Tabloid Issue | Tomo 3, Bilang 1

Page 1

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Ateneo De Davao Senior High School | REGION XI | Hunyo — Nobyembre 2019

Tomo 3, Bilang 1

AGHAM 13

Panganib sa bawat pagyanig Tuldukan ang Suliranin 05 Opinyon

ULAP AT LAGIM LATHALAIN

Pag-alala sa nangyaring kalamidad isang araw bago ang unang markahan sa AdDU SHS

09 BALITA

Bigay Lunas

6

AGHAM

Depresyon: Ano ang iyong kakailanganin?

12

ISPORTS

Bagong Hamon

14

f

Tulay

@ashstulay

addushstulay@gmail.com


PATNUGOT

Editoryal

Editor+yl+

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ateneo De Davao Senior High School PUNONG PATNUGOT Deanne Joy B. Tutor PANGALAWANG PATNUGOT Christian G. Maravillas PATNUGOT SA PANGANGASIWA Lindy Lorraine L. Adisoy PATNUGOT SA BALITA Ian Gabriel C. Santillan Mark James Albaracin Janlord Khen Pescarillo

Susi sa pagbabago toNo s bynihn+

B

ukod sa pagiging tulay sa pagkamit ng mga kabataan sa kanilang mga pangarap, ipinatupad din ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) ang Mandatory Drug Testing sa mga paaralan. Ngunit kaanib ng pagsasagawa nito ay ang layunin na mabawasan ang bilang ng isyu laban sa droga lalo na sa mga kabataan. Masasabi man na maayos ang layunin sa alintuntuning ito, hindi maiiwasan na mahati ang opinyon ng publiko ukol dito. Dalawang isyu ang kapansin-pansin; ang hindi pagsang-ayon ng mga magulang at ang kabutihang taglay nito. Hindi pagsang-ayon ng mga magulang. Umani ng samu’t saring batikos sapagkat marami ang may ayaw na ipatupad ito. Isa sa mga kumontra sa Mandatory Drug Testing ay ang mga magulang ng mga mag-aaral na posibleng sumailalim dito. Sa halip na suporta, galit ang lumitaw sa bibig ng iilang magulang. Kung titingnan lang sana ng mabuti, ito ay isang magandang paraan upang masigurado ang kalusugan ng mga kabataan. Tangi sa roon, wala namang mali sa pagsasagawa nito dahil mananatiling kumpidensyal ang resulta nito upang protektahan ang pagkakakilanlan ng estudyante.

Kabutihang taglay nito. Sinasabing kabataan ang kinabukasan ng ating bansa. Ngunit habang tumatagal, mas tumataas ang porsyento ng mga kabataang nalululong sa iligal na droga. Hindi maiiwasan na hindi mabahala ang ating pamahalaan lalo na ang CHED at DepEd hinggil sa suliraning ito. Bilang solusyon, ipinatupad nila ang Mandatory Drug Testing upang matigil agad habang maaga pa ang paglaganap nito. Sa ganitong paraan, matatama agad ang pagkakamali at makapagsasagawa na agad ng agarang paraan upang matigil ito. Ngunit kung tutuusin, ang estratehiyang ito ay hindi sapat upang mawakasan ang suliraning ito. Mahalagang alalahanin na ang repormang ito ay para rin naman sa kinabukasan ng mga kabataan, at

hindi basta-basta lamang. Bagama’t maganda ang layunin ng CHED at DepEd sa pagkamit ng matiwasay na bansa, hindi pa rin maitatanggi na malayo pa mula sa pagiging malinis na solusyon ang Mandatory Drug Testing. Marami pa ang dapat isaalang-alang at ayusin upang maisagawa ito ng patas at maayos. Dagdag pa rito, kapansin-pansin na isa sa mga nagiging hadlang tungo sa katiwasayan ng pagpapatupad ng repormang ito ay mismo ang mga mamamayan at hindi ang paraan ng pagsasagawa nito. Kung tutuusin, ang mga mamamayan din naman ang makikinabang dito. Kung magtutulungan lang sana ang bawat isa, hindi magtatagal, makikita na natin ang pagbabagong matagal na nating inaasam-asam.

PATNUGOT SA OPINYON Dianne Quintanillia Quennie Rubio Chloe Dalman

PATNUGOT SA LATHALAIN Irl Dean R. Cobias Katrina Mae Degorio Ira Mae Parcon Lourdes Isabel Bagnol Omar Mikhail Mercado

PATNUGOT SA PAMPALAKASAN Cyril M. Olanolan Vincent Noe Gimagan Clara Lyns Gentilles

PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA

James Louise Fadrique Kamellah Louise Cabalquinto Nikka Falcon James Alfred Gambong Andrei Rafael Jago

KAPAKANANG SINING Kaye D. Jose Miko V. Ticaro Loureanne Halasan

PATNUGOT SA LARAWAN Guiah Isabela T. Roma Mica Olegario Sophia Nicole Lucero Princess De Leon Andrea Blossom Delena

PANLIPUNANG PABATIRAN Theresa May G. Gempisaw

ANYO AT DISENYO Jan Florent G. Medellin Andrew Paul D. Torreon Jr. Alvi Queen Paramio

TAGAPAG-ULAT

Andrea Petetricia Giron Bea Andrea Abundo Kathy Parinas Alyanna Sepe

TAGAPAYO

02

Dibuho | Kaye Jose

Irish Joy Estaniel Melch Valmoria


26%

8:01 AM

AdDUCom

I #Isturyatenista Active now

Nakakaapekto ba sa mga mag-aaral ang kakulangan ng mga pasilidad sa Ateneo de Davao University Senior High School?

Tulay 7:40 AM sent via iOS Mayroong pagkakataon na sagabal siya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa kadahilanang maingay ang prosesong ginagawa nila at may mga ingay na umaalingawngaw.

0kehkehy0 7:41 AM sent via iOS

2

Bigyang higit na pansin ang mga pasilidad na nangangailangan ng agarang atensyon tulad ng elevator para sa mga mag-aaral na may kapansanan (tulad ng mga gumagamit ng wheelchair). Sukatin nang maigi ang pangangailangan at dito ibase ang mga pasilidad na bibigyan ng agarang aksiyon.

tony_spark_23 7:43 AM sent via BlackBerry

5

I think that relative to the actual learning or educational experience most learners have most of the unfinished new facilities don’t really have that big negative effects other than giving us more to do and improving the learning experience.

dualipapa 7:48 AM sent via iOS

4

Ang pinaka napansin kong pasilidad na hindi pa gaanong napakikinabangan ng mga mag-aaral ay ang mga silid sa mataas na palapag ng paaralan tulad ng laboratoryo o ng silid para sa paggamit ng kompyuter. Sa tingin ko, mas magkakaroon ng mahusay at aktibong pagkatuto ang mga mag-aaral lalo na sa mga nasa strand kung saan importante ang mga silid na ito kapag ito ay maaari nang gamitin. Nagagalak akong makita ang pagkatapos sa paggawa ng mga silid na ito at kapansin-pansin naman ang mayabong na progreso lalo na at para ito sa kaunlaran ng paaralan at pagpapabuti sa kalagayan ng mga mag-aaral. Bilang isang mag-aaral na nagmula sa isang pampublikong paaralan kung saan ang mga konstruksiyon ng mga gusali ay hindi natatapos at patuloy na nangyayari kahit sa araw ng pasok, hindi ko na alintana ang ito sa ngayon. Kung ako ang tatanungin, kinakailangang siguraduhin ang kalidad ng mga gusaling ginagawa sapagkat ito ay tulay upang ihatid ang pinakamataas na kalidad ng edukasyon, kung kaya’t mas mabuti pang nagaganap pa rin ang konstruksiyon upang masiguro na pagkatapos nito ay mabuti ang pagkakagawa, kaysa naman tapos na kaagad, ngunit minadali naman. Ukol naman sa mga kagamitang ginagamit sa konstruksiyon na nakalatay lang sa iba’t ibang bahagi ng paaralan, maaaring maging banta rin ito sa kaligtasan ng mga mag-aaral, kung may mangyari mang hindi natin maiiwasan. Kung iisipin rin, nasa pangalawang taon pa lamang ng operasiyon ang kampus ng Ateneo de Davao - Senior High School, at kung para sa iba ay kailangang mas bigyang tuon na ng administrasiyon ang pagpapalago ng mga estrukturang ito, hindi naman sila nagkakamali, subalit ang nais ko nga lang ipunto, ay mas mainam na nakakasiguro tayong maganda ang kalidad ng mga maitatayo na gusali at mga estruktura sa paaralan, lalo pa’t napapanahon ang mga lindol at iba pang kalamidad sa bansa ngayon.

RealtalkerBoi_11 8:01 AM sent via android

Sa Pangangalap ni | Queenie Patriz Rubio

7

03


OPINYON

Kolum kolum+

BALITAKTAKAN

Banta sa mabuting kinabukasan bn+t s mbutiN+ kinboksn+

Quennie Rubio

A

ng paaralan ay isang institusyon na naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman sa lahat ng mga nag-aaral rito, ito ay isang tahanang pumapangalawa sa bawat batang nagnanais matuto. Sinasabi man na walang hadlang sa taong nais makapag-aral, ngunit hinahadlangan ito ng kakulangan sa pasilidad at kagamitan.

