Aragi - RSPC School Paper Entry SY 2020-2021

Page 1

A

HANAP-BUHAY. Mas pinili ni Jerome Alaba, 14, na magtrabaho sa sakahan para mayroon silang makain kaysa sumagot daw sa modyul na nahihirapan siya. Larawang kuha ni Jayson Dumaog

kasangga ng mamamayan boses ng katotohanan

Opisyal na Pahayagang Pangkampus-komunidad ng Lilingayon National High School ● Sangay ng Valencia City ● Rehiyon X

● Tomo 1, Blg. 1 ● Nobyembre 2020 - Abril 2021

Child labor tumitindi dahil sa modular set-up - Sheila Mae Bentulan/11 GAS

T

umitindi ang child labor sa Lilingayon National High School (LiNHS) matapos madagdagan ng 15 and dating datos na 10 sa taong panuruan 2019-2020 ng kabuuoang populasyon ng paaralan. Ang sinisising dahilan dito ay ang pagkakaroon ng modular distance learning. Sa isang panayam na ginawa ng Aragi sa isang mag-aaral na si Jerome Alaba, 14, G8, , hindi daw siya makakapag-aral nang sarilihan kaya mas mabuting mag-trabaho na lamang. Hindi naman daw siya matulungan ng mga magulang sapagkat Grade 2 lang ang natapos ng mga ito at mahiya naman daw siyang magpaturo sa iba.

Kabuuang enrolment sa tatlong taongpanuruan, dumarami

576 560 558

2020-2021 2019-2020 2018-2019

‘Asawaha’: Pagtalakay sa ugat ng maagang pagaasawa ng Talaandig

- Johndel Bert Bacalso/ 10 Mahogany

N

ababahala man ang mga kaguruan na dumarami na ang mga sangkot sa maagang pag-aasawa sa LiNHS, nanindigan naman ang tribo Talaandig na bahagi na ito ng kanilang kultura na kung tawagin ay ‘asawaha’. Ayon kay Datu Makatana (Rowell Abejar), 43, ng tribo Talaandig, hindi raw maiwawaglit na mapahanggang ngayon, sinusunod pa rin ng mga Talaandig ang kulturang magparami talaga sila. Kung kaya raw may mga magulang na pinapayagang maagang mag-asawa ang kanilang mga anak. “Maaari nang mag-asawa ang isang Talaandig kung siya ay may kakayahan nang makabuo ng bata. Gayunpaman, hindi kinakasal sa tribo kung ang babae ay buntis,” pagdidiin ni Datu Makatana. ...sundan sa pahina 3

“Ayha nako mueskwela kung naa nay face to face kay lisod kaayo ning modyul, walay maestra dili ko makasabot (saka na ako mag-aral kung babalik na ang face to face kasi ang hirap kapag ganitong modyul lang, walang guro, hindi ako makaintindi),” saad ni Alaba. Para naman kay Jerome Aguilar, 17, G11, mas mabuti daw na magtrabaho kaysa magmodyul lalo na sa panahon ngayon na mahirap matutong mag-isa.

“Titigil muna ako sa pag-aaral, dapat unahin ko ang aking pamilya, tutulungan ko sila na may makain kami, isa pa, nakakatamad magmodyul, mas mabuti talagang may guro na magdiscuss sa mga mga lesson”, giit pa niya.

Balitang komunidad

Samantala, nagbigay naman ng pahayag tungkol dito si Martin M. Rosete, Jr., ang punong guro ng nasabing paaralan. Aniya, “batay sa orientation ng Department of Social Welfare Development (DSWD), minors should not work, should not be forced, should not be allowed to work in the farm, because it is considered as child labor, hindi trabaho ng mga bata ang mag-hanap-buhay, ang trabaho ng bata ay ang mag-aral,” pagdidiin niya. Ayon naman kay G. Empuerto, Barangay Chair Committee ng Violence Against Women and Children o VAWCE, kailangan daw sa ganitong kaso ay kausapin ang mga magulang ng bata.

Dagdag niya, dapat alam ng mga magulang na hindi puwedeng patrabahuin ang kanilang mga anak na wala pa sa tamang edad. Kung may mga reklamo man hinggil dito, handa raw tumulong ang barangay na iakyat ito sa DSWD. Nang tinanong si Alaba kung inuutusan ba siya ng kaniyang mga magulang, sabi niya nagtatrabaho daw siya para magkapera, at para na rin makatulong sa kaniyang pamilya, pero hindi daw siya inuutosan ng kanyang mga magulang. Nakasaad na sa Republic Act No. 9231 o Anti- Child Labor Law, na nagbabawal sa mga kabataang may edad na 15 taong gulang pababa na magtrabaho. [A]

Magulang hati sa balik face-to-face ng HEIs

B

- Princess Ocularis/ 10 Narra

alik face to face na ang dalawa sa mga pribadong paaralan sa lungsod ng Valencia: ang San Agustin Institute of Technology (SAIT) at Mountain View College (MVC) ngunit reaksiyon ng mga magulang nahati. Ang in-person classes na ito ay inaprubahan alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Commission on Higher Education (CHED) na maaaring maglunsad ang mga Higher Education Institutions (HEIs) ng limited face to face class lalo na sa Health Related courses.

Balita ‘Itigil na ang modules’-magulang

Nanawagan ang karamihan sa mga magulang ng LiNHS na itigil na ang modules bilang bagong sistema ng pag-aaral na inilahad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sapagkat, masyado daw itong komplikado.

2

"Yung face-to-face classes is not a requirement, it is an option given to universities who would like to do limited face-toface classes under certain restrictions and guidelines," ayon kay CHED Commissioner Dr. Prospero de Vera III kasama ang National Task Force Againts COVID19 chief implementer na si Carlito Galvez. Bagamat pinanawagan ng iilan ang pagbabalik sa harap-harapang klase, umani ng samu’t saring mga opinion sa magulang at mag-aaral ang pagapruba sa pagbubukas ng mga nasabing paaralan.

Hindi ako sang-ayon sa face-toface classes. Hindi natin alam kung sino ang carrier ng virus, natatakot ako baka mahawaan yung inaalagaan ko dahil mahina siya at kulang sa resistensiya ang kaniyang katawan. ROSENIE DAHAY

Isang yaya sa mag-aaral sa SAIT

...sundan sa pahina 2

Lathalain

Ag●Tek

Albie waiting for you

Inuming tubig sa LiNHS, bagsak sa istandard

Nanghihina, payat, hingal, lampa kung maglakad, gutom na gutom, at takot at halatang nawala ang tiwala sa tao dahil baka siya sasaktan, ganito ang naging karanasan ni Albie matapos siyang iwanan ng kaniyang tagapag-alaga.

Ang tubig ang isa sa pinakamahalagang pangangailangan ng tao. Ngunit paano na lang kung ang tubig na iyong iniinom ay hindi pasado sa Philippine National Standard for Drinking Water?

7

10


Kaamulan festival, nanatiling kanselado

2 ARAGI balita

4Ps, IPs, takot sa covid vaccines

- Jade Lumapas/10 Narra

I

ka-4 ng Marso nito lamang taong 2021, naglabas ng memorandum si Gobernador Jose Ma. Zubiri Jr., tungkol sa pananatiling kanselado ng Kaamulan Festival 2021 dahil sa patuloy na banta ng pandemya at nasa General Community Quarantine pa rin ang probinsya ng Bukidnon batay sa deklarasyon ng Inter Agency Task Force. Matatandan noong taong 2020, kinansela rin ng Gobernador ang pagdiriwang ng Kaamulan Festival, alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Duterte na ipinagbabawal ang pagtitipon-tipon para maiwasan ang pagkalap ng nasabing sakit. Sa paglabas ng memorandum, maraming tao ang nadismaya at nalungkot, lalong-lalo na ang mga kalahok sa iba’t ibang paligsahan, mga nagbebenta ng pagkain at mga kagamitan, at pati na rin ang mga taong dumarayo, ngunit tinanggap na lamang din kung ano ang desisyon ng nakatataas. “Nalungkot ako nang kunti, kasi isang beses pa lang akong nakadalo sa Kaamulan Festival, at ako’y nagmimithi na makadalo pa ng maraming beses, subalit dahil nga sa pandemya na ngayo’y ating nararanasan kaya kinansela na lang muna ang pagdiriwang,” sabi ni Bb. Lynshine Sagmao, 22, residente ng Lilingayon. Para naman kay Sheila Mae Bentulan, 19, mag-aaral sa LiNHS, nakakalungkot daw pero okey lang sa kanya na wala munang pagdiriwang sa Kaamulan Festival ngayong taon, dahil kailangan daw munang pangalagaan ang kalusugan at para naman din sa kapakanan ng lahat ang iniisip ng mga nakatataas. Mabigat man daw sa kalooban ng gobernador ang pagkansela sa nasabing pagdiriwang mas nangingibabawaw pa rin daw ang kaniyang pag-aalala para sa kalusugan ng mga tao at inaasahan niya ang kooperasyon at pagiintindi ng mga mamamayan. [A]

………………………………………………………………………………. Mula sa pahina 1

Magulang hati sa balik face... Ayon kay Ridwan Tan, 37, magulang na may anak na nag-aaral sa MVC, natatakot siyang pag-aralin ang kaniyang anak kahit nasa kolehiyo na ito dahil kunting ubo lamang o sipon lang daw ang iyong nararamdaman, sasabihin na agad ng iba na Covid-19 ito. Magkahalo naman ang naramdaman ng isang mag-aaral sa SAIT. “Sa wakas, nakabalik na rin sa paaralan. Mas mabuti ang face-to-face classes or in-person classes dahil mas matuto ako. Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang takot na nararamdaman sa mga posibleng mangyayari. May pangarap ako at kailangan ko itong tuparin”, pagmamatuwid ni Kei Jin Tañara, 20, nag-aaral sa San Agustin Institute of Technology (SAIT) na taga-Lilingayon. Ngunit ayon naman kay Gng. Rosenie Dahay, 44 anyos, tagapag-alaga ng isang mag-aaral ng San Agustin Institute of Technology, hindi daw siya sang-ayun sa face-to-face classes. Lalo na't baka mahawaan ito dahil mahina at kulang sa resistensya sa katawan nito. Mas mabuti na daw iyong safety first. Samantala, sa halip na takot at pangamba ang maramdaman ng isang ina, kasabikan ang naramdaman nito nang mapabalitang magbubukas na uli ang eskwelahan ng kaniyang anak. Siya si Leizle Saguilan, 38 taong gulang, aniya, mas mabuti daw rin ang face-to-face classes kahit malayo sa piling nila ang kanilang anak ay kakayanin ito. Marami daw ang matutunan ng kaniyang anak dahil sa face-to-face classes lalo na sa kursong kinuha nito. "Masaya akong nagkaroon ng face-to-face classes dahil mas naiintindihan ko ang mga lessons at makikita ko na talaga ang mga guro at kaklase ko but at the same time nakaramdam din ako ng lungkot. Malungkot ako dahil nag-bo -boarding house ako dito sa loob ng paaralan at hindi maka-uwi sa amin. Gusto ko sanang umuwi araw-araw kaya lang hindi kami papayagan ng school. Matagal ko nang hindi nakikita ang aking pamilya at miss ko na sila lalo na ang aking mga kapatid ngunit natatakot akong umuwi. Gayunoaman, papanatilihin kong maging matatag kahit malayo ako sa aking pamilya, " pahayag ni Irish Saguilan, 19, estudyante sa MVC. [A]

Nobyembre 2020-Abril 2021

- Je-an Cabantug/12 GAS

‘BAHALA NA’. Dahil sa pangambang baka magwawakas sa trahedya ang kanilang buhay dulot ng mga bakuna sa covid-19, napasambit ng ‘bahala nang matanggal sa IPs/4Ps’ ang mga magulang ng mag-aaral ng LiNHS. Larawang-kuha ni Jayson Dumaog

L

abis ang takot at pangamba ng mga benepisyaryo ng 4Ps at IPs nang inanunso ng DSWD noong Oktubre 21, 2020 na isa sila sa uunahing babakunahan alinsunod sa listahan ng mga prayoridad na inihanda ng pamahalaan, ito ay dulot ng kawalan ng tiwala sa bakunang Dengvaxia. "Hindi kami papayag hanggat hindi pa nasisigurado ang epektibidad ng bakuna, baka maging katulad ng nakaraan na maraming namatay dahil may mga batang mahina ang immune system na nabakunahan," tugon Melodina L. Aguilar, 40 anyos na ina ng tatlong anak at benipisyaryo ng 4Ps, nang tinanong siya kung papabakunahan ba niya ang sarili at mga anak. Ayon sa isang survey na ginawa ng OCTA Research (isang pangkat ng mga nangungunang akademiko na nag-aaral ng coronavirus pandemic) noong huling bahagi ng Pebrero 2021 ay 19 porsyento lamang ng mga nasa hustong gulang na Filipino ang handang magpabakuna laban sa Covid-19 at 46 porsyento ang ayaw kahit na may ligtas at mabisang bakuna na magagamit.

Hindi kami papayag hanggat hindi pa nasisigurado ang epektibidad ng bakuna, baka maging katulad ng nakaraan na maraming namatay dahil may mga batang mahina ang immune system na nabakunahan. MELODINA AGUILAR

Benepisyaryo ng 4Ps

Hindi rin payag ang benepisyaryo sa IPs na si Gng. Angelina A. Montemor, 38 anyos at ina ng tatlong anak, sa kadahilang takot siyang mamatay ang kaniyang mga anak at kagaya nang nangyari sa bakunang Dengvaxia na ipinagbawal ng DOH na gamitin at ibenta sa Pilipinas nang mapatunayan na ang bakunang ito ay nag

daragdag ng peligro sa ospital at cytoplasmic leakage syndrome sa mga bata na walang paunang pagkakalantad sa dengue, anuman ang edad. “Hindi ako payag [magpabakuna] dahil baka matulad sa Dengvaxia noon)," panayam ni John, 17 taong gulang mag-aaral na benepisyaryo ng IPs. Gayunman ay ipinahayag ni Marjurie A. Quintinita, Barangay Health Worker (BHW) President ng Barangay Lilingayon, ang suporta nito sa baksinasyon sa kadahilang ipababa nito ang peligrong dala ng Covid-19 lalonglalo na sa mga fronliners na katulad niya. “Kung magpapabakuna ka ay mas mababa ang risk na magkakaroon ka ng Covid dahil pro-rotektahan ka nito. Kami, bilang mga front liners, considering na kung sa giyera pa ay kami yung nakatayo sa pinakaharap ay kinakailangang protected kami,” dagdag pa ni Quintinita. [A]

‘Itigil na ang modules’ – magulang

N

- Shaime Jane Estalane/10 Narra

anawagan

ang karamihan sa mga magulang at mag-aaral ng LiNHS na itigil na ang modules bilang bagong sistema ng pag-aaral na inilahad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sapagkat, masyado daw itong komplikado. Batay sa inilunsad na sarbey ng Aragi, isa sa sampung (10) mag-aaral lamang ang sang-ayon na magpatuloy ang Modular Distance Learning (MDL). Bagamat kaunti lang sa kanila ang gustong magpatuloy ito, ang iilan sa mga magulang ay naglabas ng kanilang obserbasyon sa pagsagot sa mga modyul ng kanilang anak. "Masasabi kong hindi mabuti ang pamamaraan ng gobyerno sa bagong sistema ng pag-aaral sapagkat nahihirapan ang mga mag-aaral na intindihin ang mga aralin at ang iba ay naging tamad na dahil sa pagsagot sa modyul ay diretso nang tumitingin sa mga answer key, kaya dapat nang itigil ang modular," pahayag ni Juanito Ortega, 39, isang magulang sa Lurugan National High School (LNHS). Samantala, ayon naman kay Jusil Bosquit, 34, isa sa mga magulang ng mag-aaral sa Lilingayon National High School (LiNHS), istorbo lamang daw ito dahil wala naman daw natutunan ang kanyang anak. "Kuha lang ako ng kuha ng modyul, wala namang natutunan ang anak ko sapagkat susi ng pagwawasto na diretso ang tinitingnan. Kaya parang napapabayaan ko na ang trabaho ko, para lang sa wala, sana itigil na ito, mag-limited face to face na lang," sabi niya sa wikang bisaya.

