad” ayon kay senator Gatchalian.

Base sa datos ng DepEd, 32 porsiyento ng 39,186 schools ng Kindergarten hanggang Grade 6 ay siksikan, 41 porsiyento naman ng 101,888 junior high schools at 50 porsiyento ng 7,520 senior high schools.

Dahil sa ilang mga reklamo ng mga magulang ng mga mag-aaral sa BCNHS, nakita ring solusyon ni CRD Cariño ang pagrekomenda ng mga estudyante sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod, gamit ang voucher program.//

Kauna-unahang Youth Innovation Hub sa bansa, itinatag sa Baguio

SIKIP. Nagsisiksikan sa isang silid ang mga mag-aaral dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan at dumadaming bilang ng mga estyudante sa paaralan.

Symposium event, tampok sa pagdiriwang ng Crime Prevention Week

Kinilala ang mga City Highers na bahagi ng nasabing grupo na sina: Zhoey Lance G Fernandez,Hazel Ann C. Estacio, Tommy T. Vesolo, Caster Lan F. Pacya, Maria Jillian S. Calub, Jhon Paul U. Payaoal, Gleiannah F. Lazarte, at, Neil Jeremiah T. Ket-eng, Russel M. Ateteo, kasama ang coach nila na sina Wreigh Jann Tamayo, Louie Vilches Calimlim at Andrew Tom Cruz.

“Napakasaya masungkit ang ikalawang pwesto, dahil hindi ganon kadali ang mga nakalaban, isa nang dream come true ang lumaban international at makasungkit ng puwesto,” ani Andrew Tom Cruz, isa sa mga coach ng JKrayonz Dance Crew.

“Siguro po kung papalarin man na makakuha po ng mga sponsors po is tutuloy po kami sa world championship. Sa ngayon magpapalakas pa po kami lalo,” dagdag pa ni Cruz.

Mcleod Pay-an at Alyssa Angel Gamboa

Inilunsad sa Baguio City ang kauna-unahang

Youth Innovation Hub sa bansa na Synergize, Innovation and Gravitate Leadership towards Adaptive Technologies (SIGLAT) Youth Innovation Hub na matatagpuan sa Baguio Convention and Cultural Center, Setyembre 1.

Layunin nito na mapabilang ang mga kabataan sa pag-iisip at pagpapatupad ng mga makabagong solusyon para sa pagharap sa mga hamon sa kaligtasan ng lungsod, na pinangunahan ni Arch. Donna Tabangin, head of the City Planning, Development and Sustainability Office (CPDSO) at siya ring tagapagpatupad ng programa.

“It aims to involve young people in ideating and implementing innovative solutions for tracking safety challenges and provide opportunities for young people and local government officers to promote dialogue and encourage them to co-create innovative solutions with other urban stakeholders to improve safety in their cities,” ani Tabangin. Magsisilbing isang inklusibong lugar ang SIGLAT Youth Innovation Hub upang mapabuti ang kaligtasan, kagalingan, at kalidad ng buhay ng mga

kabataan sa lungsod.

Sa ngayon, mayroon ng kumpletong gamit ang working space ng SIGLAT Youth Innovation Hub na inaalok na sa kabataan, kung saan nahahati ito sa tatlo: A Creative Room,The Safe and Sound Room, at the Thinker’s Room.

Naging tulay sa pagpapatupad nito ang pakikipagtulungan sa Safe and Sound Cities (S2Cities) program na pinapangunahan ng Global Infrastructure Basel Foundation (GIB) kasama ang International Council for Local Environmental Initiatives (ICLEI) at Cordilleran Youth Center (CYC) kung saan pinopondohan ito ng Swiss Philanthropy Foundation sa tulong ng Fondation Botnar.

Umaasa naman si Tabangin na gagamitin ng kabataan ang SIGLAT upang tumulong sa paglutas ng mga problema sa lungsod.//

Ang Bagiw, puspusan ang paghahanda sa taunang press con

alyssa angel gamboa at mcleod pay-an

Masinsinang pagsasanay ang ginagawa ng mga mamamahayag ng ‘Ang Bagiw’, opisyal na pahayagang Filipino ng Baguio City National High School (BCNHS) upang mapanatili ang kampeonato.

Nagsagawa ng tatlong araw na School Press Conference (SPC) ang nasabing paaralan upang mapanatili ang kahusayan ng mga mamamahayag sa pagsusulat ng iba’t ibang uri ng jornalistikong pagsulat.

Isinagawa sa tatlong araw na SPC ang pagtuturo at pagpapalalim sa kahusayan ng mga mamamahayag kung saan inimbitahan ang mga batikang mamamahayag upang magturo ng journalistikong pagsulat.

Idinaos ang “Symposium on Anti-Vaping and Bullying” bilang pagdiriwang ng Crime Prevention Week na may temang “Addressing Crime and Advancing Crime Prevention at the Local, National and Global Levels” sa Baguio City National High School na nilahukan ng mga mag-aaral sa BCNHS Auditorium, Setyembre 21.

Bukod dito, nagkaroon pa ng ibang aktibidad kagaya ng Scavenger hunt kung saan ang mga grupo na mayroong apat katao ay maghahanap ng mga facts at mensahe tungkol sa anti-vaping at drug awareness, ang unang grupo na makakatapos o pinakamaraming tamang sagot ang mananalo.

Tampok din dito ang digital poster making, at pagpo-post ng mga posters sa barangay tungkol sa bullying, vaping, at smoking bilang bahagi ng pagdiriwang sa pangunguna ng Supreme Secondary Learners Government.

“Ang daming learners kasi ngayon na gumagamit ng e-cigarettes or vape kung tawagin na akala nila ay walang effect sa kanila. Sunod sunod na rin (ang mga) report na marami ang nahuhuli na gumagamit nito. So it is to really let the learners understand and know ano nga ba talaga effect nito

sa katawan nila,” ani Jael Lao-e, presidente ng SSLG. Layunin ng mga programang ito na bigyang impormasyon ang mga estudyante sa panganib na maaaring idulot ng vaping at epekto ng bullying sa mga mag-aaral.

“Isa pa rito ang bullying. Hindi natin maiiwasan na marami talagang bully sa City High at marami ring biktima nito. Ito ay upang malaman din nila ano ang consequence ‘pag ginawa nila at kung sila ay biktima alam nila kanino lalapit o magsusumbong. So generally, to inform what and how these works,” dagdag pa niya. Ayon pa kay Lao-e, hindi epektibo ang pagsasagawa lamang ng isang symposium kaya pinaplano ng SSLG na gumawa ng iba pang aktibidad na maaaring magpalawig sa kaalaman ng mga estudyante.//

“So with this activity that we are going to hold the abilities, capabilities in making articles, also this is a preparation for the upcoming higher levels of competitions in the division, regional, or national competition,” saad ni Whitney Dawayen, punongguro ng BCNHS.

“So as a young journalist, while you are still young you are being brave, every word that you are going to use will shape the perspective of the reader,” dagdag pa ni Dawayen.

Muling sasabak sa Division Schools Press Conference ang mga mamamahayag sa darating na Pebrero.//

BCNHS Smart Learning Community, tampok sa EduTech Baguio training workshop

“It aims to ‘show and tell’ school heads and principals how technology can be used to improve the teaching-learning process to better engage students. The training is actually an avenue to share practices in the implementation of Smart Learning Communities and to update school heads and teachers on the current trend in EdTech which is Artificial Intelligence,” saad ni Warren Ambat, head teacher VI na isa sa mga kalahok sa nasabing kaganapan. Isa sa binigyang-tuon ni Ambat ang paggamit sa paaralan ng DepEd Learning Management System at Moodle LMS. Sa nasabing talakayan, binigyang-importansya ng guro ang naitutulong ng nasabing kagamitan

sa pagbibigay ng mas pinahusay at mas agarang fidbak sa mga magaaral.

Bukod dito, binigyangpansin din ni Ambat ang isa sa mga epekto nito gaya ng pagpapabuti ng student-engagement at pagbibigay kalayaan sa mga estudyanteng maging self-independent sa pagaaral.

Ibinida ng ilan sa mga guro mula sa Baguio City National High School ang iba’t ibang pamamaraan ng paaralan sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo’t pagkatuto sa isinagawang EduTech Baguio: Smart Learning Communities’ Show & Tell training workshop. Ginanap ang nasabing pagtitipon noong Disyembre 13 - 14 at 19 - 21 sa Lafayette Hotel na nilahukan ng Curriculum Implementation Division (CID), Schools Governance and Operations Division (SGOD) Education Supervisors, education program supervisors, public schools district supervisors, public school heads, school principals, at iba pang guro.

“The benefits students will get far outweigh the difficulties they might experience adjusting. Students were at first hesitant to join the SLC when we introduced it to them, but after a quarter of implementation,

Study Korea 300K program, bukas na sa mga Pinoy

Inihayag ng Ministry of Education (MOE) ng South Korea na bukas na para sa mga mag-aaral na Pilipino ang Study Korea 300k Project na target na makapagtamo ng 300,000 dayuhang mag-aaral.

Layunin ng programa na matulungan ang mga dayuhang nagaaral na mag-aral sa mga domestic university hanggang sa taong 2027 ang mga dayuhang mag-aaral upang makakuha ng mga skilled foreign workers at makatulong sa paglago ng ekonomiya ng naturang bansa.

Nais naman ni Lee JuHo, Education Minister ng Korea, na maging bahagi ng programa ang mga estudyanteng Pilipino sa kaniyang pakikipagpulong kay Vice President at Philippines’ Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

“Many students from the Philippines come to Korea, so we

discussed about the students who go abroad to study and Korea is currently running a program called Study Korea 300K, so we discussed about the project,” ani Lee sa isang panayam. Ang programang ito ay isang din scholarship, kung saan kasama ang Global Korea Scholarship programme na magbibigay tulong sa mga internasyonal na mag-aaral na nagaaral sa Science and Technology, Engineering, Mathematics (STEM) master’s at doctoral program sa 2027. Susuportahan din ng scholarship ang 6,000 estudyanteng mayroong non-science master’s.

Bukod sa Seoul, interesado rin ang mga paaralan sa Gyeongbuk, Jeonbuk, at Jeonnam sa pagtanggap ng mga dayuhang mag-aaral na kabilang sa nasabing programa.

“Isa rin itong pagkakataon para sa pakikipagtulungan, pagpapalalim ng mga ugnayan, at pagpapalitan ng kaalaman sa iba’t ibang bansa, kasama na ang pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon ng Pilipinas,” ayon kay Duterte.

Samantala, kinokonsidera din ng MOE ng South Korea na buksan ang programa para sa mga mag-aaral sa sekondarya at hindi lamang para sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo.

Sa kasalukuyang, mayroon ng 180,000 estudyanteng dayuhang galing sa iba’t ibang bansa ang nagaaral sa South Korea.//

all of them agree that it’s learning is better with technology,” aniya. Kabilang din sa lumahok sa kaganapan si Estelito Mendoza, master teacher I at Araling Panlipunan teacher, na kung saan ibinahagi niya sa isang diskusyon ang paggamit ng teknolohiya, partikular na ang social media, sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa labas ng paaralan maging ng pagpapalaganap ng kamalayan sa kahalagahan ng nasabing plataporma sa pag-aaral.

Ayon sa guro, isang magandang paraan ang nasabing training workshop upang maibahagi ng iba’t ibang eskwelahan sa lungsod kung paano nila isinasagawa ang Smart Learning Community Program.//

Buong husay na ipinamalas ng mga mamamahayag ng Baguio City National High School (BCNHS) ang kanilang talento sa larangan ng pamamahayag matapos sungkitin ang gintong medalya sa tatlong Individual Categories: Alyssa Angel

ng Sipi at Pag-uulo ng Balita, sa ginanap na 2023 National Schools Press Conference (NSPC) sa Cagayan De Oro, Hulyo 17-21.

SPA -Media ‘Young Directors’,

kumasa sa

Montanosa Film Festival

Pinaunlakan ng Special Program in the Arts- Media ‘Young Directors’ ng Baguio City High School kasabay ang iba pang rehiyon sa bansa sa paanyaya ng Montanosa Film Festival (MFF) sa kauna-unahan nitong Film Camp, Disyembre 16-19.