Ang pagkakaroon ng kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan ay tiyak na nagdudulot lamang ng mga epekto na hindi kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral ng AdDU-SHS. Ang kakulangan ng mga pasilidad ay ang kakulangan din sa learning experience ng mga mag-aaral. Hindi sila lubusang makadaragdag ng mga kaalaman kapag hindi sapat ang mga kagamitan. Halimbawa ay mga magaaral sa STEM strand, nalilimitahan ang kanilang akademikong pagkatuto at karanasan sa mga gawaing pang-siyentipiko dahil nasusulit lamang ang panahon sa kanilang paggamit ng laboratoryo dulot ng kakulangan sa mga kagamitan. Bagkus, malaki ang gampanin ng paggamit at pagugol sa mga kagamitang panlaboratoryo sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral. Mahalaga ang pagsasagawa

ng eksperimento sa laboratoryo dahil maliban sa epekibong pagkatuto, binibigyan at pinapataas nito ang interes ng mga mag-aaral ukol sa mga bagong kaalaman ngunit, malabo itong makakamit kapag hindi nakakapag-gamit ang mga mag-aaral sa laboratoryo mismo. Para rin sa mga pre-engineering students na saklaw ng STEM strand, ay nagkaroon ng pagkukulang sa mga drafting rooms kung kaya’t napipilitan na lamang sila na gumawa sa kanilang silid-aralan. Nagkaroon din ng kakulangan sa mga projector para sa iilang mga silid-aralan ngayong taon noong buwan ng Hunyo lamang, at ang epektong naidudulot nito ay gaya na rin sa nabanggit. Nalilimitahan lamang ang kanilang akademikong pagganap at kaalaman. Isa lamang itong hadlang sa kanilang pag-aaral. Bukod sa mga nailahad, nakakaapekto rin sa mga mag-aaral ang

PUNTO POR PUNTO

Pang-unawang baluktot pg+ OnwN+ blok+tot+ Chloe Dalman

S

a panahon ngayon, kahit ang maliit na bagay lamang ay nagiging malaki dahil sa isang munting ‘di pagkakaunawaan tungkol sa isang diskusyon. Na kahit ang isang simpleng talakayan ukol ipinaglalabang pantay na karapatan ay kailangan pang palakihin ng mga taong makikitid ang isipan. Nagmula sa maliit hanggang sa naging isang suliranin na kailangang ipaglaban o masolusyunan. Para saan? Karapatan? Nakakatawa. Bakit kailangan pang ipaglaban? Ilang dekada na ang nagdaan ngunit tila hindi pa rin tayo natututo. Samu’t saring isyu at problema ang pilit hinahanapan ng solusyon ngunit mas nadadagdagan ang mga ito. Isa na rito ay ang isyung nagtatalakay tungkol sa SOGIE Bill o Sexual Orientation and Gender Identity or Expression Bill. Isang ‘di matapos-tapos na talakayan da-

04

mga patuloy na konstruksyon ng mga gusali at ang kawalan ng mga bentilador sa mga iilang silid-aralan. Ang patuloy na pagsasagawa ng mga gusali sa paaralan pati na rin ang kawalan ng mga bentilador ay malaking sagabal sa pag-aaral ng mga magaaral. Naglilikha ng ingay ang patuloy na pagsasagawa ng mga gusali sa paaralan. Ang ingay na nalilikha ay humahantong sa kawalan ng konsentrasyon. Hindi biro ang pagkawala ng konsentrasyon ng isang tao sapagkat nakakaapekto ito sa pagganap at pagiging produktibo ng mga magaaral. Pati na rin ang pagkaranas ng matinding init na kapaligiran sa mga iilang silid-aralan dulot ng kawalan ng bentilador. Sa pagdaranas ng init, ay pinapalabo nito ang isipan at pinapahina ang memorya. Dulot din ng init ay nagkakaroon ng mga karamdaman o sakit ang iilang mag-aaral. Tiyak

hil sa kakitiran ng utak ng ibang mamamayang Pilipino na sumasali sa diskusyon. Isang suliraning hindi naman sana lalaki kung naging matalino ang mga tao sa pagpapahayag ng kani-kanilang opinyon, ‘di lamang dada nang dada ng mga pahayag na wala namang kabuluhan. Na kung sana inalisa’t inunawa ito ng mas maayos, hindi sana sumibol ang problemang ito. Umusbong ang isang isyu na kung saan ang isang transwoman, Gretchen Diez, ay pumasok sa banyo ng mga babae dahil dito siya komportable. Kumalat ang isyung ito dahil na rin sa mga taong mausisa at mga taong parte LGBT+ Community na ibinahagi ang balita na may iba’t ibang komento tungkol sa SOGIE Bill. Dito na lumala ang

na ang mga pisikal na sagabal ay nagdudulot ng mga hindi kanais-nais na epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Kung hindi magiging kaaya-aya ang kapaligirang pansilid-aralan ay hindi rin magiging kaaya-aya ang epekto nito sa mga mag-aaral. Ang kapaligirang silid-aralan ay katuwang sa paghubog ng mga magaaral. Hindi magkakaroon ng mabuting kalidad ng edukasyon ang mga mag-aaral kapag iba ang sitwasyon sa silid-aralan at nakakaranas sila ng sagabal. Sa makatuwid, hindi dapat naisasantabi ang kakulangan ng mga pasilidad at kagamitang pansilid-aralan. Nararapat na ito ay naaayon sa pangangailangan at kaginhawaan ng lahat. Kung ang mga ito ay hindi naisasaayos batay sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, tutungo ito sa isang malaking banta patungo sa maayos na pagaaral at kinabukasan.

nasabing isyu. Na kesyo palagi nalang ang LGBT ang naaapi, na hanggang ngayon ay ipinaglalaban parin nila ang kanilang karapatan sa pamamagitan ng SOGIE Bill. At pumasok na ang mga maling haka-haka tungkol sa nasabing bill dahil sa kakulangan ng impormasyon, isang bill na naglalayon lang naman na mabigyan ng pantay na karapatan ang bawat mamamayan. Dininig na ang isyung ito sa senado. May mga nakakaintindi at sumusuporta sa bill ngunit mayroon paring parte ng senado na makikitid ang utak. “Bakla lamang ang makikinabang.” Ayon pa kay Senador Tito Sotto. “Tinatapakan nito ang karapatan ng mga babae.” Dagdag pa nito. Pero ano nga bang ipinaglalaban ng mga pahayag na ito? Mga


OPINYON

Punto de Bista pon+to de bist

DIRETSAHAN

Tuldukan ang suliranin tol+dokn+

M

Andrea Petetricia Giron

arami nang mga establisimyento at paaralan sa Davao City ang ipinagbabawal ang paggamit ng single-use plastic tulad ng plastic water bottles, plastic straws, styrofoams, supot at iba pang gamit ng plastic. Sa kasalukuyan, isa sa mga nag-iimplementa ng ganitong patakaran ay ang Ateneo de Davao University- Senior High School.

Ang sinumang magdadala nito ay makukumpiskahan o maaaring dalhin sa opisina ng Prefect of Discipline. Ayon sa British Plastics Federation, pinapanatili nito ang pagkasariwa ng pagkain at naiibsan ang food waste ng isang lugar dahil pinapatagal ng plastik ang pagkakabulok nito. Ngunit, malaki ang problemang naidudulot nito hindi lamang ng ating bansa, kundi rin ng buong mundo sa mga single-use plastics. Sa kabila ng perwisyong dulot nito sa ating kapaligiran, hindi maikakaila na kailangan pa rin natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay. Hindi madali ang proseso ng pagbabawal nito sapagkat mayroong mga taong hindi agad sumusunod at hindi kayang makiangkop dahilan na rin ng iba’t ibang salik. Ngunit kung hindi natin bibigyan ng agarang solusyon ang isang problema, tayo ang dadanas ng paghihirap.

Sa madaling salita, nararapat lamang na ipagbawal ang paggamit ng single-use plastics sa paaralan kung saan natin unang natutunan ang mga bagay upang masanay tayo at madisiplina natin ang ating mga sarili. Ang pagbabawal ng single-use plastics sa AdDU SHS ay maaaring magkaroon ng negatibong balik at nagdudulot ng masamang epekto hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa mga nagtitinda din. Karaniwan sa mga nakukumpiska ng mga guwardiya ay ang mga supot ng papel, biscuit at inumin na hindi maiiwasang hindi dalhin sapagkat mas mabisa itong paraan upang maayos ang mga gamit at mas kombenyente ito kaysa pumila sila sa minsa’y napakahabang pila makabili lamang ng snacks at iba pang kakanin. Mas makatitipid rin kung magdadala na lamang ng pagkain mula sa bahay kaysa bumili pa

sa cafeteria. Dagdag pa rito, mas nahihirapan ang mga estudyanteng dalhin ang kanilang gamit lalo na kapag mayroong mga pagdiriwang o kaganapan sa paaralan. Ang mga materyales na nais nilang dalhin o gamitin ay hindi napapakinabangan bunga na din ng nasabing patakaran. Sa kabilang dako, nagdudulot rin ng mabubuting epekto ang pagbabawal ng single-use plastics sapagkat kapag patuloy natin itong gagamitin ay tunay na masisira ang ating kapaligiran lalo na’t hindi nahihiwalay ng maayos ang mga basura at may mga mag-aaral pa ding hindi tinatapon ang kanilang kalat sa tamang basurahan. Hindi maipagkakaila na isa sa mga nakakabahalang isyu na ating hinaharap ngayon ay ang polusyon sa plastic na kung saan nakibahagi ang AdDU na bigyang-solusyon nang maging maaliwalas ang buhay at kalikasan.