ISTORBO. Ito ang naging pahayag ni Jusil Bosquit, isang magulang hinggil sa modular distance learning sapagkat wala daw natututunan ang kaniyang mga anak. Larawang kuha ni Kris Joy Dela Pina

Ganito rin ang pahayag ng ibang mga magulang kaya nanawagan sila sa DepEd na itigil na ang sistemang ito, dahil kung hindi susi ng pagwawasto ang tinitingnan ng kanilang anak, sila daw ang pinapasagot. “Yung malalaki naming anak susi ng pagwawasto ang tinitingnan, hindi na nagbaba -

sa mga activities samantalang, yung maliliit naman kami ang sumasagot sa modyul nila, dahil hindi nila alam kung paano ito gawin,” ayon naman kay Liezel Saguilan,38, residente ng Lilingayon, isa rin sa mga magulang na sumagot sa panayam. [A]


ARAGI balita 3

Nobyembre 2020-Abril 2021

‘ONE IS ENOUGH’

Mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo ng kabataan, kinokondena ng barangay - Lea Jane Eugenio/11 GAS

Paggahasa, pagpatay sa batang Valenciano, nagpabago sa mga lakwatserong kabataan sa Lilingayon - Jade Lumapas/10 Narra

M

atapos pumutok ang balitang natagpuang patay at inilibing sa putikan ang nawawalang bata na si Mae Love A. Sayta, 6 na taong gulang at isang residente sa Purok 11A Red Cross Village noong ika-28 ng Enero 2021, nagbago na ang nakaugalian ng mga lakwatserong kabataan sa Lilingayon. Hindi na lubos maisip ng mga kabataan na baka rin daw mangyari sa kanila ang nangyari kay Mae Love, kung kaya napagtanto nilang makinig daw talaga sa mga payo ng magulang na huwag saan-saan pumunta. “Human madungog ang balita, na-realize nako nga dapat motoo jud sa mga ginikanan nga dili mag sige’g laag-laag, magpuyo lang sa balay kay ang gakahitabo sa atong panahon karon dili na jud madula-dulaan. Daghan na kaayo’g mga krimen ug disgrasya ang gakahitabo karon (pagkatapos kong marinig ang balita, mas napagtanto ko na dapat makinig sa mga mga magulang na huwag gala nang gala bagkus mag stay lang sa bahay dahil hindi na natin madadala ng biro ang panahon ngayon. Maraming mga krimen at disgrasya ang nangyayari ngayon,” pagsasaad ni Merl Vance Listan, 17. Samantala ang hindi makapanatili sa bahay na si Jean Castel, 16, natakot na rin na baka siya raw ang sunod na biktima kung kaya naman daw, pangako niya sa magulang na hindi na gagala lalo na sa malayo.

ONE IS ENOUGH. Ginagawang salamin ng mga barangay opisyal tungo sa mga kabataang nagmomotorsiklo ang pagkasawi ni Federick Rodiguez dahil sa mabalis na pagpapatakbo nito na nagdala sa kaniya sa kapahamakan. Larawang-kuha ni Harvey Porio

K

inokondena ng mga opisyal ng barangay ang mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo ng mga kabataan sa Lilingayon. Giit nila, gawing salamin ang pagkasawi ni Federick Rodriguez, 17, mag-aaral sa LiNHS, na naaksidente at nagka-internal hemorrhage dulot ng mabilis na pagpapatakbo na siyang ikinamatay nito. Ayon kay Kagawad Marlon Lumocso, ipinagbabawal daw talaga ang mabilis na pagpapatakbo ng mga kabataan lalo pa’t wala daw’ng sinusuot na mga helmet at protective gears ang mga ito. “Sana maisip nila na iisa lang ang kanilang buhay. Natatakot ako para sa ating mga kabataan dahil kung magpatakbo sila parang siyam ang kanilang buhay. Kadalasan sa kanila ay menor de edad at wala pang mga lisensiya,” paglalahad ni Lumucso. Nang tinanong kung may barangay ordinance hinggil dito, saad niya wala daw barangay ordinance ngunit ipinapatupad at sinusunod ng barangay kung ano ang ipinagbabawal ng lokal at nasyunal na pamahalaan.

Sana maisip nila na iisa lang ang kanilang buhay. Natatakot ako para sa ating mga kabataan dahil kung magpatakbo sila parang siyam ang kanilang buhay. Kadalasan sa kanila ay menor de edad at wala pang mga lisensiya. MARLON LUMOCSO

Brgy. Kagawad ng Lilingayon Sa kabilang banda, nagbigay naman ang opisyal ng tugon tungkol sa isyu ng pagdadrive ng mga kabataan na wala pang lisensiya, giit niya, sa ngayon wala pa daw silang magagawa na aksiyon tungkol dito, lalong lalo na noong may pasukan pa sa paaralan na naging mode of transportation

ang motor ng mga estudyante, dahil malayo ang paaralan na nasa sentro ng barangay. “Ang ating mga sitio’s ay may 7 kilometers, 8 kilometers, 9 kilometers away sa ating eskwelahan, so ang mode of transportation sa ating mga estudyante ay ang pagmomotor lang. Alam natin na underage pa yung mga estudyante natin at kapag pinagbawalan natin silang magmotorsiklo baka titigil sila sa pag-aaral, naku, mas malaking problema,” dagdag pa niya. Pinapayagan natin ang ating mga kabataan na magmaneho ng motorsiklo, pero pakiusap niya raw sa kanila na dapat magdahan-dahan lang sila sa pagpapatakbo para makaiwas sa aksidente. Samantala, nabanggit din ni Lumucso na ang mga maiingay na tambutso ay mahigpit na ipinagbabawal. Aniya, ang mga open pipe na mga motorsiklo na siyang nagsasanhi ng lubhang ingay ay kanilang binibigyan ng warning at kung ito’y mauulit, dinadakip nila ang mga ito at pinapupukpok sa may-ari ang sariling tambutso. [A]

Tubig sa Lilingayon, kinukulang

N

- Roderick Mahunyag/11 TVL irereklamo ng ilang residente ng barangay Lilingayon dahil hindi sapat ang suplay ng tubig na kanilang nakukuha at nagagamit.

Tinatayang 15 sa bawat 50 residente ng Lilingayon ay walang maayos na pinagkukunang tubig, ayon sa sarbey ng Aragi. Ayon kay Edang Florendo, 40 taong gulang, matagal na silang hindi nabibigyan ng sapat na suplay ng tubig, kaya napagdesisyunan niyang gamitin ang alternatibong paraan sa pagkuha ng tubig. "Mahirap kumuha ng tubig sa ganitong sitwasyon dahil kailangan mo munang maglakad ng ilang metro bago marating ang paroroonan mo para maligo, maglaba ng damit at kumuha ng maiinom na tubig," paliwanag niya sa wikang Bisaya. Matagal na daw itong hinaing ng mga residente at hiling nila na dapat maisagawa ito upang magkaroon ng sapat na suplay ng tubig. "Nakakapagod na rin po ang umigib ng tubig sa malayo minsan hindi na namin mapigilang umiyak dahil sa sobrang sakit ng aming katawan habang naglalakad pauwi sa

bahay namin," inda ng mga mag-aaral na sina Rigor, 12 at Michelle, 10 taong gulang, sa wikang Bisaya. Ayon naman kay Joy Pejano, 40, guro sa LiNHS, naiinis daw siya sa tubig dito sa Lilingayon dahil minsan lang itong nakaabot sa kaniyang boarding house , at sa tuwing wala talagang tubig sa kaniyang mga balde, sa klasrum na siya sa paaralan naliligo. Kung kaya, maaga daw siyang pumupunta ng paaralan para makahabol pa sa tubig bago mag-log-in. Samantala, nang isangguni ang usaping ito sa barangay, nakaharap ng mga tagapanayam ng Aragi si Roque Rios Jr., isang kagawad at ayon sa kaniya, mayroon na itong nakalaang badyet at noon pa nasimulan ang proyektong ito. "Sa kasalukuyang panahon, ang pagsusuplay ng tubig dito is ongoing pa, ang mainline ay nabigyan na ni Congressman Oneil Roque ng 9 milyong budget, nasa 90% na para matapos ito, may budget na rin ang barangay ng 1.3M, kaya maghintay na lang muna tayo," dagdag pa niya sa wikang Bisaya. [A]

MAHIRAP. Nahihirapan na si Edang, 40, sa paghahakot at pag-iigib ng tubig para may magamit sa pag-inom at sa pagluluto. Hiling niya na sana ang bawat kabahayan ay may linya na ng tubig. Larawang kuha ni Mariel Florendo

“My God, nakakatakot na ang panahon ngayon kaya kailangang baguhin ko na ang sarili sa paglalakwatsa kahit saan. Promise, hindi na ako gagala kahit saan. Makikinig na talaga ako kay Mama, dagdag pa ni Jean. Bagamat malungkot ang nangyari kay Mae Love, marami sa mga magulang ang nasiyahan sa resultang idinulot nito sa kanilang mga anak dahil nagising na raw ang mga ito hinggil sa mga pinapayo nila rito. “Masaya ako dahil hindi na gumagala si Merl, palagi na siyang nasa bahay. Tumutulong na rin siya sa mga gawaing bahay. Nagpapasalamat talaga ako na natauhan na silang mga kabataan na walang ibang iniisip kundi ang maglaktwatsa. [A]

……………………………………………………………………………….

‘Asawaha’: Pagtalakay sa ugat... Mula sa pahina 1 Mayroon daw’ng dalawang magkahiwalay na seremonyang ginagawa ang kanilang tribo hinggil dito: una ay ang pamalas at ang pangalawa ay ang salu. “Ginagawa ang pamalas para mabura ang mga kasalanang nagawa ng magkasintahang ikakasal lalo na kung ang babae ay buntis. On the other hand, pagkatapos malinis ang kasalanan ng mga ito, magkakasundo ang dalawang panig kung kailan gaganapin ang salu, at ito na ang tawag sa kasalan ng tribo. Kapag nagkasundo na at magaganap ang pagtitipon gaya nito, tatawagin itong amul-amul at dito nagmula ang salitang Kaamulan,” dagdag na paliwanag ni Datu Makatana. Ayon pa sa kanya, sinabi raw ng ‘palagugod’ (historyan ng tribo) na ang maaaring magsagawa ng mga seremonyang ito ay ang ‘baylan’ o propeta ng Tribo, ‘malagbuhata’ (ritualist) o ‘di kaya’y ang limbubungan (chieftain). Bagamat isa ring ama si Datu Makatana nangarap din siyang makatapos daw muna ng pag-aaral ang mga anak bago magasawa. Pero kung susundin pa rin ng mga anak ang kulturang ito ng Talaandig, ay bukas -palad pa rin niya itong tatanggapin. Samantala, sinabi niya ring walang kinalaman ang tribo sa mga mag-aaral na walang dugong Talaandig na maagang nagasawa. Panawagan niya na sana’y hindi sisihin ng mga magulang ang tribo kung naadapt ng kanilang mga anak ang kultura ng Talaandig sa usaping ito. “ Hindi namin kasalanan kung maaga silang nag-asawa [ang mag-aaral na hindi Talaandig], huwag sana kaming sisihin ng kanilang mga magulang,” pagwawakas ng datu. [A]


4 ARAGI opinyon

Nobyembre 2020-Abril 2021

Kasamaan para sa kabutihan

L

aganap na ang kriminalidad sa buong Pilipinas. Bata, matanda, may anak man o wala, wala nang sinasanto ang mga kriminal. Hindi rin sila dapat santuhin, kaya dapat death penalty para sa kanila ay ihain. Pebrero 12, 2020, gumuho ang mundo at pangarap ng mga anak na iniwan ng mag-asawang Wilfredo at Mary Grace Amarillo dahil sa kanilang kalunos-lunos na dinanas sa kamay ng masasamang loob. Mga magulang sila ng magkapaTid na Clint at Chelsai na kapuwa mag-aaral ng Lilingayon National High School. Nag-uumapaw ang hiyaw na puno ng mga sakit at at ang mga anak at pamilya ay sumisigaw ng hustisya. Sobrang brutal ang ginawa sa mga magulang nila. Hindi dapat pinalalampas ang mga gumawa ng ganitong klaseng krimen. Sa kabilang banda, sino ang mag-aakala na ang isa sa mga alagad ng batas ay siya rin palang babali nito? Noong Disyembre 22, 2020 isang pulis na si Jonel

Nuezca ang nagviral matapos makuhanan ng videong binaril nang harap-harapan sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Gregorio, 25 na agad ikinamatay ng mga ito. Ang sakit lang isipin na yung akala mong siyang po-protekta sa’yo ay siya pala ang puwedeng tumapos ng buhay mo. Nakulong pan samantala at kalaunay nakalabas, nasaan ang hustisya? Hindi ganitong mundo ang nais nating pamuhayan. Dapat tigilan na ang ganitong kamalian.

ELZA MAY S. ARMECIN Patnugot sa Balita PRINCESS OCULARIS Patnugot sa Editoryal DHECYVINE LACORDA Patnugot sa AgTek MA. KRISTINE CARE GAMO Patnugot sa Isports JET CLAIRE CADUNGOG WINGLE PEARL ABROGUENA SHEILA MAE BENTULAN SHAIME JANE ESTALANE MARIEL FLORENDO JADE LUMAPAS LEA JANE EUGENIO JHONDEL BERT BACALSO Mga Manunulat JHONIE ACAIN Tagaguhit

MENCHIE P. SEVILLA ERIC I. SALIDO Tagapayo MARTIN M. ROSETE, JR. Punongguro

Guhit ni Jhonie Acain/ 11 TVL

- Mariel A. Florendo

bantay sa karapatang pantao

I

sa si Lore Mae Dequilla o mas kilala sa tawag na “Jass” sa mga estudyante ng LiNHS na umaming siya ay isang bisexual at kasalukuyang nagmamahal din ng kapuwa niya babae. Bagamat binigyang-halaga ng DepEd ang kasarian ng bawat isa sa mga paaralan, hindi pa rin maiiwasang makarinig ng maaanghang na salita mula sa kaniyang mga kamag-aral at maging sa ibang tao sa komunidad. Nasaan na ang itinurong respeto sa anumang kasarian dito sa ating paaralan? Nakaiinis na sa buong mundo ang komunidad ng LGBTQ ay nasa ilalim ng pag-atake at pang-aabuso dahil sa kung sino sila, kung paano sila magbihis, at sa kung sino ang minamahal nila. Masama bang mahalin ang isang tao bilang siya at hindi dahil sa kaniyang kasarian?

Masakit sa damdaming isipin na maraming tao ang kinakadena ng salitang 'normal' at hindi maipakita kung sino talaga sila. Hindi kasalanan ang maging iba. Tigilan na ang nakakasukang diskriminasyon batay sa lahi, relihiyon, kasarian, kapansanan, pagkakakilanlang kasarian, o oryentasyong sekswal. Tanggapin na lahat tayo ay magkakaiba. Bakit hinahamak ang relasyong hindi naman nakasakit sa iyo sa anumang paraan? Walang ni sinuman ang may karapatang mangmaltrato ng bakla, tomboy, bisexual, o transgender dahil sa taong kanilang minahal. Ang karapatang pantao ay karapatan rin ng mga LGBTQ. Hindi kasalanang mahalin ang isang tao batay sa kung sino siya at hindi dahil sa kanyang kasarian.

Walang ni sinuman ang may karapatang mangmaltrato ng bakla, tomboy, bisexual, o transgender dahil sa taong kanilang minahal. Ang karapatang pantao ay karapatan rin ng mga LGBTQ.

