An Hibatang Tomo II Isyu I

Page 1

hibatang

Agosto 2023 - Pebrero 2024

Tomo II, Isyu I

PINAS, KULELAT PA RIN SA PISA

Rose Nhiel Ann Aranjuez ment o OECD para sa mga estudyanteng edad 15.

Nasa hulihan pa rin ang Pilipinas sa Mathematics, Reading, at Science kumpara sa ibang mga bansa matapos inilabas ang resulta ng PISA o Programme for International Student Assessment 2022 noong ika-5 ng Disyembre 2023.

Lumabas sa resulta na nasa ika-77 ang Pilipinas mula sa 88 na bansang sumubok sa student assessment na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Develop-

Makikita sa student assessment na nakakuha ang bansa ng humigitkumulang 120 puntos na mas mababa kaysa sa karaniwang mga marka. Ang nakuhang marka ng Pilipinas ay 355 sa Mathematics, 347 sa Reading, at 373 sa Science.

Taong 2018 nang unang lumahok ang Pilipinas sa PISA at ang lumabas na resulta ay hindi mailalayo sa resulta

ng PISA 2022. Sa 79 na bansang nakilahok sa PISA 2018 ay nasa hulian ang Pilipinas na mayroong 340 na marka sa Reading, 353 sa Mathematics, at 357 sa Science.

Samantala, ayon naman sa inilabas na pahayag ng Department of Education o DepEd sa mga mamamahayag, ang mahinang ipinakitang performance ng Pilipinas sa PISA 2022 ay nagpapakitang lima hanggang anim na taon nang lag ang learning competencies sa bansa.

Pagkalunod sa Pagkatuto

Maraming ginagawang solusyon ang gobyerno ngunit wala pa ring nangyayaring pagbabago. Patuloy ang pagkalunod ng mga estudyanteng babad na masyado sa kaalaman at aralin ngunit wala namang nakikitang pag-unlad.

Tambak na ang

ginagawang aksyon ng mga nasa itaas para sa mga es-

tudyanteng nangangailangan ng tulong at pag-angat.

Maraming aksyon at solusyon na siyang mas tila nagpapahirap sa mga estudyante.

Hangang saan nga ba aabot ang pagtitiis ng mga mag-aaral? May pag-asa pa bang maabot ang tulong na kanilang kailangan upang makamit ang kaginhawaan?

BALITA Attendance monitoring tuwing Catch-up Fridays, mas pinaigting 02 EDITORYAL Panigan ang Kapayapaan: Palayain Palestineang 06 LATHALAIN11 Bagong Pilipinas, Bagong Luksa: Mga Ipinangakong Prinsipyo at Salita AGHAM 14 Agham mo ba? ISPORTS 18 Paglalakbay ni Ostaya: Bola Patungong Pangarap
Kimboy Sildo TUNGKOL SA PABALAT i-scan para sa iba pang balita Ang opisiyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Oquendo National High School --- Departamento ng Filipino.
DIBUHO |

Attendance monitoring tuwing Catch-up Fridays, mas pinaigting

Mary Rose Lacaba

Mas pinaigting pa ang pagmo-monitor ng attendance ng mga estudyante ng Oquendo National High School tuwing Catch-up Fridays matapos kinitaang may iilang lumiliban tuwing Biyernes.

Dahil dito, gumawa ng iba’t ibang paraan ang paaralan at mga guro upang masubaybayan ang attendance ng mga estudyante tuwing Catch-up Fridays.

May mga gurong

nagbibigay ng additional points sa mga estudyanteng pumapasok habang hinihingian naman ng rason ang mga lumiliban.

Isang hakbang din na ginagawa ng paaralan ay ang pag-ikot ng guidance advocate na si G. Raymund Constantino kasama ang school disciplinarian na si G. Chrisanto Potoy tuwing Biyernes sa bawat silid-aralan upang magsagawa ng attendance checking na kung

saan ang makitang lumiban sa Catch-up Fridays ay kinakailangang kumuha ng admission slip sa Guidance Office at ibigay sa kanilang advisers upang makapasok sila pagdating ng Lunes.

Samantala, ilan sa mga naging rason ng pagliban ng nga estudyante sa Catch-up Fridays ay dahil sa pagkakasakit, kawalan ng pinansyal, at ang iba naman ay dahil hindi ito graded.

Kinitaan naman ng pagtaas ng bilang ng attendance ng mga estudyante matapos isinigawa ang mga nasabing pamamaraan.

Ang Catch-up Fridays ay nakatuon sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Reading Comprehension, Values, Health, at Peace Education. Matatandaang nagsimula ito noong buwan ng Enero 2024 sa buong Pilipinas.

Bigay-pera sa eleksiyon, wala pa ring tigil

Rose Nhiel Ann Aranjuez

Walang tigil at patuloy pa rin ang bigayan ng pera sa nagdaang Baranggay at Sangguniang Kabataan Eleksyon noong Oktubre 2023.

Sa isang panayam ng

An Hibatang sa isang tumakbong SK Kagawad na si Alyssa (hindi tunay na pangalan), naglabas ang isang partido ng malaking halaga para ibigay sa mga tao sa kanilang baranggay.

Ayon pa sa kaniya, ang perang natanggap ng

bawat isang tao sa kanilang lugar ay umabot sa 1,500 piso. Ang mga bumoto sa Baranggay ay nakatanggap ng 1000 piso kada tao habang ang mga bumoto naman para sa Sangguniang Kabataan ay nakatanggap ng 500 piso. Dagdag pa niya, may nakahanda rin silang pera na pandagdag kung sakaling kulangin.

Ang sitwasyong ito ay isang halimbawa ng isyung hindi matapos-tapos, ang vote buying—kung

saan ang mga kandidato ay nagpapalakihan ng ilalabas na pera upang manalo.

Noong ika-27 ng Oktubre 2023, kinumpirma ng Commission on Elections ang tungkol sa pagkakaroon ng higit sa 100 kaso sa Pilipinas ng mga kandidatong sangkot sa isyung pagbili ng mga boto.

Samantala, isa sa nakikitang dahilan ng pagbibili ng boto ay ang kahirapan sa buhay. Ayon sa isang botanteng

Samar, nanguna sa may pinakamataas

na inflation rate sa Eastern Visayas

Nanguna sa may pinakamataas na inflation rate sa buong Eastern Visayas ang Samar na mayroong 5.6% rate ayon sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang Facebook page nitong ika-16 ng Pebrero.

Ang Samar ang nagpakita ng may pinakamataas na IR sa nagdaang buwan kumpara sa ibang probinsya ng rehiyon.

Bagamat lumiit ang inflation rate ng Samar mula sa 6.6% noong Disyembre 2023 hanggang sa 5.6% sa Enero 2024 ay nanatili naman itong una sa buwan ng Pebrero.

Sumunod sa Samar ay ang Biliran na kung saan ay may 4.9% rate, Northern Samar na may 4.0%, Eastern Samar na may 3.5%, at Leyte na may 3.3% rate.

Ang Tacloban City na kilala bilang Highly Urbanized City ay mayroong 3.2% rate at nasa huli naman o may pinakamababang rate ay ang Southern Leyte na mayroong 2.6% rate.

Samantala, lumiit naman ang inflation rate ng buong Eastern Visayas sa Enero 2024 na may 3.8% mula sa 4.3 % noong Disyembre 2023.

Calbayognon na si Romar (hindi tunay na pangalan), ang pagtanggap nila ng pera ay ang tanging alam nilang sagot sa kanilang mga pangangailangan. Nang dahil sa kahirapan, napipilitan silang tumanggap ng pera.

Sa huli, tunay ngang hindi maipagkakaila na ang higit na pinupuntirya ng mga kandidato ay ang mahihirap na madali nilang makukuha sa pera.

PILIPINAS
Ika SA 167 NA BANSA SA DEMOCRACY INDEX 2023 London-based think tank Economist Intelligence Unit (EIU). Source: Nagpapakita ito na ang Pilipinas ay nananatiling isang “flawed democracy”.
53 02 balita
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I
Larawan mula kay Lovely Balonzo Larawan ng mga mag-aaral ng ONHS sa unang araw ng Catch-up Friday, Enero 12, 2024.

balita

ONHSians, wagi sa 2nd PITIK Photography Contest

Hindi nagpahuli at waging nakuha ni Mark Christopher Villegas, mag-aaral sa Oquendo National High School, ang unang pwesto sa 2nd PITIK Photography Contest Amateur Category na ginanap noong ika-12 ng Oktubre 2023 kasabay sa naganap na Grand Drum Corps Competition na isa sa bahagi ng pagdiriwang ng Charter Day ng Calbayog City.

Inilabas ang resulta noong ika-27 ng Oktubre 2023

sa Facebook Page ng nangasiwa sa patimpalak na City Arts and Culture Office Calbayog.

Samantala, kasama rin sa top 15 ang isa pang estudyante ng ONHS na si Rafael Jose Rowell Toring. Nakatanggap ng 10,000 pesos si Villegas habang nakatanggap naman ng 1,500 pesos si Toring bilang premyo sa nasabing patimpalak.

Ayon kay Villegas, hindi niya inaasahan ang resultang

Rose Nhiel Ann Aranjuez

lumabas dahil unang-una ay hindi niya naman hilig ang kumuha ng mga larawan at sinu bukan niya lamang ang sumali sa patimpalak na walang ibang iniisip kung hindi ang magsaya.

Ayon naman kay Toring, katulad din kay Villegas ay hindi niya inaasahang makakasali siya sa top 15 sapagkat ang lahat ng larawang kinuha niya ay hindi niya nagustuhan na siyang naging dahilan upang hindi niya maisip ang pagkapanalo.

ONHSians, nakiisa sa 236k Trees: A Christmas Gift for the Children 03

Nakiisa ang mga piling guro sa ONHS at mga piling opisyales ng Youth for Environment in School Organization (YES-O), Supreme Secondary Learner Government (SSLG), at National Eco-savers Program (NEP) sa 236k Trees: A Christmas Gift for the Children—tree planting program noong ika-6 ng Disyembre 2023 na ginanap sa likod ng Oquendo National High School.

Ang 236k Trees: A Christmas Gift for the Children ay isang tree planting

Myla Abarico

program o ang pagtatanim ng mga puno na nilahukan ng halos 47,676 na pampublikong paaralan sa Pilipinas.

Ang programang ito ay naglalayong maipreserba at mapangalagaan ang ating kalikasan, ito rin ay magsisilbing regalo ng Departamento ng Edukasyon para sa mga kabataan upang masiguro ang kalinisan, preskong hangin, at kulay berdeng kapaligiran—na kanilang maaabutan at matatanaw sa hinaharap.

ONHS Drum and Lyre Corps, nagpakitang-gilas sa kalsada ng Calbayog

CALBAYOG CITY, SA-

CALBAYOG CITY, SAMAR—Matagumpay na nairaos ng Oquendo National High School

National High School ang mahaba-habang at nakipagsabayan sa pito nagmula pa sa iba’t ibang

Drum and Lyre Corps ang mahaba-habang parada sa kabila ng matinding init ng araw at nakipagsabayan sa pito pang mga manlalahok na nagmula pa sa iba’t ibang paaralan ng Calbayog noong ika-12 ng Oktubre 2023.

Bago ang aktuwal na pagtatanghal para sa Drum and Lyre Corps Competition ay nagkaroon muna ng parada kasama ang lahat ng mga kalahok kabilang na ang ONHS sa lungsod ng Calbayog.

wal na pagtatanghal para muna ng parada kasama hok kabilang na ang ONHS

Myla Abarico

Myla Abarico

Ang pagkakaroon ng parade at Grand Drum Corps Competition ay bahagi ng selebrasyon para sa 75th Charter Day ng Calbayog noong ika-16 ng Oktubre apat na araw pagkatapos ng patimpalak.

Matapos ang mahaba-habang parada, dumiretso namang nagpakitang gilas ang mga manlalahok kabilang na ang ONHS Drum and Lyre Corps sa oval ng Northwest Samar State University o NWSSU para sa isang eksibisyon.

Hiyawan at palakpakan ang namayani sa buong oval matapos maibida ng mga kalahok ang kani-kani-

lang mga angking galing sa pagtugtog, pagkembot ng mga minorette at iba pang mga pasabog kabilang na ang ONHS.

Napahiyaw at napaiyak naman sa tuwa ang mga manlalahok na nagmula sa ONHS matapos matawag at masungkit ang ikalimang puwesto at makakuha ng cash prize na 20,000 pesos.

Sa huli, dahil sa matagumpay na pagsungkit sa ikalimang pwesto, nakasali muli ang ONHS Drum and Lyre Corps sa parada na parte pa rin ng pagdiriwang sa 75th Charter Day ng lungsod.

Larawang Kuha ni Myla Abarico Larawang Kuha ni Zack Lorenz Barandino
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I
Larawan mula kay Joekim Casiño Mga opisyal ng YES-O at SSLG kasama ang ibang mga guro sa ONHS, sa kanilang pakikiisa sa 236k Trees: A Christmas Gift for the Children noong ika12 ng Oktubre 2023. Larawan ni Rafael Jose Rowell Toring (kaliwa) at Mark Christopher Villegas (kanan) sa City Arts and Culture Office matapos makuha ang kanilang premyo sa 2nd Pitik Photography Contest.

Welcome and turn-over ceremony para sa bagong principal, idinaos 04

OQUENDO POBLACION— Idinaos nito lang ika3 ng Enero 2024 ang welcome and turn-over ceremony bilang bahagi sa pagtatapos ng termino ng punonggurong si G. Christopher

D. Salino at unang araw at flag ceremony ng incoming Principal na si Gng. Maria Luz C. Murillo, sa parihabang kurto ng Oquendo National High School.