Nagkamit ng Special Jury mention for Audience Impact sina Henexy Laurien Donggayao tampok ang kaniyang palabas na “Relax” at Jayden Babas sa kaniyang likhang “Virgin” sa 100 seconds challenge at itinanghal bilang finalist sa MFF 2024. Natatanging sina Donggayao at Babas ang kaisa-isang lumahok mula sa antas ng sekondarya laban sa iba pang unibersidad na dumalo sa Film Camp.

“Natuwa ako para sa mga students ko na nag-aatend, kasi alam kong nag-sacrifice sila ng time, pinili nilang magparticipate at ini-apply nila yung natutunan nila sa mga directors at tanda ng may natutunan sila sa program, nakitaan sila ng mga directors ng potensyal sa paggawa nila ng pelikula, “ saad ni Estelito Mendoza, SPA-Media Mentor.

Dinaluhan ito ng ilang

batikang direktor kabilang sina Bb. Joyce Bernal, Ma-an Asuncion-Dagnalan, Arvin Belarmino, Dean Marcial, Jet Leyco at Emmanuel “Ibonman” Dela Cruz na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa paglikha ng pelikula. Saad ni Direk Dela Cruz, isang layunin ng MFF Film Camp ang makabuo ng komunidad para sa mga filmmakers kung saan maipapasa ng mga batikang direktor ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga dadalong kabataan na nagnanais maging isang batikan. Puspusan naman ang paghahanda ng mga finalist na sina Josfier Kiel Papay at Mary Heidel Estevas sa kanilang pelikulang “Men-amot” at Shaina Basilio sa kaniyang pelikulang “Manwingi” na mapapanood sa nalalapit na 2024 Montanosa Film Festival ngayong Marso.

Alyssa Angel Gamboa at Nikko Laurence Javier
VAPE-PROOF. Pinapangunahan ni Catherine Cimatu-Toyeng ang pagbibigay kaalaman at payo laban sa Anti-Vaping and Bullying na kaugnay sa pagdiriwang ng Crime Prevention Week sa BCNHS Setyembre 21.
BULLY-PROOF,
Jamaica Flores AT Yelynna Acosta BAGUIO-JKRAYONS... Mula sa pahina 1
MATAPOS ANG FOUR-PEAT-CHAMPIONSHIP
BALITANG KAMPUS
FB PAGE, BCNHS SSLG
BALITANG LOKAL
Balita 4 5
KAMPUS Shanna Mae S. Baltazar TRES MARIAS NG ‘BAGIW’ Gamboa, unang pwesto sa Pagsulat ng Balita; Alleah Grace Pernia, unang puwesto sa Pagsulat ng Editorial at Shanna Mae Baltazar, unang puwesto sa Pagwawasto TEKNOLOHIYA SA PAG-AARAL. Ibinabahagi ni Estelito Mandoza kung paano makatutulong ang social media platforms sa pag-aaral ng estudyate. EDUKASYON. Pinapangunahan ni Education Korean Minister Lee Ju-ho, ang isang media conference sa Government Complex, Seoul, alinsunod sa programang “Study Korea 300k”, Setyembre 22. Jamaica G. Flores at Matt Yuno P. Sarne Alyssa Angel Gamboa at Mcleod Pay-an NASYONAL LOWEN CRYLE LAGMAY KOREA JEONG DAILY
INTERNASYONAL LOKAL
OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Alyssa Angel Gamboa

MATAPOS ANG KAUNA-UNAHANG PAGSABAK SA KOMPETISYON; BCNHS-BIMAAK, NAG KAMIT NG IKALAWANG PUWESTO NIKKO LAURENCE JAVIER

Minarkahan ng Baguio City High School BIMAAK Cultural Dance Troupe ang kanilang kauna-unahang paglahok sa katatapos na Panagbenga Cultural Dance Competition 2024 matapos makapag-uwi ng ikalawang parangal, Pebrero 18.

Nakuha rin ng grupo ang special award na Excellence in Cultural Dance Attire sa Panagbenga Cultural Dance Competition laban sa 24 pang grupo na sumabak sa kompetisyon.

“Since first time pa lang po na sumali ang ating group sa Cultural Dance, wala po tayong naging partners maliban sa full blast support ng ating school,” ani BIMAAK Cultural Group Coordinator Gerardo Tumada.

Dagdag pa niya, nahirapan umano ang grupo sa budyet na gagamitin nila para sa costumes at props. “Noong umpisa, medyo nahirapan tayo sa pagbudget ng mga gagamiting costumes at props dahil nagsimula po tayo sa wala, hanggang sa unti-unti nating nagawan ng paraan lalo sa pag i-improvise ng mga materyales para sa props at mga financial support na naiprovide para sa ating costumes” pahayag pa ni Tumada. Nagbahagi naman ng suportang pinansiyal ang Parent-Teacher Association at iba pang isponsor.

BCHS-ANG BAGIW, KAMPEON SA REGIONAL PRESS CONFERENCE

NIKKO LAURENCE JAVIER

Itinanghal bilang overall champion ang opisyal na pahayagan ng Baguio City National High School na Ang Bagiw at aarangkada sa napipintong National Schools Press Confrence (NSPC) sa Carcar, Cebu. Wagi naman sa unang puwesto si Shanna Mae S. Baltazar sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita sa Regional Schools Press Conference (RSPC) at kinilala bilang Outstanding Campus Journalist katuwang ang kaniyang mentorq na si Marijoy B. Gupaal.

“I was really disheartened nung mag-3rd last time sa DSPC kasi I’m already an outgoing student journalist. It may entail the end of my journalistic journey. That’s why I’m truly and equally grateful nung top 3 ‘yung kukunin and nung nag-first ako sa RSPC,” laking pasasalamat niya matapos pumangatlo sa Division Schools Press Conference. Naglaan din umano siya ng dalawang linggo upang mapaghandaan ang kaniyang ikalawang pagsabak sa NSPC 2024 matapos makamit ang unang kampeonato noong nakaraang NSPC sa Cagayan de Oro. “Two weeks ‘yung in-allot kong time para makapag-review and all. Kahit na sumasabay siya sa iba pang academic responsibilities ko, mina-make sure kong may time ako para makapag-prepare,” dagdag pa ni Baltazar. Nakuha naman ni Alyssa T. Gamboa ang ikalawang gantimpala sa Pagsulat ng Balita, Uzziah Zara Ramon ika-apat sa Lathalaing Pang-agham at Kristelle Ann S. Laguardia sa ika-anim na pwesto sa Pagsulat ng Latalain. Nag-uwi rin ng ikatlong parangal sina Nikko Laurence M. Javier, Lowen Cryle S. Lagmay, Micaela Reese W. Balagey, Raztine Rubie B. Picpican, Nhiel Ivan I. Mapalo, Van Erich M. Elefante at Hannah Coleen A. Hidalgo sa Collaborative Desktop Publishing na kategorya. Panalo rin ng ikatlong parangal ang Radio Broadcasting kabilang si Frences Jewel Cayabyab bilang Best News Reporter

kasama sina Ethan John Lumbaya, Jemima Agaid, Elyza Gizel Corpuz, Yelynna Angelie Kate Acosta, Troy Laurence Chuga, Andrei Asi at kanilang Mentor, Jefrey P. Honrado Ginantimpalaan naman sa parehong puwesto ang TV Broadcasting and Script Writing na may Best Script and Best Director at mga miyembro nitong sina Carol Jane M. Baking, Kamyl D. Beltran, Steven V. Paris, Mayumi S. Api-it, Allanson Y. Samson, James Edrian C. Aquino, John Jose N. Fabro kasama ang kanilang mentor na si Maria Ramelia Ulpindo. Pinagtitibay ng kompetisyon ang temang ‘Galing, Talino at Husay ng mga batang Makabansa sa diwa ng MATATAG na adhika’ sunod sa ‘Batang makabansa, bansang makabata’ ng Department of Education (DepEd). “Maganda nga itong pinasok nila ang press conference dahil diyan natututo ‘yung mga bata to practice ethical journalism,” panayam ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa unang araw ng Regional Schools Press Conference sa lungsod. Dagdag pa niya, importante raw ang campus journalism sa pagpapahayag ng katotohanan lalo na umano sa panahon na maraming kumakalat na maling impormasyon.

“Ngayon kasi nakakalungkot na very widespread ‘yung disinformation at fake news. Changing the mindset of our society to learn, there’s no short-term solution. The long-term solution is the young people,” diin pa ni Magalong. Pinaghahandaan naman ng paaralan ang pagsabak sa NSPC sa darating na Hulyo 8-13

SPA, Pasay City Symphony Band, bumida sa Christmas Cantata

Mcleod T.

HIMIG, TUGTOG, INDAK. Magiliw na nagtatanghal ang SPA BCNHS at Pasay City Symphony Band bilang parte ng “Pasko sa City; A variety Show.

Ipinamalas ng Baguio City National High School (BCNHS) - Special Program in the Arts (SPA) at Pasay City Symphony Band (PCSB) ang kanilang talento sa pag-awit at pagtugtog sa ginanap na kauna-unahang Christmas Cantata ng SPA Christmas Show for a Cause na pinamagatang “Pasko sa City; A Variety Show,” Disyembre 6.

Tampok dito ang isa sa mga pinakakilalang orihinal na komposisyon ni Propesor Felix De Leon na “Beautiful City of Baguio” kung saan tinugtog ito ng mahigit 400 na katao na binubuo ng SPA Band, Choir, Dance, Rondalla at PCSB sa pangunguna ni Maestro Herminigildo Ranera.

“The students paid P25 pesos to enter the show, kasi ‘yung funds na pupuntahan nito will help us to meet our needs to prepare for

Panagbenga. So whatever proceeds nito, ibibili namin ng repair para sa instruments, props, and costumes para sa delegates natin,” saad ni Maestra Carmencita Juquina, isa sa mga tagapagsanay ng SPA. Diin pa niya, hindi makakapunta ang PCSB sa lungsod kung hindi dahil sa tulong ni Pasay City Mayor ImelSPA, Pasay City Symphony Band, bumida sa Christmas Cantatada CalixtoRubiano na siyang tumulong sa mga

Guro ng BCNHS, naparangalan ng prestihiyosong NCCA

Writers’ Prize

Ginantimpalaan ang isang creative writing mentor at English teacher ng Baguio City National High School na si Melvin C. Magsanoc ng kapita-pitagang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Writer’s Prize sa akda nito na pinamagatang “The Elusive Kombilan: Writing Versions of the Ibaloy Ta-miya ‘Bangon, Bangon ka Ina,’” November 21.

pinansyal na gastusin ng PCSB sa transportasyon at iba pang kagamitan kaya naman lubusan ang pasasalamat niya sa mayora.

Bilang paghahanda naman sa nasabing kaganapan, nagkaroon muna ng pagsasanay ang SPA Band upang mahasa ang kanilang talento sa pamamagitan ng isang musical workshop na pinamagatang

“Instrumental Christmas Enchantment; Symphony Band Training” na pinamunuan ni PCSB Maestro Ranera noong Disyembre 4.//

“Nagre-research kasi ako about sa music and arts of Cordillera and dun ko nahanap yung Lingling-o which is jewelry siya na sinusuot lang ng mga nananalo sa tribal wars, so ‘yung inspiration niya is gagawa ng isang babaeng hero para sa Cordillera,” ayon kay Corpuz. Dagdag pa niya, hindi niya inaakala na mananalo siya dahil sa dami ng kalahok na kasali sa patimpalak.

“Nasabi ko na sa klase when I start screening their manuscript, saki ko, oh maganda yung lingling-o ni lang-oy. I knew it from the start na may laban talaga siya sa nationals,” ayon sa kaniyang tagapayo na si Cindy De Jesus. Samantala, wagi rin ang akdang “Ang Ilog Bued at Ang Walong Kampo” na isinulat ni Cindy De Jesus, Information and Communication Technology Teacher, matapos makuha ang

ikalimang puwesto sa Category 1Grade 4.

“When I received the email, hindi pa rin ako makapaniwala since it’s my 3rd trying to be there, sabi ko nga sa sarili ko kahit rank 5 lang yan

I am really happy for our school and for Cordillera,” saad ni De Jesus. Nakatanggap din ng National Readex Pick Honourable mention ang akdang “Ang Dakilang Ama” na isinulat din ni De Jesus sa Category 1- Grade 5.

