1 minute read
Modyul 2
" Maraming Diyalekto" Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla
Damdamin natin ay mailabas Sa wikang ating binibigkas Tuwing tayo'y nakipagtalastas Ito'y nagsisilbing lakas.
Advertisement
Ginagamit natin sa komunikasyon Upang mabigyan ng atensyon Ang damdamin at emosyon Ng mga taong naghahanap ng solusyon.
Ang wika ang siyang daan Tungo sa pag-uunawaan Ng mga taong may hidwaan Sa kanilang ngayon at nakaraan.
Sa ating pamumuhay Ating maisasabuhay Sa sarili nating bahay Ang wikang ating binabanghay.
Kaya wika ay napakahalaga Dahil ito ang kaluluwa ng ating bansa Kaya wika ay napakahalaga Dahil kahit ano mang diyalekto, wika pa rin ang nag-iisa.