Walang sinumang tao ang gustong manirahan sa lugar na kung saan ay maraming basura ngunit sa panahon ngayon, malabo na ang ganyang sitwasyon kung patuloy pa rin ang paggamit ng single-use plastics. Malaking perwisyo ang darating kung patuloy natin itong gagamitin at tatangkilikin. Hindi dapat ipagwalambahala ang kasalukuyang problema ng ating bansa sa plastic pollution upang hindi tayo mahaharap sa matinding kahihinatnan ng ating mga gawain. Sa unti-unti nating pagtigil sa pagkonsumo ng plastic, higit na nakatutulong tayo sa paaralan at sa kalikasan. Makiisa tayo sa pagkilos upang wakasan ang pandaigdig na problemang ito. Tuldukan na ang pagbitbit at paggamit ng anumang uri ng single-use plastics sapagkat ngayon na ang tamang panahon upang itakwil ang paggamit nito nang hindi tayo malunod sa plastic na basura.

Kolum argumentong tila hindi pinag-isipan ng mabuti at hindi pinaghandaan. Ito ay hindi lamang para sa isang partikular na tao, kundi sa iba pang mga mala-kritikong nagpapahayag ng opinyon sa social media na wala namang laman ang mga pinagsasabi at halatang kulang pa ang nalalaman ukol sa nasabing isyu, ngunit kung makapalatak ay akala mo kung sinong maalam. Maraming mga artista at iba pang mga maimpluwensiyang tao ang nagpahayag ng kani-kanilang suporta tungkol sa nasabing bill. Sabi nila na ang SOGIE Bill ay isang bill na naglalayon na bigyan ng pantay na karapatan ang bawat Pilipino kaya sali sila sa labang ito. Ani pa nila, malungkot sila dahil kailangan pang maggawa ng isang

bill para magkaroon lamang ng pantay na karapatan ang bawat Pilipino. Isang sikat na tandem sa YouTube na nagtagpo lamang dahil sa isang dating app na tinatawag na Omegle, sina Eka (Kyo) at Jonas. Tinanong ni Eka si Jonas tungkol sa SOGIE Bill, kung ano ang ang kaniyang pananaw ukol dito, at sabi niya, “Many people are threatened kasi tingin nila ang rights nila maaapektuhan, pero hindi, SOGIE Bill is not a bill seeking for superiority, it’s a bill seeking for equality.” At naabot nito ang pang-unawa ng mga taong nanonood sa kanila, nabuksan ang mga mata ng ilan tungkol sa totoong layunin ng bill. Nabawasan din ang mga walang katuturang mga komento sa social media. Mabuti na lamang at

itinuturo ng mga paaralan sa mga mag-aaral ang maging mapanuri pagdating sa pag-aanalisa ng mga impormasyong nakukuha kahit saan lalong-lalo na sa social media, na maraming nagkakalat ng mga pekeng impormasyon na nagdudulot ng malaking isyu, tulad nito. Sapagkat ang pagiging mapanuri ay makakatulong sa sinuman pagdating sa pagtingin sa mga impormasyon upang makatulong at hindi makadagdag sa problemang kinakaharap. Dahil sa pagiging mapanuri, nalinawan ang ibang mga tao, hindi lahat, may iba pa rin ayaw maniwala dulot ng takot o pagkabahala ukol sa isyu. Pero medyo ayos lang sapagkat marami ang umunawa at sumuporta, medyo lang dahil hindi siya talaga ayos hanggang sa maitama na ang lahat.

Nakakadismaya na nagaaway na ang mga mamamayan ng ating bansa dahil lamang sa isang ‘di maresolba na isyu. Isang isyu na hindi na sana lalala kung hindi ito pinalaki ng mga tao. Tama sila, masyadong nakakalungkot na kailangan pa nating gumawa ng isang batas para lamang mabigyan ng pantay na karapatan ang bawat Pilipino. Nakakalungkot na kailangan pa nating mag-away-away para lamang masolusyonan ang mga problema sa ating bansa, isa na rito ay ang pagbabangayan tungkol sa SOGIE Equality Bill, na dapat ay naresolba ng mas maaga dahil matagal na naman itong naitala. Ano nang nangyayari sa ating bansa? Karapatan? Nakakatawa.

05


BALITA

Lingkod Kapamilya

BIGAY LUNAS

liN+kod+ kpmil+y

AdDU sa mga apektado ng baha: we’re always here Ian Gabriel Santillan

B

inuksan ng Ateneo de Davao University (AdDU) Senior High School ang kanilang pintuan bilang isang panandaliang Evacuation Center, kung saan nanatili ang iilan sa mga guro at mga non-teaching staff upang abangan ang mga lumikas na mga mag-aaral at ang kani-kanilang pamilya na apektado ng pagbaha na naganap sa Davao City noong ika-28 ng Agosto. “Be resilient and have faith. Life may be difficult now but I’m sure the future is beautiful and full of rainbows,” ito ang naging pahayag ni Rikki Enriquez, Direktor ng AdDU Senior High School. “Just hold on and pray. We’re always here,” dagdag ni Enriquez. Kasabay nito ang pag anunsyo ng administrasyon ng paaralan na ipagpaliban ang iskedyul ng mga pagsusulit para sa unang markahan at suspendihin ang klase para sa ika-29 ng Agosto bilang konsiderasyon sa mga apektadong mag-aaral. Kaugnay nito, nag organisa ang paaralan kasama ang student council ng isang Donation Drive, kung saan nagbigay ng tulong at donasyon kagaya ng bigas, damit, tubig, at pagkain ang iilan sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Balita Lathalain

“On behalf of AdDU Senior High School, I want to express my deepest gratitude to those who provided assistance and gave donations of rice, water, clothing, and food to the victims of the recent flooding in Davao City,” ani Enriquez. “I am overwhelmed by your instant surge of love. Through your generosity, we helped many affected families and brought back their smiles after the storm,” dagdag pa ni Enriquez. Ipinagpatuloy naman ang iskedyul ng pagsusulit para sa biyernes, ika-30 ng Agosto matapos tuluyan nang humupa ang pagbaha sa iilang apektadong lugar sa Davao City, ito ay kasunod sa payo ng City Government of Davao.

kolum+

bigy+ pogy+ s mN goro

Bigay pugay sa mga guro

Mark James Albaracin

B

ilang mga makabagong bayani, binigyang pugay ang mga guro ng AdDU SHS noong World Teacher’s Day, ika-3 ng Oktubre 2019 na may temang Young Teachers: The Future of the Profession.

Tinaguriang pangalawang mga magulang, naging daluyan ng karunungan ang mga guro na nagpapalawak sa kaalaman ng isang mag-aaral. Minsan man ay namamaliit, hindi maipagkakaila ang kanilang kahalagahan sa sanlibutan. Bilang pagpupugay, sinimulan ang pagdiriwang sa isang makulay na parada kung saan binihisan mismo ng mga estudyante ang kanilang mga

06

guro mula sa iba’t ibang cluster at academic strand. Sa kabila ng kanilang hindi mapantayang kahusayan sa pagtuturo, ipinakita naman ng mga iilang guro ang kanilang natatanging talino at talento sa pagkanta. Nagpasiklaban ang mga cluster moderators mula sa piling mga cluster sa larong Pinoy Henyo at mga piling guro sa isang Singing Contest with a twist.

Hindi naman pinalagpas ng mga mag-aaral ang pagkakataon upang makapagpasalamat sa kanilang mga pangalawang magulang sa pamamagitan ng isang performance number ng Ang Teatro ng Ateneo at iba pang kasapi ng performing arts club. Isa-isa ring binigyan ang mga guro ng halaman na mula sa AdDU SHS.Kung ang mga kabataan man ang pag-asa ng

bayan, hindi maipagkakaila na isa sa dahilan nito ay ang mga guro sa paaralan. Bukod sa kanilang mga magulang, ang mga guro ang humuhulma sa mga kabataang ito kung maging sino sila man sa hinaharap. Hindi man makita ng iilan ang kanilang kahalagahan, patuloy silang kakayod para sa mga pinangako ni Jose Rizal.

Larawan | Sophia Nicole Lucero


BALITA

Kultura

AdDU-SHS, kampanya laban sa diskriminasyon sa IPs Janlord Khen Piscarillo

ado kom+pn+y lbn+ s dis+k+rimins+yon+ s ay+pis+

U

pang pag-usapan at bigyang solusyon ang nangyayaring diskriminasyon sa mga katutubong Pilipino, ginanap ang OYA Mindanao Talk sa Ateneo de Davao – Senior High School bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong ika-8 ng Agosto.

Ayon kay Atty. Joanne P. Grado, tagapagsalita ng programa para sa mga mag-aaral ng Grade 11 STEM, kahit na protektado ng Indigenous People’s Rights Act of 1997 o IPRA Law ang mga katutubo, nagaganap pa rin ang iba’t ibang uri ng diskriminasiyon sa kanila dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol dito. Sa pagtatalakay ni Atty. Grado tungkol sa IPRA Law, ipinaliwanag niya ang saklaw na nabibigyang proteksiyon nito sa mga karapatang dapat tinatamasa ng mga katutubo ay ang sumusunod: right to ancestral domain (karapatan sa katutubong pagmamay-ari), right to self-governance (karapatan sa sariling pamamahala), right to social justice and human rights (karapatan sa panlipunang hustisya at karapatang pantao), at right to cultural integrity (karapatan sa kultural na integridad).

