PICTORIAL NARRATIVE REPORT (SCHOOL PAPER CONTEST SY 2020-2021)

Page 1

Republic of the Philippines

Department of Education REGION X- NORTHERN MINDANAO SCHOOLS DIVISION OF VALENCIA CITY LILINGAYON NATIONAL HIGH SCHOOL P-2, LILINGAYON, VALENCIA CITY, BUKIDNON

A

kasangga ng mamamayan boses ng katotohanan

Opisyal na Pahayagang Pangkampus-komunidad ng Lilingayon National High School Sangay ng Valencia City Rehiyon X Tomo 1, Blg. 1 Nobyembre 2020 - Abril 2021

Inihanda ni:

Pinagtibay ni:

ERIC I. SALIDO

MARTIN M. ROSETE, JR.

SPA, Filipino

Punongguro, Lilingayon NHS


Program/Project/Activities Objectives/Targets/Performance Accomplishment/Actual (Title, date, venue) Indicator Results Paglahok sa Unang Araw ng Online Training-workshop noong ika-2 ng Marso 2021 via Google Meet live Streaming Paglahok sa Pangalawa hanggang Pang-apat na araw ng Online Trainingworkshop noong ika-3 hanggang 5 ng Marso 2121 via Google Meet live Streaming Oryentasyon sa Pampaaralang Pamamahayag noong ika12 ng Marso 2021 Worsyap sa Pagsulat ng mga Artikulo sa Pahayagan noong ika-12 ng Marso 2021

Madagdagan ang nalalaman sa pampaaralang pamamahayag batay sa payo ng mga batikan sa Rehiyon X.

Remarks

Nadagdagan ang kaalaman ni Eric Salido, tagapayo ng pahayagan hinggil sa mga istilo kung bakit sila nananalo . Maiwasto ang mga maling ideya sa Naitama ang mga maling paggawa ng mga seksiyon sa persepsyon sa paggawa dyaryo ng paaralan. ng dyaryo ng paaralan.

Matagumpay

Makapagbigay -input sa mga mag- Medyo nahirapan ang aaral na mamamahayag mula sa mga mamamahayag natutunan sa seminar-worksyap. sapagkat ang ilan sa kanila ay baguhan pa lamang. Makasusulat ng artikulo ang mga Nakasulat ng artikulo mamamahayag batay sa binigay ngunit hindi nakuha ang na mga sample ng tagapayo. lahat ng pamantayan.

Medyo kapos sa oras

Matagumpay

Kailangan pa ng additional training worsyap ang mamahayag Paggawa ng Google Makabuo ng isang Google klasrum Nakabuo ng Google Hindi lahat Klasrum noong ika-12 ng para hindi na laging pumupunta klasrum at naipasok ang nagpapaMarso 2021 ang mga mamamahayag sa mga mamamahayag dito. sa on-time paaralan at doon na lang iwawasto ang kanilang gawa. Pagkuha ng Larawan sa Makapaglagay ng larawan sa Nailagay ang mga mga Hindi lahat mga Manunulat noong kolum seksiyon ng pahayagan. larawan ng nakadalo Marso 21, 2021 sa Baitang 10 mamamahayag lalo na sa Klasrum ng Lilingayon NHS tagasulat ng opinion. Onlayn na Pagsusuri ni Sir Alvin sa mga Pahayagan noong Marso 31, 2021 via Google Meet live streaming

Makakuha ng puna at suhestyon Nailista ang mga puna at Matagummula kay G. Hizon sa pahayagang ginawa na ang mga pay ginawa ng paaralan. suhestyon.

Pinal na Pagkikritik sa Pahayagan ng Paaralan sa Lumbo Integrated School noong Abril 21, 2021

Makahingi ng technical assistance mula sa Division Journalism Coordinators sa mga artikulong naisagawa ng paaralan bago isumite sa rehiyon.

Nagbigay ng suhestyon Matagumang mga coordinator at pay ginawa na rin ang kanilang suhestyon.