“Bukod sa mga anak ko, naging inspirasyon ko yung lugar natin na cordillera gusto ko kasi na sa bawat kuwento na isusulat ko, nafefeature yung lugar natin para nakikilala ito ng buong pilipinas,” dagdag pa niya. Nagkamit din ng National Readex Pick Honourable mention ang isinagawang illustration ni Ben Ebanio, Technology and Livelihood Education teacher, sa “Si Kabunyan ng Montanosa” para sa category 1 –Grade 6.//

Itinataguyod ng naturang karangalan ang patuloy na pagunlad ng kultura ng mga minoryang grupo sa pamamagitan ng mga akdang maaaring likhain ng mga taong napabibilang dito.

“Simula’t sapul, ang aking adbokasiya ay ang pag-aakda ng mga tula at kwento sa wikang Ibaloy. At ito ang sinisikap kong gawin kaya may mga tula ako na nasusulat sa Ibaloy. To be able to write in the Ibaloy language is a task I set myself to do. This writing project is more of a fulfilment of a need for the Ibaloy language and an advocacy. Mahal natin ang ating wika,” ani Magsanoc. Sa kabila nito, naging inspirasyon din umano ng guro sa kaniyang pagsulat ang mga kwento ng kaniyang ama patungkol sa mga akdang “ta-miya” ng mga Ibaloy.

Ang naturang akdang isinumite ay napabibilang sa kategoryang tula na isa sa limang kategorya sa prestihiyosong parangal na kinabibilangan ng nobela, sanaysay o creative non-fiction,

maikling kuwento, at drama. Kaugnay nito, nagwagi si Neil Arkhe P. Azcuna para sa Cebuano drama, Emmanuel T. Barrameda naman para sa kategoryang Filipino novel, Eva C. Bisperas para sa Pangasinan short story, at Jaime Jesus U. Borlagdan para sa kategoryang Bikol essay. Kada dalawang taon, ang bawat kategorya ay mag-iiba ng wika batay sa rekomendasyon at naaprubahan ng National Committee in Literary Arts na kung saan sa taon ito, wikang Ibaloy ang napili sa kategorya ng tula.

Ayon pa kay Magsanoc, walang siyang pormal na preparasyon; bagkus, ang kaniyang likha ay kulminasyon umano ng ilang taong pag-aaral at pakikinig sa kapwa manunulat na kaniyang naging pundasyon sa nasabing patimpalak.

Umabot din ng isang buwan bago tuluyang natapos ang akda bago ang pagsusumite sa kompetisyon na kinapapalooban

BANDERA’Y IWAGAYWAY. Nasungkit ng City High teacher na si Melvin Magsanoc ang prestihiyosong National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Writer’s Prize, November 21.

ng 10 tula na ngayo’y inaasahang nararapat umabot sa 30 para sa pinal na bersyon nito.

Inaasahan namang ang grant na makukuha ng guro bilang parangal ay tutulong upang matapos nito ang kumpletong bersyon ng akda sa loob ng isang taon at para sa publikasyon nito.

Nag-iwan naman ng mensahe ang guro sa kapwa niya manunulat at ipinanawagan ang patuloy na pagsusulat sa wikang Ibaloy.

“I am calling on my fellow Ibaloys to write in Ibaloy; hopefully many will follow.”

Samantala, idaraos ang paggawad ng mga parangal sa NCCA Auditorium sa Intramuros, Manila sa Disyembre 9.//

Tabinging Solusyon

Hindi pa rin nawawala ang kabila’t kanang pag-alma ng mga Pilipino sa ‘Cha-cha’ o ‘Charter Change’ na nais na

upang suportahan ang ekonomiya at makahikayat ng mga foreign investors.

Ayon sa nakaraang sarbey ng Pulse Asia, 88% ang hindi sumusuporta sa pagbabago ng konstitusyon. Mahihinuha dito na hindi ito ang kinakailangan ng mga Pilipino. Hindi pa tamang panahon upang baguhin ang konstitusyon dahil marami pa ang mga kinakailangan at problema ng bansa na patuloy pa ring ipinagpapaliban ng gobyerno.

Sa katunayan, mula 2.8% noong Enero, muling tumaas sa 3.4% ang inflation rate noong Pebrero. Sa kasalukuyang pamumuno ngayon ni Marcos, ang bilang ng mga pamilyadong Pilipinong nakararanas ng gutom ay umabot sa pinakamataas noong ikaapat na kwarter noong nakaraang taong 2023 ng Disyembre, ayon sa sarbey ng Social Weather Stations na may talang 12.6%. Hindi lamang ito ang kinakaharap ng Pilipinas. Nananatili pa ring mababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa hanggang ngayon; nahuhuli at hindi nakakasabay kung ikukumpara sa iba. Pang-77 ang Pilipinas sa 81 na mga bansa sa mga asignaturang matematika, pagbasa, at agham ayon sa Global Assessment noongtaong 2022. Kinakailangan ng mas epektibo at may mataas na kalidad ng edukasyon sa bansa, idagdag na rin ang mas maayos at kumportableng silid-aralan para sa mga mag-aaral at mga guro lalo na kung matagal nang ginagamit at luma na ang mga ito. Marami ang estudyanteng mula sa Baguio City National High School

(BCNHS) ang hindi sumang-ayon sa planong ‘cha-cha’. May talang 68% ang hindi sumusuporta rito.

Hinding-hindi rin makakalimutan ang malaking utang ng bansa na nagkakahalagang 14 trillion. Idagdag pa ang kawalan ng trabaho ng iba pang mamamayang Pilipino na kung saan 13.9% ang unemployment rate noong nakaraang Enero ayon sa Philippine Statistics Authority.

Kung tutuusin, walang kabuluhan ang pag-amyenda ng konstitusyon dahil wala naman itong direktang pagtama sa buhay ng mga Pilipino. Hindi rin binanggit na kailangan ang Cha-cha upang dumami ang trabahong pupuksa sa kahirapan at magpapataas ng kalidad ng buhay sa bansa ayon na rin kay Sen. Risa Hontiveros. Pahayag ni retired Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. may mga paraan upang umunlad ang bansa na hindi nababago o naaakpektuhan ang konstitusyon dahil sa katunayan, ang mga problema o alalahanin sa ating inang bayan ay hindi dahil sa 1987 Constitution, ang kinakailangan daw ng bansa at mga Pinoy ngayon ay hindi ang rebisyon ng konstitusyonkundi ang pagpapatupad ng mga prinsipyo at patakaran ng estado nito. Ngayon, ang inaalala ng pangulo ay patungkol sa ‘economic provisions’ at ang paghimok sa mga foreign investors sa pamamagitan ng ‘Cha-cha’ ngunit darating pa rin ang mga foreign investments kahit

na wala ang ‘Cha-cha’ dahil na rin sa malaking tulong ng naglalakihang bangko sa bansa. “We have PEZA (Philippine Economic Zone Authority) zones, and in the Bataan area, they can easily expand the export processing zones. There’s flat land there,” ani BDO senior vice president at chief investment officer Frederico Rafael Ocampo. Pinamamahalaan ng PEZA ang espesyal na sonang ito na nadisenyo upang makahikayat ng mga foreign investors. Kung patuloy na babaguhin ang ating konstitusyon, hindi ba’t isa na naman itong pasanin o karagdagang problema sa mga sandamakmak na suliranin

Shanna Mae Baltazar Pay-an at Nikko Laurence Javier
Balita 6
CITY HIGHERS... Mula sa pahina 1 National Commission in Culture in the Arts steven paris HAKOT AWARD! BALITANG KAMPUS BALITANG KAMPUS
mula sa pahina 1... Opinyon 7
amyendahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ng bansa? Ni hindi pa nga nakakausad kahit kaunti ang ating bansa sa kahirapan at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang alitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa West Philippine Sea. Ayon sa NEDA (National Economic and Development Authority), 28 bilyong piso ang magagastos ng gobyerno mula sa kaban ng bayan, perang hindi naman magbebenepisyo ang mga Pilipino at dapat na inilalaan para sa pangarawaraw na pamumuhay ng mga ito. Sinasayang lang ng gobyerno ang oras at badyet sa isang konstitusyong wala namang problema at hindi nararapat na maging prayoridad sapagka’t marami pang problema sa bansa ang matagal nang hindi pa nasosolusyonan katulad na lamang ng edukasyon, kagutuman, mababang pasahod, kawalan ng trabaho, korapsyon, implasyon, at higit sa lahat ay ang kahirapan ng ating bansa na siyang dapat bigyan ng buong pansin. Kung nais ng gobyerno na paunlarin ang bansa, dapat lamang na imulat nila ang kanilang mga mata, tingnan ang suliranin ng bansa at pakinggan ang ninanais ng madla.
tungkol sa pagbabalik ng Old School Calendar. 701 ang sang-ayon at 236 ang hindi sang-ayon PAMATNUGUTAN
PANIG NG MGA ESTUDYANTE Dibuhista Coleen Hidalgo

Kakintalan sa Talambuhay ng isang Batikang Mamamahayag

Iyan si Mike Enriquez na may katangiang masakripisyo, dedikado, handa, responsable, at makatarungan. Ang pag-aalay ng buhay sa larangan ng pamamahayag ay hindi lamang basta trabaho, ito’y isang misyon na kailangan nang buong puso at dedikasyon. Sa buhay at karera ni Mike Enriquez, natutuhan natin ang halaga ng mga katangiang ito.

Si Mike Enriquez na isang alamat sa pagbabalita ay isinilang sa lungsod ng Maynila. Ang kaniyang mga mata ay puno ng liwanag at kulay habang ang kaniyang mga tainga ay handang makinig sa mga kuwento ng mga tao. Mula pa noong siya ay isang batang naglalaro sa mga eskinita, at kalye sa tabi-tabi ay alam na niya na ang kaniyang tadhana ay nasa mundo ng komunikasyon.

Sa kaniyang paglaki, ang kaniyang mga salita ay naging mga sandata at depensa. Kaya sa kolehiyo, siya ay nag-aral ng Mass Communication kung saan ang kaniyang mga salita ay naging espada na handang harapin ang anumang hamon. Sa bawat pagbukas ng kaniyang bibig, ang kaniyang mga binabanggit ay tila nagiging mga pintura na naglalarawan ng katotohanan.

Sa paglalakbay niya sa liwanag ng mahabang panahon sa larangan ng pamamahayag, naging instrumento si Mike Enriquez sa pagsiklab ng tagumpay ng mga programa tulad ng “24 Oras” at “Imbestigador” ng GMA. Kilala rin siya bilang “Baby Michael,” ang ‘Disc Jockey’ na gumanap sa pelikulang “Mahirap Maging Pogi” noong 1992. Higit pa sa pagiging isang mamamahayag si Mike Enriquez sapagkat binigyan niya ng

‘‘Ang pagiging mapanuri sa pag-aalok ng balita ay isa sa mga prinsipyong kinilala si Mike Enriquez. Sa pamamagitan ng pagaaral at paghahanap ng katotohanan, itinaguyod niya ang kahalagahan ng malasakit sa propesyon. Kaniyang himig na tumpak at makabuluhan sa bawat pahayag ay isang huwaran para sa mga nagnanais maging magaling na journalist balang araw.

makukulay na tinta at kalayaan ang plumang nangangailangan nito. Tinagurian siyang Mister “Sumbungan ng Bayan” dahil sa kaniyang dedikasyon na nagbigay mikropono sa mga pangangailangan at isyu ng mga Pilipino. Naging bahagi rin siya ng mga awardwinning documentary na sumungkit ng Silver Camera Awards noong 2004 para sa kanilang pag-aalay buhay sa naganap na labanan sa Iraq.

Bakas ng Namamalaging

Yapak

“Naging inspirasyon ko siya

since noong bata pa ako dahil

sa kaniyang galing sa pagiging

broadcaster. Tapos kahit na pumipiyok siya minsan diretso pa rin siya. Ito rin ‘yung naging daan kung bakit ako nag-journalism noong high school ako,” saad ni Marites dela Cruz. Siya ang nagpapatunay na si Enriquez ang kaniyang naging inspirasyon at patuloy na nagbibigay-buhay sa kaniyang pangarap na maging mamamahayag at ito rin ang nagtulak sa kaniya na simulan ang kaniyang pagtahak sa mundo ng pamamahayag.

Ang pagiging mapanuri sa pag-aalok ng balita ay isa sa mga prinsipyong kinilala si Mike Enriquez. Sa pamamagitan ng pagaaral at paghahanap ng katotohanan, itinaguyod niya ang kahalagahan ng malasakit sa propesyon. Kaniyang himig na tumpak at makabuluhan sa bawat pahayag ay isang huwaran para sa mga nagnanais maging magaling na journalist balang araw. Tagumpay at pagiging mapanuri sa pagtutok sa balita ay nagpapakita na ang pamamahayag ay hindi lamang tungkol sa paglalabas ng impormasyon kundi pati na rin sa paglilinaw ng katotohanan.