Ang pag-ibig ay walang nalalaman na hangganan. Kaya ang pag-ibig ng LGBTQ ay hindi naiiba mula sa 'normal' na pag-ibig. [A]

Serbisyong tinatapak-tapakan - Je-an S. Cabantug

pangangaral sa asal

T

rending ngayon sa internet ang isang post na ibinahagi ni facebook user Zari Frillez sa kanyang Facebook account noong Disyembre 20, 2020, kung saan aniya, walang awang pangmamaltrato ang ginawa ng isang kustomer sa kaawa-awang service crew ng Jollibee Drive Thru, Batangas. Sobrang nakagagalit ang pangyayaring ito at hindi na dapat mangyari kaninuman. Dagdag pa sa post ng netizen, walang ibang nagawa kundi mapaiyak ang service crew sa mga masasama at nakakasakit na salitang ibinato sa kanya. Pagka't ba ay service crew lang ay aapak-apakan ang pagkatao nito at sigaw-sigawan lang ng 'kustomer'? Ika nga nila customers are always right. Sisigawan ka man, mumurahin at apakapakan ay sila pa rin ang tama dahil mas

JAYSON DUMAOG Tagakuha ng Larawan JOY C. PEJANO KRIS JOY N. DELA PIÑA Serkulasyon

Kinilala ang mga suspek na asawa at pamilya ng kaniyang anak. May dalawang anak si Nonoy na nag-aaral sa Lilingayon National High School, at ang insidenteng ito ay nagdulot ng lubos na takot at pangamba sa mga mag-aaral at maging sa lahat ng mga residente ng Lilingayon. Kung ganito nila kadaling gawin ang pagkitil sa buhay ng iba, sana ganun din kadali ang paghatol ng parusa sa kanila. Kung isa ka mga naghahangad ng mapayapang pamumuhay na walang iniisip na pangamba na baka ikaw ay saktan ng iba habang naglalakad lang, bigyan mong pagkakataon na ihain ang death penalty sa ating bansa. Kung hindi ka man lang gumawa ng masama bakit ka matatakot sa parusang ito? Tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Maghihintay pa ba tayong isa sa ating mahal sa buhay ay ang kanilang isusunod na biktima? Maghihintay pa ba tayong maghahari ang kasamaan dito sa ating bayan? Hindi na! Papayag ka bang ang mga inosenteng tao ay patayin dahil lang sa mga siraulong ito? Hindi na! Dapat na tayong kumilos upang matuldukan na ang krimeng ating kinatatakutan. Death penalty ipahain, death penalty ipanawagan! [A]

LGBTQ, pag-ibig na ‘di naiiba

T.P. 2020-2021

RODERICK MAHUNYAG Pangalawang Patnugot

pagtulungang bugbugin, sipain, suntukin, sinaksak at pukpukin ng bote ang ulo ni Nonoy Hanguin na sanhi ng kaniyang pagkasawi.

Enero 28, 2020, natagpuang patay si Mae Love Sayta ng Bagontaas, 6 na taong gulang, ginahasa, pinatay at nilibing sa putikan. Ang pamilya ng batang inagrabyado ay lubos na humihikbi halos hindi na makatulog magdamag sapagkat nawawala ang kanilang anak at natagpuan lamang na

Pamatnugutan ng Aragi JE-AN S. CABANTUG Punong Patnugot

patay. Sino ang hindi magagalit sa kriminal sa ginawang pagpatay? Kung ano ang kinuha, iyon din ang karapat-dapat na kabayaran. Ang mga taong may halang na kaluluwa ay tuluyan nang naglipana, kaya dapat matinding parusa din ang tatapat sa kanila. Ilang pangarap pa ba ng mga munting musmos ang dapat ibaon sa lupa upang ihain ang death penalty? Hindi niyo ba naisip kung ilang beses kaya nagmakaawa si Mae Love at hiniling na hindi siya magsusumbong basta pakawalan lamang siya? Pamilya dapat ay nagtutulungan ngunit bakit kapamilya na ngayon ang kumikitil sa buhay ng sariling pamilya? Enero 17, 2021, nang

mababa ka sa lupang inaapakan nila. Ganito na lamang ba ang kahihinatnan ng mga taong nabubuhay sa malinis na paraan? Inaapak-apakan lang na tila mga damong nasa gilid ng daan. Mabuti pa nga ang mga damo't iniiwasan pa ng iba na maapakan, ngunit sa kapuwa mismo ay hindi magawa. Nasaan na ang respeto sa kapuwa na itinuro ng mga magulang? Nagbakasyon sa ibang bansa? Hindi maipakita sapagka't sobrang mahal nito at hindi kayang bayaran ng isang 'service crew'? Porket ba angat ka sa buhay ay may karapatan ka nang mang-api ng iba? MALI! Wala ni sinoman ang may karapatang manakit, mang-api at mang-apak ng iba.

Tao ang mga service crew. May emosyon sila at marunong ding masaktan. Naging service crew sila upang makapagbigay saya sa iba sa pamamagitan ng kanilang serbisyo. Hindi para sigawan, murahin at apak-apakan. [A]

Pabor ka ba sa pamamahala ng ating punong-guro?

Liham sa patnugot Mahal na patnugot,

Ghia,

Ako po ay nababahala noong nakaraang taon sapagkat walang tamang mapagkukunan ng tubig at walang handwashing facility ang senior high school building. Kaya lubos ang aking saya nang malaman ko na nasolusyunan na ang problemang ito ngayong taon lalo’t lalo na may pandemya.

Maraming Salamat sa iyong pagsulat. Nakakalungkot man na noong nakaraang taon ay kulang-kulang ang mga pasilidad sa Senior high ngunit lubos akong nasisiyahan pagkat dahangdahang nasosolusyunan ang mga problemang ito bilang paghahanda sa muling pagbabalik ng klase sa darating na panahon.

- Ghia O. Pagonzaga

Porket ba angat ka sa buhay ay may karapatan ka nang mang-api ng iba? MALI! Wala ni sinoman ang may karapatang manakit, mangapi at mang-apak ng iba.

- Patnugot

11%

hindi pabor

6%

Nagdadalawang isip

83% pabor

Sa 100 mag-aaral na tinanong ng Aragi hinggil sa kung pabor ba sila sa pamamahala ng punong-guro, 83 ang sumagot ng pabor, 11 ang hindi pabor, 6 ang nagdadalawang isip.


ARAGI opinyon 5

Nobyembre 2020-Abril 2021

- Princess Ocularis

B

atay sa sarbey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority noong 2017, umabot sa 196,478 ang bilang ng mga teenage mothers na may edad 10 hanggang 19. Dagdag pa nito, isa sa bawat 10 kabataang nasa 15 hanggang 19 ay buntis na o nagka-anak na. Karamihan umano sa kanila ang mahihirap na nakatira sa probinsiya at hindi nakatapos ng pag-aaral. Ngunit malinaw na maiiwasan ito kung tama ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Malaking problema ang pagiging isang batang ina at maaaring makaranas ng pagkabigo ang magulang at iba pang malapit sa kaniya. Hindi madaling responsibilidad ang pagkakaroon ng anak sa murang edad. Sa kabila ng lahat ng ito, ang pinakamalaking epekto ay mangyayari sa ina at sa batang dinadala. Ang maagang pagbubuntis ay kailangang mapigilan sa ating paaralan at maging sa ating komunidad upang walang kabataang masira ang kinabukasan at walang magulang na mabaon sa kahirapan. Maaaring mas lalong tumaas ang populasyon sa ating bansa kung magpapatuloy ito. Ayon kay G. Neljon Oculares, 37, mula sa Lirongan, Talakag, Bukidon, mahirap daw para sa kaniya ang maagang pagkabuntis ng panganay na anak lalo na't marami siyang panga-

rap para dito. Dapat ginabayan niya nang maayos ang anak nang hindi siya mabigo para sa kinabukasan nito. Siguro nagkulang din siya sa atensiyon sa kaniyang anak kaya nangyari ito. Sa isang ginawang pagsisiyasat, nalaman na ang bansang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming kaso ng mga batang ina sa buong mundo. Kaya kailangan talagang mapigilan ito. Gaya na lamang sa 36 teenage mothers meron ang paaralan ng Lilingayon National High School at mas marami rito ang Junior High School kaysa sa Senior High School. Hindi rin patitinag si Clerian Chervo, 17, na isang teenage mother. Ang kaniyang pagiging teenage mother ay nakasira daw sa kaniyang kinabukasan. Kung nasira man ang kinabukasan ni Clerian, maaaring ito rin ang kahihitnan natin kung maaga tayong makipagrelasyon at kung hindi rin tayo makinig sa ating mga magulang. Nasira sapagkat mas tuon na niya ang kaniyang anak kaysa kaniyang sarili. Gaya ni Clerian pagsisisihan din natin balang araw kung magawa natin ang

Sunog o sunod?

I

Ang maagang pagbubuntis ay kailangang mapigilan sa ating paaralan at maging sa ating komunidad upang walang kabataang masira ang kinabukasan at walang magulang na mabaon sa kahirapan.

Ilang tao pa ba ang dapat mamatay para tayo ay matauhan na sumunod sa utos ng pamahalaan? Kung ako sayo mas maaga pa, pumili ka na, Sunog o Sunod?

masusunog (cremate). Malulugmok sa utang ang ating bansa, babagsak ang ekonomiya kung hindi tayo susunod sa utos ng pamahalaan. Ilang tao pa ba ang dapat mamatay para tayo ay matauhan na sumunod sa utos ng pamahalaan? Kung ako sayo mas maaga pa, pumili ka na, Sunog o Sunod? [A]

Bakunang magbabaon sa lupa - Ruthche Navarro

pagdepensa sa mamamayan

H

eto nanaman ang pagsisimula ng panibagong bangungot dala ng walang pag-iingat ng mga taong hawak ang buhay ng karamihan sa kanilang mga kamay. Hindi bobo ang publiko. Masama bang mag-doble ingat lalo't lalo nang magkatulad ang nangyari noon at ngayon na sinimulan ang pagbabakuhanan ng hindi pa inilalabas ang resulta ng klinikal na paglilitis? Masama ba? Mas magandang mag-ingat kaysa sa magsisi sa huli, kagaya ng nangyari noon. Kaya naman nangamba ang karamihan nang sinimulan noong Marso 1, 2021 ang pagturok ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas gamit ang jab donations galing Beijing, China. Hiling ng lahat na nawa'y hindi maulit ang bangungot ng Dengvaxia na kumitil ng maraming buhay ng mag-aaral. Kung tutuusin ay isa ang Pilipinas noong 2015 sa mga bansang lubos na sumasang-ayon na ang mga bakuna ay mahalaga. Sa kasamaang palad ay sinira ng dengvaxia ang pagtitiwala ng mga Filipino sa mga bakuna. Ang 93 porsyento na positibong puna ay bumagsak ng 32

porsyento sa 2018 ayon sa tala ng Vaccine Confidence Project (VCP). Ayon naman sa survey na ginawa ng OCTA Research noong huling bahagi ng Pebrero 2021 ay 19 porsyento lamang ng mga nasa hustong gulang na Filipino ang handang magpabakuna laban sa Covid-19 at 46 porsyento ang ayaw kahit na may ligtas at mabisang bakuna na magagamit. Kitang-kita na kinain na ng pangamba ang halos kalahati ng mga respondante na nawalan na ng tiwala sa mga sinasabi ng pinagkatiwalaan nila noon. Magsisimula na ang pangkalahatang pagbabakuna kontra Covid-19 sa darating na Mayo 2021. Nasaan na ang resulta ng klinikal na paglilitis dito sa Pilipinas? Nais lamang ng karamihan na malaman kung ligtas ba itong iturok sa kanilang mahal na buhay.

Salamat sa iyong pagsulat. Hinggil sa iyong pakiusap, sumusunod lang muna tayo sa iniutos ng DepEd na mga health protocols, sana ay maintindihan mo na para rin ito sa inyong kaligtasan. - Punongguro

Panukalang nakakaumay - Wingle Pearl Abroguena

pagkakamaling ito. Habang maaga pa, iwasan muna nating pumasok sa isang relasyon lalo pa’t mahirap na ang buhay ngayon. Malaking pagkakamali at problema ang pagiging isang batang ina gaya ng aking ina. Ako mismo ay isang produkto ng batang ina na sa hirap ng buhay ay kailangan niyang mamasukan sa ibang bansa para mabigyan kami ng magandang buhay. [A]

- Ma. Kristine Care Gamo

publiko habang patuloy na tumataas ang kaso ng mga nahahawa sa bawat araw. Maraming tao na ang naging biktima ng corona virus, nawalan ng trabaho, nagutom at namatay, ngunit sa kabilang banda hindi pa rin natin maitatanggi na nagkaroon din ng magandang resulta ang virus na ito sapagkat naging malinis na ang ating kapaligiran at nakahinga na ang ating inang kalikasan, isa sa patunay nito ang pagiging maaliwalas na kalangitan sa Manila, tila bumalik na ang kalangitan sa pagiging kulay asul. Kaugnay nito, naging mas maingat na ang mga tao at natuto na itong magpahalaga sa sarili sa kadahilanang takot na namahawaan ng virus. Hindi malulutas ang problemang ito kung patuloy pa rin tayo sa pagmamatigas, at paglabag sa mga health protocol lalong lalo na sa pagsunod ng social distancing. Sinabing bawal muna PDA, kaya wag na muna talaga. Baka dahil diyan PDA n’yo na yan, sunog ang inyong kalalabasan. Lalong tataas ang covid-19 cases, maraming tao pa ang mahahawa, magkakasakit na maaaring mamatay at

Princess,

bantay sa kalusugan

bantay sa kaligtasan

ka-11 ng Marso, 2021 naging usap-usapan ang pagbabawal ng Public Display of Affection (PDA) ng mga couples sa panahon ng pandemya sa kadahilanang nais ng ating pamahalaan na tayo ay maging ligtas sa virus. Kailangan ba talaga na magpakita ng motibo sa harap ng nakararami na kayo ay magkasintahan? Kahit na malinaw na sa atin na mayroon tayong protocols na dapat masunod sa araw-araw nating gawain? Dapat ba nating isawalang bahala ang kaligtasan ng iba para sa ating tawag ng laman? Ang magkasintahan ay nararapat lamang na maging malapit sa isa't isa ngunit dapat ito ay ginagawa sa tamang lugar, oras at panahon. Maari itong maging sanhi ng pagdami o pagtaas ng kaso sa covid, maari rin itong maging dahilan sa pagtaas ng populasyon sa panahon ng pandemya. Puwede naman sigurong bawas -bawasan muna natin ang ating nararamdaman, at ang ating kapusukan. Tigil tigilan muna natin ang pagmamatamis sa ating kasintahan sa publiko upang maiwasan ang pag-usbong ng krisis sa Pinas. Iniiwasan ng ating pamahalaan na madagdagan pa ang mga taong naging biktima ng Covid-19, kaya muling nakiusap ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga magsing-irog na maghinay-hinay muna sa paglalambingan sa

Mahal na punongguro, Payagan n’yo na po sanang kami na ang kukuha ng aming modyul sapagkat sobrang busy ng aming mga magulang. Besides 15 years old, puwede na pong makalabas base sa protocol ng IATF. - Princess Twinkle Gella

Malaking pagkakamali bantay sa kinabukasan

Liham sa punongguro

Mas mabuting mag-doble ingat kaysa magsisi at libingan ang kahahantungan.

Kinakailangang manigurado sapagkat buhay ng tao ang nakasalalay dito. Hanggat hindi pa inilalabas ang resulta ng klinikal na paglilitis at napatunayang ligtas itong gamitin dito sa ating bansa ay hindi dapat magkaroon ng pangmalawakang baksinasyon. Sa uulitin, mas mabuting mag-doble ingat kaysa magsisi at libingan ang kahahantungan. [A]

Sa patakarang kahit sa loob ng bahay gumamit ng face mask, posibleng hindi sila sa covid mamamatay kundi sa aatakihin ito ng asthma, hindi masyadong makahinga kapag may takip ang kanilang ilong.