Ang programa ay sinimulan sa pamamagitan ng isang bonggang welcome performance ng drum corps—ito’y pagpapakita ng kanilang mainit na pagbati at buong suporta para sa bagong punongguro at sa mga bisita na dumating.

Sa pagpapatuloy, ginanap ang kauna-unahang flag raising ceremony ngayong bagong taon na kasama ang bagong punongguro na sinundan naman ng mainit na mensahe mula sa OIC ng ONHS na si G. Modesto Y. Sapinit. Nagpasalamat si G. Sapinit sa out-going punongguro na si G. Salino at binati niya naman ang bagong punong-

guro, kasama ang mga magaaral at nagsabing “Ma’am, uswag sa balay san Oquendo National High School.”

Samantala, nagbigay rin ng mga sumunod pang mensahe ng pasasalamat at pagbati sa mga punongguro ang pangulo ng Teacher

Circle na si G. Ernesto Cajegas, pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na si Bb.

Matapos ang mainit na mensahe ng OIC, sumunod namang nagbigay ng mensahe si G. Christopher D. Salino. Binati nito ng maligayang bagong taon ang mga tao at nagpasalamat sa mga guro, mag-aaral at sa iba pang mga taong naging kasama niya sa loob ng tatlong taong pananatili bilang punongguro sa ONHS. Nagpasalamat din siya kay G. Sapinit na naging katuwang niya sa pamamahala ng paaralan. “Perfect combination talaga kami ni Sir Modesto, kay maisog ak tapos mabuotan si sir,” biro pa ng punongguro. Sumunod namang nagbigay ng kaniyang mensahe ng pasasalamat ang bagong punongguro na si Gng. Maria Luz C. Murillo. Binati nito ng magandang umaga ang mga mag-aaral at mga guro ng ONHS at nagpasalamat sa mainit na pagsalubong sa kanya. Nagkuwento rin ito sa kaniyang reaksiyon noong una niyang nabasa ang mensahe sa kaniya na sa Oquendo National High School daw siya itatalaga.

Karen Clare Mercader, pangulo ng SPTA si Gng. Nilda D. Floro kasama ang kaniyang mga aktibong opisyales, si G. Calvin Yabao, at ang Punong Baranggay ng Oquendo Poblacion na si G. Michael Loberiano.

Sa pagtatapos ng programa, tuluyan nang ipinasa ni G. Salino ang Key of Responsibility, ito ay nag-

sasaad na si Gng. Murillo na ang magpapatuloy sa nasimulang tagumpay at husay na ipinakita ng dating punongguro.

Sabay-sabay namang nagpasalamat ang mga guro at mag-aaral sa husay na ipinakita ni G. Salino, at sabay-sabay na nagsabing, “Damo nga salamat, sir Chris”.

30 Student-teachers mula NWSSU, sinalubong sa ONHS

Sinalubong sa ONHS nito lang ika-6 ng Pebrero 2024 ang 30 student-teachers na nagmula pa sa Northwest Samar State University (NWSSU) na may layuning hasain at sanayin ang kanilang karanasan sa larangan ng pagtuturo sa loob ng Oquendo National High School.

Sa pangunguna ng punongguro ng ONHS na si Gng. Ma. Luz C. Murillo, nagkaroon muna ng maikling oryentasyon sa unang araw ng mga student-teachers

patungkol sa mga dapat nilang gawin at kung kaninong guro sila itatalaga.

Ayon sa aming panayam kay G. Anthony B. Disbarro, Bachelor in Secondary Education Major in Filipino at coordinator ng mga student-teachers, ramdam agad nilang tanggap at welcome sila sa kanilang unang araw sa ONHS. Dagdag pa niya, ang maitutulong ng kanilang pananatili sa ONHS ay upang maturuan sila ng mga guro na maging mahusay sa pagtuturo at

mabigyan sila ng mga magagandang payo. Isa rin daw itong daan upang hasain at pag-aralan ang mga bagay na kailangan pa nilang mas mapabuti sa larangan ng pagtuturo.

Samantala, ang kanilang pagsasanay sa ONHS ay nahahati sa dalawang shift, ang una ay magtatapos ngayong ika-11 ng Marso at magpapatuloy muli hanggang matapos ang kanilang last shift sa darating na ika16 ng Abril 2024.

Myla Abarico Rose Nhiel Ann Aranjuez Larawang Kuha ni Schian Brace
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I
Larawang Kuha ni Shynna Orquin
balita
Larawan ni Christopher D. Salino habang ipinapasa ang Key of Responsibility sa bagong punongguro ng ONHS na si Gng. Maria Luz C. Murillo noong ika-3 ng Enero 2023. Pagpupulong ng mga student-teachers mula NWSSU sa SBM Hub sa pangunguna ng punonggurong si Gng. Maria Luz C. Murillo.

ONHS, nag-uwi ng tagumpay sa 20th NSQ

Rose Nhiel Ann Aranjuez

Nag-uwi ng tagumpay sa 20th National Science Quest ang mga piling mag-aaral mula sa Oquendo National High School nito lang ika-23 hanggang ika-25 ng Pebrero na ginanap sa Baguio City.

Kasama ang kani -

yang coach na si Bb. Rhea Mae Calagos, matagumpay na nakuha ni Jullie Mae Aniscal ang unang pwesto sa Grade 10 Sudoku na ginanap nito lang ika-24 ng Pebrero laban sa 19 na paaralan sa Pilipinas.

Sumunod naman

ay si Neithan Saman T. Astilla kasama rin ang kaniyang coach na si G. Jhan Glend S. Castañares ay nasungkit ang ika-6 na pwesto sa Grade 7 Mathematics History Quiz.

Samantala, mata-

gumpay ring nasungkit ni Lu Xiander B. Probe, kasama ang iba pang mag-aaral mula sa Calbayog City National High School (CCNHS), ang unang pwesto sa Junior High School Mathematics Quiz group category kasama rin ang kanilang coach na sina G. Eric Oguis at G.

Jhan Glend S. Castañares.

Hindi rin nagpahuli si Reymark Bitancor at nasungkit ang ika-5 pwesto sa Grade 7 Damath kasama rin ang kaniyang coach na si Bb. Rhea Mae Calagos.

Grand Alumni Homecoming at 56th Founding Anniversary ng ONHS, idinaos

John Gilbert Salino

Sa pangunguna ng Batch 2009, naging matagumpay ang pagdiriwang ng Siplat san Naglabay 2024: Grand Alumni Homecoming at 56th Founding Anniversary ng Oquendo National High School na ginanap sa Oquendo Covered Court nito lang ika-6 ng Enero 2024.

Sa pagsisimula ng programa, nagbigay ng pambungad na mensahe ang punongguro ng ONHS na si Gng. Maria Luz C. Murillo na kung saan ay ibinahagi niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng alumni homecoming. Matapos ang pambungad na mensahe, sumunod naman ang pagrampa ng mga batch na

dumalo sa nasabing event.

Samantala,nagpakitang-gilas naman ang mga piling miyembro ng Batch 2009— ang host batch ng alumni ngayong taon, gamit ang kanilang galing sa sayawan.

Sa pagpapatuloy ng programa, nagbigay rin ng mensahe ang alumni president na si Gng. Hilda R. Guiret na kung saan ay ibinahagi niya ang accomplishments ng 2023 alumni homecoming. Nagbigay rin ng kaniyang mensahe ang keynote speaker na si Hon.Rosela C. Sumagang upang pasalamatan ang mga dumalo sa nasabing alumni.

Sa pagpapatuloy,

upang higit na ipakita ang kanilang suporta, nagbigay ng mga sertipiko at regalo ang Batch 2009 sa mga ONHS alumni board passers.

Sa paglalim ng gabi, napuno ng sayawan, kagalakan, at kumustahan ang dating magkakaklase ng paaralan at bawat batch.

Sa huli, ipinasa ng Batch 2009 ang Key of Responsibility sa Batch 2007 bilang bagong host sa susunod na alumni homecoming ng Oquendo National High School.

Samatala, ang overall budget at collection ng Batch 2009 sa naganap na event ay 304,266 pesos.

05
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I balita
Larawan mula kay Jhan Glend Castañares Kuha sa Baguio City matapos makuha ng apat na mag-aaral ng ONHS ang kapanalunan sa National Science Quest. 56th Founding Anniversary ng Oquendo National High School sa Oquendo Covered Court sa pangunguna ng Batch 2009. Larawang Kuha ni Rafael Jose Rowell Toring

Loreen Jeddh Gulpere

Panigan ang Kapayapaan: Palayain ang Palestine

Patas ang mundo, hindi ang mga tao. Totoong napakaganda ng mundo, sinisira nga lang ng mga taong walang awa kung umagaw ng buhay ng kapwa-tao. Hindi ka ba naaawa sa mga taong walang sala pero nagagawang magmakaawa para sa kanilang buhay na ayaw nilang mawala? Paano maibabalik ang ganda ng mundo kung mismong mga tao ang sumisira rito?

Nang dahil sa hindi pagkakaintindihan, tuluyang lumalim at nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine na kung saan ay libo-libong pagsabog ng mga gusali at pagkamatay ng mga mamamayan ng Palestine ang nagaganap sa bawat araw na lumipas gawa ng mga taga-Israel. Lupain ang dahilan ng hidwaan sa pagitan ng Israelita at Palestino na dating tinatawag na Canaan. Ang teritoryang pinagtatalunan ay nagmula pa sa kasaysayan ngunit kahit ilang dekada na ang nakalipas, pilit pa rin inuungkat ang nakaraan at nagiging dahilan ng isang alitan. Tinatawag na ‘settlement’ ang isang pangunahing dahilan ng pagtatalo na ang ibig sabihin ay ang paghahadlang sa posibilidad na magkaroon

ng pangmatagalang kapayapaan. Ang lugar ng Palestine ay bigla na lamang inatake ng teroristang Hamas na mula pa sa Israel. Marami ang naipit sa digmaan. Pagunawa sa bawat paniniwala ang dapat inuuna bago ang pagpapasabog ng emosyon.

Ang mga taong dapat na nagkakaisa ngayo’y nagkakagulo na. Bawat isa’y may pinapanigan, may sari-sariling persepsyon, nakalilimutan na ang tulay para sa kapayapaan. Dahil sa patuloy na hidwaan, ang kayamanan ng mga Palestino ay unti-unting nabawasan. Maraming buhay ang nasayang sa isang iglap lang. Bawat minuto, libo-libong pangarap ang malabo nang matupad. Sunod-sunod na pagsabog at pagkasunog ng mga gusali. Ang tahanang noo’y ligtas para sa mamamayang Palestino, ngayo’y isang lugar na parang impyerno. Takot ang bumabalot sa bawat isa habang ang mga Hamas ay walang sawa sa pagkitil ng buhay. Dapat na itong matapos. Malawak ang alitan sa pagitan ng rehiyon ngunit bawat isa’y may karapatan at kalayaan, dapat nang makalaya ang mga walang sala. Bigyang kapayapaan ang kaisipan ng bawat

mamamayan ng Palestine.

Mahalagang maipakita hindi lamang sa mga Israelita kun’di sa buong mundo ang tunay na ibig sabihin ng pagpapakatao. Ipakita ang kahalagahan ng pagkakaisa sa kasiyahan man o sa sakuna. Bigyang-suporta ang mga Palestinong patuloy na lumalaban para sa kalayaan. Huwag hayaang mawala ang pagiging matatag nila sa gitna ng karahasan na kanilang nararanasan. Magkaisa para sa bawat bansa. Ipakitang hindi solusyon ang gulo sa hidwaan ng bawat isa.

Buksan ang kaisipan, hindi solusyon ang isang alitan kung palaging paiiralin ang galit at inggit sa isipan. Walang pinipiling edad ang pagpatay kaya’t maraming pangarap na ang hindi matutupad. Ano man ang rason, isang kasalanan ang pumatay. Tigilan ang pagpatay, pagpapasabog, at kung ano-ano pang gawaing hindi makatao. Bigyang kalayaan ang mga Palestino.

Ang pagbili sa mga kompanya o brand na nakasuporta sa bansang Israel ay nagpapakita rin na sinusuportahan mo ang mga gawaing hindi maganda ng mga ito. Dapat may

isang salita, makibahagi at ipaglaban ang tama.

Lahat ng tao sa mundo ay nangangarap ng kapayapaan, kung kaya’t ‘wag kayong magbubulag-bulagan, tulungan ang mga Palestinong makamit ang kalayaan. Huwag hayaang masira ang kinabukasan ng bawat buhay ng mamamayan, pumanig lamang sa kapayapaan. Huwag hahayaang mapunta sa wala ang lahat ng kanilang pinaghirapan. Lahat ng bansa, kumilos at ‘wag tumunganga.

Pagpanig sa Palestine ay hindi pakikisali sa alitan, kun’di pagbibigay boses para sa katarungan at kapayapaan ng bawat mamamayan. Isang pagtaguyod para sa kabutihan, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa ng lahat sa katotohanan. Bawat problema’y nabibigyang solusyon, kung kalmadong pag-uusapan at may bukas na isipan at pag-unawa sa kapwa. Paano ang mundo kung walang kalayaan ang bawat tao? Bansang may pagtitiwala at pagkakaisa ang tunay na panalo sa isang giyera.

