Bakit langkit ? AU ARAĂ‘AS
094300
Bakit langkit? AU ARAĂ‘AS
094300
Heto is Faridah. Anim na taong gulang at napakahilig magtanong tungkol sa lahat ng bagay.
“Bakit ganito? Ano iyon? Saan iyon? Paano ganito?� Isang araw, isinama siya ng kaniyang ina sa paglalakad sa di kalayuan. May titingnan lang raw sabi ni Sobaidah, ang ina ni Faridah.
Hindi pa man nakalalayo, nagsimula nang muli and pagtatanong ni Faridah. Lagi lagi lang sagot ng kanyang ina,
“Langkit, anak.”
“Ano ho yun, ‘Nay?” Tanong muli ni Faridah.
“Kita mo ‘yang malong na suot mo ngayon? Gawa yan sa maraming bahagi ng telang pinagdidikit-dikit ng langkit.�
sagot ng ina sa maliit na Faridah.
“Ang langkit parang itong lawa, anak. Malaki ang lawang dumadaan sa maraming tribo dito sa atin, sa Lanao. Dahil dito, nagkakasama-sama ang iba’t ibang tribo kahit magkakaiba ng pananaw.
Patuloy na pinaliwanag ni Sobaidah ang pagtutulad. Kung sa tela raw, napakaraming disenyo, materyales, paraan ng paggawa, at uri. Gayonman, napagsasama itong mga ito ng tinatawag na langkit. Lahat pa rin ay malong kahit may iba ibang tawag dito.
“May iba-iba pa pong klase ng malong, Nay?�
Nangiti si Sobaidah sa anak at sinundan ng tugon.
“Aba’y oo anak! Nagkakaroon iyon ng pagkakaiba dahil sa kulturang nakagisnan ng mga baryo pati na rin kung saan yung lokasyon nila.
Ito ang tinatawag na landap. Nagsasalitan ang mga telang hinabi upang makabuo ng isang buong malong.
Heto naman ang pandi. Kinukulayan ito ng itim kaya’t kadalasan ang mga lalaki ang nagsusuot nito.
Ang apik, ginagamitan ng mas maninipis na tela kaya’t mas detalyado. Hawig sa kilt ng mga Scottish.
Ang bagadat nama’y di kasing garbo at detalyado ng iba kaya’t sinusuot ng mga matatandang datu.
Naiiba rin ang kapal at materyales ng malong na dumedepende sa tinitirhan ng gumagamit. Sa mga tumitira malapit sa lawa ng Lanao, mas makakapal ang malong nila dahil mas malamig ang klima doon kung ikukumpara sa mga nakatira sa kapatagan.
Iba iba rin ang pagsusuot ng malong. Mga lalaki ang nagsusuot na nakasabit mula sa baywang hanggang paanan. Sa mga babae naman, karaniwang isinusuot ang malong nang natatakpan ang kanilang dibdib.
Patuloy ang pagkkwento ni Sobaidah sa kanyang anak tungkol sa mga malong at ang iba’t ibang bagay na maituturo niya kay Faridah tungkol sa mga Maranao ant ang kanilang pamumuhay.
“Nay! May bangka ho sa harapan!”
“Nay! Mababangga ho tayo!”
Hindi niya namalayang nadadala na pala sila ng agod ng lawa patungo sa isa pang bangkang may sakay na mag-ama.
“Nay! Mababangga ho tayo!�
malong
langkit
malong
langkit
“Naku! Nananaginip na pala ako!�
“Makabalik na nga sa trabaho!�
At nabalik si Sobaidah sa paghahabi ng telang yayariin upang maging malong.
Bakit langkit? AU ARAĂ‘AS
094300