A

gosto 5, 2020 nang ipinatupad ang pagsuot ng face mask sa Pilipinas. Ito ay kailangan para maiwasang mahawa sa covid-19. Nitong Pebrero 2021, naging usap-usapan naman ang panukalang magsuot ng face mask sa loob ng tahanan. Dapat ba na kahit sa loob ng bahay gumamit ng face mask? Paano na ang mga taong may sakit na asthma o nahihirapan sa paghinga? Ang mga matatanda? Mga batang nasa 4 pababa na hindi pa maayos ang paghinga? Si Roderick Mahunyag, 19, mag-aaral sa LiNHS, hindi sumang-ayon sa panukalang ito dahil sa katulad niyang may asthma, tiyak na mahihirapan siyang huminga lalong-lalo na kung ito’y biglang aatake, hindi naman daw sa loob ng tahanan nagagamit ng todo ang mask, mas may pakinabang ito sa tuwing nasa labas ng bahay. May punto naman siya, mas makahinga siya nang maayos kung walang facemask. Sa patakarang kahit sa loob ng bahay gumamit ng face mask, posibleng hindi sila sa covid mamamatay kundi sa aatakihin ito ng asthma o hindi masyadong makahinga kapag may takip ang kanilang ilong kagaya sa nabanggit ni Roderick. Kagaya niya na may sakit paano kung kayo ay may sakit na ganyan? Hindi kayo papayag diba? Hindi kayo papayag dahil alam n’yo ang hahantungan nito. Hindi lahat ng tao malakas ang immune system at maayos ang paghinga, sana naman ito ay maintindihan at bigyang-pansin ng mga namamahala sa panukalang ito. Hindi lahat kayang bumili ng face mask araw-araw. Mas uunahin pa ba ang pagbili ng facemask kaysa pagbili ng pagkain? Mahalagang isaalang-alang na hindi dapat kumalat ang virus. Ngunit huwag naman sigurong sobrahan ang paghihigpit hinggil dito. Mas mahalagang palaging paalalahanan ang bawat miyembro ng pamilya na huwag munang magdikitan, ngunit hindi naman ‘yung pati sariwang hangin, ipagkakait sa kanila. Nakakaumay ang panukalang ito. Kung talagang kanilang ipipilit, higit na magiging matigas ang ulo ng ating mga kababayan na siyang dahilan upang lalong tataas ang kaso ng covid-19 sa bansa. Mas lalaki ang problema dahil mag-aalsa ang mga Filipino hinggil dito at magtitipon sila at maghahawaan sila. [A]


6 ARAGI opinyon

Nobyembre 2020-Abril 2021

Liham sa punongguro

Mahal na punongguro,

Nakataling kalungkutan - Ruthche Navarro

bantay sa pamilya

M

arami ngayon ang mag-asawang hindi nagtagumpay na panindigan ang mga binitawang mga panata sa kasal. Hindi na masaya sa pamilya o sa kabiyak , pananakit sa emosyonal at pisikal, at maraming problemang dumating. Dahil dito dapat nang maging batas ang diborsiyo sa Pilipinas upang maging malaya muli ang mga taong nakatali sa kalungkutan. Kung iyong iisiping mabuti, malinaw at makikita na kung hindi na masaya ang isang relasyon ng mag-asawa marami ang maaapektuhan, kaya kailangan nilang maghiwalay upang maranasan muli ang maging masaya. Kaya naisin na lamang ang mag-isa o humanap ng iba at maghiwalay. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas at Vatican na lamang ang dalawang lugar na nagbabawal pa rin sa diborsiyo. Ngunit pinagtatalunan na ito ngayon sa Korte Suprema kung papayagan ang diborsiyo dahil masisira diumano ang bisa ng kasal. Bagamat magiging malaya ang isa’t isa lalo na ang mag-asawa, totoo namang mas maaapektuhan ang mga anak. Iniisip ng maraming anak na sila ang dahilan ng pagdidiborsiyo ng kanilang mga magulang o mayroon sana silang nagawa para mapigilan iyon, kaya

sinisisi nila ang kanilang sarili. Ang epekto ng diborsiyo sa mga bata ay posibleng madala nila paglaki, at kapag nagkaasawa na sila, mas malamang na makikipag-diborsiyo rin sila kapag nagkaka-problema sila. Ayon kay Regielyn Nobelo, 13 taong gulang, naiinis siya sa kaniyang ina dahil iniwan nito ang kanilang ama. Nakakatampo din daw ang kaniyang ama dahil hindi nito pinaglaban ang karapatan niya bilang asawa at ama. Nakakalungkot isipin na hindi nila kayang manatili sa isa't-isa kahit para nalang daw sa kanilang magkakapatid, dugtong pa niya. Ako bilang isang anak, sang-ayon ako sa pagpapatupad ng diborsiyo sa ating bansa. Bilang tao ay may karapatan tayong sumaya sa ating buhay. Hindi temporaryong saya kung hindi pang habang buhay na kasiyahan. Kaya bakit hindi pa natin ipapatupad ang legal na diborsiyo sa ating bansa. Marami sa ating kapwa Filipino ang umiiyak araw-araw o gabi-gabi dahil sa sakit na natatamo at nararamdaman. Kailangan natin silang tulungan kahit sa

Ako bilang isang anak, sangayon ako sa pagpapatupad ng diborsiyo sa ating bansa. Bilang tao ay may karapatan tayong sumaya sa ating buhay. Hindi temporaryong saya kung hindi pang habang buhay na kasiyahan.

pamamagitan na lamang ng pagpapatupad ng diborsiyo sa ating bansa. Ngunit may solusyon naman upang hindi na kailangan ang diborsiyo. Huwag papasok sa pagkakaroon ng pamilya lalo na't hindi pa handa. Pag-isipang mabuti ang gagawing hakbang sa buhay at isiping mabuti kung ikaw ay handa na ba sa mga pwedeng mangyayari. At kilalaning mabuti ang iyong maging kabiyak at huwag magpadalos-dalos sa desisyon. [A]

Kaginhawaang nakakasakal - Elza May Armecin

bantay sa kaunlaran

K

apansin-pansin ngayon ang road widening na naging maugong na usapin ng mga mamamayan. Bagamat ito ay para sa kaunlaran, marami naman ang nasasakal. Maraming natuwa ngunit maraming nababahala dulot ng proyektong isasagawa ng pamahalaan. Marami na ang nagsilikasan bilang paghahanda sa magiging bunga na idudulot ng road widening. Karagdagan, ilan sa mga umaray sa road widening ay ang mga may-ari ng bahay mula Lower Lilingayon patungong Rosmark Lilingayon ayon sa sekretarya ng Barangay Lilingayon. Kaugnay nito, isa si Liezel M. Revil, guro ng Lilingayon National High School sa mga indibidwal na naapektuhan ng proyekto. Siya rin ay kasalukuyang yumayakap sa pagbabagong hatid nito at napiliting lumikas at umupa upang ipagpatuloy ang pakikibaka sa buhay. Samantala, simula noong nag-survey hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran ang mga naapektuhang mamamayan sa kanilang mga napag-usapan hinggil sa pribadong lupa na kasama sa proyekto. Bukod pa rito, kabuhayan, buhay at bahay nila ang nakasalalay rito kaya’t sila ay labis na humihiling na sana ang danyos ay huwag ng patagalin. Ang road widening ay tunay na nakakasagabal at nakakadagdag sa mga isipin.

Lumabas sa aming interbyu na wala pa raw budget na napag-uusapan ang kinauukulan para sa proyekto. Ayon kay Gng. Evangeline Ching, hindi pa daw nababanggit kung magkano ang budget para sa road widening at kung magkano ang ibabayad sa mga naapektuhan. Wala pang budget na inilalaan kaya bakit proyekto ay kanila nang sinisimulan? Paano ang mga nangangapa ngayon dahil sa tindi ng kanilang pagkakasapol sa road widening? Walang kalam-alam ang ibang indibidwal na ang danyos na kanilang hinihintay ay wala pa lang kasiguraduhan. Ngunit, budget ba ay hindi pa napag-uusapan o ang iba ay swak na sa bulsa at tinibatiba na? Maraming tao ang naghihintay ng bayad sapagkat kinakailangan din nila ito sa bagong simula na kanilang tatahakin sa buhay. Hindi kasi lahat ng naapektuhan nito ay may kaya o may perang kayang gastusin habang naghihintay sa perang ipinangako bilang bayad sa danyos. May taong halos pagkain lang ang abot ng sweldo galing sa pagtatrabaho kaya dapat maaksiyonan ito agad-agad at huwag na sanang umabot sa puntong sila ay magreklamo dahil sa tagal nitong

Road widening ay naghahatid ng kaginhawaan ngunit ang pagpapatupad nito ay may katumbas na abala na siyang nakakasakal.

mabayaran. Siguraduhin sana nilang maayos ang pagkakagawa ng road widening mula umpisa hanggang sa dulo. Hindi yung sa umpisa lang aktibo upang may mahuthot na ilang libo. Road widening ay naghahatid ng kaginhawaan ngunit ang pagpapatupad nito ay may katumbas na abala na siyang nakakasakal. [A]

Kaligtasang napabayaan - Roderick Mahunyag

T

bantay sa daan

alamak na ang mga estudyanteng walang lisensiyang nag-momotor sa Lilingayon National High School. Problemang nakakapanindig balahibo sapagkat seguridad at buhay ng mga mag-aaral ang nakasalalay dito. Ang pag-momotor nang walang lisensiya at hindi pagsusuot ng helmet ang dahilan kung bakit maraming kabataan ang namamatay taon-taon. Ang pabaya at pagkaroon ng walang pakialam sa seguridad ang puno’t dulo ng mga problemang pantrapiko. Si Christine Mae A. Yam-oc isang Grade 12 student ng LiNHS, ay nasugatan at hindi halos makapaglakad sa loob ng dalawang buwan matapos maaksidente sa pagmamaneho ng motor. Pangyayaring nakakaapekto sa kaniyang pag-aaral sapagkat hindi siya makapasok sa paaralan dahil sa iniindang mahapdi na sugat sa buo niyang katawan. Patunay na kahit naaksidente na ay hindi pa rin tumitigil sa pagmamaneho kahit na wala silang lisensiya. Hindi sapat na rason angn inutusan o may importan-

Kamatayang mapipigilan pa sana

teng lakad kapag kaligtasan na ang pinag-uusapan. Kailan pa pahahalagahan ang sariling kaligtasan? Papahalagahan pa ba ito kapag hulli na ang lahat? Kapag hindi na maklakad? Kapag nasa loob ka na ng kahon? Kaligtasan pahalagahan! Pagmamaneho ng walang lisensiya iwasan. Ito ay dahil mas mahirap mabuhay na kulong sa pagsisisi kaysa sa buhay na di nakapaglakwatsiya. Si Rene Dion Lubguban, isa ring magaaral sa LiNHS ay nadisgrasya na rin ng dalawang beses at napagsabihan ng magulang na huwag magmaneho nang mabilis at palaging magsuot ng helmet. Tila hindi yata nagtatanda ang iilan sa mga kabataan. Marami ang naibabalitang namamatay dulot nang kapabayaan sa daan. Dapat maging disiplinado ang lahat ng mga nagmamaneho, dapat sundin nila ang mga ipinapatupad ng Land Transportation Office (LTO) nang sa gayon ay maiiwasan ang peligrong maaaring du-

Papahalagahan pa ba ito kapag huli na ang lahat? Kapag hindi na makalakad? Kapag nasa loob ka na ng kahon? Kaligtasan pahalagahan! Pagmamaneho ng walang lisensiya iwasan! Ito ay dahil mas mahirap mabuhay na kulong sa pagsisisi kaysa sa buhay na di nakapaglakwatsiya. mating o makasalubong sa daan. Tandaan na iisa lang ang buhay na hindi na puwedeng palitan. Mga kapwa magaaral at magulang, nawa’y ‘wag niyong sanang hintaying may mangyari sa mga mahal n’yo sa buhay. Kaligtasan nila’y huwag pabayaan. [A]

Payagan n’yo na po sanang kami na ang kukuha ng aming modyul sapagkat sobrang busy ng aming mga magulang. Besides 15 years old, puwede na pong makalabas base sa protocol ng IATF. - Princess Twinkle Gella

- Dhelnie Rios Princess,

bantay sa buhay

Salamat sa iyong pagsulat. Hinggil sa iyong pakiusap, sumusunod lang muna tayo sa iniutos ng DepEd na mga health protocols, sana ay maintindihan mo na para rin ito sa inyong kaligtasan. - Punongguro

Napakasakit sa damdaming sa bawat 40 segundo, may namamatay dahil sa suicide. Ang impormasyong ito ng World Health Organization (WHO) na nakabase sa Geneva ay nakadudurog ng puso.

Bakit sa tuwing ibabahagi ng mga taong may depresyon sa iba ang kanilang balak kitilin ang sariling buhay ay binabaliwala lamang ito ng karamihan? Hindi biro ang depresyon. Hindi sapat ang pagdadasal at pagbahagi ng saloobin para sa mga taong nakikipagbuno sa kanilang saloobin at damdamin sa bawat segundong lumilipas. Nilalaabanan nila ang patuloy na kalungkutan, kawalan ng interes sa mga aktibidad, pagkawala ng gana sa pagkain, pakiramdam ng kawalang-halaga at ang pagnanasang kitilin ang sariling buhay. Maling regulasyon ng utak, kahinaan ng genetiko, mga kaganapan sa pagkabalisa sa buhay, mga gamot, at mga problemang medikal ay maaring isa sa posibleng sanhi ng depresyon sa isang tao. Hindi ito problemang masosolusyunan ng isang upuan lamang. Hindi ito mawawala na parang bula. Kakapit at kakapit ito sa kaloob-looban ng tao hangga't sumuko't kitilin ang sarili. Napakasakit sa damdaming sa bawat 40 segundo, may namamatay dahil sa suicide. Ang impormasyong ito ng World Health Organization (WHO) na nakabase sa Geneva ay nakadudurog ng puso. Sa ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), 3,529 ang bilang ng mga namatay sa suicide dito sa Pilipinas noong 2020. Hindi pa kasali rito ang hindi iniulat ng ilang pamilya dahil sa istigma ng depresyon sa lipunan. Ang mga taong kaya pa sanang iligtas ay iniwan sa ere dahil sa pagkakaroon ng siradong isip. Kinulong sa pinakamadilim na parte ng kanilang isip nang walang ni sino man ang umintindi. Hindi kasalanan ng taong may depresyon na may depresyon siya. Walang ni sinomang taong may depresyon ang ginustong magkaroon siya nito. Kung sana'y inintindi, pinag-isipan ng mabuti ang mga salitang ibinato, at tinanggal ang istigma ng depresyon ay natulungan at hindi nawala ang mga mandirigmang nakasalalay ay sariling buhay. [A]

Pabor ka ba sa pamamahala ng ating kapitan?

31% hindi pabor

20% Nagdadalawang isip

49% pabor

Sa 100 residente ng Lilingayon na tinanong ng Aragi hinggil sa kung pabor ba sila sa pamamahala ng kapitan, 49 ang sumagot ng pabor, 31 ang hindi pabor, at 20 ang nagdadalawang isip.

Sino ang pinapasagot mo sa iyong module?

29

Magulang

23

Kaibigan/kapatid

148

Ikaw lang

Honesty check sa 200 kalahok na mag-aaral sa LiNHS


ARAGI lathalain 7

Nobyembre 2020-Abril 2021

Istoryang Raya and the Lost Dragon tampok din sa Lilingayon - Ruthche Navarro/11 GAS, Shaime Jane Esatalane/10 Narra, Wingle Pearl Abroguena/12 GAS

T

rending ngayon sa internet ang bagong pelikula ng Disney na pinamagatang Raya and the Lost Dragon. Lumabas sa ere ang pelikula noong ika-5 ng Marso, 2021, kung saan, bida sa kuwento nito ang mga paksang magpainis, magpatawa, magpamangha at magpaiyak. Pangungulila, panghuhusga, bagong pag-asa, pagtitiwala at kapatawaran, kalikasan at tagumpay: ito ang mga paksang bida sa Istoryang Raya and the Lost Dragon na tampok din sa Lilingayon. Kaya naman sarili ay ihanda sa magkasunod na mga pahina ng kuwentuhan na inyong matutunghayan .