Ang kaniyang natural na personalidad at pagiging totoo sa sarili ay isa pang aspeto na dapat tularan. Hindi niya itinatago ang kaniyang mga imperpeksiyon, at ito’y nagpapakita ng integridad sa pahayagan ng Pilipinas.

“Hindi namin kayo tatantanan!” at “Excuse me po!”

Ilan lamang ito sa katagang binibitawan ni Mike Enriquez gabi-gabi na tumatak sa maraming mamamayang Pilipino. Ang kaniyang pag-ubo na ginawa pang meme ang kaniyang trademark. Kung kaya’t maraming Pilipino ang umiidolo sa style ng kaniyang pagbabalita. Nakabibilib talaga si Mike dahil sa edad niyang 70 nakapaghahandog at nakapagbabalita pa siya nang maayos at angkop sa masa. Boses niya ay naging simbolo ng katotohanan at pag-aalab para sa kaniyang propesyon.

Sa pamamagitan ng kaniyang kuwento, ipinapaalala niya sa atin na ang pamamahayag ay hindi lamang tungkol sa pagsusuri at pag-aalok ng balita kundi pati na rin sa pagsasaliksik ng katotohanan. Siya ay hindi lamang isang mamamahayag; siya ay isang huwaran at inspirasyon sa landas tungo sa tunay na isang mabuting mamamahayag.

Pagwawakas ng Istoryang Patuloy na Maglilingas Ngunit nitong Agosto 29, 2023

‘‘

Hindi namin kayo TATANTANAN!

Bumangon sa malalakas na sigawan at tunog na kinakalabit ang aking pandinig na tila ba’y ginigising ang aking diwa. Nagulantang ang aking kalamnan dahil ang dating huni ng ibon, napalitan ng nagdadabog na busina ng minamanehong sasakyan. Pasko na talaga, ramdam na ang kilabot na bumabalandra sa kalsada.

‘‘

Isa mang hamon kung ituring, ang kaniyang naging kontribusyon sa larangan ay magsisilbing tila uhaw na magtutulak sa bawat isang mamamahayag na patuloy na maghangad sa kaalaman, katotohanan, at matapat na pagsisilbi sa bayan.

ay pumanaw na ang beteranong mamamahayag na sa dinami-rami ng naging kontribusyon sa laranga’y dadalhin ang kadakilaan hanggang sa pamamayapa. Simbolo ang mga bumuhos na pakikiramay at pagbibigay-pugay sa karingalang kaniya nang ipinamalas at isinabuhay.

Mula sa kaniyang mga malalapit na kamag-anak at kakilala sa larangan ng pamamahayag na kung saan niya inialay ang malaking bahagi ng kaniyang buhay, ang paggunita sa kaniyang mga alaala ang tanging nagsilbing sandigan sa pagluluksang halos isang linggong bumalot sa bansa.

Hamon sa Makabagong Pamamahayag Tanda ng Naiwang Prinsipyo Nakalulungkot ang kaniyang pagkawala subalit ang kaniyang mga naiambag, tagumpay, at mga aral ay mananatili nang huhulma sa ating pagka-Pilipino higit na ng mga mamamahayag na susunod sa linyang kaniyang minsang tinahak. Gaya ng kaniyang makabuluhang paglilingkod, magsisilbing inspirasyon ang kaniyang naging talambuhay sa pagbuo ng mga susunod na istoryang sasabay sa tagumpay na kaniyang nilikha. Isa mang hamon kung ituring, ang kaniyang naging kontribusyon sa larangan ay magsisilbing tila uhaw na magtutulak sa bawat isang mamamahayag na patuloy na maghangad sa kaalaman, katotohanan, at matapat na pagsisilbi sa bayan.

Sa patuloy na pag-ikot ng mundo at pagpatak ng oras matapos ng kaniyang pagyao, siya’y mananatiling idolo ng masa at simbolismo ng katapangan at maprinsipyong pagkatao. Kaakibat na ng pangalang kaniyang pinagsikapang binuo ay ang salitang “marangal” na habangbuhay nang sasamahan ang “Mike Enriquez” na nakilala ng masa; ang “Mike Enriquez” na hindi lamang gagabay sa paglalakbay ng mga mama-mahayag na kaniyang binigyan ng rason upang magserbisyo para sa karunungan ng publiko.

Iba ka talaga Mike, the best ka. Sa susunod na lang ulit t ayo magbalitaan. Tunay ngang hindi natin tatantanan ang paghahanap ng katotohanan sa mga isyung panlipu nan.

RUROK NG BUHAY NI MIKE ENRIQUEZ AT ANG HAMON SA MAKABAGONG

M - Marangal na tao

I - Inspirasyon sa lahat ng Pilipino

K - Kahanga-hangang talento

E - Ekslusibong pagbabalita.

Tunog na hindi gugustuhin. Kumikinang ang buong lungsod ng Baguio sa mga palamuting bumubusilak. Kinikislapan ang mga sasakyang nakapila patungo sa lugar na malakaragatan na dami ng tao. Paglingon sa kabila’t dulo ng kalsada, isang saganang taniman ng sasakyan ang bumubungad.

“Baguio is 2 hours away from Baguio,” pahayag ni Andrei Almora na mula pa sa Crystal Cave, Baguio City at bumabiyahe araw-araw papuntang Baguio City National High School. Mahirap, sobrang hirap kalabanin ang traffic. Parang naiipit sa gitna ng maraming bato na hindi man

Kuhol na Gumugulong

Kabanata sa Kuwentong Kalsada

lang gaanong umusad kung hindi

Daanang dinumog ng delubyo. Sasakay o maglalakad? Katanungang patuloy na bumabagabag sa aming isipang hindi mapagtanto kung ano nga ba ang paraan para mapabilis ang paglalakbay. Kung sasakay ay mala-isang kuhol ang pag-usad ng pampasaherong sasakyan. Kung maglalakad baka sa dami ng taong nakakasalamuha, katawan ko ang Pasko o delubyo? Sa mata ng iba, bahay-bakasyunan ang Baguio sa bitbit nitong klimang mahalumigmig na pumapasok sa kaibuturan ng ating katawan. Sa kabila nito ang nanlilisik

10
Lathalain
Steven Paris at Micaela Balag-ey
11
Kristelle Anne Laguardia
na mata ng karamihan sinisigaw ang salitang perwisyo. Isang salitang sinisiwalat ang kasingkahulugan ng Sagabal. Perwisyo. Sayang sa oras. Mga reklamong tumatakbo sa ating utak dahil sa kinakaharap na Agos ng kalsada ang nagluluksa sa pagsasara upang bigyang daan ang mga kaganapan. Sa huling kabanata ng ating araw, gabundok ang mga balakid. Nahihirapang umarangkada sa lahat ng buhay ngunit pangunahing kaagapay sa mga hamon ng buhay ang mga pampasaherong sasakyan. Ngayon, binuksan na ang libro ng buhay na kailanman ay patuloy na sinisiwalat na mahirap ang takbo ng kalsada.
delubyo. Hindi baha, hindi lindol kundi traffic na tila ba’y lumalala nang lumalala hanggang sa matapos ang pasko at bagong taon. “As a Baguio citizen, mahirap talaga gumala tapos sobrang traffic pa, lalo na every Sunday kasi nga sarado Session di ba,” wika ni Lorenz Quijano na isang estudyante ng BCNHS. Kaakibat at kasangga ng traffic ang pagsasara ng Session Road tuwing Linggo. Lumalabas ang mga kawili-wili at nakakaengganyong mga bilihan, sayawan at kantahan. Nakabaon dito ang kayamanan ng Baguio, ang kayamang lumalago at patuloy na humahaba, traffic. Stop dance. Tigil, galaw, tigil, galaw, kailan ba uusad o talagang sabay-sabay nang matutunaw? Tunay ngang nalalapit na ang pasko, paskong pasan-pasan ang mga sasakyang parang naglalaro sa gitna ng kalsada. Nakaw-pansin ang mga naggagandahang pailaw at desenyong kumakaway sa ating bawat hakbang. allenio
when in baguio mark oliver chua
PAMAMAHAYAG
dulawan

sa unang pagkakataon sa lungsod ng baguio at mga paaralan nito

Digital Mobile Planetarium, inilunsad sa BCNHS

KAMANGHA-MANGHA.

Aktibong lumalahok ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan habang nakikinig sa isinasagawang talakayan.

Dinaluhan ito hindi lamang ng mga City Highers kundi pati na rin ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan mapa-elementarya hanggang sekondarya sa lungsod. Sa halagang 250 pesos ay mararanasan na ng mga magaaral ang mga iba’t-ibang mga aktibidad na layuning mapalawig pa ang kamalayan ng mga estudyante patungkol sa mundo ng astronomiya.

Isa sa aktibidad na ito ay ang pagpapanood ng nakaeenganyong palabas ng mga kuwento patungkol sa kalawakan, mga bituin, at ang pinagmulan ng sansinukob.

Bukod dito, nagkaroon din ng environmental exhibit kung saan tinalakay ang mga isyu sa kapaligiran tulad ng pagbabago ng klima, pagkawasak ng ecosystem, at kung anong mga paraan upang masolusyonan ito.

mga estudyante ay nakapag-aral sa pamamagitan ng bukas na diskusyon.

“Sa Planetarium, itinuro nila sa amin ang tungkol sa siklo ng araw at gabi, mga bituin, at mga konstelasyon. Natutunan namin na dahil sa polusyon, dito sa siyudad o iba pang mataong lugar, hindi talaga natin makikita ang magandang tanawin na taglay ng kalangitan sa gabi. Ibinunyag sa amin na ang dahilan kung bakit kakaunti lang ang mga bituin na makikita sa gabi ay dahil sa polusyon sa lugar,” ani ni Meonah De Jesus, mag-aaral ng BCNHS.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay sa mga magaaral ng kakaibang karanasan at bagong kaalaman ukol sa mundo.

Nasaksihan ng mga mag-aaral ang kaunaunahang Digital Mobile Planetarium sa Baguio City National High School (BCNHS), Oktubre 10-20.

Solar panels, pag-asa sa hamon ng elektrisidad

Sa kabila ng pag-usbong ng teknolohiya at agham sa ating bansa marami pa rin ang mga lugar na hindi naabot ng sapat na enerhiya upang mapailaw an ang kanilang mga tahanan.

Sa panahon ngayon ay marami nardin ang mga solar panels na nagbibigay ng libreng enerhiya mula sa init ng araw. Sa bahaging Norte na banda ay mayroon na ring mga wind mills na nagbibigay sa bayan ng elektrisidad. Ngunit sa kabila ng mayaman nating katubigan ay hindi natin ito napapagyaman at nagagamit nang husto.

Sa bansang Indonesia na katulad ng ating bansa na mayaman sa katubigan. Nakadiskubre sila ng bagong paraan ng paggamit ng solar panels na bunga ng kakulangan nila ng lupain. Sila ay nakagawa ng solar farm na kayang lumutang sa ibabaw ng tubig. Tulad ng Pilipinas, ang Indonesia

ay may mainit ding klima kaya naman hindi sila maaring gumawa ng wind farm dahil sa kakulangan ng hangin doon. Ang kanilang lupain naman ay hindi rin maaring gamitin upang bumuo ng land solar farm dahil limitado lamang ito at ginagamit ito sa kanilang agrikultura.

Kaya naman nakagawa ang Masdar United Arab Emirates (UAE) ng isang uri ng solar panels na maaring lumutang sa ibabaw ng tubig. Ito ay mas matibay at mas mabigat upang makasabay sa daloy ng tubig na paglalagyan nito. Ito ay tinawag na Cirata Floating Solar Farm sa West Java Indonesia. May lawak itong na 200 hektarya

na nakalatag sa Cirata reservoir, isa sa pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa lugar. Sa ganitong paraan, maiiwasana ang pag -evaporate ng tubig na magdulot ng mas maraming suplay ng tubig.

Ang init ng araw ay nakukuha ng solar panels na nakagagawa ng ‘clean energy’ para sa elektrisidad ng lugar. Kaya naman kung susukatin ang ‘floating solar farm’ na ito ay nakatutulong hindi lamang sa paggawa ng clean energy kundi pati na rin sa suplay ng tubig ng komunidad.