Para sa tagapagsalita, hindi alam ng mga karaniwang tao ang tungkol sa nabanggit, kung kaya’t nangyayari ang mga sitwasyon kung saan nalalabag ang karapatan ng mga katutubo. “Although we are in the time na naga-advance ang technology, nay uban na paatras ang ilahang panghunahuna (Kahit nasa panahon na tayo ng pagsulong ng teknolohiya, may iilan pa rin na paurong ang takbo ng pag-iisip),” ani Atty. Grado tungkol sa mga taong hindi sapat ang kaalaman at mali ang kaisipan tungkol sa mga katutubo. Inilahad din niya ang sinapit ng kaniyang pamilya ukol sa diskriminasyong nararanasan ng mga katutubo noong panahon na naagaw ang kanilang pagmamay-ari na lupa. “From 25 hectares, 5 na lang ang natira and the rest of the land kay nakapangalan na sa mga Spanish and Chinese names, and

akoang lola is a pure Mandaya, and since powerful kayo amoang kalaban, dili najud kaya sa akoang power na ibalik siya legally (Mula sa 25 ektarya, lima na lang ang natira, at ang ibang bahagi ng lupa ay nakapangalan na sa mga pangalang pang-espanyol at pang-tsino, at ang lola ko ay purong Mandaya, at dahil masyadong makapangyarihan ang kalaban namin, hindi na nakayanan ng kakayahan ko na maibalik pa ito sa ngalan ng batas),” pagbibigay detalye ni Atty. Grado kaugnay nito. Nang tanungin ukol sa solusyon sa nasabing diskriminasyon na nangyayari sa mga katutubo, batay sa tagapagsalita, ang simpleng pag-iintindi sa mga nasabing karapatan na napapasailalim ng IPRA Law ay maaaring maging umpisa ng pagtapos sa diskriminasyong ito. “Sa apat na karapatan na nabanggit ko, gusto kong bigyang diin ang pang-apat, which is right to cul-

IMPOGRAPIKS | Usapang Tribo lbn+

Lomd+

HUMIGIT KUMULANG

20 ektarya ang nawala sa kamay ng katutubong lupain ayon kay Atty. Grado, na siyang ipinaglalaban ang karapatan ng IPs, dahil sa hindi sapat na kaalaman ng iba tungkol sa mga katutubo.

Larawan | Guiah Isabela Roma

tural integrity, because I believe na it’s up to you guys na magsapuso at magsaisip kay kamo man karun ang nakabalo sa cultural integrity, you will spread awareness and be the voice sa atoang mga katutubo (Sa apat na karapatan na nabanggit ko, gusto kong bigyang diin ang ika-apat, and right to cultural integrity, dahil naniniwala ako na nasa sa inyo na isaisip at isapuso dahil kayo ang nakakaalam ngayon kung ano ang cultural integrity, magbibigay kayo ng kamalayan sa iba at magiging boses kayo ng ating mga katutubo),” pagpapayo ni Atty. Grado. Inaasam din niya na makapagmuni-muni ang mga tao at gagawa ng unang hakbang upang makatulong sa pagpreserba ng naturang kultura, sapagkat ayon sa tagapagsalita, ang kulturang ito ay unti-unti ng nawawala, nakakalimutan, at namamatay.

Kahit nasa panahon na tayo ng pagsulong ng teknolohiya, may iilan pa rin na paurong ang takbo ng pag-iisip. Atty. Grado, IPs Advocate

07


PROMOSYON

toly+

Salamati Kadayaw slmti kdyw+

I

lang buwan na ang nagdaan simula nang binuksan ang akademikong taong 2019-2020. Samu’t saring aktibidad na ang nagdaan, nasaksihan, at naranasan. Ilang talento na mula sa mga mag-aaral ng Ateneo de Davao Univeristy Senior High School ang natuklasan at nabigyang pansin dahil sa mga patimpalak na binuksan sa bawat palatuntunan. Bukod dito, hindi maitatanggi na sa pagitan ng mga ito ay ang pagharap sa mga hamon na kalaunay nagbigay aral sa ating lahat.

Kasabay ng tagumpay ng buong AdDU SHS Community, nais ng pahayagang Tulay magpasalamat sa inyong lahat sa walang sawang suporta. Nawa’y hindi natin makalimutan ang tunay na diwa ng bawat kompetisiyon at maipagpatuloy ang mga nasimulang adbokasiya. Maraming salamat at manatiling nakatutok para sa mga pinakahuling balita.

Mula sa buong patnugutan Tulay 2019 - 2020 Mga pampublikong materyal (Hunyo - Nobyembre 2019) 08

@ashstulay


LATHALAIN

Ulap at Lagim

Olp+ at+ lgim+

Lourdes Isabel Bagnol at Omar Mikhail Mercado

T

ila nakababagabag ang mga pangyayaring nagdudulot ng takot at pangamba sa isang tao. Isa sa mga ito ay ang baha – isang sakunang kumukuha ng buhay at sumisira ng mga pag-aari. Sa pagbuhos ng malakas na ulan mula sa kaibabawan, naililikha ang malakas na pag-agos ng tubig na rumaragasa sa mga lansangan. Magbalik-tanaw at alalahanin ang nangyaring kalamidad isang araw bago ang unang markahan sa Ateneo de Davao University. Ang daluyong na parang tubig na dumanak ng kapahamakan sa tao at sa paligid. Nabalot ng takot, pangamba at kaba ang karanasan ni Khyla Andrea S. Latonio na mula sa XI – Garnet noong dumako ang napakalakas na sakuna. Noong gabi ako ay naghanda upang mag-aral nang maigi. Ang tanging nasa isip ko lamang ng mga panahong iyon ay ang aking mga aklat, kuwaderno, at pluma. Pilit kong iwinawaksi ang pangamba na aking nararamdaman sapagkat ayaw kong takot at pag-aalala ang manaig sa aking isipan dahil kailangan kong magpokus muna sa aking pag-aaral. Ngunit, ilang sandali pa lamang ay dumanak na sa lupa ang mabibigat na patak ng ulan na nagmula sa langit. Dinig na dinig ko mula sa labas ng aming apartamento ang ingay ng pinaghalong kulog, kidlat, at tubig-ulan. Hindi ko lubos na akalain na ganoon kasama ang panahong mararanasan namin noong gabing iyon. Kampante lamang ako sapagkat hindi ko kailanman naranasan

Dibuho | Loureanne Halasan

ang hagupit ng baha, kaya’t ipinagsawalang bahala ko na lamang ang malakas na ulan. Sa bawat minutong lumipas, patuloy na lumalakas ang pagpatak ng ulan kasabay ng paglakas ng pintig ng aking puso. Hindi ako makalma-kalma, lalo pa’t wala akong kasamang ama, ina o mga kapatid naroon. Tanging ako at ang aking kasama sa apartamento lamang ang nasa loob ng gusali. Tila gustong bumisita ng tubig sa aming pasilyo kung kaya’t unti-unting pinasok ng tubig mula sa labas ang aming mumunting tahanan. Tinakbo ko ang daan papunta sa aking kwarto, tinatakasan ang mabilisang pagtaas ng tubig baha. Dali-dali kong iniligpit ang aking mga gamit sa kayang abutin ng aking mga nanginginig na kamay. Lahat ng mga gamit na nakikita ng aking mga mata

ay inilipat ko sa aking kama, umaasa na sa paraang iyon, masasagip ko ang lahat ng mga iyon. Paglabas ko sa aking kwarto, laking gulat kong hanggang tuhod na pala ang tubig na pumasok sa apartamento. Umakyat kami ng aking kasama sa hagdanan habang ako ay tumatawag sa pamilyang aking naiwanan sa Nabunturan. Umiiyak habang kinakausap, nangangamba para sa aming kaligtasan ng aking kasama. Natatakot ako para sa aming buhay, dahil baka ito na ang aming kamatayan. “Huwag sana dito magtapos ang lahat,” sabi ko sa aking sarili. Sa pagtaas ng tubig ay ang pagkawala niya ng pag-asa na sila ay mailigtas sa sakunang kumakain sa ilaw ng lunas. Hindi maiiwasan ang pag-iisip

ng mga negatibong bagay sa gitna ng mga sitwasyon tulad ng mga ito. Maaaring mahulog sa despesrasyon at makain ng kalungkutan ang iyong utak. Di lamang nilulunod ng baha ang mga pag-aari at tao, pati na rin ang pagkatao nito. Ito ay pumapasok sa ating utak, sumisisid hanggang sa mawalan tayo ng pag-asa. Kinakain ang ating paniniwala na mayroong lunas na handang lumigtas sa atin sa gitna ng kadiliman ng langit at ng pag-iyak nito na tila walang paghupa. Ngunit palaging tandaan, na sa bawat bagyo na dumarating ay mayroong bahag-haring naghihintay sa likod ng mga madidilim na ulap. Ito ay naghihintay kasama ang araw na nakabuka ang dalawang kamay na handang yumakap sa atin at sabihing, “May bukas pa.”