Nagbunga

nang sabayan ni Cherrielyn si haring araw sa bulaklakan

N

agsimula lamang ang lahat sa amoy. Isipa'y lumilipad habang pinagmamasdan ang malawak na lupain. Ito'y nangungusap na iyo'y punuin. Para kay Cherrielyn Mae R. Pasan, 17, kailangan maging masipag upang maabot ang pangarap. Sa napili niyang itanim, maliit man o malaki, ito'y may halaga pa rin. Hindi naging dahilan para kay Cherrielyn, isang Grade 11 ABM student sa Valencia National High School na dating mag-aaral sa Lilingayon National High School na tumigil sa pagaaral sa kabila ng hirap ng buhay. Sa tuwing kumakain, tanging kanin at patis lamang ang nasa hapag- kainan. Nilalagyan niya ng patis ang kanin at masayang kumakain. “Jimba, Jimboy, Golden, Wonder at Remix: ito ang mga pangalan ng bulaklak na sa tingin ko ay kayang-kaya naming palaguin, kasama ang aking ama't ina na sa kabilang banda nagsusumikap upang may ipangtustos sa arawaraw naming pangangailangan,” pambungad ni Cherrielyn.

Sa kabila nito, may apat (4) siyang mga kapatid ang tatlo ay nag-aaral na, ang isa naman ay sanggol pa. Ngiting matatamis ang namutawi sa labi ng kaniyang mga kapatid na masaya siyang pinagmamasdan. Nakita at naisip niya na dapat siyang magsumikap. “Masakit sa balat ang bawat dampi ng sinag ng araw habang ako'y nagtatanim sa sakahan,” pahayag niya sa wikang Cebuano. Sa panahong nagpursigi siyang magtanim ng mga bulaklak sa lupain na tanging pahabilin ng kaniyang mga ninuno ay siya namang pagtaas ng presyo ng pataba. “Sobrang mahal ang mga pataba na kinakailangan sa bulaklak, sa isang buwan kailangan mong gumastos ng dalawampong libo (20,000) upang lumaking mataba at maganda ang pananim, ” malungkot na pahayag ni Cherrielyn sa wikang Cebuano.

Habang minamasdan niya ang kaniyang marka sa paaralan, alam niyang matagumpay niyang napagsabay ang kanilang bulaklakan at pag-aa ral. Nagbunga ang kaniyang paghihirap. Katulad ng kaniyang marka lumago din ang kanilang taniman na minsang umaabot ng pitumpong libo (70,000) ang kanilang nakukuha sa isang buwan sa pag benta ng bulaklak. “As the eldest daughter of our family, I need to be the source of inspiration and motivation to my siblings to become successful in their own lives”, taas noo niyang pagmamalaki na may bahid ng kagalakan habang nagpapahayag. Ni minsan hindi siya nawalan ng pagasa na magsumikap sapagkat alam niyang may patutunguhan ang kanyang mga pangarap.

PANGARAP. Ito ang lakas ni Cherrielyn Pasan upang pagsikapang makatapos sa pag-aaral. Larawang-kuha ni Jayson Duma-og

Ito ang nagging buhay ni Cherrielyn nang sabayan niya si haring araw sa bulaklakan. [A]

Titig

ng mga matang mapanghusga sa isang covid-19 victim

M

ga matang namumugto, mga pusong kumikirot at mga sigaw na puno ng paghihinagpis, isang tanong na paulitulit hinahanapan ng sagot. Bakit? Naranasan n’yo na bang mag-isa? Kinatatakutan, at tinitingnan nang may pangungutya? Kung oo, tiyak na mararamdaman niyo ang pighati, sakit at lungkot na naramdaman ni Lemuel Sogocio, 21, dating mag-aaral sa LiNHS, isang covid survivor. "Bakit sobrang mapanghusga ang tao? Hindi ko naman ginustong mahawaan ngunit tingin nila sa akin sinadya ko at parang malaki ang kasalanan ko sa kanila. Bakit? Mahirap maging biktima sa sakit na ito dahil takot sa’yo ang mga tao, at hindi lang yun, may pangungutya dito, panlalait doon,” malungkot at may bahid na inis na saad ni Lemuel. Kalungkutan at sakit na walang katapusan, may sakit na nga, pinagkaisahan pa, kaya paano raw siya lalaban? Sa halip siya'y bigyan ng pag-asa, sinabihan lang siya ng masasakit na salita.

Nakakawala ng gana para lumaban, nakakawala daw ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay, ito ang kaniyang naranasan. “Pero lahat ng ito ay binalewala ko dahil may pamilya akong naghihintay sa akin at gusto kong mapatunayan na isang araw gagaling din ako, kaya sa halip na dibdibin ang sinasabi ng iba, ginawa ko itong inspirasyon para gumaling,” paluhang sabi ni Lemuel. Araw-araw niyang sinusunod ang dapat gawin sabay ng taimtim na panalangin, lahat ay ginawa para mabilis siyang gumaling, labag man sa kaniyang loob o hindi. Lahat ng dapat gawin ay masaya niyang ginagawa, sabay isip sa kaniyang pamilya bilang unang inspirasyon hanggang sa gumaling na nga siya. "Lahat tayo may pagsubok na dadaanan, siguro ito yung sa’kin at ngayon nalampasan ko na! At alam niyo, nawala

lahat ng sinasabi nila, lahat ng tsismis ay biglang naglaho kahit wala akong ginawa. At may mga aral pa akong natutunan na magagamit ko sa aking pagpapatuloy sa buhay, masayang sabi niya. Totoong lahat ay may pagsubok na haharapin at nasa atin na kung tayo ay susuko o lalaban, sa sitwasyon ni Lemuel, lumaban siya na puno ng ng pag-asa at hindi nagtanim ng sama ng loob. Pinagtibay ang kaniyang pananalig sa Panginoon at kinaya ang malaking pagsubok. Natuto siyang ngumiti, natuto siyang bumangon, at natuto siyang magpatawad sa mga taong nanghusga at nanakit sa kaniya. Ang titig ng mga matang mapanghusga napalitan ng ngiting nagpamangha, siya si Lemuel, ang covid victim noon, survivor na ngayon. [A]

LAKAS NG LOOB. Nilakasan ni Jemuel Sogocio ang kaniyang loob at pati na rin ang kaniyang pagtitiwala sa Panginoon upang malampasan ang pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Larawang kuha ni Marianor Sogocio

Albie

waiting for you

N

anghihina, payat, hingal, lampa kung maglakad, gutom na gutom, at takot at halatang nawala ang tiwala sa tao dahil baka siya sasaktan, ganito ang naging karanasan ni Albie matapos siyang iwanan ng kaniyang tagapag-alaga. Si Albie kung titingnan mo’y isa talagang mabait na aso. Bagamat kabaitan ang mapapansin kay Albie, makikita din sa mga mata nito ang sakit, awa at pangungulila ng isang tagapag-alaga na kaya siyang buhayin at hindi iiwan. Kung saan-saan na lang siya pumupunta at nagbabakasakali na may taong maawa at pakainin siya. Nakapansin sa kaniya - si Elmer Ventura, 22, guro sa nasabing paaralan. Hinati ni Elmer ang kaniyang baon at binigay niya ang kalahati kay Albie. Napansin ng ilang mga kaguruan ang pagpapakain sa kaniya ni Elmer, kaya sa tuwing may pagkain ang mga ito, tinatawag na rin nila si Albie, at sa katunayan, sila ang nagbigay pangalan kay Albie.

“Si Albie noon, takot takot kung tawagin. Ayaw lumalapit. Pero ngayon, parang untiunti na niyang nabuo muli ang kanyang tiwala sa tao dahil sa nakita niya at naramdaman dito sa paaralan, saad ni Kris Joy Dela Pina, 29, gurong nagbigay-aruga din sa aso.

“Mabait na aso si Albie, hindi siya nagagalit kung maaagawan ng pagkain ng ibang aso. Napamahal na ang mga guro saknya. Binibigyan siya ng atensiyon sa loob ng paaralan,”saad ni Joy Pejano, 40, guro din sa paaralan. Sa kabutihang ipinakita ng mga tao sa paaralan kay Albie, nagpapahawak na ito, hindi na ito natatakot sa tao at kung saan may mga guro, nandoon na si Albie. Kasama na ngayon si Albie sa mga nakikinig sa tuwing may pagpupulong ang mga guro at lalong lalo na kung may kainan at pupuntahan ang mga guro.

Ang dating natatakot, payat, paika-ika kung maglakad at palaging gutom na si Albie, ay marunong nang makisalamu ha sa mga tao sa paaralan, ang dating payat ay unti-unti nang nagkakalaman, ang sugat sa kaniyang paa ay unti-unti nang naghihilom at ang palaging gutom na si Albie ay lagi nang puno ang tiyan. Sa wakas, nakarating siya sa lugar na kung saan nadama niya ang tunay na pagmamahal ng mga taong nasa paligid niya. Sa wakas, nagbalik na ang tiwala ng asong dating iniwan at sinaktan. Sa wakas, nahanap niyang muli ang inaasam na tirahan. Sa ating buhay, may mga pagkakataong maiiwan at masasaktan tayo ng mga tao at minsang nawawala ang ating tiwala, ngunit pakatandaan natin

TAMANG TAO. Hinihintay ng asong si Albie ang tamang tao upang ang kaniyang tiwala ay maibalik matapos iwanan ng kaniyang tinuturing na tagapag-alaga.

ang istorya ng asong tampok sa Lilingayon National High School, kagaya ni Albie na sa tamang tao at panahon ay naghihintay pa rin, ayon nga sa isang kanta, “Albie waiting for you”. [A]


8 ARAGI lathalain

Nobyembre 2020-Abril 2021

Straw very famous

Haplos ng

N

aiinitan at bored ka na ba sa kakaikot sa inyong bahay nitong pandemya? Bakit di mo subukang gumala sa sakahan ng presa o mas kilala sa tawag na Strawberry Farm sa Valencia. Mabubusog ka na, marerelax ka pa! Arat na, at samahan kami sa straw-very famous na istorya. Sino bang mag-aakala na ang prutas na sa ibang lugar lang namumunga at makikita ay nasa Lilingayon na? Taong 2019 nang buksan sa publiko ang isang Strawberry Farm, kung saan sa halagang abot-kaya, parang nasa Baguio ka na, libre tikim pa. Isa sa kamangha-manghang tanawin na ipinagmamalaki ngayon ng Barangay Lilingayon at ng mga katutubong Talaandig sa Sitio Tun-ogan ang kauna-unahang Strawberry Farm sa Probinsiya ng Bukidnon. Sariwa ang hangin at may mababait na puso ang mga nagmamay-ari sa destinasyong ito. Isang pamilya sila na nagtutulongan sa pag-aalaga sa mga halaman at maging sa kultura ng Talaandig. Si Markhel Abarquez, 19, ay isa sa mga anak ng may-ari na tumutulong sa pag-aalaga sa kanilang pananim at kasalukuyang nag-aaral sa Lilingayon National High School. Sa tuwing nakakakuha ng mga hinog na bunga ay dinadalhan niya ang mga kamag-aral pati na rin ang kaniyang mga guro na siya namang ikinasaya ng mga ito. Bagamat malayo, mahirap at maputik ang daan, hindi nagpatinag ang mga lokal na turista upang masilayan ang naging tanyag na Strawberry Farm. Kaya naman, sa isang panayam kay Markhel, sinabi niyang, “pananatilihin namin ang kagandahan ng mga strawberries namin at ang kalinisan sa paligid nito kahit na malayo at nasa bukid lamang kami.” Dahil na rin sa kasabikang makita ang malaparaisong presahan, maraming mga vlogger na ang nagsipagpunta rito. Bukod sa strawberries na kanilang matitikman, dito rin nila malalanghap ang preskong hangin dahil ito ay nasa tuktok ng bundok ng Sitio Tun-ogan. "Para sa akin, ang strawberry farm ay isang perpektong lugar para magrelaks. Sa taglay nitong ganda na sadyang nakakahalina, at malayo sa ingay ng sibilisasyon, talagang mapag-isip-isip ka nang maayos," wika ni Ma. Caren Gamo, 18, isa sa nakapagbisita sa linang. Tanging ang mga huni ng ibon at ihip ng hangin ang maririnig at sasabayan lang ng mainit na kape sa bukid tiyak magiging heaven na ang araw mo. Para naman kay Christine Mae Yam-oc, 19, taas-noo niyang ipinagmamalaki ang kauna-unahang strawberry farm sa Lilingayon at ang mga Indigenous People pa ang namamahala dito. Isa rin siya sa mga Talaandig sa lugar na ito. "They treated their customers/visitors well, they're good in socializing and accommodating, at the same time comely ambiance is in their place, it makes us overwhelmed the way they welcome us and the other visitors", masayang pagbanggit ni Florie Ann Ardemer, 35, isang turista. Kung gusto n’yo namang sulitin ang kagandahan ng tanawin at ang kaligayahan kasama ng mga barkada, pamilya at kasintahan, ‘wag nang mag-alinlangan pa dahil tumatanggap rin sila ng mga turistang gustong mag-overnight. Isama mo na ring tikman ang kanilang strawberry jam, sapagkat sa halagang 140 pesos mayroon ka nang instant palaman. Sabi nga nila, ‘walang sirang daan kapag gala yung pupuntahan.’ Eat lokal, love lokal. Isa sa Lilingayon pride ang sikat na strawberry farm. [A]

sa mga tanim at Mga salita nina Wingle Pearl Abrogeuna, Je-an S. Cabantug, Dhecyvine Lacorda

HEAVEN. Langit kung tawagin ng mga turista ang nakakabighaning tanawin strawberry farm na pagmamay-ari ng mga Talaandig. Mga larawang-kuha ni Jaycee Lyn Tumana

D

Instant

cine

made

ama ang mala-yelong lamig na simoy ng hangin sa Sitio Tun-ogan. Ang sitio na ito ay isa sa pinakamalayong sitio sa barangay Lilingayon at dito makikita ang iilan sa miyembro ng tribong Talaandig. Higit 11 kilometro ang layo nito mula sa sentro ng barangay. Dahil sa layo nito ay hindi maiiwasang mamroblema ang mga katutubong nakatira rito tuwing may nagkakasakit sapagkat hindi madaliang makabibili ng gamot. Ngunit ano nga ba ang nagiging gamot nila kung may nagkasakit sa pamilya? Bagamat nakasanayan at napatunayan na ang kabisaan sa ilang taon nilang paggamit ng mga halamang gamot, tipid na sila sa pera, sariwa’t natural pa ang makukuha. Mapagbigay at hindi maramot ang mga katutubo. Hindi nila ipinagkakait ang mga impormasyong makakatutulong sa kapuwa, katulad ng kaalaman sa tradisyunal na medisina. Halos lahat ng miyembro ng katutubo, maliban sa mga bata, ay alam ang lunas sa iilang mga sakit. Tinatanong lang nila sa kanilang babaylan kapag hindi nila alam o nakalimutan nila kung ano ang gamot sa isang partikular na sakit. Ating alamin ang hype na hype na mga halamang gamot na hanggang ngayon patok pa rin sa tribong Talaandig. Ito ang

Iilan sa mga medisinang may dampi ng kanilang tradisyon: “Buntis ka at gusto mong mapadali ang iyong pag-anak, gumamit ka ng Pugapong. Ito ay ginagamit namin upang mapabilis ang paglabas ng bata sa sinapupunan ng nanay sa tuwing manganganak. Pinapainitan sa ibabaw ng apoy ang dahon hanggang sa katamtamang init bago ihahaplos sa tiyan ng buntis,” pagsisimula ni Datu Makatana. Sa pagpapatuloy ni Datu napatanong siya kung balisa ka? Worried ka? Hindi komportable? Gamutin ang sarili gamit ang Magaw-panga, ito ang sagot para daw mapakalma ang iyong kalooban, dahil ayon sa kanya, gamot daw ito sa pagkabalisa. Inuling ang tangkay nito at pinulbos bago inihalo sa tubig at inumin. “Kung may trangkaso ka na at nagaapoy sa init ang buong katawan, gamitin mo naman ang Panambungol. Ito ay gamot namin sa mataas na lagnat. Ibabad lang daw ang nilinisang ugat nito sa tubig ng 5-10 minuto bago inumin,” pangatlong ibinahagi ni Datu. Kung marami namang lisa, kuto at balakubak, huwag nang magtiis pa sa kati ng ulong dulot nila, gamitin na ang Lawingan. Nakakatulong rin daw ito sa pagtubo at pagpapahaba ng buhok. Pukpukin at pugain ang mga dahon

upang makuha ang katas nito at pagkatapos ay gamitin ito bilang shampoo. Sa katunayan ay hindi lamang ang tribong Talaandig sa Sitio Tun-ogan ang umaasa sa biyaya ni inang kalikasan sa panggamot sa kanilang mga sakit. Ayon sa World Health Organization (WHO), 80% ng populasyon ng mundo sa mga umuunlad na bansa kabilang ang Asya ay nakasalalay sa mga halaman para sa kanilang pangunahing pangangalaga ng kalusugan dahil sa kahirapan, limitado at hindi ma-access sa pagkuha ng mga modernong serbisyo sa kalusugan. Kung meron ka naman ng mga ito, bakit di mo subukan nang ika’y gumaling sa instant madecine ng mga Talaandig. [A]


ARAGI lathalain 9

Nobyembre 2020-Abril 2021

mgaTalaandig

talon sa Lilingayon Kimatahay Falls KASAGANAAN. Salat man sa mga binebentang gamot, mayaman naman sa medicinal plants ang mga Talaandig na nakatira sa tuktok ng bundok. Larawang kuha ni Je-an Cabntug

ali

BIYAYA NG KALIKASAN. Naging mapalad ang mga taga– Lilingayon sapagkat biniyayaan sila ng maraming anyong tubig. Gayunpaman, isang palaisipan para sa mga residente na dami ng puwedeng mapagkukunan ng tubig, nahihirapan itong makaabot sa kanilang kabahayan. Mga larawang kuha nina Jason Duma-og, Marde Luz A. Lacuesta

pugapong

magawpanga

panambungol

Alamay Falls

lawingan

‘Arat’ na at tumalon sa mga talon ng Lilingayon

HSpot#1: Kimatahay Falls

ilig mo ba’y adventure? Wala pang bucket list? 'Wag nang mag-alala, sosolusyunan natin 'yan, dahil puwedeng-pwedeng magfalls hopping sa mga nakabibighaning talon ng Lilingayon na pinapangalagaan ng mga Talaandig.