Paglahok sa Unang Araw ng Online Training-workshop Noong ika-2 ng Marso 2021, sa ika-2 ng hapon, nakilahok ang Lilingayon National High School sa katauhan ni Eric I. Salido (Tagapayo ng Pahayagan) sa unang araw ng Online Training Workshop on Campus Paper Content and Design Management for School Paper Advisers na inorganisa ng Division of Valencia City sa pamumuno ni SDS Rebonfamil “Bong” Baguio. Ginanap ang online training sa google meet live streaming kung saan tampok na tagapagsalita sina G. Federico B. Araniego, Jr. (EPS-English, Division ng Ozamiz), Mike Gil P. Gumera (Guro, Maningol CS), at Robelbert P. Calupaz (Master Teacher II, Antero Uy Roa ES). Binahagi nila ang kanilang winning formula at best practices sa mga diyaryo nilang nananalo sa RSPC (Regional Schools Press Conference) at National Schools Press Conference (NSPC).


Paglahok sa Pangalawa hanggang Pang-apat na araw ng Online Training-workshop Nagpatuloy ang pangalawa hanggang pang-apat na araw ng online training workshop noong ika-3 hanggang ika-5 ng Marso taong kasalukuyan na dinaluhan pa rin ni Eric Salido ng Lilingayon NHS. Tampok sa mga araw na ito ang panauhing tagapagsalita mula sa CALABARZON na si G. Alvin Hizon. Natalakay niya kung paano ihanda ang balita, editoryal/opinyon, lathalain, agham at teknolohiya at isports. Nagpakita rin siya ng mga nagwaging pahayagang pangkampus sa NSPC na siyang ikinamangha ng mga Valencianos. Para kay Salido, si G. Hizon ay isang napagaling na tagapagsalita at marami siyang natutunan dito.


Oryentasyon sa Pampaaralang Pamamahayag Mula sa kaniyang natutunan sa online training sa campus journalism, ipinatawag ni Eric Salido sa pahintulot ni G. Martin M. Rosete, Jr. (punongguro) ang mga mamamahayag ng kampus noong ika-12 ng Marso 2021 upang ibahagi ang mga bagong kaalaman na itinuro ng mga tagapagsalita sa online training. Nagkaroon sila ng oryentasyon at nagkaroon na rin ng rebyu at training hinggil sa pahayagang pangkampus. Naganap ang nasabing gawain sa mismong klasrum ni Salido. Hindi lahat ng mamamahayag ang nakadalo ngunit nagkaroon din ng oryentasyon sa group chat sa messenger sa ibang mga kasapi ng manunulat.


Worsyap sa Pagsulat ng mga Artikulo sa Pahayagan Matapos maisagawa ang oryentasyon, rebyu at training, nagkaroon ng worksyap ang mga mamamayahag sa parehong araw (Marso 12, 2021) sa parehong klasrum pa rin. Sa araw ring ito ibinigay ni Salido ang mga paksang gagawan ng mga artikulo ng mga mamamahayag. Nagtakda rin ng mga deadlines kung kailan isusumite ang kanilang awtput upang may sapat na oras sa pagwawasto at pagrerebisa. Sa workyap na ito, medyo nanibago ang iba sapagkat unang beses nilang susulat para sa school paper.


Paggawa ng Google Klasrum Kinagabihan, matapos ang worksyap (Marso 12, 2021), gumawa si Salido ng Google classroom, kung saan ipinasok niya ang mga mamamahayag. Nagpost siya ng mga sample ng mga waging balita, opinyon, lathalain, agham at teknolohiya at isports. Sa google klasrum na rin ito nagbibigay ng mga panibagong paksa at nagtatakda ng deadline sa pagsumite, ang tagapayo ng pahayagan. Mas naging mainam ang paraang ito kaysa sa harap-harapang pagsusumite ng kanilang awtput sapagkat mayroon pang pandemya.