09


LATHALAIN

Ors+ n ky+ bilis+ t+rhed+yN+ ng+hihing+pis+

Oras na kay bilis, trahedyang naghihinagpis Katrina Degorio, Ridzmar John Mohamad at Ira Mae Parcon

B

uhay na kay bilis bumagtas patungong landas ng magpakailanmnan. Buhay na labis ang pagsilip sa mundo ng kadakilaan, katiwasayan at kaligayahan. Ngayo’y mahahagilap na lamang sa kasulok-sulokan ng mga matang naghihinagpis. Isang trahedyang pumukaw sa isip ng madla nang lumisan ang isang dakilang guro. Ang mga mata’y namula at namuno ang kalungkutan. Bawat patak ng luha ay nadama sapagkat siya ay nagmistulang ina, kaakay ng lahat. Pagpatak ng sandali. Pagikot ng mundo. Pagbubukas ng bagong yugtong masisilayan ang liwanag na dulot ng bukang- liwayway. Mga pangyayaring kinagisnan mula sa pagmulat ng mga mata hanggang sa pagsara nito. Mga kaganapang hindi na masisilayan ni Gng. Rowena Ampeso. Isang bagay na hindi alintana ng nakararami – ang kaniyang pagpanaw. Ang mapagbadyang hangin ng tadhana ay tila mapaglaro upang pagdugtungin ang mga landas ng mga kakatwang tao. Sa isang pagbati lamang, nabuo ang komunikasyon at simula ng pagkakaibigan. Para kay Bb. Irish Joy Estaniel, isang guro sa asignaturang Filipino, kabilang si Gng. Rowena Ampeso sa mga hindi malilimutang kaibigan at

Dibuho | Loureanne Halasan

isa sa mga taong talagang maituturing na kapamilya. Hirap mang tanggapin ang masakit na pagkawala ng kanyang natatanging kaibigan, inalala na lamang niya ang ilang masasayang karanasan na sila’y magkakasama pa simula sa kanilang unang pagtagpo. Siya’y may angking katangian na lubos na hinahangaan. Pagmamalaki sa kanya’y dapat ipagbunyi sapagkat ang kaniyang kaaya-ayang katangiang ipinakita ay nagsilbing salamin sa bawat per ng sangkatauhan. Si Gng. Rowena Ampeso o mas kilala sa kaniyang palayaw na “Weng” ay mailalarawan bilang mapagmahal mapagkumbaba at may malasakit. Talagang masisilayan ng mga mata ang hindi matatawarang katangiang ito. Masayahin at mapagmahal na

tao. Ganyan siya maikukumpara. Malimit mang makita ng karamihan, saksi at ramdam nina Bb. Estaniel at ilang mga kakilalang panyero ang ipinamalas na pagmamalasakit ni Ma’am Weng tungo sa ibang guro at katrabaho. Ang kanyang maalab na kaluwagang-loob ay naging inspirasyon ng kahigtan, mapa-opisina man o mapa-klasrum. Liban sa kanyang istriktong tikas, si Gng. Rowena Ampeso ay may mapairog na pagkatao. Namamanaag laging nakaukit sa kanyang labi ang isang malaking ngiti kasabay ng pagkislap ng mga mata. Kahit ‘di umano’y may iniindang problema, ipinakita niya pa rin ang kanyang katatagan sa pamamagitan nito kaya hindi mapagkakaila na siya ay naging isang modelo ng mayorya at sa paaralan. Para

kay Bb. Estaniel, isang biyaya ng pinagtagpo siya kay Ma’am Weng na isang likas at tunay na kaibigan. Sa apat na sulok ng pook, siya’y naging inspirasyon sa iba. Mga kabutihang nagawa, ni mga suliranin ay naging isang simpleng nakabitin sa papawirin. Imposible ay magiging posible. Hapong damdamin, kalamnan at buong katawan ay mapapawi sa kadahilanan ng kaniyang nagniningning na kabutihan. Hindi maipagkakaila at isinasabuhay ang pagiging dakila. Labis na namamayani ang halakhak sa buong pagkatao. Isang makatarungan at mapag-alaga sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Bumabalot ang kasiyahang magpapabago sa lahat na mga daraing ng mga nilalang.


Araw ng isang magiliw na paggunita. Ngiti ng bawat isa’y masusulyapan nang mga mapupungay na mata sa buong bulwagan na kahit patak ng kalungkuta’y di mahahagilap ninuman. Engrandeng selebrasyon maituturing ang araw subalit kapalit pala nito’y masidhi’t malagim. Ikalima ng Oktubre taong 2019, gumuho ang mundo ng sandamakmak na tao nang nalaman ang ‘di inaasahang trahedya na talaga namang makapaghihinto ng ikot ng mundo, daloy ng katubigan, at kislap ng bituin sa buong santinakpan. Ginulat ng tadhana ang madla. Nang pumatak ang oras ng hangganan. Tik-tak-tik-tak, oras na. Oras na sa kagimbal-gimbal na pangyayari. Bawat tainga’y parang di naulinigan ang nasambit na mga letra mula sa mga bibig. Kaliwanagan ay nilamon nang lubos na ihip ng kadiliman. Sa mga tala’y bumulong, liwanag ay kumawala bigla. Ipinikit ang mga mata at unti-unting tumagatak ang luha na tila bay binagsakan ng langit at lupa. Humagulgol nang inilabas ang hinanakit na dinadala, bakit ba?

f

@ashstulay

Ang mga mata’y namula at namuno ang kalungkutan. Bawat patak ng luha ay nadama sapagkat siya ay nagmistulang ina, kaakay ng lahat.

Ni hindi na masisilayan ang bumubusilak na liwanag sa kadilimang bumabagabag. Nilamon nang biglaan, di sinadya at tila’y nakatadhana. Pusong tumitibok. Dugong dumadaloy sa kaugatan. Mga matang napupuno ng mga luha, dulot ng hindi inaasahang pangyayari. Pilit mang pigilan ito subalit sa simpleng pagpigil ay hindi nananahanan sa mga pusong iniwanan. Pagdaraing ang namamahay sa mga mukhang nalulungkot. Ibinuhos ang mga luhang tila’y maikukumpara sa ulan. Mga tanong ng mga kumalinga sa kaniya ay ibig

addushstulay@gmail.com

mabigyan ng mga kasagutan at paliwanag. Katanungan ang mga sinasambit. Katanungang may kaakibat na di mailalahad na mga kasagutan. Bakit? Anong nangyayari? Bakit siya pa? Sa kabila ng pagtaglay ng mga katangiang kanais-nais sa paningin ng kapwa at lalong-lalo na sa Banal ay siya pa ang unang pagkaitan ng kasiyahan, bagama’t mananatili parin itong likas sa pagkatao ng isang tao. Bilang sa kaniyang sarili. Bilang sa pagiging mabuting tao para sa lahat. Tadhana’y sadyang mapagbiro. Walang kapantay sa lahat ng bagay ang mga pangyayaring makapagwasak ng damdamin mula sa kaibuturan ng puso hanggang sa kailaliman ng mga buto. Damdamin ng mga nagmamahal ay walang maikukumparang delubyo at bagyo sapagkat tataygibang- giba sa walang hintong panaghoy ng bawat nagmalasakit at kumalinga sa kaniya. Katuwang niya sa buhay ay di kayang uminda ng biglaang paglaho. Paglahong di sumabay sa takbo ng oras at panahon.

Mga taong nagmahal at nagbigay halaga sa kaniya ay binalewala ang mga problemang nakaakbay sa kanila subalit ito’y kanilang itinuring na lakas at instrumento upang pagkukuhanan ng tibay ng loob upang labanan ang mga problemang dumarating sa kanilang buhay. Hindi lubos maisip ng mga naulila ang mga naganap ngunit mananatiling makinang ito sa mga mata at buhay ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Huwag maantala sapagkat naging mulat na. Ang mga luha’y pupunasan dahil mga paa’y tatayo na upang ipagpapatuloy ang takbo ng buhay sa kabila ng biglaang paglisan mo dito sa ibabaw ng mundo. Ipagpapatuloy ang kinagisnang buhay, kahit wala ka na. Lumubog man ang araw at naghari ang kadiliman ngunit wag kakalimutang ang araw ay sisikat din at ngayon na ang pagkakataon. Taas noong sasabay sa agos ng buhay sapagkat ito ang ninanais mo. Aahon kami kasabay ang ala-alang tumatak na sa isipan at puso. Babangon kami dahil sa iyo Maam Weng, ang aming dakilang guro.

10 - 11


: n o y s e r p De

AGHAM

ag+hm+ at+ tek+nolohiy

+

on y + s e

+r

dep

ng o y i g ano an ng ga n a l i a k ? n i m a l a n Falco Nikka

Sa mga numero

1.9 MILYON o 3.2% ng kabataan ay may depresyon

ayon sa Centers for Disease Control and Prevention

M

alungkot. Mapag-isa. Laging walang gana. Iilan lang iyan sa mga sinasabing tanda ng WebMD sa isang taong may depresyon. Ngunit ito ay tila may hawig sa kalungkutan. Ani nga ni Jenny Fitzgerald ng Medical News Today, ang kalungkutan ay bahagi ng depresyon, ngunit ang dalawa ay magkaiba pa rin. Mayroong mga taong minsan ay nalilito sa kaibahan ng kalungkutan at depresyon. Ano nga ba ang pinagkaiba ng depresyon at gaano ba ito kadelikado? Sinabi sa artikulo ni Fitzgerald na ang kalungkutan ay isang normal na emosyon lamang na nadarama ng isang tao at kapag iniyak o ibabahagi ay maaagapan agad. Sa kabilang banda, ang depresyon ay isang mental disorder na nagkakaroon ng matinding epekto sa buhay ng isang tao at ito ay hindi madaling naaagapan. Ayon pa sa diksiyunaryo, ito ay isang uri ng sakit kung saan nakakaramdam ng matinding kalungkutan ang isang tao mula sa iba’t ibang dahilan. Milyon-milyon na ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng problemang ukol sa isip o mental health. Ayon nga sa World Health Organization, noong 2002, 150 milyon na ang bilang ng mga taong may depresyon. Kadalasan sa mga biktimang ito ay iisa lang ang kinahahantungan at kapag hindi ito agad natignan at naagapan, ito ay maaaring mauwi sa isang masalimuot na pangyayari, sa