Brace

Patnugutan

Punong Patnugot

Rose Nheil Ann Aranjuez

Kapatnugot

Mary Rose Lacaba

Tagapamahalang Patnugot

Myla aBARICO

Patnugot sa Balita

robena janelle baito

Patnugot sa Lathalain

Nica mariah dela cruz

Patnugot sa Opinyon

Jairus ashley bongabong

Patnugot sa Pag-aanyo at Grapix

zack lorenz barandino

Katuwang sa Pag-aanyo at Grapix

reynaldo porlares

Patnugot sa Pagguhit

Kimboy sildo

Tagaguhit sa Editoryal

Kartun

Schian Brace

vanice ygbuhay

Patnugot sa Pagkuha ng Litratong Pampahayagan

Rafael Toring

Katuwang sa Pagkuha ng Litratong Pampahayagan

mark christopher villegas

Tagakuha ng Litratong

Pampahayagan

Shynna Orquin

Bidyo Editor

trixia banares

Vince Ivan Tubero

Mga Kawani

Shainna Ponsica

Loreen Jeddh Gulpere

Cassandra Kaye Resada

Rhian Sagayap

Hannah Mae Cutor

Zyrenne Anne Llaneta

Niña Marie Villas

Lawrence Taladro

Denver Sildo

Julie Mae Aniscal

Chunk Keener Julaton

Daphne Jane Jomoc

Mariel Dawisan

Stephanie Kaye Teonilo

john lawrence yba ñez

JOHN VINCENT CAPATAN

John Gilbert Salino

John Criz Cacho

Tagapayo

Raffy alabado

06
Guhit ni Schian
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024
editoryal

AGOSTO 2023 - PEBRERO2024

TOMO II, ISYU I

Liham Sa Patnugot

Ako si Aaron James Bernate, isang mag-aaral sa Oquendo National High School, at nasa ika-10 baitang na.

Isa ako sa palaging naka-update sa An Hibatang. Ang An Hibatang ay isang publikasyon na malaki ang naitutulong sa akin sapagkat dito ko nalalaman ang mga pangyayari sa Oquendo National High School. Hindi lamang sa mga pangyayari, sila rin ang nagbibigay ng mga paalalang ibinibigay ng punongguro sa paaralan, at ang mga nanalong mga mag-aaral sa kompetisyon ay inilalathala rin nila upang makita ng mga ONHSians.

Malaking tulong talaga ang An Hibatang para sa akin. Hindi lang sa akin ngunit sa lahat din ng mga mag-aaral sa ONHS at sa mga taong nakasubaybay rin dito.

Higit sa lahat, ang payo ko sa publikasyong An Hibatang ay ipagpatuloy lang ang kanilang paglalathala nang malinaw, pagiging isang inspirasyon sa mga nagbabasa, at higit sa lahat ay nagbibigay ng malaking kaalaman sa mambabasa. Maraming salamat.

Nais kong malaman ninyong patuloy lang akong susuporta sa An Hibatang.

Aaron James Bernate

Grade 10 - JOHN

Nakalilito. Nakagagalit. Nakasasakit ng ulo.

“Anong uri na naman ng magic ang ginamit nila para ubusin ang 125 milyon sa loob ng 11 araw?” —Sen. Risa Hontiveros

Kapwa mga mambabatas at ordinaryong mamamayan ay nauubusan na ng pasensya sa isyung tila hindi na sinasagot nang maayos, iniiwasan at panay drama lang. Kailan pa kaya ihahain ni VP Sara Duterte ang sagot sa mga katanungan na inaabangan ng sambayanan? Ito ang mga tanong na gumagambala sa ating mga isipan sa umaalingawngaw na isyu ng confidential funds. Para saan ito? Ginamit ba nang tama? Kung ginamit nang maayos, nasaan ang resulta?

Hanggang nga\yon ay hindi pa rin ipinapaliwanag nang maayos at buo ang OVP’s 2022 confidential funds. Marami ang nalilito sa usaping ito lalo pa at nariyan ang 500 milyon, 150 milyon, at 125 milyon. Ngunit ang kumuha sa atensyon ng masa ay ang paglustay ni VP Sara sa nasabing 125 milyon sa loob ng labing-isang araw nang walang malinaw na pruweba kung saan ito ginamit o tuluyan na nga bang naglaho na parang bula tulad ng kanyang mga pangako.

Ayon sa ulat ng Commission on Adult (COA), matagal nang tinatamasa ni VP Sara ang malaking halaga ng confidential funds na umaabot kada taon ng 460

Confidential Funds, Ginamit ba nang

Tama o Ibinulsa nang Maayos?

milyong peso. Ito ay mula pa noong nanunungkulan siya bilang Davao City Mayor. Tila namihasa ang pangalawang pangulo sa ganitong kalakaran na buong akala niya ay basta niya na lang madadala sa Office of the Vice President (OVP) ang ganitong pag-uugali, lalo na pagdating sa paghawak ng National Budget. Akala lang niya, dahil ang isang pagkakamaling ito ay siguradong hindi siya makalilimutan, at tatatak sa kaniyang karera sa politika.

Ang confidential funds ay parang isang secret fund na bukas para sa katiwalian at korapsyon. Ayon kay Albay Rep. Edrel Lagman, “It is unconstitutional for any transfer of funds from the OP to another office like the OVP.” Ang pagalawang pangulo mismo ang humingi ng confidential funds na walang malinaw na rason kung saan ito gagamitin, at mula raw ito sa Office of the President (OP). Ayon sa ilang eskperto sa politika, isa itong “ impeachable offense “ na maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa posisyon ng bise-presidente, kun’di maging kay pangulong Bongbong Marcos.

Kailan lang ay iginiit ni VP Sara Duterte ang isyu tungkol sa 125 milyon. Ayon sa kaniya, ginamit ito sa loob ng labinsiyam na araw. Ngunit dapat na niyang tigilan ang pagmamaang-maangan dahil si Rep. Stella Quimbo na mismo ang umamin sa hearing ng mga kongresista na totoo ang balita tungkol sa labing-isang araw na paglustay sa 125 milyong halaga ng confidential fund. Matatandaang si

Quimbo ang panay kung ipagtanggol ang bise- presidente at ang madalas na makipag-tunggali kay ACT Rep. France Castro sa usaping confidential fund.

Ang nais ngayon ng mga mambabatas ay ibalik ang 125 milyong confidential fund, lalo na kung hindi maipapaliwanag ni VP Sara ang matulin na paggastos. Tila ginagawa pa niyang kontrabida si Sen. Risa Hontiveros sa isyung ito habang kinakawawa ang kaniyang sarili sa mga simpleng tanong na hindi niya masagot nang maayos. Dapat lang na kwestyunin siya sa kaniyang plano na mas malabo pa sa inaasam niyang tagumpay. Ayon pa kay Sen. Risa “ trabaho lang, walang drama”. Dapat ayusin niya ang pagsagot at aksyon kung wala naman itong bahid ng katiwalian, o marahil mayroong laman ang ating mga hinala.

Sa Office of the President (OP), humihingi ang pangulo ng 4.5 bilyon para sa confidential at intelligence funds. Tulad ito ng nauna sa kaniya na si dating pangulong Rodrigo Duterte na humingi rin ng kaparehong badyet. Samantala, si dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo ay humingi ng 600 milyon pesos sa kanyang unang taon ng panunungkulan. Habang si dating pangulo at yumaong si Benigno Aquino III ay humingi ng 500 milyon para sa kaniyang huling badyet. Ginagamit ang confidential fund para sa mga confidential na aktibidad ng gobyerno na ibinabayad sa renta ng mga sasakyan na ginagamit para sa security at maintenance ng

mga confidential na aktibidad.

Hindi maayos at magulo kaya naman nakatataas ng kilay ang mga confidential funds. Dapat ba ito sa isang bansa na malubha ang katiwalian? Kung magiging daan lang ito upang manakaw ang pera ng taumbayan na dapat ay maibalik sa kanila sa mga programa at serbisyo, mas mainam na hindi na ito ipagpatuloy. Panawagan pa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), “Abolish Confidential & Intelligence Funds!” Tuluyan na itong burahin lalo pa at ang sinasabing mga programa na magpapaunlad sa bayan ay hindi naman naisasakatuparan. Mahirap pa rin ang ating bansa, at lalo lang mahuhulog sa laylayan ang marami sa ating mga kababayan kung ganyan ba naman kalaki ang perang sinasayang ng mga namumuno sa ating lipunan.”

Hindi karapat-dapat na bigyan ng 500 milyon na badget ang OVP kung wala itong mailalatag na konkreto at malinaw na programa sa kongreso. Tama na sa confidential funds, dahil kung ang 125 milyong peso ay nalustay nang ganoon lang kabilis, paano pa natin ipagkakatiwala ang 500 milyon sa isang hindi tiyak na bagay? Kung malinis ang intensyon nito at para sa ikabubuti ng bayan, mas mainam na alam ng mga tao kung saan napupunta ang pera. Karapatan ito ng mga mamamayan lalo na kung para naman talaga ito sa kanila, kagaya ng sinasabi ng mga mambabatas na pera ito ng taumbayan.

Kung talagang kasangga ng pampublikong paaralan

ang gobyerno na siyang pinakamayaman na institusyon sa bansang ito, bakit nagkukulang ang mga silid at gusali sa paaralan? Bakit walang sapat na kagamitan at libro? Bakit kailangan pang humingi ng pera sa mga mag-aaral pambili ng electric fan, water dispenser, at iba pang kagamitan na magpapabuti sa kondisyon ng mga kabataan sa loob ng paaralan kung ang karamihan ay sapat lang ang pera para sa pamasahe. Hindi ba’t trabaho iyon ng DepEd o gobyerno? Kung hindi matutugunan ay huwag nang ipilit ang confidential fund, dahil wala itong silbi lalo na para sa ating bansa na matagal ng nakasalabid sa kasaysayan ang katiwalian at korapsyon noon at magpahanggang ngayon. Confidential funds ginamit nga ba nang tama? Kung ganoon nga nasaaan na nga ba? Hindi maglalaho na parang bula.

Sa huli, talagang hindi maikakaila na kaduda-duda ang paglustay sa napakalaking halaga ng pera na walang may alam kung saan ito napunta, kun’di ang may mga pakana nito. Tanging hangad lang naman ng mga mamamayan na malaman kung saan ginamit ang nasabing confidential funds. Kung hindi ito naisapraktikal at walang inilatag na pruweba ay sabay-sabay tayong magtagpo sa nakagigimbal na ideya, na ito ay ginamitan nila ng magic. Talagang nakabibilib ang kanilang kapangyarihan na nagawa nilang maglaho ang pera, at mapunta sa kanilang mga bulsa.

Jairus Ashley Bongabong Guhit ni Vanice Ygbuhay
editoryal

NO PARKING:

Karatulang ‘di Napapansin

Itinalaga ang paglalagay ng mga karatulang bawal pumarada o no parking upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at maiwasan ang mga aksidente. Ngunit, nasusunod nga ba rito sa Baranggay Oquendo ang patakaran sa likod ng karatulang no parking?

Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami na isa sa pinag-uugatan ng mga aksidente at isyu sa kalsada ay ang hindi tamang pagpaparada ng mga drayber sa kani-kanilang mga sasakyan, lalo na’t may iilang mga tao ang naglalabas ng kanilang mga gamit sa kalsada na nagreresulta sa kakulangan ng espasyo.

Hindi rin maika-

Zyrenne

Ang lubak-lubak na kalsada sa Samar ay isang hamon na kailangang malampasan upang makamit ang tunay na pag-unlad ng lalawigan. ‘‘

kailang malalaking sasakyan na ang dumaraan at humahangos dito sa kalsada ng Oquendo kumpara sa dating nakasanayan ng mga tao. Dumami ang mga malalaking sasakyang dumaan dito lalo na noong mga panahong sira pa ang tulay sa Baranggay Palanit, San Isidro, Northern Samar.

Sa kabilang banda, matatandaan na ang mga opisyal ng Oquendo ay naglagay ng mga karatula sa mga tawiran at palikong daan sa kalsada upang maiwasan ang mga aksidente na maaaring maging resulta sa pagdagsa ng mga malalaking sasakyan.

Gayunpaman, may mga tao pa rin ang hindi pumapansin at sumusunod sa mga patakaran ng pag-

Lubak

paparada. Ginagawa nang paradahan ng ilang tao ang mga kalsada na nauuwi sa mabigat na trapiko. May iilang pumaparada sa mga lugar na may karatulang no parking, tulad na lamang sa mga lugar na malapit sa paaralan ng elementarya kaya’t sumisikip ang kalsada at nahihirapang dumaan ang mga malalaking sasakyan.

Dagdag pa rito, walang kasiguraduhan ang kaligtasan sa buhay ng mga mag-aaral tuwing papasok sila at uuwi dulot ng panganib na naghihintay sa kanila tuwing humahangos ang mga naglalakihang sasakyan.

Sa huli, mananaig ang katotohanang maiibsan ang mga isyu at problema sa kalsada kung mas paiigtingin ng mga nasa katungkulan ang

patakaran sa likod ng karatulang no parking. Mainam din kung may mga magpapatrol sa kalsada at bigyang parusang pagkakakulong sa loob ng dalawa hanggang limang buwan ang sinumang sumuway upang masiguro na lahat ay sumusunod sa tamang pagpaparada.

Dapat ding makiisa ang mga mamamayan at nang sa gayon, wala nang aaktong bulag at bingi sa tuwing makakatagpo ng mga karatulang kaligtasan lamang ng lahat ang layon. Dahil kung walang kikilos ngayon, kailan pa? Kinakailangan pa bang hintayin na may mag-agaw-buhay sa gitna ng kalsada bago ito mapagtuunan ng pansin?

Jullie Mae Aniscal

Kinakailangan pa bang hintayin na may mag-agawbuhay sa gitna ng kalsada bago ito mapagtuunan ng pansin?

sa Daan, Dapat Aksyonan

Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga malaking hamon na kinakaharap ng lalawigan ng Samar ay ang problema sa lubak-lubak na kalsada. Ito ay hindi lamang isang isyu ng kaginhawaan sa paglalakbay, kun’di isang banta sa kaligtasan ng mga motorista at mga pasahero. Ang mga lubak na ito ay nagiging sanhi ng mga disgrasya at pinsala sa mga sasakyan, na nagdudulot ng pagkabahala sa mga mamamayan.