Ang Kimatahay Falls ay isa sa mga pinakatanyag na talon ng Lilingayon, ito rin ang pinakamataas na talon na may taas na humigit-kumulang sa 180 feet, na matatagpuan sa Sitio Rancho, ng Lilingayon. Ang daanan patungong Kimatahay ay naayos na noong nakaraang taon, kung kaya't mas mapadali ang pagpunta sa nasabing talon, pagdating mo sa mismong talon ay mapapasabi ka nalang ng "OMG!" dahil sa makapigil hiningang ganda nito. Isa rin sa dagdag atraksiyon nito ay ang rock formations. Ngunit hindi lamang paglangoy ang pwedeng gawin dito, dahil pwede ka na ring mag-rapelling.

Spot#2: Alamay Falls Matapos mapuntahan ang pinakamataas na talon, subukan mo ring mamasyal sa Talon na Alamay! Ito ay matatagpuan sa Sitio Tandacol. Ang Alamay Falls ay pagkakasunod-sunod ng tatlong talon na nakakonekta sa ilog ng Tandacol, na nasa loob lang ng Mt. Calatungan Range, Natural Park. Kilala ang talong ito sa luntiang paligid at nakakamanghang gandang taglay nito. Dito rin ay puwedeng magrelaks dahil sa kalmadong paligid. Mayroon ding kakaibang view na nakakabigay rin ng atraksiyon sa mga turista na tinatawag na Alamay View Deck. At sa dulo ng pangatlong talon ng Alamay ay mayroong tinatawag na Alamay Pool.

Spot#3: Twin Falls Kung hindi ka pa nakontento sa ganda ng Kimatahay at Alamay Falls, puntahan mo na rin ang Twin Falls na matatagpuan pa rin sa Sitio Tandacol. Sa Twin Falls, mapagtatanto mong hindi lamang tao ang may kakambal, pati mga talon, nakikisuo na rin. Sa malamig at malinis na tubig na iyong maliliguan, magiging happy ka pa sa magandang tanawin na iyong matutunghayan. Ano pa ang hinihintay mo? ‘Arat’ na at tumalon sa mga nakabibighaning talon ng Lilingayon! [A]

Twin Falls


10 ARAGI ag●tek

Nobyembre 2020-Abril 2021

Inuming tubig sa LiNHS, bagsak sa istandard - Wingle Pearl Abrogeuńa/11 GAS

Kuhol sa lupa, mapanira ngunit kapaki-pakinabang - Shaira Estalane/12 GAS

N

KALIGTASAN. Ito ang nakasalalay para sa mga mag-aaral sapagkat kontaminado pala ang kanilang iniinom na tubig sa paaralan. Larawang-kuha ni Jason Dumaog

A

ng tubig ang isa sa pinakamahalagang pangangailangan ng tao. Ginagamit ito sa pag-inom, pagluluto, pagliligo, paglalaba, paghuhugas, pagdidilig at sa paglilinis. Ngunit paano na lang kung ang tubig na iyong iniinom at nilalagay sa pagkain ay hindi pala pasado sa Philippine National Standard for Drinking Water (PNSDW)? Sa paghahangad na malaman kung ligtas ba talagang inumin ang tubig sa paaralan, nagsaliksik tungkol dito sina Fernan Ramonal, 20; Ace Ramir Manabat, 20; at Ronald Dela Peña, 20; mga mag-aaral ng Lilingayon National High School. “Mainam na malaman ng lahat sa komunidad ang resulta ng pananaliksik sapagkat halos lahat ng tao sa barangay ay umiinom sa pinagkukunang ito. Bagamat matagal nang ginawang inuming tubig ang mga source na ito, kailangan pa ring dadaan sa microbiological test para masiguro kung ano na ang kalagayan ng tubig", pagbubukas ni Manabat. Ang water source ng paaralan ay nagmumula sa reservoir na siya ring nagsusuplay sa buong barangay. Ang tubig na pumapasok dito ay orihinal na nagmula sa Sitio, Kibalaog, Lilingayon. Dinaan nila ang pag-aaral sa Philippine National Standard for Drinking Water (PNSDW) para maikompara at malaman ang mga kontaminante na kasalukuyang nasa tubig. Kinuha nila ang mga water samples na tig100 mL sa likurang bahagi ng Senior High

School building (bilang tap water) at sa hand washing facility sa likod ng Grade 7 Earth building (bilang flowing water), at agad nila itong dinala sa Microbiology Research Laboratory Bacteriological Examination of Water Samples ng College of Veterinary Medicine sa Central Mindanao University (CMU).

Kailangan pa ring dadaan sa microbiological test para masiguro kung ano na ang kalagayan ng tubig. ACE RAMIR MANABAT Mag-aaral na mananaliksik

“Tatlong parameters ang dapat maipasa upang masabing pasok ito sa PNSDW: total coliform, fecal coliform at heterotrophic plate counts (HPC). Kailangang hindi lumagpas sa 1.1 ang total coliform at fecal coliform, at hindi naman lalagpas sa 500 ang HPC,” pagpapaliwanag ni Manabat. Ayon kay Airish Risma, laboratory analyst ng CMU, ang ‘total coliform’ ay ang kabuuang bakterya o kontaminasyong makukuha mula sa lupa at maging sa mga pananim, ngunit hindi ito gaanong nakakapinsala. Ang ‘fecal coliform’ naman ay ang grupo ng mga bakterya o kontaminasyon na nakatira sa bituka at dumi ng mga tao’t hayop.

Ang heterotrophic plate count (HTC) naman ang proseso ng pagbilang sa nabubuhay at puwedeng padamihin na bakterya sa tubig. Nang ihambing na nila ang resulta, nalaman nilang 1.6 ang total total coliform sa flowing water at 1.6 din sa tap water kung saan hindi ito pasado dahil lumampas ito sa 1.1 na istandard. Para naman sa fecal coliform ang lumabas na resulta ay parehong 1.6 din sa flowing water at tap water kung saan hindi ito pasado lumampas ito sa 1.1 na istandard. At para sa huling parameter, ang HPC, lumabas sa pag-aaral na may 55 lamang sa flowing water at 273 sa tap water, kung saan ito lang ang pumasa dahil hindi ito sumobra sa 500 na istandard. “Dahil sa tatlong parameter ang dapat maipasa upang matukoy na ligtas inumin ang isang tubig, ibig sabihin, hindi talaga pasok sa PNSDW ang inuming tubig ng paaralan at ng buong barangay. Ibig sabihin, hindi gaanong ligtas ang ating inuming tubig. Dahil dito maaaring makakuha ng sakit ang mga residente ng Lilingayon dahil sa mga kontaminanteng taglay ng inuming tubig.” pagwawakas ni Manabat. Bagamat noong 2019 pa lumabas ang resultang ito, nakasalalay pa rin ang kaligtasan ng mag-aaral sa paaralan dahil sa hindi magandang resultang lumabas, ang agarang solusyon para maiwasan ang kontaminasyon ay dapat daw bigyang tugon ayon sa mga mananaliksik. [A]

agsimulang mapisa, nagsimula ring pinsalain ang mga tanim sa komunidad at nagawang dumihin ang bakuran ng paaralan sa Lilingayon National High School. Makikita mo sa likurang bahagi ng mga gusali ang pagdami ng mga land snails (helix aspersa) kung saan mahigit 430 na itlog ang mapisa sa isang taon sa isang snail lamang. Masaya silang namumuhay sa malamig at hindi masyadong nasisikatan ng araw na lugar. Ang mga dahon ng halaman ay kinakain nila depende kung ano ang kanilang makita sa kanilang paggapang. Kung berdeng-berde at mamasa-masa ang halaman ay ganang-gana ang mga land snails na kakain nito. "Duming-dumi na ang mga pader ng paaralan dahil doon sila gumagapang. Mahirap tanggalin ang mga duming dinadaanan nila kasi labis na kumakapit ang taglay nitong uhog sa katawan", sabi ni Delia Gabijan, isang guro sa LiNHS. Maliit ang mga ito ngunit kaya nilang alsahin ng 10x ang bigat ng kanilang katawan. Marami namang mga nag-aalaga ng bulaklak ang nagagalit sa tuwing makikita nila ang kanilang tanim na sa pagising nila ay kalbo na at kinain na ng mga land snails ang mga parte nito. "Nilalagyan ko ng asin ang katawan ng mga land snails at ang mangyayari sa kanila ay unti-unting nawawalan ng buhay, ito ang ginagawa ko kapag mahuli ko silang kinakain ang iba't ibang klase ng mga dahondahon na mga bulaklak ko," paliwanag ni Gng. Glenda Abrogueña na nag-aalaga ng mga mamahaling panananim. Ayon sa isang guro sa agham na si Cris May Jane Saure, ang mga snails daw ay tinatawag na "nocturnal animals" ibig sabihin ang kanilang mga gawain ay ginagawa nila kung gabi. Para naman kay Gng. Flora Lacorda, kinain daw ng snail ang bulaklak nila na nagkakahalagang 200 pesos sa isang patpat lamang. Iyon ay ang stargazer lily (lilium arientalis). Isa ito sa naging dahilan na nilalagyan nila ng kemikal ang kanilang tanim na pampuksa sa mga snail bago ito umatake sa gabi. Bagamat mapinsala ang mga snails, may papel din sila sa sandaigdigan, kapakipakinabang ang mga ito dahil ginagawa silang pagkain sa mga insekto, mga ibon, mga reptalya at mga hayop na nagpapasuso. Gawa sa calcium ang punglo ng snail, mayaman itong pinagmulan ng mga bitamina. Ang uhog sa mga land snails ay ginagamit para gamutin ang kulubot, dungis, at peklat sa balat. Maninira sila sa mga halaman ngunit kapaki-pakinabang sa ibang bahagi ng kalikasan. [A]

Pagkabahala ng mamamayan, sagingan ang dahilan - Johndel Bert Bacalso/10 Mahogany

I

sa ang Dole Banana Plantation na may pinakamalaking taniman ng saging sa probinsya. Bagamat maraming tao ang natutuwa lalong-lalo na ang mga tambay dahil meron na silang trabaho, marami namang residente ang nababahala sa Barangay Lilingayon dahil ang gamit na mga kemikal ay kanilang nalalanghap at ito’y nakasisira sa kalusugan. Ayon kay Saben Purazo, 45, isang manggagawa sa Dole Banana Plantation gumagamit sila ng mga kemikal gaya ng Daconil, Topsin (Thiophanate-methyl), Banana spray oil at iba pa. Sa panayam kay Rheziel Malificiado, isang chemist, ang daconil daw ay isang makabagong fungicide na naglalaman ng aktibong sangkap na makapagdudulot ng iritasyon sa balat at mata at kung ito ay malanghap makadudulot ito ng iritasyon sa ilong,

lalamunan at baga na magreresulta ng pag-ubo na may plema at pagsikip ng dibdib. Ang Topsin (Thiophanate-methyl) naman daw ay isang kemikal na pumapatay ng mga halamang-singaw (fungi) na nakapagpapataas taas ng chlorophyll content ng saging, ngunit nakakapagdulot din naman ito ng pagkalason sa ibang pananim. Panghuli ay ang banana spray oil na ayon kay Malificiado makakapagdulot din ng iritasyon sa balat at sa mata. Ayon sa pahayag ni Marife S. Armecin, 43, isang guro sa LiNHS, masasabi niyang ito ay may masamang epekto sa mga mag-aaral at mga guro dahil base sa kaniyang karanasan sa loob ng siyam na taong pagtuturo, may mga panahon daw na nag-iispray sa sagingan na kung saan sila ay may pasok. Ang mga kemikals na kanilang ginagamit

ay nalalanghap ng mga bata at sila mismong mga guro. Amoy pa lang daw ng kemikals ay nakakahilo na at ito ay magdudulot daw ito ng pagkasira ng aming respiratory system. “Minsan nakakainis na dahil nakakahilo ang mga kemikal na kanilang ginagamit at ito ay magdudulot ng pagkasira ng aming kalusugan,” pahayag naman ni Princess Twinkle Gella, isang estudyante at residente na malapit sa plantation. Kasabay ng pag-unlad ng ating bansa ay ang dahan-dahang pagkasira ng kalusugan ng mga mamamayan dahil sa mali o sobrang paggamit ng mga kemikals. Panawagan ng ilang mga residente sa Lilingayon, hikayatin ang namamahala ng Dole Banana Plantation na gumamit ng mga organikong kemikal sa pag-iispray nito. [A]

TAKIP-ILONG. Sa tuwing dumadaan si Kyla Omongos,14, sa sagingan na malapit sa paaralan, napapatakip-ilong na lamang siya dahil sa hindi magandang amoy ng mga kemikal. Larawang kuha ni Elza May Armecin


Milagrosong Paragis - Jet Claire U. Cadungog/11 GAS

M

aging maingat sa mga damong iyong tinatapakan, dahil baka ito'y makahahaba ng iyong buhay! Ang damong ito ay makikita kung saansaan, isa rin ito sa pinakakilalang klase ng masamang damo. Madalas itong nakikita na tumutubo sa bakuran o sa gilid lang ng kalsada sa mainit na klima. Ito lang naman ay ang damong paragis (Eleusine indica). Nagkalat lamang ang milagrosong damong ito sa bakuran ng Lilingayon National High School, kaya naman ang iilan sa mga guro ay binubunot ito at pinapakuluan. Para kay Joy C. Pejano, guro ng LiNHS, nagagamot daw ng damong ito ang kaniyang hyperacidity at gumaganda daw ang kaniyang tulog. Kaya naman arawaraw ay nagpapakulo siya nito para kanyang inumin. Ayon sa isang doktor sa isang panayam ng Kapuso Mo Jessica Soho noong 2017 na si Dr. Algy Bacla ng GreenMed Naturopathic Center, sa Africa at ilang bansa sa Asia ay tradisyonal na raw ang paggamit ng damong paragis sa panggagamot, bionic medicine daw ang damong paragis. "Wala siyang toxicity effect na natala sa isang pag-aaral. And one thing is napakataas ng kaniyang mineral content, because siya ay isang uri ng wild grass, direkta 'yong kaniyang pagkuha ng nutrients sa lupa. As far as research is concern may potential o curative property ang paragis," saad ni Dr. Bacla. Ang pamamaraan daw ng paggamit ng damong paragis sa ovarian cyst ay pakuluan daw sa isang litrong tubig ng 10 minuto, ilagay sa isang glass jar (huwag sa plastik) inumin ito, isang (1) baso sa isang oras, dalawang beses uminom, bago kumain at bago matulog. Ito rin daw ang pamamaraang gagamitin sa cyst sa suso, myoma, almoranas, diabetes, hypertension, UTI, epilepsy, goiter, at pagtatae. Maaari daw ding magamot nito ang asthma, ang gagamitin ay ang ugat nito, 2 beses sa isang araw uminom, isabay sa gamot na para sa ubo, sa loob ng isang araw. Marami pa ring ibang nagagamot at pamamaraan ang paggamit ng damo. Hindi man pinagbabawal ang damong paragis ay hindi pa rin ito aprobado ng kagawaran ng Kalusugan (DOH) bilang isa sa mga halamang gamot dahil kinakailangan ito ng mahabang pagsusuri. Marami ring paragis ang ginamit sa isang produkto na hindi registered sa Food and Drug Administration (FDA). Ang mga milagrosong nagagawa ng damong paragis ay sadyang nakakahalina kung kaya't 'di natin maiwasang subukang gumamit ng damong ito. Mapagamot man o hindi ang nasabing damo ay kailangan pa rin nating maingat at alagaan ang ating sarili, sabi nga ng iba, "prevention is better than cure." [A]