12

kamatayan. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, 3.2% o 1.9 milyong mga bata ang may depresyon. Sa bawat paglipas ng panahon, patuloy na lumalaki ang bilang ng mga taong nakakaranas ng depresyon, lalo na sa mga kabataan. Makikita sa kanila ang iba’t ibang sintomas nito na ayon sa jw.org, ay ang pagbabago sa pagtulog at pagkawala ng gana sa pagkain. Pwede ring madama ng isang tao ang matinding kalungkutan, mababang pagtingin sa sarili, at nawawalan na siya ng halaga at pag-asa. Sa simula ay hindi agad kapansin-pansin ang sintomas dahil maaaring maitago ito ng biktima, ngunit kung susuriing mabuti’y makikita natin ang unti-unting pagbabago ng tao. Ang bawat isa sa atin ay may problemang hinaharap, ngunit hindi lahat ay nakakaya ang mga pinagdaraanan. Mayroong ibang hindi natitiis ang sakit na kanilang nararam-

daman, mayroon ding tuluyan nang napagod sa bigat ng problemang dinadala, at hindi natin kailanman madidiktahan ang kanilang mga saloobin at desisyon. Iba’t ibang pagsubok ang ating hinaharap, pagsubok sa kapwa at sa sarili. May mga pagkakataong sariling isip natin ang tumatraydor sa atin lalo na sa tuwing tayo ay mapag-isa. Marami rin tayong hinaharap na problema mula sa ating mga kapwa gaya ng diskriminasyon, peer and family pressure, presyur sa paaralan, at marami pang iba na maaaring makadagdag sa stress at kalungkutan na ating nararamdaman. Upang ang lahat ng ito ay ating maagapan, kinakailangang alagaan natin ang ating mga sarili lalo na ang ating isip at emosyon bagamat ito ang pangunahing mga salik na nakakaapekto sa depresyon. Maaari rin nating iwasan ang mga bagay na alam nating makakadagdag sa stress o kalungkutan natin; o di kaya

ay tumawag sa taong pinakamalapit sa iyo upang maglabas ng saloobin at nang sa ganoon ay hindi ito matambak sa iyong sarili. Sa kabilang banda, upang tayo ay makatulong, kailangan nating makinig sa kung ano mang sasabihin ng tao sa atin. Sa kabuuan, ang depresyon ay ang pagkaramdam ng matinding kalungkutan ng isang tao, ito ay isang malaking salik sa pagpapakamatay ng isang indibidwal. Ang taong nakakaramdam nito ay nakakaranas ng maraming sintomas gaya ng kawalan ng ganang mabuhay at hindi ito dapat isinasawalang bahala sapagkat milyon-milyong buhay na ang nawala at nasira nito. Bagamat mahirap, maaari natin itong maagapan kahit sa konting paraan gaya ng pagdinig sa mga saloobin ng isang biktima. Umaksiyon tayo at tulungan nating tumayo at lumabang muli ang isa’t isa upang ang sakit na ito ay hindi na tuluyang lumaganap pa.

Disenyo | Jan Florent Medellin

Dibuho | Kaye Jose


AGHAM

ag+hm+ at+ tek+nolohiy

Panganib sa bawat pagyanig pNnib+ s bwt+ pg+ ynig+

James Alfred Gambong

S

a mahigit apat na bilyong taong nakaraan mula noong nabuo ang mundo ayon sa mga siyentipikong sanggunian, may isang kaganapang yumanig, yumayanig at yayanig sa sanlibutan ng literal. Nakakabagabag, nakakatakot, at nakakapangamba sapagkat walang teknolohiya ang kasalukuyang makakapagtukoy sa pagsulpot ng kalamidad na ito. Walang nakakaalam, walang makapaghahanda. Kaya’t ganito na lamang ang takot at pangamba ng mga tao sa t’wing yayanigin sila ng lindol. Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw ng faults sa ibabaw ng bahagi ng mundo o crust. Unang naitala ang isang pagyanig sa probinsiya ng Shandong, China noong 1831 BC ayon sa mga mananaliksik, ngunit ang unang pagyanig na naitalang may kumpletong ebidensya ay naganap noong 780 BC sa dinastiyang Zhou sa China. Sa pagdaan ng maraming taon, kasabay nito ay ang paglipas ng maraming buhay dulot ng mga pagyanig na dulot ng lindol. Taong 1960, ika-22 ng Mayo malapit sa Valdivia, Timog Chile naganap ang tinaguriang pinakamalakas na lindol sa buong mundo hanggang sa kasalukuyan na may lakas na 9.5 magni-

tude ayon sa pananaliksik ng United States Geological Survey. Sa lakas ng pagyanig ay pinangalanan itong “Great Chilean Earthquake” at ang “1960 Valdivia Earthquake.” Ayon sa mga ekspiyerto, ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt. Tinatayang 81% ng pinakamalakas na lindol sa

mundo ay nagaganap dito. Taong 1976, ika-17 ng Agosto ay naitala ang pinakamalakas na lindol na yumanig sa buong kasaysayan ng bansa. Isang magnitude 8.1 na lindol ang naganap ng may nangyaring paggalaw sa Cotabato Trench. Maituturing na higante ang lindol sapagkat nakapagdulot ito ng isang tsunami. Tinatayang 8,000 ang pinagsamang bilang ng mga tao ang namatay at nawawala, dahilan dito, binansagan ang kalamidad bilang pinakamapaminsalang tsunami na tumama sa bansa sa loob ng apat na dekada. Sa lakas ng epekto ay ‘di sukat akalain ng bawat biktima ang pangyayari ngunit kung ang lahat ay may sapat na kaalaman at tikas ng loob at isipan, tiyak na hindi rin sukat akalain ng sangkatauhan ang kapangyarihan ng bawat isa sa panahon na nangangamba ang lahat sa bawat trahedya, partikular sa panganib na dala ng bawat pagyanig.

Human Interest

Ang bagsik ng dengue sa Davao Region

“D

Agham at Teknolohiya | Kalusugan

Usaping depresyon Andrei Jago

S

a pagpatak ng alas dose ng hatinggabi ay pagbuhos ng mga di-matapos na luha. Kahit pasan ang mga mabibigat na mga problema, ay nakangiti pa rin at patuloy na suot ang maskara upang maitago ang tunay na nararamdaman (Grohol, 2018). Dahil dito, para kang nasa hukay at nilalamon ng kadiliman ang hangaring umahon sa alon ng buhay (jw.org, 2017). Ang ganitong pangyayari ay nararanasan ng mga taong may depresyon. Ito ay nagbubunga ng kalungkutan, kawalan ng gana at binabawasan ang kakayahan ng tao magtrabaho. Upang malaman kung nakakararanas ang tao ng depresyon ay nakararamdam siya ng mga sintomas tulad ng kawalan ng pag-asa, sensitibo, iritable at magagalitin, mahirap makatulog, walang gana kumain, hindi maayos mag-isip at palaging sinisisi ang sarili (mayoclinic.org, 2018). Nakatatakot man isipin ay dumagdag pa sa problema ang pagtitiwakal na sanhi nito. Sabi ng Department Of Health (2019) na kinakailangan nating pag-usapan ang depresyon para mawaksi ang stigma nito. Iniulat ng World Health Organization na 800,000 ang namamatay dahil sa suicide at ikalawa sa kadahilanan ng kamatayan ng mga 15-29 taon gulang. Hindi dapat ito balewalain at kahit malubha na, ito ang pinakamadaling maagapan na mental illness ayon sa psychiatry.org (2017). Lahat ng mga problema ay may solusyon. Kapit lang at hanapin ang liwanag. Ilabas ang totoong nararamdaman at saloobin at ipakita ang mukhang nakakubli sa likod ng maskara.

Kamellah Louise Cabalquinto

avao Region apil sa gi-monitor sa posible nga dengue outbreak.” “Dengue sa Davao Region: 21 natigok.” “Davao adunay pinakataas nga kaso sa dengue sa Davao Region.” “Kaso ng dengue sa Davao, halos triple ang itinaas.”

Ang mga ito ay iilan lamang sa mga naiulat ng mga pahayagan at bulwagang pambalitaan na kaso ng dengue sa buong Davao Region sa paglipas ng taon. Ang dengue ay isang malubhang sakit na sanhi ng isang mikrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng katawan at kasukasuan, pagsusuka, pananakit

Dibuho | Kaye Jose

ng mata, at ang paglabas ng mga mapupulang butlig sa balat. Ayon sa isang ulat ng Saksi Ngayon noong nakaraang Agosto 2, 2019, mayroon nang naitala ang Department of Health (DOH) ng rehiyon na 15 na kaso ng dengue na siyang ikinamatay ng mga biktima simula noong Enero 1 hanggang sa katapusan ng buwan. Anim sa mga namatay ay mula sa Davao City, apat mula sa Island Garden City of Samal (Igacos), isa mula sa Don Marcelino, Davao Oc-

cidental, isa sa Kiblawan, Davao del Sur, isa mula sa Lupon, Davao Oriental, at isa mula sa New Bataan at Tagum City sa Davao del Norte. Ayon sa DOH, mas mataas ang nasabing datos kumpara sa nakalipas na taon kung saan ay nasa siyam lamang ang namatay. Sa kasalukuyan, bumaba na sa 933 ang kaso ng dengue sa buong Davao Region mula sa naitalang kaso na 3,495 ngayong taon, ayon sa isang ulat ng Remate On-L1ne. Dagdag pa nila, bag-

aman bumaba ang kaso sa nasabing lugar, nagpaalala pa rin ang mga eksperto na huwag magpakampante at panatilihing malinis ang paligid at anumang bagay na pinag-iipunan ng tubig, tulad ng lata, bote, timba, lumang gulong, paso, tangkay ng pinya, baradong alulod, at mga halamang maaaring pamugaran ng mga lamok. Manatiling may alam at handa laban sa banta ng dengue sa ating bansa.