Ang pangunahing dahilan ng lubak-lubak na kalsada sa Samar ay ang kakulangan sa pondo at pagpapabaya ng mamamayan. O kaya naman hindi ginagamit ang pondo nang maayos? Tila hindi sapat ang pondo na inilaan para sa imprastruktura, lalo na sa mga kalsada. Ang

mga proyekto ng pagpapabuti at rehabilitasyon ng mga kalsada ay hindi nabibigyan ng sapat na pansin at pagmimintina, na nagreresulta sa tuluyang pagkasira ng mga ito.

Ang mga lubak-lubak na kalsada ay hindi lamang nagiging hadlang sa paglalakbay ng mga tao, kun’di nagdudulot din ng negatibong epekto sa ekonomiya ng lalawigan. Ang mga produktong pang-agrikultura na kailangang maipasok sa mga merkado ay madalas na nasasayang dahil sa pagkasira ng mga sasakyan. Bukod pa rito, ang mga aksidente dulot ng mga lubak ay nagiging sanhi ng pinsala sa mga sasakyan at posibleng pagkakasakit o pagkakasugat sa mga pasahero.

Upang malunasan ang problema sa lubak-lubak na kalsada sa Samar, kinakaila-

ngan ng malawakang aksyon at atensyon mula sa pamahalaan. Dapat itaas ang pondo na inilaan para sa imprastruktura, partikular na sa mga kalsada. Ang mga proyektong rehabilitasyon at pagpapabuti ng mga kalsada ay dapat magpatuloy nang regular upang maiwasan ang pagkasira nito. Mahalagang magkaroon ng maayos na koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan upang malaman ang mga pangangailangan at hindi mapunta ang pondo sa wala lang.

Ang mga lubak-lubak na kalsada ay isang patunay ng kakulangan sa maayos na imprastruktura at pagpaplano ng mga lokal na pamahalaan. Ito ay isang isyung dapat bigyan ng seryosong pansin at aksyon. Hindi dapat maging katanggap-tanggap na

magkaroon ng mga kalsada na hindi ligtas at komportable para sa mga mamamayan.

Sa huli, ang lubak-lubak na kalsada sa Samar ay isang hamon na kailangang malampasan upang makamit ang tunay na pag-unlad ng lalawigan. Sa pamamagitan ng malawakang pag-aaksyon mula sa pamahalaan at pakikipagtulungan ng mga mamamayan, maaaring maayos ang mga kalsada at maiwasan ang mga pinsala at aksidente. Ang pagkakaroon ng maayos na kalsada ay magbubukas ng mga oportunidad para sa ekonomiya at magbibigay ng seguridad at kaginhawaan sa mga mamamayan ng Samar. Dahil ang isang lalawigan, sumasalamin sa maayos na pamahalaan.

08
Anne Llaneta
‘‘
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I
editoryal

Kalayaan ng mga Mamamahayag

Malaki ang nagiging kontribusyon ng mga mamamahayag sa isang bansa. Sila ang mga taong nagbibigay ng makatotohanan at walang kinikilingang impormasyon. Sila ang nagsisilbing boses ng sambayanan laban sa bansang bingi sa saloobin ng karamihan. Ngunit dahil sa uri ng kanilang gawain, may mga pagkakataong sila ay nalalagay sa hindi magandang sitwasyon. Sa ngayong administrasyon, nabibigyan ba ng karapatang maging ligtas at malaya ang mga mamahayag?

Isang taon na mula nang umupo si Marcos

Bago na ang administrasyon ngunit talamak pa rin ang pagbabantang nakukuha ng mga mamahayag.

Jr. bilang Presidente ng Pilipinas ngunit kaunti pa lamang ang pag-unlad sa pagpapabuti at pagsasaayos sa kalayaan ng mga mamahayag sa bansa sa kabila ng kaniyang ipinangakong protektahan ang karapatan ng mga mamahayag. Patuloy pa rin hanggang nga yon ang karahasan at pagatake sa kanila gayong ang kanilang adhikain lamang ay ang makatulong sa iba.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Marcos Jr. hinggil sa pagpatay sa mga mamamahayag noong administrasyong Duterte, ipinangako niyang bibigyan niya ng proteksyon ang mga mamamahayag sa pam -

amagitan ng pagpapatupad ng mga konkretong aksyon para sa kanila na makapagtraba ho at makapagsilbi sa ating bansa nang mas malaya at ligtas.

Ngunit sa isang ta ong pamumuno ni Mar cos Jr. sa Pilipinas, tatlong mamahayag na ang na patay—sina Renato “Rey” Blanco, Percival “Percy Lapid” Mabasa, at Cres ciano “Cris” Bundoquin na parehong mga kilalang mga mamamahayag sa bansa.

rin ang pagbabantang nakukuha ng mga mamahayag. Nakapanghihina at nakababahala. Ngunit patuloy pa rin na umaasa ang mga mamamahayag sa proteksyong ipinangako ng ating pangulo.

Bago na ang administrasyon ngunit talamak pa

kakailang mahirap ang pagsilbihan ang marami at maging tagapagdala ng mga impormasyong kinakailangang malaman ng iba. Buhay ang nakasalalay kapalit ang katotohanang hinahanap ng marami.

Hindi natin maipag -

Cha-cha Ibasura, Unahin ang Problema

Ilang hamon na ang nakaharap ng bansa at ang pagbabago sa saligang batas ang pabalik-balik na paksa. Ang pagbibigay- pinto para sa pagbabago ng saligang batas ay isang banta sa pagsasamantala. Mayroong dapat unahing problema, hindi ang Cha-Cha(Charter Change). Marami ang nangangamba at nag-aalinlangan sa usaping ito sa kabila ng mga pangako at sinasabing ito ang makapagpapaunlad sa bansang Pilipinas. Ngunit, malinaw na hindi pagbabago sa saligang batas ang makapagpapaunlad sa Pilipinas. Tao ang dapat magbago, hindi ang konstitusyon.

Usapin ang ChaCha ngayong taong 2024 sa pamamahala ng kasalukuyang na si Pres. Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Ayon sa kanya, pagtutuonang pansin nito ang economic provision. Ngunit sa kabila nito, hindi ito ang problemang dapat pagtu-

unang-pansin ng gobyerno. Mas karapat-dapat na pagtuunan ng pansin ang magiging hamon.

Matapos i-anunsyo ang balak na Cha-Cha, maraming mamamayan ang naalarma kasama na ang mga nasa Senado katulad na lamang ni Sen. Chiz Escudero at Sen. Imee Marcos na agad umalya. Ika pa ni Sen. Escudero, ang isinusulong na Charter Change ay hindi para sa ekonomiya kun’di para sa politika. Sa kabilang dako, marami rin ang dumalo sa prayer rally dahil tutol sa

Peoples’ Initiative na nagsusulong ng Charter Change gaya na lamang ng mga taga suporta ng dating pangulong Rodrigo Duterte sa San Pedro Square, Davao City.

Ang ikinababahala ng karamihan ay ang paggamit ng mga may kapangyarihan sa kanilang kayamanan upang maging matagumpay ang nais nilang kagustuhan.

Ang pagbabago sa saligang batas ay makadudulot ng hindi magandang epekto sa sistemang pamamahala. Mawawalan ng bisa ang probisyong nagtataguyod sa ban-

sa gayun na rin sa karapatang pantao. Maraming problema ang kinakaharap ng bansa katulad na lamang ng kahirapan o kakulangan sa trabaho, pagtaas ng bilihin, at korapsyon. Huwag hayaang mawala ang proteksyon sa pang-aabuso at manatili ang kapangyarihan ng mga nasa pwesto.

Walang kasiguraduhan na ang Charter Change ay makatutulong sa pagbabago at kaunlaran. Sa halip na unahin ito, nararapat na unahin ang mga mamamayang Pilipinong nangangailangan ng

Hindi bagong saligang batas ang makapagpababago sa tao.

tulong ng gobyerno. Huwag baguhin ang Saligang Batas.

Hindi bagong saligang batas ang makapagpababago sa tao. Unahin at isipin ang pangangailangan ng pinangakuang mga tao. Layunin at hangarin ang dapat tuparin. Walang magbabago sa Saligang Batas na para sa mamamayang Pilipino. Ipahayag ang paninindigan para sa demokrasya at kalayaan.

09
Guhit ni Myla Abarico
‘‘
Loreen Jeddh Gulpere
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I editoryal
‘‘

BAGONG PILIPINAS

MGA IPINA NGA KONG PRINSIPYO

Gwenchana Benteng neng neng neng

Hanggang saan aabot ang 20 pesos mo? Mayroon pa naman, ngunit alam kong hindi na nito kayang abutin ang isang ice cream brand na sumikat dahil sa ganoong linya. Nasa 25 na ang isa, mas mahal kaysa sa dati nitong presyo.

Dati, ang 20 pesos ko ay sapat na upang bumili ng isang biskwit at isang juice tuwing recess at may sukli pang naibabalik sa akin. Samantalang ngayon, ako ay napapaisip kung bibili ba ako o hindi dahil sa sobrang mahal na ng mga pagkain. Kaya pa ba nating ibalik ang nakaraan?

Sheshh sanaol may babalikan. Dahil malayo ang bahay namin mula sa paaralan, sumasakay ako sa centercar papuntang eskwela. Hanep, mukhang pamasahe pa lang mauubos na ang baon kong 100 pesos sa kada araw. Kailangan kong maghanda ng 15 pesos para sa pamasahe. Kapag kasi magbibigay ka ng buo, minsan 20 pa ang kinakaltas ng drayber. Isang siomai rin ‘yon. Ngunit ‘di ko rin naman masisi ang mga drayber, ngayong pamahal na nang pamahal ang gasolina, kakaunti na lang ang kinikita, ang hirap siguro no’n. Isang buong araw kang maki-

, :

kipagsapalaran sa kalsada tapos saktong pangkain lang ng pamilya ang kayang maabot ng isang araw na kita. Bakit ko ba pinoproblema ‘yong mga drayber, eh miski ako nahihirapan ding budget-in ang kung anong meron ako. Nasabi ko na bang 100 lang ang baon ko? Tapos syempre kakain pa ako. Paano na lamang kung mayroong biglaang babayaran sa paaralan? Maglalakad ako neto pauwi.

Dati, inutusan naman ako ng nanay ko na bumili ng sangkap sa pagluluto. Nabigla ako nang mapansing ang limang pisong sibuyas ay biglang lumiit. Napakaliit. Mas

malaki pa siguro ang nunal ko sa leeg. Ang mantika namang tigsampung piso ay kalahati na lang ng bote ng plastik na lagayan nito. Pagkauwi ko ay nabigla rin ang aking nanay sapagkat kulang ito sa pagluluto, kaya inutusan niya na lang ulit akong bumili. Sadyang mareklamo lang ba ako? O sadyang napakalaki na ng idinulot ng inflation?

Pagkatapos ng mga nangyari ay sinabi ko sa sarili ko na hihigpitan ko na ang aking badyet upang matulungan ko man lang ang aking mga magulang sa pagtitipid. Pero kahit na ganon, ang hirap pa rin dahil sobrang taas talaga ng mga

bilihin. Kailan ba matatapos ang paghihirap na ito? O matatapos pa ba? Kapag hindi pa ito tumigil ay baka mapilitan akong pasukin ang pagba-vlog. Sheshh. What’s up madlang pipol, joke lang. Hehe

Nang ako’y naghihintay ng sasakyan sa labas ng paaralan para sana umuwi ay sinalubong ako ng kaklase ko. Pinagdasal ko na sana ay hindi ako makita ngunit huli na ang lahat nang bigla siyang nagsalita.

“Asa’n na ang ambag mo sa project natin?” Iniabot ko ang bente ko. “Bente lang?” Mukhang maglalakad ata ako pauwi.

Bunga ng Nakaraan Pagkakaisa para sa kabutihan

Republika ng Pilipinas, bilang isang konstitusyonal na bansa, kinakailangan nito ng mga taong karapat-dapat na mamuno at manguna sa pagsasagawa ng mga tuntuning ito.

Sa kadahilanang ito, may nabuong pagkakaisa na bunga ng nakaraan. Sila ang mga anak ng mga taong minsan ay namuno sa ating bansa, mga taong mapahanggang ngayon ay naaalala ang mga nagawang tuntunin na may naging malaking epekto sa ating lipunan. Ito ang pagkakaisang Marcos-Duterte.

Simulan natin sa ating kasulukuyang Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. o mas kilala bilang “Bongbong Marcos”. Siya ay ang anak ng Ika10 Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos na nagdeklara ng Martial Law sa Pilipinas noong taong 1907. Samantala ang ating kasulukuyang Bise-Presidente

na si Sara Zimmerman Duterte-Carpio o mas kilala bilang “Sara Duterte” ay anak ng dating presidenteng si Rodrigo Roa Duterte na nagwagi dahil sa kaniyang adbokasiyang nakatutok patungkol sa pederalismo at laban kontra-droga.

Limit sa kaalaman natin ang bawat indibidwal na ito ay may layunin o adbokasiyang nais isakatapuran; ang adbokasiyang nais ipagsakatuparan ni Bongbong Marcos ay nakasentro sa nasyonalismo at pagkakaisa ng bansa, na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng pagkakaisa upang makabangon mula sa pandemya. Sa kabilang banda naman, ang kay Sara Duterte ay nakatutok sa trabaho, kapayapaan, at edukasyon.