Ang solar panel na ito ay kayang magsuplay ng ‘clean energy’ sa halos 50,000 kabahayan sa lugar. Ito ang pinakamalaking ‘solar farm’ sa SouthEast Asia at ang pangatlo sa buong mundo. Ang Cirata Floating Solar Farm ay tinatayang nagkakahalagang 1.7 trillion rupiah o 5.22 Bilion pesos.

Nakatugon din sa palatuntunan ng digtal na planetarium ang mga estudyanteng may interes sa astronomiya at agham pandagat na pananagutan, kung saan ang

“Talagang tumutulong kami sa pagpapahayag ng mga bata sa ganitong uri ng mga aktibidad nang hindi gumagastos ng labis para pumunta pa sa Maynila o iba pang mga lugar,” ani Abegail G. Indias, experience specialist sa planetarium.

Tagtuyot,

May bantang dala sa

ng tubig sa Baguio

uzziah zara amon

Pinaalalahanan ng pamahalaan ng Baguio ang mga residente at turista ng Lungsod na ugaliin ang pagtitipid ng tubig dahil sa bantang pagkatuyo ng mga imbakan ng tubig na epekto ng El Niño.

Bago pa nagsimula ang tagtuyot ay binigyang paalala na ni Mayor Benjamin Magalong ang mga establisyemento at mga tahanan sa Lungsod na bawasan ang pagkonsumo sa tubig upang maiwasan ang pagkatuyo ng tubig sa lupa.

“Iwasan natin ang pag-aaksaya sa pamamagitan ng hindi pag-apaw sa ating mga tangke ng tubig o mga lalagyan ng imbakan ng tubig,” ayon kay Mayor Magalong.

Ayon kay City administrator

Bonifacio Dela Peña ipinagbigay alam ng Baguio Water District na ang mga reservoirs sa Lungsod ay unti unti ng natutuyo dulot ng kawalan ng tubig ulan sa mga nakalipas na buwan.

Kasunod din neto ang bantang pagsasara sa Burnham Lake matapos maobserbahan ang pagbaba ng lebel ng tubig.

“Maging handa din tayong isara

ang mga aktibidad sa pamamangka sa lawa, kung kinakailangan,” sabi ni Dela Peña sa City Environment and Parks management Office sa ginanap na Management Committee Meeting ng mga departent head noong Marso 26.

Nakatakda ring makipagpulong si Mayor Magalaong sa National Water Resources Board (NWRB) upang humiling ng mas pinaigting na regulasyon at pagsubaybay sa mga operasyon ng mga rehistradong negosyo sa pagkonsumo ng tubig at ang paglaganap ng mga iligal na deepwell na nagreresulta sa pagbaba ng suplay ng tubig sa lungsod.

“Maaari tayong makatulong na maibsan ang problema sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan,” saad pa ni Mayor Magalong.

Kasali, Kaisa, Kalutas sa Basurang Hamon Up Cycling

Patuloy na humaharap ang Pilipinas sa problema ng tone-toneladang basura nakokolekta kada taon. Sa siyudad pa lamang ng Baguio, mahigit 400 tonelada ng basura ang nalilikom araw-araw na problema kung saan at paano itatapon. Ipinapadala ang basurang ito papuntang Capas, Tarlac na isa rin sa malaking pinagkakagastusan ng lungsod na may nakalaang pondo na 200 million pesos noong nakaraang taon.

Ang mga paaralan ay may malaki ring kontribusyon sa mga basurang nakokolekta ng lungsod ng Baguio. Kabilang sa mga basura na ito ay ang mga papel na ginagamit ng mga estudyante pati na rin sa mga basura na nanggagaling sa mga kantina na kinabibilangan ng bote, plastik na kutsara at tinidor, paper cups at paper box.

Bilang tugon sa problemang ito ay aktibo ang organisasyong Yes-O Baguio City National High SchoolSHS sa paggawa ng mga aktibidad upang maisulong and proper waste management sa paaralan. Noong

ika-4 ng Hulyo ay nagsagawa ng isang aktibidad ang organisasyon na tinawag na “Upcycling Painting Contest.” Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral na edad na 15-17. Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay kaalaman sa iba pang mga estudyante ukol sa upcycling bilang isang paraan upang bawasan ang basura. Layon din ng aktibidad na ito na pagyamanin ang pagiging responsable ng mga mag-aaral sa pangangalaga ng kapaligiran at ipakita ang kanilang artistikong potensyal sa pamamagitan ng paggamit ng repurposed na

materyales sa gagawing pinta. Ang upcycling o tinatawag ding creative reuse ay ang pagbabago o paggamit muli ng mga produkto na hindi na maaring mapakinabangan pa na itrinatransporma upang maging materyales o produkto na magagamit ng komunidad. Ang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga lata bilang paso na pagtataniman ng bagong halaman. Madalas ding ginagamit ang mga sirang gulong upang gaming upuan o kaya ng mga obstacles sa mga palaruan.

Katuwang din ng Yes-O ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ng BCNHS na kung saan nag-organisa ng programa na “Be the change, one scrap at a time” ito ay ang pangongolekta ng mga gamit na papel mula ng mga estudyante na ire-recycle o ire-repurpose. Ang programang ito ay naglalayong mabawasan ang mga papel na basura ng paaralan na pangunahing ginagamit ng mga estudyante at mga guro. Maliban sa mga programa at aktibidad na ito ay patuloy din ang implementasyon ng proper waste segregation sa bawat silid-aralan kung saan ihinihiwalay ang mga basura na maari pang ma-recycle sa hindi. Bilang isang estudyante malaki ang ating responsibilidad sa komunidad na iyong kinabibilangan and at sa iyong kapaligiran. Hindi lamang pakikilahok sa mga programa ng paaralan ang

maaari mong magawa, maaari ding makatulong sa mga simpleng gawain tulad ng pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan at tamang waste segregation. Sa simpleng mga gawain ay malaki ang ating nagiging parte sa pagsalba sa ating planeta. Mahirap lutasin ang problema ng mundo ukol sa basura ngunit sa tamang implementasyon ng mga program at kooperasyon ng bawat isa ay hindi imposibleng ito ay kalaunan ding mababawasan.

El Nino, pinaghahandaan ng pamahalaan

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos

Jr. na tapusin at kumpletuhin ang mga irrigation project na may kinalaman sa suplay ng tubig, kuryente at agrikultura hanggang Abril 2024 bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño o tagtuyot sa ating bansa sa susunod na taon.

Sa talumpati ni Pangulong

Marcos sa Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ipinabatid niya sa Department of Agriculture (DA) at sa kaakibat nitong ahensya na National Irrigation Administration (NIA), na hangga’t maaari ay tapusin ang mga proyekto sa lalong madaling panahon.

“Kailangan nating maging handa upang labanan ang mga epektong nito, na maaaring tumagal sa taong 2024. Kaya, muli nating ipinapaalala sa DA at NIA na agad na tapusin ang pagtatayo ng mga pasilidad ng irigasyon, gayundin ang iba pang mga sumusuportang istruktura batay sa pangangailangan ng ating mga magsasaka,” ani Marcos Inatasan niya ang lahat ng ahensya ng gobyerno, local

goverment units, at pribadong sektor na magtulungan upang matiyak ang pagpapanatili and kaayusan ng mga yamang tubig at ng kapaligiran malapit sa mga reservoir o imbakan ng tubig.

“Inaasahan ang tagumpay ng BSRIP at sa lahat ng opisyal na departamento sa pagbabago ng mga lupain ng lalawigan sa maunlad na mga sentro ng produksyon. Nananatili kaming matatag at handa sa aming paghahangad ng seguridad sa pagkain, suplay ng tubig at sa paglago ng ekonomiya,” dagdag pa niya.

Nagbabala naman ang

Department of Science and Technology (DOST) sa 65 lalawigan na posibleng makaranas ng tagtuyot mula sa Pebrero hanggang Mayo sa susunod na taon.

Hindi pa tiyak ang mga lalawigang maaapektuhan nito, ngunit ang paghahanda at

koordinasyon ng pamahalaan ay isang mahalagang hakbang upang matugunan ang mga potensyal na epekto ng tagtuyot sa mga nabanggit na sektor.

“Nakabuo kami ng humigitkumulang 25,000 ektarya ng mga bagong lugar na patubig at naibalik ang halos 9,000 ektarya ng lupa,” dagdag niya.

Ayon rin sa pahayag ni Marcos noong 2022, layunin ng pamahalaan na makapagtatag ng higit sa 275,000 ektarya ng mga bagong lugar ng irigasyon upang mas lumawak pa ang irigasyon hanggang sa 2028.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, inaasahang magkakaroon ng mas maayos na pagtugon at paghahanda ang pamahalaan sa mga hamon na dala ng tagtuyot.//Kuha ni Mark Damayo ng ABS CBN news

Pinikpikan: Pagsusuri sa Nutrisyonal na

Halaga ng Tradisyonal na Lutuing Cordillera

Mga Benepisyong Nutrisyonal ng Pinikpikan Bukod sa masarap na lasa nito, ang pinikpikan ay isang nutritional powerhouse na nag-aalok ng maraming benepisyo sa kalusugan. Ang ulam na ito ay mayaman sa protina, bitamina, at mineral na nagpapatibay sa immune system, nagtataguyod ng kalusugan ng kalamnan, nagpapalakas

Lorrah A. Martin at Joshielle Faye Guerrero Uzziah Zara Amon
14 Agham At Teknolohiya
lebel
INTERNATIONAL
KAMPUS
LORRAH A. MARTIN
KAMPUS Uzziah Zara Amon Matt Joel Agcaoili Matt Joel Agcaoili at Steven Paris
buto, at
sa pag-iwas sa
at
hindi lamang
ay
ng tradisyon at
sa pagkakakilanlan ng mga taga-Cordillera. Ang paghahanda ng pinikpikan ay nagsasangkot ng isang natatanging paraan kung saan ang manok ay pinapalo bago lutuin, na nagreresulta sa isang mabangong sabaw na nilagyan ng esensya ng mga sangkap. Ang lasa ay nagbibigay ng nakakaaliw na init, perpekto para sa malamig at tag-ulan sa rehiyon. Ang pagyakap sa mga lokal na pagkain tulad ng pinikpikan ay isang paraan ng paggalang at pagpapanatili ng kultural na pamana. Sa pamamagitan ng pagtikim sa tradisyonal na pagkaing ito, ang mga indibidwal ay hindi lamang kumonekta sa kanilang mga pinagmulan kundi ipinakilala rin ang iba sa mayamang tapiserya ng kultura at kaugalian ng Cordilleran sa rehiyon ng Cordillera. Restawrant destination sa Cordillera Kapag ginalugad ang rehiyon ng Cordillera, hindi maaaring palampasin ang pagkakataong matikman ang tunay na pinikpikan sa mga establisyimento tulad ng Farmer’s Daughter sa Baguio City. Ang mga restawrant na ito ay hindi lamang naghahain ng masasarap na pagkain ngunit nag-aalok din ng isang sulyap sa makulay na kultura ng pagkain na tumutukoy sa Pilipinas. Mula sa mataong mga lungsod hanggang sa malalayong probinsya, ang lutuing Pilipino, kabilang ang mga pagkaing tulad ng pinikpikan, ay nagsisilbing patunay sa magkakaiba ang culinary landscape at historikal ng bansang pamana. Sa konklusyon, ang Pinikpikan ay namumukod-tangi bilang higit pa sa isang ulam; isinasama nito ang diwa ng pamana ng Cordilleran, na nag-aalok ng masarap na paglalakbay sa puso ng kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagtikim sa tradisyonal na delicacy na ito, hindi lamang natutugunan ng mga indibidwal ang kanilang panlasa kundi nagsimula rin sa isang culinary adventure na nagdiriwang sa yaman ng culinary legacy ng rehiyon ng Cordillera. Agham At Teknolohiya 15 NATIONAL LOKAL //TV PATROL
ng
nakatutulong
sakit. Kahalagahang Kultural
Turismo Ang pinikpikan ay
ulam; ito
simbolo
pamana na sumasalamin
KAMPUS

AI, kasangga sa medisina

Patuloy na lumalago at nagkakaroon ng inobasyon ang teknolohiya sa paglipas ng henerasyon, tulad ng pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI) na nagagamit upang mapadali ang mga gawain at hindi maitatangging nakatutulong sa iba’t ibang larangan ng ating pamumuhay, kabilang na sa larangan ng medisina na isa sa mga mayroong komplikadong gawain tungkol sa agham.