13


ISPORTS

Is+por+t+s+

Pagbabalik-tanaw | Larong Lahi

K

inalakihan na nating mga Pilipino ang iba’t-ibang mga larong pambata na naging instrumento sa paghubog ng ating pisikal at mental na katangian. Sa kalye ang ating unang tagpuan kasama ang mga kaibigan sa ilalim ng sikat ng araw. Ang mga laro ng lahi na ito ay ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino na ipinamana sa atin ng mga nakalipas na henerasyon. Tayo’y magbalik-tanaw at alamin ang iba’t-ibang laro ng ating lahi.

LUKSONG TINIK Isang laro pagitan sa mga lulukso at sa magiging tinik. Pagdudugtungin ng dalawang manlalaro ng kabilang grupo ang kanilang mga kamay at paa sa isa’t isa— ang itsura nito ay tila mga tinik kung kaya’t tinawag ang laro na Luksong Tinik. Tatalon naman ang unang grupo rito at kung masasalat man ng sinuman ang kahit anong parte ng tinik ay magpapalitan ng gampanin ang dalawang grupo. PATINTERO Kilala rin bilang Harangang Taga. Isa sa mga laro na kinagigiliwan ng mga kabataan. Binubuo ito ng isang grupo sa pagtawid at kabilang grupo naman na haharang sa kanila. Sa pagpuntos, kailangan lang tumawid at bumalik ng buong koponan na hindi nasasalat ng mga bantay. Kapag nasalat ang kahit isang miyembro ng koponang tumatawid ay matataya na sila. LUKSONG BAKA Sa larong ito, isang taya ang magsisilbing baka at yuyuko upang talunan ng iba pang mga manlalaro. Ang baka ay tatayo sa bawat paglukso na magaganap. Magkakaroon lamang ng bagong taya kapag sumagi o natamaan ng ibang manlalaro ang kahit anong parte ng katawan ng baka habang lumulukso. Isa ito sa karaniwang nilalaro ng mga kabataan dahil ‘di ito nangangailangan ng mga kagamitan at kahit saan ay maaaring malaro. Ilan lamang ang mga larong ito sa mga kinahiligan nating mga Pilipino. Sa pagpasok at paglipana ng makabagong teknolohiya sa ating mga buhay ngayon, mas na-eengganyo na ang mga kabataan sa mga elektronikong kagamitan sa halip na maglaro sa labas ng bahay na mas mainam sana sa pag-unlad ng katangiang pisikal at pakikisalamuha sa iba. Maging mulat sana tayong mga nakakatanda sa benepisyong hatid ng larong lahi sa kabataan at nawa’y hindi natin makalimutan ang ating nakagisnan. Hindi lamang ito simbolo ng ating bansa ngunit naghahatid rin ito ng magandang epekto sa ating katawan. Patuloy nating paunlarin ang yaman ng bansa, ang sariling atin, ang mga laro ng lahi.

BAGONG HAMON Es+por+t+s+ Esports bilang isang isports

Christian Maravillas

K

amakailan lang ay isang tumataginting na dalawampu’t anim na milyong dolyar ang naibulsa ng team OG mula sa Europa sa dalawang sunod-sunod na taon sa isang internasyunal na torneo na kung tawagin ay The Internationals ng larong DOTA 2. Sinasabing ito ang pinakamadaling paraan ng pag-kita ng isang koponan sa kasaysayan ng mga patimpalak kung saan ay pag-upo sa isang komportableng silya lamang ang puhunan. Kinikilala na ngayon ang E-sports bilang isang lehitimong isports na kung saan maging ang mga Esports gamers sa Pilipinas ay kasali na ngayon sa listahan ng mga atletang pinoy sa bansa na kinabibilangan nina Manny Pacquiao at Hidilyn Diaz sa ginawang pagdeklara ng Gaming and Amusements Board (GAB). Sa katunaya’y pwede nang kumuha ng athletic licenses ang mga professional gamers upang mas mapadali ang kanilang pagsali sa mga torneo sa ibang bansa. Nakahilera na ngayon ang E-sports sa listahan ng mga isports na kabilang sa 2022 Asian Games at maging sa 2024 Paris Olympics. Pati sa mga paaralan ay laganap na ngayon ang mga torneo sa E-sports. Habang tumatakbo ang oras, mas lalong nagniningning ang pagsikat nito sa buong mundo sa paglitaw ng mga mobile games na madaling ma-access ng karamihan. Kabilang dito ang kinahuhumalingang Mobile Legends at Rules of Survival at ang inaabangang League of Legends: Wild Rift. Dahil sa mga mobile games na ito ay mas napapadali ang pagtatakda ng mga kompetisyon sa E-sports kahit saan

Artikulo | Clara Iyns Gentiles

basta konektado lamang sa internet. Malaki ang posibilidad na mapapabilang ang E-sports sa mga sports meet na kompetisyon sa paaralan. Ngunit, angkop nga ba na maging isang lehitimong isports para sa mga kabataan ang Esports? Ayon sa pag-aaral ni Chiu (2004), karamihan sa mga naaadik sa video games ay may mas mababang grado sa akademikong pagganap kumpara sa mga di-naadik na mag-aaral. Dahil dito, kung isasali ang E-sports sa mga extra-curricular activities ay malaki ang posibilidad na ito’y makakasira sa pag-aaral ng batang sumasali dito. Sa kabilang banda naman, meron ding magandang maidudulot ang pagpasok ng Esports sa mga sports meet. Isa na rito ay ang paglinang sa pag-iisip ng estratehiya ng isang bata sa pamamagitan ng paglalaro ng video games. Dahil ang E-sports ay sikat na sikat sa mga kabataan, magiging tulay ang pagkakasali ng E-sports sa mga sports meet sa pagkakabuklod-buklod ng mga kabataan. Naipapakita nga sa mga datos ang masamang epekto Dibuho | Loureanne Halasan

na naihahatid ng video games sa mga kabataan ngunit hindi ito maaaring maging batayan sa ideyang hindi magiging mabuti ang resulta ng pagpasok ng E-sports sa mga palaro sa paaralan. Kailangan lamang na turuan ng tamang disiplina ang mga estudyante at supor-

Mas mainam na naigugugol ng kabataan ang kanilang libreng oras sa paglalaro ng E-sports kaysa pagkakulong sa masamang bisyo.

tahan sila sa kung ano ang kanilang ikasasaya sapagkat mas mainam na naigugugol ng kabataan ang kanilang mga libreng oras sa paglalaro ng E-sports kaysa ubusin nila ang kanilang panahon sa pagkakalulong sa masamang bisyo. Maaaring maging paraan ng pampalipas oras o libangan ang paglalaro ng video games ngunit hindi ito angkop na gawing pasyon sapagkat ang E-sports ay pawang libangan lamang na maaaring propesyon ng iilan ngunit hindi para sa lahat.


ISPORTS Is+p+or+t+s+ lt+hlIn+

Akademikong hamon ng pampalakasan Clara Iyns Gentiles

A

ng papel ng isports sa paaralan ay isang usap-usapan na isyu simula pa noon. Ayon sa iba, ang isports ay naghahatid umano ng negatibong epekto sa pag-aaral ng mga estudyante. Ngunit, depensa naman ng mga atleta ay hindi ito hadlang bagkus isang motibasyon para ipagpatuloy pa ang pagsusumikap sa akademikong larangan.

Hindi lingid sa ating kaalaman na mahirap ang pinagdadaanan ng mga estudyanteng manlalaro. Mula sa maagang pagpasok sa paaralan araw-araw hanggang sa puspusang pag-eensayo pagkatapos ng klase, hindi talaga madaling i-balanse ang oras ng mga batang atleta. Isama pa rito ang mga pagsusulit, proyekto, at iba’t-ibang mga akademikong gawain na kailangang atupagin. Tunay nga na nababawasan ang kanilang oras na dapat sana’y inilalaan sa pag-aaral at pamilya. Madalas, mayroong mga maling pakahulugan ang nabubuo sa isipan ng mga tao sa tuwing pinagsasabay ang isports at pag-aaral. Iilan sa mga ito ay ang maliliit na marka sa mga pagsusulit at pagiging pabaya sa klase. Ngunit, ang mga ito ay mga pasaring lamang na dapat ay ibinubura sa isipan ng mga tao. Mayroong mga estudyanteng sumasali sa isports na patuloy ang pagsusumikap na mapabuti ang marka sa akademikong larangan. Bilang karagdagan, hindi rin hinahayaan ng mga paaralan na pabayaan ang kanilang karunungan kung kaya ay mayroong mga kubdulang marka na kailangang makamit. Dahil dito, isang istandard ang pagkakaroon ng maayos na marka sa paaralan para makalahok sa mga larong isports. Mapapansin rin na nahuhubog ang kumpyansa sa sarili ng mga estudyanteng manlalaro dahilan upang magamit nila ito sa loob at labas ng palaruan. Sa higpit ng kanilang ensayo, nahuhubog nila ang kanilang pisikal na anyo at mental na katayuan. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng karisma sa pakikipag-usap sa mga tao, kaibigan, guro, at pakikipanayam sa mga taong humahanga sa kanila na kapaki-pakinabang sa laro at loob ng silid-aralan.