Valencia City, nangunguna sa may pinakamaataas na covid-19 deaths sa karatig lungsod nito

14

11 Malaybalay

Valencia

3

3 Maramag

Don Carlos

3 Quezon

1 Kibawe

Sanggunian: Kagawaran ng Kalugusan, Rehiyon X (DOH-10) As of April 26 2021

Nobyembre 2020-Abril 2021

ARAGI ag●tek 11

Masarap ngunit masakit

- Dhecyvine Lacorda

Yummy. Sobrang sarap ang kain ng mga kabataan pagdating sa instant pancit canton at pag-inom ng milktea, hindi lingid sa kanilang kaalaman ang sakit na mabibigay nito sa kanila. Larawang kuha ni Jayson Dumaog

Milk tea now…suffer later? Isa sa mga trending na inuming pinipilahan ngayon ng mga karamihan lalo na ng kabataan ang inuming milk tea. Maraming nasarapan, ngunit hindi lingid sa kanilang kaalaman ang mabuti at masamang epekto nito. Ang karaniwang makikita na compound sa milk tea ay ang carbohydrate (C6H12O6) na makakapagbigay ng lakas sa katawan, mineral na makakatulong sa mabuting kalusugan at calcium (Ca) para sa matitibay na buto. "Mayroong nutritional value ang gatas pero kasi ang nilalagay naman natin dito sa ating milk tea, hindi lang gatas, mayroon pang iba. Mas marami iyong nilalagay, lalo na iyong asukal," saad ni Dr. Nemencio Nicodemus, sa programang Salamat Dok, ng ABS-CBN Youtube Channel. Si Dr. Nicodemus ay isang endocrinologist mula sa Philippine General Hospital. Ipinaliwanag pa ni Nicodemus na ang isang large sized serving ng milk tea ay naglalaman ng 11 hanggang 20 kutsarita ng asukal o 400 calorie na lumampas na sa normal na antas ng asukal na kinakailangan ng katawan ng tao na 6 na kutsarita ayon sa World Health Organization (WHO).

"Kapag nasobraan na tayo ng calories tataba tayo at mas mataas ang tsansang magka-diabetes," dagdag pa niya. Marami pa daw itong epekto, isa rito ang insomnia na mahihirapang makakatulog, ang hindi pagkabalanse ng brain chemicals na magreresulta ng anxiety, ang pagtubo ng tigyawat sa katawan , at dahil isa sa mga ginagamit sa milktea ay ang theophylline (C7H8N4O2) maaaring maging epekto ito ng mahirap na pagbabawas (constipation), at magkakaroon ng blood pressure imbalance dahil sa nakapagpapataas ito ng heart rate. Paalala ni Nicodemus, “yong milk tea, kung talagang hindi maiiwasan, hangga't maaari, limitahan lang siguro natin ng once a week lang para hindi tayo madagdagan ng sobrang calories sa katawan natin," pagwawakas ng doctor.

Mahabang pasta... para sa maikling buhay Madalas sa atin ay gustong makahain ng masarap na pagkain nang madalian ngunit lingid sa ating kaalaman na maaari tayong magkasakit dahil dito, isa na sa pinakamadaling ihain sa mesa ang Lucky Me Pancit Canton.

Ayon kay Stephanie Vegas, isang nars/dietician sa Lilingayon, kung titingnan daw ang nutrition facts nito ay marami itong sodium (asin) na umabot ng 785mg sa isang pakete lang. Mataas na daw ito dahil ang sodium na kinakailangan ng ating katawan sa isang araw ay 1500mg lang, ngunit dahil hindi lang naman pancit canton ang kinakain natin na may sodium, ito ay makakapagpataas ng sodium rate na magdudulot ng urinary track infection o UTI. “Marami rin ang saturated fat at transfat ang instant pancit canton na nakapagtataas ng cholesterol na maaaring magdulot ng sakit sa puso at diabetes,” dagdag ni Vegas. Isa pa sa mga sangkap ng instant pancit canton ang silicon dioxide o kilala bilang silica gel na mayroong malubhang epekto sa kalusugan ng tao. Ang crystallized silica ay kilala na lung carcinogen, na kapag nasinghot ay makakapag-develop ng lung cancer. Ayon pa kay Vegas, ang pagkain ng Instant Noodles ay maaari ring magresulta ng pagtaas ng dugo, pamamaga, pagkahilo, abnormal na pagtaas ng timbang at kidney failure. Mahahaba man ang pansit nito, kapag naman nasobraan ang pagkain ay tiyak iikli ang buhay mo. [A]

Misyon sa malabong ‘vision’ - Lea Jane Eugenio/11 GAS

P

arami nang parami ang mga taong nakararanas ng pagkasira ng mata, mapabata o matanda, madalas ay sanhi ito ng mga nakasanayang gawain. Alamin ang rason kung bakit ang iilan sa kanila ay mayroon nang malabong ‘vision’. Si Giecel G. Calvo, 18, isang Grade-12 na estudyante ng LiNHS, nagsimula ang pagkasira ng kaniyang mata noong Grade-5 pa lamang siya, sa edad na 11. "Sa sobrang paggamit ko ng makabagong teknolohiya, nagdulot ito ng pagkasira ng aking mata,” saad ni Calvo. Ayon sa Pediatric Opthalmologist na si Alvina Pauline Santiago, sa panayam ng programang "Good Vibes" noon sa DZMM, ang radiation at blue light na lumalabas sa screen ng cellphone, tablet o telebisyon, ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng mata. "Puwede sanang walang effect ang gadget kung sandali mo lang gagamitin. Kaya lang kung more than 2 hours, 3 hours mo siyang ginagamit, 'yun 'yung nagsasanhi ng problema ng pagiging myopic o nearsighted (hindi makakita sa malayo)," dagdag pa ni Dr. Santiago. Isa rin sa mga nakakaranas ng pagkasira ng mata si Shaira Mae Estalane, 20, isang first year college student na kakatapos lang ng Senior High sa LiNHS, nagsimula daw ang pagkasira ng kaniyang mata noong siya ay G7 sa edad na 13.

BINTANA NG KALULUWA. Sa pamamagitan ng mata, nakikita natin ang kagandahan ng mundo, ngunit para kay Giecel Calvo at Shaira Mae Estalane na nasira ang mga mata, Kailangan nilang gumawa ng misyon para manumbalik ang magandang vision. Larawang-kuha ni Wingle Pearl Abroguena

"Madalas akong nakababad sa cellphone dahil mahilig akong magbasa ng istorya. Minsan ay aabutin ako ng umaga sa paggamit nito. Ngunit hindi lamang radiation ang sanhi nito sapagkat namana ko rin sa aking ina. Halos lahat rin ng kamag-anak namin ay may suot na eyeglasses dahil poor -sighted,” paglalahad ni Shaira. Ang genetics ay makakaapekto rin sa mata ng tao, ayon kay Santiago, aniya kung ang tao daw ay pinanganak sa magulang na ang lahi ay may problema sa mata, aasahang ang tao na pinanganak ay may eye disorder. Sa isang banda si Gng. Marjorie Quintinita, 46, isang ina ng dalawang estudyante sa Lilingayon NHS, ay nakararanas rin ng

pagkasira ng mata sa edad na 19, ayon sa kaniya palagi raw siyang nagbabasa kahit sa makulimlim na lugar. "Kailangan natin ng sapat na liwanag upang makabasa tayo ng mga bagay-bagay, ngunit kung sobra sa liwanag o kapos sa liwanag ay makakasira ito sa mata," saad ni Dr. Willie Ong, sa kaniyang youtube channel. Ang mga mata ay sadyang napakahalaga. Bagamat kailangan natin ang mga teknolohiya, pakatandaan na ‘wag abusuhin ang paggamit sa mga ito. Sa mata makikita ang bintana ng kaluluwa, kaya kung may naramdaman ka sa iyong mata, dapat na itong ipakonsulta upang maagapan habang maaga pa. Gawan ng misyon ang malabong ’vision’. [A]


Pandemik Isports ng mag-aaral sa LiNHS

17%

12 ARAGI isports

Nobyembre 2020-Abril 2021

60% Larong onlayn

Larong katutubo

23% Ball games

Sa 100 mag-aaral na tinanong ng Aragi hinggil sa hilig nilang nilalaro sa panahon ng pandemya, nakakuha ng malaking bahagdan ang paglalaro online, sinundan ng ball games, at huli naman ang katutubong laro.

Future games sa Lilingayon, planado na - Sheila Mae Bentulan/11 GAS

P

LAGING HANDA. Kahit walang pasukan, patuloy pa rin ang paghahanda at pag-eensayo ng atletang mag-aaral ng LiNHS na si Joy Hugo sa larangan ng pagtakbo. File photo ng Aragi

lanado na ang mga binagong bahagya na mga laro na gaganapin para sa darating na liga ng Barangay Lilingayon, ito ay kung papayagan na ng mga nakatataas na mga opisyal. Batay ito sa pakikipanayam kay Jay Warly Zamora, 25, SK chairman, aniya ang mga larong inihanda nila ay ang 2nd Mobile Legend tournament, chess, bilyard (ngunit limitadong manlalaro lamang), badminton, takraw, track and field, volleyball (limitadong manlalaro lang din), at ping-pong. Pinili nila ang mga larong ito sapagkat, hindi raw masyadong magkakaroon ng contact ang mga kabataang maglalaro nito. Iginiit rin ni Zamora na ibabalik sa liga ang mga tradisyunal na laro kagaya ng siatong at kadang-kadang na kawayan. "Hindi natin dapat kalimutan ang sports, kasi hindi naman puwede na palaging virtual, hindi tayo ma-exercise niyan, so iyan ang kasalukuyang plano at maghihintay lang din naman tayo ng utos sa itaas kasi unahin natin ang ating kaligtasan”dagdag pa niya sa wikang Bisaya.

Hugo, tumatakbo para sa ginto S - Claizan Gay Negre/12 TVL

a pagnanasang makuha ang ginto sa larangan ng pagtakbo, todo ensayo pa rin ang atletang si Joy Hugo, 19, mag-aaral sa 12 TVL kahit na walang kasiguruhang magkakaroon ng Palaro sa taong panuruang ito. Isa si Joy sa mga manlalarong dinadala ng Division of Valencia City sa Regional Athletic Meet, kaya naman kahit walang nagsasabing magpractice siya ay ginagawa niya pa rin ito sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. “Pangarap kong manalo sa regional meet para makarating sa Palarong Pambansa kaya dapat buo pa rin ang aking loob at dapat hindi ako magiging tamad sa pag-training,” buong lakas na wika ni Joy. Naglalaan daw siya ng isang oras bawat araw sa pagtakbo mula sa kani-

lang bahay hanggang sa bahaging malapit na sa paaralan. “Sinasanay kong tumakbo ng tanghaling tapat dahil kadalasan pinapatakbo kami sa region habang matindi ang sikat ng araw, mas higit na tataas ang aking hangin kung ganito rin ang aking gagawin,” paggigiit niya. Kung hindi man daw talaga matutuloy ngayon ang palarong panrehiyon handa si Joy na tumakbo pa rin pagdating sa kolehiyo. “Kung wala talagang takbuhan ngayon, hindi naman masasayang ang pagod ko kasi pagdating ko sa kolehiyo, magpapatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Mas maganda na ’yung laging handa para pagdating ng tamang panahon magbubunga rin ang lahat ng pagsisikap na ito,” positibong saad ni Joy.

Matatandaang kinaya ni Joy ang 3, 000 meter dash noong nakaraang taon kaya naman sinusubukan daw niya itong lagpasan. Para sa kaniya, ang larong pagtakbo ay madali lamang daw laruin kumpara sa ibang laro. Payo niya, dapat todo praktis lang at maging disiplinado para iwas sa peligro. “Anumang hamon kayang-kaya lagpasan, kung gusto may paraan, pero kung ayaw, maraming dahilan. Manalig tayo, magsumikap at gawin lang ang mga health protocols. Malalagpasan din natin itong lahat. Hindi hadlang ang pandemya sa pag-abot ng ating mga pangarap,” pagwawakas ni Joy. Sa ugaling ipinakita ni Joy bilang isang atleta umaasa siyang magbubunga ang lahat ng kaniyang pagod at paghihirap. Siya si Joy Hugo, ang atletang tumatakbo para sa ginto. [A]

Volleyball, ping-pong, zumba para sa ‘wellness’ ng mga guro - prinsipal - Ma. Kristine Care Gamo/11 TVL

U SABIK. Excited na ang lahat ng kabataan sa Lilingayon para sa mga planadong laro ng barangay. Larawang kuha ni KC Gamo

Kung papayagan man ay ibabalik din nila ang larong basketball. Samantala, sa panayam naman sa isang manlalarong si Charlie Barliso, 18, excited na siya kung sakaling magkakaroon na ng pa-liga ang barangay dahil nababagot na daw siya sa kanilang bahay. “Malipay jud kaayo ko kung madayun na ang mga plano sa among opisyal, kay gusto na kaayo ko mudula ug basketball (sasaya talaga ako kung matutuloy ang balak ng opisyal dahil gustong-gusto ko nang maglaro ng basketbol)," dugtong pa niya. Para naman Giecel Calvo, 17, nasasabik na daw siyang maglaro na court. Puro na lang daw siya online games at mas lalong nasisira ang kaniyang mata. Sa ngayon, parehong nasasabik ang mga kabataang naiinip na sa kanilang tahanan. Hiling nila’y sana babalik na sa normal ang lahat upang malaya na silang makapaglaro sa labas. [A]

pang mas maging malakas at manatiling kondisyon ang katawan ng mga kaguruan sa Lilingayon National High School sa panahon ng pandemya, isinusulong ngayon ng punongguro na si G. Martin M. Rosete, Jr., ang pagkakaroon ng 15 minutong wellness activity araw-araw kagaya ng paglalaro ng volleyball, ping-pong at pagsuzumba. Aniya, gaganapin ang mga nasabing gawain sa covered court ng paaralan. Bagamat may pandemya pa, hindi lang daw susundin ang istandard na bilang ng mga maglalaro, halimbawa sa volleyball, 2 manlalaro lang sa bawat pangkat, at sa ping-pong ay tig-iisa lang, kung saan maglalaro pa rin silang nakaface mask at naka social distancing. "Ang ating nga guro ay masyado nang tutok sa trabaho, halos di na lumalabas sa kanilang mga lungga, dapat may oras sila para makapag-aliw at mawala ang kanilang pagod sa pagwawasto ng mga modyul," dagdag pa ni G. Rosete. Hindi lahat ng guro sa LiNHS ay marunong maglaro ng ping-pong, volleyball at hindi rin lahat gustong magzumba, bagamat ito ay para sa ikakaaliw nila, malaya daw silang makakapili kung anong wellness activity ang kanilang naisin. “Maganda sa kalusogan ng mga guro ang minsang makapaglabas ng pawis sa pamamagitan ng pagsayaw o paglalaro, magagalaw nila nang maayos ang kanilang mga katawan, magiging matalas