Nakabatay ang Artificial Intelligence (AI) sa katalinuhan ng tao na may layuning gayahin ang aktibidad, gawain at ang paraan ng pag-iisip ng mga ito gamit ang mga makina, layunin din ng mga AI na kumilos batay sa kapasidad ng kanilang sistema. Sa pag-aaral na inilathala sa journal ng NPJ Digital Medicine, sinuri ng mga mananaliksik ang kasalukuyang alituntunin sa pagpapatupad ng AI sa mga aplikasyon ng pangangalagang pangkalusugan o larangan ng medisina, at nakatuon ang kanilang mga talakayan sa ‘generative AI’, na isang teknolohiyang naglalayon na makabuo ng mahusay at mas mataas na kalidad ng larawan na ginagamit sa mga diagnosis,at sumusubok na higitan ang kakayahan at limitasyon ng kasalukuyang teknolohiya upang mapahusay ang medical imaging at magamit sa mga healthcare services.

Tumungo na sa yugto ng

medisina ang mga AI na kung tutuusin ay isang biyaya dahil pinapaunlad ang kakayahan ng mga AI upang tumulong sa mga gawain ng doktor at healthcare workers sa industriyang ito. Sa simpleng pag-alam ng mga diagnosis, minsa’y inaabot pa ng ilang araw bago tuluyang matukoy base sa mga sintomas kung kaya’t makatutulong ang kakayahan ng ‘generative AI’ sa mas mabilis na pagproseso ng mga data at medikal na larawan tulad ng X-ray, Magnetic Resonance Imaging (MRI), Computer tomography o CT scan at nang sa gayon ay mapabilis din ang desisyon sa paggamot. Kasabay pa ng paglago ng teknolohiya ay ang paglobo rin ng populasyon ng mga tao, kaya gayon na rin ang pagrami ng mga komokonsultang pasyente para sa pangangalagang pangkalusugan at nagiging dahilan ng kakulangan sa mga nagttrabaho bilang healthcare workers at ang kanilang

AntiFake: Ang sagipboses laban sa deepfakes

Joshielle Faye P. Guerrero

Malayo na ng inunlad ng mga generative artificial intelligence sa kasalukuyan. Mas napapadali na ang pangaraw-araw na buhay ng mga tao. Ngunit sa kabila ng mga ito, hindi mawawala ang mga mapanganib na dulot ng maling paggamit ng teknolohiya.

Isa na rito ang pagkakaroon ng isang personalized voice assistants. Bagama’t malaki ang tulong nito sa buhay ng isang tao, humahantong din ito sa paglitaw ng mga deepfakes, kung saan maaaring gamitin ang mga boses na narerecord sa panlilinlang ng tao. Isang tool na tinatawag na AntiFake ang binuo ng isang assistant professor ng computer science at engineering ng McKelvey School of Engineering sa Washington University sa St. Louis na si Ning Zhang bilang tugon sa sumisibol na banta ng deepfakes. Hindi tulad ng mga tradisyonal na deepfake detection method, ang AntiFake ay may proactive

na paninindigan. Mayroon itong mga adversarial technique upang pigilan ang synthesis na hindi makatotohanang pananalita. Tinitiyak ng AntiFake na kapag naglagay kami ng data ng boses doon, mahirap para sa mga kriminal na gamitin ang impormasyong iyon para i-synthesize ang aming mga boses at gayahin kami ,” ani Zhang. “Gumagamit ang tool ng diskarte ng adversarial AI na orihinal na bahagi ng toolbox ng mga cybercriminal, ngunit ngayon ay ginagamit namin ito upang ipagtanggol laban sa kanila. Medyo ginulo namin ang narecord na signal ng audio, pinipihit o ginugulo ito nang sapat na tama pa rin ito sa mga taong nakikinig,

pangangailan. Hindi madaling aralin at isaulo ang lahat ng mga impormasyon para sa mga gamot, operasyon at iba pang bagay na may kinalaman sa kalusugan at medisina dahil nga sapat lamang ang kapasidad ng utak ng mga tao na alalahanin at magsaulo ng mga impormasyon kaya kinukulang ang ilang ospital sa mga healthcare workers dahil limitado lamang ang kanilang kaalaman at nakatuon sila base sa kanilang napag-aralan o sa larangan na sila’y dalubhasa. Mayroong tinatawag na AI automation kung saan pinagaaralan ang mga algorithms, Natural language processing (NLP), at computer vision ng mga makina upang maproseso ang malaking kapasidad ng impormasyon at dahil dito maaaring makabuo ng model at makagawa ng sariling pagkilos o “intelligent decision-making” base sa mga datos na nakuha nito. Dito na maipapasok ang tungkol

‘‘Higit pa ang tulong ng Artificial Intelligence (AI) sa larangan ng medisina, marami itong kakayahang magagawa at kasalukuyan nang nagagawa na nakatutulong upang umunlad ang serbisyo sa medical industry at mapabilis ang proseso ng paggamot at paggaling ng mga nangangailangan.

AgTek Sarbey AgTek Sarbey

sa kakulangan sa mga nagtatrabaho, gamit ang AI automation napapabilis ang pagkilos dahil sa kakayahan ng AI na gumawa ng inuulit-ulit na gawain at sa mas maikling oras lamang, at sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng mabilis at maaasahang serbisyo ang mga nangangailangan. Higit pa ang tulong ng Artificial Intelligence (AI) sa larangan ng medisina, marami itong kakayahang magagawa at kasalukuyan nang nagagawa na nakatutulong upang umunlad ang serbisyo sa medical industry at mapabilis ang proseso ng paggamot at paggaling ng mga nangangailangan. Kailangan lamang ng masusing pag-aaral sa mga ito upang maiwasan ang pagpalya sa oras ng operasyon, ngunit kung titimbangin ay malaking kaginhawaan ang naitutulong nito sa ating mga tao, kung kaya ating yakapin ang magandang dulot nito sa pag-unlad.

ngunit ganap itong naiiba sa AI,” dagdag pa nito. Upang masiyasat ang pagiging epektibo ng AntiFake, si Zhang at Zhiyuan Yu, ang unang may-akda ng pag-aaral, ay gumawa ng tool para mas palawakin pa ang kakayahang magamit. Nakamit ng Anti Fake ang higit pa sa 95% na protection rate. Kanila rin itong sinubukan sa 24 na tao upang matiyak na ang tool ay maaring magit ng iba’t ibang populasyon. Sa ngayon, kayang protektahan ng AntiFake ang maiikling recording ng boses, na pinupuntirya ang pinakakaraniwang uri ng voice impersonation. Ngunit, naisip ni Zhang ang posibleng pagpapalawak ng mga kakayahan ng tool upang pangalagaan ang mas mahabang pag-record, o kahit na musika, sa patuloy na paglaban sa disinformation.

Binabalangkas ang AntiFake bilang isang mekanismo sa pagtatanggol na gumagamit ng halimbawang adversarial upang maiwasan ang hindi awtorisadong speech synthesis. Pinapahusay pa ng isang ensemble learning approach ang pangkalahatang proseso ng pag-optimize nito, na tinitiyak ang kakayahang ilipat sa mga hindi kilalang mga modelo ng synthesis ng mga umaatake.

heAt index, pumalo na sa danger level

dehydration at iba pa na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan.

Sa kamakailang obserbasyong inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may siyam na lugar sa Pilipinas ang makakaramdam ng matinding init, kung saan ang temperatura sa ibang lugar ay pumalo sa 4251°C na nasa danger level na. Ilan sa mga lugar na nasa danger level ay ang Cotabato City, Maguindanao (44°C); Aparri, Cagayan (43°C); Tuguegarao City, Cagayan (42°C); San Jose, Occidental Mindoro (42°C); Puerto Princesa City (42°C); Aborlan, Palawan (42°C); CBSUA-Pili, Camarines Sur (42°C); Roxas City, Capiz (42°C) at ang Panggasinan; Dagupan City (46°C).

Pinapaalalahanan ng PAGASA na ang mga residente sa mga lugar na ito na maging handa at mag-ingat laban sa mga epekto ng mainit na panahon upang maiwasan ang anumang komplikasyon sa kalusugan.

Kaugnay nito, iminumungkahi naman ng Department of Health na palaging uminom ng tubig, pag-iwas sa labis na pag-eehersisyo sa ilalim ng mainit na temperatura, magsuot ng tamang kasuotan upang maprotektahan ang sarili mula sa matinding init, at kung nakakaramdam ng pagkahilo sumangguni agad sa malapit na hospital upang maibsan ang komplikasyon sa kalusugan. “Kung tayo ay nakakita ng nawalan ng malay or palagi siyang inaantok, tumawag na tayo ng pinaka malapit na doktor o health center para puwede nating matugunan. Kasi kung hindi ito matugunan agad maaaring makamatay,’’ ayon kay Albert Domingo, OIC Assistant ng DOH Samantala, nagsagawa naman ng agarang pagsasara ng klase sa ibang lugar partikular na sa nakakaranas ng matinding init, para matiyak ang kapakanan ng mga mag-aaral at bawat sangkatauhan sa kanilang kaligtasan.

“Binigyan ng DepEd ang mga pinuno ng paaralan ng awtoridad at pagpapasya na suspindihin ang pagsasagawa ng mga in-person classes at lumipat sa alternative delivery modes (ADM) sa mga kaso ng matinding init

INIT. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng heat stroke sa bansa mas lalo na sa mga probinsya dulot ng heat index.

at iba pang kalamidad na maaaring makakompromiso sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at nonteaching personnel,” sabi ng isang ahensiya ng Department of Education.

Baguio City muling kinilala ng ASEAN-Tourism

Steven Paris at Matt Joel Agcaoili (Kalinisan)

Bibigyang parangal sa ikatlong pagkakataon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Tourism ang lungsod ng Baguio bilang “Clean Tourist City” sa bansang Laos, Enero 24.

Muling nagwagi sa ikatlong pagkakataon ang lungsod ng Baguio sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Tourism ang lungsod ng Baguio bilang Clean Tourist City matapos ang malawakang pagsusuri at inspeksyon sa siyudad. Nasungkit ng Baguio ang award na ito dahil sa pagkapasa sa pamantayang inilabas ng ACTCS na sumasaklaw sa Pamamahala sa Kapaligiran (Environmental Management), Pamamahala ng Basura (Waste Management), Kalinisan (Cleanliness), Pagbuo ng Kamalayan Tungkol sa Proteksyon at Kalinisan ng Kapaligiran (Awareness Building About Enviromental Protection and Cleanliness).

Pati na rin sa Kaligtasan sa Kalusugan at Seguridad ng Lungsod (Health Safety and Urban Safety and Security) at Imprastraktura at Pasilidad ng Turismo, (Tourism Insfractructure and Facilities). Labis namang nagpapasalamat ang City of Government ng lungsod mula sa mga tanggapan na sumuporta, tumulong at nagpanatili ng mga programa at aktibidad na nagsisiguro ng pagpasa sa mga marka sa iba’t ibang kategorya ng pamantayan tulad ng General Staff Officer (GSO), Public Information Office (PIO),

sa mga matanda at nakababata, lalo na sa mga nasa edad isa hanggang 11 taon.