Pagkuha ng Larawan sa mga Manunulat Upang mayroong mailagay na larawan ng mga manunulat sa kolum ng pahayagan, noong ika-21 ng Marso 2021, kinuhanan ni Kris Joy dela Piña (guro ng Lilingayon NHS) ng litrato ang mga mamahayag kasama ang isa sa mga tagapayo nito. Gayunpaman, hindi lahat ng mamamahayag ay nakadalo sa nasabing gawain. Isinagawa ang gawaing ito sa klasrum ni Salido sa pahintulot pa rin ng punongguro na si G. Martin M. Rosete, Jr.


Onlayn na Pagsusuri ni Sir Alvin sa mga Pahayagan Matapos makabuo ng unang burador ng pampaaralang pahayagan ang bawat kalahok, nagtakda ang Division Office ng Onlayn na Pagsusuri sa Google Meet live Streaming noong ika-31 ng Marso 2021. Isinagawa ni Sir Alvin Hizon ang pagbibigay-puna sa mga lahok. Lumahok sa gawain ang mga tagapayo ng pahayagan kasama ang tagapayo na si Eric I. Salido ng Lilingayon NHS.


Ipinasilip na Unang Burador sa Pagkritik ni Sir Alvin Sa pakikilahok sa Onlayn na Pagsusuri ni G. Hizon, ang mga larawan sa ibaba ang siyang unang burador ng Lilingayon NHS na siyang ipinakita sa nasabing pagsusuri at pagpupuna. Isa sa mga naging puna dito ay okey raw ang mga istorya/balita, ngunit medyo binat ang larawan at dapat ayusin ang lay-out na siya namang positibong tinanggap ni Salido. Sa unang burador ginamit ang “Ang Sinla” bilang pangalan ng pahayagan, ngunit ayon sa isa ring suhestyon ni G. Hizon ay kung puwedeng magpalit ng pangalan. Kung kaya pinag-isipan ito ng pamatnugutan ng paaralan, kinunsulta sa mga guro at punongguro at napalitan ito ng bagong pangalan na tatawaging “Aragi”, isang salitang Talaandig na ibig sabihin ay malaki at iniuugnay din ito sa salitang masagana.


Pinal na Pagkikritik sa Pahayagan ng Paaralan Sa pagtanggap sa mga puna at komento, nirebisa ng Lilingayon NHS ang pahayagan ayon na rin sa suhestyon ni G. Hizon. Upang matingnang mabuti ang mga pahayagan ng paaralan, nagsagawa naman ng tatlong araw (Abril 19-21, 2021) na pinal na pagkikritik ang Sangay ng Valencia City upang mabigyan pa ng technical assistance ang mga tagapayo sa pagpapaunlad nito bago isumite sa rehiyon. Nakatakdang ikritik ang Lilingayon NHS sa ikatlong araw (Abril 21, 2021) at naganap ito sa Lumbo Integrated School na isa rin sa mga kalahok. Kasamang mga paaralan ng Lilingayon NHS ay ang Guinoyoran NationaL High School, Lilingayon Central Schoo, Bagontaas Central School, Tongan-tongan Elementary School at Dagat Kidavao Integrated School. Sa gawaing ito tumanggap na naman ang mga kalahok ng puna mula kina Ma’am Noemie Pagayon at Ma’am Margie Bayagna, mga division journalism coordinators ng Valencia City.


Ipinakitang Pahayagan sa Pinal na Pagkikritik Ang makikitang larawan sa ibaba ay ang burador ng pahayagan ng Lilingayon NHS na ipinakita sa mga journalism coordinators na naganap sa Lumbo Integrated School. Ito ay may labindalawang pahina lamang ngunit puna ng mga coordinators na dagdagan daw ng mga pahina, at ayusin ang center fold. Kaya naman, sinunod ng tagapayo ang kanilang mga puna at suhestyon para sa pinal na awtput ng pahayagan.


Pinal na Pahayagan ng Paaralan Makikita naman sa susunod na pahina at huling pahina ang pinal na pahayagang pangkampus ng Lilingayon NHS. Taglay na nito ang bagong pangalan “Aragi”, dagdag na dalawang pahina (mula 12 hanggang 14) at ang pag-ayos ng center fold. Ito na ang entreng isusumite sa rehiyon.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.