Dahil sa pagkakaisang ito may nabuong alyansang sumusuporta sa adbokasiyang nais isakatapuran ng nasabing alyansa, ang UniTeam. Ang UniTeam Alliance ay isang elektoral

na alyansa sa Pilipinas na binuo upang suportahan ang mga kandidatura nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa 2022 presidential at vice-presidential elections at kanilang mga kaalyado sa 2022 Philippine general election. Sa taong ito nanalo ang alyansang nasabi’t hanggang ngayo’y nanunungkulan pa rin.

Subalit, pagkalipas lamang ng 2 taon, may potensiyal na matibag ang alyansang ito, sa kadahalinang may naganap na labanan ng salita sa pagitan ng dalawang alegasiyon.

Sa kasadsaran ng prayer rally kontra sa mga inisyatibo ng mga taong isinagawa sa sityo ng Davao, may mga paratang o akusasiyong iginiit ang dating pangulong si Rodrigo Duterte. Iilan sa mga ito ay ang mga paratang na may drug addict daw tayong presidente sapagkat nakita niyang nasa drug addict list ang kasalukyang presidente sa kasadsaran ng

kaniyang panunungkulan bilang mayor noon. Dagdag pa niya, baka raw sumunod sa yapak ng kaniyang ama at may posibilidad na mapatalsik siya sa puwesto.

Ayon naman sa Malacañang Press Corps “I think it’s the fentanyl” saad ni Presidente Bongbong Marcos nang tinanong siya ukol sa kaniyang reaksiyon sa mga paratang na binitawan ng dating presidente. Pinagtitibay ni Duterte ang kaniyang kapangyarihan para tutulan ang pinakahuling pagtulak para sa Charter Change, na maaaring makinabang sa pulitika ni Marcos at sa kanyang mga kaalyado, at i-box out ang mga Duterte,” dagdag nito.

Kumusta na kaya ngayon ang alyansang ito? Sa kabila ng batuhan ng mga salita sa pagitan ni Marcos

at ng dating presidenteng si Rodrigo Duterte? Sa kabila ng alitang naganap sa pagitan ni Sara Duterte at ni Bongbong Marcos; may nangyari bang pagbabago sa alyansang ito?

10 LATHALAIN

BAGONG LU K SA PRINSIPYO AT SALITA

Manila Traffic Jam Bangungot sa mga Motorista

Masikip at halos lahat ay dikit-dikit; mainit at nakauubos-pasensiya. Iyan ang mga iilang suliranin na iyong makahaharap kung ikaw ay nasa Metro Manila ngayong patuloy pa rin ang mabagal na takbo ng transportasyon sa Pilipinas. Hindi biro ang problemang kinahaharap ngayon ng ating mga motorista, komyuter, bata man o matanda dulot ng masikip na daanan.

Ang Pilipinas, partikular na ang Metro Manila, ay isa sa may pinakamasikip at mabagal na trapiko sa buong mundo. Sa katunayan, ang Metro Manila ay nasa ikasiyam sa listahan ng mga lungsod sa buong mundo na may pinakamasikip at may mabagal na daloy ng trapiko at nanguna rin sa Timog-Silangang Asya sa taong 2023, kasama ang Bangkok Thailand, Jakarta, Singapore at iba pa ayon sa datos na inilabas ng TomTom traffic Index.

transportasyon at pagsikip ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon. Ang suliraning ito ay nakadudulot ng maraming bagay na hindi kaaya-aya tulad na lang ng pagkahuli sa pagpasok sa trabaho o paaralan, sagabal para sa mga emergency at mga magulang na nahihirapang sunduin ang kanilang mga anak dulot ng masikip na trapiko.

Hanggang ngayong ay patuloy pa rin ang mabagal na

Matatandaang nangako ang ating Pangulo na si G. Ferdinand Marcos Jr. na, “We will

reduce the terrible stories that we hear of people who no longer see their children because they come home at 1:30 in the morning and the children are asleep,” sabi niya habang kasalukuyan ginanap ang pirmahan ng Metro Manila Subway Contract Package, na ginanap sa Malacañang Palace, Nobyembre taong 2022.

Dagdag pa ni Marcos, “They have to wake up at four o’clock in the morning to get back on the bus to fight with the traffic coming back to work.

And that the subway and all our public transport systems will be able to help and to remedy.” Sinabi rin niya na ang Metro Manila Subway ay makatutulong sa transportasyon sa ating bansa ngunit sa kasamaang-palad ay hindi pa ito nangyayari.

Hangad nating lahat ang matapos at mabilis na transportasyon upang makarating tayo nang maayos at mabilis sa ating destinasyon kung kaya naman dapat na mabigyan agad ito ng pansin at masulosyonan.

Marami Pang Bigas na Sasaingin

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang makamit ng kaniyang administrasyon ang P20 per kilo na presyo ng bigas sa pamilihan. Isa ito sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kani-

Malaki

ng Edu-

yang pangangampanya. Ngunit maging hanggang ngayon, walang nagbago sa presyo ng bigas.

Tanong ng mga mamayang Pilipino, “Mahal na Pangulong Marcos Jr., nasaan na po ang iyong pinangakong P20 na kilo ng bigas?” Ano na nga ba ang nangyari sa pangakong ito? Inaasahan ng maraming Pilipino ang

kasyon o Department of Education (DepEd). Layon ng MATATAG Curriculum na maresolba ang problema sa edukasyon at hubugin ang bawat mag-aaral bilang isang propesyonal na mga indibidwal.

Sa bagong nasabing kurikulum, ang dating pitong asignaturang ipinakikilala sa mga mag-aaral sa unang baitang hanggang pangatlong baitang ay gagawing limang asignatura na lamang, nakapaloob dito ang asignaturang Sipnayan, Pagbasa, Good manners and Right Conduct (GMRC), at Peace Education. Pagtungtong naman ng ikaapat na bai-

pagbaba ng presyo ng bigas sapagkat ang ibang produkto o bilihin ay sobrang mahal na rin. Sa kasalukuyan, ang presyo ng bigas ay umaabot nang humigit P60 kada kilo. Paliwanag ni Pangulong Marcos na isang malaking hamon sa pagsasakatuparan ng kaniyang pangako ang tumatandang populasyon ng magsasaka habang wala namang interes na pumasok

sa pagsasaka ang mga kabataan.

Lubos na nadismaya ang maraming Pilipino dahil sa pangakong ito na hindi matupadtupad. Isang malaking pangarap na lamang ang maisakatuparan ang mga ito. Siguro’y sa pagpikit ng ating mga mata na lamang matutupad ang lahat.

Hanggang ngayon ay umaasa at naghihintay pa

Matatag Brand

Lawrence Taladro

tang hanggang sa ikaanim na baitang ay tututukan naman ang mga asignaturang Siyensya, Technology and Livelihood Education, at Values Education.

Ang dahilan ng pagbabago ng kurikulum ay nakita raw sa nakaraang mga taon ang nakababahalang mahinang performance ng mga Pilipinong mag-aaral sa National at International Assessment. Kung kaya’t nabuo ang ‘MATATAG’ Kurikulum na ang ibig sabihin ay; “Makabagong kurikulum na napapanahon; TAlino na mula sa isip at puso; TApang na humarap sa ano man ang hamon sa buhay; at Galing ng Pilipino, nangingibabaw sa mundo.”

rin ang maraming Pilipino sa pagbaba ng presyo ng bigas at maabot ang pangarap na inaasam-asam ng maraming tao. Ang pangako ay hindi basta-bastang sinasabi lamang. Bagkus ay dapat nating gawin ang mga ito. Ngunit sa ngayon, tila marami pang bigas ang sasaingin bago pa ito matupad. Pero ang mahalagang tanong, may sasaingin pa bang bigas?

Tanging ang pamunuan

ng Department of Education (DepEd) at Private Schools Association pa lamang ang nagkakasundo patungkol dito para sa

Ayon naman sa pangalawang pangulo ng Pilipinas na si Sara Duterte, ang dating 11,000 learning competencies ay ibababa na lamang sa 3,600. Naniniwala rin si VP Sara Duterte na mas lalawak pa ang kaalaman at kakayahan ng bawat Pilipinong mag-aaral dahil sa pagbabagong ito. Ang implementasyon ay magsisimula sa taong 2024-2025 para sa mga Kinder, Grade 1, 4, at 7; taong 2025-2026 para sa Grade 2, 5, at 8; nasa baitang 3, 6, at 9 naman ang sa taong 20262027; at tagumpay na maisasakatuparan sa taong panuruan 2027-2028 para sa mga Grade 10.

maayos na pagpapatupad ng Kindergarten hanggang Grade 10 (K to 10). “Base sa obserbasyon, mas nakukuha o naiintindihan, mas maaasikaso ang mga mag-aaral, sila’y nakikilahok, at nagboboluntaryo matapos simulan ang panibagong kurikulum,” pahayag ng tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa sa CNN Philippines.

Sa pamamagitan nito, umaasa rin ang pamahalaan na mapataas ang international score ng Pilipinas lalo na sa asignatura ng STEM (Science Technology, Engineering, Mathematics). Ang lahat ng ito ay nakatuon lamang sa pagbabago at upang mapunan ang mga pagkukulang ng bawat mag-aaral dito sa ating bansa.

PILIPINAS
11 LATHALAIN
ang magiging epekto ng MATATAG Curriculum na inilunsad ng Kagawaran Nica Mariah Dela Cruz
: Larawang mula sa wikimedia.org
Myla Abarico

Hamon ng Buhay-estudyante

Hindi biro ang buhay ng isang estudyante. Ito’y pinaghalong masaya at malungkot. Umiikot ang aming buhay sa paaralan na sa amin ay nagsisilbing pangalawang tahanan. Ang pag-aaral ay isang malaking responsibilidad sapagkat dito nakasalalay ang aming kinabukasan.

Sa pag-aaral nahuhubog ang aming kakayahan sa iba’t ibang larangan at nadadagdagan ang aming kaalaman. Nagkakaroon din ng bagong kaibigan na naka-

kasama sa araw-araw at mga gurong gumagabay at nagsisilbing pangalawang magulang.

Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang maging estudyante. Naranasan mo na bang sumabak sa biglaang quiz, summative o recitation? Natambakan ka na ba ng napakaraming gawain at proyekto? Dito mo mararamdaman na para kang sundalong dapat ay laging handa sa anumang pagsubok sapagkat marami kang hamon na haharapin na hindi mo inaasahan.

Bilang isang estud-

kasama sa araw-araw at mga nasan mo na bang sumabak yanteng maraming responsibnang walang tulog at gutom tutulog nang hatinggabi kaSa kabila ng lahat ng nagpamarampumapapaggabay tungo sa ma-

iyon, nakabibilib na nagpa patuloy pa rin ang lahat kahit maram ing hamon sa buhay. Kahit mahirap, pumapa sok pa rin sa paaralan nang may ngiti sa labi. Ang mga pag subok na ito ang magsisilbing tulay at gabay tungo sa ma gandang kinabukasan.

yanteng maraming responsibilidad sa paaralan at tahanan, hindi biro ang aming pinagdadaanan. Umaalis kami ng bahay nang maaga upang hindi mahuli sa unang asignatura, minsan nga ay pumapasok nang walang tulog at gutom pa. Tuwing tinatambakan ng mga gawain, kami ay parang robot na malapit nang masira, kaunti na lang at parang sasabog na. Sandamakmak na gawain ang kailangang ipasa; kahit na pagod ay gagawin pa rin dahil sa takot na bumagsak. Pagkauwi galing sa paaralan, libro o notebook pa rin ang kaharap sa bahay, tutulog nang hatinggabi ka gagawa ng mga takdang-aralin o proyekto, nag-aaral para sa pagsusulit at marami pang iba. Kahit nasa bahay ay pag-aaral pa rin ang iniisip.

Kween Yasmin: Esophagus Supremacy

habang tayo’y kusa hapagkainan...”

“Esophagus, esophagus, habang tayo’y kumakain sa hapagkainan...”

esophagus sa

sa kali-

Esophagus sa kaliwa, esophagus sa kanan. Ito na ata ang madalas kong marinig sa mga kaklase kong walang bukang-bibig kun’di gayahin ang spoken poetry ni Kween Yasmin. Habang ako’y nagsusulat, nagrereview, o nagpapahinga, puro na lang esophasgus esophagus ang aking naririnig. Kung ‘di mo pa kilala si Yasmin, siguro ay hindi mo rin alam na may esophagus ka na dadaloy hanggang sinapupunan.

Unang

nakilala si Kween Yasmin bilang isang content creator. Nagsimula siya taong 2018 na kung saan ay gumawa siya ng parody ng Ex Battalion song na ‘Hayaan mo Sila’ at ginawa niyang ‘Lalaking Manloloko’. Pagkatapos nito ay gumawa rin siya ng iba’t ibang video covers at mga parody scenes

sa mga sikat na pelikula.

Nito lang 2023, nadiskubre niyang may talento siya sa paggawa ng mga spoken poetry na kung saan binibigyan siya ng paksa at gagawan niya ito ng on the spot na tula. Pumatok sa mga netizens ang ginawa niyang “esophagus-esophagus” nang mag-guest siya sa isang podcast. Hindi lang “esophagus-esophagus” ang nakaakit ng atensyon sa mga netizens kundi ang “pantog-pantog”, “sekyu”, “selos-selos” at marami pang iba. Ang pinakabago niyang spoken poetry na pinamagatang “ngala-ngala” ay naging patok din sa mga netizens.

Malaki ang naging impluwensiya ng mga spoken poetry ni Kween Yasmin sa larangan ng social media. Marami ang gumagaya at ginagawan siya ng iba’t ibang meme. Ang kaniyang kakaibang istilo ng pananalita at pagbigkas ng mga salita ay ang siyang higit na nakakuha ng mga interes ng mga taong babad sa social media. Dahil kay Kween Yasmin, tila bumalik ang legasiya ng spoken poetry sa katawa-tawang paraan nga lang.