ALIW. Mahalaga para sa mga guro ang makapag-aliw lalo pa’t hindi bastabasta ang kanilang ginagawa ngayong may pandemya, kaya wellness activities’ ang handog ng punongguro para sa mga ito. Larawang kuha ni Dionice Pearl Day-oman

ang kanilang isipan, at higit sa lahat mapapanatili ang pagkakaisa,” pangwakas ng punongguro. Sa mga sakripisyo ng mga guro ngayong bagong normal, ang maikling oras na ito ng kanilang pag-aaliw ay isa nang napakalaking bagay para panandaliang mawala ang pagod na kanilang iniinda. Kaya naman, itotodo na raw nila ang pagkakataong ito na binigay sa kanila ng prinsipal. [A]

Dapat may oras sila para makapag-aliw at mawala ang kanilang pagod sa pagwawasto ng mga modyul. MARTIN M. ROSETE JR. Punongguro, LiNHS


ARAGI isports 13

Nobyembre 2020-Abril 2021

SMALL BUT TERRIBLE. Isang batang nagbibigay inspirasyon si Arjeon Marcia. Kahit matanda sa kaniya, kaya niya itong talunin. Kung kaya, halos lahat bilib sa kanyang galing sa paglalaro ng chess. Larawang kuha ni KC Gamo

Bagets, dinaig ang ate sa chess

N

apabilib ang lahat matapos daigin ni Arjeon Marcia, isang Grade 6 pupil ang kaniyang kalaro sa chess na si Cherry Mae Quintinita, isang Grade 12 student noong Enero 7, 2021. Bata pa lamang si Arjeon, tinuturuan na daw siyang maglaro ng chess ng kaniyang ama. Sa edad na pito, pinapahawak na siya ng chessboard at pinapakilala ang mga moves na maaaring gawin. “Si papa ko talaga ang nagturo sa akin sa paglalaro ng chess. Magaling din kasing maglaro si papa kaya ito siguro ang namana ko sa kaniya, pahiyang sabi ni Arjeon. Una daw siyang sumali sa mga tournament noong Grade 3 pa lamang siya at sa unang sabak niya, natalo daw niya ang kaniyang katunggaling grade 5. “Pinapasali na ako ng teacher sa mga chess tournament noong Grade 3 pa lamang ako da-

- Harvey Jay Porio/ 11 TVL

Si papa ko talaga ang nagturo sa akin sa paglalaro ng chess. Magaling din kasing maglaro si papa kaya ito siguro ang namana ko sa kaniya. ARJEON MARCIA hil na rin magkaibigan si Papa at ng aking teacher, at iyon ang unang pagkapanalo ko,” masayang pagbabahagi ni Arjeon. Sa unang pagkapanalo ni Arjeon, doon daw niya napagtantong pagiigihan pa niya ang paglalaro nito u-

pang makarating siya sa iba’t ibang lugar. Kaya simula raw noon, palagi na siyang nag-eensayo sa paglalaro. Samantala, napahanga naman ang katunggali ni Arjeon Marcia na si Cherry Mae Quintinita sa galling na pinakita nito. “’Hangang-hanga ako sa pinakitang galing ng batang iyon dahil sa umpisa pa lang, naramdaman ko talaga ang kaniyang bagsik. Kahit natalo niya ako, masaya ako para sa kaniya, nakakaprawd kasi sa mura niyang edad, kaya na niyang talunin ang mas matanda sa kaniya,” saad niya. Bagamat may pandemya, patuloy pa rin daw ang pag-eensayo ni Arjeon sa kanilang bahay kasama ang kaniyang ama at mga pinsan. [A]

Hilltop trail adventure, aabutin ang tuktok - Roderick Mahunyag/ 11 TVL

N

angarap tayong lahat na makarating sa itaas. Naranasan na rin nating sumuko na lang dahil ito'y imposible. Ngunit kung iyong mapapansin, takot ang siyang humihila sa atin rason kung bakit hindi natin ito mararating. Kilala sina Congressman Oniel Roque, Stanley Nuñeza, John Almerino (Enduro King), Archil Dan Pondara bilang malulupit at bigating hilltop trail mudness riders.

Dahil sa kanilang husay at galing sa pagmomotorsiklo, naimpluwensiyahan nila ang ibang riders lalo na ang mga kabataan sa Lilingayon na subukan ang nakakabighaning larong ito. Matarik, makipot, maputik at delikado ang mga trail na kanilang pinupuntahan pero sulit naman dahil sa kabila ng lahat, ito ay nagbibigay-saya sa katulad nilang rider. Ang mga isinasagawa nilang mga

DETERMINASYON. Ito ang naging sandata nina Congressman Oneil Roque upang maabot ang tuktok sa bawat motocross trailing adventure na kanilang ginagawa. Larawang-kuha ni Rey Josue

trail ay kanilang nirerecord at ina-upload sa YouTube channel nila, ito ay ang Hilltop Trail Mudness MotoVlog. "Minsan na din silang nagsagawa ng trail dito sa barangay Lilingayon, maririnig mo talaga ang harurot ng kanilang mga motorsiklo habang patungo sa destinasyon ng trail nila, ang sarap sanang sumama kaya lang parang hindi pa kakayanin ng aking motorsiklo," ani ni Raymond Dulam, 15, mag-aaral sa LiNHS. Para naman kay Xyrj Xyryll Doongan, 17, mag-aaral sa Bukidnon Faith Christian School Incorporated, sumasama daw siya sa trail sapagkat masarap daw sa feeling halimbawa na maabot ang tuktok ng bundok. Aniya, nakatatanggal daw ito ng stress at sa halip na magkaroon ng bisyo, mas maganda pa raw na maging mahilig sa ganitong gawain sapagkat nakakasabay mo raw si inang kalikasan sa bawat trail na kanilang pinupuntahan . Marami-rami na rin daw silang napuntahang lugar kung saan pwede mo ring hamunin ang iyong sarili kung kaya mo ba itong gawin at sa bandang huli mo malalaman, tama ang iyong napagdesisyonan. Kaya hanapin ang saya, alisin ang takot at simulan ang iyong paglalakbay patungo sa tuktok para matapos na ang kinatatakutang pagsubok. Habang tayo'y tumatanda, unti-unti namang nawawala ang oportunidad na ibinigay sa atin ng panahon. Kaya habang tayo’y may hininga, at habang puwede pa, subukan din nating sakyan itong pambihirang karanasan para abutin ang tuktok na inaasam-asam. [A]

Pacman, pumapangalawa sa presidential bet sa Lilingayon — sarbey - Dhelnie Gwyneth Rios

A

yon sa isinagawang sarbey ng Aragi, pumangalawa si people’s champ Manny “Pacman” Pacquiao kay Mayor Inday Sarah Duterte sa mga presidential bet sa Lilingayon. Isang daan (100) ang naging kalahok sa isinagawang sarbey. Kasama sa mga tinanong ang mga guro, magulang at mag-aaral na may edad 18 pataas. Tatlong pangalan lamang ang pinagpilian ng mga kalahok na nagmula sa Mindanao: Sarah Duterte, Bong Go at Manny Pacquiao. Nanguna si Duterte na nakakuha ng 45%, sinundan ni Pacman na nakakuha ng 35% at huli naman si Go na nakakuha ng 20%. Para kay Clydely Jun Sulat, 19, mag-aaral sa LiNHS, iboboto niya raw si Pacman kung sakaling tatakbo ito sa pagkapangulo sapagkat likas daw kay Pacman ang pagkamatulungin nito sa kapuwa at isa pa taga-Bukidnon din daw ito. “Bata pa ako idol ko na si Pacman lalo na sa kaniyang galling sa pagboboksing, at isa pa mabait siya at tumutulong talaga sa kapuwa. Mayaman siya kaya hindi na siguro siya magnanakaw ng pera. At isa pa dapat suportahan natin ang taga-rito sa atin sa Bukidnon para mas mabigyan tayo ng prayoridad,” paliwanag ni Sulat. Bagamat hindi pa nagdeklara si Pacman na tatakbo siya sa darating na halalan, ipinagdadasal daw siya ng kaniyang tagasuporta sa Lilingayon na tumakbo. [A]

…………………………………………………………………………………….. Mula sa pahina 1

Thrones, wagi vs... "Hindi madaling talunin ang Team Center, malakas ang internet signal nila kaysa sa amin, tapos magaling sila at yung strategy nila kakaiba," wika ni Virmar Madrid, isa sa mga nagpanalo sa Thrones na nakatala ng 16 kills at kompletong ProBuilds sa items. “Lisod man unta kaayo mi makadaug kay hapit mi wala kasulod kay nahutdan ug load si Larry kadtong gapili pa siyag hero nga gamiton (mahirap para sa amin na ipanalo ang laro dahil muntik na kaming hindi makapasok dahil naubusan ng load si Larry sa gitna ng pagpili sa mga hero na gagamitin sa laro), patawang saad ni Pador. Sa ngayon patuloy na nag-eensayo ang Thrones sa darating na pagsasagupaan para sa Summer League. Bagamat sumasagot sa modyul, binibigyan din nila ng oras ang paglalaro ng ML para mas mahasa ang kanilang kakayahan sa paglalaro nito. Wipe out, Push. Huwag munang sumugod nang basta basta. Pagtutulongan, sama-sama at walang iwanan; ito ang magdadala sa grupo tungo sa pagkapanalo. [A]


Palakasang pangkahinaan

Aragi

isports

- Princess Ocularis

bantay sa asal

kasangga ng mamamayan ● boses ng katotohanan

Hindi yata naiintindihan ng iilan sa mga kabataan ang patakarang ito ng pamahalaan.

S

a ngayon, nasa estado pa rin ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang probinsiya ng Bukidnon, sa estadong ito may mga guideliness pa ring kailangang ipatupad at sundin galing sa Inter-Agency Task Force o (IATF). Bagamat hindi pa puwedeng maglaro ng basketbol, naging matigas pa rin ang mga kabataan ng Lilingayon, na lubhang nakakabahala dahil marami silang naglalaro, at hindi pa natutupad ang social distancing na posibleng magpahamak sa kanila sapagkat hindi nila alam na posibleng carrier ng virus ang kasamahan nilang manlalaro. Maliban sa walang social distancing, wala ring mga dalang face mask ang mga ito. Dagdag pa rito, kampante silang gumamit ng iisang baso sa pag-inom ng tubig. Ang tanong ngayon kung ang paglalaro ba nila ay makatutulong sa kanilang katawan o ito ba ang magdudulot sa matinding kapahamakan at kahinaan? Naiintindihan nating kailangan ding agpapawis ng ating mga katawan ngunit huwag muna sa ganitong paraan. Marami namang puwedeng gawin diyan na tiyak ikaw ay ligtas sa kapahamakan. Samantala, naglabas na naman ng guidelines ang IATF na maaari nang makalabas ang mga may edad 10 hanggang 65 subalit ipinagbabawal pa rin ang paglalaro ng basktebol. Hindi yata naiintindihan ng iilan sa mga kabataan ang patakarang ito ng pamahalaan. Kung hindi sila susunod, malamang sila ay mananagot. Kung hindi nila titigilan, malamang ang palakasang inaasahan nilang magpapalakas ng kanilang katawan ay maglulugmok sa kanila sa kahinaan. [A]

Isports Lathalain

Hugo, tumatakbo para sa ginto 12

TAGUMPAY. Napagtagumpayan ng mga Grade 10 Thrones ang kampeonatong laro ng kauna-unahang brgy. Mobile Legends tournament. Larawang kuha ni Jason Dumaog

Thrones, wagi vs. Center, kampeon sa brgy. ML tournament - Jet Claire U. Cadungog/11 GAS

N

aging mainit ang labanan ng team Thrones (Rancho, Lilingayon) at team Center (P-3 Center, Lilingayon) sa kauna-unahang Mobile Legend Tournament ng Lilingayon, Valencia, City, Bukidnon matapos nitong pulbusin ang kalaban at naiuwi ang ginto noong Disyembre 29, 2020. Binugbog ni Larry Canillo, MVP ng team Thrones ang mga katunggali sa tala nitong kills na umabot ng dalawampu (20 kills) sa buong rounds, sa tulong ng mga kasama sa laro na sina Kint Jhon Pador, Virmar Madrid, Wilmar Madrid, Justine Canillo, at Mark Dave Amper; mga magaaral sa LiNHS.

S

Bagamat dehado, hindi naman nagpahuli ang MVP sa Team Center na si Harold Bongabong, nagpakitang gilas din ito sa pagpapakita ng kaniyang mga patibong sa paglalaro ng ML. Pahayag naman ni Bongabong, nasayangan siya sa championship game dahil natalo ang koponan nila. “Konting kills lang talaga ang lamang, panalo sana kami. Pero ayos lang, may pilak naman at isa pa, paghahatian din naman namin ang premyo kaya okey lang, at kaibigan ko din ang mga Thrones. Ganyan talaga ang laro, minsan panalo, minsan talo,” masayang pangangatuwiran niya sa wikang Bisaya.

Mahirap para sa amin na ipanalo ang laro dahil muntik na kaming hindi makapasok dahil naubusan ng load si Larry sa gitna ng pagpili sa mga hero na gagamitin sa laro. KINT PADOR

Mag-aaral/Online gamer

...sundan sa pahina 13

‘Kadang-kadang’, binuhay sa bagong normal - Wingle Pearl Abrogueńa/12 GAS

a panahon ngayong may pandemya, isa sa kinahiligan ng mga kabataan ay ang paglalaro, isa na nga sa kanilang mga binalikan at binuhay ang larong minahal at tinangkilik ng mga kabataan sa nagdaang henerasyon ang larong kadang-kadang.

Dahil nga sa pandemya na meron tayo ngayon halos lahat ng mga kabataan ay nasa bahay lang at walang ginagawa, kaya naghahanap sila ng pwedeng libangan, kaya ang paglalaro ng kadangkadang sa kawayan ang kanilang pinagkakaabahalahan.

Isa sa mga bumuhay at tumangkilik sa larong ito ay mga kabataang Talaandig at kasalukuyang mag-aaral sa LiNHS, tulad na lamang ng magkakaibigang sina Kent Denver “Kokey” Kinontao, 19; Charlie Jun “Dodoy” Yam-oc, 18; Jinsi “Insoy” Husayan, 19; at Harvey Jun “Bingbing” Antihao, 17.

“Kung hindi nagpandemic hindi sana naming maisipang gumawa at maglaro uli ng kadang-kadang dahil puro na lang kami Mobile Legends (ML)”, saad ni Insoy sa wikang Bisaya.

kadang, noong nasa baitang 8 pa lamang siya at ngayon nasa baitang 12 na siya, saka pa siya nakalaro. “Mahirap ang sitwasyon ng bagong normal, mas maganda ang larong ito kasi walang hawakang mangyari sa mga kalaro, iwas covid pa rin. Huwag lang magpalit-palitan ng kadang,” pagmamatuwid ni Bingbing. Bagamat tila nakalimutan na ng karamihan ang larong kadang-kadang, muli naman itong nabuhay sa bagong normal. [A]

Para naman kay Kokey, sobrang tagal niya nang hindi nakalaro ng kadang-

Isports Balita Lathalain

Isports Lathalain

Isports Lathalain

Future games sa Lilingayon, planado na

Volleyball, ping-pong, zumba para sa ‘wellness’ ng mga guro - prinsipal

Bagets, dinaig ang ate sa chess

Planado na ang mga binagong bahagya na mga laro na gaganapin para sa Liga ng Barangay Lilingayon, ito ay kung papayagan na ng mga nakatataas na mga opisyal.

Isinusulong ngayon ng punongguro na si Martin M. Rosete, Jr., ang pakakaroon ng 15 minutong wellness activity araw-araw para sa mga guro.

12

12

Napabilib ang lahat matapos daigin ni Arjeon Marcia, isang Grade 6 pupil ang kaniyang kalaro sa chess na si Cherry Mae Quintinita, isang Grade 12 student.

13


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.