Ayon sa datos na inilabas ng World Health Organization (WHO) noong 2018, may higit-kumulang 151,000 kaso ng pagkamatay sa buong mundo dahil sa pertussis habang hindi naman bababa sa 50 ang nasawi sa buong Pilipinas base sa pagtataya ng Department of Health (DOH) ngayong taon. Naitala naman ang unang kaso ng pertussis sa probinsya ng Negros Occidental kung saan dalawang taong gulang na bata ang nakumpirmang mayroon nito ayon sa resulta ng confirmatory test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Karaniwang gamot sa ubong ito ang antibiotics tulad ng Postexposure Prophylxis ngunit payo ng mga eksperto, mas mainam na magpabakuna ng pertussis vaccine. Nakatutulong rin ang booster vaccine para sa mga nakatatanda na nakararanas

AgTek Editoryal AgTek Editoryal
DefyDeception
At Teknolohiya 16
Agham
at Baguio City Police Office (BCPO). Magaganap ang awarding ceremonies sa Lao PDR sa Enero 26, 2024, at ang mga nanalong lungsod ay tatangap ng Certificate of Appreciation at plake na may tatak na ASEAN Clean Tourist City 2023. Itataas rin bilang ‘Hall of Famer’ ang lungsod ng Baguio sa susunod na taon dahil sa sunod-sunod na pagkapanalo nito sa Clean Tourist City Award, simula noong 2020. mula sa unsplash at mb.com.ph STEVEN PARIS Maraming nagsasabi na ang normal na ubo ay nadadaan lamang sa mga gamot tulad ng Neozep, tuseran forte at iba pang mga medisina para maagapan ito. Ngunit ano ang katiyakan na ang tumitinding ubo ay walang kaakibat ng mas matinding kapahamakan? Mabilis na kumakalat, nakamamatay at hindi madaling mapigilan, ito ang mga katangian ng isang sakit na muling sumagapa at lumaganap na siyang nagdala ng panibagong pangamba sa maraming Pilipino. Ito ang sakit na pertussis o mas kilala bilang whooping cough. Ang pertussis ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bakteryang Bordetella o mahinang ubo na unti-unting lumalala na nakaaapekto
Lumalalang Ubo, matinding pertussis ang kaso
matt agcaoli at steven paris
Agham At Teknolohiya 17
Dahil sa patuloy na pag-angat ng temperatura sa Pilipinas, marami ang naapektuhan at mas lalong tumaas ang mga kaso ng heat stroke, heat exhaustion, MULA SA FREEPIK Coleen Hidalgo Dibuhista STEVEN PARIS at Matt agcaoili

Adiwang, kumidlat sa ONE Friday Fights 34

trisha mae enkiwe

Sumiklab si ONE Championship strawweight MMA contender Lito “Thunder Kid” Adiwang ng Team Lakay sa ONE Friday Fights 34 laban kay Adrian “Papua Badboy” Mattheis sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand, Setyembre 22. Matagumpay na inuwi ni Adiwang ang kampeonato sa nasabing torneo matapos bumalik sa 18-buwan na pagiging inaktibo mula noong Marso 2022. Pinatumba ni Adiwang si Mattheis sa unang ng 23-segundo ng unang round via technical knockout.

“I really wanted my comeback to be spectacular,” ani Adiwang sa isang post-game interview ng ONE Championship.

Dagdag pa niya, matapos ang kaniyang hiatus ay bumalik ang kumpiyansa niya sa sarili at itinatatak niya na magaling siya sa kanilang dibisyon.

“I heard a lot that ‘oh you will get knocked out with our guys’ no, no, I really truly believe deep inside

me that just had a bad year last year and now really believe that I’m the best striker in our division so I just kept that inside me and showed it inside the ring now” saad niya. Ayon din sa kaniya, handa niyang hamunin ng rematch si Jarred “monkey god” Brooks na tumalo sa kaniya noong 2021 ng isang rematch.

Sunod namang makakaharap ni Adiwang sa Nobyembre 3 ang kapwa Pilipinong si Jeremy “The Jaguar” Miado na mula sa Albay para sa muli nilang pagtutuos ONE Fight Night 16.

Humanista’s, pumalo para sa kampeonato

Naglalagablab na palo ang pinakawalan ng mga Humanities and Social Science (HUMSS)

Volleyball Boys Team laban sa Accountancy, business and management (ABM) at Sports and Arts and Design (SPARTAN) Track sa naganap na Sports Fest 2023 sa gymnasium ng Baguio City National High School (BCNHS), Nobyembre 7-17.

Sina Lance Pasion, Edward Corpuz, Dharren Loquio, Gadwyen Sison, Gian Fongafong, at Rj Ramos ang mga nagrepresenta sa HUMSS

Volleyball Boys Team na kung saan naganap ang kanilang unang laro laban sa ABM noong Nobyembre 10.

Mula sa pahina 20 Nakapagtala ang STEM ng 329 kabuoang puntos; sumunod naman ang Sports-Arts na may 322 puntos; HUMSS na may 254 puntos; TVL na may 247 puntos; at ABM na may 213 kabuoang puntos.

“Yung effort at skills ng mga players, teamwork ng mga teachers at students atsaka encouragement ang tumulong sa STEM na manalo,” ani Sir Alvin Gayados, head coordinator ng team STEM.

Matatandaan din na nagwagi ang nasabing strand noong nakaraang taon sa parehong patimpalak.//

BCNHS Boys Volleyball team, inabot ang ginto matapos durugin ang kalaban sa Palarong panglungsod

Ivan Nhiel Mapalo

Nilampaso ng Baguio City National High School (BCNHS) Boys Volleyball team ang lahat ng kanilang nakaharap para mahablot ang gintong medalya sa naganap na Palarong

Panlungsod Volleyball Boys Secondary mula Pebrero 9 at 10. Isa-isa nilang itinumba ang University of Baguio, Saint Louis School, Eastern Naguillian High School Guisad National High School at Rizal National High School.

Ayon kay Rhylle Aenzlei Rimando, team captain ng koponan ay naging secret weapon nila ang coaching strategy ng kanilang coach na si Roxanne Perdido na nagtulak sa kanila sa kampeonato.

“Yung sinasabi niya kasi sa amin, para sa amin din at para maipanalo namin ‘yung game. Tapos kung ginagawa namin ‘yung mga suggestions niya, doon kami nagkakapuntos at doon din kami nananalo,” ani Rimando.

Dagdag pa niya, naging puso rin ng kanilang koponan ang middle blocker nilang si Kendrick Keith Mendoza

na sa kasamaang palad ay nainjure sa kanilang huling game at kinakailangang magpahinga ng dalawang buwan.

“’Yun ‘yung core namin, siya rin ‘yung isang nag-lelead kung wala ako,” saad muli ni Rimando.

Ayon naman kay Perdido, kinailangan nila ng masusing pagsasanay upang masungkit ang panalo sa bawat laro.

“Ang nangyari kasi sa setup ng players is mix siya ng grade eight hanggang senior high so kailangan namin talagang magtraining na lahat kami ay kumpleto kaya nag-iischedule talaga kami ng overtime training and then nagkaconduct din kami ng mga tune-up games na gaya nito kung saan may mga other teams from other places,” ani Perdido.

Dahil dito, kuwalipikado ang BCNHS Boys Volleyball team para sa magaganap na Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet na gaganapin sa Apayao mula Abril 15 hanggang 19.

Xandra Bautista

matitinding palo at tinapos ang ikalawang set sa iskor na 6-15 na siyang nagbunsod ng kanilang pagkapanalo at pag-arangkada sa susunod na laro.

Sunod namang nakalaban ng mga ito ang SPARTAN noong Nobyembre 15.

Naging maalab ang kanilang laro sa unang set dahil parehong umaapoy na spike at mababangis na service ang inilalabas ng dalawang koponan ngunit mas nanaig pa rin ang manlalaro ng HUMSS na tinapos ang unang set sa iskor na 8-15.

Nagbitaw naman ng magagandang service sina Corpuz at Sison na dahilan para matambakan ang SPARTAN at hindi na tuluyan pang makabawi. Natuldukan ang ikalawang set sa iskor na 5-15 at hinirang na kampeon ang HUMSS.

Tinambakan agad ng malalakas na spike ng koponan ang ABM Boys sa unang set at nagtapos ito sa iskor na 15-5.

Sinubukang humabol ng ABM sa ikalawang set ngunit hindi nila ito hinayaan sa pangunguna ni Corpuz na siyang nagbigay ng

“Masaya kami kasi nakaya namin talunin yung ibang strands kahit medyo nakaka-pressure,” ayon kay Pasion.

Pinaghahandaan naman nina Pasion, Sison, Loquio ang magaganap na championship sa BCNHS Intramurals.//

STEM, ABM strand nanguna sa Chess

Hannah Coleen Hidalgo

Nasungkit nina Prince Jaren Dulay ng Grade 11 STEM B at Jackieline Baroy ng Grade 12 ABM 3 ang gantimpala sa larong Chess sa isinagawang Sports Fest ng Baguio City

National High School, Nobyembre 7. Nanguna si Baroy sa female category at waging natamo ang limang puntos laban sa pitong iba pang kalahok. Nagkaroon naman ng tie-break sa male category sina Dulay at ang nakatunggaling si Rashid Andrei Partible na kung saan nagwagi naman dito si Dulay at nakakuha ng panghuling limang puntos.

“Magkakaroon po ng laban sa district meet. Pinaghahandaan namin ito sa pamamagitan ng mas masinsinang pagsasanay at pag-aaral ng iba’t ibang opening, strategies, at tactics sa chess,” ani Dulay.

Taon-taong idinaraos ang Sportsfest na nilalahukan ng mga estudyante ng Senior High School mula sa BCNHS.//

coleen hidalgo

GALAW NG KAMPEON. Maingat na paggalaw at pag-atake sa piyesa ang ginawa ni Princeof Jaren Dulay ng STEM upang magwagi sa larangang Chess sa Senior High Sports Fest sa BCNHS.

Mula

20 at Wushu. “My goals always when I compete is to beat myself, to become a better person. I don’t expect to win all the time, I just enjoy the games, but I’m still surprised when I win,” ani Chass Mhaiven Colas, BCNHS Archer na nakapana ng limang ginto, isang pilak, at isang tanso, sa isang panayam mula sa Philippine News Agency. Matatandaang nanguna rin ang lungsod ng Baguio sa medal tally noong Batang Pinoy 2022.//

STEMISTA, tinumba ang SPARTAN 2-1

Xandra Bautista

Sumipa para sa panalo sina Franz Samidan, Ryan Bomosao, at Raven Galang mula Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand matapos matalo ang Sports at Arts and Design (SPARTAN) sa naganap na Men’s Sepak Takraw bilang bahagi ng Sports Fest sa Baguio City National High School (BCNHS), Nobyembre 7.

Nahirapan sa unang set na kalabanin nina Samidan, Bomosao, at Galang ang SPARTAN dahil sa malakabayong mga spike at sipa na kanilang pinakawalan na nagrason para makamit ng SPARTAN ang unang puntos sa unang set sa iskor na 15-9. Nakabawi naman ang mga ito sa ikalawang set matapos nilang tambakan ang SPARTAN sa pamamagitan ng pagbibigay ng mababangis na sipa at depensa. Hindi na hinayaan nila na makabawi pa ang SPARTAN at tuluyan na nilang tinuldukan ang laro sa iskor na 2-1.

Ito rin ang kauna-unahang Sportsfest kung saan napabilang ang larong Sepak Takraw.

“Masaya ‘yong naging laro since na challenge kaming lahat and one reason kaya siguro kami nanalo was because of our teamwork and determination since our goal is to win and siyempre good communication rin sa mga ka-teammates ko,” ayon kay Samidan.

“First time kasing may larong Sepak Takraw sa Sports Fest, halos wala masyadong naglalaro sa STEM strand kaya medyo nahirapan kami kalabanin ang Sports and Arts strand,” dagdag pa ni Samidan.//

Eala, tinapos ang uhaw ng Pilipinas

trisha mae enkiwe

Asintado

MSIPA. Nakamit nina Franz Samidan, Ryan Bomosao, at Raven Galang ng STEM ang kampeonato laban sa SPARTAN sa Sepak Takraw, 2-1.

BCNHS Intramurals

2023: Isang dismaya sa bagong sistema

Lowen Cryle S. Lagmay

alaking pagkadismaya at paninibago sa mga magaaral ng Baguio City National High School (BCNHS), tulad ko, ang bagong sistema ng Intramurals ngayong taon sa kadahilanang nagmistula lamang itong ‘for the sake of compliance.