“Importante talaga ang balanse sa pag-aaral at pagpapabuti ng kakayanan mo sa isport. Minsan ‘di rin madali dahil kailangan mag practice pero may quiz or performance pa bukas [sa paaralan], especially nung Davao Association of Catholic Schools. It takes a lot of time to be good at something, both academic and athletic skill.

It takes a lot of time to be good at something, both academic and athletic skill. But as long as you have motivation, determination, and willpower, you can achieve both skills. — Tristan Alforque AdDu Volleyball Boys

But as long as you have motivation, determination, and willpower, you can achieve both skills,” patunay ni Tristan Shawn Alforque, miyembro ng AdDU Volleyball Boys, na hindi sagabal ang pagiging atleta sa kanyang pag-aaral. Nakamit ng AdDU Volleyball Boys ang kampeonato sa nagdaang DACS Sports Feast 2019. Tunay ngang hindi madali ang buhay atleta. Napakaraming mga hamong pisikal at mental na kailangang malagpasan at susubukin rin ang tibay ng loob ng bawat manlalaro sa pagbalanse ng pag-aaral at isports. Ang isang responsableng mag-aaral ay di malayong maging isang matagumpay na atleta. Susi ng tagumpay sa lahat ng larangan ang karunungan, kung kaya’t pag pinagsama ang pagpapriyoridad at pagpupursige sa buhay ay makakamit ng isang estuyanteng manlalaro ang tinatamasang tagumpay.

Larawan | AdDU SHS Office of the Learners’ Activities, Sunstar PH

Lathalaing Pampalakasan

Isports: Kayamanan ng kabataan

kymnn+ nN+ kbtan+

Christian Maravillas

P

alagi nating pinag-uusapan ang kahalagahan ng ehersisyo sa kabataan. Ngayon, pag-usapan natin ang benepisyong hatid ng isports para sa mga estudyante lalong-lalo na sa Senior High School. Ang paglalaro ng isports ay isa sa mga magandang paraan upang makapagpahinga ang mga kabataan sa mga akademikong gawain. Mahalaga rin ito upang tayo’y magkaroon ng isang masaya at masiglang buhay sapagkat napatunayan na ang regular na pakikipag-ugnayan sa mga larong pampalakasan ay naghahatid, hindi lang ng mga pisikal na benepisyo, ngunit pati narin ng mga sosyal at sikolohikal na pakinabang sa atin. Pinapaunlad ng paglalaro ng isports ang pag-uugali nating mga kabataan. Ang mga pagkatalo’t kapanalunan sa mga laro ay maaaring maghubog sa ating kumpiyansa sa sarili. Matututunan din nating mga kabataan ang pag-kontrol ng emosyon na kadalasa’y nasusukat sa ganitong klaseng mga laro. Likas sa mga larong isports ang pagkakaroon ng rules at regulations kung kaya’t malilinang rin nito ang ating disiplina sa sarili at sa iba pang mga alituntunin. Isa pang benepisyo ng

isports ay ang pagpapahusay ng ating pang-akademikong pagganap. Ang pakikilahok sa atletika ay lumilinang sa ating memorya at isipan kung kaya’t nakatutulong ito sa ating pakikipagbakbakan araw-araw sa apat na sulok ng silid-aralan. Ang pagkalinang ng disiplina na isa rin sa benepisyo ng paglalaro ng isports ay nakatutulong din sa pagkakaroon ng magandang academic performance. Marami talagang magagandang kabutihan na hatid ang Isports sa ating mga kabataan, hindi lang sa pisikal na mga benepisyo, maging sa sikolohikal at sosyal na mga pakinabang din. Kaya’t parte ng programa ng mga paaralan ang pagkakaroon ng mga patimpalak sa isports kagaya ng Intramurals na kung saan ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na makalaro, hindi lang upang maipamalas ang kanilang husay at galing sa kanilang napiling larangan, para na rin masungkit ang mga benepisyong hatid ng isports.

15


Ang opisyal na pahayagan ng Ateneo De Davao Senior High School REGION XI | Hunyo — Nobyembre 2019

f

Tulay

Sa mga numero | AdDU Swimming Pool

ISPORTS

50

addushstulay@gmail.com

@ashstulay

METROS NA SAKTO

pasok sa pamantayang sukat ng pang-propesyonal na palanguyan.

Tomo 3, Bilang 1

We can swim conveniently and can practice/adapt ourselves from the long-distance races. We can no longer consume/ waste time and money just because of commuting to another campus. — Leighla Margeaux Opalla AdDU Swimming Team

Isports Lathalain

aN+ tto ni mnoN+

Ang makabagong Ahedres Cyril M. Olanolan

A

GINTONG TUBIG Bagong swimming pool, biyaya sa mga atleta

Vincent Noe Gimagan

K

agalingan, kahandaan, at kasanayan. Tatlong bagay na maaaring makamit ng mga atleta at mag-aaral hatid ng maayos at sapat na pasilidad para sa iba’t ibang uri ng pampalakasan.

Nais ng Ateneo de Davao University - Senior High School na mabigyang pansin at halaga ang kanilang mga batang atleta kung kaya ay sinisigurado ng unibersidad na maibibigay nila ang sapat na pasilidad upang makatulong sa paglinang ng kakayahan ng bawat manlalaro. Isa sa mga pasilidad ng pampalakasan sa Bangkal Campus ay ang patuloy na pagpapagawa sa bagong swimming pool na may lalim na lima hanggang pitong talampakan at may layong 50-metro na sakto at pasok sa pamantayang sukat ng pang-propesyonal na palanguyan. Napakalaking tulong ang pwedeng maibigay ng bagong pasilidad sa mga manlalangoy na atleta ng AdDU-SHS. Ilan sa mga ito ay ang pagbuo ng kanilang kumpiyansa sa

16

sarili upang maging handa sa mga darating na kompetisyon. Maaari nilang gamitin ang nasabing pasilidad upang mag-ensayo at hasain ang kanilang mga likas na talento sa paglangoy. Ayon sa isang atleta na si Leighla Margeaux Opalla, miyembro ng AdDU swimming team, “From Ateneo Senior High School’s new pool, we can get tons of benefits from having its own pool. The first reason is from the standard size that measures 50 meters. We can swim conveniently and can practice/adapt ourselves from the long-distance races. We can no longer consume/waste time and money just because of commuting to another campus.” Sinasabing bubuksan na ang pasilidad sa ikalawang semestro. Bukod sa mga atleta ng

unibersidad, malaking tulong din ang pagpapatayo ng bagong swimming pool para sa mga mag-aaral na hindi pa gaanong sanay sa paglangoy. Hindi lahat ng mag-aaral ay bihasa na sa paglangoy. Ang kasanayan ng paglangoy sa bawat indibidwal ay kailangan lalo na sa panahon ng sakuna. Patunay ito na malaki ang benepisyong maihahatid ng nasabing pasilidad sa mga Atenean. Ang kagalingan ng likas na talento ng bawat atletang manlalangoy ang mahahasa, kahandaan ng mga estudyante tungkol sa naturang isport ay pwedeng lumawak, at kasanayan nila sa paglangoy ay mas mapapabuti, ito ang tatlong benepisyo ng bagong swimming pool sa AdDU-SHS para sa mga batang atleta.

ng Game of the Generals o mas kilala bilang Salpakan ay isang laro na naimbento ni Sofronio H. Pasola Jr. noong 1970s sa Pilipinas na kung saan hanggang ngayon ay nananatili pa ring sikat na board game sa buong mundo. Ginagaya ng laro kung paano mag-away ang dalawang hukbo. Kalikasan ng laro na gapiin, linlangin, at sirain ang isa’t isa. Naging matagumpay ang larong ito sapagkat ginagamitan ng memorya, talas ng isip, estratehiya, o pag-oobserba ang paglalaro nito upang manalo. Ipinakilala ang Salpakan noong Pebrero 28, 1973 na nilalaro pa lang noon gamit ang palaruan ng Ahedres ngunit ang mga piyesa nito ay sumisimbolo sa bawat posisyon mayroon ang hukbo, ang bandila, pati na rin ang mga ispiya. Hinalaw ito mula sa Ahedres o Chess sa Ingles ng mag-amang sina Pasola. Kasama ang kanyang anak na si Ronnie, at binuo nila ang kung ano ngayon ang Game of the Generals. Sa kabila ng tagumpay ng laro, hindi pa rin ito nakaligtas sa mga isyu. Naging kontrobersyal ito noon sapagkat nagalit umano ang mga manlalarong Pinoy ng Ahedres. Inisip nila na planong kutyain at palitan ng Salpakan ng mga Pasola ang Chess. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sumikat ng husto ang laro hindi lang sa lokal, pati na rin sa internasyunal. Nakabibilib talaga kung iisipin na mayroon pala tayong laro na matatawag nating sariling atin. Tunay nga na malikhain ang isip ng mga Pilipino na tipong nakasasabay sa mga istandard ng buong mundo. Ito ay maituturing nating Filipino pride!

Anyo at Disenyo, Larawan | Jan Florent Medellin


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.