May mga taong sumubok na gayahin ang kakaibang talento ni Kween

Yasmin. May ibang natutuwa, naaaliw, at nasisiyahan sa kaniya, ngunit may iba ring tila naiinis at hindi natutuwa.

Tunay na nakahahanga ang taglay ni Kween Yasmin, ang personalidad niya ay kakaiba. Makikita mo ang saya sa kaniyang mga mata sa tuwing nakikita niyang marami ang kaniyang napapasaya. Hindi lang siya isang content creator na nagpapasaya, siya rin ay creator na maimpluwensya at nagdadala ng saya sa sestima ng marami.

Maraming mga tao ang nagtatangkang sumikat sa social media. Ginagaya nila ang mga content ng mga sikat na media influencer para sumikat at makilala, ngunit sa kabila ng kanilang pagsisikap ay tila nahihirapan silang makuha ang atensiyon ng mga netizens; ‘di kagaya ni Kween Yasmin na gamit ang kaniyang sariling pamamaraan ng pananalita at kakaibang taglay na magbuo ng mga salita ay madali kaagad niya nakuha ang atensyon ng karamihan.

12
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I lathalain
Zack Lorenz Barandino Larawan mula sa shawtout.com Nagkakaroon din ng ba-

Sementeryo ng Oquendo: A Daily Reminder to Live

Rose Nhiel Ann Aranjuez

sa huni

tanawin? May

Minsan mo na bang naisip ang magpahinga at manatili sa isang lugar kung saan tahimik, presko ang hangin, huni ng mga ibon lang ang maririnig at may kakaibang tanawin? May isang lugar na kahit hindi mo hilingin na mapun-

kang pagang Minsan ay naaaliw akong

tahan ay wala kang pagpipilian lalo na at doon din ang iyong patutunguhan.

Nakasanayan ko na sa araw-araw na madaanan ang sementeryo malapit sa aming paaralan. Minsan ay naaaliw akong tingnan ang naggagandahang

yo bawat isa. May

ang nasa isang

mga bahay na may iba’t ibang disenyo bawat isa. May mga bagong bulaklak at minsan ay may mga pagkain ang nasa isang malaki at malinis na silid na tila ba may buhay na nakatira.

Napakatahimik at napakapayapa kung titignan ang lugar. Presko ang simoy ng hangin at ang pag-awit ng mga ibon ay napakasarap din sa pandinig. Marahil kung pagod ka na, pwede ka rito magpahinga.

Napakatahimik lugar. May

iba

nilang

kataon ay takot ang isipin

napapatingin

silid-aralan.

May mga araw na naninindig ang balahibo ko sa tuwing napapatingin ako sa kaliwang bahagi ng aming silid-aralan. Bilang isang estudyante at maraming gawain sa paaralan, may mga araw na gusto kong pumunta sa gawing pahingahan, iyong pangmadalian hindi ‘yong pangmatagalan katulad na lang ng lugar sa likod ng aming paaralan.

pumunta sa gawing pahi-

Ngunit

Ngunit minsan ay napapaisip din ako kung

hon ay may pagkakataon taang mga

ang mga nananahimik na nakahimlay sa sementeryo ay nakamit ang nais nilang mangyari sa kanilang buhay. Marahil ang iba sa kanila ay oo, maaari rin ang iba ay hindi. Isa lamang itong patunay na hindi sa lahat ng pagkakataon ay takot ang isipin sa tuwing may sementeryo. Marahil ang lugar na sementeryo ay isang paalala sa atin na habang may panahon ay may pagkakataon tayong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa atin.

Isa itong pang-arawaraw na paalala na ‘wag sayangin ang buhay na mayroon tayo—na may oras pa para magbago, may oras pa para makamit ang

pang-arawaraw na paalala na ‘wag saang

Reynaldo Porlares

napapangiti

lahat

katapusan. Kaya sa tuwing

mga gusto natin sa buhay. Tumatak na sa aking isipan ang katotohanang may hangganan ang buhay ng tao. Hindi habang buhay ay magagawa natin ang lahat ng gusto natin; lahat ay may katapusan. Kaya sa tuwing napapatingin ako sa sementeryo ay napapangiti na lang ako. Alam ko na kung saan ang direksyon ng buhay ng tao. Walang kawala ang lahat. At dahil alam ko kung saan tayo papunta, mas lalo kong gustong mabuhay at maging masaya.

tao. Walang kawala ang lahat. masaya.

ito na ang palaging suma sagi sa isip ko—gusto kong magkaroon ng isang malawak na sakahan na may preskong simoy ng hangin at matatayog na mga puno. Gusto kong magkaroon ng isang lugar na punongpuno ng iba’t ibang klaseng hayop at gawin itong isang negosyo, isang lugar na parang paraiso na magsisilbing pahinga sa lahat ng mga nagpapagal. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ito ang palaging bumubulong sa aking isipan. Siguro kung totoo ang tadhana, ito na iyon.

Maraming boses ang naririnig kong nag-

Elementarya pa lang, ito na ang laging pumapasok sa aking isipan. Isa na rin ay ang pagnanais kong makapunta at tunguhin ang iba’t ibang bansa at makipagsapalaran. Nais kung sumakay sa tila bang malaking barkong papel at doon ko sisimulan ang paglalayag ng aking kabanata tungkol sa aking mga pangarap. Uunahin ko ang pag-iipon habang ako ay naglalakbay sa asul na

at gagawin itong negosyo. Iyan ang mga simpleng pangarap na nais kong makamit sa aking buhay. Oo, alam kong hindi magiging madali ito para sa akin lalo’t masyado pang maaga para sa ganito kong edad. Alam kong marami pang hagdan ang aking hahakbangin upang maabot ko ang aking mga mithiin. Marami pang proseso ang kailangan kong lampasan. Kailangan ko pang tapusin ang

araw na lang ang isang libo sa sobrang mahal ng mga bilihin. Alam kong hindi magiging madali sa’kin ang lahat ng ito pero ika pa nga, “Kahit gaano pa ka-simple ang mga pangarap mo sa buhay, kailangan mo pa rin itong paghirapan.”

Sa kabila ng aking mga plano, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip ng mga negatibo. Aminado akong hindi ako masyadong

ko kayanin ang kolehiyo? Hindi ko alam ang gagawin ko dahil walang ibang ideyang pumapasok sa isip ko. Kung mabibigo ako sa aking mga plano, ako ay kabado sa ideyang palaging pumasok sa isip ko,

“Paano kung ako ay mabigo? Saan ako tutungo?”

13
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I
lathalain

agham at teknolohiya

Mayroon nang taong nalagyan ng chip sa utak.

Nito lang Enero 30, 2024 ay naglabas ng isang impormasyon sa social media ang billionaire founder ng isang kompanya na si Elon Musk hinggil sa nasabing unang pasyenteng nakatanggap ng implant mula sa brain-chip startup na neuralink noong linggo.

Ang unang resulta ay kinitaan ng promising neuron spike detection. Ito ang mga spike na aktibidad ng mga neuron na inilalarawan ng National Institute of

Health bilang mga cell na gumagamit ng elektrikal at kemikal upang magpadala ng impormasyon sa utak ng isang tao.

At upang mas mapadali at maisaayos nang tama, gumamit ang pagaaral ng robot upang maglagay ng Brain Computer Interface (BCI) sa rehiyon ng utak na kumukontrol sa intensiyon na lumipat. Sinabi ni Neuralink dati na idinagdag na ang unang layunin nito upang bigyang-daan ang mga tao na kontrolin ang isang computer cursor o keyboard gamit lamang

ang kanilang mga iniisip. Maging ang ulta-fine na thread ng implant ay tumutulong sa pagpapadala ng mga signal sa utak.

Sa isang Prime study ng startup ay isang pagsubok para sa wireless brain-computer interface nito upang suriin ang kaligtasan ng implant at surgical robot.

Gayunpaman, ang unang taong nakatanggap ng implant ay kasalukuyan nang nagpapagaling.

May ice cream nang gawa sa isdang tilapia na masarap at hindi mo malalasahan ang lansa.

Ang National Symposium on Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (NSAARRD) ay isa sa mga nagparangal sa tilapia ice cream na siyang sumaklaw sa pinakamataas na premyo dahil sa nakamamanghang paraan ng paggawa nito at maging sa sustansiyang maibibigay nito sa mga tao.

Binuo ng mga food scientist at researcher sa Central Luzon State University (CLSU) ang tilapia ice cream na isang kasiya-siyang likha upang makuha ang pinakama-

husay na paraan sa paggawa nito. Ang teknolohiyang ito ng tilapia na pagkain ay nag-aalok sa mga mamimili ng isang rich protein source na walang lansa at mabahong lasa ng isda.

Ang problemang nais lutasin dito ay ang pagbaba ng konsumo ng isda ng mga bata lalo pa’t mayroong 83 porsyento na lamang ng mga kabataan ang patuloy na kumakain ng isda na kung saan ay hindi akma para sa kanilang edad na hindi kumain ng isda. Sa kadahilanang ito ay bababa ang protina na kanilang makukuha kung patuloy na hindi kumain ang mga kabataan ng isda.

Isa itong makabagong paraan upang mabigyan ng protina at iba pang mga benepisyong kalusugan sa pagkain ng isda ang mga kabataan.

Sa kasalukuyan, available na ang tilapia ice crem sa mga merkado. Ito ay binibenta sa Daerry’s Scoop ‘N Bites sa Munoz Nueva Ecija. Ang mga produkto ng Daerrys ay ipinamamahagi rin sa Harvest Hotel, Cabanatuan City, Lumings Cafe at sa iba pa.

14 AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I
Jizel Barrosa

agham at teknolohiya

Kaya nang dugtungan ang buhay ng tao gamit ang puso ng baboy.

Nakamamangha ang isang klinikal na ekspirementong natunghayan ng mga propesyonal na doktor mula sa ibang bansa. Nakapaloob dito ang ilan sa mga damdaming “nakakabilib at nakamamangha” dahil sa dalawang pasyenteng nabigyan ng pagkakataong mabuhay kahit sa huling sandali at oras.

cal Center (UMMC) noong Setyembre 2023. Kinilala ang unang nakatanggap ng Pig Heart Transplant na si Laurence Faucette at matagumpay na nadugtungan ang buhay. Sumunod na nakatanggap ay ang 57 taong gulang na si David Bannette noong Enero 2022 sa parihong Unibersidad.

ng buhay ng halos dalawang linggo maging si Faucette na nabigyan ng pagkakataong mabuhay ng halos anim na linggo bago sila kinakitaan ng mga impeksyon o komplikasyon sa ginawang transplant/operasyon.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Bartley Griffith na siyang direktor ng Cardiac Xenotransplantation program, isinagawa ang kauna-unahang eksperimento sa University of Maryland Medi -

Sa layon ng mga doktor na maging maayos ang operasyon ay nagsagawa sila ng isang eksperimentong gamot sa anti-body upang sugpuin ang immune system at maiwasan ang pagtanggi ng mga organ.

Sa likod nito, si Bennette ay nadugtungan

Sa kabuoan, ang Pig Heart Transplant ay malaking tulong sa pagsugpo sa pagdami ng mga nangangailangan ng puso. Isa itong daan upang madugtungan ang buhay ng taong nangangailangan ng puso ngunit walang mahanap na donor. Lalo na sa mundong kinatatayuan natin ngayon na limitado lamang ang buhay ng tao.

Mayroon nang bateryang aabot ng 50 taon bago ma-lowbat.

Ang Betavolt

New Energy Technology ng China ay naglabas ng isang siyentipikong detalye hinggil sa bagong imbentong isang nuklear na baterya na maaaring magpagana ng mga devices sa loob ng 50 taon. Ang mga bateryang ito ay maaaring tunog-advanced sa marami, ngunit ito ay umiikot sa isang anyo o iba pa noong unang bahagi ng 1950 na naipapatuloy ngayon.

Ayon sa datos ng Betavolt, ang nuklear

na bateryang ito ay nakapagbibigay o nakabubuo ng isang kuryente na hindi na kakailanganin pang isaksak at magagamit ito ng halos 50 taong katagal.

Sinabi rin ng Betavolt na ang nuklear na bateryang ito ay ang una sa mundo na napagtanto ang miniaturization ng atomic energy, na naglalagay ng 63 nuclear isotopes sa isang module na mas maliit kaysa sa barya.

Bagamat ito’y may mga maaaring negatibong epekto sa kasalukuyan, hindi maikakaila ang

mga positibong epekto nito sa buhay ng isang tao. Isa na rito ay ang pagbabawas ng mga gastos o mga bayarin dahil sa bateryang ito. Nakapagbibigay ito ng supply kuryente ng libre, at wala ka nang iba pang babayaran sa loob ng 50 Taon.

Magagamit din ito sa iba’t ibang bagay, at lugar. Kagaya na lang sa paglipad ng drone, sa mga AI equipment, sa kompanya, sa mga paaralan at iba pa.

15 AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I

agham at teknolohiya

Makabagong Kapiraso sa pag-unlad

Ano nga ba ang artipisiyal na katalinuhan?

Mulat ka na ba sa katotohanang bumibilis na ang daloy ng pagbabago rito sa ating mundo?

Mga bagong teknolohiyang nagmimistulang hindi gawang tao at maihahalintulad na sa tao kung kumilos at mag-isip. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito may iilang katangiang maihahalintulad natin sa isang taong may buhay? Ang nag-iisang rason kung bakit ang mga teknolohiyang ito ay may kakaibang katangian ay dahil sa artipisyal na kata-

linuhan na meron ito o ang Artificial Intelligence (AI).

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Artipisyal na Katalinuhan? Ayon sa mga babasahin, ito ay isang sistema o makina na may kakayahang gayahin ang katalinuhan ng isang tao. Isa itong makina na may sariling isip at desisyong hindi na kinakailangan ng kontrol mula sa tunay tao.