Opisyal nang binuksan nitong Nobyembre 30 ang 2023 Intramurals ng BCNHS na dinaluhan ng iba’t ibang manlalaro mula sa iba’t ibang baitang. Kabilang sa mga tuntunin ng programang ito ang pagganap ng mga laro tuwing pagkatapos ng klase lamang dahil sa ‘No Disruption of Classes Policy’ at ang pag-akomoda lamang ng mga indoor sports. Bilang isang mag-aaral na laging inaabangan ang Intramurals, masasabi kong walang kabuhaybuhay ang Intramurals ngayong taon sapagkat hindi tulad noon na may isang buong araw na hindi papasok sa klase sapagkat dito gaganapin ang opisyal na pagbubukas, ang

mga laro, at ang awarding na matutunghayan ng lahat ng mga mag-aaral sa paaralan. Itinuturong rason ng karamihan ang No Distraction of Classes Policy kaya tuwing uwian na lamang ginaganap ang mga laro, kaya minsan ay pinipili ko na lamang na umuwi agad pagkatapos ng klase sa halip na manood dahil alas-quarto ang aming uwian at kung manonood pa ako, magagabihan na ako ng uwi. Sa kalagayang ito, nailalagay ko na lamang ang aking sarili sa kapahamakan. Sa aking pagkakaalam, isang layunin ng Intramurals ang pagbubuklod-buklod sa mga magaaral upang sabay-sabay na magsaya at magkaroon ng ‘sportsmanship’

ngunit sa kalagayan ng Intrams ngayong taon, sa tingin ko’y hinding-hindi ito makikita sa lahat ng mga mag-aaral sapagkat tanging ang mga manlalaro lamang ang magsasaya. Sa katunayan, ginagamit na rin ito ng mga mag-aaral bilang ‘escape route’ sa stress at pagod na dala ng school activities. Ginagamit nila ang araw na ito upang maglibang, matuto ng iba’t ibang isports kahit tagapanood lamang, at makasalamuha sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang. Ngunit sa bagong sistema ng Intrams ngayon, malubhang makakakita pa ako ng mga magaaral na talagang nasisiyahan dahil dito. Parang mga mag-aaral na stress pa rin sa pag-aaral ang tiyak kong matutunghayan.

Winakasan ni Alex Eula ang 17 taon na medal drought ng Pilipinas sa larangan ng tennis nang nasungkit niya ang dalawang tansong medalya sa ginanap na 19th Asian Games Olympic Tennis Centre sa Hangzhou, China, Setyembre 28. Bagama’t nanaig sina

Liang En-Shuo at Huang Tsung-hao ng Taiwan laban kina Eala at kasama nitong si Francis Casey Alcantara, gold medalist sa 2019 SEA Games, napagtagumpayan pa ring maiuwi ng mga manlalarong Pilipino ang ika-limang tanso ng Pilipinas sa Asian Games.

Muling babalik si Eala sa Spain upang magensayo habang si Alcantara naman ay pupunta sa Guangzhou, China upang maglaro doon ng tatlong araw.//

Ayon sa kanilang dalawa, masaya sila dahil nawakasan nila ang medal drought ng Pilipinas sa Tennis sa nasabing patimpalak. Huling nagkaroon ng gantimpala sa nasabing torneo ang bansa noong 2006 nang nakasungkit si Cecil Mamiit ng tanso sa men’s singles at men’s doubles kasama si Eric Taino.

Kung ating mamarapatin, hindi naman masama na mabago ang dating sistema ng programang ito ngunit bigyang pansin din natin at siguraduhing na matutugunan pa rin ang mga layunin nito

Ayon kay Laraine Ferer at Zoila Coyapyap, mga manlalaro ng sepak mula 11-Sports A, “Para sa amin, sakto lang naman itong Intrams ngayon kasi, hindi naming makakalaban ang mga talagang magagaling sa specific na sports gaya na lamang sa sepak, parang medyo hindi kami gaanong mahihirapan

sa pakikipaglaro dahil alam naming kapantay lang namin ng galing iyong mga makakaharap naming sa laro, pero kahit na ganoon, medyo nalulungkot pa rin kami kasi hindi talaga ramdan ng buong school itong Intrams dahil parang kaming mga maglalaro lang ang magsasaya.” Isa namang nakatutuwa sa Intrams ngayon ay ang hindi pagsali ng mga manlalarong forte ang isang isports dahil sa paraang ito, mabibigyan ng pagkakataon ang iba na makapaglaro naman. Kung tutuusin, maganda ring ganito ang ginawa nila ngunit, iba pa rin talaga ang manood ng laro na sobrang dikit na ng laban dahil nasa magkabilang grupo ang mga magagaling na manlalaro.

“Kaya ganito ang Intrams natin ngayon dahil na rin sa mga biglaang pagsulpot ng mga activity sa school natin gaya na lamang iyong Division na Galaw Pilipinas. Kaya nagsabay-sabay na naman ang mga activity sa school natin ngayon kaya hindi ko rin sila masisisi kung bakit ganoong ang ating Intrams ngayon pero, iba pa rin iyong nakikita mong lahat ng estudyante mo ay nakangiti kahit hindi sila kasali sa mga laro kasi sila ‘yong mga taga cheer ganun. Kaya mas masaya pa rin talaga ‘yong dati,” ani Ma’am Cecile Kelly, facilitator sa Intrams ngayong taon. Hindi nga naman talaga masisisi ang mga nasa kinauukulan kung bakit ganoon ang ginawang sistema ng Intramurals ngayon. Ang

mag-aaral pati na rin ng mga guro. Kung ating mamarapatin, hindi naman masama na mabago ang dating sistema ng programang ito ngunit bigyang pansin din natin at siguraduhing na matutugunan

isports 18
sa akin lang, sana man lang pinag-isipang maigi ang pag-iskedyul ng Intrams hindi iyong hinahayaan na lamang na maidagdag pa ito sa maraming mga aktibidad na ginagawa ang mga
pa rin ang mga layunin nito na kung saan, hindi lamang bilang na magaaral ang natulungan ng programa kundi lahat sana ng mga mag-aaral ay mabigyan naman ng pagkakataon upang matuto at magsaya rito. Iyong tandaan na kung ipagkakait ang iyong sariling kasiyahan, tiyak na ang iyong inaasam-asam na kinabukasan ay malabo mo nang masisilayan.// isports 19
BAGUIO... sa pahina hannah
STEM..
webpage ng abs-cbn
PAMATAY SUNTOK. Malakidlat na mga su ntok ang pinakawalan ni Lito “Thunder Kid” Adiwang para mapatumba si Adrian “Papua Badb oy” Mattheis sa ONE Friday Nights. MALAKABAYONG raztine rubie picpican
NATIONAL INTERNATIONAL
KAMPUS KAMPUS
ATAKE. Matagumpay na nakamit ni Alex Eala ang dalawang tansong medalya sa 19th Asian Games Olympic Tennis Centre. FB PAGE NG LIVE ON TV RAZTINE RUBIE PICPICAN
ALERTONG

HUSAY AT GALING. Ipinamamalas ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand and kanilang galing at talento sa iba’t ibang katergorya ng isports sa ginanap na Sportsfest 2023, dahilan para matalo nila ang ibang strand at tanghaling over-all champion.

BATANG PINOY 2023

Baguio City, sinikwat ang unang puwesto

Trisha Mae Enkiwe

Napasakamay ng lungsod ng Baguio ang unang puwesto laban sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa buong Pilipinas sa naganap na 2023 Batang Pinoy sa Rizal Memorial Sports Complex at Philsports Complex, Disyembre 16 hanggang Disyembre 20.

Nanguna sa medal tally ang lungsod ng Baguio na nakapagtala ng 82 na ginto, 52 na pilak, at 59 na tansong medalya at sinundan ng lungsod ng Pasig na may 57 na ginto, 56 na pilak, at 74 na tanso at lungsod ng Davao na may 47 na ginto, 50 na pilak, at 39 na tansong medalya.

Sumalang sa iba’t ibang mga larangan ang mga atletang mula

sa Baguio City gaya ng Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Basketball, Boxing, Chess, Cycling, Dancesport, Football, Gymnastics, Judo, Karatedo, Kickboxing, Lawn Tennis, Muay Thai, Pencak Silat, Sepak Takraw, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Beach Volleyball, Weightlifting, Wrestling, Sundan sa pahina 19

19th Asian Games:

EJ Obiena, inuwi ang gintong medalya

Jamaica Ramirez

Nasungkit ng Pilipinong pole vaulter na si Ej Obiena ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China, Setyembre 30.

NAGPAMALAS NG GALING. Nagpakitang gilas ang 14-year-old Cordilleran na si Alessandra May Arevalo Maquilan sa naganap na 9th World Kung-Fu Tilt sa Sichu matapos mag-uwi ng isang tanso at pilak na medalya.

9th World Kung-Fu Title:

Atleta mula sa Baguio, nag-uwi ng medalya

Sumungkit ng dalawang medalya ang 14-year-old Cordilleran na si Alessandra May Arevalo Maquilan sa naganap na 9th World Kung-Fu Tilt sa Sichu-an Province sa China, Agosto 23-28.

Nakamit ni Arevalo ang silver medal sa 42 steps Tai Ji Quan at bronze sa 42 steps Tai Ji Jian sword.

Naghakot din ng medalya ang iba pang miyembro ng Philippine team na pinangunahan ng dating South-East Asian Games

Gold Medalist Daniel Parantac.

Nakakuha sina Giovanni

Moses Lim ng Gold medal sa Tang

Quan at si Tate Mathew Chuang naman ng dalawang silver sa Chen

Style Group D at Chen Style Taiji

Jian sa kabuoan na 1 gold, 3 silver at 1 bronze medal.

“It is okay, though very challenging and I am happy that in just a year, I was able to produce an international medalist,” ani Parantac. Bagama’t nakapagambag na si Arevalo, hindi pa siya tuluyang miyembro ng Philip-pine team dahil sa kaniyang pag-aaral.

“I am hoping to produce more athletes who will produce in international competitions” dagdag pa ni Parantac.//

Nagpakitang-gilas si Obiena matapos makapagtala ng 5.75m sa Hangzhou Olympic Sports Center Stadium matapos ang dalawang pagtatangka.

Matagumpay na naabot ni Obiena ang 5.90m sa isang subok lamang.

“I didn’t want to stop at 5.90,” ani nito sa isang report mula sa pahayag ng olympics.com.

SPORTS FEST 2023:

Nagpasalamat si Obiena sa mga sumuporta sa kaniya nang ipinilit niyang huwag tumigil at ipagpatuloy ang laban kahit na siya ay nabigo.

“I’m excited to take this medal, put it on a shelf, but I would have liked to hit a record in front of an Asian crowd. That would have been amazing,” saad ni Obiena.//

STEM strand, nadepensahan ang kanilang titulo

Allanson Samson

Muling ibinandera ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ang kanilang pangalan sa iba’t ibang laro sa naganap na Sports Fest ng Baguio City National High School (BCNHS), Oktubre 7-17.

Naglabanan ang mga Senior High students sa iba’t ibang isports kung saan pinangunahan ng STEM ang kompetisyon sa women’s basketball, sepak takraw, billiards, Cariñosa, table tennis, at bunongbraso.

“Nung una, na-pressure talaga ako kasi nakasalalay sa performance namin yung win,

pero nung in-announce na, I felt very happy and obviously proud sa aking mga teammates, “ ani Jonalyn Sapling, center position sa basketball girls.

18

HAKOT MEDALYA. Umasinta ng anim na gintong medalya at isang pilak na medalya ang archet na si Chess Mhaiven Colas sa naganap na Batang Pinoy at Philippine National Games 2023.

BATANG PINOY 2023:

City Higher archer, umasinta ng medalya

Naghari muli ang perennial winner archer na si Chass Mhaiven Colas sa naganap na Batang Pinoy 2023 at Philippine National Games 2023 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Nasungkit ng 14-years old na si Colas ang limang gintong medalya sa 30-meter, 40-meter, 60-meter, 1440 FITA, at sa Olympic Round.

Isang pilak na medalya naman sa 50-meter at isang tansong medalya sa team event.

“Overall happy and relieved kasi worth it lahat ng pagod ko sa training at worth it rin mga sacrifices ko at ng parents ko,” ayon kay Colas. Davdag pa sa niya, bago pa siya maging miyembro ng Special Program in the Sports (SPS) ng BCNHS bilang archer, grade 3 pa lamang ay nagsisimula na siya sa tulong ng kaniyang kuya na si Renian Nawew na miyembro ng Philippine Archery Team. Paghahandaan naman ni Colas ang magaganap

GINTO PARA SA BAYAN. Napasakamay ng Pilipinong pole vaulter na si Ej Obiena ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa naganap na 19th Asian Games sa China. Sundan sa pahina MIDLAND COURIER PHILSTAR WEBPAGE
ISPORTS
RAZTINE RUBIE PICPICAN
mga
MIDLAND FB PAGE XANDRA BAUTISTA AngBagiw
na
district, city, at regional meets.
TOMO 79 ISYU 1 SETYEMBRE HANGGANG MAYO 2024 OPISYAL NA PAHAYANG FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG LUNGSOD NG BAGUIO-CAR
nhiel ivan mapalo Totoong balita Tunay na pagbabago

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.