Ito ang nagpapada-

li ng mga bagay-bagay para sa mga tao. Lalo na ngayong makabagong henerasyon, dumarami ang gumagamit sa teknolohiyang ito dahil sa taglay nitong katalinuhan na kung iisipin ay kaya ng lamangan ang katalinuhan ng isang tunay na tao.

Maraming klasi ang AI: narrow AI na kung saan ay espesyalisado lamang sa isang partikular na gawain o task, at general AI na may kakayahan na mag-perform ng iba’t

ibang gawain na katulad ng tao. Kahit may iba’t ibang uri ang AI, makikitang iisa lamang ang hangarin ng mga ito, ang gayahin at padaliin ang mga gawain para mga tao.

Artipisyal na katalinuhan sa pamamahayag

Malaki ang nagiging epekto ng artipisiyal na katalinuhan sa aspektong pamamahayag. Ayon sa isang pag-aaral, iilan sa mabubuting epekto ng AI sa pamamahayag ay ang pagiging awtimatiko ng paulit-ulit na gawain. Ang artipisiyal na katalinuhan ay awtimatikong nagagamit sa pag-aral ng mga datos, pagsusuri ng katotohanan, at ang pagre-report na siyang nakatutulong sa mga taong namamahayag na makatuon sa pagiging mas kumplikado’t malikhaing aspeto sa pamamahayag. Sumunod ay mas napapataas nito ang kahusayan sa paggawa. Naipoproseso ng AI ang malakihang bilang ng mga impormasiyon nang mabilisan na siyang nakatutulong sa mga mamahayag na makaimpok ng mga kaalaman. Panghuli ay ang mas napapaganda nito ang personalidad ng manunulat at ang epekto nito sa mga mambabasa. Sa pamamaraang ito,

nalalaman ng AI ang kagustuhan ng mambabasa at pag-uugali ng nasulat o nagawang artikulo.

Hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng negatibong epekto ang artipisiyal na katalinuhan maging sa pamamahayag. Isa na sa mga ito ay ang kawalan ng trabaho. Ang pag-iral ng awtimatikong pagrereport at pag-aral sa mga datos ay nagiging dahilan upang mawalan ng oportunidad na makatrabaho ang mga mamahayag. Isa na sa halimbawa nito ay ang unang sportscasters ng GMA na sina AI Maia and Marco.

Sumunod ay ang alalahanin sa etikal. Ang gawang AI na mga artikulo ay nagpapataas ng alalahanin sa etikal lalo na sa pagpapanatili ng pamantayan sa pamamahayag, pagpasisiguro ng pamamahayag na walang panig na pinipili at pagpapanatili ng kredibiladad ng mga balita. Panghuli ay ang

kawalan ng pananaw ng mga tao. Ang AI ay nakapagbibigay ng mga datos na mas pinaganda na siyang nagiging dahilan ng mga katanungan sa kontekstuwal na pag-iintindi ng mga taong mamahayag sa paggagawa ng balita. Nagiging rason din ito upang umasa na lang ang mga tao na nakapagdudulot ng kawalan ng sariling pananaw.

May potensiyal naman na mabalanse ang paggamit ng AI sa pamamahayag. Ito ay mababatay natin unang-una sa pagkakaisa ng AI at ng mga mamahayag. Maaari nating ituon na lang sa AI ang mga gawaing may kaukulan sa mga datos habang ilaan naman sa mga mamahayag ang pagiging malikhain, pag-imbistiga, at emosyonal na pamantayan sa pamamahayag.

Sunod ay ang paglilipat na kasanayan ng tao sa AI. Ang paggamit

ng AI ay nagbibigay ng mga bagong kaalaman ukol sa pag-iintindi ng mga artipisyal na katalinuhan. Panghuli ay nakapagbibigay ito ng mga bagong oportunidad sa trabaho. Ang pag-unlad, paggamit, at pagpapanatili sa mga AI ay nagbibigay ng bagong oportunidad sa mga trabaho katulad ng AI journalism ethics, algorithm development, at AI tool customization.

16
John Criz Cacho
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I

agham at teknolohiya

Makabagong Aghimuan: pag-unlad ng Lipunan

Positibong epekto ng AI

M alaki ang tulong na nabibigay ng pagkagawa ng pambihirang imbensiyong ito. Simulan natin kung papaano nito natutulungan ang mga indibidwal sa aspektong pangkomunikasyon.

Base sa isang pananaliksik, nakatutulong ang artipisiyal na katalinuhan sa komunikasyon dahil sa kapasidad nitong mamahala sa mga pananaliksik at pagaaral, paghawak ng mga impormasyon at mga dokumento, at iba pang mga materyal na ginagamit sa mga pagpupulong at interaksiyon ng mga grupo. Nagagawang gamitin ito ng mga tao sa pamamagitan ng mga

birtwal na tulong na nakabase sa artipisiyal na katalinuhan.

Sumunod ay kung paano nakatutulong ang artipisiyal na katalinuhan sa transportasiyon. Nagbibigay kontribusyon ang AI sa pagbabago ng mga behikulong may kakayahang makontrol ang sarili. Natutulungan din ng artipisiyal na katalinuhan ang pagbabawas sa potensiyal na panganib dulot ng mga aksidente. Nakatutulong din ito na magbigay alam sa mga drayber patungkol sa napapanahong kondisiyon ng trapiko at mga panganib.

Sa aspektong panganga -

lagang pangkulusugan, natutulungan ng AI ang mga eskperto pagdating sa paggagamot sa mas epektibong pamamaraan at pamamahala ng mga sakit. Natutulungan nitong iimpok ang mga impormasyon, ireserba, at pag-aralan ang mga karamdaman ng mga pasyente. Ang pagpapaangat ng mga impormasyong ito ay nakatutulong sa mga propesyunal na malaman kung papaano magagamot at pamahalaan ang iba’t ibang klasipikasyon ng mga sakit. May iilang organisayon na rin ang nagsisimula nang gumamit ng AI sa pagpapataas ng kaligtasan sa droga.

Negatibong epekto ng AI

Sa kabila ng mga magagandang implikasiyon ng pagkagawa ng AI, may iilang mga bagay ring nagbibigay ng negatibong epekto sa atin bilang tao. Ilan sa mga ito ay ang kawalan ng trabaho, katamaran ng mga tao, at nawawala na ang pagkamalikhain ng isang indibidwal.

Ayon sa isang pananaliksik, ang pinakakilalang dahilan nito ay ang kalabisan. Maraming tao ang nawawalan ng trabaho sa kadahilanang ang kanilang posisyon ay nagiging lipas na. Ang iilang organisasyon ay mas inuuna ang pagputol ng gastusin na kung saan ay mas pinipili nilang gumamit ng artipisyal na

katalinuhan sa halip ng mga empleyado.

Tumungo naman tayo sa kung paano naapektuhan ng AI ang mga taong gumagamit nito. Batay sa isang pag-aaral, 27.7% sa mga taong gumamit nito ay nawawalan ng kapasidad sa paggawa ng sariling desisyon, 68.6% ay naaapektuhan ang pansariling pagkakakilanlan at isyung pangseguridad, at ang 68.9% naman ay nagdudulot ng katamaran sa tao. Kung ating papansinin, ang katamaran ng tao ang pinakaapektado sa paggamit ng artipisyal na katalinuhan. Kahit hindi tayo bumase sa pag-aaral ay pansin naman sa ating panahon ngayon na ang

katamaran ng tao ang mas higit na naaapektuhan.

Sunod ay kung paano naaapektuhan ng AI ang pagiging malikhain ng isang tao. Ayon sa isang artikulo, nililimita ng AI ang imahinasiyon at ang pakikipag-uganayan ng tao sa paggawa ng mga malikhaing awtput. Umaasa na lang ang mga tao sa mga nakahandang solusiyon o mga ideya mula sa artipisyal na katalinuhan. Dahil sa pagdedepende ng tao sa mga ideyang gawa ng AI, pinipigil nito ang imahinasiyon ng tao at pagkatuto sa mga mukhang tangi’t kakaibang pananaw ng mga tao.

17
AGOSTO 2023 - PEBRERO 2024 TOMO II, ISYU I
DIBUHO | Kimboy Sildo

Isports

“ Magsikap at magtiwala ka lang, maaabot mo ang pangarap mo.

--- Marian Matranas Ostaya sa kanyang pagkapasok sa FEU Tamaraws

Paglalakbay ni Ostaya: Bola Patungong Pangarap

Paglalakbay ni Ostaya: Bola Patungong Pangarap

Hindi biro ang maging isang estudyanteng atleta, maraming pasanin at maraming hamong dumarating. Isa na rito ay kung paano mo ibabalanse ang iyong pag-aaral at pag-eensayo. Bilang isang estudyanteng atleta na maraming pangarap, kasama na rito ay ang lumakas, gumaling, at makilala.

Si Marian Matranas Ostaya ay isa sa mga estudyanteng atleta na nangarap at natupad. Si Ostaya ay nagmula sa Sinidman Occidental, Oquendo District, Calbayog City at kasalukuyang nag-aaral sa Oquendo National High School at nasa ika-sampung baitang.

Limang taong gulang pa lamang si Ostaya ay batak na itong maglaro ng basketball. Halos araw-araw siyang naglalaro ng basketball kasama ang kanyang kuya at mga pinsan. Naikwento ni Ostaya na ang kuya niya raw ang nagtuturo sa kaniya noon kung paano mag drib-

ble, dumepensa, at tumira.

Taong 2023 lang ay nadiskubre ang kakayahan at galing ni Ostaya sa paglalaro ng Basketball kung saan sumali siya sa try-out para sa Basketball girls team ng Oquendo National High School upang ilaban para sa Calbayog City Athletic Association Meet o CCAAM 2023. Dito, nakitaan siya ng potensiyal ng kanilang coach na si G. Nerwin Malwinda at kinuha siya bilang Team Captain at sa kaniya ibinigay ang role ng pagiging point guard.

Sina Ostaya at ang kanyang koponan ay nanalo sa Basketball girls noong nakaraang CCAAM Meet at napiling magrepresenta ng Calbayog City Division sa Eastern Visayas Regional Athletic Association Meet o EVRAA hanggang ngayong taong 2024 dahil nasilyado nila ang kanilang pwesto.

Nito lang ika-25 ng Pebrero ay nagkaroon ng

Batang Pilipino Basketball League Regional Selection kung saan nakilahok ang ON-High School Basketball team at nirepresenta ang Calbayog Lady Starhoopster sa pangunguna ng kanilang Coach na si G. Nerwin Malwinda at G. Raymund Constantino na ginanap sa Calbayog City Sports Center kasama ang mga manlalarong nagmula pa sa iba’t ibang siyudad ng Region 8.

Bagamat hindi sila pinalad na manalo laban sa Hotel Rodolfo Lady Ballers ng Tacloban City, nakuha pa rin si Ostaya dahil nagustuhan at nakitaan siya ng potensiyal ng mga Sports Coordinator at Officials.

Ayon kay Ostaya, kinausap daw siya ni G. Jonas Galvan, isa sa mga tagapangasiwa ng Basketball program at ni G. Ron Camara na Founder ng Batang Pinoy Basketball League at inalokan siya ng Scholarships sa Far Eastern University kung

Pacquiao, tinanggihang makasali sa 2024 Paris Olympics

John Vincent Capatan

Hindi na muli pang matutunghayan sa loob ng ring ng Paris Olympics ang Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao matapos siyang tanggihan ng International Olympic Committee (IOC) sa kagustuhan niyang sumali

sa kadahilanang lumagpas na siya sa age limit ng mga atletang lalahok sa palaro.

saan doon siya mag-aaral ng Senior High School at ipagpapatuloy ang kanyang karera bilang isang basketbolera.

Noong una ay walang masabi si Ostaya kung kaya’t kinausap din ang kaniyang coach na si G. Malwinda kung ayos lang ba na kunin o i-recruit nila si Ostaya bilang manlalaro ng FEU Tamaraws. Agad namang pumayag ang coach at kinausap nito si Ostaya at sinabing tanggapin na ang oportunidad dahil pangarap ito ng atleta.

Samantala, tinanggap na si Ostaya ang alok at pumayag naman ang kanyang mga magulang na sa Far Eastern University (FEU) siya magaaral dahil nga sa pangarap ito ng atleta at suportado rin ito ng kanyang mga magulang.

Kasiyahan at kalungkutan naman ang naghahari sa puso ni Ostaya. Masaya dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap ngunit nalulungkot

din dahil maiiwan niya ang kaniyang mga kasama— ang ON-high Basketball team na kanya nang itinuring na pamilya, ang Oquendo National High School kung saan siya unang nakilala at nakitaan ng potensiyal.

Hindi masama ang mangarap, bagkus ito ay nakabubuti. Sa buhay ay maraming eksena, maraming dumarating na hindi natin inaasahan ngunit alam nating lahat na magugustuhan natin. Tiwala lang sa sarili at sa Diyos ang kailangan, dahil maraming tao ang sumusuporta at naniniwala sa iyo. Katulad kay Ostaya, isang karaniwang estudyanteng atleta, nangarap, at unti-unting natutupad.

“Magsikap at magtiwala ka lang, maaabot mo ang pangarap mo,” mga salitang ibinilin ng isang estudyanteng atleta na patuloy na lumalaban, nagtitiwala, at pinapahalagahan ang kaniyang karera.

noong Pebrero 2023, nagpost siya ng mga video kung saan sinusubukan pa rin niyang mag ensayo at makikitang mabilis pa rin ang kanyang mga kamao.

Si Pacquiao ay nagretiro na noong 2021, ngunit

Ayon sa inilabas na pahayag ng Philippine Olympic Committee noong ika-18 ng Pebrero 2024, ibinasura ng IOC ang apela nitong isali ang ating pinakamamahal na boxing icon dahil sa kanyang edad na 45, lagpas sa age limit na 40 taong gulang para sa mga boksingerong lalahok sa Olympics.

Ang 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro ang huling pagkakataon ni Pacquiao na magsuot ng guwantes ngunit dahil sa

kanyang mga tungkulin sa senado, tinanggihan ni Pacquiao ang imbitasyon na lumaban sa 2016 Olympics. Hindi siya kailanman nakipagkumpitensya sa isang Olympic Games sa kaniyang tanyag na karera kung kaya’t ganoon na lamang ang kagustuhan niyang makalahok sa 2024 Paris Olympics.

Myla Abarico

Mga manlalangoy ng ONHS, naibulsa ang limang medalya

Naibulsa ng mga manlalangoy ng Oquendo National High School (ONHS) ang tatlong pilak at dalawang tansong medalya sa ginanap na Calbayog City Athletic Association Meet o CCAAM na ginanap sa Marju-Krisel Resort Calbayog City noong araw ng Biyernes, ika-1 ng Disyembre 2023.

Inuwi ang dalawang pilak at isang tansong medalya ni Peter Bosque, isang student-athlete ng ONHS, na kinandaduhan ang unang pilak sa kategoryang

freestyle 100m dash sa oras na 01:16.00 at pangalawang pilak naman ay sa parehong kategorya 50m dash sa oras na 00:33.11. Nakuha ni Bosque ang kanyang ikatlong medalya nang masiguro niya ang tanso sa pareho ring kategorya 200m dash sa oras na 03:17.50.

Matagumpay rin na naiuwi ni Joanna Mae Garni-

Samantala, nasungkit din ni Rhea Tingzon ang isang tansong medalya matapos pumangatlo sa pwesto sa kategoryang backstroke 100m dash at natapos sa oras na 02:37.87.

Ang kanilang nakuhang mga parangal ay bunga ng kanilang pagsisikap at determinasyon para makamit ang mga

Estudyanteng Atleta: Pahalagahan, huwag pahirapan

Myla Abarico

‘‘

Pagaanin ang bigat ng mga pasanin ng mga estudyanteng atleta.

Hibatang bastoneros, bastoneras, bumandila sa larong Arnis

Hindi maipagkakailang ang mga estudyante ay mahilig sumali sa iba’t ibang ekstra-kurikyular na mga aktibidades, isa na rito ay ang pagsali sa mga isports. Ngunit tila bakit nagiging rason ang pagsali sa isang isports upang ang isang estudyante ay mahirapan? Bakit mga guro pa mismo ang nagbibigay ng mga mabibigat na pasanin sa mga atleta?

Malaki ang inilalaang oras ng mga atleta sa kanilang pag-eensayo na siyang nagiging dahilan upang mawalan sila ng oras na pumasok sa iskwela. May pagkakataong hindi sila binibigyan ng konsiderasyon bilang atleta sa mga aktibidades o kahit ano pang gawain sa loob ng paaralan.

Tama ba na maging isa ka sa mga nagbibigay ng hirap sa mga atleta? Pagod na sa pag-eensayo, pagod pa rin sa mga gawain sa eskwelahan. Nasaan na ang pahinga? Nasaan na ang awa para sa mga atleta?

Maliksing galaw, matulis na pananaw, at malalakas na palo ang ipinasabog ng Pink Panthers sa Likha Anyo Secondary Categories at Full Contact Combat Categories na ginanap sa Northwest Samar State University College of Criminal Justice and Sciences building noong ika-1 hanggang ika-2 ng Disyembre 2023.

Hiyawan at sigawan ang nagpaingay sa buong silid na resulta ng makalaglagpangang performance ni Ma. Jovinee B. Salvadora dahil sa malalakas nitong patama, sunod-sunod na atake, at swabeng galawan kung saan ibinida niya ang kaniyang mga tricks na 360 degrees rolling, at twirling na nagpabilib sa mga hurado at maibulsa ang gintong medalya sa Individual category Double-baston girls.

Sa Solo-baston naman ay hindi nagpahuli si Salvadora at nakipagsabayan sa kanyang mga katunggali at nakuha ang Pilak na medalya.

Bumawi naman ang kaniyang kalabang nagmula sa Tinambacan 3 at napagtagumpayan nitong makuha ang kapanalonan sa ikalawang laban.

Habulan at palitan naman ng mga malalakas na palo ang nangyayari sa huling laban, sunod-sunod na mga malalakas na atake naman ang pinakawalan ni Lebajo at matambakan nito ang kalaban dahilan upang maibulsa nito ang gintong medalya.

Samantala, kasama rin nilang nag-uwi ng gintong medalya ang bastonerang si Aprilyn Royce Aniscal sa kategoryang Synchronized Doblebaston at Espada Y daga girls.

Hindi naman nagpahuli si Levi Edrian Mongcano sa Individual Category Solo-baston kung saan

Mas pinainit naman ni Andrea Lebajo ang labanan sa buong silid matapos itong magpakitang-gilas sa Full Contact Combat. Hindi nito pinatagal ang kanilang laban ng kaniyang katunggaling nagmula sa Tinambacan 3 at agad nitong pinaulanan ng mga malalakas na palo dahilan upang makuha ang kapanalonan sa unang laban.

nasungkit nito ang tansong medalya matapos nitong magpakitang-gilas at pabilibin ang mga manunuod sa kaniyang mga galaw.

Ibinulsa naman ni Jhon Denver T. Decena ang Pilak na medalya sa Individual Category Double-baston kung saan pinabilib nito ang mga hurado at pinakitaan ng mga napakaangas na galawan ang mga manunuod.

Samantala, ibinulsa naman ng mga bastoneros na sina Mongcano, Decena, at Bosque ang tansong medalya sa Synchronized Category Solo-baston at Double-baston, habang pilak naman ang sa Espada Y daga.

Hindi naman inatrasan ng mga bastoneros ang Full

Contact

Combat kung saan pinaingay at pinainit ni April Boy Bacares ang buong silid at nagawa nitong makipagsabayan sa mga katunggali at angkinin ang pilak na medalya.

Nagpakitang-gilas naman si Bosque sa kategoryang Extra Light Weight at ibinulsa ang tansong medalya.

Samantala, kabilang naman sina Salvadora at Lebajo sa mga napiling atleta na magiging kinatawan ng Calbayog City Division upang sumabak sa darating na Eastern Visayas Regional Athletic Association Meet (EVRAA) 2024.

Alam nating lahat na ang bawat tao ay may iba’t ibang angking galing at kakayahan, kung kaya’y dapat lamang na ito’y ating pahalagaan. Dapat bigyang-pansin ang mga pasanin ng mga estudyanteng atleta, tulungan nating pagaanin at bigyan sila ng maluwag na paghinga.

Mahirap pagsabayin ang pagiging atleta at pagaaral, maaring sa iba ay madali ngunit ang katotohanan ay mahirap—pagod, pawis, pasa, sakit sa katawan, at maaring madisgrasya pa. Kailangan nila ng konsiderasyon, kailangan nila ng suporta. Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang abilidad na siguradong magagamit mo upang makamit mo ang iyong mga pangarap.

Pagaanin ang bigat ng mga pasanin ng mga estudyanteng atleta. Laging tandaan na ang abilidad ay dapat lamang na bigyang-pansin at pahalagahan. Hindi lang sa pag-aaral umiikot ang buhay ng isang estudyante, kinakailangan din ng mga ekstra-kurikyular na mga aktibidades upang umabante.

19

Flying Reta: Paglalakbay ng Estudyanteng Atleta

Hindi maipagkakailang pambihirang lakas, kisig at lakas ng loob ng isang Leon, bilis ng isang tsite, at nagmimistulang isang ibong lumilipad sa himpapawid dahil sa pambihirang talon.

Iyan ang iilang pahayag na ating maikukumpara sa isang babaeng may kahusayan na naiiba sa karamihan pagdating sa larangan ng palakasan. Isang babaeng nagwagi sa mga laro’t naidala sa matataas na antas ng palakasan na kinakailangan ng bilis, lakas ng pagtalon, at kumpiyansa sa sarili, ang larong track and field.

Si Rita S. Mission ay nagsimulang sumali sa nasabing palakasan nang siya ay nasa ikaanim na baitang sa paaralan ng Sinidman Occidental. Sa kaniyang unang pagsali ay nadala na siya kaagad at naging kinatawan sa EVRAA sa high jump, long jump, at triple jump pa lang. Nagpatuloy ang kaniyang tagumpay at naging kina-

tawan pa rin ng EVRAA mula ikaanim hanggang ikalabing dalawang baitang sa Pambansang Paaralang Oquendo. Ang mga tagumpay na ito ay dahil sa iilang taong gumabay sa kaniya. Nang siya ay nasa elementarya, ang kaniyang unang coach na si Ma’am Teresita Banate ay isa sa naging susi sa paglalakbay niya bilang isang atleta at pagdiskubre sa kaniyang angking talento. Pagdating naman sa ikalawang lebel, si Sir Chrisanto Potoy at si Ma’am Jenny Baile ang naging kapiraso ng tagumpay sa mga iilang larong kaniyang sinalihan at napagtagumpayan.

Sa likod ng mga pagwawaging ito, hindi maiwasang may mga suliraning kinakaharap si Mission sa kaniyang paglalakbay bilang isang estudyanteng atleta. Isa sa mga suliraning ito ay ang tipikal na problema ng mga estudyanteng atleta, ang pagbabalensa ng kanilang pag-aaral at paglalaro. May mga panahon ding nahihirapang makapag-insayo’t

makapaglaro si

Mission dahil

sa mga karamdaman katulad ng masamang pakiramdam at paglalaro kahit na may buwanang dalaw.

Sa kabila

ng mga suliraning ito, patuloy pa rin siyang nakapaglalaro ng maayos, iyon ay dahil sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay. Sa pag-aaral naman ay nakahahanap siya ng solusyon upang mabalanse ang kaniyang pag-aaral at paglalaro. Ayon sa kaniya “Pag-oras ng insayo, mag-insayo at magbigay ng oras para sa inyong pag-aaral para hindi ka mahuli.” Isa rin sa naging dahilan kung bakit siya nagpapatuloy kahit na may mga karamdaman ay ang pag-eensayo ng malugod at magsaya habang nag-eensayo.

salamat ni Mission sa mga taong gumabay at naging inspirasiyon niya lalong lalo na sa kaniyang pamilya at ang kaniyang mga naging unang coach na nakita ang potensiyal niyang kagalingan na hanggang ngayo’y patuloy pa rin. Ang kaniya namang mensahe sa kaniyang mga kapwa estudyanteng atleta.

“Huwag sayangin ang oportunidad sa isports, bibihira lang ang oportunidad na ito at panatilihing maging disiplinado lalo na sa panahon ng pag-iinsayo.”

Malaki ang pasa-

DAAn tungo sa gintong medalya

Hindi biro ang maging isang manlalaro lalo na kung ikaw ay estudyante. Dito kinakailangan ng pasensiya, tibay ng loob, pagiging bukas sa lahat ng mga hamon hindi lamang sa pag-eensayo kundi sa lahat ng hamon sa buhay.

Bilang isang estudiyanteng atleta, hindi maiiwasan ang pagdating ng maraming pagsubok, nasa iyo na lang kung paano mo ito haharapin at lalagpasan.

Isa na si Cherry Anne Amosco sa mga estudyanteng atleta na nahihirapang pagsabayin ang pag-eensayo at pag-aaral, ngunit patuloy pa ring lumalaban para sa pangarap.

I S P O R T S

Mayo taong 2024.

Si Cherry Ann Amosco ay kasalukuyang nag-aaral sa Oquendo National High School at nasa ika-10 na baitang. Kilala siya bilang isang magaling na Atleta at ang ‘‘ The Defending Throws Champion Girl’’ sa Calbayog City.

Si Amosco ay nanatiling kampeonato sa Track and Feild Throws sa halos limang taon. Nasa ikaanim na baitang palamang siya ay nakilala na siya sa Division ng Calbayog City dahil sa kanyang galing sa javelin, shotput, at discuss throws.

Matatandaang nito lang nagdaang Calbayog City Atlethics Association Meet o CCAAM ay hinakot at inubos ni Amosco ang gintong Medalya sa javelin, shotput at discuss throws girls at dinaig ang iba’t ibang manlalaro na nagmula sa iba’t ibang paaralan ng Calbayog City, kung kaya naman siya ulit ang napiling ilaban para sa nalalapit na Eastern Visayas Regional Atlethic Association Meet na gaganapin ngayong

Naikwento ni Amosco ang kanyang mga karansan at takbo ng kaniyang buhay bilang isang estudiyanteng atleta. Ayon sa kanya, marami ang pagsubok na kanyang pinagdaan sa likod ng kanyang tagumpay, isa na rito ay ang kung pano na babalansehin ang kanyang pag-aaral at pag-eensayo. May mga pagkakataong naba-blanko raw siya sa eskwela at sa kanilang pag-eensayo ngunit nalalagpasan niya ito sa tulong ng kanyang mga magulang na sumusuporta sa kaniya at sa kaniyang mga kasama at coaches sa Track and Feild.

Sa likod ng mga hamon sa buhay, nananaig pa rin ang kaayusan at kagandahan kung kaya naman maging mapasalamatin tayo at sulitin natin ang mga panahon, tapusin ang nasimulan para sa pangarap, magsumikap upang makamit ang mga nararapat. Sabi pa nga ni Amosco.

‘’Tapod la kam sa iyo kalugaringon, kaya niyo itun, focus la sa goal.’’

Myla Abarico
20 S P O

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.